1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:27,444 --> 00:00:31,281
Patatas.

4
00:00:32,282 --> 00:00:33,783
Patatas.

5
00:00:34,492 --> 00:00:37,078
Sanggol.

6
00:00:37,620 --> 00:00:40,415
Puwede ko bang marinig
nang wala muna ang house?

7
00:00:41,332 --> 00:00:44,377
Oo.

8
00:00:44,461 --> 00:00:46,171
"Ang lahat ng sumubok…"

9
00:00:46,254 --> 00:00:47,547
Sige, pakikinggan ko ang lahat.

10
00:00:48,798 --> 00:00:51,843
"Mga binibini at ginoo,

11
00:00:51,926 --> 00:00:54,512
sa red corner…"

12
00:00:54,596 --> 00:00:56,431
-Oo.
-"Bilang taga-Timog Aprika."

13
00:00:56,514 --> 00:00:58,516
"Sa red corner…"

14
00:00:58,600 --> 00:01:03,104
-"Napakarami niyon…"
-"Bilang Amerikano."

15
00:01:03,188 --> 00:01:04,773
-Oo.
-"Bilang Amerikano."

16
00:01:04,856 --> 00:01:06,149
"Amerikano ako."

17
00:01:06,232 --> 00:01:07,817
"Dapat ay mapagtanto mong…"

18
00:01:07,901 --> 00:01:09,194
hindi tanong iyon."

19
00:01:09,277 --> 00:01:10,945
May lugar…

20
00:01:11,029 --> 00:01:12,655
"Napakarami…"

21
00:01:12,739 --> 00:01:15,116
-"…pero kung paano."
-"Sinubukan ko…"

22
00:01:15,200 --> 00:01:18,369
-"Dapat kong malamang… oo, kaya natin."
-"Alam ko."

23
00:01:20,205 --> 00:01:21,790
Oo.

24
00:01:21,873 --> 00:01:24,542
Nasaan na ang lahat?
Bakit walang tao rito?

25
00:01:24,626 --> 00:01:26,169
Ano'ng sinasabi mong maaga ako?

26
00:01:33,009 --> 00:01:34,511
Oo, maganda iyan.

27
00:01:58,326 --> 00:02:03,790
Kumusta, Toronto, Canada?

28
00:02:05,166 --> 00:02:07,085
Kumusta kayong lahat?

29
00:02:08,586 --> 00:02:10,130
Maligayang pagdating!

30
00:02:11,089 --> 00:02:15,760
Maligayang pagdating!
Maraming salamat sa pagpunta!

31
00:02:15,844 --> 00:02:17,262
Narito na tayo!

32
00:02:17,345 --> 00:02:19,139
Narito tayo.

33
00:02:19,222 --> 00:02:20,348
Napakasaya nito.

34
00:02:20,431 --> 00:02:22,684
Napakatagal na noong huli.

35
00:02:22,767 --> 00:02:25,687
Napakatagal na. Pero narito na tayo ulit.

36
00:02:26,479 --> 00:02:28,773
At masaya akong makita kayong lahat.

37
00:02:29,816 --> 00:02:32,777
Na-miss ko ito nang sobra.

38
00:02:33,486 --> 00:02:35,196
Na-miss kong libutin ang mundo.

39
00:02:35,280 --> 00:02:37,949
Na-miss ko ang wika at kultura ng mga tao.

40
00:02:38,032 --> 00:02:40,326
Kagagaling lang namin sa Europe.
Napakaganda.

41
00:02:40,410 --> 00:02:41,494
Natupad ang isa sa mga pangarap ko.

42
00:02:41,578 --> 00:02:43,538
Unang beses kong pumunta sa Switzerland.

43
00:02:43,621 --> 00:02:44,789
Isa iyon sa mga pangarap ko.

44
00:02:44,873 --> 00:02:48,042
Kung hindi ninyo alam,
sasabihin ko kung bakit pangarap ko iyon.

45
00:02:48,126 --> 00:02:50,962
Isang Xhosa mula sa Timog Aprika
ang mama ko.

46
00:02:51,045 --> 00:02:53,006
Lumaki ako sa Timog Aprika.

47
00:02:54,841 --> 00:02:58,595
Isang Swiss ang papa ko
mula sa Switzerland.

48
00:02:58,678 --> 00:03:00,680
'Di ako nakapunta sa Switzerland.

49
00:03:00,763 --> 00:03:02,765
Noong may pagkakataon na,
wala naman akong oras.

50
00:03:02,849 --> 00:03:05,727
Kaya hindi natuloy. At ngayon,
nagpunta kami sa Switzerland…

51
00:03:05,810 --> 00:03:06,728
unang beses iyon.

52
00:03:06,811 --> 00:03:09,022
At para akong nakalaya.

53
00:03:09,105 --> 00:03:10,440
Kasi ganito iyon.

54
00:03:10,523 --> 00:03:12,692
Buong buhay ko,

55
00:03:12,775 --> 00:03:17,405
pakiramdam kong hindi talaga ako
minahal ng papa ko.

56
00:03:18,072 --> 00:03:18,990
Ganoon.

57
00:03:19,073 --> 00:03:23,244
At noong nagpunta ako sa Switzerland
at nakita ko siya,

58
00:03:23,328 --> 00:03:24,787
ang sabi ko, "Hindi."

59
00:03:24,871 --> 00:03:26,414
"Swiss lang siya."

60
00:03:28,499 --> 00:03:29,792
Ganoon silang lahat.

61
00:03:33,171 --> 00:03:34,589
Medyo kakaiba lang iyon.

62
00:03:34,672 --> 00:03:36,883
Sinubukan ko siyang sorpresahin,

63
00:03:36,966 --> 00:03:39,427
sa pamamagitan ng pag-aaral ng German.

64
00:03:39,510 --> 00:03:41,054
Matagal kaming hindi nagkita.

65
00:03:41,137 --> 00:03:43,848
Dahil nagsasalita siya ng German,
naisip kong sorpresahin siya.

66
00:03:43,932 --> 00:03:46,893
Kaya nag-aral ako sa Duolingo.

67
00:03:46,976 --> 00:03:50,146
Pagdating ko sa Germany,
ginamit ko ang natutunan ko.

68
00:03:50,230 --> 00:03:52,023
Pagdating ko sa Switzerland,
sabi ko, "Ito na."

69
00:03:52,106 --> 00:03:53,983
Handa na ako.
"Sosorpresahin ko ang papa ko."

70
00:03:54,067 --> 00:03:55,777
Pupunta ako sa bahay niya,
kakatok sa pinto.

71
00:03:55,860 --> 00:03:57,528
Bubuksan niya iyon nang gulat, "Trevor!"

72
00:03:57,612 --> 00:04:00,448
At sasabihin ko,
"Papa, ich sprechen Deutsch!"

73
00:04:00,531 --> 00:04:03,826
At sasagot siya, "Ano? Ich liebe dich!"

74
00:04:03,910 --> 00:04:04,911
Na parang…

75
00:04:06,913 --> 00:04:09,290
Kompleto iyon. Naplano ko ang lahat.

76
00:04:10,333 --> 00:04:11,626
'Di nangyari ang plano ko.

77
00:04:12,961 --> 00:04:15,713
Nakarating ako. Nagulat siya.
Pero noong nagsalita na ako,

78
00:04:15,797 --> 00:04:17,548
sabi ko, "Papa, ich sprechen Deutsch!"

79
00:04:17,632 --> 00:04:19,467
Sabi niya, "'Wag mong gawin iyan."

80
00:04:20,301 --> 00:04:22,011
"Hindi, 'wag mong gawin iyan."

81
00:04:25,515 --> 00:04:27,725
Kakaiba ang pag-aaral ko ng German.

82
00:04:27,809 --> 00:04:32,438
Gusto kong matutunan ang wika
ng mga kamag-anak ko sa papa ko.

83
00:04:32,522 --> 00:04:34,107
Pero…

84
00:04:34,190 --> 00:04:37,735
may natutunan ako sa wikang German
na hindi naging maganda.

85
00:04:37,819 --> 00:04:39,153
Nasa Germany ako,

86
00:04:39,988 --> 00:04:42,615
binisita ang ilang kamag-anak
sa lugar na Cologne.

87
00:04:42,699 --> 00:04:44,617
Maganda iyon. Puntahan ninyo.

88
00:04:44,701 --> 00:04:46,077
Nakamamanghang lugar.

89
00:04:46,703 --> 00:04:49,372
Kasama ko ang isa
sa mga kaibigan ko, si Rolf.

90
00:04:49,956 --> 00:04:52,792
Isang araw,
sinabi sa'kin ni Rolf, "Trevor,

91
00:04:52,875 --> 00:04:56,796
kumain kaya tayo ngayon ng tradisyonal
na pagkaing German, ha?"

92
00:04:56,879 --> 00:04:59,090
"Gusto mo ng tradisyonal
na pagkaing German?"

93
00:04:59,173 --> 00:05:01,092
"Oo, isasama ka namin, ha?"

94
00:05:01,175 --> 00:05:03,845
Sabi ko, "Maganda iyan, Rolf.
Ano'ng kakainin natin?"

95
00:05:03,928 --> 00:05:06,306
Sabi niya, "Sige,
alam mo ba iyong Subway?"

96
00:05:08,933 --> 00:05:10,893
"Hindi German iyon, Rolf."

97
00:05:11,436 --> 00:05:14,272
Sumagot siya, "Nein. Sinasabi ko lang
na parang ganoon."

98
00:05:14,355 --> 00:05:16,774
"Tama? Kung saan kakain ka ng mga sandwich

99
00:05:16,858 --> 00:05:19,152
und may tinapay at pipili ka ng ilalagay."

100
00:05:19,235 --> 00:05:21,446
"Oo, alam ko kung ano ang Subway."

101
00:05:21,529 --> 00:05:25,199
Sabi niya, "Sige. Dadalhin kita
sa German na bersyon, ha?"

102
00:05:25,283 --> 00:05:26,576
"Mas maganda roon."

103
00:05:26,659 --> 00:05:28,995
"Pinakamasarap na tinapay at karne.
Dapat kang pumunta."

104
00:05:29,078 --> 00:05:30,496
Sinama niya ako, at totoo ang sinabi niya.

105
00:05:30,580 --> 00:05:32,749
Pumunta kami sa tindahan ng sandwich.

106
00:05:32,832 --> 00:05:34,667
Parang 50 taon na iyon.

107
00:05:34,751 --> 00:05:36,669
German ang lahat.
Pumasok kami, at sinabi ko,

108
00:05:36,753 --> 00:05:38,129
"Ito iyon!"

109
00:05:39,172 --> 00:05:42,425
"Wala ako sa bahay ng papa ko, pero…
magagamit ko ang natutunan kong German."

110
00:05:43,885 --> 00:05:46,262
Tiningnan ako ni Rolf at sinabing,
"Ako na ba ang oorder?"

111
00:05:46,345 --> 00:05:48,639
Sumagot ako, "Hindi, ako ang oorder."

112
00:05:48,723 --> 00:05:50,641
Sabi niya, "Sige,
ikaw ang bibili ng pagkain?"

113
00:05:50,725 --> 00:05:52,727
"Hindi, ikaw ang bibili.
Ako lang ang oorder."

114
00:05:54,562 --> 00:05:56,272
"Gusto kong gamitin
ang natutunan kong German."

115
00:05:56,355 --> 00:05:58,483
Sabi niya,
"Baka hindi ka nila maintindihan."

116
00:05:58,566 --> 00:05:59,817
"Kasi mahirap ang--"

117
00:05:59,901 --> 00:06:01,694
Sabi ko, "Kaya ko ito, Rolf."

118
00:06:02,820 --> 00:06:05,364
Nagpunta ako sa counter.
Mabait iyong babae.

119
00:06:05,448 --> 00:06:07,075
Sabi niya,
"Guten Tag, kann ich dich helfen?"

120
00:06:07,158 --> 00:06:08,618
Sumagot ako, "Guten Tag!"

121
00:06:29,430 --> 00:06:30,973
At napadumi yata siya.

122
00:06:37,396 --> 00:06:39,023
'Di ko malilimutan ang hitsura

123
00:06:39,857 --> 00:06:41,442
ng mukha niya.

124
00:06:42,610 --> 00:06:45,613
Nanigas siya sa takot.
Tiningnan niya akong parang…

125
00:06:49,659 --> 00:06:52,703
Ang ibig sabihin niyon
ay "ang Itim na Hitler."

126
00:06:57,542 --> 00:06:58,668
Oo.

127
00:06:59,544 --> 00:07:01,629
Ang pagkakasabi ko ng ilang salita,

128
00:07:01,712 --> 00:07:04,882
para palang Führer.

129
00:07:08,261 --> 00:07:09,470
Parang nawasak ako.

130
00:07:10,721 --> 00:07:12,974
Tuwang-tuwa naman si Rolf.

131
00:07:14,142 --> 00:07:16,602
Sa buong biyahe namin pauwi, sa kotse,
hinampas niya ang sarili niya.

132
00:07:23,985 --> 00:07:26,612
"Trevor, naisip mo ba,
paano kung Itim si Hitler?"

133
00:07:28,948 --> 00:07:30,992
"Hindi iyon magtatagumpay, ano?"

134
00:07:37,748 --> 00:07:39,459
"Rolf, 'di naman nakatatawa iyon."

135
00:07:40,835 --> 00:07:42,753
"Sinubukan kong matuto ng German
para makausap ang pamilya ko,

136
00:07:42,837 --> 00:07:44,797
at ngayon, parang ako
ang pinakamasamang tao sa kasaysayan."

137
00:07:44,881 --> 00:07:46,841
Sabi niya, "Oo,
pero nakatatawa talaga iyon."

138
00:07:46,924 --> 00:07:48,593
"Nakita mo sana ang sarili mo."

139
00:07:50,178 --> 00:07:52,555
"Parang lulusubin mo ang karne nila."

140
00:07:52,638 --> 00:07:54,515
"Oh mein Gott! Sana--"

141
00:07:54,599 --> 00:07:56,392
Sabi ko, "Rolf, 'di ayos iyan!"

142
00:07:56,476 --> 00:07:57,602
"Nasasaktan ako ngayon."

143
00:07:57,685 --> 00:08:02,064
"Kumalma ka, Trevor. Hayaan mo ako
sa schadenfreude na ito, ha?"

144
00:08:02,982 --> 00:08:05,026
Natuto ako ng bagong salita noon.

145
00:08:05,109 --> 00:08:06,903
Oo. 'Di ko pa iyon narinig dati.

146
00:08:09,113 --> 00:08:11,699
Isang salitang German, Schadenfreude.

147
00:08:12,241 --> 00:08:13,201
Ganoon.

148
00:08:13,284 --> 00:08:20,124
Ang ibig sabihin niyon,
"masiyahan sa kasawian ng iba."

149
00:08:23,127 --> 00:08:24,462
Bagong kaalaman…

150
00:08:24,545 --> 00:08:26,964
'Di naisalin ang salitang iyon
sa ibang wika.

151
00:08:28,883 --> 00:08:29,967
Bakit kaya?

152
00:08:33,387 --> 00:08:35,640
Nakalolokang salita. Schadenfreude.

153
00:08:35,723 --> 00:08:36,891
Bakit mo gugustuhin iyon?

154
00:08:37,558 --> 00:08:40,186
Masiyahan sa kasawian ng iba. Bakit mo…

155
00:08:40,269 --> 00:08:43,523
Pero naisip ko,
"parang napakasama niyon, pero…

156
00:08:44,690 --> 00:08:45,900
ginagawa nating lahat iyon."

157
00:08:46,901 --> 00:08:48,361
Lahat tayo rito.

158
00:08:48,444 --> 00:08:51,405
Nararanasan natin ang schadenfreude.

159
00:08:52,031 --> 00:08:52,949
Alam mo iyon?

160
00:08:53,032 --> 00:08:55,159
Lahat tayo. Alam mo kung kailan ka
may schadenfreude?

161
00:08:55,785 --> 00:08:58,704
Kapag nagmamaneho ka sa highway, ano?

162
00:08:58,788 --> 00:09:01,165
Habang naglalakbay ka, maayos ang lahat,

163
00:09:01,958 --> 00:09:05,795
at titingin ka sa kabilang bahagi,
napakabigat ng trapiko.

164
00:09:07,129 --> 00:09:09,423
At may nararamdaman ka sa loob mo.

165
00:09:09,507 --> 00:09:12,802
"Tama ang mga desisyon ko sa buhay!"

166
00:09:15,221 --> 00:09:16,264
Schadenfreude iyon.

167
00:09:17,515 --> 00:09:18,641
Alam ninyo kung ano ang schadenfreude?

168
00:09:18,724 --> 00:09:21,727
Schadenfreude ang nangyari
sa mga Itim na babae

169
00:09:21,811 --> 00:09:23,771
noong nakita nilang umiyak
ang matatandang Puting lalaki

170
00:09:23,854 --> 00:09:26,399
matapos sabihin ng Disney
na babaguhin ang The Little Mermaid.

171
00:09:31,028 --> 00:09:32,363
Schadenfreude iyon.

172
00:09:34,824 --> 00:09:37,743
Isa iyon sa pinakanakatatawang bagay
na nakita ko.

173
00:09:38,369 --> 00:09:40,371
Mga matatandang lalaking umiiyak.

174
00:09:40,454 --> 00:09:43,040
"Sinira nito ang pagkabata ko!"

175
00:09:43,791 --> 00:09:45,918
"Binago nila ang The Little Mermaid!"

176
00:09:46,002 --> 00:09:48,754
"Hindi niya kamukha ang orihinal!"

177
00:09:48,838 --> 00:09:49,880
"Hindi kamukha?"

178
00:09:50,631 --> 00:09:53,259
'Di niya kamukha ang orihinal?
'Di kamukha?

179
00:09:53,342 --> 00:09:56,470
Wala kang naaalala sa orihinal
'pag tinitingnan mo siya?

180
00:09:56,554 --> 00:09:59,557
Wala? Alam ninyong ang kulay lang
ng balat niya ang nagbago?

181
00:09:59,640 --> 00:10:01,225
Ang kulay ng balat niya…

182
00:10:01,309 --> 00:10:03,603
Pula ang buhok, isda ang katawan niya.

183
00:10:03,686 --> 00:10:05,646
'Di mo naaalala roon
ang The Little Mermaid?

184
00:10:05,730 --> 00:10:09,442
Iyon talaga ang una mong nakita
sa The Little Mermaid? Talaga?

185
00:10:13,279 --> 00:10:14,739
Alam ninyo kung ano ang schadenfreude?

186
00:10:15,865 --> 00:10:17,074
Schadenfreude…

187
00:10:17,992 --> 00:10:18,993
Ang…

188
00:10:20,119 --> 00:10:21,329
lahat mula…

189
00:10:21,912 --> 00:10:24,415
sa Ireland at Kenya

190
00:10:25,207 --> 00:10:26,626
at Trinidad

191
00:10:26,709 --> 00:10:28,210
at Jamaica

192
00:10:29,170 --> 00:10:30,588
at Timog Aprika

193
00:10:31,339 --> 00:10:32,506
at India…

194
00:10:33,966 --> 00:10:35,009
naramdaman iyon

195
00:10:35,801 --> 00:10:39,639
noong lumabas sa balita,
"May masamang balita ang Royal Family."

196
00:10:51,817 --> 00:10:56,906
Ito ang hindi nauunawaan ng mga tao.
Sabi nila, "Tinatawanan ba ninyo ito?"

197
00:10:56,989 --> 00:10:59,283
"Oo, una sa lahat. Pero…"

198
00:11:00,618 --> 00:11:02,161
"Hindi mo nauunawaan iyon."

199
00:11:02,244 --> 00:11:06,040
Sensitibo ang Royal Family sa tugon
ng tao sa masamang balita nila.

200
00:11:06,123 --> 00:11:08,417
Pero 'di nila nauunawaang
'di masamang balita iyon.

201
00:11:08,501 --> 00:11:10,836
Kapag gusto ng Royal Family
na maawa tayo sa kanila,

202
00:11:10,920 --> 00:11:12,380
masamang balita ba talaga iyon?

203
00:11:12,463 --> 00:11:16,092
Sabi nila, "Hinihiling namin
ang pakikiramay ninyo."

204
00:11:16,175 --> 00:11:19,095
"Nawala sa'min sina Harry at Meghan."

205
00:11:19,178 --> 00:11:21,013
"Nawala sa inyo? Nawawala sila?"

206
00:11:21,097 --> 00:11:22,306
"Hindi."

207
00:11:22,390 --> 00:11:26,394
"Ang paborito ninyong mag-asawang Briton
ay Amerikano na ngayon."

208
00:11:35,486 --> 00:11:37,905
"May masamang balita ang Royal Family."

209
00:11:37,988 --> 00:11:39,865
"Masamang balita ba iyon?" "Oo."

210
00:11:39,949 --> 00:11:41,992
"Namatay ang Reyna." "Ano ang ikinamatay?"

211
00:11:42,076 --> 00:11:43,285
Natapos ang buhay!

212
00:11:46,414 --> 00:11:48,332
Talaga? 'Di ko sinasabing
'di dapat magdalamhati,

213
00:11:48,416 --> 00:11:50,334
pero natapos niya ang buhay niya.

214
00:11:50,418 --> 00:11:53,546
Alam mo kung gaano karami ang hindi
nagagawa iyon? Natapos niya ang buhay.

215
00:11:53,629 --> 00:11:56,340
Namatay siya bilang Reyna.
Ano'ng dahilan? Katandaan.

216
00:11:56,424 --> 00:11:58,384
Natapos mo ang buhay.

217
00:11:58,467 --> 00:12:00,094
Tapos. Lalabas ang credits.

218
00:12:02,179 --> 00:12:04,265
Ililibing siyang kasama ang yaman.

219
00:12:04,348 --> 00:12:05,641
Hashtag "winning."

220
00:12:06,684 --> 00:12:09,895
Gusto mong malungkot ang mga sinakop?
Yaman nila iyon.

221
00:12:11,605 --> 00:12:13,691
Sabi ng mga Aprikano, "Puwede na bang
makuha ang mga diamante namin?"

222
00:12:13,774 --> 00:12:16,485
Sabi nila, "Hindi,
dadalhin iyon ng Reyna."

223
00:12:18,571 --> 00:12:19,488
Seryoso ka ba?

224
00:12:19,572 --> 00:12:23,117
Sabi ng mga tao, "Hindi ito
ang panahon para pag-usapan siya."

225
00:12:23,200 --> 00:12:25,494
"Hindi ka dapat nagsasalita nang masama
tungkol sa kanya. Hindi…"

226
00:12:25,578 --> 00:12:27,455
"Hindi ka dapat nagsasalita nang masama
tungkol sa patay."

227
00:12:27,538 --> 00:12:29,331
Hindi, gawin ninyo iyon.

228
00:12:29,999 --> 00:12:32,835
Tamang panahon sa pagsasalita nang masama
tungkol sa mga tao… 'pag patay na sila.

229
00:12:32,918 --> 00:12:33,752
Hindi ba?

230
00:12:35,004 --> 00:12:36,172
Magkasundo tayo roon, ha?

231
00:12:36,255 --> 00:12:38,507
Maging mabuti tayo sa isa't isa
habang buhay,

232
00:12:38,591 --> 00:12:40,885
at magsabi nang masama
'pag namatay na ang tao.

233
00:12:40,968 --> 00:12:41,927
Ganoon.

234
00:12:44,847 --> 00:12:46,098
Gawin ninyo iyon para sa'kin.

235
00:12:46,182 --> 00:12:49,018
Kapag patay na ako,
sabihin mo ang gusto mo.

236
00:12:49,101 --> 00:12:51,228
'Pag nakita mo ako sa kalye,
batiin mo ako.

237
00:12:52,104 --> 00:12:53,981
Alam mo kung bakit? Kasi wala na ako.

238
00:12:54,857 --> 00:12:55,858
Sabi nila…

239
00:12:56,567 --> 00:12:58,986
"Sumasayaw ang mga tao sa libingan niya."

240
00:12:59,069 --> 00:13:02,072
Ginawa ang libingan para sa ganoon.
Kaya patag iyon.

241
00:13:03,657 --> 00:13:05,659
Puwedeng magsayaw roon.

242
00:13:05,743 --> 00:13:08,662
Kung hindi, nakahilig sana iyon
para madulas ka.

243
00:13:09,747 --> 00:13:11,999
Kahit doon, nagtagumpay pa rin ang Reyna.

244
00:13:12,082 --> 00:13:15,336
Pinakamagaling na mananayaw
ang sumasayaw sa libingan niya.

245
00:13:15,961 --> 00:13:17,796
Naiisip ba ninyong naroon
ang mga Aprikano?

246
00:13:17,880 --> 00:13:20,174
Naroon lang sila, nagsasayaw?

247
00:13:20,257 --> 00:13:22,510
Sabi ng mga Irish, "Kami ang susunod."

248
00:13:22,593 --> 00:13:24,720
"Bigyan ninyo kami ng espasyo
sa libingan."

249
00:13:27,431 --> 00:13:30,226
Darating ang mga Indian.
"Pagkakataon na namin."

250
00:13:31,852 --> 00:13:33,354
Sa huli, ang lahat ng mula sa Caribbean…

251
00:13:33,437 --> 00:13:35,439
Ang pagpatay na sinulat niya

252
00:13:39,860 --> 00:13:40,819
Palakpakan!

253
00:13:55,125 --> 00:13:56,418
Isa sa mga paborito kong

254
00:13:57,419 --> 00:13:58,629
gawin dati…

255
00:13:59,755 --> 00:14:02,675
manood ng nakatatakot na pelikula

256
00:14:03,926 --> 00:14:07,471
at husgahan ang mga tao
kapag gumagawa ng tangang desisyon.

257
00:14:12,393 --> 00:14:13,435
Gusto ko iyon.

258
00:14:15,271 --> 00:14:16,397
Nanonood ako ng nakatatakot na pelikula.

259
00:14:17,147 --> 00:14:18,649
Hinihintay kong gumawa
ng tangang desiyon ang mga tao.

260
00:14:18,732 --> 00:14:21,569
'Pag namatay sila, sinasabi ko,
"Dapat lang sa'yo iyan."

261
00:14:24,697 --> 00:14:25,865
Walang katuturan.

262
00:14:26,740 --> 00:14:27,700
Wala talaga.

263
00:14:27,783 --> 00:14:29,618
Alam mo iyon? May hinahabol.

264
00:14:30,244 --> 00:14:33,330
May lalaking nakamaskara,
at mayroon siyang kutsilyo.

265
00:14:33,414 --> 00:14:35,291
Naglalakad ang lalaki.

266
00:14:35,374 --> 00:14:38,127
Tatakbo sa kotse ang tao,
laging nabibitiwan ang susi.

267
00:14:42,214 --> 00:14:43,507
Patay. Ano'ng ginagawa mo?

268
00:14:44,675 --> 00:14:45,676
Ano'ng ginagawa mo?

269
00:14:45,759 --> 00:14:48,721
'Pag hinahabol ka ng kutsilyo
at nakarating ka sa kotse…

270
00:14:48,804 --> 00:14:50,973
'Wag ka nang pumasok. Sayang ang oras.

271
00:14:51,515 --> 00:14:54,101
Tumakbo ka lang sa gilid ng kotse.

272
00:14:54,768 --> 00:14:55,811
Tapos, maghintay ka.

273
00:14:57,313 --> 00:14:59,064
'Pag pumunta sila sa daang iyon,
doon ka sa kabila.

274
00:14:59,732 --> 00:15:01,442
Naroon sila, kaya dito ka pumunta.

275
00:15:01,525 --> 00:15:03,277
Buong araw nating gawin ito.

276
00:15:11,452 --> 00:15:14,413
Ang tanga ng desisyon ng mga tao
sa nakatatakot na pelikula. Ewan ko.

277
00:15:15,915 --> 00:15:17,625
Paborito ko tuwing magtatago.

278
00:15:17,708 --> 00:15:20,210
Iyon lang ang gagawin.
Magtago at manahimik.

279
00:15:22,796 --> 00:15:24,673
Sa isang oras at kalahati,
'di nila iyon magawa.

280
00:15:25,382 --> 00:15:26,592
Parang sa A Quiet Place.

281
00:15:26,675 --> 00:15:28,969
Napanood ninyo iyon?
Isa sa mga paborito ko.

282
00:15:29,053 --> 00:15:32,181
Iyong may mga alien na walang nakikita?

283
00:15:32,264 --> 00:15:35,768
Gumagamit sila ng echolocation
para malaman kung nasaan ang lahat.

284
00:15:50,074 --> 00:15:53,077
Laging may taong nagtatago sa shed.
Naroon lang…

285
00:16:03,879 --> 00:16:05,965
Mananahimik ka lang. Kumalma lang.

286
00:16:07,132 --> 00:16:08,550
Naroon lang, kalmado.

287
00:16:08,634 --> 00:16:10,803
Puwedeng nakaupo
at tahimik na naglalaro ng Xbox.

288
00:16:11,720 --> 00:16:12,763
Hindi.

289
00:16:15,432 --> 00:16:16,517
Laging may sanggol.

290
00:16:21,230 --> 00:16:24,358
Minsan may mga pagkakataong makikita mong
susuko na ang halimaw.

291
00:16:24,441 --> 00:16:26,527
Kung kailan gagawin ng halimaw…

292
00:16:34,910 --> 00:16:37,955
Kapag malapit na itong umalis…
kapag aalis na ito,

293
00:16:38,038 --> 00:16:40,457
laging may tangang tatalon at sasabihing,

294
00:16:40,541 --> 00:16:43,335
"Hindi ko na kaya!"

295
00:16:43,419 --> 00:16:45,170
"Kunin mo na ako!"

296
00:16:46,505 --> 00:16:48,007
Patay. Dapat lang sa'yo iyan.

297
00:16:50,801 --> 00:16:52,803
'Di ko maunawaan iyon. 'Di talaga.

298
00:16:53,429 --> 00:16:55,764
Bakit? Maghihintay ka lang.

299
00:16:55,848 --> 00:16:59,101
Mananatili ka lang sa loob
hanggang mawala ang panganib.

300
00:16:59,184 --> 00:17:02,646
Bakit 'di mo magawa?
Bakit nahihirapan kang manatili sa loob?

301
00:17:04,773 --> 00:17:06,442
Tapos, dumating ang pandemya.

302
00:17:09,278 --> 00:17:11,572
Sabi ko, "Nauunawaan ko na."

303
00:17:14,950 --> 00:17:17,119
Kasi naabot natin ang sukdulan.

304
00:17:17,828 --> 00:17:19,663
Naloka ang mga tao noong pandemya.

305
00:17:20,247 --> 00:17:22,791
Akala ko magtutulungan tayo.
Naniwala ako roon.

306
00:17:22,875 --> 00:17:24,501
Sa lahat ng pelikulang pinanood ko
noong bata…

307
00:17:24,585 --> 00:17:28,380
Akala ko, kapag may banta sa buhay
ng sangkatauhan,

308
00:17:28,464 --> 00:17:31,258
kalilimutan natin ang lahat ng pagtatalo

309
00:17:32,092 --> 00:17:34,386
at magtutulungan tayo para magtagumpay.

310
00:17:34,970 --> 00:17:35,888
Alam mo iyon?

311
00:17:36,805 --> 00:17:38,807
Akala ko, kapag dumating ang virus,
magtutulungan tayo.

312
00:17:38,891 --> 00:17:43,020
Sasabihin natin, "Sige, wala nang racism.
Wala nang sexism. Magtulungan tayo."

313
00:17:43,103 --> 00:17:46,440
Tatalunin natin ang kalabang mga alien,
at babalik tayo,

314
00:17:46,523 --> 00:17:49,526
sasabihing, "Sige, bumalik tayo
sa racism at sexism."

315
00:17:52,279 --> 00:17:54,782
Ganoon sa Independence Day.
Naaalala ninyo?

316
00:17:54,865 --> 00:17:56,325
Ganoon ang kinalakihan kong pinanonood.

317
00:17:56,992 --> 00:18:00,621
Nagtulungan ang lahat para labanan
ang mga alien. Itinigil natin…

318
00:18:00,704 --> 00:18:03,791
Walang politika. Nagkaisa tayo at nanalo.

319
00:18:03,874 --> 00:18:07,753
Sa tunay na buhay, ano'ng ginawa natin?
Nag-away tayo at natalo.

320
00:18:08,587 --> 00:18:10,464
Isang koponan dapat tayo.

321
00:18:10,547 --> 00:18:12,424
Si Will Smith dapat ang bayani natin.

322
00:18:19,556 --> 00:18:21,266
Hindi nangyari ang plano!

323
00:18:29,900 --> 00:18:32,111
Ganoon kaya nawala ang mga dinosaur?

324
00:18:33,695 --> 00:18:35,823
'Di siguro sila nagkasundo sa mga bagay.

325
00:18:36,990 --> 00:18:39,243
Siguro may nagbigay ng babala,
"May asteroyd!"

326
00:18:39,326 --> 00:18:40,994
"May asteroyd na babagsak sa mundo!"

327
00:18:41,078 --> 00:18:43,956
May ibang mga dinosaur na nagsabing,
"Hindi totoo ang asteroyd!"

328
00:18:45,165 --> 00:18:46,416
"Kalokohan iyon!"

329
00:18:47,751 --> 00:18:49,920
Tumama ang batong iyon sa planeta…

330
00:18:51,922 --> 00:18:53,882
Natakpan ng alikabok ang daigdig.

331
00:18:54,550 --> 00:18:56,426
Nagtakbuhan ang mga dinosaur,

332
00:18:56,510 --> 00:18:58,679
"May alikabok sa lahat ng lugar!"

333
00:18:58,762 --> 00:19:01,390
"Magsuot ka ng mask!"

334
00:19:02,432 --> 00:19:04,810
Sabi ng T. rex, "Hindi ko kaya!"

335
00:19:14,653 --> 00:19:16,196
Alam mo kung ano ang nakababaliw…

336
00:19:17,531 --> 00:19:21,785
Akala ko Aprika ang maaapektuhan
nang sobra sa pandemya.

337
00:19:23,078 --> 00:19:24,872
Ang totoo, kinilabutan ako.

338
00:19:24,955 --> 00:19:26,832
Takot na takot ako
para sa kontinente ng Aprika.

339
00:19:27,457 --> 00:19:30,502
Buong buhay ko, nakita ko,
kapag may virus sa mundo,

340
00:19:30,586 --> 00:19:32,462
kapag nakarating sa Aprika, malala iyon.

341
00:19:33,130 --> 00:19:35,591
Naaalala ko noong kumalat na iyon
sa mundo,

342
00:19:35,674 --> 00:19:36,925
naghanda na ako para roon.

343
00:19:37,009 --> 00:19:39,136
Tinawagan ako ng mga kaibigan ko.

344
00:19:39,219 --> 00:19:42,681
Tinanong nila, "Trevor, nakikita mo ba
ang nangyayari sa coronavirus?"

345
00:19:42,764 --> 00:19:45,017
"Oo, nakikita ko."
"Ano sa tingin mo ang mangyayari?"

346
00:19:45,100 --> 00:19:47,311
"Naku, pare. Lagot kayo."

347
00:19:48,353 --> 00:19:51,273
"Kayo?" "Oo. Nasa Amerika ako."

348
00:19:52,274 --> 00:19:54,318
"Tama ang mga desisyon ko."

349
00:19:56,069 --> 00:19:57,487
Iyon pala, baligtad.

350
00:19:57,571 --> 00:20:00,741
Mas magaling ang Aprika
kumpara sa ibang kontinente

351
00:20:00,824 --> 00:20:02,367
sa pagkontrol sa sakit.

352
00:20:07,873 --> 00:20:09,249
Nagulat ang lahat.

353
00:20:10,417 --> 00:20:12,211
Ang mas nakagugulat…

354
00:20:13,253 --> 00:20:15,464
Noong nagkaroon ng Ebola sa Aprika,

355
00:20:15,547 --> 00:20:21,345
laging pinahiwatig ng balitang kasalanan
ng mga Aprikano ang pagkakaroon ng Ebola.

356
00:20:22,137 --> 00:20:26,141
Kapag nanood ka ng balita,
may bahagyang paninisi

357
00:20:26,225 --> 00:20:28,435
sa mga balita, hindi ba?

358
00:20:28,518 --> 00:20:30,270
Hindi naging makatao.

359
00:20:30,354 --> 00:20:33,941
May tao sa Sky o BBC na nakatayo roon.

360
00:20:34,024 --> 00:20:36,318
May mga bangkay sa likod nila.

361
00:20:36,401 --> 00:20:40,072
"Sarah, narito ako Kanlurang Aprika,
kung saan makikita mong

362
00:20:40,155 --> 00:20:43,408
dumarami ang mga bangkay
ng mga biktima ng Ebola."

363
00:20:43,492 --> 00:20:45,827
"Maraming siyentipiko ang nagtatanong

364
00:20:45,911 --> 00:20:49,289
kung, sa kasamaang palad, dapat sisihin
ng mga Aprikano ang sarili nila."

365
00:20:49,373 --> 00:20:52,876
"Tumatanggi sila sa payo ng
Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan,

366
00:20:52,960 --> 00:20:55,879
at 'di nauunawaan ang kahalagahan
ng distansya sa isa't isa

367
00:20:55,963 --> 00:20:57,089
sa panahong ito."

368
00:20:57,172 --> 00:21:00,801
"At mukhang sarili lang nila
ang dapat nilang sisihin."

369
00:21:00,884 --> 00:21:04,221
"Dillian Pann, BBC.
Balik sa inyo sa studio."

370
00:21:04,805 --> 00:21:06,723
Napanood ko iyon at sinabing, "Hindi!"

371
00:21:06,807 --> 00:21:09,434
"Mga Aprikano, bakit natin
ginagawa ito sa sarili natin?"

372
00:21:10,102 --> 00:21:11,603
"Bakit, Aprika?"

373
00:21:11,687 --> 00:21:12,980
"Bakit?"

374
00:21:13,063 --> 00:21:15,065
"Bakit gusto nating gawin ito
sa sarili natin?"

375
00:21:15,148 --> 00:21:17,651
"Bakit gusto nating halikan
ang mga unggoy?"

376
00:21:20,279 --> 00:21:22,197
"Napakaseksi ng mga labi mo."

377
00:21:27,828 --> 00:21:29,371
Noong dumating ang Covid,

378
00:21:29,955 --> 00:21:31,790
ginamit ng mga Aprikano
ang lahat ng natutunan nila

379
00:21:31,873 --> 00:21:34,751
sa bawat virus na nilabanan nila
nang walang tulong ng Kanluran,

380
00:21:35,419 --> 00:21:38,171
at nakontrol nila iyon nang mas maayos
kaysa sa ibang kontinente.

381
00:21:39,548 --> 00:21:42,551
Walang pumuri sa kanila.
Pinalabas ng lahat na suwerte lang sila.

382
00:21:44,970 --> 00:21:47,556
Masuwerte ang mundong
'di masama ang budhi ng mga Aprikano.

383
00:21:48,432 --> 00:21:49,641
Oo.

384
00:21:49,725 --> 00:21:51,518
'Di nagtatanim ng sama ng loob
ang mga Aprikano.

385
00:21:51,601 --> 00:21:53,061
Kasi gagawin ko ang kahit ano

386
00:21:53,145 --> 00:21:54,938
makita lang
ang isang tagapagbalitang Aprikano…

387
00:21:55,022 --> 00:21:58,275
"Magandang gabi,
ito ang Africa News Network."

388
00:21:58,358 --> 00:22:02,195
"Ngayong gabi, tututukan natin
ang pandemya ng coronavirus

389
00:22:02,279 --> 00:22:04,406
na sinisira ang Kanluran."

390
00:22:05,532 --> 00:22:07,492
"Maraming siyentipikong Aprikano
ang nagtatanong

391
00:22:07,576 --> 00:22:10,370
kung sinisisi ng mga taong ito
ang mga sarili nila."

392
00:22:12,831 --> 00:22:16,918
"Marami sa kanilang tumanggi sa payo ng
Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan,

393
00:22:18,003 --> 00:22:21,131
at 'di pinansin ang paraan
ng pagdistansya sa isa't isa."

394
00:22:21,214 --> 00:22:24,968
"Ang ilan sa kanila, tinuruan pang
maghugas ng sariling kamay."

395
00:22:27,512 --> 00:22:28,847
"Ang lala."

396
00:22:33,852 --> 00:22:38,815
"Mukhang ang nagpatitindi
ng problemang ito

397
00:22:38,899 --> 00:22:43,403
ay ang hindi nila pagsusuot ng mask
sa mukha,

398
00:22:43,487 --> 00:22:47,199
sinasabing, 'Hindi ako makahinga
sa kapirasong telang ito,'"

399
00:22:49,117 --> 00:22:53,330
"Kilala ito ng mga siyentipiko sa tawag
na 'sakit sa baga ng mga nakabubuwisit.'"

400
00:22:54,581 --> 00:22:57,042
"Balik sa inyo sa studio, Chippewa."

401
00:23:00,003 --> 00:23:01,588
Gagawin ko ang lahat para makita iyon.

402
00:23:02,881 --> 00:23:07,302
Isa sa pinakamalaking epekto ng Covid
na hindi ko inaasahan,

403
00:23:07,385 --> 00:23:09,679
kung paano nito ginawang tanga
ang mga tao.

404
00:23:11,681 --> 00:23:13,642
Kung may isang bagay na ginawa
ang coronavirus,

405
00:23:13,725 --> 00:23:16,561
pinakita nito kung gaano karami
ang tanga sa mga kaibigan ko.

406
00:23:17,229 --> 00:23:19,815
Nag-aral ang lahat
sa Unibersidad ng Facebook.

407
00:23:21,358 --> 00:23:23,151
Siyentipiko ang lahat.

408
00:23:25,737 --> 00:23:27,489
May conspiracy theory ang lahat.

409
00:23:28,115 --> 00:23:30,700
"Alam mo kung ano'ng nangyari?
Gobyerno ang gumawa nito."

410
00:23:30,784 --> 00:23:33,120
"Gobyerno?" "Oo. Ginawa ito ng gobyerno."

411
00:23:33,203 --> 00:23:35,122
"Bakit?" "Para kontrolin tayo."

412
00:23:36,123 --> 00:23:38,125
"Ito ang nagbigay sa kanila ng kontrol?"

413
00:23:39,709 --> 00:23:42,379
"Iniisip mong ginusto ito
ng mga namamahala?"

414
00:23:43,672 --> 00:23:46,383
Ano sa tingin mo ang nagbibigay
ng higit na kontrol sa gobyerno?

415
00:23:47,384 --> 00:23:50,762
Ang populasyong nagtatrabaho,
kumikita ng pera,

416
00:23:50,846 --> 00:23:54,307
bumibili ng mahal na bilihin,
nagkakautang, bumabalik sa trabaho,

417
00:23:54,391 --> 00:23:56,476
ginagawa ang 'di nila gusto para magkapera

418
00:23:56,560 --> 00:23:58,353
para bayaran ang utang nila
sa bagay na 'di nila kailangan,

419
00:23:58,436 --> 00:23:59,855
para sa mahal na bilihin.

420
00:23:59,938 --> 00:24:02,190
Para magkapera sa pagpasok sa trabaho
para sa bagay na ayaw nila,

421
00:24:02,274 --> 00:24:03,525
para sa bagay na 'di nila kailangan,

422
00:24:03,608 --> 00:24:05,819
para makautang ng pera
para sa bagay na 'di nila gusto,

423
00:24:05,902 --> 00:24:08,029
para magkaroon ng mas malaking utang
para makuha ang bagay na 'di nila gusto,

424
00:24:08,113 --> 00:24:10,115
para pumasok sa trabahong
'di nila kailangan, para sa pera…

425
00:24:10,198 --> 00:24:12,450
Ano sa tingin ninyo ang nagbibigay
sa kanila ng higit na kontrol? Iyon?

426
00:24:13,910 --> 00:24:15,662
O ang lahat na nasa bahay lang

427
00:24:16,663 --> 00:24:18,874
na may libreng pera,
iniisip lang ang buhay?

428
00:24:22,294 --> 00:24:24,004
Nasa bahay lang ang lahat.

429
00:24:24,629 --> 00:24:26,715
"Bakit dalawang araw lang ang weekend?"

430
00:24:34,014 --> 00:24:35,974
Bangungot iyon para sa gobyerno.

431
00:24:37,851 --> 00:24:39,477
Ang tanga ng ganoong teorya.

432
00:24:39,561 --> 00:24:42,272
Ganito iyon. 'Di ako laban
sa mga conspiracy theory.

433
00:24:42,355 --> 00:24:46,151
Pakiunawa iyon. Gusto ko nga
ang magandang conspiracy theory.

434
00:24:46,234 --> 00:24:48,236
Dapat may pinaniniwalaang
ganoon ang lahat.

435
00:24:48,862 --> 00:24:54,784
Sa buhay mo, dapat may pinaniniwalaan kang
isang magandang conspiracy theory.

436
00:24:54,868 --> 00:24:56,453
Oo. Nagiging alerto ka.

437
00:24:57,704 --> 00:24:59,831
'Wag kang basta magtitiwala
sa sinasabi sa'yo.

438
00:25:00,916 --> 00:25:02,125
Mayroon ka dapat isa.

439
00:25:02,209 --> 00:25:03,960
Sa'kin? Ang paborito ko?

440
00:25:05,086 --> 00:25:06,171
Naniniwala akong

441
00:25:07,172 --> 00:25:09,758
purong pribilehiyo ng mga Puti ang gluten.

442
00:25:17,015 --> 00:25:18,391
Alam ninyong tama ako.

443
00:25:22,354 --> 00:25:25,273
Pero sa Covid,
nakatatawa ang mga conspiracy.

444
00:25:26,233 --> 00:25:28,235
Lalo na at alam ko ang talagang nangyari.

445
00:25:28,318 --> 00:25:30,320
Ganoon. Kaya ako nadidismaya.

446
00:25:31,112 --> 00:25:32,197
Alam ko nga.

447
00:25:32,906 --> 00:25:34,991
Alam ko mismo ang sanhi ng Covid.

448
00:25:35,075 --> 00:25:38,328
Nakita ko ang mangyayari
at wala akong sinabi. Kasalanan ko.

449
00:25:39,412 --> 00:25:40,789
Masyado tayong humiling.

450
00:25:41,873 --> 00:25:43,375
Humiling tayo nang sobra.

451
00:25:43,458 --> 00:25:44,960
Nakita kong mangyayari iyon.

452
00:25:45,043 --> 00:25:48,713
Noong bata ako, espesyal ang paghiling.

453
00:25:48,797 --> 00:25:49,923
'Di madalas mangyari iyon.

454
00:25:50,006 --> 00:25:52,217
Dapat may espesyal na pangyayari

455
00:25:52,300 --> 00:25:53,760
para makahiling ka.

456
00:25:53,843 --> 00:25:57,138
Kapag nakakita ka ng clover
na may tamang dami ng dahon.

457
00:25:58,348 --> 00:26:00,058
May bituin, bulalakaw.

458
00:26:00,141 --> 00:26:01,518
"Saan?" "Hayun!" Huli na.

459
00:26:03,979 --> 00:26:05,981
O dapat kaarawan mo.

460
00:26:06,064 --> 00:26:07,524
Ilalabas ang mga kandila.

461
00:26:08,066 --> 00:26:09,734
Kapag nahipan mo ang lahat,

462
00:26:09,818 --> 00:26:11,444
puwede kang humiling.

463
00:26:11,528 --> 00:26:13,613
'Pag may napalampas ka, maiinis ka.

464
00:26:18,493 --> 00:26:20,495
Pero humiling na ang mga tao sa kahit ano.

465
00:26:21,496 --> 00:26:23,540
May nakitang pilikmata sa pisngi,

466
00:26:23,623 --> 00:26:25,125
"Humiling ka!"

467
00:26:25,208 --> 00:26:28,128
Gaano karami ang ganoon sa mukha mo
kahit anong oras?

468
00:26:29,296 --> 00:26:31,298
Humiling na ang mga tao sa oras.

469
00:26:31,381 --> 00:26:33,174
Hindi ba? "11:11."

470
00:26:34,050 --> 00:26:35,385
"Humiling ka!"

471
00:26:35,468 --> 00:26:36,886
Araw-araw iyon.

472
00:26:38,471 --> 00:26:41,474
Dalawang beses dito sa isang araw
kasi ayaw nila ng malalaking numero.

473
00:26:43,351 --> 00:26:46,479
'Di puwedeng humiling araw-araw.
Walang okasyon. Pero ginawa ng mga tao.

474
00:26:46,563 --> 00:26:49,190
Hiling nang hiling ang mga tao.

475
00:26:49,274 --> 00:26:51,067
Kahit saan. Nadamay pa ang mga rapper.

476
00:26:51,151 --> 00:26:55,280
"Sana nga." Sana ano?
Hindi puwedeng ganoon na lang.

477
00:26:58,491 --> 00:27:01,244
Ganoon natin nakuha ang Covid.
Nagsama-sama ang lahat ng hiling natin.

478
00:27:01,328 --> 00:27:03,204
Nagkatotoo ang mga iyon nang sabay-sabay.

479
00:27:03,288 --> 00:27:04,456
Nakuha natin iyon.

480
00:27:05,206 --> 00:27:08,793
Parang kupal na genie ang Covid
na binigay ang lahat ng hiniling natin.

481
00:27:13,506 --> 00:27:14,341
Humiling tayong lahat.

482
00:27:14,924 --> 00:27:16,384
Ilan ang nagkiskis ng lampara

483
00:27:17,177 --> 00:27:18,595
sa simula ng 2020?

484
00:27:19,512 --> 00:27:20,680
Hiling nang hiling,

485
00:27:20,764 --> 00:27:24,351
"Sana hindi na ako papasok
sa opisina araw-araw."

486
00:27:30,774 --> 00:27:32,776
"Natupad ang hiling mo."

487
00:27:36,029 --> 00:27:38,656
Hiniling mong huwag nang
pumasok sa opisina.

488
00:27:38,740 --> 00:27:41,951
Nakalimutan mong hilinging
'wag mapunta ang opisina sa bahay mo.

489
00:27:46,456 --> 00:27:48,083
Ngayon, nakakulong ka,

490
00:27:48,166 --> 00:27:51,336
araw-araw, nasa Zoom,

491
00:27:51,419 --> 00:27:54,672
hindi makakurap, dapat laging nakatingin.

492
00:27:56,466 --> 00:27:58,093
Oo.

493
00:27:59,427 --> 00:28:01,096
Hinanap ang sulok ng bahay

494
00:28:01,179 --> 00:28:03,348
na pinakikitang maayos ang buhay mo.

495
00:28:08,686 --> 00:28:10,063
Humiling ang lahat.

496
00:28:11,272 --> 00:28:13,358
At nakuha natin ang hiniling natin.

497
00:28:13,441 --> 00:28:15,568
Ilang mga magulang
ang nagkiskis ng lampara?

498
00:28:16,361 --> 00:28:17,695
Hiling nang hiling?

499
00:28:17,779 --> 00:28:20,698
"Sana magkaroon ako ng oras
na kasama ang mga anak ko."

500
00:28:27,038 --> 00:28:28,873
"Natupad ang hiling mo."

501
00:28:32,210 --> 00:28:33,169
Oo.

502
00:28:34,045 --> 00:28:36,965
Napagtanto ng maraming magulang
na kaya ninyo gusto ang mga anak ninyo…

503
00:28:37,966 --> 00:28:40,051
kasi part-time lang ninyo silang kilala.

504
00:28:46,850 --> 00:28:49,894
Nakita mo sila sa umaga,
nakitang aalis, pinatulog sa gabi.

505
00:28:49,978 --> 00:28:51,604
Magandang gig iyon.

506
00:28:53,064 --> 00:28:56,818
Pero bigla na lang, nakulong ang lahat
sa loob ng bahay, 24/7.

507
00:28:56,901 --> 00:28:59,362
Nakatatawang makitang
nagbago ang mga magulang.

508
00:28:59,446 --> 00:29:01,906
Ang saya. Naaalala ninyo sa simula,
naroon ang lahat ng mga magulang,

509
00:29:01,990 --> 00:29:04,909
"Hindi ninyo bubuksan ang mga paaralan!"

510
00:29:04,993 --> 00:29:07,704
"Hindi aalis ang mga anak ko!"

511
00:29:07,787 --> 00:29:09,914
"Poprotektahan ko sila
kahit ano ang mangyari."

512
00:29:09,998 --> 00:29:14,085
"Inang oso ako, poprotektahan ko
ang mga anak ko, naririnig ninyo?"

513
00:29:14,586 --> 00:29:18,423
"Hindi ninyo bubuksan ang mga paaralan
hanggang mawala ang virus!"

514
00:29:20,759 --> 00:29:22,802
Pagkalipas ng siyam na buwan…

515
00:29:27,140 --> 00:29:29,392
Naroon ulit ang mga magulang
na nagsisisigaw.

516
00:29:29,476 --> 00:29:32,187
"Kailan ba bubuksan ang mga paaralan?"

517
00:29:33,146 --> 00:29:36,816
"Huwag ninyong asahang magsasama kami
buong araw! Ako ba ang mama nila?"

518
00:29:38,151 --> 00:29:39,986
"Nasa paaralan dapat sila!"

519
00:29:40,069 --> 00:29:42,697
Sabi ng mga bata,
"Pero, Mama, may bagong variant."

520
00:29:42,781 --> 00:29:47,035
"Makinig ka, Timmy, kailangan mong malaman
kung gaano ka kalakas, ha?"

521
00:29:47,869 --> 00:29:51,247
"Alinman dito, kakayanin ng baga mo
o hindi. Ha, anak?"

522
00:29:51,331 --> 00:29:53,833
"Kaya pumunta ka roon
at tingnan kung gaano ka kalakas."

523
00:29:53,917 --> 00:29:56,127
"Kung kaya ni Simba, kaya mo rin.
'Wag kang mag-alala."

524
00:29:56,211 --> 00:29:57,670
"Sige na, anak."

525
00:30:05,386 --> 00:30:06,721
Humiling tayong lahat!

526
00:30:12,685 --> 00:30:15,021
Ilang magkakarelasyon ang humiling?

527
00:30:18,399 --> 00:30:19,901
Kinikiskis ang lampara.

528
00:30:20,944 --> 00:30:23,071
Nakatingin sa mga mata ng isa't isa.

529
00:30:23,738 --> 00:30:25,114
"Putsa, mahal."

530
00:30:26,366 --> 00:30:29,911
"Sana makulong tayo sa kuwarto
buong araw."

531
00:30:33,456 --> 00:30:36,918
"Sana ikulong nila tayo
at itapon ang susi."

532
00:30:37,001 --> 00:30:38,670
"Ang mga bagay na gagawin ko sa'yo…"

533
00:30:38,753 --> 00:30:41,172
"Talaga? Ano'ng gagawin mo sa'kin?"

534
00:30:41,256 --> 00:30:45,593
"Sana sabihin nilang tayong dalawa lang
ang magkikita buong araw."

535
00:30:45,677 --> 00:30:46,678
"Buong araw."

536
00:30:50,265 --> 00:30:52,433
"Natupad ang hiling mo."

537
00:30:55,687 --> 00:30:57,397
Maraming magkakarelasyon

538
00:30:57,480 --> 00:31:00,441
ang maraming natutunan sa pandemya.

539
00:31:00,525 --> 00:31:03,111
Maraming magkakarelasyon ang natuto
noong pandemya.

540
00:31:03,945 --> 00:31:05,572
Napagtanto ng maraming taong

541
00:31:06,155 --> 00:31:08,616
wala ngang kondisyon ang pag-ibig,

542
00:31:08,700 --> 00:31:11,369
pero may hangganan ang pagkagusto.

543
00:31:16,499 --> 00:31:19,168
"Mahal kita.
Ewan ko lang kung gusto pa kita."

544
00:31:25,508 --> 00:31:28,720
Masayang nagsimula ang lahat, ano?
Sa simula, parang sleepover.

545
00:31:28,803 --> 00:31:31,472
"Diyos ko, napakasaya nito!"

546
00:31:33,850 --> 00:31:36,019
Ang mga linggo ay naging mga buwan.

547
00:31:36,811 --> 00:31:38,688
Ang mga buwan ay naging mga taon.

548
00:31:39,898 --> 00:31:42,150
At dumating ang puntong nasa bahay ka,

549
00:31:43,443 --> 00:31:45,320
may kislap sa'yong mata,

550
00:31:46,988 --> 00:31:48,156
at narinig mo silang

551
00:31:48,990 --> 00:31:50,408
umuubo sa kabilang kuwarto.

552
00:31:54,787 --> 00:31:57,373
At sinabi mo, "Salamat."

553
00:31:59,751 --> 00:32:02,045
"Sige, Hesus."

554
00:32:03,296 --> 00:32:05,048
"Kunin mo na siya, Panginoon."

555
00:32:06,591 --> 00:32:09,177
"Kung oras na niya, oras na niya."

556
00:32:10,261 --> 00:32:12,931
"Masusunod ang kalooban mo,
Panginoong Hesus."

557
00:32:14,015 --> 00:32:16,851
"Magagamit ko ang espasyo
para sa opisina."

558
00:32:25,985 --> 00:32:27,028
Alam ninyo,

559
00:32:28,529 --> 00:32:32,075
isa sa mga bagay na ikinalulungkot ko
tungkol sa mundong ito,

560
00:32:33,076 --> 00:32:37,622
madalas, wala tayong panahong isipin
ang mga tanong nating bakit.

561
00:32:40,208 --> 00:32:41,584
Alam natin ang mga nangyayari.

562
00:32:42,710 --> 00:32:45,088
Nararamdaman natin
ang mga nangyayari sa'tin.

563
00:32:45,171 --> 00:32:46,798
Pero madalas,

564
00:32:46,881 --> 00:32:49,842
wala tayong oras, o 'di tayo
naglalaan ng oras para isipin

565
00:32:50,510 --> 00:32:51,636
kung bakit.

566
00:32:54,764 --> 00:32:57,141
Bakit tayo galit na galit?

567
00:32:58,685 --> 00:33:00,937
Bakit lagi tayong nag-aaway?

568
00:33:01,813 --> 00:33:03,606
Wala tayong malasakit para sa isa't isa.

569
00:33:04,232 --> 00:33:06,025
Naging napakasama natin.

570
00:33:07,527 --> 00:33:09,654
Kung tatanungin ninyo ako, dahil…

571
00:33:11,823 --> 00:33:12,991
natatakot tayo.

572
00:33:13,908 --> 00:33:16,953
Bilang mga tao, komportable tayong…

573
00:33:17,036 --> 00:33:18,079
may alam.

574
00:33:19,122 --> 00:33:21,165
Nakalimutan nating
walang katiyakan sa buhay.

575
00:33:23,501 --> 00:33:26,546
Naturuan tayong bawat araw, alam natin.

576
00:33:26,629 --> 00:33:29,424
Komportable tayong may alam,
kaya akala mo lagi mong malalaman.

577
00:33:29,507 --> 00:33:31,801
Kumusta ang trapiko ngayon? Alam mo.

578
00:33:32,593 --> 00:33:33,928
Ang lagay ng panahon kaya? Alam mo.

579
00:33:34,012 --> 00:33:36,014
"Uulan sa Huwebes."

580
00:33:36,097 --> 00:33:38,391
Naisip mo kung ano'ng mahika iyon?

581
00:33:39,017 --> 00:33:41,144
Kung may ganoong teknolohiya
500 taong nakalipas,

582
00:33:41,227 --> 00:33:43,271
sasabihin mong "Uulan sa Huwebes,"
iisipin ng mga taong…

583
00:33:51,279 --> 00:33:53,990
Sinamantala natin iyon,
kaya nakalimutan nating…

584
00:33:54,073 --> 00:33:55,324
walang katiyakan ang buhay.

585
00:33:55,408 --> 00:33:57,577
Wala tayong alam.
Pinakita iyon ng pandemya.

586
00:33:57,660 --> 00:33:58,953
Nalantad ang bawat isa sa'tin.

587
00:33:59,037 --> 00:34:02,206
At kailangan natin ng sandali
para isipin kung bakit.

588
00:34:02,290 --> 00:34:04,375
Bakit tayo galit na galit? Dismayado?

589
00:34:04,459 --> 00:34:05,877
Hindi dahil sa pelikula,

590
00:34:05,960 --> 00:34:07,962
hindi dahil hindi tayo makalabas,

591
00:34:08,046 --> 00:34:10,423
o makapunta sa mall, anuman doon.

592
00:34:10,506 --> 00:34:12,925
Pero dahil nawala sa'tin ang isa't isa.

593
00:34:13,509 --> 00:34:15,470
Nawala ka sa'kin. Nawala ako sa'yo.

594
00:34:17,055 --> 00:34:17,972
Nawala sa'tin ito.

595
00:34:19,724 --> 00:34:20,850
Alam mo iyon?

596
00:34:20,933 --> 00:34:23,227
Dismayado ang mga tao dahil doon.

597
00:34:24,562 --> 00:34:28,107
Pinalala pa ng mga namamahala
dahil pinalabas nilang may alam sila.

598
00:34:28,191 --> 00:34:30,109
Iyon ang nagpalala ng mga bagay.

599
00:34:30,193 --> 00:34:31,903
Masyado silang nagtiwala,

600
00:34:31,986 --> 00:34:34,530
na parang may alam sila.

601
00:34:34,614 --> 00:34:36,407
Sinabi nilang 21 araw lang.

602
00:34:40,119 --> 00:34:42,663
Dalawampu't isang araw.
'Di ko malilimutan ang numerong iyon.

603
00:34:44,373 --> 00:34:45,625
Kasi 'di natin tinanong kung bakit.

604
00:34:46,709 --> 00:34:47,585
Hindi ba?

605
00:34:47,668 --> 00:34:51,297
Nabalitaan nating magdamag na nagtatayo
ng ospital sa Tsina para sa 10,000 tao.

606
00:34:51,380 --> 00:34:53,508
Wala sa'ting nagtanong, "Bakit?"

607
00:34:54,634 --> 00:34:56,260
Sabi lang natin, "Tsina."

608
00:34:57,720 --> 00:34:59,222
"Mahilig silang magtayo ng mga bagay."

609
00:35:03,434 --> 00:35:05,645
Naaalala ko rin kung paanong nagtiwala
ang mga pinuno.

610
00:35:06,187 --> 00:35:07,897
Mas mayabang ang ilan sa iba.

611
00:35:08,689 --> 00:35:10,066
Isa sa mga paborito ko,

612
00:35:10,608 --> 00:35:12,860
ang Punong Ministro ng UK,
si Boris Johnson.

613
00:35:13,569 --> 00:35:14,654
Oo.

614
00:35:14,737 --> 00:35:16,489
Interesante iyon.

615
00:35:17,615 --> 00:35:18,950
Nagpunta siya sa isang ospital

616
00:35:19,659 --> 00:35:20,952
noong pandemya,

617
00:35:21,536 --> 00:35:23,162
at niyakap niya ang mga tao.

618
00:35:23,246 --> 00:35:25,331
Sa simula pa lang,
niyakap niya na ang mga tao.

619
00:35:25,414 --> 00:35:27,291
Tinanong siya ng mamamahayag,
"Punong Ministrong Johnson,

620
00:35:27,375 --> 00:35:29,836
tama bang yakapin mo ang mga tao
habang…"

621
00:35:29,919 --> 00:35:33,548
Sumagot siya, "Una, kumalma kayong lahat.
Hindi ito pandemya."

622
00:35:33,631 --> 00:35:36,300
"Tingnan ninyo ang buhok ko.
Mukha ba akong stressed? Kumalma kayo."

623
00:35:36,384 --> 00:35:38,511
"Wala… Maayos ang lahat.
Puwede kong hawakan ang mga tao."

624
00:35:38,594 --> 00:35:40,388
"Hindi tayo magsasara.
Mananatiling bukas ang lahat."

625
00:35:40,471 --> 00:35:42,473
"Mananatiling bukas ang mga pub,
magpapatuloy ang football."

626
00:35:42,557 --> 00:35:44,142
"Mawalang-galang na, aalis na ako…"

627
00:35:45,893 --> 00:35:47,645
Umalis siya. Wala siyang pakialam.

628
00:35:48,437 --> 00:35:50,648
Ang pangulo ng Amerika, mas mayabang iyon.

629
00:35:51,315 --> 00:35:54,569
Oo. Nakita ninyo noong lumabas siya?
Si Donald J. Trump?

630
00:35:54,652 --> 00:35:56,195
Nasa kanya ang lahat ng angas.

631
00:35:56,279 --> 00:35:59,615
Sabi niya, "Aayusin natin iyon."

632
00:36:01,117 --> 00:36:04,620
"Sa loob ng 21 araw."

633
00:36:06,038 --> 00:36:09,333
"Mawawala ang virus sa loob ng 21 araw."

634
00:36:10,376 --> 00:36:12,545
"Sinasabi pa ng iba na 20 lang."

635
00:36:16,048 --> 00:36:20,595
Dumating ang sakit at naging malakas
ang tama nito kina Trump at Boris.

636
00:36:20,678 --> 00:36:24,640
Dinala sila sa ICU, muntik nang mamatay.
Kaya lang sila nabuhay…

637
00:36:24,724 --> 00:36:27,685
pareho silang pinuno ng bansa.
Binigyan sila ng sikretong inumin.

638
00:36:28,895 --> 00:36:32,315
Si Boris, lumabas ng ospital
na parang nakita si Hesus.

639
00:36:33,691 --> 00:36:36,360
Galing sa ospital,
nagdaos ng press conference,

640
00:36:36,444 --> 00:36:37,945
pinasara niya ang lahat.

641
00:36:38,029 --> 00:36:40,907
Dumating siya nang hindi masyadong
nakabihis, "Kayong lahat, hindi biro ito."

642
00:36:40,990 --> 00:36:43,034
"Nakita ko mismo ito. Magsasara ang UK."

643
00:36:43,117 --> 00:36:45,077
"Itigil ang football. Isara ang mga pub."

644
00:36:45,161 --> 00:36:47,205
"Hindi ito basta-basta.
Naranasan ko na mismo ito."

645
00:36:47,288 --> 00:36:49,582
"Hindi masaya iyon. Hindi na ako
makapagsasalita… Aalis na ako."

646
00:36:49,665 --> 00:36:52,835
"Hindi ako makapagsalita.
Kailangan…" At nawala siya.

647
00:36:52,919 --> 00:36:54,337
Nawala! Takot na takot siya.

648
00:36:54,420 --> 00:36:57,173
Medyo inasahan kong dumating bigla
ang coronavirus, parang…

649
00:37:08,309 --> 00:37:10,478
Si Trump, sa kabilang banda,
ay walang pakialam.

650
00:37:12,021 --> 00:37:14,190
Baka mamatay siya sa tigas ang ulo.

651
00:37:14,982 --> 00:37:16,609
Lumabas siya ng ospital,

652
00:37:16,692 --> 00:37:19,654
halos 'di makahinga,
pero nagdaos ng press conference.

653
00:37:19,737 --> 00:37:21,489
'Di nagsalita. Ganito lang…

654
00:37:34,585 --> 00:37:36,212
"Kung kaya ko,

655
00:37:37,213 --> 00:37:39,423
kaya n'yo rin."

656
00:37:44,053 --> 00:37:46,013
'Sus.

657
00:37:53,104 --> 00:37:56,023
'Di ko talaga maunawaang
may bumoto sa taong iyon.

658
00:37:58,359 --> 00:37:59,318
'Di ko maunawaan.

659
00:38:04,282 --> 00:38:05,533
Siyanga pala,

660
00:38:05,616 --> 00:38:07,159
'di pampolitika ang ibig kong sabihin.

661
00:38:07,243 --> 00:38:11,205
Nauunawaan ko. Iboboto ng mga tao
ang politikang gusto nila.

662
00:38:11,289 --> 00:38:14,292
'Di ko maunawaan
kung bakit binoto siya ng mga tao.

663
00:38:14,375 --> 00:38:17,295
Mas nakababaliw pang
binoto siya ng mga tao

664
00:38:17,378 --> 00:38:19,714
at nadismaya sila sa kung sino siya.

665
00:38:21,549 --> 00:38:23,384
Pinakanakalolokong bagay na nakita ko.

666
00:38:23,467 --> 00:38:25,678
Sabi ng mga tao, "Hindi ako
makapaniwala sa ginagawa niya."

667
00:38:25,761 --> 00:38:27,179
"Hindi talaga ako makapaniwala
sa ginagawa niya."

668
00:38:27,263 --> 00:38:29,390
"Hindi ka makapaniwala sa nangyayari?"

669
00:38:29,473 --> 00:38:30,850
"Donald Trump. Naniniwala ka rito?"

670
00:38:30,933 --> 00:38:33,936
"Na ginagawa niya ang parehong bagay
na ginagawa niya buong buhay niya?"

671
00:38:34,020 --> 00:38:35,771
"Hindi ako makapaniwala. Nakagugulat--"

672
00:38:35,855 --> 00:38:37,189
"Nagulat ka?"

673
00:38:37,273 --> 00:38:40,735
Si Donald Trump ang hindi nakagugulat
na taong nakita ko.

674
00:38:41,402 --> 00:38:43,779
Lagi siyang ganoon.

675
00:38:44,989 --> 00:38:46,949
Karaniwang kontrabida siya.

676
00:38:47,033 --> 00:38:49,327
Mukhang kontrabida,
parang kontrabida magsalita.

677
00:38:49,952 --> 00:38:52,163
Parang dapat nasa isang episode siya
ng Scooby-Doo.

678
00:38:55,541 --> 00:38:57,293
Sa mukha at dating na iyon?

679
00:38:57,376 --> 00:38:59,754
Makikita mo siya sa listahan
kapag nilulutas na ang krimen.

680
00:38:59,837 --> 00:39:02,006
"Sino sa tingin mo iyon, Scoob?"

681
00:39:02,089 --> 00:39:03,966
"Hindi ako. Iyon lang ang masasabi ko."

682
00:39:04,050 --> 00:39:06,135
"Wala akong ginawa. Inosente ako."

683
00:39:06,218 --> 00:39:09,555
Sasabihin niya,
"Inosente ako. Inosente talaga."

684
00:39:10,264 --> 00:39:13,684
"Sinasabi ng ibang
ako ang pinakainosenteng taong nabuhay."

685
00:39:14,727 --> 00:39:16,520
"Oo, sa tingin ko, siya iyon."

686
00:39:23,402 --> 00:39:24,653
Hindi ko maunawaan.

687
00:39:25,571 --> 00:39:27,490
Bakit mo iboboto… Ang totoo…

688
00:39:27,573 --> 00:39:29,742
Nakuha ko, pero hindi ko nauunawaan.

689
00:39:30,659 --> 00:39:33,329
Kasi ang nakuha ko rito at napagtanto kong

690
00:39:33,412 --> 00:39:34,955
sa Estados Unidos,

691
00:39:35,039 --> 00:39:38,584
kung gusto mong manalo sa eleksyon,
may kakaibang boses ka dapat.

692
00:39:39,919 --> 00:39:43,089
Simple lang. Gusto mong
maging pangulo ng Estados Unidos?

693
00:39:43,172 --> 00:39:44,590
Magkaroon ng kakaibang boses, mananalo ka.

694
00:39:45,466 --> 00:39:48,219
Kalimutan mo ang mga polisiya at ideya.
Nakababagot iyon.

695
00:39:48,302 --> 00:39:49,845
Lalabas ka roon, "Ito ang--"

696
00:39:51,472 --> 00:39:53,224
"Normal ang boses nito."

697
00:39:55,142 --> 00:39:56,060
Hindi.

698
00:39:56,769 --> 00:39:59,522
Lalabas kang may kakaibang boses,
gusto ng mga tao iyon.

699
00:40:00,439 --> 00:40:02,566
Napagtanto ba ninyong
walang pangulo ng Amerika

700
00:40:02,650 --> 00:40:04,610
ang may normal na boses
'pag nagsasalita. Wala.

701
00:40:05,319 --> 00:40:08,280
Balikan ninyo. Wala sa kanilang
nagsasalita nang normal.

702
00:40:08,906 --> 00:40:11,534
Balikan ninyo… parang si JFK.

703
00:40:11,617 --> 00:40:12,785
'Di siya nagsalita nang normal.

704
00:40:12,868 --> 00:40:17,039
Kakaiba. Sabi niya, "Huwag mong itanong
ang magagawa ng bansa para sa'yo,

705
00:40:17,915 --> 00:40:21,335
pero itanong mo ang magagawa mo…"
Hindi normal iyon.

706
00:40:22,670 --> 00:40:24,964
Wala akong pakialam sa sasabihin ninuman.
'Di normal iyon.

707
00:40:25,548 --> 00:40:27,466
Sinasabi mong pumipila siya sa McDonald's,

708
00:40:27,550 --> 00:40:29,093
umoorder ng pagkain
gamit ang boses na iyon?

709
00:40:29,718 --> 00:40:33,305
"Kukuha ako ng isang number one,
medium, may fries."

710
00:40:34,640 --> 00:40:36,684
"At isang McFlurry."

711
00:40:37,518 --> 00:40:39,854
"Ano'ng sinasabi mong sira
ang ice cream machine?"

712
00:40:42,398 --> 00:40:43,566
Hindi normal iyon.

713
00:40:45,818 --> 00:40:48,404
Walang pangulo ng Amerika
ang nagsasalita nang normal.

714
00:40:48,487 --> 00:40:50,739
Bill Clinton.
'Di siya nagsalita nang normal.

715
00:40:50,823 --> 00:40:54,160
Lagi niyang ginagawa ang tunog
na parang inaakit ang manonood.

716
00:40:54,243 --> 00:40:55,369
Parang…

717
00:40:55,453 --> 00:40:57,913
"Wala akong sekswal na relasyon…

718
00:41:00,082 --> 00:41:01,333
sa babaeng iyon."

719
00:41:03,919 --> 00:41:05,254
Ano'ng ginagawa mo?

720
00:41:07,923 --> 00:41:10,301
Walang pangulo ng Amerika
ang nagsalita nang normal.

721
00:41:10,384 --> 00:41:12,261
George Bush.
'Di siya nagsalita nang normal.

722
00:41:12,344 --> 00:41:14,054
Lagi siyang may kakaibang tawa.

723
00:41:14,138 --> 00:41:16,182
"Hahanapin ko ang mga taong gumawa nito,

724
00:41:17,099 --> 00:41:19,602
at bobombahin natin ang ibang bansa."

725
00:41:21,103 --> 00:41:22,271
"Lokohin ako nang isang beses…"

726
00:41:23,814 --> 00:41:25,274
Hindi normal iyon.

727
00:41:25,858 --> 00:41:28,444
Walang pangulo ng Amerika
ang nagsalita nang normal.

728
00:41:28,527 --> 00:41:30,654
Barack Obama.
'Di siya nagsalita nang normal.

729
00:41:30,738 --> 00:41:33,199
Lagi niyang ginagawa ang tunog
na parang nagba-buffer.

730
00:41:37,077 --> 00:41:38,329
"Bilang mga Amerikano,

731
00:41:38,412 --> 00:41:40,748
susubukan nating kumuha

732
00:41:40,831 --> 00:41:42,208
ng mas mabilis na Internet."

733
00:41:45,002 --> 00:41:46,128
Hindi normal iyon.

734
00:41:48,130 --> 00:41:50,257
Joe Biden.
'Di siya nagsasalita nang normal.

735
00:41:50,341 --> 00:41:51,550
Seryoso ka ba?

736
00:41:51,634 --> 00:41:54,637
Humihina ang boses niya
'pag nagtatalumpati siya.

737
00:41:55,346 --> 00:41:57,056
'Di normal iyon.
Naroon siyang nagsasalita…

738
00:41:57,139 --> 00:41:59,725
"Ang pinakamahalagang dapat maunawaan…"

739
00:42:00,976 --> 00:42:04,313
"…ang mga pangarap ng mahuhusay
na mga Itim. Ano ba?"

740
00:42:05,189 --> 00:42:07,942
"Sige na. Pakiusap."

741
00:42:08,692 --> 00:42:09,860
"Seryoso ako."

742
00:42:10,611 --> 00:42:12,029
"Sige na."

743
00:42:12,863 --> 00:42:14,114
Hindi normal iyon.

744
00:42:16,825 --> 00:42:19,245
Si Trump ang pinakakakaiba sa lahat.

745
00:42:20,204 --> 00:42:22,498
Madaling basahin ang bawat pangulo
ng Amerika.

746
00:42:22,581 --> 00:42:24,166
Naunawaan mo ang takbo ng mga bagay.

747
00:42:24,250 --> 00:42:26,043
Kay Trump, 'di mo alam ang aasahan mo.

748
00:42:26,877 --> 00:42:28,879
Hindi ba? Ang gulo ng boses niya.

749
00:42:28,963 --> 00:42:30,673
Nagbabago ang tonong walang katuturan.

750
00:42:30,756 --> 00:42:33,217
Alam ninyo kung gaano kahirap alamin
kung saan ilalagay ang volume

751
00:42:33,300 --> 00:42:34,677
kapag nanonood ng talumpati niya?

752
00:42:37,304 --> 00:42:40,724
Nakaupo ako roon at binabago ang volume
na parang DJ.

753
00:42:40,808 --> 00:42:43,102
Habang nagsasalita siya.
Kasi 'di mo alam kung kailan magbabago.

754
00:42:43,185 --> 00:42:45,604
Naroon siya, "Sa tingin ko,
bilang mga Amerikano,

755
00:42:45,688 --> 00:42:49,817
sinusubukan natin nang sinusubukan."

756
00:42:49,900 --> 00:42:51,193
"Lahat sumusubok."

757
00:42:51,277 --> 00:42:53,195
"Alam ko iyon. Alam ko."

758
00:42:54,363 --> 00:42:56,907
"Pero alam ko at sa tingin ko,

759
00:42:57,575 --> 00:42:59,535
kung kaya natin, kaya natin,

760
00:42:59,618 --> 00:43:02,955
pero 'di natin gagawin,
gagawin natin, siguro. Pero…"

761
00:43:03,831 --> 00:43:04,748
Ano?

762
00:43:07,835 --> 00:43:09,086
Hindi normal iyon.

763
00:43:15,634 --> 00:43:18,846
Kaya natatawa ako kapag pumupunta ako
sa Canada at nanonood ako ng balita.

764
00:43:20,931 --> 00:43:23,642
Kapag nasa Canada ako,
at manonood ng balita,

765
00:43:23,726 --> 00:43:26,895
"May kahiya-hiyang nangyayari sa Canada."

766
00:43:26,979 --> 00:43:28,981
"May iskandalo na naman
si Justin Trudeau."

767
00:43:29,064 --> 00:43:32,568
Nakatutuwa ang mga iskandalo niya.
Seryoso ka ba?

768
00:43:33,152 --> 00:43:36,488
Kumpara sa mga pangulo ng Amerika? Ano?
Sabi nila, "Nakahihiya siya."

769
00:43:36,572 --> 00:43:39,783
"Nahatulan na ba siya ng kahit ano?
Kaya manahimik ka."

770
00:43:39,867 --> 00:43:41,910
"Nakahihiya siya."

771
00:43:41,994 --> 00:43:45,748
Nakatatakot…
"Natulog siya sa bahay ng mayaman."

772
00:43:47,791 --> 00:43:49,043
Nakatutuwa iyon.

773
00:43:50,586 --> 00:43:53,464
Ang paborito kong iskandalo
ni Justin Trudeau,

774
00:43:53,547 --> 00:43:57,885
iyong nagpunta siya sa India.

775
00:44:01,096 --> 00:44:03,766
At naging Indian siya.

776
00:44:09,605 --> 00:44:13,859
Iyon ang pinakamagandang iskandalo
sa kasaysayan.

777
00:44:17,237 --> 00:44:18,572
Naaalala ko noong lumabas iyon.

778
00:44:19,448 --> 00:44:22,451
Umalis siya. Nakasuot siya ng suit.
Umalis siya sa Canada.

779
00:44:22,534 --> 00:44:26,121
Kumaway siya mula sa eroplano.
"Paalam sa inyong lahat."

780
00:44:26,205 --> 00:44:28,332
Sumakay, lumipad siya patungong India,
lumapag.

781
00:44:28,415 --> 00:44:32,252
Bumukas ang pinto, lumabas siya,
at half-Indian na siya.

782
00:44:34,213 --> 00:44:35,506
Nakasuot siya ng jacket.

783
00:44:35,589 --> 00:44:37,299
Pero ang nakababaliw roon,

784
00:44:37,383 --> 00:44:41,220
habang nasa biyahe,
lalo siyang nagiging Indian

785
00:44:42,054 --> 00:44:43,263
bawat araw.

786
00:44:44,223 --> 00:44:46,767
Malinaw na walang nagsasabi sa kanya
ng balita sa Canada,

787
00:44:46,850 --> 00:44:48,143
kasi naloloka ang mga Canadian.

788
00:44:48,227 --> 00:44:50,729
"Bastos iyan! Paano mo nagawa iyan?"

789
00:44:50,813 --> 00:44:53,482
At naroon siyang lalong nagiging Indian.

790
00:44:53,565 --> 00:44:56,026
Nagsimula sa pang-itaas,
tapos sa pantalon.

791
00:44:56,110 --> 00:44:58,320
Kompleto niya na ang damit.
May headdress pa.

792
00:44:59,071 --> 00:45:01,824
Paborito ko iyong nagpunta siya sa pulong
kasama ang mga opisyal ng India

793
00:45:01,907 --> 00:45:03,200
at nakasuot silang lahat ng suit.

794
00:45:10,165 --> 00:45:11,375
Pumasok siya sa pulong

795
00:45:11,458 --> 00:45:13,168
na mukhang sasali sa audition
para sa Baat Ban.

796
00:45:13,252 --> 00:45:15,003
"Ano'ng kalokohan ito?"

797
00:45:17,506 --> 00:45:19,842
Nagiging Indian na siya at umasa akong

798
00:45:19,925 --> 00:45:22,136
sa gitna ng talumpati niya…

799
00:45:22,219 --> 00:45:24,596
umasa ako at bigla na lang siyang…

800
00:45:25,931 --> 00:45:28,016
"Ipinagmamalaki ko

801
00:45:29,309 --> 00:45:31,437
ang pagtutulungan natin."

802
00:45:32,813 --> 00:45:34,982
"Bilang mga Canadian at Indian,

803
00:45:35,983 --> 00:45:38,610
tayo…"

804
00:45:45,951 --> 00:45:47,661
Umasa akong mangyayari iyon.

805
00:45:49,872 --> 00:45:51,373
Hinintay ko iyon.

806
00:45:55,377 --> 00:45:57,671
"Ang pinakamalaking iskandalo
sa kasaysayan."

807
00:45:57,754 --> 00:46:00,299
"Naging Indian siya."

808
00:46:04,428 --> 00:46:06,013
Hindi naman ganoon kasama.

809
00:46:07,347 --> 00:46:09,850
Masyado niya lang pinipilit.

810
00:46:09,933 --> 00:46:12,102
Sa tingin ko, masyadong pinipilit
ni Justin Trudeau.

811
00:46:12,186 --> 00:46:15,731
Masyadong niyang pinipilit ipakitang
nagmamalasakit siya.

812
00:46:15,814 --> 00:46:17,816
Hindi naman ganoon kasama.
May kinikilingan ako.

813
00:46:17,900 --> 00:46:19,610
Alam kong may kinikilingan ako.

814
00:46:20,402 --> 00:46:23,655
Kasi… naging Trudeau rin ako.

815
00:46:26,825 --> 00:46:27,993
Sige.

816
00:46:28,076 --> 00:46:29,912
Aaminin ko rito ngayon.

817
00:46:29,995 --> 00:46:32,331
Naging Trudeau rin ako, Canada.

818
00:46:34,041 --> 00:46:37,669
Masyado kong pinilit na mapalapit
sa mga tao, at…

819
00:46:38,295 --> 00:46:39,546
'di naging maganda iyon.

820
00:46:41,590 --> 00:46:45,093
Nangyari ang kuwento
sa Edinburgh, Scotland.

821
00:46:46,637 --> 00:46:50,015
Magandang lugar. Puntahan ninyo.
Nakamamangha.

822
00:46:50,682 --> 00:46:51,600
Lahat.

823
00:46:51,683 --> 00:46:53,101
Puno ng kasaysayan ang lugar.

824
00:46:53,185 --> 00:46:55,229
Mainit ang pagtanggap ng mga tao.

825
00:46:55,312 --> 00:46:57,314
'Di mainit doon, pero mainit
ang pagtanggap ng mga tao.

826
00:46:58,982 --> 00:47:01,485
Luma ang lahat.
Gusto nilang sinasabi iyon.

827
00:47:01,568 --> 00:47:03,654
Kahit saan ka pumunta sa Edinburgh,
sinasabi nila,

828
00:47:03,737 --> 00:47:05,322
"Sa tingin mo, gaano na katagal
ang tulay na iyon?"

829
00:47:05,405 --> 00:47:08,200
"Hindi ko alam." Sasagot sila, "300 taon."

830
00:47:08,867 --> 00:47:12,746
"Okey iyan." Sasabihin pa nila,
"Ang simbahang iyon, 500 taon."

831
00:47:13,622 --> 00:47:16,708
"Ito ang anak ko, 800 taon."

832
00:47:17,876 --> 00:47:20,295
"Mukha siyang anim na taon."
"Gawang Scottish iyan."

833
00:47:22,548 --> 00:47:24,967
Kahanga-hanga ang mga tao.
Napakaganda roon.

834
00:47:25,050 --> 00:47:27,594
Naroon kami para sa comedy festival.

835
00:47:27,678 --> 00:47:28,929
At…

836
00:47:29,012 --> 00:47:30,973
tuwing naglalakbay ako,

837
00:47:31,056 --> 00:47:32,808
'pag nasa parehong lugar kami
ng mga kaibigan ko,

838
00:47:32,891 --> 00:47:34,434
naglalaan kami ng oras para magsama-sama.

839
00:47:35,018 --> 00:47:38,981
At oorder kami ng pagkain o lalabas,
at kapag ginagawa namin iyon,

840
00:47:39,064 --> 00:47:41,149
hinahayaan namin ang isa
na pumili ng pagkain.

841
00:47:41,233 --> 00:47:43,527
Walang nakikipagkasundo.
Makapipili ng araw ang lahat.

842
00:47:44,152 --> 00:47:45,821
Tuwing darating ang araw ko,

843
00:47:46,530 --> 00:47:49,283
laging pagkaing Indian ang pinipili ko.

844
00:47:49,366 --> 00:47:51,910
Sa'kin, iyon ang pinakamasarap
na pagkain sa mundo.

845
00:47:51,994 --> 00:47:53,161
Walang katulad iyon.

846
00:47:53,245 --> 00:47:56,790
Kung 'di ka sang-ayon,
magkita tayo sa paradahan at mag-away.

847
00:47:58,625 --> 00:48:00,836
Gusto ko ang pagkaing Indian,
buong buhay ko.

848
00:48:01,837 --> 00:48:03,880
Nasa Edinburgh kami. Kasama ko
ang mga kaibigan ko. "Saan tayo pupunta?"

849
00:48:03,964 --> 00:48:08,010
"Trevor?" Sumagot ako, "Pagkaing Indian."
"Lagi na lang!" "Oo, lagi."

850
00:48:08,093 --> 00:48:09,928
"Pareho lang lagi."
"Bakit nagtatanong ka pa?"

851
00:48:10,012 --> 00:48:12,139
"Kung alam mo na, 'wag ka nang magtanong."

852
00:48:13,765 --> 00:48:15,726
Hinanap ko kung saan kami pupunta.

853
00:48:15,809 --> 00:48:19,187
Lagi kong hinahanap
ang tunay na kainang Indian.

854
00:48:19,271 --> 00:48:22,316
Iyong tunay na kainang Indian talaga.

855
00:48:22,399 --> 00:48:26,820
Naunawaan ninyo? Pumupunta ako sa lugar,
at magtatanong-tanong ako.

856
00:48:26,903 --> 00:48:28,488
Tatanungin ko ang mga tao,
"Saan kayo pumupunta?"

857
00:48:28,572 --> 00:48:30,741
Kung ano ang sasabihin ng mga Puti,
hindi ako pupunta roon.

858
00:48:36,538 --> 00:48:39,041
Nahanap ko itong tunay na kainan.

859
00:48:39,124 --> 00:48:40,959
At iyon… Napakasaya ko.

860
00:48:41,043 --> 00:48:43,128
Ang dahilan kung bakit dapat tunay,

861
00:48:43,211 --> 00:48:45,297
para maunawaan ninyo ako nang kaunti…

862
00:48:45,380 --> 00:48:47,257
Lumaki ako sa Timog Aprika,
gaya ng alam ninyo.

863
00:48:47,341 --> 00:48:50,177
Maraming 'di nakaaalam nito,
ang Timog Aprika…

864
00:48:50,260 --> 00:48:53,597
isa sa may pinakamalaking populasyon
ng Indian sa labas ng India.

865
00:48:54,348 --> 00:48:58,435
Ganoon. Isa sa pinakamalaking populasyon
ng India sa labas ng India.

866
00:48:58,518 --> 00:49:00,228
Alam kong una na ngayon ang Canada.

867
00:49:03,523 --> 00:49:04,900
Pero noong lumalaki ako,

868
00:49:04,983 --> 00:49:10,238
kami lang ang may pinakamalaking
populasyon ng Indian sa labas ng India.

869
00:49:10,322 --> 00:49:11,740
Kaya kapag sumabog ang India…

870
00:49:13,617 --> 00:49:14,701
Kami na ang India.

871
00:49:16,411 --> 00:49:17,454
Ganoon kalapit.

872
00:49:19,331 --> 00:49:22,209
Masuwerte akong napaligiran ako
ng kulturang Indian.

873
00:49:22,292 --> 00:49:24,419
Isa sa mga best friends ko
habang lumalaki,

874
00:49:24,503 --> 00:49:26,713
ang batang Indian na si Theesan Pillay.

875
00:49:27,506 --> 00:49:29,174
Malapit talaga kami sa isa't isa.

876
00:49:29,257 --> 00:49:31,927
'Di ninyo mauunawaan.
Araw-araw, magkasama kami.

877
00:49:32,010 --> 00:49:33,845
Magkasama kami kapag recess.

878
00:49:33,929 --> 00:49:36,181
Magkasama kaming kumakain,
magkasama kami sa lahat.

879
00:49:36,264 --> 00:49:37,641
Kasi magkatulad kami sa maraming bagay.

880
00:49:37,724 --> 00:49:39,476
Nagkakilala kami sa simula ng pasukan.

881
00:49:39,559 --> 00:49:41,978
Napakarami naming pagkakatulad.

882
00:49:42,062 --> 00:49:44,398
Mahilig siyang tumakbo, ako rin.

883
00:49:45,565 --> 00:49:46,692
Kaya…

884
00:49:49,111 --> 00:49:51,738
Magkasama kami ni Theesan araw-araw.

885
00:49:51,822 --> 00:49:54,700
Simple ang ritwal namin.
Papasukan ang lahat ng klase namin,

886
00:49:54,783 --> 00:49:57,035
at magkikita kami sa break time.

887
00:49:57,119 --> 00:49:59,121
Sa break time, magkasama kaming
kakain ng tanghalian.

888
00:49:59,204 --> 00:50:01,164
Magkaiba ang tanghalian namin.

889
00:50:01,248 --> 00:50:05,043
May baong tanghalian si Theesan
mula sa mama niya araw-araw.

890
00:50:05,127 --> 00:50:06,670
May pera ako mula sa mama ko,

891
00:50:06,753 --> 00:50:09,673
pambili ng pagkain sa tindahan
sa paaralan.

892
00:50:09,756 --> 00:50:11,216
Sa kantina. Ano?

893
00:50:11,299 --> 00:50:13,427
Bumibili ako ng pagkain araw-araw.

894
00:50:13,510 --> 00:50:15,554
Hindi nagluluto ang mama ko.

895
00:50:15,637 --> 00:50:18,557
Sinubukan niya minsan, at sinabi ko,
"Huwag mo nang ulitin ito."

896
00:50:19,224 --> 00:50:21,977
"Pang-aabuso ito sa bata.
Bigyan mo na lang ako ng pera."

897
00:50:22,811 --> 00:50:24,312
Kaya bumili ako ng pagkain araw-araw.

898
00:50:24,396 --> 00:50:26,815
Si Theesan, araw-araw na dala
ang pagkaing niluto ng mama niya.

899
00:50:26,898 --> 00:50:29,151
Araw-araw, curry ang pagkain niya.

900
00:50:29,985 --> 00:50:31,236
Alam ko iyon

901
00:50:31,319 --> 00:50:33,739
kasi araw-araw, magkasama kami,

902
00:50:33,822 --> 00:50:35,657
bubuksan ni Theesan ang baunan niya,

903
00:50:35,741 --> 00:50:38,744
ilalabas niya
ang maliit na lata ng inumin,

904
00:50:38,827 --> 00:50:42,164
aalisin niya ang balot ng sandwich
na tatsulok ang hiwa.

905
00:50:42,247 --> 00:50:43,665
Ilalabas niya iyon,

906
00:50:43,749 --> 00:50:45,333
bubuksan niya ang tinapay,

907
00:50:45,417 --> 00:50:48,628
titingnan niya ang loob
at sisigaw nang napakalakas.

908
00:50:48,712 --> 00:50:52,174
"Curry!"

909
00:50:53,508 --> 00:50:54,843
"Putsa, Mama."

910
00:50:59,556 --> 00:51:00,432
Araw-araw.

911
00:51:01,475 --> 00:51:04,102
Araw-araw, uupo kami,
kakainin ko ang pagkain ko, siya rin.

912
00:51:04,186 --> 00:51:06,730
Kukunin niya ang inumin mula sa baunan,
aalisin ang balot ng sandwich, titingnan,

913
00:51:06,813 --> 00:51:09,357
at sisigaw, "Curry!"

914
00:51:10,275 --> 00:51:11,443
"Putsa, Mama."

915
00:51:14,029 --> 00:51:16,490
Araw-araw iyon.

916
00:51:16,573 --> 00:51:17,783
Walang palya.

917
00:51:17,866 --> 00:51:19,743
Araw-araw. Mutton curry.

918
00:51:19,826 --> 00:51:21,244
Lamb curry.

919
00:51:21,328 --> 00:51:23,747
Potato curry.
Lahat ng curry na maiisip mo.

920
00:51:23,830 --> 00:51:26,833
Pero curry ang pagkain niya araw-araw.

921
00:51:26,917 --> 00:51:29,127
"Curry!" Iyon ang paborito kong
bahagi ng araw.

922
00:51:30,295 --> 00:51:33,465
Minsan, 'di ko titingnan ang pagkain ko
para 'di ko mapalampas iyon.

923
00:51:33,548 --> 00:51:35,383
Nakaupo ako sa tabi niya, naghihintay.

924
00:51:36,092 --> 00:51:38,637
Bubuksan niya iyon at sisigaw, "Curry!"

925
00:51:38,720 --> 00:51:41,181
At gagayahin ko siya, "Putsa, Mama."

926
00:51:43,225 --> 00:51:47,687
Nangyari iyon araw-araw
sa ilang mga buwan.

927
00:51:47,771 --> 00:51:48,897
At sa wakas,

928
00:51:49,648 --> 00:51:50,524
sa wakas,

929
00:51:51,775 --> 00:51:53,276
baka-sakaling matigil iyon.

930
00:51:54,194 --> 00:51:57,447
Isang araw, tumingin ako kay Theesan,
sumigaw siya, "Curry!"

931
00:51:57,531 --> 00:51:58,698
"Putsa, Mama."

932
00:51:59,449 --> 00:52:00,742
Sabi ko, "Theesan."

933
00:52:02,369 --> 00:52:04,412
"Alam mong curry iyan araw-araw."

934
00:52:06,248 --> 00:52:07,582
Sabi niya, "Ano?"

935
00:52:08,959 --> 00:52:12,921
Sabi ko, "Curry iyan araw-araw."

936
00:52:13,672 --> 00:52:15,674
"Araw-araw, binubuksan mo ang tinapay,

937
00:52:16,341 --> 00:52:19,970
at araw-araw, nagugulat ka at sumisigaw,
'Curry! Putsa, Mama.'"

938
00:52:20,595 --> 00:52:22,556
Pero laging curry iyan.

939
00:52:23,515 --> 00:52:26,476
Sumagot siya, "Alam ko, Trevor."

940
00:52:26,560 --> 00:52:28,937
"Hindi ako nagugulat. Dismayado lang."

941
00:52:30,272 --> 00:52:33,567
"Kasi bawat araw
na papasok ako sa paaralan,

942
00:52:33,650 --> 00:52:35,652
at araw-araw, sinasabi ko,
'Gusto kong kumain ng tanghalian.'"

943
00:52:35,735 --> 00:52:38,154
"Araw-araw, bubuksan ko ang baunan ko
at alam ko na kung ano iyon

944
00:52:38,238 --> 00:52:40,198
kasi kagabi, curry ang kinain namin."

945
00:52:40,282 --> 00:52:42,617
"Ang ginagawa ng mama ko,
kukunin niya ang curry na iyon,

946
00:52:42,701 --> 00:52:44,411
tapos ilalagay niya sa sandwich
para sa'kin,

947
00:52:44,494 --> 00:52:46,329
at iyon ang curry na kakainin ko ngayon."

948
00:52:46,413 --> 00:52:47,998
"At alam kong pag-uwi ko mamaya,

949
00:52:48,081 --> 00:52:51,209
kakainin ko ang curry
na alam kong kakainin ko rin bukas."

950
00:52:51,293 --> 00:52:53,378
"Kaya araw-araw, curry ang pagkain ko."

951
00:52:53,461 --> 00:52:55,672
"Curry, pagkatapos curry ulit."

952
00:52:55,755 --> 00:52:58,049
"Trevor, alam kong Indian ako,
pero sobra na iyon."

953
00:52:59,551 --> 00:53:01,845
"Gusto ko lang ng iba, alam mo iyon?"

954
00:53:01,928 --> 00:53:05,098
"Sari-sari ang nagpapasarap
sa buhay, 'di lang curry."

955
00:53:07,642 --> 00:53:10,645
Tinanong ko siya,
"Pero Theesan, hindi ba masarap?"

956
00:53:11,396 --> 00:53:13,523
"Hindi ko na alam."

957
00:53:14,608 --> 00:53:16,359
"Nawalan na ako ng pananaw."

958
00:53:17,944 --> 00:53:19,613
"Ito, sa'yo na lang."

959
00:53:20,363 --> 00:53:22,908
Binigay niya sa'kin
ang curry sandwich niya.

960
00:53:25,368 --> 00:53:26,870
Kumagat ako.

961
00:53:29,122 --> 00:53:31,750
Toronto, may mga sandali
sa buhay ninyong…

962
00:53:34,711 --> 00:53:36,588
huhubugin ang pagkatao ninyo
magpakailanman.

963
00:53:38,757 --> 00:53:42,385
Mga sandaling tutukuyin
kung paano ka tatanda.

964
00:53:42,469 --> 00:53:43,887
Isa ito sa mga sandaling iyon.

965
00:53:43,970 --> 00:53:46,598
Nilagay ko ang sandwich na iyon
sa bibig ko,

966
00:53:46,681 --> 00:53:49,935
kinagat ko, at nabuhayan ang bibig ko.

967
00:53:50,018 --> 00:53:52,979
Natuklasan ng dila ko ang layunin nito.

968
00:53:53,063 --> 00:53:55,523
'Di ko alam na ganoon kasarap ang patatas.

969
00:53:55,607 --> 00:53:58,193
Nagtatatalon ang mga lasa.

970
00:53:58,276 --> 00:54:00,111
Nanlaki ang mata ko.

971
00:54:01,529 --> 00:54:06,034
Iyon ay… "Grabe!"
Napasigaw ako, "Curry!"

972
00:54:07,077 --> 00:54:08,370
"Salamat, Mama."

973
00:54:11,373 --> 00:54:14,417
Sabi ko, "Theesan, napakasarap nito.
Kinakain mo ito araw-araw?"

974
00:54:14,501 --> 00:54:16,503
Sumagot siya, "Araw-araw talaga."

975
00:54:17,921 --> 00:54:19,881
Sabi ko, "Sige, magpalit tayo."

976
00:54:19,965 --> 00:54:22,342
"Ibibigay ko sa'yo ang pera ko,

977
00:54:22,425 --> 00:54:24,761
at ibigay mo sa'kin ang curry araw-araw."

978
00:54:24,844 --> 00:54:26,012
Ginawa namin iyon. Nagpalit kami.

979
00:54:26,096 --> 00:54:28,348
Sasabihin ko sa inyo.
Best friends na kami noon…

980
00:54:28,431 --> 00:54:30,475
at naging soulmates kami.

981
00:54:31,559 --> 00:54:34,229
Oo, kasi pareho naming nakuha
ang gusto namin.

982
00:54:34,312 --> 00:54:37,315
Hindi ba? Nakakain ako
ng lutong-bahay araw-araw.

983
00:54:37,399 --> 00:54:40,610
At bilang Indian, nakapagsimula siya
ng negosyo. Napakasaya ni Theesan.

984
00:54:42,946 --> 00:54:44,239
Tamang-tama iyon.

985
00:54:46,866 --> 00:54:48,618
Mula noon, nagustuhan ko ang curry.

986
00:54:49,494 --> 00:54:52,288
Kaya makalipas ang ilang dekada…
Sa Edinburgh, Scotland…

987
00:54:52,372 --> 00:54:53,790
Lumabas ako kasama ang mga kaibigan ko.

988
00:54:53,873 --> 00:54:55,458
Pumipili kami ng kakainan.
Indian ang pinili ko.

989
00:54:55,542 --> 00:54:58,837
Tunay na Indian. Nakarating kami sa lugar,
at tunay talaga iyon.

990
00:54:58,920 --> 00:55:02,590
Tunay na tunay. Pumasok kami
at tumutugtog ang musika ng India.

991
00:55:02,674 --> 00:55:04,759
May mga Indian na kumakain.
May kusinerong Indian sa likod.

992
00:55:04,843 --> 00:55:06,886
Indian na waiter.
Indian ang palamuti sa pader.

993
00:55:06,970 --> 00:55:09,139
Sabi ko, "Ito iyon, ang tahanan ko."

994
00:55:10,682 --> 00:55:12,308
Pumasok kami at umupo.

995
00:55:12,392 --> 00:55:14,728
Pagkaupo namin,
ang kaibigan kong si Steve,

996
00:55:14,811 --> 00:55:17,230
nanghingi ng menu. At sinabi ko, "Steve."

997
00:55:17,313 --> 00:55:19,649
"Ayos na.
Ako na ang oorder para sa lahat."

998
00:55:19,733 --> 00:55:23,570
Sumagot siya, "Trevor. Ako na
ang oorder para sa sarili ko, salamat."

999
00:55:23,653 --> 00:55:25,530
Sabi ko, "Hindi ganoon, Steve."

1000
00:55:25,613 --> 00:55:27,699
"Gusto ko lang umorder para sa lahat."

1001
00:55:28,324 --> 00:55:29,534
"Ano? Ayos ba?"

1002
00:55:29,617 --> 00:55:33,329
Sabi niya, "Ewan ko
kung bakit kailangang ganoon…"

1003
00:55:33,413 --> 00:55:35,415
"Oorder ako para sa sarili ko. Okey lang?"

1004
00:55:35,498 --> 00:55:37,876
Sabi ko, "Hindi okey iyon, Steve."

1005
00:55:38,668 --> 00:55:40,003
"Hindi okey. Ha?"

1006
00:55:40,086 --> 00:55:42,839
"Kasi baka may sabihin kang
magpapahiya sa'kin

1007
00:55:42,922 --> 00:55:45,216
sa harap ng mga Indian. Ano?"

1008
00:55:45,300 --> 00:55:47,135
"Ako na ang bahala rito."

1009
00:55:47,218 --> 00:55:49,596
Sabi niya, "Pasensiya na.
Ano'ng magpapahiya sa'yo

1010
00:55:49,679 --> 00:55:50,847
sa harap ng mga Indian?"

1011
00:55:50,930 --> 00:55:53,349
Sabi ko, "Ewan ko,
at ayaw kong mangyari iyon."

1012
00:55:53,433 --> 00:55:54,893
"Ako na ang bahala rito, ha?"

1013
00:55:54,976 --> 00:55:56,227
Sabi niya, "Ikaw ang bahala rito?"

1014
00:55:56,311 --> 00:55:59,731
"Trevor, napakatagal ko nang
kumakain ng curry."

1015
00:55:59,814 --> 00:56:03,610
Sabi ko, "Steve, hindi dapat tayo magtalo.
Huwag ngayon."

1016
00:56:03,693 --> 00:56:06,071
Sabi niya, "Ano'ng sinasabi mo?
Bakit kita ipahihiya?"

1017
00:56:06,154 --> 00:56:08,823
Sabi ko, "Hindi mo kailangang malaman
kung bakit. Huwag na."

1018
00:56:08,907 --> 00:56:10,575
"Bakit nga? Dahil Puti ako?"

1019
00:56:10,658 --> 00:56:12,744
Sabi ko, "Sa'yo nanggaling iyan."

1020
00:56:13,453 --> 00:56:15,330
"Hindi ko gustong pag-usapan ang lahi."

1021
00:56:15,413 --> 00:56:16,748
"Sinabi mo iyan,
kaya pag-usapan na natin."

1022
00:56:16,831 --> 00:56:19,584
Tuwing dinadala ko ang mga kaibigan kong
Puti sa katutubong kainan,

1023
00:56:19,667 --> 00:56:21,586
lagi silang may sinasabing nakahihiya
para sa'kin.

1024
00:56:21,669 --> 00:56:23,797
Bawat oras. Lagi na lang.

1025
00:56:23,880 --> 00:56:25,840
'Di nila alam kung paano sabihin
ang pangalan ng pagkain

1026
00:56:25,924 --> 00:56:27,383
o may sasabihing kakaiba.

1027
00:56:27,467 --> 00:56:29,094
"Kukuha ako niyon, ang papadums?"

1028
00:56:29,177 --> 00:56:31,054
"Ano'ng tawag sa ganito?"

1029
00:56:31,137 --> 00:56:33,139
"Kukuha ako nito, pero 'di maanghang."

1030
00:56:33,223 --> 00:56:34,933
"Bahala ka!"

1031
00:56:35,850 --> 00:56:39,354
"Kukuha ako ng curry,
pero hindi maanghang." "Bahala ka!"

1032
00:56:41,314 --> 00:56:43,858
Paano ka hihingi ng curry
na 'di maanghang?

1033
00:56:43,942 --> 00:56:45,401
Ganoon ang curry.

1034
00:56:46,069 --> 00:56:47,779
Gusto mo ng curry na walang anghang.

1035
00:56:48,571 --> 00:56:52,408
Pumupunta ka ba sa kainan ng sushi
at humihingi ng isdang pinakuluan?

1036
00:56:55,578 --> 00:56:56,788
"Ayaw ko ng maanghang."

1037
00:56:56,871 --> 00:56:59,332
"Nilibot ng mga ninuno mo ang mundo
at pumatay ng mga tao para sa pampalasa!"

1038
00:56:59,415 --> 00:57:00,875
"Ngayon, ayaw mo niyon?"

1039
00:57:05,046 --> 00:57:07,090
"Manahimik ka
at kainin ang maanghang, Steve."

1040
00:57:09,300 --> 00:57:12,470
Sabi niya, "Trevor, 'di ko nauunawaan
kung saan nanggagaling iyan."

1041
00:57:12,554 --> 00:57:15,223
"Hindi kita ipahihiya. Alam ko ang curry."

1042
00:57:15,306 --> 00:57:17,809
Sabi ko, "Hayaan na natin.
Ako ang bahala."

1043
00:57:17,892 --> 00:57:19,435
"Mas alam ko ito kaysa sa'yo."

1044
00:57:19,519 --> 00:57:21,855
Sabi niya, "Hindi ka higit na Indian
kaysa sa'kin."

1045
00:57:21,938 --> 00:57:23,314
Sabi ko, "Ano'ng sinabi mo?"

1046
00:57:23,398 --> 00:57:25,483
"Hindi ka higit na Indian kaysa sa'kin."

1047
00:57:25,567 --> 00:57:27,861
At sinabi ko, “Kuch Kuch Hota Hai.”

1048
00:57:29,904 --> 00:57:31,823
"Ano iyon?" "Mismo."

1049
00:57:33,575 --> 00:57:35,034
"Huwag mong sabihing
'di ako higit na Indian sa'yo."

1050
00:57:35,118 --> 00:57:38,246
"Kapag dumating ang waiter…"
Sabi niya, "Hindi ako mananahimik."

1051
00:57:38,329 --> 00:57:40,748
Sabi ko, "Manahimik ka!"
Sabi niya, "Sige, umorder ka."

1052
00:57:40,832 --> 00:57:42,125
Pinuntahan kami ng waiter,

1053
00:57:42,792 --> 00:57:45,545
guwapong Indian na maganda
ang kasuotang Indian,

1054
00:57:45,628 --> 00:57:46,713
at lumapit siya.

1055
00:57:46,796 --> 00:57:49,340
Kilala ko si Steve.
Kinekwestiyon niya ang alam ko.

1056
00:57:49,424 --> 00:57:51,176
Nakita ko iyon sa gilid ng mata ko.

1057
00:57:52,177 --> 00:57:53,678
Doon ako naging Trudeau.

1058
00:57:55,930 --> 00:57:57,432
Masyado akong masigla.

1059
00:57:59,309 --> 00:58:01,102
Gusto kong ipakitang
pareho ako ng mga taong ito.

1060
00:58:01,186 --> 00:58:02,854
Noong dumating ang waiter,
'di ko siya pinagsalita.

1061
00:58:02,937 --> 00:58:05,523
Nasabik ako at sinabing, "Magandang gabi."

1062
00:58:06,691 --> 00:58:09,486
"Ako ang oorder para sa buong mesa."

1063
00:58:13,656 --> 00:58:16,784
"Kukuha kami ng tatlong garlic roll naan."

1064
00:58:16,868 --> 00:58:20,413
"Kukuha kami ng tatlong rumali roti."

1065
00:58:20,497 --> 00:58:23,583
"Bigyan mo kami ng isang shahi paneer,
isang palak paneer."

1066
00:58:25,084 --> 00:58:28,838
"Kukuha rin kami ng rogan josh.
Karne ng tupa, siyempre."

1067
00:58:30,673 --> 00:58:34,594
"Kukuha rin kami ng isang butter chicken
para sa mga kaibigan kong Caucasian."

1068
00:58:40,642 --> 00:58:42,519
"Kukuha rin kami ng tatlong samosa

1069
00:58:42,602 --> 00:58:44,896
at tatlong mango lassi para sa inumin."

1070
00:58:45,647 --> 00:58:47,148
"Maraming salamat."

1071
00:58:48,358 --> 00:58:49,484
Napakahusay ko.

1072
00:58:53,655 --> 00:58:54,697
Naramdaman ko iyon.

1073
00:58:55,823 --> 00:58:57,200
Naramdaman iyon ng lahat.

1074
00:58:59,452 --> 00:59:00,870
May naramdaman sila.

1075
00:59:03,665 --> 00:59:05,208
Kasi tumahimik sa mesa.

1076
00:59:07,544 --> 00:59:09,003
Tiningnan lang ako ng waiter.

1077
00:59:09,837 --> 00:59:14,092
Noong una, akala ko humanga siya.
Tapos napagtanto kong naguluhan siya.

1078
00:59:16,844 --> 00:59:19,264
At may isang Indian na lumapit,

1079
00:59:20,515 --> 00:59:22,392
tiningnan ako sa mata, at sinabing…

1080
00:59:24,811 --> 00:59:27,272
"Pasensiya na, sir, puwede mo bang ulitin
ang sinabi mo?"

1081
00:59:37,073 --> 00:59:40,326
"Hindi ko naunawaan ang sinabi mo.
Mayroon kang punto."

1082
00:59:42,704 --> 00:59:44,914
Nasabi ko na lang, "Ay, putsa!"

1083
00:59:45,790 --> 00:59:47,625
"Scottish siya!"

1084
00:59:48,543 --> 00:59:51,087
Alam kong siya ay… Nasa Scotland kami.

1085
00:59:51,170 --> 00:59:53,756
Scottish… Pero Indian siya!
'Di ko inaasahan iyon.

1086
00:59:53,840 --> 00:59:56,509
Kasi Indian ang buong lugar.
Kainang Indian, Indian ang mga tao.

1087
00:59:56,593 --> 00:59:58,803
Indian ang palamuti sa pader.
Indian ang lalaking iyon.

1088
00:59:58,886 --> 01:00:01,139
Indian ang balbas niya.
Pero tunog Shrek siya.

1089
01:00:01,222 --> 01:00:02,974
Hindi ko inasahan iyon.

1090
01:00:04,892 --> 01:00:06,603
At hindi niya ako naunawaan.

1091
01:00:06,686 --> 01:00:08,605
Kasi naging Trudeau ako.

1092
01:00:11,149 --> 01:00:13,067
'Di ko naman dapat pinilit iyon.

1093
01:00:15,987 --> 01:00:17,238
Pero napagtanto kong

1094
01:00:17,864 --> 01:00:19,115
'di ako puwedeng tumigil.

1095
01:00:21,492 --> 01:00:23,119
Kasi magiging racist iyon.

1096
01:00:31,210 --> 01:00:32,337
Kaya ngayon,

1097
01:00:33,880 --> 01:00:36,424
may Scottish-Indian na nakatingin sa'kin.

1098
01:00:38,217 --> 01:00:40,136
Tahimik ang lahat, at nagsalita siya,

1099
01:00:40,219 --> 01:00:44,140
"Kung okey lang sa'yo, puwede bang
umorder ka nang mas mabagal?"

1100
01:00:45,141 --> 01:00:47,018
"Hindi ko narinig ang sinabi mo."

1101
01:00:49,646 --> 01:00:52,231
"Gusto mong sabihin ko ulit
ang lahat ng order?"

1102
01:00:54,567 --> 01:00:57,862
"Kung ayos lang sa'yo, handa na ako."

1103
01:01:02,116 --> 01:01:05,995
"Sa tingin ko, makaoorder na ang lahat
para sa sarili nila…"

1104
01:01:06,871 --> 01:01:09,040
"Hindi na sila kailangang alalayan."

1105
01:01:09,123 --> 01:01:11,376
"Mag-isa nang oorder ang lahat."

1106
01:01:11,459 --> 01:01:14,003
"Ganoon na ang gagawin natin, ha?"

1107
01:01:14,087 --> 01:01:15,672
Sabi ni Steve, "Gusto ko,

1108
01:01:15,755 --> 01:01:18,925
pero natatakot akong
baka may masaktan ako."

1109
01:01:20,551 --> 01:01:24,430
"Itong kaibigan namin ang oorder
para sa'min. Sige na, Trevor."

1110
01:01:24,514 --> 01:01:26,724
"Mas marami kang alam kaysa sa'kin."

1111
01:01:26,808 --> 01:01:29,560
Sabi ko, "Hindi, Steve. Ikaw na."

1112
01:01:29,644 --> 01:01:30,895
"Siguradong alam mo ang gusto mo."

1113
01:01:30,978 --> 01:01:33,481
Sabi niya, "Paano kung
may masabi akong nakahihiya?"

1114
01:01:34,315 --> 01:01:37,568
"Ayaw kong masaktan
ang taong iba ang kultura, Trevor."

1115
01:01:37,652 --> 01:01:41,406
"Wala kang masasaktan.
Walang pagkakamali rito, ha?"

1116
01:01:41,489 --> 01:01:42,699
"Magkakaibigan tayong lahat."

1117
01:01:42,782 --> 01:01:44,617
"Kapag may nagkamali, kalimutan natin."

1118
01:01:44,701 --> 01:01:48,371
"Anumang mangyari ngayon,
kalilimutan nating lahat, ha?"

1119
01:01:48,454 --> 01:01:49,664
"Umorder ka na."

1120
01:01:49,747 --> 01:01:53,543
Sabi niya, "Gusto ko sana,
pero Trevor, ikaw na lang."

1121
01:01:53,626 --> 01:01:56,003
Sabi ko, "Umorder ka na, Steve."
"Hindi, Trevor."

1122
01:01:56,087 --> 01:01:57,630
Sumagot ako, "Umorder ka na, tanga!"

1123
01:02:02,051 --> 01:02:03,094
"Umorder ka na!"

1124
01:02:04,429 --> 01:02:08,099
Sabi ng waiter, "Hindi ninyo
kailangang mag-away."

1125
01:02:08,808 --> 01:02:11,352
"Halatang 'di komportable
ang kaibigan mo."

1126
01:02:11,436 --> 01:02:13,896
"Hindi ba? Umorder ka na para sa kanya."

1127
01:02:14,939 --> 01:02:17,275
"Oo, hindi talaga komportable."

1128
01:02:21,529 --> 01:02:23,322
"Sige, kukuha kami…

1129
01:02:24,490 --> 01:02:26,534
ng tatlong rumali roti, at…

1130
01:02:27,452 --> 01:02:29,203
tatlong garlic naan,

1131
01:02:29,287 --> 01:02:31,164
isang shahi paneer, isang palak paneer,

1132
01:02:31,247 --> 01:02:33,708
at kukuha rin kami ng lamb rogan josh."

1133
01:02:33,791 --> 01:02:38,004
"At kukuha rin kami
ng isang butter chicken--"

1134
01:02:38,087 --> 01:02:39,922
"Para sa mga kaibigan mong Caucasian?"

1135
01:02:40,006 --> 01:02:42,717
"Para sa kahit kanino."

1136
01:02:42,800 --> 01:02:45,595
"Puwedeng kumain ng iba't ibang klase
ng curry. 'Di dapat maanghang lahat."

1137
01:02:45,678 --> 01:02:48,347
"Walang problema, basta kakain ang lahat."

1138
01:02:48,431 --> 01:02:49,599
"Walang maling paraan."

1139
01:02:49,682 --> 01:02:52,268
"Maunawain ka talaga, Trevor."

1140
01:02:52,351 --> 01:02:54,187
"Oo naman."

1141
01:02:55,605 --> 01:02:58,107
"Kukuha rin kami--"

1142
01:03:15,500 --> 01:03:16,793
"Hindi mo sasagutin?"

1143
01:03:20,463 --> 01:03:22,048
"Hindi, tatawag ulit iyan."

1144
01:03:27,553 --> 01:03:30,765
Sabi niya, "Nakaiilang kasi.
Sagutin mo na. Maghihintay ako."

1145
01:03:32,683 --> 01:03:33,601
"Sige."

1146
01:03:41,984 --> 01:03:43,152
"Hello?"

1147
01:03:49,283 --> 01:03:51,869
"Oo, si Trevor ito. Ano'ng kailangan mo?"

1148
01:03:53,287 --> 01:03:55,915
"Oo, pareho lang iyon. Bakit ka tumawag?"

1149
01:03:55,998 --> 01:03:57,708
"Abala ako. Puwede ba…"

1150
01:03:57,792 --> 01:04:00,878
"Ano'ng kailangan mo?
Masyadong matagal. Puwede…"

1151
01:04:01,712 --> 01:04:04,632
"Hindi, walang problema sa boses ko.
Puwedeng…"

1152
01:04:05,842 --> 01:04:08,719
"Hindi, maayos ang lahat.
Hindi ako dinukot."

1153
01:04:09,428 --> 01:04:11,430
"Hindi ako dinukot. Maayos ang lahat."

1154
01:04:11,514 --> 01:04:14,183
"Hindi ito lihim na mensahe.
Ano'ng kailangan mo?"

1155
01:04:14,267 --> 01:04:15,977
"Hindi, mag-usap tayo mamaya."

1156
01:04:16,060 --> 01:04:19,397
"Hindi, ganito minsan ang boses ko.
Huwag kang mag-alala."

1157
01:04:19,480 --> 01:04:21,983
"Sige… Hindi, at alam ko
kung ano ang boses ko."

1158
01:04:22,066 --> 01:04:23,192
"Alam ko rin ang boses ko."

1159
01:04:23,276 --> 01:04:25,319
"Ganito ako buong buhay ko, ha?"

1160
01:04:25,403 --> 01:04:27,238
"Sige. Mag-usap tayo mamaya."

1161
01:04:27,321 --> 01:04:30,116
"Sige, mahal din kita, Mama. Paalam."

1162
01:04:35,830 --> 01:04:38,499
Pinakanakaiilang na pagkain ko
sa buhay ko.

1163
01:04:42,044 --> 01:04:43,880
Halos wala akong kinain.

1164
01:04:45,715 --> 01:04:48,259
Umupo lang ako roon, iniisip ang buhay ko.

1165
01:04:50,803 --> 01:04:52,513
Tumayo kami at umalis.

1166
01:04:53,848 --> 01:04:56,017
Ang laki ng ngiti ni Steve.

1167
01:04:58,436 --> 01:05:00,229
Nauna silang maglakad sa'kin,

1168
01:05:00,313 --> 01:05:03,941
at sa pag-alis ko sa kainan,
kinawayan kami ng waiter.

1169
01:05:04,025 --> 01:05:06,694
Sabi niya, "Maganda sana ang gabi ninyo."

1170
01:05:06,777 --> 01:05:10,114
Kinawayan namin siya. Sabi niya pa,
"Bago kayo umalis…"

1171
01:05:10,197 --> 01:05:12,283
"Hindi ba ikaw si Trevor Noah?"

1172
01:05:15,161 --> 01:05:16,412
"'Yung komedyante, hindi ba?"

1173
01:05:18,205 --> 01:05:19,999
Sumagot ako, "Oo, bakit?"

1174
01:05:20,082 --> 01:05:22,043
Sabi niya, "Hindi, kasi…

1175
01:05:22,126 --> 01:05:23,794
naloko kita, Trevor!"

1176
01:05:25,671 --> 01:05:27,590
"Naloko talaga kita, Trevor!"

1177
01:05:29,634 --> 01:05:31,469
Sabi ko, "Teka, ano…"

1178
01:05:31,552 --> 01:05:34,472
"Teka, Indian ka?"
Sabi niya, "Siyempre, Indian ako!"

1179
01:05:34,555 --> 01:05:36,724
"Siyempre! Indian ang buong lugar!"

1180
01:05:36,807 --> 01:05:38,059
"Naloko kita, ano?"

1181
01:05:38,142 --> 01:05:40,394
Sabi ko, "Hindi ko nauunawaan."
Sabi niya, "Talaga?"

1182
01:05:40,478 --> 01:05:42,980
"Pumasok ka. At sinabi ko,
'Parating si Trevor Noah.'"

1183
01:05:43,064 --> 01:05:45,942
"Nagsalita ka nang may punto.
Kaya sinabi ko, 'Ako rin.'"

1184
01:05:46,025 --> 01:05:48,569
"May punto ka. Kaya may punto rin ako."

1185
01:05:48,653 --> 01:05:51,447
"May punto ka. Nagbiro ka.
Kaya nagbiro rin ako."

1186
01:05:51,530 --> 01:05:54,116
"Gusto mo ba ang biro ko?"
Sumagot ako, "Ayaw ko ang biro mo!"

1187
01:05:54,742 --> 01:05:57,995
"Akala ko aayawan na ako ng mga tao!
Alam mo ba iyon?"

1188
01:05:58,079 --> 01:06:02,249
Sabi niya, "Nakagugulat. Pawis na
pawis ka! 'Di dahil sa curry iyon, ano?"

1189
01:06:02,333 --> 01:06:04,126
"Nakatatawa talaga, Trevor!"

1190
01:06:04,210 --> 01:06:06,295
Sabi ko, "Hindi nakatatawa.
Pinagtawanan ako ng mga kaibigan ko."

1191
01:06:06,379 --> 01:06:09,131
Sabi niya, "Alam ko." Sabi ko,
"Natakot ako. Bakit mo ginawa iyon?"

1192
01:06:09,215 --> 01:06:13,094
Sabi niya, "Kasi, Trevor,
nasisiyahan ako sa kasawian ng iba."

1193
01:06:13,886 --> 01:06:15,262
"Schadenfreude ang tawag doon."

1194
01:06:16,430 --> 01:06:17,807
Uy, Toronto!

1195
01:06:17,890 --> 01:06:20,726
Kahanga-hanga kayo.
Maraming salamat sa pagpunta!

1196
01:06:22,019 --> 01:06:23,604
Mahal ko kayo. Magandang gabi!

1197
01:06:47,044 --> 01:06:49,338
Mahal na mahal ko kayo.
Magandang gabi sa inyong lahat.

1198
01:07:55,863 --> 01:07:57,740
Ang pagsasalin ng subtitle
ay ginawa ni: Cyril Dayao



