1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:12,458 --> 00:00:14,333
Sige. Oo.

4
00:00:15,000 --> 00:00:17,208
Oo nga. Andito ako ngayon. Sorry.

5
00:00:18,666 --> 00:00:19,958
Di pa tayo on air, di ba?

6
00:00:20,458 --> 00:00:21,791
-Hindi pa.
-Kasi…

7
00:00:21,875 --> 00:00:23,833
Natatanggal kasi 'to, e.

8
00:00:27,750 --> 00:00:28,750
Okay.

9
00:00:31,791 --> 00:00:35,250
Malapit mo nang makamit 'yong isang bagay,
kasi nasa bingit ka ng pagbubukas

10
00:00:35,333 --> 00:00:38,625
ng bagong direksiyon
ng mundo ng musika sa America.

11
00:00:38,708 --> 00:00:40,541
-Hindi ba?
-Sana nga.

12
00:00:42,708 --> 00:00:44,333
Mukha ba 'kong kinakabahan?

13
00:00:44,416 --> 00:00:45,416
Di ako makapaniwala.

14
00:00:45,500 --> 00:00:49,166
Nabubulol ako sa mga salita.
Tapos tina-translate ko sila sa English…

15
00:00:49,250 --> 00:00:50,625
-Pa'no…
-Ayos ka lang.

16
00:00:50,708 --> 00:00:52,041
-Okay ba 'yon?
-Ayos naman.

17
00:00:52,125 --> 00:00:53,500
Okay.

18
00:00:55,500 --> 00:00:56,916
May inaayos pa ulit na isa.

19
00:00:57,916 --> 00:01:00,250
Nagsimula akong kumanta
no'ng six and a half ako.

20
00:01:00,333 --> 00:01:03,875
Kumakanta 'ko sa harap ng pamilya,
saka sa mga reunion namin.

21
00:01:03,958 --> 00:01:06,791
Naaalala ko no'n,
ipinipilit pa kami ng tatay ko

22
00:01:06,875 --> 00:01:09,250
na pakinggan kami ng mga kamag-anak namin.

23
00:01:10,375 --> 00:01:12,125
Pinagpaguran talaga namin.

24
00:01:12,208 --> 00:01:13,208
Nagpakahirap kami

25
00:01:13,291 --> 00:01:15,750
para makita 'yong liwanag
sa dulo ng dilim,

26
00:01:15,833 --> 00:01:18,708
'yong nangyayaring tagumpay,
sobrang nakaka-excite.

27
00:01:18,791 --> 00:01:23,458
Hindi ko mapigilang magulat
sa nangyayari ngayon sa buhay ko.

28
00:01:28,666 --> 00:01:31,791
Mahiyain ako no'ng bata pa 'ko.

29
00:01:31,875 --> 00:01:33,500
Naaalala ko na dumaan ako sa stage

30
00:01:33,583 --> 00:01:37,250
na gusto kong gawin, pero parang
"Ano'ng iisipin ng mga tao?"

31
00:01:38,416 --> 00:01:42,250
Marami kaming pinagdaanan
para makarating kung asan kami ngayon.

32
00:01:44,166 --> 00:01:46,458
Hindi ko inakalang aabot ako dito.

33
00:01:46,958 --> 00:01:49,833
Na mapapansin ng maraming tao
'yong music namin.

34
00:01:50,791 --> 00:01:53,291
Pero eto na kami,
pagkatapos ng 14 na taon.

35
00:01:59,416 --> 00:02:01,916
Sa kalakhan ng siglong ito,
madalas hindi pinapansin

36
00:02:02,000 --> 00:02:06,541
ang Hispanic community,
ngunit may mga palatandaan ng pagbabago.

37
00:02:20,833 --> 00:02:24,833
Si Selena Quintanilla
ang isa sa mga ipinagmamalaki

38
00:02:24,916 --> 00:02:27,291
at reyna ng musikang Tejano.

39
00:02:28,291 --> 00:02:33,333
Nagbigay siya ng pag-asa
at posibilidad sa isang henerasyon.

40
00:02:34,083 --> 00:02:36,916
Nilabanan niya lahat ng laban,
lahat ng harang.

41
00:02:37,000 --> 00:02:40,333
Ang diskriminasyon sa kasarian
at sa mga Mexican-American.

42
00:02:40,416 --> 00:02:42,583
Ang mga hadlang sa industriya.

43
00:02:42,666 --> 00:02:45,291
Kumusta kayo, Houston, Texas?

44
00:02:48,041 --> 00:02:49,458
Maraming salamat.

45
00:03:15,666 --> 00:03:19,291
Maraming Latin o Hispanic
ang mas naging proud sa kultura nila.

46
00:03:20,041 --> 00:03:21,708
Kaya mas dumarami sila.

47
00:03:21,791 --> 00:03:24,083
Pakiramdam ko,
tuloy-tuloy na lalago 'yong music.

48
00:03:26,833 --> 00:03:30,125
Ikaw 'yong nangunguna
at dahilan ng pag-unlad.

49
00:03:30,208 --> 00:03:34,500
Gusto kong angkinin 'yong credit,
pero kagagawan ng team 'to.

50
00:03:34,583 --> 00:03:36,708
Producer 'yong kuya ko.

51
00:03:36,791 --> 00:03:38,416
Manager 'yong papa ko.

52
00:03:38,500 --> 00:03:41,041
Tapos drummer ng banda 'yong ate ko.

53
00:03:41,125 --> 00:03:43,333
-Kasali ang buong pamilya dito.
-Oo.

54
00:03:52,166 --> 00:03:53,750
Maraming nagsasabi sa 'kin,

55
00:03:53,833 --> 00:03:56,791
pa'no mo nakakaya makatrabaho
at makasama 24 hours ang pamilya mo?

56
00:03:56,875 --> 00:04:00,250
May pagmamahal at respeto kami
sa isa't isa maliban sa music.

57
00:04:00,333 --> 00:04:02,875
Sa tingin ko,
'yon ang susi sa tagumpay namin.

58
00:04:02,958 --> 00:04:04,791
Hindi kami naghihiwalay.

59
00:04:04,875 --> 00:04:08,083
Maraming hindi makakagawa no'n
nang matagal na panahon.

60
00:04:23,000 --> 00:04:26,166
-Mahal na mahal mo 'yong buhay mo.
-Mahal ko na dati, lalo ngayon.

61
00:04:28,416 --> 00:04:31,833
Nagtatayo ng musical empire
ang Selena y Los Dinos.

62
00:04:31,916 --> 00:04:33,458
Matapos ang ilang taong…

63
00:04:37,666 --> 00:04:41,750
Ang pagsasanib ng dalawang kultura,
kulturang Latino at kulturang Amerikano.

64
00:04:41,833 --> 00:04:43,791
-Selena…
-Hinahangaan ng milyon-milyong fan.

65
00:04:43,875 --> 00:04:47,708
Si Selena ang unang star na talagang
kumatawan sa bicultural community.

66
00:04:47,791 --> 00:04:51,416
Nakahanda nang maging malaking pangalan
sa American entertainment si Selena.

67
00:04:51,500 --> 00:04:54,458
Kung ano siya, sino siya,
ano'ng halaga niya sa mga tao dito…

68
00:04:54,541 --> 00:04:56,916
Houston, Texas!

69
00:04:59,708 --> 00:05:02,291
At mga kapatid natin galing sa Mexico!

70
00:05:02,375 --> 00:05:03,750
'Yong nangyayaring tagumpay

71
00:05:03,833 --> 00:05:06,458
at lahat ng nangyayari sa paligid,
nakaka-excite 'yon.

72
00:05:07,208 --> 00:05:09,500
Pero gusto kong sumikat
sa ibang bansa 'yong grupo.

73
00:05:09,583 --> 00:05:11,375
Sumigaw naman tayo diyan!

74
00:05:11,458 --> 00:05:13,458
Makilala 'yong grupo sa buong mundo.

75
00:05:14,541 --> 00:05:16,125
Energy pa!

76
00:05:16,208 --> 00:05:18,708
Magiging matrabaho 'yon,
pero handa na 'ko.

77
00:05:18,791 --> 00:05:20,000
Handa na 'ko.

78
00:05:44,958 --> 00:05:48,875
Lagi kong sinasabi
na parang drug addiction ang music.

79
00:05:48,958 --> 00:05:50,458
Maaadik ka.

80
00:05:50,541 --> 00:05:52,916
Pag nakapasok na sa sistema mo,

81
00:05:54,083 --> 00:05:56,125
magiging gano'n na buong buhay mo.

82
00:05:59,291 --> 00:06:01,250
Ako si Abraham Quintanilla Jr.

83
00:06:01,875 --> 00:06:03,375
Eto 'yong pamilya ko.

84
00:06:04,416 --> 00:06:06,416
Ito 'yong maganda kong asawa.

85
00:06:08,708 --> 00:06:10,041
Si Marcella Quintanilla.

86
00:06:10,541 --> 00:06:12,250
Medyo nahihiya siya, pero…

87
00:06:14,125 --> 00:06:18,208
Ito si Selena Quintanilla, 'yong bunso.
Sobrang likot niya.

88
00:06:18,666 --> 00:06:20,416
Si Suzette Quintanilla,

89
00:06:20,500 --> 00:06:23,375
pati ang anak kong si A.B.,
si Abraham the third.

90
00:06:24,375 --> 00:06:26,125
No'ng una ko siyang nakilala,

91
00:06:27,000 --> 00:06:31,166
hindi ko alam na singer siya.

92
00:06:34,458 --> 00:06:37,250
Nalaman ko na lang no'ng kasal na kami.

93
00:06:38,541 --> 00:06:41,958
Fifteen years old 'ata ako no'n,

94
00:06:42,041 --> 00:06:45,375
sumali ako sa grupong
tinatawag na The Dinos.

95
00:06:45,458 --> 00:06:49,833
Lahat ng kanta,
ni-record namin sa English.

96
00:06:50,333 --> 00:06:52,958
Wala kaming alam na Spanish song.

97
00:06:53,041 --> 00:06:55,083
Kaya medyo nakakahiya.

98
00:06:55,166 --> 00:06:58,250
Kasi Spanish 'yong first language ko,

99
00:06:58,333 --> 00:06:59,791
kahit dito ako pinanganak.

100
00:07:01,041 --> 00:07:04,291
Lumaki ako sa lugar na nanghihiwalay.

101
00:07:04,375 --> 00:07:06,500
Kami 'yong grupo ng mga tao

102
00:07:06,583 --> 00:07:09,291
na tinatratong
parang mabababang mamamayan.

103
00:07:09,375 --> 00:07:10,625
Gusto naming maging…

104
00:07:10,708 --> 00:07:14,125
Naaalala ko, dapat tutugtog kami sa club.

105
00:07:14,208 --> 00:07:16,500
Anglo 'yong may-ari ng club,

106
00:07:16,583 --> 00:07:18,625
tapos may pumasok na mga Mexican.

107
00:07:18,708 --> 00:07:20,333
Nagulat siya, e.

108
00:07:20,416 --> 00:07:23,666
Sabi niya,
"Uy, ano'ng kailangan n'yo dito?"

109
00:07:23,750 --> 00:07:25,791
Kaya sabi namin, "Kami ang The Dinos."

110
00:07:26,750 --> 00:07:29,750
Akala niya, Italian group 'yong The Dinos.

111
00:07:30,250 --> 00:07:32,708
Sabi niya,
"Pwede ba kayong maghintay sa labas?"

112
00:07:32,791 --> 00:07:35,083
Tapos binigyan niya 'ko
ng five dollars na tseke.

113
00:07:35,750 --> 00:07:39,000
Ni-reject kami, kasi Mexican kami.

114
00:07:39,500 --> 00:07:42,583
Kaya naisip ko,
kung gusto naming magtagumpay,

115
00:07:43,083 --> 00:07:46,541
dapat tumugtog kami
para sa mga Mexican-American.

116
00:07:46,625 --> 00:07:49,708
Kaya Tejano music na
'yong tinutugtog namin.

117
00:07:57,041 --> 00:08:00,000
Habang sumisikat 'yong grupo,
kung saan-saan kami tumutugtog.

118
00:08:00,083 --> 00:08:01,750
Lahat sa United States.

119
00:08:03,000 --> 00:08:05,666
Nanganak ako kay A.B.
Nasa tour si Abraham.

120
00:08:05,750 --> 00:08:10,625
Nawawala siya nang isang linggo,
minsan dalawang linggo, minsan buwan.

121
00:08:11,125 --> 00:08:12,250
Sobrang hirap.

122
00:08:13,166 --> 00:08:14,583
No'ng pinanganak si Suzette,

123
00:08:14,666 --> 00:08:17,958
dinala niya 'ko sa ospital,
tapos nagpaalam na siya,

124
00:08:18,041 --> 00:08:21,125
kasi pupunta pa siya sa gig.

125
00:08:21,208 --> 00:08:25,458
Sa totoo lang, may mga pagkakataong
umuuwi ako na di ako kilala ni A.B.

126
00:08:25,958 --> 00:08:27,708
Takot siya sa 'kin.

127
00:08:27,791 --> 00:08:30,750
Doon ko naisip na…

128
00:08:31,583 --> 00:08:32,958
"Dapat tumigil na 'ko."

129
00:08:34,375 --> 00:08:38,833
Ethylene, power, lime kilns,
magnesium, bromine.

130
00:08:38,916 --> 00:08:42,583
Tumigil ako,
tapos lumipat sa Lake Jackson, Texas.

131
00:08:42,666 --> 00:08:44,833
Nagtrabaho ako sa Dow Chemical.

132
00:08:45,750 --> 00:08:50,000
Ang hirap kasi ayokong tanggapin

133
00:08:50,500 --> 00:08:52,625
na ito na 'yong buhay ko mula ngayon.

134
00:09:02,375 --> 00:09:08,625
Paglipas ng ilang taon, may naramdaman
si Marcella sa katawan niya.

135
00:09:08,708 --> 00:09:09,916
Alam ng babae 'yon.

136
00:09:10,000 --> 00:09:11,291
Buntis siya.

137
00:09:11,791 --> 00:09:14,958
Tapos batang babae 'yong lumabas,
pero wala kaming pangalan.

138
00:09:15,041 --> 00:09:18,416
May babae sa ospital
na nagsabi kay Marcella,

139
00:09:18,500 --> 00:09:22,625
"Kung magkakaanak ako ng babae,
pipiliin ko 'yong pangalang Selena."

140
00:09:23,125 --> 00:09:26,291
Sabi ko, "Gusto ko 'yon."
Hindi karaniwan sa mga Mexican 'yon.

141
00:09:26,875 --> 00:09:27,875
Tiningnan ko.

142
00:09:27,958 --> 00:09:32,041
Greek name 'yon.
Diyosa ng buwan ang ibig sabihin.

143
00:09:32,875 --> 00:09:36,291
Uuwi ako bago matapos magluto
ng hapunan si Marcella.

144
00:09:36,375 --> 00:09:39,500
Maggigitara ako.

145
00:09:39,583 --> 00:09:42,708
Isang araw, six years old no'n si Selena,

146
00:09:42,791 --> 00:09:45,166
tumabi siya sa 'kin, tapos kumanta siya.

147
00:09:45,250 --> 00:09:49,000
Saka ko nalaman,
"Iha, may talent ka sa pagkanta."

148
00:09:49,083 --> 00:09:49,958
Four.

149
00:10:04,375 --> 00:10:06,625
Nakakamangha

150
00:10:06,708 --> 00:10:09,000
kung ga'no siya kagaling.

151
00:10:09,500 --> 00:10:11,625
Kahit na no'ng bata pa siya.

152
00:10:19,250 --> 00:10:21,875
Bumili ako ng mga instrumento.

153
00:10:22,375 --> 00:10:24,666
Binilhan ko ng bass si A.B.

154
00:10:24,750 --> 00:10:26,625
Magbibihis ako, maglalagay ng tie,

155
00:10:26,708 --> 00:10:30,125
kukunin ko 'yong bass,
tapos titingin ako sa salamin.

156
00:10:30,208 --> 00:10:33,041
Sasabihin ko,
"Magiging rock star ka, pare."

157
00:10:33,125 --> 00:10:34,541
"Balang araw, rock star ka."

158
00:10:37,625 --> 00:10:41,625
Tapos nag-uusap sila,
"Sino'ng tutugtog ng drums?"

159
00:10:41,750 --> 00:10:46,041
Naalala ko 'yong sabi ng papa ko,
"May isa pa tayong anak!"

160
00:10:46,125 --> 00:10:48,916
Tapos tumingin siya sa 'kin,
"Si Suzette ang magda-drums."

161
00:10:49,000 --> 00:10:51,041
Sabi ko, "Ano 'ka mo?"

162
00:10:51,125 --> 00:10:54,166
"Hindi. Papa, ayoko."

163
00:10:54,250 --> 00:10:56,291
Tawagin mo 'yong drummer.
Papuntatahin dito.

164
00:10:56,375 --> 00:10:57,833
Dapat nakangiti 'yong drummer!

165
00:10:59,708 --> 00:11:00,708
Ayos.

166
00:11:00,791 --> 00:11:04,583
Meron na kaming gitarista,
drummer, tapos singer.

167
00:11:04,666 --> 00:11:05,791
Kompleto na 'yong grupo.

168
00:11:07,916 --> 00:11:10,750
Pag bata ka, gusto mong lumabas,
maglaro, sumama sa friends.

169
00:11:10,833 --> 00:11:15,750
Araw-araw, tatawagin kami ni Papa
para mag-practice nang 15 minutes.

170
00:11:15,833 --> 00:11:18,916
Tapos sisigaw at magwawala kami.
Iiyak kami.

171
00:11:27,500 --> 00:11:28,750
Hindi madali 'yon.

172
00:11:29,916 --> 00:11:30,875
Istrikto ako, e.

173
00:11:31,916 --> 00:11:33,083
Matututo kayo.

174
00:11:33,583 --> 00:11:36,375
Nakakita ako ng daan pabalik
sa mundo ng musika.

175
00:11:37,416 --> 00:11:40,083
Do'n nagsimulang gumulong ulit ang palad.

176
00:11:42,041 --> 00:11:44,916
Wala kaming experience
sa restaurant business.

177
00:11:45,416 --> 00:11:48,375
No'ng makuha namin 'yong lugar,
sobrang laki no'n.

178
00:11:49,291 --> 00:11:51,958
Excited ako no'ng binuksan namin
'yong restaurant.

179
00:11:52,625 --> 00:11:54,041
Kakaiba 'yon, e.

180
00:11:54,125 --> 00:11:58,208
Gumawa ako ng maliit na dance floor,
saka maliit na stage.

181
00:11:58,291 --> 00:12:00,333
Do'n nagsimulang tumugtog
'yong mga anak ko.

182
00:12:00,416 --> 00:12:03,791
Tumatayo 'yong mga tao,
tapos nagsasayaw sa dance floor.

183
00:12:04,500 --> 00:12:07,250
Nakita niya 'yong potential namin.

184
00:12:07,333 --> 00:12:11,166
Parang "Okay, andiyan ang Jacksons."

185
00:12:11,666 --> 00:12:13,375
Kaya kong gumawa ng Mexican Jacksons.

186
00:12:14,166 --> 00:12:16,083
Nasa middle school ako no'n.

187
00:12:16,166 --> 00:12:19,583
Sabi ni Papa, tutugtog kami nang weekend.
Nakakahiya talaga 'yon.

188
00:12:19,666 --> 00:12:22,541
Gustong-gusto ni Selena,
kasi binibigyan siya ng tip.

189
00:12:22,625 --> 00:12:25,500
Lagi niyang sinasabi, "Oh my gosh."

190
00:12:26,625 --> 00:12:28,416
Sobrang hirap no'n.

191
00:12:28,500 --> 00:12:31,291
Pero masaya.

192
00:12:32,291 --> 00:12:35,458
Masayang oras 'yon sa buhay namin.

193
00:12:36,166 --> 00:12:40,875
Sa kasamaang palad,
tumigil sa pagdi-drill para sa langis,

194
00:12:40,958 --> 00:12:43,000
kaya 'yong ekonomiya naging…

195
00:12:44,875 --> 00:12:45,875
Namatay lahat.

196
00:12:45,958 --> 00:12:48,916
Walang maibayad sa pagdi-drill
'yong mababang presyo ng langis.

197
00:12:49,000 --> 00:12:54,500
Ibig sabihin, naghihirap ang oil business,
at ang mga manggagawa nito.

198
00:12:54,583 --> 00:12:58,375
Kumapit kami, sinubukan naming
wag mawala 'yong restaurant.

199
00:12:58,458 --> 00:13:02,083
Kinailangan naming magsara.

200
00:13:02,875 --> 00:13:07,083
Siyempre, naapektuhan din
'yong bahay namin.

201
00:13:07,166 --> 00:13:09,250
Nawala din 'yong bahay namin.

202
00:13:09,875 --> 00:13:13,750
Kinailangan naming lumipat.

203
00:13:14,500 --> 00:13:18,833
Lahat ng pera ko, pinuhunan sa restaurant.
Wala na akong pera.

204
00:13:20,791 --> 00:13:25,625
Kaya sabi ni Marcella,
"Kailangan nating kumuha ng food stamp."

205
00:13:26,458 --> 00:13:29,833
Pumunta kami do'n,
tapos punong-puno ng tao.

206
00:13:30,333 --> 00:13:34,625
Tapos may malaki at matandang babae
na nakita si Selena pagpasok namin.

207
00:13:34,708 --> 00:13:38,208
Sabi niya, "Uy, siya 'yong batang
kumakanta sa restaurant."

208
00:13:38,291 --> 00:13:40,666
Napatigil ako no'ng sinabi niya 'yon.

209
00:13:40,750 --> 00:13:42,583
Sabi ko, "Maling lugar yata 'to."

210
00:13:42,666 --> 00:13:44,583
Umikot ako at lumabas.

211
00:13:44,666 --> 00:13:46,958
Sabi ko, "Hindi na ako babalik do'n."

212
00:13:47,041 --> 00:13:49,041
MAG-REPORT DITO
NAGHAHANAP NG TRABAHO

213
00:13:49,125 --> 00:13:53,166
Susunod na pasabog ni Abraham
'yong lumipat sa Corpus,

214
00:13:53,750 --> 00:13:56,875
tapos makitira sa Tito Hector ko.

215
00:13:59,208 --> 00:14:04,500
Thirteen kaming nakatira sa iisang bahay.

216
00:14:04,583 --> 00:14:06,250
Nakakabaliw isipin 'yon.

217
00:14:06,333 --> 00:14:09,041
Mahirap talaga 'yong panahong 'yon.
Naaalala ko 'yon.

218
00:14:09,125 --> 00:14:12,208
Maririnig mong nag-uusap sina Mama
at Papa sa kabilang kuwarto.

219
00:14:12,291 --> 00:14:15,833
Malalaman mo kung kailan stressed
'yong mga magulang mo.

220
00:14:16,958 --> 00:14:18,875
Nawala sa 'min ang lahat.

221
00:14:18,958 --> 00:14:23,291
Matagal kaming nahirapan na magkaro'n
ng makakain sa mesa.

222
00:14:24,250 --> 00:14:26,125
Sobrang hirap ng panahong 'yon.

223
00:14:26,208 --> 00:14:28,666
Hindi ko itatanggi 'yon.

224
00:14:28,750 --> 00:14:30,583
Hindi ako makahanap ng trabaho.

225
00:14:31,166 --> 00:14:32,583
Sabi ko sa asawa ko,

226
00:14:32,666 --> 00:14:35,250
"Music na lang 'yong natitirang alam ko."

227
00:14:35,333 --> 00:14:36,666
"Magbo-book na 'ko."

228
00:14:44,583 --> 00:14:48,500
Ang alam ko,
palaboy si Papa no'ng bata pa siya.

229
00:14:49,208 --> 00:14:51,208
Ayaw niyang mangyari sa 'min 'yon.

230
00:14:56,541 --> 00:14:59,416
Gumagaling na sila sa ginagawa nila.

231
00:15:00,458 --> 00:15:02,458
Natutuwa 'yong mga tao do'n.

232
00:15:03,500 --> 00:15:05,958
Kaya alam kong meron silang

233
00:15:06,041 --> 00:15:07,916
kayang ibuga.

234
00:15:09,041 --> 00:15:13,500
Dagdag atraksiyon pa si Selena.

235
00:15:13,583 --> 00:15:14,791
Siya 'yong star.

236
00:15:23,083 --> 00:15:24,500
Salamat po.

237
00:15:24,583 --> 00:15:27,458
Hello, Abraham the Third.

238
00:15:27,541 --> 00:15:28,791
Kumusta ka, anak?

239
00:15:30,250 --> 00:15:32,166
Ano'ng masasabi mo sa reunion?

240
00:15:32,666 --> 00:15:34,000
Ayos naman.

241
00:15:34,625 --> 00:15:38,208
Plano n'yo bang tumugtog para sa 'min?

242
00:15:38,291 --> 00:15:40,208
Susubukan namin.

243
00:15:40,291 --> 00:15:43,125
-Nag-e-enjoy ka bang gawin 'to?
-Oo naman.

244
00:15:44,791 --> 00:15:47,083
Nakakatuwang libangan 'to.

245
00:15:47,166 --> 00:15:48,750
Okay, maraming salamat.

246
00:15:48,833 --> 00:15:53,166
Kasama din natin si Suzette Quintanilla.

247
00:15:53,250 --> 00:15:55,375
May gusto ka bang sabihin, Suzette?

248
00:15:57,000 --> 00:15:59,708
-Wala po.
-Wala kang sinabi, Suzette.

249
00:15:59,791 --> 00:16:01,583
Tumawa ka lang.

250
00:16:03,458 --> 00:16:05,416
Kakausapin na natin si Selena.

251
00:16:05,500 --> 00:16:07,333
Anong grade ka na, Selena?

252
00:16:07,416 --> 00:16:08,291
Five po.

253
00:16:10,166 --> 00:16:11,166
Okay.

254
00:16:11,250 --> 00:16:16,083
Sabihin mo din kung ilang taon ka na,
saka ba't gusto mong tumugtog sa banda.

255
00:16:17,666 --> 00:16:22,541
Ten na po ako. Kaya po gusto kong
tumugtog sa banda, kasi maganda ang kita.

256
00:16:23,250 --> 00:16:24,541
Talaga ba?

257
00:16:25,041 --> 00:16:26,500
Malaki ang kinikita mo?

258
00:16:26,583 --> 00:16:27,583
Opo.

259
00:16:28,083 --> 00:16:29,208
Mabuti.

260
00:16:30,458 --> 00:16:33,208
Kakantahan mo ba kami mamaya?

261
00:16:33,708 --> 00:16:34,708
Opo.

262
00:16:47,041 --> 00:16:50,916
Pinaaral sa 'min ni Papa
'yong lahat ng traditional na Mexican song

263
00:16:51,000 --> 00:16:54,916
at Spanish song, puro mababagal na kanta.

264
00:16:55,666 --> 00:16:59,916
Hindi ko maintindihan 'yon dati.

265
00:17:00,416 --> 00:17:05,291
Wala akong connection sa lahing Latino ko.

266
00:17:06,833 --> 00:17:08,250
No'ng maliliit pa sila,

267
00:17:08,333 --> 00:17:11,333
English lang ang itinurong salita
sa kanila.

268
00:17:11,416 --> 00:17:14,375
Hindi kami nag-uusap…
Hindi kami nagsasalita ng Spanish.

269
00:17:15,291 --> 00:17:17,458
Paglaki namin sa Lake Jackson,

270
00:17:17,541 --> 00:17:21,083
walang malaking
Mexican-American community.

271
00:17:21,708 --> 00:17:25,958
Ibang-iba 'yong Corpus,
kasi lahat nagsasalita ng Spanish.

272
00:17:26,041 --> 00:17:28,458
Di ko naiintindihan 'yong sinasabi nila.

273
00:17:28,541 --> 00:17:31,916
Hindi kami nakikinig sa Spanish bago no'n.

274
00:17:32,000 --> 00:17:36,166
Puro mga English na grupo lang,
gaya ng Taste of Honey, The Eagles,

275
00:17:36,250 --> 00:17:37,541
Men at Work, Duran Duran.

276
00:17:37,625 --> 00:17:40,208
Van Halen 'yong pinakasikat na banda.

277
00:17:45,375 --> 00:17:48,500
Gusto kong tugtugin
'yong mga cool music na 'yon.

278
00:17:49,875 --> 00:17:52,208
Pero sabi ng papa ko, mas makakabuti

279
00:17:52,291 --> 00:17:56,458
kung puro Spanish music ang tugtugin,
'yong Tejano.

280
00:17:56,541 --> 00:17:58,875
Tejano 'yong music
sa parteng 'to ng bansa,

281
00:17:58,958 --> 00:18:00,750
ang American Southwest.

282
00:18:00,833 --> 00:18:03,750
Pinaghalong Mexican cumbias, saka polkas,

283
00:18:03,833 --> 00:18:07,458
mga gano'ng song form na hahaluan
ng mga elemento ng American rock,

284
00:18:07,541 --> 00:18:08,500
pop, saka country.

285
00:18:08,583 --> 00:18:11,333
'Yon ang bumubuo sa Tejano
na alam natin ngayon.

286
00:18:17,791 --> 00:18:20,833
Hindi mo matatakasan
'yong katotohanang Mexicans kami.

287
00:18:21,916 --> 00:18:24,458
Sa bahaging 'to kami pinanganak,
pero Mexican kami.

288
00:18:25,291 --> 00:18:29,916
Pinapalibutan kami ng gano'ng uri ng music
kahit sa'n kami magpunta dito sa Texas.

289
00:18:30,000 --> 00:18:33,125
Kung kikita ka ng pera do'n,
nagiging negosyo na 'yon.

290
00:18:46,208 --> 00:18:49,208
Wala talaga 'kong desisyon
no'ng nagsisimula ako.

291
00:18:49,750 --> 00:18:52,291
Lahat ng kanta
kailangang dumaan sa papa ko.

292
00:18:52,375 --> 00:18:54,708
Nagdesisyon siyang tutugtog kami
ng Tejano music.

293
00:19:02,041 --> 00:19:05,583
Naaalala kong inisip ko,
"Ba't tayo napunta sa Tejano music?"

294
00:19:05,666 --> 00:19:09,791
Sa madaling salita, sinabi ni Papa,

295
00:19:09,875 --> 00:19:12,458
"Kasi mas kumikita tayo
pag ginagawa natin 'to.

296
00:19:12,541 --> 00:19:15,541
Mas makakapag-perform tayo
at makakatugtog tayo nang madami."

297
00:19:16,791 --> 00:19:18,875
Ayun 'yong plano.

298
00:19:18,958 --> 00:19:23,000
Susubukan naming gawin 'yong puro Tejano.

299
00:19:23,083 --> 00:19:25,083
Sinimulan lang namin 'yong pagdiskarte,

300
00:19:25,166 --> 00:19:28,958
naghanap kami ng mga musikero
para mabuo ulit 'yong Los Dinos.

301
00:19:30,333 --> 00:19:33,708
Hindi ko sila kilala
no'ng lumapit sila no'ng '83.

302
00:19:36,458 --> 00:19:41,000
Hindi malaki 'yong bayad no'ng umpisa,
pero 21 lang naman ako no'n.

303
00:19:41,083 --> 00:19:42,208
Nakatira pa 'ko sa 'min.

304
00:19:46,208 --> 00:19:49,458
Si Selena no'ng panahong 'yon,
baka 12 years old lang siya.

305
00:19:50,000 --> 00:19:51,958
Tapos si Suzette, 16 yata.

306
00:19:52,666 --> 00:19:54,125
Mga bata lang sila.

307
00:20:05,041 --> 00:20:08,375
Naaalala ko
no'ng una naming makilala si Ricky,

308
00:20:08,458 --> 00:20:11,750
hindi masyadong maganda
'yong tingin niya sa banda at sa 'min.

309
00:20:11,833 --> 00:20:16,583
Dumating kami sa rehearsals,
tapos nagkukulitan sina Suzette at Selena.

310
00:20:16,666 --> 00:20:19,458
Naaalala ko,
nasa Boys & Girls Club kami no'n,

311
00:20:19,541 --> 00:20:23,458
tapos naghahabulan kami ni Selena,
naglalarong parang tanga.

312
00:20:24,458 --> 00:20:25,833
Ang bata pa namin no'n.

313
00:20:26,416 --> 00:20:29,500
Sumisigaw 'yong papa ko,
tapos nag-aaway na kami.

314
00:20:30,083 --> 00:20:31,708
-Ta-da!
-Ang titigas ng ulo namin.

315
00:20:31,791 --> 00:20:33,416
Kaya mo ba 'to?

316
00:20:33,500 --> 00:20:36,333
Kahapon mo pa suot
'yang t-shirt na 'yan, di ba?

317
00:20:36,416 --> 00:20:37,416
Ano naman?

318
00:20:37,500 --> 00:20:38,916
Kadiri. Nakakadiri ka.

319
00:20:39,000 --> 00:20:41,083
Sinuot mo nga 'yan last week,
di mo nilabhan.

320
00:20:41,166 --> 00:20:42,625
Nilabhan ko!

321
00:20:42,708 --> 00:20:45,041
Naglalaba ka ba ng underwear araw-araw?

322
00:20:45,125 --> 00:20:46,166
Hindi…

323
00:20:47,583 --> 00:20:49,125
Iba-iba 'yong suot ko araw-araw.

324
00:20:49,208 --> 00:20:51,750
Brown 'yong suot niya
para di niya kailangang palitan.

325
00:20:51,833 --> 00:20:52,916
Tama na.

326
00:20:55,083 --> 00:20:58,166
-Pagod na 'ko.
-Halika dito, baby!

327
00:21:12,375 --> 00:21:14,291
Nagsimula kaming magbiyahe nang madalas.

328
00:21:14,958 --> 00:21:18,458
Nagpe-perform kami tuwing Friday,
Saturday, saka Sunday.

329
00:21:18,541 --> 00:21:24,625
Laging nag-a-absent si Selena sa school,
kasi pagod siya.

330
00:21:24,708 --> 00:21:27,083
Pa'no kayo humahabol sa school?

331
00:21:28,083 --> 00:21:30,250
Hindi naman sa hindi ako nag-aaral.

332
00:21:30,333 --> 00:21:33,000
Nag-aaral pa din ako,
pero hindi sa public school.

333
00:21:33,083 --> 00:21:35,875
Galing sa Chicago
'yong inaaral ko sa bahay.

334
00:21:35,958 --> 00:21:38,208
Nasa American school ako.
Gano'n ako ga-graduate.

335
00:21:38,291 --> 00:21:39,416
Wala akong teacher.

336
00:21:39,500 --> 00:21:43,041
Ginagawa ko lahat nang mag-isa.
Pinapadala ko sa mail.

337
00:21:43,125 --> 00:21:45,083
Ano'ng tingin mo do'n? Mas ayos ba 'yon?

338
00:21:45,166 --> 00:21:48,375
Gusto mo ba 'yong gano'n
o mas gusto mong bumalik sa school?

339
00:21:48,458 --> 00:21:51,708
Nami-miss kong pumasok sa school,
kasi di ko na nakikita ang friends ko.

340
00:21:51,791 --> 00:21:55,000
Pero mas maganda na 'yong ganito,
kasi walang abala

341
00:21:55,083 --> 00:21:56,583
hindi tulad sa school.

342
00:21:56,666 --> 00:21:59,125
Alam mo na. Alam n'yo naman 'yon.

343
00:22:00,750 --> 00:22:04,166
Pa'no ang trato sa 'yo ng mga kaibigan mo?

344
00:22:05,166 --> 00:22:07,875
Aaminin ko.
Wala akong masyadong kaibigan na…

345
00:22:07,958 --> 00:22:10,833
Hindi talaga ako lumalabas
para manood ng movies, gano'n.

346
00:22:10,916 --> 00:22:14,208
Madalas family 'yong kasama ko
sa mga ginagawa ko, saka…

347
00:22:15,375 --> 00:22:17,958
Marami akong kaibigan,
pero nasa school sila.

348
00:22:18,041 --> 00:22:20,458
Di ako pumapasok sa school
kaya di ko sila nakikita.

349
00:22:20,541 --> 00:22:23,125
Nawalan na din ako ng contact sa kanila…

350
00:22:23,625 --> 00:22:26,416
Mababait sila sa 'kin
no'ng nasa school pa 'ko.

351
00:22:27,000 --> 00:22:28,958
Negosyo 'yong musika, di ba?

352
00:22:29,041 --> 00:22:30,291
Oo naman.

353
00:22:30,375 --> 00:22:32,250
Nakikita ko 'yon bilang negosyo.

354
00:22:32,333 --> 00:22:33,458
Binabayaran ako do'n, e.

355
00:22:33,541 --> 00:22:36,333
Wala sa pamilya namin 'yong may trabaho.

356
00:22:36,416 --> 00:22:38,208
Nabubuhay kami do'n.

357
00:22:38,291 --> 00:22:41,041
Kaya mahalaga 'yon sa 'min
dahil sa dahilang 'yon.

358
00:22:41,125 --> 00:22:44,333
Ang pangunahing dahilan,
'yong number one kaya kami andito,

359
00:22:44,416 --> 00:22:45,791
kasi nag-e-enjoy kami.

360
00:22:45,875 --> 00:22:48,041
Number two, kinabubuhay namin 'to.

361
00:23:05,291 --> 00:23:08,083
May kailangan kang isakripisyo sa buhay
para umasenso ka.

362
00:23:09,708 --> 00:23:14,291
Malaki sa kabataan ko ang nawala
sa pagbibiyahe kasama ng pamilya ko.

363
00:23:15,458 --> 00:23:17,083
Hindi ka makapaglaro.

364
00:23:17,166 --> 00:23:19,041
Lagi kang nagtatrabaho.

365
00:23:19,125 --> 00:23:22,041
Kasabay no'n,
hindi mo alam 'yong ginagawa mo.

366
00:23:22,125 --> 00:23:23,375
Pero pag iniisip ko ngayon,

367
00:23:23,458 --> 00:23:26,583
nagpapasalamat ako
na sinimulan kami ng papa ko nang maaga.

368
00:23:33,125 --> 00:23:36,458
Kailangan ng taong may alam sa negosyo.

369
00:23:37,125 --> 00:23:39,208
May experience na siya, e.

370
00:23:39,291 --> 00:23:43,708
Alam niya na 'yong gagawin sa talent nila.

371
00:23:44,875 --> 00:23:50,166
Sinama ko si Selena sa San Antonio,
sa Cara Records.

372
00:23:50,666 --> 00:23:52,500
Mukha 'yong ibig sabihin ng "cara".

373
00:23:53,541 --> 00:23:57,458
No'ng una, nag-aalangan pa sila,
kasi babae siya.

374
00:23:57,541 --> 00:23:59,041
Tapos batang babae pa.

375
00:24:00,083 --> 00:24:03,291
Sabi ko, "Subukan lang natin."

376
00:24:04,000 --> 00:24:05,625
Nag-record kami ng kanta.

377
00:24:09,541 --> 00:24:12,875
No'ng narinig niya 'yong kanta,
sabi niya, "Oy!"

378
00:24:14,125 --> 00:24:15,583
"Dalhan mo 'ko ng kontrata."

379
00:24:16,458 --> 00:24:18,541
Pinapirma niya si Selena agad no'n.

380
00:24:24,416 --> 00:24:27,791
Nagtatrabaho ako para sa studio owner,
si Manny Guerra.

381
00:24:28,291 --> 00:24:32,583
Isa sa mga unang artist
na pumirma sa 'min si Selena.

382
00:24:34,708 --> 00:24:41,125
'Yon ang simula ng mahabang paglalakbay.

383
00:24:45,125 --> 00:24:49,666
Sa tingin ko ang nagpapaiba sa kanila
ay 'yong kabataan nila.

384
00:24:49,750 --> 00:24:51,291
Bata lang sila, e.

385
00:24:51,916 --> 00:24:54,708
Pero 'yong matatandang musikero
na matagal nang ginagawa 'yon,

386
00:24:54,791 --> 00:24:58,166
hindi pa naaabot
'yong narating ni Selena at ng banda niya.

387
00:24:58,250 --> 00:25:00,666
Naisip ko,
"Wow, nakakatugtog ang mga batang 'to."

388
00:25:00,750 --> 00:25:02,000
"Magagaling sila."

389
00:25:02,083 --> 00:25:03,916
Maganda 'yong Selena and the Dinos.

390
00:25:04,000 --> 00:25:06,541
Sa'n n'yo nakuha 'yong pangalan n'yo,
Selena y Los Dinos?

391
00:25:06,625 --> 00:25:07,875
Selena y Los Dinos?

392
00:25:07,958 --> 00:25:09,916
Una sa lahat, galing sa 'kin 'yong Selena.

393
00:25:10,000 --> 00:25:12,541
-Pangalan mo talaga 'yon?
-Opo. Hindi.

394
00:25:12,625 --> 00:25:14,458
-Totoong pangalan mo 'yon?
-Opo.

395
00:25:14,541 --> 00:25:15,708
Ano talaga, Sefaina?

396
00:25:15,791 --> 00:25:18,083
-Pinalitan mo lang ng Selena?
-Selena talaga.

397
00:25:18,166 --> 00:25:21,458
Nakuha namin 'yong Los Dinos
sa original Dinos, 'yong papa ko.

398
00:25:21,541 --> 00:25:23,125
Siya 'yong original singer.

399
00:25:23,208 --> 00:25:26,041
Alam kong busy kayo.
Lumilibot sa madaming city?

400
00:25:26,125 --> 00:25:30,125
Ginawa namin 'yong unang album namin,
'yong Alpha kay Manny sa GP Productions.

401
00:25:30,208 --> 00:25:32,166
Gumaganda 'yong takbo ng lahat
para sa 'min.

402
00:25:33,000 --> 00:25:37,958
Paglabas ng album,
sumisikat 'yong pangalan ni Selena.

403
00:25:38,041 --> 00:25:41,583
Gumagawa siya ng buzz sa music business.

404
00:25:42,458 --> 00:25:48,208
Nakita ko silang lumaki sa studio
sakay ng lumang asul na Ford van

405
00:25:48,291 --> 00:25:50,208
na may homemade trailer,

406
00:25:50,875 --> 00:25:54,791
tapos lahat ng mukha nila nakadikit
sa bintana dahil sa init.

407
00:25:54,875 --> 00:25:58,791
Tapos dadating sila
at hihiga sa sahig ng studio,

408
00:25:58,875 --> 00:26:00,916
kasi may aircon.

409
00:26:01,000 --> 00:26:02,083
'Yon ang simula.

410
00:26:02,166 --> 00:26:03,458
Cute na ba 'to?

411
00:26:04,666 --> 00:26:05,833
Hindi.

412
00:26:05,916 --> 00:26:08,375
Andiyan ba 'yong shoebox
na may sapatos ko?

413
00:26:08,458 --> 00:26:10,375
Hindi ko alam. Sana wala.

414
00:26:10,458 --> 00:26:14,416
-'Yong may silver boots ko, saka…
-Suzy, nilagay mo ba 'yong sapatos niya?

415
00:26:14,500 --> 00:26:16,916
Ano'ng pinakamahirap para sa 'yo

416
00:26:17,000 --> 00:26:21,291
sa nakalipas nadalawa o tatlong taon
na may ganitong klaseng atensiyon?

417
00:26:22,250 --> 00:26:26,250
Tingin ko, na-enjoy ko nang sobra
kaya nakalimutan ko 'yong hirap.

418
00:26:26,333 --> 00:26:29,125
Hindi ko iniisip…
Lahat ng banda, dumadaan sa hirap,

419
00:26:29,208 --> 00:26:31,541
pero sobrang nag-enjoy lang kami.

420
00:26:31,625 --> 00:26:33,375
Masaya kami sa ginagawa namin.

421
00:26:33,458 --> 00:26:36,875
Hindi na yata namin maaalala
'yong malulungkot na panahon.

422
00:26:36,958 --> 00:26:39,291
Ano'ng pinakalayunin n'yo?

423
00:26:39,375 --> 00:26:42,500
-May final goal ba kayo?
-Mercedes-Benz.

424
00:26:47,875 --> 00:26:50,916
'Yon ang goal ko.
Pag tinatanong ako, Mercedes-Benz.

425
00:26:51,000 --> 00:26:53,416
Wala akong pakialam
kahit do'n pa 'ko tumira.

426
00:26:59,083 --> 00:27:01,333
Sobrang saya ng time 'yon.

427
00:27:01,416 --> 00:27:03,083
Ang galing ng banda namin.

428
00:27:03,166 --> 00:27:05,000
Para ko na silang pamilya.

429
00:27:05,583 --> 00:27:07,875
Ang cool nilang lahat.

430
00:27:08,416 --> 00:27:11,583
Chill lang lahat.
Alam ng lahat 'yong papel nila.

431
00:27:14,250 --> 00:27:16,666
'Yong asawa't mga anak ko,

432
00:27:17,333 --> 00:27:19,875
sila 'yong mukha ng banda.

433
00:27:20,833 --> 00:27:23,500
Ako naman, laging nasa likod lang.

434
00:27:24,083 --> 00:27:27,250
Kung may nanay ka, ito 'yong papel nila.

435
00:27:27,333 --> 00:27:29,041
Tinatahi niya 'yong pantalon ko.

436
00:27:29,125 --> 00:27:32,000
Andun lang ako para suportahan
'yong pamilya ko.

437
00:27:32,083 --> 00:27:34,125
-Ma.
-Mama.

438
00:27:34,208 --> 00:27:36,291
Lalo na kung babayaran ka nila
nang 20 dollars.

439
00:27:36,375 --> 00:27:38,125
Biro lang 'yon.

440
00:27:38,208 --> 00:27:40,333
Naaalala ko, may concert sa labas,

441
00:27:40,416 --> 00:27:43,791
tapos nasira 'yong zipper
sa pantalon ni Selena.

442
00:27:44,333 --> 00:27:46,500
Kinailangan kong tahiin 'yong zipper.

443
00:27:47,083 --> 00:27:48,375
Tapos sabi ko,

444
00:27:48,458 --> 00:27:52,541
"Matagal kang hindi makakapagbanyo."

445
00:27:52,625 --> 00:27:54,625
Kasi kailangan niyang mag-perform.

446
00:27:54,708 --> 00:27:57,416
Pinagtatawanan naming lahat 'yon.

447
00:28:00,416 --> 00:28:01,875
Ang saya no'n.

448
00:28:02,708 --> 00:28:04,791
Nagta-travel 'yong buong pamilya.

449
00:28:06,166 --> 00:28:09,333
Hindi na lang ako
at kung sino-sinong musikero.

450
00:28:10,291 --> 00:28:11,833
Ako na at ang pamilya ko.

451
00:28:13,333 --> 00:28:16,041
Bumili ako ng lumang bus.

452
00:28:17,250 --> 00:28:21,208
Pero halos maubos ang oras ko
sa kakaayos no'n, puno ng grasa.

453
00:28:21,291 --> 00:28:22,875
Kasi laging nasisira.

454
00:28:27,583 --> 00:28:30,875
Walang aircon si Bertha.

455
00:28:30,958 --> 00:28:32,833
Taas na bintana lang ang nagbubukas.

456
00:28:32,916 --> 00:28:35,625
Kaya hindi pumapasok ang hangin.

457
00:28:36,500 --> 00:28:41,541
Pero pag may bus ka no'ng araw,
may kinatatayuan ka na.

458
00:28:41,625 --> 00:28:44,625
Pag may bus ka, may mararating ka.

459
00:28:44,708 --> 00:28:46,958
May bus kami. May mararating kami.

460
00:28:47,041 --> 00:28:48,458
'Yon 'yong akala namin.

461
00:28:52,250 --> 00:28:53,458
Kumusta?

462
00:28:57,583 --> 00:28:59,416
Natutulog ako pag nasa biyahe.

463
00:28:59,500 --> 00:29:01,250
Pagkatapos ng sayaw, hyper ako.

464
00:29:01,333 --> 00:29:05,583
Naha-hyper ako sa candies,
saka sa Coca-Cola, sa lahat.

465
00:29:05,666 --> 00:29:08,375
'Yong ibang grupo,
maglalaro pa ng baraha pagkatapos.

466
00:29:08,458 --> 00:29:11,708
Pero sa biyahe sa araw,
lahat kami pagsakay pa lang sa bus,

467
00:29:11,791 --> 00:29:13,041
natutulog na agad.

468
00:29:14,250 --> 00:29:17,416
Nasa likod 'yong mama ko,
tapos mag-uusap lang kami

469
00:29:17,500 --> 00:29:22,625
tungkol sa kahit ano, sa lahat,
kung ano'ng pinag-uusapan ng mag-iina.

470
00:29:22,708 --> 00:29:23,958
Tungkol sa pagkain.

471
00:29:24,041 --> 00:29:26,791
Tungkol sa mga damit.

472
00:29:26,875 --> 00:29:29,916
O kaya pinag-uusapan namin
pag may pupuntahang show si Selena,

473
00:29:30,000 --> 00:29:31,583
ano'ng isusuot niya?

474
00:29:38,500 --> 00:29:40,875
Ang dami niyang pangarap.

475
00:29:40,958 --> 00:29:42,583
Hindi lang sa boses ni Selena.

476
00:29:42,666 --> 00:29:47,333
Pati na din 'yong presence niya,
saka pa'no ipakikilala 'yong sarili.

477
00:29:47,416 --> 00:29:50,833
Main focus para sa kanya 'yong outfit.

478
00:29:58,708 --> 00:30:02,708
Ang kaso, pag ininterview kita mamaya…

479
00:30:02,791 --> 00:30:04,833
Magpapalit ka na ng damit ngayon.

480
00:30:04,916 --> 00:30:07,625
Magbibihis ka ng mas…

481
00:30:07,708 --> 00:30:09,333
-Kikay.
-Mas "kikay," 'no?

482
00:30:09,416 --> 00:30:11,958
Gawa mo 'tong mga suit n'yo, 'no?

483
00:30:12,041 --> 00:30:13,875
All white sila dati, tama?

484
00:30:13,958 --> 00:30:17,041
Tapos mula do'n, ano'ng ginawa mo?
Pa'no mo pinintahan?

485
00:30:17,125 --> 00:30:18,083
Gamit ang pintura.

486
00:30:18,166 --> 00:30:19,000
Oo, pero…

487
00:30:19,083 --> 00:30:21,541
Sinabuyan ko ng permanent
na fluorescent paint.

488
00:30:22,125 --> 00:30:25,333
'Yong mga taong nakikinig sa 'tin
na nasa Mexico,

489
00:30:25,416 --> 00:30:27,666
pa'no nila malalaman
kung pa'no mo ginawa 'to?

490
00:30:27,750 --> 00:30:29,375
Pinintahan nila.

491
00:30:31,083 --> 00:30:34,250
Tingnan n'yo, o.

492
00:30:34,833 --> 00:30:38,291
"Pinintahan nila." Pinintahan namin.

493
00:30:38,375 --> 00:30:39,291
Pinintahan namin.

494
00:30:39,375 --> 00:30:42,666
Pag nagsalita ka nang ganyan sa English…

495
00:30:42,750 --> 00:30:43,583
Hindi.

496
00:30:43,666 --> 00:30:45,625
Alam kong magkakaproblema ka.

497
00:30:45,708 --> 00:30:51,125
Sinabi ko kay Mr. Rayas na may mga batang
dumadating dito na di marunong ng Spanish,

498
00:30:51,208 --> 00:30:53,125
kaya kailangan kong kausapin nang English.

499
00:30:53,208 --> 00:30:54,916
Pero ita-translate ko, ha?

500
00:30:55,000 --> 00:30:55,833
Okay.

501
00:30:56,500 --> 00:30:57,500
Pa'no nila pininta?

502
00:30:58,125 --> 00:30:59,375
Mas ayos na ba 'to?

503
00:30:59,458 --> 00:31:00,541
Oo, sobra.

504
00:31:00,625 --> 00:31:01,875
Wala kang sinabi.

505
00:31:01,958 --> 00:31:04,083
Kasi ang dami mong sinasabi, e.

506
00:31:04,166 --> 00:31:07,958
Pag iniisip ko, alam ko
na dahil siya 'yong mukha ng banda,

507
00:31:08,041 --> 00:31:10,166
may matinding pressure

508
00:31:10,250 --> 00:31:12,541
pag oras na ng mga interview,

509
00:31:12,625 --> 00:31:14,375
lalo na pag Spanish.

510
00:31:14,875 --> 00:31:16,833
Mabigat para sa press na makalimutan

511
00:31:16,916 --> 00:31:19,583
na hindi kami matatas sa Spanish.

512
00:31:19,666 --> 00:31:22,833
Mapapatanong ka, tatanggapin ba nila kayo?

513
00:31:27,125 --> 00:31:32,583
Alam kaagad ni Selena,
"Kailangan kong magsalita ng Spanish."

514
00:31:32,666 --> 00:31:36,916
"Kailangan ko talagang matutunan 'to
para makatawid kami."

515
00:31:37,625 --> 00:31:40,666
Kaya gusto niyang maging handa
pag nagpapa-interview siya.

516
00:31:41,541 --> 00:31:43,166
Sobrang nagsikap siya.

517
00:31:43,708 --> 00:31:48,000
Tinuruan kami ng papa ko ng Spanish music
at kung ano'ng ibig sabihin ng mga salita.

518
00:31:48,083 --> 00:31:50,583
Hihilingin mong sana lumaki kang
nagsasalita ng Spanish.

519
00:31:50,666 --> 00:31:52,958
Sana naging malapit ka sa kultura mo.

520
00:31:53,041 --> 00:31:54,916
Gumaganda ang show pag nagpe-perform ka.

521
00:31:55,000 --> 00:31:57,458
No'ng huli kitang napanood,
todo-bigay ka sa show.

522
00:31:57,541 --> 00:31:58,458
Binabati ka namin.

523
00:31:59,041 --> 00:32:02,125
'Yong album ba na nilabas n'yo,
ga'no katagal na nilabas 'yon?

524
00:32:02,208 --> 00:32:03,916
-Three weeks?
-Mga three weeks.

525
00:32:04,000 --> 00:32:06,125
'Yon pa din ang nararamdaman ko.
Dati, laging…

526
00:32:06,208 --> 00:32:08,625
Hindi nila 'ko tinatanong,
kasi wala akong alam.

527
00:32:08,708 --> 00:32:11,875
Nag-iimpake lang ako at kumakanta.

528
00:32:11,958 --> 00:32:16,458
Unti-unti kong napapansin
na tuwang-tuwa 'yong mga tao kay Selena.

529
00:32:16,958 --> 00:32:20,250
Kahit sa'n siya tumugtog,
mapupuno niya 'yong lugar.

530
00:32:26,166 --> 00:32:31,708
Kumalat 'yong kuwento
na may isasama si Selena sa mga sayawan.

531
00:32:34,166 --> 00:32:37,250
Nilibot namin 'yong buong United States.

532
00:32:44,291 --> 00:32:46,375
Masyadong matrabaho 'yon.

533
00:32:47,083 --> 00:32:48,916
Ang hirap-hirap no'n.

534
00:32:49,000 --> 00:32:52,750
Hindi mo pwedeng sabihing
"Magiging… Sisikat sila."

535
00:32:52,833 --> 00:32:55,875
Hindi. Masyadong matrabaho gawin 'yon.

536
00:32:55,958 --> 00:32:58,666
Maligayang pagdating
sa ikalimang Tejano Music Awards.

537
00:33:03,041 --> 00:33:08,708
Gusto ko lang sabihin bilang mayor
na ang taba ng puso ko at proud ako

538
00:33:08,791 --> 00:33:10,041
sa kinakatawan nito.

539
00:33:10,125 --> 00:33:11,333
Bawat isa sa atin,

540
00:33:11,416 --> 00:33:14,791
lahat tayong mga Mexican,
Mexican-American,

541
00:33:14,875 --> 00:33:17,416
sinusuportahan
'yong magandang layuning 'to

542
00:33:17,500 --> 00:33:20,791
para maipagdiwang natin ang talento
na meron ang Chicano community.

543
00:33:20,875 --> 00:33:23,041
Ang Chicano music.

544
00:33:23,125 --> 00:33:25,125
Binabati ko kayong lahat.

545
00:33:25,208 --> 00:33:26,041
Salamat.

546
00:33:27,083 --> 00:33:28,666
Sobrang gandang award show

547
00:33:28,750 --> 00:33:32,291
ng Tejano Music Awardsm
kasi sine-celebrate no'n ang music natin.

548
00:33:32,375 --> 00:33:35,041
Ang mga nominado
para sa female vocalist of the year…

549
00:33:35,125 --> 00:33:36,666
Selena Quintanilla.

550
00:33:36,750 --> 00:33:38,041
Ang cool ng moment na 'yon.

551
00:33:38,125 --> 00:33:39,875
Eto ang isang batang babae,

552
00:33:39,958 --> 00:33:43,416
gumagawa ng ingay
at na-nominate sa unang pagkakataon.

553
00:33:43,500 --> 00:33:45,291
Handa na ba kayo?

554
00:33:45,916 --> 00:33:47,416
Laura Canales!

555
00:33:51,208 --> 00:33:52,833
Hindi ako natutuwa sa music namin.

556
00:33:52,916 --> 00:33:57,166
Parang bastang nagre-record lang kami,
pakiramdam ko,

557
00:33:57,250 --> 00:34:01,583
hindi kami nabibigyan ng mga tamang kanta
na ilalabas namin sa merkado.

558
00:34:01,666 --> 00:34:04,083
Kaya pakiramdam ko,
tumatama lang kami sa pader.

559
00:34:04,791 --> 00:34:07,041
Mga nominado
para sa Songwriter of the Year.

560
00:34:07,125 --> 00:34:12,750
Sa isang punto, may songwriter
na kumo-control sa buong merkado.

561
00:34:12,833 --> 00:34:13,833
Sa lahat.

562
00:34:13,916 --> 00:34:16,083
Ang nanalo ay si Luis Silva.

563
00:34:17,500 --> 00:34:20,000
Lumapit ako, sabi ko, "Mr. Silva."

564
00:34:20,083 --> 00:34:21,291
Salamat.

565
00:34:21,375 --> 00:34:23,541
"Wala akong hit song."

566
00:34:23,625 --> 00:34:26,083
"Baka naman matulungan mo ako."

567
00:34:26,166 --> 00:34:30,958
Sabi niya, "Punta ka sa opisina sa Lunes.
Bibigyan kita ng dalawang kanta."

568
00:34:34,333 --> 00:34:37,125
Excited akong sabihin sa papa ko,
kay Selena, sa lahat.

569
00:34:37,208 --> 00:34:38,541
Sabi ko, "Ito na 'to."

570
00:34:38,625 --> 00:34:43,625
May nawawalang factor sa 'min.
'Yong nawawalang piraso ng puzzle.

571
00:34:45,208 --> 00:34:48,916
Tapos Miyerkules ng gabi,
tumawag 'yong sekretarya niya,

572
00:34:49,000 --> 00:34:52,000
"Hindi pumayag si Mr. Silva
na gamitin n'yo 'yong kanta niya."

573
00:34:52,083 --> 00:34:53,708
"Binigay niya sa iba."

574
00:34:55,125 --> 00:34:57,125
Sa unang pagkakataon, may kuwarto na 'ko.

575
00:34:57,208 --> 00:35:00,625
Meron akong sleeping bag,
zinipper ko 'yong sarili ko sa bag,

576
00:35:00,708 --> 00:35:01,916
tapos umiyak ako.

577
00:35:02,000 --> 00:35:04,541
Umiyak na lang ako sa sobrang inis.

578
00:35:09,125 --> 00:35:13,291
Sabi ng papa ko, "Puwes, A.B.,
musikero si Luis Silva."

579
00:35:13,375 --> 00:35:15,333
Sabi ko, "Oo, ang alam ko."

580
00:35:15,916 --> 00:35:18,833
Sabi niya, "Musikero ka din, di ba?"
'Ka ko, "Oo?"

581
00:35:20,541 --> 00:35:24,958
Sabi niya, "Ano'ng pumipigil sa 'yo
na maging Luis Silva o mas magaling pa?"

582
00:35:25,041 --> 00:35:26,458
"Ano'ng pumipigil sa'yo?"

583
00:35:28,666 --> 00:35:30,708
Unang hit ni Selena 'yong "Dame Un Beso".

584
00:35:30,791 --> 00:35:32,416
"Dame Un Beso" ang title nito.

585
00:35:32,500 --> 00:35:34,666
Isang tagumpay para sa Selena y Los Dinos.

586
00:35:34,750 --> 00:35:37,958
Mula sa Corpus Christi, Texas.
Selena y Los Dinos.

587
00:35:38,041 --> 00:35:39,041
Simulan n'yo na.

588
00:35:39,541 --> 00:35:41,791
"Dame Un Beso" 'yong kanta.

589
00:35:41,875 --> 00:35:44,375
Talagang nakaupo lang ako
na may ballpen at papel,

590
00:35:44,458 --> 00:35:48,083
tapos pinag-aaralan
'yong mga ginagamit ng grupo na tunog,

591
00:35:48,166 --> 00:35:51,041
mga technique, pa'no tinutugtog 'yon.

592
00:35:51,125 --> 00:35:53,875
Mula do'n, nakagawa ako ng formula ko
para kay Selena.

593
00:35:54,458 --> 00:35:58,333
Pag nagsusulat ka ng kanta,
may tinatawag sila na hook.

594
00:35:58,416 --> 00:36:00,250
'Yong part na madaling matandaan

595
00:36:00,333 --> 00:36:03,625
na gusto mong masigurong papatok,
tapos mapapansin.

596
00:36:03,708 --> 00:36:06,000
Tapos 'yong maliit na…

597
00:36:14,458 --> 00:36:17,708
Pakiramdam ko,
nakukuha na namin 'yong groove namin,

598
00:36:17,791 --> 00:36:19,500
'yong groove factor namin.

599
00:36:20,500 --> 00:36:23,250
Magagaling 'yong mga musikero sa banda.

600
00:36:23,333 --> 00:36:27,041
Ngayon naman, meron na kaming kanta
na "Dame Un Beso".

601
00:36:27,916 --> 00:36:30,291
Sabi ko kay Papa, "Number one na tayo."

602
00:36:31,125 --> 00:36:32,166
Sabi niya,

603
00:36:33,583 --> 00:36:35,000
"Masaya 'ko para sa 'yo."

604
00:36:35,083 --> 00:36:40,166
Sabi niya, "Kahit sino kayang sumulat
ng number one best-selling novel."

605
00:36:40,250 --> 00:36:41,791
"Hindi na sila sumusulat ulit."

606
00:36:41,875 --> 00:36:43,583
"Gaya ng pagiging songwriter mo."

607
00:36:43,666 --> 00:36:46,000
"Congratulations. Kaya mo bang ulitin?"

608
00:36:46,750 --> 00:36:47,750
Sabi ko…

609
00:36:48,333 --> 00:36:50,291
One, two, three, four!

610
00:36:54,375 --> 00:36:56,791
Di ko maipaliwanag 'yong nararamdaman ko.

611
00:36:57,291 --> 00:37:01,416
Alam ko lang 'yong layunin ko.
Kung ano'ng kailangan kong gawin.

612
00:37:02,000 --> 00:37:05,250
Tinulak ko lang sila nang tinulak.

613
00:37:11,833 --> 00:37:14,041
Alam kong may gano'ng talento si A.B.

614
00:37:14,125 --> 00:37:17,291
Bata pa lang siya, nakikita ko na 'yon.

615
00:37:17,375 --> 00:37:20,416
Pero ayaw mo namang maging one-hit wonder.

616
00:37:20,916 --> 00:37:25,333
Maraming manunulat na gumagawa ng kanta,
tapos wala ka na ulit maririnig sa kanila.

617
00:37:26,458 --> 00:37:31,625
Kaya para manatili ka do'n,
dapat tuloy-tuloy 'yong hits, di lang isa.

618
00:37:35,833 --> 00:37:39,833
Kung hindi dahil kay Papa
na nagpakita ng ganda

619
00:37:39,916 --> 00:37:41,791
sa pagbuo ng musika,

620
00:37:41,875 --> 00:37:46,125
hindi ko magagawa lahat ng nagawa ko.

621
00:37:49,333 --> 00:37:53,166
Ang maganda dito,
hindi lang 'to tungkol sa isang tao.

622
00:37:53,833 --> 00:37:56,625
Gumana kami bilang isang unit.

623
00:37:56,708 --> 00:37:59,625
Tingin ko, 'yon ang dahilan
kaya naging malakas kami.

624
00:38:00,125 --> 00:38:02,625
Malakas 'yong team sa likod ni Selena.

625
00:38:02,708 --> 00:38:04,375
Mabangis 'yong team niya.

626
00:38:16,291 --> 00:38:18,333
Bumoto na ang mamamayan ng Texas.

627
00:38:18,416 --> 00:38:21,000
-Selena Quintanilla.
-Selena Quintanilla.

628
00:38:28,250 --> 00:38:31,583
Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat

629
00:38:31,666 --> 00:38:34,958
na sumuporta sa Selena y Los Dinos
dito sa Texas.

630
00:38:35,458 --> 00:38:39,500
Pinasasalamatan ko din ang producer namin,
si Manny Guera ng GP Productions.

631
00:38:39,583 --> 00:38:41,500
Malaki ang naitulong niya sa 'min.

632
00:38:42,291 --> 00:38:44,958
At higit sa lahat, gusto kong magpasalamat

633
00:38:45,041 --> 00:38:48,666
sa Grupo Los Dinos ko,
kasi kung wala sila,

634
00:38:48,750 --> 00:38:50,541
hindi ako makikilala.

635
00:38:50,625 --> 00:38:53,500
Pag nananalo ako, panalo din sila.

636
00:38:53,583 --> 00:38:55,916
Pag natatalo sila, hindi ko sila kilala.

637
00:38:58,333 --> 00:38:59,166
Salamat!

638
00:38:59,250 --> 00:39:00,416
Hi!

639
00:39:01,416 --> 00:39:02,916
Nagbibiro ka ba?

640
00:39:03,875 --> 00:39:05,583
-Dati—
-Hi, Josie.

641
00:39:05,666 --> 00:39:09,291
Alam ko ang baduy ko ngayon,
pero ganito talaga 'ko manamit.

642
00:39:09,375 --> 00:39:10,875
Uy, tara na.

643
00:39:10,958 --> 00:39:12,208
Ito 'yong kuwarto ko.

644
00:39:12,291 --> 00:39:16,083
Parang walang laman,
kasi medyo inaayos ko pa.

645
00:39:16,166 --> 00:39:18,000
Pero ipapakita ko sa inyo 'yong awards.

646
00:39:18,583 --> 00:39:19,541
Halikayo.

647
00:39:21,833 --> 00:39:23,875
Ito 'yong awards namin.

648
00:39:24,708 --> 00:39:30,708
Nakuha 'to ni Selena this year
para sa female vocalist sa Texas.

649
00:39:30,791 --> 00:39:34,625
Nakuha niya 'tong isang 'to

650
00:39:35,291 --> 00:39:37,833
sa Female Vocalist dito sa Corpus.

651
00:39:38,333 --> 00:39:40,208
Nakuha namin 'tong tatlong 'to.

652
00:39:40,833 --> 00:39:43,666
Ipapakita ko sa inyo
'yong big award namin.

653
00:39:44,208 --> 00:39:45,041
Eto na siya.

654
00:39:48,875 --> 00:39:51,291
Nakuha 'to ni Selena sa female vocalist.

655
00:39:52,375 --> 00:39:54,291
Mukhang magaling siyang kumanta.

656
00:40:04,208 --> 00:40:08,458
Habang tumatabo si Selena
sa US Tejano market,

657
00:40:08,958 --> 00:40:12,583
nagsisimula pa lang siyang umingay
sa south ng Mexican border.

658
00:40:16,666 --> 00:40:19,166
Napupuno ni Selena 'yong mga venue.

659
00:40:19,250 --> 00:40:21,375
Sa buong United States.

660
00:40:21,458 --> 00:40:23,916
Pero lahing Mexican kami,

661
00:40:24,000 --> 00:40:27,666
kaya gusto kong makipagsapalaran
sa lupain ng Mexico.

662
00:40:27,750 --> 00:40:30,500
Gusto naming ipakilala sa inyo
ang munting dalaga

663
00:40:30,583 --> 00:40:32,833
na kapapanalo lang ng "female vocalist".

664
00:40:32,916 --> 00:40:37,208
Ang female vocalist ng 1986
sa United States.

665
00:40:37,291 --> 00:40:41,291
Isa sa mga grupo ng kabataan
na lumalaki na parang bula.

666
00:40:41,375 --> 00:40:45,791
Ladies and gentlemen,
eto na ang Selena y Los Dinos

667
00:40:45,875 --> 00:40:47,208
ng Corpus Christi, Texas.

668
00:40:47,291 --> 00:40:49,208
Simulan mo na, Selena! Sige!

669
00:40:49,291 --> 00:40:50,375
Hataw!

670
00:40:51,125 --> 00:40:52,250
Nakakatakot 'yon.

671
00:40:53,291 --> 00:40:56,958
Nakakatakot, kasi no'ng puntong 'yon,

672
00:40:57,041 --> 00:41:01,583
nag-aaral pa lang mag-Spanish si Selena,
tapos hindi ako marunong mag-Spanish.

673
00:41:16,708 --> 00:41:19,250
Hindi kami handa sa crowd na 'yon.

674
00:41:19,333 --> 00:41:22,541
Kaya kakaiba 'yong pakiramdam.

675
00:41:23,083 --> 00:41:24,500
Hindi nila naintindihan.

676
00:41:25,250 --> 00:41:27,375
Pumalakpak sila bilang paggalang,

677
00:41:27,458 --> 00:41:31,250
pero hindi dahil sa nagustuhan nila.

678
00:41:34,333 --> 00:41:39,750
Sinulat ang kantang 'to
ng keyboardist naming si Ricardo Vela.

679
00:41:39,833 --> 00:41:41,916
At kapatid ko,
si Abraham Quintanilla sa bass.

680
00:41:42,000 --> 00:41:43,583
Ang kantang "Dame Un Beso"

681
00:41:43,666 --> 00:41:46,458
para sa inyong lahat
na kasama ng Selena y Los Dinos.

682
00:41:46,541 --> 00:41:48,208
Para sa Matamoros!

683
00:41:48,875 --> 00:41:52,708
Nakakaloka, kasi parang hindi kami
tanggap sa Mexico,

684
00:41:52,791 --> 00:41:55,041
kasi hindi kami nagsasalita ng Spanish.

685
00:41:55,125 --> 00:41:57,166
Akala nila, Anglo sila.

686
00:41:57,250 --> 00:41:58,916
Akala nila, white sila.

687
00:41:59,000 --> 00:42:00,791
Parang hindi, hindi naman…

688
00:42:00,875 --> 00:42:02,291
Teka, ano'ng sinasabi n'yo?

689
00:42:29,625 --> 00:42:31,375
Hindi sila natutuwa, pare.

690
00:42:31,958 --> 00:42:34,208
Pag di ka nila gusto,
di ka talaga nila gusto.

691
00:42:35,666 --> 00:42:39,583
Pakiramdam namin, di kami nakapasok do'n
gaya ng gusto namin.

692
00:42:40,083 --> 00:42:44,333
Meron kaming konting complex.
May inferiority complex kami.

693
00:42:44,958 --> 00:42:46,750
Buti na lang, andiyan si Pete.

694
00:42:46,833 --> 00:42:49,625
Pinanganak at lumaki ako sa Laredo, Texas.

695
00:42:52,333 --> 00:42:55,750
Pag pinagsama ang United States,
saka Mexico sa iisang lugar,

696
00:42:55,833 --> 00:42:57,333
Laredo, Texas 'yon.

697
00:42:57,416 --> 00:43:00,166
Kaya nakukuha ko
'yong benepisyo ng pagiging Amerikano,

698
00:43:00,250 --> 00:43:02,541
pati 'yong pamanang kultura ng Mexico.

699
00:43:07,791 --> 00:43:09,291
Pete Astudillo.

700
00:43:09,375 --> 00:43:12,583
Isinali ko 'tong taong 'to sa banda,
kasi nagsasalita siya ng Spanish.

701
00:43:12,666 --> 00:43:16,666
Pinakita niya sa 'kin 'yong mga influence
na meron siya sa Laredo, Texas.

702
00:43:16,750 --> 00:43:18,708
Kasabay din no'n,

703
00:43:18,791 --> 00:43:23,291
nirerelyebuhan niya sa pagkanta si Selena.
Apat na beses isang linggo kami tumugtog.

704
00:43:23,375 --> 00:43:27,125
Kaya isasalang ko siya,
tapos ang galing niya.

705
00:43:36,166 --> 00:43:39,875
Hindi lang siya do'n magaling.
Ang galing din niyang songwriter.

706
00:43:40,875 --> 00:43:44,708
Kung wala siya do'n,
hindi ko malalaman ano 'yong cumbia.

707
00:43:46,500 --> 00:43:49,708
Pinsan ng salsa 'yong cumbia.

708
00:43:50,916 --> 00:43:52,625
Masiglang rhythm 'yong cumbia rhythm.

709
00:43:52,708 --> 00:43:54,958
Sobrang upbeat. Sobrang saya.

710
00:43:57,625 --> 00:43:59,625
Maririnig mong konektado 'yon
sa salsa beat.

711
00:44:04,833 --> 00:44:09,000
Alam ko, nangingibabaw 'yong cumbia
sa Mexico.

712
00:44:09,500 --> 00:44:11,625
Alam kong kailangan namin
ng magandang cumbia

713
00:44:11,708 --> 00:44:14,791
para pumatok sa mga Mexicano.

714
00:44:15,291 --> 00:44:18,333
Sasabihin sa 'kin ni A.B.,
"Gusto kong gumawa ng ganito."

715
00:44:18,416 --> 00:44:21,250
Ipapaliwanag niya sa English,
tapos sasabihin ko, "Ganito?"

716
00:44:21,333 --> 00:44:22,333
"Oo, ganyan nga."

717
00:44:22,416 --> 00:44:24,791
Nakabuo kami ng magandang chemistry.

718
00:44:53,333 --> 00:44:54,833
Idi-direct ko 'to.

719
00:44:56,291 --> 00:44:58,666
Siguro, sige. Ang galing ng ginagawa mo.

720
00:44:58,750 --> 00:45:01,708
Bawasan mo pa 'yong taas, please.

721
00:45:01,791 --> 00:45:02,916
Selena!

722
00:45:04,125 --> 00:45:07,625
Alam mo, ang natutunan ko
sa business na 'to,

723
00:45:07,708 --> 00:45:11,750
kung nasa tamang lugar ka
sa tamang oras, maraming mangyayari.

724
00:45:16,291 --> 00:45:21,458
Nagkataon lang na narinig ni José Behar
ng Capitol/EMI Latin 'yong banda.

725
00:45:22,041 --> 00:45:26,541
Sabi niya, "Narinig namin 'yong grupo."
Gusto naming makipagtulungan sa inyo.

726
00:45:28,375 --> 00:45:30,791
Do'n kami pumirma ng kontrata.

727
00:45:32,000 --> 00:45:35,625
Umalis siya sa label ni Manny no'ng '89,

728
00:45:35,708 --> 00:45:37,208
tapos pumirma

729
00:45:37,916 --> 00:45:39,500
sa EMI Latin.

730
00:45:50,208 --> 00:45:52,583
Oo, sikat tayo, pare.

731
00:45:52,666 --> 00:45:53,875
Sikat talaga.

732
00:45:53,958 --> 00:45:55,041
Oo naman.

733
00:45:57,791 --> 00:45:59,166
Patingin ako!

734
00:45:59,250 --> 00:46:00,208
Suwerte.

735
00:46:06,041 --> 00:46:08,083
-Magkano 'tong kuwartong 'to?
-Mahal.

736
00:46:09,000 --> 00:46:12,500
Naalala kong iniisip ko, "Uy."

737
00:46:13,000 --> 00:46:14,500
"Mayaman na kami."

738
00:46:14,583 --> 00:46:16,291
Parang "Eto na 'yon."

739
00:46:18,083 --> 00:46:21,041
Nasa Long Beach, California ako.

740
00:46:21,666 --> 00:46:24,166
Lifestyles of the Rich and Famous.

741
00:46:24,625 --> 00:46:27,375
Suzy, Ricky, kunan mo kami ng picture.

742
00:46:27,875 --> 00:46:28,750
-Ricky!
-Hollywood!

743
00:46:28,833 --> 00:46:29,666
Ako?

744
00:46:30,583 --> 00:46:32,291
Magdala ka ng camera mo sa susunod.

745
00:46:34,291 --> 00:46:35,833
Ipakita mo 'yong Hollywood, pare.

746
00:46:38,333 --> 00:46:39,166
Teka.

747
00:46:39,250 --> 00:46:40,708
Kita ba 'yong Hollywood?

748
00:46:45,875 --> 00:46:47,625
Pero babawasan natin 'yon.

749
00:46:48,166 --> 00:46:51,708
No'ng pumirma kami sa EMI,
pumirma kami sa Latin side,

750
00:46:51,791 --> 00:46:56,458
pero ang plano talaga,
'yong umangat siya sa mainstream.

751
00:47:01,083 --> 00:47:03,500
Hindi ko alam ano'ng iniisip ng papa ko,

752
00:47:03,583 --> 00:47:05,750
pero umpisa pa lang sinabi na niya

753
00:47:05,833 --> 00:47:08,083
na may posibilidad na aangat ako

754
00:47:08,166 --> 00:47:11,333
hindi lang sa Mexican music,
kundi pati sa English market.

755
00:47:24,666 --> 00:47:28,750
Gaya din ng iba 'yong mga Mexican-American
at Latino artist sa US.

756
00:47:28,833 --> 00:47:30,833
Pangarap naming lahat na sumikat,

757
00:47:30,916 --> 00:47:34,958
'yong idea na marami kang maaabot na tao
hangga't maaari.

758
00:47:35,041 --> 00:47:38,458
Habang nagbibigay-pugay ka
sa pinanggalingan mo,

759
00:47:38,541 --> 00:47:41,375
sa huli, mas malawak na audience pa din
'yong habol mo.

760
00:47:56,916 --> 00:48:00,625
May excitement sa pag-abot mo
ng isang bagay

761
00:48:00,708 --> 00:48:04,458
na gusto mong gawin, tapos nagagawa mo na.

762
00:48:04,541 --> 00:48:06,333
-Dominga.
-Dominga.

763
00:48:06,416 --> 00:48:08,541
Ikaw na 'yong kumuha,
malabo 'yong mata ko.

764
00:48:09,416 --> 00:48:10,958
Medyo mahamog.

765
00:48:11,541 --> 00:48:13,666
Kita mo na? Kumikita na siya.

766
00:48:13,750 --> 00:48:16,541
Kailangan kong kumita.
May binabayaran akong kotse.

767
00:48:20,750 --> 00:48:23,458
Masyado kang nakalubog sa ginagawa mo…

768
00:48:25,250 --> 00:48:27,166
na hindi ko napapansing…

769
00:48:27,750 --> 00:48:29,166
lumalaki na si Selena,

770
00:48:29,250 --> 00:48:32,041
tapos mas lumalaki na 'yong grupo.

771
00:48:32,541 --> 00:48:34,666
Wow, si Selena!

772
00:48:35,375 --> 00:48:36,625
Ang ganda.

773
00:48:36,708 --> 00:48:39,666
Tama na! Sawa na 'kong laging
nasa harap ng camera.

774
00:48:40,166 --> 00:48:41,666
Pero alam mo,

775
00:48:41,750 --> 00:48:43,708
masusukat mo 'yong tagumpay

776
00:48:43,791 --> 00:48:47,208
sa gano'ng klase ng negosyo
sa laki ng perang kinikita mo.

777
00:48:48,000 --> 00:48:50,000
Malaki talaga 'yong kinikita namin.

778
00:48:50,083 --> 00:48:52,041
Buksan mo 'yong pinto, Marty.

779
00:48:53,833 --> 00:48:56,041
Inayos ng papa ko si Bertha.

780
00:48:57,458 --> 00:48:59,333
Nagkaro'n kami ng generator.

781
00:48:59,416 --> 00:49:01,708
Naglagay na ng mga bunk bed.

782
00:49:02,208 --> 00:49:04,750
Siya 'yong pinakamagandang bus sa lahat.

783
00:49:07,500 --> 00:49:09,708
Ito 'yong nakikita namin
pagkatapos ng concert.

784
00:49:09,791 --> 00:49:11,625
-Mama, please.
-Pagod na.

785
00:49:11,708 --> 00:49:12,875
Wag ka nang maarte.

786
00:49:13,500 --> 00:49:16,000
'Yong pagbibiyahe kasama si Bertha,
kasama ng Dinos,

787
00:49:16,083 --> 00:49:18,166
kasama ng pamilya, lahat,

788
00:49:19,541 --> 00:49:21,541
ang ganda no'n, pare. Sobrang…

789
00:49:21,625 --> 00:49:24,083
Perfect 'yong banda namin.

790
00:49:24,166 --> 00:49:25,541
Nagre-record kayo?

791
00:49:25,625 --> 00:49:26,833
Oo.

792
00:49:26,916 --> 00:49:29,125
Hi, tol. Uy. Kumusta?

793
00:49:29,208 --> 00:49:34,250
Unang beses kong nakilala 'yong banda
sa isa sa mga rehearsal.

794
00:49:34,833 --> 00:49:37,416
Sobrang nakakabilib, ang lakas nila.

795
00:49:38,041 --> 00:49:39,416
Na-enjoy ko 'yong tunog.

796
00:49:39,500 --> 00:49:43,000
Parang modern siya no'ng time na 'yon,
sobrang fresh.

797
00:49:59,708 --> 00:50:04,083
Si Chris? Hindi ko idea
na sumali siya sa banda.

798
00:50:05,458 --> 00:50:08,333
Si A.B. 'yong nagpasok sa kanya.

799
00:50:09,458 --> 00:50:13,625
Hindi mo maitatanggi
na magaling siyang gitarista.

800
00:50:17,166 --> 00:50:21,416
Medyo ano ako…
Siguro star-struck 'yong tawag do'n.

801
00:50:22,875 --> 00:50:26,500
Dahil kapipirma lang nila sa Capitol EMI.

802
00:50:26,583 --> 00:50:28,750
Siyempre, nakakabilib 'yon.

803
00:50:29,791 --> 00:50:33,208
Ang totoo niyan,
nabigla talaga ako sa kapangyarihan

804
00:50:33,291 --> 00:50:36,125
ng banda, ng music, ng sound, saka…

805
00:50:38,416 --> 00:50:39,791
Di na 'ko nagdalawang-isip.

806
00:50:39,875 --> 00:50:41,125
-Chris!
-Palagi!

807
00:50:41,208 --> 00:50:43,250
Ano'ng masasabi mo
na lagi tayong nasa biyahe?

808
00:50:43,333 --> 00:50:44,291
Ayos lang.

809
00:50:47,875 --> 00:50:50,458
No'ng una, hindi kami masyadong nag-uusap.

810
00:50:51,166 --> 00:50:55,125
Laging kasama ni Selena si Suzette
o 'yong mama niya.

811
00:50:55,208 --> 00:50:59,083
Smile, Selena.
Ipakita mo sa America ang totoong ikaw.

812
00:51:02,041 --> 00:51:03,041
Ayoko!

813
00:51:03,625 --> 00:51:08,250
Pero mahahaba 'yong biyahe namin sa bus.

814
00:51:09,166 --> 00:51:12,125
Kaya naging magkaibigan kami.

815
00:51:13,166 --> 00:51:17,166
Tuwing magkatabi kami,
nag-uusap lang kaming dalawa

816
00:51:17,250 --> 00:51:20,333
tungkol sa music, movies,
mga gano'ng bagay.

817
00:51:21,208 --> 00:51:25,125
Ang sayang makita siya
bilang normal na tao.

818
00:51:25,708 --> 00:51:26,750
Business.

819
00:51:28,500 --> 00:51:30,083
Nag-uusap sila.

820
00:51:37,708 --> 00:51:40,375
Sandali lang. Di ba?
'Yan ang sinasabi ko. Teka.

821
00:51:40,875 --> 00:51:41,875
Tingnan mo 'ko.

822
00:51:43,166 --> 00:51:45,791
Ang akala ng tao sa kanya,

823
00:51:45,875 --> 00:51:50,791
isa siyang babaeng malakas 'yong puwersa.

824
00:51:51,625 --> 00:51:56,833
Matibay. Pero ang totoo,
meron din siyang kahinaan.

825
00:51:57,333 --> 00:52:00,750
'Yong pagharap pa lang
sa mga pinagdadaanan niya,

826
00:52:00,833 --> 00:52:02,000
mahirap na 'yon.

827
00:52:02,083 --> 00:52:04,583
Gigising ka nang maaga,
tapos gabi na, nagtatrabaho pa,

828
00:52:04,666 --> 00:52:07,458
tapos gagawin niya 'yon nang nakangiti.

829
00:52:10,125 --> 00:52:12,000
Music tracks pa lang 'to.

830
00:52:12,083 --> 00:52:14,083
Ito 'yong kantang ni-record namin
ni Selena.

831
00:52:46,583 --> 00:52:49,375
Ano'ng ginagawa mo, Selena,
pag wala kayong biyahe?

832
00:52:49,875 --> 00:52:54,583
Ano nga ba? Gusto ko lang magpahinga,
magpalipas ng oras sa bahay.

833
00:52:55,416 --> 00:52:57,416
Mahilig akong mag-design ng damit.

834
00:52:57,500 --> 00:53:02,125
Gusto ko 'yon.
Gusto kong gumagawa ng alahas at vest.

835
00:53:02,208 --> 00:53:06,500
Depende, kasi ang dami kong ginagawa
para sa grupo,

836
00:53:06,583 --> 00:53:07,958
saka para sa sarili ko…

837
00:53:08,041 --> 00:53:09,416
'yong outfits.

838
00:53:09,500 --> 00:53:13,750
Meron akong jacket, shorts,
gloves, bag, saka top.

839
00:53:13,833 --> 00:53:15,125
Gusto ko 'yon.

840
00:53:15,208 --> 00:53:18,875
Isa ko pang pangarap 'yon,
'yong magbukas ng clothing store.

841
00:53:18,958 --> 00:53:23,000
Makakakita ba kami soon
ng Selena Quintanilla Fashions?

842
00:53:23,083 --> 00:53:24,125
Sana.

843
00:53:30,666 --> 00:53:34,666
Laging may ginagawa si Selena,
lagi siyang active,

844
00:53:35,458 --> 00:53:40,083
tapos naging mas busy,
mas madami 'yong mga biyahe namin.

845
00:53:44,916 --> 00:53:49,583
'Yong pagde-design
ang nagpapasaya sa kanya.

846
00:53:50,333 --> 00:53:54,583
Maglalaan siya ng oras.
May quiet time siya.

847
00:53:54,666 --> 00:53:59,041
Ilalabas niya 'yong sketch pads niya,
tapos magtatrabaho na siya.

848
00:53:59,125 --> 00:54:02,750
Drawing niya 'yong ilan sa mga outfit
na sinuot namin sa stage.

849
00:54:08,500 --> 00:54:14,000
'Yong outfit na hindi ko makalimutan
ay 'yong cow print.

850
00:54:15,500 --> 00:54:17,250
Hindi ko talaga idea 'yon.

851
00:54:17,333 --> 00:54:20,666
Sabi niya, "Mag-cow print tayo."
Sabi ko, "Oh my God."

852
00:54:21,166 --> 00:54:24,625
Pero matagal na niyang gustong mag-design.

853
00:54:25,666 --> 00:54:29,041
Kaya sinuot namin 'yong outfits
para lang sa kanya.

854
00:54:51,000 --> 00:54:56,541
"Baila Esta Cumbia" 'yong unang kanta
na naging major hit.

855
00:54:56,625 --> 00:55:00,041
Parang 'yon ang nagpasimula
ng cumbia craze.

856
00:55:00,125 --> 00:55:02,791
"Kailangan na nating gumawa
ng maraming cumbia ngayon."

857
00:55:02,875 --> 00:55:05,875
Medyo nag-alangan nga kami
na wag masyadong maraming cumbia

858
00:55:05,958 --> 00:55:08,708
kasi hindi naman kami cumbia band,
Tejano band kami.

859
00:55:08,791 --> 00:55:11,708
Pero sabi ng label,
"Gumawa kayo kahit ilang cumbia pa 'yan!"

860
00:55:11,791 --> 00:55:15,041
"Gumagana sila!
Kung ano'ng gusto n'yo, gawin n'yo."

861
00:55:15,125 --> 00:55:18,625
Sige, Monterrey, pumalakpak naman kayo!

862
00:55:18,708 --> 00:55:20,250
Itaas ang mga kamay!

863
00:55:20,333 --> 00:55:24,000
Binago ni A.B. nang konti
'yong mga cumbia.

864
00:55:24,083 --> 00:55:28,541
Nilagyan niya ng konting funk,
tapos pumutok 'yon.

865
00:55:29,125 --> 00:55:31,541
Binabago talaga namin 'yong rules.

866
00:55:31,625 --> 00:55:34,000
Tingin ko, si A.B. 'yong leader namin

867
00:55:34,083 --> 00:55:38,125
sa usapin na siya 'yong bumabali
sa nakasanayan.

868
00:55:38,208 --> 00:55:39,708
Pati na din si Selena,

869
00:55:39,791 --> 00:55:42,458
kasi palagi silang nakikinig ng pop,

870
00:55:42,541 --> 00:55:45,041
tapos nakikinig kami ng rock and roll.

871
00:55:45,875 --> 00:55:48,333
Kaya sumikat nang sobra si Selena.

872
00:55:48,416 --> 00:55:51,083
Tapos tinanggap siya sa ibang bansa.

873
00:55:52,000 --> 00:55:54,833
Lahat ng cumbia naging major hit.

874
00:55:55,333 --> 00:55:57,291
Major hit sila sa Spanish world.

875
00:55:57,375 --> 00:56:01,625
Nagsusumikap talaga kayo.

876
00:56:01,708 --> 00:56:04,375
Seryoso, kasi kadadating n'yo lang

877
00:56:04,458 --> 00:56:06,791
sa Mexican Republic!

878
00:56:06,875 --> 00:56:08,916
Oo nga. Nagulat talaga kami.
Nagulat talaga

879
00:56:09,000 --> 00:56:11,958
sa pagyakap ng mga tao sa music namin.

880
00:56:12,041 --> 00:56:16,708
Kasi dati, medyo hirap makapasok
'yong mga Tejano group dito sa Mexico,

881
00:56:16,791 --> 00:56:20,750
pero ngayon mas madali na,
salamat sa publiko.

882
00:56:27,625 --> 00:56:30,375
Ano'ng gusto mo tungkol sa Tejano music?

883
00:56:30,458 --> 00:56:34,333
Ang totoo, 'yong rhythm.

884
00:56:45,166 --> 00:56:47,000
Sobrang romantic na klase ng music.

885
00:56:47,083 --> 00:56:49,333
Pwede kang makipagsayaw nang close
sa partner mo.

886
00:57:01,958 --> 00:57:04,708
Pag nasa stage ka o sa mga picture,

887
00:57:04,791 --> 00:57:08,583
ikinakalat mo 'yong energy
pag sumayaw ka na.

888
00:57:08,666 --> 00:57:11,583
Sa'n mo natutunan 'yon,
"Sasayaw ako habang kumakanta"?

889
00:57:11,666 --> 00:57:14,750
Siguro dahil 'yon sa papa ko
pag may hawak nang belt.

890
00:57:16,791 --> 00:57:19,583
Hindi, pero seryoso.

891
00:57:21,000 --> 00:57:24,666
Siguro dahil mahal ko ang trabaho ko.

892
00:57:24,750 --> 00:57:26,833
Punong-puno ako ng energy. At saka…

893
00:57:28,833 --> 00:57:31,000
Binibigay din sa 'kin 'yon ng audience.

894
00:57:31,083 --> 00:57:33,458
Nagpapasalamat ako sa suporta.

895
00:57:36,166 --> 00:57:41,750
Sa tingin ko, pinakamahalaga sa kanya
'yong relasyon niya sa fans niya.

896
00:57:43,625 --> 00:57:49,875
Inaaral niya kung pa'no maging mas totoo
sa mga interview niya,

897
00:57:49,958 --> 00:57:53,166
kasi pag tulad niyang
lumaki sa industriya,

898
00:57:53,250 --> 00:57:56,208
parang itinuro na sa 'yo lahat

899
00:57:56,291 --> 00:57:59,958
ng sasabihin, gagawin, at kung ano-ano pa.

900
00:58:00,041 --> 00:58:02,125
Pero pag nagsimula kang maging ikaw,

901
00:58:02,208 --> 00:58:06,416
gusto mong isingit 'yong sarili mo,
pagkatao mo, saka mga paniniwala mo.

902
00:58:08,375 --> 00:58:10,500
Tingnan natin, sino'ng playboy dito?

903
00:58:16,791 --> 00:58:18,791
Kawawa ka naman.

904
00:58:22,041 --> 00:58:25,541
Sa business na 'to sa Tejano music,
medyo mahirap para sa 'min,

905
00:58:25,625 --> 00:58:27,458
kasi babae ako.

906
00:58:28,041 --> 00:58:29,041
Ano'ng pangalan mo?

907
00:58:29,125 --> 00:58:30,250
-Eddie.
-Okay, Eddie.

908
00:58:30,333 --> 00:58:34,833
Ngayong gabi, sisimulan mo ang karera mo
bilang artista, okay?

909
00:58:34,916 --> 00:58:39,083
Ikaw ay magiging si Eddie,
ang ex-boyfriend ko.

910
00:58:39,166 --> 00:58:41,041
Maraming problema 'yong papa ko

911
00:58:41,125 --> 00:58:43,916
pagdating sa mga show at presentation.

912
00:58:44,000 --> 00:58:46,666
Dahil maraming lalaki
ang hindi naniniwalang

913
00:58:46,750 --> 00:58:51,458
kaya ng mga babae na kumuha ng tao
o ng publiko, gaya ng mga lalaki.

914
00:58:51,541 --> 00:58:52,583
Pero…

915
00:58:53,500 --> 00:58:54,416
mali 'yon.

916
00:58:56,416 --> 00:58:58,208
Ano ang akala mo

917
00:59:02,083 --> 00:59:05,666
Na kapag bumalik ka

918
00:59:05,750 --> 00:59:08,708
Makikita mo ako

919
00:59:09,750 --> 00:59:16,250
Na masayang tatanggapin ka

920
00:59:20,166 --> 00:59:21,208
Pero hindi

921
00:59:21,291 --> 00:59:26,000
Naging anthem niya para sa mga babae
'yong "Qué creías".

922
00:59:27,583 --> 00:59:30,833
Parang pagkakaisa, girl power,
women power.

923
00:59:30,916 --> 00:59:33,000
Parang ako ang magiging tagapagsalita n'yo

924
00:59:33,083 --> 00:59:35,958
bilang matapang at walang takot.

925
00:59:36,041 --> 00:59:38,791
"Hindi natin kailangan ng mga lalaki"
parang gano'n.

926
00:59:41,000 --> 00:59:43,291
Ang nakakatawa, pumatok sa mga lalaki,

927
00:59:43,375 --> 00:59:46,750
kasi alam nila
na may mapipiling isa sa kanila

928
00:59:46,833 --> 00:59:48,750
para samahan si Selena sa stage.

929
00:59:48,833 --> 00:59:51,000
Na makakakita ka

930
00:59:52,708 --> 00:59:55,166
Ng pagmamahal na hihigit sa pagmamahal ko

931
00:59:56,500 --> 00:59:58,916
Ano'ng magpapasaya sa 'yo

932
00:59:59,875 --> 01:00:05,916
Kita mo naman, hindi 'yon ganoon kasimple

933
01:00:08,583 --> 01:00:11,000
Itinuturing mo ba 'yong sarili mo
na malakas na babae?

934
01:00:11,083 --> 01:00:12,083
Siguro.

935
01:00:12,583 --> 01:00:14,000
Dominante, saka agresibo ako.

936
01:00:14,083 --> 01:00:15,375
Dominante at agresibo?

937
01:00:16,583 --> 01:00:17,666
Kailangan, e.

938
01:00:17,750 --> 01:00:18,583
Bakit?

939
01:00:18,666 --> 01:00:21,166
Maraming lalaki sa business na 'to.

940
01:00:21,250 --> 01:00:26,291
Kung hindi mo ipagtatanggol ang sarili mo,
tatapak-tapakan ka lang nila.

941
01:00:26,375 --> 01:00:30,750
Tingin mo ba pagsasamantalahan ka
ng mga tao sa business na 'to

942
01:00:30,833 --> 01:00:33,291
kung hindi ka malakas na babae?

943
01:00:33,375 --> 01:00:36,083
Oo naman. Nangyari na 'yon.

944
01:00:51,833 --> 01:00:54,125
SELENA
MAHAL KA NAMIN!

945
01:01:04,666 --> 01:01:08,916
Saan mo nakukuha 'yong lakas na meron ka
sa pakikipag-usap sa publiko?

946
01:01:09,000 --> 01:01:12,500
Siguro bukod sa audience,
dahil 'yon sa pagkain ko

947
01:01:12,583 --> 01:01:14,416
ng beans at tortillas.

948
01:01:14,500 --> 01:01:15,375
Oo nga.

949
01:01:16,458 --> 01:01:19,041
Tapos dito sa Monterrey, kambing.

950
01:01:21,416 --> 01:01:24,791
Para sa kagustuhan ng mga lalaki,
matutuwa sila sa konting ikot.

951
01:01:24,875 --> 01:01:26,750
Gusto nilang makita ang katawan mo.

952
01:01:31,541 --> 01:01:32,791
Dapat ikaw din!

953
01:01:32,875 --> 01:01:35,583
-Wala akong ipapakita, Selena.
-Di ba, ladies?

954
01:01:35,666 --> 01:01:37,375
Sobrang guwapo!

955
01:01:37,458 --> 01:01:39,958
Hindi ako pinagpala gaya mo.

956
01:01:40,041 --> 01:01:41,791
Hindi ako pinagpala gaya mo.

957
01:01:41,875 --> 01:01:43,041
Oo kaya!

958
01:01:43,125 --> 01:01:44,291
Gusto n'yo ng isa pa?

959
01:01:44,375 --> 01:01:45,833
May kakantahin ka pa ba?

960
01:01:50,791 --> 01:01:52,500
Kili-kili ni Selena.

961
01:01:52,583 --> 01:01:53,500
Oo. Aray.

962
01:01:55,083 --> 01:01:56,416
Patingin ng kili-kili.

963
01:01:56,916 --> 01:01:59,250
Kili-kili!

964
01:02:00,333 --> 01:02:05,291
Mula no'ng sumali ako sa banda,
sobrang saya lang palagi

965
01:02:05,375 --> 01:02:07,375
na makasama silang lahat.

966
01:02:07,458 --> 01:02:09,375
Narinig mo kung kaninong idea 'yon.

967
01:02:10,000 --> 01:02:11,708
-Lalo na kay Selena.
-Language?

968
01:02:11,791 --> 01:02:13,291
-Andito kami sa Monterrey.
-Oo.

969
01:02:13,375 --> 01:02:14,916
Spanish dapat!

970
01:02:15,000 --> 01:02:17,875
Andito kami para bisitahin
ang magandang bayan ng Monterrey.

971
01:02:17,958 --> 01:02:19,916
Ipasabi mo kay Chris 'yong sinasabi niya!

972
01:02:20,000 --> 01:02:23,250
-Chris!
-Hi. Ako si Chris.

973
01:02:23,333 --> 01:02:24,291
Chris!

974
01:02:24,375 --> 01:02:26,375
-Chris Perez.
-Chris Perez.

975
01:02:26,458 --> 01:02:29,041
-Tumutugtog siya ng gitara.
-Tumutugtog siya ng gitara.

976
01:02:29,125 --> 01:02:30,000
I-translate mo!

977
01:02:30,083 --> 01:02:35,500
Simula 'ata ng relasyon namin
no'ng nasa Mexico kami.

978
01:02:36,000 --> 01:02:39,583
Sa eroplano pauwi nagsimula ang lahat.

979
01:02:39,666 --> 01:02:40,541
Ayos ba?

980
01:02:40,583 --> 01:02:42,416
Sobrang nag-e-enjoy kami.

981
01:02:42,500 --> 01:02:46,041
Umuupo kami nang malapit sa isa't isa,
mga gano'ng maliliit na bagay,

982
01:02:46,125 --> 01:02:47,541
nagtatama 'yong kamay.

983
01:02:53,791 --> 01:02:58,041
Ang iniisip ko, "Friends lang 'to,
friends lang kami, friendly lang 'to."

984
01:02:58,666 --> 01:03:00,166
"Bahala na," gano'n.

985
01:03:00,250 --> 01:03:02,083
"Wag kong lagyan ng malisya."

986
01:03:03,000 --> 01:03:05,333
Chris Perez sa gitara!

987
01:03:06,791 --> 01:03:11,958
Hindi ko kayang gawin 'yong first move.

988
01:03:13,166 --> 01:03:15,333
Sa tingin ko, alam niya 'yon,

989
01:03:15,833 --> 01:03:19,583
kaya siya 'yong nagsimula ng lahat.

990
01:03:21,666 --> 01:03:24,916
Tapos naging mabilis
'yong pagiging seryoso namin.

991
01:03:25,000 --> 01:03:26,708
Ikaw ang buhay ko
Ang lahat sa akin

992
01:03:26,791 --> 01:03:29,833
Sumama ka sa akin
Gagawin kitang kayamanan ko

993
01:03:29,916 --> 01:03:32,916
Gusto kong ibigay sa 'yo
Ang itinatago ng puso ko

994
01:03:33,000 --> 01:03:35,791
Nagsisimula pa lang akong kiligin,

995
01:03:35,875 --> 01:03:37,375
'yong mga gano'ng bagay.

996
01:03:37,875 --> 01:03:40,291
Tapos sabi ko, "Hindi pwede, tol."

997
01:03:40,375 --> 01:03:44,666
"Mapapatay ako ng tatay mo,"
tapos nainis siya.

998
01:03:45,250 --> 01:03:48,250
Pero pag may gusto siya,
determinado siyang makuha.

999
01:03:49,333 --> 01:03:52,666
No'ng unang beses kaming naghalikan,

1000
01:03:52,750 --> 01:03:55,041
nangyari na lang bigla,
pero no'ng nangyari 'yon,

1001
01:03:55,125 --> 01:03:57,375
hindi kami tumigil
hangga't bumukas 'yong pinto.

1002
01:03:57,458 --> 01:03:58,625
Si Rick 'yon.

1003
01:03:58,708 --> 01:03:59,958
Umalis ako do'n na…

1004
01:04:00,750 --> 01:04:02,125
"Ayokong malaman 'yan."

1005
01:04:02,208 --> 01:04:03,250
Hindi namin…

1006
01:04:03,333 --> 01:04:05,500
Pinag-usapan ba namin 'yon pagkatapos?

1007
01:04:05,583 --> 01:04:07,916
Siguro nagbiruan na lang kami…

1008
01:04:08,000 --> 01:04:10,166
Parang sinabi yata nila, "Sorry do'n, a."

1009
01:04:11,000 --> 01:04:13,291
Ewan ko. "Sorry saan?"

1010
01:04:13,875 --> 01:04:15,666
Talagang…

1011
01:04:16,416 --> 01:04:20,958
natakot ako
sa pwedeng mangyari kay Abraham…

1012
01:04:22,083 --> 01:04:25,166
Sabi niya, "Hindi, walang mangyayari."

1013
01:04:25,250 --> 01:04:27,625
Sabi ko, "Parang imposible 'yan."

1014
01:04:30,208 --> 01:04:31,375
Pagkatapos?

1015
01:04:32,083 --> 01:04:36,500
In private, parang normal lang
na relasyon ng boyfriend at girlfriend.

1016
01:04:36,583 --> 01:04:38,500
Sinusubukang magkasama.

1017
01:04:38,583 --> 01:04:45,500
Sa Laredo kami unang nagsabihan
ng "I love you" sa isa't isa.

1018
01:05:03,500 --> 01:05:07,000
Sekreto 'yong relasyon
nina Chris at Selena.

1019
01:05:07,083 --> 01:05:11,500
Kahit na nagde-date na sila,
wala kaming masyadong alam.

1020
01:05:12,333 --> 01:05:16,166
Tingin namin, natatakot sila
sa mangyayari pag nalaman ni Abraham.

1021
01:05:21,250 --> 01:05:24,250
Hindi ko talaga gusto 'yong pagsesekreto.

1022
01:05:25,541 --> 01:05:27,541
Gusto kong makuha
'yong respeto ni Abraham.

1023
01:05:28,833 --> 01:05:33,166
Pero ayokong masira
'yong namamagitan sa 'ming dalawa.

1024
01:05:33,250 --> 01:05:35,333
Ayokong may makahadlang sa 'min.

1025
01:05:35,416 --> 01:05:38,041
Alam kong maraming batang tagahanga mo,

1026
01:05:38,125 --> 01:05:40,583
pati na din ako, gustong malaman
kung may boyfriend ka.

1027
01:05:40,666 --> 01:05:42,166
Wala akong boyfriend.

1028
01:05:42,916 --> 01:05:45,250
Sa ngayon, nagfo-focus ako
sa artistic career ko,

1029
01:05:45,333 --> 01:05:47,166
kaya wala akong boyfriend.

1030
01:05:47,791 --> 01:05:51,791
Narinig ko 'yong mga kanta n'yo
na may Tejano music.

1031
01:05:51,875 --> 01:05:55,541
Narinig ko din ngayon 'yong mga kanta n'yo
na disco music na English.

1032
01:05:55,625 --> 01:05:58,166
Ano'ng mas gusto mong nire-record?
Ano'ng paborito mo?

1033
01:05:58,250 --> 01:06:01,416
Gusto ko lahat ng klase ng music.

1034
01:06:03,041 --> 01:06:04,083
Pwede bang ulitin?

1035
01:06:04,166 --> 01:06:06,166
Sorry, Pa. Pinapakaba mo 'ko, e.

1036
01:06:07,083 --> 01:06:08,083
Rolling.

1037
01:06:09,541 --> 01:06:14,208
Medyo mahirap 'yong sitwasyon,
pero no'ng nalaman ni Abraham…

1038
01:06:14,875 --> 01:06:16,125
naging problema na.

1039
01:06:19,875 --> 01:06:23,666
Naisip ko no'n, Selena, bata ka pa.

1040
01:06:23,750 --> 01:06:26,500
Marami pang mangyayari sa 'yo.

1041
01:06:27,958 --> 01:06:30,833
Pero matibay talaga
'yong paninindigan ni Selena.

1042
01:06:32,791 --> 01:06:35,166
Mas marami akong karanasan sa buhay.

1043
01:06:36,708 --> 01:06:39,833
At kung may nakikita akong nangyayari,

1044
01:06:41,000 --> 01:06:44,166
sinusubukan kong ituro siya
sa tamang daan, saka…

1045
01:06:44,250 --> 01:06:45,250
Siyempre,

1046
01:06:45,333 --> 01:06:48,458
ginagawa 'yon ng lahat ng ama
sa mga anak nila.

1047
01:06:51,041 --> 01:06:52,958
Nag-away kami.

1048
01:06:53,041 --> 01:06:54,750
"Tanggal ka na." "Aalis na 'ko."

1049
01:06:54,833 --> 01:06:57,333
"Ikaw…" 'Yong mga gano'ng bagay.

1050
01:06:57,416 --> 01:06:58,625
Tapos umalis na 'ko.

1051
01:06:59,875 --> 01:07:00,875
At…

1052
01:07:02,791 --> 01:07:05,125
Naalala ko, sobrang lungkot ko,

1053
01:07:05,791 --> 01:07:08,375
kasi hindi na kami magkakasama sa biyahe.

1054
01:07:08,958 --> 01:07:12,000
Mas mahihirapan na kami ni Selena
na magkita,

1055
01:07:12,083 --> 01:07:13,458
na magkasama.

1056
01:07:13,541 --> 01:07:16,041
Gano'n 'yong buhay namin nang ilang buwan.

1057
01:07:21,625 --> 01:07:23,125
"Grabe, Chris."

1058
01:07:23,208 --> 01:07:24,833
"Wala ako sa katinuan ngayon."

1059
01:07:24,916 --> 01:07:28,958
"Nakakainis na.
Seryoso, nababaliw na ako."

1060
01:07:29,875 --> 01:07:32,708
"Sana tigilan na nila 'kong lahat."

1061
01:07:32,791 --> 01:07:35,041
"Hindi ba nila nakikitang mahal kita?"

1062
01:07:35,541 --> 01:07:38,083
"Baka akala nila, nagloloko lang ako."

1063
01:07:38,708 --> 01:07:41,833
"Sorry kung natakot kita
na gusto ko nang magpakasal."

1064
01:07:41,916 --> 01:07:45,625
"Pero naiintindihan kita,
inaalam kung pa'no,

1065
01:07:45,708 --> 01:07:47,875
o kaya kung ga'no mo 'ko kamahal."

1066
01:07:48,458 --> 01:07:50,541
"Tandaan mo, lagi kitang mamahalin."

1067
01:07:50,625 --> 01:07:53,291
"Mas lalo kitang nami-miss
sa bawat segundong dumadaan."

1068
01:07:53,375 --> 01:07:55,458
"Mahal kita palagi, Selena."

1069
01:08:22,708 --> 01:08:26,208
Isang araw habang tulog ako,
may kumatok sa pinto.

1070
01:08:26,291 --> 01:08:27,500
Si Selena.

1071
01:08:28,375 --> 01:08:30,625
Sabi niya, "Magpakasal na tayo."

1072
01:08:30,708 --> 01:08:33,166
Sabi ko, "Hindi… Wag ganito."

1073
01:08:33,250 --> 01:08:35,958
"Ayokong maging ganito 'to para sa 'yo."

1074
01:08:38,208 --> 01:08:40,833
Wala pang 21 no'n si Selena.

1075
01:08:42,041 --> 01:08:47,125
Tingin ko, 'yon ang pinakamalaking
problema para sa parents ko,

1076
01:08:47,208 --> 01:08:49,000
sa akin, sa aming lahat.

1077
01:08:50,916 --> 01:08:53,750
Bukambibig dati ni Selena ang kasal,

1078
01:08:53,833 --> 01:08:58,625
'yong wedding dress niya,
planado na niya lahat 'yon,

1079
01:08:58,708 --> 01:09:00,333
kung ano'ng gusto niya.

1080
01:09:00,916 --> 01:09:06,166
Akala ko talaga, makakaisip kami
ng paraan para maayos ang lahat.

1081
01:09:06,250 --> 01:09:10,041
Para magkaro'n ng fairy-tale wedding
na gusto niya.

1082
01:09:10,750 --> 01:09:13,458
Sabi niya lang, "Hindi mangyayari 'yon."

1083
01:09:13,541 --> 01:09:16,250
No'ng panahong 'yon,
sapat na 'yong pagmamahal ko sa kanya.

1084
01:09:16,333 --> 01:09:20,458
Magsama na tayo, kahit ano pa
ang ibig sabihin o itsura niyan.

1085
01:09:20,541 --> 01:09:24,833
Ang bilis ng mga pangyayari,
kinasal na lang kami.

1086
01:09:25,500 --> 01:09:31,916
Tinawagan ko 'yong papa ko, sabi niya,
"Ayun, nagpakasal na 'yong kapatid mo."

1087
01:09:32,000 --> 01:09:34,333
"Kasal na siya." Sabi ko, "Ano?"

1088
01:09:34,416 --> 01:09:35,791
Gano'n ko nalaman.

1089
01:09:37,833 --> 01:09:39,708
Wag ka masyadong ngumiti.

1090
01:09:39,791 --> 01:09:41,333
Nadismaya ako.

1091
01:09:41,416 --> 01:09:42,708
Ang babata pa nila.

1092
01:09:43,541 --> 01:09:48,125
No'ng panahong 'yon, hindi ako naniniwala
na 'yon talaga 'yong gusto niya.

1093
01:09:49,541 --> 01:09:51,083
Nasaktan ako.

1094
01:09:52,666 --> 01:09:55,458
Sobrang nasaktan ako,

1095
01:09:55,541 --> 01:09:58,833
kasi hindi inisip ng anak ko

1096
01:09:58,916 --> 01:10:00,458
'yong tatay niya.

1097
01:10:02,875 --> 01:10:07,166
Naaalala ko, kinausap niya
sina Mama at Papa.

1098
01:10:07,916 --> 01:10:08,833
Smile!

1099
01:10:08,916 --> 01:10:12,625
Takot na takot talaga siya,
kasi nagkakainitan na ang lahat,

1100
01:10:12,708 --> 01:10:14,458
sobrang nakakakaba.

1101
01:10:15,000 --> 01:10:15,875
Chris.

1102
01:10:18,208 --> 01:10:21,791
Nakaupo na lang kami do'n,
napapaisip kung ano'ng nangyayari.

1103
01:10:22,833 --> 01:10:25,583
Tapos lumabas siya.
Halata mong umiyak siya.

1104
01:10:25,666 --> 01:10:28,375
Mahahalata mong umiyak din
'yong papa at mama ko.

1105
01:10:28,458 --> 01:10:31,375
Tapos niyakap niya 'ko.
Binuksan niya 'yong pinto.

1106
01:10:31,458 --> 01:10:33,208
Sabi niya, "Chris, pasok ka."

1107
01:10:33,291 --> 01:10:34,125
Pumasok si Chris.

1108
01:10:34,208 --> 01:10:37,708
Tapos niyakap ng papa ko si Chris,
sabi niya,

1109
01:10:37,791 --> 01:10:39,208
"Welcome to the family."

1110
01:10:40,458 --> 01:10:43,750
Hindi sila nakinig sa 'kin, e.

1111
01:10:43,833 --> 01:10:44,833
Nagtanan sila.

1112
01:10:45,708 --> 01:10:49,333
No'ng kinasal na sila,
wala na 'kong magagawa kundi tanggapin.

1113
01:10:50,041 --> 01:10:53,083
Gano'n talaga, e.
Hindi ko na mababago 'yon.

1114
01:10:55,583 --> 01:10:59,500
Sabi ko, "Sige, ano na'ng susunod?"

1115
01:10:59,583 --> 01:11:01,083
"Ano'ng sunod na gagawin?"

1116
01:11:01,583 --> 01:11:04,666
Tapos sabi ni Abraham,
"Sasama ka na ulit sa biyahe."

1117
01:11:04,750 --> 01:11:08,041
May miyembro ng banda n'yo
na parte na ng pamilya n'yo.

1118
01:11:08,125 --> 01:11:09,291
'Yong asawa ko?

1119
01:11:10,041 --> 01:11:12,583
Isang buwan na mula no'ng magpakasal ako.

1120
01:11:12,666 --> 01:11:14,833
Mahal na mahal ko 'yong asawa ko.

1121
01:11:15,458 --> 01:11:16,458
Sobrang cute niya.

1122
01:11:17,041 --> 01:11:19,541
Naging kaibigan ko muna siya.
Kaya ko siya nagustuhan.

1123
01:11:20,666 --> 01:11:21,666
Uy, gago.

1124
01:11:22,541 --> 01:11:24,125
Buong-puso…

1125
01:11:24,208 --> 01:11:27,083
Mahal natin ang isa't isa nang buong-puso

1126
01:11:27,875 --> 01:11:29,791
Parang tindahan ng alahas.

1127
01:11:31,250 --> 01:11:37,458
Mr. Bus Driver, pwede n'yo po ba kaming
dalahin sa magandang dinner club?

1128
01:11:38,125 --> 01:11:38,958
Pakibilisan po.

1129
01:11:39,041 --> 01:11:40,416
Agad-agad.

1130
01:11:40,500 --> 01:11:46,041
Lahat ng tensiyon, lahat ng "a,"
alam mo 'yon?

1131
01:11:46,125 --> 01:11:47,666
Nawala lang bigla.

1132
01:11:47,750 --> 01:11:48,583
Suzy…

1133
01:11:50,333 --> 01:11:52,291
Pero walang sinabi si Marcy.

1134
01:11:52,375 --> 01:11:53,583
Hindi mo…

1135
01:12:03,500 --> 01:12:06,083
Pagkatapos niyang ikasal kay Chris,

1136
01:12:06,166 --> 01:12:09,291
laging sinasabi sa 'kin ni Selena
'yong tungkol sa mga pangarap niya.

1137
01:12:09,375 --> 01:12:14,958
Magtatanggal siya ng makeup,
tapos itatali niya 'yong buhok niya.

1138
01:12:15,583 --> 01:12:17,916
Pag-uusapan namin ang pagiging…

1139
01:12:18,000 --> 01:12:21,250
'yong pagpapakasal,
pag ako naman 'yong ikakasal,

1140
01:12:21,333 --> 01:12:23,083
'yong pagkakaro'n niya ng anak,

1141
01:12:23,166 --> 01:12:26,125
na maglalaro 'yong mga anak niya,
saka 'yong mga anak ko.

1142
01:12:26,208 --> 01:12:29,416
Tapos sisiguraduhin namin
na lalaki sila na magkakasama.

1143
01:12:31,791 --> 01:12:32,791
Sorry.

1144
01:12:33,583 --> 01:12:35,208
Mga normal na bagay.

1145
01:12:43,083 --> 01:12:45,666
-Mag-hi ka.
-Hi.

1146
01:12:45,750 --> 01:12:47,625
Pwede ba 'kong mag-wow?

1147
01:12:48,291 --> 01:12:49,291
Wow.

1148
01:12:50,625 --> 01:12:51,625
Tour ng kuwarto.

1149
01:12:52,291 --> 01:12:53,250
Ito na 'yon.

1150
01:12:53,833 --> 01:12:55,000
Simple lang.

1151
01:12:55,083 --> 01:12:57,791
Masaya 'ko na ginawa niya
'yong ginawa niya.

1152
01:12:57,875 --> 01:13:03,583
Kasi naranasan niya 'yong magmahal,
naging asawa siya, tapos…

1153
01:13:05,125 --> 01:13:06,958
Kasi pa'no kung naghintay siya?

1154
01:13:08,083 --> 01:13:12,208
Ipinakikilala namin sa inyo
ang magandang si Selena!

1155
01:13:26,458 --> 01:13:32,125
No'ng kasal na kami,
ang bilis ng mga pangyayari.

1156
01:13:32,916 --> 01:13:38,000
Sobrang saya ko at nagpapasalamat ako
at proud akong parte ako ng rodeo na 'to.

1157
01:13:38,083 --> 01:13:41,291
Maganda 'yon, dahil halos 60,000 katao

1158
01:13:41,375 --> 01:13:43,250
ang gumawa ng bagong attendance record.

1159
01:13:43,333 --> 01:13:45,750
Nakakamangha 'to. Hindi ako makapaniwala.

1160
01:13:46,375 --> 01:13:48,875
Sobrang saya ko sa lahat.
Ang saya-saya ko.

1161
01:14:13,875 --> 01:14:15,833
Lahat ng tungkol sa "Como La Flor"…

1162
01:14:16,541 --> 01:14:19,666
Naaalala ko, nasa motel kami,

1163
01:14:19,750 --> 01:14:23,625
sa daan lang 'yon,
tapos biglang lumabas sa shower si A.B.

1164
01:14:23,708 --> 01:14:25,750
Sabi niya kay Joe,
"Kunin mo 'yong keyboard."

1165
01:14:28,666 --> 01:14:30,833
Natapos ko 'yong final lyrics.

1166
01:14:30,916 --> 01:14:33,833
Inaprubahan ni A.B.,
tapos dinala namin sa studio.

1167
01:14:36,916 --> 01:14:41,625
Sumikat 'yong "Como La Flor,"
tapos tuwang-tuwa ang lahat.

1168
01:14:52,375 --> 01:14:54,333
Para sa marami, "Como La Flor".

1169
01:14:54,416 --> 01:14:55,916
'Yon ang anthem.

1170
01:15:11,666 --> 01:15:15,208
Siya ang top-selling Latin artist
ng EMI Records.

1171
01:15:15,291 --> 01:15:18,791
Nagpe-perform ang 22 taong gulang
kasama ng asawa at mga kapatid niya.

1172
01:15:18,875 --> 01:15:23,000
Sa mga panahong 'to,
walang malungkot na kanta si Selena.

1173
01:15:24,583 --> 01:15:27,166
Ang lumalagong kasikatan,
mabuting pagkatao,

1174
01:15:27,250 --> 01:15:28,833
at karisma sa entablado ni Selena

1175
01:15:28,916 --> 01:15:32,416
ang nakakuha ng atensiyon
ng mga advertiser gaya ng Coca-Cola,

1176
01:15:32,500 --> 01:15:36,708
na kumikilala sa kanya bilang bagong boses
ng batang henerasyon ng Latino.

1177
01:15:36,791 --> 01:15:38,250
Paborito ko ang Coca-Cola.

1178
01:15:38,333 --> 01:15:40,416
Pinakamasarap na soft drink 'yon.

1179
01:15:51,958 --> 01:15:56,375
Pinagmamalaki talaga niya
'yong pagpirma niya sa Coca-Cola.

1180
01:15:56,458 --> 01:16:02,166
Major label na ginawang tagapagsalita
ang Tejano artist.

1181
01:16:02,250 --> 01:16:03,708
Malaking moment 'yon.

1182
01:16:11,958 --> 01:16:16,958
Para 'to sa mahigit 300,000 na kopya
ng album na Entre a Mi Mundo.

1183
01:16:17,625 --> 01:16:18,666
Okay.

1184
01:16:22,750 --> 01:16:27,708
Gusto din naming ipakita sa 'yo ang album
na kalalabas lang, ang Selena Live!

1185
01:16:27,791 --> 01:16:29,958
Sa awa ng Diyos, babalik ulit tayo dito

1186
01:16:30,041 --> 01:16:32,375
para ibigay ang triple platinum
ng Selena Live!

1187
01:16:32,458 --> 01:16:34,166
'Yong Selena Live! dalawang buwan…

1188
01:16:34,250 --> 01:16:35,125
Dalawang buwan.

1189
01:16:35,208 --> 01:16:37,083
…lalampas na agad sa 100,000 kopya.

1190
01:16:38,250 --> 01:16:41,833
May plano ka bang maging soloista,

1191
01:16:41,916 --> 01:16:43,500
o hindi ka aalis sa grupo mo?

1192
01:16:43,583 --> 01:16:47,083
Hindi ko iiwan 'yong grupo ko.
Pamilya ko 'yong grupo.

1193
01:16:47,166 --> 01:16:52,500
Parang pag iniwan ko 'yong grupo,
hindi ako magiging ligtas na mag-isa.

1194
01:16:52,583 --> 01:16:54,791
Komportable ako kung asan ako ngayon.

1195
01:16:54,875 --> 01:16:59,125
Kaya lang, sa album mo,
"Selena" 'yong nakalagay sa cover.

1196
01:16:59,208 --> 01:17:03,083
Hindi nakalagay 'yong pangalan ng grupo.
Alam naman 'yon, pero hindi nakalagay.

1197
01:17:03,166 --> 01:17:06,208
Maraming nakakaalam
ano 'yong grupong Selena y Los Dinos.

1198
01:17:06,291 --> 01:17:11,583
Nilalagay lang nila na "Selena"
para ibenta 'yon sa English market.

1199
01:17:11,666 --> 01:17:15,958
Mas madali kasing matandaan
'yong "Selena".

1200
01:17:24,500 --> 01:17:27,708
Meron kaming… Sa pamilya namin, merong…

1201
01:17:28,500 --> 01:17:30,458
Kasunduan. Pa'no sinasabi 'yong kasunduan?

1202
01:17:30,541 --> 01:17:31,458
A…

1203
01:17:32,000 --> 01:17:32,958
Pagkakaunawaan.

1204
01:17:33,041 --> 01:17:35,958
May pagkakaunawaan kami sa grupong 'to,

1205
01:17:36,041 --> 01:17:39,125
hindi lang 'to tungkol sa isang tao.

1206
01:17:39,208 --> 01:17:40,250
Buong grupo 'to.

1207
01:17:40,833 --> 01:17:45,250
Pag meron akong, pa'no 'yon sabihin,

1208
01:17:45,333 --> 01:17:46,583
tagumpay, meron din sila.

1209
01:17:46,666 --> 01:17:48,041
Hindi lang ako mag-isa.

1210
01:17:56,666 --> 01:17:58,916
Isa na namang kanta para sa inyo,
ang "Ya Ves"!

1211
01:18:00,750 --> 01:18:05,875
Lagi kong sinasabi sa mga tao
na banda kami sa Selena y Los Dinos.

1212
01:18:07,166 --> 01:18:08,875
Sa huling bahagi ng career niya,

1213
01:18:09,750 --> 01:18:11,125
si Selena na lang siya.

1214
01:18:11,708 --> 01:18:14,708
Pero 'yon pa din 'yong banda.
Andun pa din 'yong Dinos.

1215
01:18:14,791 --> 01:18:16,916
Tinanggal lang nila 'yong pangalan namin.

1216
01:18:17,000 --> 01:18:19,666
Pero andun pa din 'yong Dinos.
Parehong banda pa din.

1217
01:18:21,208 --> 01:18:26,041
Magaling na entertainer, performer,
saka icon si Selena.

1218
01:18:27,125 --> 01:18:29,083
Pero Los Dinos 'yong pundasyon.

1219
01:18:30,333 --> 01:18:31,958
Dito binubuo ng pamilya Quintanilla

1220
01:18:32,041 --> 01:18:35,500
ang operasyon nila, sa Corpus Christi.

1221
01:18:35,583 --> 01:18:38,916
Talyer ng tiyuhin na inaayos pa din.

1222
01:18:39,000 --> 01:18:39,833
Maayos naman na.

1223
01:18:39,916 --> 01:18:42,208
May isa na lang malaking pintura,
saka body shop.

1224
01:18:42,291 --> 01:18:44,458
Sinarhan nila 'yong malaking pinto.

1225
01:18:44,541 --> 01:18:46,583
Gagawa sila dito ng recording studio.

1226
01:18:46,666 --> 01:18:50,250
Para di na kami luluwas pag magre-record.
Magkaka-digital studio na kami.

1227
01:18:53,250 --> 01:18:54,791
I-play mo, Ricky. Anong key 'to?

1228
01:18:54,875 --> 01:18:56,583
Gumagawa siya ng bagong album.

1229
01:18:56,666 --> 01:18:59,500
Nagpa-practice siya kasama ng producer
na kapatid niya.

1230
01:19:07,500 --> 01:19:10,666
Hindi ko maaangkin na ako lang
sa "Amor Prohibido",

1231
01:19:10,750 --> 01:19:16,375
kasi may dinagdag si Selena sa kanta.

1232
01:19:16,458 --> 01:19:18,916
Dinagdag niya 'yong "oh, oh, baby" part.

1233
01:19:19,000 --> 01:19:25,041
Hindi mabubuo 'yong kantang 'yon
nang wala 'yong "oh, oh, baby."

1234
01:19:26,291 --> 01:19:28,000
May malaking puwang ako do'n.

1235
01:19:28,708 --> 01:19:30,958
Natural lang niyang pinunan 'yon.

1236
01:19:31,041 --> 01:19:33,041
Na-direct ko 'yong sarili ko sa studio.

1237
01:19:33,125 --> 01:19:36,958
Walang nagsasabi sa 'kin
na ganito ka kumanta o kung ano pa.

1238
01:19:37,041 --> 01:19:38,958
Naitama ko 'yong sarili ko.

1239
01:19:39,041 --> 01:19:41,208
Masaya ako do'n. Parang…

1240
01:19:41,291 --> 01:19:43,000
Ginawa ko 'yon hangga't ayos na 'ko.

1241
01:19:47,375 --> 01:19:49,916
No'ng ginagawa ko 'yong lyrics,

1242
01:19:50,000 --> 01:19:55,833
nag-aalala ako, kasi may parte
na nagrebelde siya sa parents niya.

1243
01:19:55,916 --> 01:19:57,041
"Pag-ibig ang mahalaga."

1244
01:19:57,125 --> 01:19:59,208
"Kahit ano pa'ng sabihin
ng tatay at nanay mo."

1245
01:19:59,291 --> 01:20:01,916
Kahit ano pa ang sabihin nila

1246
01:20:02,000 --> 01:20:04,541
Ng tatay at nanay mo

1247
01:20:04,625 --> 01:20:07,875
Pag-ibig lang natin ang mahalaga dito

1248
01:20:07,958 --> 01:20:09,833
Mahal kita

1249
01:20:09,916 --> 01:20:13,041
Tingin ko, pinakita ng album na 'to
'yong pagiging mature ng grupo.

1250
01:20:13,125 --> 01:20:15,333
May pagdadaanan ka sa buhay,
tapos isusulat mo.

1251
01:20:15,416 --> 01:20:17,958
Pinakita ng musika na 'to
'yong ibang bahagi ko,

1252
01:20:18,041 --> 01:20:20,541
'yong mas mature na bahagi ng sarili ko.

1253
01:20:21,833 --> 01:20:24,875
Pag hindi ako nagpe-perform
o kaya wala akong gagawin sa TV,

1254
01:20:24,958 --> 01:20:27,125
gusto kong ganito lang ako.

1255
01:20:27,208 --> 01:20:28,750
Kalmado. Gaya ng iba.

1256
01:20:29,916 --> 01:20:31,291
Pang-show lang 'to.

1257
01:20:31,375 --> 01:20:33,833
Sa ngayon, nililiha ulit nila
'yong mga sahig.

1258
01:20:33,916 --> 01:20:37,000
Sa bagong boutique at salon ni Selena
sa Corpus Christi,

1259
01:20:37,083 --> 01:20:40,833
gusto ng Tejano singer na tuklasin
ang talento niya labas sa musika.

1260
01:20:40,916 --> 01:20:42,708
Konektado ang fashion sa entertainment.

1261
01:20:42,791 --> 01:20:44,375
Mahilig tayo sa magagandang gamit.

1262
01:20:44,458 --> 01:20:46,916
Gusto ko lang magkaro'n ng sariling
clothing line.

1263
01:20:47,000 --> 01:20:49,750
Gusto kong patunayan sa sarili ko
na matalino ako.

1264
01:20:49,833 --> 01:20:52,333
Kaya kong maging negosyante
bukod sa entertainer.

1265
01:20:53,041 --> 01:20:56,541
Salamat sa pagpunta at suporta n'yo
sa bagong negosyong 'to.

1266
01:20:56,625 --> 01:20:59,083
Sana matuwa kayo sa serbisyong
ibibigay namin.

1267
01:20:59,166 --> 01:21:02,916
Sunod sa music,
nasa clothing line 'yong dedikasyon niya.

1268
01:21:03,000 --> 01:21:05,125
Pinasasaya siya no'n.

1269
01:21:05,208 --> 01:21:07,916
Medyo nag-aalala lang 'yong pamilya niya

1270
01:21:08,000 --> 01:21:12,833
na baka napapasubo siya masyado,

1271
01:21:12,916 --> 01:21:19,833
kasi nagsimula nang maging busy
'yong pagbibiyahe-biyahe.

1272
01:21:21,375 --> 01:21:25,541
Gusto niyang magkaro'n
ng sariling ginagawa.

1273
01:21:25,625 --> 01:21:28,000
Ano'ng masasabi mo
sa bagong store ng anak mo?

1274
01:21:29,041 --> 01:21:30,125
Ano nga ba…

1275
01:21:34,916 --> 01:21:38,583
Maraming nag-iisip na titigil na siya
sa pagkanta.

1276
01:21:38,666 --> 01:21:39,666
Hindi.

1277
01:21:39,750 --> 01:21:41,916
Si Selena…

1278
01:21:42,000 --> 01:21:43,583
Matalinong tao si Selena.

1279
01:21:43,666 --> 01:21:46,708
Alam niyang galing sa pagkanta
'yong malaking kita,

1280
01:21:46,791 --> 01:21:48,166
hindi sa pananahi.

1281
01:21:55,708 --> 01:22:01,291
Lagi niyang sinasabi
na may hangganan ang pagiging artist.

1282
01:22:01,375 --> 01:22:06,958
Kaya kailangan mo ng bagay
na sasalo sa 'yo.

1283
01:22:07,708 --> 01:22:11,166
Alam niyang sa hinaharap,
bubuo siya ng pamilya,

1284
01:22:11,250 --> 01:22:13,333
tapos meron siyang mga boutique.

1285
01:22:14,083 --> 01:22:16,666
Gusto kong magkaro'n
ng mga anak sa future.

1286
01:22:16,750 --> 01:22:20,083
Parte 'yon ng pagkababae ko,

1287
01:22:20,166 --> 01:22:22,833
bilang babae, na tingin ko
ay kulang sa 'kin.

1288
01:22:22,916 --> 01:22:23,958
Pero sa future pa.

1289
01:22:24,041 --> 01:22:29,041
Pakiramdam ko, kailangan kong pigain
lahat ng planong nasa utak ko,

1290
01:22:29,708 --> 01:22:31,125
tapos tutuparin ko sila.

1291
01:22:31,625 --> 01:22:34,500
Para sa future, pag may time ako
na alagaan 'yong mga anak ko,

1292
01:22:34,583 --> 01:22:36,833
siyempre magkakaanak ako ng anim…

1293
01:22:37,708 --> 01:22:39,041
Ibang grupo.

1294
01:22:39,916 --> 01:22:40,750
Hi, Selena.

1295
01:22:40,833 --> 01:22:42,166
-Hi.
-Uy!

1296
01:22:43,083 --> 01:22:45,625
-Kasama natin si Selena. Kumusta?
-Mabuti. Salamat.

1297
01:22:46,208 --> 01:22:48,250
-Great to meet you, ha.
-Ikaw din!

1298
01:22:48,333 --> 01:22:49,458
Ang daming dumadating.

1299
01:22:49,541 --> 01:22:51,458
Ang daming tao. Mapupuno 'to.

1300
01:22:51,541 --> 01:22:54,916
Sana nga punong-puno, 'yong siksik.

1301
01:22:55,875 --> 01:22:57,875
Nakakagulat makarating sa Mexico.

1302
01:22:58,583 --> 01:23:00,500
Binuksan no'n nang malaki 'yong pinto.

1303
01:23:00,583 --> 01:23:04,541
Pagdating sa bilang ng tao…
'yong crowd talagang…

1304
01:23:06,666 --> 01:23:08,500
Hindi ako makapaniwala.

1305
01:23:08,583 --> 01:23:12,000
Ano'ng pakiramdam na bumalik sa Monterrey
at mapuno 'yong venue na 'to

1306
01:23:12,083 --> 01:23:14,291
ng libo-libong tao?

1307
01:23:14,375 --> 01:23:18,291
Sa totoo lang, nagulat at na-excite ako.

1308
01:23:19,083 --> 01:23:20,375
Natakot din!

1309
01:23:20,458 --> 01:23:21,541
Sobrang saya ko.

1310
01:23:21,625 --> 01:23:24,583
Sinundan namin kayo sa iba't ibang lugar.

1311
01:23:24,666 --> 01:23:26,750
Nakita naming napuno
'yong Houston's Astrodome,

1312
01:23:26,833 --> 01:23:30,083
pero dito sa Monterrey,
parang mas malakas 'yong sigawan,

1313
01:23:30,166 --> 01:23:34,291
pinapakita sa inyo nang buo
'yong pagmamahal nila sa inyo.

1314
01:23:45,541 --> 01:23:48,791
Ang ganda ng record sa Monterrey.
Kuwentuhan mo kami tungkol do'n.

1315
01:23:48,875 --> 01:23:53,875
Kami 'yong grupo na nag-inaugurate
ng baseball stadium.

1316
01:23:53,958 --> 01:23:59,833
Maraming artist gaya nina Juan Gabriel,
Yuri, at Verónica Castro.

1317
01:23:59,916 --> 01:24:04,000
Kami lang 'yong grupo na nakapuno
sa baseball stadium.

1318
01:24:10,375 --> 01:24:17,250
Parang a-ha moment 'yon,
"Oh my God, ano'ng nangyayari dito?"

1319
01:24:17,333 --> 01:24:18,958
"Ano'ng ginagawa natin dito?"

1320
01:24:19,041 --> 01:24:20,750
"Pa'no tayo nakarating dito?"

1321
01:24:22,000 --> 01:24:23,250
"Pa'no haharapin 'to?"

1322
01:24:23,333 --> 01:24:25,666
Ang gulo talaga. Grabe.

1323
01:24:25,750 --> 01:24:29,041
Talagang 'yong mga tao…
Gusto nilang makita si Selena.

1324
01:24:30,000 --> 01:24:35,250
'Yong tagumpay sa Mexico,
ginawa 'yong tagumpay namin dito

1325
01:24:35,333 --> 01:24:38,000
nang doble o baka triple pa.

1326
01:24:47,833 --> 01:24:51,166
"Bidi Bidi Bom Bom" ang isa
sa mga pinakamalaking hit ni Selena.

1327
01:24:51,958 --> 01:24:54,125
Monster hit 'yon.

1328
01:25:04,625 --> 01:25:08,666
Sa batayan ng Tejano music,
si Selena 'yong pinakamagaling.

1329
01:25:08,750 --> 01:25:11,416
Ipapakita niya na narating na niya
'yong tuktok dito.

1330
01:25:11,500 --> 01:25:13,750
Ang susunod na ay US, baka pati Europe.

1331
01:25:16,166 --> 01:25:22,041
Hindi ko inakalang
magiging kilalang singer ako, pero…

1332
01:25:22,125 --> 01:25:23,708
-Sabihin mo, sikat. Sikat!
-Ayoko!

1333
01:25:23,791 --> 01:25:25,125
Sikat ka naman talaga.

1334
01:25:25,750 --> 01:25:27,208
Gusto namin 'yong music niya.

1335
01:25:27,291 --> 01:25:29,000
-Oo.
-Magaling siyang singer.

1336
01:25:29,083 --> 01:25:31,541
Gusto ko 'yong music niya.
Masayang sayawan.

1337
01:25:31,625 --> 01:25:33,208
-Pwede mong sayawan.
-Cool siya.

1338
01:25:33,291 --> 01:25:37,958
Binigyan niya 'ko ng confidence
na maging babaeng Hispanic

1339
01:25:38,041 --> 01:25:40,375
na kayang gawin 'yong gusto niya.

1340
01:25:40,458 --> 01:25:42,750
Hindi nagsasalita ng Spanish
'yong anak ko.

1341
01:25:42,833 --> 01:25:46,458
No'ng nakinig siya kay Selena,
marami siyang natutunang Spanish word.

1342
01:25:46,541 --> 01:25:50,375
Para sa 'kin, hindi niya lang kinakatawan
'yong pagiging Mexican-American.

1343
01:25:50,458 --> 01:25:53,666
Isa siyang Mexican na American din.

1344
01:25:53,750 --> 01:25:56,375
-Sobrang importante niya.
-Sinasayawan ko 'yong kanta niya.

1345
01:25:56,458 --> 01:26:00,958
Ang sayang makakita ng mga bata
na medyo napalayo sa pinagmulan nila,

1346
01:26:01,041 --> 01:26:05,416
'yong kultura ng Tejano music,
o pagsasalita ng Spanish,

1347
01:26:05,500 --> 01:26:08,791
pero nakikinig na ngayon no'n,
saka inaaral na 'yong language.

1348
01:26:08,875 --> 01:26:11,875
Ang saya, kasi habang napapalapit ka
sa pinagmulan at kultura mo,

1349
01:26:11,958 --> 01:26:14,000
naiintindihan mo kung sino ka.

1350
01:26:14,083 --> 01:26:17,000
Mahal ka namin, Selena!

1351
01:26:31,291 --> 01:26:33,375
Naaalala kong sobrang sipag ni Selena.

1352
01:26:34,500 --> 01:26:37,166
Tatlo o apat na oras lang 'yong tulog.
Hindi kumakain.

1353
01:26:39,708 --> 01:26:43,125
Pero alam niyang kailangan niyang
gawin 'yong trabaho niya.

1354
01:26:43,875 --> 01:26:44,916
Sa'n ka galing?

1355
01:26:46,833 --> 01:26:50,083
Sa'n ka pumunta?

1356
01:26:52,541 --> 01:26:56,083
-Hinanap mo 'yong bag mo sa bus?
-Hindi may mga tinawagan ako.

1357
01:26:56,166 --> 01:26:57,083
-Talaga?
-Bago…

1358
01:26:57,166 --> 01:27:00,000
Tapos pumunta 'ko sa bus
para kunin 'yong credit cards ko.

1359
01:27:00,083 --> 01:27:02,791
-Pinakamahalaga 'yon pag nagsha-shopping.
-Oo.

1360
01:27:03,375 --> 01:27:04,833
-Tapos?
-Niyakap mo na ba siya?

1361
01:27:04,916 --> 01:27:07,625
Tingin ko, nagiging mahirap na
para sa kanya.

1362
01:27:19,833 --> 01:27:21,833
Antabay. Antabay sa playback.

1363
01:27:40,125 --> 01:27:41,000
Okay, cut!

1364
01:27:41,791 --> 01:27:42,750
Ang galing.

1365
01:27:42,833 --> 01:27:44,916
Cut! Ulitin natin?

1366
01:27:45,000 --> 01:27:45,916
Ayos na 'yan.

1367
01:27:46,000 --> 01:27:48,708
Isa pa, tapos tatapusin na natin.

1368
01:27:48,791 --> 01:27:52,000
Sa tingin ko, nalaman niya

1369
01:27:53,041 --> 01:27:55,583
na may mangyayaring malaking pagbabago

1370
01:27:55,666 --> 01:27:58,416
sa nakasanayan niya,

1371
01:27:58,958 --> 01:28:00,625
sa nakasanayan naming lahat.

1372
01:28:03,416 --> 01:28:06,166
Maligayang pagdating
sa 36th Annual Grammy Awards,

1373
01:28:06,250 --> 01:28:08,041
live mula sa New York City.

1374
01:28:08,583 --> 01:28:10,208
Mula sa Radio City Music Hall…

1375
01:28:10,291 --> 01:28:14,166
Nakaka-excite ma-nominate sa Grammy.

1376
01:28:14,250 --> 01:28:16,750
Hanga talaga kami.

1377
01:28:18,125 --> 01:28:25,000
Sobrang nakakagulat at nakakabilib
na maranasan 'yon kasama siya.

1378
01:28:25,083 --> 01:28:27,583
Nagpaayos siya ng buhok.

1379
01:28:27,666 --> 01:28:31,208
Lahat ng babaeng nagbabanlaw ng buhok
kilala si Selena.

1380
01:28:31,291 --> 01:28:34,083
Sila lang 'yong mga Latino
sa lugar na 'yon…

1381
01:28:34,166 --> 01:28:38,875
Sabi nila, "Diyos ko po."
Kumalat 'yon sa buong salon.

1382
01:28:38,958 --> 01:28:43,541
Nagulat na lang kami,
inaasikaso na kami na parang reyna.

1383
01:28:43,625 --> 01:28:45,833
Fast-forward. Nag-ready na 'ko.

1384
01:28:45,916 --> 01:28:46,916
Ready na siya.

1385
01:28:47,000 --> 01:28:50,000
Hindi ko makakalimutan
'yong moment na 'yon.

1386
01:28:50,666 --> 01:28:53,291
Lumabas siya,
tapos talagang napanganga ako.

1387
01:28:53,375 --> 01:28:56,958
"Sobrang ganda mo."

1388
01:28:57,041 --> 01:29:00,208
"Oh my God. Ang perfect mo."

1389
01:29:00,291 --> 01:29:03,041
Siguro sampu kaming nakaupo sa isang row
sa bandang likod,

1390
01:29:03,125 --> 01:29:04,375
kasi late kaming dumating.

1391
01:29:04,458 --> 01:29:06,541
Lagi naman. Lagi akong late sa lahat.

1392
01:29:06,625 --> 01:29:10,541
-Tapos in-announce nila 'ko na panalo.
-The Grammy goes to…

1393
01:29:10,625 --> 01:29:12,416
-Sabi ko, "Oh my God!"
-Live, Selena.

1394
01:29:12,500 --> 01:29:16,208
Tumayo 'yong buong row namin,
tapos parang…

1395
01:29:17,333 --> 01:29:19,041
Sabi ko, "Oh my God!"

1396
01:29:19,125 --> 01:29:22,708
Gusto kong pasalamatan 'yong kompanya,
Capitol EMI Latin, si José Behar,

1397
01:29:23,208 --> 01:29:26,625
dahil naging posible 'yong gabing 'to
at sa pagtitiwala sa 'min.

1398
01:29:26,708 --> 01:29:28,208
Four years na kayong nagtitiwala.

1399
01:29:28,291 --> 01:29:31,125
Salamat din sa banda ko, ang Los Dinos,
sa papa ko, si Abraham.

1400
01:29:31,208 --> 01:29:35,083
Kuya ko na producer ng music ko,
pati na din 'yong ate ko.

1401
01:29:35,166 --> 01:29:37,125
Salamat sa suporta.
Gusto kong pasalamatan…

1402
01:29:37,208 --> 01:29:39,833
Groundbreaking 'yong album.

1403
01:29:40,583 --> 01:29:45,041
Binabanat nila 'yong mga hangganan,
saka sinusubok ang mga limitasyon.

1404
01:29:45,125 --> 01:29:47,750
Ang nanalo ng maraming
annual Tejano Music Awards,

1405
01:29:47,833 --> 01:29:50,791
kabilang ang Top Female Vocalist
at Entertainer of the Year,

1406
01:29:50,875 --> 01:29:54,791
kapapanalo niya lang ng una niyang
Grammy para sa album na Selena Live!

1407
01:29:54,875 --> 01:29:56,208
Nabibigla pa din ako.

1408
01:29:56,750 --> 01:29:58,291
Ang saya manalo ng Grammy.

1409
01:29:58,375 --> 01:30:00,541
Mas masaya sana kung andun ako.

1410
01:30:00,625 --> 01:30:03,458
Pero kulang sila sa ticket
kaya hindi ako nakapunta.

1411
01:30:03,541 --> 01:30:05,541
Pero ang hindi ko alam,

1412
01:30:05,625 --> 01:30:07,750
nananalo din ng Grammy 'yong producer.

1413
01:30:07,833 --> 01:30:11,291
Kaya nanalo din ako ng Grammy.
Hindi ko alam 'yon, a.

1414
01:30:11,375 --> 01:30:14,041
Hindi ko inakalang mananalo kami.

1415
01:30:14,583 --> 01:30:16,041
Hindi ko naisip…

1416
01:30:16,125 --> 01:30:21,083
Ang totoo niyan,
karangalan na 'yong ma-nominate.

1417
01:30:21,166 --> 01:30:25,333
Dala ko 'yong camera ko
para magpa-picture sa mga artista.

1418
01:30:26,375 --> 01:30:29,541
Hindi ko iniisip 'yong nomination.

1419
01:30:29,625 --> 01:30:31,166
Gusto nilang magpa-picture sa 'yo.

1420
01:30:31,250 --> 01:30:33,500
Hindi sila pumayag ipasok 'yong camera ko.

1421
01:30:33,583 --> 01:30:35,250
-Hindi?
-Pero umalis akong dala 'to.

1422
01:30:36,666 --> 01:30:40,750
Siya ang pinakasikat na Tejano superstar
na lumitaw makalipas ang ilang taon.

1423
01:30:40,833 --> 01:30:43,041
Isa lang ang pangalan niya, Selena.

1424
01:30:43,125 --> 01:30:45,291
Matapos ang mahigit dalawang taon
ng negosasyon,

1425
01:30:45,375 --> 01:30:48,000
pumirma siya ng deal
para sa English language album.

1426
01:30:48,083 --> 01:30:51,625
Pagkatapos ng matagal na paghihintay,
natupad ang mga gusto ni Selena.

1427
01:30:51,708 --> 01:30:54,166
Pumirma kami sa SBK Records.
All-English 'yon.

1428
01:30:54,250 --> 01:30:56,000
Branch 'yon ng EMI.

1429
01:30:56,583 --> 01:30:58,500
Excited na kami sa pag-angat.

1430
01:30:58,583 --> 01:31:01,416
Pumirma si Selena sa Capitol Worldwide.

1431
01:31:02,208 --> 01:31:04,208
Makakasama niya lahat ng sikat.

1432
01:31:04,916 --> 01:31:06,458
Pero sandali lang.

1433
01:31:06,541 --> 01:31:10,708
Nilinaw ng kinatawan ng English market

1434
01:31:10,791 --> 01:31:14,958
na worldwide din ang Tejano music.

1435
01:31:15,041 --> 01:31:18,041
Kaya hindi namin tatalikuran
ang Tejano music kahit kailan.

1436
01:31:24,208 --> 01:31:27,708
Nasa maagang bahagi pa siya ng pagpili
ng mga kanta niya.

1437
01:31:27,791 --> 01:31:31,833
Pero 'yong katotohanang mangyayari na
'yong English album na 'to,

1438
01:31:31,916 --> 01:31:33,916
sobrang saya niya.

1439
01:31:34,458 --> 01:31:36,416
Pangarap niya 'to, 100%.

1440
01:31:36,500 --> 01:31:38,166
Mas nape-pressure ka? Mas busy?

1441
01:31:38,250 --> 01:31:41,083
-Nagtu-tour pa din kayo?
-Mas busy nga.

1442
01:31:41,166 --> 01:31:44,875
Nagtu-tour pa, pumupunta din sa studio
para i-record 'yong English album,

1443
01:31:44,958 --> 01:31:46,250
saka may iba pang ginagawa.

1444
01:31:46,333 --> 01:31:49,375
Pero umaasa ka, gusto mong may mangyari,

1445
01:31:49,458 --> 01:31:51,083
pag hindi masyadong pumapatok.

1446
01:31:51,166 --> 01:31:55,083
Pag gusto mo nang maghinay-hinay,
pero iisipin mo 'yong pinanggalingan mo,

1447
01:31:55,166 --> 01:31:56,250
mas pahahalagahan mo.

1448
01:31:57,250 --> 01:31:59,041
English ang first language ko.

1449
01:31:59,875 --> 01:32:02,958
Buong buhay ko,
nakikinig ako sa English music.

1450
01:32:04,041 --> 01:32:06,916
Matagal ko na talagang gustong gawin 'to.

1451
01:32:09,333 --> 01:32:14,083
Kung may pangarap ka, hindi mo sinubukan,
hindi mo malalaman, kaya susubukan ko.

1452
01:32:15,333 --> 01:32:18,791
Para sa 'kin, gagawin ko ang makakaya ko
nang buong kaluluwa.

1453
01:32:18,875 --> 01:32:21,500
Sana suportahan ng publiko
'yong music namin.

1454
01:32:21,583 --> 01:32:23,625
Hindi 'yon Tex-Mex music.

1455
01:32:23,708 --> 01:32:26,416
Contemporary pop at R&B siya.

1456
01:32:26,500 --> 01:32:28,708
Magiging ibang-iba talaga.

1457
01:32:29,208 --> 01:32:32,041
Sigurado ka ba sa gusto mong makamit

1458
01:32:32,125 --> 01:32:34,083
o may takot ka pa din?

1459
01:32:34,166 --> 01:32:36,041
-Natatakot ako.
-Talaga?

1460
01:32:36,125 --> 01:32:37,791
-Oo naman.
-Konti lang o marami?

1461
01:32:37,875 --> 01:32:41,708
Marami. Takot na takot ako.

1462
01:32:41,791 --> 01:32:44,583
Pero kailangang subukan, di ba?
Para malaman mo.

1463
01:32:45,083 --> 01:32:46,208
Naiintindihan niya

1464
01:32:47,583 --> 01:32:51,708
na kailangang magkaro'n ng pagbabago
sa mga tao sa banda, kaya…

1465
01:32:52,500 --> 01:32:54,083
natatakot siya.

1466
01:32:56,208 --> 01:33:01,041
Sanay siya sa puwersang nasa likod niya,
'yong Los Dinos,

1467
01:33:01,916 --> 01:33:04,416
kaya hindi niya alam ano'ng aasahan

1468
01:33:05,791 --> 01:33:09,916
sa mangyayari sa paglabas
ng bagong record niya.

1469
01:33:10,000 --> 01:33:12,833
Kumusta kayo, Houston, Texas?

1470
01:33:45,250 --> 01:33:46,833
Naaalala ko, umiiyak siya.

1471
01:33:46,916 --> 01:33:50,708
Sabi niya, "May sa 'kin sa 'kin
na gusto 'to, pero meron ding ayaw."

1472
01:33:50,791 --> 01:33:53,125
Sabi ko, "Bakit may parteng ayaw mo?"

1473
01:33:53,208 --> 01:33:57,958
Sabi niya, "Kasi iiwan kita, si Ate,
si Papa, at lahat ng kinasanayan ko."

1474
01:33:58,041 --> 01:34:00,666
Sabi ko, "Hindi mo kami iiwan."

1475
01:34:00,750 --> 01:34:04,375
Sabi ko, "Ito naman talaga 'yong plano,
'yong English market."

1476
01:34:10,375 --> 01:34:13,583
Siya ang pinakasikat na Tejano superstar
matapos ang ilang taon.

1477
01:34:15,541 --> 01:34:18,083
Humahakot ng mga tao
sa iba't ibang stadium sa bansa,

1478
01:34:18,166 --> 01:34:20,458
sa Mexico, at Central at South America.

1479
01:34:20,541 --> 01:34:22,708
Eto na si Selena.

1480
01:34:24,208 --> 01:34:28,041
Si Selena, superstar sa batang edad na 23.

1481
01:34:28,833 --> 01:34:30,000
Alam nating lahat

1482
01:34:30,625 --> 01:34:36,083
na mas sikat pa si Selena
kesa sa inaakala niya.

1483
01:34:36,166 --> 01:34:37,916
Di niya alam ga'no siya kasikat.

1484
01:34:46,333 --> 01:34:47,541
Moment niya 'yon, e.

1485
01:34:54,416 --> 01:34:56,166
Hindi niya kami gustong iwan.

1486
01:34:56,250 --> 01:34:58,500
Nahirapan talaga siya.

1487
01:34:58,583 --> 01:34:59,666
Umiyak siya.

1488
01:35:07,541 --> 01:35:10,375
Nag-usap kaming pamilya.
Pinag-usapan namin 'yon.

1489
01:35:10,458 --> 01:35:12,708
Hindi na 'ko pwedeng maging drummer mo.

1490
01:35:12,791 --> 01:35:15,250
Wala na 'ko sa likod mo,
andito 'ko sa tabi mo.

1491
01:35:35,708 --> 01:35:37,375
Naaalala ko, sabi ko sa kanya,

1492
01:35:38,041 --> 01:35:42,125
walang makapaghihiwalay sa 'tin,
kasi iisa tayo.

1493
01:35:59,666 --> 01:36:03,250
Ito 'yong totoong ako pagkatapos ng show,
na walang…

1494
01:36:04,708 --> 01:36:05,583
hairpiece.

1495
01:36:05,666 --> 01:36:10,875
Ito 'yong totoong buhok ko
na nakakabit sa totoong ulo ko.

1496
01:36:12,125 --> 01:36:16,500
Alam kong mapapanood ng lahat
'yong video ko na 'to,

1497
01:36:16,583 --> 01:36:20,208
gusto ko lang sabihin sa inyo
na "Ang papangit n'yo kanina."

1498
01:36:21,458 --> 01:36:24,208
Joke lang. Ang galing n'yong lahat.

1499
01:36:24,291 --> 01:36:27,625
Ayoko pag sinasabi n'yo na ako 'yong boss,

1500
01:36:27,708 --> 01:36:29,916
kasi ayoko pag tama kayo.

1501
01:36:31,625 --> 01:36:33,833
Joke lang talaga. Wala ako kung wala kayo.

1502
01:36:33,916 --> 01:36:36,208
Gusto ko lang malaman n'yo
na mahal ko kayo.

1503
01:36:36,291 --> 01:36:37,750
At ipagpatuloy n'yo lang 'yan.

1504
01:36:45,875 --> 01:36:47,000
911 'to, emergency.

1505
01:36:48,000 --> 01:36:50,583
May babaeng tumakbo sa lobby,
binaril daw siya.

1506
01:36:50,666 --> 01:36:52,916
Nakahiga siya sa sahig. Ang daming dugo.

1507
01:36:53,000 --> 01:36:53,833
Okay.

1508
01:36:54,541 --> 01:36:55,458
Ilang taon na siya?

1509
01:36:55,541 --> 01:36:57,000
Mukhang nasa 20.

1510
01:37:00,625 --> 01:37:04,375
Muli, binaril ang Tejano music superstar
na si Selena.

1511
01:37:04,458 --> 01:37:06,583
Hindi pa malinaw ang kalagayan niya,

1512
01:37:06,666 --> 01:37:09,708
pero itutuloy namin ang kuwento
pag may bago nang update.

1513
01:37:09,791 --> 01:37:12,958
Maglalabas kami ng live reports
buong hapon. Meron kaming…

1514
01:37:13,041 --> 01:37:15,333
Kadarating ko lang kaya hindi ko alam.

1515
01:37:15,416 --> 01:37:17,625
-Binaril si Selena.
-Pasukin na ba natin?

1516
01:37:18,958 --> 01:37:20,125
Titingnan ko 'to.

1517
01:37:20,208 --> 01:37:21,875
Sabihin mo sa kanila…

1518
01:37:21,958 --> 01:37:24,250
…ibalik n'yo, iwan n'yo sa kanila
'yong tapes.

1519
01:37:24,333 --> 01:37:26,375
Isa't kalahating oras na ang nakakaraan,

1520
01:37:26,458 --> 01:37:28,291
may tumawag sa Corpus Christi police

1521
01:37:28,375 --> 01:37:31,791
na binaril ang Grammy Award-winning
Tejano singer na si Selena Quintanilla…

1522
01:37:32,333 --> 01:37:34,458
Hinihintay ko siya sa studio.

1523
01:37:35,333 --> 01:37:39,375
Pagtapos ng fifteen minutes,
sumasabog na 'yong mga telepono sa Q.

1524
01:37:39,458 --> 01:37:41,333
Tinawagan ako

1525
01:37:42,375 --> 01:37:43,791
ng kaibigan ko.

1526
01:37:43,875 --> 01:37:45,791
May sinabi siya na parang

1527
01:37:46,500 --> 01:37:48,958
"Kailangan mo nang pumunta sa ospital."

1528
01:37:49,541 --> 01:37:51,291
'Yong kalagayan ni Selena sa ngayon…

1529
01:37:51,375 --> 01:37:53,416
Malubha na sa Memorial Medical Center.

1530
01:37:53,500 --> 01:37:55,833
Bibigyan namin kayo ng update
pag meron na.

1531
01:37:55,916 --> 01:37:58,416
Sumigaw 'yong receptionist,
tapos nag-ring 'yong phone.

1532
01:37:58,500 --> 01:38:01,041
Sabi ko, "Ano 'yon?"
Sabi niya, "Nasa ER si Selena."

1533
01:38:01,625 --> 01:38:03,916
Pumasok ako, may press do'n,

1534
01:38:04,000 --> 01:38:07,833
may mga TV camera, andun na silang lahat!

1535
01:38:07,916 --> 01:38:08,958
Akalain n'yo 'yon?

1536
01:38:09,041 --> 01:38:10,666
May mga tao…

1537
01:38:10,750 --> 01:38:13,666
ilang daang tao, mga tagahanga
ni Selena Quintanilla.

1538
01:38:13,750 --> 01:38:17,000
Kung sino-sino'ng tumatawag sa 'kin.

1539
01:38:17,083 --> 01:38:21,041
Wala akong masabi sa kanila.

1540
01:38:21,125 --> 01:38:23,125
Hindi nagsasalita 'yong hotel,
saka ospital.

1541
01:38:23,208 --> 01:38:25,625
May hindi kumpirmadong report na…

1542
01:38:25,708 --> 01:38:29,250
Daan-daang tagahanga ang nagtipon
sa parking lot malapit sa motel,

1543
01:38:29,333 --> 01:38:33,250
pinapanood ang kakaibang harapan
sa pagitan ng mga police SWAT team

1544
01:38:33,333 --> 01:38:36,750
at ng inaakusahang pumatay kay Selena
na si Yolanda na nakaupo sa truck.

1545
01:38:36,833 --> 01:38:41,500
Sa loob ng halos sampung oras, nakatutok
ang baril sa ulo niya, magpapakamatay.

1546
01:38:41,583 --> 01:38:46,416
Sabi ng papa ko,
"May gustong kumausap sa 'yo sa telepono."

1547
01:38:46,500 --> 01:38:48,083
Sabi niya, "Wag kang mabibigla,

1548
01:38:48,166 --> 01:38:51,583
pero mukhang may nangyari kay Selena."

1549
01:38:54,041 --> 01:38:55,458
Umakyat ako,

1550
01:38:55,541 --> 01:38:59,666
andun na 'yong mga tito ko,

1551
01:38:59,750 --> 01:39:01,083
saka tita ko,

1552
01:39:01,166 --> 01:39:02,833
tapos umiiyak silang lahat.

1553
01:39:02,916 --> 01:39:04,416
Tapos pumasok ako,

1554
01:39:05,458 --> 01:39:08,625
nakayuko 'yong mama ko, umiiyak din siya.

1555
01:39:10,500 --> 01:39:12,750
Tinanong ko si Papa, "Asan si Selena?"

1556
01:39:13,458 --> 01:39:15,791
Sabi niya, "Binaril siya."

1557
01:39:16,625 --> 01:39:18,875
Sabi ko, "Ayos lang ba siya?"

1558
01:39:20,166 --> 01:39:23,208
Sabi niya, "Mukhang hindi, anak."

1559
01:39:23,291 --> 01:39:24,333
"Mukhang hindi."

1560
01:39:24,416 --> 01:39:26,625
Binaril ang Grammy
Award-winning singer kanina…

1561
01:39:26,708 --> 01:39:28,416
Pumunta ako sa ospital.

1562
01:39:29,666 --> 01:39:31,166
Dinala nila 'ko sa isang kuwarto.

1563
01:39:32,625 --> 01:39:34,833
Andun 'yong pamilya niya.

1564
01:39:36,416 --> 01:39:42,250
Pagtingin ko, tapos nakita ko si Marcy,

1565
01:39:42,333 --> 01:39:44,625
tapos nakita ko 'yong kondisyon niya,

1566
01:39:44,708 --> 01:39:45,708
alam ko na.

1567
01:39:47,416 --> 01:39:50,333
Alam ko na. Naisip ko na agad.

1568
01:39:54,291 --> 01:39:56,625
Nakikita ko pa din na umiiyak si Chris.

1569
01:39:59,500 --> 01:40:02,666
Sa likod ng pinto.
May maliit na bintana 'yong pinto.

1570
01:40:02,750 --> 01:40:05,625
Kawawa. Nakaupo lang kami do'n,
iyak lang nang iyak.

1571
01:40:06,666 --> 01:40:07,666
Basta.

1572
01:40:14,541 --> 01:40:16,625
Ang anak kong si Selena…

1573
01:40:19,208 --> 01:40:20,333
pinatay siya

1574
01:40:21,291 --> 01:40:23,541
ng galit na empleyado.

1575
01:40:24,041 --> 01:40:27,166
Siya 'yong pangulo ng…

1576
01:40:27,250 --> 01:40:29,958
nagsimula siya bilang pangulo ng fan club.

1577
01:40:30,666 --> 01:40:36,666
Tapos kinuha siya
bilang empleyado ni Selena

1578
01:40:37,375 --> 01:40:38,833
sa mga tindahan niya.

1579
01:40:39,333 --> 01:40:43,250
Tapos may mga hindi pagtutugma…
sa fan club.

1580
01:40:44,750 --> 01:40:50,208
Nagresulta 'yon sa pagbaril niya
kay Selena.

1581
01:40:51,583 --> 01:40:53,250
Hindi ko alam ang sasabihin.

1582
01:41:09,000 --> 01:41:10,625
Makulimlim ang langit,

1583
01:41:10,708 --> 01:41:13,208
pero mas pinadilim pa ng pagluluksa
kaninang umaga.

1584
01:41:13,291 --> 01:41:18,041
Daan-daan ang dumating para mag-alay
ng puting rosas sa kabaong ni Selena.

1585
01:41:18,125 --> 01:41:21,291
Dumating kanina ang mga tagahanga
ni Selena Quintanilla Pérez

1586
01:41:21,375 --> 01:41:24,208
para makita sa huling pagkakataon
ang papasikat na bituin.

1587
01:41:24,291 --> 01:41:27,916
Nag-iwan si Selena Quintanilla
ng malaking music project

1588
01:41:28,000 --> 01:41:30,041
na maaalala nang mahabang panahon.

1589
01:41:30,125 --> 01:41:33,333
Nag-iwan din siya ng malaking kawalan
sa industriya ng Tejano music.

1590
01:41:33,416 --> 01:41:35,541
Nanalo na siya ng Grammy Award.

1591
01:41:35,625 --> 01:41:38,375
Malapit na niyang tawirin
'yong American mainstream.

1592
01:41:38,458 --> 01:41:39,916
Tapos nangyari ang trahedya.

1593
01:41:40,000 --> 01:41:43,458
Nagluluksa ang music fans sa buong mundo
sa pagkamatay ni Selena.

1594
01:41:43,541 --> 01:41:45,333
Di ako makapaniwala. Kaya andito ako.

1595
01:41:45,416 --> 01:41:46,583
Para pwede…

1596
01:41:48,208 --> 01:41:50,708
Siguro, para makumbinsi ko ang sarili ko.

1597
01:41:51,708 --> 01:41:56,625
Pag binabalikan ko, nakikita ko
'yong mga picture, ang dami palang tao.

1598
01:41:56,708 --> 01:42:00,041
Hindi ko naaalala 'yon, e.

1599
01:42:00,125 --> 01:42:04,125
Naaalala ko lang na andun ako,
parang naliligaw.

1600
01:42:05,291 --> 01:42:08,000
Saka sobrang lungkot.

1601
01:42:31,875 --> 01:42:33,750
Napakasakit ng kamatayan.

1602
01:42:34,250 --> 01:42:36,083
Lalo na kung anak mo 'yon.

1603
01:42:39,666 --> 01:42:42,583
Di mo maiintindihan
hangga't di nangyayari sa 'yo.

1604
01:42:45,916 --> 01:42:48,416
Alam mong masasaktan ka,

1605
01:42:49,541 --> 01:42:51,833
pero di mo alam ga'no kalalim,
alam mo 'yon?

1606
01:42:52,333 --> 01:42:55,708
Saka alam mo, minsan,

1607
01:42:57,041 --> 01:42:58,500
naaalala ko na lang bigla.

1608
01:43:05,208 --> 01:43:06,875
Pero gano'n talaga, e.

1609
01:43:08,041 --> 01:43:09,541
Hindi na namin mababago 'yon.

1610
01:43:10,666 --> 01:43:12,416
Sana maalala n'yo ang kantang to.

1611
01:43:57,250 --> 01:43:58,291
Kahit sinong ina

1612
01:43:59,958 --> 01:44:01,625
ang mawalan ng anak,

1613
01:44:02,541 --> 01:44:04,291
sobrang hirap no'n.

1614
01:44:06,625 --> 01:44:08,125
Mahirap harapin 'yon.

1615
01:44:09,833 --> 01:44:11,333
Araw-araw kong hinaharap.

1616
01:44:43,958 --> 01:44:46,958
SELENA MUSEUM

1617
01:45:10,916 --> 01:45:14,500
Gumagaan ang pakiramdam ko

1618
01:45:14,583 --> 01:45:16,750
pag nakikita kong
maraming nagmamahal sa kanya

1619
01:45:17,583 --> 01:45:18,666
hanggang ngayon.

1620
01:45:22,875 --> 01:45:26,791
Kinuha nila ang buhay niya,
pero bubuhayin namin siya sa musika niya.

1621
01:45:28,458 --> 01:45:30,416
Maraming bagong fans…

1622
01:45:30,500 --> 01:45:34,708
Maliliit na bata na naging fans, saka…

1623
01:45:34,791 --> 01:45:35,708
Buhay siya.

1624
01:45:39,333 --> 01:45:41,708
Andiyan lang siya.

1625
01:45:42,750 --> 01:45:44,125
Kahit saan, ang ganda no'n.

1626
01:45:44,208 --> 01:45:46,416
Buti na lang, naaalala siya.

1627
01:45:46,500 --> 01:45:48,958
Pero minsan, ang bigat pa din.

1628
01:45:52,625 --> 01:45:57,625
Mahirap pumalit sa pamamahala
ng Q Productions.

1629
01:45:58,791 --> 01:46:03,208
Pag may ginagawa ako, iniisip ko,
"Magugustuhan ba 'to ng kapatid ko?"

1630
01:46:04,500 --> 01:46:06,291
"Ayos lang kaya sa kanya 'to?"

1631
01:46:07,666 --> 01:46:09,875
"Pa'no namin 'to gagawin para sa kanya?"

1632
01:46:19,500 --> 01:46:21,000
Sana andito ka.

1633
01:46:22,500 --> 01:46:24,041
Sana nakita mo 'to.

1634
01:46:26,000 --> 01:46:26,916
Miss ka na namin.

1635
01:46:43,583 --> 01:46:46,458
May bagong release na ni-record ni Selena
bago siya mamatay

1636
01:46:46,541 --> 01:46:48,500
ang tumatabo sa bentahan.

1637
01:46:48,583 --> 01:46:53,458
Pag naririnig ko 'yong "Dreaming of You,"
nasasabi ko, "Nagawa niya."

1638
01:47:01,958 --> 01:47:04,791
Hindi ko mapakinggan 'yong kantang 'yon.

1639
01:47:04,875 --> 01:47:06,250
Nag-iisang kanta lang.

1640
01:47:06,333 --> 01:47:08,625
'Yong kantang 'yon talaga…

1641
01:47:08,708 --> 01:47:11,833
Marinig ko pa lang 'yong piano sa umpisa,
sira na 'yong araw ko.

1642
01:47:14,916 --> 01:47:17,208
Sobrang miss na miss ko na siya.

1643
01:47:19,083 --> 01:47:21,083
Pero ngayon,

1644
01:47:21,166 --> 01:47:25,958
proud ako sa nire-represent niya.

1645
01:47:26,958 --> 01:47:32,750
At 'yong maliit na parteng kinabilangan ko
sa kuwento na 'yon.

1646
01:47:33,833 --> 01:47:36,916
Tingin ko,
gano'n 'yon para sa 'ming lahat.

1647
01:47:38,208 --> 01:47:41,791
Sinabi sa 'kin ng mama ko
na may kagandahan

1648
01:47:41,875 --> 01:47:45,208
sa lahat ng kapangitan na nangyari.

1649
01:47:46,041 --> 01:47:48,083
Sa mahabang panahon,

1650
01:47:48,166 --> 01:47:50,875
hindi ko naintindihan 'yon,

1651
01:47:52,208 --> 01:47:57,000
pero naiintindihan ko na
kung ano si Selena sa maraming tao.

1652
01:48:00,875 --> 01:48:03,541
'Yong kinakatawan niya bilang kultura.

1653
01:48:04,958 --> 01:48:06,458
At ang ganda no'n.

1654
01:48:09,625 --> 01:48:11,583
Si Selena para sa mga Latino,

1655
01:48:11,666 --> 01:48:15,416
nagdala siya ng pag-asa
sa Mexican-American community.

1656
01:48:18,583 --> 01:48:21,125
May maliit na batang babae diyan

1657
01:48:21,208 --> 01:48:23,208
o maliit na batang lalaki na nangangarap.

1658
01:48:23,291 --> 01:48:25,916
Para do'n ang mga kanta. Para sa inyo.

1659
01:48:26,958 --> 01:48:28,083
Sa mga kumakanta no'n.

1660
01:48:28,166 --> 01:48:29,916
Sa mga sumasayaw do'n.

1661
01:48:30,000 --> 01:48:32,333
Sa mga sumasaya, sa mga nalulungkot.

1662
01:48:33,458 --> 01:48:34,833
Musika nila 'yon.

1663
01:48:41,541 --> 01:48:44,625
Pag lumaki ka sa bansa
na di mo maramdamang konektado ka

1664
01:48:44,708 --> 01:48:47,083
sa pagiging Mexican mo,
'yong mga kanta niya

1665
01:48:47,166 --> 01:48:49,458
ang nagpaparamdam
na konektado ako sa kultura.

1666
01:48:49,541 --> 01:48:51,625
Para sa 'kin, para siyang parte
ng pamilya ko.

1667
01:48:51,708 --> 01:48:54,125
Isa sa mga role model ko si Selena.

1668
01:48:54,208 --> 01:48:56,416
Kinakatawan niya lahat
ng gusto kong maging.

1669
01:48:56,500 --> 01:49:00,583
Siya 'yong unang nakatagos
sa kaluluwa ng lahat nang sabay-sabay.

1670
01:49:00,666 --> 01:49:05,666
'Yong Puerto Rican, Mexican,
at Chicano community, magkakasama.

1671
01:49:05,791 --> 01:49:07,375
Dahil kay Selena.

1672
01:49:07,458 --> 01:49:09,333
Ginigiba niya pa din 'yong mga harang.

1673
01:49:09,416 --> 01:49:11,833
Nagbubukas pa din ng pinto
para sa Latino community.

1674
01:49:13,625 --> 01:49:14,833
Pag binuksan mo ang radyo,

1675
01:49:14,916 --> 01:49:18,375
pinapatugtog pa din ang kanta niya
kahit ilang taon na ang nakalipas.

1676
01:49:19,458 --> 01:49:22,333
Hindi siya binibitawan ng publiko.

1677
01:49:22,916 --> 01:49:24,083
Mahal nila si Selena.

1678
01:49:24,166 --> 01:49:26,375
Si Selena ang reyna ng Tejano music,

1679
01:49:26,458 --> 01:49:28,625
kaya makatuwiran lang na nasa tuktok siya

1680
01:49:28,708 --> 01:49:32,208
ng Billboard's greatest of all time
Latin artist chart.

1681
01:49:32,291 --> 01:49:36,000
Kinilala siyang number one
sa lahat ng babae.

1682
01:49:36,083 --> 01:49:38,166
Nag-iwan siya ng legacy
sa pagmamahal sa music.

1683
01:49:38,250 --> 01:49:41,291
Nagbukas ng mga pinto
para sa mga nangangarap na Tejano artist.

1684
01:49:41,375 --> 01:49:44,833
Hindi nila malilimutan ang ambag niya
hindi lang sa industriya

1685
01:49:44,916 --> 01:49:46,000
kundi sa karera nila.

1686
01:49:46,083 --> 01:49:47,916
Mahal ka namin, Selena!

1687
01:49:48,000 --> 01:49:52,583
Sa isang magandang kaganapang ito,
pinagdiriwang natin si Selena!

1688
01:49:56,958 --> 01:49:57,916
Pakiramdam ko,

1689
01:49:58,958 --> 01:50:01,125
kahit pa'no, nagiginhawaan ako.

1690
01:50:04,041 --> 01:50:05,291
Nakakatulong sa akin.

1691
01:50:08,791 --> 01:50:11,791
Na nagpapakita ng sobrang pagmamahal
'yong mga tao…

1692
01:50:14,000 --> 01:50:14,833
para sa kanya

1693
01:50:16,291 --> 01:50:17,333
hanggang ngayon.

1694
01:50:30,875 --> 01:50:33,500
Saka…

1695
01:50:38,750 --> 01:50:40,666
Alam mo, ipinagmamalaki ko siya.

1696
01:50:43,125 --> 01:50:44,583
Pa'no mo gustong maalala ka?

1697
01:50:44,666 --> 01:50:49,416
Ga'no katagal naming ma-e-enjoy
ang musika ni Selena?

1698
01:50:49,958 --> 01:50:53,791
Gusto kong gawin 'to buong buhay ko.

1699
01:50:53,875 --> 01:50:56,500
Pero siyempre, mamamatay din ako, di ba?

1700
01:50:56,583 --> 01:50:59,208
Pero naniniwala ako,

1701
01:50:59,916 --> 01:51:01,833
depende 'yon sa manonood.

1702
01:51:01,916 --> 01:51:05,583
Sila ang bahala
kung hanggang kailan ako magtatagal.

1703
01:51:06,375 --> 01:51:08,166
Hanggang gusto nila 'ko dito.

1704
01:51:11,416 --> 01:51:13,041
-Kantahin mo 'yong una.
-Okay.

1705
01:51:55,166 --> 01:51:56,375
Hindi tayo mananalo.

1706
01:52:04,791 --> 01:52:07,125
I'm leaving today

1707
01:52:10,166 --> 01:52:12,500
Magbabalik sa inyo, mamayang gabi…

1708
01:52:14,958 --> 01:52:16,416
Kami ang Selena y Los Dinos!

1709
01:52:16,500 --> 01:52:20,875
Mapapanood natin ngayon ang bagong video,
'yong pinakabagong video dito sa…

1710
01:52:21,750 --> 01:52:23,791
-Ayusin natin.
-Tayo sa "y Los Dinos!"

1711
01:52:23,875 --> 01:52:25,916
-Kami ang Selena…
-y Los Dinos!

1712
01:52:26,000 --> 01:52:28,708
Mapapanood natin ngayon
ang pinakabagong video…

1713
01:56:12,000 --> 01:56:16,791
Nagsalin ng Subtitle: Erika Ivene Columna



