1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:06,041 --> 00:00:09,957
ANG ARCHIVAL FOOTAGE SA PELIKULANG ITO
AY NI-RESTORE AT NILAGYAN NG KULAY

3
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

4
00:00:09,958 --> 00:00:14,040
PINAGSAMA-SAMA ANG ILANG FOOTAGE
NG MGA PANGYAYARI

5
00:00:14,041 --> 00:00:17,125
PARA SA MAS MAGANDANG PANONOOD

6
00:00:28,208 --> 00:00:33,125
SINIMULAN NG ALEMANYANG NAZI
ANG MATINDING PAMBOBOMBA SA BRITANYA

7
00:00:36,333 --> 00:00:41,166
<i>Ang Inglatera na lamang ang natitirang
nakatindig na isla sa Europa.</i>

8
00:00:42,625 --> 00:00:47,500
<i>Kahit ano pa ang mangyari,
babagsak at babagsak ang Inglatera!</i>

9
00:00:52,416 --> 00:00:55,625
TUMAGAL NG 8 BUWAN ANG BLITZ

10
00:00:56,125 --> 00:00:59,208
ITO ANG KUWENTO
KUNG PAANO LUMABAN ANG MGA BRITON

11
00:01:01,541 --> 00:01:07,625
Nakakagulat na biglang maramdamang
napakalapit na ng mga kalaban.

12
00:01:08,250 --> 00:01:10,958
'Yong malamang
may gustong pumatay sa amin.

13
00:01:17,041 --> 00:01:18,958
Sumilong kaming lahat sa hagdan.

14
00:01:19,750 --> 00:01:22,125
Sabi ko, "Masisilaban ako nang buhay!"

15
00:01:28,791 --> 00:01:30,791
Puno ng buhay at sigla noon

16
00:01:31,875 --> 00:01:35,124
dahil di mo alam
kung hanggang kailan ka mabubuhay.

17
00:01:35,125 --> 00:01:37,708
Mahalaga ang bawat oras na magkasama kayo.

18
00:01:42,791 --> 00:01:48,332
Marahil ang huling pagpuksa
sa napakalupit na paghahari

19
00:01:48,333 --> 00:01:53,290
ang magbibigay-daan
sa mas malawakang pagkakaisa

20
00:01:53,291 --> 00:01:55,791
na higit pa sa ating inasam

21
00:01:56,958 --> 00:02:01,500
kung hindi natin
sama-samang sinuong ang apoy.

22
00:02:26,666 --> 00:02:28,290
<i>Kung kabubukas n'yo lang ng radyo,</i>

23
00:02:28,291 --> 00:02:31,333
<i>nasa digmaan na ang Gran Britanya
laban sa Alemanya.</i>

24
00:02:32,833 --> 00:02:35,415
<i>Madaling nasakop ng mga Aleman ang Paris
kaninang umaga</i>

25
00:02:35,416 --> 00:02:39,500
{\an8}<i>at nagsimula na
ang pagpapabagsak sa kalaban.</i>

26
00:02:45,625 --> 00:02:48,791
<i>Nagsisimula pa lang
ang pinakamahahalagang araw ng kasaysayan.</i>

27
00:02:50,916 --> 00:02:52,916
<i>Kapag nasakop ang Gran Britanya,</i>

28
00:02:53,416 --> 00:02:57,082
<i>alam ni Hitler na makukuha na niya
ang buong kontinente.</i>

29
00:02:57,083 --> 00:03:00,833
Isa, dalawa, tatlo, baba.
Isa, dalawa, tatlo, tingin sa kanan.

30
00:03:04,708 --> 00:03:07,332
Hindi namin alam
kung ano'ng pwedeng gawin ng mga babae,

31
00:03:07,333 --> 00:03:09,166
pero inaabangan namin 'yon.

32
00:03:27,208 --> 00:03:30,416
Lahat kami, nasa edad 18, 19, 20.

33
00:03:32,916 --> 00:03:34,499
Hindi ko maipaliwanag.

34
00:03:34,500 --> 00:03:39,250
Ibang-iba 'yon
sa lahat ng bagay na nagawa namin.

35
00:03:44,541 --> 00:03:48,332
Talagang nakakakaba
na makasama sa plotting

36
00:03:48,333 --> 00:03:50,875
dahil alam mo kung ano 'yong nangyayari.

37
00:03:54,458 --> 00:03:58,582
<i>Nakatutok ang buong mundo sa Inglatera
at sa mga mamamayan nito.</i>

38
00:03:58,583 --> 00:04:01,249
May palapit na kalaban sa timog-silangan.

39
00:04:01,250 --> 00:04:03,500
Nasa Sugar one five, zero feet.

40
00:04:04,375 --> 00:04:08,374
<i>Ang mga tauhan ng Royal Air Force
ang naatasan ng responsibilidad</i>

41
00:04:08,375 --> 00:04:12,041
<i>na ipagtanggol ang munting isla
mula sa mga Alemang Nazi.</i>

42
00:04:25,875 --> 00:04:28,166
<i>Malapit na. Nararamdaman ko.</i>

43
00:04:31,458 --> 00:04:32,833
<i>Maging alerto kayo.</i>

44
00:04:42,666 --> 00:04:47,540
Pakiramdam mo nando'n ka rin
tapos sinasabi mo, "Sige, tamaan mo!"

45
00:04:47,541 --> 00:04:48,833
<i>Sige na.</i>

46
00:04:52,250 --> 00:04:54,250
Matinding laban 'yon para sa 'yo.

47
00:04:55,250 --> 00:04:59,625
<i>Pabagsakin siya. Ayos, tinamaan niya.
Sapul na sapul. Napakahusay.</i>

48
00:05:03,875 --> 00:05:08,083
Ito 'yong nagpalapit
sa mga babae at mga lalaki.

49
00:05:11,708 --> 00:05:13,416
Napakaguguwapo nila.

50
00:05:14,750 --> 00:05:17,750
Marami ang namumuong pag-iibigan,

51
00:05:19,791 --> 00:05:23,666
pero hindi ko talaga inasahan
na makikilala ko si Mr. Pogi.

52
00:05:30,625 --> 00:05:32,582
<i>Kung lalaban ang islang ito,</i>

53
00:05:32,583 --> 00:05:36,041
<i>maaaring mapigilan nito
ang planong pananakop ni Hitler.</i>

54
00:05:41,291 --> 00:05:45,125
<i>Nagmamadali si Hitler.
Inaasahan na ang pagsalakay.</i>

55
00:05:52,958 --> 00:05:55,750
<i>Kapag nagbagsak
ang Hukbong Himpapawid ng Britanya</i>

56
00:05:56,250 --> 00:05:59,707
<i>ng 2,000, 3,000, o 4,000 kilo
ng mga bomba...</i>

57
00:05:59,708 --> 00:06:01,374
BOSES NI ADOLF HITLER

58
00:06:01,375 --> 00:06:06,290
<i>...magbabagsak tayo
ng 150,000, 180,000, 230,000,</i>

59
00:06:06,291 --> 00:06:08,333
<i>300,000 kilo, o higit pa, sa isang gabi.</i>

60
00:06:13,458 --> 00:06:17,000
<i>Buburahin natin ang mga lungsod nila.</i>

61
00:06:27,208 --> 00:06:30,375
<i>Buburahin natin ang mga lungsod nila.</i>

62
00:06:36,666 --> 00:06:41,000
<i>Nasa digmaan ang London, at pinatunog nito
ang una nitong sirena ng pag-atake.</i>

63
00:06:46,708 --> 00:06:47,790
<i>Nababahala ang Britanya</i>

64
00:06:47,791 --> 00:06:51,458
<i>dahil naghahanda na ang Alemanya
sa paglusob sa Inglatera.</i>

65
00:07:01,041 --> 00:07:03,582
ANG SINABI NI HITLER

66
00:07:03,583 --> 00:07:06,458
WANTED! SA PAGPATAY... PAGDUKOT...
PAGNANAKAW AT PANUNUNOG

67
00:07:11,291 --> 00:07:14,290
<i>Kaaanunsiyo lamang ng bansang ito</i>

68
00:07:14,291 --> 00:07:18,291
<i>na ipatutupad ngayong gabi
ang regulasyong blackout.</i>

69
00:07:42,833 --> 00:07:46,124
<i>Apat na raang libong mga bata
ang inilikas na palabas ng London,</i>

70
00:07:46,125 --> 00:07:48,416
<i>at marami pang ililikas bukas.</i>

71
00:07:50,125 --> 00:07:52,207
<i>Ito ang panahon ng paghihirap,</i>

72
00:07:52,208 --> 00:07:54,915
<i>lalo na ang paghihiwalay
ng mga magulang at mga anak.</i>

73
00:07:54,916 --> 00:07:58,000
<i>Ngunit mas mahalaga ang maging ligtas.</i>

74
00:08:07,583 --> 00:08:13,583
Bata pa 'ko no'n, at no'ng panahong 'yon,
hindi umiiyak ang malalaking bata.

75
00:08:16,833 --> 00:08:20,332
Sinabihan kami na wag na kaming magpaalam
sa mga magulang namin

76
00:08:20,333 --> 00:08:22,458
para sa huling yakap at halik.

77
00:08:35,250 --> 00:08:38,208
Tinitingala ko ang ate kong si Kitty.

78
00:08:40,916 --> 00:08:45,333
Mas panatag ako dahil nangako si Kitty
na aalagaan niya ako.

79
00:08:52,291 --> 00:08:54,500
Nagkaroon ng pangitain ang nanay ko.

80
00:08:57,833 --> 00:09:01,874
Sigurado siya
na kapag nanatili kami ni Kitty sa London,

81
00:09:01,875 --> 00:09:04,500
may masamang mangyayari sa 'min.

82
00:09:11,791 --> 00:09:15,500
Magbabakasyon lang kami.
'Yon ang sinabi sa 'min.

83
00:09:22,583 --> 00:09:26,000
'Yon ang naging wakas
ng isang kabanata ng buhay ko.

84
00:09:26,625 --> 00:09:28,625
Ang normal na pagkabata.

85
00:09:33,375 --> 00:09:36,208
Hindi namin alam kung ano ang mangyayari.

86
00:09:47,666 --> 00:09:50,583
Ang sinabi lang sa 'min,
may mangyayaring labanan.

87
00:09:54,166 --> 00:09:56,665
Pero di namin alam kung gaano katindi.

88
00:09:56,666 --> 00:09:59,833
BOSES NI EDITH HEAP

89
00:10:02,375 --> 00:10:03,666
Naka-duty ako no'n.

90
00:10:10,833 --> 00:10:14,041
May tally-ho noon, napakaingay.

91
00:10:18,000 --> 00:10:22,082
Nakita naming paparating
ang nasa 400 hanggang 1,000 mga German.

92
00:10:22,083 --> 00:10:24,915
May palapit na kalaban sa timog-silangan.

93
00:10:24,916 --> 00:10:27,666
Nasa Sugar one five, zero feet.

94
00:10:33,208 --> 00:10:37,791
Nakikita mo 'yon, at sa isip mo,
"Diyos ko, aatake sila sa London."

95
00:10:49,375 --> 00:10:52,625
ANG MGA PANTALAN
EAST END NG LONDON

96
00:11:14,708 --> 00:11:17,707
{\an8}Napakainit na September no'n.

97
00:11:17,708 --> 00:11:20,458
{\an8}TAGA-EAST END, 12 TAONG GULANG

98
00:11:23,333 --> 00:11:24,666
Tumingala ako.

99
00:11:29,166 --> 00:11:31,458
May nakita akong mga kumpol ng ulap,

100
00:11:32,083 --> 00:11:33,916
maliliit na bilog sa langit.

101
00:11:35,666 --> 00:11:37,791
Naisip ko, "Uy, ano 'yon?"

102
00:11:42,000 --> 00:11:46,291
Di kami natatakot no'ng panahong 'yon
dahil di naman namin alam ang nangyayari.

103
00:11:52,625 --> 00:11:56,125
Nakita ko 'yong mga bomba
na bumabagsak mula sa langit.

104
00:12:00,375 --> 00:12:01,541
Nakakabilib.

105
00:12:13,208 --> 00:12:15,332
Pumasok kami sa pasilyo
sa silong ng kabahayan

106
00:12:15,333 --> 00:12:19,333
dahil bigla kong napagtanto
'yong bigat ng mangyayari.

107
00:12:45,166 --> 00:12:51,291
UNANG ARAW NG BLITZ

108
00:12:57,125 --> 00:12:59,540
Magtungo sa mga control point.

109
00:12:59,541 --> 00:13:03,708
Isang daang pump mula sa E station
hanggang 60 station, umantabay.

110
00:13:12,666 --> 00:13:14,540
<i>Magandang gabi, ito ang London.</i>

111
00:13:14,541 --> 00:13:17,957
<i>Hanggang ngayon,
may malalaking sunog pa rin sa pantalan</i>

112
00:13:17,958 --> 00:13:20,541
<i>at sa mga lugar ng pagawaan sa silangan.</i>

113
00:13:25,041 --> 00:13:29,291
<i>Magdamag maririnig ang mga sirena
mula kanluran patungong silangan.</i>

114
00:13:36,666 --> 00:13:40,208
Unang beses kong nakita
ang tunay na itsura ng sunog.

115
00:13:47,291 --> 00:13:50,915
{\an8}'Yong matandang bombero,
tinulungan niya 'ko.

116
00:13:50,916 --> 00:13:54,124
{\an8}Sabi niya, "Ayos lang. Wag kang mag-alala.
Dito ka lang sa tabi ko."

117
00:13:54,125 --> 00:13:55,833
Kailangan namin ng tatlong hose.

118
00:14:01,375 --> 00:14:05,540
"Kumapit ka lang sa hose.
Kahit ano'ng mangyari, wag mong bibitawan.

119
00:14:05,541 --> 00:14:08,666
Kapag tinamaan ka n'yan,
pwede kang mamatay."

120
00:14:12,000 --> 00:14:13,583
Lumayo kayo sa ilalim!

121
00:14:15,750 --> 00:14:19,000
Sabi ng matandang bombero,
"Ayos ka lang, bata?"

122
00:14:20,625 --> 00:14:23,083
Matatakot ka. Takot na takot.

123
00:14:35,041 --> 00:14:38,040
<i>Nakatayo ako sa tuktok
ng napakataas na gusali</i>

124
00:14:38,041 --> 00:14:43,000
<i>kung saan nakikita ko
ang buong London sa paligid ko.</i>

125
00:14:43,541 --> 00:14:45,040
<i>Kung di lang sana kakila-kilabot,</i>

126
00:14:45,041 --> 00:14:48,374
<i>isa sana 'yon
sa pinakamagandang tanawing nakita ko.</i>

127
00:14:48,375 --> 00:14:51,291
<i>Ang buong tanawin ng lungsod
papuntang timog</i>

128
00:14:51,875 --> 00:14:53,833
<i>ay nagbabagang liwanag.</i>

129
00:14:54,791 --> 00:14:57,833
<i>Halos parang Araw ng Paghuhukom</i>

130
00:14:58,625 --> 00:15:01,750
<i>gaya ng inilarawan sa mga sinaunang libro.</i>

131
00:15:03,958 --> 00:15:05,791
<i>Ang Araw ng Paghuhukom.</i>

132
00:15:15,875 --> 00:15:19,375
{\an8}Tumitindi na ang digmaan.
Nagsimula na ang Blitz.

133
00:15:23,083 --> 00:15:26,750
Namumula ang kalangitan sa pantalan
na parang napakalaking paglubog ng araw.

134
00:15:33,041 --> 00:15:34,457
Pambihirang buhay!

135
00:15:34,458 --> 00:15:38,375
Sa bilis ng mga nangyayari, di mo alam
kung bobombahin ka ba o maliligawan ka.

136
00:15:40,208 --> 00:15:43,041
May nakilala akong
guwapong lalaki, si Rupert.

137
00:15:44,333 --> 00:15:46,666
Pinipilit niya 'kong ibigay
ang pagkabirhen ko.

138
00:15:53,750 --> 00:15:56,624
Ang totoo, mas gusto ko ng mga lalaking
may pagkasanggano.

139
00:15:56,625 --> 00:15:58,790
'Yong Diyos ang tingin sa sarili.

140
00:15:58,791 --> 00:16:00,374
KAPITBAHAY NI JOAN

141
00:16:00,375 --> 00:16:04,291
Panatag si Rupert
at tingin niya kontrolado niya ang mundo.

142
00:16:09,125 --> 00:16:11,666
Pakiramdam ko,
bawat oras ay maaaring huli ko na.

143
00:16:14,000 --> 00:16:16,000
At dahil buhay
ang kabaligtaran ng kamatayan,

144
00:16:17,916 --> 00:16:20,375
siguro bibigay na 'ko kay Rupert bukas.

145
00:16:39,583 --> 00:16:42,624
{\an8}Noong lumabas kami, naririnig namin
'yong lagablab ng mga apoy.

146
00:16:42,625 --> 00:16:46,499
{\an8}TAGA-EAST END, 12 TAONG GULANG

147
00:16:46,500 --> 00:16:49,541
{\an8}Naririnig namin 'yon sa malayo
mula sa pantalan.

148
00:16:55,916 --> 00:16:58,624
Sabi ni Papa
bago siya pumasok sa Air Force,

149
00:16:58,625 --> 00:17:00,458
"Siguruhin mong ligtas ang Mama mo."

150
00:17:05,166 --> 00:17:09,082
Sabi ko, "May itinalagang lugar, Ma,
'yong ARP shelter.

151
00:17:09,083 --> 00:17:10,500
Pumunta tayo ro'n."

152
00:17:14,291 --> 00:17:17,082
Pakiramdam ko ligtas na lugar 'yon.

153
00:17:17,083 --> 00:17:19,250
Walang mangyayari sa 'min do'n.

154
00:17:32,083 --> 00:17:33,250
Uminit sa lugar.

155
00:17:33,750 --> 00:17:35,166
Painit nang painit.

156
00:18:04,166 --> 00:18:07,750
Tinatawag ko 'yong nanay ko.
Sabi ko, "Nasaan kayo?"

157
00:18:10,125 --> 00:18:11,458
Walang sumagot.

158
00:18:14,666 --> 00:18:17,166
At napagtanto ko na may masamang nangyari.

159
00:18:17,833 --> 00:18:18,958
Binomba kami.

160
00:18:25,208 --> 00:18:27,874
IKALAWANG ARAW NG BLITZ

161
00:18:27,875 --> 00:18:32,707
<i>Ang pinakamatinding dagok ay tinamo
ng mga lugar ng manggagawa sa East End,</i>

162
00:18:32,708 --> 00:18:36,208
<i>kung saan binomba ang maliliit na bahay
hanggang magkapira-piraso.</i>

163
00:18:41,041 --> 00:18:44,540
<i>Ayon sa ulat,
nasa 400 ang nasawi at 1,400 ang sugatan</i>

164
00:18:44,541 --> 00:18:47,333
<i>sa pag-atake sa London
noong Sabado ng gabi</i>

165
00:19:33,208 --> 00:19:37,000
{\an8}Nasa bahay ako ng kapatid ko
kung saan tanaw ang Brick Lane,

166
00:19:37,875 --> 00:19:41,041
{\an8}tapos nagpunta si Churchill
sa kalye na 'yon.

167
00:19:44,375 --> 00:19:47,207
Bigla akong nakarinig
ng masasayang hiyawan, pangangantiyaw,

168
00:19:47,208 --> 00:19:50,916
at nando'n siya, itong taong 'to.

169
00:19:51,833 --> 00:19:53,375
Totoo pala siya.

170
00:19:58,416 --> 00:20:01,374
Isinusumpa sa bahay namin
ang pangalan ni Churchill

171
00:20:01,375 --> 00:20:02,833
hanggang dumating ang digmaan.

172
00:20:04,250 --> 00:20:06,875
Biglang naging malaanghel
ang pangalan niya.

173
00:20:14,666 --> 00:20:19,416
<i>Itong marahas, kasuklam-suklam,
at walang habas na pambobomba sa London</i>

174
00:20:20,291 --> 00:20:24,375
<i>ay malinaw na bahagi
ng planong pananakop ni Hitler.</i>

175
00:20:25,708 --> 00:20:29,000
<i>Hindi niya alam
na ang diwa ng bansang Britanya,</i>

176
00:20:29,750 --> 00:20:32,750
<i>o ang katatagan ng mga taga-London,</i>

177
00:20:33,708 --> 00:20:37,541
<i>ay pinahahalagahan ang kalayaan
higit pa sa kanilang buhay.</i>

178
00:20:43,708 --> 00:20:48,125
<i>Ito ang oras para magsama-sama
at magpakatatag ang lahat.</i>

179
00:20:49,416 --> 00:20:53,458
<i>Ang mga mamamayan ng London
ay nahaharap sa matinding pagsubok,</i>

180
00:20:54,125 --> 00:20:57,124
<i>at ang katapusan o ang kalubhaan nito</i>

181
00:20:57,125 --> 00:20:59,125
<i>ay hindi pa masasabi.</i>

182
00:21:05,250 --> 00:21:06,750
Dinala 'ko sa ospital.

183
00:21:10,541 --> 00:21:12,083
{\an8}Nahanap ako ng tatay ko.

184
00:21:16,708 --> 00:21:19,750
{\an8}Tinanong ko siya, "Nasaan si Mama?
Kumusta si Mama?"

185
00:21:21,708 --> 00:21:22,750
Tapos sabi niya,

186
00:21:23,583 --> 00:21:24,666
"Patay na siya."

187
00:21:28,125 --> 00:21:29,332
Sinaksak ako no'n.

188
00:21:29,333 --> 00:21:32,750
Totoong sakit at pagdadalamhati
ang naramdaman ko.

189
00:21:35,208 --> 00:21:38,916
Dinala ko si Mama sa shelter na 'yon
at napatay siya.

190
00:21:42,083 --> 00:21:46,583
Di ko nakalimutan 'yon.
Hangang ngayon. Di ko nakalimutan 'yon.

191
00:21:53,000 --> 00:21:55,833
<i>Ang Kamahalan, si Princess Elizabeth.</i>

192
00:21:57,458 --> 00:22:02,457
<i>Libo-libo sa inyo sa bansang ito
ang lumikas sa inyong mga tahanan</i>

193
00:22:02,458 --> 00:22:06,041
<i>at nahiwalay sa inyong mga ama at ina.</i>

194
00:22:09,708 --> 00:22:12,915
{\an8}<i>Para sa inyo na namumuhay sa bagong lugar,</i>

195
00:22:12,916 --> 00:22:15,750
{\an8}<i>ipinapahatid namin
ang lubos naming pakikiramay.</i>

196
00:22:16,250 --> 00:22:18,082
<i>At kasabay nito,</i>

197
00:22:18,083 --> 00:22:21,040
<i>nagpapasalamat kami sa mabubuting tao</i>

198
00:22:21,041 --> 00:22:24,500
<i>na tumanggap sa inyo
sa kanilang mga tahanan.</i>

199
00:22:25,250 --> 00:22:27,999
Maaari lamang na lumabas na sa tren.

200
00:22:28,000 --> 00:22:29,999
Pakibilisan.

201
00:22:30,000 --> 00:22:32,499
{\an8}May nagsabi na nasa Wales kami.

202
00:22:32,500 --> 00:22:33,749
{\an8}LUMIKAS SA LONDON, EDAD 5

203
00:22:33,750 --> 00:22:36,041
{\an8}Kakatwa magsalita ang mga tao do'n.

204
00:22:42,583 --> 00:22:45,208
Nagpunta sa isang direksiyon
'yong grupo ko.

205
00:22:45,708 --> 00:22:48,375
Sa kabilang direksiyon naman 'yong ate ko.

206
00:22:54,166 --> 00:22:58,374
Kinausap ng mga babaeng tagapangasiwa
ang mga mag-aampon

207
00:22:58,375 --> 00:23:01,416
na pumili ng mga bata
na gusto nilang kupkupin.

208
00:23:06,625 --> 00:23:09,000
Hanggang sa ako na lang ang natitira.

209
00:23:09,666 --> 00:23:11,666
Wala nang mga mag-aampon.

210
00:23:13,291 --> 00:23:15,083
Doon na ako nag-alala.

211
00:23:19,833 --> 00:23:22,375
Biglang may parating na mga yabag.

212
00:23:22,875 --> 00:23:26,958
Pumasok sa kuwarto 'yong babae
tapos sabi niya, "May aampunin pa ba?"

213
00:23:30,750 --> 00:23:33,165
Sabi niya, "Ayaw ko ng itsura niya,

214
00:23:33,166 --> 00:23:35,166
at babae ang gusto ko."

215
00:23:37,666 --> 00:23:39,666
Ginandahan ko 'yong ngiti ko.

216
00:23:41,708 --> 00:23:45,416
Tapos sinabi niya,
"Sige na nga, kukunin ko na siya."

217
00:23:47,625 --> 00:23:49,708
Kaya sumama ako do'n sa babae.

218
00:23:50,791 --> 00:23:52,791
Di ko alam kung nasaan si Kitty.

219
00:23:58,416 --> 00:24:02,624
May matinding sama ng loob
laban sa mga lumikas mula sa London

220
00:24:02,625 --> 00:24:05,582
ang karamihan sa mga tao
sa minahang bayan na 'to

221
00:24:05,583 --> 00:24:08,375
dahil nagwewelga ang mga minero noon.

222
00:24:12,083 --> 00:24:15,415
Matindi ang galit nila
sa pamahalaan ng London.

223
00:24:15,416 --> 00:24:18,875
Matindi rin ang galit nila
kay Winston Churchill.

224
00:24:21,666 --> 00:24:23,791
May tatlong bata akong naaalala.

225
00:24:25,208 --> 00:24:28,833
Tinutukso nila kami
at napapaaway kami sa kanila.

226
00:24:33,458 --> 00:24:35,790
Tapos sabi ng babaeng umampon sa 'kin,

227
00:24:35,791 --> 00:24:40,832
"Pumunta kayong mga taga-London dito
para umiwas sa digmaan

228
00:24:40,833 --> 00:24:42,958
tapos magsisimula naman kayo ng isa rito."

229
00:24:58,208 --> 00:25:02,666
Gusto naming puwersahang papuntahin
ang London sa isang air-raid shelter.

230
00:25:09,041 --> 00:25:14,291
{\an8}Sa London lang kami lumipad-lipad.

231
00:25:19,875 --> 00:25:22,500
Kada 20 minuto, pabugso-bugso.

232
00:25:25,333 --> 00:25:31,875
Naniwala kami
na 'yon ang magpapasuko sa England.

233
00:25:38,500 --> 00:25:41,041
<i>Ito ang Trafalgar Square.</i>

234
00:25:42,666 --> 00:25:47,208
<i>Ang ingay na naririnig n'yo ngayon
ay ang tunog ng sirena para sa pag-atake.</i>

235
00:26:03,791 --> 00:26:09,000
IKAANIM NA ARAW NG BLITZ

236
00:26:12,583 --> 00:26:15,040
<i>Sa Palasyo ng Buckingham,
nasaksihan ng Hari at Reyna</i>

237
00:26:15,041 --> 00:26:18,208
<i>ang malagim na ebidensiya
ng pagkakaligtas nila.</i>

238
00:26:19,750 --> 00:26:21,457
<i>Dahil sa naranasang pambobomba,</i>

239
00:26:21,458 --> 00:26:24,249
<i>nagbigay ng mensahe ng pakikiramay
ang Hari at Reyna</i>

240
00:26:24,250 --> 00:26:28,458
<i>sa kanilang mga nasasakupan
na biktima ng kalupitan ng mga Nazi.</i>

241
00:26:31,541 --> 00:26:33,833
Noong lumabas ang Hari at Reyna,

242
00:26:35,000 --> 00:26:39,416
{\an8}masaya ang mga tao, pero sabi ng iba,
"Bumalik na kayo sa Buckingham Palace.

243
00:26:39,916 --> 00:26:42,583
{\an8}Binomba 'ka mo kayo?
E, isang bomba lang 'yon.

244
00:26:43,291 --> 00:26:44,791
Libo-libo ang sa amin."

245
00:26:49,958 --> 00:26:53,791
Kulang ang mga ligtas na shelter
sa East End.

246
00:26:56,916 --> 00:26:59,291
Mukhang 'yong Underground
ang tamang lugar.

247
00:27:03,083 --> 00:27:06,458
Pero nagpasya ang pamahalaan
na di nila bubuksan ang Tube.

248
00:27:15,083 --> 00:27:19,708
{\an8}Kumilos kami para mabuksan ang mga Tube
para gawing mga shelter.

249
00:27:21,583 --> 00:27:25,000
'Yong The Savoy hotel ang puntirya namin.

250
00:27:31,750 --> 00:27:34,165
Ngayon, palalalain namin ang sitwasyon.

251
00:27:34,166 --> 00:27:37,458
Papasukin namin ang shelter
ng The Savoy hotel.

252
00:27:44,416 --> 00:27:47,541
Nasa 78 katao ang pumunta.

253
00:27:51,458 --> 00:27:55,374
Inookupa na namin ang isang lugar
na wala kaming karapatang okupahin.

254
00:27:55,375 --> 00:27:57,125
Tapos dumating 'yong mga pulis.

255
00:28:05,000 --> 00:28:08,375
Sabi ng inspector,
"Ano'ng balak n'yong gawin dito?"

256
00:28:08,958 --> 00:28:12,541
Sabi ko, "Di ito ang lugar na gusto namin.
Gusto naming mabuksan 'yong Tube."

257
00:28:13,958 --> 00:28:16,832
PINASOK NG MGA MANGGAGAWA ANG THE SAVOY

258
00:28:16,833 --> 00:28:21,666
HINAING NG GRUPO
IPINAGSIGAWAN SA MARANGYANG HOTEL

259
00:28:22,666 --> 00:28:23,999
<i>Inanunsiyo ng pamahalaan</i>

260
00:28:24,000 --> 00:28:26,958
<i>na di pahihintulutang gamitin
ang mga Tube para maging kublihan.</i>

261
00:28:28,208 --> 00:28:30,874
<i>Pero ang pinakamagandang nangyari
sa digmaang ito</i>

262
00:28:30,875 --> 00:28:35,083
<i>ay kung paano kumilos ang mga taga-London
at nilutas ang problema sa kublihan.</i>

263
00:28:39,625 --> 00:28:41,290
{\an8}May mga usap-usapan.

264
00:28:41,291 --> 00:28:43,375
{\an8}"Pumunta kayo sa Underground. Pwede ro'n."

265
00:28:44,041 --> 00:28:46,374
{\an8}TAGA-EAST END, 13 TAONG GULANG

266
00:28:46,375 --> 00:28:49,791
{\an8}Sarado ang lahat ng mga gate
at may mga sundalo ro'n.

267
00:28:53,916 --> 00:28:56,166
Parami nang parami 'yong mga tao.

268
00:28:59,625 --> 00:29:02,708
Kinakalampag 'yong mga gate.
"Papasukin n'yo kami!"

269
00:29:08,125 --> 00:29:10,333
Biglang may malakas na hiyawan.

270
00:29:12,250 --> 00:29:14,708
May isa sa pamahalaan ang nagbago ng isip.

271
00:29:16,625 --> 00:29:20,375
Sabi ng tatay ko,
"Malaking tagumpay 'to sa mga manggagawa!"

272
00:29:25,041 --> 00:29:28,208
At 'yon na ang simula
ng pamumuhay sa ilalim ng lupa.

273
00:29:42,458 --> 00:29:44,624
<i>Isang panibagong yugto
sa Labanan ng Britanya.</i>

274
00:29:44,625 --> 00:29:47,874
<i>Matapos ang ilang linggo,
naglunsad ang pwersang militar ng Alemanya</i>

275
00:29:47,875 --> 00:29:49,624
<i>ng malawakang atake sa mga pantalan.</i>

276
00:29:49,625 --> 00:29:51,790
<i>Daan-daang sasakyang panghimpapawid
ng mga Nazi</i>

277
00:29:51,791 --> 00:29:54,208
<i>ang nagliliparan
sa ibabaw ng English Channel.</i>

278
00:30:01,708 --> 00:30:05,707
<i>Ang islang ito
ang huling depensa sa Kanlurang Europa</i>

279
00:30:05,708 --> 00:30:08,000
<i>na humahadlang sa ambisyon ni Hitler.</i>

280
00:30:12,583 --> 00:30:15,125
<i>RAF ang pinakamahusay
na hukbong panghimpapawid sa mundo,</i>

281
00:30:15,958 --> 00:30:20,208
<i>pero nakalalamang pa rin ang Alemanya
sa bilang ng mga eroplano.</i>

282
00:30:27,875 --> 00:30:29,540
{\an8}Kailangan naming manalo,

283
00:30:29,541 --> 00:30:32,333
{\an8}at determinado kaming manalo
anuman ang mangyari.

284
00:30:33,708 --> 00:30:37,249
{\an8}Alam naming lumalaban kami
para sa mga buhay namin,

285
00:30:37,250 --> 00:30:39,250
{\an8}at hindi kami susuko.

286
00:30:42,750 --> 00:30:45,416
Nasa 100 kami, sa tantiya ko,

287
00:30:46,000 --> 00:30:49,625
at iginagalang kami ng mga lalaki.

288
00:30:50,333 --> 00:30:51,666
Tinanggap kami.

289
00:30:53,375 --> 00:30:55,582
Masaya 'yong pakiramdam namin

290
00:30:55,583 --> 00:30:58,750
dahil hinahayaan kaming gawin
'yong trabaho namin.

291
00:31:10,458 --> 00:31:14,416
Nagmamaneho ako ng traktora
noong una kong nakilala si Denis.

292
00:31:18,750 --> 00:31:22,416
Tapos binato niya ng buhangin
'yong makina, pinatigil niya.

293
00:31:23,583 --> 00:31:27,333
Pinaandar ko ulit sa kanya.
Sabi ko, "Pinitigil mo. Paandarin mo."

294
00:31:34,250 --> 00:31:35,500
Kaya pinaandar niya.

295
00:31:40,708 --> 00:31:43,832
Maganda 'yong katawan ni Denis, makisig.

296
00:31:43,833 --> 00:31:46,083
Guwapo rin naman siya.

297
00:31:50,541 --> 00:31:52,540
Hindi siya ngumingiti nang maayos

298
00:31:52,541 --> 00:31:55,874
dahil may dalawa siyang ngipin
na ikinahihiya niya,

299
00:31:55,875 --> 00:31:57,750
pero may paraan siya ng pagngiti.

300
00:31:58,958 --> 00:32:03,000
Napag-isip-isip niya
na gusto pala niya 'ko.

301
00:32:07,333 --> 00:32:11,041
Tapos sabi niya,
"Pupunta ka ba sa squadron dance?"

302
00:32:11,666 --> 00:32:12,750
Sabi ko, "Oo."

303
00:32:17,208 --> 00:32:21,541
Pagkatapos ng duty namin,
pumunta kami, at hinihintay niya 'ko.

304
00:32:31,333 --> 00:32:33,665
Napakasuwerte naming nagkakilala kami.

305
00:32:33,666 --> 00:32:36,666
Hindi siguro kami nagkakilala
kung walang digmaan.

306
00:32:41,083 --> 00:32:42,416
Nakakatawa siya.

307
00:32:43,041 --> 00:32:45,249
Napakalambing niya.

308
00:32:45,250 --> 00:32:47,166
Lagi kaming tumatawa noon.

309
00:32:50,291 --> 00:32:55,458
Tingin ko 'yon ang nagpalalim, nagpaganda,
at nagpatatag sa relasyon namin.

310
00:32:58,625 --> 00:33:00,999
Mahalaga ang bawat oras na magkasama kayo,

311
00:33:01,000 --> 00:33:04,958
dahil hindi mo alam
kung hanggang kailan kayo magsasama.

312
00:33:13,791 --> 00:33:17,124
<i>Halos mag-iisang buwan na
ang Labanan ng London,</i>

313
00:33:17,125 --> 00:33:19,083
<i>pero nakatindig pa rin ang London.</i>

314
00:33:19,583 --> 00:33:25,208
IKA-24 NA ARAW NG BLITZ

315
00:33:26,458 --> 00:33:29,500
<i>Sinusubok siya nang husto,
pero nananatili siyang matatag.</i>

316
00:33:33,833 --> 00:33:34,958
<i>Kakayanin namin.</i>

317
00:33:35,666 --> 00:33:38,624
<i>Kung iniisip niyang mananalo siya
sa pambobomba ng babae at bata,</i>

318
00:33:38,625 --> 00:33:40,125
<i>nagkakamali siya.</i>

319
00:33:41,875 --> 00:33:44,458
<i>Ito ang London.
Buhay na buhay kaming lahat.</i>

320
00:33:46,166 --> 00:33:47,625
<i>Paalam. Galingan n'yo.</i>

321
00:33:55,958 --> 00:33:59,832
Nangulila ako nang husto
sa pagkawala ni Rupert.

322
00:33:59,833 --> 00:34:02,125
Isang linggo ko na siyang di nakikita.

323
00:34:03,416 --> 00:34:04,874
Buong umaga ko siyang iniisip.

324
00:34:04,875 --> 00:34:07,791
Iniisip ko kung hanggang kailan
ko pa kakayanin na wala siya.

325
00:34:11,458 --> 00:34:13,749
Pauwi, may nakita akong
17 eroplano ng mga Aleman

326
00:34:13,750 --> 00:34:16,208
na pinatatamaan ng daan-daang bala.

327
00:34:18,500 --> 00:34:19,916
May narinig akong sigaw...

328
00:34:23,041 --> 00:34:24,707
NOBYO NI JOAN

329
00:34:24,708 --> 00:34:27,040
...at nando'n si R, pailag-ilag sa kalye,

330
00:34:27,041 --> 00:34:29,125
di alintana 'yong mga baril.

331
00:34:38,583 --> 00:34:40,999
Nakahanap kami ng napakagandang café,
ang Mountview.

332
00:34:41,000 --> 00:34:42,875
Nakasuot ng pulang coat ang banda do'n.

333
00:34:45,125 --> 00:34:47,874
May malalaking mosaic na poste
na kumikinang sa mga ilaw,

334
00:34:47,875 --> 00:34:50,458
at sa sobrang saya ko, halos malasing ako.

335
00:34:51,541 --> 00:34:54,166
Ang lakas at ang bilis ng lahat ng bagay.

336
00:34:58,750 --> 00:34:59,749
Napagod kami,

337
00:34:59,750 --> 00:35:03,041
at naglakad pabalik
sa gumuhong Shaftesbury Avenue.

338
00:35:06,125 --> 00:35:08,083
Mainit ang pagtatalik namin,

339
00:35:09,916 --> 00:35:12,333
at napuno ako ng kapayapaan at kasiyahan.

340
00:35:13,125 --> 00:35:15,874
Isa sa iilang natitirang bagay
na nagbibigay-kasiyahan

341
00:35:15,875 --> 00:35:17,500
sa malagim na buhay na 'to.

342
00:35:26,833 --> 00:35:30,333
<i>Kung inisip ng mga Aleman na masisira nila
ang moral ng mga taga-London,</i>

343
00:35:30,916 --> 00:35:32,541
<i>nabigo sila nang husto.</i>

344
00:35:39,750 --> 00:35:42,540
<i>Mukhang binago ng mga Aleman
ang paraan nila</i>

345
00:35:42,541 --> 00:35:44,666
<i>sa pag-atake sa Gran Britanya.</i>

346
00:35:45,791 --> 00:35:47,916
<i>Umaasa silang
mas matindi ang pinsala nito.</i>

347
00:35:56,333 --> 00:35:59,541
<i>Nagpahiwatig ang pinuno ng mga Aleman
na maaaring magtagal ang digmaan.</i>

348
00:36:03,666 --> 00:36:07,125
Alam naming lahat
na magiging mahirap ang misyong ito.

349
00:36:10,541 --> 00:36:13,790
{\an8}Araw-araw, ilan sa mga sundalo
ang hindi na nakakabalik.

350
00:36:13,791 --> 00:36:16,999
{\an8}PILOTO NG LUFTWAFFE, 20 TAONG GULANG

351
00:36:17,000 --> 00:36:18,583
{\an8}Nababahala ang lahat.

352
00:36:23,666 --> 00:36:27,750
Bago kami lumipad, iniisip ko,
"Makakabalik pa kaya kami nang ligtas?

353
00:36:29,791 --> 00:36:31,208
Mabubuhay ba 'ko?

354
00:36:33,208 --> 00:36:35,541
Makakauwi pa kaya ako?"

355
00:36:49,416 --> 00:36:52,583
<i>Ginamit ng Coventry ang kasaysayan nito
para sa Patimpalak ng Godiva.</i>

356
00:36:57,125 --> 00:36:59,249
<i>Naging sentro ng industriya ang Coventry</i>

357
00:36:59,250 --> 00:37:00,999
<i>dahil kay Kondesa Godiva</i>

358
00:37:01,000 --> 00:37:04,833
<i>na hinubad ang kanyang yaman
para sa kalayaan ng lungsod.</i>

359
00:37:10,250 --> 00:37:13,832
<i>Mula sa daan-daang pabrika
ng sinaunang lungsod na ito</i>

360
00:37:13,833 --> 00:37:16,583
<i>ginawa ang mga pinakabagong
makina sa mundo.</i>

361
00:37:19,958 --> 00:37:22,707
<i>Nangangailangan pa ng mga babae
sa mga pagawaan ng armas</i>

362
00:37:22,708 --> 00:37:24,582
<i>at sa mga tulong pangsuporta.</i>

363
00:37:24,583 --> 00:37:29,166
<i>Lalo na ang mga babaeng handang umalis
at pumunta saanman sila ipadala.</i>

364
00:37:36,791 --> 00:37:38,915
Masaya na makapunta sa ibang lugar

365
00:37:38,916 --> 00:37:40,790
at gumawa ng ibang bagay.

366
00:37:40,791 --> 00:37:45,083
<i>Coventry. Coventry. Nasa Coventry na.</i>

367
00:37:46,125 --> 00:37:48,833
Kahit na pinigilan ako ng tatay ko.

368
00:37:51,125 --> 00:37:54,082
Tatay ko ang may gusto na sama-sama kami,

369
00:37:54,083 --> 00:37:57,041
at ang tanging paraan para matuto
ay ang lumayo.

370
00:38:00,333 --> 00:38:02,041
Pero determinado ako.

371
00:38:02,541 --> 00:38:04,625
Aalis ako para tumulong sa digmaan.

372
00:38:08,958 --> 00:38:11,375
Dinala nila kami sa pabrika kinabukasan.

373
00:38:12,625 --> 00:38:14,374
Nakabisikleta ang lahat.

374
00:38:14,375 --> 00:38:17,708
Daan-daan, libo-libong nakabisikleta
papasok sa trabaho.

375
00:38:22,541 --> 00:38:24,375
Tumunog 'yong mga unang sirena.

376
00:38:28,791 --> 00:38:32,375
Sabi nila, "Nagdala kayo ng malas.
Ayaw namin kayo rito."

377
00:38:52,416 --> 00:38:55,041
Binabaril nila 'yong mga siklista.

378
00:38:57,958 --> 00:39:00,625
Sabi ko, "Ano'ng nangyayari
sa mga taong 'to?"

379
00:39:04,208 --> 00:39:06,583
Nakita kong nagbabagsakan 'yong mga tao.

380
00:39:33,958 --> 00:39:36,374
{\an8}Ginagawa lang namin ang tungkulin namin,

381
00:39:36,375 --> 00:39:40,083
{\an8}at walang may gustong manakit
ng mga ordinaryong tao.

382
00:39:53,750 --> 00:39:58,582
Itong estratehiya sa Coventry,
ang maghatid ng takot sa Britain,

383
00:39:58,583 --> 00:40:00,791
isa itong malaking kahangalan.

384
00:40:19,208 --> 00:40:21,875
Alam naming magiging malagim
ang pag-atake.

385
00:40:22,583 --> 00:40:24,540
{\an8}Sumilong kaming lahat sa hagdan.

386
00:40:24,541 --> 00:40:26,415
{\an8}MANGGAGAWA SA PABRIKA

387
00:40:26,416 --> 00:40:30,208
{\an8}'Yon daw ang pinakamagandang lugar,
ang pinakaligtas.

388
00:40:33,666 --> 00:40:36,416
Nang biglang nagdilim ang lahat, at...

389
00:40:38,125 --> 00:40:39,333
may mga apoy.

390
00:40:41,708 --> 00:40:45,040
Biglang nasunog ang mahabang buhok ko

391
00:40:45,041 --> 00:40:47,083
at nakakatakot 'yon.

392
00:40:51,708 --> 00:40:54,041
Sabi ko, "Masisilaban ako nang buhay."

393
00:41:00,000 --> 00:41:04,625
IKA-69 NA ARAW NG BLITZ

394
00:41:12,458 --> 00:41:15,624
Gusto kong ipaalala sa inyo
kung gaano kaimportante

395
00:41:15,625 --> 00:41:20,083
na mapakuluan ang lahat ng tubig
bago gamitin sa Coventry.

396
00:41:20,666 --> 00:41:22,499
Saanman nakuha ang tubig,

397
00:41:22,500 --> 00:41:25,833
siguraduhin n'yong pinakuluan ito
bago gamitin.

398
00:41:34,708 --> 00:41:38,375
Mukha kaming mga refugee
nang bumalik kami sa Edinburgh.

399
00:41:46,666 --> 00:41:48,500
Mukha akong miserable.

400
00:41:54,333 --> 00:41:58,333
At no'ng tumunog
'yong mga unang sirena pagkabalik ko,

401
00:42:00,166 --> 00:42:02,458
halos mahibang ako.

402
00:42:15,208 --> 00:42:19,041
{\an8}<i>Inatake ng mga eroplano ng Alemanya
ang Gran Britanya kagabi.</i>

403
00:42:21,291 --> 00:42:23,415
{\an8}<i>Ilang oras tumagal ang pag-atake</i>

404
00:42:23,416 --> 00:42:25,916
{\an8}<i>at isinagawa ito
sa maraming bahagi ng bansa.</i>

405
00:42:27,791 --> 00:42:30,125
<i>Binomba ang maraming lugar.</i>

406
00:42:31,416 --> 00:42:33,083
<i>Mga bayan sa timog.</i>

407
00:42:36,750 --> 00:42:39,750
MGA NASAWI

408
00:42:51,000 --> 00:42:52,416
<i>Sa kanluran ng Inglatera.</i>

409
00:42:59,291 --> 00:43:00,291
<i>Mga bayan sa gitna.</i>

410
00:43:06,541 --> 00:43:07,708
<i>Sa hilagang-kanluran.</i>

411
00:43:23,125 --> 00:43:25,541
<i>Naapula na ang lahat ng mga sunog.</i>

412
00:43:28,541 --> 00:43:30,124
<i>Ayon sa kanilang pwersang militar,</i>

413
00:43:30,125 --> 00:43:33,540
<i>ang pag-atake ng mga Aleman kahapon
ay nakatutok sa Liverpool</i>

414
00:43:33,541 --> 00:43:36,125
<i>para maparalisa ang pantalan nito.</i>

415
00:43:37,666 --> 00:43:40,874
<i>Pinuntirya ang Liverpool
ng daan-daang eroplano ng Alemanya</i>

416
00:43:40,875 --> 00:43:44,875
<i>at nagdulot ito ng mas malaking pinsala
kaysa sa Coventry.</i>

417
00:43:48,250 --> 00:43:52,291
Sinasabi sa 'min ni Churchill
kung gaano kami katapang.

418
00:43:55,916 --> 00:43:57,832
{\an8}Hindi kami susuko.

419
00:43:57,833 --> 00:44:00,749
{\an8}TAGA-LIVERPOOL, 17 TAONG GULANG

420
00:44:00,750 --> 00:44:04,040
{\an8}Ang mga taga-Liverpool,
pagkatapos ng pag-atakeng 'yon,

421
00:44:04,041 --> 00:44:06,250
agad na sanang susuko.

422
00:44:14,041 --> 00:44:17,666
Ayos lang para sa mga tao
na nasa kapangyarihan, di ba?

423
00:44:21,000 --> 00:44:25,291
Nakaupo lang naman sila
sa mga lungga nila na gawa sa bakal.

424
00:44:29,125 --> 00:44:33,165
Galit na galit ako
na kaya itong gawin sa 'min ng mga German,

425
00:44:33,166 --> 00:44:36,083
at wala kaming magawa.

426
00:44:38,875 --> 00:44:41,958
Mga tao lang kami
na naghihintay na mapatay.

427
00:44:48,208 --> 00:44:50,708
Ano ang opinyon mo
tungkol sa paghihiganti?

428
00:44:51,375 --> 00:44:53,707
Kung lalaki lang ako, pupunta 'ko ro'n.

429
00:44:53,708 --> 00:44:56,165
Ipaparanas ko sa kanila
'yong ginawa nila sa 'tin.

430
00:44:56,166 --> 00:44:57,707
Pagkatapos ng mga nangyari,

431
00:44:57,708 --> 00:45:01,000
paano kung umatake tayo sa Berlin
at gawin din ito sa kanila?

432
00:45:02,458 --> 00:45:03,915
Tama lang.

433
00:45:03,916 --> 00:45:07,249
Sana mas malala pa rito ang makuha
ng taong kasinglupit niya.

434
00:45:07,250 --> 00:45:09,832
Dapat po ba nating bombahin ang Berlin

435
00:45:09,833 --> 00:45:11,832
gaya ng ginagawa nila sa London?

436
00:45:11,833 --> 00:45:14,749
Opo. Bombahin natin
ng sampung beses na higit pa.

437
00:45:14,750 --> 00:45:16,624
Pasensiya na sa mga babae at bata ro'n,

438
00:45:16,625 --> 00:45:19,125
pero paano ang mga babae
at mga bata ng bansang ito?

439
00:45:21,541 --> 00:45:26,625
IKA-100 ARAW NG BLITZ

440
00:45:28,416 --> 00:45:31,458
{\an8}<i>Tiwala ako
na magtatagumpay tayo sa pagsupil</i>

441
00:45:32,250 --> 00:45:34,416
<i>sa napakatinding pag-atake na ito.</i>

442
00:45:37,291 --> 00:45:41,041
<i>Anuman ang mangyari,
lalaban tayong lahat hanggang sa huli.</i>

443
00:45:45,583 --> 00:45:47,915
<i>Ang mga bayan ng Mannheim at Ludwigshafen,</i>

444
00:45:47,916 --> 00:45:51,750
<i>ang pangalawang pinakamalaking daungan
sa Europa, ay lulusubin na.</i>

445
00:45:53,000 --> 00:45:56,750
<i>May mga pasikot-sikot na daungan ito,
mga gusali, at mga planta ng kemikal.</i>

446
00:46:22,875 --> 00:46:25,583
Kapag namumuhay ka
sa gitna ng kamatayan gaya no'n...

447
00:46:28,166 --> 00:46:32,333
{\an8}tingin ko hindi mo iniisip
na mangyayari 'yon sa 'yo.

448
00:46:37,541 --> 00:46:40,874
Pero malalaman mo, at malalaman nila,

449
00:46:40,875 --> 00:46:43,000
kung kailan tatama ang bala.

450
00:46:54,000 --> 00:46:56,833
At parang mararamdaman nila.

451
00:46:57,916 --> 00:47:01,416
At maiisip mo, "Naku,
hindi ka na makakauwi nito."

452
00:47:01,916 --> 00:47:03,458
At alam din nila 'yon.

453
00:47:17,875 --> 00:47:22,665
Sabi ni Denis, "Kapag nagbakasyon ako,
pwede ba kitang makasama?"

454
00:47:22,666 --> 00:47:25,166
Sabi ko, "Oo, kung gusto mo."

455
00:47:27,833 --> 00:47:30,541
Nagplano kami
at pumunta kami sa Cambridge.

456
00:47:33,916 --> 00:47:35,666
Masidhing pag-ibig 'yon.

457
00:47:38,916 --> 00:47:39,916
Isa 'yong...

458
00:47:41,750 --> 00:47:44,208
pambihirang pagmamahalan.

459
00:47:54,625 --> 00:47:57,916
Naghapunan kami
at nagkuwentuhan nang nagkuwentuhan.

460
00:48:03,625 --> 00:48:07,125
Tapos sabi niya,
"May gusto akong sabihin sa 'yo."

461
00:48:10,458 --> 00:48:11,874
Pumunta kami sa kuwarto ko.

462
00:48:11,875 --> 00:48:15,250
Huwag na huwag kang papasok sa kuwarto
na may kasamang lalaki.

463
00:48:25,750 --> 00:48:28,083
Kumuha siya ng bote ng champagne,

464
00:48:29,041 --> 00:48:30,250
tapos sinabi niya,

465
00:48:31,291 --> 00:48:32,541
"Pakakasal ka ba sa 'kin?"

466
00:48:33,375 --> 00:48:35,000
Sabi ko, "Oo."

467
00:48:38,916 --> 00:48:41,916
Tapos nahiga na kami
sa kanya-kanya naming kama.

468
00:48:42,458 --> 00:48:44,125
Malaking paggalang 'yon.

469
00:48:46,333 --> 00:48:47,499
Inaalala niya 'ko

470
00:48:47,500 --> 00:48:50,708
kaya hindi niya 'ko hahayaang
malagay sa alanganin.

471
00:48:55,166 --> 00:48:58,458
Pero sa kabilang banda,
parang nakumbinsi niya ako.

472
00:48:59,250 --> 00:49:03,665
Dahil kapag alam mo na maaaring
hindi na makakabalik ang isang tao,

473
00:49:03,666 --> 00:49:06,040
palalampasin mo ba ang pagkakataon?

474
00:49:06,041 --> 00:49:07,916
Dahil hindi na ulit darating 'yon.

475
00:49:30,958 --> 00:49:34,165
Araw ng Pasko sa taon ng Blitz.

476
00:49:34,166 --> 00:49:36,540
IKA-109 NA ARAW NG BLITZ

477
00:49:36,541 --> 00:49:38,791
Mga dahon ng holly at mga alambreng tinik.

478
00:49:39,833 --> 00:49:41,958
Mga baril at palamuti.

479
00:49:47,000 --> 00:49:49,207
<i>Ayon sa embahada ng Alemanya
sa Washington,</i>

480
00:49:49,208 --> 00:49:51,040
<i>inabisuhan ang pamahalaan ng Britanya</i>

481
00:49:51,041 --> 00:49:53,624
<i>na hindi bobombahin ng Alemanya
ang Inglatera bukas</i>

482
00:49:53,625 --> 00:49:57,708
<i>basta't hindi bobombahin ng Inglatera
ang mga teritoryo ng Alemanya.</i>

483
00:50:04,041 --> 00:50:06,165
<i>Ngayon hanggang sa susunod na Pasko,</i>

484
00:50:06,166 --> 00:50:09,875
<i>may 12 buwan
ng tumitinding pagod at sakripisyo.</i>

485
00:50:11,083 --> 00:50:13,332
<i>Sa di kalayuan,
sa mga kublihan sa ilalim ng lupa,</i>

486
00:50:13,333 --> 00:50:15,875
<i>nagdiriwang ang mga pamilya
ng Bisperas ng Pasko.</i>

487
00:50:26,708 --> 00:50:29,208
May nakita akong malaking sobre
sa lalagyan ng sulat.

488
00:50:31,458 --> 00:50:33,790
Binuksan ko 'yon
at tumambad ang bangungot.

489
00:50:33,791 --> 00:50:36,083
DIARY NI JOAN WYNDHAM
18 TAONG GULANG

490
00:50:36,583 --> 00:50:39,958
Kailangan ka para sa serbisyo-militar.
Sa Royal Navy.

491
00:50:44,958 --> 00:50:47,916
"Diyos ko," naisip ko,
"Mag-isa 'kong magpa-Pasko."

492
00:50:49,916 --> 00:50:52,791
Sana namatay na lang ako.
Gusto kong makasama si Rupert.

493
00:50:56,125 --> 00:51:00,041
Puno ang mga bar ng masasayang lasing
na kumakanta ng "Tipperary".

494
00:51:05,291 --> 00:51:07,916
Nagmukmok ako sa isang malamig na kuwarto,

495
00:51:08,416 --> 00:51:10,625
natulog sa matigas na kama.

496
00:51:13,125 --> 00:51:15,333
Parang Bisperas ng Pasko sa kulungan.

497
00:51:18,041 --> 00:51:20,999
<i>Tila nagpapatuloy
ang di deklaradong tigil-putukan</i>

498
00:51:21,000 --> 00:51:24,540
<i>na ipinagdiriwang sa mga bansa sa Europa
bilang pangalawang Pasko.</i>

499
00:51:24,541 --> 00:51:27,625
<i>Tila iginarahe muna ng magkabilang panig
ang kanilang mga eroplano.</i>

500
00:51:30,666 --> 00:51:36,291
IKA-113 ARAW NG BLITZ

501
00:51:37,000 --> 00:51:38,957
<i>Nakabantay sa Lungsod ng London</i>

502
00:51:38,958 --> 00:51:42,416
<i>ang St Paul's Cathedral
na minamahal ng lahat.</i>

503
00:51:45,000 --> 00:51:49,125
<i>Sa kasaysayan,
tatlong beses nang nasunog ang St Paul.</i>

504
00:51:52,166 --> 00:51:54,290
{\an8}Lugar ng pagsamba ang St Paul.

505
00:51:54,291 --> 00:51:56,207
{\an8}JUNIOR FIREMAN, 17 TAONG GULANG

506
00:51:56,208 --> 00:51:58,750
{\an8}Lugar 'yon ng tiwala.

507
00:51:59,458 --> 00:52:00,583
Naroon ang Diyos.

508
00:52:03,875 --> 00:52:06,333
Kung tinamaan ni Hitler ang St Paul,

509
00:52:06,833 --> 00:52:11,875
masisira niya ang moral ng mga taga-London
at ng buong bansa.

510
00:52:19,291 --> 00:52:24,291
{\an8}<i>Ang Inglatera na lamang ang natitirang
nakatindig na isla sa Europa.</i>

511
00:52:28,375 --> 00:52:30,333
<i>Darating ang oras</i>

512
00:52:30,833 --> 00:52:33,833
<i>na isa sa atin ang bibigay...</i>

513
00:52:36,166 --> 00:52:40,416
<i>at hindi iyon ang Alemanyang Nazi!</i>

514
00:52:52,416 --> 00:52:56,290
Isang matinding pambobomba
na naging sanhi ng sunog

515
00:52:56,291 --> 00:52:58,250
ang nangyari sa Lungsod.

516
00:53:03,125 --> 00:53:07,416
Kontrolado na ang paligid ng St Paul.

517
00:53:12,875 --> 00:53:13,832
Hawakan mo.

518
00:53:13,833 --> 00:53:16,083
- Hawakan mo.
- Lumayo kayo sa ilalim!

519
00:53:16,708 --> 00:53:17,916
Ipinatawag kami.

520
00:53:20,083 --> 00:53:24,082
{\an8}Mahigpit ang utos ni Churchill
sa mga fire chief.

521
00:53:24,083 --> 00:53:25,291
{\an8}Isalba ang St Paul.

522
00:53:29,583 --> 00:53:32,875
Pakiramdam niya na kung maisasalba 'yon,

523
00:53:33,583 --> 00:53:35,583
may kakapitan pa rin kaming pag-asa.

524
00:53:51,375 --> 00:53:54,125
Hindi 'yon basta apoy.
'Yon ay bagyo ng apoy.

525
00:54:00,750 --> 00:54:03,666
May mga bombang bumabagsak sa ere.

526
00:54:07,125 --> 00:54:10,958
Libo-libo ang ibinabagsak sa London.

527
00:54:18,833 --> 00:54:20,333
Sobrang tindi ng init,

528
00:54:23,083 --> 00:54:24,957
at kung umabot ito sa St Paul,

529
00:54:24,958 --> 00:54:28,166
guguho ang mismong dome nito.

530
00:54:38,708 --> 00:54:41,333
Tumama sa kapitolyo
ang bigat ng atake ng Nazi.

531
00:54:42,750 --> 00:54:46,125
Pinaliyab nila ang Lungsod,
kabilang ang anim na simbahan.

532
00:54:49,166 --> 00:54:50,874
Di tumigil ang mga eroplano,

533
00:54:50,875 --> 00:54:53,666
at nakakabingi ang tunog
ng mga makina nito.

534
00:54:56,458 --> 00:55:00,708
Nagliwanag ang kalye na parang tanghali,
at nawala ang mga bituin.

535
00:55:05,541 --> 00:55:07,666
<i>Mga larawang tila impiyerno sa lupa.</i>

536
00:55:09,125 --> 00:55:12,915
<i>Makikita ang mga larawan ng pag-atake
na hindi nakasentro sa layuning militar,</i>

537
00:55:12,916 --> 00:55:16,041
<i>kundi sa mga bagay
na ilang siglo nang minahal ng mga tao.</i>

538
00:55:17,041 --> 00:55:19,958
<i>Ang mga tanyag na gusali ng Guildhall.</i>

539
00:55:30,041 --> 00:55:32,666
Doon ko naramdamang lalaki nga ako.

540
00:55:33,625 --> 00:55:37,415
{\an8}Ginagawa namin ang trabaho
na kung saan nakataya ang buhay mo,

541
00:55:37,416 --> 00:55:39,166
o ang buhay ng kasama mo.

542
00:55:42,041 --> 00:55:46,333
Sabi ko sa sarili ko, "Pag-uwi ko,
ikukuwento ko 'to sa nanay ko."

543
00:55:52,833 --> 00:55:55,833
Kung maaapula namin ang sunog,

544
00:55:57,791 --> 00:56:01,416
hindi 'yon aabot sa St Paul.

545
00:56:18,958 --> 00:56:20,166
<i>Ito ang London.</i>

546
00:56:23,875 --> 00:56:25,041
<i>Napakatahimik dito.</i>

547
00:56:25,541 --> 00:56:27,458
<i>Halos ala-una na ng umaga.</i>

548
00:56:33,500 --> 00:56:35,540
<i>Naapula na ang pader ng apoy</i>

549
00:56:35,541 --> 00:56:39,375
<i>na nakapalibot sa malaking tatsulok
sa sentro ng kalakalan ng London.</i>

550
00:56:42,958 --> 00:56:44,916
<i>Pinanood ko 'yong mga sunog mula sa itaas.</i>

551
00:56:45,583 --> 00:56:49,499
<i>Di mahirap isipin ang hitsura ng London
300 taon na ang nakalipas</i>

552
00:56:49,500 --> 00:56:52,250
<i>noong maminsala
ang pinakamalaking sunog sa London.</i>

553
00:56:57,791 --> 00:56:58,874
<i>Sa kinalalagyan ko,</i>

554
00:56:58,875 --> 00:57:03,000
<i>may nagbato ng bomba mula sa bubong
gamit ang kamay na may guwantes.</i>

555
00:57:12,125 --> 00:57:15,583
Himala na hindi tinamaan
ng mga bombang 'yon ang St Paul.

556
00:57:17,500 --> 00:57:21,165
Sa isip ko, "Diyos ko,
sana may nagsasabi sa kanila na,

557
00:57:21,166 --> 00:57:23,000
'Wag n'yong gagalawin 'yan.'"

558
00:58:05,291 --> 00:58:06,833
<i>Napatunayan na</i>

559
00:58:07,333 --> 00:58:12,625
<i>na ang ganitong uri ng pananakot
sa pamamagitan ng pagpatay at terorismo...</i>

560
00:58:16,250 --> 00:58:20,374
<i>ay nabigong buwagin
ang katatagan ng mga Briton,</i>

561
00:58:20,375 --> 00:58:26,208
{\an8}<i>at sa halip ay mas pinatindi
at pinag-alab lamang ito</i>

562
00:58:26,833 --> 00:58:29,041
<i>nang higit pa!</i>

563
00:58:42,250 --> 00:58:44,999
<i>Paano ba natin mapasasalamatan ang RAF?</i>

564
00:58:45,000 --> 00:58:47,415
<i>Araw-araw, sumusuong sila
sa panganib ng labanan.</i>

565
00:58:47,416 --> 00:58:49,625
<i>Araw-araw, umuuwi silang matagumpay.</i>

566
00:58:51,625 --> 00:58:54,791
<i>Naghahanda ang Britanya na pigilan
ang matagal nang bantang pag-atake.</i>

567
00:58:59,583 --> 00:59:03,666
<i>Sumalakay ang 80 eroplano ng mga Nazi.
Hindi na nakabalik pa ang 25.</i>

568
00:59:09,500 --> 00:59:11,707
<i>Ito na marahil ang pagbabago
ng buong digmaan.</i>

569
00:59:11,708 --> 00:59:14,125
<i>Tinatalo ng husay ang dami ng bilang.</i>

570
00:59:21,666 --> 00:59:24,749
Hindi kami naniwala na matatalo kami,

571
00:59:24,750 --> 00:59:26,915
at 'yon ang pakiramdam ng lahat.

572
00:59:26,916 --> 00:59:28,750
Lalo sa istasyon.

573
00:59:31,458 --> 00:59:34,208
Para kaming mga inosente.

574
00:59:41,291 --> 00:59:43,707
Kami ni Denis, inaayos namin 'yong kasal

575
00:59:43,708 --> 00:59:46,125
dahil gusto naming maikasal na.

576
00:59:49,416 --> 00:59:51,333
{\an8}Gusto niyang maikasal na.

577
00:59:56,125 --> 00:59:58,125
Sinabi ng mga opisyal

578
00:59:58,625 --> 01:00:03,250
na ayaw nilang magpakasal 'yong mga piloto
dahil magiging maingat na sila.

579
01:00:06,583 --> 01:00:09,708
At di ka pwedeng maging maingat
pag fighter pilot ka.

580
01:00:10,833 --> 01:00:16,000
Kailangan mong sumugod nang buong tapang
nang walang inaalalang babae sa kampo.

581
01:00:25,541 --> 01:00:29,208
May malaking pag-atake no'ng umaga.
Naka-duty ako.

582
01:00:31,416 --> 01:00:34,875
Di ko na maalala kung gaano karami
'yong mga German, pero marami.

583
01:00:41,291 --> 01:00:42,540
Patuloy na makinig.

584
01:00:42,541 --> 01:00:47,415
May palapit na kalaban sa timog-silangan.
Nasa Sugar one five, zero feet.

585
01:00:47,416 --> 01:00:51,375
Area 243. Sa Hastings, Ashford, Dover.

586
01:00:51,875 --> 01:00:52,708
<i>Oo.</i>

587
01:00:53,791 --> 01:00:55,416
<i>Pinapuputukan na nila kami.</i>

588
01:00:55,958 --> 01:00:57,000
<i>Muntik na 'yon.</i>

589
01:00:57,500 --> 01:01:00,250
<i>- Parang tinamaan tayo.
- Oo.</i>

590
01:01:02,625 --> 01:01:04,957
Alamin n'yo 'yong bilis ng fighter 182.

591
01:01:04,958 --> 01:01:07,000
Alamin 'yong bilis ng 182.

592
01:01:07,500 --> 01:01:10,125
May SOS sa 207.

593
01:01:14,208 --> 01:01:17,625
May nagsabing, "May pabagsak na eroplano,

594
01:01:18,500 --> 01:01:20,333
at walang parachute."

595
01:01:27,000 --> 01:01:28,415
Umantabay.

596
01:01:28,416 --> 01:01:31,583
Napabagsak ang 8170 ng kalaban.

597
01:01:32,083 --> 01:01:36,375
Pinalitan ng 8171. Umantabay...

598
01:01:37,125 --> 01:01:38,625
Alam ko kung sino 'yon.

599
01:01:40,625 --> 01:01:41,708
Alam ko na.

600
01:01:43,208 --> 01:01:45,625
Wag mong itanong kung ba't alam ko,
basta alam ko.

601
01:01:48,208 --> 01:01:51,125
Sabi ng flight sergeant namin, "Edith..."

602
01:01:53,416 --> 01:01:54,583
Sorry.

603
01:01:56,291 --> 01:01:57,500
Sabi niya,

604
01:01:58,458 --> 01:01:59,833
"Nawawala si Denis."

605
01:02:00,333 --> 01:02:01,750
Sabi ko, "Oo, alam ko."

606
01:02:05,041 --> 01:02:06,916
At kung paano... Tumigil ka.

607
01:02:13,958 --> 01:02:17,207
20 TAONG GULANG

608
01:02:17,208 --> 01:02:18,875
Bumagsak siya sa dagat.

609
01:02:21,166 --> 01:02:22,666
Hindi na siya nakita,

610
01:02:24,500 --> 01:02:25,540
na siyang gusto niya.

611
01:02:25,541 --> 01:02:29,540
Lagi niyang sinasabi,
pag napabagsak siya at napatay,

612
01:02:29,541 --> 01:02:32,250
ayaw niyang magkaro'n ng military funeral.

613
01:02:35,750 --> 01:02:38,333
Sana naikasal kami. 'Yon ang hiling ko.

614
01:02:40,666 --> 01:02:45,666
Wala akong pakialam kung 24 oras lang
o dalawang araw o limang buwan.

615
01:02:48,333 --> 01:02:49,791
Pinagsisisihan ko 'yon.

616
01:03:01,416 --> 01:03:03,540
IKA-245 ARAW NG BLITZ

617
01:03:03,541 --> 01:03:06,832
<i>Ito ang ilan sa higit 60,000
na mga manonood</i>

618
01:03:06,833 --> 01:03:09,625
<i>para sa huling laban
ng Preston North End at Arsenal.</i>

619
01:03:11,291 --> 01:03:14,208
<i>Sabay na lumabas ang mga koponan,
nakaitim na shorts ang Preston.</i>

620
01:03:17,958 --> 01:03:21,207
<i>Usap-usapan ang pagdaraos
ng labang ito sa panahon ng digmaan.</i>

621
01:03:21,208 --> 01:03:24,540
<i>Pero binigyan nito ng pagkakataon
ang mga opisyal at iba pang manggagawa</i>

622
01:03:24,541 --> 01:03:26,958
<i>para mapahinga ang kanilang mga isipan.</i>

623
01:03:32,125 --> 01:03:33,666
<i>Umaatake ulit ang Preston.</i>

624
01:03:35,083 --> 01:03:36,250
<i>Nakapuntos sila.</i>

625
01:03:37,875 --> 01:03:40,166
<i>Pero nakatadhanang magtabla ang laro.</i>

626
01:03:41,416 --> 01:03:44,875
<i>Mahirap magdesisyon kung dapat bang idaos
ang ganitong pagdiriwang ngayon.</i>

627
01:03:51,416 --> 01:03:54,458
<i>May dilaw na buwan
sa Britanya ngayong gabi.</i>

628
01:03:56,416 --> 01:03:57,749
<i>Tumunog na ang mga sirena.</i>

629
01:03:57,750 --> 01:04:00,625
<i>Nasa papawirin na
ang nakakikilabot na ugong ng mga makina.</i>

630
01:04:01,166 --> 01:04:04,416
<i>Mukhang magiging
malaking pag-atake ito sa London.</i>

631
01:04:09,875 --> 01:04:13,916
<i>Dumako tayo sa kabisera ng Britanya
para sa ulat ni Edward R. Murrow.</i>

632
01:04:15,333 --> 01:04:18,165
<i>Paminsan-minsan, may masasayang kantahan</i>

633
01:04:18,166 --> 01:04:21,041
<i>o malamlam na boses na tumatawag ng taxi.</i>

634
01:04:22,125 --> 01:04:26,333
<i>Binisita ko ang ilang kublihan.
Halos kalahati lang ang laman.</i>

635
01:04:28,125 --> 01:04:31,958
<i>Sa unang tingin, makikita ang kasiyahan
at katapangan sa London.</i>

636
01:04:36,083 --> 01:04:40,083
Nagpasya 'ko na oras na para sumali.
Nakapasok ako bilang plotter.

637
01:04:42,500 --> 01:04:44,958
Bago kami umalis, pinagbakasyon kami.

638
01:04:45,458 --> 01:04:47,624
Sumulat si Rupert
na makakapunta siya sa London,

639
01:04:47,625 --> 01:04:49,875
pero pwede siyang pabalikin anumang oras.

640
01:04:55,333 --> 01:04:58,750
Siguro may makikilala akong bago,
isang piloto o kung sino man.

641
01:05:00,625 --> 01:05:03,500
Pero di ko siya magugustuhan
gaya ng pagkagusto ko kay Rupert.

642
01:05:07,333 --> 01:05:09,833
Idinaos ang kasiyahan
sa malawak na studio.

643
01:05:11,041 --> 01:05:14,916
Naririnig namin 'yong mga dagundong,
pero walang pumapansin.

644
01:05:17,583 --> 01:05:20,541
Nang biglang may napakatining na ingay.

645
01:05:21,166 --> 01:05:23,665
Nagkakagulo na siguro sa labas.

646
01:05:23,666 --> 01:05:25,708
Lasing na kami para mapansin 'yon.

647
01:05:37,166 --> 01:05:40,750
Kakaibang gabi 'yon.
Hindi takot 'yong mga tao.

648
01:05:45,541 --> 01:05:48,666
May nagtitinda ng diyaryo sa labas...

649
01:05:50,833 --> 01:05:52,583
habang nangyayari ang bombahan.

650
01:05:55,000 --> 01:05:57,416
Resulta ng Cup!

651
01:06:05,583 --> 01:06:08,625
May naglalakad na prostitute
galing sa Piccadilly.

652
01:06:09,916 --> 01:06:13,125
Kumakanta siya, at nakapayong siya.

653
01:06:14,541 --> 01:06:19,166
<i>I'm singing in the rain
I'm singing in the rain</i>

654
01:06:41,458 --> 01:06:46,249
<i>Walang tantiya sa bilang ng mga nasawi,
pero naglabas ng pahayag ang pamahalaan</i>

655
01:06:46,250 --> 01:06:49,208
<i>na nagsasabing
mataas ang bilang ng mga nasawi.</i>

656
01:06:54,416 --> 01:06:56,207
<i>Pumutok ang balita sa Europa</i>

657
01:06:56,208 --> 01:06:59,708
<i>na nagdeklara ng digmaan ang Alemanya
laban sa Russia.</i>

658
01:07:02,708 --> 01:07:06,958
<i>Nawalan na ng pag-asa si Adolf Hitler
sa mabilisang pagsakop sa Britanya.</i>

659
01:07:17,000 --> 01:07:19,666
<i>Walang aktibidad sa himpapawid
ang mga Aleman kagabi.</i>

660
01:07:20,166 --> 01:07:21,083
<i>Wala ngayon.</i>

661
01:07:21,583 --> 01:07:24,291
<i>Parang ang tagal na
mula no'ng narinig natin ang mga sirena.</i>

662
01:07:27,083 --> 01:07:29,707
<i>Bukas na ang mga sinehan
sa Leicester Square,</i>

663
01:07:29,708 --> 01:07:33,041
<i>ngunit tinitiyak pa rin
ang kaligtasan sa London.</i>

664
01:07:34,750 --> 01:07:36,790
<i>At kahit na napinsala,</i>

665
01:07:36,791 --> 01:07:39,875
<i>may ngiti pa rin sa mukha ng London.</i>

666
01:07:46,791 --> 01:07:48,374
{\an8}Humupa na ang pambobomba.

667
01:07:48,375 --> 01:07:49,874
{\an8}BOSES NI ERIC BRADY

668
01:07:49,875 --> 01:07:54,916
{\an8}Nagpasya 'yong nanay ko
na pauwiin na kami agad.

669
01:07:59,500 --> 01:08:01,875
Kaya buo na ulit 'yong pamilya.

670
01:08:07,000 --> 01:08:10,125
Kinaumagahan,
gusto kong maghanap ng shrapnel.

671
01:08:12,208 --> 01:08:14,291
Masaya ako na nakauwi na 'ko.

672
01:08:20,708 --> 01:08:23,000
Pumasok kami ni Kitty sa paaralan.

673
01:08:25,375 --> 01:08:27,583
Doon ako sa junior section...

674
01:08:29,666 --> 01:08:31,500
at sa senior naman siya.

675
01:08:34,250 --> 01:08:37,291
At para sa 'min,
normal na araw lang 'yon sa klase.

676
01:08:42,291 --> 01:08:45,499
Pumunta kami sa canteen,

677
01:08:45,500 --> 01:08:48,333
kumakain kami ng mga sandwich do'n.

678
01:08:51,666 --> 01:08:53,957
Nang bigla na lang,

679
01:08:53,958 --> 01:08:58,541
may dumadagundong
na mga makina ng eroplano sa itaas.

680
01:09:03,208 --> 01:09:06,166
Pinapunta kami ng guro sa ilalim ng mesa.

681
01:09:09,791 --> 01:09:14,875
Tanda kong dumating si Kitty
at tumatakbo palapit sa 'kin.

682
01:09:16,083 --> 01:09:17,708
Tapos sumabog 'yong bomba.

683
01:09:35,833 --> 01:09:37,582
FOOTAGE NG PAARALAN NI ERIC

684
01:09:37,583 --> 01:09:40,000
Nagkatotoo 'yong pangitain ng nanay ko.

685
01:09:40,666 --> 01:09:43,458
May nangyaring masama sa 'min ni Kitty.

686
01:09:49,666 --> 01:09:53,750
<i>Ang balita ay tungkol sa pag-atake
ng nag-iisang eroplano ng Alemanya</i>

687
01:09:56,333 --> 01:09:58,791
<i>Biglaang pagkasawi ang nangyari.</i>

688
01:09:59,708 --> 01:10:02,541
<i>Ni walang nagkaroon
ng pagkakataon para sumilong.</i>

689
01:10:05,708 --> 01:10:07,791
Tatlumpu't walong bata ang nasawi.

690
01:10:09,875 --> 01:10:11,374
At anim na guro.

691
01:10:11,375 --> 01:10:15,000
MAGTUNGO SA MUNISIPYO
PARA SA MGA TANONG UKOL SA MGA NASAWI

692
01:10:19,208 --> 01:10:20,750
Nahukay ako.

693
01:10:30,250 --> 01:10:32,583
Malubha ang natamo kong pinsala.

694
01:10:37,333 --> 01:10:40,250
Dinadalaw ako ng nanay ko sa ospital,

695
01:10:41,000 --> 01:10:44,250
at tinatanong ko lagi si Kitty.

696
01:10:54,708 --> 01:10:59,125
Pumunta si Kitty sa canteen,
tumatakbo siya palapit sa 'kin.

697
01:11:01,791 --> 01:11:03,625
Pinrotektahan ako ni Kitty.

698
01:11:04,750 --> 01:11:05,958
At namatay siya.

699
01:11:14,208 --> 01:11:17,500
Kung hindi dahil kay Kitty, patay na 'ko.

700
01:11:18,166 --> 01:11:20,083
Wala akong duda ro'n

701
01:11:20,583 --> 01:11:24,833
dahil anuman 'yong pumatay sa kanya,
ako sana ang napatay no'n.

702
01:11:26,583 --> 01:11:28,416
Kaya di ko makakalimutan 'yon.

703
01:11:40,375 --> 01:11:47,208
Sa maraming bagay, napakasuwerte ko
dahil nagawa ko ang napakaraming bagay.

704
01:11:49,208 --> 01:11:53,750
May nakilala akong magandang babae.
Pinakasalan siya. Nagkatatlong anak.

705
01:12:13,083 --> 01:12:16,041
{\an8}Nang matapos ang digmaan,
nasa ibang mundo na kami.

706
01:12:18,250 --> 01:12:22,291
Kinailangan naming magtulungan.
Kinailangan naming magkaisa.

707
01:12:33,333 --> 01:12:36,333
Walang mahirap at mayaman.

708
01:12:37,833 --> 01:12:41,000
{\an8}Naisip namin
na may ibang nararapat para sa 'min.

709
01:12:43,291 --> 01:12:44,625
Gumanda ang buhay.

710
01:12:48,083 --> 01:12:52,082
PUMASOK SI JOAN WYNDHAM SA WAAF
AT NAKIPAGHIWALAY KAY RUPERT

711
01:12:52,083 --> 01:12:55,750
MAKALIPAS ANG 40 TAON, INILATHALA NIYA
ANG MGA DIARY NIYA AT NAGING AUTHOR

712
01:12:57,541 --> 01:13:01,541
Minsan, nararamdaman ko 'yong kahalagahan
ng mga nangyayari sa mundo,

713
01:13:02,041 --> 01:13:04,708
pero kahit gano'n,
di ko pa rin maipaliwanag.

714
01:13:06,375 --> 01:13:09,291
Gustong wasakin ng kalahati ng mundo
ang isa pang kalahati nito.

715
01:13:10,125 --> 01:13:12,250
Lubos na nagbago ang lahat.

716
01:13:15,208 --> 01:13:17,958
Pero wala namang halos nagbago
sa nararamdmaan ko,

717
01:13:18,458 --> 01:13:20,083
mas masaya lang ako.

718
01:13:23,875 --> 01:13:28,707
NAGLINGKOD BILANG INTELLIGENCE OFFICER
SI EDITH HEAP SA PANAHON NG DIGMAAN

719
01:13:28,708 --> 01:13:33,958
NAKAPAG-ASAWA SIYA
AT NAGKAROON NG DALAWANG ANAK NA BABAE

720
01:13:36,208 --> 01:13:38,875
Wala pa yata akong nakita
na gano'ng kadeterminado.

721
01:13:40,791 --> 01:13:45,624
Pinoprotektahan namin
'yong kabuhayan namin, 'yong bansa namin,

722
01:13:45,625 --> 01:13:47,541
lahat ng taumbayan, lahat.

723
01:13:48,291 --> 01:13:52,541
Kasama na 'yong mga sibilyan.
Lalaban kami hanggang sa dulo.

724
01:13:56,041 --> 01:14:00,040
<i>Ang huling pagpuksa
sa napakalupit na paghahari</i>

725
01:14:00,041 --> 01:14:05,124
<i>ang magbibigay-daan
sa mas malawakang pagkakaisa</i>

726
01:14:05,125 --> 01:14:07,291
<i>na higit pa sa ating inasam</i>

727
01:14:08,750 --> 01:14:12,916
<i>kung hindi natin
sama-samang sinuong ang apoy.</i>

728
01:16:03,416 --> 01:16:08,416
Nagsalin ng Subtitle: Jayran Kempiz

729
01:16:17,041 --> 01:16:18,707
ANG MGA TESTIMONYA SA PELIKULANG ITO

730
01:16:18,708 --> 01:16:21,040
AY MULA SA MGA NAKALIGTAS SA BLITZ
MULA 1939-1943

731
01:16:21,041 --> 01:16:23,124
ISINALAYSAY GAMIT ANG BOSES NG MGA AKTOR

732
01:16:23,125 --> 01:16:25,000
UPANG MAGING MAS MALINAW

733
01:16:26,208 --> 01:16:29,165
GINAWA ANG PELIKULANG ITO
GAMIT ANG MGA PINAGSAMA-SAMANG FOOTAGE

734
01:16:29,166 --> 01:16:32,625
MULA SA AKTUWAL NA MGA DOKUMENTARYO
HANGGANG SA PAGSASADULA NG PAMAHALAAN



