1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:29,920 --> 00:00:30,800
Ang aming…

4
00:00:32,160 --> 00:00:33,520
pasilidad ng pangangalaga.

5
00:00:35,320 --> 00:00:37,040
Lahat sila ay…

6
00:00:37,119 --> 00:00:39,120
na-clone na aso.

7
00:00:39,920 --> 00:00:44,600
Wala nang ibang mas matagumpay na kuwento

8
00:00:44,680 --> 00:00:47,760
sa himalang pagpapagaling ni Dr. Hwang.

9
00:00:47,840 --> 00:00:51,200
Hindi lang ito basta tagumpay
sa siyensiya, ngunit sa politika rin,

10
00:00:51,280 --> 00:00:55,920
at 'yon ang nakapukaw ng pansin
ng mga siyentipiko at ng mundo.

11
00:00:56,880 --> 00:00:58,160
Mas maaga nang 100 taon

12
00:00:58,800 --> 00:01:02,320
ang pagiging makapangyarihan
sa ekonomiya ng Korea.

13
00:01:03,560 --> 00:01:07,080
Ang pangakong muling makakalakad
ang mga paralisadong tao,

14
00:01:07,160 --> 00:01:11,360
at ang mga taong mamamatay
dahil sa sakit ay maliligtas.

15
00:01:12,840 --> 00:01:14,880
Usap-usapan 'yon noong panahon na 'yon.

16
00:01:15,440 --> 00:01:17,960
"Sa wakas, tayo na
ang pinakamagaling sa mundo!"

17
00:01:26,280 --> 00:01:29,920
Una sa lahat, mayroon kaming
nakabibigla at nakakalungkot na balita.

18
00:01:30,000 --> 00:01:33,880
Ang kahiya-hiyang stem cell researcher
na si Hwang Woo-suk, ay nasentensiyahan

19
00:01:33,960 --> 00:01:36,160
makulong ng isang taon at anim na buwan

20
00:01:36,240 --> 00:01:38,120
at dalawang taong probasyon.

21
00:01:38,200 --> 00:01:41,480
Mula sa pagiging Hesus,
ang siyentipiko ay naging Satanas.

22
00:01:42,240 --> 00:01:45,560
Kapag nakikita ang siyensiya
bilang tagapagligtas natin,

23
00:01:45,640 --> 00:01:50,000
ano ang magiging kahihinatnan
ng mga siyentipikong sinasamantala 'yon?

24
00:01:50,080 --> 00:01:53,280
Nagiging importante
ang istorya para maikuwento,

25
00:01:53,360 --> 00:01:55,560
sa pagkakaunawa ng parehong

26
00:01:55,640 --> 00:01:59,920
nasa rurok ng hindi tamang atensiyon
sa mga maling bagay

27
00:02:00,000 --> 00:02:02,600
tulad ng kung saan ka dadalhin
ng kasikatan at pera

28
00:02:02,680 --> 00:02:06,520
at ang lalim na puwede mong kasadlakan
dahil sa paglabag mo sa moralidad.

29
00:02:28,680 --> 00:02:33,240
Napakataas ng pag-asa
At pangarap ng mga tao

30
00:02:54,960 --> 00:02:57,720
Nagsimula kaming mamili
ng mga hayop na pararamihin

31
00:02:57,800 --> 00:03:00,080
may ilang libong taon na ang nakararaan.

32
00:03:01,040 --> 00:03:05,280
Pero may mas matindi
pang nangyayari ngayon.

33
00:03:05,840 --> 00:03:08,520
Sa unang pagkakataon
sa kasaysayan ng planetang 'to,

34
00:03:08,600 --> 00:03:12,000
nakapagdisenyo kami mismo
ng mga organismo.

35
00:03:12,080 --> 00:03:16,600
Magagawa naming manipulahin ang mga plasm
ng buhay gamit ang hindi inaasahang lakas.

36
00:03:16,680 --> 00:03:17,840
Hindi 'to science fiction.

37
00:03:20,840 --> 00:03:24,120
Ayon sa teorya, hindi magtatagal,

38
00:03:24,200 --> 00:03:28,600
posibleng makalikha tayo,
gamit ang teknolohiya,

39
00:03:28,680 --> 00:03:30,360
ng mga taong kumikinang sa gabi.

40
00:03:33,120 --> 00:03:35,400
Ilang kamelyo na
ang nagawan mo ng kapareho?

41
00:03:37,560 --> 00:03:39,040
Higit sa 150.

42
00:03:43,840 --> 00:03:46,880
Mas madalas mauna
ang siyensiya sa moralidad.

43
00:03:46,960 --> 00:03:50,880
Hindi dahilan ang mabuting hangarin
para gumawa ka ng masama.

44
00:03:50,960 --> 00:03:53,160
Tingnan n'yo ang nangyari kay Dr. Hwang.

45
00:03:53,240 --> 00:03:56,840
Hindi dahil sinubukan niyang gawin
ang ikabubuti ng lahat,

46
00:03:56,920 --> 00:04:01,360
ay puwede na siyang magkasala.

47
00:04:05,280 --> 00:04:07,080
Naabot na niya ang tuktok ng mundo,

48
00:04:07,160 --> 00:04:10,120
nagawa niya ang isang bagay
na hindi pa kailanman nagagawa,

49
00:04:10,200 --> 00:04:13,040
at pagkatapos ay tuluyan
siyang nahulog at bumagsak.

50
00:04:13,120 --> 00:04:16,160
Isa itong istorya para sa lahat.

51
00:04:16,640 --> 00:04:20,640
KING OF CLONES

52
00:04:27,640 --> 00:04:29,560
Mga taong inilikha para mag-utos.

53
00:04:29,640 --> 00:04:32,120
Mga inang nanganak nang mag-isa.

54
00:04:32,200 --> 00:04:36,480
Mga sanggol na isinilang para mailipat
ang mga parte ng kanilang katawan.

55
00:04:36,560 --> 00:04:40,080
Samahan n'yo 'ko
sa nakakatakot na mundo ng cloning.

56
00:04:53,120 --> 00:04:58,040
Kapag nabubuo ang kalungkutan
sa aking puso

57
00:04:58,120 --> 00:05:02,640
Paunti-unti

58
00:05:03,200 --> 00:05:08,400
Sa umaga, umaakyat ako sa burol…

59
00:05:08,480 --> 00:05:12,840
Sa araw-araw ko rito sa disyerto,

60
00:05:12,920 --> 00:05:17,440
ang pakikinig sa musika

61
00:05:17,520 --> 00:05:19,920
ay nagbibigay sa akin ng kahulugan

62
00:05:20,000 --> 00:05:23,040
sa mga yapak ko sa buhay.

63
00:05:23,120 --> 00:05:27,880
Ang init ng tanghali

64
00:05:27,960 --> 00:05:32,880
Ay isang pagsubok para sa akin

65
00:05:32,960 --> 00:05:38,160
Ako'y aalis na

66
00:05:38,240 --> 00:05:43,000
Papunta sa tuyot and walang lamang lugar

67
00:05:43,080 --> 00:05:48,080
Iiwanan ko ang aking kalungkutan

68
00:05:48,160 --> 00:05:55,160
Ako'y aalis na

69
00:05:58,080 --> 00:06:02,920
At marahil sa mata ng iba,

70
00:06:03,000 --> 00:06:04,960
ang kasaysayan ng Korea

71
00:06:05,040 --> 00:06:08,560
at ang ginawa ko…

72
00:06:11,280 --> 00:06:12,760
noong nakaraan

73
00:06:13,600 --> 00:06:16,680
ay may kasamang pighati at kaluwalhatian.

74
00:06:17,800 --> 00:06:22,280
Pero ang mga bagay na 'yon
ay hindi basta-bastang mabubura.

75
00:06:22,840 --> 00:06:24,880
Ako ang gumawa ng lahat ng 'yon.

76
00:06:29,360 --> 00:06:34,240
BIOTECH RESEARCH CENTER
UNITED ARAB EMIRATES

77
00:06:34,960 --> 00:06:41,320
Ito ang tanggapan ng pangunahing gusali.

78
00:06:41,920 --> 00:06:44,720
Ang mga nakikita n'yong larawan

79
00:06:44,800 --> 00:06:47,120
ay mga pangunahing pinuno ng UAE.

80
00:06:48,040 --> 00:06:50,160
Si Sheikh Zayed,

81
00:06:50,240 --> 00:06:53,520
ang kasalukuyang pangulo,
si Sheikh Khalifa,

82
00:06:55,200 --> 00:06:57,720
Crown Prince Sheikh Mohamed,

83
00:06:57,800 --> 00:07:00,840
at ang aming big boss
na si Sheikh Mansour.

84
00:07:01,360 --> 00:07:02,520
Maligayang pagdating!

85
00:07:02,600 --> 00:07:03,800
Hello!

86
00:07:05,000 --> 00:07:06,080
Kumusta?

87
00:07:06,160 --> 00:07:07,760
Ayos naman. Ikaw, kumusta?

88
00:07:07,840 --> 00:07:10,320
-Ayos ka lang?
-Salamat sa pag-imbita.

89
00:07:10,400 --> 00:07:12,240
-Salamat sa pagpunta.
-Kumusta ka?

90
00:07:12,320 --> 00:07:14,040
-Ayos naman.
-Salamat sa oras mo.

91
00:07:14,120 --> 00:07:16,600
Puwede n'yong itawag sa akin…

92
00:07:16,680 --> 00:07:20,000
ang kahit anong gusto n'yo.

93
00:07:20,080 --> 00:07:22,800
Dati akong magaling na guro

94
00:07:23,400 --> 00:07:25,640
sa Seoul National University.

95
00:07:26,760 --> 00:07:28,800
Pero kalaunan,

96
00:07:29,720 --> 00:07:33,800
tatratuhin din nila ako

97
00:07:33,880 --> 00:07:36,560
bilang isang kahihiyan.

98
00:07:36,640 --> 00:07:40,800
Sigurado akong alam
din nila ang nangyayari

99
00:07:41,560 --> 00:07:43,920
sa bansang 'to.

100
00:07:44,000 --> 00:07:50,720
Pero handa pa rin silang suportahan ako.

101
00:07:50,800 --> 00:07:56,440
Kapag kumuha kami
ng isang cell sa kamelyo mo…

102
00:07:56,520 --> 00:07:58,880
Kaya magsisimula ka sa balat?

103
00:07:58,960 --> 00:08:00,240
-Oo, gano'n na nga…
-Pero…

104
00:08:00,320 --> 00:08:03,600
Hindi lang 'yon.
Pero balat ang pinakamagandang bahagi.

105
00:08:08,680 --> 00:08:10,440
Ang ganda ng nakikita n'yo, 'di ba?

106
00:08:11,280 --> 00:08:13,000
Isang baliw na lalaki,

107
00:08:13,760 --> 00:08:16,080
tatlong matitinong manonood.

108
00:08:19,640 --> 00:08:22,680
Una, kailangan nating intindihin
kung ano nga ba ang cloning.

109
00:08:22,760 --> 00:08:24,360
Kumuha ka ng itlog,

110
00:08:24,440 --> 00:08:27,040
at kukunin mo ang nucleus nito.

111
00:08:27,120 --> 00:08:30,600
Tapos kumuha ka ng cell sa katawan
ng taong gusto mong kopyahin.

112
00:08:30,680 --> 00:08:34,040
Puwedeng cell sa balat,
sa atay o kahit anong cell,

113
00:08:34,120 --> 00:08:37,120
at tatanggalin mo ang nucleus
sa cell na 'yon

114
00:08:37,200 --> 00:08:38,799
at ilagay mo sa itlog.

115
00:08:38,880 --> 00:08:44,000
Ngayon, mayroon ka ng itlog
na mukhang pinataba,

116
00:08:44,080 --> 00:08:47,840
dahil nasa mga cell natin sa katawan
ang DNA para maging tao.

117
00:08:48,440 --> 00:08:51,640
Ang tanong, puwede bang gamitin
ang itlog na 'yon para magparami?

118
00:08:55,480 --> 00:08:58,960
Tuwing gagamit tayo ng kuryente,
tulad sa pelikulang Frankeinstein,

119
00:08:59,040 --> 00:09:00,520
gamit ang kaunting kuryente,

120
00:09:00,600 --> 00:09:02,520
magsisimula itong maghiwalay

121
00:09:02,600 --> 00:09:04,640
at magiging isang organismo.

122
00:09:04,720 --> 00:09:06,800
'Yan ang pangunahing kaalaman sa cloning.

123
00:09:06,880 --> 00:09:08,120
Buhay siya.

124
00:09:08,640 --> 00:09:09,480
Buhay siya.

125
00:09:10,000 --> 00:09:11,800
Buhay siya! Buhay siya!

126
00:09:12,360 --> 00:09:13,880
Buhay siya!

127
00:09:23,240 --> 00:09:28,240
BUKID NG PRESIDENTE
UNITED ARAB EMIRATES

128
00:09:33,640 --> 00:09:35,680
Ngayon ang takdang araw.

129
00:09:35,760 --> 00:09:39,000
-Sa gabi.
-Gabi? Mamayang gabi?

130
00:09:39,080 --> 00:09:40,000
Inshallah.

131
00:09:41,960 --> 00:09:44,600
Sa lugar na 'to,

132
00:09:44,680 --> 00:09:48,840
mayroon kaming anim
na-clone na mga batang kamelyo.

133
00:09:49,600 --> 00:09:51,160
Kung makikita n'yo,

134
00:09:51,240 --> 00:09:54,040
ang mga kulay itim
ang magagandang kamelyo.

135
00:09:54,600 --> 00:09:58,520
Ang kamelyo na 'yon na ipinanganak kahapon

136
00:09:58,600 --> 00:10:03,240
at ang puting kamelyo na nandoon
ay parehong gagamitin sa karera.

137
00:10:03,320 --> 00:10:08,120
At baka mamayang gabi,

138
00:10:08,720 --> 00:10:12,960
may ipapanganak pang
isang kamelyong pang-karera.

139
00:10:18,320 --> 00:10:19,600
Lalabas na ang anak.

140
00:10:21,600 --> 00:10:27,600
Ang ilan sa mga taong pumupuna
sa teknolohiya ng cloning,

141
00:10:27,680 --> 00:10:33,880
iginigiit na ito'y labag sa kaayusan
o awtoridad ng Diyos sa paglikha

142
00:10:33,960 --> 00:10:40,160
at na isa raw 'tong pagtatangka
na gayahin at umastang parang Diyos.

143
00:10:40,680 --> 00:10:43,800
Hindi gano'ng klaseng
teknolohiya ang cloning.

144
00:10:43,880 --> 00:10:47,880
Ang cloning ay ang pagkopya ng genetics.

145
00:10:47,960 --> 00:10:51,360
Matagal nang itinanggi ng kasaysayan

146
00:10:51,440 --> 00:10:56,440
ang mga ganiyang kuwentong haka-haka.

147
00:10:56,520 --> 00:10:58,360
Ilang dekada na ang dumaan.

148
00:10:58,440 --> 00:11:00,000
Sa mundong 'to,

149
00:11:00,080 --> 00:11:04,080
may ipinanganak na ba
na isang Frankenstein?

150
00:11:04,760 --> 00:11:06,000
Wala pa.

151
00:11:08,840 --> 00:11:11,440
Tuwing makakakita ako ng ganitong hayop,

152
00:11:11,520 --> 00:11:14,320
nararamdaman ko ang galing
ng siyensiya at teknolohiya,

153
00:11:14,840 --> 00:11:21,840
nakakamangha na ang laki
nang maiaambag nila sa sangkatauhan,

154
00:11:21,920 --> 00:11:25,320
at maipagmamalaki rin.

155
00:11:25,400 --> 00:11:26,920
'Yon ang pakiramdam ko.

156
00:11:35,960 --> 00:11:37,760
Isang embryo lang? Hindi dalawa.

157
00:11:37,840 --> 00:11:38,800
Isa lang.

158
00:11:38,880 --> 00:11:40,080
Ang pangalan ko ay Alex Tinson.

159
00:11:40,160 --> 00:11:43,040
Isa akong beterinaryo sa Australia.

160
00:11:43,120 --> 00:11:47,320
Gusto ko sanang maging beterinaryo sa zoo,
pero naging espesyalista ako ng kamelyo.

161
00:11:50,880 --> 00:11:54,480
Nagtrabaho ako dati
sa isang makalumang safari ng mga leon.

162
00:11:55,040 --> 00:11:58,040
Ito ang African Lion Safari…

163
00:11:58,120 --> 00:12:01,240
Maniwala man kayo o hindi,
nagkaroon ng ilang trahedya roon

164
00:12:01,320 --> 00:12:05,040
kung saan kinain
ng mga leon at tigre ang mga tao.

165
00:12:05,840 --> 00:12:08,360
Nakakatakot, pero wala silang pakialam!

166
00:12:08,440 --> 00:12:11,040
Ilang beses na rin akong
muntik makain nang buhay.

167
00:12:11,120 --> 00:12:14,000
Sa huli, nagsara rin ang safari.

168
00:12:14,080 --> 00:12:16,000
Ipapasok na ang isang embryo.

169
00:12:16,080 --> 00:12:19,480
No'ng mga araw na 'yon, kapag naging
beterinaryo ka ng isa o dalawang taon,

170
00:12:19,560 --> 00:12:21,680
mawawala ka sa tamang pag-iisip
at masasabi mong,

171
00:12:21,760 --> 00:12:23,960
"Oo nga pala, vet ako. Puntahan n'yo 'ko."

172
00:12:24,040 --> 00:12:26,200
Sa panahon ngayon,
mas maraming regulasyon.

173
00:12:28,000 --> 00:12:29,640
Dalawang taon akong namalagi
sa Middle East,

174
00:12:29,720 --> 00:12:31,960
at pagkatapos ng 35 taon,
nandito pa rin ako.

175
00:12:32,040 --> 00:12:34,280
Ang anak ko
ay ikinasal sa isang Emirati na…

176
00:12:34,360 --> 00:12:35,840
Karamihan sa kamag-anak nila

177
00:12:35,920 --> 00:12:39,480
ay kumakarera ng mga kamelyo,
kaya ako ang nag-aalaga sa mga kamelyo.

178
00:12:39,560 --> 00:12:41,440
Sa tingin ko, unang pa lang,

179
00:12:41,520 --> 00:12:45,440
mas interesado talaga ako sa pagpaparami.

180
00:12:48,080 --> 00:12:50,360
May kamelyo kami noon
na nagngangalang Mabrukan.

181
00:12:50,440 --> 00:12:51,840
Ginagamit siya sa mga palabas.

182
00:12:51,920 --> 00:12:53,360
Malaki siya at kulay itim.

183
00:12:53,440 --> 00:12:56,360
Tinatawanan ng mga tao
ang mga naggagandahang kamelyo.

184
00:12:56,440 --> 00:12:57,840
Paano pinipili
ang isang magandang bulldog?

185
00:12:57,920 --> 00:12:59,200
Paano pinipili
ang pinakamagaling sa Crufts?

186
00:12:59,760 --> 00:13:01,520
Parehas lang mayroong komite.

187
00:13:01,600 --> 00:13:04,800
Hinuhusgahan nila ang taas, kulay,
posisyon ng kamelyo,

188
00:13:04,880 --> 00:13:05,920
kung paano ito maglakad.

189
00:13:07,720 --> 00:13:09,600
Si Mabrukan ang pinakamalaki,

190
00:13:09,680 --> 00:13:13,240
pinakamagaling,
at pinakamahal naming kamelyo.

191
00:13:13,800 --> 00:13:17,760
Siya ang pinakaunang kamelyo
na nakakuha ng perpektong grado.

192
00:13:17,840 --> 00:13:19,120
Hindi pa nangyari dati.

193
00:13:20,720 --> 00:13:23,520
Kasing laki siya ang dinosaur.
Tinabihan ko dati para kunan ng dugo.

194
00:13:23,600 --> 00:13:25,040
Ganito kalaki ang ulo niya.

195
00:13:25,120 --> 00:13:27,080
Pakiramdam mo kumukuha
ka ng dugo sa T-Rex.

196
00:13:28,520 --> 00:13:31,280
Kahanga-hanga siya,
pero napakamapanganib din

197
00:13:31,360 --> 00:13:33,600
dahil napakalaki niya at malakas.

198
00:13:33,680 --> 00:13:35,760
Kasinglaki ng leon ang mga ngipin niya,

199
00:13:35,840 --> 00:13:37,480
at medyo masungit siya.

200
00:13:38,440 --> 00:13:40,600
Katakot-takot ang pagbuhat sa kaniya

201
00:13:40,680 --> 00:13:42,520
dahil sa laki niya,

202
00:13:42,600 --> 00:13:43,720
dahil sa halaga niya.

203
00:13:43,800 --> 00:13:47,000
Nasa limang milyong dolyar
ang halaga niya no'ng binili siya.

204
00:13:47,560 --> 00:13:50,080
Isa sa mga naghaharing pamilya
galing sa ibang bansa

205
00:13:50,160 --> 00:13:53,120
ang nag-alok ng lagpas
ng 20 milyong dolyar para sa kamelyo.

206
00:13:53,200 --> 00:13:56,600
Pero tumanggi ang Kamahalan.
Ang sabi niya, "Hindi siya binebenta."

207
00:13:56,680 --> 00:13:58,760
Sinusubukan namin siyang paramihin.

208
00:13:58,840 --> 00:14:00,160
At ang sakit niya sa ulo

209
00:14:00,240 --> 00:14:02,640
kasi dalhin mo sa kaniya
ang pinakamamagandang kamelyo,

210
00:14:02,720 --> 00:14:04,600
hindi siya interesado.
Mga marurumi ang gusto niya.

211
00:14:04,680 --> 00:14:07,200
Mga mukhang… Hindi ko alam.
Walang ng pag-asa.

212
00:14:07,680 --> 00:14:10,680
Gayunpaman, Isang araw,
kasama ko ang mga kaibigan ko sa Rome

213
00:14:11,400 --> 00:14:13,320
at nagpunta kami sa isang restaurant.

214
00:14:13,400 --> 00:14:14,840
May tumawag sa akin.

215
00:14:15,520 --> 00:14:18,400
Sabi ng lalaki sa telepono,
"Patay na si Mabrukan."

216
00:14:18,480 --> 00:14:21,280
Tahimik lang ako habang nakaupo,
hindi nagsasalita.

217
00:14:21,960 --> 00:14:23,120
Tumayo ako at sinabing,

218
00:14:23,200 --> 00:14:24,960
"Tanggalin n'yo ang bayag niya!

219
00:14:25,040 --> 00:14:27,080
Kumuha kayo ng balat niya!
Ilagay n'yo sa refrigerator!

220
00:14:27,160 --> 00:14:28,400
Babalik ako mamayang gabi."

221
00:14:30,200 --> 00:14:32,840
Tapos nakalimutan namin 'yon
sa loob ng sampung taon.

222
00:14:51,320 --> 00:14:54,280
Ang sabi ng ibang tao,
pangmayaman lang daw ang cloning.

223
00:14:54,760 --> 00:14:57,040
Oo, mahal nga,

224
00:14:57,120 --> 00:14:59,200
pero gagamitin ko ang natitira kong pera

225
00:14:59,280 --> 00:15:00,600
para ma-clone ang aso ko.

226
00:15:01,400 --> 00:15:03,320
Si Csillo ay isang French bulldog,

227
00:15:03,400 --> 00:15:07,120
at espesyal ang geometry
ng mukha nila, parang sa tao.

228
00:15:08,200 --> 00:15:10,320
Csillo ay galing sa pangalang Csillag.

229
00:15:10,400 --> 00:15:13,200
Hungarian 'yon para sa salitang "bituin".

230
00:15:13,280 --> 00:15:16,640
Siya ang bituin ng buhay ko
kaya pinangalanan ko siyang Csillo.

231
00:15:20,880 --> 00:15:24,600
Malalim ang samahan namin
dahil nakadepende kami sa isa't isa.

232
00:15:24,680 --> 00:15:27,320
At naging parte na rin siya ng pamilya.

233
00:15:27,960 --> 00:15:30,360
Halimbawa, siya ang nagpapatulog sa 'kin.

234
00:15:30,440 --> 00:15:33,120
Kaya kapag nanonood ako
ng telebisyon sa gabi,

235
00:15:33,200 --> 00:15:35,600
naisip niyang gabi na
at kailangan kong matulog

236
00:15:35,680 --> 00:15:38,400
pupunta siya sa 'kin para patulugin ako.

237
00:15:38,480 --> 00:15:41,120
Parang siya ang tumayong kuya ko.

238
00:15:42,640 --> 00:15:46,000
Sinusuportahan niya 'ko,
pinapatawa niya ako.

239
00:15:46,080 --> 00:15:48,720
Mahalaga sa akin na napapatawa niya ako

240
00:15:48,800 --> 00:15:50,680
dahil noong umalis ako, umiyak siya.

241
00:15:50,760 --> 00:15:52,360
Nagbago ang mood niya.

242
00:15:52,440 --> 00:15:54,080
Noong ilang araw akong nawala,

243
00:15:54,160 --> 00:15:57,160
lalo siyang kinabahan,
lalo siyang nalungkot.

244
00:15:57,240 --> 00:16:01,920
At no'ng nakita kong
mayroon siyang lymph nodule sa leeg,

245
00:16:02,000 --> 00:16:04,320
naintindihan ko
na malala ang kalagayan niya.

246
00:16:05,040 --> 00:16:08,240
Kitang-kita na nanganganib ang buhay niya.

247
00:16:08,320 --> 00:16:09,720
Labis siyang nahirapan.

248
00:16:10,680 --> 00:16:12,280
Alam kong posible ang cloning.

249
00:16:12,360 --> 00:16:14,720
Kaya naisip kong,
"Gusto kong ipa-clone si Csillo."

250
00:16:15,200 --> 00:16:17,360
Ikatutuwa ko 'yon.

251
00:16:18,520 --> 00:16:20,040
Nagsimula akong mag-research

252
00:16:20,120 --> 00:16:22,440
kung sino ang kokontakin,
sino ang gumagawa.

253
00:16:22,520 --> 00:16:25,720
May ibang kompanya
na ilang hakbang lang ang kayang gawin,

254
00:16:25,800 --> 00:16:27,880
pero hindi ang buong proseso.

255
00:16:28,360 --> 00:16:31,280
Ang mga Amerikano naman
ay medyo mahinahon.

256
00:16:31,360 --> 00:16:34,760
Sasabihin nila, "Kaya namin ang cloning.
Mataas ang success rate namin."

257
00:16:35,920 --> 00:16:38,520
Pero no'ng nagre-research ako
tungkol kay Dr. Hwang,

258
00:16:38,600 --> 00:16:41,360
nalaman kong may
malawak siyang karanasan sa cloning

259
00:16:41,440 --> 00:16:43,520
at isa siya sa mga nagtaguyod nito.

260
00:16:46,600 --> 00:16:48,320
Ipakilala natin ang na-clone na guya

261
00:16:48,400 --> 00:16:51,120
na kilala bilang "magaling na guya".

262
00:16:51,800 --> 00:16:55,360
Malakas ang pag-unga ng na-clone
na guya mula sa kapanganakan.

263
00:16:59,840 --> 00:17:01,440
Pagkatapos ng walong taong research,

264
00:17:01,520 --> 00:17:03,760
nakalikha ang grupo
ni Propesor Hwang ng clone na guya.

265
00:17:03,840 --> 00:17:05,640
sa pamamagitan ng cell nuclear transfer

266
00:17:05,720 --> 00:17:08,600
sa kaniyang laboratoryo
sa Seoul National University.

267
00:17:08,680 --> 00:17:12,839
Kapag handa na itong ilapat sa mga
alagang hayop sa kabukiran ng Korea,

268
00:17:12,920 --> 00:17:17,839
makakatipid ng 700 bilyong won sa imports,

269
00:17:17,920 --> 00:17:24,560
at magkakaroon ng dagdag kita
na may halagang 1.5 bilyon won kada taon.

270
00:17:27,119 --> 00:17:31,119
No'ng panahon na 'yon,
hindi pa siya kilala ng mga tao.

271
00:17:31,200 --> 00:17:35,360
Isa lang siyang hamak na propesor
sa Seoul National University.

272
00:17:36,040 --> 00:17:39,400
Dahil mahal ang mga guya,
balitang-balita talaga

273
00:17:39,480 --> 00:17:42,200
nang matagumpay ang pagko-clone
ng baka ni Hwang Woo-suk.

274
00:17:42,760 --> 00:17:45,720
Kaya nag-ayos sila ng miting

275
00:17:45,800 --> 00:17:49,240
sa pagitan ng presidente
at ni Hwang Woo-suk.

276
00:17:49,320 --> 00:17:52,760
Dahil propesor siya sa SNU,
puwede niyang gawin 'yon.

277
00:17:52,840 --> 00:17:54,000
Pero sa totoong buhay,

278
00:17:54,080 --> 00:17:57,000
hindi 'yon posible sa karaniwang tao

279
00:17:57,080 --> 00:18:00,000
o karaniwang siyentipiko.

280
00:18:03,440 --> 00:18:08,320
Daan-daang baka at iba pang mga hayop
ang kino-clone niya.

281
00:18:08,400 --> 00:18:11,960
Gusto niyang ma-clone ang Korean tiger.

282
00:18:12,040 --> 00:18:14,520
At napakahalagang simbolo 'yon.

283
00:18:14,600 --> 00:18:17,760
'Yon daw ang paraan para pag-isahin
ang North Korea at South Korea

284
00:18:17,840 --> 00:18:20,360
dahil ito ang iisa nilang pamana.

285
00:18:20,440 --> 00:18:23,800
Mayroon silang nanganganib na hayop
at gusto niyang ma-clone 'to.

286
00:18:24,600 --> 00:18:30,160
Napagpasiyahan na magiging
makakamanghang kaganapan ito sa siyensiya.

287
00:18:30,240 --> 00:18:36,280
kung makakaya ng teknolohiya
ng South Korea na ma-clone ang tigre

288
00:18:36,360 --> 00:18:37,920
na regalo mula sa North Korea.

289
00:18:38,000 --> 00:18:41,000
Kinuha ni Hwang ang pagkakataon.

290
00:18:41,480 --> 00:18:43,480
Ang pagko-clone ng Korean tiger

291
00:18:43,560 --> 00:18:45,360
-ay mukhang komplikado.
-Oo.

292
00:18:45,440 --> 00:18:48,520
Magiging matagumpay ba
ang pagko-clone ng tigre?

293
00:18:48,600 --> 00:18:55,480
Oo, umaasa akong magkakaroon tayo
ng cloned na tigre sa taong 2000.

294
00:18:55,560 --> 00:18:56,440
Gano'n ba.

295
00:18:56,520 --> 00:18:58,200
Dahil sa sinabi niyang 'yon,

296
00:18:58,280 --> 00:19:02,080
maaari siyang makalikom ng pondo
at makuha ang atensiyon ng publiko.

297
00:19:02,160 --> 00:19:03,320
No'ng panahon na 'yon,

298
00:19:04,480 --> 00:19:08,720
wala ng "Korean tiger" sa South Korea.

299
00:19:09,400 --> 00:19:15,320
Sabihin natin na bigo
kaming paramihin sila.

300
00:19:16,360 --> 00:19:20,400
Pero nagpadala ang Pyongyang Zoo
ng mga Korean tigers sa South,

301
00:19:20,480 --> 00:19:24,480
isang lalaki at isang babae,

302
00:19:24,560 --> 00:19:28,680
sa pamamagitan ng animal exchange program,

303
00:19:29,640 --> 00:19:31,040
at nanatili silang buhay.

304
00:19:33,440 --> 00:19:35,120
Sa simula

305
00:19:35,200 --> 00:19:41,800
ang pinakamadaling makuha
ay ang itlog ng baboy.

306
00:19:41,880 --> 00:19:46,040
Madaling gamitin ang mga itlog
ng baboy para sa mga kahalili.

307
00:19:46,120 --> 00:19:48,800
Kaya sinubukan naming iturok

308
00:19:49,520 --> 00:19:54,480
ang donor cells ng Korean tiger
sa mga itlog ng baboy.

309
00:19:54,960 --> 00:19:57,680
At pagkatapos no'n,

310
00:19:58,640 --> 00:20:02,280
gumamit kami ng itlog ng baka.

311
00:20:02,360 --> 00:20:05,680
No'ng nakumpirma namin
na posibleng gamitin

312
00:20:05,760 --> 00:20:09,240
ang baboy at baka,

313
00:20:09,320 --> 00:20:13,080
lumipat naman kami sa alagang pusa.

314
00:20:13,640 --> 00:20:15,480
No'ng panahong 'yon.

315
00:20:16,240 --> 00:20:21,440
ginamit namin ang tigre at leon
bilang mga kahaliling ina.

316
00:20:24,040 --> 00:20:27,440
Nagkaroon ng hernia ang isa sa mga leon.

317
00:20:27,520 --> 00:20:33,480
Sa madaling sabi, hindi gumaling ang sugat
pagkatapos pagtamnan 'yon,

318
00:20:33,560 --> 00:20:40,360
tapos lumabas 'yong bituka n'on
na naging sanhi ng pagkamatay nito.

319
00:20:40,880 --> 00:20:43,360
Doon na kami tumigil sa eksperimento.

320
00:20:44,120 --> 00:20:46,360
Ganito kasi ang siyensiya.

321
00:20:47,120 --> 00:20:50,320
Para sa iba, mapanganib ito.

322
00:20:50,840 --> 00:20:55,600
Sa siyensiya, hindi puwedeng balewalain
ang landas dahil lang mapanganib.

323
00:20:55,680 --> 00:20:58,600
Sa gitna ng proseso,

324
00:20:59,080 --> 00:21:01,960
may mga datos kaming nakukuha,

325
00:21:02,040 --> 00:21:04,160
para walang nasasayang.

326
00:21:07,800 --> 00:21:10,600
Sa unang pagkakataon,
ang mga siyentipiko sa South Korea

327
00:21:10,680 --> 00:21:12,720
ay nagtagumpay sa pag-clone ng aso.

328
00:21:12,800 --> 00:21:17,120
'Yan ang Afghan Hound,
at pang-101 araw na niya ngayon.

329
00:21:17,200 --> 00:21:19,040
Ang tagumpay ng grupo
ni Dr. Hwang sa cloning ng aso

330
00:21:19,120 --> 00:21:22,200
ay nakikita bilang rurok
ng pagsasaliksik sa pag-clone ng hayop.

331
00:21:24,000 --> 00:21:26,560
Si Snuppy ang pinakaunang
asong na-clone sa mundo.

332
00:21:26,640 --> 00:21:28,560
Ang pangalan niya ay kombinasyon

333
00:21:28,640 --> 00:21:32,760
ng inisyal ng Seoul National University
at ang salitang Ingles na "puppy".

334
00:21:32,840 --> 00:21:36,280
Ayon sa mga mananaliksik,
malusog at normal ang tuta.

335
00:21:37,960 --> 00:21:43,040
Ilang taon din sumubok
ang mga mananaliksik sa Amerika

336
00:21:43,120 --> 00:21:47,400
na mag-clone ng tuta
na nagngangalang Missy,

337
00:21:47,480 --> 00:21:49,360
pero nabigo rin sila sa huli.

338
00:21:49,440 --> 00:21:53,920
Sa dami ng asong pinaparami namin,
nagiging mahina na ang mga genome nila.

339
00:21:54,000 --> 00:21:55,880
Kaya mahirap silang ma-clone.

340
00:21:55,960 --> 00:21:58,960
Napakagaling niyang siyentipiko.

341
00:21:59,040 --> 00:22:03,880
Hindi nagulat ang komunidad
ng mga siyentipiko na nagtagumpay siya.

342
00:22:03,960 --> 00:22:08,520
Nagulat ang mga tao dahil hindi nila alam
kung sino ang mauuna sa karera.

343
00:22:09,360 --> 00:22:13,040
Naniniwala akong napakalaki

344
00:22:13,120 --> 00:22:18,240
ng mensaheng dala ng matagumpay na kaso

345
00:22:18,320 --> 00:22:19,880
sa mga tao sa larangan ng cloning.

346
00:22:20,920 --> 00:22:24,720
Dahil nagtagumpay kami
sa cloning ng mga aso,

347
00:22:24,800 --> 00:22:30,280
kapag nabigyan kami ng mga kinakailangang
kondisyon at pagkakataon,

348
00:22:30,760 --> 00:22:36,440
posibleng ma-clone ang kahit anong hayop.

349
00:22:39,840 --> 00:22:41,840
Maraming pondo si Dr. Hwang noon.

350
00:22:41,920 --> 00:22:43,400
Marami siyang magagandang makina

351
00:22:43,480 --> 00:22:46,320
at mga micromanipulator
para manipulahin ang mga itlog.

352
00:22:46,400 --> 00:22:50,960
May mga technician siya na may espesyal
na pagsasanay ang mga kamay.

353
00:22:51,040 --> 00:22:52,720
"Mga kamay na sinanay ng chopstick."

354
00:22:52,800 --> 00:22:56,360
Halos 30 na mananaliksik sa grupo
ni Propesor Hwang ang nagtatrabaho

355
00:22:56,440 --> 00:22:59,400
mula 7 a.m. hanggang 11 p.m.

356
00:22:59,480 --> 00:23:02,600
Ang "chopstick technique"
ay ang pagbutas ng maselang itlog

357
00:23:02,680 --> 00:23:04,640
at pagtanggal ng nucleus sa isang segundo.

358
00:23:04,720 --> 00:23:08,600
Hanga ang mga bioengineer
sa buong mundo sa pamamaraang 'to.

359
00:23:08,680 --> 00:23:11,360
Mababagal ang kamay
ng mga tao sa ibang bansa.

360
00:23:12,080 --> 00:23:14,160
Kung gagawa kami ng 100 sa isang oras,

361
00:23:14,240 --> 00:23:16,480
mas kaunti ang magagawa nila.

362
00:23:16,560 --> 00:23:17,440
Isang araw,

363
00:23:17,520 --> 00:23:19,200
nabalitaan ko sa gobyerno ng UAE

364
00:23:19,280 --> 00:23:23,800
na mayroong simbolikong kamelyo noon
na nagngangalang Mabrukan,

365
00:23:24,400 --> 00:23:27,360
ang biglang namatay,

366
00:23:28,200 --> 00:23:29,800
may sampung taon na ang nakakalipas.

367
00:23:30,400 --> 00:23:32,240
Tinanong nila ako

368
00:23:32,920 --> 00:23:37,040
kung posible ba siyang ma-clone.

369
00:23:37,640 --> 00:23:39,240
Ang sabi ko sa kanila,

370
00:23:39,320 --> 00:23:43,960
"Ang posibilidad
ay mas mababa sa isang porsiyento."

371
00:23:44,040 --> 00:23:47,600
Isang araw, literal kaming pinatawag
sa conference room.

372
00:23:47,680 --> 00:23:50,480
Pumasok si Propesor Hwang
kasama ang mga grupo niya.

373
00:23:50,560 --> 00:23:51,680
Sa totoo lang,

374
00:23:51,760 --> 00:23:54,160
naisip ko bang puwede
namin siyang ma-clone? Hindi.

375
00:23:54,240 --> 00:23:56,840
Inisip ko na puwede lang
kaming kumuha ng semilya

376
00:23:56,920 --> 00:23:58,880
at iturok ito para magkaroon ng supling.

377
00:24:09,000 --> 00:24:10,440
Sa huli,

378
00:24:10,520 --> 00:24:13,320
labing-isang taon
pagkatapos niyang mamatay,

379
00:24:13,800 --> 00:24:19,520
isinilang ang labing-isang
na-clone na mga Mabrukan.

380
00:24:25,480 --> 00:24:30,920
Nakatira sila ngayon sa UAE
at inaalagaan nang mabuti.

381
00:24:35,320 --> 00:24:38,560
Kapag tumigil ang utak
at ang tibok ng puso,

382
00:24:39,320 --> 00:24:42,040
ikokonsidera 'yon

383
00:24:42,120 --> 00:24:47,160
na simula ng kamatayan,
pero hindi kami gano'n mag-isip.

384
00:24:48,280 --> 00:24:53,640
Hindi namin iisipin
na patay na ang organismo

385
00:24:54,280 --> 00:24:57,800
hanggang sa mawalan ng potensyal

386
00:24:57,880 --> 00:25:02,040
ang cell sa katawan

387
00:25:02,120 --> 00:25:04,000
na maging linya ng cell.

388
00:25:04,080 --> 00:25:10,040
Ang prosesong ito
ay parte ng trabaho namin,

389
00:25:10,120 --> 00:25:13,760
ikinokonsidera namin ngayon
na buhay ang nag-iisang cell.

390
00:25:16,160 --> 00:25:17,480
Sa unang pagkakataon,

391
00:25:17,560 --> 00:25:20,200
nakatayo lang ako roon
habang hawak ang kamelyo.

392
00:25:21,000 --> 00:25:25,040
At naisip ko, "Sampung taon
nang patay ang hayop na 'to.

393
00:25:25,680 --> 00:25:28,840
Inaalagaan ko lang 'to dati,
pero nandito siya ulit."

394
00:25:29,400 --> 00:25:32,880
At aaminin ko na hindi ko
maipaliwanag ang pakiramdam

395
00:25:32,960 --> 00:25:34,600
Pakiramdam ko ba Diyos ako?

396
00:25:34,680 --> 00:25:36,720
Sa kasamaang-palad, oo.

397
00:25:36,800 --> 00:25:38,520
Sa oras na 'yon, maiisip mong,

398
00:25:38,600 --> 00:25:41,440
"Grabe, ano'ng ginawa namin?
Napakagaling nito, 'di ba?"

399
00:25:41,520 --> 00:25:43,720
Mapapaisip ka ulit, "Ano'ng ginawa namin?"

400
00:26:05,720 --> 00:26:09,520
Dito sa kuwartong 'to namalagi si Csillo,
no'ng huling araw niya.

401
00:26:10,480 --> 00:26:12,360
Kagagaling lang niya sa beterinaryo.

402
00:26:12,440 --> 00:26:15,600
Natutulog siya sa mga braso ko,
at alam niyang mamamatay na siya.

403
00:26:15,680 --> 00:26:19,520
Kaya medyo nanginginig siya.
Gusto niya kaming makasama.

404
00:26:19,600 --> 00:26:21,920
At sa puntong 'to…

405
00:26:22,000 --> 00:26:24,160
Dito siya namatay.

406
00:26:24,880 --> 00:26:25,880
Dito.

407
00:26:29,000 --> 00:26:29,880
Oo.

408
00:26:30,960 --> 00:26:32,440
Umaasa pa rin siya.

409
00:26:32,520 --> 00:26:35,120
Kung titingnan n'yo ang mga mata niya,
gusto niya pang mabuhay.

410
00:26:35,760 --> 00:26:37,960
Pero sa huling araw,
hindi na niya nakayanan.

411
00:26:38,480 --> 00:26:41,360
Nagulat kami.
Labindalawang taon nang patay si Csillo.

412
00:26:41,440 --> 00:26:43,960
Kaya kung iisipin, nakakagulat na…

413
00:26:44,040 --> 00:26:45,800
Kaya napakalakas nito.

414
00:26:45,880 --> 00:26:47,600
Hindi siya tumanda, sa totoo lang.

415
00:26:47,680 --> 00:26:50,600
Lagi siyang makulit at maliksi,
at hindi siya nauubusan ng lakas.

416
00:26:53,880 --> 00:26:56,920
Nasa mabuti siyang kalagayan.
Napakalusog niya.

417
00:26:57,000 --> 00:27:00,520
Kahit na 12 taon lang ang itinatagal
ng mga French bulldog,

418
00:27:00,600 --> 00:27:04,200
kung hindi siya nagkaroon ng leukemia,
baka nabuhay pa siya ng 20 taon.

419
00:27:04,280 --> 00:27:07,640
At dahil doon,
nakakagulat na nangyari sa kaniya 'yon.

420
00:27:07,720 --> 00:27:10,440
Kada araw, may nangyayaring masama.

421
00:27:11,680 --> 00:27:14,720
Sinubukan kong palitan ng saya
ang nararamdaman kong kalungkutan

422
00:27:14,800 --> 00:27:17,080
sa pamamagitan ng pagbuo muli sa kaniya.

423
00:27:18,640 --> 00:27:25,240
Kung tutuusin, nagsimula ang cloning…

424
00:27:26,720 --> 00:27:29,120
dahil sa kalungkutan.

425
00:27:29,200 --> 00:27:31,840
Nagsimula akong bumili
ng mga kagamitan para sa cloning.

426
00:27:31,920 --> 00:27:34,920
Paano kukuha ng mga sample,
paano itatago ang mga sample.

427
00:27:35,000 --> 00:27:37,480
Kumuha kami ng mga sample sa tainga.

428
00:27:37,560 --> 00:27:42,880
Mula sa tainga, mas madali
nang magpalago ng mga fibroblast.

429
00:27:43,480 --> 00:27:47,280
Ipinadala namin sa England. May lagayan
ng mga cell doon para sa mga hayop.

430
00:27:47,360 --> 00:27:49,640
Mula sa England, nagpunta sila sa Korea.

431
00:27:49,720 --> 00:27:53,040
'Yon ang panahon na lumipat sila
mula Korea hanggang sa Abu Dhabi.

432
00:27:55,800 --> 00:27:58,960
"Kahit hindi kami sigurado
kung magtatagumpay,

433
00:27:59,040 --> 00:28:00,560
ipadala mo agad ang mga tissue."

434
00:28:01,600 --> 00:28:03,240
Ang bait ni Dr. Hwang.

435
00:28:03,320 --> 00:28:05,200
No'ng nagkaroon na siya ng mga cell,

436
00:28:05,280 --> 00:28:08,040
kinuhanan niya ito ng litrato
at ipinadala sa akin.

437
00:28:08,120 --> 00:28:10,600
At may dalawa siyang grupo
na gumagawa nito.

438
00:28:10,680 --> 00:28:13,560
Medyo mahirap ang pag-clone ng aso

439
00:28:13,640 --> 00:28:15,520
kaya dinadamihan nila ang paggawa.

440
00:28:15,600 --> 00:28:19,200
Pina-clone ko si Csillo
dahil gusto ko siyang makasama ulit.

441
00:28:19,280 --> 00:28:23,200
Hindi asong pandagat
o asong naglalaro ng football.

442
00:28:23,280 --> 00:28:25,320
Gusto kong makasama ulit si Csillo.

443
00:28:25,400 --> 00:28:30,360
Ang problema sa cloning,
maraming puwedeng mangyari.

444
00:28:31,080 --> 00:28:35,080
Kaya ang ginagawa nila,
paulit-ulit silang sumusubok.

445
00:28:35,160 --> 00:28:39,920
Puwedeng lima, apat,
o tatlong aso ang bumalik.

446
00:28:40,000 --> 00:28:43,040
Nagkaroon na kami
ng dalawang clone ni Csillo.

447
00:28:43,600 --> 00:28:48,400
Mayroon-- Ang unang clone ni Csillo
ay ipinanganak noong Nobyembre,

448
00:28:49,520 --> 00:28:52,240
at naisip ko, "Mayroon akong clone na aso!

449
00:28:52,320 --> 00:28:53,200
Ang galing!"

450
00:28:58,040 --> 00:29:00,680
Tapos tinawagan ako
ng assistant ni Dr. Hwang.

451
00:29:00,760 --> 00:29:02,480
"May isa pang Csillo."

452
00:29:03,280 --> 00:29:07,960
Namatay agad
ang naunang dalawang magkapatid

453
00:29:08,640 --> 00:29:10,200
dahil hindi pa gano'n kabuo.

454
00:29:10,280 --> 00:29:13,000
Namatay siya sa gutom. Wala
kaming nagawa. Masyado pa siyang bata.

455
00:29:13,800 --> 00:29:14,960
Pero ngayon,

456
00:29:15,040 --> 00:29:18,240
ang pangalawang Csillo
ay isa't kalahating taong gulang na

457
00:29:18,320 --> 00:29:20,400
at masayahin siyang aso.

458
00:29:20,480 --> 00:29:22,520
Alam kong tama ang lahat ng ginawa ko.

459
00:29:28,040 --> 00:29:29,760
Hindi lang basta pagkopya

460
00:29:30,600 --> 00:29:34,360
ng isang bagay ang teknolohiya ng cloning.

461
00:29:34,440 --> 00:29:40,440
Ito ay isang genetic
at ang kopya ng orihinal na DNA,

462
00:29:41,040 --> 00:29:43,280
hindi kopya ng phenotype.

463
00:29:43,360 --> 00:29:45,160
May kaunting pagkakaiba rin.

464
00:29:45,240 --> 00:29:46,920
Ito ang sinasabi ko sa mga tao.

465
00:29:47,000 --> 00:29:49,120
Hindi namin alam ang gagawin
sa katawan ni Csillo.

466
00:29:49,200 --> 00:29:52,000
Hindi namin alam
kung dapat ba namin siyang ilibing o…

467
00:29:52,080 --> 00:29:53,480
Ano'ng gagawin namin sa kaniya?

468
00:29:53,560 --> 00:29:56,560
May ibang tao na pinapalamanan nila 'to.

469
00:29:57,120 --> 00:29:59,000
Kaya nilagay namin siya sa refrigerator.

470
00:29:59,880 --> 00:30:01,760
HUWAG BUBUKSAN

471
00:30:11,800 --> 00:30:17,120
Ang naisip namin ay humanap ng lugar
kung saan puwedeng itago si Csillo.

472
00:30:17,200 --> 00:30:19,720
Ayaw namin siyang dalhin
sa sementeryo dito sa Hungary.

473
00:30:19,800 --> 00:30:22,680
Gusto naming makasama siya.

474
00:30:22,760 --> 00:30:25,800
Gusto naming humanap ng lugar
kung saan magiging masaya siya

475
00:30:25,880 --> 00:30:27,480
at makikita namin siya lagi.

476
00:30:27,560 --> 00:30:29,440
May nahanap kami.

477
00:30:29,520 --> 00:30:32,360
Sa hardin kung saan
puwede namin siyang puntahan

478
00:30:32,440 --> 00:30:35,840
at mahalin, at doon siya mamamalagi.

479
00:30:41,360 --> 00:30:44,760
Sa palagay ko,

480
00:30:44,840 --> 00:30:47,280
kung hindi ako nagkakamali,

481
00:30:47,880 --> 00:30:53,400
nasa 1,600 na aso ang na-clone namin.

482
00:30:53,480 --> 00:30:57,400
Nakapag-clone na rin kami
ng mga baka, baboy, lobo,

483
00:30:57,480 --> 00:31:01,040
coyote, pusa, at kabayo.

484
00:31:02,960 --> 00:31:05,480
Noong na-clone ang tupang si Dolly,

485
00:31:05,560 --> 00:31:07,440
wala namang tuntunin
o batas na nagbabawal dito.

486
00:31:07,520 --> 00:31:10,920
Hanggang ngayon,
wala pa ring batas para sa mga hayop.

487
00:31:11,880 --> 00:31:15,520
Pero karamihan sa mga Amerikano,
masama ang tingin sa cloning ng mga hayop.

488
00:31:16,280 --> 00:31:20,560
Tumagal pa ng walo o sampung buwan
hanggang sa isang taon

489
00:31:20,640 --> 00:31:22,840
bago nasabi ng mga siyentipiko
at ng media,

490
00:31:22,920 --> 00:31:25,880
"Hindi n'yo nauunawaan kung ano ba
talaga ang cloning. Ito kasi 'yon."

491
00:31:25,960 --> 00:31:28,240
Unti-unting bumaba
ang dami ng nagsabi nito

492
00:31:28,320 --> 00:31:33,160
hanggang sa ang mga Amerikano ang nagsabi,
"Sige, ayos lang ang mag-clone ng tupa."

493
00:31:33,240 --> 00:31:36,200
Pero ibang usapan na kapag
nagsimula na silang mag-clone

494
00:31:36,280 --> 00:31:38,720
ng mga unggoy at mga tao.

495
00:31:39,280 --> 00:31:41,440
May mga pagbabago sa human cloning.

496
00:31:41,520 --> 00:31:44,480
Narito ang health correspondent
na si Susan Dentzer.

497
00:31:44,560 --> 00:31:48,280
Dati nang nakapag-clone ng ilang embryo
ng tao ang ibang siyentipiko

498
00:31:48,360 --> 00:31:49,880
pero hindi nagtagal.

499
00:31:50,520 --> 00:31:51,600
Sa kabaligtaran,

500
00:31:51,680 --> 00:31:55,520
ang mga taga-South Korea na inanunsiyo
ang ginawa nila sa journal na Science,

501
00:31:55,600 --> 00:31:57,120
ay napag-alamang nalampasan

502
00:31:57,200 --> 00:32:00,360
ang mga pagsisikap
na mag-clone ng tao noon.

503
00:32:00,440 --> 00:32:02,560
Napakaimportante n'on

504
00:32:02,640 --> 00:32:06,880
dahil ito ang unang hakbang patungo
sa mundo ng regenerative na gamot

505
00:32:06,960 --> 00:32:09,360
kung saan magagamit natin ang mga cell

506
00:32:09,440 --> 00:32:11,280
sa lahat ng uri ng panggagamot.

507
00:32:11,360 --> 00:32:14,160
Nagsimula ang mga mananaliksik
sa 16 na babae

508
00:32:14,240 --> 00:32:16,600
na binigyan ng gamot
sa hormone para makagawa

509
00:32:16,680 --> 00:32:18,760
ng maraming reprodutive egg cells.

510
00:32:19,320 --> 00:32:22,080
Saka gumamit ang mga siyentipiko
ng mga makabagong paraan

511
00:32:22,160 --> 00:32:24,960
para tanggalin ang nucleus
sa bawat egg cells.

512
00:32:26,120 --> 00:32:28,440
Tinanggal naman nila ang body cells

513
00:32:28,520 --> 00:32:31,080
sa mga babaeng nagbigay ng egg cells.

514
00:32:31,160 --> 00:32:33,840
May dalawang set ng chromosomes
'yong body cells,

515
00:32:33,920 --> 00:32:37,160
ang buong genetic na blueprint
na kailangan upang lumikha ng tao.

516
00:32:37,720 --> 00:32:41,040
Tinanggal nila ang mga nuclear
material sa body cells

517
00:32:41,120 --> 00:32:43,320
at nilagay ito sa egg cells.

518
00:32:43,400 --> 00:32:46,200
Na nagresulta sa 66 cloned na itlog,

519
00:32:46,280 --> 00:32:48,240
naaangkop sa mga embryo ng tao

520
00:32:48,320 --> 00:32:51,560
na may genetic makeup
na katulad ng mga orihinal na babae.

521
00:32:51,640 --> 00:32:53,400
Nagkaroon ng malaking interes

522
00:32:53,480 --> 00:32:55,880
sa pananaw ng regenerative na gamot.

523
00:32:55,960 --> 00:33:00,040
Dahil kung makakakuha tayo ng cell
at puwedeng gawing cell sa katawan,

524
00:33:00,120 --> 00:33:02,080
makakagawa ba tayo ng mga bagong atay?

525
00:33:02,160 --> 00:33:05,320
May bagong organ bang mabubuo?
Maayos ba ulit ang mga nasirang cells?

526
00:33:05,400 --> 00:33:08,960
At may halo rin itong
napakalaking interes sa panggagamot.

527
00:33:09,040 --> 00:33:12,240
May mga kilalang siyentipiko
ang pinag-uusapan 'to

528
00:33:12,320 --> 00:33:15,840
na parang mga parte ng sasakyan
na puwedeng palitan.

529
00:33:15,920 --> 00:33:18,360
Ang embryonic stem cell
ay ang building block cells

530
00:33:18,440 --> 00:33:22,320
na nabubuo sa halos lahat ng mga cell
at tisyu sa katawan.

531
00:33:22,400 --> 00:33:24,560
Tinanggal ng mga Koreanong mananaliksik

532
00:33:24,640 --> 00:33:26,960
ang primordial cells mula sa mga embryo,

533
00:33:27,040 --> 00:33:29,320
kaya nasira ang mga embryo sa proseso.

534
00:33:29,400 --> 00:33:33,640
Pagkatapos ay bumuo sila ng kolonya
ng magkakaparehas na stem cells.

535
00:33:33,720 --> 00:33:37,840
Kailangan nating tanggapin
na ang pangunahing kontribusyon ng Amerika

536
00:33:38,400 --> 00:33:41,920
sa Seoul ay Coca-Cola.

537
00:33:42,600 --> 00:33:45,440
Nabubuhay si Woo-suk
sa caffeine at asukal.

538
00:33:46,680 --> 00:33:50,520
Isa 'yong biological dream.

539
00:33:51,080 --> 00:33:55,160
Naging sikat na siyentipiko si Dr. Hwang.

540
00:33:55,240 --> 00:34:00,120
Pinupuri siya
bilang napakagaling na siyentipiko

541
00:34:00,200 --> 00:34:01,760
sa South Korea.

542
00:34:01,840 --> 00:34:06,160
Darating din ang araw
na maipapaliwanag ko ang lahat.

543
00:34:06,240 --> 00:34:08,920
Reputasyon 'to. Pera 'to.

544
00:34:09,000 --> 00:34:12,720
Ito ang lugar mo
sa mga ginagalang na tao sa siyensiya

545
00:34:12,800 --> 00:34:15,239
para ang mga libro,
isang daang taon mula ngayon,

546
00:34:15,320 --> 00:34:16,679
ay magbabanggit ang pangalan mo.

547
00:34:17,280 --> 00:34:19,440
Talagang nakakamangha

548
00:34:19,920 --> 00:34:22,880
kung paano sumusulong ang siyensiya

549
00:34:22,960 --> 00:34:26,719
at kung gaano kahalaga
ang mga medikal na implikasyon nito.

550
00:34:26,800 --> 00:34:30,080
Napakagaling ng nagawa niya,

551
00:34:30,719 --> 00:34:35,360
ngunit hindi sa kaniyang kakayahan
na mamamangha ang mga tao,

552
00:34:35,440 --> 00:34:37,960
kundi sa kakayahan
niyang makuha ang itlog na 'yon.

553
00:34:38,040 --> 00:34:42,239
Ang pinakamahalaga sa lahat
ay mabuo ang mga itlog sa clone cells.

554
00:34:42,320 --> 00:34:44,400
Kailangan ng mga itlog para makabuo nito.

555
00:34:44,480 --> 00:34:46,199
At hindi madaling kumuha ng itlog ng tao.

556
00:34:46,280 --> 00:34:50,840
Tuwing magkakaron ng regla ang babae,
naglalabas ng itlog ang isa sa mga obaryo.

557
00:34:50,920 --> 00:34:54,120
Pagkatapos ng obulasyon,
papasok ang itlog sa fallopian tube.

558
00:34:54,719 --> 00:34:59,840
Mas mataas ang tsansa na mabuntis
ang babae kapag makikipagtalik bago,

559
00:34:59,920 --> 00:35:02,680
habang, o pagkatapos ng obulasyon.

560
00:35:03,240 --> 00:35:08,160
Ayon kay Dr. Hwang,
gumamit siya ng 242 na itlog.

561
00:35:08,240 --> 00:35:10,720
Kinailangan niyang pakiusapan
ang mga babae

562
00:35:11,320 --> 00:35:15,360
na uminom ng gamot
para mahyperstimulate ang mga obaryo nila,

563
00:35:15,440 --> 00:35:17,640
tapos gumamit siya ng karayom

564
00:35:17,720 --> 00:35:22,240
para kumuha ng sample sa obaryo nila
na gagamitin sa research.

565
00:35:23,680 --> 00:35:28,120
Sa palagay ko, ang isa sa madalas itago
sa wika ng mga siyentipiko

566
00:35:28,200 --> 00:35:32,080
ay ang hirap na pinagdaraanan
ng katawan ng mga babae

567
00:35:32,160 --> 00:35:34,880
na ginagamit para makapagparami ng itlog,

568
00:35:34,960 --> 00:35:38,440
at ang katotohanang kailangang
pagdaanan ng mga babae sa

569
00:35:38,520 --> 00:35:42,000
sa paulit-ulit na hyperstimulation
ng obaryo at pagkuha sa mga 'to.

570
00:35:42,560 --> 00:35:44,280
May iba't ibang panuntunan ang bawat bansa

571
00:35:44,360 --> 00:35:47,480
sa kung paano ka makakakuha ng ova.

572
00:35:47,560 --> 00:35:50,840
Pero sa bawat kaso,
may isang paraan lang para gawin 'yon,

573
00:35:50,920 --> 00:35:54,720
at 'yon ay ang paghingi
ng pahintulot sa babae.

574
00:35:56,000 --> 00:36:01,080
Ayon sa kaniya, nakapagbigay daw
ng 242 na itlog ang 16 na babae.

575
00:36:01,160 --> 00:36:04,080
Lahat daw sila ay nagboluntaryo

576
00:36:04,160 --> 00:36:06,280
at ginawa nila 'yon
dahil sa kabutihan ng kanilang puso

577
00:36:06,360 --> 00:36:07,960
dahil naniniwala sila sa research niya.

578
00:36:08,800 --> 00:36:11,160
Iniisip namin na,
"Ang galing naman at nagawa niya 'to."

579
00:36:12,000 --> 00:36:13,960
Tuwing pupunta ako sa opisina niya,
tatanungin ko siya,

580
00:36:14,040 --> 00:36:16,080
"Paano mo nakuha ang mga itlog?
Saan ito nanggaling?"

581
00:36:16,160 --> 00:36:18,400
Gusto kong pasalamatan

582
00:36:19,120 --> 00:36:24,200
ang mararangal na kababaihan

583
00:36:25,160 --> 00:36:27,760
na handang magbigay ng sarili nilang itlog
para sa pag-aaral na 'to.

584
00:36:27,840 --> 00:36:29,400
Nagtrabaho ako dati sa Nature,

585
00:36:29,480 --> 00:36:32,800
isang kilalang
international science magazine,

586
00:36:32,880 --> 00:36:34,880
at ang ako ang correspondent
sa Asia-Pacific.

587
00:36:34,960 --> 00:36:37,240
At sinusubukan kong
mas alamin pa ang tungkol sa

588
00:36:37,320 --> 00:36:41,240
ang biomedical science sa Korea,
ang stem cell research sa Korea,

589
00:36:41,320 --> 00:36:43,760
at hindi ko inakalang
may matutuklasan ako.

590
00:36:43,840 --> 00:36:47,040
Hindi ko naisip na nagawa siya
ng isang malaking pagkakamali.

591
00:36:49,320 --> 00:36:51,880
Medyo weird ang pakiramdam ko sa kaniya.

592
00:36:51,960 --> 00:36:54,360
Kulang-kulang 'yong
mga sagot niya sa 'kin,

593
00:36:54,440 --> 00:36:57,520
at hindi siya komportable
no'ng tinatanong ko siya.

594
00:36:57,600 --> 00:37:00,080
Kaya nagpasiya akong
tawagan 'yong mga nasa magazine.

595
00:37:00,160 --> 00:37:02,200
May 15 co-authors
at kadalasan ang unang author

596
00:37:02,280 --> 00:37:04,160
ang gumagawa ng lahat ng trabaho.

597
00:37:04,240 --> 00:37:08,440
Ang huling author ay ang pinakamatandang
propesor na nagdidisenyo ng eksperimento,

598
00:37:08,520 --> 00:37:13,080
at isa-isa ko silang tinawagan,
umaasang may isang magsasabi na,

599
00:37:13,560 --> 00:37:15,880
"Oo, ako ang 'yong gumawa
no'ng proseso at ganito namin ginawa."

600
00:37:16,840 --> 00:37:19,120
Marami sa kanila sabi,
"Kausapin mo na lang si Dr. Hwang."

601
00:37:19,200 --> 00:37:20,240
"Ayaw kitang kausapin."

602
00:37:21,040 --> 00:37:23,760
Pero sa wakas, may nakausap akong babae,

603
00:37:23,840 --> 00:37:25,280
at ang sabi niya,

604
00:37:25,360 --> 00:37:29,080
"Hindi ko puwedeng sabihin
ang naging proseso ng pagbibigay ng itlog.

605
00:37:29,160 --> 00:37:31,160
Ang masasabi ko lang
ay 'yong ginawa sa 'kin."

606
00:37:33,160 --> 00:37:34,560
Wala pang isang segundo.

607
00:37:34,640 --> 00:37:36,600
"Nagbigay ng itlog para sa eksperimento?"

608
00:37:37,400 --> 00:37:39,040
Ang sabi niya, "Oo, nagbigay ako."

609
00:37:39,880 --> 00:37:44,640
Saka ko lang napagtanto
na napakalaking bagay pala 'to.

610
00:37:44,720 --> 00:37:47,240
Kaya tinanong ko siya
tungkol doon sa paraan

611
00:37:47,320 --> 00:37:50,280
na pinagdaanan niya,
saan 'yon ginawa at bakit niya ginawa.

612
00:37:50,360 --> 00:37:51,960
Sabi niya may mga anak na siya,

613
00:37:52,040 --> 00:37:55,200
at ayos lang sa kaniya
kung 'di na siya magkakaanak ulit.

614
00:37:55,280 --> 00:37:58,320
Ang sabi niya, "Maraming tao sa Korea
ang may sakit sa spinal cord.

615
00:37:58,400 --> 00:38:00,480
Gusto kong makatulong sa anumang paraan."

616
00:38:00,960 --> 00:38:04,680
Para sa kaniya magiging
tagapaglitas ng mga tao si Dr. Hwang,

617
00:38:04,760 --> 00:38:06,480
at gusto niyang maging parte n'on.

618
00:38:06,560 --> 00:38:07,800
Noong panahon na 'yon,

619
00:38:09,440 --> 00:38:13,640
marami kaming babaeng
mananaliksik sa laboratoryo.

620
00:38:14,200 --> 00:38:17,720
Ipinatawag sa opisina ni Dr. Hwang

621
00:38:18,240 --> 00:38:21,000
ang mga babaeng mananalisik na 'yon.

622
00:38:21,080 --> 00:38:24,960
Pinakita niya sa kanila ang mga dokumento
at personal niyang pinaliwanag 'to,

623
00:38:25,040 --> 00:38:27,120
at pinapirma sila.

624
00:38:27,200 --> 00:38:32,240
Pumirma sa dokumento
ang karamihan sa kanila,

625
00:38:32,320 --> 00:38:35,120
at kinuha ni Hwang lahat 'yon.

626
00:38:35,200 --> 00:38:40,960
Sa tingin ko, malamang kung isa kang
batang babaeng mananaliksik

627
00:38:41,040 --> 00:38:44,760
na nagtatrabaho sa laboratoryo
at naisip mong ang pagbibigay ng itlog mo

628
00:38:44,840 --> 00:38:46,800
ay paraan para magtagumpay
ang eksperimentong 'to,

629
00:38:47,280 --> 00:38:49,400
hindi ka mag-aatubiling magbigay.

630
00:38:49,480 --> 00:38:51,720
Hindi mo na kailangan tanungin.

631
00:38:51,800 --> 00:38:54,680
Pero boluntaryo ba talaga 'yon?
May pagpipilian ba talaga sila?

632
00:38:55,760 --> 00:38:57,320
Sa tingin ko, sa usaping 'yon,

633
00:38:57,400 --> 00:39:02,800
sinabi ba ng kagalang-galang
at nakatatandang siyentipiko na,

634
00:39:02,880 --> 00:39:05,600
"Kailangan natin ng mga itlog.
Saan kaya tayo makakakuha no'n?"

635
00:39:05,680 --> 00:39:07,800
Pamimilit ba ang gano'n?

636
00:39:09,120 --> 00:39:11,360
Ang article na sinulat ko ay tungkol

637
00:39:11,440 --> 00:39:14,000
sa pagkakaroon ng problema
sa moralidad sa loob ng research

638
00:39:14,080 --> 00:39:17,120
na pilit binabalewala ni Dr. Hwang.

639
00:39:17,800 --> 00:39:19,920
At ang pamagat ng article ay,

640
00:39:20,000 --> 00:39:23,880
"Mga Koreanong cloner
nababalot ng mga makataong problema,"

641
00:39:23,960 --> 00:39:25,200
at sinabi ko 'yon kay Dr. Hwang.

642
00:39:25,760 --> 00:39:29,200
Ang sabi niya, "Kung gagawin mo 'yon,
magkakaroon ka ng malaking problema."

643
00:39:33,360 --> 00:39:35,880
Ang pondong ginamit
para sa grupo ni Propesor Hwang

644
00:39:35,960 --> 00:39:38,560
na ibinigay ng gobyerno
at mga pribadong organisasyon

645
00:39:38,640 --> 00:39:40,960
ay humigit pa sa 100 bilyong won.

646
00:39:42,400 --> 00:39:44,200
Pinapatunayan nito ang kapangyarihan mo.

647
00:39:44,280 --> 00:39:46,240
Kapangyarihan? Anong kapangyarihan?

648
00:39:46,320 --> 00:39:50,400
Ibig sabihin, mas naging mabigat
ang responsibilidad namin.

649
00:39:50,480 --> 00:39:54,520
Akala ko mas lalalim pa
ang imbestigasyon dahil sa article na 'yon

650
00:39:54,600 --> 00:39:56,800
at malalaman nila
na totoo ang mga sinulat ko

651
00:39:56,880 --> 00:39:59,800
at pag-iisipan nilang mabuti
ang ginawa nila,

652
00:40:00,440 --> 00:40:03,000
at sakit na rin ng ulo
para kay Dr. Hwang, pero…

653
00:40:03,080 --> 00:40:07,800
nagulat ako na puro pambabatikos
ang naging reaksyon sa article,

654
00:40:07,880 --> 00:40:09,480
sa integridad ng article ko.

655
00:40:09,560 --> 00:40:12,640
At sa wala masyadong sinab
i ang mga siyentipiko tungkol dito.

656
00:40:12,720 --> 00:40:14,000
At ito ang bida

657
00:40:14,080 --> 00:40:17,120
sa embryonic stem cell research,
at sa cloning research.

658
00:40:17,200 --> 00:40:19,040
Siya ang nagsimula ng lahat,

659
00:40:19,120 --> 00:40:22,720
at kung may malalang problema
sa moralidad ng kaniyang research,

660
00:40:22,800 --> 00:40:24,560
dapat nating pag-usapan 'yon.

661
00:40:25,200 --> 00:40:26,960
Pero walang gustong magsalita.

662
00:40:30,600 --> 00:40:34,320
Tapos ang pangalawang research
ni Dr. Hwang sa human cloning

663
00:40:34,400 --> 00:40:38,360
ay lumabas noong Mayo 2005,
mahigit isang taon pagkatapos ng una.

664
00:40:39,640 --> 00:40:45,560
Isang malaking hakbang ito
para sa siyensiya patungo sa araw

665
00:40:45,640 --> 00:40:51,560
na ang ilan sa malulubhang sakit
at pinsala ng sangkatauhan

666
00:40:51,640 --> 00:40:58,520
ay magagamot nang lubusan
gamit ang therapeutic stem cells.

667
00:40:58,600 --> 00:41:03,560
'Yong 2005 research na 'yon
ay isang hakbang patungo sa kakayahang

668
00:41:03,640 --> 00:41:07,320
magamit ang sariling cell ng pasyente

669
00:41:07,400 --> 00:41:10,120
upang makagawa
ng mga lunas para sa pasyente.

670
00:41:10,200 --> 00:41:15,720
Hindi mo mahahanap sa kahit anong bansa
ang ginagawa mong trabaho sa Korea.

671
00:41:16,920 --> 00:41:19,360
Pag-asa ang hatid ng therapeutic cloning

672
00:41:19,440 --> 00:41:21,720
at maunawaan ang mga paraan ng paggamot

673
00:41:21,800 --> 00:41:24,360
ng milyon-milyong tao sa buong mundo.

674
00:41:24,440 --> 00:41:26,480
Ayon sa mga siyentipiko,
ito na ang pinakamahusay na

675
00:41:26,560 --> 00:41:27,760
natuklasan sa buhay natin.

676
00:41:28,440 --> 00:41:31,240
Ayon kay Dr. Hwang,
kumuha raw siya ng fertilized na itlog

677
00:41:31,320 --> 00:41:35,720
na naghiwa-hiwalay
sa isang tiyak na bilang ng mga cell.

678
00:41:35,800 --> 00:41:39,640
Ang bawat cell na 'yon
ay tinatawag na pluripotent cells,

679
00:41:39,720 --> 00:41:42,280
ibig sabihin na bawat isa
sa mga cell na 'yon

680
00:41:42,360 --> 00:41:45,480
ay puwedeng maging cell
ng atay, baga, o kaya balat.

681
00:41:45,560 --> 00:41:49,800
Ang layunin ay makagawa ng maraming clone

682
00:41:49,880 --> 00:41:52,000
gamit ang fertilized na itlog

683
00:41:52,080 --> 00:41:54,520
para makakuha ng mga stem cell

684
00:41:54,600 --> 00:41:59,160
na kahawig na kahawig ng orihinal,

685
00:41:59,240 --> 00:42:03,120
at gaya ng matris,
doon mabubuo ang isang tao.

686
00:42:03,200 --> 00:42:05,000
'Yon mismo ang ginawa niya.

687
00:42:05,080 --> 00:42:10,880
Gumawa siya ng mga stem cell
na na-clone mula sa orihinal na tao.

688
00:42:11,920 --> 00:42:16,680
Noong panahon na 'yon, ang stem cell
science ang magpapabago sa medisina.

689
00:42:16,760 --> 00:42:18,880
Makakapagbago 'yon ng buhay ng tao.

690
00:42:18,960 --> 00:42:21,120
At sa anumang paraan, sa anumang bansa,

691
00:42:21,720 --> 00:42:24,000
ang pagkamit ng ganitong
klaseng tagumpay sa siyensiya

692
00:42:24,080 --> 00:42:25,760
ay dapat pinagsisikapan.

693
00:42:25,840 --> 00:42:28,880
SINASALUBONG NG SEOUL ANG MUNDO
2002 FIFA WORLD CUP KOREA/JAPAN

694
00:42:41,360 --> 00:42:45,360
Noong panahon na 'yon,
nagsisimula pa lang umunlad ang Korea

695
00:42:46,360 --> 00:42:49,280
hanggang sa tuluyan na silang umunlad.

696
00:42:49,360 --> 00:42:51,680
Hindi na nakakagulat ang gano'ng harangin.

697
00:42:51,760 --> 00:42:53,440
"Hindi na tayo sumusunod sa iba."

698
00:42:53,520 --> 00:42:56,000
"Tayo dapat ang gagawa
ng makabagong bagay."

699
00:42:56,080 --> 00:42:58,080
"Isa tayo sa magagaling sa buong mundo."

700
00:42:58,160 --> 00:43:00,840
"Oras na para magkaroon tayo
ng magandang teknolohiya,

701
00:43:00,920 --> 00:43:03,080
pinakamahusay na siyensiya,
at kung anu-ano pa."

702
00:43:03,160 --> 00:43:06,520
'Yon ang madalas nilang banggitin dati.

703
00:43:08,040 --> 00:43:12,200
Nagbukas ngayon ang World Stem Cell Hub,
na magdadala sa Korea bilang mecca,

704
00:43:12,280 --> 00:43:15,560
para sa pananaliksik
sa siyensiya ng buhay sa buong mundo.

705
00:43:15,640 --> 00:43:19,080
May pag-asa tayo na mabawasan
ang paghihirap ng mga tao

706
00:43:19,160 --> 00:43:22,080
base sa tagumpay ng embryonic stem cells

707
00:43:22,160 --> 00:43:26,560
ng mga partikular na pasyente.

708
00:43:26,640 --> 00:43:29,680
Wala akong masyadong naitulong noon.

709
00:43:29,760 --> 00:43:30,960
PRESIDENTE ROH MOO-HYUN

710
00:43:31,040 --> 00:43:33,200
Ngayon, kahit papaano, tumutulong na ako.

711
00:43:33,280 --> 00:43:35,760
Simula ngayon,
susuportahan ko sila nang buo.

712
00:43:37,440 --> 00:43:40,400
Bale nahati sa dalawang kampo ang mundo.

713
00:43:40,480 --> 00:43:44,560
Ang grupo na suportado
sa embryonic stem cell research,

714
00:43:44,640 --> 00:43:48,600
at may grupo na nagsabing
tao raw ang mga embryo

715
00:43:48,680 --> 00:43:51,920
at hindi dapat pinaghihiwalay
para lang magamit ang mga cell

716
00:43:52,000 --> 00:43:54,520
sa embryonic stem cell research.

717
00:43:54,600 --> 00:43:57,080
Ngayong gabi, hinihiling ko
sa inyo na ipasa ang batas

718
00:43:57,160 --> 00:44:00,200
na pagbawalan ang mga kakila-kilabot
na pang-aabuso sa medical research.

719
00:44:00,680 --> 00:44:02,920
Kahit ano pang uri ng cloning ng tao,

720
00:44:03,000 --> 00:44:06,240
paggawa o pagtatanim ng mga embryo
para gamitin sa eksperimento,

721
00:44:06,320 --> 00:44:09,000
gawing iisa ang tao at hayop,

722
00:44:09,080 --> 00:44:11,880
at pagbili, pagbenta,
at pag-patent ng embryo ng tao.

723
00:44:11,960 --> 00:44:13,480
Sa susunod na buwan,

724
00:44:13,560 --> 00:44:17,160
irerehistro na ng hub ang mga pasyente
na may mga sakit na walang lunas.

725
00:44:17,240 --> 00:44:21,680
Pangarap kong makatayo ulit
para hindi na gumamit ng wheelchair,

726
00:44:21,760 --> 00:44:24,560
o kaya gagamit ako ng walker o brace…

727
00:44:24,640 --> 00:44:28,600
Noong panahon na 'yon, masyado pang maaga
ang konsepto ng mga stem cell

728
00:44:29,280 --> 00:44:32,080
at hindi rin ito
masyadong kilala sa publiko.

729
00:44:32,160 --> 00:44:34,000
Kaya noong panahong 'yon,

730
00:44:34,840 --> 00:44:37,640
ipinakilala 'yon na isang bagay
na nagagawa ang kahit na ano,

731
00:44:37,720 --> 00:44:39,520
na nakakagamot ng kahit ng lahat ng sakit.

732
00:44:40,080 --> 00:44:41,680
Gano'n siya ipinakilala.

733
00:44:43,240 --> 00:44:47,080
Halos lahat ng pasyente,
at lahat ng may kapansanan

734
00:44:47,160 --> 00:44:52,200
ay nagsimulang mangarap at umasa rito.

735
00:44:56,640 --> 00:44:59,400
Aleluya, mga minamahal kong
disipulo ni Kristo.

736
00:44:59,480 --> 00:45:01,080
Kumusta ang buong linggo n'yo?

737
00:45:02,240 --> 00:45:04,760
"Sino ako?"

738
00:45:04,840 --> 00:45:07,160
"Saan ako nanggaling?"

739
00:45:07,800 --> 00:45:11,360
Ang lahat ng tao ay naghahanap
ng sagot sa mga tanong na 'to.

740
00:45:11,840 --> 00:45:15,880
At mula ika-19 at ika-20 na siglo,

741
00:45:15,960 --> 00:45:19,640
nahanap ng mga tao ang sagot sa siyensiya.

742
00:45:19,720 --> 00:45:21,560
Samakatuwid,

743
00:45:22,560 --> 00:45:26,640
ipinagpalit ng mga tao ang Diyos
sa siyensiya.

744
00:45:27,280 --> 00:45:28,840
Totoo ba 'yon?

745
00:45:31,040 --> 00:45:35,800
Naaksidente 'yong sinasakyan
ng anak ko noong 2002.

746
00:45:37,240 --> 00:45:39,480
Nagising lang siya
pagkatapos ng 24 na araw.

747
00:45:41,760 --> 00:45:42,920
Nakoma siya.

748
00:45:43,680 --> 00:45:44,640
Pagkatapos n'on,

749
00:45:46,400 --> 00:45:52,200
naparalisa ang ibabang bahagi
ng katawan niya mula sa dibdib.

750
00:45:53,440 --> 00:45:59,680
Humingi ng tulong si Dr. Hwang
sa Gil Hospital.

751
00:46:00,920 --> 00:46:05,000
Naghahanap siya ng pasyente

752
00:46:05,080 --> 00:46:10,600
na gustong sumali sa stem cell research.

753
00:46:11,320 --> 00:46:15,320
Tinanong ako ng doktor
ng anak kong si Hyeon

754
00:46:16,640 --> 00:46:20,240
kung interesado ba raw kaming

755
00:46:20,320 --> 00:46:23,680
sumali rito.

756
00:46:25,000 --> 00:46:30,680
Matapos 'yon, binisita namin
'yong laboratoryo ni Dr. Hwang

757
00:46:30,760 --> 00:46:33,280
dahil inimbitahan niya kami.

758
00:46:34,080 --> 00:46:39,000
Naisip ko kung gaano 'to nakakamangha

759
00:46:39,080 --> 00:46:41,000
at nagkaroon na 'ko ng pag-asa.

760
00:46:43,840 --> 00:46:49,440
Miyembro ng two-man
dance group si Kang Won-rae.

761
00:46:50,200 --> 00:46:54,080
Kilala siya dahil sa husay niyang sumayaw,

762
00:46:54,160 --> 00:46:55,880
at noong una,

763
00:46:55,960 --> 00:47:01,120
nagsimula ang karera niya bilang
back-up dancer ng isang sikat na singer.

764
00:47:02,160 --> 00:47:03,920
Kahit ang pangalan ng grupo ay Clon.

765
00:47:06,360 --> 00:47:10,200
Tutulungan ko si Mr. Kang Won-rae
na makatayo muli

766
00:47:10,280 --> 00:47:13,680
para maipakita niyang muli sa 'tin

767
00:47:13,760 --> 00:47:17,360
ang kahusayan niya sa pagsayaw
na pinamalas niya noon.

768
00:47:17,440 --> 00:47:20,080
Sila mismo ang gumawa ng palabas na 'yon.

769
00:47:20,160 --> 00:47:22,720
Sinabihan niya
ang lalaking naka-wheelchair

770
00:47:22,800 --> 00:47:24,200
na makakalakad siya ulit.

771
00:47:24,280 --> 00:47:26,760
'Yon ang sinabi ng Hesukristo.

772
00:47:26,840 --> 00:47:29,880
Sinabihan niya ang anak
ng pastor na makakalakad siya ulit.

773
00:47:29,960 --> 00:47:32,840
Sa tingin niya ba, siya si Hesukristo?
Ano ba'ng nangyayari?

774
00:47:37,640 --> 00:47:40,280
Sigurado akong pamilyar kayo
kay Christopher Reeve,

775
00:47:40,360 --> 00:47:42,440
ang Amerikanong aktor
na gumanap bilang Superman.

776
00:47:42,520 --> 00:47:46,120
Ang sabi niya alam na alam niya
ang tungkol sa ginagawa ni Hwang.

777
00:47:47,080 --> 00:47:53,440
Ang therapeutic cloning na kilala rin
bilang somatic cell nuclear transfer,

778
00:47:54,720 --> 00:47:56,640
ay nagbibigay ng pag-asa.

779
00:47:57,760 --> 00:48:01,040
Naglabas sila ng commemorative post stamp.

780
00:48:02,200 --> 00:48:05,240
Isang taong naka-wheelchair
na inilalarawan na makakatayo

781
00:48:05,320 --> 00:48:07,920
at nagsimulang maglakad nang tuloy-tuloy.

782
00:48:08,000 --> 00:48:08,880
Grabe.

783
00:48:09,480 --> 00:48:10,400
Kamangha-mangha.

784
00:48:12,320 --> 00:48:15,800
Paano nagagawang sabihin
ng siyentipiko na, "Palalakarin kita"?

785
00:48:15,880 --> 00:48:17,960
Hindi nila puwedeng sabihin 'yon.

786
00:48:19,800 --> 00:48:21,320
Noong panahon na 'yon,

787
00:48:21,400 --> 00:48:24,440
ang pinakasikat na tao
sa bansa namin ay si Park Ji-sung.

788
00:48:30,480 --> 00:48:33,200
Sa panahon ngayon, sino kaya 'yon?

789
00:48:33,280 --> 00:48:36,600
Kung sa usapang kultura, baka ang BTS

790
00:48:36,680 --> 00:48:39,000
o si Son Heung-min.

791
00:48:39,960 --> 00:48:42,840
Kapag pinagsama-sama
ang kasikatan ng mga 'yon,

792
00:48:42,920 --> 00:48:45,280
gano'n kaimpluwensiyang tao
si Propesor Hwang.

793
00:48:45,960 --> 00:48:48,440
Ang propesor ng Seoul National University
na si Hwang Woo-suk

794
00:48:48,520 --> 00:48:51,160
ay naparanggalan bilang
unang Scientist of the Year.

795
00:48:51,240 --> 00:48:54,600
Si Hwang ang napiling panalo
ng Ministry of Science and Technology

796
00:48:54,680 --> 00:48:56,760
sa Palace Hotel sa Seoul kaninang umaga.

797
00:48:56,840 --> 00:48:59,000
Sa bawat taon sa darating na limang taon,

798
00:48:59,080 --> 00:49:02,600
makakatanggap si Hwang ng tatlong bilyong
won para sa kaniyang research.

799
00:49:03,080 --> 00:49:05,280
Nakuha ni Hwang ang atensiyon
ng mga nasa larangan

800
00:49:05,360 --> 00:49:07,200
ng siyensiya, medikal at ng publiko,

801
00:49:07,280 --> 00:49:09,920
pero kasabay noon,
kontrobersiyal pa rin para sa iba

802
00:49:10,000 --> 00:49:13,040
ang pagkuha ng mga cell sa embryo ng tao

803
00:49:13,120 --> 00:49:17,520
dahil para sa kanila, sagrado
ang embryo ng tao at dapat protektahan.

804
00:49:17,600 --> 00:49:19,440
Dito nagsisimula ang buhay ng tao.

805
00:49:19,520 --> 00:49:22,240
Kaya maraming debate tungkol dito noon.

806
00:49:28,760 --> 00:49:31,520
PD NOTE

807
00:49:32,320 --> 00:49:35,840
Ilang tao ang lumapit sa PD Note
na may mabigat na dinadala.

808
00:49:35,920 --> 00:49:40,080
Ibinahagi nila ang kanilang mga kuwento,
pero ayaw nilang magpakilala.

809
00:49:40,160 --> 00:49:43,560
Sinumbong ko si Hwang
sa PD Note mga taong 2005.

810
00:49:43,640 --> 00:49:48,040
Sikat na investigative show 'yon sa Korea,

811
00:49:48,120 --> 00:49:51,200
at sila rin ang nangunguna rito.

812
00:49:52,520 --> 00:49:55,560
Ito ang unang naisip ko no'ng
una kong natanggap 'yong reklamo.

813
00:49:56,480 --> 00:50:00,680
Dahil tungkol 'yon kay Dr. Hwang
na propesor sa isang unibersidad,

814
00:50:00,760 --> 00:50:02,960
naisip ko na baka nasangkot siya

815
00:50:03,040 --> 00:50:04,560
sa kaso ng isang sexual harassment.

816
00:50:07,200 --> 00:50:08,400
Ang sabi ng impormante,

817
00:50:08,480 --> 00:50:12,880
"Pakiramdam ko nakasakay ako sa tigre
at hindi ako makababa."

818
00:50:12,960 --> 00:50:16,200
Sa huli, nagpasiya silang magsumbong.

819
00:50:19,520 --> 00:50:23,200
"Dati akong nagtatrabaho kay Dr. Hwang,

820
00:50:23,280 --> 00:50:28,680
at mayroon akong importanteng
impormasyon na sasabihin sa inyo."

821
00:50:28,760 --> 00:50:32,040
"Mas mabuti kung personal
nating pag-uusapan."

822
00:50:36,680 --> 00:50:41,600
Bilang isang producer
na gumagawa ng mga dokyumentaryo,

823
00:50:42,160 --> 00:50:44,120
tingin ko, trabaho ng mamamahayag

824
00:50:44,200 --> 00:50:47,720
na isiwalat ang katotohanan
kahit gaano pa 'to kahirap pakinggan.

825
00:50:47,800 --> 00:50:50,520
Kaya naisip kong pakinggan ang impormante

826
00:50:50,600 --> 00:50:52,760
at alamin kung ano
ang personal niyang isyu,

827
00:50:52,840 --> 00:50:55,120
at kung mabigat nga ang problema…

828
00:51:00,880 --> 00:51:03,280
Pero si Han Hak-soo ang dumating

829
00:51:03,360 --> 00:51:06,280
at hindi ko pa siya kilala no'n.

830
00:51:06,360 --> 00:51:10,880
Dahil hindi ko nga siya kilala,

831
00:51:10,960 --> 00:51:15,600
inisip ko agad
kung mapagkakatiwalaan ko ba siya o hindi.

832
00:51:16,160 --> 00:51:18,520
Pagdating ko ro'n,
sinama ako ni Mr. Ryu Young-joon

833
00:51:20,120 --> 00:51:24,480
sa isang tahimik na silid,
at bago niya ako kausapin,

834
00:51:24,560 --> 00:51:27,120
tinanong niya muna ako.

835
00:51:28,080 --> 00:51:33,320
"Producer Han, ano'ng mas mauuna,
ang katotohanan o pambansang interes?"

836
00:51:33,400 --> 00:51:35,480
Sumagot si Producer Han Hak-soo

837
00:51:36,320 --> 00:51:38,800
nang walang pag-aalinlangan,

838
00:51:38,880 --> 00:51:42,000
"Ang katotohanan mismo
ang pambansang interes."

839
00:51:42,080 --> 00:51:45,280
Doon ko napagtanto
na mapagkakatiwalaan ko siya.

840
00:51:45,360 --> 00:51:48,040
May mga ilegal na transaksiyon
tungkol sa mga itlog,

841
00:51:48,120 --> 00:51:50,800
at ang lahat ng ilegal na itlog
na ipinagpalit…

842
00:51:52,680 --> 00:51:56,480
Noong binubuo namin ang eksperimental
na disenyo para sa article namin,

843
00:51:56,560 --> 00:52:01,920
hindi namin alam ni Dr. Hwang
kung paano kumuha ng mga itlog.

844
00:52:02,520 --> 00:52:04,200
Tinawagan ko ang mga laboratoryo
sa buong bansa

845
00:52:04,280 --> 00:52:08,120
na gumamit ng pinakamaraming
itlog sa kanilang eksperimento,

846
00:52:08,200 --> 00:52:12,160
at ako mismong bumisita
sa kanila para mauunawaan ko ang lahat.

847
00:52:12,240 --> 00:52:16,760
Tinanong ko kung puwede silang magbigay
ng itlog para sa eksperimento namin,

848
00:52:16,840 --> 00:52:20,120
pero tumanggi silang lahat.

849
00:52:21,160 --> 00:52:23,920
Ang sabi nila wala na raw natira

850
00:52:24,000 --> 00:52:27,760
at hindi nila kami matutulungan
dahil hindi raw makatao ang gagawin namin.

851
00:52:27,840 --> 00:52:29,960
'Yon ang sinabi nila.

852
00:52:30,040 --> 00:52:32,360
Labis na nasaktan si Dr. Hwang.

853
00:52:33,400 --> 00:52:36,040
Simula n'on,
personal na siyang nakikipagkita

854
00:52:36,120 --> 00:52:40,360
sa mga taong handang tumulong.

855
00:52:40,840 --> 00:52:43,240
Napili niya ang MizMedi,

856
00:52:44,560 --> 00:52:47,160
isang maternity hospital
na mahusay sa panggagamot ng baog.

857
00:52:47,800 --> 00:52:50,240
Binigyang-diin ni Propesor Hwang Woo-suk

858
00:52:50,320 --> 00:52:53,920
na ang mga ginamit niyang itlog
ay nanggaling sa mga mararangal na babae

859
00:52:54,000 --> 00:52:58,000
sa tuwing mapag-uusapan
ang moralidad ng pag-aaral na 'to.

860
00:52:58,080 --> 00:53:01,920
Pinahayag ko na sa international media

861
00:53:02,000 --> 00:53:07,200
ang taos-puso kong pasasalamat
sa mga babaeng 'yon.

862
00:53:07,760 --> 00:53:12,400
Hindi ko sila kilala sa personal,

863
00:53:13,720 --> 00:53:18,280
pero boluntaryo nilang ibinigay
ang kanilang mga itlog

864
00:53:19,040 --> 00:53:21,600
para sa eksperimentong 'to.

865
00:53:22,440 --> 00:53:27,840
Gayumpaman, ayon sa imbestigasyon,
hindi totoo ang sinabi ni Propesor Hwang.

866
00:53:29,040 --> 00:53:31,000
Nitong mga nakaraang buwan,

867
00:53:31,080 --> 00:53:33,880
nakakuha kami ng ebidensiya
na higit 600 na itlog

868
00:53:33,960 --> 00:53:35,720
na nakuha namin habang pinagpapalit.

869
00:53:36,880 --> 00:53:40,440
Walang kaalam-alam ang babaeng
nakipagpalit ng itlog sa isang broker

870
00:53:40,520 --> 00:53:41,920
na nahanap niya sa internet

871
00:53:42,000 --> 00:53:45,440
na ginamit pala ang mga itlog niya
sa research ni Propesor Hwang.

872
00:53:47,440 --> 00:53:51,240
Umamin naman ang isang babaeng
dalawang beses siyang nagbigay ng itlog

873
00:53:51,800 --> 00:53:54,960
na binenta niya ang mga itlog niya
sa mga broker.

874
00:53:55,040 --> 00:53:56,880
MGA BAGONG APPOINTMENT
MATERNITY CLINIC

875
00:53:57,360 --> 00:53:59,360
Hinikayat nila ang mga batang babae

876
00:53:59,960 --> 00:54:05,080
na magbigay ng mga itlog
para sa halagang tatlong milyong won

877
00:54:05,160 --> 00:54:08,040
o dalawa't kalahating milyong won.

878
00:54:08,120 --> 00:54:11,560
May isyu ba tungkol sa moralidad
ang tungkol sa mga itlog sa eksperimento?

879
00:54:13,280 --> 00:54:14,120
Ano…

880
00:54:14,200 --> 00:54:15,520
Binili ba ang mga itlog?

881
00:54:15,600 --> 00:54:18,200
Wala kaming gano'ng isyu.

882
00:54:18,280 --> 00:54:19,480
Salamat, Propesor Hwang.

883
00:54:19,560 --> 00:54:21,360
-Sana maganda ang araw mo.
-Salamat.

884
00:54:22,360 --> 00:54:27,320
Hindi mo maiisip kung gaano karami

885
00:54:27,400 --> 00:54:29,960
ang mga itlog na ilegal
na nakuha sa mga babaeng 'to.

886
00:54:30,040 --> 00:54:35,680
Ang una kong report sa isyu ng moralidad

887
00:54:35,760 --> 00:54:38,880
tungkol sa mga ginamit
na itlog ni Dr. Hwang

888
00:54:38,960 --> 00:54:40,920
ay ikinagulat ng buong bansa.

889
00:54:41,480 --> 00:54:43,200
Iligtas si Propesor Hwang Woo-suk…

890
00:54:45,120 --> 00:54:47,720
Matapos maipalabas 'yon,

891
00:54:47,800 --> 00:54:51,480
Magdamag nagtipon-tipon
ang taga-suporta ni Hwang sa MBC building.

892
00:54:52,520 --> 00:54:56,040
Sa gabi, nagsasagawa sila
ng candlelight vigil.

893
00:54:56,680 --> 00:54:59,560
"Tanggalin n'yo na ang PD Note."

894
00:55:00,040 --> 00:55:04,480
"Pigilan n'yo ang PD Note na ireport
si Dr. Hwang Woo-suk."

895
00:55:05,320 --> 00:55:09,760
Sumali sa rally ang mga taong
may kapansanan, mga artista,

896
00:55:09,840 --> 00:55:13,280
mga regular na sibilyan
na sumusuporta kay Hwang Woo-suk.

897
00:55:13,360 --> 00:55:15,760
MGA TAGAHANGA NI HWANG WOO-SUK
IKA-11 NG ENERO, GWANGHWAMUN, SEOUL

898
00:55:15,840 --> 00:55:20,120
Noong panahon na 'yon,
pumupunta kami sa Seoul kada linggo.

899
00:55:20,200 --> 00:55:22,160
Anim na taong gulang pa lang
ang anak ko no'n.

900
00:55:22,240 --> 00:55:24,560
Kapag pumupunta kami ro'n,
okay siya sa umaga.

901
00:55:24,640 --> 00:55:26,720
Pero inaantok na siya sa gabi
at magrereklamo na siya.

902
00:55:26,800 --> 00:55:28,640
Tapos babalik ulit kami sa sasakyan.

903
00:55:28,720 --> 00:55:30,280
Kakargahin ko siya sa likod ko.

904
00:55:30,360 --> 00:55:32,760
Ihahatid ako ng pulis sa sasakyan ko.

905
00:55:32,840 --> 00:55:36,400
Tinanong nila kung tagasaan ako,
ang sabi ko taga-Cheongju ako.

906
00:55:37,320 --> 00:55:40,720
Patago nilang sasabihin sa 'yo na,
"Magaling ang ginagawa mo."

907
00:55:40,800 --> 00:55:42,240
Ang mga pulis ang nagsabi n'on.

908
00:55:42,320 --> 00:55:44,440
Nanonood ang mga mamamayan!

909
00:55:44,520 --> 00:55:46,200
Nanonood ang mga mamamayan!

910
00:55:46,280 --> 00:55:48,160
Hayaan natin siyang ituloy ang research!

911
00:55:48,240 --> 00:55:50,200
Hayaan natin siyang ituloy ang research!

912
00:55:50,280 --> 00:55:53,000
Mga kapuwa kong Koreano,

913
00:55:53,080 --> 00:55:55,920
ang research na isinasagawa namin ngayon

914
00:55:56,000 --> 00:56:01,240
ang pinakaunang hakbang sa buong mundo.

915
00:56:02,600 --> 00:56:07,800
Upang mabayaran ko
ang mainit n'yong suporta

916
00:56:08,720 --> 00:56:13,880
at ang mga umaasang pasyente
na may mga sakit na walang lunas,

917
00:56:14,800 --> 00:56:20,440
ipagpapatuloy ko ang landas
ng pagiging siyentipiko at wala ng iba.

918
00:56:20,520 --> 00:56:26,520
Naintindihan ni Dr. Hwang
ang sentimyento ng buong bansa

919
00:56:27,080 --> 00:56:29,720
at pagiging makabayan sa likod nito.

920
00:56:29,800 --> 00:56:33,840
Kaya dalawang araw matapos naming
ipalabas ang isyu tungkol sa mga itlog,

921
00:56:34,680 --> 00:56:38,560
nag-imbita siya ng maraming mamamahayag

922
00:56:38,640 --> 00:56:43,000
at nagpatawag ng live press conference.

923
00:56:44,080 --> 00:56:47,040
Sa totoo lang, kung naging babae ako,

924
00:56:48,080 --> 00:56:50,600
ako mismo ang magtatanggal
ng sarili kong mga itlog

925
00:56:50,680 --> 00:56:55,440
para magamit sa eksperimento ko.

926
00:56:56,080 --> 00:57:01,240
Ipinakita ng kasong ito
na mas importante sa Korea ang resulta,

927
00:57:01,320 --> 00:57:04,880
at handa silang isantabi ang lahat.

928
00:57:05,440 --> 00:57:12,120
At kung gaano sila kadaling masilaw
sa arogante at pasistag paniniwala.

929
00:57:12,200 --> 00:57:16,160
na nababalewala na ang katotohanan
para lang sa kapakanan ng bansa.

930
00:57:16,240 --> 00:57:19,360
"Bakit hindi ka naniniwala
sa maaasahang siyentipiko?"

931
00:57:19,440 --> 00:57:21,320
"Itikom mo ang bibig mo para sa bansa."

932
00:57:21,400 --> 00:57:24,800
"May ginagawa silang teknolohiya
na magpapaunlad sa bansa."

933
00:57:24,880 --> 00:57:27,560
"Imbes na tumulong ka sa bansa,
puro ka reklamo."

934
00:57:27,640 --> 00:57:31,000
Ang aming ipinagmamalaki, ang aming bayani

935
00:57:31,080 --> 00:57:34,280
Napahanga ang buong mundo
sa aming teknolohiya

936
00:57:34,360 --> 00:57:37,520
Dr. Hwang, magpakatatag ka

937
00:57:38,000 --> 00:57:40,560
Dr. Hwang, mahal ka namin

938
00:57:40,640 --> 00:57:43,000
SI DR. HWANG ANG PAG-ASA
AT KINABUKASAN NG KOREA

939
00:57:44,400 --> 00:57:50,360
Nagulat ako na kusang-loob ibinigay
ng mga babae ang mga itlog nila.

940
00:57:50,920 --> 00:57:54,160
'Yon ang unang beses kong naramdaman
na hindi nag-iisip nang tama ang lipunan.

941
00:57:54,240 --> 00:57:56,320
Ganito naman ang madalas na nangyayari.

942
00:57:56,400 --> 00:57:58,880
Kailangan ng maraming itlog
para sa eksperimento,

943
00:57:58,960 --> 00:58:01,520
at kinuha ang mga itlog na 'yon
sa mga batang babae.

944
00:58:01,600 --> 00:58:04,080
Balita ko masakit daw ang proseso
nang pagtatanggal ng itlog.

945
00:58:04,640 --> 00:58:08,800
Doon ko lang napagtanto na puwedeng
sabihin na para 'tong Germany no'ng 1930s.

946
00:58:08,880 --> 00:58:13,040
Umabot na sa 1,000 ang bilang
ng mga boluntaryong nagbigay ng itlog

947
00:58:13,120 --> 00:58:14,600
para sa research ni Dr. Hwang.

948
00:58:15,160 --> 00:58:18,160
Ang sabi nila
kung marami raw isyu sa mga itlog,

949
00:58:18,240 --> 00:58:20,000
magboboluntaryo silang

950
00:58:20,080 --> 00:58:22,920
magbigay ng mga itlog.

951
00:58:23,000 --> 00:58:29,080
Nagsagawa ang mga tagasuporta niya
ng pagdo-donate ng itlog sa buong bansa.

952
00:58:29,640 --> 00:58:32,280
Nagtipon-tipon ang mga babae
at iba't ibang pamilya

953
00:58:32,360 --> 00:58:35,040
na may malulubhang sakit at may kapansanan

954
00:58:35,120 --> 00:58:37,960
para magtatag ng foundation
para sa donasyon ng mga itlog

955
00:58:38,040 --> 00:58:39,520
na kakailanganin para sa research.

956
00:58:39,600 --> 00:58:42,280
Kung maiintindihan ng mga babae
ang layunin at gamit

957
00:58:42,360 --> 00:58:46,120
ng pagbibigay ng itlog
para sa research at panggagamot,

958
00:58:46,200 --> 00:58:50,960
kusang-loob silang sasali
at sarili nilang paghuhusga.

959
00:58:51,040 --> 00:58:53,280
Dahil sa huli, lahat tayo ay tao.

960
00:58:53,360 --> 00:58:56,520
Obligado kaming tulungan
ang mga hindi pinalad,

961
00:58:56,600 --> 00:58:59,200
at naniniwala kaming
ito ang pinakamagandang landas.

962
00:58:59,280 --> 00:59:00,680
Hindi naging madali.

963
00:59:00,760 --> 00:59:02,160
Hindi, pero…

964
00:59:03,280 --> 00:59:05,080
Pero research 'yon.

965
00:59:05,160 --> 00:59:07,720
Research na hindi magagawa
kung wala ang mga itlog.

966
00:59:07,800 --> 00:59:11,320
Kaya handa akong ibigay ang…

967
00:59:11,400 --> 00:59:13,960
Tinrato ko na lang bilang binhi ng buhay.

968
00:59:14,040 --> 00:59:16,920
Ginusto kong magbigay.

969
00:59:17,000 --> 00:59:20,600
Hindi dahil kay Hwang Woo-suk,

970
00:59:21,200 --> 00:59:24,520
pero dahil sa sangkatauhan
at sa mabuting layunin.

971
00:59:24,600 --> 00:59:26,840
-'Yon ang intensyon ko noon.
-Doktor!

972
00:59:27,480 --> 00:59:28,840
Pumunta ka sa Daegu!

973
00:59:29,640 --> 00:59:32,520
-Magpalakas ka, Dr. Hwang.
-Magpalakas ka.

974
00:59:32,600 --> 00:59:35,280
Magpakatatag ka. Susuportahan ka namin.

975
00:59:36,120 --> 00:59:42,840
May mga reporter at tagasuporta
ni Dr. Hwang sa labas ng bahay namin.

976
00:59:42,920 --> 00:59:45,280
Magkakagulo siguro kung pumunta ako roon.

977
00:59:45,360 --> 00:59:47,560
Baka bugbugin nila ako
hanggang sa mamatay.

978
00:59:48,040 --> 00:59:51,120
Napakarami ko ng natanggap na banta.

979
00:59:51,200 --> 00:59:54,120
May mga nagsabing, "Papatayin kita."

980
00:59:54,600 --> 00:59:56,360
Iba-iba e.

981
00:59:57,360 --> 01:00:00,840
Nakatira ako sa 13th floor
ng isang 15-palapag na gusali.

982
01:00:00,920 --> 01:00:06,640
At may mga reporter
na nag-rapel mula sa rooftop,

983
01:00:06,720 --> 01:00:09,800
at dumaan sila sa bintana
para makapasok sa bahay ko.

984
01:00:11,280 --> 01:00:16,120
Kinuhanan nila ng video
ang bahay ko at ibinalita agad.

985
01:00:17,200 --> 01:00:19,640
Ang madalas na kritisimong natatanggap ko

986
01:00:20,320 --> 01:00:22,560
"Paano mo nagawang
traydurin ang tatay mo?"

987
01:00:22,640 --> 01:00:29,520
Sa South Korea,
kapag nangasiwa ka ng kasal ng iba,

988
01:00:30,400 --> 01:00:36,560
kailangan nandoon ka para
sa mag-asawa habambuhay.

989
01:00:36,640 --> 01:00:40,680
Tinanong niya 'ko kung puwede akong
mangasiwa at pumayag naman ako.

990
01:00:41,400 --> 01:00:45,760
Noong ipinanganak ang panganay niya,

991
01:00:46,640 --> 01:00:50,160
kinuha niya akong ninong.

992
01:00:50,240 --> 01:00:56,000
Binisita ko sila sa ospital
at ako naging ninong

993
01:00:56,080 --> 01:00:58,760
ng bagong silang niyang anak.

994
01:00:58,840 --> 01:01:04,000
Saka ko lang nalaman, sa haba ng panahon,

995
01:01:04,640 --> 01:01:10,480
na nagpapadala siya ng email
kay Producer Han Hak-soo ng MBC.

996
01:01:11,200 --> 01:01:13,960
Hindi tama na sabihin ng mga tao
na nagtraydor ako sa mentor ko

997
01:01:14,040 --> 01:01:15,480
dahil hindi ko siya kapamilya,

998
01:01:15,560 --> 01:01:18,400
at dahil hindi ako kasabwat
sa mga kasinungalingan niya.

999
01:01:18,480 --> 01:01:20,320
Para sa akin, hindi pagtatraydor 'yon.

1000
01:01:20,400 --> 01:01:22,120
Ang salitang "pagtatraydor"…

1001
01:01:22,880 --> 01:01:25,320
Para sa mga siyentipiko, ang salitang 'yon

1002
01:01:26,040 --> 01:01:28,720
ay naaangkop lamang
kapag nagtraydor tayo sa katotohanan.

1003
01:01:29,200 --> 01:01:32,960
Tingin ko may imahe ang mga siyentipiko
na parang dalisay at magbigay katotohanan.

1004
01:01:33,040 --> 01:01:35,920
At para sa karamihan,
tingin ko totoo 'yon.

1005
01:01:36,000 --> 01:01:38,000
Bagay sa kanila,
kaya nila pinili ang trabahong 'yon.

1006
01:01:38,080 --> 01:01:39,920
Baka matatalino sila.

1007
01:01:40,000 --> 01:01:42,040
Baka mas malaki ang kita nila
kung iba ang ginagawa nila.

1008
01:01:42,120 --> 01:01:44,760
Pero karamihan sa kanila
ay mausisa at interesado.

1009
01:01:44,840 --> 01:01:47,200
At sinunod lang nila ang gusto nila.

1010
01:01:47,280 --> 01:01:50,080
Pero kailangan din nilang alalahanin
ang propesyon nila,

1011
01:01:50,160 --> 01:01:54,520
at gaya ng iba, kailangan ding magpakita
ng resulta ang mga siyentipiko.

1012
01:01:55,440 --> 01:01:57,680
Humaharap din sa pressure
ang lahat ng siyentipiko.

1013
01:01:57,760 --> 01:02:01,880
May malaking pag-asa at posibilidad
sa bawat aspekto ng siyensiya

1014
01:02:01,960 --> 01:02:05,520
at hindi nila gagawin

1015
01:02:05,600 --> 01:02:07,200
ang mga bagay na nagawa ni Hwang.

1016
01:02:07,760 --> 01:02:10,440
Ayon sa article na nailathala
sa Science noong Mayo,

1017
01:02:10,520 --> 01:02:13,680
nakapaglinang ang grupo ni Propesor Hwang

1018
01:02:13,760 --> 01:02:15,200
ng labing-isang stem cells.

1019
01:02:15,280 --> 01:02:17,040
Gayumpaman, pinagdudahan

1020
01:02:17,120 --> 01:02:20,200
ang research team na sira daw ang mga cell

1021
01:02:20,280 --> 01:02:23,200
o hindi raw 'yon tunay na mga stem cell.

1022
01:02:24,280 --> 01:02:28,280
Ang siyentipiko na kilala
bilang "Anonymous"…

1023
01:02:28,360 --> 01:02:32,680
Hindi na siya siyentipiko.
Nagtatanim na siya ng patatas ngayon.

1024
01:02:34,600 --> 01:02:36,520
Gustong-gusto niya ang siyensiya.

1025
01:02:36,600 --> 01:02:40,120
No'ng panahon na 'yon,
binasa niya 'yong research ni Dr. Hwang.

1026
01:02:40,200 --> 01:02:45,720
No'ng binasa niya ulit,
alam niya agad na minanipula

1027
01:02:45,800 --> 01:02:49,440
'yong mga imahe na sinasabing stem cells.

1028
01:02:51,680 --> 01:02:53,760
Ang nadagdag na cell lines

1029
01:02:53,840 --> 01:02:58,160
na sinimulan daw
ng grupo ni Propesor Hwang

1030
01:02:58,240 --> 01:03:00,640
ay sasailalim sa pagsusuri
ng DNA para kumpirmahin

1031
01:03:00,720 --> 01:03:04,120
kung totoong patient-specific
cloned somatic stem cells nga 'yon.

1032
01:03:06,760 --> 01:03:09,040
May implikasyon ang research na 'yon

1033
01:03:09,120 --> 01:03:11,840
para sa siyensiya ng mga
makakapangyarihang bansa sa mundo

1034
01:03:11,920 --> 01:03:15,760
para sa propesyon
ng libu-libong siyentipiko,

1035
01:03:15,840 --> 01:03:18,360
ng mga graduate students
at mga nasa postdocs,

1036
01:03:18,440 --> 01:03:21,320
na gagamitin ang research na 'yon

1037
01:03:21,400 --> 01:03:23,800
na batayan ng pag-aaral nila,
pagkatapos mabibigo sila.

1038
01:03:23,880 --> 01:03:25,400
23 MGA SAMPLE SINURI
SA 3 RESEARCH INSTITUTE

1039
01:03:25,480 --> 01:03:26,480
Ang Seoul National University,

1040
01:03:26,560 --> 01:03:29,840
na siyang sumusuri ngayon
sa stem cell research ni Propesor Hwang,

1041
01:03:29,920 --> 01:03:32,160
ay maglalabas ng kanilang pahayag

1042
01:03:32,240 --> 01:03:34,560
sa ikaapat na palapag
ng punong-tanggapan ng SNU.

1043
01:03:36,480 --> 01:03:41,400
Ako 'yong lider
ng human research team noon,

1044
01:03:42,080 --> 01:03:45,200
kaya nasa akin 'yong mga datos.

1045
01:03:45,280 --> 01:03:49,520
Ako mismo ang sumulat
ng unang draft ng article sa Science

1046
01:03:49,600 --> 01:03:51,520
at saka ko ibinigay sa kaniya.

1047
01:03:52,640 --> 01:03:56,040
Pinalitan niya ang mga numero ng datos
sa harapan ko dahil sa gusto niya

1048
01:03:56,120 --> 01:04:00,200
na para siyang may kapangyarihan.

1049
01:04:00,280 --> 01:04:03,520
Binago niya 'yong mga numero
nang gano'n-gano'n lang.

1050
01:04:04,560 --> 01:04:09,080
Binabaan niya ang failure rate
at tinaasan ang success rate.

1051
01:04:09,160 --> 01:04:13,040
Nilagyan ng pulang ekis
'yong mga porsyentong 'yon

1052
01:04:13,120 --> 01:04:14,960
at isinulat ang gusto niyang numero,

1053
01:04:15,040 --> 01:04:17,560
tapos inutusan niya
akong isulat ulit 'yon.

1054
01:04:21,160 --> 01:04:23,440
Iniulat ng isang article noong 2005

1055
01:04:23,520 --> 01:04:28,080
na labing-isa
sa patient-specific stem cell lines

1056
01:04:28,160 --> 01:04:31,640
ay nabuo mula sa somantic cell cloning.

1057
01:04:31,720 --> 01:04:35,480
Gayumpaman, ang totoo,
ang datos ng labing-isang stem cells

1058
01:04:35,560 --> 01:04:38,760
ay gawa-gawa lang
mula sa dalawang stem cells.

1059
01:04:38,840 --> 01:04:42,320
Una sa lahat, mayroon kaming
nakakagulat at malungkot na balita.

1060
01:04:42,400 --> 01:04:43,880
May testimonyang nagsasabing

1061
01:04:43,960 --> 01:04:46,720
huwad ang siyam
sa labing-isang embryonic stem cells

1062
01:04:46,800 --> 01:04:48,080
ni Propesor Hwang.

1063
01:04:48,160 --> 01:04:50,040
-Ano na ang plano n'yo?
-Magsalita po kayo.

1064
01:04:50,120 --> 01:04:51,640
-May masasabi ba kayo?
-Magsalita ka.

1065
01:04:51,720 --> 01:04:52,680
Ang abogado ko ang bahala.

1066
01:04:52,760 --> 01:04:54,200
Kahit isang salita lang.

1067
01:04:54,280 --> 01:04:55,920
Umasa kaming
hindi magiging gano'n ang resulta,

1068
01:04:56,000 --> 01:04:59,520
pero base sa natuklasan
ng SNU Internal Review Board,

1069
01:04:59,600 --> 01:05:02,840
nalugmok at natulala ang buong bansa.

1070
01:05:04,560 --> 01:05:10,040
Naisip ko na kahit ano pa'ng mangyari,
magbubunga ng tiyak na resulta

1071
01:05:10,520 --> 01:05:15,200
ang stem cell research ni Dr. Hwang,

1072
01:05:15,680 --> 01:05:19,600
pero hindi ko alam
kung saan sila nagkamali.

1073
01:05:22,200 --> 01:05:26,480
Kung sa simula pa lang,
hindi niya ginawan ng mga stem cell

1074
01:05:26,560 --> 01:05:27,960
ang anak ko,

1075
01:05:29,160 --> 01:05:32,520
kung hindi niya tinuloy ang research,

1076
01:05:34,000 --> 01:05:35,880
maituturing siyang masamang tao.

1077
01:05:37,320 --> 01:05:40,240
Nakabatay ang siyensiya
sa sistema ng tiwala.

1078
01:05:41,160 --> 01:05:44,000
At kapag nasira ang tiwalang 'yon.

1079
01:05:44,080 --> 01:05:47,520
kailangan maparusahan nang todo,

1080
01:05:47,600 --> 01:05:51,760
dahil kung hindi,
guguho ang buong siyensiya.

1081
01:05:52,360 --> 01:05:56,080
Ang pagbagsak ng eksperto
sa makabagong siyensiya.

1082
01:05:56,160 --> 01:05:58,720
Para sa mga empleado niya,
araw 'yon ng pagluluksa.

1083
01:06:03,240 --> 01:06:05,920
Sa ilalim ng Act of Aggravated
Punishment of Specific Economic Crimes,

1084
01:06:06,000 --> 01:06:09,040
kinasuhan namin si Dr, Hwang Woo-suk
nang walang detensyon

1085
01:06:09,120 --> 01:06:14,000
sa salang fraud, embezzlement,
at paglabag sa Bioethics and Safety Act.

1086
01:06:19,000 --> 01:06:21,680
Napuno ng panaghoy ang Seoul Central
District Prosecutors' Office.

1087
01:06:22,400 --> 01:06:26,280
Inutusan ng pulis ang tatlong yunit
na harangan ang harapan ng gusali

1088
01:06:26,360 --> 01:06:30,200
kung sakaling mag-amok
ang mga tagasuporta ni Dr. Hwang

1089
01:06:30,280 --> 01:06:32,160
na 'di magugustuhan kanilang sasabihin.

1090
01:06:32,960 --> 01:06:35,880
Pagkatapos, ipinalabas na ang PD Note.

1091
01:06:36,360 --> 01:06:40,320
Pinanood ko 'yon
kasama ang asawa't anak ko.

1092
01:06:41,000 --> 01:06:42,920
Nang matapos,

1093
01:06:43,000 --> 01:06:47,680
tiningnan ako ng anak ko

1094
01:06:47,760 --> 01:06:49,000
tapos tinanong niya,

1095
01:06:49,600 --> 01:06:55,160
"Pa, ibig sabihin hindi
na ulit ako makakalakad?"

1096
01:07:02,880 --> 01:07:04,880
"Tutulungan ka

1097
01:07:05,720 --> 01:07:07,640
ng Diyos…

1098
01:07:09,120 --> 01:07:10,920
na maabot 'yon."

1099
01:07:11,960 --> 01:07:17,440
"Naniniwala tayo sa Diyos, hindi sa tao."

1100
01:07:19,080 --> 01:07:23,280
'Wag tayong mawalan
ng pag-asa dahil dito."

1101
01:07:27,800 --> 01:07:29,200
Tapos sinabi ng anak ko,

1102
01:07:31,040 --> 01:07:32,040
"Papa…

1103
01:07:34,840 --> 01:07:35,880
Ako rin."

1104
01:07:42,000 --> 01:07:43,400
Tapos umiyak siya.

1105
01:07:47,640 --> 01:07:53,760
Hindi nagtagal matapos
'yong insidente ni Dr. Hwang

1106
01:07:55,880 --> 01:07:57,280
sa PD Note,

1107
01:07:59,320 --> 01:08:00,600
nawalan ng malay…

1108
01:08:04,560 --> 01:08:06,040
ang anak ko.

1109
01:08:15,480 --> 01:08:17,760
Nagsinungaling sila
kaya dapat lang silang makulong.

1110
01:08:17,840 --> 01:08:19,520
Pero siyempre hindi 'yon 'yong nangyari.

1111
01:08:19,600 --> 01:08:22,279
Hindi krimen ang panloloko
sa larangan ng siyensiya.

1112
01:08:22,359 --> 01:08:25,359
Wala talagang paraan
para makulong ang isang tao dahil doon.

1113
01:08:25,439 --> 01:08:27,080
Maitutuloy mo ang propesyon mo.

1114
01:08:30,200 --> 01:08:34,399
Nakasuhan si Dr. Hwang sa paglustay
ng perang ibinigay sa kaniya.

1115
01:08:34,479 --> 01:08:36,319
Pero ang pandaraya
sa larangan ng siyensiya?

1116
01:08:36,399 --> 01:08:39,720
Hindi ko alam kung paano makukulong
ang gano'ng klase ng tao.

1117
01:08:43,359 --> 01:08:45,160
Humihingi ako ng tawad.

1118
01:08:46,880 --> 01:08:53,000
Sobra akong nahihiya
na nahihirapan akong humingi ng tawad.

1119
01:08:54,040 --> 01:09:00,920
Sa ipinakita n'yong pagmamahal,
suporta, at pag-asa,

1120
01:09:02,040 --> 01:09:04,399
wala akong karapatang pumunta rito.

1121
01:09:05,040 --> 01:09:09,720
Inaamin ko ang lahat.
Inuulit ko, humihingi ako ng tawad.

1122
01:09:13,240 --> 01:09:16,920
Nagsilbing magandang aral ito

1123
01:09:17,000 --> 01:09:19,120
at naging mahalagang pangyayari 'to

1124
01:09:19,200 --> 01:09:21,040
hindi lang para sa akin

1125
01:09:21,680 --> 01:09:26,279
pero sa buong komunidad ng siyensiya

1126
01:09:27,240 --> 01:09:33,080
sa Korea at sa buong mundo.

1127
01:09:34,359 --> 01:09:38,279
Napakaduwag ko kung idadahilan ko
ang pressure para pagdiinan ang ginawa ko.

1128
01:09:39,359 --> 01:09:41,960
Sino'ng namilit sa 'kin para humantong

1129
01:09:42,040 --> 01:09:43,439
na makagawa ako nang ganito?

1130
01:09:43,920 --> 01:09:47,880
Dahilan lang 'yon ng mga duwag

1131
01:09:49,080 --> 01:09:52,479
Nangyari lahat 'to dahil sa kasakiman ko.

1132
01:09:52,560 --> 01:09:57,760
Walang ibang dapat sisihin.

1133
01:10:00,440 --> 01:10:02,520
Gayumpaman,

1134
01:10:02,600 --> 01:10:07,160
kung mabubuhay ako muli
at may pagkakataong

1135
01:10:07,240 --> 01:10:11,560
pumili ng landas na tatahakin ko,

1136
01:10:12,120 --> 01:10:14,920
parehong landas pa rin ang pipiliin ko.

1137
01:10:18,520 --> 01:10:21,600
Tingin ko may problema talaga sa sistema

1138
01:10:21,680 --> 01:10:23,880
sa kung paano natin binuo ang siyensiya.

1139
01:10:24,800 --> 01:10:28,560
Sa palagay ko,

1140
01:10:28,640 --> 01:10:31,520
sa kagustuhan nating makagawa
ng isang makabuluhang siyensiya,

1141
01:10:31,600 --> 01:10:33,840
madalas nating hinihikayat
ang maling pag-uugali.

1142
01:10:33,920 --> 01:10:38,320
Sa tingin ko mahalagang isipin
ng mga siyentipiko ang moralidad,

1143
01:10:38,400 --> 01:10:39,920
at ginugol ko ang propesyon ko

1144
01:10:40,000 --> 01:10:42,480
sa pagtuturo sa kanila
na palaging isipin ang moralidad.

1145
01:10:42,560 --> 01:10:44,040
Tayong lahat,

1146
01:10:44,120 --> 01:10:48,800
mapa siyentipiko ka man,
o isang tubero o baseball player,

1147
01:10:48,880 --> 01:10:52,440
kailangan nating isaalang-alang
ang moralidad sa trabaho natin

1148
01:10:52,520 --> 01:10:55,920
at ang mga implikasyon
ng trabaho natin sa iba.

1149
01:11:10,960 --> 01:11:13,560
Maraming salamat sa imbitasyon.

1150
01:11:13,640 --> 01:11:16,160
Ang dami mong nagawa para sa ikauunlad

1151
01:11:16,240 --> 01:11:19,880
ng paleontology, lalo na sa molecular.

1152
01:11:20,440 --> 01:11:25,840
Nagpapasalamat talaga kami
sa lahat ng nagawa n'yo para sa 'min

1153
01:11:25,920 --> 01:11:29,800
at para sa molecular science
ng buong Russia.

1154
01:11:39,240 --> 01:11:43,520
Isa 'yong pagsasaliksik
noong tag-init ng 2012

1155
01:11:44,160 --> 01:11:49,880
sa rehiyon ng Kazachye,
na nasa Northeast Siberia.

1156
01:11:50,520 --> 01:11:55,240
Ang panahon na 'yon
ang pinakakinahihiya ko

1157
01:11:55,320 --> 01:12:01,360
bahagi ng propesyon ko bilang siyentipiko.

1158
01:12:02,200 --> 01:12:07,440
Pagkatapos ng pagsisikap,
inirekomenda ako para sa ekspedisyong 'to.

1159
01:12:08,120 --> 01:12:14,560
Kung wala akong mapapala
sa mga pagsasaliksik na 'to,

1160
01:12:14,640 --> 01:12:18,440
hinding-hindi na ulit
ako magkakaroon ng pagkakataon.

1161
01:12:19,280 --> 01:12:25,880
Nababalot ng yelo ang buong pader.

1162
01:12:27,120 --> 01:12:31,000
Dito namin nakita
ang buto ng siko ng batang mammoth.

1163
01:12:33,480 --> 01:12:37,840
Wala talaga ang kuwebang 'yon doon.

1164
01:12:37,920 --> 01:12:44,880
Ang mga mangangaso ng mammoth
ay naglalabas ng napakalakas na tubig

1165
01:12:44,960 --> 01:12:51,920
para unti-unting makagawa ng kuweba.

1166
01:12:52,800 --> 01:12:58,320
Ang makuha lang ang garing ng mammoth
ang tanging pakay ng mga mangangaso.

1167
01:12:58,800 --> 01:13:03,560
Sa kabilang banda, pumasok kami
para sa mga sample, hindi para sa garing.

1168
01:13:05,920 --> 01:13:11,960
Sinabihan kami na mapanganib ang gagawin
namin dahil puwedeng gumuho ang kuweba.

1169
01:13:12,840 --> 01:13:13,680
Okay.

1170
01:13:14,880 --> 01:13:17,200
-Heto na.
-Sir, kailangan na nating umalis.

1171
01:13:17,280 --> 01:13:18,920
-Kailangan na nating umalis.
-Bakit?

1172
01:13:19,000 --> 01:13:21,080
-Kasi…
-Bakit natin kailangan bumalik?

1173
01:13:21,560 --> 01:13:24,760
-Bakit?
-Kailangan na nating bumalik kasi…

1174
01:13:25,280 --> 01:13:27,000
Gumuguho na ang pasukan.

1175
01:13:27,080 --> 01:13:28,120
-Talaga?
-Oo.

1176
01:13:28,200 --> 01:13:31,040
-Okay.
-Kailangan ba nating…

1177
01:13:31,120 --> 01:13:32,840
Okay, lumabas na tayo.

1178
01:13:33,760 --> 01:13:34,880
Tara na. Okay.

1179
01:13:34,960 --> 01:13:36,240
Ang sample ko.

1180
01:13:36,840 --> 01:13:38,400
Ang sample ko.

1181
01:13:45,520 --> 01:13:51,600
Kung gumuho ang kuweba,
mamamatay ang lahat ng nasa loob.

1182
01:13:51,680 --> 01:13:55,520
Walang paraan para maligtas kami.
Mamamatay kaming lahat.

1183
01:13:57,920 --> 01:13:59,240
Noong panahon na 'yon,

1184
01:13:59,320 --> 01:14:05,240
handa akong isakripisyo ang buhay ko.

1185
01:14:05,880 --> 01:14:09,040
Desididong-desidido na 'ko.

1186
01:14:09,120 --> 01:14:12,120
Matagal na rin naman akong nabubuhay

1187
01:14:13,000 --> 01:14:15,320
kaya nagpunta ako ro'n

1188
01:14:15,400 --> 01:14:21,360
para matupad ang layunin ko
bilang siyentipiko.

1189
01:14:21,880 --> 01:14:25,560
Kung mamatay man ako ngayon,

1190
01:14:25,640 --> 01:14:29,400
magiging makabuluhan pa rin ito.

1191
01:14:31,520 --> 01:14:34,280
Ang maliit na silid ay may sapat
na de-kalidad na kagamitan

1192
01:14:34,360 --> 01:14:38,400
para makompleto ang mga unang hakbang
para makagawa ng clone ng mammoth.

1193
01:14:38,480 --> 01:14:40,200
Ang namamahala sa proseso ay propesor

1194
01:14:40,280 --> 01:14:43,520
sa Sooam Korean Biomedical Technology
Foundation na si Hwang Woo-suk.

1195
01:14:46,640 --> 01:14:50,240
Kabilang sa mga sample na nakuha namin

1196
01:14:50,320 --> 01:14:53,680
ay mga muscle sample na may bakas ng dugo.

1197
01:14:53,760 --> 01:14:56,160
Ito ang pagkakataon na naisip namin na,

1198
01:14:56,240 --> 01:15:00,160
"Matutupad na siguro ang pangarap natin."

1199
01:15:00,240 --> 01:15:02,520
Ito ang mga nakunang video noon.

1200
01:15:03,200 --> 01:15:08,480
Hangga't sa may mahanap kaming
nag-iisang buhay na cell, sapat na 'yon.

1201
01:15:09,920 --> 01:15:14,000
Ang masasabi ko lang,
mayroon na kaming mga buhay na cells.

1202
01:15:15,960 --> 01:15:20,480
Kung magtatagumpay
ang mammoth na proyekto,

1203
01:15:20,560 --> 01:15:23,200
kung papayag ang gobyerno ng Russia,

1204
01:15:23,840 --> 01:15:26,920
gusto kong maglagay

1205
01:15:27,480 --> 01:15:28,600
ng ilang mammoth sa DMZ

1206
01:15:29,280 --> 01:15:34,520
para magkaroon ng "mammoth belt"
sa pagitan ng South at North Korea.

1207
01:15:35,400 --> 01:15:38,760
'Yon na ang simula ng muling
pagsasama ng dalawang bansa.

1208
01:15:39,360 --> 01:15:41,760
Ang simula ng lahat ng 'to.

1209
01:15:42,360 --> 01:15:46,520
Ang paggamit ng cloning para
pagreserba o konserbasyon ng mga hayop

1210
01:15:47,360 --> 01:15:49,800
o de-extinction, gaya ng tawag nila.

1211
01:15:49,880 --> 01:15:53,600
Maraming problemang kaakibat 'to.
Una na ang pagiging magastos nito.

1212
01:15:53,680 --> 01:15:55,240
Isa pa, sa cloning,

1213
01:15:55,320 --> 01:15:58,440
kailangan magkaroon ng inbreeding.

1214
01:15:58,520 --> 01:16:00,600
Magkakaroon ng magkakaparehas na hayop

1215
01:16:00,680 --> 01:16:04,480
na hindi makakatulong
sa pagpapahaba ng buhay nila.

1216
01:16:05,280 --> 01:16:10,800
Hindi mapapalitan ng cloned
na hayop ang orihinal na uri nito.

1217
01:16:10,880 --> 01:16:15,360
Nabuhay ang hayop na 'yon
sa isang kapaligiran

1218
01:16:15,440 --> 01:16:18,360
at panahon kung saan nakasama nito

1219
01:16:18,440 --> 01:16:22,640
ang iba pang klase ng hayop

1220
01:16:22,720 --> 01:16:25,280
sa iisang teritoryo.

1221
01:16:25,800 --> 01:16:30,040
At ngayon, ibinabalik mo lang
sa labas ng kontekstong 'yon.

1222
01:16:30,120 --> 01:16:35,200
Ano ang Tyrannosaurus Rex
kung wala sa panahon ng Jurassic?

1223
01:16:35,280 --> 01:16:37,600
Isa lang 'yong huwad,

1224
01:16:37,680 --> 01:16:42,160
nagpapanggap na Tyrannosaurus Rex.

1225
01:16:56,120 --> 01:16:58,440
Halika na. Halika, Csillo. Heto na.

1226
01:16:58,520 --> 01:16:59,520
Ilibing na natin…

1227
01:17:00,040 --> 01:17:01,680
ang una mong katawan sa mundo.

1228
01:17:01,760 --> 01:17:04,360
Ang pag-clone sa aso ko
ang pinakamaganda kong nagawa sa buhay.

1229
01:17:04,440 --> 01:17:05,720
Ang sinasabi ng mga tao,

1230
01:17:05,800 --> 01:17:08,800
"Akala mo ikaw ang Diyos"
o "Hindi 'yan ang dati mong aso."

1231
01:17:08,880 --> 01:17:10,600
Lahat puro negatibo.

1232
01:17:14,720 --> 01:17:16,680
Pare-parehas lang ang tanong nila.

1233
01:17:16,760 --> 01:17:18,600
"Parehas lang ang hitsura,

1234
01:17:18,680 --> 01:17:20,640
pero magkaiba ang ugali."

1235
01:17:20,720 --> 01:17:25,000
Ang laging kong sinasabi,
siya pa rin ang dati kong aso.

1236
01:17:25,080 --> 01:17:27,640
Dahil kapag na-clone ang isang aso

1237
01:17:27,720 --> 01:17:30,640
at nilagay mo siya
sa parehong lugar at pamilya,

1238
01:17:30,720 --> 01:17:32,960
kasama ang parehong mga bata,

1239
01:17:33,040 --> 01:17:36,440
parehas lang
ang magiging ugali niya sa una.

1240
01:17:38,800 --> 01:17:42,240
Hindi ko iniisip na clone siya.
Siya si Csillo, nagbalik siya.

1241
01:17:42,320 --> 01:17:45,040
Nakaligtas siya sa kamatayan.

1242
01:17:47,320 --> 01:17:51,280
Makapangyarihan ang proseso ng cloning
at makakatulong ito sa maraming tao.

1243
01:17:51,360 --> 01:17:54,840
Ang cloning ay muling pagkabuhay.

1244
01:17:54,920 --> 01:17:58,040
Ginagaya nito ang katawan
na wala na sa mundo.

1245
01:17:58,560 --> 01:18:00,800
Oo, malaki ang pakinabang nito.

1246
01:18:02,240 --> 01:18:04,720
Dito nakalibing ang una mong katawan.

1247
01:18:06,080 --> 01:18:07,000
At…

1248
01:18:08,840 --> 01:18:10,280
malapit ka nang pumalit sa kaniya.

1249
01:18:10,840 --> 01:18:14,640
Kakaiba para sa akin
na makitang malaki na si Csillo.

1250
01:18:15,200 --> 01:18:17,200
Pakiramdam ko napalitan na talaga siya,

1251
01:18:17,280 --> 01:18:20,400
parang sinasabi ko na rin na,

1252
01:18:22,440 --> 01:18:24,920
"Ikaw na ang papalit sa kaniya."

1253
01:18:25,640 --> 01:18:30,040
Nakahanap na kami ng lugar kung saan siya
makakapagpahinga nang mapayapa.

1254
01:18:33,200 --> 01:18:35,160
Sa unang pagkakataon,
ang mga Chinese na mananaliksik

1255
01:18:35,240 --> 01:18:36,920
ay nakapag-clone
ng dalawang malulusog na unggoy

1256
01:18:37,000 --> 01:18:38,480
gamit ang parehong pamamaraan na ginamit

1257
01:18:38,560 --> 01:18:40,960
sa tupang si Dolly
dalawang dekada na ang nakalilipas.

1258
01:18:41,040 --> 01:18:46,000
Wala ng hadlang sa cloning ng mga unggoy.

1259
01:18:47,160 --> 01:18:51,200
Kung tutuusin, ang unggoy at tao
ay puwedeng ma-clone.

1260
01:18:55,720 --> 01:18:57,920
Aminin na natin, lagi namang
kontrobersiyal ang teknolohiya.

1261
01:18:58,000 --> 01:19:00,120
Sigurado akong naging kontrobersiyal din
ang motorcar.

1262
01:19:00,200 --> 01:19:03,080
Naiinis sila na natatakot ang mga kabayo.

1263
01:19:03,160 --> 01:19:07,440
Sa palagay ko, lahat naman
ng ginagawa natin ay kontrobersiyal.

1264
01:19:09,840 --> 01:19:12,280
Nawalan ako ng dalawang anak
no'ng napakabata pa nila.

1265
01:19:12,800 --> 01:19:14,720
Ang una, si Anya…

1266
01:19:15,360 --> 01:19:18,720
Hindi ko makakalimutan
kung gaano ako naapektuhan sa nangyari.

1267
01:19:18,800 --> 01:19:20,240
Hanggang ngayon, naaapektuhan pa rin ako.

1268
01:19:20,840 --> 01:19:24,840
At hawak ko siya sa mga kamay ko
no'ng tinanggal nila ang linya.

1269
01:19:28,520 --> 01:19:30,840
At kapag may nagsabi sa akin na,

1270
01:19:30,920 --> 01:19:33,000
"Uy, kaya namin siya ma-clone.
Kaya namin siyang ibalik."

1271
01:19:33,760 --> 01:19:36,320
Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon
na mabuo ang pagkatao niya.

1272
01:19:36,400 --> 01:19:38,760
Makokopya ang hitsura at magiging parehas.

1273
01:19:38,840 --> 01:19:40,080
Magiging anak ko siya.

1274
01:19:40,160 --> 01:19:42,000
Papayag ba ako?

1275
01:19:42,080 --> 01:19:42,920
At…

1276
01:19:43,000 --> 01:19:44,400
Papayag ako.

1277
01:19:45,760 --> 01:19:48,040
Wala nang mas lalala pa
kaysa sa maliit na ataul.

1278
01:19:48,120 --> 01:19:51,280
Mayroon bang papel
para sa pag-clone ng mga tao?

1279
01:19:52,040 --> 01:19:54,680
Puwede kong sabihin
na sa mga piling kaso lang.

1280
01:19:54,760 --> 01:19:56,960
Pero kung may magsasabi sa akin ng,

1281
01:19:57,440 --> 01:19:59,520
"Gusto mo bang ma-clone?"
Magpapa-cremate ako.

1282
01:19:59,600 --> 01:20:00,840
Wala ng magbabalik sa 'kin dito.

1283
01:20:01,680 --> 01:20:03,400
Walang gagalaw sa DNA ko.

1284
01:20:06,360 --> 01:20:09,600
Mas madalas mauna
ang siyensiya sa moralidad.

1285
01:20:09,680 --> 01:20:11,520
At nakikipaghabulan ang moralidad

1286
01:20:11,600 --> 01:20:14,680
dahil kung ano-anong eksperimento
ang ginagawa ng mga siyentipiko,

1287
01:20:14,760 --> 01:20:17,240
at kalimitan, may natutuklasan sila,

1288
01:20:17,320 --> 01:20:20,560
at masasabi nating, "Teka lang.
Kailangan nating pag-usapan 'to."

1289
01:20:20,640 --> 01:20:23,840
Sa kasamaang palad, ang mga moralidad
lang ang madalas magsabi niyan.

1290
01:20:23,920 --> 01:20:25,640
Walang nakikinig sa amin.

1291
01:20:25,720 --> 01:20:30,360
Pero, minsan, nagiging seryoso ang usapan.

1292
01:20:30,440 --> 01:20:33,280
Minsan, napipilit naming makinig
ang mga tao at sabihing,

1293
01:20:33,360 --> 01:20:35,000
"Malapit na itong mangyari

1294
01:20:35,080 --> 01:20:37,160
kaya kailangan nating itong
pagtuunan ng pansin."

1295
01:20:47,520 --> 01:20:52,200
Sa Korea ako ipinanganak.

1296
01:20:53,560 --> 01:20:56,560
Gumagaan ang pakiramdam ko
tuwing umuuwi ako galing abroad

1297
01:20:56,640 --> 01:21:00,120
kahit isa o dalawang beses lang kada taon.

1298
01:21:10,560 --> 01:21:11,520
Pastor.

1299
01:21:14,400 --> 01:21:16,160
-Pambihira.
-Maligayang pagdating.

1300
01:21:18,440 --> 01:21:20,240
Kumusta ka?

1301
01:21:20,320 --> 01:21:21,280
Pambihira.

1302
01:21:22,200 --> 01:21:23,240
Pastor.

1303
01:21:24,720 --> 01:21:27,640
Hindi ka tumatanda.

1304
01:21:28,480 --> 01:21:30,400
Ikaw rin, Pastor.

1305
01:21:30,480 --> 01:21:31,560
Pumasok na tayo.

1306
01:21:31,640 --> 01:21:33,160
Parang bumata ka.

1307
01:21:35,680 --> 01:21:39,320
Pastor, matagal na kitang gustong makita.

1308
01:21:44,400 --> 01:21:47,960
Si Hyeon ang taong hindi ko makakalimutan.

1309
01:21:49,080 --> 01:21:52,520
Ang mga mararangal
na pangako ko sa kaniya.

1310
01:21:53,080 --> 01:21:54,640
Sana ipagpatuloy mo sa puso mo

1311
01:21:54,720 --> 01:22:00,360
ang ipinangako mo kay Hyeon

1312
01:22:00,440 --> 01:22:04,280
na hanggang ngayon ay ginagawa mo pa rin.

1313
01:22:04,360 --> 01:22:07,520
Marami pang ibang Hyeon, 'di ba?

1314
01:22:07,600 --> 01:22:10,120
-Oo, marami pa.
-Napakarami.

1315
01:22:10,200 --> 01:22:11,080
Oo.

1316
01:22:11,560 --> 01:22:13,760
Naniniwala akong

1317
01:22:14,360 --> 01:22:19,200
binigyan ka nila ng misyon
para tulungan sila.

1318
01:22:19,280 --> 01:22:25,800
Ang ilan sa mga taong pumupuna
sa teknolohiya ng cloning

1319
01:22:28,680 --> 01:22:33,440
iginigiit na ito'y labag sa kaayusan
o awtoridad ng Diyos sa paglikha

1320
01:22:33,520 --> 01:22:36,720
dahil isa raw 'tong pagtatangka

1321
01:22:37,560 --> 01:22:41,520
na gayahin at umastang parang Diyos.

1322
01:22:42,800 --> 01:22:43,880
Gayumpaman,

1323
01:22:44,880 --> 01:22:49,800
paano masasabi ng iba

1324
01:22:49,880 --> 01:22:53,280
na ito ang kaharian ng Diyos?

1325
01:24:41,680 --> 01:24:44,680
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Kristine Gutierrez



