1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:07,960 --> 00:00:08,800
Hello?

3
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

4
00:00:09,960 --> 00:00:11,880
Kamahalan, kumusta po kayo?

5
00:00:11,960 --> 00:00:13,039
Oo, hello.

6
00:00:13,560 --> 00:00:15,560
Tumatawag ako mula sa isang
siguradong linya.

7
00:00:15,640 --> 00:00:20,000
Kalmado ang boses niya,
kontrolado at magiliw.

8
00:00:20,080 --> 00:00:23,600
May pinadala akong kumpidensyal
na dokumento sa iyo.

9
00:00:23,680 --> 00:00:25,400
KUMPIDENSIYAL - ANG MINISTRO

10
00:00:26,080 --> 00:00:30,480
Gusto ni Ministro Le Drian
na mag-organisa ng videoconference.

11
00:00:32,840 --> 00:00:35,960
Nakikita ko sa screen sa harap ko
si Mister Le Drian.

12
00:00:37,320 --> 00:00:39,160
Hindi ko alam kung totoo iyon o hindi.

13
00:00:40,080 --> 00:00:44,240
Ang sabi ng ministro sa akin:
"Kailangan ko ng malaking halagang pera."

14
00:00:45,440 --> 00:00:46,680
4.8 milyon.

15
00:00:46,760 --> 00:00:49,720
Nakatanggap ka ng payment order
para sa 886,000 euro.

16
00:00:49,800 --> 00:00:52,680
Sa tingin ko, tatlo hanggang apat
na raang libo, hindi na hihigit pa.

17
00:00:52,760 --> 00:00:54,800
5.8 milyon.

18
00:00:55,960 --> 00:01:01,040
Mahalagang mabayaran mo ito
sa lalong madaling panahon.

19
00:01:01,120 --> 00:01:05,360
Isang hindi kapani-paniwalang scam na
nakapangikil ng higit sa 80 milyong euro.

20
00:01:05,440 --> 00:01:07,760
Ang pinaghihinalaang utak
ng mga operasyong ito,

21
00:01:07,840 --> 00:01:09,680
si Gilbert Chikli, ang Hari ng mga Scam.

22
00:01:11,840 --> 00:01:14,680
May kakaiba sa boses niya na
nakapaghihikayat ng mga tao

23
00:01:15,200 --> 00:01:17,280
Tulad sa mga magagaling na aktor,
o mga alagad ng sining.

24
00:01:17,360 --> 00:01:19,120
Pwede itong umubra, o hindi.

25
00:01:19,720 --> 00:01:21,680
Ang pinakabago niyang pakana…
ang pagpapanggap bilang…

26
00:01:22,640 --> 00:01:24,440
si Jean-Yves Le Drian.

27
00:01:26,040 --> 00:01:28,960
Ang pambihirang lakas ng loob
na subukan ang kahit na ano.

28
00:01:31,080 --> 00:01:34,760
Ito ay nagiging sining, hindi pandaraya.

29
00:01:36,560 --> 00:01:37,400
Teatro.

30
00:01:45,840 --> 00:01:49,400
Ipakikilala ko ang sarili ko.
Ako si Gilbert Chikli.

31
00:01:50,480 --> 00:01:54,600
Sa tingin ko, hindi naman ako
masamang tao,

32
00:01:54,680 --> 00:01:59,360
pero sa huli, ang ibang tao
ang huhusga no'n.

33
00:01:59,880 --> 00:02:04,200
Dahil si Gilbert Chikli
ay hindi ang taong inaakala ninyo.

34
00:02:08,280 --> 00:02:12,960
Ipinanganak ako sa Paris,
sa maliit na lugar ng Belleville.

35
00:02:15,039 --> 00:02:18,200
Noong panahong iyon, nakatira kami
sa isang maliit na kuwarto.

36
00:02:18,280 --> 00:02:22,520
Walang-wala kaming pera

37
00:02:23,320 --> 00:02:25,680
at hindi ko iyon matanggap.

38
00:02:28,960 --> 00:02:34,080
Madiskarte akong bata,
at may isa akong obsesyon.

39
00:02:34,160 --> 00:02:39,880
Ang iahon ang pamilya ko sa kahirapan.

40
00:02:41,640 --> 00:02:44,720
Sa mundong ito, tanging ang mga
mauutak na tao ang magtatagumpay.

41
00:02:50,960 --> 00:02:55,480
Pwede mo bang iusog ang upuan
sa bandang kanan? Ibalik mo nang kaunti.

42
00:02:56,560 --> 00:02:58,000
-Ganyan…
-Ang pangit ng hitsura ko.

43
00:02:59,880 --> 00:03:01,640
Anong klaseng tao ka, Shirley?

44
00:03:01,720 --> 00:03:02,560
Isang misteryo.

45
00:03:04,120 --> 00:03:05,240
Isang misteryo.

46
00:03:07,480 --> 00:03:08,800
Pagmukhain mo akong kayumanggi.

47
00:03:09,400 --> 00:03:12,560
At payat. Pagmukhain mo akong payat.
Kung hindi, magiging palpak ito.

48
00:03:19,720 --> 00:03:23,520
SHIRLEY
DATING KAIBIGAN AT KASABWAT

49
00:03:25,360 --> 00:03:26,520
Nakakasabik ang pera.

50
00:03:27,160 --> 00:03:28,960
Nagbibigay ito ng adrenaline,
at pinapasabik ako nito.

51
00:03:30,000 --> 00:03:31,840
Hindi ako babangon mula sa kama
kung walang kapalit na pera.

52
00:03:32,360 --> 00:03:33,600
Kailangang may pera kahit saan.

53
00:03:34,640 --> 00:03:36,360
Masasabi mo bang isa kang kriminal?

54
00:03:37,360 --> 00:03:39,160
Ako? Kriminal? Hindi.

55
00:03:39,240 --> 00:03:44,480
Ang totoo niyan, isa akong anghel.
Dinadala ko sa mabuti ang pera.

56
00:03:47,320 --> 00:03:50,120
Makinig ka…

57
00:03:51,080 --> 00:03:52,600
Ang buhay ko ay katotohanan.

58
00:03:54,680 --> 00:03:57,320
Magkuwento ka tungkol sa
relasyon ninyo ni Gilbert.

59
00:03:58,520 --> 00:04:02,000
Binigyan niya ako ng singsing
noong 25 ako. Nasa akin pa rin iyon.

60
00:04:03,160 --> 00:04:06,880
Ayaw kong ipakita, baka maging malas.

61
00:04:08,560 --> 00:04:10,560
PARIS, 1995

62
00:04:11,400 --> 00:04:13,720
Noong dekada '90, nasa Paris ako

63
00:04:13,800 --> 00:04:16,560
Nagtatrabaho ako para sa kompanyang
gumagawa ng advertising.

64
00:04:17,120 --> 00:04:19,040
Mapanlinlang na advertising.

65
00:04:19,680 --> 00:04:21,800
Matatawag iyong scam,

66
00:04:22,680 --> 00:04:26,200
pero wala akong pakialam.

67
00:04:26,800 --> 00:04:32,720
Sa telepono, kaya ko silang engganyuhin
na bigyan ako ng pera.

68
00:04:38,080 --> 00:04:43,640
Mahilig akong makihalubilo
sa mga taong madaling gumawa ng pera.

69
00:04:45,040 --> 00:04:47,920
Noong nakilala ko si Gilbert,
siguro 20 taong gulang ako.

70
00:04:49,120 --> 00:04:51,920
Nasa sasakyan ako, nagmamaneho

71
00:04:52,000 --> 00:04:55,400
naipit ako sa trapiko, tulad ng iba,
at tumitingin-tingin ako sa paligid.

72
00:04:56,080 --> 00:04:59,680
At bigla na lang kaming nagkatinginan
ni Gilbert Chikli.

73
00:05:00,320 --> 00:05:02,520
Nakatitig siya sa mga mata ko.

74
00:05:02,600 --> 00:05:03,920
A!

75
00:05:05,480 --> 00:05:07,120
Madali kaming naging magkasundo.

76
00:05:09,960 --> 00:05:12,240
Mapamaraan siya
at marunong gumawa ng pera.

77
00:05:14,280 --> 00:05:17,720
Gusto kong mamuhay ng marangya,
may kaya sa buhay.

78
00:05:17,800 --> 00:05:19,760
Pero si Gilbert ay mula sa Belleville.

79
00:05:19,840 --> 00:05:23,440
Kaya gano'n na lamang ang ugnayan namin.
Ang burgis at ang "bad boy."

80
00:05:24,520 --> 00:05:28,400
Dati nang malakas sumugal si Gilbert.

81
00:05:29,160 --> 00:05:32,400
Hindi siya naglalaro para manalo.
Naglalaro siya para sumugal.

82
00:05:34,440 --> 00:05:36,680
Ang nagustuhan ko sa kanya
ay ang katalinuhan niya.

83
00:05:39,520 --> 00:05:41,880
Noong 2005, nagkaroon si Gilbert
ng problema sa pera.

84
00:05:41,960 --> 00:05:43,680
Nabaon siya sa utang dahil sa pagsusugal.

85
00:05:44,320 --> 00:05:45,800
Kinailangan niya ng 200,000
hanggang 300,000 euro.

86
00:05:47,320 --> 00:05:50,800
Maraming mga sanggano ang
naghahabol ng pera nila sa kanya.

87
00:05:51,360 --> 00:05:55,680
Sabi niya sa akin: "Shirley, naloko na.
Kailangan ko ng pera. Ano'ng gagawin ko?

88
00:05:58,920 --> 00:06:02,880
Noong gabing iyon, nasa bahay kami.

89
00:06:03,960 --> 00:06:06,160
Nanonood ako ng telebisyon.

90
00:06:06,760 --> 00:06:08,360
Nailikas na ang underground.

91
00:06:08,440 --> 00:06:11,160
Punong-puno ng mga ambulansya
ang mga kalsada ng London.

92
00:06:11,240 --> 00:06:15,840
Nang makita ko sa telebisyon na
may naganap na pag-atake ng terorismo

93
00:06:15,920 --> 00:06:17,160
sa London noong 2005…

94
00:06:17,960 --> 00:06:21,400
Nagkaroon ng anim na pagsabog
ngayong umaga sa gitna ng London.

95
00:06:24,120 --> 00:06:26,760
Agad akong nakaisip
ng pwedeng gawing scam.

96
00:06:27,400 --> 00:06:29,400
Samantalahin ang takot ng mga tao

97
00:06:30,360 --> 00:06:33,040
at magpanggap na ahenteng
pangontra-terorismo.

98
00:06:33,880 --> 00:06:35,240
At sumabog ito

99
00:06:37,720 --> 00:06:39,000
na parang dinamita.

100
00:06:43,320 --> 00:06:44,920
May lihim akong sasabihin sa iyo.

101
00:06:45,000 --> 00:06:47,200
Ang mga tao ay mausisa.

102
00:06:47,280 --> 00:06:50,880
Kapag may kaharap silang tao na
kahanga-hanga o misteryoso

103
00:06:50,960 --> 00:06:52,520
hindi nila mapipigilang bumigay.

104
00:06:53,520 --> 00:06:57,320
Hindi ko kailanman inakala na
maniniwala ang mga tao sa akin.

105
00:06:57,400 --> 00:06:58,920
Alam mo ba kung bakit?

106
00:06:59,000 --> 00:07:02,400
Dahil ang pinakamahalagang bagay
ay naniniwala ako sa sarili ko.

107
00:07:03,880 --> 00:07:08,400
Ang papel ni Gilbert ay magpanggap
na ahente ng secret service.

108
00:07:09,360 --> 00:07:12,640
Ang unang dapat gawin ay alamin
ang mga kahinaan ng mga tao.

109
00:07:13,880 --> 00:07:16,880
Tatakutin namin sila. Sasabihin naming
may alam kaming lihim tungkol sa kanila.

110
00:07:17,400 --> 00:07:19,000
"Oo nga pala, may alam akong lihim
tungkol sa iyo."

111
00:07:20,720 --> 00:07:22,640
"Oo. Alam ko ang lihim mo."

112
00:07:25,280 --> 00:07:29,280
PARIS, 2006

113
00:07:30,400 --> 00:07:34,840
Pinaglalaruan namin ang isipan
ng mga taong niloloko namin.

114
00:07:36,480 --> 00:07:40,400
Inaalam namin kung
naninigarilyo ba sila o hindi,

115
00:07:40,480 --> 00:07:43,320
kung may mga anak sila,
o kung nakikiapid ba sila.

116
00:07:43,400 --> 00:07:46,560
Pinapasok namin ang mga
personal nilang buhay.

117
00:07:46,640 --> 00:07:51,240
At napipilit namin sila na lumikom
ng pera, maraming pera.

118
00:07:56,320 --> 00:07:58,880
Ako si Élise le Guével,
isa akong mamamahayag.

119
00:07:58,960 --> 00:08:02,360
Nagtrabaho ako ng pitong taon
sa palabas na Envoyé Spécial sa France 2.

120
00:08:03,760 --> 00:08:05,320
Isang gabi, may kasama akong kaibigan.

121
00:08:06,000 --> 00:08:09,520
Nagtatrabaho siya para sa isang
malaking kompanya,

122
00:08:10,080 --> 00:08:14,080
at sinabi niya sa akin:
"May kakaibang nangyari kaninang umaga.

123
00:08:14,160 --> 00:08:17,280
Nakatanggap ng tawag
ang kasamahan ko sa department

124
00:08:17,880 --> 00:08:21,280
mula sa isang taong nagpapanggap
na CEO ng isang kompanya.

125
00:08:22,040 --> 00:08:24,400
Sabi ng CEO sa kanya:

126
00:08:24,480 --> 00:08:29,880
"Isa sa mga kliyente ng bangko
ang nagpopondo ng terorismo.

127
00:08:30,480 --> 00:08:34,200
Kailangan namin ang tulong ninyo
upang labanan ang terorismo."

128
00:08:37,480 --> 00:08:40,720
Maraming taon na akong nagtatrabaho
bilang financial director.

129
00:08:43,280 --> 00:08:44,559
Noong Marso ng 2006,

130
00:08:45,679 --> 00:08:47,760
Pinagdaanan ko ang isang bagay
na hindi dapat maranasan ninoman,

131
00:08:47,840 --> 00:08:52,320
ang pagkamatay ng asawa ko
dahil sa depresyon.

132
00:08:53,960 --> 00:08:58,640
Kinitil niya ang sarili niyang buhay,
at iniwan sa akin ang aming tatlong anak.

133
00:09:00,080 --> 00:09:03,120
Mahirap na panahon iyon para sa akin,

134
00:09:03,200 --> 00:09:08,200
kinailangan kong matiwala muli,
magtiwala sa sangkatauhan muli.

135
00:09:09,960 --> 00:09:14,000
Pagkatapos ng 15 araw, nasa trabaho ako.

136
00:09:14,080 --> 00:09:17,200
May pinasang tawag sa akin
ang isa sa mga katrabaho ko,

137
00:09:17,840 --> 00:09:19,800
at ang sabi niya: "Ang CEO ito."

138
00:09:21,480 --> 00:09:22,320
Hello?

139
00:09:22,400 --> 00:09:26,320
Ito si Mr. Roger. Kumusta ka?

140
00:09:26,400 --> 00:09:30,960
Sinabi niya sa akin na
may matatanggap akong tawag

141
00:09:31,040 --> 00:09:34,120
mula sa isa pang ahente ng DGSE.

142
00:09:35,360 --> 00:09:37,040
NAKATAGONG NUMERO

143
00:09:37,120 --> 00:09:38,880
Natanggap ko ang tawag na iyon.

144
00:09:38,960 --> 00:09:39,840
Oo, hello.

145
00:09:39,920 --> 00:09:41,840
Tumatawag ako mula sa isang
siguradong linya.

146
00:09:41,920 --> 00:09:46,440
Kalmado ang boses niya,
kontrolado at magiliw.

147
00:09:46,520 --> 00:09:52,440
Sinabi niya na ang kontribusyon ko
ay ang pagpapadala ng pera sa isang bangko

148
00:09:52,520 --> 00:09:55,680
na susundan ng pangkat niya
upang subukang mahuli ang mga ito

149
00:09:55,760 --> 00:09:57,960
kapag natanggap nila ang pera.

150
00:09:58,040 --> 00:09:59,480
Isa itong panloob na krimen

151
00:09:59,560 --> 00:10:01,200
kaya kung kaya mo itong gawin,

152
00:10:01,280 --> 00:10:02,640
gagawin natin nang magkasama.

153
00:10:02,720 --> 00:10:04,920
Kung hindi, matanda na ako
para humanap pa ng iba.

154
00:10:05,000 --> 00:10:08,080
Kaya hindi na tayo
magkakaroon pa ng ugnayan.

155
00:10:08,160 --> 00:10:10,320
Kailangan mong gawin ito nang mag-isa.

156
00:10:11,520 --> 00:10:14,880
Nagsimula akong magtanong sa sarili ko.

157
00:10:17,640 --> 00:10:18,960
Nang maramdaman niyang
nag-aalinlangan ako,

158
00:10:19,600 --> 00:10:22,720
sinabi niya: "Alam namin kung sino ka.
Alam naming nahihirapan ka

159
00:10:22,800 --> 00:10:24,840
sa personal mong buhay ngayon.

160
00:10:24,920 --> 00:10:28,320
Binanggit niya ang mga anak ko,
at ang pagpapakamatay ng asawa ko.

161
00:10:29,960 --> 00:10:32,480
Marami siyang alam tungkol sa akin.

162
00:10:33,920 --> 00:10:36,400
Umaasa ako sa iyo, ipadala mo na ngayon.
Napakahalaga nito.

163
00:10:38,720 --> 00:10:40,080
Nag-atubili ako.

164
00:10:41,160 --> 00:10:44,120
Nag-atubili ako pero itinuloy ko.

165
00:10:44,960 --> 00:10:48,600
Sa kabuuan, sinubukan nilang kumuha
ng mahigit 10 milyong euro.

166
00:10:48,680 --> 00:10:52,680
10 MILYONG EURO

167
00:10:59,640 --> 00:11:03,560
Nalaman kong may kakayahan akong
gawin ang mga bagay na hindi ko inakala.

168
00:11:04,920 --> 00:11:09,760
At malinaw na kaya ko ring gawin
ang higit pa doon.

169
00:11:10,760 --> 00:11:14,280
Nakita ni Gilbert na nagiging mabunga
ang pamamaraang ito

170
00:11:14,840 --> 00:11:17,440
kaya sinagad niya.

171
00:11:21,960 --> 00:11:22,920
Hello?

172
00:11:23,000 --> 00:11:25,360
-Mabuti, nasa harap ka ba ng computer mo?
-Oo.

173
00:11:25,440 --> 00:11:28,600
Nakatanggap ka ng payment order
para sa 886,000 euro.

174
00:11:30,520 --> 00:11:35,000
Nakakasabik ang trabahong iyon,
at puno ng adrenaline.

175
00:11:35,640 --> 00:11:37,360
Para akong nasa isang pelikula.

176
00:11:37,960 --> 00:11:40,520
Sa tingin ko, tatlo hanggang apat
na raang libo, hindi na hihigit pa.

177
00:11:41,080 --> 00:11:43,440
Bawat isa sa mga kompanyang Pranses
sa stock market

178
00:11:43,520 --> 00:11:47,040
malaki man o maliit
ay naging target ng mga tawag na ito,

179
00:11:47,120 --> 00:11:48,560
pangmalakihang operasyon.

180
00:11:48,640 --> 00:11:49,720
Hindi ko naiintindihan.

181
00:11:49,800 --> 00:11:53,120
Kailan ko matatanggap
ang mga detalye ng account ng bangko?

182
00:11:53,200 --> 00:11:54,960
Matatanggap mo bukas.

183
00:11:55,640 --> 00:11:59,000
Hindi mahihina o madaling lokohin
ang mga naging biktima.

184
00:11:59,080 --> 00:12:01,760
Mga propesyonal sila, may kasanayan

185
00:12:02,440 --> 00:12:04,400
at gusto nilang magtagumpay.

186
00:12:04,480 --> 00:12:06,120
Sa tingin ko, ang mga ito
ang kailangan ng scammer.

187
00:12:07,200 --> 00:12:08,440
At hinanap niya ang mga iyon.

188
00:12:09,800 --> 00:12:11,280
Kumusta ka?

189
00:12:12,120 --> 00:12:13,120
At ikaw?

190
00:12:14,320 --> 00:12:16,760
Oo, kaya kita tinatawagan.

191
00:12:16,840 --> 00:12:18,960
Oo, naroon ako, sinasagot ko ang tawag mo.

192
00:12:20,240 --> 00:12:22,000
Sa kabataan mo, mayroon kang pinuno

193
00:12:22,080 --> 00:12:24,240
may numero uno, numero dos,
numero tres.

194
00:12:24,320 --> 00:12:25,720
Si Gilbert ang numero uno.

195
00:12:25,800 --> 00:12:27,320
Halika, maupo ka.

196
00:12:27,840 --> 00:12:29,880
Sandali lang, tumawag ang abogado ko.

197
00:12:29,960 --> 00:12:32,080
Kapag binubuo niya ang scam niya,
gusto niyang makakuha ng maraming pera.

198
00:12:32,160 --> 00:12:35,960
Pero bakit? Dahil may kuwento siya
at pangangatawanan niya iyon.

199
00:12:36,040 --> 00:12:40,680
Paghahandaan niya ito at hindi niya ito
bibitawan, kahit gaano katagal o kagastos.

200
00:12:40,760 --> 00:12:45,840
At gagalingan niya, para umubra ito.
Susubukan niya sa unang pagkakataon.

201
00:12:45,920 --> 00:12:47,560
Titingnan niya kung may kumagat,

202
00:12:47,640 --> 00:12:49,920
at kung wala, ibig sabihin ay may kulang.

203
00:12:50,000 --> 00:12:52,800
Uulitin niya ito upang malaman
kung ano ang hindi gumana

204
00:12:52,880 --> 00:12:57,480
at pagbubutihin niya hanggang makuha niya
ang resulta na magiging mabisa.

205
00:13:02,400 --> 00:13:03,560
PHILIPPE HUETZ - SUPERINTENDENT
KAPULISANG HUDISYAL NG PARIS

206
00:13:03,640 --> 00:13:05,000
ÉRIC MOREAU - AYUDANTE
KAPULISANG HUDISYAL NG PARIS

207
00:13:05,080 --> 00:13:06,720
-Nagrerekord na tayo. Handa na kayo?
-Oo.

208
00:13:06,800 --> 00:13:08,120
Okay, gawin na natin.

209
00:13:10,800 --> 00:13:11,640
Nahuli mo?

210
00:13:11,720 --> 00:13:13,160
-Siguro.
-Sniper.

211
00:13:13,240 --> 00:13:17,280
Ano ang una mong naging reaksyon nang
marinig mo ang tungkol sa scam na ito?

212
00:13:17,360 --> 00:13:20,760
Noong una, naisip ko: habang lumalaki ito,
lalong nagiging epektibo.

213
00:13:21,840 --> 00:13:25,320
Iyon ang una kong naisip.

214
00:13:26,000 --> 00:13:28,040
Dahil napakalaki nito.

215
00:13:28,120 --> 00:13:32,240
Bigla na lang kaming mayroong
20 o 30 na iba-ibang kaso.

216
00:13:33,040 --> 00:13:35,960
Hindi pa kami nakakita
ng ganoong pamamaraan.

217
00:13:36,840 --> 00:13:38,400
Pare-pareho sa bawat pagkakataon.

218
00:13:38,920 --> 00:13:42,240
May secret agent, may CEO

219
00:13:43,280 --> 00:13:44,720
at "nilalabanan nila ang terorismo."

220
00:13:44,800 --> 00:13:47,560
Nagsanga-sanga ang imbestigasyon.

221
00:13:49,160 --> 00:13:51,040
Naging internasyonal.

222
00:13:51,120 --> 00:13:54,320
Inililipat ang pera mula sa bansa
gamit ang mga account…

223
00:13:54,400 --> 00:13:56,120
May mga bansa sa iba't ibang dako
ng mundo, tama?

224
00:13:56,200 --> 00:13:57,040
Oo.

225
00:13:57,120 --> 00:13:59,000
Sa tingin ko, magaling na atake iyon.

226
00:13:59,080 --> 00:14:02,960
Napakahusay ng scammer.
Kailangan namin siyang mahuli agad.

227
00:14:05,080 --> 00:14:06,760
Nilagyan namin ng tap

228
00:14:06,840 --> 00:14:12,440
ang isang teleponong ginamit
bilang pangtawag sa ilang biktima.

229
00:14:13,200 --> 00:14:17,720
Nadiskubre namin na ang may-ari
ng linya ay tinatawag na Shirley.

230
00:14:19,000 --> 00:14:21,520
Éric Moreau. Buwisit siya.

231
00:14:23,160 --> 00:14:27,760
Sinabi ko kay Philippe na
pupuntahan namin kinabukasan

232
00:14:27,840 --> 00:14:30,400
ang babaeng ito sa bahay niya.

233
00:14:32,760 --> 00:14:34,200
Nasa Paris ako.

234
00:14:35,360 --> 00:14:38,480
Kasama ko noon ang mabuti kong kaibigan

235
00:14:38,560 --> 00:14:40,160
na tumutuloy sa bahay ko.

236
00:14:40,800 --> 00:14:41,640
Kawawang lalaki.

237
00:14:43,080 --> 00:14:45,640
Ginising kami ng mga pulis.

238
00:14:46,480 --> 00:14:50,240
May paa sa likod ko
na tumutulak sa akin sa sahig,

239
00:14:51,280 --> 00:14:55,160
pati ang ulo ko ay nasa sahig rin.

240
00:14:55,240 --> 00:14:57,040
Iniipit nila ako para hindi ako makagalaw

241
00:14:57,120 --> 00:15:00,720
at may dala silang mga mahahabang baril.

242
00:15:01,560 --> 00:15:02,720
Sabi ko sa kanila: "Ano'ng ginawa ko?

243
00:15:02,800 --> 00:15:04,640
Bakit kayo nandito?"

244
00:15:04,720 --> 00:15:08,120
"Serbisyong kontra-terorismo."
Hindi na ako nakasagot.

245
00:15:08,200 --> 00:15:12,960
Sa pader sa harap ng pinto,
may malaking litrato ng isang lalaki.

246
00:15:14,680 --> 00:15:17,800
Kaya tinanong ko siya:
"Sino ang lalaki sa litrato?"

247
00:15:17,880 --> 00:15:20,240
At sumagot si, "Si Gilbert."

248
00:15:20,840 --> 00:15:22,680
Ang ibig sabihin niya: "Hindi mo kilala?"

249
00:15:24,040 --> 00:15:24,960
Hindi.

250
00:15:32,840 --> 00:15:36,800
Dinampot namin si Shirley, at pagdating
pa lang niya, ayaw na niyang magsalita.

251
00:15:36,880 --> 00:15:40,920
Wala siyang sinasabi, wala siyang alam,
wala siyang ginawa.

252
00:15:41,880 --> 00:15:45,840
Pagkatapos, nalaman namin
na selosang babae si Shirley.

253
00:15:45,920 --> 00:15:47,880
Kaya ginamit namin iyon.

254
00:15:47,960 --> 00:15:51,280
Sinasabi nila sa akin na
may ibang babae si Gilbert.

255
00:15:51,360 --> 00:15:54,120
Na nagtataksil siya.

256
00:15:54,200 --> 00:15:57,640
Bluff lang iyon dahil…

257
00:15:57,720 --> 00:15:58,560
hindi namin alam iyon.

258
00:15:58,640 --> 00:15:59,720
Wala kaming hawak na impormasyon.

259
00:16:00,800 --> 00:16:07,200
Sinuwerte kami dahil naniwala si Shirley.

260
00:16:07,280 --> 00:16:08,480
Sabi niya sa akin:

261
00:16:08,560 --> 00:16:11,760
"Sige, ginagawa niya akong tanga.
Sasabihin ko sa inyo ang lahat."

262
00:16:11,840 --> 00:16:15,560
Nagsimula siyang magsalita,
at nagpatuloy siya ng 48 oras.

263
00:16:16,440 --> 00:16:19,400
Sa simula, okay lang sa akin
na tumahimik at protektahan si Gilbert.

264
00:16:19,480 --> 00:16:20,640
Pero hindi pwede iyon.

265
00:16:22,240 --> 00:16:23,600
Natatakot akong makulong.

266
00:16:25,000 --> 00:16:28,480
Iyon ang dahilan kung bakit sinabi ko
ang buong kuwento. Napilitan ako.

267
00:16:30,960 --> 00:16:32,800
Marami kaming nalaman.

268
00:16:33,440 --> 00:16:36,400
Nalaman namin kung sino ang utak
sa mga CEO na scam.

269
00:16:39,640 --> 00:16:43,640
Habang ginagawa namin ang panayam,
nakatanggap kami ng tawag

270
00:16:43,720 --> 00:16:46,960
mula sa isang lalaking nagpapanggap
na isa sa mga imbestigador

271
00:16:47,560 --> 00:16:49,320
at gusto niyang makausap si Shirley
na nasa detensyon.

272
00:16:50,320 --> 00:16:54,720
Ang katrabaho namin na ginagaya niya
ay nasa harap namin mismo.

273
00:16:56,160 --> 00:16:57,160
Kaya…

274
00:16:59,320 --> 00:17:02,480
Agad ko nang naintindihan
kung sino ang nasa telepono

275
00:17:02,560 --> 00:17:03,920
at nagsimula kaming mag-usap.

276
00:17:04,000 --> 00:17:07,280
Sabi niya sa akin:
"Puntahan mo ako sa Israel,

277
00:17:07,360 --> 00:17:09,760
mag-usap tayo." Sinabi rin niya sa akin:

278
00:17:09,839 --> 00:17:13,079
"Bibigyan kita ng isang linggong bakasyon
sa Eilat kung makakausap ko si Shirley."

279
00:17:16,119 --> 00:17:19,400
Siyempre, hindi niya nakausap si Shirley.
At hindi ko rin nakuha ang bakasyon ko.

280
00:17:19,480 --> 00:17:22,920
Ngayon, alam na namin na nasa Israel siya
at hindi namin siya maaaresto.

281
00:17:26,359 --> 00:17:29,200
Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko
para hindi ako mahuli.

282
00:17:30,560 --> 00:17:32,400
Nakikipaghabulan ako.

283
00:17:33,079 --> 00:17:36,240
Ako ang pasimuno.

284
00:17:36,320 --> 00:17:39,680
Magandang gabi. Iniimbestigahan ang bagong
uri ng pagnanakaw na walang armas o dahas.

285
00:17:39,760 --> 00:17:41,720
Mga mandarambong
na nagpapanggap na CEO.

286
00:17:41,800 --> 00:17:46,200
Ang La Poste, Michelin, Intermarché ay
ilan lamang sa daan-daang mga biktima.

287
00:17:46,280 --> 00:17:48,720
Ang pangalan niya ay Gilbert Chikli.

288
00:17:49,280 --> 00:17:52,240
Nagtatago siya ngayon sa Israel.

289
00:17:54,560 --> 00:17:57,640
Sinentensiyahan ako ng
dalawang taon sa kulungan,

290
00:17:58,240 --> 00:18:01,360
na magpakita sa himpilan ng pulis
dalawang beses kada buwan

291
00:18:01,440 --> 00:18:04,560
at pinagbawalang bumyahe
o umalis ng bansa.

292
00:18:05,480 --> 00:18:06,760
Walang pakialam si Gilbert.

293
00:18:08,760 --> 00:18:11,600
Pero nalungkot ka ba
sa ginawa ni Gilbert sa iyo?

294
00:18:12,200 --> 00:18:13,040
Siyempre.

295
00:18:15,440 --> 00:18:18,120
Magaling kami nang magkasama.
Minahal namin ang isa't isa.

296
00:18:20,040 --> 00:18:21,320
Pwede na kaming mamatay nang magkasama.

297
00:18:26,040 --> 00:18:27,720
ISRAEL, 2006

298
00:18:30,480 --> 00:18:33,040
Sa Israel, nagsimula siya
ng bagong buhay para sa sarili niya.

299
00:18:34,200 --> 00:18:36,720
Kapag nanloloko ka, hindi ka dapat
napapamahal sa kahit na ano,

300
00:18:36,800 --> 00:18:39,880
at dapat handa kang kumalas sa kahit ano
at kahit kanino, kahit anong oras.

301
00:18:41,320 --> 00:18:42,920
Nagawa niyang kumalas sa akin.

302
00:18:52,800 --> 00:18:57,000
Ako si Shirly.
Nakatira ako sa Ashdod, Israel.

303
00:19:00,040 --> 00:19:04,360
Simple lang akong babae, palakaibigan.

304
00:19:05,080 --> 00:19:06,200
Hello?

305
00:19:07,360 --> 00:19:10,400
Nakilala ko si Gilbert Chikli noong 2006.

306
00:19:11,080 --> 00:19:15,160
IKALAWANG SHIRLY

307
00:19:15,240 --> 00:19:17,080
Ano ang palagay mo kay Shirly Chikli?

308
00:19:18,440 --> 00:19:20,880
Hindi ko alam, hindi ko gustong malaman,
at ayaw ko itong pag-usapan.

309
00:19:22,680 --> 00:19:24,880
Mas mataas ang uri ko kaysa sa kanya.

310
00:19:25,400 --> 00:19:29,720
Kaya ko siyang bilhin, ibentang muli

311
00:19:29,800 --> 00:19:33,960
at lalampasuhin ko ang sahig
gamit ang buhok niya. Iyon.

312
00:19:35,760 --> 00:19:38,320
Gusto ng papa ko na mag-aral ako,

313
00:19:38,400 --> 00:19:40,280
maging mabuting estudyante

314
00:19:40,360 --> 00:19:45,000
at sumunod sa lahat ng tuntunin.

315
00:19:45,840 --> 00:19:48,640
Pero kakaiba ako.

316
00:19:48,720 --> 00:19:52,000
Naghahanap ako ng higit pa.

317
00:19:55,400 --> 00:20:00,680
Noong 2006, wala akong pera.
Wala akong kahit na ano.

318
00:20:00,760 --> 00:20:03,960
Naaalala ko, binigyan ako
ng kaibigan ko ng 70 euro

319
00:20:04,040 --> 00:20:08,840
para makaraos lang, dahil wala akong pera.

320
00:20:10,040 --> 00:20:13,120
Isang araw, narinig namin sa radyo

321
00:20:13,200 --> 00:20:16,480
ang tungkol sa dalawang lalaking Pranses
na nagnakaw ng 5 milyong euro

322
00:20:16,560 --> 00:20:18,280
at Franco-Israeli sila.

323
00:20:19,000 --> 00:20:22,960
Ang isa sa kanila, siya na yata ang
pinakasikat sa France, si Gilbert Chikli.

324
00:20:23,040 --> 00:20:27,040
Tumakas siya mula sa bansa niya,
pero dito, namumuhay siya na parang hari.

325
00:20:27,840 --> 00:20:29,800
Tumawa ako at sabi ko sa kaibigan ko,

326
00:20:30,400 --> 00:20:34,040
"Malaking huli ito,

327
00:20:34,120 --> 00:20:36,800
lagot siya kapag nahuli ko siya."

328
00:20:37,640 --> 00:20:41,840
Lumabas ako, dito sa kalsadang ito

329
00:20:41,920 --> 00:20:44,040
at may pumaradang Mercedes.

330
00:20:46,360 --> 00:20:48,080
Isang silver na Mercedes.

331
00:20:50,080 --> 00:20:51,520
Sabi ko, "Kumusta?

332
00:20:51,600 --> 00:20:52,680
Shalom."

333
00:20:53,520 --> 00:20:54,520
Sumagot siya: "Shalom."

334
00:20:54,600 --> 00:20:56,280
Kakaiba ang tingin niya sa akin.

335
00:20:56,360 --> 00:20:58,720
Sa dashboard ng sasakyan,

336
00:20:58,800 --> 00:21:01,640
may magazine sa wikang Hebrew.

337
00:21:02,840 --> 00:21:06,440
Sabi niya: "Pwede mo bang sabihin sa akin
kung ano'ng nakasulat sa loob?

338
00:21:07,040 --> 00:21:09,280
Kinuha ko ang magazine

339
00:21:09,360 --> 00:21:14,000
at nakita kong nakasulat doon ang tungkol
sa mga lalaking nagnakaw ng 5 milyon at…

340
00:21:14,640 --> 00:21:16,080
tumawa ako.

341
00:21:16,160 --> 00:21:19,360
Alam ko na sa isip ko
na may nangyayari dito.

342
00:21:19,440 --> 00:21:23,880
Hindi niya sinabi sa akin
na siya ang nasa magazine,

343
00:21:23,960 --> 00:21:25,560
pero alam kong siya iyon.

344
00:21:28,320 --> 00:21:32,320
Para siyang anghel na dumating sa buhay ko

345
00:21:33,040 --> 00:21:35,080
na gusto lang gumawa ng mabuti sa akin.

346
00:21:38,720 --> 00:21:42,400
Espesyal si Gilbert.
Kapag nagsasalita siya,

347
00:21:42,480 --> 00:21:45,000
makikibahagi sa kuwento niya
ang lahat ng nakikinig.

348
00:21:45,080 --> 00:21:47,440
Parang magic.

349
00:21:47,520 --> 00:21:49,960
Marami siyang ginawa para sa akin,
binigay niya ang lahat ng gusto ko,

350
00:21:50,800 --> 00:21:54,960
mga regalo, mga gamit,
kahit na anong maisip mo.

351
00:21:55,880 --> 00:21:59,120
Hindi mo ba tinanong sa sarili mo
kung saan nanggagaling ang pera?

352
00:22:03,600 --> 00:22:06,120
Wala akong paki kung saan nanggagaling.

353
00:22:06,200 --> 00:22:11,160
May bago sa buhay ko
na puro maganda ang dala.

354
00:22:11,240 --> 00:22:13,080
Bakit ako magtatanong?

355
00:22:16,760 --> 00:22:21,560
Pagkatapos ng 11 buwan, nagpakasal kami.
Maganda ang kasal namin.

356
00:22:23,160 --> 00:22:27,440
Nang lumabas ako sa damit pangkasal ko,
pakiramdam ko, nasa pelikula ako.

357
00:22:29,520 --> 00:22:32,640
Marami sa mga kaibigan ko ang nagsabi:

358
00:22:32,720 --> 00:22:36,680
"Shirly, mag-ingat ka.
Alam ng mga pulis kung nasaan siya."

359
00:22:36,760 --> 00:22:40,360
Pero mahal ko si Gilbert
at hindi ko pinansin ang lahat ng iyon.

360
00:22:41,320 --> 00:22:44,680
Si Gilbert Chikli, na hindi kailanman
nakipag-usap sa mga mamamahayag,

361
00:22:44,760 --> 00:22:46,560
ay pumayag na magbigay ng panayam sa atin.

362
00:22:46,640 --> 00:22:49,360
HABANG PINAGHAHANAP PA RIN SIYA
NG KAPULISAN

363
00:22:49,440 --> 00:22:53,240
LUMABAS SI GILBERT CHIKLI
SA MGA PANAYAM SA TELEBISYON

364
00:22:53,320 --> 00:22:58,120
Pakiramdam niya ay ligtas siya sa Israel
kaya nakikipaglaro siya sa amin.

365
00:22:58,200 --> 00:23:00,360
Alam mo, lahat tayo
ay may kanya-kanyang katangian.

366
00:23:01,680 --> 00:23:05,320
Maari itong tumalab o hindi.
Taglay mo ang galing na iyon o hindi.

367
00:23:05,400 --> 00:23:09,480
Tulad sa mga magagaling na aktor
o sa mga magagaling na alagad ng sining

368
00:23:09,560 --> 00:23:11,600
pwedeng umubra ito, o hindi.

369
00:23:11,680 --> 00:23:15,240
Sabihin nating may talento ako
na nagiging mabisa, ano ngayon?

370
00:23:16,600 --> 00:23:19,160
Wala siyang ibang alam na paraan
kundi maging mapusok.

371
00:23:19,240 --> 00:23:23,520
Pakiramdam niya,
dapat lagi siyang nagtatanghal.

372
00:23:23,600 --> 00:23:29,040
Ang scammer, sinusubukan niyang
makakuha ng maraming pera.

373
00:23:29,120 --> 00:23:33,600
May pera ako. Matagal na akong may pera,
at lagi akong magkakaroon ng pera.

374
00:23:33,680 --> 00:23:36,640
Kaya sa palagay ko, isa iyong laro.

375
00:23:38,120 --> 00:23:42,000
Lahat ng mga nagawa ko, lahat iyon
ay nanggaling sa akin,

376
00:23:42,080 --> 00:23:44,600
sa akin, at sa akin lang.

377
00:23:45,640 --> 00:23:51,320
Binuo ko ang isang bagay na ito
na patuloy na inuulit

378
00:23:51,400 --> 00:23:55,880
dahil nakakatawag-pansin ito
sa libo-libong tao.

379
00:24:00,440 --> 00:24:02,280
Ang paglilipat ng pera sa bangko

380
00:24:02,360 --> 00:24:06,120
ay hindi nakaiskedyul, pero kailangan
na itong magawa ngayong araw

381
00:24:06,200 --> 00:24:10,080
upang makaiwas sa mga multa.
Gawin mo ang nararapat.

382
00:24:10,160 --> 00:24:13,400
Nagpatuloy lang siya.

383
00:24:13,480 --> 00:24:15,760
Ginawa niya iyong trabaho.

384
00:24:15,840 --> 00:24:17,920
May opisina siya sa Israel

385
00:24:18,000 --> 00:24:20,560
kung saan may 50 mga lalaki
na tumatawag at nagsasabing:

386
00:24:21,160 --> 00:24:24,240
"Hello, ako ang CEO at kailangang
magpadala ka ng pera sa bangko."

387
00:24:24,320 --> 00:24:28,280
Nagsimula siya sa paghingi
ng 2 milyong euro, pagkatapos ay 8 milyon,

388
00:24:28,360 --> 00:24:33,680
15 milyon, 20 milyon. Pambihira iyon.

389
00:24:37,920 --> 00:24:39,880
Nang lumapit sa amin si Gilbert,

390
00:24:39,960 --> 00:24:41,880
sa simula, hindi namin maintindihan

391
00:24:41,960 --> 00:24:48,360
dahil gusto niyang maniwala kami
na kaya naming magnakaw ng maraming pera

392
00:24:48,440 --> 00:24:50,960
sa pagpapanggap bilang mga CEO.

393
00:24:51,040 --> 00:24:56,200
Kakaiba talaga, lahat na lang…
Iyon ang naging bagong El Dorado.

394
00:24:56,800 --> 00:24:58,160
Si Gilbert ay isang lider.

395
00:24:59,720 --> 00:25:02,280
Siya talaga ang henyo sa kuwentong ito.

396
00:25:02,360 --> 00:25:04,360
Pero may mga

397
00:25:04,440 --> 00:25:08,400
tao rin na inaaral ang mga kompanya.

398
00:25:08,480 --> 00:25:12,480
May blackmailer na
pinangungunahan ang accountant

399
00:25:12,560 --> 00:25:16,720
sa pagpapadala ng pera sa bangko.
Ang kahera ang

400
00:25:16,800 --> 00:25:19,640
tumatanggap ng pera at pinapadala ito

401
00:25:19,720 --> 00:25:22,480
sa iba't ibang destinasyon sa mundo.

402
00:25:22,560 --> 00:25:26,320
Marubdob ang gawaing iyon at sumunod
lang kami nang hindi iniisip ang panganib.

403
00:25:26,400 --> 00:25:28,760
Para sa ibang tao,
naging mekanikal na lang ito.

404
00:25:33,520 --> 00:25:36,880
Sa totoo lang, tanda ni Gilbert
ang numero ng telepono ko,

405
00:25:36,960 --> 00:25:40,720
at minsan, tatawag siya upang sabihing

406
00:25:40,800 --> 00:25:43,920
"Hindi gumana ang pagtatangka kong ito."

407
00:25:44,000 --> 00:25:48,400
O kung umubra naman,

408
00:25:48,480 --> 00:25:51,600
tatawag siya upang sabihing:
"Naisahan kita."

409
00:25:51,680 --> 00:25:54,400
Parang ganito ang laro namin: "Ligtas ako,

410
00:25:54,480 --> 00:25:56,920
ginagawa ko pa rin ito,
at sinusubukan pa rin ninyo akong hulihin,

411
00:25:57,000 --> 00:26:00,040
pero hindi iyon mangyayari."
Kakaiba talaga.

412
00:26:00,120 --> 00:26:02,480
PAGDATING NG 2009, NAKATANGAY NA
SINA CHIKLI AT ANG MGA KASABWAT NIYA

413
00:26:02,560 --> 00:26:06,320
MALAPIT SA 60 MILYONG EURO

414
00:26:07,880 --> 00:26:10,360
Ako ang ikatlong kapatid.

415
00:26:12,240 --> 00:26:14,280
Mula nang ipinanganak siya,
pwede mo siyang iwan kahit saan

416
00:26:14,360 --> 00:26:16,320
at maitatawid niya ang sarili niya.
Hindi kami nag-alala sa kanya.

417
00:26:16,400 --> 00:26:20,680
Walang nag-alala tungkol sa kanya,
sigurado iyon.

418
00:26:26,200 --> 00:26:28,840
Nagsimula ang lahat sa Rue des Noués,
sa ika-20 distrito ng Paris.

419
00:26:29,720 --> 00:26:33,080
Isang maliit na lugar sa Belleville,
isang maliit na kalsada.

420
00:26:34,520 --> 00:26:38,640
Maliit na tirahan iyon na walang liguan,
walang banyon, wala…

421
00:26:39,720 --> 00:26:41,600
Mahirap ang buhay doon.
Wala kaming ibang magawa.

422
00:26:41,680 --> 00:26:42,960
Sa kasamaang palad, ganoon lang talaga.

423
00:26:44,560 --> 00:26:48,360
Nagtrabaho ang papa ko sa isang pagawaan
ng sasakyan, at ang mama ko

424
00:26:48,440 --> 00:26:52,040
wala siyang panahong magtrabaho dahil
lima ang anak niya. Hindi madali iyon.

425
00:26:52,600 --> 00:26:53,960
Naindintihan niya sa simula pa lang

426
00:26:54,040 --> 00:26:56,640
na may problema kami sa pera.

427
00:27:00,320 --> 00:27:02,880
Sa pamamagitan lang ng mga salita niya,
may kakayahan siyang

428
00:27:02,960 --> 00:27:04,840
umalis ng walang laman ang bulsa,
at umuwi ng puno ang mga ito.

429
00:27:05,600 --> 00:27:08,360
Walang limitasyon ang batang iyon.

430
00:27:09,960 --> 00:27:12,880
Napupuno na ang papa ko sa kanya

431
00:27:12,960 --> 00:27:16,520
at wala na siyang maisip na solusyon.
Kaya ginapos niya siya.

432
00:27:17,960 --> 00:27:19,520
Ginapos niya siya.

433
00:27:19,600 --> 00:27:22,280
Nakakatawa dahil ngayon, iisipin
ng iba na may sakit siya sa pag-iisip

434
00:27:22,360 --> 00:27:23,320
dahil wala nang nanggagapos
ng mga bata ngayon.

435
00:27:23,400 --> 00:27:26,320
Pero wala na siyang ibang solusyon.
Sobra ang kalikutan niya,

436
00:27:26,400 --> 00:27:28,000
hindi siya tumitigil.

437
00:27:28,760 --> 00:27:33,560
Nalaman niya na hindi lang siya magaling
sa pagsasalita, may talento rin siya.

438
00:27:34,240 --> 00:27:36,760
Alam niyang mahusay siya sa panghihikayat

439
00:27:36,840 --> 00:27:38,320
na kaya niyang gawin ang kahit anong
gustuhin niya, kahit kailan niya gustuhin.

440
00:27:40,800 --> 00:27:44,520
Malapit na malapit ako sa mama ko

441
00:27:44,600 --> 00:27:47,680
kinukunsinti niya ang lahat ng gawin ko,
at ginawa ko ang lahat para sa kanya.

442
00:27:49,360 --> 00:27:56,320
Madalas sabihin sa akin ng mama ko
na kailangan kong makibahagi sa lar

443
00:27:56,400 --> 00:28:00,160
at higit sa lahat, huwag maliitin
ang taong kausap ko.

444
00:28:02,200 --> 00:28:04,480
Ginawa niya ang lahat para sa mama niya.

445
00:28:05,360 --> 00:28:07,560
At gusto niyang pumunta sa casino.

446
00:28:07,640 --> 00:28:09,160
Mula noong bata pa siya,

447
00:28:09,240 --> 00:28:11,720
kapag natatalo ang mama niya sa casino,

448
00:28:11,800 --> 00:28:13,800
pupunta siya sa bahay ng mama niya
para bigyan siya ng pera.

449
00:28:15,040 --> 00:28:20,040
Sa tingin ko, kailangan na niyang
kumita mula pa nang pagkabata niya.

450
00:28:21,440 --> 00:28:22,920
Sinasabihan siya ng mama niya:

451
00:28:23,000 --> 00:28:25,440
"Bawat umaga, mayroon kang maloloko,
kailangan mo lang siyang hanapin."

452
00:28:26,720 --> 00:28:30,160
Hindi niya nakikita ang ibang tao
base sa mga mga posiyon nila

453
00:28:30,240 --> 00:28:34,000
sa estado sa lipunan, o sa pagkatao nila.

454
00:28:34,800 --> 00:28:37,760
Ito ay: "Maloloko ba kita?

455
00:28:37,840 --> 00:28:42,280
May paraan ba para ma-scam kita?
Kahit ano ka pa, makapangyarihan,

456
00:28:42,360 --> 00:28:46,680
hamak, simple." Iyan ang
nagtutulak sa kanya.

457
00:28:48,480 --> 00:28:51,360
Naghihintay kami. Naghihintay kaming
magkamali siya,

458
00:28:51,440 --> 00:28:54,000
maliit na bagay na makakapagpabuhay
ng imbestigasyon.

459
00:28:54,600 --> 00:28:57,880
Matindi na ang pressure mula sa puno
ng department namin.

460
00:29:00,560 --> 00:29:03,680
Isang araw, may natanggap kaming tawag.

461
00:29:03,760 --> 00:29:06,000
Nakilala ko agad ang boses ni Gilbert.

462
00:29:07,040 --> 00:29:09,880
At tulad ng dati, tinutuksyo niya ako:

463
00:29:09,960 --> 00:29:13,920
"Gumana na sa pagkakataong ito."

464
00:29:14,800 --> 00:29:18,600
Oo. Sa kabuuang halaga na 11 milyong euro.

465
00:29:21,880 --> 00:29:25,480
Tinawagan ko ang kontak ko
sa American Express.

466
00:29:25,560 --> 00:29:27,680
Ang sabi niya sa akin,
"Ang mga bank transfer

467
00:29:27,760 --> 00:29:31,240
ay pinapalitan na ng
American Express Traveler's Cheques.

468
00:29:31,800 --> 00:29:35,520
Ang mga tseke ay nasa isang pakete,

469
00:29:35,600 --> 00:29:41,120
at ang paketeng ito ay dadaan sa DHL
at ipapadala sa Tel Aviv sa isang linggo.

470
00:29:46,800 --> 00:29:48,000
OPISYAL NG KAPULISANG HUDISYAL

471
00:29:48,080 --> 00:29:49,920
Sabihin mo kung handa ka na, Dominic.

472
00:29:52,720 --> 00:29:53,560
Handa ka na?

473
00:29:54,920 --> 00:29:55,760
Handa na.

474
00:29:55,840 --> 00:29:58,200
DAVID KATZ
PINUNO NG BRIGADA SA CYBERCRIME NG ISRAEL

475
00:29:59,840 --> 00:30:03,520
Nakaupo ako sa opisina ko,
karaniwang araw lang,

476
00:30:03,600 --> 00:30:07,440
nang makatanggap ako ng tawag mula sa
katrabaho ko sa Israeli Customs Service.

477
00:30:07,520 --> 00:30:09,720
Ang sabi niya: "Makinig ka, David,

478
00:30:09,800 --> 00:30:11,680
may sitwasyon dito sa airport,

479
00:30:11,760 --> 00:30:13,760
may kinumpiska kaming pakete,

480
00:30:13,840 --> 00:30:15,880
isang pakete ng FedEx na naglalaman

481
00:30:15,960 --> 00:30:21,800
ng Traveller's Cheques na nagkakahalagang
1.2 milyong dolyar mula sa Mexico."

482
00:30:21,880 --> 00:30:25,760
Nakita ko ang destinasyon
at ang pangalan ay "Chikli."

483
00:30:27,520 --> 00:30:29,480
Tiningnan namin ang database
at nakita namin

484
00:30:29,560 --> 00:30:31,520
na dalawa ang nasyonalidad niya.

485
00:30:33,240 --> 00:30:37,480
Ang una kong naisip gawin ay
tawagan ang mga kasamahan kong Pranses

486
00:30:37,560 --> 00:30:39,680
upang alamin kung sino itong
si Gilbert Chikli.

487
00:30:39,760 --> 00:30:44,040
Naintindihan ko na may
mas malaki pang nagaganap

488
00:30:44,120 --> 00:30:48,360
kaysa sa 1.2 milyong dolyar
sa kaso na ito.

489
00:30:50,240 --> 00:30:54,400
Nilagyan namin ng bug ang pakete
para marekord namin ang mga pag-uusap.

490
00:30:59,440 --> 00:31:01,200
Itinalaga ko ang isa sa mga detective ko.

491
00:31:01,280 --> 00:31:03,840
Sinuotan namin siya ng uniporme
ng kompanyang naghahatid mga padala,

492
00:31:03,920 --> 00:31:05,080
binigay namin sa kanya ang pakete

493
00:31:05,160 --> 00:31:08,960
at pinadala nami siya sa Ashdod
upang ihatid ito.

494
00:31:12,520 --> 00:31:16,440
Nangangamba kami dahil alam namin na kung
hindi naisagawa ng tama ang pag-aabot,

495
00:31:16,520 --> 00:31:22,600
hindi namin maidadawit ang suspek
na si Mr. Chikli sa mga panloloko.

496
00:31:22,680 --> 00:31:26,200
Alam rin namin na minsan lang
ang pagkakataong ito.

497
00:31:30,680 --> 00:31:33,280
Isang araw, nasa bahay kami ni Gilbert.

498
00:31:33,360 --> 00:31:35,040
May hinihintay siyang padala
galing sa Mexico.

499
00:31:35,960 --> 00:31:38,880
Naroon kami lahat, ang asawa niya, ako,

500
00:31:38,960 --> 00:31:40,560
pero hindi namin alam
kung ano'ng nangyayari.

501
00:31:42,520 --> 00:31:45,400
Nang makita niya ang isang tao
na lumapit sa bahay at kumatok,

502
00:31:45,480 --> 00:31:47,280
binuksan niya ang pinto
at nakita niya na may mali.

503
00:31:47,360 --> 00:31:49,280
Naramdaman niyang may mali sa taong ito

504
00:31:49,360 --> 00:31:54,680
na nagbigay sa kanya ng pakete.
Nakita niya kung saan ito nanggaling,

505
00:31:54,760 --> 00:31:57,560
kaya tinawagan niya ang UPS:
"Hindi ito para sa akin. May pinadala kayo

506
00:31:57,640 --> 00:32:01,120
na hindi akin. Hindi ko alam kung
para kanino ito, kaya kunin na ninyo."

507
00:32:02,400 --> 00:32:04,560
Alam namin na hindi tama
ang nangyayari dito.

508
00:32:06,000 --> 00:32:07,600
703.

509
00:32:08,680 --> 00:32:10,280
Para sa akin, ito na ang pagkakataon

510
00:32:10,360 --> 00:32:15,160
para iutos sa mga pulis na pasukin
ang bahay at gawin ang pag-aresto.

511
00:32:20,240 --> 00:32:22,640
At nagsimula na.
Pumasok sa bahay ang mga aso,

512
00:32:22,720 --> 00:32:23,840
sinuri nila ang aquarium.

513
00:32:24,800 --> 00:32:29,920
Naghalughog ang mga pulis at nakakita sila
ng dalawa dito, tatlo doon, isa ditok

514
00:32:30,000 --> 00:32:32,440
sa lahat, may mga 10 telepono.
Tinanong nila: "Ano ang mga ito?"

515
00:32:32,520 --> 00:32:35,920
Ang sabi niya, "Kolektor ako." Pwede ba?

516
00:32:36,880 --> 00:32:38,640
Nagawa namin ang misyon namin
patungkol sa kanya.

517
00:32:39,760 --> 00:32:42,120
-Masaya ba sa pakiramdam.
-Masayang masaya.

518
00:32:44,040 --> 00:32:46,080
Ang pangunahing suspek, si Gilbert Chikli,

519
00:32:46,160 --> 00:32:49,160
sa panloloko sa mga bangko
at iba pang mga negosyo.

520
00:32:51,480 --> 00:32:55,080
Wala silang ebidensya, gusto nila kaming
damputin, at hindi namin alam kung bakit.

521
00:32:55,160 --> 00:32:57,360
Hindi naantig si Judge Ezra Kama,

522
00:32:57,440 --> 00:32:59,800
at nagpasiya siyang maaring pabalikin
sa pinagmulang bansa si Gilbert Chikli.

523
00:32:59,880 --> 00:33:02,280
Sinisira nila ang mga buhay namin

524
00:33:03,120 --> 00:33:07,720
dahil lang sa kalokohang kuwento. Hindi ko
alam kung sino ang nag-imbento nito.

525
00:33:08,800 --> 00:33:12,280
Hindi ko alam ang gagawin ko,
o kung ano'ng nangyayari.

526
00:33:13,640 --> 00:33:18,360
Buntis ako noon, at mag-isa ako
sa buong pagbubuntis ko.

527
00:33:18,880 --> 00:33:21,880
Masama ang kalagayan ko noon,

528
00:33:21,960 --> 00:33:24,760
araw-araw na umiiyak habang nakatabi
sa akin ang telepono ko

529
00:33:24,840 --> 00:33:26,400
naghihintay na tawagan niya ako.

530
00:33:26,480 --> 00:33:27,920
Dahil sa lahat ng ginawa niya
para sa akin,

531
00:33:28,000 --> 00:33:29,600
Sinabi ko: "Buong buhay ko,
nandito ako para sa iyo."

532
00:33:32,920 --> 00:33:35,760
Ang artist ay parang isang ibon.

533
00:33:35,840 --> 00:33:39,120
Kapag lumipad ito,
hindi mo na ito mahuhuli.

534
00:33:41,040 --> 00:33:44,040
Hindi natatakot si Gilbert Chikli
sa mga kinauukulan.

535
00:33:45,280 --> 00:33:49,120
Dalawampung buwan siyang nakulong
at pagkatapos ay nakapagpiyansiya siya.

536
00:33:49,840 --> 00:33:52,880
Lumapit siya sa isang producer ng pelikula

537
00:33:53,960 --> 00:33:58,600
at inalok niya sa kanya ang karapatan
para ikuwento ang buhay niya.

538
00:33:59,600 --> 00:34:01,840
Pumayag ang producer.

539
00:34:01,920 --> 00:34:06,360
Madali niya sigurong napapaniwala,
tulad ng ginawa niya sa naloko niya.

540
00:34:06,440 --> 00:34:11,880
Binayaran ng producer ang piyansa niya,

541
00:34:11,960 --> 00:34:15,120
at naglaho si Gilbert
pagkatapos ng ilang araw.

542
00:34:15,679 --> 00:34:17,560
NOONG 2009, HINDI NASUNOD NI CHIKLI

543
00:34:17,639 --> 00:34:18,880
ANG MGA KONDISYON NG KANYANG PAGPIYANSA.

544
00:34:18,960 --> 00:34:21,679
BUMALIK SIYA SA ISRAEL GAMIT ANG
LIHIM NIYANG ISRAELI NA PASAPORTE.

545
00:34:21,760 --> 00:34:25,960
HINDI NAGTAGAL, NAGING CONSULTANT
SIYA PARA SA PELIKULA.

546
00:34:26,639 --> 00:34:28,719
Magkano pa ang nasa account?

547
00:34:28,800 --> 00:34:30,080
400 milyong euro.

548
00:34:30,159 --> 00:34:32,360
Sa tingin mo ba, kaya mo ito?

549
00:34:32,440 --> 00:34:33,960
Madali niya silang paikot-ikutin.

550
00:34:34,040 --> 00:34:36,040
-Magandang desisyon ang paglapit sa iyo.
-Salamat.

551
00:34:37,920 --> 00:34:39,000
Huwag mong sabihin sa mama mo.

552
00:34:39,080 --> 00:34:42,679
Magaling ang pagganap
ni Vincent Elbaz sa kanya.

553
00:34:42,760 --> 00:34:45,360
Pumupunta siya sa bahay namin
para makita si Gilbert,

554
00:34:45,440 --> 00:34:48,960
ang mga galaw niya,
at halos nakopya naman niya.

555
00:34:49,920 --> 00:34:54,560
Nakausap ko ulit siya telepono
noong unang ipinalabas ang pelikula.

556
00:34:55,159 --> 00:34:57,159
-Tumawag siya sa unang pagpapalabas?
-Tama.

557
00:34:57,239 --> 00:35:00,080
Inimbitahan ako ng producer
na dumalo sa unang pagpapalabas.

558
00:35:00,159 --> 00:35:02,600
Pagkatapos ng pagpapalabas,
tinawagan niya ako.

559
00:35:03,200 --> 00:35:04,160
Ano ang sinabi niya?

560
00:35:04,840 --> 00:35:07,000
Ang sabi niya, nasa Israel siya.

561
00:35:07,080 --> 00:35:10,040
Ang sabi ko:
"Sayang, pumunta ka sana."

562
00:35:10,120 --> 00:35:13,080
Sumagot siya: "Hindi, dahil

563
00:35:13,160 --> 00:35:16,880
may internasyonal na warrant
para arestuhin ako. Dapat sinabi mo!"

564
00:35:16,960 --> 00:35:19,080
-Pambihira.
-Totoo.

565
00:35:19,640 --> 00:35:24,520
SA KABILA NG PAGLIBAN NIYA, NATULOY
ANG PAGLILITIS KAY CHIKLI SA PARIS

566
00:35:25,680 --> 00:35:27,320
Nandoon ako sa buong paglilitis.

567
00:35:27,400 --> 00:35:30,680
Maraming taong naroon, pero wala

568
00:35:30,760 --> 00:35:35,440
ang pangunahing smammer na gustong
marinig ng lahat, si Gilbert Chikli.

569
00:35:35,520 --> 00:35:38,920
Pero bigla na lang may dumating na babae,

570
00:35:39,840 --> 00:35:42,240
at kinuhanan namin siya
kahit hindi namin alam kung sino siya.

571
00:35:42,320 --> 00:35:47,080
Magarbo ang pananamit niya, nakasuot ng
fur coat, at malaking Ray-Ban na salamin.

572
00:35:48,120 --> 00:35:51,200
Bakit mo kinukuhanan ang kaso namin?
Ano ang motibo mo?

573
00:35:51,280 --> 00:35:52,480
Okay, walang problema.

574
00:35:52,560 --> 00:35:54,080
Ako ang imbestigador mula sa…

575
00:35:54,160 --> 00:35:59,080
Ako ang dating asawa ng taong iyon,
si Gilbert Chikli. Itigil na ninyo iyan.

576
00:35:59,720 --> 00:36:01,440
Ako ang tunay na biktima sa kasong ito.

577
00:36:02,040 --> 00:36:06,240
Patuloy nilang ginawa iyon, nang wala ako,
at hindi nila ako binigyan ng komisyon.

578
00:36:06,320 --> 00:36:10,080
Ako ang biktima.
Walang biktima dito, ako lang.

579
00:36:11,480 --> 00:36:14,520
Naiintindihan ko kung sino ang
ang mga abogado nila

580
00:36:14,600 --> 00:36:18,960
at sinusubukan kong makausap si
Mr. Kaminski, abogado ni Gilbert Chikli.

581
00:36:20,520 --> 00:36:22,880
Pero tuwing may break sa paglilitis,

582
00:36:22,960 --> 00:36:25,320
lagi siyang may kausap sa telepono,

583
00:36:25,400 --> 00:36:29,840
laging apurado, at may katabi ako
na nagsabi sa akin:

584
00:36:29,920 --> 00:36:32,560
"Si Gilbert ang kausap niya."

585
00:36:34,760 --> 00:36:38,040
Gustong-gusto ni Chikli
na maging bahagi no'n.

586
00:36:38,720 --> 00:36:42,280
Dahil hindi niya matiis na
may palabas at hindi siya kasama.

587
00:36:42,360 --> 00:36:44,040
Palabas niya ito,
at wala siya sa entablado.

588
00:36:44,120 --> 00:36:46,800
Wala siya roon upang ipagtanggol ang
sarili niya. Si Kaminski ang gumawa noon.

589
00:36:48,800 --> 00:36:51,240
Mahirap bang ipagtanggol siya?

590
00:36:51,320 --> 00:36:53,640
Lahat naman ng kriminal na depensa
ay mahirap.

591
00:36:53,720 --> 00:36:58,000
Pero mahusay siyang scammer sa telepono,

592
00:36:58,080 --> 00:37:01,760
siguro isa siya sa tatlong nangunguna,

593
00:37:02,320 --> 00:37:03,440
at marahil ang pinakamagaling.

594
00:37:03,520 --> 00:37:06,040
Sa antas niya, isa siyang henyo.

595
00:37:06,120 --> 00:37:09,120
Isang henyong Pranses,

596
00:37:09,960 --> 00:37:12,280
maaring may mga kriminal siyang kaso,
pero isang henyo.

597
00:37:12,840 --> 00:37:15,520
Sa tingin mo ba, tatawagin siyang henyo
ng mga biktima niya?

598
00:37:15,600 --> 00:37:18,800
Sa tingin ko, para sa mga biktima

599
00:37:19,400 --> 00:37:22,840
ang pinakamasakit ay ang kahihiyan.

600
00:37:22,920 --> 00:37:26,880
Ang kahihiyan na naloko sila ng taong
hindi man lang nakapagkolehiyo

601
00:37:26,960 --> 00:37:28,360
at kung alam lang nila na

602
00:37:28,440 --> 00:37:31,640
ang isang taong lumaki sa isa sa mga
pinakamahihirap na lugar sa Paris,

603
00:37:31,720 --> 00:37:33,600
ang dumampot lamang ng telepono

604
00:37:33,680 --> 00:37:35,360
at sa pagdampot niyang iyon

605
00:37:35,440 --> 00:37:37,680
ay nakapangulimbat
ng milyon-milyon sa kanila.

606
00:37:38,760 --> 00:37:41,600
Sino ang tanga?

607
00:37:42,200 --> 00:37:43,280
Ang mga biktima!

608
00:37:44,600 --> 00:37:46,600
Ang mga biktima ang siyang mga tanga!

609
00:37:46,680 --> 00:37:48,600
Pero namanipula niya sila.

610
00:37:49,960 --> 00:37:53,840
At namanipula niya sila
dahil mga tanga sila!

611
00:37:54,800 --> 00:37:56,960
Hindi natin dapat ito kalimutan,
at hindi dapat baluktutin ang kwento.

612
00:37:59,480 --> 00:38:00,960
HUKUMAN

613
00:38:01,040 --> 00:38:02,880
Nasa gitna si Gilbert Chikli
sa lahat ng nasabi, sa lahat ng oras.

614
00:38:02,960 --> 00:38:04,920
Wala nga siya rito, pero narito siya.
Pinasok niya ang silid na ito.

615
00:38:05,440 --> 00:38:07,200
Wala siya rito, pero siya lang
ang pinag-uusapan ng lahat.

616
00:38:07,280 --> 00:38:10,840
Siya lang talaga ang nasa gitna
ng paglilitis na ito.

617
00:38:12,120 --> 00:38:15,440
At oo, gusto ko siyang makilala.
Mahalaga para sa akin na makilala siya.

618
00:38:17,520 --> 00:38:21,040
ISRAEL

619
00:38:21,640 --> 00:38:26,400
Tumungko kami ng Isreal
nang walang kasiguruhan.

620
00:38:26,480 --> 00:38:27,920
Address niya lang ang hawak ko,

621
00:38:29,880 --> 00:38:32,800
at ang akala ko ay kailangan kong
pumunta doon at kumatok sa pinto niya.

622
00:38:37,360 --> 00:38:39,440
Dumating kami, naghintay

623
00:38:40,440 --> 00:38:43,880
at kakatok na sana kami nang
makarating siya sa kant.

624
00:38:44,600 --> 00:38:46,920
Ang sabi niya: "Sino ka?
Ano ang ginagawa mo dito?"

625
00:38:47,000 --> 00:38:48,600
Nakita niya ang camera sa paanan namin.

626
00:38:49,280 --> 00:38:51,480
Kaya sinabi kong isa akong
mamamahayag mula sa France 2.

627
00:38:52,480 --> 00:38:55,120
Tara, tumuloy kayo.
Hindi ko kayo iiwan dito sa may pinto.

628
00:38:55,200 --> 00:38:57,560
Siyempre, si Gilbert,
alam niya ang bahay na ito.

629
00:38:57,640 --> 00:38:58,960
Tumumoy kami at naupo.

630
00:38:59,040 --> 00:39:03,120
Iinom ako, maliit na baso
ng whiskey, dahil…

631
00:39:03,720 --> 00:39:05,040
Gilbert…

632
00:39:05,120 --> 00:39:06,440
Gusto ko ang whiskey.

633
00:39:06,520 --> 00:39:09,680
Ang pikikutungo niya sa akin at tulad
ng pakikitungo niya sa mga biktima niya.

634
00:39:09,760 --> 00:39:13,240
Pinakikiramdaman niya
kung sino ang nasa harap niya.

635
00:39:13,840 --> 00:39:16,880
Agad niyang naintindihan
na naaawa ako sa mga biktima.

636
00:39:16,960 --> 00:39:20,360
Kaya nang nagsimula ang panayam,
agad niyang binanggit ang paksang iyon,

637
00:39:20,440 --> 00:39:24,480
inamin niya ang pananagutan niya.
Habang nakatingin sa mata ko, sabi niya:

638
00:39:24,560 --> 00:39:28,520
"Una sa lahat, gusto kong humingi
ng tawad sa lahat ng mga biktima."

639
00:39:28,600 --> 00:39:32,560
Sa kasamang palad, napakabigat
ng naging pagdurusa nila.

640
00:39:32,640 --> 00:39:35,640
Humihingi ako ng tawad,

641
00:39:35,720 --> 00:39:38,560
at pinagsisisihan ko
ang nangyari sa mga biktima.

642
00:39:40,000 --> 00:39:43,160
Habang kinakapanayam ko siya,
naisip ko, "Mautak siya."

643
00:39:43,240 --> 00:39:47,000
Dahil naramdaman niya agad kung sino ako.

644
00:39:47,080 --> 00:39:51,880
Laro lang iyon, nakakatawa.
Pagkatapos, naisip ko na hindi pala.

645
00:39:52,840 --> 00:39:56,040
May punto sa panayam
na bigla na lang niyang sinabi:

646
00:39:56,120 --> 00:39:59,120
"Kakantahan ko kayo."

647
00:39:59,200 --> 00:40:00,880
Wala pa akong 20 taon

648
00:40:02,200 --> 00:40:04,160
Pagsasaya lang ang iniisip ko

649
00:40:04,880 --> 00:40:07,280
Nabubuhay ako sa kasalukuyan

650
00:40:07,360 --> 00:40:09,040
Hindi iniisip ang kinabukasan

651
00:40:09,120 --> 00:40:10,120
Nagsimula siyang magkanta
ng mga awin ni Aznavour.

652
00:40:10,200 --> 00:40:14,000
Sabi niya: "Ah, La Bohème,
Paris, Montmartre, La Bohème."

653
00:40:14,080 --> 00:40:18,000
Maganda ang boses niya
sa pagkanta. Magaspang at maganda.

654
00:40:18,080 --> 00:40:20,600
Hindi ko iniisip ang kinabukasan

655
00:40:20,680 --> 00:40:23,520
Galing ito sa akin, sinulat ko ito.

656
00:40:24,240 --> 00:40:27,080
Para lang alam ninyo…

657
00:40:28,120 --> 00:40:29,880
Nililingon niya kami paminsan-minsan.

658
00:40:30,880 --> 00:40:33,920
Kaya alam na alam niya
kung anong ginagawa niya noon.

659
00:40:34,000 --> 00:40:38,080
Alam niyang nagtatanghal siya
para sa amin.

660
00:40:42,800 --> 00:40:44,080
Nang-aakit si Gilbert, sa lahat ng oras.

661
00:40:46,000 --> 00:40:47,440
Gusto niya laging manalo.

662
00:40:47,520 --> 00:40:50,200
Itong lalaki sa harap ko,
sa tingin ko

663
00:40:50,280 --> 00:40:53,080
hindi pa siya tumigil sa pagiging scammer.

664
00:40:53,160 --> 00:40:56,160
Pakiramdam ko, hindi siya kailanman
titigil. Nabubuya siya para dito.

665
00:40:59,800 --> 00:41:01,320
Nang umalis ako sa bahay na iyon,

666
00:41:01,400 --> 00:41:06,080
iniisip ko: "Ano ang susunod niyang galaw?
Ano ang susunod niyang gagawin?"

667
00:41:07,840 --> 00:41:11,280
Ang totoo, may pinaghahandaan siyang
mas malaki pa.

668
00:41:14,840 --> 00:41:18,080
Takot ang mga tao sa hindi nila alam.

669
00:41:19,440 --> 00:41:22,680
Ang mapusok, hindi napipigilan
ng kahit ano, hindi natatakot

670
00:41:22,760 --> 00:41:27,560
maging kung ano ang gusto niyang maging.
Iyon ang ibig sabihin ng pagiging mapusok.

671
00:41:30,600 --> 00:41:32,560
PARIS, 2015

672
00:41:32,640 --> 00:41:34,800
Ito ang Soir 3 weekend,

673
00:41:34,880 --> 00:41:38,000
pagkatapos ng tatlong sabay-sabay
na pag-atake ngayong gabi.

674
00:41:39,960 --> 00:41:42,040
Ito ay isang malagim na taon
ng terorismo dito sa France.

675
00:41:43,000 --> 00:41:45,760
Mararamdaman ang pagiging makabayan
na nabubuhay sa mga kalsada.

676
00:41:46,800 --> 00:41:51,160
Ang banta ng pananakot at terorismo
ay dama kahit saan.

677
00:41:52,560 --> 00:41:54,360
Dama ito sa kapaligiran ngayon.

678
00:41:56,400 --> 00:41:59,360
May mga Pranses na bihag sa Syria,

679
00:41:59,440 --> 00:42:02,040
sa Mali, ng mga terorista.

680
00:42:03,240 --> 00:42:04,320
Ang takot

681
00:42:04,400 --> 00:42:06,400
ay kahinaan.

682
00:42:07,240 --> 00:42:09,840
At ito ang karaniwang
sinasamantala ni Gilbert Chikli.

683
00:42:12,240 --> 00:42:15,920
Sa tingin ko, para sa kanya, hindi sapat

684
00:42:16,000 --> 00:42:17,920
ang isang tawag para makakumbinsi.

685
00:42:18,000 --> 00:42:22,600
Dapat niyang gawing mas kapani-paniwala
ang kuwento at pagkatao niya.

686
00:42:22,680 --> 00:42:25,200
Para magawa ito, mabisa
na may maipakita siya.

687
00:42:28,800 --> 00:42:32,200
Dapat paniwalaan siya. Kailangan niyang
humanap ng mahalagang ministro,

688
00:42:32,280 --> 00:42:34,200
pero hindi ang Pangulo.

689
00:42:35,840 --> 00:42:38,560
Si Jean-Yves Le Drian
ay Ministro ng Depensa,

690
00:42:38,640 --> 00:42:40,680
ang ikalawang pinakaimportanteng
tao sa bansa

691
00:42:41,520 --> 00:42:44,200
hawak niya ang mga hukho,
pati na rin ang mga hangganan ng bansa.

692
00:42:44,280 --> 00:42:47,400
Una sa lahat, tayo ay nasa
pambihirang sitwasyon

693
00:42:48,440 --> 00:42:52,760
pagdating sa mga operasyon,
mga banta, at tunggalian.

694
00:42:53,840 --> 00:42:56,640
Gayon pa man, nagpadala ako
ng mga litrato niya.

695
00:42:56,720 --> 00:43:01,840
Kailangan natin ng ganap na pagkakahawig.
At gawa sa plastic, kuha mo?

696
00:43:03,640 --> 00:43:04,920
Latex o kaya ay silicone.

697
00:43:05,840 --> 00:43:08,200
Kahit na hindi ito suot,
dapat alam na siya iyon.

698
00:43:10,200 --> 00:43:14,000
At dahil madalas itong isusuot
at tatanggalin, hindi ito dapat mapunit.

699
00:43:14,560 --> 00:43:17,760
Dapat bukas lang ang bibig. Iyon lang.

700
00:43:19,400 --> 00:43:21,480
Napakasimple lang.

701
00:43:22,880 --> 00:43:24,720
Salamat, mahal.

702
00:43:31,680 --> 00:43:35,160
SAINT-ÉMILION, 2017

703
00:43:36,800 --> 00:43:38,640
Ako is Guy-Petrus Lignac,

704
00:43:39,440 --> 00:43:43,760
ako ang may-ari ng Grand Cru Classé
Saint-Emilion na Château Guadet.

705
00:43:44,800 --> 00:43:47,680
CHÂTEAU GUADET

706
00:43:47,760 --> 00:43:52,360
Marami nang mga punong ministro
ang bumisita sa lugar na ito,

707
00:43:52,440 --> 00:43:55,000
mga embahador, mga konsul,

708
00:43:55,080 --> 00:43:59,160
kaya hindi na bago sa akin ang tumangap
ng tawag mula sa mga kilalang tao.

709
00:44:02,000 --> 00:44:03,560
Ika-23 ng Enero noon,

710
00:44:04,880 --> 00:44:09,120
ala-una ng hapon

711
00:44:09,680 --> 00:44:11,600
at nakatanggap ako ng tawag.

712
00:44:15,680 --> 00:44:19,400
May taong nagsasabi sa akin:

713
00:44:19,480 --> 00:44:23,640
Ako ang sekretarya ng Ministro Le Drian,

714
00:44:24,680 --> 00:44:26,120
gusto ka niyang makausap,

715
00:44:26,840 --> 00:44:29,400
pero iginigiit niya
na dapat walang ibang tao

716
00:44:30,360 --> 00:44:33,960
ang makarinig o makaalam
ng pag-uusapan ninyo.

717
00:44:34,040 --> 00:44:35,800
Kakausapin ka niya sa Skype."

718
00:44:37,160 --> 00:44:40,320
Nagulat ako, pero bakit hindi,

719
00:44:40,400 --> 00:44:42,680
at ibinaba namin ang telepono.

720
00:44:42,760 --> 00:44:46,720
Wala akong ideya kung ano
ang kailangan sa akin ng ministro.

721
00:44:52,440 --> 00:44:53,680
Pinindot ko ang buton.

722
00:44:55,320 --> 00:45:01,120
Nakikita ko si Minsitro Le Drian
sa harap ko,

723
00:45:04,160 --> 00:45:05,800
Alam ko ang mukha niya,

724
00:45:05,880 --> 00:45:08,880
lagi ko siyang nakikita sa telebisyon.

725
00:45:08,960 --> 00:45:12,160
Kahit malayo siya sa akin

726
00:45:13,200 --> 00:45:15,200
alam kong mukha iyon ng ministro.

727
00:45:16,880 --> 00:45:19,880
Tinawag niya ako sa pangalan ko.
Kontrolado ang boses niya,

728
00:45:20,880 --> 00:45:22,360
boses ng taong sigurado sa sarili niya.

729
00:45:25,560 --> 00:45:28,920
Sabi ni Minstro Le Drian sa akin:
"Mr. Guy-Petrus Lignac,

730
00:45:29,840 --> 00:45:33,840
May napakahalaga akong misyon para sa iyo.

731
00:45:35,160 --> 00:45:37,720
Maaari ba kitang pagkatiwalaan?"

732
00:45:39,080 --> 00:45:42,520
Sumagot ako: "Oo, sir,
mapagkakatiwalaan mo ako."

733
00:45:42,600 --> 00:45:47,600
Ang sabi niya, may mga
bihag na Pranses sa Mali,

734
00:45:47,680 --> 00:45:51,520
at humihingi sila ng ransom
mula sa pamahalaan ng France.

735
00:45:55,240 --> 00:45:57,880
Kailangan namin silang iligtas mula roon.

736
00:45:58,960 --> 00:46:02,640
Pero ipinaliwanag niya na ang
pamahalaan ng France

737
00:46:02,720 --> 00:46:04,960
ay hindi kailanman nagbabayad ng ransom.

738
00:46:07,200 --> 00:46:08,960
"Kaya kailangan ko ang tulong mo.

739
00:46:10,240 --> 00:46:12,880
At kailangan ko
ng malaking halagang pera."

740
00:46:14,840 --> 00:46:19,000
Huwag kang mag-alala,
maibabalik sa iyo ang pera mo.

741
00:46:21,240 --> 00:46:23,520
Hindi ka bibiguin ng estado ng France."

742
00:46:33,160 --> 00:46:36,120
Ang pinakaangkop na taong
makapagpapalaya sa mga bihag

743
00:46:36,200 --> 00:46:38,560
ay ang Ministro ng Depensa.

744
00:46:39,720 --> 00:46:42,360
Ako si Delphine Meillet,
Abogado ako sa Paris Bar.

745
00:46:42,440 --> 00:46:44,760
Eksperto ako sa
pagnanakaw ng pagkakakilanlan.

746
00:46:46,920 --> 00:46:48,760
Malinaw ang lahat
tungkol kay Jean-Yves Le Drian,

747
00:46:48,840 --> 00:46:54,440
walang bahid ang imahe niya.

748
00:46:55,240 --> 00:46:58,880
Respetado siyang politiko.

749
00:47:00,640 --> 00:47:03,760
Isang taong tunay na naglilingkod at
nagtataguyod ng mga interes ng bansa

750
00:47:03,840 --> 00:47:04,920
nang matagal na panahon na.

751
00:47:05,000 --> 00:47:06,880
Karapat-dapat siyang maging ministro.

752
00:47:08,800 --> 00:47:12,400
Kapag nakatanggap ka ng tawag mula kay
Ministro Jean-Yves Le Drian,

753
00:47:13,080 --> 00:47:16,080
isang karangalan iyon.

754
00:47:27,720 --> 00:47:28,960
Hello?

755
00:47:29,040 --> 00:47:30,880
Magandang umaga, Kamahalan.
Kumusta po kayo?

756
00:47:30,960 --> 00:47:32,040
Oo, hello.

757
00:47:32,120 --> 00:47:32,960
AUGUST 16, 2016:
REKORD NG TAWAG SA AGA KHAN

758
00:47:33,040 --> 00:47:36,000
Hello. Nag-iisa ka ba ngayon?

759
00:47:36,080 --> 00:47:37,000
Hindi.

760
00:47:37,560 --> 00:47:39,680
Sige, gusto mo bang
tumawag na lang ako ulit mamaya?

761
00:47:39,760 --> 00:47:40,680
Oo.

762
00:47:42,440 --> 00:47:44,800
Ang CEO na scam,

763
00:47:44,880 --> 00:47:48,920
ang target nito ay ang mga taong
nasa panggitnang posisyon sa kompanya.

764
00:47:51,280 --> 00:47:53,520
Noong 2015, nag-iba siya ng mga target.

765
00:47:54,160 --> 00:47:57,280
Ngayon, ang mga target niya
ay mga matataas na uri ng tao.

766
00:47:57,360 --> 00:48:02,400
Mga VIP na may mahahalaga
at matataas na tungkulin

767
00:48:02,480 --> 00:48:03,720
at maraming pera.

768
00:48:06,720 --> 00:48:09,720
Ang Aga Khan ay isang bilyonaryo,
isang prinsipe

769
00:48:09,800 --> 00:48:15,960
isang espirituwal na pinuno ng komunidad
ng mga Shiite Muslim, ang mga Ismaili.

770
00:48:16,040 --> 00:48:19,440
Para sa mga taong ito, ang Aga Khan
ang kanilang Papa. Literal.

771
00:48:19,520 --> 00:48:20,840
Inisip ni Gilbert Chikli:

772
00:48:21,680 --> 00:48:24,040
"Pupuntiryahin ko ang Papa,
walang problema."

773
00:48:26,240 --> 00:48:27,080
Hello?

774
00:48:27,160 --> 00:48:29,400
Kamahalan, ako itong muli.

775
00:48:29,480 --> 00:48:33,400
ITINATANGGI NI GILBERT CHIKLI NA SIYA IYON

776
00:48:33,480 --> 00:48:37,160
Maaari mo bang makuha ang impormasyong ito
pagkatapos ng ilang minuto?

777
00:48:37,240 --> 00:48:41,200
Dahil bukas ay tatapusin na namin ito,
at gusto ko nang isara ang kaso.

778
00:48:41,280 --> 00:48:44,480
Hindi ko alam kung gaano ito katagal.

779
00:48:44,560 --> 00:48:48,040
Pero tawagan mo ang bangko mo,
masasabi nila ito sayo nang tuwiran.

780
00:48:48,120 --> 00:48:51,760
Nasa akin ang numero mo
para matawagan kita, tama?

781
00:48:51,840 --> 00:48:53,000
Tama. Napakahalaga na

782
00:48:53,080 --> 00:48:55,960
ipadala mo sa akin ang buong halaga,
naiintindihan mo ba?

783
00:48:56,040 --> 00:49:00,360
Oo, naiintindihan ko.
Aasikasuhin ko na agad.

784
00:49:02,680 --> 00:49:06,560
Mabibigyan kita ng 5.8.

785
00:49:06,640 --> 00:49:08,520
Oo, tama.

786
00:49:08,600 --> 00:49:09,880
4.8 million.

787
00:49:10,480 --> 00:49:11,800
Tama.

788
00:49:11,880 --> 00:49:13,040
At 4 na milyon.

789
00:49:16,240 --> 00:49:18,560
Para sa ikabubuti mo ito, Kamahalan.

790
00:49:18,640 --> 00:49:19,680
Okay.

791
00:49:21,000 --> 00:49:24,680
Titingnan ko kung
matatawagan ko ang banko.

792
00:49:24,760 --> 00:49:28,640
Mabuti. Salamat.

793
00:49:30,240 --> 00:49:31,600
SA LOOB NG TATLONG ARAW

794
00:49:31,680 --> 00:49:34,200
NAKAPAGPADALA ANG AGA KHAN
NANG HIGIT 20 MILYONG EURO

795
00:49:34,280 --> 00:49:37,560
SA ACCOUNT NG TAONG TUMAWAG.

796
00:49:37,640 --> 00:49:40,560
20 MILYONG EURO

797
00:49:43,920 --> 00:49:48,640
Ang pagiging malikhain ay isang bagay
na ginagawa mo. Lumilikha ka

798
00:49:48,720 --> 00:49:50,480
ng isang bagay na hindi pa nagagawa dati.

799
00:49:53,200 --> 00:49:55,040
Gusto kong magtagumpay.

800
00:49:55,120 --> 00:49:57,840
Sa isip ko, hindi ako scammer.

801
00:49:57,920 --> 00:50:01,240
Isa akong tao
na may kakayahang mangumbinsi.

802
00:50:01,320 --> 00:50:04,120
Iyon lang. Walang labis, walang kulang.

803
00:50:07,480 --> 00:50:11,040
Ginagamit niya ang kapangyarihan
ng estado ng France,

804
00:50:11,120 --> 00:50:14,200
ang imahe at awtoridad
ng ministro sa telepono.

805
00:50:15,360 --> 00:50:20,400
Ipaparamdam rin niya sa iyo na isang
karangalan ang matawagan ng ministro,

806
00:50:20,480 --> 00:50:24,040
dahil ang ibig sabihin nito ay
mapagkakatiwalaaan ka sa isang lihim.

807
00:50:24,120 --> 00:50:29,360
Maraming mga katangian ng isang tao
ang sinasamantala sa scam na ito.

808
00:50:32,320 --> 00:50:36,560
Gagamitin nila ang sentimentalidad mo,
ang pagiging makabayan mo,

809
00:50:36,640 --> 00:50:39,080
gigipitin ka nila sa oras,

810
00:50:39,160 --> 00:50:43,200
sa panganib, sa responsibilidad,
sa dangal,

811
00:50:43,280 --> 00:50:46,320
sa lahat ng iyon, bibigay ka.

812
00:50:46,400 --> 00:50:48,800
Paano mo iyon matatanggihan?
Mahirap gawin iyon.

813
00:50:51,040 --> 00:50:54,040
Hindi na ako nagtataka na ang halo ng
kumpiyansa at awtoridad,

814
00:50:54,120 --> 00:50:57,200
at ang paggamit ng tamang
pamamaraan, at muli,

815
00:50:57,280 --> 00:50:59,600
ang terorismo, "tulungan mo kami,
tatanawing utang na loob ito ng France."

816
00:50:59,680 --> 00:51:01,480
magagawa niyang kumbinsihin ka
na maglabas ng pera.

817
00:51:01,560 --> 00:51:04,440
Pare-pareho lagi ang pamamaraan.
Kumpiyansa sa sarili.

818
00:51:04,520 --> 00:51:06,200
Matinding kumpiyansa sa sarili.

819
00:51:06,280 --> 00:51:08,040
Ito ang pinakamahirap tanggapin,

820
00:51:08,120 --> 00:51:11,600
na naloko ka ng isang scammer.

821
00:51:13,320 --> 00:51:15,080
Ng isang taong mula Belleville
na nagbebenta ng mga pantalon.

822
00:51:16,920 --> 00:51:20,600
Hindi natitinag si Gilbert Chikli.

823
00:51:20,680 --> 00:51:22,240
Hindi kailanman.

824
00:51:23,200 --> 00:51:25,120
Ang tanging pagkakataon
na makikitaan siya ng galit

825
00:51:25,200 --> 00:51:27,360
ay kapag nalaman niyang naloko siya.

826
00:51:38,360 --> 00:51:39,840
Ako si Sophie Grenier,

827
00:51:39,920 --> 00:51:43,840
ako ang Financial Director ng Chamber
of Commerce at Industry of the Lands.

828
00:51:46,040 --> 00:51:50,400
Metikuloso akong tao,

829
00:51:50,480 --> 00:51:53,840
gusto ko na wasto at organisado ang lahat.

830
00:51:54,720 --> 00:51:56,440
Lagi akong sinasabihan ng mga tao
na para akong stewardess.

831
00:51:58,040 --> 00:52:00,240
Noong unang araw ng Pebrero, 2017,

832
00:52:01,000 --> 00:52:06,360
nasa opisina ako ng dentista
para maiskedyul ang susunod kong punta

833
00:52:07,920 --> 00:52:10,800
nang makatanggap ako ng tawag.

834
00:52:10,880 --> 00:52:13,680
Sinabihan ako na gustong
makipag-video call sa akin

835
00:52:13,760 --> 00:52:16,680
ni Ministro Jean-Yves Le Drian.

836
00:52:17,840 --> 00:52:20,440
Kailangan ko pang sunduin
mula sa eskuwelahan ang anak ko

837
00:52:20,520 --> 00:52:23,360
at kailangan ko ring asikasuhin

838
00:52:23,440 --> 00:52:27,200
o kahit sumali man lang sa video call
kasama ang Ministro ng Depensa.

839
00:52:27,920 --> 00:52:29,480
Hindi ito kapani-paniwala.

840
00:52:29,560 --> 00:52:31,680
Kakatwang Miyerkules iyon.

841
00:52:31,760 --> 00:52:35,600
Nang dumating ang itinakdang oras,
sumali ako sa tawag

842
00:52:35,680 --> 00:52:41,400
at nasa harapan ko na ang
Ministro ng Depensa, si ean-Yves Le Drian.

843
00:52:42,880 --> 00:52:45,200
Pero pagkatapos ng video call,

844
00:52:45,280 --> 00:52:49,000
Sa tingin ko, kalokohan lang iyon.
Hindi ko alam kung totoo o hindi.

845
00:52:50,480 --> 00:52:53,920
Nagpadala ako sa iyo ng isang
kumpidensyal na dokumento.

846
00:52:54,000 --> 00:52:56,800
-Natanggap mo ba?
-Oo, natanggap ko.

847
00:52:56,880 --> 00:52:59,680
Para mapalagay ang loob ko,
pinadalhan niya ako ng sulat

848
00:53:00,280 --> 00:53:05,440
na nagsasabing garantisado
ang pagpapadala ng pera.

849
00:53:05,520 --> 00:53:08,680
Titingnan ko. Pwede nating
basahin nang magkasama.

850
00:53:08,760 --> 00:53:09,880
Sige, gawin mo iyan.

851
00:53:09,960 --> 00:53:12,480
"Kasunod ng pag-uusap natin sa
video call, tungkol sa pagpapalaya

852
00:53:12,560 --> 00:53:14,440
ng isang Pranses na bihag sa Mali…"

853
00:53:14,520 --> 00:53:17,840
-Oo.
-Ang sama nito.

854
00:53:17,920 --> 00:53:18,960
Oo.

855
00:53:19,040 --> 00:53:22,360
Ang sulat na pinadala niya sa akin
ay hindi justified ang layout

856
00:53:22,440 --> 00:53:24,920
at maraming mga mali sa pagbabaybay,

857
00:53:27,480 --> 00:53:29,000
ESTADO NG FRANCE, PANGALAN, IKAW

858
00:53:29,080 --> 00:53:29,920
MISTER SOPHIE GRENIER

859
00:53:30,000 --> 00:53:31,800
Kaya pagkatapos ng tawag, naisip ko,

860
00:53:31,880 --> 00:53:33,200
"Ano ba ito?

861
00:53:33,280 --> 00:53:36,760
Totoo ba ito? Ano ang nangyayari?"

862
00:53:36,840 --> 00:53:38,800
Hindi ko naiintindihan,

863
00:53:38,880 --> 00:53:44,080
marami akong mga tanong. Kaya tumawag
ako sa boss ko at sinabi ko ang nangyari.

864
00:53:44,160 --> 00:53:47,800
Sabi niya: "Sophie, scam ito.
Hindi ito posible.

865
00:53:47,880 --> 00:53:54,360
Kukumpirmahin ko kung
scam nga ba talaga ito."

866
00:53:56,800 --> 00:53:59,040
Tumawag ako sa pulis.

867
00:54:00,080 --> 00:54:05,560
May taong walang tigil na tumatawag
sa mga embahada at mga konsulado.

868
00:54:05,640 --> 00:54:10,000
Tinawagan niya ang humigit-kumulang
180 na organisasyon.

869
00:54:10,080 --> 00:54:12,200
Sa panahong iyon, naisip mo ba
na si Gilbert Chikli iyon?

870
00:54:12,280 --> 00:54:16,040
Nasa isip ko na agad na hindi malayo dito
si Gilbert Chikli.

871
00:54:16,640 --> 00:54:19,440
Nang marinig mo ang istoryang ito,
ano ang naisip mo?

872
00:54:19,520 --> 00:54:23,720
Nabigla ko. Para sa akin,
ang ganitong klase ng panloloko…

873
00:54:24,680 --> 00:54:25,720
Hindi ako makapaniwala.

874
00:54:25,800 --> 00:54:27,560
Ang paghandaan ito, magsuot ng maskara

875
00:54:27,640 --> 00:54:31,920
linlangin sa pamamagitan ng video call

876
00:54:32,480 --> 00:54:37,240
ang mga matataas na opisyal upang
kumbinisihin silang padalhan siya ng pera

877
00:54:37,320 --> 00:54:39,360
para palayain ang mga bihag sa giyera.

878
00:54:40,040 --> 00:54:41,600
Hindi kapani-paniwala.

879
00:54:41,680 --> 00:54:44,960
Sa oras na iyon, isa lang ang sigurado.

880
00:54:45,040 --> 00:54:50,160
Naintindihan naming lahat
na ang kalaban namin ay isang eksperto.

881
00:54:51,840 --> 00:54:55,320
Kailangan naming malaman
kung sino ang nasa likod ng maskara.

882
00:54:56,480 --> 00:55:02,600
Ang misyon ko ay papaniwalain siya
na padadalhan ko siya ng pera,

883
00:55:02,680 --> 00:55:07,360
at para magawa ko iyon, kailangan niyang
magbigay ng account ng bangko sa Europa

884
00:55:07,440 --> 00:55:10,320
para masundan nila ang buong network.

885
00:55:12,640 --> 00:55:17,880
Sinubukan niya akong lokohin,
kaya lolokohin ko rin siya.

886
00:55:19,320 --> 00:55:23,880
Pagkatapos ng dalawang araw, nasa bahay
ako at tumawag siya. Simula na ng misyon.

887
00:55:25,280 --> 00:55:26,400
Hello?

888
00:55:26,480 --> 00:55:29,720
Miss Grenier, paano mo ipapadala ang pera?

889
00:55:29,800 --> 00:55:32,640
Sa internet?
Sabihin mo sa akin kung paano ka tutuloy.

890
00:55:32,720 --> 00:55:34,640
Oo, magbabayad ako mula sa internet.

891
00:55:34,720 --> 00:55:37,680
Gagamitin ko ang iba-ibang bangko ko.

892
00:55:38,320 --> 00:55:39,600
Ano ang mga bangko mo?

893
00:55:39,680 --> 00:55:43,600
-Mayroon akong BNP, Caisse d'Épargne.
-Okay.

894
00:55:43,680 --> 00:55:48,920
Kung gayon, makakakuha tayo ng
800 hanggang 900 kada araw?

895
00:55:49,000 --> 00:55:50,360
-Oo.
-Naiintindihan ko.

896
00:55:51,080 --> 00:55:56,360
Tinututukan ko ang sinasabi ko,
para hindi ako magkamali,

897
00:55:56,440 --> 00:55:59,640
para hindi niya mapansin na
hinuhuli namin siya.

898
00:55:59,720 --> 00:56:01,480
Kailangan naming mag-ingat.

899
00:56:01,560 --> 00:56:03,600
Sige, tatawag akong muli
pagkatapos ng kalahating oras,

900
00:56:03,680 --> 00:56:05,160
siguraduhin mong masasagot mo.

901
00:56:05,240 --> 00:56:06,600
-Sige.
-Paalam, salamat.

902
00:56:06,680 --> 00:56:09,040
-Paalam, salamat, sir.
-Paalam.

903
00:56:10,080 --> 00:56:13,360
Sa tingin mo ba ay
naniniwala siya sayo noon?

904
00:56:13,440 --> 00:56:14,640
Oo.

905
00:56:14,720 --> 00:56:16,320
Pakiramdam ko talaga
ay naniniwala siya sa akin.

906
00:56:16,400 --> 00:56:19,400
Ito ang nakakatawa,
ang isahan ang magnanakaw.

907
00:56:20,800 --> 00:56:23,120
Pumunta ako sa himpilan ng pulis.

908
00:56:23,200 --> 00:56:26,240
May ilan sa amin sa opisina.

909
00:56:26,320 --> 00:56:28,720
Nag-ayos kami upang makapakinig kami

910
00:56:28,800 --> 00:56:31,480
at naghintay kami ng tawag.

911
00:56:32,120 --> 00:56:34,080
Tensyonado ang lugar.

912
00:56:34,160 --> 00:56:35,680
Nakatingin lahat sila sa telepono ko.

913
00:56:35,760 --> 00:56:38,160
Naghihintay kaming lahat sa tawag.

914
00:56:38,760 --> 00:56:41,680
Walang gumagalaw, tahimik ang lahat.

915
00:56:45,200 --> 00:56:48,720
NAKATAGONG NUMERO

916
00:56:48,800 --> 00:56:50,160
Nang magring ang telepono,

917
00:56:51,560 --> 00:56:53,760
iyon na ang pinakamahalagang sandali,
ang pagwawakas.

918
00:56:54,880 --> 00:56:56,520
Nasa harap ka ba ng computer?

919
00:56:56,600 --> 00:56:58,560
Oo, nasa harap ako ng computer.

920
00:56:59,880 --> 00:57:05,360
Kunwari na lang na may ginagawa ako
sa harap ng totoong computer. Sabi ko:

921
00:57:07,440 --> 00:57:10,840
"Ibigay mo sa akin ang numero ng account."

922
00:57:11,440 --> 00:57:14,240
Sabi niya: "Hindi, gagawin natin ito
nang magkasama."

923
00:57:15,240 --> 00:57:18,840
Kailangan naming makita
ang unang pagpapadala, napakahalaga noon.

924
00:57:18,920 --> 00:57:19,760
Sige…

925
00:57:19,840 --> 00:57:22,440
Ang akala ko, ibibigay niya sa akin

926
00:57:22,520 --> 00:57:26,920
ang numero ng account, ibababa ko
ang telepono, at matatapos ang kaso.

927
00:57:27,000 --> 00:57:28,440
Nagiging komplikado.

928
00:57:29,240 --> 00:57:33,360
Ibibigay ko sa iyo ang numero. S… 4… 3.

929
00:57:33,440 --> 00:57:35,440
S… 4… 3

930
00:57:35,520 --> 00:57:39,920
Maingat kong pinipindot ang bawat numero
pagkatapos niyang banggitin.

931
00:57:40,000 --> 00:57:41,920
9… 0

932
00:57:42,920 --> 00:57:46,160
Tahimik ang buong kuwarto.

933
00:57:46,240 --> 00:57:48,000
-36.
-Oo.

934
00:57:48,640 --> 00:57:51,320
Hinihintay ko
ang huling numero ng account.

935
00:57:51,920 --> 00:57:53,400
-Oo.
-83.

936
00:57:53,480 --> 00:57:54,800
Handa akong pumindot.

937
00:57:54,880 --> 00:57:56,040
42.

938
00:57:56,120 --> 00:57:58,360
Binigay niya ang huling numero ng account.

939
00:57:58,440 --> 00:57:59,520
55.

940
00:58:00,960 --> 00:58:03,680
Pinasok ko, pinapatunayan ang pagpapadala.

941
00:58:03,760 --> 00:58:06,320
A, sinabi kong nagkaroon ng problema
at hindi ito gumagana.

942
00:58:07,040 --> 00:58:09,400
A, mukhang hindi gumagana.

943
00:58:11,160 --> 00:58:14,080
Hindi. Mukhang hindi tumuloy.

944
00:58:14,160 --> 00:58:15,880
Sa puntong ito, nagalit siya.

945
00:58:15,960 --> 00:58:18,440
Hindi ito normal.

946
00:58:18,520 --> 00:58:21,840
Malinaw ang linya, kaya tingnan mong muli,

947
00:58:21,920 --> 00:58:24,240
walang dahilan para hindi ito gumana.

948
00:58:24,320 --> 00:58:25,680
At binaba niya ang telepono.

949
00:58:25,760 --> 00:58:26,640
Paalam.

950
00:58:27,840 --> 00:58:30,320
Sa tingin ko, naintindihan na niya
na naloko siya.

951
00:58:33,080 --> 00:58:36,600
Nakuha na namin ang account ng manloloko.

952
00:58:38,160 --> 00:58:41,600
Base sa ebidensya, napag-alaman namin

953
00:58:41,680 --> 00:58:44,680
na ang lalaki sa likod ng maskara
ay si Mister Chikli.

954
00:58:48,680 --> 00:58:53,320
Nang malaman kong ito ang parehong lalaki

955
00:58:53,400 --> 00:58:58,360
na inimbestigahan ko tungkol sa
mga naunang panloloko

956
00:58:58,440 --> 00:59:01,480
sampung taon na ang nakalilipas,
nabigla ako,

957
00:59:01,560 --> 00:59:03,640
dahil sa totoo lang,

958
00:59:04,240 --> 00:59:09,280
kailangang malakas ang loob mo
para magawa mo ito sa mga biktima.

959
00:59:09,360 --> 00:59:11,440
DAVID KATZ

960
00:59:12,040 --> 00:59:15,400
Nagdesisyon kaming puntahan
si Chikli sa bahay niya.

961
00:59:17,240 --> 00:59:19,280
Nalaman naming lumikas na si Mister Chikli

962
00:59:19,360 --> 00:59:22,280
mula Israel patungong Ukraine.

963
00:59:29,720 --> 00:59:31,840
Talo? Hindi ako natatalo.

964
00:59:31,920 --> 00:59:35,760
Walang bagay na madali,
lalo na ang pagtakas.

965
00:59:37,000 --> 00:59:39,080
Maglaho? Bakit hindi?

966
00:59:50,200 --> 00:59:53,480
UKRAINE, 2017

967
00:59:55,040 --> 00:59:57,160
May lungsod sa Ukraine
na tinatawag na Uman.

968
00:59:57,240 --> 01:00:01,720
Mahalagang lugar iyon para sa mga
Hudyong manlalakbay

969
01:00:03,000 --> 01:00:06,760
na pumupunta roon upang
manalangin sa puntod ni Rebbe Nachman.

970
01:00:09,720 --> 01:00:15,000
Gusto niyang pumunta sa Ukraine upang…
Ano ang tawag? Pigrinage? Pigri?

971
01:00:15,080 --> 01:00:16,280
Isang pilgrimage.

972
01:00:16,360 --> 01:00:17,440
Oo, iyon.

973
01:00:18,600 --> 01:00:20,760
Gusto niyang pumunta roon
upang magpasalamat. Totoo iyon.

974
01:00:20,840 --> 01:00:24,680
-Totoo ba?
-Oo. Sa Ukraine, sa Uman.

975
01:00:25,320 --> 01:00:27,760
Pumunta siya roon para sa isang
relihiyosong paglalakbay?

976
01:00:27,840 --> 01:00:31,480
Gusto niyang pumunta sa Uman
upang makita ang rabbi.

977
01:00:38,040 --> 01:00:39,800
Ginagawa niya ang lahat
para sa pamilya niya.

978
01:00:40,560 --> 01:00:42,680
Lagi niyang pinagbibigyan ang mga bata.

979
01:00:42,760 --> 01:00:47,160
Parang si Robin Hood si Gilbert.

980
01:00:49,440 --> 01:00:50,360
Bakit?

981
01:00:50,440 --> 01:00:53,000
Dahil gusto niyang tulungan
ang mga mahihirap,

982
01:00:54,040 --> 01:00:58,120
pero para magawa niya iyon,
kailangan niyang gumawa ng hindi…

983
01:01:00,360 --> 01:01:02,280
hindi alinsunod sa batas.

984
01:01:04,760 --> 01:01:10,760
Sa kasong ito, ang pangunahing mga biktima
ay nagpadala ng 73 milyong euro.

985
01:01:11,360 --> 01:01:13,080
Hindi kapani-paniwala.

986
01:01:13,680 --> 01:01:17,400
Pinagbigyang-alam sa amin
na nasa Ukrain si Gilbert Chikli.

987
01:01:17,920 --> 01:01:19,280
Kailangang mapabalik namin siya
dito sa bansa.

988
01:01:21,680 --> 01:01:26,520
Kailangang magawa na ito agad
bago siya makatakas ulit.

989
01:01:28,920 --> 01:01:33,080
Sa Ukraine, nagsimulang tumakbo ang oras

990
01:01:33,160 --> 01:01:36,360
dahil kailangang pabilisin ang proseso

991
01:01:36,440 --> 01:01:38,600
upang maaresto siya doon.

992
01:01:41,120 --> 01:01:43,400
Naglabas ng warrant
para sa pag-aresto sa kanya.

993
01:01:46,640 --> 01:01:49,200
Sinundan ng pulisya ng Ukraine
ang bawat galaw niya.

994
01:01:49,280 --> 01:01:50,960
Kopya ang mensahe mo.

995
01:01:51,040 --> 01:01:52,480
Lagi siyang minamanmanan.

996
01:02:01,160 --> 01:02:02,600
Pulis.

997
01:02:02,680 --> 01:02:04,080
Pulis.

998
01:02:04,160 --> 01:02:05,240
Kamay sa likod mo.

999
01:02:05,320 --> 01:02:07,280
Tayo!

1000
01:02:07,360 --> 01:02:10,200
Ang mukha niya. Kamay sa likod.

1001
01:02:11,880 --> 01:02:13,320
Nang maaresto siya,

1002
01:02:13,400 --> 01:02:16,040
nabawi ang tatlong telepono mula sa kanya
ng mga pulis mula sa Ukraine.

1003
01:02:16,120 --> 01:02:18,720
Sa loob ng mga iyon ay ang WhatsApp niya,

1004
01:02:18,800 --> 01:02:23,000
mga litrato, mga video,
at may nakita kaming

1005
01:02:23,080 --> 01:02:27,160
mahalaga para sa amin at sa imbestigasyon.

1006
01:02:31,560 --> 01:02:35,960
Kahit mababa ang kalidad ng video,

1007
01:02:36,920 --> 01:02:39,560
ang anyo ay talagang kahawig
ni Jean-Yves Le Drian.

1008
01:02:42,800 --> 01:02:45,840
Oo, ilang beses ko bang itatanong
sa iyo? Ilang beses?

1009
01:02:47,200 --> 01:02:48,920
Hayaan mo siyang gawin ang dapat magawa,

1010
01:02:49,000 --> 01:02:50,720
at umalis na tayo dito!

1011
01:02:52,720 --> 01:02:57,320
Kung may kailangan siya, sabihan mo
siya na tawagan ako. Paalam.

1012
01:02:59,880 --> 01:03:01,560
Ano ang gusto mong malaman?

1013
01:03:01,640 --> 01:03:02,600
LUDOVIC ELBAZ
ABOGADO SA EKSTRADISYON

1014
01:03:02,680 --> 01:03:04,640
Sampung taon na akong abogado,

1015
01:03:04,720 --> 01:03:06,760
May opisina ako sa Paris,
at isa pa sa Israel.

1016
01:03:07,400 --> 01:03:10,680
Hello? Kakalapag ko lang sa
Charles de Gaulle airport,

1017
01:03:11,440 --> 01:03:14,120
at may natanggap akong tawag.
Sinabihan ako na

1018
01:03:14,200 --> 01:03:16,640
si Gilbert at ang mga kasabwat niya
ay naaresto sa Ukraine.

1019
01:03:16,720 --> 01:03:19,800
Warrant sa pag-aresto, at may parating na
ekstradisyon. Sa ngayon, nakakulong sila.

1020
01:03:19,880 --> 01:03:23,520
Kailangan kong tumugon agad.
Lumipad ako pabalik sa Ukraine.

1021
01:03:24,600 --> 01:03:30,040
Nang makakuha ako ng pahintulot
na makita sila sa kulungan,

1022
01:03:30,680 --> 01:03:31,880
nakita kong kakaiba doon.

1023
01:03:31,960 --> 01:03:34,320
Nakakabalisa.

1024
01:03:34,400 --> 01:03:37,600
Militar ang mga nagbabantay sa kulungan,

1025
01:03:37,680 --> 01:03:39,760
at may 50 preso kada selda.

1026
01:03:39,840 --> 01:03:44,040
May mga presong dalawang metro ang tangkad
at puno ng tattoo at swastika sa likod.

1027
01:03:45,160 --> 01:03:47,320
Hindi tulad ng mga kulungan sa France.

1028
01:03:52,240 --> 01:03:54,280
May natanggap akong tawag mula sa Ukraine.

1029
01:03:55,320 --> 01:03:58,120
Ang sabi niya sa akin:

1030
01:03:58,680 --> 01:04:01,440
"Shirly, nahuli ako ng Interpol."

1031
01:04:02,240 --> 01:04:04,240
Nadurog ang puso ko.

1032
01:04:04,320 --> 01:04:06,560
Sumama ang pakiramdam ko,
umiyak ako, at sabi ko:

1033
01:04:06,640 --> 01:04:09,680
"Ano? Pupuntahan kita."

1034
01:04:12,760 --> 01:04:15,240
Naghintay ako ng umaga,
pumunta ako sa husgado

1035
01:04:16,560 --> 01:04:20,080
at nakita ko si Gilbert na nakakulong.

1036
01:04:21,480 --> 01:04:24,840
Sabi niya sa akin:
"Shirly, patawarin mo ako."

1037
01:04:24,920 --> 01:04:28,120
Sabi ko sa kanya:
"Hwag kang mag-alala. Kasama mo ako."

1038
01:04:28,200 --> 01:04:29,520
Hinawakan ko ang kamay niya at sabi ko:

1039
01:04:29,600 --> 01:04:31,360
"Huwag kang mag-alala. Hindi kita iiwan.

1040
01:04:31,440 --> 01:04:34,120
Dito lang ako, hindi ako aalis ng Ukraine

1041
01:04:34,200 --> 01:04:35,680
hanggang hindi ka nakakalabas dito."

1042
01:04:37,360 --> 01:04:39,080
Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko.

1043
01:04:39,160 --> 01:04:42,720
Lahat ng gusto niya,
dinala ko sa kulungan.

1044
01:04:42,800 --> 01:04:49,040
Nagdala ako ng kama para makatulog siya
ng maayos. Kahit vodka. Lahat.

1045
01:04:49,640 --> 01:04:52,840
Inom tayo ng kaunting vodka.

1046
01:04:52,920 --> 01:04:55,040
Na ibinigay sa atin.

1047
01:04:55,800 --> 01:04:57,720
Narito tayo sa Kyiv, sa kulungan.

1048
01:04:57,800 --> 01:04:59,120
Sa kulungan.

1049
01:04:59,200 --> 01:05:00,280
Tara, handa ka na?

1050
01:05:00,360 --> 01:05:01,440
Okay, Rahim, Billy.

1051
01:05:01,520 --> 01:05:04,120
-Sa ating paglaya, kung pagpapalain.
-Sa ating paglaya at sa ating milyones.

1052
01:05:04,200 --> 01:05:05,640
Swertehin sana tayo.

1053
01:05:05,720 --> 01:05:08,600
Pinagdala ko siya ng karne.

1054
01:05:08,680 --> 01:05:10,760
Heto na ang tanghalian natin.

1055
01:05:12,520 --> 01:05:14,920
Nagpadala pa ako ng ref para sa kanya.

1056
01:05:16,200 --> 01:05:20,160
Heto na ang ref. Para sa pang-araw-araw
mong pamimili, Gilbert.

1057
01:05:20,240 --> 01:05:23,720
Bumili ako ngayon ng ref,
kaya makakakain tayo ng steak.

1058
01:05:24,840 --> 01:05:27,000
Sa lahat ng nag-iisip na nagdurusa kami
dito, heto ang sa inyo.

1059
01:05:27,080 --> 01:05:30,040
Mga boss kami, at patuloy kaming
magiging boss. Bam!

1060
01:05:33,520 --> 01:05:36,040
Lintik na hustisya ng France.

1061
01:05:36,120 --> 01:05:38,360
Hindi ako babalik, at kung babalik
man ako, humanda kayo.

1062
01:05:38,440 --> 01:05:40,800
Tama. Salamat.

1063
01:05:43,880 --> 01:05:46,760
PAGKATAPOS NG TATLONG BUWAN
SA KULUNGAN SA UKRAINE

1064
01:05:46,840 --> 01:05:48,880
PINABALIK SA FRANCE SI CHIKLI

1065
01:05:48,960 --> 01:05:51,400
ULIT

1066
01:05:54,160 --> 01:05:55,480
Maniwala ka sa akin,

1067
01:05:55,560 --> 01:05:58,480
mas malala pa ang pwede kong gawin.

1068
01:05:58,560 --> 01:06:00,480
Kung gusto ko, napasok ko sana
ang kahit anong sistema,

1069
01:06:00,560 --> 01:06:04,120
napasok ko sana ang politika,
kahit anong gusto ninyo.

1070
01:06:04,640 --> 01:06:06,200
Ito ang totoo.

1071
01:06:09,120 --> 01:06:13,560
Sigurado na kung hindi naaresto
si Chikli sa Ukraine,

1072
01:06:13,640 --> 01:06:16,440
may haharapin tayong bagong
uri ng mga scam.

1073
01:06:17,520 --> 01:06:22,160
Sa mga teleponong nabawi namin,
may mga maskara ng iba-ibang politiko.

1074
01:06:22,960 --> 01:06:25,160
Pwede mo bang tingnan ang kay Macron?

1075
01:06:26,360 --> 01:06:29,320
Pero ang pangunahing nakita namin
sa telepono niya

1076
01:06:29,400 --> 01:06:33,080
ay naghahanap siya ng maskara
ni Albert ng Monaco.

1077
01:06:34,080 --> 01:06:38,040
Ibaba mo at dapat tuwid pa rin
ang plastic, okay?

1078
01:06:38,120 --> 01:06:41,040
Kahit hindi ito suot, dapat makilala ito
bilang ang prinsipe.

1079
01:06:46,360 --> 01:06:50,280
Naniniwala akong naghahanda siya
para sa isang malaking scam.

1080
01:06:51,200 --> 01:06:53,160
Kung ano ang nakita natin
kay Jean-Yves Le Drian,

1081
01:06:54,200 --> 01:06:56,000
iyon rin ang makikita natin
kay Albert ng Monaco.

1082
01:06:59,160 --> 01:07:00,560
Paano ko dinedepensahan ang

1083
01:07:00,640 --> 01:07:02,880
pagkakaroon ni Gilbert
ng maskara sa telepono niya?

1084
01:07:05,000 --> 01:07:09,360
Siguro may paghanga lang siya sa Monaco.

1085
01:07:10,240 --> 01:07:11,280
Hindi ko alam.

1086
01:07:13,800 --> 01:07:15,360
PARIS, 2019

1087
01:07:15,440 --> 01:07:17,640
Isa na namang paglilitis
ang magsisimula ngayong hapon

1088
01:07:17,720 --> 01:07:21,280
tungkol sa kakaibang uri ng scam.

1089
01:07:21,360 --> 01:07:25,000
Pitong tao ang nasasakdal
dahil sa pagpapanggap

1090
01:07:25,080 --> 01:07:27,920
bilang ang Ministro ng Ugnayang Panlabas
na si Jean-Yves Le Drian.

1091
01:07:28,720 --> 01:07:31,120
Kamukha ba ang opisina ninyo?

1092
01:07:31,200 --> 01:07:33,320
Oo… Mahusay sila.

1093
01:07:33,400 --> 01:07:34,560
Mahusay sila, oo.

1094
01:07:34,640 --> 01:07:37,440
At sa kasamaang palad,
may mga nabiktima sila.

1095
01:07:37,520 --> 01:07:40,760
Nagaya nila ang boses ko. Hindi naman
imposibleng gayahin ang hitsura ko.

1096
01:07:41,920 --> 01:07:44,400
Hindi malayong maging istorya
ito mula sa pelikula

1097
01:07:44,480 --> 01:07:47,840
pero ito ay isang tunay na kuwento
na lilinawin dito ngayong hapon.

1098
01:07:47,920 --> 01:07:50,240
Ang pinaghihinalaang utak
sa likod ng mga operasyong ito,

1099
01:07:50,320 --> 01:07:54,960
si Gilbert Chikli, Hari ng mga Scam,
54 na taong Franco-Israeli.

1100
01:07:55,040 --> 01:07:56,800
Gamit lamang ang telepono,

1101
01:07:56,880 --> 01:07:59,840
nagawa niyang hikayatin ang maraming tao
na bigyan siya ng libo-libong euro.

1102
01:07:59,920 --> 01:08:01,520
Tunay na nakakahiya ito

1103
01:08:01,600 --> 01:08:06,320
at nakakapanghamak sa kanyang
naging mga biktima.

1104
01:08:06,400 --> 01:08:10,360
Nakita ko si Gilbert Chikli sa korte

1105
01:08:11,000 --> 01:08:14,280
at nakita ko rin na mayroon siyang
mga tagahanga doon.

1106
01:08:14,880 --> 01:08:18,760
Naging napakaingay ng mga tagasuporta niya
na kinailangan silang palabasin ng hukom

1107
01:08:18,840 --> 01:08:21,680
upang maging tahimik habang
siya ay tinatanong.

1108
01:08:23,640 --> 01:08:27,760
Si Gilbert ay nagpakita ng halo
ng pagkateatrikal

1109
01:08:29,200 --> 01:08:34,479
at pagtanggi. "Hindi. Tingnan ninyo ako.
Hindi ako ang henyong tinutukoy ninyo,

1110
01:08:34,560 --> 01:08:36,120
hindi ako ganoon kagaling.

1111
01:08:36,200 --> 01:08:40,479
Tingnan ninyo ako, pagod ako,
may sakit, pabayaan ninyo ako."

1112
01:08:41,399 --> 01:08:44,040
Iyan ang ginagampanan niyang papel
sa aming mga abogado,

1113
01:08:44,120 --> 01:08:48,120
sa hukom, pati na rin sa prosecutor
na kilala na niya.

1114
01:08:49,720 --> 01:08:52,319
Gusto ko ang isang hamon.

1115
01:08:52,399 --> 01:08:56,479
Para itong laban ng boxing, gusto mong
maging kampeon sa buong mundo.

1116
01:08:57,840 --> 01:08:59,200
Hindi ako natatalo.

1117
01:08:59,880 --> 01:09:04,600
Matatalo ka, o matututo ka.

1118
01:09:05,160 --> 01:09:09,279
Kung mayroon ka ng kakahayang ito,
wala kang kinatatakutan.

1119
01:09:11,920 --> 01:09:16,240
Sa totoo lang, sa tingin ko,
si Gilbert Chikli ay pantasya ng mga pulis

1120
01:09:16,319 --> 01:09:19,880
at maraming bagay
ang ginawang tungkol sa kanya.

1121
01:09:21,040 --> 01:09:25,680
Sa paglilitis, sinusuri namin
ang mga litrato.

1122
01:09:26,960 --> 01:09:30,000
Nakikita namin ang isang lalaking
naka-makeup

1123
01:09:30,080 --> 01:09:33,160
na nakaupo sa harap ng mesa
ng isang ministro.

1124
01:09:33,760 --> 01:09:37,560
Tatanungin sa korte kung ang taong ito
ay tunay na si Gilbert Chikli.

1125
01:09:41,160 --> 01:09:46,920
Sinasabi niya na ang tao sa video ay
masyadong matangkad para maging siya.

1126
01:09:48,800 --> 01:09:52,359
Ang braso ng taong nakamaskara
ay walang balahibo.

1127
01:09:53,439 --> 01:09:58,600
Si Gilbert Chikli naman ay
makapal ang balahibo sa braso.

1128
01:09:58,680 --> 01:10:03,200
Sabi niya: "Tingnan ninyo
ang mga braso ko, hindi ako iyan."

1129
01:10:07,560 --> 01:10:12,440
Ipinarinig namin sa kanya
ang boses ng mga biktima.

1130
01:10:12,520 --> 01:10:15,840
Mula noon, wala na siyang sinabi.

1131
01:10:15,920 --> 01:10:19,680
Sa ikatlong araw ng paglilitis,
narinig namin ang mga narekord na boses.

1132
01:10:19,760 --> 01:10:21,280
At ang masasabi ko lang…

1133
01:10:22,080 --> 01:10:25,800
May mga mahahalaga at makapangyarihang
sandali sa korte. Isa ito sa mga iyon.

1134
01:10:28,160 --> 01:10:29,120
Hello?

1135
01:10:29,200 --> 01:10:34,120
Oo, may balita ba tungkol…
Para ito sa ikabubuti mo, Kamahalan.

1136
01:10:34,200 --> 01:10:35,200
Okay.

1137
01:10:35,280 --> 01:10:36,360
Hindi ito si Gilbert,
isang daang porsyento.

1138
01:10:37,840 --> 01:10:41,520
Tumatawag ako dahil kailangan naming
ipadala sa iyo ang pondo…

1139
01:10:41,600 --> 01:10:44,520
Kailan mo ako matatawagan?

1140
01:10:44,600 --> 01:10:46,480
Pagkatapos ng isang oras, kung
okay lang sa iyo.

1141
01:10:46,560 --> 01:10:47,680
Okay.

1142
01:10:47,760 --> 01:10:49,320
Hindi ba ito boses ni Gilbert Chikli?

1143
01:10:54,840 --> 01:10:57,080
Sasagutin ko ang tanong mo.

1144
01:10:58,520 --> 01:11:00,440
Seryoso ako.

1145
01:11:06,400 --> 01:11:09,120
Kapag tinawagan kita pagkatapos ng isang
oras, sabihin mo ang tamang halaga

1146
01:11:09,200 --> 01:11:12,080
para alam ko kung magkano
ang kailangan kong ipadala sa iyo.

1147
01:11:13,240 --> 01:11:18,080
Pambihira ito dahil ito talaga
ang boses niya. Walang duda.

1148
01:11:18,160 --> 01:11:22,320
Hindi ako makapaniwala.
Siya iyon, sigurado ako.

1149
01:11:22,400 --> 01:11:24,240
-Siya ba?
-Oo, siya nga.

1150
01:11:24,320 --> 01:11:25,280
-Sigurado ka?
-Kasi…

1151
01:11:25,360 --> 01:11:26,840
Oo, iisa ang boses nila.

1152
01:11:27,480 --> 01:11:29,280
-Walang duda.
-Wala talaga.

1153
01:11:29,360 --> 01:11:33,400
Ang boses ni Chikli na dalawang
buong araw na naming naririnig

1154
01:11:33,480 --> 01:11:38,440
ang parehong boses na nasa mga recording.

1155
01:11:38,520 --> 01:11:39,680
Kakaibang sandali iyon.

1156
01:11:39,760 --> 01:11:42,960
Nakilala ng lahat ang boses,
walang pag-aalinlangan.

1157
01:11:45,880 --> 01:11:50,600
Ngayon, hustisya. Ang huwad na Le Drian,
ay pinatawan ng 7 hanggang 11 taon sa

1158
01:11:50,680 --> 01:11:53,480
sa kulungan ng kriminal na korte ng Paris.

1159
01:11:53,560 --> 01:11:56,800
Si Gilbert Chikli, 54 taong gulang,
ay hinatulang nagkasala sa pagpapanggap

1160
01:11:56,880 --> 01:11:58,360
bilang si Jean-Yves Le Drian.

1161
01:11:59,880 --> 01:12:01,560
SA PAGITAN NG 2005 AT 2017,

1162
01:12:01,640 --> 01:12:05,200
NAKAPAGNAKAW SI GILBERT CHIKLI
NG HIGIT SA 100 MILYONG EURO

1163
01:12:05,280 --> 01:12:08,080
SINENTENSIYAHAN SIYA
NG 11 TAON SA KULUNGAN

1164
01:12:08,160 --> 01:12:11,080
AT PINAGMULTA NG 2 MILYONG EURO

1165
01:12:11,160 --> 01:12:13,160
Napakabigat ng pakiramdam ko.

1166
01:12:14,920 --> 01:12:17,160
Lumuluha ako at tiningnan ko si Gilbert.

1167
01:12:18,600 --> 01:12:20,160
Mag-isa ako.

1168
01:12:20,760 --> 01:12:24,120
Hindi ko kayang mabuhay ng ganito,
na wala si Gilbert.

1169
01:12:24,920 --> 01:12:27,440
Lumabas ako para magpahangin,

1170
01:12:29,560 --> 01:12:31,640
at may nakita akong mamamahayag.

1171
01:12:31,720 --> 01:12:34,200
Tinanong niya ako: "Sino ka?"

1172
01:12:34,880 --> 01:12:37,320
Sabi ko sa kanya: "Ako ang asawa
ni Gilbert Chikli."

1173
01:12:38,720 --> 01:12:41,200
At tumawa siya.

1174
01:12:42,400 --> 01:12:44,480
Tinanong ko siya: "Bakit ka tumatawa?"

1175
01:12:45,400 --> 01:12:48,200
Ang sabi ni sa akin:
"Dahil siya ang asawa ni Gilbert Chikli."

1176
01:12:50,520 --> 01:12:52,680
Hindi ko na tinanong kung sino
ang babaeng ito.

1177
01:12:53,560 --> 01:12:58,440
Ayaw ko nang maniwala sa kahit na ano.
Ang sabi ko: "Ito na, tama na."

1178
01:13:05,240 --> 01:13:08,120
MULA NANG MAARESTO SA UKRAINE,

1179
01:13:08,200 --> 01:13:11,160
NAGSIMULANG MAKIPAGRELASYON
SI GILBERT SA IBANG BABAE

1180
01:13:13,000 --> 01:13:15,640
Sa 15 taon, ginawa ko ang lahat
para sa kanya.

1181
01:13:16,520 --> 01:13:18,880
Nakipaglaban ako para sa kanya.

1182
01:13:19,480 --> 01:13:22,280
Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo
para sa isang tao

1183
01:13:23,480 --> 01:13:25,960
sa huli, matatapos ito
sa isa o dalawang segundo.

1184
01:13:26,920 --> 01:13:29,520
Ang mga anak ko ang nagdurusa.

1185
01:13:29,600 --> 01:13:34,560
Hanggang ngayon,
umiiyak sa gabi ang pinakabata.

1186
01:13:34,640 --> 01:13:38,640
Gusto niyang makasama ang papa niya. Hindi
niya maintindihan kung bakit wala siya.

1187
01:13:40,440 --> 01:13:42,320
Hindi dapat ganito nagtapos ang lahat.

1188
01:13:53,080 --> 01:14:00,000
Si Gilbert Chikli ay makulay,
nakakatawa, mapang-akit.

1189
01:14:00,080 --> 01:14:05,120
Nagkukunwari siyang si Arsène Lupin,
isang maginoong magnanakaw.

1190
01:14:05,200 --> 01:14:08,000
"Nagnanakaw ako mula sa mayayaman,
mautak lang ako."

1191
01:14:08,680 --> 01:14:10,720
Pero ang totoo, hindi siya
nagnanakaw mula sa mayayaman.

1192
01:14:10,800 --> 01:14:15,520
Dinudurog niya ang mga masisipag na tao
na gusto lamang gumawa ng mabuti.

1193
01:14:15,600 --> 01:14:20,200
Gusto niyang magmistulang Robin Hood,
ngunit naninira lang siya ng buhay ng tao.

1194
01:14:23,120 --> 01:14:26,720
Isang malaking dagok sa akin iyon
na pipigil sa akin

1195
01:14:26,800 --> 01:14:29,880
na magsulat nang mahigit dalawang taon.

1196
01:14:31,160 --> 01:14:34,760
Sinesante ako ng boss ko,
at nawalan ako ng trabaho.

1197
01:14:36,360 --> 01:14:38,560
Kumunsulta ako sa isang therapist.

1198
01:14:38,640 --> 01:14:42,160
Nalugmok ako.

1199
01:14:43,640 --> 01:14:47,560
Isa siyang taong walang moralidad,
at winawasak niya ang buhay ng iba.

1200
01:14:49,560 --> 01:14:56,480
Tinawagan ng mga scammer
ang buong administrasyon ng France.

1201
01:14:57,080 --> 01:14:59,400
Napakaseryosong scam nito

1202
01:14:59,480 --> 01:15:02,640
at maaaring nailagay sa peligro
ang foreign policy ng bansa.

1203
01:15:03,560 --> 01:15:06,360
Kailangan nating tandaan na tunay na
may mga Pranses na binihag

1204
01:15:06,440 --> 01:15:09,600
at pinatay noong 2015.

1205
01:15:10,280 --> 01:15:12,800
Posibleng naging mas malala pa
ang kasong ito.

1206
01:15:15,320 --> 01:15:19,120
Muntik nang masangkot si Chikli
sa pagkamatay ng ibang tao.

1207
01:15:21,480 --> 01:15:23,720
Pakiramdam ko, hindi ko siya
tuluyang makakalimutan.

1208
01:15:25,080 --> 01:15:26,520
Mamamatay siya sa entablado.

1209
01:15:30,840 --> 01:15:34,080
Kung makapagbibigay ako ng mensahe
sa lahat ng gustong makinig,

1210
01:15:35,640 --> 01:15:41,680
una, gustong kong sabihin mula sa puso ko,
na humihingi ako ng tawad.

1211
01:15:44,200 --> 01:15:46,560
Pero ako si Gilbert Chikli,

1212
01:15:46,640 --> 01:15:48,880
magiging si Gilbert Chikli pa rin ako,

1213
01:15:48,960 --> 01:15:52,920
at mawawala ako
bilang si Gilbert Chikli. Iyon lang.

1214
01:16:00,960 --> 01:16:04,040
HUMINGI NG DIBORSYO ANG IKALAWANG SHIRLY

1215
01:16:04,120 --> 01:16:07,440
NILILIBOT NIYA ANG MUNDO
BILANG ISANG MATAGUMPAY NA DJ

1216
01:16:10,160 --> 01:16:14,360
INIWAN NA NG UNANG SHIRLEY
ANG BUHAY NIYA KASAMA SI GILBERT

1217
01:16:14,440 --> 01:16:18,000
NAKATUTOK SIYA NGAYON SA KANYANG SARILI

1218
01:16:20,760 --> 01:16:24,480
INISIP NI SOPHIE NA MAGTRABAHO
SA SECRET SERVICE

1219
01:16:25,360 --> 01:16:29,120
PERO NAGDESISYON SIYANG MANATILING
CHIEF FINANCIAL OFFICER

1220
01:16:30,800 --> 01:16:37,000
TUMATANGGP PA RIN SI GUY-PETRUS NG MGA
MATATAAS NA OPISYAL SA CHÂTEAU GUADET

1221
01:16:37,520 --> 01:16:42,720
NGUNIT TUMANGGI SIYANG MAGBIGAY NG PERA
SA HUWAD NA MINISTRO

1222
01:18:11,000 --> 01:18:13,360
Ang pagsasalin ng subtitle
ay ginawa ni Joy Ramos



