1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:07,382 --> 00:00:11,094
NAGLALAMAN ANG PELIKULA NG MATERYAL NA
MAY KINALAMAN SA TRAWMATIKONG PANGYAYARI.

3
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

4
00:00:11,177 --> 00:00:14,014
IPINAPAYO ANG DISKRESYON NG MANONOOD.

5
00:00:59,976 --> 00:01:01,728
Magandang araw iyon.

6
00:01:03,188 --> 00:01:06,066
Mararamdaman mo ang init mula sa bulkan.

7
00:01:07,108 --> 00:01:09,611
Mararamdaman mong mainit-init ang lupa.

8
00:01:12,989 --> 00:01:15,533
Makikita mo ang magagandang
dilaw na kulay nito.

9
00:01:15,617 --> 00:01:17,494
Pati na rin matitingkad na kahel.

10
00:01:18,578 --> 00:01:20,830
Mga kulay lang sa lahat ng dako.

11
00:01:22,332 --> 00:01:24,542
Lumalabas mula sa lupa ang usok.

12
00:01:26,419 --> 00:01:29,088
Talagang makapigil-hiningang tanawin iyon.

13
00:01:32,550 --> 00:01:34,928
Mukhang planetang Mars o kung ano.

14
00:01:38,848 --> 00:01:42,852
Mas maraming usok kaysa inasahan ko.

15
00:01:45,605 --> 00:01:47,148
Alam mong may kung anong

16
00:01:47,899 --> 00:01:51,319
maganda at nakatatakot
at gusto mo iyong makita.

17
00:01:52,695 --> 00:01:57,325
Pero sinabi lang ng mga gabay namin,
"Huwag lumapit sa gilid ng crater."

18
00:02:04,040 --> 00:02:05,875
Talagang nababalisa na ako

19
00:02:05,959 --> 00:02:07,836
at kinausap ko ang gabay namin

20
00:02:07,919 --> 00:02:11,965
at tinanong ko siya,
"Ano ang gagawin natin kung may pagputok?

21
00:02:12,048 --> 00:02:14,509
Kasi medyo kinakabahan na ako rito."

22
00:02:16,803 --> 00:02:18,096
Mahal ko ang asawa ko higit sa ano pa man,

23
00:02:18,179 --> 00:02:21,057
pero ang pagiging balisa
ay hindi na bago sa kanya,

24
00:02:21,141 --> 00:02:24,769
kaya halos binalewala ko lang
iyong sinabi niya.

25
00:02:26,646 --> 00:02:30,150
Sinabi ko pa nga, "Hindi iyan puputok."

26
00:03:01,306 --> 00:03:02,432
Bilang isang batang Kiwi,

27
00:03:02,515 --> 00:03:04,183
saan pang lugar mas mabuting lumaki?

28
00:03:06,436 --> 00:03:11,149
May mga burol, pangangaso, at pangingisda.

29
00:03:17,363 --> 00:03:18,907
May karagatan para languyan.

30
00:03:21,242 --> 00:03:23,995
Alam mo na, wala nang mas mainam pa.

31
00:03:27,999 --> 00:03:31,336
Magandang komunidad ang Whakatāne,
puno ng adventure.

32
00:03:39,886 --> 00:03:44,682
Nasa silangang baybayin kami
ng North Island.

33
00:03:45,767 --> 00:03:47,018
Narito ang Auckland.

34
00:03:49,103 --> 00:03:52,440
At nasa ibabang baybayin ang Whakatāne.

35
00:03:53,524 --> 00:03:58,446
Binibigkas ito ng mga tao na
"Wock-a-tain" o "Feck-a-tah-nee"

36
00:03:58,529 --> 00:04:00,323
o "Wock-a-tah-nee" o kung anoman.

37
00:04:02,867 --> 00:04:07,247
Pero isa iyong maliit na komunidad
na punong-puno ng pag-ibig.

38
00:04:16,256 --> 00:04:19,550
May 38,000 katao sa Whakatāne.

39
00:04:20,051 --> 00:04:24,889
Nasa 51 porsiyentong ang hindi Māori,

40
00:04:24,973 --> 00:04:27,850
at 48 porsiyentong Māori.

41
00:04:30,353 --> 00:04:32,981
At sinusuportahan ng mga komunidad namin
ang isa't isa.

42
00:04:36,567 --> 00:04:40,655
Mayroon kaming magandang pook

43
00:04:40,738 --> 00:04:45,493
at kasama roon
ang aktibo at humihingang bulkan,

44
00:04:45,576 --> 00:04:49,831
ang Whakaari, na ang pangalan sa Ingles
ay "White Island".

45
00:04:53,876 --> 00:04:59,340
Nasa 48 kilometro mula sa baybayin
ng Whakatāne ang White Island.

46
00:05:00,717 --> 00:05:02,802
Kapag nagmamaneho ka pababa ng baybayin,

47
00:05:02,885 --> 00:05:04,595
tingnan mo

48
00:05:04,679 --> 00:05:07,849
ang tanawin at makikita mo ang malalaking

49
00:05:07,932 --> 00:05:10,184
haligi ng puting usok
na lumalabas mula sa crater.

50
00:05:12,437 --> 00:05:17,817
Talagang kahanga-hanga.
Purong ganda iyon ng kalikasan.

51
00:05:21,696 --> 00:05:25,283
Ayon sa kuwentong-bayan namin,
nagmula kami sa mga bundok.

52
00:05:25,950 --> 00:05:27,952
Sa katunayan, mga apo kami ng Whakaari.

53
00:05:29,287 --> 00:05:32,665
At kami ang mga tagapag-ingat
ng Island mismo.

54
00:05:33,249 --> 00:05:38,713
Siya ay kamangha-manghang enerhiya
at kapangyarihan sa sarili niya.

55
00:05:40,798 --> 00:05:44,093
Pero napakaespesyal niya rin
pagdating sa turismo.

56
00:05:44,177 --> 00:05:45,303
PAPUNTANG WHITE ISLAND
PALIPARAN NG WHAKATĀNE

57
00:05:48,598 --> 00:05:50,641
Mahal ng mga tao ang White Island.

58
00:05:50,725 --> 00:05:53,436
At napakaraming taong
konektado sa White Island Tours dito.

59
00:05:54,812 --> 00:05:56,522
Ang mga restaurant namin,

60
00:05:57,565 --> 00:05:59,025
ang mga motel namin,

61
00:05:59,525 --> 00:06:02,111
lahat na. Ang mga tindahan,
ang mga boutique namin…

62
00:06:02,195 --> 00:06:03,112
GUSTO KONG MAGLIBOT GUSTO KONG
MAKARANAS GUSTO KONG TUMUKLAS

63
00:06:04,781 --> 00:06:09,911
…lahat ng iyon ay nakadepende sa mga taong
dinadala sa bayan namin ng turismo.

64
00:06:19,378 --> 00:06:21,464
Ang kasal namin

65
00:06:21,547 --> 00:06:25,384
ay ang pinakaperpektong mahiwagang araw.

66
00:06:25,468 --> 00:06:28,679
Doon lang ako ngumiti
nang ganoong katindi buong buhay ko.

67
00:06:35,978 --> 00:06:37,396
Mahilig ako sa adventure.

68
00:06:37,480 --> 00:06:40,399
Wala siyang hilig sa adventure.

69
00:06:40,483 --> 00:06:44,195
Mas gusto ko iyong nagpapahinga lang,

70
00:06:44,278 --> 00:06:47,907
iyong magre-relax lang
sa dalampasigan, mga ganoon.

71
00:06:48,616 --> 00:06:51,494
Kaya para sa honeymoon namin,
nagtingin kami ng mga cruise.

72
00:06:51,577 --> 00:06:54,288
Nahanap namin ang isang ito
sa New Zealand. Ang sabi namin,

73
00:06:54,372 --> 00:06:58,167
"Ayos ito! May nakakamanghang heograpiya
ang New Zealand at

74
00:06:58,251 --> 00:07:01,546
mga atraksyon. Mukhang perpekto ito."

75
00:07:04,090 --> 00:07:05,550
Ako at ang kapatid ko,

76
00:07:05,633 --> 00:07:08,719
gusto talaga namin ang anomang magbibigay
sa amin ng maraming adrenaline,

77
00:07:08,803 --> 00:07:12,014
o anomang maglalagay sa amin
sa uri ng isang masayang panganib.

78
00:07:16,394 --> 00:07:18,271
Kaya tumalon kami mula sa Auckland Tower.

79
00:07:21,065 --> 00:07:23,276
<i>Nag</i>-black water rafting <i>kami.</i>

80
00:07:25,194 --> 00:07:28,781
Dati nang nasa ilang mga cruise
ang mga magulang ko,

81
00:07:28,865 --> 00:07:31,868
at nagustuhan talaga nila iyon
at iminungkahi nila sa amin,

82
00:07:31,951 --> 00:07:36,998
sa amin ng kapatid ko,
ang ideyang mag-cruise sa New Zealand.

83
00:07:37,081 --> 00:07:41,294
At sa cruise na iyon, binigyan kami
ng pamimiliang gawain sa lupain.

84
00:07:42,587 --> 00:07:44,964
Ako ang pipili ng gawain sa isang araw,

85
00:07:45,047 --> 00:07:48,092
at pipili si Matt ng gawain sa ibang araw.

86
00:07:48,176 --> 00:07:53,890
Noong ikasiyam ng Disyembre, si Matt
ang nakatakdang pumili ng gawain.

87
00:07:54,474 --> 00:07:58,769
Mahilig ako sa anomang tungkol sa agham.
At parang talagang interesante iyon.

88
00:07:58,853 --> 00:08:02,064
Isang tunay na bulkang
pwede mong lakaran at tingnan.

89
00:08:02,148 --> 00:08:03,483
KARANASANG BULKAN NG WHITE ISLAND
CRUISE AT GINAGABAYANG PAGTUKLAS

90
00:08:03,566 --> 00:08:05,109
Kakaiba iyong White Island.

91
00:08:05,193 --> 00:08:07,278
Hindi mo iyon karaniwang magagawa,

92
00:08:07,361 --> 00:08:11,282
sa ibang pinakaaktibong bulkan sa mundo.

93
00:08:11,365 --> 00:08:13,117
LUMAPIT SA DRAMA

94
00:08:13,201 --> 00:08:15,453
Base sa paglalarawan,
isang madaling pag-akyat lang iyon.

95
00:08:15,536 --> 00:08:18,748
Hindi kailangan ng gamit
o ano pa man para umakyat doon.

96
00:08:18,831 --> 00:08:23,753
Aakyat lang sa crater, titingin sa loob,
at makikita ang kahanga-hangang bulkan.

97
00:08:23,836 --> 00:08:25,296
KAHANGA-HANGANG LAWA NG ASIDONG UMUUSOK

98
00:08:25,880 --> 00:08:28,633
Parang kapana-panabik iyon,
hindi mukhang mapanganib.

99
00:08:29,634 --> 00:08:31,594
Sabi ko lang, "Okay, maganda iyan."

100
00:08:31,677 --> 00:08:34,347
Tiningnan namin ang paglalarawan
at ang sabi ko, "Okay."

101
00:08:45,316 --> 00:08:47,818
Nakatira kami sa Hamilton sa New Zealand,

102
00:08:47,902 --> 00:08:51,822
at full-time pastor ako sa isang simbahan.

103
00:08:52,698 --> 00:08:58,579
Ang anak ko, pinag-aaralan niya
ang geology at aktibidad ng bulkan,

104
00:08:58,663 --> 00:09:03,209
at sabi ko sa kanya, "Dapat tayong pumunta
habang may pagkakataon tayong pumunta."

105
00:09:05,253 --> 00:09:07,797
Tapos, para sa ika-50 kaarawan ko,

106
00:09:07,880 --> 00:09:12,677
sinorpresa niya ako
ng mga tiket para pumunta sa Whakaari.

107
00:09:16,931 --> 00:09:19,267
Lunes ng umaga, tahimik.

108
00:09:19,350 --> 00:09:21,435
Hindi gaanong mabigat ang trapiko.

109
00:09:22,186 --> 00:09:27,066
Dumating kami sa opisina ng turismo
at binasa namin

110
00:09:27,942 --> 00:09:33,197
ang ilang mga dokumento ng kaligtasan,
at hiniling sa aming isulat lang

111
00:09:33,281 --> 00:09:35,866
ang mga numero namin
at mga numero ng mga kamag-anak namin.

112
00:09:37,952 --> 00:09:41,038
Alam kong mapanganib
at naroon ako kasama ang anak ko.

113
00:09:41,122 --> 00:09:43,082
Hindi ko siya ilalagay sa panganib.

114
00:09:43,165 --> 00:09:47,420
Pero walang sandaling
natakot ako sa talagang ginagawa namin.

115
00:09:50,756 --> 00:09:52,300
Magandang umaga!

116
00:09:52,383 --> 00:09:57,096
Noong araw na iyon,
may ilang mga bangkang lumibot sa Island,

117
00:09:57,179 --> 00:09:58,973
at nasa Phoenix kami.

118
00:10:02,518 --> 00:10:03,978
Umalis kami sa pier,

119
00:10:04,061 --> 00:10:08,399
naglakbay sa ilog
sa loob ng lima o sampung minuto.

120
00:10:09,692 --> 00:10:13,738
Lalagpasan mo ang River Bar
papunta sa bukas na karagatan.

121
00:10:15,239 --> 00:10:18,451
Tapos, mula roon papunta sa White Island.

122
00:10:26,792 --> 00:10:31,547
Umalis kami sa pangunahing barko
bandang 9:00 am.

123
00:10:32,048 --> 00:10:35,926
Isang oras kaming
nag-bus papunta sa Whakatāne,

124
00:10:36,010 --> 00:10:41,057
sa daungan kung saan kami manggagaling
kasama ang 40 o higit pang ibang turista.

125
00:10:42,308 --> 00:10:46,103
Sumakay kaming lahat sa Te Puia,

126
00:10:46,187 --> 00:10:47,938
at sabi ng gabay, bagong barko raw iyon.

127
00:10:48,022 --> 00:10:49,732
Kakukuha lang yata nila roon
noong taong iyon.

128
00:10:51,400 --> 00:10:54,195
May apat na gabay sa Te Puia.

129
00:10:54,278 --> 00:10:56,530
Mga tagaroon sila sa Whakatāne,

130
00:10:56,614 --> 00:11:00,409
at sobra silang nananabik na ikuwento
sa amin ang kasaysayan ng White Island.

131
00:11:02,662 --> 00:11:05,039
Noong umaga ng ikasiyam ng Disyembre,

132
00:11:05,623 --> 00:11:10,878
ang mga gabay ay ako
at sina Hayden, Tipene, at Jake.

133
00:11:11,754 --> 00:11:16,467
Inihanda namin ang bangka
at umalis na parang karaniwang araw lang.

134
00:11:17,093 --> 00:11:20,805
Papalapit sa pampang, gagabayan namin kayo
sa paglibot sa loob ng crater.

135
00:11:20,888 --> 00:11:24,183
Aabot ito ng mga isang oras
hanggang isang oras at kalahati.

136
00:11:24,266 --> 00:11:26,435
Mahilig sa outdoors
ang nakababata kong kapatid na si Hayden,

137
00:11:27,019 --> 00:11:29,605
at gustong-gusto niya ang tag-init.

138
00:11:31,023 --> 00:11:35,528
Noong 2009, nagsimula siyang
maging gabay sa Whakaari.

139
00:11:36,362 --> 00:11:40,533
Mayroon siyang detalyadong diary
ng bawat biyahe niya papunta sa Island,

140
00:11:40,616 --> 00:11:43,702
at nakasama siya sa 1,111 biyahe.

141
00:11:45,037 --> 00:11:46,414
Kamangha-mangha iyon.

142
00:11:46,497 --> 00:11:52,002
Hindi ko alam na iyon ang pang-1,111
na biyahe ni Hayden sa Island. Hindi.

143
00:11:54,547 --> 00:11:57,675
Si Hayden siguro
ang isa sa mga pinakamatatagal nang gabay.

144
00:11:58,592 --> 00:12:01,429
Tumulong siyang turuan ako sa trabaho,

145
00:12:01,512 --> 00:12:04,807
at pagkatapos ng trabaho, pupunta kami
sa lokal na samahan ng pangingisda

146
00:12:06,183 --> 00:12:10,771
o pupunta kami sa Tarawera Falls.

147
00:12:12,231 --> 00:12:13,774
Wala siyang inuurungang adventure.

148
00:12:16,277 --> 00:12:19,905
Nagkaroon siya ng malaking pagmamahal
para sa buong kapaligiran.

149
00:12:21,115 --> 00:12:23,242
Hindi lang para sa Whakaari,
hindi lang para sa bulkan.

150
00:12:38,966 --> 00:12:42,428
Bumubugso ang hangin,
malalaki ang mga alon.

151
00:12:42,511 --> 00:12:45,890
Maraming kawawang pasahero ang talagang

152
00:12:45,973 --> 00:12:48,767
inilipat sa likod ng Te Puia

153
00:12:48,851 --> 00:12:50,436
kasi naduduwal sila.

154
00:12:51,479 --> 00:12:53,230
Nakaupo ako kasama
ang pamilya ko, para naming…

155
00:12:54,565 --> 00:12:56,942
hindi naman sa pinagtatawanan sila,
pero tumatawa nang kaunti,

156
00:12:57,026 --> 00:12:59,945
ngumingisi lang sa isa't isa.
Nasisiyahan kaming nasa tubig.

157
00:13:00,029 --> 00:13:02,948
At nasisiyahan kami sa maalong biyahe.

158
00:13:04,867 --> 00:13:08,078
Wala kaming kaalam-alam
na magiging ganoong kaalon ang dagat.

159
00:13:08,829 --> 00:13:11,832
Nasa bangkang iyon
kami sa loob ng 90 minuto.

160
00:13:11,916 --> 00:13:15,461
At hindi bababa sa pito
o walong tao ang nagsusuka dahil lang

161
00:13:16,045 --> 00:13:19,507
taas-baba ang barko,

162
00:13:19,590 --> 00:13:23,886
at makikita mo ang karagatan tapos langit,
tapos karagatan tapos langit.

163
00:13:25,012 --> 00:13:26,805
Sobrang lapit ko nang magsuka.

164
00:13:26,889 --> 00:13:29,808
Literal na hawak ko
nang ganito ang sikmura ko.

165
00:13:33,729 --> 00:13:36,357
Isang oras at kalahati papunta
at isang oras at kalahati pabalik.

166
00:13:37,316 --> 00:13:39,693
May mga araw na pupunta ka roon
at pwedeng maalon,

167
00:13:39,777 --> 00:13:42,988
pwedeng nakatatakot. Kung hindi ka sanay
na nasa bangka sa loob ng isang oras,

168
00:13:43,656 --> 00:13:45,324
medyo mabilis kang maduduwal.

169
00:13:48,244 --> 00:13:49,745
Kaya may isa pa ring pamimilian.

170
00:13:49,828 --> 00:13:53,040
Pwede kang sumakay sa helicopter,
at 20 minutong paglipad lang iyon.

171
00:13:55,501 --> 00:13:56,794
Paggising ko noong araw na iyon,

172
00:13:56,877 --> 00:13:59,547
medyo kinakabahan ako at medyo stressed.

173
00:14:00,673 --> 00:14:06,262
Unang araw iyon na pinayagan akong
mag-isang maglipad ng mga pasahero.

174
00:14:10,057 --> 00:14:13,477
Una akong pumunta sa New Zealand
para sa lisensya ko.

175
00:14:15,187 --> 00:14:17,439
Naghahanap lang ng magandang lugar
para matutong lumipad.

176
00:14:21,068 --> 00:14:22,027
Sa maaliwalas na araw,

177
00:14:22,111 --> 00:14:24,947
kung lilipad ka mula sa mainland,
makikita mo ang White Island.

178
00:14:25,656 --> 00:14:27,116
Deretso lang ang paglipad papunta roon.

179
00:14:30,035 --> 00:14:35,040
At ang mga kondisyon noong araw na iyon…
perpektong kondisyon ang mga iyon.

180
00:14:44,675 --> 00:14:48,679
Habang papalapit ang Phoenix sa Island,

181
00:14:48,762 --> 00:14:52,600
nagsimula ang crew
na ihanda kami sa pagbaba.

182
00:14:53,893 --> 00:14:57,813
At sabi ng anak ko, "Tara, Pa,
gusto kong mauna sa Island."

183
00:15:14,622 --> 00:15:16,790
Nagsimula ang paglibot

184
00:15:16,874 --> 00:15:18,834
at mabagal lang kaming naglakad.

185
00:15:20,544 --> 00:15:22,880
Ang dalawang gabay,
isa sa kanila ang nauna,

186
00:15:22,963 --> 00:15:27,092
mahuhuli ang isa, at bilang isang grupo,
mananatili kami sa pagitan nila.

187
00:15:39,730 --> 00:15:42,107
Para iyong eksena mula sa <i>Jurassic Park</i>

188
00:15:42,191 --> 00:15:43,651
kapag nilapitan mo.

189
00:15:49,114 --> 00:15:52,993
Ang unang paglapag sa White Island,
para sa akin, ay parang paglapag sa buwan

190
00:15:53,077 --> 00:15:56,080
kasi kakaiba itong klase ng kapiligiran.

191
00:16:04,171 --> 00:16:06,590
Pagkatapos naming lumapag,
pinayuhan ko sila tungkol sa kaligtasan.

192
00:16:07,800 --> 00:16:10,719
Nagsimula akong maglakad
papunta sa crater.

193
00:16:18,894 --> 00:16:21,438
Nasa ilalim ng tubig
ang malaking bahagi ng bulkan

194
00:16:21,522 --> 00:16:23,691
kaya tuktok lang nito ang nakikita mo.

195
00:16:24,858 --> 00:16:27,569
Ang White Island ay isang <i>stratovolcano.</i>

196
00:16:27,653 --> 00:16:32,032
Kapag pumuputok ito, wala itong mga daloy
ng lava tulad ng mga bulkan sa Hawaii.

197
00:16:33,492 --> 00:16:36,078
Para itong nagbababa
ng mga layer ng mga bato

198
00:16:36,161 --> 00:16:39,373
at abo at binubuo nito ang sarili nito
sa ganoong paraan.

199
00:16:53,178 --> 00:16:55,431
Nang dumating ang Te Puia sa Island,

200
00:16:56,015 --> 00:16:57,891
kinailangan naming sumakay sa maliliit na
bangkang tinatawag nilang bangkang Zodiac.

201
00:16:57,975 --> 00:17:00,561
Mga <i>inflatable rubber boat</i> lang iyon.

202
00:17:00,644 --> 00:17:03,480
Mabilis lang talagang
biyahe iyon sa Island.

203
00:17:03,564 --> 00:17:05,315
Oo, mga isa o dalawang minuto.

204
00:17:07,026 --> 00:17:12,031
At nakarating sila
sa napakamaugang sementong daungan

205
00:17:12,114 --> 00:17:15,200
na may kinakalawang na bakal na hagdan.

206
00:17:19,621 --> 00:17:23,625
May mga tunog ng along
humahampas sa dalampasigan

207
00:17:23,709 --> 00:17:28,047
at humahampas sa pampang na nagbibigay
sa hanging-dagat ng amoy ng asin.

208
00:17:29,465 --> 00:17:30,674
At mayroon ding

209
00:17:30,758 --> 00:17:35,220
halos parang matindi
at masangsang na amoy ng asupre.

210
00:17:36,513 --> 00:17:40,059
Mukhang patay ang lugar.
Walang senyales ng buhay.

211
00:17:42,102 --> 00:17:45,481
Nang umalis kami mula sa daungang iyon
at nakita namin sa unang pagkakataon…

212
00:17:46,231 --> 00:17:49,026
May larawan ako
sa isip ko ng hitsura ng bulkan,

213
00:17:49,109 --> 00:17:50,152
at hindi ito iyon.

214
00:17:51,361 --> 00:17:54,406
Walang lava. Maraming-maraming usok lang.

215
00:17:55,908 --> 00:17:57,868
Napakaganda noon,

216
00:17:58,577 --> 00:18:03,290
pero pakiramdam ko,
talagang nasa gitna kami ng kawalan.

217
00:18:15,260 --> 00:18:18,138
Mula roon, bumuo kami
ng magkakahiwalay na mga grupo.

218
00:18:18,222 --> 00:18:21,517
Ang mga gabay ko sa Island
ay sina Hayden at Tipene.

219
00:18:22,643 --> 00:18:27,022
Si Tipene, ang alam ko, ay baguhan.
Tinuturuan siya ni Hayden.

220
00:18:28,607 --> 00:18:30,692
Mausisa si Tipene.

221
00:18:31,610 --> 00:18:33,612
Napakaraming tanong.

222
00:18:35,572 --> 00:18:37,116
Ipinagmamalaki niyang isa siyang Māori.

223
00:18:39,701 --> 00:18:42,037
Nasasabik siyang makuha
ang trabahong iyon.

224
00:18:42,913 --> 00:18:47,251
Natutuwa siya roon, sumasakay sa bangka,
nakikihalubilo sa mga tao.

225
00:18:47,334 --> 00:18:49,378
Gusto niyang nagkukuwento sa kanila

226
00:18:50,129 --> 00:18:51,964
ng mga mito at alamat na Māori.

227
00:18:54,091 --> 00:18:56,593
Hindi siya dapat magtatrabaho
nang araw na iyon.

228
00:18:57,636 --> 00:18:58,804
Mamimili sana kami.

229
00:19:00,472 --> 00:19:03,934
Pero tinawagan siya
para humalili sa iba at nagtrabaho siya.

230
00:19:07,855 --> 00:19:10,524
Ang mga gabay, piloto, at skipper,

231
00:19:10,607 --> 00:19:14,027
kilalang-kilala nila ang Island
hanggang sa pinakahuling bato.

232
00:19:15,445 --> 00:19:18,031
Sila ang pinakanakakikilala
sa Whakaari higit kaninoman.

233
00:19:18,115 --> 00:19:20,450
Sige, kayong lahat!
Maligayang pagdating sa White Island.

234
00:19:20,534 --> 00:19:23,662
Ako ang magiging gabay ninyo ngayon
sa munting paglibot natin sa Island.

235
00:19:23,745 --> 00:19:26,456
Binigyan nila kami
ng hard hat na may chin strap,

236
00:19:26,540 --> 00:19:29,251
tapos ay binigyan nila kami ng <i>respirator.</i>

237
00:19:29,334 --> 00:19:32,921
Ang gagawin natin,
pupunta tayo sa gilid dito

238
00:19:33,005 --> 00:19:34,923
paakyat sa pangunahing crater na iyon.

239
00:19:35,007 --> 00:19:36,884
Hihinto tayo sa ilang
interesanteng punto sa daan.

240
00:19:36,967 --> 00:19:39,094
Magbabahagi ako ng ilang impormasyon
tungkol sa Island.

241
00:19:39,178 --> 00:19:41,972
Kung maayos na ang lahat,

242
00:19:42,055 --> 00:19:43,807
sisimulan na nating ang paglibot.

243
00:19:48,061 --> 00:19:50,189
Nasa oras umalis ang unang grupo

244
00:19:50,272 --> 00:19:52,316
matapos ang maikling
payong pangkaligtasan.

245
00:19:53,734 --> 00:19:56,820
Nagtitipon-tipon pa ang grupo namin.

246
00:19:58,238 --> 00:19:59,656
Para saan ito?

247
00:19:59,740 --> 00:20:00,991
Susupsupin ninyo iyan

248
00:20:01,074 --> 00:20:02,534
at tutulong iyang maglabas ng laway,

249
00:20:02,618 --> 00:20:07,414
nang sa ganoon ay anomang iritasyong
makuha ninyo mula sa usok mismo,

250
00:20:07,497 --> 00:20:10,375
ay mapagaan iyon.
Para hindi kayo sobrang uubo.

251
00:20:15,672 --> 00:20:21,094
Ang landas sa Island track ay isang ikot
na nagsisimula sa dalampasigan.

252
00:20:22,471 --> 00:20:23,764
Kapag nakarating na sa crater,

253
00:20:23,847 --> 00:20:26,642
babalik at iikot sa Island.

254
00:20:26,725 --> 00:20:27,851
LAWA NG CRATER

255
00:20:27,935 --> 00:20:30,938
Tapos, balik sa bunganga sa pasukan.

256
00:20:31,021 --> 00:20:32,689
HELIKOPTER

257
00:20:34,691 --> 00:20:37,444
Maraming gas sa Island
na sumusubok makalabas.

258
00:20:37,527 --> 00:20:42,032
Sinusubukang tumagos sa isang malapot

259
00:20:42,115 --> 00:20:43,325
at maputik na bagay.

260
00:20:43,909 --> 00:20:46,995
Kaya mayroon kang maririnig
na parang kumukulong ingay.

261
00:20:50,999 --> 00:20:53,460
Ang nangyayari ay sumasama
ang asupre sa usok palabas.

262
00:20:53,543 --> 00:20:56,463
Tumitigas iyon at bumabagsak
ulit sa ibabaw ng sarili nito,

263
00:20:56,546 --> 00:20:59,758
at bumubuo ng istrukturang
parang tsiminea sa isang bahay.

264
00:20:59,841 --> 00:21:01,551
Kaya tinatawag namin iyong
lugar ng tsimineang asupre.

265
00:21:03,720 --> 00:21:08,892
Ang tanawin ay binubuo
ng mga bato, abo, at putik.

266
00:21:10,560 --> 00:21:13,647
Pero nagkalat sa paligid

267
00:21:13,730 --> 00:21:17,567
ng mga kulay-abo ay mga deposito ng asupre

268
00:21:17,651 --> 00:21:20,237
na pinakamagagandang matitingkad na dilaw

269
00:21:20,821 --> 00:21:25,200
at matitingkad na puting kristal
na parang kumikinang sa liwanag ng araw.

270
00:21:28,036 --> 00:21:31,915
Mararamdaman mo ang lawak

271
00:21:31,999 --> 00:21:34,751
at kapangyarihan ng pinapasok mo.

272
00:21:41,383 --> 00:21:43,969
Itong sulyap sa Inang Kalikasan

273
00:21:44,052 --> 00:21:48,348
sa kanyang pinakamaganda
pero pinakamakamandag.

274
00:21:55,355 --> 00:22:01,653
Sabi ng gabay namin, karaniwan daw
na ang lawa ay magandang mabughaw na berde

275
00:22:01,737 --> 00:22:05,699
at puti iyon noong araw na iyon
dahil siguro noong magdamag

276
00:22:05,782 --> 00:22:09,036
ay nagkaroon ng kung anong aktibidad

277
00:22:09,119 --> 00:22:12,539
na naging sanhi
para mahulog pabalik sa lawa ang abo.

278
00:22:14,750 --> 00:22:16,585
Sa tingin ko ay madalas mangyari iyon,

279
00:22:16,668 --> 00:22:19,963
pero mukhang walang problema
ang mga gabay doon kaya 'di ako nag-alala.

280
00:22:24,217 --> 00:22:26,553
Nagsimula kaming maglakad
papunta sa crater.

281
00:22:26,636 --> 00:22:31,850
Huminto kami para kumuha
ng mga larawan kada ilang yarda,

282
00:22:31,933 --> 00:22:35,187
at kinausap ko
ang gabay namin at tinanong ko siya,

283
00:22:35,270 --> 00:22:37,939
"Kailan ang huling pagputok?

284
00:22:38,023 --> 00:22:41,359
Kasi ako… Medyo kinakabahan na ako rito."

285
00:22:41,443 --> 00:22:45,322
Sabi niya, may isa noong 2013,
isa noong 2016.

286
00:22:45,405 --> 00:22:50,118
At para akong, "Katapusan na ng 2019
ngayon at talagang kinakabahan ako."

287
00:22:50,202 --> 00:22:53,413
Binanggit ni Hayden na ang Island
ay nasa pangalawang antas ng panganib.

288
00:22:53,497 --> 00:22:56,458
Hindi niya inilarawan
ang ibig sabihin noon sa sandaling iyon.

289
00:22:56,541 --> 00:23:02,881
Pero sinabi niyang mas mataas ang tsansa
ng aktibidad, na nakababahala para sa'kin.

290
00:23:04,800 --> 00:23:07,177
Unang antas, pangalawang antas,
maliit na bagay lang iyon.

291
00:23:07,761 --> 00:23:12,432
Sa una, walang masyadong nangyayari.
Sa pangalawa, mas maraming aktibidad,

292
00:23:12,516 --> 00:23:14,935
at ang pangatlong antas
ay pagputok, kaya alam mong…

293
00:23:16,895 --> 00:23:19,981
Napakalaki ng pagkakaiba
sa pagitan ng una at ikatlong antas.

294
00:23:27,280 --> 00:23:30,951
Bumalik kami sa baba
kung saan kami nagsimula.

295
00:23:31,993 --> 00:23:37,249
Bumalik kami sa Phoenix
at naghahanda pa lang kaming umalis.

296
00:23:40,085 --> 00:23:43,130
Nakikipag-usap kami sa isa
sa mga gabay namin

297
00:23:43,213 --> 00:23:44,464
tungkol sa

298
00:23:44,548 --> 00:23:48,468
kung nagkaroon ba ng aktibidad ang bulkan
sa White Island noong magdamag o

299
00:23:48,552 --> 00:23:49,719
ay noong walang tao roon.

300
00:23:53,390 --> 00:23:58,478
Para bang umaamo ito
para bumisita ang mga tao.

301
00:24:01,606 --> 00:24:04,901
Para bang, "Puputok ako kapag wala kayo."

302
00:24:07,320 --> 00:24:13,285
Habang umaalis kami sa Island
at pabalik na, lumingon ako sa crater,

303
00:24:14,035 --> 00:24:17,038
nakikita ko ang paglibot
mula sa kabilang bangka.

304
00:24:18,206 --> 00:24:24,462
MATAPOS MAKAALIS ANG PHOENIX,
47 KATAO ANG NANATILI SA ISLA.

305
00:24:26,131 --> 00:24:28,216
Laging masayang umakyat sa crater

306
00:24:28,300 --> 00:24:30,510
at marinig ang mga taong
magpigil ng hininga at sabihing,

307
00:24:30,594 --> 00:24:33,221
"Wow," at "Diyos ko, kahanga-hanga ito,"

308
00:24:33,305 --> 00:24:35,098
at pagkatapos
ay kukuha sila ng mga larawan.

309
00:24:36,933 --> 00:24:42,647
May mga geologist na pumupunta
para makita at pag-aralan iyon…

310
00:24:44,566 --> 00:24:46,818
at mayroon ding mga karaniwang tao
na parang,

311
00:24:46,902 --> 00:24:50,030
"Gusto ko lang ng larawan ng crater,
gusto ko lang ilagay sa Instagram."

312
00:24:52,407 --> 00:24:53,825
Nakarating kami
sa tuktok ng crater bandang

313
00:24:53,909 --> 00:24:56,703
alas-dos ng hapon.

314
00:24:58,246 --> 00:25:01,917
Nakatingin ka lang sa nakanganga
at walang katapusang hukay ng usok.

315
00:25:02,667 --> 00:25:04,586
Nakapanliit na tanawin iyon.

316
00:25:06,963 --> 00:25:08,548
Binigyan nila kami
ng isa pang pagkakataong

317
00:25:08,632 --> 00:25:11,551
kumuha ng larawan sa harap ng crater.

318
00:25:12,260 --> 00:25:16,473
Napansin ko ang isa pang bangka.
Kaaalis lang ng Phoenix mula sa Island,

319
00:25:16,556 --> 00:25:18,850
tapos ilang minuto
kaming nanatili roon sa itaas,

320
00:25:18,934 --> 00:25:20,685
tapos ay nagsimula na kaming bumaba.

321
00:25:21,686 --> 00:25:24,147
Iniisip ko, "Okay, pababa na kami.

322
00:25:24,856 --> 00:25:30,737
Patapos na ang paglibot." Kaya medyo
mas magaang na ang pakiramdam ko.

323
00:25:34,199 --> 00:25:35,909
Dahil mula sila sa <i>cruise ship,</i>

324
00:25:35,992 --> 00:25:37,911
medyo mahigpit ang oras namin,

325
00:25:37,994 --> 00:25:42,958
kaya mabilis kaming kumilos.
Pabalik na kami noon sa daungan.

326
00:25:44,751 --> 00:25:48,755
Siguro nahuli nang sampung minuto sa amin
ang isa pang paglibot,

327
00:25:48,838 --> 00:25:53,927
kaya paalis kami sa crater
at paakyat sa crater si Hayden.

328
00:25:55,470 --> 00:25:57,472
Mula sa crater, parang iikot ka pabalik

329
00:25:57,555 --> 00:26:00,183
tapos panibagong 500 metro o higit pa
papunta sa dalampasigan.

330
00:26:01,226 --> 00:26:04,312
May apat akong pasahero noon,
dalawang mag-asawa.

331
00:26:04,396 --> 00:26:06,773
At sa puntong iyon, doon namin nalagpasan
ang mga nasa bangka,

332
00:26:06,856 --> 00:26:09,567
ang mga grupong
naglalakad papunta sa crater.

333
00:26:11,653 --> 00:26:14,531
Nakilala ko si Hayden
at binati ko si Hayden…

334
00:26:14,614 --> 00:26:18,243
habang paakyat siya sa crater
kasama ang grupo niyang naglilibot.

335
00:26:20,370 --> 00:26:22,539
Pumunta kami sa asidong lawa.

336
00:26:24,124 --> 00:26:27,377
Nakikita namin ang pagbula
sa gitna ng mga usok

337
00:26:27,460 --> 00:26:29,921
na dumaraan sa mga mukha namin.

338
00:26:31,256 --> 00:26:34,384
Sinabi ni Hayden na pwede lang kami roon
nang dalawa hanggang tatlong minuto,

339
00:26:35,010 --> 00:26:39,139
sapat lang na oras para tumingin
at kumuha ng mga larawan dahil

340
00:26:39,222 --> 00:26:43,685
ang mga lumalabas na kemikal doon sa itaas

341
00:26:43,768 --> 00:26:46,688
ay mas mapanganib.

342
00:26:47,564 --> 00:26:50,900
Nagmamadali ang lahat
na kumuha ng larawan.

343
00:26:54,279 --> 00:26:58,199
Oras na para umalis, isang pila.

344
00:26:58,283 --> 00:27:00,577
Nasa harap ang kapatid ko
kasama si Hayden.

345
00:27:01,578 --> 00:27:05,498
Kasama ko ang mga magulang ko
sa gitna ng grupo.

346
00:27:10,670 --> 00:27:14,466
Sa kalagitnaan ng daan papuntang daungan,
may dalawang batis ng tubig

347
00:27:14,549 --> 00:27:17,886
at galing ang mga iyon
sa iba't ibang bahagi ng Island.

348
00:27:17,969 --> 00:27:19,429
Kaya talagang pinahinto kami ng mga gabay

349
00:27:19,512 --> 00:27:21,389
at ipinalagay ang mga daliri namin
sa tubig para tikman iyon.

350
00:27:22,307 --> 00:27:24,976
Talagang malalasahan mo
ang iba't ibang mineral na naroon.

351
00:27:26,144 --> 00:27:29,647
Katitikim ko lang sa tubig,
at nakatalikod ako sa crater,

352
00:27:30,231 --> 00:27:33,985
at narinig kong sinabi ng isa
sa mga turista, "Hoy, tingnan ninyo iyon."

353
00:27:34,069 --> 00:27:38,323
Lumingon ka at makikita mo ang maliit
na itim na ulap na lumalabas sa bulkan.

354
00:27:38,406 --> 00:27:42,452
Hindi nakatatakot iyon.
Kumuha pa nga ako ng larawan.

355
00:27:44,079 --> 00:27:48,166
Para lang usok sa tsiminea. Walang tunog.

356
00:27:49,042 --> 00:27:52,253
Lumingon kaming lahat para makita
ang halos mukhang itim na paputok,

357
00:27:52,337 --> 00:27:55,256
o parang isang <i>dementor</i> sa <i>Harry Potter</i>
na may itim na mahabang buntot.

358
00:27:55,340 --> 00:27:59,636
Kaya inilabas namin ang mga telepono namin
at kumuha ng mga larawan.

359
00:28:00,261 --> 00:28:03,556
Sandali lang kasunod noon,
may isa pang mas malaking pagputok.

360
00:28:04,557 --> 00:28:09,813
na sinundan ng malaki, mas malaki pang
grupo ng mga bato, lumipad sa ere,

361
00:28:09,896 --> 00:28:15,276
at unti-unti iyong
lumaki sa lakas at sukat.

362
00:28:16,611 --> 00:28:18,696
Alam ko agad,

363
00:28:18,780 --> 00:28:22,784
masamang ito. Dapat tayong tumakbo.

364
00:28:24,077 --> 00:28:27,122
Lumingon ako at nakita ko ang usok.

365
00:28:27,205 --> 00:28:29,624
Mas matangkad na iyon sa White Island.

366
00:28:30,667 --> 00:28:33,253
Alam ko na agad ang nangyayari.

367
00:28:34,003 --> 00:28:36,798
Natataranta na ang utak ko,

368
00:28:36,881 --> 00:28:40,176
at sinusubukan ko lang bilisang
isipin kung ano ang dapat gawin.

369
00:28:40,760 --> 00:28:42,095
Sa likod ko,

370
00:28:42,178 --> 00:28:47,976
narinig kong sumigaw si Kelsey,
"Takbo!" Tapos, iyon na ang simula.

371
00:28:50,270 --> 00:28:52,355
-Takbo!
-Takbo!

372
00:28:52,439 --> 00:28:54,190
Annie!

373
00:28:54,274 --> 00:29:00,947
KUHA SA TELEPONO NG NAKALIGTAS

374
00:29:01,781 --> 00:29:06,453
Natataranta na ako noon. Nangyayari
ang pinakamasama kong bangungot.

375
00:29:08,538 --> 00:29:12,208
Naririnig namin si Hayden sa harap,
sumisigaw na tumakbo.

376
00:29:12,292 --> 00:29:14,502
Natataranta na kami noon,

377
00:29:14,586 --> 00:29:17,297
at nagsimula nang tumakbo
para sa kaligtasan namin.

378
00:29:18,298 --> 00:29:20,383
Kasunod ko sa likod ko
ang mga magulang ko.

379
00:29:21,384 --> 00:29:26,014
Mararamdaman mo ang anino ng pagsabog
na umaangat sa likod namin.

380
00:29:28,975 --> 00:29:31,019
Nakatakbo at nakapagtago kami sa likod

381
00:29:31,102 --> 00:29:37,650
ng napakalaking tumpok ng mga bato
bago kami tabunan ng ulap ng abo.

382
00:29:46,993 --> 00:29:48,995
Naging kulay itim ang buong paligid.

383
00:29:49,078 --> 00:29:54,501
Ang maririnig mo lang
ay ang tunog ng pag-ugong at atungal.

384
00:29:54,584 --> 00:29:57,212
Sa puntong iyon, wala na akong magagawa.

385
00:30:07,388 --> 00:30:12,519
Papunta kami sa kabilang dagat-dagatan
na nasa kabila lang ng talampas

386
00:30:13,019 --> 00:30:14,479
at saka pumutok ang bulkan.

387
00:30:17,565 --> 00:30:21,528
Diyos ko. Naku po.

388
00:30:23,363 --> 00:30:27,450
Pinanonood ko ang pag-angat ng usok
at napakaganda nito.

389
00:30:28,493 --> 00:30:31,371
Ang puti ay purong puti,
ang itim ay madilim.

390
00:30:31,454 --> 00:30:34,457
Para lang iyong…
Kamangha-manghang sandali iyon.

391
00:30:36,918 --> 00:30:42,465
Sa loob ng ilang segundo,
ang maganda ay naging nakatatakot.

392
00:30:43,007 --> 00:30:48,304
Ang ulap ng abo
ay gumulong pababa ng talampas.

393
00:30:49,681 --> 00:30:52,767
Napagtatanto na ng crew
kung ano ang nangyayari.

394
00:30:52,851 --> 00:30:56,479
Nagsimulang magmatulin ang bangka.

395
00:30:57,522 --> 00:31:01,317
Nasa labas pa rin kami. Sinabihan ng crew
na pumasok ang lahat sa cabin.

396
00:31:02,569 --> 00:31:03,987
Pumasok na ang lahat!

397
00:31:05,071 --> 00:31:10,702
-Bilisang pumasok!
-Pasok!

398
00:31:10,785 --> 00:31:12,287
Diyos ko!

399
00:31:15,748 --> 00:31:19,669
Naglalakad kami pupunta sa pampang
at tinanong ako ng isa sa mga pasahero ko,

400
00:31:20,378 --> 00:31:23,715
"Dapat ba tayong tumakbo?"
At lumingon ako at

401
00:31:23,798 --> 00:31:26,009
saka ko nakita
ang malaking pagputok na nangyayari.

402
00:31:26,593 --> 00:31:28,553
Lumingon ako sa kaliwa ko noon at nakita

403
00:31:28,636 --> 00:31:31,598
ang mga parang projectile
na parang babagsak papunta sa amin.

404
00:31:32,891 --> 00:31:34,851
Sa akin, parang aakyat iyon
nang libo-libong talampakan

405
00:31:34,934 --> 00:31:36,436
at hindi titigil.

406
00:31:37,687 --> 00:31:39,314
Tiningnan ko ang helicopter

407
00:31:39,397 --> 00:31:42,734
na nasa mga 300 hanggang 400 metro
ang layo sa akin.

408
00:31:42,817 --> 00:31:45,236
Kaya… hindi na kami makasasakay doon.

409
00:31:46,070 --> 00:31:49,574
Ang maaari na lang gawin
ay pumunta sa tubig.

410
00:31:49,657 --> 00:31:51,868
Kaya sinabi ko
sa kanilang tumakbo sa tubig.

411
00:31:54,329 --> 00:31:56,873
Pagkarating ko sa pier,
hindi na ako nag-alinlangang tumalon.

412
00:32:00,251 --> 00:32:03,463
Lumubog ako sa tubig
at pinigil ang paghinga hanggang makakaya.

413
00:32:03,963 --> 00:32:05,673
Biglang naging itim ang buong paligid.

414
00:32:09,427 --> 00:32:14,933
AUDIO SA TELEPONO NG NAKALIGTAS

415
00:32:21,189 --> 00:32:24,901
Tinatamaan ako ng mga bato
at sunod-sunod na tumatama sa hard-hat ko.

416
00:32:26,027 --> 00:32:29,948
Iyon ang pinakamadilim na bagay
na nakita ko buong buhay ko.

417
00:32:30,657 --> 00:32:35,328
Mas madilim sa anomang gabing
naranasan ko, itim na itim.

418
00:32:39,207 --> 00:32:43,461
Kung nagbabasa ka ng akda
tungkol sa mga <i>pyroclastic flow,</i>

419
00:32:43,544 --> 00:32:44,963
malalaman mong hindi nakaliligtas
ang mga tao.

420
00:32:45,964 --> 00:32:49,509
Alam kong wala kaming tsansa
kung lalabas kami,

421
00:32:49,592 --> 00:32:52,887
kaya kailangan lang naming
magtago at umasa.

422
00:32:52,971 --> 00:32:58,810
Idiniin ko ang salamin at gas mask
sa mukha ko at hindi ko ito binitawan.

423
00:33:03,564 --> 00:33:06,109
Narinig kong sumisigaw ang ibang tao.

424
00:33:06,943 --> 00:33:08,528
Kakila-kilabot talaga.

425
00:33:09,904 --> 00:33:14,701
Malinaw kong naaalalang naramdaman
kong parang sinusunog ang likod ko.

426
00:33:15,910 --> 00:33:20,415
Sunog na sunog na ang mga braso
at binti ko, hindi ko na sila naramdaman.

427
00:33:22,000 --> 00:33:24,419
Narinig kong sinabi ni Matt,
"Patawad, Lauren."

428
00:33:24,502 --> 00:33:26,087
At nadurog noon ang puso ko.

429
00:33:27,588 --> 00:33:33,219
Hinawakan ko ang kamay niya
kasi inisip kong siguradong

430
00:33:33,302 --> 00:33:39,809
mamamatay kami noon at gusto ko lang na
makitang magkasama ang mga katawan namin.

431
00:33:41,519 --> 00:33:43,688
Napakatindi ng amoy.

432
00:33:43,771 --> 00:33:47,734
Iyong init pa lang ay malaking pahirap na.

433
00:33:47,817 --> 00:33:51,696
Sinusunog ako ng buhay
ng napakainit na usok.

434
00:33:52,447 --> 00:33:55,158
Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko
para pigilan ang paghinga.

435
00:33:55,241 --> 00:33:58,369
Na panatilihing sarado
ang bibig at mga mata ko.

436
00:33:58,453 --> 00:34:04,917
Sinubukan kong kumilos sa posisyong <i>fetal</i>
kaya likod ko ang pinakanapuruhan.

437
00:34:11,340 --> 00:34:12,759
Sa ilalim ng tubig ay walang ingay.

438
00:34:12,842 --> 00:34:16,429
Hinihintay mo na muling
lumabas ang liwanag.

439
00:34:17,180 --> 00:34:20,600
Pakiramdam mo ay hindi mo alam
kung kailan matatapos ang lahat,

440
00:34:21,184 --> 00:34:23,561
dahil wala talagang liwanag, kawalan lang.

441
00:34:25,063 --> 00:34:27,815
Sa isang punto, may sumilip na liwanag.
Tiningnan ko iyon.

442
00:34:27,899 --> 00:34:29,358
Naisip ko, "Salamat sa Diyos."

443
00:34:29,442 --> 00:34:31,652
Lumangoy ako papunta roon,
pero nawala ulit.

444
00:34:36,074 --> 00:34:41,037
Sinabi ko kay Matt na mahal ko siya.
Isinisigaw ko iyon kada dalawang segundo.

445
00:34:41,120 --> 00:34:43,039
"Mahal kita."

446
00:34:43,122 --> 00:34:48,002
"Mahal kita," at ang naririnig ko lang
ay ang pagsigaw niya sa sakit.

447
00:34:49,295 --> 00:34:51,547
Hindi ko pa siya narinig
sumigaw nang ganoon.

448
00:34:53,549 --> 00:34:59,305
Napakatindi lang ng sakit.
Natupok ng apoy ang mga damit ko.

449
00:35:01,557 --> 00:35:03,726
Dalawa hanggang tatlong minuto
ang itinigal ng pagputok.

450
00:35:03,810 --> 00:35:08,606
Iyon ang pinakanakatatakot na dalawang
minuto ng buhay ko hanggang ngayon.

451
00:35:09,398 --> 00:35:11,109
Naisip ko, "Ito na iyon.

452
00:35:11,609 --> 00:35:16,239
Ito na ang huling araw ko sa planeta.
Mamamatay kami sa honeymoon namin."

453
00:35:22,411 --> 00:35:25,623
Naaalala kong dumungaw ako sa bintana,

454
00:35:25,706 --> 00:35:31,546
at biglang hindi ko na makita ang Island.
Nawala na iyon.

455
00:35:38,386 --> 00:35:41,389
Para bang bumabagal ang takbo ng oras.

456
00:35:41,472 --> 00:35:44,725
Lagi kong sinabi noon,
"Kung anoman ang mangyari sa akin,

457
00:35:44,809 --> 00:35:48,938
pakiramdam kong namuhay na ako, para
sa edad ko, ng isang napakagandang buhay

458
00:35:49,021 --> 00:35:52,316
at kontento ako sa narating ko."

459
00:35:52,942 --> 00:35:58,030
Pero sa sandaling iyon, naisip ko, "Hindi,
hindi pa ako handang pakawalan ito.

460
00:35:58,114 --> 00:36:01,325
Ipagpapatuloy ko sigurong…

461
00:36:01,409 --> 00:36:03,578
gawin ang lahat ng makakaya ko
para makalabas dito nang buhay."

462
00:36:05,580 --> 00:36:08,416
Nagsimulang tumigas sa ibabaw
ng tubig ang abo,

463
00:36:08,499 --> 00:36:11,794
nagsimulang muling lumiwanag,
at saka ako umahon.

464
00:36:18,509 --> 00:36:21,679
Nilingon ko ang Island.

465
00:36:21,762 --> 00:36:25,224
Makikita mo ang lahat ng…
Mayroon pa ring kaunting abo sa hangin

466
00:36:25,308 --> 00:36:27,560
na parang pabagsak sa Island.

467
00:36:41,532 --> 00:36:44,243
Ang una kong ginawa
ay isigaw ang pangalan ni Lauren.

468
00:36:49,207 --> 00:36:52,543
Napakasama ng kalagayan ko,
natakot akong baka namatay na siya.

469
00:36:53,711 --> 00:36:55,922
Naaalala kong sobra akong natakot.

470
00:36:59,592 --> 00:37:00,885
Okay lang.

471
00:37:04,764 --> 00:37:05,932
Okay lang.

472
00:37:10,978 --> 00:37:12,396
Kaya kalaunan…

473
00:37:14,732 --> 00:37:18,069
nang makita ko siyang gumagalaw,
sinabi niya yatang, "Narito ako."

474
00:37:18,152 --> 00:37:22,907
Iyon ang pinakamalaking ginhawang
naramdaman ko sa buhay, nang tumugon siya.

475
00:37:22,990 --> 00:37:25,868
Pinakamasamang bangungot ko iyon
kung makaligtas ako pero siya hindi.

476
00:37:25,952 --> 00:37:28,663
Mas masama iyon kaysa… ano pa man.

477
00:37:28,746 --> 00:37:30,957
Hindi ko iyon matatanggap.

478
00:37:33,876 --> 00:37:36,545
Nang matapos ang pagputok,

479
00:37:36,629 --> 00:37:41,133
dahil siguro sa pagkagulat,
tumayo ako at naglakad nang ilang metro.

480
00:37:42,635 --> 00:37:46,055
Malapit kami sa asidong lawa.

481
00:37:47,306 --> 00:37:52,770
May mga hiyawan, sigawan, iyakan.

482
00:37:53,271 --> 00:37:58,317
Nakita ko ang ilang mga taong
gumugulong sa lupa… nahihirapan,

483
00:37:58,401 --> 00:38:02,238
sobrang nasasaktan,
talagang nakakikilabot na tanawin.

484
00:38:04,573 --> 00:38:07,785
Unti-unti iyong humina at saka tumigil at

485
00:38:07,868 --> 00:38:10,288
naging panatag at tahimik. Kaya naisip ko,

486
00:38:10,371 --> 00:38:12,915
"Ngayon na o hindi kailanman."

487
00:38:12,999 --> 00:38:16,168
Kaya tumayo ako at nagsimulang
sumigaw na sundan ako ng lahat

488
00:38:16,252 --> 00:38:19,338
at tumayo tapos magsimulang
bumalik sa daungan.

489
00:38:21,966 --> 00:38:24,969
Maayos ang kalagayang pisikal ko.

490
00:38:26,345 --> 00:38:30,391
Pero lahat ng nasa Island noong pagputok,
wala sa kanilang maayos.

491
00:38:30,474 --> 00:38:32,601
Walang nakatakas sa usok na iyon.

492
00:38:32,685 --> 00:38:35,980
Ang usok na iyon
ay nasa 200 digri <i>Celsius.</i>

493
00:38:36,063 --> 00:38:38,858
Kaya… lalabas kang
parang pinakuluang manok,

494
00:38:38,941 --> 00:38:40,443
kung dederetsohin.

495
00:38:41,027 --> 00:38:42,320
Tumingin lang ako sa braso ko at

496
00:38:42,403 --> 00:38:44,947
may parang buong layer
ng balat na nakalaylay.

497
00:38:46,157 --> 00:38:49,660
Alam kong masama ang lagay ko
at alam kong masama ang lagay niya.

498
00:38:49,744 --> 00:38:53,664
Ang naiisip ko lang ay,
"Aalis na tayo sa isalng ito ngayon din."

499
00:38:54,332 --> 00:38:59,462
Pakiusap, takbo! Takbo! Pakiusap, takbo!

500
00:38:59,545 --> 00:39:01,380
Nahihirapan talaga akong lumakad.

501
00:39:02,631 --> 00:39:04,216
Dalawang beses akong bumagsak.

502
00:39:05,509 --> 00:39:08,637
Mas malala ang pagkasunog
ni Matt kaysa sa akin

503
00:39:08,721 --> 00:39:13,934
dahil mas kaunting damit
ang suot niya, pero tinutulungan niya ako.

504
00:39:16,729 --> 00:39:18,356
Tumatakbo ako sa purong adrenaline.

505
00:39:19,315 --> 00:39:23,027
Medyo natatandaan ko kung nasaan
ang daungan at doon ako patungo.

506
00:39:29,825 --> 00:39:34,497
Sa puntong iyon, nakita ko ang isa
sa mga grupong naglalakad papunta sa pier

507
00:39:34,580 --> 00:39:37,083
at nagsimula silang
magtipon-tipon sa pier.

508
00:39:37,166 --> 00:39:40,920
Mga 20 o higit pang kataong
naghihintay ng tulong.

509
00:39:54,225 --> 00:39:56,018
Hindi ko alam na gagawin namin ito,

510
00:39:56,102 --> 00:39:58,813
pero ibinalik ng <i>skipper</i> ang bangka

511
00:39:59,688 --> 00:40:01,857
sa pinanggalingan namin.

512
00:40:04,235 --> 00:40:07,363
At habang bumabalik kami roon,

513
00:40:08,489 --> 00:40:11,784
pumunta kami sa anino ng ulap ng abo,
kaya biglangdumilim.

514
00:40:11,867 --> 00:40:13,911
Diyos ko po.

515
00:40:20,918 --> 00:40:23,546
Whakatāne Coast Guard,
Phoenix, kopya ninyo?

516
00:40:23,629 --> 00:40:24,922
TATLONG MINUTO MATAPOS ANG PAGPUTOK

517
00:40:25,005 --> 00:40:29,343
Narinig ko ang tawag
sa VHF ng skipper na kilala ko,

518
00:40:29,427 --> 00:40:31,387
para bang natataranta.

519
00:40:32,471 --> 00:40:34,682
"May mga tao sa Island
at pumuputok ang bulkan."

520
00:40:36,350 --> 00:40:39,937
At maririnig mo ang pagkataranta
sa boses niya, na seryoso ang nangyayari.

521
00:40:42,440 --> 00:40:44,942
Biglang nagsimulang tumunog
ang mga telepono ko.

522
00:40:46,861 --> 00:40:50,239
Pagkatapos ay tumakbo ako
sa tapat ng paradahan ng sasakyan,

523
00:40:50,322 --> 00:40:52,950
sa may ilog kung saan
tanaw ang White Island.

524
00:40:54,618 --> 00:40:57,955
At iyon nga, mayroong malaking ulap
sa ibabaw ng Island,

525
00:40:58,038 --> 00:40:59,415
at hindi iyon humuhupa.

526
00:41:08,090 --> 00:41:09,467
Diyos ko.

527
00:41:11,218 --> 00:41:12,511
Nasa mga limang minuto
pa lang ang nakalipas

528
00:41:12,595 --> 00:41:15,139
at nagtatanong na ulit siya
kung nasaan ang tulong,

529
00:41:15,222 --> 00:41:17,308
kaya binigyang-diin noon
ang kagipitang naranasan nila.

530
00:41:17,391 --> 00:41:18,809
Humihingi sila ng tulong,

531
00:41:18,893 --> 00:41:20,936
at dalawang minuto pa lang ang nakalipas,
nagtatanong na sila, "Nasaan ang tulong?"

532
00:41:21,020 --> 00:41:23,898
PULIS

533
00:41:23,981 --> 00:41:26,317
May pumasok sa opisina namin,
lagpas 2:00 pm,

534
00:41:26,400 --> 00:41:28,903
at sinabi sa aming pumuputok ang Whakaari.

535
00:41:29,820 --> 00:41:35,075
Hindi namin direktang tanaw ang Whakaari,
pero sa itaas ng mga burol,

536
00:41:35,159 --> 00:41:37,369
nakita namin ang napakalaking ulap.

537
00:41:38,704 --> 00:41:42,082
Sinabi ng isang staff,
"May mga camera naman.

538
00:41:42,166 --> 00:41:44,376
Tingnan natin ang mga camera."

539
00:41:44,460 --> 00:41:50,257
At nakita namin
ang mga maliliit na itim na tuldok,

540
00:41:51,091 --> 00:41:53,469
at napagtanto naming mga tao iyon, at doon

541
00:41:53,552 --> 00:41:56,889
naging malinaw na may mga tao roon.

542
00:41:59,266 --> 00:42:00,643
Nagtatrabaho kami.

543
00:42:00,726 --> 00:42:02,561
May deadline kami.

544
00:42:02,645 --> 00:42:06,357
Narinig namin ang mga sirena
at para kaming, "Ano'ng nangyayari?"

545
00:42:07,483 --> 00:42:09,735
Nagmaneho ako papunta sa Mataatua Reserve,

546
00:42:10,361 --> 00:42:14,532
pumarada ako, tumakbo ako paakyat,
tumakbo ako sa malawak na damuhan.

547
00:42:15,699 --> 00:42:17,409
Alam naming may mali.

548
00:42:17,993 --> 00:42:20,496
Mas malaki kaysa karaniwan ang usok.

549
00:42:20,579 --> 00:42:25,501
Nakatitig lang ang mga tao
sa pagputok ng Whakaari.

550
00:42:27,920 --> 00:42:30,339
Nasa bahay ako at nakita ko ang balita.

551
00:42:31,340 --> 00:42:34,093
Nagsimulang dumating ang mga tao
sa bahay ko at…

552
00:42:35,094 --> 00:42:36,637
sinusubukan ko pa ring

553
00:42:36,720 --> 00:42:39,765
intindihin ang mga nangyayari.

554
00:42:42,851 --> 00:42:44,186
Nag-iisip…

555
00:42:52,861 --> 00:42:55,739
Nasa isang libing ako ng isang Māori

556
00:42:57,324 --> 00:42:59,952
at nararamdaman ko sa enerhiya

557
00:43:00,035 --> 00:43:03,080
ng pagsasalita ko roon
na may hindi magandang nangyayari.

558
00:43:05,040 --> 00:43:09,295
Nang dumungaw ako,
nakita kong umaangat ang usok

559
00:43:09,378 --> 00:43:14,174
at hindi iyon karaniwang ulap ng bulkan
sa ibabaw ng Whakaari.

560
00:43:14,258 --> 00:43:16,051
Napakadilim at napakabigat noon.

561
00:43:17,553 --> 00:43:22,391
Nang maisip kong tunay iyon,
bigla na lang akong bumigay at umiyak.

562
00:43:23,475 --> 00:43:26,186
PULIS

563
00:43:28,105 --> 00:43:32,192
Sa simula, may kaunting kalituhan
sa kung sino-sino ang mga turistang

564
00:43:32,276 --> 00:43:33,652
pumunta sa Island,

565
00:43:33,736 --> 00:43:36,488
at kung sino ang nagdala sa kanila roon.

566
00:43:38,032 --> 00:43:40,284
Pero sigurado kaming

567
00:43:40,367 --> 00:43:44,622
may mga taong naiwan
sa Island sa oras ng pagputok.

568
00:43:46,248 --> 00:43:48,751
Tumawag kami para magpasaklolo
sa Whakatāne Coast Guard,

569
00:43:49,376 --> 00:43:51,837
at nagbangka sila papunta sa White Island.

570
00:43:52,838 --> 00:43:55,507
Pero isa't kalahating oras
na biyahe iyon sa dagat.

571
00:43:56,091 --> 00:43:58,761
Nakakainis dahil dapat kaming…

572
00:43:58,844 --> 00:44:01,055
Gamit ang mga bangka namin
papunta sa ganoong kalayo,

573
00:44:01,138 --> 00:44:03,849
medyo matatagalan talaga.

574
00:44:06,226 --> 00:44:10,856
Mula sa Auckland, pumunta rin sa
White Island ang mga <i>rescue helicopter.</i>

575
00:44:14,985 --> 00:44:17,154
May mga ambulance helicopter.

576
00:44:17,237 --> 00:44:19,156
Mga helicopter ng Westpac Rescue.

577
00:44:19,782 --> 00:44:22,034
Mga eksperto sila
sa paghahanap at pagliligtas

578
00:44:22,117 --> 00:44:25,079
na mayroong kompletong
kinakailangang kagamitan,

579
00:44:25,162 --> 00:44:29,583
pero nasa isang oras din
ang layo nila mula sa Island.

580
00:44:35,464 --> 00:44:37,257
-Diyos ko, may mga tao roon.
-Tingnan ninyo ang bangka.

581
00:44:40,219 --> 00:44:42,721
Nang una kaming bumalik sa dagat-dagatan,

582
00:44:42,805 --> 00:44:46,141
nakita naming balot ang lahat
ng gray na abo.

583
00:44:47,142 --> 00:44:51,063
Hindi maproseso
ng utak mo ang nakikita mo.

584
00:44:52,272 --> 00:44:57,027
Ang nakakuha ng pansin ko
ay ang helicopter na ito.

585
00:44:57,820 --> 00:45:01,281
Uy, tingnan mo ang helicopter na iyon.
Hayun, o.

586
00:45:03,867 --> 00:45:09,790
At kitang-kita kong
naitulak iyon patalikod.

587
00:45:09,873 --> 00:45:13,544
Kalahati noon ang nasa labas na
ng <i>deck</i> at baluktot ang mga <i>rotor.</i>

588
00:45:16,088 --> 00:45:20,926
Iyon ang unang beses na talagang
sinimulan kong isipin ang tungkol sa

589
00:45:21,009 --> 00:45:25,514
mga puwersang talagang
nangyari sa pagputok na iyon.

590
00:45:29,393 --> 00:45:32,229
Naaalala kong kumuha ako
ng tatlo o apat na mga larawan

591
00:45:32,312 --> 00:45:35,732
ilang minuto matapos
naming umalis sa daungan.

592
00:45:37,025 --> 00:45:39,027
Kung titingnan mo talaga nang malapitan,

593
00:45:40,195 --> 00:45:45,576
makikita mo ang maliliit na tuldok
ng mga taong nasa ibabaw ng crater.

594
00:45:48,328 --> 00:45:51,373
Malapit pa rin sa crater ang grupo ko.

595
00:45:51,457 --> 00:45:54,877
Nasa bandang 100 hanggang 150 metro

596
00:45:54,960 --> 00:45:58,005
ang layo namin mula sa pinagputukan.

597
00:46:00,883 --> 00:46:03,177
Sa kaliwa ko,
nakita ko ang mga magulang ko.

598
00:46:08,891 --> 00:46:13,645
Nakaupo ang tatay ko,
nahihirapan sa <i>gas mask</i> niya.

599
00:46:17,065 --> 00:46:18,984
Hindi ko makita ang kapatid ko noon.

600
00:46:20,819 --> 00:46:22,654
Nakita ko ang nanay ko…

601
00:46:26,241 --> 00:46:30,120
nakahiga lang doon.
Hindi talaga gumagalaw…

602
00:46:31,205 --> 00:46:33,457
o nakikipag-usap sa anomang paraan.

603
00:46:38,879 --> 00:46:42,216
Napakaraming tao…

604
00:46:42,299 --> 00:46:46,929
Nagpapatuloy ang Island sa pagbuga
ng usok mula sa lawa ng crater.

605
00:46:48,347 --> 00:46:52,559
Nakita namin ang mga tao sa daungan.

606
00:46:52,643 --> 00:46:54,520
Hindi bababa sa 16 ang nakikita ko.

607
00:46:54,603 --> 00:46:57,189
Diyos ko, balot sila ng abo.

608
00:46:57,272 --> 00:46:59,441
Diyos ko. Banda roon.

609
00:46:59,525 --> 00:47:03,362
Pagkakita namin kung gaano
kasama ang pagputok,

610
00:47:04,238 --> 00:47:07,074
parang nabago ang layunin namin.

611
00:47:07,157 --> 00:47:11,036
Pangangailangan na ngayon ito
para tulungan ang mga tao.

612
00:47:14,540 --> 00:47:17,042
Sa puntong iyon, dapat akong magdesisyon.

613
00:47:17,668 --> 00:47:21,922
Lalangoy ba ako papunta sa bangka
para siguruhing ligtas ako,

614
00:47:22,005 --> 00:47:24,591
o babalik ako para subukang tumulong?

615
00:47:27,886 --> 00:47:32,641
Oras ito na sinusubok ka
at gagawin mo ang makakaya mo.

616
00:47:35,227 --> 00:47:39,982
Lumangoy ako pabalik sa pier at tinulungan
ang mga taong sumakay sa mga <i>rubber boat.</i>

617
00:47:42,276 --> 00:47:45,862
Natataranta't nag-uunahan ang lahat
na makasakay sa bangkang Zodiac na iyon.

618
00:47:46,488 --> 00:47:50,534
Hindi namin alam kung unang pagputok iyon
bago ang pangunahing kaganapan.

619
00:47:51,118 --> 00:47:56,415
Kaya talagang nagkakagulo kami sa daungan.
Kailangan naming makaalis ng islang ito.

620
00:47:56,498 --> 00:47:57,666
Baka tumalon ako.

621
00:47:57,749 --> 00:47:58,750
-Sandali lang!
-Sandali!

622
00:47:58,834 --> 00:48:01,253
-Tulong!
-Sandali lang!

623
00:48:01,336 --> 00:48:02,921
Sinubukan naming makasakay
sa unang bangka,

624
00:48:03,005 --> 00:48:06,425
na talagang huminto sa daungan,
pero nanulak ang mga tao para unahan kami,

625
00:48:06,508 --> 00:48:12,222
hindi kami makasakay. Kaya sa sumunod,
kinuha ko ang hagdan para makasakay,

626
00:48:12,306 --> 00:48:14,766
tapos parang bumagsak na lang
ako sa bangka.

627
00:48:16,435 --> 00:48:17,853
Okay, kayong lahat.

628
00:48:22,149 --> 00:48:23,692
Huwag ninyo akong hawakan,

629
00:48:23,775 --> 00:48:26,194
huwag ninyo akong hawakan.

630
00:48:28,238 --> 00:48:29,948
Sa puntong iyon, medyo magulo,

631
00:48:30,032 --> 00:48:31,700
kaya sinusubukang tumalon ng mga tao,

632
00:48:31,783 --> 00:48:34,703
at dapat mo silang paatrasin.
Medyo itulak sila paatras.

633
00:48:34,786 --> 00:48:37,831
Naaalala kong inabot ko ang mga
kamay nila, tinulungan sila sa bangka,

634
00:48:37,914 --> 00:48:40,709
at basta na lang matutuklap
ang mga balat nila.

635
00:48:40,792 --> 00:48:45,589
Para kang nasa isang…
pelikula tungkol sa giyera.

636
00:48:48,091 --> 00:48:49,259
Diyos ko.

637
00:48:49,343 --> 00:48:53,722
-Naku…
-Sige na.

638
00:48:53,805 --> 00:48:56,433
-Tulong!
-Tulong!

639
00:49:02,773 --> 00:49:05,734
Bumalik sa Phoenix ang bangka,

640
00:49:07,736 --> 00:49:11,990
at naglabas ng tatlo o apat
na first aid kit ang isa sa mga gabay,

641
00:49:12,074 --> 00:49:15,827
at nakikita kong natataranta siya.

642
00:49:15,911 --> 00:49:19,498
Medyo malapit ako sa kanya at sinabi kong,

643
00:49:20,082 --> 00:49:23,168
<i>"First-aid trained</i> kami ng anak ko.

644
00:49:23,251 --> 00:49:25,295
Pwede ba kaming tumulong?"

645
00:49:25,379 --> 00:49:29,341
Ang sagot niya ay, "Kailangan namin
ang lahat ng makukuha naming tulong."

646
00:49:30,676 --> 00:49:32,928
Kaya kinuha ko ang <i>first-aid kit,</i>

647
00:49:33,011 --> 00:49:34,596
naglakad papunta sa likod ng bangka.

648
00:49:35,597 --> 00:49:37,641
Ang mga unang nakaligtas

649
00:49:37,724 --> 00:49:39,351
ay sumasampa sa bangka.

650
00:49:41,978 --> 00:49:44,398
Naghanda kami ng triage,

651
00:49:45,107 --> 00:49:49,444
pinauupo namin sila.
Sinusubukan lang naming mabawasan

652
00:49:49,528 --> 00:49:52,197
ang sakit ng pagkasunog
gamit ang malamig na tubig.

653
00:49:53,657 --> 00:49:58,120
Sumisigaw lang sila, "Ialis ninyo
ako rito. Ilayo ninyo ako rito."

654
00:49:58,203 --> 00:50:00,997
Narito ang mga bangka,
narito na ang mga bangka!

655
00:50:01,081 --> 00:50:03,792
-Diyos ko.
-Gumagana ang makina ninyo.

656
00:50:04,668 --> 00:50:10,215
Mayroong 45% hanggang 80% ang sunog,
mayroong buong katawan.

657
00:50:11,049 --> 00:50:15,095
Kaya ang tsansang makaligtas matapos
ang 45 porsiyento ay malaki ang ibababa.

658
00:50:15,178 --> 00:50:17,931
Kaya alam mong ang mga mga taong ito…

659
00:50:19,558 --> 00:50:24,312
ay mamamatay sa loob ng susunod na oras,
habang pabalik sa pampang.

660
00:50:28,150 --> 00:50:30,527
Nakakilabot ang sitwasyong iyon.

661
00:50:32,195 --> 00:50:35,240
At sa puntong iyon, puno na ang bangka.

662
00:50:36,158 --> 00:50:40,287
Kaya dapat kaming bumalik
sa pampang sa pinakamabilis na kaya namin.

663
00:50:42,247 --> 00:50:46,001
NAGBOLUNTARYO ANG ILANG MGA CREW
NG PHOENIX NA MANATILI SA ISLA

664
00:50:46,084 --> 00:50:48,253
UPANG MAGHANAP NG MGA NAKALIGTAS.

665
00:50:48,336 --> 00:50:53,341
NAGSIMULA NA NOON ANG 90 MINUTONG
PAGLALAKBAY PABALIK SA MAINLAND.

666
00:50:54,968 --> 00:50:59,181
30 MINUTO MATAPOS ANG PAGPUTOK

667
00:51:06,730 --> 00:51:08,940
Tinawagan ako ng asawa ko

668
00:51:09,024 --> 00:51:11,818
at sabi niya, "May malaking usok
na lumalabas sa Whakaari,

669
00:51:12,569 --> 00:51:13,445
ayos lang ba ang lahat?"

670
00:51:14,029 --> 00:51:17,240
Sabi ko, "Sa tingin ko.
Wala pa akong naririnig na anoman

671
00:51:17,324 --> 00:51:18,992
pero naniniwala ako

672
00:51:19,075 --> 00:51:20,118
na sasabihan tayo ni Hayden."

673
00:51:21,703 --> 00:51:23,955
At tinanaw ko ang karagatan, at

674
00:51:24,039 --> 00:51:27,834
grabe, ang bulkan--
May malaking haligi ng usok na umaangat.

675
00:51:33,799 --> 00:51:36,676
Nagmamaneho ako sa may baybayin

676
00:51:36,760 --> 00:51:40,555
at doon ko napansin ang napakalaking usok,

677
00:51:40,639 --> 00:51:42,933
mas malaki sa karaniwan
at siguradong mas madilim kaysa karaniwan.

678
00:51:46,937 --> 00:51:51,858
Tinitingnan ko at iniisip ko,
"Iyan ay… May nangyayari."

679
00:51:55,779 --> 00:51:59,157
May mensahe ang Volcanic Air
na nagkaroon ng pagputok.

680
00:51:59,741 --> 00:52:04,538
Nakita ko sa isa sa mga camera
para sa bulkan

681
00:52:04,621 --> 00:52:06,790
na nasa baybayin ng Whakatāne.

682
00:52:06,873 --> 00:52:09,584
CAMERA NG GEONET PARA SA BULKAN
IKASIYAM NG DISYEMBRE 2019

683
00:52:09,668 --> 00:52:11,670
Naging malinaw na

684
00:52:11,753 --> 00:52:15,048
hindi maaaring wala kaming gawin.

685
00:52:15,632 --> 00:52:17,259
Alam naming may mga tao sa Island.

686
00:52:17,342 --> 00:52:21,179
May mga gamit
at kakayahan kami para tumulong

687
00:52:21,263 --> 00:52:24,432
at iyon ang tamang gawin,
at iyon ang ginawa namin.

688
00:52:25,725 --> 00:52:27,227
Tulad sa lahat ng bagay,

689
00:52:27,310 --> 00:52:30,814
pagdating sa pagdedesisyon
sa isang sakuna,

690
00:52:31,314 --> 00:52:34,568
kikilos ka o hindi. Kaya kumilos ako.

691
00:52:36,862 --> 00:52:39,614
Tinawagan ko si Tim
at sinabi ko, "Pupunta ako."

692
00:52:39,698 --> 00:52:42,033
At sinabi niya,
"Oo, magkita tayo roon sa itaas."

693
00:52:43,618 --> 00:52:46,413
Tinawagan ko dalawang bihasang tauhan ko.

694
00:52:46,496 --> 00:52:49,624
Sabi ko, "Ihanda sa paglipad ang makina,

695
00:52:49,708 --> 00:52:53,753
kargahan ng gasolina, kumuha ng mga gamit
na sa tingin ninyo ay magagamit natin,

696
00:52:53,837 --> 00:52:56,214
kumuha ng mga sobrang mask at tubig."

697
00:52:58,008 --> 00:53:03,221
Tapos ay lumipad na sila.
Matapos ang ilang minuto, sumunod ako.

698
00:53:06,516 --> 00:53:10,729
40 MINUTO MATAPOS ANG PAGPUTOK

699
00:53:12,105 --> 00:53:14,441
Maririnig mo ang usapan sa radyo

700
00:53:15,400 --> 00:53:17,944
at doon ko narinig
ang boses ni John Funnell.

701
00:53:23,283 --> 00:53:25,201
Noong mga oras na iyon,

702
00:53:25,785 --> 00:53:28,872
inililipad ko sa Whakatāne
ang eroplano ko,

703
00:53:28,955 --> 00:53:31,041
sinusubukan lang
ang ilang mga bagong kagamitan.

704
00:53:32,417 --> 00:53:38,131
Doon ko narinig si Mark Law sa radyo,
nananawagan para sa <i>fixed-wing.</i>

705
00:53:40,675 --> 00:53:44,638
Kinailangan namin ng iikot sa itaas
na parang <i>relay station</i>

706
00:53:44,721 --> 00:53:48,016
o paraan para magpasa ng komunikasyon,

707
00:53:48,099 --> 00:53:52,646
dahil napakalimitado ng <i>coverage</i>
ng telepono sa White Island.

708
00:53:54,356 --> 00:53:59,527
Walang pirming radyo
o anomang sistema ng radyo roon.

709
00:54:02,739 --> 00:54:04,908
Nagprisinta ako.

710
00:54:07,869 --> 00:54:11,247
Marami akong gasolina,
kaya kong magpaikot-ikot doon.

711
00:54:12,040 --> 00:54:15,919
At… hindi sumagi sa isip ko
na huwag tumulong.

712
00:54:44,447 --> 00:54:46,908
Lahat ng mga biktima
ay tila nakahiga sa paligid ng bangka,

713
00:54:46,992 --> 00:54:48,660
sa harap at likod.

714
00:54:48,743 --> 00:54:51,413
Lahat kami may gampanin,
tumutulong sa mga tao.

715
00:54:51,496 --> 00:54:54,124
Bawat isa yata sa aming
nasa bangkang iyon ay tumulong.

716
00:54:57,127 --> 00:55:00,046
Ang mga inaasikaso namin
ay mga nabalatang kamay,

717
00:55:00,130 --> 00:55:05,427
binti, mukha, pero ang mga paso
ay higit na mas malala kaysa roon.

718
00:55:07,679 --> 00:55:10,765
Naalala kong mahalagang
sandali iyon kung saan naisip ko,

719
00:55:10,849 --> 00:55:15,061
"Ano ang lalapnos sa iyo
na tatagos sa damit,

720
00:55:15,145 --> 00:55:17,272
pero hindi masusunog ang damit?"

721
00:55:19,065 --> 00:55:25,822
Napagtanto kong malala pa sa nakikita
ang pinsalang idinulot ng usok.

722
00:55:27,991 --> 00:55:29,492
Walang lugar para sa amin
sa loob ng cabin.

723
00:55:29,576 --> 00:55:32,871
Nauwi kaming nakasakay sa dulo ng barko,

724
00:55:32,954 --> 00:55:36,583
natatalsikan ng tubig-alat,
sa malamig na hangin at araw.

725
00:55:36,666 --> 00:55:39,377
Nakatatakot na biyahe iyon pabalik.

726
00:55:48,178 --> 00:55:50,722
Tingin lang ako nang tingin sa malayo
at inisip ko,

727
00:55:51,306 --> 00:55:54,434
"Bakit wala pa tayo roon?
Siguradong ilang oras na."

728
00:55:54,517 --> 00:55:59,439
Maririnig mo sa makina ng bangka
na punong-punong na talaga ito.

729
00:55:59,522 --> 00:56:04,360
Kaya para iyong, "Kaya mo iyan, bangka.
Tuloy-tuloy lang, Phoenix."

730
00:56:12,160 --> 00:56:14,829
Ang Phoenix ay may sakay
na 26 na sugatan o

731
00:56:14,913 --> 00:56:17,332
kritikal ang lagay.

732
00:56:20,376 --> 00:56:22,420
Doon ko naisip,

733
00:56:22,504 --> 00:56:27,884
"Lintik, napakarami pang tao
ang kailangang balikan."

734
00:56:28,551 --> 00:56:35,308
21 KATAO ANG NANATILI MALAPIT SA GILID
NG CRATER, PINAKAMALAPIT SA PINAGPUTUKAN.

735
00:56:39,854 --> 00:56:42,190
Malapit ako sa asidong lawa.

736
00:56:42,273 --> 00:56:47,320
Nakaupo lang akong umuugoy sa sakit.

737
00:56:49,322 --> 00:56:53,952
Napakahapdi ng buong katawan ko.
Nakikita ko ang mga braso ko,

738
00:56:54,536 --> 00:56:56,204
balot ng gray na abo.

739
00:57:00,583 --> 00:57:04,045
Iniisip ko, "Mamamatay ako rito.
Mamamatay ako, iyon ang mangyayari."

740
00:57:06,047 --> 00:57:10,677
Nakaupo ako sa gitna ng mga…
humigit-kumulang anim na tao.

741
00:57:11,177 --> 00:57:12,637
Mga taong patay na o naghihingalo na.

742
00:57:14,556 --> 00:57:18,601
Sa oras na iyon, maririnig mo
ang mga boses na dahan-dahang nawawala.

743
00:57:19,477 --> 00:57:21,896
Nababawasan na ang hiyawan.

744
00:57:22,647 --> 00:57:27,986
Naging mas tahimik ang pag-iyak.

745
00:57:29,362 --> 00:57:33,116
Alam kong pinakamalaki
ang posibilidad na makaligtas

746
00:57:33,199 --> 00:57:37,036
mula sa anomang uri ng troma
kung magagamot ka sa loob ng isang oras.

747
00:57:39,873 --> 00:57:42,000
Matapos umupo roon
sa loob ng kalahating oras,

748
00:57:42,083 --> 00:57:44,419
napagtanto kong wala nang sasaklolo.

749
00:57:47,088 --> 00:57:49,174
Pero biglang may nag-udyok sa akin.

750
00:57:51,217 --> 00:57:55,096
"Basta tumayo ka at humanap ng tulong."

751
00:57:58,975 --> 00:58:01,769
Ang tumayo at lumakad
palayo sa mga magulang ko,

752
00:58:01,853 --> 00:58:06,149
iyon ay… sasabihin kong pinakamahirap
na bagay na kinailangan kong gawin.

753
00:58:11,404 --> 00:58:16,284
Pero nang mahanap ko ang lakas,
hindi paglalakad ang nangyari

754
00:58:16,367 --> 00:58:22,457
kundi pag-ika. Sapilitang pagtulak
sa sarili kong patuloy na umusad.

755
00:58:32,342 --> 00:58:34,844
Mga 15 o 20 minuto sa biyahe pabalik,

756
00:58:35,553 --> 00:58:38,014
doon nagsimulang maghiyawan ang mga tao,

757
00:58:38,097 --> 00:58:40,391
sinasabing, "Kailangan ko ng tubig!"

758
00:58:43,311 --> 00:58:46,981
Ginawa lang namin ang makakaya namin
para kina Matt at Lauren.

759
00:58:47,065 --> 00:58:48,399
At sa mga lalaki sa harap.

760
00:58:50,735 --> 00:58:52,320
Ang laman ng <i>first-aid kit</i> ko

761
00:58:52,904 --> 00:58:56,407
ay walang halaga kompara sa lalagyan.

762
00:58:58,660 --> 00:59:04,791
Inilabas ko ang laman ng <i>first-aid kit</i>
at pinuno ko ang lalagyan ng tubig.

763
00:59:07,544 --> 00:59:11,965
Binuhusan lang namin
ng malamig na tubig ang mga kamay nila,

764
00:59:12,549 --> 00:59:14,968
sa mga bahaging nabalatan.

765
00:59:18,346 --> 00:59:21,599
Humihiyaw ang lahat
para maibsan ang sakit nila.

766
00:59:21,683 --> 00:59:23,977
Sa tingin ko'y ginagawa lang namin
ang makakaya namin sa sandaling iyon.

767
00:59:25,478 --> 00:59:27,397
Ilang beses akong sinabihan,

768
00:59:27,480 --> 00:59:28,606
"Dapat kang maupo,

769
00:59:28,690 --> 00:59:31,359
marami ka sigurong
nalanghap na abo at iba pa."

770
00:59:31,943 --> 00:59:37,448
Pero… napakahirap umupo
sa ganoong sitwasyon,

771
00:59:37,532 --> 00:59:39,284
kaya magpapatuloy ka na lang.

772
00:59:43,329 --> 00:59:47,083
Binalot nila ako sa kumot
para manatili akong mainit,

773
00:59:47,166 --> 00:59:53,089
at pati si Geoff Hopkins ay inilapit
ang katawan niya para mainitan ako.

774
00:59:55,842 --> 00:59:58,553
Sabi niya sa akin,
"Hindi ako makaliligtas.

775
00:59:58,636 --> 01:00:00,305
Hindi ako makaliligtas."

776
01:00:04,309 --> 01:00:10,773
"Oo, makaliligtas ka.
Hindi ito ang katapusan ng buhay mo.

777
01:00:13,526 --> 01:00:15,820
Maraming mga taon ka pang mabubuhay."

778
01:00:19,407 --> 01:00:23,286
Hiniling niyang hawakan ko lang
ang kamay niya,

779
01:00:23,369 --> 01:00:28,082
at hindi ko mahawakan iyon
dahil sunog na sunog talaga.

780
01:00:30,376 --> 01:00:34,297
Hindi ako talaga ako relihiyosong tao,
pero nanalangin ako sa Diyos noon,

781
01:00:34,380 --> 01:00:37,467
na tapusin na ang buhay ko

782
01:00:38,217 --> 01:00:45,058
para lang hindi na ako masaktan.
At doon ako hinimatay.

783
01:00:53,483 --> 01:00:55,401
Napakahirap sa aking huminga.

784
01:00:56,611 --> 01:00:59,697
Pakiramdam ko ay napakabigat
ng mga binti ko.

785
01:01:01,949 --> 01:01:06,245
Malaking pagsisikap sa bawat hakbang…
para patuloy na sumulong.

786
01:01:10,166 --> 01:01:14,837
Naalala kong sinabi sa amin noon ni Hayden
sa payong pangkaligtasan na subukang

787
01:01:14,921 --> 01:01:17,423
sundan ang batis pabalik sa dalampasigan.

788
01:01:19,092 --> 01:01:22,929
Umikot ako sa liko sa daan kung saan
kinailangan kong tumawid sa batis.

789
01:01:24,472 --> 01:01:30,228
Napakainit noon, nasusunog iyon,
at kinailangan kong tumalon para tumawid.

790
01:01:32,605 --> 01:01:36,693
Ang gusto ko lang gawin
ay maupo lang ulit.

791
01:01:37,944 --> 01:01:43,991
Pero alam kong kung magpapahinga ako
at mauupo, hindi na ulit ako makatatayo.

792
01:01:48,246 --> 01:01:50,540
Habang papunta ako sa Island, makikitang

793
01:01:50,623 --> 01:01:53,793
may pag-aabo pa, matindi pa.

794
01:01:54,669 --> 01:01:57,714
Malaking haligi ng abo at usok.

795
01:01:59,382 --> 01:02:02,301
Kaya naisip ko,
"Okay, magtitingin ako sa paligid."

796
01:02:04,178 --> 01:02:06,514
Kaya lumipad ako sa may crater.

797
01:02:08,182 --> 01:02:11,561
Naaalala kong tumingin ako sa baba
at nasabing, "Naku, parang tao iyon.

798
01:02:11,644 --> 01:02:12,854
Parang marami.

799
01:02:14,105 --> 01:02:15,898
Hindi, parang lalaking nakaupo iyon."

800
01:02:17,191 --> 01:02:20,111
Tapos naisip ko, "Sandali, napakarami pa."

801
01:02:23,239 --> 01:02:26,367
Sinusubukan kong lumipad
na parehong may mga radyo at telepono.

802
01:02:27,618 --> 01:02:31,831
Lumilipad ako salungat
sa ulap ng abo, at sa isang banda,

803
01:02:31,914 --> 01:02:33,750
atras-abante lang.

804
01:02:36,169 --> 01:02:40,506
Alam kong dapat naming maipagbigay-alam
ang impormasyon sa mga kinauukulan

805
01:02:41,090 --> 01:02:44,010
tungkol sa kung gaano kalala
ang sitwasyon para makapagplano sila

806
01:02:44,093 --> 01:02:46,345
at makapagdagdag ng mga kagamitan
kung kailangan.

807
01:02:47,305 --> 01:02:50,183
Sinabi ko kay Mark, "Kailangan nating
malaman ang bilang ng patay

808
01:02:50,266 --> 01:02:51,684
at bilang ng nasugatan."

809
01:02:55,313 --> 01:02:58,274
Sinubukan kong lumapag sa ilang lugar,
pero masyadong maalikabok,

810
01:02:58,357 --> 01:03:03,070
kaya hinanap ko ang isa
sa mga <i>helipad</i> kong kahoy

811
01:03:03,154 --> 01:03:04,071
at lumapit papunta roon

812
01:03:04,155 --> 01:03:07,158
at lumipad lang deretso doon,
sa gitna ng isang tila <i>brownout.</i>

813
01:03:09,660 --> 01:03:15,708
Iniwan kong umaandar ang sasakyan.
Kinuha ko ang mask ko at tumalon palabas.

814
01:03:18,961 --> 01:03:21,339
May nakita akong
mga bakas ng paa sa batis.

815
01:03:26,761 --> 01:03:29,680
Nakatutok ako sa pagpaplano
ng paglapit ko sa Island.

816
01:03:30,431 --> 01:03:32,558
Talagang maalikabok,

817
01:03:33,142 --> 01:03:36,312
kaya kailangan ay handa talaga
kaming lumapag.

818
01:03:38,856 --> 01:03:44,487
Nalimutan kong isuot ang mask ko
at hindi ako nakalayo sa helicopter

819
01:03:44,570 --> 01:03:47,657
bago ko naisip
na mahirap huminga roon sa labas.

820
01:03:47,740 --> 01:03:49,826
Mahirap talaga. Dapat ay naka-mask ka.

821
01:03:55,873 --> 01:03:58,167
May nakita akong isang tao, tapos isa pa.

822
01:03:59,126 --> 01:04:01,212
May nakita akong marami sa mas malayo.

823
01:04:02,129 --> 01:04:04,841
Gising, pero medyo gising lang.

824
01:04:05,633 --> 01:04:09,428
Umiiyak ang mga tao
nang mas malakas kaysa sa iba.

825
01:04:14,267 --> 01:04:17,603
Makabubuo ako ng larawan
ng nangyayari doon sa ibaba.

826
01:04:19,480 --> 01:04:22,900
Patuloy lang kaming nakahahanap ng mas
maraming taong nangangailangan ng tulong,

827
01:04:22,984 --> 01:04:27,154
at iyon ay…
Mabilis na naging napakalinaw sa akin,

828
01:04:27,238 --> 01:04:30,074
na isang matinding kalamidad
ang kinahaharap namin.

829
01:04:34,787 --> 01:04:36,414
Tinawag ko ang mga tauhan ko at

830
01:04:36,497 --> 01:04:39,375
sinabihan ko sila, "Napakaraming tao rito.

831
01:04:40,293 --> 01:04:41,460
Patay ang ilan sa kanila.

832
01:04:41,544 --> 01:04:45,131
Maraming buhay
at pupuntahan natin silang lahat."

833
01:04:48,551 --> 01:04:52,179
Pinapasa namin ang impormasyon
sa kontrol ng trapiko sa himpapawid,

834
01:04:53,514 --> 01:04:58,686
para ituro nila ang dalawang helicopter
ng Westpac Rescue sa White Island.

835
01:05:02,189 --> 01:05:06,193
Sabi ko, "May mga tao ritong
sobrang nasasaktan

836
01:05:06,277 --> 01:05:09,280
at wala kaming gamit pangmedikal.

837
01:05:09,363 --> 01:05:11,908
Wala kaming mga helicopter
na may mga <i>stretcher.</i>

838
01:05:11,991 --> 01:05:15,453
Kailangan namin kayo rito sa Island."

839
01:05:18,998 --> 01:05:20,291
Sumagot sila agad.

840
01:05:20,374 --> 01:05:21,918
"Direkta kaming pupunta."

841
01:05:22,710 --> 01:05:25,338
Kaya tinawagan ko si Mark
at sinabing, "Parating na ang tulong.

842
01:05:25,421 --> 01:05:28,257
Malapit nang maibsan ang sitwasyon."

843
01:05:29,884 --> 01:05:32,637
Kaya sa oras na iyon,
sinimulan naming asikasuhin

844
01:05:32,720 --> 01:05:34,513
ang lahat ng mga taong naiwan,

845
01:05:34,597 --> 01:05:36,599
tinatanggal ang bara
sa mga daluyan nila ng hangin,

846
01:05:36,682 --> 01:05:40,728
ang bara sa mga ilong,
inilalagay ang ilan sa <i>recovery position,</i>

847
01:05:40,811 --> 01:05:43,814
muling pagsusuot ng mga <i>gas mask</i>
sa mga tao,

848
01:05:43,898 --> 01:05:45,775
at pagdampi ng tubig kung saan pwede.

849
01:05:46,651 --> 01:05:49,362
Tuloy-tuloy hanggang dumating ang tulong.

850
01:05:50,404 --> 01:05:52,073
Nahuhulog pa rin sa amin ang abo,

851
01:05:52,156 --> 01:05:53,908
at paminsan-minsan kaming nakaririnig

852
01:05:53,991 --> 01:05:57,244
ng malalakas na pagsabog
habang may nangyayari sa usok.

853
01:05:59,872 --> 01:06:01,749
Gayon pa man, tuloy-tuloy lang kami.

854
01:06:10,883 --> 01:06:14,136
Tinagpo ng bangka ng Whakatāne Coast Guard
ang Phoenix sa gitna ng daan

855
01:06:14,220 --> 01:06:17,181
pabalik sa Whakatāne, tumabi sa gilid.

856
01:06:17,264 --> 01:06:20,935
Nagsabi ang <i>skipper</i> na mayroon
silang maraming kritikal na taong sakay.

857
01:06:21,018 --> 01:06:23,270
Kaya napagkasunduang italaga
ang crew ng ambulansiya

858
01:06:23,354 --> 01:06:27,400
sa Phoenix para tumulong pag-asikaso
sa kanila sa biyahe pabalik.

859
01:06:27,483 --> 01:06:30,361
Sumampa ang mga paramediko,
at muling kaming umandar.

860
01:06:33,739 --> 01:06:38,327
Ang inasahan ko ay,
"Bahala na ang mga paramediko."

861
01:06:38,911 --> 01:06:44,125
Pero ang realidad,
kahit may malaki silang kit,

862
01:06:44,208 --> 01:06:47,044
walang anoman sa kit na iyon
ang makatutulong.

863
01:06:48,212 --> 01:06:51,215
Sinabi lang ng paramediko,
"Ituloy lang ninyo ang ginagawa ninyo.

864
01:06:51,298 --> 01:06:53,801
Patuloy ninyong palakasin ang loob nila.
Wala na tayong iba pang magagawa."

865
01:07:04,020 --> 01:07:07,106
Nagsimulang magtipon ang mga tao
sa harap ng tubig

866
01:07:07,189 --> 01:07:08,566
sa bunganga ng ilog.

867
01:07:08,649 --> 01:07:12,111
Marami akong nakitang
mga ambulansya at pulis.

868
01:07:13,863 --> 01:07:16,490
Parang bawat taong

869
01:07:16,574 --> 01:07:20,327
miyembro ng <i>frontline emergency staff</i>
ay naroon.

870
01:07:22,913 --> 01:07:25,374
Nang malaman naming
pabalik na ang mga bangka,

871
01:07:25,458 --> 01:07:28,461
saka ako pumunta
para ihanda ang pier para sa kanila

872
01:07:28,544 --> 01:07:31,672
dahil alam kong darating sila
sa unang pier at magbababa ng mga tao.

873
01:07:35,926 --> 01:07:38,054
Nasa paligid lang kami,
sinusubukang tukuyin

874
01:07:38,137 --> 01:07:41,599
kung saan kami magtatayo ng <i>triage</i>
para sa mga bababa sa mga bangka.

875
01:07:46,395 --> 01:07:49,690
Medyo itinatanggi ko,
medyo hindi ko mapaniwalaan.

876
01:07:51,108 --> 01:07:54,403
Naisip ko, "Dapat sigurong
tawagan ko si Hayden."

877
01:07:54,487 --> 01:07:57,531
Sinubukan ko siyang tawagan
at wala akong nakuhang tugon.

878
01:07:58,741 --> 01:08:01,118
Siguro sa pagiging maliit na komunidad,

879
01:08:01,202 --> 01:08:04,205
ang ugnayan ng mga koneksyon mo
ay kumakalat nang mas malawak,

880
01:08:04,288 --> 01:08:06,999
kaya tinawagan ng asawa ko
ang kaibigan ng pamilya namin

881
01:08:08,209 --> 01:08:10,377
at itinanong kung maayos ang lahat,

882
01:08:10,461 --> 01:08:12,546
at sabi niya, "Hindi."

883
01:08:17,426 --> 01:08:19,720
Sinundo ko ang mga bata
at nagmadali papunta sa bayan.

884
01:08:23,099 --> 01:08:25,309
Nagmaneho kami papunta sa Whakatāne,

885
01:08:25,392 --> 01:08:27,645
deretso sa White Island Tours.

886
01:08:28,813 --> 01:08:33,275
Nakita lang namin ang mga ambulansiya
at mga pulis sa lahat ng dako.

887
01:08:33,359 --> 01:08:39,406
Naroon ang buong pamilya,
naghihintay lang ng balita.

888
01:08:50,376 --> 01:08:53,170
Nakarating ako sa tumpok ng mga bato,

889
01:08:53,921 --> 01:08:57,007
kung saan tanaw ang tubig, at nasabi kong,

890
01:08:57,591 --> 01:09:00,136
"Nagawa ko." At nasa harapan ko mismo

891
01:09:00,219 --> 01:09:03,222
ay isa sa mga miyembro ng crew
mula sa Phoenix.

892
01:09:04,348 --> 01:09:06,851
May radyo siya sa bibig

893
01:09:06,934 --> 01:09:10,980
at may sinasabing parang,
"Wala nang iba, baka oras nang umalis."

894
01:09:12,773 --> 01:09:16,610
Pagkarinig na pagkarinig ko noon,
sumigaw ako gamit ang natitira kong lakas.

895
01:09:17,444 --> 01:09:18,821
Parang paghiyaw na rin.

896
01:09:20,531 --> 01:09:24,577
Tapos ay lumingon siyang
gulat na gulat ang mga mata,

897
01:09:25,369 --> 01:09:29,123
na parang nagsasabing, "Diyos ko."

898
01:09:30,291 --> 01:09:32,877
At sinabi niya lang agad,
"May nakaligtas."

899
01:09:32,960 --> 01:09:35,838
A… "Tara na."

900
01:09:36,547 --> 01:09:39,717
At pagkalagay ko ng mga braso ko
sa mga balikat niya,

901
01:09:39,800 --> 01:09:42,636
naaalala kong sinabi ko, "Ang pamilya ko."

902
01:09:42,720 --> 01:09:48,851
Ang gusto ko lang gawin noon
ay payagan niya akong dalhin siya

903
01:09:48,934 --> 01:09:50,102
kung nasaan lahat.

904
01:09:52,021 --> 01:09:56,442
Sabi niya, "Huwag kang mag-alala,
ibabalik ka na natin ngayon sa barko."

905
01:09:58,527 --> 01:10:02,406
Kaya sumakay kami sa Te Puia at umalis.

906
01:10:14,084 --> 01:10:18,714
Hindi ko na namalayan ang oras
dahil abalang-abala ako

907
01:10:19,298 --> 01:10:22,509
at sinusubukang makipag-usap
sa kontrol ng trapiko sa himpapawid.

908
01:10:23,219 --> 01:10:27,389
"Kailangan namin ng agarang tulong dito.
Patuloy kaming nakakikita ng nakaligtas

909
01:10:27,473 --> 01:10:28,599
at nangangailangan
ng mas maraming tulong."

910
01:10:32,478 --> 01:10:34,939
Tumawag sila siguro
makalipas ang limang minuto

911
01:10:35,022 --> 01:10:39,443
at sinabing, "Inutusan kami
ng Sentro ng Komunikasyon

912
01:10:39,526 --> 01:10:40,903
na huwag kaming pumunta sa Island."

913
01:10:45,783 --> 01:10:48,911
Ginawa ang desisyon
sa mas mataas na antas,

914
01:10:48,994 --> 01:10:52,581
ipinagbawal ang paglipad
sa lugar na iyon.

915
01:10:53,207 --> 01:10:58,587
Dahil ito sa panganib
sa paligid ng Island.

916
01:10:59,171 --> 01:11:04,718
Nakalalason, maasido,
at mapanganib sa sinomang rescuer.

917
01:11:05,386 --> 01:11:08,973
At mayroon ding malaking tsansa
ng isa pang pagputok.

918
01:11:12,434 --> 01:11:14,186
Sa puntong ito, lubos na mapanganib

919
01:11:14,270 --> 01:11:16,480
para sa mga pulis at mga rescuer
na pumunta sa Island.

920
01:11:17,356 --> 01:11:21,193
Ang Island ay kasalukuyang
balot ng abo at materyal ng bulkan.

921
01:11:21,277 --> 01:11:25,322
Sinusunod natin ang ekspertong payo ukol
sa kaligtasan ng tangkang pagliligtas.

922
01:11:33,956 --> 01:11:37,710
Tinawagan ko ulit
ang grupo ni Mark sa lupa at sinabing,

923
01:11:37,793 --> 01:11:40,921
"Gawin ninyo ang kaya ninyo
gamit ang mayroon kayo.

924
01:11:42,840 --> 01:11:44,258
Mag-isa lang kayo."

925
01:11:48,929 --> 01:11:50,306
Sabi niya, "Hindi sila pupunta."

926
01:11:52,141 --> 01:11:55,644
Kaya sabi ko, "Talaga? Okay."

927
01:11:55,728 --> 01:11:59,815
Kaya dumako na kami sa pangalawang plano,

928
01:11:59,898 --> 01:12:02,860
at iyon ay, "tayo na ang bahala rito."

929
01:12:03,986 --> 01:12:07,823
80 MINUTO MATAPOS ANG PAGPUTOK

930
01:12:07,906 --> 01:12:12,411
Nakatatakot na sitwasyon
ang hinaharap ni Mark at ng grupo niya,

931
01:12:12,494 --> 01:12:16,665
maraming mga pasyenteng
may matinding antas ng pagkasunog.

932
01:12:19,752 --> 01:12:22,087
Ito ang bagay na laman ng mga bangungot.

933
01:12:26,800 --> 01:12:29,219
Sa puntong ito, natipon namin ang lahat

934
01:12:29,303 --> 01:12:34,683
at tulong-tulong kami sa pagtukoy
ng pagkakakilanlan ng mga nakaligtas,

935
01:12:34,767 --> 01:12:36,977
at sinimulan namin silang
isakay sa helicopter.

936
01:12:37,978 --> 01:12:40,856
Ang sabi namin, "Isakay muna natin
ang mga buhay paalis ng islang ito."

937
01:12:41,482 --> 01:12:45,235
Habang isinasakay namin ang mga tao,
napagtanto namin ang lala ng mga pinsala.

938
01:12:48,447 --> 01:12:51,950
Paltos ang buong binti,
at kapag sinusubukan naming buhatin,

939
01:12:52,034 --> 01:12:53,744
natutuklap ang mga balat nila
sa kamay mga namin,

940
01:12:53,827 --> 01:12:55,496
dumidikit sa damit namin,
mga ganoong bagay.

941
01:12:57,456 --> 01:13:00,000
Pero hindi ka pwedeng tumigil
at isipin iyon.

942
01:13:02,419 --> 01:13:05,089
Kailangan mong magpatuloy
at kausapin ang mga tao.

943
01:13:05,839 --> 01:13:06,924
Sabihin sa kanila ang gagawin mo.

944
01:13:08,008 --> 01:13:10,219
"Okay, sasakay ka sa helicopter.

945
01:13:11,011 --> 01:13:12,888
"Iaangat ka namin doon."

946
01:13:13,931 --> 01:13:16,266
"Dalawampung minuto na lang
ang layo mula sa ospital."

947
01:13:17,768 --> 01:13:21,688
Alam mo, kapag bumigay na ang mga tao
at nasa bingit na ng kamatayan,

948
01:13:22,272 --> 01:13:24,441
napakamakapangyarihan ng mga salita.

949
01:13:26,902 --> 01:13:29,029
Wala kaming oras
para hilahin ang mga upuan namin.

950
01:13:29,613 --> 01:13:32,116
Kinailangan naming iangat ang mga tao.

951
01:13:33,117 --> 01:13:37,162
Gumamit kami ng mga seatbelt
para lang manatili silang nakaangat.

952
01:13:38,747 --> 01:13:45,045
Nakapagpasok na rin kami ng limang tao
sa unang helicopter, saka ito umalis.

953
01:13:49,049 --> 01:13:53,011
Nagsakay rin kami ng mga tao
doon sa akin, at lumipad na ako.

954
01:13:57,141 --> 01:13:58,767
May isa akong sakay sa helicopter ko,

955
01:13:58,851 --> 01:14:00,769
tapos may isa pa ulit.

956
01:14:02,146 --> 01:14:05,274
Wala na kaming maisasakay pa
sa likod ng helicopter ko.

957
01:14:05,899 --> 01:14:08,569
Lumipad na ako kasama ang dalawang iyon.

958
01:14:13,574 --> 01:14:17,327
Hiniling ko noon na sana'y may ibibilis pa
ang lipad ng helicopter ko,

959
01:14:17,411 --> 01:14:21,248
at ang iniisip ko lang sa biyahe pabalik

960
01:14:21,331 --> 01:14:23,417
ay ang mga tao sa likod ng helicopter ko.

961
01:14:25,085 --> 01:14:29,631
Binigyan namin sila ng tubig
para subukang makatulong.

962
01:14:30,549 --> 01:14:34,261
At para… Pero hayun.

963
01:14:44,396 --> 01:14:48,567
Matinding pagsisikap iyon sa parte nila.

964
01:14:49,776 --> 01:14:52,905
Halos wala na silang ibang magagawa pa.

965
01:14:54,114 --> 01:14:56,283
Wala nang iba pang nakaligtas.

966
01:14:57,034 --> 01:15:00,162
Ang mga taong naiwan
sa Island ay ang mga pumanaw na.

967
01:15:01,747 --> 01:15:08,086
12 SUGATANG KATAO ANG DINALA PABALIK
SA MAINLAND NG TATLONG HELICOPTER.

968
01:15:08,170 --> 01:15:13,175
8 NAMATAY NA BIKTIMA ANG NANATILI SA ISLA.

969
01:15:21,808 --> 01:15:25,562
2 ORAS MATAPOS ANG PAGPUTOK

970
01:15:25,646 --> 01:15:30,108
Habang papalapit kami sa lupa,
sinabi ng <i>skipper</i> na si Mike,

971
01:15:30,192 --> 01:15:33,612
"Kumapit kayo dahil
itotodo na namin ang bilis nito."

972
01:15:37,241 --> 01:15:39,660
Hindi huminto ang bangkang iyon
nang dumaan ito sa sabangan.

973
01:15:39,743 --> 01:15:42,371
Tumuloy lang iyon
sa ganoong bilis hanggang sa ilog,

974
01:15:43,080 --> 01:15:44,831
na noon pa lang namin nakita.

975
01:15:46,208 --> 01:15:50,170
Naaalala kong iniisip kong, "May dahilan
kaya bumibilis nang ganito ang bangka."

976
01:15:54,925 --> 01:15:57,970
May linya ng mga paramediko,
linya ng pulis,

977
01:15:58,053 --> 01:16:00,055
linya ng bombero,

978
01:16:00,138 --> 01:16:04,643
at nakatingin lang silang gulat,

979
01:16:04,726 --> 01:16:07,437
sinusubukang unawain ang nakikita nila.

980
01:16:07,521 --> 01:16:10,190
PATROL NG KOMUNIDAD

981
01:16:10,274 --> 01:16:11,733
Nagulantang siguro sila.

982
01:16:15,988 --> 01:16:19,825
Doon namin unang nakita ang mga nasawi.

983
01:16:20,784 --> 01:16:26,039
Hindi pa ako nakakita… ng katawan ng tao

984
01:16:26,123 --> 01:16:30,168
na naputukan ng bulkan,
kaya hindi ko talaga alam…

985
01:16:32,838 --> 01:16:33,672
kung ano ang hitsura noon.

986
01:16:38,093 --> 01:16:39,678
Naaalala ko…

987
01:16:39,761 --> 01:16:43,223
ang isang pulis na paparating
na maraming dalang Glad Wrap.

988
01:16:45,267 --> 01:16:47,436
Sinusubukan nilang kunin
ang lahat ng mga bagay na makukuha nila

989
01:16:47,519 --> 01:16:49,813
mula sa mga lokal na tindahan
para ipambalot sa mga sugat ng paso.

990
01:16:51,523 --> 01:16:54,234
Narinig kong sumigaw
si Geoff sa mga paramediko,

991
01:16:54,318 --> 01:16:57,279
"Unahin siyang ibaba.
Kritikal ang lagay niya."

992
01:16:58,572 --> 01:17:03,744
Naglakad pababa ng bangka
si Matt at ikinamangha ko iyon.

993
01:17:04,620 --> 01:17:07,331
Malinaw kong sinabi
na ayaw kong mahiwalay sa asawa ko,

994
01:17:07,914 --> 01:17:11,460
kaya pinayagan nila akong sumakay
sa ambulansiya kasama niya sa ospital.

995
01:17:13,837 --> 01:17:16,673
Sa kinaroroonan ko,
ang tatlong taong nasa akin…

996
01:17:18,759 --> 01:17:22,888
may sandaling ang isa sa kanila
ay bumagsak na lang,

997
01:17:22,971 --> 01:17:23,972
bumagsak sa akin.

998
01:17:24,806 --> 01:17:25,891
At…

999
01:17:27,017 --> 01:17:29,102
At tingin ko na sa sandaling iyon,

1000
01:17:29,895 --> 01:17:31,980
nagkaroon ako ng pagtatanto.

1001
01:17:32,064 --> 01:17:33,565
PULIS

1002
01:17:34,566 --> 01:17:37,402
Naaalala kong tumayo ako, huminga,

1003
01:17:38,362 --> 01:17:40,447
tumalikod at humarap
sa kabilang panig ng ilog,

1004
01:17:41,073 --> 01:17:42,199
at humarap ulit sa kabila

1005
01:17:42,783 --> 01:17:46,411
na mayroong kalinawan
tungkol sa kung ano ang dapat gawin.

1006
01:17:49,665 --> 01:17:52,084
May bombero at ambulansiya at pulis.

1007
01:17:52,167 --> 01:17:55,128
At sa paanoman,
sa gitna ng mga taong iyon,

1008
01:17:55,212 --> 01:17:57,506
nakita ko ang nanay at kapatid ko,

1009
01:17:57,589 --> 01:18:00,676
at naisip ko,
"Hindi nila ako dapat makitang ganito."

1010
01:18:00,759 --> 01:18:02,928
ST. JOHN - AMBULANSIYA

1011
01:18:03,011 --> 01:18:06,640
Kaya tumayo ako, pero hindi ko talaga
maiunat ang mga binti ko.

1012
01:18:07,224 --> 01:18:11,561
Kinailangan kong magpaika-ika
sa gilid ng bangka,

1013
01:18:13,188 --> 01:18:15,399
saka ako dumeretso sa ambulansiya,

1014
01:18:15,482 --> 01:18:18,485
dahil ayaw kong makita nila ako
na iniinda ang matinding sakit.

1015
01:18:21,071 --> 01:18:23,407
Ang mga unang biktima
ng pagputok ng bulkan

1016
01:18:23,490 --> 01:18:27,160
na kinuha mula sa White Island
ay malinaw na may mga paso.

1017
01:18:27,244 --> 01:18:29,579
Siyempre, may mga ilan pa ring
hindi pa nahahanap.

1018
01:18:29,663 --> 01:18:32,791
Nasa 20 sa kanila ang tinatayang
nasa kritikal na kondisyon.

1019
01:18:39,423 --> 01:18:41,758
Nagmadali ako papunta sa bayan.

1020
01:18:46,722 --> 01:18:48,390
Naroon ang mga magulang ko.

1021
01:18:53,729 --> 01:18:56,565
Sinabi ng isa sa mga <i>skipper,</i>
"Hindi pa bumababa si Hayden."

1022
01:18:56,648 --> 01:18:58,650
"Hindi pa siya… Hindi pa siya bumababa."

1023
01:18:59,234 --> 01:19:01,737
Pero hindi siya 100 porsiyentong sigurado
kung nasaan siya.

1024
01:19:01,820 --> 01:19:05,782
At sabi namin, "Hindi pwede, paano?"

1025
01:19:06,783 --> 01:19:11,163
Hindi raw niya alam kung nasa helicopter
o wala, hindi siya sigurado.

1026
01:19:13,415 --> 01:19:16,334
Itinodo namin ang bilis ng paglipad.

1027
01:19:17,502 --> 01:19:19,212
Siguro mga 120 <i>knots.</i>

1028
01:19:20,505 --> 01:19:23,884
May mga utos mula sa Serbisyong Pagsagip

1029
01:19:23,967 --> 01:19:26,219
na dapat kaming tumungo sa airport
kasama ang lahat ng mga pasyente,

1030
01:19:27,220 --> 01:19:29,181
pero sabi ko, "Hindi namin gagawin iyan.

1031
01:19:29,264 --> 01:19:30,307
Pupunta kami sa ospital."

1032
01:19:32,267 --> 01:19:35,896
Sayang lang sa oras ang gusto nila.

1033
01:19:36,646 --> 01:19:41,109
Para sa akin, binigo na kami
ng Serbisyong Pagsagip.

1034
01:19:41,193 --> 01:19:44,488
Pero hindi kami bibiguin ng ospital
dahil naroon na kami.

1035
01:19:45,781 --> 01:19:47,199
Ipapasok namin sila sa ospital,

1036
01:19:47,282 --> 01:19:49,743
at maraming tao roon
ang mabilis silang maaasikaso.

1037
01:19:55,999 --> 01:19:59,127
Naisip ko, "Mag-aalala si Mama sa atin

1038
01:19:59,211 --> 01:20:03,089
kapag bigla na lang tayong
hindi nakatawag sa kanya."

1039
01:20:03,715 --> 01:20:07,511
Nasa akin pa rin ang telepono ko,
kaya hiniling ko sa isa sa mga naroong

1040
01:20:07,594 --> 01:20:10,180
tawagan ang mama ko. Hindi ko mabuksan
dahil kailangan ng fingerprint,

1041
01:20:10,263 --> 01:20:11,681
at wala na akong natirang fingerprint.

1042
01:20:15,143 --> 01:20:17,312
Hi Mama, ako ito.
Gusto ko lang sabihin sa iyo,

1043
01:20:17,395 --> 01:20:18,438
at hindi ito biro,

1044
01:20:18,522 --> 01:20:22,192
talagang pumutok ang bulkan
habang nasa Island kami,

1045
01:20:22,275 --> 01:20:25,237
kaya nasa isang ospital kami
sa New Zealand.

1046
01:20:25,320 --> 01:20:26,947
Hindi ko alam kung gaano ako katagal dito,

1047
01:20:27,030 --> 01:20:29,574
pero gagawin ko
ang makakaya ko para balitaan kayo.

1048
01:20:32,828 --> 01:20:35,497
Sa puntong iyon, nagkahiwalay kami.

1049
01:20:35,580 --> 01:20:38,708
Hindi ko talaga naintindihan
kung gaano kasama ang lagay ko.

1050
01:20:38,792 --> 01:20:41,545
Lalong hindi ko inasahang
mako-<i>comatose</i> ako

1051
01:20:41,628 --> 01:20:44,631
sa New Zealand sa loob
nang mahigit isang buwan.

1052
01:20:44,714 --> 01:20:50,011
Pinutol nila ang <i>wedding ring</i> ko
at nagmakaawa ako sa kanilang

1053
01:20:50,095 --> 01:20:52,973
huwag gawin iyon kasi kakakasal ko lang.

1054
01:20:54,474 --> 01:20:58,728
Nadurog lang ang puso ko at hindi ako
makatingin habang pinuputol nila.

1055
01:21:03,775 --> 01:21:07,737
Nanggaling ka sa isang sitwasyong
kailangan ng pagmamadali,

1056
01:21:07,821 --> 01:21:10,949
papunta sa biglang
pagtigil ng pagmamadali.

1057
01:21:11,658 --> 01:21:14,661
At saka pa lang,

1058
01:21:14,744 --> 01:21:17,873
nang ang ginagawa namin ay ipinasa

1059
01:21:17,956 --> 01:21:18,915
sa mga propesyonal,

1060
01:21:18,999 --> 01:21:23,461
naming nasimulan unawain ang mga nangyari.

1061
01:21:25,422 --> 01:21:27,007
Tinawagan ko ang asawa ko.

1062
01:21:27,799 --> 01:21:30,886
Pagkasagot na pagkasagot niya,
hindi ako makapagsalita.

1063
01:21:32,304 --> 01:21:35,807
Bigla na lang bumagsak ang mga luha ko.

1064
01:21:38,476 --> 01:21:39,477
Lahat ng tao ay

1065
01:21:39,561 --> 01:21:42,522
emosyonal at pisikal
na sugatan sa puntong iyon.

1066
01:21:43,481 --> 01:21:47,277
Si Jolene, ang kasintahan ko,
ay sinundo ako, at nagawa kong,

1067
01:21:47,360 --> 01:21:48,945
yakapin siya at…

1068
01:21:50,238 --> 01:21:53,533
doon ko yata unang beses
naramdaman ang lahat.

1069
01:21:56,620 --> 01:22:01,625
Narinig namin mula sa mga pulis
na may walo pang nasa Island,

1070
01:22:01,708 --> 01:22:04,586
sa Whakaari, na pumanaw na.

1071
01:22:05,670 --> 01:22:07,297
Isa si Tipene sa kanila.

1072
01:22:08,131 --> 01:22:09,549
Bumagsak ako sa sahig.

1073
01:22:11,676 --> 01:22:14,679
Hindi ako makapaniwalang naririnig ko…

1074
01:22:16,890 --> 01:22:19,225
<i>Parekura</i> ang tawag namin. Trahedya.

1075
01:22:26,316 --> 01:22:30,153
Nang marinig naming lumapag na
ang huling helicopter,

1076
01:22:30,654 --> 01:22:34,324
tinawagan ko si Mark Law
para sa balita tungkol sa nangyayari.

1077
01:22:39,204 --> 01:22:42,624
Pakiramdam ko lang, bilang magkakaibigan,

1078
01:22:42,707 --> 01:22:46,378
parang… oo, dapat naming sabihin sa kanila

1079
01:22:46,461 --> 01:22:47,921
sa lalong madaling panahon.

1080
01:22:51,257 --> 01:22:55,762
"Naroon ako kasama ni Hayden
at siguradong namatay siya."

1081
01:23:01,309 --> 01:23:04,813
Nakita niya si Hayden, at…

1082
01:23:10,652 --> 01:23:13,446
Nakita niya siya sa Island,
at sinabi niyang 'di raw siya nakaligtas.

1083
01:23:17,158 --> 01:23:21,705
Naikuwento ni Mark
ang tungkol sa mga bakas ng paa sa abo,

1084
01:23:25,208 --> 01:23:28,503
at naniniwala silang
sina Hayden at Tipene iyong kumilos

1085
01:23:28,586 --> 01:23:31,965
at tumulong sa huling mga tao

1086
01:23:32,757 --> 01:23:35,343
na maging komportable
sa mga huling sandali nila.

1087
01:23:38,972 --> 01:23:43,476
Alam kong pareho sina Tipene at Hayden
na inuuna ang iba bago ang sarili nila.

1088
01:23:46,771 --> 01:23:49,149
Pero hindi na siya uuwi.

1089
01:23:58,742 --> 01:24:01,286
Malinaw na ngayong
may dalawang grupo sa Island,

1090
01:24:01,369 --> 01:24:04,622
iyong mga nailikas,

1091
01:24:04,706 --> 01:24:06,875
at iyong mga malapit sa pagputok.

1092
01:24:07,459 --> 01:24:11,713
Sa mga namatayan
o nawawalan ng pamilya at mga kaibigan,

1093
01:24:11,796 --> 01:24:17,886
nakikidalamhati kami sa inyo
sa sandaling ito.

1094
01:24:17,969 --> 01:24:19,721
Kasama ng mga mahal ninyo
sa buhay ang mga <i>Kiwi</i>

1095
01:24:19,804 --> 01:24:23,308
na nagpatuloy sa inyo rito
at nakikiramay kami sa inyo at sa kanila.

1096
01:24:26,352 --> 01:24:29,314
Ang opisyal na bilang
ng nasawi sa pagputok ng bulkang iyon

1097
01:24:29,397 --> 01:24:31,399
sa New Zealand ay nasa walo ngayon.

1098
01:24:31,483 --> 01:24:33,818
Siyam sa kanila ang kumpirmado nang patay,

1099
01:24:33,902 --> 01:24:36,613
pinakahuli ang magkapatid na binata…

1100
01:24:36,696 --> 01:24:40,408
Ang mga namatay sa sakuna noong Lunes
ay umakyat na sa hindi bababa sa 15.

1101
01:24:44,204 --> 01:24:46,664
Matapat siyang lingkod-bayan…

1102
01:24:48,374 --> 01:24:51,252
Kasama sa 21 biktima
ang asawa niyang si Gavin

1103
01:24:51,336 --> 01:24:53,713
at 15 taong gulang
na anak na babae, si Zoe.

1104
01:25:01,304 --> 01:25:04,808
Hindi ko talaga alam
ang nangyari sa loob ng tatlong linggo.

1105
01:25:04,891 --> 01:25:06,476
Wala pa ring nagsasabi sa akin.

1106
01:25:07,185 --> 01:25:10,814
Pero isang kaibigan ko
ang dumalaw sa akin sa Burns Unit,

1107
01:25:11,439 --> 01:25:14,984
sabi ko, "Kumusta si Hayden? Nagulat
akong hindi ko pa nakikita si Hayden."

1108
01:25:15,068 --> 01:25:20,073
At tiningnan niya lang ang pamilya ko
at umiyak lang silang lahat.

1109
01:25:27,038 --> 01:25:28,832
At oo, ganoon ko nalaman.

1110
01:25:38,508 --> 01:25:42,387
Nagising ako noong Disyembre 17.

1111
01:25:45,056 --> 01:25:49,185
Ang lolo ko ang nagsabi sa akin
ng masamang balita.

1112
01:25:52,939 --> 01:25:56,734
Ang tatay ko ay itinakbo ni Mark Law
deretso sa ospital kung saan,

1113
01:25:56,818 --> 01:26:01,197
sa kasamaang palad,
ay bumigay siya sa mga pinsala niya.

1114
01:26:02,282 --> 01:26:06,452
Namatay ang nanay ko sa Island,

1115
01:26:06,536 --> 01:26:09,581
at siya ay…

1116
01:26:09,664 --> 01:26:14,836
nakuha ng New Zealand Army
makalipas ang ilang araw.

1117
01:26:18,756 --> 01:26:24,596
Hindi nila alam kung nasaan ang kapatid ko
o kung ano ang nangyari sa katawan niya.

1118
01:26:32,061 --> 01:26:36,065
Nang mamatay ang ninunong si Tītahi,

1119
01:26:36,149 --> 01:26:39,152
sinasabi sa kuwentong-bayan namin
na ang espiritu niya

1120
01:26:39,736 --> 01:26:43,281
ay nagbagong-anyo bilang isa
sa mga bantay ng karagatan ngayon.

1121
01:26:45,074 --> 01:26:50,788
Ang mga patay din
ay naging katulad ng ninunong si Tītahi.

1122
01:26:52,248 --> 01:26:57,712
Nagbigay na si Whakaari
ng utos niya, pahintulot niyang

1123
01:26:58,671 --> 01:27:02,800
manatili sila roon bilang mga bantay,
<i>kaitiaki,</i> magpakailanman.

1124
01:27:03,885 --> 01:27:09,974
Nasa posisyon na sila kung saan
hindi sila kailanman malilimutan.

1125
01:27:22,528 --> 01:27:26,699
18 BUWAN MATAPOS ANG PAGPUTOK

1126
01:27:37,794 --> 01:27:39,796
Magaganda ang ibang mga araw,
ang iba ay hindi,

1127
01:27:39,879 --> 01:27:42,590
sa totoo lang.

1128
01:27:44,425 --> 01:27:47,679
Alam kong tinitingnan ako ng mga tao,
tinitingnan nila ang mga kamay ko.

1129
01:27:49,347 --> 01:27:50,682
Ayaw ko iyon.

1130
01:27:50,765 --> 01:27:53,935
Pakiramdam ko ay dapat ko sila
palaging unahan ng paliwanag

1131
01:27:54,560 --> 01:27:56,437
kung saan galing ang mga ito.

1132
01:27:58,231 --> 01:28:01,025
May mga araw na mas madadali kaysa iba.

1133
01:28:02,527 --> 01:28:05,363
Sige. <i>Brussels sprouts</i> sa isang banda,

1134
01:28:05,446 --> 01:28:07,573
mga mansanas at kamote sa kabila.

1135
01:28:09,242 --> 01:28:13,663
Nagsasanay kami ng asawa kong
tumakbo sa <i>half-marathon.</i>

1136
01:28:13,746 --> 01:28:17,208
Ang mga araw na kung saan nakatutok ako
sa mga bagay tulad ng pagtakbo,

1137
01:28:17,292 --> 01:28:20,795
maganda ang mga iyon,
at nakikita ko ang hinaharap ko.

1138
01:28:20,878 --> 01:28:25,091
Nakikita ko ang masasayang araw,
at kaya kong hindi isipin ang bulkan.

1139
01:28:26,551 --> 01:28:32,557
Pero… Oo, talagang mahirap
ang ilang mga araw.

1140
01:28:32,640 --> 01:28:33,725
Oo.

1141
01:28:41,149 --> 01:28:44,360
Ang palasinsingan ko
ay hindi na gumagana nang maayos,

1142
01:28:44,444 --> 01:28:48,031
at talagang hirap ako
sa paggamit ng dominante kong kamay.

1143
01:28:50,616 --> 01:28:53,828
Sa ngayon, buwan-buwan pa rin
kaming nagpapaopera.

1144
01:28:56,039 --> 01:29:01,461
Napakahaba lang ng panahon
ng paggaling na ito.

1145
01:29:04,005 --> 01:29:09,344
Ang pagputok ay dalawang minuto,
pero ilang taon na ang idinulot nito.

1146
01:29:11,888 --> 01:29:14,766
Naiintindihan kong walang
may kontrol sa kalikasan,

1147
01:29:14,849 --> 01:29:19,145
pero dapat mo man lang akong bigyan
ng pagkakataong magdesisyon nang may alam.

1148
01:29:19,729 --> 01:29:22,357
Kung alam ko lang noon ang alam ko ngayon,

1149
01:29:23,149 --> 01:29:27,195
hinding-hindi kami tatapak sa islang iyon.
Hindi talaga.

1150
01:29:32,116 --> 01:29:34,994
Nasunog ako mula sa itaas ng bota

1151
01:29:35,078 --> 01:29:39,165
hanggang sa hangganan ng shorts ko
at sa likod ng mga binti ko.

1152
01:29:39,248 --> 01:29:43,252
Hindi napuruhan ang likod ng mga tuhod ko
dahil sa pagkakayuko ko.

1153
01:29:43,336 --> 01:29:46,714
Pinrotektahan noon ang likod
ng mga tuhod ko at mabuti iyon.

1154
01:29:49,050 --> 01:29:51,094
Alam ko ang pwedeng mangyari doon.

1155
01:29:52,512 --> 01:29:54,847
Pero hindi ka naniniwalang
mangyayari iyon sa iyo.

1156
01:29:56,307 --> 01:30:01,312
Hindi nabago nito ang opinyon ko
sa pakikisalamuha ko sa kalikasan.

1157
01:30:01,395 --> 01:30:04,524
Hindi ako magkukulong na lang sa kuwarto

1158
01:30:04,607 --> 01:30:06,859
kasi anong klaseng buhay iyon?

1159
01:30:10,238 --> 01:30:12,365
Siguro ay alam ko na ngayong
kaya kong lagpasan ang kahit ano,

1160
01:30:12,448 --> 01:30:14,992
at mahalagang leksyon iyon.

1161
01:30:16,244 --> 01:30:19,372
Hindi siguro sa iba,
pero para sa akin, may halaga iyon.

1162
01:30:23,793 --> 01:30:26,129
Sa buong panahon
ng pamamalagi ko sa ospital,

1163
01:30:26,212 --> 01:30:30,883
kumuha ako ng larawan ng paggaling ko
tuwing kamakalawa,

1164
01:30:31,717 --> 01:30:36,264
para mabalik-balikan ko at makita
kung gaano kalayo na ang narating ko.

1165
01:30:38,057 --> 01:30:40,935
Sumailalim ako sa pitong operasyon.

1166
01:30:42,270 --> 01:30:45,064
Sinabihan akong isang taon ako
mamamalagi sa ospital.

1167
01:30:46,816 --> 01:30:49,861
Pero ipinagmamalaki ko
na ang nanatili lang ako roon

1168
01:30:49,944 --> 01:30:51,487
nang wala pang dalawang buwan.

1169
01:30:52,864 --> 01:30:54,407
Sutil ako.

1170
01:30:54,490 --> 01:30:57,702
Hindi ako sumusuko.
Patuloy lang akong susubok nang susubok.

1171
01:30:57,785 --> 01:31:02,540
Tumatanggi akong sumuko gaano man kahirap.

1172
01:31:05,126 --> 01:31:06,502
Mahilig pa rin ako sa panganib.

1173
01:31:07,461 --> 01:31:12,466
Pero kalkuladong panganib yata
ang katagang dapat sabihin.

1174
01:31:16,929 --> 01:31:18,347
Wala sila dapat doon.

1175
01:31:18,973 --> 01:31:20,349
Hindi dapat pumunta roon kahit kailan.

1176
01:31:23,144 --> 01:31:25,271
Natatanaw ko ang Whakaari
mula sa tahanan ko.

1177
01:31:25,813 --> 01:31:28,441
Natatanaw ko iyon
mula sa bawat kuwarto sa bahay ko. Oo.

1178
01:31:30,651 --> 01:31:33,738
Sa totoo lang,
mas mabuti kung hindi ko na makikita iyon.

1179
01:31:37,783 --> 01:31:41,579
Kaya isasara mo na lang ang kurtina.
Tatanggapin ang mga nangyari.

1180
01:31:42,872 --> 01:31:44,373
Mananalangin sandali.

1181
01:31:44,957 --> 01:31:48,169
Tapos gawin mo ang parehong bagay
sa susunod na araw, at…

1182
01:31:48,920 --> 01:31:49,754
Oo.

1183
01:31:53,716 --> 01:31:55,843
Sa tingin ko, sa ilang paraan,

1184
01:31:55,927 --> 01:31:57,762
naintindihan namin ang Island,

1185
01:31:58,638 --> 01:32:00,014
na walang may alam sa kahihinatnan.

1186
01:32:03,434 --> 01:32:05,686
Ginagawa ng Inang Kalikasan
ang gusto niyang gawin.

1187
01:32:07,355 --> 01:32:09,482
Pero mayroon ding kalikasan ng tao.

1188
01:32:09,565 --> 01:32:11,609
Sa gitna ng pagsubok,

1189
01:32:12,360 --> 01:32:13,611
likas sa mga taong tumulong sa kapwa.

1190
01:32:15,238 --> 01:32:19,659
Karaniwang mga taong ibibigay ang sarili
nilang mga buhay para tulungan ang iba.

1191
01:32:21,494 --> 01:32:25,539
Ganoon ang mga tao…
ang mga mabubuting tao sa mundo.

1192
01:32:30,086 --> 01:32:36,384
Maraming positibong naidulot
ang isang kahindik-hindik na pangyayari.

1193
01:32:37,426 --> 01:32:41,681
Umaapaw ang suporta ng komunidad.

1194
01:32:42,723 --> 01:32:45,768
May mga naging kaibigan akong
hindi ko ipagpapalit sa mundo.

1195
01:32:47,228 --> 01:32:48,437
Kailangan mong tingnan ang positibo,

1196
01:32:48,521 --> 01:32:52,149
dahil kung hindi ay susundan ka lang
ng trahedyang iyong habang-buhay.

1197
01:32:55,444 --> 01:32:58,447
Ang gym ko at ang mga katrabaho ko,

1198
01:32:58,531 --> 01:33:00,616
mga kaibigan ko, pamilya ko,

1199
01:33:01,242 --> 01:33:04,829
silang lahat ang nagtutulak
sa aking magpatuloy.

1200
01:33:06,163 --> 01:33:09,000
Binigyan nila ako ng lakas
para magsumikap.

1201
01:33:11,002 --> 01:33:13,754
Lalo na ang lolo ko, ang sandigan ko.

1202
01:33:16,924 --> 01:33:18,968
Sinamahan niya ako mula sa simula.

1203
01:33:20,886 --> 01:33:27,727
At hindi ko mararating ito kung hindi
dahil sa pagmamahal at suporta niya.

1204
01:33:32,398 --> 01:33:35,401
Mayroon akong perpektong
hindi napasong parte sa pulso ko.

1205
01:33:35,484 --> 01:33:37,570
Iyan ang eksaktong bahagi
kung nasaan ang kamay niya.

1206
01:33:37,653 --> 01:33:39,322
Para iyong ganito.

1207
01:33:40,323 --> 01:33:44,368
Oo. Kaya ang kamay na ito
ay mas maayos kaysa sa isang ito.

1208
01:33:44,452 --> 01:33:46,954
Ni hindi ko kayang gumawa
ng kamao sa kamay na ito,

1209
01:33:47,038 --> 01:33:49,290
at sa kamay na ito
kaya kong gumawa ng buong kamao.

1210
01:33:49,373 --> 01:33:52,001
Lagi akong mananatili sa tabi niya, lagi.

1211
01:33:52,084 --> 01:33:56,756
Mahal na mahal ko lang siya
at lalo pa kaming pinaglapit nito.

1212
01:34:03,804 --> 01:34:07,641
Sinusubukan kong pumunta roon
kada ilang buwan para mangumusta.

1213
01:34:07,725 --> 01:34:09,602
Beer na Steinlager
ang paboritong inumin ni Hayden,

1214
01:34:09,685 --> 01:34:11,896
masarap na beer ng mga <i>Kiwi.</i>

1215
01:34:11,979 --> 01:34:16,317
Magdadala kami ng isang dosena at mauupo
kami roon, at kahit sinong kasama namin,

1216
01:34:16,400 --> 01:34:19,820
iinom kami at lagi kaming
nagbubuhos ng isa sa dagat.

1217
01:34:19,904 --> 01:34:22,448
Ayaw ko mang nagsasayang ng isa,
lagi kaming nagbubuhos ng isa at…

1218
01:34:22,531 --> 01:34:23,407
at pinaiinom siya.

1219
01:34:26,744 --> 01:34:29,663
Maghahanap ka talaga
ng maliliit na sandali at senyales,

1220
01:34:29,747 --> 01:34:32,666
siguro para maghanap
ng mga paraan para magpatuloy.

1221
01:34:38,422 --> 01:34:42,343
Sa harap ni Inang Kalikasan
at sa lahat ng kaya niyang ibato sa atin,

1222
01:34:43,636 --> 01:34:49,558
dapat pa rin nating alalahaning bilang
mga tao, sandigan natin ang isa't isa.

1223
01:35:00,194 --> 01:35:06,283
ANG PAGPUTOK NG WHAKAARI O WHITE ISLAND
AY KUMITIL SA BUHAY NG 22 TAO.

1224
01:35:08,869 --> 01:35:12,540
WALANG PARTIDO O INDIBIDWAL
NA TUMANGGAP NG RESPONSIBILIDAD

1225
01:35:12,623 --> 01:35:15,876
PARA SA MGA NATAMONG SUGAT
AT NAWALANG BUHAY.

1226
01:35:18,087 --> 01:35:23,676
NANANATILING SARADO ANG ISLA
SA LAHAT NG MGA BISITA.

1227
01:35:39,483 --> 01:35:41,610
BASE SA ARTIKULO SA OUTSIDE MAGAZINE

1228
01:35:41,694 --> 01:35:43,737
"ANG TUNAY NA KUWENTO NG PAGPUTOK
SA WHITE ISLAND" ISINULAT NI ALEX PERRY

1229
01:37:55,744 --> 01:37:58,038
Ang pagsasalin ng subtitle
ay ginawa ni Ewygene Templonuevo



