1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:17,851 --> 00:00:21,146
Si Joan Laporta
at ang sports management ng Barça

4
00:00:21,229 --> 00:00:23,023
ay pinili si Rafael Márquez

5
00:00:23,106 --> 00:00:25,525
para maging coach ng Barcelona Atlètic,

6
00:00:25,608 --> 00:00:28,570
na kilala ngayon bilang Barcelona B.

7
00:00:32,574 --> 00:00:35,827
Buo ang tiwala
ng chairman ng Barcelona kay Márquez.

8
00:00:35,910 --> 00:00:39,372
Tiniyak ni Laporta na napatunayan
ni Márquez na may kakayahan siya

9
00:00:39,456 --> 00:00:44,252
na matulungan ang mga player
ng youth team sa kanilang training

10
00:00:44,335 --> 00:00:46,838
at makasama sa first team ng Barcelona.

11
00:01:00,852 --> 00:01:02,228
JOHAN CRUYFF STADIUM

12
00:01:05,190 --> 00:01:07,400
Dahil sa husay sa soccer,
si Rafael Márquez

13
00:01:07,484 --> 00:01:12,363
ay tutulong sa Barcelona youth team
upang mapalakas ang backfield.

14
00:01:15,742 --> 00:01:17,368
Ang una kong tanong,

15
00:01:17,869 --> 00:01:21,039
"Ano ang soccer para kay Rafael Márquez?"

16
00:01:22,457 --> 00:01:24,167
Ano ang soccer para sa 'kin?

17
00:01:25,627 --> 00:01:26,920
Ang lahat-lahat.

18
00:01:44,229 --> 00:01:45,438
Ibigay natin lahat!

19
00:01:53,613 --> 00:01:55,365
Minsan lang 'to mangyari.

20
00:01:55,448 --> 00:01:57,659
Napakaganda ng kanyang track record.

21
00:01:57,742 --> 00:02:01,371
Hindi 'yon maliit na bagay.
Ang pinag-uusapan natin ay ang isa

22
00:02:01,454 --> 00:02:03,915
sa pinakasikat na Mexican soccer player
sa buong mundo.

23
00:02:03,998 --> 00:02:06,209
Gumawa ng kasaysayan
sa Mexican National Team.

24
00:02:06,292 --> 00:02:08,753
No'ng malaman kong makakalaro ko si Rafa,

25
00:02:08,837 --> 00:02:10,964
napakasaya ko.
Ako lang 'yong may alam no'n.

26
00:02:13,383 --> 00:02:17,512
Isa siya sa mga pinakamahuhusay
na soccer player.

27
00:02:19,055 --> 00:02:22,183
Sa isang tingin lang,
alam na namin ang gagawin namin.

28
00:02:23,852 --> 00:02:25,979
Hinaplos siya ng kamay ng Diyos.

29
00:02:26,062 --> 00:02:27,730
Mahusay siyang leader.

30
00:02:27,814 --> 00:02:29,858
Naglaro siya
sa mga bigating team sa mundo.

31
00:02:29,941 --> 00:02:32,360
Isa siya sa mga tao na ibang-iba

32
00:02:32,443 --> 00:02:34,529
sa loob at labas ng field.

33
00:02:37,365 --> 00:02:39,701
Mahirap siyang kalaban.

34
00:02:40,994 --> 00:02:44,998
Sa totoo lang, mas gusto kong maglaro
kung saan wala siya.

35
00:02:45,790 --> 00:02:48,001
Nando'n 'yong mahuhusay na player…

36
00:02:50,295 --> 00:02:51,880
kung saan sila nararapat.

37
00:02:51,963 --> 00:02:53,965
Ngayon,
ang Office of Foreign Assets Control

38
00:02:54,048 --> 00:02:56,217
ng US Department of the Treasury

39
00:02:56,301 --> 00:02:59,846
ay idinagdag sa listahan
ng mga leader ng mga kartel ng droga

40
00:02:59,929 --> 00:03:03,474
ang Mexican player na may pinakamaraming
international title sa kasaysayan

41
00:03:03,558 --> 00:03:05,268
na si Rafael Márquez Álvarez.

42
00:03:05,351 --> 00:03:07,854
Kasama sa listahan ng mga trafficker

43
00:03:07,937 --> 00:03:11,232
si Raúl Flores, pero ang pinakamalaking
pangalan ay si Rafael Márquez.

44
00:03:11,900 --> 00:03:16,905
Sa isang saglit, bayani ka,
at kasunod, napakasamang kriminal na.

45
00:03:17,488 --> 00:03:20,241
At gulat na gulat si Rafa.

46
00:03:21,868 --> 00:03:24,537
'Yong pagkalat ng mga balita

47
00:03:24,621 --> 00:03:29,792
ang naglagay sa alanganin
kung mananatiling buo 'yong legacy niya.

48
00:03:32,629 --> 00:03:35,465
Ngayong araw
ang pinakamahirap na laban ko.

49
00:03:35,548 --> 00:03:37,383
Susubukan kong ayusin ito

50
00:03:37,467 --> 00:03:39,010
sa lalong madaling panahon

51
00:03:39,510 --> 00:03:41,930
at maibalik ang Rafa Márquez
na kilala n'yo.

52
00:03:59,155 --> 00:03:59,989
Two!

53
00:04:01,824 --> 00:04:02,700
Four!

54
00:04:04,535 --> 00:04:07,747
Two at six!
Wag n'yo sila hayaang makabalik!

55
00:04:08,831 --> 00:04:11,876
Coach ako ngayon ng Barça Atlètic.

56
00:04:12,794 --> 00:04:14,921
Ang layunin ko sa team na 'to

57
00:04:15,004 --> 00:04:17,757
ay tulungang hasain 'yong mga player

58
00:04:17,840 --> 00:04:20,093
para makapasok sila sa first team.

59
00:04:20,176 --> 00:04:22,595
Makakapasok do'n
'yong may malalaking potensiyal.

60
00:04:22,679 --> 00:04:26,349
Pero gamit 'yong karanasan
bilang professional soccer player,

61
00:04:26,432 --> 00:04:28,434
tinutulungan ko sila

62
00:04:28,518 --> 00:04:32,480
at para na rin tumayong ama sa kanila.

63
00:04:35,441 --> 00:04:38,569
Na nagpapaalala sa tatay ko,
dahil nag-coach din siya,

64
00:04:38,653 --> 00:04:44,075
at siguradong magiging proud siya
sa bagong yugto na ginagawa ko.

65
00:04:44,158 --> 00:04:46,411
Malaking oportunidad 'to para sa 'kin.

66
00:04:49,497 --> 00:04:51,666
Interview two, Rafa, take one.

67
00:04:52,709 --> 00:04:55,044
DATING SOCCER PLAYER
AT COACH NG BARCELONA ATLÈTIC

68
00:04:55,128 --> 00:04:56,129
Okay, Rafa.

69
00:04:56,671 --> 00:04:58,589
Pakikuwento mo 'yong tatay mo.

70
00:04:59,716 --> 00:05:01,009
Agad-agad?

71
00:05:01,092 --> 00:05:01,926
Oo.

72
00:05:03,011 --> 00:05:04,554
Okay, ang tatay ko…

73
00:05:08,308 --> 00:05:13,479
Ipinanganak siya sa Tlaquepaque, Jalisco,
katabi ng Guadalajara.

74
00:05:14,314 --> 00:05:17,025
Lahat ng clippings
at mga sinabi nila tungkol sa kanya,

75
00:05:17,108 --> 00:05:19,068
parehong-pareho raw kami.

76
00:05:19,152 --> 00:05:24,407
Sa pisikal, nakakagulat kung gaano kami
magkamukhang-magkamukha ng tatay ko.

77
00:05:24,490 --> 00:05:25,825
Gano'n din sa soccer.

78
00:05:25,908 --> 00:05:28,828
Kinokontrol niya 'yong bola,

79
00:05:28,911 --> 00:05:31,956
nakaangat 'yong baba
at napakaelegante sa paglalaro,

80
00:05:32,040 --> 00:05:34,709
pero napakalakas din niya
no'ng pumasok siya.

81
00:05:37,503 --> 00:05:41,716
Nakapasok siya sa Oro Jalisco,
na wala na ngayon.

82
00:05:42,884 --> 00:05:47,847
Naglaro siya sa mga second-division team
tulad ng Irapuato, San Luis, Morelia,

83
00:05:49,140 --> 00:05:53,019
hanggang sa makapasok siya sa Zamora,
at di na siya pinakawalan.

84
00:06:01,986 --> 00:06:03,988
Noong ipinanganak si Rafa,

85
00:06:04,072 --> 00:06:07,200
naglalaro pa 'yong asawa ko
para sa Zamora team.

86
00:06:07,283 --> 00:06:10,661
Noong nagretiro siya,
nag-coach siya sa Municipal Soccer School

87
00:06:10,745 --> 00:06:14,040
sa imbitasyon
ni Professor Carlos Sebille Rinaldi,

88
00:06:14,123 --> 00:06:17,960
na minsang naglaro para sa Atlas
at ang nagtatag ng soccer school.

89
00:06:18,044 --> 00:06:20,755
Inimbitahan niya siya
na mag-coach sa paaralan.

90
00:06:20,838 --> 00:06:24,133
CARLOS SEBILLE RINALDI
ZAMORA MUNICIPAL SOCCER SCHOOL

91
00:06:24,217 --> 00:06:26,844
Sa paaralan,
nagkasama yong tatay ni Rafa Márquez

92
00:06:26,928 --> 00:06:30,306
at si Professor Carlos Sebille
dahil sa pagmamahal nila sa soccer.

93
00:06:30,390 --> 00:06:31,974
Nagsimula silang magturo,

94
00:06:32,058 --> 00:06:34,560
at dinala niya si Rafa no'ng panahong 'yon

95
00:06:34,644 --> 00:06:37,188
para magsanay sa paaralang 'to.

96
00:06:37,980 --> 00:06:40,900
Napakahalaga sa 'kin ng tatay ko.

97
00:06:40,983 --> 00:06:44,654
Siya 'yong tatay na nagturo sa 'kin
na maglaro ng soccer.

98
00:06:44,737 --> 00:06:47,782
At tumatak sa isip ko

99
00:06:47,865 --> 00:06:51,202
na gusto kong maging katulad niya
dahil central defender din siya.

100
00:06:51,786 --> 00:06:54,831
Kaya naging pangarap ko
na maging katulad niya.

101
00:06:58,668 --> 00:07:01,295
-Sabihin n'yo ang nararamdaman n'yo.
-Masaya!

102
00:07:01,379 --> 00:07:03,589
Galingan n'yo, kailangang manalo.

103
00:07:03,673 --> 00:07:05,007
Mananalo kami.

104
00:07:05,091 --> 00:07:06,717
-Mananalo kami.
-Mananalo.

105
00:07:06,801 --> 00:07:08,761
-Gagalingan naming dumepensa.
-Two, three…

106
00:07:08,845 --> 00:07:12,765
Hep, hep, hooray!

107
00:07:12,849 --> 00:07:16,602
Michoacán! Michoacán! Laban!

108
00:07:16,686 --> 00:07:22,024
Naglaro kami sa national,
sa mga palaro ng Ministry of Education,

109
00:07:22,108 --> 00:07:23,401
para sa Zamora.

110
00:07:23,484 --> 00:07:25,611
Noong kalagitnaan ng school year,

111
00:07:25,695 --> 00:07:30,408
sabi nila sa 'min, "Uy, gusto nila
na pumasok ka sa Michoacán Team."

112
00:07:30,491 --> 00:07:34,245
Kinausap namin
'yong paaralang pinapasukan ko.

113
00:07:34,328 --> 00:07:39,542
Nagpaalam kami ng nanay ko para umabsent
ng 15 araw para makapunta sa tournament.

114
00:07:39,625 --> 00:07:42,587
Tumanggi 'yong principal,
di raw siya papayag.

115
00:07:42,670 --> 00:07:44,839
"Kalimutan na ni Rafael ang soccer

116
00:07:44,922 --> 00:07:47,008
dahil wala siyang mararating."

117
00:07:47,091 --> 00:07:49,969
Kaya nagkatinginan kami ng asawa ko,

118
00:07:50,052 --> 00:07:54,348
at sabi ng asawa ko,
"Sige, papayagan namin siyang umalis."

119
00:07:54,432 --> 00:07:57,602
Pinatalsik nila 'ko sa paaralan.

120
00:07:59,312 --> 00:08:02,106
Pero no'ng tournament,
isa 'ko sa pinakamahusay.

121
00:08:02,190 --> 00:08:03,858
Umabot kami sa semifinals.

122
00:08:03,941 --> 00:08:06,068
Napakasayang karanasan no'n.

123
00:08:06,152 --> 00:08:09,906
Gusto kong tumakbo sa principal

124
00:08:09,989 --> 00:08:12,283
at sabihin sa kanya, "Salamat sa payo,

125
00:08:12,366 --> 00:08:15,912
na wala namang kuwenta, dahil ibinigay
ng soccer ang lahat ng meron ako."

126
00:08:18,956 --> 00:08:22,084
JOHAN CRUYFF STADIUM

127
00:08:22,877 --> 00:08:23,753
Giuliano!

128
00:08:37,767 --> 00:08:39,977
Ang makapasok sa isang team
tulad ng Barcelona,

129
00:08:40,061 --> 00:08:43,814
kailangan mahusay na player ka,

130
00:08:43,898 --> 00:08:45,900
pero naniniwala rin ako sa suwerte

131
00:08:45,983 --> 00:08:49,654
dahil kailangan
nasa tamang lugar at oras ka.

132
00:08:51,572 --> 00:08:53,157
At naniniwala akong itinadhana ito.

133
00:08:53,241 --> 00:08:57,745
Halimbawa, pinili ng kapalaran ko
na maging parte ako ng Atlas.

134
00:08:58,955 --> 00:09:00,957
Noon, nasa Zamora 'yong Atlas.

135
00:09:01,040 --> 00:09:05,711
Sa katunayan, ibinalik nila sa Atlas
'yong isa pang paaralan sa Zamora.

136
00:09:05,795 --> 00:09:10,925
May mga tryout sa iba't ibang division
para sa mga feeder club ng team.

137
00:09:11,008 --> 00:09:13,678
Lahat ng mahuhusay
na nahanap nila sa iba't ibang paaralan

138
00:09:13,761 --> 00:09:15,805
sa Zamora at Michoacán.

139
00:09:15,888 --> 00:09:19,809
Pumili sila ng walo
o sampung player sa team na 'yon.

140
00:09:19,892 --> 00:09:23,020
Sa mga tryout na 'yon,
dalawa lang kaming natira,

141
00:09:23,104 --> 00:09:25,606
isang 18 taong gulang at ako, na 14.

142
00:09:27,358 --> 00:09:30,027
Bumalik siya ng Sabado. "Ano'ng nangyari?"

143
00:09:30,111 --> 00:09:32,989
"Pinapupunta nila 'ko sa Lunes."

144
00:09:33,072 --> 00:09:34,490
"Ano'ng plano mo?"

145
00:09:34,574 --> 00:09:38,828
Walang pag-aalinlangan, sabi ko,
"Pupunta 'ko. Gusto kong maglaro do'n.

146
00:09:38,911 --> 00:09:41,122
Pangarap ko 'yon. 'Yon ang gusto ko."

147
00:09:41,205 --> 00:09:44,667
At nagdesisyon ako
nang walang pag-aalinlangan.

148
00:09:46,502 --> 00:09:48,045
Ang Atlas ay…

149
00:09:48,129 --> 00:09:51,132
Meron itong mapait na kasaysayan
sa Mexican soccer.

150
00:09:52,675 --> 00:09:56,637
Lagi silang bigo, dehado, kahiya-hiya.

151
00:09:57,805 --> 00:10:01,142
Lagi na lang silang nare-relegate.

152
00:10:04,270 --> 00:10:05,813
Hanggang dumating itong henerasyon

153
00:10:05,896 --> 00:10:08,691
kasama si Rafa
at iba pang mahuhusay na player,

154
00:10:09,191 --> 00:10:10,818
na, bigla-bigla,

155
00:10:11,652 --> 00:10:12,820
nagbigay-pag-asa.

156
00:10:20,828 --> 00:10:23,080
Konti lang kami na taga-Guadalajara.

157
00:10:23,164 --> 00:10:26,334
Dumating 'yong mga player galing sa Tepic…

158
00:10:26,417 --> 00:10:29,462
-Galing Sinaloa, galing Mérida.
-…Sinaloa, Mérida.

159
00:10:29,545 --> 00:10:32,089
Mga player sa buong bansa,
pati si Borgetti.

160
00:10:32,173 --> 00:10:34,800
Tumira 'yong mga outsider
sa isang clubhouse.

161
00:10:34,884 --> 00:10:36,218
DATING PLAYER NG ATLAS

162
00:10:36,302 --> 00:10:38,179
At lahat kami ay nasa

163
00:10:38,971 --> 00:10:40,473
15 o 16 na mga player.

164
00:10:40,556 --> 00:10:43,392
At si Rafa Márquez 'yong pinakabata.

165
00:10:43,893 --> 00:10:47,772
Tiningnan ko siya, sabi ko,
"Ano'ng ginagawa ng batang 'to rito?"

166
00:10:47,855 --> 00:10:51,275
Hindi ko inasahan 'yon,
na maging parte ng team.

167
00:10:51,359 --> 00:10:55,029
Parang sinubukan lang ako.

168
00:10:55,112 --> 00:10:59,408
Nagsimula akong mainip
dahil di ako pinalalaro, di pinapansin.

169
00:10:59,492 --> 00:11:01,619
Lumipas ang dalawa o tatlong linggo.

170
00:11:02,662 --> 00:11:06,040
Nakaramdam ako ng homesick,
ng kawalan ng pag-asa.

171
00:11:06,123 --> 00:11:12,630
Kaya isang gabi, umiyak ako
dahil nami-miss ko 'yong pamilya ko,

172
00:11:12,713 --> 00:11:15,132
tumawag ako sa bahay

173
00:11:15,925 --> 00:11:19,887
para sabihin sa kanila na ayoko na ro'n.

174
00:11:19,970 --> 00:11:21,639
Nagsimula siyang umiyak,

175
00:11:21,722 --> 00:11:24,517
"Mama, sunduin n'yo na po ako.
Ayoko na rito."

176
00:11:24,600 --> 00:11:26,977
Sabi ko, "Ano?"
Sabi niya, "Gusto ko na pong umuwi."

177
00:11:27,061 --> 00:11:28,854
"Gusto mo nang umuwi?" "Opo."

178
00:11:28,938 --> 00:11:30,815
"Sino ba'ng nagdesisyong pumunta d'yan?"

179
00:11:32,108 --> 00:11:35,736
Sabi ko, "Ha? Ano po 'yon?

180
00:11:38,364 --> 00:11:40,074
Sunduin n'yo na po ako."

181
00:11:40,157 --> 00:11:42,118
"Pinili mo 'yan.

182
00:11:42,201 --> 00:11:43,911
Reponsibilidad mo 'yan.

183
00:11:43,994 --> 00:11:47,289
Paghirapan mo 'yong posisyon at lugar mo.

184
00:11:47,832 --> 00:11:48,749
Kaya

185
00:11:49,250 --> 00:11:50,626
galingan mo, anak."

186
00:11:50,710 --> 00:11:51,711
"Nasaan si Papa?"

187
00:11:51,794 --> 00:11:53,170
Ibinaba ko.

188
00:11:53,254 --> 00:11:58,217
Ni hindi niya pinakausap
'yong tatay ko at…

189
00:11:58,300 --> 00:12:02,430
Kaya sinabi ko no'n,
"Wala nang atrasan 'to."

190
00:12:03,347 --> 00:12:10,312
MAYROONG SOCCER LEGACY SI RAFAEL MÁRQUEZ
NA MAPAGKUKUNAN NG INSPIRASYON

191
00:12:10,396 --> 00:12:15,151
Nagsimulang maglaro si Rafa
sa first division no'ng bandang '96.

192
00:12:17,069 --> 00:12:21,240
Makikita mo 'yong mga katangian
ng isang matikas na center-back,

193
00:12:21,323 --> 00:12:24,660
may matalas na paningin, kalmado.

194
00:12:24,744 --> 00:12:25,661
Mahiyain.

195
00:12:25,745 --> 00:12:28,164
DATING PLAYER NG ATLAS AT NG MEXICAN TEAM

196
00:12:28,247 --> 00:12:30,124
Matangkad siya.

197
00:12:30,207 --> 00:12:32,793
Payat, di ba? Medyo payat.

198
00:12:33,544 --> 00:12:38,048
Pero may pag-uugali
na naglabas ng husay niya sa field.

199
00:12:38,132 --> 00:12:41,844
Pambihirang kombinasyon 'yon.
Nasa kanya na ang lahat.

200
00:12:41,927 --> 00:12:47,808
Isang player na may pisikal
at maliksing katangian, na mahalaga,

201
00:12:47,892 --> 00:12:50,811
pero meron pa
na bihira sa isang Mexican player,

202
00:12:52,313 --> 00:12:53,147
mautak.

203
00:13:01,030 --> 00:13:03,657
Maraming mahuhusay na player
sa team na 'yon.

204
00:13:03,741 --> 00:13:09,288
Nando'n si Rafa, si Juan Pablo Rodríguez,
si Osorno, lahat ng mahuhusay noon.

205
00:13:09,371 --> 00:13:11,999
Parang golden generation 'yon ng Atlas.

206
00:13:12,082 --> 00:13:16,170
Dahil sa coach tulad ni La Volpe, ginawa
naming magandang palabas 'yong soccer.

207
00:13:16,253 --> 00:13:20,674
At maraming humanga sa kanya
at lagi siyang maaalala.

208
00:13:20,758 --> 00:13:25,721
Naintindihan nila na kinailangan naming
bumuo ng team mula sa baba,

209
00:13:25,805 --> 00:13:29,391
isang team na hahasa sa mga player
mula sa mga junior team.

210
00:13:29,475 --> 00:13:32,061
Atlas 'yon na naglaro ng naiibang soccer.

211
00:13:37,107 --> 00:13:40,027
Di kami makapaniwala
nang makita namin 'yong Atlas

212
00:13:40,110 --> 00:13:43,072
na naglalaro sa tournament
sa pagtatapos ng siglo

213
00:13:43,572 --> 00:13:45,366
at umaangat sa liga

214
00:13:45,866 --> 00:13:47,952
para makapasok sa finals sa Toluca.

215
00:13:48,035 --> 00:13:51,247
ATLAS 3-0 PUEBLA, SUMMER '99

216
00:13:51,956 --> 00:13:54,708
NAKAPASOK ANG ATLAS SA PLAYOFFS

217
00:13:54,792 --> 00:13:56,877
Nagsimula 'yong Atlas na 'yon

218
00:13:57,837 --> 00:13:59,171
maging bagong istorya.

219
00:14:00,005 --> 00:14:01,382
JUNE 3, 1999
TOURNAMENT FINAL

220
00:14:01,966 --> 00:14:03,884
FIRST-LEG MATCH

221
00:14:07,638 --> 00:14:11,559
Tandang-tanda ko
kung gaano kapuno 'yong Jalisco Stadium.

222
00:14:11,642 --> 00:14:13,894
Pag tumingala ka, 'yong mga bleacher,

223
00:14:13,978 --> 00:14:16,230
naggagalawan dahil punong-puno.

224
00:14:16,313 --> 00:14:19,191
Masaya 'yong mga tao, puno ng pag-asa.

225
00:14:20,359 --> 00:14:22,987
Ang kalabanin
ang isang team tulad ng Toluca,

226
00:14:23,070 --> 00:14:26,115
napalakas ni Cardozo no'n,

227
00:14:26,198 --> 00:14:27,908
parang toro 'yong kalaban mo.

228
00:14:27,992 --> 00:14:29,577
Ang liliit namin.

229
00:14:29,660 --> 00:14:33,706
Nagsisimula pa lang
'yong mga career namin.

230
00:14:33,789 --> 00:14:35,332
Pero nagsikap kami.

231
00:14:35,416 --> 00:14:36,917
Kinikilabutan ako

232
00:14:37,001 --> 00:14:40,546
pag naaalala ko
kung ano 'yong sandaling 'yon.

233
00:14:40,629 --> 00:14:42,548
Sino 'yong tumira? Sinipa niya…

234
00:14:42,631 --> 00:14:44,592
Cabuto… Cardozo!

235
00:14:44,675 --> 00:14:49,471
Naka-score ang Toluca!

236
00:14:49,555 --> 00:14:51,807
Pangalawang goal sa ikawalong minuto.

237
00:14:52,766 --> 00:14:54,852
Naka-2-0 na sila sa umpisa pa lang,

238
00:14:54,935 --> 00:14:57,646
at inakala na ng mga tao
na matatambakan kami.

239
00:14:57,730 --> 00:15:00,482
Tiningnan namin ang isa't isa,
gulat na gulat,

240
00:15:00,566 --> 00:15:03,277
sabi namin, "Ano 'to?
Nandito tayo sa 'tin."

241
00:15:03,360 --> 00:15:09,700
Ipinasa niya 'yong bola.
Sinipa ni Andrade… Goal!

242
00:15:09,783 --> 00:15:11,911
Na kay Osorno, ngayon, kay Andrade.

243
00:15:11,994 --> 00:15:13,787
Jared… Goal!

244
00:15:13,871 --> 00:15:16,916
Pumasok 'yong bola! Misionero Castillo!

245
00:15:16,999 --> 00:15:18,751
Binigay namin ang lahat.

246
00:15:18,834 --> 00:15:22,254
Siguro walang sumusuporta sa 'min.

247
00:15:22,338 --> 00:15:23,339
Lumaban kami.

248
00:15:23,422 --> 00:15:27,593
Ipinagmamalaki ko pa rin
na ikuwento 'yon nang ganito.

249
00:15:27,676 --> 00:15:31,221
Nakahanap ng kakampi sa field
si La Volpe kay Rafa Márquez,

250
00:15:31,305 --> 00:15:33,891
kahit na napakabata niya pa.

251
00:15:33,974 --> 00:15:35,851
Nasa ere ang bola.

252
00:15:35,935 --> 00:15:39,438
Header, at pumasok!

253
00:15:39,521 --> 00:15:43,025
Itinabla ni Rafa Márquez ang score!

254
00:15:46,195 --> 00:15:49,239
NAPAKAGANDANG FINAL!

255
00:15:49,323 --> 00:15:51,617
Di namin inakala na may tsansa kami

256
00:15:51,700 --> 00:15:54,745
dahil hindi pa
nakapasok sa finals ang Atlas

257
00:15:54,828 --> 00:15:56,080
sa mahabang panahon.

258
00:15:56,163 --> 00:15:59,416
At hindi pa nanalo ng kampeonato
sa mahabang panahon.

259
00:15:59,500 --> 00:16:05,297
Kaya umaasa kami at gusto namin
mapanalunan 'yong championship.

260
00:16:05,881 --> 00:16:08,092
JUNE 6, 1999
SECOND-LEG MATCH

261
00:16:11,929 --> 00:16:15,307
May sikat na fans 'yong Toluca,

262
00:16:15,391 --> 00:16:16,392
'yong Wild Bitch,

263
00:16:16,475 --> 00:16:19,603
na talagang nakakatakot pag nando'n ka.

264
00:16:19,687 --> 00:16:21,397
Matindi 'yong laban.

265
00:16:21,981 --> 00:16:25,526
Hindi kami tinalo ng Toluca
sa loob ng regulation time.

266
00:16:25,609 --> 00:16:28,737
Pwede nilang sabihin,
"Kahit sino, pwedeng maging champion."

267
00:16:28,821 --> 00:16:30,322
Kaya lang may matatalong team.

268
00:16:31,448 --> 00:16:35,327
Nagpatuloy 'yong laban
hanggang sa maubos 'yong oras.

269
00:16:35,411 --> 00:16:36,787
Umabot kami sa overtime

270
00:16:36,870 --> 00:16:39,081
at nagtapos sa penalty shootout.

271
00:16:39,623 --> 00:16:41,041
Eto na si Taboada.

272
00:16:43,877 --> 00:16:46,005
Eto na rin si Chato. Tumira!

273
00:16:46,714 --> 00:16:48,549
Goal!

274
00:16:48,632 --> 00:16:52,970
'Yong penalty shootout no'ng summer '99
sa finals ng Toluca at Atlas

275
00:16:53,053 --> 00:16:57,516
ang isa sa mga pinakadramatiko
sa kasaysayan ng Mexican soccer.

276
00:16:57,599 --> 00:17:01,270
Bago 'ko tumira ng penalty,
may lumapit na Toluca player

277
00:17:01,353 --> 00:17:03,355
at kinantiyawan ako

278
00:17:03,439 --> 00:17:05,691
para mawala 'yong focus ko.

279
00:17:05,774 --> 00:17:06,859
Sabi niya,

280
00:17:07,359 --> 00:17:09,445
"Wala kang bayag. Magmimintis ka."

281
00:17:10,154 --> 00:17:13,115
Nagkagulo na. Sino'ng malapit, Daniel?

282
00:17:13,615 --> 00:17:17,619
Nagkatensiyon sa stadium, magulo,

283
00:17:18,120 --> 00:17:19,705
tinataranta si Márquez.

284
00:17:22,708 --> 00:17:27,129
Ipinanganak sa Zamora, Michoacán,
baguhan sa junior team ng Atlas.

285
00:17:28,172 --> 00:17:30,591
Eto na si Rafa. Handa na si Cristante.

286
00:17:31,091 --> 00:17:34,887
Hindi siya gano'n kalayo.
Sampung talampakan mula sa bola.

287
00:17:34,970 --> 00:17:37,181
Eto na si Rafa, taga-Zamora, tumira…

288
00:17:42,895 --> 00:17:45,147
Pagkatapos kong maka-goal,

289
00:17:45,230 --> 00:17:47,066
tiningnan ko sila

290
00:17:47,149 --> 00:17:51,361
at isinenyas ko na meron ako
no'ng sinabi niyang wala ako.

291
00:17:54,782 --> 00:17:56,450
Tabla 'yong laban.

292
00:17:56,950 --> 00:18:00,162
Isinalang nila sa apoy 'yong bola,
at pag sumablay ka…

293
00:18:00,662 --> 00:18:01,914
-Hindi.
-…talo ka.

294
00:18:32,653 --> 00:18:34,279
Malungkot kaming lahat.

295
00:18:34,363 --> 00:18:37,199
Tapos, bihirang makita,
umiiyak si La Volpe.

296
00:18:37,282 --> 00:18:38,408
Di kapani-paniwala.

297
00:18:38,951 --> 00:18:42,121
Alam ko 'yong klase ng team
ng Toluca, walang duda.

298
00:18:42,204 --> 00:18:43,831
Pero siguro

299
00:18:44,581 --> 00:18:46,667
ang saya kung kami 'yong nag-champion.

300
00:18:46,750 --> 00:18:49,086
Sa huli, nakuha ng Toluca 'yong trophy.

301
00:18:50,838 --> 00:18:55,008
Pero mas mahalaga pa sa trophy
'yong napanalunan ng Atlas.

302
00:18:55,509 --> 00:18:57,886
Napanalunan ng team na 'yon

303
00:18:57,970 --> 00:19:00,848
'yong paghanga at respeto ng fans.

304
00:19:00,931 --> 00:19:02,224
DEVILS!

305
00:19:02,307 --> 00:19:04,685
Minsan, masakit matalo sa championship.

306
00:19:04,768 --> 00:19:06,603
Pero no'ng panahong 'yon,

307
00:19:06,687 --> 00:19:09,231
kapuri-puri 'yong ginawa namin,

308
00:19:09,314 --> 00:19:11,859
sa paraan at kung pa'no namin 'yon ginawa,

309
00:19:12,442 --> 00:19:16,738
at 'yong katotohanang
masaya pa ring naaalala 'yon ng mga tao.

310
00:19:18,282 --> 00:19:22,744
RUNNER-UP - SUMMER 1999, 1ST DIVISION
MEXICAN FOOTBALL FEDERATION

311
00:19:22,828 --> 00:19:24,872
Sa puntong 'yon, may mga player sa Mexico

312
00:19:25,539 --> 00:19:28,917
na parang nasa kanila na ang lahat
para maging mga sikat

313
00:19:29,501 --> 00:19:31,503
pero mga naligaw ng landas.

314
00:19:31,587 --> 00:19:34,089
Kinailangang kumawala ni Rafa Márquez
sa taboo na 'yon

315
00:19:34,173 --> 00:19:37,384
mula sa magaling na soccer player
sa mga junior team

316
00:19:37,926 --> 00:19:39,761
sa pagiging mahusay na soccer player

317
00:19:40,596 --> 00:19:42,264
sa Mexican National Team

318
00:19:42,347 --> 00:19:44,474
sa pinakamataas na kalidad ng laro.

319
00:19:48,645 --> 00:19:49,897
Maglalaro kami no'n

320
00:19:49,980 --> 00:19:53,984
sa isang friendly match
laban sa Ecuador sa Azteca Stadium.

321
00:19:54,067 --> 00:19:57,321
Si Bora Milutinovic pa 'yong coach no'n,

322
00:19:57,404 --> 00:20:01,575
at may listahan kung saan pinili niya
ang isang Márquez mula sa Atlas.

323
00:20:01,658 --> 00:20:05,621
Tinawag nila kaming dalawa,
Cesar Márquez at Rafael Márquez.

324
00:20:05,704 --> 00:20:09,958
'Yon 'yong ikinukuwento ng lahat.

325
00:20:10,042 --> 00:20:13,128
Pero ako 'yong nakapaglaro.

326
00:20:14,129 --> 00:20:15,839
At napakasaya no'n.

327
00:20:15,923 --> 00:20:21,053
Dahil pangarap ko talaga
na maisuot 'yong jersey ng National Team,

328
00:20:21,136 --> 00:20:22,971
kantahin 'yong pambansang awit.

329
00:20:23,055 --> 00:20:26,725
Isang bagay 'yon
na hinding-hindi ko malilimutan,

330
00:20:26,808 --> 00:20:31,647
dahil, sa edad na 17, di ko naisip
na makakapasok ako sa senior team.

331
00:20:31,730 --> 00:20:35,359
Opo. Binigyan ako ni Mr. Bora
ng pagkakataon

332
00:20:35,442 --> 00:20:37,361
na mapasama sa senior team.

333
00:20:37,444 --> 00:20:42,115
Magandang pagkakataon ito,
at sana tawagan niya 'ko nang madalas.

334
00:20:47,162 --> 00:20:51,250
Pagkatapos ng tawag na 'yon,
dinala nila kami sa Copa América

335
00:20:51,333 --> 00:20:52,960
kasama si Manolo Lapuente.

336
00:20:53,543 --> 00:20:57,839
Kinailangan naming bantayan ni Claudio
sina Marcelo Salas at Zamorano,

337
00:20:57,923 --> 00:21:00,926
dalawang mahuhusay na forward
no'ng panahong 'yon.

338
00:21:04,054 --> 00:21:06,807
Dalawang scout ng Monaco
'yong nanonood ng laro

339
00:21:06,890 --> 00:21:10,352
dahil panonoorin nila
'yong isa pang defender na Chilean.

340
00:21:10,936 --> 00:21:13,355
"Nakita ka naming maglaro,
at gusto naming malaman

341
00:21:13,438 --> 00:21:16,942
kung interesado kang maglaro
para sa Monaco."

342
00:21:17,025 --> 00:21:19,778
Sabi ko, "Monaco?"

343
00:21:29,496 --> 00:21:32,582
No'ng nasa Monaco na 'ko,
noon ko lang napagtanto,

344
00:21:32,666 --> 00:21:34,835
"Para 'tong fairy tale."

345
00:21:34,918 --> 00:21:37,504
Pareho lang para kay Rafa Márquez

346
00:21:37,587 --> 00:21:39,715
kung midfielder man siya o striker.

347
00:21:39,798 --> 00:21:41,800
Ito ang unang panayam sa isang player

348
00:21:41,883 --> 00:21:44,636
na ipapaliwanag
kung bakit gusto niyang pumunta sa Monaco.

349
00:21:44,720 --> 00:21:48,473
French soccer ang world champion.

350
00:21:49,349 --> 00:21:55,564
At sa championship na 'to,
isa ang Monaco sa pinakamahalagang team.

351
00:21:57,566 --> 00:21:59,526
Walang makakapantay sa Mexico.

352
00:21:59,609 --> 00:22:04,906
Mahirap ang malayo sa mga kaibigan mo,
pamilya mo, mga tradisyon mo.

353
00:22:04,990 --> 00:22:07,367
'Yong pangingibang-bansa,

354
00:22:07,451 --> 00:22:10,871
matuto ng ibang lengguwahe,

355
00:22:10,954 --> 00:22:13,749
masanay sa kultura ng mga French…

356
00:22:19,838 --> 00:22:23,675
Sa soccer, "Jamaicón Syndrome"
ang tawag namin do'n.

357
00:22:23,759 --> 00:22:26,219
"Oo! May mga katangian siya
para maglaro sa Europe."

358
00:22:26,303 --> 00:22:27,804
Pero pagdating niya sa Europe,

359
00:22:27,888 --> 00:22:30,349
babalik siya
dahil tatawag siya para sabihing,

360
00:22:30,432 --> 00:22:34,644
"Nilalamig, nagugutom ako.
Miss ko na ang pagkain at mga kaibigan ko.

361
00:22:34,728 --> 00:22:38,690
Malaki 'yong sahod ko sa Mexico.
Bakit ko titiisin 'yong lamig sa Europe?"

362
00:22:38,774 --> 00:22:40,692
Hindi mawawala 'yong hirap.

363
00:22:40,776 --> 00:22:44,988
Pero pag meron kang
malakas na winning mentality,

364
00:22:45,072 --> 00:22:46,698
magtatagumpay ka sa Europe.

365
00:22:46,782 --> 00:22:49,868
Gayumpaman,
inabot ni Rafael Márquez 'yong bola.

366
00:22:49,951 --> 00:22:52,120
At sa ikasampung minuto,
pumuntos na ang Monaco,

367
00:22:52,204 --> 00:22:54,915
at, siyempre,
sa kanyang unang pagkakataon.

368
00:22:54,998 --> 00:22:56,458
Handa na si Rafa.

369
00:22:56,541 --> 00:22:59,878
Binago niya 'yong imahe
ng isang Mexican player.

370
00:23:00,379 --> 00:23:02,172
Hindi siya susuko.

371
00:23:04,633 --> 00:23:07,886
Kahit na baguhan
at hindi pa gamay 'yong liga,

372
00:23:07,969 --> 00:23:10,263
naging komportable ako

373
00:23:10,347 --> 00:23:14,142
na gawin pareho 'yong opensa at depensa.

374
00:23:14,226 --> 00:23:18,063
Mas mabibilis at malalaki
'yong binantayan ko,

375
00:23:18,146 --> 00:23:21,316
pero nagawa ko pa ring umangat.

376
00:23:26,029 --> 00:23:27,864
Nag-champion kami,

377
00:23:27,948 --> 00:23:30,742
at itinanghal din ako

378
00:23:30,826 --> 00:23:35,080
na isa sa pinakamahusay na defender
ng kampeonato, ng tournament.

379
00:23:39,126 --> 00:23:41,211
Simula no'n, nagustuhan ko na.

380
00:23:41,294 --> 00:23:44,881
Nagsimula rin akong kumita nang malaki
sa murang edad na 20.

381
00:23:44,965 --> 00:23:46,049
Nagkaluho ako.

382
00:23:46,967 --> 00:23:50,679
Nagkaro'n ako ng magagarang kotse.

383
00:23:50,762 --> 00:23:51,930
Bumili ako ng A3,

384
00:23:52,013 --> 00:23:53,223
SLK,

385
00:23:53,306 --> 00:23:57,227
tapos Porsche, Ferrari, Maserati,

386
00:23:57,310 --> 00:23:58,520
Mercedes.

387
00:23:58,603 --> 00:24:00,188
At 'yon 'yong mga luho ko.

388
00:24:01,356 --> 00:24:03,859
Bigla niyang tinawagan 'yong nanay ko

389
00:24:03,942 --> 00:24:05,735
at sinabi, "Ikakasal na 'ko."

390
00:24:05,819 --> 00:24:09,906
Sabi namin, "Ano'ng nangyayari?
Bakit? Kanino? Paano?"

391
00:24:09,990 --> 00:24:12,909
Malapit na siyang mag-22
no'ng ikinasal siya.

392
00:24:12,993 --> 00:24:15,120
"Alam n'yo? Ikakasal na 'ko sa…"

393
00:24:15,871 --> 00:24:19,291
Hindi ko maalala
kung sa loob ng tatlo o apat na linggo.

394
00:24:19,374 --> 00:24:22,919
"Handa na lahat.
Pupunta na lang kayo, at ikakasal na 'ko."

395
00:24:34,055 --> 00:24:36,683
Tingin ko sumaya siya
no'ng nagkaanak siya.

396
00:24:37,934 --> 00:24:40,770
Tingin ko 'yon 'yong masasayang oras niya.

397
00:24:42,314 --> 00:24:43,190
Handa na.

398
00:24:43,273 --> 00:24:44,191
ANAK NI RAFA MÁRQUEZ

399
00:24:44,274 --> 00:24:48,236
Nangyayari pa rin 'yon. Nanonood ako
ng mga video sa social media,

400
00:24:48,320 --> 00:24:52,324
tapos sasabihin ko, "Tatay ko 'yan."

401
00:24:54,659 --> 00:24:56,745
Hindi pa rin ako makapaniwala.

402
00:25:04,544 --> 00:25:08,298
One, two, three, four, five, six…

403
00:25:08,381 --> 00:25:09,716
-Out 'yon.
-One, two.

404
00:25:09,799 --> 00:25:11,593
Deretso lang!

405
00:25:11,676 --> 00:25:13,136
-Agawin mo.
-One.

406
00:25:13,220 --> 00:25:18,016
Tingin ko isa sa pinakapinapangarap
ng maraming soccer player

407
00:25:18,099 --> 00:25:22,103
ay ang makapasok sa National Team
para irepresenta 'yong bansa mo.

408
00:25:22,187 --> 00:25:27,275
At makapaglaro at irepresenta
'yong bansa mo sa World Cup.

409
00:25:29,444 --> 00:25:34,324
FIFA WORLD CUP
KOREA AT JAPAN 2002

410
00:25:36,243 --> 00:25:41,039
Ibang-iba 'yong makikita mo sa World Cup,
at iba-iba 'yong magiging karanasan mo.

411
00:25:41,122 --> 00:25:43,083
Excited ako, puno ng pag-asa.

412
00:25:43,750 --> 00:25:47,796
At kasama ko 'yong pamilya ko
no'ng World Cup na 'yon…

413
00:25:47,879 --> 00:25:52,092
'Yong kapatid ko, 'yong nanay at tatay ko,
nakasama ko rin sila.

414
00:25:53,260 --> 00:25:55,929
At si Javier Aguirre,

415
00:25:56,513 --> 00:26:00,058
ginawa niya 'kong team captain
no'ng World Cup na 'yon.

416
00:26:00,767 --> 00:26:02,143
Nagre-record ka na ba?

417
00:26:02,644 --> 00:26:04,980
Nire-record mo na, 'yong sound, lahat?

418
00:26:05,063 --> 00:26:06,982
-Oo.
-Magaling. Napakahusay n'yo.

419
00:26:07,065 --> 00:26:08,858
-Wag mong i-edit.
-Hindi.

420
00:26:08,942 --> 00:26:09,818
Sige, salamat.

421
00:26:10,402 --> 00:26:11,903
Si Rafa 'yong captain ko.

422
00:26:12,404 --> 00:26:14,948
Balanse 'yong emosyon niya

423
00:26:15,031 --> 00:26:18,034
kaya nakakausap niya 'yong grupo

424
00:26:18,743 --> 00:26:21,079
nang malinaw, at pinakikinggan siya.

425
00:26:21,162 --> 00:26:24,541
Ipinanganak 'yong ibang soccer player
para maging team captain.

426
00:26:24,624 --> 00:26:27,335
Ipinanganak si Rafa
para maging team captain.

427
00:26:27,419 --> 00:26:30,171
Ang maglakad sa unahan ng grupong ito,

428
00:26:30,255 --> 00:26:33,758
ang pagiging leader,
pagkakaro'n ng responsibilidad,

429
00:26:33,842 --> 00:26:36,970
una, nakaka-proud

430
00:26:37,596 --> 00:26:42,183
na mairepresenta 'yong bansa mo
at higit sa lahat, pamunuan 'yong team.

431
00:26:43,018 --> 00:26:45,729
MEXICO 1 - 0 CROATIA

432
00:26:52,193 --> 00:26:53,820
Ecuador!

433
00:26:54,654 --> 00:26:57,574
MEXICO 2 - 1 ECUADOR

434
00:26:57,657 --> 00:27:00,994
Italy!

435
00:27:01,786 --> 00:27:04,205
Mexico!

436
00:27:04,289 --> 00:27:07,334
Ganadong-ganado kami pagdating namin.

437
00:27:07,417 --> 00:27:09,878
Pero alam din namin

438
00:27:09,961 --> 00:27:13,798
na 'yong susunod naming maaaring makalaban

439
00:27:15,216 --> 00:27:16,426
ay United States.

440
00:27:16,509 --> 00:27:19,095
Mahal ko ang USA, pero pasensiya na today

441
00:27:19,679 --> 00:27:21,306
Mexico, manalo tayo!

442
00:27:21,389 --> 00:27:24,476
Kasama namin 'yong pinakamahuhusay
na player ng Mexico sa World Cup.

443
00:27:24,559 --> 00:27:27,812
'Yon 'yong inaasahan ko,
manalo sa dalawang goal, 2-0.

444
00:27:27,896 --> 00:27:29,314
Para mawalan ng pag-asa ang US.

445
00:27:29,898 --> 00:27:33,109
Mananalo kami, 2-0. Laban sa mga American.

446
00:27:33,818 --> 00:27:39,115
Wala yatang nakakaalam nito,
pero may kinikimkim ako laban sa US

447
00:27:39,199 --> 00:27:42,327
na may kinalaman sa pamilya

448
00:27:42,410 --> 00:27:44,120
na napakasensitibo sa 'kin.

449
00:27:46,414 --> 00:27:49,042
'Yong punto sa buhay ng tatay ko,

450
00:27:49,125 --> 00:27:53,546
na nagdusa siya
dahil umalis 'yong tatay niya.

451
00:27:56,132 --> 00:27:59,344
At inabandona niya sila
para pumunta sa US.

452
00:28:01,554 --> 00:28:05,350
Tuwing nakakainom siya,

453
00:28:05,433 --> 00:28:07,686
bumabalik 'yong alaala ni Lolo.

454
00:28:08,186 --> 00:28:12,023
At, siyempre, iiyak siya. Maaalala niya.

455
00:28:12,107 --> 00:28:14,317
At 'yon, sa totoo lang…

456
00:28:15,944 --> 00:28:20,740
ako, pati 'yong kapatid ko,
'yong nanay ko, nahirapan kami ro'n.

457
00:28:24,994 --> 00:28:27,247
Pero may kinimkim na tampo

458
00:28:27,330 --> 00:28:29,457
sa pag-alis niya papuntang US.

459
00:28:29,541 --> 00:28:32,544
Kaya dinamay ko 'yong US
no'ng labanan namin sila,

460
00:28:32,627 --> 00:28:36,214
dahil sa buong mundo,
malakas ang US sa lahat ng sports.

461
00:28:36,297 --> 00:28:37,507
Kaya kung

462
00:28:38,007 --> 00:28:41,845
mas magaling kami sa soccer,
walang dahilan para matalo sa kanila.

463
00:28:41,928 --> 00:28:43,930
At 'yon 'yong

464
00:28:45,724 --> 00:28:49,060
maliliit na bagay na, kalaunan, naiipon.

465
00:28:53,398 --> 00:28:58,486
ROUND OF 16
MEXICO VS USA

466
00:29:01,656 --> 00:29:06,327
Mas maganda 'yong laro at mas mahusay
'yong team namin, pero may mali sa 'min.

467
00:29:06,411 --> 00:29:08,079
Malaki 'yong mawawala sa Mexico.

468
00:29:08,580 --> 00:29:09,956
Napakalaki ng mawawala.

469
00:29:10,039 --> 00:29:15,462
Kapag may kalaban ka na maaaring
kapantay mo o mas mahina sa 'yo,

470
00:29:15,545 --> 00:29:17,547
medyo nakakampante ka.

471
00:29:17,630 --> 00:29:19,883
'Yon siguro 'yong nangyari sa 'min.

472
00:29:22,093 --> 00:29:25,430
MEXICO 0 - 1 USA

473
00:29:27,515 --> 00:29:30,894
'Yon 'yong pinakamalalang sitwasyon,
natatalo sa simula ng laban,

474
00:29:31,394 --> 00:29:33,438
dahil palalakasin sila no'n.

475
00:29:33,521 --> 00:29:36,524
"Di nila kami matatalo.
Di kami matatalo sa kanila.

476
00:29:36,608 --> 00:29:40,069
Di 'yon pwedeng mangyari,
hindi sa mga player na 'to."

477
00:29:40,153 --> 00:29:44,449
Bigla kong binago sa line of four

478
00:29:44,532 --> 00:29:47,160
'yong laro namin na line of five.
Di namin inensayo 'yon.

479
00:29:47,243 --> 00:29:49,454
Doon na kami nawalan ng kontrol,

480
00:29:49,537 --> 00:29:51,790
at nagsimulang malito 'yong team.

481
00:29:51,873 --> 00:29:55,293
Kaya no'ng second half,
naging desperado na kami,

482
00:29:55,376 --> 00:29:58,421
pinipilit naming maitabla 'yong score.

483
00:30:03,009 --> 00:30:05,720
Minsan, di nangyayari 'yong mga bagay
sa paraang gusto mo.

484
00:30:05,804 --> 00:30:07,597
Minsan, hinahanap mo,

485
00:30:08,389 --> 00:30:09,307
sinusubukan mo,

486
00:30:10,850 --> 00:30:13,436
at di mo alam kung bakit di nangyayari.

487
00:30:15,605 --> 00:30:17,482
MEXICO 0 - 2 USA

488
00:30:17,565 --> 00:30:18,942
2 GOAL SA 4 NA LABAN

489
00:30:24,155 --> 00:30:27,242
Ano kayo ngayon? Ayos!

490
00:30:31,246 --> 00:30:32,205
No'ng 2-0 na,

491
00:30:32,288 --> 00:30:35,792
desperado na kami
sa kung ano'ng magagawa namin.

492
00:30:35,875 --> 00:30:37,293
Nagkanya-kanya kami.

493
00:30:37,377 --> 00:30:42,006
Nawala 'yong inensayo namin
ng ilang linggo.

494
00:30:42,090 --> 00:30:44,008
Naging desperado ako.

495
00:30:54,143 --> 00:30:58,064
Si Cobi Jones yata 'yon
o kung sino 'yong nakasabayan ko.

496
00:30:58,147 --> 00:31:01,442
Nasa mga bleacher kami
no'ng nangyari 'yon.

497
00:31:01,526 --> 00:31:04,988
Sabi ko, "Diyos ko,
ni hindi niya nga tinamaan.

498
00:31:05,071 --> 00:31:08,074
Sana binasag niya man lang
'yong mukha niya."

499
00:31:10,535 --> 00:31:13,913
Minsan, konting bagsik lang
'yong hinihingi ng mga tao,

500
00:31:13,997 --> 00:31:15,707
patirin man lang sila,

501
00:31:16,207 --> 00:31:20,211
para maramdaman man lang ng kalaban
na nando'n kami, at masakit 'yon.

502
00:31:20,295 --> 00:31:22,171
Dinurog nila kami

503
00:31:22,255 --> 00:31:25,383
No'ng Father's Day, tinalo nila kami

504
00:31:25,466 --> 00:31:28,428
USA!

505
00:31:28,511 --> 00:31:31,890
Matatanggap namin 'to sa ibang team,
pero hindi sa USA.

506
00:31:31,973 --> 00:31:33,266
Pambansang kahihiyan.

507
00:31:33,850 --> 00:31:35,560
Natalo kami!

508
00:31:36,978 --> 00:31:39,814
At kanino? 'Yon 'yong pinakamasaklap!

509
00:31:41,691 --> 00:31:43,276
PAALAM!

510
00:31:43,359 --> 00:31:48,239
KABIGUAN MASAKIT NA PAGKATALO
NG MEXICAN NATIONAL TEAM

511
00:31:53,244 --> 00:31:56,915
Pagbalik mula sa World Cup,
medyo nagkasakit 'yong asawa ko.

512
00:31:57,457 --> 00:32:00,001
Inoperahan siya. May tumor siya sa tiyan,

513
00:32:00,084 --> 00:32:04,088
pero wala sa labas. Nakabalot.

514
00:32:05,131 --> 00:32:10,887
Naging maayos 'yong operasyon,
pero nagkaro'n ng mga komplikasyon.

515
00:32:10,970 --> 00:32:15,099
At lalo siyang nanghina dahil do'n.

516
00:32:16,559 --> 00:32:20,271
Na-injure 'yong tuhod ko
no'ng panahong 'yon.

517
00:32:20,355 --> 00:32:25,693
Kaya nagpasya 'kong magpaopera sa Mexico
para malapit ako sa tatay ko.

518
00:32:26,653 --> 00:32:31,574
Dumating 'yong panahon
na pinababalik na 'ko ng Monaco.

519
00:32:31,658 --> 00:32:34,953
Hindi nila 'ko pinayagan na magtagal pa.

520
00:32:35,036 --> 00:32:36,579
Pag di ako bumalik,

521
00:32:36,663 --> 00:32:42,210
gagawa raw sila ng paraan
para mapilitan akong bumalik.

522
00:32:42,835 --> 00:32:46,506
Pero mismong kinabukasan,

523
00:32:46,589 --> 00:32:49,217
no'ng papunta na 'ko sa airport,

524
00:32:49,884 --> 00:32:52,136
nagpasya 'ko na ayoko nang bumalik.

525
00:32:57,433 --> 00:33:01,854
At siyempre, minsan,
naluluha ako, gaya ngayon.

526
00:33:21,124 --> 00:33:25,670
NAMUMUHAY SI MÁRQUEZ NANG MAY DALAMHATI

527
00:33:25,753 --> 00:33:27,505
Kahit lumipas na ang panahon,

528
00:33:29,132 --> 00:33:31,175
kahit lumipas na ang mga taon,

529
00:33:31,259 --> 00:33:32,677
masakit pa rin.

530
00:33:34,137 --> 00:33:37,682
Nami-miss ko pa rin talaga siya.

531
00:33:44,856 --> 00:33:46,691
Sa mga huling linggo na 'yon,

532
00:33:46,774 --> 00:33:50,319
may naaalala ka ba
na pinag-usapan n'yo ng tatay mo?

533
00:33:50,403 --> 00:33:52,530
Oo, sinabi ko pa sa kanya

534
00:33:53,031 --> 00:33:55,450
na balang-araw, di ko naman ipinangako,

535
00:33:55,533 --> 00:33:58,870
pero sinabi ko na mapupunta 'ko
sa mahusay na team.

536
00:33:58,953 --> 00:34:05,168
Siyempre Madrid 'yong sinusuportahan
ng Mexico noon dahil kay Hugo Sánchez.

537
00:34:06,419 --> 00:34:09,964
At sinabi ko sa kanya,

538
00:34:10,048 --> 00:34:13,926
pabiro lang, "Uy…

539
00:34:14,844 --> 00:34:16,471
Wag muna kayong aalis.

540
00:34:16,554 --> 00:34:20,767
Kailangan n'yo muna 'kong makita
na naglalaro sa Real Madrid."

541
00:34:22,060 --> 00:34:27,315
At kahit biro lang 'yon, sinabi niya,
"Sigurado akong magagawa mo 'yon.

542
00:34:27,398 --> 00:34:29,317
Nandito pa man ako o wala na,

543
00:34:29,817 --> 00:34:31,194
alam kong magagawa mo."

544
00:34:31,778 --> 00:34:35,448
Siguradong kinakantiyawan niya 'ko ngayon,
tinatawanan,

545
00:34:35,990 --> 00:34:38,701
dahil sa karibal na team ako napunta.

546
00:34:40,536 --> 00:34:43,956
At sigurado akong proud siya
sa lahat ng nakamit ko.

547
00:34:50,213 --> 00:34:53,424
Ang kasalukuyang estado ng Barcelona
ay nakaatang sa tatlong pangalan,

548
00:34:53,508 --> 00:34:57,178
ang Brazilian na si Ronaldinho,
na binigyan ng bagong offer ng Barcelona,

549
00:34:57,261 --> 00:34:59,931
ang Portuguese na si Quaresma,
na player na ng Barcelona,

550
00:35:00,014 --> 00:35:03,559
at si Márquez,
na ipinakilala ng club nitong tanghali.

551
00:35:04,143 --> 00:35:07,063
Ang kamayang ito
ay bunsod ng maraming pulong

552
00:35:07,146 --> 00:35:11,776
at iba't ibang kombinasyon
sa pagbuo ng kontrata ni Márquez sa Barça.

553
00:35:11,859 --> 00:35:14,195
Si Márquez na naglaro
para sa Monaco mula 1999,

554
00:35:14,278 --> 00:35:18,449
ay makakapagbakasyon na at
magdadagdag ng bansang susuporta sa Barça.

555
00:35:18,533 --> 00:35:19,700
Ang Mexican defender,

556
00:35:19,784 --> 00:35:22,328
na pumirma ng apat na taon,
ay gustong sumikat sa Europe,

557
00:35:22,411 --> 00:35:24,747
at sundan ang yapak
ng idolo niyang si Hugo Sánchez.

558
00:35:24,831 --> 00:35:28,042
Hugo Sánchez, one, take one, common mark.

559
00:35:34,757 --> 00:35:39,053
Ang pumunta sa Spain at mamuhay
sa pangarap kong lugar at magtagumpay,

560
00:35:39,554 --> 00:35:42,723
gusto ko 'yong idea na marami pang
mga Mexican player ang pupunta ro'n.

561
00:35:42,807 --> 00:35:45,143
No'ng mabalitaan ko
na pupunta si Rafa sa Barcelona,

562
00:35:45,643 --> 00:35:48,354
masayang-masaya 'ko para sa kanya.

563
00:35:51,691 --> 00:35:55,319
'Yong makapasok ang isa pang Mexican
sa isa sa mga pinakamalaking club,

564
00:35:55,403 --> 00:35:57,780
di lang sa Spain, pero sa buong Europe,

565
00:35:57,864 --> 00:36:00,449
makikita mo
ang isang matagumpay na career.

566
00:36:01,367 --> 00:36:04,245
Ibang level ang Barça. Walang katulad.

567
00:36:04,328 --> 00:36:08,166
Oo, malakas na club 'yong Monaco,

568
00:36:08,249 --> 00:36:12,336
pero ibang istorya ang Barça.

569
00:36:13,004 --> 00:36:15,756
Mahirap mag-adjust,
di lang sa loob ng field, pati sa labas.

570
00:36:15,840 --> 00:36:19,093
Dito, may 200 mga journalist
na naghihintay sa 'yo.

571
00:36:19,177 --> 00:36:22,305
Lagi kang nasa press.
Kahit sa Mexico, maiiba 'yong buhay mo.

572
00:36:22,388 --> 00:36:27,602
Sa kaso ni Márquez, kilala siya
bilang "ang Kaiser ng Michoacán."

573
00:36:28,227 --> 00:36:30,855
Gusto niyang naikukumpara

574
00:36:30,938 --> 00:36:33,441
sa mga sikat na player
gaya ni Beckenbauer.

575
00:36:33,524 --> 00:36:37,236
Pero mas iniisip ko
na gumawa ng sarili kong kuwento,

576
00:36:37,320 --> 00:36:40,489
na maging pinakamahusay sa posisyon ko,

577
00:36:40,573 --> 00:36:43,451
na maging isang mahalagang tao,

578
00:36:43,534 --> 00:36:46,412
at dahil Mexican ako.

579
00:36:46,495 --> 00:36:48,956
At lagi akong susuportahan ng Mexico.

580
00:36:52,460 --> 00:36:54,378
Dumating din si Ronaldinho no'n.

581
00:36:54,462 --> 00:36:57,465
At alam ko 'yong impact ni Ronaldinho,

582
00:36:57,548 --> 00:36:59,675
sa loob at labas ng field.

583
00:36:59,759 --> 00:37:03,721
At 'yong masabi
na magiging teammate ko si Ronaldinho,

584
00:37:03,804 --> 00:37:06,766
malinaw na mahusay na team
'yong sinalihan ko.

585
00:37:09,101 --> 00:37:12,063
Sabay kaming dumating ni Rafa
sa Barcelona.

586
00:37:12,146 --> 00:37:13,564
At napakasaya no'n.

587
00:37:13,648 --> 00:37:18,736
Dumating kami sa panahong
di maganda 'yong lagay ng club.

588
00:37:18,819 --> 00:37:21,697
Hindi malakas 'yong club
no'ng dumating siya,

589
00:37:21,781 --> 00:37:24,283
pero dahil sa teamwork,

590
00:37:24,367 --> 00:37:26,869
at naging mahalagang parte siya.

591
00:37:26,953 --> 00:37:29,038
Tinulungan niya kaming umangat.

592
00:37:29,121 --> 00:37:32,875
Napakalaki ng inaasahan sa Barça
at sa mismong team na 'yon.

593
00:37:32,959 --> 00:37:36,712
Para makapaglaro sa Barcelona,
dadaan ka sa masusing proseso ng pagpili.

594
00:37:36,796 --> 00:37:39,131
Ikaw dapat
'yong pinakamahusay sa posisyon mo

595
00:37:39,215 --> 00:37:40,841
o isa sa pinakamahusay sa mundo.

596
00:37:40,925 --> 00:37:42,677
Dream team 'yon.

597
00:37:43,177 --> 00:37:46,138
Hindi ko alam kung paano nila nagawa

598
00:37:46,222 --> 00:37:50,309
na mapagsama-sama kaming lahat.

599
00:37:50,393 --> 00:37:55,481
'Yong pagtanggap, o itong pinto
na binuksan ng mga player para sa 'yo,

600
00:37:55,982 --> 00:37:59,819
laging ibinibigay dahil
sa professionalism mo sa bawat practice.

601
00:37:59,902 --> 00:38:04,448
Kaya pag nakakita sila ng taong dedikado,
pag may nakita sila na nagsisikap,

602
00:38:04,532 --> 00:38:08,411
ibinibigay talaga nila
'yong buong tiwala nila.

603
00:38:11,122 --> 00:38:15,084
Defender siya na nanalo sa mga laban.
Napakahusay niyang kumuha ng bola sa ere.

604
00:38:15,167 --> 00:38:18,504
Halos di siya natatalo pag one-on-one.
Agresibo siya.

605
00:38:21,882 --> 00:38:25,344
Mahusay siyang magdala ng bola,
pati footwork. May technique siya…

606
00:38:26,721 --> 00:38:30,891
Magpapalipat-lipat si Rafa
na ikagugulat mo na lang.

607
00:38:30,975 --> 00:38:33,185
Bukod sa depensa, umaatake siya.

608
00:38:33,269 --> 00:38:35,813
Papasa si Rafa papunta sa goal
mula sa puwesto niya.

609
00:38:36,689 --> 00:38:39,150
Malaki 'yong naitulong niya.
Nagkakaintindihan kami.

610
00:38:39,233 --> 00:38:42,528
Isang tingin lang,
alam na namin 'yong gagawin no'ng isa.

611
00:38:45,197 --> 00:38:48,451
Nakaka-score siya sa mga set piece.

612
00:38:48,534 --> 00:38:50,536
Sa sulok ng net! Goal!

613
00:38:51,120 --> 00:38:56,167
Goal!

614
00:38:56,250 --> 00:38:58,127
IPINANALO NI RAFA ANG BARÇA

615
00:38:58,210 --> 00:39:02,214
Real Madrid ang suportado ng Mexico
no'ng naglaro ako sa Real Madrid.

616
00:39:02,298 --> 00:39:06,427
Pero lumipas ang mga taon,
at sumikat si Rafa sa Barcelona.

617
00:39:07,136 --> 00:39:11,223
Kaya sa Mexico, maraming tao
ang naging fans ng Barcelona.

618
00:39:11,932 --> 00:39:13,059
Dahil kay Rafa.

619
00:39:15,019 --> 00:39:21,192
Nakakita ako ng Mexican fans
na naghahanap ng laban ng Barcelona

620
00:39:21,275 --> 00:39:25,696
para makita kung paanong
ang napakagaling na player ng Atlas

621
00:39:25,780 --> 00:39:30,284
ay patuloy na aangat
kasama ang mga pinakamahuhusay.

622
00:39:36,082 --> 00:39:40,503
Barcelona 'yong naging tahanan ko
habang malayo ako sa pamilya ko.

623
00:39:40,586 --> 00:39:41,712
'Yon 'yong

624
00:39:42,797 --> 00:39:44,423
mga sandali…

625
00:39:45,758 --> 00:39:49,303
mahahalagang sandali
sa personal na buhay ko.

626
00:39:51,347 --> 00:39:54,725
Sa propesyonal na buhay ko,
malinaw naman, ito 'yong pinakamatagumpay.

627
00:39:54,809 --> 00:39:57,061
Napanalunan ko ang lahat sa Barcelona.

628
00:39:58,312 --> 00:40:02,983
Napakahirap na laban
dahil sa kondisyon sa field… Goal!

629
00:40:03,067 --> 00:40:09,824
Naka-goal si Márquez!

630
00:40:10,491 --> 00:40:13,494
Kunin natin ang tagumpay!
Kunin natin ang panalo!

631
00:40:13,577 --> 00:40:15,496
Kunin natin ang tatlong puntos!

632
00:40:15,579 --> 00:40:17,581
Pigilan natin 'yong mga tira!

633
00:40:17,665 --> 00:40:19,250
Tapusin natin ang La Liga,

634
00:40:19,333 --> 00:40:21,585
at ituon natin ang ating mga sarili

635
00:40:21,669 --> 00:40:25,840
sa pagdiriwang
nitong napakagandang season.

636
00:40:30,845 --> 00:40:36,016
SPANISH LEAGUE CHAMPIONS

637
00:40:44,191 --> 00:40:46,444
Makikita mo sa field na,

638
00:40:46,527 --> 00:40:49,947
bukod sa husay
na maibibigay namin sa mga laban,

639
00:40:50,030 --> 00:40:52,116
isang grupo kami ng magkakaibigan.

640
00:40:58,622 --> 00:41:00,082
Nagawa nila.

641
00:41:00,166 --> 00:41:03,419
Napanalunan ng Barça
ang kanilang ika-18 titulo sa liga.

642
00:41:03,502 --> 00:41:05,838
Final score, 0-1.

643
00:41:05,921 --> 00:41:09,967
Mahusay 'yong ipinakita ng team
hanggang sa huli. Napakasaya namin.

644
00:41:10,050 --> 00:41:11,886
Handa na kayo para sa kampeonato sa 17?

645
00:41:14,513 --> 00:41:16,474
Nandito pa rin tayo
sa Rambla de Canaletas,

646
00:41:16,557 --> 00:41:18,434
kung saan nagtipon ang libo-libong fans

647
00:41:18,517 --> 00:41:22,438
para ipagdiwang
ang ikalawang sunod na titulo ng Barça.

648
00:41:22,521 --> 00:41:25,774
Ito 'yong pinakamagandang regalo
na natanggap ko.

649
00:41:26,692 --> 00:41:28,903
Naghihintay sa kanila
ang Champions League final.

650
00:41:28,986 --> 00:41:33,407
Sa loob lang ng isang linggo,
kakalabanin nila ang Arsenal.

651
00:41:37,786 --> 00:41:40,080
May 17, 2006.

652
00:41:40,164 --> 00:41:42,666
Sa Saint-Denis, France,
ang puso ng Europe.

653
00:41:45,127 --> 00:41:47,796
Ang mapabilang
sa starting lineup ng Barcelona

654
00:41:48,422 --> 00:41:50,549
sa isang laban sa France,

655
00:41:50,633 --> 00:41:52,801
para maging kampeon ng Europe,

656
00:41:52,885 --> 00:41:57,681
ihihiwalay siya no'n
sa iba pang mga Mexican player.

657
00:41:57,765 --> 00:42:02,061
Makikita mo 'yong defensive lineup
at mapapanood maglaro si Rafa.

658
00:42:03,062 --> 00:42:04,855
Nakaramdam ako ng kapanatagan.

659
00:42:04,939 --> 00:42:07,691
Iisipin mo,
"Ayos, may Puyol tayo. May Rafa."

660
00:42:07,775 --> 00:42:10,861
Punong-puno ang stadium ngayon,
May 17. Nagsimula na.

661
00:42:10,945 --> 00:42:12,404
Naglalaro ang French…

662
00:42:12,488 --> 00:42:15,241
Napakahalaga ng naging papel ni Rafa

663
00:42:15,324 --> 00:42:16,617
kasama si Puyol,

664
00:42:17,535 --> 00:42:19,912
na bantayan si Thierry Henry,

665
00:42:19,995 --> 00:42:22,206
na talagang napakahirap noon.

666
00:42:23,541 --> 00:42:27,086
Nahirapan kami pareho kay Henry.

667
00:42:27,169 --> 00:42:29,880
Pero pag nakalagpas sa 'kin si Henry,
nando'n si Rafa.

668
00:42:29,964 --> 00:42:32,132
At pag nakalagpas siya kay Rafa,
nando'n ako.

669
00:42:32,216 --> 00:42:35,010
Kaya maganda 'yong ginawa namin do'n.

670
00:42:35,094 --> 00:42:37,096
Ipinasa niya sa harap.

671
00:42:37,179 --> 00:42:39,265
Goal!

672
00:42:39,348 --> 00:42:43,435
Napakagandang goal!

673
00:42:43,519 --> 00:42:47,523
Napakagandang goal ng Barça!

674
00:42:52,444 --> 00:42:55,990
Dapat kilalanin siya bilang isa
sa pinakamahuhusay sa kasaysayan ng soccer

675
00:42:56,073 --> 00:42:57,616
at ng Mexican soccer.

676
00:42:59,076 --> 00:43:01,829
Nandito na 'yong Cup!

677
00:43:04,123 --> 00:43:06,584
Naabot ni Rafa Márquez 'yong tugatog,

678
00:43:07,418 --> 00:43:10,838
at nasa field siya
kasama 'yong mga kampeon ng Europe.

679
00:43:11,672 --> 00:43:13,340
EUROPEAN CHAMPION 05-06

680
00:43:13,924 --> 00:43:15,843
MGA MAESTRO NG EUROPE

681
00:43:16,427 --> 00:43:18,345
ANG PRINSIPE NA NAGING HARI

682
00:43:18,929 --> 00:43:20,347
ANG GANDANG LARO!

683
00:43:20,431 --> 00:43:24,226
Sa personal kong buhay,
hindi maganda 'yong pinagdadaanan ko,

684
00:43:24,310 --> 00:43:28,105
dahil naghiwalay kami ng dati kong asawa.

685
00:43:28,188 --> 00:43:31,900
At may dalawang anak kami.

686
00:43:31,984 --> 00:43:35,946
Hindi naging madali 'yong hiwalayan.

687
00:43:36,530 --> 00:43:39,950
ANAK NI RAFA MÁRQUEZ

688
00:43:40,034 --> 00:43:44,455
Noong dalawang taon ako,
nag-divorce 'yong mga magulang ko.

689
00:43:44,538 --> 00:43:45,748
At mahirap

690
00:43:45,831 --> 00:43:50,252
bilang isang bata na panoorin siya sa TV

691
00:43:50,336 --> 00:43:52,963
o gustuhing makasama siya
dahil lagi siyang nasa trabaho.

692
00:43:53,047 --> 00:43:55,883
Pero napakabuti niyang ama.

693
00:43:57,551 --> 00:43:59,803
Oo, mahirap

694
00:43:59,887 --> 00:44:03,891
dahil sumabay 'yon
sa finals ng Champions League

695
00:44:03,974 --> 00:44:06,060
at sa parating na World Cup.

696
00:44:07,061 --> 00:44:09,104
FIFA WORLD CUP
GERMANY 2006

697
00:44:12,274 --> 00:44:13,817
Mag-hi tayo. Hello!

698
00:44:18,614 --> 00:44:21,700
Party 'to! Laban, Germany!

699
00:44:21,784 --> 00:44:23,744
Mabuhay ang Mexico!

700
00:44:24,578 --> 00:44:27,665
Ang makarating sa World Cup
kasama 'yong coaching staff,

701
00:44:27,748 --> 00:44:29,875
si Ricardo La Volpe pa noon,

702
00:44:29,958 --> 00:44:33,545
kasama 'yong mga player
na kasundong-kasundo ko,

703
00:44:33,629 --> 00:44:37,508
pakiramdam ko
'yon 'yong pinakamagandang kondisyon ko,

704
00:44:37,591 --> 00:44:39,343
sa pisikal at kaisipan.

705
00:44:39,426 --> 00:44:43,097
Ang taas ng kumpiyansa ko
dahil nanalo 'ko ng Champions League.

706
00:44:45,933 --> 00:44:50,187
Ang grupong 'yon ang isa sa pinakamalakas
na binuo para sa national team.

707
00:44:50,270 --> 00:44:53,482
Walang dudang nasa 'min ang lahat.
Mahusay na team.

708
00:44:53,565 --> 00:44:55,401
May sekreto 'yon.

709
00:44:55,484 --> 00:44:59,613
Nakasama ulit ni La Volpe
'yong mga player na kilala niya,

710
00:44:59,697 --> 00:45:03,534
na binuo niya at hinasa,
na alam 'yong pilosopiya niya.

711
00:45:03,617 --> 00:45:06,328
At siyempre,
kasama ro'n si Rafael Márquez.

712
00:45:06,412 --> 00:45:10,165
Ito 'yong panggulat na team ng World Cup.

713
00:45:10,249 --> 00:45:15,379
Pero hindi na ako 'yong Rafa Márquez
na nakilala ni La Volpe sa Atlas.

714
00:45:15,462 --> 00:45:18,132
Ako 'yong pinagkatiwalaan niya,

715
00:45:18,215 --> 00:45:20,384
'yong hindi niya sinermunan,

716
00:45:20,467 --> 00:45:22,511
dahil nakakaisip ako ng solusyon.

717
00:45:22,594 --> 00:45:26,515
At para sa 'kin,
siya 'yong haligi ng grupo,

718
00:45:26,598 --> 00:45:28,058
isang leader.

719
00:45:28,142 --> 00:45:32,354
May iba't ibang pamumuno sa isang team.
At di paninigaw 'yong kay Rafa.

720
00:45:32,438 --> 00:45:34,231
Ipinapakita niya

721
00:45:34,314 --> 00:45:37,484
'yong husay at tikas niya,
'yong mga kaalaman niya.

722
00:45:37,568 --> 00:45:40,696
Higit sa lahat, kampeon siya ng Europe
sa Barcelona, gano'n kasimple.

723
00:45:40,779 --> 00:45:46,034
'Yong laro niya no'ng World Cup na 'yon
ang pinakamahusay na nakita ko kay Rafa.

724
00:45:46,118 --> 00:45:46,994
Oo.

725
00:45:48,996 --> 00:45:52,541
'Yon 'yong pinakamasayang World Cup ko.

726
00:45:53,167 --> 00:45:57,504
Maganda 'yong resulta namin,
at nakapasok kami sa susunod na round.

727
00:45:57,588 --> 00:46:02,509
Mananalo kami, mananalo ang team na 'to

728
00:46:02,593 --> 00:46:07,765
Ayos lang, ayos lang
Babagsak ang Argentina

729
00:46:07,848 --> 00:46:10,309
Pumunta 'ko sa Argentina para maghanda.

730
00:46:10,809 --> 00:46:12,936
Inobserbahan ko 'yong mga coach.

731
00:46:13,020 --> 00:46:15,355
Kaya alam ko ang sistema ng Argentina.

732
00:46:15,439 --> 00:46:18,984
Ang tanging kalamangan namin
ay lagi namin silang pinapanood.

733
00:46:19,067 --> 00:46:20,694
Di sila nanonood ng Mexican soccer.

734
00:46:21,361 --> 00:46:24,239
Argentina!

735
00:46:26,992 --> 00:46:28,869
Isa 'yong gabing 'yon

736
00:46:28,952 --> 00:46:31,955
kung saan maaaring magbago
'yong Mexican soccer,

737
00:46:32,039 --> 00:46:33,582
tumahak ng ibang landas.

738
00:46:33,665 --> 00:46:37,669
Pwede nilang magawa
'yong matagal nang ipinagkait sa kanila.

739
00:46:38,712 --> 00:46:41,632
ROUND OF 16

740
00:46:43,175 --> 00:46:45,385
No'ng lumabas na kami sa field,

741
00:46:45,469 --> 00:46:50,474
sa mga unang minuto,
hindi alam ng Argentina kung nasaan kami.

742
00:46:50,557 --> 00:46:52,559
Pinag-aralan namin silang mabuti.

743
00:46:52,643 --> 00:46:56,271
May maganda sa laro namin,
'yong diskarte sa set piece.

744
00:46:56,855 --> 00:47:00,526
At nangyari nga 'yong free kick,
ako 'yong tumira.

745
00:47:00,609 --> 00:47:03,695
Ipinasa ni Pavel.
Naabot ng ulo ko, at si Rafa…

746
00:47:03,779 --> 00:47:07,199
Mag-isa lang ako sa harap ng poste at…

747
00:47:07,282 --> 00:47:09,827
MEXICO 1 - 0 ARGENTINA

748
00:47:13,205 --> 00:47:16,667
At litong-lito 'yong Argentina.

749
00:47:16,750 --> 00:47:19,878
Hindi nila alam 'yong nangyayari sa field.

750
00:47:20,921 --> 00:47:22,840
At pagka-goal ni Rafa Márquez,

751
00:47:22,923 --> 00:47:24,716
naisip namin

752
00:47:24,800 --> 00:47:29,179
na kakayanin na sa wakas ng team na 'to
na umabante sa World Cup

753
00:47:29,263 --> 00:47:35,477
at makaabot kung saan wala pang nangahas
sa World Cup na malayo sa bansa nila.

754
00:47:36,854 --> 00:47:38,355
Kaya lang di 'yon ang nangyari.

755
00:47:38,438 --> 00:47:41,149
Ilang minuto lang,
tumabla ang Argentina dahil sa own goal.

756
00:47:42,776 --> 00:47:45,320
MEXICO 1 - 1 ARGENTINA

757
00:47:46,113 --> 00:47:48,031
Ang tanga mo!

758
00:47:52,286 --> 00:47:53,787
Ginawa namin ang lahat.

759
00:47:54,830 --> 00:47:57,666
Akala namin
mas mahusay kami sa kalaban namin.

760
00:47:57,749 --> 00:48:02,337
Pero maya-maya, may napakagandang play,

761
00:48:02,421 --> 00:48:05,465
talagang nakakabilib.

762
00:48:05,549 --> 00:48:09,052
MEXICO 1 - 2 ARGENTINA

763
00:48:17,895 --> 00:48:22,024
Muntik na, pero makukuha namin
'yong susunod na World Cup.

764
00:48:22,107 --> 00:48:25,736
Buweno, hindi kami nanalo sa laban.
Pag hindi ka naka-score…

765
00:48:26,236 --> 00:48:30,032
Mas malakas 'yong Mexico.

766
00:48:30,657 --> 00:48:32,534
Malungkot, dismayado.

767
00:48:32,618 --> 00:48:38,248
Akala ko 'yon na 'yong World Cup na
aabot kami sa inaasam na ikalimang laban.

768
00:48:40,125 --> 00:48:42,377
Gusto kong lumayo muna

769
00:48:42,461 --> 00:48:46,173
dahil dumaan ako sa matitinding emosyon.

770
00:48:46,256 --> 00:48:49,301
Naging abala 'ko
mula no'ng Champions League…

771
00:48:49,384 --> 00:48:50,594
Lahat ng pressure…

772
00:48:51,595 --> 00:48:54,806
Gusto ko ring lumayo

773
00:48:54,890 --> 00:48:57,100
at makapagpahinga.

774
00:48:57,184 --> 00:48:58,894
Jaydy interview, take one.

775
00:48:58,977 --> 00:49:01,897
MODEL AT ASAWA NI RAFA MÁRQUEZ

776
00:49:01,980 --> 00:49:02,940
Katahimikan.

777
00:49:04,316 --> 00:49:06,360
Ako si Jaydy Michel.

778
00:49:06,443 --> 00:49:08,028
Ipinanganak ako sa Mexico,

779
00:49:08,111 --> 00:49:12,157
American 'yong nanay ko,
at ilang taon na 'kong nakatira sa Spain.

780
00:49:14,117 --> 00:49:17,996
Nakatira 'ko noon sa Madrid.
Dito siya nakatira, sa Barcelona.

781
00:49:18,080 --> 00:49:22,459
At 'yon 'yong panahon
na napapanalunan ng Barça ang lahat.

782
00:49:22,542 --> 00:49:24,628
Naaalala ko
na bagong karanasan 'yon sa 'kin.

783
00:49:24,711 --> 00:49:27,172
Sasabihin niya,
"Nanalo kami sa Champions." Gagawin ko…

784
00:49:27,756 --> 00:49:34,012
Hindi ko kasi alam kung gaano kahalaga
na mapanalunan 'yong Champions.

785
00:49:34,096 --> 00:49:38,600
Kailangan ng Barcelona
na mahusay kang maglaro

786
00:49:38,684 --> 00:49:41,812
dahil kada taon,
dinadala nila 'yong pinakamahuhusay

787
00:49:41,895 --> 00:49:43,689
para mas lumakas pa.

788
00:49:48,276 --> 00:49:53,073
Binago ulit 'yong team,

789
00:49:53,699 --> 00:49:56,118
at hindi na si Rijkaard 'yong head coach.

790
00:49:56,201 --> 00:49:58,620
At binigyan ng pagkakataon si Guardiola.

791
00:49:58,704 --> 00:50:00,664
Naiintindihan ko kung nagdududa sila.

792
00:50:00,747 --> 00:50:03,875
Pakiramdam ko,
sa loob ng isang buwan, ng ilang buwan,

793
00:50:03,959 --> 00:50:08,755
mawawala 'yong pagdududa.
Di na sila magdududa dahil handa ako.

794
00:50:08,839 --> 00:50:12,217
Simula no'n,
kinausap niya 'yong bawat isa sa 'min

795
00:50:12,300 --> 00:50:14,511
para malaman 'yong gusto namin.

796
00:50:14,594 --> 00:50:17,431
Tinanong niya, "Ano'ng gusto mong gawin?

797
00:50:17,514 --> 00:50:19,683
Gusto mo bang manatili o umalis?"

798
00:50:19,766 --> 00:50:21,977
Sabi ko, "Gusto kong manatili.

799
00:50:22,060 --> 00:50:25,439
Gusto ko rito.
Tingin ko magandang pagkakataon 'to."

800
00:50:25,522 --> 00:50:26,690
Sabi niya, "Okay.

801
00:50:27,190 --> 00:50:30,152
Pero titigil ka na sa pagpunta sa Madrid."

802
00:50:30,235 --> 00:50:31,528
Sabi ko, "Ano?"

803
00:50:32,070 --> 00:50:34,865
HIGIT PA SA ISANG CLUB

804
00:50:34,948 --> 00:50:39,119
Sabi ko, "Sige, walang problema.
Hindi na 'ko pupunta."

805
00:50:39,202 --> 00:50:44,416
Sabi niya, "Umaasa 'ko sa 'yo
dahil fan na fan ako ng play ni La Volpe.

806
00:50:44,499 --> 00:50:47,919
Nakasama mo siya.
Gusto kong ipaliwanag mo 'yon sa 'kin."

807
00:50:48,003 --> 00:50:51,006
At 'yon 'yong simula
ng isang magandang relasyon.

808
00:50:52,340 --> 00:50:55,552
Ang hirap no'n
dahil halos di kami nagkikita.

809
00:50:55,635 --> 00:50:57,262
Pinag-isipan ko 'yon.

810
00:50:57,345 --> 00:51:02,017
Gusto kong maranasan
ang isang relasyon na kasama siya.

811
00:51:02,100 --> 00:51:05,437
Sabi ko, "Pinagbawalan nila 'kong
pumunta sa Madrid.

812
00:51:05,520 --> 00:51:07,898
Kaya ikaw na ngayon 'yong dadalaw."

813
00:51:07,981 --> 00:51:10,192
Sa huli, pumayag din siya

814
00:51:10,275 --> 00:51:13,737
dahil, sa trabaho, minsan,

815
00:51:14,571 --> 00:51:19,159
nakakapanghina ng katawan
'yong mga pagbiyahe.

816
00:51:20,494 --> 00:51:21,453
Magandang gabi.

817
00:51:21,536 --> 00:51:26,750
Welcome sa isa sa pinakamagandang stadium
sa buong mundo, ang Camp Nou ng Barcelona.

818
00:51:26,833 --> 00:51:29,211
May 96,000 katao ngayong gabi

819
00:51:29,294 --> 00:51:33,173
para sa kapana-panabik
na semifinals ng Champions League.

820
00:51:39,888 --> 00:51:42,057
…si Márquez, na di makakalaro
ng dalawang buwan

821
00:51:42,140 --> 00:51:45,644
matapos makumpira ang injury
sa meniscus ng kaliwang tuhod.

822
00:51:47,354 --> 00:51:50,690
Napakamasamang balita
na di makakapaglaro si Rafa.

823
00:51:51,191 --> 00:51:52,901
Buong season siyang di makakapaglaro.

824
00:51:52,984 --> 00:51:56,571
Napakahalaga ni Rafa sa 'min,
pero palalakasin kami nito.

825
00:51:56,655 --> 00:52:00,117
Parating na
'yong pinakamahahalagang laban, at…

826
00:52:01,326 --> 00:52:02,536
napakahalaga niya sa 'min.

827
00:52:02,619 --> 00:52:04,037
Noong na-injure siya…

828
00:52:05,122 --> 00:52:09,960
sobrang lungkot niya. Tapos nalaman namin
na di siya makakalaro sa finals.

829
00:52:11,461 --> 00:52:13,171
Isa pa, kaibigan ko siya.

830
00:52:14,756 --> 00:52:16,842
Sayang na wala siya
sa pinakamagandang parte.

831
00:52:16,925 --> 00:52:18,635
Nagsipag siya buong taon.

832
00:52:18,718 --> 00:52:21,346
Umabot kami sa Cup final,
sa Champions final.

833
00:52:21,429 --> 00:52:23,932
Halos sigurado na 'yong resulta.

834
00:52:24,015 --> 00:52:25,559
'Yong 2-6…

835
00:52:25,642 --> 00:52:29,437
Parang 'yon ang pinakamasayang
dalawang buwan para tapusin lahat.

836
00:52:29,521 --> 00:52:31,314
-Nag-enjoy akong maglaro.
-Oo.

837
00:52:31,398 --> 00:52:33,567
Nag-enjoy ako sa ginawa natin…

838
00:52:33,650 --> 00:52:36,319
May mga di ako nakasama,
mahahalagang sandali,

839
00:52:36,403 --> 00:52:38,280
oo, napakalungkot no'n.

840
00:52:39,865 --> 00:52:43,368
Sa mga team na tulad ng Barça,
malingat ka lang saglit,

841
00:52:44,703 --> 00:52:48,748
di ka makalaro o ma-injure ng isang buwan,
pagbalik mo, napalitan ka na.

842
00:52:50,333 --> 00:52:51,835
Pagkatapos ng injury,

843
00:52:51,918 --> 00:52:56,214
nagkaro'n ng malaking pagbabago
sa coaching staff,

844
00:52:56,298 --> 00:52:58,425
sa kasong 'to, si Guardiola.

845
00:52:59,551 --> 00:53:01,511
Hindi niya 'ko pinaglalaro.

846
00:53:01,595 --> 00:53:04,723
Pakiramdam ko di na 'ko mahalaga,
hindi kagaya noon.

847
00:53:05,849 --> 00:53:09,728
Ni wala ako sa bench.
Pinaupo nila 'ko sa bleacher.

848
00:53:09,811 --> 00:53:12,689
Tingin mo may mga player, kasama ka na,

849
00:53:12,772 --> 00:53:16,026
na kailangang magparaya
sa mga natitirang buwan ng liga

850
00:53:16,109 --> 00:53:17,986
dahil sa di magandang performance?

851
00:53:18,069 --> 00:53:21,239
Gusto kong itanong
kung humanga ba 'yong team

852
00:53:21,323 --> 00:53:22,908
sa pagbabago ni Piqué.

853
00:53:22,991 --> 00:53:25,076
Malaki 'yong tiwala nila sa kanya

854
00:53:25,160 --> 00:53:27,829
na kasama na rin siya sa mga attack play,

855
00:53:27,913 --> 00:53:29,289
gaya ng nakikita natin ngayon.

856
00:53:30,207 --> 00:53:32,500
Tinapat niya 'ko. Sabi niya, "Alam mo?

857
00:53:32,584 --> 00:53:35,337
Wala akong problema sa 'yo.

858
00:53:35,420 --> 00:53:38,548
Walang problema sa disiplina mo.
Masipag kang mag-ensayo. Magaling ka.

859
00:53:39,132 --> 00:53:43,470
Pero ibang tao na
'yong mas pinagkakatiwalaan ako."

860
00:53:45,680 --> 00:53:49,059
Tingin ko priyoridad niya
'yong mga player niya.

861
00:53:49,142 --> 00:53:51,478
At ambisyoso ako.

862
00:53:51,561 --> 00:53:55,273
Gusto ko pang maglaro,
at ayokong nasa bench

863
00:53:55,357 --> 00:53:56,399
o nasa bleacher.

864
00:53:58,443 --> 00:54:04,199
Gusto kong magpasalamat sa lahat
at sabihing "Hanggang sa muli."

865
00:54:04,282 --> 00:54:07,410
Siguradong babalik ako sa Barcelona
at sa institusyong ito.

866
00:54:07,494 --> 00:54:08,495
Maraming salamat.

867
00:54:10,080 --> 00:54:13,625
Di ko alam kung masasagot mo,
pero alam mo ba kung saan ka pupunta,

868
00:54:13,708 --> 00:54:16,127
o pwede mo bang sabihin
kung saan ka pupunta?

869
00:54:18,338 --> 00:54:21,758
NEW YORK

870
00:54:34,312 --> 00:54:37,691
At mas pinili ko
na bumaba ng level nang konti

871
00:54:37,774 --> 00:54:39,401
at makapahinga nang konti

872
00:54:39,484 --> 00:54:41,987
matapos ang pitong taon sa Barcelona.

873
00:54:42,946 --> 00:54:45,407
Nasa punto siya ng career niya

874
00:54:45,490 --> 00:54:50,662
kung saan makakapagdesisyon na siya
base sa pinansiyal kesa sa sports.

875
00:54:52,247 --> 00:54:56,626
Hindi ko akalain na 'yong pagpapahinga,
at sa pagiging competitive ko,

876
00:54:56,710 --> 00:54:59,421
ay magdudulot sa 'kin ng pagkadismaya.

877
00:55:01,131 --> 00:55:03,675
Di ako pupuntang masaya sa practice.

878
00:55:03,758 --> 00:55:06,845
Naiinis ako. Nagagalit ako.
Aalis akong galit.

879
00:55:08,805 --> 00:55:11,558
Hindi rin ako nagustuhan sa US.

880
00:55:11,641 --> 00:55:15,520
Sa bawat lugar na pinuntahan ko,
ako 'yong pinakakinaiinisan

881
00:55:15,603 --> 00:55:17,772
dahil sa pagiging captain
ng National Team.

882
00:55:23,236 --> 00:55:26,906
Matagal niyang pinag-isipan
kung ano ang gagawin.

883
00:55:28,366 --> 00:55:29,993
Sa huli, sa palagay ko,

884
00:55:30,869 --> 00:55:33,830
'yong pakikipagsapalaran ni Rafa
sa Red Bulls,

885
00:55:33,913 --> 00:55:35,915
mas nagdulot ng lungkot kesa tuwa.

886
00:55:36,416 --> 00:55:41,171
Mali 'yong desisyon kong pumunta sa MLS
imbes na pumunta sa Juventus,

887
00:55:41,254 --> 00:55:43,590
na maaaring iba 'yong nangyari.

888
00:55:43,673 --> 00:55:47,427
Pero napagtanto kong may posibilidad

889
00:55:47,510 --> 00:55:50,180
na makapaglaro pa rin ako
sa mataas na level.

890
00:55:57,979 --> 00:56:00,273
Pagdating namin sa León,

891
00:56:00,357 --> 00:56:03,068
malaki 'yong pagbabago sa kanya

892
00:56:03,151 --> 00:56:05,653
pagdating sa pasilidad.

893
00:56:05,737 --> 00:56:07,655
Pero mukhang iyon

894
00:56:08,239 --> 00:56:12,035
'yong naglabas ulit ng karakter niya
at ng pagiging leader niya,

895
00:56:12,118 --> 00:56:14,954
ng pagiging malakas
at patunayang gusto niyang manalo.

896
00:56:19,584 --> 00:56:22,128
Masaya na 'yong Mexican fans

897
00:56:23,213 --> 00:56:25,340
makita lang si Rafa sa field.

898
00:56:25,423 --> 00:56:26,674
Isang karangalan 'yon

899
00:56:27,384 --> 00:56:30,553
at isang pagpupugay
sa naging magandang career niya.

900
00:56:33,264 --> 00:56:37,602
Si Rafa Márquez, sa unang pagkakataon
sa career niya, sa buong buhay niya,

901
00:56:37,685 --> 00:56:40,688
ay isa nang Mexican soccer champion.

902
00:56:41,231 --> 00:56:45,652
Ang León ang kampeon ng Mexican soccer!

903
00:56:45,735 --> 00:56:48,655
LEÓN, KAMPEON NG MX LEAGUE
OPENING TOURNAMENT 2013

904
00:56:48,738 --> 00:56:50,782
Naging kampeon siya sa France sa Monaco.

905
00:56:51,866 --> 00:56:55,829
Ilang beses siyang naging kampeon
sa Barcelona.

906
00:56:55,912 --> 00:56:57,914
At bumalik siya sa Mexican soccer

907
00:56:58,832 --> 00:57:00,792
para maging kampeon sa León.

908
00:57:01,584 --> 00:57:04,546
One, two, three.

909
00:57:05,296 --> 00:57:10,218
Ang magkampeon ng dalawang beses sa León
ang nagpabalik ng gana ko sa soccer,

910
00:57:10,301 --> 00:57:14,931
at malinaw na pinatunayan nito
na nando'n ako para sa mahahalagang bagay.

911
00:57:15,014 --> 00:57:19,352
Isa sa mga utang ko sa sarili ko

912
00:57:19,436 --> 00:57:22,355
ay gumawa ng kasaysayan
kasama ang National Team sa World Cup

913
00:57:22,439 --> 00:57:26,151
at makalagpas sa round of 16.

914
00:57:27,068 --> 00:57:29,070
FIFA WORLD CUP
BRAZIL 2014

915
00:57:32,365 --> 00:57:35,827
Mexico!

916
00:57:37,328 --> 00:57:39,581
Mexico!

917
00:57:47,172 --> 00:57:48,673
Napakahusay na team no'n.

918
00:57:48,756 --> 00:57:53,678
May mga mahuhusay na player
na nakakaalam sa mga play.

919
00:58:03,897 --> 00:58:08,526
Wala nang dapat sabihin pa. Nagsimula na.
Kailangan na nating patunayan.

920
00:58:08,610 --> 00:58:11,613
'Yong samahan, sakripisyo,
pagsisikap, diskarte…

921
00:58:11,696 --> 00:58:14,032
Ibibigay na natin ang lahat
simula ngayon. Laban!

922
00:58:14,115 --> 00:58:17,494
Laban!

923
00:58:17,577 --> 00:58:18,453
Sabay-sabay!

924
00:58:18,536 --> 00:58:20,371
Ingatan tayo ng Diyos. Ibigay ang lahat.

925
00:58:20,455 --> 00:58:23,958
Go, one, two, three, Mexico, go!

926
00:58:25,919 --> 00:58:27,712
May kumpiyansa kami

927
00:58:27,795 --> 00:58:31,382
dahil 'yong makalaban
'yong mahuhusay na player ng Brazil

928
00:58:31,466 --> 00:58:34,969
at maitabla 'yong laro,
binigyan kami no'n ng kumpiyansa,

929
00:58:35,053 --> 00:58:38,640
lalo na pagkatapos naming talunin
'yong Croatia.

930
00:58:44,229 --> 00:58:46,397
MEXICO 3 - 1 CROATIA

931
00:58:48,191 --> 00:58:50,693
No'ng naka-score siya, lumingon siya

932
00:58:50,777 --> 00:58:52,612
at nag-celebrate kasama namin.

933
00:58:52,695 --> 00:58:55,907
Ginawa niya 'to, nakatingala siya.

934
00:58:58,952 --> 00:59:00,787
Sabi ko, "Para sa 'kin 'yon."

935
00:59:00,870 --> 00:59:05,542
Netherlands na 'yong kasunod!
Sa nilaro ng Mexico, mananalo kami.

936
00:59:05,625 --> 00:59:08,002
Ang saya 'ko.
Pupunta kami sa Fortaleza. Bye!

937
00:59:08,086 --> 00:59:09,712
Mananalo kami sa Fortaleza.

938
00:59:19,639 --> 00:59:26,479
Mexico!

939
00:59:26,563 --> 00:59:30,900
Sa laban sa Netherlands,
sabi namin, "Mahirap silang kalaban.

940
00:59:30,984 --> 00:59:35,154
Pero sa mga ganitong klaseng kalaban
magiging mahusay ang Mexico,

941
00:59:35,238 --> 00:59:37,865
kung saan magiging maganda ang laban
at nakakagulat."

942
00:59:37,949 --> 00:59:43,580
Positibo siya. Alam kong excited na siya.

943
00:59:43,663 --> 00:59:47,542
At bilang captain, kailangan niyang
palakasin 'yong loob ng iba.

944
00:59:47,625 --> 00:59:51,337
Kaya pag di niya ipinakita
'yong mindset at pakiramdam na 'yon,

945
00:59:51,421 --> 00:59:56,301
magiging mahirap na ipagawa 'yon
sa mga kakampi niya.

946
00:59:56,384 --> 00:59:59,387
Ano'ng kailangan nating gawin
para umabante pa,

947
00:59:59,971 --> 01:00:02,056
o mapag-iwanan ulit gaya ng dati?

948
01:00:02,140 --> 01:00:03,600
Gusto kong umabante.

949
01:00:03,683 --> 01:00:05,310
Umabante tayo ngayong araw.

950
01:00:05,393 --> 01:00:06,728
Maging iba tayo.

951
01:00:06,811 --> 01:00:09,564
Maging matagumpay tayo.

952
01:00:09,647 --> 01:00:12,066
-Ibigay natin ang lahat!
-Laban!

953
01:00:14,193 --> 01:00:17,947
ROUND OF 16
MEXICO VS NETHERLANDS

954
01:00:18,531 --> 01:00:19,616
"Oras na natin.

955
01:00:19,699 --> 01:00:23,578
Ngayon, mas malapit na tayo
sa inaasam natin,

956
01:00:23,661 --> 01:00:26,080
ang makarating sa ikalimang laban."

957
01:00:26,164 --> 01:00:27,832
Ang taas ng kumpiyansa namin.

958
01:00:32,503 --> 01:00:34,881
MEXICO 1 - 0 NETHERLANDS

959
01:00:39,552 --> 01:00:44,682
Tapos bumaba 'yong focus namin,
'yong pagpupursigi namin.

960
01:00:44,766 --> 01:00:46,643
Tumigil 'yong paniniwala namin.

961
01:00:46,726 --> 01:00:49,646
Doon na nagising 'yong kalaban.

962
01:00:51,689 --> 01:00:56,235
Hanggang sa tumabla na,
at doon na lumabas 'yong pag-aalinlangan.

963
01:00:56,319 --> 01:01:01,491
Bumalik sa isip ko
na magiging gano'n ulit 'yong sitwasyon,

964
01:01:01,574 --> 01:01:03,826
na mauulit na naman.

965
01:01:04,535 --> 01:01:07,747
Pagkatapos no'n,
alam na natin 'yong nangyari.

966
01:01:14,879 --> 01:01:16,756
Tinamaan ko raw si Robben.

967
01:01:18,341 --> 01:01:22,136
Pero alam nating lahat 'yong ginawa niya,

968
01:01:22,220 --> 01:01:25,723
mula sa simpleng depensa
na nagresulta sa penalty.

969
01:01:27,016 --> 01:01:30,978
Para sa 'kin, hindi 'yon penalty.

970
01:01:31,062 --> 01:01:34,565
"Hindi," sabi ko.
"Hindi penalty 'yon, pasaway."

971
01:01:41,239 --> 01:01:43,199
Taong 2014

972
01:01:43,783 --> 01:01:45,618
June 29

973
01:01:46,119 --> 01:01:48,287
Ang magandang araw ng Brazil

974
01:01:48,371 --> 01:01:50,832
Mukha nila'y parang niyebe

975
01:01:50,915 --> 01:01:52,834
Pinagpalang National Team

976
01:01:53,334 --> 01:01:55,169
Hindi kapani-paniwala

977
01:01:55,670 --> 01:01:57,547
Pinamumunuan sila ni Piojo

978
01:01:58,047 --> 01:02:00,133
Papunta sa kampeonato

979
01:02:00,216 --> 01:02:02,760
-Hindi penalty 'yon, hindi.
-Hindi penalty.

980
01:02:02,844 --> 01:02:05,179
-Hindi penalty 'yon.
-Hindi talaga.

981
01:02:05,263 --> 01:02:06,723
Hindi penalty 'yon!

982
01:02:07,932 --> 01:02:09,058
Hindi penalty 'yon!

983
01:02:09,726 --> 01:02:10,935
Hindi penalty 'yon!

984
01:02:11,018 --> 01:02:13,187
Sumabay ang publiko

985
01:02:13,688 --> 01:02:15,940
Sa palakpakang ito

986
01:02:20,278 --> 01:02:24,824
Lintik na Dutch
Tinanggal kami sa World Cup

987
01:02:24,907 --> 01:02:30,163
Sa mali nilang penalty
At masamang hangarin

988
01:02:30,246 --> 01:02:32,290
Best actor si Robben

989
01:02:32,373 --> 01:02:34,125
Bulag naman ang referee

990
01:02:34,834 --> 01:02:39,505
Ang mga pinaghirapan, binasura ng mangmang

991
01:02:40,715 --> 01:02:43,092
Paalala lang, hindi penalty 'yon.

992
01:02:47,221 --> 01:02:49,557
HINAYAAN NG MEXICO NA SILA AY MA-"ROBBEN"

993
01:02:49,640 --> 01:02:54,061
Nangyari 'yon sa pinakamahalagang sandali.

994
01:02:54,145 --> 01:02:56,481
Naro'n 'yong pinakamahuhusay na player…

995
01:02:58,733 --> 01:03:00,234
kung saan sila nararapat.

996
01:03:00,735 --> 01:03:04,822
Sa isang punto, naisip niya
na 'yon na 'yong huling World Cup niya

997
01:03:04,906 --> 01:03:07,074
at 'yon na siguro…

998
01:03:07,158 --> 01:03:09,660
Nakakalungkot na magtapos nang gano'n.

999
01:03:10,453 --> 01:03:13,790
Pero puno ng sorpresa ang buhay.

1000
01:03:13,873 --> 01:03:20,254
Pag ginagawa mo nang tama ang mga bagay,
hinuhusayan mo, at ibinibigay ang lahat,

1001
01:03:20,755 --> 01:03:23,591
magugulat ka sa sarili mo.

1002
01:03:31,307 --> 01:03:34,852
Siguro maraming nakakakilala sa 'kin
bilang si Rafa Márquez na player,

1003
01:03:34,936 --> 01:03:37,647
'yong lalaking may gano'ng profile,
may seryosong mukha,

1004
01:03:37,730 --> 01:03:39,357
na laging team captain,

1005
01:03:39,440 --> 01:03:41,359
'yong nagpapakita ng halimbawa,

1006
01:03:41,442 --> 01:03:43,444
'yong leader, 'yong nanenermon,

1007
01:03:43,945 --> 01:03:45,863
pero ang totoo, iba 'ko ro'n.

1008
01:03:46,989 --> 01:03:50,284
Masaya 'kong kasama.
Masayahin ako. Nakakatawa 'ko.

1009
01:03:51,994 --> 01:03:55,331
Nagjo-joke ako. Ibang-iba 'ko.

1010
01:03:56,499 --> 01:03:57,458
Mag-joke ka nga.

1011
01:03:59,544 --> 01:04:03,381
Hindi, dapat dala ko 'yong kodigo ko.

1012
01:04:04,006 --> 01:04:09,178
Sosorpresahin natin 'yong mga bata
sa Rafa Márquez Foundation.

1013
01:04:09,679 --> 01:04:11,931
At nakasuot ako ng Batman!

1014
01:04:12,014 --> 01:04:14,725
Trabaho ko na ipagtanggol ang mundo.

1015
01:04:16,352 --> 01:04:17,311
Si Rafa 'yan.

1016
01:04:17,395 --> 01:04:20,898
-Iligtas ang mga nangangailangan.
-Iligtas ang Atlas.

1017
01:04:23,401 --> 01:04:25,278
Napakahirap no'n.

1018
01:04:29,073 --> 01:04:30,950
Naglalakad kasama ang pamilya.

1019
01:04:31,033 --> 01:04:33,744
-Kayong tatlo sa likod.
-Akin na 'yan.

1020
01:04:36,205 --> 01:04:37,999
Bumisita kami sa Tlaquepaque.

1021
01:04:38,082 --> 01:04:42,587
Importante sa 'kin ang Tlaquepaque.
Do'n nanggaling 'yong tatay ko

1022
01:04:43,170 --> 01:04:46,841
at kung saan ako naging masaya
no'ng kabataan ko.

1023
01:04:46,924 --> 01:04:50,511
Gusto kong malaman 'yon ng pamilya ko,
ng mga anak ko.

1024
01:04:51,012 --> 01:04:54,682
At 'yon 'yong sinundang araw bago namin

1025
01:04:55,224 --> 01:04:57,143
natanggap 'yong masamang balita.

1026
01:05:02,064 --> 01:05:06,736
AUGUST 9

1027
01:05:06,819 --> 01:05:09,363
Ipinatawag ako sa prosecutor's office.

1028
01:05:09,447 --> 01:05:11,490
Sabi nila,
"Tumawag sila mula sa Mexico City

1029
01:05:11,574 --> 01:05:15,411
dahil gusto kang makausap
ng Attorney General.

1030
01:05:15,494 --> 01:05:16,913
Kailangan mong pumunta."

1031
01:05:18,748 --> 01:05:20,166
Sabi ko, "Tungkol saan?"

1032
01:05:20,249 --> 01:05:23,711
Sabi nila, "Hindi ko pwedeng sabihin,

1033
01:05:23,794 --> 01:05:26,339
pero ipinapayo kong pumunta ka."

1034
01:05:26,422 --> 01:05:29,258
Miyerkoles, August 9, 2017.

1035
01:05:29,759 --> 01:05:33,596
Di ko alam kung maaalala natin ang petsa,
pero maaalala natin ang araw.

1036
01:05:33,679 --> 01:05:34,889
Madaling sabihin,

1037
01:05:34,972 --> 01:05:37,558
pero ngayon ang araw na ang gobyerno ng US

1038
01:05:37,642 --> 01:05:39,810
ay inakusahan
ang dalawang iniidolong Mexican,

1039
01:05:39,894 --> 01:05:42,229
dalawang sikat na iniidolong Mexican,

1040
01:05:42,313 --> 01:05:45,274
isa sa sports, at isa naman sa music,

1041
01:05:45,358 --> 01:05:48,402
inakusahan ng US Department of Treasury

1042
01:05:48,486 --> 01:05:52,281
sa pagiging mga money launderer
sa mga kartel ng droga.

1043
01:05:52,365 --> 01:05:53,991
Nakakita kami ng mga tweet

1044
01:05:54,075 --> 01:05:57,411
at sinasabi ng US media
na may prominenteng personalidad

1045
01:05:57,495 --> 01:05:59,163
na kasama sa OFAC list,

1046
01:05:59,246 --> 01:06:02,625
ito 'yong blacklist ng gobyerno ng US

1047
01:06:02,708 --> 01:06:05,252
para pangalanan 'yong mga terorista

1048
01:06:05,336 --> 01:06:07,964
at may mga kaugnayan sa drug trafficking.

1049
01:06:08,047 --> 01:06:10,424
Kilala si Raúl Flores bilang "Uncle."

1050
01:06:10,508 --> 01:06:13,636
At matagal na panahon siyang hindi nakita,

1051
01:06:13,719 --> 01:06:17,139
pero no'ng nakaraang tatlong linggo,
inaresto siya sa Jalisco.

1052
01:06:17,223 --> 01:06:22,144
Ang DEA at US Treasury Department
ay kinilala ang 64 anyos na si Raúl Flores

1053
01:06:22,228 --> 01:06:24,605
bilang leader ng Flores criminal group.

1054
01:06:24,689 --> 01:06:27,900
Kinasuhan siya ng drug trafficking
at money laundering.

1055
01:06:28,484 --> 01:06:29,860
ABOGADO NI RAFA MÁRQUEZ

1056
01:06:29,944 --> 01:06:32,321
Nakatanggap kami ng tatay ko
ng tawag kay Rafa,

1057
01:06:32,405 --> 01:06:35,533
hinihiling niya na magkita kami

1058
01:06:35,616 --> 01:06:37,785
o makipagkita sa kanya sa kung saan

1059
01:06:37,868 --> 01:06:42,164
para pag-usapan itong kumalat
na bagong-bagong isyu.

1060
01:06:43,416 --> 01:06:45,251
Sa file ng imbestigasyon,

1061
01:06:45,334 --> 01:06:48,796
may sinundan silang koneksiyon
ng lahat ng taong sangkot.

1062
01:06:48,879 --> 01:06:54,468
At pag may senyales
na nagkalapit kayo ng taong ito,

1063
01:06:55,553 --> 01:06:56,887
dawit ka na sa imbestigasyon.

1064
01:06:57,722 --> 01:07:01,600
Malaking dagok 'yon,
siyempre, para sa imahe niya

1065
01:07:01,684 --> 01:07:04,186
dahil kagulat-gulat na balita 'yon.

1066
01:07:04,270 --> 01:07:08,149
"Rafa Márquez, may kaugnayan
sa drug-trafficking money."

1067
01:07:08,232 --> 01:07:11,736
Mukhang nasa malaking gulo
sina Rafa Márquez at Julión.

1068
01:07:12,278 --> 01:07:15,281
Maaari silang makulong sa parehong lugar,

1069
01:07:15,364 --> 01:07:16,949
sa US at Mexico.

1070
01:07:17,033 --> 01:07:20,494
Ang pagkakasama sa listahang 'yon
ay, kahit saglit lang,

1071
01:07:20,578 --> 01:07:21,912
ang pagkalugi niya.

1072
01:07:21,996 --> 01:07:24,040
Sabi namin idedepensa namin siya,

1073
01:07:24,123 --> 01:07:26,834
na dapat mag-jersey siya,
ito ang pinakamalaking laban niya.

1074
01:07:26,917 --> 01:07:29,086
Ang Prosport & Health Clinic

1075
01:07:29,170 --> 01:07:33,632
ay isa sa mga kumpanya
na inulat ng US Treasury Department

1076
01:07:33,716 --> 01:07:38,721
para sa diumano'y kaugnayan nito sa mga
miyembro ng Raúl Flores criminal gang.

1077
01:07:38,804 --> 01:07:43,350
Ang klinikang ito na nasa Minerva sa
Guadalajara ay tatlong taon nang aktibo.

1078
01:07:43,434 --> 01:07:46,937
Ang mga may-ari nito
ay sina Rafael Márquez at Luis Fossati,

1079
01:07:47,021 --> 01:07:49,940
na naging physician ng Guadalajara Chivas.

1080
01:07:50,024 --> 01:07:53,903
Lumabas 'yong balita no'ng August 8, 2017.

1081
01:07:53,986 --> 01:07:57,448
At no'ng August 9, tumigil na sa pagpunta
'yong kalahati ng mga pasyente.

1082
01:07:57,531 --> 01:08:00,951
Nag-training ako no'ng araw na 'yon,
si Rafa, hindi.

1083
01:08:01,035 --> 01:08:03,704
Tinatawagan ko, "Kumusta?
Okay ka lang ba? Nasaan ka?"

1084
01:08:03,788 --> 01:08:05,206
Hindi siya makontak.

1085
01:08:07,041 --> 01:08:10,419
Ngayong araw, ilang news outlet

1086
01:08:10,503 --> 01:08:13,380
ang nagbalita na ako ay iniimbestigahan

1087
01:08:13,464 --> 01:08:17,301
ng US Treasury Department.

1088
01:08:17,384 --> 01:08:21,388
Sa usaping 'yon, itinatanggi ko
ang anumang uri ng kaugnayan

1089
01:08:21,472 --> 01:08:23,265
sa anumang organisasyon

1090
01:08:23,349 --> 01:08:27,228
at sa mga bagay
na inilabas sa ilang pahayagan.

1091
01:08:27,311 --> 01:08:29,605
Kailangan naming linisin 'yon,

1092
01:08:29,688 --> 01:08:31,649
at ipaliwanag sa publiko

1093
01:08:31,732 --> 01:08:34,401
na hindi lahat ng kinasuhan
ay nagkasala na.

1094
01:08:34,485 --> 01:08:37,238
Nilamon na ng drug trafficking
ang lipunan ng Mexico.

1095
01:08:37,321 --> 01:08:41,450
Namumuhay ang lipunan nang may droga,
sa mismong kultura nito.

1096
01:08:41,534 --> 01:08:44,328
Kaya maraming galamay
'yong mga drug trafficker

1097
01:08:44,411 --> 01:08:47,164
na umaabot sa maraming lugar,
nang maraming beses,

1098
01:08:47,248 --> 01:08:49,375
at, siyempre, sa mga negosyo.

1099
01:08:51,377 --> 01:08:53,796
Sa Guadalajara, sa lipunan,

1100
01:08:53,879 --> 01:08:56,298
hindi mo makikilala 'yong kaharap mo.

1101
01:08:56,382 --> 01:09:00,344
Hindi mo alam
kung sino 'yong mga nakilala mo.

1102
01:09:00,427 --> 01:09:02,930
'Yong iba, nagpapanggap na mga negosyante,

1103
01:09:03,013 --> 01:09:06,433
'yong iba, bilang kaibigan
ng mga negosyante,

1104
01:09:06,517 --> 01:09:11,438
at nakakahalubilo nila
'yong matataas sa lipunan, sa gobyerno.

1105
01:09:11,522 --> 01:09:14,233
Pero gaano mo ba kakilala si Raúl Flores?

1106
01:09:15,568 --> 01:09:17,820
Bilang kaibigan.

1107
01:09:17,903 --> 01:09:22,199
Kasama siya sa grupo
na nakakasama ko sa Guadalajara.

1108
01:09:22,283 --> 01:09:25,911
Pero 'yong anak ni Raúl Flores
'yong tinutukoy natin, tama?

1109
01:09:25,995 --> 01:09:26,912
Oo.

1110
01:09:26,996 --> 01:09:30,124
-Pero naiugnay ka…
-Sa tatay, tama.

1111
01:09:30,207 --> 01:09:31,083
Bakit?

1112
01:09:32,001 --> 01:09:35,629
Dahil siya 'yong kingpin sa…

1113
01:09:36,130 --> 01:09:37,506
imbestigasyon na 'yon.

1114
01:09:37,590 --> 01:09:42,761
Lumabas 'yon
dahil sa nabili kong property.

1115
01:09:43,262 --> 01:09:44,138
Ano 'yon?

1116
01:09:44,221 --> 01:09:45,306
Kapirasong lupa.

1117
01:09:45,806 --> 01:09:47,933
-Sa Guadalajara?
-Oo, sa Guadalajara.

1118
01:09:48,017 --> 01:09:52,354
Marami sa mga property,
lalo na sa bagong lugar sa Guadalajara,

1119
01:09:52,438 --> 01:09:56,066
ay pag-aari ng isang kilalang tao.

1120
01:09:56,150 --> 01:09:58,986
-Nino?
-Ni Caro Quintero.

1121
01:10:00,821 --> 01:10:04,533
Naisip ko na magandang pagkakataon 'yon
para bumili ng lupa,

1122
01:10:05,451 --> 01:10:08,370
kaya lang pag-aari pala 'yon ng taong ito.

1123
01:10:10,206 --> 01:10:13,042
'Yong pagkalat ng mga balita

1124
01:10:13,125 --> 01:10:19,215
ang naglagay sa alanganin
kung mananatiling buo 'yong legacy niya.

1125
01:10:19,298 --> 01:10:22,384
Ngayong araw, ang Mexican
Football Federation at MX League

1126
01:10:22,468 --> 01:10:24,470
ay kinilala ang career ni Rafa Márquez

1127
01:10:24,553 --> 01:10:29,975
at sinabing tiwala silang lilinawin niya
ang sitwasyon sa mga awtoridad

1128
01:10:30,059 --> 01:10:32,853
at ibibigay nila
ang kanilang buong suporta.

1129
01:10:32,937 --> 01:10:35,689
Matapos ang nangyari ngayon,
si Rafa Márquez ay hindi na

1130
01:10:35,773 --> 01:10:38,192
magiging captain ng National Team.

1131
01:10:38,275 --> 01:10:39,485
Napakakomplikado.

1132
01:10:39,568 --> 01:10:43,322
Mas naging inspirasyon na siya
sa locker room kesa sa field.

1133
01:10:44,240 --> 01:10:45,407
'Yong Federation…

1134
01:10:45,491 --> 01:10:50,329
Sa huli,
pribadong institusyon 'yong Federation.

1135
01:10:50,412 --> 01:10:53,582
Isang pribadong korporasyon

1136
01:10:53,666 --> 01:10:57,544
na may economic interest,
na kung wala 'yon, di 'yon tatagal.

1137
01:10:57,628 --> 01:11:02,174
Kaya nasa pagitan ka
ng pagsuporta sa player

1138
01:11:02,258 --> 01:11:06,178
dahil gusto mo, pero di mo magawa
dahil sa mga brand na 'to.

1139
01:11:06,262 --> 01:11:09,014
DUMISTANSIYA ANG MGA SPONSOR KAY MÁRQUEZ
MGA BRAND, UMATRAS

1140
01:11:09,098 --> 01:11:11,934
'Yong mga sponsor niya noon,
at naglalaro pa siya no'n,

1141
01:11:12,017 --> 01:11:15,604
kinansela 'yong mga kontrata niya,
ng Nike, Gillette…

1142
01:11:16,105 --> 01:11:20,276
na mahalagang income
para sa isang soccer player na tulad niya.

1143
01:11:20,359 --> 01:11:24,488
Mabigat na dagok 'yon sa imahe niya.

1144
01:11:24,571 --> 01:11:29,535
Sa isang saglit, bayani ka,
at kasunod, napakasamang kriminal na.

1145
01:11:29,618 --> 01:11:32,413
At maaapektuhan no'n 'yong mood mo.

1146
01:11:34,832 --> 01:11:39,128
Namumuhay ako noon
sa isang di patas na kadiliman.

1147
01:11:39,628 --> 01:11:43,132
Nagkulong ako ng isang buwan
sa loob ng bahay ko.

1148
01:11:43,632 --> 01:11:48,387
At doon na mag-uumpisang
gumulo 'yong utak mo.

1149
01:11:48,470 --> 01:11:50,222
Mapupuno ng alalahanin.

1150
01:11:50,306 --> 01:11:53,517
"Pa'no kung ganito o ganyan
'yong mangyari? Ano'ng iisipin nila?"

1151
01:11:53,600 --> 01:11:56,812
Magkukulong ako sa banyo para umiyak.

1152
01:12:04,236 --> 01:12:06,488
Sa tingin ko tama naman 'yon, di ba?

1153
01:12:06,572 --> 01:12:08,907
Na maramdaman 'yon, kasi pakiramdam mo…

1154
01:12:09,450 --> 01:12:12,411
Hindi mo alam kung ano'ng mangyayari.

1155
01:12:12,494 --> 01:12:14,204
Ang laki ng ipinayat niya.

1156
01:12:14,288 --> 01:12:17,333
Nawalan siya ng mga kaibigan.
Nawala ang lahat.

1157
01:12:27,968 --> 01:12:33,599
Mabuti na lang nando'n si Leonardo,
na kapapanganak lang, at siya 'yong…

1158
01:12:34,850 --> 01:12:36,518
Pinasaya niya 'yong bahay.

1159
01:12:36,602 --> 01:12:41,190
Siya 'yong nagpalakas sa 'min, at
naging rason para gumising ako sa umaga.

1160
01:12:46,904 --> 01:12:48,906
Ano'ng ginagawa ni Papa, anak?

1161
01:12:59,708 --> 01:13:01,377
Bravo!

1162
01:13:01,919 --> 01:13:02,961
Ang galing!

1163
01:13:03,712 --> 01:13:06,882
Hanggang isang araw,
sinabi ko sa asawa ko, "Alam mo?

1164
01:13:06,965 --> 01:13:08,967
Walang rason para magkulong sa bahay.

1165
01:13:09,051 --> 01:13:12,137
Kailangan nating lumabas.
Kumain tayo sa labas."

1166
01:13:12,221 --> 01:13:17,726
Pumunta kami sa paborito kong restaurant
sa Guadalajara.

1167
01:13:17,810 --> 01:13:21,063
Gaya ng inaasahan, pinagtinginan kami.

1168
01:13:21,146 --> 01:13:24,066
Nakamasid sila habang sinusubukan namin

1169
01:13:24,817 --> 01:13:25,984
na mag-enjoy,

1170
01:13:26,068 --> 01:13:31,448
magkaro'n ng masayang hapunan gaya noon.

1171
01:13:31,532 --> 01:13:34,201
At no'ng hiningi ko na 'yong bill…

1172
01:13:37,496 --> 01:13:40,165
agad-agad, sabi nila,
"Wala na pong babayaran.

1173
01:13:40,249 --> 01:13:43,001
Binayaran na po
no'ng lalaki sa mesang 'yon.

1174
01:13:43,544 --> 01:13:45,170
At 'yong nasa mesang 'yon…

1175
01:13:52,594 --> 01:13:56,807
Saka pinabibigyan kayo ng maiinom
no'ng lalaki sa kabilang mesa."

1176
01:13:57,683 --> 01:13:59,518
At 'yong may-ari ng restaurant,

1177
01:14:00,394 --> 01:14:01,520
sabi niya,

1178
01:14:01,603 --> 01:14:03,939
"Bahay mo 'to. Lagi kang welcome dito.

1179
01:14:05,065 --> 01:14:09,486
Kahit ano'ng mangyari, bahay mo 'to,
at hindi mo kailangang magbayad."

1180
01:14:11,822 --> 01:14:13,949
At lahat ng 'to,

1181
01:14:15,075 --> 01:14:18,245
ikinatuwa ko kasi, sa huli,
may mga naniniwala sa 'yo.

1182
01:14:18,328 --> 01:14:20,747
Lahat ng ginawa mo, lahat ng pagsisikap,

1183
01:14:20,831 --> 01:14:22,332
lahat ng paghihirap mo,

1184
01:14:23,500 --> 01:14:27,129
sulit lahat 'yon,
at pinagkakatiwalaan ka ng mga tao.

1185
01:14:28,046 --> 01:14:30,257
Sa kabila ng lahat ng mga naibalita,

1186
01:14:31,508 --> 01:14:34,970
alam nilang inosente ka
sa sitwasyon na 'yon.

1187
01:14:35,053 --> 01:14:36,555
Sa huli…

1188
01:14:40,392 --> 01:14:44,104
kailangan mong magpatuloy,
at malaman na pansamantala lang 'yon.

1189
01:14:44,188 --> 01:14:48,317
Sa loob ko,
alam ko na pansamantala lang 'to.

1190
01:14:48,400 --> 01:14:50,777
Palapit na nang palapit 'yong World Cup.

1191
01:14:51,570 --> 01:14:54,573
Si Márquez pa rin 'yong leader ng team.

1192
01:14:54,656 --> 01:14:57,743
Siya pa rin 'yong kanang kamay
ni Coach Juan Carlos Osorio.

1193
01:14:57,826 --> 01:15:00,454
Di namin alam
kung maglalaro pa siya ulit ng soccer

1194
01:15:00,537 --> 01:15:04,458
o kung sa ganitong paraan na
magreretiro 'yong captain natin,

1195
01:15:05,042 --> 01:15:06,460
nang palihim.

1196
01:15:07,753 --> 01:15:09,671
Alam nating lahat na si Márquez,

1197
01:15:10,422 --> 01:15:13,175
deserve niyang maglaro
sa ikalimang World Cup.

1198
01:15:13,258 --> 01:15:15,511
Gusto kong magtanong
tungkol sa kaso ni Rafa.

1199
01:15:15,594 --> 01:15:16,929
Sa nakaraang kalahating taon,

1200
01:15:17,012 --> 01:15:19,932
iniisip namin kung maglalaro si Rafa
sa ikalima niyang World Cup.

1201
01:15:20,015 --> 01:15:21,725
Nakausap n'yo na ba siya?

1202
01:15:21,808 --> 01:15:23,560
Malinaw niyang ipinahayag,

1203
01:15:23,644 --> 01:15:28,941
at makikita n'yong
gusto niyang tumulong sa National Team.

1204
01:15:29,816 --> 01:15:34,780
Naniniwala kami at umaasa,
tulad ng lahat, na magkakaro'n ng desisyon

1205
01:15:34,863 --> 01:15:37,491
base sa maibibigay niyang suporta sa team.

1206
01:15:38,242 --> 01:15:40,118
Walong midfielder,

1207
01:15:41,161 --> 01:15:42,663
sina Jesús Molina,

1208
01:15:43,830 --> 01:15:45,374
Rafael Márquez,

1209
01:15:45,874 --> 01:15:46,833
Andrés Guardado…

1210
01:15:46,917 --> 01:15:48,460
Nasa listahan tayo.

1211
01:15:48,544 --> 01:15:49,586
Kasama tayo.

1212
01:15:54,508 --> 01:15:57,761
FIFA WORLD CUP
RUSSIA 2018

1213
01:16:09,106 --> 01:16:12,109
Alam kong malulutas din 'yon
sa takdang panahon.

1214
01:16:12,192 --> 01:16:16,321
At nakapagretiro ako
pagkatapos maglaro sa huling World Cup.

1215
01:16:16,822 --> 01:16:20,659
Hindi ako nagpuslit ng pera.
Wala akong kaugnayan sa mga kartel.

1216
01:16:20,742 --> 01:16:22,536
Kailangan kong patunayan,

1217
01:16:22,619 --> 01:16:25,664
sa bawat dokumento, sa bawat sentimo,

1218
01:16:25,747 --> 01:16:30,043
sa perang pumasok at lumabas,
kung saan nanggaling at saan pupunta.

1219
01:16:30,836 --> 01:16:35,173
At sa huli,
binigyan lang ako ng sulat nitong opisina

1220
01:16:35,674 --> 01:16:39,469
na tapos na raw 'yong imbestigasyon
at wala akong kasalanan.

1221
01:16:39,553 --> 01:16:42,764
At malinaw na wala akong ginawang mali.

1222
01:16:42,848 --> 01:16:47,311
Ang Mexican Treasury
Financial Intelligence Unit

1223
01:16:47,394 --> 01:16:53,108
ay tinanggal na si Rafael Márquez
sa listahan ng mga blacklisted.

1224
01:16:53,191 --> 01:16:56,153
Noong September 2021,
pagkatapos ng pandemic,

1225
01:16:56,236 --> 01:17:01,074
nalaman namin
sa simpleng update sa OFAC website

1226
01:17:02,034 --> 01:17:05,412
na tinanggal na
'yong pangalan niya sa listahan.

1227
01:17:05,495 --> 01:17:06,580
At gano'n lang.

1228
01:17:06,663 --> 01:17:08,707
Hindi 'yon naging malaking balita.

1229
01:17:08,790 --> 01:17:12,753
Hindi 'yon pinagpiyestahan ng media
kumpara no'ng nagsimula 'yon.

1230
01:17:12,836 --> 01:17:18,050
'Yong magagandang balita, di masyadong
maingay kumpara sa masasamang balita.

1231
01:17:21,136 --> 01:17:23,722
Márquez!

1232
01:17:26,600 --> 01:17:31,813
Nagawa kong makapagpaalam
sa pinakamamahal kong club

1233
01:17:31,897 --> 01:17:33,440
sa Jalisco Stadium.

1234
01:17:38,695 --> 01:17:41,239
Nagpugay ang Mexican fans
sa isa sa mga bayani nito.

1235
01:17:41,323 --> 01:17:42,991
Isang legend ang taong ito,

1236
01:17:43,075 --> 01:17:46,787
hindi lang sa kasaysayan ng Atlas,
kundi sa Mexican soccer.

1237
01:17:46,870 --> 01:17:48,705
Isang Mexican soccer idol.

1238
01:17:52,292 --> 01:17:56,171
Bukod sa ituring ito
na isang madilim na pangyayari,

1239
01:17:56,254 --> 01:17:59,174
dapat tingnan ko 'to
bilang magandang leksiyon

1240
01:17:59,257 --> 01:18:00,967
at isang magandang karanasan.

1241
01:18:09,184 --> 01:18:13,814
Ang pinakamagandang payo ng tatay ko
ay wag gawin ang mga bagay nang bara-bara.

1242
01:18:13,897 --> 01:18:16,316
Pag may ginagawa ka, gawin mo nang tama.

1243
01:18:17,150 --> 01:18:18,902
At ngayon, bilang coach,

1244
01:18:19,403 --> 01:18:22,280
araw-araw kong kinukumbinsi
'yong mga player

1245
01:18:22,781 --> 01:18:26,868
na galingan nila,
ibigay 'yong pinakamahusay nila,

1246
01:18:26,952 --> 01:18:32,916
sunggaban 'yong pagkakataon, at siyempre,
maging professional, disiplinado,

1247
01:18:32,999 --> 01:18:35,252
magsumikap, magsakripisyo…

1248
01:18:35,335 --> 01:18:38,672
At para sa 'kin,
"attitude" ang tawag do'n.

1249
01:18:40,924 --> 01:18:42,801
Kaya kong maging mabait sa lahat,

1250
01:18:43,885 --> 01:18:45,804
manahimik sa isang sulok.

1251
01:18:47,681 --> 01:18:51,351
Di man ako mukhang marahas
o parang isang naninipang higante,

1252
01:18:51,852 --> 01:18:54,271
pero pag nasa field ako, nananalo ako.

1253
01:18:54,980 --> 01:18:57,023
At pag di ako nanalo, panalo ako.

1254
01:18:58,150 --> 01:19:00,485
At kahit natalo ako, panalo ako.

1255
01:19:00,986 --> 01:19:05,532
Isa siya sa mga pinakamahuhusay
na soccer player.

1256
01:19:05,615 --> 01:19:08,201
Isa siyang leader buong buhay niya.

1257
01:19:08,285 --> 01:19:11,580
Higit pa sa kakampi, isang kapatid,
gaya ng tawagan namin.

1258
01:19:12,080 --> 01:19:13,874
Napakahusay ni Rafa.

1259
01:19:13,957 --> 01:19:17,836
Anumang gawin niya,
gagawin niya nang tama at huhusayan niya.

1260
01:19:18,754 --> 01:19:24,009
Ang mensahe na, sigurado ako,
ibibigay namin palagi ni Rafa ay

1261
01:19:24,718 --> 01:19:27,429
dapat magtulungan ang mga Mexican

1262
01:19:28,013 --> 01:19:31,975
dahil napatunayan na namin
na may kahusayan, may talento,

1263
01:19:32,476 --> 01:19:35,687
at kaya nating maging kasinggaling
o mas magaling pa

1264
01:19:36,188 --> 01:19:38,690
sa pinakamahuhusay na player sa mundo.

1265
01:19:38,774 --> 01:19:41,193
At, siyempre, isa si Rafa sa kanila.

1266
01:19:41,276 --> 01:19:43,111
Magbago ng direksiyon. Ganyan.

1267
01:19:44,237 --> 01:19:45,906
Patingin!

1268
01:19:46,490 --> 01:19:47,699
Lakas ng loob,

1269
01:19:48,533 --> 01:19:50,285
determinasyon,

1270
01:19:50,368 --> 01:19:51,745
pananalig,

1271
01:19:53,246 --> 01:19:54,790
pagkakasunod-sunod.

1272
01:19:54,873 --> 01:19:56,208
Pag nagsasalita siya,

1273
01:19:57,000 --> 01:19:58,710
nakikinig ang lahat.

1274
01:20:00,003 --> 01:20:01,254
Siya ang kapitan.

1275
01:20:02,714 --> 01:20:04,174
-Si Rafa Márquez.
-Bravo!

1276
01:20:04,257 --> 01:20:05,175
Ang ganda no'n.

1277
01:20:09,429 --> 01:20:11,181
Rafa, may sasabihin ka pa ba?

1278
01:20:11,264 --> 01:20:13,683
Bibigyan kita ng joke, para tapusin 'to.

1279
01:20:16,186 --> 01:20:17,604
Alam mo ba

1280
01:20:18,271 --> 01:20:20,899
'yong tawag ng cowboy
sa anak niyang babae?

1281
01:20:22,567 --> 01:20:23,401
Ano?

1282
01:20:23,485 --> 01:20:24,736
Yee-ha! Tara na!

1283
01:20:35,789 --> 01:20:38,458
Ano'ng tingin mo kay Rafa ngayon?
Saan ang mararating niya?

1284
01:20:38,542 --> 01:20:42,295
Naniniwala akong itinadhana siya
na maging coach ng Mexico,

1285
01:20:42,379 --> 01:20:46,508
at sana maabot niya na
'yong ikalimang laban at higit pa.

1286
01:20:53,390 --> 01:20:55,725
Tingin ko nasa kanya na ang lahat.

1287
01:20:55,809 --> 01:21:00,021
Balang-araw, mapapanalunan ng Mexico
'yong inaasam nilang World Cup.

1288
01:21:08,238 --> 01:21:10,240
Ginagawa niya nang tama
at mahusay ang lahat.

1289
01:21:10,740 --> 01:21:12,826
Maging coach man siya ng Barça

1290
01:21:12,909 --> 01:21:15,787
o coach ng Mexican National Team
balang-araw.

1291
01:21:15,871 --> 01:21:18,790
Anumang gustong gawin ni Rafa,
kakayanin niya.

1292
01:21:23,587 --> 01:21:25,839
Mga halik para sa 'yo! Mag-iingat ka.

1293
01:21:25,922 --> 01:21:26,882
Mahal kita.

1294
01:22:13,219 --> 01:22:16,932
Nagsalin ng Subtitle: Jayran Kempiz



