1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:16,057 --> 00:00:20,186
February 2005.
Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon.

4
00:00:21,229 --> 00:00:26,067
Twenty-six ako no'n,
at sawang sawa na sa winter sa Michigan.

5
00:00:27,402 --> 00:00:29,112
Substitute teacher ako noon.

6
00:00:29,195 --> 00:00:32,615
Ayokong magmaneho sa snow
kaya nanatili ako sa bahay.

7
00:00:33,908 --> 00:00:36,870
Bandang tanghali, kagigising ko pa lang,

8
00:00:36,953 --> 00:00:39,497
at sumilip ako sa labas ng bintana ko.

9
00:00:39,581 --> 00:00:44,377
May weird na kotse doon sa likod
ng apartment, tapos hindi umaalis.

10
00:00:45,170 --> 00:00:47,839
Walang ano-ano'y,
may kumatok sa pintuan ko.

11
00:00:48,673 --> 00:00:53,762
Turo ni Papa, mag-ingat sa di kakilala.
Ipakita muna nila sa iyo kung sino sila.

12
00:00:55,805 --> 00:00:58,683
Kaya iniawang ko ang pinto
at isiningit paa ko.

13
00:00:58,767 --> 00:01:01,269
Baka kasi mapigilan ko siyang makapasok.

14
00:01:01,352 --> 00:01:05,899
Sabi niya, "Kailangan kitang tanungin."
Iniisip ko, "Anong meron?"

15
00:01:06,399 --> 00:01:08,651
Sabi niya, "Narinig mo na ba ang BTK?"

16
00:01:10,487 --> 00:01:14,240
Isang tao na may di-mapigil
na pagnanasang pumatay.

17
00:01:16,284 --> 00:01:21,247
Nagulantang ang isang komunidad
sa pagkaaresto ng diumano'y BTK killer.

18
00:01:21,998 --> 00:01:25,502
BTK. "Bind, torture, at kill."

19
00:01:26,169 --> 00:01:29,005
Tapos sinabi niya, "Ang papa mo si BTK."

20
00:01:30,423 --> 00:01:32,133
-Dennis Rader.
-Dennis Rader.

21
00:01:32,217 --> 00:01:33,885
Dennis L. Rader.

22
00:01:33,968 --> 00:01:37,472
Ang 59 anyos na si Rader
ay may-asawa at dalawang anak.

23
00:01:37,555 --> 00:01:41,142
Miyembro siya ng Christ Lutheran Church,
isang Scout leader,

24
00:01:41,226 --> 00:01:45,313
at nagtrabaho bilang compliance officer
ng Park City.

25
00:01:45,396 --> 00:01:48,358
Ordinaryong padre de pamilya
na inaakusahang pumatay

26
00:01:48,441 --> 00:01:52,153
ng hindi bababa sa sampung tao
sa nakalipas na tatlong dekada.

27
00:01:52,237 --> 00:01:56,533
Sa loob ng maraming taon,
nanirahan at pumatay si Dennis Rader

28
00:01:56,616 --> 00:01:58,785
sa piling ng mga kaibigan
at kapitabahay niya.

29
00:01:58,868 --> 00:02:02,705
Ginagawa niya ang lahat ng ginagawa
ng iba pang mga ama.

30
00:02:04,749 --> 00:02:05,917
Isang sexual sadist.

31
00:02:06,709 --> 00:02:08,837
Nakakasabik sa kanya ang pumatay.

32
00:02:10,046 --> 00:02:12,841
Paano kaya kung matuklasan mong ang ama mo

33
00:02:12,924 --> 00:02:15,635
ay isa sa pinakamasamang tao sa mundo?

34
00:02:15,718 --> 00:02:18,555
Di ko kilala ama ko,
kung ano'ng itinatago niya.

35
00:02:18,638 --> 00:02:22,976
Ginamit ba niya pamilya ko para magtago?
Ginamit niya lang ba kami?

36
00:02:25,061 --> 00:02:29,732
Mahirap kilalanin ang sarili kung bawat
sandali sa buhay ko ay kasinungalingan.

37
00:02:45,748 --> 00:02:51,212
Noong nakaraang taon, naniniwala akong
sampung tao lang ang pinatay ng ama ko.

38
00:02:51,296 --> 00:02:55,133
Sinabi sa akin mula sa simula
ng FBI, ng mga detective,

39
00:02:55,216 --> 00:02:57,844
"Naku, sampu lang. Sampu lang."

40
00:02:57,927 --> 00:02:59,637
ISA PANG SILIP SA BTK KILLER

41
00:02:59,721 --> 00:03:03,600
May posibleng twist tayo
sa kaso ng kilalang BTK killer.

42
00:03:03,683 --> 00:03:07,395
Kaninang umaga, sabi ng mga awtoridad,
ang kilalang BTK killer

43
00:03:07,478 --> 00:03:10,648
na sumindak sa mga tao sa Kansas
noong 1970s

44
00:03:10,732 --> 00:03:14,819
ay maaaring maiugnay sa dalawa pang
mga kaso sa ibang states.

45
00:03:15,320 --> 00:03:17,530
Iniisip ko, "Ano na naman ito?"

46
00:03:17,614 --> 00:03:23,077
Di nagtagal, tinawagan ako ng pulisya
para pag-usapan ang tungkol dito.

47
00:03:29,250 --> 00:03:32,295
Mas kilala ko siya
kaysa kahit kanino sa mundo.

48
00:03:33,129 --> 00:03:36,174
Maaaring may mga ebidensiya
at impormasyon ang pulisya,

49
00:03:36,257 --> 00:03:39,719
ngunit ako lang ang nakakaintindi
sa kanya at sa codes niya.

50
00:03:40,637 --> 00:03:44,599
Kung may iba pang pinatay ang ama ko,
mahalagang malaman ito,

51
00:03:44,682 --> 00:03:49,103
para mabigyan ng sagot ang mga pamilyang
ilang dekada nang naghihintay.

52
00:03:49,938 --> 00:03:53,191
Deserve nilang malaman ang katotohanan.

53
00:03:54,734 --> 00:03:57,528
Pero sa kabilang banda,

54
00:03:57,612 --> 00:04:02,659
may halaga rin ang buhay ko,
at sa anong antas ako magsasakripisyo?

55
00:04:02,742 --> 00:04:07,789
Gaano karaming trauma ang titiisin ko
para lang makatulong?

56
00:04:15,880 --> 00:04:20,260
Inaresto ang ama ko noong 2005,
at 26 ako no'n.

57
00:04:20,343 --> 00:04:24,472
Sinubukan kaming ma-interview
nina Oprah, Larry King, Diane Sawyer,

58
00:04:24,555 --> 00:04:26,307
pero tumanggi ang pamilya ko.

59
00:04:26,391 --> 00:04:28,184
Tinanggihan namin ang lahat.

60
00:04:29,269 --> 00:04:32,689
Ginawa ko ang lahat ng tama.
Nagluluto ako, nagpalaki ng mga anak,

61
00:04:32,772 --> 00:04:35,733
stay-at-home mom ako,
at pinamumunuan ko ang women's ministry.

62
00:04:35,817 --> 00:04:37,944
Sasabihin mo, "Uy, ayos naman siya."

63
00:04:38,027 --> 00:04:42,365
Pero sa totoo lang, naghihirap
ang kalooban ko. Itinatago ko lang.

64
00:04:42,448 --> 00:04:45,994
Halos sampung taon akong na-depress
matapos siyang arestuhin,

65
00:04:46,077 --> 00:04:49,414
hindi makapagsalita,
iniisip na bawal akong magsalita.

66
00:04:49,497 --> 00:04:53,835
Sa Midwest code, di mo dapat ipakita
ang iyong maruming labada sa publiko.

67
00:04:53,918 --> 00:04:57,213
Itago mo lang,
at magmukhang maayos ka sa labas.

68
00:04:57,297 --> 00:04:58,756
Gano'n ako pinalaki.

69
00:04:58,840 --> 00:05:03,094
Tapos noong September 2014,
matutulog na sana ako,

70
00:05:03,177 --> 00:05:06,514
nang sabihin ni Darian, ang asawa ko no'n,

71
00:05:06,597 --> 00:05:12,228
"Nagsalita si Stephen King sa pang-umagang
TV show tungkol sa mga magulang mo.

72
00:05:12,312 --> 00:05:17,066
"Sumulat kasi siya ng short story
at ginawa ang movie na The Good Marriage."

73
00:05:17,650 --> 00:05:20,403
Ikuwento mo sa amin.
I mean, si Dennis Rader,

74
00:05:20,486 --> 00:05:23,781
ang lalaking parang huwaran mo
sa totoong buhay.

75
00:05:23,865 --> 00:05:28,703
Isa siyang prototype
para sa lalaki sa kuwento ko.

76
00:05:28,786 --> 00:05:33,458
Pumatay siya ng sampung tao,
dalawa sa kanila ay mga bata.

77
00:05:33,541 --> 00:05:36,502
Matagal siyang kasal,
may dalawang anak siya,

78
00:05:36,586 --> 00:05:40,423
at sabi ng misis niya,
matapos siyang mahuli,

79
00:05:40,506 --> 00:05:42,425
na wala siyang kaalam-alam.

80
00:05:43,760 --> 00:05:46,179
Nakaupo ako sa kama, galit at umiiyak.

81
00:05:46,262 --> 00:05:50,892
Babangon ako, paroo’t paritong maglalakad.
Galit na galit ako.

82
00:05:50,975 --> 00:05:53,770
Nagalit ako sa asawa ko,
at kay Stephen King,

83
00:05:53,853 --> 00:05:57,565
at gusto ko lang na sana'y
walang ganitong nangyayari.

84
00:05:57,648 --> 00:06:01,778
Ang tagal kong nanahimik
at napakarami kong gustong sabihin.

85
00:06:04,822 --> 00:06:09,827
Sa aking unang interview, sinabi ko lang
ang lahat sa loob ng 40 minutes,

86
00:06:09,911 --> 00:06:13,915
tungkol sa kung sino ako,
kung sino ang papa ko,

87
00:06:13,998 --> 00:06:18,586
mama ko, buhay may-asawa ko, at sa mga
nangyari sa nakalipas na sampung taon.

88
00:06:18,669 --> 00:06:22,382
Naging headline news ako
noong gabing 'yon,

89
00:06:22,465 --> 00:06:25,426
at nasa international news kinabukasan.

90
00:06:25,510 --> 00:06:29,347
-Kerri, salamat sa pagpunta.
-Salamat sa pag-imbita sa akin.

91
00:06:29,430 --> 00:06:32,934
Nang ibalita sa akin ng FBI agent,
napakapit ako sa pader.

92
00:06:33,017 --> 00:06:34,727
Nawala lahat ng mahalaga sa akin.

93
00:06:34,811 --> 00:06:38,272
Pinapatay ko sarili ko
sa hindi pagsasalita tungkol dito.

94
00:06:41,359 --> 00:06:45,905
Hindi ko naisip na malaking isyu 'yon.
Hindi ako nag-ingat sa pananalita ko.

95
00:06:46,406 --> 00:06:52,203
Maraming tao ang nagalit sa akin
dahil sa mga binitawan kong salita.

96
00:06:53,246 --> 00:06:56,624
At ang totoo ay naiinis ako

97
00:06:56,707 --> 00:07:01,045
dahil ginamit niya ang mga magulang ko
bilang inspirasyon.

98
00:07:04,715 --> 00:07:08,261
Palagi kong mamahalin ang papa ko.
Siyempre papa ko siya.

99
00:07:08,344 --> 00:07:11,806
Pero di ko pa talaga nagawang
pag-aralan ang mga krimeng

100
00:07:11,889 --> 00:07:13,724
ginawa ng papa ko bilang BTK.

101
00:07:13,808 --> 00:07:16,644
Nagpapa-therapy ako noon
at gulong-gulo isip ko.

102
00:07:17,228 --> 00:07:19,605
Ginamit niya lang ba kami para magtago?

103
00:07:19,689 --> 00:07:24,610
Minahal ba talaga niya kami at si Mama,
o ginamit niya lang kami?

104
00:07:25,778 --> 00:07:29,282
Kaya ang ginawa ko,
ni-research ko ang sarili kong buhay,

105
00:07:29,365 --> 00:07:32,535
at buhay ng papa ko,
para makapagkuwento tungkol dito.

106
00:07:33,953 --> 00:07:35,705
Isa itong malaking gulo.

107
00:07:42,086 --> 00:07:46,799
Noong 1974, pinatay ng papa ko ang apat
sa pitong miyembro ng isang pamilya.

108
00:07:47,383 --> 00:07:51,345
Ilang buwan bago iyon,
natanggal siya sa Cessna.

109
00:07:51,971 --> 00:07:54,056
Nagustuhan niya ang trabahong 'yon.

110
00:07:54,140 --> 00:07:58,269
Nang matanggal siya sa trabaho
noong fall ng 1973, na-depress daw siya.

111
00:07:58,352 --> 00:08:00,396
Naging sumpungin at mainipin.

112
00:08:00,480 --> 00:08:04,108
Sabi niya, "Ang kawalan ng ginagawa
ay nauuwi sa gawaing masama."

113
00:08:04,609 --> 00:08:09,071
Nagsimula siyang mag-isip ng masasamang
bagay at isinakatuparan ang mga ito.

114
00:08:17,622 --> 00:08:22,960
Noong 1974, bureau captain ako
sa Wichita Police Department.

115
00:08:23,044 --> 00:08:27,173
Nagretiro ang police chief namin,
at naghahanap sila sa buong bansa

116
00:08:27,256 --> 00:08:28,883
ng bagong police chief.

117
00:08:28,966 --> 00:08:32,386
Naisip ko, "Bakit hindi.
Subukan ko ngang mag-apply.

118
00:08:32,470 --> 00:08:35,181
"Mag-a-apply ako kahit di ako mapili."

119
00:08:35,264 --> 00:08:37,767
UNANG ARAW NI LAMUNYON BILANG CHIEF

120
00:08:37,850 --> 00:08:42,313
Nasa higit 110 yata ang mga aplikante.
At ako ang nakakuha ng trabaho.

121
00:08:43,648 --> 00:08:47,193
Isang payapang
Midwestern city ang Wichita.

122
00:08:47,276 --> 00:08:49,278
Abala ang mga tao sa mga gawain nila.

123
00:08:49,362 --> 00:08:53,533
At sa Wichita noon, di mo kailangang
mag-lock ng pinto o ng sasakyan.

124
00:08:53,616 --> 00:08:57,495
Napakapayapa
at napakagandang lugar na tirahan.

125
00:09:00,122 --> 00:09:03,251
Ilan sa mga bagay na ginawa ko
nang maging hepe ako,

126
00:09:03,334 --> 00:09:07,588
may mga iniimbestigahang malalaking kaso
na nangyari sa nakaraan.

127
00:09:09,715 --> 00:09:11,759
Siyempre, noong naging hepe ako,

128
00:09:11,842 --> 00:09:15,304
hindi ko naisip ang posibilidad
ng isang serial killer.

129
00:09:19,225 --> 00:09:22,311
Ang mga labi
nina Joseph Otero, asawang si Julie,

130
00:09:22,395 --> 00:09:24,981
mga anak na sina Josephine at Joseph II

131
00:09:25,064 --> 00:09:27,775
ay natagpuan sa tahanan nila
sa East Wichita.

132
00:09:28,359 --> 00:09:32,738
Noong 1974, photojournalist pa lang ako
sa Kake Television,

133
00:09:32,822 --> 00:09:35,408
at pinapunta ako sa isang bahay.

134
00:09:35,491 --> 00:09:37,577
Alam namin na may pinatay doon.

135
00:09:37,660 --> 00:09:40,121
Pero hindi namin alam ang mga detalye.

136
00:09:42,081 --> 00:09:45,084
Napansin kong walang nagsasalita.

137
00:09:45,167 --> 00:09:47,128
Tikom ang bibig ng mga detective.

138
00:09:49,005 --> 00:09:51,507
Kakauwi lang ng panganay na si Charlie
mula paaralan,

139
00:09:51,591 --> 00:09:55,261
pumasok siya at nakita
ang malagim na pangyayaring ito.

140
00:09:55,344 --> 00:09:58,639
Pinatay ang mga magulang niya
at dalawang kapatid,

141
00:09:59,140 --> 00:10:01,601
at sobra siyang nabigla.

142
00:10:03,561 --> 00:10:05,855
Sinubukan niyang kalagan ang mga ito,

143
00:10:05,938 --> 00:10:08,941
pagkatapos, humingi siya ng tulong
sa kapitbahay.

144
00:10:10,192 --> 00:10:13,571
Nakakatrauma para sa kanya.
O para sa kahit sino.

145
00:10:17,241 --> 00:10:20,703
Kakaiba itong kaso
para sa bahaging ito ng bansa.

146
00:10:20,786 --> 00:10:25,374
Pinakamalala na yata ito sa mga nakita ko
sa 30 taon ko sa homicide.

147
00:10:25,458 --> 00:10:27,335
Pero hindi namin ito susukuan.

148
00:10:27,418 --> 00:10:31,005
Isa itong kakila-kilabot na pagpatay.

149
00:10:31,088 --> 00:10:34,842
Paano magagawa ng sinuman
na pumatay ng bata?

150
00:10:36,093 --> 00:10:37,637
Di 'yan nangyayari rito.

151
00:10:37,720 --> 00:10:39,263
PALAISIPAN ANG MOTIBO

152
00:10:42,391 --> 00:10:45,978
Ipinaliwanag sa akin
ng command staff sa imbestigasyon

153
00:10:46,062 --> 00:10:49,190
ang detalye sa Otero case.

154
00:10:49,857 --> 00:10:54,737
Dahil sa klase ng krimen,
ang direksiyon na tinatahak nila ay,

155
00:10:54,820 --> 00:10:57,990
inakala nilang isa itong paghihiganti,

156
00:10:58,074 --> 00:11:00,826
o marahil may kinalaman ito sa drugs.

157
00:11:01,702 --> 00:11:06,832
Pero tinitingnan rin ng ibang mga
imbestigador ang sekswal na aspeto nito.

158
00:11:06,916 --> 00:11:10,211
Tandaan, di lang isa o dalawa
ang imbestigador dito.

159
00:11:10,294 --> 00:11:14,090
Maraming imbestigador
ang kumikilos sa iba't ibang direksiyon

160
00:11:14,173 --> 00:11:16,759
para subukang lutasin ang kasong ito.

161
00:11:24,308 --> 00:11:29,772
Nakakalungkot makita ang pagkawasak
ng Wichita sa ilang lugar. Alam mo na…

162
00:11:29,855 --> 00:11:33,693
Dati nang sira-sira ang ilang lugar,
pero nakakapanlumo pa rin.

163
00:11:35,319 --> 00:11:37,446
Hindi masayang pumunta sa Wichita.

164
00:11:37,530 --> 00:11:40,616
I mean, pinapalala nito ang PTSD ko.

165
00:11:45,162 --> 00:11:47,915
Biglang may papasok sa isip ko, at ako'y,

166
00:11:47,998 --> 00:11:50,835
mapupukaw ang matinding trauma ko.

167
00:11:52,253 --> 00:11:56,006
Nakalimutan ko tuloy na dati akong
naglalakad, nagbibisikleta,

168
00:11:56,090 --> 00:12:00,219
at naglalakad kasama si Papa
sa tabi ng bambang na 'to.

169
00:12:01,178 --> 00:12:05,558
Itinuro sa akin ni Papa ang mga shortcut
na kalsada na pwede kong daanan.

170
00:12:06,809 --> 00:12:10,730
Mas kalmado siya at mas mahaba
ang pasensiya kaysa sa mama ko.

171
00:12:10,813 --> 00:12:12,648
Kung si Mama 'yon, maiinis na.

172
00:12:12,732 --> 00:12:16,193
Masayang kasama si Papa,
kasi hahayaan ka niyang

173
00:12:16,277 --> 00:12:20,364
gawin ang gusto mo, mapaaway,
at marumihan, at wala siyang pakialam.

174
00:12:25,161 --> 00:12:28,914
Ito ang Christ Lutheran Church,
dito sa 53rd at Hillside.

175
00:12:30,249 --> 00:12:33,627
Nagkakilala sa church sina Mama at Papa
noong August 1970.

176
00:12:35,379 --> 00:12:38,215
Para sa kanilang dalawa,
love at first sight ito.

177
00:12:38,299 --> 00:12:41,385
Nagpakasal sila
makalipas ang siyam na buwan.

178
00:12:43,721 --> 00:12:47,183
Siguro ang pinakaunang mga alaala ko,
noong dalawa o tatlo pa lang ako.

179
00:12:47,266 --> 00:12:51,604
May tatlong kuwarto ang bahay namin.
May malaki kaming garden.

180
00:12:51,687 --> 00:12:54,774
Iginawa kami ni Papa
ng napakalaking treehouse.

181
00:12:55,441 --> 00:12:58,360
Nagka-camping kami dati sa treehouse.

182
00:12:59,487 --> 00:13:03,532
Tumutulong kaming maglinis.
Tinuruan akong magtanim ng mga bulaklak.

183
00:13:03,616 --> 00:13:09,455
Isinasama niya ako sa hardware store
para bumili ng mga gagamitin sa treehouse.

184
00:13:10,456 --> 00:13:13,083
Hindi ako tinratong babae ng papa ko.

185
00:13:13,167 --> 00:13:16,879
Kundi parang tomboy,
hinahayaan akong gawin ang ginagawa niya.

186
00:13:17,713 --> 00:13:20,549
Kaya mula pagkabata,
nakabuntot na ako sa kanya.

187
00:13:23,135 --> 00:13:26,680
Magkaedad kami ni Kerri,
kaya sabay kaming nag-aral.

188
00:13:26,764 --> 00:13:28,849
Nasa iisang neighborhood kami.

189
00:13:28,933 --> 00:13:32,561
Kaya lagi kaming magkasama
sa maraming kaganapan.

190
00:13:32,645 --> 00:13:34,188
Lahat, ginawa namin.

191
00:13:35,231 --> 00:13:39,235
Napakaliit na komunidad 'yon,
kaya kilala mo ang lahat.

192
00:13:40,611 --> 00:13:44,782
Ang mga Rader
ay tulad rin ng ibang pamilya.

193
00:13:45,366 --> 00:13:48,410
Ginawa niya lahat ng ginagawa
ng ibang mga ama.

194
00:13:48,994 --> 00:13:51,831
Dogcatcher ng Park City
ang tawag namin sa kanya.

195
00:13:54,875 --> 00:13:58,879
Hinahanap namin sila. Medyo teritoryal
at mabagsik din ang mga aso,

196
00:13:58,963 --> 00:14:02,424
at sinusubukan naming
hulihin at ikulong sila,

197
00:14:02,508 --> 00:14:05,469
nakikipagtulungan sa mga nag-ulat
kung saan pinatay ang mga tupa.

198
00:14:07,179 --> 00:14:08,848
Di lang aso hinuhuli niya.

199
00:14:08,931 --> 00:14:13,227
Gayundin 'yong mga may paglabag, gaya ng,
kung mataas ang mga damo mo.

200
00:14:15,646 --> 00:14:19,817
Kapag may lumalabag sa Park City,
lagi kaming nagbibiruan na,

201
00:14:20,317 --> 00:14:22,695
"Inilabas na naman ni Dennis
ang ruler niya."

202
00:14:24,280 --> 00:14:30,119
Sa panlabas, parang isang napakabait
at mahinahong lalaki ang papa ko.

203
00:14:30,202 --> 00:14:35,583
Pero may mga sandali na
mati-trigger si Papa at biglang mag-iiba,

204
00:14:35,666 --> 00:14:37,668
at magiging mapanganib 'yon.

205
00:14:37,751 --> 00:14:39,545
Bilang bata, alam mo na,

206
00:14:39,628 --> 00:14:43,507
di dapat pakalat-kalat ang sapatos mo
dahil baka mapagalitan ka.

207
00:14:43,591 --> 00:14:46,552
Huwag kang uupo sa upuan ni Papa
sa hapag-kainan.

208
00:14:46,635 --> 00:14:48,429
Papaunahin mo siyang kumain.

209
00:14:48,512 --> 00:14:51,473
Hahayaan mo siyang pumili
ng mga gagawin ninyo,

210
00:14:51,557 --> 00:14:54,018
pelikulang panonoorin,
at kung saan kayo pupunta.

211
00:14:54,101 --> 00:14:56,145
Kontrolado niya lahat, di ba?

212
00:14:57,938 --> 00:15:02,568
Ngayon ay mauunawaan mo na kung sino siya,
kung anon'g itinatago niya…

213
00:15:11,619 --> 00:15:14,330
Pang-araw-araw na pahayagan
ang The Wichita Eagle.

214
00:15:14,955 --> 00:15:18,417
May nasa 125 ang empleyado namin
sa newsroom.

215
00:15:18,500 --> 00:15:20,961
Kabilang na doon ang mga photojournalist,

216
00:15:21,045 --> 00:15:23,005
mga nasa sports, business, etc.

217
00:15:24,048 --> 00:15:25,591
Halos lahat.

218
00:15:26,091 --> 00:15:27,301
Exciting 'yon.

219
00:15:27,384 --> 00:15:29,136
SUSPEK SA OTERO CASE, TINUTUGIS

220
00:15:29,219 --> 00:15:32,890
Matagal na pinag-usapan
ang Otero case dahil,

221
00:15:33,390 --> 00:15:37,686
wala pang pinatay na apat na tao
kabilang ang mga bata, noon.

222
00:15:37,770 --> 00:15:38,771
KAUNTI ANG CLUES

223
00:15:38,854 --> 00:15:41,857
Mahalagang malaman
na maraming detalye tungkol dito

224
00:15:41,941 --> 00:15:44,735
ang natuklasan lang kalaunan.

225
00:15:45,444 --> 00:15:50,282
Sasabihin ng mga pulis, "Ang sama nito,"
o "Ito ginawa nila," o "Iginapos sila."

226
00:15:50,991 --> 00:15:53,535
Pero napakarami pang hindi natuklasan.

227
00:15:54,662 --> 00:15:57,581
At hindi namin alam
kung gaano 'yon nakakakilabot.

228
00:15:59,458 --> 00:16:03,671
Kinailangan naming ilihim
ang ilang bagay sa imbestigasyon.

229
00:16:03,754 --> 00:16:07,216
Sa madaling salita,
ilihim sa komunidad ang ilang detalye.

230
00:16:08,342 --> 00:16:10,594
Pagkatapos, noong October 1974,

231
00:16:10,678 --> 00:16:13,973
inaresto ng pulisya
ang magkakapatid na Sebring.

232
00:16:14,056 --> 00:16:16,850
Mga pedophile ang mga lalaking 'yon.

233
00:16:16,934 --> 00:16:22,106
Pagkahuli sa kanila, inamin nila
na pinatay nila ang pamilya Otero.

234
00:16:22,898 --> 00:16:25,275
Siyempre pa, malaking balita 'yon.

235
00:16:26,193 --> 00:16:29,405
at nakakuha ng maraming atensiyon
mula sa media.

236
00:16:29,488 --> 00:16:30,948
Na nagresulta sa liham.

237
00:16:32,992 --> 00:16:35,661
Nakatanggap ng liham ang Wichita Eagle.

238
00:16:36,161 --> 00:16:40,916
May lumantad at sinabing,
"Uy. Hindi ang tatlong 'yon ang gumawa.

239
00:16:41,000 --> 00:16:44,545
"At alam ko 'yon kasi ako ang gumawa."

240
00:16:46,046 --> 00:16:50,926
Malinaw na ipinakita
ng mga detalyeng nakalarawan do'n

241
00:16:51,010 --> 00:16:54,430
na ang taong sumulat ng liham
ang siyang gumawa ng krimen.

242
00:16:55,639 --> 00:16:58,267
Gusto niya noon na kilalanin siya.

243
00:16:58,350 --> 00:17:00,185
GOOD LUCK SA PAGTUGIS

244
00:17:00,269 --> 00:17:02,938
Ito ang sinasabi sa liham,

245
00:17:03,022 --> 00:17:08,110
"Isinulat ko ito para sa kapakanan
ng mga taxpayer, at para sa oras n'yo.

246
00:17:08,193 --> 00:17:10,612
"'Yong tatlong lalaking hawak n'yo…

247
00:17:10,696 --> 00:17:13,449
"Wala silang alam.
Mag-isa kong ginawa lahat."

248
00:17:13,532 --> 00:17:15,868
MAG-ISA KO ITONG GINAWA

249
00:17:15,951 --> 00:17:18,912
Tapos ikinuwento niya
ang bawat taong pinatay niya.

250
00:17:19,913 --> 00:17:24,585
"Pagkakagapos, itinali ang kamay
gamit ang tali ng kurtina.

251
00:17:24,668 --> 00:17:29,381
"Tali ng sampayan ang ginamit
sa paa, tuhod hanggang baywang.

252
00:17:29,465 --> 00:17:31,300
"Lahat pare-pareho ang haba.

253
00:17:32,634 --> 00:17:35,095
"Pagkamatay, sa pananakal.

254
00:17:36,638 --> 00:17:41,518
Kinilabutan marahil ang pulisya
dahil may mga picture sila ng mga ito.

255
00:17:43,312 --> 00:17:47,983
Malinaw at akmang-akma
ang pagsasalarawan niya.

256
00:17:48,484 --> 00:17:50,569
May idinagdag pa siya sa baba.

257
00:17:51,195 --> 00:17:54,615
"PS. Dahil hindi nagbabago ng MO
ang mga sex criminal,

258
00:17:54,698 --> 00:17:58,452
"o hindi nila kayang gawin,
di ko babaguhin ang sa akin.

259
00:17:58,535 --> 00:18:00,913
"Ang magiging code ng sa akin ay,

260
00:18:00,996 --> 00:18:04,041
"bind, torture, kill.

261
00:18:04,625 --> 00:18:08,837
"B.T.K. Makikita n'yo ulit ito.

262
00:18:08,921 --> 00:18:12,466
"Nasa susunod na biktima ang mga ito."

263
00:18:15,177 --> 00:18:18,639
Tandaan n'yo,
hindi siya isang "normal" na kriminal.

264
00:18:18,722 --> 00:18:22,351
May baluktot siyang pag-iisip,
isang taong may sakit.

265
00:18:22,434 --> 00:18:25,854
At malamang, kung buhay pa ang taong ito,

266
00:18:25,938 --> 00:18:27,397
muli siyang papatay.

267
00:18:28,816 --> 00:18:33,028
May mga profiler kami mula sa FBI
na nagbibigay sa amin ng impormasyon.

268
00:18:33,904 --> 00:18:37,866
At ang sinabi sa amin ay,
"Kung hindi siya pumapatay dito,

269
00:18:37,950 --> 00:18:40,994
"may pinapatay siyang iba,
sa ibang lugar."

270
00:18:41,912 --> 00:18:45,791
Kaya inalerto namin ang ibang departaments

271
00:18:45,874 --> 00:18:49,002
at nagpadala kami ng detectives
sa iba't ibang lugar

272
00:18:49,086 --> 00:18:53,340
para alamin kung may killer
na gumagala sa ibang lugar.

273
00:18:53,423 --> 00:18:56,677
At hindi namin 'yon mapagtugma.

274
00:18:57,511 --> 00:19:02,641
Ang konklusyon namin,
hindi namin mahanap ang taong ito,

275
00:19:02,724 --> 00:19:04,309
kasi isa siya sa amin.

276
00:19:07,396 --> 00:19:11,733
Ngayon, may taga-rito na kaming babantayan

277
00:19:11,817 --> 00:19:13,485
at kailangang kilalanin.

278
00:19:25,414 --> 00:19:28,792
Isang single mom si Shirley Vian.

279
00:19:29,293 --> 00:19:31,086
May tatlo siyang anak.

280
00:19:31,628 --> 00:19:36,508
Nasa bahay siya noon at may sakit,
at masama ang kanyang pakiramdam.

281
00:19:36,592 --> 00:19:40,721
Inutusan ni Shirley sa tindahan
ang anim na taong gulang niyang anak.

282
00:19:41,388 --> 00:19:46,560
Sa daan pabalik, nilapitan ang bata
ng isang lalaking may briefcase,

283
00:19:46,643 --> 00:19:49,062
at nagkuwentuhan sila sandali.

284
00:19:49,563 --> 00:19:52,441
Dahil sa pag-uusap na 'yon,
kung ano man 'yon,

285
00:19:53,192 --> 00:19:56,862
nakapasok ang lalaki sa bahay.

286
00:19:58,739 --> 00:20:02,910
Ikinulong ng salarin
ang tatlong bata sa banyo.

287
00:20:03,410 --> 00:20:09,166
Batid nila na may masama siyang
ginagawa sa kanilang ina.

288
00:20:09,666 --> 00:20:12,502
Dahil doon, nagawa nilang makatakas

289
00:20:13,295 --> 00:20:15,589
sa bintana ng banyo

290
00:20:15,672 --> 00:20:18,300
at sumigaw ng tulong.

291
00:20:19,426 --> 00:20:22,304
Nang tumakbo palabas ng bahay ang salarin,

292
00:20:22,387 --> 00:20:28,352
bumalik ang mga bata sa loob,
at natagpuang patay ang ina sa kama.

293
00:20:35,234 --> 00:20:40,447
Nang dumating ang kasong ito,
ipinaalam sa akin ng mga imbestigador

294
00:20:40,530 --> 00:20:43,033
na matapos tingnan ang crime scene,

295
00:20:43,116 --> 00:20:48,163
naniniwala sila na maaaring konektado ito
sa Otero case

296
00:20:48,789 --> 00:20:52,834
dahil sa kondisyon ng crime scene

297
00:20:53,418 --> 00:20:57,589
Natagpuan si Shirley Vian, 26,
na balot ng plastic bag ang ulo

298
00:20:57,673 --> 00:21:00,008
at may nakapulupot na lubid sa leeg.

299
00:21:00,092 --> 00:21:03,262
Sinabi sa pulis ng mga anak niyang
nakulong sa banyo,

300
00:21:03,345 --> 00:21:07,432
na ang salarin ay lalaking may itim
na buhok at nasa edad 30 o 40.

301
00:21:09,142 --> 00:21:14,189
Minabuti noong panahong 'yon
na wag munang direktang iugnay ang dalawa

302
00:21:14,273 --> 00:21:16,775
hangga't di pa ganap na napapatunayan.

303
00:21:25,951 --> 00:21:30,747
May naganap na pagpatay sa South Pershing.

304
00:21:31,331 --> 00:21:32,249
Si Nancy Fox.

305
00:21:33,041 --> 00:21:34,584
South Pershing.

306
00:21:34,668 --> 00:21:35,794
Oo, tama.

307
00:21:36,420 --> 00:21:38,547
PINATAY NA BABAE SA SE WICHITA

308
00:21:38,630 --> 00:21:40,465
Ang 25 anyos na si Nancy Jo Fox

309
00:21:40,549 --> 00:21:43,385
ay natagpuang patay
sa apartment niya sa Pershing Street.

310
00:21:43,468 --> 00:21:45,429
Iginapos at sinakal siya.

311
00:21:45,512 --> 00:21:48,473
Itinawag sa phone booth ng isang lalaki
ang pagpatay.

312
00:21:48,557 --> 00:21:51,518
Hinala ng pulisya,
ang caller ang mamamatay-tao.

313
00:21:52,144 --> 00:21:57,024
Kung makikilala n'yo ang boses na 'yon,
tumawag sa 268-4156.

314
00:21:58,442 --> 00:22:02,362
Sa Nancy Fox case,
pinutol ang linya ng telepono,

315
00:22:02,446 --> 00:22:04,448
katulad ng sa Otero case.

316
00:22:06,825 --> 00:22:10,829
Batay sa ebidensiyang mayroon kami,
malinaw sa amin, sa puntong iyon,

317
00:22:10,912 --> 00:22:14,750
na ang Otero case, ang Shirley Vian case,

318
00:22:14,833 --> 00:22:16,960
at ang Nancy Fox case

319
00:22:17,044 --> 00:22:19,504
ay kagagawan ng iisang tao lamang.

320
00:22:20,088 --> 00:22:22,841
At dahil doon, nagsimula ang imbestigasyon

321
00:22:24,259 --> 00:22:26,219
para sa isang serial killer.

322
00:22:34,311 --> 00:22:37,105
Noong February 10, 1978,

323
00:22:37,814 --> 00:22:39,775
tinawagan ako ni Larry Hatteberg

324
00:22:39,858 --> 00:22:44,613
para pumunta sa Kake Television
at tingnan ang liham na natanggap nila.

325
00:22:45,739 --> 00:22:48,742
Ang receptionist
na nag-aayos ng aming mga liham

326
00:22:48,825 --> 00:22:50,994
ay may nakitang liham mula kay BTK.

327
00:22:53,497 --> 00:22:57,334
Dinala niya ito sa newsroom
at iniabot sa akin.

328
00:22:57,417 --> 00:22:59,461
Binuksan ko ito, tiningnan ko,

329
00:22:59,544 --> 00:23:02,756
at naisip ko, "O Diyos ko, heto na nga."

330
00:23:03,715 --> 00:23:06,218
Kinausap namin ang police chief.

331
00:23:06,301 --> 00:23:08,470
Sabi namin, "May natanggap kaming liham."

332
00:23:08,553 --> 00:23:10,138
"Heto 'yong liham."

333
00:23:10,222 --> 00:23:15,102
"Bilang kapalit, gusto naming sumali ka
sa newscast ngayong gabi."

334
00:23:15,185 --> 00:23:17,646
Akala ko tatanggi siya.

335
00:23:17,729 --> 00:23:20,482
Tinawagan niya ang detective chief.

336
00:23:20,565 --> 00:23:22,734
Nag-usap sila ng halos 20 minutes.

337
00:23:22,818 --> 00:23:25,070
Tapos lumabas sila, at sinabi niya,

338
00:23:25,153 --> 00:23:28,156
"Sige, sasali ako sa newscast n'yo."

339
00:23:28,657 --> 00:23:31,451
Kasama natin ngayon
si Police Chief Richard LaMunyon.

340
00:23:31,535 --> 00:23:36,248
Tanong ko lang po. Paano ka nakakasiguro
na authentic 'yong liham ni BTK?

341
00:23:36,331 --> 00:23:39,418
Walang duda na ang tanging tao

342
00:23:39,501 --> 00:23:43,839
na magkakaroon ng mga klase
ng impormasyong nakasaad sa liham

343
00:23:43,922 --> 00:23:46,091
ay 'yong killer mismo.

344
00:23:47,259 --> 00:23:50,053
Sinimulan ni BTK ang liham
ng isang tanong.

345
00:23:50,137 --> 00:23:53,473
Ilan ang kailangan kong patayin
para malathala sa diyaryo

346
00:23:53,557 --> 00:23:55,350
"o makilala sa buong bansa?"

347
00:23:55,434 --> 00:23:58,895
Ayon kay BTK,
pitong babae na ang kanyang sinakal.

348
00:23:58,979 --> 00:24:02,190
Nagbigay siya ng listahan ng mga biktima
simula sa number five,

349
00:24:02,274 --> 00:24:05,902
kung saan isinulat niya,
"Hulaan ang motibo at ang biktima."

350
00:24:07,612 --> 00:24:09,573
Ito ang unang pagkakataon

351
00:24:09,656 --> 00:24:13,785
na nalaman ng sinuman sa labas ng pulisya

352
00:24:13,869 --> 00:24:19,499
na magkakaugnay ang mga pagpatay
sa mga Otero, kay Vian at kay Fox,

353
00:24:19,583 --> 00:24:23,587
at sa pampitong pagpatay
na hindi pa natutukoy.

354
00:24:24,337 --> 00:24:29,050
May obligasyon kami sa komunidad na alamin
kung sino ang bagong biktimang ito.

355
00:24:29,134 --> 00:24:32,304
Anumang paraan
para patuloy siyang makipag-usap,

356
00:24:32,387 --> 00:24:35,765
ay pagkakataon para sa amin
upang makakalap

357
00:24:35,849 --> 00:24:40,061
ng sapat na ebidensiya para sa kasagutan
at malaman kung sino ang taong ito.

358
00:24:42,022 --> 00:24:45,692
Para sa akin, si Richard LaMunyon
ang pinakamahusay

359
00:24:45,775 --> 00:24:48,195
sa mga naging police chief ng Wichita.

360
00:24:48,278 --> 00:24:51,490
Si Richard LaMunyon
ang tipo ng police chief na,

361
00:24:51,573 --> 00:24:57,704
hindi bumibitaw sa misyon niya
na mahanap ang isang kriminal.

362
00:24:57,787 --> 00:25:01,082
Para siyang aso na may kagat-kagat
na impormasyon,

363
00:25:01,166 --> 00:25:04,628
at hindi niya hahayaang
may makahadlang sa kanyang misyon.

364
00:25:05,337 --> 00:25:09,799
Nakipagpulong si Police Chief LaMunyon
sa mga imbestigador sa kaso.

365
00:25:09,883 --> 00:25:12,761
Inamin ng pulisya na bagama't
maraming tip silang sinusuri

366
00:25:12,844 --> 00:25:15,096
wala pa ring malaking lead sa kaso.

367
00:25:15,180 --> 00:25:17,599
Magtitipon sina LaMunyon at ilang eksperto

368
00:25:17,682 --> 00:25:20,727
para pag-aralan ang mga ebidensiya
sa imbestigasyon.

369
00:25:20,810 --> 00:25:23,939
Binanggit ni BTK sa liham
ang pagpatay sa pitong katao,

370
00:25:24,022 --> 00:25:26,691
pero di niya pinangalanan
ang isa sa mga ito.

371
00:25:26,775 --> 00:25:29,694
Maraming unsolved homicide
sa mga nakaraang taon,

372
00:25:29,778 --> 00:25:33,281
di sigurado ang pulisya
kung sino 'yong pampitong biktima.

373
00:25:33,365 --> 00:25:37,244
Pero may ilan sa kanila
na iniisip na si Kathryn Bright 'yon.

374
00:25:42,541 --> 00:25:44,876
Noong April 1974,

375
00:25:44,960 --> 00:25:47,587
isang lalaking nagngangalang Kevin Bright

376
00:25:47,671 --> 00:25:51,591
ang binaril sa ulo, at tumakbo palabas,

377
00:25:51,675 --> 00:25:55,262
sumisigaw na may lalaki sa bahay,

378
00:25:55,345 --> 00:25:59,391
na siyang bumaril sa kanya,
at naroon ang kapatid niyang si Kathryn,

379
00:26:00,141 --> 00:26:03,270
at pumasok siya para pagnakawan sila.

380
00:26:04,396 --> 00:26:08,233
Nasaksihan ni Kevin, kapatid ni Kathryn,
ang bahagi ng pagpatay,

381
00:26:08,316 --> 00:26:12,445
at pahapyaw niyang nasabi sa mga pulis
kung ano ang nangyari.

382
00:26:14,072 --> 00:26:18,285
Natagpuan namin si Kathryn Bright
na sinaksak sa bahay nito.

383
00:26:19,035 --> 00:26:22,956
College student si Kathryn
sa Wichita State University.

384
00:26:23,039 --> 00:26:24,624
Karaniwan siyang umuuwi mag-isa.

385
00:26:24,708 --> 00:26:27,919
Pero umuwi siya noon
kasama ang kapatid na si Kevin,

386
00:26:28,003 --> 00:26:29,504
bandang tanghali.

387
00:26:30,880 --> 00:26:36,303
Nasa loob ng bahay ang salarin,
naghihintay na sa kanya.

388
00:26:36,803 --> 00:26:39,180
Batay sa sinabi sa amin ni Kevin,

389
00:26:39,264 --> 00:26:40,974
pagkapasok nila ng bahay,

390
00:26:41,057 --> 00:26:45,937
tinutukan ng baril ng lalaking naroon
si Kevin

391
00:26:46,021 --> 00:26:49,774
at inutusang igapos
ang kapatid niyang si Kathryn.

392
00:26:50,358 --> 00:26:51,776
Ginawa niya ito,

393
00:26:51,860 --> 00:26:55,864
at pagkatapos,
dinala si Kevin sa ibang silid.

394
00:26:56,823 --> 00:27:00,035
Sinubukan niyang ilagay ang lubid
si leeg ni Kevin,

395
00:27:00,118 --> 00:27:03,455
na humantong sa away, at nabaril si Kevin.

396
00:27:05,790 --> 00:27:07,834
Bumagsak si Kevin at nagkunwaring patay.

397
00:27:08,418 --> 00:27:10,629
NAGPUMIGLAS AKO; BINARIL NIYA AKO

398
00:27:10,712 --> 00:27:13,798
Dinala si Kevin sa ospital
dahil sa mga sugat sa ulo.

399
00:27:13,882 --> 00:27:19,095
Nakipagtulungan kami sa kanya
para makilala ang salarin.

400
00:27:19,763 --> 00:27:22,265
Napaka-tipikal ng paglalarawan ni Kevin.

401
00:27:22,349 --> 00:27:25,769
Isang Caucasian na lalaki,
marahil nasa edad 30,

402
00:27:25,852 --> 00:27:28,063
normal, 82 kg…

403
00:27:28,146 --> 00:27:31,066
Sa madaling salita,
di niya kami natulungan.

404
00:27:32,442 --> 00:27:34,444
SINAKSAK AT BINARIL NG SALARIN

405
00:27:34,527 --> 00:27:39,157
Matapos aminin ni BTK na siya
ang may kagagawan ng lahat,

406
00:27:39,240 --> 00:27:44,162
ang panawagan na aksyunan ang tungkol dito
ay tumaas nang higit pa kaysa dati.

407
00:27:44,663 --> 00:27:50,251
At ang pakiramdam na narito pa siya,
at patuloy na nagtatrabaho,

408
00:27:50,335 --> 00:27:52,420
at malay mo, kapitbahay mo pa…

409
00:27:52,504 --> 00:27:54,172
Tapos, kapitbahay mo nga!

410
00:28:02,806 --> 00:28:04,599
Grabe, ang pangit na rito.

411
00:28:08,103 --> 00:28:10,313
Doon tumira ang best friend ko.

412
00:28:11,481 --> 00:28:12,732
Nag-babysit ako doon.

413
00:28:12,816 --> 00:28:16,277
Sa kabila nakatira ang babysitter ko,
kaya ito na 'yon.

414
00:28:20,740 --> 00:28:22,784
Dito ako lumaki.

415
00:28:22,867 --> 00:28:25,662
Giniba nila 'yong nandito
para di na sirain

416
00:28:25,745 --> 00:28:29,457
at piraso-pirasong ibenta sa eBay
ng mga tao.

417
00:28:31,584 --> 00:28:35,588
Napakaraming nangyari
pagkatapos kong magsalita sa press,

418
00:28:35,672 --> 00:28:39,467
at para bang,
naging enemy territory ko ang Wichita.

419
00:28:40,051 --> 00:28:43,304
First time kong nakabalik
sa bakuran namin noong 2015.

420
00:28:43,388 --> 00:28:47,308
Bago 'yon, sampung taon akong
hindi pumunta doon.

421
00:28:47,392 --> 00:28:50,228
Pero maraming alaala pa rin
akong masasabi,

422
00:28:50,311 --> 00:28:53,189
mga ginawa ko sa punong ito,
o sa punong 'yon.

423
00:28:54,524 --> 00:28:57,569
Dito kami palaging nagtatanim ni Papa.

424
00:28:57,652 --> 00:29:01,906
Lahat ng klase ng gulay.
Tapos may mga bulaklak dito.

425
00:29:05,785 --> 00:29:08,413
Lahat ng ito hanggang dito ay garden.

426
00:29:08,913 --> 00:29:11,291
May daan dito.

427
00:29:11,833 --> 00:29:14,043
May daanan pabalik dito.

428
00:29:14,627 --> 00:29:18,631
Ang nakakatawa pa,
nagtanim si Papa ng ubas dito.

429
00:29:18,715 --> 00:29:20,550
Nakakadiri at maasim sila.

430
00:29:20,633 --> 00:29:24,387
Halos makikita mo,
parang may mga baging pa rin dito.

431
00:29:24,471 --> 00:29:27,348
Ang ubas ang isa
sa mga nakakatawang ideya niya.

432
00:29:29,768 --> 00:29:31,561
Naku, nagpi-picture ba siya?

433
00:29:35,565 --> 00:29:38,485
-Sabihan n'yo ako kung nagpi-picture siya.
-Hindi.

434
00:29:41,404 --> 00:29:43,907
Napakahirap manatili doon kasi,

435
00:29:44,616 --> 00:29:47,577
para akong ibinabalik
sa mga lugar na 'yon.

436
00:29:47,660 --> 00:29:50,830
Kahit pa maayos ang bakuran ko,
naroon ka pa rin

437
00:29:50,914 --> 00:29:53,333
sa bahay na di laging maayos ang lahat,

438
00:29:53,416 --> 00:29:55,460
kung saan naroon si Papa.

439
00:29:56,461 --> 00:29:58,880
Kahit ngayon, kaya kong ikuwento

440
00:29:58,963 --> 00:30:01,841
nang detalyado ang lahat ng ginawa
ng aking ama.

441
00:30:01,925 --> 00:30:04,177
Alam natin ang ginawa ng ama ko.

442
00:30:04,677 --> 00:30:08,264
Pero ang paniwalaan talaga 'yon,
pasulpot-sulpot sa isip ko.

443
00:30:08,348 --> 00:30:11,017
Na parang, "Si Papa si BTK."

444
00:30:11,100 --> 00:30:12,560
"Teka, ano raw? Ha?"

445
00:30:12,644 --> 00:30:15,313
Na parang, hindi pa rin ako makapaniwala.

446
00:30:17,106 --> 00:30:20,485
Isa pa 'yon.
Hindi ito matanggap ng ibang tao.

447
00:30:20,568 --> 00:30:25,365
Iniisip nila, "Bakit minsan
ay sinasabi niyang biktima siya,

448
00:30:25,448 --> 00:30:27,534
"at umiiyak siya, nalulungkot?"

449
00:30:28,117 --> 00:30:31,830
"Tapos saka sasabihing
maganda ang buhay." Kasi…

450
00:30:32,413 --> 00:30:34,082
Ganyan ang buhay ko noon.

451
00:30:34,165 --> 00:30:36,626
Kadalasan maganda ito,

452
00:30:36,709 --> 00:30:40,004
na may panaka-nakang masasamang sandali.

453
00:30:40,588 --> 00:30:42,924
Pero hindi namin naintindihan

454
00:30:43,007 --> 00:30:47,637
na sa likod ng mga 'yon,
may mga nakatagong masasamang bagay.

455
00:30:58,773 --> 00:31:02,819
Abandonado na 'to, at parang,
"Ano'ng nangyari sa pamilya ko?"

456
00:31:02,902 --> 00:31:05,905
Bulok at sira na 'yong bakod.

457
00:31:05,989 --> 00:31:08,408
Di ko alam bakit ibinalik pa 'yon doon.

458
00:31:08,491 --> 00:31:11,119
Bulok na 'yon at nakakadiri.

459
00:31:13,329 --> 00:31:17,375
Nagkawatak-watak ang aming pamilya.
Medyo matagal 'yon.

460
00:31:17,959 --> 00:31:21,546
Pero 'yong trauma dahil sa aming ama
ang sumira sa amin,

461
00:31:21,629 --> 00:31:23,965
kaya ganito kami ngayon.

462
00:31:29,762 --> 00:31:33,182
Wala kayong respeto
sa privacy ng ibang tao.

463
00:31:33,266 --> 00:31:35,268
Hindi na siya rito nakatira.

464
00:31:36,060 --> 00:31:39,397
Hindi na siya dumaranas ng ganito
araw-araw.

465
00:31:39,480 --> 00:31:41,149
Naiintindihan n'yo ba 'yon?

466
00:31:45,653 --> 00:31:49,866
Hindi ginusto ni Kerri Rawson
ang ganitong klase ng buhay.

467
00:31:51,534 --> 00:31:56,289
Saan man siya magpunta, kapag nalaman
ng mga tao na si BTK ang kanyang ama,

468
00:31:56,372 --> 00:31:58,917
nagiging anak na lang siya ni BTK.

469
00:31:59,000 --> 00:32:00,543
Paano mo 'yon matatakasan?

470
00:32:03,713 --> 00:32:08,676
Itinatago ko lahat ng tungkol sa ama ko,
ang buhay ko, ang pang-aabuso, trauma,

471
00:32:08,760 --> 00:32:12,597
dahil may mga tao na talagang

472
00:32:12,680 --> 00:32:16,309
tatratuhin ka nang masama
sa pagiging anak ng serial killer.

473
00:32:16,392 --> 00:32:19,562
Gaya ng, "Ano'ng itinatago mo?
Ano'ng hindi mo alam?"

474
00:32:19,646 --> 00:32:22,357
"Bakit hindi mo siya inilantad sa mundo?"

475
00:32:22,857 --> 00:32:25,777
Naghihintay talaga ako na may lumapit

476
00:32:25,860 --> 00:32:28,154
at bigyan ako ng chance
na tumulong o makipag-usap.

477
00:32:30,365 --> 00:32:35,244
Tulad nito, consultant ako ng Osage County
para sa imbestigasyong ito.

478
00:32:37,038 --> 00:32:38,873
Hindi ko ito pinili.

479
00:32:39,540 --> 00:32:42,794
Pero ito ang ibinigay sa akin.
Buhay ko ito.

480
00:32:42,877 --> 00:32:45,380
Ako ang pipili
kung ano'ng gagawin ko rito.

481
00:32:50,218 --> 00:32:52,470
Handa ka nang pag-aralan ito?

482
00:32:52,553 --> 00:32:54,430
Oo, kahit ayaw ko.

483
00:32:55,640 --> 00:32:58,768
Makakatulong sa atin
na makakuha ng kasagutan

484
00:32:58,851 --> 00:33:03,690
ang pagdadala sa 'yo sa lugar na ito
at alamin ang mga naaalala mo rito.

485
00:33:04,190 --> 00:33:06,359
Makakatulong 'yon sa amin

486
00:33:06,442 --> 00:33:09,737
na maliwanagan
kung saan nagpunta ang ama mo,

487
00:33:09,821 --> 00:33:13,616
o kung saan siya
walang anumang aktibidad na alam mo.

488
00:33:17,328 --> 00:33:22,458
Bale, sa publiko, mula 1974 hanggang 1979,

489
00:33:23,793 --> 00:33:27,588
may mga mensaheng ibinibigay si BTK

490
00:33:28,256 --> 00:33:31,801
sa mga pahayagan at pulisya,
mga news station.

491
00:33:32,552 --> 00:33:34,679
Mga kakaibang liham, mga tula,

492
00:33:35,179 --> 00:33:38,182
isang taong umaaming
pumatay ng pitong katao.

493
00:33:40,643 --> 00:33:44,981
Nangyayari na ang mga ito bago pa
ako ipinanganak o noong maliit pa ako.

494
00:33:45,773 --> 00:33:48,818
Bale, ipinadala ang huling liham
noong 1979.

495
00:33:48,901 --> 00:33:52,447
Kalaunan, nalaman kong
gabi 'yon ng first birthday ko.

496
00:33:52,530 --> 00:33:55,241
Binigyan ako ni Papa
ng first birthday party,

497
00:33:55,324 --> 00:33:58,786
at pagkatapos lumabas siya
para magpadala ng mensahe.

498
00:33:59,871 --> 00:34:03,541
At 'yon ang huling mensahe ni BTK
sa mahabang panahon.

499
00:34:03,624 --> 00:34:06,294
TAKOT AT GALAK, KASIYAHAN SA PAGKAKAGAPOS

500
00:34:06,377 --> 00:34:11,716
Sinabi niya kalaunan na ang pagkakaroon
ng anak ang nagpabagal sa pagpatay niya.

501
00:34:11,799 --> 00:34:15,928
Sabi ni Papa, naging busy siya
sa pagpapalaki ng anak. Lalo na sa akin.

502
00:34:27,815 --> 00:34:32,737
May mga pictures ako rito,
at iba't ibang taon ang mga ito.

503
00:34:33,529 --> 00:34:37,950
Ang pagpunta sa Grand Canyon ang isa sa
nagustuhan kong gawin na kasama si Papa.

504
00:34:38,034 --> 00:34:41,454
Nagpunta kami noong 1986, sa rim lang,

505
00:34:41,537 --> 00:34:45,333
tapos noong 1995,
isang linggo kami sa rim.

506
00:34:45,416 --> 00:34:47,376
Umuulan ng snow noon, at malamig,

507
00:34:47,460 --> 00:34:50,922
at natulog ako sa tent kalapit ni Papa
kasi nilalamig ako.

508
00:34:51,005 --> 00:34:53,299
Masaya akong kasama ko siya
kasi mainit siya.

509
00:34:57,512 --> 00:34:59,889
Marami kaming bakasyon bilang pamilya.

510
00:35:01,682 --> 00:35:06,062
Nagcamping at naghiking kami,
nangisda at nagcamping sa Kansas,

511
00:35:06,145 --> 00:35:10,733
naghiking sa Colorado, sa Durango.
Naroon ang dam.

512
00:35:10,817 --> 00:35:14,445
Maghihiking kami at mangingisda ng trout,

513
00:35:14,529 --> 00:35:17,949
at pumunta kami sa Yellowstone

514
00:35:18,032 --> 00:35:20,785
at sa Tetons, at lahat ng 'yon.

515
00:35:22,161 --> 00:35:24,914
Kung titingnan mo ang mga larawang ito,

516
00:35:24,997 --> 00:35:27,250
parang ordinaryong pamilya, di ba?

517
00:35:29,544 --> 00:35:32,797
Walang nakapansin sa ama ko.

518
00:35:32,880 --> 00:35:37,718
Hindi siya nahuli sa loob ng 31 taon
dahil nasa mismong harapan lang siya nila.

519
00:35:39,512 --> 00:35:44,767
Di sila naghahanap ng katulad ng ama ko,
karaniwang lalaki na may sariling pamilya.

520
00:35:48,604 --> 00:35:51,399
Nangyari ang Otero murder noong 1974.

521
00:35:51,482 --> 00:35:55,153
Pagkatapos ng Otero,
may sumunod pa, tapos isa pa,

522
00:35:55,236 --> 00:35:56,571
tapos may iba pa.

523
00:35:56,654 --> 00:36:00,116
Dumadagdag nang dumadagdag ito.

524
00:36:01,534 --> 00:36:03,703
At pagkatapos, wala na.

525
00:36:08,332 --> 00:36:13,379
30 taon na ang nakalilipas ngayon
nang madatnan ng binatang si Charlie Otero

526
00:36:13,462 --> 00:36:15,756
ang buong pamilya niya na pinatay.

527
00:36:15,840 --> 00:36:17,800
Dito nagsimula ang pinakasikat

528
00:36:17,884 --> 00:36:21,470
na unsolved serial killing
sa kasaysayan ng Wichita.

529
00:36:23,347 --> 00:36:25,933
May 30th anniversary story ang pahayagan.

530
00:36:26,017 --> 00:36:30,771
Pinatay ang pamilya Otero, 30 taon na,
at nasundan pa ito ng maraming pagpatay.

531
00:36:30,855 --> 00:36:33,399
Pero wala na kaming
naging balita pa kay BTK mula noon.

532
00:36:34,775 --> 00:36:37,445
Walang nakakaalam ng nangyari sa kanya.
Maraming teorya.

533
00:36:37,528 --> 00:36:39,405
Ilan sa mga teorya ay,

534
00:36:39,488 --> 00:36:42,533
A, nakakulong siya dahil sa ibang krimen,

535
00:36:42,617 --> 00:36:44,243
B, namatay na siya,

536
00:36:44,327 --> 00:36:48,915
o umalis siya ng bansa, o umalis sa lugar,
para di na muling makita.

537
00:36:50,124 --> 00:36:54,921
Noong nagsimula ako rito sa Wichita
noong 1984 bilang anchor,

538
00:36:55,004 --> 00:36:59,467
ganito si BTK, "Siyanga pala,
may tinatawag kaming BTK."

539
00:36:59,550 --> 00:37:03,888
"Pumatay siya noong 1970s,
pero maayos na ang lahat ngayon."

540
00:37:03,971 --> 00:37:06,349
"Marahil patay na siya o nasa kulungan."

541
00:37:06,432 --> 00:37:09,393
At 'yon lang 'yon, isang alamat.

542
00:37:10,311 --> 00:37:12,688
Walang nakakaalala tungkol kay BTK.

543
00:37:12,772 --> 00:37:15,191
Hindi siya pinag-uusapan.

544
00:37:15,274 --> 00:37:18,236
At 'yon ang dahilan
kung bakit siya nagpakita muli.

545
00:37:18,319 --> 00:37:21,656
Isang nagbabagang balita
mula sa KAKE On Your Side.

546
00:37:21,739 --> 00:37:25,534
Good evening. Ang serial killer
na sumindak sa Wichita nang ilang taon

547
00:37:25,618 --> 00:37:27,370
ay nagdudulot ng bagong pangamba.

548
00:37:27,453 --> 00:37:30,790
Ayon sa pulisya,
mukhang nagbalik na si BTK sa Wichita.

549
00:37:32,041 --> 00:37:34,585
Ang paraan ng kanyang muling paglitaw

550
00:37:34,669 --> 00:37:38,881
ay lubhang nakakagulat.

551
00:37:39,382 --> 00:37:42,260
Ipinadala niya sa pahayagan ng Wichita

552
00:37:43,052 --> 00:37:45,179
ang isang driver's license,

553
00:37:45,263 --> 00:37:50,643
mula sa isang pagpatay na walang sinuman
ang nakaaalam na bahagi siya.

554
00:37:53,479 --> 00:37:57,608
Isang liham na natanggap ng KAKE TV
ang ipinasa sa amin noong Wednesday.

555
00:37:57,692 --> 00:38:01,112
May posibilidad na ang liham na ito
ay mula kay BTK,

556
00:38:01,195 --> 00:38:04,573
at ipinasa namin ito
sa Federal Bureau of Investigation.

557
00:38:05,700 --> 00:38:09,078
Matapos ipadala ni BTK 'yong liham,
sinabihan ako ng boss ko,

558
00:38:09,161 --> 00:38:13,332
"Uy, naimbitahan tayong sumali. Sama ka?"

559
00:38:13,416 --> 00:38:15,334
At sabi ko, "Oo naman."

560
00:38:15,418 --> 00:38:16,752
NATAGPUANG SINAKAL

561
00:38:16,836 --> 00:38:18,587
Sinasabi ni BTK sa liham

562
00:38:18,671 --> 00:38:21,132
na si Vicki Wegerle
ang pangwalong biktima niya.

563
00:38:21,215 --> 00:38:24,635
Natagpuan siyang sinakal,
noong September 1986,

564
00:38:24,719 --> 00:38:28,014
ilang taon makalipas
ang huling mensahe ni BTK.

565
00:38:29,807 --> 00:38:34,228
Kasama sa liham ang mga litratong
kuha mula sa isang crime scene.

566
00:38:34,312 --> 00:38:37,898
Ang crime scene
ng biktimang si Vicki Wegerle.

567
00:38:38,524 --> 00:38:40,651
At pinatay siya sa kanyang tahanan.

568
00:38:42,361 --> 00:38:47,825
Sa kaso ng pagpatay na ito, noong dumating
ang emergency services crew,

569
00:38:47,908 --> 00:38:52,413
sinundo siya ng ambulansiya
sa pagtatangkang iligtas ang buhay niya,

570
00:38:52,496 --> 00:38:57,501
bago pa makunan ng larawan
ng sinumang pulis ang crime scene.

571
00:38:57,585 --> 00:39:01,756
Walang police photos
mula sa crime scene na 'yon.

572
00:39:02,340 --> 00:39:05,301
Pero sa mga photo na ipinadala ni BTK,

573
00:39:05,384 --> 00:39:08,179
malinaw na pinapakita ang biktima

574
00:39:08,262 --> 00:39:11,349
sa loob ng kanyang bahay,
at halos patay na.

575
00:39:12,641 --> 00:39:16,145
Kaya alam namin, kung sino man siya,
na hindi siya peke.

576
00:39:16,228 --> 00:39:17,855
Siya talaga si BTK.

577
00:39:17,938 --> 00:39:19,940
BUMALIK SI BTK MATAPOS ANG 25 YEARS

578
00:39:20,024 --> 00:39:22,068
Naiisip mo ba

579
00:39:22,151 --> 00:39:26,781
kung gaano siya natuwa sa headline na ito?

580
00:39:29,033 --> 00:39:32,370
'Yon ang layunin niya,
ang makakuha ng publicity.

581
00:39:32,870 --> 00:39:33,871
At nakuha niya.

582
00:39:33,954 --> 00:39:36,665
KINATATAKUTAN SI BTK
NG SECOND ERA NG MGA BABAE

583
00:39:36,749 --> 00:39:41,420
Kami man ay labis na nagulat

584
00:39:41,504 --> 00:39:45,257
katulad ng sinumang karaniwang mamamayan.

585
00:39:45,758 --> 00:39:47,885
Lahat ng nasa media,

586
00:39:47,968 --> 00:39:52,765
maging ang mga pulis,
ay hindi makapaniwala.

587
00:39:52,848 --> 00:39:57,186
Tulad ng lahat sa Wichita,
umaasa ang mga taga-KAKE na si BTK

588
00:39:57,269 --> 00:39:59,772
ay lumang kuwento na lang, lumang kaso.

589
00:39:59,855 --> 00:40:04,235
Pero ngayong nagbalik na raw si BTK,
nagbabalik din ang mga dating takot.

590
00:40:04,318 --> 00:40:07,988
Limang taon si Steve Relford
nang patayin ni BTK ang kanyang ina,

591
00:40:08,072 --> 00:40:12,284
pero ang mas masama, narinig niya
at dalawang kapatid ang lahat ng ito.

592
00:40:12,368 --> 00:40:14,453
Naiisip ko pa rin 'yon hanggang ngayon.

593
00:40:14,537 --> 00:40:16,288
-Talaga?
-Opo, ma'am.

594
00:40:16,372 --> 00:40:18,124
Ano'ng naiisip mo?

595
00:40:18,207 --> 00:40:21,752
Pinagbuksan ko ng pinto ang taong 'yon.

596
00:40:22,878 --> 00:40:24,797
Pinapasok ko siya.

597
00:40:25,297 --> 00:40:27,007
Di mo makakalimutan 'yon.

598
00:40:28,384 --> 00:40:32,596
Isa 'yon sa pinakanakakagulat
na rebelasyon sa career ko.

599
00:40:33,180 --> 00:40:35,015
At ang pinakamalala,

600
00:40:36,434 --> 00:40:39,895
ano ang susunod niyang gagawin
para makakuha ng publicity?

601
00:40:43,899 --> 00:40:48,654
Nang kumalat ito sa media,
halos ang daming tumatawag sa telepono,

602
00:40:48,737 --> 00:40:50,614
at nagpapadala ng emails.

603
00:40:50,698 --> 00:40:52,700
May mga lead na dumarating,

604
00:40:52,783 --> 00:40:55,953
mga suggestion
kung sino sa tingin nila si BTK,

605
00:40:56,036 --> 00:40:57,955
o iba't ibang klaseng tips.

606
00:40:58,914 --> 00:41:02,960
Pero di mo magagamit 'yon lahat.
Hindi mo kayang i-check bawat isa.

607
00:41:04,336 --> 00:41:08,466
Pero alin ang hindi mo gagamitin?
Paano kung 'yon pala ang may lead?

608
00:41:08,549 --> 00:41:10,176
Napakahirap talaga.

609
00:41:10,676 --> 00:41:12,470
Sasabihin ko ang nakuha namin.

610
00:41:12,553 --> 00:41:15,139
Nakatanggap kami ng kahina-hinalang liham.

611
00:41:15,222 --> 00:41:17,558
Sa labas, mula sa isang Thomas B. King.

612
00:41:19,351 --> 00:41:25,107
Matapos niyang lumitaw muli, ipinadala
niya ang pangalawang mensahe sa KAKE TV.

613
00:41:25,191 --> 00:41:26,567
Ako si Mr. Glen Horn.

614
00:41:26,650 --> 00:41:29,945
At 'yon ang "The BTK Story,"

615
00:41:30,029 --> 00:41:33,949
ang book na gusto niyang isulat
tungkol sa kanyang sarili.

616
00:41:34,033 --> 00:41:37,912
At nakasulat doon, "Chapter 1,
Chapter 2, Chapter 3, Chapter 4."

617
00:41:38,662 --> 00:41:42,750
"The BTK Story. Pagsilang.
Bukang-liwayway. Fetish. Pantasya.

618
00:41:42,833 --> 00:41:47,588
"Paghahanap. Mga Biktima ni BTK. PJ's.
MO-ID-Taktika. Tagumpay. Mga Alaala.

619
00:41:47,671 --> 00:41:50,508
"Huling yugto. Takipsilim.
May susunod pa ba?"

620
00:41:51,300 --> 00:41:53,219
'Yong Chapter 13.

621
00:41:54,136 --> 00:41:55,888
"May susunod pa ba?"

622
00:41:58,974 --> 00:42:04,563
Walang nakakaalam
kung gaano niya kagusto ng publicity

623
00:42:05,189 --> 00:42:06,732
para muli siyang pumatay.

624
00:42:08,859 --> 00:42:11,070
Ang Behavioral Sciences Unit ng FBI,

625
00:42:11,153 --> 00:42:13,906
ay nagbigay ng utos sa amin
sa simula pa lang.

626
00:42:13,989 --> 00:42:18,160
"Para mahuli si BTK,
hayaan siyang patuloy na makipag-usap.

627
00:42:18,244 --> 00:42:21,163
"Gawin n'yo siyang komportable

628
00:42:21,247 --> 00:42:23,040
sa pakikipag-usap sa inyo."

629
00:42:23,123 --> 00:42:27,920
Pagkatapos no'n, may natatanggap
na kaming mga mensahe kada buwan,

630
00:42:28,003 --> 00:42:29,171
o anim na linggo.

631
00:42:29,255 --> 00:42:33,968
Tatlong package ang ipinadala
sa TV station na naglalaman ng mga alahas,

632
00:42:34,051 --> 00:42:35,928
marahil mula sa biktima.

633
00:42:36,011 --> 00:42:37,763
Nasa UPS box ito.

634
00:42:37,846 --> 00:42:41,308
Binuksan ng tagaUPS ang sobre
na naglalaman ng pictures

635
00:42:41,392 --> 00:42:42,893
at isang liham mula kay BTK.

636
00:42:43,978 --> 00:42:46,564
Tila hinahamon niya sila
para hanapin siya,

637
00:42:46,647 --> 00:42:51,026
tinutukso sila ng mga misteryosong clue
na maaaring totoo o hindi.

638
00:42:56,240 --> 00:43:00,786
Alam naming pinapanood niya kami,
kasi nagsusulat siya ng mga bagay

639
00:43:00,869 --> 00:43:04,748
na nagpapahiwatig
na pinapanood niya kami gabi-gabi.

640
00:43:04,832 --> 00:43:10,254
Nabanggit ko sa ten o'clock news,
na pareho kaming may sipon ni Jeff.

641
00:43:10,838 --> 00:43:12,673
Masama pakiramdam natin.

642
00:43:12,756 --> 00:43:15,593
Makalipas ang dalawang araw,
nakatanggap kami ng liham

643
00:43:15,676 --> 00:43:19,388
at sabi do'n, "Gumaling na sana
ang sipon nina Jeff at Susan."

644
00:43:19,471 --> 00:43:21,140
GUMALING NA SANA SINA SUSAN AT JEFF

645
00:43:21,223 --> 00:43:22,600
Nararamdaman ko pa rin

646
00:43:23,642 --> 00:43:25,686
ang parehong

647
00:43:26,895 --> 00:43:31,066
matinding takot sa katawan ko

648
00:43:31,150 --> 00:43:32,651
pag pinag-uusapan ko ito.

649
00:43:33,235 --> 00:43:39,116
Isa ito sa pinaka-challenging na kaso
na nahawakan ko.

650
00:43:40,242 --> 00:43:44,788
At sa tingin ko, ang taong gumagawa nito
ay napaka-interesanteng kausapin.

651
00:44:02,014 --> 00:44:04,850
Postcard ang isang 'to, hindi liham.

652
00:44:04,933 --> 00:44:06,268
Ang sabi rito,

653
00:44:06,352 --> 00:44:11,815
"Sa pagitan ng 69th North
at 77th North sa Seneca."

654
00:44:11,899 --> 00:44:14,401
"Nilalaman, kahon ng Post Toasties."

655
00:44:14,485 --> 00:44:17,112
"PJ Little Mex and Doll."

656
00:44:17,696 --> 00:44:20,991
"Balitaan n'yo ako
kung nakuha ninyo ito o ng Wichita PD.

657
00:44:21,742 --> 00:44:23,869
Sa partikular na mensaheng ito,

658
00:44:23,952 --> 00:44:26,664
nagbigay siya ng isa pang clue sa pulisya.

659
00:44:26,747 --> 00:44:30,542
May kahon ng Post Toasties
sa kanto na ito.

660
00:44:32,294 --> 00:44:35,381
Nagpadala agad kami doon
ng reporter at photographer.

661
00:44:36,799 --> 00:44:39,677
Nasa malayong kalsada 'yon.
sa may stop sign.

662
00:44:39,760 --> 00:44:42,262
Kumuha kami ng maraming footage.

663
00:44:44,181 --> 00:44:48,060
Dumating sina Lt. Ken Landwehr
at Det. Kelly Otis pagkaraan.

664
00:44:48,143 --> 00:44:50,813
Nagtagal ang mga imbestigador doon.

665
00:44:50,896 --> 00:44:53,357
Hiniling sa amin wag ibunyag ang lokasyon

666
00:44:53,440 --> 00:44:55,901
habang nag-iimbestiga pa sila.

667
00:44:56,944 --> 00:45:01,281
Kinuha ng mga awtoridad ang cereal box.
Sila ang nagbukas nito.

668
00:45:01,865 --> 00:45:04,410
At sa loob nito, isang Barbie doll

669
00:45:05,327 --> 00:45:07,246
na may tali sa leeg.

670
00:45:10,916 --> 00:45:13,711
Sa pamamagitan ng mensahe sa cereal box,

671
00:45:13,794 --> 00:45:17,798
sinasabi niya na gusto niyang
makipag-ugnayan gamit ang floppy disk.

672
00:45:17,881 --> 00:45:22,928
At nag-aalala siya
na baka matunton namin siya.

673
00:45:23,011 --> 00:45:25,806
Sabi niya, "Makikilala ba ako nito?"

674
00:45:25,889 --> 00:45:29,810
Tapos may sinabi siyang interesante.
"Magsabi ka ng totoo."

675
00:45:29,893 --> 00:45:32,855
MAGSABI KA NG TOTOO

676
00:45:32,938 --> 00:45:37,943
Pagkatapos, inutusan niya kami
na sumagot doon sa diyaryo,

677
00:45:38,026 --> 00:45:41,029
at sabihing, "Rex, ayos lang 'yan."

678
00:45:41,113 --> 00:45:44,575
Ipinalagay ni Kenny Landwehr ang ad,
gaya ng hiling ni BTK.

679
00:45:44,658 --> 00:45:46,910
Tapos ipinadala ni BTK ang disk.

680
00:45:48,537 --> 00:45:53,834
Ayon sa metadata,
ginamit ito sa Park City Public Library,

681
00:45:53,917 --> 00:45:55,461
sa Christ Lutheran Church…

682
00:45:55,544 --> 00:45:57,212
Tapos isang username.

683
00:45:57,296 --> 00:45:59,548
Ang pangalan ay simpleng "Dennis."

684
00:46:00,632 --> 00:46:05,053
Ilang minuto lang, sa pagcross-check
sa dalawang organisasyong nakalista

685
00:46:05,137 --> 00:46:07,973
ipinakita ang taong
may pangalang Dennis Rader,

686
00:46:08,056 --> 00:46:12,394
ang Congregational President
ng Christ Lutheran Church.

687
00:46:14,438 --> 00:46:18,692
Tuwang-tuwa ang IT team ng Wichita PD.

688
00:46:20,819 --> 00:46:25,657
Kalaunan, may nakuha silang address
sa Park City, sa labas lang ng Wichita.

689
00:46:26,408 --> 00:46:29,495
Handa na ako. Sa isip ko,
"Ito na. Hulihin na natin siya."

690
00:46:29,578 --> 00:46:33,707
Pero sabi ni Landwehr, "Dapat nating
siguraduhin na siya si BTK."

691
00:46:33,791 --> 00:46:35,167
"Kunin ang DNA niya."

692
00:46:36,627 --> 00:46:40,464
Napansin kong nag-aral sa Kansas
State University ang anak niya.

693
00:46:40,547 --> 00:46:43,467
Alam ko mula sa pag-aaral sa university,

694
00:46:43,550 --> 00:46:47,805
na kung estudyante ka roon,
at may anumang medical issue ka,

695
00:46:47,888 --> 00:46:50,307
dadaan ka sa Lafene Student Health Center.

696
00:46:50,390 --> 00:46:53,560
Sabi ko, "Titingnan ko
kung may makukuha ako roon."

697
00:46:54,269 --> 00:46:57,898
Ayon sa rekord, nagpa-pap smear siya rito.

698
00:46:57,981 --> 00:47:02,444
Ibinigay nila ang sample sa akin.
Ipinasa ko ito para sa DNA analysis.

699
00:47:02,528 --> 00:47:04,905
At kalaunan, nakatanggap ako ng tawag.

700
00:47:04,988 --> 00:47:08,242
"Ito ang anak ng BTK mo."

701
00:47:09,660 --> 00:47:12,204
Una kong tinawagan si Kenny Landwehr.

702
00:47:12,287 --> 00:47:13,413
"Kenny, siya 'yon."

703
00:47:13,914 --> 00:47:16,792
"Oh. Sige. Kita tayo sa umaga."

704
00:47:30,764 --> 00:47:34,643
Noong umagang 'yon, kumuha ang
taga-newsroom ng traffic update

705
00:47:34,726 --> 00:47:38,105
mula sa police station,
at sabi ng tauhan namin,

706
00:47:38,188 --> 00:47:40,482
"May nangyayari sa Park City."

707
00:47:40,566 --> 00:47:43,652
"Ewan kung ano,
pero magpadala kayo ng tao roon."

708
00:47:46,029 --> 00:47:48,824
Alam naming city employee
ng Park City si Dennis Rader,

709
00:47:48,907 --> 00:47:51,910
at umuuwi siya ng bahay tuwing tanghalian.

710
00:47:51,994 --> 00:47:56,540
Kaya nag-set up kami
sa kalsadang katabi ng bahay niya

711
00:47:56,623 --> 00:47:59,084
at hinintay siyang dumaan.

712
00:48:01,962 --> 00:48:05,674
Pagdaan niya sa amin, huminto
sa likod niya 'yong marked car,

713
00:48:05,757 --> 00:48:09,136
binuksan ang emergency lights nito,
at pinahinto siya.

714
00:48:11,471 --> 00:48:14,725
Sa isip ko, "Malalaman niyang
ito na ang katapusan."

715
00:48:14,808 --> 00:48:17,477
"At gugustuhin niya
ng dramatikong kamatayan."

716
00:48:17,561 --> 00:48:19,104
Pero di ko 'yon gusto.

717
00:48:20,188 --> 00:48:23,483
Lumabas ako sa isa pang
kaparehong marked car,

718
00:48:23,567 --> 00:48:28,113
nilapitan ang sasakyan ni Dennis Rader
habang binubuksan niya ang pinto

719
00:48:28,196 --> 00:48:30,073
at nagsisimula nang lumabas.

720
00:48:30,157 --> 00:48:32,159
Bigla ko siyang hinawakan,

721
00:48:32,242 --> 00:48:35,454
iniikot, at agad ibinagsak sa semento.

722
00:48:39,207 --> 00:48:43,503
Sa puntong iyon, sinamahan na ako
ng ibang miyembro ng task force.

723
00:48:47,090 --> 00:48:49,426
Pinosasan namin siya, pinatayo

724
00:48:49,509 --> 00:48:52,471
at habang hawak ko pa rin siya,

725
00:48:52,554 --> 00:48:55,432
lumingon siya at tumingin sa akin
at sinabing,

726
00:48:55,515 --> 00:48:58,852
"Pakisabi sa asawa ko,
di ako makakauwi sa tanghalian."

727
00:48:58,936 --> 00:49:01,063
"Alam n'yo kung saan ako nakatira."

728
00:49:06,610 --> 00:49:10,906
Naaresto ang ama ko noong 2005,
at 26 ako noon.

729
00:49:10,989 --> 00:49:14,701
At bigla na lang bumaligtad
ang mundo namin ng asawa ko.

730
00:49:14,785 --> 00:49:16,161
18 buwan na kaming kasal.

731
00:49:16,244 --> 00:49:19,539
Mga bata lang kami, nakatira sa Michigan,
walang pamilya.

732
00:49:20,123 --> 00:49:23,418
Pagkatapos kaming ma-interview
ng FBI isang weekend,

733
00:49:23,502 --> 00:49:27,172
para bang, "Hanggang sa muli.
Bahala na kayo riyan."

734
00:49:30,050 --> 00:49:33,136
Galit na galit ako no'n.
Nagalit ako tungkol sa DNA.

735
00:49:33,220 --> 00:49:35,263
Panghihimasok 'yon sa privacy ko.

736
00:49:35,347 --> 00:49:37,557
Nahiya ako tungkol sa pap smear.

737
00:49:37,641 --> 00:49:42,020
Galit na galit na ako sa mga pulis.
Galit ako sa FBI.

738
00:49:42,104 --> 00:49:43,730
Galit ako sa lahat.

739
00:49:43,814 --> 00:49:45,607
Nawasak na ang buhay namin.

740
00:49:45,691 --> 00:49:48,235
Sobrang gulo. Galit na galit ako sa lahat.

741
00:49:50,195 --> 00:49:54,324
Pagkatapos ng pag-aresto,
naatasan akong ipatupad ang search warrant

742
00:49:54,408 --> 00:49:57,828
sa bahay ni Dennis Rader at ng asawa niya.

743
00:49:58,328 --> 00:50:01,289
Pagpasok ko sa pinto,
ang unang bumungad sa akin

744
00:50:01,373 --> 00:50:04,793
ay mga picture sa dingding,
sa itaas ng sofa,

745
00:50:04,876 --> 00:50:09,840
ipinapakita ang pagdalo ng pamilya nila
sa mga K-State event,

746
00:50:09,923 --> 00:50:13,468
KSU events, football games, at iba pa.

747
00:50:13,552 --> 00:50:16,388
At nasabi ko na lang, "Wow."

748
00:50:17,055 --> 00:50:19,182
Ang mga nakita namin sa bahay

749
00:50:19,266 --> 00:50:22,144
ay tila nagdulot lang
ng mas maraming tanong sa isip ko.

750
00:50:23,103 --> 00:50:25,647
Halimbawa, pagpasok mo sa unahang pinto

751
00:50:26,148 --> 00:50:28,025
naroon ang tila coat closet.

752
00:50:28,525 --> 00:50:33,113
Pero doon sa shelf, sa itaas ng mga coat,
ay isang kill kit.

753
00:50:34,156 --> 00:50:38,326
Maliit na bag iyon na may mga
nakabuhol na lubid, isang bandana.

754
00:50:38,410 --> 00:50:42,456
May mga posas, isang .32 auto pistol.

755
00:50:44,791 --> 00:50:48,045
May mga interesanteng bagay rin
doon sa shed sa likod.

756
00:50:48,128 --> 00:50:52,340
Ilang trophy, alahas.
Mga bagay na lumapat sa balat nila.

757
00:50:52,424 --> 00:50:54,718
Damit, lalo na ang mga underwear.

758
00:50:54,801 --> 00:50:56,178
Itinago niya lahat.

759
00:50:57,429 --> 00:51:00,640
Mga bagay na maaaring magamit,

760
00:51:00,724 --> 00:51:04,311
o kaya ginamit sa pagtorture
sa ilan sa mga biktima niya.

761
00:51:10,567 --> 00:51:13,445
Bilang imbestigador,
nakakabahala ang mga 'yon.

762
00:51:13,528 --> 00:51:17,657
Talagang ipinapakita nito
ang takbo ng isip niya.

763
00:51:18,867 --> 00:51:23,705
Ito ang hot spot
na dinarayo nang marami para makita.

764
00:51:23,789 --> 00:51:27,167
Park City, kung saan bawat isa
ay magkakakilala,

765
00:51:27,250 --> 00:51:28,710
o akala lang nila.

766
00:51:31,379 --> 00:51:35,592
Kinausap ko ang asawa niya,
at di talaga siya makapaniwala.

767
00:51:35,675 --> 00:51:38,887
Sabi niya, "Hindi."
Mabait siya, di niya kami sinigawan.

768
00:51:38,970 --> 00:51:41,306
Basta sinabi niya, "Nagkakamali kayo."

769
00:51:41,389 --> 00:51:45,727
At habang kinakausap namin siya,
tumawag si Kerri.

770
00:51:46,436 --> 00:51:50,023
Kinahapunan na yata
ng makausap ko ang mama ko.

771
00:51:50,107 --> 00:51:52,317
Gulong-gulong siya. Kagaya ko.

772
00:51:52,400 --> 00:51:54,736
Hindi kami magkaintindihan.

773
00:51:55,320 --> 00:51:59,032
Sinabi niya kay Kerri,
"Kilala mo ang ama mo. Mali ito."

774
00:51:59,116 --> 00:52:01,576
"Isa itong malaking pagkakamali."

775
00:52:01,660 --> 00:52:05,747
"Hindi siya isang mamamatay-tao.
Hindi siya ito."

776
00:52:07,666 --> 00:52:10,168
Akala ko di ko na malalampasan
ang gabing 'yon.

777
00:52:13,505 --> 00:52:15,507
I mean, dalawang tao kayo

778
00:52:16,258 --> 00:52:19,344
na nagsasama, nakikitungo sa isa't isa,

779
00:52:19,845 --> 00:52:22,681
at nagbabahagi ng maraming bagay.

780
00:52:22,764 --> 00:52:25,684
Sa tingin ko ba may nalalaman siya?

781
00:52:25,767 --> 00:52:26,768
Wala.

782
00:52:28,103 --> 00:52:32,149
Siguro ang pinakamalapit
na narating niya ay,

783
00:52:32,232 --> 00:52:35,193
magkasama silang nanonood ng TV,

784
00:52:35,277 --> 00:52:39,614
at isa sa mga TV station
ay nagbabasa ng isa sa mga mensahe.

785
00:52:39,698 --> 00:52:44,536
At pagkatapos ng balita,
magkokomento siya,

786
00:52:44,619 --> 00:52:48,790
"Ang BTK na 'yon,
kapareho mo ng istilo sa pagsusulat."

787
00:52:49,541 --> 00:52:51,877
At si…

788
00:52:52,627 --> 00:52:54,880
Walang sinabi si Dennis,

789
00:52:54,963 --> 00:53:00,468
pero malakas ang kutob ko,
na kung kinulit pa siya ng asawa,

790
00:53:01,970 --> 00:53:03,638
baka pinatay na niya siya.

791
00:53:08,268 --> 00:53:10,187
Dennis, may itatanong ako sa 'yo.

792
00:53:10,687 --> 00:53:13,190
Sa tingin mo, paano ka namin natunton?

793
00:53:14,399 --> 00:53:15,734
Hindi ko alam.

794
00:53:16,943 --> 00:53:20,238
Bilang suspek, malamang may hawak kayong
magdidiin sa akin.

795
00:53:20,322 --> 00:53:23,074
-Gusto mo bang malaman?
-Oo naman.

796
00:53:24,868 --> 00:53:26,536
Gusto mong sabihin namin?

797
00:53:26,620 --> 00:53:29,331
Ang initial interview niya
ay kay Kenny Landwehr

798
00:53:29,414 --> 00:53:32,959
at isa sa mga behavioral scientist
mula sa FBI.

799
00:53:33,793 --> 00:53:39,674
Inilatag ni Kenny lahat ng ebidensiya
na hawak namin laban sa kanya.

800
00:53:40,258 --> 00:53:42,469
-Alam mo kung ano 'yan?
-Isang floppy.

801
00:53:42,552 --> 00:53:43,678
Oo.

802
00:53:43,762 --> 00:53:48,308
Ang dahilan kung bakit pinaglalaanan
ng malaking halaga

803
00:53:48,391 --> 00:53:51,645
ang mga computer forensic expert
ay para sa kiddie porn.

804
00:53:51,728 --> 00:53:53,772
-Ano kamo? Hindi.
-Kiddie porn.

805
00:53:53,855 --> 00:53:57,317
Kaya ang FBI at lokal na pulisya

806
00:53:57,817 --> 00:54:01,029
ay naging bihasa
sa pagsusuri sa mga disk ng mga tao

807
00:54:01,112 --> 00:54:03,490
at pagtunton sa kanila.

808
00:54:03,573 --> 00:54:05,659
-Interesting.
-Pag nakakuha kami…

809
00:54:05,742 --> 00:54:10,205
Kung makakatanggap kami ng gano'n,
pwede naming malaman…

810
00:54:10,288 --> 00:54:15,377
Nalaman namin na galing ito
sa Christ Lutheran Church.

811
00:54:15,460 --> 00:54:18,505
Pwede naming puntahan 'yong mga computer
at malaman

812
00:54:18,588 --> 00:54:22,050
na ang taong naglog in doon ay si Dennis.

813
00:54:22,550 --> 00:54:25,679
Pagdating sa DNA,
alam niyang iyon na iyon.

814
00:54:25,762 --> 00:54:27,681
Sinabi sa kanya ni Landwehr,

815
00:54:27,764 --> 00:54:30,267
"Nai-match namin ang DNA mo sa anak mo."

816
00:54:30,350 --> 00:54:33,019
May mga nangyaring medikal sa mga anak mo.

817
00:54:33,103 --> 00:54:35,897
Pwede kong kunin ang mga sample
at i-test 'yon.

818
00:54:35,981 --> 00:54:39,901
At alam kong si BTK
ang ama ng mga anak mo.

819
00:54:39,985 --> 00:54:41,695
Natunton ka namin dahil do'n.

820
00:54:42,946 --> 00:54:46,908
Sa tingin ko, do'n na siya nanlumo.
Halatang-halata sa kanya.

821
00:54:46,992 --> 00:54:50,745
Sinabi sa kanya,
"Dennis, sabihin mo kung sino ka."

822
00:54:50,829 --> 00:54:52,122
Sabihin mo na lang.

823
00:54:53,081 --> 00:54:54,541
Hula ko alam n'yo naman.

824
00:54:55,083 --> 00:54:57,252
-Ano pa?
-Sabihin mo na kung sino ka.

825
00:54:57,335 --> 00:54:58,295
Si BTK.

826
00:54:58,378 --> 00:54:59,462
Ikaw si BTK.

827
00:55:03,133 --> 00:55:06,678
Nang masabi na niya 'yon sa mga awtoridad,

828
00:55:06,761 --> 00:55:10,724
tila may nabuksang gripo
at inilahad niya ang bawat krimen.

829
00:55:10,807 --> 00:55:12,726
May dalawang krimen

830
00:55:13,476 --> 00:55:15,854
na hindi namin naiugnay sa kanya dati.

831
00:55:16,646 --> 00:55:18,398
'Yon ang project "Dogside."

832
00:55:19,441 --> 00:55:21,359
Iyon ang code name niya.

833
00:55:21,943 --> 00:55:25,196
Bale, nagkaroon ako
ng libreng oras sa gabi.

834
00:55:25,280 --> 00:55:27,407
Pinatay ko siya Biyernes ng gabi.

835
00:55:28,742 --> 00:55:34,372
January 19, 1991,
dinukot si Dolores D. Davis sa bahay niya.

836
00:55:34,456 --> 00:55:36,666
Natagpuan ang katawan niya
makalipas ang 13 araw

837
00:55:36,750 --> 00:55:39,461
sa ilalim ng tulay
sa Northern Sedgwick County.

838
00:55:40,754 --> 00:55:42,380
Bale, iginapos ko siya,

839
00:55:42,464 --> 00:55:45,300
tapos napagtanto niya
na magiging masama iyon.

840
00:55:45,383 --> 00:55:47,052
Sabi niya, "Wag mo akong patayin."

841
00:55:47,135 --> 00:55:50,555
Isinuot ko ang pantyhose sa ulo niya,
saka sinakal siya.

842
00:55:51,389 --> 00:55:54,100
Dinala ko siya doon, ibinaba ko siya

843
00:55:55,226 --> 00:55:56,353
sa ilalim ng tulay.

844
00:55:58,229 --> 00:55:59,939
January 1991…

845
00:56:00,899 --> 00:56:03,860
May sakit ang mama ko noon,

846
00:56:03,943 --> 00:56:07,238
at nasa ospital siya sampu
o 12 araw na dahil sa pneumonia.

847
00:56:07,322 --> 00:56:11,034
Stressed si Papa
dahil wala siyang trabaho.

848
00:56:11,534 --> 00:56:14,537
Wala kaming pera.
Sinusubukan niyang ipagluto kami.

849
00:56:15,622 --> 00:56:17,874
Di siya marunong.
Kakaiba luto niya sa itlog.

850
00:56:21,753 --> 00:56:24,381
Di nagtagal, pinatay niya si Mrs. Davis.

851
00:56:28,385 --> 00:56:31,638
Inilagay niya ang katawan
sa likod ng aming station wagon.

852
00:56:34,057 --> 00:56:37,644
Tapos ibinigay niya sa akin
'yong station wagon noong high school ako.

853
00:56:37,727 --> 00:56:39,687
GRADUATE NG '96

854
00:56:39,771 --> 00:56:42,399
Sa isip ko ito'y, "Grabe, ang sama no'n."

855
00:56:43,483 --> 00:56:46,403
Isinakay sa sasakyang 'yon si Mrs. Davis.

856
00:56:49,489 --> 00:56:52,700
Ako ang mag-iimbestiga
sa kaso ni Marine Hedge.

857
00:56:53,410 --> 00:56:54,452
At…

858
00:56:55,912 --> 00:57:00,208
gusto ko lang malaman,
bakit siya ang napili mo?

859
00:57:00,708 --> 00:57:04,879
Gaya ng ipinaliwanag ko sa iba,
marami akong ganito.

860
00:57:04,963 --> 00:57:09,384
Mga project. Siya ay "Project Flower."
Hindi pala. "Project Cookie."

861
00:57:15,390 --> 00:57:17,058
Naalala ko noong anim ako,

862
00:57:17,142 --> 00:57:19,769
nawala ang kapitbahay naming
si Mrs. Hedge.

863
00:57:20,520 --> 00:57:24,899
Natagpuan ang bangkay niya
makalipas ang ilang linggo. Sinakal siya.

864
00:57:25,567 --> 00:57:26,901
Ginawa ko ito

865
00:57:27,402 --> 00:57:29,070
sa isang Scout activity.

866
00:57:29,154 --> 00:57:31,281
Magandang cover para sa katulad ko.

867
00:57:31,364 --> 00:57:34,200
Magka-camping ka sa labas tapos pupuslit.

868
00:57:34,284 --> 00:57:37,036
Ipinarada ko ang kotse ko
sa bowling alley.

869
00:57:37,996 --> 00:57:41,374
May bowling bag ako,
at bumili ako ng beer.

870
00:57:41,458 --> 00:57:46,212
Pinutol ko ang linya ng telepono,
at palihim na pumasok dito.

871
00:57:48,381 --> 00:57:50,967
Ang hit kit ng papa ko sa Hedge murder,

872
00:57:51,050 --> 00:57:54,929
isang luma at kulay maroon
na bowling bag, na may white stripe

873
00:57:55,722 --> 00:57:58,725
Hindi naman mahilig magbowling si Papa.

874
00:57:59,225 --> 00:58:02,061
Kaya bakit di nagtaka si Mama
o sinabihan siyang,

875
00:58:02,145 --> 00:58:04,939
"Uy, bakit bigla kang nagka-bowling bag?"

876
00:58:06,649 --> 00:58:11,571
Pero ang nakakabaliw pa, matapos
patayin si Mrs. Hedge sa kanyang kama,

877
00:58:12,530 --> 00:58:14,657
ibinalot siya sa kumot

878
00:58:14,741 --> 00:58:18,453
at inilagay ni Papa
sa trunk ng kanyang kotse.

879
00:58:20,079 --> 00:58:23,541
Dinala siya sa Christ Lutheran Church,
kung saan kami nagsisimba.

880
00:58:23,625 --> 00:58:26,419
Hinubaran siya at pinalitan ng damit,

881
00:58:27,504 --> 00:58:32,550
at kinunan ng mga larawan
habang iginagapos ang bangkay niya.

882
00:58:33,468 --> 00:58:36,971
Plano mo na talaga
na dadalhin mo siya sa simbahan?

883
00:58:37,055 --> 00:58:40,600
Buhay man o patay,
pupunta siya sa simbahan na 'yon.

884
00:58:41,351 --> 00:58:45,688
Ang totoo niyan,
iniisip kong gumawa ng BTK hideout,

885
00:58:45,772 --> 00:58:48,441
bahay, o kaya torture chamber.

886
00:58:48,942 --> 00:58:52,237
'Yon ang pangarap ko sa fantasy world ko.

887
00:58:55,240 --> 00:58:58,243
Noong bata pa ako,
may naaalala akong isang Linggo,

888
00:58:58,326 --> 00:59:00,620
nasa Christ Lutheran Church ako,

889
00:59:00,703 --> 00:59:03,164
umaakyat ako sa mga matataas,

890
00:59:03,248 --> 00:59:06,626
at makikitid na pine tree
na lagi kong inaakyat doon.

891
00:59:09,420 --> 00:59:12,257
Nang matagpuan si Mrs. Hedge
makalipas ang ilang linggo,

892
00:59:12,340 --> 00:59:15,718
may nakita silang pine needles
sa tabi ng katawan niya.

893
00:59:16,469 --> 00:59:20,265
Di nila alam kung saan 'yon nanggaling,
kasi bihira ang pine trees sa Kansas.

894
00:59:20,348 --> 00:59:22,934
Magkakaroon lang nito kung itatanim mo.

895
00:59:25,019 --> 00:59:28,856
Nagmula 'yong pine needles sa mga
pine tree na inakyat ko sa simbahan.

896
00:59:37,031 --> 00:59:41,661
Malinaw sa akin na ipinagmamalaki niya
ang mga ginawa niyang pagpatay.

897
00:59:41,744 --> 00:59:43,246
Sana raw…

898
00:59:43,746 --> 00:59:47,458
Ipinahayag niya na sana raw
marami pa siyang napatay.

899
00:59:48,001 --> 00:59:51,713
Ang sabi niya,
"Kung sana mag-isa ako sa buhay,

900
00:59:51,796 --> 00:59:56,759
"walang mga obligasyon,
walang pamilya, simbahan, trabaho…

901
00:59:57,260 --> 00:59:59,262
"Kung wala lahat ng mga 'yon,

902
01:00:00,305 --> 01:00:02,557
"mas marami pa sana akong napatay."

903
01:00:06,102 --> 01:00:07,979
Narito na ang national media,

904
01:00:08,062 --> 01:00:12,025
at mga tao ng Good Morning America,
CNN, Dateline, Primetime Live.

905
01:00:12,108 --> 01:00:15,653
Magtitipon-tipon silang lahat sa Wichita
habang lumilipas ang araw,

906
01:00:15,737 --> 01:00:19,741
dahil naging pambansang isyu
ang kuwentong ito.

907
01:00:24,037 --> 01:00:29,917
Siyempre, naka-live broadcast ito,
at sinabi ng police chief ng Wichita…

908
01:00:30,585 --> 01:00:34,339
Sa madaling salita, arestado na si BTK.

909
01:00:38,843 --> 01:00:40,595
Naghiyawan ang mga tao.

910
01:00:40,678 --> 01:00:43,765
Maraming tao sa news conference na 'yon.

911
01:00:45,975 --> 01:00:50,188
At iniisip ng national media,
"Bakit naghihiyawan ang mga taong ito?"

912
01:00:50,271 --> 01:00:54,025
Pero hindi nila naiintindihan
ang kapanatagang naramdaman namin

913
01:00:54,108 --> 01:00:56,861
na sa wakas, nahuli na siya.

914
01:00:57,528 --> 01:01:00,990
Napanatag ang lungsod ng Wichita,
mga pulis at biktima,

915
01:01:01,074 --> 01:01:05,453
matapos maaresto ng mga awtoridad
ang 59 anyos na si Dennis Rader.

916
01:01:05,536 --> 01:01:08,706
Medyo di kapani-paniwala, pero masaya.

917
01:01:09,207 --> 01:01:11,209
Tatapusin natin ang lahat.

918
01:01:11,292 --> 01:01:14,712
Mahahayag din ang katotohanan,
at mananagot siya sa batas.

919
01:01:14,796 --> 01:01:16,506
Pinagsikapan ito ng kapulisan.

920
01:01:16,589 --> 01:01:18,508
Ano'ng masasabi mo sa katotohanang

921
01:01:18,591 --> 01:01:21,636
matagal na siyang naninirahan
sa komunidad na ito?

922
01:01:23,179 --> 01:01:25,264
Buhay, humihinga, nagtatrabaho.

923
01:01:26,933 --> 01:01:29,727
Matalino siya, pero ang gago niya.

924
01:01:30,812 --> 01:01:31,896
Ayos lang 'yan.

925
01:01:33,731 --> 01:01:36,984
Tinawagan ako ng brother ko
noong umaga ng press conference.

926
01:01:37,068 --> 01:01:41,114
Sabi niya, "Siya raw 'yong
dogcatcher ng Park City."

927
01:01:41,197 --> 01:01:44,742
Naalala ko napasabi ako, "Ano?"

928
01:01:44,826 --> 01:01:49,038
"Dogcatcher ng Park City"?
Isa lang ang dogcatcher ng Park City.

929
01:01:50,331 --> 01:01:52,291
'Yon ang papa ni Kerri.

930
01:01:54,460 --> 01:01:57,672
Ang nasabi ng papa ko,
"Imposibleng si Dennis 'yon."

931
01:01:57,755 --> 01:01:59,966
Pagkatapos, nakatutok na ako sa TV.

932
01:02:00,758 --> 01:02:03,553
Naaalala ng mga kapitbahay na nakausap ko

933
01:02:03,636 --> 01:02:06,514
ang mga nakatira sa bahay
na pinuntahan ng pulisya.

934
01:02:06,597 --> 01:02:11,269
Nakakatakot. Tinawagan ako ng magulang ko.
Halos maiyak papa ko.

935
01:02:11,352 --> 01:02:14,856
Single mom ako,
kami lang ng dalawa kong anak dito,

936
01:02:14,939 --> 01:02:16,983
at ilang beses siyang nakapasok dito.

937
01:02:17,066 --> 01:02:21,612
Talagang nagulat ako na pwede siyang
manggaling sa kongregasyong ito,

938
01:02:21,696 --> 01:02:22,947
o sa sinumang kakilala ko.

939
01:02:23,030 --> 01:02:28,578
Sa panahong kakilala ko si Dennis,
walang anuman sa mga pag-uusap namin

940
01:02:28,661 --> 01:02:32,582
na maaaring humantong
sa mga akusasyong ito.

941
01:02:32,665 --> 01:02:34,667
Magaling siyang Scout leader.

942
01:02:34,751 --> 01:02:38,045
Noong medyo tumanda na siya
at umalis na mga anak niya,

943
01:02:38,129 --> 01:02:40,006
medyo naging weird siya.

944
01:02:40,548 --> 01:02:45,595
Pinaka-ikinagulat ng mga taga-Wichita
na karaniwang tao lang siya.

945
01:02:45,678 --> 01:02:48,389
May trabaho,
pumapasok sa trabaho araw-araw.

946
01:02:48,473 --> 01:02:51,309
May pamilya siya,
may asawa, dalawang anak.

947
01:02:51,809 --> 01:02:53,603
Tapos serial killer siya?

948
01:02:53,686 --> 01:02:57,190
Gustong ma-interview ng lahat
si Paula, o si Kerri o brother niya.

949
01:02:57,273 --> 01:02:59,025
Gusto 'yon ng lahat.

950
01:03:01,903 --> 01:03:05,615
Sinasabi nila, "Paanong hindi mo alam?
Paanong hindi nila alam?"

951
01:03:05,698 --> 01:03:08,409
Naging sobrang protective ko sa kanila.

952
01:03:08,493 --> 01:03:12,163
Sabi ko, "Hindi nila alam.
Wala sa aming may alam."

953
01:03:12,955 --> 01:03:15,500
Hindi lang pamilya niya
ang nilinlang niya.

954
01:03:15,583 --> 01:03:17,293
Pati simbahan, nilinlang niya.

955
01:03:18,336 --> 01:03:20,546
Nilinlang niya ang buong lungsod.

956
01:03:20,630 --> 01:03:23,508
Halos lahat, nilinlang niya.

957
01:03:38,231 --> 01:03:42,819
Noong unang weekend
matapos maaresto ang ama ko,

958
01:03:43,486 --> 01:03:46,697
hindi maayos ang pakiramdam ng mama ko.

959
01:03:46,781 --> 01:03:48,407
Nabigla siya. Nabigla ako.

960
01:03:48,491 --> 01:03:50,535
Nandoon ang lolo't lola ko.

961
01:03:50,618 --> 01:03:52,328
Nandoon ang mga pinsan ko.

962
01:03:52,829 --> 01:03:58,709
Bumili ng Kentucky Fried Chicken
ang tita ko, na may kasamang fixings.

963
01:03:58,793 --> 01:04:00,628
Nagtipon-tipon kami at kumain.

964
01:04:00,711 --> 01:04:03,172
Para sa akin, tila nasa libing ako.

965
01:04:06,759 --> 01:04:09,470
Nakaupo ka lang, at kumakain.

966
01:04:09,554 --> 01:04:11,305
Kahit sa sandaling 'yon,

967
01:04:11,389 --> 01:04:14,433
medyo tumatawa ka, o umiiyak ka rin.

968
01:04:14,517 --> 01:04:16,936
Nagkukuwento ka, alam mo 'yon?

969
01:04:17,019 --> 01:04:21,315
Tapos, bigla na lang sinabi ng mama ko,

970
01:04:21,399 --> 01:04:26,571
"Parang namatay ama mo at nagtipon-tipon
tayo rito pagkatapos ng libing niya."

971
01:04:27,071 --> 01:04:28,865
Sabi ko, "Oo, alam ko, Mama."

972
01:04:32,368 --> 01:04:37,415
At noong unang gabi, umiiyak si Mama
at gusto niya akong matulog sa kama niya.

973
01:04:37,498 --> 01:04:40,960
Hindi ko kinaya.
Sobrang bigat sa pakiramdam.

974
01:04:41,043 --> 01:04:43,796
Nanginginig ako
at gusto kong mapag-isa lang.

975
01:04:43,880 --> 01:04:46,674
Sobrang bigat. Hindi ko kaya.
At para akong…

976
01:04:47,592 --> 01:04:50,636
Iniwan ko talagang mag-isa ang mama ko.

977
01:04:50,720 --> 01:04:54,682
Sobrang bigat sa pakiramdam.
Hindi ko talaga 'yon kinaya.

978
01:04:58,519 --> 01:05:03,733
Sa ngayon, hindi maganda
ang relasyon namin ng mama ko.

979
01:05:03,816 --> 01:05:05,568
Hindi kami nag-uusap.

980
01:05:06,903 --> 01:05:09,071
Maayos kami noong lumalaki ako,

981
01:05:09,155 --> 01:05:14,243
at maayos kami pagkatapos ng pag-aresto.

982
01:05:15,161 --> 01:05:16,412
Pero sinira ko 'yon.

983
01:05:18,831 --> 01:05:22,835
Hindi n'yo 'yon pinag-uusapan.
Kumikilos ka ng normal.

984
01:05:23,753 --> 01:05:25,379
Di mo sinasabi sa iba.

985
01:05:28,215 --> 01:05:30,384
Ako lang ang nagsalita sa pamilya.

986
01:05:33,304 --> 01:05:37,308
Ewan ko. Sobrang nakakainis kasi,

987
01:05:38,351 --> 01:05:41,646
buhay pa si Papa,
at ama ko pa rin siya, di ba?

988
01:05:41,729 --> 01:05:45,024
Para sa mama ko, pwede silang magdivorce.

989
01:05:45,107 --> 01:05:47,318
Tanggalin si Papa sa buhay niya.

990
01:05:47,401 --> 01:05:49,779
At subukang mag-move on.

991
01:05:49,862 --> 01:05:52,281
Pero di 'yon pwede sa aming magkapatid.

992
01:05:52,365 --> 01:05:55,034
Siya pa rin ang ama ko. Kamukha ko siya.

993
01:05:55,534 --> 01:05:58,913
Para sa akin,
di ko naisip na patay na ang papa ko.

994
01:06:03,250 --> 01:06:06,295
Sinabi noon ng pastor na makakatulong

995
01:06:06,379 --> 01:06:09,465
kung susulatan namin si Papa
at sasabihin mga gusto namin.

996
01:06:10,841 --> 01:06:15,304
Kaya nagsimula akong sumulat sa ama ko
noong March 2005.

997
01:06:15,805 --> 01:06:18,599
"Pa, hello. Maayos po ang kalagayan ko.

998
01:06:18,683 --> 01:06:20,643
"Ligtas ako at nasa Michigan.

999
01:06:21,394 --> 01:06:23,688
"Isinuplong daw kita sabi ng media.

1000
01:06:23,771 --> 01:06:24,855
"Di 'yon totoo.

1001
01:06:24,939 --> 01:06:29,276
"Wala akong alam gaya ng iba
hanggang sa kumatok ang FBI.

1002
01:06:29,777 --> 01:06:32,363
"Sinabi ko sa kanila
na napakabuti mong tao,

1003
01:06:32,446 --> 01:06:33,906
"napakabuti mong ama,

1004
01:06:33,990 --> 01:06:36,951
"na maling tao ang inaresto nila.

1005
01:06:37,034 --> 01:06:39,829
"Sinubukan ko, naming lahat,
pero di sila nakinig.

1006
01:06:40,746 --> 01:06:43,290
"Hindi namin kilala ang lalaking 'yon,

1007
01:06:43,374 --> 01:06:47,128
"pero mahal namin ang asawa at ama
at taong kilala namin ng buong puso.

1008
01:06:48,212 --> 01:06:50,631
"Iniisip ko kung may nangyari sa 'yo
noong bata ka,

1009
01:06:50,715 --> 01:06:52,842
"na gusto mong ibahagi't pag-usapan.

1010
01:06:52,925 --> 01:06:55,594
"Ikinalulungkot ko kung mayroon nga.

1011
01:06:55,678 --> 01:06:59,432
"Di mo kasalanan
kung may nangyari noong bata ka pa.

1012
01:06:59,515 --> 01:07:03,728
"Nais namin ng kasagutan balang araw,
kung kaya mong ibigay 'yon."

1013
01:07:04,687 --> 01:07:09,233
Sinubukan kong mag-ingat sa liham ko,
at hindi magpahayag ng galit,

1014
01:07:09,316 --> 01:07:12,903
o ng labis na emosyon,
ipabatid lang na mahal ko pa rin siya.

1015
01:07:15,573 --> 01:07:18,826
Sumagot siya sa liham ko
noong March 26, 2005.

1016
01:07:19,326 --> 01:07:22,538
"Dear Kerri, happy belated Easter wish.

1017
01:07:22,621 --> 01:07:24,290
"Maraming salamat sa liham.

1018
01:07:24,373 --> 01:07:26,751
"Labis na kaligayahan nadarama ko.

1019
01:07:26,834 --> 01:07:30,463
"Akala ko nga wala nang kapamilya
na susulat sa akin.

1020
01:07:31,172 --> 01:07:32,548
"Napaka-sincere ng liham mo,

1021
01:07:32,631 --> 01:07:35,885
"nagmula sa isang mapagmahal
at maunawaing anak.

1022
01:07:35,968 --> 01:07:38,095
"Ang arraignment ay sa April 19.

1023
01:07:38,179 --> 01:07:41,682
"Pagkabaliw ang magiging depensa namin
pero di ko alam kung

1024
01:07:41,766 --> 01:07:46,437
"sa ospital o sa kulungan
ang magiging pinakamabuti pagtagal."

1025
01:07:48,606 --> 01:07:52,985
Nag-aalangan siya at di namin maintindihan
kung ano ang nangyayari.

1026
01:07:53,069 --> 01:07:55,404
Alam mo kung ano'ng hawak nila.

1027
01:07:55,488 --> 01:07:57,740
Ginawa mo 'to, kaya panindigan mo.

1028
01:07:58,240 --> 01:08:00,534
Alam mo 'yon, nakakainis talaga.

1029
01:08:01,410 --> 01:08:03,454
Ayaw naming dumaan sa paglilitis.

1030
01:08:04,330 --> 01:08:08,959
Pero noong June 2005,
nag-plead ng guilty ang papa ko.

1031
01:08:09,585 --> 01:08:14,298
'Yon ang unang beses
na direkta naming hinarap ito.

1032
01:08:15,049 --> 01:08:19,095
Mahirap paniwalaan
na siya ang lalaking sinasabi ng awtoridad

1033
01:08:19,178 --> 01:08:23,516
na sumindak sa lungsod
ng Wichita, Kansas, mula 1974.

1034
01:08:23,599 --> 01:08:26,393
Pero si Rader ay nahaharap
sa sampung kaso ng pagpatay

1035
01:08:26,477 --> 01:08:30,022
sa mga kasong nakilala bilang BTK.

1036
01:08:30,898 --> 01:08:35,694
Sa korte, nasilayan sa unang pagkakataon
ng mga kaanak ng biktima

1037
01:08:35,778 --> 01:08:39,115
ang lalaking pinaghihinalaang pumaslang
sa mga minamahal nila.

1038
01:08:39,198 --> 01:08:40,407
Magsitayo ang lahat.

1039
01:08:42,993 --> 01:08:47,873
June 2005 ang preliminary hearing
ni Dennis Rader.

1040
01:08:48,374 --> 01:08:51,544
At nagplead siya ng guilty.
Akala namin tapos na doon.

1041
01:08:51,627 --> 01:08:53,212
Hindi pa pala.

1042
01:08:55,172 --> 01:08:59,093
Detalyadong inilahad ni Dennis Rader

1043
01:08:59,176 --> 01:09:01,720
ang bawat pagpatay.

1044
01:09:01,804 --> 01:09:06,517
Sabihin mo sa sarili mong pananalita
kung bakit naniniwala kang nagkasala ka.

1045
01:09:07,184 --> 01:09:09,228
Magsisimula tayo sa unang biktima.

1046
01:09:09,979 --> 01:09:12,439
Hindi pa ako nakasakal ng sinuman dati,

1047
01:09:12,523 --> 01:09:16,819
kaya di ko alam kung gaanong pwersa
ang kailangan o gaano ito katagal.

1048
01:09:16,902 --> 01:09:20,030
Lumalaban siya, halos mawalan ng kontrol.

1049
01:09:20,114 --> 01:09:24,493
Di umuubra sa kanya ang pananakal,
kaya ginamitan ko siya ng kutsilyo.

1050
01:09:24,577 --> 01:09:27,621
Binigyan ko siya ng tubig,
inalo ko nang kaunti,

1051
01:09:27,705 --> 01:09:33,043
at pagkatapos ay iginapos ko siya,
nilagyan ng plastic sa ulo, at sinakal.

1052
01:09:33,127 --> 01:09:36,338
Ganito ang sitwasyon
sa loob ng 45 minutes.

1053
01:09:36,422 --> 01:09:40,426
Kalmado at detalyadong inilahad
ng 60 anyos na si Dennis Rader,

1054
01:09:40,509 --> 01:09:43,179
ang sampung pagpatay na ginawa niya.

1055
01:09:43,762 --> 01:09:46,557
Hindi kami pumunta sa korte. Ayaw namin.

1056
01:09:46,640 --> 01:09:48,309
Wala kaming laban sa media.

1057
01:09:48,392 --> 01:09:51,437
Pagkakataon 'yon
ng pamilya ng mga biktima sa korte.

1058
01:09:51,520 --> 01:09:55,441
Ayaw naming magdulot ng gulo.
Di talaga namin ito kayang harapin.

1059
01:09:56,692 --> 01:10:00,863
Napakahirap marinig
ang pag-amin niya sa mga krimen,

1060
01:10:00,946 --> 01:10:02,865
at marinig ito sa kanya mismo,

1061
01:10:02,948 --> 01:10:07,578
Dumadaan ang mga serial killer
sa tinatawag nilang iba't ibang yugto.

1062
01:10:07,661 --> 01:10:10,789
Isa sa mga 'yon ay ang trolling stage.

1063
01:10:10,873 --> 01:10:13,209
Bale, naghahanap ka ng mabibiktima.

1064
01:10:13,292 --> 01:10:16,587
Pag may napili ka na,
patungo ka naman sa stalking stage.

1065
01:10:16,670 --> 01:10:20,216
Maaaring marami sila,
pero isa lang pagtutuunan mo ng pansin.

1066
01:10:20,716 --> 01:10:22,051
At 'yon ang biktima.

1067
01:10:22,968 --> 01:10:24,970
Sige. Tama ba 'yon?

1068
01:10:25,554 --> 01:10:28,974
Ang sampung kaso ng pagpatay na ito
ay nangyari

1069
01:10:29,058 --> 01:10:32,937
dahil gusto mong bigyang katuparan
ang sexual fanstasy mo, tama ba?

1070
01:10:33,437 --> 01:10:34,480
Oo.

1071
01:10:35,439 --> 01:10:37,858
Sige, maaari ka nang maupo, Mr. Rader.

1072
01:10:40,361 --> 01:10:43,906
'Yan si Dennis Rader na inilalarawan
ang sampung brutal na pagpatay

1073
01:10:43,989 --> 01:10:45,574
na parang trabaho lang.

1074
01:10:45,658 --> 01:10:48,327
Tama ka. Trabaho lang ito para sa kanya,

1075
01:10:48,410 --> 01:10:51,330
at nagpapatuloy lang siya
sa kanyang trabaho.

1076
01:10:51,413 --> 01:10:54,083
Iniisip namin ng co-anchor ko,

1077
01:10:54,792 --> 01:10:56,502
"Hindi ito totoo."

1078
01:10:56,585 --> 01:11:00,172
Kaya mo bang isipin ang kalagayan
ng anak o asawa niya noon?

1079
01:11:01,882 --> 01:11:05,886
Inalis ko sa isip ko
ang karamihan sa mga sinabi niya.

1080
01:11:06,595 --> 01:11:09,181
Sobrang sama ng mga 'yon. Hindi ko…

1081
01:11:09,682 --> 01:11:13,060
Hindi ko ito matanggap.
Hindi ko talaga matanggap.

1082
01:11:14,103 --> 01:11:15,354
Magsitayo ang lahat.

1083
01:11:15,896 --> 01:11:19,692
Asahan ang madamdaming mga araw
sa korte sa Kansas.

1084
01:11:19,775 --> 01:11:23,946
Ngayon ang pormal na paghatol
sa serial killer na si Dennis Rader.

1085
01:11:24,029 --> 01:11:28,117
Ang mga paglilitis
ay tinutukan sa buong Wichita,

1086
01:11:28,200 --> 01:11:31,412
kung saan maraming tao
ang nakagisnan na si BTK.

1087
01:11:31,996 --> 01:11:34,373
Intensiyon ng district attorney
na si Nola Foulston,

1088
01:11:34,456 --> 01:11:37,501
para sa pagdinig na 'yon,

1089
01:11:37,584 --> 01:11:42,840
na sukdulang ipahiya si Dennis Rader.

1090
01:11:42,923 --> 01:11:44,258
Ano 'yan, sir?

1091
01:11:44,341 --> 01:11:47,886
Isa itong plastic mask.

1092
01:11:48,470 --> 01:11:52,224
Ilang search warrant ang ginawa
sa buong lungsod ng Wichita.

1093
01:11:52,308 --> 01:11:55,686
Sabi ni Rader, "Marami kayong
makikita sa opisina ko,

1094
01:11:55,769 --> 01:11:57,187
nasa file cabinet ko."

1095
01:11:57,771 --> 01:12:01,942
Di naka-lock 'yong file cabinet,
malinaw na kampante siyang

1096
01:12:02,026 --> 01:12:04,153
mag-iwan ng mga bagay rito.

1097
01:12:04,236 --> 01:12:06,322
Napakaraming photos,

1098
01:12:06,405 --> 01:12:10,326
mga picture na kinunan niya
sa paglipas ng panahon,

1099
01:12:10,409 --> 01:12:12,036
at sari-saring drawings.

1100
01:12:13,329 --> 01:12:17,666
Inilarawan niya bawat isa, nilagyan,
ng petsa, inayos paalpabeto.

1101
01:12:17,750 --> 01:12:20,669
May cross-reference para madaling
makita ang mga bagay-bagay.

1102
01:12:20,753 --> 01:12:24,923
Gumawa siya ng parang worksheet

1103
01:12:25,007 --> 01:12:26,967
ng mga projects niya.

1104
01:12:27,051 --> 01:12:29,803
Mga device na kinuhanan niya ng litrato.

1105
01:12:30,387 --> 01:12:34,058
Sinabi ni Papa sa liham niya
na marami pang masasamang lalabas.

1106
01:12:34,141 --> 01:12:36,518
"Ano bang mas masahol pa sa pagpatay?"

1107
01:12:36,602 --> 01:12:38,062
Marami pang ganito?

1108
01:12:38,145 --> 01:12:40,189
Daan-daan, o baka libo-libo pa.

1109
01:12:40,272 --> 01:12:43,609
Ipinakita ng district attorney
ang mga larawan ni Dennis Rader

1110
01:12:43,692 --> 01:12:46,612
na nakasuot ng nylon stocking sa ulo niya,

1111
01:12:46,695 --> 01:12:51,533
at gusto niyang ipakita sa mundo
kung gaano kasama ang taong ito.

1112
01:12:52,618 --> 01:12:55,954
Biglang lumabas ang tungkol sa papa ko
na nakatali

1113
01:12:56,038 --> 01:13:00,250
at hubo't hubad sa basement nina lola,
nakasuot ng damit ng biktima.

1114
01:13:00,751 --> 01:13:03,670
Para itong walang hanggang serye
ng kasamaan.

1115
01:13:12,388 --> 01:13:15,349
Ipinapakita ng prosecutors
ang mga karumal-dumal na detalye.

1116
01:13:15,432 --> 01:13:18,685
Bangungot ito para sa naroong kapamilya
ng mga biktima,

1117
01:13:18,769 --> 01:13:22,481
at ngayong araw,
makakaharap nila mismo si Rader.

1118
01:13:26,985 --> 01:13:30,614
Bagama't sinikap sirain ni Rader
ang pamilya ko, kami ay nanatiling buo,

1119
01:13:30,697 --> 01:13:33,033
mas matibay at mas magkakaugnay
ngayon kaysa dati.

1120
01:13:33,117 --> 01:13:35,953
Pinanday ng sakit at kawalan
ang pagmamahalan namin.

1121
01:13:36,036 --> 01:13:38,956
Sa pananaw ko, sa bandang huli,

1122
01:13:39,039 --> 01:13:42,292
nabigo si Dennis Rader
na patayin ang mga Otero.

1123
01:13:42,835 --> 01:13:46,672
Bagama't di pa tayo nagkakilala,
nakita mo na ang mukha ko.

1124
01:13:47,172 --> 01:13:50,134
Ito ang parehong mukha
na pinatay mo 30 taon na ang nakalipas,

1125
01:13:50,217 --> 01:13:52,970
ang mukha ng aking ina, si Julia Otero.

1126
01:13:53,762 --> 01:13:57,099
Ang sakit at pagdurusa
na ibinigay niya sa aming pamilya

1127
01:13:57,182 --> 01:14:00,811
at pagkamatay ng isang magandang
dalaga sa edad na 21,

1128
01:14:01,311 --> 01:14:04,398
nagawa niyang patuloy na mamuhay
sa loob ng 31 taon,

1129
01:14:04,481 --> 01:14:07,443
sa pagpapalaki ng pamilya at mga anak.

1130
01:14:08,569 --> 01:14:11,238
Hindi ko kayang ipaliwanag sa 'yo.

1131
01:14:11,321 --> 01:14:15,492
Walang salitang makapagpapaunawa
kung gaano kalaki ang epekto

1132
01:14:15,576 --> 01:14:18,579
ng pagkawala ni Nancy
sa akin at sa aming pamilya.

1133
01:14:19,496 --> 01:14:23,000
Nawalan ako ng isang kaibigan, tagapayo.

1134
01:14:23,500 --> 01:14:26,170
Hindi na magkakaroon ng tita
ang mga anak ko,

1135
01:14:26,253 --> 01:14:28,255
at di na ako magkakaroon ng isa pang ate.

1136
01:14:28,338 --> 01:14:31,842
Halos 19 taon na
mula nang kunin sa amin ng kapatid ko

1137
01:14:31,925 --> 01:14:35,137
ang pinakamahalagang babae sa aming buhay.

1138
01:14:36,763 --> 01:14:40,684
Napaka-unfair na kaunting panahon
lang namin siya nakasama.

1139
01:14:44,313 --> 01:14:47,733
Hinihiling ko lang sa korte
na ipataw ang pinakamabigat na parusa

1140
01:14:48,233 --> 01:14:51,653
na pinapayagan ng batas,
sa halimaw na ito.

1141
01:14:53,155 --> 01:14:54,448
Hindi ako…

1142
01:14:58,619 --> 01:15:00,704
nakapaghanda ng sasabihin, pero,

1143
01:15:01,955 --> 01:15:03,290
alam n'yo 'yon,

1144
01:15:03,373 --> 01:15:07,794
gusto ko lang na magdusa siya habambuhay.

1145
01:15:09,505 --> 01:15:10,589
At…

1146
01:15:11,840 --> 01:15:13,050
Alam n'yo, hindi ko…

1147
01:15:17,554 --> 01:15:18,805
Iyon lang.

1148
01:15:22,142 --> 01:15:25,395
Sa ngalan ng aking ina na kasama
namin sa espiritu, sa pamilya ko,

1149
01:15:25,521 --> 01:15:28,524
at sa mga pamilyang nanatiling matatag
na nandito ngayon,

1150
01:15:28,607 --> 01:15:32,277
iniaalay namin ang araw na ito
sa alaala ng mga yumao na.

1151
01:15:32,361 --> 01:15:37,449
Sa araw na ito, tahimik naming aalalahanin
ang isang ama, kuya,

1152
01:15:37,533 --> 01:15:38,617
asawa,

1153
01:15:39,368 --> 01:15:40,827
ina,

1154
01:15:40,911 --> 01:15:42,037
ate,

1155
01:15:43,121 --> 01:15:45,916
anak na babae, isang lola.

1156
01:15:47,125 --> 01:15:49,753
Habang nagdurusa ka sa katotohanang

1157
01:15:49,836 --> 01:15:53,549
ang huli mong biktima
ay ang sarili mong pamilya,

1158
01:15:54,049 --> 01:15:56,385
yayakapin namin
ang bagong pamilyang mayroon kami,

1159
01:15:56,468 --> 01:16:01,890
na katuwang namin habambuhay sa ugnayang
binuo ng pait ng pagsubok at pighati.

1160
01:16:04,434 --> 01:16:07,813
Kahanga-hanga ang pamilya ng mga biktima.

1161
01:16:07,896 --> 01:16:11,191
Nang bigyan si Dennis Rader
ng pagkakataong magsalita,

1162
01:16:11,275 --> 01:16:16,321
ayaw nilang iparamdam kay Dennis Rader
na nagtagumpay siya.

1163
01:16:16,405 --> 01:16:19,992
Mr. Rader, may nais ka bang sabihin
sa ngalan mo,

1164
01:16:20,075 --> 01:16:22,369
upang mapagaan ang iyong kaparusahan?

1165
01:16:22,452 --> 01:16:26,206
Kung kaya't ang pamilya ng mga biktima
ay lumabas ng korte.

1166
01:16:28,375 --> 01:16:31,837
Your Honor, sa Sedgwick County,
sa mga biktima,

1167
01:16:32,754 --> 01:16:35,465
batid kong ang mga krimeng nagawa ko…

1168
01:16:38,885 --> 01:16:40,637
Itutuloy ko pa ba, o…

1169
01:16:40,721 --> 01:16:41,597
Okay.

1170
01:16:42,889 --> 01:16:46,184
Matapos ang pahayag ng mga biktima,
hinayaan si Rader magsalita.

1171
01:16:46,268 --> 01:16:48,437
Maaari na siyang humingi ng tawad

1172
01:16:48,520 --> 01:16:52,899
o magsabi ng makabuluhang bagay,
o sabihing pinagsisisihan niya ang lahat.

1173
01:16:52,983 --> 01:16:55,527
Pero sa halip, nagpasalamat siya sa lahat.

1174
01:16:55,611 --> 01:17:00,866
Pinasalamatan niya ang pulisya, piskal,
mga pamilya ng biktima, at ang judge.

1175
01:17:00,949 --> 01:17:03,201
Pinakakakaiba talaga 'yon.

1176
01:17:03,785 --> 01:17:05,954
Mr. Rader, maaari ka bang tumayo?

1177
01:17:08,790 --> 01:17:14,630
Sir, base sa iyong apela, na naganap noong
June 27, 2005 sa harap ng korteng ito,

1178
01:17:14,713 --> 01:17:17,215
muli kitang hinahatulan na nagkasala.

1179
01:17:18,091 --> 01:17:21,928
Hinatulan siya ng judge
ng 175 taong pagkakakulong,

1180
01:17:22,012 --> 01:17:26,016
at simula noon, hindi na nakalabas
ng piitan ang lalaking 'yon.

1181
01:17:47,079 --> 01:17:51,875
Matapos maaresto ng papa ko,
di ko binanggit ang tungkol sa mga ito.

1182
01:17:51,958 --> 01:17:55,837
Halos sampung taon akong
hindi nagsalita tungkol dito.

1183
01:17:56,880 --> 01:17:59,966
Pag may nagsasabi, "Ikuwento mo
ang buhay mo o ng ama mo,"

1184
01:18:00,050 --> 01:18:02,427
o tinatanong ako sa mga kaswal na usapan,

1185
01:18:02,511 --> 01:18:06,390
sinasabi ko na hindi na kami nag-uusap
ng ama ko, nakakulong siya.

1186
01:18:06,473 --> 01:18:09,935
Sinusunod ko ang Midwest code.
Huwag pag-usapan ang masasamang bagay.

1187
01:18:10,018 --> 01:18:14,773
Tapos noong gabing 'yon,
nalaman ko 'yong kay Stephen King…

1188
01:18:14,856 --> 01:18:18,110
Nang tawagan ako ng reporter na iyon
mula sa Eagle,

1189
01:18:18,944 --> 01:18:23,156
para bang unang beses na may nagpahintulot
sa aking maglabas ng saloobin.

1190
01:18:23,240 --> 01:18:26,660
Nang may nagsabing, "Ayos lang,
pwede kang magsalita tungkol dito,"

1191
01:18:26,743 --> 01:18:30,247
parang gumaan ang loob ko,
at nagsimula akong maghilom.

1192
01:18:31,748 --> 01:18:34,668
Nagsimula akong magsulat noong 2015.

1193
01:18:34,751 --> 01:18:37,921
Apat na taon kong isinulat
ang una kong libro,

1194
01:18:38,004 --> 01:18:42,300
at pagkatapos ay naging
national bestseller ito noong 2019.

1195
01:18:42,801 --> 01:18:46,471
Kahanga-hanga ang iyong tapang
sa pagsulat nito at sa iyong paglabas.

1196
01:18:46,555 --> 01:18:50,225
Nandito pa rin ako sa kabila ng lahat.
Ang mensahe ko, "Kapit lang.

1197
01:18:50,308 --> 01:18:53,019
"May pag-asa pa. Huwag kayong susuko."

1198
01:18:55,063 --> 01:18:58,400
Kapag nakaupo ako rito…

1199
01:19:00,694 --> 01:19:03,530
napapalibutan ako ng mga bagay,

1200
01:19:03,613 --> 01:19:07,325
tulad ng pictures ni Papa,
ang libro ko tungkol kay Papa.

1201
01:19:07,826 --> 01:19:10,203
Malaking bahagi ng kung sino ako ngayon,

1202
01:19:10,287 --> 01:19:14,499
at pagkakakilanlan ko, sa kasamaang palad,
ay umiikot sa ama ko.

1203
01:19:15,834 --> 01:19:21,798
May mga naging problema ako sa Facebook,
may mga taong nag-email sa akin,

1204
01:19:21,882 --> 01:19:25,010
at nagpadala ng mensahe sa Instagram,
nagtext sa akin,

1205
01:19:25,093 --> 01:19:27,888
minanmanan ako,
pinagbantaan akong patayin,

1206
01:19:27,971 --> 01:19:32,267
at may nagsabing sana 11 ang pinatay
ng ama ko, kabilang ako.

1207
01:19:33,894 --> 01:19:36,354
Sabi ng trauma therapist ko kamakailan,

1208
01:19:36,438 --> 01:19:39,816
"Ano'ng mangyayari
kung tinalikuran mo ang lahat ng ito?"

1209
01:19:39,900 --> 01:19:43,236
At sinabi kong magiging mapayapa ito.

1210
01:19:43,820 --> 01:19:48,450
Pero ang totoo, ang career ko
ay nakatali na ngayon sa lahat ng ito.

1211
01:19:58,084 --> 01:19:59,961
Kung titingnan mo ito at iyon,

1212
01:20:00,045 --> 01:20:02,798
tumutukoy ito sa isang unsolved homicide.

1213
01:20:05,467 --> 01:20:07,677
Kaya gusto ko siyang bisitahin
tungkol doon.

1214
01:20:08,178 --> 01:20:10,555
"26 anyos na ina na nawala noong Sabado

1215
01:20:10,639 --> 01:20:13,767
habang nagpapatuyo ng labada,
maaaring may foul play."

1216
01:20:14,684 --> 01:20:16,436
"Denise Rathburn, 25,

1217
01:20:16,520 --> 01:20:20,023
"umalis ng bahay sa pagitan
ng 3 p.m. at 8:30 p.m. Sabado,

1218
01:20:20,106 --> 01:20:22,484
"may tulak na baby carriage
na puno ng basang labada.

1219
01:20:22,567 --> 01:20:24,069
"Di na siya bumalik."

1220
01:20:26,029 --> 01:20:28,073
Ano'ng masasabi mo sa lugar na 'to?

1221
01:20:28,156 --> 01:20:30,200
Dati kaming nagbibisikleta riyan.

1222
01:20:30,283 --> 01:20:34,120
Nagbibisikleta kami riyan,
kaya pwede natin 'yang tingnan.

1223
01:20:34,871 --> 01:20:37,666
Pinag-usapan namin ang files ng papa ko.

1224
01:20:37,749 --> 01:20:40,710
May maliliit siyang spiral notebook
na naglalaman ng notes

1225
01:20:40,794 --> 01:20:44,756
at projects niya,
mga pagmamanman at pagpatay,

1226
01:20:44,840 --> 01:20:48,134
at pagpuslit sa mga bahay.
Mayroon siyang mga 70 o 80 nito.

1227
01:20:48,218 --> 01:20:51,346
At hinayaan lang nila ako.

1228
01:20:51,429 --> 01:20:55,225
Ang mga bagay na iyon
ay nasa evidence room mula noong 2005,

1229
01:20:55,308 --> 01:20:57,644
pero ngayon lang ipinakita sa 'kin.

1230
01:20:57,727 --> 01:21:02,357
Mga partikular na lokasyon
na maaari nating puntahan at tingnan.

1231
01:21:02,440 --> 01:21:05,861
May nabasa akong notation ng Papa ko,

1232
01:21:05,944 --> 01:21:07,863
'81 para sa taong 1981.

1233
01:21:07,946 --> 01:21:10,866
Ako ay nasa edad dalawa, tatlo noon.

1234
01:21:10,949 --> 01:21:17,414
Naka capital letter, "Kerri/B at D,"
ibig sabihin, bondage/game.

1235
01:21:18,081 --> 01:21:21,293
"Ano iyon?" Nasabi ko pagkakita ko.

1236
01:21:22,419 --> 01:21:26,423
Tapos may isa pa,

1237
01:21:26,506 --> 01:21:29,843
nakalagayay, "Kids/bath/S,"

1238
01:21:29,926 --> 01:21:32,053
at 'yon ay sex para sa ama ko.

1239
01:21:32,596 --> 01:21:37,684
Napapaisip ako, "Minolestiya ba ako
ni Papa sa banyo noong tatlong taon ako?"

1240
01:21:38,268 --> 01:21:42,147
At bakit nasa bondage game
ang pangalan ko?

1241
01:21:42,856 --> 01:21:48,194
Hindi ko alam ang iisipin ko noon.
Litong-lito talaga ako.

1242
01:21:50,113 --> 01:21:52,657
Baka nagpra-praktis si Papa sa kuwarto ko.

1243
01:21:52,741 --> 01:21:54,701
Pinagpraktisan ba niya ako?

1244
01:21:57,120 --> 01:22:00,749
Habang lumalaki ako,
nakaranas ako ng mga bangungot sa gabi.

1245
01:22:05,795 --> 01:22:08,632
Bahagi ng bangungot na 'yon,

1246
01:22:09,132 --> 01:22:13,845
ang pag-ihi sa kama, takot sa dilim,
takot mapag-isa sa kama ko,

1247
01:22:13,929 --> 01:22:17,432
ay may kinalaman
sa isang masamang lalaki sa bahay.

1248
01:22:17,933 --> 01:22:20,060
Para itong insidente ng panloloob.

1249
01:22:21,519 --> 01:22:23,480
'Yon ang ginawa niya sa mga biktima.

1250
01:22:23,980 --> 01:22:26,316
Di ko alam kung saan ito nagmula.

1251
01:22:28,944 --> 01:22:33,281
Tingin ko, pilit itong inilalabas ng
subconscious ko mula pa noong bata ako.

1252
01:22:35,825 --> 01:22:38,453
Sinasabiing, "May masamang tao
sa bahay ko."

1253
01:22:42,624 --> 01:22:47,754
Sobrang bigat, na makita ang pangalan ko
na isinulat niya mismo sa notebook niya.

1254
01:22:47,837 --> 01:22:53,218
Ang tanging tao o mga taong kumakausap
sa akin, ay ang Osage County.

1255
01:22:53,927 --> 01:22:57,055
Natural lang na madamay ako
sa mga kuwento nila, di ba?

1256
01:22:57,931 --> 01:23:00,475
Inaalam namin, "May pinatay pa ba siya?"

1257
01:23:00,558 --> 01:23:02,602
Hindi ko alam kung meron pa.

1258
01:23:06,606 --> 01:23:09,401
Bawat isa ay may gustong makuha sa akin.

1259
01:23:09,484 --> 01:23:11,903
"Pwedeng isulat ang kuwento ng ama mo?"

1260
01:23:11,987 --> 01:23:13,905
"Pwede ba namin siyang makausap?"

1261
01:23:14,406 --> 01:23:19,035
Kaunti lang ang mapagkakatiwalaan ko
sa ngayon na gusto akong makilala

1262
01:23:19,661 --> 01:23:23,248
kasi lahat ay tungkol sa ama ko.

1263
01:23:23,790 --> 01:23:27,794
Sabi sa 'kin ng trolls sa Twitter,
"Wala ka kundi dahil sa ama mo."

1264
01:23:27,877 --> 01:23:30,088
"Wala kang buhay at walang career."

1265
01:23:30,672 --> 01:23:32,465
Masama ang loob ko ngayon.

1266
01:23:33,425 --> 01:23:36,720
Dismayado ako, galit at malungkot,

1267
01:23:36,803 --> 01:23:38,722
at gusto ko nang sumuko,

1268
01:23:39,264 --> 01:23:42,434
at lumayo na lang.

1269
01:23:44,519 --> 01:23:47,647
Puno ako ng sama ng loob,
at sabi ng therapist ko,

1270
01:23:47,731 --> 01:23:52,402
"Nag-iimbestiga lang ang mga awtoridad,
at nagtatanong sila, at ayos lang 'yon."

1271
01:23:52,485 --> 01:23:54,612
"Trabaho nila 'yon. Ayos lang 'yon."

1272
01:23:54,696 --> 01:23:57,282
Nakakatulong sa akin
pag may nagsasabing ayos lang.

1273
01:24:02,203 --> 01:24:06,791
Hiniling nila na bisitahin ko ang ama ko
sa kulungan para alamin kung,

1274
01:24:07,292 --> 01:24:10,128
may iba pa ba siyang pinatay
o ginawang krimen.

1275
01:24:11,129 --> 01:24:13,173
Kung may iba pa talagang pinatay
ang ama ko,

1276
01:24:13,256 --> 01:24:15,467
kailangan naming alamin
ang buong katotohanan,

1277
01:24:15,550 --> 01:24:18,303
at gawin 'yon bago pa siya pumanaw.

1278
01:24:19,763 --> 01:24:21,431
Alam nilang balisa ako.

1279
01:24:21,514 --> 01:24:23,975
Di ko siya nakita sa loob
ng 18 at kalahating taon,

1280
01:24:24,059 --> 01:24:27,103
pero di sila makakabisita sa ama ko
nang wala ako.

1281
01:24:27,645 --> 01:24:30,565
Hindi. May kailangan pa ako sa ama ko.

1282
01:24:36,780 --> 01:24:39,908
Pinag-aralan ko ang mga bagay
na pag-uusapan namin ni Papa.

1283
01:24:39,991 --> 01:24:43,620
Bilin sa akin, "Wag mong itatanong
ang tungkol sa sexual abuse.

1284
01:24:44,579 --> 01:24:46,623
"Baka hindi na siya makipag-usap."

1285
01:24:49,292 --> 01:24:53,963
Pagdating sa bilangguan,
may dadaanan kang tila watchtower sa loob,

1286
01:24:54,047 --> 01:24:58,927
at isang hanay ng mga naka-lock na pinto.

1287
01:24:59,010 --> 01:25:02,430
Pumasok ako kasama ang isang lalaki
at isang babaeng imbestigador.

1288
01:25:05,016 --> 01:25:08,603
Mahina na si Papa.
Naka-wheelchair na siya.

1289
01:25:08,686 --> 01:25:12,273
At literal siyang umiiyak,
masayang masaya na makita ako.

1290
01:25:12,774 --> 01:25:15,944
Masayang masaya na makita ang anak niya.

1291
01:25:16,486 --> 01:25:20,240
Mga three o four feet lang
ang layo niya sa harap ng mesa ko.

1292
01:25:20,824 --> 01:25:24,119
Nandoon ako sa loob
nang dalawa hanggang tatlong oras,

1293
01:25:24,202 --> 01:25:28,289
tinatanong ko siya
tungkol sa lahat ng nangyayari.

1294
01:25:30,583 --> 01:25:35,296
"May mga kaso ng nawawalang kababaihan,
mga kasong kahawig ng sa 'yo.

1295
01:25:35,380 --> 01:25:39,134
"Tugma sila sa MO mo,
o halos gano'n, o mga timeframe."

1296
01:25:39,217 --> 01:25:41,261
Sabi niya, "Ano'ng sinasabi mo?

1297
01:25:41,845 --> 01:25:47,183
"Di ba pwedeng mag-bonding na lang tayo
bilang mag-ama at bumuo ng bagong alaala?"

1298
01:25:47,267 --> 01:25:49,936
Sagot ko,
"Pa, hindi ako narito para riyan."

1299
01:25:51,312 --> 01:25:55,233
Umiiwas siya, makakalimutin na raw siya.
Pero matalas memorya niya.

1300
01:25:55,316 --> 01:25:56,901
Puro tanggi lang siya.

1301
01:25:56,985 --> 01:26:01,239
Inosente raw siya, santo siya,
maliban sa lahat ng ginawa niya.

1302
01:26:03,158 --> 01:26:05,827
Sabi niya, "Alam mo, sampu lang 'yon."

1303
01:26:06,703 --> 01:26:09,080
Tapos bigla siyang nagbago.

1304
01:26:09,581 --> 01:26:11,875
Nagalit siya tungkol sa imbestigasyon.

1305
01:26:11,958 --> 01:26:15,128
Nagalit siya sa media.
Akala niya tapos na ang lahat.

1306
01:26:15,211 --> 01:26:16,671
Galit talaga siya.

1307
01:26:18,298 --> 01:26:22,093
Hndi ko dapat ginawa ito.
Sa wakas, tinanong ko ang ama ko

1308
01:26:22,177 --> 01:26:24,262
tungkol sa notation sa journal niya.

1309
01:26:24,345 --> 01:26:27,640
Tinanong ko kung ano 'yong
"Kerri Bondage game."

1310
01:26:27,724 --> 01:26:31,227
Sabi niya, "Pantasya lang 'yon.
Di ko ginalaw ang pamilya.

1311
01:26:32,312 --> 01:26:36,691
"Nag-iimbento ka lang ng mga bagay
tungkol sa akin para sumikat ka."

1312
01:26:36,774 --> 01:26:38,568
Ang PTSD ko ay biglang…

1313
01:26:42,530 --> 01:26:45,366
Namanhid ako.
Di ako makakita o makapag-isip.

1314
01:26:45,450 --> 01:26:47,577
Ayoko na. Wala na akong pakialam.

1315
01:26:47,660 --> 01:26:51,206
At para bang,
sumabog ang galit ko kay Papa

1316
01:26:51,289 --> 01:26:52,999
na naipon sa loob ng 45 taon.

1317
01:26:55,001 --> 01:26:57,462
Nawala na ako sa plano.

1318
01:26:57,545 --> 01:27:02,342
At tinanong ko siya tungkol sa lahat,
kay Mrs. Hedge, 'yong pine needles,

1319
01:27:02,425 --> 01:27:05,553
at pagsakay niya sa akin noong anim ako
sa Oldsmobile

1320
01:27:05,637 --> 01:27:07,639
na pinaglagyan ng bangkay ni Mrs. Davis.

1321
01:27:08,389 --> 01:27:11,309
Inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko.

1322
01:27:12,477 --> 01:27:16,356
At ibinato sa kanya ang napakabigat
na trauma na pasan ko.

1323
01:27:17,732 --> 01:27:21,778
Para akong bumalik sa bahay ko,
kung saan uuwi ang lalaking 'yon,

1324
01:27:21,861 --> 01:27:23,738
pero hindi mo kilala kung sino.

1325
01:27:23,821 --> 01:27:26,908
Si Papa ba 'yon? O isang galit na lalaki?

1326
01:27:31,829 --> 01:27:35,750
Nagalit ako, at sabi niya,
"Kerri, ikaw ang nagsimula nito."

1327
01:27:40,088 --> 01:27:44,509
Minamanipula niya ang isip ko,
minamanipula ako,

1328
01:27:44,592 --> 01:27:47,762
at nagsisinungaling siya
sa mismong harap ko.

1329
01:27:50,348 --> 01:27:55,311
Para akong nakikipag-usap sa isang
subhuman sa halip na sa papa ko.

1330
01:27:55,979 --> 01:27:58,731
Kapag sinasabi ng iba na psychopath siya,

1331
01:27:58,815 --> 01:28:02,068
o kaya narcissist,
at ayaw siyang makasama,

1332
01:28:02,735 --> 01:28:06,948
nakakahanap pa rin ako ng kabutihan
sa kanya, pero ngayon hindi na.

1333
01:28:10,201 --> 01:28:13,830
Hindi na ako kailanman lalapit
sa taong 'yon.

1334
01:28:13,913 --> 01:28:16,916
Hindi siya ang papa ko.
Hindi ko siya kilala.

1335
01:28:38,187 --> 01:28:41,941
Ipagluluksa ko ang mga alaalang 'yon,
ang babaeng 'yon at pamilyang 'yon.

1336
01:28:42,442 --> 01:28:44,110
Nawala silang lahat sa akin.

1337
01:28:44,902 --> 01:28:48,906
Basta, ayoko nang ibahagi sa kanya
ang sarili ko,

1338
01:28:48,990 --> 01:28:52,076
at ayoko na siyang
maging parte ng buhay ko.

1339
01:28:55,788 --> 01:28:59,500
Limikha ako ng distansya sa pagitan ko

1340
01:28:59,584 --> 01:29:03,338
at sa kasamaang ito na nasa aking ama.

1341
01:29:03,421 --> 01:29:09,260
Isang desisyon na ihiwalay ang sarili ko
mula sa, alam mo na, kasamaan.

1342
01:29:10,053 --> 01:29:11,804
Gaano na ba katagal?

1343
01:29:11,888 --> 01:29:14,223
-Mula noong high school.
-Mga nasa…

1344
01:29:14,307 --> 01:29:15,767
-Mula 1996?
-Di ko mabilang.

1345
01:29:15,850 --> 01:29:16,809
Ako man.

1346
01:29:16,893 --> 01:29:19,228
Alam ko. Naalala ko nasa 25 na…

1347
01:29:19,312 --> 01:29:20,521
Twenty-seven.

1348
01:29:20,605 --> 01:29:21,689
Hindi nga!

1349
01:29:21,773 --> 01:29:25,860
27 mula no'ng high school,
at 26 mula no'ng freshman year.

1350
01:29:26,486 --> 01:29:28,321
Oo, grabe. Grabe talaga.

1351
01:29:28,404 --> 01:29:31,908
Kasi pag idinagdag mo 'yan
sa edad mo noon, magugulat ka.

1352
01:29:31,991 --> 01:29:33,910
Hindi ka nakarating sa reunion.

1353
01:29:33,993 --> 01:29:37,121
Jusko, di talaga ako pupunta
sa reunion, ano ka ba?

1354
01:29:37,205 --> 01:29:40,208
Baka sabihan nila ako, "Kamukha mo siya."

1355
01:29:40,291 --> 01:29:43,961
-Kilala n'yo mama ko, siya ang kamukha ko.
-Oo, 'yan nga sasabihin ko.

1356
01:29:44,045 --> 01:29:47,799
Kaya nga ang isasagot ko,
"Tumigil ka. Mama ko ang kamukha ko."

1357
01:29:47,882 --> 01:29:51,469
Lahat ng nakakakilala sa akin
bago maaresto si Papa,

1358
01:29:51,552 --> 01:29:55,973
kilala ako bilang Kerri at ang pamilya ko,
at nirerespeto nila iyon.

1359
01:29:56,891 --> 01:30:01,229
Si Andrea, kilala ko na
mula pa kindergarten.

1360
01:30:01,938 --> 01:30:05,233
Si Rita, kilala ko na mula middle school.

1361
01:30:06,109 --> 01:30:08,903
Di pa rin nagbabago
ang tingin nila sa akin.

1362
01:30:09,529 --> 01:30:12,949
Nag-uusap kami ng asawa ko
noong isang araw, at sabi ko,

1363
01:30:13,032 --> 01:30:15,701
"Sa huli, ang hiling ko para kay Kerri

1364
01:30:15,785 --> 01:30:18,579
"ay makahanap ka ng kapayapaan,

1365
01:30:18,663 --> 01:30:21,624
"at mamuhay na wala
ang matinding kalungkutan na ito."

1366
01:30:21,707 --> 01:30:23,501
-Deserve mo 'yon.
-Oo.

1367
01:30:23,584 --> 01:30:25,753
-Deserve mo talaga.
-Alam ko.

1368
01:30:27,004 --> 01:30:30,258
Natuto akong maglagay ng mga limitasyon,
at ipahayag ang sarili ko.

1369
01:30:30,341 --> 01:30:34,303
Naging public figure ako,
ipinagtatanggol ang mga biktima ng krimen,

1370
01:30:34,387 --> 01:30:37,306
biktima ng trauma at mga nakaligtas,

1371
01:30:37,390 --> 01:30:42,311
at ipahiram ang boses ko, sa mga taong
pinagdaanan ang pinagdaanan ko,

1372
01:30:42,395 --> 01:30:44,397
at sa mga pamilyang tulad ng sa akin

1373
01:30:45,231 --> 01:30:46,816
at sa ibang biktima.

1374
01:30:47,650 --> 01:30:50,987
Patuloy kong gagamitin ang boses ko
para magpahayag,

1375
01:30:51,070 --> 01:30:54,615
at ipaglaban ang ibang pamilya
kung kinakailangan.

1376
01:30:57,577 --> 01:31:01,038
Nakalagay sa bawat headline
sa huling sampung taon ang,

1377
01:31:01,122 --> 01:31:03,082
"Anak ni BTK, anak ni BTK."

1378
01:31:03,166 --> 01:31:08,796
May isang tumama, "Kerri Rawson,
anak ni Dennis Rader, ang BTK killer."

1379
01:31:10,173 --> 01:31:15,052
Gusto kong makilala
bilang si Kerri Rawson.

1380
01:31:17,346 --> 01:31:22,768
Siguro nga bilang anak ni BTK ako nakilala
pero mas higit pa ako riyan.

1381
01:31:22,852 --> 01:31:24,854
Good girl. Good girl ka talaga.

1382
01:31:24,937 --> 01:31:28,900
Isa akong ina, kaya pinaglalaanan ko
ng oras ang mga anak ko,

1383
01:31:28,983 --> 01:31:32,236
Mahilig akong magbasa, manood ng TV
kagaya ng sinuman,

1384
01:31:32,320 --> 01:31:35,448
at nagre-relax ako,
kaya normal na tao lang ako.

1385
01:31:37,492 --> 01:31:41,078
Madalas, hindi ko na talaga naiisip
kung sino ang ama ko.

1386
01:31:41,162 --> 01:31:42,580
Hindi ko siya iniisip.

1387
01:31:43,164 --> 01:31:46,000
Tara, kumuha tayo ng maiinom. Good girl.

1388
01:31:48,169 --> 01:31:49,212
Ako ay ako.

1389
01:31:54,383 --> 01:31:57,970
Sa ngayon, walang karagdagang
kaso ng pagpatay

1390
01:31:58,054 --> 01:32:01,390
ang naisampa laban kay Dennis Rader.

1391
01:32:01,891 --> 01:32:05,686
Nakipag-ugnayan ang mga filmmaker
sa pamilya ng mga biktima ni Rader

1392
01:32:05,770 --> 01:32:07,605
at mga nakaligtas sa kanyang krimen.

1393
01:32:07,688 --> 01:32:10,441
Pinili nilang wag makibahagi
sa pelikulang ito.

1394
01:32:10,525 --> 01:32:14,320
Kung ikaw o isang taong kilala mo
ay biktima ng sexual abuse,

1395
01:32:14,403 --> 01:32:19,116
may mga impormasyon na makakatulong
sa www.wannatalkaboutit.com

1396
01:33:07,665 --> 01:33:10,585
Nagsalin ng Subtitle: Mildred Matematico



