1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:24,774 --> 00:00:26,860
Puwede mo bang sabihin sa akin

4
00:00:26,943 --> 00:00:28,945
kung ano ang mali sa mga Itim?

5
00:00:30,321 --> 00:00:32,157
Ano ang mali sa mga Itim?

6
00:00:34,617 --> 00:00:36,536
Ano ang mali sa mga Itim?

7
00:00:36,619 --> 00:00:38,747
Ano'ng ibig mong sabihin?

8
00:00:38,830 --> 00:00:41,041
Ano ang mali sa mga Itim?

9
00:00:59,184 --> 00:01:00,477
Noong 1860,

10
00:01:00,977 --> 00:01:05,565
kinontra ni Mississippi Senator
Jefferson Davis sa harap ng US Senate

11
00:01:05,648 --> 00:01:08,985
ang panukalang pagpopondo
sa edukasyon para sa mga Itim.

12
00:01:10,570 --> 00:01:11,821
Para bigyang-katuwiran ito,

13
00:01:11,905 --> 00:01:15,325
gumawa siya ng kuwento
na sabi niya ay galing daw sa Bible.

14
00:01:19,162 --> 00:01:21,039
Sa gawa-gawang kuwentong ito,

15
00:01:21,122 --> 00:01:24,209
nang ipinatapon si Cain
mula sa Hardin ng Eden,

16
00:01:24,292 --> 00:01:27,003
napunta siya sa lupain ng Nod.

17
00:01:31,549 --> 00:01:35,303
At sa lupain ng Nod,
ayon kay Senator Davis,

18
00:01:35,887 --> 00:01:38,890
nandoon ang mga hayop at mga halimaw

19
00:01:38,973 --> 00:01:42,227
na nilikha bago ang mga tao,
bago sina Adan at Eba.

20
00:01:47,857 --> 00:01:49,692
Kabilang sa mga halimaw na ito

21
00:01:49,776 --> 00:01:53,321
ay isang grupo na mistulang hayop,
mas maitim ang balat.

22
00:01:55,782 --> 00:01:59,828
Mga Itim ang tinutukoy ni Senator Davis.

23
00:02:02,497 --> 00:02:06,835
Sabi niya, "Kalooban ng Diyos
ang pagiging mababa ng mga Itim,

24
00:02:06,918 --> 00:02:09,087
at pinatunayan ito ng kasaysayan."

25
00:02:11,422 --> 00:02:13,967
Iyan ang kuwentong sinabi
ni Senator Davis,

26
00:02:14,551 --> 00:02:18,179
si Senator Davis na kalaunan
ay magiging presidente

27
00:02:18,263 --> 00:02:20,473
ng Confederate States of America,

28
00:02:21,349 --> 00:02:23,184
para bigyang-katuwiran ang idea

29
00:02:23,268 --> 00:02:27,981
na ang hindi pagkakapantay-pantay
sa pagitan ng mga Itim at puti

30
00:02:28,064 --> 00:02:29,899
ay nakatatak na sa simula pa lang.

31
00:02:42,078 --> 00:02:46,040
Ano'ng mangyayari
kapag ikinuwento natin ang mga sabi-sabi

32
00:02:46,124 --> 00:02:48,084
tungkol sa mga Itim,

33
00:02:48,585 --> 00:02:51,796
at kung ano ang papel nila
sa lipunan ng America?

34
00:02:53,423 --> 00:02:56,843
Ang mga kuwentong ito na tungkol

35
00:02:56,926 --> 00:02:58,928
sa mga mali sa mga Itim

36
00:02:59,012 --> 00:03:03,266
ay nagiging bahagi ng kaalaman…

37
00:03:03,349 --> 00:03:04,517
TUMATANGGAP NG FOOD STAMP

38
00:03:04,601 --> 00:03:08,521
…na tumutulong magpakalat
ng mga maling paniniwala

39
00:03:08,605 --> 00:03:10,148
tungkol sa mga Itim.

40
00:03:12,275 --> 00:03:15,987
Dapat nating tingnan ang kasaysayan
nang may maayos na pananaw.

41
00:03:16,487 --> 00:03:17,864
May tunay na laban,

42
00:03:18,406 --> 00:03:21,618
at makabuluhan ang labang ito,
ng mga paniniwala.

43
00:03:23,244 --> 00:03:24,621
Kaya ang tanong,

44
00:03:25,288 --> 00:03:29,292
"Paano natin kinukuwestiyon
ang ibinibigay sa atin

45
00:03:29,375 --> 00:03:31,419
at ang tinatanggap natin?"

46
00:03:31,502 --> 00:03:33,713
Dahil may gumagawa nito.

47
00:03:34,255 --> 00:03:36,925
Ginagawa ba nila 'to
para sa atin o sa kanila?

48
00:03:42,847 --> 00:03:46,726
BATAY SA LIBRO NI
DR. IBRAM X. KENDI

49
00:05:08,516 --> 00:05:11,352
Kung titingnan natin ang lahi,

50
00:05:12,812 --> 00:05:18,693
kailangan nating tingnan ang katotohanan
na ang lahi ay hindi palaging tiyak.

51
00:05:21,738 --> 00:05:25,950
Napadaan kami sa tubig na 'yon,
at mga Fula kami,

52
00:05:26,034 --> 00:05:28,995
mga Igbo kami, mga Yoruba,

53
00:05:29,078 --> 00:05:31,789
mga Wolof, at mga Mandinka.

54
00:05:33,833 --> 00:05:37,003
Pero sa isang lugar sa kabila ng Atlantic,

55
00:05:37,086 --> 00:05:41,674
naging isang komunidad kami.

56
00:05:44,719 --> 00:05:50,933
Madalas iniisip natin na ang lahi
ay tungkol lang sa kulay ng balat,

57
00:05:51,017 --> 00:05:53,519
sa kapal ng buhok, o kung anuman.

58
00:05:54,479 --> 00:05:56,314
Tungkol ito sa pang-aalipin.

59
00:05:59,359 --> 00:06:01,194
Mahalagang malaman ng mga tao

60
00:06:01,277 --> 00:06:05,656
na ang naunang "alipin",
pag inisip ng mga tao ang naunang alipin,

61
00:06:05,740 --> 00:06:07,867
hindi ito ang mga taong kamukha ko.

62
00:06:09,035 --> 00:06:10,995
Ang Western European slave market

63
00:06:11,079 --> 00:06:14,999
ay daang taon nang pinangungunahan
ng Eastern European Slavs.

64
00:06:16,125 --> 00:06:20,171
Ang salitang "slave"
ay mula sa salitang Slav.

65
00:06:21,381 --> 00:06:26,511
Kaya bakit bigla nating inaalipin
ang mga African?

66
00:06:27,970 --> 00:06:31,641
ANG PINAGMULAN NG PAGIGING ITIM

67
00:06:37,772 --> 00:06:41,734
Alalahanin natin na ang pang-aalipin
ay bahagi ng kasaysayan ng tao.

68
00:06:41,818 --> 00:06:43,611
Inaalipin natin ang isa't isa

69
00:06:43,694 --> 00:06:47,615
mula pa noong may mga imperyo
at estado at digmaan.

70
00:06:48,533 --> 00:06:51,452
Pero may ibang nangyari noong 1444.

71
00:06:52,245 --> 00:06:56,999
Ito ang sandali kung saan
ang unang barkong may sakay na mga bihag

72
00:06:57,083 --> 00:07:00,378
na nahuli ng mga Portuguese sa Senegambia

73
00:07:00,461 --> 00:07:03,005
ay dinala sa Portugal para ibenta.

74
00:07:05,341 --> 00:07:12,056
Para sa akin, 'yon ang magiging simula
ng transatlantic slave trade.

75
00:07:19,522 --> 00:07:22,400
Nakita ni Prince Henry ng Portugal

76
00:07:22,483 --> 00:07:26,863
ang halaga ng mga African
sa mga Western European slave market.

77
00:07:26,946 --> 00:07:30,950
Mas mahalaga sila
kaysa sa Eastern European Slavs

78
00:07:31,033 --> 00:07:35,830
dahil mas mahirap para sa kanila
ang tumakas at makihalubilo sa populasyon.

79
00:07:37,915 --> 00:07:41,836
Kaya pinondohan niya
ang ekspedisyon sa pinagkukunan nito.

80
00:07:46,841 --> 00:07:49,552
Nang dumating si Prince Henry sa Africa,

81
00:07:50,052 --> 00:07:52,763
nagkaroon siya ng pagkakataong kumuha.

82
00:07:53,973 --> 00:07:57,518
May paraan siya para makuha ang gusto niya
at nagawa niya.

83
00:07:58,769 --> 00:08:00,104
BAKAL PARA DI MAKATAKAS

84
00:08:02,607 --> 00:08:05,026
Ayaw aminin ni Prince Henry

85
00:08:05,610 --> 00:08:12,241
na marahas at brutal niyang inaalipin
ang mga African para magkapera.

86
00:08:12,950 --> 00:08:18,206
Kaya kumuha siya
ng royal chronicler, si Gomes Zurara,

87
00:08:18,289 --> 00:08:19,999
para isulat ang kuwento niya.

88
00:08:26,047 --> 00:08:28,299
Sinabi ni Gomes Zurara

89
00:08:28,382 --> 00:08:33,012
na nagbebenta ng alipin si Prince Henry
para iligtas ang kanilang mga kaluluwa,

90
00:08:33,638 --> 00:08:38,309
at ang mga taong ito sa Africa
ay mababa, mistulang halimaw.

91
00:08:40,144 --> 00:08:42,730
Namuhay sila na parang mga halimaw,

92
00:08:42,813 --> 00:08:45,775
walang kaalaman
tulad ng mga maayos na nilalang.

93
00:08:46,484 --> 00:08:48,694
Hindi nila alam kung ano ang mabuti.

94
00:08:49,195 --> 00:08:52,823
Ang alam lang nila
ay kung paano mamuhay na parang mga hayop.

95
00:08:58,246 --> 00:09:03,042
Ang libro ni Gomes Zurara
ay hindi lang basta ang unang libro

96
00:09:03,125 --> 00:09:05,503
ng isang European na isinulat sa Africa.

97
00:09:05,586 --> 00:09:07,213
Naging bestseller din 'to.

98
00:09:08,923 --> 00:09:12,426
Ang paniniwala
na mistulang hayop ang mga African

99
00:09:12,510 --> 00:09:15,054
ay nagsimulang kumalat sa Western Europe.

100
00:09:17,181 --> 00:09:22,270
Sinasanay nila tayo
sa mga racial hierarchy na 'to.

101
00:09:23,437 --> 00:09:25,314
Kinokondisyon nila tayo.

102
00:09:25,398 --> 00:09:29,485
Ganyan ang pop culture
at ganyan ang kapangyarihan, di ba?

103
00:09:29,569 --> 00:09:32,280
Mamamalayan lang nating
tagumpay 'to pag tapos na.

104
00:09:34,574 --> 00:09:36,617
Para magawa mo 'yon

105
00:09:36,701 --> 00:09:39,245
at para maging masaya ka sa ginawa mo,

106
00:09:39,996 --> 00:09:44,375
kailangan mong gumawa ng dahilan
kung bakit tama ito.

107
00:09:45,751 --> 00:09:49,630
Kung hindi,
ang matatawag dito ay kalupitan,

108
00:09:49,714 --> 00:09:53,009
pagnanakaw, pagpatay, panggagahasa.

109
00:09:53,092 --> 00:09:57,471
Walang gustong mag-isip
ng gano'n sa sarili nila. Wala.

110
00:09:58,389 --> 00:09:59,807
Isinulat ni Gomes Zurara

111
00:10:00,516 --> 00:10:03,936
na ang mga taong
may ibang kulay ng balat, ibang wika,

112
00:10:04,020 --> 00:10:06,522
at ibang kultura mula sa iba't ibang bansa

113
00:10:06,606 --> 00:10:09,442
ay iisa lang, ang mga Itim,

114
00:10:09,525 --> 00:10:12,361
mga Itim na dapat alipinin.

115
00:10:21,287 --> 00:10:22,121
Ang pagiging Itim.

116
00:10:23,664 --> 00:10:24,999
Ano'ng mali sa kanila?

117
00:10:25,082 --> 00:10:26,208
Ang pagiging Itim.

118
00:10:27,126 --> 00:10:30,838
Walang pakinabang sa kanila.
Walang may gusto sa kanila.

119
00:10:31,422 --> 00:10:33,883
May mga negrong malinis, merong hindi.

120
00:10:33,966 --> 00:10:36,385
Sana may manok ako.

121
00:10:36,469 --> 00:10:41,432
Sa bansang ito, pag sinabing Negro,
ibig sabihin venereal disease,

122
00:10:41,515 --> 00:10:44,018
prostitusyon, sugal,

123
00:10:44,852 --> 00:10:45,895
at krimen.

124
00:10:48,939 --> 00:10:52,902
Buwisit kang hayop na dayo ka!

125
00:10:52,985 --> 00:10:54,820
Bumalik ka sa pinanggalingan mo!

126
00:10:54,904 --> 00:10:57,490
-Tingnan mo ang ginagawa mo!
-Lugar ko 'to.

127
00:10:57,573 --> 00:10:59,825
-Nagdala ka ng mga sira-ulo.
-Pa-victim.

128
00:10:59,909 --> 00:11:02,370
-Kunin mo. Tingnan mo.
-'Yan, magaling.

129
00:11:02,953 --> 00:11:04,038
Alisin mo nga…

130
00:11:05,373 --> 00:11:08,000
-Lumayas ka dito.
-Tatawag ako ng pulis.

131
00:11:08,084 --> 00:11:10,002
Nangyayari ito dahil Itim kami.

132
00:11:10,086 --> 00:11:13,381
Ano ang gagawin namin
sa pagiging Itim namin?

133
00:11:13,464 --> 00:11:14,674
Itatago namin?

134
00:11:14,757 --> 00:11:17,885
May isang taong nagsinungaling.

135
00:11:18,469 --> 00:11:22,139
Ginawa nilang pangit at masama
ang lahat ng Itim.

136
00:11:22,223 --> 00:11:26,018
Tingnan n'yo sa dictionary
ang synonym ng salitang "itim".

137
00:11:29,814 --> 00:11:33,192
Si Gomes Zurara ang nag-imbento
ng pagiging Itim,

138
00:11:33,776 --> 00:11:36,904
pero hindi siya ang gumawa
ng pagiging puti.

139
00:11:36,987 --> 00:11:39,490
At ang paniniwala ng pagiging puti

140
00:11:40,449 --> 00:11:47,039
ay nagsimula lang no'ng 16th century,
at lalo na no'ng 17th century.

141
00:11:49,291 --> 00:11:52,128
ANG PINAGMULAN NG PAGIGING PUTI

142
00:11:52,211 --> 00:11:55,172
Noong mga unang panahon
ng slave trade dito sa US,

143
00:11:55,673 --> 00:11:57,383
di lang mga Itim ang inalipin.

144
00:11:59,343 --> 00:12:03,264
Nangontrata tayo ng mga katulong sa Europe
na gustong mabago ang buhay,

145
00:12:03,347 --> 00:12:07,309
at namuhay sila sa mga kondisyong
madalas ay halos pang-aalipin na.

146
00:12:07,393 --> 00:12:10,396
ANG MGA KATULONG AT MGA ALIPIN
AY MAGKAKASAMA

147
00:12:10,479 --> 00:12:14,608
SA PAGBUBUNGKAL NG LUPA
AT PAGTATANIM NG TABAKO

148
00:12:14,692 --> 00:12:18,362
ANG NAKAKONTRATANG KATULONG
AY HINDI PUWEDENG LUMIBAN

149
00:12:18,446 --> 00:12:22,366
UMAGA MAN O GABI, SA KANYANG AMO

150
00:12:22,450 --> 00:12:25,077
HINDI SIYA MAAARING MAGSAYA

151
00:12:25,161 --> 00:12:26,078
O MAG-ASAWA

152
00:12:26,162 --> 00:12:30,040
Isa sa kinatatakutan
ng mga puting may-ari ng lupa

153
00:12:30,124 --> 00:12:35,254
ay 'yong magkasundo
ang mga puting katulong at mga Itim

154
00:12:35,337 --> 00:12:38,674
at magsama-sama sila
dahil sa iisang layunin

155
00:12:38,758 --> 00:12:41,635
na labanan ang mga matataas na puti.

156
00:12:43,262 --> 00:12:47,016
At naging malinaw
na posibleng mangyari ito

157
00:12:47,099 --> 00:12:50,269
dahil sa insidenteng
tinatawag na Bacon's Rebellion,

158
00:12:50,352 --> 00:12:54,023
kung saan ang mga Itim at mga puti

159
00:12:54,106 --> 00:12:58,694
ay nagsama-sama sa pag-aalsa
laban sa mga puting may-ari ng lupa.

160
00:13:59,004 --> 00:14:01,257
Pero di ito tungkol sa kalayaan ko.

161
00:14:01,340 --> 00:14:03,175
Tungkol din ito sa kalayaan mo.

162
00:14:03,259 --> 00:14:04,885
Kung magtutulungan tayo,

163
00:14:04,969 --> 00:14:07,596
di dahil may gagawin tayo
para sa mga Itim,

164
00:14:07,680 --> 00:14:09,348
kundi para sa isa't isa.

165
00:14:12,434 --> 00:14:14,395
MAGALIT, MAG-ORGANISA

166
00:14:14,478 --> 00:14:16,230
SALAMAT KASAKIMAN
KAMI NA ANG BAHALA

167
00:14:20,192 --> 00:14:23,153
Nakakalungkot makita
na may mga humahadlang

168
00:14:23,237 --> 00:14:26,740
sa pagbabago at pag-unlad
na puwedeng makuha ng bansang ito

169
00:14:26,824 --> 00:14:28,367
kung magkakaisa lang tayo

170
00:14:28,450 --> 00:14:30,953
at gamiting susi ang pagkakaiba natin.

171
00:14:31,537 --> 00:14:33,664
Taga-south ka man, north, east, o west,

172
00:14:33,747 --> 00:14:37,001
Negro ka man, hillbilly, o Yankee,

173
00:14:37,084 --> 00:14:38,752
magkasama tayong lalaban.

174
00:14:45,718 --> 00:14:50,347
Mahirap ba ang hinihiling naming
bigyan n'yo kami ng dignidad bilang tao?

175
00:14:52,683 --> 00:14:56,103
E, ano naman kung mamatay kami

176
00:14:56,186 --> 00:14:58,647
kung ipagkakait n'yo
ang karapatan naming mabuhay?

177
00:15:00,399 --> 00:15:06,196
Nagawang pabagsakin ng Bacon's Rebellion
ang capital ng Virginia.

178
00:15:06,280 --> 00:15:07,323
LABAN NG ANTAS NG BUHAY

179
00:15:07,406 --> 00:15:10,784
Natakot nang husto
ang mayayamang puti na nang-aalipin.

180
00:15:10,868 --> 00:15:14,747
PROKLAMASYON
NA PUMIPIGIL SA REBELYON SA VIRGINIA

181
00:15:14,830 --> 00:15:17,541
Nakita nila na ang pagkakaisa

182
00:15:17,625 --> 00:15:20,669
ng mga puting katulong
at mga aliping African

183
00:15:20,753 --> 00:15:22,254
ang kanilang Armageddon.

184
00:15:24,089 --> 00:15:27,134
Naging malinaw
sa mga puting may-ari ng lupa

185
00:15:27,217 --> 00:15:29,386
na mas kailangan nilang mamuhunan

186
00:15:29,470 --> 00:15:34,642
para paghiwalayin
ang mga katulong at mga alipin.

187
00:15:35,684 --> 00:15:39,355
Gumawa sila ng legal na sistema

188
00:15:39,438 --> 00:15:43,692
para bigyan ng mga pribilehiyo
ang mga nakakontratang katulong

189
00:15:43,776 --> 00:15:46,695
dahil mga puti sila,

190
00:15:46,779 --> 00:15:48,906
at di makakakuha nito ang mga Itim.

191
00:15:51,283 --> 00:15:54,870
Sa huli, ang ilan
sa mga nakakontratang katulong na 'to

192
00:15:54,954 --> 00:15:57,206
ay nakalaya na sa kontrata.

193
00:15:58,123 --> 00:16:00,250
Nakatanggap sila ng lupain

194
00:16:01,126 --> 00:16:02,544
at nagkaroon ng kita.

195
00:16:03,712 --> 00:16:06,256
At sa perang nakuha nila,

196
00:16:06,799 --> 00:16:11,553
nakabili sila ng isa sa mga tao

197
00:16:11,637 --> 00:16:15,724
na sangkot at kasama nila
sa Bacon's Rebellion.

198
00:16:18,936 --> 00:16:22,731
At pagkatapos ay masasabi nila
sa dati nilang kasama,

199
00:16:23,273 --> 00:16:25,693
"Nandiyan ka at nandito ako

200
00:16:25,776 --> 00:16:28,445
hindi dahil sa mga racist policy.

201
00:16:29,154 --> 00:16:31,156
Nandiyan ka dahil mababa ka."

202
00:16:36,620 --> 00:16:39,456
Gusto nilang pagsamahin
ang mga batang puti at may kulay

203
00:16:39,540 --> 00:16:41,709
para sa integrasyon ng mga lahi,

204
00:16:42,376 --> 00:16:46,505
at ang kalalabasan
ay pinaghalong puti at Itim, mulatto,

205
00:16:46,588 --> 00:16:48,882
mababang uri ng mga tao!

206
00:16:48,966 --> 00:16:52,011
Masisira ang parehong lahi
sa gusto nilang mangyari.

207
00:16:52,594 --> 00:16:56,432
Ang America ay binuo
ng mga puting Kristiyano

208
00:16:56,515 --> 00:16:59,685
at para sa mga puting Kristiyano
ng bansang ito!

209
00:17:02,563 --> 00:17:05,357
MGA PUTING NASYONALISTA,
PLANO ANG DALAWANG RALLY SA TENNESSEE

210
00:17:05,441 --> 00:17:07,818
Hindi lang ito tungkol sa pagpapahalaga,

211
00:17:07,901 --> 00:17:11,613
tungkol din ito sa pambansang kaligtasan.

212
00:17:11,697 --> 00:17:13,907
Wala tayong ibang magagawa.

213
00:17:15,659 --> 00:17:18,704
Kung tuturuan natin ang mga anak nating
magalit sa America,

214
00:17:18,787 --> 00:17:22,541
wala nang matitira
para ipagtanggol ang bandila natin,

215
00:17:22,624 --> 00:17:26,086
o ang ating dakilang bansa
at ang kalayaan nito.

216
00:17:26,962 --> 00:17:28,380
MAHALAGA ANG BUHAY NG MGA PUTI

217
00:17:28,464 --> 00:17:30,924
Ito ang simula ng paniniwala

218
00:17:31,008 --> 00:17:35,137
na ang pagiging puti
ay benepisyo, pribilehiyo,

219
00:17:35,220 --> 00:17:39,516
katayuan sa buhay
na dapat gustuhin ng mga puti

220
00:17:39,600 --> 00:17:42,144
na ikasasama naman ng mga Itim.

221
00:17:46,273 --> 00:17:48,233
-Ang mga puti…
-Ang mga puti…

222
00:17:48,317 --> 00:17:49,735
Patas na karapatan sa mga puti.

223
00:17:49,818 --> 00:17:51,695
Lahat ng ito ay sa puti.

224
00:17:51,779 --> 00:17:53,530
Ang puti, sino pa ba?

225
00:17:53,614 --> 00:17:54,698
Maraming puti…

226
00:17:54,782 --> 00:17:57,659
Puti kami, at ipinagmamalaki namin ito.

227
00:17:57,743 --> 00:17:58,786
Puti ako!

228
00:18:03,040 --> 00:18:06,960
Ang pagiging puti ay ang paniniwala

229
00:18:07,044 --> 00:18:12,674
kung sino ang may karapatan
sa ilang pribilehiyo sa lipunan.

230
00:18:15,052 --> 00:18:18,972
Sa pagiging puti, maiiwasan mo
ang mapunta sa laylayan kahit mahirap ka,

231
00:18:19,056 --> 00:18:21,767
kahit wala kang pera,
kahit wala kang pag-aari.

232
00:18:22,684 --> 00:18:28,482
Naging mahalagang bahagi ito
ng white American identity.

233
00:18:31,693 --> 00:18:35,739
May isang bagay na alam mong meron ka
na higit kaysa sa ibang tao.

234
00:18:37,032 --> 00:18:39,493
Dati, kung Polish ka at pumunta ka rito,

235
00:18:39,576 --> 00:18:41,120
hindi ka puti, Polish ka.

236
00:18:41,203 --> 00:18:44,456
Kung Italian ka at pumunta rito,
di ka puti, Italian ka.

237
00:18:45,833 --> 00:18:47,543
Pero di nagtagal,

238
00:18:48,335 --> 00:18:49,670
naisip ng mga tao, "Teka."

239
00:18:49,753 --> 00:18:53,799
"Kung magsasama-sama tayong mga puti,

240
00:18:54,967 --> 00:18:57,052
mapoprotektahan natin
ang mga interes natin

241
00:18:57,136 --> 00:18:59,805
at walang kahit sino'ng makakakuha
ng lakas natin."

242
00:19:04,226 --> 00:19:06,019
Ang ginagawa ng pagiging puti,

243
00:19:06,520 --> 00:19:07,938
binubulag sila nito

244
00:19:08,021 --> 00:19:09,982
para di nila makita
ang tunay na magnanakaw.

245
00:19:10,566 --> 00:19:12,651
Ang mga taong nakikinabang dito

246
00:19:12,734 --> 00:19:17,656
ay maliit na grupo
ng mayayaman at piling mga puti

247
00:19:17,739 --> 00:19:22,119
na patuloy na nadadagdagan
ang kayamanan at kapangyarihan

248
00:19:22,202 --> 00:19:24,371
gamit ang lakas ng lahat ng tao.

249
00:19:28,584 --> 00:19:30,502
Pakinggan n'yo kami!

250
00:19:30,586 --> 00:19:33,046
May mga puting nahihirapan sa buhay,

251
00:19:34,131 --> 00:19:36,258
at ang tingin nilang pinagmulan
ng hirap nila…

252
00:19:36,341 --> 00:19:37,551
MGA SOUTHERN, MAHALAGA!

253
00:19:37,634 --> 00:19:39,303
…ay mga taong di nila kauri.

254
00:19:39,928 --> 00:19:42,639
Mga Negro, perwisyo!

255
00:19:42,723 --> 00:19:45,309
Di namin kailangan ng tagalabas
para tumulong sa amin.

256
00:19:45,392 --> 00:19:49,354
Ilang taon na kami rito, maayos kami,
at patuloy na magiging maayos.

257
00:19:49,438 --> 00:19:51,148
Basta puti kami, tapos.

258
00:19:51,231 --> 00:19:56,778
Hindi n'yo kami mapapalitan!

259
00:19:56,862 --> 00:20:00,282
Di totoo ang lahi.
Di pa ito napatunayan ng science.

260
00:20:00,365 --> 00:20:03,744
Di mate-trace ang lahi ng tao sa DNA,

261
00:20:03,827 --> 00:20:07,456
pero napakalaki ng epekto nito sa lipunan

262
00:20:07,539 --> 00:20:10,250
dahil sa mga naniwala
sa gawa-gawang kuwento.

263
00:20:13,295 --> 00:20:18,091
Sa tingin mo makakaapekto sa komunidad
kung may pamilyang Negro na lilipat dito?

264
00:20:18,175 --> 00:20:20,719
'Yong ilan kasi sa kanila, madudumi.

265
00:20:20,802 --> 00:20:24,264
Pero ayos lang sa akin
kung malinis sila sa lugar natin.

266
00:20:24,348 --> 00:20:26,892
Depende sa klase ng Negro.

267
00:20:26,975 --> 00:20:29,811
Kung tulad sila ng Negro
na nagtatrabaho sa akin,

268
00:20:29,895 --> 00:20:34,816
isang mabuting babae na ipinagmamalaki
ang pagiging Negro, ang lahi niya,

269
00:20:34,900 --> 00:20:36,235
malinis at masipag,

270
00:20:36,318 --> 00:20:37,569
ayos lang sa akin.

271
00:20:40,948 --> 00:20:44,993
May pansamantalang premyo

272
00:20:46,203 --> 00:20:49,581
na gustong-gustong
ipakita sa atin ng mga puti.

273
00:20:51,166 --> 00:20:55,295
Ang pansamantalang premyo
ng pagtanggap, ng pag-angat.

274
00:20:55,963 --> 00:20:59,800
Kung mag-aaral ka sa magandang school,
magsasalita ng tamang English,

275
00:20:59,883 --> 00:21:01,885
kung aayusin mo ang kilos mo,

276
00:21:01,969 --> 00:21:04,388
at kung magsasabi ka ng totoo,
pero di lahat ng totoo

277
00:21:04,471 --> 00:21:06,765
para di maasiwa ang mga puti.

278
00:21:09,226 --> 00:21:12,187
Kung ikaw ang tamang klase ng Negro.

279
00:21:14,231 --> 00:21:18,485
ANG GAWA-GAWANG KUWENTO NG ASIMILASYON

280
00:21:18,568 --> 00:21:20,112
Ganito kasi 'yon.

281
00:21:20,195 --> 00:21:23,949
Ipinagmamalaki namin ang pagiging Itim
at ang pinagmulan namin.

282
00:21:24,032 --> 00:21:28,453
Pero di tinatanggap ng puting America
na lipunan ito ng maraming lahi.

283
00:21:28,537 --> 00:21:31,123
Ang tingin nila sa America ay puti,

284
00:21:31,206 --> 00:21:35,752
kaya kami ang target ng mga propaganda
para kumbinsihin kami

285
00:21:35,836 --> 00:21:39,047
na dapat maging puti kami
bago nila kami tanggapin.

286
00:21:40,632 --> 00:21:41,633
Walang ibang paraan.

287
00:21:41,717 --> 00:21:46,221
Di ako puwedeng mag-isip
bilang African, o Irish, o Norwegian.

288
00:21:46,305 --> 00:21:49,641
Kailangan kong mag-isip
sa loob ng istraktura,

289
00:21:49,725 --> 00:21:52,227
ng lipunang ginagalawan ko, lipunang puti.

290
00:21:52,311 --> 00:21:54,521
Naaasiwa ka ba
pag tinawag kang African-American?

291
00:21:54,604 --> 00:21:56,523
Oo, kasi Cablinasian ako.

292
00:21:56,606 --> 00:21:57,607
Cablinasian?

293
00:21:59,776 --> 00:22:03,030
Problema ang mga assimilationist idea

294
00:22:03,113 --> 00:22:05,073
dahil mapipilitan kang magbago

295
00:22:05,157 --> 00:22:09,619
sa isang bagay na aprubado sa mga puti,

296
00:22:09,703 --> 00:22:11,621
'yong di matatakot ang mga puti,

297
00:22:11,705 --> 00:22:15,042
'yong ligtas ang pakiramdam ng mga puti.

298
00:22:15,876 --> 00:22:19,212
"Ba't di ka na lang maging puti?"
Makibagay ka na lang.

299
00:22:20,255 --> 00:22:23,717
Kung Itim ka at namumuhay
sa modernong panahon,

300
00:22:23,800 --> 00:22:26,219
naranasan mo na ring mag-code switch.

301
00:22:26,303 --> 00:22:29,181
Uy, bata, ito ang payo ko sa 'yo.

302
00:22:29,264 --> 00:22:30,682
Gamitin mo ang puting boses mo.

303
00:22:30,766 --> 00:22:33,894
-Wala ako no'n.
-Ano ka ba? Alam mo ang sinasabi ko.

304
00:22:33,977 --> 00:22:37,230
May puting boses ka, gamitin mo.

305
00:22:38,065 --> 00:22:39,691
Tinuturuan lang naman kita.

306
00:22:43,737 --> 00:22:46,406
Naniniwala pa rin ang mga assimilationist

307
00:22:46,490 --> 00:22:48,575
na dapat magbago ang racialized group.

308
00:22:48,658 --> 00:22:50,160
"Dapat magsumikap,

309
00:22:50,243 --> 00:22:52,037
pahalagahan ang edukasyon,

310
00:22:52,120 --> 00:22:53,997
mas alagaan ang kalusugan."

311
00:22:56,416 --> 00:22:59,378
Ibang klaseng pagdidiin ito ng kababaan,

312
00:22:59,461 --> 00:23:01,838
na walang halaga ang maibibigay n'yo.

313
00:23:01,922 --> 00:23:03,673
Kailangan n'yong makibagay,

314
00:23:03,757 --> 00:23:07,052
o kailangan nating mag-isip
ng ibang sistema

315
00:23:07,135 --> 00:23:09,513
para matugunan ang problema n'yo.

316
00:23:09,596 --> 00:23:11,473
Sinabihan ang isang estudyante

317
00:23:11,556 --> 00:23:15,519
na di siya makakamartsa sa graduation
o makakabalik sa klase

318
00:23:15,602 --> 00:23:17,521
kung naka-dreadlocks siya.

319
00:23:19,147 --> 00:23:22,651
May elemento ng pagiging progresibo do'n.

320
00:23:22,734 --> 00:23:24,653
Naniniwala kang kayang magbago ng tao.

321
00:23:24,736 --> 00:23:27,614
-Dapat di lawlaw ang pantalon.
-Di nakalawlaw?

322
00:23:27,697 --> 00:23:30,534
Kasama mo ang nanay mo, ang lola mo.

323
00:23:30,617 --> 00:23:34,329
Umayos ka at rumespeto ka sa ibang tao.

324
00:23:34,413 --> 00:23:35,789
MAS HIGIT PA TAYO RITO!

325
00:23:35,872 --> 00:23:37,332
Bigyang-pansin mo,

326
00:23:37,416 --> 00:23:42,170
at isipin mo ang katanggap-tanggap
na pag-uugali ayon sa kasaysayan.

327
00:23:42,254 --> 00:23:43,755
AYUSIN ANG SARILI

328
00:23:43,839 --> 00:23:46,091
'Yan ang paulit-ulit nating naririnig,

329
00:23:46,174 --> 00:23:47,759
kahit 2021 pa 'yan

330
00:23:47,843 --> 00:23:49,553
o 1821.

331
00:23:49,636 --> 00:23:51,346
NATATAKPAN ANG ITIM

332
00:23:51,430 --> 00:23:55,392
May isang bagay sa 'yo,
puwedeng sa katawan mo o sa kultura mo,

333
00:23:55,475 --> 00:23:58,103
na gumagawa
ng pagkakaibang nakikita namin.

334
00:23:58,186 --> 00:24:01,022
Sino'ng nagturo sa inyong ayawan
ang buhok n'yo?

335
00:24:01,690 --> 00:24:04,484
Sino'ng nagturong ayawan
ang kulay ng balat n'yo

336
00:24:04,568 --> 00:24:08,613
kaya nagpapaputi kayo
para matulad sa mga puti?

337
00:24:09,573 --> 00:24:13,910
Sino'ng nagturo sa inyong ayawan
ang hugis ng ilong at labi n'yo?

338
00:24:14,494 --> 00:24:19,666
Sino'ng nagturo sa inyong ayawan
ang sarili n'yo mula ulo hanggang paa?

339
00:24:24,379 --> 00:24:25,755
Noong 18th century,

340
00:24:25,839 --> 00:24:29,551
pinagtatalunan ng mga European
at American philosopher

341
00:24:29,634 --> 00:24:32,053
na dapat nagtatrabaho lang ang mga Itim.

342
00:24:33,972 --> 00:24:36,141
Na ang mga katawan nila ay para lang

343
00:24:36,224 --> 00:24:37,976
sa mabibigat na trabaho,

344
00:24:38,477 --> 00:24:44,065
dahil ang pinakamataas
na uri ng tao ay European,

345
00:24:44,608 --> 00:24:48,153
at ang pinakamababa ay African.

346
00:24:49,946 --> 00:24:55,243
Na ang tanging lugar kung saan nagaganap
ang art at mataas na pag-iisip

347
00:24:55,327 --> 00:24:59,206
ay sa Europe lang
o sa mga taong may lahing European.

348
00:25:01,208 --> 00:25:06,296
Sanay na sanay na sila
sa mga kuwento nila tungkol sa mga Itim

349
00:25:06,379 --> 00:25:09,257
kaya hindi sila makapaniwala

350
00:25:09,341 --> 00:25:13,386
na kayang gumawa ng art ng babaeng Itim.

351
00:25:33,532 --> 00:25:38,787
Ako na bata pa sa buhay,
dahil sa kalupitan ng kapalaran

352
00:25:39,579 --> 00:25:44,000
Ay inagaw sa maganda
at masayang lupain ng Africa

353
00:25:46,378 --> 00:25:49,548
Anong sakit pa ang dapat idulot,

354
00:25:49,631 --> 00:25:53,260
Anong kalungkutan
ang nasa dibdib ng aking mga magulang?

355
00:26:01,518 --> 00:26:04,187
TULA NI PHILLIS,
ISANG BATANG NEGRO, SA BOSTON

356
00:26:04,271 --> 00:26:09,317
Si Phillis Wheatley ang unang babaeng Itim

357
00:26:09,401 --> 00:26:12,070
na nag-publish ng libro ng mga tula

358
00:26:12,696 --> 00:26:14,239
sa North America.

359
00:26:16,366 --> 00:26:19,536
Ikinagulat ito ng lahat.

360
00:26:20,203 --> 00:26:24,749
Niyanig nito ang mga paniniwala
tungkol sa mga African

361
00:26:24,833 --> 00:26:28,503
at sa kakayahang intelektuwal nila.

362
00:26:28,587 --> 00:26:31,256
MGA TULA SA IBA'T IBANG PAKSA,
RELIHIYON AT MORAL

363
00:26:31,339 --> 00:26:33,925
May kung ano sa mga tula,

364
00:26:34,509 --> 00:26:36,761
na isang fine art,

365
00:26:36,845 --> 00:26:41,725
na nangangahulugang nakakaranas
ang mga African ng mga emosyon,

366
00:26:41,808 --> 00:26:44,102
hindi lang sa maliliit na bagay.

367
00:26:48,064 --> 00:26:50,525
Pero siyempre may ilang mga tao

368
00:26:50,609 --> 00:26:54,696
na nagsasabing, "Imposibleng isinulat 'yan
ng Itim na batang babae.

369
00:26:54,779 --> 00:26:57,699
Kalokohan 'yan, imposible."

370
00:26:58,533 --> 00:26:59,826
At bilang resulta,

371
00:26:59,909 --> 00:27:06,458
nag-imbestiga ang isang grupo
ng mga kilalang puting lalaki sa Boston.

372
00:27:07,042 --> 00:27:10,754
At kinuwestiyon nila si Phillis Wheatley

373
00:27:11,296 --> 00:27:16,718
para makasigurado
kung siya nga ang nagsulat ng mga tula.

374
00:27:41,910 --> 00:27:45,830
Sa interogasyong 'yon,
hiniling sa kanyang patunayan niya

375
00:27:45,914 --> 00:27:49,334
na higit pa siya sa inaakala
ng mga puting lalaking ito,

376
00:27:49,417 --> 00:27:53,004
na Itim na babae "lang", alipin "lang".

377
00:27:55,924 --> 00:27:59,469
Isa itong halimbawa
na kailangang patuloy na patunayan

378
00:27:59,552 --> 00:28:01,763
ng mga Itim na babae ang halaga nila,

379
00:28:02,263 --> 00:28:05,308
pero nagbibigay din ito ng pag-aakala

380
00:28:05,392 --> 00:28:07,519
na may karapatan ang mga puti

381
00:28:07,602 --> 00:28:09,771
na hilingin sa 'yo
na patunayan ang halaga mo.

382
00:28:14,234 --> 00:28:15,485
Bawat babaeng Itim

383
00:28:15,568 --> 00:28:19,030
ay nakaranas
maging isang Phillis Wheatley.

384
00:28:27,580 --> 00:28:32,419
Ang pinakamasakit
ay 'yong sinabi ng kasamahan ko.

385
00:28:33,211 --> 00:28:37,507
Sabi niya, "Minsan nag-aalala ako sa 'yo

386
00:28:38,007 --> 00:28:39,759
kapag nagsasalita ka.

387
00:28:42,011 --> 00:28:45,390
Para ka kasing ignorante…

388
00:28:47,517 --> 00:28:49,644
at African-American ka,

389
00:28:49,728 --> 00:28:55,984
kaya ayokong mag-isip ang mga tao sa 'yo."

390
00:28:58,403 --> 00:28:59,320
Ang sagot ko,

391
00:29:00,405 --> 00:29:04,367
"Ito ang sasabihin ko sa 'yo…"
May halong mura pa 'yon.

392
00:29:05,577 --> 00:29:10,874
"Kung may mag-eexpose man sa akin…"
May halong mura pa rin 'yon.

393
00:29:10,957 --> 00:29:14,961
"…ang gagawin ko,
susupalpalin ko sila ng resume ko."

394
00:29:19,132 --> 00:29:21,259
Kaming mga nakalagda rito,

395
00:29:21,342 --> 00:29:22,927
ay tinitiyak sa mundo

396
00:29:23,011 --> 00:29:25,847
na ang mga tula sa susunod na pahina,

397
00:29:25,930 --> 00:29:29,392
gaya ng pinaniniwalaan namin,
ay isinulat ni Phillis,

398
00:29:29,476 --> 00:29:31,269
isang batang babaeng Negro,

399
00:29:31,352 --> 00:29:33,521
na ilang taon lang ang nakalipas

400
00:29:33,605 --> 00:29:37,233
ay nagdala ng di sibilisadong barbaro
mula sa Africa.

401
00:29:49,788 --> 00:29:54,042
Kung titingnan natin
ang mga tula ni Phillis Wheatley,

402
00:29:55,376 --> 00:29:57,045
nilalabanan niya…

403
00:29:57,128 --> 00:29:59,255
MULING NABAGO ANG MUKHA NG KALIKASAN

404
00:29:59,339 --> 00:30:01,966
…ang pagtrato na mas mababa siya.

405
00:30:03,301 --> 00:30:06,888
NA MUKHA PA RING MAAYOS, PATAS, AT MABUTI

406
00:30:06,971 --> 00:30:11,392
Iniisip niya na walang mali sa kanya.

407
00:30:16,439 --> 00:30:19,734
Napakadelikado ng ginagawa
ni Phillis Wheatley.

408
00:30:20,735 --> 00:30:24,072
Nakataya ang buong colonial economy dito.

409
00:30:24,989 --> 00:30:27,784
Ang kailangan nito ay Black labor.

410
00:30:27,867 --> 00:30:31,037
Di nito kailangan
at di nito gusto ang Black art.

411
00:30:33,081 --> 00:30:36,668
Kung tatanggapin natin na kayang gumawa
ng art ng mga babaeng Itim,

412
00:30:37,544 --> 00:30:40,171
ano pa ang dapat nating tanggapin?

413
00:31:17,500 --> 00:31:20,628
"Ikaw na babaeng misteryosong nagmula

414
00:31:20,712 --> 00:31:22,922
Sa mga ulap at mga bituka

415
00:31:23,006 --> 00:31:26,801
Mga tabing-ilog, mga tuhod,
mga ugat at sa abot-tanaw

416
00:31:26,885 --> 00:31:29,220
mga dilang may pilikmata

417
00:31:29,304 --> 00:31:31,347
Mainit ka sa lalamunan ko

418
00:31:31,431 --> 00:31:35,018
Nilalakad ko ang yapak mo, kumakanta
Nandito ka, nandoon ka

419
00:31:35,101 --> 00:31:36,895
Hindi ka mawawala

420
00:31:41,399 --> 00:31:44,027
Kilala kita matamis na paruparo

421
00:31:44,527 --> 00:31:46,571
Ang mga labi mong lasang dagat

422
00:31:46,654 --> 00:31:48,740
Ang mga taon na puno ng kasaysayan

423
00:31:48,823 --> 00:31:50,825
Asahan ang liwanag

424
00:31:50,909 --> 00:31:52,702
Ang mga kamay mong makirot

425
00:31:52,785 --> 00:31:54,329
Bumagsak sa bagong dasal

426
00:31:54,412 --> 00:31:55,622
Hipuin ang makulay

427
00:31:55,705 --> 00:31:59,792
Na salamin kung saan inalay ng mga multo
ang sarili sa dugong militar"

428
00:32:00,460 --> 00:32:03,463
Kung isasama natin ang awa sa lakas

429
00:32:03,546 --> 00:32:05,214
At ang lakas sa tama

430
00:32:05,757 --> 00:32:09,135
Magiging pamana natin ang pagmamahal

431
00:32:09,218 --> 00:32:12,597
At ang pagbabago
na karapatan ng mga anak natin

432
00:32:13,181 --> 00:32:17,602
Kaya mag-iwan tayo ng bansa
Na mas mabuti kaysa sa iniwan sa atin

433
00:32:17,685 --> 00:32:20,104
Bawat hininga mula sa aking dibdib

434
00:32:20,188 --> 00:32:23,691
Ibabangon natin ang sugatang mundong ito
para maging kahanga-hanga

435
00:32:23,775 --> 00:32:27,153
Babangon tayo
mula sa gintong mga burol sa kanluran

436
00:32:27,236 --> 00:32:29,614
Babangon tayo
mula sa hangin ng hilagang-silangan

437
00:32:29,697 --> 00:32:32,325
Kung saan nagkaroon ng rebolusyon
ang ating mga ninuno

438
00:32:32,408 --> 00:32:36,412
Babangon tayo mula sa mga lungsod
na may lawa ng Midwestern states

439
00:32:36,496 --> 00:32:38,373
Babangon mula sa sikat ng araw ng Timog

440
00:32:38,456 --> 00:32:39,666
Itatayo nating muli

441
00:32:39,749 --> 00:32:42,585
Pitumpung taon sa mundo ng mga tao na ito

442
00:32:43,670 --> 00:32:47,006
"Bata" ang tawag sa akin
ng batang pinagtatrabahuhan ko

443
00:32:48,383 --> 00:32:51,135
Sabi ko, "Ha! Ha! Ha! Opo, ma'am!"

444
00:32:52,178 --> 00:32:53,429
Para sa trabaho

445
00:32:54,347 --> 00:32:57,141
Ayokong yumuko at dukha para bumigay

446
00:32:57,850 --> 00:32:58,726
Kaya

447
00:32:59,769 --> 00:33:00,645
tumawa ako!

448
00:33:01,980 --> 00:33:03,898
Hanggang sa sumakit ang tiyan ko

449
00:33:04,607 --> 00:33:06,442
Kapag iniisip ko ang sarili ko

450
00:33:07,151 --> 00:33:09,904
Kaya akong patawanin ng mga magulang ko

451
00:33:10,697 --> 00:33:12,240
Tawang-tawa ako

452
00:33:13,241 --> 00:33:14,826
Halos ikamatay ko

453
00:33:15,827 --> 00:33:18,830
Parang nagsisinungaling sila
sa mga kuwento nila

454
00:33:20,123 --> 00:33:22,917
Sila ang nagtanim
pero balat ang kanilang kinain

455
00:33:24,544 --> 00:33:25,378
Tumawa ako

456
00:33:27,714 --> 00:33:29,173
Hanggang sa maiyak ako

457
00:33:30,174 --> 00:33:31,801
Kapag iniisip ko ang sarili ko

458
00:33:32,385 --> 00:33:36,597
Maaari at tiyak na nagmula ito
sa buhay sa bingit ng kamatayan

459
00:33:37,181 --> 00:33:39,100
Ito ang bumuhay sa lahi ko

460
00:33:39,183 --> 00:33:40,852
Ang pagsusuot ng maskara!

461
00:34:05,668 --> 00:34:08,755
Kapag inisip natin ang white supremacy,

462
00:34:08,838 --> 00:34:11,132
kapag inisip natin ang racism,

463
00:34:11,215 --> 00:34:13,176
kapag nalantad na ang totoo,

464
00:34:13,259 --> 00:34:15,386
makikita mo ang dumi.

465
00:34:21,350 --> 00:34:25,396
May gawa-gawang kuwento
tungkol sa pagkakatatag ng bansang ito.

466
00:34:27,940 --> 00:34:30,485
Gustong burahin ng mga tao

467
00:34:30,568 --> 00:34:33,446
ang totoong kasaysayan ng America.

468
00:34:33,529 --> 00:34:35,323
UMALIPIN SA HUMIGIT-KUMULANG 100+ TAO

469
00:34:35,406 --> 00:34:37,283
UMALIPIN SA HUMIGIT-KUMULANG 178 TAO

470
00:34:37,366 --> 00:34:40,286
Nakatatak na ang white supremacy

471
00:34:40,995 --> 00:34:44,123
sa bansang ito mula nang itatag ito.

472
00:34:44,791 --> 00:34:48,920
THOMAS JEFFERSON
UMALIPIN SA HUMIGIT-KUMULANG 600+ TAO

473
00:34:50,088 --> 00:34:52,340
Gusto mong pag-usapan si Thomas Jefferson?

474
00:34:52,423 --> 00:34:53,591
Sige.

475
00:34:53,674 --> 00:34:55,676
Thomas "Contradiction" Jefferson.

476
00:34:56,427 --> 00:34:59,055
Sa iilang tao lang ako galit na galit.

477
00:35:01,974 --> 00:35:03,184
Si Thomas Je…

478
00:35:04,143 --> 00:35:05,686
Si Thomas Jefferson…

479
00:35:09,482 --> 00:35:11,275
Ipokrito ang taong 'yon.

480
00:35:12,527 --> 00:35:14,654
Alam na alam niya ang mga kalupitan…

481
00:35:14,737 --> 00:35:16,405
ANG PAGBUWAG NG PANG-AALIPIN

482
00:35:16,489 --> 00:35:18,366
…na nangyayari sa pang-aalipin,

483
00:35:19,117 --> 00:35:23,621
pero ayaw niyang bitawan ang harang
dahil sa ginawa ng pang-aalipin…

484
00:35:25,623 --> 00:35:26,666
sa kanya.

485
00:35:27,542 --> 00:35:28,501
Sa isang banda,

486
00:35:29,627 --> 00:35:32,046
tutol siya sa pang-aalipin.

487
00:35:33,089 --> 00:35:36,342
Pero sa kabilang banda,
tutol din siya sa pagbuwag nito.

488
00:35:37,593 --> 00:35:40,680
Kaya magsasalita siya
laban sa pang-aalipin,

489
00:35:40,763 --> 00:35:42,765
lalo na no'ng nagsisimula siya.

490
00:35:43,641 --> 00:35:47,520
Pero magsasalita rin siya laban
sa mga gustong wakasan ang pang-aalipin.

491
00:35:48,521 --> 00:35:53,401
Iyan ang kontradiksiyon
na nasa sentro ng America.

492
00:35:54,652 --> 00:35:57,280
Ang sabi mo "kalayaan"
pero nang-aalipin ka.

493
00:35:57,864 --> 00:36:00,950
Dapat kong isulat
ang Declaration of Independence.

494
00:36:01,033 --> 00:36:03,828
Bilang mga bata, tinuruan tayong
mahalin si Thomas Jefferson

495
00:36:03,911 --> 00:36:06,164
dahil sa mga ginawa niya sa bansa,

496
00:36:06,247 --> 00:36:07,748
pero kontrabida siya sa iba.

497
00:36:07,832 --> 00:36:08,833
Mr. Jefferson…

498
00:36:08,916 --> 00:36:11,210
Pag isang panig lang
ang pinag-uusapan natin,

499
00:36:11,294 --> 00:36:12,920
nabubura ang pagiging kontrabida,

500
00:36:14,422 --> 00:36:17,341
kaya marami pa ring may gusto
kay Thomas Jefferson.

501
00:36:18,676 --> 00:36:19,886
Ano'ng problema?

502
00:36:21,470 --> 00:36:23,139
Natatakot po ako.

503
00:36:24,140 --> 00:36:25,016
Saan?

504
00:36:27,810 --> 00:36:31,272
Ang paghahalo ng iba't ibang lahi
ay kahihiyan,

505
00:36:31,355 --> 00:36:33,399
at walang sinumang nagmamahal sa bayan

506
00:36:33,482 --> 00:36:36,027
at nagmamahal sa kahusayan ng tao

507
00:36:36,110 --> 00:36:37,737
ang inosenteng papayag.

508
00:36:38,529 --> 00:36:41,199
At malaki ang paghadlang ko rito.

509
00:36:45,119 --> 00:36:47,371
Mababa ang tingin ni Thomas Jefferson

510
00:36:47,455 --> 00:36:50,291
sa mga babaeng Itim.

511
00:36:50,374 --> 00:36:52,960
Kesyo hindi raw sila maganda.

512
00:36:53,044 --> 00:36:56,047
Parang itinulad pa niya sa mga orangutan.

513
00:36:56,130 --> 00:36:57,965
Pero di niya tinigilan si Sally Hemings.

514
00:36:58,049 --> 00:37:00,009
Ilan ang anak niya sa babaeng 'yon?

515
00:37:00,509 --> 00:37:01,844
Patuloy niyang…

516
00:37:04,263 --> 00:37:05,097
ginahasa…

517
00:37:06,724 --> 00:37:09,393
si Sally Hemings, isang aliping teenager.

518
00:37:12,188 --> 00:37:13,856
'Yan si Thomas Jefferson.

519
00:37:14,357 --> 00:37:17,985
Sinusuportahan ang demokrasya,

520
00:37:18,861 --> 00:37:21,656
habang nagpaparami siya

521
00:37:22,657 --> 00:37:24,784
ng mga ari-arian para sa Monticello.

522
00:37:33,834 --> 00:37:36,170
Ang mga tulad ni Thomas Jefferson,

523
00:37:36,254 --> 00:37:38,005
sinabi nila na ang sexual violence

524
00:37:38,089 --> 00:37:39,840
na ginawa sa mga babaeng Itim

525
00:37:39,924 --> 00:37:41,801
ay hindi sexual violence.

526
00:37:53,980 --> 00:37:57,066
Isa sa matinding gawa-gawang kuwento
tungkol sa mga babaeng Itim

527
00:37:57,149 --> 00:37:59,568
mula sa panahon ng pang-aalipin

528
00:37:59,652 --> 00:38:02,196
ay ang icon ng Black Jezebel.

529
00:38:03,114 --> 00:38:05,741
Babaeng Itim siya

530
00:38:05,825 --> 00:38:09,495
na di mapigilan ang pagkahilig sa sex.

531
00:38:09,578 --> 00:38:14,417
Likas sa kanya
ang pagiging laging hypersexual

532
00:38:14,500 --> 00:38:16,544
at gusto niyang makipag-sex.

533
00:38:22,758 --> 00:38:25,469
Kung iisipin mo,
sino'ng inaabsuwelto nito?

534
00:38:26,804 --> 00:38:31,767
Anong mga karanasan
ang pinapalampas nito o binabalewala?

535
00:38:33,227 --> 00:38:37,273
Palusot ito sa panggagahasa
ng mga puting lalaki

536
00:38:37,356 --> 00:38:39,650
sa mga aliping babae.

537
00:38:50,077 --> 00:38:53,080
Sa pagpapalabas na "wild"
ang mga babaeng Itim,

538
00:38:53,164 --> 00:38:56,292
puwede nilang sabihing,
"E, ginusto nila 'yon e.

539
00:38:56,917 --> 00:39:00,087
Sila ang lumapit sa akin, inakit ako."

540
00:39:03,883 --> 00:39:08,637
'Yan ang lagi nating nakikita
sa American pop culture

541
00:39:08,721 --> 00:39:11,807
kaya parang nakasanayan na,

542
00:39:11,891 --> 00:39:14,810
kaya di ko alam
kung alam ba ng mga nakaisip nito

543
00:39:14,894 --> 00:39:16,604
na 'yon ang ginagawa nila.

544
00:39:16,687 --> 00:39:21,233
Nakikita natin kung ano ang tingin
ng mga tao sa babaeng Itim: "wild".

545
00:39:22,318 --> 00:39:25,321
Kung sa tingin mo na-harass ka,
di puwede ang mixed signals,

546
00:39:25,404 --> 00:39:28,032
at sa tingin ko isa 'yon sa mga problema.

547
00:39:28,115 --> 00:39:30,951
Di lang ang kilos ng mga lalaki.
Pati rin 'yong sa mga babae.

548
00:39:33,162 --> 00:39:35,539
GUSTO NG LABEL
PARANG BATANG JEZEBEL SIYA

549
00:39:35,623 --> 00:39:37,166
SINAPIAN SIYA NI JEZEBEL

550
00:39:37,249 --> 00:39:39,627
UMAAKTING LANG SIYANG PARANG SI JEZEBEL

551
00:39:42,254 --> 00:39:43,923
Dapat nating maintindihan

552
00:39:44,006 --> 00:39:47,468
na kasama ang sexual violence
sa karahasan ng pang-aalipin.

553
00:39:47,551 --> 00:39:49,136
Marahas ang pang-aalipin,

554
00:39:50,221 --> 00:39:52,431
at kasama ang sexual violence do'n.

555
00:39:53,265 --> 00:39:54,809
BIKTIMA NG MGA PUTING RAPIST

556
00:39:54,892 --> 00:39:57,269
PANGGAGAHASA SA INANG NEGRO
BINALEWALA NG PULISYA

557
00:39:57,353 --> 00:39:59,271
PANGGAGAHASA SA BABAENG NEGRO, BINALEWALA

558
00:39:59,355 --> 00:40:02,108
Walang pahintulot,
walang kakayahang tumanggi.

559
00:40:03,609 --> 00:40:08,114
Hindi ka magagahasa sa pang-aalipin.
Ayon sa batas, hindi ka magagahasa.

560
00:40:10,116 --> 00:40:14,203
Napakaraming paraan
kung paano inalipusta ang babaeng Itim

561
00:40:14,703 --> 00:40:19,583
kaya naiiba ang karanasan nila
bilang mga inalipin,

562
00:40:19,667 --> 00:40:22,878
at iba rin ang pag-aaral
sa mga naging paghihirap nila.

563
00:40:24,880 --> 00:40:29,051
Pinagtakpan ng mga puti
ang pang-aabuso nila sa mga babaeng Itim,

564
00:40:29,885 --> 00:40:33,389
pero may isang babae
na tumangging manahimik.

565
00:40:35,433 --> 00:40:39,478
Si Harriet Jacobs
ang unang babaeng sumulat

566
00:40:39,562 --> 00:40:42,148
ng sarili niyang kuwento ng pang-aalipin.

567
00:40:42,815 --> 00:40:44,859
At isinulat niya ito sa paraang

568
00:40:45,609 --> 00:40:50,406
ipinapakita niya ang pinagdaanan
ng mga Itim na inang inalipin.

569
00:40:50,489 --> 00:40:53,826
MGA PANGYAYARI SA BUHAY
NG ISANG BATANG ALIPIN

570
00:40:53,909 --> 00:40:55,453
ISINULAT NG KANYANG SARILI

571
00:41:03,461 --> 00:41:04,378
Mambabasa,

572
00:41:05,463 --> 00:41:08,757
hindi ako gumuguhit ng likhang-isip
na larawan ng mga tahanan sa Timog.

573
00:41:12,052 --> 00:41:14,430
Kakila-kilabot ang pang-aalipin
sa mga lalaki,

574
00:41:14,513 --> 00:41:16,515
ngunit mas higit pa sa mga babae.

575
00:41:19,727 --> 00:41:23,481
May mga kamalian, paghihirap
at kahihiyan ang mga babae

576
00:41:23,564 --> 00:41:25,316
na tanging sa kanila lamang.

577
00:41:39,538 --> 00:41:43,417
Laging pinapaalala ng amo ko
na pagmamay-ari niya ako,

578
00:41:44,001 --> 00:41:47,004
at sumusumpa
na kaya niya akong puwersahing

579
00:41:47,087 --> 00:41:48,297
sumunod sa kanya.

580
00:41:50,716 --> 00:41:53,886
Pinuno niya ang isip ko
ng maruruming imahe

581
00:41:53,969 --> 00:41:56,847
na tanging isang halimaw lang
ang makakaisip.

582
00:41:56,931 --> 00:41:58,849
Gawin mo ang inuutos ko.

583
00:42:05,022 --> 00:42:07,942
May lalaking 40 taon ang tanda sa akin

584
00:42:08,025 --> 00:42:11,695
na araw-araw nilalabag
ang pinakasagradong utos ng kalikasan.

585
00:42:17,910 --> 00:42:20,162
Ang sabi niya ay pag-aari niya ako,

586
00:42:21,914 --> 00:42:24,959
na dapat akong sumunod sa kanya
sa lahat ng bagay.

587
00:42:26,585 --> 00:42:29,630
Nag-alsa ang kaluluwa ko
laban sa kalupitang ito.

588
00:42:30,839 --> 00:42:33,259
Pero saan ako lalapit para sa proteksyon?

589
00:42:41,308 --> 00:42:43,602
Itatago nila ako sa Snaky Swamp

590
00:42:44,436 --> 00:42:48,232
hanggang makapaghanda ng taguan
ang Tiyo Phillip ko.

591
00:42:50,359 --> 00:42:53,237
Handa akong isugal ang lahat-lahat.

592
00:42:54,446 --> 00:42:55,739
At kung mabibigo ako…

593
00:42:58,284 --> 00:43:01,287
ano ang mangyayari sa akin
at sa apat kong anak?

594
00:43:07,293 --> 00:43:10,421
Binigyan ako ng taguan
sa bahay ng lola ko.

595
00:43:17,886 --> 00:43:21,974
Isang maliit na kubol na walang nakatira
kundi mga daga at bubuwit.

596
00:43:26,145 --> 00:43:29,940
Hirap na hirap ako.
Mas kailangan ko ng hangin kaysa liwanang.

597
00:43:31,984 --> 00:43:34,361
Pero di nawawala ang pangamba ko.

598
00:43:38,157 --> 00:43:40,284
Narinig ko ang boses ng mga anak ko.

599
00:43:44,538 --> 00:43:45,748
May saya

600
00:43:46,540 --> 00:43:48,626
at lungkot sa tunog.

601
00:43:50,377 --> 00:43:51,962
Umagos ang mga luha ko.

602
00:43:56,425 --> 00:44:01,096
Halos pitong taon akong nanirahan
sa madilim na lunggang 'yon.

603
00:44:08,103 --> 00:44:10,939
Mambabasa, nagtatapos
ang kuwento ko sa kalayaan.

604
00:44:17,821 --> 00:44:21,867
Hindi ko isinulat ang mga karanasan ko
para mapansin ko.

605
00:44:25,496 --> 00:44:30,334
Mas makabubuti sana sa akin
na manahimik na lang ako sa kasaysayan ko,

606
00:44:30,417 --> 00:44:32,753
pero gusto kong idagdag ang patotoo ko.

607
00:44:37,299 --> 00:44:40,678
Gusto kong mapukaw
ang mga kababaihan ng Hilaga

608
00:44:40,761 --> 00:44:44,306
sa kondisyon ng dalawang milyong
kababaihan sa Timog

609
00:44:44,807 --> 00:44:46,767
na nakagapos pa rin,

610
00:44:46,850 --> 00:44:48,644
dinaranas ang pagdurusa ko.

611
00:44:50,020 --> 00:44:52,064
Karamihan sa kanila ay mas malala pa.

612
00:44:52,606 --> 00:44:55,275
Gusto kong kumbinsihin
ang mga tao ng malalayang estado

613
00:44:55,359 --> 00:44:57,444
kung ano talaga ang pang-aalipin.

614
00:45:08,872 --> 00:45:12,126
Ang nangingibabaw na kuwento
ng pang-aalipin sa America

615
00:45:12,209 --> 00:45:14,378
ay 'yong hindi kasama ang babae.

616
00:45:14,878 --> 00:45:16,422
Si Harriet Jacobs ang una,

617
00:45:16,505 --> 00:45:18,257
at sa tingin ko walang…

618
00:45:18,841 --> 00:45:23,011
grupo ng mga babaeng Itim
na magkukuwento ng karanansan nila

619
00:45:23,095 --> 00:45:28,225
kung hindi sinimulan ni Harriet Jacobs
na pag-usapan ang mga bagay na 'yon,

620
00:45:28,308 --> 00:45:31,979
lalo na 'yong mga bagay
na mahirap pag-usapan.

621
00:45:37,401 --> 00:45:40,154
Mahalaga ang kuwento ni Jacobs,

622
00:45:40,237 --> 00:45:42,072
dahil kung di niya sinabi 'yon,

623
00:45:42,656 --> 00:45:46,744
hindi natin maiintindihan
kung paano nakapaloob

624
00:45:47,327 --> 00:45:49,621
ang sexual predation sa sistemang 'to

625
00:45:49,705 --> 00:45:51,707
na diumano'y tungkol sa trabaho.

626
00:45:52,875 --> 00:45:57,504
At ang akala ng mga historian,
isinulat ito ng babaeng puti,

627
00:45:57,588 --> 00:46:00,758
ng abolitionist,
kasi pakiramdam nila masyadong…

628
00:46:02,050 --> 00:46:05,888
madrama 'yong kuwento ng buhay niya,
kaya parang di totoo.

629
00:46:07,306 --> 00:46:09,475
Ang mga babaeng tulad ni Harriet Jacobs,

630
00:46:09,558 --> 00:46:13,312
alam nilang sinusubukan silang
tanggalin ng archive.

631
00:46:13,395 --> 00:46:17,357
Alam nilang hindi dapat ikuwento
ang mga kuwento nila.

632
00:46:18,108 --> 00:46:20,110
Kaya kapag nagkuwento sila,

633
00:46:21,236 --> 00:46:23,906
mahalagang bigyang-pansin natin 'to.

634
00:46:23,989 --> 00:46:28,702
HUSTISYA ANG HILING NAMIN
MABILIS AT WALANG KINIKILINGAN

635
00:46:28,786 --> 00:46:31,622
Ang pagkakaroon ng marahas na kapaligiran,

636
00:46:31,705 --> 00:46:34,374
meron man o walang physical contact,

637
00:46:34,458 --> 00:46:36,210
ay sexual harassment.

638
00:46:37,419 --> 00:46:41,173
Hindi ko maipaliwanag
ang nararamdaman ko, kahit ngayon.

639
00:46:41,256 --> 00:46:43,008
Mahirap sabihin

640
00:46:43,091 --> 00:46:48,222
kung magagawa ko ba ito ngayon
para ikuwento ang nangyari.

641
00:46:48,806 --> 00:46:50,682
Kahit kailan at kahit saan,

642
00:46:50,766 --> 00:46:53,185
bilang babaeng Itim,
puwede akong makaranas ng racism,

643
00:46:53,268 --> 00:46:55,354
sexism, homophobia, classism,

644
00:46:55,437 --> 00:46:57,898
puwede akong ma-rape,
saktan, sunugin nang buhay,

645
00:46:57,981 --> 00:47:00,192
at wala ni isa ang magtatanong

646
00:47:00,275 --> 00:47:02,528
sa pagkawala ko sa mundong ito

647
00:47:02,611 --> 00:47:05,823
dahil wala akong halaga,
dahil babaeng Itim ako.

648
00:47:05,906 --> 00:47:08,784
Magkilos babae?
Gusto mo maging bastos at sinungaling ako

649
00:47:08,867 --> 00:47:10,911
Tratuhing parang aso, alipustahin, ibenta

650
00:47:10,994 --> 00:47:13,038
Gawing parang trophy para irampa

651
00:47:13,121 --> 00:47:15,165
Gamitin ako para lang magkaanak

652
00:47:16,583 --> 00:47:19,753
Nagsimula sa simpleng damayan
ng mga nakaligtas,

653
00:47:19,837 --> 00:47:21,880
ngayon ay naging sigaw na.

654
00:47:21,964 --> 00:47:23,674
HUSTISYA SA MGA BABAENG ITIM!

655
00:47:23,757 --> 00:47:28,679
Gusto lang nilang marinig sila,
makita, at paniwalaan.

656
00:47:28,762 --> 00:47:30,430
MANIWALA SA MGA BABAENG ITIM

657
00:47:30,514 --> 00:47:33,684
Karapatan namin
ang maayos na sistema, ng atensyon,

658
00:47:33,767 --> 00:47:35,936
karapatan namin ang pamunuan

659
00:47:36,019 --> 00:47:38,772
na haharapin ang problemang ito.

660
00:47:38,856 --> 00:47:40,440
Nandito ako

661
00:47:41,316 --> 00:47:45,028
bilang survivor ng sexual
at domestic violence.

662
00:47:46,530 --> 00:47:48,907
Sa bandang huli,

663
00:47:49,449 --> 00:47:53,579
binili ang kalayaan ni Harriet Jacobs
para sa kanya.

664
00:47:55,455 --> 00:47:58,083
At galit na galit si Harriet Jacobs

665
00:47:58,166 --> 00:48:00,460
na naibigay ang kalayaan niya

666
00:48:00,544 --> 00:48:04,131
dahil namagitan
ang mga puting abolitionist.

667
00:48:10,053 --> 00:48:14,099
Madalas kapag pinag-uusapan
ang mga abolitionist sa klase ko,

668
00:48:14,683 --> 00:48:17,060
ang iniisip nila mababait na puti

669
00:48:17,144 --> 00:48:19,438
na gumawa ng malaking sakripisyo,

670
00:48:19,521 --> 00:48:21,189
at hindi naman sila mali.

671
00:48:21,982 --> 00:48:26,570
Pero pag naiisip ko ang mga abolitionist,
naiisip ko ang mga Itim

672
00:48:26,653 --> 00:48:29,781
na matatapang at gumawa
ng mga kahanga-hangang bagay.

673
00:48:33,076 --> 00:48:36,038
Tingin ko sila ang sentro ng kilusan,

674
00:48:36,121 --> 00:48:39,249
at 'yong mga white allyship
at white abolitionists,

675
00:48:39,333 --> 00:48:40,626
sa gilid lang sila.

676
00:48:43,211 --> 00:48:46,757
Sa kasamaang-palad,
di nakikinig ang mga tao sa mga minority

677
00:48:46,840 --> 00:48:48,592
hangga't walang majority figure

678
00:48:48,675 --> 00:48:50,677
na magsasalita
para sa kanila o kasama nila.

679
00:48:50,761 --> 00:48:54,640
Kaya kailangan ng mga puting abolitionist.
Pero problema pa rin sila.

680
00:48:54,723 --> 00:49:00,228
MGA NANGUNA SA KALAYAAN

681
00:49:00,312 --> 00:49:03,941
May ilang puting abolitionist
na ang paraan ng pag-iisip nila,

682
00:49:04,483 --> 00:49:06,234
"Oo, mali ang pang-aalipin,

683
00:49:06,318 --> 00:49:09,488
pero pakiramdam ko rin
di ko kapantay ang mga Itim."

684
00:49:11,156 --> 00:49:13,700
Kahit na hindi na kayo alipin,

685
00:49:13,784 --> 00:49:18,288
malayo pa kayong maging kapantay
ng puting lahi.

686
00:49:19,039 --> 00:49:20,999
Kung tama man ito o mali,

687
00:49:21,833 --> 00:49:23,710
ayaw ko nang pag-usapan.

688
00:49:25,462 --> 00:49:29,758
May paniniwala tayo na si Lincoln
ang dakilang tagapagligtas.

689
00:49:29,841 --> 00:49:31,385
Abraham Lincoln!

690
00:49:32,552 --> 00:49:34,846
Dahil tinapos niya ang pang-aalipin,

691
00:49:35,889 --> 00:49:37,432
tinitingala siya ng mga tao.

692
00:49:38,350 --> 00:49:42,521
Unang beses na maghaharap
ang dalawang African-American quarterback.

693
00:49:42,604 --> 00:49:46,191
Tamang-tama, February 12,
birthday ni Abe Lincoln.

694
00:49:46,274 --> 00:49:50,529
Pero kung makakausap mo si Lincoln
noong 19th century,

695
00:49:50,612 --> 00:49:53,407
masasabi mo siguro,
"Simpleng racist ang taong 'to."

696
00:49:54,616 --> 00:49:57,411
Ako, gaya ng ibang tao,

697
00:49:57,911 --> 00:50:03,166
ay pabor na italaga
ang mataas na posisyon sa puting lahi.

698
00:50:04,626 --> 00:50:07,629
Madalas pinapalabas na siya ang nakakita

699
00:50:07,713 --> 00:50:11,466
ng mga mali sa pang-aalipin,
pero linawin lang natin,

700
00:50:12,050 --> 00:50:15,178
kontra lang siya sa pang-aalipin
dahil pakiramdam niya

701
00:50:15,262 --> 00:50:18,390
makikinabang ang ekonomiya
sa paglayo sa pang-aalipin.

702
00:50:20,100 --> 00:50:22,185
Tingnan natin lahat ng sinabi niya,

703
00:50:22,269 --> 00:50:24,479
di lang sa Emancipation Proclamation.

704
00:50:25,230 --> 00:50:31,111
Kung gagawin natin 'yan, malalaman natin
na nakakalitong tao si Abraham Lincoln,

705
00:50:31,194 --> 00:50:34,156
at lalo na sa kasaysayan
ng mga Itim sa America.

706
00:50:34,239 --> 00:50:37,534
Kalahating Abraham Lincoln ako, kaya…

707
00:50:37,617 --> 00:50:39,828
Kaya dapat lumuhod ako
dahil sa utang na loob?

708
00:50:39,911 --> 00:50:40,829
Di naman, pero…

709
00:50:41,580 --> 00:50:46,084
Madalas ay sa mga puting lalaki
nakasentro ang kasaysayan

710
00:50:46,168 --> 00:50:49,504
at ginawa sila na parang Great White Hope.

711
00:50:49,588 --> 00:50:52,340
Sila ang tagapagligtas.

712
00:50:53,425 --> 00:50:57,095
Problema ito dahil ninanakaw nito
ang mga nagawa ng mga Itim,

713
00:50:57,179 --> 00:51:02,142
ninanakaw nito lahat ng kontribusyon
na ibinigay nila sa kilusan.

714
00:51:03,727 --> 00:51:08,815
ANG GAWA-GAWANG KUWENTO NG WHITE SAVIOR

715
00:51:08,899 --> 00:51:11,735
Sa huling 18 taon,
bumisita ako sa mga lugar

716
00:51:11,818 --> 00:51:15,113
kung saan di kanais-nais
ang pang-araw-araw na pamumuhay,

717
00:51:15,197 --> 00:51:17,741
at ang mga bata ang laging kawawa.

718
00:51:17,824 --> 00:51:20,243
Marami akong nagawa
para sa mga Black American

719
00:51:20,327 --> 00:51:21,995
kaysa sa iba.

720
00:51:22,079 --> 00:51:27,125
Puwera lang kay Abraham Lincoln.
Walang makakapantay sa kanya.

721
00:51:27,209 --> 00:51:29,169
Niligtas kita ngayong gabi.

722
00:51:29,252 --> 00:51:31,463
Baka puwedeng magpasalamat ka naman.

723
00:51:31,963 --> 00:51:33,048
KAMI ANG BAHALA

724
00:51:33,131 --> 00:51:37,260
Itong white savior na paniniwala,
sa katunayan,

725
00:51:38,637 --> 00:51:39,721
katulad din ito

726
00:51:40,680 --> 00:51:42,557
ng white supremacy.

727
00:51:44,017 --> 00:51:47,104
Kung maghahari ang pagiging puti,

728
00:51:47,896 --> 00:51:52,275
kung ang lahat ng kapangyarihan
ay nakasalalay sa mga puti,

729
00:51:53,318 --> 00:51:56,363
ang kapangyarihang magligtas
ay nakasalalay din sa mga puti.

730
00:51:56,446 --> 00:51:59,324
White teacher ka sa Black school…

731
00:51:59,407 --> 00:52:01,910
Di ako si Hilary Swank sa Freedom Writers.

732
00:52:01,993 --> 00:52:04,287
Si Hilary Swank ka sa Freedom Writers.

733
00:52:04,371 --> 00:52:07,124
Marami tayong nakikitang ganito.

734
00:52:08,125 --> 00:52:10,752
May makikita kang mga litratong nila

735
00:52:10,836 --> 00:52:15,715
na pumupunta sa bansa
na halos puro Itim ang tao,

736
00:52:15,799 --> 00:52:17,509
may kargang batang Itim,

737
00:52:17,592 --> 00:52:20,554
at ito na ang pagkakataon nila
para ipakita na,

738
00:52:20,637 --> 00:52:22,556
"Kita n'yo? Mabait ako…

739
00:52:23,390 --> 00:52:25,183
sa mga Negro."

740
00:52:26,601 --> 00:52:31,898
Kung talagang totoo
at bukal sa loob mo ang ginagawa mo,

741
00:52:31,982 --> 00:52:34,526
di mo na ako dapat gamitin bilang resibo.

742
00:52:35,777 --> 00:52:37,529
At pinapasimple nila

743
00:52:39,239 --> 00:52:41,116
itong mga ginagawa nila.

744
00:52:41,199 --> 00:52:45,412
Di sila nakikinig at di nila inaalam
kung ano talaga ang dapat gawin.

745
00:52:58,967 --> 00:53:02,345
Ang mga Itim na abolitionist
ang mga naunang abolitionist.

746
00:53:02,929 --> 00:53:06,224
Di na dapat sabihin sa mga alipin na,
"Mali ang pang-aalipin."

747
00:53:06,308 --> 00:53:08,435
"Di ito tama para sa inyo."

748
00:53:08,518 --> 00:53:09,769
Alam na nila 'yon!

749
00:53:09,853 --> 00:53:13,064
Sila ang unang nagsalita
tungkol sa mga hinaing nila

750
00:53:13,148 --> 00:53:16,610
at sa kasamaan ng institusyong 'to.

751
00:53:17,277 --> 00:53:21,865
At mahalagang ipakita na ang mga Itim
ang nagpalaya sa mga sarili nila.

752
00:53:23,783 --> 00:53:25,744
Pero itong imahe ng white savior,

753
00:53:25,827 --> 00:53:29,164
pinapayagan nito ang mga puti
na tratuhing parang bata ang mga Itim,

754
00:53:29,247 --> 00:53:32,292
na parang,
"Pinapalakas at pinapabuti namin kayo,"

755
00:53:32,375 --> 00:53:34,669
tulad ng ginagawa ng magulang sa anak.

756
00:53:35,587 --> 00:53:38,006
Pero sabi ng mga Itim, "Di kami mga bata.

757
00:53:38,089 --> 00:53:40,050
Di n'yo kami kailangang pamunuan.

758
00:53:40,133 --> 00:53:44,054
Kailangan namin ng suporta n'yo.
Kailangan namin ng kakampi."

759
00:53:45,096 --> 00:53:49,893
Kung ang layunin n'yong tumulong
sa mga mahihirap na komunidad ng mga Itim

760
00:53:49,976 --> 00:53:52,729
ay galing sa sarili ninyong research,

761
00:53:52,812 --> 00:53:56,107
tapos wala namang Itim na boses
sa paligid n'yo,

762
00:53:56,191 --> 00:53:58,818
dapat mag-isip-isip kayo.

763
00:53:59,653 --> 00:54:01,821
Kaya napakahalaga para kay Lincoln

764
00:54:01,905 --> 00:54:05,784
ang mga taong tulad
ni Frederick Douglass at Elizabeth Keckley

765
00:54:05,867 --> 00:54:07,911
at iba pang mga Itim

766
00:54:07,994 --> 00:54:10,956
na nagbibigay sa kanya ng ibang pananaw

767
00:54:11,039 --> 00:54:13,708
kung ano ang kayang gawin ng mga Itim,

768
00:54:13,792 --> 00:54:17,712
at kung ano ang dapat na kalayaan
para sa kanila.

769
00:54:26,596 --> 00:54:28,932
Malinaw na sinabi ni Lincoln,

770
00:54:29,516 --> 00:54:31,810
"Hindi ito digmaan ng abolisyon.

771
00:54:31,893 --> 00:54:34,187
Digmaan ito para ibalik ang Union."

772
00:54:35,563 --> 00:54:39,067
At dahil nilabas niya
ang Emancipation Proclamation,

773
00:54:39,150 --> 00:54:42,320
mga 200,000 na lalaking Itim

774
00:54:42,404 --> 00:54:45,824
ang sumali sa Union Army
sa huling dalawang taon ng digmaan

775
00:54:46,616 --> 00:54:50,787
para labanan ang ngayo'y naging
digmaan ng kalayaan.

776
00:54:56,167 --> 00:55:00,130
PAGTATAPOS NG DIGMAANG SIBIL
1865

777
00:55:00,213 --> 00:55:02,716
PROKLAMASYON NG KALAYAAN
SA MILYON-MILYON!

778
00:55:10,974 --> 00:55:14,144
KALAYAAN SA MGA ALIPIN!

779
00:55:14,227 --> 00:55:16,813
"TUMAYO KA BILANG LALAKI!"
MALAYA!

780
00:55:18,148 --> 00:55:21,818
Nang makalaya na kami,
ang sabi namin, "Sige!"

781
00:55:24,654 --> 00:55:28,700
Nasa Kongreso kami, may mga senador,
may mga college na pang-Itim.

782
00:55:31,077 --> 00:55:32,829
May ari-arian kami.

783
00:55:34,289 --> 00:55:35,332
Bumoto kami.

784
00:55:37,292 --> 00:55:40,170
Wala na ang gawa-gawang kuwento
na mababa ang mga Itim.

785
00:55:41,338 --> 00:55:44,799
At makikita n'yo ang lahat
ng gustong gawin ng mga Itim,

786
00:55:44,883 --> 00:55:46,634
ang kaya nilang gawin,

787
00:55:46,718 --> 00:55:51,681
kapag may kapangyarihan silang magkaroon
ng awtonomiya at kalayaan sa buhay nila.

788
00:55:55,602 --> 00:55:59,022
Napakasayang makita
ang kagalingan ng mga Itim.

789
00:55:59,105 --> 00:56:04,069
At sobrang galing namin
sa napakaikling panahon,

790
00:56:04,152 --> 00:56:06,279
kaya ikinagulat ito ng buong bansa

791
00:56:06,363 --> 00:56:08,365
at hindi nito kinaya ito.

792
00:56:24,297 --> 00:56:26,508
Nakakatakot ang pag-unlad ng mga Itim

793
00:56:27,300 --> 00:56:28,760
para sa mga puti,

794
00:56:28,843 --> 00:56:30,470
at gagawin nila ang lahat

795
00:56:32,013 --> 00:56:34,474
para kontrolin ang lakas
na akala nilang nawala.

796
00:56:42,649 --> 00:56:48,405
Panganib ang tingin ng mga puti
sa paggamit ng mga Itim sa karapatan nito.

797
00:56:49,781 --> 00:56:53,076
Kaya agad silang bumuo

798
00:56:53,159 --> 00:56:57,622
ng gawa-gawang kuwento
tungkol sa mga lalaking Itim,

799
00:56:57,705 --> 00:56:59,499
na kesyo ang laging nasa isip nila

800
00:56:59,582 --> 00:57:04,129
ay ang pagkuha at panggagahasa
ng mga puting babae.

801
00:57:04,212 --> 00:57:08,716
BAKIT PA AKO MAGTATRABAHO
KUNG MAY MAKUKUHA NAMAN AKO SA KANILA

802
00:57:09,300 --> 00:57:12,512
Nagsisimula ang mga paniniwalang racist
kapag may koneksyon ito

803
00:57:12,595 --> 00:57:15,723
sa isang bagay na personal o emosyonal.

804
00:57:18,226 --> 00:57:24,441
Sa paggamit sa paniniwala ng pagprotekta
sa mga babae sa inyong komunidad

805
00:57:24,524 --> 00:57:27,193
dito sa diumanong banta ng pagiging Itim,

806
00:57:28,319 --> 00:57:32,699
nagiging kabutihan ang racist violence.

807
00:57:35,368 --> 00:57:37,078
At kapag ginawa mo 'to,

808
00:57:37,162 --> 00:57:40,582
binibigyang-katuwiran nito
lahat ng kakila-kilabot na nangyari.

809
00:57:46,171 --> 00:57:53,094
ANG GAWA-GAWANG KUWENTO
NG ITIM NA KRIMINAL

810
00:58:02,812 --> 00:58:04,898
Noong unang bahagi ng 1890s,

811
00:58:04,981 --> 00:58:06,900
nasa kasagsagan ang pagbitay,

812
00:58:06,983 --> 00:58:12,071
at ang mga katuwiran
kung bakit maraming Itim ang binibitay

813
00:58:12,572 --> 00:58:15,575
ay dahil sa ginawang mali
ng mga Itim na 'yon.

814
00:58:18,453 --> 00:58:21,998
Hindi lang ito tungkol
sa taong nakabigti sa puno

815
00:58:22,081 --> 00:58:25,919
na pinarusahan sa krimeng
kadalasan ay imbento,

816
00:58:26,002 --> 00:58:28,004
na madalas di naman nila ginawa.

817
00:58:28,838 --> 00:58:32,800
Ang pagbibitay na ito ay para manakot,

818
00:58:32,884 --> 00:58:35,803
kung ayaw naming mabigti rin kami sa puno.

819
00:58:37,055 --> 00:58:41,476
Ito ay para makita namin ang imaheng 'yon
at para maintindihan namin

820
00:58:42,435 --> 00:58:44,687
na dapat umayos kami

821
00:58:44,771 --> 00:58:46,981
at lumagay sa dapat naming kalagyan.

822
00:58:50,693 --> 00:58:53,530
Dapa! Dumapa ka!

823
00:58:55,448 --> 00:58:56,574
Ano'ng problema mo?

824
00:59:01,329 --> 00:59:05,375
Ito ang mga paniniwalang itinanim
ng mga white supremacist

825
00:59:05,458 --> 00:59:07,377
para matakot ang mga tao.

826
00:59:09,337 --> 00:59:12,966
Kung palalabasin ninyong mapanganib kami,
inaalis ninyo ang pagkatao namin.

827
00:59:13,049 --> 00:59:15,218
WASAKIN ANG MARAHAS NA ITO

828
00:59:17,345 --> 00:59:20,640
Intensyonal na desisyon ito
para pigilan kami.

829
00:59:21,140 --> 00:59:25,270
BUHAY NG ITIM SA TV:
TOTOO BA O STEREOTYPE?

830
00:59:28,856 --> 00:59:31,317
Ang kriminalisasyon ng mga Itim

831
00:59:31,401 --> 00:59:35,238
ay mahalagang bahagi
ng white supremacy sa America.

832
00:59:36,281 --> 00:59:38,783
Makapangyarihang paraan ito

833
00:59:38,866 --> 00:59:41,160
para ipaliwanag ng mga puti

834
00:59:41,244 --> 00:59:43,663
kung bakit mahalagang kontrolin

835
00:59:43,746 --> 00:59:48,251
ng mga nakatataas na puti
ang komunidad ng mga Itim.

836
00:59:49,586 --> 00:59:52,880
Ilang beses nang nasangkot
sa gulo ang mga 'to,

837
00:59:52,964 --> 00:59:56,426
pero hindi tayo dapat maging marahas
sa mga taong ito

838
00:59:56,509 --> 00:59:58,428
kahit pa mga pariwara sila,

839
00:59:58,511 --> 01:00:01,139
kung saan dapat
sa kulungan ang bagsak nila.

840
01:00:01,222 --> 01:00:02,557
Mahalaga ang mga Itim!

841
01:00:02,640 --> 01:00:04,892
Bakit di sila tinuturing na terorista?

842
01:00:04,976 --> 01:00:07,228
Dahil ba sa Itim sila
at walang nagsasalita?

843
01:00:07,312 --> 01:00:11,024
Tama na. Mga mamamatay-tao sila.
Mga taong galit sa mga puti.

844
01:00:11,107 --> 01:00:13,860
Itong tungkol sa krimen,
sa "Itim" at sa lahi

845
01:00:13,943 --> 01:00:16,446
ay nakatatak na sa imahinasyon ng America.

846
01:00:16,529 --> 01:00:18,865
Dapat lumipat na
lahat ng may kasamang ibang lahi.

847
01:00:18,948 --> 01:00:19,824
Bakit?

848
01:00:19,907 --> 01:00:23,202
Dahil di ligtas maglakad sa gabi.
Di makalabas ng bahay.

849
01:00:23,286 --> 01:00:24,537
ANG MASASAMANG GRUPO

850
01:00:24,621 --> 01:00:28,625
Kung iisipin natin kung paano kinakatawan
ang mga kriminal sa media,

851
01:00:28,708 --> 01:00:32,253
kadalasan mga taong may kulay,
lalo na ang mga lalaking Itim.

852
01:00:32,962 --> 01:00:34,756
Pinasok ni Horton ang bahay namin.

853
01:00:34,839 --> 01:00:38,009
Binugbog ako, sinaktan,
at tinakot sa loob ng 12 oras.

854
01:00:38,092 --> 01:00:40,386
Habambuhay na walang parole ang hatol niya

855
01:00:40,970 --> 01:00:43,056
pero pinalaya siya ni Dukakis
nang ilang araw.

856
01:00:44,182 --> 01:00:46,809
Araw-araw pinapatay ng mga Itim
ang mga puti.

857
01:00:47,852 --> 01:00:51,397
Daan-daang puting babae
ang ginagahasa nila sa isang araw.

858
01:00:51,898 --> 01:00:56,319
AYON SA JUDGE,
"MUKHANG KRIMINAL" ANG LALAKING ITIM

859
01:00:56,402 --> 01:00:58,404
Pamilyar kayo sa statistics.

860
01:00:59,989 --> 01:01:02,408
Ang krimen ay epidemya sa America.

861
01:01:02,950 --> 01:01:06,204
Mula sa statistics na ito,
may lumabas na imahe.

862
01:01:06,788 --> 01:01:10,583
Ang imahe ng mukha, malinaw at nakatitig.

863
01:01:10,667 --> 01:01:14,462
Mukha ng nakakatakot
na katotohanan ng ating panahon,

864
01:01:15,171 --> 01:01:19,300
ang mukha ng nambibiktima,
ang mukha ng sanay na kriminal.

865
01:01:19,967 --> 01:01:24,222
Wala nang mas malupit
at mas mapanganib pa.

866
01:01:25,556 --> 01:01:28,267
May mga paraan
para gawing kriminal ang mga tao

867
01:01:28,351 --> 01:01:30,019
nang di harap-harapan.

868
01:01:30,103 --> 01:01:32,480
Hindi na sila basta grupo ng mga bata.

869
01:01:32,563 --> 01:01:36,234
Sila ang mga klase ng bata
na tinatawag na superpredator.

870
01:01:36,317 --> 01:01:38,361
Walang konsensiya, walang awa.

871
01:01:38,444 --> 01:01:42,240
Kailangan nating magtulungan
para maparusahan ang mga drug dealer

872
01:01:42,323 --> 01:01:44,534
nang mabilis, tiyak, at mabigat.

873
01:01:44,617 --> 01:01:47,870
Naging code word ang krimen

874
01:01:48,705 --> 01:01:51,207
sa Itim, sa lahi.

875
01:01:55,545 --> 01:01:59,632
Ang imbensyon ng kriminalidad sa mga Itim

876
01:01:59,716 --> 01:02:03,344
ay sadyang dinisenyo

877
01:02:03,428 --> 01:02:06,681
kaya kumalat ito sa buong kultura.

878
01:02:06,764 --> 01:02:07,932
Mga teenager killer.

879
01:02:08,015 --> 01:02:12,687
Nadaig na ng homicide rate ng mga kabataan
ang sa matatanda sa bansang ito.

880
01:02:13,271 --> 01:02:16,190
Mga batang nagnanakaw lang dati,
nanggagahasa at pumapatay na.

881
01:02:16,691 --> 01:02:20,778
Paulit-ulit na pinapalakas
ang mga racist na paniniwala

882
01:02:20,862 --> 01:02:23,364
sa mga napapanood natin sa TV,

883
01:02:23,448 --> 01:02:25,908
sa mga nakikita natin sa balita,

884
01:02:25,992 --> 01:02:30,288
sa mga patalastas,
sa pelikula, sa social media, lahat.

885
01:02:31,414 --> 01:02:35,042
At marami sa mga paniniwalang 'yon
ay tahimik lang, di halata,

886
01:02:35,126 --> 01:02:39,839
dahil nababalot ito ng pagpapanggap.

887
01:02:46,095 --> 01:02:50,725
Pagdating ng 1930s,
hindi na katanggap-tanggap

888
01:02:50,808 --> 01:02:54,562
ang pagbitay sa mga Itim
sa harap ng camera, di ba?

889
01:02:54,645 --> 01:02:59,942
Pero nakikita pa rin
ang mga aspeto ng pagiging Itim

890
01:03:00,026 --> 01:03:02,570
kahit walang mga karakter na Itim.

891
01:03:06,866 --> 01:03:09,911
Sa pelikula,
hindi ka nakatali sa katotohanan.

892
01:03:09,994 --> 01:03:13,122
Puwedeng gawing malaki, maitim,

893
01:03:13,206 --> 01:03:16,209
makapangyarihan at kakila-kilabot
ang kontrabida kung gusto mo.

894
01:03:17,376 --> 01:03:18,753
Manahimik kang halimaw ka!

895
01:03:19,754 --> 01:03:20,671
Julius, ikaw…

896
01:03:20,755 --> 01:03:22,423
Sinabing manahimik ka!

897
01:03:22,507 --> 01:03:24,300
Kaya epektibo ito,

898
01:03:24,383 --> 01:03:27,094
kaya naiintindihan ito ng mga manonood,

899
01:03:27,178 --> 01:03:30,973
ay dahil sanay na tayo
sa mga stereotype tungkol sa pagiging Itim

900
01:03:31,057 --> 01:03:32,934
na baka di natin namamalayan

901
01:03:33,017 --> 01:03:35,645
na nadadala na natin 'to
sa panonood natin.

902
01:03:36,395 --> 01:03:38,147
Maghiwa-hiwalay kayo.

903
01:03:38,231 --> 01:03:40,691
May dalawang bagay na nangyari kagabi.

904
01:03:40,775 --> 01:03:43,736
Una, ang protesta
para sa pinaslang na teenager.

905
01:03:43,820 --> 01:03:47,615
Pangalawa, ang kawalan ng batas,
galit na galit, walang kontrol.

906
01:03:48,324 --> 01:03:51,118
Sa St. Louis,
naghahari ang mga magnanakaw.

907
01:03:51,911 --> 01:03:57,542
-Itaas ang mga kamay.
-Walang magpapaputok!

908
01:04:00,002 --> 01:04:04,674
Hindi mas marahas at mapanganib
ang mga Itim kaysa sa ibang tao.

909
01:04:04,757 --> 01:04:06,592
APAT ARESTADO SA PAGNANAKAW

910
01:04:06,676 --> 01:04:09,971
Pero itinuro sa atin
na ang mukha ng karahasan ay Itim,

911
01:04:10,471 --> 01:04:14,725
dahilan para di natin mapansin
ang mga puting gumagawa ng karahasan,

912
01:04:14,809 --> 01:04:18,521
dahil hindi sila ang mukha ng karahasan.

913
01:04:23,276 --> 01:04:25,278
Wala sa itsura niya ang papatay.

914
01:04:26,654 --> 01:04:29,574
Ang kahirapan at paggamit ng baril

915
01:04:29,657 --> 01:04:32,368
ang mas dahilan ng karahasan kaysa lahi.

916
01:04:34,287 --> 01:04:38,249
Pero itinuro sa atin
na ang white violence ay self-defense.

917
01:04:39,000 --> 01:04:40,918
Nakamamatay na sakal sa subway.

918
01:04:41,002 --> 01:04:43,629
Isang dating
Michael Jackson impersonator, si Neely,

919
01:04:43,713 --> 01:04:46,424
ang nagwala at pinagsisigawan
ang mga pasahero,

920
01:04:46,507 --> 01:04:48,759
pero wala siyang sinaktan sa mga ito.

921
01:04:48,843 --> 01:04:51,637
Ayon sa mga abogado ni Penny,
self-defense ito.

922
01:04:52,597 --> 01:04:55,641
Isang babaeng taga-Florida
ang inakusahan ng pagpatay sa kapitbahay.

923
01:04:55,725 --> 01:04:58,769
Ayon sa pulisya, nagpaputok siya ng baril
sa pinto ng bahay niya

924
01:04:58,853 --> 01:05:01,731
na ikinamatay ni Ajike Owens
na may apat na anak.

925
01:05:02,315 --> 01:05:04,984
Ayon kay Lorincz, ito ay self-defense.

926
01:05:06,193 --> 01:05:09,405
May African-American dito.
Nasa Central Park ako.

927
01:05:09,488 --> 01:05:12,575
Vini-video niya ako,
pinagbantaan pa kami ng aso ko.

928
01:05:13,075 --> 01:05:15,536
May nagbabanta sa akin dito sa Ramble!

929
01:05:15,620 --> 01:05:17,330
Tumawag ka ng mga pulis!

930
01:05:17,830 --> 01:05:21,083
Sanford Police Department.
Naka-record 'to. Si Sean 'to.

931
01:05:21,167 --> 01:05:25,087
May mga nilooban sa lugar namin
at may kahina-hinalang lalaki dito.

932
01:05:25,671 --> 01:05:27,673
Puti ba siya, Itim, o Hispanic?

933
01:05:28,841 --> 01:05:29,967
Mukhang Itim siya.

934
01:05:32,845 --> 01:05:35,222
Ang karahasang posibleng magmula

935
01:05:35,306 --> 01:05:37,808
sa pagpapalaganap ng mga paniniwalang ito,

936
01:05:38,476 --> 01:05:41,062
ibang klaseng karahasan 'to.

937
01:05:42,772 --> 01:05:45,733
Pinalabas nilang lasing
o nakadroga si George Floyd

938
01:05:45,816 --> 01:05:49,195
kaya anumang sandali,
puwede siyang maging bayolente.

939
01:05:50,655 --> 01:05:52,823
Nagja-jogging si Ahmaud Arbery.

940
01:05:55,159 --> 01:05:56,535
Nagja-jogging lang,

941
01:05:57,828 --> 01:06:00,873
pero naging hayop na siya
sa isip ng mga puting 'to.

942
01:06:02,041 --> 01:06:05,169
Itong mga paniniwala
na diumano'y di nakakapinsala,

943
01:06:05,252 --> 01:06:08,881
kaya nitong lasunin ang isipan ng mga tao

944
01:06:08,965 --> 01:06:12,385
na siya naman nilang
gagamitin at babaluktutin

945
01:06:13,344 --> 01:06:16,138
para bigyang-katuwiran
ang massacre ng mga Itim.

946
01:06:20,977 --> 01:06:24,981
Kung gusto nating pagandahin,
tawagin nating "cultural narratives".

947
01:06:25,564 --> 01:06:29,193
Pero para sa akin,
puro kasinungalingan 'to

948
01:06:29,276 --> 01:06:33,406
para mabigyang-katuwiran ng mga tao
ang pagpapairal ng mga policy

949
01:06:33,489 --> 01:06:35,324
at ang di pagkakapantay-pantay.

950
01:06:35,408 --> 01:06:36,784
KATARUNGAN.

951
01:06:36,867 --> 01:06:40,287
Pagbitay ang sagot nila,
isang racist na sagot,

952
01:06:40,371 --> 01:06:42,540
sa mga Itim na maayos ang kalagayan.

953
01:06:48,129 --> 01:06:52,008
Tiningnan ni Ida B. Wells ang data
at ang mga kuwentong ginagawa

954
01:06:52,091 --> 01:06:53,926
para bigyang-katuwiran ang pagbitay,

955
01:06:54,010 --> 01:06:57,263
at sabi niya,
"Hindi, kukuha ako ng sarili kong data."

956
01:07:03,602 --> 01:07:07,940
Kung magsasabi ng totoo ang mga taga-Timog
tungkol sa pagbitay,

957
01:07:08,024 --> 01:07:11,193
hindi na sana kailangan ang depensang ito.

958
01:07:11,944 --> 01:07:14,238
Pero kapag sinasadya, malisyoso,

959
01:07:14,321 --> 01:07:16,949
at patuloy
na pinasisinungalingan ang talaan,

960
01:07:17,033 --> 01:07:21,120
dapat ibigay ng Negro sa mundo
ang kakila-kilabot niyang kuwento.

961
01:07:29,128 --> 01:07:31,630
Kilala ng lahat
ang kaibigan kong si Tommy.

962
01:07:32,131 --> 01:07:34,800
May maliit siyang bahay
at nang makaipon siya,

963
01:07:34,884 --> 01:07:36,594
pinasok niya ang pagtitinda.

964
01:07:38,929 --> 01:07:43,184
Isang araw, nag-away dahil sa holen
ang ilang batang puti at may kulay.

965
01:07:50,816 --> 01:07:54,612
Siyempre, nakisali sa pagtatalo
ang mga tagabantay na may kulay.

966
01:08:08,667 --> 01:08:11,462
Lumabas sa diyaryo
ang nakagugulat na balita.

967
01:08:11,545 --> 01:08:13,130
MGA MAGNANAKAW AT KRIMINAL

968
01:08:13,214 --> 01:08:15,591
Lalong pinatindi ng diyaryo
ang diskriminasyon

969
01:08:15,674 --> 01:08:19,553
at tinawag ang tindahan na
"lugar ng mga magnanakaw at kriminal".

970
01:08:26,185 --> 01:08:27,353
Hulihin siya!

971
01:08:32,233 --> 01:08:33,359
Dugo!

972
01:08:44,662 --> 01:08:48,666
BARIL ANG GINAMIT, HINDI LUBID
TATLONG NANGGULO, PINAGBABARIL

973
01:08:49,166 --> 01:08:50,835
LUGAR NG PAGBITAY

974
01:08:53,337 --> 01:08:57,633
Isang matino at mabuting lalaki
na hindi man lang lumalabas,

975
01:08:58,259 --> 01:09:00,761
pero pinatay nang walang pakundangan,

976
01:09:00,845 --> 01:09:02,429
na para bang isang aso.

977
01:09:03,722 --> 01:09:07,309
Dito ako namulat
kung ano talaga ang pagbitay.

978
01:09:08,102 --> 01:09:12,314
Dahilan nila ito para mapuksa
ang mga Negrong may pera at ari-arian

979
01:09:12,398 --> 01:09:15,067
para patuloy na matakot ang lahing ito.

980
01:09:17,486 --> 01:09:20,156
TALAAN NG MGA BINITAY

981
01:09:27,329 --> 01:09:30,040
Habang pinag-aaralan ko ito,
mas nakumbinsi ako

982
01:09:30,124 --> 01:09:33,335
na masama pa rin ang loob
ng mga taga-Timog

983
01:09:33,419 --> 01:09:36,338
dahil hindi na niya laruan ang Negro,

984
01:09:36,422 --> 01:09:39,592
hindi na niya utusan,
hindi na niya pinagkakakitaan.

985
01:09:39,675 --> 01:09:46,682
SA TAONG 1892, 241 TAO ANG BINITAY.

986
01:09:52,354 --> 01:09:54,857
Sa mga taong ito,
higit sa 10,000 mga Negro

987
01:09:54,940 --> 01:09:56,901
ang pinatay nang walang awa,

988
01:09:56,984 --> 01:10:01,030
nang walang pormal na paglilitis
at legal na pagpapatupad.

989
01:10:01,614 --> 01:10:04,241
Ipinapakita rin ng talaan
na sa mga taong ito

990
01:10:04,325 --> 01:10:06,076
at sa mga pagpatay na ito,

991
01:10:06,160 --> 01:10:10,915
tatlong lalaking puti lang
ang nilitis, nahatulan, at binitay.

992
01:10:10,998 --> 01:10:17,838
MGA NAKAKAGIMBAL NA PANGYAYARI SA TIMOG
BATAS NG PAGBITAY

993
01:10:17,922 --> 01:10:20,132
SA LAHAT NG MGA YUGTO NITO

994
01:10:21,842 --> 01:10:24,762
Ang madalas na tanong
ng mga interesadong kaibigan

995
01:10:24,845 --> 01:10:26,555
matapos ang mga pagtuturo ko,

996
01:10:27,056 --> 01:10:29,308
"Ano ang magagawa ko para makatulong?"

997
01:10:29,808 --> 01:10:31,769
At ang laging sagot,

998
01:10:32,561 --> 01:10:34,688
"Sabihin sa mundo ang katotohanan."

999
01:10:39,610 --> 01:10:43,155
PULANG TALAAN.

1000
01:10:43,239 --> 01:10:47,451
MGA BILANG AT DIUMANO'Y SANHI
NG PAGBITAY SA AMERIKA, 1892-1893-1894.

1001
01:10:47,952 --> 01:10:50,788
NI BB. IDA B. WELLS
128 CLARK STREET, CHICAGO.

1002
01:10:50,871 --> 01:10:54,625
Pagdating sa pagkukuwento
ng karanasan namin,

1003
01:10:55,751 --> 01:10:59,838
at sa pagpilit sa bansang ito
na tumingin sa sarili nang di natatakot,

1004
01:10:59,922 --> 01:11:01,215
siya ang nagsimula no'n.

1005
01:11:03,300 --> 01:11:07,012
Nakikita natin sa mga postcard

1006
01:11:07,096 --> 01:11:10,516
ang mga pagbitay
kasama ang mga asawa't mga anak nila,

1007
01:11:10,599 --> 01:11:15,271
nakatayo sa Itim na bangkay
na nakabitin sa puno,

1008
01:11:15,354 --> 01:11:18,107
at nakakakilabot ito.

1009
01:11:19,066 --> 01:11:20,985
Pero nagagawa lang natin ito

1010
01:11:21,068 --> 01:11:23,696
dahil nagkusang kumilos si Ida B. Wells

1011
01:11:23,779 --> 01:11:26,573
noong araw at oras na nangyayari 'yon,

1012
01:11:27,199 --> 01:11:28,742
para makasigurong alam natin,

1013
01:11:28,826 --> 01:11:32,079
para makasigurong
di tayo magbubulag-bulagan.

1014
01:11:44,008 --> 01:11:48,387
Binuksan mo ang pinto ko
at gusto mo akong kaladkarin palabas.

1015
01:11:48,470 --> 01:11:49,680
Lumabas ka diyan!

1016
01:11:49,763 --> 01:11:51,849
-Kukuryentehin mo 'ko?
-Kukuryentehin kita!

1017
01:11:52,433 --> 01:11:55,602
Dapa! Walang kikilos! Dapa!

1018
01:11:56,270 --> 01:11:58,564
-Isa, dalawa…
-Wala akong ginagawa sa pulis na 'to.

1019
01:11:58,647 --> 01:11:59,606
Ako ang binabantaan.

1020
01:11:59,690 --> 01:12:02,860
-Manood kayo.
-Nanganganib ang buhay ko!

1021
01:12:02,943 --> 01:12:05,487
Para saan? Tuwing nakikita n'yo ako,
ginugulo n'yo ako.

1022
01:12:05,571 --> 01:12:07,114
Pagod na 'ko! Tama na 'to.

1023
01:12:07,197 --> 01:12:09,491
Wala siyang malay ngayon.

1024
01:12:09,575 --> 01:12:10,534
May pulso ba?

1025
01:12:10,617 --> 01:12:13,787
Hindi, tingnan mo siya! Wala siyang malay.

1026
01:12:13,871 --> 01:12:15,748
-Tingnan n'yo kung may pulso.
-Seryoso ka?

1027
01:12:15,831 --> 01:12:18,167
Hahayaan mong daganan 'yong leeg niya?

1028
01:12:19,376 --> 01:12:22,087
LALAKING ITIM, BINARIL
HABANG NAGJA-JOGGING

1029
01:12:22,171 --> 01:12:24,923
WALANG INARESTO
MAKALIPAS ANG DALAWANG BUWAN

1030
01:12:25,007 --> 01:12:29,303
LALAKING ITIM, BINARIL NG PUTI
MATAPOS ANG ILANG BUWANG PANGHA-HARASS

1031
01:12:29,386 --> 01:12:32,389
11 TAONG GULANG NA LALAKI,
TUMAWAG SA 911.

1032
01:12:32,473 --> 01:12:35,559
BINARIL SIYA NG PULIS.

1033
01:12:35,642 --> 01:12:42,066
MAS MARAMING BLACK AMERICAN ANG PINAPATAY
NG MGA PULIS KAYSA SA WHITE AMERICAN

1034
01:12:43,067 --> 01:12:45,444
Makabagong pagbitay
ang karahasan ng mga pulis.

1035
01:12:45,527 --> 01:12:49,573
Ang karahasan ng bayan sa mga Itim
sa loob at labas ng mga bilangguan

1036
01:12:49,656 --> 01:12:50,991
ay pagbitay.

1037
01:12:51,617 --> 01:12:53,744
Isang klase ito ng racial terror,

1038
01:12:53,827 --> 01:12:56,538
di lang para parusahan ang taong Itim,

1039
01:12:57,539 --> 01:13:00,709
kundi para sabihin sa lahat ng Itim
kung saan kami dapat lumugar.

1040
01:13:04,963 --> 01:13:08,467
Kahit nagbago na
ang pamamaraan ng pulisya,

1041
01:13:08,550 --> 01:13:10,552
may isang pagkakapareho pa rin.

1042
01:13:11,053 --> 01:13:12,513
KALAYAAN SA MGA ALIPIN!

1043
01:13:12,596 --> 01:13:15,557
Tuwing may malaking pagbabago
o pag-unlad sa mga Itim…

1044
01:13:22,815 --> 01:13:25,109
pinipigilan nila kami.

1045
01:13:26,568 --> 01:13:29,363
Lalabas ang pader ng white supremacy
at sasabihing,

1046
01:13:29,446 --> 01:13:31,949
"Hanggang dito lang kayo."

1047
01:13:32,032 --> 01:13:33,742
AMERICA, PINAPATAY NI OBAMA

1048
01:13:40,290 --> 01:13:42,543
Balik!

1049
01:13:47,756 --> 01:13:50,509
Ang sagot sa pag-unlad ng mga Itim

1050
01:13:51,176 --> 01:13:52,636
ay parusa.

1051
01:13:54,179 --> 01:13:55,806
Pero di ito pinapakita nang gano'n.

1052
01:13:55,889 --> 01:13:59,226
Pinapakita ito
bilang problema sa krimen, sa droga.

1053
01:14:00,102 --> 01:14:03,897
Pero ang totoo, ginagawa ito
para muling ipilit ang kontrol nila

1054
01:14:03,981 --> 01:14:06,525
sa pamamagitan ng "kaayusan".

1055
01:14:06,608 --> 01:14:11,405
Kailangang gawin ng bayang ito ang lahat
para labanan ang krimen.

1056
01:14:12,656 --> 01:14:14,867
Dapat na respetuhin ang mga batas.

1057
01:14:15,868 --> 01:14:18,829
Dapat mapanatili ang kaayusan.

1058
01:14:18,912 --> 01:14:22,791
Mga kaibigan, ito ang malinaw
na sasabihin ko ngayong gabi.

1059
01:14:23,709 --> 01:14:29,381
Hindi ang pagdagsa ng krimen
ang kinabukasan ng bansang America.

1060
01:14:29,465 --> 01:14:32,593
Ang unang responsibilidad ng gobyerno

1061
01:14:33,552 --> 01:14:35,721
ay batas at kaayusan.

1062
01:14:35,804 --> 01:14:41,435
Ako ang kandidato ng batas at kaayusan.

1063
01:14:51,570 --> 01:14:54,490
Nakakabasa ka ba
ng mga kuwento ng paghihirap,

1064
01:14:54,573 --> 01:14:59,953
gulo sa Omaha, sa Cleveland,
sa Brooklyn, sa Chicago o kahit saan?

1065
01:15:00,913 --> 01:15:02,372
Rebelyon ang tawag ko do'n.

1066
01:15:02,456 --> 01:15:04,041
-Rebelyon?
-Tama.

1067
01:15:04,124 --> 01:15:06,335
At walang mali do'n?

1068
01:15:06,835 --> 01:15:09,713
Sa tingin ko nagrerebelde sila

1069
01:15:09,796 --> 01:15:14,134
laban sa sistemang nagkulong sa kanila,

1070
01:15:14,218 --> 01:15:15,844
nagsasamantala at umaapi sa kanila,

1071
01:15:15,928 --> 01:15:19,806
at wala silang kakayahang
buwagin ang sistemang 'yon.

1072
01:15:20,390 --> 01:15:23,602
Sinira ninyo at ginulo,

1073
01:15:24,228 --> 01:15:25,979
kinuha ninyo ang mga tao,

1074
01:15:26,688 --> 01:15:28,857
sinira ninyo ang mga sistema nila,

1075
01:15:29,608 --> 01:15:32,402
at tinawag ninyo itong "sibilisasyon".

1076
01:15:33,028 --> 01:15:35,322
At kami na nagdusa dahil dito

1077
01:15:35,405 --> 01:15:40,494
ang nagsasabi sa inyo,
"Kayo ang mga pumapatay ng mga pangarap.

1078
01:15:40,577 --> 01:15:42,412
Kayo ang mga halimaw.

1079
01:15:42,496 --> 01:15:46,917
Oo, kayo ang mga hindi sibilisado."

1080
01:15:47,584 --> 01:15:49,044
Maging sibilisado kayo.

1081
01:16:05,852 --> 01:16:10,315
Naaakit ang bansang ito
sa mga kamangha-mangha,

1082
01:16:10,941 --> 01:16:13,151
naaakit ito sa apoy.

1083
01:16:15,529 --> 01:16:18,448
Pero di natin
binibigyang-pansin ang parikit.

1084
01:16:18,532 --> 01:16:24,371
At ang parikit ay ang mga patakaran
na nakabatay sa anti-Blackness.

1085
01:16:24,454 --> 01:16:26,164
PAMPUTI ANG MGA PAARALAN

1086
01:16:26,248 --> 01:16:29,626
Ang pagkakait ng edukasyon, parikit ito.

1087
01:16:31,003 --> 01:16:35,799
Hindi pantay na pabahay
at oportunidad sa trabaho, parikit ito.

1088
01:16:36,925 --> 01:16:40,971
Ang sobrang pagtutok ng pulisya
sa lugar ng mga Itim, parikit ito.

1089
01:16:41,763 --> 01:16:42,806
Mga stop-and-frisk.

1090
01:16:44,391 --> 01:16:45,684
Walang kikilos!

1091
01:16:45,767 --> 01:16:46,852
Ang War on Drugs.

1092
01:16:48,812 --> 01:16:50,397
Malawakang pagpapakulong.

1093
01:16:54,318 --> 01:16:58,905
Kapag may mga patakaran,
mga istraktura, at mga istitusyon

1094
01:16:58,989 --> 01:17:01,491
na sinasadyang kontrolin ang mga Itim,

1095
01:17:01,575 --> 01:17:05,954
bumubuo ka ng mga komunidad
na puwedeng patuloy na gawing kriminal.

1096
01:17:06,455 --> 01:17:07,873
At paulit-ulit ito.

1097
01:17:28,393 --> 01:17:32,981
Kapag pinag-uusapan ang kasaysayan
ng racism sa bansang ito,

1098
01:17:33,065 --> 01:17:35,734
iniisip natin
ang kasaysayan ng kapangyrihan.

1099
01:17:40,864 --> 01:17:45,452
Lahat ng ginamit ng lipunan natin
para pagmalupitan ang mga Itim,

1100
01:17:46,161 --> 01:17:48,246
para 'yon manatili sa kanila
ang kapangyarihan.

1101
01:17:49,915 --> 01:17:51,541
Ang mga nakatataas na puti,

1102
01:17:52,084 --> 01:17:53,835
sa gano'n sila nakikinabang,

1103
01:17:53,919 --> 01:17:56,129
nasa kanila pa rin ang kapangyarihan.

1104
01:17:59,424 --> 01:18:02,552
Tinuro sa atin na ang kapangyarihan
ay may limitasyon,

1105
01:18:02,636 --> 01:18:03,929
na hinahati-hati ito.

1106
01:18:04,930 --> 01:18:08,892
Pag marami sa akin, konti sa 'yo.
Pag marami sa 'yo, konti sa akin.

1107
01:18:13,313 --> 01:18:16,066
Kung ang prinsipyo mo
ay kung ano'ng meron ka,

1108
01:18:16,149 --> 01:18:17,734
hindi ito dapat mawala,

1109
01:18:17,818 --> 01:18:20,445
gagawin mo ang lahat ng puwede mong gawin.

1110
01:18:20,946 --> 01:18:23,907
Magsisinungaling ka,
manloloko, magnanakaw, papatay

1111
01:18:23,990 --> 01:18:25,701
para di ito mawala sa 'yo.

1112
01:18:51,977 --> 01:18:55,397
Ang dapat sanang ginawa

1113
01:18:55,897 --> 01:18:59,192
matapos ang epekto ng pang-aalipin

1114
01:18:59,860 --> 01:19:04,030
ay ang muling pag-oorganisa, pagsasaayos,

1115
01:19:04,573 --> 01:19:08,410
paggawa ng bagong konsepto
ng buong lipunan,

1116
01:19:09,202 --> 01:19:15,000
para maging posible
sa mga dating naging alipin

1117
01:19:15,083 --> 01:19:17,252
na maging malaya at patas,

1118
01:19:18,086 --> 01:19:20,088
pero hindi ginawa 'yon.

1119
01:19:22,507 --> 01:19:23,717
Mag-ingat kayo!

1120
01:19:27,554 --> 01:19:31,266
Sa tingin ko takot ang mga puti
sa puwedeng mangyari

1121
01:19:31,349 --> 01:19:34,186
kung mananalamin sila.

1122
01:19:34,269 --> 01:19:35,604
PINATAY NG PULISYA

1123
01:19:35,687 --> 01:19:40,358
Makikita nila na sa loob
ng ilang henerasyon, ilang siglo,

1124
01:19:40,442 --> 01:19:45,614
pinahirapan at inalipin nila
ang mga Itim at mga taong may kulay.

1125
01:19:46,448 --> 01:19:49,034
Baka di nila alam ang gagawin
sa kasaysayang 'yon.

1126
01:19:49,117 --> 01:19:53,205
Nando'n 'yong tanong na, "Ano na?
Ngayong alam n'yo na, ano na?"

1127
01:19:54,706 --> 01:19:58,919
Iisipin nila kung dapat ba silang
tuloy na mabuhay sa kasaysayang 'yon.

1128
01:20:00,754 --> 01:20:03,924
Ang puso ng pagiging racist
ay ang pagtanggi.

1129
01:20:04,424 --> 01:20:07,636
Ang patuloy na paghahanap
ng paraan para itanggi

1130
01:20:08,512 --> 01:20:10,388
ang pananaig ng racism.

1131
01:20:14,142 --> 01:20:19,397
Para matugunan
kung paanong nakapaloob ang racism,

1132
01:20:21,233 --> 01:20:24,903
kailangan nito ang aktibong disposisyon.

1133
01:20:26,321 --> 01:20:28,240
At ito ang anti-racism.

1134
01:20:32,285 --> 01:20:36,206
ANG KATOTOHANAN
NG ANTI-RACIST NA LIPUNAN

1135
01:20:55,976 --> 01:20:58,478
Kung gagawa tayo
ng anti-racist na lipunan,

1136
01:20:58,562 --> 01:21:00,730
palaging iniisip ng mga tao

1137
01:21:02,315 --> 01:21:04,234
kung ano'ng mawawala sa kanila,

1138
01:21:05,610 --> 01:21:07,654
kumpara sa kung ano'ng makukuha nila.

1139
01:21:12,158 --> 01:21:17,038
Kung gusto mo ng epektibong mga tao,

1140
01:21:17,122 --> 01:21:18,665
ng epektibong lipunan,

1141
01:21:19,541 --> 01:21:23,712
ang pang-aapi sa isang bahagi ng komunidad

1142
01:21:23,795 --> 01:21:25,505
ang hindi mo dapat gawin.

1143
01:21:30,802 --> 01:21:33,847
Di ko alam ang kalalabasan,
pero alam kong posible

1144
01:21:33,930 --> 01:21:39,394
dahil ilang mga tao na
ang gumawa ng sistemang ito noon pa.

1145
01:21:39,477 --> 01:21:44,149
At kung kaya nilang gawin ito noon,
kaya nating baguhin ang sistema.

1146
01:21:46,067 --> 01:21:50,280
Di lang tungkol sa mas magandang idea
ang pagmamahal sa kapwa.

1147
01:21:50,363 --> 01:21:52,073
Di 'yan ang tinutukoy namin.

1148
01:21:52,157 --> 01:21:56,953
Kung ang ibig sabihin ng "anti-racist"
ay ang di pag-ayaw sa mga taong may kulay,

1149
01:21:57,037 --> 01:22:02,792
paano mapapabuti
ng di mo pag-ayaw sa akin ang buhay ko?

1150
01:22:04,044 --> 01:22:08,506
Pero kung matapos mong makapag-isip-isip,
sasabihin mong,

1151
01:22:08,590 --> 01:22:11,927
"Paano naging mahirap
para sa mga taong ito ang mabuhay

1152
01:22:12,010 --> 01:22:16,431
dahil sa pag-ayaw natin sa kanila,
dahil sa pagbabalewala natin sa kanila?"

1153
01:22:16,514 --> 01:22:19,267
Pag ganyan, tama 'yan. May mangyayari.

1154
01:22:23,897 --> 01:22:25,732
Alam ng mga Itim ang gusto nila.

1155
01:22:25,815 --> 01:22:30,111
Alam nila kung ano ang itsura
ng kalayaan at pagpapalaya.

1156
01:22:30,904 --> 01:22:35,283
At hindi ito ang radical utopia.

1157
01:22:35,367 --> 01:22:38,161
Katulad ito ng mundong
ginagalawan ng mga puti.

1158
01:22:38,244 --> 01:22:41,539
Ang mundong ginagalawan nila
nang hindi nagkukuwestiyon.

1159
01:22:47,337 --> 01:22:49,297
Gusto ko ang pagiging Itim.

1160
01:22:49,381 --> 01:22:51,800
Nagpapasalamat ako sa Diyos
na ginawa niya akong Itim.

1161
01:22:51,883 --> 01:22:55,303
Mahal ko ang asawa kong Itim
at ang magiging anak namin,

1162
01:22:55,387 --> 01:22:58,807
ang Itim kong pamilya,
ang Itim kong kapitbahay, si Miss Janet.

1163
01:22:58,890 --> 01:23:00,433
ang Itim kong simbahan,

1164
01:23:00,517 --> 01:23:02,102
ang Itim na music,

1165
01:23:02,185 --> 01:23:04,896
lahat ng bagay sa America
na binigay ng pagiging Itim,

1166
01:23:04,980 --> 01:23:07,232
tanggapin man 'to o hindi ng America.

1167
01:23:22,080 --> 01:23:26,042
Kaya sabihin mo sa akin,
ano ang mali sa pagiging Itim?

1168
01:23:27,961 --> 01:23:28,837
Wala.

1169
01:23:29,754 --> 01:23:31,464
Walang mali sa pagiging Itim.

1170
01:23:31,548 --> 01:23:33,967
Walang mali sa pagiging Itim.

1171
01:23:34,050 --> 01:23:38,054
Nakakatawa talagang isipin.

1172
01:23:38,138 --> 01:23:39,931
Ang mali lang sa mga Itim

1173
01:23:40,557 --> 01:23:42,767
ay 'yong iniisip nating
may mali sa mga Itim.

1174
01:31:26,814 --> 01:31:31,819
Tagapagsalin ng Subtitle:
Janice Ruth Geronimo



