1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:24,666 --> 00:00:26,333
Ang buong pelikulang ito

4
00:00:26,416 --> 00:00:30,833
ay kinunan at ginawa sa United Kingdom
para sa Channel 7

5
00:00:30,916 --> 00:00:32,875
noong 1978 hanggang 1981.

6
00:00:32,958 --> 00:00:34,166
Hindi pa ito naipapalabas

7
00:00:34,250 --> 00:00:36,375
mula noong orihinal nitong broadcast.

8
00:00:43,750 --> 00:00:44,625
Oo.

9
00:00:45,583 --> 00:00:48,750
Nandito tayo ngayon sa bahay
kung saan ako nagsusulat.

10
00:00:50,000 --> 00:00:52,875
30 taon na akong nakatira rito.

11
00:00:53,708 --> 00:00:55,916
Bago ako magsimula,

12
00:00:56,000 --> 00:00:59,708
mahalagang malapit sa akin
ang mga kakailanganin ko.

13
00:01:01,083 --> 00:01:05,208
Sigarilyo, syempre,
kape, at mga tsokolate.

14
00:01:06,958 --> 00:01:10,875
At dapat laging bagong tasa ang lapis ko
bago ako magsimula.

15
00:01:12,916 --> 00:01:16,458
Anim ang lapis ko,
saka ko lilinisin ang writing board ko.

16
00:01:18,666 --> 00:01:20,083
Kita mo ang mga goma.

17
00:01:21,833 --> 00:01:22,666
'Yan.

18
00:01:24,958 --> 00:01:26,875
At sa wakas, makakapagsimula na.

19
00:01:30,125 --> 00:01:33,708
May ilan lang na kailangang ayusin.

20
00:01:36,458 --> 00:01:37,291
Sige.

21
00:01:42,541 --> 00:01:43,375
Ito'y…

22
00:01:47,250 --> 00:01:51,041
Si Henry Sugar ay 41-anyos,
walang asawa at mayaman.

23
00:01:51,666 --> 00:01:54,625
Mayaman siya dahil mayaman
ang namatay niyang ama.

24
00:01:54,708 --> 00:01:58,791
Wala siyang asawa dahil ayaw niyang
may kahati sa pera niya.

25
00:01:58,875 --> 00:02:00,583
6'2" ang kaniyang taas,

26
00:02:00,666 --> 00:02:03,291
at hindi kasingguwapo
gaya ng inaakala niya.

27
00:02:03,375 --> 00:02:05,958
Mabusisi siya sa kaniyang isinusuot.

28
00:02:06,041 --> 00:02:08,250
Mahal ang tagagawa ng mga terno niya,

29
00:02:08,333 --> 00:02:11,666
pati ang kaniyang mga polo at sapatos.

30
00:02:11,750 --> 00:02:14,583
Nagpapagupit siya kada sampung araw,

31
00:02:14,666 --> 00:02:17,458
at kasabay noon
ang pagpapalinis niya ng kuko.

32
00:02:17,541 --> 00:02:19,083
Ferrari ang kaniyang kotse

33
00:02:19,166 --> 00:02:21,666
na kapresyo ng isang bahay-bakasyunan.

34
00:02:23,291 --> 00:02:24,583
Kaibigan ang mayaman

35
00:02:24,666 --> 00:02:27,000
at hindi nagtrabaho kahit kailan.

36
00:02:28,000 --> 00:02:32,500
Maraming gaya ni Henry Sugar
ang palutang-lutang sa mundo.

37
00:02:32,583 --> 00:02:36,291
Hindi sila masamang tao,
pero hindi rin sila mabuti.

38
00:02:37,458 --> 00:02:39,416
Bahagi lang sila ng dekorasyon.

39
00:02:41,375 --> 00:02:43,625
Ang mga mayayamang gaya ni Henry,

40
00:02:43,708 --> 00:02:47,875
ay may iisang kagustuhan:
ang lalo pang yumaman.

41
00:02:48,791 --> 00:02:51,625
Hindi sapat ang sampu o 20 milyon.

42
00:02:51,708 --> 00:02:54,583
Laging naghahangad
ng mas marami pang kayamanan

43
00:02:54,666 --> 00:02:58,250
at may matinding takot na isang araw
ay wala na silang pera.

44
00:02:58,333 --> 00:03:01,583
Marami silang paraan para lalong yumaman.

45
00:03:01,666 --> 00:03:04,333
May bumibili ng stocks at shares.

46
00:03:04,416 --> 00:03:09,333
May bumibili ng lupa, sining, o brilyante.
May nagsusugal.

47
00:03:09,416 --> 00:03:11,416
May ilan na nagsusugal sa lahat.

48
00:03:11,500 --> 00:03:15,541
Isa na roon si Henry Sugar,
na isa ring mandaraya, siya nga pala.

49
00:03:16,500 --> 00:03:17,458
Isang Sabado,

50
00:03:17,541 --> 00:03:21,166
mula sa London, pumunta si Henry
sa bahay ni Sir William W.

51
00:03:21,250 --> 00:03:23,583
Magarbo ang bahay at bakuran.

52
00:03:23,666 --> 00:03:27,166
Pero malakas ang ulan
nang dumating si Henry.

53
00:03:27,250 --> 00:03:30,750
Naglilibang sa sugal ang mga bisita
at may-ari ng bahay,

54
00:03:30,833 --> 00:03:34,708
samantalang si Henry
ay malungkot na nakasilip sa bintana.

55
00:03:34,791 --> 00:03:38,041
Lumibot si Henry sa drawing room
hanggang sa front hall.

56
00:03:38,125 --> 00:03:42,375
Naglibot siya sa bahay
hanggang sa mapadpad sa aklatan.

57
00:03:45,250 --> 00:03:48,916
Kolektor ng libro ang ama ni Sir William,
at ang pader ng silid

58
00:03:49,000 --> 00:03:52,291
ay puro hilera ng mga libro
mula sahig hanggang kisame.

59
00:03:52,375 --> 00:03:53,708
Di interesado si Henry.

60
00:03:53,791 --> 00:03:57,166
Detective novels at thrillers
ang gusto niya. Wala noon dito.

61
00:03:57,250 --> 00:03:58,333
Aalis na sana siya

62
00:03:58,416 --> 00:04:01,500
nang may mapansing kakaiba ang mata niya.

63
00:04:01,583 --> 00:04:03,458
Sa nipis nito, di na mapapansin

64
00:04:03,541 --> 00:04:06,541
kung di ito nakaangat
sa pagitan ng mga libro.

65
00:04:06,625 --> 00:04:08,166
Kinuha niya ito.

66
00:04:08,250 --> 00:04:09,291
Kagaya lang ito

67
00:04:09,375 --> 00:04:12,166
ng maninipis na libro
na ginagamit sa paaralan.

68
00:04:12,250 --> 00:04:14,833
Asul ang pabalat, walang nakasulat.

69
00:04:14,916 --> 00:04:18,750
May sulat-kamay sa unang pahina,
itim ang tinta, sinasabing:

70
00:04:18,833 --> 00:04:19,958
TALA KAY IMDAD KHAN

71
00:04:20,041 --> 00:04:23,166
NAKAKAKITA KAHIT WALANG MATA
NI DR. Z.Z. CHATTERJEE

72
00:04:23,250 --> 00:04:25,416
Grabe. Kakaiba. Ano kaya ito?

73
00:04:26,291 --> 00:04:29,750
Naupo siya at nagsimulang magbasa.

74
00:04:29,833 --> 00:04:33,708
Ang mga susunod ay ang binasa ni Henry
sa maliit na asul na libro.

75
00:04:37,958 --> 00:04:41,916
Z.Z. Chatterjee. Head surgeon
sa Lords and Ladies Hospital, Calcutta.

76
00:04:42,000 --> 00:04:44,083
Umaga ng ika-2 ng Disyembre, 1935,

77
00:04:44,166 --> 00:04:46,291
nagtsatsaa ako sa kwarto ng doktor.

78
00:04:46,375 --> 00:04:49,916
Kasama ko rin sina Dr. Marshall,
Mitra, at Macfarlane.

79
00:04:50,000 --> 00:04:51,500
May kumatok sa pinto.

80
00:04:51,583 --> 00:04:52,750
"Tuloy," sabi ko.

81
00:04:54,458 --> 00:04:57,750
Paumanhin po sa inyo.
Pwede po bang humingi ng pabor?

82
00:04:57,833 --> 00:04:59,500
"Pribadong kwarto ito," sabi ko.

83
00:04:59,583 --> 00:05:01,750
Alam ko po. Pasensya na po kayo,

84
00:05:01,833 --> 00:05:04,791
may gusto lang akong ipakita
na kakaibang bagay.

85
00:05:04,875 --> 00:05:07,208
Nainis kami at hindi kumibo.

86
00:05:08,208 --> 00:05:12,375
Mga ginoo, ako po ay nakakakita
kahit di gumagamit ng mata.

87
00:05:13,208 --> 00:05:14,666
Maliit siya, nasa 60,

88
00:05:14,750 --> 00:05:18,375
may puti siyang bigote
at itim na buhok sa labas ng tainga.

89
00:05:18,458 --> 00:05:21,291
Kahit balutan n'yo po
ng 50 benda ang ulo ko,

90
00:05:21,375 --> 00:05:23,500
kaya ko pa ring magbasa ng libro.

91
00:05:23,583 --> 00:05:27,166
Mukhang seryoso siya.
Bigla akong naging interesado.

92
00:05:27,250 --> 00:05:28,250
Pumasok ka.

93
00:05:35,166 --> 00:05:38,791
Ilang daliri ang hawak ni Dr. Marshall?

94
00:05:38,875 --> 00:05:40,291
-Pito.
-"Isa pa," sabi ko.

95
00:05:40,375 --> 00:05:41,750
-Siyam.
-"Isa pa." sabi ko.

96
00:05:41,833 --> 00:05:42,833
-Tatlo.
-Isa pa…

97
00:05:42,916 --> 00:05:44,291
-Tatlo ulit.
-Isa pa.

98
00:05:45,250 --> 00:05:46,166
Wala.

99
00:05:48,458 --> 00:05:49,333
Paano?

100
00:05:49,416 --> 00:05:53,333
Walang sikreto. Nagawa ko ito
dahil sa matagal na pagsasanay.

101
00:05:53,416 --> 00:05:54,708
Ano'ng pagsasanay?

102
00:05:54,791 --> 00:05:57,208
Pasensya na, hindi ko pwedeng sabihin.

103
00:05:58,125 --> 00:05:59,291
Ano'ng gagawin namin?

104
00:05:59,375 --> 00:06:02,333
Kasali ako sa teatro.
Nasa Calcutta kami ngayon.

105
00:06:02,416 --> 00:06:05,791
Unang pagtatanghal namin ngayon
sa Royal Palace Hall.

106
00:06:05,875 --> 00:06:07,375
Nasa palabas ako bilang:

107
00:06:07,458 --> 00:06:09,708
Imdad Khan, Nakakakita Kahit Walang Mata.

108
00:06:09,791 --> 00:06:11,750
Pag nasa bagong lugar kami,

109
00:06:11,833 --> 00:06:13,250
pumupunta ako sa ospital

110
00:06:13,333 --> 00:06:16,791
at sasabihin sa mga doktor
na bendahan ang aking mata.

111
00:06:16,875 --> 00:06:19,125
Kailangang mga doktor ang gumawa no'n,

112
00:06:19,208 --> 00:06:21,208
dahil iisipin nilang madaya ako.

113
00:06:21,291 --> 00:06:24,041
At lalabas ako
para gumawa ng delikadong bagay.

114
00:06:24,125 --> 00:06:25,333
Tumingin ako sa iba.

115
00:06:25,416 --> 00:06:28,458
Aalis na sina Mitra at Macfarlane.
Sige na.

116
00:06:28,541 --> 00:06:31,541
-Pero si Dr. Marshall…
-Bakit hindi? Gawin natin.

117
00:06:31,625 --> 00:06:33,708
Siguruhing wala siyang makikita.

118
00:06:33,791 --> 00:06:36,208
Ang bait ninyo. Kayo na po ang bahala.

119
00:06:36,291 --> 00:06:38,000
"Bago bendahan," sabi ko,

120
00:06:38,083 --> 00:06:40,250
"tapalan muna ng malambot na bagay."

121
00:06:40,333 --> 00:06:42,500
-Masa?
-Oo. Pumunta ka sa panaderya.

122
00:06:42,583 --> 00:06:44,375
Isasara ko ang talukap niya.

123
00:06:44,458 --> 00:06:46,916
Dinala ko si Imdad sa surgery room.

124
00:06:47,000 --> 00:06:48,250
"Mahiga ka," sabi ko.

125
00:06:48,333 --> 00:06:50,666
Kumuha ako ng isang bote ng collodion.

126
00:06:50,750 --> 00:06:52,916
Isasara ko ang talukap mo gamit ito.

127
00:06:53,000 --> 00:06:54,291
Pa'no ko matatanggal?

128
00:06:54,375 --> 00:06:57,833
Papahiran mo lang ng alcohol
sa ilalim ng pilikmata.

129
00:06:57,916 --> 00:07:00,583
Pumikit ka lang habang pinapatigas natin.

130
00:07:00,666 --> 00:07:01,625
Dalawang minuto.

131
00:07:01,708 --> 00:07:04,041
"Dumilat ka," sabi ko. Di niya kaya.

132
00:07:04,125 --> 00:07:08,000
Itinapal ko sa mata ni Imdad
ang masa na dala ni Dr. Marshall.

133
00:07:08,083 --> 00:07:09,333
Tinakpan ko nang buo

134
00:07:09,416 --> 00:07:12,000
at hinayaan kong lumagpas
sa mata ang masa.

135
00:07:12,083 --> 00:07:13,791
Ginawa ko rin sa isang mata.

136
00:07:13,875 --> 00:07:15,583
Diniinan ko ang paligid.

137
00:07:15,666 --> 00:07:17,166
"Masakit ba?" tanong ko.

138
00:07:17,250 --> 00:07:18,416
Hindi po. Salamat.

139
00:07:18,500 --> 00:07:20,291
"Bendahan mo," sabi ko.

140
00:07:20,375 --> 00:07:22,000
Malagkit ang mga daliri ko.

141
00:07:22,083 --> 00:07:24,833
Sige po. Lagyan natin dito…

142
00:07:24,916 --> 00:07:28,333
Tinakpan niya ng makapal na tela
ang mga mata ni Imdad.

143
00:07:28,416 --> 00:07:29,375
Hindi gumagalaw.

144
00:07:29,458 --> 00:07:30,416
Tumayo po kayo.

145
00:07:31,125 --> 00:07:34,416
Binalutan ni Dr. Marshall ng benda
ang ulo at mukha.

146
00:07:34,500 --> 00:07:36,833
Wag n'yo pong tatakpan ang ilong ko.

147
00:07:36,916 --> 00:07:37,750
Oo naman.

148
00:07:38,750 --> 00:07:41,500
Medyo masakit ito rito sa likod.

149
00:07:44,166 --> 00:07:45,166
Ayos lang ba?

150
00:07:45,250 --> 00:07:46,250
"Magaling," sabi ko.

151
00:07:46,333 --> 00:07:48,708
Para siyang inoperahan sa utak.

152
00:07:48,791 --> 00:07:49,666
Kumusta?

153
00:07:49,750 --> 00:07:50,833
Maayos po.

154
00:07:50,916 --> 00:07:53,916
Maayos po ang pagkakalagay ninyo.

155
00:07:54,000 --> 00:07:57,166
Tumayo si Imdad Khan
at naglakad papunta sa pinto.

156
00:08:04,291 --> 00:08:07,458
Nakita mo 'yon?
Alam niya kung nasaan ang doorknob!

157
00:08:07,541 --> 00:08:08,958
Nawala ang ngiti niya.

158
00:08:09,541 --> 00:08:12,583
Normal ang lakad ni Imdad,
na bumilis sa pasilyo.

159
00:08:12,666 --> 00:08:16,000
Sinundan namin siya.
Nakakakilabot siyang panoorin

160
00:08:16,083 --> 00:08:19,000
habang may benda sa ulo
at maayos na naglalakad.

161
00:08:19,083 --> 00:08:20,166
"Nakita niya" sabi ko.

162
00:08:20,250 --> 00:08:22,875
"Nakita niya ang trolley! Imposible!"

163
00:08:22,958 --> 00:08:24,333
Tahimik si Dr. Marshall.

164
00:08:24,416 --> 00:08:27,166
Bakas ang gulat sa buong mukha niya.

165
00:08:27,250 --> 00:08:29,708
Maayos na nakababa ng hagdan si Imdad.

166
00:08:29,791 --> 00:08:31,208
Walang hawak sa rail.

167
00:08:31,291 --> 00:08:34,166
May mga umaakyat
at halata mong nagulat din sila.

168
00:08:34,875 --> 00:08:38,750
Sa ibaba ng hagdan,
lumiko siya at dumiretso sa pinto palabas.

169
00:08:38,833 --> 00:08:41,166
Sinundan namin siya ni Dr. Marshall.

170
00:08:41,250 --> 00:08:44,583
Isang daang batang nakayapak
ang sumisigaw at sinalubong

171
00:08:44,666 --> 00:08:46,166
ang bisitang puti ang ulo.

172
00:08:46,250 --> 00:08:48,500
Kumaway siya sa mga bata.

173
00:08:48,583 --> 00:08:51,833
Sumakay siya sa bisikleta
at maayos na nagpedal.

174
00:08:51,916 --> 00:08:54,708
Hinabol siya ng mga batang
tumatawa't sumisigaw.

175
00:08:54,791 --> 00:08:57,583
Nagpedal siya papunta sa magulong kalsada

176
00:08:57,666 --> 00:09:00,916
na may bumubusina,
humaharurot na kotse sa paligid niya.

177
00:09:01,000 --> 00:09:02,625
Maayos siyang nagmaneho.

178
00:09:02,708 --> 00:09:04,708
Pinagmasdan namin siya.

179
00:09:04,791 --> 00:09:06,750
Lumiko siya at tuluyang nawala.

180
00:09:06,833 --> 00:09:10,375
-"Imposible," sabi ni Dr. Marshall.
-Di ako makapaniwala.

181
00:09:10,458 --> 00:09:11,958
"Ako rin," sabi ko.

182
00:09:12,041 --> 00:09:14,250
Ang nakita natin ay isang himala.

183
00:09:14,333 --> 00:09:16,875
Abala ako sa mga pasyente buong araw.

184
00:09:16,958 --> 00:09:19,541
Sa gabi ay nagpalit ako ng damit.

185
00:09:19,625 --> 00:09:21,000
Matagal akong naligo.

186
00:09:21,083 --> 00:09:24,500
Uminom ako ng alak sa beranda
habang tuwalya lang ang suot.

187
00:09:24,583 --> 00:09:27,500
Dumating ako sa Royal Palace Hall
bago ang 7:00.

188
00:09:27,583 --> 00:09:29,000
Dalawang oras ang palabas.

189
00:09:29,083 --> 00:09:32,458
Natuwa ko. Ang juggler,
snake-charmer, kumakain ng apoy,

190
00:09:32,541 --> 00:09:35,666
ang lumunok ng espada
mula lalamunan hanggang tiyan.

191
00:09:35,750 --> 00:09:37,458
At panghuli, kasabay ng trumpeta,

192
00:09:37,541 --> 00:09:40,000
lumabas si Imdad Khan para magtanghal.

193
00:09:40,083 --> 00:09:43,041
Nagtawag ng manonood
para takpan ang mata niya

194
00:09:43,125 --> 00:09:45,250
bago maghagis ng kutsilyo sa bata

195
00:09:45,333 --> 00:09:47,541
at barilin ang lata sa ulo nito.

196
00:09:47,625 --> 00:09:51,458
Sa huli, may nilagay na bakal na timba
sa ulo niyang may benda.

197
00:09:51,541 --> 00:09:55,291
Naglagay ng karayom at sinulid
sa kamay ni Imdad.

198
00:09:55,375 --> 00:09:57,708
May magnifying glass sa harap niya,

199
00:09:57,791 --> 00:09:59,375
at walang ano-ano,

200
00:09:59,458 --> 00:10:02,458
maayos niyang nailusot
ang sinulid sa karayom.

201
00:10:07,208 --> 00:10:08,208
Nabigla ako.

202
00:10:10,583 --> 00:10:13,125
Nakita kong nakaupo sa backstage si Imdad

203
00:10:13,208 --> 00:10:14,625
habang nag-aalis ng makeup.

204
00:10:14,708 --> 00:10:16,416
Nagtataka ka siguro, doktor?

205
00:10:16,500 --> 00:10:17,666
"Sobra," sabi ko.

206
00:10:17,750 --> 00:10:21,583
Muli akong nagulat sa mga buhok
sa labas ng kaniyang tainga.

207
00:10:21,666 --> 00:10:23,916
Ngayon lang ako nakakita nito.

208
00:10:24,000 --> 00:10:26,458
May alok ako sa iyo: Hindi ako manunulat.

209
00:10:26,541 --> 00:10:28,875
Pero kung sasabihin mo kung paano ka

210
00:10:28,958 --> 00:10:31,833
nakakakita nang walang mata,
isusulat ko ito.

211
00:10:31,916 --> 00:10:34,833
At susubukang ilathala
sa British Medical Journal

212
00:10:34,916 --> 00:10:36,125
o sa magazine.

213
00:10:36,208 --> 00:10:38,375
Matutulungan ka bang sumikat noon?

214
00:10:38,458 --> 00:10:40,416
-Napakalaking tulong.
-Magaling.

215
00:10:40,500 --> 00:10:43,333
Mabilis akong magsulat
ng mga medical history.

216
00:10:43,416 --> 00:10:46,500
Naisulat ko ang lahat
ng sinabi ni Imdad, bawat salita.

217
00:10:46,583 --> 00:10:48,750
Eksakto sa mga sinabi niya sa akin.

218
00:10:50,041 --> 00:10:52,583
LAHAT NG SINABI NI IMDAD KHAN NOON

219
00:10:52,666 --> 00:10:53,541
(BAWAT SALITA)

220
00:10:55,708 --> 00:10:58,791
Isinilang ako sa Kashmir State noong 1873.

221
00:10:58,875 --> 00:11:01,916
Ticket inspector ang tatay ko
sa national railway.

222
00:11:02,000 --> 00:11:05,291
May mahikero na nagpunta sa paaralan
para magtanghal.

223
00:11:05,375 --> 00:11:06,833
Manghang-mangha ako.

224
00:11:06,916 --> 00:11:08,833
Mula noon, kinuha ko ang ipon ko

225
00:11:08,916 --> 00:11:11,375
at sumali sa teatrong naglalakbay.

226
00:11:11,458 --> 00:11:14,708
Noong 1886 'yon, 13-anyos ako.

227
00:11:14,791 --> 00:11:15,791
Sa tatlong taon,

228
00:11:15,875 --> 00:11:18,500
naglakbay kami ng grupo sa buong Punjab.

229
00:11:18,583 --> 00:11:21,125
Sa bawat pagtatapos, ako ang pinakasikat.

230
00:11:21,208 --> 00:11:23,666
Nag-iipon ako ng pera sa lahat ng oras,

231
00:11:23,750 --> 00:11:27,541
na umabot lang sa 3,000 rupees.

232
00:11:27,625 --> 00:11:30,625
Narinig ko ang tungkol
sa isang sikat na yogi

233
00:11:30,708 --> 00:11:32,958
na may kakayahang lumutang.

234
00:11:33,041 --> 00:11:34,666
Kapag nagdasal daw ito,

235
00:11:34,750 --> 00:11:38,208
lumulutang ito hanggang 18 pulgada sa ere.

236
00:11:38,291 --> 00:11:40,250
Talagang nakakamangha.

237
00:11:41,375 --> 00:11:42,208
Bigote?

238
00:11:44,666 --> 00:11:46,000
Umalis ako sa teatro

239
00:11:46,083 --> 00:11:49,375
at pumunta sa maliit na bayan ng Ganges,

240
00:11:49,458 --> 00:11:51,375
kung saan daw nakatira ang yogi.

241
00:11:51,458 --> 00:11:53,833
Isang araw, narinig kong may ermitanyong

242
00:11:53,916 --> 00:11:57,583
nakita sa isang gubat
sa hindi kalayuan, nag-iisa.

243
00:11:57,666 --> 00:11:58,958
Sapat na 'yon.

244
00:11:59,041 --> 00:12:01,166
Nagrenta agad ako ng karwahe.

245
00:12:02,083 --> 00:12:03,708
Habang tumatawad sa kutsero,

246
00:12:03,791 --> 00:12:06,291
may lalaking papunta sa parehong lugar,

247
00:12:06,375 --> 00:12:09,291
magsabay na raw kami at maghati sa bayad.

248
00:12:09,375 --> 00:12:12,166
Pag sinusuwerte ka nga naman!

249
00:12:12,250 --> 00:12:13,541
Habang kausap siya,

250
00:12:13,625 --> 00:12:16,625
nalaman kong alagad siya ng dakilang yogi,

251
00:12:16,708 --> 00:12:19,541
at bibisitahin niya ang kaniyang master.

252
00:12:19,625 --> 00:12:20,458
Ang sabi ko,

253
00:12:20,541 --> 00:12:23,416
"Siya ang hinahanap ko!
Pwede ko siyang makita?"

254
00:12:23,500 --> 00:12:26,291
Tumingin lang sa akin ang kasama ko.

255
00:12:26,375 --> 00:12:28,458
"Imposible 'yan," sabi niya.

256
00:12:28,541 --> 00:12:31,750
Mula noon ay hindi na niya
sinagot ang mga tanong ko.

257
00:12:31,833 --> 00:12:34,416
Pero may nalaman akong isang bagay:

258
00:12:34,500 --> 00:12:37,625
ang oras kung kailan ginagawa
ng yogi ang meditation.

259
00:12:37,708 --> 00:12:41,958
Pinahinto ng kasama ko ang karwahe,
bumaba at umalis na.

260
00:12:42,041 --> 00:12:44,625
Nagpanggap akong tumuloy. Nang makatabi,

261
00:12:44,708 --> 00:12:46,875
tumalon ako at tumingin sa daan.

262
00:12:46,958 --> 00:12:49,750
Naglaho na agad ang lalaki sa gubat.

263
00:12:49,833 --> 00:12:51,750
May narinig akong kaluskos.

264
00:12:51,833 --> 00:12:54,125
"Kung di siya 'yon, tigre 'yon,

265
00:12:54,208 --> 00:12:56,750
at susunggaban ako, sasakmalin ako,

266
00:12:56,833 --> 00:12:59,583
kakainin ako,
pira-pirasong duguang karne."

267
00:13:00,958 --> 00:13:01,833
Siya 'yon.

268
00:13:04,125 --> 00:13:07,583
Wala man lang bakas
kung saan naglakad ang lalaki.

269
00:13:07,666 --> 00:13:09,958
Dumaan siya sa pagitan ng mga kawayan

270
00:13:10,041 --> 00:13:11,791
at mga matatayog na halaman.

271
00:13:11,875 --> 00:13:15,833
Sinundan ko siya nang tahimik,
nasa 100 dipa ang layo ko.

272
00:13:15,916 --> 00:13:18,916
Lagi siyang nawawala sa paningin ko,

273
00:13:19,000 --> 00:13:21,458
pero nasusundan ko ang mga yapak niya.

274
00:13:21,541 --> 00:13:24,750
Kalahating oras ko siyang sinundan.

275
00:13:24,833 --> 00:13:27,666
At biglang hindi ko na narinig ang lalaki.

276
00:13:27,750 --> 00:13:29,625
Huminto ako at nakinig.

277
00:13:29,708 --> 00:13:31,583
Sa likod ng mataas na halaman,

278
00:13:31,666 --> 00:13:34,166
may nakita akong dalawang maliit na kubo.

279
00:13:34,250 --> 00:13:35,458
Natuwa ako.

280
00:13:35,541 --> 00:13:37,833
May daanan ng tubig sa tabi ng kubo

281
00:13:37,916 --> 00:13:39,916
at maliit na banig, at sa itaas,

282
00:13:40,000 --> 00:13:44,208
ay isang malaking puno
na hitik sa dahon ang mga sanga.

283
00:13:44,291 --> 00:13:46,583
Naghintay ako sa kainitan ng tanghali.

284
00:13:46,666 --> 00:13:49,500
At kahit sa alinsangan ng hapon,
naghintay ako.

285
00:13:49,583 --> 00:13:50,958
Sumapit ang alas-singko

286
00:13:51,041 --> 00:13:54,416
at umakyat ako sa puno
at nagtago sa mga dahon.

287
00:13:54,500 --> 00:13:56,625
Sa wakas, lumabas ang yogi sa kubo

288
00:13:56,708 --> 00:13:58,541
at naupo sa banig.

289
00:13:58,625 --> 00:14:01,208
Bawat galaw niya ay kalmado at banayad.

290
00:14:01,291 --> 00:14:03,791
Nakalagay ang palad niya
sa kaniyang tuhod,

291
00:14:03,875 --> 00:14:06,041
huminga nang malalim mula sa ilong,

292
00:14:06,125 --> 00:14:09,875
at nakita kong nagliwanag
ang paligid niya.

293
00:14:09,958 --> 00:14:13,291
Nanatili siya sa ganoong posisyon
nang 14 minuto.

294
00:14:13,375 --> 00:14:17,000
Nanood lang ako,
at sigurado ako sa nakita ko,

295
00:14:17,083 --> 00:14:19,166
unti-unti siyang umangat.

296
00:14:20,666 --> 00:14:24,333
Labindalawang pulgada, 15, 18, 20.

297
00:14:25,083 --> 00:14:27,166
Dalawang talampakan mula sa banig.

298
00:14:27,250 --> 00:14:28,958
Sabi ko sa sarili,

299
00:14:29,041 --> 00:14:32,125
"Sa harapan mo
ay lalaking nakaupo sa hangin."

300
00:14:33,458 --> 00:14:37,416
Nanatili siyang nakalutang nang 46 minuto.

301
00:14:37,500 --> 00:14:39,708
At dahan-dahan, bumaba siya sa lupa,

302
00:14:39,791 --> 00:14:42,333
hanggang sa makaupo ulit siya sa banig.

303
00:14:42,416 --> 00:14:44,916
Bumaba ako sa puno at tumakbo palapit.

304
00:14:45,000 --> 00:14:47,291
Naghuhugas ang yogi ng kamay at paa.

305
00:14:47,375 --> 00:14:49,583
"Kailan ka pa nandito?" tanong niya.

306
00:14:49,666 --> 00:14:52,208
Bigla siyang naghagis ng bato sa akin,

307
00:14:52,291 --> 00:14:54,791
tumama ito sa binti ko
at nahati sa dalawa.

308
00:14:54,875 --> 00:14:57,000
Ipapakita ko sa inyo ang peklat.

309
00:14:59,916 --> 00:15:01,708
Ang totoo, swerte 'yon.

310
00:15:01,791 --> 00:15:04,791
Ang isang yogi
ay hindi dapat nagagalit at namamato.

311
00:15:04,875 --> 00:15:09,250
Napahiya ang matanda,
nagsisisi, at naiinis sa sarili.

312
00:15:09,333 --> 00:15:12,625
Sinabi niya na hindi niya ako
pwedeng gawing alagad,

313
00:15:12,708 --> 00:15:15,541
pero tuturuan niya ako ng ilang bagay

314
00:15:15,625 --> 00:15:17,708
bilang paumanhin sa pag-atake niya,

315
00:15:17,791 --> 00:15:20,125
na dapat lang naman talaga sa akin.

316
00:15:20,208 --> 00:15:22,041
Ito ay 1890.

317
00:15:22,125 --> 00:15:24,041
Halos 17-anyos na ako.

318
00:15:26,000 --> 00:15:28,250
Ngayon, ano ang itinuro ng yogi?

319
00:15:28,333 --> 00:15:29,875
Ito na.

320
00:15:29,958 --> 00:15:31,458
Maraming laman ang isip.

321
00:15:31,541 --> 00:15:34,541
Pinoproblema nito ang napakaraming bagay.

322
00:15:34,625 --> 00:15:37,250
Ang mga nakikita mo, naaamoy, naririnig.

323
00:15:37,333 --> 00:15:40,208
Mga bagay na iniisip mo
at ayaw mong isipin.

324
00:15:40,291 --> 00:15:42,250
Dapat matutuhan mong isentro ang isip

325
00:15:42,333 --> 00:15:45,916
sa puntong isang bagay lang
ang makikita mo, walang iba.

326
00:15:46,000 --> 00:15:48,958
Kung sisikapin mo,
maaari mong ituon ang isip mo

327
00:15:49,041 --> 00:15:50,458
sa bagay na pipiliin mo

328
00:15:50,541 --> 00:15:52,458
sa tatlo at kalahating minuto.

329
00:15:52,541 --> 00:15:55,625
Kailangan nito ng 20 taon
ng araw-araw na pagsasanay.

330
00:15:55,708 --> 00:15:57,291
"Dalawampung taon!"

331
00:15:57,375 --> 00:15:59,083
Matagal ang dalawampung taon.

332
00:15:59,166 --> 00:16:01,875
Ganoon talaga ang itatagal
kapag ginawa mo ito.

333
00:16:01,958 --> 00:16:03,541
Matanda na ako noon!

334
00:16:03,625 --> 00:16:06,416
Pero may tumatagal lang
ng sampung taon, may 30.

335
00:16:06,500 --> 00:16:09,333
Pero may mga pambihirang taong

336
00:16:09,416 --> 00:16:12,250
kayang gawin iyon nang isa
o dalawang taon lang,

337
00:16:12,333 --> 00:16:14,250
Isa sa isang bilyon, hindi ikaw.

338
00:16:14,333 --> 00:16:16,625
Mahirap ba talagang isentro ang isip…

339
00:16:16,708 --> 00:16:21,166
Halos imposible. Subukan mo.
Pumikit ka at mag-isip ng isang bagay.

340
00:16:21,250 --> 00:16:24,291
Iyon lang ang isipin mo.
Isipin mong nasa harap mo.

341
00:16:24,375 --> 00:16:26,458
Pero maglalakbay agad ang isip mo.

342
00:16:26,541 --> 00:16:29,541
Maiisip mo ang ibang bagay.
Napakahirap nito.

343
00:16:29,625 --> 00:16:31,625
Iyan ang sinabi ng dakilang yogi.

344
00:16:33,708 --> 00:16:36,500
At nagsimula ang pagsasanay ko.

345
00:16:37,083 --> 00:16:38,458
Tuwing gabi, uupo ako,

346
00:16:38,541 --> 00:16:41,916
pipikit at iisipin
ang pinakamamahal kong tao sa lahat,

347
00:16:42,000 --> 00:16:45,333
iyon ay ang kuya kong namatay
dahil sa sakit sa dugo.

348
00:16:45,416 --> 00:16:49,208
Mukha niya lang ang iniisip ko
pero naglakbay ang isip ko.

349
00:16:49,291 --> 00:16:52,166
Tinigil ko ito
at nagpahinga nang ilang minuto,

350
00:16:52,250 --> 00:16:53,458
sinubukan ko ulit.

351
00:16:53,541 --> 00:16:55,291
Pagkatapos ng limang taon,

352
00:16:55,375 --> 00:16:58,208
naitutuon ko na ang isip ko
sa mukha ng kuya ko

353
00:16:58,291 --> 00:16:59,750
sa isa at kalahating minuto.

354
00:16:59,833 --> 00:17:01,166
Umuusad ako.

355
00:17:04,791 --> 00:17:05,625
Kasabay noon,

356
00:17:05,708 --> 00:17:08,833
maganda na ang kita ko sa pagtatanghal.

357
00:17:08,916 --> 00:17:11,041
Natural na magaling ang mahika ko,

358
00:17:11,125 --> 00:17:13,708
pero tinuloy ko pa rin ang pagsasanay ko.

359
00:17:13,791 --> 00:17:17,583
Tuwing gabi,
nauupo ako kung nasaan man ako,

360
00:17:17,666 --> 00:17:20,333
at iisipin lang ang mukha ng kuya ko.

361
00:17:20,416 --> 00:17:23,583
Minsan, nagsisindi ako ng kandila
at titingin sa apoy.

362
00:17:23,666 --> 00:17:27,041
Ang apoy ng kandila ay may tatlong bahagi:

363
00:17:27,125 --> 00:17:29,541
dilaw sa ibabaw, ang lila sa ibaba,

364
00:17:29,625 --> 00:17:30,875
at itim sa loob.

365
00:17:30,958 --> 00:17:33,833
Labing-anim na pulgada
ang layo ng kandila sa akin,

366
00:17:33,916 --> 00:17:35,458
katapat ng mga mata ko,

367
00:17:35,541 --> 00:17:38,708
para hindi kailangang gumalaw ng mata ko

368
00:17:38,791 --> 00:17:39,916
sa ibaba o itaas.

369
00:17:40,000 --> 00:17:44,041
Tinitigan ko ang itim sa gitna
hanggang maglaho ang nasa paligid ko.

370
00:17:44,125 --> 00:17:45,458
Saka ako pumikit

371
00:17:45,541 --> 00:17:48,000
at inisip ang mukha ng kuya ko.

372
00:17:48,916 --> 00:17:53,750
Noong 1907, 34-anyos na ako,
nakakapagtuon na ako nang tatlong minuto

373
00:17:53,833 --> 00:17:56,125
nang hindi lumilipad ang isip.

374
00:17:56,208 --> 00:17:59,458
Kasabay noon,
naramdaman ko ang isang kakayahan,

375
00:17:59,541 --> 00:18:01,291
kakaibang pakiramdam,

376
00:18:01,375 --> 00:18:04,375
kapag pumikit ako
at tumingin nang mariin sa bagay,

377
00:18:04,458 --> 00:18:05,750
mariing-mariin,

378
00:18:05,833 --> 00:18:08,541
nakikita ko ang anyo ng bagay
na tinitignan ko.

379
00:18:08,625 --> 00:18:10,583
Naisip ko ang sinabi ng yogi:

380
00:18:10,666 --> 00:18:14,250
"May ilang banal na tao
na kayang isentro ang isip nila,

381
00:18:14,333 --> 00:18:17,000
at nakakakita rin sila
nang di ginagamit ang mata."

382
00:18:17,083 --> 00:18:21,416
Tuwing nag-eensayo ako
gamit ang kandila sa gabi,

383
00:18:21,500 --> 00:18:24,333
umiinom ako ng kape,
pipiringan ko ang mata ko

384
00:18:24,416 --> 00:18:26,875
at susubukang makakita nang walang mata.

385
00:18:26,958 --> 00:18:29,125
Nagsimula ako sa baraha.

386
00:18:29,208 --> 00:18:31,333
Inaral ko ang likod at hinulaan.

387
00:18:31,416 --> 00:18:33,583
Sandali lang ay 60% na ang tama ko.

388
00:18:33,666 --> 00:18:35,833
Sunod ay gumamit ako ng mapa

389
00:18:35,916 --> 00:18:37,625
at idinikit sa kwarto ko.

390
00:18:37,708 --> 00:18:42,083
Ilang oras akong tumingin dito nang
nakapiring, binabasa ang mga nakasulat.

391
00:18:42,166 --> 00:18:46,291
Tuwing gabi sa loob ng walong taon,
tinuloy ko ang ganitong gawain.

392
00:18:46,375 --> 00:18:49,000
Sa 1915, nakakabasa na ako ng buong libro,

393
00:18:49,083 --> 00:18:50,958
hanggang dulo, nang nakapiring.

394
00:18:51,041 --> 00:18:52,291
Nagawa ko!

395
00:18:52,375 --> 00:18:54,291
Sa wakas, may kapangyarihan ako.

396
00:18:55,833 --> 00:18:58,541
Ito na ang naging pagtatanghal ko.

397
00:18:58,625 --> 00:19:01,791
Nagustuhan ng mga tao
pero hindi naniniwalang totoo.

398
00:19:01,875 --> 00:19:05,333
Kahit ang doktor na gaya mo,
na piniringan ako nang sobra,

399
00:19:05,416 --> 00:19:08,375
di naniniwalang may makakakita
nang walang mata.

400
00:19:08,458 --> 00:19:11,708
May iba pang paraan
para dalhin sa isip ang isang imahe.

401
00:19:11,791 --> 00:19:13,208
Tumahimik si Imdad Khan.

402
00:19:13,291 --> 00:19:14,208
Pagod na siya.

403
00:19:14,291 --> 00:19:15,666
"Ano 'yon?" tanong ko.

404
00:19:17,750 --> 00:19:19,333
Ang totoo, hindi ko alam.

405
00:19:21,083 --> 00:19:23,958
Ibang parte ng katawan
ang gamit para makakita.

406
00:19:24,041 --> 00:19:24,958
Anong parte?

407
00:19:35,125 --> 00:19:36,666
Hindi ako nakatulog.

408
00:19:36,750 --> 00:19:39,833
Kayang lituhin ng taong ito
ang mga taga-siyensiya.

409
00:19:39,916 --> 00:19:41,875
Siya ang pinakamahalagang tao.

410
00:19:41,958 --> 00:19:45,625
Kailangan kong malaman,
sa biology man, kemikal, o mahika,

411
00:19:45,708 --> 00:19:48,375
kung paano makakita
nang di gumagamit ng mata.

412
00:19:48,458 --> 00:19:51,833
Kayang makakita ng bulag.
Makakarinig ang bingi. Ano pa?

413
00:19:51,916 --> 00:19:54,541
"Di siya pwedeng balewalain," naisip ko.

414
00:19:54,625 --> 00:19:58,333
Isinulat ko ang lahat ng sinabi ni Imdad
nang gabing iyon.

415
00:19:58,416 --> 00:20:00,416
Limang oras nang hindi humihinto.

416
00:20:03,125 --> 00:20:06,583
Alas-otso ng umaga,
natapos ko ang pinakamahalagang bahagi:

417
00:20:06,666 --> 00:20:08,041
ang mga binasa mo.

418
00:20:08,125 --> 00:20:10,958
Nakita ko lang si Dr. Marshall
nang magtsaa kami.

419
00:20:11,041 --> 00:20:13,291
Sinabi ko ang lahat sa maikling oras.

420
00:20:13,375 --> 00:20:15,916
"Babalik ako sa teatro," sabi ko.

421
00:20:16,000 --> 00:20:17,291
Sasama ako sa iyo.

422
00:20:17,375 --> 00:20:19,875
Nagpunta kami
sa Royal Palace Hall nang 6:45.

423
00:20:19,958 --> 00:20:22,458
Ipinarada ko ang kotse at saka pumasok.

424
00:20:22,541 --> 00:20:24,250
"May mali," sabi ko.

425
00:20:24,333 --> 00:20:26,625
Walang tao, at sarado ang mga pinto.

426
00:20:26,708 --> 00:20:30,666
Nandoon pa rin ang mga poster
pero may ibang poster sa ibabaw nito.

427
00:20:30,750 --> 00:20:32,833
"Di tuloy ang palabas ngayon."

428
00:20:33,875 --> 00:20:37,208
Tinanong ko ang matandang bantay
sa pinto: "Bakit?"

429
00:20:37,291 --> 00:20:38,583
May namatay.

430
00:20:38,666 --> 00:20:39,500
"Sino?"

431
00:20:39,583 --> 00:20:40,958
Syempre, alam ko na.

432
00:20:41,041 --> 00:20:42,916
Ang nakakakita nang walang mata.

433
00:20:43,666 --> 00:20:45,208
"Paano?" tanong ko.

434
00:20:45,291 --> 00:20:47,250
Natulog, hindi na gumising.

435
00:20:48,208 --> 00:20:49,375
Ganoon talaga.

436
00:20:52,750 --> 00:20:54,416
Bumalik kami sa kotse.

437
00:20:59,125 --> 00:21:01,500
Nakaramdam ako ng lungkot at galit.

438
00:21:01,583 --> 00:21:03,583
Di ko na siya dapat pinakawalan.

439
00:21:03,666 --> 00:21:05,500
Inalagaan ko sana siya.

440
00:21:05,583 --> 00:21:07,000
Naghimala si Imdad Khan.

441
00:21:07,083 --> 00:21:11,333
Nagawa niyang kumonekta sa ibang pwersa
na di kaya ng ordinaryong tao.

442
00:21:11,416 --> 00:21:13,083
Ngayon, patay na siya.

443
00:21:13,166 --> 00:21:14,833
"Iyon na," sabi ng doktor.

444
00:21:15,625 --> 00:21:16,541
Iyon na 'yon.

445
00:21:17,500 --> 00:21:18,500
"Oo," sabi ko.

446
00:21:19,833 --> 00:21:20,750
"Iyon na 'yon."

447
00:21:25,625 --> 00:21:28,083
Ito ay totoo at tiyak na tala ng lahat

448
00:21:28,166 --> 00:21:30,291
ng pagkikita namin ni Imdad Khan.

449
00:21:33,416 --> 00:21:34,625
Aba, aba, aba.

450
00:21:35,708 --> 00:21:37,791
Interesante ito.

451
00:21:39,166 --> 00:21:41,333
Nakakamanghang impormasyon.

452
00:21:42,916 --> 00:21:44,333
Magbabago ang buhay ko.

453
00:22:04,125 --> 00:22:06,541
Ang tinutukoy ni Henry na impormasyon

454
00:22:06,625 --> 00:22:10,333
ay ang pagsasanay ni Imdad Khan
na alamin ang bilang ng baraha

455
00:22:10,416 --> 00:22:11,833
mula sa likod,

456
00:22:11,916 --> 00:22:14,541
at bilang mandaraya, gaya ng sinabi ko,

457
00:22:14,625 --> 00:22:18,083
naisip ni Henry na yayaman siya rito.

458
00:22:18,166 --> 00:22:20,500
Nanghingi siya sa butler

459
00:22:20,583 --> 00:22:23,208
ng kandila, kandelero, at ruler.

460
00:22:23,291 --> 00:22:25,041
Nagkulong siya sa kwarto,

461
00:22:25,125 --> 00:22:27,041
sinara ang kurtina at ilaw.

462
00:22:27,125 --> 00:22:29,625
Itinirik ang kandila. Kumuha ng upuan.

463
00:22:29,708 --> 00:22:33,083
Natuwa siya nang napansing
pantay sa mata niya ang mitsa.

464
00:22:33,166 --> 00:22:37,000
Gamit ang ruler, inilayo niya ang kandila
sa layong 16 pulgada,

465
00:22:37,083 --> 00:22:38,541
gaya ng sinabi sa libro.

466
00:22:38,625 --> 00:22:42,125
Inisip ni Imdad Khan
ang mukha ng pinakamamahal niya,

467
00:22:42,208 --> 00:22:44,666
ang namatay niyang kuya.

468
00:22:44,750 --> 00:22:46,458
Walang kapatid si Henry.

469
00:22:47,041 --> 00:22:49,958
Kaya ang inisip na lang niya
ay ang mukha niya.

470
00:22:56,750 --> 00:22:59,875
Nang tingnan ni Henry
ang itim sa gitna ng apoy,

471
00:22:59,958 --> 00:23:01,583
may kakaibang nangyari.

472
00:23:01,666 --> 00:23:04,791
Nawala ang pagiging balisa ng isip niya.
Blangko ito,

473
00:23:04,875 --> 00:23:08,083
naramdaman niyang
tila binalot ang buong katawan niya,

474
00:23:08,166 --> 00:23:09,000
guminhawa,

475
00:23:09,083 --> 00:23:11,708
sa loob ng itim na parte sa gitna ng apoy.

476
00:23:12,291 --> 00:23:14,500
Pero 15 segundo lamang ang itinagal.

477
00:23:14,583 --> 00:23:16,791
Mula noon, anuman ang ginagawa niya,

478
00:23:16,875 --> 00:23:20,291
limang beses sa isang araw
siyang nag-eensayo.

479
00:23:20,375 --> 00:23:24,041
Unang beses na naging interesado siya
sa isang bagay,

480
00:23:24,125 --> 00:23:27,083
at kahanga-hanga ang kaniyang progreso.

481
00:23:27,166 --> 00:23:28,166
Anim na buwan lang,

482
00:23:28,250 --> 00:23:31,625
nagagawa na niyang isentro ang isip
nang tatlong minuto

483
00:23:31,708 --> 00:23:34,541
nang walang ibang pumapasok sa isip niya.

484
00:23:34,625 --> 00:23:36,166
"Ako 'yon," naisip niya.

485
00:23:36,250 --> 00:23:38,375
"Isa sa isang bilyon na kayang

486
00:23:38,458 --> 00:23:40,791
magkaroon ng kapangyarihan
ng yoga nang mabilis!"

487
00:23:41,333 --> 00:23:45,166
Sa dulo ng unang taon,
lagpas lima't kalahating minuto na siya.

488
00:23:45,250 --> 00:23:46,375
Ito na 'yon.

489
00:23:50,791 --> 00:23:53,041
Sa sala ni Henry, hatinggabi.

490
00:23:53,125 --> 00:23:55,083
Nasasabik siya dahil ngayon,

491
00:23:55,166 --> 00:23:57,291
may deck ng baraha sa harap niya

492
00:23:57,375 --> 00:23:59,041
at nagpokus siya sa nasa taas.

493
00:23:59,125 --> 00:24:02,833
Ang nakikita lang niya
ay ang pulang linyang disenyo sa likod,

494
00:24:02,916 --> 00:24:05,750
ang pinakakaraniwang disenyo
sa buong mundo.

495
00:24:05,833 --> 00:24:09,375
Nagpokus siya
sa kabilang bahagi ng baraha.

496
00:24:09,458 --> 00:24:13,500
Matindi ang kaniyang pokus
sa hindi nakikitang bahagi ng baraha.

497
00:24:13,583 --> 00:24:16,416
Tatlumpung segundo.
Isa, dalawa, tatlong minuto.

498
00:24:16,500 --> 00:24:17,916
Di gumagalaw si Henry.

499
00:24:18,000 --> 00:24:20,500
Walang duda ang kakayahan niyang magpokus.

500
00:24:20,583 --> 00:24:22,500
Iniisip niya ang likod ng baraha.

501
00:24:22,583 --> 00:24:25,000
Walang ibang pumapasok sa isip niya.

502
00:24:25,083 --> 00:24:27,375
Sa pang-apat na minuto, may nangyari.

503
00:24:27,458 --> 00:24:29,333
Dahan-dahan, may mahika, pero malinaw,

504
00:24:29,416 --> 00:24:33,125
ang itim na bilog ay naging spade,
ang linya ay naging lima.

505
00:24:33,208 --> 00:24:34,708
Ang five of spades.

506
00:24:34,791 --> 00:24:38,000
Kinuha niya ang baraha
at hinarap sa kanya.

507
00:24:39,041 --> 00:24:40,250
"Nagawa ko," sabi niya.

508
00:24:41,333 --> 00:24:42,541
Nalibang si Henry.

509
00:24:42,625 --> 00:24:45,291
Lalabas lang siya kung bibili ng pagkain.

510
00:24:45,375 --> 00:24:47,250
Buong araw, madalas pati gabi,

511
00:24:47,333 --> 00:24:49,583
nakayuko siya sa baraha at orasan,

512
00:24:49,666 --> 00:24:51,833
pinabibilis ang sarili.

513
00:24:51,916 --> 00:24:54,791
Isang buwan, isa't kalahati.
anim na buwan, 20 segundo.

514
00:24:54,875 --> 00:24:56,708
Pitong buwan, sampung segundo.

515
00:24:56,791 --> 00:24:58,000
Limang segundo dapat.

516
00:24:58,083 --> 00:25:00,708
Kung di niya mababasa sa limang segundo,

517
00:25:00,791 --> 00:25:02,875
hindi siya mananalo sa casino.

518
00:25:02,958 --> 00:25:06,916
Pero habang palapit siya
sa gusto niyang oras, mas humihirap.

519
00:25:07,000 --> 00:25:09,166
Apat na linggo sa siyam na segundo.

520
00:25:09,250 --> 00:25:11,083
Lima para maging walo.

521
00:25:11,166 --> 00:25:12,791
Di na niya ramdam ang hirap.

522
00:25:12,875 --> 00:25:15,375
Nag-eensayo siya nang diretsong 12 oras.

523
00:25:15,458 --> 00:25:17,791
Alam niyang makakarating din siya doon.

524
00:25:17,875 --> 00:25:20,333
Ang huling dalawa ang malala, 11 buwan.

525
00:25:20,416 --> 00:25:22,041
Pero isang hapon ng Sabado…

526
00:25:29,708 --> 00:25:33,583
Limang segundo. Inoorasan ni Henry
ang sarili sa bawat baraha.

527
00:25:33,666 --> 00:25:37,458
Limang segundo.

528
00:25:38,500 --> 00:25:40,833
Gaano katagal bago niya nagawa ito?

529
00:25:41,666 --> 00:25:44,666
Tatlong taon at tatlong buwan na ensayo.

530
00:25:46,208 --> 00:25:48,625
May lagpas 100 na casino sa London.

531
00:25:48,708 --> 00:25:52,750
Myembro si Henry ng sampu.
Paborito niya ang Lord's House.

532
00:25:52,833 --> 00:25:56,041
Ito ang pinakamaganda,
nasa magandang Georgian mansion.

533
00:25:56,125 --> 00:25:57,166
Kumusta, Mr. Sugar?

534
00:25:57,250 --> 00:25:59,916
…sabi ng lalaking kabisado ang mga mukha.

535
00:26:00,000 --> 00:26:03,125
Umakyat siya sa magarbong hagdan
papunta sa kahera.

536
00:26:03,208 --> 00:26:05,250
Nagsulat ng tseke para sa £10,000.

537
00:26:05,333 --> 00:26:09,416
Nakapalibot ang mga babae sa roleta,
parang mga inahing manok.

538
00:26:09,500 --> 00:26:12,458
Nagbibilang ng chip
ang mga lalaking mukhang nalugi

539
00:26:12,541 --> 00:26:14,125
at kita ang kasakiman.

540
00:26:15,541 --> 00:26:17,541
Unang beses sa buhay ni Henry,

541
00:26:17,625 --> 00:26:20,583
umiwas siya sa mga sobrang yamang mga tao.

542
00:26:20,666 --> 00:26:23,500
Naghanap siya ng bakanteng upuan

543
00:26:23,583 --> 00:26:25,166
sa mesa ng blackjack.

544
00:26:25,250 --> 00:26:28,250
Kinuha ng dealer ang plake
at inilagay sa slot.

545
00:26:28,333 --> 00:26:31,458
Medyo bata pa,
itim ang mata at kulay abo na balat.

546
00:26:31,541 --> 00:26:33,791
Nagsasalita lang siya kapag kailangan.

547
00:26:33,875 --> 00:26:36,583
Maliit ang kamay
at nagbibilang ang mga daliri.

548
00:26:36,666 --> 00:26:39,875
Pinagpatong niya ang isang linya
ng £25 chip.

549
00:26:39,958 --> 00:26:42,708
Di na binilang.
Di nagkakamali ang daliri niya.

550
00:26:42,791 --> 00:26:44,250
Naglagay siya kay Henry.

551
00:26:44,333 --> 00:26:45,708
Habang nag-aayos,

552
00:26:45,791 --> 00:26:47,875
tumingin siya sa baraha sa dealer's shoe.

553
00:26:47,958 --> 00:26:51,375
Sa limang segundo, nalaman niyang ten.
Walong chip, £200,

554
00:26:51,458 --> 00:26:53,583
pinakamalaking taya sa Lord's House.

555
00:26:53,666 --> 00:26:56,083
Napunta sa kaniya ang ten. Nine ang sunod.

556
00:26:56,166 --> 00:26:57,333
Nineteen lahat.

557
00:26:57,416 --> 00:26:58,416
Stick na sa 19.

558
00:26:58,500 --> 00:27:02,083
Hilingin mo na hindi dapat 20 o 21
ang makuha ng dealer.

559
00:27:02,166 --> 00:27:04,708
-Nang si Henry na, ang sabi niya…
-Nineteen.

560
00:27:04,791 --> 00:27:07,333
…lumipat ito sa iba.
"Teka," sabi ni Henry.

561
00:27:07,416 --> 00:27:08,958
Bumalik ito kay Henry.

562
00:27:09,041 --> 00:27:11,333
Tumaas ang kilay, seryoso ang mata.

563
00:27:11,416 --> 00:27:13,583
-Draw sa 19?
-…mabilis niyang tanong.

564
00:27:13,666 --> 00:27:17,208
May dalawang rank lang
na hindi pwede sa 19, alas at two.

565
00:27:17,291 --> 00:27:21,250
Tanga lang ang itataya sa 19,
lalo kung £200 ang nasa mesa.

566
00:27:21,333 --> 00:27:24,375
Kita niya ang sunod na baraha.
Di ginalaw ng dealer.

567
00:27:24,458 --> 00:27:27,833
"Isa pa." sabi ni Henry.
Kinuha ng dealer ang baraha.

568
00:27:27,916 --> 00:27:31,083
Lumapag ang dalawang club
kasama ang ten at nine.

569
00:27:31,166 --> 00:27:32,708
-21.
-…sabi ng dealer.

570
00:27:32,791 --> 00:27:34,750
Tumingin siya kay Henry,

571
00:27:34,833 --> 00:27:37,500
nakatingin lang, tahimik at nagtataka.

572
00:27:38,666 --> 00:27:42,208
Wala pa itong nakikita na nag-draw sa 19.

573
00:27:42,291 --> 00:27:44,500
Ang taong ito ay kalmado at tiyak

574
00:27:44,583 --> 00:27:46,750
na nakapagtataka, at nanalo siya.

575
00:27:46,833 --> 00:27:50,166
Tiningnan ng dealer si Henry,
iniisip niyang may mali.

576
00:27:50,250 --> 00:27:52,500
Lumapit ang mga tao. "Mawalang-galang na."

577
00:27:52,583 --> 00:27:54,000
Hindi na siya uulit.

578
00:27:54,083 --> 00:27:57,125
Kailangan niyang mag-ingat,
magpatalo kahit minsan.

579
00:27:57,208 --> 00:27:58,250
Tuloy ang laro.

580
00:27:58,333 --> 00:28:00,041
Malaki ang lamang ni Henry,

581
00:28:00,125 --> 00:28:02,583
hirap siyang di maging kahina-hinala.

582
00:28:02,666 --> 00:28:04,291
Nanalo na siya ng £30,000.

583
00:28:04,375 --> 00:28:05,416
Tumigil na siya.

584
00:28:05,500 --> 00:28:07,916
Muntik na itong maging milyon.

585
00:28:08,000 --> 00:28:09,208
Salamat.

586
00:28:09,291 --> 00:28:11,958
Si Henry na ngayon ang pinakamabilis

587
00:28:12,041 --> 00:28:14,458
magparami ng pera sa buong mundo.

588
00:28:16,666 --> 00:28:17,500
Interesante.

589
00:28:22,041 --> 00:28:24,333
Kung ito ay isang gawa-gawang kuwento,

590
00:28:24,416 --> 00:28:25,833
kailangang may wakas ito

591
00:28:25,916 --> 00:28:28,583
na talagang kapana-panabik.

592
00:28:28,666 --> 00:28:30,250
Madrama at kakaiba.

593
00:28:30,333 --> 00:28:33,416
Halimbawa, uuwi si Henry
at bibilangin ang pera.

594
00:28:33,500 --> 00:28:36,333
Habang nagbibilang,
sasama ang pakiramdam niya.

595
00:28:36,416 --> 00:28:37,875
May kirot sa dibdib.

596
00:28:38,875 --> 00:28:41,333
Nagpunta siya sa kwarto. Naghubad.

597
00:28:41,416 --> 00:28:43,250
Nakahubad siyang naglakad.

598
00:28:43,333 --> 00:28:46,458
Nadaanan niya ang salamin at napahinto.

599
00:28:46,541 --> 00:28:49,541
Bilang nakagawian, nag-concentrate siya.

600
00:28:49,625 --> 00:28:51,833
Nakita niya ang loob ng katawan.

601
00:28:51,916 --> 00:28:54,250
Parang X-ray, pero kita niya lahat.

602
00:28:54,333 --> 00:28:56,666
Arteries, mga ugat, dugong dumadaloy.

603
00:28:56,750 --> 00:28:59,541
Atay, bato, bituka.
Ang tumitibok niyang puso.

604
00:28:59,625 --> 00:29:01,708
Tumingin siya sa parteng kumirot

605
00:29:01,791 --> 00:29:05,958
may nakita siyang umbok
sa loob ng ugat papunta sa puso.

606
00:29:06,041 --> 00:29:08,916
Namuong dugo.
Hindi ito gumagalaw noong una.

607
00:29:09,000 --> 00:29:12,083
Pero gumalaw ito. Dahan-dahan.
Kulang isang pulgada.

608
00:29:12,166 --> 00:29:14,708
Pumupulandit sa likod ng clot ang dugo,

609
00:29:14,791 --> 00:29:16,083
muli itong gumalaw.

610
00:29:16,166 --> 00:29:19,166
Gumalaw ito nang kalahating pulgada.
Natakot si Henry.

611
00:29:19,250 --> 00:29:22,666
Alam niyang ang namuong dugo
na gumagalaw sa mga ugat

612
00:29:22,750 --> 00:29:24,125
ay papalapit sa puso.

613
00:29:24,208 --> 00:29:25,500
Mamamatay na siya.

614
00:29:25,583 --> 00:29:28,375
Magandang wakas
para sa piksyon, pero hindi.

615
00:29:28,458 --> 00:29:29,416
Totoo ito.

616
00:29:29,500 --> 00:29:32,333
Pangalan lang ang di totoo.
Di ito Henry Sugar.

617
00:29:32,416 --> 00:29:35,750
Kailangang protektahan
ang pangalan niya hanggang ngayon.

618
00:29:35,833 --> 00:29:37,875
Bukod doon, totoo ang kwentong ito

619
00:29:37,958 --> 00:29:41,000
at dahil totoo ito,
dapat may totoo itong wakas.

620
00:29:41,083 --> 00:29:42,583
Ito ang totoong nangyari.

621
00:29:46,916 --> 00:29:49,875
Isang oras naglakad si Henry.
Malamig ang gabi.

622
00:29:49,958 --> 00:29:51,583
Buhay na buhay ang syudad.

623
00:29:51,666 --> 00:29:55,041
Ramdam niya ang makapal na pera
sa bulsa ng jacket niya.

624
00:29:55,125 --> 00:29:56,500
Tinapik niya ito.

625
00:29:56,583 --> 00:29:58,708
Maraming pera sa isang oras.

626
00:29:58,791 --> 00:30:00,791
Pero naguguluhan pa rin siya.

627
00:30:00,875 --> 00:30:04,583
Hindi niya alam
kung bakit hindi siya masaya.

628
00:30:04,666 --> 00:30:07,333
Kung nangyari ito bago ang yoga,

629
00:30:07,416 --> 00:30:09,041
malamang sobrang saya niya,

630
00:30:09,125 --> 00:30:11,666
pupunta pa siya sa club para magsaya.

631
00:30:11,750 --> 00:30:13,750
Pero hindi masaya si Henry.

632
00:30:13,833 --> 00:30:15,083
Malungkot siya.

633
00:30:15,166 --> 00:30:17,916
Tuwing tataya siya,
alam niyang mananalo siya.

634
00:30:18,000 --> 00:30:21,083
Walang kaba, walang panganib.

635
00:30:21,166 --> 00:30:24,083
Kaya niyang maglibot sa mundo
at kumita ng milyon.

636
00:30:24,166 --> 00:30:25,750
Pero masaya ba 'yun?

637
00:30:25,833 --> 00:30:28,000
Isa pa, posible bang baguhin

638
00:30:28,083 --> 00:30:30,166
ng kapangyarihan ng yoga

639
00:30:30,250 --> 00:30:33,833
ang pananaw niya sa buhay?

640
00:30:33,916 --> 00:30:35,041
Posible.

641
00:30:35,750 --> 00:30:38,458
Tanghali siyang nagising kinabukasan,

642
00:30:38,541 --> 00:30:41,166
nakita niya ang makapal na pera sa lamesa,

643
00:30:41,250 --> 00:30:43,208
ayaw niya nito.

644
00:31:07,500 --> 00:31:08,333
Ano ito?

645
00:31:08,416 --> 00:31:11,875
Magandang umaga. Sa 'yo 'yan! Bigay ko.

646
00:31:11,958 --> 00:31:12,791
Ah…

647
00:31:14,000 --> 00:31:14,833
Ano?

648
00:31:15,625 --> 00:31:16,958
Ilagay mo sa bulsa mo!

649
00:31:18,458 --> 00:31:19,291
Sige.

650
00:31:28,208 --> 00:31:29,250
Ano ito?

651
00:31:29,333 --> 00:31:30,166
Pera 'yan.

652
00:31:30,250 --> 00:31:31,083
Kunin mo!

653
00:31:37,583 --> 00:31:38,416
Hoy!

654
00:31:41,875 --> 00:31:42,708
Ano ba…

655
00:32:17,541 --> 00:32:18,708
May nag-doorbell.

656
00:32:18,791 --> 00:32:20,541
Ano'ng ginagawa mo?

657
00:32:20,625 --> 00:32:23,208
Pasensya na. Nagbigay lang ako ng pera.

658
00:32:23,291 --> 00:32:25,750
-Nagsimula ka ng gulo!
-Nagbigay lang ako.

659
00:32:25,833 --> 00:32:28,000
Hindi ko na uulitin. Aalis din sila.

660
00:32:28,083 --> 00:32:31,000
Dinukot ng pulis ang £50
sa kaniyang bulsa.

661
00:32:31,083 --> 00:32:34,333
-Nakakuha ka.
-Ebidensiya ito. Saan galing ang pera?

662
00:32:34,416 --> 00:32:37,166
Nanalo ako sa blackjack. Sinuwerte ako.

663
00:32:37,250 --> 00:32:39,875
Sinulat ng pulis ang club
na sinabi ni Henry.

664
00:32:39,958 --> 00:32:41,333
Patutunayan nila.

665
00:32:41,416 --> 00:32:43,250
Wala akong pakialam.

666
00:32:43,333 --> 00:32:44,958
-Wala?
-Wala.

667
00:32:45,041 --> 00:32:46,583
Naniniwala ako sa kwento mo,

668
00:32:46,666 --> 00:32:49,541
pero hindi 'yon dahilan para gawin 'yon.

669
00:32:49,625 --> 00:32:51,958
Wala akong ginawang ilegal, di ba?

670
00:32:52,791 --> 00:32:53,708
Ilegal?

671
00:32:54,458 --> 00:32:55,583
Isa kang tanga!

672
00:32:56,333 --> 00:32:59,708
Kapag nanalo ka ng ganoon karaming pera,

673
00:32:59,791 --> 00:33:02,750
at gusto mong ibigay,
hindi mo ihahagis sa bintana.

674
00:33:02,833 --> 00:33:06,958
Dalhin mo sa ospital, o bahay-ampunan.

675
00:33:07,041 --> 00:33:09,125
Maraming ospital at ampunang

676
00:33:09,208 --> 00:33:12,375
walang perang pambili ng regalo
sa mga bata sa Pasko.

677
00:33:12,458 --> 00:33:14,208
At ito ang isang tanga

678
00:33:14,291 --> 00:33:16,666
na hindi naranasang maubusan ng pera,

679
00:33:16,750 --> 00:33:19,666
at hinagis 'yon sa kalsada.

680
00:33:19,750 --> 00:33:22,666
Bumaba ang pulis at umalis.

681
00:33:22,750 --> 00:33:23,666
Pumirmi si Henry.

682
00:33:23,750 --> 00:33:26,416
Tinamaan siya
sa mga salitang narinig niya,

683
00:33:26,500 --> 00:33:27,750
matindi at malalim.

684
00:33:27,833 --> 00:33:29,375
Napahiya siya.

685
00:33:29,458 --> 00:33:30,708
Masamang pakiramdam.

686
00:33:36,916 --> 00:33:38,000
At bigla,

687
00:33:38,083 --> 00:33:41,500
nakaramdam si Henry ng kuryente
sa buo niyang katawan,

688
00:33:41,583 --> 00:33:45,208
at naisip niya ang isang bagay
na babago sa lahat.

689
00:33:45,291 --> 00:33:46,791
Mabilis siyang naglakad,

690
00:33:46,875 --> 00:33:49,916
nag-isip ng plano
para mangyari ang naisip niya.

691
00:33:50,000 --> 00:33:52,333
Una. Mananalo ako ng maraming pera

692
00:33:52,416 --> 00:33:55,416
araw-araw mula sa mga oras na ito.

693
00:33:55,500 --> 00:33:59,250
Pangalawa. Walang parehong casino
sa loob ng anim na buwan.

694
00:33:59,333 --> 00:34:02,000
Pangatlo. Sakto lang dapat
ang mapanalunan ko.

695
00:34:02,083 --> 00:34:04,333
£50,000 lang sa isang gabi.

696
00:34:04,416 --> 00:34:08,166
Pang-apat. £50,000 sa isang gabi,
365 na araw sa isang taon.

697
00:34:08,250 --> 00:34:10,916
£18.25 milyon 'yon.

698
00:34:11,000 --> 00:34:12,166
Panlima. Tuloy lang.

699
00:34:12,250 --> 00:34:14,791
Dalawa o tatlong gabi
sa kahit saang syudad.

700
00:34:14,875 --> 00:34:16,958
London, Monte-Carlo, Cannes, Biarritz,

701
00:34:17,041 --> 00:34:20,083
Deauville, Las Vegas,
Mexico City, Buenos Aires, Nassau.

702
00:34:20,166 --> 00:34:24,416
Pang-anim. Iipunin ko ang pera
at magtatayo ng mga ospital at ampunan.

703
00:34:24,500 --> 00:34:26,791
Mukhang korni at madrama ang pangarap

704
00:34:26,875 --> 00:34:29,083
pero sa realidad, magagawa ko ito.

705
00:34:29,166 --> 00:34:33,208
Hindi ito korni,
isa itong kahanga-hangang bagay.

706
00:34:33,291 --> 00:34:36,875
Pampito. Kailangan ko
ng katuwang sa paghawak ng pera,

707
00:34:36,958 --> 00:34:38,541
at ipapadala sa kailangan.

708
00:34:38,625 --> 00:34:41,791
Isang tao na may malasakit
at mapagkakatiwalaan ko.

709
00:34:41,875 --> 00:34:45,041
Accountant ni Henry at ng tatay niya
si John Winston.

710
00:34:45,125 --> 00:34:47,708
Ang tatay ni John
ay accountant ng lolo niya.

711
00:34:47,791 --> 00:34:49,708
Magiging pinakamayaman ka sa mundo.

712
00:34:51,833 --> 00:34:54,000
Ayokong maging pinakamayaman.

713
00:34:56,583 --> 00:34:59,250
Di pwede sa England, mauuwi lang sa buwis.

714
00:34:59,333 --> 00:35:01,416
Lilipat ako sa Switzerland. Wag bukas.

715
00:35:01,500 --> 00:35:04,125
Di ako gaya mo na walang responsibilidad.

716
00:35:04,208 --> 00:35:07,000
Magpapaalam ako sa pamilya
at mga partner ko.

717
00:35:07,083 --> 00:35:09,541
Ibebenta ang bahay
at bibili sa Switzerland,

718
00:35:09,625 --> 00:35:11,916
ililipat ang mga bata ng school.

719
00:35:12,000 --> 00:35:15,125
Isang taon ang lumipas,
nagbigay ng £120 milyon si Henry

720
00:35:15,208 --> 00:35:17,000
kay John Winston sa Lausanne.

721
00:35:17,083 --> 00:35:18,708
Limang araw kung magpadala

722
00:35:18,791 --> 00:35:21,250
sa Swiss company na Winston Sugar, LLC.

723
00:35:21,333 --> 00:35:24,250
Sina Henry at John lang
ang may alam kung saan

724
00:35:24,333 --> 00:35:25,708
galing o mapupunta ito.

725
00:35:25,791 --> 00:35:27,458
Lunes ang pinakamalaking padala

726
00:35:27,541 --> 00:35:30,125
dahil kasama
ang Biyernes, Sabado at Linggo,

727
00:35:30,208 --> 00:35:31,333
Pag sarado ang banko.

728
00:35:31,416 --> 00:35:33,041
Mabilis siyang kumilos,

729
00:35:33,125 --> 00:35:35,750
nagpapalit ng katauhan linggo-linggo.

730
00:35:35,833 --> 00:35:38,416
Nalalaman na lang ni
John kung nasaan si Henry

731
00:35:38,500 --> 00:35:42,250
dahil sa address ng banko
kung saan ipinadala ang pera. Napakalaki.

732
00:36:02,541 --> 00:36:05,958
Namatay si Henry
sa pulmonary embolism sa edad na 63.

733
00:36:06,041 --> 00:36:09,166
Inasahan na niya iyon, at sobrang payapa.

734
00:36:09,250 --> 00:36:11,833
Dalawampung taon niyang ginawa ang plano.

735
00:36:11,916 --> 00:36:14,458
Nasa £644 milyon ang kinita niya.

736
00:36:14,541 --> 00:36:16,041
May 21 na naipatayong

737
00:36:16,125 --> 00:36:19,208
ospital at ampunan
para sa mga bata sa buong mundo,

738
00:36:19,291 --> 00:36:23,333
na pinamamahalaan ni John Winston
at mga staff niya sa Lausanne.

739
00:36:23,416 --> 00:36:24,666
Tapos na ang trabaho niya.

740
00:36:29,125 --> 00:36:33,208
Ngayon, paano ko nalaman ang lahat ng ito?
Sasabihin ko sa iyo.

741
00:36:33,291 --> 00:36:36,791
Pagkamatay ni Henry,
tinawagan ako ni John Winston.

742
00:36:36,875 --> 00:36:38,291
Maayos siyang nagpakilala

743
00:36:38,375 --> 00:36:41,750
bilang pangulo ng kompanya
na Winston Sugar, LLC,

744
00:36:41,833 --> 00:36:44,000
at kung pwede ba akong pumunta sa Lausanne

745
00:36:44,083 --> 00:36:47,000
para isulat ang kasaysayan
ng organisasyon nila.

746
00:36:47,625 --> 00:36:49,250
Di ko alam kung bakit ako.

747
00:36:49,333 --> 00:36:52,125
Siguro ay may listahan siya ng manunulat.

748
00:36:52,208 --> 00:36:54,375
Babayaran daw nila ako, dagdag niya.

749
00:36:54,458 --> 00:36:56,583
"Isang kahanga-hangang lalaki
ang namatay."

750
00:36:56,666 --> 00:36:58,291
"Siya ay si Henry Sugar."

751
00:36:58,375 --> 00:37:02,125
"Dapat malaman ng mga tao
kung ano ang nagawa niya sa mundo."

752
00:37:02,208 --> 00:37:03,208
Dahil di ko alam,

753
00:37:03,291 --> 00:37:06,000
tinanong ko kung
ang kuwento ba ay interesante

754
00:37:06,083 --> 00:37:07,541
para maisulat sa papel.

755
00:37:07,625 --> 00:37:11,041
Nainis si John Winston.
Siguro ay nainsulto ko siya.

756
00:37:11,625 --> 00:37:13,083
Sa limang minuto sa telepono,

757
00:37:13,166 --> 00:37:16,041
sinabi niya ang
sikretong trabaho ni Henry Sugar.

758
00:37:16,125 --> 00:37:17,541
Na hindi na sikreto.

759
00:37:17,625 --> 00:37:21,083
Patay na si Henry
at di na makakapasok ulit sa casino.

760
00:37:21,166 --> 00:37:23,083
"Pupunta ako," sabi ko.

761
00:37:23,166 --> 00:37:26,000
Sa Lausanne, nakilala ko
si John Winston, lagpas 70 na

762
00:37:26,083 --> 00:37:27,291
at si Max Engelman,

763
00:37:27,375 --> 00:37:30,291
kilalang make-up artist
na lumibot kasama si Henry

764
00:37:30,375 --> 00:37:33,166
kaya naitago ni Henry
ang tunay na katauhan niya.

765
00:37:33,250 --> 00:37:37,333
Pareho silang winasak
ng pagkamatay ni Henry.

766
00:37:37,416 --> 00:37:39,625
Mahal ko siya. Mabuti siyang tao.

767
00:37:39,708 --> 00:37:42,666
Pinakita ni John Winston
ang kulay asul na libro

768
00:37:42,750 --> 00:37:45,666
sinulat ni Z.Z. Chatterjee
sa Calcutta noong 1935.

769
00:37:45,750 --> 00:37:47,833
Kinopya ko ito, bawat salita.

770
00:37:47,916 --> 00:37:49,375
"Huling tanong," sabi ko.

771
00:37:49,458 --> 00:37:53,083
"Henry Sugar ang tawag mo sa kanya,
pero sabi mo, di iyon totoo."

772
00:37:53,166 --> 00:37:56,375
"Ayaw mo bang sabihin
ang tunay niyang pangalan?"

773
00:37:56,458 --> 00:37:57,750
-Ayoko.
-…sabi niya.

774
00:37:57,833 --> 00:38:00,208
Nangako kaming
di ilalabas ang katauhan niya.

775
00:38:00,291 --> 00:38:02,750
Sa tingin ko, lalabas din ito kalaunan.

776
00:38:02,833 --> 00:38:04,833
Galing siya sa kilalang pamilyang Ingles,

777
00:38:04,916 --> 00:38:07,500
pero ikagagalak ko kung hindi mo aalamin.

778
00:38:07,583 --> 00:38:09,791
Pero tawagin mo siyang Mr. Henry Sugar.

779
00:38:11,833 --> 00:38:13,291
At iyon nga ang ginawa ko.

780
00:38:20,791 --> 00:38:24,583
Ang "The Wonderful Story
of Henry Sugar" ay sinulat ni Roald Dahl

781
00:38:24,666 --> 00:38:28,916
sa kaniyang bahay
sa Great Missenden, Buckinghamshire

782
00:38:29,000 --> 00:38:31,416
sa pagitan ng Pebrero
at Disyembre ng 1976.

783
00:38:37,541 --> 00:38:42,166
PAMPUBLIKONG DAAN

784
00:38:42,250 --> 00:38:45,083
Binigyan si Ernie ng riple
para sa kaarawan niya.

785
00:38:45,166 --> 00:38:48,750
Dala ang baril at kahon ng bala,
naghanap siya ng mababaril.

786
00:38:48,833 --> 00:38:50,041
Sa bahay ni Raymond,

787
00:38:50,125 --> 00:38:53,458
nilagay niya ang daliri sa bibig
at pumito nang matagal.

788
00:38:54,250 --> 00:38:57,125
Kapitbahay at kaibigan
ni Ernie si Raymond.

789
00:38:57,208 --> 00:38:59,250
Tinaas niya ang riple sa ulo niya.

790
00:38:59,333 --> 00:39:02,166
"Grabe!" sabi ni Raymond.
"Masayang laruin iyan!"

791
00:39:03,125 --> 00:39:06,375
Umalis ang dalawa.
Sabado ng umaga ng Mayo noon.

792
00:39:06,458 --> 00:39:08,416
Namumulaklak na ang kastanyas,

793
00:39:08,500 --> 00:39:10,958
at puti na ang mga hawthorn sa halamanan.

794
00:39:11,041 --> 00:39:13,875
Habang naglalakad sina Ernie at Raymond,

795
00:39:13,958 --> 00:39:15,958
binabaril nila bawat ibong makita nila.

796
00:39:16,041 --> 00:39:18,875
Bullfinches, maya,
whitethroats, yellowhammers.

797
00:39:18,958 --> 00:39:22,000
Noong nasa riles na sila,
may 14 na maliliit na ibon

798
00:39:22,083 --> 00:39:23,583
na nakasabit sa tali.

799
00:39:24,416 --> 00:39:27,583
"Tingnan mo!" bulong ni Ernie
nang nakaturo. "Doon!"

800
00:39:27,666 --> 00:39:29,500
May isang maliit na lalaking

801
00:39:29,583 --> 00:39:32,166
nakatingala sa puno gamit ang binoculars.

802
00:39:32,250 --> 00:39:33,833
"Si Watson! Lokong 'yon."

803
00:39:35,333 --> 00:39:37,208
Payat at lampa si Peter Watson.

804
00:39:37,291 --> 00:39:40,250
Maraming pekas
at may suot na makapal na salamin.

805
00:39:40,333 --> 00:39:41,583
Matalinong mag-aaral,

806
00:39:41,666 --> 00:39:44,458
nasa senior class na
kahit 13-anyos pa lang.

807
00:39:44,541 --> 00:39:47,291
Mahilig sa musika at mahusay sa piano.

808
00:39:47,375 --> 00:39:49,875
Hindi mahusay maglaro.
Tahimik at magalang.

809
00:39:51,791 --> 00:39:55,041
Lumapit ang dalawang
mas malaking lalaki sa bata.

810
00:39:57,041 --> 00:39:59,541
Di niya sila nakita dahil sa binoculars

811
00:39:59,625 --> 00:40:02,208
at manghang-mangha sa tinitingnan niya.

812
00:40:03,208 --> 00:40:05,583
"Taas-kamay!" tinutok ni Ernie ang baril.

813
00:40:05,666 --> 00:40:07,250
Nagulat si Peter Watson.

814
00:40:09,250 --> 00:40:11,916
Tiningnan niya ang dalawa mula sa salamin.

815
00:40:12,000 --> 00:40:14,250
"Bilis!" sigaw ni Ernie. "Taas-kamay!"

816
00:40:14,333 --> 00:40:15,666
Nakatindig si Peter Watson,

817
00:40:15,750 --> 00:40:18,458
hawak ang binoculars sa dalawang kamay.

818
00:40:18,541 --> 00:40:20,291
Tiningnan niya si Raymond at Ernie.

819
00:40:20,375 --> 00:40:23,875
Di siya takot, pero di dapat
makipaglokohan sa kanila.

820
00:40:23,958 --> 00:40:26,500
Matagal na siyang
pinahihirapan ng mga ito.

821
00:40:26,583 --> 00:40:27,625
Taas-kamay.

822
00:40:27,708 --> 00:40:29,583
Iyon lang ang tamang gawin.

823
00:40:29,666 --> 00:40:32,500
Lumapit si Raymond
at ninakaw ang binoculars.

824
00:40:32,583 --> 00:40:34,416
"Sino'ng sinisilip mo?" sabi niya.

825
00:40:34,500 --> 00:40:36,708
Iniisip ni Peter Watson ang mangyayari.

826
00:40:36,791 --> 00:40:39,500
Pwede siyang tumakbo,
pero mahahabol nila siya.

827
00:40:39,583 --> 00:40:42,083
Kung sisigaw siya, walang makakarinig.

828
00:40:42,166 --> 00:40:44,333
Ang magagawa niya lang ay kumalma

829
00:40:44,416 --> 00:40:46,708
at subukan silang kausapin.

830
00:40:46,791 --> 00:40:49,166
"Woodpecker 'yon," sabi ni Peter.

831
00:40:49,250 --> 00:40:52,416
"Ano?" "Lalaking berdeng woodpecker."
Picus viridis.

832
00:40:52,500 --> 00:40:55,750
"Tinutuka ang patay na puno,
naghahanap ng pagkain."

833
00:40:55,833 --> 00:40:57,833
"Nasaan?" inangat ni Ernie ang baril.

834
00:40:57,916 --> 00:41:00,125
"Babarilin ko!" "Wag," sabi ni Peter,

835
00:41:00,208 --> 00:41:03,208
habang nakatingin sa mga ibon
sa balikat ni Raymond.

836
00:41:03,291 --> 00:41:06,750
"Lumipad noong sumigaw ka.
Mahiyain ang mga woodpecker."

837
00:41:12,583 --> 00:41:14,416
Bumulong si Raymond kay Ernie.

838
00:41:14,500 --> 00:41:16,875
Napahampas si Ernie. "Maganda 'yan!"

839
00:41:16,958 --> 00:41:19,666
Binaba niya ang baril at lumapit sa bata.

840
00:41:19,750 --> 00:41:21,125
Tinulak niya ito.

841
00:41:21,208 --> 00:41:24,000
Pumutol si Raymond ng mahaba-habang tali.

842
00:41:24,083 --> 00:41:26,208
Tinali nila ang mga kamay ni Peter.

843
00:41:26,291 --> 00:41:27,791
"Hita naman," sabi niya.

844
00:41:27,875 --> 00:41:30,541
Pumiglas si Peter
at sinuntok siya sa tiyan.

845
00:41:30,625 --> 00:41:32,333
Nabilaukan siya, natigilan.

846
00:41:32,416 --> 00:41:34,833
Tinali rin ng mga lalaki ang paa niya,

847
00:41:34,916 --> 00:41:36,375
na parang manok.

848
00:41:36,458 --> 00:41:37,916
Pinulot ni Ernie ang baril,

849
00:41:38,000 --> 00:41:41,166
at binitbit nila ang bata
papunta sa riles.

850
00:41:41,250 --> 00:41:43,208
Tumahimik lang si Peter Watson.

851
00:41:43,291 --> 00:41:46,083
Anumang balak nila,
di na sila makukumbinsi.

852
00:41:46,166 --> 00:41:48,000
Hinila nila siya sa pilapil

853
00:41:48,083 --> 00:41:51,166
at hiniga nang pahaba sa riles.
Itong riles na ito.

854
00:41:53,166 --> 00:41:54,375
Itong riles na ito.

855
00:41:54,458 --> 00:41:57,375
Nangyari sa akin ito 27 taon na.
Ako si Peter Watson.

856
00:41:58,958 --> 00:42:00,541
"Tali pa," sabi ni Ernie.

857
00:42:04,625 --> 00:42:06,708
Wala nang magawa si Peter,

858
00:42:06,791 --> 00:42:08,458
na nakatali na sa riles.

859
00:42:08,541 --> 00:42:11,208
Ulo at paa niya lang ang nagagalaw niya.

860
00:42:11,291 --> 00:42:14,125
Lumayo sina Ernie at Raymond
para tingnan iyon.

861
00:42:14,208 --> 00:42:16,125
"Ang galing natin," sabi ni Ernie.

862
00:42:16,208 --> 00:42:19,083
"Pagpatay ito,"
sabi ng batang nakahiga sa riles.

863
00:42:19,166 --> 00:42:21,083
"Hindi sigurado," sabi ni Ernie.

864
00:42:21,166 --> 00:42:23,125
"Depende sa awang ng mga tren."

865
00:42:23,208 --> 00:42:25,875
"Kung hihiga ka lang,
baka maiwasan mo pa."

866
00:42:27,333 --> 00:42:30,750
Umakyat ang mga lalaki sa pilapil
at nagtago sa halamanan.

867
00:42:30,833 --> 00:42:32,958
Nagsindi at nanigarilyo sina Ernie.

868
00:42:33,041 --> 00:42:35,250
Alam ni Peter na di siya pakakawalan.

869
00:42:35,333 --> 00:42:37,250
Mapanganib ang mga baliw na ito.

870
00:42:37,333 --> 00:42:39,791
Mapanganib, baliw at mangmang.

871
00:42:39,875 --> 00:42:42,625
"Dapat mag-isip ako,"
sabi ni Peter sa sarili.

872
00:42:42,708 --> 00:42:44,833
Tinitimbang niya ang tsansa niya.

873
00:42:44,916 --> 00:42:46,791
Pinakamataas sa mukha ay ilong.

874
00:42:46,875 --> 00:42:50,541
Nasa apat na pulgada
ang taas ng ilong niya sa riles.

875
00:42:50,625 --> 00:42:53,166
Sobra ba 'yon?
Mahirap sa makabagong diesel.

876
00:42:53,250 --> 00:42:56,333
Nakaibabaw ang ulo niya
sa graba sa pagitan ng tren.

877
00:42:56,416 --> 00:42:58,666
Dapat makalubog siya nang kaunti.

878
00:42:58,750 --> 00:43:01,541
Ginalaw-galaw niya ang ulo
para hawiin ang graba

879
00:43:01,625 --> 00:43:04,375
at unti-unting ilubog ang sarili.

880
00:43:04,458 --> 00:43:06,791
Dalawang pulgada ang binaba ang ulo niya.

881
00:43:06,875 --> 00:43:08,833
Pwede na. Pero 'yong paa niya?

882
00:43:08,916 --> 00:43:11,791
Pinaling niya ito paloob
hanggang sa mapatag

883
00:43:11,875 --> 00:43:13,583
at hinintay ang tren.

884
00:43:13,666 --> 00:43:17,250
Iniisip niya kung mayroon bang vacuum
sa ilalim ng tren

885
00:43:17,333 --> 00:43:20,375
habang dumaraan 'yon,
na hihigop sa kanya. Baka.

886
00:43:20,458 --> 00:43:21,958
Dapat magpokus siya

887
00:43:22,041 --> 00:43:24,791
sa pagdiin ng sarili niya sa lupa.

888
00:43:24,875 --> 00:43:28,666
"Wag kang lata. Dapat tuwid at nakadiin
ang katawan sa lupa."

889
00:43:28,750 --> 00:43:30,875
Pinanood ni Peter ang puting langit,

890
00:43:30,958 --> 00:43:33,750
kung saan may cumulus na ulap
na lumulutang.

891
00:43:33,833 --> 00:43:35,583
Eroplano na dumaan sa ulap.

892
00:43:35,666 --> 00:43:37,833
High-winged monoplane na may fuselage.

893
00:43:37,916 --> 00:43:42,000
Lumang Piper Cub, naisip niya.
Pinanood niya hanggang mawala.

894
00:43:42,083 --> 00:43:43,166
At bigla na lang,

895
00:43:43,250 --> 00:43:47,083
may narinig siyang nanginginig
na tunog mula sa riles.

896
00:43:47,166 --> 00:43:50,291
Mahina, halos di marinig,
mahinang dagundong

897
00:43:50,375 --> 00:43:53,166
na gawa ng riles na mula sa malayo.

898
00:43:58,916 --> 00:44:01,666
Inangat ni Peter ang ulo niya at binaybay

899
00:44:01,750 --> 00:44:03,916
ang kabuuan ng riles na isang milya,

900
00:44:04,000 --> 00:44:04,958
at nakita ang tren.

901
00:44:05,041 --> 00:44:07,916
Sa una, tuldok lang,
pero habang papalapit,

902
00:44:08,000 --> 00:44:09,541
lumalaki ang tuldok

903
00:44:09,625 --> 00:44:12,000
at nagkakahugis, di na lang tuldok,

904
00:44:12,083 --> 00:44:15,291
kundi malaki,
at bilugang harap ng makinang diesel.

905
00:44:15,375 --> 00:44:17,625
Diniin pa ni Peter ang ulo niya

906
00:44:17,708 --> 00:44:19,750
sa butas na hinukay niya sa graba.

907
00:44:19,833 --> 00:44:21,291
Pinaling paloob ang paa.

908
00:44:21,375 --> 00:44:24,333
Pumikit siya at diniin pa lalo
ang sarili sa lupa.

909
00:44:24,416 --> 00:44:27,208
Dumaan ang tren na parang sumasabog.

910
00:44:27,291 --> 00:44:28,916
Parang baril sa ulo niya.

911
00:44:29,000 --> 00:44:31,625
Kasama ng pagsabog ang sumisigaw na hangin

912
00:44:31,708 --> 00:44:35,041
na parang bagyong humahataw
sa ilong at baga niya.

913
00:44:35,125 --> 00:44:37,833
Nakakabinging ingay.
Nasamid siya sa hangin.

914
00:44:37,916 --> 00:44:39,916
Para bang kinain siya nang buhay

915
00:44:40,000 --> 00:44:43,875
at ngayo'y nasa tiyan
na nang maingay na halimaw.

916
00:44:43,958 --> 00:44:46,083
At tapos na. Wala na ang tren.

917
00:44:46,791 --> 00:44:49,250
Dumilat si Peter Watson sa puting langit,

918
00:44:49,333 --> 00:44:51,833
lumulutang pa rin ang malaking ulap.

919
00:44:51,916 --> 00:44:54,375
Tapos na, at nagawa niya.

920
00:45:00,916 --> 00:45:02,583
-Kalagan mo.
-Sabi ni Ernie.

921
00:45:02,666 --> 00:45:05,458
Inalis ni Raymond
ang pagkakatali ni Peter.

922
00:45:05,541 --> 00:45:07,875
"Tanggalin 'yong sa paa,
pero wag sa kamay."

923
00:45:07,958 --> 00:45:10,250
Pinutol ni Raymond ang tali sa paa.

924
00:45:10,333 --> 00:45:13,375
"Di ka makakawala," sabi ni Ernie.

925
00:45:13,458 --> 00:45:17,416
Nilakad ng dalawa si Peter Watson
sa kabilang bukid papunta sa lawa.

926
00:45:17,500 --> 00:45:20,125
Nakatali pa rin ang kamay ng bilanggo.

927
00:45:20,208 --> 00:45:22,208
Hawak pa rin ni Ernie ang baril

928
00:45:22,291 --> 00:45:25,208
at bitbit naman ni Raymond ang binoculars.

929
00:45:28,833 --> 00:45:30,250
Mahaba at makitid ang lawa

930
00:45:30,333 --> 00:45:32,583
at may matataas na willow sa gilid.

931
00:45:32,666 --> 00:45:34,458
Sa gitna, malinaw ang tubig,

932
00:45:34,541 --> 00:45:37,000
pero sa pampang, may gubat ng bulrush.

933
00:45:37,083 --> 00:45:39,750
"Ngayon," sabi ni Ernie.
"Ito ang naisip ko."

934
00:45:39,833 --> 00:45:41,791
"Ikaw sa kamay, ako sa paa,

935
00:45:41,875 --> 00:45:45,791
at ihahagis natin siya
hanggang sa maputik na damuhan."

936
00:45:45,875 --> 00:45:48,500
"Ayun!" sabi ni Raymond.
"Doon natin ihagis!"

937
00:45:48,583 --> 00:45:50,541
Tumalikod si Peter Watson.

938
00:45:50,625 --> 00:45:53,583
Isang pugad na tumpok-tumpok na damo

939
00:45:53,666 --> 00:45:55,791
na dalawang talampakan ang taas sa tubig.

940
00:45:55,875 --> 00:46:00,041
Sa taas, isang napakagandang puting swan
na parang Lady of the Lake.

941
00:46:00,125 --> 00:46:03,583
Nakatutok ang ulo nito sa mga lalaki,
binabantayan sila.

942
00:46:03,666 --> 00:46:06,041
"Grabe!" sigaw ni Raymond. "Ang ganda!"

943
00:46:06,125 --> 00:46:09,583
Nilagay ni Ernie
ang baril sa bandang balikat.

944
00:46:09,666 --> 00:46:13,166
"Bird… Bird sanctuary ito,"
sabi ni Peter nang nauutal.

945
00:46:13,250 --> 00:46:15,083
"Ano?" tanong ni Ernie.

946
00:46:15,166 --> 00:46:18,333
Nararamdaman na ni Peter
na kumukulo ang dugo niya.

947
00:46:18,416 --> 00:46:20,125
Pero kumalma lang siya.

948
00:46:20,208 --> 00:46:22,541
"Protektadong ibon sa England ang swan,

949
00:46:22,625 --> 00:46:26,083
at bawal barilin ang pugad nila.
Baka may cygnets doon."

950
00:46:26,166 --> 00:46:29,375
"Wag nyo'ng gagawin.
Di pwede. Pakiusap, wag!"

951
00:46:30,958 --> 00:46:33,125
Tumama sa ulo ng swan ang bala

952
00:46:33,208 --> 00:46:36,291
at unti-unting bumagsak ang leeg
sa gilid ng pugad.

953
00:46:46,666 --> 00:46:47,500
Pakibukas.

954
00:47:00,500 --> 00:47:02,875
"Kalagan mo siya. Tagapulot natin 'yan."

955
00:47:02,958 --> 00:47:05,833
Tinanggal ni Raymond
ang tali sa kamay ng bata.

956
00:47:05,916 --> 00:47:07,000
"Kunin mo!"

957
00:47:07,083 --> 00:47:08,291
"Ayoko," sabi ko.

958
00:47:09,125 --> 00:47:12,250
Hinataw ni Ernie si Peter
sa mukha, malakas.

959
00:47:12,333 --> 00:47:14,916
May patak ng dugo
na lumabas sa ilong niya.

960
00:47:15,000 --> 00:47:18,583
"Pumalag ka pa uli, at pinapangako ko:

961
00:47:18,666 --> 00:47:21,500
Tatanggalin ko bawat ngipin mo sa harap,

962
00:47:21,583 --> 00:47:23,625
taas at baba. Malinaw?"

963
00:47:23,708 --> 00:47:24,666
Di siya umimik.

964
00:47:24,750 --> 00:47:26,958
"Sagot!" sigaw ni Ernie. "Malinaw?"

965
00:47:27,041 --> 00:47:29,708
"Oo," mahinang sabi ni Peter. "Malinaw."

966
00:47:30,583 --> 00:47:32,416
Umaagos na ang luha ni Peter

967
00:47:32,500 --> 00:47:34,833
habang naglalakad papunta sa lawa.

968
00:47:34,916 --> 00:47:38,500
Lumapit siya sa patay na swan
at pinulot ito.

969
00:47:38,583 --> 00:47:42,041
Sa ilalim nito ay may dalawang cygnet,
abuhin ang kulay.

970
00:47:42,125 --> 00:47:44,416
Nagsisiksikan sila sa gitna ng pugad.

971
00:47:44,500 --> 00:47:46,750
"May itlog?" sigaw ni Ernie sa gilid.

972
00:47:51,416 --> 00:47:53,791
"Wala," sagot ni Peter. "Wala."

973
00:47:59,000 --> 00:48:01,666
Dinala niya ang swan sa gilid ng lawa.

974
00:48:01,750 --> 00:48:05,541
Dahan-dahan niyang binaba sa lupa,
at saka humarap sa dalawa.

975
00:48:05,625 --> 00:48:08,833
Umiiyak pa rin,
pero mas galit na ang nangingibabaw.

976
00:48:08,916 --> 00:48:11,333
"Kayo ang dapat mamatay," sabi niya.

977
00:48:11,416 --> 00:48:14,833
Medyo nagulat si Ernie,
pero nakabawi din siya agad.

978
00:48:14,916 --> 00:48:18,000
May kumislap na panganib sa mga mata niya.

979
00:48:20,291 --> 00:48:21,791
"Kutsilyo, Raymond."

980
00:48:24,416 --> 00:48:27,333
May kasukasuang nagdurugtong
sa pakpak ng ibon.

981
00:48:27,416 --> 00:48:30,916
Pinasok ni Ernie ang kutsilyo doon
at hiniwa hanggang litid.

982
00:48:31,000 --> 00:48:32,666
Matalas ang kutsilyo,

983
00:48:32,750 --> 00:48:35,125
madaling natanggal nang buo ang pakpak.

984
00:48:35,208 --> 00:48:37,875
Pinutol pa ni Ernie ang kabilang pakpak.

985
00:48:37,958 --> 00:48:40,458
"Tali," sabi niya, nakaabot kay Raymond.

986
00:48:43,000 --> 00:48:45,333
Gumupit si Ernie
ng walong tig-iisang yarda.

987
00:48:45,416 --> 00:48:48,791
Tinali niya ang mga iyon
sa gilid ng pakpak.

988
00:48:48,875 --> 00:48:50,125
"Ibuka mo ang braso mo."

989
00:48:53,416 --> 00:48:55,875
Nakatayo si Peter Watson sa tabi ng lawa

990
00:48:55,958 --> 00:48:57,500
nang umagang 'yon ng Mayo,

991
00:48:57,583 --> 00:48:59,916
at ang malaki, lanta at madugong pakpak

992
00:49:00,000 --> 00:49:02,291
ay pumapaypay sa magkabilang gilid niya.

993
00:49:02,375 --> 00:49:05,416
Napapalakpak si Ernie
at napasayaw sa damuhan.

994
00:49:12,416 --> 00:49:14,666
"Tapos ka na?" tanong ni Peter Watson.

995
00:49:14,750 --> 00:49:17,291
"Di nagsasalita ang swan," sabi ni Ernie.

996
00:49:17,375 --> 00:49:21,375
Lumakad sila sa gilid ng lawa
hanggang marating ang puno ng willow.

997
00:49:21,458 --> 00:49:23,583
Laylay na ang sanga nito dahil sa taas,

998
00:49:23,666 --> 00:49:26,125
at halos umabot na sa lawa.

999
00:49:26,875 --> 00:49:28,500
"Ang gagawin mo, Mr. Swan,

1000
00:49:28,583 --> 00:49:30,750
ay aakyat sa tuktok ng puno, tapos,

1001
00:49:30,833 --> 00:49:33,125
ibubuka mo ang pakpak mo at lilipad!"

1002
00:49:33,208 --> 00:49:35,041
"Ang galing!" sigaw ni Raymond.

1003
00:49:35,125 --> 00:49:36,541
Natuwa si Peter sa ideya

1004
00:49:36,625 --> 00:49:39,708
na makapunta sa taas
at malayo sa mga lokong 'yon.

1005
00:49:39,791 --> 00:49:41,875
Pag nakaakyat siya, doon lang siya.

1006
00:49:41,958 --> 00:49:44,416
At malamang hindi na nila siya aabalahin.

1007
00:49:44,500 --> 00:49:46,875
Kung hindi,
aakyat siya sa manipis na sanga

1008
00:49:46,958 --> 00:49:49,125
na di kakayanin ang dalawang tao.

1009
00:49:49,208 --> 00:49:53,083
Madaling akyatin ang puno
dahil naabot niya ang mabababang sanga.

1010
00:49:53,166 --> 00:49:55,083
"Taasan mo pa!" sigaw ni Ernie.

1011
00:49:55,166 --> 00:49:58,333
Umabot na si Peter sa puntong
di na makakaakyat pa.

1012
00:49:58,416 --> 00:50:01,458
Gabraso na lang
ang sangang kinatatayuan niya,

1013
00:50:01,541 --> 00:50:03,958
at malapit na ito sa lawa,

1014
00:50:04,041 --> 00:50:05,833
na nakakurba na pababa.

1015
00:50:05,916 --> 00:50:07,875
Nagpahinga siya pagkatapos umakyat.

1016
00:50:07,958 --> 00:50:11,500
Nasa 50 talampakan ang taas niya.
Di niya makita ang dalawa.

1017
00:50:11,583 --> 00:50:14,208
Wala na sila sa paanan ng puno.

1018
00:50:14,291 --> 00:50:15,458
"Makinig ka!"

1019
00:50:15,541 --> 00:50:17,375
Lumayo sila sa puno

1020
00:50:17,458 --> 00:50:20,791
para matanaw nang maayos
ang bata na nasa tuktok.

1021
00:50:20,875 --> 00:50:22,125
Habang nakatanaw,

1022
00:50:22,208 --> 00:50:24,375
napagtanto ni Peter kung gaano kanipis

1023
00:50:24,458 --> 00:50:26,125
ang dahon ng puno ng willow.

1024
00:50:26,208 --> 00:50:28,083
Ni hindi siya natatabunan nito.

1025
00:50:28,166 --> 00:50:30,125
"Lumakad ka sa sanga na 'yan!"

1026
00:50:30,208 --> 00:50:34,083
"Lakad lang hanggang makalampas ka
sa putikan, at lumipad ka!"

1027
00:50:34,166 --> 00:50:35,916
Di gumalaw si Peter Watson.

1028
00:50:36,000 --> 00:50:38,916
Tinutukan niya ang hugis
na nakikita niya sa baba.

1029
00:50:39,000 --> 00:50:41,458
Nakatayo lang sila, nakatanaw sa kanya.

1030
00:50:41,541 --> 00:50:42,750
"Bibilang ako ng sampu,

1031
00:50:42,833 --> 00:50:46,541
pag di mo binuka ang pakpak mo
at lumipad, babarilin kita."

1032
00:50:46,625 --> 00:50:49,083
"E di, dalawang swan na ang napatay ko."

1033
00:50:49,166 --> 00:50:50,541
"Ito na."

1034
00:50:50,625 --> 00:50:56,333
"Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim!"

1035
00:50:56,416 --> 00:51:00,791
Di gumalaw si Peter Watson.
Wala nang makakapagpagalaw sa kanya.

1036
00:51:00,875 --> 00:51:04,166
"Pito, walo, siyam, sampu!"

1037
00:51:04,250 --> 00:51:06,708
Nakikita ni Peter Watson ang baril.

1038
00:51:06,791 --> 00:51:08,166
Nakatutok sa kanya.

1039
00:51:08,250 --> 00:51:09,833
Narinig niya ang putok nito

1040
00:51:09,916 --> 00:51:12,625
at pagbulusok ng bala lagpas sa ulo niya.

1041
00:51:16,000 --> 00:51:17,958
Natakot siya, pero di gumalaw.

1042
00:51:18,041 --> 00:51:20,291
Magpapaputok uli si Ernie.

1043
00:51:20,375 --> 00:51:23,500
"Huli na!" sigaw ni Ernie.
"Sa susunod, tatamaan ka na!"

1044
00:51:23,583 --> 00:51:24,416
Naghintay siya.

1045
00:51:24,500 --> 00:51:26,208
Sinisilip niya sa mga buttercup

1046
00:51:26,291 --> 00:51:28,708
ang dalawang magkatabing lalaki.

1047
00:51:28,791 --> 00:51:30,916
Inangat niya uli ang baril.

1048
00:51:31,000 --> 00:51:34,291
Ngayon, narinig niya ang bala
na tumama sa hita niya.

1049
00:51:34,375 --> 00:51:37,083
Hindi masakit,
pero nakakapanghina ang tama.

1050
00:51:37,166 --> 00:51:39,875
Para bang hinampas siya nang martilyo,

1051
00:51:39,958 --> 00:51:42,875
at nanghina ang parehong paa niya.

1052
00:51:42,958 --> 00:51:44,916
Naghanap siya agad ng kakapitan.

1053
00:51:45,000 --> 00:51:48,208
Bumaluktot at napatid agad
ang sangang nahawakan niya.

1054
00:51:57,375 --> 00:51:59,500
May mga tao, na pag napupuno na,

1055
00:51:59,583 --> 00:52:01,833
at nasagad ang kakayahan nila,

1056
00:52:01,916 --> 00:52:04,458
madali na silang bumigay at sumuko.

1057
00:52:04,541 --> 00:52:06,666
Pero, may ilang tao

1058
00:52:06,750 --> 00:52:10,333
na sa kung anong dahilan
ay hindi matinag-tinag.

1059
00:52:10,416 --> 00:52:13,666
Makikilala mo sila sa digmaan
at sa kapayapaan.

1060
00:52:13,750 --> 00:52:15,791
Hindi magmamaliw ang tapang nila

1061
00:52:15,875 --> 00:52:19,416
at wala, sakit man o pagpapahirap
o banta ng kamatayan,

1062
00:52:19,500 --> 00:52:21,625
ang magpapasuko sa kanila.

1063
00:52:21,708 --> 00:52:24,166
Isa si Peter Watson dito.

1064
00:52:24,250 --> 00:52:25,750
Lumaban siya

1065
00:52:25,833 --> 00:52:28,833
para hindi malaglag sa punong 'yon,

1066
00:52:28,916 --> 00:52:32,708
at naisip niyang magtatagumpay siya dito.

1067
00:52:32,791 --> 00:52:35,958
Tumingala siya at nakita
ang kislap ng liwanag sa lawa

1068
00:52:36,041 --> 00:52:40,625
na sa sobrang ganda
ay hindi niya maialis ang tingin.

1069
00:52:40,708 --> 00:52:43,958
Inaakit siya ng liwanag,

1070
00:52:44,041 --> 00:52:47,958
at binuka niya ang pakpak niya
at tumalon papunta doon.

1071
00:52:49,750 --> 00:52:52,666
Tatlong tao raw
ang nakakita sa nakapagandang swan

1072
00:52:52,750 --> 00:52:54,875
na paikot-ikot noong umagang 'yon:

1073
00:52:54,958 --> 00:52:55,958
isang guro,

1074
00:52:56,041 --> 00:52:58,833
lalaking nagpapalit ng bubong sa tindahan,

1075
00:52:58,916 --> 00:53:01,250
at batang naglalaro sa katabing bukid.

1076
00:53:01,333 --> 00:53:04,333
Si Mrs. Watson, na naghuhugas ng plato,

1077
00:53:04,416 --> 00:53:07,583
ay napalingon sa bintana
sa mismong sandali

1078
00:53:07,666 --> 00:53:10,041
na bumagsak ang malaki at puting bagay

1079
00:53:10,125 --> 00:53:12,708
sa bakuran ng likod-bahay niya.

1080
00:53:12,791 --> 00:53:14,458
Lumabas siya agad.

1081
00:53:14,541 --> 00:53:15,750
Napaluhod siya

1082
00:53:15,833 --> 00:53:18,416
sa tabi ng lasog-lasog
na katawan ng anak niya.

1083
00:53:19,250 --> 00:53:22,291
"Anak ko!" iyak niya.
"Ang mahal kong anak!"

1084
00:53:24,625 --> 00:53:25,875
"Anong nangyari?"

1085
00:53:30,083 --> 00:53:35,000
Hango ang "The Swan" sa isang kwento
sa diyaryo ng totoong pangyayari

1086
00:53:35,083 --> 00:53:37,750
na tinago ni Dahl
sa "Ideas Book" nang 30 taon

1087
00:53:37,833 --> 00:53:40,000
bago niya isinulat noong Oktubre 1976.

1088
00:53:52,916 --> 00:53:59,875
BALITA "NGAYON"
JOURNAL

1089
00:54:01,166 --> 00:54:04,375
Noong tanghali,
dumating sa petrol station ang rat man.

1090
00:54:04,458 --> 00:54:07,375
Tahimik at marahan siyang naglakad
sa daan.

1091
00:54:07,458 --> 00:54:09,791
Walang ingay ang yapak niya.

1092
00:54:09,875 --> 00:54:12,458
May nakasukbit na army bag sa balikat.

1093
00:54:12,541 --> 00:54:15,208
Nakakorduroy na jacket
na may malaking bulsa.

1094
00:54:15,291 --> 00:54:18,958
May puting tali sa tuhod
ang suot niyang kurdoroy na pantalon.

1095
00:54:19,041 --> 00:54:20,125
-Hello?
-Ano 'yon?

1096
00:54:20,208 --> 00:54:21,083
Rodent operative.

1097
00:54:21,166 --> 00:54:23,916
Hinagod ng madilim niyang mata ang lugar.

1098
00:54:24,000 --> 00:54:25,208
-Rat man?
-Ako nga.

1099
00:54:25,291 --> 00:54:27,208
Payat at maitim, matalim ang mukha,

1100
00:54:27,291 --> 00:54:28,791
mahaba't dilaw ang ngipin

1101
00:54:28,875 --> 00:54:31,291
na nakausli sa taas ng ibabang labi.

1102
00:54:31,375 --> 00:54:34,333
Bilugan at maliit
ang tenga niya, nakaurong.

1103
00:54:34,416 --> 00:54:35,791
Madilim ang mata niya,

1104
00:54:35,875 --> 00:54:39,083
pero pag tumingin siya,
may dilaw na kislap.

1105
00:54:39,166 --> 00:54:41,666
-Ang bilis mo.
-Utos mula sa Health Office.

1106
00:54:41,750 --> 00:54:43,958
E di, huhulihin mo na ang mga daga?

1107
00:54:44,041 --> 00:54:44,958
-Oo.
-Paano?

1108
00:54:45,041 --> 00:54:45,875
Oo. Paano?

1109
00:54:45,958 --> 00:54:49,166
Depende sa daga.
Iba-iba ang paraan sa mga uri ng daga.

1110
00:54:49,250 --> 00:54:50,541
-Bibitagin, ata.
-Ano?

1111
00:54:50,625 --> 00:54:51,541
-Bibitagin.
-Bitag?

1112
00:54:51,625 --> 00:54:52,541
Suminghal siya.

1113
00:54:52,625 --> 00:54:54,666
Di ganoon. Di sila kuneho.

1114
00:54:54,750 --> 00:54:56,000
Tumingala siya,

1115
00:54:56,083 --> 00:54:59,708
inamoy niya ang paligid
nang kumikibot-kibot ang ilong.

1116
00:54:59,791 --> 00:55:03,166
Matalino sila.
Kung huhulihin mo sila, kilalanin mo sila.

1117
00:55:03,250 --> 00:55:04,916
Dapat kabisado mo ang daga.

1118
00:55:09,208 --> 00:55:11,541
Bakit? Dahil pinapanood ka nila.

1119
00:55:11,625 --> 00:55:14,166
Habang naghahanda ka para puksain sila,

1120
00:55:14,250 --> 00:55:15,333
nanonood sila.

1121
00:55:15,416 --> 00:55:17,208
Di kasama ang kanal, di ba?

1122
00:55:17,291 --> 00:55:18,875
Hindi, walang kanal.

1123
00:55:18,958 --> 00:55:21,416
-Ang hirap n'on, kung kanal.
-Hindi naman.

1124
00:55:21,500 --> 00:55:24,583
Di naman dapat, di ba?
Tingnan nga kita sa kanal.

1125
00:55:24,666 --> 00:55:27,333
Kung paano mo kinwento,
gusto kong malaman.

1126
00:55:27,416 --> 00:55:28,583
Lasunin mo, siguro.

1127
00:55:28,666 --> 00:55:30,833
At saan mo ilalagay ang lason?

1128
00:55:30,916 --> 00:55:31,750
Sa kanal?

1129
00:55:31,833 --> 00:55:33,333
Nagwagi ang rat man.

1130
00:55:33,416 --> 00:55:35,125
Sabi ko na. "Sa kanal."

1131
00:55:35,208 --> 00:55:37,541
Alam mo kung ano'ng mangyayari? Maaanod.

1132
00:55:37,625 --> 00:55:39,541
Lahat ng lason. Parang sa ilog.

1133
00:55:39,625 --> 00:55:42,791
Sige, ano'ng gagawin mo,
Mr. Rat Man? Pag kanal?

1134
00:55:42,875 --> 00:55:44,666
Umabante ang rat man.

1135
00:55:44,750 --> 00:55:46,916
Pabulong na ang boses niya,

1136
00:55:47,000 --> 00:55:49,625
parang nagbubunyag ng masamang lihim.

1137
00:55:49,708 --> 00:55:52,833
Dapat alam mo na ito,
nangngangatngat ang daga, di ba?

1138
00:55:52,916 --> 00:55:55,375
Anumang ibigay mo, ngangatngatin nila.

1139
00:55:55,458 --> 00:55:58,500
Kung ganoon, sa kanal ka nga.
Ano'ng gagawin mo?

1140
00:55:58,583 --> 00:56:01,416
Mahinang garalgal ang boses niya,
parang palaka,

1141
00:56:01,500 --> 00:56:04,583
at para siyang naglalaway pag nagsasalita,

1142
00:56:04,666 --> 00:56:06,625
na para bang ninanamnam niya ito.

1143
00:56:06,708 --> 00:56:07,791
Bababa ka sa kanal

1144
00:56:07,875 --> 00:56:10,333
at lagyan mo ng malalaking paper bag

1145
00:56:10,416 --> 00:56:13,083
na puno ng plaster of paris powder.
'Yon lang.

1146
00:56:13,166 --> 00:56:15,500
Tapos isabit mo sa bubong ng kanal

1147
00:56:15,583 --> 00:56:17,958
para lumaylay at di sumayad sa tubig.

1148
00:56:18,041 --> 00:56:20,041
Sapat para maabot ng daga.

1149
00:56:20,125 --> 00:56:21,541
Nakikinig lang si Claud.

1150
00:56:21,625 --> 00:56:26,291
Lalangoy ang daga sa kanal,
makikita ang bag. Titigil siya.

1151
00:56:26,375 --> 00:56:28,500
Aamuyin niya. Ayos naman ang amoy.

1152
00:56:28,583 --> 00:56:30,083
-At?
-Ngangatngatin niya.

1153
00:56:30,166 --> 00:56:33,125
Tumpak! Ngangatngatin niya ang bag,
at masisira 'yon,

1154
00:56:33,208 --> 00:56:36,625
at lalamon ng pulbos 'yong daga
dahil sa kalokohan niya.

1155
00:56:36,708 --> 00:56:37,541
Tapos?

1156
00:56:37,625 --> 00:56:38,916
'Yon, tapos siya.

1157
00:56:39,625 --> 00:56:41,041
-Mamamatay siya?
-Tigok.

1158
00:56:41,125 --> 00:56:43,375
-Plaster of paris…
-Aalsa 'yon pag basa.

1159
00:56:43,458 --> 00:56:45,666
Papasok 'yon sa ugat ng daga at aalsa

1160
00:56:45,750 --> 00:56:48,291
at mamamatay siya
sa pinakamabilis na oras.

1161
00:56:48,375 --> 00:56:50,083
Ganoon ang mga daga.

1162
00:56:50,166 --> 00:56:52,208
Umangas ang mukha ng rat man.

1163
00:56:52,291 --> 00:56:56,208
Pinagkikiskis niya ang mga daliri niya,
nilapit ang kamay sa mukha.

1164
00:56:57,791 --> 00:57:00,166
Ano, nasaan 'yong mga daga?

1165
00:57:00,250 --> 00:57:02,708
Madulas ang pagkakasabi ng "daga"

1166
00:57:02,791 --> 00:57:04,916
na parang nagmumumog ng mantikilya.

1167
00:57:05,000 --> 00:57:06,583
Sa dayami sa kabila.

1168
00:57:06,666 --> 00:57:09,041
-Wala sa loob?
-Sa dayami. Doon lang.

1169
00:57:09,125 --> 00:57:13,541
Tingin ko meron din sa loob,
sa pagkain n'yo, at nagkakalat ng sakit.

1170
00:57:13,625 --> 00:57:16,875
-May sakit ba dito?
-Tiningnan niya ako, tapos si Claud.

1171
00:57:16,958 --> 00:57:18,458
-Wala naman.
-Sigurado?

1172
00:57:18,541 --> 00:57:20,166
-Sigurado.
-Malay n'yo.

1173
00:57:20,250 --> 00:57:23,000
Nag-asta siyang public health officer,

1174
00:57:23,083 --> 00:57:25,833
dismayadong wala kaming bubonic plague.

1175
00:57:25,916 --> 00:57:29,416
Gayunman, nasa dayami ang mga daga.
Paano mo aalisin 'yon?

1176
00:57:29,500 --> 00:57:31,750
Ngumiting labas-ngipin ang rat man.

1177
00:57:31,833 --> 00:57:34,250
Dumukot siya sa bag ng malaking lata,

1178
00:57:34,333 --> 00:57:36,750
winasiwas niya ito habang nagsasalita.

1179
00:57:36,833 --> 00:57:39,208
Lason. Espesyal na lason. Nakamamatay.

1180
00:57:39,291 --> 00:57:42,958
Kulong ka pag nahulihan ka nila
ng kahit katiting nito.

1181
00:57:43,041 --> 00:57:45,250
Maraming mapapatay ito sa dami nito.

1182
00:57:45,333 --> 00:57:46,666
-Tingnan mo?
-Sige.

1183
00:57:46,750 --> 00:57:48,916
Binuksan niya ng barya ang takip.

1184
00:57:49,000 --> 00:57:49,833
Ayan.

1185
00:57:49,916 --> 00:57:53,500
Ibinibida niya 'yon
at ipinakita pa kay Claud.

1186
00:57:53,583 --> 00:57:55,125
Mais ba 'yan o barley?

1187
00:57:55,208 --> 00:57:57,583
Oats. Oats na binabad sa lason.

1188
00:57:57,666 --> 00:58:01,333
Sumubo ka ng isang butil
at tapos ka sa loob ng tatlong minuto.

1189
00:58:01,416 --> 00:58:03,458
Lagi itong nasa akin, itong lata.

1190
00:58:03,541 --> 00:58:05,875
Hinimas niya ang lata at inalog…

1191
00:58:06,791 --> 00:58:09,000
para tumunog ang oats sa loob.

1192
00:58:09,083 --> 00:58:12,375
Pero di natin ibibigay ngayon.
Di rin nila kakainin ito.

1193
00:58:12,458 --> 00:58:16,750
'Yan ang dapat mong malaman sa daga.
Sobrang mapanghinala ang mga daga.

1194
00:58:16,833 --> 00:58:19,375
Kaya ngayon,
normal at masarap na oats muna

1195
00:58:19,458 --> 00:58:21,291
na hindi sila papahirapan.

1196
00:58:21,375 --> 00:58:24,125
Patatabain lang natin sila.
Ganoon ulit bukas.

1197
00:58:24,208 --> 00:58:26,541
At sa sunod na araw, at sa makalawa.

1198
00:58:26,625 --> 00:58:29,291
At sa sarap n'on, lahat ng daga sa lugar

1199
00:58:29,375 --> 00:58:31,083
ay magpupuntahan dito.

1200
00:58:31,166 --> 00:58:32,000
Napakagaling.

1201
00:58:32,083 --> 00:58:34,958
Dapat matalino ka dito,
mas matalino sa daga.

1202
00:58:35,041 --> 00:58:36,500
May ibig sabihin 'yon.

1203
00:58:36,583 --> 00:58:38,708
"Dapat para ka ring daga," sabi ko.

1204
00:58:38,791 --> 00:58:40,625
Di ko na naawat ang sarili ko,

1205
00:58:40,708 --> 00:58:43,333
at di ko napigilan,
nakatingin ako sa kanya.

1206
00:58:43,416 --> 00:58:45,166
Nakakagulat ang epekto nito.

1207
00:58:45,250 --> 00:58:46,208
-Ayan!
-…sabi niya.

1208
00:58:46,291 --> 00:58:48,416
May nasabi ka ring matino.

1209
00:58:48,500 --> 00:58:51,458
Dapat mas daga pa sa daga
ang nanghuhuli ng daga.

1210
00:58:51,541 --> 00:58:53,083
Mas matalino sa daga,

1211
00:58:53,166 --> 00:58:55,791
at mahirap 'yon, alam mo ba.

1212
00:58:56,750 --> 00:58:58,208
Bweno, simulan na natin.

1213
00:58:58,291 --> 00:59:01,500
Pinamamadali ako
ni Lady Leonora Benson sa manor.

1214
00:59:01,583 --> 00:59:02,666
May daga din siya?

1215
00:59:02,750 --> 00:59:04,583
Lahat naman may mga daga.

1216
00:59:04,666 --> 00:59:06,958
Marahang lumakad sa daan ang rat man.

1217
00:59:07,041 --> 00:59:09,875
Para siyang daga kung maglakad,
mapapaisip ka.

1218
00:59:09,958 --> 00:59:13,541
Ang napakabagal at mabigat na lakad
na mas tuhod ang gamit,

1219
00:59:13,625 --> 00:59:16,541
at mga yapak
na kahit ang mga graba ay tahimik.

1220
00:59:16,625 --> 00:59:19,750
Tumalon siya sa gate,
at pinuntahan ang dayami,

1221
00:59:19,833 --> 00:59:22,333
nagsaboy ng isang dakot na oats.

1222
00:59:22,416 --> 00:59:25,000
Bumalik siya kinabukasan at inulit 'yon.

1223
00:59:25,083 --> 00:59:28,000
Inulit noong makalawa,
at nang sumunod pang araw,

1224
00:59:28,083 --> 00:59:31,416
at sa pang-apat na araw,
may lason na ang nilagay niya.

1225
00:59:31,500 --> 00:59:34,875
Pero hindi niya kinalat 'yon.
Pinagtumpok-tumpok niya

1226
00:59:34,958 --> 00:59:36,791
sa bawat tumpok ng dayami.

1227
00:59:39,291 --> 00:59:40,958
-May aso ka?
-Oo.

1228
00:59:41,041 --> 00:59:44,916
Kung gusto mo siyang mamatay
nang miserable, papasukin mo dito.

1229
00:59:45,000 --> 00:59:47,083
Kinabukasan, kukunin niya ang mga patay.

1230
00:59:47,166 --> 00:59:49,875
Pahingi ng lumang sako.
Isisilid ko sila doon.

1231
00:59:49,958 --> 00:59:53,458
Nagyayabang ang mata niya,
taas-noo sa ginawa niya.

1232
00:59:53,541 --> 00:59:56,791
Ipapakita na niya sana
ang mga nahuli niya.

1233
00:59:56,875 --> 00:59:59,750
Kumuha ng sako si Claud at naglakad kami.

1234
00:59:59,833 --> 01:00:01,541
Sinuyod ng rat man ang dayami,

1235
01:00:01,625 --> 01:00:04,416
sinipat ang isa sa tumpok ng lason niya.

1236
01:00:04,500 --> 01:00:06,375
-May mali dito.
-…reklamo niya.

1237
01:00:06,458 --> 01:00:07,916
Galit at pabulong.

1238
01:00:08,000 --> 01:00:11,458
Sinipat niya ang isa pang tumpok ng lason.

1239
01:00:11,541 --> 01:00:13,958
-May mali talaga dito.
-May problema ba?

1240
01:00:14,041 --> 01:00:17,125
Di siya sumagot,
di pala ginalaw ng daga ang pain.

1241
01:00:17,208 --> 01:00:19,333
"Matatalino ang daga dito," sabi ko.

1242
01:00:19,416 --> 01:00:20,583
Nainis ang rat man

1243
01:00:20,666 --> 01:00:24,125
at bakas 'yon sa ilong niya
at ang dalawang dilaw na ngipin

1244
01:00:24,208 --> 01:00:26,125
ay kumakagat sa labi niya.

1245
01:00:26,208 --> 01:00:28,708
-Tumigil ka.
-…sabi niya, nakatingin sa akin.

1246
01:00:28,791 --> 01:00:31,625
Walang mali sa daga
liban sa may nagpakain doon.

1247
01:00:31,708 --> 01:00:34,458
May kinakain silang masarap
sa ibang lugar.

1248
01:00:34,541 --> 01:00:38,625
Walang tatanggi sa oats
liban kung bundat na sila sa busog.

1249
01:00:38,708 --> 01:00:40,333
Umalis ang rat man, galit.

1250
01:00:40,416 --> 01:00:43,916
Dinakot niya ng pala
ang oats na may lason,

1251
01:00:44,000 --> 01:00:46,166
maingat niya itong binalik sa lata.

1252
01:00:46,250 --> 01:00:49,833
Noong natapos siya,
naglakad na kaming tatlo sa daan.

1253
01:00:50,916 --> 01:00:52,791
Tumayo sa petrol-pump ang rat man,

1254
01:00:52,875 --> 01:00:54,791
na ngayo'y nanlulumo't napahiya

1255
01:00:54,875 --> 01:00:57,541
at nalulukot na ang mukha.

1256
01:00:57,625 --> 01:00:59,958
Sinasarili niya ang kanyang kapalpakan,

1257
01:01:00,041 --> 01:01:01,416
lumalalim ang mata,

1258
01:01:01,500 --> 01:01:04,750
lumalabas ang dila niya
mula sa dilaw na ngipin.

1259
01:01:04,833 --> 01:01:06,958
Tumingin niya sa akin, palihim,

1260
01:01:07,041 --> 01:01:08,000
at kay Claud.

1261
01:01:08,083 --> 01:01:10,083
Kumibot ang ilong, lumalanghap.

1262
01:01:10,166 --> 01:01:13,208
Tumitingkayad siya, humahapay-hapay,

1263
01:01:13,291 --> 01:01:15,833
at, sa halos pabulong na boses, sabi niya…

1264
01:01:15,916 --> 01:01:17,250
Gusto n'yong mamangha?

1265
01:01:17,333 --> 01:01:19,625
Sinusubukan niyang bumawi.

1266
01:01:19,708 --> 01:01:21,791
-Ano?
-Gusto n'yo bang mamangha?

1267
01:01:21,875 --> 01:01:24,916
Pinamulsa niya sa jacket
ang kanang kamay niya

1268
01:01:25,000 --> 01:01:28,541
at naglabas ng buhay na daga.

1269
01:01:28,625 --> 01:01:29,541
Diyos ko!

1270
01:01:30,208 --> 01:01:31,166
Ayan. Kita n'yo?

1271
01:01:31,250 --> 01:01:33,916
Medyo bumabaluktot siya at dumudukwang

1272
01:01:34,000 --> 01:01:36,916
at nakatingin sa amin
habang hawak ang daga,

1273
01:01:37,000 --> 01:01:40,000
nakasakal ang daliri sa leeg n'on,

1274
01:01:40,083 --> 01:01:42,416
iniipit ang ulo nito para di makakagat.

1275
01:01:42,500 --> 01:01:44,333
Lagi kang may daga sa bulsa?

1276
01:01:44,416 --> 01:01:46,375
Lagi akong may isa o dalawang daga.

1277
01:01:46,458 --> 01:01:50,000
Dumukot siya sa kabila
at naglabas ng maliit at puting…

1278
01:01:50,083 --> 01:01:52,625
-Ferret ba 'yan?
-Ngumisngis ang rat man.

1279
01:01:52,708 --> 01:01:55,416
Nakapirmi lang sa kamay niya ang ferret.

1280
01:01:55,500 --> 01:01:57,791
Ferret ang pinakamabilis pumatay ng daga.

1281
01:01:57,875 --> 01:02:00,125
Pinagharap niya ang hawak niyang hayop

1282
01:02:00,208 --> 01:02:03,458
at natutok sa mukha ng daga
ang ilong ng ferret.

1283
01:02:03,541 --> 01:02:06,125
Bumilog ang mata ng ferret sa daga.

1284
01:02:06,208 --> 01:02:08,916
Sinubukang lumayo ng daga
sa papatay sa kanya.

1285
01:02:09,000 --> 01:02:10,125
-Ngayon.
-…sabi niya.

1286
01:02:10,208 --> 01:02:11,041
Panoorin n'yo.

1287
01:02:13,041 --> 01:02:14,916
Bukas ang leeg ng damit niya,

1288
01:02:15,000 --> 01:02:17,416
at nilusot niya doon ang daga,

1289
01:02:17,500 --> 01:02:18,625
sa balat niya.

1290
01:02:18,708 --> 01:02:21,625
Pinigilan ng sinturon niya
ang pagdausdos ng daga.

1291
01:02:21,708 --> 01:02:23,291
Sinunod niya ang ferret.

1292
01:02:23,375 --> 01:02:26,250
Nagkagulo sa loob ng damit niya.

1293
01:02:26,333 --> 01:02:29,916
Hinahabol ng ferret ang daga
sa loob ng damit niya.

1294
01:02:30,000 --> 01:02:33,750
Anim o pitong beses umikot,
hinabol ng maliit na umbok ang malaki,

1295
01:02:33,833 --> 01:02:36,916
unti-unting nalalapit sa isa't isa

1296
01:02:37,000 --> 01:02:39,625
hanggang sa magdikit ang dalawang umbok,

1297
01:02:39,708 --> 01:02:42,416
at sunod-sunod na ang umiingit na tili.

1298
01:02:42,500 --> 01:02:45,666
Sa buong palabas niya,
di natitinag ang rat man,

1299
01:02:45,750 --> 01:02:47,958
hiwalay ang paa, laylay ang kamay,

1300
01:02:48,041 --> 01:02:51,083
kalmadong nakatanaw
sa gimbal na mukha ni Claud.

1301
01:02:51,958 --> 01:02:55,666
Pinasok na niya ang kamay sa loob ng damit

1302
01:02:55,750 --> 01:02:57,416
at inilabas ang ferret.

1303
01:02:57,500 --> 01:02:59,875
Dinukot na rin niya ang patay na daga.

1304
01:02:59,958 --> 01:03:03,166
May bakas ng dugo
sa puting nguso ng ferret.

1305
01:03:04,416 --> 01:03:06,708
"Di ko ata gusto 'yan," sabi ko.

1306
01:03:06,791 --> 01:03:09,708
Ngayon ka lang nakakita n'on, pustahan.

1307
01:03:09,791 --> 01:03:11,083
Di ko masabi.

1308
01:03:11,166 --> 01:03:13,833
Masusugatan ka
nang malala niyan balang-araw.

1309
01:03:13,916 --> 01:03:17,750
…sabi ni Claud, pero nagtataka,
umangas na naman ang rat man.

1310
01:03:17,833 --> 01:03:19,958
Gusto n'yong makakita ng mas matindi?

1311
01:03:20,041 --> 01:03:23,125
'Yong paniniwalaan mo lang pag nakita mo?

1312
01:03:23,208 --> 01:03:25,750
Nasulyapan kong takot na takot si Claud.

1313
01:03:27,791 --> 01:03:28,625
Sige.

1314
01:03:29,375 --> 01:03:32,833
Pinamulsa niya ang ferret at ang daga.

1315
01:03:32,916 --> 01:03:36,833
At bumunot sa bag niya
at naglabas ng isa pang buhay na daga.

1316
01:03:36,916 --> 01:03:37,750
Diyos ko po!

1317
01:03:37,833 --> 01:03:40,208
Lagi akong may isa o dalawang daga.

1318
01:03:40,291 --> 01:03:41,958
Dapat kilala mo sila,

1319
01:03:42,041 --> 01:03:44,625
at dapat bitbit mo sila para makilala mo.

1320
01:03:44,708 --> 01:03:48,291
Dagang kanal ito.
Matanda at napakatalino nito.

1321
01:03:48,375 --> 01:03:51,916
Pinapanood niya ako,
iniisip kung ano'ng gagawin ko?

1322
01:03:52,000 --> 01:03:53,333
-Kita n'yo?
-Kadiri.

1323
01:03:53,416 --> 01:03:54,666
"Ano'ng gagawin mo?"

1324
01:03:54,750 --> 01:03:58,083
Parang mas magugustuhan ko ito
kaysa sa una.

1325
01:03:58,166 --> 01:04:01,250
-Ikuha mo ako ng tali.
-Kumuha si Claud ng tali.

1326
01:04:01,333 --> 01:04:03,708
Kinawit ito ng rat man sa paa ng daga.

1327
01:04:03,791 --> 01:04:06,583
Pumalag ang daga,
pero mahigpit ang hawak niya.

1328
01:04:06,666 --> 01:04:08,208
May mesa ba kayo sa loob?

1329
01:04:08,291 --> 01:04:10,250
"Ayoko ng daga sa loob," sabi ko.

1330
01:04:10,333 --> 01:04:12,708
Kailangan ko ng mesa. O basta patag.

1331
01:04:12,791 --> 01:04:16,041
Pumunta kami sa petrol-pump,
at pinatong niya ang daga.

1332
01:04:16,125 --> 01:04:19,625
Iginapos niya ang daga sa poste.

1333
01:04:19,708 --> 01:04:22,166
Nakayuko lang noong una, di gumagalaw,

1334
01:04:22,250 --> 01:04:24,500
isang malaking daga na itim ang mata

1335
01:04:24,583 --> 01:04:28,083
at makaliskis na buntot
na nakalatag sa bakal.

1336
01:04:28,166 --> 01:04:30,666
Di ito makatingin,
pero tinatanaw siya nito

1337
01:04:30,750 --> 01:04:32,333
para makita ang gagawin niya.

1338
01:04:32,416 --> 01:04:36,083
Umatras ang rat man, kumalma ang daga.

1339
01:04:36,166 --> 01:04:37,541
Tumalungko ito

1340
01:04:37,625 --> 01:04:39,875
at dinilaan ang balahibo sa dibdib.

1341
01:04:39,958 --> 01:04:42,500
Pagkatapos ay kinamot ang nguso niya.

1342
01:04:42,583 --> 01:04:45,791
Parang wala itong pakialam
sa iba pang tao sa paligid.

1343
01:04:45,875 --> 01:04:48,250
-Pustahan tayo?
-…sabi ng rat man.

1344
01:04:48,333 --> 01:04:49,791
"Hindi na," sabi ko.

1345
01:04:49,875 --> 01:04:53,291
-Mas masaya kung may pustahan.
-Ano ba'ng pagpupustahan?

1346
01:04:53,375 --> 01:04:56,166
Mapapatay ko ang daga
nang di gumagamit ng kamay.

1347
01:04:56,250 --> 01:04:58,375
Ibubulsa ko lang at di gagamitin.

1348
01:04:58,458 --> 01:05:01,166
Halatang namemera lang ang rat man.

1349
01:05:01,250 --> 01:05:04,541
Sumama ang pakiramdam ko
sa pagtitig sa daga,

1350
01:05:04,625 --> 01:05:06,541
di dahil papatayin ito,

1351
01:05:06,625 --> 01:05:09,083
pero dahil kakaiba ang pagpatay dito,

1352
01:05:09,166 --> 01:05:11,291
para lang sa kasiyahan.

1353
01:05:11,375 --> 01:05:13,375
-Sisipain mo 'yan.
-Walang paa.

1354
01:05:13,458 --> 01:05:15,916
-E, braso?
-Walang braso, paa, o kamay.

1355
01:05:16,000 --> 01:05:17,625
-Uupuan mo.
-Di ko pipipiin.

1356
01:05:17,708 --> 01:05:19,500
-Tingnan natin.
-Pustahan muna.

1357
01:05:19,583 --> 01:05:21,416
Baliw ka ba? Bakit naman?

1358
01:05:21,500 --> 01:05:23,125
-Ano'ng ipupusta mo?
-Wala.

1359
01:05:23,208 --> 01:05:25,083
Sige. E di, wag na lang.

1360
01:05:25,166 --> 01:05:27,500
-Kakalagin na niya ito.
-Isang shilling.

1361
01:05:27,583 --> 01:05:29,583
Lumalala ang pagduduwal ko.

1362
01:05:29,666 --> 01:05:32,291
Pero ewan kung bakit nakakaengganyo ito.

1363
01:05:32,375 --> 01:05:34,791
Ni hindi ako umalis o gumalaw doon.

1364
01:05:34,875 --> 01:05:35,833
-Ikaw?
-Hindi.

1365
01:05:35,916 --> 01:05:37,625
Gagawin ko ito para sa pera.

1366
01:05:37,708 --> 01:05:39,666
-Wag mong gawin.
-Nasaan ang pera?

1367
01:05:39,750 --> 01:05:41,541
Naglabas si Claud ng shilling.

1368
01:05:41,625 --> 01:05:44,416
Naglapag ng dalawang
anim na pence ang rat man.

1369
01:05:44,500 --> 01:05:45,333
Ito ang pusta.

1370
01:05:45,416 --> 01:05:46,666
Lumayo kami ni Claud.

1371
01:05:46,750 --> 01:05:49,166
Umabante siya, pinamulsa ang mga kamay

1372
01:05:49,250 --> 01:05:51,833
at dumukwang siya sa daga.

1373
01:05:51,916 --> 01:05:53,500
Nabulabog ang daga.

1374
01:05:53,583 --> 01:05:56,166
Susugurin na nito ang rat man,

1375
01:05:56,250 --> 01:05:57,958
pero bigla itong bumaliktad

1376
01:05:58,041 --> 01:06:00,416
habang hinihila paatras ang sarili

1377
01:06:00,500 --> 01:06:02,625
at humigpit ang tali sa paa nito.

1378
01:06:02,708 --> 01:06:04,833
Lumapit pa ang rat man sa daga,

1379
01:06:04,916 --> 01:06:07,500
Tinititigan niya ito. Nang biglang…

1380
01:06:07,583 --> 01:06:10,208
-Nataranta ito.
-…nataranta ito at tumalon.

1381
01:06:13,083 --> 01:06:16,791
Nabatak ang tali
at halos mabali ang paa niya.

1382
01:06:16,875 --> 01:06:18,375
Yumuko uli siya sa gilid,

1383
01:06:18,458 --> 01:06:21,333
hanggang sa kung saan
kaya ng tali, nanginginig,

1384
01:06:21,416 --> 01:06:23,208
naninigas ito sa takot.

1385
01:06:23,291 --> 01:06:26,666
Marahan ulit na nilapit ng rat man
ang mukha niya,

1386
01:06:26,750 --> 01:06:27,875
palapit nang palapit.

1387
01:06:27,958 --> 01:06:31,083
Aawatin ko sana,
pero di ako makapagsalita.

1388
01:06:31,166 --> 01:06:34,666
May napakasahol na mangyayari.

1389
01:06:34,750 --> 01:06:38,208
Malupit at malagim,
pero kailangan kong makita.

1390
01:06:38,291 --> 01:06:41,583
Gabraso na lang ang distansya ng dalawa.

1391
01:06:41,666 --> 01:06:44,375
Tuwid na tuwid ang daga,
takot at tensyonado.

1392
01:06:44,458 --> 01:06:45,833
Tensyonado rin ang rat man,

1393
01:06:45,916 --> 01:06:49,416
pero nakakasabik at mapanganib
na tensyong nasa rurok na.

1394
01:06:49,500 --> 01:06:52,041
Umusbong sa mukha niya
ang madilim na ngiti.

1395
01:06:52,125 --> 01:06:53,958
Tapos, biglaan siyang umatake,

1396
01:06:54,041 --> 01:06:55,083
na parang ahas,

1397
01:06:55,166 --> 01:06:57,916
lumusob ang ulo niya
tulad ng kutsilyong humiwa…

1398
01:06:58,000 --> 01:07:00,041
…na mula sa lakas ng balakang…

1399
01:07:00,125 --> 01:07:02,666
…at nasulyapan kong bumuka ang bibig niya…

1400
01:07:02,750 --> 01:07:03,791
…dilaw na ngipin…

1401
01:07:03,875 --> 01:07:06,541
…ngumunguwing mukha
sa pagkakabuka ng bibig.

1402
01:07:07,875 --> 01:07:09,791
Di ko na gusto ang kasunod noon.

1403
01:07:09,875 --> 01:07:12,208
Pumikit ako, at pagmulat ko,

1404
01:07:12,291 --> 01:07:13,333
patay na ang daga,

1405
01:07:13,416 --> 01:07:15,958
binubulsa na ng rat man ang pera

1406
01:07:16,041 --> 01:07:17,666
habang dumudura.

1407
01:07:19,666 --> 01:07:21,791
At doon gawa ang licorice.

1408
01:07:21,875 --> 01:07:25,791
Dugo ng daga ang gamit
ng gumagawa ng chocolate para sa licorice.

1409
01:07:25,875 --> 01:07:28,000
Walang masama sa dugo ng daga.

1410
01:07:30,708 --> 01:07:32,458
Sobrang nakakadiri ka.

1411
01:07:32,541 --> 01:07:35,000
Pero maraming beses mo nang nakain 'yon.

1412
01:07:35,083 --> 01:07:38,166
Dugo ng daga ang penny stick
at licorice bootlace.

1413
01:07:38,250 --> 01:07:40,375
Tumahimik ka na, salamat.

1414
01:07:40,458 --> 01:07:43,208
Pinakukuluan 'yon, bumubula, umuusok

1415
01:07:43,291 --> 01:07:45,333
at hinahalo ng mahahabang patpat.

1416
01:07:45,416 --> 01:07:47,875
Isa ito sa lihim ng mga chocolate factory,

1417
01:07:47,958 --> 01:07:51,791
at mga nanghuhuli lang
ng daga ang may alam n'on.

1418
01:07:51,875 --> 01:07:54,291
Napansin niyang di na kami nakikinig.

1419
01:07:54,375 --> 01:07:57,500
Naduduwal at nanggigigil na
ang mukha namin.

1420
01:07:58,583 --> 01:08:01,375
Tumigil na siya at umalis nang tahimik.

1421
01:08:01,458 --> 01:08:06,041
Pinanood namin siyang lumakad
nang marahan.

1422
01:08:06,125 --> 01:08:09,000
Tahimik ang yapak niya, kahit sa graba.

1423
01:08:22,291 --> 01:08:23,125
Ang wirdo.

1424
01:08:24,000 --> 01:08:25,958
Di kinain ng daga ang may lasong oats.

1425
01:08:27,291 --> 01:08:31,208
May kung anong masustansyang nasa dayami.

1426
01:08:47,666 --> 01:08:50,208
Noong late 40s, tumira si Dahl
sa Wisteria Cottage,

1427
01:08:50,291 --> 01:08:52,791
Amersham, kung saan niya sinulat
ang Claud's Dog:

1428
01:08:52,875 --> 01:08:55,291
Mga Kwentong Halaw sa Lugar
at Residente Doon.

1429
01:08:55,375 --> 01:08:57,166
Ang "The Ratcatcher" ay mula dito.

1430
01:09:15,958 --> 01:09:17,666
Hatinggabi na nang umuwi ako.

1431
01:09:18,625 --> 01:09:21,500
Habang papalapit ako,
pinatay ko ang headlamps

1432
01:09:21,583 --> 01:09:24,625
para di sumayaw ang ilaw
at magising si Harry Pope.

1433
01:09:24,708 --> 01:09:27,083
Ayos lang pala. Bukas pa ang ilaw niya.

1434
01:09:27,166 --> 01:09:28,916
Pumarada ako, pumasok,

1435
01:09:29,000 --> 01:09:31,583
binilang ko ang hakbang ko
para di sumobra,

1436
01:09:31,666 --> 01:09:34,416
na wala pala sa taas.
Isa, dalawa, tatlo, apat.

1437
01:09:39,333 --> 01:09:42,208
Pumunta ako sa kwarto ni Harry,
at sumilip.

1438
01:09:42,291 --> 01:09:45,458
Nakahiga siya pero gising.
Di man lang siya gumalaw.

1439
01:09:45,583 --> 01:09:47,791
Pero bumubulong siya, halos di rinig…

1440
01:09:47,875 --> 01:09:48,750
Tulong.

1441
01:09:48,833 --> 01:09:49,666
"Tulong"?

1442
01:09:52,625 --> 01:09:54,875
Tinulak ko ang pinto at pumasok.

1443
01:09:54,958 --> 01:09:55,791
Tigil.

1444
01:09:55,875 --> 01:09:57,666
"Tigil"? Halos di ko marinig.

1445
01:09:57,750 --> 01:10:00,625
Pinipigilan niya ang sarili na mag-ingay.

1446
01:10:00,708 --> 01:10:02,458
-Tulong.
-"Tulong"?

1447
01:10:02,541 --> 01:10:03,958
Ano'ng problema, Harry?

1448
01:10:04,041 --> 01:10:06,041
Bawal ang sapatos.

1449
01:10:06,916 --> 01:10:08,791
"Bawal ang sapatos"?

1450
01:10:08,875 --> 01:10:11,833
Naalala ko si George Barling
matapos barilin sa tiyan

1451
01:10:11,916 --> 01:10:13,583
noong sumandal siya sa tiklis,

1452
01:10:13,666 --> 01:10:16,375
pinipisil ang sarili
at nirereklamo ang piloto,

1453
01:10:16,458 --> 01:10:19,458
tulad ng pagpipigil ni Harry na mag-ingay.

1454
01:10:19,541 --> 01:10:21,791
Pero yumuko si George Barling…

1455
01:10:21,875 --> 01:10:22,708
at namatay.

1456
01:10:23,500 --> 01:10:24,500
Bawal sapatos.

1457
01:10:25,208 --> 01:10:26,291
"Bawal sapatos."

1458
01:10:28,375 --> 01:10:30,958
Di ko maintindihan,
pero di na ako tumutol.

1459
01:10:37,875 --> 01:10:39,500
-Bakit?
-Wag akong hawakan.

1460
01:10:41,916 --> 01:10:45,291
Nakatihaya siya't
bahagyang nakatalukbong ang katawan,

1461
01:10:45,375 --> 01:10:47,666
naka-striped pajama at pawis na pawis.

1462
01:10:47,750 --> 01:10:50,083
Mainit. Pawis ako, pero di gaya ni Harry.

1463
01:10:50,166 --> 01:10:52,291
Basa ang mukha niya, pati ang punda.

1464
01:10:52,375 --> 01:10:53,833
Tingin ko malaria ito.

1465
01:10:53,916 --> 01:10:55,250
-Bakit, Harry?
-Krait.

1466
01:10:55,333 --> 01:10:56,208
-Ano?
-Krait.

1467
01:10:56,291 --> 01:10:57,625
-"Krait"?
-Ahas.

1468
01:10:58,833 --> 01:11:00,583
Nakagat ka. Kailan pa?

1469
01:11:00,666 --> 01:11:01,500
Hindi.

1470
01:11:01,583 --> 01:11:02,416
Ano?

1471
01:11:06,041 --> 01:11:07,250
Di pa ako nakakagat.

1472
01:11:09,291 --> 01:11:11,541
Nalito ako. Nakatingin ako kay Harry.

1473
01:11:13,416 --> 01:11:16,250
Krait sa tiyan. Natutulog.

1474
01:11:18,833 --> 01:11:20,833
Napaatras ako. Di ko napigilan.

1475
01:11:20,916 --> 01:11:23,583
Tinitigan ko ang tiyan niya,
'yong natatakpan.

1476
01:11:23,666 --> 01:11:26,625
Di ko masabi kung merong
kung ano sa ilalim.

1477
01:11:26,708 --> 01:11:29,833
Sinasabi mo bang
may ahas sa tiyan mo? Na tulog?

1478
01:11:29,916 --> 01:11:30,750
Oo.

1479
01:11:38,291 --> 01:11:39,833
Paano 'yan napunta diyan?

1480
01:11:39,916 --> 01:11:43,625
Di na ako dapat nagtanong.
Pinatahimik ko na lang sana siya.

1481
01:11:44,625 --> 01:11:50,958
Nakahiga. Nagbabasa. May naramdaman
sa dibdib, sa likod ng libro.

1482
01:11:51,041 --> 01:11:51,958
Kumikibot.

1483
01:11:54,291 --> 01:11:59,750
Napansin ko,
may krait na lumabas sa pajama.

1484
01:12:00,583 --> 01:12:02,958
Maliit. Mga sampung pulgada.

1485
01:12:04,250 --> 01:12:08,541
Di pwedeng gumalaw.
Nanigas ako, nakatitig lang.

1486
01:12:08,625 --> 01:12:12,166
Akala ko lalabas 'yon sa kumot.

1487
01:12:12,250 --> 01:12:13,750
Natahimik si Harry.

1488
01:12:13,833 --> 01:12:17,541
Tinitiyak niyang di mabubulabog
ng bulong niya 'yong nandoon.

1489
01:12:18,958 --> 01:12:20,458
Umilalim 'yon.

1490
01:12:21,958 --> 01:12:26,000
Pumasok sa pajama.
Gumapang papunta sa tiyan.

1491
01:12:27,125 --> 01:12:31,333
Tapos tumigil na.
Natutulog na doon ngayon.

1492
01:12:35,208 --> 01:12:36,375
Naghihintay ako.

1493
01:12:37,291 --> 01:12:38,625
-Gaano katagal?
-Oras.

1494
01:12:39,750 --> 01:12:42,583
Oras at oras at napakaraming oras.

1495
01:12:42,666 --> 01:12:45,458
Di ko na matiis. Mauubo na ako.

1496
01:12:48,875 --> 01:12:49,875
Sa totoo lang,

1497
01:12:49,958 --> 01:12:52,375
di nakakagulat na ginawa 'yon ng krait.

1498
01:12:52,458 --> 01:12:56,041
Pumapasok 'yon sa mga bahay
at pumupunta sa maiinit na lugar.

1499
01:12:56,125 --> 01:12:59,208
Ang nakakagulat,
di pa nito kinakagat si Harry.

1500
01:12:59,291 --> 01:13:02,250
Nakakamatay ang kagat n'on,
pwera kung makita agad,

1501
01:13:02,333 --> 01:13:04,625
at nabigyan ka agad ng antivenom.

1502
01:13:05,458 --> 01:13:07,541
Maliliit 'yon. Mukha silang ganito.

1503
01:13:09,833 --> 01:13:11,500
Makakapasok nang di pansin,

1504
01:13:11,583 --> 01:13:15,583
sa awang ng pinto
ng kwarto ng bata, halimbawa.

1505
01:13:17,166 --> 01:13:21,375
Nakwento sa akin ng manager ng tea estate
'yong tupang nakagat sa paa.

1506
01:13:21,458 --> 01:13:25,750
Noong hiniwa niya ang bangkay,
nangitim nang sobra ang dugo nito.

1507
01:13:29,916 --> 01:13:33,208
"Sige, Harry," sabi ko.
Bumubulong na rin ako.

1508
01:13:33,291 --> 01:13:35,625
"Pirmi ka lang
at magsalita pag kailangan."

1509
01:13:35,708 --> 01:13:38,333
"Di 'yan mangangagat kung di mabubulabog."

1510
01:13:41,000 --> 01:13:42,708
Tahimik akong lumabas,

1511
01:13:42,791 --> 01:13:45,208
kumuha ng maliit na kutsilyo sa kusina.

1512
01:13:45,291 --> 01:13:49,500
Binulsa ko 'yon at gagamitin ko
kung sakaling makagat si Harry.

1513
01:13:49,583 --> 01:13:51,958
Hihiwaan ko siya
at sisipsipin ang kamandag.

1514
01:13:52,958 --> 01:13:55,583
"Harry," sabi ko,
"ang pinakamagandang gawin

1515
01:13:55,666 --> 01:13:58,750
ay hawiin 'yong kumot nang mabagal
at tingnan 'yon."

1516
01:13:59,375 --> 01:14:01,375
Gunggong ka.

1517
01:14:02,833 --> 01:14:06,708
Walang reaksyon ang boses niya.
Sobrang malumanay ang pagkakasabi.

1518
01:14:06,791 --> 01:14:10,125
Nasa mata at paligid ng bibig niya lang
ang reaksyon.

1519
01:14:10,750 --> 01:14:14,583
Kukurap ang liwanag.
Papatayin ako ng ahas.

1520
01:14:16,583 --> 01:14:17,625
Oo nga.

1521
01:14:18,208 --> 01:14:21,416
E, kung hilain ko ang kumot
at alisin nang mabilis…

1522
01:14:21,500 --> 01:14:22,583
Tumawag ng doktor.

1523
01:14:24,375 --> 01:14:27,333
Sa titig niya,
parang dapat naisip ko na 'yon.

1524
01:14:27,416 --> 01:14:30,125
Doktor. Oo nga.
Tatawagin ko si Dr. Ganderbai.

1525
01:14:30,208 --> 01:14:32,666
Hinanap ko ang numero ni Dr. Ganderbai,

1526
01:14:32,750 --> 01:14:35,125
at minadali ko ang operator sa telepono.

1527
01:14:40,083 --> 01:14:43,458
-Ito si Supervisor Woods.
-Hello, Mr. Woods. Gising ka pa?

1528
01:14:43,541 --> 01:14:45,666
Magdala ka dito ng serum. Para sa krait.

1529
01:14:45,750 --> 01:14:47,375
Serum? Sino'ng nakagat?

1530
01:14:47,458 --> 01:14:50,000
Nagpantig ang tenga ko sa tanong na 'yon.

1531
01:14:50,083 --> 01:14:51,208
Wala pa, sa ngayon.

1532
01:14:51,291 --> 01:14:54,166
May krait na tulog sa kumot,
sa tiyan ni Harry.

1533
01:14:54,250 --> 01:14:56,916
Saglit na tumahimik sa linya.

1534
01:14:58,291 --> 01:15:02,000
Dahan-dahan, di na nakakapantig,
sinabi ni Dr. Ganderbai…

1535
01:15:02,083 --> 01:15:04,958
Bawal siyang gumalaw o magsalita. Kuha mo?

1536
01:15:05,041 --> 01:15:06,958
-Oo, Doktor.
-Papunta na ako.

1537
01:15:07,041 --> 01:15:09,208
Binaba niya, at bumalik ako sa kwarto.

1538
01:15:11,500 --> 01:15:13,208
Pinapanood ako ni Harry.

1539
01:15:13,291 --> 01:15:15,166
Papunta na siya. Higa ka lang daw.

1540
01:15:15,750 --> 01:15:17,541
Ano ba itong ginagawa ko?

1541
01:15:17,625 --> 01:15:19,125
Bawal tayong magsalita.

1542
01:15:19,208 --> 01:15:20,333
E di, tumahimik ka.

1543
01:15:21,333 --> 01:15:24,583
Ang isang banda ng bibig niya,
na ginagamit sa pagngiti,

1544
01:15:24,666 --> 01:15:26,500
ay gumalaw-galaw nang konti

1545
01:15:26,583 --> 01:15:29,250
at nagpatuloy lang
pagkatapos niyang magsalita.

1546
01:15:29,333 --> 01:15:32,166
Ayoko n'on, o 'yong pagsasalita niya.

1547
01:15:33,083 --> 01:15:35,166
Pumarada na si Dr. Ganderbai.

1548
01:15:37,166 --> 01:15:38,333
Lumabas ako.

1549
01:15:41,583 --> 01:15:44,375
-Nasaan siya?
-Dumiretso lang si Dr. Ganderbai.

1550
01:15:44,458 --> 01:15:47,791
Nilagpasan niya ako.
Binaba ang bag sa upuan.

1551
01:15:47,875 --> 01:15:49,791
Malambot na tsinelas ang suot niya.

1552
01:15:49,875 --> 01:15:52,791
Tahimik siyang naglakad na parang pusa.

1553
01:15:52,875 --> 01:15:54,875
Sa gilid lang nakatingin si Harry.

1554
01:15:54,958 --> 01:15:57,625
Paglapit sa kama, nginitian niya si Harry,

1555
01:15:57,708 --> 01:15:59,833
naniniguro, tumatango na parang…

1556
01:15:59,916 --> 01:16:03,083
Kalma, maliit na bagay.
Si Dr. Ganderbai ang bahala.

1557
01:16:03,166 --> 01:16:05,375
Pumunta siya sa kusina at sinundan ko.

1558
01:16:07,125 --> 01:16:08,125
Binuksan ang bag.

1559
01:16:08,208 --> 01:16:12,166
Una, bibigyan ko siya ng serum,
pero dapat swabe lang ako.

1560
01:16:12,250 --> 01:16:14,500
May hawak siyang hypodermic at bote.

1561
01:16:14,583 --> 01:16:17,333
Nagpasok siya ng karayom
at nagbuhos ng likido.

1562
01:16:17,416 --> 01:16:19,875
-Binigay sa akin.
-Iabot mo sa akin mamaya.

1563
01:16:19,958 --> 01:16:21,166
Bumalik na kami.

1564
01:16:26,291 --> 01:16:28,416
Nakadilat na ang mata ni Harry.

1565
01:16:28,500 --> 01:16:30,916
Tinaas ni Dr. Ganderbai
ang manggas ni Harry

1566
01:16:31,000 --> 01:16:32,833
nang di ginagalaw ang kamay.

1567
01:16:32,916 --> 01:16:35,208
Dumistansya siya sa kama. At bumulong…

1568
01:16:35,291 --> 01:16:38,416
Tuturukan kita. Parang kurot lang.
Wag kang gagalaw.

1569
01:16:38,500 --> 01:16:41,166
Ikalma mo ang tiyan mo. Walang tensyon.

1570
01:16:41,250 --> 01:16:44,708
Tiningnan ni Harry ang heringgilya.
Kumibot ang mukha niya.

1571
01:16:45,708 --> 01:16:49,291
Nilagyan ni Dr. Ganderbai
ng tubo ang braso ni Harry.

1572
01:16:49,375 --> 01:16:51,958
Pinahiran niya ito ng alcohol.

1573
01:16:52,041 --> 01:16:54,833
Hinawakan niya ang heringgilya, sinipat,

1574
01:16:54,916 --> 01:16:56,291
at naglabas ng konti.

1575
01:16:56,375 --> 01:16:58,250
Matindi ang pawis ni Harry,

1576
01:16:58,333 --> 01:17:00,708
parang may cream na natutunaw,

1577
01:17:00,791 --> 01:17:01,833
umaagos sa unan.

1578
01:17:01,916 --> 01:17:05,458
Kita ko ang ugat sa braso niya,
namamaga sa tourniquet.

1579
01:17:05,541 --> 01:17:08,833
Tutok ang karayom sa ugat,
diniin ni Ganderbai sa braso,

1580
01:17:08,916 --> 01:17:11,250
nilusot ang karayom sa ugat,

1581
01:17:11,333 --> 01:17:14,166
banayad at marahan kaya swabe ang pasok.

1582
01:17:14,250 --> 01:17:17,208
Pumikit at dumilat si Harry
pero di gumagalaw.

1583
01:17:17,291 --> 01:17:19,583
Lumapit si Ganderbai sa tenga niya.

1584
01:17:19,666 --> 01:17:23,791
Walang problema kahit kagatin ka,
wag kang gagalaw. Babalik ako.

1585
01:17:24,500 --> 01:17:27,541
-"Ligtas na ba siya?" tanong ko.
-Di tayo sigurado.

1586
01:17:27,625 --> 01:17:30,416
Pinunasan ni Ganderbai ang noo niya.

1587
01:17:30,500 --> 01:17:33,458
May paraan dito.

1588
01:17:33,541 --> 01:17:36,458
Marahan siyang nagsasalita
habang nag-iisip.

1589
01:17:38,208 --> 01:17:42,291
Bibigyan natin ng anestisya

1590
01:17:42,375 --> 01:17:45,000
'yong hayop na natutulog sa kanya.

1591
01:17:46,875 --> 01:17:48,333
Magandang suhestyon.

1592
01:17:48,416 --> 01:17:50,291
Di pa ligtas. Cold-blooded ang ahas.

1593
01:17:50,375 --> 01:17:53,125
at matagal umepekto sa ganoon
ang anestisya.

1594
01:17:53,208 --> 01:17:56,000
Pero wala na akong maisip.
Ether o chloroform?

1595
01:17:56,083 --> 01:17:57,125
Tumango ako.

1596
01:17:57,208 --> 01:17:59,583
-Alin doon?
-Tinatanong ba niya ako?

1597
01:17:59,666 --> 01:18:00,500
Chloroform!

1598
01:18:01,083 --> 01:18:03,166
Hinila niya ako papunta sa pasilyo.

1599
01:18:04,458 --> 01:18:05,375
Sa bahay ko.

1600
01:18:05,458 --> 01:18:07,291
Naghihintay na sa 'yo ang bata.

1601
01:18:07,375 --> 01:18:09,291
Susi ito sa lagayan ng lason.

1602
01:18:09,375 --> 01:18:11,375
Orange ang label ng chloroform.

1603
01:18:11,458 --> 01:18:14,541
May pangalan.
Dito lang ako sakaling may mangyari.

1604
01:18:14,625 --> 01:18:15,833
Bilisan mo!

1605
01:18:15,916 --> 01:18:17,541
-'Yong sapatos ko…
-Wag na.

1606
01:18:20,250 --> 01:18:23,166
Binilisan ko.
15 minuto lang, dala ko na ang bote.

1607
01:18:26,250 --> 01:18:29,916
Alam niya kung ano'ng gagawin,
pero pinanghihinaan na siya.

1608
01:18:30,000 --> 01:18:32,083
Ewan kung gaano pa ang itatagal niya.

1609
01:18:35,791 --> 01:18:38,666
Pareho ang pwesto ni Harry
sa kama mula kanina.

1610
01:18:38,750 --> 01:18:42,041
Basa at namumuti ang mukha niya.
Tumingin siya sa akin.

1611
01:18:42,125 --> 01:18:43,833
Ngumiti at tumango ako.

1612
01:18:43,916 --> 01:18:46,666
Kinuha ng doktor
ang tubong ginawang tourniquet,

1613
01:18:46,750 --> 01:18:48,958
at nilagyan ng papel na embudo.

1614
01:18:49,041 --> 01:18:51,750
Hinatak niya ang kumot sa ilalim ng sapin,

1615
01:18:51,833 --> 01:18:53,541
pinasok doon ang tubo,

1616
01:18:53,625 --> 01:18:56,041
sa kumot, papunta sa katawan ni Harry.

1617
01:18:56,125 --> 01:18:58,541
Matagal bago naidaan sa ilalim ang tubo.

1618
01:18:58,625 --> 01:19:01,708
Mga 20 o 40 minuto.
Di ko nakitang gumalaw ang tubo,

1619
01:19:01,791 --> 01:19:04,291
pero lumiliit
ang nakikita kong parte n'on.

1620
01:19:04,375 --> 01:19:06,333
Pawisan na rin si Dr. Ganderbai,

1621
01:19:06,416 --> 01:19:08,875
nagbubutil-butil na sa noo at nguso niya,

1622
01:19:08,958 --> 01:19:10,291
pero diretso ang kamay

1623
01:19:10,375 --> 01:19:13,291
at nakatuon ang mata
sa kumot sa tiyan ni Harry.

1624
01:19:13,375 --> 01:19:15,375
Hiningi niya ang chloroform.

1625
01:19:15,458 --> 01:19:18,375
Tinanggal ko ang stopper
at binigay sa kanya,

1626
01:19:18,458 --> 01:19:21,000
siniguro kong hawak na niya nang maayos.

1627
01:19:21,666 --> 01:19:25,958
Mr. Pope, babasain ko ang kutson.
Lalamig ang ilalim ng katawan mo.

1628
01:19:26,041 --> 01:19:28,625
-Maghanda ka't wag kang gagalaw.
-Bilis na!

1629
01:19:29,291 --> 01:19:31,000
Tumaas ang boses si Harry.

1630
01:19:31,083 --> 01:19:34,208
Tiningnan siya ng doktor,
at tinuloy ang gagawin.

1631
01:19:34,291 --> 01:19:37,541
Sinalinan niya ang embudo
hanggang dumaloy sa tubo.

1632
01:19:37,625 --> 01:19:39,500
Sinalinan pa at naghintay ulit.

1633
01:19:47,541 --> 01:19:50,666
Kumalat ang mabahong amoy
ng chloroform sa kwarto

1634
01:19:50,750 --> 01:19:52,500
na dala ang pangit na alaala

1635
01:19:52,583 --> 01:19:55,708
ng mga nurse at surgeon
sa puting kwartong may mesa.

1636
01:19:55,791 --> 01:19:57,375
Maingat si Ganderbai,

1637
01:19:57,458 --> 01:20:01,500
at nakikita kong namumuo
ang makapal na usok sa taas ng embudo.

1638
01:20:02,083 --> 01:20:05,166
Huminto siya,
nagsalin pa at binalik ang bote.

1639
01:20:05,250 --> 01:20:07,583
Hinila niya ang tubo at tumayo.

1640
01:20:07,666 --> 01:20:10,250
Napakahirap siguro ng prosesong ito

1641
01:20:10,333 --> 01:20:12,583
dahil naging ganito ang boses niya…

1642
01:20:12,666 --> 01:20:14,791
Labinlimang minuto para sigurado.

1643
01:20:14,875 --> 01:20:16,291
Ibinulong ko kay Harry.

1644
01:20:16,375 --> 01:20:18,291
-Maghihintay ng 15…
-Narinig ko!

1645
01:20:18,375 --> 01:20:21,666
Tumalikod si Dr. Ganderbai,
at bigla siyang nagalit.

1646
01:20:21,750 --> 01:20:25,125
Tinitigan niya si Harry.
Kumibot uli ang mukha ni Harry.

1647
01:20:25,208 --> 01:20:26,833
Naghintay ng 15 minuto.

1648
01:20:26,916 --> 01:20:28,958
Tinitigan ni Dr. Ganderbai si Harry

1649
01:20:29,041 --> 01:20:31,541
nang masinsin, madiin at may tensyon,

1650
01:20:31,625 --> 01:20:33,250
tinutuon ang atensyon nito

1651
01:20:33,333 --> 01:20:35,875
para tumahimik at di gumalaw si Harry.

1652
01:20:35,958 --> 01:20:38,583
Nakatitig siya, at kahit di nag-iingay,

1653
01:20:38,666 --> 01:20:40,541
para bang sinisigawan niya ito.

1654
01:20:40,625 --> 01:20:43,000
-Parang…
-Wag kang gagalaw o magsasalita!

1655
01:20:43,083 --> 01:20:45,375
Wag mong sisirain ito! Narinig mo?

1656
01:20:46,416 --> 01:20:48,583
Kumikibot na naman ang bibig ni Harry,

1657
01:20:48,666 --> 01:20:50,750
nagpapawis, pipikit, didilat,

1658
01:20:50,833 --> 01:20:52,875
titingin sa akin, kumot, kisame,

1659
01:20:52,958 --> 01:20:54,541
pero di kay Dr. Ganderbai.

1660
01:20:54,625 --> 01:20:56,750
Pero hawak siya ni Dr. Ganderbai.

1661
01:20:58,375 --> 01:21:00,416
Parang may umiihip ng lobong

1662
01:21:00,500 --> 01:21:03,125
puputok na,
pero di ko maalis ang tingin ko.

1663
01:21:03,208 --> 01:21:06,750
Tumango na si Dr. Ganderbai,
at alam kong itutuloy na namin.

1664
01:21:06,833 --> 01:21:07,916
Doon ka sa kabila.

1665
01:21:08,000 --> 01:21:10,791
Hahawakan natin at hihilain nang sabay.

1666
01:21:10,875 --> 01:21:13,000
Dahan-dahan. Pirmi lang, Mr. Pope.

1667
01:21:24,250 --> 01:21:26,541
Nakikita na ang buong dibdib ni Harry.

1668
01:21:26,625 --> 01:21:28,791
Nakita ko ang tali ng pajama niya,

1669
01:21:28,875 --> 01:21:30,083
maayos na naka-bow.

1670
01:21:30,166 --> 01:21:32,875
Sa ibaba, may butones na mother-of-pearl,

1671
01:21:32,958 --> 01:21:34,791
wala akong butones sa pajama,

1672
01:21:34,875 --> 01:21:37,000
lalo na ang mother-of-pearl.

1673
01:21:37,083 --> 01:21:38,291
Minsan walang kwenta

1674
01:21:38,375 --> 01:21:40,500
ang maiisip mo sa sitwasyong ganito.

1675
01:21:40,583 --> 01:21:42,375
Walang kung ano sa tiyan niya.

1676
01:21:45,041 --> 01:21:46,208
Pirmi, Mr. Pope.

1677
01:21:46,291 --> 01:21:49,250
Sinuri ni Ganderbai
ang katawan at hita ni Harry.

1678
01:21:49,333 --> 01:21:52,125
Ingat. Nandyan lang 'yan,
bandang hita ng pajama.

1679
01:21:52,208 --> 01:21:53,041
Umupo si Harry.

1680
01:21:55,250 --> 01:21:56,625
Ngayon lang siya gumalaw.

1681
01:21:58,083 --> 01:22:00,916
Bumalikwas siya,
tumayo sa kama, nagtatadyak.

1682
01:22:01,000 --> 01:22:02,458
Akala namin nakagat na.

1683
01:22:02,541 --> 01:22:04,250
May scalpel na si Ganderbai,

1684
01:22:04,333 --> 01:22:06,208
pero tumigil si Harry, tumayo,

1685
01:22:06,291 --> 01:22:08,000
tumingin sa kutson, sumigaw…

1686
01:22:08,083 --> 01:22:08,916
Wala doon!

1687
01:22:09,000 --> 01:22:11,583
Tumayo si Dr. Ganderbai.
Tiningnan si Harry.

1688
01:22:11,666 --> 01:22:13,791
Ayos lang si Harry. Di siya nakagat.

1689
01:22:13,875 --> 01:22:15,916
Hindi siya makakagat o mamamatay.

1690
01:22:16,000 --> 01:22:17,625
At walang problema.

1691
01:22:17,708 --> 01:22:18,583
Parang.

1692
01:22:19,625 --> 01:22:21,333
Baka nanaginip ka, Mr. Pope.

1693
01:22:30,416 --> 01:22:31,500
Sa pagkakasabi niya,

1694
01:22:31,583 --> 01:22:34,125
alam kong di sadya ang pang-aasar niya.

1695
01:22:34,208 --> 01:22:36,291
Pinagaang niya lang ang sitwasyon.

1696
01:22:36,375 --> 01:22:39,083
Iba ang inisip ni Harry. Tumayo siya,

1697
01:22:39,166 --> 01:22:41,958
tinitigan si Ganderbai. Namula ang pisngi.

1698
01:22:42,041 --> 01:22:44,291
Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako?

1699
01:22:47,083 --> 01:22:49,500
Nakatayo lang si Dr. Ganderbai.

1700
01:22:49,583 --> 01:22:52,791
Lumakad si Harry sa kama.
Maliwanag ang mata.

1701
01:22:53,958 --> 01:22:57,458
-Ikaw, dagang kanal ng Bengali.
-"Tama na, Harry," sabi ko.

1702
01:22:57,541 --> 01:22:59,791
-Marumi, mabaho kang…
-Tumahimik ka!

1703
01:22:59,875 --> 01:23:01,333
-Walang kwenta…
-Tahimik!

1704
01:23:01,416 --> 01:23:02,291
Tumigil ka!

1705
01:23:05,708 --> 01:23:08,458
Lumabas si Ganderbai. Sinundan ko siya.

1706
01:23:08,541 --> 01:23:10,666
Hibang siya, kalokohan lang 'yon.

1707
01:23:10,750 --> 01:23:14,041
Lumapit kami sa lumang Morris Motor
na kotse ng doktor.

1708
01:23:14,541 --> 01:23:17,625
Sumakay siya. "Naghimala ka," sabi ko.

1709
01:23:17,708 --> 01:23:19,916
-Niligtas mo siya.
-Parang hindi.

1710
01:23:20,000 --> 01:23:22,750
Pwede mong…
Utang niya sa 'yo ang buhay niya.

1711
01:23:22,833 --> 01:23:25,625
-Utang niya sa 'yo 'yon, doktor.
-Hindi rin.

1712
01:23:28,208 --> 01:23:29,125
Pasensya ka na.

1713
01:23:30,583 --> 01:23:31,583
Di totoo 'yan.

1714
01:23:38,875 --> 01:23:41,416
Pinaandar ni Dr. Ganderbai
ang kotse at umalis.

1715
01:23:54,500 --> 01:23:57,916
Isinulat ni Dahl ang "Poison"
noong Enero 1950.

1716
01:23:58,000 --> 01:24:00,833
Ipinangalan niya ang karakter ni Woods

1717
01:24:00,916 --> 01:24:05,083
sa kasamang Raf Squadron pilot
na namatay sa digmaan ng Athens.

1718
01:24:24,750 --> 01:24:26,291
Ito ang mga katangian

1719
01:24:26,375 --> 01:24:28,666
na dapat mong makuha o taglayin

1720
01:24:28,750 --> 01:24:31,041
kung gusto mong magsulat ng piksyon.

1721
01:24:32,375 --> 01:24:34,750
Dapat maligalig ang imahinasyon mo.

1722
01:24:36,166 --> 01:24:38,125
Dapat mahusay kang sumulat.

1723
01:24:38,208 --> 01:24:39,166
Ibig sabihin,

1724
01:24:39,250 --> 01:24:43,375
dapat kaya mong gumawa ng eksenang
buhay sa isip ng mambabasa.

1725
01:24:43,458 --> 01:24:45,333
Kaunti lang ang may kaya noon.

1726
01:24:45,416 --> 01:24:49,208
Biyaya iyon,
kung wala ka noon, wala talaga.

1727
01:24:50,041 --> 01:24:51,375
Dapat matatag ka.

1728
01:24:51,458 --> 01:24:52,750
Kumbaga,

1729
01:24:52,833 --> 01:24:56,500
di ka pwedeng tumigil
o sumuko sa ginagawa mo.

1730
01:24:57,458 --> 01:24:59,041
Oras-oras,

1731
01:25:00,625 --> 01:25:02,166
araw-araw,

1732
01:25:04,166 --> 01:25:05,375
linggo-linggo,

1733
01:25:07,291 --> 01:25:09,083
buwan-buwan,

1734
01:25:10,583 --> 01:25:14,166
sa bawat taon at taon at taon…

1735
01:25:15,375 --> 01:25:17,666
Di ka dapat nagkakamali.

1736
01:25:18,291 --> 01:25:21,500
Di ka dapat makuntento sa sinusulat mo

1737
01:25:21,583 --> 01:25:26,583
hangga't di mo inuulit-ulit,
hanggang sa kaya mong mapulido.

1738
01:25:27,458 --> 01:25:29,500
Dapat matindi ang disiplina mo.

1739
01:25:29,583 --> 01:25:32,791
Mag-isa kang gumagawa. Wala kang amo.

1740
01:25:33,791 --> 01:25:37,666
Walang sisibak sa iyo pag di ka nagsipag

1741
01:25:37,750 --> 01:25:40,166
o bubunganga sa iyo pag papatay-patay ka.

1742
01:25:41,000 --> 01:25:44,041
Malaking bagay
kung marunong kang magpatawa.

1743
01:25:44,125 --> 01:25:46,875
Di ito importante
kung matatanda ang mambabasa mo,

1744
01:25:46,958 --> 01:25:49,083
pero sa mga bata, kailangan iyon.

1745
01:25:50,333 --> 01:25:51,458
Panghuli…

1746
01:25:54,000 --> 01:25:56,000
Dapat mapagkumbaba ka.

1747
01:25:58,208 --> 01:26:00,375
Ang manunulat na sobrang hanga
sa obra niya

1748
01:26:01,791 --> 01:26:03,000
ay malaking problema.

1749
01:26:15,041 --> 01:26:20,041
Nagsalin ng Subtitle: Dawn Rosello



