1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.BZ

2
00:00:06,080 --> 00:00:10,359
- Diyos ko, sobrang cute nila.
- Oo, 'yan 'yong mga sisiw natin.

3
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.BZ

4
00:00:10,360 --> 00:00:11,559
Diyos ko!

5
00:00:11,560 --> 00:00:13,720
Hala, manok!

6
00:00:15,840 --> 00:00:19,039
<i>Ito ang pinakasinasakang panlupang hayop
sa mundo.</i>

7
00:00:19,040 --> 00:00:21,599
<i>Konti ang taba,
mabuti para sa kalikasan at kalusugan.</i>

8
00:00:21,600 --> 00:00:25,480
<i>Ginagawa ng industriya ang lahat
para maging kaakit-akit ito.</i>

9
00:00:26,000 --> 00:00:29,919
<i>Pitumpu't walong bilyong manok
ang kinakatay taon-taon.</i>

10
00:00:29,920 --> 00:00:34,039
<i>Nasa 250 billion dollars ang halaga
ng chicken industry.</i>

11
00:00:34,040 --> 00:00:38,560
<i>Nagmumula ito sa hilig natin sa mura
at masarap na fast food fried chicken.</i>

12
00:00:40,280 --> 00:00:43,560
London, mag-ingay kayo!

13
00:00:48,800 --> 00:00:53,840
Dalawang bagay 'yong di ko kayang mawala.
Magpatawa ng mga tao, at manok.

14
00:00:56,000 --> 00:00:57,799
<i>Pag-usapan natin 'yong chicken shop.</i>

15
00:00:57,800 --> 00:01:01,439
<i>Alam n'yo kung saan masarap?
Do'n sa may bulletproof glass.</i>

16
00:01:01,440 --> 00:01:04,680
<i>Mababaliw kayo sa manok.
Sinasabi ko 'to sa inyo nang libre.</i>

17
00:01:05,560 --> 00:01:08,359
Inihaw, curried, jerked…

18
00:01:08,360 --> 00:01:10,279
Pero 'yong pinakapaborito ko,

19
00:01:10,280 --> 00:01:13,800
Black stereotype 'tong sasabihin ko…

20
00:01:14,880 --> 00:01:17,119
fried chicken.

21
00:01:17,120 --> 00:01:19,719
Simula noong unang kagat ko
30 taon ang nakaraan,

22
00:01:19,720 --> 00:01:22,880
sobrang sumikat na ang fried chicken.

23
00:01:27,000 --> 00:01:31,520
{\an8}Nasa chicken shop era na tayo,
at kinababaliwan 'to ng mga tao.

24
00:01:34,920 --> 00:01:37,919
{\an8}<i>'Yong tingin sa manok,
mabuti para sa kalikasan at kalusugan.</i>

25
00:01:37,920 --> 00:01:39,079
{\an8}<i>Di totoo 'yon.</i>

26
00:01:39,080 --> 00:01:44,080
{\an8}<i>Ngayon, 36% ng mga bata sa primary school,
maituturing na obese at overweight.</i>

27
00:01:44,680 --> 00:01:49,559
{\an8}<i>May mga babala tungkol sa malaking epekto
ng poultry farming sa kapaligiran.</i>

28
00:01:49,560 --> 00:01:50,799
Tumigil nga kayo.

29
00:01:50,800 --> 00:01:55,119
Stand-up comedian akong mahilig na
sa manok mula pa no'ng bata,

30
00:01:55,120 --> 00:01:57,800
at gusto kong malaman
kung ano'ng nangyayari.

31
00:01:59,040 --> 00:02:00,920
Kaya gagawa ako ng experiment,

32
00:02:01,520 --> 00:02:03,960
at isusugal ko 'yong kalusugan ko.

33
00:02:05,120 --> 00:02:09,560
Fast food fried chicken lang
'yong kakainin ko sa loob ng 28 araw.

34
00:02:10,720 --> 00:02:12,799
Tatawid ako ng Atlantic.

35
00:02:12,800 --> 00:02:17,160
Galing sa South London,
pupunta ako sa pinakaibaba ng USA.

36
00:02:17,760 --> 00:02:19,279
Grabe, pare!

37
00:02:19,280 --> 00:02:23,959
Gusto kong alamin 'yong epekto ng pagkain
na 'to sa mga katawan at isip natin.

38
00:02:23,960 --> 00:02:25,559
Grabe.

39
00:02:25,560 --> 00:02:28,920
At kung dinadala talaga tayo
ng ibong 'to sa kapahamakan.

40
00:02:30,200 --> 00:02:32,199
Manok 'yong almusal ko.

41
00:02:32,200 --> 00:02:35,079
<i>May mga bagay na di nai-imagine ng mga tao</i>

42
00:02:35,080 --> 00:02:37,639
<i>dahil walang nakakapasok.</i>

43
00:02:37,640 --> 00:02:39,400
Ang baho niyan, pare!

44
00:02:40,000 --> 00:02:42,399
<i>Ayaw nilang magtanong 'yong mga tao.</i>

45
00:02:42,400 --> 00:02:45,799
<i>Lahat tayo, parang nasa science experiment</i>

46
00:02:45,800 --> 00:02:48,879
<i>at literal na pinapatay tayo
ng industriya.</i>

47
00:02:48,880 --> 00:02:51,039
Grabe.

48
00:02:51,040 --> 00:02:54,000
Kinakain ko 'tong manok
at nababaliw na ako.

49
00:02:54,920 --> 00:02:56,399
Di n'yo yata alam,

50
00:02:56,400 --> 00:02:58,920
pero di ko ginagawa 'yong ganito.

51
00:03:06,560 --> 00:03:08,400
UNANG ARAW

52
00:03:11,880 --> 00:03:13,600
ANG UNANG KAGAT

53
00:03:19,440 --> 00:03:20,719
LAGING BAGONG LUTO

54
00:03:20,720 --> 00:03:23,239
Ayos. Boom, unang kain.

55
00:03:23,240 --> 00:03:25,520
Boom, kakain ako ng chicken sandwich.

56
00:03:29,200 --> 00:03:31,479
- Chicken sandwich na may cheese.
- Salamat, pare.

57
00:03:31,480 --> 00:03:33,800
- Tapos may gravy.
- Salamat. Unang araw, unang kain.

58
00:03:34,680 --> 00:03:36,719
Alas-onse ng umaga.

59
00:03:36,720 --> 00:03:38,240
Medyo nakokonsensiya ako.

60
00:03:41,760 --> 00:03:46,559
Para sa experiment,
isang buwan akong kakain ng fried chicken.

61
00:03:46,560 --> 00:03:49,719
Almusal, tanghalian, at hapunan.

62
00:03:49,720 --> 00:03:51,639
Lagyan natin ng konting sauce.

63
00:03:51,640 --> 00:03:56,799
Kaya sumagi sa isip ko,
"Ayos 'yan! Akin na 'yong wings." Parang…

64
00:03:56,800 --> 00:03:58,160
Isinasawsaw ko lang sa gravy.

65
00:03:59,520 --> 00:04:04,720
Kung sino man 'yong naka-discover
na pwedeng kainin ang pakpak nitong ibon…

66
00:04:05,600 --> 00:04:07,879
Kapantay niya ang naka-discover ng gatas,

67
00:04:07,880 --> 00:04:10,880
kasi may nakatikim… at nagsabi…

68
00:04:12,160 --> 00:04:13,040
"Uy, tikman mo."

69
00:04:15,120 --> 00:04:15,960
Genius.

70
00:04:17,560 --> 00:04:18,560
Tama 'yon.

71
00:04:19,640 --> 00:04:22,080
Di ako nagbibiro, sobrang saya ko ngayon.

72
00:04:22,680 --> 00:04:24,560
Kita n'yo ang ngiti ko? Sobrang sarap, e.

73
00:04:27,640 --> 00:04:30,040
Ayos. Ubos na 'yong una.

74
00:04:32,000 --> 00:04:34,639
Boom. Ubos na 'yong una, may 83 pa.

75
00:04:34,640 --> 00:04:38,399
Ngayong buwan, di ako pupunta sa gym
o kakain ng lutong-bahay.

76
00:04:38,400 --> 00:04:41,719
Puro fast food fried chicken lang
'yong kakainin ko.

77
00:04:41,720 --> 00:04:45,679
Pero masuwerte ako kasi mas marami na
'yong pagpipilian ngayon.

78
00:04:45,680 --> 00:04:47,200
SULIT ANG BAWAT KAGAT

79
00:04:48,840 --> 00:04:53,160
Noong bata ako noong '90s,
fish and chip shop 'yong uso sa Britain.

80
00:04:53,760 --> 00:04:57,399
Tapos dumating 'yong fried chicken.

81
00:04:57,400 --> 00:04:59,879
Isa lang
'yong naaalala kong chicken shop no'n.

82
00:04:59,880 --> 00:05:04,879
Ngayon, isang kalsada pa lang
sa South London, may mahigit 20 na!

83
00:05:04,880 --> 00:05:08,360
Sa UK, may mahigit 6,000.

84
00:05:09,760 --> 00:05:12,840
Sa central London,
may mas gourmet na mga shop.

85
00:05:13,440 --> 00:05:17,639
May mga imported, galing sa US.

86
00:05:17,640 --> 00:05:19,239
Wala nang mga pangalan

87
00:05:19,240 --> 00:05:20,959
'yong mga nasa malayo.

88
00:05:20,960 --> 00:05:22,160
DFC…

89
00:05:23,400 --> 00:05:27,559
MFC… Alam nating "fried chicken" 'yong FC,
pero ano 'yong M?

90
00:05:27,560 --> 00:05:30,040
Ano 'yong M? Ano, ano? Tingnan mo, PFC.

91
00:05:30,960 --> 00:05:34,559
Baka "Perfect Fried Chicken" kasi…
May doner kebabs.

92
00:05:34,560 --> 00:05:36,680
Siguro may isa pa sa kanto.

93
00:05:37,680 --> 00:05:40,680
KHF, ano ba 'yan?

94
00:05:44,000 --> 00:05:46,719
Malaking negosyo 'tong ibon, pare.

95
00:05:46,720 --> 00:05:52,639
Sa UK, mahigit £12 million
'yong gastos natin sa fried chicken.

96
00:05:52,640 --> 00:05:54,920
Parang Premier League signing na 'yon!

97
00:05:56,840 --> 00:06:00,039
Di lang ito tungkol sa pagkain ko
ng fried chicken. Hindi.

98
00:06:00,040 --> 00:06:02,159
Gusto kong malaman ang lahat tungkol do'n.

99
00:06:02,160 --> 00:06:05,599
At di ito magiging Netflix documentary
kung walang experts

100
00:06:05,600 --> 00:06:09,559
sa mga kuwartong maganda 'yong ilaw,
nagpapaliwanag ng mga bagay na di ko alam.

101
00:06:09,560 --> 00:06:12,359
And… action.

102
00:06:12,360 --> 00:06:14,559
Nasa era tayo
ng matinding pagmamahal sa manok.

103
00:06:14,560 --> 00:06:19,320
{\an8}Ito 'yong fast food meat product
na pinakamabilis lumago sa mundo.

104
00:06:20,240 --> 00:06:23,119
{\an8}Dumating na sa atin
'yong Wingstop, gets n'yo?

105
00:06:23,120 --> 00:06:26,079
{\an8}At siguradong dahil ito sa social media.

106
00:06:26,080 --> 00:06:29,359
{\an8}- Lemon pepper.
- Lemon pepper. Cheers.

107
00:06:29,360 --> 00:06:31,240
{\an8}Mahilig dito 'yong celebrities.

108
00:06:32,280 --> 00:06:34,359
{\an8}Kung pupunta ako sa TikTok,

109
00:06:34,360 --> 00:06:40,279
{\an8}makakakita ako ng mga sumasayaw
sa chicken shops, mga estudyante sa labas.

110
00:06:40,280 --> 00:06:43,079
{\an8}Youth center na ang mga ito ngayon.

111
00:06:43,080 --> 00:06:45,199
Pupunta tayo sa likod para maghanda.

112
00:06:45,200 --> 00:06:47,079
Buhay na buhay, nakaka-excite.

113
00:06:47,080 --> 00:06:51,679
Diyos ko! Binigyan ako ni Eddie
ng KFC jacket!

114
00:06:51,680 --> 00:06:55,720
At 'yan 'yong daya rito.
Astig at maangas, pero abot-kaya.

115
00:06:56,640 --> 00:07:00,079
Pero sa totoo lang,
maraming nangyayari sa likod ng lahat

116
00:07:00,080 --> 00:07:05,840
na ayaw ipaalala o ipaalam man lang
ng mga brand sa mga mamimili.

117
00:07:07,560 --> 00:07:08,480
Sige, Kate.

118
00:07:09,280 --> 00:07:11,159
Anyway, tanghalian na.

119
00:07:11,160 --> 00:07:12,879
- Pwedeng makiupo?
- Oo naman.

120
00:07:12,880 --> 00:07:13,720
Salamat.

121
00:07:14,920 --> 00:07:16,959
Gaano kayo kadalas pumunta rito?

122
00:07:16,960 --> 00:07:18,279
- Pumunta siya kahapon.
- Oo.

123
00:07:18,280 --> 00:07:22,039
Paano kung sabihin ko sa inyo
na kailangan kong gawin

124
00:07:22,040 --> 00:07:24,959
na almusal, tanghalian,
at hapunan 'to araw-araw?

125
00:07:24,960 --> 00:07:25,879
Mamamatay ka.

126
00:07:25,880 --> 00:07:27,240
- Mamamatay ako?
- Oo.

127
00:07:27,840 --> 00:07:30,000
- Sa pagkain lang ng manok?
- Oo, kung araw-araw.

128
00:07:31,160 --> 00:07:33,839
O, congrats naman
sa pagkain ng manok araw-araw.

129
00:07:33,840 --> 00:07:37,519
Mamamatay?
Anong klaseng six-seven ang sinasabi niya?

130
00:07:37,520 --> 00:07:40,000
Sabi nga ni Craig David, "re-e-wind".

131
00:07:40,600 --> 00:07:42,439
DALAWANG ARAW ANG NAKARAAN

132
00:07:42,440 --> 00:07:47,639
Pumunta ako sa doktor bago ko sinimulan
itong pangmalakasang chicken marathon.

133
00:07:47,640 --> 00:07:49,799
- Tumayo ka sa timbangan…
- Okay.

134
00:07:49,800 --> 00:07:51,399
Ayusin mo 'yong tayo.

135
00:07:51,400 --> 00:07:54,120
Team chicken talaga ako.

136
00:07:54,720 --> 00:07:56,879
{\an8}Mahilig ako sa Nando's.
Halos malasahan mo na…

137
00:07:56,880 --> 00:07:58,879
{\an8}Gumawa pa nga ako ng content at voiceover

138
00:07:58,880 --> 00:08:01,519
para sa pinakasikat na chains,
ang McDonald's at Nando's.

139
00:08:01,520 --> 00:08:04,120
{\an8}Di mo masusubukan 'yong loyalty ko, pare.

140
00:08:04,720 --> 00:08:06,839
Sasabihin ng ibang manonood,

141
00:08:06,840 --> 00:08:09,359
"Nasa fried chicken matrix ka."

142
00:08:09,360 --> 00:08:13,920
At sasabihin ko, "Talaga, pare."
Masarap 'yon. Wag na tayong maglokohan.

143
00:08:15,280 --> 00:08:18,879
Walang ibang pagkaing masarap kainin
galing sa bucket. Bucket ng burgers?

144
00:08:18,880 --> 00:08:20,200
Di ko trip 'yon.

145
00:08:21,160 --> 00:08:23,639
Pero bucket ng fried chicken?

146
00:08:23,640 --> 00:08:28,040
Noong bata ako, espesyal kainin 'yon.
At parang mayaman ka na.

147
00:08:28,640 --> 00:08:31,919
Naaalala ko noong bumili
'yong mama ko ng bucket ng KFC

148
00:08:31,920 --> 00:08:34,239
na may kasama pang Viennetta dati.

149
00:08:34,240 --> 00:08:37,919
Sabi namin, "Sosyal na kami!
Wag na wag n'yo na kaming kakausapin."

150
00:08:37,920 --> 00:08:40,519
Masakit 'yong pagtusok, a.

151
00:08:40,520 --> 00:08:43,919
May iniinda ka bang sakit ngayon?

152
00:08:43,920 --> 00:08:47,159
- Sa pagkakaalam ko, wala.
- Ayos. Family history naman.

153
00:08:47,160 --> 00:08:49,679
- May diabetes 'yong mama ko.
- Type 2?

154
00:08:49,680 --> 00:08:51,679
Oo. Nagkaro'n din 'yong lolo ko.

155
00:08:51,680 --> 00:08:54,119
- A, okay, nasa lahi n'yo pala.
- Oo.

156
00:08:54,120 --> 00:08:55,599
Huminga nang malalim.

157
00:08:55,600 --> 00:08:57,760
- Thirty-seven na ako.
- Ayos.

158
00:08:58,600 --> 00:09:02,959
Iniisip mo na 'yong mga mahal mo sa buhay,
'yong mga tao sa paligid mo.

159
00:09:02,960 --> 00:09:04,359
'Yong kalusugan mo.

160
00:09:04,360 --> 00:09:06,479
At palabas! Buga.

161
00:09:06,480 --> 00:09:10,480
Interesado akong makita
'yong mga magiging epekto sa katawan ko.

162
00:09:12,920 --> 00:09:15,839
{\an8}Ang ganda ng atay mo. Talagang…

163
00:09:15,840 --> 00:09:16,839
{\an8}Talaga?

164
00:09:16,840 --> 00:09:18,159
{\an8}Oo, ayos 'yon.

165
00:09:18,160 --> 00:09:22,159
At nakita sa test na wala kang diabetes.

166
00:09:22,160 --> 00:09:24,199
- Sobrang okay 'yon.
- Ang galing.

167
00:09:24,200 --> 00:09:27,359
- Malakas at malusog ka.
- Wow.

168
00:09:27,360 --> 00:09:29,919
Good luck sa 'yo.

169
00:09:29,920 --> 00:09:32,999
Tingin mo, magandang idea
na gawin ko 'yong experiment?

170
00:09:33,000 --> 00:09:34,679
Ano…

171
00:09:34,680 --> 00:09:38,719
Kung ako ikaw, hindi ko gagawin.

172
00:09:38,720 --> 00:09:39,800
Okay.

173
00:09:42,320 --> 00:09:44,559
<i>May gumalaw sa may pinto sa harap.</i>

174
00:09:44,560 --> 00:09:46,759
SARIWANG TENDERS, SANDWICHES, WINGS

175
00:09:46,760 --> 00:09:48,799
Nandito na 'yong manok ko.

176
00:09:48,800 --> 00:09:50,600
<i>May tao sa may pinto sa harap.</i>

177
00:09:51,680 --> 00:09:53,360
- Salamat, boss.
- Eto.

178
00:09:55,360 --> 00:09:57,919
Manok 'yong almusal ko.

179
00:09:57,920 --> 00:10:01,840
{\an8}Sikat 'yong fried chicken
dahil masarap ito. Walang duda.

180
00:10:02,760 --> 00:10:06,359
At walang masama sa pagkain
ng fried chicken paminsan-minsan

181
00:10:06,360 --> 00:10:07,919
kung sa bahay niluto.

182
00:10:07,920 --> 00:10:11,999
Pero pinag-uusapan natin
'yong mga fast-food chain

183
00:10:12,000 --> 00:10:15,079
na nagbebenta ng ultra-processed chicken.

184
00:10:15,080 --> 00:10:17,999
Lahat, ginagamitan ng mga kemikal

185
00:10:18,000 --> 00:10:21,559
at ginagawa talagang masarap.

186
00:10:21,560 --> 00:10:24,519
Sobrang sarap ng burger na 'yon.

187
00:10:24,520 --> 00:10:25,919
Di ako isa sa mga nagsasabi,

188
00:10:25,920 --> 00:10:29,159
"Vegan ako. Ipapaglaban ko
'yong mga karapatan ng manok."

189
00:10:29,160 --> 00:10:31,320
Dalawang mini fillet chicken burger.

190
00:10:33,400 --> 00:10:36,639
Hindi, pare. Marami sila,
kaya lahat tayo, makakakain.

191
00:10:36,640 --> 00:10:38,280
Salamat sa Diyos, di sila lumilipad.

192
00:10:41,240 --> 00:10:45,279
Baka sobra pakinggan 'yong pagkain
ng ultra-processed food

193
00:10:45,280 --> 00:10:47,559
nang isang buwan.

194
00:10:47,560 --> 00:10:50,359
Pero tinataya

195
00:10:50,360 --> 00:10:55,999
na mahigit 50 percent ng pagkain
ng mga tao sa UK,

196
00:10:56,000 --> 00:10:58,760
ultra-processed food.

197
00:11:01,320 --> 00:11:03,079
Ang sarap no'n, pare.

198
00:11:03,080 --> 00:11:06,319
Wala talagang idea si Mo

199
00:11:06,320 --> 00:11:09,799
kung ano'ng mangyayari
sa katawan at isip niya.

200
00:11:09,800 --> 00:11:12,760
Ayokong takutin siya
bago magsimula 'yong experiment.

201
00:11:18,480 --> 00:11:20,359
{\an8}PANGATLONG ARAW
ALMUSAL

202
00:11:20,360 --> 00:11:21,679
{\an8}PANGATLONG ARAW
TANGHALIAN

203
00:11:21,680 --> 00:11:23,480
{\an8}PANGATLONG ARAW
HAPUNAN

204
00:11:24,640 --> 00:11:26,759
Sa UK, kinakain na 'to ng mga tao

205
00:11:26,760 --> 00:11:30,879
mula noong dinala ito ng KFC
mula sa America noong '60s.

206
00:11:30,880 --> 00:11:35,320
Nauna sila nang 10 taon sa McDonald's
sa British fast-food market.

207
00:11:36,600 --> 00:11:39,200
Pero may bagong salta sa high street.

208
00:11:41,440 --> 00:11:43,719
Nakikita natin 'yong pagdagsa sa UK

209
00:11:43,720 --> 00:11:47,359
ng malalaking American fried chicken brand
galing sa US.

210
00:11:47,360 --> 00:11:51,479
Kasi maraming oportunidad
na pwedeng makuha rito,

211
00:11:51,480 --> 00:11:55,119
nakikita ng US at ng investors nila,
"Tama, kikita tayo.

212
00:11:55,120 --> 00:11:58,239
"Dadalhin natin 'yong brands dito.
Pinipilahan na tayo sa labas, o.

213
00:11:58,240 --> 00:12:00,160
"Lalago lang ito nang lalago."

214
00:12:00,920 --> 00:12:04,919
Tama 'yan, Kate.
'Yong KFC at McDonald's pa lang,

215
00:12:04,920 --> 00:12:08,359
gumagastos na ng 2.5 billion quid

216
00:12:08,360 --> 00:12:11,560
sa UK para sa susunod na limang taon.

217
00:12:12,520 --> 00:12:14,400
Ang daming billion no'n, pare.

218
00:12:15,120 --> 00:12:16,399
Gets ko na.

219
00:12:16,400 --> 00:12:20,120
Gets ko na 'yong hype
sa US fried chicken chains,

220
00:12:20,720 --> 00:12:23,639
pero iniisip ko
kung ano'ng magiging future natin

221
00:12:23,640 --> 00:12:26,680
kung susunod tayo sa landas ng America.

222
00:12:27,720 --> 00:12:32,280
Kaya dadayo ako para makita
kung ano'ng posibleng mangyari sa atin.

223
00:12:35,120 --> 00:12:36,519
Pero bago ako magpaalam,

224
00:12:36,520 --> 00:12:40,919
huling kainan muna kasama ang mga pare ko
sa paboritong lugar namin sa South London.

225
00:12:40,920 --> 00:12:41,999
<i>Wag magalit sa akin</i>

226
00:12:42,000 --> 00:12:43,039
Oo.

227
00:12:43,040 --> 00:12:44,200
{\an8}<i>Pumunta sa Katie</i>

228
00:12:45,280 --> 00:12:46,559
{\an8}<i>Pahingi ng apat na wing</i>

229
00:12:46,560 --> 00:12:48,960
<i>- Pahingi ng apat na wing</i>
- <i>At strawberry Mirinda</i>

230
00:12:51,760 --> 00:12:54,320
Isa sa pinakamalalapit kong kaibigan
si Mo.

231
00:12:55,320 --> 00:12:57,159
{\an8}Nakakatuwang isipin na dati,

232
00:12:57,160 --> 00:12:59,159
{\an8}nakaupo lang kaming dalawa
sa chicken shop,

233
00:12:59,160 --> 00:13:03,200
pinagmamasdan 'yong paligid
at nagkukuwentuhan tungkol sa buhay.

234
00:13:03,800 --> 00:13:06,879
Pangatlong beses na akong kumain
ng fried chicken ngayong araw.

235
00:13:06,880 --> 00:13:07,839
Pangatlo na?

236
00:13:07,840 --> 00:13:11,479
Experiment 'to para makita
'yong mga epekto ng fried chicken,

237
00:13:11,480 --> 00:13:13,479
lalo na 'yong fast-food.

238
00:13:13,480 --> 00:13:14,399
- Ano?
- Araw-araw?

239
00:13:14,400 --> 00:13:16,679
Araw-araw. Nang mag-isa.

240
00:13:16,680 --> 00:13:19,279
- Ano?
- Ano? Grabe naman 'yan.

241
00:13:19,280 --> 00:13:21,159
- Almusal, tanghalian, hapunan.
- Grabe.

242
00:13:21,160 --> 00:13:22,079
Bakit?

243
00:13:22,080 --> 00:13:24,320
Kasi parang lumaki tayong lahat
sa pagkaing 'to.

244
00:13:25,200 --> 00:13:27,120
Gusto kong malaman kung ano'ng laman nito.

245
00:13:27,720 --> 00:13:29,519
Ano'ng nangyayari sa likod ng lahat.

246
00:13:29,520 --> 00:13:30,919
Wow, alam mo… Wow.

247
00:13:30,920 --> 00:13:34,239
Di ko alam kung ano'ng sasabihin ko.
Sa totoo lang.

248
00:13:34,240 --> 00:13:36,199
Sobra naman yata 'yan.

249
00:13:36,200 --> 00:13:41,359
Parang di mo rin naisip
'yong mga magiging epekto sa kalusugan mo.

250
00:13:41,360 --> 00:13:42,999
Saan ka pinakakinakabahan?

251
00:13:43,000 --> 00:13:45,960
Mahirap ang sitwasyon ko dahil sa stigma.

252
00:13:46,880 --> 00:13:48,999
- Black guy na kumakain ng fried chicken.
- Oo.

253
00:13:49,000 --> 00:13:52,959
Pag ikinukuwento ko sa iba,
sinasabi nila, "Ay, hala. fried chicken?"

254
00:13:52,960 --> 00:13:54,159
Gets ko 'yan,

255
00:13:54,160 --> 00:13:57,400
pero gets ko rin
'yong malinis na hangarin nito.

256
00:13:59,760 --> 00:14:02,679
Pangarap niya 'tong experiment
noong bata siya.

257
00:14:02,680 --> 00:14:04,439
Love, love, love.

258
00:14:04,440 --> 00:14:06,879
Pero para sa akin, parang bangungot 'to.

259
00:14:06,880 --> 00:14:08,599
Ingat ka ro'n.

260
00:14:08,600 --> 00:14:09,919
Oo, pare. Oo.

261
00:14:09,920 --> 00:14:12,159
- Matindi 'yong pagdadaanan mo.
- Oo.

262
00:14:12,160 --> 00:14:16,079
Pwede mo akong tawagan,
i-FaceTime, kahit ano.

263
00:14:16,080 --> 00:14:18,559
Basta nandito lang ako para sa 'yo, ha?

264
00:14:18,560 --> 00:14:20,599
Ako'ng bahala sa 'yo.

265
00:14:20,600 --> 00:14:23,319
- Salamat, pare.
- Sige, pare ko.

266
00:14:23,320 --> 00:14:26,119
Akala niya, di siya magkakaproblema.

267
00:14:26,120 --> 00:14:27,759
Kailangang magdala ng mga medyas.

268
00:14:27,760 --> 00:14:30,199
Di ka magkakaroon ng sapat na medyas.

269
00:14:30,200 --> 00:14:31,320
Pero mali siya.

270
00:14:33,200 --> 00:14:36,319
Sorry. Nauutot ako dahil sa manok, pare.

271
00:14:36,320 --> 00:14:37,399
Nag-aalala ako.

272
00:14:37,400 --> 00:14:39,119
Para akong trumpet.

273
00:14:39,120 --> 00:14:42,800
Pakiramdam ko, di niya talaga alam
kung ano'ng pinasok niya.

274
00:14:50,960 --> 00:14:52,880
INSPIRED ANG HOUSTON

275
00:14:55,240 --> 00:14:56,679
Kotse ko ba 'yan?

276
00:14:56,680 --> 00:15:00,400
Tara, bumili tayo ng fried chicken, pare.
Oo, astig 'to, pare.

277
00:15:02,840 --> 00:15:06,079
Galing sa US
ang pinakamalalaking fried chicken chain

278
00:15:06,080 --> 00:15:07,359
sa mundo.

279
00:15:07,360 --> 00:15:12,639
KFC, Chick-fil-A, Popeyes,
at isasama ko na rin 'yong McDonald's,

280
00:15:12,640 --> 00:15:16,159
na pantay na 'yong dami
ng ibinebentang manok at beef.

281
00:15:16,160 --> 00:15:21,879
Mahigit sa 2,500
'yong shop nila sa UK pag pinagsama,

282
00:15:21,880 --> 00:15:26,000
pero dito, mahigit sa 22,000.

283
00:15:27,800 --> 00:15:29,799
Magta-travel ako sa States,

284
00:15:29,800 --> 00:15:31,199
simula sa Houston,

285
00:15:31,200 --> 00:15:34,119
na tinagurian
na modern fried chicken capital.

286
00:15:34,120 --> 00:15:36,039
ANG SIMULA

287
00:15:36,040 --> 00:15:38,399
Kaka-text lang sa akin ni David.

288
00:15:38,400 --> 00:15:43,279
"Eto, pinakamare-recommend kong mga kainan
sa H-Town."

289
00:15:43,280 --> 00:15:46,520
H-Town, gets mo?
Sinusubukan niyang sumabay sa mga bata.

290
00:15:49,280 --> 00:15:52,800
Church's Chicken, mula 1952.

291
00:15:53,800 --> 00:15:56,759
Tatlong piraso 'yong kukunin ko.

292
00:15:56,760 --> 00:15:58,240
Pwedeng tenders na rin?

293
00:15:59,280 --> 00:16:02,599
Alam mo 'yong gusto ko rito? Di magarbo.

294
00:16:02,600 --> 00:16:05,679
No'ng nag-park ako, tiningnan ako
ng mga tao habang nasa kotse ako,

295
00:16:05,680 --> 00:16:08,199
"Pare, sino ba 'yan? Sino 'yan, pare?"

296
00:16:08,200 --> 00:16:11,399
Do'n mo malalaman
na masarap 'yong pagkain.

297
00:16:11,400 --> 00:16:14,719
Pag delikado 'yong pagkain, masarap 'yon.

298
00:16:14,720 --> 00:16:16,319
- Maraming salamat.
- Ingat.

299
00:16:16,320 --> 00:16:17,280
Ikaw din, salamat.

300
00:16:20,000 --> 00:16:23,920
'Yong misyon ko ngayong araw,
kumain ng manok hangga't kaya ko.

301
00:16:26,120 --> 00:16:28,919
Eto, Frenchy's,
classic southern-fried chicken.

302
00:16:28,920 --> 00:16:31,759
Paborito raw ni Beyoncé.

303
00:16:31,760 --> 00:16:32,679
"Question".

304
00:16:32,680 --> 00:16:34,359
TANGHALIAN

305
00:16:34,360 --> 00:16:35,560
Bonchon.

306
00:16:37,440 --> 00:16:38,759
TANGHALIAN… ULIT

307
00:16:38,760 --> 00:16:40,440
- Ang sarap ng flavors.
- Opo.

308
00:16:41,280 --> 00:16:42,199
Pok Pok Po?

309
00:16:42,200 --> 00:16:44,399
- Nasa chicken heaven ako.
- Oo.

310
00:16:44,400 --> 00:16:46,039
May Indian spices 'yan.

311
00:16:46,040 --> 00:16:49,560
Parang papunta ako
sa UN chicken convention.

312
00:16:50,480 --> 00:16:52,279
- Iba ka.
- Iba ka!

313
00:16:52,280 --> 00:16:54,039
Ang daming pagkain, 'no?

314
00:16:54,040 --> 00:16:55,479
Magbaon pa tayo ng isa.

315
00:16:55,480 --> 00:16:56,640
HAPUNAN… ULIT

316
00:16:58,840 --> 00:17:02,519
Pakiramdam ko, 'yong experiment,
hindi nagsimula sa UK,

317
00:17:02,520 --> 00:17:03,879
kundi dito na.

318
00:17:03,880 --> 00:17:06,959
Lahat ng klase ng manok, nakain ko na.
Kaya naiisip ko,

319
00:17:06,960 --> 00:17:08,480
ano'ng susunod?

320
00:17:15,040 --> 00:17:18,079
Teka, baby, tumatawag si Tito Mo.

321
00:17:18,080 --> 00:17:19,479
Uy, pare, kumusta?

322
00:17:19,480 --> 00:17:21,079
<i>Teka, kay Mommy ka muna.</i>

323
00:17:21,080 --> 00:17:23,080
Kay Mommy ka muna. Sige.

324
00:17:24,240 --> 00:17:26,239
<i>Kumusta ka diyan? Ano'ng nangyayari?</i>

325
00:17:26,240 --> 00:17:28,119
Ang dami kong kinakaing manok. Kagabi…

326
00:17:28,120 --> 00:17:29,479
- Oo.
- <i>Pare…</i>

327
00:17:29,480 --> 00:17:32,199
Nagtae ako, pare!

328
00:17:32,200 --> 00:17:34,799
'Yong taeng parang sa Narnia. Diyos ko.

329
00:17:34,800 --> 00:17:37,519
'Yong kailangan mong hubarin
ang mga sapatos at medyas mo?

330
00:17:37,520 --> 00:17:41,079
'Yon 'yong ginawa ko.
Hinubad ko ang lahat ng damit ko.

331
00:17:41,080 --> 00:17:44,800
Sabi ko, "Bakit ko ba kinakain
'tong letseng pagkaing 'to?"

332
00:17:47,200 --> 00:17:49,079
- <i>Kasi sa UK, ayos lang.</i>
- Oo.

333
00:17:49,080 --> 00:17:51,880
Siningil na ako ng katawan ko
sa sobrang pagkain ko ng manok.

334
00:17:55,960 --> 00:17:58,319
Ganito, di ko pa talaga 'to naisip,

335
00:17:58,320 --> 00:18:00,879
pero pagkatapos masira ng tiyan ko,

336
00:18:00,880 --> 00:18:02,240
napaisip talaga ako…

337
00:18:02,840 --> 00:18:06,200
ano ba talaga 'yong laman ng manok na 'to?

338
00:18:07,840 --> 00:18:09,360
New Orleans, pare.

339
00:18:09,960 --> 00:18:11,559
Grabeng lugar.

340
00:18:11,560 --> 00:18:13,399
Hahanapin ko 'yong sagot

341
00:18:13,400 --> 00:18:17,159
sa frozen aisle
ng supermarket sa New Orleans.

342
00:18:17,160 --> 00:18:19,279
Kumusta, girls? Okay lang kayo?

343
00:18:19,280 --> 00:18:21,959
- Nasa'n 'yong frozen chicken breasts?
- Ano…

344
00:18:21,960 --> 00:18:23,559
Kasi gaya sa amin,

345
00:18:23,560 --> 00:18:28,319
'yong manok ding binibili sa mga tindahan
'yong nasa malalaking fast food chain.

346
00:18:28,320 --> 00:18:32,360
Pero sa America,
may konti silang idinadagdag.

347
00:18:34,200 --> 00:18:38,119
Chicken broth,
chicken flavoring, ice glaze.

348
00:18:38,120 --> 00:18:40,719
- Mukhang kailangan mo ng trolley.
- I-pause mo 'to.

349
00:18:40,720 --> 00:18:43,959
Tagasaang linen shirt industry plant 'to?

350
00:18:43,960 --> 00:18:47,839
Oo nga. Maraming salamat.
Nabasa mo na ba kung ano'ng nasa manok?

351
00:18:47,840 --> 00:18:51,839
- Ang dami, 'no?
- May chicken broth sa loob ng manok.

352
00:18:51,840 --> 00:18:53,599
Ang dami mong manok na kinakain,

353
00:18:53,600 --> 00:18:55,199
{\an8}pero di totoo ang natitikman mo.

354
00:18:55,200 --> 00:18:58,439
{\an8}'Yong ipinapahid
at ipinapasok lang 'yon sa manok,

355
00:18:58,440 --> 00:19:01,000
pero di 'yong manok mismo
kasi wala nang lasa 'yon.

356
00:19:01,760 --> 00:19:03,040
A, shit.

357
00:19:03,640 --> 00:19:06,879
Nagsimula 'yon
sa Chicken of Tomorrow Contest.

358
00:19:06,880 --> 00:19:09,119
Ginanap pagkatapos ng World War II.

359
00:19:09,120 --> 00:19:11,439
'Yong hinanap,
mga sisiw na pinakamabilis lumaki,

360
00:19:11,440 --> 00:19:15,799
pinakamataba 'yong dibdib,
at nagagawa agad na karne 'yong feed.

361
00:19:15,800 --> 00:19:18,880
Pero 'yong di nila sinubukan, 'yong lasa.

362
00:19:19,480 --> 00:19:22,519
- Paano mo nalaman 'yon?
- Nagsusulat ako ng mga libro sa lasa.

363
00:19:22,520 --> 00:19:26,200
- Ikaw 'yong totoong Flavor Flav.
- Tama. Ako nga.

364
00:19:27,640 --> 00:19:29,479
Sinabi ni Mark sa 'kin 'yong sumunod.

365
00:19:29,480 --> 00:19:33,519
Nagpatuloy 'yong chicken industry sa US
sa pagpaparami ng mga piling manok

366
00:19:33,520 --> 00:19:38,519
na pinapataba at pinapalaki nila
sa pinakamabilis na paraan.

367
00:19:38,520 --> 00:19:42,799
Sumunod 'yong ibang bansa sa mundo,
kabilang na 'yong UK.

368
00:19:42,800 --> 00:19:48,039
Sa loob lang ng 80 taon,
mula sa ganito, naging ganito 'yong manok.

369
00:19:48,040 --> 00:19:50,119
Kung ganito rin kabilis lumaki
ang mga baby,

370
00:19:50,120 --> 00:19:54,880
kasinlaki na sana ng malaking baboy
'yong baby mong dalawang buwan pa lang!

371
00:19:56,640 --> 00:20:00,000
Umaabot sa 16 hanggang 18 linggo
bago tumaba 'yong manok dati.

372
00:20:00,600 --> 00:20:03,239
Anim hanggang anim
at kalahating linggo na lang ngayon.

373
00:20:03,240 --> 00:20:07,759
Malalaking baby na'ng mga manok ngayon.
Parang karne ng guyang mas matabang.

374
00:20:07,760 --> 00:20:11,239
Kaya mura, marami, pero wala namang lasa.

375
00:20:11,240 --> 00:20:14,959
Parang potato chips.
'Yong seasoning, 'yong flavoring.

376
00:20:14,960 --> 00:20:17,199
So, 'yong sinasabi mo,

377
00:20:17,200 --> 00:20:18,919
'yong kinakain ko,

378
00:20:18,920 --> 00:20:24,960
halos lasa na lang talaga
na idinagdag natin sa experience ng manok.

379
00:20:25,560 --> 00:20:29,639
Di gawa ng kalikasan 'yong natitikman mo,
kundi gawa ng tao.

380
00:20:29,640 --> 00:20:32,080
Tingnan mo ang pirasong 'to,
kasinlaki ng ulo ko.

381
00:20:33,080 --> 00:20:36,959
Gets ko na kung bakit nagkalat
'yong fried chicken chains.

382
00:20:36,960 --> 00:20:41,159
Mabilis palakihin ang mga ibong 'to,
mura, at dahil wala talagang lasa,

383
00:20:41,160 --> 00:20:43,439
pwede mong iba-ibahin 'yong lasa.

384
00:20:43,440 --> 00:20:45,240
Sobrang sarap n'on, a.

385
00:20:46,920 --> 00:20:49,679
Ang Popeyes, na inilunsad sa New Orleans,

386
00:20:49,680 --> 00:20:53,919
at tinatangkilik dahil sa flavors nila,
patok na sa UK high streets.

387
00:20:53,920 --> 00:20:56,199
Sa loob lang ng isang taon,

388
00:20:56,200 --> 00:21:00,599
bumili 'yong Brits
ng 8.7 million chicken sandwich.

389
00:21:00,600 --> 00:21:03,599
Parang isa kada tatlong segundo.

390
00:21:03,600 --> 00:21:06,319
Sa US, naging viral 'yong chicken sandwich

391
00:21:06,320 --> 00:21:10,080
noong inilunsad ng Popeyes,
at nabaliw 'yong mga tao.

392
00:21:16,360 --> 00:21:18,039
Nagwala ang mga tao.

393
00:21:18,040 --> 00:21:20,359
Sa LA, dalawang driver ang naaksidente

394
00:21:20,360 --> 00:21:23,919
{\an8}habang nagtatangkang makabili ng sandwich
na kinababaliwan sa social media.

395
00:21:23,920 --> 00:21:26,839
Sa Maryland, pinatay ang isang lalaki
matapos sumingit sa pila.

396
00:21:26,840 --> 00:21:29,959
{\an8}Sinimulang batikusin ng Americans
'yong Popeyes.

397
00:21:29,960 --> 00:21:33,959
Kinuwestiyon nila kung ano talaga
'yong laman ng sandwich na 'yon.

398
00:21:33,960 --> 00:21:36,679
<i>Kung gusto mo 'yong manok sa Popeyes</i>

399
00:21:36,680 --> 00:21:38,959
Kakailanganin mo ang isa sa mga 'to.

400
00:21:38,960 --> 00:21:41,919
Wala nang tatalo rito.

401
00:21:41,920 --> 00:21:47,279
Ito na 'yong may pinakamaraming ingredient
sa lahat ng ni-review ko, umabot sa 142.

402
00:21:47,280 --> 00:21:49,640
Paano naging legal 'to?

403
00:21:53,360 --> 00:21:55,000
Fried chicken, eto na.

404
00:21:57,160 --> 00:22:00,959
Ginagawa no'ng mga kumpanya ang lahat
para maging mura,

405
00:22:00,960 --> 00:22:02,239
madali,

406
00:22:02,240 --> 00:22:05,160
at masarap ito para di mo matanggihan.

407
00:22:05,760 --> 00:22:08,479
Nag-aalala ang mga tao
dahil pwedeng magdulot 'yong pagkain

408
00:22:08,480 --> 00:22:10,879
ng masasamang epekto sa kalusugan.

409
00:22:10,880 --> 00:22:12,919
Tingnan mo 'yong ingredient list,

410
00:22:12,920 --> 00:22:15,119
kung 45 'yong nakalista

411
00:22:15,120 --> 00:22:18,999
at di mo kilala 'yong mga kemikal,
malamang ultra-processed 'yon.

412
00:22:19,000 --> 00:22:23,079
Dimethylpolysiloxane.
Ingredient 'yon sa Silly Putty.

413
00:22:23,080 --> 00:22:28,199
…di pa kasama 'yong maraming seed oil,
at natural at artificial flavors.

414
00:22:28,200 --> 00:22:29,999
Natural at artificial flavors…

415
00:22:30,000 --> 00:22:31,520
question mark 'yon,

416
00:22:32,440 --> 00:22:35,279
dahil maraming kemikal
na di nila kailangang ilista.

417
00:22:35,280 --> 00:22:38,159
At baka di na-regulate 'yong mga kemikal,

418
00:22:38,160 --> 00:22:42,240
dahil may butas
'yong federal regulations sa U.S.

419
00:22:43,200 --> 00:22:44,480
Ang sarap no'n.

420
00:22:45,440 --> 00:22:49,159
Kahit sa Europe, pag nagre-regulate sila
ng chemical additive,

421
00:22:49,160 --> 00:22:52,359
kailangang patunayan ng kumpanya
na safe 'yon.

422
00:22:52,360 --> 00:22:53,760
Sa U.S., hindi.

423
00:22:55,200 --> 00:22:58,400
Mga kumpanya 'yong nagdedesisyon
kung anong mga kemikal 'yong safe.

424
00:22:59,240 --> 00:23:03,359
Bakit ito pinapayagan ng FDA natin?

425
00:23:03,360 --> 00:23:06,519
Nagdudulot ng chronic disease
ang mga pagkaing ito.

426
00:23:06,520 --> 00:23:08,960
Malaking banta ito sa kalusugan natin.

427
00:23:12,240 --> 00:23:15,239
'Yong science sa likod ng pagkain,

428
00:23:15,240 --> 00:23:18,999
di ko akalaing gan'on kalala.

429
00:23:19,000 --> 00:23:21,239
Alam mo, sobrang magpapakatotoo ako.

430
00:23:21,240 --> 00:23:24,040
Ang lala no'n. Pero ano…

431
00:23:26,600 --> 00:23:29,479
kung iisipin, sobrang talino rin, pare.

432
00:23:29,480 --> 00:23:32,479
Di ko kayang umupo at magkunwari,
na parang,

433
00:23:32,480 --> 00:23:34,479
"Hindi, mali talaga 'yon."

434
00:23:34,480 --> 00:23:38,440
Parang, pare, naisahan nila 'yong sistema!

435
00:23:39,040 --> 00:23:40,639
Okay. Nag-research ako,

436
00:23:40,640 --> 00:23:44,319
at ganito nila ginagawa
'yong paborito nating fast food snack,

437
00:23:44,320 --> 00:23:45,319
'yong nugget.

438
00:23:45,320 --> 00:23:48,399
Minamasa sa factory
'yong maliliit na parte ng manok

439
00:23:48,400 --> 00:23:51,079
at hinahalo na parang giniling.

440
00:23:51,080 --> 00:23:54,599
Tapos nilalagyan
ng chemical additives at seasonings

441
00:23:54,600 --> 00:23:57,159
para maglasang manok ulit
'yong matabang na karne.

442
00:23:57,160 --> 00:23:59,199
Parang natutunaw sa bibig
sa sobrang lambot,

443
00:23:59,200 --> 00:24:02,839
tapos nagtatagal
hanggang maipadala sa buong mundo.

444
00:24:02,840 --> 00:24:04,119
'Yong malala pa,

445
00:24:04,120 --> 00:24:08,599
nag-imbento 'yong food scientists
ng perfect combination ng asin at taba

446
00:24:08,600 --> 00:24:10,519
para maging katakam-takam 'to,

447
00:24:10,520 --> 00:24:12,159
ibig sabihin, masarap,

448
00:24:12,160 --> 00:24:14,120
kaya di mo mapipigilang kumain.

449
00:24:14,960 --> 00:24:18,559
{\an8}May sukatan pa nga
kung gaano nakakaadik 'tong mga pagkain.

450
00:24:18,560 --> 00:24:19,639
{\an8}Tingnan mo 'to.

451
00:24:19,640 --> 00:24:22,880
{\an8}'Yong mga kinakain ko? Sobrang nakakaadik.

452
00:24:25,320 --> 00:24:29,279
Di nakaprograma
'yong mga utak natin para kayanin

453
00:24:29,280 --> 00:24:33,759
'yong ganyang experience
sa pang-araw-araw na pagkain

454
00:24:33,760 --> 00:24:34,680
nang di napapasobra.

455
00:24:36,040 --> 00:24:41,439
Di nagkakataong pag pumapatok
'yong ultra-processed foods,

456
00:24:41,440 --> 00:24:46,039
tumataas din 'yong eating disorders,
kasabay ng obesity.

457
00:24:46,040 --> 00:24:48,559
Kaya walang duda

458
00:24:48,560 --> 00:24:53,719
na idinidisenyo nila 'yong pagkain
para kainin mo, at posibleng mapasobra pa.

459
00:24:53,720 --> 00:24:55,479
POV: NANALO KA NG CHICKEN SA KFC GAME

460
00:24:55,480 --> 00:24:59,679
Dahil sa matinding kompetisyon,
kumukuha ng teams ng sensory scientists

461
00:24:59,680 --> 00:25:03,919
ang pinakasikat na chains para masigurado
na manok nila 'yong pipiliin mo.

462
00:25:03,920 --> 00:25:06,679
Napapayag ko 'yong isa
na makipagkita sa 'kin

463
00:25:06,680 --> 00:25:09,639
para ibunyag ang ilang sekreto nila.

464
00:25:09,640 --> 00:25:13,479
Kung ginagawa mo 'to,
at tungkol 'to sa fried chicken,

465
00:25:13,480 --> 00:25:16,560
iisipin kong Black ka. Gets mo?

466
00:25:17,720 --> 00:25:18,719
Uy, wow!

467
00:25:18,720 --> 00:25:20,800
Tama ang naisip kong magiging itsura niya.

468
00:25:21,960 --> 00:25:24,039
- Kumusta? Ano'ng balita?
- Hi, Mo!

469
00:25:24,040 --> 00:25:25,759
- Kumusta?
- Buti, nagkita tayo.

470
00:25:25,760 --> 00:25:29,320
Ganito talaga 'yong naisip kong itsura mo.
Ayos ka.

471
00:25:31,040 --> 00:25:33,039
Sige.

472
00:25:33,040 --> 00:25:35,679
- Okay.
- Dito mangyayari 'yong magic natin.

473
00:25:35,680 --> 00:25:41,079
Sabi nila, ikaw daw
'yong chicken expert pagdating sa panlasa.

474
00:25:41,080 --> 00:25:44,399
{\an8}Ikaw ang sarili mong expert.
Kung ano'ng gusto mo, expert ka doon, 'no?

475
00:25:44,400 --> 00:25:47,679
{\an8}Pero sensory at consumer scientist ako.

476
00:25:47,680 --> 00:25:50,479
- May mga degree ka at lahat.
- Oo.

477
00:25:50,480 --> 00:25:52,199
- Ayos!
- Maraming degree.

478
00:25:52,200 --> 00:25:54,879
Ipaalam mo sa kanila. Hindi 'to TikTok.

479
00:25:54,880 --> 00:25:58,959
Hindi ito TikTok.
Scientist at food chemist talaga ako.

480
00:25:58,960 --> 00:26:02,679
Sa isip ko, may suot kang lab coat
at kasamang kagaya mo,

481
00:26:02,680 --> 00:26:04,319
sasabihin n'yo, "Voilà, eto na."

482
00:26:04,320 --> 00:26:08,479
Mad scientist pa rin talaga ako sa lab,

483
00:26:08,480 --> 00:26:12,639
nagtatrabaho gamit 'yong senses,
pero may emosyonal na aspeto rin 'to.

484
00:26:12,640 --> 00:26:16,319
Para gustuhin ng mga tao
na paulit-ulit na umorder at kumain.

485
00:26:16,320 --> 00:26:18,520
Pinapasok mo
'yong pag-iisip ng mga tao, 'no?

486
00:26:19,480 --> 00:26:22,639
Nagtutulungan 'yong sensory scientists
sa buong mundo

487
00:26:22,640 --> 00:26:24,919
para ma-perfect 'yong fried chicken.

488
00:26:24,920 --> 00:26:25,999
Barbecue 'to.

489
00:26:26,000 --> 00:26:30,479
Nagtrabaho si Silke sa isa
sa top fast food fried chicken chains…

490
00:26:30,480 --> 00:26:31,399
Eto na.

491
00:26:31,400 --> 00:26:33,079
…na papasok na sa UK.

492
00:26:33,080 --> 00:26:34,760
Isa sa specialties niya?

493
00:26:35,760 --> 00:26:37,439
'Yong lutong.

494
00:26:37,440 --> 00:26:41,839
'Yong tinitingnan namin,
mga palatandaang magsasabi sa amin

495
00:26:41,840 --> 00:26:43,639
na hahanap-hanapin 'tong produkto.

496
00:26:43,640 --> 00:26:46,599
Ano'ng mangyayari pag gano'n?
Babalik 'yong mga mamimili.

497
00:26:46,600 --> 00:26:50,160
Tikman natin para malaman
'yong tunog, pakiramdam, pagbuwag.

498
00:26:55,240 --> 00:26:57,720
- Sobrang sarap. Diyos ko.
- Oo.

499
00:26:58,560 --> 00:27:03,159
Para sa mga mamimili, senyales
ng pagkasariwa at kalidad 'yong tunog,

500
00:27:03,160 --> 00:27:08,319
pero naaapektuhan din nito
'yong reward center sa utak natin.

501
00:27:08,320 --> 00:27:11,399
Di ko siya hinahanap,
pero pag kinain ko na…

502
00:27:11,400 --> 00:27:12,999
Gumagana na 'yong reward center.

503
00:27:13,000 --> 00:27:15,239
- Sabi nito, "Ang sarap, a."
- 'Yong dopamine ko…

504
00:27:15,240 --> 00:27:18,879
Sumasabog sa mukha ko 'yong dopamine,
parang ang saya ko.

505
00:27:18,880 --> 00:27:20,599
Parang crack 'to.

506
00:27:20,600 --> 00:27:22,599
- Di ko pa nasubukan.
- Ayos 'yon kung ayos.

507
00:27:22,600 --> 00:27:24,519
Pero, oo. Nasubukan mo na?

508
00:27:24,520 --> 00:27:25,959
Hindi.

509
00:27:25,960 --> 00:27:27,840
Gusto kita, ha? Good vibes ka.

510
00:27:35,360 --> 00:27:36,999
Uy.

511
00:27:37,000 --> 00:27:38,959
Uy, pare. Ano'ng balita?

512
00:27:38,960 --> 00:27:42,679
Ayos lang, pare. Gumagawa ako ng snack.
Ano'ng balita sa 'yo?

513
00:27:42,680 --> 00:27:45,359
Marami akong nakilalang expert
nitong mga nakaraang araw.

514
00:27:45,360 --> 00:27:46,719
A, talaga?

515
00:27:46,720 --> 00:27:48,399
<i>Oo, pare.</i>

516
00:27:48,400 --> 00:27:54,600
Alam mo, may ingredient sila
na ginagamit din sa condoms, parang lube.

517
00:27:55,200 --> 00:27:57,720
Hindi nga, pare?

518
00:27:58,320 --> 00:27:59,920
<i>Seryoso, condoms?</i>

519
00:28:00,520 --> 00:28:02,280
Sino'ng mag-aakalang nasa burger 'yon?

520
00:28:03,120 --> 00:28:05,559
Pare… Teka nga.

521
00:28:05,560 --> 00:28:07,999
<i>Marami 'yong inilalagay do'n</i>

522
00:28:08,000 --> 00:28:12,479
na mga artificial na bagay
para mas pagandahin 'yong experience mo

523
00:28:12,480 --> 00:28:14,239
at bumili ka ulit.

524
00:28:14,240 --> 00:28:16,119
<i>Ang dami mong alam.</i>

525
00:28:16,120 --> 00:28:19,080
<i>Ayos ka pa rin ba
sa dami ng kinain mong manok?</i>

526
00:28:21,280 --> 00:28:22,280
Ewan ko, pare.

527
00:28:23,320 --> 00:28:24,839
Parang ayos naman ang lahat.

528
00:28:24,840 --> 00:28:27,520
Masaya akong masaya siya,
o mukhang masaya.

529
00:28:28,760 --> 00:28:33,640
Pero kailangan niyang magpanggap
na gano'n lagi kasi komedyante siya.

530
00:28:35,600 --> 00:28:38,640
Medyo nag-aalala lang ako
na baka may mga dinadamdam siya.

531
00:28:40,960 --> 00:28:44,479
<i>Kumakain ako ng strips ng manok
Chicken sa dips</i>

532
00:28:44,480 --> 00:28:47,399
<i>Chicken, finger-lickin' para sa akin</i>

533
00:28:47,400 --> 00:28:51,639
Isang linggo at kalahati na 'yong lumipas,
at masaya naman ako.

534
00:28:51,640 --> 00:28:54,639
- Pero magpapakatotoo ako.
- Wala akong makuha kundi pagkain, pare.

535
00:28:54,640 --> 00:28:56,799
Di pa rin ako komportable

536
00:28:56,800 --> 00:28:59,960
na Black guy akong kumakain
ng fried chicken sa harap ng camera.

537
00:29:02,160 --> 00:29:04,320
Saan ba 'yon nanggaling?

538
00:29:06,280 --> 00:29:07,920
Alam ko na kung sino'ng tatanungin.

539
00:29:08,760 --> 00:29:12,160
<i>Glory</i>

540
00:29:13,840 --> 00:29:16,080
<i>Glory</i>

541
00:29:17,520 --> 00:29:22,799
Babalik ako sa pinagmulan ng fried chicken
sa southern church para sa Sunday dinner.

542
00:29:22,800 --> 00:29:26,880
Dito, mabilis niluluto 'yong manok,
pero puno pa rin ng kaluluwa.

543
00:29:31,040 --> 00:29:32,920
<i>Hallelujah</i>

544
00:29:33,800 --> 00:29:35,480
<i>Hallelujah</i>

545
00:29:36,360 --> 00:29:38,360
Pahingi po nitong malaking piraso.

546
00:29:38,960 --> 00:29:40,800
Maraming salamat.

547
00:29:42,400 --> 00:29:45,039
Nakikita kong nagsasama-sama
ang lahat dito,

548
00:29:45,040 --> 00:29:47,999
oo, tungkol 'to sa fried chicken,
pero higit pa ro'n.

549
00:29:48,000 --> 00:29:50,559
Tungkol 'to sa pagkain
kasama 'yong pamilya mo.

550
00:29:50,560 --> 00:29:52,600
'Yong pagmamahal na ibinubuhos dito.

551
00:29:53,320 --> 00:29:57,559
Mapapansin mo kung paano ginawang magarbo
ng malalaking corporation

552
00:29:57,560 --> 00:29:59,439
'yong bagay na sobrang simple

553
00:29:59,440 --> 00:30:02,880
at nilagyan ng grime music at celebrities.

554
00:30:03,800 --> 00:30:08,239
{\an8}Isa sa mga ikinalulungkot ko,
kumakain na ng fried chicken ang mga tao,

555
00:30:08,240 --> 00:30:12,039
{\an8}pero di nila kinikilala 'yong galing
ng Black cooks na nagpasarap no'n.

556
00:30:12,040 --> 00:30:14,919
<i>Bumiyahe sila
para makita ang plantation homes</i>

557
00:30:14,920 --> 00:30:17,039
<i>na itinayo bago ang Civil War.</i>

558
00:30:17,040 --> 00:30:20,359
Ipinagluluto ng fried chicken
ng mga babaeng alipin noon

559
00:30:20,360 --> 00:30:21,800
ang mga may-ari ng plantation.

560
00:30:23,240 --> 00:30:26,799
Pagdating ng 1860s,
pagkabuwag ng sistema ng pang-aalipin,

561
00:30:26,800 --> 00:30:30,520
patuloy na pinasarap
at ibinenta 'yon ng African Americans.

562
00:30:31,600 --> 00:30:35,439
Pero ginawa 'yong katatawanan
ng puting Americans sa popular culture.

563
00:30:35,440 --> 00:30:39,000
Pinalabas nilang mga magnanakaw ng manok
'yong mga Black.

564
00:30:39,600 --> 00:30:43,319
Noong 1915, lumabas ang <i>Birth of a Nation</i>,

565
00:30:43,320 --> 00:30:45,239
'yong pinakamalaking pelikula noon,

566
00:30:45,240 --> 00:30:49,560
at nagpakita ng mga bastos na paglalarawan
ng Black Americans na kumakain ng manok.

567
00:30:50,320 --> 00:30:52,599
Lalo nitong pinagtibay 'yong stereotype,

568
00:30:52,600 --> 00:30:57,560
at ginawa pang marketing tool
ng ilang negosyo 'yong racist trope.

569
00:30:59,600 --> 00:31:02,000
Pumasok si Colonel Sanders.

570
00:31:03,360 --> 00:31:05,559
Nandoon ako, 40 anyos lang,

571
00:31:05,560 --> 00:31:08,639
nagawa ko 'tong espesyal na seasoning
na gawa sa 11 spice at herb

572
00:31:08,640 --> 00:31:11,359
at espesyal na paraan
ng pagprito ng manok.

573
00:31:11,360 --> 00:31:14,439
At nagkaroon ako ng produkto
na talagang kakaiba.

574
00:31:14,440 --> 00:31:17,359
Dahil sa KFC, noong bata pa ako,

575
00:31:17,360 --> 00:31:20,759
akala ko, si colonel
'yong nag-imbento ng fried chicken.

576
00:31:20,760 --> 00:31:22,879
Paano niya naipasok ang sarili niya rito?

577
00:31:22,880 --> 00:31:27,199
Gas station operator siya
na may restaurant no'n.

578
00:31:27,200 --> 00:31:28,879
Doon siya nagsimula.

579
00:31:28,880 --> 00:31:31,239
Kung modelong mamamayan ka,

580
00:31:31,240 --> 00:31:33,119
pwede kang maging Kentucky colonel.

581
00:31:33,120 --> 00:31:35,159
Parang knighthood 'yon sa Kentucky.

582
00:31:35,160 --> 00:31:38,160
- Talaga?
- Oo. Gets niya 'yon, at ginamit niya.

583
00:31:39,000 --> 00:31:42,759
'Yong puting suit, taong may maraming oras
para maglibang pero may plantation.

584
00:31:42,760 --> 00:31:46,840
'Yong ilusyon, "May mga Black akong tao
na gumagawa ng lahat ng 'to para sa akin."

585
00:31:47,600 --> 00:31:49,359
{\an8}Magaling siya sa marketing.

586
00:31:49,360 --> 00:31:53,439
{\an8}Pero ginagamit niya no'n
'yong malalalim na nararamdaman sa South.

587
00:31:53,440 --> 00:31:56,599
{\an8}Nakukuha niya 'yong loob
ng marami sa customers niya.

588
00:31:56,600 --> 00:31:58,399
{\an8}Marami pa rin 'yong gumagawa niyan.

589
00:31:58,400 --> 00:32:02,239
{\an8}Ginagamit nila
ang malalalim na Southern nostalgia theme.

590
00:32:02,240 --> 00:32:03,799
Tapos Make America Great Again,

591
00:32:03,800 --> 00:32:06,919
na di maganda
para… sa mga ninuno natin, 'no?

592
00:32:06,920 --> 00:32:08,239
Lahat ng ito, may epekto,

593
00:32:08,240 --> 00:32:10,919
at ginamit niya
para kumita ng maraming pera.

594
00:32:10,920 --> 00:32:14,759
Pagkatapos niyang ibenta
'yong kumpanya sa malaking halaga,

595
00:32:14,760 --> 00:32:17,359
lalo pang sinamantala 'yon ng mga pumalit.

596
00:32:17,360 --> 00:32:19,600
- Tapos sobrang lumaki na lang.
- Wow.

597
00:32:21,320 --> 00:32:25,519
KFC ang pinakasikat na fried chicken chain
sa mundo.

598
00:32:25,520 --> 00:32:28,919
May mga franchise ito sa 149 na bansa.

599
00:32:28,920 --> 00:32:31,399
Kumakain ng KFC ang mga Hapon
tuwing Pasko.

600
00:32:31,400 --> 00:32:34,839
Nasa Bloemfontein, siyempre,
para sa Kentucky Town, baby.

601
00:32:34,840 --> 00:32:36,080
Gawin na natin 'to!

602
00:32:37,080 --> 00:32:42,519
Sa buong mundo, mahigit £27 billion
'yong benta nila taon-taon.

603
00:32:42,520 --> 00:32:44,520
Ang daming wing niyan!

604
00:32:45,800 --> 00:32:49,320
Matagal nang nangunguna 'yong KFC sa UK.

605
00:32:49,920 --> 00:32:54,599
Nangunguna sila sa high street,
mga kalsada, pati mga service station.

606
00:32:54,600 --> 00:32:58,839
At gagastos sila ng 1.5 billion
sa susunod na ilang taon

607
00:32:58,840 --> 00:33:01,559
para talagang mapalakas ang posisyon nila.

608
00:33:01,560 --> 00:33:04,079
'Yon talaga 'yong tinatawag natin
na land grab.

609
00:33:04,080 --> 00:33:06,640
Sisiguraduhin nila
na sila pa rin 'yong mangunguna.

610
00:33:11,640 --> 00:33:14,080
Halos nangangalahati na ako sa experiment

611
00:33:15,600 --> 00:33:17,919
at di ko na trip 'to.

612
00:33:17,920 --> 00:33:20,320
Fried chicken at kape.

613
00:33:22,400 --> 00:33:24,159
ALMUSAL

614
00:33:24,160 --> 00:33:27,040
Sampung araw ko nang kinakain 'to, 'no?

615
00:33:28,800 --> 00:33:30,559
Masarap naman talaga 'yong pagkain.

616
00:33:30,560 --> 00:33:32,879
Pero nakikita ko
'yong pagbabago sa timbang ko.

617
00:33:32,880 --> 00:33:36,359
Di nakakatuwang tumingin sa salamin
tapos titingnan mo…

618
00:33:36,360 --> 00:33:38,240
ang sarili mo, at mapapasabi ka, "Hala".

619
00:33:39,480 --> 00:33:41,920
Hindi na talaga ako 'yong normal na ako.

620
00:33:42,760 --> 00:33:44,120
Medyo matamlay ako.

621
00:33:44,920 --> 00:33:48,519
Sobrang mas mahirap ito
kaysa sa inasahan ko,

622
00:33:48,520 --> 00:33:49,640
'yan 'yong totoo.

623
00:33:51,120 --> 00:33:54,720
Kalaunan, magiging bloated siya.

624
00:33:55,320 --> 00:33:56,360
Mapapagod.

625
00:33:57,160 --> 00:34:00,039
Mahihirapan 'yong digestive system niya.

626
00:34:00,040 --> 00:34:04,119
'Yong good bacteria sa loob,
na tinatawag na microbiomes,

627
00:34:04,120 --> 00:34:05,800
magkakaroon ng imbalance.

628
00:34:06,880 --> 00:34:10,199
Inaasahan kong makakaranas siya
ng pananakit ng tiyan,

629
00:34:10,200 --> 00:34:14,399
siguro pagbabago sa pagdumi,
fluid retention,

630
00:34:14,400 --> 00:34:17,680
baka gustuhin niyang matulog nang matulog
o mahirapan siyang makatulog.

631
00:34:19,320 --> 00:34:24,360
'Yong microbiomes 'yong gumagawa
ng well-being hormones gaya ng serotonin.

632
00:34:24,960 --> 00:34:28,960
Kaya maaapektuhan din 'yong emosyon niya.

633
00:34:29,840 --> 00:34:36,400
Ngayon, 42 beses na akong kumain ng manok,
at aaminin ko, tama talaga 'yong doktor.

634
00:34:40,720 --> 00:34:42,080
1:00 a.m. na.

635
00:34:42,680 --> 00:34:44,240
Sobrang late na ako kumain.

636
00:34:45,040 --> 00:34:49,079
Ito siguro 'yong isa sa mga unang gabi
na di talaga ako makatulog.

637
00:34:49,080 --> 00:34:50,960
Gising lang ako. Di mapakali.

638
00:34:52,280 --> 00:34:54,479
Nakakabaliw talaga, pare.

639
00:34:54,480 --> 00:34:57,839
Minsan iniisip mo, "Wow,
ito'ng pinakamasarap na nakain ko,"

640
00:34:57,840 --> 00:35:00,119
pero minsan naman, parang,

641
00:35:00,120 --> 00:35:02,640
gusto ko ng prutas, alam mo 'yon?

642
00:35:06,840 --> 00:35:09,079
Minsan gusto ko nang sumuko.

643
00:35:09,080 --> 00:35:12,839
Minsan sinasabi ko sa sarili ko,

644
00:35:12,840 --> 00:35:15,080
di na ako kakain
ng fried chicken pagkatapos nito.

645
00:35:17,360 --> 00:35:18,320
Alam mo na.

646
00:35:19,640 --> 00:35:21,399
1:00 a.m. na,

647
00:35:21,400 --> 00:35:24,800
at di ako makatulog
dahil sa letseng fried chicken.

648
00:35:29,880 --> 00:35:32,279
Bagong araw na.

649
00:35:32,280 --> 00:35:34,240
Almusal, chicken tenders.

650
00:35:35,600 --> 00:35:41,440
Pinalabas nilang mas safe o mas makakabuti
para sa 'yo ang manok kaysa sa red meat,

651
00:35:42,040 --> 00:35:45,439
at tinatawag itong healthwashing.

652
00:35:45,440 --> 00:35:48,959
Pero 'yong idea
na mas safe 'yong chicken nugget

653
00:35:48,960 --> 00:35:51,679
kaysa sa Big Mac,

654
00:35:51,680 --> 00:35:52,800
mahirap 'yon.

655
00:35:54,680 --> 00:35:58,079
Tuloy-tuloy lang 'to,
gugustuhin mong kumain nang kumain.

656
00:35:58,080 --> 00:36:00,999
'Yong pagkain
na gaya ng fast food fried chicken,

657
00:36:01,000 --> 00:36:02,479
{\an8}gaano ba ito kasama?

658
00:36:02,480 --> 00:36:05,679
{\an8}Pero ngayon,
sa America pa lang, makikita natin,

659
00:36:05,680 --> 00:36:08,519
may namamatay na tao bawat apat na minuto

660
00:36:08,520 --> 00:36:10,880
dahil sa mga sakit
na dulot ng ultra-processed food.

661
00:36:11,840 --> 00:36:14,839
Di lang ito nangyayari
sa western countries.

662
00:36:14,840 --> 00:36:17,280
Laganap na talaga sa mundo
itong health crisis.

663
00:36:18,440 --> 00:36:20,839
Itong taon 'yong turning point

664
00:36:20,840 --> 00:36:25,879
kung saan mas marami na 'yong batang obese
kaysa sa mga batang nagugutom…

665
00:36:25,880 --> 00:36:27,160
sa mundo.

666
00:36:28,360 --> 00:36:30,360
PAGBATI MULA SA CHICAGO

667
00:36:32,160 --> 00:36:33,880
ANG CHICKEN TRAP

668
00:36:36,200 --> 00:36:39,639
Nasa Chicago ako,
tahanan ng HQ ng McDonald's,

669
00:36:39,640 --> 00:36:41,120
'yong naglunsad sa fast food.

670
00:36:41,720 --> 00:36:43,880
Di ko yata 'to mauubos.

671
00:36:44,640 --> 00:36:47,599
Nandito ako
para makipagkita sa taga-Chi-Town,

672
00:36:47,600 --> 00:36:50,519
ipapakita niya sa akin
'yong naging epekto ng fast food chains

673
00:36:50,520 --> 00:36:52,239
sa komunidad nila.

674
00:36:52,240 --> 00:36:54,199
- Uy, Mo!
- Kumusta? Ayos ka lang?

675
00:36:54,200 --> 00:36:56,839
- Oo.
- Nice to meet you. Salamat sa pagpunta.

676
00:36:56,840 --> 00:36:58,239
Mo din ba 'yong palayaw mo?

677
00:36:58,240 --> 00:37:00,680
- Oo, Mo rin.
- Para kay Mo, galing kay Mo.

678
00:37:04,760 --> 00:37:09,240
{\an8}Ito 'yong Oak Park neighborhood,
isa sa magagandang lugar sa Chicago.

679
00:37:10,600 --> 00:37:12,599
- Sobrang ganda.
- Oo.

680
00:37:12,600 --> 00:37:15,799
Dumaan tayo sa maraming tindahan,
pero cute na bakeries 'yon,

681
00:37:15,800 --> 00:37:18,880
mga ethnic na kainan,
gaya ng taco place doon.

682
00:37:19,960 --> 00:37:24,999
Mas "sosyal" dito 'yong mga bagay,
kaya mas mahal.

683
00:37:25,000 --> 00:37:28,159
Pero papunta tayo sa West Garfield Park,

684
00:37:28,160 --> 00:37:30,079
kung saan ako lumaki.

685
00:37:30,080 --> 00:37:32,320
Makikita mo talaga 'yong pagbabago.

686
00:37:38,160 --> 00:37:40,200
Tinatawag ko itong food desert.

687
00:37:41,720 --> 00:37:44,960
Puro fast food dito.

688
00:37:45,560 --> 00:37:48,399
May lugar dito
na may McDonald's, Taco Bell,

689
00:37:48,400 --> 00:37:52,879
Wendy's, Popeyes, Domino's, at Subway.

690
00:37:52,880 --> 00:37:55,399
Parang, okay, nasaan 'yong grocery store?

691
00:37:55,400 --> 00:37:58,839
Makikita mo sa likod 'yong isa.

692
00:37:58,840 --> 00:38:02,039
At may mga litrato sila ng groceries do'n,

693
00:38:02,040 --> 00:38:05,759
pero pag pumasok ka,
chips at juice lang 'yong meron, gano'n.

694
00:38:05,760 --> 00:38:07,879
- Walang carrot?
- Wala.

695
00:38:07,880 --> 00:38:09,479
May mga mushroom o kamatis?

696
00:38:09,480 --> 00:38:12,399
Wala. Siguro mga itlog,
kung pupunta ka sa maganda.

697
00:38:12,400 --> 00:38:17,639
Grabe naman 'yon, kasi kahit sa amin,
may mga itlog… Minimum na 'yon, e.

698
00:38:17,640 --> 00:38:21,280
Sa sitwasyong 'to, dapat kunin mo na lang
kung ano'ng nasa harap mo.

699
00:38:22,000 --> 00:38:25,199
Galing sa UK 'yong idea ng food desert.

700
00:38:25,200 --> 00:38:27,199
Galing pa nga sa Scotland.

701
00:38:27,200 --> 00:38:31,920
{\an8}Sa mga ganitong lugar, puro di nakakabuti
sa kalusugan 'yong pagkain.

702
00:38:32,520 --> 00:38:37,279
At target talaga ng fast food companies
'yong mahihirap na komunidad.

703
00:38:37,280 --> 00:38:39,759
Parte ito ng kabuhayan nila.

704
00:38:39,760 --> 00:38:44,919
Noong 2025, nasa 19 milyong tao,

705
00:38:44,920 --> 00:38:48,599
o 6 percent ng U.S. population,
'yong nakatira sa food desert.

706
00:38:48,600 --> 00:38:50,599
Medyo mapagsamantala nga sila,

707
00:38:50,600 --> 00:38:55,199
dahil itong mga mamimili,
baka wala nang ibang option.

708
00:38:55,200 --> 00:38:58,439
- Nandito na tayo. Sharks, gusto mo?
- Tikman natin.

709
00:38:58,440 --> 00:39:01,839
<i>Para sa inyong kaligtasan,
nire-record ang parking lot na ito.</i>

710
00:39:01,840 --> 00:39:05,439
Makakabili ka ng 20 wings
at fries sa presyong $15.

711
00:39:05,440 --> 00:39:08,759
Ang daming manok
para sa sobrang murang halaga.

712
00:39:08,760 --> 00:39:11,079
Napansin ko rin, walang mesa at upuan.

713
00:39:11,080 --> 00:39:13,679
Di 'to 'yong lugar
kung saan uupo ka at kakain.

714
00:39:13,680 --> 00:39:15,919
- Gets.
- Fast food talaga. Take-out.

715
00:39:15,920 --> 00:39:18,119
- Eto na po.
- Maraming salamat, pare.

716
00:39:18,120 --> 00:39:20,159
Ayos ka, pare.

717
00:39:20,160 --> 00:39:23,399
Di lang problema sa America
'yong food deserts.

718
00:39:23,400 --> 00:39:25,959
Sa amin sa UK,
sa pinakamahihirap na lugar,

719
00:39:25,960 --> 00:39:28,599
limang beses na mas marami
'yong fast food na kainan

720
00:39:28,600 --> 00:39:30,079
kaysa sa mas mayayamang lugar,

721
00:39:30,080 --> 00:39:35,639
at mahigit sa 1.2 milyong tao
'yong nakatira sa food deserts sa UK.

722
00:39:35,640 --> 00:39:37,759
- Mama mo ba 'to?
- Uy! Kumusta kayo?

723
00:39:37,760 --> 00:39:39,559
- Kumusta? Ayos ka lang?
- Oo.

724
00:39:39,560 --> 00:39:41,679
- Huhubarin ko 'yong mga sapatos ko.
- Wag na.

725
00:39:41,680 --> 00:39:43,440
Kailangan. Nasa bahay mo ako.

726
00:39:44,040 --> 00:39:45,999
- Manok!
- Oo. Eto na.

727
00:39:46,000 --> 00:39:46,919
Salamat.

728
00:39:46,920 --> 00:39:48,879
Si Quintonelle, mama ni Mini Mo,

729
00:39:48,880 --> 00:39:53,479
nagtatrabaho sa healthcare at alam na alam
'yong mga epekto ng food deserts.

730
00:39:53,480 --> 00:39:55,759
Nakakapanlumo talaga.

731
00:39:55,760 --> 00:39:58,759
'Yong mga tindahan ng alak at fast food,

732
00:39:58,760 --> 00:40:00,559
{\an8}'yong abandoned buildings,

733
00:40:00,560 --> 00:40:04,279
{\an8}at lahat ng dala no'n.

734
00:40:04,280 --> 00:40:06,199
{\an8}- Tumingin ka sa labas ng bintana.
- Oo.

735
00:40:06,200 --> 00:40:07,839
{\an8}Kita mo 'yong buildings.

736
00:40:07,840 --> 00:40:10,639
{\an8}'Yong nakatira roon,
may access siya sa care,

737
00:40:10,640 --> 00:40:14,439
{\an8}pagkain, at lahat ng bagay.

738
00:40:14,440 --> 00:40:19,959
{\an8}'Yong life expectancy niya,
halos 16 taon 'yong lamang sa akin,

739
00:40:19,960 --> 00:40:21,199
{\an8}na nakatira rito.

740
00:40:21,200 --> 00:40:22,359
{\an8}Diyos ko!

741
00:40:22,360 --> 00:40:25,040
{\an8}- Death gap 'yong tawag dito.
- Oo.

742
00:40:26,160 --> 00:40:31,719
{\an8}Alam nating di nakakabuti
'yong mga manok at fast food na kainan,

743
00:40:31,720 --> 00:40:33,839
{\an8}pero mura.

744
00:40:33,840 --> 00:40:37,399
{\an8}Mapapakain ko 'yong mga anak ko
at alam kong mabubusog sila.

745
00:40:37,400 --> 00:40:41,679
{\an8}Pakiramdam mo, 'yong ibang food deserts,

746
00:40:41,680 --> 00:40:46,679
{\an8}ginawa para patuloy na kumain
'yong mga tao ng masamang pagkain?

747
00:40:46,680 --> 00:40:49,319
{\an8}Oo, pakiramdam ko nga.

748
00:40:49,320 --> 00:40:53,080
{\an8}Sobrang manipulative no'n, budol talaga.

749
00:40:54,280 --> 00:40:59,279
{\an8}- Higit pa ro'n, malala 'yong mga epekto.
- Oo.

750
00:40:59,280 --> 00:41:02,560
{\an8}Mamamatay na kami. Tingin mo,
walang kinalaman 'yong pagkain doon?

751
00:41:03,160 --> 00:41:06,239
{\an8}Meron, dahil sa mataas na blood pressure,

752
00:41:06,240 --> 00:41:11,079
{\an8}cholesterol, blood sugar, at sa diabetes.

753
00:41:11,080 --> 00:41:13,599
{\an8}Lahat ng ito, pinipilit sa komunidad,

754
00:41:13,600 --> 00:41:16,479
{\an8}dahil kung ano'ng kinakain mo, 'yon ka.

755
00:41:16,480 --> 00:41:19,600
{\an8}- Oo.
- Kaya parang, hindi…

756
00:41:23,000 --> 00:41:23,920
{\an8}Basta…

757
00:41:25,200 --> 00:41:27,159
{\an8}Nakakadismaya at walang saysay.

758
00:41:27,160 --> 00:41:28,360
{\an8}Para sa 'yo…

759
00:41:29,400 --> 00:41:33,559
{\an8}- Mahirap ba?
- Oo. Mahirap.

760
00:41:33,560 --> 00:41:39,560
{\an8}At di dapat gano'n kahirap,
lalo na sa simpleng bagay gaya ng pagkain.

761
00:41:42,240 --> 00:41:43,599
- Salamat.
- Ayos!

762
00:41:43,600 --> 00:41:45,199
- Wala 'yon.
- Salamat sa oras mo.

763
00:41:45,200 --> 00:41:47,479
Salamat talaga sa pagtanggap sa akin.

764
00:41:47,480 --> 00:41:52,960
Di ko alam kung ano 'yong food desert
no'ng sinimulan ko 'tong journey.

765
00:41:55,120 --> 00:41:58,359
Pero pag dumaan ka sa lugar na 'yon,

766
00:41:58,360 --> 00:41:59,560
totoo nga, pare.

767
00:42:00,680 --> 00:42:04,239
At di ako galing sa mayamang pamilya,
gets mo?

768
00:42:04,240 --> 00:42:07,160
Lumaki ako sa mahirap na lugar, pero

769
00:42:07,960 --> 00:42:13,439
nalaman kong 'yong mga simpleng bagay
na di namin pinapahalagahan,

770
00:42:13,440 --> 00:42:16,200
di man lang nararanasan ng ibang tao…

771
00:42:17,080 --> 00:42:18,520
sa America.

772
00:42:21,840 --> 00:42:22,800
Grabe!

773
00:42:24,280 --> 00:42:26,999
Alam mo, may mga problema rin kami sa UK.

774
00:42:27,000 --> 00:42:31,879
Pumupunta 'yong mga tao sa food banks.
Tumaas na 'yong gastusin sa araw-araw.

775
00:42:31,880 --> 00:42:34,559
Pero hindi lang ito parang,

776
00:42:34,560 --> 00:42:38,120
"Naku, di tayo naglagay
ng gulay sa sulok."

777
00:42:39,000 --> 00:42:40,440
Sadya ito.

778
00:42:41,360 --> 00:42:44,840
Nandito ito
para di maging malusog 'yong mga tao.

779
00:42:45,760 --> 00:42:48,440
Grabe. Mabigat 'to, pare.

780
00:42:51,600 --> 00:42:53,040
Grabe.

781
00:42:56,320 --> 00:42:58,759
Kahit saan ka pumunta, napapalibutan ka

782
00:42:58,760 --> 00:43:02,359
nitong mga tinatawag nila
na distribution outlets.

783
00:43:02,360 --> 00:43:06,439
Basta pinapalibutan nila 'yong mga tao
ng produkto nila

784
00:43:06,440 --> 00:43:07,879
at marketing para ro'n,

785
00:43:07,880 --> 00:43:11,800
at naglalaban-laban sila
para maghari sa food environment.

786
00:43:13,120 --> 00:43:16,240
Sa marketing, may tinatawag na CLV.

787
00:43:17,240 --> 00:43:19,879
Customer Lifetime Value.

788
00:43:19,880 --> 00:43:25,679
{\an8}At kung makakabudol ako
ng customer mula pagkabata,

789
00:43:25,680 --> 00:43:28,200
{\an8}ilang taon nila akong tatangkilikin.

790
00:43:29,400 --> 00:43:33,319
At pag nakabuo ng connection
'yong brands sa mga tao,

791
00:43:33,320 --> 00:43:36,519
mas bibili at kakain sa kanila
ang mga 'yon,

792
00:43:36,520 --> 00:43:38,039
uubusin 'yong produkto.

793
00:43:38,040 --> 00:43:39,919
{\an8}Pwede bang mag-order ng Big—

794
00:43:39,920 --> 00:43:42,679
{\an8}<i>'Yong kailangan ko sa 'yo, Chicken Big Mac</i>

795
00:43:42,680 --> 00:43:44,399
{\an8}May nagnakaw ng Hottie Sauce mo!

796
00:43:44,400 --> 00:43:47,159
{\an8}'Yong Black culture at mga Black,

797
00:43:47,160 --> 00:43:49,880
{\an8}nangunguna sa lahat ng cool,

798
00:43:51,320 --> 00:43:54,159
{\an8}sa music man, sayaw, o pananalita.

799
00:43:54,160 --> 00:43:56,479
{\an8}Gusto ko talaga ng nugs ngayon.

800
00:43:56,480 --> 00:44:01,399
{\an8}Nakikipag-partner 'yong brands
sa cultural creators na ito

801
00:44:01,400 --> 00:44:05,560
{\an8}para masabi ng mga tao,
"Cool 'yan. Gusto kong sumali."

802
00:44:07,720 --> 00:44:09,919
Dalawang linggo't kalahati pa lang,

803
00:44:09,920 --> 00:44:12,359
pero nare-realize ko na, buong buhay ko,

804
00:44:12,360 --> 00:44:14,480
nabudol ako ng fried chicken.

805
00:44:15,720 --> 00:44:18,039
<i>Kumusta, Ella?
Oo, nakapunta na ako sa Nando's.</i>

806
00:44:18,040 --> 00:44:22,759
{\an8}Di lang 'yon, kundi pati 'yong voiceover
na ginawa ko para sa Nando's…

807
00:44:22,760 --> 00:44:25,719
{\an8}Ganito, di ako komportable
na aminin 'to, pero…

808
00:44:25,720 --> 00:44:27,080
parte ako ng problema.

809
00:44:38,480 --> 00:44:39,880
ANG MENTAL STATE

810
00:44:40,440 --> 00:44:42,599
PANLABIMPITONG ARAW

811
00:44:42,600 --> 00:44:45,279
Halos 50 beses na akong kumain ng manok,

812
00:44:45,280 --> 00:44:50,279
at kailangan kong magpakatotoo,
tingin ko, di ko na kaya 'yong pinasok ko.

813
00:44:50,280 --> 00:44:51,919
Tumaba na talaga ako.

814
00:44:51,920 --> 00:44:54,920
Kinailangan kong bumili
ng mas malalaking t-shirt sa Chicago.

815
00:44:55,920 --> 00:45:00,760
Sobrang bihira lang sabihin ng mga lalaki,
"Grabe, di ako masaya sa sarili ko."

816
00:45:01,720 --> 00:45:03,559
Medyo ignorante ako sa naisip ko no'n,

817
00:45:03,560 --> 00:45:07,239
malusog naman ako,
gaano ba talaga kabigat 'yong maidadagdag?

818
00:45:07,240 --> 00:45:09,719
Ano, gaano ba talaga 'to kasama?

819
00:45:09,720 --> 00:45:12,720
Gaano ba nito sisirain 'yong mood ko?

820
00:45:13,800 --> 00:45:14,959
Kailangan ko ng tulong.

821
00:45:14,960 --> 00:45:19,239
At sa Michigan University,
may buong department pala na inaaral

822
00:45:19,240 --> 00:45:23,840
kung paano nasisira ng fast food
gaya ng fried chicken ang utak ng mga tao.

823
00:45:26,040 --> 00:45:26,960
Pasok!

824
00:45:28,280 --> 00:45:29,959
- Hello!
- Hi, Mo!

825
00:45:29,960 --> 00:45:32,160
- Nice to meet you.
- Welcome sa lab ko.

826
00:45:33,200 --> 00:45:34,559
Wow!

827
00:45:34,560 --> 00:45:38,199
{\an8}Mismo, at matitikman mo
'yong ilang paninda namin ngayon.

828
00:45:38,200 --> 00:45:39,640
{\an8}Sobrang weird nito.

829
00:45:42,040 --> 00:45:44,520
- Drumstick 'yong kakainin ko.
- Sige.

830
00:45:46,680 --> 00:45:52,079
Kumusta sa 'yo 'yong pinagdaanan mo
nitong mga nakaraang linggo?

831
00:45:52,080 --> 00:45:53,440
Pag kumakain ako nito,

832
00:45:54,040 --> 00:45:58,679
parang masaya ako, pero pag naubos na
at mag-isa na lang ako, nare-realize ko…

833
00:45:58,680 --> 00:46:02,119
nangyari 'to kahapon
at parang, "Sobrang lungkot ko rito."

834
00:46:02,120 --> 00:46:03,839
Oo. Parang bumabagsak 'yong mood mo.

835
00:46:03,840 --> 00:46:08,479
Oo. At dahil sa trabaho ko,
dahil komedyante ako,

836
00:46:08,480 --> 00:46:12,559
madalas kong hinahanap
kung ano'ng masaya o nakakatawa sa buhay.

837
00:46:12,560 --> 00:46:13,440
Oo.

838
00:46:14,040 --> 00:46:17,160
Pero kahit sandali lang, parang,

839
00:46:18,280 --> 00:46:20,039
ayoko nang gawin.

840
00:46:20,040 --> 00:46:24,399
Tapos kung medyo masama 'yong mood ko,

841
00:46:24,400 --> 00:46:29,279
sobrang gusto kong pasayahin ang sarili ko
at mas matuwa sa kakainin ko.

842
00:46:29,280 --> 00:46:34,159
Kaya sisiguraduhin ko
na kung kakain ako ng wings,

843
00:46:34,160 --> 00:46:36,719
kakain din ako ng chicken sandwich.

844
00:46:36,720 --> 00:46:40,159
- Minsan ba parang matamlay ka?
- A, oo.

845
00:46:40,160 --> 00:46:42,319
Parang medyo nagiging mabagal ka?

846
00:46:42,320 --> 00:46:45,439
Umiidlip din ako,
at di 'yong mababaw, kasi parang—

847
00:46:45,440 --> 00:46:47,359
- Parang nakainom ka ng gamot.
- Naku…

848
00:46:47,360 --> 00:46:49,479
Pakiramdam ko, gano'n ako… Parang…

849
00:46:49,480 --> 00:46:51,959
Di parang, "Babawi lang ako ng tulog
para mabuhayan."

850
00:46:51,960 --> 00:46:53,719
Parang, "Kailangan ko 'tong itulog."

851
00:46:53,720 --> 00:46:58,559
Diyos ko. Parang sinubaybayan mo ako,

852
00:46:58,560 --> 00:47:03,319
kasi lahat 'yan mismo 'yong nangyayari.

853
00:47:03,320 --> 00:47:05,519
Eto, may isa pa akong tanong.

854
00:47:05,520 --> 00:47:09,759
Naramdaman mo na bang gusto mong tumigil,

855
00:47:09,760 --> 00:47:12,039
pero napilitan kang ipagpatuloy?

856
00:47:12,040 --> 00:47:16,320
Oo. Maraming beses na akong kumain, tapos…

857
00:47:17,360 --> 00:47:19,399
- Kailangan ko talagang ubusin.
- Oo.

858
00:47:19,400 --> 00:47:26,079
Minsan ba, para makayanan 'yong lungkot,

859
00:47:26,080 --> 00:47:28,559
kumakain ka na lang ng ganitong pagkain?

860
00:47:28,560 --> 00:47:29,679
Oo.

861
00:47:29,680 --> 00:47:32,519
Mas nagiging sumpungin ka
dahil sa mga ganitong pagkain,

862
00:47:32,520 --> 00:47:34,439
at madalas pa itong kainin ng mga tao.

863
00:47:34,440 --> 00:47:38,079
Malaki talaga 'yong kaugnayan nito
sa depression at anxiety.

864
00:47:38,080 --> 00:47:40,239
- Nakaka-relate ka ba ro'n?
- Sobra.

865
00:47:40,240 --> 00:47:44,639
Pero bigla na lang, kung aalisin mo 'to,
hahanap-hanapin mo ulit.

866
00:47:44,640 --> 00:47:48,599
Parang drugs 'yong sinasabi mo.
Addiction 'to.

867
00:47:48,600 --> 00:47:49,599
Oo.

868
00:47:49,600 --> 00:47:52,839
Pati 'yong pagkabalisa… at…

869
00:47:52,840 --> 00:47:58,200
Di ako madalas magkaroon ng brain fog,
pero may mga nakakalimutan akong salita.

870
00:47:58,960 --> 00:48:02,759
Napapansin ko talaga na 'yong mga tanong

871
00:48:02,760 --> 00:48:04,719
na tinanong ko sa 'yo,

872
00:48:04,720 --> 00:48:07,399
diagnostic criteria

873
00:48:07,400 --> 00:48:10,759
para maintindihan namin
kung may addiction na 'yong tao.

874
00:48:10,760 --> 00:48:13,999
- Wow.
- Sa tabako man 'yan, alak, o cocaine.

875
00:48:14,000 --> 00:48:16,559
Pag alam mong masama na
ang nararamdaman mo dahil do'n,

876
00:48:16,560 --> 00:48:20,200
pero pakiramdam mo, gusto mo pa rin 'yon.

877
00:48:21,840 --> 00:48:26,319
Kung paano ginagawa 'yong mga pagkain
para mabilis mong maramdaman

878
00:48:26,320 --> 00:48:29,919
'yong matataas na hit ng reward
na pumapasok sa katawan mo,

879
00:48:29,920 --> 00:48:32,799
pero mabilis ka ring bumabagsak,

880
00:48:32,800 --> 00:48:36,839
ganyan ginagawa
ang lahat ng nakakaadik na substance.

881
00:48:36,840 --> 00:48:42,279
At mukhang nararamdaman mo na
'yong hatak ng addiction.

882
00:48:42,280 --> 00:48:44,279
Oo. Ano…

883
00:48:44,280 --> 00:48:46,240
Di ko inakalang…

884
00:48:47,440 --> 00:48:49,959
sobrang maaadik ako sa fried chicken.

885
00:48:49,960 --> 00:48:50,959
Oo.

886
00:48:50,960 --> 00:48:54,119
Sobrang nakakagulat

887
00:48:54,120 --> 00:48:57,840
na nagagawa 'yon ng pagkaing 'to.

888
00:48:59,920 --> 00:49:03,559
Napakakomplikado ng utak ng tao.

889
00:49:03,560 --> 00:49:06,559
May parte ng utak
na tinatawag na hypothalamus.

890
00:49:06,560 --> 00:49:10,960
Sinasabihan tayo nitong kumain,
tumigil kumain, gutom ka, at di ka gutom.

891
00:49:11,800 --> 00:49:16,199
Nawawala sa atin 'yon
dahil mismo sa mga pagkaing ito,

892
00:49:16,200 --> 00:49:20,279
dahil nagiging imbalanced 'yong daanan.

893
00:49:20,280 --> 00:49:23,080
Tapos nagsisimula na
'yong addiction sa pagkain,

894
00:49:23,680 --> 00:49:29,720
at kalaunan, pwede nitong masira
'yong physical at mental health.

895
00:49:30,320 --> 00:49:33,879
Isa sa mga pinakanakakagulat
na nakita namin, 12 percent ng mga bata,

896
00:49:33,880 --> 00:49:38,439
pasok sa criteria para sa addiction
sa ultra-processed foods.

897
00:49:38,440 --> 00:49:43,000
At bilang ina, nakakatakot talaga 'yon
para sa kinabukasan ng mga anak natin.

898
00:49:56,080 --> 00:49:59,720
Kumakain ako nitong pagkain,
pero parang di na ako ito.

899
00:50:04,880 --> 00:50:07,080
Iba na ang itsura ko pag nananalamin ako.

900
00:50:11,400 --> 00:50:12,479
Nalulungkot ako.

901
00:50:12,480 --> 00:50:15,000
Sobra. Pakiramdam ko, mag-isa talaga ako.

902
00:50:36,240 --> 00:50:39,800
Nalulunod na ako. Sobrang hirap nito.

903
00:50:42,400 --> 00:50:43,520
Putsa.

904
00:50:50,520 --> 00:50:52,760
Ititigil ko na 'to. Putsa.

905
00:50:56,560 --> 00:50:59,200
PANLABINSIYAM NA ARAW

906
00:51:01,400 --> 00:51:03,640
ALMUSAL

907
00:51:09,160 --> 00:51:11,359
Ayoko 'tong gawin ngayon.

908
00:51:11,360 --> 00:51:15,039
Ignorante talaga ako
noong sinimulan ko 'tong journey,

909
00:51:15,040 --> 00:51:17,319
pero habang palalim ako nang palalim,

910
00:51:17,320 --> 00:51:20,560
mas kinukuwestiyon ko 'yong hilig ko
sa pagkaing 'to mula pa pagkabata.

911
00:51:21,280 --> 00:51:23,879
Kahit saan, may fried chicken,

912
00:51:23,880 --> 00:51:27,160
at may pinanggagalingan
'yong mga hayop na 'yon.

913
00:51:28,720 --> 00:51:30,439
A, nakakadiri 'to, pare.

914
00:51:30,440 --> 00:51:34,359
{\an8}Pero kung ano'ng nangyayari sa likod nito,

915
00:51:34,360 --> 00:51:40,039
{\an8}gustong itago ng industriya sa publiko.

916
00:51:40,040 --> 00:51:41,319
TOTOONG MANOK

917
00:51:41,320 --> 00:51:42,599
Ni-research ko na 'to,

918
00:51:42,600 --> 00:51:46,440
at sa America, halos lahat ng manok,
galing sa factory farms.

919
00:51:47,560 --> 00:51:48,959
At humahabol na tayo.

920
00:51:48,960 --> 00:51:51,160
Sa UK, nasa 95 percent na tayo.

921
00:51:52,280 --> 00:51:55,559
'Yong factory farming,
'yong mega farming ng mga hayop,

922
00:51:55,560 --> 00:52:01,719
nagsimula sa US,
pero talagang parte na ito ngayon ng UK.

923
00:52:01,720 --> 00:52:04,399
Mahigit isang libo na sila,

924
00:52:04,400 --> 00:52:08,080
nakatago, pero parami nang parami.

925
00:52:08,680 --> 00:52:13,159
{\an8}Tingnan mo, iilang kumpanya lang
'yong nagsu-supply ng karamihan sa manok

926
00:52:13,160 --> 00:52:16,920
sa mga supermarket
at fast food chain sa America.

927
00:52:17,520 --> 00:52:20,079
Tinatawag silang Big Chicken…

928
00:52:20,080 --> 00:52:20,999
PRESYO NG MANOK

929
00:52:21,000 --> 00:52:24,080
…at isa sa Big Chicken states
'yong Arkansas.

930
00:52:25,240 --> 00:52:26,759
'Yon ang sunod kong pupuntahan.

931
00:52:26,760 --> 00:52:29,279
'Yong bayan mismo ng Springdale,

932
00:52:29,280 --> 00:52:34,200
tahanan ng Tyson Foods,
pinakamalaking American chicken producers.

933
00:52:37,040 --> 00:52:42,320
{\an8}<i>Sa Tyson Foods, naglilingkod kami
nang may kaligtasan, pananagutan, at saya.</i>

934
00:52:43,120 --> 00:52:46,039
{\an8}Wow. Nakita ko 'yong promo video ng Tyson.

935
00:52:46,040 --> 00:52:49,439
{\an8}Para sa malaking capitalist corporation,
mukhang mabait talaga sila.

936
00:52:49,440 --> 00:52:53,799
{\an8}<i>Makikita sa billion-dollar brands namin
'yong galing ng pamumuno namin.</i>

937
00:52:53,800 --> 00:52:56,080
{\an8}<i>Pinapakain namin ang mundo
na parang pamilya.</i>

938
00:52:57,560 --> 00:53:01,799
{\an8}'Yong totoo lang do'n,
billion-dollar brand sila.

939
00:53:01,800 --> 00:53:05,960
Tyson talaga 'yong naging sukatan
ng tagumpay sa meat-packing industry.

940
00:53:06,680 --> 00:53:09,479
At kung gusto mong manalo
sa Big Chicken game,

941
00:53:09,480 --> 00:53:14,439
gayahin mo lang 'yong Tyson.
Halika. Ikaw naman, Alice.

942
00:53:14,440 --> 00:53:19,359
Isa 'yong Tyson sa mga nanguna
sa vertically-integrated model,

943
00:53:19,360 --> 00:53:23,440
ibig sabihin, sila 'yong may-ari
ng lahat ng parte ng supply chain.

944
00:53:24,480 --> 00:53:26,839
{\an8}Mula sa pamisaan, sa mga manok,

945
00:53:26,840 --> 00:53:29,359
{\an8}sa pagkatay, sa production,

946
00:53:29,360 --> 00:53:32,480
{\an8}gaya ng chicken nuggets,
at kahit sa trucking.

947
00:53:33,480 --> 00:53:37,799
{\an8}Para itong black hole
na hinihigop ang lahat,

948
00:53:37,800 --> 00:53:39,519
'yong buong universe.

949
00:53:39,520 --> 00:53:43,080
Paraan nila ito para makontrol 'yong pera
sa lahat ng aspeto.

950
00:53:45,560 --> 00:53:47,119
{\an8}Salamat, Alice.

951
00:53:47,120 --> 00:53:49,439
{\an8}Sobrang laki ng kinikita ng Tyson,

952
00:53:49,440 --> 00:53:55,239
{\an8}kaya halos lahat ng Big Chicken company
sa mundo, ginaya 'yong model nila.

953
00:53:55,240 --> 00:53:58,439
Sa UK, 'yong pinakamalalaking kumpanya,

954
00:53:58,440 --> 00:54:01,479
Moy Park, Hook 2 Sisters, at Avara Foods.

955
00:54:01,480 --> 00:54:05,399
Hawak nila 'yong 70%
ng chicken market namin,

956
00:54:05,400 --> 00:54:09,879
at nasa 800 milyong manok kada taon
'yong dumadaan sa process nila.

957
00:54:09,880 --> 00:54:12,800
Ibig kong sabihin sa "process", pinapatay.

958
00:54:19,760 --> 00:54:21,639
Gusto kong makipagkita sa Tyson,

959
00:54:21,640 --> 00:54:24,440
pero nanahimik sila
noong nagdetalye ako tungkol sa pelikula.

960
00:54:25,040 --> 00:54:27,559
Bilang kapalit,
may nahanap akong local activist,

961
00:54:27,560 --> 00:54:30,879
na ipinapaglaban
'yong mga karapatan ng poultry workers.

962
00:54:30,880 --> 00:54:32,879
Sasabihin niya kung ano'ng nangyayari.

963
00:54:32,880 --> 00:54:36,559
{\an8}- Kumusta ka? Welcome sa Arkansas.
- Ayos naman.

964
00:54:36,560 --> 00:54:38,759
Ipapasyal kita,

965
00:54:38,760 --> 00:54:42,199
para maintindihan mo kung gaano kalakas

966
00:54:42,200 --> 00:54:45,679
'yong Tyson sa bayang 'to.

967
00:54:45,680 --> 00:54:47,879
- Oo.
- Gumagawa sila ng mga kalsada.

968
00:54:47,880 --> 00:54:52,159
Nagbibigay sila ng pera
sa mga simbahan, sa mga charity.

969
00:54:52,160 --> 00:54:54,919
A, nakikita ko 'to. Tyson sports complex.

970
00:54:54,920 --> 00:54:58,920
- Parang binibili nila 'yong pagpasok dito.
- Mismo.

971
00:54:59,520 --> 00:55:01,319
Tingnan mo, may manukan…

972
00:55:01,320 --> 00:55:05,320
Oo. Pero di tayo makakapasok,
siyempre, kasi private 'yan.

973
00:55:07,360 --> 00:55:11,559
Limang taon na akong nagsusulat
tungkol sa Tyson Foods,

974
00:55:11,560 --> 00:55:13,959
pero di pa ako nakakapasok sa planta,

975
00:55:13,960 --> 00:55:17,880
dahil may agricultural gag laws
sa mga state gaya ng Arkansas.

976
00:55:18,840 --> 00:55:22,639
Ibig sabihin, di ka pwedeng pumasok
sa ari-arian ng Tyson

977
00:55:22,640 --> 00:55:27,399
para mag-document ng kahit ano
na may kinalaman sa facility,

978
00:55:27,400 --> 00:55:31,360
at hanggang $5,000 kada araw
'yong multa sa Arkansas para roon.

979
00:55:32,520 --> 00:55:34,840
- Wow, sobrang laki niyan!
- Oo.

980
00:55:36,280 --> 00:55:38,559
- Eto 'yong mga manok.
- Oo.

981
00:55:38,560 --> 00:55:40,359
Grabe.

982
00:55:40,360 --> 00:55:41,400
Ang baho nila!

983
00:55:44,120 --> 00:55:45,480
Eto na 'yong mga truck.

984
00:55:46,640 --> 00:55:48,759
Nadudurog sila. Diyos ko.

985
00:55:48,760 --> 00:55:52,799
Araw-araw, buong araw,
pinapatay nila 'yong mga ibon.

986
00:55:52,800 --> 00:55:54,959
Pero pupunta sila sa simbahan…

987
00:55:54,960 --> 00:55:57,679
Diyos ko. May mga balahibo pa.

988
00:55:57,680 --> 00:55:59,160
- Oo.
- Nagkalat na.

989
00:55:59,760 --> 00:56:01,159
Oo.

990
00:56:01,160 --> 00:56:03,560
Nakakabaliw 'to.

991
00:56:05,320 --> 00:56:08,879
Medyo natatakot ako para sa 'tin,
kasi malaking corporation 'to.

992
00:56:08,880 --> 00:56:12,160
- Oo.
- At alam kong sa America, pera-pera lang.

993
00:56:13,000 --> 00:56:16,359
- Nandiyan na 'yong mga pulis.
- May ilang pulis naman.

994
00:56:16,360 --> 00:56:19,559
Para magkasundo 'tong mga corporation,

995
00:56:19,560 --> 00:56:24,839
dapat maganda 'yong relasyon nila
sa mga politiko,

996
00:56:24,840 --> 00:56:26,840
pulis, at lahat.

997
00:56:27,840 --> 00:56:31,639
- Pero sobrang nakakatakot.
- Alam kong sinusubaybayan nila tayo.

998
00:56:31,640 --> 00:56:34,799
- Oo, parang…
- Inoobserbahan nila tayo.

999
00:56:34,800 --> 00:56:38,839
Alam kong huminto ang mga pulis sa unahan.
Ewan kung para sa atin.

1000
00:56:38,840 --> 00:56:40,599
Tatawid ba tayo?

1001
00:56:40,600 --> 00:56:41,919
Sige, tara.

1002
00:56:41,920 --> 00:56:44,439
Wag nating galitin 'yong mga pulis.

1003
00:56:44,440 --> 00:56:47,400
Black ako, Hispanic ka.
Wala tayong laban, gets mo?

1004
00:56:51,520 --> 00:56:55,479
No'ng nagsimula akong gawin 'to,
tinanong ko 'yong mga trabahador,

1005
00:56:55,480 --> 00:56:56,759
"Ano'ng gusto n'yo?"

1006
00:56:56,760 --> 00:56:59,039
Sabi nila,

1007
00:56:59,040 --> 00:57:00,879
"Gusto lang naming maramdaman

1008
00:57:00,880 --> 00:57:04,679
"na mas maganda 'yong trato sa amin
kaysa sa mga manok na pinapatay namin."

1009
00:57:04,680 --> 00:57:05,720
Grabe.

1010
00:57:06,960 --> 00:57:09,599
May mga bagay na di ma-imagine ng mga tao

1011
00:57:09,600 --> 00:57:12,679
kasi di pwedeng magsalita
'yong mga trabahador sa processing plants

1012
00:57:12,680 --> 00:57:14,599
dahil sa mga legal na rason.

1013
00:57:14,600 --> 00:57:19,600
Sa Arkansas lang ba 'to nangyayari

1014
00:57:20,480 --> 00:57:22,119
o sa buong America?

1015
00:57:22,120 --> 00:57:23,879
Sa buong America.

1016
00:57:23,880 --> 00:57:27,839
Alam mo, problema 'to
sa buong meat industry.

1017
00:57:27,840 --> 00:57:29,679
{\an8}UNDERCOVER FOOTAGE SA ISA PANG MANUKAN

1018
00:57:29,680 --> 00:57:33,599
{\an8}May ipinakita sa aking videos na kuha
sa loob ng facilities ang mga trabahador.

1019
00:57:33,600 --> 00:57:37,279
{\an8}'Yong iba, kailangang pumatay
ng mga manok na di pa patay,

1020
00:57:37,280 --> 00:57:41,399
{\an8}pero 175 na manok kada minuto
'yong dumadaan sa linya.

1021
00:57:41,400 --> 00:57:44,039
{\an8}Magkakatabi ang mga tao,
may mga kutsilyong sobrang talim

1022
00:57:44,040 --> 00:57:47,799
at metal mesh gloves,
tinatanggalan ng buto 'yong manok

1023
00:57:47,800 --> 00:57:52,159
sa loob ng tatlo hanggang limang segundo,
walo hanggang sampung oras na trabaho.

1024
00:57:52,160 --> 00:57:53,479
Sabi sa akin ng iba,

1025
00:57:53,480 --> 00:57:56,560
"Di pwedeng magpahinga
kasi gusto nila akong gawing makina."

1026
00:57:59,400 --> 00:58:03,279
Isa sa pinakamalalaking problema
ng mga trabahador sa poultry plants,

1027
00:58:03,280 --> 00:58:05,240
di sila pwedeng mag-CR.

1028
00:58:07,680 --> 00:58:12,159
Di pwedeng huminto 'yong mga linya,
kaya pag gusto nilang mag-CR,

1029
00:58:12,160 --> 00:58:14,559
at walang nagbibigay ng break,

1030
00:58:14,560 --> 00:58:17,879
umiihi sila sa linya.

1031
00:58:17,880 --> 00:58:19,799
- Iniihian 'yong mga sarili nila.
- Putsa…

1032
00:58:19,800 --> 00:58:23,279
Marami na kaming narinig na kaso
ng mga trabahador

1033
00:58:23,280 --> 00:58:25,159
na pinipilit mag-diaper.

1034
00:58:25,160 --> 00:58:28,919
- Nakakahiya 'yon, di ba?
- Grabe.

1035
00:58:28,920 --> 00:58:32,799
Di dapat pagsamantalahan
'yong mga trabahador

1036
00:58:32,800 --> 00:58:34,840
para lang makakain tayo
ng chicken sandwich.

1037
00:58:38,960 --> 00:58:41,839
Matapang siya, sinusubukan niya talaga
na gumawa ng pagbabago,

1038
00:58:41,840 --> 00:58:45,199
pero walang nakikinig sa kanya.

1039
00:58:45,200 --> 00:58:48,159
Di pumupunta 'yong fast food dito
para tingnan 'yong process…

1040
00:58:48,160 --> 00:58:50,679
Sabi ko, "Diyos ko, grabe 'to,

1041
00:58:50,680 --> 00:58:52,759
"ganito pala ginagawa 'yong manok natin."

1042
00:58:52,760 --> 00:58:55,479
Sabi nila, "Di namin nakita,
kaya di importante.

1043
00:58:55,480 --> 00:58:56,920
"Kumuha pa tayo ng drumsticks."

1044
00:58:58,000 --> 00:59:00,199
Sa industriya, itong mga trabahador,

1045
00:59:00,200 --> 00:59:03,719
na gumagawa ng isa
sa mga pinakadelikadong trabaho sa US,

1046
00:59:03,720 --> 00:59:09,279
nagbubuwis-buhay para sa sahod
na medyo mas mataas kaysa sa minimum

1047
00:59:09,280 --> 00:59:13,999
sa mga kondisyon kung saan posible
na maputulan o maospital sila,

1048
00:59:14,000 --> 00:59:16,479
kasi sobrang laki ng makinaryang ito,

1049
00:59:16,480 --> 00:59:21,280
at kailangang may pumasok at maglinis.

1050
00:59:22,240 --> 00:59:26,120
May trabahador sa Tyson plant sa Alabama
na napugutan ng ulo.

1051
00:59:26,880 --> 00:59:29,439
{\an8}Sabi ng Tyson,
"Wala kaming kinalaman diyan

1052
00:59:29,440 --> 00:59:33,000
{\an8}"dahil third-party provider
ang nagbigay ng trabahong iyan."

1053
00:59:34,080 --> 00:59:37,960
{\an8}Ganoon nila iniiwasan
'yong illegal labor practices.

1054
00:59:38,680 --> 00:59:40,199
KUMIKITA SILA
NAGHIHIRAP ANG IBA

1055
00:59:40,200 --> 00:59:43,959
Di lang sa processing plant
may problema sa labor practices.

1056
00:59:43,960 --> 00:59:45,559
Marami 'yong tinatanong

1057
00:59:45,560 --> 00:59:49,239
tungkol sa mga kondisyon
sa buong Big Chicken industry,

1058
00:59:49,240 --> 00:59:52,079
kasama na sa mga farm.

1059
00:59:52,080 --> 00:59:56,799
Sa chicken industry, may mga trabahador
na walang dokumento at mga refugee,

1060
00:59:56,800 --> 01:00:01,160
kaya malamang talaga,
di sila magrereklamo.

1061
01:00:03,000 --> 01:00:05,399
Para maintindihan
'yong kalagayan nila sa trabaho,

1062
01:00:05,400 --> 01:00:08,879
may kinausap akong trabahador
na walang dokumento.

1063
01:00:08,880 --> 01:00:10,519
Salamat at nakipagkita ka sa akin.

1064
01:00:10,520 --> 01:00:12,279
Chicken catcher siya,

1065
01:00:12,280 --> 01:00:16,880
at nagtrabaho na sa farms na nakakontrata
sa ilang chicken company sa Arkansas.

1066
01:00:18,320 --> 01:00:23,520
Anim kami sa grupo
ng mga nanghuhuli ng manok.

1067
01:00:25,920 --> 01:00:29,520
Sa isang araw,
40,000 manok 'yong kinukuha namin.

1068
01:00:31,280 --> 01:00:34,080
Kada kamay, dalawang manok.

1069
01:00:36,520 --> 01:00:42,399
Di na maganda ang lagay ng mga daliri ko.

1070
01:00:42,400 --> 01:00:45,240
Di ko na sila maisara.

1071
01:00:46,520 --> 01:00:48,599
Minsan din pag natutulog kami,

1072
01:00:48,600 --> 01:00:52,600
kumikibot 'yong mga kamay namin
na parang nanghuhuli pa rin ng mga manok.

1073
01:00:54,160 --> 01:00:56,319
Puno ng kemikal itong mga lugar,

1074
01:00:56,320 --> 01:00:58,960
madalas walang protective gear
'yong mga trabahador,

1075
01:00:59,560 --> 01:01:03,320
at mababangis 'yong manok,
kaya mahirap talaga 'yong trabaho.

1076
01:01:07,440 --> 01:01:14,400
Sabi sa akin, mga bata
'yong iba sa mga nanghuhuli ng mga manok.

1077
01:01:17,640 --> 01:01:21,999
Oo. Marami. Nasa 15 hanggang 17.

1078
01:01:22,000 --> 01:01:24,560
'Yong batang nagtatrabaho sa grupo ko,

1079
01:01:25,160 --> 01:01:28,759
nilagnat, inubo,

1080
01:01:28,760 --> 01:01:33,239
tapos namula at namaga 'yong mga mata
dahil sa mga kemikal.

1081
01:01:33,240 --> 01:01:36,880
Umiyak siya at muntik mahimatay.

1082
01:01:40,080 --> 01:01:41,879
Pagkatapos naming magkita ni Carlos,

1083
01:01:41,880 --> 01:01:45,439
nalaman kong noong 2023,
nalaman ng US Department of Labor

1084
01:01:45,440 --> 01:01:50,279
{\an8}na may contractor
na may mahigit 100 na batang empleyado

1085
01:01:50,280 --> 01:01:54,639
{\an8}na nagtatrabaho nang ilegal
sa loob ng siyam na meat-packing plant,

1086
01:01:54,640 --> 01:01:58,680
{\an8}kasama na 'yong George's at Tyson Foods.

1087
01:02:00,760 --> 01:02:03,639
{\an8}SUMUSUNOD ANG TYSON FOODS
SA LAHAT NG LABOR LAWS

1088
01:02:03,640 --> 01:02:07,520
{\an8}TINITIYAK NAMIN ANG LUBOS NA PANANAGUTAN
NG MGA KATUWANG NAMIN SA NEGOSYO

1089
01:02:09,560 --> 01:02:11,720
Magkaedad lang kami no'ng tao,

1090
01:02:12,320 --> 01:02:18,000
at nakita ko
kung paano naapektuhan 'yong katawan niya.

1091
01:02:18,960 --> 01:02:21,040
Ano… makabagong pang-aalipin 'to.

1092
01:02:22,480 --> 01:02:23,760
'Yon lang 'yon, e.

1093
01:02:27,040 --> 01:02:32,439
Napagtakpan ng industriya ang manok,

1094
01:02:32,440 --> 01:02:37,759
nagawa nilang…
parang napakagandang paninda.

1095
01:02:37,760 --> 01:02:40,199
Sa sobrang ayos, parang di totoo.

1096
01:02:40,200 --> 01:02:42,919
Dahil hindi nga!

1097
01:02:42,920 --> 01:02:45,079
Marami 'yong pinagdaanan nitong negosyo,

1098
01:02:45,080 --> 01:02:49,080
pero pag nakilala mo na
'yong mga tao sa likod ng lahat…

1099
01:02:51,720 --> 01:02:54,040
Talagang magbabago 'yong pananaw mo

1100
01:02:54,840 --> 01:02:57,160
tungkol sa pagkain na… ano…

1101
01:02:58,520 --> 01:02:59,360
mahal mo.

1102
01:03:00,240 --> 01:03:01,720
Malaki 'to, pare.

1103
01:03:03,440 --> 01:03:06,239
At gets ko,

1104
01:03:06,240 --> 01:03:09,319
ayos lang
kahit palalim na ako nang palalim dito,

1105
01:03:09,320 --> 01:03:11,600
pero naiisip ko rin,

1106
01:03:12,440 --> 01:03:15,639
"May mga lalaking nakaitim na suit na ba

1107
01:03:15,640 --> 01:03:17,440
"na dadating sa labas ng bahay ko?"

1108
01:03:22,120 --> 01:03:24,159
PANDALAWAMPUNG ARAW

1109
01:03:24,160 --> 01:03:28,359
Di ako makapaniwala
na gano'n kahina-hinala 'yong Big Chicken.

1110
01:03:28,360 --> 01:03:30,800
TANGHALIAN

1111
01:03:31,400 --> 01:03:35,480
Sinabihan akong pumunta sa Delaware,
kung saan lumalaban 'yong mga tao.

1112
01:03:36,160 --> 01:03:40,439
"Welcome sa Delaware.
Walang hanggan ang matutuklasan mo."

1113
01:03:40,440 --> 01:03:43,040
Parang inilagay nila 'yan
kasi alam nilang dadating ako.

1114
01:03:43,640 --> 01:03:46,080
'Yan 'yong ginagawa ko, may inaalam ako.

1115
01:03:46,680 --> 01:03:51,119
Grabe. Nababaliw na ako, guys.
Nababaliw na ako.

1116
01:03:51,120 --> 01:03:54,200
Kumakain ako nitong manok,
at nababaliw na ako.

1117
01:03:56,360 --> 01:03:59,839
Malaking negosyo
'yong chicken industry sa Delaware,

1118
01:03:59,840 --> 01:04:02,880
at nire-report pa sa radyo
'yong mga epekto nito.

1119
01:04:03,480 --> 01:04:07,759
<i>Tone-toneladang dumi ng manok
ang inilalabas ng industriya ng State.</i>

1120
01:04:07,760 --> 01:04:10,079
<i>Nag-aalala ang mga nakatira
malapit sa mga manukan</i>

1121
01:04:10,080 --> 01:04:13,399
<i>kung paano naaapektuhan
ng mga manok ang kalusugan nila.</i>

1122
01:04:13,400 --> 01:04:15,399
Ito 'yong natutunan ko sa radyo.

1123
01:04:15,400 --> 01:04:17,599
Maraming manok sa Delaware,

1124
01:04:17,600 --> 01:04:19,999
at marami silang tae.

1125
01:04:20,000 --> 01:04:21,239
Sorry, Mama.

1126
01:04:21,240 --> 01:04:23,759
Isipin mo ang lahat ng manok sa America.

1127
01:04:23,760 --> 01:04:28,599
Sa isang taong tae nila,
pwedeng matakpan 'yong buong London.

1128
01:04:28,600 --> 01:04:30,720
{\an8}At Edinburgh. Maraming tae 'yon.

1129
01:04:34,240 --> 01:04:35,919
{\an8}- Ayos, pare.
- Mo, kumusta?

1130
01:04:35,920 --> 01:04:38,479
{\an8}- Ayos lang. Kumusta?
- Nice to meet you.

1131
01:04:38,480 --> 01:04:40,119
Dala ko 'yong ulan.

1132
01:04:40,120 --> 01:04:41,080
- Michael.
- Ayos ka ba?

1133
01:04:41,920 --> 01:04:45,119
Dito nakatira si Michael,
at lumalaban siya.

1134
01:04:45,120 --> 01:04:47,280
Sabi ko,
ipakita niya sa akin 'yong problema.

1135
01:04:48,080 --> 01:04:50,279
Kita mo 'yong poultry barns do'n?

1136
01:04:50,280 --> 01:04:52,479
- Oo.
- May mga bentilador sa pinakadulo.

1137
01:04:52,480 --> 01:04:55,199
- Oo, oo.
- Di lang pampalamig 'yang mga 'yan.

1138
01:04:55,200 --> 01:04:58,439
Nandiyan sila kasi 'yong mga ibon,
pinapalaki sa tambak ng dumi.

1139
01:04:58,440 --> 01:05:02,239
- Oo.
- 50,000 'yong ibon sa mas bagong barn.

1140
01:05:02,240 --> 01:05:04,039
Gano'n karami 'yong dumi,

1141
01:05:04,040 --> 01:05:06,679
at di nililinis kada kawan,
kaya inuupuan nila 'yon,

1142
01:05:06,680 --> 01:05:08,359
pero may ammonia ro'n.

1143
01:05:08,360 --> 01:05:13,199
- A, shit. Oo.
- Nabubulag 'yong ibang manok dahil do'n.

1144
01:05:13,200 --> 01:05:18,199
Kailangan nilang ilabas 'yong hangin,
kasi kung hindi, mamamatay ang mga manok.

1145
01:05:18,200 --> 01:05:19,279
A. Okay.

1146
01:05:19,280 --> 01:05:21,959
Kung inilalabas mo
'yong hangin sa komunidad,

1147
01:05:21,960 --> 01:05:23,959
ano'ng nangyayari sa komunidad?

1148
01:05:23,960 --> 01:05:27,399
Naghahalo 'yong mga nakakalasong gas

1149
01:05:27,400 --> 01:05:29,959
at nalalanghap ng mga tao.
Naaapektuhan ang kalusugan.

1150
01:05:29,960 --> 01:05:33,199
Kita mo 'yan? Kita mo
kung saan nakatira 'yong mga kapitbahay?

1151
01:05:33,200 --> 01:05:35,519
Putsa! Sobrang lapit!

1152
01:05:35,520 --> 01:05:38,199
Veterans sila.
May veteran na nakatira diyan.

1153
01:05:38,200 --> 01:05:40,559
No'ng lumalaban siya sa Iraq,
ano'ng ginawa nila?

1154
01:05:40,560 --> 01:05:44,279
Naglagay ng maraming manukan sa tapat
at binugahan siya ng masamang hangin.

1155
01:05:44,280 --> 01:05:45,880
Naku, ang baho niyan, pare!

1156
01:05:46,680 --> 01:05:48,919
- 'Yan 'yong naaamoy n'yo araw-araw?
- Araw-araw.

1157
01:05:48,920 --> 01:05:51,919
- Naaamoy mo sa kotse!
- Dumidikit sa damit mo!

1158
01:05:51,920 --> 01:05:56,159
Mali 'yon, kasi magagandang komunidad 'to
na itinayo sa agriculture.

1159
01:05:56,160 --> 01:05:58,959
Di ibig sabihin na masama ang agriculture.

1160
01:05:58,960 --> 01:06:02,839
Pero may paraan ng pagsasaka
na di makakasira sa komunidad

1161
01:06:02,840 --> 01:06:04,840
at kalidad ng buhay ng mga kapitbahay mo.

1162
01:06:05,880 --> 01:06:08,639
Di ko inakalang aabot sa punto kung saan

1163
01:06:08,640 --> 01:06:12,159
naaapektuhan na talaga 'yong ibang tao

1164
01:06:12,160 --> 01:06:16,400
dahil sa kalidad ng hangin
at tubig na iniinom nila.

1165
01:06:17,680 --> 01:06:19,879
Hindi lang ito tungkol sa amoy.

1166
01:06:19,880 --> 01:06:22,199
'Yang malaking plantang 'yan,

1167
01:06:22,200 --> 01:06:26,719
isa sa pinakamalalaking facility
para sa dumi ng manok sa Delaware.

1168
01:06:26,720 --> 01:06:29,239
Milyon-milyong ibon 'yong kinakatay nila.

1169
01:06:29,240 --> 01:06:30,839
Hinuhugasan pagkatapos katayin.

1170
01:06:30,840 --> 01:06:33,519
Nandiyan 'yong lamanloob
at iba pang nakakadiring bagay.

1171
01:06:33,520 --> 01:06:36,239
Baka di masyadong scientific
'yong pagkakasabi ko,

1172
01:06:36,240 --> 01:06:38,759
pero kinukuha nila
'yong tubig na puno ng dumi

1173
01:06:38,760 --> 01:06:41,159
at ikinakalat sa mga field na 'yon.

1174
01:06:41,160 --> 01:06:43,400
Pero tandaan mo,
lahat, umaasa sa tubig sa balon.

1175
01:06:44,320 --> 01:06:47,479
Seryoso ka? Ay, kagaguhan 'yan, pare!

1176
01:06:47,480 --> 01:06:51,119
Di pwedeng huminga 'yong mga tao,
uminom ng tubig, o lumabas.

1177
01:06:51,120 --> 01:06:52,879
Nagkakasakit ang mga bata, hinihika,

1178
01:06:52,880 --> 01:06:55,239
para makabenta sila
ng murang manok sa tindahan

1179
01:06:55,240 --> 01:06:58,039
sa halagang 99 cents
o $1.99 kada kalahating kilo.

1180
01:06:58,040 --> 01:06:59,519
Nagbibiro ka ba?

1181
01:06:59,520 --> 01:07:03,640
Malalaki 'yong problema
sa industriyang masyadong makapangyarihan.

1182
01:07:05,160 --> 01:07:09,399
Nagbayad ng $205 million
bilang settlement sa class action lawsuit

1183
01:07:09,400 --> 01:07:14,080
'yong Mountaire, ang kumpanyang inakusahan
na sumisira sa hangin at tubig dito,

1184
01:07:15,000 --> 01:07:17,080
pero wala silang inakong responsibilidad.

1185
01:07:21,080 --> 01:07:23,999
Lahat, kinukuwestiyon ko na.
Nagmumumog ako,

1186
01:07:24,000 --> 01:07:26,320
nagsisipilyo,
dahil sa narinig ko tungkol sa tubig.

1187
01:07:28,160 --> 01:07:29,600
Gano'n ako kapraning.

1188
01:07:31,680 --> 01:07:35,080
Noong sinimulan ko 'to,
di ko alam na may Big Chicken.

1189
01:07:36,480 --> 01:07:37,560
Di ko alam.

1190
01:07:38,640 --> 01:07:40,680
Di ko alam na may ganito.

1191
01:07:41,920 --> 01:07:45,480
Dismayado ako sa sarili ko na di ko alam.

1192
01:07:46,200 --> 01:07:48,959
Tapos pagdating mo roon,
makikita mo 'yong planta

1193
01:07:48,960 --> 01:07:50,600
sa tabi ng bahay ng tao.

1194
01:07:52,040 --> 01:07:53,920
Nakakalungkot talaga, pare.

1195
01:07:55,920 --> 01:07:58,200
Gusto ko nang tumigil sa pagkain nito.

1196
01:08:00,560 --> 01:08:04,720
Gusto ko na talagang tumigil.
Ayoko na talagang kumain.

1197
01:08:06,520 --> 01:08:07,600
Oo.

1198
01:08:10,520 --> 01:08:12,840
PANDALAWAMPU'T ISANG ARAW

1199
01:08:17,080 --> 01:08:18,679
Masaya talaga

1200
01:08:18,680 --> 01:08:22,280
na kumain ng chicken bucket
kasama 'yong pamilya mo.

1201
01:08:23,680 --> 01:08:26,239
Pero ano'ng kapalit no'n?

1202
01:08:26,240 --> 01:08:28,719
Titingnan mo 'yong balance.

1203
01:08:28,720 --> 01:08:30,759
Di ko naisip 'yon bago ko ginawa 'to.

1204
01:08:30,760 --> 01:08:33,120
Sabi ko, "Agriculture 'to.
Kailangan nating mabuhay."

1205
01:08:34,120 --> 01:08:36,560
Pero kailangan ba nating umabot do'n?

1206
01:08:37,880 --> 01:08:41,039
Siguro dati masasabi ko pa,
"Manok lang 'yan, pare.

1207
01:08:41,040 --> 01:08:42,439
"Kumalma tayo."

1208
01:08:42,440 --> 01:08:46,079
Pero iba pag narining mo
ang mga kuwento ng mga talagang apektado,

1209
01:08:46,080 --> 01:08:49,759
kinain mo 'yong pagkain,
at may magsabi sa 'yo

1210
01:08:49,760 --> 01:08:52,839
na adik ka sa manok,
gaya ng pagkaadik ng iba sa cocaine.

1211
01:08:52,840 --> 01:08:55,360
Do'n mo masasabi, "Ano?"

1212
01:08:55,960 --> 01:08:59,719
At tingin ko minsan,
kung gano'n kalaking pera 'yong kikitain,

1213
01:08:59,720 --> 01:09:04,199
marami ring sekretong itatago.

1214
01:09:04,200 --> 01:09:06,680
At nakikita ko 'yon dito sa America,

1215
01:09:07,720 --> 01:09:09,120
pero sa amin…

1216
01:09:10,080 --> 01:09:12,320
Gaano ba talaga 'to kalalim?

1217
01:09:15,440 --> 01:09:20,079
Malaking pinsala sa kapaligiran
'yong mega farming ng mga hayop.

1218
01:09:20,080 --> 01:09:24,679
Pinapalaki 'yong mga manok sa butil,
kasama ng soya,

1219
01:09:24,680 --> 01:09:29,519
na galing sa rainforest areas,
kaya nagkakaroon ng deforestation.

1220
01:09:29,520 --> 01:09:33,799
At sa UK, marami sa mga lupa natin,
bumababa 'yong kalidad

1221
01:09:33,800 --> 01:09:37,439
dahil sa artificial fertilizers
at pesticides.

1222
01:09:37,440 --> 01:09:40,200
Nawawala na talaga 'yong lupa natin.

1223
01:09:41,640 --> 01:09:46,879
Sabi ng scientists, ilang dekada na lang,
mawawala na 'yong lupa natin.

1224
01:09:46,880 --> 01:09:48,240
Walang lupa, walang pagkain.

1225
01:09:48,840 --> 01:09:49,920
Tapos na.

1226
01:09:52,280 --> 01:09:54,599
Ready nang umalis.

1227
01:09:54,600 --> 01:09:56,480
Umalis na tayo rito, pare.

1228
01:10:01,800 --> 01:10:04,200
PANDALAWAMPU'T APAT NA ARAW

1229
01:10:06,160 --> 01:10:07,680
ANG HULING YUGTO

1230
01:10:08,280 --> 01:10:10,959
{\an8}Dadaan ako sa KFC drive-thru, alam mo.

1231
01:10:10,960 --> 01:10:16,359
Matalino na sila, pagkatapos mong umorder,
tatanungin ka pa, "Meron pa po?"

1232
01:10:16,360 --> 01:10:17,759
- Hello.
- <i>Hi po.</i>

1233
01:10:17,760 --> 01:10:19,599
Pabili ng Mini Variety Meal.

1234
01:10:19,600 --> 01:10:20,800
<i>Meron pa po?</i>

1235
01:10:21,560 --> 01:10:25,039
Isang order na rin ng wings, pwede?

1236
01:10:25,040 --> 01:10:26,359
<i>Meron pa po?</i>

1237
01:10:26,360 --> 01:10:29,039
- Salamat. Sige po.
- Ingat. Kita tayo sa susunod.

1238
01:10:29,040 --> 01:10:33,079
Narinig mo?
'Yong "Meron pa po? Meron pa po?"

1239
01:10:33,080 --> 01:10:35,000
Di ko dapat bibilhin ang lahat ng 'yon.

1240
01:10:37,440 --> 01:10:40,520
Sobrang problematic ng pagkaing 'to.

1241
01:10:43,280 --> 01:10:47,120
Marami akong natutunan
sa naging journey ko.

1242
01:10:48,200 --> 01:10:51,239
Guys, di ko mababalewala
'yong natutunan ko sa trip na 'to.

1243
01:10:51,240 --> 01:10:53,919
Mula noong bumalik ako,
naging busy ako sa pagre-research.

1244
01:10:53,920 --> 01:10:56,560
Mukhang rumaragasa na 'yong KFC.

1245
01:10:58,440 --> 01:11:02,999
<i>Magbubukas ang fast food chain na KFC
ng 500 na bagong restaurant</i>

1246
01:11:03,000 --> 01:11:05,559
<i>sa UK at Ireland
sa loob ng susunod na dekada.</i>

1247
01:11:05,560 --> 01:11:09,199
Sabi ni Mo, ayaw niya
na maging investigative journalist,

1248
01:11:09,200 --> 01:11:11,999
at gets ko 'yon, pero tingin ko kalaunan,

1249
01:11:12,000 --> 01:11:14,759
kung gusto niya
na mas mapag-aralan 'tong industriya,

1250
01:11:14,760 --> 01:11:18,479
kailangan niyang magpaka-journalist at…

1251
01:11:18,480 --> 01:11:20,079
mag-imbestiga pa.

1252
01:11:20,080 --> 01:11:23,719
<i>Hello, at welcome sa KFC Head Office.</i>

1253
01:11:23,720 --> 01:11:27,920
<i>Pindutin ang one kung may tanong ka
na may kinalaman sa customer care.</i>

1254
01:11:31,520 --> 01:11:36,560
<i>Lahat ng tanong tungkol doon,
dapat isumite nang nakasulat sa web form…</i>

1255
01:11:38,480 --> 01:11:41,759
Di lang ito tungkol sa epekto
ng experiment sa akin,

1256
01:11:41,760 --> 01:11:46,079
gusto ko ring makausap
'yong market leaders tungkol sa epekto

1257
01:11:46,080 --> 01:11:49,640
ng pagkain nila sa kalusugan natin
at sa kapaligiran.

1258
01:11:50,520 --> 01:11:53,079
Ito 'yong email sa akin ng KFC.

1259
01:11:53,080 --> 01:11:56,679
"Maraming salamat sa pagbabahagi
ng documentary mo sa amin.

1260
01:11:56,680 --> 01:11:58,799
"Mukhang interesting talaga ang project.

1261
01:11:58,800 --> 01:12:02,879
"Hindi kami makakatulong,
pero sana magtagumpay ka

1262
01:12:02,880 --> 01:12:05,119
"sa pagbuo ng kuwentong ito.

1263
01:12:05,120 --> 01:12:09,599
"Salamat sa pag-contact sa amin
at good luck sa pelikula."

1264
01:12:09,600 --> 01:12:13,840
Parang ginawa lang nila akong tanga.

1265
01:12:17,040 --> 01:12:19,319
Pero may nakumbinsi rin ako.

1266
01:12:19,320 --> 01:12:24,400
'Yong CEO ng British Poultry Council,
pumayag na makipag-usap sa akin.

1267
01:12:26,440 --> 01:12:30,639
Tinanong namin kung pwede kaming magkita
sa factory farm nila, pero sabi niya,

1268
01:12:30,640 --> 01:12:32,759
"Mahirap makapasok."

1269
01:12:32,760 --> 01:12:34,399
Interesting.

1270
01:12:34,400 --> 01:12:37,760
Kaya dito na lang kami
sa cute at maliit na city farm.

1271
01:12:39,160 --> 01:12:42,279
- Kumusta, Rich? Kumusta?
- Okay lang, salamat. Ikaw?

1272
01:12:42,280 --> 01:12:44,719
Nandito tayo sa gitna ng Hackney.
Ayos ka lang?

1273
01:12:44,720 --> 01:12:45,999
Oo, ayos na ayos.

1274
01:12:46,000 --> 01:12:48,360
Mukha kang undercover na pulis, pare.

1275
01:12:49,680 --> 01:12:54,879
{\an8}Sa UK, pumapatay tayo
ng 20 milyong ibon kada linggo.

1276
01:12:54,880 --> 01:12:56,679
- Kada linggo?
- Kada linggo.

1277
01:12:56,680 --> 01:12:59,279
Pero isipin mo 'yong dami ng tao.

1278
01:12:59,280 --> 01:13:01,439
65 milyon. Di lahat kumakain ng karne.

1279
01:13:01,440 --> 01:13:04,159
Sabihin mong 60 milyon
'yong kumakain ng manok.

1280
01:13:04,160 --> 01:13:06,079
Kalahating manok kada tao kada linggo.

1281
01:13:06,080 --> 01:13:07,559
Di 'yon marami.

1282
01:13:07,560 --> 01:13:10,119
At may mga nagugutom sa bansang ito.

1283
01:13:10,120 --> 01:13:13,439
'Yong totoo, hangga't di lahat nakakakain,

1284
01:13:13,440 --> 01:13:15,599
walang ibang importante.

1285
01:13:15,600 --> 01:13:19,079
At oo, dapat maging maingat talaga tayo

1286
01:13:19,080 --> 01:13:22,519
sa pagtrato sa mga tao,
sa kapaligiran, sa mga ibon,

1287
01:13:22,520 --> 01:13:25,279
pero kaya natin 'yon,
at kung tama 'yong gagawin natin,

1288
01:13:25,280 --> 01:13:28,359
may mapagkukunan tayo ng pagkain
para sa mundo, di lang sa UK.

1289
01:13:28,360 --> 01:13:32,719
Para kang politiko, Rich, pare.
Baka halikan mo na rin 'yong mga baby.

1290
01:13:32,720 --> 01:13:34,040
Oo, pero ano 'yon…

1291
01:13:36,440 --> 01:13:38,479
No'ng sinimulan ko 'tong journey,

1292
01:13:38,480 --> 01:13:43,239
nakita ko ang bawat aspeto
ng chicken industry.

1293
01:13:43,240 --> 01:13:46,239
Di ako naging handa sa basura.

1294
01:13:46,240 --> 01:13:48,839
Ano'ng ginagawa natin para ro'n?

1295
01:13:48,840 --> 01:13:52,119
May mga paratang at batikos
tungkol sa industriya namin

1296
01:13:52,120 --> 01:13:54,519
at sa ginagawa namin para sa basura,

1297
01:13:54,520 --> 01:13:58,559
pero masisiguro kong lahat ng basura,

1298
01:13:58,560 --> 01:14:02,159
sa mga farm, hindi sa processing plants,

1299
01:14:02,160 --> 01:14:03,439
kontrolado talaga.

1300
01:14:03,440 --> 01:14:05,999
Paano 'yong basura
galing sa processing plant?

1301
01:14:06,000 --> 01:14:08,999
Gano'n din, kontrolado talaga

1302
01:14:09,000 --> 01:14:11,879
na di maging delikado at nakakasama.

1303
01:14:11,880 --> 01:14:13,599
Di tinitipid 'yong process sa UK?

1304
01:14:13,600 --> 01:14:15,719
Hindi. Wala namang makukuha diyan.

1305
01:14:15,720 --> 01:14:17,799
Pero nandito 'yong PR girl mo.

1306
01:14:17,800 --> 01:14:21,480
Malapit na siyang sumabat, pare.
"Hoy, pwede ba, tama na 'yan?"

1307
01:14:23,720 --> 01:14:26,359
Sinusubukan namin
na maging mabubuting kapitbahay

1308
01:14:26,360 --> 01:14:28,360
at di makaapekto sa mga tao.

1309
01:14:31,240 --> 01:14:34,479
Pagkatapos naming mag-usap,
lumabas sa balita na ang chicken producers

1310
01:14:34,480 --> 01:14:35,799
na Avara Foods,

1311
01:14:35,800 --> 01:14:37,399
na kliyente ni Richard,

1312
01:14:37,400 --> 01:14:39,999
humaharap sa pinakamalaking

1313
01:14:40,000 --> 01:14:43,399
environmental legal claim
sa kasaysayan ng Britain

1314
01:14:43,400 --> 01:14:47,039
dahil daw sa pag-pollute
sa tatlong ilog sa amin.

1315
01:14:47,040 --> 01:14:50,759
May mahigit 20 milyong manok
sa River Wye catchment area,

1316
01:14:50,760 --> 01:14:53,919
at mas marami 'yong tae nila
kaysa sa nasisipsip ng lupa.

1317
01:14:53,920 --> 01:14:57,759
{\an8}'Yong industrial chicken farmers
na nagsu-supply sa restaurants n'yo,

1318
01:14:57,760 --> 01:15:00,960
literal na pinatay
'yong River Wye sa polusyon.

1319
01:15:06,520 --> 01:15:08,879
- Kumusta, pare?
- Ikaw, kumusta?

1320
01:15:08,880 --> 01:15:10,359
Kurok, gago!

1321
01:15:10,360 --> 01:15:12,039
- Pasok, pare.
- Kumusta?

1322
01:15:12,040 --> 01:15:14,039
- Eto, pare. Ayos na ayos.
- Pasok.

1323
01:15:14,040 --> 01:15:17,319
Nakipagkita ka ro'n sa Richard, 'no?
Kumusta naman?

1324
01:15:17,320 --> 01:15:20,959
Nirerespeto kong pumunta siya
at nakipag-usap sa akin,

1325
01:15:20,960 --> 01:15:24,119
{\an8}pero parang AI 'yong kausap ko.

1326
01:15:24,120 --> 01:15:29,119
Pag tinatanong ko siya, sinasabi niya,
"Alam mo, maraming kailangang pakainin.

1327
01:15:29,120 --> 01:15:32,039
"May magagawa pa ba kami? Siguro."

1328
01:15:32,040 --> 01:15:36,079
Ano na'ng gagawin mo? Ano'ng susunod?

1329
01:15:36,080 --> 01:15:39,839
Mahirap 'to
kasi walang gustong makipag-usap sa 'kin.

1330
01:15:39,840 --> 01:15:42,280
Sinagot ng KFC 'yong email ko.

1331
01:15:43,120 --> 01:15:44,399
KFC Global.

1332
01:15:44,400 --> 01:15:45,999
- Okay, bigatin.
- Oo.

1333
01:15:46,000 --> 01:15:48,400
- Di ba?
- Patingin nga.

1334
01:15:51,040 --> 01:15:54,199
May number dito. Subukan mong tawagan.

1335
01:15:54,200 --> 01:15:55,600
- Tawagan natin.
- Talaga?

1336
01:16:02,080 --> 01:16:03,080
Hello?

1337
01:16:06,440 --> 01:16:07,520
Hello?

1338
01:16:09,800 --> 01:16:13,120
Si Mo Gilligan 'to. Nag-email ako sa inyo

1339
01:16:14,240 --> 01:16:16,760
tungkol sa documentary
tungkol sa fried chicken.

1340
01:16:17,960 --> 01:16:19,000
Hello?

1341
01:16:20,160 --> 01:16:21,240
Hello?

1342
01:16:25,880 --> 01:16:26,959
Naka-mute na ako.

1343
01:16:26,960 --> 01:16:29,000
- Kasi sinagot nila.
- Gano'n ba?

1344
01:16:30,480 --> 01:16:31,520
Hello?

1345
01:16:33,120 --> 01:16:38,280
Nire-record ko 'tong tawag kung sakali
na magamit sa documentary. Okay lang ba?

1346
01:16:40,800 --> 01:16:43,240
Okay.

1347
01:16:44,200 --> 01:16:45,160
Hala.

1348
01:16:46,200 --> 01:16:47,839
- Binaba niya.
- Oo.

1349
01:16:47,840 --> 01:16:50,159
Grabe. Alam mo ba?

1350
01:16:50,160 --> 01:16:52,959
Sinagot niya 'yong tawag
tapos pinindot 'yong mute.

1351
01:16:52,960 --> 01:16:55,239
- Nakikinig pa siya.
- Nakikinig lang.

1352
01:16:55,240 --> 01:16:56,559
Grabe naman 'yan.

1353
01:16:56,560 --> 01:16:59,359
'Yon na
'yong pinakamalayong naabot ko sa KFC.

1354
01:16:59,360 --> 01:17:00,839
- Oo.
- Pinakamalayo.

1355
01:17:00,840 --> 01:17:02,439
Iniwan mo 'yong number mo ro'n.

1356
01:17:02,440 --> 01:17:05,720
Bakit mo gagawin 'yon
kung di ka sasagot? Bakit pa?

1357
01:17:07,240 --> 01:17:09,719
Di na rin nakakagulat malaman,

1358
01:17:09,720 --> 01:17:11,999
gaya ng ibang sikat na fast food brand,

1359
01:17:12,000 --> 01:17:15,959
kumukuha 'yong KFC ng online influencers
na may milyon-milyong follower

1360
01:17:15,960 --> 01:17:20,040
para i-promote 'yong mga produkto nila
sa mga mas batang audience.

1361
01:17:21,760 --> 01:17:24,119
{\an8}<i>Hello, friends.
Ako si Niko, at nasa farm ako.</i>

1362
01:17:24,120 --> 01:17:28,519
A, si Niko.
Gusto ko siya, pare. Mabait siya.

1363
01:17:28,520 --> 01:17:30,600
{\an8}<i>Tingnan natin 'yong likod ng bucket.</i>

1364
01:17:31,600 --> 01:17:33,200
<i>Diyos ko.</i>

1365
01:17:33,800 --> 01:17:37,359
{\an8}<i>Tingnan mo 'yong mga manok!
Walang kulungan dito.</i>

1366
01:17:37,360 --> 01:17:40,799
{\an8}<i>Akala ko, may 4,000 na manok
kada maliit na kulungan.</i>

1367
01:17:40,800 --> 01:17:42,879
{\an8}<i>Wala, walang kulungan.</i>

1368
01:17:42,880 --> 01:17:45,519
{\an8}<i>Proud na proud kami
sa pag-aalaga namin ng mga hayop…</i>

1369
01:17:45,520 --> 01:17:47,959
Kaya ipinapakita n'yo 'yong magandang side

1370
01:17:47,960 --> 01:17:51,640
{\an8}gamit 'yong tao
na may platform na sobrang laki,

1371
01:17:52,560 --> 01:17:56,520
pero kinokontrol n'yo
'yong nakikita nila sa likod ng lahat.

1372
01:17:57,120 --> 01:18:02,079
{\an8}Dinala ng KFC si Niko rito
no'ng sobrang liit at cute pa ng mga ibon.

1373
01:18:02,080 --> 01:18:07,119
{\an8}Noong 15 hanggang 20 araw pa lang sila.
Bumalik kami ngayong 33 araw na sila.

1374
01:18:07,120 --> 01:18:09,719
{\an8}- May malasakit talaga kayo sa mga manok?
- Oo.

1375
01:18:09,720 --> 01:18:10,839
{\an8}Paano 'tong mga manok?

1376
01:18:10,840 --> 01:18:16,999
{\an8}May malasakit ba kayo sa mga ibon
na gaya nitong tatlong di na makatayo?

1377
01:18:17,000 --> 01:18:19,239
{\an8}Hindi na nila kaya 'yong bigat.

1378
01:18:19,240 --> 01:18:21,159
{\an8}Tingin ko, sobrang sama nito,

1379
01:18:21,160 --> 01:18:25,279
kasi parang nasa digital age na tayo
ng pagmamanipula ng market.

1380
01:18:25,280 --> 01:18:28,559
{\an8}<i>…may space 'yong mga ibong gumalaw…</i>

1381
01:18:28,560 --> 01:18:30,640
{\an8}Parang greenwashing 'to.

1382
01:18:31,400 --> 01:18:35,319
{\an8}May mas malalaman pa siguro ako
tungkol sa secret recipe n'yo

1383
01:18:35,320 --> 01:18:42,159
kaysa sa pinagkukunan n'yo ng mga manok
at kung paano n'yo sila tinatrato.

1384
01:18:42,160 --> 01:18:44,799
{\an8}<i>Salamat sa pag-imbita.
Gusto ko ang farm n'yo, ang ganda.</i>

1385
01:18:44,800 --> 01:18:47,480
'Yong tanong, ano'ng itinatago n'yo?

1386
01:18:50,320 --> 01:18:54,760
Nahanap ko 'yong lalaking may video
na nagpapakita ng ibang kuwento ng KFC.

1387
01:18:56,040 --> 01:18:58,439
Pinadalhan niya ako ng coordinates

1388
01:18:58,440 --> 01:19:01,120
kasi babalik sila
ng team niya ngayong gabi.

1389
01:19:01,880 --> 01:19:06,879
Di ko akalaing pupunta ako
sa Lincolnshire nang gabi dahil sa manok

1390
01:19:06,880 --> 01:19:08,599
at susunod sa coordinates.

1391
01:19:08,600 --> 01:19:11,680
Parang… Grabe na 'to.
Di ko kayo lolokohin.

1392
01:19:12,560 --> 01:19:15,079
Para na akong totoong journalist.

1393
01:19:15,080 --> 01:19:17,239
Para akong si Martin Kemp.

1394
01:19:17,240 --> 01:19:19,119
'Yon 'yong pangalan niya, 'no?

1395
01:19:19,120 --> 01:19:22,920
A, hindi, 'yon 'yong lalaki
sa <i>Spandau Ballet</i>. Si Ross Kemp pala.

1396
01:19:24,720 --> 01:19:29,200
Dito sa Lincolnshire, sila 'yong kumakatay
ng pinakamaraming manok sa UK.

1397
01:19:30,080 --> 01:19:33,879
Tulad ng lahat, kung susundan mo ang pera,
malalaman mo 'yong totoo.

1398
01:19:33,880 --> 01:19:39,279
Ang pangalawa sa pinakamalaking producers
ng manok sa UK, 'yong Moy Park,

1399
01:19:39,280 --> 01:19:42,919
nagsu-supply ng 25 percent
ng manok na kinakain natin,

1400
01:19:42,920 --> 01:19:46,840
kasama na 'yong napupunta
sa ilang bucket ng KFC.

1401
01:19:47,480 --> 01:19:48,640
Pero teka…

1402
01:19:50,160 --> 01:19:52,639
'Yong may-ari nitong UK company,

1403
01:19:52,640 --> 01:19:58,279
ang pangalawa sa pinakamalaking producers
ng manok pagkatapos ng Tyson,

1404
01:19:58,280 --> 01:19:59,400
'yong Pilgrim's,

1405
01:20:00,280 --> 01:20:05,159
at JBS 'yong may-ari sa kanila,
na tinaguriang mga hari ng manok

1406
01:20:05,160 --> 01:20:10,040
at gumagawa ng hanggang sa 5 bilyong manok
kada taon sa buong mundo.

1407
01:20:11,520 --> 01:20:13,560
Siya yata 'yon.

1408
01:20:14,560 --> 01:20:15,919
- Matthew!
- Uy.

1409
01:20:15,920 --> 01:20:18,559
- Kumusta? Ayos ka lang?
- Uy, nice to meet you.

1410
01:20:18,560 --> 01:20:20,600
Kumusta? Tara, sumakay ka na.

1411
01:20:22,560 --> 01:20:25,599
Nandito lang sa kaliwa 'yong KFC farm,

1412
01:20:25,600 --> 01:20:27,879
at babalik kami ngayong gabi.

1413
01:20:27,880 --> 01:20:29,919
Kinunan namin 'yon three years ago,

1414
01:20:29,920 --> 01:20:32,999
at 12 million views 'yong nakuha no'n
o nasa gano'n.

1415
01:20:33,000 --> 01:20:36,479
Kaya maganda talagang makita
kung may nagbago ba.

1416
01:20:36,480 --> 01:20:39,040
Makikipagkita ako
sa dalawang kasamahan ko.

1417
01:20:40,000 --> 01:20:44,199
Professional investigator 'yong isa,
sanay na sanay talaga.

1418
01:20:44,200 --> 01:20:47,200
Tingin ko,
pwede natin silang kunan galing sa likod.

1419
01:20:50,360 --> 01:20:51,479
Uy, kumusta kayo?

1420
01:20:51,480 --> 01:20:52,959
- Uy. Hi.
- Hello.

1421
01:20:52,960 --> 01:20:54,959
- Wow, totoo talaga 'to, boy.
- Oo.

1422
01:20:54,960 --> 01:20:58,079
Parang <i>Call of Duty</i>.
Medyo natatakot ako. Totoo 'to.

1423
01:20:58,080 --> 01:20:59,279
Sa'n ka natatakot?

1424
01:20:59,280 --> 01:21:01,639
Ewan ko, di ko pa nakita…

1425
01:21:01,640 --> 01:21:04,840
- Takot ka sa 'min, 'no?
- Kasi naka-balaclava kayo.

1426
01:21:05,720 --> 01:21:09,039
So, ito 'yong Moy Park farm.

1427
01:21:09,040 --> 01:21:13,079
Papasok tayo galing sa hilaga.

1428
01:21:13,080 --> 01:21:15,440
May dalawang bahay.
May mga nakatira sa mga 'to.

1429
01:21:16,000 --> 01:21:17,999
Delikado ba 'to? Paano?

1430
01:21:18,000 --> 01:21:21,039
'Yong pinakadelikado,
kung kumilos 'yong magsasaka

1431
01:21:21,040 --> 01:21:23,639
o trabahador kung makita ka nila.

1432
01:21:23,640 --> 01:21:25,999
May mga shotgun 'yong ibang magsasaka.

1433
01:21:26,000 --> 01:21:29,479
Nabaril na 'yong drone ko,
kaya nangyayari talaga 'yon.

1434
01:21:29,480 --> 01:21:31,199
- Talaga?
- Oo.

1435
01:21:31,200 --> 01:21:32,240
Grabe.

1436
01:21:33,480 --> 01:21:35,599
Ako, wala na akong pakialam.

1437
01:21:35,600 --> 01:21:38,319
Pakiramdam ko… Kailangang may gumawa nito,

1438
01:21:38,320 --> 01:21:41,239
kaya pumunta na lang tayo ro'n
at gawin na natin.

1439
01:21:41,240 --> 01:21:44,559
Susunod ako sa inyo para magsubaybay.
Di ako tatawid.

1440
01:21:44,560 --> 01:21:46,199
Mapapapunta ka ba namin?

1441
01:21:46,200 --> 01:21:47,639
- Gusto ko sana…
- Hindi?

1442
01:21:47,640 --> 01:21:50,200
- Ayaw ng girlfriend ko.
- Sige.

1443
01:21:54,200 --> 01:21:58,079
Maaga pa, pero papunta na
'yong team sa farm ng Moy Park.

1444
01:21:58,080 --> 01:22:00,320
Nag-aalala talaga ako para sa kanila.

1445
01:22:01,960 --> 01:22:06,319
Baka may ibang nakaabang dito
sakaling may mga manloloob.

1446
01:22:06,320 --> 01:22:07,480
Gets mo?

1447
01:22:09,240 --> 01:22:11,480
Oo, pare. Kailangan nilang mag-ingat.

1448
01:22:13,480 --> 01:22:15,240
Medyo kinakabahan ako.

1449
01:22:16,880 --> 01:22:18,840
Parang may darating, e.

1450
01:22:19,680 --> 01:22:22,960
Di mo yata alam,
pero di ako gumagawa ng ganitong bagay.

1451
01:22:34,600 --> 01:22:37,920
<i>Nagme-message lang ako
para sabihing nandito na kami.</i>

1452
01:22:38,560 --> 01:22:41,320
Ipapakita ko sa 'yo
kung ano'ng nakikita ko.

1453
01:22:42,440 --> 01:22:45,119
Di pa kami nakakapasok.

1454
01:22:45,120 --> 01:22:47,759
<i>May tatlong magkakahiwalay na lock,</i>

1455
01:22:47,760 --> 01:22:51,239
at may inilagay silang tamper tag dito.

1456
01:22:51,240 --> 01:22:54,839
Mas mahigpit 'yong security
kumpara noong pumunta kami noon.

1457
01:22:54,840 --> 01:22:58,359
Sorry, mahina 'yong boses ko.
Ayaw naming mahuling nandito kami.

1458
01:22:58,360 --> 01:23:00,359
<i>May nakita kaming wheelie bin,</i>

1459
01:23:00,360 --> 01:23:03,440
at gusto ko lang ipakita
kung ano'ng nasa loob.

1460
01:23:07,480 --> 01:23:10,519
Siguro mga dalawang linggo na
'tong mga ibon.

1461
01:23:10,520 --> 01:23:14,280
Nakakadiri 'yong amoy.
Kailangan kong pigilan 'yong hininga ko.

1462
01:23:23,520 --> 01:23:26,079
<i>Maraming wheelie bin dito,</i>

1463
01:23:26,080 --> 01:23:28,399
pero interesting kasi naka-lock din.

1464
01:23:28,400 --> 01:23:31,199
<i>Ayaw nilang makunan ang mga ibon sa loob,</i>

1465
01:23:31,200 --> 01:23:34,440
pero puno at naka-lock din
'yong lahat ng nandito.

1466
01:23:35,480 --> 01:23:37,840
<i>Kaya… babalik na kami.</i>

1467
01:23:38,760 --> 01:23:39,759
Kita tayo.

1468
01:23:39,760 --> 01:23:44,920
Siguro 'yong ginawa ni Matthew
at ng team niya dati…

1469
01:23:46,480 --> 01:23:48,280
meron talagang di natuwa ro'n.

1470
01:23:50,920 --> 01:23:52,399
Ano'ng nararamdaman mo?

1471
01:23:52,400 --> 01:23:57,679
Parang imbes na ayusin 'yong problema

1472
01:23:57,680 --> 01:24:00,759
tungkol sa Frankenchickens na di makatayo

1473
01:24:00,760 --> 01:24:02,279
kasi di kaya ng katawan…

1474
01:24:02,280 --> 01:24:05,839
Imbes na ayusin 'yon,
hinihigpitan lang nila 'yong security.

1475
01:24:05,840 --> 01:24:08,640
Ganyan 'yong nangyayari sa buong UK.

1476
01:24:09,600 --> 01:24:11,279
Kaya hindi lang 'tong farm.

1477
01:24:11,280 --> 01:24:12,919
Marami.

1478
01:24:12,920 --> 01:24:16,359
Di lang nakikita, at 'yon…

1479
01:24:16,360 --> 01:24:17,880
Tingin ko, mali talaga.

1480
01:24:19,400 --> 01:24:21,519
Pare-pareho lang 'yong pattern.

1481
01:24:21,520 --> 01:24:23,439
Di nagkataong

1482
01:24:23,440 --> 01:24:26,720
pumunta kami roon at parang,
may mga nadagdag na lock…

1483
01:24:27,480 --> 01:24:31,719
Di nagkataong walang sumasagot sa akin.

1484
01:24:31,720 --> 01:24:34,120
Gano'n kalakas ang bagay na 'to.

1485
01:24:35,120 --> 01:24:36,839
Di nagtagal pagkatapos nitong gabi,

1486
01:24:36,840 --> 01:24:41,399
pinadala sa akin ng investigators ang kuha
ng Avara farm na napasok nila.

1487
01:24:41,400 --> 01:24:46,959
Ito rin 'yong kumpanyang inakusahan
na pino-pollute ng dumi 'yong mga ilog.

1488
01:24:46,960 --> 01:24:48,560
Nakakadiri tingnan, pare.

1489
01:24:49,400 --> 01:24:51,879
Bilang tao, masasabi mo,

1490
01:24:51,880 --> 01:24:55,839
walang hayop na dapat mabuhay
at magdusa nang ganito.

1491
01:24:55,840 --> 01:25:00,240
Ito 'yong manok na malamang kinain ko,
at kinakain mo rin.

1492
01:25:01,520 --> 01:25:03,520
Ito 'yong malupit na katotohanan,

1493
01:25:05,480 --> 01:25:09,559
na sa buong experiment,
maraming itinatago 'yong industriya

1494
01:25:09,560 --> 01:25:11,440
at sobrang tahimik nila,

1495
01:25:13,280 --> 01:25:16,239
pero pag nakita mo
'yong nasa likod ng lahat,

1496
01:25:16,240 --> 01:25:18,840
gets mo kung bakit sobrang tahimik nila.

1497
01:25:25,280 --> 01:25:27,959
Di talaga mura 'yong murang manok.

1498
01:25:27,960 --> 01:25:32,519
Sa buong mundo,
halos three quarters ng antibiotics

1499
01:25:32,520 --> 01:25:34,439
ang pinapakain sa mga sinasakang hayop,

1500
01:25:34,440 --> 01:25:38,759
para maiwasan 'yong mga sakit
na natural sa factory farms.

1501
01:25:38,760 --> 01:25:43,519
Kung magpapatuloy tayo sa ginagawa natin,
babala ng World Health Organization,

1502
01:25:43,520 --> 01:25:48,039
dahil sa pagtaas ng antibiotic resistance,

1503
01:25:48,040 --> 01:25:52,679
posible tayong dumating
sa post-antibiotic era,

1504
01:25:52,680 --> 01:25:56,920
kaya magiging nakamamatay ulit
'yong mga sakit na nagagamot na ngayon.

1505
01:25:59,800 --> 01:26:01,800
PANDALAWAMPU'T WALONG ARAW

1506
01:26:03,240 --> 01:26:07,000
Dalawampu't apat na oras na lang,
matatapos na 'yong experiment.

1507
01:26:07,600 --> 01:26:10,840
Pero ngayong nag-aalmusal ako nito
nang may suot na do-rag,

1508
01:26:11,920 --> 01:26:15,240
parang wala nang mas Black na lalaki
kaysa sa akin, pare.

1509
01:26:18,480 --> 01:26:19,880
Habang kinakain ko 'to,

1510
01:26:21,920 --> 01:26:24,160
aaminin ko, nagsasawa na ako, pare.

1511
01:26:24,680 --> 01:26:27,360
Pero sinasabi ko 'to
habang kumakagat ulit.

1512
01:26:29,960 --> 01:26:32,840
TANGHALIAN

1513
01:26:37,360 --> 01:26:43,439
Dapat lang na makasama ko 'yong tropa ko
sa South London para sa huling kain ko.

1514
01:26:43,440 --> 01:26:45,999
{\an8}Ano'ng meron? Ayos, a!

1515
01:26:46,000 --> 01:26:50,720
{\an8}Magpapakatotoo ako. Akala ko, masasabi ko,
"Surprise! Huling drumstick na!"

1516
01:26:51,280 --> 01:26:52,760
HAPUNAN

1517
01:26:54,000 --> 01:26:55,319
Wow. Oo.

1518
01:26:55,320 --> 01:26:59,119
Eto 'yong OG wings
at saka bagong barbecue fried chicken.

1519
01:26:59,120 --> 01:27:01,360
Ayaw mo niyan, di ba?

1520
01:27:02,280 --> 01:27:03,680
Isipin mo 'yong huling piraso.

1521
01:27:09,720 --> 01:27:14,079
- Congrats, bro. Huling kain mo na.
- Naku, salamat, pare.

1522
01:27:14,080 --> 01:27:16,999
Ano'ng iniisip mo ngayon?

1523
01:27:17,000 --> 01:27:20,079
Parang kailangan ko talagang bumalik
sa sarili ko,

1524
01:27:20,080 --> 01:27:23,999
at talagang nagulat ako
sa ibang nakita ko.

1525
01:27:24,000 --> 01:27:25,360
Di mo makakalimutan, e.

1526
01:27:26,680 --> 01:27:31,159
Di ko inakalang magiging gano'n kahirap
'yong journey, pero gano'n nga.

1527
01:27:31,160 --> 01:27:34,159
Mahirap. Noong nakinig ako sa mga kuwento…

1528
01:27:34,160 --> 01:27:38,319
Oo, ang hirap lang.
Gusto mo ring tumulong sa laban,

1529
01:27:38,320 --> 01:27:42,119
pero naiintindihan mo talaga na

1530
01:27:42,120 --> 01:27:46,639
may mga shortcut na ginagawa
para kumita ng gano'n kalaki,

1531
01:27:46,640 --> 01:27:50,239
at wala silang pakialam
kung sino'ng masagasaan nila.

1532
01:27:50,240 --> 01:27:53,279
Tapos mapapaisip ka,

1533
01:27:53,280 --> 01:27:54,800
kung nangyayari na 'to,

1534
01:27:55,640 --> 01:27:59,080
paano na pagkatapos ng lima
hanggang labinlimang taon?

1535
01:28:00,040 --> 01:28:02,599
Talagang dumaan ka sa madidilim na landas,

1536
01:28:02,600 --> 01:28:05,879
at proud akong pinili mo
na tahakin ang journey na 'to.

1537
01:28:05,880 --> 01:28:07,440
- Salamat, pare.
- Ayos.

1538
01:28:11,480 --> 01:28:13,359
Guys, nagawa ko.

1539
01:28:13,360 --> 01:28:17,599
Pagkatapos ng 84 na sunod-sunod na pagkain
ng fried chicken,

1540
01:28:17,600 --> 01:28:20,160
oras na para tapusin ito.

1541
01:28:26,480 --> 01:28:29,720
Unang pagkaing hindi fried chicken.

1542
01:28:30,280 --> 01:28:35,840
May kape ako rito, oat bar, at saging.
Sa wakas.

1543
01:28:36,920 --> 01:28:38,160
Sa wakas!

1544
01:28:43,880 --> 01:28:45,559
Babalik ako kay Dr. Abood

1545
01:28:45,560 --> 01:28:49,479
para makita 'yong epekto sa akin
ng isang buwang pagkain ng fried chicken.

1546
01:28:49,480 --> 01:28:51,600
- Okay, eto na.
- Tumayo ka diyan.

1547
01:28:52,480 --> 01:28:55,239
Tatlong kilo 'yong nadagdag sa 'yo.

1548
01:28:55,240 --> 01:28:58,440
- Kalahating stone 'yon.
- Hala!

1549
01:28:59,160 --> 01:29:00,959
Lumapad ka nang 3.81 centimeters.

1550
01:29:00,960 --> 01:29:01,919
Three centimeters!

1551
01:29:01,920 --> 01:29:04,000
- 3.81! Diyos ko.
- 3.81.

1552
01:29:04,560 --> 01:29:06,919
Ramdam kong nadagdagan ka…

1553
01:29:06,920 --> 01:29:08,479
- Ako rin.
- Mas may taba ka rito.

1554
01:29:08,480 --> 01:29:11,199
- Oo.
- Hinga nang malalim, tapos buga!

1555
01:29:11,200 --> 01:29:13,040
Buga!

1556
01:29:15,320 --> 01:29:20,400
Sige, Mo.
Di na gaya ng dati 'yong sigla mo, 'no?

1557
01:29:21,440 --> 01:29:22,959
Hindi ka na masayahin.

1558
01:29:22,960 --> 01:29:25,280
Oo, naapektuhan talaga 'yong mood ko.

1559
01:29:26,080 --> 01:29:29,039
- Iiyak na lang ako, hahagulhol.
- Nakakalungkot marinig 'yan.

1560
01:29:29,040 --> 01:29:29,880
Oo.

1561
01:29:30,480 --> 01:29:31,800
Mamumulat ka talaga

1562
01:29:32,400 --> 01:29:36,799
sa pwedeng mangyari sa mga tao,
sa ating lahat, lalo na sa kabataan.

1563
01:29:36,800 --> 01:29:39,319
Oo, tingin ko, nakakaalarma nga.

1564
01:29:39,320 --> 01:29:41,879
- Kasi 28 araw ko lang kinain 'to.
- Oo.

1565
01:29:41,880 --> 01:29:45,959
Kung nagpatuloy pa ako nang isang buwan
kahit gano'n na 'yong nararamdam ko…

1566
01:29:45,960 --> 01:29:49,399
- Tama. Mga teenager, isipin mo.
- Oo, tama.

1567
01:29:49,400 --> 01:29:52,199
Isipin mo,
di talaga nila naiintindihan 'to,

1568
01:29:52,200 --> 01:29:55,519
naipapaliwanag, o naiisip nang tama.

1569
01:29:55,520 --> 01:30:00,239
Sila… Kung ganito talaga sila kumain,

1570
01:30:00,240 --> 01:30:02,719
normal na sa kanila 'yong pakiramdam,

1571
01:30:02,720 --> 01:30:05,680
kasi di pa talaga sila nakakaranas ng iba.

1572
01:30:06,960 --> 01:30:10,879
Naaalala mo noong huli tayong nag-usap
tungkol sa genetic predisposition?

1573
01:30:10,880 --> 01:30:16,400
Dahil may family history ka
ng type 2 diabetes sa mama mo.

1574
01:30:19,000 --> 01:30:23,679
Tumaas 'yong diabetes test mo.

1575
01:30:23,680 --> 01:30:27,320
Thirty 'yon dati. Thirty-two na ngayon.

1576
01:30:29,160 --> 01:30:32,120
Hindi simpleng bagay
'yong pagtaas nang dalawa.

1577
01:30:32,800 --> 01:30:37,200
Siguradong dahil 'yon sa mga kinakain mo.

1578
01:30:38,120 --> 01:30:42,439
Kung ipagpapatuloy mo 'yan,
papunta ka na ro'n.

1579
01:30:42,440 --> 01:30:45,439
At silent assassin
'yong tawag namin sa diabetes.

1580
01:30:45,440 --> 01:30:47,319
Pwedeng mabulag 'yong mga tao.

1581
01:30:47,320 --> 01:30:49,639
- O maputulan ng kamay o paa.
- Okay.

1582
01:30:49,640 --> 01:30:52,999
'Yong totoo,
naaapektuhan no'n 'yong puso, utak, lahat.

1583
01:30:53,000 --> 01:30:56,120
- Talaga?
- Hindi 'yon simpleng sakit.

1584
01:30:57,280 --> 01:30:58,959
Wag kang mag-alala.

1585
01:30:58,960 --> 01:31:01,999
Lahat ng pinag-usapan natin,
maibabalik pa sa dati.

1586
01:31:02,000 --> 01:31:03,439
Talaga?

1587
01:31:03,440 --> 01:31:05,760
Kailangan mo talagang kumain nang tama.

1588
01:31:06,520 --> 01:31:07,959
- At mag-exercise.
- Oo.

1589
01:31:07,960 --> 01:31:11,599
Gusto ko lang bumalik
sa dati kong katawan at sarili.

1590
01:31:11,600 --> 01:31:15,119
Tama. Kung may maipapayo ako sa 'yo,

1591
01:31:15,120 --> 01:31:19,039
kumain ka ng maraming green vegetable,

1592
01:31:19,040 --> 01:31:23,959
o kaya uminom ng carrot juice o…
Maganda 'yon, seryoso.

1593
01:31:23,960 --> 01:31:28,880
Naku, Doc. Sino'ng gustong uminom
ng carrot juice bago matulog?

1594
01:31:30,560 --> 01:31:33,400
{\an8}PAGKALIPAS NG ANIM NA BUWAN

1595
01:31:39,480 --> 01:31:41,479
Hindi ko talaga kayang kumalma.

1596
01:31:41,480 --> 01:31:44,960
Pakiramdam ko,
gusto ko talaga 'tong pagkain,

1597
01:31:45,600 --> 01:31:48,560
at kung di ko tinahak ang landas na 'to,

1598
01:31:49,160 --> 01:31:51,440
di ko makikita 'yong kabilang side.

1599
01:31:52,640 --> 01:31:57,159
At pinagkakakitaan ito
ng maraming tao sa maraming paraan,

1600
01:31:57,160 --> 01:32:00,000
at di sila… Oo, di sila nananagot.

1601
01:32:00,600 --> 01:32:03,399
At nagalit ako ro'n, nainis.

1602
01:32:03,400 --> 01:32:06,280
Luma na 'yong salita, 'no?
Pero totoo. Nakakainis talaga.

1603
01:32:08,320 --> 01:32:10,839
Di totoo kung sasabihin ko
na di na ako kakain nito.

1604
01:32:10,840 --> 01:32:12,519
Uy, "Welcome sa Wing Fest."

1605
01:32:12,520 --> 01:32:13,679
Wing Fest.

1606
01:32:13,680 --> 01:32:16,999
Pero sigurado,
iba na 'yong magiging tingin ko.

1607
01:32:17,000 --> 01:32:19,479
Anong klaseng wings 'yong bibilhin mo?

1608
01:32:19,480 --> 01:32:20,639
Lahat, pare.

1609
01:32:20,640 --> 01:32:23,759
Oo, kasi gusto kong pumunta
sa jerk joint, di ba?

1610
01:32:23,760 --> 01:32:26,479
Pinakasimpleng magagawa mo,
wag masyadong kumain ng karne.

1611
01:32:26,480 --> 01:32:29,639
Lahat tayo, bawat isa sa atin,

1612
01:32:29,640 --> 01:32:33,479
dapat gawin 'yon,
at hindi 'yon dapat pagtalunan.

1613
01:32:33,480 --> 01:32:35,319
Ganito ako mamili.

1614
01:32:35,320 --> 01:32:38,879
Kung may di ako kilala pag binasa ko
'yong nasa likod, di ko kakainin 'yon.

1615
01:32:38,880 --> 01:32:40,480
Di ko bibilhin, di ko kakainin.

1616
01:32:41,760 --> 01:32:45,319
Kung ano'ng kinakain natin, 'yon tayo,
at marami sa mga sakit,

1617
01:32:45,320 --> 01:32:48,439
maiiwasan kung tama
'yong kinakain ng mga tao.

1618
01:32:48,440 --> 01:32:51,080
Kaya importante 'yong edukasyon.

1619
01:32:53,200 --> 01:32:56,959
Kailangang umayos ang brands na ito
at 'yong gobyerno natin

1620
01:32:56,960 --> 01:33:00,039
sa pagbibigay ng tamang impormasyon
sa consumers

1621
01:33:00,040 --> 01:33:02,520
para maintindihan natin
ang pumapasok sa katawan natin.

1622
01:33:03,600 --> 01:33:06,279
'Yong disenteng pagkain
na pinalaki nang maayos

1623
01:33:06,280 --> 01:33:12,560
at mabuti para sa kalikasan at kalusugan,
karapatan lang ng tao 'yon.

1624
01:33:13,160 --> 01:33:16,239
Di ko alam
kung paano ka nito maaapektuhan.

1625
01:33:16,240 --> 01:33:19,479
Baka magbago 'yong tingin mo
sa kinakain mo.

1626
01:33:19,480 --> 01:33:22,160
Pero 'yong pagsisimula pa lang
sa usapang 'to,

1627
01:33:22,880 --> 01:33:24,680
malaki na talaga 'yong magagawa.

1628
01:33:27,000 --> 01:33:28,999
Tugon ng Moy Park
sa mga punto ng pelikula,

1629
01:33:29,000 --> 01:33:31,959
"Pinapahalagahan namin ang mga hayop
at inaalagaan ang mga ibon…

1630
01:33:31,960 --> 01:33:35,439
"Pinaratangan kami matapos ang panloloob
sa Lincolnshire farm noong 2022.

1631
01:33:35,440 --> 01:33:38,239
"Sa pagsusuri ng ibang veterinary,
ang mga ibon ay malusog,

1632
01:33:38,240 --> 01:33:40,959
"natural ang mga kilos,
at maayos ang lagay.

1633
01:33:40,960 --> 01:33:43,079
"Di siksikan ang lahat ng farm namin,

1634
01:33:43,080 --> 01:33:46,039
"may natural na ilaw at pataba,
at regular na sinusuri ng iba.

1635
01:33:46,040 --> 01:33:50,480
"Tatlong beses kada araw kinukumusta
ang mga ibon at protektado namin sila."

1636
01:33:51,640 --> 01:33:53,639
Sabi ng Avara Foods:
"…90% ng UK population

1637
01:33:53,640 --> 01:33:56,239
"ang kumakain ng chicken
at tinutugunan namin iyon.

1638
01:33:56,240 --> 01:33:58,319
"Niluwagan namin ang broiler farms
noong 2025

1639
01:33:58,320 --> 01:34:00,879
"sa 30kg kada square meter,
mababa nang 23% para sa UK…

1640
01:34:00,880 --> 01:34:04,199
"Bilang amo at parte ng komunidad,
hangad naming mapabuti ang River Wye.

1641
01:34:04,200 --> 01:34:06,719
"Base sa mga paratang,
mali ang intindi sa negosyo

1642
01:34:06,720 --> 01:34:07,999
"at pagsasaka namin.

1643
01:34:08,000 --> 01:34:09,519
"Naniniwala kaming tama kami

1644
01:34:09,520 --> 01:34:11,480
"at di base sa science itong mga paratang.

1645
01:34:12,600 --> 01:34:15,679
Binigyan ang Tyson Foods at KFC
ng pagkakataong tumugon

1646
01:34:15,680 --> 01:34:18,880
sa mga punto ng pelikulang ito,
pero di sila nagsalita.

1647
01:34:20,000 --> 01:34:22,599
Noong 2019, sumali ang KFC
sa Better Chicken Commitment,

1648
01:34:22,600 --> 01:34:24,239
na sinusuri ng hiwalay na auditor,

1649
01:34:24,240 --> 01:34:26,559
at nangako sila
na mas aalagaan nila ang mga hayop

1650
01:34:26,560 --> 01:34:29,639
at di na gagamit ng fast-growing chickens
sa UK pagdating ng 2026.

1651
01:34:29,640 --> 01:34:33,120
Sumunod ang Popeyes, Nando's, at Wingstop

1652
01:34:33,640 --> 01:34:36,719
Umatras silang lahat noong February 2026

1653
01:34:36,720 --> 01:34:39,399
at nagtayo
ng Sustainable Chicken Forum (SCF).

1654
01:34:39,400 --> 01:34:41,439
na kinokontrol…

1655
01:34:41,440 --> 01:34:45,440
nila.

1656
01:34:46,000 --> 01:34:49,200
Pero lumalaban ang mga tao…

1657
01:34:50,080 --> 01:34:52,279
Kumusta? Ako si Mo Gilligan.

1658
01:34:52,280 --> 01:34:55,599
Kasama ko 'yong totoong Bite Back crew
sa labas ng Parliament.

1659
01:34:55,600 --> 01:34:58,959
Nangangampanya kami para sa mas patas
at masustansiyang pagkain.

1660
01:34:58,960 --> 01:35:02,719
Mangako sana kayong aayusin n'yo
'yong environmental policies n'yo

1661
01:35:02,720 --> 01:35:04,679
at poprotektahan ang mga ilog ng Britain.

1662
01:35:04,680 --> 01:35:07,319
Pinalaki talaga sa pastulan
'tong mga manok.

1663
01:35:07,320 --> 01:35:10,840
- Kalahati 'yong laki niya pagdating dito.
- Diyos ko. Wow.

1664
01:35:12,480 --> 01:35:14,559
Grabe!

1665
01:35:14,560 --> 01:35:16,799
Wow. Di pa ako nakahawak ng manok.

1666
01:35:16,800 --> 01:35:19,079
Ang ganda pala talagang tingnan nito.

1667
01:35:19,080 --> 01:35:20,240
{\an8}WAG AKONG IHALO SA HARINA

1668
01:36:14,120 --> 01:36:17,040
Nagsalin ng Subtitle:
Marionne Dominique Mancol



