1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:40,331 --> 00:00:45,420
At live mula sa Ed Sullivan Theater
sa New York City…

4
00:00:46,504 --> 00:00:49,549
Ang nanalo sa American Idol ay si…

5
00:00:50,675 --> 00:00:52,385
May kotse ka!

6
00:00:59,059 --> 00:01:03,229
At ngayon, ang tao
na para sa maraming tao ay telebisyon.

7
00:01:03,313 --> 00:01:05,315
KUNG KAILAN MAY INILALATAG
NA MGA PATAKARAN

8
00:01:05,398 --> 00:01:09,194
Kung wala si Ed Sullivan,
iimbentuhin at iimbetuhin siya ng Amerika.

9
00:01:11,988 --> 00:01:13,698
ISANG TAO ANG NANGAHAS NA BALIIN ITO

10
00:01:13,782 --> 00:01:17,077
Salamat, ladies and getlemen,
sana'y magustuhan n'yo ang show ngayon.

11
00:01:17,160 --> 00:01:19,287
Atin na siyang salubungin.

12
00:01:21,623 --> 00:01:23,333
Mr. Ed Sullivan.

13
00:01:26,252 --> 00:01:27,378
Ed Sullivan!

14
00:01:28,379 --> 00:01:30,256
Ed Sullivan, everybody!

15
00:01:37,722 --> 00:01:42,268
Kung may pipiliin mang kinatawan
ng industriya, si Ed Sullivan 'yon.

16
00:01:42,352 --> 00:01:45,855
Ang pinakamahusay na finger-pointer
sa kasaysayan ng telebisyon.

17
00:01:46,481 --> 00:01:50,443
Isang taong nanduro
sa pinakamalalaking bituin ng industriya.

18
00:01:57,117 --> 00:02:00,286
Maiisip mo 'yong Ed Sullivan,
isa sa mga pinakasikat na palabas.

19
00:02:00,370 --> 00:02:04,833
Ngayon, ladies and gentlemen,
Elvis Presley!

20
00:02:05,583 --> 00:02:09,379
Ilang taon ka nang makita mo 'to,
itong Ed Sullivan Theater?

21
00:02:09,462 --> 00:02:12,298
Seven years old.
Sobrang tindi ng epekto sa 'kin.

22
00:02:12,382 --> 00:02:14,551
Ladies and gentlemen, The Beatles!

23
00:02:15,301 --> 00:02:18,346
'Yong The Beatles,
naaalala ng mga tao kung nasaan sila,

24
00:02:18,429 --> 00:02:19,681
'yong nangyayari,

25
00:02:19,764 --> 00:02:22,892
'yong inuupuan nila, ginagawa nila.
Ano'ng iniisip mo no'n?

26
00:02:22,976 --> 00:02:25,728
Ed Sullivan,
may Ed Sullivan ba tayo ngayon?

27
00:02:25,812 --> 00:02:27,063
Lumaki akong pinapanood siya.

28
00:02:27,147 --> 00:02:29,232
Hinding-hindi ko makakalimutan
si Ed Sullivan.

29
00:02:30,608 --> 00:02:33,403
Cultural revolution
ang mapanood ang The Ed Sullivan Show.

30
00:03:07,645 --> 00:03:11,816
Noong araw,
agad na sinundan ng TV ang radyo

31
00:03:11,900 --> 00:03:14,444
at minana ang ilan
sa pinakamasasama nitong katangian.

32
00:03:16,487 --> 00:03:19,699
NI-RECREATE ANG BOSES NI ED SULLIVAN
SA MGA PILING BAHAGI NG PELIKULA.

33
00:03:19,782 --> 00:03:23,536
DIREKTANG KUHA ANG MGA SALITA NIYA
SA LIBO-LIBONG COLUMN, ARTIKULO AT LIHAM

34
00:03:23,620 --> 00:03:25,246
NA KANYANG ISINULAT.

35
00:03:25,330 --> 00:03:28,208
No'ng mga araw na 'yon,
nang unang sumulpot si Ed Sullivan,

36
00:03:28,833 --> 00:03:33,004
ibang-iba… ang telebisyon.

37
00:03:33,087 --> 00:03:35,673
Una, ganito kalaki 'yong screen. Okay?

38
00:03:35,757 --> 00:03:37,967
Papasukin na natin
ang susunod na contestant.

39
00:03:38,051 --> 00:03:41,596
At bihira lang makakita
ng mga Black na performer sa TV.

40
00:03:43,014 --> 00:03:45,516
May mga panggigipit
na panatilihing "puti" ang TV.

41
00:03:48,186 --> 00:03:52,732
Mga karakter gaya nina Amos at Andy
ang madalas naming napanood.

42
00:03:52,815 --> 00:03:58,071
Alam mo na, mga komedyanteng karakter
na pininturahan ng itim ang mukha.

43
00:03:58,154 --> 00:04:00,198
Ano'ng ginagawa mo diyan, Amos?

44
00:04:00,698 --> 00:04:02,742
Huwag ko raw ibababa ang linya.

45
00:04:02,825 --> 00:04:06,537
Pero kay Ed, nagbago ang lahat.

46
00:04:07,413 --> 00:04:12,335
Ngayon, sisimulan na natin ang show.
Jackie Wilson, sir, pakinggan na natin!

47
00:05:25,950 --> 00:05:28,369
Itinuturing mo ba ang sarili mo
bilang impluwensiyal?

48
00:05:28,453 --> 00:05:30,330
Pagdating sa pagkakaroon ng kapangyarihan

49
00:05:30,413 --> 00:05:33,291
na impluwensiyahan ang pag-uugali
ng mga Amerikano?

50
00:05:33,374 --> 00:05:36,044
Mararamdaman mong nakakatulong ka.

51
00:05:36,127 --> 00:05:40,757
Gaya ng editorial sa diyaryo
na talaga namang may epekto sa mga tao.

52
00:05:40,840 --> 00:05:44,594
Siyempre, sa telebisyon,
may magagawa kang partikular na mga bagay.

53
00:05:44,677 --> 00:05:46,554
Halimbawa, sa usapin ng mga Black.

54
00:05:46,637 --> 00:05:49,682
Kami ang kauna-unahang nagsalang
ng mga Black performer sa TV.

55
00:05:49,766 --> 00:05:53,311
So, ladies and gentlemen,
sisimulan natin ang show kasama sila.

56
00:05:53,394 --> 00:05:57,940
'Yong variety ng mga artist at indibidwal
na isinalang ni Ed Sullivan sa show

57
00:05:58,024 --> 00:05:59,484
ay talaga namang…

58
00:05:59,567 --> 00:06:03,696
challenging at medyo kakaiba
sa anumang naranasan namin.

59
00:06:05,656 --> 00:06:08,618
Ngayon naman, Louis "Satchmo" Armstrong!

60
00:06:10,828 --> 00:06:13,998
At 'yong posisyon niya
sa kung paano pipili

61
00:06:14,082 --> 00:06:17,335
ng mga bisita
ay pagpapakita ng katapangan.

62
00:06:17,418 --> 00:06:21,464
The Will Mastin Trio,
tampok si Sammy Davis Jr.

63
00:06:22,590 --> 00:06:25,843
Lagi akong nanonood noon
ng The Ed Sullivan Show.

64
00:06:25,927 --> 00:06:28,346
Pinapanood ng lahat ang Ed Sullivan.
Para 'yong event.

65
00:06:28,429 --> 00:06:30,556
"Pa-Sunday night na.
Ano'ng gagawin natin?"

66
00:06:30,640 --> 00:06:34,102
Magtitipon 'yong buong pamilya sa TV
para manood ng Ed Sullivan

67
00:06:34,185 --> 00:06:37,063
kasi nga para 'yong selebrasyon sa hood.

68
00:06:37,563 --> 00:06:43,653
Isipin mo, ten years old ka, nasa welfare,
nanonood ng The Ed Sullivan Show

69
00:06:44,487 --> 00:06:48,491
sa kultura na walang Black sa telebisyon.

70
00:06:49,450 --> 00:06:53,079
At pag unang beses kang nakakita
ng tao na kamukha mo,

71
00:06:53,579 --> 00:06:57,333
literal na representasyon 'yon
ng posibilidad at pag-asa.

72
00:06:57,917 --> 00:07:00,211
-Maaari mo bang hawakan?
-Ikagagalak ko.

73
00:07:01,504 --> 00:07:04,882
Alam mo, dati nang iniisip ng lahat
na pinapatay ng South ang TV nila

74
00:07:04,966 --> 00:07:09,429
kapag nagharap ka
ng Black performer sa sala nila.

75
00:07:09,512 --> 00:07:13,266
Two, four, six, eight.
Ayaw naming mag-integrate.

76
00:07:13,349 --> 00:07:18,229
Dahil galit na galit sa mga Black
ang mga tao sa South.

77
00:07:18,312 --> 00:07:22,525
Posibleng mapilitan sila na magprotesta.

78
00:07:23,526 --> 00:07:26,070
Pero ang mga tao
sa sarili nilang mga tahanan,

79
00:07:26,154 --> 00:07:27,572
gagawin nila ang gusto nila.

80
00:07:34,078 --> 00:07:38,040
Alam mo, nang mga panahong 'yon,
hati ang bansa.

81
00:07:38,124 --> 00:07:39,000
PUTI LANG SA LOOB

82
00:07:39,584 --> 00:07:43,838
Nag-bus ako pauwi,
at pagkatapos kong maupo sa bus,

83
00:07:43,921 --> 00:07:47,675
gusto ng driver na ibigay ko ang upuan ko
sa isang puting lalaki.

84
00:07:48,176 --> 00:07:52,346
Pakiramdam ko, hindi ako itinuring na tao.

85
00:07:52,430 --> 00:07:53,723
Sinabi ko, hindi.

86
00:07:57,351 --> 00:08:01,147
Lantaran talaga 'yong racial situation.
Kitang-kita, alam mo 'yon?

87
00:08:01,230 --> 00:08:04,066
Alam ng lahat
kung kaninong panig ang lahat.

88
00:08:06,777 --> 00:08:11,532
Pero pagdating ni Ed Sullivan,
para siyang walang takot.

89
00:08:11,616 --> 00:08:15,286
At wala siyang pakialam
sa iniisip ng ibang tao.

90
00:08:25,963 --> 00:08:28,841
Ngayon, ladies and gentlemen,
gaya ng nalalaman ng lahat,

91
00:08:28,925 --> 00:08:32,261
tuwing may bagong musical trend
ang sisikat,

92
00:08:32,345 --> 00:08:36,265
ang unang lugar na makakaalam nito
in advance ay ang Harlem.

93
00:08:41,604 --> 00:08:44,774
Nagpunta ako ro'n nitong nakaraan
at nagja-jamming sila sa kalsada

94
00:08:44,857 --> 00:08:46,943
malapit sa Apollo Theater
ni Frank Schiffman,

95
00:08:47,026 --> 00:08:51,739
sinusubukang pumasok para mapanood
ang Rhythm & Blues ni Dr. Jive.

96
00:08:51,822 --> 00:08:53,533
Kaya heto si Dr. Jive.

97
00:08:53,616 --> 00:08:56,118
Gusto kong makilala n'yo
ang batang disc jockey na 'to

98
00:08:56,202 --> 00:08:57,870
na mula sa WWRL.

99
00:08:57,954 --> 00:08:59,080
Salamat.

100
00:08:59,914 --> 00:09:04,001
Salamat, ladies and gentlemen.
Kahanga-hanga ang recording stars natin.

101
00:09:04,085 --> 00:09:07,421
Gusto kong ipakilala
ang kahanga-hangang folk-blues singer,

102
00:09:07,505 --> 00:09:09,382
si Bo Diddley.

103
00:09:33,906 --> 00:09:36,742
Natatandaan ko pang noong bata ako,
may musical riff na…

104
00:09:40,079 --> 00:09:43,249
Bo Diddley 'yon.
Siya 'yong… Imbento niya 'yon.

105
00:09:49,130 --> 00:09:52,967
May halong African religious chant.

106
00:09:57,221 --> 00:10:01,392
Pumunta ako kasama ng iba.
Sina Jerome at lahat silang may maracas.

107
00:10:01,475 --> 00:10:04,395
Backstage, may nagsabing "Bawal kumembot".

108
00:10:05,938 --> 00:10:08,941
Sabi ko, "Pare, marami akong alam.
Di n'yo 'ko mapipigilan.

109
00:10:09,025 --> 00:10:11,277
"Mapapabagal n'yo 'ko,
pero hindi mapapahinto."

110
00:10:12,528 --> 00:10:13,613
Sasabihin ng network,

111
00:10:13,696 --> 00:10:17,783
"Di pwede 'tong ganito at ganyan
dahil di tatanggapin ng South,"

112
00:10:17,867 --> 00:10:23,748
pero nangahas pa rin si Ed
hangga't kaya niya.

113
00:10:23,831 --> 00:10:27,460
Mula nang huli naming appearance,
marami sa inyo ang sumulat at nagtanong

114
00:10:27,543 --> 00:10:30,338
kung kailan kami nagkaroon ng oportunidad?

115
00:10:30,421 --> 00:10:33,507
Well, sa entabladong ito 'yon nangyari
at gusto namin itong ikuwento.

116
00:10:33,591 --> 00:10:36,969
Pwede ba nating balikan
ang simula ng buhay ni Ed Sullivan?

117
00:10:50,483 --> 00:10:55,905
Para sa isang probinsyanong bata,
napakaganda ng naging buhay ko.

118
00:10:58,240 --> 00:11:02,370
Hindi ako espesyal.
Sadyang napakasuwerte lang.

119
00:11:03,412 --> 00:11:06,207
Toni, para sa mga ngayon ka lang nakita,
ilang taon ka na?

120
00:11:06,290 --> 00:11:07,708
Eleven years old.

121
00:11:07,792 --> 00:11:09,627
-At mula ka sa California?
-Opo.

122
00:11:09,710 --> 00:11:13,005
At may napanaginipan kang candy store
at nagka-candy ka na sa wakas?

123
00:11:13,089 --> 00:11:14,006
Opo.

124
00:11:14,090 --> 00:11:16,592
Kung gano'n,
matutuwa ka sigurong kantahan pa kami.

125
00:11:16,676 --> 00:11:18,552
-Opo.
-Ano'ng gusto mong kantahin?

126
00:11:18,636 --> 00:11:22,682
-"Swing Low, Sweet Chariot."
-Gusto n'yo bang marinig 'yon?

127
00:11:23,641 --> 00:11:25,434
Pwede kang kumuha ng mic doon.

128
00:12:04,640 --> 00:12:09,270
Ipinanganak ako sa Harlem,
dating lugar para sa mga Irish at Jewish.

129
00:12:15,234 --> 00:12:16,777
May kakambal ako,

130
00:12:16,861 --> 00:12:21,157
pero namatay ang kapatid kong si Dan
noong dalawang taong gulang pa lang siya.

131
00:12:26,370 --> 00:12:27,955
Mahirap ang pamilya namin

132
00:12:28,038 --> 00:12:31,709
pero matindi ang pride
at aming pagsisikap.

133
00:12:52,104 --> 00:12:54,482
Simula pa lamang noon,

134
00:12:54,565 --> 00:12:56,150
gusto ko nang magsulat.

135
00:12:56,776 --> 00:12:58,319
Ang interesting kay Ed,

136
00:12:58,402 --> 00:13:01,071
nag-umpisa siya, una pa lang,
bilang columnist.

137
00:13:01,155 --> 00:13:02,823
Bilang journalist.

138
00:13:03,324 --> 00:13:06,160
Na nauwi kalaunan
sa napakatindi niyang column.

139
00:13:07,578 --> 00:13:10,122
Pagkatapos, nagtrabaho ako
bilang sports editor.

140
00:13:10,831 --> 00:13:15,002
Nagagawang maging sobrang kritikal
at observant ng mga sports writer.

141
00:13:16,837 --> 00:13:20,049
Pwede nilang sabihin kung ano
ang nagpapa-react sa isang ball player.

142
00:13:25,554 --> 00:13:29,183
Kaya habang-buhay nang nanatili sa 'yo
ang sports, bilang first love mo.

143
00:13:29,266 --> 00:13:32,686
No'ng maglaro kami ng baseball
sa Port Chester High School,

144
00:13:32,770 --> 00:13:34,480
may mga Black sa league,

145
00:13:34,563 --> 00:13:38,776
at katunayan, may ilan pa ngang nagsabi
na di nila kakalaruin ang mga Black.

146
00:13:39,443 --> 00:13:43,948
Galit na galit ako sa kanila
dahil pinagdaanan 'yon ng mga Irish

147
00:13:44,031 --> 00:13:45,199
no'ng unang dating nila.

148
00:13:45,282 --> 00:13:49,745
Tingin ng lahat sa kanila, tamad,
mga walang alam na tomador.

149
00:13:49,829 --> 00:13:52,498
At alam ng magulang ko
na mali ang mga 'to.

150
00:13:52,581 --> 00:13:53,749
Napakaano nila…

151
00:13:55,167 --> 00:13:58,462
Di sa mawalak ang isip.
Talaga lang na makatwiran.

152
00:13:59,588 --> 00:14:03,259
Ang pagtanggi kong makipagkompromiso
sa mga taong kinamumuhian ko

153
00:14:03,342 --> 00:14:05,553
ay siguradong galing sa tatay ko.

154
00:14:07,137 --> 00:14:10,099
Tinuruan niya akong respetuhin
ang mga karapatan ng api.

155
00:14:10,766 --> 00:14:14,812
Siya ang pinakamatapang na taong
nakilala ko.

156
00:14:17,022 --> 00:14:19,775
Nang magsulat si Ed
tungkol sa mga taong hindi puti,

157
00:14:19,859 --> 00:14:23,362
mas may pagyakap sa reflection niya,

158
00:14:24,154 --> 00:14:29,159
at tingin ko, pinahupa no'n ang damdamin,

159
00:14:29,243 --> 00:14:31,245
ang damdaming politikal ng bansa.

160
00:14:32,204 --> 00:14:35,749
Pero alam na alam ko

161
00:14:36,250 --> 00:14:39,461
na siguradong tumanggap siya
ng napakaraming kritisismo

162
00:14:39,962 --> 00:14:44,550
dahil ang Amerika at ang mundo
ay dumadaan sa matinding pagbabago

163
00:14:44,633 --> 00:14:46,844
pagdating sa usapin ng race.

164
00:14:47,845 --> 00:14:49,096
Ladies and gentlemen,

165
00:14:49,179 --> 00:14:52,349
ang pinakabatang singing star
ng Augusta, Georgia,

166
00:14:52,433 --> 00:14:54,351
James Brown! Papasukin na natin siya!

167
00:15:32,473 --> 00:15:36,310
At tumakbo na siya, dala ang bola,
96 yards para maka-score.

168
00:15:38,103 --> 00:15:41,690
Sports editor ako noon
sa New York Evening Graphic,

169
00:15:41,774 --> 00:15:45,319
at may isinagawang laro ang NYU
laban sa University of Georgia,

170
00:15:45,402 --> 00:15:46,820
na gaganapin sa New York.

171
00:15:48,072 --> 00:15:50,866
At sukang-suka akong basahin
ang pagsang-ayon ng NYU

172
00:15:50,950 --> 00:15:54,536
na magbangko ng Black na player
sa buong laro.

173
00:15:54,620 --> 00:15:55,829
HALFBACK, DI NAKALARO

174
00:16:00,292 --> 00:16:04,505
Pakiramdam kong importante itong isyu
na dapat pag-usapan ng publiko.

175
00:16:11,470 --> 00:16:13,722
Nakakahiyang mga pangyayari.

176
00:16:14,223 --> 00:16:18,811
Si Myers na itinataya ang sarili niya
para sa paaralang handa siyang ibangko

177
00:16:18,894 --> 00:16:23,899
dahil lang gusto ng University of Georgia
na magkaroon ng pagbubukod base sa kulay.

178
00:16:31,740 --> 00:16:33,951
Kung papayag ang isang New York university

179
00:16:34,034 --> 00:16:38,497
na magkaroon ng Mason-Dixon Line
sa gitna ng playing field nito,

180
00:16:39,081 --> 00:16:44,628
dapat lamang na buwagin ng university
ang football season nito habang-buhay.

181
00:17:01,103 --> 00:17:03,772
Alam kong marami akong naging lucky break.

182
00:17:03,856 --> 00:17:07,568
Halimbawa,
ang di-kapani-paniwalang suwerte

183
00:17:07,651 --> 00:17:12,031
na nagdala sa 'kin,
isang peryodista, tungo sa show business.

184
00:17:14,783 --> 00:17:17,828
Inilipat ako ng diyaryo
sa Broadway column,

185
00:17:18,579 --> 00:17:21,206
kahit pa wala akong alam sa Broadway.

186
00:17:21,290 --> 00:17:23,709
Hello? Kausapin sila?

187
00:17:23,792 --> 00:17:27,963
Di ko gusto 'yong trabaho,
pero masisibak ako kung tatanggihan ko.

188
00:17:28,047 --> 00:17:30,007
Kumusta, pwede ba akong magpakilala?

189
00:17:30,507 --> 00:17:32,426
Ako si Ed Sullivan,
ang Broadway columnist.

190
00:17:32,509 --> 00:17:34,553
Kolumnista, pero hindi artista.

191
00:17:35,345 --> 00:17:36,430
Malalaman din ninyo.

192
00:17:36,930 --> 00:17:39,308
Hayaan ninyong ipakilala ko
ang aking kaibigan.

193
00:17:39,391 --> 00:17:44,563
Isang kolumnista sa The Daily News
na nagpasigla sa Broadway sa buong bansa

194
00:17:44,646 --> 00:17:46,356
sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat.

195
00:17:46,440 --> 00:17:50,360
Si Mr. Broadway mismo,
Ed Sullivan ng The Daily News!

196
00:17:51,236 --> 00:17:55,908
Inihahandog ng The News
ang ikalawang taunang Harvest Moon Ball.

197
00:17:55,991 --> 00:17:57,993
Simulan n'yo na, Dick Himber!

198
00:18:01,497 --> 00:18:02,456
Isa pang take?

199
00:18:07,044 --> 00:18:10,672
Sisimulan natin ang show natin
sa exciting na Ike & Tina Turner Revue,

200
00:18:10,756 --> 00:18:12,549
at nakakabilib sila. Papasukin natin.

201
00:18:38,575 --> 00:18:40,869
Isa sa pinakamalaking events
ang Harvest Moon Ball

202
00:18:40,953 --> 00:18:42,788
sa New York vaudeville scene.

203
00:18:45,040 --> 00:18:48,085
Pumili ako ng mga act
at gumanap bilang master of ceremonies

204
00:18:48,168 --> 00:18:50,712
sa napakalaking
Madison Square Garden benefit.

205
00:18:53,757 --> 00:18:58,637
Nagsimula akong makabuo ng stage presence
at kumpiyansa sa pagkilatis ng talento.

206
00:18:59,263 --> 00:19:01,598
Naipanalo ng number nine twosome
ang championship,

207
00:19:01,682 --> 00:19:05,352
at natanggap nila ang karangalan
mula sa Master of Ceremonies Ed Sullivan.

208
00:19:13,443 --> 00:19:16,321
Humantong ang lahat
sa pinakamahalagang araw sa buhay ko,

209
00:19:16,822 --> 00:19:19,825
September 3, 1947,

210
00:19:19,908 --> 00:19:24,454
nang sa ika-12 taon,
naging master of ceremonies muli ako.

211
00:19:26,331 --> 00:19:29,459
Bago pa lang ang TV, at hindi ko alam

212
00:19:29,543 --> 00:19:32,963
na nagdesisyon ang CBS na iere ang show.

213
00:19:33,547 --> 00:19:35,799
Ang gabi ng Harvest Moon Ball sa Broadway.

214
00:19:39,469 --> 00:19:42,347
Hindi ko rin alam na naghahanap
ang executives ng CBS

215
00:19:42,431 --> 00:19:45,434
ng kalmado at informal na lalaki

216
00:19:45,517 --> 00:19:48,437
para mag-emcee
sa isang Sunday night variety program.

217
00:19:54,568 --> 00:20:00,115
Bilang resulta ng telecast na 'yon,
nagdesisyon ang CBS na ako 'yon.

218
00:20:12,920 --> 00:20:15,214
Welcome, ladies and gentlemen!

219
00:20:15,297 --> 00:20:17,549
Inihahandog ng Emerson Radio & Television

220
00:20:17,633 --> 00:20:20,886
ang Toast of the Town,
at ang inyong host, Ed Sullivan!

221
00:20:25,390 --> 00:20:29,853
Magandang gabi, ladies and gentlemen,
gaya ng nalalaman ninyo,

222
00:20:29,937 --> 00:20:33,315
sa Toast of the Town show na ito
para sa Emerson…

223
00:20:33,398 --> 00:20:36,735
Nang una akong lumabas sa TV
sa Toast of the Town program namin,

224
00:20:36,818 --> 00:20:42,241
sinabihan kami ng mga eksperto
na tumingin nang diretso sa camera.

225
00:20:43,951 --> 00:20:45,786
Hindi nabahala dito ang mga aktor,

226
00:20:47,663 --> 00:20:50,165
pero nang tumingin ako
sa mga camera na 'yon,

227
00:20:51,333 --> 00:20:53,126
rigor mortis ang naranasan ko.

228
00:20:55,003 --> 00:20:57,339
Magkita tayong muli
sa susunod na Linggo ng gabi,

229
00:20:57,422 --> 00:20:59,549
parehong oras sa CBS TV,

230
00:21:00,300 --> 00:21:05,138
kung kailan magpo-produce muli ang Emerson
ng all-star studded show…

231
00:21:05,222 --> 00:21:08,642
Hinimok ng TV critics ang CBS
na tanggalin ako.

232
00:21:09,268 --> 00:21:12,437
"Bakit ba nasa TV si Ed Sullivan?

233
00:21:13,105 --> 00:21:16,733
"Sa camera, inihalintulad si Ed
sa isang cigar store Indian,

234
00:21:17,943 --> 00:21:19,403
"sa stone-faced monument,

235
00:21:19,486 --> 00:21:21,738
"na kakababa lang
sa bangkang mula Easter Island.

236
00:21:22,614 --> 00:21:26,034
"Ang ngiti niya
na tila lalaking sumisipsip ng lemon."

237
00:21:26,118 --> 00:21:29,705
Ito ang jacket na sinuot ni Ed Sullivan
sa unang labas niya sa TV.

238
00:21:31,873 --> 00:21:35,419
At dito naman, ang bakal
na nagpanatili sa kanyang nakatayo.

239
00:21:36,378 --> 00:21:38,255
Pinagtawanan nila ako nang pinagtawanan…

240
00:21:38,338 --> 00:21:40,382
Ano ba, tigilan n'yo 'ko, pwede?

241
00:21:40,465 --> 00:21:43,385
…at nang mapanood ko 'yong show,
hindi ko sila masisi.

242
00:21:45,178 --> 00:21:48,223
Binansagan akong
"The Great Stone Face of 1949".

243
00:21:49,182 --> 00:21:51,310
Sobrang lala ng pangungutya

244
00:21:51,393 --> 00:21:54,521
na huminto na sa pagbabasa ng diyaryo
ang anak kong si Betty.

245
00:21:55,981 --> 00:21:58,692
Sa isang artikulo,
may steel plate raw sa ulo ko.

246
00:22:00,944 --> 00:22:05,907
At nakatanggap ako ng daan-daang sulat
na bumabati sa katapangan ko

247
00:22:05,991 --> 00:22:08,702
na magpatuloy
sa kabila ng umano'y kapansanan ko.

248
00:22:09,202 --> 00:22:14,041
Ano'ng kailangan para magpatuloy,
bukod sa imahinasyon? Katatagan?

249
00:22:14,124 --> 00:22:16,710
Tingin ko, 'yon nga,
at ang mga tao sa bahay nila,

250
00:22:17,586 --> 00:22:21,089
ang mga pamilya paglipas ng mga taon,
ay natanggap na lang kung sino ako.

251
00:22:21,173 --> 00:22:24,468
Alam nilang di ako performer,
pero alam nilang matindi

252
00:22:24,551 --> 00:22:26,970
ang pagsusumikap naming makakuha
ng mahuhusay na act.

253
00:22:29,097 --> 00:22:31,683
At welcome sa aming shoe… Ngayong gabi…

254
00:22:31,767 --> 00:22:33,977
Kahit kailan,
di ko naisip na ako ang attraction.

255
00:22:34,478 --> 00:22:37,439
Naghanap lang ako
ng pinakamagandang isasalang sa show.

256
00:22:41,777 --> 00:22:45,906
Bago ang digmaan, hirap makahanap
ng trabaho ang mga Harlem performer.

257
00:22:47,449 --> 00:22:51,370
Sobra silang naapektuhan
dahil humina ang vaudeville.

258
00:22:53,038 --> 00:22:55,832
Araw-araw at gabi-gabi,

259
00:22:55,916 --> 00:22:59,836
nagpunta kami sa mga teatro
at nightclubs para manood ng mga act,

260
00:23:02,547 --> 00:23:05,675
at walang sinumang mananayaw
ang pinakatumatak sa 'kin

261
00:23:05,759 --> 00:23:08,345
kaysa kay Bill "Bojangles" Robinson.

262
00:23:10,347 --> 00:23:13,683
William Robinson ang pangalan ko,
at dahil Bill Robinson siya,

263
00:23:13,767 --> 00:23:15,977
kilala ko na siya,
three years old pa lang ako.

264
00:23:16,061 --> 00:23:19,689
Nakasama niya sa mga pelikula
si Shirley Temple. Ibang klase siya.

265
00:23:19,773 --> 00:23:24,611
Si Bojangles. Ginawan nila siya ng kanta.
Sumikat 'yong version ni Sammy Davis. Oo.

266
00:23:24,694 --> 00:23:27,614
Para akong nasa Hollywood.
Ikaw, nasa Harlem pa rin.

267
00:23:27,697 --> 00:23:31,785
Siya 'yong mukha ng mga Black sa pelikula,
at di lang siya basta umiindak,

268
00:23:31,868 --> 00:23:34,996
at 'yong maririnig mo sa mga Black
na "y'all", di niya ginagawa 'yon.

269
00:23:35,080 --> 00:23:36,206
Sumasayaw siya.

270
00:23:39,167 --> 00:23:42,879
Sa loob ng 20 taon,
naging matalik kaming magkaibigan.

271
00:23:43,463 --> 00:23:47,259
Siya 'yong unang performer
na pumayag na mag-opening sa show,

272
00:23:47,342 --> 00:23:51,221
at binuksan no'n ang pinto
para sa napakaraming vaudeville stars.

273
00:23:51,304 --> 00:23:55,392
…Ang Kaniyang Kamahalang Hi-De-Ho,
Cab Calloway, halika na!

274
00:23:56,017 --> 00:23:58,019
Ladies and gentlemen, Cab Calloway!

275
00:23:58,103 --> 00:24:01,815
Tingin ko, napakalaking bahagi
ng vaudeville sa show ni Ed Sullivan

276
00:24:01,898 --> 00:24:03,358
dahil sa kanila siya malapit.

277
00:24:03,442 --> 00:24:04,860
Pearl Bailey.

278
00:24:04,943 --> 00:24:09,322
Mga nagbobodabil ang pinaka-interesting
na troupers sa entablado.

279
00:24:09,406 --> 00:24:15,495
Noon, may mga variety show.
May komedyante, banda, o singing group.

280
00:24:15,579 --> 00:24:18,457
Meron nitong si Peg Leg Bates.
Tap dancer siya.

281
00:24:18,540 --> 00:24:21,334
Kaya si Ed Sullivan ang lolo

282
00:24:21,418 --> 00:24:24,754
ng lahat ng TV variety shows
na may live talent.

283
00:24:24,838 --> 00:24:26,381
Siya 'yong pinakaunang bigatin.

284
00:24:27,424 --> 00:24:30,886
Hindi lamang pababalikin ng TV
ang mga bituin ng vaudeville sa trabaho,

285
00:24:30,969 --> 00:24:33,472
ang bagong medium na ito
ay ginawa para sa kanila.

286
00:24:37,225 --> 00:24:42,230
At napatunayan na 'to sa show ko
nina Cab Calloway, Ella Fitzgerald,

287
00:24:42,314 --> 00:24:47,402
Louis Armstrong, Hazel Scott,
ng Ink Spots, at ni Lena Horne.

288
00:24:53,575 --> 00:24:57,746
Ang mga act na 'to na laging mahusay
ay mas gumaganda pa sa telebisyon,

289
00:24:58,830 --> 00:25:00,916
dahil di tulad sa malaking teatro,

290
00:25:01,708 --> 00:25:03,168
may front-row seat ang lahat.

291
00:25:07,631 --> 00:25:08,632
Encore!

292
00:25:16,932 --> 00:25:18,558
Di kalakihan ang kita nila.

293
00:25:19,684 --> 00:25:21,353
Pero nang kailanganin ko ng tulong,

294
00:25:21,436 --> 00:25:24,523
naging tapat at mapang-unawa
ang mga Black na artista.

295
00:25:27,526 --> 00:25:30,654
Alam ko mismo na kung wala sila,

296
00:25:30,737 --> 00:25:33,657
magiging bangungot
ang mga unang araw ng telebisyon.

297
00:25:35,408 --> 00:25:39,621
Walang humpay ang kuryosidad
ni Ed Sullivan sa mga tao.

298
00:25:40,372 --> 00:25:41,831
Lahat ng klase ng tao.

299
00:25:41,915 --> 00:25:46,670
Nakatira ang mga Sullivan sa Delmonico,
dito sa New York, sa nakalipas na 10 taon.

300
00:25:46,753 --> 00:25:47,712
Katunayan,

301
00:25:47,796 --> 00:25:52,092
mula nang ikasal sila 24 years ago,
hotel na ang itinuturing nilang tahanan.

302
00:25:52,175 --> 00:25:53,593
Kapag nakatira ka sa hotel,

303
00:25:53,677 --> 00:25:56,471
wala kang masyadong espasyo
para paglagyan ng mga bagay,

304
00:25:56,555 --> 00:25:59,224
kaya mahalagang-mahalaga
ang mga pipiliin mong itago.

305
00:25:59,307 --> 00:26:01,893
Marami kaming pictures ni Betty,
ang nag-iisa naming anak.

306
00:26:01,977 --> 00:26:04,479
Ed, tingin ko, may pares ka ng sapatos sa…

307
00:26:04,563 --> 00:26:06,356
Oo. Nandito.

308
00:26:07,148 --> 00:26:08,858
Mabuti't pinaalala mo

309
00:26:08,942 --> 00:26:11,528
dahil sapatos 'to
ng sikat na sikat na performer

310
00:26:11,611 --> 00:26:12,654
at dakilang Amerikano.

311
00:26:12,737 --> 00:26:17,200
Sapatos 'to ni Bill "Bojangles" Robinson.
Huling sapatos na sinuot niya.

312
00:26:17,284 --> 00:26:20,537
Mapapansin mo 'yong magaang suwelas
na laging sinasabi ni Bill

313
00:26:20,620 --> 00:26:22,122
na nakatulong sa pagsasayaw niya.

314
00:26:22,956 --> 00:26:25,083
Para sa 'kin, at sigurado akong totoo 'to,

315
00:26:25,166 --> 00:26:30,672
na kung di masyadong sumobra
si Bill Robinson sa pagtulong sa iba,

316
00:26:30,755 --> 00:26:34,050
buhay pa sana siya,
at hindi namatay sa atake sa puso.

317
00:26:34,134 --> 00:26:36,553
Pero nagpatuloy lang si Bill
hanggang sa dulo.

318
00:26:38,221 --> 00:26:41,266
Nang asikasuhin namin ang libing niya,
pakiramdam naming lahat

319
00:26:41,349 --> 00:26:45,437
na kahit namatay si Bill na walang-wala
gaya ng ibang matulunging mga performer,

320
00:26:45,520 --> 00:26:47,397
dapat siyang bigyan ng libing

321
00:26:47,480 --> 00:26:50,609
na naaangkop sa kadakilaan niya
bilang Amerikano.

322
00:26:56,114 --> 00:26:58,283
Pinayagan nila
ang lahat ng estudyante sa Harlem

323
00:26:58,366 --> 00:26:59,868
na huwag nang pumasok sa hapon.

324
00:26:59,951 --> 00:27:03,872
Kaya nang dumaan ang karo niya
mula sa simbahan sa Harlem,

325
00:27:03,955 --> 00:27:08,001
libo-libong kabataang Black
ang nag-aabang sa sidewalk.

326
00:27:09,377 --> 00:27:12,339
At umabot 'yon
hanggang sa labas ng Harlem.

327
00:27:15,216 --> 00:27:16,301
Nagmalasakit siya.

328
00:27:16,968 --> 00:27:21,222
At gusto niyang maintindihan
ng audience niya

329
00:27:21,306 --> 00:27:24,768
na maraming talento
ang nangangailangan ng exposure.

330
00:27:25,268 --> 00:27:26,895
Miss Dionne Warwick.

331
00:27:26,978 --> 00:27:28,313
At handa siyang ibigay 'yon

332
00:27:28,396 --> 00:27:32,233
para maipagpatuloy namin
ang gusto ng karamihan na gawin namin,

333
00:27:32,317 --> 00:27:33,943
ang magbigay-aliw.

334
00:27:34,027 --> 00:27:37,906
At pakitaan sila ng bagay
na di nila mahahanap sa iba.

335
00:27:39,199 --> 00:27:43,495
At ngayon… para sa nakamamanghang
Gladys Knight & the Pips.

336
00:28:14,484 --> 00:28:16,444
Ang panauhin natin ngayong gabi

337
00:28:16,528 --> 00:28:19,739
ay ang kagalang-galang na Herman Talmadge,
gobernador ng Georgia.

338
00:28:19,823 --> 00:28:22,617
Governor, alam ko
na ang lokal na kaugalian at tradisyon

339
00:28:22,701 --> 00:28:27,580
ay tutol sa racial mingling,
pero paano 'to malulutas balang-araw?

340
00:28:27,664 --> 00:28:32,711
Gusto naming panatilihin ang segregation,
anuman ang mangyari.

341
00:28:48,977 --> 00:28:52,480
Pinayuhan ako na hindi tama
ang gumamit ng mga Black performer.

342
00:28:52,564 --> 00:28:55,734
Sabi nila, gumamit ka ng Black performers,
magagalit ang mga taga-South

343
00:28:55,817 --> 00:28:58,695
at papatayin nila ang TV.
Sabi ko naman, di ako naniniwala.

344
00:28:59,195 --> 00:29:02,240
Inorganisa ni Asa Carter ng Alabama
ang boycott.

345
00:29:02,741 --> 00:29:04,826
Itinuturing namin itong plano

346
00:29:04,909 --> 00:29:09,372
para pahinain ang moral na pamantayan
ng lahing Anglo-Saxon

347
00:29:09,998 --> 00:29:12,292
at ipantay ito sa antas ng mga Itim.

348
00:29:16,588 --> 00:29:18,882
Nakakatanggap kami ng sulat
mula sa mga taga-South,

349
00:29:18,965 --> 00:29:21,885
at sumusulat sila
at nakikiusap na pabalikin daw sila.

350
00:29:21,968 --> 00:29:23,845
Na-enjoy nila si ganito, si ganyan.

351
00:29:24,429 --> 00:29:27,348
At base ang enjoyment nila
sa performance ng tao.

352
00:29:31,144 --> 00:29:34,898
Gusto ng mga puti sa South
na huwag na itong mabago.

353
00:29:34,981 --> 00:29:37,442
Maraming taong di pamilyar dito

354
00:29:37,942 --> 00:29:41,446
ang di nakakaunawa kung gaano kalalim
o gaano kalawak ang saklaw nito.

355
00:29:41,529 --> 00:29:44,574
Bumuo kami ng 20-man committee

356
00:29:44,657 --> 00:29:50,121
na magpapahinto sa bastos at malahayop
na rock and roll ng mga negro.

357
00:29:50,205 --> 00:29:54,042
Maaatim ba ninyo na ang dalisay
at maputi ninyong anak na babae

358
00:29:54,626 --> 00:30:00,089
na kasama ang malaunggoy ang buhok, labi,
amoy, at mukha na negro…

359
00:30:00,673 --> 00:30:03,968
-Maaatim ba ninyo 'yon?
-Hindi!

360
00:30:04,052 --> 00:30:06,971
-May gagawin ba kayo?
-Oo!

361
00:30:07,555 --> 00:30:10,809
Mukhang kailangan
ng kaunting init ng ulo ng Irish no'n.

362
00:30:10,892 --> 00:30:13,144
Hindi, hindi nakatulong
ang init ng ulo no'n.

363
00:30:13,895 --> 00:30:17,774
Ang mga pahayag ni Governor Talmadge
na dapat pagbawalan ang mga Black

364
00:30:17,857 --> 00:30:20,777
sa mga TV show kung saan nagtatanghal
ang mga puting performer

365
00:30:20,860 --> 00:30:24,197
ay parehong kalokohan at napakasama.

366
00:30:25,031 --> 00:30:28,868
Alam kong di dapat ako magbigay ng pera

367
00:30:28,952 --> 00:30:33,456
sa pamamagitan ng pagbili ng produkto
sa sinuman na tumutulong sa integrasyon,

368
00:30:33,540 --> 00:30:36,668
degradasyon,
at kahayupang ginagawa sa mga puti.

369
00:30:36,751 --> 00:30:39,087
Kagagaling ko lang sa probinsiya.

370
00:30:39,170 --> 00:30:43,174
Ang pagbo-broadcast sa bansang 'to
ay advertising business,

371
00:30:43,258 --> 00:30:46,553
kaya naman, kailangang ibigay sa mamimili
ang dapat mapasakanya.

372
00:30:46,636 --> 00:30:49,514
"BAKA GUSTO NG SPONSORS NIYA
NA MAGBENTA NG KOTSE SA MGA BLACK."

373
00:30:49,597 --> 00:30:51,850
Mabibilib kayo sa di ko pwedeng gawin.

374
00:30:52,559 --> 00:30:54,394
Kapag may Black performer ako,

375
00:30:55,144 --> 00:30:58,064
binabalaan ako ng mga censor ng CBS
na huwag masyadong lumapit.

376
00:30:58,147 --> 00:31:00,942
Sinasabi nilang
may mabuti tayong kaibigan sa audience.

377
00:31:01,025 --> 00:31:03,236
Joe Louis!
Ang heavyweight champion ng mundo.

378
00:31:03,319 --> 00:31:04,362
Sige. Akyat na.

379
00:31:04,863 --> 00:31:07,866
Sinabihan akong huwag makipagkamay
kay Joe Louis.

380
00:31:07,949 --> 00:31:10,660
Wala ka nang perang
makukuha sa 'kin, champion.

381
00:31:10,743 --> 00:31:12,370
Joe, masaya akong makita ka.

382
00:31:12,871 --> 00:31:16,541
Binatikos ako
nang inakbayan ko si Ethel Waters.

383
00:31:16,624 --> 00:31:18,251
-Salamat.
-Salamat.

384
00:31:18,835 --> 00:31:22,088
Pero sa anumang panahon,
at lalo na sa panahon ngayon…

385
00:31:22,171 --> 00:31:24,173
Masaya akong nakabalik ka ulit sa show.

386
00:31:24,257 --> 00:31:28,136
…ang kapangyarihan ng simpleng mga salita
ay napakahalaga

387
00:31:28,219 --> 00:31:30,054
sa tunggalian ng ideolohiya.

388
00:31:31,472 --> 00:31:34,309
Kinakausap ko kayo
bilang tunay na Amerikano.

389
00:31:34,893 --> 00:31:38,104
Nakikita ko ang mga Itim
na hawak ang mga trabahong para sa atin!

390
00:31:38,605 --> 00:31:42,650
Kung hahayaan natin ito, ano'ng mangyayari
sa ating mga totoong Amerikano?

391
00:31:43,276 --> 00:31:47,447
Mga komunistang nang-uudyok
at nagpapanggap na civil rights leaders

392
00:31:47,530 --> 00:31:51,910
na umaasang makakuha ng matinding suporta
para sa mga plano nila.

393
00:31:52,827 --> 00:31:56,539
Marami ang naloko para tumulong
sa pagbuo ng animo'y suporta ng publiko

394
00:31:56,623 --> 00:31:59,584
para sa sabwatan
na ikinukubli ang tunay nitong layunin

395
00:31:59,667 --> 00:32:01,794
na magtatag ng Soviet Republic
ng mga Itim,

396
00:32:01,878 --> 00:32:07,508
sa likod ng humanitarian na mga placard
na para sa karapatang sibil at kapayapaan.

397
00:32:07,592 --> 00:32:12,055
Malapit na akong makumbinsi
na ang pinakapasimuno nito

398
00:32:12,138 --> 00:32:14,599
ay isang malakomunistang front.

399
00:32:14,682 --> 00:32:19,479
Tingin ko, malakomunistang front
ang nagpasinumo sa lahat ng 'to.

400
00:32:20,563 --> 00:32:22,899
Balot na balot ng racism ang buhay
ng mga Amerikano

401
00:32:22,982 --> 00:32:26,986
na nagawa nitong mapasok
ang kaloob-looban,

402
00:32:27,070 --> 00:32:29,238
ang puso't isipan
ng kalalakihan at kababaihan.

403
00:32:29,948 --> 00:32:33,284
At napakatindi ng impluwensiya nito
sa sarili kong buhay.

404
00:32:33,368 --> 00:32:35,995
May mga anak ako.
Mataas ang pangarap ko para sa kanila.

405
00:32:36,079 --> 00:32:38,164
Sampung taon na ang anak kong lalaki,

406
00:32:38,247 --> 00:32:40,875
at ipapaunawa ko sa kanya ang kahit na ano

407
00:32:41,542 --> 00:32:46,673
para lang maging malaya siya
sa anumang primitibo, medieval,

408
00:32:46,756 --> 00:32:50,969
alam mo na,
mga konsepto ng pekeng patriyotismo,

409
00:32:51,052 --> 00:32:53,972
mga hangganan,
at kahulugan ng mga bandila.

410
00:32:54,055 --> 00:32:57,517
Higit pa ang mga tao
sa mga sinaunang simbolong ito.

411
00:32:58,726 --> 00:33:03,398
May kalalakihan tayo sa audience,
ang sikat na Blue Angels ng US Navy.

412
00:33:03,481 --> 00:33:05,441
Pwede bang tumayo kayong lahat?

413
00:33:08,653 --> 00:33:12,991
Tumawag ang agent ko
at sinabing inimbitahan ako ni Ed Sullivan

414
00:33:13,074 --> 00:33:14,534
na pumunta sa show.

415
00:33:15,118 --> 00:33:19,455
Ladies and gentlemen, makakasama natin
si Harry Belafonte sa susunod na linggo,

416
00:33:19,539 --> 00:33:21,874
ang unang paglabas niya sa TV.

417
00:33:24,502 --> 00:33:29,215
Tuwang-tuwa ako
dahil career launcher 'yon.

418
00:33:30,675 --> 00:33:32,760
Habang naghahanda,

419
00:33:32,844 --> 00:33:39,726
may tumawag,
"Sinabihan kami ng CBS na hindi ka ieere.

420
00:33:40,560 --> 00:33:42,228
"Blacklisted ka."

421
00:33:42,311 --> 00:33:45,106
Sobrang aktibo mo
sa Civil Rights Movement, tama ba?

422
00:33:45,189 --> 00:33:46,107
Tama.

423
00:33:46,607 --> 00:33:48,317
Pwede mo bang sabihin ang papel mo…

424
00:33:48,401 --> 00:33:52,071
Sa ganitong mala-McCarthy na atmosphere,
nakagawian nang huwag magpakilala

425
00:33:52,155 --> 00:33:56,451
ng mga tulad naming kumatawan
sa boses ng left-wing politics.

426
00:33:57,785 --> 00:34:02,915
Nang malaman ni Sullivan,
inis na inis siya.

427
00:34:06,544 --> 00:34:10,631
Nang lumabas ang pangalan
ni Harry Belafonte, nagsaliksik ako.

428
00:34:10,715 --> 00:34:13,217
Nalaman kong Katoliko si Harry.

429
00:34:13,301 --> 00:34:14,844
At tinawagan ko ang pari niya.

430
00:34:15,470 --> 00:34:18,681
Bilang Amerikano,
kinamumuhian ko ang komunismo.

431
00:34:18,765 --> 00:34:23,019
Anumang "-ismo" na kontra sa mabuti
at dati nang Amerikanismo.

432
00:34:25,688 --> 00:34:30,693
Gusto niya 'kong makausap nang personal,
kaya inimbitahan niya 'ko sa hotel niya.

433
00:34:31,569 --> 00:34:34,572
Sabi niya, "Sinabihan ako
na bawal ka sa show ko

434
00:34:34,655 --> 00:34:40,078
"dahil masyado mong pinapaboran
ang ideolohiyang komunismo,

435
00:34:40,912 --> 00:34:43,539
"at gumagawa ka raw ng kalokohan

436
00:34:43,623 --> 00:34:46,042
"na hindi makakabuti sa interes ng bansa."

437
00:34:46,542 --> 00:34:48,211
Sabi ko, "Alam mo, Mr. Sullivan,

438
00:34:48,294 --> 00:34:52,715
"lahat ng sinabi mong ginawa ko

439
00:34:53,549 --> 00:34:54,634
"ay totoo.

440
00:34:55,802 --> 00:34:57,303
"Pero sabihin mo nga.

441
00:34:57,386 --> 00:35:00,640
"Nang labanan ng mga Irish
ang mga British,

442
00:35:01,474 --> 00:35:04,519
"ang pagrerebelde
ay itinuring na kabayanihan

443
00:35:05,019 --> 00:35:08,898
"ng lahat ng mamamayang Irish sa mundo.

444
00:35:09,941 --> 00:35:13,945
"Pakipaliwanag sa 'kin ang pagkakaiba
kapag kaming mga hindi puti

445
00:35:14,028 --> 00:35:17,865
"ang nagwewelga rin
laban sa parehong pang-aapi.

446
00:35:18,866 --> 00:35:21,911
"Malabayani ang mga rebeldeng Irish
na gumagawa no'n.

447
00:35:21,994 --> 00:35:24,914
"Pero ang mga Black na rebelde,
hindi 'makabayan'."

448
00:35:25,581 --> 00:35:30,378
Naisip namin, hindi 'to tungkol
sa katapatan sa bayan,

449
00:35:30,461 --> 00:35:33,131
kundi pagiging tapat sa kalagayan ng tao,

450
00:35:33,631 --> 00:35:37,385
at labis na inaabuso ang pagkatao namin.

451
00:35:39,011 --> 00:35:42,265
Umalis ako sa meeting
nang walang naaayos na kahit na ano,

452
00:35:42,348 --> 00:35:48,187
at wala pa sigurong isa o dalawang oras
nang makabalik ako sa opisina,

453
00:35:48,688 --> 00:35:51,691
nakatanggap ako ng tawag
mula sa agent ko, at ang sabi niya,

454
00:35:51,774 --> 00:35:56,362
"Di ko alam kung ano'ng sinabi mo
kay Sullivan, pero tuloy ka na sa show."

455
00:36:00,658 --> 00:36:04,078
Ngayon, ladies and gentlemen,
ang pinakahihintay nating sandali.

456
00:36:04,787 --> 00:36:07,331
Isa siya sa pinakamahuhusay na artista
ng ating bansa

457
00:36:07,415 --> 00:36:09,667
at isa sa pinakamahuhusay na artista
sa mundo.

458
00:36:09,750 --> 00:36:13,880
Heto na si… Harry Belafonte!
Papasukin na natin siya!

459
00:37:54,021 --> 00:37:57,149
Nang unang isalang ng writer na 'to
si Belafonte sa TV,

460
00:37:57,233 --> 00:37:59,819
pinatunayan nitong
tatanggapin siya ng South

461
00:37:59,902 --> 00:38:02,154
sa mga tahanan nila tuwing Linggo ng gabi.

462
00:38:03,781 --> 00:38:07,743
Posibleng magawa ni Harry Belafonte
ang napakaimportanteng trabaho

463
00:38:07,827 --> 00:38:09,495
para sa American power.

464
00:38:11,372 --> 00:38:14,083
Pero bigla na lang, kaming mga sinisiraan,

465
00:38:14,166 --> 00:38:16,294
binablacklist, at kung ano-ano pa…

466
00:38:17,086 --> 00:38:21,340
'Yong makita kami sa lente ng TV camera,

467
00:38:21,424 --> 00:38:25,636
sa programa
na itinuturing na "pinaka-Amerikano",

468
00:38:25,720 --> 00:38:28,306
dahil Amerikanong-Amerikano si Sullivan,

469
00:38:28,389 --> 00:38:32,518
mas marami nang tao ang nakakita
sa makataong aspekto ng usapin

470
00:38:32,601 --> 00:38:35,646
na humamon sa realidad ng politika
ng mga panahong 'yon.

471
00:38:39,775 --> 00:38:42,653
Alam mo, ang daming nagre-request
pagkatapos mong mag-guest.

472
00:38:42,737 --> 00:38:47,450
Sabi nila, "Pwede bang minsan,
paupuin n'yo si Nat King Cole sa piano

473
00:38:47,533 --> 00:38:49,493
"at patugtugin ng kanta para sa 'min?"

474
00:38:49,577 --> 00:38:50,411
Oo ba.

475
00:38:50,494 --> 00:38:51,662
-Gagawin mo?
-Sige.

476
00:39:13,893 --> 00:39:15,936
Ito ang United States Supreme Court.

477
00:39:16,020 --> 00:39:18,898
Nitong ika-17 ng Mayo,
nagkakaisang idineklara ng korte

478
00:39:18,981 --> 00:39:22,276
na ang segregation
sa mga pampublikong paaralan ay ilegal.

479
00:39:22,777 --> 00:39:25,363
May bagong Itim sa South

480
00:39:26,280 --> 00:39:30,034
na may panibagong pang-unawa
ng dignidad at kapalaran.

481
00:39:32,870 --> 00:39:36,957
Ginawa ni Governor Davis at ng lehislatura
ang lahat ng legal na pamamaraan

482
00:39:37,041 --> 00:39:39,335
para mapigil o mahinto ang integrasyon.

483
00:39:39,418 --> 00:39:41,379
Nambato ang mga segregationist.

484
00:39:47,301 --> 00:39:51,180
Sobrang hirap ng sitwasyon sa race,
lalo na sa South,

485
00:39:51,263 --> 00:39:54,517
pero kapag talagang mahal mo
ang ginagawa mong trabaho,

486
00:39:55,184 --> 00:39:57,686
para kang nabubuhay
sa pinakamasaya mong panaginip.

487
00:39:57,770 --> 00:39:59,313
Batang-bata ang pakiramdam.

488
00:40:00,606 --> 00:40:03,734
Na parang di ka pa gano'n katanda
para matakot, alam mo 'yon?

489
00:40:12,243 --> 00:40:13,619
Di ka gano'n mag-isip.

490
00:40:14,495 --> 00:40:16,288
Minsan, mabibigla ka na lang.

491
00:40:21,877 --> 00:40:24,630
Ito ang maputik na kakahuyan
ng Ilog Tallahatchie

492
00:40:24,713 --> 00:40:26,757
kung saan natagpuan ang pinalubog na labi

493
00:40:26,841 --> 00:40:29,385
ng diumano'y batang Emmett Till.

494
00:40:29,885 --> 00:40:31,137
Di ko 'yon makakalimutan.

495
00:40:31,220 --> 00:40:36,016
Fifteen years old ako nang makita namin
ang ginawa nila kay Emmett Till.

496
00:40:38,185 --> 00:40:40,771
At di ko… Kasi nagiging emosyonal ako.

497
00:40:46,944 --> 00:40:50,030
Nag-perform kami sa lugar
kung saan binaril si Emmett Till.

498
00:40:51,073 --> 00:40:53,409
Pinalitan na nila 'yong pangalan ng lugar.

499
00:40:53,993 --> 00:40:57,663
Hindi namin makakalimutan 'yong nangyari
at kung saan nangyari dahil lang do'n.

500
00:40:59,790 --> 00:41:01,834
Napakaraming nangyari.

501
00:41:02,835 --> 00:41:04,211
Binabaril kami…

502
00:41:05,337 --> 00:41:06,755
sa tour bus namin.

503
00:41:08,174 --> 00:41:10,593
Tinatawag ng N-word
dahil gusto naming kumain.

504
00:41:11,260 --> 00:41:14,054
Malalaman mo
kung gaano ka kalakas o katatag.

505
00:41:14,555 --> 00:41:17,183
Kailangan mo 'yong lampasan.
Di ka pwedeng tumigil.

506
00:41:17,683 --> 00:41:19,602
Di mo sila pwedeng hayaang pigilan ka.

507
00:41:19,685 --> 00:41:21,729
So ano'ng gagawin mo? Lumaban.

508
00:41:25,107 --> 00:41:28,527
'KING' COLE, INATAKE SA CONCERT

509
00:41:31,906 --> 00:41:36,118
NAT KING COLE, PINATUMBA
SA SAHIG NG GRUPO NG MGA PUTI

510
00:41:36,202 --> 00:41:37,953
Nat, saan ka pupunta ngayon?

511
00:41:38,037 --> 00:41:39,121
Sa Raleigh.

512
00:41:39,622 --> 00:41:41,665
Raleigh? Itutuloy mo ang Southern tour mo?

513
00:41:41,749 --> 00:41:43,667
Hindi kumpletong Southern tour.

514
00:41:43,751 --> 00:41:46,253
Apat na araw na lang din naman
ang meron kami.

515
00:41:46,337 --> 00:41:48,797
Sabi nila, kaya ka raw inatake
ng kalalakihang 'yon

516
00:41:48,881 --> 00:41:51,759
ay dahil ayaw nila sa rock and roll music

517
00:41:51,842 --> 00:41:53,969
at sinasabi nilang music ng mga "Itim".

518
00:41:54,053 --> 00:41:55,846
Ano'ng masasabi mo ro'n?

519
00:41:55,930 --> 00:41:57,890
Wala 'yon sa kinakanta ko.

520
00:41:57,973 --> 00:42:01,143
Kahit "Nearer My God to Thee"
ang kantahin ko, gagawin pa rin nila.

521
00:42:01,227 --> 00:42:02,394
'Yong gano'ng tipo.

522
00:42:03,187 --> 00:42:06,273
Di mo naman inaasahan
na mauulit 'yon sa Birmingham?

523
00:42:06,357 --> 00:42:09,944
Hindi naman. Siyempre, di mo masasabi.
'Yon nga, di namin inasahan, e.

524
00:42:10,027 --> 00:42:13,447
Ito ba ang mga baril na nahanap sa kotse
pagkatapos atakihin si King Cole?

525
00:42:13,531 --> 00:42:15,491
-Ito nga ho.
-May bala ba?

526
00:42:15,574 --> 00:42:16,951
-Kargado po.
-Kargado.

527
00:42:17,034 --> 00:42:19,286
Dalawa ang kinasuhan
sa tangkang pagpatay, tama?

528
00:42:19,370 --> 00:42:20,287
Tama.

529
00:42:20,955 --> 00:42:24,416
Dahil bata pa ako noon sa show business,
saka ko na lang nalaman

530
00:42:24,500 --> 00:42:28,170
kung bakit kami natulog sa bus stations
at kung bakit kailangang lumapit sa pulis

531
00:42:28,254 --> 00:42:31,340
para magtanong kung kaninong
Black na pamilya pwedeng tumuloy.

532
00:42:32,049 --> 00:42:37,054
Tingin mo ba, sa pamamagitan ng tour mo,
naisusulong mo ang integration sa South?

533
00:42:37,680 --> 00:42:41,225
Oo. Maraming tao na ang nagtanong sa 'kin,

534
00:42:41,308 --> 00:42:44,061
bakit ako tumutugtog
sa segregated na mga audience?

535
00:42:44,144 --> 00:42:46,689
Pero sa pagiging Black performer

536
00:42:46,772 --> 00:42:49,108
at pagkakaroon ng puti
at di-puting audience,

537
00:42:49,191 --> 00:42:51,443
malaki ang naitutulong mo
na mapagsama-sama sila.

538
00:42:51,527 --> 00:42:53,445
Hindi ko sakop ang batas.

539
00:42:53,529 --> 00:42:56,740
Siyempre, di ko kinukunsinti
ang segregated na audience. Kahit kailan.

540
00:42:57,324 --> 00:43:00,411
Pero di ko magagawang umakyat sa entablado
ng anumang state

541
00:43:00,494 --> 00:43:03,122
at sabihing "Gusto ko ng integration".

542
00:43:04,623 --> 00:43:09,920
Pinalakpakan si King Cole nang 15 minuto
ng mga taong nakakita sa pag-atake,

543
00:43:10,004 --> 00:43:13,757
malamang isa sa mga pampagaan ng kalooban
sa kasalukuyang tensiyon.

544
00:43:15,050 --> 00:43:19,179
May pwedeng magawa,
pero kailangang maging laban ito ng lahat.

545
00:43:21,056 --> 00:43:23,017
Dalawang karapat-dapat na headliner…

546
00:43:23,892 --> 00:43:26,729
…Tony Martin at Nat King Cole!

547
00:43:34,069 --> 00:43:35,613
-Martin.
-Cole.

548
00:43:36,113 --> 00:43:37,323
-Natutuwa ako.
-Masaya ako.

549
00:43:37,406 --> 00:43:38,699
-Magaling.
-Kahanga-hanga.

550
00:43:38,782 --> 00:43:39,783
Sige.

551
00:43:51,920 --> 00:43:55,174
-Lagi kang nakasumbrero sa trabaho?
-Minsan.

552
00:43:55,257 --> 00:43:57,301
-Kailan?
-Kapag maaraw.

553
00:43:57,384 --> 00:44:00,471
-Paano kapag maulan?
-Bumabalik ako sa sunny side.

554
00:44:00,554 --> 00:44:02,056
Kung gano'n, bilisan na natin.

555
00:44:27,122 --> 00:44:29,416
Gaya ng sabi ko, di ka pwedeng tumigil.

556
00:44:29,500 --> 00:44:30,668
Hindi kami tumigil.

557
00:44:31,251 --> 00:44:32,294
Alam n'yo 'yan.

558
00:44:39,385 --> 00:44:42,137
Mr. Cole, lagi kong ikinagagalak
na makatrabaho ka.

559
00:44:42,221 --> 00:44:43,722
Ikaw rin, Mr. Martin.

560
00:44:43,806 --> 00:44:46,475
Tingin ko, umalis na tayo.
Sayang ang oras.

561
00:44:46,558 --> 00:44:48,519
Oo nga, bago pa kumupas ang suot natin.

562
00:44:59,029 --> 00:45:02,199
Nasa eksena kami kasama ang taong
nasa likod ng malaking palabas.

563
00:45:02,282 --> 00:45:06,829
Nakausap ni Patrick Watson si Ed Sullivan
tungkol sa showmanship, at… nandiyan ka.

564
00:45:07,454 --> 00:45:10,833
Heto ang isang bagay na hindi lahat
ay may pribilehiyong makita.

565
00:45:10,916 --> 00:45:14,586
Masasaksihan ninyo
na talagang ngingiti si Ed Sullivan.

566
00:45:15,421 --> 00:45:18,298
Katunayan, kilala siya
bilang taong gagawin ang lahat

567
00:45:18,382 --> 00:45:20,759
para makuha ang lahat ng tama
sa harap ng mga camera.

568
00:45:21,301 --> 00:45:24,930
Noon pa man, naniniwala na ako
na isang misteryo ang tagumpay,

569
00:45:25,764 --> 00:45:30,018
mga bagay na ikaw mismo ang gumagawa
at mga bagay na nangyayari sa 'yo.

570
00:45:31,145 --> 00:45:37,192
May weekly national audience ang show ko
na umaabot mula 35 hanggang 50 milyon.

571
00:45:37,693 --> 00:45:39,570
Kung may isinalang man ako sa show,

572
00:45:39,653 --> 00:45:42,322
kutob itong nagsasabi
na magugustuhan ito ng mga tao.

573
00:45:42,906 --> 00:45:46,326
Iyon ang pinaniniwalaan kong sikreto
sa tagumpay ko.

574
00:45:52,166 --> 00:45:54,251
Ngayon naman, ladies and gentlemen…

575
00:46:01,592 --> 00:46:04,720
heto na si Elvis Presley!

576
00:46:31,121 --> 00:46:33,624
ELVIS, UMINDAK GAMIT ANG PELVIS
(PATI NA AUDIENCE) SA SULLIVAN SHOW

577
00:46:33,707 --> 00:46:36,877
PRESLEY, PINATAAS ANG RATINGS
NG SULLIVAN SHOW

578
00:46:36,960 --> 00:46:41,006
TOP NETWORKS, PINAGLABAN ANG MGA KAMPEON
PARA TUMAAS ANG RATINGS

579
00:46:56,522 --> 00:46:58,482
Importante ba na magustuhan?

580
00:46:58,565 --> 00:47:01,068
Nag-aalala ka ba
kung may taong ayaw sa 'yo?

581
00:47:01,151 --> 00:47:02,986
-Oo, nababahala ako.
-Talaga?

582
00:47:03,070 --> 00:47:04,655
Gusto kong magustuhan ako,

583
00:47:05,197 --> 00:47:09,159
at kapag may nabasa akong,
alam mo na, sobrang sama.

584
00:47:09,243 --> 00:47:13,705
Sobra akong nababahala.
Siguro masyado akong sensitive.

585
00:47:14,540 --> 00:47:17,167
Dito na tayo nagtatapos,
at wag kalilimutan!

586
00:47:17,251 --> 00:47:20,587
Siguraduhin n'yong pumunta kayo,
para sa amin ng pamilya ko,

587
00:47:20,671 --> 00:47:23,632
sa Lincoln-Mercury dealers n'yo
at sabihin n'yo kung gusto n'yo.

588
00:47:23,715 --> 00:47:25,801
Good night. Napakahusay ninyong audience.

589
00:47:25,884 --> 00:47:28,428
Ano ang pinakamasaklap na sandali
ng karera mo?

590
00:47:28,512 --> 00:47:32,182
May nagsabi na noong nabalitaan mo raw
na may nag-iikot,

591
00:47:32,266 --> 00:47:37,187
sinusubukang ibenta ang show mo
sa isang sponsor, kasama ka man o hindi.

592
00:47:37,271 --> 00:47:38,605
Network ang nag-offer.

593
00:47:38,689 --> 00:47:43,193
Request na mag-sponsor,
kasama man o hindi si Ed Sullivan.

594
00:47:43,277 --> 00:47:48,240
Kaya sobrang nakakalungkot 'yon.

595
00:47:49,616 --> 00:47:54,454
Nang gabing 'yon, nang matulog ako,
may note na iniwan si Betty sa unan,

596
00:47:55,080 --> 00:47:58,417
ang nakalagay, "Manalo, matalo,
o tabla man, mahal kita."

597
00:48:00,794 --> 00:48:05,465
Sa paglipas ng mga taon,
wala nang mga salita pang mas naglarawan

598
00:48:06,341 --> 00:48:08,635
sa debosyon naming tatlo.

599
00:48:09,928 --> 00:48:12,055
At alam na alam ko
ang ibig niyang sabihin.

600
00:48:13,140 --> 00:48:17,561
Mrs. Sullivan, mahirap ba siyang kasama
pagkatapos ng problemadong araw sa studio?

601
00:48:18,061 --> 00:48:20,981
Tingin ko,
di naman siya sobrang hirap na kasama,

602
00:48:21,064 --> 00:48:24,067
at alam ko na no'ng araw
na nakalaro niya sa golf si Ben Hogan,

603
00:48:24,151 --> 00:48:25,903
napakasaya niyang kasama.

604
00:48:28,697 --> 00:48:30,657
Ayaw na ayaw ko sa negatibong kritisismo.

605
00:48:32,200 --> 00:48:33,285
Mabilis akong sumabog.

606
00:48:34,995 --> 00:48:36,788
Palakpakan natin si Nina Simone.

607
00:48:42,419 --> 00:48:46,715
Papasok si Sylvia at sasabihing
"I-type mo, ilagay mo sa sobre,

608
00:48:46,798 --> 00:48:49,468
at kapag tapos ka na, punitin mo."

609
00:48:59,394 --> 00:49:01,939
Gagawin ko ang lahat,
maliban sa punitin 'yon.

610
00:49:03,899 --> 00:49:06,109
Minsan, may sulat akong nagsimula sa

611
00:49:06,193 --> 00:49:11,198
"Dear Ms. Van Home,
Putang ina mo. Taos-puso, Ed Sullivan."

612
00:49:20,874 --> 00:49:23,293
Sa TV, nagpakatotoo ako.

613
00:49:23,794 --> 00:49:26,296
At 'yon lang ang bagay
na nagligtas sa 'kin.

614
00:49:26,380 --> 00:49:29,007
Kapag sinubukan kong pekein ang ngiti ko,

615
00:49:29,091 --> 00:49:31,802
isinuka na siguro ako ng publiko.

616
00:49:32,636 --> 00:49:37,265
Naaalala kong may mga taga-Lincoln Mercury
na natatakot na papuntahin ako sa South,

617
00:49:37,349 --> 00:49:40,936
dahil nagtampok kami ng mahuhusay
na nagkataong mga Black

618
00:49:41,019 --> 00:49:45,273
at nag-aalala sila sa magiging reaksiyon
ng mga Lincoln-Mercury dealer.

619
00:49:45,357 --> 00:49:47,859
May natanggap tayong
ilang napakagandang balita ngayon.

620
00:49:47,943 --> 00:49:51,863
Ayon sa mga Lincoln dealer sa bansa,
ang nabentang 1957 na mga Lincoln

621
00:49:51,947 --> 00:49:53,865
ay higit na kaysa sa nakaraang taon.

622
00:49:53,949 --> 00:49:57,536
At tandaan ninyo, nakaraang taon
ang pinakamalaking taon ng Lincoln.

623
00:49:58,245 --> 00:50:01,456
Ngayon, nakakatawa na lang.

624
00:50:01,540 --> 00:50:03,583
Napatunayan naming kalokohan 'yon.

625
00:50:11,633 --> 00:50:15,220
Pagod na 'kong makipagkamay
sa mga dealer ng Lincoln-Mercury,

626
00:50:15,303 --> 00:50:16,847
pumirma ng mga autograph,

627
00:50:19,433 --> 00:50:22,728
magbihis at magsabi ng mga slogan
na mapapasuka ka.

628
00:50:24,104 --> 00:50:26,314
Wala akong pakialam
kung ano'ng pakiramdam nila!

629
00:50:28,734 --> 00:50:32,779
Pupunta sila sa show,
at kung gusto mong lumabas, sige lang.

630
00:50:34,614 --> 00:50:39,202
Tingin ko, importanteng mapanatili ng show
ang iisang point of view,

631
00:50:40,078 --> 00:50:40,912
point of view ko.

632
00:50:40,996 --> 00:50:42,205
NAGTATALO

633
00:50:42,289 --> 00:50:43,415
PAGWAWALA NI SULLIVAN

634
00:50:43,498 --> 00:50:44,916
NAG-AWAY SA TV

635
00:50:53,133 --> 00:50:56,970
MAHAL NA KABAYARAN NG TV:
LINCOLN, BIBITAWAN NA ANG ED SULLIVAN SHOW

636
00:50:57,054 --> 00:51:03,185
Kung paano nalampasan ni Mr. Sullivan
ang anumang reaksiyon sa ginagawa niya

637
00:51:03,268 --> 00:51:06,354
ay patunay kung gaano siya kalakas.

638
00:51:06,438 --> 00:51:11,610
Hindi siya pwedeng panghimasukan.
Masyado siyang malakas.

639
00:51:16,156 --> 00:51:19,993
-…at gagawin sa abot ng iyong makakaya…
-…at gagawin sa abot ng aking makakaya…

640
00:51:20,077 --> 00:51:22,162
…pangalagaan, protektahan,
at ipagtatanggol

641
00:51:22,245 --> 00:51:24,414
ang Konstitusyon ng Estados Unidos.

642
00:51:24,498 --> 00:51:25,749
…pangalagaan, protektahan…

643
00:51:25,832 --> 00:51:27,667
Sa kauna-unahang pagkakataon,

644
00:51:27,751 --> 00:51:30,337
dinaluhan namin ng misis ko
ang inagurasyon,

645
00:51:30,420 --> 00:51:33,465
at napakalaki nitong pribilehiyo
para sa isang Amerikano.

646
00:51:33,548 --> 00:51:37,969
Lahat kami sa show business
ay nagtitiwalang si Pangulong Kennedy

647
00:51:38,053 --> 00:51:41,765
ay patuloy na gagamitin
ang mga tao sa show business

648
00:51:41,848 --> 00:51:44,017
bilang bukal ng creative thinking,

649
00:51:44,101 --> 00:51:48,396
at mga kinatawan ng kabutihang-loob
sa bansa at mundo.

650
00:51:49,481 --> 00:51:51,066
Talagang nagamit mo ang show mo

651
00:51:51,149 --> 00:51:54,194
paminsan-minsan
bilang instrumento ng patriyotismo.

652
00:51:54,277 --> 00:51:57,823
Para pagnilayan ang mga bagay
na tingin mo ay dapat ipagmalaki.

653
00:51:57,906 --> 00:51:59,908
Kailangan, e, para sa bansa.

654
00:52:01,618 --> 00:52:03,870
Masaya akong nanalo si Jack Kennedy.

655
00:52:03,954 --> 00:52:07,165
Panahon nang kabataang kalalakihan naman
ang umako sa responsibilidad

656
00:52:07,249 --> 00:52:08,917
at magdesisyon sa mga bagay

657
00:52:09,000 --> 00:52:12,170
na madalas kapalpakan
ng mga mas nakatatanda sa kanila.

658
00:52:13,296 --> 00:52:14,881
Magandang gabi sa inyong lahat.

659
00:52:15,590 --> 00:52:17,175
Sa maraming bahagi ng bansa,

660
00:52:17,801 --> 00:52:20,554
maraming pagkakamali ang naidudulot
sa mga mamamayang Itim

661
00:52:20,637 --> 00:52:22,472
at walang mga remedyo ang batas.

662
00:52:22,973 --> 00:52:26,059
Umiiral ang mga problema sa segregation
at diskriminasyon

663
00:52:26,560 --> 00:52:29,479
sa bawat lungsod,
sa bawat state of the union,

664
00:52:30,230 --> 00:52:34,609
na siyang nagdudulot sa maraming lungsod
ng lumulubhang sama ng loob.

665
00:52:35,235 --> 00:52:40,615
Nalalapit na ang matinding pagbabago,
at ang tungkulin at obligasyon natin,

666
00:52:40,699 --> 00:52:43,535
ay isagawa ang rebolusyon,
ang pagbabagong iyon,

667
00:52:43,618 --> 00:52:45,745
nang payapa at konstruktibo para sa lahat.

668
00:52:46,746 --> 00:52:49,958
Kaya naman hinihiling ko sa Kongreso
na gumawa ng batas

669
00:52:50,709 --> 00:52:52,252
na magbibigay ng karapatan sa lahat

670
00:52:52,335 --> 00:52:54,880
na mapagsilbihan sa mga pasilidad
na bukas sa publiko,

671
00:52:54,963 --> 00:52:57,465
pati ang pinaigting na proteksiyon
sa karapatan sa pagboto.

672
00:52:57,549 --> 00:53:00,802
Ngunit hindi kakayanin ng batas
ang problemang ito nang mag-isa.

673
00:53:01,469 --> 00:53:04,389
Kailangan itong malutas
sa tahanan ng bawat Amerikano,

674
00:53:04,472 --> 00:53:07,100
sa bawat komunidad ng ating bansa.

675
00:53:07,184 --> 00:53:09,769
Para mabigyang-katwiran ang telebisyon,

676
00:53:09,853 --> 00:53:13,023
kailangang hindi lamang ito mga pag-awit,
pagsayaw, at pagpapatawa.

677
00:53:13,523 --> 00:53:15,734
Umaasa ako na ang mga tao sa show business

678
00:53:15,817 --> 00:53:19,029
ay magagawang pangatawanan
ang mga obligasyon nila bilang mamamayan.

679
00:53:19,905 --> 00:53:23,241
Naging napakaganda ng samahan namin ni Ed.

680
00:53:23,325 --> 00:53:25,035
-Harry!
-Hi, Ed.

681
00:53:25,118 --> 00:53:28,413
Kumusta? Nakakagulat,
akala ko, mahahanap kita sa location.

682
00:53:28,496 --> 00:53:30,290
-Dito na 'yon.
-Ano?

683
00:53:30,373 --> 00:53:33,168
-Dito. Itong buong bayan.
-Binigay sa 'yo ni Mayor Kelly?

684
00:53:33,251 --> 00:53:34,461
Lahat 'to.

685
00:53:34,544 --> 00:53:36,880
Binigyan niya 'ko ng pagkakataon
na makausap siya

686
00:53:36,963 --> 00:53:40,425
tungkol sa mga bagay
na itinuturing na rebellious.

687
00:53:40,508 --> 00:53:41,343
Ayos.

688
00:53:41,426 --> 00:53:43,595
May humanist side siya.

689
00:53:43,678 --> 00:53:45,805
Sa samahan namin,
'yon ang pinanghawakan ko.

690
00:53:45,889 --> 00:53:49,851
Patuloy kayong ie-entertain
ni Harry Belafonte

691
00:53:49,935 --> 00:53:52,729
kasama si Miriam Makeba
at iba pang mga kamiyembro nila.

692
00:53:52,812 --> 00:53:56,900
May mga hindi natuwa
na binigyan niya kami ng plataporma

693
00:53:56,983 --> 00:53:58,860
dahil sa politika ko.

694
00:53:58,944 --> 00:54:01,363
Ano'ng ginagawa ko
kasama si Miriam Makeba?

695
00:54:01,446 --> 00:54:04,699
Heto siya,
kumanta sa Indigenous na lengguwahe,

696
00:54:04,783 --> 00:54:07,327
na hindi gusto ng mga Amerikano.

697
00:54:09,371 --> 00:54:14,251
Pero nanindigan si Ed,
subukan at tingnan lang natin.

698
00:54:15,669 --> 00:54:18,838
Tagabigay siya ng oportunidad,
lalo na sa mga Black na artist.

699
00:54:18,922 --> 00:54:22,717
Nagbigay siya ng mga oportunidad
at hinayaan ang mga artist sa show niya

700
00:54:22,801 --> 00:54:25,470
na mag-express at makita.

701
00:54:27,681 --> 00:54:31,685
Magsitayuan tayo
para kay Mahalia Jackson, pwede?

702
00:54:58,044 --> 00:54:59,671
Hello, ito si Ed Sullivan.

703
00:54:59,754 --> 00:55:03,341
Ngayong araw, nandito tayo
para siyasatin ang puso't diwa natin

704
00:55:03,425 --> 00:55:06,761
at iwaksi ang di-likas na poot
at takot natin sa ating kapwa.

705
00:55:06,845 --> 00:55:11,266
Ang laban para sa kalayaan
ay laban para sa mithiin ng kapatiran.

706
00:55:24,154 --> 00:55:28,742
Ang panatismo at intolerance, racial
o religious hate at diskriminasyon,

707
00:55:28,825 --> 00:55:30,994
ay mga espiritwal na kataksilan.

708
00:55:31,077 --> 00:55:33,580
Kung saan walang mga legal na remedyo,

709
00:55:33,663 --> 00:55:36,875
idinadaan ang pagtutuwid
sa mga lansangan at protesta.

710
00:55:36,958 --> 00:55:43,214
Mahirap man ako, pero tao rin ako!

711
00:55:48,511 --> 00:55:53,391
Nananawagan kaming makibahagi kayo
sa aming krusada para sa kapatiran.

712
00:55:53,475 --> 00:55:56,644
Ang kapatiran ay nangangahulugang
nagkakaisang Amerika,

713
00:55:56,728 --> 00:56:00,273
at nagkakaisang Amerika na siguro
ang nag-iisang pag-asa

714
00:56:00,357 --> 00:56:01,816
ng watak-watak nating mundo.

715
00:56:06,654 --> 00:56:08,406
-Ako…
-Ako…

716
00:56:08,490 --> 00:56:09,991
-…ay Black!
-…ay Black!

717
00:56:10,075 --> 00:56:11,618
-Maganda!
-Maganda!

718
00:56:11,701 --> 00:56:13,244
-Taas-noo!
-Taas-noo!

719
00:56:13,328 --> 00:56:15,205
-Ako…
-Ako…

720
00:56:15,288 --> 00:56:17,290
-…ay tao rin!
-…ay tao rin!

721
00:56:21,461 --> 00:56:26,925
"Naniniwala kaming maliwanag ang mga ito,
na pantay-pantay ang mga tao."

722
00:56:34,015 --> 00:56:38,520
Mr. Belafonte, nabalitaan naming lahat
na sinabi ni Mr. King na ito na yata

723
00:56:38,603 --> 00:56:43,274
ang pinakamagandang araw para sa kalayaan
sa modernong kasaysayan ng Amerika.

724
00:56:43,358 --> 00:56:45,735
Ang maparito sa Washington ngayon

725
00:56:45,819 --> 00:56:50,532
ay akumulasyon para sa 'kin
ng ilang henerasyon

726
00:56:50,615 --> 00:56:56,830
ng mga Black American na sinusubukang
umapela sa konsensiya

727
00:56:56,913 --> 00:56:58,331
ng white supremacy.

728
00:56:59,874 --> 00:57:03,336
At kaya sobra akong nahihirapan
ay dahil talagang naniniwala ako

729
00:57:03,420 --> 00:57:05,088
sa potensiyal ng bansang 'to.

730
00:57:08,258 --> 00:57:11,719
Magandang hapon, ladies and gentlemen.
Paumanhin kung hinihingal ako,

731
00:57:12,220 --> 00:57:15,515
pero mga 10 o 15 minuto na
ang nakalilipas,

732
00:57:15,598 --> 00:57:17,517
isang trahedya ang nangyari sa Dallas.

733
00:57:17,600 --> 00:57:18,893
Hayaan n'yong basahin ko.

734
00:57:21,396 --> 00:57:24,023
Ito si Walter Cronkite
sa aming newsroom, at…

735
00:57:25,108 --> 00:57:28,862
nagkaroon ng pagtatangka
sa buhay ng Pangulong Kennedy.

736
00:57:28,945 --> 00:57:32,866
Maraming balita ngayong pumapasok

737
00:57:32,949 --> 00:57:35,326
hinggil sa aktuwal na kondisyon
ng pangulo.

738
00:57:35,410 --> 00:57:39,247
Ang isa ay patay na siya.
Hindi pa ito makumpirma.

739
00:57:39,330 --> 00:57:42,417
…maghihintay pa umano tayo
ng mas opisyal na…

740
00:57:54,804 --> 00:57:57,140
Isa 'yon
sa mga pinakamalaking gumimbal sa 'kin.

741
00:57:57,974 --> 00:58:03,646
Kahit kailan, di ko naisip
na sa 20th century,

742
00:58:03,730 --> 00:58:07,358
may magagawang pumatay
sa presidente ng United States.

743
00:58:07,442 --> 00:58:10,278
Alam mo 'yon, imposible 'yon.

744
00:58:13,823 --> 00:58:16,284
Kaya oo, napakasakit no'n.

745
00:58:18,369 --> 00:58:24,375
Pwede nating itanong at isipin,
saan tayo patutungo mula rito?

746
00:58:29,172 --> 00:58:32,425
Sa inyong pinaghihinaan ng loob

747
00:58:32,926 --> 00:58:35,345
dahil sa pagpatay kay JFK,

748
00:58:36,137 --> 00:58:39,432
tanda ng pagiging tao
ang mabahala sa isang krisis.

749
00:58:42,018 --> 00:58:44,354
Ngunit ang kawalan ng pag-asa
ay nagmumula lamang

750
00:58:44,437 --> 00:58:46,439
sa kalokohang bangungot

751
00:58:46,523 --> 00:58:47,899
na wala nang hinaharap.

752
00:58:52,278 --> 00:58:54,531
Panahon ito na puno ng pag-asa.

753
00:58:55,865 --> 00:58:59,911
Kung talagang relihiyoso tayo,
hinding-hindi tayo mawawalan ng pag-asa.

754
00:59:06,876 --> 00:59:09,963
Ginhawa ang bungad ng 1964.

755
00:59:10,463 --> 00:59:13,633
Ginhawang nagtapos na ang taon
kung kailan pinatay ang pangulo,

756
00:59:13,716 --> 00:59:15,426
at posible nang magsimula ulit.

757
00:59:16,052 --> 00:59:21,140
Para sa karamihan sa atin,
wala lamang ang 1964.

758
00:59:21,683 --> 00:59:24,143
Ngunit may ugong
na tila laging nananatili sa atin.

759
00:59:24,227 --> 00:59:26,688
Nariyan lang sa mga lansangan ng siyudad
tuwing umaga

760
00:59:26,771 --> 00:59:29,065
at palutang-lutang
sa mga bintana tuwing gabi,

761
00:59:29,148 --> 00:59:31,734
hanggang sa tila balot na nito ang ere.

762
00:59:33,528 --> 00:59:37,907
Batid ng karamihan sa mga Amerikano
ang melodiya na hindi mawala-wala…

763
00:59:39,951 --> 00:59:41,286
sa Pebrero,

764
00:59:41,995 --> 00:59:45,248
nang dumaan ito sa ating mga border
sa Kennedy International Airport.

765
00:59:59,220 --> 01:00:01,347
Kahapon at ngayong araw,
napuno ang teatro natin

766
01:00:01,431 --> 01:00:03,516
ng mga peryodista at mga photographer,

767
01:00:03,600 --> 01:00:06,185
at sasang-ayon tayo
na ngayon lang nasaksihan ng city

768
01:00:06,269 --> 01:00:09,230
ang siglang hatid ng mga binata na ito
mula Liverpool.

769
01:00:09,314 --> 01:00:11,858
Ladies and gentlemen, The Beatles!

770
01:01:15,213 --> 01:01:18,383
BEATLES, PINANOOD NG 75%
NA TV AUDIENCE SA NEW YORK

771
01:01:18,466 --> 01:01:22,762
BEATLES, NAGPASOK SA SULLIVAN
SA TOP RATING SPOT

772
01:01:22,845 --> 01:01:27,642
Matagal bago nakabalik ang bansa
sa sabihin na nating sense of normalcy.

773
01:01:30,561 --> 01:01:31,813
Matagal na panahon.

774
01:01:34,190 --> 01:01:37,485
Walang memorial oration o eulogy

775
01:01:38,069 --> 01:01:41,989
ang sasapat para magbigay-pugay
sa alaala ni Pangulong Kennedy

776
01:01:42,990 --> 01:01:47,453
kaysa sa pinakamaagang pagpasa
sa civil rights bill

777
01:01:47,537 --> 01:01:49,539
na matagal niyang inilaban.

778
01:02:03,845 --> 01:02:09,016
Alam mo, tinitingnan ko 'yong mga bagay
na nangyari racially

779
01:02:10,601 --> 01:02:14,230
at socially,
'yong pagkakapasa ng maraming batas,

780
01:02:14,313 --> 01:02:18,568
ng pagkakapantay-pantay,
at mga ginawa para sa desegration,

781
01:02:20,153 --> 01:02:23,865
at napakaraming laban sa korte,
at napakaraming sapilitang pagpapaalis

782
01:02:23,948 --> 01:02:26,075
para mangyari ang tinatamasa natin ngayon.

783
01:02:27,243 --> 01:02:29,412
Tapos isipin mo 'yong nangyari sa mga tao

784
01:02:29,495 --> 01:02:31,664
na gumawa din no'n
sa iba't ibang dako ng mundo,

785
01:02:32,206 --> 01:02:34,208
kung paano nila idinaan sa musika.

786
01:02:35,376 --> 01:02:40,590
Musika ang isa sa pinakamatitinding lunas
sa buhay.

787
01:02:41,841 --> 01:02:43,384
Musika ang nagpapakalma.

788
01:02:44,093 --> 01:02:45,887
Ang international na wika.

789
01:02:46,846 --> 01:02:48,181
Barrier breaker.

790
01:02:49,182 --> 01:02:52,101
At 'yong musical power
na mapapasa'min, alam mo 'yon,

791
01:02:52,602 --> 01:02:56,647
isa 'yon sa mga imposibleng pangarap ko
no'ng bata ako na nagkatotoo.

792
01:02:58,065 --> 01:03:00,860
Ipapakilala namin ang presidente
ng Motown Record Corporation,

793
01:03:00,943 --> 01:03:02,737
Mr. Berry Gordy. Hello, Berry.

794
01:03:02,820 --> 01:03:06,699
Sinimulan namin ang Motown dahil si Berry
ang nagpo-produce ng records namin,

795
01:03:06,783 --> 01:03:10,620
nagbibigay sa ibang mga kompanya,
pero… walang nagbabayad sa 'min.

796
01:03:10,703 --> 01:03:14,457
Pipitsugin lang kami at mahirap 'yon.
Talagang laging mahirap.

797
01:03:14,540 --> 01:03:16,751
Kahit pa no'ng naging Motown na kami.

798
01:03:18,503 --> 01:03:20,463
Detroit, no'ng nagsisimula pa lang kami,

799
01:03:20,546 --> 01:03:24,592
may mga lugar gaya ng Grosse Pointe
at Bloomfield Hills at Dearborn,

800
01:03:24,675 --> 01:03:27,345
mga lugar na gano'n,
kung saan kung Black ka,

801
01:03:27,428 --> 01:03:30,765
wala ka dapat sa lugar na 'yon, period.

802
01:03:30,848 --> 01:03:32,433
Kasi Black ka.

803
01:03:32,517 --> 01:03:36,020
Kung mahuli ka ng mga pulis,
siguraduhin mong may amo ka sa lugar

804
01:03:36,103 --> 01:03:39,273
at kailangan may dala kang papel
na nagsasabing trabahante ka.

805
01:03:40,817 --> 01:03:42,944
Sa mga unang album cover ko,

806
01:03:43,027 --> 01:03:45,196
di ako gumamit ng Black na mukha.

807
01:03:45,822 --> 01:03:52,537
Dahil ayokong husgahan ng mga tao
'yong unang makikita nila.

808
01:03:52,620 --> 01:03:55,414
Nakatanggap kami ng mga sulat
mula sa mga batang puti.

809
01:03:55,498 --> 01:03:57,291
"Pare, binili namin 'yong music mo.

810
01:03:57,375 --> 01:03:59,669
"Gustong-gusto namin ang music mo.

811
01:04:00,545 --> 01:04:02,088
"Pero di alam ng magulang namin.

812
01:04:02,672 --> 01:04:05,383
"Dahil pag nalaman nila,
baka palayasin nila kami."

813
01:04:06,467 --> 01:04:11,097
Para sa Motown, The Ed Sullivan Show
para sa amin ang ultimate.

814
01:04:11,180 --> 01:04:12,849
Napakaganda ng performance n'yo.

815
01:04:13,975 --> 01:04:18,187
Kung sikat na performance,
kukunin ni Ed Sullivan. Alam mo 'yon?

816
01:04:19,021 --> 01:04:21,649
American culture 'yon.

817
01:04:22,567 --> 01:04:25,194
At ang mapasama ang Motown doon

818
01:04:26,487 --> 01:04:29,532
ang pinakapangarap ko.

819
01:04:37,248 --> 01:04:39,750
Nandito sa stage ang isang…

820
01:04:39,834 --> 01:04:43,379
mahusay na 13-year-old singing star
ng Detroit,

821
01:04:43,462 --> 01:04:44,714
Stevie Wonder.

822
01:04:45,298 --> 01:04:47,300
Batang Stevie Wonder…

823
01:04:48,009 --> 01:04:52,471
Thirteen years old,
nagpe-perform ng "Fingertips".

824
01:04:52,555 --> 01:04:55,182
Sobrang manghang-mangha ako

825
01:04:55,266 --> 01:05:01,063
dahil bulag na batang Black ito
sa national TV.

826
01:05:01,772 --> 01:05:04,275
Unang major television break.

827
01:05:04,358 --> 01:05:06,569
Salubungin na natin siya.

828
01:05:07,570 --> 01:05:09,572
Salamat, Mr. Sullivan!

829
01:05:09,655 --> 01:05:13,075
Gusto kong pumalakpak kayo,

830
01:05:13,159 --> 01:05:18,372
ipadyak ang mga paa, lumundag,
gawin ang gusto ninyo.

831
01:05:45,733 --> 01:05:50,696
Nando'n siya, tumutugtog ng harmonica
at tumutugtog nang live para sa Amerika

832
01:05:50,780 --> 01:05:55,534
habang may white studio audience,
pumapalakpak kasabay niya. Wow!

833
01:05:56,535 --> 01:05:58,579
Batang Wonder. Kahanga-hanga.

834
01:05:59,914 --> 01:06:05,419
-Sige na! Kumanta tayong lahat, "Yeah!"
-Yeah!

835
01:06:05,503 --> 01:06:08,714
-Sing "Yeah!"
-Yeah!

836
01:06:08,798 --> 01:06:11,133
-Sing "Yeah!"
-Yeah!

837
01:06:11,217 --> 01:06:12,718
-Yeah!
-Yeah!

838
01:06:12,802 --> 01:06:14,637
Oh yeah

839
01:06:21,185 --> 01:06:23,771
Sinuportahan ng mga tao
ang mga posibilidad.

840
01:06:24,271 --> 01:06:28,192
Sa Ed Sullivan Show,
nando'n ang mga posibilidad.

841
01:06:28,275 --> 01:06:32,947
Kaya sobrang espesyal
no'ng magustuhan niya kami.

842
01:06:33,739 --> 01:06:36,659
Tingin ko, dahil umeere ka sa publiko,

843
01:06:36,742 --> 01:06:41,038
ang magagawa mo kahit papaano,
o ng TV, para ibalik ang pribilehiyo

844
01:06:41,122 --> 01:06:44,333
ay subukan na paglapitin ang mga tao.

845
01:06:45,960 --> 01:06:48,671
Inihahandog ng CBS
ang programang ito in color!

846
01:06:49,380 --> 01:06:52,383
At heto na… si Ed Sullivan!

847
01:06:52,466 --> 01:06:57,179
Napakalaki ng respeto na ibinigay ni Ed
sa mga Motown artist,

848
01:06:57,263 --> 01:07:01,517
pero may kung anong espesyal
sa pagitan nila ng The Supremes.

849
01:07:01,600 --> 01:07:05,688
Bago ang music ng The Supremes at Motown,

850
01:07:05,771 --> 01:07:09,859
race music ang tawag sa Black music.
Hindi 'yon pinapatugtog sa radyo.

851
01:07:09,942 --> 01:07:13,195
Alam kong nakikinig kayo
sa Amerika at Canada. Mabuti naman.

852
01:07:13,279 --> 01:07:14,822
At ginawa namin itong okay.

853
01:07:14,905 --> 01:07:17,992
Ginawang okay ng Motown
na makinig sa music namin.

854
01:07:18,492 --> 01:07:21,037
Salubungin natin ang The Supremes.

855
01:07:21,787 --> 01:07:24,665
Para sa 'kin,
'yong mapanood siya sa unang pagkakataon,

856
01:07:24,749 --> 01:07:30,087
bongga at napakaganda.
Sobrang life-changing no'n.

857
01:08:36,028 --> 01:08:40,157
Gustong-gusto ni Ed ang Motown.
Pati The Supremes at The Temptations.

858
01:08:40,241 --> 01:08:41,408
Heto na sila!

859
01:08:41,492 --> 01:08:43,619
Idolo namin sila noon.

860
01:08:49,500 --> 01:08:51,168
Di lang pamilya namin.

861
01:08:51,252 --> 01:08:53,963
Buong lugar namin ang hihinto at manonood.

862
01:08:59,135 --> 01:09:01,554
Magpapa-south kami,
at no'ng unang punta namin do'n,

863
01:09:01,637 --> 01:09:04,306
sa gitna 'yong stage,
dito ang puti, dito ang mga Black,

864
01:09:04,390 --> 01:09:06,058
at di sila nagtitinginan.

865
01:09:07,101 --> 01:09:10,813
Mga isang taon o mahigit, pagpunta namin,
may mga puti nang Black ang siyota.

866
01:09:10,896 --> 01:09:14,275
Black na mga lalaki at puting girlfriend,
nagsasayawan at nagkakantahan.

867
01:09:14,358 --> 01:09:17,069
Nagkakasiyahan. Habang tumutugtog 'yon.

868
01:09:26,537 --> 01:09:30,082
Napanood ang mga artist ko
sa milyon-milyong tahanan sa Amerika,

869
01:09:30,166 --> 01:09:35,296
kasama ng pinakamagagaling
na white pop stars noon.

870
01:09:35,379 --> 01:09:37,840
Pakiramdam ko na exciting na dekada ito

871
01:09:37,923 --> 01:09:39,675
sa kasaysayan ng American music.

872
01:09:39,758 --> 01:09:40,885
Ano 'yong soul?

873
01:09:40,968 --> 01:09:42,678
Well, mahirap ipaliwanag ang soul.

874
01:09:42,761 --> 01:09:45,306
Tingin ko, kanya-kanya
ng ginagawa ang lahat.

875
01:09:45,931 --> 01:09:50,311
Tingin ko, 22 years mo nang ginagawa
ang gusto mo sa show na 'to,

876
01:09:50,394 --> 01:09:52,438
sa sikat na sikat na show na 'to, Ed.

877
01:09:52,521 --> 01:09:55,816
At tingin ko,
matindi ang soul sa kalooban mo.

878
01:09:55,900 --> 01:09:58,068
-Salamat.
-Oo.

879
01:09:58,152 --> 01:10:01,697
-Buong mundo ang nanood kay Ed Sullivan.
-Oo.

880
01:10:01,780 --> 01:10:06,535
At 'yong makapunta kami sa show na 'yon,
alam naming di dapat palampasin 'yon.

881
01:10:06,619 --> 01:10:10,122
Kalalabas lang namin
ng unang recording namin noon,

882
01:10:10,206 --> 01:10:13,792
at kailangan mo ng isang bigating show
para sumikat 'yon,

883
01:10:13,876 --> 01:10:16,795
kaya nag-rehearse kami nang nag-rehearse.

884
01:10:16,879 --> 01:10:18,881
THE JACKSON FIVE SA ED SULLIVAN SHOW

885
01:10:18,964 --> 01:10:24,970
Dati na 'kong fanatic ng perfection.
Kailangan kong ma-perfect.

886
01:10:25,054 --> 01:10:29,099
At gusto ko na walang pinagkaiba
'yong kanta sa record.

887
01:10:29,183 --> 01:10:32,186
Ngayon, heto na ang limang magkakapatid
mula sa Gary, Indiana,

888
01:10:32,269 --> 01:10:34,647
na edad sampu hanggang 18.

889
01:10:34,730 --> 01:10:36,690
At kabadong-kabado ako dahil sinabi ko,

890
01:10:36,774 --> 01:10:38,901
"Break na natin 'to. Kailangang galingan."

891
01:10:38,984 --> 01:10:41,528
-Ramdam mo 'yong kaba sa tiyan mo.
-Parang may paruparo.

892
01:10:41,612 --> 01:10:45,699
At nasa sa amin na
kung ano'ng gagawin namin sa oportunidad.

893
01:10:45,783 --> 01:10:49,912
Sensational silang grupo.
Heto na ang The Jackson 5.

894
01:10:49,995 --> 01:10:51,705
Doon na kami sumikat.

895
01:11:51,390 --> 01:11:55,311
Nang gabing 'yon, minahal ng bawat bata
sa Amerika ang The Jackson 5.

896
01:11:55,394 --> 01:11:57,730
Lunes ng umaga, bumabaha na ng tawag

897
01:11:57,813 --> 01:12:00,983
mula sa mga club
na naghihintay na ma-book sila.

898
01:12:02,735 --> 01:12:08,073
Itinuring na true phenomenon
si Michael Jackson at mga kapatid niya.

899
01:12:13,954 --> 01:12:15,247
Halikayo rito.

900
01:12:16,332 --> 01:12:18,709
Binabati ko kayo.

901
01:12:20,085 --> 01:12:24,506
Sa July 7, magsa-summer tour
ang limang magkakapatid na 'to

902
01:12:24,590 --> 01:12:26,967
nang isang gabi sa Madison Square Garden,

903
01:12:27,051 --> 01:12:29,303
at babasagin n'yo
ang bawat record sa bansa.

904
01:12:29,386 --> 01:12:32,181
-Masaya akong makasama kayo. Salamat.
-Salamat po.

905
01:12:34,683 --> 01:12:38,604
Ginawa ng show
ang gusto kong maidulot ng music namin,

906
01:12:38,687 --> 01:12:40,356
maging para sa lahat ng tao.

907
01:12:40,981 --> 01:12:42,816
Binasag no'n 'yong mga harang.

908
01:12:43,942 --> 01:12:45,194
Pinagbuklod ang mga tao.

909
01:12:47,488 --> 01:12:50,574
-Hanggang kailan ka pa sa show?
-Hindi ko alam.

910
01:12:50,657 --> 01:12:54,995
Pinag-uusapan lang natin noong isang araw.
Alam mo 'yon, bahagi na 'to ng buhay natin

911
01:12:55,079 --> 01:12:58,582
pati na ng buhay ko,
napakalaking… bahagi ng buhay ko.

912
01:12:59,416 --> 01:13:03,837
At masayang-masaya akong gawin 'to,
at gusto ko ang mga tao sa show business.

913
01:13:03,921 --> 01:13:06,423
Gusto ko kapag kasama ko sila.
Sobrang nakakatuwa sila.

914
01:13:10,219 --> 01:13:13,806
Alam mo, habang kinakanta mo 'yon
nang sobrang ganda, iniisip ko,

915
01:13:13,889 --> 01:13:16,308
at baka nga iniisip din ng lahat.

916
01:13:16,392 --> 01:13:20,813
Ang kailangan ng mundo ngayon, tingin ko,
ay ang camaraderie ng show business.

917
01:13:21,313 --> 01:13:22,856
-Sang-ayon ako.
-Di ba?

918
01:13:22,940 --> 01:13:25,526
Bagay na matagal na nating alam
sa show business.

919
01:13:25,609 --> 01:13:27,194
-Taglay 'to ng show business.
-Oo.

920
01:13:27,277 --> 01:13:30,197
At kung magagawa lang din ng mundo,
napakaganda siguro no'n.

921
01:13:30,280 --> 01:13:32,533
-Palakpakan natin…
-Salamat.

922
01:13:34,535 --> 01:13:38,288
Pwede mong tingnan ang pagbabago ng US

923
01:13:38,372 --> 01:13:43,001
sa lente ng kontribusyon ni Dr. King,

924
01:13:43,085 --> 01:13:46,839
'yong malawakang Black rebellion,
Civil Rights movement.

925
01:13:46,922 --> 01:13:50,384
Pero hinding-hindi kakayanin
ng movement na 'yon nang mag-isa,

926
01:13:50,467 --> 01:13:52,803
sa tindi pa lang ng naging epekto nito,

927
01:13:52,886 --> 01:13:55,848
kung wala ang mga puwersang
di mo agad mahahalata.

928
01:13:55,931 --> 01:13:59,184
Ang puwersang 'yon
ay sandaling tulad ni Ed Sullivan.

929
01:14:00,102 --> 01:14:04,815
Ibig bang sabihin, itutuloy ni Ed Sullivan
ang show hangga't kaya pa niya?

930
01:14:04,898 --> 01:14:06,525
'Yan ang gusto ko.

931
01:14:06,608 --> 01:14:10,654
Kung papayag ang sponsors
at mga network, ewan ko.

932
01:14:12,406 --> 01:14:16,243
Di ko alam kung ano'ng gagawin ko
kung wala akong aabangang show.

933
01:14:16,326 --> 01:14:19,413
Walang nang iba pa sa buhay mo
na pupuno sa puwang?

934
01:14:19,496 --> 01:14:20,873
Wala. Wala na.

935
01:14:23,709 --> 01:14:25,586
Di ko alam ang gagawin ko kung wala 'yon.

936
01:14:26,545 --> 01:14:28,297
-Malili…
-Maliligaw ako.

937
01:14:36,305 --> 01:14:38,182
Nang unang bumaba ang ratings namin,

938
01:14:39,475 --> 01:14:43,270
sabi ko sa sarili ko,
"Baka dahil lang sa panahon."

939
01:14:44,563 --> 01:14:46,523
Nang bumagsak kami nang mga 37,

940
01:14:48,233 --> 01:14:49,776
alam ko nang hindi panahon.

941
01:14:53,989 --> 01:14:57,743
Libo-libong payapang nagpoprotesta
ang nagmartsa sa Pentagon.

942
01:14:59,703 --> 01:15:01,079
Nangangako ako ng aksiyon.

943
01:15:01,163 --> 01:15:03,832
Ang unang adult space adventure
ay lilipad na sa Huwebes.

944
01:15:03,916 --> 01:15:05,918
Tinatangay ng hangin

945
01:15:17,304 --> 01:15:20,140
Napakabilis lumipas ng oras

946
01:15:20,641 --> 01:15:23,393
na halos wala ka nang pagkakataon
na habulin ang hininga mo.

947
01:15:23,477 --> 01:15:27,105
Bago ka umalis, alam mo, Eddie…

948
01:15:29,191 --> 01:15:30,943
-"Mag…"
-Mag-kiss ka at mag-good night!

949
01:15:33,403 --> 01:15:35,113
-Ba-bye!
-Ba-bye, Eddie!

950
01:15:38,408 --> 01:15:40,244
Ang pambihira naming show

951
01:15:40,327 --> 01:15:43,705
ang patunay
na nangyayari pa rin ang mga himala.

952
01:15:43,789 --> 01:15:45,749
Ladies and gentlemen,
palakpakan natin sila.

953
01:15:45,832 --> 01:15:48,335
Para lang akong ordinaryong tao

954
01:15:49,419 --> 01:15:51,421
na nagkataong may nakilalang sikat

955
01:15:51,922 --> 01:15:56,593
at nagpapa-party sa mga kaibigan niya,
sinasabing "Tingnan mo 'yong naisama ko!"

956
01:15:57,427 --> 01:16:00,681
Sa mahabang panahon,
dumalo ang lahat sa mga party na 'yon.

957
01:16:02,933 --> 01:16:04,601
-Heto na.
-Pearl, umakyat ka!

958
01:16:09,523 --> 01:16:11,275
Naging matagumpay ang ginawa ko.

959
01:16:12,150 --> 01:16:15,529
Matapang kong inilaban ang paniniwala ko.

960
01:16:15,612 --> 01:16:18,365
At hinding-hindi ako magrereklamo.

961
01:16:21,827 --> 01:16:24,162
Maraming salamat, ladies and gentlemen!

962
01:16:24,955 --> 01:16:26,206
Good night!

963
01:16:31,962 --> 01:16:35,299
SA LOOB NG 23 TAON, PINILI NI ED SULLIVAN
ANG BAWAT ENTERTAINER NA LUMABAS

964
01:16:35,382 --> 01:16:37,009
SA KANYANG SUNDAY NIGHT SHOW,

965
01:16:37,092 --> 01:16:40,053
MAHIGIT 10,000 ENTERTAINER
SA 1,100 EPISODE.

966
01:16:50,188 --> 01:16:55,193
NOONG 1971, HUMINTO NA SA PAG-ERE
ANG THE ED SULLIVAN SHOW.

967
01:16:55,277 --> 01:17:00,866
PAGLIPAS NG TATLONG TAON, PUMANAW SI ED.

968
01:17:04,745 --> 01:17:07,164
TAMPOK ANG MGA PAGTATANGHAL NINA



