1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.BZ

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.BZ

3
00:00:21,396 --> 00:00:23,690
Sa buong buhay ko,

4
00:00:24,274 --> 00:00:27,610
marami na akong napuntahang
kakaibang lugar.

5
00:00:31,531 --> 00:00:34,701
Marami na akong nakilalang
nakakamanghang nilalang.

6
00:00:37,495 --> 00:00:42,834
Pero may ilan talaga
na malalim ang naging koneksiyon ko.

7
00:00:52,469 --> 00:00:55,055
May lakas at sigla sila

8
00:00:57,098 --> 00:00:59,476
na higit pa sa atin.

9
00:01:02,187 --> 00:01:03,521
Pero pag tinitingnan ko sila,

10
00:01:04,022 --> 00:01:08,068
hindi ang sukat at kapangyarihan nila
ang nagpapamangha sa akin.

11
00:01:09,360 --> 00:01:13,948
'Yon ay ang katalinuhan at kamalayan
na nakikita ko sa mga mata nila

12
00:01:14,657 --> 00:01:17,035
kapag lumilingon sila sa akin.

13
00:01:23,958 --> 00:01:30,381
Magkahalong mangha at takot
ang nararamdaman ko sa kanila.

14
00:01:36,137 --> 00:01:38,389
Pero hindi takot sa kanila.

15
00:01:41,101 --> 00:01:46,106
'Yong takot ko, natin,
na baka may di tayo napansin.

16
00:01:47,107 --> 00:01:49,192
Isang importanteng bagay.

17
00:01:50,735 --> 00:01:54,447
Mas malalim na pang-unawa
sa kung ano at sino sila…

18
00:01:57,325 --> 00:02:00,328
at kung ano ang ibig sabihin noon sa atin.

19
00:02:05,667 --> 00:02:10,213
ISINALAYSAY NI DAVID ATTENBOROUGH

20
00:02:18,513 --> 00:02:22,559
Naalala ko ang unang beses kong nakilala
ang mga gorilyang bundok.

21
00:02:27,772 --> 00:02:31,401
"Lunes, ika-9 ng Enero, 1978.

22
00:02:33,987 --> 00:02:37,574
Ang perfect cones
ng mga bulkang Virunga sa harapan.

23
00:02:43,788 --> 00:02:47,625
Sinimulan namin ang isa't kalahating oras
na paglalakad sa bundok.

24
00:02:49,586 --> 00:02:55,508
Unti-unting naging mataas na rainforest
ang simpleng palumpong.

25
00:03:01,723 --> 00:03:05,310
Mahahabang sanga ng puno
na puno ng kumpol ng epiphytes.

26
00:03:07,812 --> 00:03:10,106
Mga berdeng fern na pahaba ang dahon,

27
00:03:10,190 --> 00:03:13,735
at Spanish moss
na nakasabit kung saan-saan.

28
00:03:22,118 --> 00:03:25,997
Nakakita kami ng grupo ng mga babae
at batang gorilya sa bukas na gubat.

29
00:03:27,874 --> 00:03:31,044
Laking gulat ko
na hinayaan nila akong lumapit.

30
00:03:40,803 --> 00:03:43,181
Hindi ito magiging posible

31
00:03:43,264 --> 00:03:46,935
kung hindi sa naunang gawa ni Dian Fossey.

32
00:03:49,354 --> 00:03:51,898
Nakipamuhay siya sa mga gorilya,

33
00:03:54,108 --> 00:03:58,071
pinag-aralan ang mga detalye
ng buhay nila.

34
00:04:01,074 --> 00:04:04,911
Dahil ginawa namin ang bilin ni Dian,

35
00:04:04,994 --> 00:04:07,664
tinanggap nila kami sa parehong paraan.

36
00:04:09,457 --> 00:04:12,794
Kinailangan kong huminto
at makipagpalitan ng malalim na ungol.

37
00:04:12,877 --> 00:04:16,005
'Yong ingay na nagsasabing,
'Nandito ako.'"

38
00:04:21,552 --> 00:04:25,014
'Yong paningin, pandinig,
at pang-amoy nila,

39
00:04:26,099 --> 00:04:27,517
katulad ng sa atin,

40
00:04:27,600 --> 00:04:31,729
kaya kapareho natin sila
ng pagtingin sa mundo.

41
00:04:33,773 --> 00:04:37,610
At kung may posibilidad
ng pagtakas sa kalagayan ng tao

42
00:04:37,694 --> 00:04:42,907
at maranasan ang mundo ng ibang nilalang,

43
00:04:43,616 --> 00:04:45,201
dapat sa mga gorilya 'yon.

44
00:04:51,124 --> 00:04:52,792
Ang hindi ko sinabi roon,

45
00:04:53,459 --> 00:05:00,174
hindi 'yon dapat video
ng direktang pakikipagkita sa mga gorilya.

46
00:05:01,301 --> 00:05:05,847
Trabaho ng sequence na ipakita
ang kahalagahan ng hinlalaki at hintuturo…

47
00:05:05,930 --> 00:05:07,724
'yong magkasalungat na daliri.

48
00:05:10,226 --> 00:05:12,979
Di namin inakala
na makakadikit kami sa kanila.

49
00:05:13,062 --> 00:05:15,440
Uupo lang kami roon at pag-uusapan sila.

50
00:05:17,650 --> 00:05:21,070
Lumingon ako. Nakahiga sila sa lupa.
Tumingin ako sa camera.

51
00:05:21,154 --> 00:05:23,865
Nakaramdam ako ng bigat sa paa ko.

52
00:05:24,449 --> 00:05:26,826
Tiningnan ko. Nando'n si munting Pablo.

53
00:05:34,042 --> 00:05:37,170
Di ko maipaliwanag ang ebolusyon
ng hinlalaki at hintuturo.

54
00:05:37,253 --> 00:05:39,422
Umupo lang ako at hinayaan 'yon.

55
00:05:58,274 --> 00:06:00,526
Tingnan mo ang maliit na nilalang na 'yon.

56
00:06:00,610 --> 00:06:03,279
Talagang nakakatuwa.
Gusto mo siyang yakapin.

57
00:06:04,530 --> 00:06:08,201
Puro saya lang talaga.

58
00:06:13,081 --> 00:06:15,958
Iisipin ng marami na 'yon
ang pinakaimportanteng sequence

59
00:06:16,042 --> 00:06:17,168
sa series na 'yon.

60
00:06:18,044 --> 00:06:22,507
Kung hindi man, sa buong buhay ko sa TV.

61
00:06:24,300 --> 00:06:29,263
Sa lahat ng hayop na nakasalamuha ko,

62
00:06:29,347 --> 00:06:33,017
sa gorilya lang ako nakaramdam
ng totoong koneksiyon

63
00:06:34,727 --> 00:06:36,312
kumpara sa ibang hayop.

64
00:06:39,107 --> 00:06:43,694
Di ko alam noon na magiging kahanga-hanga
ang buhay ni Pablo…

65
00:06:46,280 --> 00:06:48,825
o ang marka na iiwan niya.

66
00:06:52,161 --> 00:06:55,832
May pagkakataon na ako ngayon
para sabihin ang kuwento ni Pablo

67
00:06:55,915 --> 00:06:57,875
at ng mga inapo niya

68
00:06:57,959 --> 00:07:02,088
na nakatira pa rin
sa mga dalusdos sa Virungas.

69
00:07:13,683 --> 00:07:15,852
Makalipas ang halos 50 taon,

70
00:07:15,935 --> 00:07:20,314
humaharap ang pamilya ng gorilyang ito,
na kilala bilang Pablo group,

71
00:07:20,398 --> 00:07:23,025
sa panibagong direksiyon
sa kanilang kuwento.

72
00:07:36,289 --> 00:07:41,502
Ang dominanteng silverback
at pinuno ng grupo ay si Gicurasi.

73
00:07:55,892 --> 00:08:00,104
Isa siya sa pinakamatanda
at bihasang gorilya

74
00:08:00,188 --> 00:08:01,647
sa bundok.

75
00:08:07,528 --> 00:08:12,992
Naging matatag ang Pablo group
sa pamumuno niya.

76
00:08:19,290 --> 00:08:24,712
Bahagi ng katatagang 'yon
ang pinakaimportante niyang kakampi.

77
00:08:29,091 --> 00:08:32,011
Si Teta ang dominanteng babae.

78
00:08:41,103 --> 00:08:45,650
Nirerespeto at sinusunod siya ng grupo.

79
00:08:54,367 --> 00:08:56,619
Kakaiba ang samahan

80
00:08:57,537 --> 00:09:00,122
nina Teta at Gicurasi.

81
00:09:09,590 --> 00:09:12,051
Sa tabi ni Teta,

82
00:09:12,134 --> 00:09:16,639
napanatili ni Gicurasi ang kapangyarihan
sa loob ng limang taon.

83
00:09:37,827 --> 00:09:41,956
Sila ang puso ng pamilyang ito ng gorilya.

84
00:09:55,761 --> 00:10:00,766
Di na gano'n kalakas
si Gicurasi gaya ng dati.

85
00:10:03,811 --> 00:10:06,939
At may iba pang naghihintay pumalit.

86
00:10:11,527 --> 00:10:12,653
Si Ubwuzu…

87
00:10:15,656 --> 00:10:18,117
posibleng papalit na silverback.

88
00:10:20,828 --> 00:10:21,996
Napakalaki,

89
00:10:23,372 --> 00:10:24,540
napakalakas,

90
00:10:26,542 --> 00:10:29,086
na may sariling ambisyon.

91
00:10:33,716 --> 00:10:36,636
Nawawalan na ng lakas si Gicurasi…

92
00:10:40,765 --> 00:10:44,935
at gusto ni Ubwuzu
na pumalit bilang lider.

93
00:11:09,043 --> 00:11:14,423
Pero sa ngayon,
nakatutok ang grupo sa anak ni Teta.

94
00:11:18,511 --> 00:11:20,304
Kagaya natin,

95
00:11:20,388 --> 00:11:23,891
aliw na aliw tayo
sa kapapanganak na sanggol.

96
00:11:34,235 --> 00:11:36,987
Pero ilang buwan pa lang siya,

97
00:11:37,655 --> 00:11:40,783
kaya dapat ilayo siya
ni Teta sa kapahamakan,

98
00:11:42,159 --> 00:11:45,079
lalo na kapag nagkakagulo.

99
00:12:00,970 --> 00:12:04,682
Mahilig maglaro ang mga gorilya,
bata man o matanda.

100
00:12:13,441 --> 00:12:18,320
Importanteng parte ito
sa pagbuo at pagpapatatag ng mga samahan.

101
00:12:39,049 --> 00:12:43,304
Pero hindi interesado si Ubwuzu
sa paglalaro.

102
00:12:52,021 --> 00:12:55,900
Sa ngayon, nakatutok siya kay Gicurasi.

103
00:12:59,445 --> 00:13:05,367
Mas malakas siya ngayon kesa sa matanda,
at sinusubukan niya siyang takutin.

104
00:13:18,672 --> 00:13:23,052
Pero hindi lang lakas ang kailangan
para mamuno sa grupo ng gorilya…

105
00:13:26,597 --> 00:13:30,601
gaya ng nakita ko
ilang taon na ang nakalipas sa Rwanda.

106
00:13:37,775 --> 00:13:41,821
"Si Beethoven ang dominanteng silverback,
siguro 30 taong gulang.

107
00:13:50,955 --> 00:13:52,998
Maangas ang lakad niya."

108
00:13:54,542 --> 00:13:57,002
Papasok siya. At malaking hayop 'yon.

109
00:13:57,086 --> 00:13:59,505
Ibig kong sabihin, malaki kumpara sa 'yo.

110
00:13:59,588 --> 00:14:03,259
Isang kumpas lang ng kamao niya,
baka mabutas ang ulo mo.

111
00:14:06,262 --> 00:14:09,473
Pero may ibang katangian si Beethoven,

112
00:14:10,891 --> 00:14:12,476
at nakita ko 'yon

113
00:14:12,560 --> 00:14:15,396
sa relasyon niya kay munting Pablo.

114
00:14:18,774 --> 00:14:22,528
Di nagtagal matapos ko siyang makilala,
nawala ang nanay niya.

115
00:14:23,112 --> 00:14:26,532
At naiwan siyang mag-isa.

116
00:14:32,121 --> 00:14:36,000
Kung walang proteksiyon ng ina,
mahihirapang mabuhay

117
00:14:36,083 --> 00:14:38,168
ang gorilyang kasing edad ni Pablo.

118
00:14:39,378 --> 00:14:42,256
Pero may nangyaring kakaiba.

119
00:14:42,339 --> 00:14:47,469
Kinupkop siya ni Beethoven,
ang higanteng silverback.

120
00:14:53,934 --> 00:14:57,855
Ginawa niya lahat para alagaan siya
gaya ng gagawin ng kanyang ina.

121
00:15:03,777 --> 00:15:06,697
At laging nasa tabi niya si Pablo.

122
00:15:16,540 --> 00:15:17,625
Nanood siya.

123
00:15:22,338 --> 00:15:23,589
At natuto siya.

124
00:15:30,512 --> 00:15:32,723
Nang tumayong ama si Beethoven,

125
00:15:34,600 --> 00:15:36,602
maayos na lumaki si Pablo.

126
00:15:38,854 --> 00:15:43,567
Relasyon 'yon na babago
sa buhay ni Pablo habambuhay.

127
00:15:53,744 --> 00:15:55,913
Gaya ng mga gorilya na nakilala ko,

128
00:15:58,207 --> 00:16:03,087
maraming iba't ibang personalidad
sa Pablo group ngayon.

129
00:16:08,300 --> 00:16:12,513
At may isang nagpapaalala sa akin
kay Pablo mismo.

130
00:16:19,311 --> 00:16:21,355
Hindi lang sila magkamukha,

131
00:16:22,815 --> 00:16:26,360
pareho rin silang matapang at mausisa.

132
00:16:30,948 --> 00:16:36,120
Pero may espesyal siyang interes
sa isang gorilya.

133
00:16:39,164 --> 00:16:40,207
Si Imfura.

134
00:16:58,892 --> 00:17:01,895
Nasa mahirap na edad si Imfura.

135
00:17:03,272 --> 00:17:05,357
Malapit na siyang tumanda,

136
00:17:05,983 --> 00:17:09,653
at nagsisimula nang lumabas
ang silver sa likod niya.

137
00:17:12,156 --> 00:17:14,491
Pero bata pa ang isip niya.

138
00:17:30,883 --> 00:17:33,427
Mahilig makisalamuha ang mga gorilya

139
00:17:33,510 --> 00:17:37,723
at nasa isang grupo
ng iba't ibang relasyon

140
00:17:38,265 --> 00:17:40,642
na tumutulong humubog kung sino sila

141
00:17:41,143 --> 00:17:43,437
at kung magiging sino sila.

142
00:17:48,734 --> 00:17:53,739
Malinaw na masigla at maalaga si Imfura.

143
00:17:56,116 --> 00:17:59,453
Pero bago para sa kanya
ang laki at lakas niya.

144
00:18:02,498 --> 00:18:05,209
At nakikita 'yon ng iba.

145
00:18:52,589 --> 00:18:57,052
Malubhang nasugatan si Imfura ni Ubwuzu.

146
00:19:00,139 --> 00:19:01,557
Parang brutal,

147
00:19:01,640 --> 00:19:05,435
pero may pagkamabagsik
ang bawat silverback.

148
00:19:08,981 --> 00:19:14,570
At natural lang kay Ubwuzu
na talunin ang kalaban niya.

149
00:19:18,782 --> 00:19:21,243
Pero bata pa si Imfura.

150
00:19:23,495 --> 00:19:26,123
At di niya alam
kung paano ipagtanggol ang sarili niya.

151
00:19:54,234 --> 00:19:56,987
Nagigising na ang Pablo group.

152
00:20:07,831 --> 00:20:09,917
Sa 12,000 talampakan,

153
00:20:10,626 --> 00:20:13,837
ito ang pinakatuktok
ng kaharian nila sa bundok.

154
00:20:46,703 --> 00:20:49,248
Kumikilos si Ubwuzu.

155
00:20:55,045 --> 00:20:58,465
Maraming silverbacks
ang namuno sa mga bundok na ito.

156
00:21:00,133 --> 00:21:03,679
Ngayon, handa nang sumabak si Ubwuzu.

157
00:21:24,533 --> 00:21:28,078
Pero hindi pa kumbinsido ang buong grupo,

158
00:21:29,329 --> 00:21:32,207
at tumitindi ang inis niya.

159
00:21:42,175 --> 00:21:44,303
Ang punto ay di para takutin sila.

160
00:21:49,474 --> 00:21:52,811
Pinapakita lang niya
kung gaano siya dapat katakutan.

161
00:21:54,479 --> 00:21:58,108
Kung gaano siya kagaling
bilang lider nila.

162
00:22:03,155 --> 00:22:05,282
Nanonood si Gicurasi.

163
00:22:07,492 --> 00:22:10,704
Pero sa kung anong dahilan,
wala siyang reaksiyon.

164
00:22:20,672 --> 00:22:23,133
Kapag tumingin ka sa sinumang gorilya,

165
00:22:23,717 --> 00:22:28,597
hindi mo maiiwasang isipin
kung ano ang iniisip o nararamdaman nila.

166
00:22:30,932 --> 00:22:32,392
Ano ang gusto nila,

167
00:22:33,894 --> 00:22:35,979
o kung ano ang balak nilang gawin.

168
00:22:40,984 --> 00:22:43,487
Imposibleng malaman 'yon.

169
00:22:46,490 --> 00:22:49,451
Wala tayong magawa
kundi manood at mag-isip.

170
00:22:53,997 --> 00:22:55,832
Pero isa lang ang sigurado.

171
00:22:55,916 --> 00:22:57,584
Sa kabila ng laki nila,

172
00:22:57,667 --> 00:23:01,004
komplikado at sensitibong mga nilalang
ang mga gorilya.

173
00:23:03,090 --> 00:23:04,549
Magkakaiba sila.

174
00:23:04,633 --> 00:23:07,052
na may iba't ibang personalidad.

175
00:23:13,433 --> 00:23:14,935
At gaya natin,

176
00:23:15,018 --> 00:23:18,271
hinubog sila ng lahat
ng karanasan nila sa buhay.

177
00:23:18,355 --> 00:23:19,356
Ang mabuti

178
00:23:20,524 --> 00:23:21,775
at ang masama.

179
00:23:41,044 --> 00:23:43,463
Gumagaling na ang mga sugat ni Imfura…

180
00:23:45,090 --> 00:23:47,300
pero lumalayo siya sa grupo.

181
00:24:02,232 --> 00:24:03,650
Sa yugtong ito ng buhay,

182
00:24:03,733 --> 00:24:07,863
madalas mapag-isa
ang mga lalaking gorilya.

183
00:24:14,536 --> 00:24:17,956
Pati pamilya nila,
nagiging maingat na sa kanila.

184
00:24:28,133 --> 00:24:32,471
Minsan, pinipiling umalis ng grupo
ng mga batang lalaki gaya ni Imfura

185
00:24:32,554 --> 00:24:34,931
para magsimula ng sarili nilang pamilya.

186
00:24:37,017 --> 00:24:41,688
At minsan, wala silang ibang magawa
kundi umalis.

187
00:25:01,708 --> 00:25:04,252
May ibang mga grupo pa sa paligid.

188
00:25:05,504 --> 00:25:07,506
Hindi sila nakikita ni Imfura,

189
00:25:09,090 --> 00:25:10,592
pero naririnig niya sila.

190
00:25:16,139 --> 00:25:21,228
At ang iba ay mas malaki at mas malakas
kaysa sa Pablo group.

191
00:25:36,326 --> 00:25:40,580
Sa dami ng bilang at ng silverbacks,

192
00:25:40,664 --> 00:25:43,333
mas karaniwan ang sagupaan.

193
00:25:51,508 --> 00:25:55,136
Napakadelikado para kay Imfura
na mahuling mag-isa

194
00:25:55,220 --> 00:25:58,765
ng isa sa malalaking grupong ganito.

195
00:26:41,016 --> 00:26:44,644
Naghahanap ng pagkain si Ubwuzu
kasama ang ilan sa pamilya.

196
00:26:52,193 --> 00:26:56,823
Sakop ng Pablo group
ang halos walong kilometro kuwadrado…

197
00:26:59,409 --> 00:27:02,537
at puno ito ng maraming uri ng halaman

198
00:27:02,621 --> 00:27:04,914
na kinakain nila.

199
00:27:12,380 --> 00:27:14,966
Pero oportunista ang mga gorilya.

200
00:27:25,185 --> 00:27:28,396
At may nadiskubre si Ubwuzu na kakaiba.

201
00:27:42,869 --> 00:27:44,204
Mga langgam.

202
00:27:47,415 --> 00:27:51,378
Pero mga langgam ito
na may malalakas na panga.

203
00:28:02,263 --> 00:28:03,932
At kumakagat din sila.

204
00:28:32,001 --> 00:28:34,838
Nakakaengganyo
kaya dumadami ang pumupunta.

205
00:28:56,901 --> 00:28:59,946
Isa sa mga trabaho
ng dominanteng silverback

206
00:29:00,029 --> 00:29:03,324
ay gabayan ang grupo
sa magandang lugar na may pagkain…

207
00:29:13,418 --> 00:29:17,547
at higit sa lahat,
pagsama-samahin ang grupo.

208
00:29:25,805 --> 00:29:29,476
Lumalakas ang impluwensiya ni Ubwuzu.

209
00:29:41,863 --> 00:29:45,575
Nakikipag-usap ang silverbacks
sa komplikadong mga paraan…

210
00:29:47,702 --> 00:29:50,789
at malaki ang papel ng kilos ng katawan.

211
00:30:03,551 --> 00:30:08,014
Malaki ang kahulugan
kung saan ka umuupo at paano ka kumikilos.

212
00:30:19,317 --> 00:30:22,862
Hinahamon ni Ubwuzu si Gicurasi

213
00:30:22,946 --> 00:30:25,657
sa paglapit mismo sa kanya.

214
00:30:27,742 --> 00:30:31,538
Bilang lider ng grupo,
dapat harapin siya ni Gicurasi.

215
00:30:33,623 --> 00:30:35,166
Pero wala siyang ginagawa.

216
00:30:39,546 --> 00:30:41,923
Nakabantay si Teta.

217
00:30:49,722 --> 00:30:54,185
Mabilis uminit ang sagupaan
sa pagitan ng mga silverback.

218
00:30:58,773 --> 00:31:01,276
Umaatake si Ubwuzu.

219
00:31:15,999 --> 00:31:20,044
Mahigit doble ang sukat ng silverbacks
ng isang normal na lalaki.

220
00:31:25,133 --> 00:31:27,343
Matindi ang lakas nila.

221
00:31:35,435 --> 00:31:37,729
Pwedeng mauwi sa kamatayan ang laban.

222
00:32:03,129 --> 00:32:05,882
Hindi man lang nasaktan si Ubwuzu.

223
00:32:15,224 --> 00:32:17,477
Pero walang bakas ni Gicurasi.

224
00:32:40,541 --> 00:32:43,252
Nakaligtas si Gicurasi sa laban.

225
00:32:45,129 --> 00:32:47,048
Pero nabugbog siya nang matindi.

226
00:32:48,299 --> 00:32:52,011
Natalo siya ng mas batang lalaki
sa harap ng buong grupo.

227
00:33:05,358 --> 00:33:07,318
Bilang dominanteng babae,

228
00:33:07,402 --> 00:33:11,280
dapat ipakita ni Teta sa grupo
kung sino ang sinusuportahan niya.

229
00:33:20,748 --> 00:33:23,334
Sumama siya sa mas nakakatandang lalaki.

230
00:33:26,879 --> 00:33:28,840
At sumunod ang grupo.

231
00:33:32,927 --> 00:33:35,304
Matapos mamuno ng limang taon,

232
00:33:35,388 --> 00:33:38,307
nakuha ni Gicurasi ang katapatan nila.

233
00:33:44,897 --> 00:33:47,608
Hindi tinanggap si Ubwuzu.

234
00:33:54,574 --> 00:33:58,077
Hindi lahat ng silverback kayang mamuno.

235
00:33:59,954 --> 00:34:03,624
Nakasalalay sa karakter mo
kung magtatagumpay ka o hindi.

236
00:34:10,256 --> 00:34:13,009
Nakilala ko si Pablo
noong tatlong taong gulang siya.

237
00:34:13,551 --> 00:34:17,805
Pero malinaw na kakaiba
ang karakter niya noon pa man.

238
00:34:19,557 --> 00:34:22,852
Dahil inampon at pinalaki siya
ng malakas na silverback,

239
00:34:23,436 --> 00:34:25,480
noong 18 na siya,

240
00:34:25,563 --> 00:34:28,399
handa na siyang mamuno
para sa sarili niya.

241
00:34:33,780 --> 00:34:37,992
Humiwalay siya para bumuo
ng sarili niyang grupo, ang Pablo group.

242
00:34:42,830 --> 00:34:47,251
Pero di pangkaraniwang lider si Pablo.

243
00:34:47,335 --> 00:34:50,004
Noong hinamon siya ng kalabang silverback

244
00:34:50,088 --> 00:34:51,798
mula sa sarili niyang grupo,

245
00:34:51,881 --> 00:34:53,174
sa halip na lumaban,

246
00:34:53,716 --> 00:34:58,096
sinamantala ni Pablo ang pagkakataon
na makipag-alyansa sa kanya.

247
00:34:59,347 --> 00:35:03,518
Pinili nilang magtulungan kaysa mag-away,

248
00:35:03,601 --> 00:35:08,022
kaya lalong lumakas ang grupo nila.

249
00:35:10,483 --> 00:35:14,403
Sa kasagsagan nila,
65 ang bilang ng Pablo group,

250
00:35:14,487 --> 00:35:17,657
ang pinakamalaking grupo
ng mga gorilya sa bundok.

251
00:35:39,011 --> 00:35:44,892
Kasama nila ang batang lalaking gorilya
na balang araw ay magiging pinuno.

252
00:35:47,103 --> 00:35:48,271
Si Gicurasi.

253
00:35:59,365 --> 00:36:03,578
Pero ngayon, hinahamon ang dominasyon
ni Gicurasi.

254
00:36:05,496 --> 00:36:08,124
Ang tanong, lalaban ba siya,

255
00:36:08,916 --> 00:36:12,128
o makikipagtulungan kay Ubwuzu?

256
00:36:36,861 --> 00:36:39,822
Kahit nanalo siya sa laban kay Gicurasi,

257
00:36:39,906 --> 00:36:45,077
hindi pa rin kinikilala si Ubwuzu
bilang lider ng buong grupo.

258
00:36:48,206 --> 00:36:49,290
O ni Teta.

259
00:36:50,708 --> 00:36:53,544
Kung walang suporta ng dominanteng babae,

260
00:36:54,420 --> 00:36:57,256
hindi tatanggapin ng grupo si Ubwuzu.

261
00:37:42,260 --> 00:37:45,346
Pero mukhang nagbabago na
ang suporta ni Teta.

262
00:37:50,810 --> 00:37:55,314
Sa pag-alis sa panig ni Gicurasi
at pagsama kay Ubwuzu,

263
00:37:57,566 --> 00:38:01,529
ipinapakita niya ang suporta
sa mas batang lalaking unggoy.

264
00:38:20,548 --> 00:38:23,968
At tumabi na si Gicurasi.

265
00:38:57,960 --> 00:39:02,548
Si Ubwuzu na ang lider ng Pablo group.

266
00:39:03,758 --> 00:39:05,760
Pero simula pa lang ito.

267
00:39:08,262 --> 00:39:10,890
Importante ang pamumuno.

268
00:39:12,933 --> 00:39:18,522
Pero ibang usapan ang manatili sa tuktok
at panatilihing ligtas ang lahat.

269
00:39:50,971 --> 00:39:53,933
May bagong dating sa grupo,

270
00:39:55,142 --> 00:39:58,938
isang imigranteng babae
mula sa kabilang parte ng bundok.

271
00:40:02,525 --> 00:40:05,945
Umalis si Inyange sa grupo
kung saan siya ipinanganak

272
00:40:06,028 --> 00:40:08,072
at sumali sa Pablo group

273
00:40:08,155 --> 00:40:11,158
para magsimula siya
ng sarili niyang pamilya.

274
00:40:14,036 --> 00:40:18,082
Mahirap ang ginawa niya,
pero sinunod niya ang kutob niya.

275
00:40:18,165 --> 00:40:20,501
At para maiwasan ang pagpaparami
sa iisang lahi.

276
00:40:23,295 --> 00:40:26,424
Kailangan niyang bumuo
ng relasyon niya rito,

277
00:40:26,966 --> 00:40:29,802
pero di pa siya kilala sa Pablo group

278
00:40:31,846 --> 00:40:33,806
at kailangan niyang mag-ingat.

279
00:41:19,768 --> 00:41:24,732
Inaayos pa na nina Ubwuzu at Gicurasi
ang bago nilang ugnayan.

280
00:41:28,235 --> 00:41:30,779
Ngayong si Ubwuzu na ang namumuno,

281
00:41:30,863 --> 00:41:33,616
dapat matuto siyang magtimpi ng tapang,

282
00:41:34,909 --> 00:41:39,038
at dapat matuto si Gicurasi
na igalang ang pamumuno niya.

283
00:41:45,419 --> 00:41:47,171
Tensiyonado pa rin,

284
00:41:48,088 --> 00:41:52,885
pero nakikita sa kilos nila
na nagkakaroon na ng antas ng kooperasyon,

285
00:41:54,512 --> 00:41:57,515
kaya nakakampante na ang buong grupo.

286
00:42:44,478 --> 00:42:48,107
Sa pagitan ng paggising at pagtulog,

287
00:42:50,985 --> 00:42:54,738
lumalabas ang lalim ng samahan

288
00:42:54,822 --> 00:42:58,617
sa mga banayad na haplos at lambing.

289
00:43:03,205 --> 00:43:09,336
Ang tapat at matibay na samahan
ng malapit na pamilyang gorilya.

290
00:43:18,971 --> 00:43:23,726
Sandali lang ang pahinga
ng mga mas bata sa grupo.

291
00:43:33,736 --> 00:43:36,238
Gumagalaw na rin si Ubi.

292
00:43:46,290 --> 00:43:49,835
At umaalis siya
sa tabi ng nanay niya para mag-ikot.

293
00:44:02,514 --> 00:44:06,685
Nagpapagaling si Imfura
sa panibagong pambubugbog.

294
00:44:20,574 --> 00:44:25,329
Nawala na halos lahat
ng makabuluhang ugnayan niya sa grupo.

295
00:44:28,624 --> 00:44:33,587
Mukhang si Ubi na lang
ang natitirang kaibigan ni Imfura.

296
00:44:48,811 --> 00:44:51,271
Pero parang may mali.

297
00:45:15,462 --> 00:45:18,132
Nasa malapit ang nanay ni Ubi.

298
00:45:34,606 --> 00:45:37,901
Mukhang nagbibigay siya
ng mensahe kay Imfura.

299
00:45:38,819 --> 00:45:41,947
"Layuan mo ang anak ko."

300
00:46:00,799 --> 00:46:04,845
Tinatalikuran ng lahat si Imfura.

301
00:46:35,417 --> 00:46:38,378
Si Inyange, ang bagong dating na babae,

302
00:46:38,462 --> 00:46:41,423
matagal na ring pinagmamasdan ang grupo.

303
00:46:42,382 --> 00:46:43,759
Lalo na si Teta.

304
00:46:46,720 --> 00:46:48,263
Bilang dominanteng babae,

305
00:46:48,347 --> 00:46:52,184
napakaimportante ang relasyong ito
para kay Inyange.

306
00:47:04,613 --> 00:47:08,826
Kung papayagan ni Teta si Inyange
na maging malapit sa pamilya niya,

307
00:47:08,909 --> 00:47:12,037
malaking mensahe 'yon sa buong grupo.

308
00:47:22,548 --> 00:47:25,634
At mukhang tinatanggap siya ni Teta.

309
00:47:29,972 --> 00:47:33,350
Nagtitiwala rin siya kay Inyange
na hawakan ang anak niya.

310
00:47:37,813 --> 00:47:40,440
Ginagawa ito ng mga batang babae.

311
00:47:40,524 --> 00:47:43,151
Inihahanda sila nito sa pagiging ina.

312
00:47:54,246 --> 00:47:57,541
Positibong senyales
ang pagdating ni Inyange

313
00:47:57,624 --> 00:48:01,545
para sa Pablo group at kay Ubwuzu.

314
00:48:05,716 --> 00:48:08,635
Gusto lagi ng mga pamilya
ng gorilya na lumago.

315
00:48:10,387 --> 00:48:12,389
Mas malakas kapag marami.

316
00:48:27,571 --> 00:48:31,783
Dumating si Inyange sa magandang panahon.

317
00:48:34,328 --> 00:48:39,958
Ngayong lider na si Ubwuzu,
gusto niyang magkaroon ng sariling anak.

318
00:49:06,401 --> 00:49:08,737
Sa pagdating ng mga bagong babae…

319
00:49:10,948 --> 00:49:13,450
at sana, pagsilang ng mga bagong sanggol,

320
00:49:15,452 --> 00:49:17,287
posibleng lumago ang grupo

321
00:49:17,371 --> 00:49:21,208
at maging mas malakas pa
sa pamumuno ni Ubwuzu.

322
00:49:53,365 --> 00:49:58,453
Matagal nang hindi kasama si Imfura
sa grupo.

323
00:50:12,300 --> 00:50:16,722
Mag-isa siyang bumababa ng bundok.

324
00:50:23,895 --> 00:50:28,191
May pader na nagsisilbing hangganan
ng gubat ng mga gorilya.

325
00:50:36,658 --> 00:50:40,454
Nakarating na si Imfura
sa dulo ng mundo nila.

326
00:51:07,731 --> 00:51:11,443
Tumawid na siya sa mundo ng mga tao.

327
00:51:16,656 --> 00:51:19,868
Tumira ang mga tao rito
sa loob ng ilang libong taon.

328
00:51:23,413 --> 00:51:26,541
At umasa rin sila sa lupa.

329
00:52:06,331 --> 00:52:10,794
Laging mahirap ang relasyon
ng mga tao at mga gorilya.

330
00:52:11,711 --> 00:52:14,381
Noong nasa Rwanda ako
halos 50 taon ang nakalipas,

331
00:52:14,464 --> 00:52:19,427
halos maubos na ang populasyon
ng mga gorilya dahil sa ilegal na paghuli.

332
00:52:19,511 --> 00:52:24,766
Nasa 250 na gorilya na lang ang natitira
sa Kabundukan ng Virunga.

333
00:52:31,064 --> 00:52:33,817
Baka wala nang mga gorilya sa bundok

334
00:52:33,900 --> 00:52:36,403
kung hindi dahil kay Dian Fossey.

335
00:52:44,744 --> 00:52:49,791
Nang nagsimulang pumatay ang hunters
ng mga gorilyang napamahal na sa kanya,

336
00:52:51,626 --> 00:52:54,629
inilaan niya ang buhay niya
para protektahan sila.

337
00:52:56,339 --> 00:52:57,966
sa anumang paraan.

338
00:53:05,724 --> 00:53:07,851
Kahit pagkamatay niya,

339
00:53:07,934 --> 00:53:11,146
patuloy ang pag-aaral
sa mga gorilya na nasimulan niya.

340
00:53:13,940 --> 00:53:15,233
Sa paglipas ng panahon,

341
00:53:15,317 --> 00:53:18,570
marami ang nahikayat
na protektahan ang mga gorilya

342
00:53:20,197 --> 00:53:23,658
sa Rwanda at iba pang lugar.

343
00:53:26,119 --> 00:53:30,498
At patuloy na nagtagumpay
ang pagsisikap nila na pangalagaan sila.

344
00:53:39,674 --> 00:53:44,012
Sa ngayon, unti-unti nang bumabalik
ang pagdami ng mga gorilya sa Rwanda.

345
00:53:49,726 --> 00:53:52,646
Pero habang dumarami ang populasyon nila,

346
00:53:54,147 --> 00:53:56,024
hindi lumalago ang mga bundok.

347
00:54:07,244 --> 00:54:09,746
Ano ang ibig sabihin nito para kay Imfura?

348
00:54:13,917 --> 00:54:15,919
At saan na siya pupunta mula rito?

349
00:54:20,590 --> 00:54:23,802
Maraming gorilya ang nagsisiksikan
sa isang lugar.

350
00:54:24,386 --> 00:54:30,100
Nakakaapekto 'yon sa ugali nila
at sa relasyon nila sa isa't isa.

351
00:54:35,230 --> 00:54:39,359
Hindi tanggap si Imfura sa Pablo group.

352
00:54:42,279 --> 00:54:44,072
Nakarating na siya sa taas

353
00:54:45,615 --> 00:54:47,826
at baba ng bundok.

354
00:54:51,955 --> 00:54:54,457
Nauubusan na siya ng pagpipilian.

355
00:55:06,803 --> 00:55:11,099
Baka nakatadhana siyang
mag-isa na silverback,

356
00:55:12,225 --> 00:55:15,895
ang pinakamahirap basahing hayop
sa bundok.

357
00:55:52,349 --> 00:55:55,977
Nananatili sa tuktok si Ubwuzu.

358
00:55:58,730 --> 00:56:02,359
Matatag at lumalaki ang grupo.

359
00:56:06,321 --> 00:56:09,032
May dalawang bagong sanggol…

360
00:56:12,911 --> 00:56:15,205
anak ni Inyange ang isa.

361
00:56:17,207 --> 00:56:20,293
Ang unang anak ni Ubwuzu bilang lider.

362
00:56:25,965 --> 00:56:29,636
Nakadepende ang mga bagong silang
na gorilya sa mga nanay nila.

363
00:56:31,513 --> 00:56:35,475
At nakatutok ang mga inang gorilya
sa kanilang mga anak.

364
00:56:39,479 --> 00:56:43,400
Hindi sila mapaghiwalay
sa mga unang buwan ng buhay nila.

365
00:56:56,371 --> 00:56:59,499
Baguhang ina si Inyange

366
00:56:59,582 --> 00:57:02,460
kaya natural lang na kabado siya.

367
00:57:11,428 --> 00:57:14,514
Binabantayan siya ni Ubwuzu,

368
00:57:15,640 --> 00:57:18,351
at mahusay niya siyang pinoprotektahan.

369
00:57:25,525 --> 00:57:28,027
Pero bilang dominanteng silverback,

370
00:57:28,111 --> 00:57:31,364
di laging nababantayan
ni Ubwuzu si Inyange.

371
00:57:33,074 --> 00:57:36,578
May iba pang mga babae
na gusto ang atensiyon niya.

372
00:57:46,588 --> 00:57:50,049
Imbitasyon ang pagpapakitang ito
para makipag-mate.

373
00:58:06,483 --> 00:58:08,067
Tinanggap 'yon ni Ubwuzu

374
00:58:09,777 --> 00:58:13,031
at iniwan ang grupo
nang walang proteksiyon.

375
00:58:52,654 --> 00:58:55,365
Habang abala si Ubwuzu,

376
00:58:55,448 --> 00:58:57,992
may nangyaring masama.

377
00:59:15,593 --> 00:59:19,180
Pinatay ang anak ni Inyange.

378
00:59:27,355 --> 00:59:32,277
Makikita sa mga sugat
na isang gorilya ang may kagagawan.

379
01:00:12,442 --> 01:00:16,195
Pinaligiran siya ng ibang babae sa grupo.

380
01:00:29,208 --> 01:00:33,087
Tanging si Inyange lang ang nakakaalam
ng eksaktong nangyari…

381
01:00:36,591 --> 01:00:38,426
at kung sino ang salarin.

382
01:00:43,806 --> 01:00:46,601
Kahit bagong dating siya sa grupo,

383
01:00:47,226 --> 01:00:50,897
naapektuhan ang lahat sa pagkaulila niya.

384
01:01:11,334 --> 01:01:14,128
Inilayo ni Inyange ang kanyang sarili.

385
01:01:17,882 --> 01:01:20,093
Pero hindi siya nag-iisa.

386
01:01:24,806 --> 01:01:27,517
Si Ubwuzu ang ama ng sanggol.

387
01:01:30,645 --> 01:01:34,148
Pero hindi niya naipagtanggol
si Inyange at ang anak nila.

388
01:02:05,388 --> 01:02:10,351
Apat na araw na
mula nang pinatay ang anak ni Inyange.

389
01:02:12,186 --> 01:02:14,731
Ang pagkawala ng sanggol
sa ganitong paraan,

390
01:02:14,814 --> 01:02:18,067
pwedeng makasira ng tiwala sa lider,

391
01:02:20,194 --> 01:02:22,739
at pwedeng makawasak ng grupo.

392
01:02:30,788 --> 01:02:34,500
Pero sa ngayon,
pinalibutan nila si Ubwuzu.

393
01:02:36,169 --> 01:02:39,213
At nasa tabi niya si Inyange.

394
01:02:49,932 --> 01:02:52,351
May kinatakutan siya.

395
01:02:59,442 --> 01:03:01,694
Nagbalik na si Imfura.

396
01:03:04,864 --> 01:03:08,701
Sa naging reaksiyon niya,
alam na agad ni Ubwuzu ang nangyari.

397
01:03:09,410 --> 01:03:13,039
Pinatay ni Imfura ang anak ni Inyange.

398
01:03:16,501 --> 01:03:19,086
At isa na siyang banta sa lahat.

399
01:03:27,345 --> 01:03:29,013
Umatake si Ubwuzu.

400
01:03:40,566 --> 01:03:43,986
Pero ngayon, mas malakas si Imfura.

401
01:03:50,701 --> 01:03:52,495
Sumali si Gicurasi.

402
01:04:14,100 --> 01:04:15,893
Nakatakas si Imfura.

403
01:04:22,942 --> 01:04:24,735
Pero hindi pa siya nakakalayo.

404
01:04:30,491 --> 01:04:32,034
Sa nakaraang taon,

405
01:04:32,118 --> 01:04:34,745
habang hindi siya nakakasama sa grupo,

406
01:04:35,913 --> 01:04:38,332
hindi niya 'yon tuluyang iniwan.

407
01:04:44,380 --> 01:04:47,216
Pero ngayon, may hangganang nalampasan.

408
01:04:49,719 --> 01:04:53,014
Pumatay siya ng miyembro
ng kanyang pamilya.

409
01:05:04,066 --> 01:05:07,778
Pinalibutan ng grupo
ang kanilang lider, si Ubwuzu.

410
01:05:20,958 --> 01:05:24,337
At ngayon, pinamunuan niya sila
sa isang misyon.

411
01:05:42,855 --> 01:05:46,317
Paakyat si Imfura sa bundok.

412
01:05:47,026 --> 01:05:49,028
Pero hindi siya nag-iisa.

413
01:05:51,113 --> 01:05:53,324
Malapit lang si Ubwuzu,

414
01:05:54,158 --> 01:05:57,662
kasama sina Teta at Gicurasi.

415
01:06:12,176 --> 01:06:15,721
Tuluyan na nilang tinaboy palayo
si Imfura.

416
01:06:36,033 --> 01:06:41,539
Mag-isang tumatawid si Imfura
papunta sa kabilang lambak.

417
01:06:58,514 --> 01:07:01,600
Baka ito talaga ang tadhana niya.

418
01:07:03,853 --> 01:07:08,441
O baka may hangganan din ang bugbog
na kayang tiisin ng isang gorilya.

419
01:07:21,746 --> 01:07:26,208
Posibleng ilang taon nang naglilibot
ng bundok si Imfura nang mag-isa.

420
01:07:28,711 --> 01:07:32,339
O baka makahanap siya
ng sariling pamilya niya balang araw.

421
01:07:35,051 --> 01:07:36,719
Oras lang ang makakapagsabi.

422
01:08:10,127 --> 01:08:15,132
Pero may isang miyembro ng grupo
na mami-miss si Imfura.

423
01:08:19,678 --> 01:08:25,392
Masyado pa sigurong bata si Ubi
para maintindihan ang mga nangyari rito.

424
01:08:27,978 --> 01:08:30,731
Pero kaibigan niya si Imfura.

425
01:08:32,024 --> 01:08:35,027
At ngayon, wala na ang kaibigan niya.

426
01:08:51,252 --> 01:08:56,132
Pero gaya ni munting Pablo si Ubi,
madaling makibagay.

427
01:08:57,424 --> 01:09:01,720
At mukhang interesado siyang magkaroon
ng bagong kaibigang malaki.

428
01:09:08,018 --> 01:09:08,853
Si Ubwuzu.

429
01:09:22,950 --> 01:09:26,120
Matindi ang naging hamon
ng taon para kay Ubwuzu,

430
01:09:26,787 --> 01:09:29,165
pero umunlad siya bilang lider.

431
01:09:33,502 --> 01:09:38,507
At ngayon, baka ang pakikipagkaibigan niya
kay Ubi ang kailangan niya sa buhay niya.

432
01:10:02,907 --> 01:10:06,202
Hindi na si Gicurasi ang namumuno rito,

433
01:10:06,744 --> 01:10:12,583
pero sinusuportahan niya
ang mas bata at mas malakas na silverback.

434
01:10:14,710 --> 01:10:19,215
Marami siyang alam
at malaking tulong 'yon kay Ubwuzu.

435
01:10:22,051 --> 01:10:26,180
Baka ito ang pinakaimportanteng papel niya
sa buhay niya.

436
01:10:36,232 --> 01:10:41,946
Malaki ang ginampanan ni Teta
sa pagsuporta sa paglipat ng liderato.

437
01:10:42,988 --> 01:10:45,783
At maayos sila ng pamilya niya.

438
01:10:49,411 --> 01:10:52,581
Halos dalawang taon na ang anak niya.

439
01:10:56,126 --> 01:10:58,671
Lumalakas siya

440
01:10:59,880 --> 01:11:01,215
at ang karakter niya.

441
01:11:20,943 --> 01:11:23,320
Mahirap ang pinagdaanan ni Inyange.

442
01:11:24,321 --> 01:11:26,365
Nawalan siya ng unang anak,

443
01:11:26,448 --> 01:11:27,992
at siguradong

444
01:11:28,075 --> 01:11:31,662
malalim ang magiging epekto nito sa kanya.

445
01:11:33,580 --> 01:11:38,127
Pero matatag na siyang miyembro
ng Pablo group…

446
01:11:42,423 --> 01:11:47,469
at parte ng isang bagay
na sentro ng buhay ng gorilya.

447
01:11:53,350 --> 01:11:54,226
Pamilya.

448
01:12:04,486 --> 01:12:08,073
Hindi perpektong pamilya ang Pablo group.

449
01:12:09,908 --> 01:12:11,368
Walang ganoong pamilya.

450
01:12:16,999 --> 01:12:21,253
Pero magkakasama sila
sa matitinding pagsubok.

451
01:12:27,926 --> 01:12:32,056
Sa ngayon, gumaganda na
ang kalagayan ng Pablo group…

452
01:12:36,018 --> 01:12:39,438
pati na rin ang buong species nila
sa kabuuan.

453
01:12:47,696 --> 01:12:51,492
Sa ngayon, may higit 600
na gorilyang bundok

454
01:12:51,575 --> 01:12:53,744
sa Kabundukan ng Virunga.

455
01:12:54,703 --> 01:12:59,750
Dumami sila kumpara no'ng nando'n ako
halos 50 taon ang nakalipas.

456
01:13:12,721 --> 01:13:17,643
Isa ito sa pinakamahusay
na conservation stories na nasaksihan ko.

457
01:13:22,356 --> 01:13:25,234
Baka dahil 'yon sa malalim na koneksiyon

458
01:13:25,317 --> 01:13:28,028
na nararamdaman ng mga tao sa mga gorilya.

459
01:13:29,029 --> 01:13:33,409
Isang koneksiyon ito
na nanatili sa akin sa buong buhay ko.

460
01:13:37,704 --> 01:13:42,042
At nagsimula ang lahat
sa isang espesyal na munting gorilya.

461
01:13:47,464 --> 01:13:49,842
Sa kabila ng mahirap na simula,

462
01:13:50,759 --> 01:13:54,805
naging matatag
at kahanga-hangang lider si Pablo.

463
01:14:00,227 --> 01:14:05,274
Nanatili siyang tapat sa pamilya niya
hanggang sa huli.

464
01:14:11,488 --> 01:14:15,534
Ito ang ilan
sa mga huling footage ni Pablo.

465
01:14:17,911 --> 01:14:20,038
Sa edad na 33,

466
01:14:20,122 --> 01:14:23,500
habang ipinagtatanggol ang grupo niya
sa kalabang gorilya,

467
01:14:24,001 --> 01:14:26,837
napatay ang dakilang silverback.

468
01:14:30,340 --> 01:14:32,801
Hindi ko siya makakalimutan…

469
01:14:36,013 --> 01:14:38,974
o ang naging epekto niya sa akin.

470
01:14:43,520 --> 01:14:45,105
Lagi kong sinasabi,

471
01:14:45,189 --> 01:14:49,776
"Mas malalim ang kahulugan
sa pagpapalitan ng tingin sa isang gorilya

472
01:14:49,860 --> 01:14:52,404
kumpara sa ibang hayop na kilala ko."

473
01:14:53,197 --> 01:14:56,366
Naniniwala pa rin ako roon.
Tingin ko totoo 'yon.

474
01:16:34,339 --> 01:16:36,258
Nagsalin ng Subtitle: Lea Torre



