1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.BZ

2
00:00:07,382 --> 00:00:09,926
Hi, guys. Ready na ba kayo?

3
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.BZ

4
00:00:10,927 --> 00:00:11,761
Okay.

5
00:00:12,595 --> 00:00:14,848
Ladies, gentlemen, mga kaibigan,

6
00:00:14,931 --> 00:00:18,852
palakpakan natin si Sheng Wang!

7
00:00:39,664 --> 00:00:42,417
Kumusta, DC?

8
00:00:46,296 --> 00:00:47,672
Grabe.

9
00:00:49,466 --> 00:00:51,634
Salamat sa pagpunta n'yo.

10
00:00:51,718 --> 00:00:55,388
Salamat sa pag-imbita sa 'kin.
Sana okay lang kayo.

11
00:00:55,472 --> 00:00:57,057
Okay na okay naman ako.

12
00:00:57,140 --> 00:00:59,851
Sinusubukan kong kumain
ng mas maraming berries.

13
00:01:00,602 --> 00:01:03,813
Sobrang passionate ko sa antioxidants.

14
00:01:04,522 --> 00:01:07,525
Weird nga, e.
Di ko naman alam kung ano 'yong oxidants.

15
00:01:07,609 --> 00:01:10,195
Basta ang alam ko, tutol ako sa mga 'yon.

16
00:01:12,614 --> 00:01:15,325
Parang tuwing kumakain ka ng masarap,

17
00:01:15,408 --> 00:01:18,203
may mga oxidant na gusto kang pabagsakin.

18
00:01:19,454 --> 00:01:23,249
Di ba? Kaya pag nakakain ako ng steak
saka nakapag-martini ako,

19
00:01:23,333 --> 00:01:25,126
tinatawag ko 'yong berries ko.

20
00:01:26,086 --> 00:01:27,670
Pinapapasok ko 'yong antioxidants.

21
00:01:27,754 --> 00:01:29,047
Sabi ko, "Uy, pare.

22
00:01:29,547 --> 00:01:31,341
"Ikaw na'ng bahala diyan.

23
00:01:32,967 --> 00:01:34,928
"Pagmukhain mong aksidente."

24
00:01:36,346 --> 00:01:39,390
Minsan kinakain ko 'yong berries
bago ako mag-dinner.

25
00:01:39,474 --> 00:01:41,643
Naglalagay ako ng patibong.

26
00:01:43,311 --> 00:01:47,232
Wala silang alam sa mangyayari.
Akala nila mag-o-oxidize na sila.

27
00:01:50,276 --> 00:01:51,319
Mahilig ako sa berries.

28
00:01:51,402 --> 00:01:54,364
Pero alam n'yo
kung sino'ng pinakamahilig do'n?

29
00:01:54,864 --> 00:01:57,325
'Yong mga anak ng mga kaibigan n'yo.

30
00:01:59,410 --> 00:02:01,371
Pag dumating 'yong mga anak nila,

31
00:02:01,454 --> 00:02:04,207
itago n'yo agad 'yong berries
sa ilalim ng broccoli.

32
00:02:05,500 --> 00:02:07,252
Masakit matutunan 'yon, pare.

33
00:02:07,335 --> 00:02:09,587
Dumating 'yong kaibigan ko
kasama 'yong anak niya.

34
00:02:09,671 --> 00:02:12,423
Mabait akong host.
Naglabas ako ng snacks, inumin.

35
00:02:12,507 --> 00:02:13,842
Pati 'yong berries.

36
00:02:13,925 --> 00:02:15,552
Masaya akong masaya sila.

37
00:02:15,635 --> 00:02:16,636
Tapos na-realize ko,

38
00:02:16,719 --> 00:02:19,806
"Hindi alam ng batang 'to
kung magkano 'yon."

39
00:02:21,057 --> 00:02:23,226
Grabe kung makalamon.

40
00:02:24,269 --> 00:02:26,146
Dinadakot niya.

41
00:02:27,063 --> 00:02:29,858
No'n ko lang nakitang
hinawakan nang gano'n 'yong berries.

42
00:02:31,234 --> 00:02:32,735
Hindi gano'n kumain no'n.

43
00:02:32,819 --> 00:02:36,239
Para kang nagdi-display
ng iaalay na puso ng tao.

44
00:02:40,910 --> 00:02:43,204
Di ako umimik
kasi maganda 'yon sa kanila, e.

45
00:02:43,288 --> 00:02:46,416
Pero sa isip-isip ko,
"Hindi 'yon makatwiran."

46
00:02:48,668 --> 00:02:51,588
Sinubukan kong kumalma
kaso naba-bother ako.

47
00:02:51,671 --> 00:02:55,967
Sa sobrang pagka-bothered ko,
di ko masundan 'yong usapan ng matatanda.

48
00:02:57,093 --> 00:03:01,556
Di ko alam kung ano'ng pinag-uusapan.
Kinukuwenta ko pa 'yong damage.

49
00:03:03,808 --> 00:03:07,145
"Di n'yo ba nakikita 'yong nangyayari?
Ninanakawan tayo."

50
00:03:10,398 --> 00:03:14,360
Di ko alam ang gagawin ko.
Pinakita ko kung pa'no kumain ng berry.

51
00:03:14,444 --> 00:03:16,404
Sinubukan kong maging halimbawa.

52
00:03:16,487 --> 00:03:17,363
Sabi ko, "Uy!

53
00:03:18,656 --> 00:03:20,283
"Kuha ka ng isa.

54
00:03:21,743 --> 00:03:24,037
"Tingnan mo 'yong kulay, 'yong texture.

55
00:03:24,120 --> 00:03:26,289
"Maging present ka sa berry.

56
00:03:27,332 --> 00:03:29,042
"Nguyain mo, namnamin mo.

57
00:03:29,125 --> 00:03:31,794
"Pag naka-one cup ka na, tama na 'yon.

58
00:03:31,878 --> 00:03:33,087
"Tapos na."

59
00:03:38,426 --> 00:03:40,553
Di siya marunong makiramdam.

60
00:03:40,637 --> 00:03:44,432
Sa sobrang inis ko,
bilis-bilis kong kinain 'yong berries.

61
00:03:47,143 --> 00:03:49,103
Tinago ko sa esophagus ko.

62
00:03:52,565 --> 00:03:54,609
Kailangan mong tanggapin 'yon.

63
00:03:54,692 --> 00:03:57,111
Pag may mga bata,

64
00:03:57,195 --> 00:04:00,198
di mo masasabi
kung ano'ng posibleng mangyari.

65
00:04:00,990 --> 00:04:01,824
Gano'n talaga.

66
00:04:01,908 --> 00:04:04,202
No'ng isang araw,
nasa bahay ako ng kaibigan ko.

67
00:04:04,285 --> 00:04:07,413
Nag-iinuman ang tropa sa fire pit
sa likod ng bahay.

68
00:04:07,497 --> 00:04:09,082
Masayang kulitan lang.

69
00:04:09,165 --> 00:04:11,251
Lumabas 'yong anak ng kaibigan ko.

70
00:04:11,751 --> 00:04:13,253
Bigla siyang tinanong.

71
00:04:14,087 --> 00:04:18,007
'Yon bang bigla na lang susugod sa 'yo
'yong anak mo,

72
00:04:18,091 --> 00:04:22,136
tapos tatanungin ka tungkol sa science
sa harap ng lahat.

73
00:04:24,013 --> 00:04:25,807
Natahimik kami.

74
00:04:27,308 --> 00:04:29,978
Hirap na hirap mag-explain
'yong kaibigan ko

75
00:04:30,061 --> 00:04:32,063
kung pa'no nagwo-work 'yong buwan.

76
00:04:34,190 --> 00:04:36,859
Kinakabahan ako para sa kanya.

77
00:04:36,943 --> 00:04:39,445
Alam kong alam niyang nakikinig din kami.

78
00:04:41,197 --> 00:04:43,533
Gusto rin naming malaman.

79
00:04:44,951 --> 00:04:48,496
"Magandang tanong 'yon, a.
Uy, bakit nga ba ganyan 'yan?"

80
00:04:50,748 --> 00:04:55,086
Di namin alam ang sagot
pero hinuhusgahan namin 'yong sagot niya.

81
00:04:57,505 --> 00:04:59,966
Kasi pag nagpapaliwanag sa bata
'yong kaibigan mo,

82
00:05:00,049 --> 00:05:02,010
minsan kailangan niyang simplehan.

83
00:05:02,093 --> 00:05:03,553
Pero mare-realize mo,

84
00:05:03,636 --> 00:05:06,514
"Naku, bobo pala talaga
'yong kaibigan ko."

85
00:05:11,102 --> 00:05:14,522
Alam n'yo, kayang linawin ng mga bata
ang sitwasyon mo.

86
00:05:14,605 --> 00:05:17,108
No'ng isang araw,
nasa playground kami ng pamangkin ko.

87
00:05:17,191 --> 00:05:20,611
Masaya lang kami
hanggang sa nahirapan siya sa monkey bars.

88
00:05:20,695 --> 00:05:23,323
Kaya sabi ko,
"Ipakita ko sa 'yo kung pa'no."

89
00:05:23,823 --> 00:05:27,577
Nalaman kong wala na pala akong
monkey bar powers.

90
00:05:29,120 --> 00:05:32,957
Di ko alam na ganito pala kaaga mawala
'yong skill na 'yon.

91
00:05:34,083 --> 00:05:37,962
Wala na. Masakit isipin
na minsan sa buhay ko,

92
00:05:38,046 --> 00:05:41,716
nag-monkey bars ako
sa pinakahuling pagkakataon.

93
00:05:43,009 --> 00:05:45,845
Kaso walang nag-picture no'n,
walang kahit ano.

94
00:05:47,847 --> 00:05:49,849
Akala ko kaya ko. Confident ako,

95
00:05:49,932 --> 00:05:51,809
kasi nakakapag-pull-ups ako, e.

96
00:05:51,893 --> 00:05:53,019
Kaso sa monkey bars,

97
00:05:53,102 --> 00:05:56,481
buhat ng isang kamay lang
'yong buong body weight mo,

98
00:05:56,564 --> 00:05:58,107
tapos magsi-swing ka.

99
00:05:59,150 --> 00:06:01,903
Kaya hinihila mo 'yong mga G.

100
00:06:03,279 --> 00:06:05,406
Nakalimutan ko 'yong g-force.

101
00:06:05,907 --> 00:06:09,035
Nasa unang bar ako, aabante na ako.

102
00:06:09,118 --> 00:06:11,746
Tapos no'ng dumadami na 'yong mga G,

103
00:06:11,829 --> 00:06:14,082
nakaramdam ako ng kirot dito.

104
00:06:15,833 --> 00:06:17,460
'Yong rotator cuff ko.

105
00:06:18,753 --> 00:06:21,464
Na para bang sinasabi,
"Bumitaw ka na, boy.

106
00:06:22,423 --> 00:06:25,927
"Ooh, malapit na akong mapigtal
sa katawan mo."

107
00:06:29,305 --> 00:06:31,432
Nasaktan din ang damdamin ko.

108
00:06:32,183 --> 00:06:34,685
Gusto ko sana siyang pakitaan
ng masayang skill

109
00:06:34,769 --> 00:06:37,939
na pwede niyang hasain
sa praktis at experience.

110
00:06:38,022 --> 00:06:42,276
Kaso ang naipakita ko,
kung ga'no kabilis bumigay ang katawan.

111
00:06:44,779 --> 00:06:48,449
Nakakainis din kasi nakakita ako ng videos
ng mga terrorist

112
00:06:48,533 --> 00:06:50,827
na nagte-training sa monkey bars.

113
00:06:50,910 --> 00:06:52,912
Akala ko kalokohan lang 'yon.

114
00:06:52,995 --> 00:06:55,748
Pero ngayon, sabi ko,
"Grabe, ang athletic nila

115
00:06:57,041 --> 00:06:59,043
"Baka maging problema sila."

116
00:07:04,715 --> 00:07:08,886
Masaya akong makapag-perform
sa magagandang theater na tulad nito.

117
00:07:09,637 --> 00:07:11,931
Ang ganda. Sobrang ganda.

118
00:07:14,725 --> 00:07:16,644
Hindi laging ganito.

119
00:07:17,603 --> 00:07:22,817
'Yong isa sa mga huling show ko sa LA,
sa loob ng adult novelty store.

120
00:07:23,609 --> 00:07:26,988
Gusto ko 'yong show na 'yon
kasi may libreng parking sila.

121
00:07:28,030 --> 00:07:29,449
Oo, 'yon ang kink ko.

122
00:07:31,826 --> 00:07:34,537
Ginawa ko 'yong set ko,
tapos nagtingin-tingin ako.

123
00:07:34,620 --> 00:07:38,499
Nakakita ako ng edible bra
na gawa sa hard candy.

124
00:07:38,583 --> 00:07:41,252
Naintriga ako, kaso sabi ko,
"Pambata 'yan.

125
00:07:41,335 --> 00:07:43,963
"Di na ako ganyan kumain ng candy."

126
00:07:45,047 --> 00:07:46,966
Game ako. Pwede tayong maglaro.

127
00:07:47,049 --> 00:07:50,511
Titikim ako, pero itabi natin 'yong iba.

128
00:07:51,345 --> 00:07:55,349
Ano'ng akala mo,
kakainin ko 'yong buong bra?

129
00:07:56,726 --> 00:08:00,563
Di ko kakainin 'yong buong candy, girl.
Sasakit ang ulo ko.

130
00:08:02,231 --> 00:08:05,485
Siguraduhin mong may panty ka
na gawa sa paracetamol.

131
00:08:07,987 --> 00:08:11,491
Baka meron kayo diyan na mas bagay
sa panlasa ng matatanda.

132
00:08:12,450 --> 00:08:14,869
Imbes na bra na gawa sa candy,

133
00:08:14,952 --> 00:08:18,372
pasties na lang kaya na dark chocolate?

134
00:08:19,624 --> 00:08:23,628
Bittersweet, at least 75% 'yong cacao.

135
00:08:25,588 --> 00:08:27,840
Pwede namang 85%.

136
00:08:27,924 --> 00:08:29,383
Di ako natatakot.

137
00:08:32,053 --> 00:08:34,055
Kinuha ko 'yong kahon ng bra.

138
00:08:34,555 --> 00:08:37,475
Binasa ko sa likod 'yong nutritional data.

139
00:08:39,352 --> 00:08:41,270
Ga'no karami 'yong protein nito?

140
00:08:45,483 --> 00:08:46,776
Nagulat ako.

141
00:08:46,859 --> 00:08:49,612
Sabi sa kahon, eight grams of sugar.

142
00:08:49,695 --> 00:08:51,614
Di na masama 'yon.

143
00:08:52,114 --> 00:08:56,786
Kung kakain ka ng matamis,
okay lang 'yong eight grams.

144
00:08:56,869 --> 00:09:00,414
Tapos no'ng binasa ko ulit,
26 servings daw.

145
00:09:02,542 --> 00:09:05,670
Grabe! Isang bra, 26?

146
00:09:06,337 --> 00:09:09,298
Madalas dalawa lang kami sa kuwarto.

147
00:09:11,717 --> 00:09:15,388
Uy, pangmaramihan 'tong recipe na 'to.

148
00:09:16,222 --> 00:09:19,350
Magandang isuot 'yong bra sa potluck.

149
00:09:21,018 --> 00:09:24,647
"Sabihin n'yo pag magde-dessert na kayo.
Pinainitan na niya."

150
00:09:27,358 --> 00:09:30,027
Di ko kayang ubusin mag-isa
'yong 26 servings.

151
00:09:30,111 --> 00:09:31,028
Ayoko nga.

152
00:09:31,529 --> 00:09:32,363
Ayoko.

153
00:09:32,446 --> 00:09:34,699
Mataas 'yong A1C ko.

154
00:09:35,449 --> 00:09:37,326
Prediabetic na nga ako, e.

155
00:09:37,410 --> 00:09:40,288
Ayokong maputulan ng paa
para lang makakita ng booby.

156
00:09:42,957 --> 00:09:45,126
Magagalit 'yong nanay ko.

157
00:09:46,294 --> 00:09:48,296
Ginawa niya 'yong paa na 'yon.

158
00:09:53,301 --> 00:09:56,971
Nagkita kami ng pamilya ko sa Houston
nitong nakaraan.

159
00:09:57,054 --> 00:10:00,975
Nabisita ko ulit 'yong bahay
kung saan ako lumaki.

160
00:10:01,767 --> 00:10:04,061
Nakakatuwang bumalik do'n sa edad na 'to

161
00:10:04,145 --> 00:10:07,815
kasi may mga mapapansin ka
na hindi mo nakita no'ng bata ka.

162
00:10:08,316 --> 00:10:11,319
Di ba? Na-realize ko
na 'yong kinalakhan kong bahay,

163
00:10:11,402 --> 00:10:13,863
nakaka-depress 'yong lighting.

164
00:10:15,323 --> 00:10:17,575
Sobrang obvious na ngayon.

165
00:10:18,326 --> 00:10:21,537
Pero no'ng bata ako,
di ko maisip kung ano'ng mali.

166
00:10:22,496 --> 00:10:26,626
Sabi ko palagi no'ng bata ako,
"Pero bakit ang lungkot?"

167
00:10:29,795 --> 00:10:32,673
Muntik nang maging maganda
'yong kabataan ko.

168
00:10:32,757 --> 00:10:35,509
Kailangan lang namin ng mga ilaw.

169
00:10:37,178 --> 00:10:38,721
Madali lang ayusin 'yon.

170
00:10:38,804 --> 00:10:42,600
Kaso hindi priority
ng first-generation immigrants

171
00:10:42,683 --> 00:10:44,268
'yong vibes.

172
00:10:46,187 --> 00:10:50,274
Ang akala nila sa ambiance,
asawa ni Jay-Z.

173
00:10:54,111 --> 00:10:56,656
Madalas isa lang ang ilaw sa mga kuwarto.

174
00:10:56,739 --> 00:10:58,908
Nasa itaas, do'n sa gitna.

175
00:10:59,867 --> 00:11:02,536
Saktong-saktong pang-interrogation.

176
00:11:03,621 --> 00:11:05,748
Sobrang dramatic ng mga shadow.

177
00:11:05,831 --> 00:11:09,418
Pagpasok mo, biglang ang laki
ng eye bags mo.

178
00:11:10,920 --> 00:11:12,755
Hindi malungkot 'yong mga magulang ko.

179
00:11:12,838 --> 00:11:16,759
Lagi lang silang mukhang magkukuwento
tungkol sa multo.

180
00:11:21,597 --> 00:11:23,307
Malala 'yong sa pinsan ko

181
00:11:23,391 --> 00:11:28,270
kasi sobrang dami ng fluorescent light
na kinabit ng tito ko sa bahay nila.

182
00:11:28,771 --> 00:11:30,856
Mas energy efficient nga 'yon,

183
00:11:30,940 --> 00:11:33,734
pero hindi pagmamahal 'yon.

184
00:11:35,361 --> 00:11:37,613
Hindi 'yon cozy. Nakakakilabot 'yon.

185
00:11:37,697 --> 00:11:40,658
Mas malakas pa 'yong tunog
ng fluorescent light.

186
00:11:42,743 --> 00:11:44,203
Rinig 'yon sa malayo.

187
00:11:44,286 --> 00:11:46,497
Wala ka pa do'n, alam mo na agad.

188
00:11:46,580 --> 00:11:49,208
"Pero ayokong magtagal ngayong gabi."

189
00:11:51,419 --> 00:11:54,755
Umuugong 'yon na parang bangaw

190
00:11:54,839 --> 00:11:58,634
tapos samahan mo pa
ng mainit-init na autopsy table.

191
00:11:59,385 --> 00:12:02,471
Talagang aatakihin ka ng panic attack.

192
00:12:06,517 --> 00:12:09,812
Pinalaki ako sa bahay
na may no-shoe policy.

193
00:12:09,895 --> 00:12:11,981
Ibig sabihin, pagkauwi mo,

194
00:12:12,064 --> 00:12:14,942
titigil ka sa may pinto
para maghubad ng sapatos,

195
00:12:15,025 --> 00:12:16,861
saka ka papasok.

196
00:12:16,944 --> 00:12:19,530
Pero may mga kaibigan akong hindi gano'n.

197
00:12:19,613 --> 00:12:21,657
Kaya no'ng bumisita ako sa kanila,

198
00:12:21,741 --> 00:12:25,411
excited akong maka-try
ng gano'n ka-exotic.

199
00:12:27,288 --> 00:12:29,582
May isang summer
na lahat ng bata sa lugar namin,

200
00:12:29,665 --> 00:12:31,375
nagpupuntahan kina Mark,

201
00:12:31,459 --> 00:12:35,254
kasi meron siyang Street Fighter II
sa Super Nintendo.

202
00:12:35,880 --> 00:12:38,674
Oo, big deal 'yon no'ng panahong 'yon.

203
00:12:38,758 --> 00:12:42,136
Pero excited ako noon
na pumasok sa loob mula sa labas

204
00:12:42,219 --> 00:12:43,679
nang hindi humihinto.

205
00:12:44,764 --> 00:12:47,057
Dire-diretso lang ako.

206
00:12:47,141 --> 00:12:49,560
Di lang ako basta tatambay sa may pinto.

207
00:12:49,643 --> 00:12:52,062
Papasok ako sa kaloob-looban no'ng bahay.

208
00:12:52,772 --> 00:12:54,815
Papasok ako sa sala.

209
00:12:54,899 --> 00:12:58,235
Titingnan ko ang pakiramdam
pag nakasapatos ka sa carpet.

210
00:12:59,653 --> 00:13:03,574
Grabe, ngayon lang ako nakalakad sa bahay
nang ganito kakapit ang paa.

211
00:13:05,576 --> 00:13:08,621
Tapos naka-below 27 degrees pa 'yong AC.

212
00:13:08,704 --> 00:13:11,415
Para kayong nakatira sa hotel.

213
00:13:16,796 --> 00:13:19,256
Ang pinakamatindi,
pag pumunta ka sa banyo.

214
00:13:19,340 --> 00:13:21,592
Kasi minsan, ang pagka-set up no'n,

215
00:13:21,675 --> 00:13:23,135
mapapasabi ka ng, "Hala!

216
00:13:23,219 --> 00:13:27,765
"Gusto ba nilang tumapak ako sa bath mat
nang nakasapatos?"

217
00:13:28,307 --> 00:13:30,684
Feeling ko, kalapastanganan 'yon.

218
00:13:31,185 --> 00:13:35,105
'Yon ang unang lalapat sa katawan mo
pagkalabas mo sa shower.

219
00:13:35,189 --> 00:13:37,191
Di ko magagawa 'yon sa bahay.

220
00:13:37,817 --> 00:13:39,693
Parang gusto ko na tuloy i-try.

221
00:13:40,319 --> 00:13:44,365
Pero kung mabuting kaibigan ako, hindi.
Kung may pake ako sa 'yo,

222
00:13:44,448 --> 00:13:45,658
kakaangan ko 'yon.

223
00:13:45,741 --> 00:13:47,618
Ganito ako papasok.

224
00:13:51,747 --> 00:13:53,123
Gano'n ang pagmamahal.

225
00:13:54,291 --> 00:13:57,294
Di mo laging nakikita
'yong ginagawa ko para sa 'yo.

226
00:13:58,712 --> 00:14:00,798
Hindi nagyayabang ang pagmamahal.

227
00:14:06,387 --> 00:14:09,473
Tina-try kong i-maintain
'yong no-shoe policy sa bahay ko,

228
00:14:09,557 --> 00:14:11,892
pero hindi 100 percent 'yon.

229
00:14:11,976 --> 00:14:15,855
Dapat flexible ka.
Minsan nagmamadali ka, nakasapatos ka na,

230
00:14:15,938 --> 00:14:19,567
nakalabas ka na,
tapos naiwan mo pala 'yong wallet mo.

231
00:14:20,067 --> 00:14:23,279
Kaso wala ka nang oras
para ulitin lahat 'yon.

232
00:14:24,280 --> 00:14:27,950
Kaya magiging espesyal ang araw na 'to.

233
00:14:29,159 --> 00:14:31,245
Papasok ka ngayon nang nakasapatos.

234
00:14:31,745 --> 00:14:34,498
Pero di ka maglalakad nang normal.

235
00:14:36,041 --> 00:14:38,335
Babalik ka sa loob
na parang lava 'yong sahig.

236
00:14:38,419 --> 00:14:39,420
Para kang…

237
00:14:49,513 --> 00:14:50,806
Mukha kang baliw.

238
00:14:51,515 --> 00:14:54,518
Pero lahat 'yon, backed by science.

239
00:14:55,769 --> 00:14:57,146
Alam mo ang ginagawa mo.

240
00:14:57,229 --> 00:14:59,815
Malalaki 'yong hakbang para konti lang

241
00:14:59,899 --> 00:15:02,109
'yong point of contamination.

242
00:15:03,110 --> 00:15:07,865
Nakatingkayad ka para konti lang
'yong surface area.

243
00:15:08,365 --> 00:15:12,077
Tapos mabilis 'yong galaw mo
kasi may three-second rule.

244
00:15:13,913 --> 00:15:17,499
Gano'n 'yong mga laro mo
pag anxious kang tao na nagpapanggap

245
00:15:17,583 --> 00:15:20,085
na kontrolado mo ang buhay mo.

246
00:15:25,883 --> 00:15:29,136
Maraming bagay sa mundo
na hindi natin kontrolado.

247
00:15:29,219 --> 00:15:32,181
Paminsan-minsan pag nasa tour ako,
magho-hotel ako

248
00:15:32,264 --> 00:15:36,226
tapos matataon na 'yong mattress,
malapit nang bumigay.

249
00:15:37,019 --> 00:15:37,895
Nangyayari 'yon.

250
00:15:37,978 --> 00:15:40,439
Madalas medyo lumulubog na 'yon.

251
00:15:40,981 --> 00:15:44,360
No'ng isang araw, lumang mattress
na memory foam 'yong natapat sa 'kin.

252
00:15:44,443 --> 00:15:46,695
Mukhang okay naman,
wala kang nakitang mali.

253
00:15:46,779 --> 00:15:49,657
Pero pagkahiga mo, may naramdaman ka.

254
00:15:50,491 --> 00:15:53,661
Memory 'yon ng ibang tao.

255
00:15:55,204 --> 00:15:58,082
Sobrang linaw na alaala no'n.

256
00:15:59,708 --> 00:16:02,086
May kakaibang puwang

257
00:16:02,711 --> 00:16:05,130
na nilikha ng katawan na wala do'n

258
00:16:05,214 --> 00:16:09,677
pero malinaw 'yong bakas
ng pagkawala niya.

259
00:16:10,469 --> 00:16:15,140
Nasa loob ako ng hulma
ng mas malaking lalaki.

260
00:16:16,850 --> 00:16:18,352
Magkaiba kami ng hugis.

261
00:16:18,435 --> 00:16:20,688
Hindi ako ang susi sa kandadong 'yon.

262
00:16:21,981 --> 00:16:25,693
May mga kanto ako, siya naman puro kurba.

263
00:16:26,235 --> 00:16:29,863
Para akong nakahiga
sa maliit na skate park.

264
00:16:36,578 --> 00:16:38,998
Ewan ko kung halata n'yo sa aura ko,

265
00:16:39,081 --> 00:16:42,251
pero gumagamit na ako ng shallots
sa pagluluto.

266
00:16:44,962 --> 00:16:46,130
Kita n'yo naman, e.

267
00:16:48,382 --> 00:16:49,925
May glow.

268
00:16:51,051 --> 00:16:52,803
Maganda 'yong shallots, pare.

269
00:16:52,886 --> 00:16:55,764
Nito ko lang nalaman 'yon.
Sabi ko, "Hello, sibuyas?

270
00:16:55,848 --> 00:16:58,559
"Di mo sinabi,
may maganda ka palang pinsan.

271
00:16:59,810 --> 00:17:02,438
"Grabe, sa'n siya galing?
Iba 'yong amoy niya."

272
00:17:03,897 --> 00:17:05,149
Magkamukha sila,

273
00:17:05,649 --> 00:17:07,651
pero magkaiba 'yong trato mo.

274
00:17:08,277 --> 00:17:11,030
Balewala sa 'yo 'yong sibuyas.
Bumibili ka ng sako-sako,

275
00:17:11,113 --> 00:17:13,657
tapos nilalagay mo muna
sa madilim na sulok.

276
00:17:14,908 --> 00:17:17,244
Pero pag nag-uwi ka ng isang shallot,

277
00:17:17,327 --> 00:17:19,121
may plano ka na para do'n.

278
00:17:20,247 --> 00:17:23,917
May susundin kang recipe ngayong gabi.

279
00:17:24,710 --> 00:17:28,005
Ibubuhos mo lahat.
Gagamitin mo 'yong mandolin slicer.

280
00:17:28,088 --> 00:17:32,384
Isusuot mo 'yong Michael Jackson glove mo
para di mahiwa 'yong fingerprints mo.

281
00:17:37,556 --> 00:17:40,225
Ine-explore ko
lahat ng klase ng aromatics.

282
00:17:40,309 --> 00:17:42,853
Nahiligan ko 'yong leek
nitong mga nakaraan.

283
00:17:43,437 --> 00:17:48,275
Gusto ko ang leek, pero nagsisisi ako
na iniwasan ko 'yon nang matagal.

284
00:17:48,776 --> 00:17:52,446
Kasi pag unang beses mong makakita no'n,
mai-intimidate ka.

285
00:17:53,030 --> 00:17:56,617
Sabi ko, "Grabe,
batak na batak 'yong green onion, a.

286
00:17:58,577 --> 00:18:00,037
"Ba't gano'n 'yon?"

287
00:18:00,662 --> 00:18:04,541
Sinusubukan kong kumain ng organic.
Di 'yon papasa sa drug test.

288
00:18:05,709 --> 00:18:07,586
Ang kapal masyado.

289
00:18:08,253 --> 00:18:10,589
Ba't hinayaan nilang magkagano'n?

290
00:18:11,090 --> 00:18:12,508
Nakalimutan nila.

291
00:18:12,591 --> 00:18:15,594
Dapat mga three years ago pa nila
hinarvest 'yon.

292
00:18:16,720 --> 00:18:18,555
Dapat hinayaan na nila ngayon.

293
00:18:18,639 --> 00:18:20,891
Malapit na 'yong maging puno, e.

294
00:18:26,146 --> 00:18:29,149
Mahilig akong magluto.
Gusto ko 'yong buong proseso.

295
00:18:29,233 --> 00:18:32,194
Gusto ko 'yong nagagawa
ng herbs at spices.

296
00:18:32,277 --> 00:18:34,446
Magical talaga 'yon para sa 'kin.

297
00:18:34,530 --> 00:18:37,741
Isa sa mga paborito kong spice
'yong cumin.

298
00:18:37,825 --> 00:18:40,119
Maganda 'yong isang 'yon.

299
00:18:40,202 --> 00:18:44,456
Maraming iba't ibang kultura
na gumagamit no'n sa buong mundo.

300
00:18:44,540 --> 00:18:47,459
Meron 'yong malalim na savory profile.

301
00:18:47,543 --> 00:18:50,838
Medyo maasim 'yong amoy,
may konting bahid ng anghit.

302
00:18:52,256 --> 00:18:54,591
Pampiyesta 'yong spice na 'yon, sobra.

303
00:18:54,675 --> 00:18:56,593
Tuwing naaamoy ko 'yong cumin, sabi ko,

304
00:18:56,677 --> 00:18:59,304
"Parang may naaamoy akong ibang tao
sa kusina, a.

305
00:19:01,598 --> 00:19:03,392
"Hello?

306
00:19:05,894 --> 00:19:09,106
"Parang may kakatapos lang maglinis
ng bakuran, a.

307
00:19:09,815 --> 00:19:12,860
"Salamat. Ikukuha lang kita ng tubig.

308
00:19:14,236 --> 00:19:17,114
"Halika nga rito.
Ang sexy naman ng amoy mo."

309
00:19:22,786 --> 00:19:26,165
Minsan pag napapadalas
'yong kain ko sa labas,

310
00:19:26,248 --> 00:19:28,375
sinusubukan kong bumawi.

311
00:19:28,458 --> 00:19:31,712
Gumagawa ako ng healthy smoothie sa bahay.

312
00:19:31,795 --> 00:19:33,505
Kaso lagi akong napapasobra

313
00:19:33,589 --> 00:19:36,633
kasi sinisiksik ko lahat
ng dapat sanang kinain ko

314
00:19:36,717 --> 00:19:38,218
no'ng linggong 'yon.

315
00:19:39,094 --> 00:19:42,389
Sobrang daming salad,
lahat ng klase ng prutas,

316
00:19:42,472 --> 00:19:46,268
walnuts, mushroom powder,
flax seeds, turmeric, paminta.

317
00:19:46,351 --> 00:19:47,853
Ang kinalabasan ng smoothie ko,

318
00:19:47,936 --> 00:19:49,646
dark gray.

319
00:19:51,690 --> 00:19:53,609
Ang lapot.

320
00:19:54,526 --> 00:19:57,321
Parang basang semento.

321
00:19:58,614 --> 00:19:59,781
It sucks,

322
00:20:00,282 --> 00:20:03,535
pero di naman mahigop sa straw.

323
00:20:04,494 --> 00:20:07,831
Kailangang gamitan 'yong smoothie ko
ng kutsilyo at tinidor.

324
00:20:10,000 --> 00:20:11,168
Masyadong malapot.

325
00:20:11,251 --> 00:20:14,504
Dapat dagdagan ng liquid
para sa tamang consistency.

326
00:20:14,588 --> 00:20:18,425
Ayos. May dalawang galon tuloy ako ngayon
ng smoothie.

327
00:20:19,676 --> 00:20:21,220
Damay 'yong girlfriend ko.

328
00:20:21,303 --> 00:20:25,599
Sabi ko, "Babe,
ginawan din kita ng snack. Sorry."

329
00:20:29,019 --> 00:20:31,897
Wala akong pormal na culinary training.

330
00:20:32,397 --> 00:20:35,317
Natututo lang ako habang gumagawa.
Nag-i-improvise ako.

331
00:20:35,400 --> 00:20:37,110
Di ako nag-uulit ng niluto ko

332
00:20:37,194 --> 00:20:40,197
kasi di ko alam kung pa'no nangyari
no'ng unang beses.

333
00:20:41,490 --> 00:20:42,991
Pag nagustuhan ng girlfriend ko,

334
00:20:43,075 --> 00:20:46,245
sinasabi ko, "I-enjoy mo na
kasi di na babalik 'yan.

335
00:20:47,621 --> 00:20:49,748
"Pinagpala tayo ngayong gabi."

336
00:20:52,960 --> 00:20:54,378
Ako ang madalas magluto.

337
00:20:54,461 --> 00:20:57,839
Pero minsan, bumibili 'yong girlfriend ko
ng special kitchen tool

338
00:20:57,923 --> 00:20:59,758
na di naman namin ginagamit.

339
00:20:59,841 --> 00:21:02,427
Pero kakain 'yon ng storage space.

340
00:21:04,388 --> 00:21:07,724
Umuwi siya sa bahay
na may dalang malaking garlic press.

341
00:21:08,225 --> 00:21:10,727
Lagi tuloy nagtatrapik sa kitchen drawer.

342
00:21:10,811 --> 00:21:13,313
'Yong pag bubuksan mo 'yong drawer,

343
00:21:13,397 --> 00:21:16,233
ilulusot mo 'yong kamay mo
para pakalmahin lahat.

344
00:21:16,316 --> 00:21:17,526
Kumbaga, "Uy…

345
00:21:22,489 --> 00:21:24,032
"Relax.

346
00:21:24,866 --> 00:21:28,120
"Uy, kalma lang.
Higa. Ako lang 'to. Higa na.

347
00:21:29,496 --> 00:21:31,707
"Ba't ba ang gulo-gulo mo?

348
00:21:32,291 --> 00:21:36,211
"Ginulo mo silang lahat diyan.
Pati 'yong tongs, natataranta na."

349
00:21:38,213 --> 00:21:39,881
Tapos magagasgasan 'yong kamay mo

350
00:21:39,965 --> 00:21:42,509
kasi walang pinta 'yong kahoy
sa side na 'yon.

351
00:21:49,349 --> 00:21:52,394
One time, nag-uwi 'yong girlfriend ko
ng spiralizer

352
00:21:52,477 --> 00:21:56,773
para makagawa ng zucchini noodles
kahit wala namang nae-excite do'n.

353
00:21:58,859 --> 00:22:00,277
Nakakalungkot 'yon.

354
00:22:00,360 --> 00:22:03,822
Kasi sa una,
nakaka-excite makitang gumana 'yon.

355
00:22:03,905 --> 00:22:07,284
Mapapasabi ka, "Mukha ngang noodle."

356
00:22:08,410 --> 00:22:09,995
Oo nga!

357
00:22:10,078 --> 00:22:14,207
Sa loob-loob mo, gusto mong maniwala.
Sabi mo, "Baka nga.

358
00:22:15,292 --> 00:22:17,294
"Baka nga noodle 'to."

359
00:22:18,295 --> 00:22:22,507
Pero pag kakain ka na,
alam mong hibla ng gulay 'yon.

360
00:22:23,550 --> 00:22:25,177
Gumising ka nga.

361
00:22:26,678 --> 00:22:31,058
Di ko kayang manood ng sci-fi thriller
habang kumakain ng zoodles.

362
00:22:31,933 --> 00:22:35,437
Kasi may hangganan
'yong kaya kong paniwalaan.

363
00:22:37,147 --> 00:22:40,233
Pwede kong paniwalaan
'yong evil robots galing sa future

364
00:22:40,317 --> 00:22:42,611
na nag-time travel para wasakin tayo,

365
00:22:42,694 --> 00:22:45,197
o pwede akong magkunwaring spaghetti 'yan.

366
00:22:50,952 --> 00:22:54,831
One time, nag-uwi 'yong girlfriend ko
ng interesting na Japanese onion slicer.

367
00:22:54,915 --> 00:22:58,001
May isang hawakan 'yon
tapos may walong blade sa ibabaw.

368
00:22:58,085 --> 00:22:59,753
Isang stroke, walong hiwa.

369
00:22:59,836 --> 00:23:01,421
Di ko nagamit 'yon.

370
00:23:01,922 --> 00:23:04,633
Pero last year, naglilinis ako.
Kinuha ko 'yon.

371
00:23:04,716 --> 00:23:07,177
Nakalimutan ko na kung ano 'yon.
May takip sa ibabaw.

372
00:23:07,260 --> 00:23:08,470
Mali 'yong hawak ko.

373
00:23:08,553 --> 00:23:12,599
Pagbukas ko, nahagod ng daliri ko
'yong walong blade.

374
00:23:13,475 --> 00:23:14,434
Tapos…

375
00:23:14,518 --> 00:23:17,646
tinapon ko!

376
00:23:19,731 --> 00:23:22,734
No'n lang namin nagamit 'yon.

377
00:23:24,027 --> 00:23:26,822
Brand new pa 'yon.
Ilang taon nang nasa drawer,

378
00:23:26,905 --> 00:23:28,615
naghihintay lang umatake.

379
00:23:29,991 --> 00:23:31,868
Napuruhan ako. Nakakabilib.

380
00:23:31,952 --> 00:23:35,497
'Yon ang pinakapantay-pantay na sugat ko.

381
00:23:36,748 --> 00:23:39,876
Sabi no'ng doktor,
pang-restaurant 'yong mga hiwa ko.

382
00:23:45,757 --> 00:23:49,261
Naghahanap na ulit ako ngayon
ng bagong toaster oven.

383
00:23:49,344 --> 00:23:50,846
Napapanahon na ulit.

384
00:23:51,930 --> 00:23:55,267
Basic brand 'yong sa 'min.
Di na masama. Ten years na 'yon.

385
00:23:55,350 --> 00:23:56,351
Gumagana pa,

386
00:23:56,435 --> 00:23:59,521
kaso gumagana din pag walang tao sa bahay.

387
00:24:01,148 --> 00:24:02,566
Masyado nang magaling.

388
00:24:03,775 --> 00:24:06,695
Kaya nagtitingin-tingin kami.
Di ako sigurado,

389
00:24:06,778 --> 00:24:10,490
pero nasa punto ako ng buhay ko
na parang maa-afford ko na

390
00:24:10,574 --> 00:24:12,451
'yong Breville toaster.

391
00:24:13,326 --> 00:24:15,620
Baka lang.

392
00:24:15,704 --> 00:24:18,206
Kailangan kong kuwentahin ulit.

393
00:24:20,000 --> 00:24:22,169
Sobrang mahal, pero sobrang ganda.

394
00:24:22,252 --> 00:24:24,754
Gusto ng mga kaibigan ko 'yong kanila
kaya excited ako.

395
00:24:24,838 --> 00:24:28,550
Tapos naisip ko,
kung gano'n nga talaga kaganda 'yon,

396
00:24:28,633 --> 00:24:33,180
posibleng 'yon na ang huling toaster ko.

397
00:24:34,264 --> 00:24:35,682
Grabe, ang bigat no'n.

398
00:24:36,683 --> 00:24:37,934
Di pa ako ready do'n.

399
00:24:38,018 --> 00:24:41,563
Gusto ko lang maging crispy
'yong dino nuggets ko.

400
00:24:43,023 --> 00:24:46,568
Napapaisip tuloy ako ngayon
tungkol sa mortality ko.

401
00:24:47,360 --> 00:24:52,532
Napapaisip ako kung kanino ko ipapamana
'tong heirloom na 'to.

402
00:24:54,117 --> 00:24:56,453
Sino sa mga pamangkin ko ang may charisma

403
00:24:56,536 --> 00:24:59,748
para ikuwento ang buhay ko
sa Antique Roadshow?

404
00:25:08,590 --> 00:25:10,425
Hanggang ngayon,

405
00:25:10,509 --> 00:25:13,553
may mga frugal habits pa rin ako
mula pagkabata

406
00:25:13,637 --> 00:25:15,430
na hindi maalis sa 'kin.

407
00:25:15,514 --> 00:25:19,726
Hirap pa rin akong gumamit
ng buong paper towel.

408
00:25:21,436 --> 00:25:24,898
Gusto kong hatiin sa dalawa.
Sa jowa ko 'yong isa.

409
00:25:26,316 --> 00:25:28,485
O kaya, iiwan kong nakakabit

410
00:25:28,568 --> 00:25:31,404
tapos iro-roll ko pabalik
para maayos ang itsura.

411
00:25:32,989 --> 00:25:35,909
Sa restaurant, pag inabutan ako
ng wet wipes,

412
00:25:35,992 --> 00:25:38,370
di ko 'yon ginagamit agad.

413
00:25:38,453 --> 00:25:41,039
Sabi ko, "Uy, maibulsa nga 'to.

414
00:25:41,998 --> 00:25:44,000
"Gusto kong itabi muna.

415
00:25:44,084 --> 00:25:46,211
"Masyado 'tong special para dito."

416
00:25:46,753 --> 00:25:50,340
Basa 'yon, individually wrapped,
kaya parang commitment 'yon.

417
00:25:50,423 --> 00:25:53,552
Pag pinili mong gamitin,
isang beses lang 'yon.

418
00:25:54,844 --> 00:25:56,346
Dapat sulitin mo.

419
00:25:56,972 --> 00:25:59,349
Kaya dala mo lang 'yon palagi. Handa ka.

420
00:25:59,849 --> 00:26:01,309
Tuloy lang ang buhay.

421
00:26:01,810 --> 00:26:04,813
Minsan may mangyayari tapos mapapasabi ka…

422
00:26:05,522 --> 00:26:07,899
"Oras na ba?

423
00:26:09,651 --> 00:26:11,069
"Hindi. Di pa.

424
00:26:11,903 --> 00:26:13,196
"Di pa 'to malala.

425
00:26:13,280 --> 00:26:15,991
"May tissue ako.
Mamasa-masa 'yong bote ng tubig ko.

426
00:26:16,074 --> 00:26:17,409
"Gagawin ko lang 'to.

427
00:26:19,077 --> 00:26:22,455
"Ayos lang ako.
Di ko pwedeng sayangin dito 'yong wipes."

428
00:26:25,083 --> 00:26:27,043
Kaya maghihintay ka ulit.

429
00:26:27,127 --> 00:26:29,754
Tapos isang araw,
dadating 'yong tamang moment.

430
00:26:29,838 --> 00:26:31,798
Excited kang magamit 'yon.

431
00:26:31,881 --> 00:26:35,510
Pagbukas mo ng wrapper,
makikita mong ubos na 'yong liquid.

432
00:26:36,428 --> 00:26:38,680
Nililinis mo tuloy
'yong daliri mong may sauce

433
00:26:38,763 --> 00:26:41,891
gamit 'yong wipes
na parang dryer sheet na gamit na.

434
00:26:50,900 --> 00:26:53,403
Technically, matanda na ako,

435
00:26:53,486 --> 00:26:57,490
pero feeling ko, marami pa akong kakainin
bago ako tuluyang magtanda.

436
00:26:57,991 --> 00:27:01,328
Sinusubukan kong i-push ang sarili ko
nang paunti-unti.

437
00:27:01,411 --> 00:27:04,581
Minsan pagkatapos kong manood
ng scary movie,

438
00:27:04,664 --> 00:27:07,584
pumapasok ako sa madilim na kuwarto
sa apartment ko.

439
00:27:07,667 --> 00:27:11,421
Pero di ko bubuksan 'yong ilaw.
Nilalakasan ko lang ang loob ko.

440
00:27:14,132 --> 00:27:16,635
Ibig sabihin, lalakad ka lang nang normal.

441
00:27:16,718 --> 00:27:19,721
Pagpasok mo, huwag mong bibilisan.

442
00:27:20,597 --> 00:27:22,098
Bahay mo 'yon.

443
00:27:23,099 --> 00:27:24,476
Panindigan mo.

444
00:27:26,895 --> 00:27:28,480
Pag bigla kang kumaripas,

445
00:27:28,563 --> 00:27:31,650
malalaman ng mga multo
na takot ka sa kanila.

446
00:27:33,526 --> 00:27:36,071
Huwag mong hayaang matuwa sila.

447
00:27:37,447 --> 00:27:39,658
Kalma lang. Kalmado ako pagpasok.

448
00:27:39,741 --> 00:27:42,202
Ginagawa ko 'yong dapat kong gawin.

449
00:27:42,285 --> 00:27:43,370
Tatalikod ako.

450
00:27:43,453 --> 00:27:44,579
Aalis na.

451
00:27:46,122 --> 00:27:47,457
Kalmadong-kalmado.

452
00:27:47,957 --> 00:27:50,919
Malapit na. Kita ko na
'yong ilaw sa hallway.

453
00:27:51,002 --> 00:27:52,504
Sa last three steps,

454
00:27:52,587 --> 00:27:53,880
tatakbo na ako.

455
00:27:55,590 --> 00:27:59,511
Hanggang do'n sa pinto,
tapos tatalon ako papunta sa liwanag.

456
00:28:00,136 --> 00:28:03,264
Pero pag nasa ere ka,
wag mong i-overextend 'yong binti mo.

457
00:28:03,348 --> 00:28:07,060
Pag gano'n, masusunggaban
at makakaladkad ka sa kamatayan mo.

458
00:28:08,103 --> 00:28:11,856
Alam mo na 'yon. Takbo, lukso, tiklop.

459
00:28:13,274 --> 00:28:15,902
Tapos ilabas mo 'yong kaduwagan mo
na parang…

460
00:28:22,951 --> 00:28:28,164
Kung hindi n'yo alam,
Taiwanese 'yon ng "yikes".

461
00:28:36,172 --> 00:28:39,008
Minsan nilalakasan ko ang loob ko
sa shower.

462
00:28:39,092 --> 00:28:42,762
Di ko hinihintay na uminit 'yong tubig.
Di ko nga tine-test, e.

463
00:28:42,846 --> 00:28:47,100
Dire-diretso lang ako
na parang mandirigma.

464
00:28:49,936 --> 00:28:52,063
Mahirap. Ang hirap.

465
00:28:52,147 --> 00:28:55,567
Kung gusto mo ng matindi,
huwag mong buksan 'yong tubig.

466
00:28:56,735 --> 00:28:58,403
Subukan n'yo ngayong gabi.

467
00:28:58,486 --> 00:29:00,822
Pag-uwi mo, maghubad ka.

468
00:29:00,905 --> 00:29:05,034
Pumasok ka sa tahimik at tuyong shower.

469
00:29:06,745 --> 00:29:08,246
I-feel mo 'yong tensiyon.

470
00:29:09,622 --> 00:29:12,000
Iba. Hindi 'yon neutral.

471
00:29:13,835 --> 00:29:16,337
Tingnan mo 'yong mga nozzle
sa showerhead mo.

472
00:29:17,297 --> 00:29:19,090
Tapos gamit ang kamay mo,

473
00:29:19,591 --> 00:29:21,217
pabuhusin mo ang tubig.

474
00:29:24,679 --> 00:29:26,055
Huwag kang matitinag.

475
00:29:27,056 --> 00:29:28,391
Huwag mong haharangan.

476
00:29:30,685 --> 00:29:33,980
Lakasan lang ng loob.
Pag nakita ng mga multo 'yon,

477
00:29:35,440 --> 00:29:36,858
matatakot sila.

478
00:29:37,901 --> 00:29:40,487
'Yong nagmumulto, sila na ang matatakot.

479
00:29:43,615 --> 00:29:47,744
Sasabihin nila, "Baliw ang mokong na 'to.
Ayoko na dito!"

480
00:29:48,745 --> 00:29:49,954
Tapos aalis na sila.

481
00:29:50,747 --> 00:29:53,291
Pag ramdam mong
naglalaho na 'yong espiritu,

482
00:29:53,374 --> 00:29:55,710
sabihin mo, "Boo."

483
00:30:03,551 --> 00:30:06,846
Tina-try kong i-celebrate
'yong maliliit na panalo ko.

484
00:30:07,347 --> 00:30:08,848
May bago akong milestone.

485
00:30:08,932 --> 00:30:11,267
Bumibili na ako ng mga toothbrush

486
00:30:11,351 --> 00:30:12,560
nang bultuhan.

487
00:30:14,145 --> 00:30:15,438
Bago 'yon sa 'kin.

488
00:30:15,522 --> 00:30:18,817
Madalas nabubuhay ako noon
nang toothbrush to toothbrush.

489
00:30:19,567 --> 00:30:20,401
Walang backup.

490
00:30:20,485 --> 00:30:23,154
Bumibili lang ako ng tingi.

491
00:30:25,615 --> 00:30:27,033
Isa lang 'yon.

492
00:30:27,116 --> 00:30:28,576
Gagamitin ko 'yon

493
00:30:28,660 --> 00:30:31,788
hanggang sa wala nang dalawang bristles
na parallel.

494
00:30:33,206 --> 00:30:35,834
Tapos gagamitin ko pa rin 'yon

495
00:30:35,917 --> 00:30:39,003
kasi kukumbinsihin ko ang sarili ko
na mas effective 'yon

496
00:30:39,087 --> 00:30:42,131
ngayong buhaghag na 'yon.

497
00:30:43,424 --> 00:30:44,968
Mas tumitibay na 'to.

498
00:30:45,844 --> 00:30:48,513
Malapit ko na 'tong i-promote sa kusina.

499
00:30:52,684 --> 00:30:54,644
Sense of security 'yon.

500
00:30:55,144 --> 00:30:58,189
Masarap sa pakiramdam
na pag-uwi ko ngayong gabi,

501
00:30:58,273 --> 00:31:00,650
kung gusto ko ng bago, meron akong bago.

502
00:31:01,234 --> 00:31:04,028
Pag dumating ka, ako'ng bahala.
Walang problema.

503
00:31:04,112 --> 00:31:06,197
Hanggang apat na kaibigan, pwede.

504
00:31:08,908 --> 00:31:13,496
Tapos ang maganda sa multipack,
makakapili ka ng kulay.

505
00:31:14,414 --> 00:31:15,540
Opportunity 'yon.

506
00:31:15,623 --> 00:31:18,126
Wag kang magmadali,
maging intentional ka.

507
00:31:18,209 --> 00:31:21,713
Anong kulay ang magdadala ng energy
na kailangan mo ngayon?

508
00:31:22,797 --> 00:31:24,716
'Yong blue? Nakakakalma 'yon.

509
00:31:24,799 --> 00:31:26,926
Dagat 'yon ng kapayapaan.

510
00:31:27,802 --> 00:31:32,015
'Yong pula? A, oo, masaya 'yon,
kaso medyo maanghang.

511
00:31:33,182 --> 00:31:34,976
Powerful 'yong purple.

512
00:31:35,059 --> 00:31:40,732
Pinipili ko lang 'yon
pag gusto kong baguhin ang narrative.

513
00:31:42,233 --> 00:31:44,360
Minsan di ka masaya sa buhay mo.

514
00:31:44,444 --> 00:31:47,238
Baka sunod-sunod
'yong mga maling desisyon mo.

515
00:31:47,322 --> 00:31:51,826
Kailangan mong i-adjust 'yong behavior mo
ayon sa mga core values mo.

516
00:31:52,619 --> 00:31:55,288
Sige na nga, purple toothbrush.

517
00:31:56,456 --> 00:31:57,832
Tara.

518
00:31:58,791 --> 00:32:02,962
Pupuksain pa natin
'yong mga plaque at mga demonyo.

519
00:32:07,216 --> 00:32:09,260
Gusto kong maging mas mabuting tao.

520
00:32:09,344 --> 00:32:12,472
Sinusubukan ko naman.
Gusto ko talagang matuto.

521
00:32:12,555 --> 00:32:15,850
Di ko lang talaga naitutuloy palagi.

522
00:32:16,351 --> 00:32:20,104
Kaya ang daming nakabukas na tab
sa computer ko, e.

523
00:32:21,898 --> 00:32:26,819
Maraming resources sa internet
na feeling ko, mapapakinabangan ko.

524
00:32:27,654 --> 00:32:30,823
Pero kumbaga, hindi pa ngayon.

525
00:32:32,408 --> 00:32:33,910
Saka pa.

526
00:32:35,370 --> 00:32:37,413
Pero i-send mo sa 'kin 'yong link.

527
00:32:41,417 --> 00:32:44,754
Gusto ko ng link.
Magbubukas ako ng tab. May sistema ako.

528
00:32:45,630 --> 00:32:49,258
Mas marami kang tab na nakokolekta,
mas lumiliit ang mga 'yon.

529
00:32:50,760 --> 00:32:51,886
Ganito sa simula.

530
00:32:51,970 --> 00:32:53,513
Tapos nagiging…

531
00:32:53,596 --> 00:32:56,099
Hala, wala nang info.

532
00:32:57,266 --> 00:33:00,603
Di mo na alam kung para saan 'to
pero ang dami nila.

533
00:33:02,146 --> 00:33:03,690
Nakakahiya 'yon, di ba?

534
00:33:03,773 --> 00:33:06,359
Pag may work meeting ka,
ise-share mo 'yong screen mo.

535
00:33:06,442 --> 00:33:08,528
Di mo ise-share 'yon.

536
00:33:09,737 --> 00:33:11,155
Magbubukas ka ng bagong window.

537
00:33:11,239 --> 00:33:13,783
Aasta ka na parang,
"Walang problema, boss.

538
00:33:15,243 --> 00:33:17,912
"Okay ako. Andito ako
para sa shareholders."

539
00:33:21,791 --> 00:33:24,168
Every few months,
gustong mag-update ng browser.

540
00:33:24,252 --> 00:33:27,255
Sasabihin mo, "Teka.
Pa'no 'yong collection ko?"

541
00:33:29,090 --> 00:33:31,175
'Yong browser mo, "Kami'ng bahala.

542
00:33:31,259 --> 00:33:34,345
"Ire-reopen namin lahat ng tab.

543
00:33:35,221 --> 00:33:38,474
"Pero ang dami, ha.
Dapat gumagamit ka ng bookmarks."

544
00:33:40,768 --> 00:33:44,313
Every few years,
nagka-crash nang tuluyan ang computer mo.

545
00:33:44,397 --> 00:33:47,692
Mawawala na 'yong mga tab habambuhay.

546
00:33:47,775 --> 00:33:51,279
Nakakapanlumo 'yong pakiramdam
ng pagkawala no'n.

547
00:33:52,030 --> 00:33:54,574
Pero maiisip mo, "Sa wakas, malaya na ako.

548
00:33:56,451 --> 00:33:59,912
"Salamat, ginawa mo 'yong di ko magawa
para sa sarili ko."

549
00:34:05,960 --> 00:34:08,171
Ewan ko ba sa mga technology na 'yan.

550
00:34:08,254 --> 00:34:10,590
Di ako sigurado
kung nakakabuti sa buhay natin.

551
00:34:10,673 --> 00:34:14,510
Alam kong weird ang ibang parte ng buhay
dahil do'n.

552
00:34:15,303 --> 00:34:17,847
Nawala 'yong headphones ko no'ng nakaraan.

553
00:34:17,930 --> 00:34:20,475
Naiwan ko sa labas ng Atlantic City.

554
00:34:20,558 --> 00:34:22,268
Di ko na siya makukuha ulit.

555
00:34:22,351 --> 00:34:24,979
Pero sa tulong ng tech,

556
00:34:25,063 --> 00:34:27,148
pwede ko pa rin siyang i-check.

557
00:34:28,983 --> 00:34:32,570
Kung gusto ko,
makikita ko kung asan siya ngayon.

558
00:34:33,696 --> 00:34:35,323
Hindi healthy 'yong gano'n.

559
00:34:36,574 --> 00:34:39,452
Alam ko kung saan siya nakatira,
kung saan nagtatrabaho.

560
00:34:39,535 --> 00:34:42,747
Alam kong nacha-charge siya regularly.

561
00:34:43,790 --> 00:34:45,500
Naka-move on na siya.

562
00:34:46,000 --> 00:34:47,794
Tuloy lang ang buhay niya. Ako, wasak.

563
00:34:47,877 --> 00:34:50,630
May option na kalimutan 'yong device,
kaso…

564
00:34:51,172 --> 00:34:53,382
Ayokong makalimot!

565
00:34:54,759 --> 00:34:58,221
Ayokong bumitaw.
Minsan ka nang nawala sa 'kin.

566
00:34:59,514 --> 00:35:02,725
Di ako makapaniwalang
basta ka makikipagpair up sa iba.

567
00:35:08,314 --> 00:35:12,443
Tina-try kong wag magpadala
sa konsumerismo, sa mga materyal na bagay.

568
00:35:12,527 --> 00:35:15,113
Pero inaalagaan ko rin
'yong mga meron ako.

569
00:35:15,196 --> 00:35:16,781
Gaya nitong salamin.

570
00:35:16,864 --> 00:35:20,034
Nagko-contacts ako pag pisikalan
'yong gagawin ko.

571
00:35:20,118 --> 00:35:23,996
Pag maglalaro ako ng basketball
o pupunta ako sa strip club.

572
00:35:26,958 --> 00:35:29,627
Kasi pag nagsuot ka ng salamin
sa strip club

573
00:35:29,710 --> 00:35:31,295
tapos malapit ka sa stage,

574
00:35:31,379 --> 00:35:35,842
malaki ang posibilidad
na tatanggalin 'yon ng dancer.

575
00:35:35,925 --> 00:35:38,553
Di lang dalawang beses
nangyari sa 'kin 'yon.

576
00:35:41,013 --> 00:35:44,475
Kung gusto mong umarte
na parang sexy librarian, sige lang.

577
00:35:44,559 --> 00:35:45,852
Susuportahan kita.

578
00:35:45,935 --> 00:35:48,855
Pero magdala ka ng sarili mong props.

579
00:35:50,398 --> 00:35:51,649
Hindi 'to laruan.

580
00:35:51,732 --> 00:35:54,318
Medical device 'to.

581
00:35:55,319 --> 00:35:58,072
Mga optician lang ang pinapahawak ko dito.

582
00:35:58,156 --> 00:36:01,951
Pero dahil wala kang saplot,
pagbibigyan kita ngayong gabi.

583
00:36:05,580 --> 00:36:09,292
Kukunin nila 'yong salamin mo,
isusuot nila nang nakababa sa ilong,

584
00:36:09,375 --> 00:36:11,419
tapos titingnan ka nang malagkit.

585
00:36:12,712 --> 00:36:14,297
Sexy moment dapat 'yon,

586
00:36:14,380 --> 00:36:17,133
kaso hindi ko siya makita nang malinaw.

587
00:36:23,639 --> 00:36:25,766
"Apat yata 'yong utong niya."

588
00:36:31,063 --> 00:36:33,691
Magbabago siya ng diskarte.
Huhubarin niya 'yong salamin

589
00:36:33,774 --> 00:36:38,196
tapos bibigyan niya ng close-up tour
ng katawan niya.

590
00:36:38,279 --> 00:36:42,658
Sabi ko, "Wow,
ang saya naman niyan para sa salamin ko."

591
00:36:44,368 --> 00:36:47,163
Kaso di ko naman kita
'yong nakikita ng salamin.

592
00:36:47,705 --> 00:36:51,626
Wala 'yang Bluetooth connection
sa occipital lobe ko.

593
00:36:57,089 --> 00:37:01,844
Tapos ibabalik niya 'yong salamin ko.
Siyempre, ang daming smudge no'ng lens.

594
00:37:02,637 --> 00:37:05,306
May mga booby print sa lenses ko.

595
00:37:05,890 --> 00:37:10,603
Personal touch 'yon,
kaso di ako nate-turn on sa forensics, e.

596
00:37:11,604 --> 00:37:13,314
Di ko dala 'yong lens cloth.

597
00:37:13,397 --> 00:37:17,526
Papanoorin ko tuloy nang low-res
'yong buong show.

598
00:37:24,283 --> 00:37:26,494
Nagpahinga ako sa pagto-tour.

599
00:37:26,577 --> 00:37:30,414
Umuwi ako sa LA para sa jury duty.

600
00:37:31,165 --> 00:37:33,334
Di ko naman tina-try na mapili.

601
00:37:33,417 --> 00:37:37,213
Pero na-draft ako sa first round.
Number one pick, baby.

602
00:37:38,172 --> 00:37:41,092
Proud ako sa sarili ko,
tapos bigla akong nag-alala.

603
00:37:41,175 --> 00:37:44,929
Sabi ko, "Kung first pick ako,
di kami makakapasok sa playoff."

604
00:37:47,098 --> 00:37:49,934
Nagawa na namin 'yong selection process.
Tapos na.

605
00:37:50,017 --> 00:37:53,062
Biglang nagtaas ng kamay si juror three,
gustong makatakas.

606
00:37:53,145 --> 00:37:55,648
Sabi niya, "Your Honor,
naghahanap ako ng trabaho.

607
00:37:55,731 --> 00:37:58,067
"Baka may interview ako next week."

608
00:37:58,150 --> 00:38:00,278
Tiningnan siya no'ng judge,

609
00:38:00,361 --> 00:38:04,115
tapos nagdesisyon 'yong judge
na huwag siyang tanggalin sa jury.

610
00:38:04,699 --> 00:38:06,701
Kasi judgmental ang judge.

611
00:38:07,326 --> 00:38:08,703
Base sa nakita niya,

612
00:38:08,786 --> 00:38:11,455
sabi niya, "Wala kang mahahanap
na trabaho."

613
00:38:12,707 --> 00:38:15,334
Tingin ng judge,
walang magha-hire sa kanya.

614
00:38:15,835 --> 00:38:18,629
Tapos ginawa niyang co-worker ko
'yong lalaki.

615
00:38:20,464 --> 00:38:22,425
Kaya napaisip ako sa sistema.

616
00:38:22,508 --> 00:38:25,177
Kasi sa papel,
marangal naman 'yong jury duty.

617
00:38:25,261 --> 00:38:28,514
Pero ang totoo, sobrang casual lang, 'no?

618
00:38:28,597 --> 00:38:30,558
Parang sabi ng gobyerno, "Ano?

619
00:38:31,392 --> 00:38:32,810
"Free ka ba?

620
00:38:35,021 --> 00:38:37,273
"Punta ka sa bayan. May problema kami

621
00:38:37,356 --> 00:38:40,985
"sa field na wala kang
background experience,

622
00:38:41,610 --> 00:38:44,030
"wala kang insight o interes.

623
00:38:44,113 --> 00:38:46,490
"Pero may dalawang sobrang biased na panig

624
00:38:46,574 --> 00:38:49,243
"na magpepresent
ng magkasalungat na argumento

625
00:38:49,327 --> 00:38:51,454
"para patunayang tama sila.

626
00:38:51,537 --> 00:38:54,582
"Tapos sabihin mo sa amin
kung ano talaga ang totoo.

627
00:38:56,876 --> 00:38:58,127
"Kaya mo 'yan."

628
00:39:03,090 --> 00:39:07,970
Sobrang nakaka-pressure 'yon, ha.

629
00:39:08,054 --> 00:39:09,513
Sagrado ang korte.

630
00:39:09,597 --> 00:39:12,808
Posibleng maitama mo do'n
ang mga mali ng nakaraan.

631
00:39:12,892 --> 00:39:16,187
Nakabihis ang mga tao para do'n.
Naka-robe 'yong judge.

632
00:39:16,270 --> 00:39:18,189
Naka-suit 'yong mga abogado.

633
00:39:18,272 --> 00:39:19,899
Pormal na okasyon 'yon

634
00:39:19,982 --> 00:39:21,692
puwera lang sa jury.

635
00:39:23,194 --> 00:39:27,656
Para kaming mga walang pakialam
sa kakalabasan no'n.

636
00:39:28,824 --> 00:39:31,285
Nakabihis kami na parang naabala kami

637
00:39:31,369 --> 00:39:35,623
at gusto naming malaman ng korte
na hindi ito magandang timing.

638
00:39:41,045 --> 00:39:43,381
Di namin nagawa nang maayos 'yon.

639
00:39:44,548 --> 00:39:46,634
Tatlong linggo 'yong trial

640
00:39:46,717 --> 00:39:49,136
pero walang nag-notes.

641
00:39:50,679 --> 00:39:54,266
Walang notes. Nasa isip namin,
"Matatandaan ko naman siguro."

642
00:39:56,727 --> 00:39:59,688
Kaya no'ng deliberation na,
wala kaming kahit ano.

643
00:39:59,772 --> 00:40:01,857
Pinapakiramdaman na lang namin.

644
00:40:03,275 --> 00:40:05,778
Sabi namin, "Ewan ko…

645
00:40:07,738 --> 00:40:09,281
"Guilty?"

646
00:40:11,951 --> 00:40:13,702
Pangit pakinggan pero relax lang.

647
00:40:13,786 --> 00:40:16,872
Wala namang nakatayang buhay.
Civil case 'yon.

648
00:40:16,956 --> 00:40:20,459
Kinasuhan ng US corporation
'yong Canadian corporation.

649
00:40:20,543 --> 00:40:22,461
Kaya nag-home team na lang kami.

650
00:40:24,588 --> 00:40:27,133
Ibigay na natin
ang gusto ng fans. Tara na.

651
00:40:28,884 --> 00:40:30,636
Ang ikli no'ng discussion.

652
00:40:30,719 --> 00:40:32,763
Andun kaming lahat nang 9:00 a.m.

653
00:40:32,847 --> 00:40:35,015
Tapos na kami nang 9:10.

654
00:40:36,434 --> 00:40:39,979
Sa trial, kanya-kanya kami ng lunch.

655
00:40:40,062 --> 00:40:42,565
Pero nalaman namin na sa deliberation,

656
00:40:43,149 --> 00:40:46,485
pag hanggang tanghali ka,
sagot ng korte 'yong lunch mo.

657
00:40:47,069 --> 00:40:49,738
Kaya nagkasundo kaming lahat unanimously.

658
00:40:49,822 --> 00:40:53,534
Sabi namin, "Uy, huwag muna nating ibigay
'yong sagot.

659
00:40:54,743 --> 00:40:59,457
"Kalma lang. Ihahain natin ang hustisya
pag naghain na sila ng turkey sandwich."

660
00:41:00,458 --> 00:41:02,376
Quid pro sando.

661
00:41:03,919 --> 00:41:07,715
Tatlong oras naming pinatagal 'yong hatol

662
00:41:08,215 --> 00:41:10,009
para sa libreng pagkain.

663
00:41:10,509 --> 00:41:14,847
Tapos di naman pala kasarapan
'yong sandwich.

664
00:41:16,390 --> 00:41:17,558
Sayang ang oras.

665
00:41:17,641 --> 00:41:19,977
Sayang lang din 'yong calories.

666
00:41:20,561 --> 00:41:23,939
Bilang jury, nagpakita kami
ng poor judgment

667
00:41:24,023 --> 00:41:26,609
hanggang sa pinakahuling sandali.

668
00:41:27,193 --> 00:41:28,861
Kaya tama lang 'yon sa 'min.

669
00:41:28,944 --> 00:41:30,821
Gumagana ang sistema.

670
00:41:38,913 --> 00:41:40,164
Habang tumatanda ako,

671
00:41:40,247 --> 00:41:43,292
mas nababaling ang atensiyon ko
sa kalikasan.

672
00:41:43,375 --> 00:41:46,754
Do'n ako pumupunta ngayon
para matahimik at sumaya ako.

673
00:41:46,837 --> 00:41:50,841
Kahit 'yong mga pinupuntahan kong party,
sobrang outdoorsy na rin.

674
00:41:50,925 --> 00:41:53,677
May napuntahan akong
dalawang bachelor party na gano'n.

675
00:41:53,761 --> 00:41:57,848
'Yong una, para sa kaibigan kong si Louis.
Pumunta kami sa Costa Rica.

676
00:41:58,474 --> 00:41:59,934
Sobrang tropical.

677
00:42:00,017 --> 00:42:01,894
Maraming water activities.

678
00:42:01,977 --> 00:42:04,104
Madalas basa kami.

679
00:42:05,231 --> 00:42:09,068
Labinlimang lalaki na nasa 40s nila,

680
00:42:09,568 --> 00:42:12,988
na maluwag 'yong board shorts.

681
00:42:14,823 --> 00:42:17,743
Kita ko 'yong mga kuyukot nila.

682
00:42:20,037 --> 00:42:21,789
Di ko ginusto 'yon.

683
00:42:23,332 --> 00:42:27,670
Pag may hinala ka
na may kuyukot sa may tagiliran mo,

684
00:42:28,629 --> 00:42:32,758
halos imposibleng magpatuloy ka lang
sa buhay mo.

685
00:42:33,926 --> 00:42:36,762
Kailangan mong kumpirmahin.
Sasabihin mo, "Teka, saglit lang.

686
00:42:41,350 --> 00:42:43,269
"Ayoko sanang gawin 'yon."

687
00:42:45,688 --> 00:42:48,107
Ang lakas kasing makahatak ng kuyukot, e.

688
00:42:49,483 --> 00:42:52,611
Parang cleavage lang din 'yong kuyukot.

689
00:42:54,071 --> 00:42:59,034
Tumatawag 'yon ng atensiyon
gamit ang panggagaya.

690
00:43:00,411 --> 00:43:03,831
Kusa kang napapatingin
sa aninong nabubuo do'n.

691
00:43:03,914 --> 00:43:07,167
"Ano 'tong misteryong gustong lutasin
ng isip ko?"

692
00:43:09,336 --> 00:43:11,630
Di mo ginusto 'yon. Instinct 'yon.

693
00:43:11,714 --> 00:43:13,632
Dopamine 'yon. Basta gano'n.

694
00:43:14,592 --> 00:43:16,260
Makapangyarihan 'yon.

695
00:43:16,343 --> 00:43:21,390
'Yon din ang ginagamit nilang batayan
pag nagde-design ng botanical garden.

696
00:43:21,890 --> 00:43:24,893
Lagi nilang ginagawang liko-liko
'yong daan

697
00:43:25,436 --> 00:43:26,854
para ma-curious ka.

698
00:43:26,937 --> 00:43:29,732
"Ano'ng meron pagkalampas
ng kurbadang 'yon?

699
00:43:31,150 --> 00:43:33,193
"Medyo gusto kong malaman."

700
00:43:33,944 --> 00:43:35,863
Minsan, susundan mo 'yong liko

701
00:43:35,946 --> 00:43:39,992
tapos mapapadpad ka
sa magandang taniman ng mga begonias.

702
00:43:40,075 --> 00:43:41,035
Minsan naman,

703
00:43:41,118 --> 00:43:42,786
sa puwet ng tropa mo.

704
00:43:45,331 --> 00:43:47,583
"Wala dapat ako sa garden na 'yon.

705
00:43:48,542 --> 00:43:51,086
"Staff only area 'yon."

706
00:43:57,926 --> 00:43:59,928
'Yong isa pang bachelor party,

707
00:44:00,012 --> 00:44:02,306
backpacking trip naman 'yon.

708
00:44:02,389 --> 00:44:05,059
Hindi sa mga hostel. Sa kagubatan.

709
00:44:05,142 --> 00:44:07,728
Sino'ng nakapag-backpacking na
nang gano'n?

710
00:44:09,188 --> 00:44:12,691
May ilan-ilan lang.
Ayan, tama 'yang ganyang karami.

711
00:44:13,692 --> 00:44:15,653
Ganyan karami lang dapat

712
00:44:15,736 --> 00:44:18,530
kasi di na natin kailangang
mamuhay nang gano'n.

713
00:44:21,033 --> 00:44:22,993
Weird na choice 'yon.

714
00:44:24,870 --> 00:44:26,038
Ang intense no'n.

715
00:44:26,121 --> 00:44:29,291
Iba 'yon sa camping.
Nakapag-camping na ako. Chill lang 'yon.

716
00:44:29,375 --> 00:44:32,795
Pag camping, magda-drive ka lang
papunta sa campsite.

717
00:44:33,504 --> 00:44:34,713
Tapos magka-camp ka.

718
00:44:35,422 --> 00:44:37,841
'Yong backpacking, magda-drive ka

719
00:44:37,925 --> 00:44:40,135
papunta do'n sa hindi naman campsite.

720
00:44:41,095 --> 00:44:43,555
Hihinto ka sa highway,
ibababa mo lahat ng gamit,

721
00:44:43,639 --> 00:44:46,141
bubuhatin mo, tapos sasabihin mo,
"Salamat, kotse."

722
00:44:46,225 --> 00:44:47,851
"Ako na ang bahala.

723
00:44:49,812 --> 00:44:53,941
"Sa susunod na 42 kilometers,
magkukunwari akong kotse.

724
00:44:55,776 --> 00:44:58,487
"Off-road ako. Subaru."

725
00:45:04,993 --> 00:45:08,163
Di pa ako nakakagamit ng gano'ng bag.

726
00:45:08,247 --> 00:45:11,917
Wala akong gano'n.
Di pa ako nakakagamit no'n. Ang laki, e.

727
00:45:12,000 --> 00:45:13,794
Kahit no'ng bata ako, di ko gusto 'yon.

728
00:45:13,877 --> 00:45:15,796
Parang may mali sa ratio.

729
00:45:15,879 --> 00:45:18,382
Masyadong malaki 'yong bag para sa tao.

730
00:45:19,258 --> 00:45:21,260
Ako 'yong tipong naka-Jansport.

731
00:45:21,343 --> 00:45:25,139
Para sa 'kin, dapat 'yong bag,
mula lang dito hanggang dito.

732
00:45:25,806 --> 00:45:28,183
Hindi ko gusto na sobrang laki no'n.

733
00:45:28,267 --> 00:45:31,895
Umaabot na nang lampas sa ulo mo.

734
00:45:32,730 --> 00:45:34,440
Sabi ko, "Huy!

735
00:45:35,899 --> 00:45:38,444
"Ano'ng ginagawa mo? Backpack ka, di ba?

736
00:45:39,361 --> 00:45:41,697
"Do'n ka sa likod."

737
00:45:47,035 --> 00:45:50,497
Pinlano 'yon ng kaibigan ko
para sa bachelor party.

738
00:45:50,581 --> 00:45:54,001
Di 'yon traditional.
Saka alam kong spiritual siya.

739
00:45:54,084 --> 00:45:56,128
No'ng sinabi niyang gusto niyang maiba,

740
00:45:56,211 --> 00:45:59,590
sabi ko, "Okay, sige.
Walang laklakan, walang strippers."

741
00:45:59,673 --> 00:46:03,218
Sabi niya, "Oo,
tapos wala ring silong, walang kuryente."

742
00:46:06,013 --> 00:46:07,765
Para 'yong, "Mag-party tayo!

743
00:46:07,848 --> 00:46:10,934
"Pero iwasan natin
'yong masaya at komportable."

744
00:46:14,396 --> 00:46:16,398
Walang ibang pumunta.

745
00:46:17,566 --> 00:46:20,486
Kaming dalawa lang
'yong nag-bachelor party.

746
00:46:22,362 --> 00:46:25,157
Dalawang lalaking nasa gubat
nang apat na araw

747
00:46:25,240 --> 00:46:28,869
at chine-check ang isa't isa gabi-gabi
kung may garapata sila sa katawan.

748
00:46:31,622 --> 00:46:33,832
Naging romantic bigla.

749
00:46:36,293 --> 00:46:37,878
Pero ang tanong,

750
00:46:37,961 --> 00:46:42,216
kung mas marami ba'ng pumunta,
mababawasan ang kabaklaan no'ng party?

751
00:46:45,052 --> 00:46:48,430
Ewan ko. Wala yatang math
na makaka-solve sa equation na 'yon.

752
00:46:56,188 --> 00:47:00,567
Inakyat namin 'yong trail
sa baybayin ng Northern California.

753
00:47:00,651 --> 00:47:02,611
Ang ganda do'n.

754
00:47:02,694 --> 00:47:08,617
Ilang beses kong naranasan sa biyahe
na tanaw ko 'yong dagat mula sa bangin,

755
00:47:08,700 --> 00:47:10,285
tapos natutulala ako sa ganda.

756
00:47:10,369 --> 00:47:14,790
Sabi ko sa kaibigan ko,
"Salamat sa pagpaplano ng lahat ng 'to.

757
00:47:14,873 --> 00:47:17,084
"Feeling ko, once-in-a-lifetime 'to

758
00:47:17,167 --> 00:47:19,586
"kasi malamang di ko na uulitin 'to."

759
00:47:21,421 --> 00:47:25,092
Sabi niya, "Salamat, sumama ka.
Kung hindi, mag-isa lang ako."

760
00:47:26,051 --> 00:47:28,220
Tahimik lang kaming nakatayo do'n.

761
00:47:28,303 --> 00:47:31,807
Ninanamnam namin 'yong ganda ng tanawin.

762
00:47:32,558 --> 00:47:36,019
Tapos naisip ko,
"Pwedeng-pwede ko siyang patayin ngayon.

763
00:47:39,106 --> 00:47:40,607
"Ayoko namang gawin 'yon.

764
00:47:41,233 --> 00:47:45,612
"Pero kung gusto ko, ito ang tamang oras."

765
00:47:47,614 --> 00:47:51,326
Ayokong manakit ng tao,
pero gusto ko 'yong opportunity.

766
00:47:55,998 --> 00:47:58,709
Pag nasa nature ka,
ramdam mong kalmado ka,

767
00:47:58,792 --> 00:48:00,711
konektado ka sa universe.

768
00:48:00,794 --> 00:48:04,089
Mapapaisip ka ng malalalim na tanong
gaya ng,

769
00:48:04,172 --> 00:48:06,174
"Mamamatay-tao ba ako?"

770
00:48:13,098 --> 00:48:15,559
Sapat na 'yong apat na araw sa kagubatan

771
00:48:15,642 --> 00:48:19,688
para mabago 'yong pananaw ko,
'yong pagtingin ko sa buhay.

772
00:48:19,771 --> 00:48:21,982
Pagbalik ko sa normal kong buhay,

773
00:48:22,065 --> 00:48:25,652
di ako makapaniwala
kung gaano tayo kasuwerte.

774
00:48:26,153 --> 00:48:27,738
'Yong mga basic.

775
00:48:28,238 --> 00:48:29,740
Basurahan.

776
00:48:30,824 --> 00:48:32,951
Pag apat na araw kang walang basurahan,

777
00:48:33,035 --> 00:48:35,913
mare-realize mo
na mahiwagang sisidlan 'yon.

778
00:48:36,705 --> 00:48:39,708
Pwede mong ilagay do'n ang kahit ano.
Kahit ano.

779
00:48:39,791 --> 00:48:42,586
Di mo na magiging responsibilidad 'yon.

780
00:48:43,378 --> 00:48:45,923
Hindi, problema na 'yon ng lipunan.

781
00:48:46,757 --> 00:48:48,508
Di mo na aalalahanin 'yon.

782
00:48:48,592 --> 00:48:50,636
Bahala na 'yong apo mo.

783
00:48:54,681 --> 00:48:55,933
Para akong toddler.

784
00:48:56,016 --> 00:48:58,936
Sabik na sabik akong mag-poo-poo
sa toilet.

785
00:49:00,687 --> 00:49:03,565
Ang suwerte natin sa toilet.

786
00:49:03,649 --> 00:49:07,194
Apat na araw kaming
naghuhukay ng butas do'n.

787
00:49:08,528 --> 00:49:10,113
Mabilis na pro tip lang.

788
00:49:10,197 --> 00:49:12,282
Kung magba-backpacking kayo,

789
00:49:12,866 --> 00:49:15,911
maghukay na agad kayo sa gabi.

790
00:49:18,747 --> 00:49:20,165
Dapat maagap kayo.

791
00:49:21,083 --> 00:49:25,003
Gawin n'yo pagkakain ng dinner,
pag nalagyan n'yo na ng bala.

792
00:49:27,798 --> 00:49:30,175
Di n'yo gugustuhing maghukay

793
00:49:30,258 --> 00:49:31,635
kung kailan andiyan na.

794
00:49:33,512 --> 00:49:38,392
Di n'yo gugustuhing magipit sa oras.

795
00:49:40,978 --> 00:49:42,604
Hindi maganda 'yon.

796
00:49:43,647 --> 00:49:46,775
Paggising ko no'ng second day,
medyo emergency na.

797
00:49:47,275 --> 00:49:48,819
Lalabas na. Kumuha ako ng pala.

798
00:49:48,902 --> 00:49:52,030
Tumakbo ako. Di ako makapag-isip.
Nagkamali ako ng liko.

799
00:49:52,114 --> 00:49:55,951
Napunta ako sa parteng matigas 'yong lupa.

800
00:49:57,285 --> 00:49:59,496
Di ko mahukay.

801
00:50:00,956 --> 00:50:02,082
Desperado na ako.

802
00:50:02,165 --> 00:50:06,503
Sabi ko, "Baka dapat tapusin ko na 'to.
Mamaya ko na lang ibabaon 'yong katawan."

803
00:50:07,713 --> 00:50:08,755
Tama din naman.

804
00:50:08,839 --> 00:50:12,050
Alam mo na ngayon
kung ga'no kalaki 'yong katawan.

805
00:50:13,468 --> 00:50:15,887
Kung naghukay ka muna,
magge-guesstimate ka.

806
00:50:15,971 --> 00:50:20,225
Tatanungin mo ang sarili mo,
"Mas malaki ba 'yong mata mo kesa puwet?"

807
00:50:26,106 --> 00:50:27,983
'Yong unang hukay ko,

808
00:50:28,483 --> 00:50:30,235
kulang 'yong butas.

809
00:50:32,654 --> 00:50:36,158
Sinubukan kong ibaon pagkatapos.
Naging maliit na burol.

810
00:50:38,452 --> 00:50:42,039
Huwag daw mag-iwan ng bakas,
pero binago ko 'yong topography.

811
00:50:43,582 --> 00:50:46,334
Kailangan nilang i-update 'yong mapa.

812
00:50:54,176 --> 00:50:57,846
Sobrang memorable no'ng trip.
Maraming magandang wildlife.

813
00:50:57,929 --> 00:51:02,893
Isa sa pinakanakakamanghang nakita namin,
'yong malaking black bear.

814
00:51:03,602 --> 00:51:04,895
No'ng lumapit kami,

815
00:51:04,978 --> 00:51:08,356
dire-diretso 'yon paakyat
sa matarik na daan.

816
00:51:08,440 --> 00:51:11,943
No'ng nakita ko
'yong pinagsamang lakas at bilis niya,

817
00:51:12,527 --> 00:51:14,029
gumuho ang mundo ko.

818
00:51:14,529 --> 00:51:15,739
Kasi may plano ako, e.

819
00:51:15,822 --> 00:51:18,825
Sabi ko, kung kailangan kong tumakas
sa bear,

820
00:51:18,909 --> 00:51:21,661
magfe-fake ako pakaliwa,
tapos kakanan ako.

821
00:51:23,288 --> 00:51:27,918
No'ng nakita kong ang bilis no'ng bear,
sabi ko, "Di 'yon realistic."

822
00:51:29,419 --> 00:51:32,672
Pag nag-fake ako pakaliwa,
dedo talaga ako no'n.

823
00:51:34,591 --> 00:51:36,635
Pag inatake ako ng bear,

824
00:51:36,718 --> 00:51:39,346
dapat maging present lang ako.

825
00:51:40,263 --> 00:51:44,101
Di ba? Matuto kang tanggapin
'yong mga bagay na di mo na mababago.

826
00:51:44,184 --> 00:51:46,061
Inhale, exhale.

827
00:51:46,144 --> 00:51:50,148
"Ano'ng nangyayari? Grabe, ang sarap ko.

828
00:51:51,149 --> 00:51:54,778
"Nilalapang ako. Masyado akong masarap
para magpunta sa gubat.

829
00:51:56,321 --> 00:52:01,701
"Uy, mukhang nahihirapan ka sa hita, a.
Batak kasi 'yan dahil sa hiking, bear.

830
00:52:02,744 --> 00:52:05,497
"Sorry. Dapat sa bahay mo ako hinuli
last week.

831
00:52:05,580 --> 00:52:07,541
"Malambot pa ako no'n."

832
00:52:12,003 --> 00:52:14,631
No'ng day one,
nag-hike kami nang 13 kilometers.

833
00:52:16,007 --> 00:52:18,218
Nasa teritoryo kami ng mga bear.

834
00:52:18,301 --> 00:52:19,970
Wala nang signal.

835
00:52:20,053 --> 00:52:23,306
No'ng gumabi na, sobrang dilim.
Di mo kita ang kamay mo.

836
00:52:23,390 --> 00:52:26,268
Tanda ko, pumasok kami sa tent.

837
00:52:27,185 --> 00:52:30,981
Sinara ko 'yon. Sabi ko, "Zip.

838
00:52:34,234 --> 00:52:36,736
"Mukhang ligtas na tayo.

839
00:52:40,490 --> 00:52:43,910
"Pwede bang mawalan na lang tayo ng malay
nang walong oras?

840
00:52:47,372 --> 00:52:48,915
"Nasa loob naman tayo, e.

841
00:52:50,417 --> 00:52:51,459
"Loob na 'to.

842
00:52:51,543 --> 00:52:54,296
"Ginawa ko 'to hanggang sa pinakataas.

843
00:52:55,297 --> 00:52:58,550
"Kumbaga ginawa kong force field
'yong windbreaker.

844
00:53:00,802 --> 00:53:03,889
"Kung di natin sila kita,
pa'no nila malalamang andito tayo?

845
00:53:06,099 --> 00:53:08,310
"Sige na, mga bear, tulog na kayo.

846
00:53:08,393 --> 00:53:11,396
"Narinig n'yo 'yong zipper.
Tulog na. Good night."

847
00:53:15,192 --> 00:53:16,610
Lalo akong natakot

848
00:53:16,693 --> 00:53:19,946
kasi katabi ng pinto
'yong sleeping bag ko.

849
00:53:20,447 --> 00:53:21,448
Pero naisip ko,

850
00:53:21,531 --> 00:53:25,327
"Malamang di naman dadaan 'yong bear
sa tamang pinto.

851
00:53:26,995 --> 00:53:29,623
"Di 'yon papasok dito
na parang Kool-Aid Man.

852
00:53:31,791 --> 00:53:36,171
Mas nakakatakot 'yon
pag binuksan nga no'ng bear 'yong zipper.

853
00:53:50,810 --> 00:53:51,853
Nakakatakot 'yon.

854
00:53:51,937 --> 00:53:54,731
Tuwing ginagawa ko 'yon,
kinikilabutan ako.

855
00:53:57,275 --> 00:53:58,401
May…

856
00:54:01,821 --> 00:54:04,366
Salamat. May konting oras pa tayo,

857
00:54:04,449 --> 00:54:07,911
pero gusto ko lang magpasalamat
sa pagpunta n'yo dito.

858
00:54:07,994 --> 00:54:09,788
Salamat sa pagpunta n'yo.

859
00:54:19,714 --> 00:54:20,882
Ano…

860
00:54:22,092 --> 00:54:25,095
Salamat, andito kayo.
Malaking bagay 'to sa 'kin.

861
00:54:25,178 --> 00:54:27,555
Twenty-three years na akong
nagsa-stand-up comedy.

862
00:54:27,639 --> 00:54:31,768
First major tour ko ito,
tapos sold-out 'yong mga theater.

863
00:54:33,812 --> 00:54:35,230
Grabe.

864
00:54:37,524 --> 00:54:39,025
Parang panaginip.

865
00:54:39,109 --> 00:54:42,028
Pero ang totoo,
ang goal ko no'ng una pa lang,

866
00:54:42,112 --> 00:54:43,780
hasain lang 'yong craft ko.

867
00:54:43,863 --> 00:54:47,867
Gusto kong maging mas magaling
at mahanap ko 'yong crowd ko.

868
00:54:47,951 --> 00:54:50,328
Pero di ko naisip ang ibig sabihin no'n.

869
00:54:50,412 --> 00:54:51,496
Na-realize ko,

870
00:54:51,579 --> 00:54:54,708
iba't ibang demographic ng fans
ang nahahatak ng mga komedyante

871
00:54:54,791 --> 00:54:55,959
sa mga show na 'to.

872
00:54:56,042 --> 00:54:58,211
Nakikilala ko kung sino kayo.

873
00:54:58,712 --> 00:55:02,799
Kasi pag nakakausap ko
'yong mga nagtatrabaho sa ganitong shows,

874
00:55:02,882 --> 00:55:05,552
sinasabi nilang gusto nila
'yong audience ko

875
00:55:05,635 --> 00:55:09,514
kasi nag-eenjoy lang kayo,
pero hindi kayo sumosobra.

876
00:55:10,890 --> 00:55:13,560
Konti lang ang napapalayas sa mga show ko.

877
00:55:13,643 --> 00:55:16,021
Kahit sa Philadelphia, peaceful naman.

878
00:55:18,523 --> 00:55:19,816
Chill lang.

879
00:55:22,027 --> 00:55:23,320
Kasi mababait kayo.

880
00:55:23,403 --> 00:55:25,822
May respeto kayo sa sarili, sa ibang tao.

881
00:55:25,905 --> 00:55:28,366
Saka gusto n'yo lang matulog nang maaga.

882
00:55:30,118 --> 00:55:31,202
Gets ko kayo.

883
00:55:31,286 --> 00:55:33,747
Medyo proud nga ako sa inyo, e.

884
00:55:35,123 --> 00:55:40,003
Alam kong may bedtime routine kayo
na gustong-gusto n'yo nang simulan.

885
00:55:41,087 --> 00:55:44,174
Ang dami no'n.
Magbu-brew pa kayo ng chamomile tea.

886
00:55:44,257 --> 00:55:47,594
Magha-hot shower pa kayo,
magsi-skin care routine.

887
00:55:47,677 --> 00:55:50,513
May lymphatic drainage massage pa.

888
00:55:50,597 --> 00:55:54,642
Magme-meditate, magbabasa ng libro
na 13 months n'yo nang di matapos-tapos.

889
00:55:54,726 --> 00:55:56,311
Ang dami.

890
00:55:58,480 --> 00:56:01,191
Kaya nagpapasalamat ako
na kayo ang fans ko,

891
00:56:01,274 --> 00:56:03,651
kasi mabait, loving,
saka wholesome 'yong vibe.

892
00:56:03,735 --> 00:56:06,988
Gusto kong suklian ang suporta
at kabaitan n'yo

893
00:56:07,072 --> 00:56:09,783
ng konting transparency.

894
00:56:11,242 --> 00:56:14,788
Naniniwala akong dapat n'yong malaman.
Gusto kong umamin.

895
00:56:14,871 --> 00:56:16,498
May pekeng ngipin ako.

896
00:56:19,042 --> 00:56:21,002
Andito sa gitna, sa harap.

897
00:56:21,086 --> 00:56:25,006
Kaya 56 minutes ko kayong naloko.

898
00:56:27,258 --> 00:56:28,093
Crown 'to.

899
00:56:28,176 --> 00:56:33,014
Totoo lahat puwera lang dito sa crown.
Kung dentista ka, number eight 'to.

900
00:56:34,891 --> 00:56:38,353
Naputol ko noon 'yong ngipin.
Iba pa ang buhay ko no'n.

901
00:56:38,436 --> 00:56:41,272
Nasa New York ako,
may mga maling desisyon ako.

902
00:56:41,356 --> 00:56:44,776
Di ko pa naa-activate no'n
'yong purple toothbrush ko.

903
00:56:48,113 --> 00:56:51,032
Traumatic 'yon. 'Yong mga unang ngipin mo,
katuwaan lang.

904
00:56:51,116 --> 00:56:53,660
'Yong pangalawa, totoo na 'yon.

905
00:56:54,494 --> 00:56:56,454
Di na babalik 'yon.

906
00:56:56,538 --> 00:56:59,040
Hiyang-hiya ako. Desperado na ako.

907
00:56:59,124 --> 00:57:00,458
Sabi ko sa dentista ko,

908
00:57:00,542 --> 00:57:04,629
"Please, i-control-Z mo
'yong ginawa ko sa sarili ko."

909
00:57:05,755 --> 00:57:06,923
Sobrang reassuring niya.

910
00:57:07,006 --> 00:57:09,801
Sabi niya, "Walang problema.
Lalagyan natin ng crown 'yan."

911
00:57:09,884 --> 00:57:13,346
Di ko pa alam 'yon noon.
Sabi ko, "Gawin mo ang dapat mong gawin."

912
00:57:13,430 --> 00:57:16,266
Pag nilagyan nila ng crown
ang putol na ngipin,

913
00:57:16,349 --> 00:57:20,395
hinahasa muna nila 'yong natira

914
00:57:20,478 --> 00:57:24,023
hanggang sa maging duguang piraso na lang.

915
00:57:25,775 --> 00:57:30,572
Madalas ayaw ng mga dentista na makita,
isipin, o malaman mo 'yon.

916
00:57:31,156 --> 00:57:34,617
Pero gusto niyang ipakita sa 'kin
'yong gawa niya.

917
00:57:36,327 --> 00:57:41,166
May time na binaba niya 'yong salamin
sa harap ko.

918
00:57:41,666 --> 00:57:44,711
Di ko alam ang nangyayari.
Akala ko tapos na.

919
00:57:46,337 --> 00:57:49,466
Akala ko parang sa barbero
na ipapakita sa 'yo 'yong likod ng ulo mo.

920
00:57:50,842 --> 00:57:52,510
Ihahanda ko na 'yong tip mo.

921
00:57:56,848 --> 00:57:58,725
Sumilip ako.

922
00:58:00,393 --> 00:58:02,187
Kakilabot.

923
00:58:04,522 --> 00:58:08,443
Di ako nag-react
kasi ayokong bigyan 'yon ng kapangyarihan.

924
00:58:10,153 --> 00:58:12,363
Nablangko 'yong mukha ko.

925
00:58:13,198 --> 00:58:16,117
Umiwas ako ng tingin.
Sabi ko, "Huwag mo nang uulitin 'yan."

926
00:58:17,869 --> 00:58:21,206
Dabi ko, "Di ko alam
kung bakit kailangan ko pang sabihin 'to,

927
00:58:21,289 --> 00:58:25,168
"pero pumunta ako dito
para dagdagan 'yong ngipin.

928
00:58:26,294 --> 00:58:30,131
"Gusto ko ng dagdag na ngipin.

929
00:58:30,215 --> 00:58:33,092
"Kanina pang mali 'yong ginagawa mo!"

930
00:58:37,889 --> 00:58:41,684
Takot na takot pa rin ako sa nakita ko.

931
00:58:42,894 --> 00:58:44,521
Sa salamin, nakikita ko 'to.

932
00:58:44,604 --> 00:58:47,273
Pero sa isip ko, alam ko ang totoo.

933
00:58:48,691 --> 00:58:52,403
Kaya gusto kong protektahan 'yong crown.

934
00:58:52,487 --> 00:58:56,574
Di ko ginagamit 'yon.
Di ko 'yon pinangkakagat o pinambubukas.

935
00:58:56,658 --> 00:58:58,535
Palamuti lang 'yon.

936
00:58:59,410 --> 00:59:03,915
Alam kong pag nalaglag 'yon,
may maliit na goblin sa loob.

937
00:59:05,291 --> 00:59:06,668
Nagkukubli.

938
00:59:08,086 --> 00:59:10,547
Lagi kong kasama.

939
00:59:15,343 --> 00:59:17,637
Pag tiningnan n'yo nang maigi,
makikita n'yo.

940
00:59:17,720 --> 00:59:21,891
Mas malaki at mas maputi 'to nang konti
kesa sa iba.

941
00:59:22,392 --> 00:59:25,562
Kasi pag pinagdaanan mo 'yon,
makakapili ka ng kulay.

942
00:59:25,645 --> 00:59:27,397
Pipili ka ng hue.

943
00:59:28,273 --> 00:59:32,193
Sa pagitan ng off-white
at ng off-er white.

944
00:59:32,819 --> 00:59:34,821
Pwedeng mas maputi o mas madilim,

945
00:59:34,904 --> 00:59:38,324
depende kung ano'ng tingin mong
patutunguhan ng buhay mo.

946
00:59:40,159 --> 00:59:44,747
May ambisyon ka pa ba,
o ready ka nang magpapetiks-petiks lang?

947
00:59:46,332 --> 00:59:47,292
Desisyon mo 'yon.

948
00:59:47,375 --> 00:59:50,545
Pero kung susubukan mo,
dapat honest ka sa sarili mo.

949
00:59:51,045 --> 00:59:54,674
Hanggang saan pa ba
ang ipuputi no'ng ibang ngipin?

950
00:59:55,675 --> 01:00:00,930
Saka ilang taon mong titiisin
na may pagkatingkad-tingkad kang ngipin?

951
01:00:02,015 --> 01:00:04,183
Ako si Sheng Wang. Salamat, DC.

952
01:00:06,311 --> 01:00:09,772
Salamat. Mag-ingat kayo.

953
01:00:10,481 --> 01:00:12,775
Magmahalan kayo, magtulungan.

954
01:00:14,235 --> 01:00:15,737
Hanggang sa muli.

955
01:00:44,807 --> 01:00:46,225
Nagsalin ng Subtitle:
Moonnette Maranan

956
01:00:46,309 --> 01:00:47,477
PARA SA MGA PAMANGKIN KO

957
01:00:47,560 --> 01:00:49,937
SALAMAT SA MGA NINUNO KO,
MGA LOLO'T LOLA, MOM AT DAD

958
01:00:50,021 --> 01:00:52,231
MGA TIYAHIN AT TIYUHIN, MGA PINSAN,
MGA KAPATID



