1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:18,666 --> 00:00:20,958
Nangangarap ka ba ng magandang buhay?

4
00:00:21,041 --> 00:00:23,708
Buhay na hindi abot-kaya para sa iyo?

5
00:00:24,541 --> 00:00:27,208
May time donation program ang Aeon

6
00:00:27,291 --> 00:00:30,500
na nagbabayad ng malaki
sa bawat taon ng buhay na ipagkakaloob mo.

7
00:00:31,875 --> 00:00:34,083
Minimally invasive ang proseso,

8
00:00:34,166 --> 00:00:37,416
at araw-araw ginagawa
sa aming mga klinika.

9
00:00:37,500 --> 00:00:40,083
Magpa-DNA test na ngayon.

10
00:00:40,166 --> 00:00:43,166
Ihahanap ka namin
ng ka-match na resipyente ng oras.

11
00:00:43,958 --> 00:00:44,791
BENJAMIN
EDAD 39

12
00:00:44,875 --> 00:00:48,750
Mahigit 200,000 donor na ang nagbigay
ng libo-libong taon ng buhay

13
00:00:49,958 --> 00:00:52,208
at natupad ang mga pangarap.

14
00:00:52,291 --> 00:00:53,583
EVA
EDAD 21

15
00:00:54,458 --> 00:00:58,083
Dahil sa Aeon, naniniwala kami
na kapag nagbigay ka ng oras,

16
00:00:58,166 --> 00:00:59,750
tutumbasan ito ng buhay.

17
00:00:59,833 --> 00:01:02,500
NKEIRU
EDAD 18

18
00:01:02,583 --> 00:01:04,583
Piliin mo ang mga pangarap mo.

19
00:01:06,791 --> 00:01:10,333
At tandaan mong
pinagaganda ka lang ng edad mo.

20
00:01:13,291 --> 00:01:16,333
Mag-donate ng oras
at simulan ang bago mong buhay.

21
00:01:18,541 --> 00:01:21,583
Oras mo. Pagkakataon mo. Desisyon mo.

22
00:01:22,083 --> 00:01:24,458
Mula edad 18.
Kailangan ng DNA compatibility.

23
00:01:24,541 --> 00:01:25,875
Aabot nang 2-3 araw.

24
00:01:25,958 --> 00:01:28,833
Makararanas ng sakit ng ulo,
pagod, pagkatuliro.

25
00:01:28,916 --> 00:01:32,041
Bisitahin ang aeon.de
o kausapin ang donation manager.

26
00:01:34,291 --> 00:01:35,333
Labinlimang taon?

27
00:01:37,458 --> 00:01:40,916
Ang nasa isip ko,
mga tatlo o lima lang siguro.

28
00:01:41,750 --> 00:01:44,208
Alam ko, Denys. Alok lang naman ito.

29
00:01:45,000 --> 00:01:47,333
Pagdami ng taon, pagtaas ng bayad.

30
00:01:48,416 --> 00:01:52,291
Kapag nag-donate ka ng 15 taon,
makatatanggap ka ng 700,000 euro.

31
00:01:54,250 --> 00:01:56,875
Kasi, kaka-18 taon ko pa lang.

32
00:01:58,583 --> 00:02:00,916
Parang sobra ito para sa akin ngayon.

33
00:02:03,541 --> 00:02:08,208
Mr. Bondar, kailan mo pa hinihintay
ang visa mo? Pagkapanganak ni Denys?

34
00:02:10,125 --> 00:02:12,250
Paumanhin sa pagiging prangka, pero…

35
00:02:13,166 --> 00:02:14,666
malamang, wala na iyon.

36
00:02:15,625 --> 00:02:18,541
Mamamatay ka na rito o made-deport,
pati si Denys.

37
00:02:20,500 --> 00:02:25,916
Pero kung may 700,000 euro ka,
legal mong maiaalis rito ang pamilya mo.

38
00:02:26,000 --> 00:02:29,250
Sapat nang puhunan iyon
para makatanggap ng citizenship.

39
00:02:31,000 --> 00:02:32,875
Gusto ng ama mo ng tindahan?

40
00:02:34,416 --> 00:02:35,375
Oo.

41
00:02:35,458 --> 00:02:37,541
Gaano katagal mo iyon tatrabahuhin?

42
00:02:38,125 --> 00:02:39,750
Hindi sapat ang 15 taon.

43
00:02:45,916 --> 00:02:47,083
Ginawa ko rin ito.

44
00:02:48,833 --> 00:02:50,166
Kaedad mo ako noon.

45
00:02:51,166 --> 00:02:54,791
Sa akin, limang taon.
Sapat para makabayad sa unibersidad.

46
00:02:56,958 --> 00:02:58,708
Kung gusto mo ng magandang buhay

47
00:02:59,250 --> 00:03:00,333
para sa sarili mo,

48
00:03:01,500 --> 00:03:02,541
sa pamilya mo,

49
00:03:03,125 --> 00:03:05,666
para ka na nitong nanalo sa lotto.

50
00:03:09,625 --> 00:03:11,416
Paano ko ipapaliwanag sa nobya ko?

51
00:03:13,541 --> 00:03:15,958
Pakasalan mo siya at umalis kayo rito.

52
00:03:43,000 --> 00:03:45,666
Uy. Tatawagan pa lang sana kita.

53
00:03:45,750 --> 00:03:48,500
Ah. Uy, nasa Field ka pa?

54
00:03:48,583 --> 00:03:51,750
-Mahalagang araw ngayon.
-Erika, kumalma ka.

55
00:03:51,833 --> 00:03:56,041
Nasa bahay ako ni Denys Bondar.
Muntik na niyang itapon ang pagkakataon.

56
00:03:56,125 --> 00:03:57,000
Max.

57
00:03:57,083 --> 00:04:00,000
Tutulungan ko ang mga donor ko
o magcha-champagne?

58
00:04:00,083 --> 00:04:00,916
Tumigil ka na.

59
00:04:01,000 --> 00:04:02,333
Bilisan mo na.

60
00:05:12,208 --> 00:05:13,625
AKIN ANG ORAS KO

61
00:05:13,708 --> 00:05:15,541
Hoy! Kupal ka!

62
00:05:19,166 --> 00:05:20,291
Alis!

63
00:05:44,750 --> 00:05:45,833
Max, sa wakas!

64
00:05:53,500 --> 00:05:55,000
Naipadala ko na sa iyo.

65
00:05:55,833 --> 00:05:57,625
Labinlimang taon.

66
00:05:57,708 --> 00:06:00,000
Tama na ang yabang. Late ka pa rin.

67
00:06:05,625 --> 00:06:08,666
Isang scientist ang talagang umangat.

68
00:06:08,750 --> 00:06:11,583
Sa pinakahuli nilang pagpapaigi
sa DNA matching,

69
00:06:11,666 --> 00:06:14,708
si Dr. Mortensen
at ang magaling niyang team

70
00:06:14,791 --> 00:06:18,875
ay mas pinadali ang buhay
ng ating mga tagahanap ng donor.

71
00:06:23,583 --> 00:06:28,250
At ngayon, palakpakan natin
ang ating sunod na Aeonian ng Taon.

72
00:06:28,333 --> 00:06:30,500
Ang Donation Manager ng Taon,

73
00:06:30,583 --> 00:06:32,166
Max Toma!

74
00:06:33,875 --> 00:06:36,666
Binabati kitang loko ka.
Akyat na sa entablado.

75
00:06:39,833 --> 00:06:42,833
Nakapag-ahente na siya ng 276 na taon,

76
00:06:42,916 --> 00:06:45,458
at ni hindi pa tapos ang quarter na ito.

77
00:06:46,333 --> 00:06:50,958
Pero empatiya at sinseridad ni Max
ang totoong nagpapanalo sa kanya.

78
00:06:51,041 --> 00:06:53,041
Ang mga donor na pinayuhan ni Max

79
00:06:53,125 --> 00:06:56,083
ay laging kusang bumabalik sa Aeon.

80
00:06:56,166 --> 00:06:57,375
Binabati kita.

81
00:07:05,125 --> 00:07:08,833
At ngayon, ang babaeng
pinakahihintay natin.

82
00:07:08,916 --> 00:07:11,375
Ang utak sa likod ng mga chrono transfer,

83
00:07:11,458 --> 00:07:13,708
ang CEO natin, si Sophie Theissen!

84
00:07:25,458 --> 00:07:27,708
Ipinagmamalaki namin kayong lahat.

85
00:07:28,541 --> 00:07:29,375
Binabati kita.

86
00:07:30,166 --> 00:07:31,000
Salamat.

87
00:07:33,666 --> 00:07:35,833
Wolfgang Amadeus Mozart.

88
00:07:36,666 --> 00:07:38,708
Namatay sa edad na 35.

89
00:07:38,791 --> 00:07:41,500
Ano'ng hindi matutumbasan
na yamang musikal

90
00:07:41,583 --> 00:07:45,666
ang habambuhay nang nawala sa atin
dahil sa maaga niyang pagkamatay?

91
00:07:46,375 --> 00:07:50,000
Isipin natin saglit,
paano kung nabuhay siya hanggang 80,

92
00:07:50,083 --> 00:07:51,125
120,

93
00:07:52,291 --> 00:07:54,125
o kaya 150 taong gulang.

94
00:07:54,750 --> 00:07:58,250
O kaya naman
si Friedrich Schiller, Frida Kahlo,

95
00:07:58,333 --> 00:08:00,416
Nelson Mandela, Marie Curie.

96
00:08:01,041 --> 00:08:02,708
Ano pa kayang magagawa nila?

97
00:08:02,791 --> 00:08:05,291
Sa mundo kung saan sa halip na edad,

98
00:08:06,000 --> 00:08:09,750
nasa tao ang pasiya
kung gaano katagal sila aambag sa lipunan.

99
00:08:10,250 --> 00:08:12,750
Kaya ikinatutuwa ko na mula ngayong araw,

100
00:08:12,833 --> 00:08:17,458
kasama na ang mga kasalukuyan
at mga magiging Nobel Prize winner

101
00:08:17,541 --> 00:08:19,416
sa database ng mga resipyente.

102
00:08:20,208 --> 00:08:24,083
Habang kausap ko kayo,
ang unang 15 scientist

103
00:08:24,166 --> 00:08:26,166
ay natanggap na ang donasyon nila.

104
00:08:26,750 --> 00:08:30,041
Nagpapalakas sila ngayon
sa ating Berlin Chrono Clinic.

105
00:08:30,125 --> 00:08:31,125
Propesor.

106
00:08:32,375 --> 00:08:34,000
Oras na para sa session mo.

107
00:08:34,666 --> 00:08:38,791
Doon, inihahanda sila
ng mga doktor at ng mga therapist natin

108
00:08:38,875 --> 00:08:40,833
para sa bago nilang buhay

109
00:08:40,916 --> 00:08:44,625
upang maituloy nila
ang kanilang research nang maraming taon.

110
00:08:44,708 --> 00:08:47,666
Kasama ang Aeon, para sa progreso.

111
00:08:48,166 --> 00:08:51,375
Ini-sponsor ng Lucy Theissen Foundation.

112
00:08:51,458 --> 00:08:55,666
LUCY THEISSEN FOUNDATION

113
00:09:00,666 --> 00:09:02,083
'Wag kang magmadali.

114
00:09:02,166 --> 00:09:04,583
Masanay ka na sa nakikita mo.

115
00:09:05,166 --> 00:09:06,875
Bata na ulit ang katawan mo.

116
00:09:11,250 --> 00:09:12,583
Ang ganda mo.

117
00:09:12,666 --> 00:09:15,708
Hindi kasi ako komportableng maghubad
sa harap mo.

118
00:09:15,791 --> 00:09:17,791
Ako pa rin naman ito.

119
00:09:19,291 --> 00:09:20,250
Hello.

120
00:09:20,333 --> 00:09:21,958
Maupo ka.

121
00:09:23,625 --> 00:09:26,500
Propesor, nakikita kong
matagumpay kang bumata.

122
00:09:26,583 --> 00:09:28,208
Naibabalik natin ang oras,

123
00:09:29,708 --> 00:09:32,500
pero hindi pa rin natin ito
tuluyang mapatigil.

124
00:09:33,458 --> 00:09:35,541
Kaya tuloy ang pagsasaliksik natin,

125
00:09:36,041 --> 00:09:39,375
hanggang sa di na tayo dinidiktahan
ng edad at kamatayan,

126
00:09:39,875 --> 00:09:41,333
kung di kabaligtaran na.

127
00:09:42,750 --> 00:09:45,541
Ang huling hakbang
para sa lubos na kalayaan.

128
00:09:46,666 --> 00:09:49,166
At hindi lang para sa nangungunang 10,000,

129
00:09:50,000 --> 00:09:52,708
kung di para sa lahat ng tao
sa planetang ito.

130
00:10:04,333 --> 00:10:05,166
Kumusta?

131
00:10:05,750 --> 00:10:08,541
Nakakalakad na ulit ako. Nakakamangha.

132
00:10:28,416 --> 00:10:30,625
Pinatay niya lahat ng 15 pasyente.

133
00:10:32,125 --> 00:10:34,375
Hinayaan niya ang nursing staff
at mga kamag-anak.

134
00:10:37,041 --> 00:10:39,875
Gawaing terorista ito ng Adam Group.

135
00:10:40,583 --> 00:10:43,208
Sinimulan na ng pulis
ang malawakang manhunt.

136
00:10:43,791 --> 00:10:45,166
Pero di pa nahahanap.

137
00:10:45,666 --> 00:10:48,500
Inako na ng Adam
ang pananagutan sa pag-atake.

138
00:10:48,583 --> 00:10:53,125
Ang mga time donation ay lumilikha
ng sistemang walang pagkakapantay-pantay.

139
00:10:53,708 --> 00:10:55,875
'Yung mga ikinakalakal ang panahon,

140
00:10:55,958 --> 00:10:58,291
ginagawa ring kalakal ang mga tao.

141
00:10:59,291 --> 00:11:01,458
Itinatrato ang tao na parang hayop.

142
00:11:02,541 --> 00:11:05,416
Ganoon ang ginawa
ng mga namatay sa Berlin.

143
00:11:06,000 --> 00:11:09,750
Sinumang magnakaw ng oras ng iba
ay babawian namin ng buhay.

144
00:11:09,833 --> 00:11:11,708
-May Nobel Prize o wala.
-Isara mo.

145
00:11:11,791 --> 00:11:13,750
Hahanapin namin sila at dadalhin…

146
00:11:14,958 --> 00:11:16,625
Paano nangyari ito?

147
00:11:18,708 --> 00:11:22,208
Pumasok siya bilang nurse
ilang buwan na ang nakararaan.

148
00:11:22,791 --> 00:11:26,250
Ako si Nowak,
bagong pinuno ng operasyon sa Berlin.

149
00:11:26,750 --> 00:11:29,208
Tinanggal na 'yung nauna sa kanya.

150
00:11:29,291 --> 00:11:32,000
Labing-anim na taon
sa kontra-terorismo ng Berlin Police.

151
00:11:32,083 --> 00:11:35,291
Una, background check
sa bawat empleyado sa Germany

152
00:11:35,375 --> 00:11:36,791
sakaling may tiktik pa.

153
00:11:36,875 --> 00:11:40,000
Naayos ko na.
Sa lahat ng empleyado sa buong mundo.

154
00:11:40,083 --> 00:11:42,583
Makakatulong kung sa sunod,
ang mga ganito…

155
00:11:42,666 --> 00:11:46,000
…ay pinag-usapan nang wala ako.
Maglalabas ako ng pahayag.

156
00:12:15,125 --> 00:12:16,750
Napakaromantiko,

157
00:12:16,833 --> 00:12:19,166
pero pauwi na ang asawa ko ngayon.

158
00:12:20,125 --> 00:12:21,125
Talaga?

159
00:12:21,958 --> 00:12:25,750
-Balita ko, seloso siya.
-Madalas ganoon kapag hindi guwapo.

160
00:12:27,625 --> 00:12:30,416
-Bumabawi ako sa ibang paraan.
-Nakita ko nga.

161
00:12:31,416 --> 00:12:33,083
Empleyado ng Taon!

162
00:12:34,916 --> 00:12:37,541
Baka magkabahay na tayo nito sa may lawa.

163
00:12:37,625 --> 00:12:40,708
Baliw. Ni di pa natin tapos bayaran
itong apartment.

164
00:12:41,208 --> 00:12:45,541
Ano naman? Tawag ka lang sa taga-bangko,
at bibigyan niya tayo ng loan.

165
00:12:46,583 --> 00:12:48,625
Maganda ang samahan n'yo.

166
00:12:49,541 --> 00:12:50,458
Gusto niya lang ako.

167
00:12:50,541 --> 00:12:53,750
Isipin mo, bahay sa tabi ng lawa.

168
00:12:53,833 --> 00:12:56,750
Oras na natin ito.
'Wag na tayong maghintay.

169
00:12:56,833 --> 00:12:58,375
Para sa mga anak natin.

170
00:13:00,958 --> 00:13:02,125
Sa mga anak natin?

171
00:13:03,416 --> 00:13:04,458
Ganoon na nga.

172
00:13:05,625 --> 00:13:08,333
Di ba dapat gawin muna natin
ang parteng iyan?

173
00:13:09,916 --> 00:13:12,625
Pitong minuto pa bago maluto ang pagkain.

174
00:13:13,875 --> 00:13:15,000
Ayos lang iyan.

175
00:14:19,041 --> 00:14:20,375
Magpakabait ka.

176
00:14:21,666 --> 00:14:22,500
Lagi naman.

177
00:14:23,166 --> 00:14:26,208
Grabe kayo! Elli!

178
00:14:27,625 --> 00:14:31,125
Hindi na dapat kayo nag-abala, anak.

179
00:14:31,208 --> 00:14:34,833
-Napadaan kami sa supermarket, Mama.
-Wala nang tindahan dito?

180
00:14:34,916 --> 00:14:38,833
Una, ipinasara lahat ng hayupan,
tapos ipagbabawal ang mga karne.

181
00:14:38,916 --> 00:14:41,041
Makabubuti iyon sa cholesterol mo.

182
00:14:41,125 --> 00:14:42,166
Oo, oo.

183
00:14:44,125 --> 00:14:45,541
Naninigarilyo na naman.

184
00:14:46,250 --> 00:14:48,041
Akala niya, di ko napapansin.

185
00:14:48,125 --> 00:14:49,166
Eh, si Rudi?

186
00:14:49,750 --> 00:14:53,333
Katrabaho ko. Payat, walang yosi at karne.
Ngayon? Patay na.

187
00:14:53,416 --> 00:14:56,666
-Atake sa puso sa 60s niya.
-Magandang argumento, Papa.

188
00:14:57,250 --> 00:14:59,375
Di lahat, singganda mo ang genes.

189
00:14:59,875 --> 00:15:01,416
Genes naman ngayon.

190
00:15:01,500 --> 00:15:05,375
Ba't umiikli ang buhay ng mahihirap
habang bumabata ang mayayaman?

191
00:15:05,458 --> 00:15:07,291
Nasa genetics din ba iyon?

192
00:15:07,375 --> 00:15:11,541
Kaya rin ang mahihirap ay marangya ngayon
kaysa noong 10 taon na ang nakakaraan.

193
00:15:11,625 --> 00:15:14,125
At paano kung gusto kong maging 20 ulit

194
00:15:14,208 --> 00:15:17,958
para tamasahin ang marangyang buhay,
magagawan mo ng paraan?

195
00:15:18,041 --> 00:15:19,958
Sige, kung may compatible kang donor.

196
00:15:20,958 --> 00:15:22,958
At magkano ang ibabayad ko?

197
00:15:23,958 --> 00:15:25,166
Ah, nakalimutan ko.

198
00:15:25,750 --> 00:15:28,500
Mas mahal kaysa kikitain mo
sa buong buhay mo.

199
00:15:28,583 --> 00:15:30,541
Kung marangal ang trabaho mo.

200
00:15:31,458 --> 00:15:33,333
Di na pinapatay ang mga hayop,

201
00:15:33,833 --> 00:15:36,750
pero iniiga naman ang mga tao.

202
00:15:36,833 --> 00:15:39,208
Marami sa mga "inigang" iyon
ay umayos ang buhay.

203
00:15:39,291 --> 00:15:40,416
Sa halip na ghetto,

204
00:15:40,500 --> 00:15:43,583
nasa Neukölln o Prenzlauer Berg sila,
at may mga trabaho at pamilya.

205
00:15:44,083 --> 00:15:48,458
Kung kabataan lang ang mayroon sila,
ba't ibabawal mong pagkakitaan nila?

206
00:15:48,541 --> 00:15:50,041
Oh siya, tama na 'yan.

207
00:15:50,875 --> 00:15:52,958
-Kayong dalawa.
-Oo, titigil na ako.

208
00:15:54,708 --> 00:15:56,208
Stefan!

209
00:15:58,958 --> 00:16:00,041
Di ako sang-ayon.

210
00:16:00,541 --> 00:16:04,041
Buong buhay niya,
binayaran niya ang health insurance niya.

211
00:16:04,125 --> 00:16:06,500
Tapos ngayon, siya ang magbabayad
ng gamot niya.

212
00:16:07,250 --> 00:16:10,041
Doktor ka, alam mong
masama ang lifestyle niya.

213
00:16:10,125 --> 00:16:12,083
Harapin niya ang konsekuwensiya.

214
00:16:12,833 --> 00:16:13,833
Seryoso ka ba?

215
00:16:15,833 --> 00:16:17,833
Bakit mo siya laging kinakampihan?

216
00:16:18,583 --> 00:16:21,125
Nasa panig mo ako, palagi.

217
00:16:21,833 --> 00:16:22,916
Alam mo 'yan.

218
00:16:23,000 --> 00:16:25,083
Sana sinabi mo iyan sa ama mo.

219
00:16:26,083 --> 00:16:30,208
"Oo, hindi santo ang asawa ko.
At hindi Greenpeace ang Aeon.

220
00:16:30,291 --> 00:16:32,791
Pero manloloko ang ibang donation manager.

221
00:16:32,875 --> 00:16:35,416
Ang asawa ko,
sinisigurong patas ang bayad.

222
00:16:36,000 --> 00:16:39,208
Todo-kayod din siya araw-araw
para makabayad sa loan

223
00:16:39,291 --> 00:16:42,500
dahil maliit ang kita
ng asawa niya sa ospital."

224
00:16:42,583 --> 00:16:46,291
Sasabihin ko ba sa kanya
lahat iyan sa susunod?

225
00:16:50,041 --> 00:16:51,791
Dapat isulat ko.

226
00:16:52,541 --> 00:16:53,708
O kaya, sabihin mo,

227
00:16:53,791 --> 00:16:57,625
"Mahal ko siya kahit maliit na piyesa siya
sa sistemang kapitalista."

228
00:16:57,708 --> 00:16:58,625
Mahal ko siya

229
00:16:59,875 --> 00:17:03,708
kahit maliit na piyesa siya
sa sistemang kapitalista.

230
00:17:04,250 --> 00:17:05,291
Mahal din kita.

231
00:17:07,625 --> 00:17:08,541
Alam ko.

232
00:17:18,041 --> 00:17:19,041
Ano 'yon?

233
00:17:23,791 --> 00:17:25,291
Putsa, gusali natin iyon.

234
00:17:32,458 --> 00:17:34,291
Tigil! Bawal kang pumasok.

235
00:17:34,875 --> 00:17:36,750
-Elli!
-Atras!

236
00:17:36,833 --> 00:17:37,833
Tagarito kami.

237
00:17:39,541 --> 00:17:40,416
Lintik.

238
00:17:47,833 --> 00:17:49,375
Mga bagay lang iyan, okay?

239
00:17:50,333 --> 00:17:52,500
Bahala na ang insurance company.

240
00:17:52,583 --> 00:17:53,916
Tahanan natin iyan.

241
00:17:57,916 --> 00:18:00,041
Wasak na wasak ang apartment n'yo.

242
00:18:01,333 --> 00:18:03,875
Ayon sa data mula sa fire detector,

243
00:18:03,958 --> 00:18:06,958
hindi sirang kawad o anuman
ang sanhi ng sunog.

244
00:18:07,041 --> 00:18:09,666
Siguradong dahil sa nakasinding apoy.

245
00:18:10,916 --> 00:18:12,416
Malamang kandila.

246
00:18:15,333 --> 00:18:16,208
Putragis.

247
00:18:17,916 --> 00:18:20,208
Siguradong pinatay ko ang mga kandila.

248
00:18:22,583 --> 00:18:26,291
Kaya lang, ayaw magpatinag ng insurance.
Kapabayaan iyon.

249
00:18:26,791 --> 00:18:28,541
Ayaw nilang magbayad.

250
00:18:28,625 --> 00:18:30,000
Ano'ng gagawin namin?

251
00:18:30,083 --> 00:18:31,708
Wala na tayong magagawa.

252
00:18:31,791 --> 00:18:34,583
Kukunin ng bangko ang kulang sa mortgage.

253
00:18:36,208 --> 00:18:37,333
'Yung buong halaga.

254
00:18:38,750 --> 00:18:42,208
Mga dalawa't kalahating milyon iyon.
Paano namin babayaran?

255
00:18:42,708 --> 00:18:44,791
Nasa apartment lahat ng pera namin.

256
00:18:46,500 --> 00:18:49,083
May isang kolateral na lang na natitira.

257
00:18:49,958 --> 00:18:51,041
Anong kolateral?

258
00:18:54,250 --> 00:18:55,583
Di mo sinabi sa kanya?

259
00:18:58,625 --> 00:18:59,500
Ano?

260
00:19:01,250 --> 00:19:02,250
Sinabi ang ano?

261
00:19:06,125 --> 00:19:09,041
May inilagay pa akong kolateral noon.

262
00:19:09,833 --> 00:19:12,000
Match ako.

263
00:19:13,916 --> 00:19:15,541
Isinama mo ang oras mo?

264
00:19:16,250 --> 00:19:18,333
Sabi ng taga-bangko, wala raw risk.

265
00:19:18,833 --> 00:19:21,583
Na kung sakali,
maibebenta natin ang apartment.

266
00:19:21,666 --> 00:19:23,708
Di ako makapaniwala, paanong…

267
00:19:23,791 --> 00:19:25,666
At hindi mo sinabi sa akin?

268
00:19:27,333 --> 00:19:29,416
Para sa atin ang apartment na iyon.

269
00:19:29,500 --> 00:19:30,500
Sa pamilya natin.

270
00:19:30,583 --> 00:19:32,750
Basta gagawan natin ng paraan.

271
00:19:32,833 --> 00:19:33,833
Match din ako.

272
00:19:34,416 --> 00:19:38,666
Napatingnan ko na iyan, Max.
Ayon sa Aeon, wala kang match sa database.

273
00:19:40,000 --> 00:19:41,750
-Pero nag-donate na ako.
-Alam ko.

274
00:19:41,833 --> 00:19:44,458
Pero mukhang kamamatay lang
ng resipyente mo.

275
00:19:50,958 --> 00:19:53,125
Si Elena lang ang makakapag-donate.

276
00:19:53,833 --> 00:19:56,250
Dalawa't kalahating milyon, halos…

277
00:19:58,583 --> 00:19:59,416
Apatnapu…

278
00:20:00,458 --> 00:20:01,500
Apatnapung taon.

279
00:20:09,541 --> 00:20:11,666
Baka naman may magagawa pa.

280
00:20:12,708 --> 00:20:14,666
Wala nang pag-asa.

281
00:20:26,958 --> 00:20:27,916
Elena Toma?

282
00:20:32,541 --> 00:20:34,958
-Sumama ka sa amin.
-Wala siyang ginagawa.

283
00:20:35,041 --> 00:20:35,916
Umatras ka.

284
00:20:36,000 --> 00:20:38,666
May enforcement order laban sa iyo.

285
00:20:38,750 --> 00:20:41,666
Naniniwala kaming may plano kang
umalis sa bansa.

286
00:20:41,750 --> 00:20:43,291
Galing kami sa abogado.

287
00:20:43,375 --> 00:20:46,708
Pag-iingat lang. Ihahatid ka ng kasama ko
sa kotse.

288
00:20:46,791 --> 00:20:47,666
Tara na.

289
00:20:48,166 --> 00:20:49,125
Ano?

290
00:20:50,541 --> 00:20:51,416
Elli.

291
00:20:53,583 --> 00:20:55,000
Aayusin natin ito, okay?

292
00:20:55,833 --> 00:20:57,916
Aayusin natin. Hahanap ako ng paraan.

293
00:21:09,958 --> 00:21:11,041
Ms. Theissen!

294
00:21:14,083 --> 00:21:16,375
Tanda mo ba ako, si Max Toma?

295
00:21:17,000 --> 00:21:18,750
Donation Manager ng Taon.

296
00:21:19,875 --> 00:21:21,250
Oo naman. Kumusta?

297
00:21:21,333 --> 00:21:22,625
Kailangan ko ng loan.

298
00:21:23,458 --> 00:21:27,208
Dalawa't kalahating milyon.
Malaking pera, pero kakayod ako.

299
00:21:27,291 --> 00:21:30,541
Gustong kunan ng bangko
ng 40 taon ang asawa ko.

300
00:21:31,083 --> 00:21:33,583
Sinubukan namin lahat para makabayad pero…

301
00:21:34,375 --> 00:21:35,750
Masyadong malaki iyon.

302
00:21:37,625 --> 00:21:41,166
Legal na sinisingil
ang donasyon ng asawa mo, tama ba?

303
00:21:42,000 --> 00:21:43,250
Oo, 40 taon.

304
00:21:44,875 --> 00:21:48,083
Ang totoo, ikaw ang huling pag-asa namin.

305
00:21:50,458 --> 00:21:53,833
Ipadala mo ang mga dokumento.
Tingnan ko ang magagawa ko.

306
00:22:04,416 --> 00:22:08,083
Dapat maramdaman ng mga customer
na 100% silang ligtas sa atin.

307
00:22:08,750 --> 00:22:11,250
Kung hindi, manganganib ang buong negosyo.

308
00:22:11,333 --> 00:22:13,333
Nakagawa na kami ng mga hakbang.

309
00:22:13,916 --> 00:22:19,416
At sa usapin ng negosyo natin,
natatangi ang produkto natin sa mundo.

310
00:22:19,500 --> 00:22:21,791
Maganda ang kita ngayong quarter.

311
00:22:22,291 --> 00:22:26,000
At ginastos mo halos lahat
sa research at pilantropiya.

312
00:22:26,791 --> 00:22:30,583
Nawalang dividends na halagang
23 bilyong euro ang pinag-uusapan.

313
00:22:30,666 --> 00:22:32,041
Sa nakaraang taon iyon.

314
00:22:34,583 --> 00:22:37,541
Research ang nagdala rito
sa kompanyang ito.

315
00:22:37,625 --> 00:22:38,791
Oo, maaaring totoo.

316
00:22:38,875 --> 00:22:40,875
Pero perpekto na ang proseso.

317
00:22:40,958 --> 00:22:42,083
Perpekto?

318
00:22:42,791 --> 00:22:44,791
Di pa natin nareresolba ang isyu

319
00:22:44,875 --> 00:22:47,541
na dapat compatible ang DNA
ng donor at resipyente.

320
00:22:47,625 --> 00:22:51,958
Malaki pa rin ang nasasayang
sa paghahanap ng tamang mga donor.

321
00:22:52,041 --> 00:22:53,958
Na hindi mahahanap ng iba.

322
00:22:55,500 --> 00:22:59,041
Minoryang may bihirang
disposisyong genetic.

323
00:23:00,791 --> 00:23:03,875
Makatuwiran bang maglaan ng malaki
sa pagsasaliksik

324
00:23:03,958 --> 00:23:06,500
para lang sa maliit na parteng iyon?

325
00:23:07,250 --> 00:23:11,958
Nag-aalala ang mga shareholder
na baka masyado kang biased, Ms. Theissen.

326
00:23:13,291 --> 00:23:14,833
Hindi tulad mo?

327
00:23:36,375 --> 00:23:37,375
Handa ka na?

328
00:23:38,291 --> 00:23:39,500
Nangako siya.

329
00:23:39,583 --> 00:23:42,208
Nangako si Sophie Theissen
na babalikan ako.

330
00:23:43,375 --> 00:23:44,375
Max.

331
00:23:44,958 --> 00:23:48,833
Ilang linggo ko na siyang tinatawagan
sa opisina. Araw-araw.

332
00:24:10,583 --> 00:24:11,750
Welcome sa Aeon.

333
00:24:11,833 --> 00:24:15,291
Luna Ackermann. Bisita kami ng pasyente,
si Elena Toma.

334
00:24:15,375 --> 00:24:16,625
Abogado niya ako.

335
00:24:19,125 --> 00:24:23,166
Dalawang oras, donasyon na niya.
Bawal ang bisita hangga't di tapos.

336
00:24:23,250 --> 00:24:25,666
Mula ako sa headquarters.
Tungkol ito sa asawa ko.

337
00:24:25,750 --> 00:24:28,625
Bawal ang bisita
sa araw ng paniningil ng donasyon.

338
00:24:30,166 --> 00:24:33,333
Kukunan n'yo ng 40 taon,
tapos bawal ko siyang makita?

339
00:24:33,416 --> 00:24:34,333
Patakaran.

340
00:24:34,833 --> 00:24:35,666
Patawad.

341
00:24:35,750 --> 00:24:36,875
Patakaran?

342
00:24:37,458 --> 00:24:39,375
Tapos ang buhay niya
pagkatapos nito, gago!

343
00:24:39,458 --> 00:24:42,750
-Gusto ko siyang makita!
-Max. Walang magagawa iyan.

344
00:24:42,833 --> 00:24:46,041
Paulit-ulit ka lang. Bakit ka ba narito?

345
00:24:46,791 --> 00:24:47,833
Tangina!

346
00:24:53,583 --> 00:24:55,375
-Max?
-Hoy, tigil!

347
00:24:55,458 --> 00:24:57,166
'Wag kang gagalaw!

348
00:25:08,250 --> 00:25:09,208
Elena?

349
00:25:10,333 --> 00:25:11,291
Elena!

350
00:25:16,458 --> 00:25:17,375
Elena!

351
00:25:17,875 --> 00:25:19,791
Elena! Bitawan mo ako!

352
00:25:19,875 --> 00:25:21,875
Gusto ko lang makita ang asawa ko!

353
00:25:21,958 --> 00:25:23,083
Bitawan mo ako!

354
00:25:23,583 --> 00:25:26,000
Huminahon ka ngayon din.

355
00:25:29,000 --> 00:25:30,416
O masasaktan ka.

356
00:25:30,500 --> 00:25:32,958
Pakiusap! Hindi iyan kailangan.

357
00:25:33,041 --> 00:25:36,541
Gusto niya lang makita ang asawa niya.
Pakawalan n'yo siya.

358
00:25:36,625 --> 00:25:37,708
Hihinahon siya.

359
00:25:45,083 --> 00:25:48,083
Napigilan din natin ang krisis sa klima.

360
00:25:48,666 --> 00:25:52,333
Dahil ang 5% pinakamayayaman
ay nag-invest sa green technology.

361
00:25:52,416 --> 00:25:57,125
Dahil ang posibilidad
na mabuhay nang matagal sa mundong ito

362
00:25:57,208 --> 00:25:59,583
ay binago ang pananaw nila sa krisis.

363
00:26:00,291 --> 00:26:03,333
Kapag binago natin
ang pagtingin natin sa mundo,

364
00:26:04,000 --> 00:26:06,458
nababago rin natin ang mundo.

365
00:26:26,125 --> 00:26:31,125
Ikaw, Elena Toma, ipinanganak na Neumann,
na tinatawag ngayon bilang "may utang",

366
00:26:31,208 --> 00:26:34,250
ay may utos na samsaman ng pagmamay-ari.

367
00:26:34,333 --> 00:26:37,583
Ang pagsamsam ay ipapataw
sa angking oras ng may utang.

368
00:26:37,666 --> 00:26:41,666
Ayon sa desisyon ng korte,
38 taon ang halaga.

369
00:26:42,333 --> 00:26:46,666
Alinsunod sa seksiyon 863G
ng Civil Procedure Code,

370
00:26:46,750 --> 00:26:49,916
ang karampatang halaga
ay ibabayad sa mga nagpautang

371
00:26:50,000 --> 00:26:53,250
pagkatapos ng prosesong
isasagawa ng Aeon Inc.

372
00:26:53,875 --> 00:26:56,916
Matagal nang isinusulong
ng People's Republic of China

373
00:26:57,000 --> 00:26:59,875
ang internasyonal na pagbabawal
sa time donation.

374
00:26:59,958 --> 00:27:01,166
Ano'ng masasabi mo?

375
00:27:01,250 --> 00:27:03,416
Hindi mapipigilan ang pagbabago.

376
00:27:04,208 --> 00:27:09,000
Pero maaaring ipatupad
na ang mga bagong teknolohiya

377
00:27:09,541 --> 00:27:11,375
ay gamitin nang responsable.

378
00:27:17,166 --> 00:27:19,083
'Wag.

379
00:27:20,000 --> 00:27:22,458
Tigil, di ito maaari. Pakawalan n'yo ako!

380
00:27:23,041 --> 00:27:25,541
Tulong!

381
00:27:26,125 --> 00:27:27,250
Tulong!

382
00:27:29,041 --> 00:27:30,458
Tulungan n'yo ako.

383
00:27:30,541 --> 00:27:32,416
Pakiusap!

384
00:27:33,500 --> 00:27:35,416
Tulungan n'yo ako, pakiusap!

385
00:28:40,500 --> 00:28:42,583
Ito lang ang kaya natin sa ngayon.

386
00:28:52,125 --> 00:28:53,333
Nagsisimula na.

387
00:29:44,958 --> 00:29:46,791
Uy. Ayos lang iyan.

388
00:30:38,875 --> 00:30:41,916
MAGANDANG BALITA MULA SA PINAKATAAS.
BUMABATI, ERIKA

389
00:30:42,500 --> 00:30:46,625
Kung hindi ako nagkakamali,
mula mismo ito kay Sophie Theissen.

390
00:30:46,708 --> 00:30:49,208
Sampung taon ako rito,
pero di pa rin niya ako kilala.

391
00:30:49,291 --> 00:30:50,125
Ano'ng sabi?

392
00:30:54,166 --> 00:30:56,166
Binabati kita sa promosyon mo.

393
00:30:58,958 --> 00:31:00,458
Senior donation manager!

394
00:31:01,041 --> 00:31:03,083
-May sarili kang team…
-Iyon lang?

395
00:31:04,125 --> 00:31:07,416
Anong "iyon lang"?
Mas malaki na ang kita mo kaysa akin.

396
00:31:07,500 --> 00:31:11,291
Halos 1,000 kada buwan,
at bonus na 35,000 euro.

397
00:31:14,166 --> 00:31:16,500
Tingin n'yo, magtatrabaho pa ako rito?

398
00:31:17,208 --> 00:31:19,625
-Uy, handa na lahat para sa meeting?
-Hi.

399
00:31:30,041 --> 00:31:32,041
-Uy, kumusta?
-Hi. Ikinagagalak ko.

400
00:31:37,583 --> 00:31:38,583
Ms. Theissen?

401
00:31:41,625 --> 00:31:42,958
Abala si Ms. Theissen.

402
00:31:43,041 --> 00:31:44,291
Kilala niya ako, siya...

403
00:31:47,250 --> 00:31:49,500
Huy! Nangako kang tutulungan mo ako.

404
00:31:50,041 --> 00:31:51,458
Umatras ka ngayon din,

405
00:31:51,541 --> 00:31:54,000
o maaapektuhan ang kinabukasan mo rito.

406
00:33:05,541 --> 00:33:06,375
Elli?

407
00:33:43,625 --> 00:33:44,750
Ito na ang kaya ko.

408
00:33:59,166 --> 00:34:00,000
Uy.

409
00:34:07,958 --> 00:34:09,291
Aayusin natin ito.

410
00:34:23,625 --> 00:34:24,666
Hindi ko kaya.

411
00:34:27,416 --> 00:34:28,416
Tingnan mo tayo.

412
00:34:31,916 --> 00:34:32,875
Kalokohan ito.

413
00:34:36,041 --> 00:34:37,125
Mahal kita.

414
00:34:37,958 --> 00:34:40,166
-Kahit…
-Kahit gaano ako katanda?

415
00:34:40,958 --> 00:34:42,166
Ano ba ito?

416
00:34:43,333 --> 00:34:44,333
Awa?

417
00:34:45,208 --> 00:34:46,875
Ano? Hindi.

418
00:34:47,458 --> 00:34:50,083
Eh, ano? Nakokonsiyensiya ka?

419
00:34:50,166 --> 00:34:51,291
Nababaliw ka na ba?

420
00:34:53,333 --> 00:34:54,583
Patuloy ang buhay mo.

421
00:34:55,083 --> 00:34:56,958
Ako ang nagbayad, hindi ikaw.

422
00:34:57,791 --> 00:35:00,250
-Di ko kasalanan iyon.
-Iwan mo ako.

423
00:35:01,083 --> 00:35:02,083
Iwan mo ako!

424
00:35:04,625 --> 00:35:06,458
-Elli.
-Iwan mo na lang ako.

425
00:35:48,958 --> 00:35:49,958
May nangyari ba?

426
00:35:56,958 --> 00:35:59,500
Para ma-relax ka. Kasi napakalungkot mo.

427
00:36:01,041 --> 00:36:02,208
Alis diyan.

428
00:36:02,791 --> 00:36:04,583
Di mo kailangang maging kupal.

429
00:36:22,041 --> 00:36:23,250
Napigil namin ang pagdugo.

430
00:36:25,083 --> 00:36:27,916
Pero hinihintay pa namin
ang resulta ng hemogram.

431
00:36:32,125 --> 00:36:35,750
Bakit kayo kumuha ng 40 taon agad?
Napakairesponsable niyon.

432
00:36:36,333 --> 00:36:38,750
Di kayo dapat umalis agad
sa transfer clinic.

433
00:36:39,333 --> 00:36:42,458
Seryosong proseso iyon,
at sa kondisyon pa niya.

434
00:36:43,291 --> 00:36:44,375
Anong kondisyon?

435
00:36:49,750 --> 00:36:51,166
Nakunan si Elena.

436
00:36:54,250 --> 00:36:56,875
Madalas mangyari iyon
sa mga time donation.

437
00:37:00,791 --> 00:37:01,791
Buntis ka?

438
00:37:22,250 --> 00:37:23,791
Wala nang patutunguhan.

439
00:37:26,083 --> 00:37:28,458
Sa akin ka,
kahit gaano katanda ang katawan mo.

440
00:37:28,541 --> 00:37:31,541
Max, hindi ito tungkol sa uban
o sa mga kulubot.

441
00:37:35,833 --> 00:37:37,750
Gusto nating subaybayan
ang mga anak natin.

442
00:37:40,125 --> 00:37:42,125
Makalong balang-araw ang mga apo.

443
00:37:43,750 --> 00:37:45,875
At gusto nating tumanda nang sabay.

444
00:37:47,375 --> 00:37:48,208
Tayong dalawa.

445
00:37:50,458 --> 00:37:52,250
Ngayon, mag-isa akong tumanda.

446
00:37:53,375 --> 00:37:54,250
Pero ikaw…

447
00:37:55,750 --> 00:37:58,000
Matagal pa ang buhay mo.

448
00:38:29,000 --> 00:38:30,500
Elli ko.

449
00:38:45,708 --> 00:38:47,333
Di mo kailangang pumasok.

450
00:38:58,291 --> 00:38:59,708
Naibabalik iyan sa dati.

451
00:39:02,000 --> 00:39:04,833
Kilala ko ang resipyente.
Ipababalik ko ito.

452
00:39:06,250 --> 00:39:08,791
Paano? Walang ilegal sa nangyari.

453
00:39:09,375 --> 00:39:11,625
Ganoon talaga, di ba? Ang sistema mo.

454
00:39:14,250 --> 00:39:15,125
Tanginang sistema.

455
00:39:33,083 --> 00:39:34,708
Bigyan mo ako ng sampu...

456
00:39:36,708 --> 00:39:38,125
Di bale. Mayroon dito.

457
00:39:39,500 --> 00:39:40,333
Salamat.

458
00:40:17,833 --> 00:40:19,625
Huwag mo nang simulan iyan.

459
00:40:21,625 --> 00:40:22,666
Mapupuril ka.

460
00:40:22,750 --> 00:40:24,875
Ha-ha. May kailangan ka?

461
00:40:26,916 --> 00:40:28,708
Saan mo ipinagawa?

462
00:40:28,791 --> 00:40:30,375
'Yang cute mong mukha.

463
00:40:31,541 --> 00:40:33,166
Siguradong hindi sa Aeon.

464
00:40:34,250 --> 00:40:35,958
Gusto ko lang ng kontak.

465
00:40:39,041 --> 00:40:41,375
Natanggap namin ang 30,000 euro.

466
00:40:41,875 --> 00:40:44,500
Aasahan ka ni Dr. Berg sa sunod na linggo.

467
00:40:44,583 --> 00:40:47,458
Pagkatawid sa prontera ng Lithuania,

468
00:40:47,541 --> 00:40:50,958
tawagan mo siya
gamit ang hindi rehistradong telepono.

469
00:40:51,791 --> 00:40:54,833
Ibibigay sa iyo
ang coordinates ng klinika.

470
00:40:54,916 --> 00:40:57,541
Anim na oras lang valid iyon.

471
00:40:57,625 --> 00:41:01,166
Kapag hindi ka sumipot,
mawawalan ng bisa ang kasunduan.

472
00:41:13,250 --> 00:41:15,666
Mula nang atakihin
ang maraming Nobel Prize laureate

473
00:41:15,750 --> 00:41:18,458
sa Berlin Aeon clinic
ilang linggo na ang nakararaan,

474
00:41:18,541 --> 00:41:21,625
si Lilith, ang lider ng Adam Group,

475
00:41:21,708 --> 00:41:25,041
ay nangunguna na
sa bawat internasyonal na wanted list.

476
00:41:25,125 --> 00:41:27,666
Walang nakakaalam sa kinaroroonan niya.

477
00:41:27,750 --> 00:41:31,708
Gayunpaman, nakontak siya
ng aming reporter,

478
00:41:31,791 --> 00:41:34,500
at pumayag siya na makapanayam.

479
00:41:34,583 --> 00:41:39,750
Sabi mo, ang terorismo ay karugtong
ng pagla-lobby sa ibang pamamaraan.

480
00:41:39,833 --> 00:41:42,875
Di ba simplistikong katuwiran iyon
sa karahasan?

481
00:41:42,958 --> 00:41:44,750
Ginigising namin ang mga tao.

482
00:41:45,375 --> 00:41:49,250
Kung mas marami pa ang titindig
laban sa malalang inhustisya,

483
00:41:49,333 --> 00:41:51,541
di na kailangan
ang mga grupong gaya ng Adam.

484
00:41:51,625 --> 00:41:55,416
At buti na lang,
marami pa ang sumasali sa amin araw-araw.

485
00:41:56,166 --> 00:41:58,916
Nakaabang ang convoy.
Aalis si Sophie Theissen.

486
00:41:59,625 --> 00:42:04,750
Sa United States, puwedeng tumbasan
ang sentensiya gamit ang time donation.

487
00:42:04,833 --> 00:42:08,625
Di ba mas mabuti iyon
kaysa ikulong ang may sala nang ilang taon

488
00:42:08,708 --> 00:42:10,625
gamit ang buwis ng taumbayan?

489
00:42:10,708 --> 00:42:13,708
Ang gustong ipapaniwala sa atin ng Aeon

490
00:42:13,791 --> 00:42:15,083
na serbisyo publiko,

491
00:42:15,166 --> 00:42:18,583
sa totoo ay baluktot na privatization
ng sistema ng hustisya.

492
00:42:18,666 --> 00:42:21,375
Tingin n'yo, paano maaapektuhan
ang mga hatol,

493
00:42:21,458 --> 00:42:24,916
kung maaaring pagkakitaan
ang mahahabang sentensiya?

494
00:42:27,083 --> 00:42:30,625
Naiuugnay ng marurunong sa Bibliya
ang mga pangalang Lilith at Adam

495
00:42:30,708 --> 00:42:33,875
sa mapoot na Diyos ng Lumang Tipan.

496
00:42:33,958 --> 00:42:35,833
Inaako mo ba ang papel Niya?

497
00:42:37,500 --> 00:42:41,791
Papatayin namin ang bawat resipyente
hanggang tumigil ang negosyong ito.

498
00:42:41,875 --> 00:42:43,208
Ganoon lang kasimple.

499
00:42:43,708 --> 00:42:47,375
Higit sa doble ang taas ng time donation
kaysa nakaraang taon,

500
00:42:47,458 --> 00:42:49,791
sa kabila ng gawaing terorista ninyo.

501
00:42:49,875 --> 00:42:51,666
At di rin ako napigil niyon.

502
00:42:51,750 --> 00:42:54,541
Kaya naman nasa tuktok ka rin
ng listahan namin.

503
00:43:12,916 --> 00:43:17,750
LAZARUS CEMETERY
BERLIN

504
00:43:28,916 --> 00:43:32,000
-Dito lang kayo. Gusto kong mapag-isa.
-Masusunod.

505
00:44:31,125 --> 00:44:33,583
Tulong!

506
00:45:26,041 --> 00:45:27,416
Malamang na-stroke.

507
00:45:27,500 --> 00:45:30,000
-May mga dati nang sakit?
-Walang nakatala.

508
00:45:30,083 --> 00:45:32,125
Tatlong buwan pa lang
mula nang donasyon niya.

509
00:45:32,208 --> 00:45:34,625
Di pa siguro napagtatanto
na di na siya 30.

510
00:45:34,708 --> 00:45:35,958
Ako na rito.

511
00:45:37,250 --> 00:45:39,458
-Bakante na ang Theater 2.
-Ako na.

512
00:45:39,541 --> 00:45:41,291
'Wag mong pakasobrahan, Elli.

513
00:45:42,541 --> 00:45:45,083
Patapos na rin naman ang shift mo, okay?

514
00:45:50,125 --> 00:45:51,000
Elli?

515
00:45:52,625 --> 00:45:53,458
Elli.

516
00:45:53,541 --> 00:45:55,916
-Usap tayo. Sama ka sa akin.
-Max naman.

517
00:45:56,666 --> 00:45:58,458
-Makinig ka.
-Para saan?

518
00:45:59,041 --> 00:46:00,791
Hayaan mo na. Pakiusap.

519
00:46:01,500 --> 00:46:03,625
Tanggapin mo na ang sitwasyon.

520
00:46:04,916 --> 00:46:06,666
Eh, kung may nahanap akong paraan?

521
00:46:11,458 --> 00:46:12,291
Magtiwala ka.

522
00:46:13,500 --> 00:46:14,666
Ngayon lang.

523
00:46:26,541 --> 00:46:30,416
E-CONVERSION NG CAR SERVICE

524
00:46:42,625 --> 00:46:44,583
Heto. Isuot mo ito.

525
00:46:49,291 --> 00:46:50,208
Tara.

526
00:47:02,625 --> 00:47:04,041
Si Sophie Theissen iyan.

527
00:47:04,833 --> 00:47:06,916
Ninakawan ka niya ng 40 taon.

528
00:47:07,708 --> 00:47:09,083
Babawiin natin iyon.

529
00:47:18,500 --> 00:47:20,375
Salamat. Utang ko sa inyo ito.

530
00:47:28,458 --> 00:47:29,958
Tingin nila ay Adam?

531
00:47:31,041 --> 00:47:32,541
Malinaw ang indikasyon.

532
00:47:33,125 --> 00:47:35,250
Eh, ikaw? Tingin mo rin?

533
00:47:35,333 --> 00:47:38,583
Karaniwan, pumapatay lang sila.
Bago ang pagdukot.

534
00:47:39,500 --> 00:47:40,833
Ano pa'ng nakuha nila?

535
00:47:41,583 --> 00:47:45,041
Nakunan sa surveillance
ang kotse mula Berlin Cars sa sementeryo.

536
00:47:45,125 --> 00:47:46,958
Sa may likod doon.

537
00:47:47,041 --> 00:47:49,375
Binook gamit ang huwad na account
na di ma-trace.

538
00:47:49,458 --> 00:47:53,916
Pero nagamit na noon ang mismong account,
sa Tempelhof Field.

539
00:47:54,000 --> 00:47:55,916
Tiningnan ko sa database natin.

540
00:47:56,000 --> 00:48:00,916
Tingnan mo kung sino'ng sabay
na pumasok sa Field gamit ang Aeon ID.

541
00:48:04,833 --> 00:48:06,250
Ipa-track ang work phone niya.

542
00:48:06,333 --> 00:48:09,166
Huwag na. Hindi tanga
ang Empleyado ng Taon.

543
00:48:09,666 --> 00:48:11,958
Pero kapag may mukha ka,

544
00:48:12,458 --> 00:48:13,958
mahahanap mo ang sinuman.

545
00:48:18,041 --> 00:48:19,541
Mas magaling ka kaysa inakala ko.

546
00:48:21,666 --> 00:48:23,375
Nasisiraan ka na ba?

547
00:48:23,875 --> 00:48:25,500
Ito lang ang paraan.

548
00:48:25,583 --> 00:48:26,583
Hindi!

549
00:48:27,458 --> 00:48:28,291
Kabaliwan ito.

550
00:48:28,375 --> 00:48:29,833
Naayos ko na ang lahat.

551
00:48:29,916 --> 00:48:32,166
Pero aalis tayo sa Germany ngayon din.

552
00:48:32,666 --> 00:48:36,291
Ipinagdala kita ng damit.
Kailangan mo ring iwan ang phone mo.

553
00:48:36,375 --> 00:48:38,750
Hindi ako magiging parte nito. Hindi.

554
00:48:40,041 --> 00:48:41,083
Tapos ano?

555
00:48:43,125 --> 00:48:44,583
Tuloy lang ang ganito?

556
00:48:45,416 --> 00:48:48,791
Magpapaalipin ka sa ospital
hanggang mamatay ka sa pagod?

557
00:48:56,041 --> 00:48:58,208
Ano'ng gagawin mo pagkatapos ng operasyon?

558
00:49:00,666 --> 00:49:02,333
Papatayin mo si Theissen?

559
00:49:03,500 --> 00:49:04,833
Magsisimula ulit tayo.

560
00:49:06,166 --> 00:49:09,291
-Malayo rito. Sa may dagat.
-Max, di na tayo teenager.

561
00:49:09,375 --> 00:49:10,833
Kapag nahuli tayo,

562
00:49:11,333 --> 00:49:13,541
hindi lang buhay ko ang matatapos,

563
00:49:14,375 --> 00:49:15,875
pati 'yang sa iyo.

564
00:49:20,541 --> 00:49:21,458
Oo.

565
00:49:41,875 --> 00:49:43,208
Nagkita ulit tayo.

566
00:49:47,833 --> 00:49:48,833
Tama ka.

567
00:49:49,416 --> 00:49:51,125
Tapos na rin ang dati nating buhay.

568
00:49:53,250 --> 00:49:57,250
Kaya makukulong ba ako
dahil sa babaeng ito o sasama ka sa akin?

569
00:50:14,458 --> 00:50:16,166
Naipaalam na sa pulis?

570
00:50:17,166 --> 00:50:18,166
Para saan pa?

571
00:50:45,458 --> 00:50:46,500
Wala rito!

572
00:50:49,208 --> 00:50:53,875
-Wala rito!
-Wala rito!

573
00:51:01,333 --> 00:51:02,250
Sa itaas!

574
00:51:02,333 --> 00:51:03,166
Wala rito!

575
00:51:04,416 --> 00:51:05,750
Sige. Pababa na.

576
00:51:08,291 --> 00:51:09,541
Sa unang posisyon.

577
00:51:10,375 --> 00:51:11,375
Mahuhuli natin sila.

578
00:51:11,958 --> 00:51:15,375
Tama na ang satsat.
Mas matagal na ako sa ganito kaysa sa iyo.

579
00:51:16,333 --> 00:51:17,625
Lintik na 'yan.

580
00:51:34,958 --> 00:51:36,000
Bagong buhay mo.

581
00:51:42,083 --> 00:51:43,416
Ginulat mo ako.

582
00:51:48,166 --> 00:51:49,416
Nagulat din ako.

583
00:51:55,416 --> 00:51:57,208
Kahit saan iyan puwera sa airport.

584
00:51:59,000 --> 00:52:00,000
Erika?

585
00:52:01,875 --> 00:52:03,041
Seryoso ka?

586
00:52:07,041 --> 00:52:11,541
DAUNGAN NG ROSTOCK

587
00:52:26,208 --> 00:52:28,208
Kapag nalaman ito ng pulis…

588
00:52:39,250 --> 00:52:40,750
Baka matagalan.

589
00:52:42,791 --> 00:52:43,916
Kape?

590
00:52:48,041 --> 00:52:50,875
Alam mo kung paano nakilala ni Max Toma
ang asawa niya?

591
00:52:52,625 --> 00:52:55,083
Natalaga siya na donation manager niya.

592
00:52:55,166 --> 00:52:59,458
Pero sa halip na kumbinsihin siya,
umibig sila at nagpakasal.

593
00:53:00,166 --> 00:53:01,250
Napakaromantiko.

594
00:53:01,750 --> 00:53:05,500
Oo. Hanggang masunog ang bahay nila
at malubog sila sa utang.

595
00:53:06,000 --> 00:53:08,416
Alam kong di terorista
ang kalaban natin

596
00:53:08,500 --> 00:53:11,041
kung hindi dalawang taong desperado.

597
00:53:11,125 --> 00:53:14,458
Kung ikaw si Elena Toma,
ano'ng mararamdaman mo?

598
00:53:14,541 --> 00:53:17,250
Kinuha ang buhay mo
at ibinigay sa bilyonaryo.

599
00:53:17,750 --> 00:53:19,666
Dahil nakaiwan ka raw ng kandila.

600
00:53:19,750 --> 00:53:23,750
Walang pumilit sa kanya na isangla
ang oras niya para sa magarbong apartment.

601
00:53:23,833 --> 00:53:26,666
"Oras mo. Pagkakataon mo.
Desisyon mo."

602
00:53:27,583 --> 00:53:30,208
Hindi sila ang unang nabitag sa ganoon.

603
00:53:30,291 --> 00:53:32,416
Kaya ayos lang na mandukot sila?

604
00:53:32,500 --> 00:53:34,208
Na ilagay sa kamay nila ang batas?

605
00:53:34,291 --> 00:53:35,125
Eh, tayo?

606
00:53:36,041 --> 00:53:38,458
Ilegal na software, patagong operasyon.

607
00:53:39,500 --> 00:53:41,791
Iba ang batas
ng pinakamayamang babae sa Europe?

608
00:53:41,875 --> 00:53:45,416
Ang responsibilidad natin ay seguridad
ng mga Theissen, di kapayapaan ng mundo.

609
00:53:48,750 --> 00:53:51,708
Kung may problema ka roon,
bakit kasama ka namin?

610
00:53:53,708 --> 00:53:54,916
Sa bagay.

611
00:53:56,291 --> 00:53:57,708
Sa huli, pera-pera lang.

612
00:53:59,541 --> 00:54:00,541
'Yung kape.

613
00:54:02,041 --> 00:54:03,375
Masayang kasama.

614
00:54:07,750 --> 00:54:08,791
Eh, ikaw?

615
00:54:11,250 --> 00:54:14,708
Mahigit 30 taon na akong bodyguard
ni Sophie Theissen.

616
00:54:15,666 --> 00:54:17,375
Malaki ang utang ko sa kanya.

617
00:54:21,166 --> 00:54:24,250
Mukhang mas malaki
kaysa aakalain mo sa unang tingin.

618
00:54:25,708 --> 00:54:27,750
Kung ayon sa oras, 64 na ako.

619
00:54:28,333 --> 00:54:31,041
Kailangan ni Sophie Theissen
ng mga mapagkakatiwalaan.

620
00:54:31,125 --> 00:54:34,291
At bonus na ang treatment para bumata.

621
00:54:35,250 --> 00:54:38,041
Ngayon, hindi na sasama ang loob mo

622
00:54:38,125 --> 00:54:40,458
dahil lang mas bata ang superyor mo.

623
00:54:41,666 --> 00:54:43,208
Nabawasan ang isipin ko.

624
00:55:00,583 --> 00:55:01,500
Uy.

625
00:55:12,041 --> 00:55:15,083
Tinanggap ko nang tapos na ang buhay ko.

626
00:55:17,208 --> 00:55:18,416
Ang buhay natin.

627
00:55:21,708 --> 00:55:23,041
Tapos dumating ka

628
00:55:24,416 --> 00:55:25,750
at sinabing may pag-asa.

629
00:55:44,958 --> 00:55:46,041
Palakihin mo dito.

630
00:55:51,125 --> 00:55:52,625
Lintik na 'yan.

631
00:56:09,166 --> 00:56:10,000
Lintik.

632
00:56:25,166 --> 00:56:26,166
Di ka masasaktan…

633
00:56:28,333 --> 00:56:30,500
Di ka namin papatayin kung mananahimik ka.

634
00:56:45,416 --> 00:56:47,500
Mas magaling ka na kaysa kay Papa.

635
00:56:48,500 --> 00:56:49,916
Ibahin natin. Hayan.

636
00:56:50,000 --> 00:56:52,375
Emilia, nakakatuwa siyang matulog, oh.

637
00:56:59,208 --> 00:57:00,916
'Wag kang lalayo, Emilia, ha?

638
00:57:03,291 --> 00:57:07,208
Mama, Papa! Tingnan n'yo ang mga ilaw!

639
00:57:10,958 --> 00:57:12,291
Halika na rito, anak.

640
00:57:13,791 --> 00:57:17,666
Mga pasahero, malapit na tayong makarating
sa Klaipėda, Lithuania.

641
00:57:18,250 --> 00:57:21,666
Nananawagan kami sa mga pasahero
na bababa sa Klaipėda

642
00:57:21,750 --> 00:57:23,125
na bumalik sa mga kotse nila…

643
00:57:23,208 --> 00:57:24,541
Dahil ba sa atin iyan?

644
00:57:25,375 --> 00:57:26,875
Putsa, hindi ko alam.

645
00:57:27,833 --> 00:57:28,916
Para kanino pa ba?

646
00:57:31,416 --> 00:57:32,833
Nasa atin pa ang mga pasaporte.

647
00:57:34,000 --> 00:57:36,333
Balewala iyon kung gagawin nila ito.

648
00:57:38,000 --> 00:57:39,208
Tapos na tayo?

649
00:57:54,041 --> 00:57:58,250
KLAIPĖDA TRANSIT PORT
LITHUANIA

650
00:58:15,541 --> 00:58:16,958
-Pasaporte mo.
-Oo.

651
00:58:19,041 --> 00:58:19,875
Pasaporte.

652
00:58:27,500 --> 00:58:28,625
Ano'ng nasa likod?

653
00:58:29,791 --> 00:58:31,458
Banyo. Mula sa Germany.

654
00:58:32,125 --> 00:58:33,625
Ano'ng destinasyon mo?

655
00:58:39,458 --> 00:58:40,833
Papunta ako sa Vilnius.

656
00:58:40,916 --> 00:58:42,041
Sige, titingnan namin.

657
00:58:42,541 --> 00:58:43,500
Punta ka roon.

658
00:59:22,083 --> 00:59:23,583
Pasaporte mo.

659
00:59:30,166 --> 00:59:31,458
Paano nga buksan ito?

660
00:59:32,416 --> 00:59:33,958
Idiin mo, tapos pakanan.

661
00:59:55,083 --> 00:59:56,666
Tulong!

662
01:00:00,041 --> 01:00:01,208
Ano ito?

663
01:00:10,125 --> 01:00:11,041
Ano'ng laman?

664
01:00:12,708 --> 01:00:14,291
Bathtub yata.

665
01:00:15,291 --> 01:00:16,125
Yata?

666
01:00:19,166 --> 01:00:21,041
Sabihin mo, drayber ka lang.

667
01:00:22,458 --> 01:00:23,541
Drayber lang ako.

668
01:00:25,916 --> 01:00:28,750
Sir, buksan mo nang buo itong kahon.

669
01:00:31,958 --> 01:00:33,333
Sir, narinig mo ba ako?

670
01:00:37,875 --> 01:00:39,041
Ano'ng problema?

671
01:00:39,833 --> 01:00:41,333
Tensiyonado itong lalaki.

672
01:00:43,666 --> 01:00:44,875
Bakit kabado ka?

673
01:00:48,125 --> 01:00:49,291
Okay, ingat.

674
01:00:49,833 --> 01:00:50,833
Uy.

675
01:00:52,291 --> 01:00:53,416
Hinga nang malalim.

676
01:00:54,083 --> 01:00:56,750
Ngiti lang at sabihin mo,
di ka sanay sa ganitong stress.

677
01:00:57,750 --> 01:00:59,125
Di ako sanay sa ganito.

678
01:00:59,708 --> 01:01:00,708
Hindi sanay saan?

679
01:01:02,958 --> 01:01:04,166
Na may nakatutok na baril.

680
01:01:10,416 --> 01:01:12,291
Ilang beses ko ba sasabihin?

681
01:01:12,375 --> 01:01:15,500
Huwag mong itutok sa mga tao ang baril mo.

682
01:01:16,958 --> 01:01:18,916
Pasensiya na po. Makakaalis na kayo.

683
01:01:43,625 --> 01:01:46,666
Ayos lang iyan, Emilia.
Ayos ang ginagawa mo, okay?

684
01:01:46,750 --> 01:01:47,708
Makakaalis na kami?

685
01:01:48,708 --> 01:01:49,708
Mga cellphone.

686
01:01:50,750 --> 01:01:51,708
Mga cellphone!

687
01:01:53,666 --> 01:01:55,458
Kunin ko ang cellphone, ha?

688
01:02:07,958 --> 01:02:08,958
Patawad.

689
01:02:52,833 --> 01:02:54,125
Iyon lang ang paraan.

690
01:02:57,583 --> 01:02:58,458
Oo.

691
01:03:09,666 --> 01:03:11,000
Nakatawid na kami.

692
01:03:16,166 --> 01:03:18,416
Tingnan natin siya. Hindi siya maayos.

693
01:03:20,125 --> 01:03:22,916
Hindi tayo makakahinto.
Tatawag sila ng pulis.

694
01:03:23,416 --> 01:03:25,125
Dapat makaalis tayo sa main road.

695
01:03:26,541 --> 01:03:27,416
Tapos?

696
01:03:28,291 --> 01:03:30,000
Kokontakin tayo ng doktor.

697
01:03:52,083 --> 01:03:54,000
Ano ba'ng pakay n'yo sa akin?

698
01:03:55,000 --> 01:03:57,750
Babawiin lang namin ang amin.
Tapos pakakawalan ka namin.

699
01:03:58,250 --> 01:04:01,416
-Kahit ano. Magbabayad ang ina ko.
-Ina mo?

700
01:04:02,750 --> 01:04:03,916
Si Sophie Theissen.

701
01:04:04,916 --> 01:04:06,500
Ikaw si Sophie Theissen.

702
01:04:06,583 --> 01:04:09,916
Ano? Ako si Marie Theissen, anak niya.

703
01:04:15,333 --> 01:04:16,166
Sinungaling.

704
01:04:17,291 --> 01:04:20,583
Iniiiwas ako ng ina ko sa publiko
dahil sa mga ganito.

705
01:04:23,833 --> 01:04:26,083
SOPHIE THEISSEN ANAK

706
01:04:26,166 --> 01:04:27,000
Kita mo na?

707
01:04:27,916 --> 01:04:29,500
Ito ang anak ni Theissen.

708
01:04:29,583 --> 01:04:31,791
Sampung taon nang patay sa progeria.

709
01:04:31,875 --> 01:04:33,708
Ate ko iyan, si Lucy.

710
01:04:35,791 --> 01:04:38,250
Magkamukha lang talaga kami ng ina ko.

711
01:04:38,333 --> 01:04:40,583
-Pero pagkatapos nitong donasyon…
-Manahimik ka!

712
01:04:40,666 --> 01:04:43,250
Wala ba siyang ID, lisensiya, cellphone?

713
01:04:43,333 --> 01:04:44,916
Siyempre, mayroon. Sa bag ko.

714
01:04:45,500 --> 01:04:47,166
Na naiwan sa sementeryo.

715
01:04:47,666 --> 01:04:48,791
At alam niya iyon.

716
01:04:49,958 --> 01:04:53,125
-Muntik mo na kaming makumbinsi.
-Hindi! Pakiusap.

717
01:04:53,208 --> 01:04:56,625
Magbabayad ang ina ko.
Nagsasabi ako ng totoo, pakiusap!

718
01:05:14,166 --> 01:05:15,250
Maniguro tayo.

719
01:05:19,625 --> 01:05:20,666
At paano?

720
01:05:22,250 --> 01:05:24,791
Tatawag tayo sa Aeon para kumpirmahin?

721
01:05:25,291 --> 01:05:27,041
Para matunton nila tayo?

722
01:05:27,541 --> 01:05:28,958
Iyon mismo ang gusto niya.

723
01:05:29,041 --> 01:05:31,958
Sasabihin ni Theissen ang lahat
para makaligtas!

724
01:05:32,041 --> 01:05:33,666
Itutuloy natin ang plano.

725
01:05:34,416 --> 01:05:35,625
Anong plano?

726
01:05:37,125 --> 01:05:39,125
Ba't di pa kumokontak si Dr. Berg?

727
01:05:39,958 --> 01:05:43,458
Paano kung niloko ka niya
at pera lang ang habol niya?

728
01:05:43,541 --> 01:05:45,833
At gaano katagal siyang hihiga roon?

729
01:05:46,375 --> 01:05:48,541
Dehydrated na siya at hypothermic.

730
01:05:49,958 --> 01:05:51,416
Kailangan natin ng tataguan.

731
01:06:24,708 --> 01:06:26,083
Bakit walang tao rito?

732
01:06:26,166 --> 01:06:30,125
Bagsak ang turismo nang kumalas
ang Baltic States sa European Union.

733
01:06:31,875 --> 01:06:33,791
Solo natin ang buong hotel.

734
01:06:36,375 --> 01:06:38,583
Normal lang siguro ito kay Theissen.

735
01:06:52,583 --> 01:06:57,083
Daig nito ang hotel sa Tuscany
na binook mo dati.

736
01:07:08,416 --> 01:07:09,666
Ang sakit talaga.

737
01:07:19,500 --> 01:07:22,083
-'Wag ka sumobra.
-Di natin kailangang maging kupal.

738
01:07:24,625 --> 01:07:27,083
Ikaw ang nagbenta
ng 40 taon sa ina ko, 'no?

739
01:07:27,833 --> 01:07:30,791
'Wag ka nang mang-uto.
Alam mong sapilitan iyon.

740
01:07:31,541 --> 01:07:33,083
'Wag kang magpapauto.

741
01:07:33,666 --> 01:07:35,666
Tutol din ako sa mga donasyon.

742
01:07:37,250 --> 01:07:39,875
Ang nangyari sa iyo
ay nangyayari sa marami.

743
01:07:39,958 --> 01:07:43,958
Parang 'yung mga refugee na nawawala
sa mga kampo sa prontera ng EU.

744
01:07:44,583 --> 01:07:47,416
Pati mga bata,
ibinebenta ng mga magulang doon.

745
01:07:47,500 --> 01:07:51,208
Siyempre, hindi sa Aeon,
sa mga ilegal na klinika ng Eastern Bloc,

746
01:07:51,291 --> 01:07:54,958
para murang makapagpabata
ang mga pipitsuging celeb at influencer.

747
01:07:55,041 --> 01:07:57,125
Gusto mo akong makonsiyensiya?

748
01:07:57,625 --> 01:07:59,833
-Ikaw, sa lahat ng tao?
-Hindi.

749
01:07:59,916 --> 01:08:03,458
Sinasabi ko na nasa panig n'yo ako.

750
01:08:03,541 --> 01:08:05,875
Ilang taon ko nang kinukumbinsi
ang ina ko…

751
01:08:05,958 --> 01:08:06,958
Kasinungalingan!

752
01:08:08,833 --> 01:08:11,083
Maniwala ka sa akin. Sinasabi ko…

753
01:08:11,166 --> 01:08:12,375
'Wag.

754
01:08:12,458 --> 01:08:13,916
Tatahimik na ako.

755
01:08:17,125 --> 01:08:18,375
Uy!

756
01:08:20,000 --> 01:08:22,583
-Kaninong panig ka ba?
-"Kaninong panig"?

757
01:08:22,666 --> 01:08:23,708
Para sa iyo ito.

758
01:08:24,291 --> 01:08:25,375
Para sa iyo.

759
01:08:27,000 --> 01:08:29,375
Ni di natin alam
kung tama ang dinukot mo.

760
01:08:33,000 --> 01:08:34,750
Kung anak man niya iyan,

761
01:08:35,375 --> 01:08:37,583
malamang compatible siya sa iyo.

762
01:08:38,166 --> 01:08:40,458
Halos laging match
ang first-degree na kamag-anak.

763
01:08:40,541 --> 01:08:42,208
Magagamit pa rin natin siya.

764
01:08:44,000 --> 01:08:44,916
"Magagamit siya".

765
01:08:45,541 --> 01:08:48,208
Puwede niyang bawiin iyon sa ina niya.

766
01:08:48,291 --> 01:08:51,000
Mapag-uusapan nila iyon.
Di na natin problema.

767
01:08:51,083 --> 01:08:55,833
Problema natin ang mga konsekuwensiya
ng mga ginagawa natin.

768
01:08:55,916 --> 01:08:57,625
Sige, pakawalan natin.

769
01:08:57,708 --> 01:09:00,916
Buhay mo lang naman iyon.
Nasa kanya pa 'yung kanya.

770
01:09:08,500 --> 01:09:09,958
Nagbago ka na.

771
01:09:13,166 --> 01:09:14,041
Ikaw rin.

772
01:09:36,708 --> 01:09:38,416
May tubig ba rito?

773
01:09:40,458 --> 01:09:41,875
Gusto kong maligo.

774
01:09:43,500 --> 01:09:44,333
Pakiusap.

775
01:09:50,666 --> 01:09:51,666
Teka.

776
01:09:59,583 --> 01:10:00,458
Salamat.

777
01:10:07,916 --> 01:10:09,750
Gusto niya lang tulungan si Lucy.

778
01:10:10,250 --> 01:10:11,875
Si Mama. Ganoon nagsimula.

779
01:10:11,958 --> 01:10:14,458
Sa research niya sa pagtanda ng cell.

780
01:10:14,958 --> 01:10:17,166
May mga bago siyang natuklasan.

781
01:10:17,916 --> 01:10:21,541
Pero hindi pa rin siya nakahanap agad
ng match para kay Lucy.

782
01:11:02,916 --> 01:11:03,875
Hindi.

783
01:11:27,666 --> 01:11:28,583
Putsa.

784
01:11:58,708 --> 01:12:00,291
Hello? Sino ito?

785
01:12:00,375 --> 01:12:02,833
Kaya, iligtas mo ako ri…

786
01:12:03,666 --> 01:12:06,416
Hindi.

787
01:12:07,416 --> 01:12:08,250
Lintik.

788
01:12:29,541 --> 01:12:30,541
Tulong!

789
01:12:31,500 --> 01:12:32,708
Tulong!

790
01:12:33,291 --> 01:12:34,875
-Tulong!
-Hawakan mo ito.

791
01:12:37,875 --> 01:12:38,958
Dalawang kamay.

792
01:13:00,083 --> 01:13:02,083
Salamat.

793
01:13:10,083 --> 01:13:11,000
Iwan mo kami.

794
01:13:12,000 --> 01:13:14,166
-Sigurado ka?
-Tingnan mo siya.

795
01:14:35,125 --> 01:14:36,708
May balita sa doktor mo?

796
01:14:45,125 --> 01:14:47,000
At si Theissen?

797
01:14:49,750 --> 01:14:52,541
Gusto niyang maligo,
at ayaw kong maging kupal.

798
01:14:52,625 --> 01:14:53,625
Siyempre hindi.

799
01:14:56,041 --> 01:14:57,541
Galit ka ba sa akin?

800
01:14:57,625 --> 01:14:58,541
Hindi.

801
01:14:59,083 --> 01:15:00,000
Bakit? Dapat ba?

802
01:15:02,416 --> 01:15:04,916
-Pagkatapos ng ginawa ko para sa iyo?
-Para sa akin?

803
01:15:05,708 --> 01:15:08,125
Ni hindi ka nagtanong kung gusto ko ito.

804
01:15:12,416 --> 01:15:13,375
Oo, sige.

805
01:15:14,000 --> 01:15:16,750
Hindi para sa iyo,
para sa atin, sa anak natin.

806
01:15:17,458 --> 01:15:19,541
Di ko alam ang gusto mong gawin ko.

807
01:15:23,541 --> 01:15:26,041
Wala siyang pilat mula sa operasyon.

808
01:15:30,291 --> 01:15:31,541
Iyan ang inaalala mo?

809
01:15:32,125 --> 01:15:35,375
Nabubuo ulit ang balat sa pagbata.
Normal iyon.

810
01:15:36,333 --> 01:15:39,583
Elli, minamanipula niya tayong dalawa

811
01:15:40,250 --> 01:15:41,916
sa pag-arte niyang inosente.

812
01:15:43,750 --> 01:15:46,750
Alam mo ang naisip ko
nang makita ko siyang lumulubog?

813
01:15:50,708 --> 01:15:53,000
"Kapag namatay siya, walang saysay lahat.

814
01:15:56,000 --> 01:15:57,500
Siya lang ang tsansa ko."

815
01:15:58,541 --> 01:16:00,458
At kung maling tao siya…

816
01:16:02,500 --> 01:16:04,208
Ayaw ko na yatang malaman.

817
01:16:05,208 --> 01:16:07,208
Iyon ang sobrang ikinatatakot ko.

818
01:16:08,000 --> 01:16:10,958
Elli, ikaw ang maling tao.

819
01:16:12,000 --> 01:16:13,875
Di ito dapat nangyari sa iyo.

820
01:16:15,916 --> 01:16:16,875
Tayo…

821
01:16:17,625 --> 01:16:19,750
Mahaba pa ang buhay natin.

822
01:17:19,000 --> 01:17:20,041
Nahanap na namin.

823
01:17:20,125 --> 01:17:22,625
-Alam na namin kung nasaan sila.
-Sa wakas.

824
01:17:23,208 --> 01:17:26,375
Burner phone na dynamic ang provider.
Laging matagal.

825
01:17:27,166 --> 01:17:29,333
Nasa Lithuania pa rin sila,
malapit sa Šklėriai.

826
01:17:29,416 --> 01:17:31,583
Sa prontera iyon ng Belarus.

827
01:17:32,166 --> 01:17:33,583
130 kilometro mula rito.

828
01:17:33,666 --> 01:17:35,791
Kung gayon, makakasimula tayo agad.

829
01:17:35,875 --> 01:17:37,708
Narito na ang dagdag na tao.

830
01:17:38,916 --> 01:17:39,916
Tara na!

831
01:18:00,000 --> 01:18:02,500
Hindi talaga kailangan
ng mga combat helicopter?

832
01:18:11,666 --> 01:18:12,708
Kalma lang diyan.

833
01:18:15,541 --> 01:18:17,875
Kung may armas kayo, sabihin n'yo na.

834
01:18:19,333 --> 01:18:21,416
-Sa ilalim ng unan.
-Lagi naman.

835
01:18:28,416 --> 01:18:29,375
Sino kayo?

836
01:18:31,250 --> 01:18:32,250
Aeon?

837
01:18:34,500 --> 01:18:35,750
Kabaligtaran.

838
01:18:37,666 --> 01:18:38,875
Paumanhin sa abala.

839
01:18:39,833 --> 01:18:40,666
Lintik.

840
01:18:42,166 --> 01:18:43,416
Ano'ng gusto n'yo?

841
01:18:47,291 --> 01:18:48,208
Huy.

842
01:18:48,708 --> 01:18:51,208
Huwag n'yo siyang patayin. Pakiusap.

843
01:18:51,291 --> 01:18:53,500
Bakit naman namin papatayin
si Marie Theissen?

844
01:19:05,916 --> 01:19:09,958
Paano kung di masindak ang mga Toma
sa maliit na private army natin?

845
01:19:10,708 --> 01:19:13,708
Basta ilalabas ko roon nang buhay
si Marie.

846
01:19:16,666 --> 01:19:18,916
Maghuhukay ba tayo ng mga libingan?

847
01:19:19,000 --> 01:19:20,833
Sa kailaliman ng Lithuania.

848
01:19:21,958 --> 01:19:23,375
Tingin mo, gagawin ko iyon?

849
01:19:25,333 --> 01:19:27,541
Iniisip ko kung kaya kong gawin.

850
01:19:28,125 --> 01:19:30,541
Kung kakayanin ng konsiyensiya ko.

851
01:19:35,291 --> 01:19:36,791
Hindi madali iyon.

852
01:19:41,916 --> 01:19:43,916
Di ko hinangad ang mahabang buhay.

853
01:19:45,708 --> 01:19:47,458
Para lang ito sa trabaho.

854
01:19:48,458 --> 01:19:49,458
Ang pagkabata ay…

855
01:19:50,375 --> 01:19:52,375
Parang nakakaakit, pero…

856
01:19:53,666 --> 01:19:57,125
Di gumaganda o sumasaya ang buhay
dahil lang sa pagkabata.

857
01:19:59,708 --> 01:20:00,875
Humahaba lang.

858
01:20:01,750 --> 01:20:03,083
At puno ng multo?

859
01:20:04,875 --> 01:20:09,208
Pagtagal mo sa pribadong sektor,
nalilimutan mo kung bakit ka nagsimula.

860
01:20:12,625 --> 01:20:13,708
May trick doon.

861
01:20:15,333 --> 01:20:16,666
Angkla ang tawag.

862
01:20:17,666 --> 01:20:19,625
Sa tuwing nagdududa ako,

863
01:20:19,708 --> 01:20:20,750
ginagawa ko ito.

864
01:20:23,916 --> 01:20:26,500
Nagpapaalala kung bakit ako nagsimula.

865
01:20:28,375 --> 01:20:29,375
Hustisya.

866
01:20:34,208 --> 01:20:35,125
Eh, ikaw?

867
01:20:36,666 --> 01:20:38,250
Para sa pera.

868
01:20:38,333 --> 01:20:39,375
Sa pagkabata?

869
01:20:40,125 --> 01:20:41,333
Kay Sophie Theissen?

870
01:20:46,958 --> 01:20:49,458
Nandito tayo para palayain ang inosente.

871
01:20:50,041 --> 01:20:52,125
Tapos ililibre mo ako ng inumin.

872
01:20:55,291 --> 01:20:56,791
Hindi ka sumusuko, 'no?

873
01:20:58,333 --> 01:21:00,000
Sige. Isang inumin.

874
01:21:00,500 --> 01:21:01,833
Pagkatapos nito.

875
01:21:03,750 --> 01:21:04,666
Baba.

876
01:21:07,333 --> 01:21:08,166
Sige.

877
01:21:24,041 --> 01:21:24,875
Pakiusap.

878
01:21:25,500 --> 01:21:26,583
Pakawalan n'yo ako.

879
01:21:26,666 --> 01:21:29,166
-Di pa ako nagkaroon ng donasyon.
-Alam ko.

880
01:21:29,916 --> 01:21:31,916
Pero mas malaki ito kaysa sa iyo.

881
01:21:32,000 --> 01:21:35,291
Sapilitang pinagdonasyon ang asawa ko.
Kami ang biktima.

882
01:21:37,000 --> 01:21:38,708
Alam ko ang kuwento mo, Max.

883
01:21:40,250 --> 01:21:44,458
Karaniwang career, prestihiyosong trabaho,
magandang suweldo,

884
01:21:45,041 --> 01:21:46,583
empleyado ng taon.

885
01:21:47,375 --> 01:21:49,750
Nakinabang sa sistema.

886
01:21:50,500 --> 01:21:52,708
Tapos biglang nasunog ang bahay mo.

887
01:21:53,500 --> 01:21:57,000
Kung kailan kailangan na
ni Sophie Theissen ng donasyon.

888
01:21:57,083 --> 01:22:00,625
At nagkataong namatay sa aksidente
ang resipyente mo, Max,

889
01:22:00,708 --> 01:22:03,416
kaya si Elena na lang ang puwedeng donor.

890
01:22:05,833 --> 01:22:08,125
Nagkataong ang daming mga trahedya.

891
01:22:08,958 --> 01:22:09,916
Ano?

892
01:22:10,416 --> 01:22:11,833
Ano'ng sinasabi mo?

893
01:22:12,416 --> 01:22:15,000
Ikaw dapat ang donation manager ni Elena.

894
01:22:15,833 --> 01:22:17,291
Ganoon kayo nagkakilala, di ba?

895
01:22:20,791 --> 01:22:24,916
Alam na noon pa ni Sophie Theissen
na posibleng donor si Elena.

896
01:22:25,500 --> 01:22:27,375
Ang nag-iisang match niya.

897
01:22:28,333 --> 01:22:30,833
Kukumbinsihin mo dapat si Elena.

898
01:22:31,375 --> 01:22:32,708
Sa halip, pinakasalan mo.

899
01:22:34,625 --> 01:22:36,625
Kawawang Sophie Theissen.

900
01:22:36,708 --> 01:22:40,000
Paano pa niya makukuha ang oras ni Elena?

901
01:22:43,458 --> 01:22:47,541
'Yung apartment na masyadong mahal
para sa inyong dalawa?

902
01:22:47,625 --> 01:22:50,250
'Yung bangkong nagpautang pa rin sa inyo?

903
01:22:50,333 --> 01:22:53,166
Basta gawing kolateral ni Elena
ang oras niya.

904
01:22:55,000 --> 01:22:56,416
Tapos nagkasunog,

905
01:22:56,500 --> 01:22:59,708
at sa sobrang pagkalubog n'yo
sa problemang pinansiyal,

906
01:22:59,791 --> 01:23:02,208
kinuha lang niya basta ang oras mo.

907
01:23:03,416 --> 01:23:06,875
Ngayon, ganoon din
ang gusto n'yong gawin sa babaeng ito.

908
01:23:06,958 --> 01:23:10,083
Ang nag-iisang Theissen
na may kaunting konsiyensiya.

909
01:23:10,166 --> 01:23:12,375
Nagkamali lang. Di ko alam
na maling tao siya.

910
01:23:12,458 --> 01:23:15,708
Talaga? Pagkatapos ng dalawang araw
na kasama mo siya?

911
01:23:16,666 --> 01:23:18,625
O baka ayaw n'yo lang makita?

912
01:23:20,625 --> 01:23:21,875
Katulad ka rin nila.

913
01:23:23,416 --> 01:23:25,166
Pumapatay ka ng inosente.

914
01:23:26,458 --> 01:23:27,458
Inosente?

915
01:23:33,291 --> 01:23:34,500
Hoy!

916
01:23:50,000 --> 01:23:52,500
Tapusin mo ang sinimulan mo.
Patayin mo siya.

917
01:23:53,083 --> 01:23:53,958
Ano?

918
01:23:57,750 --> 01:23:58,583
Ano?

919
01:23:58,666 --> 01:24:01,583
Handa kang kunin
ang 40 taon ng buhay niya.

920
01:24:01,666 --> 01:24:05,708
Mukhang nagpasiya ka na mas mahalaga
ang buhay mo kaysa buhay niya.

921
01:24:06,208 --> 01:24:08,166
Kabaluktutan. Di ko gagawin iyan.

922
01:24:08,750 --> 01:24:10,166
Tama na. Kabaliwan ito.

923
01:24:11,041 --> 01:24:12,375
Wala akong ginawa.

924
01:24:13,375 --> 01:24:17,666
Mismo. Ano ba'ng ginawa mo
para pigilan ang ina mo?

925
01:24:20,208 --> 01:24:22,708
Isang bala lang, kaya 'wag kang magtangka.

926
01:24:25,583 --> 01:24:27,041
Buhay mo o buhay niya.

927
01:24:27,125 --> 01:24:28,458
Pumili ka.

928
01:24:29,791 --> 01:24:31,500
Pakiusap.

929
01:24:45,666 --> 01:24:47,625
Pakiusap! Pakiusap, huwag!

930
01:24:49,416 --> 01:24:50,583
Pakiusap.

931
01:24:55,166 --> 01:24:56,000
Pakiusap.

932
01:25:11,750 --> 01:25:14,000
Nagiging pasipista ang karamihan

933
01:25:14,083 --> 01:25:16,375
kapag sila na mismo ang kakalabit.

934
01:25:17,041 --> 01:25:21,916
Pero kapag mga doktor na nakaputi
ang gumawa, ilan lang ang umaalma.

935
01:25:23,541 --> 01:25:27,416
Kaya napakamatagumpay at napakamapanganib
ng Aeon.

936
01:25:27,500 --> 01:25:28,541
Ano?

937
01:25:32,041 --> 01:25:34,500
May lokasyon na ng klinika ni Dr. Berg.

938
01:25:37,708 --> 01:25:39,791
Anim na oras lang valid.

939
01:25:40,375 --> 01:25:42,750
Kaya lang, hindi kayo makakapunta.

940
01:25:44,708 --> 01:25:47,208
Padating na mismo si Sophie Theissen.

941
01:25:47,708 --> 01:25:51,083
Gugustuhin niya kayong makausap.
Sabi ng source namin.

942
01:25:52,708 --> 01:25:53,958
Ipapasok mo siya

943
01:25:55,333 --> 01:25:56,833
nang walang bantay.

944
01:26:01,333 --> 01:26:02,708
Pain lang kami.

945
01:26:03,375 --> 01:26:05,041
Papatayin n'yo si Sophie Theissen.

946
01:26:05,541 --> 01:26:07,208
Para maging martir siya?

947
01:26:08,208 --> 01:26:10,833
Hindi. Isasama namin siya,

948
01:26:10,916 --> 01:26:12,916
iyon ay kung hindi ka magkakamali.

949
01:26:46,958 --> 01:26:47,791
Sige na.

950
01:26:55,166 --> 01:26:56,375
Kaya mo iyan.

951
01:27:10,041 --> 01:27:11,166
Dapa!

952
01:27:13,458 --> 01:27:14,625
Sa lupa, ngayon na!

953
01:27:15,416 --> 01:27:16,958
Buhay si Marie Theissen.

954
01:27:18,541 --> 01:27:21,333
Basta walang mangyari sa akin,
walang mangyayari sa kanya.

955
01:27:21,416 --> 01:27:22,458
Dumapa ka!

956
01:27:23,458 --> 01:27:25,791
Gusto kong makausap si Sophie Theissen.

957
01:27:26,416 --> 01:27:27,541
Wala nang iba.

958
01:27:28,791 --> 01:27:30,416
Sophie Theissen.

959
01:27:31,125 --> 01:27:32,375
Kapag pumalpak siya?

960
01:27:33,916 --> 01:27:34,916
Plan B.

961
01:27:35,541 --> 01:27:38,666
Aalis si Sophie Theissen na kasama tayo
o di na siya makakaalis.

962
01:27:40,166 --> 01:27:41,958
Bahala na si Hudas.

963
01:28:17,333 --> 01:28:18,875
Bagay sa iyo ang edad ng asawa ko.

964
01:28:20,125 --> 01:28:21,125
Mr. Toma,

965
01:28:21,833 --> 01:28:25,708
nauunawaan ko na para sa iyo,
inhustisya ang nangyari sa asawa mo.

966
01:28:26,291 --> 01:28:29,333
Sa pananaw mo,
nauunawaan ko ang ginawa mo.

967
01:28:30,083 --> 01:28:33,791
Inosente ang anak ko.
Higit sa sinuman sa sitwasyong ito.

968
01:28:34,375 --> 01:28:37,416
Ayaw mo naman sigurong manakit
ng inosenteng tao.

969
01:28:37,500 --> 01:28:39,041
Kapag lang napuwersa ako.

970
01:28:39,125 --> 01:28:39,958
Mabuti.

971
01:28:41,041 --> 01:28:43,958
Handa akong bayaran ulit
ang mga taon ng asawa mo.

972
01:28:44,916 --> 01:28:45,958
Sampung milyon.

973
01:28:46,041 --> 01:28:48,833
Higit pa sa maaasahan
ng sinuman sa posisyon mo.

974
01:28:49,625 --> 01:28:51,708
Makakapagbagong-buhay ka.

975
01:28:52,458 --> 01:28:54,750
Baka makahanap ka pa ng donor.

976
01:28:54,833 --> 01:28:55,958
Mayroon na.

977
01:28:59,500 --> 01:29:01,708
Ako ang Donation Manager ng Taon.

978
01:29:08,250 --> 01:29:10,041
Gamay ko ang ganitong usapan.

979
01:29:11,208 --> 01:29:15,000
Iisa-isahin mo ang pakinabang
na para bang puro magaganda lang.

980
01:29:15,916 --> 01:29:18,500
Pero alam mo palagi
na ikaw ang may kontrol.

981
01:29:19,625 --> 01:29:21,583
Na hawak mo lahat ng alas.

982
01:29:24,083 --> 01:29:26,791
Ay 'yung mga pobreng nakaupo sa harap mo,

983
01:29:28,416 --> 01:29:29,708
buhay lang ang mayroon sila.

984
01:29:33,375 --> 01:29:36,375
Nasa amin ang anak mo,
at nasa iyo ang 40 taon ng asawa ko.

985
01:29:37,125 --> 01:29:40,041
Kapag ibinalik mo,
di na namin kailangan si Marie.

986
01:29:40,833 --> 01:29:41,833
Kung hindi,

987
01:29:42,708 --> 01:29:45,041
wala nang mawawala sa amin. Pumili ka.

988
01:29:47,500 --> 01:29:49,833
Paano ko malalamang
buhay at maayos si Marie?

989
01:29:51,625 --> 01:29:52,583
Di siya maayos.

990
01:29:53,875 --> 01:29:55,208
Pero buhay pa siya.

991
01:29:55,916 --> 01:29:57,916
Puwede mong tingnan mismo.

992
01:29:58,625 --> 01:29:59,625
Nang personal.

993
01:30:00,458 --> 01:30:03,125
Di papasok si Sophie Theissen
nang wala ako.

994
01:30:05,458 --> 01:30:10,416
Sa sandaling may ibang umapak
sa pintong iyon, kakalabitin ng asawa ko.

995
01:30:11,375 --> 01:30:13,458
Tatawagan namin si Marie mula rito.

996
01:30:14,708 --> 01:30:15,791
Hindi na lang.

997
01:30:17,208 --> 01:30:19,166
Alam ko kung sino'ng kausap ko.

998
01:30:20,125 --> 01:30:24,416
Mga taong kayang gawin lahat,
nanununog at gumagawa ng mga aksidente.

999
01:30:25,333 --> 01:30:27,541
Ako ang masusunod sa usapang ito.

1000
01:30:38,583 --> 01:30:39,708
Sige, papasok ako.

1001
01:30:42,083 --> 01:30:43,125
Sige.

1002
01:30:44,083 --> 01:30:45,791
Di puwedeng mawala rin si Marie.

1003
01:30:47,791 --> 01:30:49,458
Isa pang tanong, Mr. Toma.

1004
01:30:50,000 --> 01:30:52,041
Gusto mong makausap mismo
si Sophie Theissen.

1005
01:30:52,125 --> 01:30:55,041
Paano ka nakasigurong darating siya?

1006
01:30:58,583 --> 01:30:59,500
Magsalita ka.

1007
01:31:00,000 --> 01:31:02,000
Tanga, magsabi ka ng kahit ano.

1008
01:31:04,958 --> 01:31:06,666
Sophie, bitag iyan!

1009
01:31:07,166 --> 01:31:08,000
Lintik!

1010
01:31:15,541 --> 01:31:16,500
Gawin mo na.

1011
01:31:32,083 --> 01:31:33,041
Sophie!

1012
01:31:33,958 --> 01:31:35,500
Siguraduhin mong patay na.

1013
01:31:35,583 --> 01:31:37,083
Barilin n'yo!

1014
01:31:41,083 --> 01:31:41,958
Barilin n'yo!

1015
01:32:04,625 --> 01:32:05,625
Elena!

1016
01:32:15,083 --> 01:32:15,958
Dapa!

1017
01:32:22,333 --> 01:32:23,916
Max, ikaw ba…

1018
01:32:57,000 --> 01:32:57,916
Hoy, ikaw!

1019
01:32:59,125 --> 01:33:01,625
'Wag kang gagalaw!

1020
01:33:02,458 --> 01:33:03,333
Tigil!

1021
01:33:08,583 --> 01:33:10,791
Pupuntahan ko ang asawa ko. Pakiusap.

1022
01:33:23,291 --> 01:33:25,375
Yumuko kayo at 'wag kayong aalis.

1023
01:33:44,208 --> 01:33:45,208
Max!

1024
01:33:48,250 --> 01:33:49,083
Sa likod mo!

1025
01:34:38,000 --> 01:34:38,833
Uy.

1026
01:34:40,583 --> 01:34:42,875
-Ayos ka lang?
-Ayos ka lang ba?

1027
01:34:43,375 --> 01:34:44,875
-Ayos ka lang?
-Ayos lang.

1028
01:34:46,083 --> 01:34:47,541
Teka.

1029
01:34:52,458 --> 01:34:54,333
Ingat. Okay.

1030
01:34:54,416 --> 01:34:56,041
Kailangan na nating umalis.

1031
01:34:56,125 --> 01:34:57,416
-Marie!
-Tara na!

1032
01:34:57,500 --> 01:34:58,416
Mauna ka na.

1033
01:34:58,500 --> 01:35:01,041
Marie! Sige na, tara na.

1034
01:35:01,125 --> 01:35:02,500
Huy, tara na!

1035
01:35:02,583 --> 01:35:04,708
O gusto mo bang mamatay dito? Tara.

1036
01:35:07,000 --> 01:35:08,541
Tara na! Bilis.

1037
01:35:12,250 --> 01:35:13,083
Doon.

1038
01:35:13,916 --> 01:35:14,916
Tara.

1039
01:35:33,416 --> 01:35:34,333
Aalis na ako.

1040
01:35:51,625 --> 01:35:52,625
Lintik.

1041
01:36:01,291 --> 01:36:02,416
Huy!

1042
01:36:04,833 --> 01:36:08,208
Huy! Elena.

1043
01:36:27,500 --> 01:36:28,375
Sige.

1044
01:36:49,791 --> 01:36:51,791
Okay, guys, tara na.

1045
01:37:09,833 --> 01:37:12,250
-Ang basement?
-Natingnan na namin lahat.

1046
01:37:46,541 --> 01:37:48,083
Hindi kalayuan dito.

1047
01:37:59,833 --> 01:38:01,458
Muntik na natin siyang mapatay.

1048
01:38:04,166 --> 01:38:05,583
Babarilin niya ako.

1049
01:38:07,916 --> 01:38:10,416
Alam na nating di siya si Sophie Theissen.

1050
01:38:12,750 --> 01:38:14,541
Sabi mo, compatible din siya.

1051
01:38:15,750 --> 01:38:17,500
Puwede niyang bawiin sa ina niya.

1052
01:38:17,583 --> 01:38:19,166
Patay na ang ina niya.

1053
01:38:20,208 --> 01:38:24,500
Walang kinalaman si Marie dito.
Parang wala tayong pinagkaiba sa kanila.

1054
01:38:25,083 --> 01:38:26,875
Gusto mong maging mas mabuti?

1055
01:38:28,083 --> 01:38:29,791
O gusto mong mabawi ang buhay natin?

1056
01:38:31,291 --> 01:38:33,041
Gusto nating magkaanak.

1057
01:38:34,666 --> 01:38:36,333
Nang hindi nakakasakit.

1058
01:38:37,208 --> 01:38:38,916
Inosente rin ang anak natin.

1059
01:38:39,958 --> 01:38:41,416
Ipinagkait siya ni Theissen.

1060
01:38:42,291 --> 01:38:44,583
Sinunog ni Theissen ang bahay natin,

1061
01:38:45,416 --> 01:38:47,041
pinatay ang resipyente mo.

1062
01:38:47,666 --> 01:38:48,958
Ipaalam natin sa publiko.

1063
01:38:49,041 --> 01:38:50,750
Mababalik ba ang mga taon ko?

1064
01:38:52,083 --> 01:38:53,333
Mula kanino?

1065
01:38:55,208 --> 01:38:58,708
Baka may iba pang paraan
maliban sa agawang ito.

1066
01:39:01,541 --> 01:39:02,666
Wala na akong alam.

1067
01:39:14,375 --> 01:39:15,791
Di ko na magagawa ito.

1068
01:39:19,916 --> 01:39:21,750
Dadalhin natin siya sa ospital.

1069
01:39:37,958 --> 01:39:38,833
Lumabas ka na.

1070
01:39:43,541 --> 01:39:44,625
Hindi ka seryoso.

1071
01:39:45,208 --> 01:39:46,208
Labas.

1072
01:39:49,416 --> 01:39:50,666
Elena, di ikaw ito.

1073
01:39:52,916 --> 01:39:53,875
Uy.

1074
01:39:56,541 --> 01:39:57,500
Labas!

1075
01:40:03,250 --> 01:40:04,250
Labas.

1076
01:42:07,500 --> 01:42:10,916
'Wag!

1077
01:42:13,666 --> 01:42:14,666
'Wag!

1078
01:42:16,166 --> 01:42:17,000
'Wag!

1079
01:42:21,541 --> 01:42:22,791
'Wag!

1080
01:42:24,875 --> 01:42:25,833
'Wag!

1081
01:43:10,750 --> 01:43:12,666
-Sige na, bilis.
-Bilis!

1082
01:43:18,583 --> 01:43:20,041
Sige na.

1083
01:43:24,041 --> 01:43:25,916
-Pati ba mga patay?
-Oo.

1084
01:43:26,000 --> 01:43:29,583
Sa doktor ang mga ito pagkatapos.
Maghintay muna ang mga ito.

1085
01:43:29,666 --> 01:43:32,291
-Kung ano'ng sasabihin ng boss.
-'Yung babae?

1086
01:43:41,125 --> 01:43:42,708
Tawag ka na ng doktor.

1087
01:43:43,291 --> 01:43:44,250
Sa wakas.

1088
01:44:11,916 --> 01:44:14,416
Hello. Ayos ka lang?

1089
01:44:47,833 --> 01:44:53,000
REFUGEE CAMP ŠKLÈRIAI
LITHUANIA

1090
01:45:11,958 --> 01:45:12,958
Ayos lang iyan.

1091
01:45:35,000 --> 01:45:37,541
Buti mas mabilis ka kaysa sa katrabaho mo.

1092
01:45:38,500 --> 01:45:40,041
Hindi ko siya katrabaho.

1093
01:45:40,875 --> 01:45:44,708
May lead na ba?
Kailangan natin silang mahanap agad.

1094
01:45:48,083 --> 01:45:49,166
Di ko na problema iyon.

1095
01:45:50,791 --> 01:45:54,125
-Ano'ng sinasabi mo?
-Tapos na akong manghuli ng mga tao.

1096
01:45:54,958 --> 01:45:56,625
Tapos na akong manunog.

1097
01:45:57,208 --> 01:45:59,666
At di na ako gagawa
ng mga aksidente sa motorsiklo.

1098
01:46:00,333 --> 01:46:01,375
Ayaw ko na.

1099
01:46:05,625 --> 01:46:07,666
Napakatagal na nating magkakilala.

1100
01:46:08,625 --> 01:46:10,416
May katapusan ang buhay.

1101
01:46:34,291 --> 01:46:35,583
Hello, anak ko.

1102
01:46:47,916 --> 01:46:48,916
Mama?

1103
01:46:51,875 --> 01:46:54,083
Sabi nila, compatible ka raw.

1104
01:46:56,125 --> 01:46:58,875
Malapit na nating maabot
ang mga layunin natin.

1105
01:47:00,291 --> 01:47:02,458
Kailangan ko ang buong lakas ko.

1106
01:47:03,250 --> 01:47:05,833
Gagawin ko ang lahat para…

1107
01:47:07,208 --> 01:47:08,958
para maihanap ka ng donor.

1108
01:47:11,250 --> 01:47:13,250
Kaunting oras lang iyon.

1109
01:49:01,333 --> 01:49:03,333
Ang pagbili ng buhay ng iba

1110
01:49:03,416 --> 01:49:05,583
ay paraan lang din ng pagkitil.

1111
01:49:05,666 --> 01:49:06,750
Alam ko na ngayon.

1112
01:49:06,833 --> 01:49:08,875
Naging parte ako ng sistema.

1113
01:49:09,375 --> 01:49:11,250
Habang may Aeon,

1114
01:49:11,333 --> 01:49:13,416
habang may ilegal na paglilipat,

1115
01:49:14,166 --> 01:49:16,250
mananatiling walang hustisya.

1116
01:49:17,041 --> 01:49:18,750
Oras na para lumaban.

1117
01:49:19,625 --> 01:49:21,041
Hindi man para sa atin,

1118
01:49:21,541 --> 01:49:22,916
para sa mga anak natin.

1119
01:56:41,166 --> 01:56:45,166
Tagapagsalin ng Subtitle:
Moonnette Maranan



