1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:12,971 --> 00:00:17,475
Noong 2011, espesyal na ahente ako
na nakatalaga sa mga wiretap.

4
00:00:18,768 --> 00:00:20,895
<i>-Ano'ng nangyayari?</i>
<i>-Ano'ng mayroon?</i>

5
00:00:20,979 --> 00:00:25,275
May kaso ng tiwaling pulis
na nagnanakaw ng droga mula sa ebidensiya

6
00:00:25,358 --> 00:00:29,195
at muling ipinamamahagi
sa mga lansangang dapat pinag-iingat niya.

7
00:00:29,279 --> 00:00:31,948
<i>Gusto niya ng tatlo pang pakete.</i>

8
00:00:32,574 --> 00:00:33,575
<i>Ayos!</i>

9
00:00:34,075 --> 00:00:36,828
Tapos, sa gitna ng usapan,

10
00:00:37,328 --> 00:00:40,290
nagsimula silang mag-usap
tungkol sa ibang bagay.

11
00:00:41,416 --> 00:00:43,376
<i>May magandang palabas sa TV.</i>

12
00:00:43,460 --> 00:00:46,421
<i>Maayos ang lahat. Tapos biglang, boom!</i>

13
00:00:46,504 --> 00:00:48,173
<i>'Wag mong ipatigil ang proyekto.</i>

14
00:00:48,840 --> 00:00:52,677
Naisip ko, "Ito ba'y
isang masalimuot na panlilinlang sa amin?"

15
00:00:54,054 --> 00:00:59,809
Napakakaunting kaso sa loob ng 25 taon ko
na may kakaibang kuwento sa likod nito.

16
00:01:03,229 --> 00:01:08,443
Ang ideya ng reality show,
<i>P.I. Moms of San Francisco</i>,

17
00:01:08,526 --> 00:01:10,445
ay isang napakagandang ideya.

18
00:01:10,528 --> 00:01:13,073
{\an8}Mga nanay na pribadong imbestigador sila

19
00:01:13,156 --> 00:01:15,950
na naga-undercover
at nagsasagawa ng mga bust,

20
00:01:16,034 --> 00:01:17,577
habang nakakauwi sa oras

21
00:01:17,660 --> 00:01:19,788
at tulungan ang mga bata
sa takdang-aralin. Eto.

22
00:01:21,039 --> 00:01:24,042
Diyos ko po, di 'to nangyayari.

23
00:01:24,125 --> 00:01:27,003
Sabi ko, "Lalabas tayo sa billboard."

24
00:01:27,087 --> 00:01:30,256
Bilang showrunner,
marami akong ayos na karakter.

25
00:01:30,340 --> 00:01:33,343
Ito ay magiging
pinakamadaling palabas na nagawa ko.

26
00:01:33,426 --> 00:01:36,596
Chris, ba't mga babae?
Sabi mo magaling silang multitasker.

27
00:01:36,679 --> 00:01:37,639
Tama.

28
00:01:38,890 --> 00:01:42,435
At wala talagang hahamon sa awtoridad ko.

29
00:01:43,895 --> 00:01:47,232
Ang istoryang 'to ay dapat
tungkol sa mga nanay na P.I.,

30
00:01:47,315 --> 00:01:51,820
pero dahil sa ginawa
ng ilang lalaki, wala na 'to.

31
00:01:51,903 --> 00:01:53,446
Inalis 'to sa amin.

32
00:01:54,197 --> 00:01:57,575
Sunod-sunod na problema at sakuna 'to.

33
00:01:58,785 --> 00:02:02,038
Sino ba'ng nagsabotahe sa lahat?

34
00:02:03,164 --> 00:02:05,917
Ayokong maging parang <i>Real Housewives </i>'to,

35
00:02:06,000 --> 00:02:08,419
at mas malala 'to
kaysa sa <i>Real Housewives</i>.

36
00:02:10,463 --> 00:02:14,092
Di namin alam
kung ano talaga ang nangyayari.

37
00:02:14,175 --> 00:02:16,594
May tahasang nagsisinungaling ulit dito!

38
00:02:16,678 --> 00:02:18,221
Lintik.

39
00:02:18,304 --> 00:02:20,098
Ano'ng nangyayari rito?

40
00:02:21,391 --> 00:02:24,811
Ang daming kasinungalingan,
pandaraya, at psychosis.

41
00:02:24,894 --> 00:02:27,105
Basta, nakakabaliw lahat.

42
00:02:28,439 --> 00:02:30,775
<i>Pinag-uusapan natin ang shabu.</i>

43
00:02:30,859 --> 00:02:32,110
<i>Gusto niya ng sample.</i>

44
00:02:32,610 --> 00:02:33,736
Ang daming nabanggit.

45
00:02:34,737 --> 00:02:37,490
Shabu, mga nanay na P.I.,
katiwalian ng pulis,

46
00:02:37,574 --> 00:02:41,536
pag-wiretap,
potensyal na banta, at reality TV.

47
00:02:43,288 --> 00:02:45,123
Sandali lang.

48
00:02:59,929 --> 00:03:01,472
Ako si Lucas Platt.

49
00:03:03,308 --> 00:03:05,476
{\an8}Noong 2010, nakatira ako sa New York City.

50
00:03:06,895 --> 00:03:09,230
Bilang showrunner ng reality TV,

51
00:03:09,314 --> 00:03:12,901
tinatapos ko lang ang unang season
ng <i>Steven Seagal: Lawman</i>.

52
00:03:13,693 --> 00:03:17,822
<i>Walang script, walang stunt double,</i>
<i>walang pangalawang pagkakataon.</i>

53
00:03:19,949 --> 00:03:23,661
Noon, ang mga gano'ng palabas
ay malaking negosyo na may malaking pera,

54
00:03:23,745 --> 00:03:26,998
at gusto ng lahat ang susunod na
<i>Keeping Up with the Kardashians</i>

55
00:03:27,081 --> 00:03:28,082
o <i>Real Housewives</i>,

56
00:03:28,166 --> 00:03:31,461
at tila walang katapusan
ang boom ng reality TV.

57
00:03:32,045 --> 00:03:35,465
Pero para sa 'kin,
gusto ko lang talaga ang adrenaline rush

58
00:03:35,548 --> 00:03:38,176
at mabilis na pag-iisip
na dapat mong gawin

59
00:03:38,259 --> 00:03:41,179
para makaisip
ng kawili-wiling oras ng telebisyon.

60
00:03:44,974 --> 00:03:50,230
Naghahanap ako ng susunod kong trabaho,
at nakatanggap ako ng email mula Lifetime.

61
00:03:51,105 --> 00:03:53,775
Interesado silang gumawa ng serye

62
00:03:53,858 --> 00:03:57,320
tungkol sa isang kompanya
ng pribadong imbestigasyon sa Bay Area,

63
00:03:58,154 --> 00:04:00,031
na may kakaibang katangian.

64
00:04:02,283 --> 00:04:04,827
{\an8}Mga nanay na pribadong imbestigador sila.

65
00:04:04,911 --> 00:04:07,288
{\an8}Maraming salamat sa pagpunta rito.
Nakakamangha 'to.

66
00:04:07,372 --> 00:04:09,791
Una sa lahat, paano kayo nagsimula rito?

67
00:04:10,250 --> 00:04:12,835
{\an8}DENISE ANTOON - NANAY NA P.I.

68
00:04:12,919 --> 00:04:15,797
{\an8}Bago ako naging pribadong imbestigador,

69
00:04:15,880 --> 00:04:20,093
nagtrabaho ako sa legal na mundo
sa iba't ibang kapasidad.

70
00:04:20,176 --> 00:04:24,806
Kapapanganak ko lang,
at may maliliit akong anak

71
00:04:24,889 --> 00:04:28,726
at sinusubukan kong alamin
kung paano ako magkakaroon ng karera

72
00:04:28,810 --> 00:04:31,187
at makasama rin ang mga anak ko.

73
00:04:32,522 --> 00:04:36,901
At doon 'to lumitaw,
isang trabaho sa Butler & Associates.

74
00:04:38,486 --> 00:04:39,487
Para kanino 'to?

75
00:04:39,988 --> 00:04:41,781
Ako si Chris Butler.

76
00:04:41,864 --> 00:04:46,661
Ako ang may-ari ng Butler & Associates
Private Investigations.

77
00:04:47,161 --> 00:04:50,331
Ibinubunyag namin ang katotohanan dito.

78
00:04:50,873 --> 00:04:53,626
Napakahalaga ng bawat tao
na nasa mesang 'to.

79
00:04:54,335 --> 00:04:57,755
Masarap magtrabaho kay Chris.
Napakapropesyonal niya.

80
00:04:57,839 --> 00:05:01,843
Mukhang natuklasan niya
ang lihim ng pag-iimbestiga,

81
00:05:01,926 --> 00:05:03,386
sa pagkuha ng mga nanay.

82
00:05:04,762 --> 00:05:05,930
Eto na tayo.

83
00:05:06,014 --> 00:05:09,350
Para sa 'kin, nakakasabik,
at iba-iba ang bawat kaso.

84
00:05:09,434 --> 00:05:13,229
At nakakataba ng puso dahil alam mong

85
00:05:13,313 --> 00:05:16,649
naihahatid mo ang mga bata
sa paaralan at daycare,

86
00:05:16,733 --> 00:05:18,901
naga-undercover na trabaho ka,

87
00:05:18,985 --> 00:05:23,573
nag-iimbestiga ng pandaraya,
o nagmamatyag sa asawang nagtataksil.

88
00:05:24,073 --> 00:05:25,283
Astig talaga 'to.

89
00:05:26,200 --> 00:05:28,328
Dati akong tagapagpatupad ng batas,

90
00:05:28,411 --> 00:05:32,415
at napakagulo ng karerang 'yon
na tumagal ng 10 taon.

91
00:05:33,750 --> 00:05:35,293
Mapagpursigi ako.

92
00:05:35,793 --> 00:05:38,588
Dinala ko 'yan dito. Di ako tumitigil.

93
00:05:38,671 --> 00:05:41,841
Testing. Sige.

94
00:05:41,924 --> 00:05:43,134
Ayos, tara na.

95
00:05:43,217 --> 00:05:46,971
Ang unang impresyon ko
kay Chris ay parang negosyante,

96
00:05:47,055 --> 00:05:49,599
pero nakita ko rin ang bisyon niya.

97
00:05:49,682 --> 00:05:52,977
At naisip ko,
"Aba, maganda ang ideya niya."

98
00:05:53,061 --> 00:05:57,106
Sinusubukan niya talagang
bigyan ng pagkakataon ang mga ina,

99
00:05:57,190 --> 00:06:01,194
at sa oras na 'yon,
gusto ko rin ang pagkakataong 'yon.

100
00:06:03,071 --> 00:06:07,325
Galing ako sa opisina ng sheriff,
kung saan 12 oras ako nagtatrabaho,

101
00:06:07,408 --> 00:06:09,952
kaya madalas sa daycare
ang mga anak ko. Di ako…

102
00:06:10,036 --> 00:06:13,039
Marami akong na-miss
na birthday party, bakasyon.

103
00:06:13,122 --> 00:06:17,043
Sa bagong trabahong 'to,
di lang 'to mas flexible,

104
00:06:17,126 --> 00:06:19,545
alam ko rin agad na gusto ko 'to.

105
00:06:19,629 --> 00:06:22,548
Dahil nasa field ako, gumagalaw ako,

106
00:06:22,632 --> 00:06:25,218
at katrabaho ko
ang makakapangyarihang babaeng

107
00:06:25,301 --> 00:06:26,469
iba't iba ang nakaraan.

108
00:06:28,096 --> 00:06:30,515
Malinaw na maraming babae sa opisina.

109
00:06:30,598 --> 00:06:34,268
Nandiyan sina Michelle, Charmagne, at Ami,

110
00:06:34,352 --> 00:06:36,312
pero may isang lalaki rin kami.

111
00:06:38,231 --> 00:06:39,482
Si Carl Marino.

112
00:06:40,358 --> 00:06:42,777
Dati siyang tagapagpatupad ng batas,

113
00:06:42,860 --> 00:06:44,612
at sumali siya

114
00:06:44,695 --> 00:06:47,573
dahil minsan kailangan talaga
ng lalaking partner

115
00:06:47,657 --> 00:06:50,952
o lalaki sa isang partikular na kaso.

116
00:06:51,035 --> 00:06:54,247
Noong una, naisip namin,
"Aba, ang kisig niya."

117
00:06:54,330 --> 00:06:55,832
"Mukhang modelo siya."

118
00:06:55,915 --> 00:06:59,669
At nalaman naming
interesado siya sa pag-arte

119
00:06:59,752 --> 00:07:02,422
at umeekstra siya sa TV.

120
00:07:02,505 --> 00:07:06,259
-Humanap ka ng ibang malalandi.
-Nobya ko siya, gago!

121
00:07:07,885 --> 00:07:10,763
Interesante para sa 'kin.
"Umeekstra ka pala."

122
00:07:10,847 --> 00:07:14,142
Mas napalapit si Chris kay Carl,

123
00:07:14,225 --> 00:07:17,937
at sa tingin ko
'yon ay dahil sa pag-arte niya.

124
00:07:18,020 --> 00:07:20,773
Laging hangad ni Chris na sumikat,

125
00:07:20,857 --> 00:07:24,277
at alam naming sinusubukan niyang
itaguyod ang brand ng mga nanay na P.I.

126
00:07:24,360 --> 00:07:27,405
at talagang tinutulak niya
kami pareho sa media.

127
00:07:27,488 --> 00:07:30,408
Welcome, Chris Butler
at tatlong nanay na P.I.,

128
00:07:30,491 --> 00:07:32,493
Denise, Michelle, at Charmagne.

129
00:07:32,577 --> 00:07:33,661
Chris, ba't mga babae?

130
00:07:33,744 --> 00:07:36,330
Sabi mo
magaling silang multitasker. Bakit?

131
00:07:36,414 --> 00:07:41,127
Noong kumuha ako ng mga babae,
lalo na sa mga nanay na P.I.,

132
00:07:41,210 --> 00:07:42,795
mas may pakikipagtulungan.

133
00:07:42,879 --> 00:07:45,673
Mas nag-aaruga, mas maalaga,

134
00:07:45,756 --> 00:07:49,302
kaya't mas masasaya ang mga kliyente.

135
00:07:49,802 --> 00:07:52,346
Pagkatapos kong mapanood
ang mga clip ng <i>Dr. Phil</i>,

136
00:07:53,556 --> 00:07:58,269
Pumunta agad ako sa California para
makilala si Chris at ang mga nanay na P.I.

137
00:07:59,312 --> 00:08:01,063
Nagustuhan ko ang ideya

138
00:08:01,147 --> 00:08:05,026
na ipakita 'tong grupo ng mga babaeng
itinutumba ang mga kriminal.

139
00:08:05,109 --> 00:08:08,070
Nagustuhan ko si Lucas simula't sapol.
Mukhang magaling siya.

140
00:08:08,154 --> 00:08:11,657
Interesado siyang
gawin ang palabas at ang istoryang 'to,

141
00:08:11,741 --> 00:08:15,411
pero sabi ko, "Ayokong
maging parang <i>Real Housewives </i>'to."

142
00:08:15,495 --> 00:08:18,539
Ang… tanga mo! Umalis…

143
00:08:19,624 --> 00:08:22,335
Ipinapakita ng reality TV
ang pinakamasama sa tao.

144
00:08:22,418 --> 00:08:24,837
-Sasaktan… kita. 'Wag mong gawin 'yan.
-Tigil!

145
00:08:24,921 --> 00:08:27,381
Kung ang palabas na 'to
ay tungkol sa pag-aaway namin

146
00:08:27,465 --> 00:08:30,176
at lahat ng ganyang bagay,
di ako interesado.

147
00:08:31,886 --> 00:08:35,264
Nag-alala ang mga nanay
tungkol sa palabas,

148
00:08:35,348 --> 00:08:39,602
pero tiniyak ko sa kanila
na di namin pakay ang mga away o drama,

149
00:08:39,685 --> 00:08:41,896
mga magandang kaso
at personal na istorya lang.

150
00:08:43,189 --> 00:08:46,359
Noong nilapitan ako ni
Lucas tungkol sa palabas

151
00:08:46,442 --> 00:08:49,320
at gusto niyang kasama ako
bilang nanay na P.I.,

152
00:08:49,403 --> 00:08:52,490
ayokong may kinalaman ako rito.

153
00:08:53,366 --> 00:08:54,534
Tingin ko, si Ami

154
00:08:54,617 --> 00:08:57,578
ay nakaranas ng matitinding bagay,

155
00:08:57,662 --> 00:09:00,331
ngunit matalino at desidido siya

156
00:09:00,831 --> 00:09:05,253
at isang mabuting tao
na bagay na bagay sa TV.

157
00:09:06,963 --> 00:09:09,632
Medyo mahirap ang nakaraan ko,

158
00:09:09,715 --> 00:09:14,387
at sinabi ni Lucas
na maaari naming isama ang mga trauma ko

159
00:09:14,470 --> 00:09:16,180
sa mismong palabas.

160
00:09:16,931 --> 00:09:23,062
Kaya nagpasiya akong ipakita
sa ibang babae na makakaraos din sila,

161
00:09:23,145 --> 00:09:26,607
kaya nila 'to,
at walang magsasabi na di nila kaya.

162
00:09:27,775 --> 00:09:30,695
Pagkatapos ng unang pulong
kasama ang mga nanay na P.I.,

163
00:09:30,778 --> 00:09:32,989
Naisip ko, "Sigurado 'to."

164
00:09:33,072 --> 00:09:35,533
Mahusay silang magsalita,
nakakatawa at matalino.

165
00:09:35,616 --> 00:09:37,535
Gagawa kami ng magandang serye.

166
00:09:41,289 --> 00:09:43,082
{\an8}Ako si Theresa Moore-King.

167
00:09:44,458 --> 00:09:47,628
Ako ang line producer ng <i>P.I. Moms</i>.

168
00:09:47,712 --> 00:09:50,756
Kung may problema sa produksiyon,

169
00:09:50,840 --> 00:09:54,343
maging tao, tauhan,
iskedyul, lokasyon, pera,

170
00:09:54,427 --> 00:09:56,637
trabaho kong ayusin 'to.

171
00:09:57,138 --> 00:09:58,889
Ikaw pala ang tunay na boss?

172
00:10:00,057 --> 00:10:00,891
Sige lang.

173
00:10:01,934 --> 00:10:02,768
Oo.

174
00:10:05,855 --> 00:10:08,983
Todo bigay ang Lifetime sa palabas na 'to.

175
00:10:09,066 --> 00:10:12,612
Alam nilang napakaraming posibilidad nito.

176
00:10:12,695 --> 00:10:17,700
Alam mo, pwede itong mapunta
sa New York o sa Chicago o sa Atlanta.

177
00:10:17,783 --> 00:10:19,952
Pagkakataon silang lahat.

178
00:10:20,036 --> 00:10:25,249
Pero nakasalalay ang lahat na 'yon
sa palabas na 'to sa San Francisco.

179
00:10:27,668 --> 00:10:32,048
{\an8}Para sa isang reality show,
malaking produksiyon 'to.

180
00:10:32,131 --> 00:10:34,842
May tatlong camera crew,
maraming lokasyon,

181
00:10:34,925 --> 00:10:37,428
at maraming iba't ibang elemento.

182
00:10:37,511 --> 00:10:41,307
Ang budget namin ay nasa apat na milyon
para sa walong episodyo,

183
00:10:42,099 --> 00:10:44,393
na magandang budget,

184
00:10:45,102 --> 00:10:48,648
basta nakukuha mo ang kailangan mo
para gumawa ng palabas.

185
00:10:51,609 --> 00:10:54,820
Bago kami mag-shoot,
pumunta ako sa opisina ni Butler,

186
00:10:54,904 --> 00:10:58,616
at may lalaki sa front desk,
itong si Carl Marino.

187
00:10:59,367 --> 00:11:02,536
Sumasagot siya sa mga telepono
habang nagtatanghalian ang iba,

188
00:11:02,620 --> 00:11:07,917
at medyo sinunggaban niya ako
at sinabi niya sa 'kin na pakiramdam niya

189
00:11:08,000 --> 00:11:13,255
na dapat isa siya sa mga bida sa serye.

190
00:11:13,339 --> 00:11:17,426
Ang argumento ni Carl ay
dahil sa trabahong ginawa niya

191
00:11:17,510 --> 00:11:19,887
sa seryeng <i>Trauma…</i>

192
00:11:19,970 --> 00:11:23,015
Mga premature ventricular contraction,
baka nasobrahan sa green tea.

193
00:11:23,599 --> 00:11:26,227
…na ang mga tagahanga,
lalo na ang mga babae,

194
00:11:26,310 --> 00:11:30,690
ay panonoorin
ang serye ng <i>P.I. Moms </i>dahil sa kanya.

195
00:11:31,941 --> 00:11:35,194
Parang lumabas na ang yabang niya.

196
00:11:36,821 --> 00:11:41,242
Ipinaliwanag ko sa kanya
na ang tawag sa palabas ay <i>P.I. Moms</i>,

197
00:11:41,325 --> 00:11:42,785
at di siya nanay.

198
00:11:43,869 --> 00:11:46,122
"Sorry, nagdesisyon na ang network

199
00:11:46,205 --> 00:11:48,749
na si Chris at ang mga nanay ang mga bida,

200
00:11:48,833 --> 00:11:49,875
at 'yon na 'yon."

201
00:11:50,376 --> 00:11:54,255
Naisip ko, "Wala na siya. Ayos na kami."

202
00:11:59,427 --> 00:12:02,763
Ang unang araw ng shooting, ang saya nito.

203
00:12:04,807 --> 00:12:09,311
Ipinakita nila kaming nagsasanay,
nagtatrabaho sa ilang kaso.

204
00:12:09,395 --> 00:12:12,773
Iniisip ko, "Sana maudyok nito
ang ibang mga babae."

205
00:12:12,857 --> 00:12:15,526
Alam n'yong kaya n'yo rin
ang trabahong 'to?

206
00:12:15,609 --> 00:12:18,571
Ordinaryong tao lang kami
pero astig ang ginagawa namin,

207
00:12:18,654 --> 00:12:19,822
at magagawa n'yo rin 'to.

208
00:12:20,781 --> 00:12:24,243
Tuwang-tuwa ako. Nagustuhan ko
ang produksiyon. Isang pamilya kami.

209
00:12:24,744 --> 00:12:26,912
Para kaming <i>Charlie's Angels</i>

210
00:12:26,996 --> 00:12:29,957
dahil magkakaiba kami,
pero napakalakas namin.

211
00:12:32,877 --> 00:12:36,172
Naisip ko lang,
"Marami akong magagaling na bida."

212
00:12:36,255 --> 00:12:40,217
"Ito ay magiging
pinakamadaling palabas na nagawa ko."

213
00:12:40,301 --> 00:12:41,302
Naging totoo ba?

214
00:12:49,018 --> 00:12:52,980
Pakiramdam ko nagbago ang lahat
sa puntong 'to ng istorya.

215
00:12:57,276 --> 00:13:02,031
Mamamahayag ako, at isang araw,
may nakuha akong magandang pitch.

216
00:13:03,157 --> 00:13:05,409
Sabi ng isang publicist sa email,

217
00:13:05,493 --> 00:13:06,827
"Baka di mo 'to alam,

218
00:13:06,911 --> 00:13:10,289
pero may grupo
ng mga pribadong imbestigador

219
00:13:10,372 --> 00:13:12,583
na mga nanay."

220
00:13:12,666 --> 00:13:15,878
"Nagsoshooting sila ng bagong serye
para sa Lifetime Television."

221
00:13:16,879 --> 00:13:19,089
"Gusto mong sumama sa imbestigasyon

222
00:13:19,173 --> 00:13:20,716
isang araw na walang shooting?"

223
00:13:21,217 --> 00:13:25,262
At naisip ko na magandang istorya 'to.

224
00:13:28,057 --> 00:13:30,601
Ito'y karaniwang kaso ng pagtataksil.

225
00:13:30,684 --> 00:13:34,563
Naniniwala ang kliyente
na taksil sa kanya ang fiancé niya.

226
00:13:34,647 --> 00:13:37,483
Kaya gusto niyang manigurado
bago siya ikasal,

227
00:13:37,566 --> 00:13:38,818
"Matino ba siya?"

228
00:13:41,320 --> 00:13:43,823
Sumakay ako kasama ang mga nanay na P.I.

229
00:13:44,323 --> 00:13:47,076
Nakayuko si Denise sa upuan ng pasahero

230
00:13:47,159 --> 00:13:48,828
habang nagsoshoot ang video camera.

231
00:13:50,079 --> 00:13:53,833
Bilang tagahanga ng mga istorya
ng mga detective, nasasabik ako.

232
00:13:54,792 --> 00:13:56,335
Kapana-panabik na trabaho 'to,

233
00:13:56,418 --> 00:13:59,296
at sana makikita 'to sa artikulo.

234
00:14:01,841 --> 00:14:03,050
Tingnan mo!

235
00:14:03,133 --> 00:14:04,051
Eto na siya.

236
00:14:04,802 --> 00:14:06,470
Sa loob ng ilang minuto,

237
00:14:06,554 --> 00:14:09,890
rumaragasa ang fiancé
sa kotse niya at umalis.

238
00:14:10,933 --> 00:14:12,810
Inapakan ni Charmagne ang gas.

239
00:14:15,145 --> 00:14:16,522
Hinabol niya siya.

240
00:14:17,773 --> 00:14:20,109
Pumunta siya sa isang magandang kainan.

241
00:14:22,403 --> 00:14:23,612
Tingnan mo!

242
00:14:23,696 --> 00:14:27,116
Pero may batang brunette siya
sa upuan ng pasahero.

243
00:14:32,037 --> 00:14:35,833
Huminto sila sa tapat ng kotse namin
habang vini-video ni Denise.

244
00:14:39,253 --> 00:14:41,088
Manloloko siya, mga kaibigan.

245
00:14:41,171 --> 00:14:43,883
Ayan, sarado na ang kaso.

246
00:14:48,095 --> 00:14:49,680
Di ako nanonood ng reality show,

247
00:14:49,763 --> 00:14:52,808
pero mukhang ito'y
magiging makabagbag-damdaming palabas.

248
00:14:53,475 --> 00:14:57,187
Magugustahan sila ng mga tao.
Interesante rin si Butler.

249
00:14:57,688 --> 00:15:00,316
Pakiramdam ko ayos talaga ang ideyang 'to.

250
00:15:01,942 --> 00:15:04,361
Tapos, biglang may pumasok na email

251
00:15:06,071 --> 00:15:08,741
na talagang nagbago
sa pananaw ko sa istorya.

252
00:15:10,367 --> 00:15:12,870
Galing 'to sa isang Ronald Rutherford.

253
00:15:14,997 --> 00:15:17,124
"Sinusulatan kita bilang kabutihang-loob.

254
00:15:17,625 --> 00:15:21,712
"Maling ilathala ang artikulo tungkol
sa mga nanay na P.I. at si Chris Butler."

255
00:15:22,463 --> 00:15:24,465
"Niloko ka talaga ni Chris."

256
00:15:25,841 --> 00:15:28,761
"Scripted ang kasong nakita mo."

257
00:15:29,386 --> 00:15:32,473
"Lahat ng kalahok
ay empleyado o bayad na aktor."

258
00:15:33,057 --> 00:15:35,434
"Di ko alam ano'ng balak mo sa artikulo,

259
00:15:35,517 --> 00:15:38,896
pero sana wala sa plano mo
ang paglalathala nito."

260
00:15:38,979 --> 00:15:41,815
"Salamat. Isang nag-aalalang mamamayan."

261
00:15:44,109 --> 00:15:45,569
Grabe,

262
00:15:45,653 --> 00:15:49,782
dahil di ako naghinala
na gawa-gawa lang pala 'to.

263
00:15:53,369 --> 00:15:56,288
Galit ako na pinagsamantalahan ako,

264
00:15:56,372 --> 00:15:58,666
at ginamit lang nila ako.

265
00:15:59,959 --> 00:16:03,712
Pero naisip ko na kung gagawin 'to
ni Chris Butler para sa lokal na magasin

266
00:16:03,796 --> 00:16:05,506
para magmukhang totoo 'to,

267
00:16:05,589 --> 00:16:09,593
ano'ng pipigil sa kanila
na gawin 'to para sa reality show na 'to?

268
00:16:11,136 --> 00:16:14,181
Dapat kong makausap
ang nagpapatakbo sa <i>P.I. Moms</i>.

269
00:16:14,264 --> 00:16:15,307
PWEDE TAYONG MAGKITA?

270
00:16:15,391 --> 00:16:17,393
Dahil kung tutuusin,

271
00:16:18,352 --> 00:16:21,146
nagtataka ang lahat
kung gaano kapeke ang reality TV.

272
00:16:22,815 --> 00:16:26,193
Lintik. May malaking problema tayo.

273
00:16:27,653 --> 00:16:32,199
Kung may maglalathala ng istorya
tungkol sa gaano kapeke ang palabas,

274
00:16:32,282 --> 00:16:33,867
tapos na kami.

275
00:16:34,618 --> 00:16:39,873
Ipinaliwanag ko sa kanya
na ang ginagawa namin ay 100% totoo,

276
00:16:41,000 --> 00:16:45,963
at nilinaw kong lahat ng kaso ay lehitimo.

277
00:16:47,089 --> 00:16:51,427
Sinabi niyang nagsusumikap silang
gumawa ng reality show

278
00:16:51,510 --> 00:16:54,221
tungkol sa totoong kaso at totoong tao.

279
00:16:54,304 --> 00:16:57,307
Nagustuhan ko
na naging malinaw siya sa 'kin,

280
00:16:57,391 --> 00:16:58,559
at naniwala ako sa kanya.

281
00:17:00,019 --> 00:17:02,396
Dumating ang unang email
sa <i>Diablo </i>magazine…

282
00:17:02,479 --> 00:17:05,941
Nakuwento ni Pete
ang tungkol sa Ronald Rutherford na 'to,

283
00:17:06,025 --> 00:17:09,486
at sa oras na 'yon, nag-alala ako,

284
00:17:09,570 --> 00:17:16,160
dahil napakalinaw
na may gustong siraan ang serye.

285
00:17:21,749 --> 00:17:25,794
May ironiya sa pagmumungkahi
na mayroon kaming mga pekeng kaso,

286
00:17:26,628 --> 00:17:31,133
dahil sa oras na 'yon,
parte ng problema sa palabas

287
00:17:32,134 --> 00:17:34,720
ay wala masyadong kaso.

288
00:17:36,430 --> 00:17:42,019
Sinabi ni Lucas na di naging tapat
si Chris tungkol sa dami ng mga kaso niya.

289
00:17:42,102 --> 00:17:47,983
Kaya kinuha nila ako para maghanap
ng mga kaso para sa mga nanay na P.I.

290
00:17:48,067 --> 00:17:51,487
Oo, sa totoo lang,
pinalalago ko ang ang negosyo ni Chris.

291
00:17:54,531 --> 00:18:01,080
Higit pa riyan, noong nagsoshooting kami,
nakita kong mahina si Chris.

292
00:18:01,163 --> 00:18:02,623
<i>Palapit sa kung saan kakaliwa.</i>

293
00:18:03,540 --> 00:18:05,042
Pero gusto kong kumanan.

294
00:18:05,125 --> 00:18:07,086
Ayos lang. Magre-reset 'to.

295
00:18:07,169 --> 00:18:09,922
Di ko masabi kung siya ang tipo ng tao

296
00:18:10,005 --> 00:18:13,884
na malihim o mahiyain, o ano ba talaga,

297
00:18:13,967 --> 00:18:15,094
pero nag-alala ako

298
00:18:15,177 --> 00:18:20,349
dahil ang mga tahimik, di nagsasalita
at nakakailang na karakter sa reality TV

299
00:18:20,432 --> 00:18:21,600
ay di papatok.

300
00:18:23,519 --> 00:18:24,812
Ano'ng narinig ko?

301
00:18:24,895 --> 00:18:27,147
Pero alam kong makakayanan namin,

302
00:18:27,231 --> 00:18:30,692
dahil napakainteresante ng mga nanay,

303
00:18:30,776 --> 00:18:35,197
at napakayaman ng mga istorya nila,

304
00:18:35,280 --> 00:18:38,492
at alam ko kung magpopokus kami
sa kanila, di sa kanya,

305
00:18:38,575 --> 00:18:40,369
magiging maganda talaga 'to.

306
00:18:40,452 --> 00:18:41,912
-Masaya akong makilala ka.
-Oo.

307
00:18:41,995 --> 00:18:44,456
-Gusto mong makita ang ginawa ko?
-Oo.

308
00:18:44,540 --> 00:18:48,418
Sa isang eksenang kinunan namin,
gustong magpa-tattoo ni Ami.

309
00:18:49,711 --> 00:18:53,549
Paraan niya 'yon para harapin
ang mga personal na trauma niya.

310
00:18:55,175 --> 00:18:58,137
Naisip ko, "Gusto kong kunin
ang pagkakataong 'to

311
00:18:58,220 --> 00:19:00,222
para ibahagi ang istorya ko sa kamera."

312
00:19:01,098 --> 00:19:02,933
Panayam ni Ami, take one, mark.

313
00:19:03,016 --> 00:19:05,269
Umupo ako, at sinabi ni Lucas,

314
00:19:06,103 --> 00:19:07,729
"Ikuwento mo ang anak mo."

315
00:19:12,276 --> 00:19:14,069
Noong 13 buwan ang anak ko,

316
00:19:16,697 --> 00:19:19,324
may pinagkatiwalaan ako ng anak ko,

317
00:19:20,075 --> 00:19:22,244
pero may bumanat sa anak ko,

318
00:19:22,911 --> 00:19:25,122
na nagdulot ng pinsala sa utak,

319
00:19:25,747 --> 00:19:30,252
at makalipas ang ilang taon,
namatay ang anak ko.

320
00:19:33,755 --> 00:19:35,048
Espesyal siya.

321
00:19:49,771 --> 00:19:50,939
Unang beses 'yon

322
00:19:51,023 --> 00:19:55,235
na napag-usapan ko 'to
kahit kanino, pati ang pamilya ko.

323
00:19:57,446 --> 00:20:00,657
Ang hirap talaga,
at nagpakalakas-loob talaga ako.

324
00:20:04,161 --> 00:20:07,331
Bago ang palabas,
di ko alam 'yon sa kanya.

325
00:20:08,373 --> 00:20:09,791
Sobrang emosyonal,

326
00:20:09,875 --> 00:20:14,838
dahil para sa 'kin,
ang tigas talaga ni Ami.

327
00:20:18,717 --> 00:20:22,054
Nang marinig ko
ang istoryang'yon, naisip ko,

328
00:20:22,137 --> 00:20:25,557
"Grabe, gano'n kalaki at kaseryoso?"

329
00:20:25,641 --> 00:20:31,563
"Astig sobra na nais 'tong
ipakita ng palabas."

330
00:20:36,652 --> 00:20:42,532
Pagkatapos naming kunan ang eksena,
tuloy-tuloy na ang shooting namin.

331
00:20:43,951 --> 00:20:46,662
"Ang Walang Lisensiyang P.I."
ay isa sa mga ideya namin.

332
00:20:46,745 --> 00:20:52,918
Ang pakay ng mga nanay na P.I.
ay isang tunay na walang lisensiyang P.I.

333
00:20:53,001 --> 00:20:57,381
sa pamamagitan ng isang pekeng kaso,

334
00:20:57,464 --> 00:20:59,841
at pagkatapos ay ibubunyag siya,

335
00:20:59,925 --> 00:21:02,678
"Di mo dapat gawin 'to
nang walang lisensiya."

336
00:21:03,971 --> 00:21:08,558
Ang network, ako, ang mga producer,
nasasabik kaming lahat.

337
00:21:08,642 --> 00:21:11,812
Kung kakaliwa siya papuntang kanluran,
e di masusundan mo siya.

338
00:21:11,895 --> 00:21:14,398
-At masusundan kita sa likod.
-Sige.

339
00:21:15,107 --> 00:21:19,152
Nakuhanan na ni Lucas at ng crew
ang lahat ng pinaghirapan namin,

340
00:21:19,236 --> 00:21:20,946
si Denise na nagsasaliksik,

341
00:21:21,029 --> 00:21:23,740
si Michelle na naghahanda
at nakikipag-ugnayan sa kanya.

342
00:21:23,824 --> 00:21:26,702
Kailangan na lang namin
ang huling operasyon

343
00:21:26,785 --> 00:21:28,370
para isara ang kaso

344
00:21:28,453 --> 00:21:31,123
at magkaroon ng magandang episodyo
para sa <i>P.I. Moms</i>.

345
00:21:33,542 --> 00:21:36,586
Sa araw ng huling eksena,
magkikita dapat kami ni Michelle

346
00:21:36,670 --> 00:21:39,339
at ang walang lisensiyang P.I.
sa Walnut Creek.

347
00:21:41,633 --> 00:21:45,637
Nasa production office ako,
nag-aabang ng balita mula sa mga producer.

348
00:21:46,888 --> 00:21:48,265
Alas diyes, wala.

349
00:21:49,057 --> 00:21:50,225
Alas onse, wala.

350
00:21:51,560 --> 00:21:52,936
Tanghali, wala.

351
00:21:54,104 --> 00:21:56,440
Pabalik-balik lang si Lucas.

352
00:21:56,523 --> 00:21:59,067
Tumingin ako sa paligid at sabi ko,
"Ano'ng nangyayari?"

353
00:21:59,651 --> 00:22:02,821
Sabi namin, "Naku, di siya sisipot."

354
00:22:04,489 --> 00:22:08,493
Sinabihan si Michelle
ng production crew na tawagan siya ulit.

355
00:22:12,748 --> 00:22:15,292
At sa wakas, sumagot siya…

356
00:22:18,128 --> 00:22:21,465
at sinabi kay Michelle,
"Di ako sisipot. May nag-tip sa 'kin."

357
00:22:23,175 --> 00:22:28,930
Ang una kong naisip ay,
"Sino ba'ng nagsabotahe sa lahat?"

358
00:22:30,974 --> 00:22:31,975
Ako'y…

359
00:22:34,019 --> 00:22:34,853
galit na galit.

360
00:22:36,605 --> 00:22:39,107
Pero di ko 'to basta-bastang palalampasin.

361
00:22:39,191 --> 00:22:41,902
Naisip ko, una, dapat naming
malaman kung sino ang nag-tip.

362
00:22:42,861 --> 00:22:44,529
Baka 'yon ang nagpapadala

363
00:22:44,613 --> 00:22:47,491
ng mga email
ni Ronald Rutherford kay Pete.

364
00:22:49,242 --> 00:22:52,704
Kaya tinawagan ko
ang walang lisensiyang P.I.,

365
00:22:52,788 --> 00:22:57,959
at sabi ko, "Tama ka,
kukunan ka sana namin,

366
00:22:58,710 --> 00:23:03,548
pero kung ayos lang,
tawagan mo ang tumawag sa 'yo,

367
00:23:03,632 --> 00:23:05,634
at iparinig mo sa amin ang boses niya."

368
00:23:05,717 --> 00:23:06,593
At ginawa niya 'to.

369
00:23:09,679 --> 00:23:10,889
Tinawagan niya siya,

370
00:23:14,267 --> 00:23:15,727
ilang beses nag-ring,

371
00:23:17,270 --> 00:23:20,857
at sa wakas may sumagot.

372
00:23:26,113 --> 00:23:27,239
<i>Hello?</i>

373
00:23:31,410 --> 00:23:35,664
Di ako makapaniwala.
Si Ronald Rutherford ay si Carl Marino.

374
00:23:40,043 --> 00:23:41,670
Ang tindi ng galit ko.

375
00:23:42,254 --> 00:23:46,466
Iniisip ko, "Ang tanga mo."

376
00:23:46,550 --> 00:23:48,635
"Ba't mo gagawin 'to?"

377
00:23:52,305 --> 00:23:54,015
Walang saysay 'to.

378
00:23:54,099 --> 00:23:58,728
Sinasabotahe niya ang palabas
at sinasabotahe niya ang shoot,

379
00:23:58,812 --> 00:24:01,106
pero gusto niyang lumabas sa kamera.

380
00:24:01,898 --> 00:24:04,067
Tingin ko wala siyang muwang

381
00:24:04,151 --> 00:24:07,028
kung akala niyang
makakakuha siya ng puwesto.

382
00:24:08,447 --> 00:24:10,699
Nag-usap kami ni Chris nang masinsinan,

383
00:24:10,782 --> 00:24:14,578
at sinabi ko sa kanya, "Makinig ka.
kung gusto mo ng palabas,

384
00:24:14,661 --> 00:24:18,123
sisisantehin mo si Carl
at paaalisin mo siya."

385
00:24:19,499 --> 00:24:22,002
Ang reaksiyon ni Chris ay,
"Wag kang mag-alala,"

386
00:24:22,085 --> 00:24:24,379
na parang maliit na paglabag lang 'to.

387
00:24:26,590 --> 00:24:28,467
Gulat na gulat ako.

388
00:24:28,967 --> 00:24:32,971
Nakakagulat na di niya binanatan si Carl.

389
00:24:33,472 --> 00:24:34,931
Ibig kong sabihin, talagang…

390
00:24:36,558 --> 00:24:37,809
Nakakaloka.

391
00:24:39,519 --> 00:24:42,355
Ang tanging paliwanag
na naiisip ko ay magkasintahan sila.

392
00:24:42,439 --> 00:24:46,943
Ba't di mo tatanggalin ang taong 'to

393
00:24:47,027 --> 00:24:49,821
na sobrang sama ang ginagawa?

394
00:24:52,449 --> 00:24:54,451
Pagkatapos kong kausapin si Chris,

395
00:24:54,534 --> 00:24:58,246
kinausap ko ang network
kung ano'ng gagawin kay Carl,

396
00:24:58,330 --> 00:25:02,667
at nagpasiya silang padalhan siya
ng cease and desist letter.

397
00:25:05,921 --> 00:25:07,881
Ipinagbigay-alam kay Carl,

398
00:25:08,548 --> 00:25:11,092
"Wag mo nang pag-usapan ang palabas."

399
00:25:11,176 --> 00:25:14,513
"'Di mo pwedeng sirain
ang mga kaso namin." "Di ka bahagi nito."

400
00:25:16,223 --> 00:25:18,183
Umasa kami na titigil 'to.

401
00:25:19,309 --> 00:25:22,729
Kaya maganda
na ang network ang bahala rito.

402
00:25:25,982 --> 00:25:30,028
Pero ang masama naman
ay ngayon, nakatutok sila sa palabas.

403
00:25:30,111 --> 00:25:33,698
Mas nakaka-stress kay Lucas
para mapatakbo ang lahat.

404
00:25:36,952 --> 00:25:39,788
NASA KAMERA KA

405
00:25:39,871 --> 00:25:42,958
Nang malaman ng produksiyon
na nakikialam si Carl sa mga kaso,

406
00:25:43,041 --> 00:25:45,043
medyo nag-iba si Chris.

407
00:25:45,835 --> 00:25:48,255
Ibaba mo kaya ang kamera mo at maupo ka?

408
00:25:49,130 --> 00:25:52,050
Parang wala siyang koneksiyon sa amin.

409
00:25:52,133 --> 00:25:54,970
Di namin alam
kung kailan siya nandoon o wala,

410
00:25:55,053 --> 00:25:58,431
at parang ginagawa lang niya
ang gusto niya.

411
00:26:02,352 --> 00:26:04,646
Malinaw na may iba
siyang pinagkakaabalahan

412
00:26:04,729 --> 00:26:06,565
na nangunguna.

413
00:26:09,317 --> 00:26:12,153
Pagkatapos ng unang pulong namin,
sinabi sa 'kin ni Lucas,

414
00:26:12,237 --> 00:26:14,281
"Alam ko sino'ng nag-email."

415
00:26:14,364 --> 00:26:18,451
"Si Carl Marino
na nagsasabotahe sa mga kaso."

416
00:26:19,953 --> 00:26:22,289
Sabi ni Lucas na wala na si Carl.

417
00:26:26,001 --> 00:26:29,129
Pero marami pa pala siyang
lihim na sasabihin sa 'kin.

418
00:26:31,298 --> 00:26:33,216
"Nag-aalangan akong sabihin 'to sa 'yo,

419
00:26:33,800 --> 00:26:35,218
pero sangkot si G. Butler

420
00:26:35,302 --> 00:26:37,929
sa seryosong gawaing kriminal ngayon."

421
00:26:38,805 --> 00:26:41,641
"Nagbebenta si Butler ng marihuwana,

422
00:26:41,725 --> 00:26:45,562
pati ibang mga droga,
inireresetang Xanax, at mga steroid

423
00:26:45,645 --> 00:26:49,524
na nakumpiska
ng Contra Costa County Task Force."

424
00:26:51,276 --> 00:26:53,903
"Ang puno ng task force

425
00:26:53,987 --> 00:26:56,114
ay kinukuha ang droga mula sa mga raid

426
00:26:56,197 --> 00:26:58,491
at ibinibigay 'to kay Chris para ibenta,

427
00:26:58,575 --> 00:27:02,078
at ibinibigay niya 'to sa 'kin."

428
00:27:03,038 --> 00:27:05,582
"Wala akong nabenta at ayoko 'to."

429
00:27:06,082 --> 00:27:10,128
"Di ako drug dealer
at ayokong may kinalaman dito."

430
00:27:12,589 --> 00:27:16,551
Nakakabigla
at nakakalokang impormasyon 'to.

431
00:27:17,802 --> 00:27:20,430
Nagsimula 'tong lahat
sa imbitasyon sa 'kin

432
00:27:20,513 --> 00:27:25,477
para magsulat ng nakalilibang na artikulo
tungkol sa reality show.

433
00:27:25,560 --> 00:27:28,521
Ngayon, napasubo na ako rito, sa mukhang

434
00:27:28,605 --> 00:27:32,275
mapanganib na sabwatang
may kinalaman sa ninakaw na droga

435
00:27:32,359 --> 00:27:35,403
at tiwaling pulis
na ibinebenta 'to sa lansangan

436
00:27:35,487 --> 00:27:37,322
matapos 'tong kumpiskahin.

437
00:27:38,990 --> 00:27:43,119
Biglang naging mas malaki 'to
kaysa sa maibabahagi ko kay Lucas.

438
00:27:43,203 --> 00:27:47,248
Di lang 'to pekeng kaso
para sa reality show.

439
00:27:47,332 --> 00:27:49,584
Seryosong gawaing kriminal na 'to.

440
00:27:51,336 --> 00:27:53,213
Patuloy akong nakipagsulatan kay Carl

441
00:27:53,296 --> 00:27:55,465
at sabi ko, "Pumunta ka sa pulis."

442
00:27:56,257 --> 00:27:59,928
Di niya alam sino'ng mapagkakatiwalaan
kaya humingi siya ng tulong.

443
00:28:05,183 --> 00:28:06,351
Tumunog ang telepono ko,

444
00:28:07,018 --> 00:28:09,771
at isang mamamahayag 'to
sa pangalang Peter Crooks.

445
00:28:11,940 --> 00:28:14,859
At ikinuwento niya
ang tungkol sa isang kaso

446
00:28:14,943 --> 00:28:18,113
na posibleng may sangkot
na katiwalian ng pulis,

447
00:28:18,697 --> 00:28:20,198
at dapat naming kausapin

448
00:28:20,281 --> 00:28:23,410
ang isang tao sa pangalang Carl Marino.

449
00:28:29,999 --> 00:28:34,087
Napagkasunduan naming magkita
sa opisina ng DA pagkatapos ng trabaho.

450
00:28:34,587 --> 00:28:37,632
At sabi ko,
"Carl, sabihin mo ba't tayo nandito."

451
00:28:38,883 --> 00:28:42,512
Nagkuwento siya tungkol kay
Chris Butler, katiwalian ng pulis,

452
00:28:42,595 --> 00:28:44,973
mga drug dealer,
isang serye ng reality TV,

453
00:28:45,056 --> 00:28:47,684
ang palabas na <i>Dr. Phil</i>, si Peter Crooks,

454
00:28:47,767 --> 00:28:50,603
mga nanay na P.I., marihuwana, shabu.

455
00:28:50,687 --> 00:28:52,272
Ang daming nabanggit.

456
00:28:52,355 --> 00:28:55,608
Pinahinto ko siya,
at sabi ko, "Sandali lang."

457
00:28:56,192 --> 00:28:57,610
Naaalala kong umiling ako.

458
00:28:57,694 --> 00:28:59,821
Sabi ko, "Baka kasi mas matanda ako,

459
00:28:59,904 --> 00:29:03,366
at di na kasimbilis ang takbo ng utak ko."

460
00:29:03,450 --> 00:29:05,952
Sa oras na 'yon, wala akong naintindihan,

461
00:29:06,453 --> 00:29:07,954
pero nagbago 'yon.

462
00:29:12,083 --> 00:29:14,961
Kalahating kilong damo,
ayan, sa ibabaw ng mesa.

463
00:29:16,504 --> 00:29:19,215
Ibinigay daw 'to ni Chris
sa kanya para ibenta,

464
00:29:19,299 --> 00:29:20,717
at wala siyang lusot.

465
00:29:23,386 --> 00:29:26,556
Halatang may katotohanan
sa sinasabi niya sa 'kin,

466
00:29:26,639 --> 00:29:29,058
dahil nasa harap ko ang marihuwana.

467
00:29:30,310 --> 00:29:32,771
Alam kong may dapat akong gawin.

468
00:29:35,648 --> 00:29:38,401
{\an8}Ang pananaw ko sa reality TV ay

469
00:29:39,319 --> 00:29:41,738
di 'to totoong buhay.

470
00:29:41,821 --> 00:29:43,948
Interesado ako sa totoong krimen.

471
00:29:46,493 --> 00:29:48,203
Gamit si Carl, hiniling sa aming

472
00:29:48,286 --> 00:29:51,831
tumulong bumuo ng kaso laban
kay Chris Butler at sa tiwaling pulis.

473
00:29:52,624 --> 00:29:56,002
Nakaisip kami ng plano
para banggitin ni Chris ang droga.

474
00:29:56,503 --> 00:29:59,255
Nakipagkita kami kay Carl,
at kinabitan namin siya ng wire.

475
00:29:59,923 --> 00:30:02,050
<i>Komportable ka? Ayos lang ang lahat?</i>

476
00:30:02,133 --> 00:30:04,803
<i>Oo, medyo kinakabahan ako,</i>
<i>pero naga-undercover kami,</i>

477
00:30:04,886 --> 00:30:06,513
<i>kaya parang gano'n din.</i>

478
00:30:06,596 --> 00:30:09,307
<i>Medyo iba pag kasama ko ang boss ko.</i>

479
00:30:09,808 --> 00:30:10,642
<i>Ayan.</i>

480
00:30:10,725 --> 00:30:12,310
<i>-Good luck, pare.</i>
<i>-Salamat.</i>

481
00:30:13,853 --> 00:30:15,522
Ang aparato ni Carl

482
00:30:16,022 --> 00:30:18,441
ay nagbobrodkast sa frequency
ng radyo ng pulis,

483
00:30:18,525 --> 00:30:22,403
para mailagay ko ang channel
at mapakinggan ang nangyayari.

484
00:30:23,029 --> 00:30:24,447
CHRIS: <i>Ano'ng nangyayari?</i>

485
00:30:24,531 --> 00:30:26,866
CARL: <i>Nabenta ko ang isang pakete ko</i>.

486
00:30:27,492 --> 00:30:28,743
CHRIS: <i>Ayos!</i>

487
00:30:28,827 --> 00:30:31,371
CARL: <i>Gusto niya ng tatlo pa.</i>

488
00:30:31,454 --> 00:30:32,997
CHRIS: <i>Sabihin mong oo.</i>

489
00:30:33,873 --> 00:30:35,333
Nang marinig ko 'yon,

490
00:30:36,292 --> 00:30:39,587
alam kong may makukulong sa katapusan.

491
00:30:41,881 --> 00:30:47,095
Pero napakakaunting kaso
sa loob ng 25 taon ko ay ganito.

492
00:30:47,595 --> 00:30:50,265
CHRIS: <i>Nakilala ka ng lalaki.</i>
<i>Pare, ewan ko.</i>

493
00:30:50,348 --> 00:30:52,767
<i>Gusto ko tuloy barilin ang sarili ko.</i>

494
00:30:53,685 --> 00:30:56,312
<i>Hayaan mo na 'tong sa network,</i>

495
00:30:56,396 --> 00:30:58,606
<i>dahil handa na silang pahintuin 'to.</i>

496
00:30:58,690 --> 00:31:00,108
<i>Mawawala ang palabas ko.</i>

497
00:31:00,191 --> 00:31:02,694
<i>Tapos, isasara ko ang negosyo ko</i>
<i>at wala nang matitira.</i>

498
00:31:02,777 --> 00:31:03,820
<i>Wala akong karera.</i>

499
00:31:03,903 --> 00:31:06,990
<i>Wala akong mala-artistang kaguwapuhan.</i>
<i>Ganito ang itsura ko.</i>

500
00:31:07,490 --> 00:31:09,158
Sabi ko, "Kakaiba 'to."

501
00:31:09,242 --> 00:31:13,371
Parang mas interesado sila
sa pagsira ni Carl sa palabas

502
00:31:13,454 --> 00:31:14,831
kaysa sa droga.

503
00:31:16,332 --> 00:31:18,126
CHRIS: <i>Naiintindihan ko ba't mo ginawa,</i>

504
00:31:18,209 --> 00:31:20,211
<i>kasi kung nasa parehong lugar ako,</i>

505
00:31:20,295 --> 00:31:22,213
<i>gano'n din siguro ang ginawa ko,</i>

506
00:31:22,297 --> 00:31:24,883
<i>pero baka mas pinag-isipan ko 'to.</i>

507
00:31:25,383 --> 00:31:27,093
<i>Wag mong ipatigil ang proyekto!</i>

508
00:31:33,182 --> 00:31:37,103
Noong una, noong isinasagawa namin
ang unang operasyon,

509
00:31:37,604 --> 00:31:41,441
di namin sinabi sa kanila,
pero pinagmamasdan namin ang palabas

510
00:31:41,524 --> 00:31:43,693
para makita ang lahat na nangyayari.

511
00:31:44,319 --> 00:31:46,446
Napansin kong maraming kotse ng pulis.

512
00:31:46,529 --> 00:31:49,991
Naisip kong kakaiba 'to
sa isang tahimik at payapang bayan.

513
00:31:51,159 --> 00:31:53,328
Kakaiba na
ang lokal na departamento ng pulisya

514
00:31:53,411 --> 00:31:55,371
ay sumipot habang nagsoshooting kami.

515
00:31:55,455 --> 00:31:57,498
Nakaupo lang sila at nanonood.

516
00:31:58,875 --> 00:32:00,752
May nararamdaman ka sa hangin

517
00:32:00,835 --> 00:32:04,964
na may kakaiba
sa buong produksiyon sa oras na 'to.

518
00:32:05,048 --> 00:32:07,091
Ano'ng nangyayari rito?

519
00:32:09,844 --> 00:32:14,641
Sa oras na 'yon, pakiramdam ko
na nakakapit kami sa patalim.

520
00:32:17,769 --> 00:32:24,609
Pero may isang kaso kami na pagkakataon
namin para mailigtas ang serye.

521
00:32:24,692 --> 00:32:25,610
NAWAWALANG DALAGITA

522
00:32:25,693 --> 00:32:29,822
Kumbinsido ang mag-asawa
na nanganganib ang dalagita nilang anak.

523
00:32:29,906 --> 00:32:32,992
Ang 15 taong gulang
ay nauuri bilang isang tumakas.

524
00:32:33,076 --> 00:32:37,789
May dalagitang talagang nawawala.
Pakiramdam ko malaki ang kaso.

525
00:32:37,872 --> 00:32:40,792
Nagising ang mga magulang
noong Lunes at wala na siya,

526
00:32:40,875 --> 00:32:43,544
sabi nila, nang walang babala o dahilan,

527
00:32:43,628 --> 00:32:47,674
dala lang ang laptop,
ilang damit, $20, at isang backpack.

528
00:32:50,218 --> 00:32:53,596
Sa oras na 'yon, eto na talaga,

529
00:32:53,680 --> 00:32:56,432
at sabi ni Lucas, "Gagawin ninyo 'to."

530
00:32:56,516 --> 00:32:58,726
"Hahanapin n'yo siya at
ililigtas ang palabas."

531
00:32:59,477 --> 00:33:03,064
Malaki ang nagastos namin.

532
00:33:03,147 --> 00:33:08,236
May mga helicopter sa ere
para alamin kung nasaan siya.

533
00:33:10,113 --> 00:33:12,699
Sa larangan ng TV,

534
00:33:12,782 --> 00:33:16,077
magandang may maraming lead
at masundan sila

535
00:33:16,160 --> 00:33:18,496
at maraming makuwento,

536
00:33:18,579 --> 00:33:21,249
pero sa huli, ang gusto mo talagang gawin

537
00:33:21,332 --> 00:33:23,793
ay mahanap siya
at maibalik siya sa pamilya niya.

538
00:33:24,877 --> 00:33:28,006
Ibinahagi ng mga magulang niya
ang alam nila sa mga detective.

539
00:33:28,089 --> 00:33:29,382
Naghihintay sila ngayon.

540
00:33:36,431 --> 00:33:38,266
Biglang may tumawag sa 'kin.

541
00:33:39,350 --> 00:33:42,270
Sabi niya, "Di ka maniniwala rito."

542
00:33:42,854 --> 00:33:45,982
"Si Carl… ay nahanap na
ang nawawalang dalagita."

543
00:33:48,443 --> 00:33:51,320
Nanggugulo na naman siya.

544
00:33:51,904 --> 00:33:53,239
Galit kami.

545
00:33:53,322 --> 00:33:57,118
Akala kong bibigyan ko
ng pampakalma ang isang producer ko,

546
00:33:57,201 --> 00:33:59,203
dahil gusto niyang patayin siya.

547
00:34:00,413 --> 00:34:03,291
Itinalaga pala ni Chris si Carl

548
00:34:03,374 --> 00:34:04,667
para hanapin siya

549
00:34:04,751 --> 00:34:07,211
bago 'to ibinigay sa mga nanay na P.I.,

550
00:34:07,295 --> 00:34:11,299
pero nagtatrabaho pa rin
si Carl sa kaso nang mag-isa.

551
00:34:11,883 --> 00:34:15,470
At naisip ko na
sinusubukan niyang ayusin ang mga bagay,

552
00:34:15,553 --> 00:34:18,806
para makuhanan siya
bilang ang nakahanap sa babae

553
00:34:18,890 --> 00:34:21,434
at ang pagbalik niya sa pamilya niya.

554
00:34:22,477 --> 00:34:26,856
Tumawag si Carl sa pulis, pero di niya 'to
pinasa sa mga nanay na P. I.

555
00:34:28,399 --> 00:34:31,152
Sinabihan kami ng mga producer
na magkita sa isang lugar,

556
00:34:31,235 --> 00:34:34,530
dahil naniwala kami
na baka nandoon ang dalagita.

557
00:34:35,656 --> 00:34:38,910
Ang una kong gustong gawin
ay hanapin si Carl,

558
00:34:39,410 --> 00:34:41,412
harapin siya, at kausapin siya.

559
00:34:44,415 --> 00:34:49,962
Pagdating ko roon, sobrang gulo talaga.

560
00:34:51,506 --> 00:34:54,092
May mga pula at asul na ilaw
na kumikaslap kahit saan.

561
00:34:54,175 --> 00:34:57,970
Nagsisigawan ang mga tao sa isa't isa,
at sumisigaw ang crew,

562
00:34:58,471 --> 00:35:00,932
at wala roon ang nawawalang dalagita.

563
00:35:02,433 --> 00:35:06,854
Pero, aba naman,
nandoon si Carl, sa gitna ng lahat.

564
00:35:06,938 --> 00:35:09,690
Anuman ang mangyari, disidido siya

565
00:35:09,774 --> 00:35:11,734
na matikman ang 15 minutong kasikatan.

566
00:35:13,444 --> 00:35:16,239
Iniisip ko, "Napakamakasarili mo,"

567
00:35:17,240 --> 00:35:19,242
kasi alam ni Carl kung nasaan siya

568
00:35:19,325 --> 00:35:23,162
at di niya 'to ibinahagi
hanggang mapapakinabangan niya 'to.

569
00:35:24,247 --> 00:35:28,584
Gaano ka katanga
para isipin na pupuwerahin mo kami,

570
00:35:28,668 --> 00:35:30,878
at pagkatapos ikaw ang magiging bida?

571
00:35:32,130 --> 00:35:33,673
Sino ka ba?

572
00:35:35,967 --> 00:35:38,136
Ayokong maging parang <i>Real Housewives </i>'to,

573
00:35:38,719 --> 00:35:41,139
at mas malala 'to
kaysa sa <i>Real Housewives</i>.

574
00:35:42,140 --> 00:35:44,100
Sobrang gulo at nag-aaway ang mga tao.

575
00:35:45,017 --> 00:35:46,936
Paano tayo napunta rito?

576
00:35:54,569 --> 00:35:58,072
Halos agad-agad,
tumawag ang network para sa crisis call.

577
00:35:58,573 --> 00:36:04,120
Sa oras na 'yon, nag-invest na sila
ng ilang daang libong dolyar sa palabas,

578
00:36:04,954 --> 00:36:07,123
at galit na galit sila.

579
00:36:10,084 --> 00:36:14,505
Sinabihan kami na kung lalala pa 'to,

580
00:36:16,007 --> 00:36:17,300
pahihintuin na nila 'to.

581
00:36:20,845 --> 00:36:24,473
CHRIS: <i>Ngayon, pinag-uusapan natin</i>
<i>ang shabu.</i>

582
00:36:24,557 --> 00:36:25,933
<i>Handa na tayo.</i>

583
00:36:26,017 --> 00:36:28,019
<i>Gusto niya ng sample, di ba?</i>

584
00:36:28,102 --> 00:36:30,062
CARL: <i>Kung ayos, bibilhin niya ngayon.</i>

585
00:36:30,146 --> 00:36:32,523
Pagkatapos ng kaso ng nawawalang dalagita,

586
00:36:32,607 --> 00:36:37,904
narinig naming sinabi ni Chris na may
isang kilo't kalahati ng shabu siya.

587
00:36:37,987 --> 00:36:42,575
-'Yon ang nagtulak sa amin.
-Alam namin noon na dapat 'tong itigil.

588
00:36:45,453 --> 00:36:47,371
Ang susunod na dapat naming gawin

589
00:36:47,455 --> 00:36:52,585
ay bilhin 'to kasama ang tiwaling pulis,
si Chris, at si Carl.

590
00:36:54,337 --> 00:36:56,714
Nakipagkita kami kay Carl,
kinabitan siya ng wire,

591
00:36:57,340 --> 00:36:59,300
binigyan siya ng $10,000 cash,

592
00:36:59,383 --> 00:37:04,805
at inutusan siyang pumunta
sa kompanya ng P.I. para makipagkita.

593
00:37:08,935 --> 00:37:10,478
Ano'ng mayroon?

594
00:37:10,561 --> 00:37:13,689
Sige, pumarito ka sa likod.
Tingnan natin ang pera.

595
00:37:14,190 --> 00:37:15,900
Ang dami nito!

596
00:37:17,276 --> 00:37:21,739
Noong kinuha ni Chris ang pera
mula kay Carl at binibilang niya 'to…

597
00:37:22,490 --> 00:37:24,784
Kalahating kilo.

598
00:37:25,868 --> 00:37:28,621
…at ibinigay niya ang shabu kay Carl…

599
00:37:29,205 --> 00:37:31,749
Dedespatsahin ko 'to nang mabilis.

600
00:37:33,626 --> 00:37:36,629
Sa oras na nangyari 'yon,
tapos na. Nahuli ka na namin.

601
00:37:39,048 --> 00:37:40,633
Isang pribadong imbestigador,

602
00:37:40,716 --> 00:37:43,761
konektado sa iskandalo ng katiwalian
sa pulisya, ay nakipagkasundo.

603
00:37:43,844 --> 00:37:45,554
May ginawa kang mali, Chris?

604
00:37:45,638 --> 00:37:47,640
<i>Nahaharap sa pitong kaso ng felony,</i>

605
00:37:47,723 --> 00:37:51,227
<i>maraming ebidensiya,</i>
<i>at baka habambuhay na pagkakakulong,</i>

606
00:37:51,310 --> 00:37:54,063
<i>nagpasiya si Chris Butler</i>
<i>na tumanggap ng plea deal.</i>

607
00:37:54,563 --> 00:37:57,733
Lintik! Ano'ng nangyari?

608
00:37:57,817 --> 00:38:01,779
Naaresto si Chris sa pagbebenta ng droga.

609
00:38:01,862 --> 00:38:04,907
Gulat… gulat na gulat ako.

610
00:38:06,242 --> 00:38:10,788
Nasa bahay ako noong nalaman kong
naaresto si Chris Butler.

611
00:38:10,871 --> 00:38:13,666
Di ako makapaniwala na nangyayari 'yon.

612
00:38:13,749 --> 00:38:15,042
Kaibigan ko si Chris,

613
00:38:15,126 --> 00:38:18,254
at makita siya sa TV
na nakasuot ng jumpsuit,

614
00:38:18,337 --> 00:38:21,215
ang lungkot, nakakatakot.

615
00:38:23,009 --> 00:38:26,220
May tumawag sa akin
na naaresto si Chris Butler,

616
00:38:26,304 --> 00:38:27,513
at 'yon na 'yon.

617
00:38:27,596 --> 00:38:31,684
Sabi ng network, "Eto na. Tapos na tayo."

618
00:38:37,690 --> 00:38:40,818
Tinipon ko ang lahat sa production office,

619
00:38:40,901 --> 00:38:42,862
ang crew, ang mga nanay,

620
00:38:42,945 --> 00:38:46,282
at… sinabi ko sa kanila.

621
00:38:48,743 --> 00:38:53,289
Umiiyak ako sa buong talumpating 'yon.

622
00:38:59,587 --> 00:39:01,088
Nalungkot lang ako

623
00:39:01,922 --> 00:39:05,634
na lahat ng pinagdaanan nila
dahil sa 'kin…

624
00:39:07,720 --> 00:39:08,679
ay para sa wala.

625
00:39:14,101 --> 00:39:17,229
Inalis 'to nina Chris at Carl sa lahat.

626
00:39:17,772 --> 00:39:21,942
Inuna nila ang mga hangarin nila,

627
00:39:22,026 --> 00:39:25,654
at napakaraming tao
ang naapektuhan ng palabas na 'yon.

628
00:39:26,614 --> 00:39:29,742
Alam kong maraming tao
ang magsasabi, "Palabas lang 'to."

629
00:39:29,825 --> 00:39:32,828
Pero palabas 'to na gustung-gusto namin,

630
00:39:32,912 --> 00:39:34,413
ibinabahagi ang mga istorya namin

631
00:39:34,497 --> 00:39:37,083
at pinapalakasan
ang ibang babae na gawin din 'to.

632
00:39:37,166 --> 00:39:39,668
At nawala 'to. Inalis 'to sa amin.

633
00:39:43,714 --> 00:39:45,674
Noong nakansela ang palabas,

634
00:39:45,758 --> 00:39:49,637
ang pagkakataon kong ibahagi
ang istorya ko ay inalis.

635
00:39:52,848 --> 00:39:57,103
Isa pang dahilan kung ba't ako nadismaya,

636
00:39:57,186 --> 00:40:02,149
ay dahil naging bukas ako, at unang beses
ko 'tong magbahagi nang gan'on,

637
00:40:02,233 --> 00:40:05,528
at sino ang nakakaalam kung
sino kaya ang matutulungan ko

638
00:40:05,611 --> 00:40:11,534
kung nakalabas ang istorya ko,
at naibahagi ko 'tong lahat sa mundo.

639
00:40:15,746 --> 00:40:18,791
Di niya alam ang kinuha niya sa 'kin.

640
00:40:23,087 --> 00:40:26,006
Chris, may ideya ka para sa reality TV?

641
00:40:26,090 --> 00:40:27,258
Paumanhin.

642
00:40:28,676 --> 00:40:30,636
NOONG MAYO 4, 2012, UMAMIN SI CHRIS BUTLER

643
00:40:30,719 --> 00:40:33,889
SA PAGBEBENTA NG DROGA, EXTORSIYON,
PAGNANAKAW AT PAG-WIRETAP.

644
00:40:33,973 --> 00:40:36,475
NASENTISIYAHAN SIYA
NG WALONG TAON SA KULUNGAN.

645
00:40:36,559 --> 00:40:39,520
Matapos lumabas ang impormasyon
tungkol kay Chris Butler,

646
00:40:39,603 --> 00:40:42,106
nagtrabaho ako sa buong weekend

647
00:40:42,189 --> 00:40:44,066
at nagsulat ng 10,000 salita.

648
00:40:44,150 --> 00:40:47,027
ANG TUNAY NA KASO NG TIWALING P.I.

649
00:40:47,111 --> 00:40:48,988
Mabilis ang balita,

650
00:40:49,071 --> 00:40:52,199
at binigyan nito si Carl
ng pagkakataong inaabangan niya.

651
00:40:53,159 --> 00:40:56,412
Matagal ko nang gustong

652
00:40:56,495 --> 00:40:58,330
maglingkod, matulungan ang mga tao.

653
00:40:58,414 --> 00:41:01,750
Di ko alam kung ano, paano o kailan.

654
00:41:01,834 --> 00:41:04,712
Alam kong may dapat akong gawin
tungkol sa drogang 'yon.

655
00:41:04,795 --> 00:41:07,923
Sabi ko, "Naiintindihan ko na."

656
00:41:08,007 --> 00:41:09,800
"Ngayon, alam ko na."

657
00:41:09,884 --> 00:41:11,594
Akala ko magkasintahan sila,

658
00:41:11,677 --> 00:41:15,681
at sa wakas, nakita ko na ang lahat
na mayroon si Carl kay Chris

659
00:41:15,764 --> 00:41:17,766
dahil sa ilegal na gawain.

660
00:41:17,850 --> 00:41:20,895
Diyos ko po, naiintindihan ko na.

661
00:41:22,354 --> 00:41:24,356
Sa kabila ng lahat ng ginawa ni Carl,

662
00:41:24,440 --> 00:41:26,734
kinilala siya bilang bayani

663
00:41:27,234 --> 00:41:29,695
dahil isinumbong niya sila
at nag-undercover siya,

664
00:41:29,778 --> 00:41:31,739
at 'yon na ang sandali ni Carl.

665
00:41:31,822 --> 00:41:35,242
Kung di ka nagparamdam,
saan kaya 'to umabot?

666
00:41:35,326 --> 00:41:37,161
Baka naging kaso ng pagpatay 'to.

667
00:41:37,244 --> 00:41:42,917
Pero ang mga nanay, pinag-initan kami
at pinagtatawanan at napahiya.

668
00:41:43,000 --> 00:41:47,046
Sabi mo na akala ng mga babaeng 'to
na makakasama nila ang mga Kardashian?

669
00:41:47,129 --> 00:41:49,048
Tingin ko lahat ng kasama rito

670
00:41:49,131 --> 00:41:53,219
ay akalang pupunta sila
sa <i>Access Hollywood </i>gabi-gabi

671
00:41:53,302 --> 00:41:54,929
at kikita ng isang milyong dolyar.

672
00:41:55,513 --> 00:41:58,724
Pinag-initan ang mga nanay na P.I.

673
00:41:58,807 --> 00:42:02,186
dahil ang pangalan nila
ang ginamit sa palabas.

674
00:42:02,269 --> 00:42:06,065
Di 'to palabas ni Chris Butler.
Di 'to palabas ni Carl Marino.

675
00:42:06,565 --> 00:42:07,942
Ito ay <i>P.I. Moms</i>.

676
00:42:08,025 --> 00:42:11,403
Kaya sa tingin ko maaaring may palagay

677
00:42:11,487 --> 00:42:14,949
na ang mga nanay na P.I.
ay sangkot sa setup,

678
00:42:15,032 --> 00:42:18,077
at di talaga 'yon totoo.

679
00:42:18,953 --> 00:42:23,916
Tinatawag kaming manloloko, peke,
mga drug dealer, at lahat ng bagay,

680
00:42:23,999 --> 00:42:26,210
at wala kaming masabi tungkol dito.

681
00:42:27,795 --> 00:42:30,548
Pero patuloy
ang 15 minutong kasikatan ni Carl

682
00:42:30,631 --> 00:42:32,716
noong naging regular
siya sa isang palabas.

683
00:42:33,300 --> 00:42:36,011
Si Lt. Kenda 'to
ng Colorado Springs Police Department.

684
00:42:36,512 --> 00:42:38,097
Nagtatrabaho ako sa isang homicide…

685
00:42:38,180 --> 00:42:41,141
Sa paggawa ng maraming reality TV,

686
00:42:41,225 --> 00:42:43,310
may isang uri ng tao

687
00:42:43,394 --> 00:42:48,941
na may emosyonal na kakulangan

688
00:42:49,525 --> 00:42:51,360
sa kanilang pag-iisip,

689
00:42:52,444 --> 00:42:55,030
at akala nila

690
00:42:55,114 --> 00:43:00,578
na mapupunan ng paghanga
ng mga tagahanga ang kakulangang 'yon.

691
00:43:01,453 --> 00:43:04,665
At sa tingin ko,
'yon yata ang nangyari kay Carl.

692
00:43:05,749 --> 00:43:11,255
Akala mo kung may isa sa grupo mong
nagtagumpay sa palabas na 'yon,

693
00:43:11,338 --> 00:43:13,048
ay gusto mong suportahan,

694
00:43:13,132 --> 00:43:15,384
pero dahil sa kung paano siya umabot doon,

695
00:43:15,467 --> 00:43:17,928
di ko tuloy magawa.

696
00:43:18,679 --> 00:43:20,055
Magaling ba siya?

697
00:43:20,139 --> 00:43:21,015
Hindi.

698
00:43:22,474 --> 00:43:25,269
Siniraan niya kami
para matawag ang pansin.

699
00:43:27,479 --> 00:43:28,814
Nakuha niya ang gusto niya.

700
00:43:31,108 --> 00:43:33,902
Magpahinga tayo
nang dalawang minuto. Lalabas lang ako.

701
00:43:33,986 --> 00:43:35,195
Diyan lang kayo.

702
00:43:36,238 --> 00:43:38,574
-Wag mong dalhin si Carl dito.
-Hindi!

703
00:43:40,993 --> 00:43:42,786
Susuntukin ko ang gagong 'yon.

704
00:44:13,233 --> 00:44:16,612
Pagsasalin ng subtitle ni: Carol Chua



