1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:09,200 --> 00:00:12,120
ISANG DOKUMENTARYO MULA SA NETFLIX

4
00:00:18,800 --> 00:00:21,920
Nais kong maging ulan
Na nag-i-is-is ng bubong

5
00:00:24,200 --> 00:00:27,040
Nais kong maging alon
At hayuin ang nakaraan

6
00:00:29,280 --> 00:00:32,800
Nais kong maging apoy
Nag-aalab at tagapag-dalisay

7
00:00:35,400 --> 00:00:38,840
Pero kung kaya ko, nais kong maging ako

8
00:00:50,520 --> 00:00:52,480
Ipapakilala ko ang aking sarili.

9
00:00:55,800 --> 00:00:57,640
Ang ngalan ko ay Yin Yuguo.

10
00:00:58,520 --> 00:01:00,080
Ako ay 16 na taong gulang.

11
00:01:02,040 --> 00:01:04,520
Ipinanganak at pinalaki sa Kunming, Tsina.

12
00:01:08,560 --> 00:01:11,040
Madalas akong managinip na ako ay dragon.

13
00:01:12,600 --> 00:01:14,480
Kaya kong pumunta kahit saan.

14
00:01:14,560 --> 00:01:15,600
Masdan ang mundo.

15
00:01:17,360 --> 00:01:19,440
Hanapin ang aking tunay na tahanan.

16
00:01:20,280 --> 00:01:21,440
LUMIKHA/I-UPDATE ANG TALAARAWAN

17
00:01:21,520 --> 00:01:24,800
Mahilig akong makipag-usap
sa mga tao gamit ang Ingles.

18
00:01:24,880 --> 00:01:29,320
Nawiwili akong palawakin ang aking
talasalitaan. Kaya nagsusulat ako rito.

19
00:01:30,240 --> 00:01:32,720
Malalim ang pagmamahal ko
para sa panitikan

20
00:01:32,800 --> 00:01:37,720
at karamihan sa mga nabasa kong libro ay
mga akda mula Gitna at Silangang Europa.

21
00:01:40,040 --> 00:01:42,680
Nasa ika-sampung baitang na ako sa hayskul

22
00:01:42,760 --> 00:01:47,040
at para akong dragon na pinapagaspas
ang mga pakpak sa madilim na piitan.

23
00:01:48,840 --> 00:01:53,480
Mahilig ako sa mga aklat ng tula, lalo na
ang mga Silangang Europang Romantiko.

24
00:01:54,200 --> 00:01:57,160
Pero itinuturing ito
ng marami na "walang kuwenta"

25
00:01:57,240 --> 00:01:59,760
dahil 'di ito nagagamit sa pagsusulit.

26
00:02:04,520 --> 00:02:09,440
Sabi ng kilalang makata mula Poland, "Mas
nais ko ang kahangalan ng pagsulat ng tula

27
00:02:09,520 --> 00:02:12,280
kesa ang kahangalan
ng 'di pagsulat ng tula."

28
00:02:13,800 --> 00:02:17,280
Bueno, mas nais ko
ang kahangalan ng pagbasa ng tula.

29
00:02:18,760 --> 00:02:22,560
Kagubatan, bakit ka naghihinagpis?

30
00:02:22,640 --> 00:02:25,920
Walang hangin ni ulan

31
00:02:26,000 --> 00:02:28,480
Ngunit ang iyong mga sanga ay mahapdi

32
00:02:28,560 --> 00:02:32,920
Naghihinagpis ako, alam mo kung bakit?
Dahil pawakas na ang tag-init

33
00:02:33,800 --> 00:02:36,840
At ang aking mga dahon ay mabilis malagas

34
00:02:40,600 --> 00:02:43,960
Ang bansag ko sa anak ko ay
"tagapag-ingat ng mga bituin,"

35
00:02:45,160 --> 00:02:48,520
na para bang sa sansinukob
lang siya nakikipag-usap.

36
00:02:48,600 --> 00:02:50,640
BOSES NI CAI QING
INA NI YUGUO

37
00:02:53,720 --> 00:02:56,920
Walang sino man sa mundo
ang makakaintindi sa kaniya.

38
00:03:00,600 --> 00:03:03,000
Meroon siya noong kakaibang kalungkutan.

39
00:03:11,000 --> 00:03:15,720
Na tila ba ay humihinga siya pero walang
nakakarinig ng kaniyang presensya.

40
00:03:17,240 --> 00:03:23,440
Masakit sa puso ko dahil ang kaya kong
gawin ay hayaan siyang umiyak sa braso ko.

41
00:03:24,840 --> 00:03:28,600
Hahagkan siya ng mga braso ko
at patatahanin siya.

42
00:03:28,680 --> 00:03:33,360
CAI QING
INA NI YUGUO

43
00:03:36,120 --> 00:03:39,480
Mahal na mahal ako ng mga
magulang ko at naiintindihan ako

44
00:03:40,400 --> 00:03:44,760
pero kung 'di ako makakapag-aral
sa ibang bansa, titigil ang mundo ko.

45
00:03:49,560 --> 00:03:52,040
Apat na mga bagay ang inaasahan ko.

46
00:03:52,120 --> 00:03:55,800
Una ay patuloy na mapagyaman
ang sarili sa paraang intelektwal.

47
00:03:55,880 --> 00:04:02,600
Ang ikalawa ay ang maranasan ang kaluguran
sa lahat ng klase ng malikhaing pagsisikap

48
00:04:02,680 --> 00:04:07,720
tulad ng panitikan at sining.

49
00:04:07,800 --> 00:04:11,680
Ang ikatlo ay isakatuparan
ang pansariling malikhaing aktibidad

50
00:04:11,760 --> 00:04:16,960
at mag-ambag sa mga sining
at mga kultura ng buong mundo.

51
00:04:17,040 --> 00:04:21,120
Ang ikaapat ay ang makahanap
ng tunay na pag-ibig sa bagong lipunan.

52
00:04:22,840 --> 00:04:24,080
LIHAM NG PAGKONSULTA

53
00:04:24,160 --> 00:04:27,640
Giliw kong Pambansang Ministeryo
ng Edukasyon ng Romanya,

54
00:04:27,720 --> 00:04:32,000
Sinusulat ko ito para ipaliwanag
bakit pangarap kong mag-aral sa Romanya.

55
00:04:32,080 --> 00:04:35,400
Iginagalang na Ginoo o Binibini
ng Unibersidad ng Bacău.

56
00:04:35,480 --> 00:04:38,400
Kumusta. Ako ay Tsinong
hayskul na estudyante.

57
00:04:38,480 --> 00:04:42,160
Mahilig ako sa Romanyanong kultura,
lalo na kay Mihai Eminescu.

58
00:04:43,440 --> 00:04:49,920
Ang email ni Yuguo na nagtatanong tungkol
sa posibilidad na mag-aral sa Romanya

59
00:04:50,000 --> 00:04:53,520
ay nasa inbox ko
nang dumating ako sa trabaho.

60
00:04:54,080 --> 00:04:56,560
Ang pangarap ko ay ang pumunta sa Romanya,

61
00:04:56,640 --> 00:04:59,280
bansa ng panitikan sa aking puso,

62
00:04:59,360 --> 00:05:03,400
para mag-aral ng Romanyano
at maging tunay na alagad ng sining.

63
00:05:06,080 --> 00:05:11,920
Sa lahat ng mga email na natanggap ko mula
sa mga batang nais mag-aral sa Romanya,

64
00:05:12,000 --> 00:05:15,400
walang nagsabing, "Mahal ko ang Romanya."

65
00:05:16,200 --> 00:05:17,960
Kaya mabilis akong sumagot

66
00:05:18,040 --> 00:05:23,040
bilang isa siyang estudyanteng
lagi kong pinapangarap.

67
00:05:26,040 --> 00:05:29,000
Dati ko pang alam na isa
akong dragon ng Carpatos.

68
00:05:30,880 --> 00:05:33,080
Hindi ba't nakakamanghang pagkakataon

69
00:05:33,160 --> 00:05:37,600
na ang unibersidad ko ay nasa
talampakan ng Kabundukang Carpatos?

70
00:05:55,880 --> 00:05:58,440
Magiging estudyante siya sa Romanya.

71
00:06:01,240 --> 00:06:03,200
Paano namin siya proprotektahan?

72
00:06:03,960 --> 00:06:06,320
Hindi namin siya pinipigilan.

73
00:06:06,400 --> 00:06:09,040
Malaya siyang mamumuhay

74
00:06:10,440 --> 00:06:16,000
pero nais ko pa rin
siyang protektahan sa piling ko.

75
00:06:21,600 --> 00:06:26,440
Kinuhanan ko siya ng letrato
habang papunta kaming paliparan.

76
00:06:28,040 --> 00:06:30,680
Ayaw kong maging senti

77
00:06:30,760 --> 00:06:34,000
pero natatakot akong
masyado ko siyang ma-mi-miss.

78
00:06:38,680 --> 00:06:44,280
Ang pagpunta sa Romanya para mag-aral
ay hiling niya, na magandang bagay.

79
00:06:44,960 --> 00:06:49,320
Kahit nais ko sa puso ko
na hindi siya lumayo,

80
00:06:50,160 --> 00:06:51,760
hindi ko siya pipigilan.

81
00:06:58,600 --> 00:07:04,120
Naramdaman ko siyang nanunuod
sa akin sa may salamin na nakangiti

82
00:07:06,120 --> 00:07:10,400
pero kailangan kong tatagan
at itago ang kirot sa aking puso.

83
00:07:17,640 --> 00:07:20,200
Ang aking pinakamalaking
pakikipagsapalaran.

84
00:07:22,760 --> 00:07:25,920
Oras na para lumipat sa bagong yungib

85
00:07:26,000 --> 00:07:29,800
Isang mas mataas, mas malawak
At may ilaw na sobrang liwanag

86
00:07:30,680 --> 00:07:32,840
Sa daan, maaaring mag-nyebe

87
00:07:32,920 --> 00:07:35,080
At ang hangi'y malakas ang pag-ihip

88
00:07:36,720 --> 00:07:38,920
Pero dahil may tumatawag, alam kong

89
00:07:39,960 --> 00:07:41,320
Kailangan kong umalis

90
00:07:45,560 --> 00:07:48,320
Tingin ko ay nabigla siyang

91
00:07:48,400 --> 00:07:54,160
dumating sa isang bayan na meroon
lang 200,000 na tao gaya ng Bacău.

92
00:07:54,240 --> 00:07:55,080
BACĂU

93
00:07:55,160 --> 00:07:59,200
'Di ito puntahin ng tao.
'Di ito Bucharest o malaking lungsod.

94
00:07:59,280 --> 00:08:02,680
Bale, mapapadaan ka lang
o meroong problema.

95
00:08:04,680 --> 00:08:06,920
Mama! Ito na po iyon.

96
00:08:07,000 --> 00:08:09,920
Ang Unibersidad
ng Vasile Alecsandri sa Bacău.

97
00:08:10,680 --> 00:08:14,120
(UNSUBBED/NO TRANSLATION)

98
00:08:15,000 --> 00:08:16,720
Tingnan mo ang lumang gusali.

99
00:08:18,520 --> 00:08:20,680
Ito si Eminescu, siyempre.

100
00:08:22,760 --> 00:08:26,840
Ito po si G. Adrian, kilala mo na siya.
Lagi niya akong tinutulungan.

101
00:08:27,600 --> 00:08:29,160
Ito po ang klase ko.

102
00:08:31,640 --> 00:08:35,120
At ito si Bb. Druga.
Nagtuturo siya ng Romanyanong balarila.

103
00:08:36,320 --> 00:08:38,920
At ito ang nakakamanghang si G. Danila.

104
00:08:39,000 --> 00:08:44,400
Iyon iyong una kong
pakikipag-ugnayan sa isang Tsino.

105
00:08:44,480 --> 00:08:48,440
Walang dayuhang nag-aaral rito
ng lokal na kultura at lenggwahe.

106
00:08:48,520 --> 00:08:50,760
Kung meroon man, hindi rito.

107
00:08:50,840 --> 00:08:53,160
Narinig kong nasa unibersidad siya.

108
00:08:53,240 --> 00:08:56,000
At may nakita akong
batang lalaki.  Matangkad.

109
00:08:56,080 --> 00:09:01,840
Ang laging nagpapamangha sa akin
ay kung paano siya manamit.

110
00:09:01,920 --> 00:09:04,280
Lagi siyang nakasuot ng puting panloob.

111
00:09:04,360 --> 00:09:07,920
Lagi siyang naka-butones hanggang sa leeg.

112
00:09:08,000 --> 00:09:09,480
Maigi ang pagkakaplantsa.

113
00:09:11,520 --> 00:09:16,440
Binubura niya ang pisera
kahit sanay na akong ako ang gumawa.

114
00:09:16,520 --> 00:09:18,080
Nag-aalok siyang magbuhat.

115
00:09:18,160 --> 00:09:21,200
"Huwag kang mag-alala. Kaya ko na."'
"Di po, Ma'am."

116
00:09:23,000 --> 00:09:25,640
Tinanong ko siya mismo.

117
00:09:25,720 --> 00:09:27,920
Sabi ko, "Pasensya na sa pagtatanong,

118
00:09:28,000 --> 00:09:31,320
ilang milyong mamamayan meroon
sa lungsod n'yo sa Tsina?"

119
00:09:31,400 --> 00:09:35,320
Nang sinabi niyang
limang beses sa laki ng Bucharest,

120
00:09:35,400 --> 00:09:39,120
tinanong ko, "Bakit ka pumunta
sa Bacău? Sa Romanya?"

121
00:09:43,880 --> 00:09:45,920
Gusto ko ang lungsod ng Bacău.

122
00:09:46,000 --> 00:09:47,920
SULAT SA BLOG
NI YIN YUGUO

123
00:09:48,000 --> 00:09:52,600
Tuwing walang pasok, masaya akong
natutulog bago mag-bukang liwayway

124
00:09:52,680 --> 00:09:56,840
at bumabangon sa gitna ng bahagyang
init ng araw ng Romanyanong hapon.

125
00:09:58,440 --> 00:09:59,880
Pagsusuot ng kurbata,

126
00:09:59,960 --> 00:10:01,280
antok na mga mata.

127
00:10:02,080 --> 00:10:05,720
Sinusubukang matapos ang pagod
gamit ang isang tasa ng kape.

128
00:10:08,680 --> 00:10:10,720
Pero kailangan ko pang mag-ensayo.

129
00:10:11,400 --> 00:10:15,560
Ang hiling ko para sa iyo
Giliw kong Romanya

130
00:10:17,480 --> 00:10:21,160
Ang hiling ko para sa iyo
Giliw kong Romanya

131
00:10:23,000 --> 00:10:26,320
Ang hiling ko para sa iyo
Giliw kong Romanya

132
00:10:27,480 --> 00:10:29,680
Sa lahat ng mga tula ni Eminescu,

133
00:10:29,760 --> 00:10:32,800
pinakanahumaling siya sa antem,

134
00:10:32,880 --> 00:10:35,480
iyon ang itawag natin,

135
00:10:35,560 --> 00:10:38,240
Ang Hiling Ko Para Sa Iyo,
Giliw Kong Romanya.

136
00:10:39,360 --> 00:10:42,480
Aking dakilang bansa
Bansang aking inaasam

137
00:10:43,160 --> 00:10:47,160
Nakiusap siya sa akin na makinig
sa kaniyang pagbigkas nito.

138
00:10:47,240 --> 00:10:51,880
Dalawang beses niya itong binigkas at
ipinilit na makinig sa pagbigkas ko nito.

139
00:10:53,480 --> 00:10:57,280
Nawa'y magkaroon ka ng hinaharap
Na sing-dakila ng iyong nakaraan

140
00:10:58,120 --> 00:11:01,640
Giliw kong Romanya
Ito ang hiling ko para sa iyo

141
00:11:02,520 --> 00:11:04,080
GALERYA NG SINING SA ALFA

142
00:11:04,160 --> 00:11:08,640
Pinasimunuan namin ang Pambansang Araw
ng Kultura sa Galerya ng Alfa sa Bacău

143
00:11:08,720 --> 00:11:12,320
at iyon iyong kailan sumuplot si Yuguo.

144
00:11:12,400 --> 00:11:15,640
Isang batang Tsino
ang nagmula sa eskinita.

145
00:11:15,720 --> 00:11:20,840
Tumigil siya sa harap ng galerya
at sabing, "Magandang araw," sa Romanyano.

146
00:11:20,920 --> 00:11:22,680
Ano ang pakay niya?

147
00:11:22,760 --> 00:11:26,480
Natuwa kami sa kaniya.
Nakunan ko ito. Sobrang nakakatawa.

148
00:11:26,560 --> 00:11:30,600
Suot ang isang Astrakhan,
tradisyunal na sombrero ng Romanya.

149
00:11:30,680 --> 00:11:35,080
…upang ipagdiwang 'di lang ang ating
pambansang makata, Mihai Eminescu,

150
00:11:35,160 --> 00:11:37,600
pati na rin ang buong kultura ng Romanya.

151
00:11:37,680 --> 00:11:41,240
Walang pakialam ang mga tao.
Nakakabagot iyong pagdiriwang.

152
00:11:42,240 --> 00:11:44,160
Naroon lang kami para magpakita.

153
00:11:44,240 --> 00:11:46,880
Sa kalagitnaan ng pagdiriwang…

154
00:11:48,600 --> 00:11:49,640
Magandang araw!

155
00:11:57,360 --> 00:12:03,000
Ngayon ay hawak ko

156
00:12:03,080 --> 00:12:06,560
Ang Hiling Ko Para Sa Iyo
Giliw Kong Romanya ni Eminescu.

157
00:12:06,640 --> 00:12:09,200
Nabighani ang mga dumalo.

158
00:12:09,280 --> 00:12:11,920
Tumahimik ang buong silid.

159
00:12:12,000 --> 00:12:15,960
Ano'ng ginagawa ng batang ito?
Paano siya nakakapag-Romanyano?

160
00:12:16,040 --> 00:12:20,160
Makikita mo ang paghanga sa mga mukha

161
00:12:20,240 --> 00:12:23,320
dahil sa galing
ng pagkakabigkas niya ng lenggwahe.

162
00:12:23,400 --> 00:12:27,680
"Ang hiling ko para sa iyo
Giliw kong Romanya

163
00:12:27,760 --> 00:12:32,000
Aking dakilang bansa
Bansang aking inaasam…"

164
00:12:32,080 --> 00:12:33,760
Tumawa ka, kung kaya mo.

165
00:12:33,840 --> 00:12:37,720
Noong una namin siyang nakita,
tumawa kaming parang mga tanga.

166
00:12:37,800 --> 00:12:41,200
Pero namangha sa kaniya ang lahat.

167
00:12:41,280 --> 00:12:45,320
"Tulad ng mga bituin ng gabi
Tulad ng bukang-liwayway ng araw

168
00:12:45,400 --> 00:12:49,800
Nawa'y mabuhay ka habang buhay
Puno ng kadakilaan at kagalakan…"

169
00:12:49,880 --> 00:12:52,160
Pinapanuod ko siya, pinapakinggan,

170
00:12:52,240 --> 00:12:54,760
at naniniwala ako

171
00:12:54,840 --> 00:13:01,840
na nasa presenya ako
ng isang kakaibang nilalang.

172
00:13:09,400 --> 00:13:14,600
At ngayon, sa Intsik.

173
00:13:16,720 --> 00:13:21,600
"Ang hiling ko para sa iyo
Giliw kong Romanya…"

174
00:13:22,120 --> 00:13:25,080
Iyon mismo ang kinailangan
ng pagdiriwang na iyon,

175
00:13:25,160 --> 00:13:30,480
isang batang Tsino na nagmula kung saan
para bigkasin ang tula ni Eminescu.

176
00:13:30,560 --> 00:13:33,480
Parang nababagay siya.

177
00:13:33,560 --> 00:13:38,440
Hinahanap niya ang lugar niya
sa mga Romanyano at kultura nito.

178
00:13:38,520 --> 00:13:44,320
Kinailangan din namin ang isang gaya niya!
Para matuklasan ang sarili, gaya ni Yuguo.

179
00:13:44,400 --> 00:13:48,080
"Giliw kong Romanya
Ito ang hiling ko para sa iyo"

180
00:13:51,600 --> 00:13:53,160
Salamat!

181
00:14:00,680 --> 00:14:05,160
Sabi niya na nag-iisang anak siya
ng pamilya ng mga guro sa unibersidad.

182
00:14:08,760 --> 00:14:12,200
Namangha ako
na pinayagan siya ng pamilya niya

183
00:14:12,280 --> 00:14:14,840
na maglakbay nang napakalayo
sa murang edad.

184
00:14:22,000 --> 00:14:26,680
Kahit na malayo siya sa amin,
isinasakatuparan niya ang misyon niya.

185
00:14:28,320 --> 00:14:30,920
Masaya niyang ibinabahagi

186
00:14:31,000 --> 00:14:34,760
ang mga pang-araw-araw niyang
natuklasan at kaligayahan sa amin.

187
00:14:39,600 --> 00:14:43,360
Kung meroon kang oportunidad
na pagmasdan ang uwak nang maingat,

188
00:14:43,440 --> 00:14:48,440
mapapansin mong ang mga balahibo
at tindig ng mga uwak ay napakaganda.

189
00:14:49,880 --> 00:14:52,480
Madalang makakita
ng mga uwak sa aking bayan.

190
00:14:57,920 --> 00:15:00,000
Taglamig na kay puti

191
00:15:00,080 --> 00:15:02,080
Puting taglamig

192
00:15:02,560 --> 00:15:04,960
Mga ulap na nakalutang sa alapaap

193
00:15:05,560 --> 00:15:07,920
Mahamog na tanawain, tanawing mahamog

194
00:15:09,000 --> 00:15:11,360
Walang awa tulad ng liyab ng dragon

195
00:15:13,800 --> 00:15:15,960
Hindi pa siya nakakakita ng nyebe.

196
00:15:16,920 --> 00:15:18,440
Tuwang-tuwa siya.

197
00:15:18,520 --> 00:15:22,880
Tuwing umulan ng nyebe
sa gabi, lumalabas siya.

198
00:15:24,040 --> 00:15:27,320
Nais niyang malanghap ang lahat!

199
00:15:27,400 --> 00:15:31,000
Ang atmospera, kalikasan,
mga gusali, mga puno, mga ibon.

200
00:15:38,520 --> 00:15:42,720
Kalimitan akong nadidismaya

201
00:15:44,880 --> 00:15:47,120
sa Romanya

202
00:15:47,200 --> 00:15:52,640
pero iba ang pagkakakita niya rito

203
00:15:52,720 --> 00:15:56,120
at ipinakita niya sa akin
na maganda ang Romanya.

204
00:16:02,200 --> 00:16:06,840
Nagsimula siyang bumisita sa aming museo
at mas seryoso siya kesa sa amin.

205
00:16:06,920 --> 00:16:10,360
Sinubukan naming mag-Ingles
pero Romanyano ang gusto niya.

206
00:16:10,440 --> 00:16:13,080
Gusto niyang matuto ng aming lenggwahe.

207
00:16:13,160 --> 00:16:15,280
Nais niyang malaman ang lahat.

208
00:16:17,400 --> 00:16:19,920
Parang nagmula siya sa ibang panahon.

209
00:16:21,120 --> 00:16:22,920
Pino ang kaniyang kaibuturan.

210
00:16:23,560 --> 00:16:25,080
Iyon iyong naramdaman ko.

211
00:16:25,160 --> 00:16:26,200
Na siya ay…

212
00:16:28,880 --> 00:16:30,080
dalisay.

213
00:16:30,160 --> 00:16:34,280
Sobrang tindi ng kaniyang paghahangad

214
00:16:34,360 --> 00:16:38,480
na mahanap ang kaniyang hinahanap.

215
00:16:38,560 --> 00:16:42,720
Mga butihing manlalakbay, ang tren 554 ay…

216
00:16:42,800 --> 00:16:46,000
Gustong-gusto niyang
pumunta sa Alba Iulia.

217
00:16:47,400 --> 00:16:52,040
Sobrang hirap ng byahe
patungong Alba Iulia.

218
00:16:52,120 --> 00:16:54,600
Wala akong masyadong kilala sa Bacău

219
00:16:54,680 --> 00:16:58,120
na susunggab ng watawat
at sasakay ng tren pa-Alba Iulia

220
00:16:58,200 --> 00:17:01,360
sa ika-1 ng Disyembre
kung kailan sobrang ginaw.

221
00:17:02,440 --> 00:17:06,360
Gising, Romanya

222
00:17:06,440 --> 00:17:10,400
Mula sa idlip ng kamatayan

223
00:17:13,800 --> 00:17:16,720
Tinawagan niya kami. Sobrang saya niya.

224
00:17:17,920 --> 00:17:20,440
Hindi siya makatulog noong gabing iyon.

225
00:17:21,800 --> 00:17:24,640
Kinanta niya
ang pambansang awit ng Romanya

226
00:17:24,720 --> 00:17:27,520
tungong Alba Iulia
habang nasa byahe ng tren.

227
00:17:28,680 --> 00:17:31,160
Sabi niya, "Mama, sasali po ako sa parada.

228
00:17:31,240 --> 00:17:34,200
Sasama ako sa lahat,
sa gitna ng mga maraming tao!"

229
00:17:37,800 --> 00:17:41,480
Ngayong taon, ang buong Romanya
ay patungong Alba Iulia

230
00:17:41,560 --> 00:17:44,680
para sa ika-100 anibersaryo ng pag-iisa.

231
00:17:44,760 --> 00:17:49,320
Ako ay pinalad na makasali
at maidokumento ang mga selebrasyon.

232
00:17:56,120 --> 00:17:58,880
Mabuhay ang dakilang Romanya!

233
00:17:58,960 --> 00:18:02,360
Nakilala ko si Yuguo sa Alba Iulia.

234
00:18:02,440 --> 00:18:04,960
Marami siyang suot na watawat ng Romanya.

235
00:18:05,560 --> 00:18:10,560
Sobrang emosyonal at galak niya at sabing,
"Magkasama tayong magdiriwang!"

236
00:18:12,400 --> 00:18:15,080
Hindi na ako nag-aalalala
sa pagiging mag-isa.

237
00:18:16,000 --> 00:18:19,320
Ipinakita ng mga tao rito
ang pinakamainit na pagtanggap.

238
00:18:19,400 --> 00:18:21,080
Nagtitiwala sila sa akin

239
00:18:21,160 --> 00:18:24,720
kahit wala akong nagawang praktikal
para sa kanilang bansa,

240
00:18:25,840 --> 00:18:29,520
ipinapakita ko lang
ang pagmamahal ko sa kanilang bansa.

241
00:18:30,400 --> 00:18:31,240
Opo?

242
00:18:31,320 --> 00:18:32,720
Bakit ka narito ngayon?

243
00:18:32,800 --> 00:18:37,320
Mahal ko ang kultura at panitikan.
Narito ako para makiisa sa pagdiriwang.

244
00:18:37,400 --> 00:18:39,120
Maligayang Kaarawan, Romanya!

245
00:18:39,200 --> 00:18:42,280
Hiling ko para sa inyo
ang magandang hinaharap!

246
00:18:42,360 --> 00:18:43,360
Saan ka galing?

247
00:18:43,440 --> 00:18:45,120
Tsina po. Opo.

248
00:18:45,680 --> 00:18:48,560
Para sa isang taong
pumunta sa napakalayong lugar

249
00:18:48,640 --> 00:18:53,600
at magsabi ng mga napakaganda
at simpleng salita tungkol sa iyo…

250
00:18:54,760 --> 00:18:57,240
Hindi ko alam. Hindi nangyayari iyon.

251
00:18:58,560 --> 00:19:02,200
Inimbitahan akong kumain
ng tradisyunal na pagkain ng Romanya.

252
00:19:02,280 --> 00:19:05,480
Nakipag-usap sila sa akin
at itinuring akong kaibigan.

253
00:19:10,200 --> 00:19:12,240
Sobrang saya ko noong gabing iyon.

254
00:19:14,400 --> 00:19:17,200
PAGDIRIWANG NG ROMANYA 100
02.12.2018 ALBA LULIA

255
00:19:30,480 --> 00:19:33,920
Ito iyon. Ang kaniyang unang
nailathalang sulatin.

256
00:19:35,280 --> 00:19:40,360
"Ika-1 ng Disyembre, Alba lulia"
ni Yin Yuguo.

257
00:19:49,200 --> 00:19:52,160
Kapag masaya ako,
mahilig akong magtungo sa parke.

258
00:19:53,600 --> 00:19:58,000
Ang soberanya ng pangunahing parke
sa Bacău ay pag-aari ng mga uwak.

259
00:19:59,000 --> 00:20:02,560
Ang himig ng mga pumapagaspas
na pakpak ay walang hanggan.

260
00:20:14,880 --> 00:20:18,680
Pakiramdam ko'y natagpuan na
ng dragon ang kanyang tahanan.

261
00:20:28,600 --> 00:20:33,080
Marami pa akong dapat galugarin,
dapat makita, at tuklasin.

262
00:20:35,600 --> 00:20:40,720
Pero marami pa akong oras
at enerhiya na walang hangganan.

263
00:21:01,440 --> 00:21:07,320
Nakilala ko si Yin Yuguo
noong ika-apat ng Enero, 2019.

264
00:21:08,240 --> 00:21:10,480
Dumating siya upang bumisita sa museo

265
00:21:12,000 --> 00:21:14,400
at pagkatapos ng ginabayang paglibot,

266
00:21:15,240 --> 00:21:18,560
nais niyang magsulat
sa aklat ng mga bisita,

267
00:21:18,640 --> 00:21:23,280
at dahil sobrang
tangkad niya, lumuhod siya.

268
00:21:23,360 --> 00:21:28,120
Iyon ay isang pambihirang pangyayari.

269
00:21:28,200 --> 00:21:33,320
Tila isang dasal
para sa kasaysayan ng lugar

270
00:21:33,400 --> 00:21:36,600
kaya nagtanong ako
kung maaari akong kumuha ng letrato.

271
00:21:38,280 --> 00:21:42,240
Kinalaunan, ang letratong iyon,
sa kasamaang palad,

272
00:21:42,320 --> 00:21:46,120
ang tumulong
sa mga pulis para matukoy siya

273
00:21:46,200 --> 00:21:48,840
pagkatapos maganap ng trahedya.

274
00:21:57,240 --> 00:22:02,040
Biyernes ng gabi, sinabi niya sa aking
nais niyang pumunta sa Moog ng Neamt.

275
00:22:02,120 --> 00:22:07,120
Nakiusap ako sa kaniyang huwag pumunta
dahil may mga babala ng panahon.

276
00:22:08,320 --> 00:22:12,760
Pero nagdesisyon siyang pumunta.
Sumakay siya ng tren.

277
00:22:13,880 --> 00:22:15,880
At sa isang madadaanang istasyon,

278
00:22:15,960 --> 00:22:18,840
nakatigil ang tren
nang mas matagal sa karaniwan.

279
00:22:19,560 --> 00:22:24,760
Nang walang anumang paraan para makakalap
ng impormasyon, nataranta si Yuguo.

280
00:22:25,800 --> 00:22:29,360
Inakala niya na doon dapat siya bumaba.

281
00:22:31,440 --> 00:22:34,800
Napagdesisyunan niyang tumalon
habang paalis ang tren.

282
00:22:34,880 --> 00:22:36,800
Binuksan niya ang pinto,

283
00:22:37,560 --> 00:22:40,160
at nakakita ng karagatan ng nyebe,

284
00:22:41,560 --> 00:22:46,760
na walang kaalam-alam na sa ilalim noon
ay may isang batong pananda ng milya

285
00:22:47,960 --> 00:22:50,480
kung saan tumama ang kaniyang ulo.

286
00:22:51,560 --> 00:22:54,520
Agad siyang namatay.

287
00:23:17,840 --> 00:23:21,680
Naaalala kitang naglalaro
sa banyera noong maliit ka pa.

288
00:23:22,920 --> 00:23:28,040
Kung saan-saan tumatalsik ang tubig
at ang silid ay puno ng iyong halakhak.

289
00:23:29,480 --> 00:23:33,120
Sabi mo, "Sa palagay ko,
ang pinagmulan ng sansinukob ay abo.

290
00:23:35,160 --> 00:23:39,720
Ang mundo ay ang abo ng Araw,
at ang Araw ang abo ng kalawakan.

291
00:23:39,800 --> 00:23:42,400
Bawat bagay ay abo."

292
00:23:45,520 --> 00:23:47,320
Limang taong gulang ka noon.

293
00:24:09,320 --> 00:24:11,640
Naglaho ang kakayahan kong ngumiti.

294
00:24:15,840 --> 00:24:19,400
Kung totoo mang may parallel universe

295
00:24:20,360 --> 00:24:24,480
umaasa akong naroon siya,
tinutupad ang kaniyang mga pangarap.

296
00:24:26,400 --> 00:24:30,040
Sana ay malusog siya
at masaya sa mundong iyon,

297
00:24:31,400 --> 00:24:34,600
isinasabuhay ang nais niyang buhay.

298
00:24:47,960 --> 00:24:50,560
Kailangan kong matutong maging matatag.

299
00:24:57,960 --> 00:25:02,320
Maraming nagtanong sa amin kung
nagsisisi kaming hinayaan namin siya.

300
00:25:03,480 --> 00:25:06,360
Wala. Wala kaming mga pagsisisi.

301
00:25:09,000 --> 00:25:13,320
Ang pinaka-hiling na meroon
ang mga magulang

302
00:25:13,400 --> 00:25:17,600
ay ang makita ang kanilang anak
na maabot ang kanyang mga pangarap.

303
00:25:19,720 --> 00:25:24,920
Kung takot tayong sundan ang ating
mga pangarap, wala tayong matatamasa.

304
00:25:27,520 --> 00:25:29,800
Ang Bacău ay tahanan niya.

305
00:25:32,280 --> 00:25:35,560
Dahil ito ay nasa Kabundukang Carpatos.

306
00:25:35,640 --> 00:25:39,880
Dahil 80 napakasayang mga araw
ang ginugol niya rito.

307
00:25:49,880 --> 00:25:54,400
Sabi niya, "Mama, napanaginipan
kong dragon ako na lumilipad sa langit.

308
00:25:57,120 --> 00:25:59,680
Pero namatay ako.
Ang puso ko ay sinaksak.

309
00:26:00,400 --> 00:26:04,760
Nahulog ako mula sa langit at ang laman
ko ay ipinamigay sa maraming tao."

310
00:26:05,520 --> 00:26:08,800
Sabi niya sa akin
na pinasaya siya ng panaginip na iyon.

311
00:26:22,400 --> 00:26:25,480
NOONG MARSO 15, 2019,
ARAW NA SANA AY NAGING 17 SIYA,

312
00:26:25,560 --> 00:26:28,440
IDINEKLARA SI YUGUO
BILANG MAMAMAYAN NG BACĂU.

313
00:26:29,600 --> 00:26:33,840
ANG MGA MAGULANG NI YUGUO AY BUMUO
NG ISKOLARSYIP SA UNIBERSIDAD NG BACĂU

314
00:26:33,920 --> 00:26:37,360
PARA PARANGALAN ANG MGA
NATATANGING MAG-AARAL SA PANITIKAN.

315
00:26:37,440 --> 00:26:40,160
PLANO NILANG ISPONSORAN ITO
BUONG BUHAY NILA.

316
00:26:41,360 --> 00:26:44,680
PARA KAY YUGUO
AT SA MGA MAPAGMAHAL NIYANG MAGULANG

317
00:28:15,160 --> 00:28:20,160
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Anthony Nash O. De Leon



