1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.BZ

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.BZ

3
00:00:20,020 --> 00:00:21,063
Ellie!

4
00:00:27,361 --> 00:00:29,696
May mga pangalan sila, pero di ko alam.

5
00:00:31,490 --> 00:00:32,991
Masasabi iyon ng anak ko.

6
00:00:34,868 --> 00:00:36,870
Nalaman kong juror ako
sa paglilitis na ito

7
00:00:36,954 --> 00:00:40,415
nang makatanggap ako ng sulat
at binuksan ito.

8
00:00:41,583 --> 00:00:43,293
Pinakita ko sa nanay ko at sabi niya,

9
00:00:43,377 --> 00:00:46,588
"Diyos ko, mapapasali ka
sa paglilitis ni Murdaugh."

10
00:00:51,969 --> 00:00:54,596
Umpisahan natin sa trahedyang
nangyari sa Lowcountry.

11
00:00:54,680 --> 00:00:56,473
Dalawang tao, mag-ina, ang pinatay.

12
00:00:57,641 --> 00:01:00,018
Ngayon, naghahanap ng sagot
ang mga imbestigador.

13
00:01:00,102 --> 00:01:03,188
Ang mga biktima ay kabilang
sa maimpluwensyang pamilyang Murdaugh.

14
00:01:03,272 --> 00:01:05,065
May bagong update sa kaso ni Murdaugh.

15
00:01:05,148 --> 00:01:08,193
Dinala na sa kustodiya
si Alex Murdaugh ng mga awtoridad.

16
00:01:09,361 --> 00:01:12,322
Kinasuhan si Alex ng pagpatay
sa kanyang asawa't anak.

17
00:01:12,406 --> 00:01:13,657
Ang dami nang nangyari.

18
00:01:13,740 --> 00:01:15,200
Isinumpa yata ang pamilyang ito.

19
00:01:15,284 --> 00:01:18,078
Misteryo ng pagpatay
na gumimbal sa buong bansa.

20
00:01:18,161 --> 00:01:19,413
Kumuha si Alex ng hitman.

21
00:01:19,496 --> 00:01:20,664
May mga natutuhan tayo.

22
00:01:20,747 --> 00:01:22,249
Maraming gulo sa lumalaking kaso.

23
00:01:22,332 --> 00:01:26,545
Hinalang pagnanakaw ng milyun-milyong
dolyar mula sa insurance settlement.

24
00:01:26,628 --> 00:01:29,548
Bahagi lang ito
ng kakaibang kuwentong ito.

25
00:01:29,631 --> 00:01:32,467
Sinabi ng mga prosecutor na binaril
ni Murdaugh ang dalawa

26
00:01:32,551 --> 00:01:35,554
para matakpan ang kanyang
mga krimeng pinansiyal.

27
00:01:35,637 --> 00:01:39,141
Naging nakakabighaning kaso ito
na maraming hindi inaasahang pangyayari.

28
00:01:39,224 --> 00:01:42,144
Ang tinaguriang trial of the century
ng South Carolina.

29
00:01:42,227 --> 00:01:45,522
Mainit na balita mula sa South Carolina,
lumabas na ang hatol.

30
00:01:45,606 --> 00:01:47,691
Hinatulang guilty si Alex Murdaugh.

31
00:01:47,774 --> 00:01:49,151
-Guilty.
-Guilty.

32
00:01:49,818 --> 00:01:52,029
Nakumbinsi ako nang walang pag-aalinlangan

33
00:01:52,112 --> 00:01:55,657
na guilty siya, kaya guilty ang hatol ko.

34
00:01:56,450 --> 00:01:58,452
Akala ko tapos na ito.

35
00:01:58,535 --> 00:01:59,745
Isang matinding pasabog

36
00:01:59,828 --> 00:02:02,831
sa isa sa pinakamalalaking kaso
ng pagpatay sa South Carolina.

37
00:02:02,914 --> 00:02:06,001
Tatlong taon matapos ang hatol
na sinubaybayan ng marami,

38
00:02:06,084 --> 00:02:08,211
muling lilitisin si Alex Murdaugh.

39
00:02:08,295 --> 00:02:11,465
Nakatuon ang lahat sa mga aksiyon
ng county clerk noon,

40
00:02:11,548 --> 00:02:12,966
ang babaeng si Becky Hill.

41
00:02:13,050 --> 00:02:16,386
Natuklasan ng mga mahistrado
ang nakakagulat na panghihimasok sa hurado

42
00:02:16,470 --> 00:02:18,513
ng court clerk na si Becky Hill.

43
00:02:18,597 --> 00:02:22,225
Palakaibigan siyang tao.
Baka sobra lang siyang palakaibigan.

44
00:02:22,309 --> 00:02:25,312
Para siyang pang-13 na juror.

45
00:02:25,812 --> 00:02:27,397
Marami silang dapat ipaliwanag.

46
00:02:27,481 --> 00:02:31,318
At sinusubukan lang naming lampasan
ang lahat ng kasinungalingan.

47
00:02:39,034 --> 00:02:41,495
MAGSISI O MAMATAY
NASA IYO ANG DESISYON

48
00:02:44,581 --> 00:02:46,208
Ito ang Walter Street

49
00:02:46,291 --> 00:02:49,461
at kung titingin kayo rito,
makikita ninyo ang City Hall.

50
00:02:50,712 --> 00:02:53,632
Siyempre, makikita ninyo
ang mga palmetto tree rito.

51
00:02:53,715 --> 00:02:56,259
Sa South Carolina,
maraming makikitang palmetto.

52
00:02:57,552 --> 00:02:59,513
Ang dalawa naming
pinakamalalaking employer

53
00:02:59,596 --> 00:03:02,349
ay ang school district at ang ospital.

54
00:03:02,432 --> 00:03:06,561
Marami kaming agrikultura rito,
marami ring turismo.

55
00:03:06,645 --> 00:03:08,480
Napaka-welcoming ng bayang ito.

56
00:03:09,439 --> 00:03:11,441
Ang lugar kung saan magdadala ka ng tao,

57
00:03:11,525 --> 00:03:15,654
uupo sa balkonahe at iinom ng Coca-Cola,

58
00:03:15,737 --> 00:03:18,573
o isang baso ng iced tea,
at magkukuwentuhan.

59
00:03:19,366 --> 00:03:22,619
Lahat ng bagay na nagpapaganda
sa isang maliit na bayan.

60
00:03:24,871 --> 00:03:28,792
Sa tingin n'yo ba kilala ng mga tao
si Murdaugh bago ang lahat ng ito?

61
00:03:28,875 --> 00:03:31,753
Hindi nag-aral dito ang mga Murdaugh.

62
00:03:31,837 --> 00:03:33,588
Hindi sila lumaki rito.

63
00:03:33,672 --> 00:03:36,049
Hindi sila bahagi ng komunidad na ito.

64
00:03:36,133 --> 00:03:40,679
Pero dahil nangyari ang krimen
sa loob mismo ng county,

65
00:03:41,388 --> 00:03:43,849
nagkaroon ng paglilitis, kaya…

66
00:03:44,766 --> 00:03:48,103
Pero para mo na ring sinasabing,
"Kilala mo ba si Joe Biden?"

67
00:03:48,186 --> 00:03:51,064
At sasabihin ng lahat,
"Siyempre, kilala ko si Joe Biden,"

68
00:03:51,148 --> 00:03:53,692
pero karamihan ay di talaga siya kilala.

69
00:03:54,234 --> 00:03:56,236
At ganoon din siguro sa mga Murdaugh.

70
00:04:04,369 --> 00:04:07,456
Matapos ang halos
50 taong karera sa batas,

71
00:04:07,539 --> 00:04:10,542
makakatagpo ka talaga
ng mga kakaibang tao at kaso.

72
00:04:10,625 --> 00:04:11,752
BUMALIK KAYO NA MAY WARRANT.

73
00:04:11,835 --> 00:04:13,545
May mga nagbigay sa akin ng ahas.

74
00:04:13,628 --> 00:04:15,213
BASAGIN KUNG MAY EMERGENCY

75
00:04:16,214 --> 00:04:18,508
Hindi ko na nga maalala kung bakit.

76
00:04:20,969 --> 00:04:23,805
Sa tingin ko, may kinalaman ito
sa personalidad ko.

77
00:04:23,889 --> 00:04:27,851
At ang laging nandiyan na hyena

78
00:04:27,934 --> 00:04:31,688
na medyo kinaaaliwan ng mga kliyente ko.

79
00:04:31,772 --> 00:04:35,484
Sabi ko sa kanila, ganyan ang sinasapit
ng mga hindi nagbabayad.

80
00:04:36,902 --> 00:04:38,695
Maliit na estado ang South Carolina.

81
00:04:38,779 --> 00:04:42,991
Kaya maliit din ang bilang
ng mga abogado namin.

82
00:04:43,074 --> 00:04:47,037
At nagkaroon ako ng pagkakataong
makasama si Buster Murdaugh,

83
00:04:47,120 --> 00:04:50,207
ang lolo ni Alex Murdaugh.

84
00:04:51,166 --> 00:04:54,127
Siya ang solicitor ng circuit na iyon.

85
00:04:54,211 --> 00:04:57,839
Maganda ang pagkakakilala ko sa kanya
dahil isa ako sa mga prosecutor.

86
00:04:57,923 --> 00:05:01,009
Kaya uminom kami ng alak
at pumunta sa mga convention.

87
00:05:01,092 --> 00:05:04,054
At nang pumasok ako sa private practice,

88
00:05:04,137 --> 00:05:08,725
nandoon ako bilang defense lawyer,
kinakausap ang kaibigan kong si Buster.

89
00:05:10,185 --> 00:05:14,272
Mayroon silang malakas na law firm
na kamakailan lang pinalitan ng pangalan.

90
00:05:14,356 --> 00:05:18,568
Naging pangunahing law firm ito
sa bahaging iyon ng estado.

91
00:05:18,652 --> 00:05:22,113
Kaya lumaki ako bilang abogado
na kasama ang pamilya nila

92
00:05:22,197 --> 00:05:26,785
at nakikisalamuha sa kanila, at kilala ko
dati si Alex, o kilala ko pa rin siya.

93
00:05:29,287 --> 00:05:33,583
Pumunta ako sa Colleton County, iniisip
na tatlong linggong paglilitis lang ito.

94
00:05:33,667 --> 00:05:35,001
HUKUMAN NG COLLETON COUNTY

95
00:05:35,085 --> 00:05:37,462
At inabot ito ng anim na linggo.

96
00:05:37,546 --> 00:05:40,382
At naroon ako sa bawat sandali
ng bawat araw.

97
00:05:40,465 --> 00:05:44,886
Kaya kinontak ko ang court clerk
na si Becky Hill.

98
00:05:46,596 --> 00:05:50,141
At gumawa siya ng paraan
para maipagtabi ako ng upuan.

99
00:05:50,225 --> 00:05:55,772
Si Becky Hill ang court clerk
at trabaho nilang patakbuhin ang korte.

100
00:05:55,856 --> 00:05:59,109
Pero higit sa lahat,
pag nagsimula na ang paglilitis,

101
00:05:59,192 --> 00:06:03,363
tungkulin niyang tiyakin
ang pagkain at privacy ng mga juror

102
00:06:03,446 --> 00:06:07,909
at protektahan sila laban
sa anumang panghihimasok mula sa labas.

103
00:06:12,789 --> 00:06:15,417
Wala akong masyadong masasabi
tungkol kay Becky Hill.

104
00:06:15,500 --> 00:06:19,629
Sa tingin ko, marami nang nasabi
si Becky Hill para sa sarili niya.

105
00:06:19,713 --> 00:06:21,756
Ako si Rebecca "Becky" Hill…

106
00:06:21,840 --> 00:06:23,341
COURT CLERK NG COLLETON COUNTY

107
00:06:23,425 --> 00:06:25,343
…at tubong Walterboro ako.

108
00:06:25,427 --> 00:06:27,637
Mahal ko ang county at ang trabaho ko.

109
00:06:30,432 --> 00:06:34,644
Nakilala ko siya noong pumipili ng jury.

110
00:06:34,728 --> 00:06:38,023
Masigla siya at masayahin,
at pinagawa niya kami ng listahan

111
00:06:38,106 --> 00:06:43,069
ng mga inumin o anumang pastry
na gusto namin tuwing umaga,

112
00:06:43,153 --> 00:06:45,530
kaya akala namin palakaibigan siya.

113
00:06:45,614 --> 00:06:47,490
Baka masyado siyang palakaibigan.

114
00:06:47,574 --> 00:06:51,453
Palaging sinusubukang
maging sobrang matulungin.

115
00:06:52,287 --> 00:06:54,998
Ang layunin ninyo bilang mga juror

116
00:06:55,081 --> 00:06:59,210
ay pagdesisyunan ang mga katotohanan
sa kasong ito.

117
00:07:00,211 --> 00:07:02,631
Naisip kong nakakaintriga at kabaliwan

118
00:07:03,465 --> 00:07:07,427
na may taong kayang patayin
ang sarili niyang asawa at anak.

119
00:07:07,510 --> 00:07:12,474
Laging may dalawang panig ang isang kaso,
kaya kailangan mong tingnan nang buo.

120
00:07:13,141 --> 00:07:17,604
Araw-araw akong nasa jury room na iyon,
mas matagal pa kaysa sa trabaho.

121
00:07:17,687 --> 00:07:21,733
Bawal ninyong pag-usapan ang kaso
sa pamilya, kaibigan, o kahit kanino.

122
00:07:21,816 --> 00:07:24,361
May makikita kang mga kakilala mo
sa audience.

123
00:07:24,444 --> 00:07:25,820
Mga taga-media.

124
00:07:25,904 --> 00:07:29,074
May mga politiko, at mapapasabi ka
na lang ng, "Lintik."

125
00:07:29,157 --> 00:07:31,660
Ang armas ba na ginamit
sa pagpatay kay Maggie Murdaugh

126
00:07:31,743 --> 00:07:33,119
ay pag-aari ng pamilya niya?

127
00:07:33,203 --> 00:07:36,247
Hindi pa rin natatagpuan ang baril
na ginamit kay Maggie,

128
00:07:36,331 --> 00:07:39,125
pati na ang rifle ni Paul Murdaugh.

129
00:07:39,209 --> 00:07:41,544
Ang makita ang lahat ng larawan
at ebidensiya,

130
00:07:41,628 --> 00:07:44,255
hindi iyon karanasang nanaisin
ng kahit sino.

131
00:07:44,339 --> 00:07:47,884
Kapag pumikit ako, nakikita ko pa rin
ang mga litratong iyon.

132
00:07:47,968 --> 00:07:48,969
Nakakakilabot.

133
00:07:49,052 --> 00:07:52,305
Ngayong gabi, posibleng nasira na
ang alibi ni Alex Murdaugh

134
00:07:52,389 --> 00:07:54,516
dahil sa mismong video ng anak niya.

135
00:07:54,599 --> 00:07:57,769
Bago ang Snapchat video, di ako
sigurado kung ginawa niya iyon o hindi.

136
00:07:57,852 --> 00:08:00,563
Inilabas ng mga prosecutor
ang 58-second cellphone video

137
00:08:00,647 --> 00:08:03,108
na direktang sumasalungat
sa kuwento ni Alex Murdaugh.

138
00:08:03,191 --> 00:08:05,819
Nagpapatunay na naroon siya
sa lugar ng pagpatay.

139
00:08:05,902 --> 00:08:07,487
Halos sigurado akong siya iyon.

140
00:08:08,738 --> 00:08:13,284
Kung pakikinggan mo ang video,
nagtatawanan at nagbibiruan sila.

141
00:08:13,368 --> 00:08:15,620
Medyo napaisip ako roon.

142
00:08:19,040 --> 00:08:22,419
Paano naging patunay ang video na ito
na pinatay niya sila?

143
00:08:25,380 --> 00:08:27,549
Walang patid ang coverage na ito.

144
00:08:27,632 --> 00:08:30,343
Hindi pa sila nakakita ng ganitong
atensiyon mula sa media

145
00:08:30,427 --> 00:08:33,471
mula nang i-film
ang Forrest Gump noong 1994.

146
00:08:34,639 --> 00:08:38,893
Dinagsa ng buong mundo ang Walterboro.
May media kami mula sa lahat ng panig.

147
00:08:38,977 --> 00:08:42,022
Noong paglilitis, napuno ng tao
ang buong lugar na ito.

148
00:08:42,105 --> 00:08:46,693
At habang umuusad ang paglilitis,
lalong humaba ang pila.

149
00:08:46,776 --> 00:08:49,237
At habang pinapanood ito ng mga tao
sa telebisyon,

150
00:08:49,320 --> 00:08:52,449
nagsimula silang magpuntahan dito
mula sa iba't ibang lugar.

151
00:08:52,532 --> 00:08:55,910
At kung nakikita ninyo
ang bakanteng lugar na iyon doon,

152
00:08:55,994 --> 00:08:58,580
maraming miyembro ng media
ang nakapila roon.

153
00:08:58,663 --> 00:09:03,084
May mga tent sila, at 15 hanggang
20 satellite trucks dito.

154
00:09:03,710 --> 00:09:05,253
May mga food truck kami.

155
00:09:05,336 --> 00:09:06,838
May mga portable toilet.

156
00:09:06,921 --> 00:09:09,591
May tao na umuupa ng mga iyon,
at magaganda naman talaga.

157
00:09:09,674 --> 00:09:11,926
Taj Ma-Stalls ang tawag doon.

158
00:09:12,010 --> 00:09:14,804
Kaya may ilang Taj Ma-Stalls doon.

159
00:09:17,640 --> 00:09:22,812
Hanggang sa lumabas ang isyu
tungkol sa court clerk…

160
00:09:24,355 --> 00:09:27,233
umalis kaming maganda ang pakiramdam
sa ginawa namin,

161
00:09:27,317 --> 00:09:30,653
at mahusay ang naging trabaho namin.
Kaya proud kami.

162
00:09:33,031 --> 00:09:35,784
At ano ang isinasaad
ng dalawang rekord na iyon?

163
00:09:35,867 --> 00:09:38,078
Noong paglilitis,
hindi ako makapagdesisyon.

164
00:09:38,161 --> 00:09:42,415
Di ko talaga inisip kung,
"Guilty siya o hindi."

165
00:09:42,499 --> 00:09:44,167
Marami akong tanong.

166
00:09:44,250 --> 00:09:47,003
At kung hahatulan ko ng pagpatay
ang isang tao,

167
00:09:47,504 --> 00:09:50,256
kailangan ko ng higit pa
sa mga hinala at teorya.

168
00:09:50,340 --> 00:09:52,926
Ang ibig kong sabihin,
napakaraming "paano kung."

169
00:09:53,009 --> 00:09:57,305
Mr. Murdaugh, maaari po kayong
lumapit at tumayo sa harap ko,

170
00:09:57,388 --> 00:10:00,558
at Madam Clerk, maaari po ninyo
siyang panumpain.

171
00:10:00,642 --> 00:10:02,936
Noong araw na tetestigo si Alex,

172
00:10:03,019 --> 00:10:06,773
pumasok si Becky sa courtroom,
at excited siya.

173
00:10:06,856 --> 00:10:08,900
Makikita mo ito sa mukha niya.

174
00:10:08,983 --> 00:10:10,985
Nakapagpasiya ka na ba kung tetestigo ka?

175
00:10:11,069 --> 00:10:13,947
Tetestigo po ako. Gusto ko pong tumestigo.

176
00:10:14,030 --> 00:10:17,242
Sabi niya, "Diyos ko,
magiging matindi ang araw na ito.

177
00:10:17,325 --> 00:10:19,452
"Tetestigo si Alex."

178
00:10:20,036 --> 00:10:22,330
Sinabi niyang magiging sikat kaming lahat.

179
00:10:22,413 --> 00:10:24,833
Sabi niya pa,
"Pero gusto kong makinig kayong mabuti.

180
00:10:24,916 --> 00:10:30,088
"Kailangan ninyong bigyang-pansin
ang mga galaw at kilos ng katawan ni Alex.

181
00:10:30,588 --> 00:10:33,508
"Huwag kayong magpapaloko
sa sinasabi ng depensa.

182
00:10:33,591 --> 00:10:35,385
"Marami kayong maririnig."

183
00:10:36,302 --> 00:10:38,930
At nang sabihin niya iyon, napaisip ako.

184
00:10:39,013 --> 00:10:41,432
"Sinabi ba niyang magsisinungaling sila?"

185
00:10:43,518 --> 00:10:44,644
Magandang umaga po.

186
00:10:46,146 --> 00:10:49,440
Hindi pangkaraniwan. Mali iyon. Ito ay…

187
00:10:50,358 --> 00:10:54,946
Nahihirapan nga akong isipin
na may mag-aakalang

188
00:10:55,029 --> 00:10:58,324
hindi iyon magiging problema
para sa kanila.

189
00:10:58,408 --> 00:10:59,617
Mr. Murdaugh…

190
00:11:01,161 --> 00:11:02,453
noong ika-7 ng Hunyo…

191
00:11:03,413 --> 00:11:07,292
2021, kinuha mo ba ang baril na ito
o anumang baril na tulad nito,

192
00:11:07,792 --> 00:11:11,421
at ipinutok sa asawa mong si Maggie
na ikinamatay niya?

193
00:11:13,006 --> 00:11:16,718
Mr. Griffin, hindi ko binaril ang asawa ko
o ang anak ko kahit kailan.

194
00:11:17,218 --> 00:11:18,261
Kailanman.

195
00:11:20,513 --> 00:11:23,057
Ngayon, balita sa paglilitis ni Murdaugh.

196
00:11:23,141 --> 00:11:25,727
Makaraan ang anim na linggo
sa Colleton County courtroom,

197
00:11:25,810 --> 00:11:28,438
pinagdedesisyunan ng hurado
ang kapalaran ni Alex Murdaugh.

198
00:11:28,521 --> 00:11:30,064
Handa ang hurado na magpatuloy.

199
00:11:30,148 --> 00:11:33,568
Magugulat ako kung may hatol na
sa loob ng isang araw

200
00:11:33,651 --> 00:11:35,737
dahil komplikado ang kasong ito.

201
00:11:38,907 --> 00:11:40,200
Sa araw ng deliberasyon,

202
00:11:40,283 --> 00:11:43,786
nakausap ko sa telepono si Becky.

203
00:11:44,454 --> 00:11:48,082
Tinanong niya, "Nakapagdesisyon ka na ba
tungkol sa hatol?"

204
00:11:48,166 --> 00:11:49,125
Sabi ko, "Hindi."

205
00:11:49,209 --> 00:11:51,461
Gusto kong marinig ang lahat hanggang dulo

206
00:11:51,544 --> 00:11:53,671
bago ako magsimulang magpasiya.

207
00:11:54,172 --> 00:11:58,218
Tinanong niya kung bakit ko naisip
na inosente siya.

208
00:11:58,760 --> 00:12:01,554
Sabi ko, "Dahil walang mga murder weapon.

209
00:12:01,638 --> 00:12:03,723
"Nawawala pa rin ang mga baril."

210
00:12:03,806 --> 00:12:06,559
At sinabi niyang dapat alisin ko iyon
sa isip ko.

211
00:12:06,643 --> 00:12:08,811
Hindi na raw iyon makikita pa.

212
00:12:08,895 --> 00:12:11,439
Hindi ko masabi kung ano sana ang boto ko.

213
00:12:13,942 --> 00:12:16,611
Iyon ang umaga na tinanggal ako.

214
00:12:18,196 --> 00:12:23,284
Una sa lahat ngayong umaga,
kailangan nating harapin ang isyu tungkol…

215
00:12:25,203 --> 00:12:28,039
sa pagtanggal sa isang juror.

216
00:12:28,915 --> 00:12:32,543
May anonymous email daw
mula sa publiko na nagsasabing

217
00:12:32,627 --> 00:12:37,507
sinasabi ko raw ang tungkol sa paglilitis
sa labas ng korte.

218
00:12:39,634 --> 00:12:41,761
-At totoo ba?
-Hindi.

219
00:12:42,804 --> 00:12:45,181
Wala akong kinausap tungkol sa paglilitis.

220
00:12:45,265 --> 00:12:48,476
Salamat sa inyong serbisyo. Hindi ko…

221
00:12:49,435 --> 00:12:53,398
pinapahiwatig na sinadya ninyong
gumawa ng mali,

222
00:12:54,023 --> 00:12:58,444
ngunit upang mapanatili
ang integridad ng proseso

223
00:12:58,528 --> 00:13:01,114
at para maging patas
sa lahat ng partidong sangkot,

224
00:13:01,197 --> 00:13:06,744
papalitan namin kayo
ng isa sa iba pang mga juror.

225
00:13:08,705 --> 00:13:11,624
Dala ba ninyo ang lahat ng gamit ninyo?

226
00:13:11,708 --> 00:13:15,253
May naiwan ba kayong gamit doon?
Ano'ng mayroon kayo roon?

227
00:13:15,336 --> 00:13:17,505
-Isang dosenang itlog po.
-Pakiulit nga.

228
00:13:17,588 --> 00:13:19,674
-Isang dosenang itlog.
-"Isang dosenang itlog"?

229
00:13:19,757 --> 00:13:20,842
Opo.

230
00:13:23,219 --> 00:13:28,099
Nang tanggalin ako sa korte,
nakilala ako bilang juror 785,

231
00:13:28,182 --> 00:13:31,602
o mas kilala sa publiko
bilang "Egg Juror."

232
00:13:35,273 --> 00:13:40,069
Pambihirang mangyari iyon,
na tanggalin ang isang juror…

233
00:13:41,279 --> 00:13:44,657
isang oras bago sana ibigay ang kaso

234
00:13:44,741 --> 00:13:47,827
sa kanya at sa 11 pang juror na naupo roon

235
00:13:47,910 --> 00:13:49,996
na nakinig sa buong paglilitis.

236
00:13:51,039 --> 00:13:54,292
Kaya nagtaka ang lahat
kung ano na ang nangyayari.

237
00:13:56,294 --> 00:14:00,506
Pumasok kami sa deliberasyon
at excited ang lahat.

238
00:14:00,590 --> 00:14:06,512
Bumoto muna kami
at siyam sa amin ang nagsabing guilty.

239
00:14:07,096 --> 00:14:11,934
Dalawa ang nagsabing hindi guilty,
at isa sa amin ang hindi desidido.

240
00:14:13,227 --> 00:14:15,355
Kaya kailangan pa naming mag-deliberate.

241
00:14:16,522 --> 00:14:18,733
Kinailangan ulit suriin
ang mga ebidensiya.

242
00:14:18,816 --> 00:14:22,945
Tiningnan namin ang mga baril.
Ang Snapchat video.

243
00:14:23,029 --> 00:14:25,365
-Halika rito, Bubba!
-Saluhin mo, bilis.

244
00:14:25,448 --> 00:14:27,116
Nagulat ang lahat.

245
00:14:27,825 --> 00:14:31,496
Sa tingin ko, mas naririnig nila ito
nang maayos sa jury room,

246
00:14:31,579 --> 00:14:34,749
kaya mas nakakapagbigay sila ng atensiyon.

247
00:14:34,832 --> 00:14:37,335
At sa tingin ko, binago ng Snapchat video…

248
00:14:38,002 --> 00:14:39,962
ang boto nila.

249
00:14:40,671 --> 00:14:44,675
Noong July 2022,

250
00:14:44,759 --> 00:14:48,262
ang estado laban kay Richard
Alexander Murdaugh, nasasakdal,

251
00:14:48,346 --> 00:14:51,933
akusado sa pagpatay, guilty ang hatol,

252
00:14:52,016 --> 00:14:56,104
nilagdaan ng forelady, 3-2-23.

253
00:14:56,187 --> 00:14:58,147
Paano mo napatay ang asawa't anak mo?

254
00:14:58,231 --> 00:15:00,650
-Ano'ng masasabi mo sa hatol?
-Ba't ka nagsinungaling?

255
00:15:00,733 --> 00:15:02,318
May nagbabagang balita.

256
00:15:02,402 --> 00:15:06,364
Guilty si Alex Murdaugh sa pagpatay
sa asawa't 22-anyos na anak.

257
00:15:06,447 --> 00:15:07,865
Heto ang balita.

258
00:15:07,949 --> 00:15:10,618
-Matapos ang tatlong oras ng deliberasyon…
-Tatlong oras.

259
00:15:10,701 --> 00:15:14,163
Tatlong oras para mahatulang guilty
si Alex Murdaugh.

260
00:15:14,247 --> 00:15:18,793
Pinatutunayan ng hatol ngayon
na walang sinuman, kahit sino ka pa,

261
00:15:18,876 --> 00:15:20,128
ang nakatataas sa batas.

262
00:15:22,213 --> 00:15:23,131
Salamat.

263
00:15:23,214 --> 00:15:26,050
Matapos ang hatol ng jury,

264
00:15:26,134 --> 00:15:31,347
ang interes ng publiko ay tumaas
mula 70 hanggang 200.

265
00:15:31,431 --> 00:15:33,433
Maraming hindi malinaw sa kasong ito.

266
00:15:33,516 --> 00:15:36,519
Tingin ko talaga, walang sapat
na ebidensiya para mahatulan siya.

267
00:15:36,602 --> 00:15:38,396
Sana mabulok siya sa kulungan.

268
00:15:38,479 --> 00:15:40,398
Ramdam n'yo rin ba na ang buhay n'yo

269
00:15:40,481 --> 00:15:42,400
ay umiikot sa paglilitis ni Murdaugh?

270
00:15:42,483 --> 00:15:45,736
Pagkatapos ng paglilitis, kinontak ako
ng napakaraming tao.

271
00:15:45,820 --> 00:15:47,405
Nakasama ko si Dr. Phil.

272
00:15:47,947 --> 00:15:50,575
Pinag-aaralan namin ang body language
ni Alex Murdaugh.

273
00:15:50,658 --> 00:15:52,076
At Good Morning America.

274
00:15:52,160 --> 00:15:54,579
Juror Craig Moyer,
binasag ang pananahimik.

275
00:15:54,662 --> 00:15:58,249
Kasama natin ngayon sina James McDowell,
Gwen Generette, at Amie Williams.

276
00:15:58,332 --> 00:15:59,584
Magandang umaga sa inyo.

277
00:15:59,667 --> 00:16:03,087
Hulaan n'yo kung sino'ng nagsalita?
Nagkomento rin si OJ Simpson.

278
00:16:03,171 --> 00:16:06,841
Pumunta ako sa Murdaugh auction,
at ito ang binili ko.

279
00:16:06,924 --> 00:16:09,719
May isang babae na nagbayad
ng malaking halaga para sa vacuum

280
00:16:09,802 --> 00:16:12,138
na puno pa ng dumi mula sa bahay nila.

281
00:16:12,221 --> 00:16:13,097
Grabe.

282
00:16:13,181 --> 00:16:15,308
Bigla na lang, "Boom."

283
00:16:22,857 --> 00:16:25,526
Pagkatapos ng paglilitis, lumaki ang isyu…

284
00:16:26,652 --> 00:16:29,447
tungkol sa mga nangyari, at lahat…

285
00:16:29,530 --> 00:16:34,494
Gusto nilang gumawa ng kuwento,
at ayaw kong makisali rito.

286
00:16:38,164 --> 00:16:43,211
Umabot ako sa puntong
kailangan kong magpatingin sa counselor

287
00:16:43,294 --> 00:16:46,047
na tumulong sa aking harapin

288
00:16:46,130 --> 00:16:50,551
ang ilang social media posts
na ipinakalat tungkol sa akin.

289
00:16:51,469 --> 00:16:56,307
Mga bobong komento na hindi ko alam
kung saan nila nakukuha.

290
00:16:56,390 --> 00:16:58,601
Pero nakakatawa rin.

291
00:16:58,684 --> 00:17:02,563
Ang dami kong nabasa tungkol sa akin
na di ko na kilala kung sino ako.

292
00:17:04,398 --> 00:17:06,901
Gusto niyang mabawi
ang buhay at privacy niya.

293
00:17:06,984 --> 00:17:09,779
Kaya ang unang responsibilidad ko sa kanya

294
00:17:09,862 --> 00:17:12,573
at para sa pangalawang juror, si Juror Z…

295
00:17:13,407 --> 00:17:17,662
ay ilayo ang media sa kanila.
At habang nag-uusap kami,

296
00:17:17,745 --> 00:17:23,459
mas marami akong nalaman
sa mga nangyari sa likod ng eksena.

297
00:17:23,543 --> 00:17:26,629
At labis ko itong ikinabahala, at alam ko…

298
00:17:27,880 --> 00:17:28,881
na…

299
00:17:29,757 --> 00:17:34,720
nag-uusap ang mga abogado ng depensa
tungkol sa pakikipanayam sa mga hurado.

300
00:17:34,804 --> 00:17:38,975
Humihingi ng bagong paglilitis
ang mga abogado ni Alex Murdaugh

301
00:17:39,058 --> 00:17:41,394
at pederal na imbestigasyon
dahil sa alegasyon

302
00:17:41,477 --> 00:17:44,230
na nakialam sa jury ang isang court clerk.

303
00:17:44,313 --> 00:17:48,484
Naghain sila ng mosyon para sa bagong
paglilitis dahil sa panghihimasok sa jury.

304
00:17:48,568 --> 00:17:52,238
At humantong iyon sa pambihirang pagdinig.

305
00:17:54,323 --> 00:17:55,449
Maupo na po kayo.

306
00:17:57,743 --> 00:18:01,289
Juror Z, narinig mo ba si Ms. Becky Hill

307
00:18:01,372 --> 00:18:05,084
na nagkomento tungkol sa kasong ito
bago ang inyong hatol?

308
00:18:05,751 --> 00:18:08,504
-Opo, ma'am.
-Ano'ng sinabi ni Ms. Hill?

309
00:18:11,215 --> 00:18:12,466
Na bantayan ang kilos niya.

310
00:18:12,550 --> 00:18:13,467
BOSES NI JUROR Z

311
00:18:13,551 --> 00:18:15,177
Na bantayan ang kilos niya.

312
00:18:15,678 --> 00:18:16,721
Ano pa?

313
00:18:18,431 --> 00:18:21,726
-Na bantayan siyang mabuti.
-Na bantayan siyang mabuti.

314
00:18:21,809 --> 00:18:23,311
Ang inyo bang hatol ay…

315
00:18:24,854 --> 00:18:28,608
naimpluwensiyahan sa anumang paraan
ng mga sinabi

316
00:18:28,691 --> 00:18:30,943
ng court clerk sa kasong ito?

317
00:18:31,027 --> 00:18:32,111
Opo, ma'am.

318
00:18:32,194 --> 00:18:34,614
Pinalabas niyang guilty na agad siya.

319
00:18:37,158 --> 00:18:40,244
Salamat, Your Honor.
Tinatawag ng estado si Rebecca Hill.

320
00:18:44,749 --> 00:18:45,875
Ikaw ba…

321
00:18:46,626 --> 00:18:51,339
ay nakipag-ugnayan sa sinumang juror
para impluwensiyahan ang pananaw nila

322
00:18:51,422 --> 00:18:54,008
sa mga katotohanan
sa kasong State laban kay Murdaugh?

323
00:18:54,091 --> 00:18:55,343
Hindi po.

324
00:18:55,426 --> 00:18:58,888
Sinabihan mo ba ang jury kailanman
na "huwag magpalinlang"

325
00:18:58,971 --> 00:19:01,974
sa ebidensiyang iniharap
ng mga abogado ni Mr. Murdaugh?

326
00:19:02,058 --> 00:19:03,225
Hindi po.

327
00:19:03,309 --> 00:19:06,103
Inutusan mo ba kailanman ang jury

328
00:19:06,187 --> 00:19:08,689
na bantayan siyang mabuti
at tingnan ang mga kilos niya?

329
00:19:08,773 --> 00:19:10,274
Hindi po.

330
00:19:10,358 --> 00:19:14,945
Inutusan o sinabihan mo ba ang jury
na tingnan ang kanyang mga galaw?

331
00:19:15,029 --> 00:19:16,030
Hindi po.

332
00:19:16,113 --> 00:19:19,492
May anumang bagay ba sa mga linyang iyon
na sinadyang maimpluwensiyahan

333
00:19:19,575 --> 00:19:22,370
-ang mga juror laban kay Mr. Murdaugh?
-Wala po.

334
00:19:25,706 --> 00:19:30,211
NAGBITIW SI BECKY HILL BILANG COURT CLERK
NG COLLETON COUNTY NOONG MARSO 2024.

335
00:19:30,294 --> 00:19:32,004
BINAWI NG SOUTH CAROLINA SUPREME COURT
ANG HATOL KAY MURDAUGH

336
00:19:32,088 --> 00:19:33,964
NOONG MAY 13, 2026, MAY TESTIMONYA
SA "NAKAKAGULAT NA PANGINGIALAM" NI HILL

337
00:19:34,048 --> 00:19:37,218
Sana magsalita siya at sabihin ang totoo
kung bakit niya ginawa iyon.

338
00:19:37,301 --> 00:19:40,346
Wala akong ibang hangad
kundi ang magsabi siya ng katotohanan.

339
00:19:40,429 --> 00:19:45,017
Kabilang sa mga dahilan na inihain ay ang…

340
00:19:45,726 --> 00:19:51,065
Ginawa niya ang lahat dahil may problema
siya sa mga Murdaugh.

341
00:19:51,148 --> 00:19:55,027
Isa pang teorya ay ang lahat ng ito
ay tungkol sa librong isinusulat niya,

342
00:19:55,111 --> 00:20:00,324
na inakala niyang ang conviction
ang ending na makakapagbenta ng libro.

343
00:20:07,957 --> 00:20:10,209
Ito ang trialwatchers.com,

344
00:20:10,292 --> 00:20:14,755
at sinusubukan naming ipagdiwang
ang mga fan ng true crime sa buong bansa.

345
00:20:15,381 --> 00:20:18,926
At nagdesisyon kaming mag-focus
sa paglilitis kay Murdaugh.

346
00:20:19,719 --> 00:20:22,596
Una kong narinig ang pangalang Becky

347
00:20:22,680 --> 00:20:24,390
habang nakapila ako sa courthouse.

348
00:20:24,473 --> 00:20:26,267
TAGASUBAYBAY NG PAGLILITIS

349
00:20:26,350 --> 00:20:28,269
Sabi niya, gusto niyang magsulat ng libro.

350
00:20:28,352 --> 00:20:32,815
At sabi ko, "Ipapakilala kita sa asawa ko.
Dati siyang newscaster."

351
00:20:32,898 --> 00:20:35,151
Nasa isip na niya ang pamagat ng libro.

352
00:20:35,234 --> 00:20:36,527
TAGASUBAYBAY NG PAGLILITIS

353
00:20:36,610 --> 00:20:38,904
Alam na niya ang gusto niyang focus,

354
00:20:38,988 --> 00:20:42,241
na ilagay ang isang tao
sa likod ng kurtina

355
00:20:42,324 --> 00:20:45,327
sa tinaguriang trial of the century.

356
00:20:45,411 --> 00:20:49,623
Gusto nila ng autograph namin.
Gusto nila ng autograph ng mga bailiff.

357
00:20:49,707 --> 00:20:53,127
Madalas kaming mag-usap ni Becky,
halos bawat ibang araw.

358
00:20:53,210 --> 00:20:54,503
Nagme-meeting kami sa Zoom.

359
00:20:54,587 --> 00:20:59,175
Nakahiga ako gamit ang neck pillow
na parang nasa eroplano ako,

360
00:20:59,258 --> 00:21:02,136
at tatanungin ko siya
ng iba't ibang tanong,

361
00:21:02,219 --> 00:21:06,599
titipunin ang lahat ng impormasyon
at gagawa ako ng rough draft.

362
00:21:06,682 --> 00:21:10,311
Parang nakikilala po ba nila kayo
bilang ang taong nagbasa ng hatol?

363
00:21:10,853 --> 00:21:11,729
Oo.

364
00:21:11,812 --> 00:21:15,733
Sasabihin nilang,
"Ikaw ang nagbasa ng hatol." Opo.

365
00:21:17,818 --> 00:21:22,031
Kaya nai-publish namin ito
sa loob ng humigit-kumulang apat na buwan.

366
00:21:24,450 --> 00:21:28,120
Nasa unahang pwesto si Becky Hill
araw-araw sa paglilitis na iyon.

367
00:21:28,204 --> 00:21:31,207
May pupuntahan akong book tour

368
00:21:31,290 --> 00:21:36,295
sa susunod na 14 na araw ito,
kaya abangan kung saan ako pupunta.

369
00:21:36,378 --> 00:21:40,841
Nagkaroon ng book event,
at umabot ang pila paikot sa buong gusali.

370
00:21:40,925 --> 00:21:45,095
At tuwing umaga, papasok si Alex
at sasabihing, "Good morning, Miss Becky."

371
00:21:45,179 --> 00:21:50,935
Nakapagbenta kami ng 250 libro
sa tatlong oras at pinirmahan niya lahat

372
00:21:51,018 --> 00:21:56,524
at nakipag-usap sa mga tao.
Isa siya sa kanila. Mga tao niya iyon.

373
00:21:57,399 --> 00:22:01,237
Kaya pakiramdam namin
ay natural lang talaga siyang nadala.

374
00:22:02,238 --> 00:22:05,449
May mga bagay noong panahong iyon,
kung babalikan…

375
00:22:08,410 --> 00:22:09,578
na baka…

376
00:22:11,121 --> 00:22:15,292
labis kaming nagbabahagi minsan,
at napaisip ako.

377
00:22:15,918 --> 00:22:20,256
Ang lahat ng nakasalamuha natin
ay 100 percent naniniwalang guilty siya.

378
00:22:20,339 --> 00:22:21,340
Talaga?

379
00:22:21,423 --> 00:22:24,718
Wala pa tayong nakilalang
nag-iisip na inosente siya.

380
00:22:27,888 --> 00:22:30,307
Sa crime scene, nang lahat
ng hurado at si Becky…

381
00:22:30,391 --> 00:22:31,892
MARSO 1, 2023
PAGBISITA NG MGA JURY SA CRIME SCENE

382
00:22:31,976 --> 00:22:35,563
…at lahat ng abogado ay pumunta roon
at naglakad-lakad,

383
00:22:35,646 --> 00:22:38,649
at ipinaliwanag niya
kung gaano iyon nakakakilabot.

384
00:22:38,732 --> 00:22:40,734
Sama-sama kaming mga babae noon,

385
00:22:40,818 --> 00:22:43,946
at naglakad kami papunta
sa kung saan nakahandusay si Maggie.

386
00:22:44,029 --> 00:22:45,239
BOSES NI BECKY HILL

387
00:22:45,322 --> 00:22:48,534
Nagkatinginan kaming lahat
at mahina kaming nagsalita.

388
00:22:49,034 --> 00:22:52,538
"Dito siya naroon.
Ito ang mga huling sandali niya."

389
00:22:55,875 --> 00:23:01,589
Ano kaya ang naisip niya
nang makita ang anak na sabog ang ulo,

390
00:23:01,672 --> 00:23:05,175
dahil siguradong nakita niya iyon
bago siya ang binalingan,

391
00:23:05,259 --> 00:23:07,887
at pagkatapos ay nalaman
kung sino ang may gawa.

392
00:23:08,554 --> 00:23:12,725
Isinulat ni Becky, "Bilang court clerk,
dapat kaming maging neutral."

393
00:23:13,350 --> 00:23:17,479
Pero habang pabalik kami sa courthouse,

394
00:23:17,563 --> 00:23:20,232
nang may ilang opisyal ng korte
sa sasakyan,

395
00:23:20,774 --> 00:23:24,778
pinag-usapan nila
ang kanilang mga nasaksihan.

396
00:23:24,862 --> 00:23:31,201
At bilang karaniwang tao, sinabi niyang
lahat kami ay naniniwalang guilty si Alex.

397
00:23:31,285 --> 00:23:34,914
-At iyon ang sinabi niya sa amin.
-At nasa libro iyon.

398
00:23:35,789 --> 00:23:39,043
Siya ang court clerk, pero pakiramdam ko

399
00:23:39,126 --> 00:23:42,755
na para siyang pang-13 na juror,

400
00:23:42,838 --> 00:23:45,341
at nakikinig siya sa testimonya,

401
00:23:45,424 --> 00:23:49,470
at parang bumubuo siya ng sarili
niyang desisyon habang nagpapatuloy ito.

402
00:24:06,820 --> 00:24:07,905
Okay.

403
00:24:08,447 --> 00:24:14,036
Ngayon, naghain kami ng kaso sa ngalan
ni Richard Alexander Murdaugh Sr

404
00:24:14,119 --> 00:24:16,205
laban kay Rebecca Hill.

405
00:24:16,288 --> 00:24:19,208
Sa desisyon ng Korte Suprema
ng South Carolina,

406
00:24:19,291 --> 00:24:23,963
napagpasiyahan na pinagkaitan niya siya
ng karapatan sa isang patas na paglilitis.

407
00:24:24,046 --> 00:24:26,548
Marami kaming tanong
na nais naming masagot.

408
00:24:27,466 --> 00:24:29,093
Mag-isa lang ba siya?

409
00:24:29,927 --> 00:24:36,225
Sinasabi ko sa inyo, ang pagtanggal
sa "Egg Lady" juror ay kahina-hinala.

410
00:24:36,308 --> 00:24:39,645
Ang paraan ng pag-target
sa kanya, talagang…

411
00:24:42,064 --> 00:24:43,399
nakapagtataka.

412
00:24:44,733 --> 00:24:47,236
Sana malaman ninyo ang totoo tungkol doon.

413
00:24:48,112 --> 00:24:50,614
Trabaho ng depensa na guluhin ang usapan,

414
00:24:51,240 --> 00:24:53,200
maglabas ng maraming conspiracy theories,

415
00:24:53,283 --> 00:24:55,744
at ilihis ang isip ng mga tao
sa lahat ng bagay

416
00:24:55,828 --> 00:24:57,913
maliban sa mga katotohanan ng kaso.

417
00:24:59,331 --> 00:25:02,876
Kabilang ako sa Murdaugh trial
bilang state attorney general.

418
00:25:03,585 --> 00:25:06,088
Naniniwala akong tama
ang ginawa namin, una pa lang.

419
00:25:06,171 --> 00:25:08,173
Hindi namin kasalanan na nabaligtad ito.

420
00:25:08,257 --> 00:25:09,717
Ayon mismo sa Korte Suprema,

421
00:25:09,800 --> 00:25:12,428
iisang tao lamang
ang may pananagutan dito.

422
00:25:12,511 --> 00:25:15,347
Iyon ay ang Court Clerk
ng Colleton County, si Becky Hill.

423
00:25:15,431 --> 00:25:17,182
Kita namang wala kaming alam do'n.

424
00:25:17,266 --> 00:25:21,520
Nang malaman namin, ipinadala ko ang kaso
sa isang independent prosecutor

425
00:25:21,603 --> 00:25:25,441
na nagpasiyang hindi naaangkop
ang ginawa ni Ms. Hill,

426
00:25:25,524 --> 00:25:28,485
ngunit isa itong harmless error
kaugnay ng conviction.

427
00:25:28,569 --> 00:25:30,362
Pero iba ang pasiya ng Korte Suprema,

428
00:25:30,446 --> 00:25:32,448
kaya kikilos kami ayon doon.

429
00:25:33,198 --> 00:25:35,826
Nitong weekend, nalaman naming
ang Attorney General

430
00:25:35,909 --> 00:25:39,913
ay inanunsiyo na pinag-iisipan niyang
humingi ng death penalty para dito.

431
00:25:39,997 --> 00:25:42,041
Malamang kausap niya
ang mga consultant niya

432
00:25:42,124 --> 00:25:45,461
na akala'y magandang soundbite iyon
para sa kampanya niya.

433
00:25:45,544 --> 00:25:49,006
At nakita namin ang prosesong ito
mula pa sa simula ng kaso,

434
00:25:49,089 --> 00:25:54,720
kung saan mas inuuna ni Alan Wilson
ang politika kaysa sa pagiging prosecutor.

435
00:25:55,345 --> 00:25:57,598
Marami silang dapat ipaliwanag.

436
00:25:57,681 --> 00:26:01,351
Oo, kandidato ako sa pagka-gobernador,
pero ang papel ko bilang attorney general

437
00:26:01,435 --> 00:26:04,313
ay ihanda ang lahat
para sa susunod na paglilitis.

438
00:26:04,396 --> 00:26:06,982
Ang pagbaligtad ng Korte Suprema
sa ganitong kaso

439
00:26:07,066 --> 00:26:09,610
ay malamang maaapektuhan
ang trial strategies ng lahat

440
00:26:09,693 --> 00:26:11,987
dahil isa itong pelikula
na napanood na ng lahat.

441
00:26:12,071 --> 00:26:14,406
Parang jump scare,
alam mo na ang mangyayari.

442
00:26:14,490 --> 00:26:16,950
At kung magsisimula ulit kami sa simula,

443
00:26:17,993 --> 00:26:20,662
isasaalang-alang at susuriin
namin ang lahat.

444
00:26:20,746 --> 00:26:23,040
Maraming naniniwala
pag may pera't kapangyarihan ka,

445
00:26:23,123 --> 00:26:24,124
iba ang batas mo.

446
00:26:24,208 --> 00:26:27,169
Kung wala ka,
iba rin ang magiging batas mo.

447
00:26:27,252 --> 00:26:29,671
Sinasabi ng mga tao na imposibleng

448
00:26:29,755 --> 00:26:31,882
mahatulan ang tulad niya
sa South Carolina.

449
00:26:31,965 --> 00:26:35,094
Nagawa na namin 'yan dati
at magagawa din namin 'yon ulit.

450
00:26:37,888 --> 00:26:40,015
NANANATILI SA KUSTODIYA SI ALEX MURDAUGH,

451
00:26:40,099 --> 00:26:43,268
NA NAGSISILBI NG 40-TAONG FEDERAL SENTENCE
PARA SA MGA KRIMENG PINANSIYAL.

452
00:26:43,352 --> 00:26:45,896
MAAARING HINDI MAGSIMULA ANG PANGALAWANG
MURDAUGH TRIAL HANGGANG 2027,

453
00:26:45,979 --> 00:26:50,109
ANIM NA TAON MATAPOS PATAYIN
ANG KANYANG ASAWA AT ANAK.

454
00:26:50,692 --> 00:26:53,362
UMAMIN SI BECKY HILL NA GUILTY
SA APAT NA KASONG FELONY—

455
00:26:53,445 --> 00:26:56,740
KABILANG ANG MISCONDUCT IN OFFICE,
OBSTRUCTION OF JUSTICE, AT PERJURY—

456
00:26:56,824 --> 00:26:59,159
AT HINATULAN NG TATLONG TAONG PROBATION.

457
00:26:59,243 --> 00:27:03,205
HINDI SIYA KINASUHAN NG JURY TAMPERING.

458
00:27:03,288 --> 00:27:07,251
TUMANGGING MAGKOMENTO
ANG MGA ABOGADO NI HILL.

459
00:27:13,590 --> 00:27:17,302
Isang naisip ko
ay kung gaano karami ang biktima

460
00:27:17,386 --> 00:27:18,512
sa lahat ng ito.

461
00:27:18,595 --> 00:27:21,390
Hindi lang pamilya ni Alex.

462
00:27:21,473 --> 00:27:24,476
Napakadaming ibang taong naapektuhan.

463
00:27:35,154 --> 00:27:39,658
Nag-alala ang asawa ko sa akin
dahil nagsisimula na akong bumigay.

464
00:27:39,741 --> 00:27:45,289
Nakakausap ko siya,
pero hindi iyon katulad

465
00:27:45,372 --> 00:27:49,835
ng pagkakaroon ng taong talagang
kayang himayin

466
00:27:49,918 --> 00:27:54,006
at magpaliwanag kung paano ako makakausad.

467
00:27:59,678 --> 00:28:00,804
Gusto mo ba?

468
00:28:00,888 --> 00:28:02,014
Ayos lang ako.

469
00:28:04,349 --> 00:28:05,434
Masyadong mabigat.

470
00:28:14,818 --> 00:28:18,363
Maluwag sa pakiramdam na di na ako
bahagi ng pangalawang paglilitis.

471
00:28:20,866 --> 00:28:23,619
Hindi ko alam.
Tingin ko, pinalalaki lang nila

472
00:28:23,702 --> 00:28:24,953
nang husto ang lahat.

473
00:28:28,373 --> 00:28:30,834
Di ko maalalang may nag-usap
tungkol sa pangingialam

474
00:28:30,918 --> 00:28:34,087
o pag-iimpluwensya sa kahit sino.

475
00:28:37,090 --> 00:28:40,677
May mga pagkakataong hinihiling kong
sana di na lang ako nasangkot.

476
00:28:40,761 --> 00:28:43,764
Sabi ko, "Diyos ko,
pinag-uusapan pa rin nila ito."

477
00:28:43,847 --> 00:28:45,015
Nagpapatuloy ang kuwento…

478
00:28:45,098 --> 00:28:47,142
Pangalawang pagkakataong harapin…

479
00:28:47,226 --> 00:28:49,937
Magkakaroon ng bagong jury.
Hindi ito ang dating jury.

480
00:28:50,020 --> 00:28:52,689
Mapapawalang-sala kaya si Alex Murdaugh

481
00:28:52,773 --> 00:28:55,901
sa pagpatay sa asawa't anak niya
sa muling paglilitis?

482
00:28:57,277 --> 00:29:01,406
Sisisihin ko siguro si Murdaugh.
Ibig kong sabihin…

483
00:29:02,407 --> 00:29:04,826
Wala nang ibang dapat sisihin kundi siya.

484
00:29:06,662 --> 00:29:12,042
Lalo na kung guilty siya,
na buong puso kong pinaniniwalaan,

485
00:29:12,584 --> 00:29:15,254
pero tingnan pa rin natin.



