1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:11,219 --> 00:00:12,470
Sundan mo lang ako.

4
00:00:42,751 --> 00:00:43,710
Hi.

5
00:01:13,364 --> 00:01:17,368
SENTENSIYA: 25 TAON

6
00:01:21,998 --> 00:01:23,374
129 nga po.

7
00:01:23,458 --> 00:01:27,837
BAWAL MAGSIMULA NG PAKIKIPAG-USAP
ANG MGA BILANGGO SA CONTROL ROOM STAFF.

8
00:01:32,342 --> 00:01:34,427
Walong taon na akong nakakulong

9
00:01:34,928 --> 00:01:39,224
at may 14 na taon pang natitira
dahil sa kasong first degree assault.

10
00:01:45,230 --> 00:01:46,397
Itong lugar na 'to

11
00:01:46,981 --> 00:01:48,024
ay masalimuot.

12
00:01:48,525 --> 00:01:52,320
Kaya dapat medyo brusko ang dating ko.

13
00:01:52,403 --> 00:01:56,991
Maangas ako dito. Kailangan e,
kundi, lalamunin ka nila nang buhay dito.

14
00:01:57,075 --> 00:01:59,702
Gano'n talaga.
Pang-maximum security ang nagawa ko, e.

15
00:01:59,786 --> 00:02:02,705
Sisiga-siga ako dito, "Walang haharang."

16
00:02:05,542 --> 00:02:06,709
Kunwari lang 'yon.

17
00:02:07,877 --> 00:02:11,798
Kasi pagpasok ko sa pintuang ito,
nag-iiba ang emosyon ko.

18
00:02:12,382 --> 00:02:14,676
Kumusta? Magandang umaga.

19
00:02:15,385 --> 00:02:17,595
Ilagay mo 'yang may kulay na sinulid.

20
00:02:18,388 --> 00:02:22,475
ANG MGA LALAKI SA SEWING ROOM
AY BAHAGI NG QUILTING PROJECT NG PIITAN.

21
00:02:22,559 --> 00:02:25,687
ANG MISYON NILA AY GUMAWA
NG QUILTS PARA SA KAARAWAN

22
00:02:25,770 --> 00:02:29,899
NG BAWAT FOSTER CHILD
NA NASA MGA KARATIG BAYAN.

23
00:02:29,983 --> 00:02:31,734
Gagamit ako ng cutting table.

24
00:02:31,818 --> 00:02:33,736
Ito ang magiging centerpiece ko.

25
00:02:33,820 --> 00:02:37,699
Puti o gray ang naiisip ko.
May gray kasi sa harap 'yong quilt.

26
00:02:37,782 --> 00:02:40,910
May natanggap akong gray na babagay diyan.

27
00:02:40,994 --> 00:02:42,954
Kapag may oras ka…

28
00:02:44,122 --> 00:02:46,833
Pangalanan mo 'to
para madala sa quilt machine.

29
00:02:46,916 --> 00:02:48,793
-Ano'ng gusto mong ilagay?
-Eto.

30
00:02:48,877 --> 00:02:51,004
-Gusto mo ng burgundy?
-Hindi, pula.

31
00:02:51,087 --> 00:02:52,630
-Gusto mo ng dark red?
-Oo.

32
00:02:58,595 --> 00:02:59,971
Sige.

33
00:03:00,722 --> 00:03:01,973
Hanggang dito.

34
00:03:02,682 --> 00:03:04,058
Uy, kumusta?

35
00:03:05,643 --> 00:03:09,189
Gumagawa ang mga kalalakihan sa RJO
ng quilt para sa lokal na foster kids.

36
00:03:10,857 --> 00:03:15,862
Nagboboluntaryo sila mula 7:30
hanggang 3:30, limang araw bawat linggo.

37
00:03:17,739 --> 00:03:21,242
Ang iba may petsa na ng paglaya,
'yong ilan baka di na makauwi.

38
00:03:21,743 --> 00:03:26,080
Kaya paraan nila ito
para makapagbigay-ganti.

39
00:03:27,916 --> 00:03:31,920
Limang buwan na ang nakakaraan,
may dumating na listahan ng foster kids.

40
00:03:32,003 --> 00:03:35,215
Nakita ko, may nakalistang dalaga doon
na ang birthday…

41
00:03:35,298 --> 00:03:36,674
SENTENSIYA: HABANGBUHAY

42
00:03:36,758 --> 00:03:38,051
ay kapareho ng akin.

43
00:03:38,551 --> 00:03:40,094
Tumatak sa akin 'yon.

44
00:03:40,178 --> 00:03:42,388
Kaya sinimulan kong gumawa ng quilt.

45
00:03:46,142 --> 00:03:49,062
Marami sa kanila,
sinabihang wala silang kuwenta.

46
00:03:49,145 --> 00:03:50,563
Na wala silang silbi.

47
00:03:51,439 --> 00:03:54,234
Para sa kanila,
pagkakataon ko 'to na sabihing,

48
00:03:54,317 --> 00:03:56,319
"Mahalaga kayo para sa amin."

49
00:03:56,402 --> 00:03:58,529
At nakikita ko na ang kalalabasan.

50
00:04:06,955 --> 00:04:09,457
Walang kapareho ng mayro'n ako.

51
00:04:09,540 --> 00:04:12,710
-Walang kasamang manual 'to.
-Wala. Litrato lang.

52
00:04:12,794 --> 00:04:15,964
Ang galing nito.
Ikaw na ikaw 'to. Ang ganda.

53
00:04:16,464 --> 00:04:19,384
-Gusto ko lang ng patterns at disenyo.
-Ang ganda.

54
00:04:19,467 --> 00:04:21,219
-Oo nga.
-Talaga.

55
00:04:21,928 --> 00:04:22,762
Ang galing.

56
00:04:24,055 --> 00:04:28,935
Para sa quilt na 'to,
gusto nila '60s at hippie era.

57
00:04:30,353 --> 00:04:32,939
Pag natapos na 'tong parisukat na 'to,

58
00:04:33,439 --> 00:04:36,442
ilalagay ko 'to dito.

59
00:04:36,943 --> 00:04:38,319
Ops, maling gilid.

60
00:04:38,403 --> 00:04:40,280
Ilalagay ko 'to dito sa taas.

61
00:04:41,614 --> 00:04:45,660
At banda dito naman 'tong isang 'to.

62
00:04:47,537 --> 00:04:51,666
May siyam na tinatawag kaming blocks.

63
00:04:51,749 --> 00:04:55,878
Bawat isa sa kanila ay may 81 piraso.

64
00:04:55,962 --> 00:04:58,840
Labindalawang parihabang blocks,

65
00:04:58,923 --> 00:05:02,260
bawat isa ay may 99 na piraso.

66
00:05:02,343 --> 00:05:06,931
At saka may apat na malalaki,
mga blocks lang ng buong quilt.

67
00:05:07,015 --> 00:05:10,101
May 99 na piraso kada unit.

68
00:05:10,852 --> 00:05:14,856
Sa harap pa lang,
nasa mahigit sa 3,500 piraso na.

69
00:05:16,441 --> 00:05:19,986
March na ngayon.
Dapat tapos ko 'to ng May 1.

70
00:05:20,069 --> 00:05:22,697
Kaya, sana matapos ko.

71
00:05:24,991 --> 00:05:25,825
PAALALA

72
00:05:25,908 --> 00:05:29,620
PAKILIGPIT ANG KALAT
PAGKAKUHA NG RETASO O ANUMAN SA ESTANTE.

73
00:05:29,704 --> 00:05:31,456
Tinuturuan namin silang gumupit.

74
00:05:31,539 --> 00:05:33,583
Ang una naming ginagawa

75
00:05:33,666 --> 00:05:35,460
ay gini-grid muna 'yong quilt.

76
00:05:36,044 --> 00:05:39,047
Bago ang lahat, 'yon muna ang dapat gawin.

77
00:05:39,756 --> 00:05:43,426
Pag nagsisimula ako,
buo na sa isip ko pero di ko pa ma-grid.

78
00:05:45,345 --> 00:05:49,891
Kadalasan, lagot ako kay Ricky nito,
talagang naggugupit na muna agad ako.

79
00:05:50,683 --> 00:05:51,517
Pagkatapos…

80
00:05:54,228 --> 00:05:56,356
gigising ako sa hatinggabi.

81
00:05:56,439 --> 00:05:58,066
Doon pa lang maggi-grid.

82
00:05:59,359 --> 00:06:01,194
Di ako sumusunod sa pattern.

83
00:06:01,277 --> 00:06:02,445
Ayokong mangopya.

84
00:06:02,528 --> 00:06:05,698
'Yong sa akin,
binabase ko sa katabing kulay.

85
00:06:05,782 --> 00:06:10,328
Gano'n ko gustong gawin.
Para maangkin ko 'yong gawa ko.

86
00:06:10,411 --> 00:06:11,621
Ang ginagawa ko,

87
00:06:11,704 --> 00:06:15,083
gugupitin ko muna
'yong gagamitin ko para sa gitna.

88
00:06:15,166 --> 00:06:19,754
Karaniwang nasa 50x30 ang gitna ko.

89
00:06:19,837 --> 00:06:25,885
Pag nakuha ko 'yong 50x30, alam ko
na kailangan ko pa ng 30 pataas at pababa

90
00:06:25,968 --> 00:06:27,595
para idagdag sa 50,

91
00:06:27,678 --> 00:06:29,013
at 'yon ang 80 ko.

92
00:06:29,889 --> 00:06:34,852
Bago pa lang ako
kaya marami pa akong di alam.

93
00:06:34,936 --> 00:06:36,562
Ano ang isusunod mo dito?

94
00:06:36,646 --> 00:06:40,733
Tatapusin 'tong dalawang hilera
at ilalagay ko naman sa ilalim 'to.

95
00:06:40,817 --> 00:06:43,486
Di ko masabi
kung saan ilalagay 'tong piraso.

96
00:06:43,569 --> 00:06:47,615
Okay 'yang ginagawa mo.
Kita mo na di kumakalas 'yong sulok.

97
00:06:49,784 --> 00:06:52,912
Magulo pero may sistema
kung ilalarawan ko ang lugar.

98
00:06:52,995 --> 00:06:55,873
-Nakanino 'yong cutter ko?
-Akin na 'yan dito.

99
00:06:55,957 --> 00:06:59,377
Parang may maliit na cartoon character

100
00:06:59,460 --> 00:07:03,548
na papasok na may mga gunting
at papel na nagliliparan kung saan-saan.

101
00:07:04,257 --> 00:07:05,758
Parang may mali talaga.

102
00:07:05,842 --> 00:07:08,261
-Di ko gusto 'to.
-Paano mo ginawa 'yan?

103
00:07:08,344 --> 00:07:12,515
Binubuo ng paggupit,
pagtahi at pagplantsa ang proseso

104
00:07:12,598 --> 00:07:14,976
at paulit-ulit na gupit, tahi, plantsa.

105
00:07:15,059 --> 00:07:18,312
'Yong panglikod naman ang gagawin ko.

106
00:07:18,396 --> 00:07:21,524
Ito ang panglikod para sa butterfly quilt.

107
00:07:21,607 --> 00:07:25,528
Dadalhin nila 'to sa quilt room
at saka niya aayusin naman doon.

108
00:07:27,405 --> 00:07:29,824
Humanda kang makakita ng tapos na quilt.

109
00:07:30,408 --> 00:07:31,784
Okay, tingnan natin.

110
00:07:33,703 --> 00:07:35,079
-Mukhang maganda.
-Yo.

111
00:07:35,163 --> 00:07:36,289
Uy.

112
00:07:37,457 --> 00:07:39,250
Ayan na. Irolyo mo.

113
00:07:47,467 --> 00:07:50,344
Dito, maliit na komunidad kami
sa loob ng malaking komunidad.

114
00:07:52,346 --> 00:07:54,307
-Mukhang maganda.
-Mas malaki ito.

115
00:07:54,390 --> 00:07:55,808
Maaga pa para magsalita.

116
00:07:56,809 --> 00:08:00,855
Labas ng RJO,
kagaya lang kami gaya ng iba.

117
00:08:00,938 --> 00:08:04,817
Pero di nila alam
ang pakiramdam namin dito.

118
00:08:04,901 --> 00:08:09,071
Di lahat ay nauunawaan 'to,
pero kami, nauunawaan namin.

119
00:08:13,326 --> 00:08:14,702
Silang lahat dito,

120
00:08:14,785 --> 00:08:17,455
gusto ko silang lahat na kasama.

121
00:08:18,873 --> 00:08:22,251
Magkakasundo kami
at nagtutulungan din kami.

122
00:08:22,335 --> 00:08:24,128
Tapos iba-iba ang trip namin.

123
00:08:25,296 --> 00:08:26,631
Mahilig si Fred sa kulay.

124
00:08:26,714 --> 00:08:27,840
Dito ito…

125
00:08:27,924 --> 00:08:29,759
Na kay Jimmy ang stars.

126
00:08:29,842 --> 00:08:31,010
Ang ganda-ganda.

127
00:08:31,719 --> 00:08:33,888
Si Rod ang tagapili ng materyales.

128
00:08:36,516 --> 00:08:39,602
Ito naman ang trip ko. Mga paru-paro.

129
00:08:40,186 --> 00:08:42,897
Pwede ko bang ipakita sa 'yo
'tong nagawa ko?

130
00:08:42,980 --> 00:08:44,148
Oo naman.

131
00:08:44,232 --> 00:08:48,402
Ginawa ko 'to noong isang linggo
para sa isang batang babae.

132
00:08:50,446 --> 00:08:51,447
Ginawa ko 'to.

133
00:08:54,617 --> 00:08:57,537
Kung gusto mo ng 7 1/2, ang gawin mo,

134
00:08:58,329 --> 00:09:02,833
kumuha ka ng 1/8 dito,
at 1/8 sa banda dito, o 1/4…

135
00:09:03,334 --> 00:09:05,545
-At sasakto na 'yon?
-Eksakto 'yan.

136
00:09:05,628 --> 00:09:08,506
-Di ko alam 'yon, a. Kuha ko na.
-Tagal na.

137
00:09:08,589 --> 00:09:10,591
Magaling magturo si Ricky.

138
00:09:10,675 --> 00:09:13,928
Sa isang linggo,
makakagawa ka ng napakagagandang quilt

139
00:09:14,011 --> 00:09:15,596
na di mo inakalang magagawa mo.

140
00:09:15,680 --> 00:09:17,473
Pag kailangan mo ng tulong

141
00:09:17,557 --> 00:09:20,560
o gusto mong matuto,
kay Ricky ka dapat lumapit.

142
00:09:20,643 --> 00:09:24,438
Di pa siya nakapanahi dati.
Gusto niyang matutong manahi.

143
00:09:26,524 --> 00:09:28,734
Maganda ang pagkakagawa mo dito.

144
00:09:29,235 --> 00:09:32,780
Mga retaso 'to
galing sa quilt niya at iba pa.

145
00:09:33,281 --> 00:09:37,577
Kinukuha ko ang mga 'to,
tapos ginugupit at pinagtatagpi-tagpi ko.

146
00:09:38,744 --> 00:09:40,037
Siya ang master.

147
00:09:41,122 --> 00:09:42,623
Natututo kami kay Sensei.

148
00:09:43,833 --> 00:09:47,587
Karamihan sa mga nandito,
nagkamali talaga, alam mo 'yon?

149
00:09:47,670 --> 00:09:50,631
Naghahanap sila ng… paano ko ba sasabihin?

150
00:09:51,549 --> 00:09:52,383
Ng layunin.

151
00:09:53,050 --> 00:09:55,678
Lagyan mo ng konti para lumuwag.
Pihitin mo.

152
00:09:59,265 --> 00:10:01,267
'Yan ang tinatawag na "kumpleto".

153
00:10:01,892 --> 00:10:03,769
Mahal ko ang ginagawa ko.

154
00:10:03,853 --> 00:10:07,565
Gusto kong nagmamalasakit sa foster kids.
Pinakagusto ko 'yon.

155
00:10:07,648 --> 00:10:12,236
Pag sa mga batang babae,
ang naiisip ko ay mga pink, purple, green.

156
00:10:12,320 --> 00:10:18,034
Para sa mga batang lalaki,
ang naiisip ko ay mga itim, dilaw, blue.

157
00:10:19,827 --> 00:10:21,871
Nakatuon lang ako sa pananahi ko.

158
00:10:24,332 --> 00:10:25,541
Dito, malaya ako.

159
00:10:25,625 --> 00:10:28,961
Ito na kalayaan ko.
Nakakalaya ako dahil dito.

160
00:10:29,045 --> 00:10:31,297
Malaya ako pag gumagawa ako dito.

161
00:11:08,250 --> 00:11:09,960
Di lahat ay pwede dito.

162
00:11:10,753 --> 00:11:13,255
Dapat wala silang violation o report.

163
00:11:15,216 --> 00:11:18,260
Ayokong isipin ang ginawa nila
kaya sila nakulong.

164
00:11:19,261 --> 00:11:22,515
Tinatrato ko silang tao, kasi tao sila.

165
00:12:26,036 --> 00:12:31,041
Ang nanay ko
ang pinakadahilan kaya ko 'to ginagawa.

166
00:12:34,253 --> 00:12:36,756
'Yong nanay niya, 'yong lola ko,

167
00:12:37,256 --> 00:12:41,469
lahat ng mga damit at quilt nila
ay tahi niya lang galing sa mga retaso.

168
00:12:41,552 --> 00:12:44,805
Kaya, ito ang dala sa akin ng kabataan ko.

169
00:12:47,099 --> 00:12:49,602
Bata pa lang ako nang makulong.

170
00:12:49,685 --> 00:12:53,773
Ipatong mo ang daliri mo.
Hawakan mo 'yan. Sa sulok. Tapos…

171
00:12:53,856 --> 00:12:56,317
Sisenta'y kwatro anyos na ako ngayon.

172
00:12:56,942 --> 00:12:59,361
Bente anyos ako nang makulong.

173
00:13:01,614 --> 00:13:06,285
Gago kasi ako dati e
at grabe ang naging pagkakamali ko.

174
00:13:07,286 --> 00:13:11,123
Pero maayos ang kinalakihan ko,
mababait ang mga magulang ko.

175
00:13:11,207 --> 00:13:13,209
Maayos ang buhay ko.

176
00:13:13,292 --> 00:13:17,963
Napabarkada ako sa mga maling tao.
'Yon ang pagkakamali ko.

177
00:13:20,758 --> 00:13:23,719
Pero wala na ako doon.

178
00:13:32,937 --> 00:13:37,566
Ngayon, ito ang unang beses
na gagawa ng quilt si Jeremiah.

179
00:13:39,527 --> 00:13:41,403
Tingnan mo 'tong mga dulo dito,

180
00:13:41,946 --> 00:13:43,823
eksaktong-eksakto.

181
00:13:44,323 --> 00:13:45,324
Ang unang quilt ko.

182
00:13:46,325 --> 00:13:48,202
Nagawa ko ang trabaho ko.

183
00:13:48,786 --> 00:13:50,663
Magiging proud si Nanay.

184
00:13:50,746 --> 00:13:51,664
Oo.

185
00:13:51,747 --> 00:13:53,749
Ay, baligtad.

186
00:13:54,291 --> 00:13:56,585
Ilapat mo 'yan hanggang do'n.

187
00:13:57,336 --> 00:14:00,172
Halos 38 taon na akong nakakulong.

188
00:14:01,131 --> 00:14:05,886
Paglipas ng panahon,
maiisip mo ang pamilya mo.

189
00:14:05,970 --> 00:14:10,391
Pag naiisip mo sila,
lumalabas talaga ang katotohanan.

190
00:14:10,474 --> 00:14:12,852
Grabe. Lahat ng ginawa ko.

191
00:14:13,352 --> 00:14:14,603
Drug addict ako.

192
00:14:14,687 --> 00:14:17,606
Nalulong ako sa alak.

193
00:14:18,107 --> 00:14:21,026
Nasira ang lahat
noong nasa mga bente anyos ako.

194
00:14:21,527 --> 00:14:25,364
Noon ako nasentensiyahan
dahil sa pagpatay.

195
00:14:26,240 --> 00:14:29,451
Guilty ako sa ginawa ko.

196
00:14:29,535 --> 00:14:30,786
Talaga.

197
00:14:30,870 --> 00:14:34,164
-Kaya…
-Akuin mo ang pananagutan mo.

198
00:14:34,248 --> 00:14:38,419
Sayang nga lang
at di namin naramdaman at naipakita 'yon,

199
00:14:38,502 --> 00:14:40,421
bago kami nakulong.

200
00:14:40,504 --> 00:14:43,632
'Yon ang bagay na mahirap tanggapin.

201
00:14:43,716 --> 00:14:45,843
Talagang nakakapanghinayang.

202
00:14:46,385 --> 00:14:49,430
Ibig kong sabihin, pagkatapos ng 30 taon…

203
00:14:50,222 --> 00:14:51,515
Alam mo, ano lang…

204
00:14:52,433 --> 00:14:54,435
Hay. Ewan ko.

205
00:14:55,227 --> 00:14:58,439
Mahalaga kasi sa akin ang nanay ko.

206
00:14:59,523 --> 00:15:00,608
Ang hirap.

207
00:15:02,818 --> 00:15:04,904
Mahirap lang pag-usapan 'yon.

208
00:15:12,786 --> 00:15:15,039
Mga pare, may package tayong dumating.

209
00:15:15,122 --> 00:15:17,416
Sige, ano'ng laman ng kahon?

210
00:15:18,125 --> 00:15:20,920
'Yong pagkakasabi niya,
"Uy, may package tayo."

211
00:15:21,003 --> 00:15:23,005
Galing sa donasyon 'tong mga 'to.

212
00:15:23,505 --> 00:15:27,927
Kung di dahil sa mga taong
may malaking pusong nagdo-donate sa amin,

213
00:15:28,010 --> 00:15:29,845
hindi namin 'to magagawa.

214
00:15:31,138 --> 00:15:34,433
Puro mga pambata 'tong nasa estanteng 'to.

215
00:15:35,017 --> 00:15:37,811
May mga cartoons na donut,

216
00:15:37,895 --> 00:15:40,564
mga music, mga design ng piano.

217
00:15:40,648 --> 00:15:45,069
Puro may pagkain naman dito.
May mani. May bacon din kami.

218
00:15:45,152 --> 00:15:49,657
Fillers 'to ng mga weighted blanket
at vest para sa mga batang may autism.

219
00:15:50,240 --> 00:15:55,287
Bawal silang lumampas sa pintong 'to
kasi nandito lahat ng mga gamit namin.

220
00:15:55,371 --> 00:15:59,750
May gunting kami, may rotary cutter.

221
00:15:59,833 --> 00:16:01,418
Ang tawag nila, matatalas.

222
00:16:01,919 --> 00:16:04,254
Kahit na anong matutulis.

223
00:16:04,338 --> 00:16:08,550
Ayaw kasi nilang
may gumagala dito na may bitbit na ganito.

224
00:16:08,634 --> 00:16:12,054
Pagpasok nila sa umaga,
ililista nila sa log book.

225
00:16:12,137 --> 00:16:15,432
'Yong si Potter,
'yong nakatayo doon, tool bag niya 'to.

226
00:16:15,516 --> 00:16:16,892
Nakatoka 'to sa kanya.

227
00:16:16,976 --> 00:16:20,187
Nakasulat sa master inventory
ang mga laman ng bag,

228
00:16:20,270 --> 00:16:23,107
kaya pag nando'n siya,
pag nawala ang bag niya,

229
00:16:23,190 --> 00:16:24,566
responsibilidad niya.

230
00:16:24,650 --> 00:16:27,194
Buti na lang, di pa kami nawawalan.

231
00:16:38,747 --> 00:16:39,999
Noong bata-bata ako,

232
00:16:40,082 --> 00:16:43,168
natuto akong manahi
pero puro mga upholstery lang.

233
00:16:45,254 --> 00:16:47,631
May sarili akong upholstery shop.

234
00:16:48,549 --> 00:16:53,595
Di pa ako nakapanahi nang ganito.
Laging leather at vinyl ang tinatahi ko.

235
00:16:54,513 --> 00:16:59,309
Sa vinyl at leather,
kailangan mong banatin nang banatin.

236
00:16:59,393 --> 00:17:00,894
Mas malambot 'to.

237
00:17:05,649 --> 00:17:07,568
Ops. Nagkamali ako.

238
00:17:08,402 --> 00:17:09,403
Oopsy.

239
00:17:12,531 --> 00:17:14,742
Inabot ng isa't kalahating linggo

240
00:17:14,825 --> 00:17:18,495
bago nasanay ang mga kamay ko
na magtahi ng mga mas magagaan.

241
00:17:19,913 --> 00:17:22,332
Ayos, paplantsahin ko na 'to.

242
00:17:31,800 --> 00:17:34,553
May ginawa pa akong isang butterfly quilt

243
00:17:34,636 --> 00:17:37,973
na talagang napakaganda.

244
00:17:38,057 --> 00:17:40,225
Tinawag naming Firefly.

245
00:17:40,309 --> 00:17:43,270
Sobrang ganda noon
dahil sa mga ginamit na kulay.

246
00:17:45,814 --> 00:17:47,566
Mahilig si mama sa paru-paro.

247
00:17:48,484 --> 00:17:51,320
Nagkataon lang.
Kaya mahilig ako sa paru-paro.

248
00:17:51,403 --> 00:17:54,364
Siya ang naiisip ko
pag gumagawa ako ng paru-paro.

249
00:17:55,949 --> 00:18:01,455
Ang pinakaimportanteng binilin niya,
wag kong balikan ang dati kong pagkatao.

250
00:18:01,538 --> 00:18:02,915
Wag magkimkim ng galit.

251
00:18:03,415 --> 00:18:04,792
Maging mas pasensiyoso,

252
00:18:04,875 --> 00:18:08,295
at maging mas maunawain at mahabagin.

253
00:18:08,378 --> 00:18:13,675
Di dahil ginawan ka ng masama
ay gagantihan mo na sila ng masama.

254
00:18:15,135 --> 00:18:17,638
Medyo wirdo ang sasabihin ko,

255
00:18:17,721 --> 00:18:21,517
pero kapag tumatawag ako sa bahay,
naririnig nila sa boses ko.

256
00:18:22,017 --> 00:18:24,770
Pag nag-uusap-usap kami,
ang nasasabi nila,

257
00:18:24,853 --> 00:18:26,772
"Nagbago ka na nga. Nagawa mo."

258
00:18:26,855 --> 00:18:28,816
Sabi ko, "Oo, nagbago na ako."

259
00:18:31,318 --> 00:18:32,694
Puro paru-paro.

260
00:18:45,707 --> 00:18:50,462
Na-master na niya 'yan.
Mga tatsulok na lang ang gagawin niya.

261
00:19:26,123 --> 00:19:27,332
Ang sakit ng ulo ko.

262
00:19:27,416 --> 00:19:29,209
May Tylenol ka?

263
00:19:30,210 --> 00:19:31,628
'Yong buong bote.

264
00:19:34,631 --> 00:19:37,467
Nahihilo ako sa mga kulay at pattern, at…

265
00:19:39,219 --> 00:19:41,513
Di ko alam ang gagawin ko ngayon.

266
00:19:41,597 --> 00:19:42,431
Ano na ako…

267
00:19:43,724 --> 00:19:44,558
Kapag…

268
00:19:44,641 --> 00:19:47,978
Matanda na ako
at kailangan kong mag-focus.

269
00:19:48,937 --> 00:19:53,692
Labimpitong malalaking blocks pa
ang gagawin ko.

270
00:19:54,568 --> 00:19:57,779
Magdamag akong nag-sketch.

271
00:19:58,280 --> 00:20:02,743
Pag may gumugulo sa isip ko,
umuupo ako at 'yan ang ginagawa ko.

272
00:20:05,037 --> 00:20:10,751
Dalawang linggo na lang ay deadline na,
kaya pinagpapawisan ako bawat minuto.

273
00:20:15,964 --> 00:20:17,966
Lintik!

274
00:20:18,634 --> 00:20:19,718
Nagkamali ako.

275
00:20:19,801 --> 00:20:22,971
Mali ang direksyon
ng pagkakatahi sa lahat ng hilera.

276
00:20:23,055 --> 00:20:25,307
Kailangang tastasin ko 'yong hilera,

277
00:20:26,141 --> 00:20:30,395
babaligtarin at saka ko tatahiin uli.

278
00:20:30,479 --> 00:20:35,400
Kailangan kong baklasin
'yong dalawang malalaking parisukat,

279
00:20:35,484 --> 00:20:37,945
saka ko babaligtarin at tatahiin ulit.

280
00:20:38,028 --> 00:20:40,364
Wala 'to sa plano ngayon…

281
00:20:42,241 --> 00:20:44,868
Medyo naiinis siya paminsan-minsan.

282
00:20:45,452 --> 00:20:46,745
Ayusin ko na 'to.

283
00:20:46,828 --> 00:20:49,831
-Dapat plantsahin muna.
-Mabilis ko 'tong magagawa.

284
00:20:49,915 --> 00:20:51,625
-Okay.
-O gaano man katagal.

285
00:20:51,708 --> 00:20:53,710
Oo. Di siguro matatagalan.

286
00:20:54,836 --> 00:21:00,968
Noong nauubos na 'yong oras ko
para sa '60s quilt,

287
00:21:02,135 --> 00:21:03,929
sinalo ako ni Potter.

288
00:21:04,596 --> 00:21:06,056
Ang galing mo.

289
00:21:06,139 --> 00:21:08,141
Tingnan mo nga. Eksakto lahat.

290
00:21:08,225 --> 00:21:09,935
Mabilis niyang nagawa.

291
00:21:10,018 --> 00:21:11,395
Gugulatin ka niya.

292
00:21:11,478 --> 00:21:14,439
Nagawa mo 'yong unang dalawa,
igilid mo na muna.

293
00:21:14,523 --> 00:21:16,400
-Sige, tig-dalawa?
-Mismo.

294
00:21:16,483 --> 00:21:18,902
-Okay.
-Nakuha mo.

295
00:21:18,986 --> 00:21:20,028
Handa na 'ko.

296
00:21:20,737 --> 00:21:24,283
Kung makikita ko ang batang ako,
sasabihin ko sa kaniya

297
00:21:24,366 --> 00:21:29,913
na dapat mas mag-focus kami
sa pagtulong sa kapuwa.

298
00:21:30,539 --> 00:21:31,707
At…

299
00:21:32,749 --> 00:21:36,336
'yong pagkawala ng anak ko noong 2000
ang nagdulot niyan.

300
00:21:37,838 --> 00:21:40,215
Namatay ang anak ko sa edad na 15.

301
00:21:42,217 --> 00:21:44,511
Kailangan niya ng heart
at lung transplant.

302
00:21:44,594 --> 00:21:48,015
Tapos, nandito ako sa kulungan
sa edad na 40.

303
00:21:50,642 --> 00:21:54,771
Punong-puno ako ng pagsisisi.

304
00:21:57,399 --> 00:22:00,068
'Yong nandito ako at itong ginagawa namin,

305
00:22:00,694 --> 00:22:03,822
nakakatulong sa akin 'yon
na makapag-focus.

306
00:22:04,323 --> 00:22:07,284
Pag focused ako,
di 'yon sumasagi sa isip ko.

307
00:22:15,917 --> 00:22:20,255
-Uy, pakihasa naman 'tong gunting ko.
-Naluluma at pumupurol na.

308
00:22:23,675 --> 00:22:26,345
Parang ang laki ng naibawas, a.

309
00:22:29,222 --> 00:22:32,434
-Wag mong susubukan.
-Muntik na siyang maisahan.

310
00:22:32,517 --> 00:22:33,810
Buwisit.

311
00:22:33,894 --> 00:22:37,272
-Mabubutasan ka sa braso mo.
-Naghahanda na si Ricky.

312
00:22:37,356 --> 00:22:38,482
Uy!

313
00:22:38,982 --> 00:22:41,068
-Oo.
-Pinapasuot namin kay Ricky 'yong vest.

314
00:22:41,151 --> 00:22:43,403
Baka kumalma siya pag suot na niya.

315
00:22:43,487 --> 00:22:45,155
Basta huminahon lang siya.

316
00:22:46,239 --> 00:22:48,408
-Bagay sa 'yo, Ricky.
-Salamat, Rod.

317
00:22:48,950 --> 00:22:49,785
Isang minuto.

318
00:22:51,036 --> 00:22:52,829
Bagay ka na maging mannequin.

319
00:22:53,538 --> 00:22:56,917
Nasa six pounds 'to.
Sakto sa batang nasa 60 pounds.

320
00:22:57,000 --> 00:22:59,461
Ipapadala sa school ng mga may autism.

321
00:23:00,003 --> 00:23:00,921
Ito ang…

322
00:23:02,756 --> 00:23:07,260
Isa sa mga sagot na natanggap namin
galing sa padala namin para sa mga bata.

323
00:23:07,344 --> 00:23:10,389
Sabi dito, "Hello po.
Isa ako sa mga worker sa home,

324
00:23:10,472 --> 00:23:12,682
kasama ko ang mga bata
na nakatanggap nito.

325
00:23:12,766 --> 00:23:15,685
Sabi ng pinakamatanda,
best na Pasko niya daw 'to,

326
00:23:16,353 --> 00:23:17,437
sobrang saya niya.

327
00:23:17,521 --> 00:23:20,023
'Yong bunso, na may malubhang autism,

328
00:23:20,982 --> 00:23:24,986
nagustuhan niya ang nakuha niya
at ginawa niyang playroom ang sala.

329
00:23:25,070 --> 00:23:28,448
Nagpapasalamat siya
at sobrang na-appreciate niya.

330
00:23:28,532 --> 00:23:30,867
Ngayon lang daw niya
nakita silang gano'n kasaya.

331
00:23:34,538 --> 00:23:35,622
Sapul ang puso ko.

332
00:23:41,253 --> 00:23:42,337
Mr. Potter.

333
00:23:42,421 --> 00:23:44,798
-Bakit?
-Gusto mong sumama sa akin?

334
00:23:44,881 --> 00:23:47,426
Oo. Sasama ako sa 'yo, Fred.

335
00:23:50,053 --> 00:23:51,471
Inilatag ko 'to.

336
00:23:51,972 --> 00:23:52,806
Ayos.

337
00:23:52,889 --> 00:23:55,434
At banda…

338
00:23:56,810 --> 00:23:57,769
doon.

339
00:23:58,812 --> 00:23:59,646
At saka…

340
00:24:00,730 --> 00:24:02,399
-Ang angas.
-Oo.

341
00:24:02,482 --> 00:24:05,819
Mukha nga.
Parang pumunta 'to dito tapos bumalik.

342
00:24:06,319 --> 00:24:08,363
-Oo.
-Malapit nang matapos.

343
00:24:08,447 --> 00:24:11,199
Sa di inaasahan,
mukhang magiging maganda 'to.

344
00:24:11,825 --> 00:24:13,160
Oo, sa tingin ko din.

345
00:24:16,788 --> 00:24:18,623
-Pag handa ka na.
-Sige.

346
00:24:19,124 --> 00:24:22,127
-Ihanda na natin ang mga 'to.
-Sige.

347
00:24:25,338 --> 00:24:26,465
Okay.

348
00:24:30,635 --> 00:24:32,554
Isang buhatan mo lang 'yon, a.

349
00:24:36,933 --> 00:24:37,934
Okay.

350
00:24:39,603 --> 00:24:40,979
May susi ka na ngayon?

351
00:24:45,317 --> 00:24:46,693
Magugustuhan nila 'yan.

352
00:25:05,837 --> 00:25:06,922
Wala na si Fred.

353
00:25:08,924 --> 00:25:11,426
Noong isang araw, nai-report si Fred,

354
00:25:11,510 --> 00:25:13,887
at kinailangan nila siyang ilabas.

355
00:25:14,638 --> 00:25:16,848
Gumagawa siya sa selda niya.

356
00:25:16,932 --> 00:25:21,186
Nahulihan siya na may blade,
naggugupit at nag-aayos ng mga damit.

357
00:25:21,269 --> 00:25:22,646
Medyo mahirap nga lang.

358
00:25:22,729 --> 00:25:28,109
Pag di nanatiling matino ang isip mo dito,
mahuhulog ka rin katulad niya.

359
00:25:28,193 --> 00:25:31,363
Napakagaling niyang manggagawa.

360
00:25:31,446 --> 00:25:36,785
Kaya lang, minsan makakalusot ka,
at minsan mag-aalsa balutan ka na.

361
00:25:36,868 --> 00:25:41,289
Kahit sino dito
ay pwedeng alisin at ibaba nila doon.

362
00:25:41,373 --> 00:25:43,291
At di ka na makakabalik.

363
00:25:44,459 --> 00:25:47,337
Parang iba na pag wala si Fred.

364
00:25:49,839 --> 00:25:53,885
Tandaan mo kung nasaan kami.
Di kami perpekto pero nagsisikap kami.

365
00:25:54,427 --> 00:25:56,137
Pinipilit naming magpakabuti.

366
00:25:56,221 --> 00:26:01,101
Baka may ilan pa siyang dapat gawin
para bumuti siya. 'Yon lang, alam n'yo na.

367
00:26:05,355 --> 00:26:07,941
Uy, Paul. Dinala ko 'tong '60s quilt.

368
00:26:19,703 --> 00:26:20,996
Sandali.

369
00:26:21,997 --> 00:26:23,248
Pambihira.

370
00:26:23,331 --> 00:26:24,708
Ang gulo nito.

371
00:26:25,834 --> 00:26:27,252
Tigilan muna natin.

372
00:26:27,335 --> 00:26:31,256
Tanggalin natin 'to dito.
Kailangan nating ibaba at tastasin.

373
00:26:33,008 --> 00:26:34,593
May problema kami.

374
00:26:38,972 --> 00:26:41,516
Dapat matapos 'to bago matapos ang linggo.

375
00:26:41,600 --> 00:26:42,809
Tingnan mo nga 'to.

376
00:26:42,892 --> 00:26:46,521
Di naiunat 'yong tela hanggang sa dulo.

377
00:26:46,605 --> 00:26:49,733
Pag di naiuunat kasi,
nag-iiwan ng maliliit na umbok.

378
00:26:49,816 --> 00:26:52,360
Ayokong palampasin 'yong mga gano'n.

379
00:26:52,444 --> 00:26:55,947
Kasi may gagamit nito
nang mahabang panahon.

380
00:26:56,448 --> 00:26:58,491
Dapat tastasin natin lahat.

381
00:27:00,535 --> 00:27:02,787
Grabe ang pagkakaipit nito.

382
00:27:03,622 --> 00:27:05,790
Hay, Fred. Lintik.

383
00:27:07,626 --> 00:27:09,419
Kunin mo 'ya't dalhin mo 'to.

384
00:27:10,712 --> 00:27:12,088
Napakaraming parisukat.

385
00:27:12,172 --> 00:27:14,424
May ganito ka? Isang parisukat lang.

386
00:27:14,507 --> 00:27:15,884
Parehong tela.

387
00:27:15,967 --> 00:27:18,178
-'Yong green?
-Hindi. Wag green.

388
00:27:18,261 --> 00:27:20,639
-Okay.
-Oo, ganiyan. Sige.

389
00:27:38,239 --> 00:27:39,616
Nakita ba 'to ni Fred?

390
00:27:40,700 --> 00:27:42,577
Di na niya nakita.

391
00:27:43,703 --> 00:27:46,122
Isalang na ulit natin 'to.

392
00:27:56,716 --> 00:27:58,009
Kita mo, wala na.

393
00:28:00,720 --> 00:28:04,265
Ayos na. Nakita mo kung gaano kadali?
Maliit na bagay.

394
00:28:11,231 --> 00:28:12,190
Nakataas na!

395
00:28:12,691 --> 00:28:14,567
Pinakamataas ko na 'to.

396
00:28:17,028 --> 00:28:18,405
Pakita natin ang likod.

397
00:28:19,030 --> 00:28:20,699
May konting naging aberya.

398
00:28:21,241 --> 00:28:22,784
Ngayon, maayos na ulit.

399
00:28:29,374 --> 00:28:32,711
Malulungkot si Ricky.
Masasaktan siya pag umalis ako.

400
00:28:33,628 --> 00:28:35,505
-Oo.
-Lilipat ako sa baba.

401
00:28:35,588 --> 00:28:38,800
Sana, sa limang taon
o mas maiksi pa ay makauwi na ako.

402
00:28:38,883 --> 00:28:40,844
Maraming taon na kami dito.

403
00:28:40,927 --> 00:28:44,180
Halos 25 taon na kaming
magkasamang nakakulong.

404
00:28:44,264 --> 00:28:46,891
-Di tayo doon matatapos.
-Magkakabalitaan pa rin tayo.

405
00:28:46,975 --> 00:28:50,520
Mahirap pag umalis
ang taong gusto mo, di ba?

406
00:28:50,603 --> 00:28:54,607
Pagkatapos ng maraming taon,
marami na akong nakitang umalis,

407
00:28:54,691 --> 00:28:57,444
sa loob ng halos 40 taon.

408
00:28:57,527 --> 00:28:59,237
Alam mo 'yon? Ang hirap.

409
00:28:59,946 --> 00:29:02,949
Baka balang araw,
ako naman ang paalisin nila.

410
00:29:03,032 --> 00:29:04,117
Sana nga.

411
00:29:04,200 --> 00:29:06,286
Pero karapat-dapat ka bang…

412
00:29:06,369 --> 00:29:09,205
Ginawa ko ang ginawa ko.
At sinasabi ko sa lahat.

413
00:29:09,289 --> 00:29:13,084
At di ko lubos maisip
ang nararamdaman ng pamilya.

414
00:29:13,168 --> 00:29:14,252
Di ko kaya.

415
00:29:14,753 --> 00:29:17,589
Pero alam mo, ito ay isang bagay na…

416
00:29:18,131 --> 00:29:21,259
sana mapatawad nila ako
gaya ng pagpapatawad ko sa sarili ko.

417
00:29:21,342 --> 00:29:23,094
Kaya, halos…

418
00:29:23,636 --> 00:29:27,432
Karamihan, di pinapatawad ang sarili
kaya di sila makapagbago.

419
00:29:27,515 --> 00:29:29,392
May bigat pa rin silang dala.

420
00:29:29,476 --> 00:29:32,604
Patawarin mo muna ang sarili mo
bago ang iba.

421
00:29:32,687 --> 00:29:35,565
Kagaya ng mahalin mo muna
ang sarili mo bago ang iba.

422
00:29:35,648 --> 00:29:38,151
-Di ba?
-Kailangan mong magawa 'yon.

423
00:29:38,234 --> 00:29:42,113
Dahil kaya kong tumayo at magpatunay

424
00:29:42,197 --> 00:29:45,575
na ilang beses akong
nakawala sa sarili sa kulungan.

425
00:29:45,658 --> 00:29:48,161
Di ko ipinagmamalaki 'yon.

426
00:29:48,953 --> 00:29:50,955
Pero kailangan mo lang…

427
00:29:51,039 --> 00:29:55,627
Kailangan mong pakawalan.
Kung hindi, lalamunin ka nito.

428
00:30:04,677 --> 00:30:06,346
SALAMAT

429
00:30:16,439 --> 00:30:17,440
Uy, White.

430
00:30:22,529 --> 00:30:24,531
Oo. Wow naman!

431
00:30:25,824 --> 00:30:26,991
Hala siya.

432
00:30:28,618 --> 00:30:29,744
Natanggap na nila.

433
00:30:33,248 --> 00:30:34,415
Wow.

434
00:30:35,124 --> 00:30:39,254
"Nagpapasalamat ako kina Mr. White (Chill)

435
00:30:39,337 --> 00:30:41,881
at mga kalalakihang gumagawa ng quilt."

436
00:30:42,799 --> 00:30:43,842
Hala siya!

437
00:30:45,718 --> 00:30:47,971
-Uy, ayos 'to.
-Di ba?

438
00:30:54,936 --> 00:30:56,312
Nakakatuwa naman.

439
00:31:04,737 --> 00:31:05,572
Ang galing.

440
00:31:06,447 --> 00:31:09,492
Kukunin ko ang stapler
at ipapaskil ko ito sa board.

441
00:31:16,708 --> 00:31:19,085
Na precut na 'tong mga 'to.

442
00:31:19,168 --> 00:31:20,712
-Hindi deretso…
-72,16.

443
00:31:20,795 --> 00:31:22,672
Hindi talaga dapat…

444
00:31:22,755 --> 00:31:26,342
Iti-trim ko na 'to
at ipapatong ko 'tong isa doon.

445
00:31:27,594 --> 00:31:30,430
MULA NANG SIMULAN
ANG RESTORATIVE JUSTICE PROGRAM

446
00:31:30,513 --> 00:31:33,224
AY HALOS 2,000 QUILTS
ANG NAIBIGAY SA MGA NGO,

447
00:31:33,308 --> 00:31:36,060
CHARITY AT FOSTER CHILDREN.

448
00:32:41,918 --> 00:32:45,129
PAGPAPAHALAGA'T PASASALAMAT
PARA SA MGA KABAHAGI NG RJO

449
00:32:45,213 --> 00:32:49,342
SA SOUTH CENTRAL CORRECTIONAL FACILITY
SA PAGBAHAGI NG KANILANG MGA KUWENTO.

450
00:32:59,686 --> 00:33:03,398
Nagsalin ng Subtitle: Sol Santos



