1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.BZ

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.BZ

3
00:01:32,416 --> 00:01:35,583
Magkaugnay ang panaginip at bangungot.

4
00:01:36,500 --> 00:01:40,291
Anumang nagugunita mo, nagugunita ka rin

5
00:02:26,500 --> 00:02:28,250
ANG PRINSIPE

6
00:02:32,666 --> 00:02:35,375
Inay, nais ko pong magtungo sa mundo nila!

7
00:02:35,458 --> 00:02:37,000
Nasa mundo ka na nila!

8
00:02:37,500 --> 00:02:42,541
Tuwing nagsusulat o gumuguhit ka,
tinta ang iyong kaluluwa.

9
00:02:42,625 --> 00:02:44,375
Ganoon sila nabubuhay.

10
00:02:45,208 --> 00:02:47,958
Nagiging totoo sila kagaya mo.

11
00:02:48,041 --> 00:02:49,833
Nakikita po kaya nila ako?

12
00:02:53,541 --> 00:02:54,666
Inay!

13
00:02:59,458 --> 00:03:00,666
Tulong!

14
00:03:01,875 --> 00:03:03,625
Inay!

15
00:03:04,166 --> 00:03:07,625
Tulong! Lola, tulong!

16
00:03:15,375 --> 00:03:16,458
Inay!

17
00:03:16,541 --> 00:03:18,541
Tulong!

18
00:03:51,291 --> 00:03:54,916
Francisca, hayaan mo na iyan.
Tulungan mo ako.

19
00:04:02,958 --> 00:04:04,666
MINAMAHAL NA INA AT ASAWA

20
00:04:13,458 --> 00:04:15,291
Ikinalulungkot ko, Francisca.

21
00:04:28,000 --> 00:04:31,041
-Francisca! Bumalik ka!
-Naku!

22
00:04:35,291 --> 00:04:38,250
Tulungan ninyo akong hanapin ang apo ko!

23
00:04:38,333 --> 00:04:40,083
Francisca!

24
00:04:40,166 --> 00:04:42,333
Nasaan ka na bang bata ka?

25
00:04:42,416 --> 00:04:43,583
Francisca, nasaan ka?

26
00:04:43,666 --> 00:04:47,083
"Ang prinsipe,

27
00:04:48,875 --> 00:04:52,791
"gagawin niya ang lahat
para iligtas ang mga magulang niya

28
00:04:54,583 --> 00:04:56,791
"at ang mga mahal niya sa buhay."

29
00:05:06,666 --> 00:05:08,375
Ginang, narito ang bata.

30
00:05:08,458 --> 00:05:10,250
Hay, Francisca!

31
00:05:10,333 --> 00:05:13,333
Ang lakas ng loob mong gawin sa amin ito.

32
00:06:14,875 --> 00:06:15,958
Francisca?

33
00:06:16,041 --> 00:06:17,500
Pasikat na ang araw.

34
00:06:29,958 --> 00:06:31,750
Ligtas sa silangang bahagi.

35
00:06:31,833 --> 00:06:32,833
Sige.

36
00:06:32,916 --> 00:06:37,416
MUNDO NG KABABALAGHAN

37
00:06:48,916 --> 00:06:51,000
Fabulist, nagulat naman ako!

38
00:06:51,791 --> 00:06:52,916
Halika, sumama ka.

39
00:06:53,666 --> 00:06:54,916
Ligtas po ang lahat.

40
00:07:08,708 --> 00:07:11,416
"May hindi maipaliwanag na pagnanais
ang prinsipe

41
00:07:11,500 --> 00:07:12,833
"na mas maunawaan ang lahat.

42
00:07:12,916 --> 00:07:15,833
"Nagpasiya siyang makinig
sa kanyang kutob.

43
00:07:15,916 --> 00:07:20,041
"Sinunod niya ang nararamdaman niya
at ang tinig na tumatawag sa kanya.

44
00:07:20,125 --> 00:07:23,166
"Hindi siya mapakali
ngunit hindi siya natatakot.

45
00:07:23,250 --> 00:07:25,541
"May kakaiba siyang pakiramdam.

46
00:07:25,625 --> 00:07:28,291
"Tila makakaharap niya
ang kanyang tadhana.

47
00:07:28,375 --> 00:07:30,000
"Umakyat siya nang umakyat,

48
00:07:30,083 --> 00:07:33,375
"naghahanap ng daan palabas
sa mundo niyang puno ng mga halimaw,

49
00:07:33,458 --> 00:07:38,333
"habang mas nagiging totoo
ang boses na tumatawag sa kanya.

50
00:07:38,416 --> 00:07:42,916
"Nagulat siya nang mapadpad siya
sa isang kakaibang lugar

51
00:07:43,000 --> 00:07:45,000
"na hindi pa niya nararating noon.

52
00:07:45,083 --> 00:07:47,125
"Labis siyang naguluhan.

53
00:07:47,208 --> 00:07:49,000
"Sumakit ang kanyang tiyan.

54
00:07:49,083 --> 00:07:53,333
"Nasa isang lugar siya
na puno ng mga estranghero.

55
00:07:53,416 --> 00:07:55,458
"Isang bagong mundo."

56
00:07:58,666 --> 00:08:00,208
Isang bagong mundo!

57
00:08:00,708 --> 00:08:04,000
May kaunti yata siyang diperensiya sa ulo.
Hindi ba, kaibigan?

58
00:08:04,083 --> 00:08:07,458
Ano? Kaunti lang?
Nakakatakot kaya siya, kaibigan.

59
00:08:10,208 --> 00:08:12,541
Gusto lang niyang magpapansin.

60
00:08:12,625 --> 00:08:14,875
Oo nga. Kawawa naman.

61
00:08:40,041 --> 00:08:40,875
Hindi!

62
00:08:53,041 --> 00:08:54,375
Nagustuhan ko.

63
00:08:54,458 --> 00:08:57,208
Kilalang tagapaglathala ng libro
ang aking ama.

64
00:08:57,291 --> 00:08:59,500
Baka magustuhan niya ang mga kuwento mo.

65
00:08:59,583 --> 00:09:01,291
-Ako nga pala si—
-Nakakatawa ka.

66
00:09:01,375 --> 00:09:04,833
Bakit ba napakasama ninyong lahat sa akin?

67
00:09:51,666 --> 00:09:52,833
Francisca!

68
00:09:52,916 --> 00:09:54,875
Pasaway kang bata ka.

69
00:09:56,083 --> 00:09:58,125
Lola, may halimaw!

70
00:09:58,208 --> 00:10:00,333
Ikaw na bata ka. Bakit nariyan ka?

71
00:10:00,416 --> 00:10:04,583
Sabi ni Padre Cosme, hindi ka na bumalik
pagkatapos ng oras ng pahinga.

72
00:10:04,666 --> 00:10:07,416
Tinatakot mo lang daw ang iba.

73
00:10:07,500 --> 00:10:09,500
Lola, may nakita ako sa agave!

74
00:10:18,166 --> 00:10:19,083
Paumanhin!

75
00:10:23,750 --> 00:10:25,000
Wala naman, a.

76
00:10:25,083 --> 00:10:28,333
Bakit ka ba ganyan?
Bakit hindi ka gumaya sa mga kaklase mo?

77
00:10:28,416 --> 00:10:30,791
Para naman magkaroon ka ng kaibigan.

78
00:10:31,416 --> 00:10:33,625
Isa kang bruha!

79
00:10:34,208 --> 00:10:36,291
Ano ang sabi mo sa akin?

80
00:10:36,375 --> 00:10:37,625
Maldita ka.

81
00:10:58,375 --> 00:11:00,791
Patawad po. Hindi kayo maniniwala
sa nangyari.

82
00:11:00,875 --> 00:11:02,833
Mahimbing po akong natutulog, tapos—

83
00:11:02,916 --> 00:11:05,458
-Ayos ka lang ba, anak?
-Opo, Ina. Ayos lang ako.

84
00:11:05,541 --> 00:11:06,375
Veritena.

85
00:11:07,833 --> 00:11:09,833
-Mahal.
-Tama na po, Ina.

86
00:11:09,916 --> 00:11:11,916
Kapag niyakap mo siya nang ganyan,

87
00:11:12,416 --> 00:11:14,500
aakalain niyang tama ang ginawa niya.

88
00:11:14,583 --> 00:11:16,041
Niyayakap ko siya

89
00:11:16,125 --> 00:11:18,583
bago ko siya pagbawalang lumabas
habambuhay.

90
00:11:18,666 --> 00:11:19,500
Ano?

91
00:11:20,041 --> 00:11:21,375
-Ficturo!
-Ama!

92
00:11:21,458 --> 00:11:22,541
Ayos ka lang ba?

93
00:11:48,041 --> 00:11:52,958
Ikapapahamak natin ang haring iyon
at ang inutil niyang pamilya.

94
00:11:59,166 --> 00:12:02,375
Dapat isaalang-alang mo
ang kapalit ng mga ginagawa mo.

95
00:12:02,458 --> 00:12:04,541
Hindi ka namin palaging mapoprotektahan.

96
00:12:04,625 --> 00:12:08,625
Ayos lang naman po ako,
saka may natuklasan akong nakamamangha.

97
00:12:08,708 --> 00:12:11,833
Maaari yata tayong pumunta sa ibang lugar
gamit ang Gagambang Arpa.

98
00:12:11,916 --> 00:12:13,166
Ikukuwento ko sa inyo—

99
00:12:13,250 --> 00:12:15,708
Hindi, mahal kong Herneval!

100
00:12:16,208 --> 00:12:20,666
Dapat mong maunawaan
na lubhang mapanganib ang ginawa mo.

101
00:12:20,750 --> 00:12:22,666
Kailangan mong mas mag-ingat.

102
00:12:22,750 --> 00:12:27,625
May balanse sa pagitan ng dalawang mundo.
Tungkulin nating protektahan iyon.

103
00:12:27,708 --> 00:12:32,833
Matagal nang walang nakatatawid doon.
Mas mabuti ang ganoon.

104
00:12:32,916 --> 00:12:35,916
Ipangako mong wala kang sasabihan
ng natuklasan mo.

105
00:12:36,000 --> 00:12:37,041
Opo, patawad.

106
00:12:37,125 --> 00:12:38,791
Bukod doon, napinsala mo rin

107
00:12:38,875 --> 00:12:42,375
ang pinakamahalagang instrumento
ng ating lahi,

108
00:12:42,875 --> 00:12:44,416
ang Gagambang Arpa.

109
00:12:47,458 --> 00:12:50,833
Kailangan mo iyang pakaingatan
sapagkat tutugtugin mo iyan balang araw.

110
00:12:50,916 --> 00:12:54,375
Sa ganoong paraan, huhubugin mo
ang nakatagong kamalayan ng mga tao.

111
00:12:54,458 --> 00:12:56,458
Kakayahan natin iyon

112
00:12:56,541 --> 00:12:59,541
na tanging maharlikang pamilya lang
ang nakagagawa.

113
00:12:59,625 --> 00:13:00,541
Ficturo.

114
00:13:01,250 --> 00:13:03,541
Panahon na para sabihin sa kanya.

115
00:13:03,625 --> 00:13:06,208
Ano? Nababaliw ka na ba, Veritena?

116
00:13:06,291 --> 00:13:08,958
-Masyado pa siyang bata para makaunawa.
-Ano?

117
00:13:09,041 --> 00:13:10,625
Hindi na ako bata!

118
00:13:10,708 --> 00:13:13,291
Gusto kong malaman
kung ano ang nasa kabilang dako.

119
00:13:13,375 --> 00:13:16,541
May batang babae
na napalilibutan ng liwanag.

120
00:13:16,625 --> 00:13:19,541
Hindi ko maunawaan.
May tinig na kumakausap sa akin.

121
00:13:19,625 --> 00:13:22,416
O tungkol ba sa akin ang sinasabi niya?
Bakit kilala niya ako?

122
00:13:22,500 --> 00:13:25,333
Sabi niya, ako ang prinsipe.
Paano niya nalaman?

123
00:13:25,833 --> 00:13:26,958
Hindi ko maunawaan.

124
00:13:28,041 --> 00:13:30,041
Bakit kilalang-kilala niya ako?

125
00:13:30,125 --> 00:13:33,416
Pamilyar ang kanyang tinig
pero hindi ko siya kilala.

126
00:13:33,500 --> 00:13:35,458
Alam ba ninyo ang ibig sabihin niyon?

127
00:13:45,791 --> 00:13:47,916
Kumalma ka

128
00:13:48,000 --> 00:13:52,833
Ang kuwento nati'y kuwento ng sangkatauhan

129
00:13:53,500 --> 00:13:56,666
Naglalahad sila ng mga kuwento

130
00:13:56,750 --> 00:14:03,708
Kathang-isip na nagiging realidad

131
00:14:04,750 --> 00:14:09,833
Natatakot sila kapag nananaginip

132
00:14:19,666 --> 00:14:24,666
Katotohanan ka

133
00:14:25,291 --> 00:14:30,166
Kathang-isap ka

134
00:14:30,250 --> 00:14:33,000
Isang konstelasyon

135
00:14:33,083 --> 00:14:39,833
Likas na kabalintunaan

136
00:14:44,625 --> 00:14:47,458
Sa pagsusulat

137
00:14:47,541 --> 00:14:52,958
Marami pang kathang-isip ang nahahabi

138
00:14:53,041 --> 00:14:57,750
-Gamit ang mga sinulid ng katotohanan
-Kathang-isip

139
00:14:58,750 --> 00:15:03,625
At mga panaginip ng mga nagdaang taon

140
00:15:03,708 --> 00:15:08,750
Na nagsisiwalat ng katotohanan
Nang walang kasinungalingan

141
00:15:18,875 --> 00:15:24,125
Katotohanan ka

142
00:15:24,625 --> 00:15:29,458
Kathang-isip ka

143
00:15:29,541 --> 00:15:32,250
Isang konstelasyon

144
00:15:32,333 --> 00:15:39,333
Likas na kabalintunaan

145
00:15:42,416 --> 00:15:45,708
Tahanan itong kaharian
ng mga kinatatakutan ng mga tao.

146
00:15:45,791 --> 00:15:48,375
Tayo ang mga ideyang kinatatakutan nila.

147
00:15:48,458 --> 00:15:49,958
Mga ideya tayo?

148
00:15:50,041 --> 00:15:52,875
Ibig sabihin, hindi tayo totoo?

149
00:15:54,958 --> 00:15:57,833
Pakiramdam mo ba, hindi ka totoo?

150
00:16:05,458 --> 00:16:11,125
-Isa kang panaginip
-Katotohanan ka

151
00:16:11,208 --> 00:16:16,750
-Salita ka
-Kathang-isip ka

152
00:16:16,833 --> 00:16:22,375
-Katotohanan ka
-Isa kang panaginip

153
00:16:22,458 --> 00:16:27,291
-Kathang-isip ka
-Salita ka

154
00:16:27,375 --> 00:16:32,208
Walang matatawag
na katotohanang pangkalahatan

155
00:16:32,291 --> 00:16:39,250
Totoo ka

156
00:16:48,750 --> 00:16:49,916
Ficturo!

157
00:16:51,125 --> 00:16:52,750
-Narito ako.
-Ano ang nangyari?

158
00:16:52,833 --> 00:16:54,833
-Kumalma ka.
-Sa bulwagan ng trono!

159
00:16:56,000 --> 00:16:58,000
Mga Kamahalan, kailangan ba ninyo
ng tulong?

160
00:16:58,083 --> 00:17:00,083
Salamat, Kapitan Mythelitas.

161
00:17:00,666 --> 00:17:03,541
Sa kasamaang palad,
hindi na natin matutulungan ang hari.

162
00:17:04,458 --> 00:17:06,291
Paumanhin po sa abala, ngunit…

163
00:17:06,791 --> 00:17:12,958
nais ng Maharlikang Tagalikha ng Bangungot
na makapulong kayo ngayon din.

164
00:17:13,041 --> 00:17:14,250
Ama!

165
00:17:15,083 --> 00:17:16,333
Papapasukin ko po ba?

166
00:17:17,750 --> 00:17:20,250
Tama na ang mga pormalidad na iyan.

167
00:17:20,333 --> 00:17:21,166
Iyan ay…

168
00:17:21,708 --> 00:17:23,375
pawang kalabisan!

169
00:17:24,083 --> 00:17:25,083
Tama na!

170
00:17:31,958 --> 00:17:33,083
Tumigil ka.

171
00:17:37,208 --> 00:17:38,333
Kamahalan!

172
00:17:38,833 --> 00:17:44,333
May mapaminsala at eskandalosong pagyanig
sa pagitan ng dalawang mundo!

173
00:17:45,166 --> 00:17:46,166
Kapitan.

174
00:17:50,041 --> 00:17:52,083
Mahabaging anino!

175
00:17:52,166 --> 00:17:54,791
Mukhang hindi maganda ang lagay ninyo.

176
00:17:54,875 --> 00:17:57,666
Marahil oras na para pag-aralan
ang mungkahi ko—

177
00:17:57,750 --> 00:17:59,083
Procustes.

178
00:17:59,666 --> 00:18:01,458
Hindi ito ang tamang oras.

179
00:18:02,791 --> 00:18:05,791
-Pakihatid si Herneval sa kanyang silid.
-Ano?

180
00:18:07,500 --> 00:18:11,083
Prinsipe, sumama po kayo sa akin.

181
00:18:15,833 --> 00:18:16,958
Heto po, Ama.

182
00:18:20,375 --> 00:18:22,166
-Ama—
-Sige na, anak.

183
00:18:54,750 --> 00:18:56,708
Sandali, Procustes.

184
00:18:57,458 --> 00:18:59,541
Bakit po, Kamahalan?

185
00:18:59,625 --> 00:19:01,375
Ano ang nangyayari sa mga magulang ko?

186
00:19:01,458 --> 00:19:04,375
Buweno, alam po kasi ninyo,

187
00:19:04,458 --> 00:19:08,833
may mabigat na pasanin ang hari at reyna.

188
00:19:08,916 --> 00:19:12,583
Nawawalan ang ating lahi
ng lakas, enerhiya, at impluwensiya

189
00:19:12,666 --> 00:19:16,166
dahil sa mga salot na tao.

190
00:19:16,250 --> 00:19:19,500
Mga magulang ninyo ang unang nakakaramdam
ng epekto niyon.

191
00:19:19,583 --> 00:19:20,958
Hindi ako papayag!

192
00:19:21,041 --> 00:19:22,166
Tutulungan ko sila!

193
00:19:22,250 --> 00:19:26,500
Kung maaari lang sana,
ngunit wala kayong magagawa.

194
00:19:26,583 --> 00:19:30,875
Kapag wala na sila,
magtutulungan tayong dalawa.

195
00:19:30,958 --> 00:19:32,958
Ibabahagi ko sa inyo ang aking mga obra

196
00:19:33,041 --> 00:19:37,916
para maipadala ninyo sa mga tao
bilang mga bangungot.

197
00:19:38,000 --> 00:19:38,875
Sa kasamaang palad,

198
00:19:38,958 --> 00:19:43,625
hawak ng mabababang nilalang na iyon
ang ating kapalaran.

199
00:19:43,708 --> 00:19:46,458
Hindi! Ayaw kong umasa sa mga tao!

200
00:19:47,041 --> 00:19:51,458
Kung makatatawid lang sana tayo
sa Mundo ng mga Buhay,

201
00:19:51,541 --> 00:19:53,625
hindi sana ganito.

202
00:19:53,708 --> 00:19:57,208
Sandali… Mayroon bang nakatatawid doon?

203
00:19:57,291 --> 00:20:00,666
Noong una, matagal na panahon na
ang nakalilipas,

204
00:20:00,750 --> 00:20:03,708
nagkaroon ng anyo ang takot
sa mismong takot,

205
00:20:03,791 --> 00:20:07,541
at isinilang ang isang malaking gagamba
na may pakpak,

206
00:20:07,625 --> 00:20:10,666
ang maringal na si Enkara.

207
00:20:11,541 --> 00:20:14,750
Natuklasan ni Enkara
na nakatali ang kanyang buhay

208
00:20:14,833 --> 00:20:18,541
sa takot na nararamdaman ng mga tao
sa kanya.

209
00:20:18,625 --> 00:20:23,583
Ginamit niya ang Gagambang Arpa
para makatawid at pasunurin ang mga tao.

210
00:20:23,666 --> 00:20:27,583
Ipinagtanggol ng pakialamerong si Ceimut
ang mga tao

211
00:20:27,666 --> 00:20:31,208
at hinamon niya sa labanan si Enkara.

212
00:20:31,291 --> 00:20:34,666
Ngunit nahuli ni Enkara si Ceimut
at sinakmal niya ito.

213
00:20:34,750 --> 00:20:36,916
Gamit ang mga pangil at tinik niya,

214
00:20:37,000 --> 00:20:41,583
winarak ni Ceimut ang lalamunan ni Enkara
at tumakas siya.

215
00:20:41,666 --> 00:20:43,250
Namatay si Enkara.

216
00:20:43,333 --> 00:20:47,333
Mula sa kanyang mga labi,
isinilang ang dalawang bagong nilalang.

217
00:20:47,416 --> 00:20:49,125
Mula sa kanyang pakpak—

218
00:20:49,208 --> 00:20:50,500
Mga Tecotiyanong gaya ko!

219
00:20:50,583 --> 00:20:51,791
Tama!

220
00:20:51,875 --> 00:20:57,166
At mula sa sapot ni Enkara,
isinilang ang mga Araditiyanong gaya ko.

221
00:20:57,250 --> 00:21:00,125
Pero wala na tayong sapat na kapangyarihan

222
00:21:00,208 --> 00:21:04,250
upang magkaroon ng anyo
sa Mundo ng mga Buhay.

223
00:21:04,333 --> 00:21:05,791
Pero nagawa kong…

224
00:21:06,291 --> 00:21:08,500
Nagawa mong ano?

225
00:21:09,041 --> 00:21:12,500
Bigla kong naalala
na inaantok na pala ako.

226
00:21:13,916 --> 00:21:16,708
Sige, Kamahalan!

227
00:21:17,208 --> 00:21:21,500
Hindi na dapat kita inaabala
tungkol sa mga problema ng matatanda.

228
00:21:21,583 --> 00:21:26,583
Mula sa kaibuturan ng aking puso,
humihingi ako ng paumanhin.

229
00:21:26,666 --> 00:21:30,458
Nawa'y maging maganda
ang iyong mga bangungot.

230
00:21:32,125 --> 00:21:33,333
Salamat.

231
00:21:38,083 --> 00:21:41,625
Pananahi ng sirang medyas
ang pinakaayaw ko.

232
00:21:41,708 --> 00:21:42,625
Nakakadiri!

233
00:21:42,708 --> 00:21:45,541
Tama na ang reklamo, Francisca Imelda.

234
00:21:45,625 --> 00:21:48,166
Tungkulin natin ito bilang mga babae.

235
00:21:48,250 --> 00:21:50,583
Ang gusto ko'y maging manunulat!

236
00:21:50,666 --> 00:21:52,875
Isusulat ko ang nilalang
na nakita ko kagabi.

237
00:21:52,958 --> 00:21:54,791
Hayan ka na naman sa kababalaghan mo.

238
00:21:56,541 --> 00:21:57,750
Hayun!

239
00:21:57,833 --> 00:21:59,583
Kababalaghan ang nakita ko!

240
00:21:59,666 --> 00:22:01,083
Tama na ang kalokohan!

241
00:22:01,166 --> 00:22:02,708
Malawak ang imahinasyon mo

242
00:22:03,291 --> 00:22:04,583
pero lilipas din iyan.

243
00:22:17,833 --> 00:22:24,041
Nabanggit din nila ang pagtawid
sa Mundo ng mga Buhay.

244
00:22:24,125 --> 00:22:27,166
Dapat manatiling magkahiwalay
ang dalawang mundo.

245
00:22:27,250 --> 00:22:30,041
Bakit ba hindi nila maunawaan
na kung walang balanse,

246
00:22:30,125 --> 00:22:32,250
wala rin tayo?

247
00:22:32,750 --> 00:22:37,833
Nauunawaan ko, ngunit nakikinig sila
kay Procustes.

248
00:22:37,916 --> 00:22:40,625
Alam kong matagal na siyang nasa tabi mo,

249
00:22:40,708 --> 00:22:45,458
pero hindi mo ba naiisip
na palayasin siya?

250
00:22:45,541 --> 00:22:46,875
Hindi.

251
00:22:46,958 --> 00:22:50,125
Lalala lamang ang sitwasyon
kung kakalabanin ko siya.

252
00:22:50,208 --> 00:22:51,750
Bilang Tagalikha ng Bangungot,

253
00:22:51,833 --> 00:22:55,500
mapanganib na ang kakayanan niyang
maglakbay gamit ang kamalayan niya.

254
00:22:56,125 --> 00:22:58,250
Mas mabuting mabantayan ko siya.

255
00:23:00,833 --> 00:23:03,000
Hay, kaibigan kong Ceimut.

256
00:23:03,500 --> 00:23:07,041
Alam kong mapanganib para sa iyo
na ihatid ang mensaheng ito.

257
00:23:08,125 --> 00:23:11,708
Tunay kang kaibigan.
Pag-iisipan ko ang dapat gawin.

258
00:23:11,791 --> 00:23:15,791
Huwag mong tatagalan, Ficturo.
Ubos na ang pasensiya ng mga pinuno.

259
00:23:15,875 --> 00:23:18,291
Hindi sila magwawalang-kibo

260
00:23:18,375 --> 00:23:20,875
habang naglalaho ang kanilang mga angkan.

261
00:23:20,958 --> 00:23:24,083
Salamat sa payo mo, kaibigan.

262
00:23:26,375 --> 00:23:30,916
Nanganganib ang Topus Terrentus.

263
00:23:57,375 --> 00:24:02,208
MAKALIPAS ANG 10 TAON

264
00:24:14,875 --> 00:24:17,208
Salamat sa pagsama sa akin, Mythelitas.

265
00:24:17,291 --> 00:24:20,000
-Kailangan kong magpahangin.
-Handa po akong maglingkod.

266
00:24:20,083 --> 00:24:23,875
Nag-aalala ako sa ating mundo.
Wala na akong magagawa pa.

267
00:24:23,958 --> 00:24:25,791
Hindi sa panghihimasok, Prinsipe,

268
00:24:25,875 --> 00:24:28,833
pero nabasa na po ba ninyo
ang mga bagong kuwento

269
00:24:28,916 --> 00:24:30,708
ng Maharlikang Tagalikha ng Bangungot?

270
00:24:34,375 --> 00:24:38,625
Prinsipe Herneval! Bakit kami inabandona
ng maharlikang pamilya?

271
00:24:38,708 --> 00:24:41,375
Bakit hindi ninyo pigilan
ang aming pagkawasak?

272
00:24:41,458 --> 00:24:44,000
Mabuhay si Procustes!

273
00:24:44,083 --> 00:24:48,750
Ang tanging maharlikang kababalaghan
na may malasakit sa amin!

274
00:24:51,625 --> 00:24:53,791
Hindi! Pakiusap, huwag!

275
00:24:53,875 --> 00:24:56,375
Lahat tayo'y unti-unting mabubura.

276
00:24:57,958 --> 00:24:58,875
Ano ang gagawin ko?

277
00:25:04,041 --> 00:25:08,083
Hindi!

278
00:25:20,833 --> 00:25:22,291
Kailangan ng pagbabago.

279
00:25:36,666 --> 00:25:39,416
Huwag! Ang mga kuwento ko!

280
00:25:40,166 --> 00:25:44,166
Sinabi ko naman sa iyo,
hindi maaaring maging manunulat ang babae.

281
00:26:01,375 --> 00:26:03,583
Ngayon na ang araw, mga kababalaghan.

282
00:26:03,666 --> 00:26:06,666
Makikilala na kayo ng mundo.

283
00:26:25,916 --> 00:26:28,958
MGA KUWENTO NG KABABALAGHAN

284
00:26:33,333 --> 00:26:35,208
Pakiusap, Kamahalan.

285
00:26:35,291 --> 00:26:37,750
Nagsusumamo ako sa inyo.

286
00:26:40,625 --> 00:26:42,000
Huwag, Ficturo!

287
00:26:58,833 --> 00:27:00,833
Kung pahihintulutan ninyo ako,

288
00:27:00,916 --> 00:27:04,666
maaari akong magpahanap
sa pinakamarurunong na kababalaghan

289
00:27:04,750 --> 00:27:06,958
ng paraan upang makatawid.

290
00:27:07,458 --> 00:27:10,625
Responsibilidad ninyo bilang hari
na iligtas kami sa—

291
00:27:10,708 --> 00:27:12,416
Tama na, Procustes.

292
00:27:12,500 --> 00:27:13,916
Iwan mo na kami.

293
00:27:14,791 --> 00:27:17,375
Mga kawal, samahan si Procustes palabas.

294
00:27:17,458 --> 00:27:18,333
Masusunod po.

295
00:27:19,458 --> 00:27:20,541
Wala na siya, Ama.

296
00:27:23,083 --> 00:27:25,000
Salamat, anak.

297
00:27:27,208 --> 00:27:28,041
Ina.

298
00:27:29,875 --> 00:27:32,541
Kumusta ang mahal kong anak?

299
00:27:34,791 --> 00:27:37,333
Ang payat-payat mo na.

300
00:27:37,416 --> 00:27:39,791
Kumakain ka ba nang maayos?

301
00:27:39,875 --> 00:27:41,541
Ina, ayos lang ako.

302
00:27:41,625 --> 00:27:43,125
Kayo po ba?

303
00:27:49,583 --> 00:27:51,375
-Masama ba ang pakiramdam ninyo?
-Hindi.

304
00:27:53,333 --> 00:27:54,416
Dalhin mo rito.

305
00:27:56,833 --> 00:27:59,916
Kailangan ko lang ng bangungot, anak.
Wala lang ito.

306
00:28:01,125 --> 00:28:03,166
MGA KLASIKONG BANGUNGOT TOMO XIII
NI PROCUSTES

307
00:28:03,250 --> 00:28:04,291
Sige nga.

308
00:28:06,166 --> 00:28:09,166
Ilang taon nang nangangako si Procustes
ng isang obra maestra.

309
00:28:26,708 --> 00:28:27,958
Tingnan natin…

310
00:28:30,166 --> 00:28:35,416
Hindi na katulad ng dati
ang mga bangungot ngayon.

311
00:28:40,166 --> 00:28:41,000
Ina!

312
00:28:42,500 --> 00:28:44,416
Hindi, huwag kang mag-alala.

313
00:28:44,916 --> 00:28:47,791
Ang mahalaga'y maayos ang kalagayan mo.

314
00:28:47,875 --> 00:28:50,291
Paano naman ako hindi mag-aalala?

315
00:28:50,375 --> 00:28:54,791
Nagawa na namin ng iyong ina
ang lahat ng makakaya namin.

316
00:28:54,875 --> 00:28:58,458
Kung mayroon pa sana kaming oras at lakas…

317
00:29:00,541 --> 00:29:02,500
Dumating na ang oras

318
00:29:02,583 --> 00:29:07,333
para ikaw naman ang magdesisyon
para sa Topus Terrentus.

319
00:29:07,416 --> 00:29:08,625
Isa itong basura!

320
00:29:10,291 --> 00:29:12,125
Huwag mong mamaliitin si Procustes.

321
00:29:12,708 --> 00:29:18,958
Bawat desisyon mo,
maraming pwedeng kahinatnan.

322
00:29:23,166 --> 00:29:24,166
Procustes!

323
00:29:26,000 --> 00:29:27,541
Kamahalan!

324
00:29:27,625 --> 00:29:32,583
Nasa kalagitnaan ako
ng pang-araw-araw kong pagsusulat.

325
00:29:32,666 --> 00:29:33,583
Mukhang hindi.

326
00:29:34,250 --> 00:29:37,166
Marahil hindi ninyo nauunawaan,

327
00:29:37,250 --> 00:29:40,583
ngunit mahalaga sa manunulat
ang libreng oras,

328
00:29:40,666 --> 00:29:44,041
oras upang makapagpahinga
at gumawa ng ibang bagay.

329
00:29:44,125 --> 00:29:47,208
Iyan ang nais kong pag-usapan.
Malubha ang aking mga magulang.

330
00:29:47,291 --> 00:29:51,875
Sapagkat mahirap sa panahon ngayon
na manatiling malusog—

331
00:29:51,958 --> 00:29:54,291
Sa palagay ko, dahil sa mga kuwento mo.

332
00:29:54,375 --> 00:29:57,333
Hindi na natatakot ang mga tao
sa mga isinusulat mong bangungot.

333
00:29:57,416 --> 00:29:59,541
Kung gayon, nagkakamali sila!

334
00:29:59,625 --> 00:30:02,541
Palaging mga tao ang may kasalanan!

335
00:30:03,416 --> 00:30:05,791
Nais kong magpasok ng manunulat na tao.

336
00:30:05,875 --> 00:30:07,583
Kalapastanganan iyan!

337
00:30:07,666 --> 00:30:09,041
Malaking kalokohan!

338
00:30:09,125 --> 00:30:11,875
Hindi maaaring dalawa
ang Maharlikang Tagalikha ng Bangungot!

339
00:30:11,958 --> 00:30:13,791
Paano makatatawid ang isang tao?

340
00:30:13,875 --> 00:30:16,541
Pinag-isipin ko iyan
at mukhang alam ko na kung paano.

341
00:30:17,041 --> 00:30:18,375
Panahon na para sa pagbabago.

342
00:30:18,458 --> 00:30:22,000
Tinatapos ko na
ang bago kong obra maestra!

343
00:30:22,083 --> 00:30:24,625
Kaunting pasensiya pa, Batang Prinsipe.

344
00:30:24,708 --> 00:30:27,666
Makikita mo ang kalidad
ng aking mga bangungot.

345
00:30:29,583 --> 00:30:32,416
Matagal na akong nagpapasensiya.

346
00:30:45,291 --> 00:30:46,291
Francisca.

347
00:30:48,041 --> 00:30:48,875
Kumusta?

348
00:30:49,791 --> 00:30:54,250
Augusto! Papunta ako ngayon
sa opisina ng tatay mo.

349
00:30:54,333 --> 00:30:56,541
Oo, alam ko.
Gusto ko lang palakasin ang loob mo.

350
00:30:56,625 --> 00:30:58,458
Siyempre, hindi mo naman kailangan iyon.

351
00:30:58,541 --> 00:31:02,083
Bihasa kasi ang tatay ko
sa pagpapahina ng loob.

352
00:31:02,166 --> 00:31:03,333
Pero kaya mo iyan.

353
00:31:03,416 --> 00:31:05,916
Buweno, titingnan ko na lamang siguro.

354
00:31:06,000 --> 00:31:08,166
Oo, sige.

355
00:31:11,541 --> 00:31:13,333
Sige, paalam.

356
00:31:13,416 --> 00:31:14,250
Paalam.

357
00:31:15,750 --> 00:31:18,875
Saka anuman ang mangyari,
ang mga kuwento mo…

358
00:31:19,375 --> 00:31:21,708
Nakamamangha. Kahit noon pa man.

359
00:31:28,125 --> 00:31:30,958
Binibining Francisca Imelda,

360
00:31:31,041 --> 00:31:32,458
ang binibining kagaya mo,

361
00:31:32,541 --> 00:31:36,833
hindi dapat nagsusulat ng kahindik-hindik
na mga kuwentong kagaya nito.

362
00:31:36,916 --> 00:31:38,750
Huwag mong sirain ang pangalan mo.

363
00:31:38,833 --> 00:31:41,458
Pero binasa man lang po ba ninyo?

364
00:31:41,541 --> 00:31:45,250
Ayaw kong sayangin ang oras ko
sa pagbabasa ng basura.

365
00:31:46,125 --> 00:31:50,208
Dapat sumasalamin sa realidad
ang sining at panitikan,

366
00:31:50,291 --> 00:31:52,666
hindi gumagawa ng bago.

367
00:31:54,708 --> 00:31:55,541
Sandali.

368
00:32:08,625 --> 00:32:11,458
Tama ka, Lola.

369
00:32:12,625 --> 00:32:13,541
Suko na ako!

370
00:32:30,708 --> 00:32:32,875
NI FRANCISCA IMELDA

371
00:32:38,625 --> 00:32:40,500
NI FRANKELDA

372
00:32:44,708 --> 00:32:46,708
Kung hindi kaya ni Francisca Imelda,

373
00:32:47,208 --> 00:32:49,333
si Frankelda ang gagawa.

374
00:32:49,416 --> 00:32:53,750
Magiging pinakamahusay akong manunulat
ng pantasya at katatakutan!

375
00:32:59,375 --> 00:33:01,416
Paumanhin, Francisca. Nagulat ka ba?

376
00:33:02,750 --> 00:33:04,625
Nagkita na tayo noon.

377
00:33:05,125 --> 00:33:07,083
Oo, noong mga bata pa tayo.

378
00:33:07,166 --> 00:33:08,083
Ikaw nga iyon!

379
00:33:08,166 --> 00:33:10,250
Oo, nabasa ko ang lahat ng kuwento mo.

380
00:33:10,333 --> 00:33:12,125
Mga obra maestra.

381
00:33:12,916 --> 00:33:16,083
Ako si Herneval, Prinsipe ng Kababalaghan,

382
00:33:16,166 --> 00:33:18,041
gaya ng tawag mo sa aming lahi.

383
00:33:18,125 --> 00:33:19,791
-Pero…
-Patago kaming namumuhay.

384
00:33:19,875 --> 00:33:23,750
Pero kahanga-hanga kung paano mo nailahad
ang aming diwa.

385
00:33:23,833 --> 00:33:26,666
Kaya narito ako.
Kailangan ko ng tulong mo.

386
00:33:26,750 --> 00:33:28,208
Tulong ko?

387
00:33:28,708 --> 00:33:30,958
Pero hindi ka totoo.

388
00:33:31,041 --> 00:33:32,333
Hindi ako totoo?

389
00:33:33,541 --> 00:33:35,083
Ano ang totoo at ano ang hindi?

390
00:33:35,166 --> 00:33:39,500
Nakatira kami sa ibang dimensiyon
na nasisilip mo tuwing nagsusulat ka.

391
00:33:50,250 --> 00:33:52,500
Ngayon, may lohikal na kayong paliwanag

392
00:33:52,583 --> 00:33:55,291
sa bawat bangungot
na ipinadadala namin sa inyo.

393
00:33:55,375 --> 00:33:57,458
Likha ninyo ang aming mga bangungot?

394
00:33:57,541 --> 00:33:59,750
Oo, ng Maharlikang Tagalikha ng Bangungot.

395
00:33:59,833 --> 00:34:03,791
Umaasa kaming lahat sa kanyang talento,
ngunit napaglipasan na siya.

396
00:34:04,500 --> 00:34:06,291
Gasgas na ang mga isinusulat niya.

397
00:34:06,375 --> 00:34:08,750
Kung may mas magaganda kaming kuwento…

398
00:34:09,916 --> 00:34:11,083
Bakit naman ako?

399
00:34:11,166 --> 00:34:13,375
Huwag kang matakot. Tagahanga mo ako.

400
00:34:13,458 --> 00:34:14,750
Hindi kita sasaktan.

401
00:34:14,833 --> 00:34:17,958
Kailangan lang naming mas maunawaan
ang mga tao.

402
00:34:18,041 --> 00:34:19,875
Ano na ang kinatatakutan ninyo?

403
00:34:22,333 --> 00:34:23,666
Ang mga sarili namin.

404
00:34:24,416 --> 00:34:26,875
Interesante. Pakiusap, tulungan mo kami.

405
00:34:30,000 --> 00:34:31,000
Hindi.

406
00:34:31,083 --> 00:34:33,208
Sige! Paano tayo tutungo roon?

407
00:34:33,291 --> 00:34:35,416
Kamalayan mo lamang ang maaaring sumama.

408
00:34:35,500 --> 00:34:36,916
Ano? Pero paano ako—

409
00:34:37,000 --> 00:34:38,416
Tutulungan kita.

410
00:34:39,625 --> 00:34:40,791
Sandali…

411
00:34:40,875 --> 00:34:42,416
Kumalma ka lamang.

412
00:34:42,500 --> 00:34:45,375
Basahin mo kaya sa akin
ang huling tulang isinulat mo?

413
00:34:52,166 --> 00:34:57,250
Akala mo'y tayo lamang ang narito

414
00:34:57,333 --> 00:35:02,125
Na sa atin ang gabi

415
00:35:02,208 --> 00:35:07,375
Ngunit sa ating mga bangungot

416
00:35:07,458 --> 00:35:12,666
Hindi nasisiwalat ang lahat

417
00:35:12,750 --> 00:35:17,750
Nakatingin sa atin ang aking tinta

418
00:35:17,833 --> 00:35:22,916
Sumusulat ang aking mga mata

419
00:35:23,000 --> 00:35:28,083
Sa mga anino sila namamalagi

420
00:35:28,166 --> 00:35:33,416
Sa mga pahina sila nagkukubli

421
00:35:33,500 --> 00:35:37,458
At hindi naman ganoon kasama

422
00:35:37,541 --> 00:35:43,375
Kapag nagbasa ka
Pinapasok mo ang mundo ng misteryo

423
00:35:43,458 --> 00:35:48,208
Itong tintang hindi nakikita ng mga mata

424
00:35:48,291 --> 00:35:53,041
Na nabubuhay nang walang buhay

425
00:35:53,125 --> 00:35:56,875
Isang manunulat na…

426
00:35:58,000 --> 00:35:58,958
Kababalaghan.

427
00:36:04,375 --> 00:36:06,375
Sumama ka sa akin, Francisca.

428
00:36:06,458 --> 00:36:07,791
Hindi Francisca.

429
00:36:10,708 --> 00:36:13,041
Ako si Frankelda!

430
00:37:15,375 --> 00:37:17,125
Isang tao?

431
00:37:17,208 --> 00:37:21,000
Hindi pa ako kailanman nainsulto
nang ganito,

432
00:37:21,083 --> 00:37:24,791
ako o ang Pitong Angkan.

433
00:37:26,833 --> 00:37:32,333
Hindi na rin siguro masamang ideya iyan,
mahal kong prinsipe.

434
00:38:18,791 --> 00:38:20,875
Hindi na magtatagal, aking diyosa.

435
00:38:20,958 --> 00:38:24,041
Nagdadatingan na ang Pitong Angkan.

436
00:38:28,750 --> 00:38:30,291
Narito na ang Angkan ng Mahika.

437
00:38:30,375 --> 00:38:32,166
Aluxastli!

438
00:38:33,416 --> 00:38:37,291
Narito na sina Dubium at Timet
ng Angkan ng Kaisipan.

439
00:38:40,916 --> 00:38:43,708
Si Ceimut ng Angkang Primitibo.

440
00:38:45,625 --> 00:38:50,291
Ginang Sirena ng Angkan ng Kailaliman,
salamat sa inyong pagpunta.

441
00:38:53,166 --> 00:38:57,958
Bampira ng Angkan ng Kadiliman,
at ang inyong kambing.

442
00:39:01,541 --> 00:39:05,708
Aba, pinaunlakan tayo
ni Dama Coyote ng Angkan ng Kamatayan.

443
00:39:05,791 --> 00:39:06,791
Nakatutuwa naman!

444
00:39:06,875 --> 00:39:09,250
Kapahamakan ang dulot
ng pagbabago ng daloy ng buhay!

445
00:39:09,333 --> 00:39:14,333
Ipinatawag ako sa mahalagang pagpupulong

446
00:39:14,416 --> 00:39:17,250
upang pag-usapan ang kapalaran
ng Mundo ng Kababalaghan!

447
00:39:17,750 --> 00:39:22,583
Iyon ang nakasaad
sa isang napakahalagang mensahe.

448
00:39:22,666 --> 00:39:24,166
Narito na si Don Coco.

449
00:39:24,250 --> 00:39:27,791
Hindi ko lubos maisip
kung ano ang napakahalagang bagay na iyon

450
00:39:27,875 --> 00:39:33,000
para kailanganin kong ipagpaliban
ang aking mga plano.

451
00:39:33,083 --> 00:39:36,458
Magpaliwanag ka ngayon din,
Maharlikang Tagalikha ng Bangungot!

452
00:39:36,541 --> 00:39:39,708
Sige po, Don Coco ng Angkan ng Pagnanakaw.

453
00:39:39,791 --> 00:39:43,000
Isang malaking karangalan para sa akin

454
00:39:43,083 --> 00:39:49,041
na humarap sa mga kapita-pitagan
at mababagsik na Pinuno ng Pitong Angkan.

455
00:39:49,125 --> 00:39:54,583
Kailangang magpasiya tayo sa kapalaran
ng mahal nating Topus Terrentus.

456
00:39:54,666 --> 00:39:55,708
Kahibangan.

457
00:39:55,791 --> 00:39:57,750
Una, ang hari at reyna.

458
00:39:57,833 --> 00:40:00,958
Pagkatapos, susunod na tayo!

459
00:40:01,041 --> 00:40:04,791
Unti-unting darating ang ating katapusan.

460
00:40:04,875 --> 00:40:07,500
Dapat magtiwala tayo
sa ating mga kamahalan.

461
00:40:07,583 --> 00:40:11,291
Wala ang kahariang ito kung wala sila.

462
00:40:11,375 --> 00:40:15,750
Magkaroon naman tayo ng dangal
at kausapin natin sila nang harapan.

463
00:40:15,833 --> 00:40:18,250
May naiisip akong solusyon.

464
00:40:18,333 --> 00:40:21,125
Ipinatawag ko kayo,
malulupit kong kasamahan,

465
00:40:21,208 --> 00:40:25,500
sapagkat may natuklasan akong
hindi pa kailanman nangyari noon.

466
00:40:25,583 --> 00:40:28,875
May nasaksihan akong pambihirang bagay.

467
00:40:28,958 --> 00:40:32,375
Nakita ng mga mata ko si Prinsipe Herneval

468
00:40:32,458 --> 00:40:34,916
na tumawid sa lagusan
patungo sa Mundo ng mga Buhay.

469
00:40:35,000 --> 00:40:37,208
-Naku! Paano?
-Hindi maaari!

470
00:40:37,291 --> 00:40:38,541
-Ano ang sabi mo?
-Totoo ba?

471
00:40:38,625 --> 00:40:41,958
Para mangyari iyon,
dapat lagi siyang naiisip ng isang tao.

472
00:40:42,041 --> 00:40:45,000
Pinapatunayan niyan ang aking sapantaha

473
00:40:45,083 --> 00:40:48,875
na buong galit na isinawalang-bahala
ng hari at reyna

474
00:40:48,958 --> 00:40:52,541
at maraming beses nilang kinutya.

475
00:40:52,625 --> 00:40:55,166
Pero hindi na ako mananahimik!

476
00:40:55,250 --> 00:40:59,291
Lalo na kung maililigtas ko kayo
at ang inyong mga angkan.

477
00:40:59,375 --> 00:41:04,166
Kung may paraan sana tayo
upang malusob ang Mundo ng mga Buhay…

478
00:41:04,250 --> 00:41:05,750
Wala nang ibang paraan!

479
00:41:05,833 --> 00:41:10,708
Kaya't naglalakas-loob akong hingin
ang inyong suporta

480
00:41:10,791 --> 00:41:13,416
upang ako ang mamuno sa mundong ito

481
00:41:13,500 --> 00:41:17,875
nang tuluyan nang masimulan
ang isang bagong kaayusan!

482
00:41:18,958 --> 00:41:19,875
Oo nga!

483
00:41:20,833 --> 00:41:23,833
Kunwari'y sinisilaw mo kami
ng iyong karunungan…

484
00:41:26,166 --> 00:41:30,125
para lang mabulag mo kami
sa harap-harapang katotohanan.

485
00:41:31,458 --> 00:41:33,541
Tama!

486
00:41:33,625 --> 00:41:36,833
Paano kung ang problema ng kahariang ito

487
00:41:36,916 --> 00:41:41,458
ay ang mga kuwento
ng Maharlikang Tagalikha ng Bangungot?

488
00:41:41,541 --> 00:41:44,500
Paano natin naiisip na makatatawid tayo

489
00:41:44,583 --> 00:41:48,708
kung nawawalan na tayo ng kabuluhan
sa mga tao?

490
00:41:48,791 --> 00:41:50,500
Buti may nagsabi niyon.

491
00:41:50,583 --> 00:41:56,583
Ano na ba
ang mga huli mong naisulat, Procustes?

492
00:41:56,666 --> 00:41:59,916
Ipakita mo sa amin
ang iyong mga bangungot!

493
00:42:00,000 --> 00:42:02,125
Ang lakas ng loob ninyong
kuwestiyunin ako.

494
00:42:02,208 --> 00:42:05,125
Walang sinumang makapapantay
sa pagsusulat ko!

495
00:42:05,208 --> 00:42:09,041
Nangingibabaw ang aking talento sa drama!

496
00:42:09,125 --> 00:42:13,458
Maringal ang aking prosa,
gayundin ang aking tugma!

497
00:42:13,541 --> 00:42:15,208
Lahat ng aking kuwento'y—

498
00:42:15,291 --> 00:42:16,750
Gasgas na!

499
00:42:17,750 --> 00:42:21,875
Bakit hindi mo patunayan ang husay mo?
Ipakita mo ang mga huli mong naisulat.

500
00:42:21,958 --> 00:42:23,333
Sige!

501
00:42:23,416 --> 00:42:26,916
Ipakikita ko sa inyo
ang mga huli kong obra mestra,

502
00:42:27,000 --> 00:42:30,791
at makikita ninyong
hindi ako ang dapat sisihin

503
00:42:30,875 --> 00:42:35,083
sa kahiya-hiyang sitwasyon natin.

504
00:42:44,666 --> 00:42:47,500
Sisirain ng kathang-isip
ang totoong mundo.

505
00:43:29,875 --> 00:43:31,750
Mukhang magkakasundo kayo.

506
00:43:38,791 --> 00:43:39,666
Halika!

507
00:43:44,458 --> 00:43:46,291
Nasaan tayo?

508
00:43:46,375 --> 00:43:47,291
Tahanan ko ito.

509
00:43:47,375 --> 00:43:50,791
Totoo ba ito o imahinasyon?
Ilan ba ang klase ng kababalaghan?

510
00:43:50,875 --> 00:43:52,666
Pareho ba ang halimaw at kababalaghan?

511
00:43:52,750 --> 00:43:55,500
Gaano katagal ang buhay ng kababalaghan?
Gaano katagal na?

512
00:43:55,583 --> 00:43:58,541
Iba ang takbo ng oras dito.

513
00:43:59,833 --> 00:44:03,541
Paanong iba? Gaano kahaba ang isang oras
kumpara sa—

514
00:44:03,625 --> 00:44:05,833
Hindi mo mauunawaan
ang Mundo ng Kababalaghan

515
00:44:05,916 --> 00:44:08,458
gamit ang katwiran sa Mundo ng mga Buhay.

516
00:44:18,541 --> 00:44:19,750
Ang lugar na ito…

517
00:44:21,416 --> 00:44:22,875
Ano ang mayroon dito?

518
00:44:24,041 --> 00:44:28,791
May misteryo, drama, at katatakutan

519
00:44:28,875 --> 00:44:32,625
Likha ng isang manunulat

520
00:44:32,708 --> 00:44:37,208
Na pinalago ang kanyang isipan

521
00:44:37,291 --> 00:44:41,625
Ito ang kaibuturan ng iyong sarili!

522
00:44:42,333 --> 00:44:49,291
Nakarating na ako rito noon

523
00:44:51,166 --> 00:44:55,625
Talas ng isip at pakiramdam

524
00:44:55,708 --> 00:44:59,458
Naglilingkod sa paglikha

525
00:44:59,541 --> 00:45:04,083
Ipakita ang realidad na ito

526
00:45:04,166 --> 00:45:09,041
Ang lugar ng iyong inspirasyon

527
00:45:09,125 --> 00:45:13,375
Nakarating na ako rito noon

528
00:45:13,458 --> 00:45:18,125
Panaginip na marahil naisulat ng tinta

529
00:45:18,208 --> 00:45:22,208
Nakarating na ako rito noon

530
00:45:22,291 --> 00:45:27,083
Mga alaalang tila malabo

531
00:45:27,166 --> 00:45:31,000
Isang bagong mundo

532
00:45:31,083 --> 00:45:37,750
Upang lumikha at tumuklas

533
00:45:47,375 --> 00:45:51,583
Tumawid na ako sa hangganan

534
00:45:51,666 --> 00:45:55,875
Patungo rito sa kakaibang mundo

535
00:45:55,958 --> 00:46:00,041
Na mas totoo pa kaysa sa totoo

536
00:46:00,125 --> 00:46:04,541
Nakarating na ako rito noon

537
00:46:05,291 --> 00:46:09,166
Naiisip mo bago mo makita

538
00:46:09,250 --> 00:46:13,625
O marahil kabaligtaran

539
00:46:13,708 --> 00:46:18,083
Sa pagsulat mo ng iyong nakikinita

540
00:46:18,166 --> 00:46:23,041
Muli mo kaming dinadalaw

541
00:46:23,125 --> 00:46:27,250
-Ito ang aking kaharian
-Nakarating na ako rito noon

542
00:46:27,333 --> 00:46:31,916
-Panaginip na marahil naisulat ng tinta
-Ito ang tahanan mo ngayon

543
00:46:32,000 --> 00:46:36,166
-Nakarating na ako rito noon
-Ito ang aking kaharian

544
00:46:36,250 --> 00:46:41,083
-Maaari kang mangarap dito
-Mga alaalang tila malabo

545
00:46:41,166 --> 00:46:44,875
Isang bagong mundo

546
00:46:44,958 --> 00:46:51,500
Upang lumikha at tumuklas

547
00:46:52,291 --> 00:46:56,583
-Ito ang kaibuturan ng iyong sarili!
-Tumawid na ako sa hangganan

548
00:46:56,666 --> 00:47:00,875
-Ang lugar ng iyong inspirasyon
-Patungo rito sa kakaibang mundo

549
00:47:00,958 --> 00:47:05,416
-Muli mo kaming dinadalaw
-Na mas totoo pa kaysa sa totoo

550
00:47:05,500 --> 00:47:09,250
-Nakarating na ako rito noon
-Ito ang tahanan mo ngayon

551
00:47:18,708 --> 00:47:23,500
Maligayang pagdating sa Topus Terrentus,
ang Mundo ng Kababalaghan.

552
00:47:24,833 --> 00:47:26,166
Salamat!

553
00:47:59,583 --> 00:48:02,250
Halina kayo.

554
00:48:04,708 --> 00:48:06,208
Halikayo!

555
00:48:09,125 --> 00:48:10,250
Halina.

556
00:48:46,375 --> 00:48:48,458
Ang ganda!

557
00:48:59,833 --> 00:49:02,750
Frankelda, sila ang mga magulang ko.

558
00:49:04,375 --> 00:49:06,541
Ikinararangal ko pong makilala kayo.

559
00:49:06,625 --> 00:49:08,375
Malugod ka naming tinatanggap dito.

560
00:49:08,458 --> 00:49:10,083
Salamat po.

561
00:49:10,833 --> 00:49:16,750
Magaling! Dumating na sa wakas
ang taong manunulat na ubod ng husay!

562
00:49:18,500 --> 00:49:19,625
"Ubod ng husay"?

563
00:49:19,708 --> 00:49:20,791
Oo!

564
00:49:20,875 --> 00:49:23,833
Lagi kang ikinukuwento ng prinsipe.

565
00:49:25,916 --> 00:49:28,291
Frankelda, siya si Procustes.

566
00:49:28,375 --> 00:49:30,958
Ang nag-iisang Maharlikang Tagalikha
ng Bangungot

567
00:49:31,083 --> 00:49:32,791
na handang maglingkod sa iyo.

568
00:49:34,125 --> 00:49:35,208
Ikinagagalak ko.

569
00:49:35,291 --> 00:49:39,875
Labis akong nasasabik
na mabasa ang iyong mga kuwento.

570
00:49:39,958 --> 00:49:43,791
Oo naman! Heto po. Sana magustuhan ninyo.

571
00:49:43,875 --> 00:49:45,666
Oo, maaari kong dalhin iyan at—

572
00:49:45,750 --> 00:49:51,083
Procustes! Dito mo na basahin
para makita ni Frankelda ang reaksiyon mo.

573
00:49:51,166 --> 00:49:53,041
Kamahalan.

574
00:50:01,583 --> 00:50:04,958
Sabi ni El Coco
nang may ganap na kasiguraduhan…

575
00:50:05,041 --> 00:50:06,458
…hilig sa musika?

576
00:50:16,708 --> 00:50:18,625
Multo ng lahat ng kanyang kahusayan…

577
00:50:18,708 --> 00:50:20,208
Wakas.

578
00:50:32,291 --> 00:50:33,833
Sabihin mo nga sa akin.

579
00:50:34,458 --> 00:50:35,750
Ano po?

580
00:50:35,833 --> 00:50:38,250
Ano ang motibasyon mo sa pagsusulat?

581
00:50:38,791 --> 00:50:43,166
Bale, upang matakasan ko ang realidad.

582
00:50:44,500 --> 00:50:47,541
Mas mahusay akong magsulat
kapag nailalabas ko ang saloobin ko.

583
00:50:48,791 --> 00:50:49,958
Ganoon ba?

584
00:50:50,458 --> 00:50:54,208
Pero ano po sa tingin ninyo?

585
00:50:54,291 --> 00:50:56,791
Buweno, hindi na masama. Maayos naman.

586
00:50:56,875 --> 00:50:58,708
Hindi ganoon kaespesyal.

587
00:50:58,791 --> 00:51:05,125
May ilang mga kuwentong walang dating,
nakababagot, pangkaraniwan.

588
00:51:05,958 --> 00:51:09,250
Naku, huwag! Huwag mong damdamin.

589
00:51:09,333 --> 00:51:12,500
Hindi naman masama para sa isang…

590
00:51:13,041 --> 00:51:14,541
baguhan.

591
00:51:14,625 --> 00:51:18,125
Pero huwag mong hayaang lamunin ka
ng pag-aakalang espesyal ka

592
00:51:18,208 --> 00:51:19,958
bilang nagsisimula ka pa lamang.

593
00:51:20,041 --> 00:51:24,166
Kung nais mo,
maaari kitang bigyan ng mga payo

594
00:51:24,250 --> 00:51:29,000
na natutunan ko sa mahaba kong karera.

595
00:51:30,708 --> 00:51:33,250
Opo, maraming salamat.

596
00:51:33,333 --> 00:51:35,916
Para sa akin, kulang ka sa estruktura.

597
00:51:36,666 --> 00:51:39,083
Hindi malinaw ang motibasyon
ng mga karakter.

598
00:51:39,166 --> 00:51:40,083
Ganito na lang.

599
00:51:40,166 --> 00:51:41,791
Bibigyan kita ng kopya

600
00:51:41,875 --> 00:51:44,583
ng aking Gabay sa Nakapangingilabot
na Pagsulat.

601
00:51:44,666 --> 00:51:46,666
Ako mismo ang nagsulat ng librong iyon

602
00:51:46,750 --> 00:51:51,125
kung saan isa-isa kong itinuturo
kung paano magsulat nang tama.

603
00:51:51,208 --> 00:51:52,083
Sige po.

604
00:51:52,875 --> 00:51:53,791
Salamat.

605
00:51:53,875 --> 00:51:56,125
Buweno, magpahinga muna kaya tayo?

606
00:51:56,208 --> 00:51:57,958
Mag-uusap pa tayo, Procustes.

607
00:51:58,041 --> 00:52:01,375
Sige po, Kamahalan.
Hindi na po ako makapaghintay.

608
00:52:01,458 --> 00:52:02,291
Sandali!

609
00:52:04,125 --> 00:52:06,166
Ang libro ko po.

610
00:52:11,875 --> 00:52:12,958
Tuloy ka.

611
00:52:22,208 --> 00:52:25,041
Madalas ako rito noong bata ako.

612
00:52:25,708 --> 00:52:29,041
Mga libro ito ng Panitikan
at Kasaysayan ng Kababalaghan.

613
00:52:30,833 --> 00:52:32,333
Nakamamangha.

614
00:52:34,416 --> 00:52:35,375
Ang ganda!

615
00:52:35,875 --> 00:52:37,708
Maaari kang manatili rito.

616
00:52:40,166 --> 00:52:43,208
Kailangan kong makabalik agad. Salamat.

617
00:52:51,500 --> 00:52:53,791
Naiinggit si Procustes.

618
00:52:54,375 --> 00:52:56,125
Paano kita mapaniniwalaan?

619
00:52:56,208 --> 00:52:58,916
Kapag binabasa ko ang mga kuwento mo,
hindi ako si Herneval.

620
00:52:59,000 --> 00:53:01,833
Isa ako sa daan-daan mong karakter.

621
00:53:02,375 --> 00:53:06,708
At kapag hindi ko binabasa ang mga iyon,
ang tanging naiisip ko'y…

622
00:53:09,833 --> 00:53:11,125
ang mga kuwento mo.

623
00:53:13,791 --> 00:53:16,708
Nais kitang pagkatiwalaan, ngunit…

624
00:53:17,833 --> 00:53:19,375
-Dapat ba?
-Oo.

625
00:53:20,083 --> 00:53:23,291
Saka pakiusap, huwag mong pagdududahan
ang talento mo.

626
00:54:24,458 --> 00:54:27,166
NOONG UNANG…

627
00:54:33,583 --> 00:54:36,916
"Buweno, hindi maaari.
Hindi kita hahayaang makaalis dito."

628
00:54:37,458 --> 00:54:38,625
Napakahusay niyan.

629
00:55:27,416 --> 00:55:30,125
Makinig ka. May kailangan akong sabihin
sa iyo.

630
00:55:30,625 --> 00:55:34,000
Nakabibighani ang mundong ito!

631
00:55:38,458 --> 00:55:40,416
-Pakiusap, Frankelda.
-Ang dami kong ideya.

632
00:55:40,500 --> 00:55:44,083
-Kailangan ko ng tulong mo.
-Hindi ko alam kung makakatulong ako.

633
00:55:45,833 --> 00:55:47,708
Makakatulong ka, higit pa sa inaakala mo.

634
00:55:48,750 --> 00:55:50,666
Paano ko ba sasabihin ito?

635
00:55:51,166 --> 00:55:53,708
Marahil medyo biglaan ito, ngunit…

636
00:55:54,208 --> 00:55:55,416
wala na kasing oras.

637
00:55:56,000 --> 00:55:58,833
Mawawala kaming lahat
kung wala kaming gagawin.

638
00:55:59,625 --> 00:56:01,958
Ibig kong sabihin… Ano kasi…

639
00:56:08,166 --> 00:56:10,458
Gusto ko sanang itanong
kung nais mong maging…

640
00:56:11,625 --> 00:56:13,416
Maharlikang Tagalikha ng Bangungot.

641
00:56:13,500 --> 00:56:15,000
Mananatili ako rito?

642
00:56:16,708 --> 00:56:20,625
Alam kong masyadong mabigat iyon,
pero sa palagay ko'y makakabuti iyon…

643
00:56:20,708 --> 00:56:23,000
siyempre sa amin, ngunit…

644
00:56:23,833 --> 00:56:25,833
pati na rin sa iyo.

645
00:56:25,916 --> 00:56:27,416
Hindi ko yata kaya.

646
00:56:27,500 --> 00:56:30,208
Alam kong kaya mo,
at patutunayan ko sa iyo.

647
00:56:30,916 --> 00:56:31,750
Pahiram ng libro

648
00:56:31,833 --> 00:56:34,500
para makagawa ang mga magulang ko
ng mga bagong bangungot.

649
00:56:35,083 --> 00:56:38,666
Natitiyak kong sisigla ang Topus Terrentus
sa mga kuwento mo.

650
00:56:40,250 --> 00:56:43,708
Nabasa na ba ng mga magulang mo
ang mga kuwento ko?

651
00:56:44,208 --> 00:56:47,625
Pakiusap, kailangan namin ang mga iyan.
Magtiwala ka sa akin.

652
00:56:51,416 --> 00:56:56,291
-May tiwala ako sa iyo.
-Magandang araw para gumawa ng kasaysayan!

653
00:56:57,750 --> 00:56:59,291
Gugunitain ang araw na ito

654
00:56:59,375 --> 00:57:02,833
bilang araw na isinantabi ng mga manunulat
ang kanilang kahambugan

655
00:57:02,916 --> 00:57:05,333
upang iligtas ang Topus Terrentus.

656
00:57:05,916 --> 00:57:07,083
Ano ang nangyayari?

657
00:57:07,166 --> 00:57:08,000
Ano?

658
00:57:08,708 --> 00:57:11,666
Hindi pa ba nasasabi ng Kamahalan
ang ipinangako niya?

659
00:57:11,750 --> 00:57:12,583
Hindi po.

660
00:57:12,666 --> 00:57:15,125
Hihingin niya ang libro mo

661
00:57:15,208 --> 00:57:18,958
upang mapaganda ko ang iyong mga kuwento.

662
00:57:19,041 --> 00:57:21,416
-Henyo si Herneval!
-Hindi iyon… Franke…

663
00:57:21,500 --> 00:57:24,375
Malalaman ng mga kalahi mo
ang ating mga kuwento.

664
00:57:24,458 --> 00:57:27,083
-Ikaw ang magiging alalay…
-Tama na iyang—

665
00:57:27,166 --> 00:57:29,875
…ng pinakamahusay na manunulat
sa kasaysayan! Ako!

666
00:57:29,958 --> 00:57:32,458
-Paano mo nagawa ito?
-Frankelda, hindi iyon ang…

667
00:57:32,958 --> 00:57:36,666
Ngunit Kamahalan,
pinag-usapan natin ito kahapon.

668
00:57:37,166 --> 00:57:39,333
Mananagot ka sa akin!

669
00:57:40,041 --> 00:57:42,750
Isa lang po itong hindi pagkakaintindihan!

670
00:57:42,833 --> 00:57:43,875
Bitiwan mo ako!

671
00:57:53,708 --> 00:57:55,833
Frankelda! Mali ang iniisip mo!

672
00:57:55,916 --> 00:57:57,333
Si Procustes ay…

673
00:57:58,750 --> 00:58:01,333
Si Procustes lang ang nagsasabi ng totoo!

674
00:58:01,416 --> 00:58:04,291
Lagi niyang ipinamumukha
na wala akong kuwenta!

675
00:58:04,375 --> 00:58:07,250
Umalis ka na! Iwan mo ako!

676
00:58:09,041 --> 00:58:11,000
-Bukas tayo mag-usap.
-Hindi!

677
00:58:11,083 --> 00:58:14,208
Hindi! Bukas, wala na ako.

678
00:58:14,291 --> 00:58:17,833
Ayaw ko nang magkaroon ng kaugnayan
sa kababalaghan o sa iyo.

679
00:58:47,666 --> 00:58:49,125
Kamahalan.

680
00:58:51,416 --> 00:58:54,416
Paano mo nalamang narito ako?
Umalis ka rito!

681
00:58:54,916 --> 00:58:56,333
Kapag nagtulungan ang lahat,

682
00:58:56,416 --> 00:59:01,250
tiyak na makakahanap tayo
ng solusyon sa problema.

683
00:59:01,333 --> 00:59:04,083
Sana manatili muna siya rito
kahit isang araw pa.

684
00:59:04,666 --> 00:59:05,958
Huli na ang lahat.

685
00:59:06,041 --> 00:59:06,875
Hindi pa.

686
00:59:06,958 --> 00:59:12,250
Kapag pinadalhan natin ang kaibigan ninyo
ng kaunting bangungot…

687
00:59:12,333 --> 00:59:13,166
Ano?

688
00:59:13,250 --> 00:59:15,500
…para ipaalala sa kanya
ang miserable niyang buhay

689
00:59:15,583 --> 00:59:17,541
sa Mundo ng mga Buhay,

690
00:59:17,625 --> 00:59:20,833
marahil maiisip niyang manatili pa rito.

691
00:59:20,916 --> 00:59:22,458
Masasaktan siya.

692
00:59:22,541 --> 00:59:25,333
Hindi.

693
00:59:26,500 --> 00:59:27,875
Hindi naman gaano.

694
00:59:28,375 --> 00:59:31,833
Sapat lang para manatili siya rito

695
00:59:31,916 --> 00:59:34,958
at hindi mamatay ang mga magulang ninyo
at ang kaharian.

696
00:59:35,041 --> 00:59:38,291
Sige, pero ako mismo ang mangangasiwa
sa bangungot.

697
00:59:38,875 --> 00:59:40,583
Siyempre naman po.

698
00:59:40,666 --> 00:59:42,125
Kailangan ko lamang magsulat

699
00:59:42,208 --> 00:59:45,291
tungkol sa anumang partikular na bagay
sa buhay niya.

700
00:59:45,375 --> 00:59:47,708
May mungkahi ba kayo?

701
00:59:49,250 --> 00:59:50,750
Tungkol sa kanyang lola.

702
01:00:29,625 --> 01:00:31,333
Patawad, Frankelda.

703
01:00:57,416 --> 01:00:58,458
Makinig ka, bata!

704
01:00:58,541 --> 01:01:00,708
Ikukulong kita sa bahay na ito

705
01:01:00,791 --> 01:01:05,458
hanggang sa matapos mong matahi
ang bawat sirang medyas na ito!

706
01:01:05,541 --> 01:01:07,083
Walang libro!

707
01:01:07,166 --> 01:01:10,583
Baka sakaling ititigil mo na
ang pagtawag sa akin ng "bruha".

708
01:01:19,958 --> 01:01:23,666
Tingnan natin kung paano maglabas
ng saloobin ang manunulat.

709
01:01:33,583 --> 01:01:37,583
"Laging bumabangon si Francisca
bago magbukang-liwayway

710
01:01:37,666 --> 01:01:41,625
"upang ipaghanda ng almusal
ang sampu niyang mas nakatatandang kapatid

711
01:01:41,708 --> 01:01:45,500
"na pawang mga lalaki
at nagtatrabaho sa mga minahan ng pilak

712
01:01:45,583 --> 01:01:49,041
"kasama ng tatay nila na may-ari niyon.

713
01:01:49,125 --> 01:01:54,458
"Bilang hindi sapat ang gabi,
sinusunggaban niya ang mga pagkakataong…"

714
01:02:09,000 --> 01:02:10,000
Ano?

715
01:02:10,083 --> 01:02:14,125
Bruhang manok? Totolina ang tawag? Ang…

716
01:02:17,833 --> 01:02:19,291
Ang ganda!

717
01:02:20,208 --> 01:02:22,625
Kahanga-hanga!

718
01:02:24,208 --> 01:02:27,041
Magiging malaking tagumpay
ang kuwentong ito

719
01:02:27,125 --> 01:02:30,291
sa kasaysayan ng Topus Terrentus, at…

720
01:02:31,208 --> 01:02:33,125
sa akin ito!

721
01:02:57,416 --> 01:02:59,041
Kumusta, iha?

722
01:02:59,541 --> 01:03:01,833
Frankelda, samahan mo kami!

723
01:03:02,458 --> 01:03:04,541
Magandang umaga, mga Kamahalan.

724
01:03:04,625 --> 01:03:06,958
Alam po ba ninyo
kung paano makababalik sa mundo ko?

725
01:03:07,958 --> 01:03:11,625
Kailangan mo munang basahin
ang mga kuwento ni Procustes.

726
01:03:11,708 --> 01:03:16,208
Mga karakter na may mga pagnanais,
takot, at pagdududa sa sarili.

727
01:03:16,291 --> 01:03:21,125
Kabalintunaan, pagdurusa, pagkatuto,
at pag-unlad.

728
01:03:21,208 --> 01:03:25,833
Sa sobrang husay, hindi ako makapaniwalang
isinulat ni Procustes ang mga iyon.

729
01:03:28,958 --> 01:03:29,875
Hindi.

730
01:03:31,500 --> 01:03:32,500
Ano?

731
01:03:32,583 --> 01:03:34,791
Mga bangungot ko ito kagabi.

732
01:03:35,291 --> 01:03:37,000
Isusulat ko dapat ito ngayon.

733
01:03:37,583 --> 01:03:39,750
Kagagawan ninyo kaya napanaginipan ko ang—

734
01:03:39,833 --> 01:03:43,041
Hindi, Frankelda.
Wala kaming alam sa sinasabi mo.

735
01:03:43,125 --> 01:03:44,416
Ikaw!

736
01:03:44,958 --> 01:03:46,541
Ikaw. Ikaw!

737
01:03:47,041 --> 01:03:48,958
Traydor ka!

738
01:03:51,291 --> 01:03:52,583
Tama ka nga.

739
01:03:52,666 --> 01:03:55,125
Kailangan natin ng mga bagong kuwento.

740
01:03:55,208 --> 01:03:56,416
Pero ang hinala ko,

741
01:03:56,500 --> 01:03:59,666
hindi iyon isinulat
ng nagsasabing siya ang sumulat.

742
01:03:59,750 --> 01:04:00,750
Tama ba ako?

743
01:04:01,333 --> 01:04:02,666
Hindi ko maunawaan.

744
01:04:04,333 --> 01:04:05,750
Sandali. Ano?

745
01:04:05,833 --> 01:04:07,416
Hindi!

746
01:04:07,500 --> 01:04:10,291
Ninakaw niya ang mga ito
habang nananaginip si Frankelda!

747
01:04:10,375 --> 01:04:11,250
Puntahan mo siya.

748
01:04:11,333 --> 01:04:14,000
Kailangan nating ayusin ito!

749
01:04:17,541 --> 01:04:18,875
Frankelda!

750
01:04:19,375 --> 01:04:22,750
Patawad. Minaliit ko si Procustes,
pero aayusin ko ito.

751
01:04:22,833 --> 01:04:24,833
Patawad. Isa akong hangal.

752
01:04:39,666 --> 01:04:42,791
Ito na ang oras para sumuko, hindi ba?

753
01:04:45,125 --> 01:04:46,166
Hindi!

754
01:04:49,166 --> 01:04:50,875
Ninakaw mo ang lahat!

755
01:04:50,958 --> 01:04:53,666
Ninakaw mo… ninakaw mo
ang aking mga panaginip!

756
01:04:53,750 --> 01:04:58,083
Hindi ba ang prinsipe ang desperadong
makuha ang iyong mga kuwento,

757
01:04:58,166 --> 01:05:00,000
sa anumang paraan?

758
01:05:00,083 --> 01:05:01,083
Oo!

759
01:05:01,166 --> 01:05:04,041
Pareho kayong magnanakaw!

760
01:05:04,125 --> 01:05:06,583
Nauunawaan ko ang nararamdaman mo.

761
01:05:06,666 --> 01:05:10,083
Hay, nakalulungkot na pag-iibigan.

762
01:05:10,166 --> 01:05:14,250
Niloko ka ng mahal mo
dahil wala kang halaga sa kanya.

763
01:05:14,333 --> 01:05:16,333
Ginamit ka lang niya.

764
01:05:37,125 --> 01:05:38,208
Ikulong siya.

765
01:05:39,333 --> 01:05:42,125
Masusunod po, Maestro.

766
01:05:42,208 --> 01:05:46,125
At patuloy kang magsusulat ng mga kuwento
para sa akin.

767
01:05:47,416 --> 01:05:48,500
Hindi!

768
01:05:48,583 --> 01:05:51,333
Gagawa ako ng paraan para mangyari iyon.

769
01:05:51,416 --> 01:05:52,583
Ikaw naman,

770
01:05:52,666 --> 01:05:54,916
ipatawag mo ang Hukom ng Kababalaghan.

771
01:05:55,875 --> 01:05:58,541
-Opo, panginoon ko.
-Masusunod po.

772
01:05:58,625 --> 01:06:00,041
Ngayon din po.

773
01:06:00,791 --> 01:06:05,833
Isisilang na ang bagong Topus Terrentus!

774
01:06:05,916 --> 01:06:09,041
Lumabas tayo mula sa kadiliman!

775
01:06:13,416 --> 01:06:14,416
Wala na siya.

776
01:06:17,125 --> 01:06:21,000
Ayaw ko nang makarinig
ng tungkol sa mga kababalaghan o sa iyo.

777
01:06:21,083 --> 01:06:23,500
Bukas, wala na ako!

778
01:06:25,666 --> 01:06:29,125
Nagustuhan mo sana ang bago mong tahanan.

779
01:06:32,666 --> 01:06:36,916
Mas magiging madali
kung hindi mo susubukang tumakas.

780
01:06:37,000 --> 01:06:39,083
Imposible iyon!

781
01:06:39,166 --> 01:06:41,458
Mapapagod ka lamang.

782
01:06:42,375 --> 01:06:45,541
-Pakawalan ninyo ako!
-Bakit ba nagrereklamo ka, Francisca?

783
01:06:45,625 --> 01:06:49,291
Frankelda pala.

784
01:06:49,375 --> 01:06:52,166
Hindi ba ito naman ang gusto mo?

785
01:06:52,250 --> 01:06:55,166
Kung hindi, bakit mo kami isinusulat,

786
01:06:55,750 --> 01:06:57,000
iha?

787
01:07:05,291 --> 01:07:11,666
At ganoon natuklasan ni Procustes
ang kataksilan ni Prinsipe Herneval.

788
01:07:11,750 --> 01:07:16,541
Gusto niyang angkinin ng tao niya
ang lahat ng kuwento

789
01:07:16,625 --> 01:07:20,041
ng ating tanyag na Maharlikang Tagalikha
ng mga Bangungot.

790
01:07:20,125 --> 01:07:21,125
Kataksilan!

791
01:07:21,208 --> 01:07:25,333
At tumungo si Herneval
sa Mundo ng mga Buhay.

792
01:07:25,416 --> 01:07:28,833
Balak niyang sakupin ang mga tao
sa pamamagitan ng kanyang karisma

793
01:07:28,916 --> 01:07:32,333
at gamitin sila upang buwagin
ang Pitong Angkan.

794
01:07:32,416 --> 01:07:35,416
Sa ganoong paraan,
maghahari siya sa parehong mundo!

795
01:07:35,500 --> 01:07:38,000
Kataksilan!

796
01:07:38,083 --> 01:07:40,916
Maaaring maglaho ang Topus Terrentus

797
01:07:41,000 --> 01:07:46,375
dahil naiinggit ang Prinsipe
sa Maharlikang Tagalikha ng Bangungot.

798
01:07:46,458 --> 01:07:48,041
Kataksilan!

799
01:07:48,625 --> 01:07:49,875
Hindi!

800
01:07:50,500 --> 01:07:53,375
Kinasusuklaman ko itong bagong henerasyon

801
01:07:53,458 --> 01:07:58,125
na umiibig sa tao
at animo'y tao kung umasta.

802
01:07:58,208 --> 01:08:01,208
Pigilan natin ang kabaliwang ito!

803
01:08:01,291 --> 01:08:04,333
Kunin natin ang nararapat sa atin!

804
01:08:04,416 --> 01:08:07,291
Patayin ang hari at ang reyna,

805
01:08:07,375 --> 01:08:09,125
ang prinsipe,

806
01:08:09,208 --> 01:08:11,958
at ang mga tao!

807
01:08:12,041 --> 01:08:14,000
Tama!

808
01:08:14,750 --> 01:08:17,916
Mukhang krisis ito.

809
01:08:18,000 --> 01:08:20,166
Mukhang huli na ang lahat.

810
01:08:20,250 --> 01:08:26,250
-Ano ang ating gagawin? Nais kong malaman
-Maglalaho ang Topus Terrentus

811
01:08:27,916 --> 01:08:31,583
Panahon na upang kumilos
At pumili ng kapalaran

812
01:08:31,666 --> 01:08:35,291
Nang walang gabay ng Maharlikang Pamilya

813
01:08:35,375 --> 01:08:39,125
Nagpasiya akong makipagsabwatan
Dahil nasa panganib ang kaharian

814
01:08:39,208 --> 01:08:42,833
Sapagkat karapatan ito na minana natin
Sa ating mga ninuno

815
01:08:42,916 --> 01:08:46,500
Na iligtas ang Topus Terrentus

816
01:08:46,583 --> 01:08:50,375
Magkasundo para sa ating lahi

817
01:08:50,458 --> 01:08:53,375
Pinagtaksilan na niya tayo

818
01:08:53,458 --> 01:08:57,875
At wawasakin niya tayong lahat

819
01:08:57,958 --> 01:08:59,666
-Sino?
-Sino?

820
01:08:59,750 --> 01:09:01,500
Ang Prinsipe ng Kababalaghan!

821
01:09:01,583 --> 01:09:05,875
Mahal niya ang mga tao
At nais niya tayong palitan

822
01:09:05,958 --> 01:09:09,916
Lahat ng ating nakamit
Maglalaho nang dahil sa kanya

823
01:09:10,000 --> 01:09:13,208
Pinagtaksilan na niya tayo

824
01:09:13,291 --> 01:09:17,375
At ang ating kaharian, pababagsakin niya

825
01:09:17,458 --> 01:09:20,458
Pinagtaksilan na niya tayo

826
01:09:20,541 --> 01:09:24,958
At wawasakin niya tayong lahat

827
01:09:25,041 --> 01:09:26,458
Sino?

828
01:09:26,541 --> 01:09:28,500
Ang Prinsipe ng Kababalaghan!

829
01:09:28,583 --> 01:09:34,458
Lalaki't babae, mga buhay na nilalang

830
01:09:34,541 --> 01:09:37,416
Na hindi batid ang lugar nila

831
01:09:37,500 --> 01:09:42,958
Akala nila'y napakahalaga nila
Sa kanilang ordinaryong mundo

832
01:09:43,458 --> 01:09:46,458
Pinagtaksilan na niya tayo

833
01:09:46,541 --> 01:09:50,041
Sa panaginip niya'y ibibilanggo niya tayo

834
01:09:50,875 --> 01:09:54,083
Pinagtaksilan na niya tayo

835
01:09:54,166 --> 01:09:58,375
At susubukan niya tayong ikulong

836
01:09:58,458 --> 01:09:59,916
Sino?

837
01:10:00,000 --> 01:10:01,958
Ang Prinsipe ng Kababalaghan!

838
01:10:02,041 --> 01:10:06,166
Naipatapon kami dahil sa hari

839
01:10:06,250 --> 01:10:11,000
Nagkaisa ang mga angkan
Nang walang trono o batas

840
01:10:11,083 --> 01:10:13,875
Pinagtaksilan na niya tayo

841
01:10:13,958 --> 01:10:18,250
Ang ating mga tradisyon, sisirain niya

842
01:10:18,333 --> 01:10:21,458
Pinagtaksilan na niya tayo

843
01:10:21,541 --> 01:10:25,875
At nanaisin niyang patahimikin tayo

844
01:10:25,958 --> 01:10:27,416
Sino?

845
01:10:27,500 --> 01:10:29,583
Ang Prinsipe ng Kababalaghan!

846
01:10:29,666 --> 01:10:32,958
Panahon na para kumilos
Dakipin ang hari at reyna

847
01:10:33,041 --> 01:10:37,208
At hayaang ang mamuno ngayon

848
01:10:37,291 --> 01:10:41,000
Ay iba naman

849
01:10:41,083 --> 01:10:43,250
Ano ang masasabi ninyo?
Sasama ba kayo sa akin?

850
01:10:43,333 --> 01:10:45,625
Oo!

851
01:10:46,541 --> 01:10:50,250
Itigil ang rebelyong ito

852
01:10:50,333 --> 01:10:54,000
Maging makatwiran tayo, nagsusumamo ako

853
01:10:54,083 --> 01:10:57,500
Pagtataksil sa kaharian ang sinasabi ninyo

854
01:10:57,583 --> 01:11:01,500
-Maging marangal naman kayo ngayon
-Sa wakas!

855
01:11:01,583 --> 01:11:04,666
Naghahanap siya ng paraan

856
01:11:04,750 --> 01:11:09,041
Upang mailigtas ang ating realidad

857
01:11:09,125 --> 01:11:11,916
Naghahanap siya ng paraan

858
01:11:12,000 --> 01:11:16,125
Upang tulungan tayong umunlad

859
01:11:16,208 --> 01:11:18,125
-Sino?
-Sino?

860
01:11:18,208 --> 01:11:20,541
Ang Prinsipe ng Kababalaghan!

861
01:11:31,708 --> 01:11:34,416
Tantanan ninyo siya, mga traydor!

862
01:11:34,958 --> 01:11:38,291
Pinagtaksilan na niya tayo

863
01:11:38,375 --> 01:11:42,583
At wawasakin niya tayong lahat

864
01:11:42,666 --> 01:11:44,416
Sino?

865
01:11:44,500 --> 01:11:46,750
Ang Prinsipe ng Kababalaghan!

866
01:11:47,250 --> 01:11:49,666
-Pabagsakin natin ang hari at reyna!
-Tama!

867
01:11:50,333 --> 01:11:53,791
Nakarating na ako rito noon

868
01:11:53,875 --> 01:11:58,333
Nakakulong sa selda

869
01:11:58,416 --> 01:12:02,083
Nakarating na ako rito noon

870
01:12:02,166 --> 01:12:06,666
Nabulag sa pag-asa

871
01:12:06,750 --> 01:12:10,041
Pinagtaksilan na niya ako

872
01:12:10,125 --> 01:12:13,750
Hindi ko inakalang hindi siya tapat

873
01:12:14,666 --> 01:12:18,208
Pinagtaksilan na niya ako!

874
01:12:18,291 --> 01:12:22,875
Sabi niya'y magtiwala ako sa kanya!

875
01:12:22,958 --> 01:12:24,083
Sino?

876
01:12:24,166 --> 01:12:26,291
Ang Prinsipe ng Kababalaghan!

877
01:12:26,375 --> 01:12:31,416
Huminahon kayo
Babangon muli ang ating kaharian

878
01:12:32,208 --> 01:12:34,958
Pagbabago lamang ito ng direksiyon

879
01:12:35,041 --> 01:12:40,291
Mga kuwentong magkakatotoo

880
01:12:40,375 --> 01:12:42,958
Isusulat ng dalagang babae

881
01:12:43,041 --> 01:12:46,125
May iba pang magagawa ang prinsipe

882
01:12:46,208 --> 01:12:50,916
Upang iligtas ang ating realidad

883
01:12:51,000 --> 01:12:54,333
May iba pang magagawa ang prinsipe

884
01:12:54,416 --> 01:12:59,166
Upang tulungan tayong umunlad

885
01:12:59,250 --> 01:13:00,625
Sino?

886
01:13:00,708 --> 01:13:02,833
Ang Prinsipe ng Kababalaghan!

887
01:13:02,916 --> 01:13:08,666
Mayroong krisis sa aking kaharian

888
01:13:08,750 --> 01:13:14,000
May sakit ang aking mga magulang

889
01:13:14,083 --> 01:13:19,208
At kinamumuhian ako ni Frankelda

890
01:13:19,291 --> 01:13:25,291
Iyon ang aking kasalanan

891
01:13:25,375 --> 01:13:29,083
Ako ang traydor

892
01:13:29,166 --> 01:13:32,375
Binigo ko sila!

893
01:13:32,958 --> 01:13:36,041
Ako ang traydor

894
01:13:36,125 --> 01:13:40,291
Ako ang dapat sisihin!

895
01:13:40,375 --> 01:13:42,166
Sino ka?

896
01:13:42,250 --> 01:13:43,875
Ang Prinsipe ng Kababalaghan!

897
01:13:43,958 --> 01:13:47,875
Iligtas natin ang Topus Terrentus

898
01:13:47,958 --> 01:13:51,625
Para magkasundo ang ating lahi

899
01:13:51,708 --> 01:13:54,708
Pinagtaksilan na niya tayo

900
01:13:54,791 --> 01:13:59,083
At ang ating kaharian, sisirain niya

901
01:13:59,166 --> 01:14:02,166
PInagtaksilan na niya tayo

902
01:14:02,250 --> 01:14:06,666
At wawasakin niya tayong lahat

903
01:14:06,750 --> 01:14:08,333
Sino?

904
01:14:08,416 --> 01:14:10,541
Ang Prinsipe ng Kababalaghan!

905
01:14:13,875 --> 01:14:16,541
Para sa katotohanan
at para sa kathang-isip!

906
01:14:16,625 --> 01:14:20,500
-Mabuhay ang hari at reyna!
-Mabuhay ang hari at reyna!

907
01:14:20,583 --> 01:14:22,583
Sugod!

908
01:14:33,625 --> 01:14:35,541
Mag-ingat!

909
01:15:03,708 --> 01:15:05,541
Hindi! Yalabus!

910
01:15:12,041 --> 01:15:14,500
Dakipin ang mga kasabwat!

911
01:15:14,583 --> 01:15:15,416
Laban!

912
01:15:15,500 --> 01:15:16,750
Hindi!

913
01:15:16,833 --> 01:15:18,833
Huwag tumingin sa mga mata niya!

914
01:15:24,833 --> 01:15:27,791
Dalhin siya sa akin.

915
01:15:34,750 --> 01:15:36,000
Mga Tecotiyano!

916
01:15:36,708 --> 01:15:38,916
Sumumpa kayong ipagtatanggol
ang hari at reyna!

917
01:15:40,958 --> 01:15:44,125
Susunod ka sa mga utos ni Procustes.

918
01:15:45,500 --> 01:15:48,500
Opo, Ginang Sirena.

919
01:15:54,416 --> 01:15:56,833
Tagumpay!

920
01:16:03,333 --> 01:16:05,916
Sumunod kayo, mga nakakatakot kong pinuno.

921
01:16:06,000 --> 01:16:09,375
Panahon na upang tuluyan nang magbago
ang lahat.

922
01:16:17,916 --> 01:16:20,916
-Mythelitas, nagmamakaawa ako sa iyo!
-Tumahimik ka.

923
01:16:21,000 --> 01:16:23,625
Tama na! Pakiusap, itigil ninyo ito!

924
01:16:23,708 --> 01:16:27,250
Ako ang kunin ninyo,
huwag ang reyna! Huwag!

925
01:16:27,833 --> 01:16:30,000
Napilitan ako dahil sa inyo.

926
01:16:30,875 --> 01:16:33,083
Tugtugin ninyo ang kuwentong ito.

927
01:16:38,083 --> 01:16:40,291
Ang aking obra maestra!

928
01:16:40,375 --> 01:16:44,166
Isang kuwento tungkol sa napakahusay
na si Totolina,

929
01:16:44,250 --> 01:16:47,291
na nagbibigay sa kanya
ng natatanging pinagmulan

930
01:16:47,375 --> 01:16:49,750
sa mundo ng mga tao.

931
01:17:37,750 --> 01:17:40,166
Buhay na buhay ako!

932
01:17:44,916 --> 01:17:46,291
Aking giliw…

933
01:17:47,500 --> 01:17:50,791
Hindi ko nauunawaan
kung paano siya pumipili.

934
01:18:11,958 --> 01:18:14,041
Pinagpalang himala!

935
01:18:14,125 --> 01:18:17,666
Ito ang matagal na nating hinihintay!

936
01:18:17,750 --> 01:18:21,291
Ngunit hindi natin maaaring hayaan
na maunang tumawid ang bruhang iyan!

937
01:18:26,541 --> 01:18:30,125
Hindi karapat-dapat na mauna kaysa sa akin
ang kagaya mong maruming nilalang!

938
01:18:33,083 --> 01:18:38,208
Isinusumpa kita, Aluxastli!

939
01:18:42,333 --> 01:18:45,291
Sa wakas, may nagawa ka ring tama.
Ngayon naman, isulat mo ako!

940
01:18:45,375 --> 01:18:48,416
Ikaw? Mas nakakatakot ako!

941
01:18:48,500 --> 01:18:51,125
Isulat mo ako, Kamahalang Procustes!

942
01:18:51,208 --> 01:18:53,833
Nagpalista ba dapat tayo?

943
01:18:53,916 --> 01:18:58,875
Hindi ko alam,
pero maaari naman nating kainin ang iba.

944
01:18:58,958 --> 01:19:02,291
Dapat tungkol sa akin ang unang kuwento.

945
01:19:07,583 --> 01:19:09,375
Handa na ako, Ficturo.

946
01:19:10,416 --> 01:19:11,333
Ngayon na!

947
01:19:12,541 --> 01:19:14,625
Tumatakas sila!

948
01:19:15,458 --> 01:19:18,166
Halikayo rito.

949
01:19:20,000 --> 01:19:20,958
Huwag.

950
01:19:21,541 --> 01:19:23,375
Huminahon kayo, mga kaibigan!

951
01:19:23,458 --> 01:19:26,291
Magsusulat ako ng bangungot
para sa inyong lahat,

952
01:19:26,375 --> 01:19:29,416
at sabay-sabay tayong tatawid!

953
01:19:29,500 --> 01:19:33,708
Sa wakas, matitikman na ng mga tao
ang nararapat sa kanila!

954
01:19:35,666 --> 01:19:39,291
Kailangan ko lang ng kaunti pang oras.

955
01:19:39,375 --> 01:19:40,500
Buwisit ka, Procustes.

956
01:19:40,583 --> 01:19:42,125
-Ano?
-Lagi na lang ganito.

957
01:19:42,208 --> 01:19:43,291
Hindi maaari!

958
01:19:43,375 --> 01:19:46,666
Bakit mo ba sinasayang ang oras ko?

959
01:19:50,666 --> 01:19:52,041
Francisca!

960
01:19:52,125 --> 01:19:54,875
Francisca! Nandito ka ba?

961
01:19:55,875 --> 01:19:56,916
Francisca!

962
01:20:06,041 --> 01:20:08,041
Francisca! Pakiusap!

963
01:20:11,125 --> 01:20:13,083
-Buhay ka!
-Hindi pa siya bumabalik.

964
01:20:21,625 --> 01:20:22,750
Ililigtas kita.

965
01:20:22,833 --> 01:20:25,375
Hindi ako titigil
hangga't hindi kita naibabalik.

966
01:21:10,083 --> 01:21:11,291
Frankelda!

967
01:21:13,250 --> 01:21:15,166
Iligtas ninyo ako rito!

968
01:21:18,000 --> 01:21:21,416
Pakiusap! Tulong!

969
01:21:33,375 --> 01:21:34,416
Herneval?

970
01:21:57,375 --> 01:21:59,541
Akala ko'y makabubuti sa iyo
ang ginawa ko,

971
01:21:59,625 --> 01:22:01,958
ngunit sarili ko lamang ang inisip ko.

972
01:22:02,041 --> 01:22:03,125
Nagkamali ako.

973
01:22:03,208 --> 01:22:06,333
Alam kong hindi ito sapat ngunit patawad.

974
01:22:07,000 --> 01:22:09,375
Basta ang mahalaga, ligtas ka.

975
01:22:09,458 --> 01:22:11,666
Halika, Frankelda.
Bumalik na tayo sa mundo mo.

976
01:22:11,750 --> 01:22:13,875
Pero ang kaharian mo, ang mga magulang mo!

977
01:22:13,958 --> 01:22:15,625
Hindi dapat ikaw ang nagdurusa.

978
01:22:15,708 --> 01:22:17,875
Kailangang isa-isa ko itong ayusin.

979
01:22:18,375 --> 01:22:20,916
Hindi, dapat iligtas natin
ang mga magulang mo.

980
01:22:21,000 --> 01:22:21,958
Pero Frankelda—

981
01:22:22,041 --> 01:22:23,333
Hindi, Herneval.

982
01:22:23,416 --> 01:22:25,083
Nais kong tumulong.

983
01:22:26,000 --> 01:22:27,583
Nais kitang tulungan.

984
01:22:28,083 --> 01:22:29,291
Alam kong kaya ko.

985
01:22:29,375 --> 01:22:31,833
May naiisip na akong paraan.

986
01:22:32,791 --> 01:22:35,833
Salamat, Frankelda, pero hindi ko na alam
ang iisipin ko.

987
01:22:36,333 --> 01:22:38,416
Nabigo lahat ng plano ko.

988
01:22:38,500 --> 01:22:39,791
Natatakot ako.

989
01:22:39,875 --> 01:22:40,750
Hindi!

990
01:22:41,291 --> 01:22:42,500
Puwes, ako hindi!

991
01:22:42,583 --> 01:22:45,416
Isa pa, kailangang mahuli ko si Procustes.

992
01:22:45,500 --> 01:22:50,125
Minsan ayaw ko sa realidad ko.
Pero kung wala iyon, walang kathang-isip.

993
01:22:50,208 --> 01:22:52,583
Kapag nabura ang harang
sa pagitan ng dalawang mundo,

994
01:22:52,666 --> 01:22:55,708
magiging literal ang lahat,
magiging ordinaryo.

995
01:22:55,791 --> 01:22:59,291
Mawawalan ng imahinasyon,
ng pagkamangha, at hiwaga.

996
01:22:59,375 --> 01:23:01,375
Saan mo naman siya balak ikulong?

997
01:23:02,541 --> 01:23:05,791
Walang mas matibay na lugar
kundi ang aking imahinasyon.

998
01:23:05,875 --> 01:23:06,708
Ano?

999
01:23:06,791 --> 01:23:08,291
Ingat, Frankelda!

1000
01:23:08,375 --> 01:23:11,125
Huwag mong maliitin si Procustes
gaya ng ginawa ko.

1001
01:23:11,208 --> 01:23:13,291
Naroon lahat ng takot ko.

1002
01:23:13,375 --> 01:23:15,000
May puwang pa para sa isa.

1003
01:23:15,083 --> 01:23:17,333
Hindi! Masyadong mapanganib!

1004
01:23:17,416 --> 01:23:18,958
Hindi iyan magtatagumpay!

1005
01:23:22,208 --> 01:23:25,541
Pipilitin ka ni Procustes
na padalhan ako muli ng bangungot niya

1006
01:23:25,625 --> 01:23:27,458
upang nakawin ang aking mga kuwento.

1007
01:23:27,958 --> 01:23:29,250
Kapag nangyari iyon,

1008
01:23:29,333 --> 01:23:34,416
ang kailangan mong gawin,
padalhan ako ng kuwentong ako ang sumulat.

1009
01:23:34,500 --> 01:23:35,875
Magtiwala ka sa akin.

1010
01:23:36,916 --> 01:23:38,208
Sige.

1011
01:23:55,291 --> 01:23:58,958
"May batang lalaki
na nagngangalang Pepito." Hayun, tama.

1012
01:23:59,041 --> 01:24:02,666
"Na nabitag sa hipnotismo ng… ng Sirena

1013
01:24:02,750 --> 01:24:07,041
"at pumasok sa paaralan
nang walang salawal."

1014
01:24:07,541 --> 01:24:09,500
Gagana kaya ito? Oo naman.

1015
01:24:09,583 --> 01:24:13,416
Sinabi ko na sa inyong
hindi ganito kapag nagsusulat.

1016
01:24:13,500 --> 01:24:19,666
Walang puwang ang mga traydor
sa Topus Terrentus!

1017
01:24:40,500 --> 01:24:44,458
Nasaktan ang hari at reyna.
Kailangan kong…

1018
01:24:46,458 --> 01:24:47,541
Ceimut!

1019
01:24:48,041 --> 01:24:49,500
-Prinsipe.
-Hindi!

1020
01:24:49,583 --> 01:24:53,625
Iligtas mo ang iyong mga magulang.
Iligtas mo ang Topus Terrentus.

1021
01:24:54,875 --> 01:24:56,541
Patawad.

1022
01:24:58,875 --> 01:25:01,583
Mythelitas!

1023
01:25:02,458 --> 01:25:04,583
Mythelitas, ano ba?

1024
01:25:15,041 --> 01:25:17,833
Kapag nagtangka muli
ang kahit sino sa inyo,

1025
01:25:17,916 --> 01:25:20,375
katapusan na ng hari at reyna!

1026
01:25:20,458 --> 01:25:22,000
Hindi ako nagbibiro!

1027
01:25:22,083 --> 01:25:24,875
Tama na, Procustes!
Gagawin ko ang anumang sasabihin mo.

1028
01:25:28,041 --> 01:25:31,375
Makikipagtulungan ba ang kasintahan mo?

1029
01:25:34,208 --> 01:25:35,041
Ano ang pakiramdam

1030
01:25:35,125 --> 01:25:37,750
na kailangan mo pang magnakaw ng kuwento
sa tao?

1031
01:25:38,250 --> 01:25:40,416
Katawa-tawa ka!

1032
01:25:48,458 --> 01:25:51,750
Ipadala mo sa kanya ang bangungot na ito
kung saan siya maninirahan

1033
01:25:51,833 --> 01:25:56,416
hanggang sa maisulat niya
ang lahat ng kuwentong kailangan ko.

1034
01:25:56,916 --> 01:26:01,416
Tiyak kong magigising ang imahinasyon niya
dahil sa mga naging kaganapan.

1035
01:26:01,500 --> 01:26:03,708
Pagkatapos, maaaring palayain kita.

1036
01:26:03,791 --> 01:26:06,625
Siyempre, depende iyon sa asal mo.

1037
01:26:30,041 --> 01:26:34,083
"Marahil mistulang kuwento ito
ng isang batang babae na walang muwang

1038
01:26:34,166 --> 01:26:39,708
"na gagawin ang lahat upang matakasan
ang realidad niya, ngunit hindi ganoon."

1039
01:26:39,791 --> 01:26:40,916
Ano ito?

1040
01:26:41,000 --> 01:26:43,333
"Ito ang kuwento

1041
01:26:43,416 --> 01:26:46,708
"ng isang manunulat
na hinarap ang kanyang mga takot

1042
01:26:46,791 --> 01:26:51,458
"at nagpasiyang isulat
ang sarili niyang kuwento!

1043
01:26:55,833 --> 01:26:59,458
"Inakala ng Tagalikha ng Bangungot
na nabitag na niya ang kawawang bata

1044
01:26:59,541 --> 01:27:01,083
"sa pinakamasama niyang bangungot,

1045
01:27:01,166 --> 01:27:03,125
"pero ang bata ang bumitag sa kanya."

1046
01:27:03,208 --> 01:27:06,375
Hindi ito ang isinulat ko!

1047
01:27:06,458 --> 01:27:08,625
"Sobrang lipas na siya at wala nang silbi

1048
01:27:08,708 --> 01:27:12,000
"kaya nagbago siya ng anyo
at naging lumang bahay niya.

1049
01:27:12,083 --> 01:27:14,708
"At bago siya tuluyang mahimlay
habambuhay,

1050
01:27:14,791 --> 01:27:19,958
"natuklasan niyang natupad na
ang pinakamasama niyang bangungot.

1051
01:27:20,041 --> 01:27:22,458
"Napalitan na siya.

1052
01:27:22,541 --> 01:27:25,333
"Walang saysay ang buhay niya.

1053
01:27:25,416 --> 01:27:27,333
"Nakilala siya sa kasaysayan

1054
01:27:27,416 --> 01:27:30,208
"bilang pinakapangkaraniwang kababalaghan
sa lahat.

1055
01:27:30,291 --> 01:27:35,625
"Alaala lamang siya ng dating kadakilaan."

1056
01:27:39,166 --> 01:27:40,916
Gumana!

1057
01:27:43,500 --> 01:27:46,875
Hindi ito ang kuwentong isinulat ko!

1058
01:27:48,625 --> 01:27:49,625
Tulong!

1059
01:27:53,916 --> 01:27:55,708
Binabago ni Procustes ang panaginip.

1060
01:27:57,708 --> 01:27:58,708
Hindi!

1061
01:27:59,333 --> 01:28:00,375
Frankelda!

1062
01:28:01,166 --> 01:28:03,125
Lumayo ka sa kanya!

1063
01:28:03,625 --> 01:28:07,416
Iyon ang utos ni Procustes!

1064
01:28:07,500 --> 01:28:09,416
Pakiusap, kailangan niya ng tulong.

1065
01:28:09,500 --> 01:28:10,750
Frankelda, bumalik ka!

1066
01:28:10,833 --> 01:28:14,250
Sabi nang lumayo ka!

1067
01:28:48,541 --> 01:28:50,041
Ano ang nangyari sa akin?

1068
01:28:54,541 --> 01:28:56,041
Frankelda.

1069
01:29:01,541 --> 01:29:04,333
Frankelda, kuwento mo ito.

1070
01:29:04,416 --> 01:29:05,791
Hindi ito kanya.

1071
01:29:17,291 --> 01:29:23,000
Akala mo'y mag-isa ka lamang dito

1072
01:29:23,583 --> 01:29:29,333
Na sa iyo ang mga gabi

1073
01:29:29,833 --> 01:29:35,750
Ngunit sa loob ng isang bangungot

1074
01:29:35,833 --> 01:29:42,291
Huwag mo nang hulaan ang lahat

1075
01:29:46,875 --> 01:29:52,708
Nakatingin sa atin ang aking tinta

1076
01:29:53,208 --> 01:29:59,458
Isinusulat ka ng aking mga mata

1077
01:29:59,541 --> 01:30:05,708
Sa mga anino ka namamalagi

1078
01:30:05,791 --> 01:30:11,541
Sa mga pahina kita natatagpuan

1079
01:30:11,625 --> 01:30:17,166
At hindi naman ganoon kasama

1080
01:30:17,250 --> 01:30:24,208
Kapag nagbasa ka
Pinapasok mo ang mundo ng misteryo

1081
01:30:24,291 --> 01:30:30,166
Itong tintang hindi nakikita ng mga mata

1082
01:30:30,250 --> 01:30:36,000
Na nabubuhay nang walang buhay

1083
01:30:36,500 --> 01:30:40,833
Isang manunulat na…

1084
01:30:40,916 --> 01:30:42,166
Kababalaghan!

1085
01:30:43,666 --> 01:30:47,375
Hindi mo na ako masasaktan
gamit ang iyong dila.

1086
01:30:47,458 --> 01:30:51,916
Napakatalas ng iyong mga salita.

1087
01:30:56,916 --> 01:30:58,041
Frankelda!

1088
01:31:10,500 --> 01:31:12,041
Matulog ka na!

1089
01:31:16,833 --> 01:31:21,000
Nagwagi ka sa pagkakataong ito,

1090
01:31:21,083 --> 01:31:26,791
ngunit hindi ako mag-isang
makukulong dito.

1091
01:31:26,875 --> 01:31:29,000
Kailangan nating makalabas!

1092
01:31:31,625 --> 01:31:33,166
Patawad, Frankelda.

1093
01:31:33,250 --> 01:31:34,708
Bigo na naman ako.

1094
01:31:35,250 --> 01:31:37,500
Herneval? Herneval, ano ang nangyari?

1095
01:31:37,583 --> 01:31:40,416
Panaginip lamang ito.
Imposibleng masaktan ka rito.

1096
01:31:40,500 --> 01:31:41,541
Hindi dito.

1097
01:31:42,083 --> 01:31:45,791
Nasugatan ako sa palasyo
bago kita sinundan dito.

1098
01:31:45,875 --> 01:31:47,666
Ano? Hindi!

1099
01:31:48,166 --> 01:31:49,625
Hindi!

1100
01:31:51,500 --> 01:31:53,166
Kasalanan ko ito.

1101
01:31:54,750 --> 01:31:57,458
Hindi mo kasalanan.
Iniligtas mo ang mga magulang ko.

1102
01:31:58,250 --> 01:32:00,500
Ikaw lang ang mahalaga sa akin.

1103
01:32:00,583 --> 01:32:03,083
Kailangan mong makaalis dito.

1104
01:32:03,583 --> 01:32:04,541
Makakaligtas ka.

1105
01:32:10,791 --> 01:32:14,125
Kuwento natin ang una kong isinulat.

1106
01:32:14,625 --> 01:32:18,500
Dahil sa iyo, nakilala ko ang lugar
na matagal kong pinangarap na mapuntahan.

1107
01:32:18,583 --> 01:32:20,958
Dahil sa iyo,
nakilala ko ang aking sarili.

1108
01:32:21,041 --> 01:32:25,750
Hindi mamamatay ang ating kuwento
sapagkat imortal ang mga kuwento.

1109
01:32:25,833 --> 01:32:27,125
Nananatili ka rito.

1110
01:33:32,916 --> 01:33:38,125
Hindi ito panaginip. Gumising ka.

1111
01:33:41,958 --> 01:33:44,375
Hindi!

1112
01:33:48,041 --> 01:33:50,166
Akala ko'y bangungot ito.

1113
01:33:50,666 --> 01:33:51,791
Pakiusap.

1114
01:33:52,333 --> 01:33:53,750
Pakiusap, gumising ka.

1115
01:33:53,833 --> 01:33:56,041
Gumising ka, Herneval. Pakiusap.

1116
01:34:01,541 --> 01:34:03,875
Hindi ka pa pumapanaw. Bumalik ka.

1117
01:34:03,958 --> 01:34:09,250
Hindi ka pa nawawalan ng buhay.

1118
01:34:09,333 --> 01:34:10,708
Dama Coyote!

1119
01:34:12,166 --> 01:34:15,000
Sabi na nga ba't
hindi mo kami pagtataksilan.

1120
01:34:16,583 --> 01:34:18,541
Hindi!

1121
01:34:20,541 --> 01:34:22,500
Anak ko!

1122
01:34:24,041 --> 01:34:26,041
Pakiusap, Binibining Coyote.

1123
01:34:26,125 --> 01:34:28,791
May magagawa ka ba para sa kanila?

1124
01:34:30,333 --> 01:34:33,125
Mag-isa nang lilipad ngayon ang prinsipe.

1125
01:34:33,208 --> 01:34:36,250
Wala na tayong magagawa.

1126
01:34:47,708 --> 01:34:49,250
Mga Kamahalan,

1127
01:34:49,333 --> 01:34:52,125
Hindi ko kayang mabuhay sa kahihiyang ito.

1128
01:34:52,791 --> 01:34:54,833
Hinihiling ko na bilang parusa,

1129
01:34:55,666 --> 01:34:58,541
buhay ko ang maging kabayaran.

1130
01:34:58,625 --> 01:35:00,208
Hindi, Mythelitas.

1131
01:35:01,041 --> 01:35:04,333
Mabigat man ang iyong pasanin,
hindi mo iyon kasalanan.

1132
01:35:04,416 --> 01:35:06,291
Para ka na naming anak.

1133
01:35:06,375 --> 01:35:09,541
Hindi natin alam ang pinagdalhan ni Ceimut
sa mga traydor,

1134
01:35:09,625 --> 01:35:13,250
pero kailangan nating tiyakin
na hindi na sila makapamiminsala muli.

1135
01:35:13,333 --> 01:35:17,250
Hanapin mo sila at dalhin mo sila sa amin.

1136
01:35:17,333 --> 01:35:19,083
Mag-iingat ka, Mythelitas.

1137
01:35:19,166 --> 01:35:23,916
Magkakaroon ng malaking digmaan
ang Pitong Angkan.

1138
01:35:24,000 --> 01:35:27,708
Isinusumpa ko kay Prinsipe Herneval

1139
01:35:28,333 --> 01:35:34,208
na hindi ako titigil
hangga't hindi nauubos ang mga traydor!

1140
01:35:41,416 --> 01:35:43,208
Mga Tecotiyano!

1141
01:35:43,291 --> 01:35:47,125
Para sa Prinsipe ng Kababalaghan!

1142
01:35:58,958 --> 01:36:01,000
Salamat, Frankelda.

1143
01:36:01,500 --> 01:36:05,125
Alam kong hindi ito ang nais mo.

1144
01:36:05,208 --> 01:36:09,041
Ngunit malalaman ng lahat ng tao
ang iyong mga kuwento.

1145
01:36:19,875 --> 01:36:22,041
Pakiusap, bumalik ka na.

1146
01:36:37,166 --> 01:36:38,208
Ako'y…

1147
01:36:38,916 --> 01:36:39,958
buhay pa!

1148
01:36:41,708 --> 01:36:43,041
Nasaan ka?

1149
01:36:43,708 --> 01:36:44,875
Nasaan ka?

1150
01:36:45,708 --> 01:36:48,375
Frankelda, nasaan ka?

1151
01:36:54,000 --> 01:36:55,000
Kumusta?

1152
01:36:56,458 --> 01:36:58,250
Sino ka?

1153
01:36:58,333 --> 01:37:00,333
Sino pa nga ba?

1154
01:37:06,958 --> 01:37:09,250
Hindi ako makapaniwala! Ikaw ang…

1155
01:37:09,333 --> 01:37:10,208
Ako…

1156
01:37:10,291 --> 01:37:11,958
Ikaw ang katotohanan!

1157
01:37:12,458 --> 01:37:14,750
-At kathang-isip.
-Buhay tayo!

1158
01:37:15,333 --> 01:37:19,583
Hangga't ibinabahagi mo ang ating kuwento,
hindi tayo mawawala!

1159
01:37:19,666 --> 01:37:22,666
Herneval, mahal kita! Mahal kita!

1160
01:37:22,750 --> 01:37:25,000
Mahal din kita, Frankelda.

1161
01:37:25,083 --> 01:37:27,291
Kahit ganito ang aking anyo,

1162
01:37:27,375 --> 01:37:29,750
ang mahalaga'y makasama kita habambuhay.

1163
01:37:29,833 --> 01:37:30,958
Sandali, paano?

1164
01:37:31,458 --> 01:37:34,166
Habambuhay na kagaya nito?

1165
01:37:34,250 --> 01:37:35,750
Nakasalalay sa iyo iyon.

1166
01:37:35,833 --> 01:37:36,875
Nakasalalay sa akin?

1167
01:37:36,958 --> 01:37:39,875
Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin?

1168
01:37:39,958 --> 01:37:41,500
Ikaw ang manunulat.

1169
01:37:41,583 --> 01:37:45,166
Manunulat ng isang malungkot na kuwento.

1170
01:37:45,250 --> 01:37:47,041
Iyan ba talaga ang tingin mo?

1171
01:37:47,125 --> 01:37:48,125
Oo!

1172
01:37:48,791 --> 01:37:53,666
Pero may iba't ibang antas ng kalungkutan.

1173
01:37:53,750 --> 01:37:56,666
Kapag isinulat ng isandaang manunulat
ang isang pangyayari,

1174
01:37:56,750 --> 01:37:59,666
makagagawa sila ng isandaang kuwento
na magkakaiba.

1175
01:38:00,166 --> 01:38:02,500
Dito na ba matatapos
ang iyong kuwento, Frankelda?

1176
01:38:02,583 --> 01:38:06,333
Hindi ko hahayaang matapos nang ganito
ang ating kuwento!

1177
01:38:07,250 --> 01:38:10,166
Kahit gaano pa kasaklap
ang aking sitwasyon

1178
01:38:10,250 --> 01:38:13,125
o gaano man katagal nakulong
ang aking kaluluwa,

1179
01:38:13,208 --> 01:38:16,500
sapagkat hawak ko ang aking tadhana!

1180
01:38:16,583 --> 01:38:20,958
Ako ang manunulat ng sarili kong buhay!

1181
01:38:23,916 --> 01:38:25,458
Isulat mo ako!

1182
01:38:25,958 --> 01:38:28,041
Mabuhay tayong muli!

1183
01:38:28,125 --> 01:38:29,000
Oo!

1184
01:38:32,708 --> 01:38:36,000
"Ito ang kuwento ng dalawang mundo
na sa sobrang magkaiba,

1185
01:38:36,083 --> 01:38:38,125
"halos magkatulad na rin ang mga ito.

1186
01:38:38,208 --> 01:38:42,416
"Dalawang mundo na hindi nararanasan
ng mga manhid ang budhi.

1187
01:38:42,500 --> 01:38:46,791
"Dalawang mundo na nakikita lamang
ng mga sumusuong sa pagkamalikhain,

1188
01:38:46,875 --> 01:38:48,750
"na ginagabayan ng intuwisyon."

1189
01:38:48,833 --> 01:38:54,041
AKO SI FRANKELDA

1190
01:38:54,125 --> 01:38:55,916
Parehong totoo ang mga mundong iyon

1191
01:38:56,416 --> 01:38:58,875
at pinag-uugnay sila ng aking pluma.

1192
01:39:00,583 --> 01:39:02,500
Tinta ang aking kaluluwa.

1193
01:39:02,583 --> 01:39:04,166
At hangga't sumusulat ako,

1194
01:39:04,666 --> 01:39:07,083
hindi ako titigil sa buhay.

1195
01:39:21,708 --> 01:39:27,541
Pinag-uugnay mo ang mga salita

1196
01:39:27,625 --> 01:39:33,333
Mga kuwentong nakahabi sa sapot ng gagamba

1197
01:39:33,416 --> 01:39:40,416
Iyon ang mga buhay
Na pinagdugtong-dugtong mo

1198
01:39:53,208 --> 01:39:59,291
Mga halik at iyak

1199
01:39:59,375 --> 01:40:05,125
Nabubuhay muli sa iyong mga kuwento

1200
01:40:05,208 --> 01:40:11,916
Nagtitiwala kami sa iyong tinta

1201
01:40:12,000 --> 01:40:15,166
Ano ang inaasam mo?

1202
01:40:15,250 --> 01:40:18,166
Mababaw na kasikatan?

1203
01:40:18,250 --> 01:40:21,208
Ang katuwaan ng iba

1204
01:40:21,291 --> 01:40:27,083
At maging espesyal?

1205
01:40:27,166 --> 01:40:30,708
Tinta ang iyong kaluluwa

1206
01:40:30,791 --> 01:40:37,458
Mag-ingat ka
Magsulat lamang para sa iyong sarili

1207
01:40:37,541 --> 01:40:43,375
A, tinta ang iyong kaluluwa

1208
01:40:43,458 --> 01:40:50,416
Mag-ingat ka't baka ika'y mabitag

1209
01:41:02,541 --> 01:41:08,666
Sa papel, wala kang kamatayan

1210
01:41:08,750 --> 01:41:14,791
Nagiging pag-asa ka

1211
01:41:14,875 --> 01:41:21,541
Tagapagtanggol ng mga ligaw na kaluluwa

1212
01:41:21,625 --> 01:41:24,666
Ano ang inaasam mo?

1213
01:41:24,750 --> 01:41:27,833
Mababaw na kasikatan?

1214
01:41:27,916 --> 01:41:30,583
Ang katuwaan ng iba

1215
01:41:30,666 --> 01:41:36,208
At maging espesyal?

1216
01:41:36,291 --> 01:41:40,166
Tinta ang iyong kaluluwa

1217
01:41:40,250 --> 01:41:46,833
Mag-ingat ka
Sumulat lamang para sa sarili

1218
01:41:46,916 --> 01:41:52,333
A, tinta ang iyong kaluluwa

1219
01:41:52,958 --> 01:41:59,916
Mag-ingat ka't baka mabitag ka

1220
01:44:04,625 --> 01:44:09,625
Nagsalin ng Subtitle: Moonnette Maranan



