1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:29,640 --> 00:00:31,400
<i>Hi. Ito si Rosa.</i>

4
00:00:31,480 --> 00:00:33,960
<i>At, gaya ng alam n'yo,</i>
<i>tumatawag ako mula sa kulungan.</i>

5
00:00:34,040 --> 00:00:38,560
<i>Sana, sa pamamagitan nito,</i>
<i>makita ng mga tao kung sino talaga ako,</i>

6
00:00:38,640 --> 00:00:41,440
<i>hindi 'yong taong ipinakilala sa media.</i>

7
00:00:41,520 --> 00:00:43,320
<i>Hindi magiging madali</i>

8
00:00:43,400 --> 00:00:46,120
<i>na ipaliwanag at ipakilala ang sarili ko.</i>

9
00:00:46,200 --> 00:00:48,920
<i>Lahat ng pinagdaanan ko, halimbawa…</i>

10
00:00:49,000 --> 00:00:53,400
<i>Lahat ng ito…</i>
<i>Hindi ko alam ang itatawag dito.</i>

11
00:00:53,480 --> 00:00:59,960
<i>'Yong pagpapahirap na ginawa nila sa 'kin</i>
<i>bago, habang, at pagkatapos ng paglilitis,</i>

12
00:01:00,040 --> 00:01:02,720
<i>at patuloy pa rin,</i>
<i>makalipas ang anim na taon.</i>

13
00:01:02,800 --> 00:01:06,400
<i>Kung sa lalaki 'to nangyari</i>
<i>imbes na sa babae,</i>

14
00:01:06,480 --> 00:01:11,560
<i>hindi nila iisipin kung nagkaro'n ba siya</i>
<i>ng maraming karelasyon.</i>

15
00:01:11,640 --> 00:01:16,480
<i>At siguro hahanapin nila</i>
<i>'yong ebidensiyang dapat nilang hanapin.</i>

16
00:01:16,560 --> 00:01:19,880
<i>Dahil hinahanap dapat nila</i>
<i>'yong ebidensiya sa nangyari kay Pedro</i>

17
00:01:19,960 --> 00:01:21,720
<i>at kung paano 'yon nangyari.</i>

18
00:01:21,800 --> 00:01:24,920
ITO ANG UNANG PANAYAM
NA PINAUNLAKAN NI ROSA PERAL

19
00:01:25,000 --> 00:01:27,920
MULA NANG MAHATULAN
NG 25 TAONG PAGKAKAKULONG

20
00:01:28,520 --> 00:01:29,640
Uy!

21
00:01:31,920 --> 00:01:32,760
Tara na!

22
00:01:33,360 --> 00:01:35,640
- Hi!
- Mag-hi kayo. Nasa camera kayo!

23
00:01:35,720 --> 00:01:37,160
- Hi!
- Hi!

24
00:01:37,240 --> 00:01:41,800
KUHA NI PEDRO RODRÍGUEZ ANG FOOTAGE NA ITO
DALAWANG BUWAN BAGO SIYA PASLANGIN

25
00:01:42,840 --> 00:01:45,960
<i>Naaalala ko na nag-ski kami</i>
<i>noong taong 'yon.</i>

26
00:01:46,040 --> 00:01:47,760
<i>Kasama namin si Pedro.</i>

27
00:01:47,840 --> 00:01:51,880
<i>At naaalala ko 'yong bunso kong anak</i>
<i>na nakakapit sa 'kin.</i>

28
00:01:51,960 --> 00:01:53,040
Mahusay, anak.

29
00:01:53,120 --> 00:01:55,200
<i>Sabi niya, "Sasama 'ko kay Mama."</i>

30
00:01:55,280 --> 00:01:58,800
<i>At sabi ng panganay ko,</i>
<i>"Sasama 'ko kay Pedro."</i>

31
00:01:58,880 --> 00:02:02,040
<i>At naisip ko, "Wow, ito ang hinahanap ko."</i>

32
00:02:02,120 --> 00:02:03,000
Hi!

33
00:02:03,920 --> 00:02:04,800
Napakaganda.

34
00:02:24,160 --> 00:02:28,760
{\an8}ROSA PERAL'S TAPES

35
00:02:31,640 --> 00:02:33,760
Ngayon,
sa kaso ng Urban Police ng Barcelona.

36
00:02:33,840 --> 00:02:35,960
May hatol na ang jury.

37
00:02:36,040 --> 00:02:39,640
Ang mga nasasakdal
na sina Rosa Peral at Albert López

38
00:02:39,720 --> 00:02:42,440
ay napatunayang nagkasala
sa planong pagpatay.

39
00:02:43,120 --> 00:02:44,640
<i>Nagsimula ito noong 2017,</i>

40
00:02:44,720 --> 00:02:47,120
{\an8}<i>noong sina Rosa at Albert,</i>
<i>mga pulis at magkalaguyo,</i>

41
00:02:47,200 --> 00:02:48,920
{\an8}<i>ay binalak patayin si Pedro Rodríguez,</i>

42
00:02:49,000 --> 00:02:52,320
<i>isang pulis at nobyo ni Rosa</i>
<i>noong panahon ng krimen.</i>

43
00:02:52,400 --> 00:02:56,800
<i>Nagsimula ang mga pangyayari</i>
<i>nang malaman ng biktima ang pagtataksil</i>

44
00:02:56,880 --> 00:02:58,600
{\an8}<i>at naging hadlang sa mga nasasakdal.</i>

45
00:02:58,680 --> 00:03:02,080
{\an8}<i>Dito na nagplano sina Rosa at Albert</i>
<i>na patayin siya.</i>

46
00:03:02,160 --> 00:03:04,920
{\an8}<i>Ayon sa hatol,</i>
<i>pinatulog at pinatay nila si Rodríguez,</i>

47
00:03:05,000 --> 00:03:07,160
{\an8}<i>at isinilid ang katawan niya</i>
<i>sa likod ng kotse</i>

48
00:03:07,240 --> 00:03:09,920
{\an8}<i>na sinunog nila malapit sa Foix Reservoir.</i>

49
00:03:10,000 --> 00:03:14,280
{\an8}Dalawang Urban Police ang inaresto
sa pagpatay sa kapwa nila pulis…

50
00:03:14,360 --> 00:03:15,640
…inakusahan ang isa't isa.

51
00:03:15,720 --> 00:03:20,440
Inamin nilang sangkot sila sa krimen,
pero bilang mga kasabwat lamang.

52
00:03:20,520 --> 00:03:22,800
May tatlong posibleng teorya.

53
00:03:22,880 --> 00:03:27,920
Iyong ginamit na depensa ni Miss Rosa,
kung saan si Mr. Albert ang salarin.

54
00:03:28,000 --> 00:03:32,760
Iyong teorya ng depensa ni Mr. Albert,
na si Miss Rosa ang salarin.

55
00:03:32,840 --> 00:03:37,120
At 'yong teorya ng prosecution,
na pareho silang salarin.

56
00:03:37,200 --> 00:03:38,760
Bagsak 'yong istorya ni Rosa

57
00:03:38,840 --> 00:03:41,720
pag tiningnan mo 'yong mga kilos niya
pagkatapos ng krimen.

58
00:03:41,800 --> 00:03:44,880
Sinabi niya
na may matindi siyang takot kay Albert

59
00:03:44,960 --> 00:03:46,680
kaya di nagsumbong sa pulis.

60
00:03:46,760 --> 00:03:47,920
Pero pulis si Rosa.

61
00:03:48,000 --> 00:03:53,720
Hindi man santa si Rosa Peral,
pero tinitiyak kong di siya mamamatay-tao.

62
00:03:53,800 --> 00:03:56,880
Para sa kanya,
'yong pang-aakit, pakikipagtalik,

63
00:03:56,960 --> 00:04:01,240
at pagkakaroon ng kasintahan
ay normal sa buhay niya.

64
00:04:01,320 --> 00:04:04,000
Lagi siyang may inaakit.

65
00:04:04,080 --> 00:04:06,680
Nais nang tapusin ni Mr. Pedro
ang relasyon,

66
00:04:06,760 --> 00:04:09,480
at 'yong kabilang panig,
si Miss Rosa Peral,

67
00:04:09,560 --> 00:04:12,520
ay hindi ito tinanggap
at binalak siyang patayin.

68
00:04:12,600 --> 00:04:16,400
Di ko alam kung ginawa 'yon ni Rosa.
Isa lang akong mamamahayag.

69
00:04:16,480 --> 00:04:20,440
Ang alam ko ay hindi nagkaroon
ng patas na paglilitis si Rosa Peral.

70
00:04:20,520 --> 00:04:24,560
Kinukumpirma mo ba
ang lahat ng sinabi mo sa 'kin?

71
00:04:24,640 --> 00:04:26,280
O gusto mong aminin

72
00:04:26,360 --> 00:04:31,000
na ang krimeng ito ay isang napakasama
at buktot na pagpapakita ng pagmamahal

73
00:04:31,080 --> 00:04:33,840
na magbubuklod sa inyo ni Albert
habambuhay?

74
00:04:33,920 --> 00:04:37,400
Wala akong binalak kasama si Albert.
Di ko pinatay si Pedro.

75
00:04:37,480 --> 00:04:40,120
At kinukumpirma ko ang lahat ng sinabi ko.

76
00:04:42,720 --> 00:04:44,240
{\an8}MAY 2, 2017

77
00:04:44,320 --> 00:04:46,320
{\an8}ARAW MATAPOS ANG PAGPATAY

78
00:04:52,840 --> 00:04:58,040
Isa sa mga bagay na ikinabagabag ko
noong umpisa pa lang,

79
00:04:58,120 --> 00:04:59,960
at lagi kong iniisip,

80
00:05:00,040 --> 00:05:01,800
ay hindi ito maaari.

81
00:05:01,880 --> 00:05:06,560
Na hindi 'yon patas
dahil 'yong mga salarin,

82
00:05:06,640 --> 00:05:08,880
sinunog nila 'yong katawan at binura

83
00:05:08,960 --> 00:05:13,320
ang anumang ebidensiya ng pagkamatay,
mabuti 'yon sa kanila at makakasuhan

84
00:05:13,400 --> 00:05:15,240
{\an8}ng homecide sa halip na murder.

85
00:05:15,320 --> 00:05:19,920
{\an8}Dahil hindi ko mapatunayan
kung paano nila pinatay si Pedro,

86
00:05:20,000 --> 00:05:23,840
{\an8}hindi ko mapatunayang pinagplanuhan ito,
para maging murder ito.

87
00:05:23,920 --> 00:05:27,200
At 'yon, bilang prosecutor,
ang nagpahirap sa 'kin.

88
00:05:31,280 --> 00:05:34,160
Inisip nilang magaang lang
ang parusa ng homicide

89
00:05:34,240 --> 00:05:39,000
para sa tindi ng krimeng ito,
at kinailangan nila itong gawing murder

90
00:05:39,080 --> 00:05:40,760
para mas mabigat ang parusa.

91
00:05:40,840 --> 00:05:44,840
{\an8}At mula ro'n, sinubukan nilang bumuo

92
00:05:44,920 --> 00:05:48,360
{\an8}ng isang kaso para maging murder,

93
00:05:48,880 --> 00:05:50,920
{\an8}naghahanap ng ebidensiya

94
00:05:51,000 --> 00:05:54,720
na hindi naman ebidensiya,
kundi mga haka-haka at hinala lang.

95
00:05:58,760 --> 00:06:01,360
Wala kaming fingerprints
o armas sa pagpatay.

96
00:06:01,440 --> 00:06:03,600
Walang makuha sa katawan ng biktima.

97
00:06:03,680 --> 00:06:06,360
Kaya ano'ng gagawin namin?

98
00:06:06,440 --> 00:06:07,920
Nilawakan namin 'yong pagsusuri

99
00:06:08,000 --> 00:06:13,720
at naghanap ng secondary elements
para makagawa kami ng kongklusyon.

100
00:06:13,800 --> 00:06:16,720
Dahil secondary sila,
dapat mas makabuluhan sila.

101
00:06:16,800 --> 00:06:23,560
Itinuring ko 'yon na bakas ng mga tinapay
o landas ng tagumpay.

102
00:06:23,640 --> 00:06:27,600
Landas na dadalhin ka
sa pagkakasala ng mga nasasakdal.

103
00:07:06,080 --> 00:07:09,080
<i>Noong Sabado,</i>
<i>pumunta ako sa istasyon ng pulis</i>

104
00:07:09,160 --> 00:07:12,960
{\an8}<i>at sinabing, "Aamin na 'ko</i>
<i>at tatapusin na ang lahat ng 'to."</i>

105
00:07:14,600 --> 00:07:19,480
<i>Nagulat ako noong nagsasalita ako</i>
<i>at sinabi nila,</i>

106
00:07:20,000 --> 00:07:23,200
<i>"Ikukulong ka namin."</i>
<i>Sabi ko, "Isa 'tong pagkakamali.</i>

107
00:07:23,280 --> 00:07:25,680
<i>Pumunta ako para sabihin 'yong alam ko.</i>

108
00:07:25,760 --> 00:07:28,360
<i>Nanahimik ako, pero magtatapat na 'ko.</i>

109
00:07:28,440 --> 00:07:31,600
<i>Hindi.</i>
<i>Hindi 'to pwedeng mangyari sa 'kin."</i>

110
00:07:32,120 --> 00:07:34,160
<i>Nag-aalala 'ko sa mga anak ko.</i>

111
00:07:34,240 --> 00:07:36,720
<i>"Paano ko sasabihing</i>
<i>di na kami magkasamang matutulog?"</i>

112
00:07:40,440 --> 00:07:43,520
<i>Di ko na maalala</i>
<i>no'ng inilipat nila 'ko sa kulungan.</i>

113
00:07:43,600 --> 00:07:48,240
<i>Matapos ang apat na araw na walang kain,</i>
<i>walang ligo, walang pakikipag-usap,</i>

114
00:07:48,320 --> 00:07:51,720
<i>kahit sa mga anak ko,</i>
<i>walang balita galing sa labas,</i>

115
00:07:51,800 --> 00:07:56,560
<i>nakabartolina ng buong apat na araw,</i>

116
00:07:56,640 --> 00:08:02,240
<i>dinala nila 'ko sa isang basement,</i>
<i>na tinatawag nilang punishment area.</i>

117
00:08:02,320 --> 00:08:05,000
<i>Doon nila pinapahirapan 'yong mga babae.</i>

118
00:08:05,840 --> 00:08:08,320
<i>Hindi 'yon karaniwang selda</i>
<i>sa mga bagong preso.</i>

119
00:08:08,840 --> 00:08:12,520
<i>Di nila alam ang gagawin sa 'kin.</i>
<i>Di ko alam na nasa media ako.</i>

120
00:08:12,600 --> 00:08:16,000
<i>Hindi pa 'ko nakipagkita sa press no'n</i>
<i>o nakapanood ng TV.</i>

121
00:08:16,080 --> 00:08:18,200
<i>Gusto kong lumayo sa lahat.</i>

122
00:08:19,520 --> 00:08:24,160
<i>Narito ang isa sa ating mga unang</i>
<i>eksklusibo, hatid ni Miquel Valls.</i>

123
00:08:24,240 --> 00:08:27,920
<i>Tungkol ito sa tinatawag na "black widow"</i>
<i>ng Urban Police.</i>

124
00:08:28,000 --> 00:08:32,400
<i>Tinawag nila si Rosa na taksil,</i>
<i>manloloko, mapagmanipula, at malupit.</i>

125
00:08:32,480 --> 00:08:34,800
<i>Hindi ang nobyo niya</i>
<i>ang una niyang bangkay.</i>

126
00:08:34,880 --> 00:08:37,920
{\an8}Itinuturing mang inosente,

127
00:08:38,000 --> 00:08:40,560
{\an8}ang taong ito ay mapanganib.

128
00:08:40,640 --> 00:08:45,480
{\an8}Maraming kaso ang Spanish crime press
na tinutukan ng media.

129
00:08:46,160 --> 00:08:47,720
Isa ito sa mga 'yon.

130
00:08:47,800 --> 00:08:49,760
{\an8}Isang bata at magandang babae,

131
00:08:49,840 --> 00:08:52,840
{\an8}malaswa para sa Judeo-Christian,

132
00:08:52,920 --> 00:08:58,160
na, bukod pa ro'n, ay isang pulis,
ay inakusahang pinatay ang kanyang nobyo.

133
00:08:58,240 --> 00:09:00,440
Gusto namin ng crime of passion.

134
00:09:00,520 --> 00:09:03,280
Meron nang mga nakakaakit na kaganapan

135
00:09:03,960 --> 00:09:06,400
para busisiin pa namin ang kasong ito.

136
00:09:06,480 --> 00:09:10,040
{\an8}<i>Pagulo nang pagulo</i>
<i>ang sitwasyon ni Rosa Peral.</i>

137
00:09:10,120 --> 00:09:14,360
{\an8}Umupa siya ng hit man sa kulungan
para patayin ang ama ng mga anak niya.

138
00:09:14,960 --> 00:09:20,000
{\an8}Nilason ni Rosa
ang nobyo niyang si Pedro bago patayin.

139
00:09:20,680 --> 00:09:22,640
<i>Mahusay siyang magmanipula.</i>

140
00:09:22,720 --> 00:09:25,120
{\an8}Maganda siya. Nakakaakit.

141
00:09:26,320 --> 00:09:29,480
<i>Sa gitna ng imbestigasyon,</i>

142
00:09:29,560 --> 00:09:32,160
<i>ilang relasyon ang pinagsabay-sabay niya?</i>

143
00:09:32,240 --> 00:09:35,560
{\an8}Pinaniniwalaang nasa tatlo
o apat na relasyon siya.

144
00:09:36,600 --> 00:09:38,920
{\an8}<i>Lumalabas, nang mawala ang nobyo niya,</i>

145
00:09:39,000 --> 00:09:41,800
{\an8}<i>ay di siya nagpakita</i>
<i>ng normal na gawain na hanapin siya.</i>

146
00:09:41,880 --> 00:09:44,360
Bakit siya naghintay ng 15 araw
para ireport ito?

147
00:09:45,160 --> 00:09:46,640
<i>Hindi siya mukhang takot…</i>

148
00:09:46,720 --> 00:09:49,640
<i>Siya na ang pangunahing suspek</i>
<i>sa simula pa lang.</i>

149
00:09:49,720 --> 00:09:51,720
<i>Lahat ay nagpapahiwatig</i>
<i>na siya ang pumatay.</i>

150
00:09:52,520 --> 00:09:54,360
{\an8}<i>Ang mga unang kongklusyon ay</i>

151
00:09:54,440 --> 00:09:56,840
{\an8}<i>pinagplanuhang krimen, kung saan siya</i>

152
00:09:56,920 --> 00:10:00,160
{\an8}<i>ang nagmanipula, ang nagplano,</i>
<i>ang utak ng operasyon.</i>

153
00:10:02,080 --> 00:10:04,840
{\an8}Marami akong narinig na di maganda sa TV.

154
00:10:04,920 --> 00:10:06,720
May mga narinig ako

155
00:10:07,280 --> 00:10:10,600
na ikinagulat ko
na kayang sabihin ng mga tao.

156
00:10:11,120 --> 00:10:16,080
Nagulat ako na pinag-uusapan ng mga tao
'yong karapatan sa impormasyon.

157
00:10:16,160 --> 00:10:19,600
Anong impormasyon?
Anong klaseng impormasyon 'yon?

158
00:10:19,680 --> 00:10:23,600
Dahil ako, bago ako litisin,
kilala na 'ko ng mga tao.

159
00:10:23,680 --> 00:10:26,200
Alam na nila ang pangalan ko,
ang mukha ko.

160
00:10:26,280 --> 00:10:29,760
Alam na nila ang tungkol sa kaso,
kung pa'no ito ikinuwento.

161
00:10:29,840 --> 00:10:33,280
Kung iisipin, talagang napakahirap

162
00:10:33,360 --> 00:10:38,800
maging patas bago basahin 'yong ebidensiya
at kung ano pa'ng dapat basahin.

163
00:10:38,880 --> 00:10:40,120
Napakahirap.

164
00:10:43,600 --> 00:10:47,520
<i>Nagsimula na ang jury trial number 25/2019</i>

165
00:10:47,600 --> 00:10:50,760
<i>sa itinuturing na krimen</i>
<i>na planadong pagpatay</i>

166
00:10:50,840 --> 00:10:54,840
<i>laban kina Mr. Albert López Ferrer</i>
<i>at Miss Rosa María Peral Viñuela.</i>

167
00:10:54,920 --> 00:10:58,360
Ito ang pinaka-high-profile trial
sa loob ng maraming taon.

168
00:10:58,440 --> 00:11:01,560
{\an8}Hindi lang ito basta makita
sina Albert at Rosa

169
00:11:01,640 --> 00:11:07,600
{\an8}sa paglilitis, kundi ang marinig sila,
paano nila ipinagtanggol ang sarili nila.

170
00:11:07,680 --> 00:11:12,040
Noong unang araw, naisip ko, "Di ko alam
kung paano 'ko tatagal ng anim na linggo."

171
00:11:12,120 --> 00:11:13,240
Kasi…

172
00:11:13,960 --> 00:11:16,760
At gano'n talaga.
Malaking responsibilidad 'yon.

173
00:11:16,840 --> 00:11:20,800
Ibig sabihin,
para maghain ng demanda ang prosecutor

174
00:11:21,320 --> 00:11:23,640
na humihiling ng 25 taong sentensiya,

175
00:11:24,600 --> 00:11:26,840
kailangan mong seryosohin 'yon.

176
00:11:26,920 --> 00:11:30,600
Parang "sinisira" mo 'yong buhay
ng isang mamamayan.

177
00:11:30,680 --> 00:11:34,920
Laging may pressure pag mga jury trial.

178
00:11:35,000 --> 00:11:37,320
Higit sa lahat, napakahalagang bagay,

179
00:11:37,400 --> 00:11:39,640
meron kang siyam na tao,

180
00:11:39,720 --> 00:11:44,520
{\an8}siyam na mamamayan na medyo takot,

181
00:11:44,600 --> 00:11:48,920
{\an8}at lalo pa sa kasong ito
na tinutukan ng media.

182
00:11:49,000 --> 00:11:51,920
{\an8}Tinitingnan ka ng mga juror
na parang, "Ano'ng ginagawa ko rito?"

183
00:11:52,000 --> 00:11:55,200
Gusto kong ibahagi sa inyo

184
00:11:55,720 --> 00:11:59,680
ang isa sa mga madalas
itanong sa akin ni Rosa.

185
00:11:59,760 --> 00:12:05,080
"Hinuhusgahan ba 'ko
dahil sa mga taong nakasiping ko

186
00:12:05,160 --> 00:12:07,720
o kung pinatay ko ba si Pedro o hindi?"

187
00:12:07,800 --> 00:12:11,320
Gusto kong bigyang-diin 'yong kahalagahan

188
00:12:11,840 --> 00:12:14,840
ng isyu,
na ipinakita sa paglilitis na 'to,

189
00:12:14,920 --> 00:12:17,760
na paghihiwalay ng kasalanan sa krimen.

190
00:12:17,840 --> 00:12:21,080
'Yong abogado mismo,
dahil wala nang ibang paraan,

191
00:12:21,680 --> 00:12:25,840
alam niya na sa anumang krimen
na may pagkasentimental,

192
00:12:25,920 --> 00:12:27,640
sisilipin 'yong mga pribadong buhay.

193
00:12:27,720 --> 00:12:32,440
Kaya nakita ko 'yon bilang
magandang depensa, nakakaengganyo, pero…

194
00:12:34,040 --> 00:12:35,360
hanggang do'n lang.

195
00:12:39,920 --> 00:12:42,280
Miss Rosa, mga susunod na katanungan

196
00:12:42,360 --> 00:12:47,080
tungkol sa relasyon mo
kina Mr. Rubén, Mr. Albert, at Mr. Pedro.

197
00:12:47,160 --> 00:12:48,720
Ayos lang? Sige.

198
00:12:48,800 --> 00:12:51,720
Kailan kayo nagkaroon ng relasyon
ni Mr. Rubén?

199
00:12:51,800 --> 00:12:53,000
Noong 2000.

200
00:12:54,440 --> 00:12:55,480
- 2000?
- Oo, 2000.

201
00:12:55,560 --> 00:12:58,040
- Kailan kayo nagpakasal?
- Noong 2013.

202
00:12:58,680 --> 00:13:01,920
- Kailan ipinanganak ang mga anak n'yo?
- 2010 at 2012.

203
00:13:03,400 --> 00:13:06,240
Habang karelasyon mo si Mr. Rubén,

204
00:13:06,320 --> 00:13:08,280
naging kayo ba ni Mr. Albert?

205
00:13:09,120 --> 00:13:14,160
Noong… 'Yong relasyon namin ni Rubén,

206
00:13:14,240 --> 00:13:16,240
medyo toxic.

207
00:13:18,080 --> 00:13:21,200
<i>Nakilala ko si Rubén noong 16 anyos ako,</i>

208
00:13:22,720 --> 00:13:26,040
<i>noong nagtatrabaho siya sa isang club.</i>

209
00:13:26,120 --> 00:13:27,680
<i>Nag-request ako ng kanta.</i>

210
00:13:27,760 --> 00:13:30,000
<i>Hindi niya pinapatugtog,</i>

211
00:13:30,080 --> 00:13:31,600
<i>at noong aalis na 'ko,</i>

212
00:13:31,680 --> 00:13:36,080
<i>hinabol niya 'ko para tanungin</i>
<i>kung pwede kaming magkita ulit at lumabas.</i>

213
00:13:36,160 --> 00:13:39,080
<i>Kaya nagsimula kaming lumabas.</i>

214
00:13:40,000 --> 00:13:42,880
{\an8}<i>Pupunta siya sa paaralan ko</i>
<i>para dalawin ako.</i>

215
00:13:42,960 --> 00:13:46,840
{\an8}<i>Minsan, para sunduin ako</i>
<i>dahil may driver's license na siya.</i>

216
00:13:46,920 --> 00:13:49,640
<i>At ihahatid niya 'ko pauwi.</i>

217
00:13:49,720 --> 00:13:54,120
<i>O magkikita kami tuwing weekend</i>
<i>para mamasyal o manood ng sine…</i>

218
00:13:54,200 --> 00:13:59,360
<i>Sobrang in love ako no'n at akala ko</i>
<i>siya na 'yong pinakamamahal ko.</i>

219
00:13:59,880 --> 00:14:04,360
<i>Kalaunan, nagbago 'yon.</i>

220
00:14:05,280 --> 00:14:10,000
Nagkaanak kami, at pagkatapos no'n,
lalong nagkalayo 'yong loob namin.

221
00:14:10,080 --> 00:14:13,640
Hindi na maaayos 'yong relasyon namin.

222
00:14:13,720 --> 00:14:19,080
At oo, naging magkatrabaho kami ni Albert,
12 oras kaming magkasamang nagpapatrolya,

223
00:14:19,160 --> 00:14:22,760
araw-araw, na nahulog 'yong loob namin

224
00:14:22,840 --> 00:14:25,520
at naging mas malapit sa isa't isa.

225
00:14:25,600 --> 00:14:29,120
- Nagtalik ba kayo?
- Nagkaroon kami ng relasyon.

226
00:14:29,200 --> 00:14:30,600
Na ibig sabihin?

227
00:14:32,360 --> 00:14:37,120
<i>Naramdaman ko kay Albert 'yong pakikinig,</i>

228
00:14:37,200 --> 00:14:40,640
<i>ramdam ko na lagi siyang nandiyan.</i>

229
00:14:41,320 --> 00:14:45,800
<i>Kalaunan, lumalim 'yon,</i>
<i>pero ayokong pahabain 'yong relasyon.</i>

230
00:14:45,880 --> 00:14:48,320
<i>Pero habang tumatagal, naisip ko,</i>

231
00:14:48,400 --> 00:14:51,560
<i>"Sa ngayon, friends with benefits tayo,"</i>

232
00:14:51,640 --> 00:14:53,400
<i>o anumang tawag do'n.</i>

233
00:14:53,480 --> 00:14:58,000
<i>May mga inaasahan siya sa relasyon,</i>
<i>na hindi tugma sa 'kin.</i>

234
00:14:58,080 --> 00:14:59,640
<i>Ayaw niya ng pamilya,</i>

235
00:14:59,720 --> 00:15:02,360
<i>ayaw niya ng mga anak,</i>

236
00:15:02,880 --> 00:15:05,960
<i>at para sa 'kin, nauna 'yong mga anak ko.</i>

237
00:15:06,040 --> 00:15:11,040
<i>Kaya kung di niya tatanggapin</i>
<i>ang alinman sa mga 'yon,</i>

238
00:15:11,120 --> 00:15:13,720
<i>walang patutunguhan 'yong relasyon.</i>

239
00:15:16,040 --> 00:15:19,560
<i>Doon, sa mga biyahe sa motorsiklo</i>
<i>at lahat ng 'yon,</i>

240
00:15:19,640 --> 00:15:21,000
<i>pumasok si Pedro.</i>

241
00:15:21,080 --> 00:15:23,240
<i>Kasamahan ko siya sa trabaho.</i>

242
00:15:23,760 --> 00:15:27,480
<i>Nagsimula kaming lumabas</i>
<i>at bumiyahe nang nakamotorsiklo,</i>

243
00:15:27,560 --> 00:15:30,120
<i>at naging malapit sa isa't isa.</i>

244
00:15:30,200 --> 00:15:33,080
<i>Siguro may mga pagkakapareho sila, di ba?</i>

245
00:15:33,160 --> 00:15:34,560
<i>Tulad ng…</i>

246
00:15:35,800 --> 00:15:38,760
<i>Halimbawa, sasabihin minsan ng mga tao,</i>

247
00:15:38,840 --> 00:15:41,760
{\an8}<i>"Napansin mo bang may pagkakapareho sila?"</i>

248
00:15:41,840 --> 00:15:44,280
{\an8}<i>Gaya ng nangyari kay Pedro sa Rabassada.</i>

249
00:15:47,080 --> 00:15:48,800
Inilabas ko 'yong article.

250
00:15:48,880 --> 00:15:52,360
Pumunta 'ko sa gasolinahan
sa Rabassada Road,

251
00:15:52,440 --> 00:15:54,600
kung saan pumupunta 'yong mga biker

252
00:15:54,680 --> 00:15:56,000
para sa mga kurbada,

253
00:15:56,080 --> 00:16:02,000
at ipinakita nila 'yong footage ng biker
na pinara ng pulis dahil sa overspeeding.

254
00:16:02,080 --> 00:16:03,760
Si Pedro 'yong pulis.

255
00:16:03,840 --> 00:16:06,040
Pagkatapos, sumakay si Pedro sa motor

256
00:16:06,120 --> 00:16:09,440
at hinabol 'yong biker.

257
00:16:10,200 --> 00:16:13,600
Itinulak niya 'yong biker
pababa sa motor nito

258
00:16:13,680 --> 00:16:15,480
at inangat 'yong kamao niya.

259
00:16:15,560 --> 00:16:20,240
Pero no'ng susuntukin niya na 'yong biker,
pinakawalan niya.

260
00:16:20,320 --> 00:16:22,640
Sabi ng mga kasamahan ni Pedro,
off the record,

261
00:16:22,720 --> 00:16:25,440
na noong mga panahong 'yon, si Pedro ay…

262
00:16:25,520 --> 00:16:26,760
Nahibang siya kay Rosa.

263
00:16:26,840 --> 00:16:30,040
Nag-iisip na si Pedro noon
kung iiwan 'yong asawa niya

264
00:16:30,120 --> 00:16:33,280
at iwan ang lahat para kay Rosa.

265
00:16:33,360 --> 00:16:37,240
Sigurado akong naging bomba 'yon

266
00:16:37,320 --> 00:16:42,440
na sumabog sa Rabassada dahil di niya na
napigilan 'yong nararamdaman niya.

267
00:16:43,880 --> 00:16:49,480
<i>Iba 'yong pagkakakilala ko kay Pedro,</i>
<i>dahil sa kabila ng nangyari sa Rabassada,</i>

268
00:16:49,560 --> 00:16:52,080
<i>hindi siya mapanakit na tao.</i>

269
00:16:52,160 --> 00:16:55,200
<i>Tinulungan niya 'ko, maalalahanin siya…</i>

270
00:16:55,280 --> 00:16:59,240
<i>May naging kaso ako</i>
<i>tungkol sa revenge porn.</i>

271
00:16:59,320 --> 00:17:03,040
<i>Sabi ko,</i>
<i>"Gusto ko na lang 'to kalimutan lahat."</i>

272
00:17:03,120 --> 00:17:06,520
<i>Sabi ni Pedro, "Kumuha ka ng abogado.</i>
<i>Di pwedeng gano'n na lang."</i>

273
00:17:06,600 --> 00:17:09,480
Nangyari 'yong revenge porn noong 2008.

274
00:17:09,560 --> 00:17:13,440
Kakapasok lang ng 23 anyos na si Rosa
sa presinto ng Ciutat Vella,

275
00:17:13,520 --> 00:17:19,520
at ilang buwan lang, nakarelasyon niya na
si Detective Sergeant Óscar,

276
00:17:19,600 --> 00:17:22,320
lingid sa kaalaman
ng asawa niyang si Rubén.

277
00:17:22,400 --> 00:17:27,000
Gusto nang tapusin ni Rosa
'yong relasyon nila ni Óscar

278
00:17:27,080 --> 00:17:31,720
at nagalit si Óscar, hindi niya matanggap,

279
00:17:31,800 --> 00:17:36,120
at nagpasya siyang ipakalat
'yong litrato ng mga pagtatalik nila

280
00:17:36,200 --> 00:17:37,680
na kinunan nila.

281
00:17:37,760 --> 00:17:40,640
Binuksan niya 'yong email ni Rosa Peral

282
00:17:40,720 --> 00:17:43,760
at ipinadala 'yong mga litrato
sa lahat ng contact.

283
00:17:44,480 --> 00:17:46,480
FEBRUARY 28, 2008, 9:42 P.M.
FROM: ROSA PERAL

284
00:17:46,560 --> 00:17:48,960
TO: LAHAT NG CONTACT
SUBJECT: TINGNAN ANG FILE

285
00:17:49,040 --> 00:17:51,040
Hi, si Rosa ito.
Nang umalis ako sa eskuwela,

286
00:17:51,120 --> 00:17:53,440
nasabik akong sumipsip
ng mga ari ng mga pulis,

287
00:17:53,520 --> 00:17:56,560
kaya ngayong pulis na ako,
sinipsip ko 'yong sa corporal

288
00:17:56,640 --> 00:17:57,800
at ilang opisyal.

289
00:17:57,880 --> 00:17:59,920
Nakipagtalik nang walang condom,
mas masarap.

290
00:18:00,000 --> 00:18:01,040
Tawagan ninyo ako sa…

291
00:18:01,120 --> 00:18:05,840
Suportado si Óscar ng mga nakatataas.

292
00:18:05,920 --> 00:18:11,720
Naniwala sila na si Rosa mismo
'yong nagpadala ng email na 'yon.

293
00:18:13,560 --> 00:18:15,840
<i>Noong nagreklamo ako sa revenge porn,</i>

294
00:18:15,920 --> 00:18:18,880
<i>nakatanggap agad ako ng tawag</i>
<i>sa Urban Police,</i>

295
00:18:18,960 --> 00:18:21,400
<i>pati sa matataas na opisyal, sinasabing,</i>

296
00:18:21,480 --> 00:18:24,040
<i>"Iurong mo. Sisirain mo ang buhay niya."</i>

297
00:18:24,120 --> 00:18:26,560
<i>"Sisirain ko?</i>
<i>E, 'yong pagpapakalat niya ng litrato?"</i>

298
00:18:26,640 --> 00:18:30,360
<i>"Wala 'yon," sabi nila.</i>
<i>"Nakaraan na 'yon."</i>

299
00:18:30,440 --> 00:18:32,480
<i>"Oo, pero kumakalat pa rin 'yong litrato."</i>

300
00:18:32,560 --> 00:18:35,320
{\an8}CITY OF JUSTICE

301
00:18:35,880 --> 00:18:38,840
Itinuloy 'yong paglilitis no'n
habang nakakulong si Rosa Peral,

302
00:18:38,920 --> 00:18:40,840
naaresto sa pagpatay kay Pedro.

303
00:18:40,920 --> 00:18:44,440
Sa paglilitis na 'yon,
parang hindi na siya 'yong biktima,

304
00:18:44,520 --> 00:18:47,040
kundi isang babaeng
inakusahan ng pagpatay,

305
00:18:48,280 --> 00:18:50,760
kaya wala nang halaga 'yong salaysay niya.

306
00:18:50,840 --> 00:18:54,040
Hindi maayos 'yong imbestigasyon.
Marami sanang ebidensiyang nakalap

307
00:18:54,120 --> 00:18:59,440
dahil nai-record ni Rosa
na inamin ng nasasakdal 'yong ginawa niya.

308
00:18:59,520 --> 00:19:01,920
<i>Tumawag ka para iurong ko 'yong kaso,</i>

309
00:19:02,000 --> 00:19:04,800
<i>pero di mo pa inaamin</i>
<i>kung kanino 'yon galing.</i>

310
00:19:05,320 --> 00:19:08,680
<i>- Okay, Rosa, ako ang nagpadala ng email.</i>
<i>- Ipinadala mo?</i>

311
00:19:08,760 --> 00:19:11,880
<i>Oo. Ako ang nagpadala ng email na 'yon.</i>

312
00:19:11,960 --> 00:19:13,880
Nauwi sa wala 'yong paglilitis.

313
00:19:13,960 --> 00:19:18,080
Napawalang-sala 'yong detective sergeant
dahil hindi mapatunayan

314
00:19:18,160 --> 00:19:22,600
na siya 'yong nagpadala
ng maseselang litrato.

315
00:19:22,680 --> 00:19:29,680
Magagawa ba ni Rosa Peral na ipadala
'yong litrato sa lahat ng contact niya?

316
00:19:31,920 --> 00:19:37,120
Hindi ko alam.
Pero kaya niyang patayin si Pedro.

317
00:19:39,760 --> 00:19:46,760
{\an8}MAY 1, 2017 - 9:37 P.M.

318
00:19:51,440 --> 00:19:53,920
Pag-uwi n'yo ng bahay,

319
00:19:54,000 --> 00:19:56,000
ano'ng ginawa n'yo?

320
00:19:56,080 --> 00:19:59,280
Pag-uwi namin, pinatulog ko 'yong mga bata

321
00:19:59,360 --> 00:20:04,240
{\an8}at bumaba kami para kunin 'yong mga damit,
mga lalabhang damit.

322
00:20:04,320 --> 00:20:05,800
{\an8}Meron din kaming

323
00:20:06,480 --> 00:20:07,680
mga tutupiing damit…

324
00:20:07,760 --> 00:20:10,240
Ano pa ang nangyari? Ano'ng ginawa n'yo?

325
00:20:10,920 --> 00:20:15,440
Nagte-text sa 'kin si Albert,
sinasabing gusto niya raw pumunta,

326
00:20:15,520 --> 00:20:17,120
gusto niyang makipag-usap.

327
00:20:17,200 --> 00:20:19,480
Kaya noong dumating si Albert,

328
00:20:19,560 --> 00:20:23,600
{\an8}noong nagte-text pa siya,
sa puntong 'yon, binuksan ko 'tong pinto.

329
00:20:24,840 --> 00:20:28,760
Paglabas ko, nakita ko siyang tumalon
sa parteng ibaba ng bakod.

330
00:20:30,560 --> 00:20:32,000
Lumapit siya sa 'kin.

331
00:20:32,080 --> 00:20:35,720
Naka-balaclava siya, gloves,
at bag na may nakausling stick.

332
00:20:35,800 --> 00:20:40,240
Di normal na magdala ng palakol,
iangat 'yong damit, at magpakita ng baril.

333
00:20:40,320 --> 00:20:43,400
<i>Di niya binunot 'yong baril</i>
<i>at itinutok sa ulo ko,</i>

334
00:20:43,480 --> 00:20:45,080
<i>pero may baril siya.</i>

335
00:20:45,160 --> 00:20:48,440
<i>Pareho 'yong epekto no'n sa 'kin</i>
<i>na parang tinutukan niya 'ko.</i>

336
00:20:50,760 --> 00:20:53,720
Sabi niya,
"Akin na 'yong phone mo. Akin na."

337
00:20:53,800 --> 00:20:57,080
Binigay ko, inihagis ko sa lapag,
at tumakbo paakyat.

338
00:20:57,800 --> 00:20:58,800
Pag-akyat ko,

339
00:20:58,880 --> 00:21:03,960
ikinandado ko 'yong pinto
at nakarinig ako ng mga lagabog.

340
00:21:04,040 --> 00:21:06,840
Rosa, ganito ba
'yong mga lagabog na narinig mo?

341
00:21:09,720 --> 00:21:11,960
- Di gano'n kalakas.
- Di gano'n kalakas.

342
00:21:12,720 --> 00:21:14,600
Pinuntahan ko 'yong mga bata,

343
00:21:14,680 --> 00:21:19,440
para siguraduhing di sila nagising
dahil sa bakod, mga pinto, sa mga ingay.

344
00:21:19,960 --> 00:21:24,600
Noong makita kong tulog pa rin sila,
pumunta 'ko sa dining room at naupo.

345
00:21:24,680 --> 00:21:27,800
Natakot ako
at pumunta sa kusina para uminom.

346
00:21:27,880 --> 00:21:29,560
Pabalik-balik ako.

347
00:21:29,640 --> 00:21:34,760
Doon ko naisip,
"Paano ko siya pipigilang puntahan ako?

348
00:21:34,840 --> 00:21:36,440
Di ako makakaiwas. Paano?

349
00:21:36,520 --> 00:21:38,840
Tumalon sa bintana
kasama 'yong dalawang bata?"

350
00:21:38,920 --> 00:21:41,720
Okay. Kailan mo binuksan 'yong pinto?

351
00:21:41,800 --> 00:21:45,400
Noong sinabi niyang bumaba ako
o aakyatin niya 'ko.

352
00:21:45,480 --> 00:21:50,080
Bumaba ako. Sinabi niyang maglinis ako,
at tinanong ko, "Linisin ang ano?"

353
00:21:50,160 --> 00:21:51,840
Sabi niya, "Eto."

354
00:21:51,920 --> 00:21:55,600
Sabi ko, "Eto? Ano 'to? Tubig at bleach?

355
00:21:55,680 --> 00:21:57,600
Ano'ng lilinisin ko gamit 'yan?"

356
00:21:57,680 --> 00:22:01,880
Nagsimula akong maglinis
at hinanap kung nasaan si Pedro,

357
00:22:01,960 --> 00:22:05,040
inaalam ko kung ano'ng nangyari,
ano 'yong mga ingay.

358
00:22:05,120 --> 00:22:06,840
Pero wala akong nakita, wala.

359
00:22:06,920 --> 00:22:09,000
Walang dumi, wala si Pedro, wala.

360
00:22:09,640 --> 00:22:11,680
Natatakot daw siya kay Albert,

361
00:22:11,760 --> 00:22:14,800
kaya di siya nag-react,
di niya alam ang gagawin.

362
00:22:14,880 --> 00:22:17,280
Sabi niya, "Kung di ako isang pulis,

363
00:22:17,360 --> 00:22:21,240
wala sanang magugulat sa ikinilos ko."

364
00:22:21,320 --> 00:22:23,640
Pero isa kang pulis.

365
00:22:23,720 --> 00:22:27,240
Tumawag ka sana ng kaibigan
at sinabing, "Ito ang nangyari."

366
00:22:27,320 --> 00:22:31,760
At tinulungan sana nila siya.
Pero di gano'n 'yong nangyari.

367
00:22:31,840 --> 00:22:34,880
'Yong teorya ng takot
ay salungat sa katotohanan

368
00:22:34,960 --> 00:22:39,680
na 'yong ikinilos matapos ang pagpatay
ay tumagal ng maraming araw,

369
00:22:39,760 --> 00:22:44,280
kung saan namuhay si Rosa
na iba kay Albert.

370
00:22:44,360 --> 00:22:47,160
Mahi… Para sa 'kin, ibig kong sabihin.

371
00:22:47,240 --> 00:22:48,400
Napakahirap

372
00:22:48,480 --> 00:22:53,400
na bigyang-katwiran 'yong ikinilos
ng ilang araw na di inireport si Albert.

373
00:22:54,480 --> 00:22:59,640
Kumuha ng security sa bahay niya,
makipag-usap sa ibang tao,

374
00:22:59,720 --> 00:23:02,000
wala siyang sinabi tungkol sa mga 'to.

375
00:23:02,080 --> 00:23:04,880
Napakahirap
dahil 'yong dahilan ng takot na 'yon

376
00:23:04,960 --> 00:23:06,560
ay dapat laging naroon.

377
00:23:06,640 --> 00:23:08,880
<i>Dapat maranasan mo</i>
<i>'yong naging sitwasyon ko.</i>

378
00:23:08,960 --> 00:23:12,400
<i>Kung hindi, malamang mahirap maintindihan.</i>

379
00:23:12,920 --> 00:23:16,640
<i>Ang isang tao</i>
<i>na nakaranas ng gano'ng takot,</i>

380
00:23:16,720 --> 00:23:18,520
<i>na may nagbabanta sa 'yo,</i>

381
00:23:18,600 --> 00:23:19,880
<i>sinasabi sa 'yo…</i>

382
00:23:19,960 --> 00:23:23,240
<i>kung saan pakiramdam mo pinilit ka,</i>

383
00:23:23,320 --> 00:23:27,400
<i>maaaring hindi maging tama</i>
<i>'yong ikilos mo.</i>

384
00:23:27,480 --> 00:23:33,640
<i>Kung babalikan,</i>
<i>mali 'yong naging desisyon ko.</i>

385
00:23:33,720 --> 00:23:38,200
<i>Hindi ako pinaniwalaan ng mga tao</i>
<i>dahil do'n.</i>

386
00:23:38,280 --> 00:23:42,040
<i>O pinagdudahan ako at sinabing,</i>
<i>"Bakit gano'n ang ginawa niya?</i>

387
00:23:42,120 --> 00:23:44,600
<i>Bakit hindi siya lumaban?</i>

388
00:23:44,680 --> 00:23:47,280
<i>Bakit di siya pumunta sa pulis</i>
<i>at nagtiwala?"</i>

389
00:23:48,040 --> 00:23:52,840
<i>May naging karanasan ako sa mga pulis,</i>

390
00:23:52,920 --> 00:23:57,680
<i>na, kalaunan, naging rason</i>
<i>para mawalan ako ng tiwala.</i>

391
00:23:57,760 --> 00:24:01,000
<i>Gaya ng nangyari sa revenge porn.</i>

392
00:24:01,520 --> 00:24:05,640
<i>Ipinaalala sa 'kin ng karanasang 'yon,</i>

393
00:24:05,720 --> 00:24:10,600
<i>"Maipagkakatiwala ko ba 'to sa kanila</i>

394
00:24:10,680 --> 00:24:16,680
<i>kung hindi nga nila 'ko natulungan</i>
<i>sa mga mas simpleng pangyayari?"</i>

395
00:24:26,120 --> 00:24:32,000
<i>Napakaganda ng anak ko</i>
<i>Napakaganda sa kanyang pagtulog</i>

396
00:24:32,080 --> 00:24:37,360
<i>Parang bulaklak sa luntiang bukid ng trigo</i>

397
00:24:37,440 --> 00:24:40,280
<i>Napakaganda ng anak ko</i>

398
00:24:40,800 --> 00:24:43,240
<i>Napakaganda sa kanyang pagtulog</i>

399
00:24:43,320 --> 00:24:46,240
<i>Parang bulaklak</i>

400
00:24:46,320 --> 00:24:50,640
<i>Sa luntiang bukid ng trigo</i>

401
00:24:57,720 --> 00:25:03,160
{\an8}APRIL 23, 2023 - TAHANAN NI ROSA PERAL

402
00:25:05,200 --> 00:25:08,720
Halos anim na taon na
no'ng makulong si Rosa. Anim na taon.

403
00:25:08,800 --> 00:25:12,280
Hindi siya nasiraan ng bait,
walang nasira.

404
00:25:12,360 --> 00:25:16,600
Wala siyang kasalanan,
pinaninindigan niya 'yon.

405
00:25:16,680 --> 00:25:19,360
{\an8}Mapalad siya
na suportado siya ng kanyang ama,

406
00:25:19,440 --> 00:25:22,920
{\an8}buwan-buwan namin siyang dinadalaw
ng mga anak niya,

407
00:25:23,000 --> 00:25:24,560
{\an8}at 'yon ang nagpapalakas sa kanya.

408
00:25:27,400 --> 00:25:32,560
Tinutulungan ako ng tatay ko,
at sinisikap kong hindi maging pasaway.

409
00:25:32,640 --> 00:25:37,960
Hindi naman talaga maiiwasan 'yon minsan
dahil normal naman 'yon, di ba?

410
00:25:38,040 --> 00:25:39,480
Anim na taon na.

411
00:25:39,560 --> 00:25:42,440
At tinutulungan niya 'ko,
lalo na sa mga anak ko.

412
00:25:43,760 --> 00:25:46,040
Tinulungan din ako ng nanay ko.

413
00:25:46,120 --> 00:25:49,360
Di ko nasabing tinutulungan niya 'ko
dahil wala na siya.

414
00:25:50,040 --> 00:25:54,040
Pero kung hindi dahil sa kanila,
hindi ko makikita ang mga anak ko.

415
00:25:55,840 --> 00:25:57,560
Ang hirap.

416
00:25:57,640 --> 00:25:59,960
Ang hirap sa tuwing dadalaw sila,

417
00:26:00,040 --> 00:26:05,560
na isipin na para 'kong ibang tao
at kailangan kong gamitin ang oras na 'yon

418
00:26:05,640 --> 00:26:11,960
at subukang gawin 'yong imposible
para maging masaya sila.

419
00:26:12,040 --> 00:26:15,800
Hangad ko na sa tuwing uuuwi sila,
gusto pa nilang bumalik.

420
00:26:15,880 --> 00:26:19,960
Ikinakatakot ko lagi
na baka di na nila gustuhing bumalik

421
00:26:20,040 --> 00:26:23,000
o tamarin na sila
dahil sa hindi magandang paligid.

422
00:26:23,080 --> 00:26:28,840
Mga bata sila na pumupunta sa kulungan
at inuutusang, "Tanggalin n'yo 'yong relo.

423
00:26:28,920 --> 00:26:30,880
Kailangan n'yong hubarin 'to."

424
00:26:30,960 --> 00:26:35,320
Baka isang araw, magdadala 'yong isa
ng candy dahil natikman niya

425
00:26:35,400 --> 00:26:37,560
at sasabihing, "Dadalhan ko si Mama

426
00:26:37,640 --> 00:26:40,320
dahil gusto kong matikman niya."
Sabi nila,

427
00:26:40,400 --> 00:26:43,280
"Masarap po 'yong kinain ko,
at dadalhan kita."

428
00:26:43,360 --> 00:26:46,400
At nagdala siya at sinabihan na,

429
00:26:46,480 --> 00:26:48,760
"Hindi, itapon mo 'yan sa basurahan."

430
00:26:54,640 --> 00:26:56,960
{\an8}<i>Haharap ngayong araw ang mga testigo.</i>

431
00:26:57,040 --> 00:26:59,320
{\an8}<i>Maririnig ngayon sa korte</i>

432
00:26:59,400 --> 00:27:05,080
{\an8}<i>ang higit 50 saksi</i>
<i>na tetestigo sa mga susunod na linggo.</i>

433
00:27:05,160 --> 00:27:07,400
{\an8}Maraming testigo sa paglilitis na ito

434
00:27:07,480 --> 00:27:09,600
{\an8}na inilalarawan si Rosa bilang babae

435
00:27:09,680 --> 00:27:15,080
{\an8}na may mga komplikadong relasyon
sa iba't ibang lalaki.

436
00:27:15,160 --> 00:27:17,760
Ang kongklusyon ay nakararanas siya,

437
00:27:17,840 --> 00:27:22,920
at hindi ko alam 'yong tamang termino,
ng anti-monogamous pathology.

438
00:27:23,000 --> 00:27:25,200
Di siya pwedeng sa iisang tao lang,

439
00:27:25,280 --> 00:27:29,160
{\an8}pero hindi malinaw kung ito ay dulot
ng seksuwal na pagnanasa,

440
00:27:29,240 --> 00:27:31,360
isang gawain kung saan may karapatan siya.

441
00:27:31,440 --> 00:27:33,680
Kaakit-akit 'yong imahe ni Rosa,

442
00:27:33,760 --> 00:27:37,840
at ilang journalist 'yong umamin sa 'kin,

443
00:27:37,920 --> 00:27:43,200
dahil hindi bumenta 'yong istorya
na may dalawang lalaking nag-aaway

444
00:27:43,280 --> 00:27:44,920
at hindi 'yon orihinal.

445
00:27:45,000 --> 00:27:46,920
'Yong istorya ng black widow

446
00:27:47,000 --> 00:27:50,760
ang bumenta at nakatawag-pansin
sa mas maraming tao.

447
00:27:50,840 --> 00:27:57,360
At halos linggo-linggo,
may nabubunyag na kalaguyo.

448
00:27:57,440 --> 00:28:02,320
'Yong mga tunay, at mga iniugnay sa kanya
para palakihin 'yong kuwento.

449
00:28:02,400 --> 00:28:04,480
Dahil totoong nangyari rin 'yon.

450
00:28:04,560 --> 00:28:08,560
Hindi naman sa gusto ng press
na isiwalat 'yong mga relasyon niya,

451
00:28:08,640 --> 00:28:11,760
pero 'yong mga tao kasi
na sangkot sa krimen

452
00:28:11,840 --> 00:28:14,520
ay naging mga karelasyon niya.

453
00:28:14,600 --> 00:28:17,520
'Yong mga kasamahan ko, na iginagalang ko,

454
00:28:17,600 --> 00:28:22,600
ay hindi naging mahinahon at patas
sa kasong ito.

455
00:28:23,120 --> 00:28:24,600
Pati ako.

456
00:28:25,640 --> 00:28:30,280
Naalala kong naglabas ako noong umpisa,
noong inaresto siya at lahat na,

457
00:28:30,360 --> 00:28:34,080
ng artikulo na binasa ko ulit kamakailan
nang may kahihiyan kung saan sinabi ko,

458
00:28:34,160 --> 00:28:35,920
"Rosa Peral, ang stripper…"

459
00:28:36,000 --> 00:28:37,520
Di siya naging stripper.

460
00:28:37,600 --> 00:28:39,720
Hindi siya naging dancer sa club,

461
00:28:39,800 --> 00:28:43,120
o naghubad,
o anumang sinabi nila tungkol sa kanya.

462
00:28:43,200 --> 00:28:46,440
<i>Gumawa sila ng tauhan</i>
<i>dahil walang ebidensiya sa 'kin,</i>

463
00:28:46,520 --> 00:28:48,320
<i>lahat ng ebidensiya ay laban sa kanya.</i>

464
00:28:48,400 --> 00:28:53,440
<i>Kaya ang tanging paraan para akusahan ako,</i>
<i>para itulad ako sa kanya,</i>

465
00:28:53,520 --> 00:28:55,600
<i>ay ipakilala akong black widow.</i>

466
00:28:55,680 --> 00:28:59,280
Ginawa nila 'yong tauhan na 'yon
noong panahon ng paglilitis.

467
00:28:59,360 --> 00:29:03,200
Noong tinanong ang bawat testigo
kung nakasiping ko sila,

468
00:29:03,280 --> 00:29:04,480
mga lalaki at babae.

469
00:29:06,760 --> 00:29:11,280
Nagkaroon ba kayo
ng romantikong relasyon ni Miss Rosa?

470
00:29:11,360 --> 00:29:12,200
Hindi.

471
00:29:12,280 --> 00:29:15,160
Naninindigan ka pa rin
na isang beses lang kayong nagtalik.

472
00:29:15,240 --> 00:29:16,720
Isang beses lang.

473
00:29:16,800 --> 00:29:21,720
Alam mo bang kasal sa ibang tao
si Miss Rosa noong panahong 'yon?

474
00:29:21,800 --> 00:29:24,440
- Hindi.
- Sentimental ba ang naging relasyon n'yo?

475
00:29:24,520 --> 00:29:26,240
Paanong sentimental?

476
00:29:26,320 --> 00:29:29,680
- Umibig ka ba o naakit sa kanya?
- Ay, hindi.

477
00:29:29,760 --> 00:29:36,320
Hindi. Noong panahong 'yon,
may iba pa bang karelasyon si Miss Rosa?

478
00:29:36,400 --> 00:29:37,600
Wala.

479
00:29:37,680 --> 00:29:41,640
Alam mo bang pagkatapos no'n,
naging si Miss Rosa at Pedro?

480
00:29:41,720 --> 00:29:42,560
Oo.

481
00:29:43,080 --> 00:29:45,960
Alam mo ba ang estado
ng relasyon ni Miss Rosa,

482
00:29:46,040 --> 00:29:48,240
sino ang kinakasama at nobyo niya?

483
00:29:48,320 --> 00:29:50,400
Si Pedro ang nobyo niya no'n.

484
00:29:50,480 --> 00:29:54,600
May romantikong relasyon ba
sina Miss Tania at Miss Rosa?

485
00:29:54,680 --> 00:29:56,080
Parang magkasintahan.

486
00:29:56,160 --> 00:29:59,840
- Wala. Hindi kami mga lesbyana.
- Wala.

487
00:30:00,520 --> 00:30:07,200
Nakilala siya na isang femme fatale,
isang seksuwal at mapang-akit na babae,

488
00:30:07,280 --> 00:30:12,920
na pumabor sa kabilang panig
sa paglilitis na 'to.

489
00:30:13,000 --> 00:30:15,480
- Manuel, kailangan ko 'tong itanong.
- Sige.

490
00:30:15,560 --> 00:30:19,320
Hindi ba totoo
na madalas kayong nagkikita ni Miss Rosa?

491
00:30:21,520 --> 00:30:22,880
Ibig mong sabihin?

492
00:30:22,960 --> 00:30:24,920
Na madalas kayong nagtatalik.

493
00:30:25,000 --> 00:30:26,200
Hindi, isa lang.

494
00:30:26,280 --> 00:30:29,960
Di dapat pinayagan ng korte
na lumabas ang mga bagay na 'to.

495
00:30:30,560 --> 00:30:33,120
Kung nakasiping niya
ang isang tao o iba pa.

496
00:30:33,200 --> 00:30:35,000
Hindi dapat pinayagan 'yon.

497
00:30:35,080 --> 00:30:39,280
Kung lihim na pakikinggan ng pulisya
'yong telepono ng suspek,

498
00:30:39,880 --> 00:30:41,680
lahat ng irerekord ng pulisya

499
00:30:41,760 --> 00:30:45,920
na hindi kasama sa imbestigasyon

500
00:30:46,000 --> 00:30:49,600
ay hindi dapat inilabas,
dapat pinanatiling off the record.

501
00:30:49,680 --> 00:30:52,320
Sorry, Isaam, pero kailangan kong itanong.

502
00:30:52,400 --> 00:30:54,480
Nagkagusto ka ba

503
00:30:54,560 --> 00:30:57,000
noong panahong 'yon kay Miss Rosa?

504
00:30:57,080 --> 00:31:00,720
- Hindi.
- At si Miss Rosa sa 'yo?

505
00:31:00,800 --> 00:31:02,840
- Hindi, hindi ko napansin.
- Sige.

506
00:31:02,920 --> 00:31:04,960
Hindi noon, hindi kahit kailan.

507
00:31:07,480 --> 00:31:09,960
Gano'n pa rin kaya ang sasabihin

508
00:31:10,040 --> 00:31:16,200
kung hindi uusisain
'yong mga nakaraang relasyon niya?

509
00:31:16,800 --> 00:31:21,240
Dahil 'yong tatsulok,
pati mga sangay nito, ay nangyari talaga.

510
00:31:21,320 --> 00:31:24,800
Linawin natin.
Bilang kinatawan ng prosecution,

511
00:31:24,880 --> 00:31:28,640
wala akong pakialam
sa pribadong buhay ng isang tao,

512
00:31:28,720 --> 00:31:30,760
kung paano sila mamuhay.

513
00:31:31,280 --> 00:31:35,440
Pero kung may mga bagay
sa pribadong buhay na 'yon

514
00:31:35,520 --> 00:31:40,120
na magpapaunawa sa 'min
sa mentalidad na humantong sa pagpatay

515
00:31:40,640 --> 00:31:44,520
at mga bagay na magbibigay-linaw
sa mga motibo ng pagpatay,

516
00:31:44,600 --> 00:31:46,040
interesado ako ro'n.

517
00:31:46,120 --> 00:31:50,160
Hindi para husgahan sila, litisin,
o turuan ng leksiyon ang sinuman,

518
00:31:50,240 --> 00:31:52,400
kundi para ipakita
ang ebidensiya ng pagpatay.

519
00:31:52,480 --> 00:31:55,880
Ang sabihing, "Pinapatunayan lang namin

520
00:31:55,960 --> 00:31:59,520
{\an8}'yong mga katotohanan
na nagpakilala sa pagkatao ni Rosa

521
00:31:59,600 --> 00:32:01,480
{\an8}at magpapaliwanag sa krimen"

522
00:32:02,000 --> 00:32:05,960
{\an8}ang nagpapatibay sa koneksiyon
ng kasalanan at ng krimen.

523
00:32:06,040 --> 00:32:08,360
Para sabihing pinatay ng isang tao

524
00:32:08,880 --> 00:32:10,480
ang isa pang tao,

525
00:32:10,560 --> 00:32:13,040
di kailangang ipakita 'yong pagkatao nila,

526
00:32:13,120 --> 00:32:15,840
ipakita mo 'yong ebidensiya
na pumatay sila.

527
00:32:15,920 --> 00:32:21,000
Sa detalyadong pagpapaliwanag lang,
kung paano ito ginawa sa paglilitis

528
00:32:21,080 --> 00:32:23,960
at isinalaysay ng mga Mosso,

529
00:32:24,040 --> 00:32:26,320
'yong patutunguhan ng emosyon ni Rosa

530
00:32:26,400 --> 00:32:30,760
at kung pa'no niya nauunawaan
'yong mga relasyon niya,

531
00:32:30,840 --> 00:32:32,120
doon maiintindihan ang kaso.

532
00:32:32,200 --> 00:32:33,920
Kung hindi, walang kaso.

533
00:32:37,840 --> 00:32:41,400
{\an8}MAY 1, 2017 - ARAW NG KRIMEN

534
00:32:44,280 --> 00:32:45,360
Noong May 1,

535
00:32:45,960 --> 00:32:50,520
magkasama sina Rosa at Pedro
sa bahay na pag-aari ni Pedro…

536
00:32:50,600 --> 00:32:54,520
Kasama nila 'yong mga magulang
at mga anak ni Rosa.

537
00:32:54,600 --> 00:32:57,600
Una, pumunta sila sa Calafell,
para mag-slide.

538
00:32:57,680 --> 00:32:59,360
Nagpadulas ako isang beses.

539
00:32:59,440 --> 00:33:04,160
Akala ko hindi 'yon para sa 'kin,
dahil sa edad ko.

540
00:33:04,240 --> 00:33:07,040
Pero sa huli,
nagpadulas ako kasama ng mga bata.

541
00:33:07,120 --> 00:33:09,080
Nagpadulas sila ng dalawa o tatlong beses.

542
00:33:09,160 --> 00:33:12,360
Kasama ni Pedro 'yong isang bata
at kay Rosa 'yong isa.

543
00:33:12,440 --> 00:33:14,800
Pagkatapos kumain,
pumunta kami sa bahay ni Pedro.

544
00:33:14,880 --> 00:33:18,320
At buong hapon sila
dito sa bahay ni Pedro.

545
00:33:18,400 --> 00:33:21,760
Naglinis sa garden
'yong tatay ni Rosa at si Pedro.

546
00:33:21,840 --> 00:33:24,560
At sinabi ko sa tatay at nanay ko,

547
00:33:24,640 --> 00:33:27,520
"Pupunta kami ro'n para maglinis.
Tutulong kayo?"

548
00:33:27,600 --> 00:33:30,080
Lagi silang payag sa lahat.

549
00:33:30,160 --> 00:33:33,400
Lagi silang tumutulong,
lagi nila kaming tinutulungan.

550
00:33:33,480 --> 00:33:35,680
Sumasakit 'yong likod ng nanay ko.

551
00:33:35,760 --> 00:33:39,600
May iniinda siya, kaya sabi niya,
"Magtatanghalian kami,

552
00:33:39,680 --> 00:33:43,720
at babantayan ko 'yong mga bata
habang naglilinis kayong tatlo."

553
00:33:43,800 --> 00:33:46,360
Nilinis namin 'yong kalahati ng bakuran

554
00:33:46,440 --> 00:33:49,760
at itinapon ang lahat ng basura.

555
00:33:50,600 --> 00:33:53,840
Naglinis kami ro'n hanggang mga 8:00 p.m.

556
00:33:53,920 --> 00:33:56,200
Napakasayang family day,

557
00:33:56,280 --> 00:33:59,480
kung saan kumuha si Rosa Peral
ng maraming litrato,

558
00:33:59,560 --> 00:34:01,480
mas marami kesa noon.

559
00:34:01,560 --> 00:34:05,520
Para sa 'min, kahit masakit pakinggan,

560
00:34:06,040 --> 00:34:09,160
sinadyang kunan ni Miss Rosa
'yong mga litratong 'yon

561
00:34:09,240 --> 00:34:11,480
para maging alibi.

562
00:34:11,560 --> 00:34:12,920
'Yon ang teorya namin.

563
00:34:15,960 --> 00:34:19,640
Habang iniimbestigahan, napagtanto ko
na wala kaming malinaw na pruweba,

564
00:34:19,720 --> 00:34:21,840
kaya naging mahirap ang paglilitis na 'to.

565
00:34:21,920 --> 00:34:24,600
Puro haka-haka 'yong ebidensiya.

566
00:34:24,680 --> 00:34:27,560
Napagpasyahan namin ng mga kasama ko

567
00:34:27,640 --> 00:34:31,160
na mahalagang mapatunayan
na nagkaroon ng pagpaplano.

568
00:34:31,240 --> 00:34:34,120
Bakit? Kung mapapatunayan
na pinagplanuhan ito,

569
00:34:34,800 --> 00:34:38,080
hindi na mahalaga
kung sino 'yong gumawa ng krimen.

570
00:34:41,360 --> 00:34:46,280
{\an8}Para maintindihan kung paano
at bakit nangyari ang pagpatay kay Pedro,

571
00:34:46,360 --> 00:34:51,120
kailangan nating bumalik sa January 2017.

572
00:34:51,200 --> 00:34:55,480
Nagpunta noong panahong 'yon
si Albert López sa bahay ni Rosa Peral,

573
00:34:55,560 --> 00:34:58,800
na naniniwala si Albert
na magkarelasyon pa rin sila,

574
00:34:58,880 --> 00:35:02,160
at nakita niya
na nagsasama sina Rosa at Pedro.

575
00:35:02,240 --> 00:35:06,400
Totoo bang nalaman ni Mr. Albert,
noong January 12, 2017,

576
00:35:06,480 --> 00:35:11,320
na magkarelasyon kayo ni Pedro,
at nagtalo kayong dalawa ni Mr. Albert?

577
00:35:11,400 --> 00:35:13,720
Hindi sila nag-away no'ng araw na 'yon

578
00:35:13,800 --> 00:35:17,920
dahil sinabihan ko si Pedro
na manatili sa loob at wag makialam.

579
00:35:18,000 --> 00:35:24,240
Kami lang ng taong 'to ang nagtalo,
dahil sa natuklasan ko pagdating ko ro'n.

580
00:35:24,320 --> 00:35:27,000
Pagtatalo na hindi humigit
sa tatlong insulto,

581
00:35:27,080 --> 00:35:29,480
kung saan sinabi ko na bahala na siya,

582
00:35:29,560 --> 00:35:32,000
sumakay ako sa motor ko, at umalis na.

583
00:35:45,360 --> 00:35:47,840
January 29, 2017
From: Albert López - To: Rosa Peral

584
00:35:47,920 --> 00:35:48,760
Puta ka!

585
00:35:48,840 --> 00:35:51,520
Hindi mo alam ang ginagawa mo sa akin.
Kinamumuhian kita!

586
00:35:51,600 --> 00:35:54,960
Minahal kita at isusuko ko ang lahat
para sa iyo at sa mga bata.

587
00:35:55,040 --> 00:35:57,080
Iniyakan ko ang pagtataksil mo.

588
00:35:57,160 --> 00:35:59,200
Wag mo na akong kakausapin!

589
00:35:59,280 --> 00:36:01,400
Alam sa presinto ang ginawa ninyo sa akin.

590
00:36:01,480 --> 00:36:04,360
Di ako mahihiyang pindeho ako
dahil mas may kuwenta ako sa inyo.

591
00:36:04,440 --> 00:36:06,680
Nandidiri ako sa inyo.
Sumulat ako nang lumuluha,

592
00:36:06,760 --> 00:36:08,760
pero hindi ko kayo mapapatawad.

593
00:36:08,840 --> 00:36:11,840
At pag umalis ako sa pagiging pulis
at wala nang pakialam sa buhay,

594
00:36:11,920 --> 00:36:14,000
tandaan mo, babalikan kita.

595
00:36:14,080 --> 00:36:15,880
Huwag kang sasagot, puta ka!

596
00:36:15,960 --> 00:36:19,600
Ang mga email na 'to
ay kasunod ng 77 email

597
00:36:19,680 --> 00:36:22,000
mula sa babaeng 'to
na humihiling na makipagbalikan,

598
00:36:22,080 --> 00:36:23,960
at mali raw 'yong iniisip ko.

599
00:36:24,040 --> 00:36:25,680
Malinaw 'yong nangyayari.

600
00:36:25,760 --> 00:36:30,120
Pagkatapos noong magpakita siya sa bahay
na nagsisisigaw at nang-iinsulto,

601
00:36:30,200 --> 00:36:33,640
at halos magkasakitan na,
natakot na 'ko sa kanya.

602
00:36:33,720 --> 00:36:38,240
Sige. Sabi mo takot ka sa kanya,
pero gusto kong ipakita itong email.

603
00:36:38,320 --> 00:36:41,520
Email na ipinadala ni Mr. Pedro
noong 10:00:05 p.m.,

604
00:36:41,600 --> 00:36:43,800
at sa 'yo, makalipas ang 4 na minuto,

605
00:36:43,880 --> 00:36:46,440
pagkatapos ni Albert, na kinatatakutan mo,

606
00:36:46,520 --> 00:36:48,680
na pagbantaan ang buhay ng nobyo mo,

607
00:36:49,360 --> 00:36:52,800
sabi mo kay Albert, "Di ako napasakanya
at di mangyayari, sinisiguro ko."

608
00:36:52,880 --> 00:36:56,840
Makalipas ang 24 minuto,
"Sa 'yo lang ako. Angkinin mo lang ako."

609
00:36:56,920 --> 00:36:58,600
Ang nakakagulat, sa labas,

610
00:36:58,680 --> 00:37:01,800
kahit na sa tingin ko
ay kaugnay ito ng mentalidad,

611
00:37:01,880 --> 00:37:05,440
at mahalaga sa 'min
'yong mentalidad ng mga nasasakdal,

612
00:37:05,520 --> 00:37:08,080
ay laging itinatanggi ni Miss Rosa

613
00:37:08,160 --> 00:37:10,240
na may relasyon sila ni Mr. Pedro.

614
00:37:10,320 --> 00:37:12,600
Natatakot akong sabihin sa kanya
na kami ni Pedro.

615
00:37:12,680 --> 00:37:18,560
Inisip ko na haharapin
at kukumprontahin niya si Pedro.

616
00:37:18,640 --> 00:37:21,360
Na pagdating ng panahon,
masasabi ko sa kanya.

617
00:37:21,440 --> 00:37:23,320
Na huhupa 'yong galit kalaunan.

618
00:37:23,400 --> 00:37:26,880
Na sa tamang panahon,
lilipas 'yong pagkagusto niya sa 'kin.

619
00:37:26,960 --> 00:37:30,240
Nagpapaasa ka sa pagsasabing,
"Sa 'yo lang ako. Angkinin mo lang ako"?

620
00:37:30,320 --> 00:37:33,240
Ganito mo ba paasahin si Mr. Albert?

621
00:37:33,760 --> 00:37:35,080
Gano'n ba?

622
00:37:35,160 --> 00:37:37,920
'Yon 'yong paraan ko noon. Palpak.

623
00:37:38,000 --> 00:37:41,680
Hindi inuunawa ng korte,
at kadalasan, negatibong hinuhusgahan,

624
00:37:41,760 --> 00:37:45,480
'yong mga ikinikilos ng kababaihan
na karaniwan sa mga relasyon.

625
00:37:45,560 --> 00:37:48,960
Ano 'yong mga karaniwang ginagawa

626
00:37:49,040 --> 00:37:51,120
ng mga kababaihang nasa relasyon?

627
00:37:51,200 --> 00:37:52,360
Pag-iwas.

628
00:37:53,160 --> 00:37:54,760
Sa mga tanong na,

629
00:37:54,840 --> 00:37:57,840
"Bakit di mo sinabi kay Albert
na kayo ni Pedro?

630
00:37:57,920 --> 00:38:00,480
Nag-iisip ka na ba ng masamang plano?"

631
00:38:00,560 --> 00:38:05,840
"Hindi, dahil ayoko ng mga problema.
Ayokong magpaliwanag kay Albert. Tapos."

632
00:38:05,920 --> 00:38:07,720
Lagi 'yon itinatanong.

633
00:38:07,800 --> 00:38:11,160
Itong paraan ng pag-iwas sa pagtatalo,

634
00:38:11,240 --> 00:38:13,000
ng pagharap sa buhay,

635
00:38:13,080 --> 00:38:16,080
tipikal sa mga babae
na nasa mapang-abusong relasyon

636
00:38:16,160 --> 00:38:18,800
ay kinukuwestiyon sa paglilitis na 'to.

637
00:38:18,880 --> 00:38:21,920
JANUARY 30, 2017

638
00:38:24,480 --> 00:38:27,680
MARCH 27, 2017

639
00:38:27,760 --> 00:38:30,600
Dahil nasa presinto ka ngayong araw,

640
00:38:30,680 --> 00:38:34,640
inaabangan ng lahat
kung kailan tayo magkikita.

641
00:38:34,720 --> 00:38:38,320
Mga karaniwang tsismis
para lalo kang mapasama.

642
00:38:38,400 --> 00:38:41,080
Noong katapusan ng Marso, si Mr. Albert

643
00:38:41,160 --> 00:38:46,960
ay sinubukang makipag-ugnayan ulit
kay Miss Rosa, sa Facebook yata,

644
00:38:47,040 --> 00:38:48,600
pero iba na 'yong tono.

645
00:38:48,680 --> 00:38:53,920
E, kung magkita tayo
at magpanggap na parang walang nangyari?

646
00:38:57,640 --> 00:38:59,840
Sige, ayaw mo.

647
00:38:59,920 --> 00:39:02,680
Bakit naka-block ako sa 'yo sa WhatsApp?

648
00:39:02,760 --> 00:39:04,400
Nagseselos ba si batugan?

649
00:39:05,520 --> 00:39:09,360
Huwag kang ganyan, tanga,
alam mo namang mabait ako.

650
00:39:09,440 --> 00:39:11,240
Hindi na kita guguluhin.

651
00:39:11,320 --> 00:39:14,120
Magtiwala ka,
di ako nagsinungaling sa 'yo.

652
00:39:14,200 --> 00:39:17,960
Pero noong panahong 'yon,
di nakakatakot 'yong mga mensahe,

653
00:39:18,040 --> 00:39:19,760
hindi galit,

654
00:39:19,840 --> 00:39:22,560
parang hindi sila

655
00:39:22,640 --> 00:39:26,080
galing sa sitwasyon gaya no'ng January.

656
00:39:26,160 --> 00:39:32,400
Ang palagay ko noon
ay mas mahinahon 'yong tono.

657
00:39:32,480 --> 00:39:34,520
Hindi namin masabi

658
00:39:34,600 --> 00:39:40,840
kung gusto ba ni Rosa noong panahong 'yon
na ipagpatuloy 'yong relasyon

659
00:39:40,920 --> 00:39:42,560
kay Albert o hindi.

660
00:39:42,640 --> 00:39:46,000
Ang napansin namin
ay 'yong pagbabago sa kanya

661
00:39:46,080 --> 00:39:49,560
mula noong April,
noong binigyan siya ng singsing.

662
00:39:49,640 --> 00:39:54,400
Doon namin napansin
'yong malaking pagbabago sa kanila.

663
00:39:54,480 --> 00:39:57,600
Pag-usapan natin 'yong April 8.
Ang araw ng singsing.

664
00:39:57,680 --> 00:40:02,000
Plano n'yo bang magkita ni Albert
habang kasama mo ang mga kaibigan mo?

665
00:40:02,080 --> 00:40:05,360
Naisip kong wag makipagkita
para maiwasan 'yong di pagkakaunawaan,

666
00:40:05,440 --> 00:40:07,720
para maiwasan 'yong nangyari noon,

667
00:40:07,800 --> 00:40:10,240
para maging mas malinaw ang lahat.

668
00:40:10,320 --> 00:40:14,480
Ano'ng nangyari? Sabi ko,
"Di ako makikipagkita sa 'yo sa susunod,

669
00:40:14,560 --> 00:40:16,600
pero kasama ko ngayon
'yong mga kaibigan ko,

670
00:40:16,680 --> 00:40:19,680
na parang di naman natin
kailangan magkita,

671
00:40:19,760 --> 00:40:21,440
baka di mo 'ko maintindihan,

672
00:40:21,520 --> 00:40:25,960
kung gusto mong dumaan,
mangamusta, dahil nasa trabaho ka…"

673
00:40:26,040 --> 00:40:29,000
Nakauniporme si Albert, lumapit kay Rosa,

674
00:40:29,080 --> 00:40:33,040
ibinigay 'yong singsing,
at sinabing, "Baka gusto mong pag-isipan."

675
00:40:33,120 --> 00:40:35,120
Pag-isipan niyang magkatrabaho ulit kami.

676
00:40:35,200 --> 00:40:37,080
Dahil ilang beses ko nang sinabi sa kanya

677
00:40:37,160 --> 00:40:40,880
sa mga usapang binanggit mo,
at hindi pa siya sigurado.

678
00:40:40,960 --> 00:40:43,560
Kaya sabi ko, "Baka makumbinsi siya nito."

679
00:40:44,080 --> 00:40:46,680
Ng singsing, para magkatrabaho ulit kayo.

680
00:40:46,760 --> 00:40:50,040
Oo, maging magkatrabaho ulit.
Kung hahantong sa iba, di ako tatanggi.

681
00:40:50,120 --> 00:40:52,240
Isang simbolo
'yong pagbigay niya ng singsing.

682
00:40:52,320 --> 00:40:54,800
Ibig sabihin,
"Handa akong gawin ang lahat.

683
00:40:54,880 --> 00:40:56,560
Hindi na ito tulad ng dati.

684
00:40:56,640 --> 00:40:58,680
Ipinakita ko pa
sa harap ng mga kaibigan mo.

685
00:40:58,760 --> 00:41:02,600
Ngayon, may singsing na,
ang pinakasimbolo ng pangako.

686
00:41:02,680 --> 00:41:06,920
Isang pangako
na nagpapahiwatig ng pamilya, mga anak."

687
00:41:07,000 --> 00:41:09,360
Nilalaro niya 'yong dalawang singsing.

688
00:41:09,440 --> 00:41:13,640
Isa sa mga nakakagulat na pangyayari
sa paglilitis ay 'yong katotohanang

689
00:41:13,720 --> 00:41:18,040
isinalaysay ng kaibigan niya
na habang nagkakape sila,

690
00:41:18,120 --> 00:41:20,680
may singsing si Rosa sa magkabilang kamay.

691
00:41:20,760 --> 00:41:23,440
'Yong singsing ni Pedro at ni Albert.

692
00:41:23,520 --> 00:41:25,280
May naging desisyon ba siya?

693
00:41:25,360 --> 00:41:27,680
"Pipiliin ko siya at iiwan si Pedro.

694
00:41:27,760 --> 00:41:29,720
Isasauli ko kay Albert."

695
00:41:29,800 --> 00:41:32,000
Wala. Wala no'ng panahong 'yon.

696
00:41:32,680 --> 00:41:36,680
Di siya nagdesisyon at sinabing,
"Mas okay yata si Pedro," o gano'n?

697
00:41:36,760 --> 00:41:39,680
Sa huli, oo, pinili niya si Pedro.

698
00:41:39,760 --> 00:41:42,400
Ikuwento mo sa 'min. Ano'ng sinabi niya?

699
00:41:42,480 --> 00:41:45,360
Paano niya sinabing,
"Si Pedro ang napili ko"?

700
00:41:48,160 --> 00:41:49,160
Eksaktong salita?

701
00:41:50,160 --> 00:41:51,840
Oo, hanggang sa makakaya mo.

702
00:41:53,920 --> 00:41:55,800
"Mas magaling manamit at makipagtalik."

703
00:41:56,680 --> 00:41:59,280
- Pakiulit.
- "Mas magaling manamit at makipagtalik."

704
00:41:59,360 --> 00:42:00,640
<i>Hindi, di totoo 'yon.</i>

705
00:42:01,440 --> 00:42:06,640
<i>Di totoo 'yon. Ang lagi nilang tinatanong,</i>
<i>"Ano'ng gagawin mo?" 'Yon ang natanong.</i>

706
00:42:06,720 --> 00:42:09,560
<i>At sabi ko, "Kay Pedro pa rin ako."</i>

707
00:42:09,640 --> 00:42:12,240
<i>Sa simula pa lang. Walang duda.</i>

708
00:42:12,320 --> 00:42:15,240
<i>Wala nang duda noon pa.</i>

709
00:42:15,320 --> 00:42:18,680
<i>At kung di ko nobyo si Pedro,</i>
<i>magiging mag-isa ako, pero di kay Albert.</i>

710
00:42:18,760 --> 00:42:20,760
<i>Kaya akala niya ay nakakatawa</i>

711
00:42:20,840 --> 00:42:23,080
<i>na tumestigo sa paglilitis at magbiro…</i>

712
00:42:23,160 --> 00:42:28,320
<i>Dahil sex 'yong pinag-uusapan nila,</i>
<i>at pinag-uusapan kung ano'ng gusto ko at…</i>

713
00:42:28,400 --> 00:42:31,560
<i>Walang duda. Wala.</i>

714
00:42:31,640 --> 00:42:34,920
<i>Malinaw 'yong desisyon ko.</i>
<i>Una, tinanggap niya 'yong mga anak ko.</i>

715
00:42:35,000 --> 00:42:40,080
<i>At seryoso siya sa relasyon,</i>
<i>sa akin, na kilalanin ako,</i>

716
00:42:40,160 --> 00:42:41,560
<i>pati ang mga anak ko.</i>

717
00:42:41,640 --> 00:42:43,840
<i>At mabait siya sa mga anak ko.</i>

718
00:42:43,920 --> 00:42:47,720
<i>Sasabihin niya,</i>
<i>"Hindi ko papalitan si Rubén,</i>

719
00:42:48,240 --> 00:42:49,960
<i>magiging partner mo lang ako,</i>

720
00:42:50,040 --> 00:42:52,640
<i>at gusto kong maging espesyal sa kanila."</i>

721
00:42:53,240 --> 00:42:57,280
<i>Sasabihin niya, "Di nila 'ko magiging tito</i>
<i>dahil meron na sila no'n.</i>

722
00:42:57,360 --> 00:42:58,760
<i>Magiging Toto nila ako.</i>

723
00:42:58,840 --> 00:43:02,680
<i>Gusto kong malaman nila</i>
<i>na lagi akong nandiyan para turuan sila,</i>

724
00:43:02,760 --> 00:43:06,400
<i>tulungan sila,</i>
<i>nandiyan para sa anumang kailangan nila."</i>

725
00:43:06,480 --> 00:43:10,000
<i>At ginising niya</i>
<i>'yong natutulog sa loob ko.</i>

726
00:43:10,080 --> 00:43:13,560
<i>'Yong pagiging babae, di ba?</i>
<i>Teka, matatapos na 'yong tawag.</i>

727
00:43:22,560 --> 00:43:24,200
Ang bihirang mangyari

728
00:43:24,280 --> 00:43:26,400
ay may lumabas na bagong ebidensiya

729
00:43:26,480 --> 00:43:29,120
bago ang paglilitis o habang naglilitis.

730
00:43:29,200 --> 00:43:31,800
Pero sa kasong 'to,
may kakaibang nangyari.

731
00:43:31,880 --> 00:43:33,560
Iniharap sa korte 'yong ebidensiya

732
00:43:33,640 --> 00:43:39,080
na binubuo ng lahat ng nakuha
sa cell phone ni Rosa Peral.

733
00:43:39,160 --> 00:43:42,400
Napakaraming file, libo-libo.

734
00:43:42,480 --> 00:43:46,840
At may natuklasan silang pag-uusap
noong April 19.

735
00:43:46,920 --> 00:43:50,000
Voice message
na ipinadala ni Rosa kay Albert López…

736
00:43:50,080 --> 00:43:53,480
…na tinawag niya si Albert
sa ipinalayaw niya sa kanya.

737
00:43:53,560 --> 00:43:56,720
Itong mensahe,
pag masusing pinakinggan, nakakabahala.

738
00:43:59,040 --> 00:44:01,480
<i>Uy, tanga, nakapatay 'yong cell phone mo.</i>

739
00:44:01,560 --> 00:44:03,920
<i>Okay, namili ako sa Caprabo</i>

740
00:44:04,000 --> 00:44:06,920
<i>at nakakuha ako ng discount</i>
<i>para sa PortAventura.</i>

741
00:44:07,000 --> 00:44:09,080
<i>Iniisip ko na kung gagawin natin 'yon,</i>

742
00:44:09,160 --> 00:44:13,120
<i>pumunta tayo sa PortAventura</i>
<i>sa susunod na weekend at doon matulog</i>

743
00:44:13,200 --> 00:44:15,520
<i>kasama 'yong mga bata. Palagay mo?</i>

744
00:44:15,600 --> 00:44:18,600
Miss Rosa, ikuwento mo
ang tungkol sa voice message.

745
00:44:19,120 --> 00:44:21,000
Wala 'yon kinalaman kay Albert.

746
00:44:21,080 --> 00:44:24,720
Hindi ko alam kung bakit…
Sabi nila tungkol raw 'yon sa kanya.

747
00:44:24,800 --> 00:44:28,560
Gumagamit ako ng gano'ng salita para
iwasang magmura sa harap ng mga anak ko.

748
00:44:28,640 --> 00:44:31,720
Sinasabi ko "tanga,"
"ugok," "loko," at marami pa.

749
00:44:31,800 --> 00:44:34,720
Miss Rosa, may libo-libong pahina tayo.
Libo-libo.

750
00:44:35,240 --> 00:44:40,360
Matanong ko, maaari ka bang magbigay
ng isa, isang usapan lang o sulat,

751
00:44:40,440 --> 00:44:43,160
na may ibang tao kang tinawag na "tanga"
bukod kay Albert?

752
00:44:43,240 --> 00:44:45,960
Sinasabi ko sa 'yo
na gano'n ako magsalita.

753
00:44:46,040 --> 00:44:49,040
'Yon ang sinasabi ko para
di ako marinig magmura ng mga anak ko.

754
00:44:49,120 --> 00:44:53,920
Sa parehong telepono nila,
may libo-libong usapan

755
00:44:54,000 --> 00:44:57,840
at daan-daang usapan sa WhatsApp at email.

756
00:44:57,920 --> 00:45:00,960
Kung mapapatunayan mo sa 'kin
na tinatawag niya

757
00:45:01,040 --> 00:45:02,640
'yong ibang tao na "tanga,"

758
00:45:02,720 --> 00:45:05,240
baka isipin kong
para sa iba 'yong mensahe.

759
00:45:05,320 --> 00:45:06,320
Di mapatunayan.

760
00:45:06,400 --> 00:45:11,920
Ipinaliwanag ng mga eksperto, at
maipapakita nila kung paano nila ginawa,

761
00:45:12,000 --> 00:45:14,400
ang dalawa o tatlong bagay
tungkol sa audio recording.

762
00:45:14,480 --> 00:45:18,920
Una, 'yong GPS ng telepono mo
noong April 19, 2017

763
00:45:19,000 --> 00:45:20,520
ay sinasabing nasa Caprabo ka,

764
00:45:21,040 --> 00:45:24,080
at doon mo sinabing,
"Nagpunta 'ko sa Caprabo."

765
00:45:24,160 --> 00:45:27,160
Pangalawa, na ikaw, noong 3:24 p.m.,

766
00:45:27,240 --> 00:45:30,720
bago 'yon, dalawang beses mong tinawagan
si Mr. Albert.

767
00:45:30,800 --> 00:45:33,520
Hindi si Mr. Manuel, si Mr. Albert.

768
00:45:34,040 --> 00:45:37,160
At pagkatapos ng voice message na 'to,

769
00:45:37,240 --> 00:45:40,520
ang una mong kinausap ay si Mr. Albert.

770
00:45:40,600 --> 00:45:43,600
Nasa cell phone ni Rosa
itong audio recording,

771
00:45:43,680 --> 00:45:47,160
pero hindi 'yon parte ng anumang usapan,

772
00:45:47,240 --> 00:45:50,440
ibig sabihin,
walang saysay 'yong audio file na 'yon

773
00:45:50,520 --> 00:45:54,440
at wala sa tinatawag ng mga eksperto
na "metadata,"

774
00:45:54,520 --> 00:45:59,000
data na magbibigay ng petsa, oras,
lugar, at lahat ng impormasyon.

775
00:45:59,080 --> 00:46:02,640
Ang meron lang ay petsa
kung kailan huling nabago 'yong file.

776
00:46:02,720 --> 00:46:06,680
Sabi ng depensa, maaaring sa nakalipas
na tatlong taon na 'yong mensaheng 'yon,

777
00:46:06,760 --> 00:46:10,440
pero nagkataon naman
na noong April 19, sa oras ng mensahe,

778
00:46:10,520 --> 00:46:13,640
natukoy na malapit siya
sa isang Caprabo supermarket.

779
00:46:13,720 --> 00:46:15,680
Madalas ka ba sa Caprabo?

780
00:46:16,280 --> 00:46:19,120
Hindi naman araw-araw, pero madalas

781
00:46:19,200 --> 00:46:24,360
dahil merong malapit
sa paaralan ng mga anak ko

782
00:46:24,440 --> 00:46:28,840
at namimili ako ro'n
pag papunta sa paaralan

783
00:46:28,920 --> 00:46:30,120
o sa pag-uwi.

784
00:46:30,200 --> 00:46:34,360
Alam ng mga abogado ng depensa
na itong audio recording na 'to,

785
00:46:34,440 --> 00:46:36,520
kung ito lang, ay walang halaga,

786
00:46:36,600 --> 00:46:41,080
pero nakita sa konteksto,
sa diskarte ng prosecution,

787
00:46:41,160 --> 00:46:43,760
na napakahalaga nito.

788
00:46:43,840 --> 00:46:46,400
Kaya natural lang para sa kanila

789
00:46:46,480 --> 00:46:49,920
na sikaping patunayang
di ito nirekord noong araw na 'yon.

790
00:46:50,000 --> 00:46:51,560
At para tapusin ang usaping ito,

791
00:46:51,640 --> 00:46:54,600
ano'ng tinutukoy mo
sa "kung gagawin natin 'yon"?

792
00:46:55,120 --> 00:46:57,040
Hindi ko na alam kung ano 'yon.

793
00:46:57,120 --> 00:47:00,160
Sa dami ng plano namin ni Manu,

794
00:47:00,240 --> 00:47:03,080
baka plano naming biyahe
nang nakamotorsiklo, o…

795
00:47:03,160 --> 00:47:04,480
Ano 'yong "'yon"?

796
00:47:04,560 --> 00:47:08,120
Malinaw sa prosecution
na 'yong "'yon" ay pagpatay kay Pedro.

797
00:47:08,200 --> 00:47:09,840
Napakahalaga nito.

798
00:47:10,360 --> 00:47:11,760
Bakit ito mahalaga?

799
00:47:11,840 --> 00:47:15,800
At walang katapusan kong inilaban 'to
sa mga kasamahan ko.

800
00:47:15,880 --> 00:47:18,200
Sinuri ko 'yong bawat salita.

801
00:47:18,280 --> 00:47:21,280
Mahalaga ito dahil sinabi niya,
"gagawin natin,"

802
00:47:21,360 --> 00:47:24,440
pangmaramihan na first-person.

803
00:47:26,000 --> 00:47:27,520
Pero kung pinatay mo si Pedro,

804
00:47:28,040 --> 00:47:30,600
pupunta ka ba sa PortAventura
sa susunod na weekend?

805
00:47:30,680 --> 00:47:33,200
Kailangan mong magpanggap, di ba?

806
00:47:33,280 --> 00:47:37,200
Pero pumunta ka sa PortAventura
kasama ang kalaguyo at kasabwat mo?

807
00:47:37,280 --> 00:47:40,320
Parang hindi kapani-paniwala, di ba?

808
00:47:40,400 --> 00:47:44,120
Isa ka talagang psychopath no'n.

809
00:47:44,200 --> 00:47:48,760
At walang nakalagay na gano'n
sa alinmang psychological report niya.

810
00:47:48,840 --> 00:47:51,680
Iyon na siguro
ang magiging epitome ng kalupitan.

811
00:47:51,760 --> 00:47:56,440
Pero di natin alam kung ano 'yong "'yon."
Pwedeng kahit ano. Pwedeng barbecue.

812
00:48:02,280 --> 00:48:06,480
Araw-araw kong pinapanood
'yong paglilitis, naroon ako,

813
00:48:06,560 --> 00:48:12,120
at sa totoo lang,
lahat ng sinabi ng prosecutor,

814
00:48:13,120 --> 00:48:16,320
sa lahat ng 'yon…
Walang may katuturan o may kabuluhan.

815
00:48:18,080 --> 00:48:23,280
Walang nagpapatunay na guilty si Rosa.
Hindi niya masabing, "Heto."

816
00:48:23,360 --> 00:48:27,080
Kasi akala namin, o inakala ko,

817
00:48:28,160 --> 00:48:30,760
na hindi magtatagal 'yong kaso,

818
00:48:30,840 --> 00:48:33,400
dahil may dinaramdam 'yong asawa ko.

819
00:48:33,480 --> 00:48:35,520
Nanghihina na siya.

820
00:48:35,600 --> 00:48:39,000
Napakasakit nito sa nanay ko,
makitang di ako makalabas,

821
00:48:39,080 --> 00:48:43,480
makita 'yong mga pagbabawal,
lahat ng nangyari sa 'kin,

822
00:48:43,560 --> 00:48:45,760
lahat ng mga nasabi.

823
00:48:51,960 --> 00:48:54,000
{\an8}FEBRUARY 3, 2020 UNANG ARAW NG PAGLILITIS

824
00:48:54,080 --> 00:48:57,160
{\an8}Ang lagi lang sinasabi
ng asawa ko, "Pero bakit?

825
00:48:57,240 --> 00:49:01,120
{\an8}Bakit siya ikinulong?
Wala siyang ginawa. Bakit siya ikinulong?"

826
00:49:01,840 --> 00:49:07,360
At, siyempre, paano ko ipapaliwanag
kung hindi niya maiintindihan?

827
00:49:07,440 --> 00:49:11,040
Kahit gaano ko ipaliwanag
at sabihin sa kanya…

828
00:49:12,720 --> 00:49:18,000
Napakahirap talaga. Sobra.

829
00:49:18,560 --> 00:49:21,200
Tumawag ako
at tinanong ko, "Kumusta siya?"

830
00:49:21,280 --> 00:49:23,800
Sabi niya,
"'Yong mga vitals niya, ganito, ganyan…"

831
00:49:23,880 --> 00:49:27,440
At sabi ko,
"Isang linggo na siyang lumalaban,

832
00:49:27,520 --> 00:49:31,080
nakayanan niya 'yong operasyon.
Wag kang mag-alala, malalampasan niya."

833
00:49:31,160 --> 00:49:34,720
Pagkatapos ng lahat
ng pinagdaanan niya, paano niya hindi…

834
00:49:34,800 --> 00:49:37,800
At sabi ng tatay ko, "Hindi na ngayon."

835
00:49:37,880 --> 00:49:42,240
Tumawag ako nang tumawag
para malaman kung bumuti na siya,

836
00:49:42,320 --> 00:49:46,320
at sinabi niyang maghintay ako, na baka…

837
00:49:53,440 --> 00:49:54,360
Lahat 'yon.

838
00:49:55,440 --> 00:49:56,560
At wala na siya.

839
00:50:02,000 --> 00:50:05,520
Hindi ako nag-isip ng gano'n, alam mo?

840
00:50:07,120 --> 00:50:09,560
Isang bagay na biglaan,

841
00:50:10,520 --> 00:50:14,120
napakalayo ko,
pero lagi kaming magkalapit noon.

842
00:50:14,200 --> 00:50:15,360
Tingnan mo!

843
00:50:19,920 --> 00:50:22,480
Di pa rin ako makapaniwala, sa totoo lang.

844
00:50:22,560 --> 00:50:25,480
Di pa rin ako makapaniwala
dahil nandito ako

845
00:50:25,560 --> 00:50:29,760
at wala ako sa bahay
para makitang wala na siya ro'n.

846
00:50:33,440 --> 00:50:34,800
Ituloy na natin.

847
00:50:34,880 --> 00:50:36,480
Hayaan mong ibuod ko.

848
00:50:36,560 --> 00:50:40,320
Nangyari 'yong sa singsing no'ng April 8,
'yong voice message no'ng April 19.

849
00:50:40,400 --> 00:50:41,880
Sa sumunod na araw.

850
00:50:41,960 --> 00:50:45,040
Isang araw pagkatapos ng recording
noong April 19.

851
00:50:45,120 --> 00:50:50,160
'Yong pagbili ni Mr. Albert ng Lyca phone.

852
00:50:50,240 --> 00:50:52,200
Alam mo 'yong phone na tinutukoy ko, tama?

853
00:50:52,280 --> 00:50:53,120
- Oo.
- Mabuti.

854
00:50:53,200 --> 00:50:56,920
Binili ni Albert López 'yong phone
noong April 20.

855
00:50:57,000 --> 00:50:58,560
'Yon 'yong araw pagkatapos

856
00:50:58,640 --> 00:51:02,240
na makatanggap siya ng mensahe kay Rosa
na nagsasabing,

857
00:51:02,320 --> 00:51:04,840
"Pumunta tayo sa PortAventura
kasama 'yong mga bata,"

858
00:51:04,920 --> 00:51:09,120
at ilang araw
matapos niyang bigyan ng singsing si Rosa.

859
00:51:09,200 --> 00:51:11,480
Kaya lumalabas na noong April 20,

860
00:51:11,560 --> 00:51:15,800
alam na nila na gagawin na nila
'yong plano nila na patayin si Pedro.

861
00:51:19,160 --> 00:51:22,360
Napakahalaga rin ng teleponong ito

862
00:51:22,440 --> 00:51:27,880
kesa sa inaakala, at malinaw
na walang halaga kung ibubukod ito.

863
00:51:27,960 --> 00:51:29,200
Mahalaga ito

864
00:51:29,280 --> 00:51:35,400
dahil ginamit lang ang teleponong ito
sa dalawang importanteng okasyon.

865
00:51:36,000 --> 00:51:36,920
Una,

866
00:51:37,440 --> 00:51:39,640
binili ito noong April 20

867
00:51:39,720 --> 00:51:42,920
at pagkatapos bilhin,
o makalipas ang ilang oras,

868
00:51:43,000 --> 00:51:47,760
pumunta si Mr. Albert sa lugar
na pareho sa address ni Miss Rosa.

869
00:51:47,840 --> 00:51:49,480
Sa mismong araw ding 'yon,

870
00:51:49,560 --> 00:51:52,840
nag-miss call si Miss Rosa
sa numerong ito.

871
00:51:52,920 --> 00:51:55,680
At sisimulan lang gamitin
ang teleponong ito

872
00:51:56,280 --> 00:51:57,520
noong gabi ng May 1,

873
00:51:57,600 --> 00:52:00,920
at sa gabi ng May 2,
nag-miss call ito ng dalawang beses.

874
00:52:01,440 --> 00:52:04,640
Sa isang banda, malinaw na nabuhay uli
'yong relasyon nila.

875
00:52:04,720 --> 00:52:08,120
Sa kabilang banda naman,
may mahahalagang pangyayari

876
00:52:08,200 --> 00:52:12,320
na nagpapahiwatig na may pinaplano sila.

877
00:52:12,400 --> 00:52:14,680
Noong bumalik 'yong mga pulis
matapos ang krimen,

878
00:52:14,760 --> 00:52:17,040
noong pinaghinalaan na nila
sina Rosa at Albert,

879
00:52:17,560 --> 00:52:20,440
nalaman nila na sina Rosa at Albert

880
00:52:20,520 --> 00:52:23,160
ay nagpalitan ng mga galit na tawagan.

881
00:52:27,160 --> 00:52:29,800
Maraming ibinunyag 'yong mga telepono.

882
00:52:30,440 --> 00:52:32,520
Ibinunyag nila sa amin, una,

883
00:52:32,600 --> 00:52:36,360
'yong dami at itinagal na oras
ng mga tawag,

884
00:52:36,440 --> 00:52:38,760
'yong pagbabago sa komunikasyon
ng mga tao.

885
00:52:38,840 --> 00:52:42,240
At ibinigay rin ng telepono
'yong lokasyon nila,

886
00:52:42,320 --> 00:52:45,480
{\an8}kung asan 'yong tumawag at tinawagan
sa oras na 'yon.

887
00:52:45,560 --> 00:52:49,960
{\an8}Samakatwid,
mailalagay natin sina Rosa at Albert

888
00:52:50,040 --> 00:52:54,000
sa mga lugar na pareho sa address ni Rosa

889
00:52:54,080 --> 00:52:56,760
sa maraming pagkakataon
na wala si Mr. Pedro.

890
00:52:58,320 --> 00:53:01,040
<i>Iniwan ko 'yong mga bata, at uuwi na 'ko.</i>

891
00:53:01,120 --> 00:53:03,520
<i>Sana umalis na 'tong taong 'to.</i>
<i>Sasabihan kita.</i>

892
00:53:03,600 --> 00:53:08,520
<i>Pag-uwi ko, magiging abala 'ko</i>
<i>sa paglalaba at paghuhugas ng plato,</i>

893
00:53:08,600 --> 00:53:11,320
<i>at pag-alis na pag-alis niya,</i>
<i>sasabihan kita.</i>

894
00:53:11,400 --> 00:53:15,440
Ang kataka-taka noong 25
ay hindi lang 'yong nagkita sila,

895
00:53:15,520 --> 00:53:18,320
pati 'yong mga voice message
ni Rosa kay Albert.

896
00:53:18,400 --> 00:53:24,840
Kapansin-pansin sa mga voice message
'yong pambabastos ni Rosa kay Pedro.

897
00:53:24,920 --> 00:53:27,720
<i>Di ko siya papansinin</i>
<i>at baka umalis siya agad.</i>

898
00:53:28,720 --> 00:53:32,560
Tatanungin kita,
sa tingin mo ba ay tamang paraan 'yon

899
00:53:32,640 --> 00:53:34,360
para pag-usapan ang nobyo mo?

900
00:53:34,440 --> 00:53:38,560
At 'yon ba ang tamang paraan
para kausapin ang isang tao

901
00:53:38,640 --> 00:53:41,920
na iniimbita mo sa bahay,
na hindi mo kamo gusto?

902
00:53:42,000 --> 00:53:45,360
Hindi mali na madaliin ko
ang mga bagay-bagay

903
00:53:45,440 --> 00:53:49,320
dahil lumilipas ang panahon, nasa akin na
'yong singsing mula pa April 8,

904
00:53:49,400 --> 00:53:51,680
at hindi ko pa naibabalik.

905
00:53:51,760 --> 00:53:54,760
At 'yong sabihin ang "taong 'to,"
at "Hindi ko siya papansinin"?

906
00:53:54,840 --> 00:53:57,600
Tamang paraan ba 'yon
para pag-usapan ang nobyo mo?

907
00:53:57,680 --> 00:54:00,720
Gaya ng sinabi ko,
minamadali ko ang mga bagay noon.

908
00:54:00,800 --> 00:54:02,640
Pinaaalis mo na si Mr. Pedro?

909
00:54:02,720 --> 00:54:06,320
Noong panahong 'yon, nagmamadali ako
para maibalik ko 'yong singsing.

910
00:54:06,400 --> 00:54:12,600
Wala na 'kong pagkakataong makipagkita
kay Albert para maibalik 'yong singsing.

911
00:54:12,680 --> 00:54:13,920
2017 APRIL 25

912
00:54:15,480 --> 00:54:17,000
2017 APRIL 15

913
00:54:17,080 --> 00:54:18,640
{\an8}Rosa - 5:22 p.m. Masaya ako noon,

914
00:54:18,720 --> 00:54:21,000
{\an8}binibigay niya ang gusto ko,
pumupunta sa Cubellas,

915
00:54:21,080 --> 00:54:22,320
{\an8}planong magpakasal, lahat…

916
00:54:22,400 --> 00:54:24,800
{\an8}Pero ngayon, nagtatalo kami araw-araw

917
00:54:24,880 --> 00:54:26,360
{\an8}Judit - 5:27 p.m. - Lintik.

918
00:54:26,440 --> 00:54:29,600
Dito, hindi namin masasabing
maayos kayo ni Mr. Pedro.

919
00:54:29,680 --> 00:54:32,680
Sabi mo, "nagtatalo kami araw-araw."

920
00:54:32,760 --> 00:54:37,560
Noong araw na 'yon, nagtalo kami o…

921
00:54:37,640 --> 00:54:40,320
Di ko alam
kung "pagtatalo" ang tamang salita.

922
00:54:40,400 --> 00:54:41,880
Kami ay dalawang tao

923
00:54:41,960 --> 00:54:46,760
na iniwan 'yong mga nakaraang relasyon
at may mga anak sa ibang kapareha.

924
00:54:46,840 --> 00:54:49,840
Maputol kita.
Nagtatalo ba kayo araw-araw o hindi?

925
00:54:49,920 --> 00:54:51,160
- Hindi.
- Kung gayon,

926
00:54:51,240 --> 00:54:53,400
di ka nagsasabi ng totoo kay Judit?

927
00:54:53,480 --> 00:54:57,480
Di ako di nagsasabi ng totoo.
Siguro nag-exaggerate ako dahil galit ako.

928
00:54:57,560 --> 00:54:59,920
Ito 'yong panahon ng saya at lungkot.

929
00:55:00,000 --> 00:55:03,680
Isa o dalawang araw bago 'yong krimen,

930
00:55:03,760 --> 00:55:08,600
inihayag ni Pedro
'yong pagmamahal niya kay Rosa,

931
00:55:08,680 --> 00:55:12,240
at apat na araw bago 'yon,
nagkaroon siguro sila ng problema.

932
00:55:12,320 --> 00:55:13,280
Ganito.

933
00:55:13,360 --> 00:55:15,080
Hayaan mong basahin ko.

934
00:55:15,800 --> 00:55:20,520
"Hindi palakaibigan si Albert
sa lahat ng mga babae," sabi mo.

935
00:55:20,600 --> 00:55:23,000
"Nahulog talaga ang loob ko kay Albert."

936
00:55:23,080 --> 00:55:24,280
Sabi ng kaibigan mo,

937
00:55:24,360 --> 00:55:28,240
"Nagkaproblema kayong dalawa
at may sarili na kayong buhay."

938
00:55:28,320 --> 00:55:31,440
At sumagot ka,
at pakinggan mo ang sagot mo,

939
00:55:31,520 --> 00:55:32,720
"Hindi mo alam.

940
00:55:32,800 --> 00:55:36,280
Pag binago niya 'yong ugali niya
at ibinigay ang gusto ko

941
00:55:36,360 --> 00:55:39,320
at hindi ko nobyo ang lalaking 'to…"

942
00:55:39,400 --> 00:55:40,520
Oo.

943
00:55:40,600 --> 00:55:41,880
At sinabi mo,

944
00:55:41,960 --> 00:55:46,160
"Mas mahirap lang 'yong imposible."

945
00:55:46,240 --> 00:55:49,440
Di ibig sabihin no'n
na gusto ko siyang patayin o iwan.

946
00:55:49,520 --> 00:55:54,000
Ilang beses na 'kong nakipaghiwalay
sa mga kinasama ko

947
00:55:54,080 --> 00:55:55,520
at hindi ibig sabihin…

948
00:55:55,600 --> 00:56:00,520
Sa isang relasyon,
maraming magiging pagtatalo.

949
00:56:00,600 --> 00:56:02,440
May mga pagkakataong hindi ka…

950
00:56:02,520 --> 00:56:05,240
At sinumang magsasabi
na di sila nakipagtalo sa partner nila

951
00:56:05,320 --> 00:56:10,480
o hindi naisip na,
"Ngayon, aalis ako ng bahay,

952
00:56:10,560 --> 00:56:12,200
lalabas ako at babalik."

953
00:56:12,280 --> 00:56:14,640
Nagsisinungaling ang magsasabi no'n.

954
00:56:16,800 --> 00:56:18,800
{\an8}APRIL 15, 2017 - WHATSAPP NI JUDIT

955
00:56:18,880 --> 00:56:22,480
{\an8}'Yong interpretasyon namin
ay pagkatapos ng April 8,

956
00:56:22,560 --> 00:56:26,360
iniisip na nila kung ano ang mangyayari
pag nagkabalikan sila.

957
00:56:26,880 --> 00:56:28,320
'Yan ang paniniwala namin.

958
00:56:28,400 --> 00:56:33,760
Naniniwala rin kami na ipinapakita
ni Rosa kay Albert, kahit paano,

959
00:56:33,840 --> 00:56:36,600
na magiging hadlang si Pedro

960
00:56:36,680 --> 00:56:40,080
sa pagpapatuloy ng relasyon nila.

961
00:56:40,160 --> 00:56:41,560
'Yan ang paniniwala namin.

962
00:56:41,640 --> 00:56:47,360
At sa panahong 'to, nagtawagan sila
ng 50 beses bago matapos ang April.

963
00:56:47,440 --> 00:56:48,360
Mahalaga ito.

964
00:56:48,440 --> 00:56:50,000
ROSA - ALBERT - APRIL 2017

965
00:56:50,080 --> 00:56:52,120
MARTES 4 - ROSA 2 TAWAG, ALBERT 2 TAWAG

966
00:56:52,200 --> 00:56:54,520
SABADO 8 - ROSA 2 TAWAG, ALBERT 6 TAWAG

967
00:56:56,640 --> 00:56:58,880
Hindi talaga totoo 'yon,

968
00:56:58,960 --> 00:57:04,200
dahil kahit naka-50 tawag sila,
31 lang do'n ang may usapan.

969
00:57:04,280 --> 00:57:08,080
Mga missed call 'yong iba,
hindi sila nag-usap.

970
00:57:08,160 --> 00:57:13,040
Pero kung sasabihin ng prosecution
na 'yong pagpaplano

971
00:57:13,120 --> 00:57:15,920
ay nangyari sa pagitan
ng pagbibigay ng singsing noong April 8

972
00:57:16,000 --> 00:57:18,400
at ng voice message noong April 19,

973
00:57:18,480 --> 00:57:21,480
apat na tawag lang ang nangyari
noong panahong 'yon

974
00:57:21,560 --> 00:57:26,080
at meron lang itong kabuuang 30 minuto.

975
00:57:26,160 --> 00:57:27,920
Hindi pala, 28 minuto lang.

976
00:57:28,000 --> 00:57:33,960
Kaya meron lang silang 28 minuto
para makapagplano ng pagpatay.

977
00:57:34,040 --> 00:57:37,440
Ganito, sa palagay ko…

978
00:57:38,800 --> 00:57:40,720
'Yong katotohanang may apat…

979
00:57:40,800 --> 00:57:44,640
Na may apat na tawag
ay maaaring mangahulugang, "Gagawin ko,"

980
00:57:44,720 --> 00:57:46,440
pero hindi ang "paano ko gagawin."

981
00:57:46,520 --> 00:57:48,160
Naipapaliwanag ko ba?

982
00:57:48,240 --> 00:57:51,840
Ang mahalaga rito
ay 'yong pagpapasya na gawin 'yon.

983
00:57:51,920 --> 00:57:53,960
At kung paano 'yon gagawin

984
00:57:54,040 --> 00:57:58,280
ay pagpapasyahan sa isa o dalawang tawag,
o pag nagkita sila sa 25.

985
00:57:58,360 --> 00:58:01,880
O maaaring nagpasya silang magkita
nang walang telepono.

986
00:58:01,960 --> 00:58:03,240
Di natin malalaman.

987
00:58:03,320 --> 00:58:05,800
Maaaring nag-usap din sila sa Telegram,

988
00:58:05,880 --> 00:58:10,320
kung saan hindi natin makikita
'yong mga mensahe.

989
00:58:10,400 --> 00:58:14,120
Kaya 'yong ideya
na hindi sila nag-usap ulit

990
00:58:14,200 --> 00:58:16,600
at imposibleng magkaroon sila ng usapan

991
00:58:17,120 --> 00:58:19,280
ay maipapaliwanag nang gano'n.

992
00:58:19,360 --> 00:58:22,880
Ang totoo, hindi dapat pahintulutan
'yong mga kuro-kuro.

993
00:58:22,960 --> 00:58:25,960
Kailangan natin ng ebidensiya,

994
00:58:26,040 --> 00:58:28,920
kaya hindi maaaring gamitin
'yong mga haka-haka

995
00:58:29,000 --> 00:58:32,520
na nag-usap sila gamit ang Telegram
o mga smoke signal

996
00:58:32,600 --> 00:58:33,840
o anumang paraan.

997
00:58:33,920 --> 00:58:36,760
O kung nagkita sila
ng marami o iilang beses.

998
00:58:36,840 --> 00:58:40,520
Ang mahalaga ay 'yong ebidensiya
na hawak natin, di 'yong wala.

999
00:58:43,880 --> 00:58:47,480
{\an8}<i>'Yong huling gabing kasama ko si Pedro</i>

1000
00:58:47,560 --> 00:58:50,280
{\an8}<i>ay napakaespesyal para sa 'kin.</i>

1001
00:58:50,360 --> 00:58:53,760
{\an8}<i>Nahihirapan ako</i>

1002
00:58:53,840 --> 00:58:56,160
<i>sa tuwing pupunta 'yong mga anak ko</i>
<i>sa tatay nila.</i>

1003
00:58:56,240 --> 00:59:01,160
<i>Kaya nagpasya si Pedro</i>
<i>na subukan akong pasayahin.</i>

1004
00:59:01,240 --> 00:59:04,360
<i>Kumain kami sa labas.</i>
<i>Naglakad-lakad sa beach.</i>

1005
00:59:04,440 --> 00:59:08,320
<i>Lahat ng sinabi tungkol sa pagpaplano</i>
<i>ay walang saysay.</i>

1006
00:59:08,400 --> 00:59:11,440
<i>Lahat ng bagay na inimbento ng prosecutor</i>

1007
00:59:11,520 --> 00:59:13,880
<i>na nagplano kami</i>

1008
00:59:13,960 --> 00:59:15,160
<i>ay walang saysay,</i>

1009
00:59:15,240 --> 00:59:17,760
<i>dahil noong gabing bago siya patayin,</i>
<i>nasa beach ako</i>

1010
00:59:18,280 --> 00:59:22,800
<i>at naghahapunan at malayo sa mundo.</i>

1011
00:59:23,400 --> 00:59:28,320
<i>Walang saysay para mangyari sa 'kin</i>
<i>'yong nangyari kinabukasan.</i>

1012
00:59:37,880 --> 00:59:43,800
{\an8}MAY 1, 2017 - 9:37 P.M.

1013
00:59:43,920 --> 00:59:48,840
{\an8}Nalaman namin na bandang 9:37 p.m.,
nakauwi na sila ng bahay.

1014
00:59:48,920 --> 00:59:52,040
Paano? Dahil sa geolocation ng phone nila.

1015
00:59:52,120 --> 00:59:55,000
Mula noon, napakaimportante

1016
00:59:55,080 --> 00:59:58,800
na maging tama kami sa mga minuto

1017
00:59:58,880 --> 01:00:00,600
dahil mahalaga 'yon.

1018
01:00:03,720 --> 01:00:06,200
Bandang 9:51 p.m.,

1019
01:00:06,280 --> 01:00:08,800
tinawagan mo si Mr. Albert.

1020
01:00:08,880 --> 01:00:10,560
- Missed call 'yon.
- Oo.

1021
01:00:10,640 --> 01:00:11,920
Hindi siya sumagot.

1022
01:00:12,000 --> 01:00:13,080
- Oo.
- Bakit ka tumawag?

1023
01:00:13,160 --> 01:00:16,400
Dahil marami akong natanggap na text
galing kay Albert

1024
01:00:16,480 --> 01:00:18,560
at hindi ko 'yon mabasa lahat.

1025
01:00:18,640 --> 01:00:21,800
Mas madaling tumawag,
sabihing, "Wag ka na mag-text."

1026
01:00:21,880 --> 01:00:27,560
Tinawagan niya uli si Albert ng 9:53 p.m.,
sa pagkakataong ito, may pag-uusap na.

1027
01:00:27,640 --> 01:00:31,760
Ibig sabihin, sumagot si Albert
at nag-usap sila ng apat na minuto.

1028
01:00:31,840 --> 01:00:36,360
Sana pwede nating malaman
'yong pinag-usapan nila,

1029
01:00:36,440 --> 01:00:39,880
dahil siguradong ibibigay nito
ang susi sa nangyari.

1030
01:00:39,960 --> 01:00:43,640
Sabi namin ay 9:53 p.m., at nagkataon,

1031
01:00:43,720 --> 01:00:46,760
makalipas ang 10 minuto, sa katunayan, 11,

1032
01:00:46,840 --> 01:00:49,680
ginamit ni Mr. Albert sa unang pagkakataon

1033
01:00:49,760 --> 01:00:53,520
'yong Lyca phone niya
at nag-miss call sa 'yo.

1034
01:00:53,600 --> 01:00:56,320
'Yong mga pulis at prosecutor

1035
01:00:56,400 --> 01:01:02,680
ay minarkahan 'yong tawag na 'yon
bilang ang simula ng plano nila.

1036
01:01:04,960 --> 01:01:09,640
Itinuring ng jury na napatunayan

1037
01:01:09,720 --> 01:01:12,360
na sinamantala nila

1038
01:01:12,440 --> 01:01:15,760
na natutulog si Pedro
o nagpapahinga para patayin siya.

1039
01:01:15,840 --> 01:01:19,480
Malakas na tao si Pedro, medyo matipuno.

1040
01:01:19,560 --> 01:01:24,000
Hindi siya 'yong tao
na madaling mapapatumba.

1041
01:01:24,080 --> 01:01:27,840
Naniniwala akong nanigurado si Rosa.

1042
01:01:27,920 --> 01:01:34,000
May pinainom siya kay Pedro
para antukin si Pedro at makatulog.

1043
01:01:34,080 --> 01:01:36,320
Kahit ano pa man, tinanggalan siya

1044
01:01:36,400 --> 01:01:40,400
ng kakayahang lumaban
at ipagtanggol ang sarili

1045
01:01:40,480 --> 01:01:42,360
noong dumating si Albert.

1046
01:01:42,440 --> 01:01:46,320
At sa tingin ko,
si Albert 'yong kasabwat sa pagpatay.

1047
01:01:49,240 --> 01:01:54,280
Nagdesisyon sila
base sa salaysay ni Antonia.

1048
01:01:54,360 --> 01:01:58,800
Si Antonia 'yong bagong partner ni Rubén,
'yong dating asawa ni Rosa.

1049
01:01:58,880 --> 01:02:03,440
Totoo bang nakasulat sa address book mo
si Miss Antonia, partner ni Mr. Rubén,

1050
01:02:03,520 --> 01:02:05,920
na "Malanding Antonia"?

1051
01:02:06,000 --> 01:02:08,840
Oo, hindi maganda 'yong relasyon namin.

1052
01:02:08,920 --> 01:02:11,080
At siya 'yong babaeng nagsasabi

1053
01:02:12,080 --> 01:02:13,760
na 'yong panganay ni Rosa

1054
01:02:14,600 --> 01:02:16,680
ay ilang beses nagkuwento

1055
01:02:17,200 --> 01:02:20,760
na si Rosa 'yong may pakana ng krimen.

1056
01:02:20,840 --> 01:02:25,560
Dahil menor de edad pa
'yong panganay ni Rosa,

1057
01:02:26,080 --> 01:02:30,200
sa paunang imbestigasyon,
binigyan siya ng abogado,

1058
01:02:30,280 --> 01:02:35,240
na, dahil may karapatan 'yong bata
na wag magsalita laban sa ina, nagpasya

1059
01:02:35,320 --> 01:02:38,320
na gamitin 'yong karapatan na 'yon.

1060
01:02:38,400 --> 01:02:41,800
May isang bagay din akong gustong linawin,

1061
01:02:41,880 --> 01:02:44,880
dahil nabanggit ito
sa maraming palabas at lugar

1062
01:02:44,960 --> 01:02:46,560
at gumawa ng kalituhan.

1063
01:02:46,640 --> 01:02:51,040
Maraming nagsasabi, "Kahit mga anak niya,
sinabing nakita siya."

1064
01:02:51,120 --> 01:02:52,480
O, "Sabi ng mga anak niya."

1065
01:02:52,560 --> 01:02:57,440
Hindi. Walang sinabi ang mga anak ko
dahil wala silang nakita.

1066
01:02:57,520 --> 01:02:59,680
At gusto kong maging malinaw 'yon.

1067
01:02:59,760 --> 01:03:02,920
Wag kayong malito.
Walang nakita ang mga anak ko.

1068
01:03:03,000 --> 01:03:08,840
'Yong kinakasama ng ex ko,
si Antonia, siya 'yong tumestigo.

1069
01:03:08,920 --> 01:03:11,240
Kailan? Paano?

1070
01:03:11,320 --> 01:03:13,960
At hinihiling ko
na ulitin mo ang eksaktong salita,

1071
01:03:14,040 --> 01:03:17,640
at wag 'yong interpretasyon mo.
Gusto ko 'yong eksaktong sinabi ng bata

1072
01:03:17,720 --> 01:03:21,160
noong sinabi niya sa 'yo
'yong insidenteng nasaksihan niya.

1073
01:03:22,040 --> 01:03:23,520
- Sandali lang.
- Ganito…

1074
01:03:23,600 --> 01:03:24,560
Hindi, sandali.

1075
01:03:24,640 --> 01:03:27,040
Sa puntong 'yon,
itinigil ng judge 'yong paglilitis

1076
01:03:27,120 --> 01:03:29,040
sa pagkakaunawa

1077
01:03:29,120 --> 01:03:33,200
na kung hindi tetestigo 'yong bata,

1078
01:03:33,280 --> 01:03:35,840
malinaw na hindi niya kailangang humarap

1079
01:03:35,920 --> 01:03:38,000
o sa pamamagitan ng ibang tao

1080
01:03:38,080 --> 01:03:40,720
na inosenteng pinagkuwentuhan ng bata.

1081
01:03:40,800 --> 01:03:45,800
Dahil 'yon ang paraan
para maiwasan 'yong pagtestigo.

1082
01:03:45,880 --> 01:03:48,800
Hindi pahihintulutan
ang taong pinagkuwentuhan

1083
01:03:48,880 --> 01:03:53,160
na pumalit sa batang
ginamit ang karapatan na huwag tumestigo.

1084
01:03:53,240 --> 01:03:54,240
Pasensiya na.

1085
01:03:54,320 --> 01:03:57,520
Kaya hiniling ko sa korte na pahintulutan

1086
01:03:57,600 --> 01:04:02,880
na ipakita ni Antonia kung pa'no kumilos
'yong bata nang gayahin niya si Pedro.

1087
01:04:02,960 --> 01:04:05,760
'Yong nanay ni Emma

1088
01:04:06,600 --> 01:04:09,760
inakay si Toto pababa ng hagdan.

1089
01:04:09,840 --> 01:04:13,200
- Your Honor, objection.
- Hindi. Di ka pwedeng magsalita.

1090
01:04:13,280 --> 01:04:16,280
Wag kang magkuwento,
ipakita mo 'yong mga ikinilos noong bata.

1091
01:04:16,360 --> 01:04:17,200
Sige.

1092
01:04:17,280 --> 01:04:19,160
Habang ginagaya niya 'yon,

1093
01:04:19,240 --> 01:04:21,960
na isa ring pakikipag-usap,
nagsasalita rin siya.

1094
01:04:22,040 --> 01:04:26,200
Kung ginaya niya lang 'yon
at di nagsalita, di sana nakaapekto 'yon.

1095
01:04:26,280 --> 01:04:29,560
Isang robot, hawak dito,

1096
01:04:29,640 --> 01:04:31,560
at robot siya, pababa ng hagdan.

1097
01:04:31,640 --> 01:04:33,440
Sandali, di ka namin marinig.

1098
01:04:33,520 --> 01:04:35,960
Malayo ka sa mic.

1099
01:04:36,040 --> 01:04:38,040
- Lumapit…
- Uupo ako, ha?

1100
01:04:38,120 --> 01:04:42,480
Noong pinayagan si Antonia
na gayahin 'yong mga kilos

1101
01:04:42,560 --> 01:04:46,680
nang hindi nagsasalita,

1102
01:04:46,760 --> 01:04:48,880
nang walang binibigkas na salita,

1103
01:04:48,960 --> 01:04:52,400
pareho 'yong epekto
katulad ng sa isang silent film.

1104
01:04:52,480 --> 01:04:56,600
Kahit na napakaseryosong bagay nito,

1105
01:04:56,680 --> 01:04:59,600
medyo nakakatawa 'yong nangyari.

1106
01:04:59,680 --> 01:05:02,280
'Yon 'yong representasyon kay Toto,

1107
01:05:02,360 --> 01:05:06,000
sinasabi naming Toto,
na tumutukoy kay Mr. Pedro.

1108
01:05:06,080 --> 01:05:08,920
Para sa mismong araw ba 'yon
o karaniwang araw?

1109
01:05:09,000 --> 01:05:10,680
Mismong araw ng pangyayari.

1110
01:05:11,360 --> 01:05:14,960
- Sige. 'Yon lamang po.
- Salamat. Magsalita ang depensa.

1111
01:05:15,040 --> 01:05:17,920
Sa pahintulot mo.
Paano mo nalaman na sa mismong araw 'yon?

1112
01:05:18,000 --> 01:05:19,240
At anong pangyayari?

1113
01:05:20,800 --> 01:05:22,640
Dahil sinabi niya sa 'kin…

1114
01:05:24,080 --> 01:05:26,800
- Ito ay…
- Dahil alam ko. Sinabi niya sa 'kin.

1115
01:05:26,880 --> 01:05:28,040
- Sa pahintulot mo…
- Iyon…

1116
01:05:28,120 --> 01:05:31,720
May salungat sa mga naunang salaysay.

1117
01:05:31,800 --> 01:05:33,240
Hindi 'yon tatanggapin.

1118
01:05:33,320 --> 01:05:36,120
Opo, kaya nga hindi maaari

1119
01:05:36,200 --> 01:05:40,240
na isang bahagi lang ng salaysay
ang maipakita.

1120
01:05:40,320 --> 01:05:43,880
Hindi tatanggapin ng jury
ang mga sinabi ng testigo.

1121
01:05:43,960 --> 01:05:46,400
"Wag tanggapin ang sinabi niya,
'yong ikinilos lang."

1122
01:05:46,480 --> 01:05:49,280
Samakatwid,
ikokonsidera 'yong mga ikinilos niya

1123
01:05:49,360 --> 01:05:52,360
pero di 'yong mga narinig nila.
Pero narinig nila.

1124
01:05:52,440 --> 01:05:56,320
Sinunod nila 'yong sinabi ng judge

1125
01:05:56,400 --> 01:05:58,400
at hindi pinansin

1126
01:05:58,480 --> 01:06:01,360
'yong mga salitang
binigkas ng saksi. Totoo.

1127
01:06:01,440 --> 01:06:04,120
Sa hatol, sinabi nila

1128
01:06:04,200 --> 01:06:07,160
na inakay ni Rosa si Pedro na parang robot
at patunay 'yon

1129
01:06:07,240 --> 01:06:08,960
na pinatulog niya si Pedro.

1130
01:06:09,040 --> 01:06:12,200
'Yon 'yong nakapagpakulong sa 'kin.

1131
01:06:12,280 --> 01:06:16,160
At inuulit ko,
walang sinabi ang mga anak ko,

1132
01:06:16,240 --> 01:06:18,120
dahil wala silang nakita.

1133
01:06:18,800 --> 01:06:23,440
Hindi sila pwedeng magbase
sa salaysay ni Antonia

1134
01:06:23,520 --> 01:06:26,000
bilang ganap na katotohanan

1135
01:06:26,080 --> 01:06:28,280
dahil hindi kami magkasundo noon,

1136
01:06:28,360 --> 01:06:30,160
at di kami magkasundo ngayon.

1137
01:06:30,240 --> 01:06:35,040
At sinamantala niya 'yong pagkakataon
para sirain 'yong kaso ko.

1138
01:06:35,560 --> 01:06:36,480
Nauunawaan mo?

1139
01:06:36,560 --> 01:06:38,240
Ang hindi ko alam

1140
01:06:38,320 --> 01:06:41,680
ay kung naintindihan niya
'yong tindi ng paninira niya.

1141
01:06:41,760 --> 01:06:45,160
At di niya na 'yon mababawi,
dahil sasabihin nila sa kanya

1142
01:06:45,680 --> 01:06:48,600
na pag ginawa niya 'yon,
siya ang makukulong.

1143
01:06:50,200 --> 01:06:52,440
{\an8}PAGPATAY KAY PEDRO

1144
01:06:56,680 --> 01:06:58,680
{\an8}MAKALIPAS ANG 18 ORAS - MAY 2

1145
01:06:59,520 --> 01:07:02,080
{\an8}Ang pinakamalaking pagkakamali
ni Miss Rosa

1146
01:07:02,160 --> 01:07:06,920
ay ang itabi 'yong cell phone ni Mr. Pedro
sa bahay niya.

1147
01:07:10,080 --> 01:07:11,880
PEDRO RODRÍGUEZ. 9:26 P.M. - BAAAAABE

1148
01:07:11,960 --> 01:07:14,640
Ang diskarte ng depensa

1149
01:07:14,720 --> 01:07:19,280
ay doktorin
'yong mga aktibidad ni Mr. Pedro.

1150
01:07:19,360 --> 01:07:20,600
Paano nila ginawa?

1151
01:07:20,680 --> 01:07:25,760
Halimbawa, sa pakikipagpalitan ng mensahe
ni Rosa at ng kunwaring si Pedro.

1152
01:07:25,840 --> 01:07:28,560
Pareho nilang inamin 'to.

1153
01:07:28,640 --> 01:07:31,880
Dinala nila 'yong cell phone
at 'yong kotse ni Pedro

1154
01:07:31,960 --> 01:07:35,200
malapit sa bahay ni Rubén,

1155
01:07:35,280 --> 01:07:40,680
para ilagay do'n si Pedro
at palabasing pinatay siya ni Rubén.

1156
01:07:40,760 --> 01:07:43,600
PEDRO - 9:50 P.M. - IO-OFF KO 'YONG PHONE,
AYOKONG MAG-VIBRATE

1157
01:07:43,680 --> 01:07:46,840
Mga 9:50 p.m., noong papatayin ni Albert
'yong phone ni Pedro,

1158
01:07:46,920 --> 01:07:50,320
tinukoy ng mga cell phone tower
na malapit siya sa bahay ni Rubén.

1159
01:07:50,400 --> 01:07:52,280
- Tama ba?
- Oo, tama.

1160
01:07:52,360 --> 01:07:56,800
Pagdating namin sa bahay ni Rubén,
sabi niya ipadala ko 'yong mga mensahe.

1161
01:07:56,880 --> 01:08:00,040
Doon ko napagtanto

1162
01:08:00,120 --> 01:08:03,440
na anuman 'yong ginawa niya kay Pedro,
nagtalo man sila

1163
01:08:03,520 --> 01:08:06,120
o sinaktan
o pinagbantaan si Pedro o anuman,

1164
01:08:06,200 --> 01:08:08,360
gusto niyang isisi lahat kay Rubén.

1165
01:08:08,440 --> 01:08:10,800
Miss Rosa, matapos patayin
'yong cell phone ni Pedro

1166
01:08:10,880 --> 01:08:13,920
malapit sa bahay ni Rubén,
ano'ng ginawa n'yo?

1167
01:08:14,000 --> 01:08:17,800
Sa puntong 'yon,
inihatid niya 'ko sa bahay ko.

1168
01:08:17,880 --> 01:08:20,560
At ibinigay niya
'yong susi ng kotse ni Pedro.

1169
01:08:23,160 --> 01:08:26,480
Minaneho mo 'yong kotse ni Pedro
at minaneho ni Albert 'yong kanya, o ano?

1170
01:08:26,560 --> 01:08:31,800
Oo, at sinundan ko si Albert.
Siya 'yong nasa harap, at sumunod ako.

1171
01:08:31,880 --> 01:08:34,720
Noong mag-isa ka,
pwede kang pumunta sa pulis,

1172
01:08:34,800 --> 01:08:37,000
pwede mong tawagan ang sinuman…

1173
01:08:37,080 --> 01:08:38,960
Wala kang ginawa at sinundan siya.

1174
01:08:39,040 --> 01:08:43,000
Pag nilihis ko 'yong kotse,
puwera na lang kung maiharurot 'ko,

1175
01:08:43,080 --> 01:08:46,640
makapunta sa istasyon ng pulis,
at mapakinggan ako agad…

1176
01:08:46,720 --> 01:08:49,920
- Lahat ng pwedeng…
- Pero isa kang pulis, di ba?

1177
01:08:50,000 --> 01:08:52,240
Oo, dahil mismo sa isa 'kong pulis.

1178
01:08:52,760 --> 01:08:55,680
Lahat ng ideyang 'yon,
siyempre, kinonsidera ko.

1179
01:08:55,760 --> 01:08:57,440
Pero bago pa 'ko umabot sa pulis,

1180
01:08:57,520 --> 01:09:00,760
baka nakabuwelta na siya
at nakarating na sa bahay ko.

1181
01:09:00,840 --> 01:09:03,800
Kaya sinundan mo siya.
Gaano katagal bago kayo nakarating do'n?

1182
01:09:03,880 --> 01:09:05,800
- Sa reservoir kayo nagpunta?
- Oo.

1183
01:09:05,880 --> 01:09:10,400
Saka kabisado niya kung saan siya pupunta.
Alam niya 'yong pupuntahan niya.

1184
01:09:10,480 --> 01:09:13,280
Gumamit siya ng blinker.
Kabisado niya kung saan siya pupunta.

1185
01:09:16,520 --> 01:09:18,640
Naisip ko, "Ano na'ng gagawin ko?"

1186
01:09:18,720 --> 01:09:21,840
At naghintay ako. Natulala uli ako.

1187
01:09:21,920 --> 01:09:26,840
Katulad no'ng araw bago 'yon.
Di ko alam ang gagawin, di makapagsalita,

1188
01:09:26,920 --> 01:09:29,800
"Tatakas na 'ko dala 'yong kotse."
Di ko nagawa.

1189
01:09:29,880 --> 01:09:31,960
Natulala na lang ako

1190
01:09:32,040 --> 01:09:35,120
at pinanood siyang lumapit sa 'kin
na may dalang gasolina.

1191
01:09:35,200 --> 01:09:36,840
Nakaukit 'yon sa alaala ko.

1192
01:09:36,920 --> 01:09:40,000
Binuksan niya 'yong pinto
at kinuha 'yong mga lata.

1193
01:09:40,080 --> 01:09:42,480
Naaalala kong pula at malalaki 'yon.

1194
01:09:43,000 --> 01:09:46,160
Sabi ko, "Uy, parang gasolina 'yan."

1195
01:09:46,240 --> 01:09:50,080
No'ng lumapit siya sa 'kin,
naisip ko, "Sasabuyan niya 'ko.

1196
01:09:50,160 --> 01:09:52,960
Pag ginawa niya 'yon,
kahit magtatakbo pa 'ko,

1197
01:09:53,040 --> 01:09:55,920
mapapatay niya 'ko sa isang ningas lang."

1198
01:09:56,440 --> 01:09:58,920
Tumakbo 'ko para hindi niya 'ko masabuyan,

1199
01:09:59,000 --> 01:10:00,720
para hindi niya 'ko masaktan.

1200
01:10:02,160 --> 01:10:04,520
Habang tumatakbo, nalaglag ko lahat,

1201
01:10:04,600 --> 01:10:08,520
pero hindi ako tumigil para magpulot
o lumingon sa likod ko,

1202
01:10:08,600 --> 01:10:12,240
dahil iniisip ko lang na makatakas.

1203
01:10:12,320 --> 01:10:15,000
Kung babarilin niya 'ko,
babarilin niya 'ko sa likod.

1204
01:10:15,080 --> 01:10:18,920
Nagsimulang maglakad si Rosa sa kalsada,

1205
01:10:19,000 --> 01:10:21,080
pero sumunod si Albert
dala 'yong kotse niya

1206
01:10:21,160 --> 01:10:23,160
at sinabihan siyang sumakay na,

1207
01:10:23,240 --> 01:10:26,320
o mauuna si Albert kay Rosa
papunta sa mga anak niya.

1208
01:10:28,560 --> 01:10:30,000
Para sa depensa ni Rosa,

1209
01:10:30,080 --> 01:10:32,920
mahalaga na 'yong mga susing 'yon

1210
01:10:33,000 --> 01:10:35,160
ay napakalapit sa kalsada,

1211
01:10:35,240 --> 01:10:37,120
dahil malayo 'yon sa kotse.

1212
01:10:37,200 --> 01:10:41,240
Sinuportahan nito 'yong kuwento ni Rosa

1213
01:10:41,320 --> 01:10:46,040
na tumakbo siya papunta sa kalsada
at nalaglag ang mga ito sa bulsa niya,

1214
01:10:46,120 --> 01:10:49,960
o na hawak niya ang mga ito
habang tumatakas siya.

1215
01:10:50,040 --> 01:10:53,320
'Yong lokasyon ng mga susi ng kotse

1216
01:10:53,400 --> 01:10:56,480
sa paligid ng pinangyarihan ng krimen

1217
01:10:56,560 --> 01:10:59,440
ay walang kaugnayan
sa estimasyon ng prosecution

1218
01:10:59,520 --> 01:11:01,960
dahil inisip namin

1219
01:11:02,040 --> 01:11:06,400
na pareho silang
kusang pumunta sa reservoir.

1220
01:11:06,480 --> 01:11:08,680
Suportado 'yon ng katotohanan

1221
01:11:08,760 --> 01:11:12,600
na gumamit sila ng dalawang sasakyan
para pumunta sa reservoir.

1222
01:11:12,680 --> 01:11:16,080
Ituloy natin.
Sumakay kayo sa kotse at pumunta saan?

1223
01:11:24,560 --> 01:11:27,600
Sa puntong 'yon,
hinatid niya 'ko sa bahay.

1224
01:11:29,320 --> 01:11:32,160
At sinabihan ako na wag magsasalita.

1225
01:11:32,240 --> 01:11:35,240
Sabi ko, "Di ko irereport 'yong kotse,
wala akong pakialam do'n.

1226
01:11:35,320 --> 01:11:38,880
Materyal na bagay lang 'yon,
wala akong pakialam do'n,

1227
01:11:38,960 --> 01:11:40,200
pero lubayan mo na 'ko.

1228
01:11:40,280 --> 01:11:42,560
Gusto ko lang na lubayan mo na 'ko."

1229
01:11:42,640 --> 01:11:44,920
Ang kailangan lang sa kuwento ni Rosa

1230
01:11:45,000 --> 01:11:46,800
para tumugma sa lahat

1231
01:11:46,880 --> 01:11:50,320
ay ang maniwala
sa matinding takot na naranasan niya.

1232
01:11:50,400 --> 01:11:55,400
Ibig kong sabihin, kung naniniwala ka
na natatakot si Rosa kay Albert,

1233
01:11:56,520 --> 01:11:58,200
tugma ang lahat.

1234
01:11:58,280 --> 01:11:59,440
"Natatakot ako.

1235
01:11:59,520 --> 01:12:01,960
Hindi ako makapagsumbong kinabukasan.

1236
01:12:02,040 --> 01:12:06,360
Di ako makapagsumbong makalipas
ang dalawang araw. Nabigla at tulala ako."

1237
01:12:06,440 --> 01:12:08,600
Pero pambihira, sa ikatlo, ikaapat,

1238
01:12:08,680 --> 01:12:12,920
ikalima, ikaanim, ikapito, ikawalong araw,
no'ng kaya mo nang umaksiyon,

1239
01:12:13,000 --> 01:12:16,040
no'ng suportado ka na ng mga katrabaho mo,

1240
01:12:16,120 --> 01:12:19,320
no'ng alam na ng homicide squad
na sangkot si Albert

1241
01:12:19,400 --> 01:12:22,160
at mapoprotektahan ka…

1242
01:12:22,240 --> 01:12:25,120
Hinusgahan siya sa mga ikinilos niya
pagkatapos ng pangyayari.

1243
01:12:25,200 --> 01:12:28,600
Dahil walang ebidensiya
sa nangyari no'ng araw na 'yon.

1244
01:12:29,120 --> 01:12:33,840
Gaya ng nabanggit ko,
dahil umiyak siya, di siya umiyak,

1245
01:12:33,920 --> 01:12:35,200
di niya nireport.

1246
01:12:35,280 --> 01:12:37,840
Kung naiintindihan mo na natatakot siya

1247
01:12:37,920 --> 01:12:40,440
sa pwedeng gawin sa kanya ni Albert

1248
01:12:40,520 --> 01:12:44,040
o, mas malala pa, sa mga anak niya,
na pinakamamahal niya,

1249
01:12:44,120 --> 01:12:47,760
maiintindihan mo 'yong ikinilos niya
pagkatapos ng pangyayari.

1250
01:12:47,840 --> 01:12:51,280
Sino ba ang makakapagpaliwanag
kung paano at ano ang takot?

1251
01:12:53,480 --> 01:12:55,000
Ano ang takot?

1252
01:12:55,080 --> 01:12:57,080
Kung nakaramdam siya ng matinding takot,

1253
01:12:57,160 --> 01:13:01,520
sino ang kukuwestiyon, base sa mga datos,

1254
01:13:02,520 --> 01:13:05,560
na walang karapatan si Rosa
na maramdaman 'yong takot na 'yon?

1255
01:13:05,640 --> 01:13:10,480
Ang pinakakinatatakutan niya ay di 'yong
mangyayari sa kanya o sa magulang niya.

1256
01:13:11,040 --> 01:13:13,160
Kundi para sa mga anak niya.

1257
01:13:14,200 --> 01:13:19,720
Sa tingin ko, ang ginagawa niya
ay pinoprotektahan niya ang mga anak niya.

1258
01:13:21,080 --> 01:13:24,080
At walang nakaintindi no'n.

1259
01:13:27,520 --> 01:13:30,400
Alam mo? Sa puntong 'yon, naisip ko…

1260
01:13:30,960 --> 01:13:33,520
higit pa ro'n, naisip ko na mas mahalaga

1261
01:13:33,600 --> 01:13:36,360
na manatiling silang buhay,

1262
01:13:36,440 --> 01:13:38,240
malayo sa panganib,

1263
01:13:38,320 --> 01:13:42,040
dahil ang totoong panganib ay siya.

1264
01:13:45,680 --> 01:13:49,360
Ang maisip 'yong pwedeng mangyari sa 'kin

1265
01:13:49,440 --> 01:13:52,800
sa pananahimik ko,
wala 'yon nailagay sa panganib.

1266
01:13:53,440 --> 01:13:54,280
Alam mo 'yon?

1267
01:13:56,000 --> 01:14:00,240
Na humantong na sa kalituhan,
at may sariling interpretasyon ang lahat

1268
01:14:00,320 --> 01:14:02,640
at interesado sila, dahil siyempre…

1269
01:14:02,720 --> 01:14:07,640
Nagsimula sa 'kin 'yong imbestigasyon,
dahil ako 'yong pinakamalapit sa kanya.

1270
01:14:07,720 --> 01:14:09,440
At di na sila nakapagpalit ng anggulo.

1271
01:14:11,960 --> 01:14:14,560
Lumipas ang ilang taon.

1272
01:14:15,240 --> 01:14:17,040
Naisulat na ang mga libro,

1273
01:14:17,120 --> 01:14:21,600
natapos nang kunan 'yong series,
at iba pa,

1274
01:14:21,680 --> 01:14:26,400
pero marami pa ring tanong
na hindi pa nasasagot.

1275
01:14:26,480 --> 01:14:30,560
At ang lahat, sa sarili nilang paraan,
ay may interpretasyon sa mga pangyayari.

1276
01:14:30,640 --> 01:14:33,760
Ang hustisya,
at hindi ito laging nakakamit,

1277
01:14:33,840 --> 01:14:37,120
ay nilinaw ang sitwasyon at tiniyak

1278
01:14:37,200 --> 01:14:39,160
kung sino ang mga may sala

1279
01:14:39,240 --> 01:14:41,200
at kung sino ang biktima.

1280
01:14:41,280 --> 01:14:42,640
Nasaan 'yong plano?

1281
01:14:42,720 --> 01:14:44,440
Kailan ito ginawa?

1282
01:14:44,520 --> 01:14:46,160
Ano ang nilalaman nito?

1283
01:14:46,240 --> 01:14:47,840
Kaninong plano ito?

1284
01:14:47,920 --> 01:14:49,720
Kapag napatunayan ito,

1285
01:14:50,400 --> 01:14:51,440
di na maikakaila,

1286
01:14:51,520 --> 01:14:54,120
di na mahalaga 'yong sasabihin
nina Rosa at Albert.

1287
01:14:54,680 --> 01:14:56,600
Binalak nga nila. Pero pag di napatunayan,

1288
01:14:56,680 --> 01:14:59,360
kundi haka-haka lang sa maaaring nangyari,

1289
01:14:59,440 --> 01:15:02,240
dahil walang saysay
ang ibang bagay, kung gayon…

1290
01:15:02,320 --> 01:15:06,200
Naiintindihan natin ang krimen
sa pamamagitan ng fiction.

1291
01:15:06,280 --> 01:15:10,200
At dapat maipaliwanag ng fiction.

1292
01:15:10,280 --> 01:15:13,600
Pagpapaliwanag ito ng mga pangyayari,

1293
01:15:13,680 --> 01:15:18,440
kung bakit ginagawa ng mga tauhan
'yong ginagawa nila.

1294
01:15:18,520 --> 01:15:21,240
Ang totoo, imposible 'yon.

1295
01:15:21,320 --> 01:15:25,760
Pero kumbinsido ako
na ang isang tao ay may napakaraming sagot

1296
01:15:25,840 --> 01:15:29,240
at may napakaraming detalye
kapag nagsasabi sila ng totoo.

1297
01:15:29,320 --> 01:15:32,680
At 'yon ang dahilan
kung bakit ako naniwala sa kanya.

1298
01:15:32,760 --> 01:15:37,640
Dahil kung talagang
nagsisinungaling ang isang tao,

1299
01:15:37,720 --> 01:15:43,000
may mga bagay na walang paliwanag.

1300
01:15:43,080 --> 01:15:48,640
'Yong kuwento ay sumentro kay Rosa
bilang isang masama at malupit na babae,

1301
01:15:48,720 --> 01:15:53,760
at nagmula ito, sa opinyon ko,
hindi lang sa pag-uusisa ng prosecution,

1302
01:15:53,840 --> 01:16:00,640
kundi pati na rin sa patuloy
na pagpapalabas nito sa media kalaunan.

1303
01:16:00,720 --> 01:16:03,160
Siguro nga sumobra kami

1304
01:16:03,240 --> 01:16:06,840
dahil 'yong pagkatao ni Rosa,
'yong katauhan niya,

1305
01:16:08,520 --> 01:16:13,320
nang di sinasadya,
natukso kang mahulog sa mga cliché.

1306
01:16:13,400 --> 01:16:17,200
Malinis ang konsiyensiya ko,
sa totoo lang.

1307
01:16:17,280 --> 01:16:20,440
Totoo na 'yong labis na pagtutok ng media

1308
01:16:20,520 --> 01:16:25,240
ay nakakaapekto, nang bahagya.

1309
01:16:25,320 --> 01:16:27,480
Lahat ng masasakit na sinabi nila,

1310
01:16:27,560 --> 01:16:30,120
lahat ng 'yon, napakasama no'n.

1311
01:16:30,200 --> 01:16:32,280
Nang hindi siya kinikilala.

1312
01:16:33,520 --> 01:16:39,200
Ang tanging kasalanan niya ay ang pagiging
maganda, may magandang katawan,

1313
01:16:39,720 --> 01:16:42,720
at pakikipagtalik
sa sinumang gustuhin niya.

1314
01:16:45,240 --> 01:16:47,960
Namumuhay si Rosa sa naiibang realidad

1315
01:16:48,040 --> 01:16:51,840
na may sariling mga patakaran,
na iba sa atin.

1316
01:16:51,920 --> 01:16:56,640
Para sa akin, isa siyang tao
na hindi makapagpigil sa kakasalita,

1317
01:16:56,720 --> 01:17:00,000
katulad ng manggagantso sa perya

1318
01:17:00,080 --> 01:17:04,680
na naglalako ng milagrosong lunas
na, sa katunayan, tubig lang na may sabon.

1319
01:17:05,200 --> 01:17:09,800
At sinasabi ko sa inyo,
pag nakasama n'yo ng ilang oras si Rosa,

1320
01:17:09,880 --> 01:17:13,640
makukumbinsi niya tayo
na tayo ang pumatay kay Pedro.

1321
01:17:13,720 --> 01:17:15,560
'Yon si Miss Rosa Peral.

1322
01:17:20,480 --> 01:17:22,120
Maraming nang lumipas na oras,

1323
01:17:22,200 --> 01:17:27,240
at gusto kong makausap 'yong mga anak ko,

1324
01:17:27,320 --> 01:17:29,040
makasama sila.

1325
01:17:29,120 --> 01:17:31,800
Sana malaman ko kung may pagdududa sila.

1326
01:17:31,880 --> 01:17:35,240
Sa araw na makausap ko sila, sasabihin ko,

1327
01:17:35,320 --> 01:17:38,920
"Kung isang araw,
magkakaro'n kayo ng pagdududa,

1328
01:17:39,000 --> 01:17:41,480
makakabuti na pakinggan ang lahat ng panig

1329
01:17:41,560 --> 01:17:43,800
at mangalap ng maraming impormasyon."

1330
01:17:45,680 --> 01:17:49,600
Siguro di nila ramdam
na kailangan nila 'kong tanungin, ewan ko.

1331
01:17:49,680 --> 01:17:54,200
Siguro sasabihin nila balang-araw,
"Sabi ng nanay ko inosente siya,"

1332
01:17:54,280 --> 01:17:58,000
at siguro hindi na nila kailangan
ng paliwanag.

1333
01:18:00,240 --> 01:18:03,240
Ang mahalaga sa 'kin ay maisama nila 'ko

1334
01:18:03,320 --> 01:18:08,640
sa mga plano nila
para sa hinaharap, alam mo 'yon?

1335
01:18:09,280 --> 01:18:13,680
Kasama nila 'ko sa buhay nila,
higit pa sa inakala ko.

1336
01:18:13,760 --> 01:18:17,360
Ay, mapuputol na tayo.
Teka, mapuputol na 'yong tawag.

1337
01:18:19,120 --> 01:18:21,400
Inapela ni Rosa Peral
ang 25 taong sentensiya niya.

1338
01:18:21,480 --> 01:18:23,320
Noong September 2021, ang Korte Suprema

1339
01:18:23,400 --> 01:18:25,440
ay pinagtibay
ang batayan ng premeditation.

1340
01:18:25,520 --> 01:18:27,520
Pinawalang-bisa ang salaysay ni Antonia.

1341
01:18:27,600 --> 01:18:30,280
Napag-alaman na gumawa ng hakbang
ang mga nasasakdal

1342
01:18:30,360 --> 01:18:32,600
upang masiguro
na hindi makakapanlaban si Pedro,

1343
01:18:32,680 --> 01:18:36,200
{\an8}dahil sa bahay siya pinaslang
"habang tulog o nagpapahinga."

1344
01:18:36,280 --> 01:18:38,960
{\an8}Ikaanim na taon na ni Rosa sa kulungan

1345
01:18:39,040 --> 01:18:40,840
{\an8}ng Mas Enric sa Tarragona.

1346
01:19:39,760 --> 01:19:43,760
Tagapagsalin ng Subtitle: Jayran Kempiz



