1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:33,158 --> 00:00:37,161
Ngayon ay Huwebes, August 6, 2015.

4
00:00:37,162 --> 00:00:39,706
Iinterbiyuhin ko si Sarah Corbett.

5
00:00:41,124 --> 00:00:44,043
Sarah, alam mo
kung bakit nandito ka ngayon?

6
00:00:44,044 --> 00:00:44,960
Oo.

7
00:00:44,961 --> 00:00:46,420
Sabihin mo kung bakit.

8
00:00:46,421 --> 00:00:48,465
- Kasi namatay si Papa.
- Sige.

9
00:00:51,760 --> 00:00:53,553
{\an8}Sige, maupo ka.

10
00:00:54,554 --> 00:00:59,142
Jack, ako si Brandy.
Trabaho kong kausapin ka ngayon.

11
00:01:00,935 --> 00:01:03,020
Namatay ang papa mo? Ano'ng pangalan niya?

12
00:01:03,021 --> 00:01:06,024
Jason Paul Corbett. C-O-R-B-E-T-T.

13
00:01:07,650 --> 00:01:10,695
- Ano'ng pangalan ng mama mo?
- Molly Martens.

14
00:01:12,697 --> 00:01:14,323
Ano'ng pangalan ng lolo mo?

15
00:01:14,324 --> 00:01:17,618
- Si Tom Martens.
- Ano'ng tawag mo sa kanya?

16
00:01:17,619 --> 00:01:19,119
Lolo Tom ang tawag ko.

17
00:01:19,120 --> 00:01:20,580
Lolo Tom. Sige.

18
00:01:37,305 --> 00:01:41,184
WALONG TAONG NAKALIPAS

19
00:01:41,976 --> 00:01:45,105
<i>Davidson County 911.
Ano'ng address ng emergency mo?</i>

20
00:01:46,022 --> 00:01:47,564
<i>Ako si Tom Martens.</i>

21
00:01:47,565 --> 00:01:49,776
<i>Nasa Panther Creek Court ako,</i>

22
00:01:50,777 --> 00:01:53,695
<i>at... kailangan namin ng tulong.</i>

23
00:01:53,696 --> 00:01:55,864
<i>Okay, ano'ng nangyayari riyan?</i>

24
00:01:55,865 --> 00:02:00,328
<i>Ang asawa ng anak ko, ang manugang ko,</i>

25
00:02:01,996 --> 00:02:03,705
<i>ay nakipag-away sa anak ko.</i>

26
00:02:03,706 --> 00:02:07,626
<i>Namagitan ako, at...
Hinampas ko siya sa ulo.</i>

27
00:02:07,627 --> 00:02:09,670
<i>- Ng ano?
- Ng baseball bat.</i>

28
00:02:09,671 --> 00:02:11,171
<i>Ng baseball bat?</i>

29
00:02:11,172 --> 00:02:12,215
<i>Oo, mam.</i>

30
00:02:12,715 --> 00:02:13,757
<i>Tulong!</i>

31
00:02:13,758 --> 00:02:15,802
<i>- May malay ba siya?
- Wala.</i>

32
00:02:16,553 --> 00:02:17,720
<i>Humihinga ba siya?</i>

33
00:02:18,388 --> 00:02:19,305
<i>Di ko masabi.</i>

34
00:02:20,974 --> 00:02:24,017
Mahimbing ako sa kama
nang nag-ring ang phone.

35
00:02:24,018 --> 00:02:27,312
{\an8}Bilang detective, pag nag-ring ang phone
ng alas-tres ng umaga,

36
00:02:27,313 --> 00:02:28,356
{\an8}masama ito.

37
00:02:29,816 --> 00:02:32,734
Bumangon ako sa kama at lumabas na ako,

38
00:02:32,735 --> 00:02:36,781
papunta na ako
sa Meadowlands sa North Carolina.

39
00:02:40,118 --> 00:02:44,163
Pumasok ako sa bahay
at tumingin sa loob ng master bedroom.

40
00:02:44,164 --> 00:02:46,124
Nakakakilabot doon.

41
00:02:49,627 --> 00:02:53,131
Isa ito sa pinakamadugong
pinangyarihan ng krimeng nakita ko.

42
00:02:55,175 --> 00:02:58,845
Sabi ng babaeng residente,
ang pangalan niya ay Molly Corbett,

43
00:03:01,055 --> 00:03:04,017
at asawa niya ang biktima,
si Jason Corbett.

44
00:03:08,771 --> 00:03:11,024
Malamig sa mga opisinang ito.

45
00:03:16,696 --> 00:03:19,240
Sige. Pakikuwento ang nangyari
ngayong gabi.

46
00:03:20,408 --> 00:03:21,701
Nag-aaway kami.

47
00:03:22,202 --> 00:03:24,204
- Sino'ng nag-aaway?
- Ang asawa ko.

48
00:03:25,163 --> 00:03:26,873
Binangungot ang anak ko.

49
00:03:27,832 --> 00:03:30,668
Nagising namin siya kaya nagalit siya.

50
00:03:31,836 --> 00:03:33,379
Sinakal niya ako.

51
00:03:33,880 --> 00:03:35,215
Paano ka sinakal?

52
00:03:36,549 --> 00:03:39,594
Una, diniinan niya ako rito ng kamay niya.

53
00:03:42,305 --> 00:03:45,558
Bumitaw siya saglit
kaya sumigaw ako nang napakalakas.

54
00:03:47,810 --> 00:03:50,812
Di ko maalala ang sumunod
hanggang dumating ang tatay ko.

55
00:03:50,813 --> 00:03:51,730
Okay.

56
00:03:51,731 --> 00:03:57,528
Nakarinig ako ng pagtatalo at kalabog
sa may itaas ko sa bahay.

57
00:03:58,696 --> 00:04:00,406
Malalang pakinggan.

58
00:04:02,617 --> 00:04:05,328
Kinuha ko ang bat at tumakbo ako sa taas.

59
00:04:06,204 --> 00:04:08,122
Pagbukas ko sa pinto ng kuwarto,

60
00:04:08,831 --> 00:04:11,876
hawak niya si Molly sa leeg nang ganito.

61
00:04:12,585 --> 00:04:13,920
Nakita niya ako

62
00:04:14,963 --> 00:04:19,092
tapos inikot niya nang ganito sa leeg.

63
00:04:20,385 --> 00:04:22,177
Sabi ko, "Bitawan mo siya."

64
00:04:22,178 --> 00:04:25,055
- "Papatayin ko siya."
- "Bitawan mo siya."

65
00:04:25,056 --> 00:04:29,852
Kinaladkad niya si Molly sa kuwarto,
papasok sa banyo.

66
00:04:33,606 --> 00:04:34,607
Hinampas ko siya.

67
00:04:35,525 --> 00:04:37,567
Hinampas ko ng baseball bat.

68
00:04:37,568 --> 00:04:40,112
Inabot niya at inagaw ang bat.

69
00:04:40,113 --> 00:04:42,156
Naagaw ni Jason ang baseball bat.

70
00:04:42,740 --> 00:04:46,285
At... sinubukan niyang
hampasin ang tatay ko.

71
00:04:46,286 --> 00:04:49,080
Di niya yata tinamaan, at...

72
00:04:50,957 --> 00:04:51,791
Ano...

73
00:04:54,711 --> 00:04:56,211
Hinampas ko siya sa ulo.

74
00:04:56,212 --> 00:04:57,879
Hinampas sa ulo ng ano?

75
00:04:57,880 --> 00:05:00,674
Ng brick sa mesa sa tabi ng kama ko.

76
00:05:00,675 --> 00:05:01,591
Okay.

77
00:05:01,592 --> 00:05:04,761
Ewan ko. Basta hinampas ko siya
sa ulo o balikat.

78
00:05:04,762 --> 00:05:06,805
Ilang beses mo siyang hinampas?

79
00:05:06,806 --> 00:05:08,016
Ewan ko.

80
00:05:08,599 --> 00:05:10,101
Okay, di mo maalala.

81
00:05:11,269 --> 00:05:12,437
Ewan ko.

82
00:05:14,355 --> 00:05:16,523
Ewan kung ilang beses kong hinampas.

83
00:05:16,524 --> 00:05:18,900
Ewan kung ilang beses akong tinulak.

84
00:05:18,901 --> 00:05:20,486
Di ko masabi. Ano...

85
00:05:21,821 --> 00:05:23,489
Labanan kasi 'yon.

86
00:05:25,867 --> 00:05:30,121
Sabi nilang dalawa,
nakipaglaban lang sila para sa buhay nila.

87
00:05:30,913 --> 00:05:33,916
Sobrang lala ng mga sugat ng asawa niya.

88
00:05:34,792 --> 00:05:37,378
Pero sila, parang walang sugat.

89
00:05:40,048 --> 00:05:43,551
Sa North Carolina, may karapatan silang
ipagtanggol ang sarili.

90
00:05:44,969 --> 00:05:48,389
Pero sila ba ang biktima
o si Jason ba ang biktima?

91
00:05:58,649 --> 00:06:01,986
Alam mong di kinaya ng asawa mo
ang mga sugat niya, 'no?

92
00:06:03,112 --> 00:06:05,113
Hindi ko... Hindi yata.

93
00:06:05,114 --> 00:06:07,658
Hindi niya kinaya ang mga sugat niya.

94
00:06:10,828 --> 00:06:12,789
Gaano kayo katagal na nagsama?

95
00:06:15,500 --> 00:06:16,542
Pitong taon.

96
00:06:18,378 --> 00:06:21,130
Di ko talaga anak ang mga anak ko.

97
00:06:22,090 --> 00:06:25,385
Anak sila ng una niyang asawa,
'yong namatay.

98
00:06:26,719 --> 00:06:30,514
May kailangan ba kaming tawagan
mula sa pamilya ng asawa mo?

99
00:06:30,515 --> 00:06:31,474
Diyos ko.

100
00:06:33,518 --> 00:06:35,770
Paano kung takot ako sa pamilya niya?

101
00:06:37,939 --> 00:06:40,400
Takot akong baka kunin nila ang mga bata.

102
00:06:41,692 --> 00:06:44,027
- Legal ba kayong kasal?
- Oo.

103
00:06:44,028 --> 00:06:46,238
- Inampon mo ba'ng mga bata?
- Hindi.

104
00:06:46,239 --> 00:06:48,532
Okay, posibilidad nga 'yon.

105
00:06:48,533 --> 00:06:49,450
Naku!

106
00:06:50,910 --> 00:06:51,994
Naku!

107
00:07:01,421 --> 00:07:05,424
1 ARAW PAGKAMATAY NI JASON

108
00:07:05,425 --> 00:07:09,679
May tumawag sa kapatid ko.
Patay na raw si Jason.

109
00:07:10,179 --> 00:07:12,180
{\an8}Nag-away daw sila ni Molly.

110
00:07:12,181 --> 00:07:16,310
{\an8}Tinulak siya ni Molly, natumba,
tumama ang ulo, at namatay.

111
00:07:16,894 --> 00:07:20,898
Kaya tinawagan ko agad si Molly.

112
00:07:21,691 --> 00:07:23,901
Pero wala akong nakuhang sagot noon.

113
00:07:25,111 --> 00:07:28,448
Di ko maintindihan. Di ko maproseso.

114
00:07:28,948 --> 00:07:31,534
Alam mo, di ako makapaniwala.

115
00:07:33,327 --> 00:07:36,164
Sobrang malapit kami ni Jason.

116
00:07:38,916 --> 00:07:40,585
Napakalaki ng pamilya namin.

117
00:07:41,586 --> 00:07:44,588
Lumaki kami sa Janesboro sa Limerick.

118
00:07:44,589 --> 00:07:48,384
Si Jason at Wayne at ako
ang tatlong pinakabata.

119
00:07:49,260 --> 00:07:52,430
Si Jason ay nanatiling
matalik na kaibigan.

120
00:07:55,850 --> 00:07:57,350
Nang nabalitaan ko ito,

121
00:07:57,351 --> 00:08:00,855
ang una kong naisip
ay ang kapakanan nina Jack at Sarah.

122
00:08:04,108 --> 00:08:07,986
Kaya sa loob ng ilang oras,
nag-impake ako at umalis

123
00:08:07,987 --> 00:08:11,907
para lumipad sa Amerika
nang malaman ang nangyari kay Jason

124
00:08:11,908 --> 00:08:14,160
at tiyaking ligtas sina Jack at Sarah.

125
00:08:16,871 --> 00:08:20,499
{\an8}Alam naming dapat kaming magmadaling
pumunta sa North Carolina.

126
00:08:20,500 --> 00:08:23,794
Kami ni Tracey ang nakalagay na guardian
sa will ni Jason.

127
00:08:24,670 --> 00:08:27,255
Dumiretso ako
sa opisina ng abogado ni Jason.

128
00:08:27,256 --> 00:08:31,093
Kinuha ko ang will at lumipad
sa Amerika makalipas ang ilang oras.

129
00:08:37,975 --> 00:08:40,936
Nakipag-ugnayan kami
sa opisina ng district attorney

130
00:08:40,937 --> 00:08:44,023
kung saan na dapat tumungo
ang imbestigasyon.

131
00:08:46,567 --> 00:08:47,817
Ang naisip ko agad

132
00:08:47,818 --> 00:08:51,988
{\an8}ay labas sa normal naming inaasikaso
ang kasong ito.

133
00:08:51,989 --> 00:08:53,824
Retirado akong FBI agent.

134
00:08:54,825 --> 00:08:56,826
Ano'ng ginawa mo sa FBI?

135
00:08:56,827 --> 00:08:59,664
Unang kalahati ng karera ko
ay sa Criminal.

136
00:09:00,790 --> 00:09:03,709
Pangalawang bahagi
ay sa Counterintelligence.

137
00:09:04,418 --> 00:09:07,045
Si Tom Martens ay retiradong FBI agent.

138
00:09:07,046 --> 00:09:11,424
Aral siya at tinuruan niya
ang ibang mga opisyal

139
00:09:11,425 --> 00:09:13,302
sa proseso ng interogasyon.

140
00:09:15,555 --> 00:09:19,766
Magiging pabaya kami sa tungkulin
kung basta naming tatanggapin

141
00:09:19,767 --> 00:09:24,104
nang di kikilatisin
ang sasabihin ng isang pumatay ng tao.

142
00:09:24,105 --> 00:09:28,483
Baka mas makatulong
kung didiretsuhin ko ang pagkuwento.

143
00:09:28,484 --> 00:09:29,401
Sige.

144
00:09:29,402 --> 00:09:32,529
- Mas makakatulong ito sa pag-iisip ko.
- Sige.

145
00:09:32,530 --> 00:09:36,408
Nakita kong
gustong kontrolin ni Tom ang kuwento

146
00:09:36,409 --> 00:09:39,036
para ipakita ang mga bagay
sa paraang gusto niya.

147
00:09:40,121 --> 00:09:46,794
Di umamin si Tom na nakita niyang
hinampas ni Molly si Jason.

148
00:09:47,461 --> 00:09:51,048
Sumali ba si Molly sa paghampas?

149
00:09:51,924 --> 00:09:56,429
Nang nawalan ako ng kontrol sa bat
at nakalusot siya,

150
00:09:57,346 --> 00:09:59,764
nilito niya yata si Jason, pero ewan ko.

151
00:09:59,765 --> 00:10:02,184
Naguluhan ako. Ewan ko.

152
00:10:02,685 --> 00:10:04,645
Mahirap paniwalaan 'yon.

153
00:10:07,189 --> 00:10:09,941
Noong gabi ng insidente, nasa bahay ako.

154
00:10:09,942 --> 00:10:13,237
Nalaman kong
nasa basement ang nanay ni Molly.

155
00:10:13,738 --> 00:10:15,823
Kaya kinunan namin siya ng pahayag.

156
00:10:16,657 --> 00:10:18,283
Sabi ni Sharon Martens,

157
00:10:18,284 --> 00:10:21,036
nagising sila
sa disoras ng gabi dahil sa ingay

158
00:10:21,037 --> 00:10:23,122
at sumigaw daw ang anak niya.

159
00:10:24,123 --> 00:10:26,082
Bumangon ang asawa niya,

160
00:10:26,083 --> 00:10:28,793
umakyat para alamin kung ano 'yong ingay,

161
00:10:28,794 --> 00:10:31,379
at tumalikod siya at natulog ulit.

162
00:10:31,380 --> 00:10:33,882
{\an8}NAKATULOG YATA AKO ULIT

163
00:10:33,883 --> 00:10:37,385
Sobra akong... nagulat.

164
00:10:37,386 --> 00:10:40,640
Kasi, may ganyan bang lola?
May ganyan bang nanay?

165
00:10:41,557 --> 00:10:45,810
Sabi ni Sharon Martens,
ni wala siyang anumang tugon

166
00:10:45,811 --> 00:10:49,314
sa kakila-kilabot,
marahas, at grabeng kaganapang

167
00:10:49,315 --> 00:10:53,109
nangyayari sa taas ng bahay niyang
puno ng mga taong mahal niya.

168
00:10:53,110 --> 00:10:55,029
Parang may mali.

169
00:10:55,988 --> 00:10:59,116
Sinuri rin namin ang tawag sa 911.

170
00:10:59,700 --> 00:11:00,659
<i>...three, four.</i>

171
00:11:00,660 --> 00:11:03,536
- <i>One, two, three, four. Sige.
- One, two, three, four.</i>

172
00:11:03,537 --> 00:11:06,206
<i>One, two, three, four. One...</i>

173
00:11:06,207 --> 00:11:10,168
Pinakinggan ito ng mga nagtatrabaho
sa emergency at sabi nila,

174
00:11:10,169 --> 00:11:12,379
"Parang hindi CPR ang ginagawa nila."

175
00:11:12,380 --> 00:11:13,463
Sobrang tigas.

176
00:11:13,464 --> 00:11:17,551
Di pwedeng ganoon kalakas
ang pagbilang nang eksakto, may ritmo.

177
00:11:18,135 --> 00:11:21,721
<i>One... bibilangin ko. One, two, three, four.</i>

178
00:11:21,722 --> 00:11:24,265
Sabi rin ng mga taga-emergency,

179
00:11:24,266 --> 00:11:27,394
malamig na ang bangkay ni Jason
nang hawakan nila.

180
00:11:27,395 --> 00:11:30,480
Nagkatinginan pa nga sila at sabi,

181
00:11:30,481 --> 00:11:32,525
"Kailan daw siya bumagsak?"

182
00:11:33,109 --> 00:11:35,026
Di ito siyentipikong ebidensiya,

183
00:11:35,027 --> 00:11:39,656
at maraming kadahilanan
sa bilis ng paglamig ng katawan,

184
00:11:39,657 --> 00:11:41,826
pero mahalagang impormasyon ito sa amin.

185
00:11:42,910 --> 00:11:45,871
May posibilidad na naisip ng mga Martens,

186
00:11:46,372 --> 00:11:49,541
"Dapat akong umupo
at ayusin ang kuwento ko

187
00:11:49,542 --> 00:11:51,127
bago tumawag ng pulis."

188
00:11:57,758 --> 00:12:01,386
Nalaman naming
ilang oras matapos mamatay ni Jason,

189
00:12:01,387 --> 00:12:04,639
umuwi sina Molly at Thomas Martens.

190
00:12:04,640 --> 00:12:06,474
At sa puntong ito,

191
00:12:06,475 --> 00:12:11,689
ang mga bata ay nasa pangangalaga
at kontrol ni Molly at ng pamilya niya.

192
00:12:12,440 --> 00:12:16,693
Sa loob ng 48 oras,
nag-file ng guardianship ang mga Martens,

193
00:12:16,694 --> 00:12:20,239
pag-ampon, at kustodiya
nina Jack at Sarah.

194
00:12:21,240 --> 00:12:24,451
Hiniling kong makausap sila sa phone,

195
00:12:24,452 --> 00:12:27,912
mabisitang may bantay, kahit ano.

196
00:12:27,913 --> 00:12:30,457
Gusto ko lang silang yakapin.

197
00:12:30,458 --> 00:12:32,168
Nawalan sila ng tatay.

198
00:12:32,668 --> 00:12:35,921
Pero... di pumayag si Molly.

199
00:12:37,256 --> 00:12:40,925
Maraming mga bagay ang nangyayari,
sabay-sabay, nagbabanggaan,

200
00:12:40,926 --> 00:12:43,679
at gusto kong makita ang kapatid ko.

201
00:12:45,347 --> 00:12:48,641
Kinausap namin ang direktor ng punerarya
para makita si Jason.

202
00:12:48,642 --> 00:12:52,395
Nagpaumanhin siya
kasi binigyan siya ng malinaw na utos

203
00:12:52,396 --> 00:12:54,273
na bawal naming makita si Jason.

204
00:12:55,649 --> 00:12:59,028
Sa tingin ko, gusto ni Molly
na ma-cremate ang katawan ni Jason

205
00:12:59,737 --> 00:13:00,905
bago ako makarating.

206
00:13:02,031 --> 00:13:05,242
Naisip ko, "Ano'ng ginawa mo?"

207
00:13:08,746 --> 00:13:11,415
Nakuha na namin ang resulta ng awtopsiya.

208
00:13:12,166 --> 00:13:15,294
At ang resulta ng awtopsiya...

209
00:13:17,505 --> 00:13:18,631
ay nakakakilabot.

210
00:13:21,133 --> 00:13:24,761
May mga galos si Jason sa noo,

211
00:13:24,762 --> 00:13:26,346
sa ilalim ng mata,

212
00:13:26,347 --> 00:13:27,681
sa may balikat,

213
00:13:28,849 --> 00:13:32,102
tapos... dito naman sa ulo niya.

214
00:13:34,772 --> 00:13:38,734
At sa... 30 taon kong pag-uusig...

215
00:13:44,198 --> 00:13:46,534
di pa 'ko nakakita ng ganitong litrato.

216
00:13:49,119 --> 00:13:50,079
Meron siyang...

217
00:13:53,249 --> 00:13:55,835
napakaraming hampas sa ulo

218
00:13:56,710 --> 00:14:00,214
na di na mabilang ng pathologist kung ilan

219
00:14:01,465 --> 00:14:03,509
kasi patong-patong na,

220
00:14:04,093 --> 00:14:06,762
at ang isang piraso ng bungo ni Jason

221
00:14:07,596 --> 00:14:09,348
ay nahulog sa mesa.

222
00:14:12,142 --> 00:14:16,146
Kailangan nito ng napakatinding puwersa

223
00:14:16,814 --> 00:14:18,774
para magdulot ng ganitong pinsala.

224
00:14:23,904 --> 00:14:29,034
Apat na araw kong inasikaso
para makita ang katawan ni Jason.

225
00:14:30,077 --> 00:14:33,204
Nakakakilabot makita

226
00:14:33,205 --> 00:14:36,500
ang pwedeng gawin ng isang tao sa kapwa.

227
00:14:38,794 --> 00:14:43,047
Nakahiga ang mga anak niya sa kuwartong
ilang hakbang ang lapit sa kanya,

228
00:14:43,048 --> 00:14:46,635
at alam kong sila ang huli niyang naiisip.

229
00:14:49,305 --> 00:14:53,767
Hinawakan ko ang kamay niya at nangakong
magiging maayos ang mga anak niya.

230
00:14:54,685 --> 00:14:58,272
Nangako akong kukuha ako ang hustisya
sa nangyari sa kanya.

231
00:15:01,191 --> 00:15:05,738
{\an8}4 NA ARAW PAGKAMATAY NI JASON

232
00:15:06,530 --> 00:15:10,199
Nasa bahay sina Jack at Sarah,
natutulog sa kama,

233
00:15:10,200 --> 00:15:12,286
nang nangyari ito.

234
00:15:13,287 --> 00:15:15,204
Dapat namin silang ipakausap

235
00:15:15,205 --> 00:15:18,125
sa mga may training
na mag-interbiyu ng mga bata.

236
00:15:18,626 --> 00:15:22,630
Kaya dinala sila
sa Dragonfly Child Advocacy Center.

237
00:15:25,633 --> 00:15:29,260
Simulan natin sa pinakaunang sinabi mo,
na namatay ang papa mo.

238
00:15:29,261 --> 00:15:30,720
Paano siya namatay?

239
00:15:30,721 --> 00:15:33,348
Binangungot kasi ang kapatid ko...

240
00:15:33,349 --> 00:15:34,390
EDAD 10

241
00:15:34,391 --> 00:15:36,225
tungkol sa insektong gumagapang.

242
00:15:36,226 --> 00:15:39,521
May mga fairy siyang kumot
at mga insekto sa kama niya.

243
00:15:40,022 --> 00:15:41,314
Nagalit si Papa,

244
00:15:41,315 --> 00:15:45,110
sinisigawan niya si Mama,
tapos sumigaw si Mama,

245
00:15:46,028 --> 00:15:48,655
tapos dumating si Lolo
at pinalo siya ng bat.

246
00:15:48,656 --> 00:15:53,326
Tapos inagaw ni Papa ang bat
at hinampas ng bat si Lolo.

247
00:15:53,327 --> 00:15:57,080
Tapos si Mama... nilagay ang kanyang...

248
00:15:57,081 --> 00:16:00,542
Magpipinta kasi kami ng brick
na nando'n, parang hollow block.

249
00:16:01,043 --> 00:16:04,046
Tinamaan siya rito sa gilid ng ulo.

250
00:16:04,588 --> 00:16:06,339
- Kaya namatay siya.
- Sige.

251
00:16:06,340 --> 00:16:09,467
Binangungot ang kapatid mo.
Paano mo ito nalaman?

252
00:16:09,468 --> 00:16:11,094
Sabi nila... Sabi ni Mama.

253
00:16:11,095 --> 00:16:12,012
Sige.

254
00:16:12,763 --> 00:16:15,682
Nag-away na ba dati ang mama at papa mo?

255
00:16:15,683 --> 00:16:20,269
Nagagalit si Papa kay Mama
pag naiiwang bukas ang isang ilaw.

256
00:16:20,270 --> 00:16:24,065
- Ano'ng gagawin ng papa mo?
- Ano... Sisigawan niya si Mama.

257
00:16:24,066 --> 00:16:26,402
Nakita mo bang sinaktan niya ang mama mo?

258
00:16:28,445 --> 00:16:29,279
Isang beses.

259
00:16:30,489 --> 00:16:32,992
Nagagalit siya sa mga simpleng bagay.

260
00:16:35,786 --> 00:16:38,329
- Kanino siya magagalit?
- Kay Mama.

261
00:16:38,330 --> 00:16:40,748
- Nakita mong nagalit siya sa mama mo?
- Oo.

262
00:16:40,749 --> 00:16:43,335
Pag nagagalit siya, ano'ng ginagawa niya?

263
00:16:44,503 --> 00:16:48,297
Sinasaktan niya si Mama
nang pisikal at verbal.

264
00:16:48,298 --> 00:16:50,508
Nakita mong pisikal niyang sinaktan?

265
00:16:50,509 --> 00:16:52,761
- Isa o dalawang beses.
- Ano'ng nakita mo?

266
00:16:53,721 --> 00:16:57,266
Sinuntok, hinampas, tinulak.

267
00:16:58,559 --> 00:17:02,103
Parehong may pahayag ang mga bata
tungkol kay Jason.

268
00:17:02,104 --> 00:17:04,148
Dapat naming bigyang-pansin 'yon.

269
00:17:04,648 --> 00:17:06,983
Pero marami silang salitang ginamit

270
00:17:06,984 --> 00:17:10,404
na di karaniwang ginagamit
ng walo at sampung taong bata.

271
00:17:10,988 --> 00:17:14,699
Sinasaktan niya si Mama
nang pisikal at verbal.

272
00:17:14,700 --> 00:17:16,326
Kakaiba 'yon, kapansin-pansin.

273
00:17:18,162 --> 00:17:20,581
Paano mo alam
na takot ang mama mo sa kanya?

274
00:17:21,081 --> 00:17:22,206
Sabi niya sa 'min.

275
00:17:22,207 --> 00:17:24,751
Hindi. Sabi sa 'kin ni Mama.

276
00:17:24,752 --> 00:17:26,503
Sino'ng nagsabi sa 'yo?

277
00:17:27,421 --> 00:17:28,588
Mama ko.

278
00:17:28,589 --> 00:17:30,298
Sabi ng mama ko.

279
00:17:30,299 --> 00:17:31,340
Sinabi niya.

280
00:17:31,341 --> 00:17:32,592
Sinabi ng mama mo.

281
00:17:32,593 --> 00:17:35,845
May posibilidad
na baka tinuruan ang mga bata.

282
00:17:35,846 --> 00:17:39,599
Maraming, "Sabi ito ng mama ko
tungkol sa gabing 'yon

283
00:17:39,600 --> 00:17:42,811
at tungkol sa mga nangyari sa nakaraan."

284
00:17:43,312 --> 00:17:44,645
Sabi ni Mama sa 'kin,

285
00:17:44,646 --> 00:17:48,442
hindi noong apat o limang taon ako,
sinabi niya noong anim na taon ako.

286
00:17:49,234 --> 00:17:51,528
"Di gano'n kabait ang papa mo."

287
00:17:52,362 --> 00:17:54,323
Bakit niya sinabi ito kay Sarah?

288
00:17:55,532 --> 00:17:58,077
Ano ang totoo at ano ang hindi?

289
00:17:59,703 --> 00:18:02,289
Binalikan namin
ang mga interbiyu kay Molly at Tom.

290
00:18:04,333 --> 00:18:07,877
Alam kong lamang siya sa akin.
Marunong siya ng martial arts.

291
00:18:07,878 --> 00:18:09,545
Alam kong boksingero siya.

292
00:18:09,546 --> 00:18:13,174
Sinubukan kong dumistansiya
sa lalaking ito.

293
00:18:13,175 --> 00:18:14,133
Sige.

294
00:18:14,134 --> 00:18:16,220
Takot ako para sa buhay ko.

295
00:18:17,096 --> 00:18:20,640
Inaalam namin
kung may training nga si Jason

296
00:18:20,641 --> 00:18:23,351
sa karate o martial arts,

297
00:18:23,352 --> 00:18:25,354
o anumang training sa boksing.

298
00:18:28,148 --> 00:18:30,650
Sa loob ng isang linggo
matapos mapatay si Jason,

299
00:18:30,651 --> 00:18:35,072
{\an8}tinawagan ako
ng Davidson County Sheriff's Department.

300
00:18:35,572 --> 00:18:39,076
{\an8}May mga tanong na,
"MMA fighter ba si Jason?

301
00:18:40,619 --> 00:18:42,162
Propesyonal siyang boksingero?

302
00:18:43,163 --> 00:18:46,917
Nasa Irish Republican Army ba
ang pamilya namin?"

303
00:18:48,293 --> 00:18:49,920
Walang kuwentang mga tanong.

304
00:18:51,338 --> 00:18:55,676
Ginagawa nila ang lahat
para sirain ang pagkatao niya.

305
00:18:57,136 --> 00:19:00,722
Gusto kong malaman ng mundo
ang katotohanan tungkol kay Jason.

306
00:19:04,017 --> 00:19:06,603
Siya ang pinakamabait na taong
makikilala mo.

307
00:19:07,104 --> 00:19:08,939
Lagi siyang makikitang nakangiti.

308
00:19:09,648 --> 00:19:11,858
{\an8}Mahal siya ng lahat. Mahal nila si Jason.

309
00:19:11,859 --> 00:19:13,485
{\an8}Kaibigan siya ng lahat.

310
00:19:17,489 --> 00:19:21,033
May karisma siya,
at malakas din ang boses niya.

311
00:19:21,034 --> 00:19:22,953
Alam mo kung nasa paligid si Jason.

312
00:19:23,745 --> 00:19:25,581
Mahalaga sa kanya ang pamilya.

313
00:19:26,081 --> 00:19:28,750
Di ko alam na romantic pala siyang tao

314
00:19:29,251 --> 00:19:31,503
hanggang makilala
ang unang asawa, si Mags.

315
00:19:33,255 --> 00:19:37,342
Lumabas lang kami isang gabi,
at ipinakilala ko si Mags kay Jason.

316
00:19:37,843 --> 00:19:41,804
{\an8}Mula umpisa, talagang bagay na sila.

317
00:19:41,805 --> 00:19:43,140
{\an8}Sobrang saya nila.

318
00:19:43,640 --> 00:19:45,434
Tinatanggap kita, Jason,

319
00:19:45,934 --> 00:19:47,518
bilang asawa ko,

320
00:19:47,519 --> 00:19:50,397
sa ikabubuti, sa masama,
sa yaman, sa hirap,

321
00:19:51,231 --> 00:19:54,443
sa sakit at kalusugan,
sa lahat ng araw ng buhay natin.

322
00:19:56,528 --> 00:19:57,695
Nagtayo sila ng bahay.

323
00:19:57,696 --> 00:20:00,698
May bagong nursery si Mags,
na-promote sa trabaho si Jason.

324
00:20:00,699 --> 00:20:03,368
Ang ganda ng buhay. Parang fairy tale.

325
00:20:04,077 --> 00:20:06,537
Napakahalaga kay Jason ng mga anak niya.

326
00:20:06,538 --> 00:20:09,373
Nang ipinanganak sila,
'yon ang pinakamasaya niya.

327
00:20:09,374 --> 00:20:12,084
Ayan. Bait na bata. Mahal ko si Sarah.

328
00:20:12,085 --> 00:20:13,002
BOSES NI JASON

329
00:20:13,003 --> 00:20:14,670
- Galing mo.
- Sino 'yan, Jack?

330
00:20:14,671 --> 00:20:17,132
Jack, alam mo'ng sabi sa 'kin ni Sarah?

331
00:20:17,841 --> 00:20:22,220
Sabi niya, reregaluhan niya si Jack
ng isang traktora at trailer

332
00:20:22,221 --> 00:20:25,224
kasi kuya ka niya,
kasi mahal niya si Jack.

333
00:20:26,058 --> 00:20:28,852
Alis ka sa silya ko.

334
00:20:29,937 --> 00:20:32,773
Ito ang simula ng buong buhay niya.

335
00:20:33,357 --> 00:20:34,608
Ano'ng ginagawa mo?

336
00:20:35,108 --> 00:20:36,151
Nagsasayaw?

337
00:20:39,821 --> 00:20:42,866
Biglang nagbago 'yong lahat
nang may tumawag sa akin

338
00:20:43,825 --> 00:20:47,996
sa bahay isang gabi. Hinika raw si Mags.

339
00:20:50,832 --> 00:20:53,585
Nagpunta kami ng asawa ko sa ospital.

340
00:20:54,711 --> 00:20:57,506
Kasama ni Jason si Mags.
Naririnig namin siya...

341
00:21:01,260 --> 00:21:03,095
nagmamakaawang 'wag siyang umalis

342
00:21:04,471 --> 00:21:05,514
at iwanan siya.

343
00:21:07,057 --> 00:21:07,891
Si Jason,

344
00:21:08,976 --> 00:21:11,603
sa sandaling 'yon, ay...

345
00:21:12,104 --> 00:21:13,562
sobrang bagsak lang.

346
00:21:13,563 --> 00:21:16,649
{\an8}SOBRA KA NAMING NAMI-MISS
SA BAWA'T ARAW NA LUMIPAS.

347
00:21:16,650 --> 00:21:20,904
{\an8}Susulatan niya si Mags
at iiwan niya sa puntod.

348
00:21:21,405 --> 00:21:24,783
{\an8}IKAW ANG TANGING MAHAL NG BUHAY KO
AT BABAE NG PANGARAP KO.

349
00:21:25,617 --> 00:21:27,410
{\an8}Tumulong ang buong pamilya namin

350
00:21:27,411 --> 00:21:31,122
{\an8}pero halatang
di siya gaanong nakapagluksa.

351
00:21:31,123 --> 00:21:33,916
{\an8}Nag-iisa siyang magulang ng dalawang bata.

352
00:21:33,917 --> 00:21:36,086
{\an8}Kailangan niyang magtrabaho araw-araw.

353
00:21:41,425 --> 00:21:43,427
Kaya naghanap siya ng yaya

354
00:21:43,927 --> 00:21:48,473
at doon dumating
sa buhay namin si Molly Martens.

355
00:21:55,105 --> 00:21:59,817
Mga bata-batang bente anyos ako no'n,
ilang buwan akong may karelasyon

356
00:21:59,818 --> 00:22:04,614
{\an8}at aksidenteng nabuntis, at...

357
00:22:06,700 --> 00:22:09,452
agaran din akong nakunan.

358
00:22:09,453 --> 00:22:12,872
At tingin ko, kahit sinong nakunan

359
00:22:12,873 --> 00:22:16,625
ay makakaintinding
napakagrabeng pangyayari ito.

360
00:22:16,626 --> 00:22:21,297
May... karelasyon ako noon,

361
00:22:21,298 --> 00:22:25,301
at napagtanto kong
ayoko siyang makasama habambuhay

362
00:22:25,302 --> 00:22:28,429
at pakiramdam ko,
mas madali kung lalayo muna ako

363
00:22:28,430 --> 00:22:30,222
para ma-enjoy ang mundo.

364
00:22:30,223 --> 00:22:33,309
Sa akin, natural ang magtrabaho
kasama ang mga bata.

365
00:22:33,310 --> 00:22:36,687
Kaya sumali ako sa ahensiya ng mga yaya.

366
00:22:36,688 --> 00:22:40,274
Nang kinontak ako ni Jason,

367
00:22:40,275 --> 00:22:44,279
sabi sa profile niya,
nawalan siya ng asawa.

368
00:22:45,030 --> 00:22:46,739
Naantig ang puso ko ro'n.

369
00:22:46,740 --> 00:22:50,409
{\an8}May dalawang batang walang nanay.

370
00:22:50,410 --> 00:22:53,830
{\an8}Parang ramdam kong punan 'yon.

371
00:22:55,082 --> 00:22:58,293
{\an8}Natural lang na magkaroon siya ng talento

372
00:22:58,919 --> 00:23:01,754
{\an8}sa pag-aalaga ng mga bata.

373
00:23:01,755 --> 00:23:04,758
May dalawa kasi siyang
nakababatang kapatid

374
00:23:05,425 --> 00:23:09,804
noong nasa edad na siya
kung saan matutulungan niya ang mama niya.

375
00:23:09,805 --> 00:23:12,891
Magaling siyang kumonekta sa mga bata.

376
00:23:14,017 --> 00:23:18,647
Dumating ako sa Ireland
sa tradisyonal na maulang araw.

377
00:23:19,147 --> 00:23:23,110
Nang nakilala ko si Jason,
pinakampante niya ako.

378
00:23:24,403 --> 00:23:26,238
Simpatiko siya, nakakatawa.

379
00:23:26,947 --> 00:23:28,657
Pinaramdam niyang espesyal ako.

380
00:23:30,450 --> 00:23:35,871
Saglit pa lang sa bansa si Molly
nang may mga nahalata na 'ko,

381
00:23:35,872 --> 00:23:39,834
konting senyales lang
sa pagitan nina Jason at Molly.

382
00:23:39,835 --> 00:23:42,336
Naglalakad kami sa beach,
magpapahuli sila.

383
00:23:42,337 --> 00:23:44,338
Nabanggit nga yata ni Tracey

384
00:23:44,339 --> 00:23:46,715
na naisip niyang may higit pa sa relasyon

385
00:23:46,716 --> 00:23:48,343
kaysa amo at empleyado.

386
00:23:48,885 --> 00:23:50,719
Pakiramdam ko, napapasaya ko

387
00:23:50,720 --> 00:23:54,682
ang buhay nina Jack, Sarah, at Jason.

388
00:23:54,683 --> 00:23:56,268
Kunin mo'ng sandals mo.

389
00:23:58,270 --> 00:23:59,812
Ipatong mo sa tights mo.

390
00:23:59,813 --> 00:24:00,729
Hello.

391
00:24:00,730 --> 00:24:03,399
Pinakamainit na araw ngayon
pero mag-tights pa rin.

392
00:24:03,400 --> 00:24:05,151
Sarah, ilang taon ka na?

393
00:24:05,152 --> 00:24:06,069
Two.

394
00:24:06,570 --> 00:24:07,570
Magti-three.

395
00:24:07,571 --> 00:24:08,487
Oo.

396
00:24:08,488 --> 00:24:09,698
Ilang taon ka na?

397
00:24:10,282 --> 00:24:12,993
- Magpa-five. Hindi.
- Siguradong hindi magtu-two?

398
00:24:13,493 --> 00:24:14,578
Sigurado ka?

399
00:24:15,203 --> 00:24:17,956
Pero 'yong ginagawa mong ingay na ganito...

400
00:24:19,207 --> 00:24:21,334
Parang tunog ng magtu-two.

401
00:24:22,335 --> 00:24:26,798
Noong bago-bago pa lang ako,
tinawag na ako ni Sarah na "Mama".

402
00:24:27,299 --> 00:24:32,011
Nagiging nanay na talaga ako
sa mga batang 'yon

403
00:24:32,012 --> 00:24:34,973
bago ako naging nanay sa mga batang 'yon.

404
00:24:36,016 --> 00:24:37,684
Napakaganda lang.

405
00:24:39,311 --> 00:24:41,812
Napapangiti ni Molly si Jason.

406
00:24:41,813 --> 00:24:43,982
Matagal na siyang di napapangiti.

407
00:24:45,400 --> 00:24:50,279
Pero malinaw
sa mga email ni Jason kay Molly

408
00:24:50,280 --> 00:24:55,035
na gustong maghinay-hinay ni Jason
sa relasyon nila.

409
00:24:56,745 --> 00:24:59,121
"Ang inaalala ko ay sina Jack at Sarah.

410
00:24:59,122 --> 00:25:01,832
Sapat na ang trahedyang
dinanas nila bilang bata.

411
00:25:01,833 --> 00:25:04,418
Kahit alam kong matatag sila,

412
00:25:04,419 --> 00:25:07,630
kabado akong iparanas pa sila nang gano'n.

413
00:25:07,631 --> 00:25:09,507
Natatakot talaga ako, Molly.

414
00:25:09,508 --> 00:25:10,925
Ayokong mawala ka,

415
00:25:10,926 --> 00:25:13,969
pero higit do'n,
ayokong pagdaanan nina Jack at Sarah

416
00:25:13,970 --> 00:25:16,681
na mawalan ulit ng nanay
pag di tayo nagkatuluyan."

417
00:25:18,141 --> 00:25:21,769
Pero ang laging gusto ni Molly,
gawing legal ang relasyon.

418
00:25:21,770 --> 00:25:24,439
Sobra siyang mapilit.

419
00:25:25,273 --> 00:25:28,067
DI AKO LAGING MAGHIHINTAY

420
00:25:28,068 --> 00:25:31,738
O MAKIKISAKAY LANG
HANGGA'T DI KA NAGDEDESISYON.

421
00:25:32,739 --> 00:25:38,494
Kalaunan, binabanggit na ni Jason
ang pagsisimula ng bagong buhay

422
00:25:38,495 --> 00:25:39,954
para kina Jack at Sarah

423
00:25:39,955 --> 00:25:43,207
para magkaroon sila
ng matatag na pamilyang

424
00:25:43,208 --> 00:25:45,502
may nanay at tatay.

425
00:25:47,462 --> 00:25:50,798
Nasa labas kami ng mga kaibigan ko.

426
00:25:50,799 --> 00:25:53,385
Unang pumasok si Jason, sumunod si Molly,

427
00:25:53,969 --> 00:25:56,178
ipinapakita ang singsing sa daliri.

428
00:25:56,179 --> 00:25:59,723
Sabi ko, "Nagagalak ako.
Gusto kong sumaya ka.

429
00:25:59,724 --> 00:26:01,476
Ayaw ni Mags na miserable ka."

430
00:26:03,061 --> 00:26:05,980
Nagpasya na rin kaming lumipat sa US.

431
00:26:05,981 --> 00:26:09,275
Mas para sa pamumuhay,

432
00:26:09,276 --> 00:26:13,655
at sa pamumuhay
pagdating sa pagpapalaki ng mga anak.

433
00:26:17,284 --> 00:26:19,953
{\an8}Excited ako sa bagong simula
ng pamilya namin.

434
00:26:26,543 --> 00:26:29,920
{\an8}EDAD 15

435
00:26:29,921 --> 00:26:33,258
Nang una kong makita ang bahay,
akala ko mansiyon.

436
00:26:36,303 --> 00:26:37,469
Sobrang astig.

437
00:26:37,470 --> 00:26:40,765
Mas malaki sa Ireland ang lahat,
na gusto ko.

438
00:26:42,058 --> 00:26:43,976
Tanda ko 'yong unang pagpasok ko,

439
00:26:43,977 --> 00:26:46,645
pumasok ako sa kuwarto ko
at nagtatatakbong paikot.

440
00:26:46,646 --> 00:26:49,648
Nagustuhan ko ang laki ng hardin
kasi sabi ni Papa,

441
00:26:49,649 --> 00:26:51,484
magkakatrampolin at aso kami.

442
00:26:53,069 --> 00:26:56,196
Sobrang saya lang.
Excited ang lahat sa bagong adventure.

443
00:26:56,197 --> 00:26:58,199
Kakalipat lang namin sa Amerika.

444
00:26:59,618 --> 00:27:02,328
{\an8}EDAD 17

445
00:27:02,329 --> 00:27:04,622
{\an8}Pakiramdam ko, bumagay kami agad

446
00:27:04,623 --> 00:27:07,709
noong lumipat kami
sa Meadowlands sa North Carolina.

447
00:27:08,209 --> 00:27:10,961
Nakisali agad kami
sa mga aktibidad gaya ng swimming,

448
00:27:10,962 --> 00:27:12,546
pagsali sa mga team.

449
00:27:12,547 --> 00:27:15,008
Sobrang bait nilang lahat, palakaibigan.

450
00:27:16,259 --> 00:27:18,303
Napakagandang salihang komunidad.

451
00:27:20,680 --> 00:27:25,351
Pagkalipat nina Molly, Jason,
Jack, at Sarah sa North Carolina,

452
00:27:25,352 --> 00:27:28,103
biglang may kasalan na sa dalawang linggo

453
00:27:28,104 --> 00:27:32,232
at masayang okasyon itong
inaabangan namin.

454
00:27:32,233 --> 00:27:36,363
Gusto lang naming sumaya si Jason.
Nagbiyahe kami para suportahan siya.

455
00:27:37,697 --> 00:27:39,449
Pagdating namin, excited lahat.

456
00:27:42,369 --> 00:27:44,621
Daming plano
nina Jason at Molly para sa amin.

457
00:27:45,330 --> 00:27:46,581
Pumunta kaming NASCAR,

458
00:27:48,041 --> 00:27:48,958
nag-barbecue,

459
00:27:49,876 --> 00:27:50,960
masasayang laro.

460
00:27:54,172 --> 00:27:56,674
<i>Nandito si Molly
mula Knoxville, Tennessee.</i>

461
00:27:56,675 --> 00:27:57,800
BISPERAS NG KASAL

462
00:27:57,801 --> 00:28:01,179
<i>At si Jason mula pa sa Limerick, Ireland!</i>

463
00:28:01,971 --> 00:28:04,724
Tungkulin ko bilang best man
na ipakilala lahat.

464
00:28:05,225 --> 00:28:06,476
Nagkasundo kami agad.

465
00:28:12,232 --> 00:28:15,318
Kumanta kami, uminom, at sumayaw.

466
00:28:17,362 --> 00:28:19,197
Ang ganda lang ng samahan.

467
00:28:20,323 --> 00:28:21,408
Mukha siyang masaya.

468
00:28:28,581 --> 00:28:30,499
Kinabukasan, sa kasal,

469
00:28:30,500 --> 00:28:33,043
nagiging malinaw na sa akin

470
00:28:33,044 --> 00:28:35,004
na parang may mali

471
00:28:35,797 --> 00:28:40,343
nang nakausap ko
ang maid of honor, si Susie.

472
00:28:41,803 --> 00:28:43,304
May nakahanda akong speech.

473
00:28:43,805 --> 00:28:47,516
{\an8}Bago ako dapat magsalita,
nakausap ko si Tracey,

474
00:28:47,517 --> 00:28:50,395
sinabi kong parang fairy tale lang ito.

475
00:28:50,895 --> 00:28:54,398
Kuwento niya,
nakakamangha raw lahat at ang romantic.

476
00:28:54,399 --> 00:28:56,735
Pumunta si Molly doon

477
00:28:57,318 --> 00:29:00,362
para maging ninang ng mga anak ni Jason

478
00:29:00,363 --> 00:29:03,407
kasi magkaibigan sila ni Mags
noong bata sila.

479
00:29:03,408 --> 00:29:04,700
Ha?

480
00:29:04,701 --> 00:29:08,705
Tapos ngayon,
magiging madrasta na nila si Molly.

481
00:29:09,205 --> 00:29:11,875
Di ko alam ang sinasabi mo.

482
00:29:13,042 --> 00:29:14,377
Naging yaya siya.

483
00:29:14,878 --> 00:29:18,047
Sabi ko, "Ha? Nagbibiro ka."

484
00:29:19,174 --> 00:29:20,924
Di kami makapaniwalang

485
00:29:20,925 --> 00:29:24,179
ito ang pinaniniwalaan
ng mga taga-Amerika.

486
00:29:25,430 --> 00:29:28,600
Bakit naman mag-iimbento
ng ganitong kuwento?

487
00:29:35,982 --> 00:29:38,066
Sa takbo ng imbestigasyon,

488
00:29:38,067 --> 00:29:41,361
nag-interbiyu kami
ng mga kakilala si Molly.

489
00:29:41,362 --> 00:29:44,073
Mga kaibigan niya,
kapamilya, mga kapitbahay.

490
00:29:46,159 --> 00:29:50,079
At ang nalalaman namin ay sobrang kakaiba.

491
00:29:51,039 --> 00:29:54,374
Sabi ng isang kapitbahay,
kasama siya sa isang book club.

492
00:29:54,375 --> 00:29:57,044
May isang babaeng pumasok

493
00:29:57,045 --> 00:30:00,757
na excited
kasi nalaman niyang buntis siya.

494
00:30:02,383 --> 00:30:07,513
Diumano, biglang nagbahagi si Molly
ng napakadetalyadong kuwento

495
00:30:07,514 --> 00:30:10,141
kung paano niya pinanganak si Sarah.

496
00:30:11,518 --> 00:30:15,312
Pero alam na ng ilang nasa club
na di totoo 'yon.

497
00:30:15,313 --> 00:30:18,817
Pero patuloy pa rin siya
sa pagkukuwento nito sa iba.

498
00:30:21,069 --> 00:30:24,196
Sinabi rin niya
sa roommate niya sa kolehiyo

499
00:30:24,197 --> 00:30:27,867
na may kapatid siyang babae
na namatay sa kanser.

500
00:30:29,285 --> 00:30:31,246
Nalaman naming di rin totoo 'yon.

501
00:30:31,830 --> 00:30:35,959
Nagkukuwento siya tungkol sa kapatid
na gawa-gawa lang.

502
00:30:37,877 --> 00:30:39,169
Bakit mahalaga ito,

503
00:30:39,170 --> 00:30:42,589
na sa napakaraming pagkakataon,
maraming sinabi si Molly

504
00:30:42,590 --> 00:30:44,926
na malinaw na di pala totoo?

505
00:30:45,718 --> 00:30:49,722
Mahalaga ito kasi tatlo lang
ang nasa kuwartong 'yon sa gabing 'yon.

506
00:30:50,348 --> 00:30:52,057
Di makakapagkuwento si Jason.

507
00:30:52,058 --> 00:30:54,978
Ang dalawang natira ay sina Tom at Molly.

508
00:30:55,812 --> 00:30:59,774
At dumating kami sa kongklusyong
hindi kapani-paniwala si Molly.

509
00:31:03,903 --> 00:31:06,281
Ang isa pang bagay na lumitaw

510
00:31:07,365 --> 00:31:11,535
ay ang laging pamimilit ni Molly

511
00:31:11,536 --> 00:31:14,539
na ampunin ang mga anak ni Jason.

512
00:31:17,000 --> 00:31:18,959
Ilang buwan matapos ang kasal,

513
00:31:18,960 --> 00:31:23,923
kumausap siya ng abogado ng diborsiyo,
inaalam ang karapatan niya sa mga bata.

514
00:31:25,800 --> 00:31:28,552
Gusto ko silang ampunin
kasi mga anak ko sila.

515
00:31:28,553 --> 00:31:33,308
Kasi mama nila 'ko.
Nanay nila 'ko. Mga anak ko sila.

516
00:31:34,642 --> 00:31:38,937
Napag-usapan namin dati ni Jason
ang seremonya ng pag-ampon

517
00:31:38,938 --> 00:31:41,231
bilang bahagi ng kasal namin.

518
00:31:41,232 --> 00:31:44,819
Maraming pangakong di natupad,
pero malaki 'yon.

519
00:31:45,320 --> 00:31:49,656
Ilang beses kong binanggit at sinabing,
"Nasaan na tayo sa pag-aampon?

520
00:31:49,657 --> 00:31:51,241
May maitutulong ba 'ko?"

521
00:31:51,242 --> 00:31:56,873
Inaasikaso na raw niya
pero wala namang nangyayari.

522
00:32:01,002 --> 00:32:05,505
Kung babalikan ang pagsusulatang
nakita namin pagkamatay ni Jason,

523
00:32:05,506 --> 00:32:07,925
sinusubukan palang
tuparin ni Jason ang pangakong

524
00:32:07,926 --> 00:32:10,136
maampon ni Molly ang mga bata.

525
00:32:12,388 --> 00:32:15,433
Nakakita kami
ng email ni Jason sa abogado.

526
00:32:18,144 --> 00:32:21,438
May isang linyang namukod-tangi
sa email ng mga abogado.

527
00:32:21,439 --> 00:32:24,900
SAKALING MAY HIWALAYAN,
PWEDENG MAGDESISYON ANG HUWES

528
00:32:24,901 --> 00:32:27,861
NA PARA SA IKABUBUTI NG MGA BATA,

529
00:32:27,862 --> 00:32:31,073
KAY MOLLY IBIBIGAY ANG BUONG KUSTODIYA.

530
00:32:31,074 --> 00:32:33,117
Hindi isusugal ni Jason 'yon.

531
00:32:38,539 --> 00:32:43,001
13 ARAW PAGKAMATAY NI JASON

532
00:32:43,002 --> 00:32:45,754
<i>Sa likod ng saradong pinto sa Davidson,</i>

533
00:32:45,755 --> 00:32:48,215
<i>nagsimula kahapon ang laban sa kustodiya.</i>

534
00:32:48,216 --> 00:32:51,051
<i>Tampok dito
ang edad sampung si Jack Corbett</i>

535
00:32:51,052 --> 00:32:53,303
<i>at ang edad walo niyang kapatid
na si Sarah.</i>

536
00:32:53,304 --> 00:32:55,472
<i>Nasa pangangalaga sila ng babaeng ito,</i>

537
00:32:55,473 --> 00:32:58,226
<i>ang pangalawang asawa niya,
si Molly Paige Martens.</i>

538
00:32:58,726 --> 00:33:03,522
Tanda kong sabi ni Molly,
balak kaming kunin nina Tracey at David,

539
00:33:03,523 --> 00:33:07,318
at pupunta raw siya sa korte,
at nananalo raw siya.

540
00:33:07,902 --> 00:33:11,446
Sinabihan kami ni Molly
tungkol sa magiging bagong buhay namin.

541
00:33:11,447 --> 00:33:13,865
Naghahanap na siya ng apartment,

542
00:33:13,866 --> 00:33:16,577
bagong kotse, bagong eskuwela namin.

543
00:33:18,538 --> 00:33:20,706
<i>Di na nga dapat umabot sa ganito.</i>

544
00:33:20,707 --> 00:33:24,793
<i>Irish ang mga batang ito.
Irish ang tatay nila.</i>

545
00:33:24,794 --> 00:33:27,838
{\an8}<i>Wala namang ampunan.
Wala namang dual citizenship.</i>

546
00:33:27,839 --> 00:33:29,716
{\an8}<i>Irish citizen talaga sila.</i>

547
00:33:30,216 --> 00:33:35,012
Nagpakita kami ng ebidensiyang
nanay ako at malinaw na nanay nila 'ko.

548
00:33:35,013 --> 00:33:38,807
Dinala ko sila sa mga appointment,
inasikaso ko ang pagkain nila

549
00:33:38,808 --> 00:33:41,685
at ang mga aktibidad nila sa araw-araw.

550
00:33:41,686 --> 00:33:44,938
Pakiramdam ko,
walang duda naming napatunayan ito,

551
00:33:44,939 --> 00:33:49,193
na ako ang kasama nila sa bahay,
ligtas sila sa akin at maaasahan ako.

552
00:33:50,778 --> 00:33:53,989
<i>Nandito tayo dahil sa isyu ng guardianship</i>

553
00:33:53,990 --> 00:33:58,286
<i>ng mga menor de edad,
sina Sarah at Jack Corbett.</i>

554
00:33:59,495 --> 00:34:01,788
<i>Ang magulang
nina Sarah at Jack, siguradong</i>

555
00:34:01,789 --> 00:34:05,501
<i>gugustuhing palakihin ang anak nila
sa lupang pinagmulan nila</i>

556
00:34:06,002 --> 00:34:09,296
<i>kung saan ang kultura,
relihiyon, mga kaugalian,</i>

557
00:34:09,297 --> 00:34:13,258
<i>at kapamilya nila sa parehong panig
ay handang alagaan sila sa paraang</i>

558
00:34:13,259 --> 00:34:15,511
<i>ikabubuti ng bata.</i>

559
00:34:16,721 --> 00:34:20,183
<i>Ang mga batang ito ay babalik sa Ireland.</i>

560
00:34:21,476 --> 00:34:23,101
Sabi nilang lahat,

561
00:34:23,102 --> 00:34:26,772
"Gusto ni Jason na nasa pamilya niya
sa Ireland ang mga anak niya." Ha?

562
00:34:26,773 --> 00:34:28,775
Ang gusto ni Jason, mabuhay.

563
00:34:29,275 --> 00:34:33,612
Di naisip ni Jason na mamamatay siya.
Di ko naisip na mamamatay siya.

564
00:34:33,613 --> 00:34:38,575
At ewan lang kung may baliw na mundong
inakala niyang mamamatay siya,

565
00:34:38,576 --> 00:34:41,995
alam kong gusto niyang
makasama ng mga anak niya ang nanay nila.

566
00:34:41,996 --> 00:34:44,248
Pinaniniwalaan ko 'yon.

567
00:34:47,835 --> 00:34:50,088
Tanda ko nang kunin ako kay Molly.

568
00:34:50,922 --> 00:34:53,341
May kotse ng pulis sa labas ng bahay.

569
00:34:54,258 --> 00:34:58,220
Lumabas ang dalawang pulis,
at may van sa likod nila

570
00:34:58,221 --> 00:34:59,639
na may dalawang tao.

571
00:35:01,057 --> 00:35:04,936
Sabi nila, may utos ang korteng
kunin ang mga bata.

572
00:35:06,479 --> 00:35:08,772
Nagsisisipa at nagsisisigaw si Jack,

573
00:35:08,773 --> 00:35:12,067
"Di ako aalis nang di ka kasama.
Ayokong umalis,"

574
00:35:12,068 --> 00:35:17,198
at, "Di mo 'ko makukuha."
Umiiyak si Sarah.

575
00:35:19,367 --> 00:35:23,870
Tanda kong hawak ko ang kamay ni Jack.
Tinanong ko sila, "Saan tayo pupunta?

576
00:35:23,871 --> 00:35:27,041
Sino ka? Ibalik n'yo kami.
Saan n'yo kami dadalhin?"

577
00:35:29,418 --> 00:35:33,756
At ano... sobrang sama ng loob ko,
nag-iiiyak ako.

578
00:35:36,050 --> 00:35:37,759
Pero sinusubukan kong magpigil.

579
00:35:37,760 --> 00:35:41,179
Sinusubukan kong intindihin 'yon,
at sinusubukan kong... ewan.

580
00:35:41,180 --> 00:35:43,224
Ba't nangyayari ito?

581
00:35:57,697 --> 00:35:59,365
Mahal na mahal ko kayo.

582
00:35:59,991 --> 00:36:02,826
Tanda kong nagpaalam ako.
Sabi ko, mahal ko siya.

583
00:36:02,827 --> 00:36:05,036
Sabi niya, mahal niya 'ko.

584
00:36:05,037 --> 00:36:06,496
Edad sampu akong bata,

585
00:36:06,497 --> 00:36:09,542
at siya lang ang tanging naroon kada araw.

586
00:36:10,334 --> 00:36:14,088
Nagpapaalam ako
sa kinikilala kong mama mula noon pa.

587
00:36:14,922 --> 00:36:16,132
Minahal ko si Molly.

588
00:36:17,300 --> 00:36:19,843
Sa akin, di 'yon pagpapaalam. Bisita lang,

589
00:36:19,844 --> 00:36:24,015
at malapit ko na silang makikita ulit,
pero huling beses na pala 'yon.

590
00:36:34,984 --> 00:36:37,611
<i>Ang edad 11 na si Jack
at edad walong si Sarah</i>

591
00:36:37,612 --> 00:36:39,654
<i>ay bumalik na sa Ireland kahapon.</i>

592
00:36:39,655 --> 00:36:43,033
<i>Si Molly Martens at ang ama niyang
edad 65 na si Thomas Martens</i>

593
00:36:43,034 --> 00:36:45,452
<i>ay inilarawan ng pulis
bilang may kinalaman</i>

594
00:36:45,453 --> 00:36:47,955
<i>sa pagkamatay ng edad 39 na si Jason.</i>

595
00:36:48,456 --> 00:36:50,248
Pagbalik ko sa Ireland,

596
00:36:50,249 --> 00:36:53,877
may malaking interes ang media
sa pamilya namin at sa papa ko.

597
00:36:53,878 --> 00:36:56,755
{\an8}INIILAWAN ANG DAAN PAUWI
NINA JACK AT SARAH

598
00:36:56,756 --> 00:36:59,841
{\an8}Nakakabiglang makitang
marami ang interesado

599
00:36:59,842 --> 00:37:02,094
at malaki palang kaso ito ro'n.

600
00:37:04,972 --> 00:37:08,017
Nangako ako kay Jason na...

601
00:37:09,435 --> 00:37:11,854
titiyaking ililibing siyang
kasama ni Mags.

602
00:37:15,024 --> 00:37:17,859
Napakaraming tao roong
nagmahal at sumuporta sa papa ko

603
00:37:17,860 --> 00:37:19,486
at sumuporta sa 'ming lahat.

604
00:37:19,487 --> 00:37:23,366
At sa huling 200 metro,
naglakad kami sa likod ng kabaong.

605
00:37:24,492 --> 00:37:28,495
DADDY

606
00:37:28,496 --> 00:37:31,707
Mahirap tanggaping
di ko na siya makikita kailanman.

607
00:37:36,128 --> 00:37:38,755
{\an8}KAHANGA-HANGANG ASAWA AT NANAY

608
00:37:38,756 --> 00:37:40,508
{\an8}MAHAL NA ASAWANG LALAKI

609
00:37:44,053 --> 00:37:48,306
Tanda kong yakap ko si Sarah
sa kama sa gabi. Tinanong niya ako,

610
00:37:48,307 --> 00:37:51,351
paano raw siya
nawalan ng tatlong magulang.

611
00:37:51,352 --> 00:37:54,396
Gusto ko talagang magtiwala
kina Tracey at David.

612
00:37:54,397 --> 00:37:56,022
Tanda kong naisip ko 'yon.

613
00:37:56,023 --> 00:37:57,858
Ang naisip ko no'n,

614
00:37:58,359 --> 00:38:00,986
"Magtiwala ka sa kanila.
Alam mong mahal ka nila."

615
00:38:00,987 --> 00:38:04,198
Pero nahirapan kasi akong gawin 'yon

616
00:38:04,699 --> 00:38:06,534
kasi ayoko nang masaktan ulit.

617
00:38:08,536 --> 00:38:13,416
Ang kinakaharap namin,
dalawang batang sobrang na-trauma.

618
00:38:14,458 --> 00:38:19,547
Kinailangan nila ako bilang nanay,
at ito ang ginawa ko.

619
00:38:20,756 --> 00:38:24,009
Buti may training kami
bilang ama-amahan at ina-inahan.

620
00:38:24,010 --> 00:38:27,012
Alam namin ang dapat mangyari
para makaabante sila,

621
00:38:27,013 --> 00:38:30,558
at mahalagang bahagi
ng paghilom nila ang counseling.

622
00:38:35,104 --> 00:38:37,522
Binawalan ng pamilya ang pagkontak.

623
00:38:37,523 --> 00:38:39,817
Ayaw nilang sagutin ang mga tawag ko.

624
00:38:42,278 --> 00:38:46,156
Kaya ginamit ko ang social media

625
00:38:46,157 --> 00:38:47,699
para padalhan ng mensahe

626
00:38:47,700 --> 00:38:49,034
{\an8}ang mga anak ko.

627
00:38:49,035 --> 00:38:51,536
{\an8}TATLONG LINGGO
MULA NANG KUNIN KAYO SA AKIN.

628
00:38:51,537 --> 00:38:53,371
{\an8}<i>Di ko pa sila nakausap...</i>

629
00:38:53,372 --> 00:38:57,709
<i>nakausap mula noong
huling bisita ko sa kanila...</i>

630
00:38:57,710 --> 00:38:59,294
{\an8}BOSES NI MOLLY

631
00:38:59,295 --> 00:39:01,713
{\an8}<i>kung saan lahat kami ay naniwalang</i>

632
00:39:01,714 --> 00:39:03,882
{\an8}<i>pagbisita 'yon, hindi pagpapaalam.</i>

633
00:39:03,883 --> 00:39:06,802
{\an8}<i>Gusto kong may magsabi sa kanilang
mahal ko sila.</i>

634
00:39:07,470 --> 00:39:10,431
{\an8}<i>At happy birthday, mga bata,
nang buong pagmamahal.</i>

635
00:39:11,223 --> 00:39:13,476
{\an8}Nagpalipad sila ng eroplano
sa may eskuwela.

636
00:39:14,602 --> 00:39:19,022
{\an8}Hinihiling ni Molly
sa mga tao sa social media

637
00:39:19,023 --> 00:39:21,399
{\an8}na sabihin sa aming mahal niya kami.

638
00:39:21,400 --> 00:39:23,109
{\an8}TAWAG KAYO SA BAHAY.

639
00:39:23,110 --> 00:39:24,944
{\an8}MISS KONG MAKITA ANG PAGLAKI N'YO.

640
00:39:24,945 --> 00:39:27,573
{\an8}DI AKO TITIGIL NA IPAGLABAN KAYO.
MISS KO KAYO.

641
00:39:28,407 --> 00:39:30,242
{\an8}Paulit-ulit ang pangungulit.

642
00:39:30,868 --> 00:39:33,578
Ginagawan namin sila
ng ligtas na kapaligiran,

643
00:39:33,579 --> 00:39:37,040
pero sinusubukan nilang sirain lahat.

644
00:39:37,041 --> 00:39:38,875
Ayaw naming kumontak sila sa mga bata.

645
00:39:38,876 --> 00:39:41,128
Pinatay nila ang kanilang tatay.

646
00:39:51,263 --> 00:39:54,558
Hinihintay namin
ang resulta ng toxicology report

647
00:39:55,101 --> 00:39:59,771
kasi sinabihan kami
sa unang bahagi ng imbestigasyon

648
00:39:59,772 --> 00:40:02,233
na lasing daw si Jason.

649
00:40:02,983 --> 00:40:04,526
Alam kong nakainom siya.

650
00:40:04,527 --> 00:40:09,156
Kasi naman, nagwawala siya.

651
00:40:09,657 --> 00:40:12,200
Masasabi mo bang inakala mong lasing siya?

652
00:40:12,201 --> 00:40:13,577
Oo, lasing nga siya.

653
00:40:14,078 --> 00:40:16,622
Hindi lang burarang lasing.

654
00:40:17,248 --> 00:40:22,043
{\an8}Ngayon, may tiyak nang ebidensiyang
di ito totoo.

655
00:40:22,044 --> 00:40:24,212
TOXICOLOGY REPORT

656
00:40:24,213 --> 00:40:26,424
{\an8}Ang numero ay .02.

657
00:40:26,966 --> 00:40:30,343
{\an8}Legal magmaneho sa North Carolina ng .08.

658
00:40:30,344 --> 00:40:33,222
Noong namatay siya, hindi siya lasing.

659
00:40:34,974 --> 00:40:37,308
Bukod sa konting alak,

660
00:40:37,309 --> 00:40:41,813
nakainom si Jason
ng pampatulog na gamot ni Molly

661
00:40:41,814 --> 00:40:42,982
sa sistema niya.

662
00:40:44,066 --> 00:40:45,859
{\an8}Kusa ba niyang ininom

663
00:40:45,860 --> 00:40:47,944
o pinainom nang di niya nalalaman?

664
00:40:47,945 --> 00:40:52,199
Tanong itong
di na natin kailanman masasagot.

665
00:40:53,367 --> 00:40:58,080
Pero nakakaalarma ito sa akin
kung ano talaga ang nangyari.

666
00:40:59,915 --> 00:41:02,125
Sa pagrebyu ng interbiyu kay Tom

667
00:41:02,126 --> 00:41:05,587
tungkol sa saan at paano naganap ang away,

668
00:41:05,588 --> 00:41:07,214
walang saysay ito.

669
00:41:07,715 --> 00:41:10,758
Naging depensa pala
'yong nasa harapan siya,

670
00:41:10,759 --> 00:41:12,469
napagitnaan niya kami.

671
00:41:12,470 --> 00:41:16,097
Nasa harapan niya si Molly.
Takot akong matamaan siya.

672
00:41:16,098 --> 00:41:20,351
Sinubukan kong umikot para lituhin siya

673
00:41:20,352 --> 00:41:22,228
at mapakawalan si Molly.

674
00:41:22,229 --> 00:41:27,108
Karamihan ng tama ni Jason
ay sa likod at gilid ng ulo.

675
00:41:27,109 --> 00:41:29,402
Paano mo ihahampas ang baseball bat

676
00:41:29,403 --> 00:41:32,740
na likod ng ulo ang tatamaan
kung nakatayo ka sa harap niya?

677
00:41:33,324 --> 00:41:36,159
Mas may katuturan
na tumatakbo siya palayo sa 'yo

678
00:41:36,160 --> 00:41:37,870
o sumimple ka sa likod niya.

679
00:41:43,083 --> 00:41:46,921
Sa lugar ng krimen,
may talsik ng dugo sa higit isang kuwarto.

680
00:41:48,255 --> 00:41:49,590
Sa master bedroom.

681
00:41:51,467 --> 00:41:52,927
Sa may pasilyo.

682
00:41:53,928 --> 00:41:54,887
Sa may banyo.

683
00:41:55,513 --> 00:42:00,017
May tama sa mga pader
mula sa paghampas ng armas.

684
00:42:04,730 --> 00:42:07,232
Ayon sa eksperto sa pagtalsik ng dugo,

685
00:42:07,233 --> 00:42:10,568
may mga lugar na mukhang tumutugma

686
00:42:10,569 --> 00:42:13,697
sa ideyang hinahampas si Jason
habang natutumba siya.

687
00:42:16,408 --> 00:42:18,451
May partikular na lugar

688
00:42:18,452 --> 00:42:22,790
kung saan tinira si Jason na ilang pulgada
ang layo ng ulo niya sa sahig.

689
00:42:23,666 --> 00:42:27,795
Malinaw na tinitira pa rin sa ulo si Jason
kahit natumba na siya.

690
00:42:30,506 --> 00:42:35,094
Itinuro rin niya
ang dugo sa likod ng pinto ng kuwarto.

691
00:42:36,679 --> 00:42:41,975
Ibig sabihin, posibleng
may karahasan nang nagaganap sa kuwarto

692
00:42:41,976 --> 00:42:45,312
bago dumating si Tom at isinara ang pinto.

693
00:42:46,313 --> 00:42:48,691
May sinimulan kaya si Molly
na nadamay si Tom?

694
00:42:51,318 --> 00:42:53,529
Kahit pagtanggol sa sarili
ang umpisa nito,

695
00:42:54,572 --> 00:42:58,074
sa puntong hindi na agresibo
si Jason sa kanila,

696
00:42:58,075 --> 00:43:00,159
dapat itinigil na'ng pagtira sa kanya.

697
00:43:00,160 --> 00:43:03,205
Pero hindi.
Hinampas nila hanggang mamatay.

698
00:43:05,708 --> 00:43:08,418
Bilang resulta ng lahat ng pagsusuri,

699
00:43:08,419 --> 00:43:12,213
nagpasya kaming nararapat magkaso
ng second-degree murder.

700
00:43:12,214 --> 00:43:16,093
Hindi lang ito sobrang lakas.
Pagpatay itong may malisya.

701
00:43:18,012 --> 00:43:21,222
Sa kaso ng dating modelo
at tatay niyang dating FBI agent,

702
00:43:21,223 --> 00:43:24,225
{\an8}pareho silang
kinasuhan ng pagpatay sa asawa niya.

703
00:43:24,226 --> 00:43:26,352
Babalik sila sa korte sa katapusan

704
00:43:26,353 --> 00:43:28,438
na baka "not guilty" ang sabihin.

705
00:43:28,439 --> 00:43:30,816
{\an8}Pwedeng habambuhay ang hatol sa kanila.

706
00:43:31,317 --> 00:43:34,777
{\an8}<i>Dapat silang magbayad
ng tig-$200,000 seguridad.</i>

707
00:43:34,778 --> 00:43:36,946
<i>Dapat isuko ang mga pasaporte nila,</i>

708
00:43:36,947 --> 00:43:40,950
<i>at dapat pumayag silang
tigilan ang pagkontak sa pamilya Corbett,</i>

709
00:43:40,951 --> 00:43:43,871
<i>lalo na sa dalawang
batang anak ni Jason Corbett.</i>

710
00:43:47,666 --> 00:43:52,379
5 BUWAN PAGKAMATAY NI JASON

711
00:43:53,672 --> 00:43:56,341
Sa mga unang buwang
pagbalik ko sa Ireland,

712
00:43:56,342 --> 00:43:58,218
ramdam kong di ako bagay do'n.

713
00:43:58,719 --> 00:44:00,220
Parang nag-iisa lang ako.

714
00:44:01,138 --> 00:44:02,597
Wala 'kong pinagkatiwalaan.

715
00:44:02,598 --> 00:44:04,683
Wala 'kong masyadong kaibigan no'n.

716
00:44:05,267 --> 00:44:07,770
Nami-miss ko'ng
mga kaibigan ko sa Amerika.

717
00:44:08,270 --> 00:44:11,314
Miss na namin lahat sa Meadowlands.

718
00:44:11,315 --> 00:44:14,233
At pakisabi nami-miss namin silang lahat.

719
00:44:14,234 --> 00:44:15,861
Babay. Love you.

720
00:44:17,029 --> 00:44:21,074
Magkaiba ang karanasan namin ni Sarah
kahit mula kami sa parehong sitwasyon.

721
00:44:21,075 --> 00:44:24,452
Mas bumagay siya.
Mas madaldal siya kaysa sa 'kin.

722
00:44:24,453 --> 00:44:25,870
Mas palalabas siya.

723
00:44:25,871 --> 00:44:28,749
Tara, tingnan natin ang ginagawa ni Sarah.

724
00:44:29,291 --> 00:44:32,795
Hi, guys. Ang tawag ko rito ay baby swing.

725
00:44:36,799 --> 00:44:38,925
Okay, subukan ko nga ulit.

726
00:44:38,926 --> 00:44:41,594
Mas mabilis siyang makipagkaibigan
kaysa sa akin.

727
00:44:41,595 --> 00:44:44,847
Saka mas madali sa kanyang
magbukas ng loob.

728
00:44:44,848 --> 00:44:48,101
Kita mo'ng mga kuko niya.
Di pa pintado, 'no?

729
00:44:48,102 --> 00:44:49,394
Matagal nang hindi.

730
00:44:49,395 --> 00:44:52,481
Di talaga maganda ang kinalabasan.

731
00:44:53,440 --> 00:44:57,318
Nami-miss ko'ng buhay ko.
Nami-miss ko lahat ng sports ko.

732
00:44:57,319 --> 00:45:00,406
Nami-miss ko'ng eskuwela.
Na-miss ko rin si Molly.

733
00:45:07,079 --> 00:45:08,246
VOICEMAIL NI JACK

734
00:45:08,247 --> 00:45:10,748
<i>Hi, Mama, si Jack 'to. Bawal 'tong ilabas.</i>

735
00:45:10,749 --> 00:45:12,750
<i>Miss na kita, at mahal kita.</i>

736
00:45:12,751 --> 00:45:16,004
<i>Laban ka nang matindi.
Gusto kong kumustahin ang lagay mo.</i>

737
00:45:16,880 --> 00:45:20,801
<i>Mahal na mahal kita. Tawagan mo 'ko, ha?</i>

738
00:45:24,847 --> 00:45:26,765
Tapos inilabas 'yon sa media,

739
00:45:27,850 --> 00:45:29,685
na isang malaking pagtraydor.

740
00:45:31,770 --> 00:45:34,397
Parang doon na nagbago ang pananaw ko.

741
00:45:34,398 --> 00:45:35,940
Nagbasa-basa na 'ko,

742
00:45:35,941 --> 00:45:38,234
at nalaman ko ang talagang nangyari

743
00:45:38,235 --> 00:45:42,072
at nagkaroon ng opinyon ko
at nakita kung ano talaga ang totoo.

744
00:45:43,240 --> 00:45:47,953
9 NA BUWAN PAGKAMATAY NI JASON

745
00:45:48,620 --> 00:45:50,706
Habang naghahanda kami sa paglilitis,

746
00:45:51,206 --> 00:45:56,670
may balita mula Ireland
na magsasabi na si Jack ng katotohanan.

747
00:45:57,713 --> 00:46:01,174
Kaya nag-set up kami
ng interbiyung live video conference

748
00:46:01,175 --> 00:46:05,053
para sa opisina namin
at kay Jack sa Ireland.

749
00:46:06,054 --> 00:46:11,518
{\an8}Pinagsinungaling ako ni Molly
sa mga taong nag-interbiyu sa 'kin.

750
00:46:12,978 --> 00:46:15,314
{\an8}<i>Paano ka pinagsinungaling ni Molly?</i>

751
00:46:17,900 --> 00:46:20,861
Nag-imbento siya ng mga kuwento
tungkol sa papa ko.

752
00:46:21,737 --> 00:46:26,032
Na ano siya... Abusado raw si Papa
at di nagsisinungaling si Molly.

753
00:46:26,033 --> 00:46:29,577
Tapos umiyak siya at sabi,
"Di na kita makikita ulit."

754
00:46:29,578 --> 00:46:31,121
Di ko alam ang nangyayari.

755
00:46:33,290 --> 00:46:39,879
Sobrang tagal kong dinadala
itong bigat ng pagiging guilty.

756
00:46:39,880 --> 00:46:41,547
Sabi ni Molly sa 'kin,

757
00:46:41,548 --> 00:46:46,344
"Sabihin mong sinaktan ako ng papa mo.
Kundi, kukunin ka. Di mo na 'ko makikita."

758
00:46:46,345 --> 00:46:48,429
Sabihin mo kung bakit ka nandito.

759
00:46:48,430 --> 00:46:54,561
Ang tita at tito ko sa panig ni papa ko
ay sinusubukan akong ilayo sa mama ko.

760
00:46:56,396 --> 00:46:59,316
Narinig ng huwes
ang recording sa Dragonfly House.

761
00:46:59,942 --> 00:47:03,695
Binigyan din siya ng impormasyon
sa pagbawi ng pahayag ni Jack.

762
00:47:04,321 --> 00:47:08,366
At sa puntong ito,
kumampi ang huwes sa amin

763
00:47:08,367 --> 00:47:11,577
na ang pahayag nina Jack at Sarah
sa Dragonfly House

764
00:47:11,578 --> 00:47:15,874
ay di tanggap bilang sabi-sabi lang ito,
at di na pakikinggan ng hurado.

765
00:47:19,002 --> 00:47:20,963
Sinabi ko ang dinikta ni Molly.

766
00:47:21,463 --> 00:47:22,588
Kakamatay lang ni Papa.

767
00:47:22,589 --> 00:47:25,259
Nawala ang mama ko.
Ayokong may mawalang iba

768
00:47:26,051 --> 00:47:27,344
kaya nagsinungaling ako.

769
00:47:27,845 --> 00:47:32,348
Kailanman sa buhay ko, di ko nakitang
sinaktan ni Papa si Molly.

770
00:47:32,349 --> 00:47:35,685
Takot at nangangamba 'ko,
at napakabata ko pa.

771
00:47:35,686 --> 00:47:39,481
Wala akong kadamay sa mundo,
at takot akong mawala si Molly.

772
00:47:40,440 --> 00:47:41,774
Sobrang guilty ako

773
00:47:41,775 --> 00:47:44,820
kasi parang ramdam kong nabigo ko si Papa.

774
00:47:45,696 --> 00:47:48,782
Inilarawan ko ang kabaligtaran ng papa ko.

775
00:47:54,079 --> 00:47:57,916
Gusto kong malaman nila ang totoo
at ipakita ang papa ko bilang tao.

776
00:47:58,417 --> 00:48:00,543
Napakabuting tao ng papa ko.

777
00:48:00,544 --> 00:48:03,130
Ang nangyari sa kanya
ay di dapat nangyari.

778
00:48:05,883 --> 00:48:09,094
Pinatay si Papa.
Walang dapat patayin nang gano'n.

779
00:48:11,179 --> 00:48:15,893
Hinampas siya ng brick
at baseball bat hanggang mamatay siya.

780
00:48:16,393 --> 00:48:22,273
Walang dapat makaranas
ng gano'ng klase ng sakit.

781
00:48:22,274 --> 00:48:26,402
Kita mo sa ebidensiyang
sinubukan niyang lumayo sa kanila.

782
00:48:26,403 --> 00:48:29,364
Pero pinaghahahampas pa rin.
Di sila tumigil.

783
00:48:30,115 --> 00:48:33,118
Ang hirap lang isipin nito.

784
00:48:39,124 --> 00:48:42,836
Inaalam ko kung bakit pinatay si Jason.

785
00:48:44,504 --> 00:48:47,173
Maraming palitan ng email
sina Jason at Molly

786
00:48:47,174 --> 00:48:48,841
na nakakabahala.

787
00:48:48,842 --> 00:48:50,760
ANO'NG MAGAGAWA KO PARA SUMAYA KA...

788
00:48:50,761 --> 00:48:54,096
GINAWA KO LAHAT... GALIT KA PA RIN
SA SARILI, SINASAKTAN ANG SARILI,

789
00:48:54,097 --> 00:48:56,349
UMIIYAK SA BANYO, NAGMUMURA, NANINIGAW...

790
00:48:56,350 --> 00:48:58,309
PARANG WALA AKONG KUWENTA, MOLLS...

791
00:48:58,310 --> 00:49:04,357
BINIGAY KO SA 'YO LAHAT
PATI PUSO NAMIN NG MGA ANAK KO

792
00:49:04,358 --> 00:49:07,276
MULA KAY MOLLY MARTENS
PARA KAY JASON CORBETT

793
00:49:07,277 --> 00:49:11,113
TALAGA BA? GANO'N ANG TINGIN MO.

794
00:49:11,114 --> 00:49:14,742
PAKIRAMDAM KO, LAGI NA LANG
AKONG MALI SA PANINGIN MO.

795
00:49:14,743 --> 00:49:18,747
Mukhang may mga nakakaalarma sa relasyon.

796
00:49:19,873 --> 00:49:23,502
May nagmensahe rin sa akin
mula sa komunidad ng Meadowlands.

797
00:49:24,002 --> 00:49:26,713
Itong isa, nasa Facebook Messenger.

798
00:49:27,798 --> 00:49:31,467
{\an8}Sabi, "Nasa party si Jason at Molly
noong Biyernes bago siya namatay.

799
00:49:31,468 --> 00:49:34,470
{\an8}Minamaliit niya si Jason,
tinatawag na mataba,

800
00:49:34,471 --> 00:49:37,223
{\an8}nakuha raw niya
lahat ng nutrisyon ng kakambal

801
00:49:37,224 --> 00:49:39,434
{\an8}kasi mukhang pangdalawa ang kinain niya."

802
00:49:41,353 --> 00:49:45,649
Maagang umalis si Jason sa party.
Para siyang malungkot at wala sa sarili.

803
00:49:47,818 --> 00:49:51,487
Kinausap niya ako
tungkol sa pagbalik sa Ireland

804
00:49:51,488 --> 00:49:54,866
kasi pangit ang lagay
ng samahan nilang mag-asawa.

805
00:49:56,034 --> 00:49:58,619
At nag-text siya sa kaibigan niya.

806
00:49:58,620 --> 00:50:01,789
MINSAN GUSTO KO RITO,
MINSAN GUSTO KONG LAYASAN.

807
00:50:01,790 --> 00:50:04,917
OK ANG TRABAHO, ANG MGA BATA.
BALIW PA RIN SI MOLLS.

808
00:50:04,918 --> 00:50:08,587
GUSTO MO PA RING UMUWI?

809
00:50:08,588 --> 00:50:10,673
OO, SANA.

810
00:50:10,674 --> 00:50:14,051
NAKAUSAP MO NA SI MOLLY TUNGKOL DITO?

811
00:50:14,052 --> 00:50:16,679
SINUSUBUKAN PERO LAGING NAUUWI SA AWAY.

812
00:50:16,680 --> 00:50:19,473
Pag pinagsasama-sama lahat,

813
00:50:19,474 --> 00:50:22,893
tingin ko, tapos na ang relasyon
at gusto na niyang umuwi

814
00:50:22,894 --> 00:50:25,480
at mabilis itong mangyayari.

815
00:50:27,566 --> 00:50:30,735
Pero ayaw ni Molly
na umalis si Jason at ang mga bata

816
00:50:30,736 --> 00:50:33,321
kasi mawawala na sa kanya ang lahat.

817
00:50:41,371 --> 00:50:42,621
2 TAON PAGKAMATAY NI JASON

818
00:50:42,622 --> 00:50:45,666
<i>Isang misteryo ng pagpatay
ang pinag-uusapan sa bansa.</i>

819
00:50:45,667 --> 00:50:48,127
{\an8}<i>Isang dating modelo
at tatay niyang dating FBI agent</i>

820
00:50:48,128 --> 00:50:51,505
{\an8}<i>ay baka makulong habambuhay
sa pagkamatay ng asawa ng babae.</i>

821
00:50:51,506 --> 00:50:52,549
{\an8}SIMULA NG PAGLILITIS

822
00:50:53,508 --> 00:50:55,844
Wala akong ginawang krimen.

823
00:50:56,344 --> 00:51:01,682
Saglit akong nasingit sa alitang ito
para protektahan ang tatay ko.

824
00:51:01,683 --> 00:51:05,644
Kung di ko ginawa 'yon,
naniniwala akong mapapatay ang tatay ko

825
00:51:05,645 --> 00:51:08,064
at pagkatapos ay mapapatay din ako.

826
00:51:08,065 --> 00:51:12,651
Ewan kung may mas malala pang
makikita ang ama

827
00:51:12,652 --> 00:51:17,448
sa makitang mamatay
ang anak niya sa harap niya.

828
00:51:17,449 --> 00:51:21,327
Ililigtas ko ang buhay niya
o mamamatay akong sumusubok,

829
00:51:21,328 --> 00:51:23,330
at wala akong pinagsisisihan.

830
00:51:25,457 --> 00:51:27,626
{\an8}<i>Ang unang priyoridad ni Tom</i>

831
00:51:28,293 --> 00:51:29,878
{\an8}<i>ay protektahan si Molly.</i>

832
00:51:30,462 --> 00:51:33,464
{\an8}<i>Gusto niyang iligtas si Molly
kaya inako niya ang pagpatay.</i>

833
00:51:33,465 --> 00:51:35,967
<i>Pero di niya dinamay si Molly.</i>

834
00:51:37,260 --> 00:51:40,472
<i>Si Molly ay nagkasala rin ng pagpatay,
giit ng estado.</i>

835
00:51:42,516 --> 00:51:45,977
<i>Galit siyang
di siya pinaampon ng mga bata.</i>

836
00:51:47,479 --> 00:51:50,648
<i>Inilarawan na ang sitwasyong
bumili si Jason ng bahay.</i>

837
00:51:50,649 --> 00:51:52,275
<i>Siya ang kumikita ng pera.</i>

838
00:51:52,776 --> 00:51:53,610
<i>Ipit si Molly.</i>

839
00:51:54,694 --> 00:51:59,865
<i>Ganito ang malisya
pag mula sa bat ni Tom Martens,</i>

840
00:51:59,866 --> 00:52:01,368
<i>"Kinamumuhian ko siya!"</i>

841
00:52:02,202 --> 00:52:04,495
<i>Ganyan ang malisya.</i>

842
00:52:04,496 --> 00:52:06,455
<i>Alam n'yo kung ano ang malisya</i>

843
00:52:06,456 --> 00:52:08,916
<i>mula sa brick na meron si Molly?</i>

844
00:52:08,917 --> 00:52:13,088
<i>Ganito, "Kinamumuhian ko siya!
Gusto kong kunin ang mga bata!"</i>

845
00:52:14,089 --> 00:52:15,882
<i>Ganyan ang malisya.</i>

846
00:52:16,466 --> 00:52:18,385
<i>Alam n'yo ang itsura ng malisya?</i>

847
00:52:19,678 --> 00:52:23,515
<i>Malisya ang nasa litratong
pinakita ang ginawa nila sa bungo niya.</i>

848
00:52:27,936 --> 00:52:31,272
{\an8}Ang asawa at biyenan
ng taga-Limerick na si Jason Corbett

849
00:52:31,273 --> 00:52:35,192
ay nasentensiyahan
ng 20 hanggang 25 taon sa kulungan

850
00:52:35,193 --> 00:52:38,488
matapos mapatunayang
nagkasala ng second-degree murder.

851
00:52:39,531 --> 00:52:43,951
Sobra talaga akong nagulat.

852
00:52:43,952 --> 00:52:46,371
Naniwala ako sa sistema,

853
00:52:47,122 --> 00:52:50,041
at naniwala akong
may saysay ang katotohanan.

854
00:52:51,960 --> 00:52:55,630
Pakiramdam ko, kung di ako sumigaw
noong gabing 'yon, kung...

855
00:52:56,339 --> 00:53:00,510
Kung sinakal lang niya 'ko,
baka magiging okay lang ako.

856
00:53:01,011 --> 00:53:01,970
Naramdaman kong...

857
00:53:04,514 --> 00:53:08,225
matapos pagsilbihan
ng tatay ko ang bansa niya,

858
00:53:08,226 --> 00:53:10,019
at bilang mabuting tatay,

859
00:53:10,020 --> 00:53:14,106
ngayon, ang natitirang
bahagi ng buhay niya ay... tapos na,

860
00:53:14,107 --> 00:53:16,109
at kasalanan ko 'yon.

861
00:53:16,985 --> 00:53:20,988
Nag-alala kaming
baka pawalang-sala ng hurado ang dalawa

862
00:53:20,989 --> 00:53:23,574
pero di naman pala,
at nagpapasalamat kami.

863
00:53:23,575 --> 00:53:28,747
{\an8}Para sa amin, simula ito ng paghilom,
ng muling pagbuo ng buhay namin.

864
00:53:29,497 --> 00:53:32,417
May posibilidad muli ang buhay namin.

865
00:53:33,418 --> 00:53:36,045
Unang beses itong
nakaramdam ako ng kalayaan

866
00:53:36,046 --> 00:53:39,006
at parang ubos pero sa magandang paraan.

867
00:53:39,007 --> 00:53:41,051
Aba, tutol ka?

868
00:53:41,551 --> 00:53:43,553
Ayan. Talo ka pa rin.

869
00:53:44,095 --> 00:53:46,180
Naging kampante na 'ko sa pamilya ko.

870
00:53:46,181 --> 00:53:51,977
<i>Happy birthday, mahal naming Sarah at Lolo</i>

871
00:53:51,978 --> 00:53:55,731
Ito ang mama ko,
ito ang papa ko, at ito ang mga kuya ko.

872
00:53:55,732 --> 00:53:57,525
Ipakita mo kung paano!

873
00:53:58,318 --> 00:54:01,112
- Galawin lang ang braso.
- Sige na, ipakita mo.

874
00:54:02,322 --> 00:54:03,156
Sarah!

875
00:54:06,368 --> 00:54:09,328
Tanda ko 'yong
una akong tinawag na "Papa" ni Jack.

876
00:54:09,329 --> 00:54:12,998
Paakyat siya ng hagdan
at sumagot ng, "Okay, Papa."

877
00:54:12,999 --> 00:54:15,335
At alam mo, sobrang...

878
00:54:16,544 --> 00:54:18,380
Emosyonal sa akin 'yon.

879
00:54:25,053 --> 00:54:29,849
Pagsasama-sama ito ng munting tribo namin,
ng pinaghalong pamilya.

880
00:54:31,935 --> 00:54:35,688
Maayos na ang lahat
pero biglang lumala ito

881
00:54:35,689 --> 00:54:37,440
tapos mali na naman lahat.

882
00:54:46,908 --> 00:54:49,076
Alam natin kung paano namatay si Jason.

883
00:54:49,077 --> 00:54:51,413
{\an8}Sasabihin naman namin kung bakit.

884
00:54:53,206 --> 00:54:54,665
Ikukuwento namin.

885
00:54:54,666 --> 00:54:57,543
{\an8}Hindi ito nasabi sa unang paglilitis.

886
00:54:57,544 --> 00:55:00,630
{\an8}Naku, isisiwalat na ito ngayon.

887
00:55:05,760 --> 00:55:10,931
Nilapitan ako ng pamilya ni Molly Corbett
at humiling na suriin ko ang record

888
00:55:10,932 --> 00:55:15,645
para makumbinsi ang North Carolina
Court of Appeals na maglitis ulit.

889
00:55:16,938 --> 00:55:20,816
Isa sa mga una kong nakita
ay ang interbiyu

890
00:55:20,817 --> 00:55:23,903
kay Molly noong umagang nangyari ito.

891
00:55:24,487 --> 00:55:28,657
Ilang beses na kayong nagkapisikalan
ng away bago ang gabing ito?

892
00:55:28,658 --> 00:55:30,075
Di ko alam.

893
00:55:30,076 --> 00:55:31,411
Di mabilang sa dami?

894
00:55:33,788 --> 00:55:34,789
Marami.

895
00:55:35,290 --> 00:55:36,958
Ang sunod kong nakita

896
00:55:37,584 --> 00:55:41,086
ay ang interbiyu
ng mga awtoridad sa mga bata

897
00:55:41,087 --> 00:55:45,967
kinabukasan agad nang bumisita
ang Department of Social Services,

898
00:55:46,843 --> 00:55:52,599
{\an8}at pareho nilang sinabing
dominante at abusado ang tatay nila.

899
00:55:53,850 --> 00:55:57,728
Makalipas ang tatlong araw,
sa Dragonfly House,

900
00:55:57,729 --> 00:56:00,606
inulit nila ang una nilang pahayag.

901
00:56:00,607 --> 00:56:03,777
Nagagalit siya sa mga simpleng bagay.

902
00:56:04,361 --> 00:56:06,863
Lumala nitong nakaraang dalawang buwan.

903
00:56:07,989 --> 00:56:12,077
Mas madalas siyang
magmura at sumigaw, mas galit.

904
00:56:13,578 --> 00:56:15,245
Ang di alam ng lahat,

905
00:56:15,246 --> 00:56:17,999
dumalaw si Jason sa doktor niya
dalawang linggo bago 'yon,

906
00:56:18,750 --> 00:56:21,126
nagrereklamong siya raw kasi

907
00:56:21,127 --> 00:56:22,837
ay mas nagagalit

908
00:56:23,671 --> 00:56:25,298
nang walang kadahilanan.

909
00:56:26,049 --> 00:56:29,551
Halos pareho ng sinabi ni Jack.

910
00:56:29,552 --> 00:56:33,932
Kaya ngayon, naisip ko,
"Wow, baka may kinalaman ito."

911
00:56:34,599 --> 00:56:37,142
May naisip akong keyword.

912
00:56:37,143 --> 00:56:38,227
Pakikuwento 'yan.

913
00:56:38,228 --> 00:56:41,398
"Galaxy," akin 'yan,
at sa kapatid ko ay "peacock".

914
00:56:42,607 --> 00:56:45,110
Sino'ng nagsabing gumawa kayo ng keyword?

915
00:56:45,777 --> 00:56:46,736
Lola ko.

916
00:56:47,237 --> 00:56:49,863
Pag sinabi kong "peacock,"
ibababa ang phone,

917
00:56:49,864 --> 00:56:51,658
pupunta siya sa 'min.

918
00:56:52,158 --> 00:56:53,784
- Mula Tennessee?
- Oo.

919
00:56:53,785 --> 00:56:55,869
Kailan niya naisip 'yon?

920
00:56:55,870 --> 00:57:00,542
Ilang linggo bago namatay si Papa,
nangyari 'yong peacock.

921
00:57:01,126 --> 00:57:03,919
Eh 'yong phone number? Sinulat n'yo ba?

922
00:57:03,920 --> 00:57:06,381
Merong isa sa ilalim ng manika.

923
00:57:08,800 --> 00:57:11,260
Nag-aalala ang lola nilang
si Sharon Martens

924
00:57:11,261 --> 00:57:14,054
dahil sa mga alam niyang
nangyayari sa bahay

925
00:57:14,055 --> 00:57:16,516
kaya pinagawa niya ng code ang mga bata,

926
00:57:17,142 --> 00:57:21,311
ibinigay sa mga bata ang phone number niya
pero nilihim kay Jason

927
00:57:21,312 --> 00:57:23,564
kasi alam nila
ang magiging reaksiyon niya.

928
00:57:23,565 --> 00:57:26,316
Pakikuwento itong hollow block
na nabanggit mo

929
00:57:26,317 --> 00:57:28,528
o brick na ginamit ng mama mo.

930
00:57:29,446 --> 00:57:32,614
May bulaklak kaming itatanim

931
00:57:32,615 --> 00:57:34,492
sa harapan o sa likod-bahay.

932
00:57:34,993 --> 00:57:37,954
Pipintahan namin ito para gumanda.

933
00:57:38,788 --> 00:57:42,749
Nasa kuwarto ito ni Mama
kasi umulan kanina.

934
00:57:42,750 --> 00:57:45,044
May brick sa mesa sa tabi ng kama mo?

935
00:57:45,587 --> 00:57:48,715
Magpipinta kami ng mga bata...

936
00:57:51,718 --> 00:57:56,305
magpipinta ng mga brick
at bulaklak sa paligid ng mailbox.

937
00:57:56,306 --> 00:57:57,681
{\an8}Di lang nagkataong

938
00:57:57,682 --> 00:58:00,767
{\an8}lahat ng ebidensiyang
pisikal at sirkumstansiyal

939
00:58:00,768 --> 00:58:06,523
{\an8}ay nagpatunay sa sinabi nina Tom at Molly
sa mga pulis noong umpisa pa lang.

940
00:58:06,524 --> 00:58:10,069
Nagulat ako nang mabasang ang estado

941
00:58:10,653 --> 00:58:14,741
ay tagumpay na nakumbinsi
ang huwes na isantabi

942
00:58:15,408 --> 00:58:17,660
ang lahat ng sinabi ng mga bata.

943
00:58:19,245 --> 00:58:21,664
Paano magkakaroon ng patas na paglilitis

944
00:58:22,248 --> 00:58:25,960
kung di narinig ng hurado
ang ebidensiyang sumusuporta

945
00:58:26,461 --> 00:58:28,421
sa nangyari na sinabi ni Molly?

946
00:58:30,423 --> 00:58:32,841
Isa sa mga argumento ng estado

947
00:58:32,842 --> 00:58:38,723
ay binawi na ng mga bata
ang orihinal nilang pahayag.

948
00:58:39,682 --> 00:58:45,021
{\an8}Totoo ba o mali na abusado ang tatay mo?

949
00:58:46,523 --> 00:58:47,524
{\an8}Mali.

950
00:58:48,483 --> 00:58:53,530
Naniniwala akong
malaking kawalan ito ng hustisya.

951
00:58:54,113 --> 00:58:58,576
Nang pinanood ko ang interbiyu ni Jack,
mukhang praktisado.

952
00:58:59,327 --> 00:59:01,120
Mukhang na-brainwash sila.

953
00:59:02,539 --> 00:59:03,623
Alam ko ang totoo.

954
00:59:04,415 --> 00:59:06,751
Alam kong di totoo ang sinabi nila.

955
00:59:08,545 --> 00:59:11,464
Ano'ng nasa isip nila? Di ko alam.

956
00:59:13,174 --> 00:59:16,760
Ginawa ang isa
ng may training sa pag-interbiyu ng bata

957
00:59:16,761 --> 00:59:18,471
sa ligtas na lugar.

958
00:59:19,055 --> 00:59:20,097
Ang isa ay hindi.

959
00:59:20,098 --> 00:59:23,433
Sabi niya, gano'n namatay si Papa.
Sabihin ko raw sa abogado...

960
00:59:23,434 --> 00:59:24,852
Nawala ka.

961
00:59:26,771 --> 00:59:28,313
<i>Ayos lang. Meron na?</i>

962
00:59:28,314 --> 00:59:31,108
<i>Tatawagin ko lang si David.</i>

963
00:59:31,109 --> 00:59:33,528
Kung napakahalaga nitong interbiyu,

964
00:59:34,529 --> 00:59:38,031
ba't di nagpalipad ng tao sa Ireland
ang Davidson County

965
00:59:38,032 --> 00:59:40,158
para mas mainam ang interbiyu?

966
00:59:40,159 --> 00:59:41,827
<i>- Hi.
- Okay. Mas maayos na?</i>

967
00:59:41,828 --> 00:59:44,205
<i>Lalabas na 'ko. Ituloy n'yo lang.</i>

968
00:59:45,206 --> 00:59:47,875
Nasa kulungan ng mga babae
si Molly Corbett

969
00:59:49,460 --> 00:59:52,046
na may sentensiyang 20 hanggang 25 taon.

970
00:59:56,009 --> 00:59:57,802
Sa tingin ko, di niya ito ginawa.

971
01:00:06,894 --> 01:00:10,815
3 TAON PAGKAMATAY NI JASON

972
01:00:11,441 --> 01:00:12,816
Magandang umaga,

973
01:00:12,817 --> 01:00:15,778
at welcome
sa North Carolina Court of Appeals.

974
01:00:16,362 --> 01:00:20,198
Dapat makumbinsi ko ang tatlong huwes
na may kawalang-katarungan.

975
01:00:20,199 --> 01:00:22,826
Your Honor,
gusto kong tukuyin ang desisyong

976
01:00:22,827 --> 01:00:25,288
isantabi ang pahayag ng mga bata.

977
01:00:25,872 --> 01:00:30,335
Sa tingin ko, malinaw na mali
ang mga kongklusyon ng unang korte.

978
01:00:31,711 --> 01:00:35,048
Ang desisyon sa Court of Appeals
ay nanalo kami.

979
01:00:36,424 --> 01:00:41,137
Ang hatol ng huwes, si Jason Corbett
ang nagsimula ng away sa gabing 'yon.

980
01:00:43,139 --> 01:00:45,515
Pero inaapela ng estado ang desisyon

981
01:00:45,516 --> 01:00:47,684
sa Supreme Court ng North Carolina.

982
01:00:47,685 --> 01:00:49,936
Kaya magsisimula ulit ako.

983
01:00:49,937 --> 01:00:52,939
Tanging ang mga bata
ang makakaalam ng katotohanan

984
01:00:52,940 --> 01:00:56,443
kung may problemang
magagalitin ang tatay nila.

985
01:00:56,444 --> 01:01:00,572
Naroon ang problema
sa pagsasantabi ng pahayag ng mga bata.

986
01:01:00,573 --> 01:01:03,116
Naka-recess
ang Supreme Court ng North Carolina.

987
01:01:03,117 --> 01:01:05,495
Nawa'y iligtas ng Diyos
ang estado at korte.

988
01:01:10,625 --> 01:01:12,919
Nagdesisyon ang Supreme Court
at nanalo kami.

989
01:01:14,545 --> 01:01:16,463
Payag sila sa bagong paglilitis.

990
01:01:16,464 --> 01:01:21,010
At ngayon, ang pahayag ng mga bata
ay pakikinggan ng hurado.

991
01:01:22,011 --> 01:01:25,180
Ang hatol sa pagpatay
ni Molly Corbett at Thomas Martens

992
01:01:25,181 --> 01:01:27,391
ay nabawi sa pag-apela.

993
01:01:27,392 --> 01:01:31,186
<i>Kinatigan ng Supreme Court
ng North Carolina ang Court of Appeals</i>

994
01:01:31,187 --> 01:01:33,773
<i>na bigyan ng bagong paglilitis
si Tom at Molly.</i>

995
01:01:34,482 --> 01:01:37,192
May mga seryosong problema sa paglilitis,

996
01:01:37,193 --> 01:01:40,278
at maitutuwid na 'yon.

997
01:01:40,279 --> 01:01:43,074
Sobrang nakakatuwa. Uuwi na 'ko.

998
01:01:45,451 --> 01:01:48,704
<i>Ngayong gabi, si Molly Corbett
at ama niyang si Tom Martens</i>

999
01:01:48,705 --> 01:01:50,789
<i>ay nakalaya dahil sa piyansa.</i>

1000
01:01:50,790 --> 01:01:52,791
Ano'ng pakiramdam ng nakalabas?

1001
01:01:52,792 --> 01:01:54,876
Masaya akong makasama ang pamilya ko.

1002
01:01:54,877 --> 01:01:57,671
<i>Ang mag-ama
ay umalis sa Davidson County Jail</i>

1003
01:01:57,672 --> 01:01:59,674
<i>isang oras lang ang pagitan.</i>

1004
01:02:01,217 --> 01:02:05,304
{\an8}Sa unang pagkakataon,
makalipas ang tatlo't kalahating taon,

1005
01:02:06,347 --> 01:02:10,017
{\an8}malayang lumabas si Molly sa kulungan.

1006
01:02:12,979 --> 01:02:14,105
Ang daya

1007
01:02:16,149 --> 01:02:17,275
na sila ay

1008
01:02:18,609 --> 01:02:20,069
nakalabas lang.

1009
01:02:23,281 --> 01:02:24,991
Di ako maka-focus.

1010
01:02:28,911 --> 01:02:32,248
Wala pang petsa ng paglilitis.

1011
01:02:35,376 --> 01:02:36,210
Walang...

1012
01:02:41,424 --> 01:02:46,345
Walang magsasabing,
"Okay, dito na 'to magtatapos."

1013
01:02:47,013 --> 01:02:48,473
Uupo lang ako rito

1014
01:02:50,475 --> 01:02:54,437
at hahayaang lumipas ulit ang buhay ko
dahil sa kanila.

1015
01:02:56,689 --> 01:03:01,360
Mahirap makitang ang mga taong
kinunan ka at kinuha ang buhay ng papa mo

1016
01:03:02,320 --> 01:03:06,449
ay malayang naglalakad
at nayayakap ang mga magulang nila

1017
01:03:08,075 --> 01:03:12,288
habang lapida sa damuhan
ang dinadalaw namin para makita si Papa.

1018
01:03:15,208 --> 01:03:19,045
Paghahandaan namin ang bagong paglilitis
na may bagong hurado.

1019
01:03:19,962 --> 01:03:23,966
Ipapakita lahat ng ebidensiya
at mailalahad na rin ang buong kuwento.

1020
01:03:24,967 --> 01:03:29,137
Lilitaw na ang karahasan sa tahanan.

1021
01:03:29,138 --> 01:03:30,597
Karahasan sa akin,

1022
01:03:30,598 --> 01:03:35,186
ang pang-aabusong
dinanas at tiniis ko, lilitaw na.

1023
01:03:39,482 --> 01:03:42,735
Mukha yata kaming
isang perpektong pamilya.

1024
01:03:44,070 --> 01:03:50,159
Pero di kami maayos
dahil sa trato sa akin ni Jason.

1025
01:03:51,994 --> 01:03:55,080
Araw-araw, parang laging may interogasyon

1026
01:03:55,081 --> 01:03:58,708
sa ginawa ko, sino'ng nakausap ko,
at ano'ng suot ko.

1027
01:03:58,709 --> 01:04:02,337
Pag iniba ko ang ayos ng buhok ko, merong,

1028
01:04:02,338 --> 01:04:06,092
"Ba't ganyan ang buhok mo?
May balak ka bang kausapin?"

1029
01:04:07,510 --> 01:04:10,012
Lahat na lang ay mapanganib.

1030
01:04:11,472 --> 01:04:15,308
Minsan, para bang
nagngingitngit siya sa galit

1031
01:04:15,309 --> 01:04:18,186
kasi may di ako sinunod

1032
01:04:18,187 --> 01:04:20,815
o dapat may di ako pinuntahan.

1033
01:04:22,483 --> 01:04:24,193
At minsan, hahantong 'yon

1034
01:04:25,945 --> 01:04:27,488
sa marahas na sitwasyon.

1035
01:04:32,493 --> 01:04:36,831
Parang nauupos na ang pagkatao ni Molly.

1036
01:04:38,249 --> 01:04:41,751
Tiyak na hindi na siya masaya.

1037
01:04:41,752 --> 01:04:44,297
Bawas na ang kumpiyansa niya.

1038
01:04:45,172 --> 01:04:47,550
Mukha siyang talunan.

1039
01:04:48,885 --> 01:04:52,972
Hindi ko naisip ang lawak
o bigat ng karahasan sa tahanan

1040
01:04:53,514 --> 01:04:54,890
na alam ko na ngayon.

1041
01:04:54,891 --> 01:04:57,767
Pagkontrol ang di ko pag-ampon
sa mga bata.

1042
01:04:57,768 --> 01:05:00,395
Di ko agad ito nakita noong simula.

1043
01:05:00,396 --> 01:05:04,734
Lagi niyang sinasabi, "Mahalaga ba 'yon?
Isang pirasong papel lang 'yon."

1044
01:05:06,611 --> 01:05:10,280
Alam niyang ang diborsiyo at kustodiya

1045
01:05:10,281 --> 01:05:14,367
ay posible kung inampon ko ang mga bata.

1046
01:05:14,368 --> 01:05:17,914
Kaya gusto niyang tiyaking
di ito mangyayari.

1047
01:05:20,207 --> 01:05:22,751
Kung umalis ako noon,

1048
01:05:22,752 --> 01:05:25,128
wala pang masasabi ang mga bata sa korte

1049
01:05:25,129 --> 01:05:29,008
at... malamang mawawala sila sa akin.

1050
01:05:29,550 --> 01:05:32,677
Ayokong mawala ang mga bata,
at alam niya 'yon.

1051
01:05:32,678 --> 01:05:34,889
Alam niyang di ko sila maiiwan.

1052
01:05:37,975 --> 01:05:42,562
May kaibigan akong kapitbahay
na abogado ng pamilya,

1053
01:05:42,563 --> 01:05:48,401
nirekomenda niyang irekord ko
di lang ang pang-aabuso

1054
01:05:48,402 --> 01:05:51,529
pero ang kabuuang danas ng pagiging ina.

1055
01:05:51,530 --> 01:05:54,450
Alam mo na, sakaling may diborsiyo

1056
01:05:55,117 --> 01:05:59,037
paglaki ng mga bata, magkakaroon ng record

1057
01:05:59,038 --> 01:06:00,664
na ako ang nanay nila.

1058
01:06:00,665 --> 01:06:04,585
Nirekomenda niyang
gawin ko ang mga recording.

1059
01:06:07,338 --> 01:06:09,547
<i>Nakikipag-usap ako kay Jack.</i>

1060
01:06:09,548 --> 01:06:13,426
<i>Pwedeng kausapin ko'ng mga anak ko
tutal lagi ka nilang kasama?</i>

1061
01:06:13,427 --> 01:06:14,553
RECORDING NI MOLLY

1062
01:06:15,179 --> 01:06:16,846
<i>- Pwede ba?
- Oo, sorry na.</i>

1063
01:06:16,847 --> 01:06:17,765
<i>Dapat lang.</i>

1064
01:06:19,183 --> 01:06:22,936
Maliliit na pang-record 'yon
na aandar pag may nagsalita,

1065
01:06:22,937 --> 01:06:25,731
inilagay ko sa buong bahay.

1066
01:06:27,817 --> 01:06:29,485
Sa ilalim ng mesa sa sala.

1067
01:06:30,486 --> 01:06:31,862
Sa ilalim ng patungan.

1068
01:06:32,446 --> 01:06:34,782
May isa sa mesa sa tabi ng kama.

1069
01:06:36,409 --> 01:06:39,744
Plano kong kontrolin ang sitwasyon

1070
01:06:39,745 --> 01:06:42,789
hanggang nasa edad na sila
para magsalita sa korte.

1071
01:06:42,790 --> 01:06:45,001
Minsan, naiisip kong

1072
01:06:46,377 --> 01:06:48,421
mamamatay ako bago mangyari 'yon.

1073
01:06:51,132 --> 01:06:53,008
Pero walang panahong

1074
01:06:53,009 --> 01:06:56,887
inakala kong baka mamatay si Jason
bago mangyari 'yon.

1075
01:06:58,848 --> 01:07:02,892
{\an8}SAKSING EKSPERTO NG DEPENSA
SA KARAHASAN SA TAHANAN

1076
01:07:02,893 --> 01:07:05,186
{\an8}Tumawag si Doug Kingsbery.

1077
01:07:05,187 --> 01:07:09,316
May kaso raw siyang baka makatulong ako.

1078
01:07:10,234 --> 01:07:14,195
May lalaking matagumpay na negosyante.

1079
01:07:14,196 --> 01:07:15,613
Magaling makisama.

1080
01:07:15,614 --> 01:07:18,284
Wala siyang galit sa katawan.

1081
01:07:19,410 --> 01:07:24,248
Kaya lang, iba ang dating ng nang-aabuso
sa publiko at sa pribado.

1082
01:07:24,832 --> 01:07:30,713
Pinadalhan ako ng audio recording
ng pamilya habang naghahapunan.

1083
01:07:31,422 --> 01:07:34,215
<i>Pwedeng maghapunan kami ng mga bata?
Di mo 'yon pinansin</i>

1084
01:07:34,216 --> 01:07:35,800
<i>pero pinakain pa rin sila.</i>

1085
01:07:35,801 --> 01:07:37,927
<i>Kakakausap ko lang sa 'yo sa phone</i>

1086
01:07:37,928 --> 01:07:40,847
<i>at sabi ko, "Magluluto ako ng sopas.
Gusto mo?" Ayaw mo.</i>

1087
01:07:40,848 --> 01:07:42,974
<i>Ayoko kasi akala ko,
kakain tayong pamilya.</i>

1088
01:07:42,975 --> 01:07:46,811
<i>Pero inisnab mo kasi ganyan ka
kasi ayaw mo lang gawin.</i>

1089
01:07:46,812 --> 01:07:49,647
<i>Sabi ko, "Magluluto ako ng sopas
para sa mga bata.</i>

1090
01:07:49,648 --> 01:07:50,857
<i>Gusto mo?"</i>

1091
01:07:50,858 --> 01:07:53,443
<i>Umayaw ako
kasi di mo pinansin ang sinabi ko.</i>

1092
01:07:53,444 --> 01:07:54,819
<i>Hindi naman, eh.</i>

1093
01:07:54,820 --> 01:07:57,197
<i>Nakalimutan mo'ng tanong ko.
Wala kang paki.</i>

1094
01:07:57,198 --> 01:08:00,784
Isang katangian ng nang-aabuso
ay umaasta silang biktima.

1095
01:08:00,785 --> 01:08:04,120
Kahit ano'ng gawin ni Molly
na mapanatag si Jason

1096
01:08:04,121 --> 01:08:06,498
na may gagawin si Molly para sa kanya,

1097
01:08:06,499 --> 01:08:09,918
ayaw niyang matuwa.
Ayaw niya ng solusyon sa problema.

1098
01:08:09,919 --> 01:08:11,795
Gusto niyang nagrereklamo.

1099
01:08:11,796 --> 01:08:14,547
<i>Sabi ko, "Gusto kong kumain
kasama ang pamilya ko."</i>

1100
01:08:14,548 --> 01:08:16,466
<i>Sabi ko 'to sa 'yo. Nagpasya kang...</i>

1101
01:08:16,467 --> 01:08:18,843
<i>Jack, baba riyan. Akyat na sa kuwarto.</i>

1102
01:08:18,844 --> 01:08:20,929
<i>Wag kang umakyat. Baba rito.</i>

1103
01:08:20,930 --> 01:08:22,555
<i>Sige na, wag kang umakyat.</i>

1104
01:08:22,556 --> 01:08:23,723
<i>Wag mong paalisin...</i>

1105
01:08:23,724 --> 01:08:25,976
<i>- Magbabanyo 'ko.
- Diyan ka lang, pwede?</i>

1106
01:08:26,477 --> 01:08:29,521
<i>Tingin ka, respeto naman.
Sabi ko, kumain tayong pamilya.</i>

1107
01:08:29,522 --> 01:08:31,898
<i>Sabi mo, pinapakain mo'ng mga bata.
Humindi ako.</i>

1108
01:08:31,899 --> 01:08:34,192
<i>Inisnab mo kasi ang una kong tanong.</i>

1109
01:08:34,193 --> 01:08:36,361
<i>- Ubusin mo'ng pagkain.
- Ano'ng paki niya?</i>

1110
01:08:36,362 --> 01:08:39,239
<i>Wag mong paalisin.
Nagsasalita ako. Wala kang karapatan.</i>

1111
01:08:39,240 --> 01:08:40,908
"Wala kang karapatan."

1112
01:08:41,700 --> 01:08:45,454
Oo nga, di siya ang nag-ampong madrasta.

1113
01:08:46,247 --> 01:08:49,791
Ayon kay Jason, dagdag na bala ito

1114
01:08:49,792 --> 01:08:52,001
para alam ni Molly ang lugar niya.

1115
01:08:52,002 --> 01:08:54,087
<i>Pancake Tuesday ngayon. Magpa-pancake ako.</i>

1116
01:08:54,088 --> 01:08:55,881
<i>Wala 'kong gusto mula sa 'yo.</i>

1117
01:08:56,382 --> 01:08:57,465
<i>Tinanong ulit kita.</i>

1118
01:08:57,466 --> 01:08:59,801
<i>Nilinaw mong nilalayo mo 'ko
sa mga anak ko.</i>

1119
01:08:59,802 --> 01:09:00,718
<i>Hindi.</i>

1120
01:09:00,719 --> 01:09:02,929
<i>- Gagayahin ko.
- Sino'ng magpa-pancake?</i>

1121
01:09:02,930 --> 01:09:04,931
<i>Ang pagkakaiba, magagawa ko 'yon.</i>

1122
01:09:04,932 --> 01:09:07,017
Malinaw itong banta ni Jason.

1123
01:09:07,518 --> 01:09:10,771
"Kung ilalayo mo'ng mga bata sa akin,
ilalayo ko sila sa 'yo."

1124
01:09:11,480 --> 01:09:13,857
<i>Di na dapat ako paulit-ulit...</i>

1125
01:09:13,858 --> 01:09:15,900
<i>Pakikuha 'yong pang-pancake.</i>

1126
01:09:15,901 --> 01:09:17,694
<i>Ayan ka na naman!</i>

1127
01:09:17,695 --> 01:09:19,654
<i>Iniiba mo'ng usapan!</i>

1128
01:09:19,655 --> 01:09:22,115
<i>- Wag hampasin ang silya!
- Wag mag-away!</i>

1129
01:09:22,116 --> 01:09:23,783
<i>Tulog na.</i>

1130
01:09:23,784 --> 01:09:24,951
<i>Tulog na. Bilis.</i>

1131
01:09:24,952 --> 01:09:26,953
<i>Natakot lang siya, J.</i>

1132
01:09:26,954 --> 01:09:29,038
<i>- Tulog na.
- Oo nga, Papa. Natakot siya.</i>

1133
01:09:29,039 --> 01:09:30,416
<i>Tulog na.</i>

1134
01:09:34,420 --> 01:09:38,464
Pag narinig ng hurado itong ebidensiya
ng karahasan sa tahanan,

1135
01:09:38,465 --> 01:09:41,051
maiisip nilang inosente sina Tom at Molly.

1136
01:09:42,428 --> 01:09:46,181
Nagkuwento lang si Molly limang taon
ang nakalipas, o dalawang kuwento,

1137
01:09:46,182 --> 01:09:49,935
ibig bang sabihin,
di na siya inabuso ni Jason?

1138
01:09:50,436 --> 01:09:53,355
Hindi kami sinungaling ng anak ko.

1139
01:09:55,774 --> 01:09:58,194
Kung ito'ng akala mo, sige lang.

1140
01:09:59,153 --> 01:10:00,070
Patunayan mo.

1141
01:10:03,532 --> 01:10:08,703
Nalaman naming may mga sikretong
recording ni Jason na ginawa ni Molly.

1142
01:10:08,704 --> 01:10:12,248
Si Molly lang ang tanging nakakaalam
na may recording.

1143
01:10:12,249 --> 01:10:15,878
Ang labas nito,
gusto niyang makontrol ang kuwento.

1144
01:10:17,087 --> 01:10:23,259
{\an8}Naghahanda si Molly para sa diborsiyo
at paglilitis sa kustodiya.

1145
01:10:23,260 --> 01:10:25,596
<i>Magagawa ko ang gusto mong gawin.</i>

1146
01:10:26,388 --> 01:10:28,933
<i>- Wala akong sinusubukang gawin, J.
- Meron.</i>

1147
01:10:29,642 --> 01:10:31,727
Malinaw na may gustong gawin si Molly.

1148
01:10:32,228 --> 01:10:35,939
Sinumang pasikretong nagrerekord
sa personal na relasyon

1149
01:10:35,940 --> 01:10:40,569
ay kayang manipulahin ang konteksto
para palabasing masama si Jason.

1150
01:10:45,366 --> 01:10:48,201
Sa mga huling buwan
bago pinatay ang papa ko,

1151
01:10:48,202 --> 01:10:50,453
iba na'ng mood sa bahay.

1152
01:10:50,454 --> 01:10:53,624
Wala kaming masyadong aktibidad
bilang pamilya.

1153
01:10:55,334 --> 01:10:57,835
Mas napansin ko talaga 'yon

1154
01:10:57,836 --> 01:11:01,507
nang nakita ko ang pangrekord
sa kotse ni Papa. Pinakita ko sa kanya.

1155
01:11:02,007 --> 01:11:05,218
Talagang nagulat siyang meron do'n.

1156
01:11:05,219 --> 01:11:08,806
Sabi niya, "Ano'ng masasabi n'yo
kung bumalik tayong Ireland?"

1157
01:11:09,306 --> 01:11:11,849
Sabi ni Sarah,
"Kasama si Mama?" Hindi raw.

1158
01:11:11,850 --> 01:11:13,644
Alam kong ayaw ni Molly 'yon.

1159
01:11:14,979 --> 01:11:18,565
Alam niyang wala siyang magagawa
pag nilayo kami ni Papa.

1160
01:11:19,984 --> 01:11:22,903
Lumalabas sa lahat ng alam namin kay Molly

1161
01:11:23,487 --> 01:11:26,406
na dapat na siyang umaksiyon

1162
01:11:26,407 --> 01:11:29,826
kasi apektado ang relasyon at,
mas mahalaga,

1163
01:11:29,827 --> 01:11:32,454
ang kustodiya niya sa mga bata.

1164
01:11:34,290 --> 01:11:38,002
Binalikan namin ang pahayag ni Tom
noong gabing pinatay si Jason

1165
01:11:38,669 --> 01:11:42,422
at ang dahilan ng pagbisita
nina Tom at Sharon.

1166
01:11:42,423 --> 01:11:44,173
Nakikihalubilo naman kami.

1167
01:11:44,174 --> 01:11:46,801
Wala kaming anumang plano ngayong weekend.

1168
01:11:46,802 --> 01:11:50,179
Noong Sabado ng umaga,
naisip naming dalawin sina Molly.

1169
01:11:50,180 --> 01:11:53,057
Apat na oras ang biyahe,
at maganda ang panahon.

1170
01:11:53,058 --> 01:11:55,977
Pero nalaman namin sa mga taga-Tennessee

1171
01:11:55,978 --> 01:11:58,146
kung saan nakatira si Tom at Sharon,

1172
01:11:58,147 --> 01:12:02,734
na may plano sina Tom
kasama ang boss niya sa gabing 'yon,

1173
01:12:02,735 --> 01:12:05,154
na biglaan nilang kinansela.

1174
01:12:08,240 --> 01:12:11,492
Di kami naniniwalang
pumunta si Tom sa North Carolina

1175
01:12:11,493 --> 01:12:13,829
para patayin ng baseball bat si Jason.

1176
01:12:14,330 --> 01:12:20,294
Ang teorya namin,
may ginawang parang pasabog si Molly.

1177
01:12:21,628 --> 01:12:27,092
Pag napagalit ni Molly si Jason

1178
01:12:28,218 --> 01:12:30,846
habang saksi ang mga magulang niya,

1179
01:12:32,097 --> 01:12:35,308
makakakuha siya ng proteksiyon
sa karahasan sa tahanan,

1180
01:12:35,309 --> 01:12:37,644
na magpapaalis kay Jason sa bahay.

1181
01:12:39,396 --> 01:12:43,192
Tapos makakapag-file na siya
ng kustodiyang emergency ng mga bata

1182
01:12:43,692 --> 01:12:45,819
nang makuha niya ang mga anak kay Jason.

1183
01:12:49,490 --> 01:12:52,910
Pero nang nasira ang plano,
at naging marahas,

1184
01:12:53,827 --> 01:12:57,373
mukhang wala na siyang pakialam
kung mabuhay o mamatay si Jason.

1185
01:13:10,302 --> 01:13:11,636
7 TAON PAGKAMATAY NI JASON

1186
01:13:11,637 --> 01:13:14,305
<i>Pinag-uusapan ng lahat
si Tom at Molly Martens.</i>

1187
01:13:14,306 --> 01:13:16,682
<i>Kawalan ng pagkakaisa ang dulot ng kaso</i>

1188
01:13:16,683 --> 01:13:19,102
<i>sa pagitan ng US at Ireland nang matagal.</i>

1189
01:13:19,103 --> 01:13:23,565
<i>Ang sitwasyon ngayon,
inaasahang maglilitis ulit sila</i>

1190
01:13:24,191 --> 01:13:26,735
<i>sa parehong kaso sa 2022.</i>

1191
01:13:28,195 --> 01:13:30,321
Gaano kahirap marinig ang lahat

1192
01:13:30,322 --> 01:13:31,697
ng mga sabi-sabi

1193
01:13:31,698 --> 01:13:35,410
sa namatay mong kapatid
para ipamukhang dapat siyang namatay?

1194
01:13:35,411 --> 01:13:37,954
Isa 'yon sa dahilan
kaya sinulat ko ang libro,

1195
01:13:37,955 --> 01:13:42,626
kasi di namin naipagtanggol si Jason.

1196
01:13:44,169 --> 01:13:49,758
Pitong taon ko nang ipinaglalaban
ang hustisya para kay Jason.

1197
01:13:51,510 --> 01:13:53,345
Ngayong may paglilitis ulit,

1198
01:13:53,846 --> 01:13:56,640
inaasahan kong tatawagin ako ng depensa.

1199
01:13:57,141 --> 01:14:01,728
Naniniwala akong sasabihin nilang
na-brainwash ko sina Jack at Sarah,

1200
01:14:02,646 --> 01:14:05,441
na di naman... di totoo.

1201
01:14:08,068 --> 01:14:11,154
Ang diktahan ang bata
o sabihing magsinungaling siya

1202
01:14:11,155 --> 01:14:13,615
ay labag sa buong pagkatao ko.

1203
01:14:14,533 --> 01:14:16,034
Hindi mangyayari 'yon.

1204
01:14:21,457 --> 01:14:25,251
Nag-iimpake lang ako, naghahanda,
kasi aalis kami sa umaga

1205
01:14:25,252 --> 01:14:27,629
para sa pagdinig bago maglitis.

1206
01:14:28,130 --> 01:14:32,718
Unang beses itong makikita namin ulit
ang mga Martens mula 2015.

1207
01:14:33,552 --> 01:14:36,430
Kaya... magiging napakahirap nito.

1208
01:14:37,848 --> 01:14:42,018
Kaya sila may paglilitis ulit
ay dahil sa interbiyu ko sa Dragonfly

1209
01:14:42,019 --> 01:14:44,563
na sinabi kong sinaktan ni Papa si Molly.

1210
01:14:45,189 --> 01:14:47,274
Lagi itong nasa isip ko.

1211
01:14:49,276 --> 01:14:51,694
Sana maitakda na agad
ang bagong paglilitis.

1212
01:14:51,695 --> 01:14:53,905
Higit isang taon na silang nakalaya.

1213
01:14:53,906 --> 01:14:57,408
Sa tingin ko, panahon nang

1214
01:14:57,409 --> 01:15:00,954
isara ang kabanatang 'to
at magkaroon na ng hustisya.

1215
01:15:02,039 --> 01:15:04,500
Gusto ko lang suportahan
si Papa at pamilya ko.

1216
01:15:18,722 --> 01:15:22,016
<i>Ang pamilya ni Jason Corbett,
ang Irish na natagpuang patay</i>

1217
01:15:22,017 --> 01:15:24,894
<i>sa bahay niya
sa North Carolina noong 2015,</i>

1218
01:15:24,895 --> 01:15:28,981
<i>ay umaasang ang petsa ng muling paglilitis
nina Molly at Tom Martens</i>

1219
01:15:28,982 --> 01:15:30,943
<i>ay maitakda sa pagdinig ngayon.</i>

1220
01:15:32,819 --> 01:15:36,532
Papasok sila sa korte.
Nakita ko sina Molly at Tom.

1221
01:15:37,533 --> 01:15:39,535
Nakayuko sila. Ayaw tumingin sa 'kin.

1222
01:15:41,411 --> 01:15:43,789
{\an8}Naisip ko, "Di na 'ko takot."

1223
01:15:45,207 --> 01:15:49,001
Hindi ako ang dapat matakot.
Wala akong ginawang mali.

1224
01:15:49,002 --> 01:15:50,629
Oo, nagsinungaling ako.

1225
01:15:52,339 --> 01:15:53,465
Pero edad walo 'ko.

1226
01:15:53,966 --> 01:15:58,428
Naniniwala akong
makakakuha ng hustisya ang papa ko.

1227
01:15:59,304 --> 01:16:01,847
<i>May kakapasok lang na balita.</i>

1228
01:16:01,848 --> 01:16:05,726
<i>May bagong paglilitis ang mga pumatay
sa negosyanteng Irish na si Jason Corbett</i>

1229
01:16:05,727 --> 01:16:07,896
<i>sa kasong pagpatay sa susunod na summer.</i>

1230
01:16:08,689 --> 01:16:09,897
<i>Umaasa ang pamilyang</i>

1231
01:16:09,898 --> 01:16:12,024
<i>magaganap ito bago ang Pasko.</i>

1232
01:16:12,025 --> 01:16:14,361
<i>Sa kasamaang-palad, di ito mangyayari.</i>

1233
01:16:15,362 --> 01:16:17,864
Ngayon, hintayan na lang talaga.

1234
01:16:21,326 --> 01:16:24,371
Nakaka-stress harapin
itong nakabinbin lang sa 'min.

1235
01:16:25,872 --> 01:16:28,416
Pero kung tetestigo ako, na sana maganap,

1236
01:16:28,417 --> 01:16:32,878
may kumpiyansa akong masasabi ko
ang tunay na naganap sa bahay

1237
01:16:32,879 --> 01:16:35,214
at sabihin sa mga tao at sa hurado

1238
01:16:35,215 --> 01:16:39,385
kung ano talaga si Molly,
at ang totoong bersiyon ng mga pangyayari.

1239
01:16:39,386 --> 01:16:42,806
Matagal akong naghintay
na sabihin lahat, at...

1240
01:16:43,807 --> 01:16:49,229
di ko maipaliwanag ang nangyari sa 'kin,
sa kapatid ko, at sa papa ko noon.

1241
01:16:54,776 --> 01:16:56,068
Sa labas ng bahay,

1242
01:16:56,069 --> 01:16:58,864
mukhang masaya lang
at maaliwalas ang bahay.

1243
01:17:00,699 --> 01:17:04,077
Pero sa loob, madilim at mabigat.

1244
01:17:07,831 --> 01:17:10,249
Mas lumala ang relasyon ko kay Molly

1245
01:17:10,250 --> 01:17:12,210
sa paglipat namin sa Amerika.

1246
01:17:14,296 --> 01:17:18,467
May litrato kami ni Sarah dati
ng tunay naming mama sa kuwarto.

1247
01:17:18,967 --> 01:17:21,637
Inalis at itinago ni Molly ang litrato.

1248
01:17:23,388 --> 01:17:27,975
Parang gusto ni Molly
na siya lang ang naging nanay,

1249
01:17:27,976 --> 01:17:29,895
na walang ibang nauna sa kanya.

1250
01:17:30,771 --> 01:17:34,775
Mas malapit ang relasyon ni Sarah
kay Molly kaysa sa akin.

1251
01:17:35,942 --> 01:17:37,653
Magkasama sila sa lahat.

1252
01:17:38,403 --> 01:17:40,906
Para siyang bidang bata.

1253
01:17:42,491 --> 01:17:44,117
Mas malapit ako kay Papa.

1254
01:17:46,370 --> 01:17:49,413
Tanda ko noong nagbiyahe siya
para sa trabaho,

1255
01:17:49,414 --> 01:17:51,500
sabi ko, "Babay, love you."

1256
01:17:52,125 --> 01:17:54,210
Hinabol ako ni Molly hanggang kuwarto.

1257
01:17:54,211 --> 01:17:58,422
Sinira niya ang kuwarto ko, kinalat lahat
ng damit, binaligtad ang kama,

1258
01:17:58,423 --> 01:17:59,883
tinumba ang tokador ko.

1259
01:18:04,012 --> 01:18:07,264
Kasama ko si Molly sa kotse
at tinanong ko siya,

1260
01:18:07,265 --> 01:18:11,519
"Pwede akong mag-tee-ball?
Coach si Papa, maisasama niya 'ko."

1261
01:18:11,520 --> 01:18:13,938
Sabi ni Molly, "Di mo ba 'ko mahal?

1262
01:18:13,939 --> 01:18:17,024
Wala ka bang paki sa 'kin?
Ayaw mo 'kong makasama.

1263
01:18:17,025 --> 01:18:19,236
Ba't gusto mong makasama ang papa mo?"

1264
01:18:19,820 --> 01:18:23,406
Ang sama sa pakiramdam
kasi akala ko, nasaktan ko siya.

1265
01:18:23,407 --> 01:18:25,950
Di ko man lang masabi ang mga ito kay Papa

1266
01:18:25,951 --> 01:18:29,704
kaya nahirapan akong malaman
kung ano ang tama at mali

1267
01:18:29,705 --> 01:18:33,500
kasi iisa lang ang kasama kong
bumubulong sa tenga ko.

1268
01:18:36,962 --> 01:18:39,923
Lagi kong ipinaglalabang mahalin niya 'ko.

1269
01:18:41,007 --> 01:18:43,217
Ginawa ko lahat ng kaya ko

1270
01:18:43,218 --> 01:18:47,222
para lang mapansin niya,
kahit hindi mahalin. At minahal ko siya.

1271
01:18:49,391 --> 01:18:51,059
Minahal namin siya ni Jack.

1272
01:18:52,144 --> 01:18:57,441
Pero parang pinagsasabong niya kami
para sa pagmamahal niya.

1273
01:18:58,233 --> 01:19:00,401
Tingin ko, kung umabot sa kasong

1274
01:19:00,402 --> 01:19:03,195
hinarap kami sa huwes sa edad na 13,

1275
01:19:03,196 --> 01:19:06,158
pipiliin ko lagi ang papa ko anumang araw.

1276
01:19:07,242 --> 01:19:09,578
Pero pipiliin ni Sarah si Molly.

1277
01:19:11,747 --> 01:19:14,374
Laging nilalayo ni Molly
si Sarah kay Papa.

1278
01:19:15,459 --> 01:19:16,460
Hindi siya...

1279
01:19:28,430 --> 01:19:31,183
Hindi sila nagkaroon
ng relasyong gusto niya.

1280
01:19:31,767 --> 01:19:35,061
Kasalanan 'yon ni Molly.
Sa opinyon ko, kasalanan ni Molly.

1281
01:19:45,947 --> 01:19:49,409
Habang pinaghahandaan namin
ang bagong paglilitis,

1282
01:19:50,076 --> 01:19:55,039
nalaman kong may ilang
malalapit na kaibigan si Molly

1283
01:19:55,040 --> 01:20:00,086
{\an8}na narinig ang galit ni Jason,

1284
01:20:01,046 --> 01:20:02,296
{\an8}binabalaan siya,

1285
01:20:02,297 --> 01:20:05,674
o saksi sa ugaling dominante ni Jason,

1286
01:20:05,675 --> 01:20:08,261
na sumusuporta
sa kuwento sa akin ni Molly.

1287
01:20:09,304 --> 01:20:11,139
Sabi ng isa sa mga babae,

1288
01:20:11,640 --> 01:20:15,936
"Sabi sa akin ni Molly,
sinakal siya dati ni Jason sa kuwarto."

1289
01:20:17,771 --> 01:20:20,982
At sabi niya, "Natakot si Molly

1290
01:20:22,984 --> 01:20:26,321
na sinakal ni Jason ang una niyang asawa,

1291
01:20:26,905 --> 01:20:30,616
at lalo siyang nag-aalalang
baka mangyari ito sa kanya."

1292
01:20:30,617 --> 01:20:32,953
At naisip ko, "Ano?"

1293
01:20:34,204 --> 01:20:35,831
Nandiyan ito noon pa,

1294
01:20:36,748 --> 01:20:38,582
mula sa unang interbiyu ng pulis.

1295
01:20:38,583 --> 01:20:43,004
Namatay ang una niyang asawa
sa di malamang kadahilanan.

1296
01:20:45,423 --> 01:20:48,134
Ang natuklasan, hinika raw.

1297
01:20:48,635 --> 01:20:49,885
Di ito basta lumabas.

1298
01:20:49,886 --> 01:20:53,181
Nag-alala si Tom
nang nakausap niya si Mikey Fitzpatrick.

1299
01:20:54,224 --> 01:20:57,102
INTERBIYU KAY TOM
20 ARAW PAGKAMATAY NI JASON

1300
01:20:57,727 --> 01:21:01,731
<i>Nandoon ang lolo't lola nila sa ina.
Nasa bahay namin.</i>

1301
01:21:02,232 --> 01:21:04,066
<i>May pagkakataong nakausap ko</i>

1302
01:21:04,067 --> 01:21:07,862
<i>ang ama ng namatay na unang asawa.</i>

1303
01:21:07,863 --> 01:21:09,865
<i>Siya si Mikey Fitzpatrick.</i>

1304
01:21:10,365 --> 01:21:14,369
<i>Hindi siya gaanong edukado.
Mahirap siyang maintindihan.</i>

1305
01:21:14,953 --> 01:21:19,207
<i>Makapal ang puntong Irish.
Tinanong ko ang opinyon niya kay Jason.</i>

1306
01:21:19,916 --> 01:21:23,044
<i>Sabi niya, "Tingin ko,
pinatay niya ang anak ko."</i>

1307
01:21:23,628 --> 01:21:25,546
<i>Ikinagulat ko 'yon.</i>

1308
01:21:25,547 --> 01:21:28,507
<i>Di ko alam kung galit lang siya</i>

1309
01:21:28,508 --> 01:21:33,305
<i>at naghahanap ng masisisi
sa pagkamatay ng anak niya,</i>

1310
01:21:34,264 --> 01:21:37,225
<i>o kung may basehan siya nito.</i>

1311
01:21:38,435 --> 01:21:39,853
Napakaseryoso niya.

1312
01:21:41,313 --> 01:21:43,063
Hindi siya nagbibiro.

1313
01:21:43,064 --> 01:21:47,860
{\an8}Walang nag-imbestiga sa pagkamatay ni Mags

1314
01:21:47,861 --> 01:21:50,529
{\an8}at sa mga kaganapang konektado rito.

1315
01:21:50,530 --> 01:21:53,658
Tinanggap ng lahat
ang resulta ng awtopsiya

1316
01:21:54,367 --> 01:21:56,912
hanggang nag-imbestiga si Doug.

1317
01:21:58,288 --> 01:22:01,875
Nakakuha ako ng kopya
ng opisyal na report ng awtopsiya

1318
01:22:02,876 --> 01:22:04,878
ng unang asawa ni Jason.

1319
01:22:06,963 --> 01:22:10,674
NAMATAY DAHIL SA ACUTE
CARDIORESPIRATORY ARREST

1320
01:22:10,675 --> 01:22:13,552
KASUNOD NG BRONCHOSPASM SA MGA MAY HIKA.

1321
01:22:13,553 --> 01:22:15,847
Pinakita ko sa medikal na eksperto.

1322
01:22:16,348 --> 01:22:19,935
Sabi niya, "Ang unang asawa ni Jason
ay di namatay sa hika.

1323
01:22:21,102 --> 01:22:23,312
Pinapakita sa akin ng ebidensiyang

1324
01:22:23,313 --> 01:22:26,775
namatay siya
dahil sa pinsala ng pananakal."

1325
01:22:28,777 --> 01:22:33,531
Nalaman naming nandoon sa gabing 'yon
ang kapatid ni Mags.

1326
01:22:35,533 --> 01:22:41,039
Sabi niya, "Paulit-ulit sinasabi ni Mags,
'Mamamatay ako.'"

1327
01:22:43,416 --> 01:22:47,044
Ito ang nangyayari
sa mga biktima ng pananakal

1328
01:22:47,045 --> 01:22:48,630
na naligtasan ito

1329
01:22:49,464 --> 01:22:51,800
pero ikinamatay din ang mga pinsala.

1330
01:22:54,636 --> 01:22:58,682
Pero ayon sa report
ng awtopsiya ni Mags Corbett,

1331
01:22:59,265 --> 01:23:02,518
walang nakitang marka sa leeg niya.

1332
01:23:02,519 --> 01:23:05,396
WALANG EBIDENSIYA NG PISIKAL NA MARKA

1333
01:23:05,397 --> 01:23:10,025
Sabi ng eksperto ko, "Hindi ikinamamatay
ang nasa labas ng leeg.

1334
01:23:10,026 --> 01:23:12,403
Ikinamamatay ang mga pinsalang di nakikita

1335
01:23:12,404 --> 01:23:13,947
sa loob ng leeg."

1336
01:23:14,447 --> 01:23:15,573
Importante ito.

1337
01:23:16,783 --> 01:23:20,077
Nagpepresenta ang estado

1338
01:23:20,078 --> 01:23:22,538
na baka di nasakal si Molly sa gabing 'yon

1339
01:23:22,539 --> 01:23:26,001
kasi walang makita sa labas ng leeg niya.

1340
01:23:26,710 --> 01:23:32,172
Sabi niya sa akin,
"Tingnan mo ang litrato ni Molly Corbett

1341
01:23:32,173 --> 01:23:36,803
na kinunan ng pulis
noong madaling araw sa labas ng bahay.

1342
01:23:38,847 --> 01:23:40,973
Nakikita mo ang pahabang marka

1343
01:23:40,974 --> 01:23:43,935
sa kaliwang bahagi
ng leeg sa baba ng tenga?"

1344
01:23:44,436 --> 01:23:46,271
Di ko napansin noon.

1345
01:23:46,813 --> 01:23:48,732
Sabi niya, "Diin ng kuko 'yan."

1346
01:23:49,733 --> 01:23:52,569
Nangyayari ito habang sinasakal

1347
01:23:53,069 --> 01:23:56,614
kapag ang alinman sa kuko ng salarin

1348
01:23:57,198 --> 01:23:59,117
ang napapadiin sa gilid ng leeg

1349
01:23:59,993 --> 01:24:04,122
o minsan
pilit inaalis ng biktima ang kamay.

1350
01:24:09,002 --> 01:24:10,335
At sabi niya sa akin,

1351
01:24:10,336 --> 01:24:14,174
"Nasuri mo ba ang padyama niya
noong gabing 'yon?"

1352
01:24:14,674 --> 01:24:16,801
"Hindi. Ano'ng hahanapin ko?"

1353
01:24:19,220 --> 01:24:22,098
"Kung nawalan ng malay ang biktima,

1354
01:24:23,683 --> 01:24:25,810
nawawalan sila ng kontrol sa pantog.

1355
01:24:26,436 --> 01:24:28,354
Pupusta ako,

1356
01:24:28,855 --> 01:24:31,607
makakahanap ka ng mantsa ng pag-ihi

1357
01:24:31,608 --> 01:24:33,777
sa pundiya ng padyama niya."

1358
01:24:36,613 --> 01:24:37,614
At ayan nga.

1359
01:24:39,741 --> 01:24:40,742
Naniniwala akong

1360
01:24:41,910 --> 01:24:46,288
ang tanging dahilan kung bakit
di pangalawang biktima si Molly

1361
01:24:46,289 --> 01:24:49,249
ay dahil ang 65 taong gulang niyang ama

1362
01:24:49,250 --> 01:24:51,961
ay naroon para makialam at pigilan ito.

1363
01:24:54,964 --> 01:24:59,469
Maraming ekspertong saksi
para sa estado at sa depensa.

1364
01:25:00,386 --> 01:25:03,431
Bawat ekspertong
tumingin sa awtopsiya ni Mags

1365
01:25:04,057 --> 01:25:07,227
ang sang-ayong hindi siya namatay sa hika.

1366
01:25:08,645 --> 01:25:13,107
Pero sabi ng mga eksperto namin,
hindi mo maiisip mula ro'n

1367
01:25:13,108 --> 01:25:15,819
na pinatay siya ni Jason o sinuman.

1368
01:25:16,402 --> 01:25:20,365
Iresponsableng kongklusyon ito
at di suportado ng ebidensiya.

1369
01:25:21,741 --> 01:25:25,536
Mahaba ang listahan
ng posibleng kondisyon sa kalusugang

1370
01:25:25,537 --> 01:25:29,374
pwedeng magmukhang hinika
ang isang hikain.

1371
01:25:31,209 --> 01:25:34,796
Gayunpaman, ang bintang
na sinakal siya ni Jason

1372
01:25:35,296 --> 01:25:38,257
ay testimonyang
ayaw naming maiharap sa hurado.

1373
01:25:38,258 --> 01:25:41,386
Baka pag narinig ito ng hurado,
di na sila makikinig pa.

1374
01:25:42,053 --> 01:25:43,303
{\an8}EDAD 17

1375
01:25:43,304 --> 01:25:46,265
{\an8}Kumbinsido sina Jack at Sarah

1376
01:25:46,266 --> 01:25:49,726
{\an8}na maaayos ng testimonya nila ang lahat.

1377
01:25:49,727 --> 01:25:50,686
{\an8}EDAD 19

1378
01:25:50,687 --> 01:25:53,356
{\an8}Pero kahit mahusay silang tumestigo

1379
01:25:54,107 --> 01:25:56,108
at madala nila ang parte ng kargahin

1380
01:25:56,109 --> 01:25:57,485
at higit pa,

1381
01:25:58,862 --> 01:26:00,530
pwede pa ring sumablay.

1382
01:26:02,782 --> 01:26:07,495
Kaya payag kaming
ikonsidera ang aregluhang negosasyon.

1383
01:26:17,589 --> 01:26:18,839
8 TAON PAGKAMATAY NI JASON

1384
01:26:18,840 --> 01:26:22,551
Sina Molly Corbett at Thomas Martens
ay humarap sa korte ng Davidson County

1385
01:26:22,552 --> 01:26:25,888
para makiusap ng pagbawas
sa kasong boluntaryong pagpatay.

1386
01:26:25,889 --> 01:26:30,184
{\an8}Tanggap ni Molly Corbett
ang kinasong boluntaryong pagpatay.

1387
01:26:30,185 --> 01:26:34,354
{\an8}Umamin si Thomas Martens na nagkasala
sa kasong boluntaryong pagpatay.

1388
01:26:34,355 --> 01:26:38,567
{\an8}Sabi rin nila, ang huwarang karera niya
sa FBI sa pagtataguyod ng batas

1389
01:26:38,568 --> 01:26:40,653
{\an8}ay dapat magpagaan ng sentensiya.

1390
01:26:41,988 --> 01:26:44,531
Ayoko ng pakikipag-areglo.

1391
01:26:44,532 --> 01:26:46,366
Handa akong humarap sa paglilitis.

1392
01:26:46,367 --> 01:26:49,913
Handa akong manaig ang katotohanan,
at handa akong lumaban.

1393
01:26:51,497 --> 01:26:54,875
Pero ang posibilidad
na matalo kami sa paglilitis

1394
01:26:54,876 --> 01:26:59,588
at makukulong ang tatay ko
sa natitirang buhay niya,

1395
01:26:59,589 --> 01:27:02,133
di ko kaya ang responsibilidad na 'yon.

1396
01:27:03,176 --> 01:27:05,552
Susuyurin ng team ng estado at depensa

1397
01:27:05,553 --> 01:27:08,931
{\an8}ang lahat ng ebidensiya
ng kasong pamilyar na rito

1398
01:27:08,932 --> 01:27:10,307
{\an8}at ipapakita sa huwes.

1399
01:27:10,308 --> 01:27:14,812
{\an8}At masasabi niya kung gaano dapat kahaba
ang mga sentensiya nila.

1400
01:27:15,813 --> 01:27:18,815
Nabaligtad ulit ang buong mundo ko.

1401
01:27:18,816 --> 01:27:22,027
Di ko na alam kung ilang beses
nitong huling walong taon.

1402
01:27:22,028 --> 01:27:27,074
Pwede silang makalaya pagkatapos nito
dahil sa panahong nakulong na sila.

1403
01:27:27,075 --> 01:27:28,993
Grabeng kawalan ng hustisya.

1404
01:27:29,869 --> 01:27:33,538
Di ito ang nararapat sa papa ko o sa akin.

1405
01:27:33,539 --> 01:27:35,541
Mali ito. Madaya.

1406
01:27:37,043 --> 01:27:40,295
Narinig ng korte ang testimonya
ng mga kaibigan at kapitbahay

1407
01:27:40,296 --> 01:27:44,049
ni Molly Martens Corbett
na nagsabing alam nila ang mga argumento,

1408
01:27:44,050 --> 01:27:46,635
pisikal na karahasan, at dominanteng ugali

1409
01:27:46,636 --> 01:27:48,179
sa relasyon ng mga Corbett.

1410
01:27:48,763 --> 01:27:52,182
<i>May mga tanong
sa pagkamatay ng dati niyang asawa,</i>

1411
01:27:52,183 --> 01:27:53,475
<i>si Margaret Corbett.</i>

1412
01:27:53,476 --> 01:27:56,186
May pathologist ang depensa
na nagsabing posibleng

1413
01:27:56,187 --> 01:27:57,772
may pumatay sa kanya.

1414
01:27:59,023 --> 01:28:00,942
Parang si Papa ang nililitis.

1415
01:28:01,442 --> 01:28:05,280
At ramdam kong
tutok sila sa karakter ni Papa.

1416
01:28:07,115 --> 01:28:11,493
Sabi ng mga abogado ni Molly,
may iisang pagkakapareho

1417
01:28:11,494 --> 01:28:14,788
sa pagkamatay
ng totoo kong mama at sa papa ko.

1418
01:28:14,789 --> 01:28:16,790
Pinapakain daw ako ng mama ko

1419
01:28:16,791 --> 01:28:19,502
kasi nagising akong umiiyak
sa gabing namatay siya.

1420
01:28:20,003 --> 01:28:24,090
At sa gabing namatay ang papa ko,
nagising ako at bumaba.

1421
01:28:25,925 --> 01:28:31,222
Ba't ako ang sinisising dahilan
ng pagkamatay ng mga magulang ko?

1422
01:28:37,020 --> 01:28:39,147
Doon ko napagtantong

1423
01:28:40,732 --> 01:28:43,400
kaso lang ito para sa depensa.

1424
01:28:43,401 --> 01:28:46,571
Di nila kilala si Papa,
at ayaw nilang kilalanin siya.

1425
01:28:47,530 --> 01:28:52,409
Masakit man sa kanilang
marinig itong balitang

1426
01:28:52,410 --> 01:28:55,370
hindi namatay sa hika si Mags,

1427
01:28:55,371 --> 01:28:59,083
ang kuwentong pinapaniwala sa kanila
sa buong buhay nila,

1428
01:29:00,293 --> 01:29:04,296
medyo umasa rin akong sana ay mabasag nito

1429
01:29:04,297 --> 01:29:07,174
ang... pag-brainwash sa kanila.

1430
01:29:07,175 --> 01:29:08,092
Pero...

1431
01:29:10,636 --> 01:29:13,055
'yon pa rin ang pinaniniwalaan nila.

1432
01:29:13,056 --> 01:29:15,224
Baka 'yon ang kailangan nilang paniwalaan.

1433
01:29:16,851 --> 01:29:17,685
Galit ako

1434
01:29:18,561 --> 01:29:20,897
kasi alam kong di pinatay ni Papa si Mama.

1435
01:29:25,902 --> 01:29:28,863
{\an8}Ang Tita Catherine ko
ay nasa bahay sa gabing 'yon.

1436
01:29:31,783 --> 01:29:35,078
Sana nga pinatestigo nila ako

1437
01:29:35,578 --> 01:29:39,415
kasi ako lang ang nandoon
sa gabing namatay si Mags.

1438
01:29:42,043 --> 01:29:44,378
Pasado alas-dos ng madaling-araw,

1439
01:29:44,379 --> 01:29:46,963
may kumatok sa pinto ng kuwarto, si Jason.

1440
01:29:46,964 --> 01:29:51,844
Sabi niya, "May sakit si Mags.
Malala ang hika niya."

1441
01:29:52,929 --> 01:29:55,348
Nasa kusina si Mags, hawak ang dibdib.

1442
01:29:56,099 --> 01:29:58,017
Hawak niya ang inhaler niya.

1443
01:29:59,852 --> 01:30:04,148
Pinanood ko si Jason
na gawin ang lahat para iligtas siya.

1444
01:30:04,857 --> 01:30:08,985
Sabi ni Tom Martens, nag-usap sila ni Mike

1445
01:30:08,986 --> 01:30:12,614
kung paano namatay si Mags
sa kamay ni Jason.

1446
01:30:12,615 --> 01:30:17,536
Nang narinig namin ito,
nagalit ang pamilya, lalo ang tatay ko.

1447
01:30:17,537 --> 01:30:20,164
Sabi niya, "Walang ganoong nangyari.

1448
01:30:21,874 --> 01:30:24,960
Hanggang sa araw na mamatay ako,
paano ako maniniwalang

1449
01:30:24,961 --> 01:30:26,712
pinatay ni Jason ang anak ko?"

1450
01:30:28,089 --> 01:30:31,926
Napakaganda ng relasyon nila.
Mapagmahal silang mag-asawa.

1451
01:30:32,427 --> 01:30:34,220
At mahal ni Michael si Jason.

1452
01:30:34,720 --> 01:30:35,888
Anak namin siya.

1453
01:30:37,890 --> 01:30:41,935
Nagpasya kaming gagawa ng pahayag
si Michael sa abogado.

1454
01:30:41,936 --> 01:30:44,521
Namatay ang tatay ko dahil sa kanser,

1455
01:30:44,522 --> 01:30:46,941
kaya magsasalita kami para sa kanya.

1456
01:30:48,276 --> 01:30:50,611
Pahayag ni Michael Fitzpatrick.

1457
01:30:52,071 --> 01:30:55,908
"Gusto kong maitalang isang beses ko lang
nakilala si Thomas Martens.

1458
01:30:56,409 --> 01:30:58,410
Masasabi ko ring

1459
01:30:58,411 --> 01:31:01,121
hindi namin napag-usapan
ang anak kong si Margaret,

1460
01:31:01,122 --> 01:31:03,331
at hindi ko sinabi kay Thomas Martens

1461
01:31:03,332 --> 01:31:05,625
na pinatay ni Jason
ang anak kong si Margaret.

1462
01:31:05,626 --> 01:31:09,672
Ang mga pahayag ni Thomas Martens
ay lubos at ganap na hindi totoo."

1463
01:31:13,968 --> 01:31:16,678
<i>Didinggin ng huwes
ang panghuling argumento</i>

1464
01:31:16,679 --> 01:31:18,763
<i>mula sa estado at depensa</i>

1465
01:31:18,764 --> 01:31:21,809
<i>na pwedeng humantong
sa pinal na desisyon sa pagsentensiya.</i>

1466
01:31:22,310 --> 01:31:26,146
Ang huling mangyayari
bago sabihin ng huwes ang sentensiya niya

1467
01:31:26,147 --> 01:31:29,858
ay magpapahayag ng epekto ang biktima
mula sa pamilya ni Jason,

1468
01:31:29,859 --> 01:31:33,154
at sina Jack at Sarah
ang pinakamahalagang magsasalita.

1469
01:31:39,785 --> 01:31:43,706
Isinulat ko ito di lang para sa papa ko
pero para sa sarili ko.

1470
01:31:47,710 --> 01:31:49,378
Ako ay 19 na taong gulang.

1471
01:31:49,879 --> 01:31:52,088
Matagal akong di nakapagsalita,

1472
01:31:52,089 --> 01:31:56,302
at kinailangan kong makinig
sa kasinungalingan sa loob ng walong taon,

1473
01:31:56,802 --> 01:31:59,222
at pagkakataon ko itong masabi ang totoo.

1474
01:32:01,933 --> 01:32:05,269
Matanda na 'ko, at matapang na 'ko ngayon.

1475
01:32:09,398 --> 01:32:11,691
Laging iba ang nagkukuwento para sa 'kin

1476
01:32:11,692 --> 01:32:15,780
kaya mahalaga sa aking
ako mismo ang magkukuwento ng kuwento ko.

1477
01:32:16,697 --> 01:32:19,491
Pakikinggan ko ang "Chicken Fried."

1478
01:32:19,492 --> 01:32:21,493
Oo ba. Patugtugin natin?

1479
01:32:21,494 --> 01:32:23,329
- Patugtugin natin?
- Sige.

1480
01:32:24,121 --> 01:32:25,915
Lagi naming pinapatugtog dati.

1481
01:32:29,043 --> 01:32:30,795
Parang katabi ko si Papa.

1482
01:33:32,648 --> 01:33:36,026
Tayo ang pinakamalakas,
magkasamang nagkakaisa.

1483
01:33:36,027 --> 01:33:37,527
- Tama.
- Di ba?

1484
01:33:37,528 --> 01:33:39,739
- Magkasama nating gagawin 'to.
- Tama.

1485
01:33:40,323 --> 01:33:43,825
- Iyo ang huling salita.
- Tingin kayo. Magiging maayos lahat.

1486
01:33:43,826 --> 01:33:48,913
Tapos na'ng iyakan. Oras na para magalit.
Sa loob, taas-noo, tuwid ang tindig.

1487
01:33:48,914 --> 01:33:51,499
- Lintik sila. Wala silang kuwenta.
- Tama.

1488
01:33:51,500 --> 01:33:53,918
Sige nga, Sarah. Ano'ng gagawin natin?

1489
01:33:53,919 --> 01:33:55,171
Gawin natin 'to!

1490
01:33:57,715 --> 01:33:58,966
Oo, sige.

1491
01:34:21,197 --> 01:34:23,698
{\an8}<i>Noong bata ako,
ipinagdarasal kong magising</i>

1492
01:34:23,699 --> 01:34:25,575
{\an8}<i>at sana masamang panaginip lang ito.</i>

1493
01:34:25,576 --> 01:34:26,993
{\an8}MGA PAHAYAG NG BIKTIMA

1494
01:34:26,994 --> 01:34:28,953
{\an8}<i>Naranasan ko ang kabataan, pagbibinata,</i>

1495
01:34:28,954 --> 01:34:32,040
{\an8}<i>at simula ng pagtandang
walang gumagabay na tatay.</i>

1496
01:34:32,041 --> 01:34:35,961
<i>Your Honor, wag kang papaloko
sa sibilisadong maskara ni Molly Martens.</i>

1497
01:34:36,462 --> 01:34:40,298
<i>Sistematiko ang pagyurak niya sa akin
at pagsubo ng kasinungalingan.</i>

1498
01:34:40,299 --> 01:34:44,553
<i>Lilinawin ko. Di ko nasaksihang
sinaktan ng papa ko si Molly Martens.</i>

1499
01:34:46,097 --> 01:34:47,473
<i>Sino ang biktima rito?</i>

1500
01:34:47,973 --> 01:34:50,475
<i>Pinalala ng mga Martens ang sakit ko</i>

1501
01:34:50,476 --> 01:34:53,604
<i>sa pagsulsol sa mundong
masamang tao ang tatay ko.</i>

1502
01:34:54,355 --> 01:34:58,150
<i>Di na maibabalik ang kinuha sa akin
nina Molly at Tom Martens.</i>

1503
01:34:59,318 --> 01:35:03,280
<i>Nakita ko ang madugong bakas ng kamay
ng papa ko sa pinto ng kuwarto niya.</i>

1504
01:35:04,699 --> 01:35:06,784
<i>Walang boluntaryo sa pagkamatay niya.</i>

1505
01:35:11,163 --> 01:35:14,333
<i>Hindi niya piniling iwan kami.
Kinuha siya sa amin.</i>

1506
01:35:15,251 --> 01:35:16,836
<i>Siya ang biktima.</i>

1507
01:35:21,799 --> 01:35:25,344
<i>Buti pumili siya ng mabubuting magulang
na gagabayan ako sa buhay.</i>

1508
01:35:25,845 --> 01:35:28,889
<i>Hindi naging madali,
pero napapadali kasi nandiyan sila.</i>

1509
01:35:30,641 --> 01:35:34,602
<i>Sa pagtira ko lang sa Ireland
kasama sina Tracey at David</i>

1510
01:35:34,603 --> 01:35:37,022
<i>nalaman ang tunay na kahulugan ng pamilya.</i>

1511
01:35:41,193 --> 01:35:44,446
Babalik sa kulungan
sina Molly Corbett at Thomas Martens

1512
01:35:44,447 --> 01:35:46,197
para sa pagkamatay ni Jason Corbett.

1513
01:35:46,198 --> 01:35:51,077
Ngayong hapon, hinatulan sila ng huwes
ng 51 hanggang 74 na buwan.

1514
01:35:51,078 --> 01:35:53,580
{\an8}Pag sinama ang panahon nila sa kulungan

1515
01:35:53,581 --> 01:35:57,000
{\an8}nang una silang napatunayang nagkasala
sa second-degree murder,

1516
01:35:57,001 --> 01:35:59,210
{\an8}aabot lang sa pito o walong buwan.

1517
01:35:59,211 --> 01:36:01,588
{\an8}Nilinaw ng huwes na nahirapan siyang

1518
01:36:01,589 --> 01:36:03,840
{\an8}hanapin ang katotohanan sa kasong ito.

1519
01:36:03,841 --> 01:36:06,342
Pero nilinaw niyang
di dapat sisihin ang mga bata.

1520
01:36:06,343 --> 01:36:07,678
Si Jack at Sarah 'yon.

1521
01:36:08,262 --> 01:36:11,848
Ginawa ni Molly ang lahat
sa pagpapalaki sa mga bata.

1522
01:36:11,849 --> 01:36:15,435
Napakahirap para sa kanyang marinig

1523
01:36:15,436 --> 01:36:19,648
ang sinabi nilang
nasaktan niya ang mga bata

1524
01:36:20,149 --> 01:36:22,025
na para sa akin ay di totoo.

1525
01:36:22,026 --> 01:36:26,654
Di ko inabuso sa anumang paraan,
emosyonal o pisikal, ang mga anak ko.

1526
01:36:26,655 --> 01:36:30,785
Naging kasangkapan ng kasamaan
ang mga bata.

1527
01:36:31,702 --> 01:36:34,370
Ginawa silang armas laban sa 'kin.

1528
01:36:34,371 --> 01:36:38,334
At... gusto nila 'kong saktan.
Nasaktan nga ako.

1529
01:36:40,211 --> 01:36:42,086
Alam kaya ng mga bata ang totoo?

1530
01:36:42,087 --> 01:36:45,173
Ewan. Natatandaan ba nila
ang mga panahon sa beach?

1531
01:36:45,174 --> 01:36:47,676
Natatandaan ba nilang
eskuwelang nanay si Molly?

1532
01:36:48,260 --> 01:36:50,470
Natatandaan ba nila ang mga luto niya?

1533
01:36:50,471 --> 01:36:52,931
Natatandaan ba nila
ang mga birthday party?

1534
01:36:52,932 --> 01:36:56,267
Natatandaan ba nilang
tinuruan silang lumangoy?

1535
01:36:56,268 --> 01:36:57,812
Paano nila matatandaan?

1536
01:36:59,730 --> 01:37:02,399
Paano mo matatandaan ito

1537
01:37:03,400 --> 01:37:05,569
at magagalit ka kay Molly?

1538
01:37:07,071 --> 01:37:11,909
{\an8}Sina Molly Corbett at Thomas Martens
ay malayang makakalabas sa kulungan.

1539
01:37:15,454 --> 01:37:19,707
Bawal akong sumubok
na kumontak sa mga bata.

1540
01:37:19,708 --> 01:37:21,334
Utos ng korte 'yon.

1541
01:37:21,335 --> 01:37:26,881
Pagdating sa nararamdaman ko
kung ituturing kong nanay nila 'ko,

1542
01:37:26,882 --> 01:37:29,425
masasaktan lang sila nito nang matindi.

1543
01:37:29,426 --> 01:37:32,303
Tingin ko, galit sila
sa inaakala nilang kung sino ako.

1544
01:37:32,304 --> 01:37:37,768
Tingin nila, demonyo akong nang-aabuso
at kahanga-hanga ang tatay nila.

1545
01:37:38,352 --> 01:37:40,645
Hindi na nila ako nanay ngayon.

1546
01:37:40,646 --> 01:37:45,817
Lagi ko bang maiisip
na naging nanay nila 'ko?

1547
01:37:45,818 --> 01:37:48,195
Oo. Naging nanay nila 'ko.

1548
01:37:48,696 --> 01:37:53,158
Nanay ako nina Jack at Sarah
na nabuhay sa ibang panahon.

1549
01:37:54,994 --> 01:37:56,619
Sarah, ilang taon ka na?

1550
01:37:56,620 --> 01:37:57,538
Two.

1551
01:37:58,038 --> 01:37:58,955
Magti-three.

1552
01:37:58,956 --> 01:38:00,791
- Oo.
- Ilang taon ka na?

1553
01:38:01,667 --> 01:38:03,293
- Magpa-five.
- Sigurado ka?

1554
01:38:03,294 --> 01:38:05,087
Totoong minahal ko si Molly.

1555
01:38:05,588 --> 01:38:09,842
Pero di dahil minahal ko si Molly
ay mabuti na siyang nanay.

1556
01:38:10,426 --> 01:38:12,595
- Sabihin mo, "Babay, camera."
- Babay, camera.

1557
01:38:14,638 --> 01:38:18,767
Wala akong nararamdaman para sa kanya.
Hindi ako... galit sa kanya.

1558
01:38:19,351 --> 01:38:22,479
Ayoko na siyang bigyan
ng kapangyarihang makontrol ako.

1559
01:38:26,150 --> 01:38:27,109
Salamat.

1560
01:38:31,989 --> 01:38:34,949
Naiintindihan ko ang sinasabi ng tao

1561
01:38:34,950 --> 01:38:37,410
na kasama niya
ang mga nagmahal sa papa niya,

1562
01:38:37,411 --> 01:38:41,205
pamilya at mga kaibigan ng papa niya,
sa loob ng walong taon.

1563
01:38:41,206 --> 01:38:43,417
Kaya gano'n ang mga sinabi niya.

1564
01:38:46,462 --> 01:38:51,008
Pero lagi akong nakakagawa
ng sarili kong desisyon at opinyon.

1565
01:38:53,636 --> 01:38:56,596
Bayani ko ang papa ko.
Hinahangaan ko siya.

1566
01:38:56,597 --> 01:38:57,806
Matalik kong kaibigan.

1567
01:38:58,807 --> 01:39:00,308
Ang guwapong bata.

1568
01:39:00,309 --> 01:39:01,309
{\an8}BOSES NI JASON

1569
01:39:01,310 --> 01:39:03,437
{\an8}Jack, flying kiss kay Papa.

1570
01:39:05,856 --> 01:39:08,067
Bait naman. Uy, isa pa.

1571
01:39:09,109 --> 01:39:10,819
Ano'ng gawa mo, Papa?

1572
01:39:11,528 --> 01:39:12,988
Kinuha si Sarah at Mama.

1573
01:39:13,739 --> 01:39:15,407
Uuwi sila sa bahay ni Jack.

1574
01:39:15,991 --> 01:39:18,577
Hi, Bubba! Halik kay Papa?

1575
01:39:19,703 --> 01:39:21,454
- Na-miss mo si Papa?
- Hi!

1576
01:39:21,455 --> 01:39:24,625
- Tingnan mo'ng bili ni Papa sa 'yo.
- Aba, may regalo ka?

1577
01:39:25,125 --> 01:39:28,212
Mahusay na tao ang papa ko.
Mabuti siyang tatay.

1578
01:39:29,421 --> 01:39:31,381
Pinakamasigasig ko siyang cheerleader.

1579
01:39:31,382 --> 01:39:32,549
Sige, Sarah!

1580
01:39:36,470 --> 01:39:41,058
Alam kong ayaw nina Papa at Mama
na paupo-upo akong nagagalit.

1581
01:39:42,434 --> 01:39:46,145
Kaya dapat magpatuloy lang
nang maipagmalaki nila 'ko

1582
01:39:46,146 --> 01:39:49,191
at mabuhay sa paraang
gusto nilang maging buhay mo.

1583
01:39:53,362 --> 01:39:55,614
Minahal kami ni Papa.

1584
01:39:56,615 --> 01:39:58,700
Kami ang mundo niya. Alam ko 'yon.

1585
01:39:58,701 --> 01:40:01,662
Ipinagmamalaki kong
anak ako ni Jason Corbett.

1586
01:40:50,836 --> 01:40:52,880
{\an8}Nagsalin ng Subtitle:
Libay Linsangan Cantor



