1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:09,541 --> 00:00:12,041
<i>Isa sa malalaking pangalan
sa kasaysayan ng football.</i>

4
00:00:12,125 --> 00:00:15,125
<i>Si Lefter Küçükandonyadis
na tinaguriang Ordinarius,</i>

5
00:00:15,208 --> 00:00:16,583
<i>uuwi na ngayong araw.</i>

6
00:00:23,250 --> 00:00:26,041
<i>Nagbabalik si Ordinarius sa bansa
at sa Fenerbahçe team</i>

7
00:00:26,125 --> 00:00:28,458
<i>matapos ang dalawang matagumpay na taon</i>

8
00:00:28,541 --> 00:00:33,125
<i>sa mga football club
na Fiorentina sa Italy at Nice sa France.</i>

9
00:00:34,250 --> 00:00:35,791
{\an8}FENERBAHÇE SPORTS CLUB
1907

10
00:00:35,875 --> 00:00:38,291
{\an8}- Maligayang pagdating.
- Salamat.

11
00:00:38,375 --> 00:00:41,500
{\an8}Lefter, totoo bang tumanggi ka sa Madrid
para sa Fenerbahçe?

12
00:00:41,583 --> 00:00:44,750
A, huwag siguro gano'n.
Nagpasalamat lang ako sa alok nila.

13
00:00:44,833 --> 00:00:48,208
Bakit tumanggi ka sa ganoong alok?
Para ba sa Fenerbahçe?

14
00:00:48,291 --> 00:00:50,125
Kasi Madrid na iyon.

15
00:00:50,208 --> 00:00:53,375
Para iyon sa bansa ko
at para sa Fenerbahçe

16
00:00:53,458 --> 00:00:55,000
na pareho kong pinanabikan.

17
00:00:55,083 --> 00:00:59,916
Mula ngayon hanggang sa dulo,
mananatili ako sa Fenerbahçe.

18
00:01:00,000 --> 00:01:03,541
- Bravo, Lefter!
- Bravo!

19
00:01:03,625 --> 00:01:06,500
- Lefter, pwedeng isa pang litrato?
- Oo naman.

20
00:01:06,583 --> 00:01:08,708
- Bravo, Lefter!
- Bravo!

21
00:01:12,833 --> 00:01:15,208
- Lefter, huling tanong.
- Lefter, dito!

22
00:01:15,291 --> 00:01:17,666
- Lefter, isa pang tanong!
- Lefter!

23
00:01:17,750 --> 00:01:18,750
Isa pang litrato!

24
00:01:18,833 --> 00:01:21,375
- Lefter, tumingin ka rito!
- Lefter, dito!

25
00:01:21,458 --> 00:01:23,583
- Isa pang litrato!
- Lefter!

26
00:01:25,250 --> 00:01:31,541
LEFTER
THE STORY OF THE ORDINARIUS

27
00:01:36,833 --> 00:01:38,375
Si Lefter!

28
00:01:39,333 --> 00:01:41,125
- Uy, Lefter!
- Maligayang pagdating.

29
00:01:42,375 --> 00:01:43,875
Puwedeng magpa-autograph?

30
00:01:43,958 --> 00:01:46,708
Kumusta, mga binibini? Oo naman.

31
00:01:46,791 --> 00:01:49,333
- Maraming salamat.
- Napakaguwapo niya.

32
00:01:49,416 --> 00:01:51,208
- Maraming salamat.
- Hayan.

33
00:01:51,291 --> 00:01:53,291
Hayan. Kaninong panulat ito?

34
00:01:53,791 --> 00:01:56,083
- Magandang araw.
- Maraming salamat.

35
00:01:56,166 --> 00:01:57,333
Salamat.

36
00:01:57,416 --> 00:01:59,375
- Maligayang pagdating.
- Hello.

37
00:01:59,458 --> 00:02:02,375
- Uy, Lefter!
- Lefter! Hello, Lefter.

38
00:02:02,458 --> 00:02:04,750
Bakit pinapunta mo ako?
Marami akong trabaho.

39
00:02:04,833 --> 00:02:07,208
Pagkatapos na lang sana ng trabaho mo.

40
00:02:07,291 --> 00:02:10,791
Gusto kong makilala nila ang kaibigan ko.
Masama ba iyon?

41
00:02:10,875 --> 00:02:14,375
Pagkatapos ng panayam,
dadalhin kita sa magandang lugar.

42
00:02:14,458 --> 00:02:16,041
- Gusto ko iyan.
- Sige.

43
00:02:16,125 --> 00:02:18,083
May mga pag-uusapan din tayo.

44
00:02:18,583 --> 00:02:21,541
- Gaya ng ano?
- Gaya ng itinatago mo sa akin.

45
00:02:21,625 --> 00:02:24,041
- Uy, Lefter.
- Uy, Halit.

46
00:02:24,125 --> 00:02:25,083
Maligayang pagdating.

47
00:02:25,166 --> 00:02:27,583
Salamat. Matalik kong kaibigan, si Hasan.

48
00:02:27,666 --> 00:02:29,458
- Hello. Halit Kıvanç.
- Kumusta?

49
00:02:40,166 --> 00:02:43,041
Sige, Lefter. Handa na kami para sa iyo.

50
00:02:43,125 --> 00:02:44,666
Buhay ko ang football.

51
00:02:45,166 --> 00:02:47,833
Katabi ko ang bola sa pagtulog
noong bata ako.

52
00:02:47,916 --> 00:02:53,291
Lagi akong napapagalitan ng aking ina.
"Ikaw ang pinakasalbaheng bata sa lahat!"

53
00:02:53,375 --> 00:02:56,750
Sabi naman ng tatay ko,
hindi bola ang habol ng totoong lalaki.

54
00:02:56,833 --> 00:02:59,666
Ayaw niyang maglaro ako ng bola.

55
00:03:00,166 --> 00:03:03,375
Lefteri <i>mou</i>, hindi naman ako galit.

56
00:03:03,958 --> 00:03:06,958
Tumawag ang guro mo.
May sinabi siyang interesante.

57
00:03:07,041 --> 00:03:09,875
Mahusay ka raw sa matematika.

58
00:03:10,458 --> 00:03:14,291
Nalulutas mo lahat ng problema,
pero hindi gamit ang itinuro niya.

59
00:03:14,375 --> 00:03:16,750
Kung sa iba raw, iisipin na nandaya ka.

60
00:03:17,375 --> 00:03:19,083
Pero ginawa ko ang turo niya.

61
00:03:19,166 --> 00:03:22,375
Noong kaedad mo ako, sabi ng tatay ko,
magiging mangingisda ako.

62
00:03:22,458 --> 00:03:24,416
Alam mo naman noon.

63
00:03:24,500 --> 00:03:27,875
Walang paaralan, walang pagpipilian.
Wala akong ibang landas.

64
00:03:27,958 --> 00:03:30,583
Ikaw, meron.
Napagpasiyahan na iyon ngayon.

65
00:03:30,666 --> 00:03:33,375
Pero pinapayagan mo si Kuya, Tatay.

66
00:03:33,958 --> 00:03:35,333
Makinig ka sa akin.

67
00:03:35,833 --> 00:03:38,250
Ikaw ang biniyayaan, hindi ang kuya mo.

68
00:03:38,333 --> 00:03:40,208
Dapat mag-aral ka nang mabuti.

69
00:03:41,250 --> 00:03:44,958
Habang pinakikinggan ko ang guro mo,
naguguni-guni kong inhenyero ka.

70
00:03:45,041 --> 00:03:48,875
O maaaring arkitekto o propesor.
Iyon ang naisip ko.

71
00:03:50,000 --> 00:03:51,791
Mangako ka sa akin.

72
00:03:52,291 --> 00:03:55,500
Pasasayahin mo ang pobreng si Hristo, ha?

73
00:03:55,583 --> 00:04:00,708
'Tay, pag nag-aral ako nang mabuti,
pwede akong mag-football pag gusto ko?

74
00:04:00,791 --> 00:04:04,666
Tama, mana ka talaga sa akin.

75
00:04:05,375 --> 00:04:08,916
Pinangalanan kitang Eleftherios.

76
00:04:10,583 --> 00:04:14,916
Dahil gusto mo siyang maging malaya.
Ginusto mo iyan, Hristo.

77
00:04:16,333 --> 00:04:18,625
Sige, anak. Ganito ang gagawin natin.

78
00:04:19,125 --> 00:04:21,833
Puwede kang maglaro nang kaunti
sa weekend.

79
00:04:21,916 --> 00:04:24,000
- Okay? Ayos ba iyon?
- Okay.

80
00:04:24,791 --> 00:04:26,791
Ang galing ng anak ko!

81
00:04:27,916 --> 00:04:30,291
Siyempre, hindi ako nakinig sa tatay ko.

82
00:04:30,375 --> 00:04:32,416
Hinabol ko pa rin ang bola.

83
00:04:32,500 --> 00:04:35,416
Ginagawa naming bola ang medyas
ng mga nanay namin

84
00:04:35,500 --> 00:04:36,583
kahit mapalo kami.

85
00:04:36,666 --> 00:04:39,000
Kapag puno na iyon at naitali ko na,

86
00:04:39,083 --> 00:04:40,541
masayang-masaya na ako.

87
00:04:43,541 --> 00:04:48,375
Bilang bata, parang mahirap abutin
ang pangarap kong bola na gawa sa leather.

88
00:04:49,041 --> 00:04:50,833
Mahirap kasi kami noon.

89
00:04:54,333 --> 00:04:57,000
Siyempre, mahal ang magandang leather.

90
00:05:13,958 --> 00:05:16,625
- Nasaan si Lefter?
- Heto na kami!

91
00:05:17,666 --> 00:05:21,208
Sabihin mo nga, Emin.
Ano ang sangkap para maka-goal?

92
00:05:21,291 --> 00:05:23,416
- Malay ko.
- Pwede kayong sumagot.

93
00:05:24,125 --> 00:05:26,166
Bagsak kayong lahat.

94
00:05:26,250 --> 00:05:28,916
- Unang item, lakas!
- Anong...

95
00:05:29,500 --> 00:05:31,583
Pangalawang item, skill.

96
00:05:31,666 --> 00:05:33,375
Pangatlo, kumpiyansa.

97
00:05:33,916 --> 00:05:35,375
At ang pinakahuli,

98
00:05:35,958 --> 00:05:39,416
sa sandaling hindi inaasahan
ng goalkeeper,

99
00:05:39,500 --> 00:05:40,583
sorpresang tira!

100
00:05:41,791 --> 00:05:43,833
- Pare!
- Nasa beach tayo, Lefter.

101
00:05:43,916 --> 00:05:45,541
- Di tayo maglalaro?
- Wag na.

102
00:05:45,625 --> 00:05:46,791
Ang lineup!

103
00:05:46,875 --> 00:05:50,291
Tufan, Ishak, Dimitri, Agop,

104
00:05:50,375 --> 00:05:53,625
Koço, Ali, Emin, Hasan,

105
00:05:54,583 --> 00:05:56,208
at si Lefter!

106
00:05:56,291 --> 00:05:57,708
Wag kang sumigaw, İhsan.

107
00:05:57,791 --> 00:05:59,583
Ano naman? Pinapunta ako ni Lefter.

108
00:05:59,666 --> 00:06:02,416
Ako ang referee n'yo.
Ako ang prime minister.

109
00:06:02,500 --> 00:06:04,000
Panoorin n'yo ito.

110
00:06:04,083 --> 00:06:04,958
Hasan!

111
00:06:06,333 --> 00:06:07,375
Saluhin mo!

112
00:06:08,750 --> 00:06:11,583
Hindi ka papasang goalpost,
goalkeeper pa kaya?

113
00:06:12,125 --> 00:06:13,750
- Langoy tayo!
- Tara.

114
00:06:13,833 --> 00:06:16,375
- Hasan, kunin mo ang bola!
- Tara!

115
00:06:18,541 --> 00:06:19,708
Tara, mga pare.

116
00:06:19,791 --> 00:06:22,500
Uy, Lefter! Sa 'yo uli
lahat ng puntos kahapon.

117
00:06:22,583 --> 00:06:23,708
O ngayon ba 'yon?

118
00:06:23,791 --> 00:06:27,250
- Sige! Hayan na si Lefter! Nakapuntos!
- Halika nga rito!

119
00:06:29,500 --> 00:06:31,291
Ikaw ang pinakamaganda rito.

120
00:06:31,791 --> 00:06:33,583
- Nasabi ko na ba sa 'yo?
- Oo.

121
00:06:35,500 --> 00:06:37,833
- Lefter!
- Nariyan na!

122
00:06:52,750 --> 00:06:55,583
Mangingisda ka dapat kanina.
May nangyari ba?

123
00:06:58,250 --> 00:06:59,708
Kanina kasi, 'Tay...

124
00:07:00,875 --> 00:07:04,125
May kasabihan. Ang tunay na lalaki,
may isang salita.

125
00:07:04,708 --> 00:07:07,458
Pumupunta siya sa beach pag Sabado, 'Tay.

126
00:07:09,125 --> 00:07:12,750
- Magbabayad ngayon ang Yelken Restaurant.
- Sabi din nila iyan noong nakaraan.

127
00:07:12,833 --> 00:07:15,375
Hindi sila binigyan ni Kostas ng isda
kaya natauhan.

128
00:07:17,833 --> 00:07:20,000
Kinakain natin 'yong ayaw ng iba.

129
00:07:23,416 --> 00:07:25,208
Ulitin mo, Eftimia,

130
00:07:26,000 --> 00:07:27,375
para marinig ng lahat.

131
00:07:28,625 --> 00:07:29,625
Hindi rinig ni Lefter.

132
00:07:29,708 --> 00:07:33,708
Alam mo kung magkano sa kabilang ibayo
iyang pagkaing minamaliit mo?

133
00:07:33,791 --> 00:07:35,041
Saka pag may giyera.

134
00:07:35,958 --> 00:07:38,958
Hinay-hinay sa sinasabi.
Maraming taong nagugutom.

135
00:07:40,375 --> 00:07:41,750
Patawad po, 'Tay.

136
00:07:41,833 --> 00:07:43,208
Hindi ko sinasadya.

137
00:07:43,291 --> 00:07:45,666
Balang araw, makikita ng lahat
ang halaga nito.

138
00:07:47,500 --> 00:07:49,625
Makikita n'yong tama ako.

139
00:07:55,166 --> 00:07:56,875
Ayaw mong maging mangingisda?

140
00:08:00,333 --> 00:08:01,750
Dapat nag-aral ka.

141
00:08:06,125 --> 00:08:07,125
Kain pa kayo.

142
00:08:09,416 --> 00:08:10,791
Lalabas ako, Argiro.

143
00:08:20,500 --> 00:08:22,500
TAPOS NA ANG NATIONAL DIVISION

144
00:08:22,583 --> 00:08:24,458
FENERBAHÇE ANG KAMPEON

145
00:08:29,041 --> 00:08:30,333
Lefteri <i>mou</i>.

146
00:08:33,000 --> 00:08:34,250
Hay, anak.

147
00:08:40,000 --> 00:08:42,250
Inaalala mo ang tatay mo, ano?

148
00:08:43,291 --> 00:08:45,041
Alam mo namang matigas ang ulo no'n.

149
00:08:45,666 --> 00:08:47,083
Mas nakakaintindi ka.

150
00:08:48,625 --> 00:08:50,375
Tumulong ka na lang sa Lunes.

151
00:08:51,708 --> 00:08:52,791
Bumawi ka.

152
00:08:53,291 --> 00:08:55,166
Siguradong mapapatawad ka no'n.

153
00:08:55,250 --> 00:08:57,375
Pupunta ka ba ulit sa Taksim bukas?

154
00:09:00,166 --> 00:09:01,916
Ma, wag na.

155
00:09:02,000 --> 00:09:05,208
- May pera ako. Ano ka ba?
- Sige na. Kailangan mo ito.

156
00:09:05,291 --> 00:09:07,833
Sayang ang oras.
Mag-express ferry ka pabalik.

157
00:09:09,125 --> 00:09:10,750
Sige na, matulog ka na.

158
00:09:10,833 --> 00:09:12,291
Maaga pa tayo bukas.

159
00:09:17,208 --> 00:09:20,041
May isang bagay
na dapat hindi natin makalimutan

160
00:09:20,541 --> 00:09:23,250
habang nabubuhay tayo sa anino ng giyera.

161
00:09:23,750 --> 00:09:25,750
Ang ama ang haligi ng tahanan.

162
00:09:25,833 --> 00:09:29,083
Nakikinig ang mga anak sa ama.

163
00:09:29,166 --> 00:09:33,000
Minamahal at pinoprotektahan ng ama
ang pamilya.

164
00:09:33,083 --> 00:09:35,875
At minamahal at nirerespeto ng pamilya
ang ama.

165
00:09:37,458 --> 00:09:38,541
Stavrini.

166
00:09:45,541 --> 00:09:50,166
A... May sasabihin ako sa 'yong napakahalaga
mamayang gabi.

167
00:09:50,750 --> 00:09:51,750
Ano iyon?

168
00:09:53,500 --> 00:09:55,541
Isang bagay na kasingganda mo.

169
00:09:56,625 --> 00:09:58,250
- Salamat.
- Stavrini!

170
00:09:58,333 --> 00:10:00,125
Tayo na, sweetheart.

171
00:10:00,208 --> 00:10:01,250
- Mauna na ako.
- Sige.

172
00:10:01,333 --> 00:10:02,291
Lefteri <i>mou</i>.

173
00:10:02,791 --> 00:10:03,625
'Tay.

174
00:10:04,875 --> 00:10:06,583
- Magandang araw.
- Magandang araw.

175
00:10:11,750 --> 00:10:13,916
Mahusay magsalita ang padre.

176
00:10:14,000 --> 00:10:14,833
Oo nga po.

177
00:10:15,583 --> 00:10:17,250
Sana naunawaan ng mga tao.

178
00:10:17,333 --> 00:10:20,208
Mahalaga talagang maunawaan iyon.

179
00:10:20,291 --> 00:10:23,166
Iba ang pag-unawa sa pakikinig.

180
00:10:25,583 --> 00:10:27,875
May kasiyahan daw kina Ginang Sofi
mamayang gabi.

181
00:10:27,958 --> 00:10:28,791
Opo.

182
00:10:29,833 --> 00:10:32,000
Nakatapos na lahat ng kaedaran mo.

183
00:10:32,500 --> 00:10:35,500
Nangunguna raw sa klase si Hasan.
Mahusay na binata.

184
00:10:36,791 --> 00:10:38,083
Pupunta ka rin?

185
00:10:38,583 --> 00:10:40,500
Taon-taon akong pumupunta, 'Tay.

186
00:10:41,125 --> 00:10:43,708
Bilang lalaking hindi man lang nakatapos
ng elementarya.

187
00:10:44,458 --> 00:10:46,416
Wala akong dapat ikahiya.

188
00:10:46,500 --> 00:10:47,791
Tama rin naman.

189
00:10:47,875 --> 00:10:49,958
Ikaw ang pinakamataas pumuntos sa isla.

190
00:10:50,041 --> 00:10:52,666
Ipinagmamalaki kita. Mahusay.

191
00:10:53,291 --> 00:10:56,375
Paano naman napunta roon ang usapan?

192
00:10:56,875 --> 00:10:57,791
Argiro <i>mou</i>.

193
00:11:00,958 --> 00:11:03,583
Pano! Uy, Pano.

194
00:11:04,416 --> 00:11:06,208
- Kumusta?
- Ano'ng pakialam mo?

195
00:11:07,708 --> 00:11:10,416
- May ipakikiusap sana ako.
- Ano?

196
00:11:10,500 --> 00:11:14,791
Naghahanap si Beyoğluspor
ng manlalaro, di ba?

197
00:11:14,875 --> 00:11:17,250
Pwedeng kausapin mo si Ginoong Gundüz?

198
00:11:17,958 --> 00:11:20,750
Akala mo, kukunin ka namin,
island baller? Ha?

199
00:11:21,250 --> 00:11:24,500
Tingin mo, pag-aaksayahan ka ng panahon
ni Gündüz Kılıç?

200
00:11:25,250 --> 00:11:29,916
Asa ka. Mamulot ka na lang ng bola
sa Taksim Stadium, ha?

201
00:11:37,666 --> 00:11:39,208
- Uy, island baller.
- Ha?

202
00:11:42,250 --> 00:11:44,625
Di ka niya gusto. Huwag mo nang ipilit.

203
00:11:45,291 --> 00:11:47,833
Pare, may iba pa namang team para sa iyo.

204
00:11:47,916 --> 00:11:49,333
Bahala sila.

205
00:11:52,291 --> 00:11:54,083
Pero kung gusto mo pa rin,

206
00:11:55,083 --> 00:11:58,916
isuot mo ang bago kong sapatos na leather
para makakita sila ng totoong footballer.

207
00:11:59,000 --> 00:12:01,833
- Salamat, Dimitri.
- Hayaan mo na ang kuya mo.

208
00:12:03,125 --> 00:12:04,291
Wag kang mahuhuli mamaya.

209
00:12:04,375 --> 00:12:07,041
- Huwag kang mahuhuli.
- Magkikita tayo mamaya.

210
00:12:07,125 --> 00:12:08,250
Sige ka.

211
00:12:13,208 --> 00:12:17,416
{\an8}TAKSİM STADIUM

212
00:12:25,125 --> 00:12:25,958
Mang Ziya!

213
00:12:31,000 --> 00:12:33,958
- Di ba may friendly match?
- Huminga ka muna.

214
00:12:34,041 --> 00:12:36,208
- Wag mong sabihing kanselado?
- Hindi.

215
00:12:36,291 --> 00:12:38,500
Naghahanda sila sa loob, iho.

216
00:12:39,000 --> 00:12:41,083
Si Maestro Hakki? Narito din, ano?

217
00:12:41,916 --> 00:12:43,833
Hayan na sila.

218
00:12:52,708 --> 00:12:56,583
- Tara na, boys!
- Tara na!

219
00:13:00,208 --> 00:13:02,041
Huwag iyang asul ang isuot mo.

220
00:13:02,125 --> 00:13:03,541
Mas bagay ito sa iyo.

221
00:13:04,041 --> 00:13:05,666
Wala na rin iyan sa uso.

222
00:13:06,333 --> 00:13:08,000
Sabi ko, itapon mo na, e.

223
00:13:08,083 --> 00:13:10,666
Hay! Parang wala namang maganda, Ayten.

224
00:13:12,416 --> 00:13:15,333
Dapat maganda ako mamayang gabi
para kay Lefter.

225
00:13:15,416 --> 00:13:18,083
Wag n'yong palulusutin. Wag hayaang bukas.

226
00:13:18,666 --> 00:13:21,250
- Narito ako.
- Ngayon na! Tira!

227
00:13:26,583 --> 00:13:28,500
Dahan-dahan, pare! Foul iyon.

228
00:13:30,125 --> 00:13:32,916
Şakir! Wag kang ahas!

229
00:13:33,000 --> 00:13:34,875
Ahas? Wala ka na sa lugar.

230
00:13:34,958 --> 00:13:36,166
E, ano naman?

231
00:13:36,250 --> 00:13:38,458
- Huwag kang bastos.
- Ikaw ang bastos!

232
00:13:38,541 --> 00:13:40,833
Tumigil ka. May kalalagyan ka sa 'kin!

233
00:13:40,916 --> 00:13:42,166
Tama na iyan!

234
00:13:42,250 --> 00:13:44,750
Ano ba'ng problema ninyo? Ano ito?

235
00:13:47,291 --> 00:13:48,958
Şakir, out ka na.

236
00:13:49,458 --> 00:13:52,000
- Captain, pakiusap—
- Out ka na sabi, Şakir!

237
00:13:52,500 --> 00:13:53,375
Pero Captain...

238
00:13:53,458 --> 00:13:55,250
Dapat pati siya para patas.

239
00:13:55,333 --> 00:13:56,583
Hindi pwede iyon.

240
00:13:56,666 --> 00:13:57,875
- Boys!
- Kumalma kayo.

241
00:13:57,958 --> 00:13:58,875
Kalma.

242
00:13:59,750 --> 00:14:00,625
Makinig kayo.

243
00:14:00,708 --> 00:14:02,416
Sinusumpa ko, aalisin ko kayo lahat,

244
00:14:02,500 --> 00:14:06,125
kukuha ako ng sampung tao sa kalsada,
at sila ang palalaruin ko.

245
00:14:09,583 --> 00:14:10,791
Bata, halika rito.

246
00:14:12,333 --> 00:14:13,500
Ikaw nga.

247
00:14:13,583 --> 00:14:15,041
- Ako?
- Oo, ikaw.

248
00:14:15,541 --> 00:14:17,625
Gusto mong mamulot na lang ng bola?

249
00:14:17,708 --> 00:14:19,458
Nasa A team ako ng Islands.

250
00:14:19,541 --> 00:14:21,166
Tamang-tama. Halika rito.

251
00:14:21,250 --> 00:14:23,083
- Ako?
- Halika sabi, bata!

252
00:14:24,333 --> 00:14:26,791
Şakir, ibigay mo sa kanya ang jersey mo.

253
00:14:26,875 --> 00:14:28,500
- Maglalaro ka.
- Captain...

254
00:14:28,583 --> 00:14:30,416
Şakir, tumahimik ka! Ibigay mo!

255
00:14:31,708 --> 00:14:34,083
- Pasensiya na, Şakir.
- Di siya maglalaro.

256
00:14:34,666 --> 00:14:36,625
Ibigay mo ang jersey mo kay Şakir.

257
00:14:36,708 --> 00:14:38,333
Sa kabilang team ka.

258
00:14:39,708 --> 00:14:42,583
Parang sagwan ang sapatos nila.
Di kasya sa iyo.

259
00:14:42,666 --> 00:14:44,416
Wala rin kaming reserba.

260
00:14:44,500 --> 00:14:46,708
Sanay po ako. Ayos lang po, sir.

261
00:14:47,375 --> 00:14:49,625
- Makakapaglaro ka niyan?
- Opo, kaya ko.

262
00:14:49,708 --> 00:14:51,166
Sige, maghanda ka na.

263
00:14:52,500 --> 00:14:56,041
Balik sa mga puwesto n'yo.
Ituloy natin. Walang mandaraya!

264
00:15:00,458 --> 00:15:02,583
Di na talaga ako makapupunta mamaya.

265
00:15:04,083 --> 00:15:05,375
Akin na iyan.

266
00:15:07,125 --> 00:15:10,833
Bilang fashion icon,
nabubuhay ako para sa mga ganito, darling.

267
00:15:11,333 --> 00:15:14,375
Ano kaya ang nais sabihin ni Lefter
sa iyo?

268
00:15:14,458 --> 00:15:16,958
Gumagawa na siguro iyon ng talumpati.

269
00:15:17,666 --> 00:15:20,958
Kung kinakabahan ka, paano pa kaya siya?

270
00:15:42,791 --> 00:15:44,166
- Ipasa mo!
- Dito!

271
00:15:56,291 --> 00:15:57,291
Goal!

272
00:16:12,500 --> 00:16:13,375
Mga iho.

273
00:16:13,458 --> 00:16:15,500
Mga iho, nasaan iyong bata?

274
00:16:16,000 --> 00:16:18,166
Nakaalis na siya noong pumasok kami.

275
00:16:20,083 --> 00:16:22,875
- Ginoong Onnik, sandali lang.
- Ano iyon, Ziya?

276
00:16:22,958 --> 00:16:24,833
Si Lefter ang hinahanap ninyo.

277
00:16:25,333 --> 00:16:28,166
Nahiya siya na nakapuntos siya
sa harap ni Hakkı.

278
00:16:28,250 --> 00:16:29,333
Umalis na siya.

279
00:16:34,333 --> 00:16:35,916
Akin na ang jersey, Ginoong Ziya.

280
00:16:37,083 --> 00:16:38,125
Magandang gabi.

281
00:16:38,750 --> 00:16:39,875
Magandang gabi rin.

282
00:16:50,416 --> 00:16:52,291
- Si Stavrini?
- Saan ka galing?

283
00:16:52,375 --> 00:16:53,583
- Kuya—
- Hubarin mo iyan.

284
00:16:53,666 --> 00:16:54,791
- Tumigil ka.
- Hubarin mo.

285
00:16:54,875 --> 00:16:56,125
- Pano!
- Ano'ng ginawa niya?

286
00:16:56,208 --> 00:16:59,125
Wag niya 'ka mong galawin ang damit ko.
Itinago pa niya.

287
00:16:59,208 --> 00:17:00,708
- Saan ka galing?
- Tama na.

288
00:17:00,791 --> 00:17:01,625
Walang-hiya ka!

289
00:17:01,708 --> 00:17:02,708
Kuya!

290
00:17:06,291 --> 00:17:07,750
- Tarantado.
- Tama na.

291
00:17:09,708 --> 00:17:10,791
Galit na galit, o.

292
00:17:12,541 --> 00:17:14,875
Aba, Selim. Ang ganda ng porma n'yo, a.

293
00:17:15,375 --> 00:17:18,708
Ang pangit ng porma mo.
Dimitri, tingnan mo siya, o.

294
00:17:21,500 --> 00:17:22,916
May nangangamoy.

295
00:17:23,875 --> 00:17:24,875
Amoy...

296
00:17:28,916 --> 00:17:29,750
Isda.

297
00:17:29,833 --> 00:17:33,208
Nangangamoy mayabang na batang
taga-pribadong paaralan.

298
00:17:33,291 --> 00:17:36,083
A, kayo ba iyon? Mukha nga.

299
00:17:36,166 --> 00:17:39,166
Blah, blah, blah.
Iyan ba ang tingin mo, Iranian?

300
00:17:39,250 --> 00:17:40,750
Uy, Dimitri.

301
00:17:40,833 --> 00:17:41,916
Alam mo?

302
00:17:42,000 --> 00:17:45,666
Bagay ang mamahalin mong cologne
at ang malansa kong amoy.

303
00:17:45,750 --> 00:17:47,583
Halika rito. Magtutuos tayo.

304
00:18:08,958 --> 00:18:10,250
Napakaganda mo.

305
00:18:14,416 --> 00:18:16,208
Napakaguwapo mo rin.

306
00:18:23,208 --> 00:18:25,625
Walang katumbas na salita
ang kapayapaan sa dibdib ko.

307
00:18:28,875 --> 00:18:31,833
May sasabihin ka sa akin, hindi ba?

308
00:18:32,583 --> 00:18:34,500
Magkita tayo sa likod maya-maya?

309
00:18:35,875 --> 00:18:36,958
Di ako nangangako.

310
00:18:38,625 --> 00:18:40,166
Bakit hindi mo pa sabihin?

311
00:18:40,833 --> 00:18:42,125
- Sasabihin ko na?
- Oo.

312
00:18:46,458 --> 00:18:52,500
Kung hihingin ko sa iyo balang araw
na makasama ka sa buhay, papayag ka ba?

313
00:18:53,083 --> 00:18:54,083
Iyon lang.

314
00:18:55,375 --> 00:18:57,166
Kung gusto mo lang, siyempre.

315
00:19:00,666 --> 00:19:02,208
Salamat sa sayaw.

316
00:19:05,041 --> 00:19:06,291
Hindi mo ako sinagot.

317
00:19:15,125 --> 00:19:16,166
Hay, Ayten!

318
00:19:16,250 --> 00:19:18,333
Stavrini, ano'ng nangyari?
Bakit ganyan ka?

319
00:19:18,416 --> 00:19:22,416
May sinabi bang masama si Lefter?
Sabihin mo. Lagot siya sa akin.

320
00:19:22,500 --> 00:19:24,833
Hindi. Kasi, Ayten...

321
00:19:24,916 --> 00:19:26,125
Tinanong niya ako...

322
00:19:28,208 --> 00:19:31,708
Sabi niya, "Kung hihingin ko balang araw
na makasama ka sa buhay, papayag ka?"

323
00:19:31,791 --> 00:19:34,000
Hindi ko lubusang naiintindihan iyon.

324
00:19:34,500 --> 00:19:38,750
- Ano ang ibig sabihin no'n?
- Para ka na rin niyang inalok ng kasal.

325
00:19:49,833 --> 00:19:51,125
Psst, Lefter.

326
00:20:01,125 --> 00:20:02,625
Pinag-isipan ko ang alok mo.

327
00:20:04,875 --> 00:20:05,708
Bale...

328
00:20:07,333 --> 00:20:09,500
- Ang totoo...
- Ayaw mo. Sige.

329
00:20:09,583 --> 00:20:10,708
Lefter.

330
00:20:13,875 --> 00:20:18,083
Hindi lang kita sasamahan sa buhay mo,
pati na rin sa kasunod no'n.

331
00:20:22,625 --> 00:20:23,625
Ulitin mo nga.

332
00:20:23,708 --> 00:20:26,125
Sasamahan kita sa buhay at higit pa roon.

333
00:20:29,791 --> 00:20:33,458
Malaya kang samahan ako kahit saan.
Basta kasama kita.

334
00:20:33,541 --> 00:20:34,666
Pero...

335
00:20:35,250 --> 00:20:38,166
Ayusin natin ang malansa mong amoy
pag kasal na tayo.

336
00:20:38,666 --> 00:20:40,875
Ayten! Lefter!

337
00:20:40,958 --> 00:20:43,125
Hinahanap ni Maestro Hakkı si Lefter!

338
00:20:43,208 --> 00:20:45,541
Hinanap din ako ni Müzeyyen Senar
noong isang araw.

339
00:20:45,625 --> 00:20:46,833
İhsan naman.

340
00:20:48,083 --> 00:20:48,916
İhsan?

341
00:20:50,000 --> 00:20:53,375
Lefter! Nandito si Maestro Hakkı,
hinahanap si Lefter!

342
00:20:53,458 --> 00:20:56,916
Nasaan ka raw pero tumanggi akong sabihin
kung tagasaan ka.

343
00:20:57,000 --> 00:20:58,458
Ano ba'ng sinasabi mo?

344
00:20:58,541 --> 00:21:00,583
Hinahanap ka ni Hakkı!

345
00:21:00,666 --> 00:21:03,458
Hinahanap ni Maestro Hakkı si Lefter!

346
00:21:03,958 --> 00:21:04,791
Lefter.

347
00:21:12,750 --> 00:21:15,208
Patatandain ka namin sa rehistro.
Madali lang iyon.

348
00:21:15,291 --> 00:21:17,291
Basta sumali ka sa amin.

349
00:21:17,375 --> 00:21:19,291
Papuri nawa sa iyo.

350
00:21:19,375 --> 00:21:22,916
Kaliwa't kanan mo silang pinahirapan.
Tama ba ako?

351
00:21:23,000 --> 00:21:25,875
Kaloob ng Diyos ang mga binting iyan.

352
00:21:25,958 --> 00:21:27,625
Halika, maupo ka.

353
00:21:29,916 --> 00:21:33,250
Kuya mo raw si Panini ng Beyoğluspor.

354
00:21:33,333 --> 00:21:35,291
Mabangis siya sa field.

355
00:21:35,375 --> 00:21:37,333
Opo, kuya ko siya.

356
00:21:37,416 --> 00:21:40,083
Sana ayos lang sa kanya
na sumali ka sa Armenian team.

357
00:21:40,166 --> 00:21:43,625
Mahirap sumali sa Armenian team
kung isa kang Rum.

358
00:21:43,708 --> 00:21:46,333
Walang ganoong diskriminasyon
sa pamilya namin, ginoo.

359
00:21:46,416 --> 00:21:47,750
Ano po, bale...

360
00:21:50,916 --> 00:21:53,791
- Kuha ka. Punuin mo ang bulsa mo.
- Pero siyempre—

361
00:21:53,875 --> 00:21:55,750
Mahirap itong hanapin ngayon.

362
00:21:55,833 --> 00:21:58,375
Kailangan ko muna pong tanungin
ang ama ko.

363
00:21:58,458 --> 00:22:01,041
Punuin mo ang bulsa mo.
Sige na. Kumuha ka.

364
00:22:01,125 --> 00:22:02,750
- Oo naman.
- Hayan.

365
00:22:02,833 --> 00:22:04,083
Hingin mo ang basbas niya.

366
00:22:04,166 --> 00:22:07,541
Pero matagal-tagal kang
hindi makababalik sa isla.

367
00:22:08,125 --> 00:22:09,875
Hindi ka pwedeng maabala.

368
00:22:09,958 --> 00:22:13,791
Tama na iyan.
Huwag n'yong takutin ang bata.

369
00:22:13,875 --> 00:22:16,041
Iho, huwag kang makinig sa kanila.

370
00:22:16,625 --> 00:22:22,958
Oo, sandali kang malalayo sa pamilya mo.
Pero huhubugin mo ang kinabukasan mo.

371
00:22:23,041 --> 00:22:24,416
Okay? Iyon ang isipin mo.

372
00:22:24,500 --> 00:22:27,958
Di hahayaan ng Big Three
na mawalan ng mahusay na binata.

373
00:22:28,041 --> 00:22:32,541
At si Hakkı? Sa tingin mo,
bakit siya bumisita sa isla? Ha?

374
00:22:34,583 --> 00:22:36,500
Buo na ang desisyon mo?

375
00:22:39,583 --> 00:22:41,541
Maiiwan akong wala ka.

376
00:22:44,041 --> 00:22:45,416
Wala ako?

377
00:22:47,000 --> 00:22:48,000
Sampaguita ko.

378
00:22:49,083 --> 00:22:51,125
Isang sakay lang iyon ng ferry.

379
00:22:52,750 --> 00:22:57,958
At ano naman ang kaibahan no'n
kung iiwan ko naman ang puso ko rito?

380
00:23:00,166 --> 00:23:01,875
Huwag ka nang malumbay.

381
00:23:07,833 --> 00:23:11,041
Hindi ko hahadlangan ang mga pangarap mo.

382
00:23:17,250 --> 00:23:19,375
Paano ko kaya makukumbinsi si Itay?

383
00:23:23,625 --> 00:23:25,375
Susuweldo rin ako.

384
00:23:26,291 --> 00:23:28,541
Sabi nila, napakahusay ko raw.

385
00:23:29,166 --> 00:23:32,250
Nais ko sanang tanggapin
kung papayagan n'yo ako.

386
00:23:32,750 --> 00:23:34,041
Kung papayagan kita?

387
00:23:35,375 --> 00:23:36,541
Sino? Ako?

388
00:23:37,166 --> 00:23:40,625
Kailangan kong manatili pansamantala
sa Istanbul.

389
00:23:40,708 --> 00:23:43,250
Matigas naman talaga ang ulo mo.
Di ka nagbago.

390
00:23:44,125 --> 00:23:45,375
Di rin ako nagbago.

391
00:23:46,416 --> 00:23:50,333
Magiging propesor dapat ang anak ko,
pero hindi nangyari.

392
00:23:51,583 --> 00:23:52,708
Ganoon talaga ang buhay.

393
00:23:54,125 --> 00:23:56,458
Pero kung...

394
00:23:58,041 --> 00:24:00,416
Kung aalis ako, di ko kayo matutulungan.

395
00:24:00,500 --> 00:24:02,041
Di ka naman laging narito.

396
00:24:03,333 --> 00:24:06,250
Di ko kailangan ang sinuman,
at lalong hindi ang pera mo.

397
00:24:06,333 --> 00:24:11,625
Maging mabuti at desente kang tao.
Iyon lang ang masasabi ko sa iyo.

398
00:24:14,041 --> 00:24:15,500
Iwan mo na ako.

399
00:24:23,375 --> 00:24:24,625
Sige po, 'Tay.

400
00:24:38,125 --> 00:24:39,708
Pagpalain ka nawa, anak.

401
00:24:43,375 --> 00:24:47,291
Nagpaalam si Lefter sa lahat
maliban sa matalik niyang kaibigan.

402
00:24:47,375 --> 00:24:49,416
- Ginoong Hasan.
- Bakit, ginoo?

403
00:24:49,500 --> 00:24:52,916
Samahan mo kami rito.
Ikatutuwa namin ang kuwento mo.

404
00:24:53,000 --> 00:24:54,166
Naku, hindi na.

405
00:24:54,250 --> 00:24:58,125
Sige na, Ginoong Hasan.
Halika na't maupo ka rito.

406
00:24:58,208 --> 00:25:02,083
Alam mo kasi, Halit, itong kaibigan ko,
hindi pa siya nakapunta sa laro ko.

407
00:25:02,166 --> 00:25:03,500
Dapat isulat mo iyon.

408
00:25:04,291 --> 00:25:07,458
Mukhang nagkaalitan kayo ni Ginoong Hasan
dahil diyan.

409
00:25:08,250 --> 00:25:10,208
Ganito kasi iyon, Ginoong Halit.

410
00:25:10,291 --> 00:25:14,500
Di ba iyong magkasalungat na espiritu,
nakukumpleto nila ang isa't isa?

411
00:25:16,291 --> 00:25:18,708
Sa palagay ko, ganoon kami ni Lefter.

412
00:25:18,791 --> 00:25:21,791
Pero madalas natatakot ako
sa tigas ng ulo niya.

413
00:25:21,875 --> 00:25:23,416
Hanggang ngayon naman.

414
00:25:26,291 --> 00:25:29,291
<i>Sa wakas, natupad na ang pangarap ko.</i>

415
00:25:30,458 --> 00:25:32,166
<i>Pero sa bangko.</i>

416
00:25:34,583 --> 00:25:36,541
Wag tumakbo! Hoy, dahan-dahan!

417
00:25:40,333 --> 00:25:43,791
- Dapat foul iyon!
- Foul! Ref, ano ba?

418
00:25:43,875 --> 00:25:45,916
Lefter! Ipasok mo si Lefter!

419
00:25:46,000 --> 00:25:48,458
- Maupo ka!
- Ginoong Asım!

420
00:25:48,541 --> 00:25:50,041
- Ginoong Asım—
- Ref!

421
00:25:50,541 --> 00:25:52,833
Wag mong patatagalin sa iyo ang bola.

422
00:25:52,916 --> 00:25:55,875
Dalasan mo ang pagpasa.
Gumawa ka ng pagkakataong makapuntos.

423
00:25:55,958 --> 00:25:58,291
Wag kang matakot.
Pumasok ka. Habulin mo ang bola.

424
00:25:58,375 --> 00:25:59,958
Wag mo akong bibiguin.

425
00:26:00,541 --> 00:26:02,541
Ako na ang bahala kay Asım.

426
00:26:02,625 --> 00:26:04,291
Sige na. Kaya mo iyan, bata.

427
00:26:04,375 --> 00:26:06,416
Maging matapang ka. Kaya mo iyan.

428
00:26:08,208 --> 00:26:09,541
Tapos na ang unang bahagi!

429
00:26:15,958 --> 00:26:16,958
Sige!

430
00:26:23,000 --> 00:26:24,125
Di mo ba siya kita?

431
00:26:31,500 --> 00:26:33,375
Ano ba naman! Ref!

432
00:26:33,458 --> 00:26:36,041
Sobra naman iyon.

433
00:26:36,125 --> 00:26:39,875
- Siguradong foul iyon!
- Wag kang humarang, dagang imburnal!

434
00:26:40,833 --> 00:26:41,958
Ano iyon, ref?

435
00:26:43,041 --> 00:26:45,875
Lefter, maging matapang ka.
Basta ipasok mo.

436
00:27:21,166 --> 00:27:22,541
Goal!

437
00:27:24,250 --> 00:27:26,125
Kita mo iyon?

438
00:27:27,833 --> 00:27:30,000
Salamat, Panginoon!

439
00:27:30,083 --> 00:27:32,291
Mahusay, Onnik. Bravo.

440
00:27:32,375 --> 00:27:34,416
Naka-jackpot ka na naman.

441
00:27:34,916 --> 00:27:37,041
Lefter! Ang galing mo, bata!

442
00:27:39,625 --> 00:27:41,916
{\an8}<i>Dalawang buwan.</i>

443
00:27:42,416 --> 00:27:44,416
{\an8}<i>Sa wakas, nagkapera na ako.</i>

444
00:27:44,916 --> 00:27:48,291
{\an8}<i>Nasabik akong may magawa
para sa pamilya ko.</i>

445
00:27:48,375 --> 00:27:50,666
{\an8}Ang gaganda, ano?

446
00:27:55,333 --> 00:27:57,416
Grabe, Lefter!

447
00:27:59,375 --> 00:28:02,541
Ang gaganda nito lahat.

448
00:28:18,583 --> 00:28:19,958
Ang ganda.

449
00:28:20,541 --> 00:28:22,208
Iyong regalo n'yo.

450
00:28:23,333 --> 00:28:25,375
Grabe, anak.

451
00:28:25,458 --> 00:28:28,166
- Nagustuhan n'yo?
- Gustong-gusto ko.

452
00:28:28,250 --> 00:28:30,208
- Isuot n'yo palagi.
- Salamat.

453
00:28:30,916 --> 00:28:34,125
- Hindi nagustuhan ni Itay ang polo.
- Mali ka.

454
00:28:36,166 --> 00:28:37,375
Kukumustahin ko.

455
00:28:40,708 --> 00:28:42,833
MGA RUSSIAN, SINAKOP ANG BASE
NG MGA ALEMAN

456
00:28:42,916 --> 00:28:43,916
'Tay.

457
00:28:44,541 --> 00:28:47,916
Huwag mong iisipin
na hindi ka mahahanap ng giyera,

458
00:28:48,416 --> 00:28:50,291
kahit nasaan ka pa.

459
00:28:52,458 --> 00:28:55,541
Pag may kaluluwang nawala,
kawalan din iyon sa buhay mo.

460
00:28:55,625 --> 00:28:57,375
Nagbabago ang pagkakasunod-sunod.

461
00:28:57,875 --> 00:28:59,208
May nawawala sa buhay mo.

462
00:28:59,708 --> 00:29:02,083
Nagpapatuloy nang nagpapatuloy.

463
00:29:02,750 --> 00:29:03,958
Walang tigil.

464
00:29:05,291 --> 00:29:07,166
Takot ang lahat sa buwis.

465
00:29:07,250 --> 00:29:09,291
Paano kung puntahan din tayo, 'Tay?

466
00:29:09,916 --> 00:29:12,708
- Di nila gagalawin ang mga gaya natin.
- Bakit?

467
00:29:13,541 --> 00:29:19,750
Dahil wala silang makukuha
sa pobreng si Hristo.

468
00:29:21,708 --> 00:29:24,000
Hristo! Argiro!

469
00:29:24,083 --> 00:29:26,458
Pinasok nila ang mga bahay! Halikayo!

470
00:29:26,958 --> 00:29:30,500
<i>Habang ramdam ang mga hamon
ng World War II sa bansa,</i>

471
00:29:30,583 --> 00:29:33,833
<i>pinoprotektahan ang mga supply
ng militar at ng mga mamamayan.</i>

472
00:29:33,916 --> 00:29:38,541
<i>Upang mapangalagaan ang mga tao
at iyong mga may regular na kinikita,</i>

473
00:29:38,625 --> 00:29:40,750
<i>ang Wealth Tax Law,</i>

474
00:29:40,833 --> 00:29:44,125
<i>na nagpapataw ng isahang beses na buwis</i>

475
00:29:44,208 --> 00:29:47,041
<i>sa kita ng mga namumuhunan
at ng mga sumasahod,</i>

476
00:29:47,750 --> 00:29:51,791
<i>ay nagkakaisang inaprubahan
ng Pambansang Asemblea ng Türkiye.</i>

477
00:29:52,291 --> 00:29:55,958
<i>Ipinapaskil ang mga listahan ng buwis
sa Istanbul at iba pang probinsiya...</i>

478
00:29:56,041 --> 00:29:57,166
Dimitri!

479
00:29:57,250 --> 00:29:58,250
Lefter.

480
00:29:59,375 --> 00:30:02,500
<i>Napagpasiyahan ng komite
na ang mga nasa listahan</i>

481
00:30:02,583 --> 00:30:04,708
<i>ay dapat magbayad nang buo ng buwis...</i>

482
00:30:04,791 --> 00:30:06,000
Paalam, Lefteri <i>mou</i>.

483
00:30:11,291 --> 00:30:12,125
Kaibigan.

484
00:30:23,750 --> 00:30:24,750
Lefter!

485
00:30:48,208 --> 00:30:52,125
<i>Ilang araw akong hindi nakatulog.
Di matahimik ang konsensiya ko.</i>

486
00:30:53,291 --> 00:30:54,583
<i>Dapat may gawin ako.</i>

487
00:31:56,250 --> 00:31:57,583
Ang pinakahihiling ko,

488
00:31:59,291 --> 00:32:01,958
tanggapin mo ito
bilang engagement ring natin.

489
00:32:36,750 --> 00:32:38,333
- Inay!
- Lefter, anak!

490
00:32:38,416 --> 00:32:40,291
- Inay!
- Inay!

491
00:32:41,500 --> 00:32:46,333
May nangyari sa kanya.
Basta alam ko. Nararamdaman ko iyon.

492
00:32:51,291 --> 00:32:53,666
İhsan!

493
00:32:55,500 --> 00:32:56,708
Nasaan si Lefter?

494
00:32:58,250 --> 00:33:01,291
- Nagsundalo si Lefter!
- İhsan!

495
00:33:01,875 --> 00:33:03,083
Nagsundalo siya!

496
00:33:03,166 --> 00:33:07,625
- Paluwag! Attention! İhsan, attention!
- Eftimia! Pano!

497
00:33:08,791 --> 00:33:11,291
- Stavrini!
- Itinago niya para di kayo mabahala.

498
00:33:11,375 --> 00:33:14,458
Gusto niya ring itago ko.
Pupuntahan ko sana kayo.

499
00:33:18,416 --> 00:33:19,416
Ano po...

500
00:33:25,208 --> 00:33:28,250
Nabagok ang ulo ni Lefter noong bata siya.

501
00:33:28,333 --> 00:33:30,541
Kaya ganito siya ngayon.

502
00:33:30,625 --> 00:33:34,000
Kasi kung hindi,
bakit siya aalis nang hindi nagsasabi?

503
00:33:34,833 --> 00:33:37,750
Alam kong tungkol ito sa ibang bagay.

504
00:33:37,833 --> 00:33:39,875
Naawa siya sa mga nawala.

505
00:33:39,958 --> 00:33:41,833
Tumatakbo siya pag nalulungkot.

506
00:33:42,458 --> 00:33:46,416
At siyempre, inuuna niya ang bansa niya.

507
00:33:47,291 --> 00:33:48,291
Argiro?

508
00:33:49,250 --> 00:33:52,416
Hristo! Umalis si Lefter para magsundalo.

509
00:33:52,500 --> 00:33:53,750
Mabuti.

510
00:33:53,833 --> 00:33:57,041
Dapat baril ang hawak niya
para sa bansa, hindi bola.

511
00:33:57,916 --> 00:33:59,625
- Eftimia!
- Huminahon ka, Inay.

512
00:34:00,375 --> 00:34:03,291
<i>Nagkataong mahilig sa football
ang komandante ko.</i>

513
00:34:03,375 --> 00:34:05,250
<i>Kasama ang team na pinabuo niya sa akin,</i>

514
00:34:05,333 --> 00:34:10,333
nanalo kami sa lahat ng tournament
na lokal o pangmilitar sa Diyarbakır

515
00:34:10,416 --> 00:34:12,833
nang sunod-sunod sa loob ng apat na taon.

516
00:34:13,458 --> 00:34:16,916
Kaya palagi akong maaalala ng Diyarbakır,

517
00:34:17,000 --> 00:34:20,500
at kaya palagi ko silang maaalala.

518
00:34:21,666 --> 00:34:24,416
May mga tao sa dibisyon niya
na hindi naniwala sa kanya

519
00:34:24,500 --> 00:34:28,291
noong nagpalista siya
at malapit na siyang kumita ng pera.

520
00:34:29,500 --> 00:34:31,916
Kinukutya rin siya dahil isa siyang Rum.

521
00:34:32,000 --> 00:34:34,000
Hasan, anuman ang nangyari,

522
00:34:34,083 --> 00:34:36,291
{\an8}sa atin na lamang iyon, ha?

523
00:34:38,625 --> 00:34:41,875
{\an8}Sa pakikipagsapalaran ko bilang sundalo,
dinala ako no'n sa mahal ko.

524
00:34:41,958 --> 00:34:46,625
Naiulat sa diyaryo ang mga tagumpay ko
kaya napukaw ang atensiyon ng Fenerbahçe.

525
00:34:46,708 --> 00:34:49,166
Pagbalik ko, pinag-tryout nila ako.

526
00:34:49,250 --> 00:34:51,791
<i>Hindi ko malilimutan ang umagang iyon.</i>

527
00:34:52,333 --> 00:34:55,583
Pinapag-tryout pa lang nila ako.
Hindi pa sigurado.

528
00:34:55,666 --> 00:34:57,750
Sigurado akong magtatagumpay ka.

529
00:35:01,583 --> 00:35:05,125
Nag-aalala ako kay Itay.
Mag-isa na lang siyang nagtatrabaho.

530
00:35:07,333 --> 00:35:09,041
Maging maayos sana ang lahat.

531
00:35:14,458 --> 00:35:17,625
- Magandang umaga, 'Tay.
- Magandang umaga. Sa iyo rin, ineng.

532
00:35:17,708 --> 00:35:18,750
Magandang umaga po.

533
00:35:19,916 --> 00:35:21,583
Aalis ba kayo, 'Tay?

534
00:35:22,083 --> 00:35:24,000
Oo, magpapahangin ako.

535
00:35:24,083 --> 00:35:26,625
Sabi ng doktor, magpahinga kayo sa bahay.

536
00:35:26,708 --> 00:35:28,875
Ikumusta mo ako sa doktor.

537
00:35:33,125 --> 00:35:34,208
Sige, 'Tay.

538
00:36:38,791 --> 00:36:41,416
GENERAL HARINGTON CUP
FENERBAHÇE 2 - GUARDS JOINT 1

539
00:37:00,250 --> 00:37:03,250
FENERBAHÇE SPORTS CLUB
1907

540
00:37:08,041 --> 00:37:09,250
Sige pa.

541
00:37:09,333 --> 00:37:10,791
Dali, dali.

542
00:37:13,166 --> 00:37:14,166
Magaling. Ipasa mo.

543
00:37:15,458 --> 00:37:16,666
Ipasok mo iyong bagito.

544
00:37:16,750 --> 00:37:18,708
Ipasok mo siya! Striker.

545
00:37:18,791 --> 00:37:19,791
Sige, sir.

546
00:37:20,291 --> 00:37:21,291
Lefter.

547
00:37:22,750 --> 00:37:24,500
Sa kanan ka, kay Navy Kamil.

548
00:37:24,583 --> 00:37:27,833
Sabi ni Coach, wag kang magpakabayani.
Tingnan natin ang kaya mo.

549
00:37:28,750 --> 00:37:30,625
Laban!

550
00:37:30,708 --> 00:37:31,958
Kaya natin iyan!

551
00:37:32,833 --> 00:37:34,416
Sige!

552
00:37:41,500 --> 00:37:42,541
Pasa.

553
00:37:47,625 --> 00:37:50,750
Sige. Halika rito, totoy.

554
00:37:52,541 --> 00:37:55,250
Kalmahan mo lang, Kamil!

555
00:38:44,166 --> 00:38:45,166
Ganyan nga!

556
00:38:47,541 --> 00:38:48,666
Ang galing no'n!

557
00:38:49,750 --> 00:38:51,333
Dalhin mo sa opisina ko.

558
00:38:55,166 --> 00:38:56,500
Pasok ka, Lefter.

559
00:38:58,541 --> 00:38:59,791
Salamat, sir.

560
00:38:59,875 --> 00:39:00,875
Maupo ka.

561
00:39:07,083 --> 00:39:08,541
Hindi ako nagpapaligoy-ligoy.

562
00:39:13,875 --> 00:39:16,041
Nakausap na rin namin si Coach Molnár.

563
00:39:17,791 --> 00:39:20,083
Gusto naming sumali ka sa Fenerbahçe.

564
00:39:22,625 --> 00:39:24,791
Tinawagan ka rin daw ng Beşiktaş.

565
00:39:25,875 --> 00:39:26,958
Sasali ka sa kanila?

566
00:39:28,416 --> 00:39:31,666
Gustuhin ko man, hindi pwede.
Naroon si Maestro Hakkı.

567
00:39:32,583 --> 00:39:33,416
Ano naman?

568
00:39:33,500 --> 00:39:38,291
Hindi ko alam ang gagawin ko
pag nakasama ko siyang maglaro.

569
00:39:38,791 --> 00:39:40,541
Di ko mapapantayan ang husay niya.

570
00:39:41,041 --> 00:39:43,125
Saka mas gusto ko rin sa inyo.

571
00:39:44,083 --> 00:39:45,083
Kasi...

572
00:39:47,375 --> 00:39:49,500
Talagang pangarap ko ang Fenerbahçe.

573
00:39:50,083 --> 00:39:53,916
Kung gayon, ano ang mga kondisyon mo?
Sabihin mo.

574
00:39:54,750 --> 00:39:55,916
Wala akong gusto.

575
00:39:58,833 --> 00:39:59,833
Kundi...

576
00:40:03,625 --> 00:40:07,416
Aabot daw ng 200 lira
ang pagpapagamot ng tatay ko.

577
00:40:08,666 --> 00:40:09,833
Wala akong ganoon.

578
00:40:20,541 --> 00:40:21,541
Iho.

579
00:40:23,333 --> 00:40:27,166
Bilang ako mismo
at sa ngalan ng Fenerbahçe Sports Club,

580
00:40:28,125 --> 00:40:30,708
kami na ang bahala sa pagpapagamot niya.

581
00:40:31,958 --> 00:40:33,750
Basta magdesisyon ka lang.

582
00:40:40,333 --> 00:40:42,375
Babayaran ko lahat ng utang ko.

583
00:40:44,333 --> 00:40:46,208
At ipinapangako ko sa inyo.

584
00:40:47,541 --> 00:40:49,833
Mula ngayon, mabubuhay ako
para sa Fenerbahçe.

585
00:40:55,291 --> 00:40:57,583
{\an8}İNÖNÜ STADIUM

586
00:40:57,666 --> 00:41:00,500
{\an8}Mga tagapakinig, ito si Eşref Şefik.

587
00:41:00,583 --> 00:41:04,625
Nasa İnönü Stadium ako ngayon
na punong-puno ng mga tagahanga.

588
00:41:04,708 --> 00:41:08,041
<i>Maya-maya lang,
maghaharap na ang dalawang higante.</i>

589
00:41:08,125 --> 00:41:09,625
Sa kaliwa ka lang, ha?

590
00:41:09,708 --> 00:41:11,625
Sa gitna ka. Dumepensa ka!

591
00:41:11,708 --> 00:41:13,125
<i>Ang parehong koponan,</i>

592
00:41:13,208 --> 00:41:16,708
<i>na may mga tagahangang bitbit ang kulay
na dilaw at asul, at dilaw at pula,</i>

593
00:41:16,791 --> 00:41:21,333
<i>ay papunta na sa gitnang bilog
para sa pagbubukas ng laban.</i>

594
00:41:27,083 --> 00:41:31,208
Mabuhay, mabuhay, mabuhay ang Fenerbahçe!

595
00:41:31,791 --> 00:41:35,833
<i>Tumungo na sa gitna ang tatlong referee
para sa seremonya.</i>

596
00:41:37,041 --> 00:41:40,625
- Sumasaludo sila sa mga tagahanga nila.
- Tatlong beses para sa Turkish football.

597
00:41:40,708 --> 00:41:42,250
Pagpalain nawa!

598
00:41:49,500 --> 00:41:52,208
<i>Pumupuwesto na ang mga koponan.</i>

599
00:41:53,000 --> 00:41:56,291
<i>Ang bagong manlalaro ng Fenerbahçe
na si Lefter Küçükandonyadis</i>

600
00:41:56,375 --> 00:41:59,750
<i>ay idinagdag ni Coach Molnár
sa lineup ngayon.</i>

601
00:41:59,833 --> 00:42:03,291
<i>Nakaabang ang mga tagahanga
na magpakitang-gilas si Lefter.</i>

602
00:42:04,375 --> 00:42:06,750
<i>Sisimulan ng Fenerbahçe ang laban.</i>

603
00:42:07,416 --> 00:42:09,250
<i>Nahanap ni Selahattin si Lefter.</i>

604
00:42:09,333 --> 00:42:12,833
<i>Inilusot ni Lefter sa paa ang bola.
Tuloy-tuloy lang siya.</i>

605
00:42:13,416 --> 00:42:15,291
Kaya mo iyan, Lefter!

606
00:42:15,375 --> 00:42:16,750
Sige lang, Lefter!

607
00:42:17,333 --> 00:42:19,291
<i>Lusot din sa pangalawang kalaban.</i>

608
00:42:19,375 --> 00:42:22,166
Patuloy silang nilalampaso ni Lefter.
Di ako makapaniwala.

609
00:42:22,250 --> 00:42:23,125
Lefter...

610
00:42:24,125 --> 00:42:26,708
<i>Palapit si Lefter sa penalty area.</i>

611
00:42:28,083 --> 00:42:29,125
<i>Pineke.</i>

612
00:42:29,208 --> 00:42:31,125
<i>Nakalusot sa huling depensa!</i>

613
00:42:32,125 --> 00:42:33,208
<i>Tumira!</i>

614
00:42:33,291 --> 00:42:34,666
<i>Pasok ang bola!</i>

615
00:42:34,750 --> 00:42:37,083
<i>Goal!</i>

616
00:42:38,208 --> 00:42:40,125
<i>Nangunguna ang Fenerbahçe, one-zero.</i>

617
00:42:43,416 --> 00:42:44,875
Goal, pare!

618
00:42:44,958 --> 00:42:45,958
Goal!

619
00:42:46,708 --> 00:42:48,708
Pambihirang goal iyon, mga tagapakinig!

620
00:42:48,791 --> 00:42:51,166
Ibigay kay Lefter!

621
00:42:51,250 --> 00:42:53,375
Ilalagay niya sa ledger!

622
00:42:53,458 --> 00:42:55,416
Ibigay kay Lefter...

623
00:42:55,500 --> 00:42:59,666
Nagsisigawan ng "Ibigay kay Lefter,
ilalagay niya sa ledger!"

624
00:42:59,750 --> 00:43:03,875
Ibigay kay Lefter,
ilalagay niya sa ledger!

625
00:43:03,958 --> 00:43:07,041
MALAKAS ANG SIMULA NG "KOPONAN NI MOLNÁR"
NAGNINGNING SI LEFTER

626
00:43:07,125 --> 00:43:09,833
<i>Itinawid mula sa kanan.
Ipinasok ni Lefter!</i>

627
00:43:09,916 --> 00:43:11,333
<i>Goal.</i>

628
00:43:11,416 --> 00:43:12,708
<i>Basta si Lefter!</i>

629
00:43:12,791 --> 00:43:14,208
HINDI SAPAT ANG GOAL NI LEFTER

630
00:43:14,291 --> 00:43:16,625
<i>Mula sa kanan. Sinipa ni Lefter papasok.</i>

631
00:43:16,708 --> 00:43:18,166
<i>Goal! Pasok sa net.</i>

632
00:43:18,250 --> 00:43:20,041
<i>Napakahusay ng tira ni Lefter.</i>

633
00:43:20,125 --> 00:43:21,166
PANALO ANG FENERBAHÇE

634
00:43:21,750 --> 00:43:25,250
<i>Binigyang-diin ni Coach Molnár
na masaya siya sa...</i>

635
00:43:25,333 --> 00:43:26,750
<i>Tumira ulit si Lefter!</i>

636
00:43:26,833 --> 00:43:28,958
<i>Dumaplis ang bola sa poste.</i>

637
00:43:29,041 --> 00:43:31,375
<i>Sumusuntok sa lupa si Lefter,
mga tagapakinig.</i>

638
00:43:31,458 --> 00:43:33,416
<i>Goal machine ng Fenerbahçe.</i>

639
00:43:33,500 --> 00:43:35,125
<i>Tig-isa sina Lefter at Halit.</i>

640
00:43:35,208 --> 00:43:36,291
<i>Tumira si Lefter!</i>

641
00:43:36,375 --> 00:43:38,000
<i>Pumuntos na naman siya!</i>

642
00:43:38,750 --> 00:43:42,041
<i>Buhat ng koponan si Lefter.
Ipinanalo niya ang laban.</i>

643
00:43:47,125 --> 00:43:49,208
<i>Nakapitong goal ang Fenerbahçe.</i>

644
00:43:49,291 --> 00:43:52,875
<i>Makasaysayan ang panalo ng Dilaw at Asul
sa pagbasag nila ng seasonal record.</i>

645
00:44:00,791 --> 00:44:04,458
<i>Pineke ni Lefter, tumira, pumuntos!
Pasok sa net ang bola!</i>

646
00:44:04,541 --> 00:44:05,375
<i>Si Lefter!</i>

647
00:44:05,458 --> 00:44:06,791
RUMAGASA ANG YELLOW CANARIES

648
00:44:06,875 --> 00:44:08,833
<i>Mahusay ang ipinamalas ni Lefter!</i>

649
00:44:10,125 --> 00:44:12,916
<i>Naka-goal si Lefter!</i>

650
00:44:20,375 --> 00:44:21,750
{\an8}<i>Kampeon ang Fenerbahçe.</i>

651
00:44:21,833 --> 00:44:24,708
{\an8}<i>Ipinagdiriwang ng Dilaw at Asul
ang ikawalong titulo sa liga.</i>

652
00:44:24,791 --> 00:44:27,708
Mabuhay, mabuhay, mabuhay ang Fenerbahçe!

653
00:44:27,791 --> 00:44:31,916
KAMPEON ANG FENERBAHÇE
IPINAGDIWANG ANG IKAWALO NILA

654
00:44:47,500 --> 00:44:49,208
Di siya makapagsalita ngayon.

655
00:44:49,916 --> 00:44:51,708
Sabi ng mga doktor, baka balang araw.

656
00:44:52,708 --> 00:44:55,416
Iyon mismo ang sinabi nila.
"Baka balang araw."

657
00:44:57,125 --> 00:45:01,333
- Inay, kumusta siya?
- Baka huling gabi na niya ngayon.

658
00:45:48,041 --> 00:45:49,041
'Tay.

659
00:45:56,791 --> 00:45:57,791
'Tay.

660
00:46:08,291 --> 00:46:11,375
<i>Nabalitaan mo ba, 'Tay?
Gusto nila ako sa Fenerbahçe.</i>

661
00:46:15,208 --> 00:46:17,000
<i>'Yong buong team.</i>

662
00:46:23,958 --> 00:46:26,583
"Masyado kang perfectionist, Lefter."

663
00:46:27,083 --> 00:46:28,333
Sabi ni Coach Molnár.

664
00:46:32,291 --> 00:46:35,666
Sabi ko naman,
"Nakuha ko iyon sa tatay ko, Coach."

665
00:46:40,041 --> 00:46:41,958
May magandang balita ako sa iyo.

666
00:46:43,666 --> 00:46:45,083
Ang anak mong si Lefter,

667
00:46:46,708 --> 00:46:48,458
ipinatawag ng national team.

668
00:46:53,708 --> 00:46:55,958
Naaalala mo ba noong sinabi mo sa akin

669
00:46:57,083 --> 00:46:58,958
na hindi mo ako kailangan?

670
00:47:04,625 --> 00:47:06,916
Pero kailangang-kailangan kita, 'Tay.

671
00:47:10,333 --> 00:47:11,625
Mahal kong tatay.

672
00:47:20,916 --> 00:47:24,333
Mahal na mahal kita, 'Tay.

673
00:47:25,125 --> 00:47:27,041
Higit pa sa buhay ko.

674
00:47:30,625 --> 00:47:31,875
Magpagaling ka, ha?

675
00:47:37,208 --> 00:47:40,333
Alam ko naman
kung gaano katigas ang ulo mo, e.

676
00:47:40,416 --> 00:47:42,500
Gawin mo ang gusto mo, pero...

677
00:47:44,666 --> 00:47:46,291
Maganda kung gagaling ka.

678
00:47:47,208 --> 00:47:49,875
Para mapagalitan mo ulit ako, hindi ba?

679
00:47:51,041 --> 00:47:53,375
"Hindi pwedeng bola ang habulin mo."

680
00:47:55,416 --> 00:47:56,583
Ano'ng masasabi mo, 'Tay?

681
00:48:37,541 --> 00:48:39,458
Humimlay ang dakilang Hristo.

682
00:48:42,000 --> 00:48:43,791
Pumanaw si Itay kinaumagahan.

683
00:48:45,791 --> 00:48:47,541
Iyon ang araw na tumanda si Lefter.

684
00:48:48,291 --> 00:48:50,125
Doon natapos ang kabataan niya.

685
00:48:57,083 --> 00:48:58,208
Stavro.

686
00:49:02,375 --> 00:49:06,125
Hindi ba sobra naman iyan
para sa tatlong araw lang?

687
00:49:06,208 --> 00:49:09,416
Dapat laging maayos
at malinis ang asawa ko

688
00:49:09,500 --> 00:49:11,041
pag nakikipagkita sa mahal niya.

689
00:49:11,541 --> 00:49:13,166
Ano ang ibig mong sabihin?

690
00:49:14,208 --> 00:49:15,208
Bolang leather.

691
00:49:20,583 --> 00:49:22,416
Football ang unang minahal mo.

692
00:49:23,416 --> 00:49:25,708
Pumayag akong pumangalawa.

693
00:49:27,083 --> 00:49:29,458
Iniisip ko kung mali ang ginagawa ko.

694
00:49:29,541 --> 00:49:32,083
Baka dapat di kita tulungan
na magmukhang guwapo.

695
00:49:32,666 --> 00:49:35,291
Ano naman kung magmukha akong guwapo? Ha?

696
00:49:35,375 --> 00:49:36,916
Sabihin mo nga.

697
00:49:37,416 --> 00:49:39,541
Ano ngayon kung mukha akong guwapo?

698
00:49:39,625 --> 00:49:41,291
Sa iyo nakatingin ang lahat.

699
00:49:43,583 --> 00:49:45,208
Hayaan mo sila.

700
00:49:47,916 --> 00:49:49,708
Ikaw ang unang minahal ko.

701
00:49:52,041 --> 00:49:54,125
At ikaw rin ang magiging huli.

702
00:49:58,500 --> 00:50:02,250
Lefter, Lefter!

703
00:50:02,958 --> 00:50:04,125
<i>Mga tagapakinig,</i>

704
00:50:04,208 --> 00:50:09,000
<i>lilipad ang national team papuntang Athens
para sa friendly match laban sa Greece.</i>

705
00:50:09,083 --> 00:50:13,375
<i>Ang mainit na usapan sa Athens
bago ang laro,</i>

706
00:50:13,458 --> 00:50:15,791
<i>ang manlalaro nating
si Lefter Küçükandonyadis</i>

707
00:50:15,875 --> 00:50:19,166
<i>ay magsusuot ng national jersey
sa unang pagkakataon laban sa Greece.</i>

708
00:50:19,250 --> 00:50:21,625
- Kinuha ng barko si Lefter!
- İhsan, tabi.

709
00:50:21,708 --> 00:50:24,041
Kinuha ng malaking barko si Lefter!

710
00:50:25,750 --> 00:50:26,625
Ang anak ko.

711
00:50:26,708 --> 00:50:29,333
Inay, nag-abala pa kayo. Ano naman ito?

712
00:50:29,416 --> 00:50:30,916
Walang tatalo sa luto ng ina.

713
00:50:31,000 --> 00:50:34,166
Maraming melasa diyan
para makatakbo ka nang mabilis.

714
00:50:35,791 --> 00:50:37,750
Ipinagmamalaki ka naming lahat.

715
00:50:41,375 --> 00:50:43,541
Alagaan mo ang sarili mo, ha?

716
00:50:45,625 --> 00:50:48,333
{\an8}ATHENS

717
00:50:48,416 --> 00:50:53,250
{\an8}Lefter! Lefter, mabilis na tanong lang.
Sa palagay mo ba, mananalo tayo?

718
00:50:53,750 --> 00:50:57,250
Lefter, Lefter!

719
00:50:57,333 --> 00:50:59,583
Mananalo ang Turkish national team
nang 3-1.

720
00:51:00,083 --> 00:51:02,250
Pupuntos kami nina Fikret at Șükrü.

721
00:51:04,083 --> 00:51:05,208
Lefter, kaunti pa...

722
00:51:05,291 --> 00:51:08,375
<i>Magsisimula na ang laban
ng Greece at Türkiye.</i>

723
00:51:08,458 --> 00:51:13,083
<i>Nakaabang na sa radyo ang buong bansa
para sa pagsisimula ng laro.</i>

724
00:51:13,166 --> 00:51:14,458
Boo!

725
00:51:14,541 --> 00:51:17,875
<i>Tumapak na nga sa field
ang ating national team.</i>

726
00:51:19,208 --> 00:51:20,208
Anak ng Turko!

727
00:51:20,291 --> 00:51:23,500
- Traydor!
- Anak ng Turko!

728
00:51:25,875 --> 00:51:26,916
Hindi ka Griyego!

729
00:51:28,750 --> 00:51:30,208
<i>May malaking protesta.</i>

730
00:51:30,291 --> 00:51:32,916
<i>Sa kasamaang palad, may mga namamato.</i>

731
00:51:33,750 --> 00:51:35,916
<i>Ayaw nating nakakakita ng ganito.</i>

732
00:51:36,000 --> 00:51:39,333
Griyego ka ba 'ka mo? Salot!

733
00:51:39,416 --> 00:51:42,833
<i>May malaking reaksiyon kay Lefter,
hindi sa national team.</i>

734
00:51:42,916 --> 00:51:46,041
Hindi ito football.
Hindi maaari. Hindi dapat ganito.

735
00:51:49,791 --> 00:51:51,083
Anak ng Turko!

736
00:51:51,583 --> 00:51:53,000
Traydor!

737
00:51:53,083 --> 00:51:54,708
Griyego ka ba 'ka mo?

738
00:51:54,791 --> 00:51:56,333
Anak ng Turko!

739
00:52:01,416 --> 00:52:05,583
<i>Nagsimula na ang laban.
Malakas ang hiyawan sa stadium.</i>

740
00:52:06,625 --> 00:52:10,666
<i>Patuloy ang pagprotesta ng mga Griyego
sa koponan natin,</i>

741
00:52:10,750 --> 00:52:13,583
<i>lalo na sa manlalaro nating si Lefter.</i>

742
00:52:14,458 --> 00:52:17,541
<i>Na kay Lefter ang bola.
Nalusutan niya ang kalaban.</i>

743
00:52:17,625 --> 00:52:20,166
<i>Malayong pasa kay Ahmet.
Hinahamon ni Ahmet ang kalaban.</i>

744
00:52:20,250 --> 00:52:23,041
<i>Ipinasa sa kabila ang bola! Na kay Fikret.</i>

745
00:52:23,125 --> 00:52:26,291
<i>Tinira, sapul sa net, mga kapatid!</i>

746
00:52:26,375 --> 00:52:28,833
<i>Lamang ang Türkiye nang one-zero.</i>

747
00:52:33,916 --> 00:52:35,375
<i>Ipinasa ni Fikret kay Lefter.</i>

748
00:52:35,458 --> 00:52:38,958
<i>Na kay Lefter ulit ang bola.
Pineke ni Lefter.</i>

749
00:52:39,041 --> 00:52:40,708
<i>Sumugod sa kalaban.</i>

750
00:52:40,791 --> 00:52:42,875
<i>Pineke ulit, at na-foul siya!</i>

751
00:52:42,958 --> 00:52:44,083
<i>Foul iyon!</i>

752
00:52:45,708 --> 00:52:47,625
<i>Pinapatuloy ng referee ang laban.</i>

753
00:52:48,125 --> 00:52:49,208
<i>Tumayo si Lefter.</i>

754
00:52:49,291 --> 00:52:50,583
<i>Nasa atin ulit ang bola.</i>

755
00:52:50,666 --> 00:52:53,083
- Narito ako!
<i>- Hinihingi ni Lefter ang bola.</i>

756
00:52:53,166 --> 00:52:54,416
<i>İsfendiyar.</i>

757
00:52:55,291 --> 00:52:57,291
<i>Ipinasa ni İsfendiyar mula sa malayo.</i>

758
00:52:59,625 --> 00:53:02,583
<i>Kay Lefter. Tinira! Pasok sa net! Goal!</i>

759
00:53:02,666 --> 00:53:06,708
<i>Lefter Küçükandonyadis!</i>

760
00:53:08,458 --> 00:53:12,750
<i>Ang unang goal ng ating si Lefter
suot ang national jersey</i>

761
00:53:12,833 --> 00:53:14,750
<i>ay sapul sa likod ng net ng Greece.</i>

762
00:53:14,833 --> 00:53:17,166
<i>Sa Athens, palakpakan sa isang panig</i>

763
00:53:17,250 --> 00:53:20,208
<i>at walang humpay naman
na protesta sa kabila.</i>

764
00:53:29,541 --> 00:53:32,416
<i>Panalo ang Turkish national team
sa score na 3-1,</i>

765
00:53:32,500 --> 00:53:35,291
<i>at may goal mula kina Fikret,
Lefter, at Şükrü.</i>

766
00:53:35,375 --> 00:53:37,916
<i>Nagtapos ang exhibition
ng Türkiye at Greece</i>

767
00:53:38,000 --> 00:53:40,208
<i>sa pagkapanalo ng Türkiye.</i>

768
00:53:40,291 --> 00:53:44,208
<i>Tinalo ng Türkiye ang Greece
sa score na 3-1.</i>

769
00:53:44,291 --> 00:53:50,041
<i>Ang mga nakapuntos,
sina Küçükandonyadis, Kırcan, at Gülesin.</i>

770
00:54:00,250 --> 00:54:02,000
MARUMING TIRADA KAY LEFTER

771
00:54:02,083 --> 00:54:04,125
PANALO ANG NATIONAL TEAM
LABAN SA GREECE, 3-1

772
00:54:05,375 --> 00:54:08,291
'Nay, tingnan n'yo ang sabi ni Lefter.

773
00:54:08,375 --> 00:54:09,458
Ano?

774
00:54:10,916 --> 00:54:13,708
{\an8}"Masaya akong makapaglingkod
sa aking bansa."

775
00:54:22,833 --> 00:54:24,166
Ayos ka lang, Lefter?

776
00:54:25,791 --> 00:54:26,791
Oo.

777
00:54:31,500 --> 00:54:33,916
"Hindi bagay ang uwak sa hardin ng rosas,

778
00:54:34,541 --> 00:54:37,083
"o ang ibong humuhuni
sa tapunan ng basura."

779
00:54:38,041 --> 00:54:39,458
Iyon ang sabi ni Itay.

780
00:54:43,458 --> 00:54:45,250
Kung gayon, nasaan ako ngayon?

781
00:54:47,083 --> 00:54:50,291
Anak ng Rum sa bansa ko,
anak ng Turko rito.

782
00:54:52,208 --> 00:54:53,583
Ano na lang ako?

783
00:54:56,750 --> 00:54:57,625
Tingnan mo.

784
00:54:58,666 --> 00:54:59,666
Athens.

785
00:55:02,791 --> 00:55:04,750
Kamukha ng Istanbul.

786
00:55:05,666 --> 00:55:07,041
Sinasabi iyon ni Inay noon.

787
00:55:07,666 --> 00:55:10,708
Hindi ako naniwala.
Para sa akin, magkaiba sila.

788
00:55:14,208 --> 00:55:15,208
Iyon pala...

789
00:55:16,916 --> 00:55:18,125
magkapareho kami.

790
00:55:18,625 --> 00:55:20,125
- Pero—
- Lefter.

791
00:55:20,208 --> 00:55:22,625
Saan mo gustong mapunta pag nakapikit ka?

792
00:55:22,708 --> 00:55:24,166
Doon ka nababagay.

793
00:55:24,875 --> 00:55:25,750
Tandaan mo.

794
00:55:28,416 --> 00:55:29,416
Sige.

795
00:55:31,291 --> 00:55:32,291
Sige.

796
00:56:03,541 --> 00:56:06,291
- <i>Bon appétit.</i>
- Maligayang pagdating.

797
00:56:09,458 --> 00:56:12,416
Ang pinakamasugid kong tagasuporta
na si Manol.

798
00:56:12,500 --> 00:56:13,625
Bisita natin siya.

799
00:56:13,708 --> 00:56:16,083
- Masaya akong makilala ka.
- Idadagdag ko lang.

800
00:56:16,583 --> 00:56:18,333
Ako ang pinakamalaki niyang tagahanga.

801
00:56:19,958 --> 00:56:21,041
Ikinagagalak ko.

802
00:56:21,125 --> 00:56:23,375
Masaya kaming makasama ka.

803
00:56:23,458 --> 00:56:24,791
Palabiro siyang tao.

804
00:56:24,875 --> 00:56:26,166
- Pansin ko nga.
- Oo.

805
00:56:28,791 --> 00:56:31,166
Bale... Nasaan na nga ba ako?

806
00:56:32,000 --> 00:56:36,000
Sa maikling panahon,
naging matalik niya akong kaibigan.

807
00:56:36,083 --> 00:56:38,625
Sa mahabang panahon...
Ayos lang bang wala nang "Ginoo"?

808
00:56:38,708 --> 00:56:40,333
- Tingnan mo si Hasan.
- Ayos lang.

809
00:56:40,916 --> 00:56:42,666
Ayos lang sa akin, ngunit...

810
00:56:43,291 --> 00:56:47,208
Sabi mo, naging matalik ka niyang kaibigan
sa napakaikling panahon.

811
00:56:47,291 --> 00:56:50,666
Gusto kong marinig ang lahat ng detalye.

812
00:56:52,708 --> 00:56:53,625
Sige lang.

813
00:56:54,708 --> 00:56:56,625
Di siya makapuntos
nang di ako tinitingnan.

814
00:56:57,250 --> 00:56:58,250
Naku.

815
00:56:59,666 --> 00:57:00,750
Wag ka nang mag-abala.

816
00:57:00,833 --> 00:57:03,666
Hindi nanonood si Hasan ng laro ko.
Di niya hilig ang football.

817
00:57:03,750 --> 00:57:05,000
Sayang ang oras mo.

818
00:57:05,083 --> 00:57:06,916
Buweno, narinig mo siya.

819
00:57:07,000 --> 00:57:09,083
Di ako pumupunta sa mga laban niya.

820
00:57:09,166 --> 00:57:11,833
Kaya pumupuntos siya
pag makakapuntos siya, Manol.

821
00:57:11,916 --> 00:57:13,125
Oo nga.

822
00:57:13,208 --> 00:57:16,708
May mga bago nang kaibigan si Lefter.
Kailangan naming tanggapin.

823
00:57:16,791 --> 00:57:20,583
Kung nasaan ka, naroon siya.
Kayo ang pinakatotoong magkaibigan.

824
00:57:20,666 --> 00:57:23,625
Sang-ayon ako sa sinabi mong iyan, Pano.

825
00:57:23,708 --> 00:57:24,958
Mahal kong kapatid.

826
00:57:25,041 --> 00:57:26,208
Cheers.

827
00:57:37,875 --> 00:57:40,208
Itaas natin ang ating mga baso

828
00:57:40,291 --> 00:57:42,958
para sa dakilang manlalaro
na tiniis ang pangungutya

829
00:57:43,041 --> 00:57:44,750
para maibigay niya ang lahat.

830
00:57:44,833 --> 00:57:46,583
Diyos lang ang dakila.

831
00:57:47,500 --> 00:57:51,583
Kung iyong laro sa Greece
ang tinutukoy mo,

832
00:57:52,875 --> 00:57:56,750
nirepresenta ko lang ang bansa ko
laban sa lahi ko.

833
00:57:58,458 --> 00:58:00,583
Iyong mga nangutya ang dapat mahiya.
Hindi ba?

834
00:58:00,666 --> 00:58:02,041
- Tama ka.
- Mismo.

835
00:58:03,333 --> 00:58:05,125
May nagtanong noon kay Lefter.

836
00:58:05,208 --> 00:58:06,458
- Naku.
- Hayan na.

837
00:58:06,541 --> 00:58:09,208
"Ano ang pinupuntirya mo
kapag tumitira ka?"

838
00:58:09,291 --> 00:58:10,416
Ano ang sabi ko?

839
00:58:10,916 --> 00:58:12,125
Sabi niya, "Crossbar."

840
00:58:13,875 --> 00:58:15,375
Tinanong nila kung bakit.

841
00:58:15,458 --> 00:58:16,541
Sagot ni Lefter,

842
00:58:16,625 --> 00:58:20,125
"Pag kasi tumama sa crossbar,
mapapa-'Ah!' ang mga tao.

843
00:58:20,708 --> 00:58:23,666
"Pag mas mataas, mapapa-'Whoa!' sila.

844
00:58:24,416 --> 00:58:27,041
"Pag mas mababa naman
nang dalawang pulgada..."

845
00:58:27,666 --> 00:58:29,000
Mapapa-"Goal!" sila?

846
00:58:31,916 --> 00:58:34,625
Cheers! Para kay Lefter!

847
00:58:35,333 --> 00:58:36,500
Inom tayo.

848
00:58:36,583 --> 00:58:37,583
Cheers.

849
00:58:41,958 --> 00:58:44,416
- Hay, Manol.
- Alam mo ba ang kuwentong iyon?

850
00:58:44,500 --> 00:58:47,791
Itanong mo kay Manol.
Alam niya kung alam ko.

851
00:58:47,875 --> 00:58:48,708
Alam mo.

852
00:58:48,791 --> 00:58:50,125
- Talaga?
- Siyempre.

853
00:58:50,208 --> 00:58:52,083
Siguro nga. Sabi mo, e.

854
00:59:02,708 --> 00:59:04,458
Inay!

855
00:59:08,208 --> 00:59:09,916
Lefteri <i>mou</i>.

856
00:59:24,875 --> 00:59:27,125
Inay!

857
00:59:41,166 --> 00:59:44,125
<i>Linisin mo ako ng hisopo
at ako'y magiging dalisay.</i>

858
00:59:47,541 --> 00:59:49,750
<i>Hugasan mo ako
at ako'y mas puputi pa sa niyebe.</i>

859
00:59:53,666 --> 00:59:56,583
<i>Sa Panginoon ang kalupaan
at lahat ng narito,</i>

860
01:00:00,333 --> 01:00:02,666
<i>ang mundo at lahat ng naninirahan dito.</i>

861
01:00:05,000 --> 01:00:08,500
<i>Nawa'y manatili ang kanyang alaala.
Sumalangit nawa ang kaluluwa niya.</i>

862
01:00:10,250 --> 01:00:11,875
Kahit ganap ka nang lalaki,

863
01:00:12,791 --> 01:00:14,833
mananatili kang anak ng iyong ina.

864
01:00:15,666 --> 01:00:17,916
Di namin mapaalis si Lefter
sa puntod niya.

865
01:00:18,416 --> 01:00:21,541
<i>Pero hindi humihinto ang mundo
kapag huminto ka.</i>

866
01:00:21,625 --> 01:00:24,291
<i>Pupulutin ka nito
at ilalagay ka sa kung saan.</i>

867
01:00:24,791 --> 01:00:27,208
Ginoong Pangulo, sumusuko ka sa tagumpay.

868
01:00:27,291 --> 01:00:29,708
Wala nang ibang paliwanag pa roon.

869
01:00:29,791 --> 01:00:32,708
Sa iyo ang tungkuling palitan
ang mga umaalis, hindi sa akin.

870
01:00:32,791 --> 01:00:35,041
Pero si Lefter ang pinag-uusapan dito.

871
01:00:35,541 --> 01:00:39,375
Siya ang unang manlalaro natin
na ililipat sa ibang bansa nang may bayad.

872
01:00:39,458 --> 01:00:40,333
Kauna-unahan.

873
01:00:40,833 --> 01:00:44,500
Sana alam mo ang ibig sabihin no'n
sa team natin at sa bansa.

874
01:00:44,583 --> 01:00:45,791
Ginoong Pangulo.

875
01:00:46,375 --> 01:00:48,625
Pasok ka, Lefter. Hinihintay ka namin.

876
01:00:50,583 --> 01:00:53,666
Nabalitaan mo na siguro.
Gusto ka ng Fiorentina.

877
01:00:54,916 --> 01:00:58,958
Siyempre, kapalit ng malaking halaga.
Tatlumpu't limang libo.

878
01:01:00,041 --> 01:01:02,500
<i>Nagulat din ako.</i>

879
01:01:02,583 --> 01:01:05,958
Nakita pala nila ako sa Berlin
kalaban ang Germany.

880
01:01:06,041 --> 01:01:07,708
- Noong may sakit ka?
- Oo.

881
01:01:21,166 --> 01:01:22,166
Dalawang taon.

882
01:01:25,333 --> 01:01:26,666
Parang habambuhay.

883
01:01:30,375 --> 01:01:33,208
Sabi ko naman sa iyo,
sumama ka na sa akin.

884
01:01:36,666 --> 01:01:38,083
Hindi puwede ngayon.

885
01:01:38,833 --> 01:01:40,500
Alam mo naman ang sitwasyon ni Mama.

886
01:01:42,083 --> 01:01:43,958
Aayusin ko muna ang lahat.

887
01:01:49,625 --> 01:01:51,375
Di ako pwedeng malayo sa iyo

888
01:01:51,875 --> 01:01:54,958
at sa isla.

889
01:01:57,833 --> 01:02:00,833
Tatanggihan ko bukas.
Wag na nating pag-usapan.

890
01:02:00,916 --> 01:02:02,708
- Hindi, Lefter.
- Tama na ang usapan.

891
01:02:02,791 --> 01:02:04,041
Lefter, huwag.

892
01:02:11,333 --> 01:02:13,416
Tagumpay lang ang tatahakin mo.

893
01:02:15,541 --> 01:02:16,958
Pumunta ka para sa atin.

894
01:02:21,916 --> 01:02:23,250
Mahal na mahal kita.

895
01:02:42,250 --> 01:02:45,333
{\an8}<i>Mga manonood, ang Propesor Ordinarius
ng Turkish football</i>

896
01:02:45,416 --> 01:02:49,125
{\an8}<i>na si Lefter Küçükandonyadis,
ay patuloy nating naipagmamalaki</i>

897
01:02:49,208 --> 01:02:54,541
<i>dahil sa napakahusay niyang paglalaro
para sa tanyag na koponan na Fiorentina.</i>

898
01:02:57,958 --> 01:03:01,083
<i>Tinaguriang "The Football Wizard"
ng mga Italyano,</i>

899
01:03:01,166 --> 01:03:04,541
<i>hindi rin tayo binigo ni Lefter sa Europa.</i>

900
01:03:04,625 --> 01:03:07,375
<i>Sa mga naipasok niyang goal
at natatanging galaw,</i>

901
01:03:07,458 --> 01:03:10,958
<i>patuloy siyang umuukit ng daan
sa puso ng mga tagahanga sa Fiorentina.</i>

902
01:03:11,041 --> 01:03:12,166
Kapana-panabik.

903
01:03:15,208 --> 01:03:20,875
<i>Nakapuntos din siya ng napakahusay na goal
sa Inter game noong nakaraang buwan.</i>

904
01:03:21,458 --> 01:03:25,083
Pupuntos si Lefter!
Pupuntos siya ngayon na!

905
01:03:25,166 --> 01:03:28,583
Magagalit si Hristo! Pupuntos si Lefter!

906
01:03:28,666 --> 01:03:34,083
<i>Panoorin natin ang goal ni Lefter
sa kuha mula sa laban na iyon.</i>

907
01:03:36,041 --> 01:03:38,375
<i>Habang umaatake ang Fiorentina
mula sa kanan,</i>

908
01:03:38,458 --> 01:03:41,208
<i>napunta ang bola kay Lefter
sa penalty area.</i>

909
01:03:42,500 --> 01:03:44,833
<i>Isa-isang nilampasan ni Lefter
ang mga kalaban</i>

910
01:03:44,916 --> 01:03:47,666
<i>gamit ang natatangi niyang pagdi-dribble,</i>

911
01:03:48,708 --> 01:03:49,666
<i>saka pumuntos!</i>

912
01:03:55,750 --> 01:04:01,541
Lefter, Lefter!

913
01:04:11,583 --> 01:04:12,583
{\an8}FLORENCE

914
01:04:12,666 --> 01:04:15,833
{\an8}<i>Oo, hinihingi ng Nice si Lefter
kapalit ng napakalaking halaga.</i>

915
01:04:15,916 --> 01:04:18,083
Totoo ang mga bali-balita.

916
01:04:18,166 --> 01:04:23,708
Aayusin namin ang mga detalye ng kontrata
pagkatapos ng season.

917
01:04:24,958 --> 01:04:29,291
Makakasama natin si Lefter
hanggang sa katapusan ng taon,

918
01:04:30,250 --> 01:04:34,208
pero jersey na ng Nice ang isusuot niya
sa susunod na season.

919
01:04:35,875 --> 01:04:38,458
Ngayon naman, pakinggan natin si Lefter.

920
01:04:38,541 --> 01:04:39,416
Salamat.

921
01:04:41,958 --> 01:04:42,958
Magandang araw.

922
01:04:44,583 --> 01:04:46,500
Mananatili ang Fiorentina

923
01:04:46,583 --> 01:04:50,625
bilang isa sa pinakamahalagang yugto
sa karera ko sa football.

924
01:04:51,333 --> 01:04:55,791
Ang matinding pagmamahal sa football
ng mga tagahanga ng Fiorentina

925
01:04:56,291 --> 01:05:00,166
ang nakatulong sa akin sa Florence
noong mga panahong malungkot ako.

926
01:05:00,666 --> 01:05:02,416
Hindi ko sila malilimutan.

927
01:05:02,916 --> 01:05:04,416
Salamat sa lahat.

928
01:05:22,541 --> 01:05:25,791
Napakasaya ng mga panahong iyon, hindi ba?

929
01:05:26,875 --> 01:05:29,541
Alam mo na ang nangyari
pagkatapos ng Italy.

930
01:05:35,000 --> 01:05:38,208
- Sige. Maraming salamat sa pagpunta.
- Kaibigan.

931
01:05:41,083 --> 01:05:43,708
Ano? Kumusta ako kanina?

932
01:05:43,791 --> 01:05:45,625
Nalamangan mo nga lang ako.

933
01:05:45,708 --> 01:05:47,875
Isa kang tunay na diyamante.

934
01:05:47,958 --> 01:05:51,000
Dinadala mo ang usapan
kung saan mo naisin.

935
01:05:51,916 --> 01:05:55,250
Di ba parang pinaganda mo masyado
iyong tungkol sa Italy?

936
01:05:59,791 --> 01:06:02,208
Sarilinin mo na lang iyang iniisip mo.

937
01:06:03,791 --> 01:06:05,083
O sa France ba iyon?

938
01:06:06,375 --> 01:06:10,125
Nagbago ka na mula nang bumalik ka.
Akala mo ba, di ko pansin?

939
01:06:10,208 --> 01:06:13,583
Blah, blah, blah.
Ano ba'ng pinalalabas mo kanina pa?

940
01:06:13,666 --> 01:06:16,458
Wala akong pinalalabas. Tinatanong kita.

941
01:06:16,541 --> 01:06:18,916
Ano ang itinatago mo sa amin? Sa akin?

942
01:06:19,000 --> 01:06:21,416
Wala. Huwag kang mag-imbento.

943
01:06:22,291 --> 01:06:23,833
Lefter, tama na.

944
01:06:23,916 --> 01:06:27,500
Minsan mas mabuting di mo alam
maliban kung kailangan talaga.

945
01:06:27,583 --> 01:06:29,041
Kaya oo, tama na.

946
01:06:29,833 --> 01:06:33,875
Mali ka. Laging mas mabuti ang katotohanan
kaysa sa kasinungalingan.

947
01:06:33,958 --> 01:06:37,041
Saka kailan pa tayo naglihim
sa isa't isa, Lefter?

948
01:06:37,541 --> 01:06:40,000
Bakit hindi ka kaya maging makata, Hasan?

949
01:06:40,666 --> 01:06:41,500
Duwag.

950
01:06:43,208 --> 01:06:44,083
Ano ulit iyon?

951
01:06:44,166 --> 01:06:45,583
Tinawag kitang duwag.

952
01:06:46,083 --> 01:06:48,625
Sa sobrang duwag mo, di mo masabi sa akin.

953
01:06:49,875 --> 01:06:50,875
Hasan.

954
01:06:51,416 --> 01:06:52,458
Hasan!

955
01:06:52,541 --> 01:06:56,958
Bahala ka kung anuman ang tinatago mo.
Wag ka nang manakit ng tao, Lefter.

956
01:07:00,250 --> 01:07:02,583
{\an8}DALAWANG TAON NA ANG NAKALILIPAS

957
01:07:10,333 --> 01:07:12,250
Aba, si Lefter na wizard!

958
01:07:12,333 --> 01:07:14,208
- Uy.
- Hanga kami sa iyo, Lefter!

959
01:07:14,291 --> 01:07:17,625
<i>Si.</i> Oo, ako nga. Kumusta?

960
01:07:17,708 --> 01:07:20,333
Magandang umaga. Salamat.

961
01:07:20,416 --> 01:07:22,041
Ano na ang sasabihin ko?

962
01:07:22,125 --> 01:07:23,416
Pwedeng magpalitrato?

963
01:07:24,541 --> 01:07:26,708
Litrato? Oo naman.

964
01:07:28,375 --> 01:07:31,625
- Salamat. Magandang araw.
- Pwedeng magpa-autograph kami?

965
01:07:31,708 --> 01:07:32,666
Magandang araw.

966
01:07:32,750 --> 01:07:34,666
- Salamat.
- Salamat.

967
01:07:35,708 --> 01:07:36,708
Sige.

968
01:07:37,875 --> 01:07:41,625
Mukhang maraming hihingi ng autograph mo
ngayong araw.

969
01:07:46,041 --> 01:07:48,583
Binabati kita sa tagumpay mo.

970
01:07:50,625 --> 01:07:53,000
- Pwedeng malaman ang pangalan mo?
- Meri.

971
01:07:53,083 --> 01:07:55,250
Ikinagagalak kitang makilala, Meri.

972
01:07:58,541 --> 01:08:03,000
Masaya ako at nagugulat na makakilala
ng taong nagsasalita ng aking wika.

973
01:08:03,083 --> 01:08:05,666
Dito ka ba sa Italy nakatira?

974
01:08:05,750 --> 01:08:08,500
Hindi. Nagtatrabaho ako
sa isang publisher sa Istanbul.

975
01:08:08,583 --> 01:08:10,291
Narito ako para sa trabaho.

976
01:08:12,541 --> 01:08:16,666
Nais mo bang maupo muna?
Baka nais mong magkape.

977
01:08:19,541 --> 01:08:21,958
- Doon tayo.
- Salamat.

978
01:08:26,250 --> 01:08:27,708
Heto. Tulungan na kita.

979
01:08:49,875 --> 01:08:51,166
Cheers.

980
01:09:32,333 --> 01:09:34,375
Meri, pumasok ka na. Sige na.

981
01:09:34,458 --> 01:09:36,625
Dito ka muna habang umuulan pa.

982
01:09:36,708 --> 01:09:37,791
Meri, pakiusap.

983
01:09:39,916 --> 01:09:41,083
Isara mo ang pinto.

984
01:10:04,458 --> 01:10:06,041
Sinundan tayo.

985
01:10:06,958 --> 01:10:09,500
Kinunan tayo. Ayaw ko namang itapon.

986
01:10:10,666 --> 01:10:11,666
Nino?

987
01:10:12,750 --> 01:10:15,416
Isang hangal na nagpapakalat
ng maling balita.

988
01:10:15,500 --> 01:10:17,541
Isang taong magaling manira.

989
01:10:18,333 --> 01:10:21,500
Hinihintay nilang magkamali ako.

990
01:10:22,000 --> 01:10:24,666
Natural lang na matakot ka.

991
01:10:24,750 --> 01:10:27,416
Takot? Parang hindi naman ako ganoon.

992
01:10:29,833 --> 01:10:31,625
Ano ang gusto mong inumin?

993
01:10:42,625 --> 01:10:43,916
Kailangan ko nang umalis.

994
01:10:45,291 --> 01:10:49,375
Paano kung sabihin kong huwag kang umalis?

995
01:10:50,416 --> 01:10:51,416
Huwag.

996
01:10:52,375 --> 01:10:53,666
Pakiusap, huwag.

997
01:11:04,291 --> 01:11:06,833
Mukhang magtatalumpati ka na naman.

998
01:11:13,500 --> 01:11:14,625
Aalis na ako.

999
01:11:16,750 --> 01:11:17,750
Kailangan.

1000
01:11:22,250 --> 01:11:23,291
May asawa na ako.

1001
01:11:30,458 --> 01:11:31,458
Labas!

1002
01:11:32,166 --> 01:11:33,500
Umalis ka rito!

1003
01:11:34,208 --> 01:11:35,708
Lefter!

1004
01:11:35,791 --> 01:11:38,666
Pwedeng magpa-autograph? Tagahanga mo ako.

1005
01:11:40,000 --> 01:11:41,416
Oo naman.

1006
01:11:43,833 --> 01:11:44,833
Heto.

1007
01:11:47,083 --> 01:11:48,125
Salamat.

1008
01:11:49,916 --> 01:11:51,833
- Salamat.
- Magandang araw.

1009
01:12:04,500 --> 01:12:05,750
Si Lefter!

1010
01:12:11,333 --> 01:12:15,583
<i>Bahala ka kung anuman ang tinatago mo.
Wag ka nang manakit ng tao, Lefter.</i>

1011
01:12:24,583 --> 01:12:25,583
Lefter?

1012
01:12:26,666 --> 01:12:27,666
Ayos ka lang?

1013
01:12:32,083 --> 01:12:34,333
Ayos lang ako. Ayos lang.

1014
01:13:08,500 --> 01:13:09,500
Lefter!

1015
01:13:32,666 --> 01:13:34,125
Ngayon ka lang nanigarilyo.

1016
01:13:39,083 --> 01:13:40,916
Kilala mo ba ako?

1017
01:13:42,708 --> 01:13:44,333
- Sino ka ba?
- Meri, tama na.

1018
01:13:44,416 --> 01:13:47,416
- Oo, Lefter! Tama na.
- Di ako nagsinungaling sa iyo.

1019
01:13:48,750 --> 01:13:50,750
Iyan ang pinanghahawakan mo?

1020
01:13:50,833 --> 01:13:53,541
- Wala ba iyong halaga sa iyo?
- Wala!

1021
01:13:54,291 --> 01:13:55,375
Wala.

1022
01:13:57,708 --> 01:14:00,666
Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo.

1023
01:14:00,750 --> 01:14:02,166
Tapos na ang fairy tale.

1024
01:14:02,666 --> 01:14:04,416
Ano'ng sinasabi mo?

1025
01:14:04,500 --> 01:14:07,541
Hindi iyon fairy tale.
Totoo ang namagitan sa atin.

1026
01:14:11,416 --> 01:14:13,833
Mukha kang masaya sa asawa mo.

1027
01:14:16,000 --> 01:14:17,208
Iyon ang gusto ko.

1028
01:14:18,375 --> 01:14:20,000
Di ko gustong masira iyon.

1029
01:14:20,833 --> 01:14:21,875
Di ko gugustuhin iyon.

1030
01:14:22,541 --> 01:14:24,083
Sinusundan mo ba ako?

1031
01:14:25,208 --> 01:14:26,666
Isang beses lang.

1032
01:14:27,875 --> 01:14:29,083
Noong bumalik ka.

1033
01:14:29,958 --> 01:14:31,541
Nakita kita roon.

1034
01:14:41,083 --> 01:14:41,916
Ano naman?

1035
01:14:43,916 --> 01:14:46,750
Ipinakita mo sa akin
kung gaano kayo kasaya, Lefter.

1036
01:14:46,833 --> 01:14:48,416
Siguradong nakahinga ka.

1037
01:14:48,500 --> 01:14:49,708
Hindi ako malungkot.

1038
01:14:50,875 --> 01:14:51,875
Noon.

1039
01:14:53,166 --> 01:14:54,208
Bago kita nakilala.

1040
01:14:56,125 --> 01:14:58,708
- Ano, sinisisi mo ako?
- Walang sisihan sa pag-ibig.

1041
01:14:58,791 --> 01:15:00,375
Itigil mo na ito.

1042
01:15:00,875 --> 01:15:02,541
Bakit mo ako sinundan?

1043
01:15:03,416 --> 01:15:06,125
Wag ka nang magpakita sa akin!
May asawa ka na!

1044
01:15:06,208 --> 01:15:09,041
Kung umasta ako noon
na parang wala akong asawa,

1045
01:15:09,125 --> 01:15:11,708
matagal na sana kitang nilapitan.

1046
01:15:13,833 --> 01:15:15,041
Pero tandaan mo ito.

1047
01:15:15,791 --> 01:15:17,083
Kung maibabalik ko ang oras,

1048
01:15:17,916 --> 01:15:19,583
babalik ako sa tatlong araw na iyon.

1049
01:15:21,500 --> 01:15:22,500
Bitiwan mo ako.

1050
01:15:23,000 --> 01:15:25,333
- Lefter, bitiwan mo ako.
- Shh. Tama na.

1051
01:15:25,416 --> 01:15:26,875
- Lefter.
- Shh.

1052
01:15:36,833 --> 01:15:37,833
Meri.

1053
01:16:01,083 --> 01:16:02,125
Magandang umaga,

1054
01:16:03,666 --> 01:16:04,833
Lefteri <i>mou</i>.

1055
01:16:06,291 --> 01:16:09,250
Magandang umaga, Meri <i>mou</i>.

1056
01:16:11,125 --> 01:16:12,791
Napakahimbing ng tulog mo.

1057
01:16:13,708 --> 01:16:15,416
Hindi kita magawang gisingin.

1058
01:16:18,125 --> 01:16:19,541
Nagugutom ako.

1059
01:16:20,791 --> 01:16:22,583
Nangangati ang mga ngipin ko.

1060
01:16:22,666 --> 01:16:24,833
Maaari ba kitang kagatin dito?

1061
01:17:15,625 --> 01:17:17,125
{\an8}MİTHATPAŞA STADIUM

1062
01:17:17,208 --> 01:17:22,666
{\an8}Mga tagapakinig, binabati ko kayong lahat
mula sa Mithatpaşa Stadium.

1063
01:17:22,750 --> 01:17:23,958
{\an8}Ito si Halit Kıvanç.

1064
01:17:25,166 --> 01:17:26,666
<i>Ito ang laban ng taon.</i>

1065
01:17:27,166 --> 01:17:30,166
<i>Si Metin sa isang banda
at si Lefter sa kabila.</i>

1066
01:17:33,000 --> 01:17:36,625
Alam mo, Metin, gusto ko iyong goal mo
sa laban n'yo sa İzmir.

1067
01:17:36,708 --> 01:17:39,041
Aaminin ko, nainggit talaga ako.

1068
01:17:39,125 --> 01:17:41,750
Noon lang ako nakakita ng ganoon. Iba ka.

1069
01:17:41,833 --> 01:17:45,208
Naroon ka kasi. Nanonood ka.
Kaya siyempre, pupuntos ako.

1070
01:17:45,291 --> 01:17:51,583
Tama ang ginawa ng team mo na kunin ka.
Maligayang pagbabalik sa Istanbul.

1071
01:17:52,166 --> 01:17:53,291
Salamat, Lefter.

1072
01:17:53,833 --> 01:17:56,333
Ito ang gusto nating makita, mga manonood.

1073
01:17:56,416 --> 01:17:57,500
Hay, naku.

1074
01:17:57,583 --> 01:18:01,375
Pasilip sa walang katapusang pagkakaibigan
ng magkatunggali.

1075
01:18:01,458 --> 01:18:03,083
Hindi ba, Basri?

1076
01:18:03,166 --> 01:18:04,666
Hayan na naman si Bartu.

1077
01:18:07,666 --> 01:18:09,083
Şükrü!

1078
01:18:09,166 --> 01:18:12,750
Tama na iyan, pare.
Nabigkas mo na ang buong Quran. Ano ba?

1079
01:18:14,291 --> 01:18:17,458
Turgay, saan mo gustong patamaan ko
pag pumuntos ako?

1080
01:18:17,541 --> 01:18:18,916
Walang pakialamanan, kapatid.

1081
01:18:19,000 --> 01:18:21,458
May pakialam ako. Kaya itinanong ko.

1082
01:18:22,416 --> 01:18:24,458
- Maglaro na tayo!
- Laban!

1083
01:18:24,541 --> 01:18:27,666
- Laban!
- Laban! Tara!

1084
01:18:29,500 --> 01:18:34,125
Binabati nila ang mga tao
habang naghihiyawan ang mga tagahanga.

1085
01:18:36,833 --> 01:18:41,833
<i>Nagpalitan ng bandera ang dalawang captain
na sina Fikret at Turgay.</i>

1086
01:18:42,916 --> 01:18:45,291
<i>Nakapuwesto na ang mga manlalaro.</i>

1087
01:18:46,500 --> 01:18:49,041
<i>Humudyat na ang referee
na simulan ang laban.</i>

1088
01:18:49,125 --> 01:18:51,416
Sige. Hiwa-hiwalay.

1089
01:18:52,291 --> 01:18:56,708
<i>Bumubuo ng opensiba ang Galatasaray
patungo sa seaside goal.</i>

1090
01:18:56,791 --> 01:18:57,958
<i>Malayong pasa kay Metin.</i>

1091
01:18:58,916 --> 01:19:01,583
<i>Nasa parisukat si Metin.
Naharang ni Şükrü.</i>

1092
01:19:01,666 --> 01:19:02,875
Bakit di siya nakapuntos?

1093
01:19:02,958 --> 01:19:06,166
<i>Na kay Lefter na ang bola.
Mabilis siyang kumikilos.</i>

1094
01:19:06,250 --> 01:19:08,000
<i>Mahusay ang ipinapakita ni Lefter.</i>

1095
01:19:08,500 --> 01:19:10,166
<i>Lefter. Umaabante si Lefter.</i>

1096
01:19:10,250 --> 01:19:12,916
<i>Palapit siya sa parisukat mula sa kaliwa.</i>

1097
01:19:13,000 --> 01:19:15,666
<i>Tumira. Masyadong malayo.</i>

1098
01:19:17,500 --> 01:19:19,916
<i>Sinipa ni Turgay ang bola
pabalik sa aksiyon.</i>

1099
01:19:20,583 --> 01:19:22,125
<i>Nasa Dilaw at Pula ang bola.</i>

1100
01:19:22,208 --> 01:19:23,500
<i>Nahanap si Metin.</i>

1101
01:19:24,916 --> 01:19:27,333
Na kay Metin Oktay ang bola.
Sinasayawan ang kalaban.

1102
01:19:28,375 --> 01:19:31,208
<i>Tumira, pumuntos. Goal, mga tagapakinig.</i>

1103
01:19:32,125 --> 01:19:35,041
Ikaw ang hari sa larong ito!
Haring walang korona!

1104
01:19:35,125 --> 01:19:37,333
<i>Nangunguna ang Galatasaray, one-zero.</i>

1105
01:19:37,416 --> 01:19:40,583
<i>Inumpisahan ng Fenerbahce ang laro
sa kickoff.</i>

1106
01:19:40,666 --> 01:19:43,333
<i>Ipinasa kay Lefter sa kaliwa.
Nasalo ang bola.</i>

1107
01:19:43,416 --> 01:19:44,958
<i>Ipinasok niya sa parisukat</i>

1108
01:19:45,041 --> 01:19:46,916
<i>para sa kakamping si Basri.</i>

1109
01:19:47,000 --> 01:19:48,375
<i>Basri... Naku!</i>

1110
01:19:48,458 --> 01:19:50,541
<i>Nagtamo ng injury si Basri.</i>

1111
01:19:50,625 --> 01:19:52,000
<i>Mukhang malala.</i>

1112
01:19:52,083 --> 01:19:54,750
<i>Pinapupunta na ang medical team sa field.</i>

1113
01:19:56,041 --> 01:19:57,041
Uy, Basri.

1114
01:19:57,750 --> 01:19:59,583
- Ayos lang iyan.
- Oo.

1115
01:19:59,666 --> 01:20:02,000
<i>Mukhang magpapatuloy si Basri. Tama.</i>

1116
01:20:03,500 --> 01:20:04,625
Bravo, Basri!

1117
01:20:04,708 --> 01:20:08,833
<i>May libreng tira ang Fenerbahçe sa goal
sa panig ng planta ng gas.</i>

1118
01:20:09,625 --> 01:20:10,833
<i>Na kay Lefter ang bola.</i>

1119
01:20:10,916 --> 01:20:13,250
<i>Inihahanda ni Turgay ang harang.</i>

1120
01:20:14,666 --> 01:20:16,708
<i>Nakatingin si Lefter sa goal.</i>

1121
01:20:16,791 --> 01:20:19,500
<i>Sinipa patungo sa kanan ni Turgay. Pasok!</i>

1122
01:20:19,583 --> 01:20:22,041
- Goal!
<i>- Goal, mga tagapakinig.</i>

1123
01:20:22,125 --> 01:20:23,666
<i>Naka-goal si Lefter.</i>

1124
01:20:25,958 --> 01:20:27,291
<i>Sandali.</i>

1125
01:20:27,375 --> 01:20:30,250
<i>Kinansela ng referee.
Hindi kikilalanin ang tira.</i>

1126
01:20:30,333 --> 01:20:33,166
<i>Aba! Maraming tumututol.</i>

1127
01:20:34,458 --> 01:20:36,458
<i>Dahil hindi pa siya pumipito,</i>

1128
01:20:36,541 --> 01:20:39,125
<i>pinauulit ng referee ang libreng tira.</i>

1129
01:20:39,208 --> 01:20:41,166
<i>Na kay Lefter ulit ang bola.</i>

1130
01:20:41,250 --> 01:20:43,375
<i>Inihanda ulit ni Turgay ang harang.</i>

1131
01:20:43,875 --> 01:20:45,166
<i>Lefter.</i>

1132
01:20:45,958 --> 01:20:47,250
<i>Nakatitig siya sa goal.</i>

1133
01:20:58,250 --> 01:21:02,500
<i>Pasok! Goal! Pasok sa net,
mga tagapakinig.</i>

1134
01:21:02,583 --> 01:21:05,125
<i>Lefter Küçükandonyadis!</i>

1135
01:21:05,208 --> 01:21:09,208
<i>Iniba niya ang direksiyon ngayon.
Sa kaliwa ni Turgay papasok sa net!</i>

1136
01:21:09,291 --> 01:21:12,333
Di lang siya propesor.
Siya si Propesor Ordinarius!

1137
01:21:12,416 --> 01:21:14,916
<i>Tabla ang laban sa puntos na 1-1,</i>

1138
01:21:15,000 --> 01:21:19,416
<i>na may mahuhusay na goal
mula sa magkalabang sina Lefter at Metin.</i>

1139
01:21:21,791 --> 01:21:24,541
- Meri, bitiwan mo ang pinto.
- Umalis ka na. Alis!

1140
01:21:24,625 --> 01:21:25,916
- Bitiwan mo!
- Alis na sabi!

1141
01:21:26,000 --> 01:21:27,250
Bitiwan mo ang pinto!

1142
01:21:31,041 --> 01:21:33,583
Hindi ako iiyak. Hindi.

1143
01:21:34,291 --> 01:21:37,750
Hindi ako iiyak

1144
01:21:38,458 --> 01:21:42,000
Hindi ako iiyak.

1145
01:21:42,583 --> 01:21:44,958
Wala ka naman kasing dapat iyakan, Meri.

1146
01:21:46,000 --> 01:21:47,166
Hindi ako iiyak.

1147
01:21:47,250 --> 01:21:49,541
- Meri.
- Umalis ka na, Lefter!

1148
01:21:50,041 --> 01:21:51,958
Maupo ka muna. Mag-usap tayo.

1149
01:21:53,666 --> 01:21:55,333
Umalis ka na, hangal!

1150
01:21:55,416 --> 01:21:58,291
- Dinudurog mo ang puso ko.
- Ako pa ang dumudurog?

1151
01:21:59,833 --> 01:22:02,208
Hindi ganoon dumurog ng puso. Ganito!

1152
01:22:05,958 --> 01:22:09,500
- Kumalma ka.
- Ilang beses na ba, Lefter?

1153
01:22:09,583 --> 01:22:11,916
- Huminahon ka lang.
- Huminahon ako?

1154
01:22:12,458 --> 01:22:16,041
Tumayo ka sa lamesa,
tiningnan mo ako nang deretso sa mata,

1155
01:22:16,541 --> 01:22:19,500
tapos iniwan mo akong mag-isa
sa restaurant.

1156
01:22:19,583 --> 01:22:21,958
Anong klaseng bangungot ba ito?

1157
01:22:22,041 --> 01:22:23,125
Meri <i>mou</i> naman.

1158
01:22:23,208 --> 01:22:24,500
- "Meri <i>mo</i> u"?
- Pakiusap.

1159
01:22:24,583 --> 01:22:27,708
Meri <i>mou?</i> Meri <i>mou</i>!
Ang kapal mo para tawagin pa ako niyan.

1160
01:22:28,500 --> 01:22:31,375
Football ang mahal mo, hindi ako!

1161
01:22:31,458 --> 01:22:35,250
At ikaw... Hindi ka marunong magmahal
ng kahit sino.

1162
01:22:35,333 --> 01:22:39,416
Dahil wawasakin mo
lahat ng maaaring makasira sa laro mo.

1163
01:22:39,500 --> 01:22:40,916
Kalokohan iyan.

1164
01:22:42,041 --> 01:22:44,375
Malinaw na sa akin ang lahat, Lefter.

1165
01:22:45,458 --> 01:22:47,416
Wag mo nang sabihin kay Stavrini.

1166
01:22:47,916 --> 01:22:50,375
Masasaktan lang siya sa wala.

1167
01:22:52,458 --> 01:22:55,416
Nabuhay muli nang tatlong araw
ang paruparo, ano?

1168
01:22:55,500 --> 01:22:56,875
Si Meri, ang paru-paro.

1169
01:22:56,958 --> 01:22:58,333
Ang paruparo!

1170
01:22:58,416 --> 01:22:59,666
Tumigil ka na!

1171
01:23:00,541 --> 01:23:01,625
Kailangan iyon.

1172
01:23:01,708 --> 01:23:05,500
Umalis ako dahil may mga mamamahayag.
Napag-usapan na natin ito.

1173
01:23:05,583 --> 01:23:09,083
Ano ang napag-usapan natin, Lefter?

1174
01:23:09,166 --> 01:23:12,250
Napag-usapan ba natin
iyong bigla kang sumulpot?

1175
01:23:12,333 --> 01:23:15,625
O kung paano kita pinagkatiwalaan muli
na parang hangal?

1176
01:23:15,708 --> 01:23:17,916
Ano ang napag-usapan natin,
Ginoong Footballer?

1177
01:23:18,000 --> 01:23:19,500
Hindi ka nakikinig.

1178
01:23:20,000 --> 01:23:21,250
Di ko na ito itatago.

1179
01:23:21,333 --> 01:23:24,083
Maupo ka na. Tama na. Tumigil ka na.

1180
01:23:29,291 --> 01:23:30,291
Tama na.

1181
01:23:34,083 --> 01:23:36,875
Mula nang makilala kita,
mag-isa na lang ako.

1182
01:23:41,791 --> 01:23:45,416
Hindi ako papayag na pumangalawa, Lefter.

1183
01:23:46,250 --> 01:23:47,750
Sino ba'ng may sabing gawin mo?

1184
01:23:51,291 --> 01:23:54,708
Sino ang may sabing
ipagpapatuloy ko ang ganitong buhay?

1185
01:23:57,291 --> 01:24:00,291
Hindi natin nagawang labanan ang tadhana.

1186
01:24:00,791 --> 01:24:02,208
Hindi natin kinaya.

1187
01:24:02,708 --> 01:24:04,000
Hindi ka nag-iisa.

1188
01:24:04,083 --> 01:24:05,833
Pareho tayong nabigo.

1189
01:24:06,625 --> 01:24:07,833
Iyon lang ang totoo.

1190
01:24:08,333 --> 01:24:11,250
Kailangan mo lang gawin ang dapat.
Ganoon kasimple.

1191
01:24:11,333 --> 01:24:14,041
Hindi! Wala akong kailangang gawin.

1192
01:24:15,416 --> 01:24:18,375
Ayaw kong manira ng buhay ng iba.

1193
01:24:18,458 --> 01:24:22,541
- Ayaw kong magkasala.
- Hindi ka nagkakasala.

1194
01:24:22,625 --> 01:24:25,583
At alam mo ba?

1195
01:24:28,250 --> 01:24:31,041
Mahal na mahal mo ang asawa mo, Lefter.

1196
01:24:33,458 --> 01:24:34,458
Meri.

1197
01:24:35,958 --> 01:24:36,958
Pakiusap.

1198
01:24:38,166 --> 01:24:39,166
Kaya...

1199
01:24:41,000 --> 01:24:42,208
umalis ka na.

1200
01:24:45,125 --> 01:24:46,125
Tapos na tayo.

1201
01:24:56,708 --> 01:24:58,000
Kumusta, mga binata?

1202
01:24:58,666 --> 01:25:02,708
Ömer, ipamahagi mo ito sa mga kaibigan mo.

1203
01:25:04,875 --> 01:25:09,041
Ikaw, lumabas kayo ng pakakasalan mo.
Lagi na lang kayong narito.

1204
01:25:09,125 --> 01:25:10,833
Maraming salamat, ginoo.

1205
01:25:14,541 --> 01:25:17,083
Wag n'yo akong kilitiin!
Halikayong dalawa.

1206
01:25:17,166 --> 01:25:20,208
<i>Mga tagapakinig, ititigil muna namin
ang tugtugan</i>

1207
01:25:20,291 --> 01:25:22,250
<i>upang ibahagi ang malungkot na balita.</i>

1208
01:25:22,333 --> 01:25:25,333
{\an8}<i>May sumabog na bomba sa Thessaloniki
kaninang 12:04 a.m,</i>

1209
01:25:25,416 --> 01:25:29,333
<i>sa hardin sa pagitan ng bahay
kung saan isinilang ang dakilang Atatürk</i>

1210
01:25:29,416 --> 01:25:31,500
<i>at ng konsulado ng Türkiye.</i>

1211
01:25:31,583 --> 01:25:35,791
Basag ang mga bintana ng bahay
ng ating pinagpipitagang tagapagtatag...

1212
01:25:35,875 --> 01:25:38,500
Sino ang gagawa no'n sa bahay ni Atatürk?

1213
01:25:38,583 --> 01:25:39,583
Imposible.

1214
01:25:40,750 --> 01:25:42,375
Hindi iyon kapani-paniwala.

1215
01:25:42,458 --> 01:25:45,291
{\an8}Mga kaibigan,
pinasabog ang bahay ni Atatürk.

1216
01:25:45,375 --> 01:25:47,791
- Mananahimik lang ba tayo?
- Hindi!

1217
01:25:47,875 --> 01:25:49,708
- Boo!
- Mananatiling Turko iyon!

1218
01:25:49,791 --> 01:25:52,083
Turko ang Cyprus. Mananatiling Turko iyon.

1219
01:25:52,166 --> 01:25:54,000
Kailangang mawala ang mga Rum!

1220
01:25:54,083 --> 01:25:56,500
Iyon lang ang tanging paraan!

1221
01:25:56,583 --> 01:25:58,791
- Kamatayan sa mga Rum!
- Kamatayan!

1222
01:25:59,291 --> 01:26:01,916
- Magpapasakop ba tayo sa mga Griyego?
- Hindi!

1223
01:26:02,000 --> 01:26:05,166
- Susuko ba tayo sa mga banta ng mga Rum?
- Hindi!

1224
01:26:07,583 --> 01:26:11,583
Turko ang Cyprus. Mananatiling Turko iyon!

1225
01:26:11,666 --> 01:26:15,333
Kailangang mawala ang mga Rum!
Iyon lang ang tanging paraan!

1226
01:26:15,416 --> 01:26:19,750
Kamatayan sa mga Rum!

1227
01:26:22,291 --> 01:26:23,458
Bilis!

1228
01:26:37,916 --> 01:26:38,958
Stavro.

1229
01:26:41,708 --> 01:26:42,541
May...

1230
01:26:45,083 --> 01:26:47,750
May kailangan akong sabihin sa iyo.

1231
01:26:50,000 --> 01:26:52,166
Dapat noon ko pa ito sinabi.

1232
01:26:53,458 --> 01:26:54,375
Patawarin mo ako.

1233
01:26:56,500 --> 01:26:57,916
Lefter, pumasok na kayo.

1234
01:26:58,000 --> 01:27:00,166
- Ano'ng problema, Ömer?
- Basta! Ngayon na!

1235
01:27:00,250 --> 01:27:01,625
Ano nga, Ömer?

1236
01:27:13,375 --> 01:27:14,875
Putol ang linya.

1237
01:27:16,250 --> 01:27:18,375
Hindi ako pwedeng maupo lang dito.
Lalabas ako.

1238
01:27:19,000 --> 01:27:22,583
Lefter, huwag na.
Hindi magkandaugaga si Ömer kanina.

1239
01:27:26,208 --> 01:27:29,875
- Aalis din sila!
- Mananatiling Turko iyon!

1240
01:27:29,958 --> 01:27:32,458
Turko ang Cyprus. Mananatiling Turko iyon!

1241
01:27:34,833 --> 01:27:37,333
Turko ang Cyprus. Mananatiling Turko iyon!

1242
01:27:39,583 --> 01:27:41,875
Wala dapat matira ni isa!

1243
01:27:41,958 --> 01:27:44,875
Tama na ang kasinungalingan!

1244
01:27:45,583 --> 01:27:47,541
Wag mong gawin iyan! Wag!

1245
01:27:52,500 --> 01:27:54,333
Kamatayan sa mga Rum!

1246
01:28:12,000 --> 01:28:13,333
Ano'ng nangyayari, Lefter?

1247
01:28:15,375 --> 01:28:18,833
- Lefter.
- Shh.

1248
01:28:34,125 --> 01:28:35,916
Birheng Maria, tulungan mo kami.

1249
01:28:37,958 --> 01:28:40,083
Birheng Maria, tulungan mo kami.

1250
01:28:40,166 --> 01:28:41,458
Bahay ni Lefter!

1251
01:28:42,083 --> 01:28:44,000
Birheng Maria, tulungan mo kami.

1252
01:28:44,083 --> 01:28:45,750
Tara! Halikayo!

1253
01:28:49,708 --> 01:28:51,375
Baba tayo sa silong.

1254
01:28:51,458 --> 01:28:52,625
Tara!

1255
01:28:53,500 --> 01:28:55,875
Wag maingay! Bahay ito ni Lefter!

1256
01:28:55,958 --> 01:28:58,875
- Pero si Lefter iyan ng Fenerbahçe!
- Rum din siya!

1257
01:28:58,958 --> 01:29:00,666
- Wag!
- Tara!

1258
01:29:02,250 --> 01:29:04,125
Pasok na.

1259
01:29:04,208 --> 01:29:06,333
Dito. Ingat sa paghakbang. Tara.

1260
01:29:13,833 --> 01:29:15,500
Walang mangyayari sa atin.

1261
01:29:23,916 --> 01:29:25,125
Lefter.

1262
01:29:27,333 --> 01:29:28,333
Lefter.

1263
01:29:29,375 --> 01:29:32,500
Shh. Stavrini, maghintay lang kayo rito.

1264
01:29:32,583 --> 01:29:34,583
Dito lang kayo.

1265
01:29:34,666 --> 01:29:36,000
Sige na.

1266
01:29:37,583 --> 01:29:39,375
- Sige.
- Babalik ako.

1267
01:29:40,041 --> 01:29:41,291
- Kaliwa.
- Sige na.

1268
01:29:51,333 --> 01:29:52,916
Maaayos din ito.

1269
01:31:13,458 --> 01:31:14,291
Lefter.

1270
01:31:15,208 --> 01:31:16,041
Papa.

1271
01:31:19,583 --> 01:31:21,833
Mga tarantado kayo!

1272
01:31:22,625 --> 01:31:24,208
Bilis, hulihin n'yo! Sa likod!

1273
01:31:26,166 --> 01:31:27,583
- Hulihin n'yo!
- Lefter!

1274
01:31:29,375 --> 01:31:32,125
Lefter! Lefter, kami ito!
Buksan mo ang pinto!

1275
01:31:33,083 --> 01:31:34,208
Lefter!

1276
01:31:55,125 --> 01:31:56,000
Kaibigan.

1277
01:31:59,416 --> 01:32:00,416
Ayos na.

1278
01:32:10,333 --> 01:32:11,333
Kumalma ka.

1279
01:32:11,833 --> 01:32:12,833
Kumander.

1280
01:32:14,250 --> 01:32:15,250
Ayos ka lang, Lefter?

1281
01:32:16,125 --> 01:32:19,750
A... Ayos lang.
Ayos lang kami, sir. Ayos kami.

1282
01:32:19,833 --> 01:32:21,416
Si Stavrini at ang mga bata?

1283
01:32:22,083 --> 01:32:24,333
Ayos lang din sila.

1284
01:32:24,416 --> 01:32:25,958
Nasa silong sila.

1285
01:32:26,458 --> 01:32:27,500
Ayos lang sila.

1286
01:32:29,125 --> 01:32:31,291
Ano ang mga pangalan nila, Lefter?

1287
01:32:33,250 --> 01:32:34,500
Masyadong madilim.

1288
01:32:34,583 --> 01:32:37,833
Hindi ko maaninag.
Hindi ko sila nakita, sir.

1289
01:32:40,291 --> 01:32:42,083
Magsabi ka ng totoo, Lefter.

1290
01:32:42,583 --> 01:32:45,125
Totoo iyon, sir. Hindi ko sila nakita.

1291
01:32:45,208 --> 01:32:46,125
Lefter.

1292
01:32:47,125 --> 01:32:48,500
Paano nangyari iyon?

1293
01:32:48,583 --> 01:32:51,041
Di ko sila nakita, Hasan. Hindi talaga.

1294
01:32:51,625 --> 01:32:55,708
Lefter, tingnan mo ang bahay mo.
Nasa bakuran mo sila. Sabihin mo na.

1295
01:32:55,791 --> 01:32:57,791
- Kapitan!
- Lefter, Lefter!

1296
01:32:57,875 --> 01:33:00,583
- Ano'ng nangyayari?
- Lefter, Lefter!

1297
01:33:02,083 --> 01:33:04,458
Narito na kami, Ordinarius!
Sinaktan ka ba nila?

1298
01:33:04,541 --> 01:33:07,250
Kumander, kami na ang bahala rito.

1299
01:33:08,291 --> 01:33:11,333
Tumabi kayo! Hindi siya dayuhan.
Siya si Lefter!

1300
01:33:11,416 --> 01:33:14,250
- Tumahimik kayo! Turko siya!
- Tama na, İhsan.

1301
01:33:14,333 --> 01:33:16,708
İhsan, hindi sila masasamang tao.

1302
01:33:17,291 --> 01:33:18,500
Kakampi natin sila.

1303
01:33:26,375 --> 01:33:30,291
- Walang bomba. Kasinungalingan lang iyon.
- Sige.

1304
01:33:30,375 --> 01:33:31,416
- Hindi totoo.
- Oo.

1305
01:33:31,500 --> 01:33:32,625
- Hindi totoo.
- Sige.

1306
01:33:32,708 --> 01:33:34,541
Buo ang bahay ni Mustafa Kemal.

1307
01:33:34,625 --> 01:33:35,791
- Oo, pare.
- Walang bomba.

1308
01:33:35,875 --> 01:33:39,375
- Oo, sige.
- Kasinungalingan iyon. Walang bomba.

1309
01:33:41,500 --> 01:33:43,750
Walang bomba. Hindi iyon totoo.

1310
01:33:43,833 --> 01:33:47,333
Ano pa nga ba ang masasabi ko sa inyo?

1311
01:33:50,375 --> 01:33:53,041
Salamat. Maraming salamat.

1312
01:33:55,083 --> 01:33:57,541
Tara, pasok kayo sa loob.

1313
01:33:57,625 --> 01:34:00,458
Magbabantay kami hanggang umaga.
Pumasok na kayo.

1314
01:34:10,750 --> 01:34:11,958
Rula, anak!

1315
01:34:14,125 --> 01:34:15,125
Aliki!

1316
01:35:22,625 --> 01:35:23,833
<i>Mahal kong anak.</i>

1317
01:35:24,708 --> 01:35:26,208
<i>Baliw kong anak.</i>

1318
01:35:27,208 --> 01:35:31,583
<i>Itinago ko rito ang sulat
para matapos ko ang hindi ko nasabi.</i>

1319
01:35:32,333 --> 01:35:36,541
<i>Ipinagdasal kong matagpuan mo ito
sa oras ng matinding pangangailangan.</i>

1320
01:35:37,041 --> 01:35:38,916
<i>Sana ganoon nga ang nangyari.</i>

1321
01:35:39,416 --> 01:35:42,375
<i>Malubha na ako. HIndi na ako tatagal.</i>

1322
01:35:42,875 --> 01:35:46,083
<i>Naaalala mo ba ang hindi ko pagpansin
tuwing nagtatagumpay ka?</i>

1323
01:35:46,916 --> 01:35:49,000
<i>Palihim kitang ipinagmamalaki.</i>

1324
01:35:49,916 --> 01:35:53,250
<i>Kung gaano ka kagalit,
ganoon din kita ipinagmamalaki.</i>

1325
01:35:53,750 --> 01:35:54,750
<i>Kung narito ka,</i>

1326
01:35:54,833 --> 01:35:58,375
<i>sasabihin ko muli na magpakalalaki ka
at magpakadesente.</i>

1327
01:35:58,916 --> 01:36:01,791
<i>Pero tunay ka nang lalaki, anak.</i>

1328
01:36:02,291 --> 01:36:03,541
<i>Isang desenteng tao.</i>

1329
01:36:04,041 --> 01:36:05,708
<i>Anak kita.</i>

1330
01:36:05,791 --> 01:36:11,291
<i>Gustong-gusto kong isuot itong polo
pero matigas ang ulo nitong si Hristo.</i>

1331
01:36:12,666 --> 01:36:14,458
<i>Malaki ang katawan ko.</i>

1332
01:36:14,541 --> 01:36:16,500
<i>Mas babagay ito sa iyo.</i>

1333
01:36:17,750 --> 01:36:20,000
<i>Ang iyong ama, Hristo Küçükandonyadis.</i>

1334
01:36:37,125 --> 01:36:39,208
TURKO ANG CYPRUS

1335
01:36:55,708 --> 01:36:57,041
Kumusta ho?

1336
01:36:58,750 --> 01:37:00,666
Nasaan si Meri? Narito ba siya?

1337
01:37:00,750 --> 01:37:03,875
Wala na si Meri, iho.

1338
01:37:05,208 --> 01:37:06,875
Paano hong wala na? Saan nagpunta?

1339
01:37:08,041 --> 01:37:09,583
Magsalita ho kayo.

1340
01:37:10,541 --> 01:37:12,791
Ayos lang ba siya? Saan siya nagpunta?

1341
01:37:13,625 --> 01:37:16,291
Pumunta siya sa İzmir kaninang umaga.

1342
01:37:16,375 --> 01:37:17,750
Pero sana ho—

1343
01:37:17,833 --> 01:37:20,208
Wag kang mag-alala. Hindi siya nasaktan.

1344
01:37:21,000 --> 01:37:23,333
Saan ang tirahan niya? Alam n'yo ho ba?

1345
01:37:25,125 --> 01:37:26,416
Hindi ko alam.

1346
01:37:27,291 --> 01:37:28,375
Pakiusap.

1347
01:37:29,791 --> 01:37:30,875
Di ko alam.

1348
01:37:35,833 --> 01:37:39,291
<i>Kinakantahan kayo
ng mahal nating si Zeki Müren.</i>

1349
01:37:39,375 --> 01:37:43,458
<i>"Binubuhay ako ng mga mata mo,
ngunit kamatayan ko ang mahalin ka."</i>

1350
01:39:20,416 --> 01:39:23,208
Sa atin na lang ito, Pedro. Maaari ba?

1351
01:39:24,958 --> 01:39:25,958
Sige.

1352
01:40:19,458 --> 01:40:20,583
Lefter!

1353
01:40:43,791 --> 01:40:49,041
<i>Mga tagapakinig, dahil sa buhos ng niyebe
na nagsimula sa Istanbul kagabi,</i>

1354
01:40:49,125 --> 01:40:52,583
<i>ang laro natin
laban sa tanyag na Hungarian football team</i>

1355
01:40:52,666 --> 01:40:55,250
<i>ay ipinagpapaliban sa mga susunod na araw.</i>

1356
01:40:55,333 --> 01:40:58,250
<i>Sa ngayon, mananatili muna sila sa İzmir</i>

1357
01:40:58,333 --> 01:41:01,750
<i>kung saan magkakaroon sila ng exhibition
ng İzmir team.</i>

1358
01:41:01,833 --> 01:41:02,833
Pasok ka.

1359
01:41:04,958 --> 01:41:06,458
Naantala ulit ang laro.

1360
01:41:08,583 --> 01:41:11,416
Siguradong hihintayin munang
tumigil ang niyebe.

1361
01:41:15,375 --> 01:41:16,958
Mabuti nang huli kaysa hindi.

1362
01:41:17,458 --> 01:41:18,791
Bakit may ganito?

1363
01:41:21,708 --> 01:41:26,333
Bakit nagluto ka pa gayong alam mong
nakakain na ako pag-uwi ko?

1364
01:41:27,958 --> 01:41:30,208
- Wala ito. Masaya akong—
- Huwag!

1365
01:41:35,666 --> 01:41:36,666
Wag.

1366
01:41:37,833 --> 01:41:38,916
Sobra na.

1367
01:41:39,416 --> 01:41:40,416
Tama na.

1368
01:41:42,625 --> 01:41:43,625
Busog na ako.

1369
01:41:54,416 --> 01:41:55,625
Hindi ka busog.

1370
01:42:14,125 --> 01:42:16,000
Alam kong di ka makahinga nang wala siya.

1371
01:42:20,416 --> 01:42:21,958
Sinubukan mong itago.

1372
01:42:23,541 --> 01:42:25,833
Pero matagal ko nang alam.

1373
01:42:30,458 --> 01:42:32,291
Hanggang sa nakita ko ang litrato ny'o.

1374
01:42:33,333 --> 01:42:35,041
Naisip ko, matatapos din iyon.

1375
01:42:36,375 --> 01:42:38,416
Mas madali kung tatanggapin ko.

1376
01:42:42,083 --> 01:42:45,333
Pag nalaman ng iba, pupulaan nila ako.

1377
01:42:45,416 --> 01:42:46,458
Pero...

1378
01:42:49,250 --> 01:42:51,000
Iyon lang ang alam ko.

1379
01:42:52,791 --> 01:42:54,666
Sabay tayong lumaki.

1380
01:42:55,958 --> 01:42:58,666
Anong litrato? Nagkakamali ka.
Walang ganoon—

1381
01:42:58,750 --> 01:43:00,166
Tama na, Lefter!

1382
01:43:00,250 --> 01:43:01,958
Patapusin mo ako.

1383
01:43:04,208 --> 01:43:05,208
Pakiusap.

1384
01:43:07,541 --> 01:43:09,375
Pinahihirapan mo ang sarili mo.

1385
01:43:10,958 --> 01:43:13,291
Hindi ganoon kahaba ang buhay na ito.

1386
01:43:18,375 --> 01:43:20,750
Dito tayo nagpasiyang magpakasal.

1387
01:43:27,583 --> 01:43:30,125
Dito tayo magpaalam. Magdiborsiyo na tayo.

1388
01:43:30,208 --> 01:43:31,208
Hindi.

1389
01:43:34,625 --> 01:43:35,791
Di kami nagkikita.

1390
01:43:37,250 --> 01:43:39,708
Ni hindi ko alam kung nasaan siya.

1391
01:43:39,791 --> 01:43:41,208
Di ko nakikita si Meri.

1392
01:43:45,500 --> 01:43:46,750
Ano naman ngayon?

1393
01:43:49,750 --> 01:43:51,500
Nasa puso mo pa rin siya.

1394
01:43:53,750 --> 01:43:54,875
Meri.

1395
01:43:55,625 --> 01:43:57,541
Iyon pala ang pangalan niya.

1396
01:44:09,333 --> 01:44:11,208
Imumungkahi ko sanang hanapin natin siya.

1397
01:44:14,583 --> 01:44:16,166
Pero nahanap mo na siya.

1398
01:44:23,083 --> 01:44:25,750
Hindi ako galit sa iyo, Lefter.

1399
01:44:40,416 --> 01:44:44,000
<i>Tapos na ang labindalawang araw
na pagpatak ng niyebe sa Istanbul.</i>

1400
01:44:44,083 --> 01:44:47,791
<i>Lumipad na ngayon patungong Istanbul
ang Hungarian team.</i>

1401
01:44:47,875 --> 01:44:49,333
<i>Ang "Golden Team" ng Hungary</i>

1402
01:44:49,416 --> 01:44:53,458
<i>na tinaguriang "Mga Mahiwagang Magyar"
ng Kanluran</i>

1403
01:44:53,541 --> 01:44:55,916
<i>at pinamumunuan ng captain na si Puskás</i>

1404
01:44:56,000 --> 01:44:58,041
<i>ay nilampaso ang mga kalaban.</i>

1405
01:44:58,125 --> 01:45:03,125
<i>Nakapuntos sila ng 23 goal sa kabuuan
laban sa İzmir at Ankara.</i>

1406
01:45:03,208 --> 01:45:06,416
<i>Football ang unang minahal mo.
Pumayag akong pumangalawa.</i>

1407
01:45:06,500 --> 01:45:10,208
<i>Mahal na mahal mo ang asawa mo, Lefter.
Mahal na mahal mo.</i>

1408
01:45:11,458 --> 01:45:15,041
<i>Hindi ako papayag na pumangalawa, Lefter.</i>

1409
01:45:15,750 --> 01:45:19,166
<i>- Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo.
- Anak ng Turko!</i>

1410
01:45:20,250 --> 01:45:23,916
<i>Dito tayo magpaalam. Magdiborsiyo na tayo.</i>

1411
01:45:37,583 --> 01:45:39,666
May oras ka ba para sa kaibigan mo?

1412
01:45:44,416 --> 01:45:46,791
Paano mo ako nahanap?

1413
01:45:51,583 --> 01:45:52,791
Hindi naman mahirap.

1414
01:45:54,458 --> 01:45:55,875
Sinabi sa akin ni Stavrini.

1415
01:46:11,791 --> 01:46:13,208
Gusto niya ng diborsiyo.

1416
01:46:18,750 --> 01:46:22,250
Gustong makipagdiborsiyo
ng babaeng mahal ko mula pagkabata.

1417
01:46:22,958 --> 01:46:26,750
Ano ba'ng inasahan mo?
Siguradong mahirap sa kanya.

1418
01:46:27,375 --> 01:46:29,458
Sana nga sinampal niya ako.

1419
01:46:30,000 --> 01:46:31,416
Isang malakas na sampal.

1420
01:46:31,500 --> 01:46:33,333
Bam! Ganoon.

1421
01:46:34,333 --> 01:46:36,958
Kung sampal ang kailangan mo, puwede ako.

1422
01:46:39,041 --> 01:46:40,500
Tumawa ka rin.

1423
01:46:41,000 --> 01:46:42,041
Ano ka ba?

1424
01:46:42,125 --> 01:46:44,791
May mga bagay
na kailangang ipaubaya sa oras.

1425
01:46:44,875 --> 01:46:47,958
Hindi ka ba galit sa akin, sungit?

1426
01:46:49,291 --> 01:46:51,291
- Ha?
- Hay.

1427
01:46:54,291 --> 01:46:55,708
Kung alam mo lang, pero...

1428
01:46:57,416 --> 01:47:00,458
hindi mababago no'n
na bahagi ka ng pagkatao ko.

1429
01:47:00,541 --> 01:47:01,833
Sa kasamaang palad.

1430
01:47:14,666 --> 01:47:18,250
Ang mga dating nagmamahal sa akin,
mabilis akong tinalikuran.

1431
01:47:18,333 --> 01:47:20,875
Iyong mga binatang binibigyan ko ng baon...

1432
01:47:34,541 --> 01:47:36,208
Tinanggap ba nila ako?

1433
01:47:37,000 --> 01:47:40,416
Ha? O babatuhin ulit nila ang bahay ko
pag may pagkakataon?

1434
01:47:41,333 --> 01:47:42,958
Mahirap sagutin iyan.

1435
01:47:43,041 --> 01:47:46,250
Di ba lagi mong sinasabi
na nangyayari ito kahit saang lipunan?

1436
01:47:46,333 --> 01:47:47,916
- Hindi ba?
- Hindi.

1437
01:47:48,416 --> 01:47:52,583
Sinabi iyan ng makabayang anak
ng pobreng mangingisda na si Hristo.

1438
01:47:52,666 --> 01:47:55,000
Uulit-ulitin niya iyon
hanggang sa mamatay siya.

1439
01:47:55,625 --> 01:47:56,625
Pero ako?

1440
01:47:57,500 --> 01:48:00,250
Isa lang akong salot.

1441
01:48:08,208 --> 01:48:10,583
Alam ni Stavrini ang lahat.

1442
01:48:10,666 --> 01:48:14,416
Ano ba? Tumayo ka. Tayo, tayo.

1443
01:48:14,500 --> 01:48:15,500
Lefter.

1444
01:48:16,083 --> 01:48:17,458
Tingin sa akin. Halika.

1445
01:48:18,625 --> 01:48:21,208
Magpahinga ka. Ayusin mo ang sarili mo.

1446
01:48:21,291 --> 01:48:22,916
Sasamahan kita rito.

1447
01:48:23,958 --> 01:48:27,791
Paggising mo bukas,
gawin mo ang makakaya mo.

1448
01:48:28,375 --> 01:48:29,625
Ilagay mo ulit sa ledger.

1449
01:48:35,625 --> 01:48:38,791
Ibigay sa anak ng Rum na si Lefter,

1450
01:48:38,875 --> 01:48:42,083
ilalagay ng anak ng Turkong si Lefter
sa ledger!

1451
01:48:42,166 --> 01:48:44,166
Pasok sa goal!

1452
01:48:45,750 --> 01:48:47,125
Para na akong si İhsan.

1453
01:48:51,166 --> 01:48:53,708
Hindi mo ako maiintindihan, <i>Ajam</i> ka.

1454
01:48:55,458 --> 01:48:56,791
Hindi talaga.

1455
01:48:59,166 --> 01:49:02,208
Pero may malaki kang laban bukas.
Tama ako, di ba?

1456
01:49:02,291 --> 01:49:03,291
Oo.

1457
01:49:06,375 --> 01:49:08,250
Iyong jersey na mahal mo.

1458
01:49:09,000 --> 01:49:10,000
Isuot mo.

1459
01:49:11,208 --> 01:49:14,083
Pumunta ka sa field
at gawin mo ang pinakagusto mo.

1460
01:49:15,000 --> 01:49:16,000
Maglaro ng football.

1461
01:49:16,875 --> 01:49:20,125
Ipakita mo sa mundo
kung paano laruin iyon, batang Rum.

1462
01:49:25,958 --> 01:49:27,625
<i>Narito na tayo, mga tagapakinig.</i>

1463
01:49:27,708 --> 01:49:31,291
Ngayon ang pinakamahalagang laban
sa kasaysayan ng football.

1464
01:49:31,375 --> 01:49:34,583
<i>Napakaraming tao ngayon
sa Mithatpaşa Stadium.</i>

1465
01:49:34,666 --> 01:49:37,916
<i>Ang mga tagahanga ng football
na kagabi pa naghihintay sa mga gate</i>

1466
01:49:38,000 --> 01:49:39,416
<i>kahit masama ang panahon</i>

1467
01:49:39,500 --> 01:49:43,375
<i>ay nakaupo na at naghihintay
na dumating ang national team.</i>

1468
01:49:44,416 --> 01:49:46,666
Ianunsiyo mo na ang lineup sa press.

1469
01:49:47,541 --> 01:49:51,583
Coach, marami pang oras.
Baka pwedeng maghintay pa tayo.

1470
01:49:52,333 --> 01:49:54,666
Kamatayan lang
ang pipigil sa kanyang pumunta.

1471
01:49:55,541 --> 01:49:58,625
Alam ko. Pero wala na tayong oras.

1472
01:50:02,625 --> 01:50:05,708
<i>Mga tagapakinig, hindi pa inaanunsiyo
ang hanay ng mga maglalaro.</i>

1473
01:50:05,791 --> 01:50:09,208
<i>Pero ayon sa aming hula,
ito ang lineup ng national team.</i>

1474
01:50:09,291 --> 01:50:11,875
<i>Turgay, Ali Beratlıgil,
Ahmet Berman, Concrete Mustafa,</i>

1475
01:50:11,958 --> 01:50:15,791
<i>Naci, Nusret, İsfendiyar,
Coşkun Özarı, Kadri,</i>

1476
01:50:15,875 --> 01:50:19,583
<i>Metin Oktay, at Lefter Küçükandonyadis.</i>

1477
01:50:23,333 --> 01:50:25,833
Wala pa si Lefter. Di ito kapani-paniwala.

1478
01:50:25,916 --> 01:50:27,416
Sabihin mo na sa press.

1479
01:50:32,125 --> 01:50:33,125
Metin.

1480
01:50:33,916 --> 01:50:35,875
Magkasama ba nating gagawin ito?

1481
01:50:37,416 --> 01:50:39,541
Tinatanong pa ba iyan, kapatid?
Walang duda.

1482
01:50:39,625 --> 01:50:41,625
Pero papakitaan kita pagkatapos ng laro.

1483
01:50:42,541 --> 01:50:46,333
Ipakita muna natin sa depensa ng Hungary
sina Lefter at Metin.

1484
01:50:48,166 --> 01:50:49,958
- Sige, kapatid.
- Tara!

1485
01:50:51,375 --> 01:50:56,708
Türkiye, Türkiye!

1486
01:51:03,375 --> 01:51:06,583
<i>Hiyawan ang mga manonood
sa pagpasok ng national team.</i>

1487
01:51:06,666 --> 01:51:10,666
Haharapin nila ngayon ang Hungary,
ang nangungunang koponan sa mundo,

1488
01:51:10,750 --> 01:51:14,791
<i>at ang bantog na captain nilang si Puskás.</i>

1489
01:51:14,875 --> 01:51:20,500
Türkiye, Türkiye!

1490
01:51:21,958 --> 01:51:24,750
<i>Binabati ng mga koponan ang mga manonood.</i>

1491
01:51:24,833 --> 01:51:28,166
Türkiye, Türkiye!

1492
01:51:29,791 --> 01:51:32,166
<i>Handa na ang lahat para sa laban.</i>

1493
01:51:32,250 --> 01:51:35,958
<i>Pumunta na sa gitna si Puskás
para sa kickoff.</i>

1494
01:51:37,250 --> 01:51:38,833
<i>Sinimulan na ng mga Hungarian.</i>

1495
01:51:38,916 --> 01:51:40,750
<i>Umatake agad sila.</i>

1496
01:51:40,833 --> 01:51:42,958
<i>Mabilis na pumasok si Czibor
mula sa kaliwa.</i>

1497
01:51:43,041 --> 01:51:46,083
<i>Ipinasa sa sikat na si Puskás.
Walang nagawa si Naci.</i>

1498
01:51:46,166 --> 01:51:49,166
<i>Pumasok sa parisukat si Puskás.
Napakalakas na tira!</i>

1499
01:51:49,250 --> 01:51:53,208
<i>Turgay! Magaling, Turgay.
Naisalba niya ang bola. Bravo, Turgay.</i>

1500
01:51:53,291 --> 01:51:54,333
<i>Sa dibdib niya mismo.</i>

1501
01:51:56,250 --> 01:51:57,833
Malayo ang clearance ni Turgay.

1502
01:51:57,916 --> 01:52:00,500
<i>Nakuha ni İsfendiyar ang bola.
Hinarang ni Lantos.</i>

1503
01:52:00,583 --> 01:52:03,458
<i>Nakalampas. Kumakaripas siya
patungo sa kanan.</i>

1504
01:52:04,500 --> 01:52:06,458
- İsfendiyar!
<i>- Itinawid sa kabila.</i>

1505
01:52:06,541 --> 01:52:08,666
<i>Pumasok si Lefter mula sa kanan. Volley!</i>

1506
01:52:08,750 --> 01:52:09,708
<i>Goal!</i>

1507
01:52:10,875 --> 01:52:12,416
<i>Nakapuntos si Lefter!</i>

1508
01:52:12,500 --> 01:52:14,125
<i>Lamang ang Türkiye nang one-zero.</i>

1509
01:52:14,208 --> 01:52:17,208
<i>Nag-iinit ang Mithatpaşa, mga tagapakinig!</i>

1510
01:52:24,916 --> 01:52:26,583
Nasa ika-41 minuto na ang orasan.

1511
01:52:26,666 --> 01:52:28,375
Malayong pasa kay Lefter.

1512
01:52:28,458 --> 01:52:30,416
<i>Nakawala siya sa kalaban.</i>

1513
01:52:30,500 --> 01:52:32,041
Kaya mo iyan, Lefter!

1514
01:52:32,125 --> 01:52:34,250
<i>Sinunggaban siya. Penalty!</i>

1515
01:52:34,333 --> 01:52:36,875
<i>Nakahiga si Lefter, namimilipit sa sakit.</i>

1516
01:52:37,375 --> 01:52:40,125
<i>Nababahala ang mga manlalaro
at ang mga narito.</i>

1517
01:52:40,958 --> 01:52:43,500
<i>Pumasok na ang medical team.</i>

1518
01:52:44,416 --> 01:52:46,625
- Lefter, ayos ka lang?
- Ayos lang ako.

1519
01:52:46,708 --> 01:52:48,583
<i>Magpapatuloy raw si Lefter.</i>

1520
01:52:48,666 --> 01:52:49,750
Laban!

1521
01:52:49,833 --> 01:52:52,416
<i>Nagpapalakpakan habang tumatayo si Lefter.</i>

1522
01:52:53,583 --> 01:52:55,458
Inilagay niya ang bola sa puting marka.

1523
01:52:59,625 --> 01:53:00,458
<i>Umatras siya.</i>

1524
01:53:00,541 --> 01:53:03,083
<i>Hindi na mapakali ang mga tao.</i>

1525
01:53:04,500 --> 01:53:06,000
<i>Pigil ang hininga ng lahat.</i>

1526
01:53:06,083 --> 01:53:07,958
<i>Tumira siya at nakapuntos!</i>

1527
01:53:11,625 --> 01:53:15,666
<i>Goal! Pangalawa na ito ni Lefter
kaya two-zero na ang mga puntos.</i>

1528
01:53:16,166 --> 01:53:19,166
<i>Rumagasa ang national team
sa ikalawang bahagi.</i>

1529
01:53:19,666 --> 01:53:21,500
<i>Hinihingi ni Metin ang bola.</i>

1530
01:53:22,458 --> 01:53:23,791
<i>Tinira at pasok!</i>

1531
01:53:24,375 --> 01:53:26,833
Goal! Metin Oktay!

1532
01:53:28,583 --> 01:53:30,375
- Kapatid!
- Kapatid!

1533
01:53:30,458 --> 01:53:32,041
- Nagawa natin!
- Nagawa natin!

1534
01:53:32,125 --> 01:53:34,000
- Nagawa natin, kapatid!
- Oo!

1535
01:53:34,708 --> 01:53:38,000
<i>Naipasok ni Metin Oktay ang pangatlo,
kaya three-zero na ang mga puntos.</i>

1536
01:53:38,083 --> 01:53:41,000
Türkiye, Türkiye!

1537
01:53:41,083 --> 01:53:43,875
At pumito na ang referee
bilang pagtatapos.

1538
01:53:43,958 --> 01:53:47,375
Kahit humabol ng huling goal si Puskás,

1539
01:53:47,458 --> 01:53:49,041
natalo natin ang Hungary nang 3-1

1540
01:53:49,125 --> 01:53:52,458
<i>dahil sa dalawang goal mula kay Lefter
at isa kay Metin.</i>

1541
01:53:53,333 --> 01:53:56,875
<i>Napakalakas ng hiyawan dito sa Mithatpaşa,
mga tagapakinig.</i>

1542
01:53:57,666 --> 01:54:01,458
<i>Nakatala na ang pagkapanalong ito
gamit ang mga gintong letra</i>

1543
01:54:01,541 --> 01:54:03,833
<i>sa kasaysayan ng football natin,
mga tagapakinig.</i>

1544
01:54:03,916 --> 01:54:05,458
- Mahusay, captain.
- Bravo, Metin.

1545
01:54:05,541 --> 01:54:07,166
- Magaling, Metin.
- Salamat.

1546
01:54:14,291 --> 01:54:15,416
Nasaan si Lefter?

1547
01:54:15,916 --> 01:54:20,166
TINALO NG TURKISH NATIONAL TEAM
ANG HUNGARY 3-1

1548
01:54:31,000 --> 01:54:33,916
POPULASYON: 910496
ALTITUDE: 2

1549
01:54:48,333 --> 01:54:50,291
Nariyan na! Sandali lang!

1550
01:54:50,375 --> 01:54:52,958
Kauubos mo lang ng isang bote, Lefter.

1551
01:54:53,041 --> 01:54:54,916
Lefter, anak, sandali lang.

1552
01:55:05,625 --> 01:55:07,666
Bakit itinago mo ito sa akin?

1553
01:55:11,041 --> 01:55:13,291
Di ako maaaring manganak sa Istanbul.

1554
01:55:15,250 --> 01:55:17,166
Kung nanatili ako roon...

1555
01:55:19,750 --> 01:55:21,208
makikita kita ulit.

1556
01:55:27,166 --> 01:55:28,333
Halika nga rito.

1557
01:55:29,166 --> 01:55:30,166
Halika.

1558
01:55:37,500 --> 01:55:38,500
Ikaw si Lefter?

1559
01:55:49,333 --> 01:55:53,625
Hindi na kayo mag-iisa.
Sasama kayo sa akin sa Istanbul.

1560
01:56:01,708 --> 01:56:05,000
{\an8}MAKALIPAS ANG LIMANG TAON

1561
01:56:09,583 --> 01:56:11,416
<i>Hindi ito pagmamahal.</i>

1562
01:56:14,458 --> 01:56:15,833
Honey, pakiusap.

1563
01:56:16,333 --> 01:56:18,833
<i>Hindi na dapat kami umalis sa İzmir.</i>

1564
01:56:18,916 --> 01:56:21,625
<i>Napakadali lang para sa iyo!</i>

1565
01:56:22,208 --> 01:56:24,875
- Hindi ito ang Meri na kilala ko.
- Hindi.

1566
01:56:24,958 --> 01:56:27,166
Itong-ito mismo si Meri, Lefter!

1567
01:56:33,500 --> 01:56:36,458
<i>Pwede ba kitang yakapin
sa huling pagkakataon?</i>

1568
01:56:39,083 --> 01:56:41,375
<i>Sawang-sawa na ako.</i>

1569
01:56:42,000 --> 01:56:43,000
<i>Ako rin.</i>

1570
01:56:47,708 --> 01:56:48,958
<i>Umalis ka na lang.</i>

1571
01:56:49,458 --> 01:56:51,750
<i>Di pwedeng lumaki sa ganito
ang anak natin.</i>

1572
01:56:52,916 --> 01:56:54,875
<i>Di ko iyon magagawa sa kanya.</i>

1573
01:56:56,333 --> 01:56:58,041
<i>Anak ko rin siya!</i>

1574
01:57:36,208 --> 01:57:38,125
Pwede ba rito ang anak ko sa tag-init

1575
01:57:39,958 --> 01:57:42,041
at ako habambuhay?

1576
01:57:57,458 --> 01:57:59,291
Handa na ang almusal. Pasok na.

1577
01:58:05,916 --> 01:58:06,916
- Papa!
- Papa!

1578
01:58:07,000 --> 01:58:08,791
Aliki! Rula!

1579
01:58:08,875 --> 01:58:11,041
- Papa!
- Ang tangkad mo na!

1580
01:58:11,125 --> 01:58:12,125
Halika rito.

1581
01:58:13,291 --> 01:58:16,833
Nasabik ako sa inyo.
Naisip kong magkita tayo ngayon dito.

1582
01:58:17,500 --> 01:58:20,583
Ibig bang sabihin,
makakasama ka na namin habambuhay?

1583
01:58:41,333 --> 01:58:44,541
'Tay, pwede ka nang magpahinga.

1584
01:58:47,083 --> 01:58:48,166
Tumupad ako sa pangako.

1585
01:58:48,250 --> 01:58:51,625
HRİSTOFİS KÜÇÜKANDONYADİS

1586
01:58:51,708 --> 01:58:55,166
KAGAWARAN NG EDUKASYON
DIPLOMA NG PAGTATAPOS SA ELEMENTARYA

1587
01:58:55,833 --> 01:58:57,833
Hindi ako naging totoong propesor

1588
01:58:59,250 --> 01:59:01,458
pero Ordinarius ang tawag sa anak mo.

1589
01:59:15,625 --> 01:59:17,625
Tatlumpu't siyam na ako ngayon.

1590
01:59:20,208 --> 01:59:22,875
Malupit sa akin ang oras

1591
01:59:24,250 --> 01:59:26,041
gaya rin sa iba.

1592
01:59:31,208 --> 01:59:35,208
Hindi ko na makontrol ang bola
gaya ng gusto ko.

1593
01:59:44,833 --> 01:59:46,208
Pero ngayon...

1594
01:59:52,458 --> 01:59:55,375
Oras na, Itay.

1595
01:59:57,583 --> 02:00:03,000
{\an8}Pagbati sa inyong lahat
mula sa Mithatpaşa Stadium.

1596
02:00:03,083 --> 02:00:06,375
{\an8}Ngayon ang unang beses
sa kasaysayan ng Turkish football

1597
02:00:06,458 --> 02:00:10,333
{\an8}na may manlalarong magkakaroon
ng jubilee match.

1598
02:00:11,083 --> 02:00:13,000
Ang ating Ordinarius, si Lefter,

1599
02:00:13,500 --> 02:00:16,583
ay mamamaalam na sa football ngayong araw.

1600
02:00:16,666 --> 02:00:19,666
Ordinarius!

1601
02:00:19,750 --> 02:00:23,458
<i>Nakalaro siya sa 615 laban
suot ang jersey ng Fenerbahçe,</i>

1602
02:00:23,541 --> 02:00:25,708
<i>at sa 50 laban kasama ng national team.</i>

1603
02:00:26,666 --> 02:00:29,375
<i>Nakapuntos siya ng 445 goal sa kabuuan.</i>

1604
02:00:30,708 --> 02:00:34,458
<i>Malungkot tayong mamamaalam kay Lefter</i>

1605
02:00:34,541 --> 02:00:39,500
<i>kasama ng mga tagahanga sa stadium
at mga tagapakinig sa radyo.</i>

1606
02:00:40,583 --> 02:00:43,041
<i>Ang Propesor Odinarius ng Turkish football</i>

1607
02:00:43,125 --> 02:00:47,125
<i>ay buhat ng mga manlalaro
ng parehong Fenerbahçe at Beşiktaş.</i>

1608
02:00:50,666 --> 02:00:53,875
Hristo, nanonood ka ba?
Nakikita mo ba ito, Hristo?

1609
02:01:02,708 --> 02:01:08,083
Lefter, Lefter!

1610
02:01:10,125 --> 02:01:12,500
Ang tagal mong naghintay, kaibigan.

1611
02:01:12,583 --> 02:01:16,708
Ibigay kay Lefter,
ilalagay niya sa ledger!

1612
02:01:16,791 --> 02:01:19,791
Ibigay kay Lefter,
ilalagay niya sa ledger!

1613
02:01:19,875 --> 02:01:24,666
<i>Kasabay ng classic na"Ibigay kay Lefter,
ilalagay niya sa ledger,"</i>

1614
02:01:24,750 --> 02:01:28,083
<i>nakilala ang pangalan niya
sa kasaysayan ng Turkish football.</i>

1615
02:01:28,166 --> 02:01:30,458
<i>Ang Propesor Odinarius ng football,</i>

1616
02:01:31,208 --> 02:01:33,708
<i>si Lefter Küçükandonyadis.</i>

1617
02:01:34,833 --> 02:01:36,916
<i>Mangungulila kami sa iyo</i>

1618
02:01:37,666 --> 02:01:39,791
<i>at habambuhay ka naming maaalala.</i>

1619
02:04:48,791 --> 02:04:51,041
Nagsalin ng Subtitle:
Moonnette Maranan



