1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:36,370 --> 00:00:40,040
Sino'ng filmmaker ang nakalimang pelikula
na numero uno agad sa box office

4
00:00:40,124 --> 00:00:41,834
sa nakaraang apat na taon?

5
00:00:42,418 --> 00:00:45,296
Spielberg? Tarantino?

6
00:00:46,130 --> 00:00:47,256
Scorsese?

7
00:00:48,340 --> 00:00:49,300
Hindi.

8
00:00:51,719 --> 00:00:54,138
Kay Tyler Perry ang rekord na 'yon.

9
00:00:55,598 --> 00:00:58,350
NaritoPag may nagsasabing,
"Narito ang susunod na Tyler Perry,"

10
00:00:58,434 --> 00:01:02,646
ani ko, "Lumilibot ba siya nang 300 araw
kada taon para makilala ang audience niya?

11
00:01:02,730 --> 00:01:05,816
"Kung hindi, di siya
ang susunod na Tyler Perry."

12
00:01:07,985 --> 00:01:09,779
Wag mo siyang maliitin,

13
00:01:11,447 --> 00:01:14,992
dahil di lang siya basta masuwerte

14
00:01:15,075 --> 00:01:19,538
at mayamang Negro na naging Black man.

15
00:01:23,209 --> 00:01:25,669
Lumaki kami
sa Uptown New Orleans Third Ward.

16
00:01:26,337 --> 00:01:28,005
Malapit sa Magnolia Project.

17
00:01:29,840 --> 00:01:31,425
Talamak ang krimen.

18
00:01:31,842 --> 00:01:35,221
May panloloob, pagnanakaw,
paggamit at pagtutulak ng droga.

19
00:01:39,140 --> 00:01:42,186
Akalain mong palaboy ka
pitong taon ang nakararaan?

20
00:01:42,269 --> 00:01:43,854
Oo nga.

21
00:01:46,148 --> 00:01:49,109
Isa siyang aktor, manunulat,
direktor, producer.

22
00:01:49,193 --> 00:01:52,029
Sasabihin ko na,
isang entertainment mogul.

23
00:01:52,988 --> 00:01:56,826
Tyler Perry Studios. Sa 'yo ang pinaka-
malaking studio sa Estados Unidos.

24
00:01:56,908 --> 00:01:59,370
-Iyan ang sabi nila sa akin, oo.
-Sa bansa.

25
00:01:59,453 --> 00:02:00,621
Bigyan n'yo siya ng planeta.

26
00:02:01,497 --> 00:02:03,999
Hindi n'yo alam ang pakiramdam

27
00:02:04,083 --> 00:02:06,544
na magkaroon ng asset
na mula sa United States Army.

28
00:02:07,920 --> 00:02:10,297
Dalawampung feature films,
higit 20 na play,

29
00:02:10,381 --> 00:02:12,550
siyam na TV shows,
isang New York Times bestseller.

30
00:02:14,927 --> 00:02:16,011
Pambihira.

31
00:02:18,931 --> 00:02:21,851
Kilala sa paggawa ng mga pelikulang
para sa Black audiences,

32
00:02:21,934 --> 00:02:24,311
ngunit dumaraming mga kritiko
sa Black community

33
00:02:24,395 --> 00:02:26,105
ang may isyu sa gawa ni Perry.

34
00:02:27,064 --> 00:02:30,943
Di mo aasahang
basta siya sasang-ayunan ng lahat

35
00:02:31,026 --> 00:02:34,572
dahil Black siya, at pinaghirapan niyang
makaakyat sa Hollywood.

36
00:02:34,655 --> 00:02:38,075
'Yong mga natatagong kuwento
at mga plot na ginagamit niya,

37
00:02:38,158 --> 00:02:40,369
'yong mga stereotype,
marami akong isyu roon.

38
00:02:40,452 --> 00:02:41,912
Ito ang pinakamahalaga.

39
00:02:42,329 --> 00:02:46,834
Walang pakialam si Tyler Perry
sa sasabihin ng iba sa ginagawa niya.

40
00:02:47,251 --> 00:02:49,211
Audience niya ang pinaglilingkuran niya.

41
00:02:51,672 --> 00:02:55,509
Kung nauna kang gumawa ng isang bagay,
magiging mahirap 'yon para sa 'yo.

42
00:02:56,552 --> 00:02:59,638
Paulit-ulit na formula 'yon,
at hinahampas niya 'yon sa ulo mo.

43
00:02:59,722 --> 00:03:02,266
Ewan ko kung ano'ng nireresolba niya
sa mga pelikula n'ya.

44
00:03:02,349 --> 00:03:04,643
Baka kailangan niyang
resolbahin 'yon sa therapy.

45
00:03:06,729 --> 00:03:08,814
Ang pangit lang ng mensahe.

46
00:03:08,898 --> 00:03:11,567
Parang pampelikulang alak sa masa.

47
00:03:13,652 --> 00:03:15,529
Kapag nagpapakita ka ng kultura,

48
00:03:17,114 --> 00:03:20,659
may kaakibat itong responsibilidad,
at minsan, para na ring pasanin.

49
00:03:23,162 --> 00:03:24,872
Bakit ka nagpapakahirap?

50
00:03:26,248 --> 00:03:27,583
Bakit ako nagpapakahirap?

51
00:03:28,167 --> 00:03:31,253
Kakaunti ang nakapagpalawak
ng telebisyon na tulad ni Tyler Perry.

52
00:03:31,337 --> 00:03:33,547
Sa huli niyang pelikula,
mukhang sumobra na siya.

53
00:03:33,631 --> 00:03:38,594
Ang pinakamatagumpay na
African American filmmaker sa kasaysayan.

54
00:03:38,677 --> 00:03:40,679
At nang umabot na ito sa Hollywood,

55
00:03:40,763 --> 00:03:43,140
noon ito naging problema.

56
00:03:43,223 --> 00:03:45,643
Talagang outsider siya.

57
00:03:45,726 --> 00:03:47,061
At hindi maitatanggi

58
00:03:47,937 --> 00:03:49,188
ang talento

59
00:03:49,980 --> 00:03:50,981
at kapangyarihan

60
00:03:52,316 --> 00:03:53,400
ni Tyler Perry.

61
00:03:54,276 --> 00:03:55,402
Marami ka nang nagawa.

62
00:03:56,153 --> 00:03:58,948
Ano pang di mo nagagawa
na gusto mong gawin?

63
00:04:28,978 --> 00:04:30,562
Tingnan mo, nagsusumigaw sa 'yo.

64
00:04:30,646 --> 00:04:32,982
Kapatid ka ng bilyonaryo.
Kumusta naman 'yon?

65
00:04:34,066 --> 00:04:35,943
Mabuti ang Diyos. Tingnan mo.

66
00:04:37,319 --> 00:04:38,529
Sige.

67
00:04:38,612 --> 00:04:40,864
Sige, sweetie. Tatawagan kita. Bye-bye.

68
00:04:40,948 --> 00:04:42,825
PINSAN NI TYLER (ANAK NI TIYA JERRY)

69
00:04:42,908 --> 00:04:45,369
Pinsan kong si Melva, kapatid ni Tyler.

70
00:04:47,955 --> 00:04:50,165
"Junior" ang tawag namin sa kanya dati.

71
00:04:50,249 --> 00:04:52,209
"Kumusta, Junior? Junior, Junior."

72
00:04:52,292 --> 00:04:55,379
Pero ngayon, "Tyler" na. Hindi "Emmitt."

73
00:04:55,462 --> 00:04:59,174
At 'yon ang pangalan niya
sa kapanganakan, Emmitt Perry Jr.

74
00:04:59,258 --> 00:05:01,010
Ginawa niya 'yong Tyler Perry,

75
00:05:01,093 --> 00:05:04,471
na tama lang dahil hindi maganda
ang relasyon nila ng tatay niya

76
00:05:05,014 --> 00:05:07,641
sa loob ng napakaraming taon.

77
00:05:07,725 --> 00:05:10,602
Kaya ayaw niyang makilala
bilang Emmitt Junior.

78
00:05:12,312 --> 00:05:13,564
Ito ang sasabihin ko…

79
00:05:15,024 --> 00:05:17,067
At akin lang 'to. Ito ang pakiramdam ko.

80
00:05:18,944 --> 00:05:22,489
Napakalalim ng trauma,
masyadong malalim ang sugat.

81
00:05:23,657 --> 00:05:27,494
Pag sinugatan mo ang isang tao
at nagsimula silang maghilom, tapos…

82
00:05:27,578 --> 00:05:29,663
Tapos, bubuksan mo ulit ang sugat.

83
00:05:29,747 --> 00:05:33,959
Tuwing nasusugatan siya,
laging nabubuksan ang sugat.

84
00:05:34,376 --> 00:05:36,587
Ngayon, di na naghihilom iyon.

85
00:05:37,463 --> 00:05:38,464
Hindi na, kahit kailan.

86
00:05:42,968 --> 00:05:47,181
Puno ng bituin ang Sabado ng gabi
dahil binaha ng artista ang Atlanta

87
00:05:47,264 --> 00:05:50,392
upang ipagdiwang ang grand opening
ng Tyler Perry studios.

88
00:05:53,187 --> 00:05:56,857
Ang higit 133-ektaryang studio
ay napapaloob sa lupain

89
00:05:56,940 --> 00:06:01,236
ng dating Fort McPherson Army Base
sa Southwest Atlanta.

90
00:06:01,945 --> 00:06:04,448
Pinasinayanan rin ni Tyler
ang 12 soundstage

91
00:06:04,531 --> 00:06:06,950
na ipinangalan
sa mga kapita-pitagang Black artist,

92
00:06:07,034 --> 00:06:11,205
kabilang sina Oprah Winfrey,
Will Smith, at Halle Berry.

93
00:06:17,878 --> 00:06:19,630
Ano'ng nararamdaman n'yo, sir?

94
00:06:19,713 --> 00:06:23,217
Na… nasasabik ako

95
00:06:23,592 --> 00:06:24,885
at kalmado,

96
00:06:26,386 --> 00:06:29,848
at handa, at nagpapasalamat,
at malaki ang pag-asa.

97
00:06:30,599 --> 00:06:32,810
At, oo, handang-handa na.

98
00:06:32,893 --> 00:06:36,146
Sinubusukan ko talagang kumalma,
dahil mahalaga sa akin ang oras.

99
00:06:36,230 --> 00:06:38,148
Sinusubukan ko lang na maging,

100
00:06:38,232 --> 00:06:41,276
"Sumunod ka lang sa agos, TP.
Damhin mo lang ang sandali."

101
00:06:42,236 --> 00:06:43,904
'Yong bata sa ilalim ng balkon,

102
00:06:43,987 --> 00:06:46,365
naisip niya bang
magkakaroon siya ng ganito?

103
00:06:46,448 --> 00:06:49,409
Talagang ngayon mo
sinusubukan iyan sa akin?

104
00:06:49,493 --> 00:06:50,994
Hindi mangyayari 'yan, pare.

105
00:06:51,078 --> 00:06:52,746
-Kailangan ko lang…
-Di puwede.

106
00:06:52,830 --> 00:06:55,290
Tawagan mo si Gayle King,
o si Oprah Winfrey, kahit sino.

107
00:06:55,374 --> 00:06:57,167
Di mangyayari ang balak mo.

108
00:06:57,251 --> 00:06:58,961
Di ako aabot diyan.

109
00:06:59,253 --> 00:07:00,295
Sige.

110
00:07:01,004 --> 00:07:02,381
Susubukan ko sa weekend.

111
00:07:02,464 --> 00:07:04,258
Sinusubukan ko lang makaraos dito.

112
00:07:05,134 --> 00:07:06,760
Hindi ko dapat takasan ito.

113
00:07:06,844 --> 00:07:07,886
Pero ganoon ako.

114
00:07:07,970 --> 00:07:11,014
Ang problema ko sa maraming bagay
sa buhay ko, tinatakasan ko.

115
00:07:11,807 --> 00:07:14,643
At mula 'yon sa pagkabata ko.

116
00:07:14,726 --> 00:07:18,355
Mula sa pang-aabuso, sa pasakit,
na sinubukan mo lang takasan.

117
00:07:18,438 --> 00:07:21,275
Pero nalaman kong
ganoon ako sa lahat ng bagay,

118
00:07:21,358 --> 00:07:23,193
kahit sa tuwa at saya.

119
00:07:23,277 --> 00:07:26,196
Sa kahit anong masyadong
nagpapataas ng pandama ko.

120
00:07:26,280 --> 00:07:28,198
Gusto ko lang takasan 'yon.

121
00:07:28,282 --> 00:07:31,160
Kaya ngayong gabi,
at sa bawat araw at sandali,

122
00:07:31,243 --> 00:07:33,412
iniisip ko, "Kumalma ka, kumalma ka."

123
00:07:33,495 --> 00:07:35,038
"Ayos ka lang. Kalma. Ligtas ka.

124
00:07:35,122 --> 00:07:36,957
"Emosyon lang 'yan. Pakiramdam lang.

125
00:07:37,040 --> 00:07:39,084
"Ayos lang. Ayos ka lang.

126
00:07:39,168 --> 00:07:41,420
"Pagmamahal 'yan. Tuwa. Kaya naman…"

127
00:07:47,134 --> 00:07:51,305
Alam mo, sabi nila, ang pinakamasarap
na alak ay tumutubo sa tigang na lupa.

128
00:07:51,388 --> 00:07:53,807
At pag iniisip mo
ang pinakamasasarap na alak,

129
00:07:53,891 --> 00:07:57,436
kailangang sumiksik ng mga ubas
sa mga bato at mga sangay,

130
00:07:57,519 --> 00:08:00,439
at iba't ibang paroo't parito
para lang makalusot sa lupa.

131
00:08:01,940 --> 00:08:06,403
Tingin ko, mailalarawan talaga n'on
ang paglaki ni Tyler.

132
00:08:06,486 --> 00:08:09,364
Ang saklap ng mga karanasan niya
bilang bata,

133
00:08:09,448 --> 00:08:12,326
at nakaapekto iyon
sa kung sino siya ngayon.

134
00:08:12,409 --> 00:08:14,870
Umabot 'yon sa mga karakter
na nilikha niya,

135
00:08:14,953 --> 00:08:17,247
at sa imahinasyong mayroon siya,

136
00:08:17,956 --> 00:08:19,917
dahil papasok ka na lang na isipan mo.

137
00:08:20,542 --> 00:08:23,670
Kaya naiintindihan kong

138
00:08:23,754 --> 00:08:26,131
magiging ganitong klase ng tao siya.

139
00:08:26,215 --> 00:08:30,302
Na magkakaroon siya
ng ganitong nibel ng tiyaga at sigasig

140
00:08:30,385 --> 00:08:32,929
dahil marami na siyang pinagdaanan.

141
00:08:33,013 --> 00:08:35,515
Kailangan niyang maging
ang alak na sumuong sa lupa.

142
00:08:39,311 --> 00:08:41,395
Mahirap mabuhay sa New Orleans.

143
00:08:42,397 --> 00:08:45,317
Mahirap mabuhay,
mapanganib ang bayang 'yon.

144
00:08:46,360 --> 00:08:51,531
May barilan, mga nakawan,
at kalupitan ng mga gang.

145
00:08:51,615 --> 00:08:54,409
Napakamapanganib doon.
Napakamapanganib n'on.

146
00:08:54,910 --> 00:08:56,578
Napakataas ng antas ng krimen.

147
00:08:56,662 --> 00:08:58,830
Dati kaming naging
murder capital ng mundo.

148
00:08:59,373 --> 00:09:02,000
Lumalala na naman
ang gun violence sa New Orleans.

149
00:09:02,084 --> 00:09:03,961
Tumataas ang krimen…

150
00:09:04,044 --> 00:09:05,545
Tumataas ang mga pagpatay, at…

151
00:09:05,629 --> 00:09:08,131
Ewan ko kung ano'ng nararamdaman
ng maraming puti rito.

152
00:09:08,215 --> 00:09:11,468
Alam ko lang ang nararamdaman nila
sa estado ng mga institusyon nila.

153
00:09:11,927 --> 00:09:13,720
Aniya sa akin, madaling mamatay.

154
00:09:14,012 --> 00:09:15,639
Ang mahirap ay ang mabuhay.

155
00:09:17,599 --> 00:09:18,433
Wala siyang ginawa.

156
00:09:18,517 --> 00:09:21,603
Pinaputukan siya
ng mga pulis sa Bruce Grocery.

157
00:09:21,687 --> 00:09:23,563
Sabi nila sa akin, "Tayo!" sumagot ako,

158
00:09:23,647 --> 00:09:25,107
"Ayoko. Ano, babarilin mo ako?"

159
00:09:26,233 --> 00:09:29,653
Base sa statistics, dito sa New Orleans,
maaaring di ka umabot sa 21.

160
00:09:29,736 --> 00:09:33,365
Kapag nakaabot ka
sa ika-21 mong kaarawan, sinuwerte ka.

161
00:09:33,448 --> 00:09:36,076
Natalo mo ang diyablo.
Natalo mo ang statistic.

162
00:09:36,159 --> 00:09:39,288
At survival of the fittest
ang paglaki rito, alam n'yo?

163
00:09:39,371 --> 00:09:42,833
Paglabas mo pa lang ng bahay,
naku, baka hindi ka na makauwi.

164
00:09:42,915 --> 00:09:44,918
Ililibot ko.
Kita n'yo 'yong building dito?

165
00:09:45,002 --> 00:09:47,129
Pabahay ito dati.
Dito rin kami nakatira dati.

166
00:09:47,212 --> 00:09:52,217
Dalawang bahay ang layo nina Tita Maxine,
Tyler Prry, Yulanda, Emmbre, Melva,

167
00:09:52,301 --> 00:09:55,846
dalawang bahay ang layo nila sa amin,
na pupuntahan natin ngayon.

168
00:09:57,514 --> 00:10:00,600
Ito ang bahay na kinalakhan ni Tyler.

169
00:10:00,684 --> 00:10:03,979
Sa likod ng bahay na 'to,
nagtayo siya ng clubhouse,

170
00:10:04,062 --> 00:10:06,523
kung saan kami magsusuot

171
00:10:06,606 --> 00:10:08,775
para makatakas kay Tito Emmitt.

172
00:10:11,320 --> 00:10:13,322
Sa tapat ng dati niyang tirahan,

173
00:10:13,405 --> 00:10:15,324
bumalik ang dusa ng kanyang nakaraan.

174
00:10:15,407 --> 00:10:16,825
Dito ako lumaki.

175
00:10:16,908 --> 00:10:19,953
At ilang taon na akong
di nakakapunta rito.

176
00:10:20,037 --> 00:10:22,748
Dinala niya kami sa likod,
pinakita sa amin ang butas

177
00:10:22,831 --> 00:10:24,875
kung saan siya tatakas
sa pang-aabuso ng ama.

178
00:10:25,334 --> 00:10:28,337
Ito ang taguan ko,
kung saan ako ligtas, alam mo 'yon?

179
00:10:28,420 --> 00:10:30,339
Pag sobra na ang lahat, dito ka pumupunta?

180
00:10:30,422 --> 00:10:32,924
Oo. Parang buong araw ako riyan.

181
00:10:34,009 --> 00:10:39,222
Minsan, nalulungkot ako para kay Tyler
dahil masaklap talaga ang dinanas niya.

182
00:10:39,306 --> 00:10:41,391
Mas napuruhan siya kaysa sa amin.

183
00:10:41,475 --> 00:10:43,018
Di naman kailangang maging ganoon.

184
00:10:43,101 --> 00:10:45,520
Oo, di ko alam kung ano
ang mensahe sa kanya ng Diyos,

185
00:10:45,604 --> 00:10:48,648
at baka nangyari na ipinangako sa kanya,
dahil matagumpay na siya.

186
00:10:48,732 --> 00:10:51,777
Sa kabila ng mga pinagdaraanan niya,

187
00:10:51,860 --> 00:10:54,946
inaalagaan at binibiyayaan niya
ang maraming tao.

188
00:10:55,030 --> 00:10:58,575
Pero paano siya nakakatulog sa gabi
habang iniisip ang pagkabata niya?

189
00:11:01,578 --> 00:11:04,247
Ang ama ni Tyler,
malupit siya noong lumalaki siya.

190
00:11:04,331 --> 00:11:06,875
Hindi siya nagpapaloko, alam n'yo.

191
00:11:06,958 --> 00:11:09,378
Hindi palatawa, walang nakakatawa
para sa kanya.

192
00:11:09,836 --> 00:11:12,297
Malakas at masipag siyang tao,

193
00:11:12,381 --> 00:11:16,009
pero laging iritado at mapag-isa.

194
00:11:16,093 --> 00:11:17,469
Malupit, alam n'yo 'yon?

195
00:11:17,552 --> 00:11:19,846
Grade 3 ang inabot, galing probinsiya,

196
00:11:19,930 --> 00:11:22,307
at dinaan sa sipag ang lahat.

197
00:11:22,391 --> 00:11:25,977
Aalis siya sa trabaho nang 3:00,
at uuwi sa bahay nang 3:30.

198
00:11:26,061 --> 00:11:28,772
May tindahan dito sa kanto,
hindi kalayuan,

199
00:11:28,855 --> 00:11:30,649
at ilang kaha ng beer ang bibilhin.

200
00:11:30,732 --> 00:11:32,734
Pero araw-araw siyang maglalasing.

201
00:11:32,818 --> 00:11:35,821
Pagdating ng trak,
alam na naming lagot na.

202
00:11:35,904 --> 00:11:39,324
Lalabas siyang may kaha ng 24 na beer.

203
00:11:39,408 --> 00:11:41,910
Uubusin niya ang lahat
hanggang may dumating

204
00:11:41,993 --> 00:11:43,078
at titigil siya.

205
00:11:43,161 --> 00:11:45,205
At para kay Junior… Para kay Tyler. Sorry.

206
00:11:45,288 --> 00:11:49,251
Kay Tyler, mas malala
ang pambubugbog sa kanya.

207
00:11:50,085 --> 00:11:53,547
May isang beses na bata pa talaga kami,
at talagang nilatigo niya si Tyler.

208
00:11:53,630 --> 00:11:55,215
Duguan ang likod niya.

209
00:11:55,298 --> 00:11:57,759
Tumakbo siya palabas ng bahay.
Bata pa siya, e.

210
00:11:57,843 --> 00:12:00,178
Tumakbo siya,
at nagkasalubong kami sa kanto.

211
00:12:00,262 --> 00:12:02,889
At sabi ni Mama,
"Ano? Sino'ng gumawa nito?"

212
00:12:02,973 --> 00:12:06,309
Ang lalaki ng latay sa likod niya.

213
00:12:06,393 --> 00:12:09,771
Mga ganito kahaba at kalaki,
o ganoon kamaga.

214
00:12:09,855 --> 00:12:12,732
Pamangkin ko 'yon. Bata pa siya.
Musmos pa lang siya noon.

215
00:12:12,816 --> 00:12:14,234
TITA NI TYLER (KAPATID NI MAXINE)

216
00:12:14,317 --> 00:12:16,570
Siguro pito o walong taong gulang.
Maliit pa.

217
00:12:16,653 --> 00:12:20,115
Di siya makikipaglokohan.
Sa mga pamangkin niya, mga anak niya.

218
00:12:20,198 --> 00:12:22,075
Ang nanay na leon nga.

219
00:12:22,159 --> 00:12:23,785
Talagang pinoprotektahan niya kami.

220
00:12:23,869 --> 00:12:26,872
Kung may malaking osong darating,
lalabanan niya ang oso.

221
00:12:27,372 --> 00:12:29,875
Kaya nagalit talaga ako.

222
00:12:29,958 --> 00:12:31,585
Kinuha ko ang baril.

223
00:12:31,668 --> 00:12:33,670
Hila-hila kami ni Mama nang dumating kami.

224
00:12:33,753 --> 00:12:35,464
Naka-Hanes briefs pa kami.

225
00:12:35,547 --> 00:12:37,841
Naka-brief lang kami, at umiiyak.

226
00:12:37,924 --> 00:12:40,260
Nakita namin siya sa balkonahe, umiinom.

227
00:12:40,343 --> 00:12:42,762
At tinanong ko siya
kung bakit niya nilatayan ang bata.

228
00:12:42,846 --> 00:12:44,806
At sabi niya, wag daw akong mangialam.

229
00:12:45,599 --> 00:12:47,058
Di niya dapat sinabi 'yon.

230
00:12:47,142 --> 00:12:49,436
Tinutukan na niya ito,
pero iniiwas ni Papa.

231
00:12:50,896 --> 00:12:55,066
Nakakatakot 'yon, kasi pumutok 'yon…
Tiningnan ko si Mama, gulat na gulat.

232
00:12:55,150 --> 00:12:58,945
Babarilin na dapat ni mama si Tito Emmitt,
alam n'yo 'yon?

233
00:12:59,029 --> 00:13:00,447
At sineryoso na niya si Mama.

234
00:13:00,530 --> 00:13:01,656
At nakinig na siya.

235
00:13:01,740 --> 00:13:03,992
Kahit lasing, nakikinig siya sa kanya,

236
00:13:04,075 --> 00:13:05,869
dahil naaalala niya 'yong baril.

237
00:13:06,328 --> 00:13:10,499
Hindi ko ipinagmamalaki 'yon,
pero napakasakit lang kasi.

238
00:13:10,582 --> 00:13:14,127
Di ko kayang hayaan 'yon,
pinarurusahan ko rin ang mga anak ko,

239
00:13:14,211 --> 00:13:18,673
pero wala sa kanila ang magsasabing
nabugbog sila nang ganoon.

240
00:13:18,757 --> 00:13:19,966
Hindi talaga.

241
00:13:20,050 --> 00:13:21,885
Pa'no mo magagawa 'yon kung mahal mo sila?

242
00:13:21,968 --> 00:13:24,429
Pa'no mo nagagawa 'yon?
Pa'no nakaya ng puso mo?

243
00:13:24,513 --> 00:13:28,600
Hindi ko maintindihan 'yon.
Pero di ko rin naman dapat intindihin.

244
00:13:31,728 --> 00:13:34,439
Kagabi ko lang, noong kausap ko
ang mga producer

245
00:13:34,523 --> 00:13:36,733
narining ang kuwentong ito,

246
00:13:36,816 --> 00:13:41,821
na nahimatay ka minsan
dahil labis kang nabugbog.

247
00:13:41,905 --> 00:13:45,200
Naaalala kong nakakapit ako
sa alambreng bakod,

248
00:13:45,283 --> 00:13:48,203
duguan ang kamay ko sa pagkakakapit,
habang hinahampas niya ako.

249
00:13:48,286 --> 00:13:49,788
-At sinu…
-Wow.

250
00:13:49,871 --> 00:13:51,873
Sinusubukan ko na lang manatiling buhay.

251
00:13:51,957 --> 00:13:55,877
Galit na galit ako sa isip ko.

252
00:13:55,961 --> 00:13:59,297
Nakikita ko ang sarili kong
tumatakbo palayo.

253
00:13:59,381 --> 00:14:02,425
-Wow.
-At hindi ko mapilit ang batang 'yon…

254
00:14:06,846 --> 00:14:09,266
Hindi ko mapilit
ang batang 'yon na bumalik.

255
00:14:09,349 --> 00:14:12,018
Hindi ko siya mapilit na bumalik sa akin.

256
00:14:12,769 --> 00:14:17,274
Labis na lumala 'yon,
kaya noong bata ka, naglaslas ka.

257
00:14:17,357 --> 00:14:18,483
Oo.

258
00:14:18,984 --> 00:14:20,652
Oo, gusto ko na magpakamatay noon

259
00:14:20,735 --> 00:14:24,072
dahil iniisip ko,
"Ano pang silbing mabuhay?"

260
00:14:35,333 --> 00:14:39,170
Ang pagkakaroon ng ganitong trauma
bilang bata, para sa akin,

261
00:14:40,672 --> 00:14:46,511
nakakagawa ako sa isip ko
ng mga lugar na tila totoo.

262
00:14:46,595 --> 00:14:49,222
Habang may mga nangyayari sa akin,
anuman 'yon,

263
00:14:49,306 --> 00:14:51,016
paninigaw man ng tatay ko,

264
00:14:51,099 --> 00:14:54,644
o pambubugbog sa akin,
o panghihipo sa akin,

265
00:14:54,728 --> 00:14:58,148
sa isip ko, pupunta ako sa ibang lugar.

266
00:14:59,399 --> 00:15:01,985
Isa sa mga pinupuntahan ko
ay ang bakurang ito,

267
00:15:02,068 --> 00:15:05,947
at tanaw ko ang mga ibon,
mga puno, at mga taniman,

268
00:15:06,031 --> 00:15:08,283
at dinig kong may mga taong nag-uusap,

269
00:15:08,366 --> 00:15:10,910
at tanaw ko ang mga bahay nila,
mga kotse nila,

270
00:15:10,994 --> 00:15:13,705
at ang pinakamaliit na detalye
ng saksakan sa pader,

271
00:15:13,788 --> 00:15:15,290
kung ano'ng nakasaksak doon.

272
00:15:15,373 --> 00:15:16,958
'Yong usok mula sa kape.

273
00:15:17,042 --> 00:15:19,419
Nakikita ko ang lahat ng 'to sa isip ko.

274
00:15:19,502 --> 00:15:24,090
Napakalinaw ng mundo roon,
at napakaganda, napakaklaro.

275
00:15:24,174 --> 00:15:30,096
Ang lugar na inakala kong
ligtas at payapa ay totoo,

276
00:15:30,180 --> 00:15:31,348
at nakarating ako roon.

277
00:15:32,599 --> 00:15:33,767
At ayoko nang umalis.

278
00:15:33,850 --> 00:15:37,937
Ayoko nang bumalik sa sarili ko
pagkatapos ng trauma.

279
00:15:38,021 --> 00:15:41,316
Kapag tumataas ang pandama ko,
dinadala ako sa mga sandaling ito.

280
00:15:42,442 --> 00:15:47,781
Kung paano siya literal na pinahirapan
bilang bata, torture 'yon,

281
00:15:47,864 --> 00:15:51,076
at nagawa niyang
makatakas sa imahinasyon niya

282
00:15:51,159 --> 00:15:53,244
nang hindi nasisiraan ng bait.

283
00:15:53,328 --> 00:15:58,625
Dahil, para sa maraming kabataang
tinrato nang malubha gaya niya,

284
00:15:58,708 --> 00:16:01,127
partikular na ng isang ama,

285
00:16:01,211 --> 00:16:05,924
may mga personality disorder sila,
at talagang humihiwalay sila.

286
00:16:06,007 --> 00:16:10,470
Hindi lang sa imahinasyon,
kundi pati sa kanilang personalidad…

287
00:16:12,263 --> 00:16:15,642
…para makayanan ang pagpapahirap,
makayanan ang pasakit,

288
00:16:15,725 --> 00:16:19,479
makayanan ang palagiang
walang-kasiguraduhang baka mangyari ulit

289
00:16:19,562 --> 00:16:22,941
o gaano kaya katindi ang pahirap,
pero alam mong pahirap 'yon.

290
00:16:24,776 --> 00:16:26,486
Ang kakayahan niyang umugnay sa tao

291
00:16:26,569 --> 00:16:31,700
ay dahil galing din siya roon
at hindi niya lang kinukuwento 'yon.

292
00:16:31,783 --> 00:16:35,704
At iyon ang dahilan kung bakit kaya niyang
kumausap ng inabusong tao,

293
00:16:35,787 --> 00:16:40,083
o nahihirapan, o nasangkot
sa kahit anong paghihirap, at krisis,

294
00:16:40,165 --> 00:16:42,460
bilang mga bata, bilang matatanda.

295
00:16:42,544 --> 00:16:43,753
Isa siya sa mga taong

296
00:16:43,837 --> 00:16:46,840
kayang gawing totoong kapangyarihan
ang sakit na nadarama.

297
00:16:46,923 --> 00:16:50,760
At hindi siya magiging ganito,
hindi siya magkakaroon ng kayamanan,

298
00:16:50,844 --> 00:16:53,555
ng kasikatan, ng kakayahang magkuwento

299
00:16:53,638 --> 00:16:56,224
sa paraang nakakaya niyang

300
00:16:56,307 --> 00:17:01,229
matumbok ang African American community,

301
00:17:01,312 --> 00:17:03,106
kung di siya nasaktan nang ganoon.

302
00:17:04,482 --> 00:17:10,155
Tanong ng mga tao, "Pa'no ka nakakasulat
ng 20 scripts sa loob ng dalawang linggo?"

303
00:17:10,238 --> 00:17:13,700
Nakakapasok ako sa lugar na 'yon

304
00:17:13,782 --> 00:17:17,704
at nakakakita ng mundo at nakakarinig
ng mga boses, at lumalabas sila sa akin.

305
00:17:17,787 --> 00:17:21,958
Kung weird o kakaiba 'yon para sa iba,

306
00:17:22,040 --> 00:17:25,044
para sa akin, kaya ko lang
na makapunta sa isang lugar

307
00:17:25,127 --> 00:17:31,092
na ginawa ko noong bata ako
para matulungan ako, na ngayon

308
00:17:31,176 --> 00:17:34,137
ay siyang umaalalay sa akin
sa ginagawa ko rito.

309
00:17:34,220 --> 00:17:38,808
Nagkaroon ng silbi ang mga nangyari
para sa ikabubuti ng lahat.

310
00:17:45,231 --> 00:17:48,651
Malaking tulong para sa kanya
ang pagsusulat sa journal.

311
00:17:48,735 --> 00:17:50,195
Nakuha niya 'yon kay Oprah.

312
00:17:50,278 --> 00:17:53,239
Lagi niyang ikinukuwento si Oprah dati...

313
00:17:53,323 --> 00:17:54,949
KABABATA / KOMPOSITOR

314
00:17:55,033 --> 00:17:57,035
...at na magtatagpo sila balang-araw.

315
00:17:57,118 --> 00:17:58,870
"Balang-araw, magkikita kami ni Oprah.

316
00:17:58,953 --> 00:18:01,039
"Balang-araw, magiging magkaibigan kami.

317
00:18:01,122 --> 00:18:03,458
"Balang-araw, magkakaroon ako
ng sariling TV show."

318
00:18:03,541 --> 00:18:05,376
Talagang na-inspire siya
sa episode na 'yon

319
00:18:05,460 --> 00:18:07,921
kung saan ikinuwento niya
ang pagsusulat sa journal.

320
00:18:08,004 --> 00:18:09,631
PUBLICIST NI TYLER

321
00:18:09,714 --> 00:18:12,217
Mukhang nakahanap siya ng paghilom
sa pamamagitan n'on,

322
00:18:12,300 --> 00:18:15,303
at doon isinilang ang mga unang kuwento,
ang unang play.

323
00:18:15,762 --> 00:18:19,182
Nakakatuwa na kung sino
ang naka-inspire at tinitingala niya,

324
00:18:19,265 --> 00:18:24,729
na parang napakalayo ng agwat sa kanya,

325
00:18:25,230 --> 00:18:28,900
naging isa
sa mga pinakamalalapit niyang kaibigan.

326
00:18:31,194 --> 00:18:34,989
Pero lagi niya ring ikinukuwento noon
kung paano si Oprah magtrabaho.

327
00:18:35,073 --> 00:18:38,201
Nakita ko siyang talikuran
ang mga malalaking network

328
00:18:38,284 --> 00:18:39,828
dahil ayaw ng mga itong sundin siya.

329
00:18:39,911 --> 00:18:41,871
Mayroon siyang formula.

330
00:18:41,955 --> 00:18:44,874
Pero bumabalik iyon sa paniniwala,
at sa sinabi ng Diyos sa kanya.

331
00:18:44,958 --> 00:18:47,126
"Ito ang ibinigay Ko sa 'yong
dapat gawin mo.

332
00:18:48,545 --> 00:18:50,338
"Maging matapang at manatiling nakapokus."

333
00:18:50,421 --> 00:18:52,131
At iyon mismo ang ginawa niya.

334
00:18:53,716 --> 00:18:56,511
Tyler, isa kang mahusay na visionary

335
00:18:56,594 --> 00:19:00,348
na kumakatawan sa kung ano
ang totoong African American dream.

336
00:19:00,431 --> 00:19:02,559
Lubha kong ikinararangal

337
00:19:02,642 --> 00:19:08,189
na ihandog ang 2019
BET Ultimate Icon Award

338
00:19:08,273 --> 00:19:11,901
sa malapit kong kaibigan, Mr. Tyler Perry.

339
00:19:15,738 --> 00:19:17,574
Di ko mapigilang isipin ang nanay ko.

340
00:19:17,657 --> 00:19:19,701
Tanda ko, noong limang taong gulang ako,

341
00:19:19,784 --> 00:19:21,452
dinadala niya ako sa projects

342
00:19:21,536 --> 00:19:24,581
kung saan siya nagbabaraha tuwing Biyernes
kasama ng ilang kaibigan.

343
00:19:24,664 --> 00:19:27,584
Di nakatapos ng hayskul
ang mga kababaihanag ito,

344
00:19:27,667 --> 00:19:29,127
pero matatalino sila.

345
00:19:29,210 --> 00:19:30,503
Makapangyarihan.

346
00:19:30,587 --> 00:19:32,338
May magaganda silang mga kuwento.

347
00:19:32,422 --> 00:19:35,174
At isa akong limang-taong bata
na nakaupo roon,

348
00:19:35,258 --> 00:19:38,219
pinaglalaruan ang Matchbox cars ko,
pinakikinggan silang magkuwento

349
00:19:38,303 --> 00:19:40,221
tungkol sa mga relasyon nila,
mga hinanakit.

350
00:19:40,305 --> 00:19:43,224
Kapag may isa sa kanilang malulungkot,
may isa pang magbibiro,

351
00:19:43,308 --> 00:19:44,517
at magtatawanan na sila.

352
00:19:44,601 --> 00:19:46,978
Di ko alam na
nasa masterclass ako ng buhay ko.

353
00:19:47,061 --> 00:19:49,939
Uuwi ako, at bubugbugin
ng tatay ko ang nanay ko,

354
00:19:50,023 --> 00:19:52,317
kung ano-ano ang ginagawa at sinasabi.

355
00:19:52,400 --> 00:19:55,612
Aalis si Papa sa kuwarto,
at gagayahin ko ang isa sa mga babae,

356
00:19:55,695 --> 00:19:57,238
at tatawa na si Mama.

357
00:19:57,322 --> 00:19:59,908
May lakas doon
na hindi ko noon maintindihan.

358
00:19:59,991 --> 00:20:03,036
Ang unang 10 pelikula ko,
puro patungkol sa kanya,

359
00:20:03,119 --> 00:20:05,163
dahil gusto kong malaman niyang
mahalaga siya.

360
00:20:05,246 --> 00:20:06,998
Ng kababaihang Black na mahalaga sila.

361
00:20:07,081 --> 00:20:09,375
Espesyal kayo, malakas kayo, mahusay kayo.

362
00:20:19,010 --> 00:20:23,306
Nang ipanganak ko si Tyler, o "Junior,"
gaya ng tawag ko, Emmitt Perry Jr.,

363
00:20:23,389 --> 00:20:28,019
siya lang ang anak kong lalaki sa loob
ng 10 taon kaya talagang na-spoil ko siya.

364
00:20:29,020 --> 00:20:33,191
Papaliguan ko siya nang tatlo
hanggang apat na beses kada araw.

365
00:20:33,274 --> 00:20:38,363
Bibihisan ko siya ng munting jumpsuit,
'yong one-piece na damitan.

366
00:20:38,905 --> 00:20:40,949
Cute na cute ako sa kanya roon.

367
00:20:41,032 --> 00:20:45,495
At lumaki siyang napakamapagmahal,
napaka-sweet na bata.

368
00:20:45,578 --> 00:20:47,288
INA NI TYLER

369
00:20:47,372 --> 00:20:48,957
Napaka-sweet niya.

370
00:20:49,916 --> 00:20:52,585
Alam mo, si Emmitt Jr…

371
00:20:52,669 --> 00:20:54,671
Ibang-iba 'yon.

372
00:20:57,799 --> 00:21:00,176
Nagmana si Tyler sa kanilang dalawa.

373
00:21:01,761 --> 00:21:07,433
Ang pagpapakumbaba, pagmamahal, dangal,
at kapayapaan, nakuha niya sa kanyang ina.

374
00:21:08,601 --> 00:21:11,938
Pero nakuha niya ang determinasyon
sa trabaho ng tatay niya.

375
00:21:12,021 --> 00:21:14,607
Hindi lang siya sira-ulo
gaya ng tatay niya.

376
00:21:14,691 --> 00:21:16,693
Di sa pang-aano kay Tito Emmitt.
Mahal ko siya.

377
00:21:16,776 --> 00:21:18,027
Pero sira-ulo siya.

378
00:21:18,111 --> 00:21:19,362
Sobrang sira-ulo.

379
00:21:19,445 --> 00:21:22,115
At makikita niya ang dokumentaryo.
Haharapin ko siya.

380
00:21:22,198 --> 00:21:25,576
Malaki na ako ngayon, alam n'yo?
Pero gago talaga siya noon.

381
00:21:26,411 --> 00:21:29,372
Noong bata ka, mayroong Big Bad Wolf.

382
00:21:29,455 --> 00:21:32,125
Pero pagtanda mo,
haharapin mo ang Big Bad Wolf.

383
00:21:32,208 --> 00:21:33,876
At 'yon ang nangyari kay Tyler.

384
00:21:33,960 --> 00:21:36,713
Pagtanda niya, ang inisip niya,
"Hindi mo na ako makakanti.

385
00:21:36,796 --> 00:21:38,631
"Hindi mo na ako matatapakan."

386
00:21:39,716 --> 00:21:41,342
Iniisip ko ang nanay ko,

387
00:21:41,426 --> 00:21:44,887
at paano siya huhusgahan ngayon,

388
00:21:44,971 --> 00:21:47,515
at kung bakit siya nanatili
sa tabi ng taong 'to.

389
00:21:47,598 --> 00:21:50,101
Pero namatay ang nanay niya noong 13 siya.

390
00:21:50,184 --> 00:21:52,311
Pinakasalan siya ng lalaking ito
noong 17 siya.

391
00:21:52,395 --> 00:21:53,980
Wala siyang alam sa mundo.

392
00:21:54,063 --> 00:21:55,565
Wala siyang alam sa buhay.

393
00:21:55,648 --> 00:21:59,027
At ang tanging suporta
at lahat ng nalalaman niya,

394
00:21:59,110 --> 00:22:04,032
at lahat ng itinuro sa kanya,
pag kumikita siya, mabuti siyang asawa.

395
00:22:04,115 --> 00:22:06,659
Kaya nanalig siya sa alam niya.

396
00:22:06,743 --> 00:22:09,620
Nagpakasal kami noong 1963.

397
00:22:09,704 --> 00:22:11,330
Lumipat kami sa New Orleans.

398
00:22:11,414 --> 00:22:12,415
Okay.

399
00:22:12,498 --> 00:22:17,795
At ipinanganak ko si Yulanda,
pagkatapos, si Melva.

400
00:22:17,879 --> 00:22:20,965
Wala akong masyadong alam noon.
Nabuntis lang ako.

401
00:22:21,049 --> 00:22:23,760
Bata at hangal. At…

402
00:22:23,843 --> 00:22:28,514
Ipinanganak niya ang ate ko noong 18 siya,
isa ko pang ate noong 19, ako noong 24.

403
00:22:28,598 --> 00:22:31,851
Isa siyang Black na babae
sa Louisiana na may tatlong anak.

404
00:22:31,934 --> 00:22:33,144
Ano'ng gagawin niya?

405
00:22:33,227 --> 00:22:35,938
Ano'ng trabaho niya
para masuportahan kami?

406
00:22:36,022 --> 00:22:37,023
Ano'ng gagawin niya?

407
00:22:38,066 --> 00:22:39,275
Nanatili siya sa tatay ko.

408
00:22:40,401 --> 00:22:43,237
At hindi ko siya hinuhusgahan,

409
00:22:43,321 --> 00:22:47,325
dahil labis ang pasakit at impiyernong
pinagdaanan niya mismo

410
00:22:47,408 --> 00:22:50,703
para lang mabuhay
at mapanatili ang kapayapaan.

411
00:22:50,995 --> 00:22:54,082
At sa kabila ng lahat,
minahal niya si Papa.

412
00:22:55,083 --> 00:22:58,461
Di ko alam kung paano, kung bakit,
pero alam kong minahal niya ito.

413
00:22:59,087 --> 00:23:01,172
Minahal niya ito hanggang mamatay siya.

414
00:23:03,800 --> 00:23:06,219
Tingin ko, dahil iyon
sa pagkapit niya sa lahat,

415
00:23:06,302 --> 00:23:09,931
sa lahat ng emosyon,
hindi nagpapakita ng kalungkutan sa iba,

416
00:23:10,014 --> 00:23:13,559
laging pagngiti at pagiging masaya,
at laging paghahangad ng kapayapaan,

417
00:23:13,643 --> 00:23:15,436
laging paghahangad na mapangiti si Papa.

418
00:23:15,520 --> 00:23:18,356
Papabatiin niya ako kay Papa
kahit na ayaw ko.

419
00:23:18,439 --> 00:23:19,899
Pag dumarating 'yon, aalis ako.

420
00:23:19,982 --> 00:23:22,068
Tinanong ko dati sa nanay ko,
"Tatay ko ba siya?"

421
00:23:22,151 --> 00:23:25,863
Kasi hindi ko maunawaan
kung paano ako natitingnan ng tatay ko

422
00:23:25,947 --> 00:23:30,743
at nagagawang kamuhian nang ganoon.

423
00:23:30,827 --> 00:23:31,953
Matindi ang pagkamuhi niya.

424
00:23:32,495 --> 00:23:35,081
'Yong pananakot pa lang…

425
00:23:35,414 --> 00:23:37,458
Muli, 'yong pagkamuhi na 'yon.

426
00:23:38,793 --> 00:23:42,338
Halikayo, mga napapagal

427
00:23:43,214 --> 00:23:46,551
Mukhang may mga saksi tayo ngayong gabi...

428
00:23:47,176 --> 00:23:48,636
Ano'ng ginawa ko?

429
00:23:48,719 --> 00:23:50,138
Makinig kayo,

430
00:23:50,638 --> 00:23:52,348
kung wala nang ibinigay ang Diyos,

431
00:23:52,431 --> 00:23:57,478
binigyan niya ako ng inang nagdarasal,
nananalig at dinala ako sa simbahan.

432
00:23:57,562 --> 00:23:59,313
Alam kong ganoon siya

433
00:23:59,647 --> 00:24:01,983
Naging pastor ako ni Tyler
noong teenager siya.

434
00:24:02,066 --> 00:24:04,235
PASTOR NI TYLER SA PAGKABATA

435
00:24:04,318 --> 00:24:08,948
Parang iniugnay ako ng Diyos
sa kanya dahil sa dinaramdam niya.

436
00:24:10,533 --> 00:24:13,202
'Yong pakiramdam
ng komunidad, at pananalig,

437
00:24:13,286 --> 00:24:16,914
at paniniwala ang bumuhat sa akin
sa kabila ng pinakamadidilim na sandali

438
00:24:17,665 --> 00:24:19,917
habang nagbibinata ako,

439
00:24:20,001 --> 00:24:24,672
habang sinusubukang unawain kung sino ako,

440
00:24:24,755 --> 00:24:26,632
kung ano'ng gusto ko sa buhay ko.

441
00:24:26,716 --> 00:24:29,177
Nakaugnay 'yon sa simbahan.

442
00:24:31,179 --> 00:24:33,890
Kung lumaki kang Kristiyano,
lalo na sa Black South,

443
00:24:33,973 --> 00:24:35,975
malaking parte ng buhay mo,
umikot sa simbahan.

444
00:24:36,058 --> 00:24:40,104
Sa paghahanap ng sining, dahil binawasan
ng pondo ni Reagan ang sining noong '80s,

445
00:24:40,188 --> 00:24:42,773
mga play sa simbahan ang nagpuno n'on.

446
00:24:42,857 --> 00:24:45,610
Ang community theater
ang bumuhay sa sining para sa mga bata…

447
00:24:45,693 --> 00:24:46,694
ALAGAD NG SINING/AKTIBISTA

448
00:24:46,777 --> 00:24:49,447
…na maaaring wala nang access doon
sa mga public school.

449
00:24:49,530 --> 00:24:53,034
Habang lumalaki sa New Orleans,
pareho kami ng simbahan ni Tyler,

450
00:24:53,117 --> 00:24:55,328
ang Greater St. Stephen Baptist Church.

451
00:24:55,411 --> 00:24:58,539
Full Gospel Baptist Church
sa New Orleans, Louisiana.

452
00:24:58,623 --> 00:25:01,542
Greater St. Stephen
ang event place ng siyudad noon,

453
00:25:01,626 --> 00:25:03,711
kaya parang outlet na 'yon
ng mga Kristiyano.

454
00:25:03,794 --> 00:25:06,923
Iba't ibang mga uri ng tao
ang nagsisimba roon.

455
00:25:07,006 --> 00:25:10,551
Nagmistula itong simbahan ng siyudad.

456
00:25:10,635 --> 00:25:13,512
Musikero ako,
isa sa fifth string keyboard players,

457
00:25:13,596 --> 00:25:14,931
gaya ng dati kong sinasabi.

458
00:25:15,014 --> 00:25:17,058
At nasa choir si Tyler.

459
00:25:17,141 --> 00:25:21,103
Malaking bagay ang pagsimba
sa Greater St. Stephen.

460
00:25:21,187 --> 00:25:23,898
Mas malaking bagay kung nasa choir ka.

461
00:25:23,981 --> 00:25:27,235
Sa side ng nanay ko, ministro ang lolo ko,

462
00:25:27,318 --> 00:25:30,029
maging ang lolo ko sa tuhod,
pati ang ama niya,

463
00:25:30,112 --> 00:25:33,324
at matutunton ang pagiging ministro
sa lahi mula pa noong pang-aalipin.

464
00:25:33,407 --> 00:25:37,495
Kaya nasa dugo ko talaga
ang simbahan, pananalig, at ang Diyos.

465
00:25:37,578 --> 00:25:39,038
Nasa DNA ko na.

466
00:25:39,622 --> 00:25:41,415
Noon pa man…

467
00:25:42,124 --> 00:25:43,793
Noon pa man, lider na siya.

468
00:25:43,876 --> 00:25:46,921
Alam kong kaunti lang ang nakakaalam nito,

469
00:25:47,004 --> 00:25:50,091
pero noong teenager si Tyler,

470
00:25:50,174 --> 00:25:53,344
magpapastor dapat siya.

471
00:25:54,512 --> 00:25:58,599
Nag-aral ako sa seminaryo,
at higit na natuto tungkol sa Bibliya.

472
00:25:59,850 --> 00:26:01,644
Oras na para sa una kong sermon.

473
00:26:01,727 --> 00:26:07,733
Sa ministeryo namin,
kailangan mong gumawa ng trial sermon.

474
00:26:07,817 --> 00:26:11,737
Kailangan mong magpakumbaba. Kailangang…

475
00:26:11,821 --> 00:26:16,784
Taimtim na pangyayari lang 'yon
kung saan tatayo ka at sasabihing,

476
00:26:16,867 --> 00:26:21,330
"Ibinahagi ko na sa 'yo ang tipo
ng mensaheng dapat mong ibigay.

477
00:26:21,414 --> 00:26:22,623
"Ibigay mo na ito."

478
00:26:22,707 --> 00:26:25,793
Naroon ang Tita Thelma ko,
naroon ang nanay ko.

479
00:26:25,876 --> 00:26:29,380
Ipinagmamalaki ako ng lahat
dahil inihahayag ko ang una kong sermon.

480
00:26:29,463 --> 00:26:32,758
"At ginawa ni Noah ang lahat
ng iniutos sa kanya ng Panginoon."

481
00:26:32,842 --> 00:26:35,303
Nakaupo ako roon sa pagsusulit
para sa kanya.

482
00:26:35,386 --> 00:26:39,140
Tumayo siya, pinarangalan ako,
pinarangalan ang simbahan,

483
00:26:39,223 --> 00:26:42,143
tapos, biglang,
"Makinig kayo, ha. Ano kasi…"

484
00:26:42,226 --> 00:26:44,979
Nagsimulang magtawanan ang lahat ng tao.

485
00:26:47,440 --> 00:26:50,192
Sabi ko, "Huy, hindi mo dapat gawin 'yan."

486
00:26:50,276 --> 00:26:51,819
"Seryosong sandali ito.

487
00:26:51,902 --> 00:26:53,487
"Sinusubukan mong ipasa 'to."

488
00:26:54,322 --> 00:26:58,909
Mr. Noah, akala ko, sinabi mong uulan?

489
00:26:59,285 --> 00:27:03,581
Pagkatapos n'on, nilapitan niya ako,
at sinabi niya sa lahat ng naroon,

490
00:27:03,664 --> 00:27:07,043
"Alam mo, kung tinatawag ka ng Diyos,
magiging karapat-dapat ka…

491
00:27:09,503 --> 00:27:11,589
"Pero minsan, hindi."

492
00:27:11,672 --> 00:27:13,424
Pinigilan ko na siya sa simula.

493
00:27:13,507 --> 00:27:16,135
Sabi ko, "Hindi. Ibang bagay
ang dapat mong gawin."

494
00:27:16,218 --> 00:27:18,346
Sa harap ng tiyahin ko, sa harap ng lahat.

495
00:27:18,429 --> 00:27:19,597
Nadurog ako.

496
00:27:20,222 --> 00:27:23,809
Sa pagsubok na alamin

497
00:27:23,893 --> 00:27:27,897
kung ano'ng gagawin ko rito,

498
00:27:27,980 --> 00:27:29,523
sa "tawag" na ito,

499
00:27:29,899 --> 00:27:31,859
may narinig akong boses na ang sabi,

500
00:27:31,942 --> 00:27:34,904
"Dadalhin kita sa ibang lugar
para makapagsalita sa mas marami."

501
00:27:34,987 --> 00:27:38,324
Di ko alam kung ano 'yon noon,
kung paano pupunta roon,

502
00:27:38,407 --> 00:27:40,368
at iyon ang pinakanakakainis na bahagi

503
00:27:40,451 --> 00:27:42,119
ng kabataan ko at ng career ko.

504
00:27:42,203 --> 00:27:45,581
May tatay akong nagsasabing,
ako ay hangal na hinayupa…

505
00:27:45,664 --> 00:27:48,084
Wala akong mararating, wala akong silbi…

506
00:27:48,167 --> 00:27:50,211
Wala akong kuwenta, araw-araw.

507
00:27:50,294 --> 00:27:53,881
Di ko naisip na may mga taong
manonood sa akin,

508
00:27:53,964 --> 00:27:55,966
o gagalang sa akin bilang aktor.

509
00:27:56,050 --> 00:28:00,388
Idagdag mo pa na puro puti
ang nagkokontrol sa bawat bahagi n'on,

510
00:28:00,471 --> 00:28:03,557
naisip ko noong hindi iyon posible
o wala sa pagpipilian 'yon.

511
00:28:05,101 --> 00:28:08,354
Naaalala kong kasali ako sa choir

512
00:28:08,437 --> 00:28:13,442
at ginagawa namin itong play
tungkol sa mga hayop, sa arko, at si Noah.

513
00:28:13,526 --> 00:28:16,153
Naaalala ko 'yon.
Naaalala kong nakatayo ako roon.

514
00:28:16,237 --> 00:28:18,072
Pagkakataon ko na 'yon para makilala

515
00:28:18,155 --> 00:28:20,741
dahil may dalawang linya ako
sa harap ng mga nagsisimba.

516
00:28:20,825 --> 00:28:23,160
-Nais namin ng ulan.
-Teka, teka, teka, sister.

517
00:28:23,244 --> 00:28:25,955
Gusto kong malaman
kung para saan ang tinatayo mo?

518
00:28:26,038 --> 00:28:28,582
Lalagyan ba 'yan ng sapatos ng Diyos?

519
00:28:29,834 --> 00:28:32,294
Dahil magdadala ka
ng tigdadalawa ng lahat,

520
00:28:32,378 --> 00:28:34,547
May dalawa akong pabango,
kakailanganin mo.

521
00:28:36,173 --> 00:28:39,009
Kaya niyang umugnay sa mga tao.

522
00:28:39,093 --> 00:28:42,388
-Nais namin ng ulan.
-Nais namin ng ulan.

523
00:28:42,471 --> 00:28:43,764
Nais namin ng ulan.

524
00:28:43,848 --> 00:28:47,393
Paulanin n'yo. Paulanin n'yo.

525
00:28:47,476 --> 00:28:50,020
Parang 'yon ang nagtulak sa kanya.

526
00:29:28,684 --> 00:29:29,977
Sinasabi ko sa 'yo.

527
00:29:30,603 --> 00:29:33,689
Hindi gaanong sinusuportahan
ng New Orleans si Tyler.

528
00:29:33,772 --> 00:29:35,566
Kinailangan niyang umalis.

529
00:29:35,649 --> 00:29:37,318
Pero mahal niya ang bayang 'yon.

530
00:29:37,401 --> 00:29:39,028
Mahal niya ang bayan niya.

531
00:29:39,111 --> 00:29:43,115
Pero hindi ito ang bumuo kay Tyler Perry.

532
00:29:44,366 --> 00:29:45,201
Alam n'yo 'yon?

533
00:29:45,284 --> 00:29:46,619
Atlanta ang bumuo kay Tyler.

534
00:29:53,417 --> 00:29:56,086
Noong dekada '90, may matinding migration.

535
00:29:56,170 --> 00:29:58,339
Bawat Black, lumilipat sa Atlanta.

536
00:29:58,422 --> 00:30:01,592
Nasa bente anyos ako
nang isakay ko ang lahat ng meron ako,

537
00:30:01,675 --> 00:30:04,178
na wala naman, sa Hyundai ko,
at nagmaneho pa-Atlanta.

538
00:30:04,261 --> 00:30:06,180
ATLANTA
BLACK MECCA NG TIMOG

539
00:30:06,263 --> 00:30:10,559
Malaking halimbawa ang paglipat sa Atlanta
para maunawaan ko ang kaya kong maging.

540
00:30:13,771 --> 00:30:15,147
ANG BAGONG BLACK MIDDLE CLASS

541
00:30:15,231 --> 00:30:17,399
Nakikita kong umaasenso ang mga Black,

542
00:30:17,483 --> 00:30:20,319
at wala kaming ganoon
bilang mga Black sa New Orleans.

543
00:30:20,402 --> 00:30:26,033
Doon, puro droga, mga gang, panggagahasa,
patayan, matitinding kasamaan,

544
00:30:26,116 --> 00:30:29,036
at para makalabas doon
at makapunta ng Atlanta,

545
00:30:29,119 --> 00:30:31,330
kung saan ang mga tulak
ng droga sa isip ko

546
00:30:31,413 --> 00:30:34,458
ay napalitan ng mga doktor
at mga abogadong Black,

547
00:30:34,542 --> 00:30:38,796
kung saan higit ang kinikita ng mga tao
kaysa sa kinakailangan nila,

548
00:30:38,879 --> 00:30:41,131
at dama nilang dapat lang sa kanila 'yon.

549
00:30:41,215 --> 00:30:43,717
Ang naisip ko,
"Uy, ito na ang Lupang Ipinangako."

550
00:30:43,801 --> 00:30:49,014
May pusong tumitibok sa siyudad na ito
na bumubuhay sa mga Black.

551
00:30:50,140 --> 00:30:52,643
Isang rebelasyon iyon para sa akin.

552
00:30:52,726 --> 00:30:56,814
Na karapat-dapat din akong
magkaroon ng ganoon,

553
00:30:56,897 --> 00:30:59,066
dahil magaling din ako gaya ng iba.

554
00:31:01,485 --> 00:31:05,239
Pumunta ako rito para sa tinatawag
ng mga bata noon na Freaknik,

555
00:31:05,322 --> 00:31:07,950
ang spring break,

556
00:31:08,033 --> 00:31:11,954
nang makita kong masagana ang mga tao,
alam ko nang Atlanta ang tahanan ko.

557
00:31:12,037 --> 00:31:13,831
Tanaw ko kahit saan ang pag-asa,

558
00:31:13,914 --> 00:31:16,834
iyon ang ipinakita sa akin
ng siyudad, ng estadong ito.

559
00:31:16,917 --> 00:31:19,753
Nagtrabaho ako kung saan-saan,
nakaipon ng sapat

560
00:31:19,837 --> 00:31:23,007
para makarenta sa 14th Street Playhouse,
at ginawa ang una kong play.

561
00:31:25,050 --> 00:31:27,136
Lumipat ako sa Atlanta
pagkatapos ng ilang taon,

562
00:31:27,219 --> 00:31:29,930
at nilapitan niya ako
pagkatapos ng service isang Linggo

563
00:31:30,014 --> 00:31:31,682
at sabi, "Tanda mo ako sa New Orleans?"

564
00:31:31,765 --> 00:31:32,891
Sagot ko, "Oo naman."

565
00:31:32,975 --> 00:31:35,853
Aniya, "May play ako,
I Know I've Been Changed ang pamagat."

566
00:31:35,936 --> 00:31:38,480
Sabi ko, "Di ba 'yon
'yong kulelat na play?"

567
00:31:39,773 --> 00:31:43,235
Sagot niya, "Nakabawi na kami,
at nawala ang music director ko."

568
00:31:43,319 --> 00:31:46,196
Nirentahan ko
ang 14th Street Playhouse para sa play ko,

569
00:31:46,280 --> 00:31:48,574
dahil akala ko,
papanoorin 'yon ng mga tao.

570
00:31:48,657 --> 00:31:50,784
Nagre-rehearse kami sa mga show.

571
00:31:50,868 --> 00:31:52,328
Dalawang daan ang upuan doon.

572
00:31:52,411 --> 00:31:54,455
Araw-araw kong tinitingnan ang benta.

573
00:31:54,538 --> 00:31:56,290
Sabi nila, "Nakabenta ka ng isa ngayon."

574
00:31:56,373 --> 00:31:57,666
Okay, dalawang linggo na.

575
00:31:57,750 --> 00:31:59,752
"Nakabenta ka na ng apat."

576
00:31:59,835 --> 00:32:00,878
"Okay."

577
00:32:00,961 --> 00:32:03,047
Di ko alam kung ano'ng iniisip ko,

578
00:32:03,130 --> 00:32:05,174
na papanoorin ng mga tao ang isang play

579
00:32:05,257 --> 00:32:07,009
sa Fourth of July weekend.

580
00:32:12,389 --> 00:32:14,725
Ngayong gabi, ang ginoong
nagsulat ng play na ito,

581
00:32:14,808 --> 00:32:16,352
at ang mahuhusay na cast na ito,

582
00:32:16,435 --> 00:32:19,355
ay naparito upang bigyan tayo
ng mga kabatiran

583
00:32:19,438 --> 00:32:22,775
sa mga pagsubok
na pinagdadaanan natin sa buhay.

584
00:32:22,858 --> 00:32:24,985
Ilan sa atin,
marami nang bagyo ang sinuong…

585
00:32:27,571 --> 00:32:29,615
Tungkol sa mga nakaligtas
sa child sexual abuse

586
00:32:29,698 --> 00:32:33,911
at sa mga idinulot nito sa kanilang buhay.

587
00:32:33,994 --> 00:32:36,914
Paglalahad iyon ng personal na kuwento
na talagang relatable.

588
00:32:36,997 --> 00:32:38,832
PROPESOR NG PELIKULA

589
00:32:38,916 --> 00:32:39,958
Base sa statistics,

590
00:32:40,042 --> 00:32:43,587
ilan na ang naging biktima
ng sexual assault at child sexual abuse,

591
00:32:43,671 --> 00:32:45,964
hindi 'yon gaanong pinag-uusapan,

592
00:32:46,048 --> 00:32:48,801
pero maraming tao ang nakakaranas n'on.

593
00:32:50,135 --> 00:32:53,639
Binalot niya ito
ng masiglang mensahe sa huli,

594
00:32:53,722 --> 00:32:56,725
kaya magagawa mong positibo
ang trauma na ito,

595
00:32:56,809 --> 00:33:00,813
kaya nakagaganyak ang premise ng play.

596
00:33:01,480 --> 00:33:03,190
Naaalala ko 'to.

597
00:33:03,273 --> 00:33:05,651
At tingin ko,
nagpatuloy ito sa mga gawa niya.

598
00:33:06,485 --> 00:33:08,529
Nasa 30 katao yata ang manonood,

599
00:33:08,612 --> 00:33:11,198
at akala ko,
makakaabot ako sa 1,200 sa weekend.

600
00:33:11,281 --> 00:33:13,701
Mahirap 'yon
at natuto ako ng mahirap na aral.

601
00:33:13,784 --> 00:33:15,452
Sa 30 taong nanood doon,

602
00:33:15,536 --> 00:33:18,205
may nagsabing,
"Nagandahan ako. Mag-i-invest ako."

603
00:33:18,288 --> 00:33:19,373
Sabi ko, "Talaga?

604
00:33:19,456 --> 00:33:21,875
"Puwede ako sa lights. Ako na doon.

605
00:33:21,959 --> 00:33:23,085
"Sige.

606
00:33:23,168 --> 00:33:26,171
"Magbebenta ako ng candy sa intermission,
kasi kaya ko rin 'yon.

607
00:33:26,255 --> 00:33:29,049
"Tapos, babalik ako sa stage,
para makapag-costume ako,

608
00:33:29,133 --> 00:33:30,592
"magbenta ng candy, at mag-ilaw.

609
00:33:30,676 --> 00:33:33,345
"At makakapagmaneho ako ng trak."
Lahat, para makatipid.

610
00:33:33,429 --> 00:33:37,433
Walang-wala kaming pera
na naghahati pa kami sa isang burger.

611
00:33:37,516 --> 00:33:39,685
Kanya ang kalahati, akin ang kalahati.

612
00:33:39,768 --> 00:33:41,645
Tapos, sasabayan namin ng fries

613
00:33:41,729 --> 00:33:44,940
at mag-uusap kami
tungkol sa matatayog niyang pangarap.

614
00:33:45,023 --> 00:33:48,026
Naghahati kami sa burger,
tapos, yayaman daw siya balang-araw.

615
00:33:48,110 --> 00:33:52,573
Sasabihin niya, "Alam mo, pare,
karanasan ang lahat ng 'to para matuto.

616
00:33:52,656 --> 00:33:54,158
"Hindi ito pagpalya."

617
00:33:54,616 --> 00:33:55,826
Naniwala siya sa sarili niya.

618
00:33:55,909 --> 00:33:58,704
Naniwala siya sa proyekto niya,
sa paglalahad ng mensahe niya,

619
00:33:58,787 --> 00:34:00,706
kaya nanatili siya roon.

620
00:34:00,789 --> 00:34:03,250
Magtatrabaho ako sa pagitan
ng mga gig na 'to.

621
00:34:03,333 --> 00:34:05,961
Pupunta ako sa boss ko
at sasabihin sa kanyang,

622
00:34:06,044 --> 00:34:09,380
"Kailangan kong mag-leave
para gawin ang play na 'to."

623
00:34:09,882 --> 00:34:13,469
Nagrenta ang nanay ko ng van
para mapagmaneho ko ang cast.

624
00:34:13,927 --> 00:34:15,804
Iyon ang pinakamasaklap na show ko.

625
00:34:15,888 --> 00:34:17,598
Binabangungot pa rin ako roon.

626
00:34:18,514 --> 00:34:22,186
Isinakay ko ang lahat sa trak,
nagmaneho patungong Spartanburg.

627
00:34:22,268 --> 00:34:25,981
Sa dinami-dami ng weekends, sa weekend
na 'yon dumating ang isang hurricane.

628
00:34:26,063 --> 00:34:27,399
Tinuloy ko ang palabas.

629
00:34:27,483 --> 00:34:29,275
Walang pumunta. Pauwi na ako.

630
00:34:29,359 --> 00:34:30,944
Ang lakas ng ulan, lumilipad na ako.

631
00:34:31,027 --> 00:34:34,447
Isang malaking trak,
na puno ng sakay sa likod,

632
00:34:34,531 --> 00:34:38,076
at tinapakan ko ang gas,
dahil galit na galit ako sa Diyos.

633
00:34:38,159 --> 00:34:39,870
Sabi ko, "Pinagawa Mo sa akin 'to.

634
00:34:39,953 --> 00:34:41,246
"Alam kong narinig ko ang boses.

635
00:34:41,330 --> 00:34:42,246
"Ano'ng nangyayari?

636
00:34:42,331 --> 00:34:45,250
"Tuwing lalabas ako sa mga play na 'to,
iniiwan Mo ako."

637
00:34:45,333 --> 00:34:49,295
Paulit-ulit lang ang nangyayari,
naiisip ko na lang, "Ano'ng ginagawa ko?"

638
00:34:49,379 --> 00:34:50,464
At lumilipad ako.

639
00:34:50,547 --> 00:34:51,840
'Lang pakialam kung mamatay na.

640
00:34:54,009 --> 00:34:59,723
Tuwing magkakaroon ka ng bagong simula,
palaging mayroong bagyo.

641
00:34:59,807 --> 00:35:04,895
Laging inaanunsiyo ng bagyo
na lagpas ka na sa kinaroroonan mo.

642
00:35:04,978 --> 00:35:08,148
Pero ang marinig ang nanay kong
sabihing hindi papatok ang play,

643
00:35:08,232 --> 00:35:13,070
dinurog ako n'on, dahil siya lang
ang nag-iisang suporta ko.

644
00:35:13,153 --> 00:35:18,033
Umuwi ako, sabi ko sa kanya,
wala akong $300 para bayaran ang van.

645
00:35:18,116 --> 00:35:19,827
Iyon na 'yon.

646
00:35:19,910 --> 00:35:22,788
"Ano'ng ibig mong sabihing…"

647
00:35:22,871 --> 00:35:25,249
Nagwala siya.

648
00:35:25,332 --> 00:35:27,668
"Tama na. Hindi ka aasenso riyan."

649
00:35:27,751 --> 00:35:30,087
Di ko malilimutan 'yon.
Nakaupo ako, umiiyak.

650
00:35:30,170 --> 00:35:32,840
Nasa kaharap ko siyang sofa,
naninigarilyo.

651
00:35:32,923 --> 00:35:37,135
Aniya, "Paano ko mababayaran
'tong $300 na 'to sa credit card,

652
00:35:37,219 --> 00:35:40,264
"dahil iyan ang ginagawa mo,
itong lintik na…"

653
00:35:40,347 --> 00:35:42,140
At naninigarilyo siya, di ba?

654
00:35:42,224 --> 00:35:46,186
Nakaupo lang ako sa sofa,
habang naroon siya, nagyoyosi,

655
00:35:46,270 --> 00:35:48,981
at panay ang tulo ng luha sa mukha ko,

656
00:35:49,064 --> 00:35:52,943
at hithit-buga siya, saka niya napagtanto,
sa gitna ng pagmumura niya,

657
00:35:53,026 --> 00:35:54,444
tahimik lang ako.

658
00:35:54,528 --> 00:35:57,072
Lumingon siya at nakitang
puno ng luha ang mukha ko.

659
00:35:57,155 --> 00:35:59,324
Tapos, naluha rin siya.

660
00:35:59,408 --> 00:36:03,620
Sabi niya, "Anak, patawad.
Gusto ko lang na magkaroon ka ng trabaho."

661
00:36:03,704 --> 00:36:06,498
Umuwi akong may eviction notice, siyempre,

662
00:36:06,582 --> 00:36:08,667
at nauwi ako sa lansangan.

663
00:36:15,716 --> 00:36:19,219
Pagkatapos ng halos pitong taon
ng paulit-ulit na pagtatanghal n'on,

664
00:36:19,303 --> 00:36:21,805
at hindi 'yon pumatok,
nagkaroon ako ng ibang trabaho.

665
00:36:21,889 --> 00:36:24,850
Wala nang pag-asa, sabi ko,
"Sige, tama na. Ayoko nang gawin 'to."

666
00:36:24,933 --> 00:36:28,145
Tapos, nakatanggap ako ng tawag
sa mga promoter, may pagkakataon daw

667
00:36:28,228 --> 00:36:32,900
na magtanghal sa House of Blues,
at gusto nilang gawin ko 'yon ulit.

668
00:36:32,983 --> 00:36:35,903
Sabi ko, "Hindi, tapos na ako. Tapos na."

669
00:36:36,778 --> 00:36:39,197
Napaisip ako,
at dahil sa boses na 'yon, nagdasal ako,

670
00:36:39,281 --> 00:36:40,324
gagawin ko 'yon.

671
00:36:40,407 --> 00:36:42,576
Naranasan ko nang maging palaboy nito.

672
00:36:42,659 --> 00:36:44,077
Ayoko nang maulit 'yon.

673
00:36:44,161 --> 00:36:46,747
Alam kong makakaasa ako
sa papasok na pera,

674
00:36:46,830 --> 00:36:48,707
pero napakalinaw ng boses na 'yon.

675
00:36:48,790 --> 00:36:51,126
Kaya sinabi ko sa boss ko
na aalis na ako sa trabaho.

676
00:36:51,209 --> 00:36:52,628
Gagawin namin ang show.

677
00:36:52,711 --> 00:36:57,215
Iniisip ko noon, mauulit lang ang kuwento.

678
00:36:57,299 --> 00:36:58,926
Gusto ko lang matapos ang show.

679
00:36:59,009 --> 00:37:01,178
Nakaupo ako sa dressing room
noong gabi ng show,

680
00:37:01,261 --> 00:37:03,305
at sabi ko, "Diyos ko, sawa na ako."

681
00:37:03,388 --> 00:37:06,683
Bente-otso anyos ako noon, sabi ko,
"Di ko kayang mabuhay nang ganito.

682
00:37:06,767 --> 00:37:10,145
"Alam kong pinagawa Mo sa akin 'to,
lagi Mo akong dinadala rito.

683
00:37:10,228 --> 00:37:13,231
"Pero hindi Kita naririnig
pag nasa ganito akong sitwasyon,

684
00:37:13,315 --> 00:37:15,400
"pag di ako makapagbayad ng renta, bills,

685
00:37:15,484 --> 00:37:16,777
"pag tinatawagan ko

686
00:37:16,860 --> 00:37:18,820
"ang kaibigan at pamilya ko
para mangutang."

687
00:37:18,904 --> 00:37:21,114
Pero pag may sinasabi sa 'yo ang Diyos,

688
00:37:21,198 --> 00:37:25,994
at alam mo 'yon sa kaloob-looban mo,
susundin mo ang tinuturo ng Diyos sa 'yo.

689
00:37:26,078 --> 00:37:29,039
Kaya ang ginawa ko, ang sabi ko,
"Okay, ayoko na, Panginoon,"

690
00:37:29,122 --> 00:37:33,126
"at narinig ko 'yong munting boses
na nagsasabing, 'Ako ang Diyos.

691
00:37:33,752 --> 00:37:37,172
"'Ako ang magsasabi ng wakas.
Hindi ako ang sasabihan mo no'n.'"

692
00:37:40,384 --> 00:37:43,804
Tumayo ako at tumingin sa bintana,
at ang haba ng pila, hanggang kanto,

693
00:37:43,887 --> 00:37:47,557
kahit malamig, sinusubukang pumasok
sa Tabernacle, sa House of Blues.

694
00:37:47,641 --> 00:37:51,770
Nagsimula ang show. Lumabas ako sa stage,
punong-puno 'yon ng mga tao.

695
00:37:51,853 --> 00:37:54,648
Bawat joke ay mabenta,
bawat linya ay tumatagos.

696
00:37:54,731 --> 00:37:58,777
Gustong-gusto nila.
Naglulupasay sila sa mga upuan nila.

697
00:37:58,860 --> 00:38:02,280
Sa dulo ng show, lumabas ako
para mag-bow, standing ovation sila.

698
00:38:02,364 --> 00:38:05,200
Literal na nayanig ang mga alikabok
mula sa kisame

699
00:38:05,283 --> 00:38:06,994
dahil sa ingay ng mga manonood.

700
00:38:08,453 --> 00:38:11,331
Nagbago ang buhay ko sa sandaling 'yon.
Nagbago iyon doon.

701
00:38:11,415 --> 00:38:13,458
May tumawag sa aking national promoter,

702
00:38:13,542 --> 00:38:15,919
"Dadalhin ka namin
sa Fox Theater sa isang linggo."

703
00:38:16,003 --> 00:38:20,173
Teatrong may 4500 na upuan. Nakatatlo
o apat na shows kami, sold out lahat.

704
00:38:20,257 --> 00:38:23,343
Simula 'yon ng isang bagay
na hindi ko napaghandaan,

705
00:38:23,427 --> 00:38:26,847
dahil puro negatibo ang nasa buhay ko.

706
00:38:26,930 --> 00:38:30,267
Sinasabi ng mga tao sa paligid ko
kung ano ang hindi ko maaabot.

707
00:38:30,350 --> 00:38:32,853
Walang nagsabi kung ano ang maaabot ko.

708
00:38:34,146 --> 00:38:36,815
At ngayon, bigla akong nagtagumpay
sa unang pagkakataon.

709
00:38:43,822 --> 00:38:45,824
At mas malaki na ngayon ang show.

710
00:38:45,907 --> 00:38:47,284
Bagong set, lights, at sound.

711
00:38:47,367 --> 00:38:48,410
Sobra-sobra.

712
00:38:48,493 --> 00:38:50,454
Aalis na ako sa show para gumawa ng bago,

713
00:38:50,537 --> 00:38:52,372
ang pamagat ay I Can Do Bad All By Myself.

714
00:38:52,456 --> 00:38:54,541
Okay, at gaganap ka ba rito?

715
00:38:54,624 --> 00:38:55,459
Oo.

716
00:38:55,542 --> 00:38:57,794
Ako ang 68-anyos na babaeng
nagngangalang Madea rito.

717
00:38:57,878 --> 00:38:59,963
Isang 68-anyos na babae?

718
00:39:02,632 --> 00:39:05,385
Maliit lang dapat
ang karakter kong si Madea,

719
00:39:05,469 --> 00:39:09,681
mabilis lang, limang minuto lang sa stage,
magpapatawa lang at aalis na.

720
00:39:09,765 --> 00:39:13,602
Wala akong utang sa 'yo!

721
00:39:13,685 --> 00:39:16,980
Nagsimula siya bilang Daddy Joe
sa I Know I've Been Changed.

722
00:39:18,565 --> 00:39:20,567
Tapos, lumipat siya
sa karakter na si Madea.

723
00:39:22,027 --> 00:39:25,238
Ang una naming stop ay sa Chicago.

724
00:39:25,322 --> 00:39:29,785
Si Madea at isa pang artist
ang dapat na lalabas sa play.

725
00:39:29,868 --> 00:39:32,454
Na-sold out sa Chicago dahil pupunta siya,

726
00:39:32,537 --> 00:39:33,538
at hindi siya nagpakita.

727
00:39:33,622 --> 00:39:36,583
Kaya pumunta ang mga tao,
hanap siya, at wala siya roon.

728
00:39:36,666 --> 00:39:37,834
Nakakatakot talaga.

729
00:39:37,918 --> 00:39:40,629
Umakyat ako sa stage
at sinabi ang mga linya nila ni Madea.

730
00:39:40,712 --> 00:39:43,882
Pero ang hitsura ng audience,
"Nagbibiro ba kayo?"

731
00:39:43,965 --> 00:39:46,718
Magpaliwanag kayo sa akin.

732
00:39:48,386 --> 00:39:52,265
Tiningnan ko siya. 'Yong pakiramdam ko,
"Para tayong natalo sa Super Bowl."

733
00:39:52,349 --> 00:39:53,850
Salamat sa pasensiya ninyo,

734
00:39:53,934 --> 00:39:56,019
dahil alam kong napakahirap nito.

735
00:39:56,103 --> 00:39:57,312
Alam kong napakahirap.

736
00:39:57,395 --> 00:39:58,605
Mahirap din para sa amin.

737
00:39:58,688 --> 00:40:01,983
Pagkatapos ng lahat ng tagumpay,
hayun at may kapalpakan na naman.

738
00:40:02,067 --> 00:40:06,029
Pag papasok ka sa season mo,
wala akong pakialam sa nangyayari.

739
00:40:06,113 --> 00:40:08,198
Anuman o kung sino man iyon.

740
00:40:08,281 --> 00:40:11,618
Walang makakapigil sa 'yo.
Walang makakapigil sa 'yong makuha…

741
00:40:11,701 --> 00:40:12,702
Nagbayad ka na.

742
00:40:12,786 --> 00:40:15,622
Wala pang nakakagawa nito,
kaya walang makakakuha nito,

743
00:40:15,705 --> 00:40:17,999
at araw-araw akong nagpapasalamat
sa Diyos para doon.

744
00:40:20,001 --> 00:40:21,711
Tinawagan niya ako isang umaga.

745
00:40:22,671 --> 00:40:23,880
Sabi niya, "Bangon na."

746
00:40:23,964 --> 00:40:25,507
Sagot ko, "Sige."

747
00:40:26,007 --> 00:40:27,342
"Aayusin natin 'to."

748
00:40:29,219 --> 00:40:30,637
Inayos niya ang script,

749
00:40:30,720 --> 00:40:34,015
nagkita kami sa rehearsal,
inayos namin ang music.

750
00:40:34,099 --> 00:40:35,767
At noong Miyerkules ng gabi…

751
00:40:35,851 --> 00:40:37,102
Nagsimula ang show ng Martes.

752
00:40:37,185 --> 00:40:42,149
Gabi ng Miyerkules, lumabas siya
bilang Madea, at nakapagpatawa siya.

753
00:40:45,277 --> 00:40:46,319
Hello?

754
00:40:47,487 --> 00:40:49,364
Uy, mare, kumusta?

755
00:40:50,740 --> 00:40:54,578
Sumunod na gabi, inulit namin.
Sumunod na gabi, mas maraming natawa.

756
00:40:55,787 --> 00:40:57,122
Ano'ng hitsura ko?

757
00:40:57,205 --> 00:41:00,125
-Maganda ka rin, Miss Mabel.
-Maraming salamat!

758
00:41:00,584 --> 00:41:02,919
Pag-abot namin sa weekend,

759
00:41:03,003 --> 00:41:05,672
puno ang teatro,
at tawa nang tawa ang lahat.

760
00:41:05,755 --> 00:41:07,674
Binago niya ang play.

761
00:41:07,757 --> 00:41:10,051
Si Madea ang naging star.

762
00:41:12,762 --> 00:41:13,680
Gustong-gusto nila.

763
00:41:15,515 --> 00:41:16,975
Tuwang-tuwa kami kay Madea.

764
00:41:17,058 --> 00:41:19,686
Si Madea talaga. Walang duda.

765
00:41:19,769 --> 00:41:22,439
Gustong-gusto ko. Gustong-gusto ko.

766
00:41:22,522 --> 00:41:24,232
Gustong-gusto ko 'to. Sobra.

767
00:41:24,316 --> 00:41:26,193
Papanoorin namin 'to ulit
nang 10 bilyon pa.

768
00:41:26,276 --> 00:41:29,696
Si Madea ay isang matinding karakter
na kayang-kaya kang ilarawan.

769
00:41:29,779 --> 00:41:30,864
AKTOR NA NANALO NG EGOT

770
00:41:30,947 --> 00:41:35,368
Sasabihin niya ang lahat sa 'yo,
lalasingin ka at mumurahin ka niya.

771
00:41:36,411 --> 00:41:37,495
Tapos, ihehele ka.

772
00:41:37,579 --> 00:41:40,040
Southern term 'yon.
Pinaikling "Mother Dear."

773
00:41:40,123 --> 00:41:42,792
Mahalagang sabihin
na ang African American community,

774
00:41:42,876 --> 00:41:45,086
lalo na sa South, ay matriyarkal.

775
00:41:45,170 --> 00:41:47,297
Ang mga pamilya namin,
mga ina ang namumuno.

776
00:41:47,380 --> 00:41:50,342
Puwede kang maging kahit ano
sa mundong ito.

777
00:41:50,425 --> 00:41:53,887
Wala kang Black Panther Party
nang walang katapat na babae.

778
00:41:53,970 --> 00:41:58,058
Kung Black ka at mula sa South,
may kilala kang Madea.

779
00:41:58,141 --> 00:41:59,392
Totoo.

780
00:41:59,476 --> 00:42:02,771
Maaaring tiya mo 'yon, nanay mo,
baka lola mo, o kapatid mo.

781
00:42:02,854 --> 00:42:06,858
May kilala kang pamilyar
sa mga prinsipyo ng Bibliya.

782
00:42:06,942 --> 00:42:08,193
Maaaring di niya nabasa,

783
00:42:08,276 --> 00:42:11,029
pero sasabihin niyang,
"Ani Hesus, 'Maging mabait sa pinsan."

784
00:42:11,112 --> 00:42:13,198
Isasagot mo, "Di naman niya…"
Ano'ng sabi ko?

785
00:42:13,281 --> 00:42:14,950
Di ba't ang sabi ko huwag mong…

786
00:42:15,033 --> 00:42:16,284
Para sa akin, napakahusay n'on.

787
00:42:16,368 --> 00:42:18,954
Kilala mo ang pinsan mong
may problema sa pagkaadik,

788
00:42:19,037 --> 00:42:21,998
at kilala mo ang mga pinsan mong
nakikipamuhay sa ganoong tiya.

789
00:42:22,082 --> 00:42:24,376
Kilala mo ang mga pinsang
nakatapos ng high school

790
00:42:24,459 --> 00:42:25,877
at naging mga independent adult,

791
00:42:25,961 --> 00:42:28,380
dahil niyakap sila ng tiyang 'yon
at tinanggap sila.

792
00:42:28,463 --> 00:42:29,839
Umaga ka pumunta rito.

793
00:42:29,923 --> 00:42:32,842
-Wag ngayong gabi at anong oras na.
-Madea, pakiusap!

794
00:42:35,136 --> 00:42:36,471
Pumasok ka rito.

795
00:42:37,973 --> 00:42:39,849
Sino'ng nasa labas

796
00:42:39,933 --> 00:42:42,936
-Sawa na ako sa mga taong…
-Manahimik ka, Joe. Kaya ko na.

797
00:42:44,604 --> 00:42:47,148
Nagsimulang makilala ang show,

798
00:42:48,775 --> 00:42:51,027
at bumibiyahe ako sa iba't ibang siyudad,

799
00:42:51,111 --> 00:42:55,407
puro Black ang nakikita kong

800
00:42:55,949 --> 00:42:56,992
pumupuno sa teatro.

801
00:42:57,617 --> 00:43:02,539
Tapos, nakaka-300 shows na siya
para sa 30,000 linggo-linggo.

802
00:43:02,622 --> 00:43:05,125
Nag-tour ang mga play niya
at nakaka-sold out ng mga arena

803
00:43:05,208 --> 00:43:07,877
sa tinatawag na
"Chitlin' Circuit" ng South.

804
00:43:11,089 --> 00:43:13,341
May mayamang tradisyon ng Gospel theater,

805
00:43:13,425 --> 00:43:16,052
at may mayamang tradisyon
ng Chitlin' Circuit,

806
00:43:16,136 --> 00:43:18,847
isang uri ng Black theater
at performance history.

807
00:43:20,307 --> 00:43:22,100
Napakagaling ng circuit na 'yon.

808
00:43:22,183 --> 00:43:25,020
Naroon si Josephine Baker,
Billie Holiday, at Ella Fitzgerald,

809
00:43:25,103 --> 00:43:28,398
at ang lahat ng mga hindi makapagtanghal
sa mga Puting establisyimiyento,

810
00:43:28,481 --> 00:43:31,318
kaya bumiyahe sila
at nagtanghal sa maliliit na juke joints

811
00:43:31,401 --> 00:43:33,111
na may chicken fries at chitlins.

812
00:43:33,194 --> 00:43:36,948
At nilibot nila ang bansa,
at sumikat sila sa mga kauri nila,

813
00:43:37,032 --> 00:43:40,243
na nagawa nilang suportahan
ang mga sarili nila at umasenso.

814
00:43:42,203 --> 00:43:43,997
Isipin mo 'yong Chitlin' Circuit.

815
00:43:44,080 --> 00:43:46,624
Para sa akin,
napakatotoo ng espiritu nito,

816
00:43:46,708 --> 00:43:48,168
at henyo siya para magawa iyon.

817
00:43:48,251 --> 00:43:50,920
Nakatayo siya sa mga balikat nila.

818
00:43:51,004 --> 00:43:54,049
Higanteng nasa balikat ng mga higante.

819
00:43:57,761 --> 00:44:00,221
Puwede mong ulitin? Oo, ganiyan nga.

820
00:44:02,807 --> 00:44:03,933
Oo, isa pa!

821
00:44:10,648 --> 00:44:15,653
Nag-tour ako mula 1998 hanggang 2004,

822
00:44:15,737 --> 00:44:18,448
nakaka-300 na pagtatanghal kada taon,

823
00:44:18,531 --> 00:44:22,118
sa buong bansa, dulo-dulo,
at bago pa ang social media.

824
00:44:22,202 --> 00:44:23,953
Pagkatapos ng show, sasabihin ko,

825
00:44:24,037 --> 00:44:26,247
"Sign up kayo sa mailing list ko.
Heto ang website."

826
00:44:26,331 --> 00:44:28,625
Sabi ng mga tao, "Ano mo? Anong WWW?"

827
00:44:28,708 --> 00:44:31,753
At may ilang milyon akong followers
sa website ko,

828
00:44:31,836 --> 00:44:35,006
kaya makapagpapadala ako ng email
at makaka-sell out ng mga arena

829
00:44:35,090 --> 00:44:37,634
sa buong bansa bago pa kami mag-advertise.

830
00:44:37,717 --> 00:44:40,178
Ang sinimulang gawin
at ginagawa pa rin ni Perry,

831
00:44:40,261 --> 00:44:43,556
naglaan siya ng pondo
para sa sarili niyang mga proyekto

832
00:44:43,640 --> 00:44:46,976
at tumaya talaga,
sakali mang pumalpak ito.

833
00:44:47,060 --> 00:44:50,563
Magandang bagay 'yon para maunawaan ko

834
00:44:50,647 --> 00:44:56,027
ang kapangyarihan namin
sa pagsuporta at pag-angat sa isa't isa,

835
00:44:56,111 --> 00:44:58,363
dahil pagdating ko sa circuit,

836
00:44:58,446 --> 00:45:00,657
walang nagsasabi tungkol sa mga bagay

837
00:45:00,740 --> 00:45:02,867
na talagang namemeste sa amin
bilang komunidad,

838
00:45:02,951 --> 00:45:07,288
gaya ng pang-aabuso at panggagahasa,
at pagkaadik, na ganito kalala.

839
00:45:07,372 --> 00:45:12,460
Kaya gusto kong ipinta 'yon
sa paraang mapapatawa kayo,

840
00:45:12,544 --> 00:45:16,673
mapapatawa kayo nang malala
na magiging komportable kayong pag-usapan.

841
00:45:16,756 --> 00:45:19,676
Sa pagtatapos ng show,
maglalaan ako ng 20 minuto

842
00:45:19,759 --> 00:45:21,678
at tatalakayin ko ang mga salot sa amin

843
00:45:21,761 --> 00:45:23,263
at paano matutulungan ang isa't isa.

844
00:45:23,346 --> 00:45:25,181
Ano nang gagawin ko ngayon?

845
00:45:25,265 --> 00:45:26,641
Tumayo at magpatuloy sa buhay.

846
00:45:27,559 --> 00:45:30,437
Ayos lang na tumambay, ma-depress sandali,

847
00:45:30,520 --> 00:45:33,565
umiyak, gawin ang kahit ano,
pero wag kang magtagal doon.

848
00:45:33,648 --> 00:45:36,317
Tumayo ka at magpatuloy sa buhay.

849
00:45:37,360 --> 00:45:39,737
Ang pinakamalaking kaibahan
sa isang Tyler Perry play

850
00:45:39,821 --> 00:45:42,532
at sa tradisyonal na teatro
o Broadway play,

851
00:45:42,615 --> 00:45:44,909
magkaiba ang mga manonood na target nila,

852
00:45:44,993 --> 00:45:47,829
at tanda ko nang dalhin ko
ang nanay ko sa Broadway plays,

853
00:45:47,912 --> 00:45:49,456
lagi akong sabik gawin 'yon.

854
00:45:51,583 --> 00:45:54,461
Isang araw, sabi niya sa akin,
"Gusto ko ang mga Broadway play,

855
00:45:54,544 --> 00:45:58,339
"pero gustong-gusto ko talaga
ang mga play ni Tyler Perry."

856
00:45:59,632 --> 00:46:01,342
At tinanong ko siya, "Bakit?"

857
00:46:01,426 --> 00:46:03,928
Sabi niya,
"Pakiramdam ko, ligtas ako roon."

858
00:46:05,638 --> 00:46:08,516
Tyler Perry, mahal ka namin.
Mahal na mahal ka namin.

859
00:46:08,600 --> 00:46:11,186
-Nagustuhan nila. Aba, aba…
-Gusto namin si Madea.

860
00:46:11,269 --> 00:46:15,732
Ang tingin ng ilan kay Madea
ay ang pagpapatuloy

861
00:46:15,815 --> 00:46:19,819
ng fat suit at drag performance

862
00:46:19,903 --> 00:46:22,530
na bumabawas sa pagkalalaki
ng mga Black na lalaki.

863
00:46:22,614 --> 00:46:23,740
Ang ganda n'on.

864
00:46:23,823 --> 00:46:26,451
Di na ako makapaghintay na uwian ako
ni Sherman ng mga apo.

865
00:46:26,534 --> 00:46:28,870
Makikita mo 'to kina Eddie Murphy,
Martin Lawrence.

866
00:46:28,953 --> 00:46:32,248
Pero mas detalyado at komplikado
ang ginagawa rito.

867
00:46:32,332 --> 00:46:33,416
Hindi ito katatawanan.

868
00:46:33,500 --> 00:46:38,671
Pagsasakatawan ito nang may paggalang.

869
00:46:39,756 --> 00:46:40,757
Madea?

870
00:46:42,425 --> 00:46:46,596
Kung si Tyler Perry ang "Tyler Perry,
ang producer, ang direktor,"

871
00:46:46,679 --> 00:46:49,224
hindi ang pagda-drag niya
ang sentro ng brand niya…

872
00:46:49,307 --> 00:46:51,017
PROPESOR NG INTERACTIVE MEDIA

873
00:46:51,100 --> 00:46:53,853
…katabi niya si Madea, di ba?

874
00:46:53,937 --> 00:46:56,856
Malaki ang sakop ng karakter na ito
sa gawa niya

875
00:46:56,940 --> 00:47:00,193
at sa reaksiyon ng masa sa gawa niya.

876
00:47:00,276 --> 00:47:02,320
Sa nibel ng mga fans, pareho 'yon,

877
00:47:02,403 --> 00:47:07,283
ang pagiging Madea
ay maaaring ang pinakamalaking bahagi

878
00:47:07,367 --> 00:47:10,745
ng kung ano'ng nagtulak sa kanila

879
00:47:10,828 --> 00:47:13,581
para hangaan si Tyler Perry,
at gayundin ang mga kritiko.

880
00:47:13,665 --> 00:47:16,209
Nasa sentro din n'on si Madea.

881
00:47:16,292 --> 00:47:17,794
Kaya mahalaga si Madea.

882
00:47:17,877 --> 00:47:20,213
Malaking bahagi ng brand
ni Tyler Perry si Madea.

883
00:47:20,296 --> 00:47:24,050
At sa New Orleans, Mr. Tyler Perry.

884
00:47:24,133 --> 00:47:26,678
At si Tyler Perry
ang sentro ng mundo niya.

885
00:47:26,761 --> 00:47:28,179
Siya ang araw, ang buwan,

886
00:47:28,263 --> 00:47:31,015
ang sansinukob, ang Diyos mismo.

887
00:47:31,099 --> 00:47:33,101
Siya ang Ama, ang Anak, at Espiritu Santo.

888
00:47:33,184 --> 00:47:34,602
Ganoon siya para sa gawa niya.

889
00:47:37,021 --> 00:47:40,149
At sa ganito, tungkol nga ito sa kanya.

890
00:47:40,233 --> 00:47:42,068
At pag sinasabi kong tungkol sa kanya,

891
00:47:42,151 --> 00:47:44,821
gusto kong gumawa ng pagbabago
sa pag-unawa natin dito.

892
00:47:44,904 --> 00:47:47,991
Oo, ang representational politics
ay problematic sa mga babae.

893
00:47:48,074 --> 00:47:51,911
Pero kung tatanggalin natin
nang kaunti ang pagbabalatkayo,

894
00:47:51,995 --> 00:47:55,582
kung tungkol lang ito kay Tyler Perry,
tungkol lang talaga ito sa patriyarka.

895
00:47:55,665 --> 00:47:57,292
Tungkol sa patriyarka sa mga Black.

896
00:47:57,375 --> 00:47:59,419
Nakakalason na Black na patriyarka.

897
00:47:59,502 --> 00:48:00,962
Tungkol sa pagkalalaki.

898
00:48:01,045 --> 00:48:03,756
Tungkol sa paraang di maunawaan,
at patuloy na di maunawaan,

899
00:48:03,840 --> 00:48:07,510
ng kalalakihang Black
ang karanasan ng kababaihang Black,

900
00:48:07,594 --> 00:48:09,637
kahit na malapitan nila 'yong tingnan.

901
00:48:09,721 --> 00:48:11,431
Ang totoo, dapat nga ay mag-alala tayo.

902
00:48:11,514 --> 00:48:13,975
Napakalapit mo sa mga karanasan
ng kababaihang Black,

903
00:48:14,058 --> 00:48:17,437
sa mga trauma nila,
pero hindi mo pa rin maunawaan iyon.

904
00:48:17,520 --> 00:48:19,814
Hindi mo pa rin maintindihan.

905
00:48:22,358 --> 00:48:23,985
Lalaki ang gumaganap na karakter,

906
00:48:24,068 --> 00:48:28,906
pero mahusay ang lalaking ito sa pag-unawa
ng babaeng 'to at mga gaya niya.

907
00:48:28,990 --> 00:48:32,827
At, bilang lalaki, binibigyang-bisa niya
ang mga nararamdaman ng mga babae.

908
00:48:32,910 --> 00:48:37,874
Mahalaga ang Black woman component
na boses sa kultura ng komunidad namin,

909
00:48:37,957 --> 00:48:41,377
dahil ito ang tunay na paglalarawan
ng pagiging lider sa aming komunidad.

910
00:48:41,461 --> 00:48:45,590
Pasuotin natin ang lalaking Black
ng bestida ng babaeng Black

911
00:48:45,673 --> 00:48:49,427
at palakasin natin siya
gamit ang kakayahang

912
00:48:49,510 --> 00:48:52,180
maging tagapagligtas,

913
00:48:52,263 --> 00:48:56,142
para mapalakas
ang mga nabibiktimang babaeng Black.

914
00:48:56,225 --> 00:48:57,852
Abstraksiyon ang lahat ng mga ito.

915
00:48:57,935 --> 00:49:00,104
Wala sa mga ito
ang patungkol sa pagiging tao.

916
00:49:00,188 --> 00:49:01,314
MANUNULAT / ALAGAD NG SINING

917
00:49:01,397 --> 00:49:04,108
Wala sa mga ito ang patungkol
sa pag-aalaga sa isa't isa.

918
00:49:04,942 --> 00:49:07,445
Hindi talaga ito
Diary of a Mad Black Woman

919
00:49:07,528 --> 00:49:09,530
o tungkol sa galit na babaeng Black,

920
00:49:09,614 --> 00:49:11,741
pero diary ito ng isang puppet.

921
00:49:13,284 --> 00:49:16,079
Kaya ko lang sabihin kung ano ako.

922
00:49:16,412 --> 00:49:19,040
May pagkamakata ako,
at kung may pagkamakata ako,

923
00:49:19,123 --> 00:49:21,626
responsable ako sa sarili kong pananaw,

924
00:49:22,794 --> 00:49:27,131
sa mga taong ipo-produce ako
at sa mga susunod pa sa akin.

925
00:49:27,215 --> 00:49:30,093
…maunawaan kung bakit ang lola ko,
ang aking ina,

926
00:49:30,176 --> 00:49:32,011
ang tita ko ay gusto ito,

927
00:49:32,095 --> 00:49:34,430
at ang pamilya ko sa South,
gustong-gusto nila ito.

928
00:49:34,514 --> 00:49:37,475
Di ko kayang panoorin ito
nang hindi napapangiwi…

929
00:49:37,558 --> 00:49:39,811
Parang sumobra na siya
sa pinakabago niyang pelikula.

930
00:49:39,894 --> 00:49:43,064
May mga nakikita akong
misogynistic tendencies doon,

931
00:49:43,147 --> 00:49:45,566
ewan kung ano'ng nireresolba niya
sa mga pelikula n'ya.

932
00:49:45,650 --> 00:49:47,568
Baka dapat niyang
resolbahin 'yon sa therapy.

933
00:49:48,695 --> 00:49:51,739
Pansin ko, buong buhay ko,
ang mga entertainer, mga artist,

934
00:49:51,823 --> 00:49:55,159
dumanas sila ng pasakit,

935
00:49:55,243 --> 00:49:59,455
at pang-aabuso at kung ano-ano pa.

936
00:50:12,969 --> 00:50:15,388
Isinantabi na ni Jamie Foxx ang bestida,

937
00:50:15,471 --> 00:50:20,685
pero kahit bilyonaryo na si Tyler Perry,
hilig pa rin niyang magbestida.

938
00:50:24,981 --> 00:50:28,234
Bakit wala rito ang Black Lives Matter

939
00:50:28,317 --> 00:50:31,571
para iprotesta ang katotohanang
mayroong Black man

940
00:50:31,654 --> 00:50:34,866
na nagdadamit-babae para kumita?

941
00:50:34,949 --> 00:50:37,243
PAMAMAALAM NA DULA
NG MADEA NI TYLER PERRY

942
00:50:37,326 --> 00:50:39,454
TRANS GAYA NI TYLER PERRY,
SINUSUNOG SA IMPIYERNO

943
00:50:39,537 --> 00:50:42,165
Lumabas kayo sa mundo
at umapila sa masasamang tao.

944
00:50:42,248 --> 00:50:44,751
Sabi niya, ikalat ang ebanghelyo.

945
00:50:45,752 --> 00:50:50,923
Ikalat ang ebanghelyo,
mapoot sa pagkakasala, at magsisi.

946
00:50:51,591 --> 00:50:52,633
Si Hesukristo…

947
00:50:54,385 --> 00:50:57,346
Parang nalaman mo na
ang tugtog ng sarili mong drum,

948
00:50:57,430 --> 00:51:00,224
at iyon ang sinasayawan mo,
at umuubra iyon para sa 'yo.

949
00:51:00,308 --> 00:51:01,976
Parang wala kang pakialam.

950
00:51:02,059 --> 00:51:03,686
-Wala nga.
-Pa'no mo nagagawa 'yon?

951
00:51:03,770 --> 00:51:04,645
MANUNULAT / DIREKTOR

952
00:51:04,729 --> 00:51:06,689
Sinabi ito ni Nina Simone,
at di ko malimot.

953
00:51:06,773 --> 00:51:08,816
Aniya, "Magagamit mo
ang lahat ng mayroon ka

954
00:51:08,900 --> 00:51:10,735
"sa pagbibigay sa lahat ng nais nila."

955
00:51:10,818 --> 00:51:14,405
Sinabi sa akin ng nanay ko
ang kahalagahan ko, ng pagiging Black ko.

956
00:51:14,489 --> 00:51:17,033
Aniya, "Huwag kang magpapadikta
sa iba kung sino ka.

957
00:51:17,116 --> 00:51:19,202
"Kilala mo ang sarili mo,
kung sa'n ka nagmula."

958
00:51:19,285 --> 00:51:21,329
Natunghayan ko ang kuwento niya,
ang dusa niya,

959
00:51:21,412 --> 00:51:23,331
at ikinukuwento ko 'yon
mula sa pananaw ko.

960
00:51:23,414 --> 00:51:24,665
Kaya sila pumapatok,

961
00:51:24,749 --> 00:51:27,418
dahil maraming nakikita ang sarili nila
sa mga kuwentong ito.

962
00:51:27,502 --> 00:51:29,796
Anumang sabihin ng mga kritiko,
"Di ko maintindihan…

963
00:51:29,879 --> 00:51:31,255
"Di ko maunawaan ito."

964
00:51:31,339 --> 00:51:33,633
Wala akong pakialam
dahil ang kausap ko ay tayo.

965
00:51:33,716 --> 00:51:36,636
Kaya milyon-milyong tao
ang nanonood ng shows ko linggo-linggo.

966
00:51:36,719 --> 00:51:39,639
Kaya maraming tao
ang nagpapanumero-uno sa mga pelikula.

967
00:51:39,722 --> 00:51:41,891
Nakikipag-ugnayan ako sa mga kauri ko.

968
00:51:41,974 --> 00:51:43,267
Alam mo 'yon?

969
00:51:54,821 --> 00:51:56,489
Salamat, Tyler Perry.

970
00:51:56,572 --> 00:51:59,075
Walang anuman, Kenya Barris.
Government names na tayo?

971
00:51:59,158 --> 00:52:00,868
Espesyal na sandali lang 'yon.

972
00:52:00,952 --> 00:52:02,245
Oo.

973
00:52:02,328 --> 00:52:06,290
Noong 2003,
may tambak ng tapes sa opisina ko,

974
00:52:06,374 --> 00:52:10,503
at note na, "Gusto kong ipakilala sa 'yo
ang gawa ni Tyler Perry."

975
00:52:10,586 --> 00:52:13,422
"Interesado siyang gumawa ng pelikula."

976
00:52:13,506 --> 00:52:14,882
DATING PRESIDENTE SA LIONSGATE

977
00:52:14,966 --> 00:52:16,509
Kaya naisip ko…

978
00:52:16,592 --> 00:52:19,136
Tinawagan ko
ang home entertainment department,

979
00:52:19,220 --> 00:52:21,639
at sabi ko, "Kilala mo ba si Tyler Perry?

980
00:52:21,722 --> 00:52:24,559
"Parang marami siyang nabenta sa video."

981
00:52:24,642 --> 00:52:26,143
Sabi nila, "Hindi ko siya kilala."

982
00:52:26,227 --> 00:52:28,229
Sabi ko, "Puwede ka bang magtanong-tanong

983
00:52:28,312 --> 00:52:30,606
"kung may nakakakilala sa kanya
sa industriya?

984
00:52:30,690 --> 00:52:34,318
"Pa'no siya kumikita nang ganoon kalaki
at hindi namin siya kilala?"

985
00:52:34,402 --> 00:52:36,612
May tumawag. Walang may kilala sa kanya.

986
00:52:36,696 --> 00:52:42,368
Samantala, may diversity committee kaming
madalas kong pinupulong

987
00:52:42,451 --> 00:52:46,289
at kausapin tungkol sa mga tipo
ng pelikulang interesante sa kanila,

988
00:52:46,372 --> 00:52:47,832
at sino ang mga interesante.

989
00:52:47,915 --> 00:52:51,377
Sinimulan ko ang pulong sa,
"Sino rito ang kilala si Tyler Perry?"

990
00:52:51,460 --> 00:52:54,255
Lahat ng Black sa kuwarto,
nagtaas ng kamay.

991
00:52:54,338 --> 00:52:55,756
Walang Puti.

992
00:52:55,840 --> 00:52:57,508
May nangyayari dito.

993
00:52:59,051 --> 00:53:00,261
Binanggit mo ang Lionsgate.

994
00:53:00,344 --> 00:53:03,472
Meron ba roong talagang open-minded,
na naging bukas sa 'yo?

995
00:53:03,556 --> 00:53:05,308
Oo, si Mike Paseornek.

996
00:53:05,391 --> 00:53:08,394
Siya talaga 'yong nagsabing,
"Gagawin namin 'to kasama ka."

997
00:53:08,477 --> 00:53:10,563
Ani ko kay Charles,
"Nais namin siyang makilala."

998
00:53:10,646 --> 00:53:11,772
DATING AGENT NI TYLER

999
00:53:11,856 --> 00:53:14,400
Nasa LA ako.
Kaka-tape lang ng una kong pelikula.

1000
00:53:14,483 --> 00:53:16,444
Katatapos lang, kaya excited ako.

1001
00:53:16,527 --> 00:53:17,987
Sana mapanood n'yo na 'yon.

1002
00:53:18,070 --> 00:53:20,448
Diary of a Mad Black Woman, the movie.

1003
00:53:20,531 --> 00:53:23,284
Magiging napakaganda n'on…

1004
00:53:24,035 --> 00:53:26,996
Nang lumabas noong 2005
ang Diary of a Mad Black Woman,

1005
00:53:27,079 --> 00:53:29,832
walang ideya
ang mga kritiko kung sino siya.

1006
00:53:30,291 --> 00:53:32,543
-Sino ka?
-Sino ka?

1007
00:53:32,627 --> 00:53:35,379
Pelikula lang itong
biglang lumabas sa mga sinehan,

1008
00:53:35,463 --> 00:53:38,549
na hindi talaga ipinatalastas
sa telebisyon,

1009
00:53:38,633 --> 00:53:42,178
hindi dumaan sa desk nila
pagdating sa mga screener.

1010
00:53:42,261 --> 00:53:44,055
Di nila alam kung ano ang pelikulang 'to,

1011
00:53:44,138 --> 00:53:47,266
kaya naisip nilang,
"Okay, baka pipitsugin lang 'to.

1012
00:53:47,350 --> 00:53:52,104
"Kikita ng kaunting dolyar sa sine
at mawawala na."

1013
00:53:52,813 --> 00:53:54,482
Pero nang makita nila ang kita…

1014
00:53:55,858 --> 00:54:00,071
Napagtanto nilang malaki ang pelikula,
at napakarami ng mga manonood nito.

1015
00:54:00,154 --> 00:54:03,616
Sa panahong dumating
si Tyler sa Lionsgate,

1016
00:54:03,699 --> 00:54:07,912
walang nakakaalam sa rocket ship
na bumagsak sa bakuran nila.

1017
00:54:07,995 --> 00:54:10,331
Pero alam nila nang umalis na ito...

1018
00:54:10,414 --> 00:54:11,374
MARKETING SA LIONSGATE

1019
00:54:11,457 --> 00:54:12,625
Malaki ang iniwan nito.

1020
00:54:13,250 --> 00:54:15,711
Nakakamanghang isipin na ang
Diary of a Mad Black Woman

1021
00:54:15,795 --> 00:54:20,967
ang numero unong pelikula sa Amerika
noong 2005, noong Marso 25,

1022
00:54:21,050 --> 00:54:24,428
at sa Marso 25 ng 2022,

1023
00:54:24,512 --> 00:54:28,349
ang A Madea Homecoming ang numero unong
streaming movie sa Amerika.

1024
00:54:28,432 --> 00:54:31,018
Hoy! Talagang nagbabaga ang lintik na 'to.

1025
00:54:31,102 --> 00:54:34,480
Makalipas ang 17 taon,
ito pa rin ang numero unong pelikula,

1026
00:54:34,563 --> 00:54:37,316
marami pa ring mga nanonood
sa opening weekend nito.

1027
00:54:37,400 --> 00:54:40,653
Brown, subukan mong isara ang trunk
habang ginagawa nila 'yon, okay?

1028
00:54:40,736 --> 00:54:45,324
Nag-uugat talaga 'yon
sa relasyon niya sa kanyang mga manonood.

1029
00:54:47,243 --> 00:54:48,661
Sandali, Madea!

1030
00:54:49,620 --> 00:54:53,582
Si Roger Ebert, napakalupit ng
sinulat niyang review sa unang pelikula.

1031
00:54:53,666 --> 00:54:55,376
At pagkatapos lumabas ng pelikula,

1032
00:54:55,459 --> 00:54:59,672
noon lang siya nakatanggap
ng napakaraming email o mensahe

1033
00:54:59,755 --> 00:55:02,133
na nagsasabing mali siya.

1034
00:55:02,216 --> 00:55:03,843
Nagsalita ang mga tao.

1035
00:55:03,926 --> 00:55:06,303
Sabi niya, "Magsusulat pa ako
ng isa pang review."

1036
00:55:06,387 --> 00:55:07,847
Pero ang pinag-usapan natin

1037
00:55:07,930 --> 00:55:10,599
na maganda kay Tyler,
binabali niya ang mga patakaran.

1038
00:55:11,267 --> 00:55:14,395
Unang pag-uusap sa studio,
kung saan sinabi sa kanya ng isang exec,

1039
00:55:14,478 --> 00:55:16,105
"Hindi nanonood ng sine ang mga Black."

1040
00:55:16,188 --> 00:55:20,276
Maling-mali sila pagdating kay Tyler.

1041
00:55:20,359 --> 00:55:25,364
At tingin ko, kailangang protektahan ng
halimaw gaya ng Hollywood ang sarili nito,

1042
00:55:25,448 --> 00:55:28,784
at isang paraan upang gawin iyon
ay maghanap ng mali.

1043
00:55:28,868 --> 00:55:31,078
Ang problema,
laging nagtatagumpay si Tyler.

1044
00:55:31,162 --> 00:55:34,874
Ang debut nito sa box office
ay ikinagulat ng mga kritiko,

1045
00:55:34,957 --> 00:55:36,751
pero hindi sa filmmaker at bida

1046
00:55:36,834 --> 00:55:39,336
na nagsasabing isinawalang-bahala nito
ang mga manonood

1047
00:55:39,420 --> 00:55:40,713
na dumagsa sa pelikula niya.

1048
00:55:40,796 --> 00:55:42,048
Mahabang paglalakbay ito, kaya…

1049
00:55:42,131 --> 00:55:44,175
-Mabilis lang sa 'yo?
-Oo. Oo. Oo.

1050
00:55:44,258 --> 00:55:47,428
Ginawa ni Perry ang pelikula
sa halagang $5 milyon.

1051
00:55:47,511 --> 00:55:51,348
Sampung beses ang laki ng halaga
na kinita n'on sa takilya.

1052
00:55:52,141 --> 00:55:55,895
Nakarating dito si Perry sa pagtanggi
sa mga patakaran ng Hollywood.

1053
00:55:55,978 --> 00:55:58,814
Iginiit niya ang kanyang creative control
sa mga proyekto niya.

1054
00:55:58,898 --> 00:56:02,568
Unang Biyernes pa lang, opening Friday,
numero uno na kami sa mga sinehan.

1055
00:56:02,651 --> 00:56:04,278
Napa-park ako bigla.

1056
00:56:04,361 --> 00:56:08,616
Noong Marso 2004, ibinigay sa akin
ni Tyler ang script para sa Diary.

1057
00:56:08,699 --> 00:56:10,701
Pagsapit ng summer, nagsu-shoot na kami.

1058
00:56:10,785 --> 00:56:13,704
Pagsapit ng Pebrero, palabas na ito,
at agad na nagnumero uno.

1059
00:56:13,788 --> 00:56:15,372
Pinag-uusapan 'yon ng lahat

1060
00:56:15,456 --> 00:56:18,375
nang magnumero uno
ang pelikula niya sa takilya.

1061
00:56:18,459 --> 00:56:19,627
Hindi iyon inasahan.

1062
00:56:19,710 --> 00:56:21,295
PUBLICIST NI TYLER

1063
00:56:21,378 --> 00:56:24,715
May tinatawag na tracking
sa film industry,

1064
00:56:24,799 --> 00:56:28,094
kung saan gumagamit sila
ng maraming datos at pananaliksik

1065
00:56:28,177 --> 00:56:31,097
para paghandaan ang kikitain
sa weekend na 'yon.

1066
00:56:31,180 --> 00:56:33,099
At hindi nila natantiya iyon.

1067
00:56:33,182 --> 00:56:34,683
Wala silang ideya kung ano 'yon.

1068
00:56:34,767 --> 00:56:38,312
Nagulat ang lahat, at naisip kong
ayos iyon. Maganda iyon.

1069
00:56:38,395 --> 00:56:39,438
DIARY NG TAGUMPAY

1070
00:56:39,522 --> 00:56:40,898
Nakikinig ang malalaking studios

1071
00:56:40,981 --> 00:56:44,026
at nagtatala sa diary ng tagumpay
ng writer-producer na ito.

1072
00:56:44,110 --> 00:56:47,196
Tingin ko, ang nangyari
pagkatapos na tumabo sa takilya

1073
00:56:47,279 --> 00:56:51,909
ang Diary of a Mad Black Woman,
nagkaroon ng backtracking

1074
00:56:51,992 --> 00:56:54,286
para malaman kung sino si Tyler Perry,

1075
00:56:54,370 --> 00:56:57,581
at paano siya nagkaroon ng mga manonood
para sa pelikulang ito

1076
00:56:57,665 --> 00:57:00,042
na hindi pa natin alam
o mistulang di naman mahalaga.

1077
00:57:00,126 --> 00:57:02,837
Kasi mahalaga 'yon,
na kilala siya ng mga tao.

1078
00:57:02,920 --> 00:57:07,258
Hindi lang siya basta nakikita
sa mga normal na lugar.

1079
00:57:07,341 --> 00:57:11,846
Ang pananaw kay Tyler Perry,
talagang outsider siya.

1080
00:57:11,929 --> 00:57:17,101
Parang hindi pa ganap na tanggap
o nauunawaan ng mga tao ang halaga niya.

1081
00:57:19,145 --> 00:57:20,146
Ang ibang tao, oo.

1082
00:57:20,229 --> 00:57:23,983
Napagtanto kong may nagagalit doon

1083
00:57:24,066 --> 00:57:29,280
at nakakapagbigay
ng nibel at lalim ng pag-unawa

1084
00:57:29,363 --> 00:57:35,202
na hindi mauunawaan ng regular na media.

1085
00:57:35,536 --> 00:57:40,708
Kausap niya ang audience
na bihirang binibigyang-pansin,

1086
00:57:40,791 --> 00:57:44,920
at, mas madalas, hindi talaga napapansin,
lalo na pagdating sa teatro.

1087
00:57:45,004 --> 00:57:50,301
Kaya mahihirapan talaga
ang regular na mainstream media

1088
00:57:50,384 --> 00:57:52,553
na maunawaan ang nangyayari
sa mga sinehang 'yon,

1089
00:57:52,636 --> 00:57:55,055
lalo na kung hindi ka lumaki
sa Black church.

1090
00:57:55,139 --> 00:57:57,850
Hindi ka lumaki sa mga komunidad
kung saan kapos ang mga tao,

1091
00:57:57,933 --> 00:57:59,852
hindi mo alam ang nangyayari doon.

1092
00:57:59,935 --> 00:58:02,897
Ang kakayahan niyang makapagsalita
sa mga manonood

1093
00:58:02,980 --> 00:58:06,108
na ngayon ay solido na sa kanya,

1094
00:58:06,192 --> 00:58:08,444
ang makausap sila sa paraang nagsasabing,

1095
00:58:08,527 --> 00:58:11,363
"Dinig ko kayo, kita ko kayo,
dama ko kayo, kilala ko kayo.

1096
00:58:11,447 --> 00:58:13,991
"Tutulungan ko kayong sabihin
ang mga kuwento n'yo."

1097
00:58:14,533 --> 00:58:17,703
Ginawa niya 'yon
nang pinakamagaling sa lahat.

1098
00:58:18,579 --> 00:58:22,625
Maraming Puti ang nakakalimot,
na may isang buong industriya

1099
00:58:22,708 --> 00:58:25,544
na binubuo namin.

1100
00:58:25,628 --> 00:58:28,422
Gusto ng entertainment ng mga tao,
at papanoorin nila 'yon.

1101
00:58:28,505 --> 00:58:32,718
Isinawalang-bahala nila ang mga ito,
pero siya, hindi,

1102
00:58:32,801 --> 00:58:37,348
dahil alam n'yo, ang maraming
$10 na tiket, kikita nang malaki.

1103
00:58:37,431 --> 00:58:38,682
Hellur.

1104
00:58:40,434 --> 00:58:43,312
Mataas ang expectations kay Tyler Perry.

1105
00:58:43,395 --> 00:58:46,774
Ang Madea's Family Reunion,
ang sequel sa surprise hit ni Perry na

1106
00:58:46,857 --> 00:58:50,402
Diary of a Mad Black Woman,
ay kumita ng mahigit $30 milyon

1107
00:58:50,486 --> 00:58:52,488
at nangunguna sa takilya ngayong weekend.

1108
00:58:52,571 --> 00:58:55,991
Kumita ang film ng $30.25 milyon
nitong weekend.

1109
00:58:56,075 --> 00:58:58,744
…ang nangunguna sa box office sa weekend.

1110
00:59:03,999 --> 00:59:07,711
Bawat artist, dapat payagang
gawin ang kanilang artistic endeavor,

1111
00:59:07,795 --> 00:59:12,883
pero maraming bagay ngayon
ang puro kalokohan.

1112
00:59:12,967 --> 00:59:15,344
Pinag-uusapan natin ngayon si Tyler Perry.

1113
00:59:16,262 --> 00:59:18,055
Hindi. Hindi, ganito…

1114
00:59:18,138 --> 00:59:22,643
Baka iyon talaga ang gustong panoorin
ng Black America?

1115
00:59:22,726 --> 00:59:26,730
Alam mo, bumoboto ka
gamit ang pocketbook mo, ang wallet mo.

1116
00:59:26,814 --> 00:59:30,901
Bumoboto ka gamit ang oras mo,
nakaupo sa loob ng kahong pantanga.

1117
00:59:31,443 --> 00:59:35,406
Marami ang mga manonood niya,
at napakatalino ni Tyler.

1118
00:59:36,740 --> 00:59:39,702
Darating ang mga church bus, punong-puno.

1119
00:59:40,077 --> 00:59:42,162
Bumili siya ng sariling jet, alam n'yo?

1120
00:59:42,246 --> 00:59:44,331
Makakabili ka ng jet. May pera ka.

1121
00:59:45,666 --> 00:59:48,252
Para sa akin, nakakabahala
ang mga ipinapakitang larawan.

1122
00:59:48,335 --> 00:59:52,006
Nadismaya ka ba

1123
00:59:52,089 --> 00:59:54,383
bilang direktor at isang African American…

1124
00:59:54,717 --> 00:59:58,470
Sa tingin ko, si Tyler Perry,

1125
00:59:59,596 --> 01:00:04,893
hindi siya pumasok sa creative marketplace
para isalba ang Black community.

1126
01:00:05,602 --> 01:00:08,188
At kung 'yon ang layon niya, tingin ko…

1127
01:00:09,773 --> 01:00:14,278
Dapat dumating siyang armado.

1128
01:00:15,571 --> 01:00:16,864
Kaso hindi.

1129
01:00:17,239 --> 01:00:19,241
At wala akong ebidensiya.

1130
01:00:19,325 --> 01:00:22,202
At di ibig sabihin n'on,
hindi na tama ako.

1131
01:00:22,286 --> 01:00:24,663
Ibig sabihin lang,
di ko makita ang ebidensiyang

1132
01:00:24,747 --> 01:00:30,502
pumasok siya sa creative marketplace
nang armado at may alam,

1133
01:00:30,586 --> 01:00:36,216
na may intensiyong
magbigay ng pagpaparangal

1134
01:00:36,300 --> 01:00:41,722
at pagpapahalaga sa Black
at Brown community.

1135
01:00:41,805 --> 01:00:43,307
Hindi ako naniniwala roon.

1136
01:00:44,016 --> 01:00:46,852
Mas masakit talaga
pag galing sa sarili mong komunidad.

1137
01:00:47,603 --> 01:00:49,313
Pero ang sarili niyang komunidad din

1138
01:00:49,396 --> 01:00:52,066
ang nagdala sa kanya
sa kung nasaan siya ngayon.

1139
01:00:52,149 --> 01:00:54,485
Hindi 'yon ang buong komunidad.
Kaunting tao lang.

1140
01:00:54,568 --> 01:00:56,236
VP NG OPERASYON - TYLER PERRY STUDIOS

1141
01:00:56,320 --> 01:00:58,280
Pero mahal din namin ang mga 'yon.

1142
01:01:03,994 --> 01:01:08,791
Siguro ang pinakamahirap na parte
ng tagumpay ay di paglaban sa Hollywood.

1143
01:01:08,874 --> 01:01:10,793
Kundi paglaban sa mga Black.

1144
01:01:10,876 --> 01:01:16,799
May uri ng mga Black
na mababa ang tingin kay Tyler Perry.

1145
01:01:18,467 --> 01:01:20,219
Pag tinitingnan ko ang kasaysayan

1146
01:01:20,302 --> 01:01:22,971
ng mga nagawa namin
sa isa't isa bilang mga Black,

1147
01:01:23,055 --> 01:01:26,183
'yong ibang matagumpay,
interesanteng makita 'yon.

1148
01:01:26,266 --> 01:01:31,480
Ang Amos 'N' Andy ang mga unang
African Americans sa telebisyon.

1149
01:01:31,563 --> 01:01:36,568
At ang nagboykot sa kanila ay ang NAACP…
Ang unang boykot sa telebisyon.

1150
01:01:36,652 --> 01:01:40,114
Tinanggal ang show noong 1953,

1151
01:01:40,197 --> 01:01:46,036
at walang Black na cast sa telebisyon
hanggang sa huling bahagi ng 1960.

1152
01:01:46,370 --> 01:01:49,957
Binoykot ng NAACP ang The Color Purple

1153
01:01:50,040 --> 01:01:54,294
dahil sa paglalarawan
sa kalalakihang Black,

1154
01:01:54,378 --> 01:01:57,631
at isang babaeng Black,
si Alice Walker, ang nagsulat nito.

1155
01:01:57,714 --> 01:02:00,384
Bale, nanghaharang at namboboykot sila
sa labas ng Oscars.

1156
01:02:00,467 --> 01:02:04,221
"Bagong bersiyon ng maitim" ang tawag
ni Langston Hughes kay Zora Neale Hurston

1157
01:02:04,304 --> 01:02:09,184
dahil nagsasalita siya nang may puntong
Southern, at ganoon din siya magsulat.

1158
01:02:09,268 --> 01:02:12,646
Kaya nalaman ko noon pa lang

1159
01:02:12,729 --> 01:02:16,567
na ayos lang, ganito talaga rito.

1160
01:02:17,025 --> 01:02:19,528
Gaano man kabuti o kaganda
ang intensiyon mo,

1161
01:02:19,611 --> 01:02:24,116
gaano man karami ang mga taong
napapagaan ang loob o napapasaya mo,

1162
01:02:24,199 --> 01:02:28,412
ang mahalaga lang sa ibang kritiko

1163
01:02:28,495 --> 01:02:32,249
ay kung sining ito para sa kanila.

1164
01:02:32,332 --> 01:02:37,629
Ang hindi ko gagawin, o hindi ko magawa,
ay baguhin kung ano ako, kung sino ako,

1165
01:02:37,713 --> 01:02:41,633
kung ano ang ipinagawa sa akin,
at paano ko gawin iyon, dahil may taong…

1166
01:02:41,717 --> 01:02:45,095
may mga kritikong iniisip
na hindi sining 'yon.

1167
01:02:46,013 --> 01:02:47,931
Hayun ang mga manonood.

1168
01:02:48,557 --> 01:02:50,684
Binigyang-pansin niya ang mga manonood

1169
01:02:50,767 --> 01:02:53,270
na isinasawalang-bahala
at sinabihang, "Akyat kayo rito."

1170
01:02:53,353 --> 01:02:55,772
At sabi niya,
"Hindi, kasama n'yo ako rito."

1171
01:02:55,856 --> 01:02:58,609
"Pagtatawanan natin
ang mga bagay na nakakatuwa sa atin

1172
01:02:58,692 --> 01:03:00,194
"pag nagsasama-sama ang pamilya.

1173
01:03:00,277 --> 01:03:03,197
"Isasapubliko natin
ang mga bagay na masaya sa atin."

1174
01:03:03,280 --> 01:03:06,492
Kung titingnan mo ang white comedy…

1175
01:03:08,452 --> 01:03:11,288
Puwede silang gumawa ng kalokohan,

1176
01:03:11,371 --> 01:03:15,042
at hindi sila nagkakaroon ng pasaning,
"Pinagmumukha mong masama ang mga Irish."

1177
01:03:15,125 --> 01:03:16,960
"Pinagmumukha mo ang Scottish na…"

1178
01:03:17,044 --> 01:03:18,545
"Pinagmumukha mo ang British na…"

1179
01:03:18,629 --> 01:03:21,006
Hindi nag-alala si Mel Brooks
na magmukhang masama,

1180
01:03:21,089 --> 01:03:22,883
pagiging nakakatawa ang inisip niya.

1181
01:03:22,966 --> 01:03:27,387
At kung gumamit ito ng mga anekdota
na pag-aari niya o may kontrol siya,

1182
01:03:27,471 --> 01:03:28,555
puwede iyon.

1183
01:03:28,639 --> 01:03:30,307
At ganoon ang ginawa ni Mr. Perry.

1184
01:03:30,390 --> 01:03:32,059
Henyo siya sa paggawa n'on.

1185
01:04:02,422 --> 01:04:03,507
Gusto ko 'to.

1186
01:04:05,175 --> 01:04:06,176
Magandang umaga.

1187
01:04:06,260 --> 01:04:08,595
Wala akong ibang kilala na gaya ni Tyler.

1188
01:04:08,679 --> 01:04:12,057
Tingnan natin ang pinakamagagaling
na direktor at aktor.

1189
01:04:12,140 --> 01:04:14,393
Hindi pa sila nakaka-19-20 na palabas

1190
01:04:14,476 --> 01:04:17,187
kung saan patuloy ang panonood ng mga tao.

1191
01:04:17,271 --> 01:04:18,981
Makasaysayan ito.

1192
01:04:19,064 --> 01:04:22,734
Nakapagtatag si Tyler ng fanbase
na puwede mong tawagin

1193
01:04:22,818 --> 01:04:27,990
at darating sila, kaya nakalalamang siya
sa kahit sinong filmmaker.

1194
01:04:28,073 --> 01:04:31,076
Ang ginawa niya na di ginawa ng iba,

1195
01:04:31,159 --> 01:04:36,331
ipinasok niya ito sa film at telebisyon,
at kinontrol niya 'yon.

1196
01:04:38,000 --> 01:04:40,460
Ang pinahahalagahan
sa entertainment industry

1197
01:04:40,544 --> 01:04:41,628
ay pagmamay-ari.

1198
01:04:41,712 --> 01:04:45,173
At ang pag-aari mo ay mga papel
na nagbibigay sa 'yo ng rights.

1199
01:04:45,257 --> 01:04:50,637
At gustong ariin ni Tyler ang rights,
bago pa siya makahuma.

1200
01:04:53,015 --> 01:04:55,934
Oo, ang pag-aari, sa umpisa pa lang,

1201
01:04:56,018 --> 01:04:59,354
ang pinakamahalaga kay Tyler,
bukod pa sa creative,

1202
01:04:59,438 --> 01:05:02,107
dahil nabibigyan siya nito ng kontrol
sa nais niyang gawin.

1203
01:05:02,190 --> 01:05:03,483
DATING AGENT, WME

1204
01:05:03,567 --> 01:05:06,028
Hindi puwedeng isuko ang pag-aari.

1205
01:05:06,111 --> 01:05:09,656
Kung sinulat ko 'yon, ako ang nag-produce,
pinaghirapan ko, akin lang 'yon.

1206
01:05:10,657 --> 01:05:12,576
May lyric si Jay-Z na ang sabi,

1207
01:05:12,659 --> 01:05:16,997
"You niggas out here taking advances,
but we over here taking real chances."

1208
01:05:17,080 --> 01:05:22,044
At naka-relate ako roon
dahil ayokong maging tipo ng taong

1209
01:05:22,127 --> 01:05:25,547
maghihintay sa iba na bigyan ako ng tseke

1210
01:05:25,631 --> 01:05:28,258
para sabihing, "Sige, gumawa ka
ng para sa mga kauri mo."

1211
01:05:28,342 --> 01:05:30,177
Hindi na natin dedetalyehin,

1212
01:05:30,260 --> 01:05:34,890
pero maraming beses nang kinuwestiyon
ng mga tao ang mga ikinukuwento niya,

1213
01:05:34,973 --> 01:05:36,725
ang sinasabi niya sa mga ito,

1214
01:05:36,808 --> 01:05:39,311
"Makinig kayo.
Hayaan n'yo ako sa market ko.

1215
01:05:39,394 --> 01:05:41,813
"Kilala ko ang market ko.
Wag n'yo akong diktahan."

1216
01:05:41,897 --> 01:05:44,900
At lagi nilang bibigyan siya
ng note o kritisismo,

1217
01:05:44,983 --> 01:05:49,237
hanggang mapagtanto na nilang,
alam n'yo, nauunawaan niya talaga 'yon.

1218
01:05:49,321 --> 01:05:50,530
Wag na lang tayong makialam.

1219
01:05:50,614 --> 01:05:52,699
At totoo 'yon.

1220
01:05:52,783 --> 01:05:55,619
Ganito. Hindi ako galit sa kahit sinong
ayaw ariin ang gawa.

1221
01:05:55,702 --> 01:05:58,246
Oo, na ayaw ng responsibilidad na 'yon.

1222
01:05:58,330 --> 01:06:01,291
Kasi mahirap na trabaho ito.
Mahirap kapag ikaw ang may-ari.

1223
01:06:01,375 --> 01:06:04,795
At walang iba, walang ibang tao,
ang makakatalo sa akin sa trabaho.

1224
01:06:04,878 --> 01:06:07,297
Walang makakatalo sa akin doon.

1225
01:06:07,381 --> 01:06:09,341
Kahit si James Brown, mapapayuko.

1226
01:06:13,720 --> 01:06:16,014
Tanda ko, may mga kuwento noon

1227
01:06:16,098 --> 01:06:19,976
noong nagpi-pitch siya ng una niyang
TV show sa mga Hollywood exec.

1228
01:06:20,060 --> 01:06:23,438
Gusto nila siyang bigyan ng notes,
"Bibilhin namin ang ilang episodes."

1229
01:06:23,522 --> 01:06:26,191
At sabi niya,
"Ano? Hindi iyan ang ginagawa ko."

1230
01:06:26,274 --> 01:06:30,070
Dahil na-turn off sila roon,
na-turn off din sa kanila si Tyler.

1231
01:06:30,153 --> 01:06:31,738
DATING PRESIDENTE - TYLER PERRY STUDIOS

1232
01:06:31,822 --> 01:06:34,741
At tingin ko, dahil doon, naisip niya,
"Paano ko ba 'to gagawin?"

1233
01:06:34,825 --> 01:06:38,245
At, siyempre, dahil siya si Tyler,
nagpasimula siya ng bagong modelo

1234
01:06:38,328 --> 01:06:41,915
at gumawa ng bagong paraan
ng pagbenta ng telebisyon.

1235
01:06:41,998 --> 01:06:44,793
Ang ginagawa n'yo sa industriya,
gumagawa kayo ng pilot.

1236
01:06:44,876 --> 01:06:48,296
Pag pumatok ang pilot, aasa ka
ng 12 hanggang 20 sa susunod na season.

1237
01:06:48,380 --> 01:06:49,965
Kapag pumatok 'yon, may 20 ka pa.

1238
01:06:50,048 --> 01:06:53,051
Gusto ng lahat na umabot ng 100
para magkaroon ng sindikasyon,

1239
01:06:53,135 --> 01:06:57,139
na nangangahulugan
ng malaking pera sa pangmatagalan.

1240
01:06:57,931 --> 01:07:00,142
Talagang pinagsikapan niyang
pasukin ang TV.

1241
01:07:00,225 --> 01:07:03,520
Makasaysayan siya
sa orihinal niyang series,

1242
01:07:03,603 --> 01:07:06,356
na ginawa niya bilang parte
ng 10-90 formula.

1243
01:07:06,440 --> 01:07:08,024
Gagawa ng 10 show at babayaran iyon.

1244
01:07:08,108 --> 01:07:11,695
Pag naabot nito ang isang market share,
papayag ang network na bumili ng 90 pa.

1245
01:07:11,778 --> 01:07:14,030
Na agad-agad maglalagay sa 'yo
sa sindikasyon.

1246
01:07:14,114 --> 01:07:15,824
Muli, magandang business deal.

1247
01:07:16,283 --> 01:07:20,746
Natatangi 'yon sa kanya, at henyo 'yon.

1248
01:07:20,829 --> 01:07:25,292
Alam kong ang mga tradisyonal na studio,
malamang ay hindi papayag sa ganito.

1249
01:07:25,375 --> 01:07:30,005
Kailangan mo ng boutique operation
sa negosyo ng sindikasyon

1250
01:07:30,088 --> 01:07:33,592
na handang tumaya, at higit sa lahat,

1251
01:07:33,675 --> 01:07:37,345
na magbibigay kay Tyler ng
creative freedom na gawin ang nais niya.

1252
01:07:37,429 --> 01:07:39,639
At ang isa pang henyo,
pag-aari 'yon ni Tyler.

1253
01:07:39,723 --> 01:07:41,266
Liyamado na 'yon.

1254
01:07:41,975 --> 01:07:44,728
At hindi pa rin nagagawa 'yon dati,

1255
01:07:44,811 --> 01:07:47,689
pero ito ang kagandahan
ng pagtatrabaho kasama si Tyler Perry.

1256
01:07:47,773 --> 01:07:52,736
Handa si Tyler na gamitin ang pera niya
sa pag-produce ng 10 episodes na 'yon.

1257
01:07:52,819 --> 01:07:56,281
Sinusubukan kong maghanda ng 10
para sa TBS, 'yong unang 10.

1258
01:07:56,364 --> 01:08:00,202
Kaya bukod sa pag-aari n'on
at pagkakaroon ng ganap na kontrol,

1259
01:08:00,285 --> 01:08:04,372
pag pumatok 'yon,
may kontrol din siya sa kita.

1260
01:08:04,456 --> 01:08:08,794
Kaya nagpasya siyang buksan ang pitaka
at gumamit ng sariling pera.

1261
01:08:08,877 --> 01:08:12,047
At noon ako pumunta sa Atlanta
para sa 10 episodes ng House of Payne.

1262
01:08:12,130 --> 01:08:14,674
Ang kasunduan, sa loob ng dalawang linggo,

1263
01:08:14,758 --> 01:08:16,009
susubukan namin ang 10 shows,

1264
01:08:16,091 --> 01:08:19,011
tapos, titingnan namin
ang susunod na gagawing hakbang.

1265
01:08:19,095 --> 01:08:22,432
Kayang sumugal ni Tyler Perry,
kaya bakit hindi natin subukan?

1266
01:08:22,515 --> 01:08:24,184
Umere ang mga episode…

1267
01:08:27,645 --> 01:08:29,231
at napakamatagumpay n'on.

1268
01:08:29,314 --> 01:08:33,276
Mas mataas ang ratings kaysa dati,
kaya nagulat sila.

1269
01:08:33,359 --> 01:08:35,237
Sabi nila, "Okay, ano'ng gusto mo?"

1270
01:08:35,319 --> 01:08:37,572
"May dumating, nag-alok ng 17.
Gusto nila ng 17 pa.

1271
01:08:37,656 --> 01:08:39,073
"Meron namang gusto ng 26."

1272
01:08:39,157 --> 01:08:41,785
Sabi ko, "Gusto ko ng 100 episodes
para sa sindikasyon."

1273
01:08:41,868 --> 01:08:45,622
Bumalik si Mark sa TBS at sabi nila,
"Kukuha kami ng 90 episodes."

1274
01:08:45,705 --> 01:08:48,792
Doon nagmula ang 10-90 na modelo.

1275
01:08:48,875 --> 01:08:51,086
At iyon ang unang pagkakataong
ginawa 'yon.

1276
01:08:51,169 --> 01:08:55,340
Kaya 10-episode na pilot
na personal niyang pinondohan,

1277
01:08:55,423 --> 01:08:58,844
at siguro halos lahat na ng pera niya
ang ginamit niya noon.

1278
01:08:58,926 --> 01:09:01,805
Pero pagre-reinvest niya ito
sa sarili niya,

1279
01:09:01,888 --> 01:09:04,349
sa mga tao, sa mga manonood,

1280
01:09:04,432 --> 01:09:07,685
at nauunawaan niya 'yon, tipong,
"Uy, itataya ko ang lahat."

1281
01:09:07,769 --> 01:09:12,232
Kaya tinayaan ni Tyler ang sarili niya
sa telebisyon, at malaki ang panalo niya.

1282
01:09:12,314 --> 01:09:15,026
Iniisip nila, "Baka ayos lang siya
sa kaunting episodes,"

1283
01:09:15,109 --> 01:09:19,029
at naging isa iyon sa pinakamatatagumpay
na shows sa cable TV sa kasaysayan.

1284
01:09:19,113 --> 01:09:21,992
At, siyempre, gusto nila ng higit pa
sa napag-usapang 100,

1285
01:09:22,075 --> 01:09:24,703
at doon nagawa ni Tyler
ang Meet the Browns.

1286
01:09:24,786 --> 01:09:27,037
Tanda kong inggit na inggit ako noon,

1287
01:09:27,122 --> 01:09:29,875
dahil ako ay nasa… CEO ako noon ng BET…

1288
01:09:31,792 --> 01:09:36,089
…at biglang nakuha ni Turner
itong dalawang shows ni Tyler Perry

1289
01:09:36,171 --> 01:09:38,425
na patok agad.

1290
01:09:38,508 --> 01:09:41,553
Iniligtas niya ako sa OWN.
Talagang iniligtas niya ako.

1291
01:09:41,636 --> 01:09:47,350
Nagboluntaryo siya at sinabing,
"Kaya kitang gawan ng show na papatok."

1292
01:09:47,975 --> 01:09:50,979
Ang tagal na ng Have and Have Nots
at maganda ang ratings nito.

1293
01:09:51,062 --> 01:09:54,064
Sabi ko sa kanya noong isang araw,
"Para 'yong As the World Turns."

1294
01:09:54,149 --> 01:09:57,277
Wala sanang Will Packer,
wala sanang Ava DuVernay,

1295
01:09:57,360 --> 01:09:58,904
wala sanang Greenleaf,

1296
01:09:58,987 --> 01:10:01,948
kung hindi sinabi ni Tyler na,
"Heto, hayaan mong tulungan kita."

1297
01:10:02,032 --> 01:10:04,492
Sinubukan namin siyang kunin dati,

1298
01:10:04,576 --> 01:10:06,661
dati pa, bago siya mapunta sa OWN.

1299
01:10:06,745 --> 01:10:09,289
Nasa 12 taon yata ang Viacom deal na iyon

1300
01:10:09,372 --> 01:10:12,250
mula sa unang beses na nag-usap kami
hanggang sa magkatotoo na.

1301
01:10:12,334 --> 01:10:16,087
Ilan sa mga taga-Viacom,
inakalang malalaos ang career niya.

1302
01:10:16,171 --> 01:10:18,006
Napatunayan namang mali iyon.

1303
01:10:18,089 --> 01:10:21,968
At lagi siyang nakakaisip
ng mas marami pang mga ideya.

1304
01:10:22,052 --> 01:10:24,763
Kapag papasok ako sa mga kompanya,
alam ko ang dadalhin.

1305
01:10:24,846 --> 01:10:28,725
At heto ako, sa tuktok ng mga ginawa ko,

1306
01:10:28,808 --> 01:10:31,353
at makakaya kong sabihing
pinahahalagahan ko

1307
01:10:31,436 --> 01:10:33,730
ang mga maganda't pangit
na dinaanan ko para dito.

1308
01:10:37,192 --> 01:10:38,234
Kumusta?

1309
01:10:38,318 --> 01:10:39,945
Si DJ Khaled!

1310
01:10:40,654 --> 01:10:43,990
Isa pa, wide shot naman tayo.
Long shot kay Myles? Kaunting atras.

1311
01:10:44,074 --> 01:10:47,452
Tingin ko, sa kabuuan,
minamaliit ang mga Black.

1312
01:10:47,535 --> 01:10:49,162
HOST / EDITOR NG OPRAH DAILY

1313
01:10:49,245 --> 01:10:52,624
At narito si Tyler Perry,
sunod-sunod ang benta sa takilya,

1314
01:10:52,707 --> 01:10:56,044
pero tingin ko,
di 'yon gaanong kinikilala sa Hollywood.

1315
01:10:56,127 --> 01:11:00,173
Kung may isa mang ginagalang
ang mga tao, pera 'yon.

1316
01:11:00,256 --> 01:11:03,134
At nakita ng mga tao
ang Tyler Perry Studios,

1317
01:11:03,218 --> 01:11:07,889
at tingin ko, sa unang pagkakataon,
tinanong nila, "Ano nga uli siya?"

1318
01:11:07,973 --> 01:11:11,476
Kilala nila siya, baka pamilyar sila
sa ilang ginagawa niya,

1319
01:11:11,559 --> 01:11:13,436
pero pag nakita nila
ang Tyler Perry Studios,

1320
01:11:13,520 --> 01:11:18,441
di maitatanggi ang talento
at kapangyarihan ni Tyler Perry.

1321
01:11:18,525 --> 01:11:22,278
Nakailang studios na ako
na akala ko, iyon na talaga.

1322
01:11:22,362 --> 01:11:24,280
Ang unang building ay nasa Hoke Street.

1323
01:11:24,364 --> 01:11:26,825
Parang wala pa 'yong
3,000 o 4,000 square feet,

1324
01:11:26,908 --> 01:11:29,077
at naisip ko,
"Oo, ito ang movie studio ko."

1325
01:11:29,160 --> 01:11:32,038
Tanda ko, nag-uusap kami sa paggawa
ng Diary of a Mad Black Woman.

1326
01:11:32,122 --> 01:11:34,499
Pumasok ang mga producer,
ang sabi, "Maliit ito.

1327
01:11:34,582 --> 01:11:36,459
"Hindi tayo makakapag-shoot dito."

1328
01:11:36,543 --> 01:11:37,794
Sabi ko, "Ano 'ka mo?"

1329
01:11:37,877 --> 01:11:39,921
Kasi di ko pa 'yon nagagawa dati.

1330
01:11:40,005 --> 01:11:42,048
Bumili ako ng mas malaki sa Krog Street.

1331
01:11:42,132 --> 01:11:44,217
Paglipat doon, di sapat ang parking,

1332
01:11:44,300 --> 01:11:46,177
araw-araw nagrereklamo ang mga kapitbahay,

1333
01:11:46,261 --> 01:11:47,762
at pinupuwersa ko na lang

1334
01:11:47,846 --> 01:11:49,889
at sinusubukang sabihing, "Ito na 'yon.

1335
01:11:49,973 --> 01:11:51,558
"Ito na talaga. Ito na talaga 'yon."

1336
01:11:51,641 --> 01:11:54,310
Kasi may ugali akong
gusto ko lang gawin ang mga bagay

1337
01:11:54,394 --> 01:11:55,979
na magagawan ko ng tseke.

1338
01:11:56,062 --> 01:11:58,106
Pero, minsan, pag umakyat ka na sa taas,

1339
01:11:58,189 --> 01:12:00,984
maghanda ka para sa pupuntahan mo,

1340
01:12:01,067 --> 01:12:03,319
at hindi sa kung nasaan ka na ngayon.

1341
01:12:03,403 --> 01:12:05,071
Malinaw ang mensaheng iyon sa akin.

1342
01:12:05,155 --> 01:12:06,656
Sobrang laki para di gawin ng tama.

1343
01:12:07,198 --> 01:12:09,784
Umalis kami roon at lumipat sa Greenbriar,

1344
01:12:09,868 --> 01:12:12,495
di ko malilimutan iyon,
dahil sabi ng abogado ko noon,

1345
01:12:12,579 --> 01:12:14,873
"Alam kong may problema ka sa Krog Street.

1346
01:12:14,956 --> 01:12:17,333
"Tingnan mo ang lokasyong ito
sa Greenbriar."

1347
01:12:17,417 --> 01:12:20,712
At nakatayo ako sa harap ng gate,
nagdadasal ako para doon,

1348
01:12:20,795 --> 01:12:25,592
at tiningnan ko ang mga gate,
may mga Bible scripture na nakakabit.

1349
01:12:25,675 --> 01:12:28,303
At paborito ko 'yong Salmo 91.

1350
01:12:29,554 --> 01:12:32,140
Ang sabi, "Kung hindi ito senyales,
hindi ko na alam."

1351
01:12:32,223 --> 01:12:35,393
Buong buhay ko, kabisado ko na
ang pagkokonstruksiyon.

1352
01:12:35,477 --> 01:12:38,813
Lumaki ako sa sawdust.
At kung makakapagtayo ako ng building

1353
01:12:38,897 --> 01:12:41,608
at mailalagay ko roon ang lahat,
lights, sound, cameras,

1354
01:12:41,691 --> 01:12:45,278
kung mailalagay ko ang lahat doon,
alam kong ang pag-aari sa produktong ito,

1355
01:12:45,361 --> 01:12:48,114
wala pa mang kita ngayon,

1356
01:12:48,198 --> 01:12:50,700
pero pag nagtagni-tagni na ang lahat,

1357
01:12:50,784 --> 01:12:53,244
magiging malaking halaga ito.

1358
01:12:53,328 --> 01:12:55,205
At naroon kami ngayon.

1359
01:12:55,872 --> 01:12:58,833
Naniwala siya
sa film at entertainment ng Atlanta

1360
01:12:58,917 --> 01:13:00,168
sa umpisa pa lang.

1361
01:13:00,251 --> 01:13:02,754
Noong maitalaga ako no'ng Enero 4, 2010…

1362
01:13:02,837 --> 01:13:04,214
DATING ALKALDE NG ATLANTA

1363
01:13:04,297 --> 01:13:07,509
…ang negosyo ng motion picture
at entertainment sa Atlanta at Georgia

1364
01:13:07,592 --> 01:13:10,303
ay nasa $350 milyong negosyo

1365
01:13:10,386 --> 01:13:14,557
na nagpapasahod
sa 7,000 hanggang 9,000 empleado.

1366
01:13:14,641 --> 01:13:17,769
Nang umalis ako noong Enero 2, 2018,

1367
01:13:17,852 --> 01:13:20,688
nasa $9.5 bilyong negosyo na iyon,

1368
01:13:20,772 --> 01:13:24,067
na nagpapasahod sa higit 34,000 katao.

1369
01:13:24,150 --> 01:13:26,778
Ang sentro ng enerhiya ng lahat ng iyon

1370
01:13:26,861 --> 01:13:30,740
ay nagsimula kay Tyler Perry
at sa Tyler Perry Studios.

1371
01:13:30,824 --> 01:13:35,120
At tuwing makakakita kayo ng pelikulang
may peach logo,

1372
01:13:35,203 --> 01:13:37,497
nagpasalamat kami kay Tyler.

1373
01:13:38,998 --> 01:13:41,084
Sa grand opening ng Tyler Perry Studios

1374
01:13:41,167 --> 01:13:45,171
dumating ang mga artistang
nagpahanga kahit sa mismong may-ari.

1375
01:13:45,255 --> 01:13:47,423
Tuwang-tuwa ako
dahil narito si Sidney Poitier,

1376
01:13:47,507 --> 01:13:49,801
at si Cicely Tyson,
at papunta rin si Oprah.

1377
01:13:49,884 --> 01:13:53,429
Sobra akong nasasabik na narito…
si Ruby Dee? Nagbibiro ka ba?

1378
01:13:53,513 --> 01:13:56,307
Hank Aaron. Mga taong nagbigay-daan
para mangyari ito.

1379
01:13:56,391 --> 01:13:59,561
Matatag at solido siya, at hindi huwad.

1380
01:13:59,644 --> 01:14:01,563
Mararamdaman mo kung gaano siya katotoo.

1381
01:14:01,938 --> 01:14:05,400
Isang batang African American, nilisan
ang New Orleans na halos walang-wala…

1382
01:14:05,483 --> 01:14:07,026
AKTIBISTA PARA SA KARAPATANG SIBIL

1383
01:14:07,110 --> 01:14:09,571
...at sinundan ang pangarap niya
sa lungsod na ito.

1384
01:14:09,654 --> 01:14:10,905
Kailangan mong maniwala.

1385
01:14:10,989 --> 01:14:12,240
Talagang nagsimula sa wala.

1386
01:14:12,323 --> 01:14:14,409
Makapangyarihang kuwentong Amerikano 'yon.

1387
01:14:16,077 --> 01:14:18,454
Sa mahiwagang sandali,
sa pagwawakas ng gabi,

1388
01:14:18,538 --> 01:14:23,877
sinamahan ni Tyler ang maalamat
na Oscar winner sa red carpet.

1389
01:14:23,960 --> 01:14:25,253
At may sandali noong

1390
01:14:25,336 --> 01:14:28,464
papasinayanan ni Sidney Poitier
ang sound stage sa pangalan sa niya,

1391
01:14:28,548 --> 01:14:31,509
at lumuluha siya,
at nagputukan ang fireworks sa malayo.

1392
01:14:31,593 --> 01:14:33,803
Tinuro niya ako, tinuro ko siya,
sabi niya, "Ikaw."

1393
01:14:33,887 --> 01:14:35,138
Sabi ko, "Hindi, ikaw."

1394
01:14:35,221 --> 01:14:37,891
Mga kaibigan, samahan n'yo kami

1395
01:14:37,974 --> 01:14:41,769
sa pagbubukas
ng Sidney Poitier Sound Stage.

1396
01:14:45,982 --> 01:14:48,109
Sa sandaling 'yon, lumabas na siya.

1397
01:14:48,193 --> 01:14:51,654
Hinila siya ni Oprah, nagyakapan sila,
at aniya, "Ano'ng iniisip mo roon?"

1398
01:14:51,738 --> 01:14:53,823
At aniya, "Tanda ko, nasa MGM ako,

1399
01:14:53,907 --> 01:14:58,703
"ako lang ang tanging Black na puwedeng
pumasok, at 'yong tagalinis ng sapatos."

1400
01:15:00,914 --> 01:15:05,710
Ngayon, heto siya at ang mga Black
na nanonood sa sandaling ito.

1401
01:15:05,793 --> 01:15:08,338
Medyo mahirap na hindi ito iugnay sa lahi

1402
01:15:08,421 --> 01:15:11,007
kung tungkol ito sa kawalan ng karapatan

1403
01:15:11,090 --> 01:15:14,219
at sa mga nilabanan at ipinaglaban namin.

1404
01:15:14,302 --> 01:15:18,765
Ang maparangalan siya at bigyan siya
ng ganoong sandali, makasaysayan.

1405
01:15:23,311 --> 01:15:27,440
Sa gitna ng tagumpay na ito,

1406
01:15:28,483 --> 01:15:32,362
iniinda ko ang unti-unting pagkamatay
ng nanay ko.

1407
01:15:36,699 --> 01:15:40,328
Naka-wheelchair ang nanay ko noon,
at hindi siya makakita.

1408
01:15:47,168 --> 01:15:49,254
At niyukuran ko siya.

1409
01:15:57,595 --> 01:16:01,182
Niyukuran ko siya at sinabing,
"Ayos ka lang?"

1410
01:16:01,266 --> 01:16:03,518
Aniya, "Oo, ang ganda ng lahat."

1411
01:16:05,270 --> 01:16:06,854
Sabi ko, "Paano mo nalaman?"

1412
01:16:09,440 --> 01:16:11,025
Sabi niya, "Dama ko.

1413
01:16:12,485 --> 01:16:14,362
"Dama ko." Nadarama niya.

1414
01:16:15,655 --> 01:16:19,200
Napakagandang sandali nito.

1415
01:16:25,999 --> 01:16:28,001
Habang nililibot ko ang tingin ko rito…

1416
01:16:32,046 --> 01:16:34,340
Tanaw kong nakatingin sa akin ang ina ko.

1417
01:16:34,424 --> 01:16:36,050
Nakita mo ang nagawa ng anak mo?

1418
01:16:41,431 --> 01:16:45,643
Para makita niya ang sandaling 'yon,

1419
01:16:46,894 --> 01:16:51,816
ng anak niya na umangat mula
sa mga kaletsehan na kasama siya,

1420
01:16:52,984 --> 01:16:54,152
masaya 'yon.

1421
01:16:54,652 --> 01:16:56,863
Napakasaya n'on. Ang ganda ng gabing 'yon.

1422
01:17:01,117 --> 01:17:05,204
At tanda kong bago pa mangyari 'yon,
tumugtog sa radyo ang Mama ng Boyz II Men,

1423
01:17:05,705 --> 01:17:07,498
at nagmamaneho siya kung saan.

1424
01:17:07,582 --> 01:17:10,084
At tinawagan niya ako, natakot ako,

1425
01:17:10,168 --> 01:17:14,797
kasi… noong magkasakit siya,

1426
01:17:14,881 --> 01:17:17,050
hindi ko na napapatay ang phone ko.

1427
01:17:17,133 --> 01:17:21,012
Bukas 'yon 24/7, at tumutunog pa.

1428
01:17:21,346 --> 01:17:25,058
Napakatindi ng iyak niya noon,

1429
01:17:25,141 --> 01:17:27,060
at iniisip ko, "Kailangan kong lumipad."

1430
01:17:27,143 --> 01:17:29,645
Sabi ko, "Ano 'yon? Ano?"

1431
01:17:29,729 --> 01:17:33,733
At sabi niya sa akin, "Salamat. Salamat."

1432
01:17:33,816 --> 01:17:35,860
"Kung hindi ka nagpatuloy,

1433
01:17:35,943 --> 01:17:41,616
"kahit na sinabihan kitang tumigil na,
hindi ko mabibili ang gamot ko."

1434
01:17:50,333 --> 01:17:51,959
Nang mamatay siya…

1435
01:17:55,171 --> 01:17:57,340
hindi ako makabangon.

1436
01:18:00,301 --> 01:18:03,596
Walang kulay ang lahat,
parang may kulang sa lahat.

1437
01:18:03,679 --> 01:18:05,515
Sa lahat-lahat. Wala nang mahalaga.

1438
01:18:05,598 --> 01:18:08,851
At nagtagal iyon nang…

1439
01:18:09,602 --> 01:18:13,022
BUMAGSAK ANG HULING LUHA
NI MAXINE KAHAPON.

1440
01:18:13,106 --> 01:18:15,233
…nang napakatagal.

1441
01:18:18,152 --> 01:18:20,279
Naroon si Tyler nang yumao siya.

1442
01:18:20,363 --> 01:18:22,156
Lahat ng mga anak niya.

1443
01:18:23,866 --> 01:18:26,119
At napakahirap n'on, kasi baby ko 'yon.

1444
01:18:26,202 --> 01:18:27,745
Mahal na mahal ko siya.

1445
01:18:30,206 --> 01:18:31,791
Umalis na lang ako sa kuwarto.

1446
01:18:33,334 --> 01:18:36,045
Dalawa o tatlong araw siguro akong umiyak.

1447
01:18:45,179 --> 01:18:48,015
Isa lang ang pagsisisi ko
sa buhay, isa lang.

1448
01:18:48,599 --> 01:18:51,185
Ang nanay ko, sa deathbed niya.

1449
01:18:51,269 --> 01:18:54,897
Paalis ako noon,
dahil kailangan kong bumalik sa Atlanta,

1450
01:18:54,981 --> 01:18:56,774
at tiningnan niya lang ako.

1451
01:18:56,858 --> 01:18:59,277
At sabi ko, "Aalis na ako."
At wala siyang sinabi.

1452
01:18:59,360 --> 01:19:01,320
Nakatitig lang siya sa akin.

1453
01:19:02,113 --> 01:19:03,948
At pakiramdam ko…

1454
01:19:04,532 --> 01:19:07,577
Tapos, sabi niya, "Alam mo,
Pagod na pagod lang ako."

1455
01:19:07,660 --> 01:19:08,911
Sabi ko, "Hindi, ayos lang."

1456
01:19:08,995 --> 01:19:11,122
At nagsimula akong maging espirituwal.

1457
01:19:11,205 --> 01:19:12,999
"Hindi, kikilos ang Panginoon…"

1458
01:19:13,875 --> 01:19:16,169
Kinukumbinsi ko siya
laban sa sinasabi niya.

1459
01:19:16,252 --> 01:19:18,463
At sabi niya, "Okay, anak. Okay."

1460
01:19:18,546 --> 01:19:22,508
Ang tanging pagsisisi ko,
sana umupo ako roon

1461
01:19:22,592 --> 01:19:25,261
at pinakinggan ang sasabihin niya,

1462
01:19:25,344 --> 01:19:30,641
sa halip na isipin ang sarili ko
sa sandaling mawala siya.

1463
01:19:31,559 --> 01:19:35,813
Sana hinayaan ko siyang sabihin
ang gusto niyang sabihin.

1464
01:19:38,107 --> 01:19:39,775
Oo. Isang pagsisisi.

1465
01:19:41,194 --> 01:19:45,573
Tyler, gusto ko lang sabihin sa 'yo
kung gaano ka kahalaga sa akin,

1466
01:19:45,656 --> 01:19:49,035
kung gaano ako nagpapasalamat,
kung gaano ka pinagpala,

1467
01:19:49,118 --> 01:19:52,163
kung gaano ako pinagpalang
magkaroon ng anak na gaya mo.

1468
01:19:52,246 --> 01:19:56,626
Dahil maraming anak ang di man lang
maiisip ang mga magulang nila.

1469
01:19:56,709 --> 01:20:01,088
At nakakatuwang ginawa niya
ang lahat ng ito para sa akin.

1470
01:20:01,172 --> 01:20:03,341
Binibigyan mo kami ng bulaklak
habang buhay kami.

1471
01:20:03,424 --> 01:20:04,800
Ang dami kong mga bulaklak.

1472
01:20:06,552 --> 01:20:08,721
Noong bata ako, ikinuwento niya ito.

1473
01:20:08,804 --> 01:20:09,847
Naka-video ito.

1474
01:20:11,224 --> 01:20:13,935
Isang araw, galing kami sa probinsiya.

1475
01:20:14,018 --> 01:20:15,478
At nagmamaneho siya.

1476
01:20:16,812 --> 01:20:18,940
At may dumaang Jaguar.

1477
01:20:19,023 --> 01:20:20,858
Sabi niya, "Ooh, ang gandang kotse."

1478
01:20:20,942 --> 01:20:23,903
At sabi ko, "Wow, ang gandang kotse."

1479
01:20:23,986 --> 01:20:25,279
Sabi ko, "Ano, Mama?"

1480
01:20:25,363 --> 01:20:27,740
Tanda ko, bumangon ako
para makita ang tinutukoy niya.

1481
01:20:27,823 --> 01:20:29,075
Aniya, "Ang kotseng 'yon."

1482
01:20:29,158 --> 01:20:31,661
Sabi ko, "Anong kotse iyan?"
Aniya, Jaguar daw.

1483
01:20:31,994 --> 01:20:33,746
Sabi niya, "Alam mo?

1484
01:20:33,829 --> 01:20:37,208
"Kapag yumaman ako,
bibilhan kita ng Jaguar.

1485
01:20:37,875 --> 01:20:39,627
"At bibilhan din kita ng bahay."

1486
01:20:39,710 --> 01:20:42,630
Sabi ko, "Okay, anak. Okay."

1487
01:20:43,839 --> 01:20:45,883
At sabi niya, "Okay, anak. Okay."

1488
01:20:46,592 --> 01:20:51,138
Isang araw, ginagawa ko ang play
noong Mother's Day sa New Orleans.

1489
01:20:51,222 --> 01:20:53,599
Tinawag ko siya sa stage
at binigyan ng susi ng kotse

1490
01:20:53,683 --> 01:20:54,767
sa harap ng mga manonood.

1491
01:20:54,850 --> 01:20:56,477
Malaking sandali para sa aming dalawa.

1492
01:20:56,561 --> 01:20:58,354
Umiyak siya. Ang ganda-ganda n'on.

1493
01:20:58,437 --> 01:21:00,106
Salamat. Salamat.

1494
01:21:05,152 --> 01:21:06,696
Ano'ng nararamdaman mo?

1495
01:21:06,779 --> 01:21:07,738
Masaya.

1496
01:21:07,822 --> 01:21:09,699
Nalaman kong tama ang ginawa ko.

1497
01:21:11,951 --> 01:21:14,954
Pero dahil nakita ko noong bata ko
ang lahat ng pinagdaanan niya,

1498
01:21:15,037 --> 01:21:17,415
gusto kong gawin ang makakaya ko

1499
01:21:18,666 --> 01:21:21,752
para matiyak na di siya masasaktan.

1500
01:21:22,253 --> 01:21:25,214
Para masigurong may pera siya
at maiwan niya ang lalaking 'to.

1501
01:21:26,090 --> 01:21:28,843
Iyon talaga ang gusto ko.

1502
01:21:28,926 --> 01:21:30,595
At gaano man karami ang pera ko,

1503
01:21:30,678 --> 01:21:33,306
hindi sapat iyon
para masigurong nasa kanya ang lahat.

1504
01:21:33,389 --> 01:21:35,850
Nang mamatay siya, namatay rin ako.

1505
01:21:35,933 --> 01:21:38,102
Sabi ko, "Ano na'ng gagawin ko ngayon?

1506
01:21:38,561 --> 01:21:42,481
Kung wala akong mga kontrata at trabaho,

1507
01:21:42,565 --> 01:21:45,484
siguro 'yong 2009 na ang wakas,

1508
01:21:46,152 --> 01:21:51,365
dahil walang magtutulak sa aking

1509
01:21:51,449 --> 01:21:53,868
bumangon sa umaga at gawin 'yon.

1510
01:21:53,951 --> 01:21:56,412
Nagsimula akong maglasing.

1511
01:21:58,164 --> 01:22:00,249
At ilang taon ding nagtagal iyon.

1512
01:22:00,333 --> 01:22:02,418
Narito lang ako, nilalasap ang Mardi Gras.

1513
01:22:02,501 --> 01:22:04,253
Sandali. Teka. Teka.

1514
01:22:04,337 --> 01:22:07,590
Wala nang halaga ang mga holiday
dahil wala siya roon.

1515
01:22:09,133 --> 01:22:11,844
Wala nang halaga ang lahat
dahil wala siya roon.

1516
01:22:14,305 --> 01:22:18,851
At dumating si Aman
at binago ang lahat ng iyon...

1517
01:22:18,934 --> 01:22:20,436
"Okay, ano'ng ibig sabihin n'on?

1518
01:22:20,519 --> 01:22:22,188
"Ano ang Pasko para sa kanya?

1519
01:22:22,271 --> 01:22:25,566
"Ano'ng ibig sabihin ng pagkapanganak
pagkatapos ng Thanksgiving,

1520
01:22:25,650 --> 01:22:28,986
"tapos, Pasko, at Bagong Taon."

1521
01:22:29,070 --> 01:22:30,905
At ang makita ang kasabikan niya rito

1522
01:22:30,988 --> 01:22:36,285
ay nagbigay ng bagong kahulugan
sa buhay at layunin nito.

1523
01:22:39,580 --> 01:22:40,665
Talaga?

1524
01:22:41,749 --> 01:22:46,504
Ang panalangin ko noong buntis si Gelila,
"Sana mabuti ang makuha niya sa akin,

1525
01:22:47,171 --> 01:22:50,424
"At anumang masama sa akin,
isama N'yo na lang sa akin sa hukay."

1526
01:22:50,508 --> 01:22:53,427
Gusto ko lang na makuha niya
sa DNA niya ang mabuti sa akin.

1527
01:22:53,928 --> 01:22:56,180
Tanda ko, sinabi ko sa kanyang
mahal ko siya minsan,

1528
01:22:56,263 --> 01:22:59,058
noong nasa apat na taon,
apat at kalahating taon siya.

1529
01:22:59,141 --> 01:23:00,810
Sa 10 magkakaibang pagkakataon.

1530
01:23:00,893 --> 01:23:02,770
Sabi niya, "Bakit inuulit-ulit mo?"

1531
01:23:03,688 --> 01:23:06,065
Kasi gusto kong malaman niya
kung ano'ng tunog n'on,

1532
01:23:06,148 --> 01:23:08,317
ang pakiramdam na masabihan
ng ganoon ng ama mo.

1533
01:23:08,401 --> 01:23:10,611
Na may magsasabi sa 'yo
ng "Mahal kita," aakapin ka,

1534
01:23:10,695 --> 01:23:15,324
at alam na espesyal,
malakas, at makapangyarihan ka.

1535
01:23:21,831 --> 01:23:23,749
-Buhay pa ang ama mo?
-Oo.

1536
01:23:23,833 --> 01:23:25,501
Anong klase ng relasyon meron kayo?

1537
01:23:25,584 --> 01:23:27,962
Di kami gaanong nag-uusap,
pero inaalagaan ko siya.

1538
01:23:28,045 --> 01:23:29,714
Tinitiyak kong naaasikaso siya.

1539
01:23:29,797 --> 01:23:31,465
Nadama mo bang minahal ka niya?

1540
01:23:31,549 --> 01:23:33,759
Hindi ko naramdaman 'yon. Kahit kailan.

1541
01:23:33,843 --> 01:23:36,721
Naramdaman kong may kung ano roon,

1542
01:23:36,804 --> 01:23:38,222
at di ko alam kung ano 'yon.

1543
01:23:38,305 --> 01:23:42,143
At noong nasa 30 ako, sinabi ni Mama
na di niya inisip na anak niya ako.

1544
01:23:42,226 --> 01:23:43,352
-Kaya…
-Talaga?

1545
01:23:43,436 --> 01:23:47,022
Isang bagay 'yon na di ko alam dati,
na nagdala rin ng maraming isyu.

1546
01:23:48,816 --> 01:23:51,402
Mukha kayong galit. Ano'ng sabi ng doktor?
Masamang balita?

1547
01:23:51,485 --> 01:23:52,737
Ayos lang siya.

1548
01:23:52,820 --> 01:23:53,696
Tanungin mo, Cora.

1549
01:23:53,779 --> 01:23:55,781
Madea, sino'ng tatay ko?

1550
01:23:55,865 --> 01:23:57,867
-Iyan ang tatay mo.
-Aalamin ko.

1551
01:23:57,950 --> 01:24:00,661
Sasabihin sa 'yo ni Dana ang lahat.
Tawagan mo si Dana.

1552
01:24:00,745 --> 01:24:02,580
-Sino si Dana?
-Oo nga, sino si Dana?

1553
01:24:02,663 --> 01:24:04,874
Pareho silang mangmang.
Di n'yo kilala si Dana?

1554
01:24:04,957 --> 01:24:07,251
Lagi nilang ginagamit si Dana
para humanap ng tao,

1555
01:24:07,334 --> 01:24:08,586
kung sino ang ama at ina.

1556
01:24:08,669 --> 01:24:10,171
-Dana.
-DNA.

1557
01:24:10,254 --> 01:24:12,089
DNA. Iyon si Dana.

1558
01:24:12,173 --> 01:24:13,716
Diyos ko, ang tanga mo.

1559
01:24:15,968 --> 01:24:19,388
Nagpa-DNA test kami. Bumalik ang resulta.

1560
01:24:19,472 --> 01:24:21,098
Hindi siya ang ama ko.

1561
01:24:21,182 --> 01:24:26,729
At nakadama ako ng ginhawa.

1562
01:24:27,605 --> 01:24:32,234
Naginhawaan ako dahil ang imahen ko ng ama

1563
01:24:32,318 --> 01:24:34,862
ay hindi gaya ng ginagawa niya
sa anak niya.

1564
01:24:37,281 --> 01:24:40,576
Matapos ang ilang di matagumpay
na pagkontak kay Emmitt Perry Sr.,

1565
01:24:40,659 --> 01:24:44,955
bumiyahe pa-Louisiana ang crew
para direkta siyang mapuntahan.

1566
01:24:47,750 --> 01:24:50,252
Liliko na tayo rito.

1567
01:24:52,713 --> 01:24:54,131
Tiyo Emmitt.

1568
01:24:55,591 --> 01:24:58,344
-Ako 'yon, Tiyo Emmitt.
-Wala akong pakialam.

1569
01:24:58,427 --> 01:24:59,887
Pasensiya na.

1570
01:24:59,970 --> 01:25:02,681
Pasensiya kuno… Lumayas kayo rito.

1571
01:25:02,765 --> 01:25:03,974
Tiyo Emmitt.

1572
01:25:07,311 --> 01:25:08,354
Layas na!

1573
01:25:10,314 --> 01:25:11,816
Sige na!

1574
01:25:12,775 --> 01:25:14,443
Bibisitahin lang kita…

1575
01:25:14,527 --> 01:25:19,114
Pinapanood ko ang bawat kilos mo.
Lumayas na kayo rito.

1576
01:25:19,198 --> 01:25:21,951
Tinawagan kita, Tiyo Emmitt.
Kinukumusta kita. Tinawagan kita.

1577
01:25:22,034 --> 01:25:23,994
Lumayas na kayong lahat dito.

1578
01:25:30,751 --> 01:25:32,127
Pero alam mong ako 'yon?

1579
01:25:32,211 --> 01:25:34,880
-Oo, alam ko, pero…
-Iyon nga ang sinasabi ko.

1580
01:25:34,964 --> 01:25:36,799
Susubukan lang naming kausapin ang ama.

1581
01:25:36,882 --> 01:25:38,425
Iyon lang 'yon.

1582
01:25:38,509 --> 01:25:39,927
Wala akong intensiyong masama.

1583
01:25:40,010 --> 01:25:41,387
Bakit ka ganyan?

1584
01:25:42,805 --> 01:25:43,764
Narinig mo ako?

1585
01:25:45,808 --> 01:25:47,351
Narinig mo ako, Tiyo Emmitt?

1586
01:25:48,602 --> 01:25:49,895
Tiyo Emmitt?

1587
01:25:55,901 --> 01:25:57,111
Nag-sorry ba siya?

1588
01:25:58,237 --> 01:25:59,488
Hindi.

1589
01:26:00,239 --> 01:26:01,657
-Hindi.
-Gusto mo siyang mag-sorry?

1590
01:26:02,825 --> 01:26:06,495
Sa puntong 'to, parang wala nang silbi.
Ewan ko kung mahalaga pa 'yon.

1591
01:26:06,579 --> 01:26:08,998
Napatawad ko na siya noong nasa 20s ako,

1592
01:26:09,081 --> 01:26:10,541
at nabago n'on ang buhay ko.

1593
01:26:10,624 --> 01:26:14,503
Kasi tingin ko, ang hindi maunawaan
ng maraming tao,

1594
01:26:14,587 --> 01:26:16,797
may kuwento rin ang mga magulang nila.

1595
01:26:16,881 --> 01:26:20,509
At anuman ang nangyari sa buhay mo
dahil sa ginawa nila…

1596
01:26:20,593 --> 01:26:23,596
Kailangan mong malaman ang kuwento
para maunawaan mo 'yon.

1597
01:26:23,679 --> 01:26:26,640
At ang nalaman ko,
sila ng dalawa niyang kapatid

1598
01:26:26,724 --> 01:26:31,520
ay natagpuan ng isang puti sa isang estero
sa probinsiya ng Louisiana.

1599
01:26:31,604 --> 01:26:33,105
Dalawang taon pa lang siya noon.

1600
01:26:33,188 --> 01:26:36,191
Dinala siya sa isang katorse anyos
na babae, si Mae.

1601
01:26:36,275 --> 01:26:39,820
May sakit ang ama nito,
matandang-matanda na, at dating alipin.

1602
01:26:39,904 --> 01:26:45,159
At ang alam lang ni Mae para mapatahimik
ang mga batang ito ay gulpihin sila.

1603
01:26:45,242 --> 01:26:46,827
Itatali niya ang mga ito sa sako,

1604
01:26:46,911 --> 01:26:49,038
isasabit sa puno, at gugulpihin.

1605
01:26:49,121 --> 01:26:52,291
Iyon ang natutunan niya.
Doon siya nagmula. Kaya…

1606
01:26:52,374 --> 01:26:53,417
Inabuso siya.

1607
01:26:53,500 --> 01:26:55,085
Buong buhay niya, inabuso siya.

1608
01:26:55,169 --> 01:26:58,005
Kaya naunawaan ko kung sino siya,

1609
01:26:58,088 --> 01:27:00,799
kaya mas madali sa aking
umusad at patawarin siya.

1610
01:27:00,883 --> 01:27:02,176
Mahirap magpatawad.

1611
01:27:02,259 --> 01:27:03,636
Oo, pero kailangan 'yon,

1612
01:27:03,719 --> 01:27:06,305
dahil nalaman ko kung ano ito,
at totoong-totoo ito.

1613
01:27:06,388 --> 01:27:10,601
Kapag di ka nagpatawad,
dala-dala mo sa loob mo itong bagay

1614
01:27:10,684 --> 01:27:13,354
na babago sa buhay mo
at dadalhin ka sa maling direksiyon.

1615
01:27:13,437 --> 01:27:16,231
Siyam sa sampung beses,
ang mga taong nagkasala sa 'yo

1616
01:27:16,315 --> 01:27:18,859
ay nakakatulog nang panatag,
habang ikaw, kimkim 'yon.

1617
01:27:18,943 --> 01:27:21,695
Talagang literal na puwede itong
maging sakit sa katawan

1618
01:27:21,779 --> 01:27:22,947
at maging karamdaman.

1619
01:27:23,030 --> 01:27:25,491
Kaya tingin ko,
napakahalaga ng pagpapatawad.

1620
01:27:25,574 --> 01:27:28,077
-Sinusuportahan mo siya?
-Oo naman. 100%.

1621
01:27:28,160 --> 01:27:30,579
Noong bata ako, di siya mabuting ama,

1622
01:27:30,663 --> 01:27:33,624
pero binuhay niya kami,
at malupit ang work ethic niya.

1623
01:27:33,707 --> 01:27:36,335
Siya ang nagbigay sa akin
ng work ethic ko.

1624
01:27:37,378 --> 01:27:39,880
Sandali, magko-concentrate ako.

1625
01:27:40,381 --> 01:27:41,632
Ang work ethic niya…

1626
01:27:41,715 --> 01:27:45,386
Hindi ko pa rin maunawaan kung paano siya
nakakapagtrabaho nang mabilis.

1627
01:27:45,469 --> 01:27:49,139
Di ako nagtrabaho para sa kanya,
pero balita ko, sasagarin ka niya.

1628
01:27:49,223 --> 01:27:51,642
Mag-roll na tayo.

1629
01:27:51,725 --> 01:27:55,521
Balita ko, maraming hinihingi
si Tyler Perry sa cast niya.

1630
01:27:55,604 --> 01:27:56,981
Pero alam ko rin ito.

1631
01:27:57,064 --> 01:28:00,359
Walang hinihiling si Tyler Perry sa iba

1632
01:28:00,442 --> 01:28:02,111
na di niya hinihingi sa sarili niya.

1633
01:28:03,821 --> 01:28:05,572
Wag mong baliktarin 'yang sumbrero mo.

1634
01:28:05,656 --> 01:28:07,241
Ibalik mo. Nagbibiro lang ako.

1635
01:28:09,076 --> 01:28:10,744
Nagsimula akong production assistant.

1636
01:28:10,828 --> 01:28:13,664
Unang beses kong nakatrabaho siya,
wala pa siyang pelikula.

1637
01:28:13,747 --> 01:28:15,624
Nag-streamline lang siya ng kung ano-ano.

1638
01:28:15,708 --> 01:28:16,709
Gusto kong makita lahat.

1639
01:28:16,792 --> 01:28:18,836
Dalawang Steadicams,
ilapit ang mga antenna.

1640
01:28:18,919 --> 01:28:19,795
Handa nang mag-roll.

1641
01:28:19,878 --> 01:28:21,296
Maraming hindi nakaunawa n'on.

1642
01:28:22,047 --> 01:28:23,924
Pag sinabi kong, "Siglahan n'yo."

1643
01:28:32,766 --> 01:28:34,643
Sorry, sandali. Wag munang mag-shoot.

1644
01:28:34,727 --> 01:28:35,978
Gusto akong kausapin ni Oprah.

1645
01:28:36,061 --> 01:28:38,647
Apat na araw n'yong isu-shoot 'yon?

1646
01:28:38,731 --> 01:28:40,649
Nagsu-shoot kami
ng isang episode kada araw.

1647
01:28:40,733 --> 01:28:41,692
Ano?

1648
01:28:43,360 --> 01:28:44,778
Sobrang di tradisyonal 'yon.

1649
01:28:44,862 --> 01:28:46,113
Para sa lahat.

1650
01:28:46,196 --> 01:28:48,782
At kailangang handa kang sumalang.
Walang pahinga.

1651
01:28:49,324 --> 01:28:52,119
Apat na libong pahina ng content
sa isang taon minsan.

1652
01:28:52,202 --> 01:28:56,331
Animnapu, 80, 90 episodes ng TV,
dalawa o tatlong features.

1653
01:28:56,415 --> 01:28:58,876
At si Tyler ang mismong nagsusulat.

1654
01:28:58,959 --> 01:29:02,421
Tanong ng mga tao,
"Paanong ang bilis mong mag-shoot?"

1655
01:29:02,504 --> 01:29:06,425
Pagpasok ko sa set,
pag pinapanood kong umarte ang aktor,

1656
01:29:06,508 --> 01:29:09,511
nakikita ko ang mga cut sa utak ko.

1657
01:29:09,595 --> 01:29:12,473
Kaya magro-roll ako at gagawin ang lahat,

1658
01:29:12,556 --> 01:29:16,143
ilalagay ang kamera sa lahat ng posisyon,
kung gaano kalapit ko gusto.

1659
01:29:16,226 --> 01:29:18,228
Pag naka-set up na ang lights,
handa na ako.

1660
01:29:18,312 --> 01:29:19,897
Magtiwala ka lang sa proseso,

1661
01:29:19,980 --> 01:29:21,940
at mahusay ang team na tumutulong sa akin.

1662
01:29:22,024 --> 01:29:23,400
Mahusay, guys. Ayos na.

1663
01:29:23,484 --> 01:29:26,278
Walang gumagawa ng ginagawa namin.

1664
01:29:26,361 --> 01:29:28,489
Walang gumagawa ng ginagawa niya.

1665
01:29:28,572 --> 01:29:32,451
At mula sa panahong nakita ko
ang unang proseso ng pagpepelikula,

1666
01:29:32,534 --> 01:29:36,038
hidni ko maunawaan ang dami ng sayang.

1667
01:29:36,121 --> 01:29:39,416
Milyon-milyong dolyar
ng mali at pangit na pagpili.

1668
01:29:39,500 --> 01:29:42,586
Makakapagpakain tayo ng bansa
sa dami ng sayang.

1669
01:29:42,669 --> 01:29:44,546
'Yong pagtayo lang basta,

1670
01:29:44,630 --> 01:29:45,839
pagsasabing, "Paano kung…"

1671
01:29:45,923 --> 01:29:47,800
Ano'ng sinasabi mong, "Paano kung?"

1672
01:29:47,883 --> 01:29:50,427
Dapat alam mo na
bago ka pa nakarating dito.

1673
01:29:50,511 --> 01:29:51,553
Wala na dapat paano.

1674
01:29:51,637 --> 01:29:53,555
Nasa set ka na, nasusunog ang pera.

1675
01:29:53,639 --> 01:29:57,309
Ayusin mo 'yan bago masayang ang pera,
bago sulatin ang tseke.

1676
01:29:57,392 --> 01:29:58,727
Iyon ang iniisip ko.

1677
01:30:01,438 --> 01:30:04,358
Lagi kong sinasabing higit
ang nagagawa ni Tyler sa isang araw

1678
01:30:04,441 --> 01:30:05,859
kaysa sa atin sa buong buhay natin.

1679
01:30:05,943 --> 01:30:09,488
Nakausap ko si Tyler sa labas ng opisina.

1680
01:30:09,571 --> 01:30:12,241
Dinig kong bumubulong siya.
Mahina ang boses niya.

1681
01:30:12,324 --> 01:30:16,161
At ang pinag-uusapan namin, "Magsu-shoot
sa Martes, at ito ang gagawin natin…"

1682
01:30:16,245 --> 01:30:18,705
Sabi ko, "Tyler, nasa'n ka?"
Aniya, "Ibababa ko na."

1683
01:30:18,789 --> 01:30:21,875
Tapos, narinig ko ang boses ni Madea,
at lumabas na siya sa stage.

1684
01:30:21,959 --> 01:30:24,586
Nakikipagpulong siya sa akin
mula sa backstage.

1685
01:30:25,462 --> 01:30:27,589
Sino'ng makakapag-multitask nang ganoon?

1686
01:30:27,673 --> 01:30:28,841
Gano'n si Tyler.

1687
01:30:28,924 --> 01:30:32,302
Lagi kong sinasabi sa mga taong
patuloy na tatakbo ang treng ito,

1688
01:30:32,386 --> 01:30:35,389
sumakay ka man o masagasaan ka.

1689
01:30:35,472 --> 01:30:37,558
Kaya ang tanong, kung sasakay ka,

1690
01:30:37,641 --> 01:30:39,393
o masasagasaan o matatamaan ka.

1691
01:30:40,144 --> 01:30:42,688
Laging pagtatalunan ang legacy niya.

1692
01:30:42,771 --> 01:30:45,399
Lahat ng tao, may opinyon, may boses.

1693
01:30:45,482 --> 01:30:47,651
May magagandang kritisismo, may pangit.

1694
01:30:48,277 --> 01:30:51,572
Tingin ko, hindi matitigil iyon,
pero di rin siya mapipigilan n'on.

1695
01:30:51,655 --> 01:30:54,700
Mapaghiganti ka ba o mapagpatawad ka?

1696
01:30:54,783 --> 01:30:57,119
Mapagpatawad ako,
pero di rin dapat kantiin.

1697
01:30:58,287 --> 01:31:01,498
Ilan sa mga sikat na kilala natin,
masasabing nakapagsimula

1698
01:31:01,582 --> 01:31:03,792
dahil binigyan sila
ng break ni Tyler Perry.

1699
01:31:04,251 --> 01:31:06,003
Di maliit na bagay 'yon.

1700
01:31:06,628 --> 01:31:11,091
Panay ang tira sa akin ng negatibo
tungkol sa "Dapat ganito siya, ganiyan.

1701
01:31:11,175 --> 01:31:13,927
"Ang sama niya…"
Nakatingin na lang ako sa kahahantungan.

1702
01:31:14,344 --> 01:31:18,974
Media titan na si Tyler Perry,
isa sa power player ng Hollywood.

1703
01:31:19,057 --> 01:31:22,686
Sino'ng filmmaker
ang may limang pelikulang pumatok

1704
01:31:22,769 --> 01:31:23,937
sa nakaraang apat na taon?

1705
01:31:24,771 --> 01:31:26,773
Kay Tyler Perry ang rekord na 'to.

1706
01:31:26,857 --> 01:31:28,150
Magiging maganda 'to!

1707
01:31:29,735 --> 01:31:31,612
Ang entertainment icon ang mastermind

1708
01:31:31,695 --> 01:31:34,573
sa likod ng dose-dosenang pelikula,
plays, at TV shows.

1709
01:31:34,656 --> 01:31:38,327
Pinangalanan siya ng Forbes Magazine
bilang ikatlo sa pinakakumitang Black,

1710
01:31:38,410 --> 01:31:40,329
sa kitang $125 milyon kada taon.

1711
01:31:40,412 --> 01:31:43,457
Higit $400 milyon ang kinita
ng mga pelikula ni Tyler Perry

1712
01:31:43,540 --> 01:31:44,791
sa nakaraang limang taon.

1713
01:31:44,875 --> 01:31:47,127
873 milyon sa buong mundo.

1714
01:31:47,211 --> 01:31:48,587
Ang pelikulang A Madea Christmas.

1715
01:31:48,670 --> 01:31:52,966
Sunod-sunod ang benta ni Tyler.

1716
01:31:53,050 --> 01:31:55,552
At sa wakas, nagising ang mga tao.

1717
01:31:56,345 --> 01:31:59,181
Kakaiba talaga si Tyler Perry.

1718
01:31:59,264 --> 01:32:01,350
Kaya makikipagkasundo ka
sa kanya sa negosyo

1719
01:32:01,433 --> 01:32:02,851
nang ibang-iba.

1720
01:32:02,935 --> 01:32:05,145
Binabalikan ko pa rin ang usapan namin

1721
01:32:05,229 --> 01:32:06,480
nang magsimula ang pandemic.

1722
01:32:06,563 --> 01:32:09,524
Binalita kamakailan
ang media mogul na si Tyler Perry

1723
01:32:09,608 --> 01:32:12,361
nang ianunsiyo niyang
magbabalik na sila sa produksyon.

1724
01:32:13,987 --> 01:32:16,990
Nasa 360 empleado ko sa mga palabas na 'to

1725
01:32:17,074 --> 01:32:20,661
na may inaalagaang mga pamilya
at kailangang magtrabaho.

1726
01:32:20,744 --> 01:32:23,497
Di ako makapaghihintay ng plano.
Dapat may gawin ako.

1727
01:32:23,580 --> 01:32:25,582
Naniniwala si Tyler.

1728
01:32:25,666 --> 01:32:28,377
Siguro dahil sa pananalig niya,
dahil sa pinagdaanan niya,

1729
01:32:28,460 --> 01:32:32,172
pero sa lakas niya,
sa pananalig sa sarili niya.

1730
01:32:34,675 --> 01:32:37,219
Nakakaantig ng mga damdamin. Naantig ako.

1731
01:32:37,928 --> 01:32:41,932
Si Tyler Perry, ang award-winning actor,
writer, producer, director, at author

1732
01:32:42,015 --> 01:32:47,187
ay isang studio mogul,
at hindi pa tapos ang kuwentong ito.

1733
01:32:52,150 --> 01:32:54,695
Nang itayo ko ang studio ko,
itinayo ko ito sa lugar na

1734
01:32:54,778 --> 01:32:57,197
isa sa pinakamahihirap
na Black neighborhood sa Atlanta

1735
01:32:57,281 --> 01:33:00,742
para makita ng mga batang Black
na nagawa 'yon ng isang Black

1736
01:33:00,826 --> 01:33:02,160
at kaya rin nila 'yon.

1737
01:33:04,871 --> 01:33:07,833
Dating Confederate Army base ang studio,

1738
01:33:07,916 --> 01:33:11,086
ibig sabihin, may mga Confederate
na sundalo sa baseng 'yon,

1739
01:33:11,169 --> 01:33:15,757
nagpaplano kung paano mapapanatiling
alipin ang 3.9 milyong Negro.

1740
01:33:15,841 --> 01:33:18,719
Ngayon, pag-aari na ang lupain
ng isang Negro.

1741
01:33:24,391 --> 01:33:26,184
Mahal ko kayo. Salamat.

1742
01:33:31,523 --> 01:33:33,400
Ano ito? Ano'ng tinitingnan natin?

1743
01:33:33,483 --> 01:33:38,655
Nakatingin tayo sa Fort McPherson,
na magiging Tyler Perry Studios.

1744
01:33:38,739 --> 01:33:40,324
Ang bagong Tyler Perry Studio.

1745
01:33:40,407 --> 01:33:41,533
Ang bagong Tyler Perry…

1746
01:33:41,616 --> 01:33:43,160
Ang ultimate na Tyler Perry Studio.

1747
01:33:43,243 --> 01:33:45,620
Oo. At gaano ka nasasabik?

1748
01:33:45,704 --> 01:33:46,913
Sabik na sabik.

1749
01:33:48,582 --> 01:33:49,708
Nakaka-overwhelm.

1750
01:33:49,791 --> 01:33:54,212
Pero dama kong ang mangyayari dito
ay mahiwaga, kaya nasasabik ako.

1751
01:34:02,262 --> 01:34:05,390
Hindi mo alam 'yong pakiramdam
na magkaroon ng asset

1752
01:34:05,474 --> 01:34:06,767
mula sa United States Army.

1753
01:34:06,850 --> 01:34:10,479
'Yong mga kailangang gawin
sa tradisyonal na real estate transaction…

1754
01:34:10,562 --> 01:34:12,814
Sasabihin lang ng army,
"Sige, gawin natin."

1755
01:34:12,898 --> 01:34:15,650
Pero mayor ako rito
noong wala pang laman ito.

1756
01:34:15,734 --> 01:34:18,445
Iniwang bakante ang Fort McPherson…

1757
01:34:18,528 --> 01:34:22,240
Isa itong sitwasyon
na maaaring naging talagang masama

1758
01:34:22,324 --> 01:34:26,078
at hihila pababa ng komunidad
ng mga manggagawa.

1759
01:34:26,161 --> 01:34:29,581
Dahil sa ginawa niya sa Fort MacPherson,

1760
01:34:29,664 --> 01:34:32,918
sangkapat ng bilyong dolyar
na investment sa military base,

1761
01:34:33,001 --> 01:34:35,670
nagkaroon ng pagkakataon
ang siyudad na makinabang

1762
01:34:35,754 --> 01:34:39,674
dahil pinataas niya ang halaga
ng mga property na malapit dito.

1763
01:34:39,758 --> 01:34:41,968
Lagi talaga siyang nagbibigay.

1764
01:34:42,219 --> 01:34:47,140
Ang pasilidad na ito ay signal
sa buong motion picture business,

1765
01:34:47,224 --> 01:34:50,894
ang kalidad ng mga relasyong
dinadala niya sa campus na ito,

1766
01:34:50,977 --> 01:34:53,563
napunta ang base
sa kamay ng nararapat dito.

1767
01:34:54,981 --> 01:34:58,902
Welcome sa unang araw ng shooting dito
sa Tyler Perry Studios.

1768
01:35:02,406 --> 01:35:05,075
At di ko masabi sa inyo ang halaga sa akin

1769
01:35:05,992 --> 01:35:09,704
na ibinigay ko ang susi ng baseng ito
sa isang Black na tao.

1770
01:35:13,583 --> 01:35:17,295
Dinagsa ng mga artista ang Atlanta
nitong Sabado ng gabi…

1771
01:35:19,631 --> 01:35:22,134
…para ipagdiwang ang grand opening
ng Tyler Perry Studios.

1772
01:35:23,844 --> 01:35:27,514
Ang studio, na nasa 134 ektarya ang lawak,
ay nasa lupaing

1773
01:35:27,597 --> 01:35:31,852
dating Fort McPherson Army Base
sa Southwest Atlanta.

1774
01:35:32,978 --> 01:35:38,900
Si Tyler Perry, ang pinakamatagumpay na
African American filmmaker sa kasaysayan.

1775
01:35:43,864 --> 01:35:46,158
-At ito ang regalo ko?
-Oo.

1776
01:35:46,241 --> 01:35:49,536
Mahal ka namin, at proud kami sa 'yo.
Subukan mong wag maiyak.

1777
01:35:49,619 --> 01:35:50,495
Salamat.

1778
01:35:50,579 --> 01:35:52,622
Ang ganda nito. Susuotin ko ito mamaya.

1779
01:35:52,706 --> 01:35:55,208
Itatapon ko itong laso para sa 'yo, okay?

1780
01:35:55,292 --> 01:35:57,586
May iba akong cufflinks,
pero espesyal ito.

1781
01:35:57,669 --> 01:36:00,255
Espesyal talaga ang mga 'to.
Itatago ko ito habambuhay.

1782
01:36:00,338 --> 01:36:01,965
-Para sa 'yo, Papa.
-Salamat.

1783
01:36:02,048 --> 01:36:06,678
Sa 'yo na, itago mo ang card at picture.

1784
01:36:06,761 --> 01:36:09,890
Ang nakalagay, "Mahal kita, Papa."

1785
01:36:09,973 --> 01:36:11,224
Salamat, mahal ko.

1786
01:36:11,308 --> 01:36:12,726
Puwedeng payakap?

1787
01:36:12,809 --> 01:36:14,227
Napakasarap.

1788
01:36:14,895 --> 01:36:19,858
Pakiramdam ko, para sa people of color,
may mala-Disney na katangian si Tyler.

1789
01:36:21,526 --> 01:36:25,572
Ang talagang pambihira
sa kuwento ni Tyler,

1790
01:36:25,655 --> 01:36:28,867
mayroon siyang kambal na utak,
isa sa creative at isa sa business.

1791
01:36:30,285 --> 01:36:31,828
Kaunti lang ang may ganoon.

1792
01:36:31,912 --> 01:36:35,916
Madali lang para sa aking malaman
na siya ang tamang tao

1793
01:36:35,999 --> 01:36:39,002
para maging tagapangalaga
ng Fort McPherson.

1794
01:36:39,085 --> 01:36:41,213
Ganoon din ang asawa kong si George Lucas.

1795
01:36:41,296 --> 01:36:44,049
Ginawa niya ang studio niya
sa labas ng Hollywood system,

1796
01:36:44,132 --> 01:36:48,845
at binibigyan ako n'on ng perspektibo
sa nilalabanan ni Tyler.

1797
01:36:48,929 --> 01:36:53,391
At ginawa iyon ni George bilang puti,
at napakahirap na n'on.

1798
01:36:53,475 --> 01:36:55,727
At ginawa ito ni Tyler bilang Black.

1799
01:36:55,810 --> 01:36:57,479
Kailangan mong manalamin

1800
01:36:57,562 --> 01:37:00,524
at magkaroon ng tapat
na usapan sa sarili mo.

1801
01:37:00,607 --> 01:37:04,611
Bago dumating si Mr. Perry at ang studio,
kailangan mong lumapit sa mga puti.

1802
01:37:05,320 --> 01:37:08,865
Pero napagtanto niyang may lugar
kung saan magagawa ko ang gusto ko,

1803
01:37:08,949 --> 01:37:11,952
at siya ang dulo ng sibat
na nagpatunay na kaya namin.

1804
01:37:13,787 --> 01:37:15,372
Napakaganda ng grand opening.

1805
01:37:15,455 --> 01:37:18,083
Black reunion iyon.

1806
01:37:22,837 --> 01:37:27,092
Colin Kaepernick, Cicely Tyson,
Jay-Z, Beyoncé.

1807
01:37:27,175 --> 01:37:32,514
Iyon ang pakiramdam
na nararapat sa atin bilang kultura.

1808
01:37:34,349 --> 01:37:36,685
Makasaysayan ang gabing ito,

1809
01:37:36,768 --> 01:37:40,021
di lang para kay Tyler Perry,
pero para sa lahat ng narito sa Atlanta.

1810
01:37:40,105 --> 01:37:43,608
-Superfans! Fans kami!
-Stargazers kami!

1811
01:37:43,692 --> 01:37:46,194
Ang saya nito.

1812
01:37:46,695 --> 01:37:49,489
At dahil naroon siya sa Atlanta.

1813
01:37:49,573 --> 01:37:53,952
Tipong, karapatang sibil ito,
pagkilos ito, lahat-lahat na.

1814
01:37:54,035 --> 01:37:57,163
Bangon, Tyler Perry! Bangon!

1815
01:37:57,706 --> 01:38:01,042
Ang pangalan mo ay nasa sound stage na
ng Tyler Perry Studios.

1816
01:38:01,126 --> 01:38:03,044
Ano'ng pakiramdam?

1817
01:38:03,128 --> 01:38:06,131
Di ko akalaing may Black
na magkakamalaking studio gaya nito.

1818
01:38:06,214 --> 01:38:09,593
May talas ng isip at determinasyon
si Tyler na higit kaysa marami sa atin.

1819
01:38:11,261 --> 01:38:12,679
Tama, kapatid.

1820
01:38:13,763 --> 01:38:15,307
Tungkol sa inspirasyon ang gabing ito.

1821
01:38:15,390 --> 01:38:18,435
Kung gaano karaming tao
ang mahihimok kong mangarap pa.

1822
01:38:18,518 --> 01:38:20,645
Pag nangyari 'yon,
nagawa ko na ang dapat gawin.

1823
01:38:20,729 --> 01:38:21,563
Salamat.

1824
01:38:21,646 --> 01:38:24,482
Makasaysayan ito, dahil ang ginawa niya
ay di pa nagagawa dati.

1825
01:38:24,566 --> 01:38:26,526
Ang ganda n'on para sa Black.

1826
01:38:26,610 --> 01:38:28,653
Di lang ito mahalaga
para sa kulturang Black,

1827
01:38:28,737 --> 01:38:29,904
mahalaga ito para sa kultura.

1828
01:38:29,988 --> 01:38:32,449
Sinabi ni Tyler Perry,
"Di ko hihingin ang pera n'yo,

1829
01:38:32,532 --> 01:38:34,284
"Di ko hihingin ang studios n'yo,"

1830
01:38:34,367 --> 01:38:36,119
nagsarili siya.

1831
01:38:41,708 --> 01:38:43,418
-Hingang-malalim.
-Hindi, ayos lang ako.

1832
01:38:43,501 --> 01:38:46,296
Iniisip ko lang,
malalagpasan kaya natin itong susunod?

1833
01:38:46,379 --> 01:38:47,631
Okay, handa na?

1834
01:38:50,508 --> 01:38:52,802
Maraming salamat. Maraming salamat.

1835
01:38:52,886 --> 01:38:54,721
Kilala mo ako. Tuso ako, at titingin ako.

1836
01:38:54,804 --> 01:38:56,890
Nag-private tour ako no'ng dumating ako.

1837
01:38:56,973 --> 01:38:58,767
-God bless, pare.
-Ginawa Niya, di ba?

1838
01:38:58,850 --> 01:39:00,185
Ang galing.

1839
01:39:04,230 --> 01:39:07,400
Pag nakita tayo ng mga tao,
ang lakas n'on.

1840
01:39:07,484 --> 01:39:08,318
Oo nga.

1841
01:39:08,693 --> 01:39:09,903
Halika, pare.

1842
01:39:09,986 --> 01:39:11,821
Tara sa makasaysayang samahang ito.

1843
01:39:11,905 --> 01:39:13,365
-Black excellence ito.
-Oo nga.

1844
01:39:14,074 --> 01:39:15,742
Ang astig n'on!

1845
01:39:15,825 --> 01:39:17,619
May mga ikukuwento ako sa 'yo.

1846
01:39:17,702 --> 01:39:19,287
Kumusta?

1847
01:39:22,791 --> 01:39:24,125
Ang guwapo mo sa tux mo.

1848
01:39:24,209 --> 01:39:25,502
Nakasuot tayo ng bow ties.

1849
01:39:25,585 --> 01:39:28,129
Guwapo. Guwapo.

1850
01:39:28,213 --> 01:39:29,422
Lakad-lakad tayo?

1851
01:39:34,344 --> 01:39:35,428
Kumusta ka?

1852
01:39:36,554 --> 01:39:37,972
Si Tyler ba ang katabi ko?

1853
01:39:38,056 --> 01:39:40,475
May naisip lang ako.

1854
01:39:40,558 --> 01:39:42,185
Kumusta, pare? Kumusta?

1855
01:39:42,268 --> 01:39:44,396
Oo, magsisimula na tayo.

1856
01:39:44,771 --> 01:39:49,943
Pagdating ko sa studio,
at nakalagay roon, "Tyler Perry Studios,"

1857
01:39:50,026 --> 01:39:52,237
sabi ko, sandali lang.

1858
01:39:52,320 --> 01:39:54,280
Tapos, napagtanto kong

1859
01:39:54,364 --> 01:39:58,451
nakilala ko ang unang Black na may-ari

1860
01:39:58,535 --> 01:40:00,537
ng isang movie studio.

1861
01:40:00,620 --> 01:40:02,414
Hindi lang movie studio,

1862
01:40:02,497 --> 01:40:06,126
kundi movie studio na tatalo

1863
01:40:06,209 --> 01:40:10,088
sa bawat studio sa Hollywood.

1864
01:40:10,171 --> 01:40:14,634
Aniya, "Magpapangalan ako
ng soundstage sa 'yo."

1865
01:40:14,718 --> 01:40:18,388
Ang Whoopi Goldberg Sound Stage.

1866
01:40:24,102 --> 01:40:28,523
Hindi sa pagiging bastos,
pero hindi mangyayari 'to sa LA.

1867
01:40:29,566 --> 01:40:32,110
Hindi ako ganoon sa kanila.

1868
01:40:33,945 --> 01:40:39,868
Pero naunawaan kong
kapag nawala ako bukas…

1869
01:40:41,745 --> 01:40:44,289
Nasa mabuting kamay ang movie business.

1870
01:40:47,834 --> 01:40:49,335
Gusto kong pasalamatan ang honorees

1871
01:40:49,419 --> 01:40:51,588
sa pagpapahiram ng pangalan nila
sa sandaling ito.

1872
01:40:52,672 --> 01:40:54,048
Apat na raang taon na ngayon.

1873
01:40:54,132 --> 01:40:56,885
Ito rin ang taon ng jubilee.

1874
01:40:57,510 --> 01:41:00,805
At para mangyari ang sandaling ito,

1875
01:41:00,889 --> 01:41:05,101
at ang mangyari ito sa akin,
ay hindi ko lubos maisip.

1876
01:41:07,312 --> 01:41:08,563
Lahat tayo, may tadhana.

1877
01:41:08,646 --> 01:41:11,566
May mga ninuno tayo at mga taong
ipinagdasal tayo,

1878
01:41:11,649 --> 01:41:15,278
na nagtiis ng kung ano-ano
para makatayo sa posisyong ito.

1879
01:41:16,571 --> 01:41:18,406
Gusto kong pag-isipan n'yo ito.

1880
01:41:18,490 --> 01:41:19,949
Bakit kayo narito?

1881
01:41:20,033 --> 01:41:21,576
Para saan ang sandaling ito?

1882
01:41:21,659 --> 01:41:23,161
Hindi lang ito tungkol sa party.

1883
01:41:23,912 --> 01:41:28,124
Tungkol ito sa pangarap n'yo,
na nakakatayo tayo rito,

1884
01:41:28,208 --> 01:41:31,127
at kinikilala nang pantay-pantay.

1885
01:41:33,087 --> 01:41:34,798
Ganito ang Amerika.

1886
01:41:36,216 --> 01:41:39,177
Dahil nakatali ang tadhana ng mga tao
sa pangarap n'yo.

1887
01:41:58,738 --> 01:42:01,324
Kabataan, hindi iyon agad
na nangyayari sa umpisa.

1888
01:42:01,866 --> 01:42:04,536
Wag kayong malungkot
kung di 'yon mangyari pag 20 kayo,

1889
01:42:04,619 --> 01:42:06,538
at di 'yon mangyari pag 25 na kayo,

1890
01:42:06,621 --> 01:42:08,748
at di 'yon mangyari gaya ng inaakala n'yo.

1891
01:42:08,832 --> 01:42:11,251
Hindi ibig sabihin, di na mangyayari.

1892
01:42:11,334 --> 01:42:14,087
Nakikita n'yo na si Tyler ngayon,
pero di n'yo siya kita noon.

1893
01:42:14,170 --> 01:42:15,797
Singkuwenta na si Tyler.

1894
01:42:15,880 --> 01:42:18,424
Matagal ang inaabot ng kadakilaan.

1895
01:42:19,092 --> 01:42:22,971
Matagal ang inaabot ng kadakilaan.
Matagal ang inaabot ng kadakilaan.

1896
01:42:23,054 --> 01:42:24,681
Matagal ang inaabot ng kadakilaan.

1897
01:42:24,764 --> 01:42:27,016
Di ka makakaakyat nang mabilisan.

1898
01:42:27,725 --> 01:42:29,978
Pero kung lalabanan mo
ang bagyo, at ang pag-atake,

1899
01:42:30,061 --> 01:42:32,647
at mga pagsubok,
at mga ihip ng hangin, at bigat,

1900
01:42:32,730 --> 01:42:35,900
may magandang mangyayari dito.

1901
01:42:35,984 --> 01:42:39,571
Nagbubukas ang Diyos ng pinto,
ng magandang pinto,

1902
01:42:39,654 --> 01:42:42,615
at sa wakas may didinig sa 'yo
o makakapansin sa 'yo…

1903
01:42:43,992 --> 01:42:45,618
…at magbubukas ng pinto para sa 'yo.

1904
01:42:46,786 --> 01:42:50,540
At gusto kong pasalamatan si Tyler Perry
sa di paghinto sa paghanap ng pinto mo,

1905
01:42:50,623 --> 01:42:53,334
pero ang pinto mo ang platform namin.

1906
01:42:53,418 --> 01:42:58,423
Nagbukas ka ng pinto para ang mga taong
hindi mapapansin saanman

1907
01:42:58,506 --> 01:43:03,052
ay makakapasok at magkakaroon ng pag-asa,
gaya ng mga dapat palakpakan,

1908
01:43:03,136 --> 01:43:07,056
dapat makarinig ng hiyawan,
at dapat na gayahin at kamulatan.

1909
01:43:07,140 --> 01:43:09,809
Na dapat ipagpuri sa Panginoon.

1910
01:43:12,353 --> 01:43:15,440
Pero lumutang ka sa itaas
ng tubig kung saan nalunod ang iba,

1911
01:43:15,523 --> 01:43:20,111
at kung hindi ka magtagumpay,
sumigaw ka dahil nabuhay ka.

1912
01:43:21,779 --> 01:43:26,743
Dapat handa ka munang mabuhay
bago ka maging matagumpay.

1913
01:43:27,368 --> 01:43:29,871
Lahat ng nangyaring mali sa buhay mo,

1914
01:43:29,954 --> 01:43:33,750
ang siyang nagdala ng tama sa buhay mo.

1915
01:43:39,047 --> 01:43:40,173
Ano…

1916
01:43:46,095 --> 01:43:47,263
'Yong…

1917
01:43:57,148 --> 01:43:58,524
Kasi…

1918
01:43:59,400 --> 01:44:01,903
Ang intensiyon ko talaga,

1919
01:44:01,986 --> 01:44:07,867
namin ni Gelila, ay magpalaki
ng isang mabuti at mabait na tao,

1920
01:44:07,951 --> 01:44:11,829
na… pambihira,

1921
01:44:12,664 --> 01:44:15,458
at pinararangalan ang Diyos, na…

1922
01:44:17,794 --> 01:44:22,215
Napagtanto ko, 11 taon ang nakararaan,
nakaupo ako roon nang gawin namin ito.

1923
01:44:22,298 --> 01:44:25,093
Kasama ko ang nanay kong
namatay noong 2009,

1924
01:44:25,176 --> 01:44:29,180
at ngayon, kasama ko na siya, at…

1925
01:44:32,892 --> 01:44:37,188
May circle of life.

1926
01:44:37,271 --> 01:44:39,399
Nalimot ko na ang dapat kong sabihin.

1927
01:44:40,441 --> 01:44:43,569
Pero, salamat sa inyong lahat
para sa lahat...

1928
01:44:52,537 --> 01:44:57,750
Pinrotektahan ng Diyos si Tyler
sa paraang, "Maging payapa ka.

1929
01:44:58,710 --> 01:45:00,920
"Ako ang bahala, at pinoprotektahan kita."

1930
01:45:01,004 --> 01:45:02,880
Kaya ipinaranas Nito sa kanya ang lahat

1931
01:45:02,964 --> 01:45:05,925
para marating niya
ang kinaroroonan niya ngayon,

1932
01:45:06,009 --> 01:45:11,556
dahil para makayanan ang sakit
at pagpapahirap at gulong 'yon,

1933
01:45:12,473 --> 01:45:14,308
talagang may plano sa 'yo ang Panginoon.

1934
01:45:30,908 --> 01:45:32,535
Huwag n'yo siyang maliitin,

1935
01:45:33,661 --> 01:45:36,914
dahil di lang siya basta mapalad,

1936
01:45:36,998 --> 01:45:40,710
at mayamang Negro na naging Black.

1937
01:45:42,003 --> 01:45:45,840
'Yong magamit ang nakita niya
bilang pagkakataon

1938
01:45:45,923 --> 01:45:48,009
para maabot ang grupo ng tao

1939
01:45:48,092 --> 01:45:53,264
at ang magawa itong multibillion-dollar
na negosyo sa hinaharap

1940
01:45:53,347 --> 01:45:56,893
ay ang sinusubukang gawin ng iba pa.

1941
01:45:57,435 --> 01:45:59,604
Tingin ko, mahalagang ikuwento ito,

1942
01:45:59,687 --> 01:46:03,524
dahil dapat maunawaan ng mga tao
kung gaano siya nagpapakahirap

1943
01:46:03,608 --> 01:46:07,361
at gaano kahirap ang lahat ng ito
para makagawa ng mga oportunidad

1944
01:46:07,445 --> 01:46:10,615
na kailangan talaga ngayon sa mundo.

1945
01:46:10,698 --> 01:46:14,035
At tandaan natin,
ang mga manonood ang nagpapasya.

1946
01:46:14,118 --> 01:46:15,078
Hindi ang mga kritiko.

1947
01:46:15,161 --> 01:46:16,746
Hindi ang mga intelektuwal.

1948
01:46:16,829 --> 01:46:21,209
Ang mga manonood ang nagpapasya
kung maganda o pangit ito.

1949
01:46:21,292 --> 01:46:24,796
At hinahamon ko ang kahit sino na abutin

1950
01:46:24,879 --> 01:46:28,091
ang parehong tagumpay
na mayroon ang taong ito.

1951
01:46:28,925 --> 01:46:31,094
Salamat sa inyo para sa pagsisikap n'yo.

1952
01:46:31,177 --> 01:46:33,596
Di lang naantig ang damdamin ko.
Na-inspire ako.

1953
01:46:33,679 --> 01:46:37,225
Higit sa lahat,
umaasa akong nakuha n'yo ito.

1954
01:46:37,308 --> 01:46:40,228
'Yong mga nakatrabaho ko 20 taon
ang nakalipas, alam ito,

1955
01:46:40,311 --> 01:46:42,980
dahil may bugsong matagal nang nangyayari,

1956
01:46:43,064 --> 01:46:46,275
at pinanood ko ang ibang nakakuha n'on
na gumawa ng magagandang bagay,

1957
01:46:46,359 --> 01:46:47,276
kasama man ako o hindi.

1958
01:46:47,568 --> 01:46:50,113
Kaya sana nakuha n'yo ito.
Sana ginagalang n'yo ito,

1959
01:46:50,196 --> 01:46:53,241
Sana napagtanto n'yong napakaselan nito,
napakabilis mawala.

1960
01:46:53,324 --> 01:46:55,576
Na gaya ng alikabok, agad ding mawawala.

1961
01:46:55,660 --> 01:46:56,744
Sana nakita n'yo 'yon.

1962
01:46:56,828 --> 01:46:58,454
Dahil purong-puro ito, napakaespesyal.

1963
01:46:58,538 --> 01:47:00,206
Ito ang Diyos.

1964
01:47:00,289 --> 01:47:03,376
May ilan sa kuwartong ito
ang may napakagagaling na talento,

1965
01:47:03,459 --> 01:47:05,920
at mahusay talaga sila sa ginagawa nila.

1966
01:47:06,003 --> 01:47:08,256
Pero may iba pang mga bagay
na nangyayari sa kanila

1967
01:47:08,339 --> 01:47:13,761
na kung hindi nila maiuugnay
ang dusa nila sa kanilang biyaya,

1968
01:47:13,845 --> 01:47:17,140
magbabagong anyo ang biyaya nila,

1969
01:47:17,223 --> 01:47:19,684
na maaaring maging tulay
na magtatawid sa kanila,

1970
01:47:19,767 --> 01:47:22,019
at sa iba pa.

1971
01:47:23,229 --> 01:47:24,981
Marami sa atin ang may pinagdadaanan.

1972
01:47:25,064 --> 01:47:28,943
Marami siyang pinagdaanan
na nakasira sana sa kanya.

1973
01:47:29,026 --> 01:47:32,029
Puwede nitong masira ang isip niya
kung saan magpapalaboy siya

1974
01:47:32,113 --> 01:47:35,116
at maglalaho sa planeta

1975
01:47:35,199 --> 01:47:36,993
dahil sa pinagdaanan niya.

1976
01:47:37,076 --> 01:47:38,452
Pero di niya ginawa 'yon.

1977
01:47:38,536 --> 01:47:39,871
Matatag siya.

1978
01:47:39,954 --> 01:47:41,664
Kabaligtaran ang ginawa niya.

1979
01:47:41,747 --> 01:47:44,125
Nilabanan niya
ang mga diyablo, mga kritiko,

1980
01:47:44,208 --> 01:47:48,212
mga magnanakaw ng pangarap,
mga hater, mga tumutuligsa sa kanya.

1981
01:47:48,296 --> 01:47:50,131
Sabi ng iba, "Hindi ka magiging ganito."

1982
01:47:52,008 --> 01:47:53,593
"Kailangan kong maging ganito."

1983
01:47:54,302 --> 01:47:55,386
At nangyari nga.

1984
01:47:56,304 --> 01:47:58,014
Bakit ka nagpapakahirap?

1985
01:47:58,556 --> 01:48:00,391
Bakit ako nagpapakahirap?

1986
01:48:00,474 --> 01:48:04,520
Dahil gusto kong maging napakaganda
ng kinabukasan mo,

1987
01:48:04,604 --> 01:48:08,191
at gusto kong magkaroon tayo
ng magandang buhay.

1988
01:48:08,274 --> 01:48:12,945
At makapaglalakbay tayo at magsasaya
at makakatulong sa ibang tao.

1989
01:48:13,029 --> 01:48:14,739
Sa tingin mo, magandang ideya ba 'yon?

1990
01:48:15,323 --> 01:48:17,283
-Okay.
-At ikaw ang bayani ko.

1991
01:48:17,366 --> 01:48:18,284
Ako ang bayani mo?

1992
01:48:20,119 --> 01:48:21,454
Ikaw ang bayani ko.

1993
01:48:21,537 --> 01:48:23,456
-Salamat. Mahal kita.
-Ako rin.

1994
01:48:24,832 --> 01:48:26,417
Laging nakaabang sa susunod.

1995
01:48:26,500 --> 01:48:28,419
Dinadama mo ang sandali,
pero nagpaplano ka.

1996
01:48:28,502 --> 01:48:30,713
Nagpopokus at iniisip
ang susunod na hakbang,

1997
01:48:30,796 --> 01:48:31,839
pero naroon ka pa rin.

1998
01:48:33,257 --> 01:48:34,884
Di ibig sabihin, di ka nasisiyahan.

1999
01:48:34,967 --> 01:48:39,222
Ibig sabihin lang, lagi mong naiisip
na mayroon ka pang kailangang gawin.

2000
01:48:42,433 --> 01:48:43,559
Para sa akin.

2001
01:48:50,441 --> 01:48:51,859
Walang laman, at tapos na ako.

2002
01:48:56,113 --> 01:48:58,699
Kung puwedeng tumingin ka rito

2003
01:48:58,783 --> 01:49:02,203
at sabihin ang pangalan mo at sino ka.

2004
01:49:02,286 --> 01:49:03,287
Bakit?

2005
01:49:03,996 --> 01:49:05,706
Di mo alam na ako si Tyler Perry?

2006
01:49:05,790 --> 01:49:09,710
Kilala kita, pero gusto kong malaman
kung sino ka sa palagay mo.

2007
01:49:09,794 --> 01:49:11,671
Direktor ba ang tingin mo sa sarili mo?

2008
01:49:11,754 --> 01:49:12,797
Ano'ng paglalarawan sa 'yo?

2009
01:49:12,880 --> 01:49:15,424
"Ako si Tyler Perry, at isa akong ama."

2010
01:49:15,508 --> 01:49:17,176
Kahit anong gusto mong sabihin.

2011
01:49:35,069 --> 01:49:37,321
Ako si Tyler Perry, anak ni Maxine.

2012
01:50:43,179 --> 01:50:48,976
BILANG PAG-ALAALA…
WILLIE MAXINE PERRY

2013
01:54:45,170 --> 01:54:47,172
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Jessica Ignacio

2014
01:54:47,256 --> 01:54:49,258
Mapanlikhang Superbisor
Miray Lozada-Balanza



