1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:07,840 --> 00:00:09,480
Nagsisimula pa lang ang gabi.

3
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

4
00:00:10,680 --> 00:00:13,360
Nasa lugar ka kung
saan mo gustong mapunta.

5
00:00:14,520 --> 00:00:18,120
Nararamdaman mong
may kumpyansa ka, nasasabik at nakikita.

6
00:00:19,400 --> 00:00:22,680
Sa wakas, kasama mo
ang mga taong pakiramdam mo ay tulad mo.

7
00:00:23,920 --> 00:00:26,960
At sa sandaliing 'yon,
nakalimutan mong iba ka.

8
00:00:28,160 --> 00:00:30,680
Ngayong gabi, lahat ay posible.

9
00:00:33,720 --> 00:00:35,960
Berlin ang lugar kung
saan nangyayari ang lahat.

10
00:00:36,560 --> 00:00:38,560
Ito ang kabisera ng kasalanan.

11
00:00:39,200 --> 00:00:43,120
Mayroong 80 hanggang
120 na mga cafe, bar, club

12
00:00:43,200 --> 00:00:46,920
na halos eksklusibong
ang target ay mga taong LGBTQ.

13
00:00:47,520 --> 00:00:49,920
May mga queer
at trans na tao sa buong paligid.

14
00:00:52,760 --> 00:00:54,640
Matapos makapangyari ang mga Nazi,

15
00:00:54,720 --> 00:00:59,600
nakita natin ang pinakagrabeng
homopobikong pag-uusig sa kasaysayan.

16
00:00:59,680 --> 00:01:03,400
Halos walang ibang
panahon sa kasaysayan ng mundo

17
00:01:03,480 --> 00:01:05,800
kung saan ang kalayaan at pang-aapi

18
00:01:05,880 --> 00:01:10,800
ay malapit sa isa't-isa
gaya noong 1920s at 1930s.

19
00:01:12,040 --> 00:01:16,080
Kahit ngayon, pwedeng
alisin sa iyo ang kalayaang ito.

20
00:01:17,280 --> 00:01:21,320
Namuhay ang mga taong
ito ng gaya ng buhay ko ngayon.

21
00:01:21,400 --> 00:01:23,560
Pero saglit lang.

22
00:01:24,080 --> 00:01:27,880
Isang sakuna 'yon para sa sangkatauhan

23
00:01:27,960 --> 00:01:30,520
at bahagi ako ng sangkatauhang iyon.

24
00:01:39,040 --> 00:01:42,120
BERLIN
HULING BAHAGI NG 1920S

25
00:01:42,200 --> 00:01:45,560
Papasok ka ng kalye sa Berlin

26
00:01:45,640 --> 00:01:48,880
at nakita mo ang isang gusali sa kanto

27
00:01:48,960 --> 00:01:52,440
na may pantastikong karatula sa harapan.

28
00:01:52,520 --> 00:01:56,120
At sabi nito, "Dito tama ito!"

29
00:02:22,120 --> 00:02:26,760
Sa lahat ng nightclub
noong Golden Twenties,

30
00:02:26,840 --> 00:02:29,600
ang Eldorado ang
pinakamagarang dausan ng mga queer.

31
00:02:30,760 --> 00:02:33,720
Sa Eldorado, sumisikat
ang isang bagong uri ng kalayaan,

32
00:02:33,800 --> 00:02:36,840
kung saan
ang mga lalaking gay, mga lesbian,

33
00:02:36,920 --> 00:02:41,600
ay pwedeng lumaya at
magpasya sa sarili sa unang pagkakataon.

34
00:02:44,920 --> 00:02:48,480
Isa sa mga makikilala mo
dito si Charlotte Charlaque,

35
00:02:48,560 --> 00:02:52,400
isang intelektuwal
na Hudyong Amerikano-Aleman.

36
00:02:52,480 --> 00:02:56,960
Nilibot niya ang mundo, nanirahan
sa Amerika, sa Alemanya, sa Pransiya,

37
00:02:57,040 --> 00:02:58,600
at malapit nang maging

38
00:02:58,680 --> 00:03:01,040
isa sa mga kauna-unahang tao

39
00:03:01,120 --> 00:03:06,160
sa mundo na sasailalim
sa operasyong nagbabago ng kasarian.

40
00:03:15,760 --> 00:03:18,480
May dalawang bagong mukha
sa panggabing buhay sa Berlin.

41
00:03:19,120 --> 00:03:23,360
Sina Lisa at Gottfried.
Bagong kasal. Nasa bente ang edad.

42
00:03:23,440 --> 00:03:27,880
Sila, tulad ng ibang pumupunta
sa Eldorado, ay handang magpaanod

43
00:03:27,960 --> 00:03:30,520
tumuklas ng mga bagong bagay,
ng bagong pag-ibig.

44
00:03:37,120 --> 00:03:40,280
Si Lisa, na ang buong
pangalan ay Lisa von Dobeneck,

45
00:03:40,360 --> 00:03:44,080
at si Gottfried von Cramm
ay magkakilala na mula pagkabata.

46
00:03:44,160 --> 00:03:47,240
Lumaki sila sa mga kalapit na kastilyo.

47
00:03:47,320 --> 00:03:50,680
Ipinanganak si Lisa na isang Dobeneck

48
00:03:50,760 --> 00:03:54,880
at ang pamilya niya ay nakatira
15 km ang layo sa isang ari-arian namin.

49
00:03:54,960 --> 00:03:57,560
Tinawag namin itong "yungib ng kasamaan"

50
00:03:57,640 --> 00:04:00,920
dahil pwedeng gawin doon
ng mga Cramm ang kahit anong gusto nila.

51
00:04:05,280 --> 00:04:08,080
Gusto nina Lisa at Gottfried
ang mataas na uri ng pamumuhay,

52
00:04:08,160 --> 00:04:13,320
na malinaw na hindi
nangyayari sa kanayunang ito,

53
00:04:13,400 --> 00:04:15,960
kundi sa mapang-akit
at mabangis na Berlin.

54
00:04:21,240 --> 00:04:24,279
Napakaraming kalayaan din ang pumapasok.

55
00:04:25,120 --> 00:04:26,800
Mga karapatan para sa mga babae.

56
00:04:26,880 --> 00:04:28,720
May pagtatanggal ng sensura

57
00:04:28,800 --> 00:04:31,880
at ang mamamahayag ay mas
may kalayaang ilathala ang gusto nito.

58
00:04:32,720 --> 00:04:36,080
At lumilikha iyon ng
pag-unlad ng lathalaing pang-queer.

59
00:04:36,160 --> 00:04:38,480
ANG NOBYA
MGA BABAENG UMIIBIG

60
00:04:38,560 --> 00:04:42,520
May partikular para sa mga gay na lalaki.
May para sa mga gay na babae.

61
00:04:42,600 --> 00:04:45,840
At mayroon pang
partikular para sa mga transvestite.

62
00:04:47,160 --> 00:04:51,320
Pwedeng pag-usapan ang tungkol
sa pagtatalik ng mas bukas kaysa sa dati.

63
00:04:51,400 --> 00:04:52,760
Pakiramdam ng mga tao

64
00:04:52,840 --> 00:04:56,200
ay parang may nangyayaring
rebolusyon ng seksuwal na kaayusan.

65
00:05:00,480 --> 00:05:05,000
At noon nakatuklas sina Lisa
at Gottfried ng isang bagong mundo.

66
00:05:05,080 --> 00:05:09,800
At ang Eldorado ay
singkahulugan ng isang bagong kaganapan.

67
00:05:29,320 --> 00:05:33,240
Sa gitna ng nakamamanghang
kumikinang na nightclub na ito,

68
00:05:33,320 --> 00:05:34,840
magugulat ka sigurong

69
00:05:34,920 --> 00:05:38,160
makakilala ang isang
kabatian ni Adolf Hitler.

70
00:05:39,560 --> 00:05:42,080
Ang taong ito ay nagngangalang Ernst Röhm,

71
00:05:42,160 --> 00:05:46,320
may kakila-kilabot
na marahas, anti-Semitikong pulitika

72
00:05:46,400 --> 00:05:52,640
at isa sa mga arkitekto
ng pag-akyat ng Nazi sa kapangyarihan.

73
00:05:57,560 --> 00:06:01,920
Si Röhm ay isang panatikong
sundalo na umiibig sa digmaan at pagpatay.

74
00:06:02,560 --> 00:06:04,000
Bilang purong nasyonalista,

75
00:06:04,080 --> 00:06:07,120
hindi niya nalagpasan ang pagkatalo
ng Alemanya sa First World War.

76
00:06:11,360 --> 00:06:16,960
Nagkakilala sina Adolf Hitler at Ernst
Röhm sa kilusang right-wing noong 1919.

77
00:06:17,040 --> 00:06:23,440
'Di nagtagal ay naging matalik silang
magkaibigan, na tatagal ng maraming taon.

78
00:06:27,440 --> 00:06:28,720
Pinagbuklod sila ng pangarap

79
00:06:28,800 --> 00:06:32,480
na gawing ang Nazi na isang
kilusang kayang umagaw ng kapangyarihan.

80
00:06:32,560 --> 00:06:34,320
Na malayo mangyari, sa ngayon.

81
00:06:37,360 --> 00:06:39,520
Si Ernst Röhm ay gay,

82
00:06:40,320 --> 00:06:42,800
at medyo walang ingat bilang gay,

83
00:06:42,880 --> 00:06:45,560
maraming kalaguyo at kakilalang gay.

84
00:06:46,200 --> 00:06:50,320
Ang kanyang homoseksuwalidad ay
isang bukas na lihim at pinagtsitsismisan.

85
00:06:52,920 --> 00:06:56,520
Malamang na alam ni Hitler
ang mga alingasngas tungkol kay Röhm.

86
00:06:56,600 --> 00:07:00,160
Pero tila inuuna niya ang potensyal
na kapakinabangan ni Röhm sa kanya.

87
00:07:01,040 --> 00:07:03,600
Sa isang punto ay tila
narinig si Hitler na nagsabing,

88
00:07:03,680 --> 00:07:05,520
"'Di ako interesado sa buhay niya

89
00:07:05,600 --> 00:07:08,280
basta pinananatili niya
ang kinakailangang pag-iingat."

90
00:07:08,840 --> 00:07:12,120
Pero makikita natin,
ang pag-iingat ay 'di laging pinananatili.

91
00:07:20,800 --> 00:07:22,720
Ang club na ito ay umakit

92
00:07:22,800 --> 00:07:25,760
ng nakamamanghang lawak ng uri ng mga tao

93
00:07:25,840 --> 00:07:28,560
batay sa kanilang pulitika
o kanilang pananaw sa mundo.

94
00:07:28,640 --> 00:07:31,440
ELDORADO
DITO TAMA ITO!

95
00:07:31,520 --> 00:07:33,960
Ang talagang kinakatawan ng Eldorado

96
00:07:34,040 --> 00:07:37,920
ay ang bintana sa mundo
ng buhay queer sa Berlin.

97
00:07:44,480 --> 00:07:47,960
Ang ilan sa mga queer
na tagapagtanghal sa Eldorado

98
00:07:48,040 --> 00:07:51,960
ay talaging naging
mga mainstream na bituin sa panahong ito.

99
00:07:52,040 --> 00:07:55,000
At isa sa kanila si Claire Waldoff.

100
00:07:55,560 --> 00:07:58,880
Paalisin lahat ng mga lalaki sa Reichstag!

101
00:07:58,960 --> 00:08:01,960
Paalisin lahat
Ng mga lalaki sa parliyamento ng estado!

102
00:08:02,040 --> 00:08:05,240
At paalisin lahat
Ng lalaki sa bahay asyenda!

103
00:08:05,320 --> 00:08:08,320
Gagawin natin 'yong
Kanlungan ng kababaihan

104
00:08:09,120 --> 00:08:14,960
'Pag dumating kang mag-isa sa Eldorado,
kailangan mong umupa ng manananayaw

105
00:08:15,040 --> 00:08:17,080
para samahan ka sa lugar.

106
00:08:18,160 --> 00:08:21,880
Talagang masusuri mo
itong ilusyon sa kasarian

107
00:08:21,960 --> 00:08:25,240
kung saan sikat na sikat ang Eldorado.

108
00:08:30,840 --> 00:08:34,760
Isang gabi, may nakakilala
si Charlotte ng isang tulad niya.

109
00:08:35,920 --> 00:08:40,000
Hindi lamang isang intelektuwal
na tulad ni Charlotte ang taong ito,

110
00:08:40,600 --> 00:08:42,840
isa rin siyang trans.

111
00:08:45,080 --> 00:08:46,640
At ang pangalan niya ay Toni Ebel.

112
00:08:49,680 --> 00:08:52,920
'Di tulad ni Charlotte,
'di niya alam ang gagawin tungkol dito.

113
00:08:53,000 --> 00:08:55,320
Kaaalis lang niya
sa isang malagim na pagpapakasal.

114
00:08:55,400 --> 00:08:57,320
Mas matanda siya ng mga sampung taon.

115
00:08:58,040 --> 00:09:00,400
Pero ang dalawa
ay naging laging magkasama.

116
00:09:00,480 --> 00:09:03,280
Ang ganitong uri
ng relasyon sa mga babaeng trans

117
00:09:03,360 --> 00:09:05,240
ay talagang karaniwan na,

118
00:09:05,320 --> 00:09:09,000
kung saan anuman
ang ating seksuwal na oryentasyon,

119
00:09:09,080 --> 00:09:12,240
nakakabuo tayo
ng malalim na kapatirang ganito

120
00:09:12,320 --> 00:09:16,640
na minsan ay tumatawid
sa linya ng pagiging magkasintahan

121
00:09:17,240 --> 00:09:19,240
o magkatuwang sa buhay.

122
00:09:19,320 --> 00:09:21,200
Isang dahilan nito ay

123
00:09:21,280 --> 00:09:24,880
nabubuhay tayo sa mundong
walang masyadong katulad natin.

124
00:09:24,960 --> 00:09:26,840
Kaya 'pag may nakilala tayong gaya natin,

125
00:09:26,920 --> 00:09:30,200
bumubuo tayo ng malalim
na pangakong pampamilya sa isa't-isa

126
00:09:30,280 --> 00:09:32,200
anuman ang hugis nito.

127
00:09:34,840 --> 00:09:39,560
Maraming taon nang sinisikap
mamuhay ni Toni bilang babae,

128
00:09:39,640 --> 00:09:41,520
pero hindi niya alam kung saan pupunta.

129
00:09:41,600 --> 00:09:43,640
Si Charlotte Charlaque ang may sagot.

130
00:09:45,080 --> 00:09:47,960
Pinakilala niya
si Toni kay Magnus Hirschfeld.

131
00:09:49,760 --> 00:09:52,360
Nagpupunta rin
si Magnus Hirschfeld sa Eldorado.

132
00:09:52,440 --> 00:09:56,080
Gustung-gusto niyang
inoobserbahan ang buhay queer.

133
00:09:57,120 --> 00:10:00,240
Siya ay, sa sarili niyang paraan,
isang sikat na tao.

134
00:10:00,320 --> 00:10:02,080
Alam ng lahat kung sino siya.

135
00:10:03,040 --> 00:10:04,520
Isa siyang seksolohista.

136
00:10:04,600 --> 00:10:09,640
Nabighani siya
sa pag-aaral ng seksuwalidad ng tao

137
00:10:09,720 --> 00:10:11,280
at mga papel pangkasarian.

138
00:10:12,440 --> 00:10:14,880
Pangunahin niyang pinaniniwalaan

139
00:10:14,960 --> 00:10:17,640
na ang mga taong gay at trans

140
00:10:17,720 --> 00:10:21,960
ay pwedeng makamit
ang paglaya at kanilang mga karapatan

141
00:10:22,040 --> 00:10:25,040
sa pamamagitan
ng mga kasangkapan ng agham.

142
00:10:27,760 --> 00:10:30,720
Mabilis n'yang inilathala

143
00:10:30,800 --> 00:10:34,000
ang mga aklat, polyeto,
ang kanyang mga lektura.

144
00:10:36,280 --> 00:10:42,040
Itinatag niya ang unang samahan
para sa karapatang gay noong 1897.

145
00:10:43,600 --> 00:10:46,520
Sa mapang queer ng lungsod ng Berlin,

146
00:10:46,600 --> 00:10:51,160
mayroong isang sentrong
dausan para sa progresibong pag-iisip:

147
00:10:51,240 --> 00:10:55,040
Ang Instituto para sa Seksuwal
na Agham ni Magnus Hirschfeld.

148
00:10:56,440 --> 00:11:00,880
May museo kung saan makikita mo
ang mga tulad ng mga mapilegis na panty

149
00:11:00,960 --> 00:11:03,920
na sinuot ng isang sundalong
Aleman noong World War I.

150
00:11:04,000 --> 00:11:06,440
Makakakita ka ng mga dildo,
lahat ng uri ng bagay.

151
00:11:07,120 --> 00:11:10,120
May lugar para sa isang hanay
ng serbisyo para sa lahat ng tao

152
00:11:10,200 --> 00:11:13,120
na kailangan ng payo
tungkol sa mga relasyon nila,

153
00:11:13,200 --> 00:11:18,040
mga uri ng STD, impormasyon
sa pagpapalaglag at pagbubuntis,

154
00:11:18,120 --> 00:11:19,560
patuloy ang listahan.

155
00:11:20,480 --> 00:11:23,240
Ang Instituto ay isa ring
panlipunang lugar para sa mga tao.

156
00:11:23,320 --> 00:11:27,280
Ito ay isang sentrong lugar para
sa mga queer, isang uri ng komunidad.

157
00:11:27,360 --> 00:11:29,400
'Yong malaman lang
na nandoon ang Instituto

158
00:11:29,480 --> 00:11:33,320
ay isang mahalagang impormasyon
para sa marami sa komunidad ng Berlin.

159
00:11:36,880 --> 00:11:39,280
Isa sa mga bagay
na pinagdadalubhasaan nito

160
00:11:39,360 --> 00:11:43,840
ay ang pagkataong trans
at panggagamot sa trans para doon

161
00:11:43,920 --> 00:11:47,240
sa nahihirapan sa kanilang
kasariang itinalaga pagkapanganak.

162
00:11:52,280 --> 00:11:55,120
Para kay Ernst Röhm,
si Magnus Hirschfeld ang kaaway.

163
00:11:55,200 --> 00:11:57,680
Siya'y isang Hudyo, isang social democrat,

164
00:11:57,760 --> 00:12:02,240
at naninindigan siya para
sa mga trans na lalaki at trans na babae

165
00:12:02,320 --> 00:12:07,200
at hindi umaayon sa ideolohiyang panlalaki

166
00:12:07,280 --> 00:12:09,560
na sinusunod ni Ernst Röhm.

167
00:12:10,600 --> 00:12:14,200
Gayunpaman, may pagkakatulad sila.
Hindi sila lantarang homoseksuwal.

168
00:12:14,280 --> 00:12:19,320
Alam ni Hirschfeld na mawawala
ang reputasyon niya bilang siyentipiko.

169
00:12:19,400 --> 00:12:23,760
At alam ni Ernst Röhm
na mapapatalsik siya sa partido.

170
00:12:24,920 --> 00:12:28,640
Tila ang taas ng tiwala ni Ernst Röhm

171
00:12:28,720 --> 00:12:31,040
na ang personal
na pagkakaibigan nila ni Hitler

172
00:12:31,120 --> 00:12:34,880
at mahaba nilang personal na
kasaysayan ang magpoprotekta sa kanya.

173
00:12:34,960 --> 00:12:39,040
Sa publiko at sa kilusang Nazi.

174
00:12:39,680 --> 00:12:44,080
At nahayaan nitong maging
pabaya siya sa kanyang pribadong buhay.

175
00:12:48,120 --> 00:12:49,760
"Mahal na Dr. Heimsoth.

176
00:12:50,360 --> 00:12:51,880
Una, ang pakikipagkamay ko.

177
00:12:53,000 --> 00:12:58,280
Naaalala ko ang mga damdamin at kilos
sa parehong kasarian mula pa sa pagkabata.

178
00:12:58,360 --> 00:13:00,800
Pero nakipagtalik
din ako sa maraming babae,

179
00:13:01,360 --> 00:13:03,560
ngunit 'di ako
kailanman labis na nasiyahan."

180
00:13:06,200 --> 00:13:10,320
Walang gaanong katibayan
sa panloob na buhay ni Röhm.

181
00:13:10,400 --> 00:13:13,640
Pero mayroon kaming isang
talagang parang kayamanan niyan.

182
00:13:13,720 --> 00:13:16,680
At ito'y isang serye
ng mga liham niya sa isang kaibigang

183
00:13:16,760 --> 00:13:19,160
nagngangalang Dr. Karl-Günther Heimsoth.

184
00:13:20,840 --> 00:13:22,800
Nandidiri ako sa lahat ng babae.

185
00:13:22,880 --> 00:13:25,840
"Hindi ko ikinalulungkot ang ugali ko,

186
00:13:25,920 --> 00:13:30,840
kahit nagdulot ito sa akin
ng mabigat na paghihirap minsan.

187
00:13:30,920 --> 00:13:33,480
Sa loob, baka ipinagmamalaki ko pa ito.

188
00:13:34,120 --> 00:13:35,720
Pinaniniwalaan ko ito."

189
00:13:37,480 --> 00:13:39,000
At sa mga liham na ito,

190
00:13:39,080 --> 00:13:42,280
parang mas lalong naging tiwala si Röhm

191
00:13:42,360 --> 00:13:44,760
sa pagkilala bilang homoseksuwal.

192
00:13:48,400 --> 00:13:52,360
Ito ay isang sandali kung kailan
ang mismong ideya ng seksuwalidad,

193
00:13:52,440 --> 00:13:55,200
heteroseksuwalidad,
homseksuwalidad, anupaman,

194
00:13:55,280 --> 00:13:58,840
ang ideya na ang seksuwalidad
ay kaugnay sa pagiging isang tao

195
00:13:59,560 --> 00:14:02,800
ay talagang bago at binubuo.

196
00:14:09,800 --> 00:14:12,840
Pero may isa pang katotohanan.

197
00:14:12,920 --> 00:14:15,160
'Di lang mga lungsod
ang bumubuo sa Alemanya,

198
00:14:15,240 --> 00:14:18,520
pero higit sa lahat
ay ng maraming maliliit na bayan at nayon.

199
00:14:19,480 --> 00:14:24,440
Ang nangyayari sa Berlin at ibang lungsod,
ay banyaga sa marami sa kanila.

200
00:14:24,520 --> 00:14:29,720
Natatakot sila
sa mabilis na pagbabagong ito.

201
00:14:33,640 --> 00:14:34,800
Ang hakbang ng pagbabago

202
00:14:34,880 --> 00:14:37,560
ay pinagmumulan
ng pagkabigo ng halos lahat.

203
00:14:38,120 --> 00:14:42,440
Kung radikal ka,
napakabagal ng pagbabago para sa iyo.

204
00:14:42,960 --> 00:14:45,160
Sa kabilang panig, kung konserbatibo ka,

205
00:14:45,680 --> 00:14:51,120
pinanonood mong inaanod lahat
ang lalim at kahulugan ng iyong buhay.

206
00:14:51,720 --> 00:14:55,560
At iyong karanasang
ng pagbabanta ng pagbabagong ito

207
00:14:55,640 --> 00:14:59,840
ang nagbibigay sa mga pasista ng
pagtatamnan ng makamandag nilang ideya.

208
00:15:00,600 --> 00:15:02,480
1931

209
00:15:02,560 --> 00:15:05,440
Gusto naming turuan
ang lahat ng mga Aleman

210
00:15:05,520 --> 00:15:09,800
na walang buhay kung walang batas.

211
00:15:10,400 --> 00:15:13,520
At walang batas na walang kapangyarihan.

212
00:15:13,600 --> 00:15:16,840
At walang kapangyarihan kung walang lakas

213
00:15:16,920 --> 00:15:21,160
at ang bawat lakas
ay dapat manatili sa sariling kapwa tao.

214
00:15:21,240 --> 00:15:26,360
Ang dinig ko sa kanya
ay gaya ni Hitler kapag nagtatalumpati.

215
00:15:26,440 --> 00:15:28,320
Gaya ng isang baliw.

216
00:15:28,400 --> 00:15:31,560
'Yong mga sigawan
at 'yong mga sinabi niya doon.

217
00:15:31,640 --> 00:15:34,720
At siyempre nagsalita
siya tungkol sa mga Hudyo.

218
00:15:35,360 --> 00:15:38,840
Kakila-kilabot
pakinggan ang bagay na 'yon.

219
00:15:42,400 --> 00:15:45,200
Hindi ko na 'yon inalam masyado.

220
00:15:45,760 --> 00:15:50,280
Isa 'kong inosenteng binata.

221
00:15:53,640 --> 00:15:56,200
Umibig ako.

222
00:16:04,800 --> 00:16:06,840
May villa kami noon sa Sauerbrunn

223
00:16:06,920 --> 00:16:09,840
kung saan namin
ginugol ang mga tag-init namin.

224
00:16:11,960 --> 00:16:17,280
At ang isa pang taon-taong
nagbabakasyon doon ay si Lumpi.

225
00:16:18,840 --> 00:16:20,960
At doon ko siya nakilala.

226
00:16:21,040 --> 00:16:24,960
Sa Budapest siya
nakatira at ako naman sa Vienna.

227
00:16:27,680 --> 00:16:30,520
Naging magkaibigan kami ni Lumpi.

228
00:16:31,600 --> 00:16:33,680
Marami kaming ginawang magkasama.

229
00:16:35,160 --> 00:16:38,440
Minahal ko siya. Bakit hindi?

230
00:16:44,680 --> 00:16:46,440
Pareho kaming Hudyo,

231
00:16:48,000 --> 00:16:52,240
pero hindi namin inaalala 'yon.

232
00:16:59,960 --> 00:17:03,920
Medyo malayo kami sa lahat.

233
00:17:09,720 --> 00:17:13,280
Pero ang gulo ay nasa himpapawid.

234
00:17:14,800 --> 00:17:19,920
Hindi lang sa Berlin at sa Alemanya,
pero saanman sa Europa.

235
00:17:29,920 --> 00:17:34,760
Noong 1931, hinirang ni Hitler
si Röhm na maging pinuno ng SA.

236
00:17:34,840 --> 00:17:39,320
Ang SA ay paramilitar ng mga Nazi.
Sila ang gumagawa ng maruruming gawain.

237
00:17:41,400 --> 00:17:42,880
Sinisira nila ang demokrasya,

238
00:17:42,960 --> 00:17:46,840
inaaway nila ang mga tao sa kalye,
binubugbog nila sa labas ng mga kaganapan.

239
00:17:48,720 --> 00:17:54,320
Sa ilalim ni Röhm, ang puwersang
ito'y magiging tatlong milyong miyembro.

240
00:17:56,040 --> 00:17:59,680
Napakahalagang uri
ng pundasyon at seguro n'on

241
00:17:59,760 --> 00:18:00,960
para sa kilusang Nazi.

242
00:18:02,800 --> 00:18:07,800
Ang SA ay malaking bahagi ng plano
ng mga Nazi na kontrolin ang Alemanya

243
00:18:07,880 --> 00:18:10,280
at magtatag ng isang
imperyo ng dalisay na lahi

244
00:18:10,360 --> 00:18:13,400
na walang mga Hudyo,
mga komunista, mga may kapansanan,

245
00:18:13,480 --> 00:18:16,800
walang mga taong Roma
at Sinti at walang mga queer.

246
00:18:23,880 --> 00:18:25,960
Ang karamihan ng miyembro ng SA

247
00:18:26,040 --> 00:18:31,280
ay mga kabataang lalaki mula
sa mababang uri at mababang gitnang uri.

248
00:18:31,360 --> 00:18:35,120
Dahil sa mababang pamantayan sa pagpasok,

249
00:18:35,200 --> 00:18:38,160
'di lamang mga radikal
na nasyonalista ang nahihikayat nito

250
00:18:38,240 --> 00:18:42,520
kundi pati na rin ang mga tagalabas,
mga sintu-sinto at ilang mga kriminal din.

251
00:18:47,080 --> 00:18:49,480
Si Karl Ernst ay isang storm trooper

252
00:18:50,400 --> 00:18:54,320
na malamang na nakilala at inianib ni Röhm

253
00:18:54,400 --> 00:18:57,280
mula sa mundo
ng buhay panggabi niya sa Berlin.

254
00:18:57,360 --> 00:18:59,280
At sumali nga si Ernst sa SA

255
00:18:59,360 --> 00:19:03,680
at naging kanang kamay
ni Röhm sa organisasyon.

256
00:19:05,160 --> 00:19:08,120
Ang taong SA na si Karl
Ernst ay nagtatrabaho sa Berlin

257
00:19:08,200 --> 00:19:12,960
bilang bouncer
sa mga gay nightclub at bellboy.

258
00:19:13,560 --> 00:19:18,000
Matapos umanib sa SA, si Ernst
ay bumuo na ng mga ambisyong pampulitika,

259
00:19:18,080 --> 00:19:21,120
kahit s'ya ay namumuhay din bilang gay.

260
00:19:26,000 --> 00:19:28,520
Kaya 'pag inisip natin ang buhay ni Röhm

261
00:19:28,600 --> 00:19:32,320
sa militar,
sa right-wing na mga paramilitar na ito

262
00:19:32,400 --> 00:19:37,920
ay lumikha s'ya ng kapaligirang
pinangingibabawan ng isang kasarian lang.

263
00:19:39,760 --> 00:19:42,720
Magkasama kayong namumuhay,
magkasamang naliligo.

264
00:19:42,800 --> 00:19:46,880
Magkakasamang nanggugulpi
ng mga Hudyo at Komunista sa daan.

265
00:19:46,960 --> 00:19:48,960
Lahat ng ito ay maaaring magkaroon

266
00:19:49,560 --> 00:19:52,800
ng isang uri
ng erotiko o seksuwal na lakas.

267
00:19:52,880 --> 00:19:55,240
Malakas ang pag-iral ng pagkalalaki.

268
00:19:55,320 --> 00:19:57,720
"Lalaking-lalaki kami

269
00:19:57,800 --> 00:20:00,560
na nandidiri na kami talaga sa mga babae.

270
00:20:00,640 --> 00:20:02,280
Ayaw namin silang tingnan.

271
00:20:02,360 --> 00:20:05,920
At 'di kami binabae,
mas nagiging lalaki pa nga kami."

272
00:20:07,080 --> 00:20:08,720
Sa kilusan!

273
00:20:31,800 --> 00:20:35,320
May isang tao
sa Pambansang Kilusang Sosyalista

274
00:20:35,400 --> 00:20:38,840
na ang banta ay minaliit
ni Ernst Röhm ng mahabang panahon.

275
00:20:38,920 --> 00:20:41,440
Si Reichsführer-SS Heinrich Himmler.

276
00:20:43,880 --> 00:20:48,440
Bilang isang binata
ay interesado si Himmler

277
00:20:48,520 --> 00:20:50,840
sa mga samahang "Männerbund".

278
00:20:50,920 --> 00:20:54,080
Kasabay noon ay takot siya

279
00:20:54,160 --> 00:20:59,200
sa homoerotikong atraksyon
na maaaring ibunga ng mga samahang ito.

280
00:21:01,680 --> 00:21:06,440
Sa puntong ito, pinamumunuan
ni Himmler ang SS, ang "Schutzstaffel."

281
00:21:06,520 --> 00:21:12,000
Ang mas maliit na paramilitar na SS
ay mababa sa mas malaking SA ni Röhm.

282
00:21:12,080 --> 00:21:14,840
Kaya sina Röhm
at Himmler ay nagkukumpitensya.

283
00:21:15,800 --> 00:21:20,160
Upang ilayo ang sarili sa SA
at sa homoseksuwal na reputasyon nito,

284
00:21:20,240 --> 00:21:25,600
ginagawa niyang
elitistang organisasyon ang SS.

285
00:21:25,680 --> 00:21:30,280
Na sa isip, dapat blond
at asul ang mga mata ng mga miyembro nito.

286
00:21:30,360 --> 00:21:35,600
Para sa kanya ang hitsura ay tila
katibayan ng "magandang" dugong Aryan.

287
00:21:47,600 --> 00:21:51,240
Sa mga taon na ito
sumikat si Gottfried von Cramm.

288
00:21:53,120 --> 00:21:57,400
Matapos ng dalawang mahigpit na laro,
napunit ang masel ng kampeon,

289
00:21:57,480 --> 00:22:01,480
at mula noon ay hindi na n'ya
nakayanang labanan pa si Perry.

290
00:22:02,760 --> 00:22:05,480
Nagsimulang maglaro
ng tennis si Gottfried sa edad na sampu.

291
00:22:05,560 --> 00:22:09,720
Nang 13 nagpasya siyang maging
pinakamahusay sa tenis sa mundo.

292
00:22:11,960 --> 00:22:13,320
Nang pumunta siya sa Berlin,

293
00:22:13,400 --> 00:22:17,520
sumali siya sa sikat
na tennis club na ito, ang Rot-Weiß.

294
00:22:18,120 --> 00:22:22,240
At isa sa mga miyembro
nito ay si Hermann Göring,

295
00:22:22,320 --> 00:22:26,400
na kalauna'y naging Ministrong Panloob
ng Pambansang Pamahalaang Sosyalista.

296
00:22:27,760 --> 00:22:31,000
Si Gottfried ay isang
gwapong matangkad na lalaki.

297
00:22:31,080 --> 00:22:33,840
Asul ang mata niya, blonde ang buhok.

298
00:22:34,360 --> 00:22:38,440
Kinakatawan niya
ang modelo ng isang Aryan.

299
00:22:38,520 --> 00:22:43,040
Una pa lamang ay nahilingan
siyang sumali sa partidong Nazi.

300
00:22:44,080 --> 00:22:45,920
Alam nating tumanggi si Gottfried.

301
00:22:46,000 --> 00:22:49,560
Na magiging mas higit pang
problema sa paglipas ng mga taon.

302
00:23:09,640 --> 00:23:13,040
'Di namin alam
ang detalye kung paano sila nagkakilala,

303
00:23:13,120 --> 00:23:17,600
pero napag-alamang
nakilala ni Gottfried ang isang binata,

304
00:23:17,680 --> 00:23:19,600
na kaedad niya.

305
00:23:22,440 --> 00:23:25,600
At Manasse Herbst
ang pangalan ng binatang ito.

306
00:23:28,560 --> 00:23:34,440
Sina Gottfried at Manasse
ay galing sa magkaibang mundo.

307
00:23:34,520 --> 00:23:39,280
Si Manasse ay mula sa pamilyang
Hudyo sa mahirap na Scheunenviertel.

308
00:23:39,920 --> 00:23:41,280
Isa siyang aktor.

309
00:23:41,360 --> 00:23:45,960
Para makaraos, nagtatrabaho
siya sa likod ng bar ng Jockey,

310
00:23:46,040 --> 00:23:50,400
isang maliit na jazz club
ilang bloke mula sa Eldorado.

311
00:23:51,480 --> 00:23:55,400
Maaaring nagkaroon
ng isang sandali ng pagkilala.

312
00:24:11,600 --> 00:24:15,200
May isang seryosong banta
sa mga homoseksuwal na lalaki.

313
00:24:15,280 --> 00:24:16,760
Talata 175.

314
00:24:16,840 --> 00:24:20,600
PAPARUSAHAN NG PAGKAKAKULONG
ANG PAKIKIPAGTALIK SA KAPWA LALAKI

315
00:24:20,680 --> 00:24:24,880
Ginagawang krimen ng talata ang mga
ugnayang homoseksuwal sa mga lalaki.

316
00:24:24,960 --> 00:24:27,200
Pero mahirap iyon ipatupad

317
00:24:27,280 --> 00:24:31,040
dahil maraming korte
ang humihingi ng ebidensya

318
00:24:31,120 --> 00:24:34,000
ng pakikipagtalik
o "mga aksyong tulad ng pakikipagtalik."

319
00:24:34,600 --> 00:24:37,440
At hindi iyon madaling
gawain para sa pulisya.

320
00:24:40,760 --> 00:24:44,640
Sa halip na talagang
hulihin o salakayin ang mga bar,

321
00:24:44,720 --> 00:24:47,720
ang ginawa nila,
nagkaroon sila ng "listahang kulay rosas."

322
00:24:47,800 --> 00:24:53,360
At ito ang mga listahan ng mga
hinihinala o alam nilang homoseksuwal.

323
00:24:54,400 --> 00:24:58,960
Madalas hindi mo alam
iyon dahil hindi ka kinakasuhan,

324
00:24:59,040 --> 00:25:03,320
pero alam naming
may libu-libong pangalan sa listahang ito.

325
00:25:03,400 --> 00:25:06,120
UNANG PANGALAN: JOSEF
KATEGORYANG KRIMINAL: § 175

326
00:25:06,960 --> 00:25:11,320
Pero may kalayaang panloob
si Gottfried, na kapag siya ay umibig,

327
00:25:11,400 --> 00:25:12,960
susundan niya ang pag-ibig na ito.

328
00:25:18,280 --> 00:25:22,080
Regular na nagkikita sina Gottfried
at Manasse mula nang unang magkakilala.

329
00:25:24,920 --> 00:25:27,200
Siyempre, alam ni Lisa ang lahat.

330
00:25:27,840 --> 00:25:31,800
Walang ginagawang lihim,
kundi namuhay nang hayagan.

331
00:25:37,160 --> 00:25:38,360
Ano'ng ginagawa mo?

332
00:25:40,800 --> 00:25:42,920
Halika dito! Halika na!

333
00:25:43,720 --> 00:25:49,080
At ang tatlong ito ay nagsisimula
ngayon ng bagong anyo ng relasyon

334
00:25:49,160 --> 00:25:52,200
na mukhang gumagana.

335
00:26:01,960 --> 00:26:06,360
Para kay Lisa, ang paglipat
sa Berlin ay isang pagpapalaya.

336
00:26:06,440 --> 00:26:10,400
Gusto niyang mamuhay mag-isa
at maranasan ang sarili sa bagong paraan.

337
00:26:10,480 --> 00:26:12,800
Mabilis siyang nakipagkaibigan

338
00:26:12,880 --> 00:26:17,480
sa mga modernong
kababaihang lumitaw sa Berlin.

339
00:26:17,560 --> 00:26:21,800
Sa mga manunulat, atleta at potograpo.

340
00:26:21,880 --> 00:26:24,400
Kinukunan din ni Lisa ang sarili n'ya.

341
00:26:25,120 --> 00:26:28,800
Masugid siyang
mananayaw ng jazz, mangangabayo.

342
00:26:28,880 --> 00:26:31,840
Naglalaro siya ng hockey
at naging kampeon na Aleman.

343
00:26:33,960 --> 00:26:39,000
At ito ay mula sa isang kilusang
nagsisimula bago pa man ang '20s

344
00:26:39,080 --> 00:26:40,360
na pinalalaya ang sarili

345
00:26:40,440 --> 00:26:44,280
mula sa mga bigkis ng pagbebestida
o pananatili sa loob lamang ng bahay.

346
00:26:45,440 --> 00:26:48,640
May magaspang siyang
tono at ginagawa ang gusto niya.

347
00:26:51,560 --> 00:26:56,320
Nagsimula siya ng mga relasyon.
Sa mga lesbian ding mga nobya.

348
00:26:56,400 --> 00:27:00,640
At mausisa siya't namuhay
ng mapagsapalaran sa sekswalidad.

349
00:27:39,120 --> 00:27:41,120
Ang relasyon nina Gottfried at Lisa

350
00:27:41,200 --> 00:27:46,880
ay inilalarawan ng halos
walang limitasyong tiwala sa isa't isa.

351
00:27:46,960 --> 00:27:50,560
Alam na kahit ano
ang gawin nila, ayos lang.

352
00:27:57,200 --> 00:27:59,360
1932

353
00:27:59,440 --> 00:28:02,160
KAMPANYA SA ELEKSYON SA ALEMANYA

354
00:28:02,240 --> 00:28:06,520
Tagsibol ng 1932. Si Hitler
ay tumatakbo sa pagkapangulo sa halalan.

355
00:28:06,600 --> 00:28:09,280
Tumatakbo ang mga Nazi
sa Parliyamentaryong halalan.

356
00:28:09,880 --> 00:28:13,520
Bago ang paghalili sa kapangyarihan,
ang Mga Pambansang Sosyalista

357
00:28:13,600 --> 00:28:16,280
ay nagpaigiting ng lagim sa kalsada.

358
00:28:16,360 --> 00:28:19,880
May malalaking labanan na may mga namatay.

359
00:28:19,960 --> 00:28:22,480
Pangunahing ginagawa nila ito

360
00:28:22,560 --> 00:28:27,600
upang ipakita
ang kawalang-tatag ng demokrasya.

361
00:28:29,440 --> 00:28:32,480
Habang pinapakita nilang
sila ay partidong "Batas at Kaayusan"

362
00:28:32,560 --> 00:28:37,880
na magsisiguro ng kaligtasan, kaayusan
at kapayapaan 'pag nanalo sila sa halalan.

363
00:28:40,640 --> 00:28:43,120
LUMABAS SA KALYE!
ADOLF HITLER

364
00:28:43,200 --> 00:28:45,120
Hindi naman takot lang

365
00:28:45,200 --> 00:28:49,160
ang nag-uugnay sa populasyon
sa Mga Pambansang Sosyalista

366
00:28:49,240 --> 00:28:53,520
kundi ang pag-asa
ng isang mas malakas na Alemanya

367
00:28:54,440 --> 00:28:57,440
at ang pangako
ng isang ginintuang kinabukasan.

368
00:29:05,800 --> 00:29:07,320
Hello, magandang gabi.

369
00:29:17,360 --> 00:29:20,320
Sina Charlotte, Toni at isa pang babae,

370
00:29:20,400 --> 00:29:23,200
si Dorchen Richter,
ay naoperahan na ngayon.

371
00:29:23,800 --> 00:29:27,680
At tatlo lang silang
halimbawa na alam nating

372
00:29:27,760 --> 00:29:30,640
nagpaopera para sa
pagpapalit ng kasarian doon sa Instituto

373
00:29:30,720 --> 00:29:33,360
at nakaligtas sa mga operasyon sa simula.

374
00:29:38,480 --> 00:29:41,360
Ang mga operasyong ito
at ang iba't-ibang pamamaraang ito

375
00:29:41,440 --> 00:29:44,280
ay napakapeligroso,
talagang eksperimental ang mga ito.

376
00:29:44,360 --> 00:29:46,800
Ito ang ilan sa mga unang pagkakataon

377
00:29:46,880 --> 00:29:51,880
sa kasaysayan na maraming
operasyon ang ginagawa sa isang tao.

378
00:29:56,240 --> 00:29:58,760
Gusto ng mga tao
na pumunta sa lugar na ito

379
00:29:58,840 --> 00:30:01,880
dahil sa wala ng ibang alternatibo.

380
00:30:01,960 --> 00:30:04,760
Kaya kilala ito sa buong mundo.

381
00:30:10,520 --> 00:30:13,880
Malaking ginhawa siguro
ang naramdaman nina Charlotte at Toni

382
00:30:13,960 --> 00:30:18,440
na nagawa nila ang mga
operasyong iyon habang pwede pa.

383
00:30:18,520 --> 00:30:20,240
Ngayon, matapos ang mga operasyon,

384
00:30:20,320 --> 00:30:23,960
mas kontento na sila sa kanilang kasarian

385
00:30:24,040 --> 00:30:26,240
at mas tumatag sa kanilang pagkababae.

386
00:30:26,320 --> 00:30:28,040
Madalas sinasabi ni Charlotte

387
00:30:28,120 --> 00:30:31,720
na pinakamasaya siya
matapos ang operasyon.

388
00:30:40,680 --> 00:30:45,800
Wala na akong maisip
na ibang pelikula mula sa panahong ito

389
00:30:45,880 --> 00:30:48,440
kung saan hindi lang isang
trans na tao ang nakikita mo,

390
00:30:48,520 --> 00:30:51,080
kundi maraming trans na taong magkasama,

391
00:30:52,080 --> 00:30:54,600
talagang masaya at maligaya.

392
00:31:12,360 --> 00:31:14,640
Sa panahong ito sa Alemanya,

393
00:31:14,720 --> 00:31:18,960
kung ang isang
tagapagtanghal na drag sa Eldorado

394
00:31:19,040 --> 00:31:22,320
ay lumabas ng pintuan
na nakasuot drag pa rin,

395
00:31:22,400 --> 00:31:25,840
pwede silang arestuhin
sa pagdudulot ng kaguluhan sa publiko.

396
00:31:31,720 --> 00:31:36,760
Kaya maraming mga trans
ay hindi makapamuhay bilang sarili nila

397
00:31:36,840 --> 00:31:39,120
nang hindi mahaharap
sa panunupil ng pulisya.

398
00:31:41,040 --> 00:31:44,040
Si Magnus Hirschfeld at ang Instituto

399
00:31:44,120 --> 00:31:47,760
ay nakipagnegosasyon
sa pulisya para sa isang solusyon,

400
00:31:47,840 --> 00:31:50,480
na bigyan ang mga tao

401
00:31:50,560 --> 00:31:53,760
ng papeles para
makapaglakad o ang "pases ng trans".

402
00:31:53,840 --> 00:31:56,840
MANGGAGAWANG SI EVA KATTER…
AY KILALANG NAGDADAMIT PANLALAKI

403
00:31:56,920 --> 00:32:01,480
Bale isang tarhetang ID
na nagsasabi sa pulisya

404
00:32:01,560 --> 00:32:05,360
Hindi dapat arestuhin ang taong ito
dahil nasa pangangalaga ng isang doktor.

405
00:32:05,440 --> 00:32:08,880
At sila ay legal
na may karapatang gumalaw sa publiko

406
00:32:08,960 --> 00:32:11,520
na suot ang damit
ng kasariang kinikilala nila.

407
00:32:20,120 --> 00:32:23,440
Ito ang unang pagkakataon sa mundo

408
00:32:23,520 --> 00:32:27,880
na may legal na pagkilala
sa mga kasarian ng mga taong trans.

409
00:32:28,880 --> 00:32:31,760
At ngayon ang
mga gaya nina Charlotte at Toni,

410
00:32:31,840 --> 00:32:34,480
malaya silang maglakad,
dala ang pases na ito,

411
00:32:34,560 --> 00:32:37,080
nang 'di nag-aalalang
pipigilan sila ng isang pulis

412
00:32:37,160 --> 00:32:39,160
at sabihang, "bawal ang ginagawa mo."

413
00:32:42,280 --> 00:32:46,720
Ang mga queer at trans na tao ay
maaaring mabuhay sa liwanag, sa publiko.

414
00:32:47,360 --> 00:32:50,400
At nangyayari ito dito mismo sa Berlin.

415
00:33:09,120 --> 00:33:12,480
Matapos ang ilang taon,
pumunta ako sa Budapest

416
00:33:12,560 --> 00:33:15,160
para doon magbakasyon
sa Pasko ng Pagkabuhay.

417
00:33:15,240 --> 00:33:18,920
At tumira ako kay Lumpi sa kalye Andrássy.

418
00:33:19,480 --> 00:33:21,840
Hindi ko matandaan ang numero.
Malapit sa opera.

419
00:33:26,920 --> 00:33:31,120
Sa unang pagbisitang 'yon,
biruan kami ng biruan.

420
00:33:37,400 --> 00:33:40,600
Wala silang maayos na banyo.

421
00:33:41,320 --> 00:33:44,480
Ang mayroon lang sila
ay 'yong tinatawag sa Vienna na lavor.

422
00:33:45,760 --> 00:33:47,800
Binuhusan 'yon ng tubig ng nanay niya

423
00:33:47,880 --> 00:33:52,960
at inilagay kami
sa bath tub na parehong hubad.

424
00:33:56,040 --> 00:34:02,320
At nang makita ako ni Lumpi,
tinigasan siya.

425
00:34:03,280 --> 00:34:06,400
Nang nakita niya akong nakahubad.
Napansin ko 'yon.

426
00:34:07,080 --> 00:34:11,480
Hindi kami naghawakan ng may malisya

427
00:34:11,560 --> 00:34:16,320
pero naantig ko siguro siya.

428
00:34:31,440 --> 00:34:33,080
Sa simula ng 1930s,

429
00:34:33,159 --> 00:34:36,719
nagpasya si Hitler na abutin
ang kapangyarihan sa mga legal na paraan.

430
00:34:36,800 --> 00:34:42,000
Sa matinding propaganda
sinubukan niyang makuha ang mga botante

431
00:34:42,080 --> 00:34:46,000
at sakupin ang
parliyamento para sirain ito mula sa loob.

432
00:34:47,880 --> 00:34:50,480
Ang pinakamalaking kaaway ng mga Nazi

433
00:34:50,560 --> 00:34:53,360
kung iisipin ay ang mga social
democrat at ang mga komunista.

434
00:34:56,040 --> 00:34:59,600
At kailangang makabuo
ng kampanya ng mga social democrat,

435
00:34:59,679 --> 00:35:04,920
isang bagay na makakapigil sa
mga Nazi na maluklok sa kapangyarihan.

436
00:35:23,920 --> 00:35:27,160
SI KUPIDO SA BROWN HOUSE

437
00:35:27,240 --> 00:35:29,800
INIINSPEKSYON NI RÖHM ANG PARADA

438
00:35:30,400 --> 00:35:33,920
Nakakuha ang social democrat
na mga mamamahayag ng mga kopya

439
00:35:34,000 --> 00:35:37,440
ng mga liham ni Röhm kay Dr. Heimsoth

440
00:35:37,520 --> 00:35:41,200
at inilathala ang tinawag nilang
"ang mga liham pag-ibig ni Ernst Röhm."

441
00:35:41,280 --> 00:35:44,600
"Mga paghahayag tungkol
sa punong mersenaryo ni Hitler.

442
00:35:44,680 --> 00:35:49,200
Naglathala ang Welt am Sonntag
ng liham ni Tenyente Koronel Ret. Röhm"

443
00:35:52,640 --> 00:35:55,040
Isang napakalaking
iskandalo ang ginawa nito.

444
00:35:55,120 --> 00:35:58,680
Iniisip talaga ng mga social
democrat na may balang pilak sila dito

445
00:35:58,760 --> 00:36:02,040
na tutulong sa kanilang mabawi
ang ilang elemento ng baseng ito.

446
00:36:06,240 --> 00:36:09,160
Noong Marso ng 1932,
habang pumuputok ang iskandalo,

447
00:36:09,240 --> 00:36:12,400
nakuha ni Hitler ang 30 porsiyento
ng boto sa halalan sa pagkapangulo,

448
00:36:12,480 --> 00:36:14,120
na napakarami.

449
00:36:14,720 --> 00:36:19,760
Noong Hulyo ng 1932, matapos
ang ilang buwang pagragasa ng iskandalo,

450
00:36:19,840 --> 00:36:22,360
nakakakuha siya ng 37 porsiyento ng boto.

451
00:36:22,440 --> 00:36:24,520
At hindi nga gumana ang iskandalo.

452
00:36:25,960 --> 00:36:28,200
Isang uri iyon
ng bigong taktika sa politika.

453
00:36:31,120 --> 00:36:32,480
Parehong kasarian!

454
00:36:32,560 --> 00:36:33,720
Kung si Röhm ka siguro,

455
00:36:34,560 --> 00:36:37,680
nang ito ay lumabas
sa mga pahayagan, malamang natakot ka.

456
00:36:38,800 --> 00:36:41,320
Nang wala iyong naging epekto

457
00:36:42,320 --> 00:36:45,880
at tuloy pa rin ang Partido
sa tagumpay na ito sa halalan,

458
00:36:46,480 --> 00:36:48,160
pakiramdam mo ay napawalang-sala ka.

459
00:36:48,760 --> 00:36:52,280
At mas mahalaga,
pakiramdam mo 'di ka mapipigilan.

460
00:37:42,640 --> 00:37:45,960
1933

461
00:37:46,760 --> 00:37:49,880
Mga Aleman, Volksgenossen…

462
00:37:52,080 --> 00:37:53,480
Volkgenossinnen…

463
00:37:54,360 --> 00:37:56,480
Sa ika-30 ng Enero,

464
00:37:57,400 --> 00:38:00,120
ang dais ay inihagis sa Alemanya.

465
00:38:01,480 --> 00:38:03,040
At palagay ko'y hindi na

466
00:38:04,160 --> 00:38:09,560
tumatawa ngayon ang mga kalaban.

467
00:38:13,520 --> 00:38:14,360
Sieg!

468
00:38:14,440 --> 00:38:15,520
Heil!

469
00:38:16,320 --> 00:38:17,880
-Sieg!
-Heil!

470
00:38:18,440 --> 00:38:23,600
Noong ika-30 ng Enero 1933,
si Hitler ay hinirang na kansilyer.

471
00:38:29,440 --> 00:38:30,920
KANSILYER NG REICH HITLER!

472
00:38:37,600 --> 00:38:41,040
Si Hitler ay naging pinuno
ng totalitaryo niyang rehimen.

473
00:39:08,400 --> 00:39:10,840
Sa ideolohiya ng Pambansang Sosyalista,

474
00:39:10,920 --> 00:39:15,480
hindi na iyon indibidwal
na paraan ng pamumuhay.

475
00:39:15,560 --> 00:39:19,160
Ang lahat ay napapailalim
sa isang mas mataas na ideolohiya.

476
00:39:19,240 --> 00:39:22,080
Bawat indibidwal
sa "Volksgemeinschaft" na ito

477
00:39:22,160 --> 00:39:25,760
ay dapat magpasakop
sa mas mataas na layuning ito.

478
00:39:32,000 --> 00:39:33,840
Namuhunan ng napakalaki ang mga Nazi

479
00:39:33,920 --> 00:39:37,920
sa mga ideya ng lahi at panlipunan
at sekswal na kalusugan at kalinisan.

480
00:39:38,000 --> 00:39:41,680
At nangangahulugan iyon ng paggawa
ng malulusog na sanggol na puro ang lahi.

481
00:39:42,200 --> 00:39:44,760
Anumang bagay
na humadlang sa pagpapalaki ng populasyon

482
00:39:44,840 --> 00:39:47,000
ay masama at banta sa bansa.

483
00:40:00,120 --> 00:40:03,680
Bago ang pag-agaw
ng kapangyarihan, ang Eldorado ay isinara.

484
00:40:05,320 --> 00:40:07,920
Ng walang paalam,
ng walang punto ng pagsasara.

485
00:40:09,360 --> 00:40:14,880
At ang komunidad na queer ay nawalan
ng isa sa mahahalagang lugar-tagpuan nito.

486
00:40:25,480 --> 00:40:28,600
Maraming mga trabahador sa Eldorado

487
00:40:28,680 --> 00:40:31,160
ang naalisan ng mga proteksyon

488
00:40:31,240 --> 00:40:32,960
pati na ng mga hanapbuhay.

489
00:40:35,960 --> 00:40:38,920
At pagkatapos, idinagdag pa dito,

490
00:40:39,000 --> 00:40:43,720
ang harap ng Eldorado ay ginawang
lugar pang-anunsyo para sa mga Nazi.

491
00:40:44,560 --> 00:40:48,640
ELDORADO
DITO TAMA ITO!

492
00:40:48,720 --> 00:40:50,640
IBOTO SI HITLER - LISTAHAN ISA

493
00:40:50,720 --> 00:40:53,400
Nakapanlalamig siguro ng dugo ng mga tao

494
00:40:53,480 --> 00:40:57,880
na isiping maaaring mabaligtad
ng napakalayo ang direksyon mo

495
00:40:57,960 --> 00:40:59,600
sa parehong gusali.

496
00:40:59,680 --> 00:41:01,520
Sarado na ang Eldorado

497
00:41:02,240 --> 00:41:07,760
at lahat ng mga lugar panlipunan na
umunlad sa loob ng nakaraang sampung taon

498
00:41:07,840 --> 00:41:10,000
ay nawala sa halos isang magdamag.

499
00:41:10,080 --> 00:41:13,400
Queer pa rin ang mga tao
pero wala silang parehong uri ng dausan

500
00:41:13,480 --> 00:41:15,000
kung saan sila pwedeng magtagpo.

501
00:41:15,080 --> 00:41:18,200
Kailangan nilang gawin
ito sa mas malihim na paraan.

502
00:41:35,800 --> 00:41:42,640
Noong 1933, sobrang nagbago din
ang buhay nina Gottfried at Manasse.

503
00:41:45,280 --> 00:41:49,000
Biglang nawala kay Manasse
ang lahat ng trabaho niya sa teatro

504
00:41:49,080 --> 00:41:52,080
dahil bilang Hudyo ay hindi
na siya pwede magtrabaho sa teatro.

505
00:41:52,160 --> 00:41:58,280
Simula pa lang, napagtanto
niyang hindi na siya ligtas sa Alemanya.

506
00:42:00,320 --> 00:42:04,760
Malinaw sa lahat
na paigting ng paigting ang sitwasyon.

507
00:42:07,640 --> 00:42:10,920
Ang relasyon
ay unti-unting natatabunan ng tanong

508
00:42:11,000 --> 00:42:14,040
Paano makakalabas
ng ligtas si Manasse sa Alemanya?

509
00:42:16,360 --> 00:42:18,720
Pero, gusto pa rin
ni Gottfried maglaro ng tennis.

510
00:42:20,400 --> 00:42:24,880
At kung nangangahulugang kailangan
niyang maglaro para sa Alemanyang Nazi,

511
00:42:24,960 --> 00:42:26,680
naglalaro pa rin siya.

512
00:42:28,400 --> 00:42:29,760
Lumalaki ang pagdidiin.

513
00:42:29,840 --> 00:42:33,480
Nasa isang relasyon siya
sa homoseksuwal na Hudyo.

514
00:42:33,560 --> 00:42:37,480
Pero kasabay nito
ay lumalaki din ang kanyang kasikatan.

515
00:42:37,560 --> 00:42:40,240
Sa bansa, at sa buong mundo.

516
00:42:41,200 --> 00:42:44,400
Iniisip siguro ni Gottfried
na hangga't nanalo siya sa mga laban,

517
00:42:44,480 --> 00:42:47,480
hindi siya kayang saktan ng rehimen.

518
00:42:49,920 --> 00:42:54,320
Sa desisyon ni Cramm na maglaro para
sa Alemanya ay walang nang pagpipilian.

519
00:43:06,160 --> 00:43:09,760
Sa kabila ng nakapangyari
na ang mga Nazi noong '33,

520
00:43:09,840 --> 00:43:13,880
Kumportable sina
Charlotte at Toni na lumabas,

521
00:43:13,960 --> 00:43:16,040
inilalantad ang sarili sa kalye,

522
00:43:16,120 --> 00:43:17,840
nagpapakuha ng mga larawan

523
00:43:17,920 --> 00:43:22,080
at lantaran pang nakipag-usap sa
isang mamamahayag tungkol sa mga sarili.

524
00:43:27,760 --> 00:43:29,720
Mukhang ayos ang lahat.

525
00:43:29,800 --> 00:43:32,040
Pwede pa ring pumunta sa Instituto.

526
00:43:32,880 --> 00:43:37,000
Si Charlotte ay malalim na nasilo
ni Hirschfeld at ng kanyang grupo.

527
00:43:37,680 --> 00:43:42,880
Nagbibigay siya
ng payo sa mga bagong trans

528
00:43:42,960 --> 00:43:45,560
na ni hindi marunong pumili ng bestida.

529
00:43:45,640 --> 00:43:48,560
Tinutulungan niya
ang mga taong magkaroon ng tirahan.

530
00:43:49,600 --> 00:43:53,400
Sa wakas, nabubuhay
na sina Charlotte at Toni

531
00:43:53,480 --> 00:43:56,640
at hindi lamang
nagkukumpleto ng prosesong medikal.

532
00:44:00,560 --> 00:44:04,200
Samantala,
naglalakbay sa mundo si Magnus Hirschfeld.

533
00:44:09,200 --> 00:44:12,760
Bagama't 'di na siya pwedeng
magpakita sa publiko sa Alemanya,

534
00:44:12,840 --> 00:44:15,400
pinagdiriwang pa rin siya sa buong mundo.

535
00:44:17,520 --> 00:44:18,920
Kilala na siya

536
00:44:19,000 --> 00:44:22,720
bilang ang
"Hudyo na ginagawang babae" ang Alemanya,

537
00:44:22,800 --> 00:44:25,880
inaakit ang kabataan sa homoseksuwalidad.

538
00:44:25,960 --> 00:44:29,640
Siya talaga
ang numero unong kalabang Nazi.

539
00:44:31,760 --> 00:44:34,760
Nagsisimula nang
mapag-initan sina Charlotte at Toni.

540
00:44:34,840 --> 00:44:38,200
Nagpasya silang
dalawa na umalis sa Institusyon.

541
00:44:40,160 --> 00:44:46,040
Lumipat sila sa isang nakakaawang
apartment na may iisang silid sa Berlin.

542
00:44:53,880 --> 00:44:56,320
Itong dalawang babae

543
00:44:56,400 --> 00:44:59,080
ay nagkaroon
ng masidhing damdamin para sa isa't isa

544
00:45:00,040 --> 00:45:02,560
na si Toni ay lumipat sa Hudaismo.

545
00:45:07,480 --> 00:45:09,080
Nahihirapan akong paniwalaan

546
00:45:09,160 --> 00:45:12,520
na sinuman ay lilipat
sa Hudaismo sa panahong ito

547
00:45:12,600 --> 00:45:16,400
kung hindi talaga nila
mahal ang taong kasama nila.

548
00:45:21,280 --> 00:45:26,040
Pagkatapos nilang umalis,
ito ay panahon na inatake ang Institusyon.

549
00:45:34,840 --> 00:45:37,600
Noong umaga ng ikaanim ng Mayo, 1933,

550
00:45:37,680 --> 00:45:41,640
hinalughog ng isang grupo
ng mga estudyanteng Nazi ang Institusyon.

551
00:45:41,720 --> 00:45:47,480
Hinila ng mga kabataang Nazi mga istante,
tinapunan ng tinta mga dokumento.

552
00:45:48,080 --> 00:45:50,760
Sinira nila ang silid-aklatan,
sinira ang mga silid.

553
00:45:50,840 --> 00:45:53,680
Kabilang dito ang halos 20,000 aklat.

554
00:45:54,560 --> 00:45:57,240
Kumuha sila ng mga larawan nila

555
00:45:57,320 --> 00:46:01,800
na masayang sinisira ang lahat
ng bagay na binuo ni Magnus Hirschfeld.

556
00:46:02,480 --> 00:46:05,480
Ito marahil ang isa
sa mga pinakamapangwasak na karanasan

557
00:46:05,560 --> 00:46:07,000
sa buhay ni Hirschfeld.

558
00:46:08,480 --> 00:46:11,800
Wala si Hirschfeld
sa Instituto nang inatake ito.

559
00:46:11,880 --> 00:46:13,000
Nasa Paris siya.

560
00:46:15,120 --> 00:46:18,640
May mga empleyado pa rin
sa Instituto nang mangyari ang pag-atake,

561
00:46:18,720 --> 00:46:20,160
tulad ni Dorchen Richter.

562
00:46:20,760 --> 00:46:23,880
Ang Instituto ay tahanan
at lugar ng trabaho niya at sinira ito.

563
00:46:23,960 --> 00:46:27,080
At mula sa aming nalalaman,
maaaring siya ay nawasak kasama nito.

564
00:46:28,280 --> 00:46:32,280
Ibinibigay ko sa apoy
ang mga sinulat ni Heinrich Mann,

565
00:46:32,360 --> 00:46:35,640
Ernst Glaeser, Erich Kästner.

566
00:46:36,680 --> 00:46:40,440
Ibinibigay ko sa apoy ang
mga sinulat ng paaralan ni Sigmund Freud.

567
00:46:41,080 --> 00:46:44,360
Pagkalipas ng apat na araw,
sa sikat na pagsunog ng mga libro,

568
00:46:44,440 --> 00:46:48,760
ang mga aklat mula
sa Instituto ay sinunog sa Opernplatz.

569
00:46:55,120 --> 00:46:56,800
Meron pang litrato

570
00:46:56,880 --> 00:47:01,480
ng isa sa mga istatwa
ni Hirschfeld na dinadala sa apoy.

571
00:47:07,960 --> 00:47:09,240
Ang mga larawang ito

572
00:47:10,320 --> 00:47:14,920
ay talagang
nakakatakot tingnan para sa akin.

573
00:47:15,720 --> 00:47:18,960
Dahil aktibo nilang sinusubukan

574
00:47:19,040 --> 00:47:21,240
na sirain ang lahat ng ebidensya

575
00:47:22,200 --> 00:47:24,920
na nabubuhay
ang mga queer at trans na tao.

576
00:47:25,000 --> 00:47:26,600
Nang magka-kontrol ang Nazi,

577
00:47:26,680 --> 00:47:31,640
ito rin ang sumira ng maraming pagkakataon

578
00:47:31,720 --> 00:47:35,280
na nasa Alemanya nang panahong
'yon para sa pagpapahayag ng kasarian,

579
00:47:35,360 --> 00:47:36,960
para sa paglalaro ng kasarian.

580
00:47:37,640 --> 00:47:41,000
Ang mga babae
ay dapat na domestikado sa bahay.

581
00:47:41,080 --> 00:47:44,640
Na kailangan nilang
magkaanak para sa bansa.

582
00:47:44,720 --> 00:47:47,880
Ang mga lalaki naman
ay dapat na may lakas ng pagkalalake

583
00:47:47,960 --> 00:47:50,760
at kailangang makasabak sa digmaan.

584
00:47:52,400 --> 00:47:55,520
Kaya ang eksperimentong ito,

585
00:47:55,600 --> 00:47:59,040
ang mapagpahayag
at mapagparayang panahon ay tapos na.

586
00:47:59,120 --> 00:48:03,200
At ito ay napalitan ng sobra at
napakahigpit na mga tungkulin ng kasarian.

587
00:48:12,400 --> 00:48:15,360
Noong Setyembre ng 1933, si Karl Ernst,

588
00:48:15,440 --> 00:48:17,800
isa sa mga nangungunang kinatawan ni Röhm

589
00:48:17,880 --> 00:48:20,240
na nakilala niya sa isang gay nightclub,

590
00:48:20,320 --> 00:48:22,320
ay biglang nagpakasal sa isang babae.

591
00:48:29,680 --> 00:48:33,120
Ang dalawang best men sa kasal
ay sina Röhm at Hermann Göring,

592
00:48:33,200 --> 00:48:35,240
na siyang Ministrong Panloob ni Hitler.

593
00:48:35,320 --> 00:48:38,240
Naglalakad sila
sa pasilyo sa likod ng ikakasal,

594
00:48:38,320 --> 00:48:41,120
na napapaligiran
ng mga hanay ng mga opisyal ng SA.

595
00:48:46,280 --> 00:48:49,800
Maiisip mo bakit may pakinabang
ang diskarteng ito para kay Röhm

596
00:48:49,880 --> 00:48:51,560
na magpalabas sa publiko

597
00:48:51,640 --> 00:48:55,800
na may pangunahing opisyal ng SA
na si Karl Ernst na nagpakasal sa babae,

598
00:48:55,880 --> 00:48:58,120
na parang sinasabing
"Tsismis lang ang mga ito

599
00:48:58,200 --> 00:49:02,800
at ang mga paramilitar na ito ay walang
kinalaman sa maruming homoseksuwalidad."

600
00:49:06,560 --> 00:49:08,160
Noong Enero ng 1934,

601
00:49:08,240 --> 00:49:12,600
nakatanggap si Röhm ng napakainit
na personal na sulat mula kay Hitler.

602
00:49:13,520 --> 00:49:16,000
"Dapat akong pasalamat,
mahal kong Ernst Röhm,

603
00:49:16,080 --> 00:49:18,080
para sa mga hindi mapapalitang serbisyo

604
00:49:18,160 --> 00:49:21,200
at upang tiyakin sa iyo kung
gaano ako nagpapasalamat sa tadhana

605
00:49:21,280 --> 00:49:25,560
na kaya kong tawagin ang tulad mo
bilang isang kaibigan at kapwa sundalo.

606
00:49:25,640 --> 00:49:29,880
Sa tunay na pagkakaibigan
at pasasalamat. Ang iyong Adolf Hitler."

607
00:49:34,080 --> 00:49:38,400
Nang makuha ang liham, si Röhm ay
nagkakumpiyansang humiling, nang lantaran,

608
00:49:38,480 --> 00:49:40,560
na siya ay maging Ministro ng Depensa.

609
00:49:42,120 --> 00:49:44,000
At sa ganoong paraan,

610
00:49:44,080 --> 00:49:47,480
makukuha
ang 100,000 malakas na Hukbong Aleman

611
00:49:47,560 --> 00:49:51,400
at ipasok ito sa SA at ilagay
ang lahat sa ilalim ng kanyang utos.

612
00:49:57,600 --> 00:49:59,280
Sa simula ng 1934,

613
00:49:59,360 --> 00:50:02,240
naabot ng SA
ang pinakamataas ng dami ng miyembro nito

614
00:50:02,320 --> 00:50:05,280
na may apat
at kalahating milyong miyembro.

615
00:50:07,640 --> 00:50:10,960
Ngayon ito ay isang bagay na
nagdudulot ng mga problema kay Hitler.

616
00:50:13,800 --> 00:50:16,320
Ang ideya na patakbuhin
ni Röhm ang militar ng Aleman

617
00:50:16,400 --> 00:50:19,320
ay sumisindak
sa mga konserbatibo sa Hukbong Aleman

618
00:50:19,400 --> 00:50:22,960
na nagpabaya't sumali
sa pagkakaroon ng kapangyarihan ng Nazi,

619
00:50:23,040 --> 00:50:26,480
ngunit hindi umayon
sa pagkawala ng kanilang mga titulo,

620
00:50:26,560 --> 00:50:28,560
ng kanilang mga tungkulin sa herarkiya.

621
00:50:28,640 --> 00:50:30,120
At kailangan itong ihinto.

622
00:50:32,800 --> 00:50:35,400
Para kay Heinrich Himmler,
mukhang dumating na ang sandali

623
00:50:35,480 --> 00:50:40,400
upang akayin ang kanyang SS
palayo sa anino ni Ernst Röhm at ng SA

624
00:50:40,480 --> 00:50:43,040
at palawakin
ang sarili niyang kapangyarihan.

625
00:50:46,600 --> 00:50:49,360
Ang mga kalaban ni Röhm sa kilusang Nazi,

626
00:50:49,440 --> 00:50:50,240
tulad ni Himmler,

627
00:50:50,320 --> 00:50:55,000
simulan ang pagpapalaganap ng ideya na
si Röhm ay nagpaplano na talagang pumalit,

628
00:50:55,080 --> 00:50:59,840
patalsikin si Hitler
at ituloy ang kanyang sariling rebolusyon.

629
00:51:01,920 --> 00:51:03,960
Nagtagumpay sila kumbinsihin si Hitler

630
00:51:04,040 --> 00:51:06,640
na ang banta'y
'di maiiwasan at kailangang kumilos.

631
00:51:07,240 --> 00:51:11,920
Ginamit nila ang seksuwalidad
ni Röhm para subukang pigilan siya.

632
00:51:19,680 --> 00:51:21,400
Tag-araw ng 1934 noon.

633
00:51:21,480 --> 00:51:24,760
Inimbitahan ni Hitler si Röhm at iba pang

634
00:51:24,840 --> 00:51:29,760
nangungunang tenyente ng SA
upang magpahinga sa Tegernsee sa Bavaria.

635
00:51:31,880 --> 00:51:35,680
At sila'y nagsasaya
ng magkakasama sa mga araw ng tag-init.

636
00:51:45,840 --> 00:51:48,880
Makikita n'yo
na 'di nagpunta si Röhm sa lawa na ito

637
00:51:48,960 --> 00:51:50,760
para magplano ng pagpapalit.

638
00:51:50,840 --> 00:51:52,440
Inakala n'yang nasa bakasyon siya.

639
00:51:57,000 --> 00:52:00,360
Madaling araw noong ika-30 ng Hunyo, 1934.

640
00:52:01,040 --> 00:52:03,400
Tulog si Ernst Röhm
sa kanyang silid sa hotel.

641
00:52:05,240 --> 00:52:07,720
Pero sina Hitler
at Goebbels ay patungo sa Bavaria.

642
00:52:15,960 --> 00:52:19,520
Kaya pumunta kaagad si Hitler
sa hotel na ito sa Lake Tegernsee.

643
00:52:19,600 --> 00:52:21,160
At kasama ng SS troop

644
00:52:21,240 --> 00:52:24,400
personal na pumasok ng kwarto ni Röhm.

645
00:52:26,480 --> 00:52:29,480
Pagpasok niya,
inakusahan niya si Röhm ng pagtataksil.

646
00:52:29,560 --> 00:52:31,120
-Magbihis ka!
-Labas!

647
00:52:31,840 --> 00:52:34,240
Sa puntong ito, maaaring nalilito si Röhm,

648
00:52:34,320 --> 00:52:37,120
iniisip na lahat ng ito
ay isang hindi pagkakaunawaan.

649
00:52:39,120 --> 00:52:42,680
Marami sa ibang nangungunang
mga lalaki sa SA at si Röhm ang inaresto

650
00:52:42,760 --> 00:52:45,320
at dinala sa kulungan
ng Stadelheim sa Munich.

651
00:52:46,240 --> 00:52:49,000
Ang anim dito
ay binaril kaagad sa kinatatayuan nila.

652
00:52:56,600 --> 00:52:58,800
Pagkalipas ng dalawang araw,

653
00:52:58,880 --> 00:53:02,800
nagpasya si Hitler na alukin
kay Röhm ang barilin ang sarili.

654
00:53:07,240 --> 00:53:08,880
Ang tugon ni Röhm ay,

655
00:53:08,960 --> 00:53:11,960
"Kung papatayin ako,
hayaang n'yong si Adolf ang gumawa nito."

656
00:53:14,880 --> 00:53:17,280
At nang tumanggi si Röhm na magpakamatay,

657
00:53:17,360 --> 00:53:19,640
pinatay siya ng dalawang opisyal ng SS.

658
00:53:36,560 --> 00:53:39,360
Noong ika-30 ng Hunyo
at sa sumunod na dalawang araw,

659
00:53:39,440 --> 00:53:42,640
mahigit 90 katao ang binaril,

660
00:53:42,720 --> 00:53:45,000
at humigit-kumulang
1,000 tao ang inaresto.

661
00:53:45,080 --> 00:53:49,120
Kabilang sa kanila ay 'di lang si Ernst
Röhm at ang ilan sa mga tauhan ng SA,

662
00:53:49,200 --> 00:53:52,320
pati na rin ang mga kalaban
sa pulitika at mga parlyamentaryo.

663
00:53:53,120 --> 00:53:57,320
Ito ang unang malawakang pagpatay
na ginawang lehitimo ng estado sa rehimen.

664
00:53:57,400 --> 00:54:02,280
KAPITAN RÖHM PINATAY

665
00:54:02,360 --> 00:54:06,840
MAHIGIT TRENTANG PINUNO PINATAY

666
00:54:06,920 --> 00:54:08,200
Sinabihan ang publiko

667
00:54:08,280 --> 00:54:11,360
na ang mga ito
ay nagpaplano ng kudeta laban kay Hitler

668
00:54:11,440 --> 00:54:14,920
ngunit hindi 'yon isang
kuwento na paniniwalaan ng mga tao.

669
00:54:15,000 --> 00:54:17,720
Nabigyang-katwiran ni Hitler
ang mga pagpatay

670
00:54:17,800 --> 00:54:21,920
sa pagsasabing tumaas
ang seksuwal na kahalayan sa loob ng SA

671
00:54:22,000 --> 00:54:25,680
na sinisira nila ang reputasyon
ng Pambansang Sosyalismo.

672
00:54:25,760 --> 00:54:29,560
ANG KAYUMANGGING BAHAY
NG MGA HOMOSEKSUWAL

673
00:54:30,160 --> 00:54:32,640
Nagbigay si Hitler
ng talumpati at sinipi ko,

674
00:54:32,720 --> 00:54:36,560
"Gusto ko lalo na ang bawat ina
ay maihandog ang kanyang anak sa SA,

675
00:54:36,640 --> 00:54:38,160
sa Party o sa Hitler Youth

676
00:54:38,240 --> 00:54:42,200
ng walang takot na baka siya'y maging
masama sa aspetong moral o sekswal.

677
00:54:44,680 --> 00:54:48,600
Gusto ko makita ang mga lalaki na opisyal
ng SA at 'di kamuhi-muhing mga unggoy."

678
00:54:59,400 --> 00:55:02,600
Ito ay isang malaking iskandalo.

679
00:55:02,680 --> 00:55:05,960
Ito ay nasa
bawat pahayagan. Sa unang pahina.

680
00:55:06,040 --> 00:55:12,480
Nag-utos ako na barilin
ang nagkasala sa pagtataksil na ito.

681
00:55:12,560 --> 00:55:16,440
At ipinagpatuloy ko ang pag-uutos

682
00:55:16,520 --> 00:55:21,960
upang alisin ang mga ulser
sa pagkalason sa ating panloob na balon.

683
00:55:22,040 --> 00:55:24,800
Narinig ko siguro sa radyo,

684
00:55:24,880 --> 00:55:29,440
dahil napakalinaw
ng alaala ko sa sandaling iyon

685
00:55:29,520 --> 00:55:33,800
nang mapagtanto ko ang nangyayari.

686
00:55:33,880 --> 00:55:36,680
At ito ay nakakatakot,

687
00:55:36,760 --> 00:55:42,040
hindi mahalaga
kung ikaw ay homoseksuwal o hindi.

688
00:55:42,120 --> 00:55:45,880
Ngunit bilang isang tao.
Maaaring mangyari ito sa sinuman.

689
00:55:48,880 --> 00:55:52,080
At ipinakita nito
kung sino talaga si Hitler.

690
00:56:02,000 --> 00:56:05,360
Ang katotohanang ang SS
ang nagtutulak sa mga pagpatay sa SA,

691
00:56:05,440 --> 00:56:09,880
muling ipinakita ni Himmler
ang kanyang katapatan kay Hitler.

692
00:56:10,480 --> 00:56:14,160
At pinasalamatan siya ni Hitler
sa pagtupad ng hiling ni Himmler

693
00:56:14,240 --> 00:56:16,560
na ihiwalay ang SS sa SA.

694
00:56:16,640 --> 00:56:19,480
Ang SS ay direktang
napapailalim sa utos ni Hitler.

695
00:56:21,800 --> 00:56:24,760
Iyan ang
matagal nang gusto ni Heinrich Himmler.

696
00:56:26,880 --> 00:56:33,720
Ito ang naghanda sa pag-angat
ni Himmler at ng kanyang karera.

697
00:56:35,760 --> 00:56:37,480
Pagkatapos ng mga pagpatay kay Röhm,

698
00:56:37,560 --> 00:56:42,480
pinangangasiwaan niya ang
pulisya sa lahat ng estado ng Alemanya.

699
00:56:42,560 --> 00:56:45,880
Hanggang sa siya'y naging pinuno
ng buong puwersa ng pulisya ng Alemanya

700
00:56:45,960 --> 00:56:49,400
at Reichsführer SS
at ang Gestapo sa iisang tao.

701
00:56:53,560 --> 00:56:57,320
Si Heinrich Himmler ay naging
pinuno sa paglaban sa homoseksuwalidad.

702
00:56:57,400 --> 00:57:00,960
Ang kanyang layunin
ay puksain ang homoseksuwalidad.

703
00:57:01,840 --> 00:57:04,480
"Ibinababa
ng homoseksuwalidad ang bawat tagumpay

704
00:57:04,560 --> 00:57:07,240
at sinisira ang estado
sa mga pundasyon nito.

705
00:57:07,320 --> 00:57:09,640
Kasi 'yung mga taong maraming anak lang

706
00:57:09,720 --> 00:57:13,080
ang may karapatan sa pandaigdig
na kapangyarihan at dominasyon dito.

707
00:57:13,720 --> 00:57:16,920
Ang homoseksuwalidad
ay dapat labanan sa lahat ng paraan,

708
00:57:17,000 --> 00:57:21,200
kung hindi, ito ang katapusan ng Alemanya,
ang katapusan ng mundong Aleman."

709
00:57:21,280 --> 00:57:23,840
Tayo ang espada ng rebolusyon.

710
00:57:25,520 --> 00:57:28,560
Ang tanging kaaway
na hindi na nagdudulot ng pinsala

711
00:57:29,440 --> 00:57:32,480
ay ang patay at nalipol na.

712
00:57:33,240 --> 00:57:36,840
Ang mga naunang
nai-file sa rosas na listahan

713
00:57:36,920 --> 00:57:40,000
ay 'di lang ngayon
nasa ilalim ng mga Aleman na pulis

714
00:57:40,080 --> 00:57:42,440
ngunit pati na rin ng Gestapo.

715
00:57:47,600 --> 00:57:54,320
May 'di inasahang pagdagsa
ng pag-uusig at kriminal na paniniwala.

716
00:57:56,280 --> 00:58:01,600
Ang mga gay na lalaki ay direktang
inuusig sa pamamagitan ng talata 175.

717
00:58:02,320 --> 00:58:06,160
Ngunit ang mga trans at lesbian
ay inuusig din sa ilalim ng rehimeng Nazi,

718
00:58:06,240 --> 00:58:08,960
ngunit sa mas
hindi direkta at masalimuot na paraan.

719
00:58:09,040 --> 00:58:12,800
Maaari silang ma-target sa
pamamagitan ng pagtawag sa "asozial"

720
00:58:12,880 --> 00:58:15,080
o hindi pagiging angkop
sa Volksgemeinschaft.

721
00:58:19,320 --> 00:58:21,440
Marami rin ang nagulat

722
00:58:21,520 --> 00:58:24,400
kung gaano kabilis
ang pakikialam ng mga pulis.

723
00:58:24,480 --> 00:58:27,160
Ang bilis mong mapupunta sa korte.

724
00:58:27,760 --> 00:58:29,920
'Di nila alam protektahan sarili nila.

725
00:58:30,000 --> 00:58:31,680
May mga address book sila sa bahay

726
00:58:31,760 --> 00:58:36,520
na biglang ginamit
bilang ebidensya sa korte.

727
00:58:38,120 --> 00:58:43,920
Ang pagtuligsa ay malinaw na ninanais at
ang populasyon ng Alemanya ay naghahatid.

728
00:58:44,000 --> 00:58:46,640
Nanonood ang
mga kapitbahay na may mga bisita ka.

729
00:58:47,200 --> 00:58:50,200
Na nagsara ka ng kurtina sa kuwarto.

730
00:58:50,880 --> 00:58:56,960
Iniulat nila na ang mga babae ay
nagsusuot ng pantalon at mukhang lesbian.

731
00:58:57,840 --> 00:59:02,400
Isang apela sa pulisya
na tanggalin ang mga indibiduwal na ito

732
00:59:02,480 --> 00:59:06,440
na hindi na kinukunsinti
ng National Socialist Alemanya.

733
00:59:13,320 --> 00:59:17,400
Sa pagitan ng 1933 at 1936,

734
00:59:17,480 --> 00:59:20,280
si Manasse ay naghahanap ng mga paraan

735
00:59:20,360 --> 00:59:24,120
upang manirahan sa labas ng Alemanya.

736
00:59:24,680 --> 00:59:27,520
At sinusubukan nilang magkita,
maging sa Berlin,

737
00:59:27,600 --> 00:59:30,960
o sa mga lungsod kung saan
naglalaro ng tennis si Gottfried,

738
00:59:31,040 --> 00:59:33,240
para tuloy silang magkita.

739
00:59:34,080 --> 00:59:37,520
Malamang ay naging
nakakapagod ito at nakakalungkot din.

740
00:59:38,120 --> 00:59:39,680
Ito ay batang pag-ibig.

741
00:59:41,160 --> 00:59:45,920
Ang magaan sa pakiramdam
ay naging mabigat na tanong na,

742
00:59:46,000 --> 00:59:48,600
"Paano ako aalis dito?
Paano ako mananatiling ligtas?"

743
00:59:58,240 --> 01:00:00,440
May huling pagtatagpo,

744
01:00:00,520 --> 01:00:05,720
na magiging huling gabi na
magkasama sila sa loob ng maraming taon.

745
01:00:08,640 --> 01:00:10,800
Inilipat ni Gottfried kay Manasse ang pera

746
01:00:10,880 --> 01:00:13,360
na napanalunan niya
sa iba't ibang paligsahan.

747
01:00:13,440 --> 01:00:17,880
Binibigyang-daan nito si Manasse
na lumipat sa Palestine sa simula ng 1936,

748
01:00:18,480 --> 01:00:19,720
kung saan siya ligtas.

749
01:00:26,200 --> 01:00:31,040
Sa taon ding 'yon, nawala rin sa kanya
si Lisa nang ito ay maghain ng diborsyo.

750
01:00:31,760 --> 01:00:38,400
At napagalaman sa mga huling
sulat niya na pinagsisisihan ni Lisa ito.

751
01:00:38,480 --> 01:00:40,400
Pero kumbinsido rin si Lisa

752
01:00:40,480 --> 01:00:44,000
na hindi niya kayang
panindigan ang dakilang pag-ibig na ito

753
01:00:44,080 --> 01:00:47,160
na mayroon si Gottfried para sa tennis.

754
01:00:48,520 --> 01:00:52,640
Sinabi niya na kung ipinagpatuloy
niya ang buhay na ito kasama niya,

755
01:00:53,440 --> 01:00:56,400
kailangan niyang isuko
ang lahat ng mahalaga sa kanya.

756
01:00:56,480 --> 01:00:58,800
Dahil halos wala
ng silid na natitira para sa kanya.

757
01:01:02,720 --> 01:01:06,400
1937

758
01:01:07,960 --> 01:01:13,480
Isa sa pinakadakilang mga laban
sa tennis sa karera ni Gottfried von Cramm

759
01:01:13,560 --> 01:01:16,880
ay ang 1937 Davis Cup sa Wimbledon.

760
01:01:16,960 --> 01:01:20,440
Kalaban n'ya ang kanyang
Amerikanong katunggali na si Donald Budge.

761
01:01:22,480 --> 01:01:27,000
Si Gottfried ay isa sa pinakasikat
na mga atleta sa mundo sa panahong ito.

762
01:01:27,080 --> 01:01:32,840
Inaasahan ng rehimeng Nazi na
mananalo ang kanilang manlalaro ng tennis.

763
01:01:34,680 --> 01:01:39,800
Mayroong 15,000
na manonood, si Queen Mary mismo

764
01:01:39,880 --> 01:01:43,080
at ang publiko sa mundo ay naroroon.

765
01:01:43,160 --> 01:01:45,360
Hindi pa ito nangyari dati.

766
01:01:45,440 --> 01:01:48,120
Ang laban na ito
ay naaalala hanggang ngayon

767
01:01:48,200 --> 01:01:51,600
bilang isa sa pinakadakilang
mga laban sa tennis sa lahat ng panahon.

768
01:01:53,840 --> 01:01:56,200
Mayroong isang anekdota ni Donald Budge

769
01:01:56,280 --> 01:02:01,520
na si Gottfried ay nakatanggap
ng tawag sa telepono bago ang laro,

770
01:02:01,600 --> 01:02:03,080
galing daw kay Hitler,

771
01:02:03,160 --> 01:02:06,600
nagbabanta
na kung hindi siya manalo sa laban na ito,

772
01:02:08,200 --> 01:02:10,200
hindi na niya siya kayang protektahan.

773
01:02:11,480 --> 01:02:12,960
Wimbledon finals,

774
01:02:13,680 --> 01:02:15,520
kung saan sa kampeonatong big men

775
01:02:15,600 --> 01:02:18,040
ay makikita
si Baron von Cramm, una sa Davis Cup,

776
01:02:18,120 --> 01:02:20,280
na nag-serve
kay Donald Budge ng California,

777
01:02:20,360 --> 01:02:23,560
Wimbledon Champion at ang
walang kapantay na Yankee ngayong taon.

778
01:02:25,160 --> 01:02:26,920
Si Budge ay nasa malapit na court.

779
01:02:33,440 --> 01:02:34,240
Deuce.

780
01:02:39,920 --> 01:02:44,120
Habang tumagal ang laro,
nagmumukhang si Gottfried

781
01:02:44,200 --> 01:02:46,400
ay parang panalo na.

782
01:02:50,040 --> 01:02:51,920
Binigay ang bentahe.

783
01:02:55,800 --> 01:02:56,920
Tahimik, pakiusap.

784
01:03:07,400 --> 01:03:09,120
Si Budge ay nasa malayong court.

785
01:03:12,920 --> 01:03:17,920
Sa pinakadulo, sa ikalimang set,
natalo siya ng walo hanggang anim

786
01:03:18,960 --> 01:03:23,440
at ginawa ang bagay
kung saan siya naging tanyag.

787
01:03:23,520 --> 01:03:25,800
Pinararangalan niya ang nanalo.

788
01:03:26,320 --> 01:03:32,880
Mahal kong Don, nais kong
batiin ka sa iyong mahusay na paglalaro.

789
01:03:33,760 --> 01:03:37,440
Sa tingin ko, karapat-dapat kang manalo
sa bawat kampeonato sa mundo ngayon.

790
01:03:37,520 --> 01:03:40,040
Pero gagawin ko
ang lahat para maiwasan iyon.

791
01:03:40,120 --> 01:03:41,680
Napakahusay mong manlalaro.

792
01:03:41,760 --> 01:03:45,320
Napakabait mo, mahal
kong Donald. Maraming salamat talaga.

793
01:03:45,920 --> 01:03:49,800
Natuwa ang
mga manonood at naunawaan ng lahat

794
01:03:49,880 --> 01:03:51,800
na itong manlalaro ng tennis,

795
01:03:51,880 --> 01:03:56,160
kahit na siya ay para sa Alemanyang
Nazi ay hindi katulad n Alemanyang Nazi.

796
01:04:00,960 --> 01:04:03,640
Ito ay humantong sa tanong.

797
01:04:04,800 --> 01:04:06,880
Nagsisilbi pa ba siya sa rehimen?

798
01:04:11,480 --> 01:04:14,920
Pagkatapos ng pagkatalo,
pumunta si Gottfried sa isang world tour,

799
01:04:15,000 --> 01:04:18,520
nagmamadaling tutungo mula sa isang
paligsahan ng tennis hanggang sa susunod.

800
01:04:18,600 --> 01:04:21,200
Sa isang press conference ay tinanong siya

801
01:04:21,280 --> 01:04:25,760
kung ano ang iniisip niya tungkol
sa pag-uusig sa mga Hudyo sa Alemanya.

802
01:04:25,840 --> 01:04:28,800
At malinaw niyang sinasabi
na hindi siya sang-ayon dito.

803
01:04:28,880 --> 01:04:33,560
Hindi niya inililihim ang kanyang
pagkaayaw sa Pambansang Sosyalismo.

804
01:04:33,640 --> 01:04:37,120
Lalo niyang inilalagay
ang sarili sa panganib.

805
01:04:42,680 --> 01:04:45,600
1938

806
01:04:48,480 --> 01:04:54,200
LIBRENG ALEMAN TINATANGGAP
KAYO NG AUSTRIA

807
01:04:58,480 --> 01:05:01,280
ISANG TAO, ISANG REICH, ISANG FÜHRER

808
01:05:07,600 --> 01:05:10,960
Ang mga Austrian
ay naging mga Nazi sa magdamag.

809
01:05:19,000 --> 01:05:24,920
Mayroon siyang 400,000 tao sa Heldenplatz

810
01:05:25,000 --> 01:05:26,760
na pumapalakpak para sa kanya.

811
01:05:27,800 --> 01:05:32,120
Bilang Pinuno at Chancellor
ng bansang Alemanya at Reich,

812
01:05:32,880 --> 01:05:35,560
ipinapahayag ko ngayon
sa harap ng kasaysayan ng Aleman

813
01:05:35,640 --> 01:05:40,080
ang pagpasok
ng aking tinubuang-bayan sa German Reich.

814
01:05:41,040 --> 01:05:43,800
Heil! Heil!

815
01:05:55,760 --> 01:05:59,080
ANG MGA HUDYO AY MGA KRIMINAL

816
01:05:59,160 --> 01:06:03,760
Kung nasa kalye ka, ang buong
lungsod ay puno ng mga paskil na ito,

817
01:06:03,840 --> 01:06:05,240
"Bawal ang mga Hudyo."

818
01:06:05,320 --> 01:06:07,480
May mga paskil saan ka man tumingin.

819
01:06:07,560 --> 01:06:10,240
NEGOSYONG HINDI ARYAN
ANG HERZMANSKY AY ARYAN MULI

820
01:06:10,840 --> 01:06:13,640
Ngunit lumabas pa rin ako sa kalye.

821
01:06:16,040 --> 01:06:18,400
Talagang gumala sa lungsod.

822
01:06:20,320 --> 01:06:23,120
Bigla akong nakakita ng maraming tao.

823
01:06:23,200 --> 01:06:26,000
Naroon ang aking tiyahin
na si Gretel at nakaluhod,

824
01:06:26,080 --> 01:06:30,960
sa pamamagitan ng toothbrush,
pinilit na nililinis ang semento ng kalye.

825
01:06:32,760 --> 01:06:37,000
HUDYO

826
01:06:45,680 --> 01:06:51,560
Isang araw matapos dumating ni Hitler,
isang liham sa asul na sobre ang dumating.

827
01:06:54,280 --> 01:06:55,520
"Mahal na Walter,

828
01:06:57,560 --> 01:07:01,120
Mula nang bisitahin mo ako,
naging nakakatakot na sa Budapest.

829
01:07:01,720 --> 01:07:03,600
Hindi mo ito makikilala.

830
01:07:04,720 --> 01:07:06,920
Nabalitaan ko rin
ang nangyayari sa Vienna.

831
01:07:07,440 --> 01:07:10,200
Kamusta ka? Ligtas ka ba?

832
01:07:11,520 --> 01:07:15,720
Kailangang isuko ng mga magulang ko
ang negosyo, kahit nagbalik-loob kami.

833
01:07:16,320 --> 01:07:18,840
Sinusubukan nila
kaming dalhin sa ibang bansa,

834
01:07:18,920 --> 01:07:21,840
ngunit wala kaming
kamag-anak o malapit na kaibigan,

835
01:07:21,920 --> 01:07:22,960
maliban sa iyo.

836
01:07:24,000 --> 01:07:27,280
Nasa lahat ng dako
ang mga Nazi at natatakot ako.

837
01:07:29,640 --> 01:07:31,640
Makakatulong ka ba sa anumang paraan?

838
01:07:32,840 --> 01:07:34,080
Ano ang gagawin mo?

839
01:07:35,480 --> 01:07:40,600
Kung pupunta ka, isama mo ako
at sulatan mo kaagad. Ang iyong Lumpi."

840
01:07:44,560 --> 01:07:47,120
Ito ay isang desperadong sulat.

841
01:07:47,200 --> 01:07:50,920
Pero hindi ko na ito sinagot

842
01:07:51,000 --> 01:07:53,400
kasi kami ay nasa isang

843
01:07:53,480 --> 01:07:59,560
napaka delikadong sitwasyon
sa Vienna nang ito ay dumating.

844
01:08:01,720 --> 01:08:03,920
Nang gabing iyon,

845
01:08:04,000 --> 01:08:08,280
dumating sila sa apartment namin
ng alas-dos ng madaling araw

846
01:08:08,360 --> 01:08:10,480
at kinuha ang aking ama.

847
01:08:12,120 --> 01:08:13,840
Dinala siya sa Dachau.

848
01:08:14,920 --> 01:08:18,760
Ito ay kakila-kilabot.
Paano ko kaya siya matutulungan?

849
01:08:21,279 --> 01:08:22,319
Oo.

850
01:08:23,120 --> 01:08:26,000
Iyon na ang
katapusan namin Lumpi para sa akin.

851
01:08:52,640 --> 01:08:58,640
Mapalad ka, Panginoon
naming Diyos, pinuno ng sansinukob.

852
01:09:00,080 --> 01:09:02,920
Na Siyang nagpabanal sa atin
dahil sa Kanyang mabubuting gawa,

853
01:09:04,120 --> 01:09:07,479
at inutusan kaming
magsindi ng kandila para sa Sabbath.

854
01:09:17,800 --> 01:09:22,040
Noong gabi ng ikasiyam
hanggang ikasampu ng Nobyembre, 1938,

855
01:09:22,120 --> 01:09:26,040
ang "November pogrom"
ay nagaganap sa buong Reich.

856
01:09:30,600 --> 01:09:34,880
Ito'y walang kabuluhang tinawag
na "Reichskristallnacht" ng matagal.

857
01:09:35,399 --> 01:09:37,760
Nang gabing ito,
ang mga sinagoga at mga gusali

858
01:09:37,840 --> 01:09:40,840
ng negosyo ng mga Hudyo
ay nasusunog sa buong Alemanya.

859
01:09:40,920 --> 01:09:45,640
Ang mga gusali ng tirahan
ay ginalugad, ninakawan at sinira.

860
01:09:46,399 --> 01:09:51,120
Maraming Hudyo ang inaresto,
at dinala sa mga kampong piitan.

861
01:09:56,279 --> 01:10:01,480
Ito ay siguradong panahon
na 'di mapakali sina Charlotte at Toni.

862
01:10:04,960 --> 01:10:08,720
Gumawa sila ng desisyon
na tumakas papuntang Czechoslovakia

863
01:10:08,800 --> 01:10:11,160
kung saan
sa tingin nila ay mas ligtas ito.

864
01:10:11,240 --> 01:10:12,280
Sa ngayon.

865
01:10:15,520 --> 01:10:17,240
Isang malamig na Marso

866
01:10:17,320 --> 01:10:21,560
nang bumalik si Gottfried pagkatapos
ng anim na buwang paglilibot sa mundo.

867
01:10:21,640 --> 01:10:24,160
At sa unang gabi nang pagbabalik niya,

868
01:10:24,240 --> 01:10:28,200
nag-hapunan siya
kasama ang kanyang ina at mga kapatid.

869
01:10:29,400 --> 01:10:31,320
Nagkaroon ng hapunan sa Brüggen,

870
01:10:32,400 --> 01:10:33,960
kung saan magkasama ang lahat

871
01:10:35,000 --> 01:10:39,200
at pagkatapos ay biglang,
kumatok, kumatok sa pintuan ng langit.

872
01:10:39,800 --> 01:10:42,640
Lumabas si Lola
at bumalik na namumutla, at sinabing,

873
01:10:42,720 --> 01:10:45,280
"Gottfried, kailangan mong lumabas."

874
01:10:45,880 --> 01:10:48,880
May dalawang lalaking
Gestapo at kinuha siya kaagad.

875
01:10:49,880 --> 01:10:51,440
Doon siya nakakulong.

876
01:10:52,040 --> 01:10:56,200
Ang pag-aresto ay itinanghal
sa isang napaka-teatrikong paraan.

877
01:10:56,280 --> 01:11:00,000
Puwede naman silang magpadala
ng liham na pinapupunta siya sa istasyon.

878
01:11:00,080 --> 01:11:04,760
Ngunit sa palagay ko,
ito ay sadyang sinadya ng rehimeng Nazi

879
01:11:04,840 --> 01:11:06,480
upang gawin ito sa publiko.

880
01:11:15,120 --> 01:11:17,600
INARESTO SA ALEMANYA
BARON GOTTFRIED VON CRAMM

881
01:11:18,920 --> 01:11:20,680
Noong ika-14 ng Mayo, 1938,

882
01:11:20,760 --> 01:11:26,720
siya ay sinentensiyahan ng isang taon
na makulong sa paglabag sa talata 175.

883
01:11:27,560 --> 01:11:31,160
Ang naging dahilan ay ang limang
taong relasyon nila ni Manasse Herbst.

884
01:11:31,240 --> 01:11:33,400
"Ang malubhang dahilan ay ang katotohanan

885
01:11:33,480 --> 01:11:37,800
na ang nasasakdal
ay nagsasagawa ng homosexual na aktibidad

886
01:11:37,880 --> 01:11:39,880
sandali lang matapos ang kasal niya.

887
01:11:39,960 --> 01:11:42,960
Ang pinakamatinding
bagay ay ang nasasakdal,

888
01:11:43,040 --> 01:11:45,280
sa posisyon niya sa Alemanyang palakasan,

889
01:11:45,880 --> 01:11:48,320
at sa kanyang pangalan
na kilala sa buong mundo,

890
01:11:48,400 --> 01:11:49,320
ay 'di nag-atubili

891
01:11:49,400 --> 01:11:55,160
sa homoseksuwal na
pakikipagtalik sa Hudyong Galiciano."

892
01:12:01,160 --> 01:12:03,840
Masuwerte na si Manasse Herbst

893
01:12:04,600 --> 01:12:07,880
ay umalis sa Alemanya noong panahong iyon.

894
01:12:07,960 --> 01:12:09,760
Kung hindi, hindi siya nakaligtas.

895
01:12:14,920 --> 01:12:19,640
Sa panahon ng
Third Reich, tinatayang 100,000 lalaki

896
01:12:19,720 --> 01:12:23,280
ay kinasuhan sa ilalim
ng batas na kontra-gay ng Alemanya.

897
01:12:23,360 --> 01:12:25,800
Mga 50,000 ang tinatayang

898
01:12:25,880 --> 01:12:28,920
matagumpay na nausig.

899
01:12:29,520 --> 01:12:32,120
Sa pagitan ng 5,000 at 15,000

900
01:12:32,200 --> 01:12:34,080
ang namatay sa mga kampong konsentrasyon.

901
01:12:37,840 --> 01:12:40,480
Ang mga kampo ng konsentrasyon

902
01:12:40,560 --> 01:12:45,640
ay isang nakakatakot na kasangkapan
na ginamit ng Nazi mula pa noong simula.

903
01:12:45,720 --> 01:12:48,000
Mga bilanggo
na kinasuhan ng homoseksuwalidad

904
01:12:48,080 --> 01:12:50,800
ay humaharap
sa sobrang tinding pang-aabuso.

905
01:12:50,880 --> 01:12:54,200
'Di sila makahanap
ng pagkakaisa sa ibang grupong nakakulong.

906
01:12:54,280 --> 01:12:56,480
TSAPA NG MGA PRESO
SA KAMPO KONSENTRASYON

907
01:12:56,560 --> 01:12:59,480
Dapat magsuot ng rosas
na tatsulok ang mga homoseksuwal.

908
01:12:59,560 --> 01:13:01,600
MGA SAKSI NI JEHOVA, HOMOSEKSUWAL

909
01:13:02,200 --> 01:13:06,720
Sila ay sapilitang pinagtrabaho
sa pinakamalupit at matinding kondisyon.

910
01:13:06,800 --> 01:13:09,080
Ang nutrisyon ay talagang nakapipinsala,

911
01:13:09,160 --> 01:13:13,400
at maraming bilanggo ang namamatay
mula sa hindi masabi na mga kondisyon.

912
01:13:14,200 --> 01:13:18,120
Ang ilang mga bilanggo ay inaabuso
para sa mga medikal na eksperimento,

913
01:13:18,200 --> 01:13:20,800
at hindi lahat ay nabuhay.

914
01:13:21,680 --> 01:13:25,320
May posibilidad din na makapon

915
01:13:25,400 --> 01:13:27,560
kasama ang alok o pangako

916
01:13:27,640 --> 01:13:30,560
na siya ay pahihintulutang
makaalis ng kampo ng konsentrasyon.

917
01:13:30,640 --> 01:13:33,480
Ngunit alam natin
mula sa iba't ibang mga dokumento

918
01:13:33,560 --> 01:13:36,440
na marami pa rin ang hindi nakalabas.

919
01:13:55,800 --> 01:14:00,200
Marami sa mga bilanggong
inakusahan ng homoseksuwalidad,

920
01:14:00,280 --> 01:14:02,400
na kadalasan ay batay sa mga pagtuligsa,

921
01:14:03,080 --> 01:14:05,680
ay hindi nakaligtas
sa pagkakakulong sa kampo.

922
01:14:06,320 --> 01:14:11,920
Pinakamataas na inabot ng kanilang
pag-uusig ay nasa pagitan ng 1937 at 1939.

923
01:14:12,800 --> 01:14:17,000
Agad-agad, bago sinimulan
ni Hitler ang digmaan laban sa Europa.

924
01:14:20,840 --> 01:14:25,200
Hindi ito tulad ng hempsidyo ng mga Hudyo.

925
01:14:25,800 --> 01:14:30,040
'Di inisip ng Nazi na kailangan
nilang patayin ang lahat ng homoseksuwal.

926
01:14:30,120 --> 01:14:33,040
Ang gusto nilang gawin
ay mawala ang homoseksuwalidad.

927
01:14:39,280 --> 01:14:43,160
Noong 1941, inilipat ni Hitler ang gawain

928
01:14:43,240 --> 01:14:46,840
ng tinaguriang "huling solusyon
ng mga Hudyo" kay Heinrich Himmler.

929
01:14:47,400 --> 01:14:50,320
Ibig sabihin,
nakuha ni Heinrich Himmler ang utos

930
01:14:50,920 --> 01:14:55,000
upang puksain lahat
ng Aleman at Europeyong Hudyo.

931
01:14:57,320 --> 01:15:01,400
Sa Czechoslovakia,
pinuntahan ng Aliens Police si Charlotte.

932
01:15:02,120 --> 01:15:03,960
Inaresto siya

933
01:15:04,040 --> 01:15:09,320
habang nagdiriwang sila ni Toni
ng kanilang ikasampung anibersaryo.

934
01:15:12,040 --> 01:15:15,800
Malapit na siyang
makulong sa kampong konsentrasyon.

935
01:15:18,720 --> 01:15:22,320
Nataranta si Toni.
At tumakbo siya sa Konsul ng Swiss.

936
01:15:22,400 --> 01:15:26,800
At inalerto ang awtoridad
sa katotohanan si Charlotte ay Amerikano.

937
01:15:26,880 --> 01:15:33,760
Kalaunan, si Charlotte ay isinakay
sa bangka at ipinadala sa New York.

938
01:15:34,320 --> 01:15:39,000
Nangyari ito dahil nag-isip si Toni
kung paano niya siya maaalis sa sitwasyon.

939
01:15:39,080 --> 01:15:41,760
Kung hindi ay napunta siya
sa isang kampo ng pagpuksa.

940
01:15:47,840 --> 01:15:49,960
Pinaghiwalay sila noon habangbuhay nila.

941
01:15:50,040 --> 01:15:52,000
Hindi na sila muling nagkita.

942
01:16:14,240 --> 01:16:17,920
1945
WAKAS NG DIGMAAN

943
01:16:50,320 --> 01:16:53,560
Buong buhay ko hinahanap ko si Lumpi.

944
01:16:55,240 --> 01:16:58,560
Gusto kong malaman kung nasaan siya.
Ano'ng nangyari sa kanya.

945
01:17:06,520 --> 01:17:11,960
KAMPO NG PAGTATRABAHO
HARKA, HUNGARY 1946

946
01:17:22,720 --> 01:17:26,560
Ngayon ko lang
nakita ang mga larawang ito.

947
01:17:26,640 --> 01:17:29,920
Ngayon lang naliwanagan ang lahat.

948
01:17:36,280 --> 01:17:39,200
Siya ay nasa isang kampo
ng pagtatrabaho at namatay sa gutom.

949
01:17:42,200 --> 01:17:47,720
Nakakakilabot ang bagay na ito.
Para sa akin… ang mamatay nang ganoon.

950
01:17:48,320 --> 01:17:52,200
Hindi ito nararapat sa kanya.

951
01:17:55,080 --> 01:18:00,560
BIKTIMA NG HARKA

952
01:18:00,640 --> 01:18:01,920
Grabe.

953
01:18:02,000 --> 01:18:03,200
At ano ang nakikita ko?

954
01:18:03,840 --> 01:18:10,400
Ang malaking batong ito sa larawan
kung saan nakasulat ang kanyang pangalan,

955
01:18:10,480 --> 01:18:15,280
"Fülöp Loránt", 24 na taon o 25.

956
01:18:33,040 --> 01:18:36,520
Tulad ng sabi sa Vienna, ito
ay masyadong marami upang i-verkiefeln.

957
01:18:36,600 --> 01:18:42,440
Ito'y 'di katangga-tanggap, kung 'di
mo kayang i-verkiefeln ang isang bagay.

958
01:18:44,040 --> 01:18:44,920
Oo.

959
01:18:49,240 --> 01:18:54,080
Natutuwa ako
kung makapag-ambag ako ng kaunti

960
01:18:54,160 --> 01:18:57,400
kay Lumpi na maalala sa kasaysayan.

961
01:19:08,040 --> 01:19:11,520
Ang hindi malaman
ang nangyari sa mahal sa buhay,

962
01:19:11,600 --> 01:19:15,680
sa kasamaang-palad ay karaniwan
para sa maraming biktimang Hudyo,

963
01:19:16,200 --> 01:19:19,640
na napag-aalaman
na lang sa huli o hindi kailanman

964
01:19:19,720 --> 01:19:22,080
kung saan sila pinatay.

965
01:19:35,160 --> 01:19:40,000
Gusto man ng nakaligtas na homoseksuwal,
'di maibahagi ang kuwento nila.

966
01:19:40,520 --> 01:19:42,080
Masyadong mapanganib ito.

967
01:19:42,960 --> 01:19:44,680
Pagkatapos ng 1945,

968
01:19:44,760 --> 01:19:47,520
ang pag-uusig ng Pambansang
Sosyalista sa mga homoseksuwal

969
01:19:47,600 --> 01:19:49,640
ay 'di kinikilala bilang kaapihan.

970
01:19:50,720 --> 01:19:55,280
Pinagtibay ng
Kanlurang Alemanya ang Talata 175 ng Nazi.

971
01:19:55,840 --> 01:19:59,000
Tinitingnan sila
ng lipunan bilang mga kriminal at tiwali.

972
01:19:59,960 --> 01:20:03,760
Nananatiling tahimik mga pamilya.
'Di nagtatanong ang mga mananalaysay.

973
01:20:04,640 --> 01:20:06,640
Nagpapatuloy ang pag-uusig.

974
01:20:11,440 --> 01:20:14,600
KASONG KRIMINAL
LABAN KAY GOTTFRIED VON CRAMM

975
01:20:14,680 --> 01:20:19,680
Noong 1951, si Gottfried, tulad
ng maraming pang lalaking homoseksuwal,

976
01:20:19,760 --> 01:20:22,480
ay sinisikap na ang
pagkakakulong niya ilalim ng Talata 175

977
01:20:22,560 --> 01:20:24,920
ay maalis sa kanyang kriminal na rekord.

978
01:20:25,840 --> 01:20:30,400
Kung wala ito, hindi siya makakakuha ng
visa para lumahok sapaligsahan sa USA,

979
01:20:30,480 --> 01:20:33,400
Kalakhang Britanya o Pransiya.

980
01:20:35,920 --> 01:20:37,720
Mayroong paglilitis sa korte,

981
01:20:38,840 --> 01:20:42,440
at si Manasse Herbst
ay bumalik muli sa Alemanya

982
01:20:42,520 --> 01:20:44,480
sa unang pagkakataon noong 1951.

983
01:20:48,240 --> 01:20:52,440
Bumalik siya
sa bansang gusto siyang patayin.

984
01:20:52,520 --> 01:20:56,560
At ito ang unang pagkikitang
muli nina Gottfried at Manasse.

985
01:21:05,000 --> 01:21:07,000
Tinanong din si Lisa.

986
01:21:07,080 --> 01:21:09,920
Kinumpirma niya
ang relasyon nina Manasse at Gottfried.

987
01:21:10,560 --> 01:21:14,720
Sa ilang sandali, walang takot
silang kumonektang muli sa kalayaan

988
01:21:14,800 --> 01:21:17,600
isinabuhay nila
noong huling bahagi ng 20s.

989
01:21:18,400 --> 01:21:23,600
At ito'y sa loob ng napakakonserbatibong
1950s. Sa harap ng korteng Aleman.

990
01:21:25,360 --> 01:21:30,920
Tulad ng ibang homoseksuwal,
ang pagtubos kay Gottfried ay tinanggihan.

991
01:21:31,000 --> 01:21:34,800
Hindi siya nakakakuha ng visa
sa pinakamahalagang paligsahan sa tennis.

992
01:21:36,200 --> 01:21:39,880
Nanalo siya sa ibang mga paligsahan
sa mga bansang pinapayagan siyang maglaro,

993
01:21:39,960 --> 01:21:43,720
pero bawal siyang maglaro
ng mga importanteng paligsahan

994
01:21:43,800 --> 01:21:49,240
dahil nananatili siyang
kriminal sa ilalim ng Talata 175.

995
01:22:01,800 --> 01:22:05,160
Lumipat ako sa USA

996
01:22:05,240 --> 01:22:10,160
at nanirahan dito
mula noong 1939, nang maligaya.

997
01:22:11,400 --> 01:22:15,640
Ako ay naging isang kompositor
at nagsusulat ng musika buong buhay ko.

998
01:22:27,760 --> 01:22:34,400
Nakilala ko ang isang tao
noong 1959, sa palagay ko.

999
01:22:34,920 --> 01:22:37,280
Ang kanyang pangalan ay Howard Myers.

1000
01:22:38,280 --> 01:22:39,760
Salamat.

1001
01:22:39,840 --> 01:22:44,840
Hindi ko alam kung bakit
ka bumili ng napakalaking tasa ng kape.

1002
01:22:47,040 --> 01:22:49,640
Ang totoo, wala kaming hiya.

1003
01:22:50,400 --> 01:22:52,080
Wala kaming naramdamang kahihiyan.

1004
01:22:52,160 --> 01:22:58,200
Pumunta kami sa mga hapunan
kasama ang anim na mag-asawa at kami.

1005
01:22:58,280 --> 01:23:01,040
Hindi ako isang taong
walang hiya dahil wala akong duda

1006
01:23:01,720 --> 01:23:04,840
na ginagawa ko ang itinakda kong gawin.

1007
01:23:05,440 --> 01:23:07,640
Nabuhay si Walter para sa akin.

1008
01:23:07,720 --> 01:23:12,360
Ginawa niya ang lahat
para sa akin sa aming mga unang dekada,

1009
01:23:12,440 --> 01:23:13,920
noong mas bata pa kami.

1010
01:23:14,720 --> 01:23:18,280
At ngayon ay 100 taong gulang na siya,

1011
01:23:18,880 --> 01:23:23,640
at nitong nakaraang 15 taon lang niya

1012
01:23:23,720 --> 01:23:27,440
ako kinailangang
gumawa ng bagay para sa kanya.

1013
01:23:31,400 --> 01:23:36,080
Okay, sabi dito, "Ang Katibayan ng
Kasal ng Lungsod ng Kanlurang Hollywood.

1014
01:23:36,840 --> 01:23:40,320
Ito ay nagpapatunay
na sina Walter Arlen at Howard Myers

1015
01:23:40,400 --> 01:23:46,680
ay legal na ikinasal
noong ikalawang araw ng Hulyo 2013."

1016
01:23:48,440 --> 01:23:50,240
Wala iyong binago.

1017
01:23:51,120 --> 01:23:54,640
Isang tahimik na kasiyahan lang iyon.

1018
01:23:56,000 --> 01:23:59,680
Wala siyang aawayin kung wala ako.

1019
01:24:07,600 --> 01:24:11,040
Ginugugol ni Charlotte ang natitirang
bahagi ng kanyang buhay sa Brooklyn.

1020
01:24:12,200 --> 01:24:14,320
Naging arttista siya.

1021
01:24:15,880 --> 01:24:18,200
Pero kahit hiwalay na siya kay Toni,

1022
01:24:18,280 --> 01:24:21,800
lumikha siya ng mga bagong
pagkakaibigan sa artistikong komunidad.

1023
01:24:21,880 --> 01:24:25,280
At marami sa kanila ang hindi
nakakaalam na siya ay naging trans.

1024
01:24:26,080 --> 01:24:28,280
Nakakuha pa siya
ng mga dokumento niya sa US

1025
01:24:28,360 --> 01:24:31,600
para patunayang siya ay isang
babae na may pangalang pambabae.

1026
01:24:31,680 --> 01:24:33,480
At mahalaga talaga ito sa kanya

1027
01:24:33,560 --> 01:24:37,640
dahil pinatibay nito ang kanyang
lehitimong pagkakakilanlan na babae.

1028
01:24:41,440 --> 01:24:44,560
Iniisip ko kung ano
ang gagawin ko sa sitwasyong iyon.

1029
01:24:45,320 --> 01:24:48,760
Kailangan ko bang tumakas?
Alam mo, saan ako pupunta?

1030
01:24:57,800 --> 01:25:01,960
Pagkatapos ng digmaan,
nakabalik si Toni sa Berlin

1031
01:25:02,040 --> 01:25:06,760
kung saan namuhay siya
bilang isang pintor at alagad ng sining.

1032
01:25:16,600 --> 01:25:19,800
Makikita ang panahong ito
ng 20s, isandaang taon ang nakaraan,

1033
01:25:19,880 --> 01:25:23,920
bilang halimbawa kung gaano
karupok ang ilan sa mga kalayaang ito.

1034
01:25:25,320 --> 01:25:27,840
Kahit ngayon sa klase ng pag-unlad

1035
01:25:27,920 --> 01:25:31,000
sa mga karapatang
pang-queer at maging pang-trans man,

1036
01:25:31,080 --> 01:25:34,480
na maaari kang magkaroon ng mga
kalayaang ito at maaaring maalis sa'yo.

1037
01:25:34,560 --> 01:25:38,240
ELDORADO
DITO TAMA ITO!

1038
01:25:38,320 --> 01:25:39,680
PAMINGGALAN
ELDORADO

1039
01:25:39,760 --> 01:25:46,240
Ang huling lugar ng Eldorado ay isang
napakagandang organic na pamilihan ngayon.

1040
01:25:46,320 --> 01:25:49,320
Makakapunta ka
sa pinanonooran dati ng palabas na drag

1041
01:25:49,400 --> 01:25:50,800
at bumili ng mga abokado.

1042
01:25:55,440 --> 01:25:58,480
Palagay ko ang queer na Berlin ngayon

1043
01:25:58,560 --> 01:26:01,560
ay kinailangang
likhaing muli nang lubos ang sarili.

1044
01:26:01,640 --> 01:26:04,000
At maayos naman
talaga ang kinalabasan nito.

1045
01:26:04,520 --> 01:26:08,520
Kapag nakita mo kung gaano
kaunlad ang buhay queer sa Berlin ngayon

1046
01:26:08,600 --> 01:26:12,040
at kung gaano ito kaiba
at karami ang magagandang aspeto.

1047
01:26:13,200 --> 01:26:17,360
Pero kumonekta ba tayo?
Sa tingin ko ay hindi tayo kumonekta.

1048
01:26:17,440 --> 01:26:19,600
Wala kaming alam

1049
01:26:20,480 --> 01:26:23,560
tungkol sa pag-uusig
sa mga homoseksuwal sa mahabang panahon.

1050
01:26:24,320 --> 01:26:27,200
At sa kahulugang iyon,
ang kakaibang Berlin ngayon

1051
01:26:28,120 --> 01:26:30,760
ay tiyak na hindi isang…

1052
01:26:32,720 --> 01:26:37,120
pagpapatuloy ng 1920s.

1053
01:26:39,000 --> 01:26:40,560
Nawala na talaga 'yan.

1054
01:26:42,000 --> 01:26:45,120
Walang mga pangalan. Walang alaala. Wala.

1055
01:27:38,400 --> 01:27:43,240
Matapos ang giyera, 100,000 lalaki ang
kinasuhan ng Alemanya bilang homoseksuwal.

1056
01:27:43,320 --> 01:27:45,960
Mahigit 50,000 doon
ang nahatulan ng pagkakulong.

1057
01:27:46,040 --> 01:27:49,880
Ang bersyon ng Nazi ng talata 175
ay hindi nareporma hanggang 1969.

1058
01:27:49,960 --> 01:27:53,240
Ito ay pinawalang-bisa
ng walang kapalit noong 1994.

1059
01:27:53,760 --> 01:27:55,680
Gumawa si Walter Arlen ng 68 piyesa,

1060
01:27:55,760 --> 01:27:58,640
gaya ng sinabi n'ya,
ay "kinapapalooban ng kanyang mga alaala."

1061
01:27:58,720 --> 01:28:01,760
Natuklasan ang kanyang musika
ng publiko noong 2008,

1062
01:28:01,840 --> 01:28:04,040
salamat sa kanyang kapareha,
si Howard Myers.

1063
01:28:04,120 --> 01:28:06,720
Sina Walter at Howard
ay masayang namumuhay ng magkasama,

1064
01:28:06,800 --> 01:28:08,960
ilang bloke ang layo sa
Karagatang Pasipiko.

1065
01:31:40,200 --> 01:31:45,200
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Camille Quintana at Lodi Quintana



