1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:01:21,164 --> 00:01:25,085
No'ng una, kailangan kong
matutong mag-survive

4
00:01:25,168 --> 00:01:28,129
para makatagal ako sa tubig kasama nila.

5
00:01:29,214 --> 00:01:31,841
Kadalasan, pag may inaatake ng pating,

6
00:01:31,925 --> 00:01:34,803
lumalabas sila sa tubig…

7
00:01:36,221 --> 00:01:37,472
Sa likod 'yong clip.

8
00:01:37,555 --> 00:01:41,768
…dahil nanatili ako sa tubig
matapos sugurin ng pating,

9
00:01:41,851 --> 00:01:44,270
na-observe ko ang natural nilang kilos,

10
00:01:44,354 --> 00:01:46,189
at do'n ko natutunan

11
00:01:47,565 --> 00:01:48,942
'yong language ng pating.

12
00:01:50,360 --> 00:01:52,695
Kilala ng lahat si Ocean Ramsey.

13
00:01:52,779 --> 00:01:54,447
-Ocean Ramsey.
-Ocean Ramsey.

14
00:01:54,531 --> 00:01:55,365
Ocean Ramsey.

15
00:01:55,448 --> 00:01:56,950
Walang takot. Daredevil.

16
00:01:57,033 --> 00:01:59,577
Nasa balita siya. Kalat na sa buong mundo.

17
00:01:59,661 --> 00:02:01,287
-Ocean ang pangalan niya?
-Ocean.

18
00:02:02,705 --> 00:02:04,749
Pero walang nakakaalam ng kuwento niya.

19
00:02:05,834 --> 00:02:07,377
Gusto kong mag-explore.

20
00:02:07,460 --> 00:02:09,212
Gusto kong malaman ang limit ko.

21
00:02:11,089 --> 00:02:13,007
Parang pinanganak ako para dito.

22
00:02:21,558 --> 00:02:24,477
'Yong emosyon at koneksiyon
na nararamdaman ko,

23
00:02:25,186 --> 00:02:26,813
nakakapanibago.

24
00:02:27,522 --> 00:02:29,190
Ito na ang buhay ko.

25
00:02:35,488 --> 00:02:37,907
Hindi ako baliw.

26
00:02:37,991 --> 00:02:40,660
Alam ko kung ano ang kaya nilang gawin.

27
00:02:40,743 --> 00:02:44,122
Pero 'yong mga pating ang calling ko.

28
00:02:48,543 --> 00:02:51,588
Paglabag sa limitasyon 'to.
Pwedeng may mangyari.

29
00:02:51,671 --> 00:02:55,675
Pinaniniwalaang pinakamalaking
great white shark na naitala

30
00:02:55,758 --> 00:02:57,218
sa buong mundo.

31
00:02:57,302 --> 00:03:00,263
Papasok siya sa tubig
at tatanungin niyang,

32
00:03:01,806 --> 00:03:03,349
"Bakit ako matatakot?"

33
00:03:19,824 --> 00:03:21,242
BAWAL LUMANGOY

34
00:03:21,326 --> 00:03:22,535
MALAKAS NA AGOS

35
00:03:38,426 --> 00:03:39,844
Talagang humubog sa akin

36
00:03:40,553 --> 00:03:43,348
ang paglaki ko sa Hawaii.

37
00:03:44,933 --> 00:03:48,937
Tinitingnan ko lang ang dagat
at ang iba't ibang kulay nito

38
00:03:50,438 --> 00:03:52,774
at dinadamdam ang lakas ng alon.

39
00:03:56,110 --> 00:03:58,738
Medyo mahiyain akong bata
no'ng lumalaki ako.

40
00:03:58,821 --> 00:04:00,823
Sobrang tahimik.

41
00:04:04,160 --> 00:04:06,079
Mas gusto kong

42
00:04:06,162 --> 00:04:09,499
makipaghalubilo sa mga hayop sa nature

43
00:04:11,084 --> 00:04:15,004
kesa makihalubilo sa ibang tao,

44
00:04:15,088 --> 00:04:16,339
sa totoo lang.

45
00:04:17,006 --> 00:04:19,008
Medyo pasaway ako no'ng bata.

46
00:04:25,181 --> 00:04:26,432
Kapag nasa nature ako…

47
00:04:30,144 --> 00:04:33,273
pakiramdam kong konektado ako
sa isang bagay na mas mataas

48
00:04:33,356 --> 00:04:35,441
at higit sa akin.

49
00:04:40,780 --> 00:04:44,993
'Yong unang beses
na nakakakita ako mismo ng pating,

50
00:04:45,076 --> 00:04:46,953
seven o eight years old ako.

51
00:04:54,877 --> 00:04:57,797
At nakasentro siya sa ibaba ko.

52
00:05:04,679 --> 00:05:07,223
Sa sandaling 'yon, may choice ako.

53
00:05:07,307 --> 00:05:08,850
Susundan ko ba siya

54
00:05:09,684 --> 00:05:12,979
o dapat ko ba siyang katakutan?

55
00:05:17,442 --> 00:05:19,527
Sinundan ko siya nang konti.

56
00:05:23,197 --> 00:05:25,366
Ang astig ng experience na 'yon,

57
00:05:25,450 --> 00:05:28,328
lalo na kung natural 'yong fascination mo.

58
00:05:33,333 --> 00:05:36,711
Hindi na rin nawala
ang fascination ko na 'yon.

59
00:05:45,845 --> 00:05:49,182
Kapag kasama ko sila,
parang buhay na buhay ako.

60
00:05:50,391 --> 00:05:54,354
Hindi rin 'to adrenaline rush.
Para kaming may koneksiyon,

61
00:05:56,189 --> 00:05:59,484
do'n ko rin nararamdaman ang totoong ako.

62
00:06:06,532 --> 00:06:10,620
Naaakit talaga ako sa mga pating.

63
00:06:11,621 --> 00:06:15,750
Feeling ko kasi, 'yon ang dahilan
kung ba't ako nabubuhay.

64
00:06:17,418 --> 00:06:19,379
Ito 'yong point at purpose ko.

65
00:06:38,898 --> 00:06:42,235
Nahilig ako sa photography
dahil sa surfing.

66
00:06:42,777 --> 00:06:44,237
No'ng mas bata pa 'ko,

67
00:06:44,320 --> 00:06:47,740
akala ko magiging surf photographer ako.

68
00:06:48,282 --> 00:06:50,034
Sa kasamaang palad,

69
00:06:50,118 --> 00:06:54,205
na-realize ko na kung gusto kong
maging surf photographer,

70
00:06:54,288 --> 00:06:57,333
kailangan isuko ko
'yong magagandang araw ng surfing

71
00:06:57,417 --> 00:07:00,002
para kumita sa pag-picture nito.

72
00:07:00,086 --> 00:07:02,922
Kaya sabi ko, "Ooh!"
Hindi ko inasahan 'yon.

73
00:07:04,715 --> 00:07:09,720
Pero as a surfer na lumaki sa Hawaii,
takot ako sa pating.

74
00:07:11,305 --> 00:07:13,433
Mga seven, eight yata ako no'n.

75
00:07:14,225 --> 00:07:17,520
Maraming inaatake ng pating.

76
00:07:18,312 --> 00:07:21,065
Susunod, ang pinakabagong
pag-atake ng pating sa Oahu.

77
00:07:21,149 --> 00:07:23,025
Galing sa ilaim nito 'yong pating.

78
00:07:23,109 --> 00:07:25,862
Dalawang beses siyang inatake,
nakagat 'yong braso niya.

79
00:07:25,945 --> 00:07:28,614
Hindi na komportable mag-surf.

80
00:07:29,907 --> 00:07:32,452
Kumalat ang takot na 'yon
sa buong komunidad

81
00:07:32,535 --> 00:07:34,370
at sa buong kabataan ko.

82
00:07:34,454 --> 00:07:37,165
Dahil sa presyur
sa kinakabahang tourist industry,

83
00:07:37,248 --> 00:07:41,210
naglunsad ang Hawaii ng shark task force
para harapin ang mga pag-atake.

84
00:07:41,294 --> 00:07:44,839
Nagkaroon ng kontrobersiyal
na desisyon na pumatay ng mga pating.

85
00:07:46,632 --> 00:07:49,635
Sabi ko, "Mas okay talaga
ang patay na pating."

86
00:07:56,476 --> 00:07:58,769
Nandoon ako noon sa Hale'iwa Harbor.

87
00:07:58,853 --> 00:08:01,939
Nakalatag lahat ng tiger shark
sa launch ramps.

88
00:08:02,023 --> 00:08:05,526
Mga 20 o 30. Pinapalakpakan nila
'yong mga mangingisda.

89
00:08:05,610 --> 00:08:07,153
Bata lang ako noon na natatakot.

90
00:08:08,279 --> 00:08:10,114
Wala akong alam.

91
00:08:16,454 --> 00:08:18,748
Nakakalungkot na 'yon
ang pinanggalingan ko

92
00:08:19,790 --> 00:08:21,709
hanggang sa makapag-dive ako na may pating

93
00:08:21,792 --> 00:08:24,921
at kabaliktaran 'yon sa inaakala ko.

94
00:08:31,093 --> 00:08:34,847
Gumawa kami ng dive charters
ng kaibigan ko…

95
00:08:37,850 --> 00:08:40,478
at nagturo kami tungkol sa mga pating.

96
00:08:42,605 --> 00:08:45,983
Tumulong kami na simulan
'yong cage tourism industry dito…

97
00:08:50,613 --> 00:08:53,658
Sobrang hirap gawin noon dati

98
00:08:54,408 --> 00:08:57,453
dahil marami pa ring takot sa komunidad.

99
00:08:57,537 --> 00:09:00,790
May mga kaibigan akong di ako
kinakausap dahil gusto ko ang mga pating.

100
00:09:00,873 --> 00:09:03,918
Sabi nila, "Dinadala mo
ang mga halimaw sa bayan natin."

101
00:09:04,001 --> 00:09:07,129
Sabi ko, "Di sila mga halimaw.
Nauna sila dito sa atin.."

102
00:09:07,213 --> 00:09:09,590
"Kailangan matuto
tayong makisama at makibagay."

103
00:09:09,674 --> 00:09:13,010
Kaya 'yon talaga ang…

104
00:09:13,094 --> 00:09:16,764
'yon talaga ang naging daan
para makilala ko si Ocean.

105
00:09:19,809 --> 00:09:22,562
Taong 2006 ko siya unang nakilala.

106
00:09:24,897 --> 00:09:26,440
Nagtuturo siya ng scuba.

107
00:09:26,983 --> 00:09:29,569
Kapitan naman ako sa shark boat.

108
00:09:35,449 --> 00:09:39,787
Noong unang araw, sabi niya,
"Kung gusto mong maging certified,

109
00:09:40,830 --> 00:09:44,458
sumama ka sa akin
at manood ng mga pating sa dagat."

110
00:09:45,334 --> 00:09:48,296
"Gusto kong malaman mo
kung ano talaga ang mga pating."

111
00:09:50,840 --> 00:09:55,303
Naisip ko agad,
"Diyos ko, ang galing niya."

112
00:09:58,806 --> 00:10:00,808
Noong nagkakilala kami,

113
00:10:00,891 --> 00:10:03,352
palabas ako sa dalawang taong relasyon,

114
00:10:03,436 --> 00:10:05,229
at gusto ko talagang maging single.

115
00:10:09,817 --> 00:10:12,403
Sabi ko, "Di niya 'ko gusto.
Sobrang tahimik niya."

116
00:10:12,486 --> 00:10:14,572
"Ayaw niya akong kausapin."

117
00:10:15,906 --> 00:10:18,409
Kailangan kong mag-focus sa mga pating.

118
00:10:19,827 --> 00:10:22,747
'Yong mga pating ang calling ko.

119
00:10:25,625 --> 00:10:29,503
May 30 na iba't ibang
uri ng pating dito sa Hawaii.

120
00:10:32,089 --> 00:10:34,175
Karamihan sa kanila, lalayo lang.

121
00:10:37,345 --> 00:10:41,140
Pero ang tiger shark,
iba ang pakiramdam nila.

122
00:10:44,769 --> 00:10:47,897
Mas maitim sila sa taas
dahil sa magagandang stripes nila.

123
00:10:52,276 --> 00:10:56,072
Lumalaki din sila hanggang mga 18 feet.

124
00:11:00,576 --> 00:11:03,788
Sobrang curious nila, matalino at aware.

125
00:11:10,711 --> 00:11:14,006
Kaya nilang kainin ang kahit ano.

126
00:11:18,427 --> 00:11:21,889
Kaya nilang kagatin
ang shell at buto ng pagong.

127
00:11:21,972 --> 00:11:23,933
Ang katawan ng 60-year-old na babae…

128
00:11:24,016 --> 00:11:25,643
Hindi niya nakitang paparating.

129
00:11:25,726 --> 00:11:29,563
Kaya nila 'yong biglaang mabilisang galaw.

130
00:11:31,857 --> 00:11:32,817
Tiger shark!

131
00:11:34,860 --> 00:11:37,655
Takot ang mga tao sa kanila.

132
00:11:42,159 --> 00:11:45,204
Galing ang takot na 'yon
sa kakulangan sa pag-unawa.

133
00:11:50,793 --> 00:11:54,505
Mahigit 400 million years na
ang mga pating dito.

134
00:11:55,089 --> 00:11:58,008
Isa si Sylvia sa mga pinakamahusay
na tagapagtanggol ng dagat.

135
00:11:58,092 --> 00:12:01,387
Dahil sa dedikasyon na 'to,
naging underwater royalty siya,

136
00:12:01,470 --> 00:12:03,139
na may palayaw na Her Deepness.

137
00:12:03,222 --> 00:12:04,974
Di ba 'to pwedeng sa ilalim ng tubig?

138
00:12:06,058 --> 00:12:10,646
Importante 'to
para mag-function ang karagatan.

139
00:12:10,730 --> 00:12:12,148
Ako si Kim Holland.

140
00:12:12,231 --> 00:12:15,359
Research professor ako
sa Hawai'i Institute of Marine Biology

141
00:12:15,443 --> 00:12:19,280
at itinatag ko dito
ang shark research group 40 years ago.

142
00:12:20,114 --> 00:12:23,075
Nag-evolve sa pagkakaroon
ng top predator role ang mga pating.

143
00:12:23,159 --> 00:12:25,411
Kapag inalis mo ang mga pating,

144
00:12:25,494 --> 00:12:28,998
magkakaro'n ng ripple effect
sa buong food chain.

145
00:12:29,081 --> 00:12:32,001
Kailangan natin ang karagatan,
ng malusog na karagatan.

146
00:12:32,084 --> 00:12:34,712
Dapat gumagana ang lahat

147
00:12:34,795 --> 00:12:38,883
gaya ng paggana nito
bago pa nagkaroon ng mga tao.

148
00:12:38,966 --> 00:12:40,301
Kung gugulohin ang ecosystem,

149
00:12:40,384 --> 00:12:44,138
kahit hindi natin alam
kung ano ang epekto, masama 'yon.

150
00:12:48,142 --> 00:12:52,396
Isa sa pinakamalupit na kaaway
ng mga pating ang kamangmangan.

151
00:12:52,480 --> 00:12:55,232
Dahil may ganoong parte
ng kuwento ang mga tao.

152
00:12:56,233 --> 00:12:58,486
Wala tayong balanse.

153
00:12:58,569 --> 00:13:01,655
Hindi natin alam kung ano ang buhay nila.

154
00:13:01,739 --> 00:13:05,159
Hindi natin alam 'yong paghihirap
na pinagdadaanan nila

155
00:13:05,242 --> 00:13:06,327
araw-araw.

156
00:13:06,410 --> 00:13:07,745
Mababago no'n ang kuwento.

157
00:13:14,835 --> 00:13:18,255
Ang napansin ko talaga kay Juan,

158
00:13:18,339 --> 00:13:21,550
'yong hilig niya sa pagkuwento
tungkol sa mga pating.

159
00:13:23,010 --> 00:13:26,055
Naririnig ko 'yong passion niya
para sa kanila.

160
00:13:29,683 --> 00:13:31,644
At hanggang sa puntong 'yon,

161
00:13:31,727 --> 00:13:34,980
wala pa akong ibang kilala

162
00:13:36,273 --> 00:13:38,108
na gano'n ang pinag-uusapan.

163
00:13:39,109 --> 00:13:40,611
Naantig ang puso ko.

164
00:13:40,694 --> 00:13:41,904
Ready na 'ko.

165
00:13:44,031 --> 00:13:48,160
Tapos magkasama kaming
sumisisid araw-araw.

166
00:13:51,372 --> 00:13:53,916
Para siyang maganda na mabangis na hayop…

167
00:13:56,460 --> 00:13:58,796
na sinusubukang mamuhay bilang tao.

168
00:14:01,298 --> 00:14:02,925
Dapat makasabay ka.

169
00:14:06,720 --> 00:14:10,724
Pero ang astig makasama si Juan.
Parang, "Gawin natin 'to araw-araw."

170
00:14:10,808 --> 00:14:13,853
At mukhang na-obsess din siya gaya ko.

171
00:14:20,025 --> 00:14:23,445
Lagi niyang sinasabi no'n,
"Gusto kong makakita ng pating."

172
00:14:24,238 --> 00:14:25,447
Palagi.

173
00:14:28,242 --> 00:14:30,870
Halos naging obsesyon na 'yon.

174
00:14:35,124 --> 00:14:36,709
Pero dito sa Hawaii,

175
00:14:36,792 --> 00:14:40,796
pinaka nag-aalala ang mga tao
sa mga tiger shark.

176
00:14:40,880 --> 00:14:45,342
Dahil sa lakas nila
at kung gaano sila kabilis makapatay.

177
00:14:55,269 --> 00:14:57,521
Hindi nare-realize ng mga tao

178
00:14:57,605 --> 00:15:01,525
kung gaano katagal
natutukoy 'yong mga lugar

179
00:15:01,609 --> 00:15:04,236
kung saan natin sila makikita.

180
00:15:08,490 --> 00:15:11,160
Literal na libo-libong drift dives…

181
00:15:13,162 --> 00:15:15,122
mula season hanggang season,

182
00:15:16,790 --> 00:15:20,127
minamarkahan sa GPS
tuwing may nakikita kaming pating…

183
00:15:22,588 --> 00:15:23,964
at kung anong species,

184
00:15:25,174 --> 00:15:26,550
ilan.

185
00:15:28,594 --> 00:15:31,055
Pagkatapos makahanap pa ng mga pating…

186
00:15:34,975 --> 00:15:39,521
nahanap namin kalaunan
'yong halos perpekto na site.

187
00:15:48,572 --> 00:15:51,367
'Yong malalakas na magkasalubong na alon

188
00:15:51,450 --> 00:15:55,329
marahil ang pangunahing dahilan
kung bakit nando'n ang mga pating.

189
00:15:58,666 --> 00:16:02,127
Nagkakasalubong ang agos
sa specific na point na 'yon

190
00:16:02,211 --> 00:16:04,630
dahil sa korte ng ilalim ng dagat,

191
00:16:04,713 --> 00:16:07,967
pati na rin ang korte ng lupa.

192
00:16:15,140 --> 00:16:19,395
Akala ng mga tao na kailangan
ng cage dahil mapanganib ang mga pating.

193
00:16:20,354 --> 00:16:24,358
Pero 'yong gumagawa ng pagbabago,
sila 'yong di takot sumubok ng iba.

194
00:16:28,153 --> 00:16:30,489
Gusto kong patunayan sa mundo
na hindi sila halimaw.

195
00:16:30,572 --> 00:16:32,574
'Yon ang gusto kong patunayan.

196
00:16:52,720 --> 00:16:54,680
Magiging honest ako,

197
00:16:54,763 --> 00:16:58,183
Kinabahan ako. Hindi ko sinasabi,

198
00:16:58,267 --> 00:17:02,021
kahit na medyo
hindi ako komportable minsan.

199
00:17:02,104 --> 00:17:04,606
Pero si Ocean talaga

200
00:17:05,399 --> 00:17:07,359
ang alpha sa relasyon namin.

201
00:17:07,443 --> 00:17:09,319
Wala naman akong problema do'n.

202
00:17:11,780 --> 00:17:13,449
Mas may alam kasi siya.

203
00:17:14,491 --> 00:17:15,909
Magfi-film lang ako.

204
00:17:22,041 --> 00:17:25,586
Mas makapal ang balat nila, mas matalas
ang ngipin at mas mabilis.

205
00:17:30,716 --> 00:17:33,052
Paano ba para di ako mataranta?

206
00:17:36,138 --> 00:17:38,348
Ang bilis lahat.

207
00:17:39,892 --> 00:17:42,936
Literal na nasa harap ako
ng bibig ng pating.

208
00:17:43,020 --> 00:17:45,606
Sa isip ko, parang, "Dapat mabuhay ka."

209
00:17:45,689 --> 00:17:48,650
Naisip ko, "Okay, itutulak ko pababa."

210
00:18:02,247 --> 00:18:04,458
Kahit na tingin kong magulo na,

211
00:18:04,541 --> 00:18:07,503
lagi niyang kontrolado ang sitwasyon.

212
00:18:14,510 --> 00:18:17,846
Nalaman ko na habang
tumatagal ako sa baba,

213
00:18:17,930 --> 00:18:21,934
mas lalo nila akong tinatrato
na parang isa pang pating.

214
00:18:24,603 --> 00:18:28,524
Pero kada ilang minuto,
aakyat ako para huminga.

215
00:18:34,863 --> 00:18:37,825
Hinabaan ko 'yong pagpigil ko ng hininga

216
00:18:38,659 --> 00:18:40,911
para makasama pa sila.

217
00:18:47,459 --> 00:18:52,464
Mas okay ang free diving
kapag kasama mo ang mga pating

218
00:18:54,133 --> 00:18:57,761
dahil para kang ibang marine animal

219
00:18:57,845 --> 00:18:59,471
at mas mabilis ka.

220
00:19:03,976 --> 00:19:07,354
Noon pa man, may natural
na kalamangan ako sa free diving.

221
00:19:08,188 --> 00:19:10,524
Pero gusto ko pang mag-improve.

222
00:19:17,406 --> 00:19:19,700
Kapag kailangan mo nang huminga,

223
00:19:19,783 --> 00:19:23,036
una mong maiisip na,
"Diyos ko, kailangan kong huminga,"

224
00:19:23,829 --> 00:19:26,290
pwede mong i-train
ang sarili mo at isiping,

225
00:19:26,373 --> 00:19:30,419
"Hindi. Actually, kaya pa
ng katawan ko na mas tumagal."

226
00:19:42,848 --> 00:19:47,311
Binago nito kung paano ako
nakakaramdam ng sakit.

227
00:20:03,827 --> 00:20:06,371
Pinilit ko 'yong sarili ko.

228
00:20:10,542 --> 00:20:14,463
'Yong mga pating ang nagtulak
sa akin para gawin 'yon.

229
00:20:25,265 --> 00:20:28,310
Kaya ko nang pigilan ang hininga ko
nang six and a half minutes.

230
00:20:34,775 --> 00:20:39,238
Tapos mapapanood ko silang
nakikipag-interact sa isa't isa.

231
00:20:39,321 --> 00:20:43,033
Doon ko nakita
'yong language at komunikasyon nila.

232
00:20:48,705 --> 00:20:51,541
May nabasa ako noong bata pa 'ko.

233
00:20:54,378 --> 00:20:57,547
May nag-aral ng mga bubuyog
sa loob ng pukyutan…

234
00:20:59,925 --> 00:21:04,304
at na-realize niyang sumasayaw sila
para makipag-usap sa isa't isa.

235
00:21:06,974 --> 00:21:10,352
'Yon yata ang pumasok sa isip ko.

236
00:21:17,359 --> 00:21:19,319
Hindi basta-basta lumalangoy
ang mga pating.

237
00:21:25,492 --> 00:21:27,911
Actually, maraming patterns.

238
00:21:40,674 --> 00:21:43,552
Mga pattern 'yon ng social hierarchy.

239
00:21:46,138 --> 00:21:48,307
Pagsunod o pag-piggyback.

240
00:21:50,642 --> 00:21:52,602
Paghadlang o pagharang.

241
00:21:56,315 --> 00:22:00,444
Isa sa pinakahalata para sa akin
'yong parallel swimming.

242
00:22:02,904 --> 00:22:05,198
Dalawang pating na magkatabi

243
00:22:06,199 --> 00:22:07,826
na sinusukat ang isa't isa.

244
00:22:11,121 --> 00:22:13,290
Generally, 'yong mas malaking pating

245
00:22:13,373 --> 00:22:15,917
ang pupunta sa mas mataas na posisyon.

246
00:22:20,589 --> 00:22:23,300
O paminsan-minsan,
makikita ko silang lilingon

247
00:22:23,383 --> 00:22:25,761
sa indibidwal
na nakikipagsukatan sa kanila.

248
00:22:27,012 --> 00:22:28,930
Parang, "Uy, wag kang ganyan."

249
00:22:46,448 --> 00:22:48,867
Binaba niya ang pectoral fins niya.

250
00:22:50,619 --> 00:22:52,871
Medyo pagbabanta 'to.

251
00:22:57,626 --> 00:23:01,630
Na-realize ko na kapag tense
o kabado o stressed ako,

252
00:23:01,713 --> 00:23:05,801
kung anuman ang mga emosyong 'yon,
makikita 'yon sa katawan mo,

253
00:23:06,426 --> 00:23:09,054
sa maliliit na muscle monvement.

254
00:23:10,305 --> 00:23:13,141
Sobrang evolved ng mga pating
na nakikita nila 'yon.

255
00:23:16,186 --> 00:23:18,230
Parang binabasa nila ang isip mo.

256
00:23:21,358 --> 00:23:24,736
Kung malinis ang intensiyon mo sa isip mo,

257
00:23:24,820 --> 00:23:27,781
makikita 'yon sa muscles sa katawan mo.

258
00:23:30,742 --> 00:23:34,037
At titingnan mo ang mundo
na parang pating.

259
00:23:42,087 --> 00:23:46,007
Namulat talaga ako sa realization na 'to.

260
00:23:58,019 --> 00:24:00,647
Hindi nagtagal,

261
00:24:00,730 --> 00:24:05,402
mas nasanay na 'ko
sa pagkilala sa ilang indibidwal.

262
00:24:16,163 --> 00:24:18,999
Hindi ko pa naisip na, "Si Nikki 'yan."

263
00:24:19,082 --> 00:24:23,044
Wala pa kami sa "first-name basis,"
pero nakilala ko siya.

264
00:24:25,297 --> 00:24:28,049
Naalala ko 'yong ibang peklat niya.

265
00:24:31,052 --> 00:24:33,555
Parang, "Naaalala mo ba 'ko?"

266
00:24:34,639 --> 00:24:35,932
"Ikaw ba 'yan?"

267
00:24:38,393 --> 00:24:41,563
Parang kumakaway sa kaibigan
na parang, "Uy."

268
00:24:45,942 --> 00:24:50,530
Merong nictitating membrane
ang mga pating. 'Yon ang talukap nila.

269
00:24:50,614 --> 00:24:53,408
Natitiklop ito pataas imbes na pababa.

270
00:24:54,451 --> 00:24:56,495
Ginagamit nila itong proteksiyon.

271
00:24:59,498 --> 00:25:01,416
Gusto ko pag nilalabanan nila 'yon.

272
00:25:02,375 --> 00:25:05,086
Habang papalapit sila,
gusto nilang nakabukas lang 'yon.

273
00:25:05,170 --> 00:25:06,963
At gusto nilang tumingin.

274
00:25:14,471 --> 00:25:17,974
Aakyat si Nikki
at bubuksan ang mga mata niya

275
00:25:18,850 --> 00:25:20,852
at titingnan ako.

276
00:25:23,647 --> 00:25:25,565
"Nakikita kita." Gano'n.

277
00:25:31,112 --> 00:25:35,158
Kapag nakataas 'yong mata,
nagpapakita ito ng tiwala.

278
00:25:37,369 --> 00:25:39,496
Paano kung iabot ko 'yong kamay ko?

279
00:25:40,664 --> 00:25:44,000
Mag-a-adjust na lang ako
sa ibibigay niya sa akin.

280
00:25:44,709 --> 00:25:46,336
Sinagot 'yon ni Nikki.

281
00:25:58,181 --> 00:26:00,850
May nangyayari dito
na hindi ko maipaliwanag.

282
00:26:00,934 --> 00:26:03,228
Nag-uusap sila.

283
00:26:06,565 --> 00:26:10,485
Sa sandaling 'yon, ang dami nang nasabi.

284
00:26:12,988 --> 00:26:14,739
May sensory system ang mga pating

285
00:26:14,823 --> 00:26:18,326
kung saan nararamdaman nila ang kuryente
mula sa mga buhay na organismo.

286
00:26:18,910 --> 00:26:22,122
Kaya nararamdaman niya kung sino ako

287
00:26:22,205 --> 00:26:25,375
sa level na hindi natin
ramdaman ang mundo.

288
00:26:35,260 --> 00:26:38,096
Hindi nasusukat lahat.

289
00:26:40,682 --> 00:26:43,351
Hindi ibig sabihin
na hindi 'yon nangyayari.

290
00:26:52,944 --> 00:26:56,448
Sa puntong 'yon,
marami akong nakuhang magagandang imahe

291
00:26:56,531 --> 00:26:58,533
na sinusubukan kong ipakita sa mga tao

292
00:27:00,035 --> 00:27:01,828
para maiparating ang mensahe.

293
00:27:04,581 --> 00:27:07,208
Pero ang usapan pa rin,
"Halimaw, halimaw."

294
00:27:07,292 --> 00:27:10,086
#HALIMAW

295
00:27:10,920 --> 00:27:15,008
Pero kailangan nating baguhin ang music,
baguhin ang pagtingin natin sa mga pating.

296
00:27:16,217 --> 00:27:17,802
Baliktarin ang pananaw.

297
00:27:34,736 --> 00:27:36,946
Kapag nasa pictures si Ocean,

298
00:27:38,031 --> 00:27:40,450
'yon ang napapansin at sinasabi nilang,

299
00:27:40,533 --> 00:27:42,619
"Bakit hindi siya kinakain?"

300
00:27:47,707 --> 00:27:48,667
PAANO NIYA GINAGAWA?

301
00:27:50,585 --> 00:27:52,295
Mula no'n, na-realize ko

302
00:27:52,379 --> 00:27:55,632
na ang ugnayan ng tao
sa mga pating ang dahilan

303
00:27:55,715 --> 00:27:59,302
kung bakit nagbabago
ang tingin ng mga tao sa kanila.

304
00:28:00,470 --> 00:28:02,681
Hala, baka hindi sila gaya ng Jaws.

305
00:28:07,143 --> 00:28:11,856
Mula no'n, kinunan ko ng video
lahat ng interaksiyon na kaya ko.

306
00:28:15,735 --> 00:28:18,154
'Yon ang kailangan kong gawin araw-araw.

307
00:28:22,117 --> 00:28:23,910
Pag in-expose mo ang sarili mo,

308
00:28:25,787 --> 00:28:28,164
in-expose mo rin ang sarili mo
sa mga kritisismo.

309
00:28:34,045 --> 00:28:37,757
Kinakabahan ako dito
sa nangyayari kay Ocean Ramsey.

310
00:28:37,841 --> 00:28:39,217
Sa Hawaiian practice,

311
00:28:39,300 --> 00:28:42,470
di mo  pwedeng ipilit
ang sarili mo sa iba.

312
00:28:42,554 --> 00:28:44,305
Hahayaan mo na lumapit sa 'yo.

313
00:28:45,890 --> 00:28:47,517
Kilala siya sa gano'n.

314
00:28:48,101 --> 00:28:51,563
Lahat ng nasa shark industry,
kilala siya at ang ginagawa niya.

315
00:28:51,646 --> 00:28:54,482
Isa pa para sa Gram at para sa shot.

316
00:28:54,566 --> 00:28:57,485
Nakikita 'yon ng mga tao,
gusto nilang sumali, naeengganyo sila.

317
00:28:58,069 --> 00:28:59,863
Di ko nirerekomenda 'yon.

318
00:28:59,946 --> 00:29:04,117
Hindi nakikinig ang mga tao.
Nangangalap lang kami ng impormasyon.

319
00:29:04,200 --> 00:29:07,370
Pag ginawa 'to at nilabas
sa mga tao at makikita nila,

320
00:29:08,163 --> 00:29:10,165
maling mensahe ang lalabas.

321
00:29:10,248 --> 00:29:11,958
Iisipin nila na kaya nila.

322
00:29:12,041 --> 00:29:14,794
Kung makakabuo ng koneksiyon
ang pating sa 'yo,

323
00:29:14,878 --> 00:29:17,130
tingin ko, ibang kuwento 'yon.

324
00:29:17,213 --> 00:29:22,135
Gusto kitang makilala, maramdaman.
Gusto kong maintindihan.

325
00:29:22,218 --> 00:29:26,389
Anuman ang dahilan kung bakit
kailangan mong hawakan ang hayop na 'to,

326
00:29:26,473 --> 00:29:29,768
dapat naiintindihan mo ang nangyayari,
kung ano ang pinapasok mo.

327
00:29:30,602 --> 00:29:32,312
Kapag papanoorin sina Ocean at Juan,

328
00:29:33,271 --> 00:29:35,315
makikitang naiintindihan nila ang pating.

329
00:29:36,316 --> 00:29:38,943
Wala ka masyadong makikilalang gano'n.

330
00:29:39,027 --> 00:29:42,363
Naiintindihan nila sa isip, sa puso
at nagkakasundo sila.

331
00:29:42,447 --> 00:29:44,783
Di lang sa pating kundi sa karagatan.

332
00:29:44,866 --> 00:29:49,496
Pag nakikita natin ang babaeng 'to
na payapa kasama ang malalaking hayop,

333
00:29:49,579 --> 00:29:52,540
parang umiiba na rin ang tingin natin

334
00:29:53,625 --> 00:29:54,959
sa kanila.

335
00:29:55,043 --> 00:29:59,506
Magandang paraan 'yon
para baguhin ang pananaw ng tao.

336
00:29:59,589 --> 00:30:04,511
Sinusubukan nilang ipakita na hindi
natin kailangang matakot sa mga hayop.

337
00:30:04,594 --> 00:30:09,432
'Yon ang gusto nilang
maintindihan ng mga tao.

338
00:30:09,516 --> 00:30:11,226
Papasok siya sa tubig at…

339
00:30:13,269 --> 00:30:16,773
nagtatanong, "Bakit ako matatakot?"

340
00:30:16,856 --> 00:30:19,317
Madalas, makakalusot ka,

341
00:30:19,400 --> 00:30:21,361
pero minsan, hindi.

342
00:30:29,702 --> 00:30:33,832
Ang hirap tantiyahin, parang,
paano ba babalansehin

343
00:30:33,915 --> 00:30:37,669
'yong pagpapakita ng personalidad nila

344
00:30:37,752 --> 00:30:40,630
at kung gaano sila kahanga-hanga
at di sila mga halimaw?

345
00:30:40,713 --> 00:30:45,051
Pero mga apex predator din sila,
hindi mga tuta.

346
00:30:48,221 --> 00:30:49,931
Kung may nangyaring masama,

347
00:30:50,682 --> 00:30:52,684
kami ang mananagot. Nasa dagat kami.

348
00:30:52,767 --> 00:30:54,894
Wala namang dapat makaalam.

349
00:30:55,979 --> 00:30:57,647
Wala kaming anak.

350
00:30:57,730 --> 00:31:01,651
Wala kaming niri-risk kundi
ang mga sarili naming buhay.

351
00:31:03,945 --> 00:31:07,198
Okay lang sa aking mamatay.
Ano na nga 'yon?

352
00:31:07,282 --> 00:31:11,327
Di importante ang haba ng buhay,
kundi kung paano ka nabuhay.

353
00:31:11,411 --> 00:31:13,621
At… Wow, Shark.

354
00:31:13,705 --> 00:31:16,499
-Kaya ni Sharkey magpaalis ng tao!
-Marunong ka, ha?

355
00:31:16,583 --> 00:31:20,795
Sabi niya, "Oo.
Naalala n'yo 'ko? Tandaan n'yo."

356
00:31:22,505 --> 00:31:24,716
Sana hindi niya 'to ulitin,

357
00:31:24,799 --> 00:31:28,052
kung gagawin niya na 'yon,
ibababa ko 'yong bintana.

358
00:31:30,471 --> 00:31:34,726
-Aloha Time lang, ha?
-Yeah, guys!

359
00:31:34,809 --> 00:31:36,269
Sorry na-late kami!

360
00:31:37,312 --> 00:31:40,940
Uy. Ang laki mo na!

361
00:31:41,024 --> 00:31:43,902
Tingnan mo 'tong pasalubong ko.
Mga tattoo ng pating.

362
00:31:43,985 --> 00:31:45,403
-Thank you!
-Okay!

363
00:31:46,112 --> 00:31:48,239
Para magka-tattoo ka gaya ng dad mo.

364
00:31:48,323 --> 00:31:50,199
Naisip ko, pwede tayong gumawa

365
00:31:50,283 --> 00:31:54,746
nitong maliliit na shark bracelet.

366
00:31:54,829 --> 00:31:58,249
Teka, paano nabungal 'yong pating?

367
00:31:58,333 --> 00:32:01,419
Suwerte ang mga pating.
Di nila kailangang magpa-dentist.

368
00:32:01,502 --> 00:32:05,840
Nakilala ko sila Ocean at Juan
at ginawa namin 'yong baby project.

369
00:32:05,924 --> 00:32:09,928
Sumisid kami at tinawagan ko sila agad.

370
00:32:10,011 --> 00:32:13,014
Sabi ko, "Uy, gusto ko 'tong gawin ulit."

371
00:32:17,852 --> 00:32:21,731
Kapag lumalangoy ka kasama
ang malaking pating,

372
00:32:23,566 --> 00:32:26,527
may energy at may presensiya

373
00:32:26,611 --> 00:32:28,488
na mahirap i-describe.

374
00:32:36,037 --> 00:32:39,374
Mare-realize mo lang
na may kasama kang lumalangoy

375
00:32:39,457 --> 00:32:43,378
na dating ibang anyo
bago pa man nagkaro'n ng mga puno.

376
00:32:47,048 --> 00:32:49,133
May kasama kang dinosaur.

377
00:33:00,186 --> 00:33:03,856
Sila Ocean at Juan,
sobrang nakakondisyon at skilled nila

378
00:33:03,940 --> 00:33:05,775
para gawin ang ginagawa nila.

379
00:33:07,485 --> 00:33:08,778
'Yon ang buhay nila.

380
00:33:12,824 --> 00:33:14,742
At sa tingin ko, mas mapanganib

381
00:33:14,826 --> 00:33:17,161
kung di nila kayang mamuhay nang gano'n.

382
00:33:27,338 --> 00:33:31,259
Sa totoo lang,
natatakot pa rin ako palagi.

383
00:33:35,471 --> 00:33:37,557
Importanteng maging kalmado

384
00:33:38,141 --> 00:33:41,894
at maging mahusay na predator
pag nandiyan sila.

385
00:33:42,895 --> 00:33:45,940
Bawal maging mahina pag kasama sila.

386
00:33:49,027 --> 00:33:52,780
Pero pag may nakakaharap akong pating,
di ko alam ang history nila.

387
00:33:54,615 --> 00:33:57,493
Hindi ko alam ang history nila sa mga tao.

388
00:33:58,578 --> 00:34:02,832
'Yon ang magiging factor
sa paraan ng pakikitungo nila sa akin.

389
00:34:06,544 --> 00:34:07,962
Naku. May parang…

390
00:34:08,046 --> 00:34:10,173
Okay. So si Kalihi…

391
00:34:12,175 --> 00:34:13,426
Hi, Kalihi!

392
00:34:14,135 --> 00:34:16,971
Sa Hawaiian, "ang hangganan"
ang ibig sabihin ng Kalihi.

393
00:34:19,640 --> 00:34:22,477
Dumating siya no'ng bata pa siya,

394
00:34:22,977 --> 00:34:24,771
sobrang lakas na bata.

395
00:34:26,689 --> 00:34:29,817
Pinanood ko siyang magmadali sa kahit ano.

396
00:34:29,901 --> 00:34:31,986
Binabangga. Kinakagat.

397
00:34:36,407 --> 00:34:39,327
Mas malakas siya kesa sa iba.

398
00:34:43,706 --> 00:34:45,374
Sobrang talino niya.

399
00:34:49,170 --> 00:34:53,257
May ginawa si Kalihi
na di ko pa nakita noon.

400
00:34:54,467 --> 00:34:56,969
Umaakyat at kinakagat niya 'yong ibabaw…

401
00:35:02,934 --> 00:35:04,519
para makagawa ng bula.

402
00:35:05,728 --> 00:35:08,106
So parang malabo na sa ibabaw.

403
00:35:10,608 --> 00:35:13,152
Marami siyang ginagawang nakakagulat.

404
00:35:15,571 --> 00:35:19,367
'Yong sinusubukan niyang,
parang, iikot 'yong katawan niya,

405
00:35:20,952 --> 00:35:24,789
parang natutunan niya 'yong pamamaraan ko.

406
00:35:26,624 --> 00:35:27,708
Ewan ko kung paano.

407
00:35:30,378 --> 00:35:34,507
Alam kong alam niya ang ginagawa niya.
Ayoko siyang pagdudahan.

408
00:35:34,590 --> 00:35:37,635
Ayoko siyang pagdudahan kahit konti.

409
00:35:38,261 --> 00:35:39,804
Hindi 'to video game.

410
00:35:42,849 --> 00:35:43,891
Wala 'tong pause.

411
00:35:53,442 --> 00:35:55,153
Hinahamon niya si Ocean.

412
00:36:05,621 --> 00:36:09,041
Tanggapin dapat ang panganib.
Kilalanin sila at magpatuloy.

413
00:36:20,219 --> 00:36:23,055
Tinuturuan ako ng mga pating
noong nasa tubig ako.

414
00:36:23,556 --> 00:36:25,975
Hinuhubog nila ang mga galaw ko sa tubig,

415
00:36:26,058 --> 00:36:28,436
tulad ng paghubog nila sa ibang hayop.

416
00:36:38,446 --> 00:36:42,617
Lalapitan nila ako sa iba't ibang anggulo.

417
00:36:56,631 --> 00:37:00,509
Pinapakita nila sa akin
na ginagamit nila ang pag-countershade.

418
00:37:11,062 --> 00:37:14,357
Tinulungan ako
ng mga karanasang 'yon para ma-redirect.

419
00:37:15,316 --> 00:37:16,567
Tinutulak pababa.

420
00:37:18,361 --> 00:37:19,946
Nila-lock sa siko.

421
00:37:31,249 --> 00:37:33,376
Parang magandang sayaw.

422
00:37:34,460 --> 00:37:37,964
Kung gusto niyang lumapit
'yong mga pating, yuyuko siya,

423
00:37:38,965 --> 00:37:40,383
babaluktot na parang bola.

424
00:37:44,971 --> 00:37:48,140
Kung gusto mo ng space,
tumayo ka lang nang tuwid.

425
00:37:50,101 --> 00:37:52,937
Tumitig ka nang deretso.

426
00:37:56,357 --> 00:38:00,444
Ipapaalam mo sa kanila,
"Predator din ako at aware ako."

427
00:38:04,156 --> 00:38:06,492
Kung kailangan mong manindigan,
manindigan ka.

428
00:38:14,875 --> 00:38:19,130
Sobrang aware niya
at may alam siya sa mga hayop.

429
00:38:26,846 --> 00:38:31,058
Para sa akin na nasa likod ng camera,
minsan nangiging kampante ako.

430
00:38:33,477 --> 00:38:37,231
Kapag sa lense ka nakatingin,
para 'yong tunnel vision.

431
00:38:40,151 --> 00:38:41,986
Kailangan ko siyang bantayan.

432
00:38:58,544 --> 00:39:00,421
Ang dami niyang tinuro sa akin.

433
00:39:03,090 --> 00:39:04,717
Lahat ng mga ugali.

434
00:39:04,800 --> 00:39:08,220
At ganito dapat
ang diskarte mo para maging ligtas.

435
00:39:12,516 --> 00:39:16,187
Ginawa na 'tong science ni Ocean.

436
00:39:37,041 --> 00:39:39,460
Sa longboard,
mas maliit ang tsansang lapitan ka.

437
00:39:39,543 --> 00:39:42,671
Kung may kasama kang lumalangoy,
maliit din ang tsansang lapitan ka.

438
00:39:42,755 --> 00:39:47,510
Bawasan ang pagtalsik
o kahit anong makakaakit ng atensiyon.

439
00:39:48,928 --> 00:39:51,972
Imposible nang ilayo
ang mga tao sa mga pating.

440
00:39:52,056 --> 00:39:56,268
Gustong lumangoy, mag-surf at sumisid
ng mga tao at makakaharap sila ng pating.

441
00:39:56,352 --> 00:40:00,314
Hindi makakatulong sa cause ko
kung may maaksidente,

442
00:40:00,398 --> 00:40:04,693
di makakatulong sa shark conservation,
o sa reputasyon ng pating.

443
00:40:04,777 --> 00:40:07,613
Kaya parang may matinding
moral na obligasyon ako

444
00:40:07,696 --> 00:40:12,159
na siguraduhing ligtas sila at maturuan
sila kung paano manatiling ligtas.

445
00:40:12,243 --> 00:40:14,745
Ang problema sa karamihan

446
00:40:14,829 --> 00:40:17,456
sa mga pag-atake ng pating,

447
00:40:17,540 --> 00:40:19,500
'yong inatake,

448
00:40:19,583 --> 00:40:22,711
hindi niya alam na inaatake na pala siya.

449
00:40:23,295 --> 00:40:27,675
Kaya wala siyang tsansang umiwas.

450
00:40:28,300 --> 00:40:33,597
Sa tingin ko, mas ginagawa niya 'yon
para sa palabas, di sa siyensiya.

451
00:40:34,223 --> 00:40:37,309
Scientist ka man o hindi,

452
00:40:37,393 --> 00:40:40,354
di na importante 'yon.
Para sa akin, ang importante,

453
00:40:40,438 --> 00:40:44,483
'yong haba ng oras na ginugugol mo

454
00:40:45,109 --> 00:40:46,402
sa mga hayop na 'to.

455
00:40:46,485 --> 00:40:49,655
Malakas ang pang-unawa niya
ng pag-uugali ng pating

456
00:40:49,738 --> 00:40:52,616
dahil sa dami ng oras na kasama niya sila.

457
00:40:52,700 --> 00:40:55,077
Pero sa aktuwal na research community,

458
00:40:56,370 --> 00:40:57,997
wala siyang respeto.

459
00:40:58,622 --> 00:41:00,249
Parang sinasabi ng iba,

460
00:41:00,332 --> 00:41:03,836
dahil pumapayag siya
na kunan siya ng pictures

461
00:41:03,919 --> 00:41:06,046
at sabihin ang kuwento niya,

462
00:41:06,130 --> 00:41:09,133
hindi raw 'yon ang ginagawa ng scientist.

463
00:41:09,216 --> 00:41:13,095
Pero ano nga ba ang ginagawa
ng scientist kundi mag-observe

464
00:41:13,179 --> 00:41:15,139
at i-share ang tanawin?

465
00:41:16,348 --> 00:41:18,893
WALA ANG NOTCH AT HALF-MOON
KONTING SUGAT

466
00:41:20,102 --> 00:41:22,980
15 years na naming ginagawa
ang field ID data sets.

467
00:41:23,063 --> 00:41:24,231
NAWAWALA ITO

468
00:41:24,315 --> 00:41:26,442
HINDI NA MAKITA

469
00:41:30,446 --> 00:41:33,199
Naka-identify kami ng 300 na pating.

470
00:41:33,532 --> 00:41:35,409
GUMAGALING NA SUGAT SA BUNTOT

471
00:41:37,328 --> 00:41:39,497
MAHIYAIN, MAINGAT
MATAGAL LUMAPIT

472
00:41:39,580 --> 00:41:41,332
MABABA ANG CURIOSITY LEVEL

473
00:41:45,711 --> 00:41:48,172
MATAAS ANG TSANSANG I-TRACK AKO.

474
00:41:48,756 --> 00:41:51,133
Para sa akin, kasing-unique,

475
00:41:52,176 --> 00:41:53,928
kasing-indibidwal,

476
00:41:54,970 --> 00:41:58,349
kasinghalaga sila ng tao.

477
00:41:58,432 --> 00:42:00,768
SUGAT SA LIKOD

478
00:42:03,771 --> 00:42:06,440
Nagsimula kaming
magtrabaho ni Ocean noong 2006.

479
00:42:07,066 --> 00:42:10,361
Five years na 'yon noong dumating si Roxy.

480
00:42:12,613 --> 00:42:14,114
Noong una namin siyang nakita,

481
00:42:14,615 --> 00:42:18,327
bago lang nabasag 'yong panga niya
at ang sama ng hitsura.

482
00:42:19,787 --> 00:42:22,122
Ewan, ramdam ko 'yong sakit niya.

483
00:42:23,541 --> 00:42:26,126
Nakita ko sa paglangoy niya.

484
00:42:27,336 --> 00:42:30,297
Naalala kong may video ako sa kanya

485
00:42:30,381 --> 00:42:33,717
at sabi ng mga tao,
"Halimaw 'yan. Nakakatakot."

486
00:42:36,971 --> 00:42:39,265
Hindi siya ang halimaw.

487
00:42:39,348 --> 00:42:42,893
'Yong mga taong gumawa
sa kanya no'n ang halimaw.

488
00:42:48,857 --> 00:42:51,819
Isipin mong nabasag ang panga mo.

489
00:42:53,696 --> 00:42:57,283
Tapos isipin mo kung ano'ng
mangyayari pag kakain ka.

490
00:43:02,913 --> 00:43:06,000
Pinakamalaking tsansa
na makakain siya kapag

491
00:43:06,083 --> 00:43:09,753
nahuli na 'yong isda o patay na,

492
00:43:09,837 --> 00:43:12,715
na madalas makita sa hook o sa net.

493
00:43:14,800 --> 00:43:16,385
Ang dami niyang pinagdadaanan.

494
00:43:16,468 --> 00:43:18,637
Tapos meron pa siyang SAT tag…

495
00:43:20,472 --> 00:43:23,267
Pinakamadalas siyang masabit
kesa sa ibang hayop

496
00:43:23,350 --> 00:43:24,893
dahil sa tag na 'yon.

497
00:43:32,776 --> 00:43:35,779
Madalas, pag may
tinatanggal kami sa mga pating,

498
00:43:36,447 --> 00:43:37,990
umaalis lang sila.

499
00:43:41,577 --> 00:43:45,122
Pero si Roxy, matapos ang maraming taon
na pagtanggal no'n,

500
00:43:45,205 --> 00:43:47,541
alam kong nakilala niya na kami.

501
00:43:52,921 --> 00:43:56,425
Ang dami kong nararamdaman
mula sa kanya pag magkasama kami.

502
00:43:59,553 --> 00:44:03,098
Noong 1999, nabali ang likod ko
sa aksidente sa rock climbing.

503
00:44:05,726 --> 00:44:08,270
Naputol 'yong tali,
nahulog ako ng 50 feet.

504
00:44:12,066 --> 00:44:15,194
Tapos may nagsabi
na di na ako makakalakad ulit.

505
00:44:15,277 --> 00:44:18,197
Game changer 'yon, di ba?

506
00:44:23,619 --> 00:44:25,579
Worth it pa bang magpatuloy?

507
00:44:31,418 --> 00:44:33,754
Madalas kong kasama si Juan

508
00:44:33,837 --> 00:44:38,425
at nakikita ko kung gaano kasakit
ang nararamdaman niya sa likod niya.

509
00:44:42,930 --> 00:44:47,726
Pakiramdam ko, nagkakasundo sila
at may koneksiyon sila sa ibang level

510
00:44:47,810 --> 00:44:51,146
dahil pareho silang may iniindang sakit.

511
00:44:53,524 --> 00:44:56,819
Ang sarap makita na magkasama sila.

512
00:44:59,363 --> 00:45:01,949
Dapat naka-lock 'yong siko pero…

513
00:45:10,124 --> 00:45:15,045
minsan sobrang kalmado ako
na hinahayaan ko 'tong mag-fold.

514
00:45:57,629 --> 00:46:02,134
Nakakagulat lang kung paano
tinatrato ang mga hayop.

515
00:46:04,511 --> 00:46:06,680
Doon ko na-realize

516
00:46:07,264 --> 00:46:09,099
na wala silang proteksiyon.

517
00:46:09,183 --> 00:46:13,479
Wala man lang parusa
pag pumatay ka ng pating dito.

518
00:46:19,401 --> 00:46:23,739
Halos 100 na baby hammerhead shark
ang natagpuang patay sa Hawaii.

519
00:46:23,822 --> 00:46:27,868
Posibleng namatay ang mga 'to
matapos mahuli sa gill net.

520
00:46:30,078 --> 00:46:32,581
Wala silang proteksiyon
sa walang saysay na pagpatay.

521
00:46:36,668 --> 00:46:38,462
Kagaya ng shark fishing.

522
00:46:50,808 --> 00:46:53,977
Pagpatay ng pating gaya ni Roxy, di ba?

523
00:46:54,061 --> 00:46:56,814
Pagbasag ng panga nila,
pagkaladkad palabas ng tubig

524
00:46:57,314 --> 00:46:58,982
para lang makapagpa-picture.

525
00:47:10,577 --> 00:47:12,037
Pakiramdam ko…

526
00:47:16,250 --> 00:47:20,379
Hindi ako gano'n kagaling sa parang…

527
00:47:20,462 --> 00:47:22,673
pagsabi ng emosyon.

528
00:47:23,799 --> 00:47:28,554
Siyempre malulungkot ka
dahil do'n. Paghihirap 'yon, e.

529
00:47:33,058 --> 00:47:34,518
Sa puntong ito,

530
00:47:35,769 --> 00:47:39,147
wala nang 10% ang natitirang populasyon

531
00:47:39,231 --> 00:47:41,316
ang karamihan sa malalaking pating.

532
00:47:41,400 --> 00:47:42,734
PAGBABA SA LOOB NG 50 TAON

533
00:47:42,818 --> 00:47:44,278
PAGKALIPOL

534
00:47:44,361 --> 00:47:47,698
Papunta silang lahat
sa bingit ng pagkalipol.

535
00:47:49,533 --> 00:47:52,452
Okay, asan na tayo?

536
00:47:52,536 --> 00:47:53,620
Dito.

537
00:47:54,454 --> 00:47:57,416
Pupunta tayo sa… paano…

538
00:47:58,375 --> 00:47:59,334
Sa palengke.

539
00:48:01,086 --> 00:48:05,591
Tapos no'ng na-realize kong
nangyayari ang shark finning…

540
00:48:08,510 --> 00:48:11,722
at unti-unting nauubos
ang populasyon ng mga pating sa planeta

541
00:48:11,805 --> 00:48:15,767
para sa walang saysay
na sabaw, nagalit ako.

542
00:48:21,023 --> 00:48:22,190
Shark…

543
00:48:22,274 --> 00:48:24,443
Pinapatay sila ng mga bansa sa buong mundo

544
00:48:24,526 --> 00:48:27,321
at nangyayari 'to
nang di napapansin at napapag-usapan.

545
00:48:28,280 --> 00:48:31,867
Alam mo kung anong klaseng
pating 'to? Whale shark ba?

546
00:48:33,493 --> 00:48:35,454
Kahit na di sila pangunahing species

547
00:48:35,537 --> 00:48:38,749
o sobrang importante sa marine ecosystems,

548
00:48:38,832 --> 00:48:42,252
'yong papatay ng hayop
para lang sa less than 2% ng katawan nila…

549
00:48:44,004 --> 00:48:46,965
Bakit may gumagawa no'n
para lang sa sabaw?

550
00:48:51,428 --> 00:48:54,014
Asan ang pinakamalaking problema?

551
00:48:54,097 --> 00:48:57,142
Pinakamalaking problema na nakita ko

552
00:48:57,225 --> 00:49:00,270
'yong mga pating na pinapatay.
'Yon ang problema.

553
00:49:00,354 --> 00:49:04,441
Paano ilalabas ang impormasyon na 'yon?
Gamit ang biswal na imahe.

554
00:49:08,445 --> 00:49:10,113
Gagamitin ko ang hitsura ko.

555
00:49:12,115 --> 00:49:14,785
Iaalay ko ang sarili ko
para sa isang layunin.

556
00:49:18,246 --> 00:49:21,041
Tumitingin muna
'yong mga tao bago makinig.

557
00:49:22,000 --> 00:49:23,377
Kukunin 'yong atensiyon nila.

558
00:49:26,421 --> 00:49:29,675
Tapos ilalabas 'yong magandang mensahe…

559
00:49:31,343 --> 00:49:33,637
'yon ang gusto kong gawin.

560
00:49:34,221 --> 00:49:36,974
Maliit lang 'to. Araw-araw 'to.

561
00:49:41,228 --> 00:49:45,941
Gamit ang mga picture na 'yon,
mas marami pang maaabot

562
00:49:46,483 --> 00:49:48,527
kesa sa ibang ginawa namin.

563
00:49:50,278 --> 00:49:53,198
Pagkakataon 'to
para maabot ang buong publiko.

564
00:49:58,620 --> 00:50:00,622
#ILIGTAS ANG MGA PATING

565
00:50:05,502 --> 00:50:07,879
WAG MATAKOT SA MGA PATING.

566
00:50:07,963 --> 00:50:09,756
ILIGTAS ANG MGA PATING!
BILIS!

567
00:50:11,383 --> 00:50:12,426
HINDI NA MAUULIT

568
00:50:17,431 --> 00:50:21,184
Dahil babae ako,
ibang level ng atensiyon ang nakukuha ko,

569
00:50:21,268 --> 00:50:23,770
at mas mataas na level ng kritisismo.

570
00:50:23,854 --> 00:50:26,023
PARA SA BABAENG ITO
ANG IDIOT OF THE DAY AWARD

571
00:50:26,106 --> 00:50:28,108
Hindi lahat sasang-ayon sa 'yo.

572
00:50:28,191 --> 00:50:31,236
SELFIE MO LANG ANG INIISIP MO
WAG MO NA SILANG PAKIALAMAN

573
00:50:31,319 --> 00:50:34,906
Mga keyboard warriors
na milyong milya ang layo sa akin.

574
00:50:39,828 --> 00:50:41,621
Sinasabi ng mga tao, "Mamamatay ka."

575
00:50:41,705 --> 00:50:44,374
"Sana maging masaya ang araw mo."

576
00:50:44,458 --> 00:50:46,376
NAGING FASHION SA IG ANG MGA APEX PREDATOR

577
00:50:47,669 --> 00:50:51,381
Gustong punahin ng mga tao ang hitsura
at estilo ko sa pangangalaga ng kalikasan.

578
00:50:51,465 --> 00:50:53,216
Galingan pa nila.

579
00:50:53,300 --> 00:50:54,843
DELIKADO ANG GINAGAWA NIYA.

580
00:50:54,926 --> 00:50:56,803
Ito na 'yon, e.

581
00:50:56,887 --> 00:50:58,972
Ako na ang mag-a-adjust, di ba?

582
00:51:03,685 --> 00:51:08,565
Sa huli, alam naming dapat may gawin kami
na mas matindi para tapusin ang kalokohan.

583
00:51:09,941 --> 00:51:11,068
Jaws.

584
00:51:15,072 --> 00:51:19,034
Ang pinakakinatatakutan
ng mga tao sa mga pating.

585
00:51:19,117 --> 00:51:20,952
'Yon ang laging imahe ng great white.

586
00:51:26,416 --> 00:51:29,878
Kaya gusto naming
gamitin ang picture na 'to

587
00:51:29,961 --> 00:51:34,966
para ipakita ang koneksiyon
ng tao at great white shark,

588
00:51:35,050 --> 00:51:36,676
ang "anti-Jaws."

589
00:51:38,804 --> 00:51:42,808
Dumadating nga sila sa Hawaii taon-taon,

590
00:51:42,891 --> 00:51:44,768
pero bihira lang silang makita.

591
00:51:47,020 --> 00:51:49,022
Para silang unicorn sa karagatan.

592
00:51:50,273 --> 00:51:51,983
Bihira silang makita,

593
00:51:52,067 --> 00:51:55,821
lalo na't nasa tubig ka
at lalangoy palapit sa 'yo.

594
00:52:01,910 --> 00:52:04,996
Iilan lang ang lugar
na may mga great white

595
00:52:05,080 --> 00:52:07,082
na pwede kang sumisid kasama sila.

596
00:52:08,125 --> 00:52:09,292
Isa dito ang Guadalupe.

597
00:52:29,229 --> 00:52:32,440
Unang beses kong sumisid
kasama ang mga great white.

598
00:52:33,608 --> 00:52:36,736
Tinatangay ng agos papunta do'n
'yong pain at mga isda.

599
00:52:37,529 --> 00:52:40,240
Dapat galing do'n 'yong pating.

600
00:52:40,323 --> 00:52:42,951
Pero nanggaling siya sa ilalim ng bangka.

601
00:52:44,327 --> 00:52:48,039
Nakabukas ang mga mata,
nakikipagtitigan sa lahat.

602
00:52:54,754 --> 00:52:56,464
Tapos sumisid siya pababa.

603
00:52:56,548 --> 00:52:59,593
Tapos umakyat siya
galing sa baba nang napakabilis.

604
00:52:59,676 --> 00:53:02,429
Tapos parang malabong puti lang. Boom!

605
00:53:07,225 --> 00:53:11,521
Na-realize ko no'n
na kung gusto nila ng tao,

606
00:53:11,605 --> 00:53:13,315
wala talaga tayong laban.

607
00:53:13,398 --> 00:53:17,360
Hindi lang kakagatin ang mga tao
ng mga pating. Mawawala sila.

608
00:53:36,713 --> 00:53:38,965
Sa unang pagkakataon sa buhay ko,

609
00:53:39,049 --> 00:53:43,178
nag-decide akong mag-obserba

610
00:53:43,261 --> 00:53:45,764
ng ugali ng isang species ng pating

611
00:53:47,182 --> 00:53:48,808
mula sa loob ng cage.

612
00:54:06,034 --> 00:54:09,246
Binabantayan ko kung paano sila
nakikipag-interact sa isa't isa,

613
00:54:10,664 --> 00:54:12,832
pinapanood ang usapan nila,

614
00:54:13,792 --> 00:54:15,710
at inaalam 'yong wika.

615
00:54:33,603 --> 00:54:38,024
May kakaibang level ng kaba
pero mas parang excitement 'yon.

616
00:54:44,197 --> 00:54:48,618
At 'yong pakiramdam na parang,
"Okay, ready na 'ko."

617
00:55:01,006 --> 00:55:02,716
Natututo, nag-oobserba,

618
00:55:03,800 --> 00:55:06,303
nakakapansin habang nasa loob ako,

619
00:55:06,386 --> 00:55:09,556
tapos may isa dito
sa gilid. Di ko 'yon napansin.

620
00:55:13,643 --> 00:55:18,356
Alam ko ba ang mangyayari
sa akin kapag nasa labas ako ng cage?

621
00:55:18,898 --> 00:55:19,816
Hindi.

622
00:55:41,171 --> 00:55:43,506
Tapos nakita ko 'yong magandang pating.

623
00:55:49,387 --> 00:55:52,015
Pinakadominanteng babae sa lugar na 'yon.

624
00:55:58,021 --> 00:56:02,150
Sobrang interesado niya sa akin.

625
00:56:08,198 --> 00:56:11,326
Nakatingin siya sa akin.

626
00:56:19,292 --> 00:56:24,297
Mali siguro 'to pero feeling ko,
imbitasyon 'yon.

627
00:57:13,346 --> 00:57:15,807
Wala pang nakipag-interact sa white shark

628
00:57:15,890 --> 00:57:18,601
nang gano'n bago ang araw na 'yon.

629
00:57:25,984 --> 00:57:28,278
Ito 'yong anti-Jaws moment.

630
00:57:37,620 --> 00:57:41,124
Binigay namin sa GoPro,
nilabas nila na parte ng conservation.

631
00:57:41,207 --> 00:57:46,087
GOPRO: OCEAN RAMSEY
AT ISANG GREAT WHITE SHARK

632
00:57:50,425 --> 00:57:52,385
Do'n nagbago ang lahat.

633
00:57:52,469 --> 00:57:54,304
-Ocean Ramsey.
-Ocean Ramsey.

634
00:57:54,387 --> 00:57:56,181
-Ocean Ramsey.
-Ocean Ramsey.

635
00:57:56,264 --> 00:57:57,724
-Ocean ang pangalan niya?
-Ocean.

636
00:57:57,807 --> 00:58:01,519
Isang matapang na daredevil
na lumalangoy kasama ang mga great white.

637
00:58:01,603 --> 00:58:04,272
Lumalangoy ang babaeng 'to
kasama ang great white shark.

638
00:58:04,355 --> 00:58:05,482
Di nga?

639
00:58:05,565 --> 00:58:07,317
Ang laking pating niyan.

640
00:58:07,400 --> 00:58:09,444
Di ako sure
kung nagustuhan 'yon ng pating.

641
00:58:09,527 --> 00:58:12,071
Mali ang pagkakaintindi
sa mga great white shark.

642
00:58:12,155 --> 00:58:14,616
Gaya ng matinong tao,
lumalangoy siya kasama nila.

643
00:58:14,699 --> 00:58:17,368
Kung naglalaro tayo ng To Tell the Truth,

644
00:58:17,452 --> 00:58:20,455
pwede kitang itabi sa dalawang tao
at walang pipili sa 'yo

645
00:58:20,538 --> 00:58:22,790
na lumangoy kasama ang pating.

646
00:58:25,210 --> 00:58:27,170
Lumaki ang komunidad.

647
00:58:28,755 --> 00:58:32,258
Nagkaroon din ng mga business opportunity

648
00:58:33,051 --> 00:58:35,678
para mapalaganap ang kamalayan,

649
00:58:37,263 --> 00:58:39,182
na mabuti para sa mga pating.

650
00:58:46,147 --> 00:58:48,066
Parami nang parami ang mga tao

651
00:58:48,149 --> 00:58:51,569
na gustong mag-explore
at matuto tungkol sa pag-uugali ng pating.

652
00:58:51,653 --> 00:58:54,239
Nando'n kami para ipakilala
ang mga tao sa mga pating.

653
00:58:54,322 --> 00:58:57,242
Bumaba na kayo.
Wag lang kayong lumayo sa bangka.

654
00:59:00,453 --> 00:59:02,413
Pinapanatili din namin silang ligtas.

655
00:59:03,373 --> 00:59:08,253
Walang katulad 'yong maka-empower
ng tao sa pamamagitan ng karanasan.

656
00:59:08,336 --> 00:59:09,712
'Yong masasabi nila na,

657
00:59:09,796 --> 00:59:13,550
"Nakasama ko ang pating
at ang gandang experience no'n."

658
00:59:15,718 --> 00:59:17,637
At maa-appreciate nila

659
00:59:17,720 --> 00:59:21,057
kung ano talaga ang pating,

660
00:59:21,140 --> 00:59:24,102
at magiging inspirasyon nila 'yon
para protektahan sila.

661
00:59:28,731 --> 00:59:33,736
Mahirap dito 'yong balanse
ng lahat ng ito, di ba?

662
00:59:33,820 --> 00:59:37,198
Parang, kailangan nating…

663
00:59:38,074 --> 00:59:40,618
protektahan ang mga hayop na 'to.

664
00:59:49,460 --> 00:59:54,257
Pero nakita ko ang kayang
gawin ng hayop na 'yon

665
00:59:54,340 --> 00:59:55,967
sa tao.

666
00:59:58,136 --> 01:00:02,223
Alerto ang mga tao ngayong umaga
sa sikat na surf spot sa Oahu.

667
01:00:02,307 --> 01:00:05,435
Isang 25-year-old na surfer
ang nasa kritikal na kondisyon

668
01:00:05,518 --> 01:00:07,103
matapos siyang atakihin ng pating.

669
01:00:07,186 --> 01:00:09,856
Nagsu-surf si Colin Cook
sa North Shore ng Oahu

670
01:00:09,939 --> 01:00:12,567
nang biglang lumitaw ang pating.

671
01:00:14,027 --> 01:00:15,903
Maganda 'yong araw na 'yon.

672
01:00:16,404 --> 01:00:19,324
Mukhang malinaw ang tubig
at nakaka-engganyo.

673
01:00:19,866 --> 01:00:22,535
Ilang oras na 'ko sa tubig no'n.

674
01:00:22,619 --> 01:00:27,165
Naalala ko noong mga panahong 'yon
na naisip ko na dapat na 'kong mag-surf.

675
01:00:27,248 --> 01:00:29,292
Naalala ko, bigla na lang

676
01:00:29,375 --> 01:00:32,462
akong hinampas at hinila pababa.

677
01:00:32,545 --> 01:00:34,631
Dumilat ako at na-realize ko

678
01:00:34,714 --> 01:00:38,468
na may malaking pating
na nakakagat sa binti ko.

679
01:00:39,093 --> 01:00:42,263
Nakawala ako at nakalangoy sa ibabaw.

680
01:00:42,347 --> 01:00:44,307
Ang daliring 'to… nawawala 'yong dulo.

681
01:00:44,390 --> 01:00:46,643
Nakabitin sa gilid 'yong tatlong daliri.

682
01:00:46,726 --> 01:00:48,853
Naisip ko, "'Yon na 'yon. Ayos lang ako."

683
01:00:48,936 --> 01:00:51,981
Tapos, tiningnan ko 'yong binti ko,
nawala na pala.

684
01:00:52,065 --> 01:00:55,735
Na-realize ko sa puntong 'yon
na tapos na, patay na 'ko.

685
01:00:57,612 --> 01:01:01,491
Nakaramdam lang ako
na parang dapat nandoon ako.

686
01:01:03,826 --> 01:01:06,954
Hindi ko alam kung paano ito pag-uusapan,

687
01:01:07,038 --> 01:01:09,248
pero kinagat ng pating
'yong binti niya dito.

688
01:01:10,625 --> 01:01:13,878
Nasa bukong-bukong 'yong tali.

689
01:01:13,961 --> 01:01:16,214
Dahil sa lugar kung saan siya kinagat

690
01:01:16,297 --> 01:01:18,800
at dahil bumalik si Colin sa board niya,

691
01:01:18,883 --> 01:01:23,513
hinahatak siya ng pating
no'ng makarating ako sa kanya.

692
01:01:23,596 --> 01:01:27,392
Tumingin ako at narinig ko,
"Teka, pare, pupuntahan kita."

693
01:01:27,475 --> 01:01:31,104
Nasa tabi ko pala si Keoni
sa isang stand-up paddleboard.

694
01:01:31,187 --> 01:01:32,814
Sinabi sa akin nila Ocean at Juan,

695
01:01:32,897 --> 01:01:37,110
"Malakas ang mga tiger shark
sa mga susunod na hakbang."

696
01:01:37,193 --> 01:01:39,404
"Pero kung makakailag ka,

697
01:01:39,487 --> 01:01:43,199
magkakaro'n ka ng mga 10,
12 seconds para makaikot siya."

698
01:01:43,991 --> 01:01:46,327
Tinamaan ko siya nang sobrang lakas.

699
01:01:46,411 --> 01:01:49,122
Sinubukan ko siyang
itulak pababa sa tubig.

700
01:01:49,205 --> 01:01:53,167
Pagtulak ko sa kanya pababa,
at alam kong lumagpas na ang bibig niya,

701
01:01:53,251 --> 01:01:56,421
hinagis ko 'yong paddle
at kinarga ko siya sa likod ko

702
01:01:57,714 --> 01:01:59,257
at nag-paddle kami.

703
01:01:59,340 --> 01:02:02,427
Halos wala na akong buhay.

704
01:02:02,510 --> 01:02:05,096
Medyo mahirap nang huminga. At…

705
01:02:06,097 --> 01:02:09,434
Naalala kong sinabi ko kay Keoni
'yong mga kahilingan ko.

706
01:02:09,517 --> 01:02:12,979
Sabi niya, "P're, sabihin mo
sa nanay ko na mahal ko siya."

707
01:02:16,107 --> 01:02:19,235
Naging close na kami
mula no'ng nangyari 'to.

708
01:02:19,777 --> 01:02:22,613
Parang naging unique bond namin 'yon.

709
01:02:24,365 --> 01:02:26,868
Para ko na siyang hero.

710
01:02:26,951 --> 01:02:29,328
Nakarating si Cook sa beach
sa tulong ng kaibigan.

711
01:02:29,412 --> 01:02:33,624
Kailangang putulin ang kaliwang binti niya
at nawalan siya ng parte ng daliri

712
01:02:33,708 --> 01:02:35,209
pero nandito pa rin siya.

713
01:02:35,293 --> 01:02:38,629
Ginawaran si Keoni Bowthorpe
ng Carnegie Medal.

714
01:02:38,713 --> 01:02:42,467
Binibigay ito sa mga nagbubuwis
ng buhay sa pambihirang antas

715
01:02:42,550 --> 01:02:44,385
para iligtas ang iba.

716
01:02:44,469 --> 01:02:47,638
Sobrang gandang hero story ito

717
01:02:47,722 --> 01:02:52,059
na 'yong puso ko… para siyang nadurog.

718
01:02:53,060 --> 01:02:55,271
Isang malaking trahedya.

719
01:02:55,354 --> 01:02:58,483
Ang tanging magagawa ko lang,

720
01:02:58,566 --> 01:03:01,152
maghanap ng positibo sa anumang sitwasyon.

721
01:03:01,235 --> 01:03:03,738
'Yong fact 'yon na sobrang bihira nito.

722
01:03:10,787 --> 01:03:15,208
Araw-araw, dinadaanan ng mga pating
ang mga surfer at swimmers.

723
01:03:24,550 --> 01:03:26,969
Kung titingnan nila tayo na parang prey…

724
01:03:30,515 --> 01:03:34,143
laging mangyayari
ang mga ganitong insidente.

725
01:03:38,898 --> 01:03:41,317
Pero napakabihira nito.

726
01:03:49,951 --> 01:03:53,955
Hindi lang pagprotekta sa mga tao
laban sa mga pating ang trabaho ko…

727
01:03:56,123 --> 01:03:59,752
para din ito protektahan ang mga
pating mula sa mga tao.

728
01:04:05,258 --> 01:04:09,178
May mga panahong
may makikilala kang mga ganito,

729
01:04:09,262 --> 01:04:11,639
tapos di mo sila makikita ng ilang taon.

730
01:04:16,727 --> 01:04:20,731
"Na-hook ba sila at nabasag ang panga
o nabalot sa lambat?"

731
01:04:20,815 --> 01:04:23,067
"Nahuli ba sila sa pamimingwit?"

732
01:04:24,110 --> 01:04:25,528
"Namatay ba sila?"

733
01:04:28,322 --> 01:04:30,741
Matagal na naming hindi nakita si Roxy.

734
01:04:38,291 --> 01:04:42,712
May lubid na may hook
na tumatama sa tiyan niya.

735
01:04:48,259 --> 01:04:50,177
Hindi ko maputol 'yon

736
01:04:50,261 --> 01:04:54,265
kasi kung nilagyan namin ng tensiyon,
makikita mong nasasaktan siya.

737
01:04:56,183 --> 01:04:58,895
Diyos ko, ang hirap panoorin no'n.

738
01:05:02,440 --> 01:05:04,984
Halata na sobrang hina niya.

739
01:05:19,040 --> 01:05:23,669
Sa isip ko, parang,
"Okay, baka hindi na siya tumagal."

740
01:05:31,010 --> 01:05:33,721
Kailangan kong magpaalam, alam mo 'yon?

741
01:05:43,439 --> 01:05:47,109
Sobrang takot ako para sa mga pating

742
01:05:47,193 --> 01:05:51,906
na na-in love na talaga ako
sa kanila bilang indibiduwal.

743
01:05:52,490 --> 01:05:55,534
Kaya gumawa tayo
ng paraan para iligtas sila.

744
01:05:57,411 --> 01:05:59,956
Sinubukan naming magpasa ng batas

745
01:06:01,374 --> 01:06:03,000
para mabago ang polisiya,

746
01:06:04,210 --> 01:06:08,965
para maprotektahan sila
sa walang saysay na pagpatay sa Hawaii.

747
01:06:10,299 --> 01:06:13,094
HB1734 ang susunod na bill.

748
01:06:13,719 --> 01:06:15,554
Kaugnay sa marine life protection.

749
01:06:16,722 --> 01:06:17,974
Mahaba 'to.

750
01:06:28,818 --> 01:06:32,571
-Pwede kang magsalita sa mikropono?
-Sorry. Naririnig n'yo 'ko?

751
01:06:35,157 --> 01:06:38,369
Iniwan muna namin lahat
ng mga ginagawa namin.

752
01:06:38,452 --> 01:06:42,123
Ituloy lang natin
'yong social media strategy.

753
01:06:43,332 --> 01:06:45,668
Di ko kailangang matulog.
Tapusin natin 'to

754
01:06:45,751 --> 01:06:49,046
at subukang makakuha
ng maraming media hangga't maaari.

755
01:06:49,130 --> 01:06:53,092
Ako si Ocean Ramsey. Shark at marine
conservationist at scientist ako.

756
01:06:53,175 --> 01:06:56,971
Importante ang mga pating para
sa kalusugan ng marine ecosystems

757
01:06:57,054 --> 01:06:59,098
at kailangan silang protektahan.

758
01:06:59,181 --> 01:07:03,227
Tingin ko, para siyang pating mag-isip.
At compliment 'yon.

759
01:07:03,310 --> 01:07:05,938
Labanan ang pangingisda
ng pating at pumili ng mga leader

760
01:07:06,022 --> 01:07:08,441
na magpoprotekta sa kanila.

761
01:07:09,191 --> 01:07:10,609
Hi, guys.

762
01:07:13,946 --> 01:07:17,908
Mag-rally para hikayatin ang mga tao
na i-pressure ang mga pulitiko.

763
01:07:17,992 --> 01:07:19,577
Ang malungkot dito,

764
01:07:19,660 --> 01:07:24,165
higit 100 milyong pating
ang pinapatay taon-taon.

765
01:07:24,248 --> 01:07:26,834
Bakit sila poprotektahan?
Bakit natin sila kailangan?

766
01:07:26,917 --> 01:07:29,920
Kung mawawala sila sa dagat,
masisira ang lahat.

767
01:07:30,004 --> 01:07:32,423
Galing sa dagat ang 70% ng hangin
na nilalanghap n'yo

768
01:07:32,506 --> 01:07:35,676
at importanteng component
ang mga pating sa healthy na ecosystem.

769
01:07:37,136 --> 01:07:39,472
Para makagawa ng pagbabago

770
01:07:40,473 --> 01:07:41,766
sa oras na kailangan natin,

771
01:07:41,849 --> 01:07:44,977
kailangan nating magtulungan.

772
01:07:45,895 --> 01:07:47,772
Dapat isang team tayo.

773
01:07:48,981 --> 01:07:51,817
Sa distrito ko sa South Maui,
may sunod-sunod na pag-atake.

774
01:07:51,901 --> 01:07:55,071
'Yong ilang insidente na nangyayari,

775
01:07:55,154 --> 01:07:59,033
malamang dahil 'yon
sa dami ng tao na pumupunta sa tubig.

776
01:07:59,116 --> 01:08:01,368
Ako si Juan Oliphant,
shark conversationist…

777
01:08:01,452 --> 01:08:03,287
Hindi lang kami ni Juan ang pumunta.

778
01:08:03,370 --> 01:08:06,082
Isang buong komunidad kami.

779
01:08:06,665 --> 01:08:11,504
Hawaii State Capitol Building.
Room 312. Sana makapunta kayo.

780
01:08:13,339 --> 01:08:17,551
Mawawala ang mga pating
pag walang proteksiyon natin.

781
01:08:17,635 --> 01:08:22,139
May mga insidente kung saan sinabit
ang mga pating sa mga street sign,

782
01:08:22,223 --> 01:08:23,891
sinabit sa leeg.

783
01:08:24,391 --> 01:08:26,811
Mag-submit ng mga testimonya online.

784
01:08:26,894 --> 01:08:28,813
SINUSUPORTAHAN KO ANG HB1734

785
01:08:29,855 --> 01:08:32,858
Galing sa iba't ibang
organisasyon na katrabaho namin.

786
01:08:32,942 --> 01:08:34,985
MABABAGO NATIN ANG SITWASYON

787
01:08:35,069 --> 01:08:38,155
Sobrang pursigido niya
sa maraming platform.

788
01:08:39,657 --> 01:08:41,534
Ang hirap niyang sabayan.

789
01:08:42,952 --> 01:08:44,870
Hindi lahat sasang-ayon sa 'yo.

790
01:08:45,538 --> 01:08:49,250
May malaking kompetisyon
sa pagitan ng pating at mangingisda.

791
01:08:49,333 --> 01:08:51,919
Tutol ang ilang mangingisda.

792
01:08:52,002 --> 01:08:53,212
Di ako naniniwala

793
01:08:53,295 --> 01:08:57,383
na malaking problema ang paghuli
at pagpatay ng mga pating sa Hawaii.

794
01:08:57,466 --> 01:08:58,425
Di totoo 'yan.

795
01:08:58,509 --> 01:09:00,302
Nagkakagulo dahil dito.

796
01:09:00,386 --> 01:09:03,597
May mga malupit na pagpatay, mga sinadya.

797
01:09:03,681 --> 01:09:06,976
-Self-defense ba 'yon o hindi?
-Debatable 'yan.

798
01:09:07,059 --> 01:09:09,937
Hindi. Matututo tayo sa kalikasan.

799
01:09:10,020 --> 01:09:12,940
Anong academic publications
ang na-publish mo?

800
01:09:13,023 --> 01:09:15,943
'Yong website mo, sobrang commercialized.

801
01:09:16,026 --> 01:09:19,071
Minamaliit nila si Ocean

802
01:09:19,155 --> 01:09:21,157
pagdating sa lakas na meron siya.

803
01:09:24,368 --> 01:09:26,078
Tutol kami sa bill na 'to.

804
01:09:26,162 --> 01:09:27,746
Sumusuporta ako.

805
01:09:27,830 --> 01:09:29,540
Tutol ako sa bill na 'to.

806
01:09:29,623 --> 01:09:33,210
Nandito ako para proteksiyonan ang manō.

807
01:09:36,505 --> 01:09:38,632
Grabe 'yong effort namin.

808
01:09:43,470 --> 01:09:44,972
Pero nabigo kami.

809
01:09:53,564 --> 01:09:55,608
Taon-taon na lang.

810
01:10:00,446 --> 01:10:04,909
Doon ko siya makikita
na sobrang lungkot niya.

811
01:10:06,202 --> 01:10:07,912
Nagiging ibang tao siya.

812
01:10:08,412 --> 01:10:12,708
Parang, nagbabago 'yong mindset niya,

813
01:10:13,292 --> 01:10:15,294
nagiging mas negatibo.

814
01:10:17,171 --> 01:10:19,965
Hindi niya alam kung paano titigil.

815
01:10:23,928 --> 01:10:26,722
Magtatrabaho na lang siya
hanggang mamatay.

816
01:10:31,602 --> 01:10:34,647
Alam ko lang na may
pinagdadaanan siyang mabigat.

817
01:10:40,694 --> 01:10:44,907
Di niya sinasabi sa akin kasi…

818
01:10:47,576 --> 01:10:48,786
hindi ko alam kung bakit.

819
01:11:33,998 --> 01:11:38,961
Pakiramdam ko,
nagka-depression ako na parang…

820
01:11:39,044 --> 01:11:42,089
Nakakatawa kasi nahihiya ako
na nagka-depression ako

821
01:11:42,172 --> 01:11:46,677
kasi ang daming oportunidad,
ang dami pang nangyayari.

822
01:11:47,469 --> 01:11:51,056
Lahat naman may pinagdadaanan.

823
01:12:09,366 --> 01:12:13,495
Gusto ko sanang nando'n ako
para sa kanya sa mga sandaling 'yon.

824
01:12:17,750 --> 01:12:20,044
Hindi ko 'to kaya pag wala siya.

825
01:12:21,128 --> 01:12:24,548
Siya lang 'yong taong
nakakaintindi sa akin.

826
01:12:31,055 --> 01:12:35,392
Lalo kaming pinalakas
ng mga pinagdaanan namin.

827
01:12:43,817 --> 01:12:45,527
Pagdating ng 2019,

828
01:12:45,611 --> 01:12:48,989
apat na taon na naming
sinusubukang maipasa 'yong batas.

829
01:12:52,034 --> 01:12:54,703
Sa katapusan ng linggo
ang susunod na deadline

830
01:12:54,787 --> 01:12:56,789
para maipatupad ulit 'yong bill.

831
01:12:58,624 --> 01:13:01,752
Alam namin na kulang na naman

832
01:13:01,835 --> 01:13:04,046
ang suporta galing sa mga politiko.

833
01:13:08,050 --> 01:13:09,968
Tapos may nangyari.

834
01:13:16,683 --> 01:13:18,727
May nabalitaan kaming balyena

835
01:13:18,811 --> 01:13:22,189
na papalapit sa mga koral ng Waikiki.

836
01:13:25,442 --> 01:13:26,902
Patay na balyena.

837
01:13:29,613 --> 01:13:31,907
Naisip ko agad, "Ooh,"

838
01:13:31,990 --> 01:13:36,203
kasi makakaakit ng mga pating
ang patay na balyena.

839
01:13:37,913 --> 01:13:41,667
Nasa dagat kami.
Inoobserbahan namin 'yong mga tiger shark.

840
01:13:46,964 --> 01:13:50,092
Tapos nawala 'yong mga tiger shark.

841
01:13:58,183 --> 01:14:00,310
Tapos naging tahimik.

842
01:14:09,486 --> 01:14:13,073
Pero may naririnig
akong ingay ng mga dolphin.

843
01:14:13,740 --> 01:14:16,243
May nakita akong kumikislap sa ilalim.

844
01:14:21,832 --> 01:14:23,792
Tapos galing sa kailaliman…

845
01:14:26,211 --> 01:14:30,174
may dumating
na malaking great white shark.

846
01:14:31,133 --> 01:14:32,718
Diyos ko!

847
01:15:03,916 --> 01:15:07,211
Ang laki niya, sobra sa 20 talampakan.

848
01:15:09,296 --> 01:15:12,424
Actually, nakalapit talaga si Juan.

849
01:15:13,050 --> 01:15:17,471
At makikita mong sinusubukan niyang
kumuha pa ng karne ng balyena.

850
01:15:20,849 --> 01:15:23,810
Lahat ng maliliit na laman ng balyena,

851
01:15:23,894 --> 01:15:27,940
lumalabas sa gilid ng hasang niya.

852
01:15:38,825 --> 01:15:41,370
Parang hindi totoo.

853
01:15:43,789 --> 01:15:48,418
Ang hirap i-describe
ng experience na 'yon.

854
01:16:00,222 --> 01:16:02,140
Tapos pumunta siya sa bangka.

855
01:16:03,934 --> 01:16:05,978
Parang bakal na tumatama sa bakal.

856
01:16:06,061 --> 01:16:09,064
Mare-realize mo kung gaano
kakapal 'yong balat nila.

857
01:17:01,366 --> 01:17:06,288
Mas maganda pa 'to kesa sa ini-imagine ko.

858
01:17:24,556 --> 01:17:27,351
Iba 'yong pakiramdam na kasama siya.

859
01:17:28,644 --> 01:17:31,188
Parang hindi ko na kailangang huminga.

860
01:17:33,565 --> 01:17:36,610
'Yong mga emosyon at koneksiyon
na nararamdaman ko,

861
01:17:37,319 --> 01:17:39,154
nakaka-overwhelm.

862
01:17:47,621 --> 01:17:49,623
Ito dapat ang ginagawa ko.

863
01:18:01,677 --> 01:18:03,679
Ito na 'yong buhay ko.

864
01:18:13,271 --> 01:18:16,191
Hindi 'to pelikula. Totoo 'to.

865
01:18:16,274 --> 01:18:17,984
20-foot na great white 'to.

866
01:18:18,068 --> 01:18:22,030
Ang pinakamalaking great white shark
na naitala kahit saan sa mundo.

867
01:18:22,114 --> 01:18:24,991
Pinakamatanda rin, 50 years old.

868
01:18:25,075 --> 01:18:27,077
Sorpresang nagpakita 'yong pating

869
01:18:27,160 --> 01:18:28,704
sa baybayin ng O'ahu.

870
01:18:28,787 --> 01:18:31,331
Lumangoy si Ocean Ramsey sa tabi niya.

871
01:18:31,415 --> 01:18:33,709
Inaaral ni Ramsey
ang mga pating sa buong mundo…

872
01:18:33,792 --> 01:18:36,294
'Yong atensiyon na nakuha ng Hawaii

873
01:18:37,170 --> 01:18:39,047
dahil sa mga great white shark,

874
01:18:39,548 --> 01:18:40,966
grabe.

875
01:18:41,049 --> 01:18:42,759
Gusto niyang ipakita

876
01:18:42,843 --> 01:18:46,012
na hindi lahat ng pating pumapatay ng tao.

877
01:18:46,096 --> 01:18:49,766
Pinapalakas nito
ang pangangailangan na protektahan sila.

878
01:18:49,850 --> 01:18:52,769
-Tingin mo, may point ba siya?
-Wala.

879
01:18:52,853 --> 01:18:56,690
Nagkaroon ng kontrobersiya na,
"Di dapat hawakan ang pating."

880
01:18:56,773 --> 01:19:01,111
Di kailangang i-harass ang mga hayop
para ipakita na di sila mapanganib.

881
01:19:01,194 --> 01:19:02,404
Tingnan, wag hawakan.

882
01:19:07,576 --> 01:19:09,661
Actually, okay 'yong kontrobersiya

883
01:19:09,745 --> 01:19:12,831
kasi mas tumagal pa siya sa mga balita.

884
01:19:15,041 --> 01:19:19,755
Naging maganda 'yong balita
tungkol sa mga pating.

885
01:19:22,007 --> 01:19:25,677
Sinasabi kasi ng mga tao,
"Wag mo silang hawakan."

886
01:19:26,470 --> 01:19:28,138
Parang may malasakit sila.

887
01:19:30,348 --> 01:19:34,269
Naisip ko, "Diyos ko,
may malasakit pala sila sa mga pating."

888
01:19:37,731 --> 01:19:41,777
Maraming kontrobersiya sa kung
gaano ka kalapit dapat sa white shark.

889
01:19:41,860 --> 01:19:44,905
Wala naman yatang pakialam ang mga pating.

890
01:19:45,739 --> 01:19:47,449
Hindi siya harassment.

891
01:19:47,532 --> 01:19:49,075
Hindi ako sang-ayon

892
01:19:49,159 --> 01:19:51,578
pero 'yong kabutihan na magagawa nila

893
01:19:51,661 --> 01:19:54,915
para sa conservation ng mga pating…

894
01:19:56,500 --> 01:19:58,835
Marami rin sigurong magandang magagawa.

895
01:19:58,919 --> 01:20:02,881
Pumapatay ng 70 hanggang 100
milyong pating taon-taon ang mga tao.

896
01:20:02,964 --> 01:20:06,176
Nakakagulat nga
'yong dami ng pinapatay nila.

897
01:20:06,259 --> 01:20:07,427
Nakakabahala nga.

898
01:20:07,511 --> 01:20:10,096
Dumating 'yong pating
no'ng sinusulong ni Ramsey

899
01:20:10,180 --> 01:20:14,142
ang mas mahigpit na batas
na protektahan ang mga nilalang sa dagat.

900
01:20:15,393 --> 01:20:16,812
Sa linggong 'yon,

901
01:20:16,895 --> 01:20:20,649
kailangan naming i-schedule
'yong bill para sa mga pating.

902
01:20:21,149 --> 01:20:25,862
Sabi ko, "Okay na 'ko."
Parang, "Gawin natin 'to."

903
01:20:28,740 --> 01:20:29,866
Ito si Roxy.

904
01:20:29,950 --> 01:20:33,453
Sa ngayon, lumalangoy siya
na may wire leader sa lalamunan.

905
01:20:33,537 --> 01:20:37,541
Marami nang tao ang nakakita
at nahumaling sa kanya

906
01:20:37,624 --> 01:20:40,126
at tinatanong nila sa social media,
"Buhay pa siya?"

907
01:20:40,210 --> 01:20:42,254
Sa totoo lang, di ko alam.

908
01:20:42,337 --> 01:20:45,423
Mawawala ang mga hayop na 'to sa planeta

909
01:20:45,507 --> 01:20:47,634
at di na 'to mababawi.

910
01:20:48,301 --> 01:20:49,553
Dito nakasalalay lahat.

911
01:20:49,636 --> 01:20:54,057
Ito na 'yong pinakamagandang
pagkakataon natin.

912
01:20:54,140 --> 01:20:58,520
Tigilan na 'yong pagpatay
sa mga pating para gumaling 'yong dagat.

913
01:21:00,272 --> 01:21:02,399
Salamat sa inyong lahat sa pagpunta.

914
01:21:02,983 --> 01:21:06,194
Gaya ng nakikita n'yo,
kakaunti ang oposisyon, kaya…

915
01:21:06,278 --> 01:21:10,156
Hindi 'yon bastang nangyari.
Dahil 'yon sa pag-organize

916
01:21:10,240 --> 01:21:13,493
at pagtulak n'yo ng isyung 'to
nang matagal, kaya…

917
01:21:13,577 --> 01:21:15,453
Kung magiging bukas tayo

918
01:21:15,537 --> 01:21:19,457
para makita ang mga bagay
mula sa maraming pananaw,

919
01:21:19,541 --> 01:21:23,169
mas malaki ang tsansa natin
na mahanap ang balanse

920
01:21:23,253 --> 01:21:27,924
at koneksiyon sa mga kapwa natin
nilalang sa mundong ito.

921
01:21:28,008 --> 01:21:32,220
Dati nang inaalis ng mga tao
'yong mga bagay na kinatatakutan nila.

922
01:21:32,304 --> 01:21:35,348
Pupunta ka sa environment nila.

923
01:21:35,432 --> 01:21:37,100
Environment din natin 'yon,

924
01:21:37,183 --> 01:21:40,604
pero paano mag-coexist?
'Yon ang pinakaimportanteng aral.

925
01:21:45,150 --> 01:21:46,568
May magandang balita!

926
01:21:48,069 --> 01:21:50,530
House Bill 553,

927
01:21:50,614 --> 01:21:54,409
ang bill para sa proteksiyon
ng mga pating.

928
01:21:54,492 --> 01:22:00,415
Itinatakda nito ang pagkakasala

929
01:22:00,498 --> 01:22:04,210
sa paghuli, pagkaladkad,
o pagpatay ng pating

930
01:22:04,294 --> 01:22:06,671
sa karagatan ng estado.

931
01:22:08,465 --> 01:22:13,011
Batas na ngayon sa Hawaii
bilang Act 51 ang House Bill 553.

932
01:22:23,021 --> 01:22:26,524
Ilegal na pumatay ng pating sa Hawaii.

933
01:22:30,236 --> 01:22:34,699
Pero ang mas importante dito,
ginagamit na ang batas na 'to

934
01:22:34,783 --> 01:22:36,952
at pwedeng ibigay sa ibang estado.

935
01:22:38,370 --> 01:22:41,790
Kailangan lang ng ilang tao
para makagawa ng pagbabago.

936
01:22:52,842 --> 01:22:54,970
Si Roxy 'yan.

937
01:22:56,012 --> 01:22:59,224
Diyos ko, salamat!

938
01:23:01,851 --> 01:23:03,228
Noong bumalik siya,

939
01:23:04,229 --> 01:23:06,815
'yong excitement at kaligayahan, parang,

940
01:23:06,898 --> 01:23:10,026
"Buhay siya. Nandito siya. Gumaling siya."

941
01:23:10,110 --> 01:23:14,155
Grabe. Hi, baby, kumusta?

942
01:23:15,448 --> 01:23:16,783
Mahal ko 'yan.

943
01:23:16,866 --> 01:23:19,285
Roxy.

944
01:23:36,177 --> 01:23:39,889
Na-excite kami na makita siyang malusog.

945
01:23:43,977 --> 01:23:46,813
May nangyari. May tumulong sa kanya,

946
01:23:46,896 --> 01:23:51,401
at parang, ang galing niya.
Ang ganda niya.

947
01:23:55,030 --> 01:23:58,908
Nakaka-relieve na makita siyang masaya.

948
01:24:02,370 --> 01:24:04,831
'Yong malamang sila Roxy, Nikki at Kalihi

949
01:24:04,914 --> 01:24:08,043
at lahat ng mga pating
na naging pamilya na namin,

950
01:24:08,126 --> 01:24:10,295
na opisyal na silang protektado,

951
01:24:10,378 --> 01:24:12,380
sobrang nakakasaya.

952
01:24:21,097 --> 01:24:24,309
Tinulungan ako ng mom ko
na pumasok sa conservation.

953
01:24:25,977 --> 01:24:26,936
May sinabi siya.

954
01:24:27,020 --> 01:24:30,774
Limitado lang ang oras mo sa planeta.

955
01:24:30,857 --> 01:24:33,610
Subukan mo siyang mas pagandahin pa.

956
01:24:33,693 --> 01:24:36,362
'Yon ang gusto niya.
Di ko 'yon makakalimutan.

957
01:24:36,446 --> 01:24:40,533
Sabi ko, "Kailangan kong hanapin
'yong pwede kong magawa

958
01:24:40,617 --> 01:24:43,203
para mas mapaganda pa 'yong mundo."

959
01:24:43,286 --> 01:24:47,165
Feeling ko, para sa akin,
sa dagat at sa mga pating 'yon,

960
01:24:47,248 --> 01:24:49,459
sigurado ako, 100%. Yeah.

961
01:24:50,627 --> 01:24:54,089
Medyo naiyak ako do'n, a.

962
01:24:54,172 --> 01:24:56,007
Grabe, ang emosyonal ko ngayon.

963
01:24:56,091 --> 01:24:58,843
Ang init kasi… Pinainit nyo masyado dito.

964
01:25:12,774 --> 01:25:17,445
Tingin ko mahirap ipaliwanag
kung gaano kaimportante ang ginagawa nila.

965
01:25:18,738 --> 01:25:21,616
Mas maganda pang halimbawa 'yan

966
01:25:23,201 --> 01:25:24,828
para sa mga anak mo.

967
01:25:37,132 --> 01:25:40,051
Tingin ko, gusto lang
magpapirma ng mga tao

968
01:25:40,135 --> 01:25:44,722
dahil iniisip nila na mamamatay ako
at magiging mas mahal 'yong libro.

969
01:26:00,071 --> 01:26:04,284
Lahat ng nagawa ko, walang makakaalam nito

970
01:26:04,367 --> 01:26:08,913
kung wala 'yong talento niya
at kakayahan at pananaw.

971
01:26:19,841 --> 01:26:22,343
Nakaligtas si Colin Cook
sa pag-atake ng pating.

972
01:26:22,427 --> 01:26:25,346
Importanteng weekend 'to
kay Colin dahil bumalik siya sa tubig.

973
01:26:25,930 --> 01:26:29,684
Ang sayang makabalik dito.
Nakakatuwang makita ang lahat.

974
01:26:35,607 --> 01:26:39,944
Gusto ko pang makakita ng mga pating
at i-explore ang planetang ito.

975
01:26:40,028 --> 01:26:42,238
Kahit na gusto kong ipagpatuloy 'yon,

976
01:26:42,322 --> 01:26:44,908
di natin alam kung hanggang kailan tayo.

977
01:26:46,201 --> 01:26:49,704
Pero kung dahil sa pating,
alam ko naman na parang,

978
01:26:49,787 --> 01:26:53,208
nilalagay ko ang sarili ko
sa mga matinding sitwasyon.

979
01:26:53,291 --> 01:26:55,585
Kaya di ko sisisihin 'yong pating.

980
01:27:00,590 --> 01:27:02,842
HAWAII ANG UNANG ESTADO NG US

981
01:27:02,926 --> 01:27:06,054
NA IPINAGBABAWAL
ANG PAGPATAY NG MGA PATING.

982
01:27:06,137 --> 01:27:07,639
SA BUONG MUNDO,

983
01:27:07,722 --> 01:27:12,018
100 MILYONG
PATING PA RIN ANG PINAPATAY TAON-TAON

984
01:27:22,237 --> 01:27:25,949
PARA SA MGA MAGULANG NI JUAN
MARLU AT RICHARD OLIPHANT

985
01:27:26,032 --> 01:27:28,952
NA PAREHONG NAMATAY

986
01:27:29,035 --> 01:27:32,038
HABANG GINAGAWA ANG FILM NA ITO

987
01:28:20,420 --> 01:28:23,423
Nagsalin ng Subtitle: ACQT



