1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:18,518 --> 00:00:22,731
Paki-welcome po ang tatay ko,
si Nate Bargatze.

4
00:00:31,031 --> 00:00:35,785
YOUR FRIEND, NATE BARGATZE

5
00:00:40,457 --> 00:00:41,416
I love you.

6
00:00:57,140 --> 00:00:58,224
Salamat.

7
00:00:58,933 --> 00:01:00,018
Salamat.

8
00:01:02,437 --> 00:01:04,439
Phoenix, maraming salamat.

9
00:01:06,399 --> 00:01:07,734
Ang saya no'n.

10
00:01:10,195 --> 00:01:11,237
Salamat.

11
00:01:12,405 --> 00:01:13,323
Salamat.

12
00:01:20,205 --> 00:01:22,707
Salamat.

13
00:01:23,541 --> 00:01:24,417
Salamat.

14
00:01:25,043 --> 00:01:26,669
Ang bait n'yo.

15
00:01:28,171 --> 00:01:30,173
Ito na 'yon. Gawin na natin 'to.

16
00:01:35,929 --> 00:01:36,805
So…

17
00:01:40,100 --> 00:01:41,142
Ano… Gusto ko…

18
00:01:41,226 --> 00:01:44,312
Gustong-gusto ko
ang stand-up comedy. Mahal ko 'to.

19
00:01:44,395 --> 00:01:48,858
'Yong trabaho ko no'n,
'yong naging huling seryosong trabaho ko,

20
00:01:48,942 --> 00:01:52,028
'yong trabahong babalikan ko
pag pumalpak 'to…

21
00:01:54,447 --> 00:01:56,282
Tagabasa ako ng metro ng tubig.

22
00:01:58,952 --> 00:01:59,786
Salamat.

23
00:02:03,414 --> 00:02:04,958
'Yong trabahong 'yon…

24
00:02:05,041 --> 00:02:08,378
'Yong title ng trabaho
ang description ng gagawin mo.

25
00:02:12,132 --> 00:02:14,259
Sinasabi ko,
"Tagabasa ako ng metro ng tubig."

26
00:02:14,342 --> 00:02:15,385
"O, ano 'yon?"

27
00:02:15,468 --> 00:02:17,512
Sasabihin ko kung ano, okay?

28
00:02:19,681 --> 00:02:22,308
Magbabasa kami
ng mga metro ng tubig. 'Yon 'yong…

29
00:02:22,809 --> 00:02:24,561
'Yon 'yong 100% ng trabaho.

30
00:02:29,357 --> 00:02:33,570
Noong ginawa ko 'to, nasa Wilson County,
Mount Juliet, Tennessee ako.

31
00:02:35,488 --> 00:02:38,908
Noong ginawa ko 'to,
kailangan kong i-park 'yong truck

32
00:02:38,992 --> 00:02:40,451
at umalis sa lugar.

33
00:02:40,535 --> 00:02:41,828
Daanan ang isang komunidad

34
00:02:41,911 --> 00:02:44,956
at i-record ang nagagamit
na tubig ng bawat bahay.

35
00:02:45,039 --> 00:02:48,960
Taong 2001 'yon.
Siyempre, nangyari 'yong 9/11.

36
00:02:49,043 --> 00:02:51,921
Kung matanda ka na,
maaalala mo na no'ng nangyari ang 9/11,

37
00:02:52,005 --> 00:02:56,134
natakot 'yong buong bansa
na may mga pag-aatake pa.

38
00:02:56,217 --> 00:02:57,552
Well, kami din naman

39
00:02:58,344 --> 00:02:59,596
sa Wilson County.

40
00:03:02,182 --> 00:03:03,141
Naisip namin,

41
00:03:03,975 --> 00:03:05,393
galing sila sa New York,

42
00:03:05,476 --> 00:03:07,979
halatang sa Mount Juliet,
Tennessee ang susunod.

43
00:03:15,361 --> 00:03:18,156
At lalasunin nila
'yong tubig ng bayan namin.

44
00:03:22,785 --> 00:03:25,705
Kaya inutusan kaming
mga tagabasa ng mga metro

45
00:03:26,915 --> 00:03:28,750
na bantayan 'yong mga tangke ng tubig.

46
00:03:30,668 --> 00:03:32,921
Ginawa ko talaga 'to. Tumayo ako…

47
00:03:33,838 --> 00:03:36,591
sa madilim na field, nang mag-isa.

48
00:03:38,801 --> 00:03:40,970
Hinintay ko 'yong mga Taliban.

49
00:03:48,519 --> 00:03:50,688
Walang armas, walang training.

50
00:03:55,443 --> 00:03:57,862
Binigyan nila kami ng parol. Parol lang.

51
00:03:59,280 --> 00:04:03,201
Walang magagawa 'yon kundi
ipakita 'yong katawan mo pag inangat.

52
00:04:06,454 --> 00:04:08,748
Wala akong makita
kahit two feet sa harap ko.

53
00:04:10,500 --> 00:04:14,295
Kung merong may baril, sasabihin nila,
"Barilin mo 'yong may ilaw sa field."

54
00:04:18,049 --> 00:04:21,594
Ilalagay ko sa may puso ko para makakita.
Parang, "Ano'ng nangyayari?"

55
00:04:27,725 --> 00:04:29,852
Tingin ko, hanggang ngayon,

56
00:04:30,561 --> 00:04:33,064
lagi kong sinasabi,
ano'ng gusto nilang gawin namin?

57
00:04:35,441 --> 00:04:37,694
Tawagan ang Mount Juliet Police?

58
00:04:38,653 --> 00:04:40,321
"Nandito si Osama."

59
00:04:45,368 --> 00:04:47,161
"Nakalusot siya sa mga parol."

60
00:04:54,210 --> 00:04:57,422
"Nasa tangke siya.
Alam niya kung paano buksan. Nagulat…"

61
00:04:57,922 --> 00:05:00,842
"Nagulat kami pero
alam niya 'yong ginagawa niya."

62
00:05:09,434 --> 00:05:12,145
Kasama ko 'yong asawa ko
no'ng nakuha ko 'yong trabaho.

63
00:05:12,228 --> 00:05:14,939
Kasama ko siya bago pa
namin maabot kung saan kami ngayon.

64
00:05:15,023 --> 00:05:18,609
Nagustuhan niya dahil sa mga benepisyo
na nakuha ko sa water company.

65
00:05:28,411 --> 00:05:29,454
Merong…

66
00:05:29,537 --> 00:05:31,414
So 17 years na kaming kasal.

67
00:05:32,165 --> 00:05:33,124
Salamat.

68
00:05:38,296 --> 00:05:39,964
At alam ko…

69
00:05:40,715 --> 00:05:44,010
Habang tumatagal, mas naiintindihan ko
kung bakit siya nasa buhay ko.

70
00:05:44,093 --> 00:05:46,512
Wala ako dito kung wala siya sa buhay ko.

71
00:05:46,596 --> 00:05:47,764
Alam ko 'yon.

72
00:05:48,639 --> 00:05:54,103
Sobrang umaasa na tuloy
ako sa kanya dahil do'n.

73
00:05:54,187 --> 00:05:56,105
Wala akong alam

74
00:05:56,939 --> 00:05:58,649
tungkol sa akin. Parang…

75
00:06:00,151 --> 00:06:02,904
Di ko alam kung ano'ng
gusto at ayaw kong kainin.

76
00:06:10,203 --> 00:06:12,246
May magsasabing, "Gusto mo 'tong subukan?"

77
00:06:12,330 --> 00:06:14,290
Kailangan isali ko siya.

78
00:06:17,460 --> 00:06:19,253
Sasabihin ko, "Hindi na."

79
00:06:23,549 --> 00:06:25,635
Di ko alam kung gaano
katagal mag-microwave.

80
00:06:25,718 --> 00:06:30,264
Kailangan ko pa siyang tanungin
na parang pamilya niya 'yong nag-imbento.

81
00:06:32,600 --> 00:06:34,727
"Gaano katagal ko 'to dapat i-microwave?"

82
00:06:37,480 --> 00:06:39,565
Sasabihin niya, "Hanggang uminit."

83
00:06:44,612 --> 00:06:48,324
Parang, "Pero alam kong alam
mo kung anong number. Sige na…"

84
00:06:52,453 --> 00:06:54,622
"Sabihin mo lang 'yong number. Di ko…"

85
00:06:56,207 --> 00:06:59,210
"Tatawagan ko 'yong mom ko
o sasabihin mo 'yong number."

86
00:07:04,257 --> 00:07:07,552
Kung di niya sasabihin,
90 minutes ang ilalagay ko at iiwan ko.

87
00:07:16,018 --> 00:07:17,937
Ako ang naglalaba ng damit ko.

88
00:07:18,688 --> 00:07:20,356
Salamat. Salamat.

89
00:07:21,732 --> 00:07:23,651
'Yon ang deserve no'n.

90
00:07:27,780 --> 00:07:30,450
No'ng bata ako, mommy ko
ang naglalaba ng damit ni dad.

91
00:07:30,533 --> 00:07:33,953
Kaya akala ko, nilalabhan ng mga babae
'yong mga damit ng asawa nila.

92
00:07:35,329 --> 00:07:37,999
Ako lang ang gumagawa
no'n dati. At ang totoo,

93
00:07:38,082 --> 00:07:41,794
parang nakalimutan ko lang din
no'ng nagdaang 17 taon.

94
00:07:43,337 --> 00:07:47,091
Sakripisyo ko 'yon na di kailangang
gawin ng ibang mga asawa.

95
00:07:51,721 --> 00:07:55,099
Isang araw, nagda-drive
ako pauwi at bigla ko 'yon naisip,

96
00:07:55,183 --> 00:07:57,977
at sabi ko, "Sige, babanggitin ko 'yon."

97
00:08:06,319 --> 00:08:08,988
Di ko 'yon binanggit
no'ng araw na 'yon, ha?

98
00:08:09,071 --> 00:08:11,824
Naisip ko, siguradong dadating ang araw

99
00:08:12,867 --> 00:08:14,911
na mag-aaway kami

100
00:08:15,453 --> 00:08:17,455
at pag matatalo na 'ko…

101
00:08:19,290 --> 00:08:23,002
sasabihin ko lang,
"Ako ang naglalaba ng damit ko!"

102
00:08:28,382 --> 00:08:31,052
Sasbihin niya, "Tapos na ang laban."

103
00:08:32,970 --> 00:08:36,224
"Panalo ka na. Nakalimutan ko
kung gaano ako kasuwerte."

104
00:08:47,443 --> 00:08:51,239
Naghintay ako ng mga anim na buwan…

105
00:08:54,992 --> 00:08:56,244
Sa wakas, nag-away kami.

106
00:08:56,327 --> 00:08:58,829
Di ko maalala 'yong dahilan. Wala.

107
00:08:58,913 --> 00:09:01,707
Ewan. Hindi 'yon labada.
'Yon ang naaalala ko.

108
00:09:04,293 --> 00:09:06,879
So natatalo na 'ko sa away namin.

109
00:09:06,963 --> 00:09:09,799
At sa isip ko parang, "Ito na 'yon."

110
00:09:12,927 --> 00:09:16,013
Honestly, nalungkot akong
magagamit ko na 'yon.

111
00:09:16,097 --> 00:09:17,848
Gano'n kasarap sa pakiramdam 'yon.

112
00:09:19,350 --> 00:09:21,978
Naawa ako sa kanya. kasi…

113
00:09:23,187 --> 00:09:27,567
Naisip ko, "Akala niya panalo na siya.
May sasabihin akong pasabog."

114
00:09:34,407 --> 00:09:36,242
Biglaan lang,

115
00:09:36,784 --> 00:09:38,828
sabi ko, "Nilalabhan ko
'yong mga damit ko."

116
00:09:42,081 --> 00:09:45,293
At sabi ko, "Wala nang ibang kagaya ko."

117
00:09:53,593 --> 00:09:58,097
Nagulat ako na nagsimula ito
ng pangalawang away na di ko inasahan.

118
00:10:13,988 --> 00:10:15,823
Magkaiba kami ng paglalaba.

119
00:10:17,199 --> 00:10:20,703
Babasahin niya 'yong label.
Sinasabay ko 'yong mga basahan at suit.

120
00:10:20,786 --> 00:10:21,912
Pag…

121
00:10:22,705 --> 00:10:23,998
Di ko alam.

122
00:10:24,915 --> 00:10:27,960
"Gusto mong ilagay
'yong sapatos mo sa loob? Sige na."

123
00:10:30,630 --> 00:10:33,049
Pagkatapos maglaba,
laging isang talampakan ang layo

124
00:10:33,132 --> 00:10:34,467
ng washing machine sa pader.

125
00:10:38,929 --> 00:10:42,183
Parang, "Ang dami namang
nilagay sa loob." Alam mo 'yon?

126
00:10:42,683 --> 00:10:44,977
"Tingnan mo, halos basa na lahat."

127
00:10:51,150 --> 00:10:52,818
Lagi akong nagta-travel. Obviously.

128
00:10:52,902 --> 00:10:54,779
So kasama niya 'yong anak namin sa bahay.

129
00:10:54,862 --> 00:10:58,616
Nakita n'yo naman,
maganda 'yong anak namin.

130
00:11:04,497 --> 00:11:07,333
Pero alam kong mahirap na nasa bahay siya.

131
00:11:07,416 --> 00:11:09,752
Kailangan niyang maging nanay at tatay,

132
00:11:09,835 --> 00:11:11,462
maging mabuti at masamang magulang.

133
00:11:11,545 --> 00:11:14,382
Tapos uuwi ako at sobrang bibo ko.

134
00:11:15,132 --> 00:11:17,218
Kung hindi, magugulo ko 'yong routine.

135
00:11:17,301 --> 00:11:20,012
Sinasabi niya 'tong mga 'to sa akin. At…

136
00:11:25,726 --> 00:11:28,646
Pag-uwi ko, hihiga kami
ng anak ko sa kama.

137
00:11:28,729 --> 00:11:32,400
Tapos papagalitan kami kasi nag-uusap
kami. Di ako 'yong nagsasalita, ha?

138
00:11:32,483 --> 00:11:35,778
Pero sinisigawan kami
na parang ako 'yong nagsasalita.

139
00:11:38,114 --> 00:11:42,243
Naiintindihan ko kasi di ko iniisip
'yong mga consequences ng lahat.

140
00:11:42,785 --> 00:11:44,286
May isang aso kami.

141
00:11:44,787 --> 00:11:46,288
Gusto ko pa ng isa pa.

142
00:11:46,372 --> 00:11:49,583
Ayaw ng asawa ko ng isa pa kasi mahirap.

143
00:11:50,126 --> 00:11:51,919
Mahirap magkaro'n ng dalawang aso

144
00:11:52,002 --> 00:11:55,965
kasi kailangang buksan 'yong pinto sa
likod at ipalabas 'yong dalawang aso.

145
00:12:08,352 --> 00:12:11,647
Tapos isasara mo,
so ngayon nasa labas na sila.

146
00:12:11,731 --> 00:12:13,190
Nasa loob ka,

147
00:12:13,274 --> 00:12:15,276
di mo sila binabantayan pero…

148
00:12:17,903 --> 00:12:19,947
Tapos gusto nilang
bumalik pero sasabihin mo,

149
00:12:20,030 --> 00:12:22,616
"Kailangan kong papasukin lahat ng aso."

150
00:12:26,370 --> 00:12:31,459
"Sasabihin mo, "Isang aso, dalawa…
Tingnan mo lahat ng mga asong 'to."

151
00:12:41,761 --> 00:12:46,557
Ganito… 'Yong totoo, hindi ko pa
naalagaan 'yong nag-iisang aso namin pero…

152
00:12:48,934 --> 00:12:51,145
Dalawa? Magiging masaya pag dalawa.

153
00:12:54,648 --> 00:12:56,609
Sa kama namin natutulog 'yong aso namin.

154
00:12:56,692 --> 00:12:58,986
May nagsabi sa 'kin
na di dapat ginagawa 'yon

155
00:12:59,069 --> 00:13:01,614
kasi mawawala ang pagiging
dominante mo sa aso mo.

156
00:13:02,198 --> 00:13:05,659
Tinanong ko siya. Sabi ko,
"Tingin mo, ilang taon na 'to?"

157
00:13:11,123 --> 00:13:12,666
Mga doodle 'to.

158
00:13:15,628 --> 00:13:17,046
Para na silang di aso.

159
00:13:17,129 --> 00:13:19,757
Tao na siya. Mga tao na sila.

160
00:13:21,801 --> 00:13:25,888
Parang nasa 1980 pa 'tong taong 'to
no'ng iniiwan pa 'yong mga aso sa labas.

161
00:13:26,889 --> 00:13:29,225
'Yong mga 'yon,
kailangang dominante ka sa kanila.

162
00:13:29,308 --> 00:13:31,143
May lobo ka sa bakuran.

163
00:13:34,897 --> 00:13:38,275
Pupunta 'yong mga kaibigan mo.
"Gusto mong lumabas?" "Ayoko."

164
00:13:48,828 --> 00:13:51,413
Siya din 'yong mas matipid sa amin.

165
00:13:52,206 --> 00:13:55,543
Di sa masamaang paraan.
Gusto niyang nakapatay 'yong mga ilaw.

166
00:13:55,626 --> 00:13:59,755
Papatayin 'yong mga ilaw, makakatipid.
Papatayin… 'Yong mga ilaw…

167
00:13:59,839 --> 00:14:03,092
Pag patay 'yong ilaw,
masaya 'yong environment na 'yon.

168
00:14:03,926 --> 00:14:05,594
Buksan, hanapin 'yong upuan mo.

169
00:14:05,678 --> 00:14:07,847
Kumuha ka ng stick, patayin mo ulit.

170
00:14:10,057 --> 00:14:15,020
Maupo ka sa dilim at maging malungkot…
Maging malungkot buong araw.

171
00:14:15,104 --> 00:14:17,523
Pero nakakatipid ka.

172
00:14:21,819 --> 00:14:23,988
Paghiga ko, "Papatayin mo 'yong ilaw?"

173
00:14:24,071 --> 00:14:27,741
"Di ko masabi kung nakabukas.
Tumayo ka't patayin mo."

174
00:14:28,284 --> 00:14:32,746
Sa eighty years, ibibigay namin sa anak
namin 'yong $37 na na-save namin.

175
00:14:41,130 --> 00:14:43,340
Ganito, maaksaya din kasi ako.

176
00:14:43,424 --> 00:14:46,552
Pag may paubos na, tinatapon ko na.

177
00:14:46,635 --> 00:14:50,389
Ketchup. Pag ganito na lng
'yong natirang ketchup, parang…

178
00:14:54,977 --> 00:14:57,897
Ihahalo niya 'yong luma sa bagong ketchup.

179
00:14:58,731 --> 00:15:01,025
Kaya laging nakakadiri 'yong ketchup.

180
00:15:11,869 --> 00:15:12,953
Toothpaste.

181
00:15:13,037 --> 00:15:17,166
Gagamitin ko 'yon kagaya ng sa tingin
ko'y paggamit ng normal na tao.

182
00:15:17,249 --> 00:15:20,461
Di ako dapat makaramdam
ng muscles para lang mailabas 'yon.

183
00:15:23,464 --> 00:15:26,008
Di ako maglalagay ng plantsa sa ibabaw.

184
00:15:28,594 --> 00:15:30,012
Pero mas gagawin niya 'yon.

185
00:15:30,095 --> 00:15:33,849
Pag tapos na siya, ibibigay niya
sa palaboy na pinakasalan niya.

186
00:15:39,855 --> 00:15:42,107
Puputulin niya tapos ilalabas niya.

187
00:15:45,361 --> 00:15:48,572
Nag-asawa ako ng matandang galing
sa Depression. Pinakasalan ko.

188
00:15:53,118 --> 00:15:55,120
Mabubuhay sana siya sa Depression.

189
00:15:55,204 --> 00:15:57,706
Di niya mapapansin na may Depression.

190
00:16:02,294 --> 00:16:04,380
Ayaw na ayaw ko ang pizza party.

191
00:16:05,089 --> 00:16:06,632
Iimbitahan ko 'yong friends ko.

192
00:16:06,715 --> 00:16:08,717
Sasabihin ko, "Mag-order tayo ng pizza."

193
00:16:08,801 --> 00:16:10,302
Sasabihin niya, "Gaano kadami?"

194
00:16:10,386 --> 00:16:11,512
"Damihan na."

195
00:16:11,595 --> 00:16:14,515
"Ayaw kong maubusan ng pizza
sa harap ng mga kaibigan ko."

196
00:16:17,393 --> 00:16:18,811
Sabi niya, "Tanungin mo sila."

197
00:16:18,894 --> 00:16:21,855
Sabi ko, "Di ko pwedeng tawagan
'yong mga 40-year-old

198
00:16:21,939 --> 00:16:25,734
at sabihing, "Gaano kadaming pizza
ang kakainin mo mamaya?"

199
00:16:33,450 --> 00:16:35,661
May mga totoong… May pamilya sila.

200
00:16:36,495 --> 00:16:39,206
Sa building sila nagtatrabaho ngayon.

201
00:16:39,289 --> 00:16:41,792
Tatanungin ko bang,
"Madami kang kinain kanina?"

202
00:16:45,004 --> 00:16:47,715
"Hindi, nagtitipid kasi kami
kaya gusto kong malaman

203
00:16:47,798 --> 00:16:50,092
kung ilang pizza 'yong kakainin mo."

204
00:16:58,809 --> 00:17:02,187
Gusto ko lang bumili
ng gamit nang di niya nalalaman

205
00:17:02,271 --> 00:17:05,149
at… ang hirap no'n.

206
00:17:06,692 --> 00:17:09,236
Magagawa ko 'yon kung
alam ko kung ano'ng bangko ko.

207
00:17:12,948 --> 00:17:15,993
Pero dadaan pa 'ko
sa kanya para malaman 'yon.

208
00:17:20,164 --> 00:17:21,206
Titingin-tingin ako.

209
00:17:21,290 --> 00:17:23,917
Iisipin ko, "Kung may bangko ako,
ano bang pipiliin ko?"

210
00:17:30,466 --> 00:17:34,511
Pupunta ako sa mga bangko at sasabihin ko,
"Nandito ba 'yong pera ko?"

211
00:17:45,564 --> 00:17:47,524
Lagi niya 'kong tinutulungan.

212
00:17:47,608 --> 00:17:51,904
Pag may binili ako at di nagkasya,
di ko na 'yon ibabalik.

213
00:17:52,529 --> 00:17:53,739
Nahihiya ako.

214
00:17:53,822 --> 00:17:56,992
Sigurado akong parehong tao 'yong nando'n.

215
00:17:57,076 --> 00:17:58,327
At maaalala nila ako.

216
00:17:59,703 --> 00:18:03,248
Sasabihin nila, "Alam naming
di ka kasya sa damit na 'yan."

217
00:18:10,964 --> 00:18:13,842
Binabalik niya 'yong pinamili sa grocery.

218
00:18:14,510 --> 00:18:16,095
Oo. Pagkain.

219
00:18:16,804 --> 00:18:19,014
Ang… Ang totoo, tingin ko bawal 'yon.

220
00:18:19,098 --> 00:18:20,182
Totoo.

221
00:18:21,183 --> 00:18:24,186
Binu-bully niya 'yong
mga batang 15-year old.

222
00:18:26,897 --> 00:18:28,148
Di nila alam ang gagawin.

223
00:18:28,232 --> 00:18:31,527
Dadating 'yong nanay nila,
"Ang bilis naging weird ng saging n'yo."

224
00:18:31,610 --> 00:18:32,945
Sasabihin nila, "Ano?"

225
00:18:35,239 --> 00:18:38,283
"Ikaw pumili niyan. Di sa akin 'yan.
Ano'ng sinasabi mo?"

226
00:18:38,367 --> 00:18:40,536
"Papalitan ko na. Papalitan ko na lang."

227
00:18:40,619 --> 00:18:42,996
"Oo, nagnanakaw ng saging
ang babaeng 'yon."

228
00:18:52,381 --> 00:18:56,385
Kamakailan lang, papunta ako sa kotse
at may college student na papalapit.

229
00:18:56,468 --> 00:18:57,845
Nangangalap siya ng pera

230
00:18:58,554 --> 00:19:01,723
para sa kalikasan o para sa Earth.

231
00:19:01,807 --> 00:19:04,059
Kalikasan at Earth 'yon.

232
00:19:06,019 --> 00:19:11,108
Ewan. Mga totoong salita
ang ginamit niya. Pero basically…

233
00:19:11,191 --> 00:19:13,569
Tumingin siya at sinabing,
"Para 'to sa Earth."

234
00:19:13,652 --> 00:19:16,446
Sabi ko, "Oo nga. Maraming
pinagdadaaanan ang Earth ngayon."

235
00:19:16,530 --> 00:19:17,531
Tapos…

236
00:19:19,283 --> 00:19:21,994
Sinabi niya lahat
ng pinagdadaanan ng Earth ngayon.

237
00:19:22,077 --> 00:19:23,829
Alam mo, polusyon 'yan.

238
00:19:23,912 --> 00:19:25,664
Sabi niya, "Nilason ang tubig natin."

239
00:19:25,747 --> 00:19:29,168
Alam mo, sabi ko,
"Di 'yan mangyayari pag nakaduty ako."

240
00:19:42,639 --> 00:19:45,726
Bumibili yata ako ng puno,
di ako sigurado.

241
00:19:46,768 --> 00:19:49,354
Bibigyan ko sana siya ng cash. Sabi niya,

242
00:19:49,438 --> 00:19:52,232
"Credit card ang gamitin mo."
Sabi ko, "Okay."

243
00:19:52,316 --> 00:19:53,150
Kaya…

244
00:19:53,942 --> 00:19:57,613
nilagay ko sa ipad niya
lahat ng impormasyon ng pamilya ko.

245
00:20:01,325 --> 00:20:02,784
$75 'yon.

246
00:20:02,868 --> 00:20:06,413
Tapos swinipe niya
'yong card at no'ng nabawas na,

247
00:20:06,496 --> 00:20:08,790
sabi niya, "Para lang alam mo,
buwanang bayad 'to."

248
00:20:09,833 --> 00:20:10,792
Oo.

249
00:20:11,418 --> 00:20:14,796
No'ng natapos, saka niya sinabing,
"Maka-cancel 'to sa website."

250
00:20:14,880 --> 00:20:17,257
Sabi ko, "Di ko alam ang nangyayari."

251
00:20:23,013 --> 00:20:25,933
Sabi niya, "Akin na
ang email mo para sa resibo."

252
00:20:26,016 --> 00:20:29,311
Sabi ko, "Sige." Nilagay ko
'yong email ng asawa ko.

253
00:20:29,937 --> 00:20:32,439
Hulaan n'yo kung sino'ng tatapos nito?

254
00:20:42,699 --> 00:20:45,369
Ipapapuputol niya
'yong puno na 'yon bukas.

255
00:20:51,875 --> 00:20:56,838
Tinawagan ko siya kasi kailangan ko siyang
tawagan pag may sina-sign up ako at…

256
00:20:59,258 --> 00:21:02,302
Sinagot niya at sinabing,
"Ako na'ng bahala." Tapos binaba.

257
00:21:13,939 --> 00:21:17,150
Siya ang nagpapatakbo ng lahat.
May mga bagay na hindi…

258
00:21:17,234 --> 00:21:19,820
May bago kaming bubong at di ko alam 'yon.

259
00:21:23,240 --> 00:21:26,743
Isang bagong bubong.
Nalaman ko pa sa mga kapitbahay ko.

260
00:21:29,121 --> 00:21:31,790
Sabi nila, "Kumusta 'yong bagong bubong?"

261
00:21:31,873 --> 00:21:33,959
Sabi ko, "Hindi ko alam ang sinasabi mo."

262
00:21:35,043 --> 00:21:37,296
Sabi nila, "Di mo alam na bago 'yon?"

263
00:21:37,379 --> 00:21:38,797
Sabi ko, "Hindi."

264
00:21:38,880 --> 00:21:42,801
Pinuntahan ko siya at sabi ko,
"Kailangan mong pag-usapan 'yong bubong

265
00:21:42,884 --> 00:21:44,469
na di mo sinabi sa akin."

266
00:21:44,553 --> 00:21:46,430
"Mukha akong tanga do'n."

267
00:21:55,522 --> 00:21:59,568
Nakatira kami… Sa lugar namin,
nakatira kami sa cul-de-sac.

268
00:21:59,651 --> 00:22:03,363
Exciting 'yon kasi lumaki
ako sa deretsong kalye…

269
00:22:05,365 --> 00:22:08,118
at pinangarap kong tumira sa cul-de-sac.

270
00:22:09,077 --> 00:22:12,956
Pag nakakakita no'n, sasabihin mo,
"Nai-imagine mong tumira sa gano'n?"

271
00:22:16,752 --> 00:22:19,046
Ginagawa namin 'yong mga cul-de-sac stuff.

272
00:22:19,129 --> 00:22:23,383
Kung may dumadating, sasabihin namin,
"Ano'ng ginagawa nito dito…"

273
00:22:26,428 --> 00:22:27,554
Kahit anong kotse.

274
00:22:27,637 --> 00:22:30,849
Sasabihin namin,
"Umalis na kayo sa cul-de-sac namin."

275
00:22:39,191 --> 00:22:40,609
Nilalabas namin 'yong basura,

276
00:22:41,735 --> 00:22:44,488
sa isa sa mga araw.
Di ko alam kung anong araw, basta araw.

277
00:22:44,571 --> 00:22:46,156
Ginagawa namin. Sa isang araw.

278
00:22:47,449 --> 00:22:49,993
Alam kong nalimutan naming
ilabas a few weeks ago.

279
00:22:50,077 --> 00:22:52,788
Nakakasira ng pamilya
'yong stress na 'yon.

280
00:22:57,042 --> 00:22:59,795
Buong linggo, may parang,
"Mag-kamay kayo pag kakain."

281
00:23:04,549 --> 00:23:08,470
Pag may bisita, "Ibulsa n'yo
'yang mga basura. Iuwi n'yo sa bahay."

282
00:23:20,065 --> 00:23:23,110
Suwerte kami sa kapitbahay namin.
Ang cool nila

283
00:23:23,193 --> 00:23:24,820
at close kami sa kanila.

284
00:23:24,903 --> 00:23:27,072
Lahat sila may totoong trabaho.

285
00:23:27,155 --> 00:23:28,907
Nag-college talaga sila.

286
00:23:28,990 --> 00:23:33,036
At… management consultant 'yong isa.

287
00:23:33,120 --> 00:23:37,624
So mina-manage niya
lahat ng mga consultant at…

288
00:23:38,208 --> 00:23:40,293
Mahirap ang trabahong 'yon. Okay?

289
00:23:41,002 --> 00:23:44,005
Maraming mga consultant
at sasabihin niya, "Bumalik ka na lang."

290
00:23:44,089 --> 00:23:45,298
Di ba? "Di pwedeng…"

291
00:23:46,174 --> 00:23:48,301
"Di ka pwedeng magpakonsulta dito."

292
00:23:48,385 --> 00:23:49,219
Kaya

293
00:23:50,011 --> 00:23:51,012
busy siya.

294
00:23:58,520 --> 00:24:00,439
Actuary naman 'yong isa.

295
00:24:01,481 --> 00:24:03,275
Akala ko sa mga ibon 'yon.

296
00:24:08,363 --> 00:24:10,490
Sabi ko, "Ano 'yong ibon na 'yon?

297
00:24:18,415 --> 00:24:20,459
Sabi niya, "Hindi ko alam." Sabi ko…

298
00:24:25,255 --> 00:24:28,508
"Actuary ka pero di mo alam
kung no'ng ibon 'yon?"

299
00:24:39,853 --> 00:24:43,023
Pumunta ako sa career day
ng school ng anak ko.

300
00:24:43,106 --> 00:24:46,067
Alam kong masaya 'yong trabaho ko

301
00:24:46,151 --> 00:24:51,198
pero kinabahan ako kasi mga totoong
tao 'yong kasama ko at matatalino sila…

302
00:24:52,449 --> 00:24:55,035
Gusto ko sanang mag-isa lang sa table.

303
00:24:55,118 --> 00:24:57,662
Nilagay nila ako sa table na may surgeon.

304
00:24:58,830 --> 00:25:01,249
Na tingin ko, sinadya nila.

305
00:25:02,125 --> 00:25:03,376
Para ipakita sa mga batang,

306
00:25:03,460 --> 00:25:05,629
"Eto ang pinagkaiba ng pagbabasa."

307
00:25:17,224 --> 00:25:19,434
So lumalapit 'yong mga bata,

308
00:25:19,518 --> 00:25:23,939
tapos sinabi nila, "Anong subjects
ang ginamit mo para sa comedy?"

309
00:25:24,022 --> 00:25:26,983
Naisip ko, di ko nga alam
'yong mga subject na meron sila.

310
00:25:29,110 --> 00:25:32,697
Sabi ko, "English ang gamit ko.
English ako pag nasa stage."

311
00:25:40,664 --> 00:25:44,042
Tinanong siya, "Gaano katagal
nag-aaral para maging surgeon?"

312
00:25:44,125 --> 00:25:47,045
Sabi niya, "54 years"
yata o ano ba. Parang…

313
00:25:49,923 --> 00:25:52,467
Tinanong ako,
"Gaano katagal maging komedyante?"

314
00:25:52,551 --> 00:25:54,803
Sabi ko, "Pwede na kayo." So…

315
00:26:01,059 --> 00:26:02,811
"Magtapos kayo ng elementary,

316
00:26:02,894 --> 00:26:05,772
pasayahin n'yo ang mga magulang n'yo,
tapos gawin n'yo na."

317
00:26:12,445 --> 00:26:15,699
Nahirapan akong mag-aral. May…

318
00:26:15,782 --> 00:26:19,244
At… halos di ako nakapagtapos,
nakapasok ako sa community college.

319
00:26:19,327 --> 00:26:22,831
Halos di ako natanggap
kahit tinatanggap nila ang karamihan.

320
00:26:26,751 --> 00:26:30,672
Isang taon ako sa community college
at wala akong credits.

321
00:26:34,301 --> 00:26:36,720
Di alam ng maraming tao
na 'yong community college,

322
00:26:37,220 --> 00:26:39,097
college 'yon na parang,

323
00:26:39,180 --> 00:26:42,309
"Malamang di ka aalis
sa komunidad mo. So…"

324
00:26:49,649 --> 00:26:52,027
"Ipapakita namin
'yong mga ginagawa dito sa bayan."

325
00:26:56,281 --> 00:26:58,491
"Bibigyan ka ng idea tungkol sa lugar."

326
00:27:04,122 --> 00:27:05,707
Buong taon,

327
00:27:05,790 --> 00:27:08,960
wala akong credits
kasi nag-remedial class ako.

328
00:27:09,044 --> 00:27:11,421
'Yong remedial, para sa…

329
00:27:12,005 --> 00:27:13,965
Mga klase para sa mga kaedad ko

330
00:27:14,049 --> 00:27:17,260
na gustong mag-aral ulit
kasi wala silang maalala.

331
00:27:18,094 --> 00:27:20,972
Pinasok ko agad
pagka-graduate ko. Sabi nila…

332
00:27:22,432 --> 00:27:26,061
Sabi nila, "Wala kang maalala sa school?"
Sabi ko, "Kakatapos ko lang."

333
00:27:26,144 --> 00:27:28,521
Sabi nila, "Parang di mo alam 'yon."

334
00:27:32,609 --> 00:27:34,611
Parang mga 50 lahat ng nando'n.

335
00:27:34,694 --> 00:27:36,571
Sabi ko, "Sino 'yong teacher?"

336
00:27:38,907 --> 00:27:42,786
"Sabihin n'yo pag natatanong ako.
Sino 'yong teacher?"

337
00:27:48,917 --> 00:27:51,670
Basic 'yong kinuha ko…
Speech 'yong kinuha ko.

338
00:27:52,170 --> 00:27:53,380
Sa college.

339
00:27:53,463 --> 00:27:56,257
Tapos… kasama ko 'yong mga kaibigan ko

340
00:27:56,341 --> 00:27:58,802
na papunta sa business class o ano.

341
00:27:58,885 --> 00:28:03,139
Kahit saan. Tapos sasabihin ko,
"Sige, kita tayo pagkatapos ng Speech."

342
00:28:07,727 --> 00:28:11,731
Ang di ko maintindihan, mali pa din
ang pagkasabi ko sa maraming salita.

343
00:28:13,566 --> 00:28:14,442
Sinasabi ko,

344
00:28:15,151 --> 00:28:18,530
"Poim." "Poim." Walang may alam nito.

345
00:28:19,447 --> 00:28:21,491
Poem. Parang, di ba?

346
00:28:22,075 --> 00:28:25,203
P-O-E-M. Sasabihin ko, "poim."

347
00:28:27,414 --> 00:28:29,582
Ayusin mo nga 'yon, speech class.

348
00:28:32,585 --> 00:28:34,462
E, kung gusto kong maging "poim" writer?

349
00:28:37,882 --> 00:28:39,884
Paano kung madami akong "poim" ideas?

350
00:28:41,177 --> 00:28:44,472
Walang magseseryoso sa 'kin, sasabihin ko,
"Pakinggan mo ang 'poims' ko."

351
00:28:53,148 --> 00:28:54,941
"Ol." Sabi ko, "Ol."

352
00:28:55,567 --> 00:28:56,818
Super Southern.

353
00:28:57,569 --> 00:29:01,030
Oil. Di ko nga alam
kung paano sabihin sa inyo.

354
00:29:01,114 --> 00:29:03,533
Oil. O-I-L.

355
00:29:03,616 --> 00:29:04,451
Oo.

356
00:29:05,076 --> 00:29:05,952
Oo.

357
00:29:07,620 --> 00:29:09,497
Sinasabi ko, "Motor ol."

358
00:29:10,498 --> 00:29:12,375
Parang, "Tinfol."

359
00:29:14,627 --> 00:29:16,254
Southern community college,

360
00:29:16,337 --> 00:29:19,132
dapat madatory na maayos nila 'yon.

361
00:29:21,217 --> 00:29:23,428
Dapat isulat ang O-I-L sa blackboard,

362
00:29:23,511 --> 00:29:24,888
sasabihin ko, "Ol."

363
00:29:24,971 --> 00:29:26,931
Sasabihin nila, "Kami na ang bahala."

364
00:29:28,808 --> 00:29:31,811
"Posible na magtrabaho ka sa gano'n."

365
00:29:39,819 --> 00:29:41,321
"Silver War."

366
00:29:41,404 --> 00:29:42,572
Gano'n ko sinasabi.

367
00:29:42,655 --> 00:29:44,657
Imbes na "Civil."

368
00:29:44,741 --> 00:29:46,367
Sasabihin ko, "SIlver War."

369
00:29:47,243 --> 00:29:48,203
Kasi…

370
00:29:49,287 --> 00:29:52,582
Ganito. Ako 'yong may kasalanan.
Okay? Di ko…

371
00:29:58,922 --> 00:30:02,300
Sinasabi ko, ni di ko alam
kung ano 'yang "Silver War."

372
00:30:04,761 --> 00:30:06,971
Wala akong alam sa kasaysayan.

373
00:30:07,055 --> 00:30:09,390
Alam ko 'yon kasi
pag nanonood ako ng history movie,

374
00:30:09,474 --> 00:30:11,643
nae-excite at kinakabahan ako.

375
00:30:25,740 --> 00:30:27,742
"Ano'ng mangyayari?"

376
00:30:31,538 --> 00:30:33,122
Nanood ako ng Pearl Harbor.

377
00:30:35,375 --> 00:30:37,794
Alam n'yo, nagulat din ako kagaya nila.

378
00:30:49,305 --> 00:30:50,765
Di ako nagbabasa.

379
00:30:51,516 --> 00:30:53,768
At tingin ko, importante 'yon.

380
00:30:56,479 --> 00:30:59,482
Susi sa pagiging matalino ang pagbabasa.

381
00:30:59,566 --> 00:31:02,902
At … At hindi ko ginagawa.

382
00:31:04,445 --> 00:31:06,281
Inabutan na 'ko ng epekto nito.

383
00:31:07,073 --> 00:31:11,202
Gusto kong gawin. Gusto ko 'yong idea
ng pagbabasa. Bumibili ako ng mga libro

384
00:31:11,286 --> 00:31:14,247
pero ang daming salita naman kasi.

385
00:31:14,330 --> 00:31:15,623
At…

386
00:31:16,916 --> 00:31:18,084
Gano'n lahat.

387
00:31:18,167 --> 00:31:21,504
Bubuksan mo lang at parang,
"Ano'ng sinasabi mo?"

388
00:31:21,588 --> 00:31:23,089
Di ba…

389
00:31:23,172 --> 00:31:27,594
At di pa tumitigil.
Bawat page, dumadami 'yong mga salita.

390
00:31:28,887 --> 00:31:31,556
Lagyan n'yo kaya ng mga bakanteng page?

391
00:31:32,223 --> 00:31:35,768
Pwedeng pahingahin mo muna ako?

392
00:31:46,654 --> 00:31:48,823
Magaling magbasa 'yong mga mata ko.

393
00:31:49,324 --> 00:31:50,491
'Yong utak ko kasi.

394
00:31:53,036 --> 00:31:54,829
Magaling magbasa ang mga mata ko.

395
00:31:54,913 --> 00:31:58,374
Nakakalungkot kasi
naka-attach sila sa bobong utak na 'to.

396
00:32:00,043 --> 00:32:02,045
Nakatingin sila sa mga salita na parang,

397
00:32:02,128 --> 00:32:04,005
"Di mo 'to naiintindihan, p're?"

398
00:32:07,967 --> 00:32:11,471
"Limang beses na natin
binasa 'yong sentence. Iba naman."

399
00:32:20,229 --> 00:32:23,274
Fiction, non-fiction.
Di ko alam kung alin ang totoo.

400
00:32:28,363 --> 00:32:31,366
Ang ginagawa ko, binabasa ko
ang lahat ng libro na parang totoo.

401
00:32:33,117 --> 00:32:35,662
Ang masasabi ko,
may problema tayo sa wizard

402
00:32:35,745 --> 00:32:37,205
ngayon sa bansang 'to.

403
00:32:48,549 --> 00:32:52,011
Pumunta kami sa…
Pumunta kami sa Europe last year.

404
00:32:52,095 --> 00:32:57,141
Noong papunta kami sa… Nag-plane kami
galing Nashville papuntang London.

405
00:32:57,225 --> 00:33:01,145
at pumunta kami…
4:42 p.m. Nashville time no'n.

406
00:33:01,229 --> 00:33:06,317
Naglaro kami ng pamilya ko at sabi ko,
"Hulaan natin kung ano'ng oras sa London."

407
00:33:06,401 --> 00:33:07,860
Sabi ko 12:42 a.m.

408
00:33:07,944 --> 00:33:10,279
Sabi ng anak namin 1:42 a.m.

409
00:33:10,363 --> 00:33:12,323
'Yong hula ng asawa ko, 11.

410
00:33:13,116 --> 00:33:14,075
'Yon lang.

411
00:33:20,248 --> 00:33:22,291
Hindi niya sinabi 'yong 42.

412
00:33:22,375 --> 00:33:23,751
Kaya…

413
00:33:23,835 --> 00:33:26,254
Sabi ko, "Sabihin mo 'yong 42."

414
00:33:26,337 --> 00:33:27,839
Sabi niya, "Alam mo na 'yon."

415
00:33:27,922 --> 00:33:32,760
Sabi ko, "Oo, pero ipakita mo sa bata na
alam mo ang sasabihin ng normal na tao."

416
00:33:37,056 --> 00:33:39,017
Nag-away kami dahil do'n.

417
00:33:47,525 --> 00:33:49,277
Kung pupunta kayo ng Europe,

418
00:33:50,319 --> 00:33:52,530
'yon ang pinakaluma. Sobrang luma.

419
00:33:54,574 --> 00:33:58,077
Akala mo matanda na tayo
pero sasabihin mo na lang, "Good night."

420
00:34:00,538 --> 00:34:02,874
"Ano'ng ginagawa n'yo dito?"

421
00:34:05,543 --> 00:34:08,880
Maglalakad ka at sasabihin nila,
"No'ng 8 pa 'yang building na 'yan."

422
00:34:08,963 --> 00:34:10,965
Sasabihin mo, "Diyos ko."

423
00:34:21,559 --> 00:34:23,269
Pumunta din ako sa Australia.

424
00:34:23,978 --> 00:34:25,730
Sobrang layo ng Australia.

425
00:34:27,440 --> 00:34:30,485
Mas malaki pa pala
ang Earth kesa sa akala ko.

426
00:34:34,989 --> 00:34:38,743
Nag-travel kami ng 16 hours,
mahigit 500 miles kada oras.

427
00:34:38,826 --> 00:34:41,037
Muntik nang di makarating. Muntik na.

428
00:34:44,457 --> 00:34:46,459
Mali yata 'yong dinaanan namin.

429
00:34:50,671 --> 00:34:52,298
Nagka-jet lag ako do'n.

430
00:34:52,381 --> 00:34:54,759
Okay lang kasi maaga akong nagising.

431
00:34:54,842 --> 00:34:58,221
Nagising ako ng 5:45 a.m.
at di ako nagigising nang gano'n kaaga.

432
00:34:58,304 --> 00:35:01,307
Kaya nauna ako sa pila
sa breakfast buffet.

433
00:35:02,141 --> 00:35:05,144
Ito ang sasabihin ko.
Pag nagising ka ng 5:45 a.m.

434
00:35:05,228 --> 00:35:07,522
medyo malayo pa ang tanghali.

435
00:35:12,568 --> 00:35:16,656
Akala mo tanghali na pero 8:30 pa pala.

436
00:35:22,370 --> 00:35:25,373
Pagdating ng 6:00 p.m.,
parang, "Ba't nasa labas pa sila?"

437
00:35:28,459 --> 00:35:30,128
"Bakit di lumubog ang araw?"

438
00:35:38,719 --> 00:35:42,223
'Yon ang susunod na phase ng buhay ko,
'yong paggising nang maaga.

439
00:35:42,306 --> 00:35:45,184
Nagsimula na kami.
9:15 na kami nagigising.

440
00:35:45,268 --> 00:35:46,811
Alam n'yo na.

441
00:35:46,894 --> 00:35:49,689
Di ko pa nakitang pumasok
'yong anak ko pero malapit na.

442
00:35:56,988 --> 00:35:59,407
Nilalamig na din ako ngayong tumanda na.

443
00:35:59,907 --> 00:36:03,202
Forty-five. Laging nilalamig.
Dapat my jacket ako palagi.

444
00:36:03,995 --> 00:36:06,873
Pwedeng 135 degrees sa labas

445
00:36:06,956 --> 00:36:09,500
pero maglalakad akong naka-jacket.

446
00:36:10,543 --> 00:36:12,837
Tapos nakikita ko
'yong mga bata at naiisip ko,

447
00:36:12,920 --> 00:36:14,672
"Asan 'yong mga jacket n'yo?"

448
00:36:23,514 --> 00:36:26,392
Mahina ang katawan ko.
Masakit ang mga balikat ko

449
00:36:26,475 --> 00:36:28,644
kasi nakaganito ako sa stage.

450
00:36:33,774 --> 00:36:36,819
Grabe. Mali talaga
na pumasok ako sa ganito.

451
00:36:36,903 --> 00:36:39,947
Kung alam ko lang
na magiging malaking problema 'to,

452
00:36:40,031 --> 00:36:42,992
sinubukan ko siguro
na hindi 'to gawing habit.

453
00:36:44,118 --> 00:36:45,995
Hindi 'to kaya ng katawan ko.

454
00:36:47,121 --> 00:36:49,207
Nagpadoktor ako para ipaayos 'to…

455
00:36:49,290 --> 00:36:52,376
Kinausap nila ako na
para akong lumang kotse.

456
00:36:52,960 --> 00:36:55,796
Sabi niya, "Wag mo
nang pagkagastusan 'to."

457
00:37:05,473 --> 00:37:08,851
Napunit ko 'yong kalamnan ko.
'Yong kaluluwa ko yata 'yon.

458
00:37:12,772 --> 00:37:15,149
Sa gitnang-gitna 'yon ng katawan ko.

459
00:37:15,233 --> 00:37:17,068
Akala ko sa harap. Naisip ko,

460
00:37:17,151 --> 00:37:19,779
"Masakit din ang likod ko." Kaya…

461
00:37:22,406 --> 00:37:23,741
Ano bang nasa gitna?

462
00:37:23,824 --> 00:37:25,826
Anong muscle ba ang nasa gitna?

463
00:37:34,168 --> 00:37:36,337
Nag-hiking ako. Tumalon ako mula sa bato.

464
00:37:36,420 --> 00:37:38,005
Isang talampakan ang taas.

465
00:37:38,506 --> 00:37:40,967
Pag lapag ko, pakiramdam ko gano'n

466
00:37:41,050 --> 00:37:43,177
pag tinatamaan ng kidlat.

467
00:37:48,266 --> 00:37:50,351
Naramdaman ko sa mga kuko ko.

468
00:37:56,774 --> 00:37:59,860
Fifty-fifty na kung
nakabukas 'yong zipper ko.

469
00:38:05,324 --> 00:38:07,535
Parang suwertehan na lang.

470
00:38:09,453 --> 00:38:12,957
Di ko alam ang nangyayari.
Nagzi-zipper ako buong buhay ko.

471
00:38:13,624 --> 00:38:15,001
Pero ngayon, tuloy-tuloy lang,

472
00:38:15,084 --> 00:38:17,920
parang, "Kita tayo mamaya." Gano'n lang.

473
00:38:19,422 --> 00:38:21,549
Ang daling hubarin ng pantalon ko.

474
00:38:21,632 --> 00:38:24,385
Naisip ko, "Apat na oras
akong naglakad-lakad…"

475
00:38:29,932 --> 00:38:32,810
Mas matagal na kasi akong umiihi ngayon.

476
00:38:33,853 --> 00:38:36,814
At di pa ako sanay sa bagong old rhythm.

477
00:38:38,566 --> 00:38:41,319
Pag forty ka na,
akala mo tapos ka nang umihi.

478
00:38:42,445 --> 00:38:45,114
Matututo ka na parang,
"Maghintay muna tayo."

479
00:38:45,197 --> 00:38:47,408
"Hayaan nating kumonti ang traffic."

480
00:38:51,871 --> 00:38:54,081
Pasok labas na 'yong mga bata.

481
00:38:55,875 --> 00:38:58,085
Sasabihin ko, "Pakisabing okay lang ako."

482
00:39:06,719 --> 00:39:09,722
Sa pagkain… May problema
pa din ako sa pagkain.

483
00:39:10,431 --> 00:39:13,142
Mahilig ako sa processed food.
Gusto ko talaga.

484
00:39:14,560 --> 00:39:16,395
Farm-factory-table guy ako.

485
00:39:23,319 --> 00:39:27,156
Gusto ko… Gusto ko na maraming kamay
ang naghahanda ng pagkain ko.

486
00:39:33,245 --> 00:39:36,207
Pawala na rin 'to.
Ramdam mo… Ramdam ko talaga.

487
00:39:36,290 --> 00:39:38,667
Hindi ko na kaya. Ang sakit nga, e.

488
00:39:40,753 --> 00:39:43,756
Sasabihin ko sa sarili ko.
Na nagawa ko na. At…

489
00:39:44,382 --> 00:39:47,551
Retired na 'yong jersey ko
sa pagkain ng fast food.

490
00:39:47,635 --> 00:39:49,053
Nagawa ko na lahat.

491
00:39:49,678 --> 00:39:52,181
Nag-Taco Bell ako.
Tinapon ko sa basurahan ng kapitbahay

492
00:39:52,264 --> 00:39:54,058
para di malaman ng asawa ko.

493
00:39:59,355 --> 00:40:01,232
Gumamit ako ng maraming ketchup

494
00:40:01,732 --> 00:40:06,237
sa restaurant
na may lumapit sa akin at sinabing,

495
00:40:06,320 --> 00:40:07,905
"Ang daming ketchup niyan."

496
00:40:14,036 --> 00:40:16,330
Gaano ba karaming ketchup ang pwede?

497
00:40:17,623 --> 00:40:20,418
Ayaw niyang makialam, alam mo 'yon?

498
00:40:22,545 --> 00:40:25,423
Pero nakita niya.
Sabi ng asawa niya, "Hayaan mo na."

499
00:40:25,506 --> 00:40:28,217
Sabi niya, "Kailangan kong
magsalita. Di ko…"

500
00:40:31,846 --> 00:40:35,766
"Parang di niya alam…
Walang nagke-ketchup nang gano'n kadami."

501
00:40:40,855 --> 00:40:44,066
Nag drive-through ako sa McDonald's
at di bumukas ang bintana ko.

502
00:40:44,150 --> 00:40:47,153
'Yong universe 'yon
na nagsasabing, "Tigilan mo na."

503
00:40:50,072 --> 00:40:51,532
At pinaglaban ko.

504
00:40:52,825 --> 00:40:54,869
Nakakahiya kasi alam nila,

505
00:40:54,952 --> 00:40:58,664
kasi kailangang lumampas…
Kailangan kong buksan 'yong pintuan

506
00:40:58,747 --> 00:41:00,958
kaya tatamaan 'yong speaker.

507
00:41:01,041 --> 00:41:02,626
Kaya nilampasan ko.

508
00:41:04,462 --> 00:41:06,464
Sabi no'ng nasa likod ko, "Aalis ka na?"

509
00:41:06,547 --> 00:41:08,799
Sabi ko, "Ayaw bumukas ng bintana ko."

510
00:41:13,888 --> 00:41:17,892
Bubuksan ko 'yong pinto.
So nasa tabi ng gas tank 'yong speaker.

511
00:41:19,393 --> 00:41:21,353
Kailangan isigaw ko ang order ko.

512
00:41:21,437 --> 00:41:22,813
Narinig no'ng lalaki.

513
00:41:25,774 --> 00:41:29,236
Tiningnan ko 'yong screen,
nakalagay lahat doon.

514
00:41:29,320 --> 00:41:31,989
Alam na tuloy ng buong
lugar 'yong order ko.

515
00:41:37,453 --> 00:41:40,414
Pumunta ako sa window,
'yong drive-through window.

516
00:41:40,498 --> 00:41:43,542
Kinailangan kong lampasan
para mabuksan 'yong pinto.

517
00:41:44,043 --> 00:41:48,756
Nilampasan ko at nakita ko sila.
Sabi nila, "Saan ka pupunta?"

518
00:41:50,925 --> 00:41:53,344
Sabi ko, "Wala." Dinaanan ko,

519
00:41:53,427 --> 00:41:57,473
at nakita nila 'yong buong
katawan ko na nakaupo sa upuan.

520
00:41:58,098 --> 00:41:59,391
Grabe.

521
00:41:59,475 --> 00:42:03,604
Kung di mo pa nagawa 'yon,
ramdam ko talagang sobrang hina ko no'n.

522
00:42:05,439 --> 00:42:07,983
Nakaupo lang sila do'n at magha-"Hi" ka.

523
00:42:10,945 --> 00:42:13,322
Makikita nila 'yong mga paa mo.

524
00:42:15,658 --> 00:42:18,744
Basta na lang nilang tinapon
sa akin na parang oso.

525
00:42:28,796 --> 00:42:31,006
Mahilig kami sa fast food.

526
00:42:31,090 --> 00:42:34,927
'Yong mga text ng pamilya namin,
nag-text 'yong dad ko.

527
00:42:35,010 --> 00:42:38,097
Sabi niya, "May paraan
para makatipid sa Big Mac."

528
00:42:41,350 --> 00:42:45,938
Sabi niya, umorder ka ng double
cheeseburger at humingi ng Big Mac sauce."

529
00:42:46,021 --> 00:42:47,481
Sabi niya, "Mas mura

530
00:42:48,065 --> 00:42:51,110
at aalisin nila 'yong pangatlong
bun so Atkins 'yon.

531
00:42:57,700 --> 00:43:00,411
Ganoon dapat.
Sa pangatlong bun mo masasabi na,

532
00:43:00,494 --> 00:43:02,871
"Di ko yata kailangan ang bun na 'yan."

533
00:43:10,296 --> 00:43:13,299
Tumatanda na ang parents ko.
Di pa sobrang tanda

534
00:43:13,382 --> 00:43:16,635
pero nasa edad na sila na,
alam mo 'yon, pag nadapa,

535
00:43:16,719 --> 00:43:18,554
babagsak sila sa sahig.

536
00:43:20,931 --> 00:43:23,267
May edad talaga na mangyayari 'yon.

537
00:43:23,350 --> 00:43:28,147
Parang, pag napada ako, 40 years nang
di tumama ang katawan ko sa sahig.

538
00:43:29,857 --> 00:43:32,109
Pero para sa kanila, hindi ko alam.

539
00:43:32,192 --> 00:43:34,987
Parang sinasabi ng nasa
taas na, "Sasama kami."

540
00:43:35,070 --> 00:43:36,155
At…

541
00:43:37,906 --> 00:43:40,284
Sasabihin ng nasa baba, "Ano?" Parang…

542
00:43:43,037 --> 00:43:44,955
Di ba, walang parang, "Teka."

543
00:43:45,039 --> 00:43:47,541
Ni hindi nila alam kung ano'ng nangyayari.

544
00:43:48,917 --> 00:43:50,878
Nakatingin lang sila sa'yo at maiisip mo,

545
00:43:50,961 --> 00:43:53,130
"Di mo 'to nararamdaman?"

546
00:43:54,465 --> 00:43:58,552
At sobrang bilis tatama sa sahig.
Para silang nahulog sa bubong.

547
00:44:00,387 --> 00:44:02,431
Maririnig ng lahat, "Ano'ng nangyayari?"

548
00:44:02,514 --> 00:44:04,433
Sasabihin ko, "Natumba 'yong parents ko!"

549
00:44:06,477 --> 00:44:08,020
"Kailangan silang itayo."

550
00:44:09,146 --> 00:44:12,608
"May pasa ang mom ko na
di pa mawawala ng two years."

551
00:44:18,489 --> 00:44:20,366
Nauuna na lang akong maglakad sa kanila.

552
00:44:20,449 --> 00:44:21,742
Para akong Sherpa.

553
00:44:23,243 --> 00:44:26,538
Ipinapaalam ko 'yong terrain
ng dadaanan namin.

554
00:44:28,332 --> 00:44:30,292
"May carpet, ha?"

555
00:44:36,840 --> 00:44:40,636
"May carpet. Paglabas natin,
mas maliwanag na kesa sa loob."

556
00:44:40,719 --> 00:44:44,390
"Oo at may cobblestone.
Di mo magagawa 'yan. So…"

557
00:44:46,767 --> 00:44:48,435
"Humiga ka sa carpet."

558
00:44:48,519 --> 00:44:50,771
"I-aatras ko 'yong kotse sa building."

559
00:44:57,653 --> 00:45:01,573
Pinasundo namin sa mom ko
'yong anak ko sa bahay ng kaibigan niya.

560
00:45:01,657 --> 00:45:03,367
Tinext ko 'yong address.

561
00:45:03,450 --> 00:45:05,536
Pumunta siya sa maling bahay.

562
00:45:06,995 --> 00:45:10,207
Kumatok siya sa pinto.
Binuksan ng isa pang lola.

563
00:45:10,290 --> 00:45:11,959
May mali dito.

564
00:45:13,335 --> 00:45:16,588
Para 'tong dalawang aso na nagkikita
sa magkabilang gilid ng bakod.

565
00:45:23,637 --> 00:45:26,432
Mahirap nang pabalikin sila sa loob.

566
00:45:33,230 --> 00:45:36,150
Tinanong ng mom ko,
"Nandiyan ba 'yong apo ko?"

567
00:45:36,650 --> 00:45:39,653
Sabi no'ng matanda,
"May tatlong apo akong lalaki."

568
00:45:43,115 --> 00:45:44,283
Wala nang solusyon.

569
00:45:47,286 --> 00:45:48,620
Dalawang lola lang.

570
00:45:48,704 --> 00:45:51,457
"May gamit ka? Ako din."

571
00:45:56,253 --> 00:45:59,047
Nag-usap sila ng 30 minutes.
Maling pinto pala.

572
00:46:02,301 --> 00:46:05,262
Pinuntahan ko ang anak ko
at hinanap 'yong mom ko.

573
00:46:12,352 --> 00:46:16,732
'Yong mga babae ang nagpapatibay
ng mga relasyon para tumagal.

574
00:46:16,815 --> 00:46:20,444
Pag may nakita kang matatandang
mag-asawa, mga 80-year old…

575
00:46:20,527 --> 00:46:23,280
80 na sila at 'yong babae…
Siya ang namamahala.

576
00:46:23,363 --> 00:46:27,117
At 'yong asawang lalaki sasabihin niya,
"Asan na tayo?" Parang…

577
00:46:29,203 --> 00:46:33,040
Nahuhulog 'yong mga utak namin
sa bangin. Para bang…

578
00:46:33,123 --> 00:46:35,042
Nasa labas lang siya dahil sinabi niyang,

579
00:46:35,125 --> 00:46:37,544
"Lumabas ka, makipagkita ka sa mga tao."

580
00:46:40,881 --> 00:46:44,176
Parang zookeeper na nilalakad
'yong matandang gorilla.

581
00:46:46,845 --> 00:46:48,889
"Magpahawak ka sa mga bata."

582
00:46:52,518 --> 00:46:55,687
Pinapakain siya ng mga tao.
"Wag n'yong ipakain 'yan."

583
00:46:58,398 --> 00:47:00,651
"Parang gusto niya." "Gusto niya nga."

584
00:47:00,734 --> 00:47:02,653
"Di niya alam na pwede siya niyan."

585
00:47:12,955 --> 00:47:16,375
Laging pumupunta
'yong dad ko sa ospital. At…

586
00:47:16,458 --> 00:47:19,169
May operasyon siya
walong beses sa isang taon.

587
00:47:19,253 --> 00:47:20,879
Gusto niya 'yon.

588
00:47:23,674 --> 00:47:26,635
Sasabihin ng doktor,
"Pwede kang mag-stretch."

589
00:47:29,471 --> 00:47:31,932
Sasabihin niya, "'Yong operasyon na."

590
00:47:41,024 --> 00:47:44,695
Inoperahan siya dahil
adik siya sa Afrin, 'yong nose spray.

591
00:47:45,737 --> 00:47:46,864
Oo.

592
00:47:46,947 --> 00:47:50,367
Naadik din ako sa Afrin.

593
00:47:50,450 --> 00:47:53,078
'Yong totoo,
kung di n'yo alam kung ano 'yon,

594
00:47:53,161 --> 00:47:55,038
wag n'yo nang alamin.

595
00:47:56,874 --> 00:47:59,376
Isa 'yon sa pinakamagandang
bagay na nasubukan ko.

596
00:48:01,128 --> 00:48:05,549
Galit na galit 'yong asawa ko no'n.
Kaya kailangan kong itago sa kanya.

597
00:48:06,300 --> 00:48:08,385
Naririnig niya pa din sa malayo.

598
00:48:08,468 --> 00:48:10,721
Kahit isang hithit lang, "Ano 'yan?"

599
00:48:11,763 --> 00:48:13,891
"Hindi ako mabubuhay nang ganito."

600
00:48:15,767 --> 00:48:18,812
"Di ako nagtatrabaho para
may mag-Afrin sa bahay ko."

601
00:48:23,817 --> 00:48:26,862
Pumunta sa doktor 'yong dad at mom ko.

602
00:48:26,945 --> 00:48:29,489
Sabi ng doktor,
"Gumagamit ka ba ng Afrin?"

603
00:48:29,573 --> 00:48:31,241
Sabi ng dad ko, "Hindi."

604
00:48:33,869 --> 00:48:36,163
Sabi ng doktor, "Alam ko na."

605
00:48:36,246 --> 00:48:38,248
"Sinabi ko lang 'yon. So…"

606
00:48:42,252 --> 00:48:45,589
"Gaano katagal ka nang gumagamit?"
Sabi ng dad ko, "Five years."

607
00:48:46,173 --> 00:48:47,633
Kasinungalingan 'yon.

608
00:48:48,133 --> 00:48:50,510
Sabi ng mom ko, "Sabihin mo ang totoo."

609
00:48:50,594 --> 00:48:53,388
Sabi niya, "45 years na siyang gumagamit."

610
00:48:55,349 --> 00:48:59,311
45 years na siyang gumagamit.
At para lang may basehan,

611
00:48:59,394 --> 00:49:03,774
nakasulat sa kahon na
wag gamitin 'yon ng higit sa tatlong araw.

612
00:49:09,780 --> 00:49:11,615
Walang gamot sa mundo

613
00:49:11,698 --> 00:49:14,618
na nagsasabi na dapat
'tong gamitin ng 45 years.

614
00:49:23,460 --> 00:49:25,003
Iniisip ko ang parents ko

615
00:49:25,087 --> 00:49:28,131
kasi nagiging masyadong
makabago 'yong mundo.

616
00:49:28,632 --> 00:49:31,468
At tulad nila, galing din ako sa 1900s.

617
00:49:32,970 --> 00:49:36,556
Kailangan mag-ingat sa mga
galing sa 1900. Matanda na kami.

618
00:49:43,438 --> 00:49:48,360
At si… Si lola Helen ko,
galing pa siya sa '30s.

619
00:49:48,443 --> 00:49:49,569
Bingi siya.

620
00:49:50,153 --> 00:49:54,282
Hindi nila alam na bingi siya noon.
Walang idea 'yong mga doktor.

621
00:49:54,366 --> 00:49:56,118
Nagulat sila.

622
00:49:56,201 --> 00:49:58,745
Gano'n kagaling 'yong mga doktor dati.

623
00:50:01,873 --> 00:50:05,210
Sabi nila… Tiningnan siya
at binugahan ng usok sa mukha.

624
00:50:10,048 --> 00:50:12,926
Mga totoong doktor 'yon.
Sabi nila, "Di ko alam."

625
00:50:13,427 --> 00:50:15,429
"Bastos siya. Masasabi ko 'yon."

626
00:50:25,897 --> 00:50:28,525
'Yong nakita ko noong lumalaki ako…

627
00:50:28,608 --> 00:50:31,319
Pinapanood namin… Magician 'yong dad ko.

628
00:50:31,987 --> 00:50:35,907
Pinapanood namin 'yong dad ko
na nagma-magic sa Wilson County Fair.

629
00:50:35,991 --> 00:50:39,036
Masaya ang mga perya. Pag di ka…
Meron pa hanggang ngayon.

630
00:50:39,119 --> 00:50:42,581
Hindi yata alam ng gobyerno
ang tungkol sa kanila pero…

631
00:50:44,916 --> 00:50:48,628
Sinasakyan natin 'yong mga rides
na mabilisang ginagawa.

632
00:50:55,927 --> 00:50:57,429
Papanoorin namin 'yong dad ko.

633
00:50:57,512 --> 00:50:59,139
Magma-magic siya.

634
00:50:59,222 --> 00:51:00,682
Sa tabi niya,

635
00:51:00,766 --> 00:51:03,894
may donkey na nagha-high dive

636
00:51:03,977 --> 00:51:05,062
sa pool.

637
00:51:06,688 --> 00:51:09,316
Kaya mahirap kunin
'yong atensiyon ng lahat.

638
00:51:11,318 --> 00:51:13,862
Pag tinatanong ng dad ko,
"Ito ang card mo?"

639
00:51:14,988 --> 00:51:19,117
Sinasabi ng mga tao,
"Tatalon na 'yong donkey."

640
00:51:23,330 --> 00:51:26,666
Akala mo ayaw mong makita,
hanggang nasa taas na siya.

641
00:51:30,754 --> 00:51:33,090
At di literal 'yong salitang "talon".

642
00:51:35,884 --> 00:51:38,345
Nahuhulog 'yong mga donkey sa high dive.

643
00:51:42,974 --> 00:51:45,727
Pero di pwedeng ilagay
sa karatula 'yon, di ba?

644
00:51:47,270 --> 00:51:49,981
Papanoorin mo bang mahulog 'yong donkey?

645
00:51:51,566 --> 00:51:53,193
Hindi. Sige.

646
00:51:53,944 --> 00:51:56,530
Pero kung tumalon siya?
At least gusto niya.

647
00:52:02,869 --> 00:52:05,997
Aakyat 'yong donkey sa ramp,

648
00:52:06,081 --> 00:52:07,999
na parang 40 feet ang taas.

649
00:52:08,083 --> 00:52:11,628
At tatayo lang siya do'n
dahil ayaw niyang tumalon.

650
00:52:11,711 --> 00:52:13,797
Ayaw niyang gawin 'yon, so…

651
00:52:15,340 --> 00:52:18,051
Pero masa-stuck siya
kasi di sila nakakaatras.

652
00:52:19,052 --> 00:52:21,721
Di ako sigurado kung totoo 'yon pero…

653
00:52:24,057 --> 00:52:25,976
Di pa ako nakakita ng donkey na umatras.

654
00:52:26,059 --> 00:52:29,312
Di naman talaga ako
naghanap pero honestly,

655
00:52:29,396 --> 00:52:32,607
dapat nakakita na 'ko
ng donkey na umatras 45 years ago.

656
00:52:35,861 --> 00:52:39,990
Nakatayo do'n 'yong donkey.
At ipapaakyat niya din 'yong aso.

657
00:52:40,073 --> 00:52:43,326
Tatahulan ng aso 'yong donkey
at tatalon siya sa pool.

658
00:52:43,910 --> 00:52:47,122
Kung nakita mo 'to,
pag tama ng donkey sa tubig,

659
00:52:47,205 --> 00:52:49,875
maiisip mo, "Umalis na siguro tayo."

660
00:52:57,215 --> 00:52:59,885
Di siya ganoon kasaya gaya ng inakala mo.

661
00:53:05,390 --> 00:53:08,685
Parang katangahan 'to pero magugulat ka

662
00:53:08,768 --> 00:53:12,272
na makikita mo nga 'yong sinabi
ng karatula na makikita mo.

663
00:53:18,945 --> 00:53:20,572
Nalaman 'yon ng PETA.

664
00:53:23,200 --> 00:53:25,744
Pinasara nila. Parang inisip ng mga tao,

665
00:53:25,827 --> 00:53:27,787
"Tama, naiintindihan namin."

666
00:53:35,754 --> 00:53:37,964
May isa pang pinasara ang PETA,

667
00:53:38,048 --> 00:53:40,634
noong 1980s din 'to.

668
00:53:40,717 --> 00:53:41,885
Buhay na 'ko no'n.

669
00:53:43,595 --> 00:53:47,182
Pwede mong kalabanin
ang orangutan sa perya.

670
00:53:48,725 --> 00:53:53,063
Ipapaupo lang nila
'yong orangutan sa boxing ring

671
00:53:53,813 --> 00:53:55,941
at kakalabanin siya ng mga lalaki.

672
00:53:57,234 --> 00:53:58,276
Mga lalaki lang,

673
00:53:58,360 --> 00:54:02,197
kasi di ko ma-imagine
na may babaeng lumalaban sa kanya.

674
00:54:03,949 --> 00:54:07,577
Pwede mong ipagsama
ang orangutan sa isang libong babae

675
00:54:07,661 --> 00:54:10,205
at pag tinanong,
"May lumaban ba sa kanya?"

676
00:54:10,288 --> 00:54:12,707
Sasabihin nila,
"Di namin naisip na kalabanin siya."

677
00:54:23,593 --> 00:54:25,804
Isama mo siya sa tatlong lalaki

678
00:54:27,639 --> 00:54:30,141
at kakalabanin siya ng dalawa sa kanila.

679
00:54:32,060 --> 00:54:36,273
Pangungunahan no'ng isa at sasabihin,
"Kalabanin n'yo 'yang orangutan."

680
00:54:43,530 --> 00:54:45,115
Papasok 'yong mga lalaki

681
00:54:45,615 --> 00:54:48,576
at sasabihin nila,
"Kakalabanin namin 'yang orangutan."

682
00:54:48,660 --> 00:54:51,329
At patutumbahin silang
lahat no'ng orangutan.

683
00:54:52,455 --> 00:54:56,251
Walang internet para i-search,
"Gaano kalakas ang orangutan?"

684
00:55:01,339 --> 00:55:03,341
Puro kuwento lang kasi dati.

685
00:55:04,384 --> 00:55:07,762
Kailangan may makilala kang
nakipaglaban sa orangutan.

686
00:55:09,347 --> 00:55:11,141
Parang, "Pero ang payat ng braso niya."

687
00:55:11,224 --> 00:55:14,311
Sasabihin niya,
"Alam ko. Kaya din ako pumasok, e."

688
00:55:26,239 --> 00:55:28,533
Kaya pinatigil din 'yon ng PETA.

689
00:55:28,616 --> 00:55:29,659
Oo.

690
00:55:29,743 --> 00:55:34,789
Ano pa man ang sinasabi tungkol sa PETA,
may nagawa talaga sila noong 1900s.

691
00:55:39,127 --> 00:55:43,923
'Yong una… 'Yong una nilang ginawa,
sa mga car manufacturer.

692
00:55:44,007 --> 00:55:48,553
Bago naimbento 'yong mga dummy para
sa crash test, baboy ang ginagamit nila.

693
00:55:49,137 --> 00:55:51,723
So papaupuin nila 'yong baboy.

694
00:55:54,017 --> 00:55:56,478
At 'yong baboy… Matatalino ang mga baboy.

695
00:55:56,978 --> 00:55:58,772
Maganda 'yong araw niya.

696
00:55:59,606 --> 00:56:01,608
Parang, "Ipapa-drive n'yo 'ko?"

697
00:56:01,691 --> 00:56:03,902
Medyo masaya, masaya 'yong araw niya.

698
00:56:03,985 --> 00:56:05,570
Nakalabas 'yong siko niya.

699
00:56:08,740 --> 00:56:11,576
"Sigurado kayo?
Ipapa-drive n'yo sa 'kin 'to?"

700
00:56:18,166 --> 00:56:21,336
Ano bang maipapakita no'n?
Wala namang leeg 'yong mga baboy.

701
00:56:27,300 --> 00:56:30,470
'Yon ang kinalakihan ko.

702
00:56:30,553 --> 00:56:34,432
Pag tinitingnan ko 'yong anak ko,
naiisip kong para akong Pilgrim.

703
00:56:40,105 --> 00:56:42,232
Naniniwala sila sa mga mangkukulam.

704
00:56:45,610 --> 00:56:47,987
Dagdag ko lang, gusto kong sabihin

705
00:56:48,571 --> 00:56:53,201
na pinakamahirap na panahon para sa
mga babae ang panahon ng mga mangkukulam.

706
00:56:54,244 --> 00:56:55,787
Ayokong maging seryoso

707
00:56:55,870 --> 00:56:58,289
pero maraming nagsasabi
na 'yong pagboto daw.

708
00:56:58,373 --> 00:57:01,668
Di ako sang-ayon.
Pangkukulam muna, tapos pagboto.

709
00:57:03,378 --> 00:57:07,215
Pangkukulam, tapos malaki
'yong agwat, saka 'yong pagboto.

710
00:57:10,218 --> 00:57:13,179
Pag nag-jaywalk ka noon,
sasabihin nila, "Mangkukulam 'yan."

711
00:57:13,263 --> 00:57:15,932
Sasabihin mo, "Eto na."

712
00:57:20,353 --> 00:57:23,940
Hanga ako sa kanila kasi pwede
silang lumipad pero di nila ginawa.

713
00:57:29,571 --> 00:57:31,781
Sige, sorry. 'Yon… Ganito,

714
00:57:32,532 --> 00:57:34,993
mahirap isingit ang mga joke
tungkol sa mangkukulam.

715
00:57:35,076 --> 00:57:36,661
Maraming aspeto na kasama.

716
00:57:38,163 --> 00:57:40,373
Kailangan isali mo 'yong mga Pilgrim.

717
00:57:44,419 --> 00:57:47,422
May typing class ako no'ng Grade seven.

718
00:57:48,298 --> 00:57:49,257
Gano'n…

719
00:57:51,759 --> 00:57:54,345
Akala ko aksaya lang ng oras 'yon.

720
00:57:54,429 --> 00:57:55,555
At…

721
00:57:55,638 --> 00:57:58,725
Sa isip ko,
parang "Sino ba ang magta-type?"

722
00:57:59,809 --> 00:58:01,978
"Cursive na lahat sa hinaharap."

723
00:58:12,405 --> 00:58:13,865
Kaya… 'Yong hinaharap…

724
00:58:13,948 --> 00:58:16,910
Di ko alam ang nangyayari…
Pati technology.

725
00:58:16,993 --> 00:58:18,244
Di ko alam ang AI.

726
00:58:18,328 --> 00:58:22,957
Di mo pwedeng malaman kung ano'ng AI
at makakita ng donkey na mag-high dive.

727
00:58:24,250 --> 00:58:28,046
Iisa lang dapat at 'yong donkey
ang nakita ko, kaya labas na 'ko.

728
00:58:32,550 --> 00:58:37,055
Pag nag-email ako at masyadong malaki
'yong file, di ko na alam ang gagawin.

729
00:58:38,223 --> 00:58:41,226
Siguro susubukan kong i-send ulit.

730
00:58:41,309 --> 00:58:43,728
'Yon ang gagawin… Di ba ang tanga no'n?

731
00:58:43,811 --> 00:58:47,607
Sasabihin ng computer, "Hindi."
Tapos sasabihin ko, "E, ngayon?"

732
00:58:57,784 --> 00:59:00,078
Nagiging makabago na ang mga hotel.

733
00:59:00,161 --> 00:59:04,749
Maraming hotel na tinutuluyan ko,
pag nag-shower ka,

734
00:59:05,291 --> 00:59:07,252
kalahati lang 'yong may harang.

735
00:59:07,961 --> 00:59:10,046
So bukas siya.

736
00:59:10,129 --> 00:59:11,631
Nababasa 'yong sahig.

737
00:59:12,840 --> 00:59:14,384
Kasi 'yon ang hinaharap.

738
00:59:16,469 --> 00:59:18,555
Gusto nilang may tubig sa sahig.

739
00:59:18,638 --> 00:59:20,640
At matanda na 'ko at bobo.

740
00:59:20,723 --> 00:59:24,060
Kasi… Sinubukan talaga namin
na nasa tub lang ang tubig.

741
00:59:24,143 --> 00:59:26,229
Big deal 'yon. Pero ngayon…

742
00:59:27,772 --> 00:59:30,358
gusto na nilang mabasa 'yong sahig.

743
00:59:31,776 --> 00:59:34,445
Gusto nilang walang harang
pero buhay pa 'ko,

744
00:59:34,529 --> 00:59:36,948
kaya parang, "Sige, kalahating harang."

745
00:59:38,324 --> 00:59:40,743
"Pag wala na siya, wala nang harang,

746
00:59:41,244 --> 00:59:43,621
mababasa ang sahig,
made-drain sa balkonahe."

747
00:59:49,168 --> 00:59:52,672
No'ng kakasimula kong mag-tour,
kailangan may wake-up call ako.

748
00:59:52,755 --> 00:59:54,757
Gano'n ako nagigising sa umaga.

749
00:59:54,841 --> 00:59:57,302
Tatawag ako sa hindi ko kilala.

750
00:59:58,803 --> 01:00:01,264
At parang, "Gigisingin mo ba ako bukas?"

751
01:00:08,563 --> 01:00:11,357
Siya 'yong huling taong kakausapin ko.

752
01:00:12,525 --> 01:00:16,112
Tatawagan ko ang asawa ko
tapos 'yong lalaking di ko pa nakita.

753
01:00:16,988 --> 01:00:19,532
"Promise gigisingin mo 'ko bukas?"

754
01:00:24,120 --> 01:00:25,997
Maggo-goodnight kami sa isa't isa.

755
01:00:33,838 --> 01:00:37,133
Twenty years nang
walang gumagawa ng wake-up call.

756
01:00:37,675 --> 01:00:39,260
'Yong lalaking kasama ko,

757
01:00:39,344 --> 01:00:43,640
Twenty four years old siya.
Di pa siya nakapag wake-up call.

758
01:00:43,723 --> 01:00:48,144
So nasa hotel kami at nakita niya
'yong wake-up call sa phone.

759
01:00:48,227 --> 01:00:50,271
Sabi niya, "Magpapa-wake up call ako."

760
01:00:50,355 --> 01:00:52,065
Sabi ko, "Wag na."

761
01:00:53,441 --> 01:00:56,235
"Para 'yang ashtray sa airplane."

762
01:01:02,825 --> 01:01:04,410
Sabi niya, "Sige lang."

763
01:01:04,494 --> 01:01:06,120
Okay. So sinet up niya.

764
01:01:06,788 --> 01:01:10,208
Kinabukasan, tumunog 'yong phone niya.
Hindi niya sinagot.

765
01:01:11,167 --> 01:01:14,045
Di niya alam na 'yon
dapat ang gagawin niya.

766
01:01:15,129 --> 01:01:18,758
Dapat sagutin 'yong phone para
malaman ng tumatawag na gising ka na.

767
01:01:20,385 --> 01:01:23,513
So 'yong tumatawag,
na malamang bata din, naisip niya,

768
01:01:23,596 --> 01:01:25,848
"Kailangan kong kumatok sa pinto."

769
01:01:26,516 --> 01:01:29,060
"Wala pang ibang
gumamit ng service na 'to."

770
01:01:29,143 --> 01:01:31,938
"Siguro sobrang importante ng taong 'to."

771
01:01:35,149 --> 01:01:37,610
Umakyat siya at kumatok sa pinto.

772
01:01:37,694 --> 01:01:39,696
Di niya pa rin sinagot.

773
01:01:39,779 --> 01:01:41,989
Pumasok 'yong lalaki sa kuwarto.

774
01:01:42,782 --> 01:01:45,076
Seryoso, totoo 'to.

775
01:01:45,159 --> 01:01:47,912
Dalawang bata 'to
na di alam ang ginagawa nila.

776
01:01:54,627 --> 01:01:58,589
Pumasok siya sa kuwarto
at naisip niya, "Hahawakan ko ba siya?"

777
01:02:03,094 --> 01:02:05,138
"Gano'n ba ang wake-up call?"

778
01:02:06,639 --> 01:02:10,059
"Kailangan hawakan ko ang taong
di ko pa nakita, sa dilim?"

779
01:02:13,855 --> 01:02:18,109
Siguro nag-ingay siya,
sinabi niyang, "Hep. Uy, ano na? Hep!"

780
01:02:19,235 --> 01:02:21,237
"Hep."

781
01:02:23,406 --> 01:02:25,867
Umasa siya na di niya na kakalabitin.

782
01:02:27,660 --> 01:02:30,663
Pero kailangan niyang kalabitin.
'Yon ang sabi niya sa 'kin.

783
01:02:30,747 --> 01:02:33,416
Ginigising daw siya
at sinasabing, "Uy, p're."

784
01:02:36,419 --> 01:02:37,670
"Gising na."

785
01:02:40,923 --> 01:02:43,050
Thank you so much.

786
01:03:28,471 --> 01:03:31,390
Nagsalin ng Subtitle: Ana Camela Tanedo



