1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.BZ

2
00:00:06,400 --> 00:00:08,840
NOONG IKA-13 NG ENERO 2012,
BUMANGGA SA BATO ANG COSTA CONCORDIA

3
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.BZ

4
00:00:08,920 --> 00:00:12,720
AT LUMUBOG HABANG SAKAY
ANG MAHIGIT 4000 TAO.

5
00:00:13,240 --> 00:00:15,120
NAGLALAMAN ANG PELIKULA
NG PILING ARCHIVE FOOTAGE

6
00:00:15,200 --> 00:00:17,480
AT MGA BINIGKAS NA SALIN
NG MGA ANUNSIYO SA MGA PASAHERO

7
00:00:17,560 --> 00:00:19,600
AT NG MGA BLACK BOX RECORDING
NG COSTA CONCORDIA.

8
00:00:26,840 --> 00:00:28,640
Pero may pumapasok bang tubig?

9
00:00:28,720 --> 00:00:31,720
Ano pa nga ba? Pababa na ako ngayon.

10
00:00:32,240 --> 00:00:35,520
Mula nang nagka-baby kami,
di pa kami nakapagbakasyon.

11
00:00:36,720 --> 00:00:39,560
Sabi ko yata kay John,
magandang pagkakataon 'yon

12
00:00:39,640 --> 00:00:43,160
para gawin namin 'yong trip
na matagal na naming pinapag-usapan.

13
00:00:44,680 --> 00:00:47,280
Malaking bagay sa 'min 'yon.

14
00:00:56,000 --> 00:00:57,520
Noong gabi ng Friday 13th,

15
00:00:57,600 --> 00:01:00,560
apat na buwan na akong nasa barko
bilang dancer.

16
00:01:01,960 --> 00:01:04,840
Wala akong kaalam-alam na may mangyayari.

17
00:01:08,640 --> 00:01:12,760
Kanina lang, nagse-celebrate
at nagre-relax kayo ng pamilya mo.

18
00:01:18,520 --> 00:01:22,160
Biglang maya-maya, nando'n ka lang.

19
00:01:23,240 --> 00:01:24,120
Wala kang magawa.

20
00:01:33,840 --> 00:01:39,040
Parang bumuka 'yong lupang
kinatatayuan namin.

21
00:01:40,640 --> 00:01:44,000
Nakakapit 'yong mga tao sa mga pader
saka sa isa't isa.

22
00:01:45,400 --> 00:01:47,120
Para talagang eksena sa Titanic.

23
00:01:47,760 --> 00:01:48,920
Parehong-pareho.

24
00:01:49,840 --> 00:01:54,360
Mga kuwento ng takot at pagkataranta
mula sa cruise ship na Costa Concordia.

25
00:01:54,880 --> 00:01:58,080
Aminin na natin. Naiisip mo 'yon
tuwing sasakay ka sa eroplano

26
00:01:58,160 --> 00:01:59,080
o sa cruise ship.

27
00:01:59,160 --> 00:02:01,240
Paano kung magkaproblema?

28
00:02:01,320 --> 00:02:02,480
Nangyari na nga.

29
00:02:04,880 --> 00:02:09,240
Tuwing ipipikit mo ang mata mo,
may nakikita ka mula sa gabing 'yon.

30
00:02:11,120 --> 00:02:12,920
Parang bumalik ka

31
00:02:13,000 --> 00:02:16,600
sa pinakanakakatakot na pangyayaring
naranasan n'yo ng pamilya mo.

32
00:02:19,680 --> 00:02:21,280
Diyos ko, ano'ng ginawa ko?

33
00:02:32,440 --> 00:02:35,040
Nakapunta na kami sa Europe noon,
pero hindi magkasama.

34
00:02:35,560 --> 00:02:37,920
Pinakamahabang bakasyon sana namin 'yon.

35
00:02:38,000 --> 00:02:39,840
Pinakamalayo na magkasama kami.

36
00:02:39,920 --> 00:02:43,200
Fourteen months noon
'yong anak naming si Lila.

37
00:02:43,720 --> 00:02:48,640
Naisip naming magandang pagkakataon 'yon
para magbakasyon kami nang magkakasama.

38
00:02:48,720 --> 00:02:53,120
Ang inempake siguro namin,
isang maleta ng mga laruan, diaper, wipes.

39
00:02:53,200 --> 00:02:55,400
Kumbaga lahat na. Marami kaming dala.

40
00:02:56,280 --> 00:03:01,400
Pupunta kami sa Paris,
Switzerland, Venice, Barcelona.

41
00:03:01,480 --> 00:03:04,000
Tapos sa huli,
sasakay kami sa cruise ship.

42
00:03:04,840 --> 00:03:07,840
Malaking parte 'yon
kaya pinili namin 'yong bakasyon na 'yon.

43
00:03:08,360 --> 00:03:10,720
Sobrang dami naming pictures at videos.

44
00:03:10,800 --> 00:03:13,040
Marami kaming magagandang alaala.

45
00:03:15,040 --> 00:03:17,080
Matagal ko nang gustong pumunta sa Italy.

46
00:03:19,120 --> 00:03:21,800
Nasa pinakataas 'yon ng bucket list ko.

47
00:03:22,320 --> 00:03:26,120
Pero hindi ko alam
na sasakay pala ako sa cruise ship.

48
00:03:26,680 --> 00:03:30,200
Di ko agad sinabi sa kanya 'yon.
Sabi ko lang, sa Italy.

49
00:03:30,280 --> 00:03:32,960
Special surprise dapat 'yong cruise ship.

50
00:03:35,560 --> 00:03:39,920
Three years na kami no'ng time na 'yon.

51
00:03:40,000 --> 00:03:44,160
Nasa isip ko na no'n na balang araw,
yayayain ko siyang magpakasal.

52
00:03:44,240 --> 00:03:46,160
Kapag nagyaya ka ng kasal,

53
00:03:46,240 --> 00:03:48,880
gusto mong sa pinaka-romantic na lugar
na mahahanap mo.

54
00:03:48,960 --> 00:03:52,440
Sa biyaheng 'yon,
maraming lugar na pwedeng pagpilian.

55
00:03:53,840 --> 00:03:56,200
'Yon na sana 'yong moment
na magki-click lahat.

56
00:03:59,040 --> 00:04:02,120
Pag tinanong mo siya sa perfect na lugar,
di siya makakahindi, di ba?

57
00:04:02,200 --> 00:04:04,680
'Yon ang iniisip ng lahat,
kung gagawin mo nang tama.

58
00:04:06,640 --> 00:04:08,000
Pagdating ko,

59
00:04:08,080 --> 00:04:13,440
namangha ako sa sobrang laki no'ng barko.

60
00:04:15,440 --> 00:04:17,480
No'ng time na 'yon, 17 ako.

61
00:04:17,560 --> 00:04:23,000
Gustong mag-celebrate ng mama ko
ng 50th birthday niya.

62
00:04:25,720 --> 00:04:28,880
Nag-book siya para sa 'kin,
para sa boyfriend ko noon,

63
00:04:28,960 --> 00:04:32,040
saka para sa childhood best friend niyang
si Luisa.

64
00:04:33,680 --> 00:04:37,560
Bata pa lang ako,
lagi na kaming magkasama.

65
00:04:38,360 --> 00:04:43,320
Mga seven years old ako
no'ng na-diagnose siya ng cancer.

66
00:04:44,920 --> 00:04:47,840
Pero ilang buwan bago kami umalis,

67
00:04:47,920 --> 00:04:50,360
nasa remission na 'yong cancer niya.

68
00:04:50,440 --> 00:04:54,960
Isa pang malaking dahilan 'yon
para i-celebrate 'yong birthday niya.

69
00:04:58,080 --> 00:05:01,920
Ang una naming ginawa,
naglibot kami sa barko.

70
00:05:05,000 --> 00:05:08,800
Alam kong 'yon ang pinakamalaking barko
na makikita ko.

71
00:05:08,880 --> 00:05:12,600
Tanda ko pa no'ng unang beses
na tumuntong ako do'n sa barko.

72
00:05:12,680 --> 00:05:16,320
Nakakamangha kung gaano kaengrande 'yon.

73
00:05:18,320 --> 00:05:19,600
Sobrang garbo.

74
00:05:19,680 --> 00:05:22,000
Puro chandelier.

75
00:05:22,520 --> 00:05:25,920
Parang gawa lahat sa ginto
o sa salamin o sa marmol.

76
00:05:26,000 --> 00:05:27,760
Parang lumang Italy.

77
00:05:27,840 --> 00:05:30,920
Alam mo na.
Kumikinang saka perfect ang lahat.

78
00:05:32,960 --> 00:05:35,760
Di ko alam kung anong kuwarto
ang kukunin ko.

79
00:05:36,840 --> 00:05:38,760
Medyo mahal pa noon 'yong trip.

80
00:05:38,840 --> 00:05:40,800
E, estudyante ako.

81
00:05:41,440 --> 00:05:44,240
Pero kinuha niya
'yong pinakamagandang kuwarto

82
00:05:44,320 --> 00:05:45,320
na pwede sa 'min.

83
00:05:49,800 --> 00:05:53,680
Sobrang saya ko kasi may balcony kami
tapos ang ganda ng view.

84
00:05:53,760 --> 00:05:56,120
Naglakad kami sa balcony

85
00:05:56,200 --> 00:05:58,040
tapos sabi ni Nick,

86
00:05:58,120 --> 00:05:59,360
"Tingnan mo.

87
00:05:59,440 --> 00:06:02,240
"Nasa isa o dalawang palapag
sa ibaba natin

88
00:06:02,760 --> 00:06:04,040
"'yong mga lifeboat."

89
00:06:04,120 --> 00:06:05,040
'Yong mga lifeboat.

90
00:06:06,080 --> 00:06:08,400
Naisip ko, "Makunan nga ng picture."

91
00:06:12,200 --> 00:06:14,680
Noon lang ako nakasakay sa cruise ship.

92
00:06:14,760 --> 00:06:19,320
Naisip ko, "Sakaling mangyari
'yong katulad sa Titanic…"

93
00:06:19,400 --> 00:06:21,760
Sabi ko, "Hindi mangyayari
'yong sa Titanic.

94
00:06:21,840 --> 00:06:24,800
"Nakapag-cruise na ako dati.
Masaya 'to. Magugustuhan mo."

95
00:06:25,320 --> 00:06:30,080
BIYERNES, IKA-13 NG ENERO

96
00:06:30,160 --> 00:06:33,000
Mga bata, huwag. Umalis kayo dito!

97
00:06:33,080 --> 00:06:37,160
CREW MEMBER:
Mga pasahero sa barko, 3208-3208.

98
00:06:37,680 --> 00:06:40,720
Crew, 1023-1023.

99
00:06:42,280 --> 00:06:46,880
No'ng kakasakay pa lang namin,
sobrang nakakamangha.

100
00:06:46,960 --> 00:06:48,440
May nagtanong sa 'min

101
00:06:48,520 --> 00:06:50,680
ng gusto naming gawin
sa mga susunod na araw.

102
00:06:50,760 --> 00:06:53,840
Nag-set kami ng spa day.
Nakaka-excite 'yon.

103
00:06:53,920 --> 00:06:55,280
Ang bilis ng mga pangyayari.

104
00:06:55,360 --> 00:06:57,520
Pagkagaling sa kuwarto, naglibot na kami.

105
00:06:58,040 --> 00:07:01,080
Habang naglalakad kami,
kinukunan ko ng picture lahat.

106
00:07:04,320 --> 00:07:06,640
Isa sa mga nakakatuwa sa pagku-cruise,

107
00:07:06,720 --> 00:07:10,560
ipo-provide na sa 'yo do'n ang lahat.

108
00:07:10,640 --> 00:07:13,160
Kaya para sa 'kin,
lalo na bilang bagong ina,

109
00:07:13,240 --> 00:07:15,160
naging madali ang lahat.

110
00:07:15,240 --> 00:07:18,000
Ang daming iba't ibang klase
ng restaurant,

111
00:07:18,080 --> 00:07:20,800
mga teatro, palabas, casino.

112
00:07:20,880 --> 00:07:23,320
Ang mahirap lang,
kung paano mo gagamitin ang oras mo

113
00:07:23,400 --> 00:07:25,320
sa dami ng pagpipilian.

114
00:07:25,400 --> 00:07:29,640
Tanda ko, may ice cream bar
na pwede kang gumawa ng sundae mo.

115
00:07:29,720 --> 00:07:31,560
Parang 24/7 yata 'yon.

116
00:07:31,640 --> 00:07:33,640
Kain ka lang ng ice cream kung gusto mo.

117
00:07:36,600 --> 00:07:39,280
Medyo sikat pa noon 'yong The Walking Dead

118
00:07:39,360 --> 00:07:41,040
kaya lagi kaming naglalaro.

119
00:07:41,120 --> 00:07:43,240
Pag umatake ang mga zombie,
saan ka pupunta

120
00:07:43,320 --> 00:07:46,680
saka ano'ng gagamitin mong sandata
para lumaban o tumakas?

121
00:07:46,760 --> 00:07:49,360
Saan ka pupunta?
Lalabas ka ba doon o doon?

122
00:07:49,440 --> 00:07:53,200
Kung mabagal na zombie naman,
asan 'yong sandatang gagamitin mo?

123
00:07:53,280 --> 00:07:55,200
Pag ginagawa niya 'yon sa akin,

124
00:07:55,280 --> 00:07:56,840
sabi ko no'ng unang beses,

125
00:07:56,920 --> 00:07:59,440
"Ewan ko. Hindi ako nagpe-pay attention."

126
00:07:59,520 --> 00:08:01,160
Sabi niya, "Mali!"

127
00:08:01,240 --> 00:08:04,040
Mismo. "Do'n ka pumalpak, do'n mismo."

128
00:08:04,120 --> 00:08:09,360
Hanggang sa unti-unti ko nang pinapansin
'yong kapaligiran ko.

129
00:08:11,920 --> 00:08:13,600
Maganda 'yong gabing 'yon.

130
00:08:13,680 --> 00:08:17,040
Maganda ang panahon,
malamig nang konti kasi January.

131
00:08:17,120 --> 00:08:19,320
Pero tahimik no'ng gabing 'yon.

132
00:08:22,400 --> 00:08:25,400
Forty-three years akong nagtrabaho
sa Costa.

133
00:08:25,920 --> 00:08:27,720
Lagi kang nagtatrabaho sa barko.

134
00:08:28,240 --> 00:08:32,000
Pasko, Bagong Taon,
Easter, Sabado at Linggo.

135
00:08:33,080 --> 00:08:35,640
Mas komportable ako sa barko
kesa sa bahay.

136
00:08:39,320 --> 00:08:43,760
Mga 800 ang tauhan ko sa Costa Concordia.

137
00:08:45,480 --> 00:08:48,400
Kaya no'ng gabi ng Biyernes, January 13,

138
00:08:48,480 --> 00:08:50,880
apat na buwan na akong nagtatrabaho
sa barko

139
00:08:50,960 --> 00:08:52,440
bilang dancer.

140
00:08:52,520 --> 00:08:55,120
No'ng time na 'yon,
talagang dream job ko 'yon.

141
00:08:55,200 --> 00:08:57,960
Para talagang langit sa lupa.

142
00:08:58,040 --> 00:09:01,720
Nalilibot ko ang mundo.
Nasa best shape ako ng buhay ko.

143
00:09:01,800 --> 00:09:03,320
Okay 'yong mga kaibigan ko.

144
00:09:03,840 --> 00:09:04,920
Parang magic.

145
00:09:09,760 --> 00:09:12,400
Sa ngalan ng pamunuan ng Costa
at ng buong crew,

146
00:09:12,480 --> 00:09:15,080
ikinagagalak at ikinararangal kong
i-welcome kayo.

147
00:09:16,240 --> 00:09:18,400
Ilang beses kong na-meet
si Captain Schettino.

148
00:09:18,480 --> 00:09:21,600
Unang beses ko siyang na-meet
sa crew elevator.

149
00:09:21,680 --> 00:09:23,400
Ang alam ko lang tungkol sa kanya,

150
00:09:23,480 --> 00:09:26,280
mas bagong kapitan siya sa barkong 'yon.

151
00:09:26,360 --> 00:09:27,680
I-enjoy n'yo ang cruise.

152
00:09:30,400 --> 00:09:33,320
Isang beses, bumisita sa barko
'yong mom ko.

153
00:09:33,400 --> 00:09:35,240
Kausap niya 'yong mom ko

154
00:09:35,320 --> 00:09:36,680
tapos sabi niya,

155
00:09:36,760 --> 00:09:39,920
mangingisda siya sa isla
kasama 'yong isang kaibigan niya.

156
00:09:40,000 --> 00:09:41,200
Pero huwag daw ipagsasabi

157
00:09:41,280 --> 00:09:43,800
kasi hindi daw talaga pwede 'yon.

158
00:09:43,880 --> 00:09:46,040
Kaya parang meron ding,

159
00:09:46,120 --> 00:09:49,440
"A, inuutakan niya 'yong sistema,"
parang gano'n.

160
00:09:53,120 --> 00:09:57,000
No'ng gabing 'yon,
mga alas-nuwebe, tinawagan ako ng kapitan.

161
00:09:58,640 --> 00:10:04,120
Ilang araw bago 'yon,
tinanong ng head waiter ang kapitan

162
00:10:04,200 --> 00:10:07,680
kung pwedeng mag-sail-by salute ang barko
malapit sa Giglio Island,

163
00:10:07,760 --> 00:10:11,320
kasi sa islang 'yon nakatira 'yong kapatid
at 'yong ina niya.

164
00:10:12,920 --> 00:10:15,400
ANG BRIDGE

165
00:10:15,480 --> 00:10:19,160
Tinanong niya ako
kung gusto kong sumama sa bridge

166
00:10:19,240 --> 00:10:20,320
para sa sail-by.

167
00:10:22,000 --> 00:10:24,520
Para sa 'kin, medyo unusual 'yon, kasi…

168
00:10:25,280 --> 00:10:28,680
gabi na, madilim,
walang masyadong makikita.

169
00:10:28,760 --> 00:10:31,040
Pero dahil desisyon 'yon ng kapitan,

170
00:10:31,120 --> 00:10:33,560
sumunod kami.

171
00:10:34,720 --> 00:10:35,560
KAPITAN:
Hello?

172
00:10:35,640 --> 00:10:37,600
BRIDGE CREW:
Si Ciro ito, anim na milya.

173
00:10:37,680 --> 00:10:40,360
KAPITAN:
Anim na milya. Okay, sige.

174
00:10:40,440 --> 00:10:44,360
BRIDGE CREW: Malapit na sa Giglio Island.
Nando'n na tayo nang 21:44.

175
00:10:48,920 --> 00:10:52,040
No'ng gabing 'yon, nagdesisyon kami
ng boyfriend kong si Andrea

176
00:10:52,120 --> 00:10:55,320
na umakyat sa deck ng pool sa taas.

177
00:10:56,200 --> 00:10:58,000
Pagbukas ko ng pinto,

178
00:10:58,520 --> 00:11:01,560
naramdaman ko 'yong sariwang hangin.

179
00:11:04,560 --> 00:11:06,520
Madilim lahat,

180
00:11:06,600 --> 00:11:10,040
pero may konting ilaw.

181
00:11:11,600 --> 00:11:15,240
Nagre-reflect 'yong kinang sa tubig.

182
00:11:16,640 --> 00:11:17,880
Dumungaw ako.

183
00:11:17,960 --> 00:11:19,920
Pinagmamasdan ko 'yong dagat.

184
00:11:20,000 --> 00:11:25,200
Nasa likod ko si Andrea
tapos niyakap niya ako.

185
00:11:25,720 --> 00:11:29,320
Sabi niya, "Para tayong nasa Titanic."

186
00:11:29,880 --> 00:11:31,920
No'ng sandaling 'yon…

187
00:11:32,920 --> 00:11:34,160
sa totoo lang…

188
00:11:34,880 --> 00:11:36,760
kakaiba 'yong pakiramdam ko.

189
00:11:37,360 --> 00:11:39,360
Pero kalokohan 'yon, di ba? Kaya parang…

190
00:11:39,440 --> 00:11:40,480
Ano lang…

191
00:11:41,240 --> 00:11:44,200
Babalewalain mo lang 'yon.

192
00:11:45,640 --> 00:11:49,520
Tapos tumawag sa 'kin 'yong mama ko.

193
00:11:50,160 --> 00:11:52,160
Sabi niya, "Nasa restaurant kami.

194
00:11:52,240 --> 00:11:54,480
"Nagse-serve na sila ng dinner.

195
00:11:54,560 --> 00:11:56,240
"Samahan n'yo kami dito."

196
00:11:58,800 --> 00:12:00,840
Importanteng dinner 'yon

197
00:12:00,920 --> 00:12:02,880
kasi sa hatinggabi,

198
00:12:02,960 --> 00:12:05,240
birthday na niya.

199
00:12:09,280 --> 00:12:11,320
Masaya 'yong dinner namin
no'ng gabing 'yon.

200
00:12:11,400 --> 00:12:12,840
Mag-hi ka kay Daddy.

201
00:12:12,920 --> 00:12:15,280
Pagkatapos ng dinner,
dahil one year old si Lila,

202
00:12:15,360 --> 00:12:16,840
matutulog na dapat.

203
00:12:16,920 --> 00:12:19,280
Bumalik kami sa cabin
tapos ibinaba namin siya.

204
00:12:20,760 --> 00:12:23,280
Ginawa namin 'yong traditional
na bedtime routine namin.

205
00:12:23,360 --> 00:12:25,200
Nag-pajama ako.

206
00:12:25,280 --> 00:12:29,040
Nakaligo na ako,
naka-boxer shorts, humiga na ako.

207
00:12:29,120 --> 00:12:30,920
Tanda ko pagkahiga ko,

208
00:12:31,520 --> 00:12:34,120
sabi ko talaga, "Pagod na pagod ako."

209
00:12:34,640 --> 00:12:35,800
Ang haba ng araw na 'yon.

210
00:12:41,040 --> 00:12:42,520
KAPITAN: Ako ang magmamando.

211
00:12:43,240 --> 00:12:44,280
Ano'ng speed natin?

212
00:12:45,120 --> 00:12:46,400
BRIDGE CREW:
15.3.

213
00:12:47,520 --> 00:12:49,200
KAPITAN:
Gawin mong 16 knots.

214
00:12:54,320 --> 00:12:58,640
Habang papalapit kami sa isla,
nakita kong masyado na kaming malapit.

215
00:12:58,720 --> 00:13:02,560
Sinabi ko 'yon sa head waiter
na katabi ko noon.

216
00:13:02,640 --> 00:13:04,600
Sabi ko, "Parang masyado tayong malapit."

217
00:13:07,360 --> 00:13:10,360
Biglang kitang-kita na 'yong dalampasigan.

218
00:13:12,760 --> 00:13:15,240
No'ng gabing 'yon,
kami ng mga kaibigan ko,

219
00:13:15,320 --> 00:13:17,320
may 30-minute break kami.

220
00:13:17,840 --> 00:13:21,760
Dine-date ko noon
'yong isang barman na galing Peru

221
00:13:21,840 --> 00:13:25,720
na nagtatrabaho sa Londra Bar
sa likod ng Deck 5.

222
00:13:25,800 --> 00:13:27,920
Sa likod 'yon ng barko.
Gusto ko siyang makita

223
00:13:28,000 --> 00:13:30,160
kaya sabi ko do'n sa iba,

224
00:13:30,240 --> 00:13:33,280
"Gusto n'yong mag-cappuccino
sa Londra Bar?"

225
00:13:33,360 --> 00:13:35,320
Sabi nila, "Sige, tara."

226
00:13:38,120 --> 00:13:39,520
KAPITAN:
Three five zero.

227
00:13:39,600 --> 00:13:41,120
TIMONEL:
Three four zero.

228
00:13:41,200 --> 00:13:43,560
KAPITAN:
Three five zero. Starboard.

229
00:13:43,640 --> 00:13:44,640
TIMONEL:
Okay.

230
00:13:45,480 --> 00:13:47,400
KAPITAN:
Kung hindi, tatama tayo sa bato!

231
00:13:52,200 --> 00:13:56,440
Habang papalapit 'yong barko sa isla,

232
00:13:57,200 --> 00:14:01,600
medyo nagulat ako
na hindi nagdadahan-dahan 'yong barko.

233
00:14:04,960 --> 00:14:07,280
No'ng time na 'yon, nag-panic na ako.

234
00:14:11,040 --> 00:14:12,560
KAPITAN:
Hard to starboard.

235
00:14:12,640 --> 00:14:14,240
TIMONEL:
Hard to starboard.

236
00:14:15,760 --> 00:14:17,840
MANRICO:
Gusto ba niyang sumayad 'yong barko?

237
00:14:21,000 --> 00:14:22,120
Pucha.

238
00:14:24,440 --> 00:14:26,120
Sabi ng head waiter, "Hindi.

239
00:14:26,200 --> 00:14:29,200
"Alam ng kapitan ang ginagawa niya."

240
00:14:29,280 --> 00:14:31,320
Di na niya natapos 'yong sinasabi niya.

241
00:14:46,240 --> 00:14:51,000
May narinig at naramdaman akong tunog
saka vibration.

242
00:14:51,080 --> 00:14:53,800
Ako naman, unti-unting tumatagilid
'yong kuwarto.

243
00:14:53,880 --> 00:14:55,480
Sobrang nakakanerbiyos 'yon.

244
00:14:57,440 --> 00:14:59,480
Nanigas 'yong katawan ko.

245
00:15:00,000 --> 00:15:01,960
Alam kong may maling nangyayari.

246
00:15:02,560 --> 00:15:05,040
May malakas na tunog
na parang may kumikiskis.

247
00:15:06,280 --> 00:15:08,120
Tapos 'yong tunog na 'yon,

248
00:15:08,200 --> 00:15:11,320
naging tunog na parang may kumakayod.

249
00:15:12,680 --> 00:15:14,680
Nakakatakot marinig 'yon.

250
00:15:19,960 --> 00:15:22,640
Isipin mo, libong plato
'yong sabay-sabay nababasag.

251
00:15:23,200 --> 00:15:27,040
Takot na takot ako
kasi sobrang tinis no'ng tunog.

252
00:15:30,520 --> 00:15:35,280
Natatapon na 'yong mga kumukulong tubig
sa lutuan.

253
00:15:37,680 --> 00:15:40,280
Isa ako sa 180 na chef.

254
00:15:40,960 --> 00:15:42,360
Walang may alam sa nangyayari.

255
00:15:42,440 --> 00:15:45,760
Akala ko, malakas 'yong alon,
na okay lang 'yon.

256
00:15:45,840 --> 00:15:47,680
Pagkalipas ng ilang segundo…

257
00:15:48,720 --> 00:15:51,160
Hindi, may mali.

258
00:15:53,600 --> 00:15:55,080
BRIDGE CREW:
Ano'ng ginawa niya?

259
00:15:57,240 --> 00:15:59,880
KAPITAN:
Isara 'yong mga watertight door sa likod.

260
00:15:59,960 --> 00:16:02,920
BRIDGE CREW:
Isara lahat ng watertight door sa likod.

261
00:16:04,600 --> 00:16:06,200
KAPITAN:
Diyos ko, ano'ng ginawa ko?

262
00:16:12,320 --> 00:16:13,240
Paglingon ko,

263
00:16:13,320 --> 00:16:18,040
nakita kong sumalpok 'yong barko
sa may batuhan sa kaliwa.

264
00:16:19,120 --> 00:16:24,000
Makikita mong pinapasok ng tubig
'yong katawan ng barko.

265
00:16:25,240 --> 00:16:27,160
KAPITAN:
Pero saan tayo tumama?

266
00:16:28,000 --> 00:16:30,240
MANRICO:
Sa bato. Sa ibabaw pa ng tubig.

267
00:16:31,280 --> 00:16:32,680
KAPITAN:
Midship.

268
00:16:32,760 --> 00:16:34,280
BRIDGE CREW:
Midship.

269
00:16:35,440 --> 00:16:39,720
Nagulat kaming lahat. Di kami makagalaw.

270
00:16:41,920 --> 00:16:43,040
Kumalma kayo.

271
00:16:43,560 --> 00:16:45,040
Hindi, mas mabuting umupo kayo.

272
00:16:45,120 --> 00:16:46,080
-Uupo?
-Uupo?

273
00:16:46,160 --> 00:16:47,200
Oo.

274
00:16:50,880 --> 00:16:53,160
Natataranta lahat.

275
00:16:53,880 --> 00:16:57,480
Nakatingin ako sa mama ko
na nasa harap ko mismo.

276
00:16:57,560 --> 00:17:02,280
Tumingin siya sa 'kin
tapos sabi niya, "Ayos lang 'yan.

277
00:17:02,360 --> 00:17:03,560
"Okay ang lahat."

278
00:17:05,320 --> 00:17:07,360
Ginagawa niya ang lahat

279
00:17:07,440 --> 00:17:11,240
para maramdaman kong
walang nangyayaring masama.

280
00:17:11,320 --> 00:17:14,000
Pero alam kong meron.

281
00:17:18,560 --> 00:17:20,160
Nakatayo lang kami do'n,

282
00:17:20,240 --> 00:17:22,160
naghihintay ng sunod na gagawin.

283
00:17:23,600 --> 00:17:27,480
Pinigilan ko agad 'yong emosyon ko.

284
00:17:27,560 --> 00:17:30,080
Tumingin ako kay Nicholas,
tapos sabi niya,

285
00:17:30,840 --> 00:17:34,240
"Kailangan nating umalis dito.
Dapat ngayon na."

286
00:17:36,360 --> 00:17:39,080
Sabi niya, "Narinig mo 'yon?
Naramdaman mo?"

287
00:17:39,600 --> 00:17:40,880
Nakaramdam ako ng panic,

288
00:17:41,920 --> 00:17:45,800
kaya parang nag-crisis response mode
'yong katawan ko.

289
00:17:46,920 --> 00:17:49,720
Naakusahan na ako dati
na hindi ako emosyonal na tao.

290
00:17:50,280 --> 00:17:52,320
Pero ang nasa isip ko lang no'n,

291
00:17:52,400 --> 00:17:55,720
makaligtas at mailabas do'n
ang pamilya ko.

292
00:17:57,880 --> 00:18:01,280
Sumigaw ako kay Meghan. Sabi ko,
"Kunin mo 'yong bata. Umalis na tayo."

293
00:18:03,520 --> 00:18:05,680
No'ng nakita ko 'yong reaksiyon niya,

294
00:18:05,760 --> 00:18:08,080
nakaramdam agad ako ng takot.

295
00:18:08,160 --> 00:18:12,120
Kinuha ko si Lila sa crib
habang tulog na tulog siya.

296
00:18:12,200 --> 00:18:14,440
Hindi ko na nakuha 'yong pacifier.

297
00:18:15,040 --> 00:18:17,880
Umiyak siya agad.

298
00:18:19,440 --> 00:18:22,120
Nagsuot ako ng pantalon. 'Yon lang.

299
00:18:22,200 --> 00:18:23,080
Wala akong shirt.

300
00:18:23,880 --> 00:18:25,920
Karga-karga ni Meghan si Lila.

301
00:18:26,000 --> 00:18:28,440
Tumakbo kami palabas ng kuwarto.

302
00:18:31,680 --> 00:18:34,320
Pagkabangga pa lang,

303
00:18:34,400 --> 00:18:37,720
naisip ko agad na tingnan
kung ano'ng nangyari sa baba.

304
00:18:37,800 --> 00:18:40,080
Malapit sa engine room,

305
00:18:40,160 --> 00:18:43,560
lumabas 'yong chief engineer
na naaalarma saka takot.

306
00:18:43,640 --> 00:18:47,360
Sabi niya, disaster sa baba.
Rumaragasa papasok 'yong tubig.

307
00:18:47,960 --> 00:18:49,480
Wala akong magawa.

308
00:18:50,800 --> 00:18:53,360
KAPITAN:
Pakausap ako sa chief engineer.

309
00:18:54,920 --> 00:18:56,720
BRIDGE CREW:
Pakausap sa chief engineer.

310
00:18:56,800 --> 00:18:59,360
Gustong i-discuss ng kapitan
'yong emergency procedure.

311
00:19:02,080 --> 00:19:03,720
CHIEF ENGINEER:
I-start ang mga pump!

312
00:19:06,280 --> 00:19:09,120
BRIDGE CREW:
Kapitan, nasa linya na ang chief engineer.

313
00:19:09,200 --> 00:19:10,920
KAPITAN:
Pero may pumapasok na tubig?

314
00:19:11,000 --> 00:19:13,840
CHIEF ENGINEER:
Ano pa nga ba? Pababa na ako ngayon.

315
00:19:13,920 --> 00:19:15,040
CAPTAIN:
Pero saan?

316
00:19:15,120 --> 00:19:17,640
CHIEF ENGINEER:
Port side, bababa ako para tingnan.

317
00:19:17,720 --> 00:19:19,160
KAPITAN:
Saan sa port side?

318
00:19:19,240 --> 00:19:20,680
CHIEF ENGINEER:
Sa engine room.

319
00:19:20,760 --> 00:19:22,680
KAPITAN:
Marami bang tubig?

320
00:19:22,760 --> 00:19:24,120
CHIEF ENGINEER:
May tubig.

321
00:19:24,200 --> 00:19:26,400
Hindi makababa. Sa kabila kami dadaan.

322
00:19:26,480 --> 00:19:28,680
Sandali. Papaandarin namin 'yong mga pump.

323
00:19:28,760 --> 00:19:30,200
Babalitaan kita, Kapitan.

324
00:19:30,280 --> 00:19:31,440
KAPITAN:
Okay, okay.

325
00:19:31,520 --> 00:19:34,160
CHIEF ENGINEER:
Halika. I-start mo 'yong emergency pumps!

326
00:19:35,520 --> 00:19:38,040
Abot hanggang workshop 'yong tubig.

327
00:19:38,680 --> 00:19:41,560
KAPITAN:
Lumulubog ba tayo? Di ko maintindihan.

328
00:19:46,840 --> 00:19:49,560
Lumabas kami sa pinto papunta sa hallway.

329
00:19:49,640 --> 00:19:52,760
Naisip ko, unti-unting tatagilid
'yong barko.

330
00:19:52,840 --> 00:19:56,280
Ang nasa isip ko,
paunahan na papunta sa lifeboat deck.

331
00:19:57,600 --> 00:20:02,200
Kaya dali-dali na kaming umakyat
sa hagdan.

332
00:20:02,280 --> 00:20:04,240
Nasa likod ko si Meghan at 'yong baby.

333
00:20:08,480 --> 00:20:11,640
Tumataas na 'yong adrenaline.
Nagpa-panic na kami.

334
00:20:12,960 --> 00:20:15,480
Iyak nang iyak si Lila.

335
00:20:16,000 --> 00:20:17,920
Dalawahang baitang kami paakyat sa hagdan.

336
00:20:18,000 --> 00:20:20,280
Hawak ko 'yong baby,
sinusubukan kong makasabay.

337
00:20:20,840 --> 00:20:22,160
Hirap na hirap ako.

338
00:20:22,240 --> 00:20:24,200
Sumama 'yong pakiramdam ko.

339
00:20:25,440 --> 00:20:27,520
Sabi ko, "Parang nasusuka ako."

340
00:20:28,040 --> 00:20:30,000
Sabi ni John,
"Suka lang pero takbo pa rin.

341
00:20:30,080 --> 00:20:31,480
"Huwag kang titigil."

342
00:20:37,240 --> 00:20:40,720
Nakarating kami sa fourth level deck
kung nasaan 'yong mga lifeboat.

343
00:20:40,800 --> 00:20:43,680
May mag-asawang namimigay
ng mga life vest.

344
00:20:44,280 --> 00:20:46,840
Konti pa lang 'yong tao no'n,

345
00:20:46,920 --> 00:20:51,560
tapos nanlalamig ka sa sobrang kaba
kasi walang nagbibigay ng impormasyon.

346
00:20:52,080 --> 00:20:55,360
Walang nagsasabi sa amin
kung ano'ng gagawin.

347
00:20:57,400 --> 00:20:59,680
Tapos biglang nawalan ng ilaw.

348
00:21:07,800 --> 00:21:09,320
Sobrang dilim.

349
00:21:12,160 --> 00:21:15,240
Bigla akong nahiwalay kina Meghan at Lila.

350
00:21:18,480 --> 00:21:20,800
Di ko alam kung tatlo o 13 hagdan,

351
00:21:20,880 --> 00:21:22,520
pero wala sila sa tabi ko.

352
00:21:23,880 --> 00:21:25,080
Natakot ako.

353
00:21:25,160 --> 00:21:27,120
Tanda ko, tinatawag ko siya nang malakas.

354
00:21:27,200 --> 00:21:28,560
"John!"

355
00:21:30,960 --> 00:21:34,200
Sumisigaw kami. Sinusundan namin
ang boses ng isa't isa.

356
00:21:35,720 --> 00:21:37,480
Parang sobrang tagal no'n.

357
00:21:40,920 --> 00:21:42,880
No'ng nagkasama ulit kami, sabi ko,

358
00:21:42,960 --> 00:21:46,600
"Hawak ka sa baywang ng pantalon ko.
Huwag kang bibitaw."

359
00:21:47,360 --> 00:21:48,720
Karga ko si Lila.

360
00:21:48,800 --> 00:21:51,480
Tuloy pa rin ako sa pag-akyat
nang dalawahang baitang.

361
00:21:55,920 --> 00:21:58,880
Sumama sa 'kin sa bridge
'yong chief engineer.

362
00:21:58,960 --> 00:22:01,800
Binuksan nila ni Captain Schettino
'yong plano ng barko.

363
00:22:01,880 --> 00:22:07,360
Sinubukan nilang intindihin
'yong naging damage sa barko.

364
00:22:09,360 --> 00:22:12,360
KAPITAN: Kailangan kong malaman
kung nasaan 'yong bato.

365
00:22:14,520 --> 00:22:15,760
Walang alarm kanina.

366
00:22:18,000 --> 00:22:21,880
Halos hindi ramdam sa bridge
'yong tunog ng pagkabangga.

367
00:22:23,160 --> 00:22:27,160
Pero 'yong mga nasa restaurant
sa area sa likod,

368
00:22:27,240 --> 00:22:32,640
ramdam na ramdam nila 'yong impact.

369
00:22:35,760 --> 00:22:36,640
BRIDGE CREW:
Bridge?

370
00:22:37,160 --> 00:22:39,880
LONDRA BAR:
Oo, si Jose 'to sa Londra Bar.

371
00:22:39,960 --> 00:22:41,680
Pwedeng mag-announce kayo

372
00:22:41,760 --> 00:22:44,360
na kontrolado n'yo ang sitwasyon
at walang problema?

373
00:22:44,880 --> 00:22:47,000
Sobrang kinakabahan na 'yong mga pasahero.

374
00:22:51,400 --> 00:22:56,640
BRIDGE CREW: Pwede kaming mag-announce.
Sa ngayon, sabihin nating may blackout.

375
00:22:57,200 --> 00:22:59,040
BRIDGE CREW:
Okay, sige. Blackout.

376
00:23:03,000 --> 00:23:06,800
Makinig po sana ang lahat.
May gusto pong iparating ang kapitan.

377
00:23:06,880 --> 00:23:10,240
Kasalukuyang may blackout
dahil sa electrical failure.

378
00:23:10,320 --> 00:23:12,400
Sa ngayon, kontrolado namin ang sitwasyon

379
00:23:12,480 --> 00:23:15,160
at sinosolusyonan na ito
ng mga technician.

380
00:23:15,240 --> 00:23:18,400
Ipapaalam namin sa inyo
kapag may bagong impormasyon.

381
00:23:19,800 --> 00:23:25,120
Ang sabi nila palagi,
"Huwag kayong mag-alala, okay ang lahat."

382
00:23:25,200 --> 00:23:27,400
-"Balik sa kuwarto."
-"Balik sa kuwarto."

383
00:23:28,200 --> 00:23:31,240
May announcement na mula sa kapitan.

384
00:23:31,320 --> 00:23:34,440
Nakikiusap kaming bumalik kayo
sa mga cabin ninyo.

385
00:23:34,960 --> 00:23:38,520
Nasa isip ko,
"Di ako babalik sa kuwarto ko."

386
00:23:38,600 --> 00:23:41,600
-Hindi talaga, ayoko.
-Hindi pwede.

387
00:23:41,680 --> 00:23:44,840
Di ko nga alam
kung mahahanap ko pa 'yong kuwarto ko, e.

388
00:23:45,640 --> 00:23:51,120
Habang pababa ako sa hagdan,
kita kong takot na takot ang mga pasahero.

389
00:23:51,200 --> 00:23:53,280
Tinatanong nila sa 'kin
kung ano'ng nangyari.

390
00:23:54,640 --> 00:23:58,080
Di ko naman pwedeng kontrahin
'yong sinabi ng kapitan.

391
00:23:58,160 --> 00:24:03,080
Di ako makapagbigay ng ibang bersiyon
kasi baka lalong lumala 'yong sitwasyon.

392
00:24:03,760 --> 00:24:06,120
Hindi kami makakilos. 'Yon ang problema.

393
00:24:13,720 --> 00:24:16,240
Di namin alam kung ano'ng nangyayari.

394
00:24:17,480 --> 00:24:20,640
Naniniwala kami sa lahat ng announcement.

395
00:24:21,320 --> 00:24:23,960
Narinig naming may konting aberya.

396
00:24:24,480 --> 00:24:28,200
Kung ano'ng sinabi ng kapitan,
'yon ang masusunod.

397
00:24:29,400 --> 00:24:34,160
Tapos narinig kong sabi ng chef,
"Walang gagalaw.

398
00:24:34,240 --> 00:24:35,720
"Diyan lang kayo.

399
00:24:35,800 --> 00:24:38,920
"Maghanda kayo para sa dinner service."

400
00:24:44,760 --> 00:24:48,480
Parang ang tagal
bago bumalik 'yong mga ilaw.

401
00:24:49,080 --> 00:24:51,400
Tumatakbo pa rin kami paakyat.

402
00:24:52,280 --> 00:24:56,680
Hanggang sa nakapasok na kami sa deck
kung nasaan 'yong mga lifeboat.

403
00:25:02,120 --> 00:25:04,800
Daan-daang tao 'yong nagsisiksikan do'n.

404
00:25:05,320 --> 00:25:07,880
Makakaramdam ka ng panic.

405
00:25:09,600 --> 00:25:11,440
Nagsisigawan 'yong mga tao, nagtatalo,

406
00:25:11,520 --> 00:25:13,520
nag-iisip ng gagawin,
kung ano'ng nangyayari.

407
00:25:15,520 --> 00:25:17,120
Ang sabi ng lahat ng crew,

408
00:25:17,200 --> 00:25:20,400
"May electrical failure o issue.
Hindi mag-e-evacuate."

409
00:25:22,120 --> 00:25:25,000
Karga-karga ko si Lila, umiiyak pa rin.

410
00:25:26,520 --> 00:25:28,040
Bagong nanay lang ako noon,

411
00:25:28,120 --> 00:25:34,360
kaya 'yong wala akong magawa…
wala akong paraan para matulungan siya…

412
00:25:35,320 --> 00:25:39,800
Pinakamahalaga sa akin noon
na maalagaan at mapatahan 'yong anak ko.

413
00:25:42,480 --> 00:25:46,000
Sobrang hirap marinig at makita
na nahihirapan si Meghan.

414
00:25:50,120 --> 00:25:54,360
Sa puntong 'yon,
tanda kong tiningnan ko sa mata si John

415
00:25:54,880 --> 00:25:57,400
tapos sabi ko,
"Gusto ko nang bumaba sa barko."

416
00:25:59,520 --> 00:26:01,560
BRIDGE CREW:
Dalawa sa ngayon, 'no?

417
00:26:01,640 --> 00:26:03,360
Dalawang compartment ang binaha.

418
00:26:04,320 --> 00:26:09,200
Sa walang katapusang kalituhan noon,

419
00:26:09,280 --> 00:26:14,560
madalas na kausap ng kapitan sa telepono
'yong crisis coordinator ng kompanya.

420
00:26:15,320 --> 00:26:19,120
KAPITAN SA CRISIS COORDINATOR:
Baha 'yong mga compartment. Pumalpak ako.

421
00:26:19,200 --> 00:26:22,520
Baha sa buong barko
pero di kami lumulubog. Di kami lumulubog.

422
00:26:23,400 --> 00:26:25,680
Ibababa ko 'yong angkla mamaya.
Dito muna kami.

423
00:26:25,760 --> 00:26:29,200
Kailangan namin ng mga tugboat,
ng mga kukuha sa 'min.

424
00:26:30,280 --> 00:26:32,920
Di nila sinabi 'yong totoo,
kasi sa opinyon ko,

425
00:26:33,000 --> 00:26:38,600
sobrang nagpa-panic na 'yong kapitan.

426
00:26:38,680 --> 00:26:42,720
Di niya maintindihan kung ano'ng nangyari.

427
00:26:55,680 --> 00:26:57,320
Sa restaurant,

428
00:26:57,400 --> 00:27:03,480
hinihintay namin 'yong crew
na magsabi kung ano'ng dapat gawin.

429
00:27:03,560 --> 00:27:06,600
Kaso mukhang nagpa-panic sila.

430
00:27:13,800 --> 00:27:17,640
Hanggang sa sinabihan kami ng mga waiter
na pumunta sa pool deck.

431
00:27:18,160 --> 00:27:21,720
Nagkukumahog 'yong mga tao

432
00:27:21,800 --> 00:27:24,480
kasi nagpa-panic ang lahat.

433
00:27:27,120 --> 00:27:30,280
Sa kabila kayo lumabas, please.
Sa kabila ang labas.

434
00:27:34,040 --> 00:27:37,880
Ang daming basag na pinggan
at baso sa sahig.

435
00:27:37,960 --> 00:27:40,800
Nakaayos kami para sa dinner

436
00:27:40,880 --> 00:27:43,240
kaya naka-high heels kami.

437
00:27:44,760 --> 00:27:48,000
Hanggang sa nakarating na kami
sa pool deck.

438
00:27:48,760 --> 00:27:52,000
Tanda ko, dumungaw ako sa bintana.

439
00:27:52,520 --> 00:27:54,280
Nakita ko ang Giglio Island.

440
00:27:55,320 --> 00:27:57,640
Ayun 'yong dalampasigan. Walang problema.

441
00:27:57,720 --> 00:28:01,200
Tingnan mo, Alice. Ayun ang lupa.
Andito na tayo!

442
00:28:02,640 --> 00:28:05,240
Kita namin 'yong mga ilaw.

443
00:28:05,320 --> 00:28:08,240
Kita namin 'yong port.

444
00:28:09,320 --> 00:28:15,080
Kaya sabi ko, "A, okay.
Malapit lang kami sa lupa.

445
00:28:15,160 --> 00:28:18,040
"Kaya ayos lang.
Walang magiging problema."

446
00:28:19,480 --> 00:28:21,480
Maraming nag-relax.

447
00:28:22,120 --> 00:28:24,120
'Yon ang problema.

448
00:28:24,200 --> 00:28:26,560
Nakampante kami.

449
00:28:27,800 --> 00:28:29,600
CHIEF ENGINEER:
I-on n'yo 'yong diesel!

450
00:28:29,680 --> 00:28:30,840
BRIDGE CREW:
Walang power.

451
00:28:30,920 --> 00:28:34,080
CHIEF ENGINEER:
Walang kailangan 'yon para umandar.

452
00:28:34,160 --> 00:28:35,800
Wala nang kahit ano dito.

453
00:28:35,880 --> 00:28:37,920
'Yong electrical panel, lahat.

454
00:28:38,000 --> 00:28:39,240
Ayaw mag-start ng diesel.

455
00:28:39,320 --> 00:28:42,440
Titingnan ko lang sa taas
kung bakit ayaw mag-start.

456
00:28:48,400 --> 00:28:49,800
May tatlong chef.

457
00:28:49,880 --> 00:28:51,920
Na-stuck sila sa elevator.

458
00:28:52,000 --> 00:28:56,440
Sumisigaw sila at kumakatok
sa pinto ng elevator.

459
00:28:59,440 --> 00:29:00,920
Apat kaming pumunta do'n.

460
00:29:01,680 --> 00:29:05,400
Tapos pinuwersa namin 'yong pinto
para makalabas sila.

461
00:29:11,480 --> 00:29:14,960
Sa likod ng Deck 5,
mas lalo pang tumatagilid 'yong barko.

462
00:29:17,040 --> 00:29:20,120
Tanda kong nasa isip ko,
"Di ako pwedeng mag-stay dito.

463
00:29:20,200 --> 00:29:22,360
"Kailangan kong makaalis sa barko."

464
00:29:25,800 --> 00:29:29,760
No'ng naglalakad ako sa corridor,
nakita ko 'yong superior ko.

465
00:29:30,280 --> 00:29:32,680
Nakita niya ako tapos sabi niya,
"Saan ka pupunta?"

466
00:29:32,760 --> 00:29:34,720
Sabi ko, "Sa muster station ko."

467
00:29:34,800 --> 00:29:36,040
Sabi niya, "Hindi.

468
00:29:36,120 --> 00:29:40,320
"Bumalik ka sa lounge.
I-entertain mo 'yong mga pasahero."

469
00:29:40,400 --> 00:29:44,080
Di ako makapaniwala sa narinig ko.

470
00:29:44,160 --> 00:29:46,160
Kaya sabi ko, "Magki-quit na ako."

471
00:29:47,360 --> 00:29:49,080
Dumiretso ako sa muster station ko.

472
00:29:49,160 --> 00:29:52,040
Di na ako naghintay
ng kahit anong code, signal,

473
00:29:52,120 --> 00:29:53,400
mayday, wala.

474
00:29:56,800 --> 00:29:59,080
Nasa Deck 4 ako. Nasa harap ako ng barko.

475
00:29:59,160 --> 00:30:00,400
Kaming mga crew,

476
00:30:00,480 --> 00:30:03,360
nakahiwalay kami, nasa ibang area kami.

477
00:30:06,960 --> 00:30:09,760
Dadating dapat 'yong superior officer ko,

478
00:30:09,840 --> 00:30:11,600
kaso pagdating niya,

479
00:30:12,960 --> 00:30:14,280
para kang nakakita ng multo.

480
00:30:14,360 --> 00:30:17,840
Sobrang putla niya.

481
00:30:17,920 --> 00:30:21,360
Walang buhay 'yong mga mata niya.
Para akong nakakita ng zombie.

482
00:30:21,440 --> 00:30:23,320
Naka-engineer suit siya

483
00:30:23,400 --> 00:30:26,360
na parang onesie o Babygro.

484
00:30:26,440 --> 00:30:30,640
Parang all-in-one 'yon
tapos basang-basa ng tubig.

485
00:30:30,720 --> 00:30:34,360
No'ng dumating siya,
hindi siya makapagsalita.

486
00:30:34,880 --> 00:30:36,160
Kaya sabi ko no'n,

487
00:30:36,240 --> 00:30:38,880
"Okay, wala kaming leader.

488
00:30:38,960 --> 00:30:40,440
"Ako na dapat 'to."

489
00:30:46,880 --> 00:30:50,920
Nasa bridge ako. Sabi ko sa mga officer,

490
00:30:51,000 --> 00:30:53,800
"Tingnan n'yo, nakatagilid na
nang 20 degrees 'yong barko."

491
00:30:54,320 --> 00:30:57,520
Kaya dapat naisip na nila 'yon,

492
00:30:57,600 --> 00:31:01,520
kasi trabaho nila 'yon at dapat alam nila
na kapag mas tumagilid pa 'yong barko,

493
00:31:01,600 --> 00:31:04,440
mas mawawalan 'yon ng stability.

494
00:31:08,600 --> 00:31:14,440
Mas lalong lumalapit 'yong level ng tubig
sa kinaroroonan namin.

495
00:31:14,520 --> 00:31:18,120
'Yong parang ang layo pa kanina
sa mga lifeboat,

496
00:31:18,200 --> 00:31:21,440
papalapit na nang papalapit
sa kinaroroonan namin.

497
00:31:21,520 --> 00:31:27,480
Mas lalo akong nataranta at natakot.

498
00:31:27,560 --> 00:31:30,880
Tapos vinideo ko na lahat
ng pwede kong i-video.

499
00:31:33,120 --> 00:31:38,640
Kumakapit 'yong mga tao sa gilid
para di sila dumausdos sa gilid ng barko.

500
00:31:40,600 --> 00:31:43,440
Walang nagsasabi sa amin
kung ano'ng dapat gawin,

501
00:31:43,520 --> 00:31:45,480
tapos sabi ni Nicholas…

502
00:31:45,560 --> 00:31:48,280
"Lulubog 'tong barko.
Kailangan nating umalis."

503
00:31:48,360 --> 00:31:51,760
Teka. 'Yong asawa niya.

504
00:31:51,840 --> 00:31:54,360
Binuksan namin 'yong lifeboat
tapos pagpasok namin,

505
00:31:54,440 --> 00:31:57,800
tiningnan namin 'yong pulley system
saka 'yong mga motor.

506
00:31:57,880 --> 00:31:59,440
Tinutulak ako.

507
00:32:00,880 --> 00:32:04,200
May nakita kaming mukhang chef

508
00:32:04,280 --> 00:32:06,920
tapos nakasuot siya ng life vest.

509
00:32:07,000 --> 00:32:11,000
Lumapit siya tapos sabi niya,
"Bawal n'yong galawin ang mga 'to."

510
00:32:11,080 --> 00:32:12,680
Isinara niya 'yong gate.

511
00:32:14,280 --> 00:32:18,000
-CREW: Uy, isa-isa.
-NICK: Teka, ano'ng gusto mong sabihin?

512
00:32:18,080 --> 00:32:20,400
Tumataas na 'yong boses ko.
"Kalokohan 'to.

513
00:32:20,480 --> 00:32:22,240
"Kailangan nating umalis sa barko."

514
00:32:22,320 --> 00:32:25,360
Medyo natataranta na kami no'n.

515
00:32:26,080 --> 00:32:28,080
Malinaw na malinaw

516
00:32:28,160 --> 00:32:31,000
na hindi lang 'yon blackout.

517
00:32:31,520 --> 00:32:34,120
Kaya hindi na naniwala 'yong mga pasahero

518
00:32:34,640 --> 00:32:38,080
at tumawag na sila sa pulis.

519
00:32:41,960 --> 00:32:43,560
PULIS:
Carabinieri Grosseto.

520
00:32:43,640 --> 00:32:45,600
PASAHERO:
Tumawag ako kanina.

521
00:32:45,680 --> 00:32:47,400
Lalo pang tumatagilid 'yong barko.

522
00:32:47,480 --> 00:32:50,400
Maraming nakasakay na bata.

523
00:32:50,480 --> 00:32:53,200
PULIS: Kumalma tayo.
Kalma lang. Inaayos na namin.

524
00:32:54,080 --> 00:32:56,080
PULIS:
Carabinieri Grosseto, hello.

525
00:32:56,160 --> 00:32:58,280
PASAHERO:
Hi, nasa barko ako ng Costa Cruises,

526
00:32:58,360 --> 00:32:59,840
sa Costa Concordia.

527
00:32:59,920 --> 00:33:02,320
PULIS:
Oo, ma'am, alam namin 'yong sitwasyon.

528
00:33:02,400 --> 00:33:05,080
PASAHERO:
Tumatagilid pa lalo 'yong barko.

529
00:33:05,160 --> 00:33:08,200
Wala silang sinasabi sa 'min.

530
00:33:08,280 --> 00:33:13,520
May dalawa akong maliliit na baby.
Sa totoo lang, di ko alam ang gagawin ko.

531
00:33:14,320 --> 00:33:17,640
40 MINUTO PAGKATAPOS BUMANGGA

532
00:33:21,000 --> 00:33:24,280
BRIDGE CREW: Livorno Coastguard,
Costa Concordia, sige lang.

533
00:33:25,640 --> 00:33:27,560
LIVORNO COASTGUARD:
Good evening.

534
00:33:27,640 --> 00:33:30,880
Pwede n'yo bang sabihin
kung may problema kayo diyan?

535
00:33:31,600 --> 00:33:32,600
BRIDGE CREW:
Oo, meron.

536
00:33:32,680 --> 00:33:35,760
Blackout sa loob.
Vine-verify pa namin ang kondisyon.

537
00:33:36,440 --> 00:33:38,400
LIVORNO COASTGUARD:
Kailangan n'yo ng tulong

538
00:33:38,480 --> 00:33:41,880
o nakatigil lang muna kayo
sa may Giglio Island?

539
00:33:44,400 --> 00:33:47,080
BRIDGE CREW:
Oo, affirmative. Dito muna kami.

540
00:33:48,680 --> 00:33:50,400
Sinasabi nilang may blackout

541
00:33:50,480 --> 00:33:53,280
pero di nila sinasabi
'yong totoong sitwasyon.

542
00:33:53,800 --> 00:33:59,600
Ayaw siguro ng kapitan na masisi siya
sa nangyayari.

543
00:34:00,200 --> 00:34:03,000
Na para sa 'kin, maling-mali.

544
00:34:06,840 --> 00:34:10,680
May chef na lumapit tapos sabi niya,

545
00:34:10,760 --> 00:34:13,240
"Alam mo, may malaking nangyari.

546
00:34:13,320 --> 00:34:17,160
"May tagas sa Deck C."

547
00:34:18,080 --> 00:34:21,400
No'ng sinabi niyang may tagas sa Deck C,
nakalimutan ko lahat.

548
00:34:21,480 --> 00:34:23,440
Tumakbo ako pababa

549
00:34:23,960 --> 00:34:25,760
kasi tuwing may suweldo,

550
00:34:25,840 --> 00:34:29,480
tinatago ko 'yong pera ko
sa ilalim ng kama.

551
00:34:30,480 --> 00:34:32,560
Marami akong utang.

552
00:34:33,080 --> 00:34:35,480
Binigyan ko ng problema 'yong pamilya ko.

553
00:34:36,320 --> 00:34:39,960
Iniisip ko araw-araw
na mag-iipon ako ng sapat na pera

554
00:34:40,040 --> 00:34:42,480
para mabayaran ko lahat ng utang ko.

555
00:34:44,360 --> 00:34:47,640
Lahat ng pinaghirapan ko,
lahat ng naipon ko,

556
00:34:48,160 --> 00:34:49,160
nasa ilalim ng kama.

557
00:34:51,360 --> 00:34:53,880
Kaya kailangan kong kunin 'yong pera ko

558
00:34:53,960 --> 00:34:58,000
na nasa cabin ko sa Deck B.

559
00:35:01,080 --> 00:35:05,200
Nakita ko 'yong chief security guard
na nakatayo do'n.

560
00:35:06,120 --> 00:35:08,440
Pinipigilan niya ako. Sabi niya,

561
00:35:08,520 --> 00:35:11,640
"Bawal kang pumunta sa Deck B."

562
00:35:11,720 --> 00:35:15,400
Sabi niya, "Walang pwedeng pumasok dito."

563
00:35:15,480 --> 00:35:19,320
Sabi ko, "May mga kukunin ako do'n
na sobrang importante."

564
00:35:19,400 --> 00:35:22,240
Sabi niya, "Walang mas importante
kesa sa buhay mo."

565
00:35:23,600 --> 00:35:25,200
Tama siya.

566
00:35:25,720 --> 00:35:28,600
Kailangan kong pumunta sa lifeboat ko.

567
00:35:30,640 --> 00:35:33,800
LIVORNO COASTGUARD:
Costa, may update ba kayo sa sitwasyon?

568
00:35:33,880 --> 00:35:37,360
BRIDGE CREW: Oo, Livorno Coastguard,
tinitingnan namin 'yong tagas.

569
00:35:39,160 --> 00:35:42,720
LIVORNO COASTGUARD:
Hindi lang pala blackout. May tagas din?

570
00:35:43,240 --> 00:35:46,560
BRIDGE CREW:
Oo, may tagas.

571
00:35:48,080 --> 00:35:51,320
LIVORNO COASTGUARD:
Anong tulong ang kailangan n'yo?

572
00:35:51,400 --> 00:35:54,160
BRIDGE CREW:
Kailangan namin ng tugboat para mag-assist

573
00:35:54,240 --> 00:35:57,960
saka naka-life jacket na
ang lahat ng pasahero.

574
00:35:58,040 --> 00:36:00,160
LIVORNO COASTGUARD:
May casualty ba?

575
00:36:00,240 --> 00:36:01,960
Ano'ng dahilan ng tagas?

576
00:36:02,040 --> 00:36:05,960
BRIDGE CREW: Walang casualty
dahil sa tagas. Walang casualty.

577
00:36:08,120 --> 00:36:12,120
47 MINUTO PAGKATAPOS BUMANGGA

578
00:36:13,560 --> 00:36:16,000
Sobrang nagkakagulo sa bridge.

579
00:36:16,080 --> 00:36:20,920
Hindi makapagsalita 'yong ibang officer.
Di nila alam ang gagawin.

580
00:36:21,800 --> 00:36:26,080
Do'n na nila pinindot
'yong general emergency button,

581
00:36:26,600 --> 00:36:28,480
tapos na-trigger 'yong mga sirena.

582
00:36:31,680 --> 00:36:36,000
Biglang narinig namin
'yong unang tunog ng sirena.

583
00:36:37,720 --> 00:36:40,960
No'ng time na 'yon, natahimik ang lahat.

584
00:36:43,040 --> 00:36:46,640
Nakarinig kami ng isang tunog ng sirena,
tapos may pangalawa.

585
00:36:46,720 --> 00:36:48,440
Naisip ko no'ng oras na 'yon,

586
00:36:48,520 --> 00:36:51,640
"Seryoso?" Kasi 'yon talaga
ang hinihintay namin buong gabi.

587
00:36:53,160 --> 00:36:56,960
Isa siguro 'yon sa pinakamasahol na parte
ng gabing 'yon,

588
00:36:57,040 --> 00:37:01,080
kasi daan-daang tao 'yong nag-uunahan

589
00:37:01,160 --> 00:37:03,800
at nagtutulakan para makarating
sa mga lifeboat.

590
00:37:04,520 --> 00:37:05,560
Hoy!

591
00:37:05,640 --> 00:37:09,160
Pinagtutulakan ako ng mga taong
kaedad ng tatay ko.

592
00:37:11,800 --> 00:37:14,520
Makinig po ang lahat.

593
00:37:14,600 --> 00:37:18,560
Maging kalmado lang po at pumunta
sa muster station n'yo sa Deck 4.

594
00:37:18,640 --> 00:37:22,440
Nangingibabaw ang military mentality
sa barko.

595
00:37:22,520 --> 00:37:26,120
Importante ang hierarchy.
May role ang bawat tao.

596
00:37:27,040 --> 00:37:31,720
Bakit inabot sila ng 45 minutes
bago tumawag ng general emergency?

597
00:37:32,480 --> 00:37:36,200
Gusto sigurong makita ng kapitan
kung ano'ng mangyayari.

598
00:37:36,800 --> 00:37:41,200
Sa opinyon ko, dapat pinatunog 'yon
sa loob ng limang minuto pagkabangga.

599
00:37:42,920 --> 00:37:45,000
Bumaba ako sa deck number 4

600
00:37:45,080 --> 00:37:47,760
para subukang magligtas ng maraming tao

601
00:37:47,840 --> 00:37:50,320
at pangunahan 'yong rescue operations.

602
00:37:53,360 --> 00:37:54,920
Nakatagilid 'yong barko.

603
00:37:55,000 --> 00:37:58,680
Nahihirapan na sa heels niya
'yong mama ko.

604
00:37:59,920 --> 00:38:03,120
Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko

605
00:38:03,200 --> 00:38:05,920
tapos sabi niya,
"Huwag mo 'kong bibitawan."

606
00:38:15,800 --> 00:38:17,480
No'ng oras na 'yon,

607
00:38:18,160 --> 00:38:20,360
wala nang sabi-sabi.

608
00:38:20,440 --> 00:38:22,960
Nagkatinginan kami tapos alam na namin
ang dapat gawin.

609
00:38:24,440 --> 00:38:26,560
NICK:
Isa-isa lang.

610
00:38:27,080 --> 00:38:30,120
PATTY:
'Yong mga bata, dali. Ikaw, ikaw.

611
00:38:30,200 --> 00:38:32,920
Sinimulan na naming magpasakay
sa lifeboat.

612
00:38:33,000 --> 00:38:35,800
Di mo alam kung anong klaseng tao ka.

613
00:38:35,880 --> 00:38:37,680
Kumbaga flight o fight.

614
00:38:38,200 --> 00:38:41,040
Di mo alam kung ikaw 'yong tao

615
00:38:41,120 --> 00:38:43,400
na basta lang tatayo do'n

616
00:38:43,480 --> 00:38:45,240
o kung kikilos ka.

617
00:38:46,040 --> 00:38:47,600
PATTI:
Ikaw na.

618
00:38:52,480 --> 00:38:53,560
PULIS:
Carabinieri.

619
00:38:53,640 --> 00:38:57,440
PASAHERO: Nagpapatayan na kami
na parang mga tupa. Magpadala kayo ng tao!

620
00:39:02,760 --> 00:39:04,440
Dito 'yong mga bata.

621
00:39:04,960 --> 00:39:06,760
Dito 'yong mga bata.

622
00:39:08,040 --> 00:39:10,320
150 lang na tao ang kaya ng mga lifeboat,

623
00:39:10,400 --> 00:39:13,400
kaya dapat siguruhin mong 150 lang
ang nakasakay.

624
00:39:13,480 --> 00:39:16,000
Tigil. Tataob tayo.

625
00:39:16,080 --> 00:39:18,240
Tataob tayo. Tigil!

626
00:39:19,760 --> 00:39:21,080
Tigil!

627
00:39:22,400 --> 00:39:23,520
Tigil!

628
00:39:32,240 --> 00:39:36,040
Marami nang tao sa bangka.
Malapit na sa maximum na 150.

629
00:39:37,520 --> 00:39:41,040
Nag-aalok na ng pera 'yong iba
para makasakay.

630
00:39:41,120 --> 00:39:42,280
Nakakalungkot 'yon.

631
00:39:43,800 --> 00:39:46,960
May isa do'n na medyo mas matanda.
Ang nasabi ko na lang, "Naku."

632
00:39:49,680 --> 00:39:51,840
-Ano'ng pangalan mo?
-Nicholas Taliaferro.

633
00:39:51,920 --> 00:39:54,520
-Tagasaan ka, Nicholas?
-San Diego, California.

634
00:39:54,600 --> 00:39:55,720
Malaking tulong 'yon.

635
00:39:55,800 --> 00:39:58,560
Nakaupo ako sa lifeboat at naghihintay.

636
00:39:59,640 --> 00:40:06,320
Dumating sa punto na gusto ng mga tao
na sabihin ang pangalan nila sa camera.

637
00:40:06,840 --> 00:40:10,160
Kami sina Steve at Kathy,
taga-Port Huron, Michigan.

638
00:40:11,680 --> 00:40:13,400
Kami sina Marie at Melissa.

639
00:40:13,480 --> 00:40:15,960
Wag tayong mag-iwanan.

640
00:40:16,040 --> 00:40:18,120
Oo, walang iwanan.

641
00:40:19,520 --> 00:40:21,800
Sobrang nakakapangilabot

642
00:40:21,880 --> 00:40:24,680
kasi akala nila, mamamatay na sila.

643
00:40:30,480 --> 00:40:32,480
Nasa mataas na side kami ng barko.

644
00:40:32,560 --> 00:40:34,320
Sobrang dami ng mga tao

645
00:40:34,400 --> 00:40:38,400
na parang nagsisiksikan sa lata.

646
00:40:38,480 --> 00:40:41,880
Tapos sa wakas,
kami na 'yong sasakay sa lifeboat.

647
00:40:41,960 --> 00:40:45,080
Ibaba na natin ang bangkang 'to sa tubig.

648
00:40:45,160 --> 00:40:48,080
Lahat ng nakasakay na,
gustong-gusto nang marinig 'yon.

649
00:40:49,280 --> 00:40:51,200
Mukhang handa na tayong umalis.

650
00:40:51,280 --> 00:40:53,920
Tiningnan ko 'yong mga taong
nasa lifeboat.

651
00:40:54,000 --> 00:40:56,240
Natatakot sila.

652
00:40:56,760 --> 00:41:01,680
Hinihintay nila 'yong hudyat
na "abandon ship".

653
00:41:03,960 --> 00:41:07,320
RESCUE BOAT: Oo, pero ba't di pa ibinababa
'yong mga lifeboat?

654
00:41:12,320 --> 00:41:15,640
Hinihintay namin 'yong hudyat
na "abandon ship".

655
00:41:16,560 --> 00:41:19,920
Pero ang bagal dumating.
Hindi malinaw kung bakit.

656
00:41:20,760 --> 00:41:24,480
Napansin kong naka-life jacket 'yong iba,

657
00:41:24,560 --> 00:41:26,520
kaso wala kaming nahanap.

658
00:41:27,400 --> 00:41:31,120
Tapos tanda ko,
tumingin si Luisa sa mama ko.

659
00:41:31,640 --> 00:41:33,640
Sabi niya, "Di ako marunong lumangoy."

660
00:41:33,720 --> 00:41:35,800
Takot na takot siya.

661
00:41:36,840 --> 00:41:38,200
Sabi ng mama ko,

662
00:41:38,880 --> 00:41:41,680
"Kailangan kong pumunta sa cabin.

663
00:41:41,760 --> 00:41:44,280
"Kukunin ko 'yong life jacket ni Luisa,

664
00:41:44,360 --> 00:41:49,160
"saka magpapalit ako ng sapatos
kasi hindi na ako makalakad."

665
00:41:49,240 --> 00:41:51,360
Sabi ko, "Hindi.

666
00:41:51,440 --> 00:41:54,560
"Hindi magandang idea 'yan.

667
00:41:54,640 --> 00:41:58,840
"Hinding-hindi ako babalik sa cabin natin.

668
00:41:58,920 --> 00:42:00,240
"Dalawang deck 'yon pababa."

669
00:42:00,760 --> 00:42:04,000
Sabi niya, "Pupunta kami.

670
00:42:04,080 --> 00:42:06,600
"Kung ayaw mong sumama sa amin,

671
00:42:07,200 --> 00:42:10,280
"maghintay na lang kayo dito ni Andrea."

672
00:42:12,880 --> 00:42:16,520
71 MINUTO PAGKATAPOS BUMANGGA

673
00:42:17,720 --> 00:42:19,840
BRIDGE CREW:
Kapitan, pagka-deploy sa mga raft,

674
00:42:19,920 --> 00:42:22,280
pwede na ba akong mag-announce
ng "abandon ship".

675
00:42:22,360 --> 00:42:24,640
KAPITAN:
Ibababa natin ang mga pasahero sa pampang.

676
00:42:24,720 --> 00:42:29,040
Iba 'yon. Ibababa natin ang mga pasahero
sa pampang.

677
00:42:30,760 --> 00:42:32,480
RESCUE BOAT:
Handa na ang mga lifeboat?

678
00:42:32,560 --> 00:42:35,280
RESCUE BOAT: Oo, pababa na.
Kita ko na. Kita ko na.

679
00:42:58,360 --> 00:43:01,080
Pagkapasok na pagkapasok ko sa lifeboat,

680
00:43:01,160 --> 00:43:02,920
tinawag ko 'yong mama ko.

681
00:43:03,840 --> 00:43:05,840
Sabi ko, "Asan ka?"

682
00:43:08,920 --> 00:43:13,560
Sabi niya, pasakay na rin daw siya
sa lifeboat.

683
00:43:14,640 --> 00:43:17,200
Bababa na tayo.

684
00:43:19,200 --> 00:43:23,840
Hindi porke't nasa lifeboat na kami,
makakahinga na kami nang maluwag.

685
00:43:26,640 --> 00:43:31,280
No'ng dahan-dahan na 'yong bumababa
sa tubig,

686
00:43:31,360 --> 00:43:35,640
naghawak-kamay kami
at nagdasal ng "Ama Namin".

687
00:43:36,240 --> 00:43:41,040
Saka paulit-ulit naming sinasabi.
Paulit-ulit.

688
00:43:42,560 --> 00:43:45,280
Magkasama nating haharapin 'to.

689
00:43:50,200 --> 00:43:53,680
Nakita namin na 'yong kuwarto sana namin

690
00:43:53,760 --> 00:43:57,600
na nasa itaas ng pinaglagyan
ng mga lifeboat,

691
00:43:57,680 --> 00:44:02,400
kapantay na ng tubig.

692
00:44:03,960 --> 00:44:06,280
Tingnan n'yo 'yong pagkatagilid. Pucha!

693
00:44:07,840 --> 00:44:10,840
Diyos ko, lumulubog 'yong barko.

694
00:44:12,680 --> 00:44:14,240
Huwag nating isigaw, guys.

695
00:44:14,320 --> 00:44:16,840
Kung andun ako, sobrang matatakot ako.

696
00:44:17,360 --> 00:44:18,800
Buti nakaalis tayo do'n.

697
00:44:19,840 --> 00:44:24,880
Nakita kong sinenyasan 'yong crew member
na i-deploy na 'yong lifeboat.

698
00:44:24,960 --> 00:44:28,040
Tanda kong nasa isip ko,
"Salamat sa Diyos."

699
00:44:28,120 --> 00:44:31,960
Malapit na kaming makababa sa barko.

700
00:44:32,840 --> 00:44:35,040
Nasa mataas na bahagi kami no'n.

701
00:44:35,560 --> 00:44:37,240
Hawak ko si Lila,

702
00:44:37,320 --> 00:44:39,880
tapos ilang segundo lang,

703
00:44:40,400 --> 00:44:44,680
parang nasa rollercoaster ride ako
na tipong nalaglag 'yong sikmura mo.

704
00:44:53,760 --> 00:44:56,440
Biglang bagsak, sumalpok,
tapos bumaliktad.

705
00:44:57,040 --> 00:45:00,440
Diyos ko, natatakot na ako!

706
00:45:01,920 --> 00:45:05,600
Tumagilid 'yong lifeboat
tapos parang 80 tao 'yong tumilapon.

707
00:45:07,960 --> 00:45:10,440
Nagkapatong-patong 'yong mga tao
sa isa't isa.

708
00:45:10,520 --> 00:45:15,240
Patong-patong 'yong mga katawan
tapos sumisigaw at umiiyak 'yong mga tao.

709
00:45:17,880 --> 00:45:19,600
Dahil nakatagilid 'yong barko,

710
00:45:19,680 --> 00:45:22,640
parang dineploy nila 'yong lifeboat
sa gilid mismo ng cruise ship.

711
00:45:29,520 --> 00:45:33,320
Andun na kami
sa mataas na side ng lifeboat.

712
00:45:33,840 --> 00:45:37,240
Nakadiin 'yong mga paa namin
para hindi kami matumba.

713
00:45:37,760 --> 00:45:39,600
May dugo ako. Dumudugo 'yong paa namin.

714
00:45:41,720 --> 00:45:44,680
Nadudurog si Meghan dahil sa iyak ni Lila.

715
00:45:45,200 --> 00:45:50,560
Tanda ko, sumigaw ako kay John,
"John, baka mabitawan ko si Lila."

716
00:45:51,560 --> 00:45:53,760
Tapos iniabot ko sa 'yo si Lila.

717
00:45:54,480 --> 00:45:56,720
Sobrang delikado ng sitwasyong 'yon.

718
00:45:58,320 --> 00:46:00,720
Di ko alam kung mahuhulog ba 'yon.

719
00:46:01,520 --> 00:46:03,680
Kasi ang layo pa namin sa tubig.

720
00:46:04,520 --> 00:46:08,160
Sa ilalim namin sa lifeboat,
may mga taong kailangan ng tulong.

721
00:46:08,680 --> 00:46:10,680
Pero kasi…

722
00:46:10,760 --> 00:46:13,480
Naka-focus lang ako
sa pagsagip sa pamilya ko.

723
00:46:15,920 --> 00:46:18,680
Di namin alam
kung paano kami makakaalis do'n.

724
00:46:21,600 --> 00:46:24,880
Do'n ko na narinig na sinabi kong,

725
00:46:24,960 --> 00:46:26,160
"Mamamatay ba tayo?

726
00:46:33,640 --> 00:46:36,520
KAPITAN:
Dito tayo. Tara. Dito tayo, mga bata.

727
00:46:37,040 --> 00:46:38,840
Kunin n'yo ang radyo n'yo. Sumama kayo.

728
00:46:38,920 --> 00:46:41,760
Maghagdan kayo do'n.
Tara sa deck sa labas.

729
00:46:41,840 --> 00:46:43,280
BRIDGE CREW:
Abandon the bridge.

730
00:46:43,360 --> 00:46:46,520
KAPITAN: Di ko sinabing
"abandon the bridge". Sumama ka sa 'kin.

731
00:46:50,440 --> 00:46:52,760
Di ko narinig 'yong "abandon ship".

732
00:46:52,840 --> 00:46:55,640
Mahirap para sa kapitan na iutos 'yon

733
00:46:55,720 --> 00:47:01,440
kasi pag sinabi ng kapitan 'yon,
wala nang pag-asa 'yong barko.

734
00:47:05,600 --> 00:47:08,400
Nag-aalisan 'yong mga tao sa barko,
pero para sa 'kin,

735
00:47:08,480 --> 00:47:10,440
sobrang sama ng sitwasyon.

736
00:47:10,520 --> 00:47:11,840
Nasa barko pa ako.

737
00:47:11,920 --> 00:47:14,240
Takot na takot ako
kasi di ako marunong lumangoy.

738
00:47:16,040 --> 00:47:18,200
Para makapasok sa cruise line,

739
00:47:18,280 --> 00:47:21,920
dapat nag-training ka sa paglangoy.

740
00:47:22,800 --> 00:47:25,440
Pero 'yong institute ko,
sinuotan ako ng life jacket

741
00:47:25,520 --> 00:47:27,560
tapos itinulak lang ako sa swimming pool.

742
00:47:27,640 --> 00:47:32,040
Lumulutang ako tapos maya-maya lang,
iniahon na nila ako sa pool.

743
00:47:32,120 --> 00:47:34,520
Tapos sabi nila,
"Tapos na ang training mo."

744
00:47:35,160 --> 00:47:37,000
Kaya di ko alam ang gagawin ko.

745
00:47:37,080 --> 00:47:39,520
Bumabagsak 'yong barko.
Talagang ang bilis.

746
00:47:40,040 --> 00:47:41,280
Mamamatay na ako.

747
00:47:44,120 --> 00:47:46,440
Tapos nakita ako ng isang kasamahan ko

748
00:47:46,520 --> 00:47:48,840
na maluha-luha tapos sabi niya,
"Sama ka sa 'kin."

749
00:47:50,120 --> 00:47:52,440
Umabot na 'yong tubig sa Deck 3.

750
00:47:52,520 --> 00:47:56,240
Ginabayan niya ako papunta sa Deck 4
sa kabilang side.

751
00:47:58,040 --> 00:48:01,760
Nakarating ako sa kabilang side
tapos nakasakay ako sa bangka.

752
00:48:06,080 --> 00:48:10,160
Pagkaalis ko, nakita kong
marami pang tao sa loob.

753
00:48:10,240 --> 00:48:13,240
Nagkukumahog silang ma-rescue.

754
00:48:14,800 --> 00:48:17,240
Di ako makapaniwalang nangyayari 'yon.

755
00:48:17,880 --> 00:48:21,040
Iniisip ko pa no'n na baka panaginip 'yon.

756
00:48:22,320 --> 00:48:24,240
'Yong kaibigan ko na kasama ko sa trabaho,

757
00:48:24,320 --> 00:48:27,440
sabi niya sa 'kin, "Kita mo ba?

758
00:48:29,040 --> 00:48:31,400
"Nakaupo sa lifeboat si Kapitan."

759
00:48:32,680 --> 00:48:34,040
Nagulat ako do'n.

760
00:48:34,120 --> 00:48:37,560
Bakit nauna pang umalis 'yong kapitan
kesa sa 'kin?

761
00:48:42,120 --> 00:48:43,800
Tumatagilid.

762
00:48:43,880 --> 00:48:48,920
-Lalong tumatagilid!
-Tingnan n'yo!

763
00:48:49,680 --> 00:48:53,240
Habang papalubog 'yong barko,
lalo pa kaming tumatagilid.

764
00:48:53,320 --> 00:48:54,640
Di kami makatayo

765
00:48:54,720 --> 00:48:58,520
kaya pumuwesto kami sa gilid ng barko.

766
00:48:59,400 --> 00:49:03,160
Kita rin namin
sa mataas na parteng 'yon ng barko

767
00:49:04,240 --> 00:49:07,520
na may lifeboat na sinusubukang ma-deploy
at maibaba.

768
00:49:07,600 --> 00:49:09,640
Pero dahil sa anggulo ng barko,

769
00:49:09,720 --> 00:49:11,600
gumugulong 'yong lifeboat.

770
00:49:11,680 --> 00:49:14,440
Kita naming tumitilapon sa tubig
'yong mga tao.

771
00:49:27,080 --> 00:49:28,160
Tulong!

772
00:49:31,960 --> 00:49:34,200
Sa open area kung nasaan kami,

773
00:49:34,280 --> 00:49:36,080
may double door do'n.

774
00:49:36,160 --> 00:49:39,280
Tapos sa likod no'n,
may horizontal na corridor.

775
00:49:39,360 --> 00:49:40,720
Sobrang lapad no'n.

776
00:49:40,800 --> 00:49:43,920
Railing 'yong nasa kabilang side no'n.

777
00:49:44,000 --> 00:49:49,000
Pero dahil sobrang nakatagilid kami,
halos hindi na 'yon madaanan.

778
00:49:49,920 --> 00:49:52,160
Kailangan naming makatawid
sa bangin na 'yon

779
00:49:52,240 --> 00:49:54,320
at makasakay sa lifeboat

780
00:49:54,400 --> 00:49:57,200
o makatalon man lang sa tubig.

781
00:49:59,760 --> 00:50:02,320
Isinigaw ko sa lahat ng crew member

782
00:50:02,400 --> 00:50:06,280
na ang gagawin namin,
ihahagis namin 'yong mga tao sa kabila

783
00:50:06,360 --> 00:50:08,880
para makakapit sila sa railing

784
00:50:08,960 --> 00:50:11,120
at makababa sa side ng barko

785
00:50:11,200 --> 00:50:13,640
na mas malapit sa tubig.

786
00:50:14,240 --> 00:50:17,400
Nakatayo ako sa isang side
tapos meron din sa kabila.

787
00:50:17,480 --> 00:50:20,280
Hawak namin sa braso 'yong mga tao
tapos inihahagis namin.

788
00:50:23,560 --> 00:50:26,920
No'ng naitawid na namin lahat,

789
00:50:27,000 --> 00:50:31,000
no'ng time na 'yon,
lima kaming na-stranded.

790
00:50:31,760 --> 00:50:36,640
Sa sobrang nakatagilid na,
para na talaga siyang elevator shaft.

791
00:50:36,720 --> 00:50:38,880
Hindi na talaga kami makakatawid.

792
00:50:41,400 --> 00:50:44,880
Sa puntong 'yon,
nakakakilabot 'yong kapayapaan.

793
00:50:45,600 --> 00:50:48,720
Para kaming naiwan sa disyerto.

794
00:50:58,480 --> 00:51:00,440
Kailangan naming makaalis sa lifeboat.

795
00:51:02,200 --> 00:51:06,040
May bukas na hatch
na hindi masyadong malayo sa 'min

796
00:51:06,120 --> 00:51:08,880
na pwede naming lusutan palabas.

797
00:51:08,960 --> 00:51:12,200
'Yong ilan sa amin na hindi natabunan,

798
00:51:12,280 --> 00:51:15,440
sinubukang umakyat palabas sa hatch.

799
00:51:17,120 --> 00:51:19,600
Isa-isa kaming umakyat palabas.

800
00:51:20,920 --> 00:51:26,120
Pagdating sa ibabaw ng lifeboat,
kailangan namang pumunta sa cruise ship

801
00:51:26,200 --> 00:51:28,480
na nasa itaas na namin, tapos kami…

802
00:51:28,560 --> 00:51:31,000
May gap na kailangan naming malampasan.

803
00:51:32,120 --> 00:51:34,120
Gumawa kami ng human chain

804
00:51:34,200 --> 00:51:37,760
pero hindi ko kayang umakyat
habang buhat ko si Lila.

805
00:51:39,000 --> 00:51:40,800
Ibinigay ko si Lila sa di ko kilala.

806
00:51:41,640 --> 00:51:44,000
Nakabitin kami sa dilim
sa ibabaw ng Mediterranean.

807
00:51:45,440 --> 00:51:48,240
Isang maling hakbang,
mahuhulog ka sa tubig

808
00:51:48,320 --> 00:51:51,200
na hindi namin alam
kung gaano pa kalayo sa amin.

809
00:51:53,120 --> 00:51:54,800
Takot ako sa matataas na lugar.

810
00:51:54,880 --> 00:51:59,080
Kaya 'yong aakyat ako sa gilid ng barko
na dulo lang ng daliri ko ang nakakapit,

811
00:51:59,160 --> 00:52:02,280
tapos anim na palapag siguro ang taas,
sa dilim, sa ibabaw ng Med,

812
00:52:02,360 --> 00:52:03,720
grabe talaga 'yon.

813
00:52:05,800 --> 00:52:08,480
Pero gano'n lang makakaalis si Lila
o ako o si Meghan.

814
00:52:12,240 --> 00:52:14,760
Tapos kinailangan naming bumalik sa barko.

815
00:52:16,040 --> 00:52:18,280
Talagang sobrang dilim do'n.

816
00:52:23,520 --> 00:52:26,560
Ang una naming naisip,
"May lifeboat pa kaya?"

817
00:52:27,080 --> 00:52:32,240
Pero naging malinaw agad
na wala nang lifeboat na natira.

818
00:52:35,800 --> 00:52:39,720
Sabi ko kay John,
"Langoy tayo. Makakaligtas tayo."

819
00:52:41,440 --> 00:52:44,800
Seryoso na 'yong pag-uusap namin
kung paano gagawin 'yon.

820
00:52:45,920 --> 00:52:47,640
'Yong taas ng tatalunin.

821
00:52:48,400 --> 00:52:50,680
Makakaligtas ba si Lila pag tumalon kami?

822
00:52:51,720 --> 00:52:55,760
Makakalangoy ba kami kasama si Lila
sa gano'n kalamig na tubig?

823
00:52:56,800 --> 00:52:59,040
Tinitimbang namin
kung makakaligtas kami do'n

824
00:52:59,120 --> 00:53:01,280
kesa kung nasa barko lang kami.

825
00:53:03,040 --> 00:53:07,240
Do'n na nag-sink in sa amin
'yong ibang level ng realization

826
00:53:07,320 --> 00:53:09,480
na baka hindi na kami makaalis
sa barkong 'yon.

827
00:53:12,760 --> 00:53:16,080
Bilang Christian, huwag daw makipagtawaran
sa Diyos.

828
00:53:16,920 --> 00:53:18,920
Pero 'yon na ang maiisip mo.

829
00:53:19,520 --> 00:53:23,000
Sabi ko, "Panginoon,
iligtas mo lang ako sa barkong 'to,

830
00:53:23,080 --> 00:53:26,240
"ipapakilala ko… kay Lila si Hesus.

831
00:53:26,320 --> 00:53:27,840
"Papalakihin ko siya nang tama.

832
00:53:28,520 --> 00:53:30,480
"Pero kailangan mo kaming iligtas dito."

833
00:53:35,120 --> 00:53:38,800
So sobrang tagilid na no'ng barko,
nasa mataas na side na kami.

834
00:53:42,480 --> 00:53:45,200
Tapos may nakita ako
na parang tauhan ng barko.

835
00:53:45,280 --> 00:53:46,560
Nakaputi siya.

836
00:53:46,640 --> 00:53:50,240
Mukha siyang opisyal
na naka-uniform. Tapos…

837
00:53:50,320 --> 00:53:53,000
Tiningnan niya si Lila.
Tiningnan niya kami.

838
00:53:54,800 --> 00:53:57,680
Sabi niya, "Baba kayo sa level na 'to
sa kabilang side ng barko.

839
00:53:57,760 --> 00:54:00,080
"Baka kailangan n'yong lumangoy lahat.

840
00:54:01,160 --> 00:54:03,520
"'Yon ang best chance n'yo
para makaligtas."

841
00:54:06,640 --> 00:54:08,320
Tumingin ako sa harap ng barko.

842
00:54:08,400 --> 00:54:11,280
May maliit na grupo ng mga pasahero
na nakatayo lang.

843
00:54:11,360 --> 00:54:13,360
Naisip ko, "May problema kaya sila?

844
00:54:14,320 --> 00:54:16,640
"Bakit hindi pa namin sila kasama?"

845
00:54:17,160 --> 00:54:18,680
Paglapit ko sa kanila,

846
00:54:18,760 --> 00:54:22,000
sobrang hirap makita
kung alin 'yong pader at 'yong sahig.

847
00:54:22,080 --> 00:54:24,920
Kaya napilitan na akong maglakad sa pader.

848
00:54:25,920 --> 00:54:31,920
Noong una, chine-check ko ng paa ko
kung kaya ng mga pinto 'yong timbang ko.

849
00:54:32,640 --> 00:54:37,400
Kaso bumukas na parang hatch
'yong isang pinto.

850
00:54:41,560 --> 00:54:43,800
Nahulog ako sa madilim na kawalan

851
00:54:44,640 --> 00:54:46,720
at nawalan ng malay.

852
00:54:56,520 --> 00:54:58,760
Pagdating namin sa isla,

853
00:54:59,400 --> 00:55:00,880
ano na'ng gagawin namin?

854
00:55:00,960 --> 00:55:02,120
Saan kami pupunta?

855
00:55:02,200 --> 00:55:06,720
Walang nagsasabi sa mga tao ng gagawin.

856
00:55:08,120 --> 00:55:11,560
May time pa na sumigaw ako,

857
00:55:11,640 --> 00:55:15,400
"May pwede bang tumulong sa 'min?"

858
00:55:18,800 --> 00:55:23,480
May mahina akong narinig na nagsabi,
"Punta kayo sa simbahan!"

859
00:55:25,760 --> 00:55:29,160
Una kong ginawa,
tinawagan ko 'yong mama ko.

860
00:55:29,720 --> 00:55:32,760
Kaso hindi na nagri-ring 'yong phone niya.

861
00:55:33,640 --> 00:55:39,040
Pero sabi niya, nasa lifeboat siya,
kaya nandito lang siguro siya.

862
00:55:40,360 --> 00:55:43,920
Hinanap namin siya saka si Luisa.

863
00:55:46,640 --> 00:55:49,080
Sobrang dami ng tao sa isla.

864
00:55:49,600 --> 00:55:53,640
Parang imposibleng mahanap mo 'yong tao.

865
00:55:54,160 --> 00:55:56,600
Pumasok kami sa lahat ng tindahan.

866
00:55:56,680 --> 00:55:58,720
Pumasok kami sa simbahan.

867
00:56:01,200 --> 00:56:05,480
Wala pa ring alam 'yong crew
saka lumulubog pa rin 'yong barko.

868
00:56:06,120 --> 00:56:08,280
Di nila alam kung may tao pa do'n.

869
00:56:09,360 --> 00:56:13,200
May nakita kaming maliit na sulok
sa simbahan.

870
00:56:13,280 --> 00:56:17,640
Sobrang anxious ng lahat,
saka sobrang takot at nilalamig.

871
00:56:18,160 --> 00:56:20,280
Naghanap ako ng mga foil blanket.

872
00:56:20,360 --> 00:56:22,560
Nadala ko 'yon pabalik sa simbahan.

873
00:56:23,200 --> 00:56:24,800
Tanda ko pa,

874
00:56:24,880 --> 00:56:28,840
tinatawag no'ng mga tao 'yong pamilya nila
pero walang sumasagot.

875
00:56:29,840 --> 00:56:31,040
Judy!

876
00:56:32,640 --> 00:56:34,920
Steve!

877
00:56:35,960 --> 00:56:37,200
Kathy!

878
00:56:40,120 --> 00:56:42,800
Hinanap namin kung saan-saan 'yong mama ko

879
00:56:42,880 --> 00:56:48,600
hanggang sa tumayo na lang ako
malapit sa mga tao

880
00:56:49,600 --> 00:56:51,200
na nakatingin sa barko,

881
00:56:51,280 --> 00:56:56,200
kasi naisip kong baka hindi pa dumadating
'yong lifeboat niya.

882
00:56:59,280 --> 00:57:01,440
Habang tumatagal,

883
00:57:01,960 --> 00:57:07,280
napansin naming mas tumatagilid
'yong barko.

884
00:57:07,800 --> 00:57:09,920
Para talagang eksena sa Titanic.

885
00:57:10,400 --> 00:57:11,640
Parehong-pareho.

886
00:57:13,200 --> 00:57:19,160
Nakakatakot makita mula do'n.

887
00:57:19,240 --> 00:57:22,800
Kita mo 'yong mga tao sa bangka
na kumakaway.

888
00:57:22,880 --> 00:57:25,040
Kita mong humihingi sila ng tulong.

889
00:57:30,360 --> 00:57:31,920
Masaklap makita 'yon.

890
00:57:32,000 --> 00:57:33,920
Kahit alam mong ligtas ka na,

891
00:57:34,000 --> 00:57:37,520
alam mong may mga taong na-trap pa rin
sa barko.

892
00:57:44,000 --> 00:57:46,200
Nakita naming may bukas na hallway

893
00:57:46,280 --> 00:57:48,840
na tagos papunta sa kabilang railing.

894
00:57:48,920 --> 00:57:53,240
'Yon 'yong obvious na paraan
para makapunta kami sa kabilang side.

895
00:57:54,800 --> 00:57:58,800
'Yong tatawirin naming hallway,
para nang 61 meters na slide.

896
00:57:59,480 --> 00:58:03,080
Kaya alam naming pag napaupo kami,

897
00:58:03,160 --> 00:58:04,880
hindi na kami makakatayo.

898
00:58:07,800 --> 00:58:11,640
Gumagalaw pa rin 'yong bangka.
Parang kada kalahating degree,

899
00:58:11,720 --> 00:58:15,360
may bagong furniture
na rumaragasa pababa sa hallway.

900
00:58:17,200 --> 00:58:21,520
Nakatali pa rin sa 'kin si Lila.
Hawak ko siya sa dibdib ko.

901
00:58:23,320 --> 00:58:25,120
Basta nag-slide ako pababa.

902
00:58:27,200 --> 00:58:29,560
Pagulong-gulong ka nang alanganin,

903
00:58:29,640 --> 00:58:32,200
bumubulusok pababa
sa cross-section na 'yon.

904
00:58:35,040 --> 00:58:37,080
Maraming furniture at kung ano-ano.

905
00:58:37,680 --> 00:58:39,680
Nasa 32 kilometers per hour siguro kami.

906
00:58:41,640 --> 00:58:44,880
Naramdaman kong may umuga.
Nauntog 'yong ulo ni Lila.

907
00:58:50,480 --> 00:58:52,680
Diyos ko, ang lakas ng pagkaumpog
ng ulo niya.

908
00:58:52,760 --> 00:58:54,040
"Ayos lang ba siya?"

909
00:58:54,120 --> 00:58:57,160
Naisip ko talagang
hindi siya makakaligtas do'n.

910
00:58:58,400 --> 00:59:03,920
Tanda kong sinabi niya
no'ng nasa baba na kami ng slide,

911
00:59:04,600 --> 00:59:06,320
na parang nagko-confess siya,

912
00:59:06,400 --> 00:59:09,040
na naumpog nang malakas 'yong ulo ni Lila.

913
00:59:09,120 --> 00:59:11,440
Tanda ko pa 'yong kirot sa mukha niya.

914
00:59:14,880 --> 00:59:17,160
Ang reaksyon ko lang, i-check siya

915
00:59:17,240 --> 00:59:18,360
saka umiiyak siya.

916
00:59:18,440 --> 00:59:21,320
Kaya parang ano lang,
"Okay lang siya. Kilos na tayo."

917
00:59:29,920 --> 00:59:31,680
Pagkagising ko,

918
00:59:32,480 --> 00:59:35,960
chineck ko agad 'yong sarili ko

919
00:59:36,040 --> 00:59:38,720
tapos na-realize kong
nabalian ako ng binti.

920
00:59:39,320 --> 00:59:42,520
Pagtingin ko sa paligid ko,
na-realize kong nasa restaurant ako.

921
00:59:43,040 --> 00:59:46,600
Sumigaw ako ng, "Tulong!"

922
00:59:46,680 --> 00:59:49,680
Pero siyempre, walang nakakarinig sa 'kin.

923
00:59:49,760 --> 00:59:52,040
May kawali sa tabi ko.

924
00:59:52,560 --> 00:59:55,960
Kinuha ko 'yong kawali
tapos sinubukan kong ihampas sa sahig.

925
01:00:00,640 --> 01:00:02,960
Habang stranded kami do'n sa doorway,

926
01:00:03,040 --> 01:00:05,760
may naririnig akong kumakatok sa Deck 5.

927
01:00:07,360 --> 01:00:10,520
Hindi 'yon parang mechanical
na may kumakatok.

928
01:00:10,600 --> 01:00:12,040
Parang… alam mo 'yon?

929
01:00:12,120 --> 01:00:15,360
Parang ipinapaalam no'ng mga tao
kung nasaan sila.

930
01:00:15,440 --> 01:00:18,120
Pero malabo 'yon.
Di namin sila mapupuntahan.

931
01:00:22,640 --> 01:00:26,560
Pagdating namin sa mababang side,
kita na namin 'yong tubig.

932
01:00:29,600 --> 01:00:31,480
Sa wakas, malapit na kami.

933
01:00:33,720 --> 01:00:37,880
Sinubukan naming kunin ang atensiyon
ng kahit anong lifeboat na makakarinig.

934
01:00:39,400 --> 01:00:43,640
May nakita akong lifeboat
na may mukha ng mga tao.

935
01:00:44,800 --> 01:00:46,520
May nakatinginan akong babae.

936
01:00:46,600 --> 01:00:50,520
Parang nagkatitigan lang kami saglit.

937
01:00:51,520 --> 01:00:56,000
Itinaas ko si Lila. Sabi ko, "Bambino",
kumbaga, "Kunin n'yo ang baby ko."

938
01:01:00,160 --> 01:01:03,360
Tapos… umiling lang siya.

939
01:01:05,000 --> 01:01:08,440
Gusto siguro niyang tumulong
pero wala siyang magawa.

940
01:01:10,120 --> 01:01:13,520
Sobrang wasak na wasak na ako no'n
psychologically.

941
01:01:15,480 --> 01:01:18,360
Sa isip ko, dasal ako nang dasal.

942
01:01:30,560 --> 01:01:34,440
Biglang napansin namin
na may dalawang lifeboat na walang sakay

943
01:01:34,520 --> 01:01:37,200
tapos paligid-ligid lang sa bangka.

944
01:01:37,880 --> 01:01:39,320
Nakakita kami ng buhay.

945
01:01:39,840 --> 01:01:41,320
Pareho kaming kumilos agad.

946
01:01:41,400 --> 01:01:45,240
Naisip namin, "Oh my gosh,
binabalikan ba nila 'yong mga tao?

947
01:01:47,320 --> 01:01:52,240
No'ng napansin na kami
ng kapitan no'ng lifeboat,

948
01:01:53,000 --> 01:01:56,360
sinubukan niyang pumunta sa bukana
ng kinatatayuan namin.

949
01:01:56,880 --> 01:02:00,480
Parang sobrang tagal naming naghintay
sa deck na 'yon.

950
01:02:01,400 --> 01:02:06,000
Sa mga oras na 'yon,
unti-unti pa ring tumatagilid 'yong barko.

951
01:02:06,080 --> 01:02:08,680
Pakiramdam namin, bawat minuto,
posibleng huli na namin.

952
01:02:09,200 --> 01:02:12,640
Mga tatlo hanggang limang metro siguro
ang taas namin mula sa lifeboat.

953
01:02:12,720 --> 01:02:14,040
Sobrang lakas ng alon

954
01:02:14,120 --> 01:02:16,680
kaya medyo sumasalpok 'yong bangka
sa cruise ship.

955
01:02:17,680 --> 01:02:21,120
Kaya delikado pa rin
kahit 'yong pagsakay sa lifeboat.

956
01:02:22,400 --> 01:02:25,200
Pero nakababa kami papunta sa bangka.

957
01:02:26,200 --> 01:02:27,640
Nakahinga kami nang maluwag.

958
01:02:28,960 --> 01:02:30,520
Umandar kami mula sa ilalim no'n.

959
01:02:30,600 --> 01:02:34,080
Kumbaga pag tumingala ka
sa bukana no'ng lifeboat,

960
01:02:34,160 --> 01:02:36,320
hindi namin makita 'yong langit.

961
01:02:37,880 --> 01:02:40,800
'Yong gilid ng cruise ship
ang buong kalangitan.

962
01:02:45,320 --> 01:02:46,840
Tahimik na si Lila.

963
01:02:48,160 --> 01:02:54,280
Tanda ko, karga-karga ko siya
tapos umaasa akong okay lang siya,

964
01:02:54,360 --> 01:02:55,720
na walang problema.

965
01:03:02,000 --> 01:03:05,960
Naramdaman ko talagang mag-isa lang ako.
Walang magre-rescue sa amin.

966
01:03:09,160 --> 01:03:12,200
Tapos may narinig kaming mga helicopter
sa itaas.

967
01:03:13,040 --> 01:03:15,800
Kaso tinatakpan kami ng barko
na parang payong.

968
01:03:16,920 --> 01:03:18,320
Di nila kami nakikita.

969
01:03:21,440 --> 01:03:25,520
Di ako makababa sa tubig.
Di ako makabalik sa loob ng barko.

970
01:03:25,600 --> 01:03:27,080
Lumulubog na kami noon.

971
01:03:28,320 --> 01:03:29,960
Sa sandaling 'yon,

972
01:03:30,040 --> 01:03:34,040
nag-play sa harap ng mata ko
'yong maikling pelikula ng buhay ko.

973
01:03:42,000 --> 01:03:45,120
Naaalala ko 'yong sinabi ng dad ko

974
01:03:46,240 --> 01:03:49,360
na hindi dapat maunang mamatay
'yong anak sa magulang.

975
01:04:03,160 --> 01:04:07,360
Do'n na ako natauhan
na kailangan kong lumaban.

976
01:04:08,440 --> 01:04:10,560
Kailangan kong isipin
kung paano ako mabubuhay.

977
01:04:14,360 --> 01:04:17,240
Sa puntong 'yon, inisip ko,
"Paano nila kami makikita?"

978
01:04:18,760 --> 01:04:22,680
Na-realize kong may flashlight ako
sa bulsa ko.

979
01:04:23,480 --> 01:04:26,160
Di ako marunong ng Morse code
pero fina-flash ko 'yong ilaw

980
01:04:26,240 --> 01:04:28,160
sa bangka sa harap namin.

981
01:04:31,800 --> 01:04:34,480
Rescue India Mike Alpha.

982
01:04:34,560 --> 01:04:36,440
Sige, Rescue India Mike Alpha.

983
01:04:36,520 --> 01:04:40,720
May sumesenyas sa amin. Tutulungan namin.

984
01:04:41,240 --> 01:04:42,440
Okay, sige.

985
01:04:43,880 --> 01:04:49,600
Tapos biglang may lumutang pababa
na parang James Bond.

986
01:04:54,240 --> 01:04:56,720
Hinila kami papunta sa helicopter,

987
01:04:56,800 --> 01:05:00,120
tapos isa-isa silang bumalik sa baba
para kunin 'yong apat pa.

988
01:05:02,600 --> 01:05:06,480
Okay, magaling. May nakuhang tatlo,
maaayos ang lagay.

989
01:05:06,560 --> 01:05:08,840
Dadalhin sila sa Grosseto Airport.

990
01:05:08,920 --> 01:05:12,480
Do'n naghihintay ng first aid
yong mga tao.

991
01:05:21,200 --> 01:05:22,760
No'ng papalayo na ako,

992
01:05:23,400 --> 01:05:26,000
nakita kong lahat ng minahal ko

993
01:05:26,080 --> 01:05:28,800
at lahat ng naging realidad ko, wala na.

994
01:05:30,040 --> 01:05:31,640
Pero buhay ako.

995
01:05:39,480 --> 01:05:41,400
Biyernes 'yon, gabing-gabi na.

996
01:05:42,160 --> 01:05:46,440
Sunod-sunod sa feed ko
'yong mga pasahero ng cruise ship

997
01:05:46,520 --> 01:05:49,400
sa may baybayin ng Tuscany
sa Giglio Island.

998
01:05:50,960 --> 01:05:54,160
Alam kong para malaman
kung ano talaga ang nangyayari,

999
01:05:54,800 --> 01:05:56,160
dapat pumunta ako do'n.

1000
01:06:01,160 --> 01:06:04,800
Mataong cruise ship iyon
na sumadsad sa lupa at tumagilid.

1001
01:06:04,880 --> 01:06:07,840
Inilarawan iyon ng mga pasahero
na parang eksena sa Titanic.

1002
01:06:07,920 --> 01:06:10,720
Posibleng may 70 katao ang nawawala.

1003
01:06:11,440 --> 01:06:16,440
Dumating ako sa Giglio kinabukasan
nang mga 6:30 a.m. siguro.

1004
01:06:17,040 --> 01:06:17,920
SABADO, IKA-14 NG ENERO

1005
01:06:18,000 --> 01:06:21,440
Hinding-hindi ko makakalimutan
no'ng nakita ko 'yong Costa Concordia.

1006
01:06:21,520 --> 01:06:26,520
Hindi mo maiiwasang tumitig
sa malaking bato

1007
01:06:26,600 --> 01:06:28,840
na nakausli sa ilalim no'n.

1008
01:06:31,320 --> 01:06:34,760
Trabaho kong ipaliwanag
kung paano ba nangyari 'yon.

1009
01:06:37,560 --> 01:06:41,320
Sumadsad ang isang Italian cruise ship
sa may baybayin ng Tuscany kagabi.

1010
01:06:41,400 --> 01:06:42,240
Aminin na natin.

1011
01:06:42,320 --> 01:06:45,840
Naiisip mo 'yon tuwing sasakay ka
sa eroplano o sa cruise ship.

1012
01:06:45,920 --> 01:06:47,880
Paano kung magkaproblema?

1013
01:06:47,960 --> 01:06:49,160
Nangyari na nga.

1014
01:06:50,600 --> 01:06:54,800
Nasa sobrang babaw na tubig na ang barko,
pero dahil sa laki ng barko

1015
01:06:54,880 --> 01:06:58,640
at sa pagkakalagay nito
sa mabatong area na ito,

1016
01:06:58,720 --> 01:07:02,120
marami silang Italian coastguard divers

1017
01:07:02,200 --> 01:07:05,640
na nagche-check ngayon sa perimeter
at sa loob ng barko

1018
01:07:05,720 --> 01:07:07,960
sakaling may makita silang tao roon.

1019
01:07:10,480 --> 01:07:13,200
Diver ako ng fire department

1020
01:07:13,280 --> 01:07:17,440
na nagse-specialize sa cave diving.

1021
01:07:19,400 --> 01:07:22,120
Dalawang single dive,
40 minutes ang bawat isa.

1022
01:07:22,200 --> 01:07:25,120
Itatagal ng buong operasyon,
dalawang oras.

1023
01:07:27,280 --> 01:07:29,080
Birthday ng mama ko no'n.

1024
01:07:29,600 --> 01:07:34,800
Naisip kong dapat nasa restaurant ako

1025
01:07:35,880 --> 01:07:38,560
at kinakantahan siya ng "Happy Birthday".

1026
01:07:39,160 --> 01:07:41,880
Pero ngayon, nasa Giglio Island ako,

1027
01:07:41,960 --> 01:07:43,280
nakaupo sa lupa,

1028
01:07:44,080 --> 01:07:46,520
iniisip kung nasaan siya.

1029
01:07:48,360 --> 01:07:55,000
Tanong ko sa sarili ko no'n,
"Makikita ko pa kaya ulit siya?"

1030
01:07:57,600 --> 01:08:01,400
Dahil lumipas na 'yong oras
tapos malamig 'yong tubig kasi January,

1031
01:08:01,480 --> 01:08:06,080
'yong chance ng kahit sino na maka-survive
pagkatapos ng unang 24 hours,

1032
01:08:06,160 --> 01:08:07,800
siyempre, nababawasan 'yon.

1033
01:08:08,800 --> 01:08:09,840
Okay.

1034
01:08:10,360 --> 01:08:11,720
Detach.

1035
01:08:12,840 --> 01:08:14,040
Sige!

1036
01:08:22,720 --> 01:08:24,880
Malaki 'yong takot namin

1037
01:08:25,400 --> 01:08:30,800
kasi may risk talaga
na mapunta kami sa kailaliman ng dagat

1038
01:08:30,880 --> 01:08:37,840
sa loob ng malaking barko
at maging biktima kami imbes na rescuer.

1039
01:08:39,440 --> 01:08:42,400
Lahat ng hindi nakakabit, naging balakid.

1040
01:08:43,440 --> 01:08:45,320
May mga wire.

1041
01:08:45,400 --> 01:08:47,640
May matutulis na gilid.

1042
01:08:47,720 --> 01:08:50,760
Siyempre lahat ng 'yon,
mapanganib para sa diver.

1043
01:08:53,000 --> 01:08:56,480
LINGGO, IKA-15 NG ENERO

1044
01:08:59,960 --> 01:09:03,360
Sa wakas, nag-umaga na.
Nagkaroon na ng liwanag.

1045
01:09:04,400 --> 01:09:06,520
Nasa restaurant pa rin ako.

1046
01:09:07,320 --> 01:09:10,040
Pagkalipas ng ilang oras,
magkaka-hypothermia ka.

1047
01:09:11,120 --> 01:09:14,640
Kung makakaisang gabi pa ako
sa gano'ng kalagayan,

1048
01:09:15,160 --> 01:09:18,640
di ko alam kung buhay pa ako
hanggang kinabukasan ng umaga.

1049
01:09:25,160 --> 01:09:27,680
Naisip ko no'n,

1050
01:09:28,320 --> 01:09:33,800
kung makakaalis ako sa sitwasyong 'yon,

1051
01:09:36,480 --> 01:09:39,480
pwede ko nang pag-isipan
na bumuo ng pamilya.

1052
01:09:42,280 --> 01:09:49,240
'Yon siguro ang kulang sa buhay ko noon.

1053
01:09:55,440 --> 01:09:59,320
Forty-eight hours na kaming walang tulog.

1054
01:10:00,520 --> 01:10:02,840
Bumukas 'yong pinto ng van,

1055
01:10:02,920 --> 01:10:06,840
tapos sabi ng boss ko,
"May isa pa tayong ililigtas. Tara na."

1056
01:10:10,040 --> 01:10:12,680
'Yong hotel manager,
si Manrico Giampedroni,

1057
01:10:12,760 --> 01:10:15,480
na huling nakita ng maraming witness

1058
01:10:15,560 --> 01:10:19,800
sa sinusubukang iligtas 'yong mga tao
sa hospitality area ng barko.

1059
01:10:21,480 --> 01:10:24,600
Pumasok kami ng mga kasamahan ko sa barko.

1060
01:10:27,640 --> 01:10:31,480
Nagtatawag kami kung may survivor.

1061
01:10:31,560 --> 01:10:34,840
"Mga bombero kami! Mga bombero kami!

1062
01:10:34,920 --> 01:10:36,240
"May tao ba diyan?"

1063
01:10:39,320 --> 01:10:43,160
"May tao ba diyan? Naririnig n'yo ba ako?"

1064
01:10:44,840 --> 01:10:46,640
Maya-maya pa,

1065
01:10:47,160 --> 01:10:48,880
may sumagot na.

1066
01:10:52,040 --> 01:10:55,400
Okay, kalma. Relax ka lang.

1067
01:10:56,200 --> 01:11:02,960
Sumiksik kami sa pinakaloob ng tunnel

1068
01:11:03,040 --> 01:11:08,800
kaya wala kaming natural na ilaw.

1069
01:11:08,880 --> 01:11:10,760
Hindi umaabot do'n ang liwanag.

1070
01:11:10,840 --> 01:11:13,120
Parang nasa loob kami ng kuweba.

1071
01:11:15,520 --> 01:11:17,360
Okay, ayos 'yan. Dahan-dahan.

1072
01:11:18,720 --> 01:11:20,400
Dahan-dahan. Ayos lang 'yan.

1073
01:11:21,240 --> 01:11:22,320
Dahan-dahan.

1074
01:11:23,680 --> 01:11:24,680
Dahan-dahan.

1075
01:11:26,960 --> 01:11:28,120
Tama 'yan!

1076
01:11:33,280 --> 01:11:38,120
Tapos nakita ko
'yong taong hinahanap namin.

1077
01:11:39,960 --> 01:11:43,480
Tinanong ko, "Hi, ano'ng pangalan mo?
Ano'ng pangalan mo?"

1078
01:11:43,560 --> 01:11:46,360
Ang sagot niya, "Manrico.

1079
01:11:46,440 --> 01:11:48,200
"Manrico Giampedroni."

1080
01:11:50,440 --> 01:11:53,000
Sabi niya, "Hi, ako si Francesco…

1081
01:11:57,320 --> 01:11:59,160
"isa sa mga rescuer mo."

1082
01:11:59,680 --> 01:12:01,680
Sabi niya, "Huwag kang mag-alala.

1083
01:12:04,600 --> 01:12:06,440
"Ilalabas ka namin dito."

1084
01:12:17,720 --> 01:12:20,560
Thirteen years na ang lumipas,
naiiyak pa rin ako.

1085
01:12:21,600 --> 01:12:22,880
Di ako makapaniwala.

1086
01:12:28,040 --> 01:12:31,240
Parang laging may kung anong milagro
sa mga sakuna.

1087
01:12:31,320 --> 01:12:33,840
Sa pagkakataong ito,
'yong tripulanteng na-trap sa loob

1088
01:12:33,920 --> 01:12:36,120
na nakita ng mga rescuer
sa pagsuyod sa mga cabin

1089
01:12:36,200 --> 01:12:37,760
at pagtapik sa katawan ng barko.

1090
01:12:37,840 --> 01:12:40,720
Dalawang araw siyang na-trap
nang may bali sa binti.

1091
01:12:41,880 --> 01:12:43,480
Naisip mo bang di ka makakaligtas?

1092
01:12:43,560 --> 01:12:49,400
Oo, no'ng mag-isa ako sa restaurant. Oo.

1093
01:12:54,560 --> 01:12:58,120
Pagkatapos ng shock,
ng panic, ng kaguluhan,

1094
01:12:58,200 --> 01:12:59,960
di nila napigilang umiyak.

1095
01:13:00,920 --> 01:13:04,520
Isa ang dancer na si Rose Metcalf
sa mga huling na-rescue

1096
01:13:04,600 --> 01:13:06,400
sa lumulubog na barko.

1097
01:13:06,480 --> 01:13:08,480
May iba pang nakaligtas,
kagaya ni Nick Tally

1098
01:13:08,560 --> 01:13:10,920
at ng mga kaibigan niya.

1099
01:13:11,000 --> 01:13:13,800
May mga takot na Italian family
na iniaabot ang mga anak nila.

1100
01:13:13,880 --> 01:13:17,480
Sabi nila sa 'kin, "Kunin mo ang anak ko.
Isakay mo sa bangka."

1101
01:13:17,560 --> 01:13:19,720
Mahigit isa't kalahating oras
kaming naghintay

1102
01:13:19,800 --> 01:13:21,280
bago kami nakasakay sa bangka.

1103
01:13:31,200 --> 01:13:34,160
Dalawang taon akong naghintay.

1104
01:13:35,680 --> 01:13:40,720
Isa sa mga huling nakita
'yong katawan ng mama ko.

1105
01:13:44,880 --> 01:13:47,480
No'ng nahanap 'yong katawan niya,

1106
01:13:48,320 --> 01:13:50,520
hindi gumaan 'yong loob ko.

1107
01:13:52,840 --> 01:13:57,280
Parang binulabog ng Costa Concordia
'yong buhay ko.

1108
01:13:58,920 --> 01:14:03,720
Siya ang buong mundo ko.

1109
01:14:04,520 --> 01:14:05,680
Gano'n din ako sa kanya.

1110
01:14:07,200 --> 01:14:09,600
Ano'ng pangalan ng magandang batang 'to?

1111
01:14:09,680 --> 01:14:12,520
Si Stefania ang batang 'to.

1112
01:14:12,600 --> 01:14:13,680
Kaninong anak 'to?

1113
01:14:20,080 --> 01:14:24,720
Ang kapitan ng cruise ship
na sumadsad dito sa baybayin ng Tuscany

1114
01:14:24,800 --> 01:14:26,760
ay hinarang ng mga awtoridad.

1115
01:14:26,840 --> 01:14:29,160
Iniimbestigahan siya
sa kasong manslaughter

1116
01:14:29,240 --> 01:14:30,440
at pag-abandona ng barko.

1117
01:14:30,520 --> 01:14:34,000
Dalawang napakabigat na offense 'yon
sa maritime law.

1118
01:14:34,080 --> 01:14:38,040
Thirty-two ang namatay no'ng gabing 'yon,
kabilang ang isang five-year-old na bata.

1119
01:14:39,520 --> 01:14:41,320
No'ng mga sumunod na araw,

1120
01:14:41,400 --> 01:14:45,320
Costa PR team lang
ang pinanggagalingan ng impormasyon.

1121
01:14:46,160 --> 01:14:50,080
Malinaw na nakapagdesisyon na sila
kung sino'ng may kasalanan.

1122
01:14:50,160 --> 01:14:52,680
Ngayong gabi, mas tumitindi ang sisihin

1123
01:14:52,760 --> 01:14:56,120
matapos sabihin ng mga may-ari ng barko
na kapitan nila ang may kasalanan.

1124
01:14:56,200 --> 01:15:00,200
Naniniwala kaming human error
ang nangyari.

1125
01:15:00,280 --> 01:15:04,080
Hindi sinunod ng kapitan
'yong authorized na ruta.

1126
01:15:09,360 --> 01:15:12,000
Isa sa pinaka-dramatic na parte
ng kuwento,

1127
01:15:12,080 --> 01:15:15,280
nangyari noong January 17.

1128
01:15:15,360 --> 01:15:18,320
May nakitang USB flash drive
ang isang local journalist

1129
01:15:18,400 --> 01:15:20,760
sa nakabukas niyang sasakyan.

1130
01:15:21,280 --> 01:15:24,760
May lamang recording 'yong USB
ng pag-uusap

1131
01:15:24,840 --> 01:15:28,560
ng coastguard ng Livorno
at ni Captain Schettino

1132
01:15:28,640 --> 01:15:32,720
no'ng time na sinabi ni Schettino
na iniwan niya 'yong barko.

1133
01:15:32,800 --> 01:15:34,600
COASTGUARD:
Ano'ng ginagawa mo, Kapitan?

1134
01:15:34,680 --> 01:15:38,320
SCHETTINO:
Andito ako para i-coordinate 'yong rescue.

1135
01:15:38,400 --> 01:15:41,040
COASTGUARD:
I-coordinate mo mula sa barko.

1136
01:15:42,040 --> 01:15:43,040
Tumatanggi ka?

1137
01:15:43,560 --> 01:15:44,920
SCHETTINO:
Di ako tumatanggi.

1138
01:15:45,000 --> 01:15:47,880
COASTGUARD: Tumatanggi ka bang sumakay
sa barko, Kapitan?

1139
01:15:47,960 --> 01:15:50,200
Bakit ayaw mong sumakay sa barko?

1140
01:15:50,280 --> 01:15:53,320
Pag narinig mong sinasabi ng commander
kay Captain Schettino na,

1141
01:15:53,400 --> 01:15:55,080
"Bumalik ka sa barko,"

1142
01:15:55,160 --> 01:15:56,240
mahirap kalimutan 'yon.

1143
01:15:56,320 --> 01:15:58,280
COASTGUARD:
Bumalik ka sa barko. Utos 'yon!

1144
01:15:58,360 --> 01:16:01,520
Wala ka na dapat ibang assessment.
Nagdeklara ka na ng "abandon ship".

1145
01:16:01,600 --> 01:16:03,080
Ako na ang in charge!

1146
01:16:03,160 --> 01:16:04,560
Bumalik ka sa barko!

1147
01:16:05,760 --> 01:16:08,440
Maliwanag? Di mo ba ako naririnig?

1148
01:16:08,960 --> 01:16:10,960
SCHETTINO: Babalik na.
COAST GUARD: Sige na!

1149
01:16:11,480 --> 01:16:13,120
Hindi maikakailang ang resulta no'n,

1150
01:16:13,200 --> 01:16:15,440
kahit sino at kahit saan sa mundo,

1151
01:16:15,520 --> 01:16:17,760
kilala si Captain Schettino
bilang Captain Duwag.

1152
01:16:17,840 --> 01:16:19,280
Please, padaanin n'yo ako.

1153
01:16:19,360 --> 01:16:22,640
Ang Italian captain
na si Francesco Schettino

1154
01:16:22,720 --> 01:16:24,400
habang papasok sa korte nitong umaga

1155
01:16:24,480 --> 01:16:28,120
at kita pa rin ang tikas
na gaya noong nasa barko siya.

1156
01:16:28,200 --> 01:16:30,760
Nasa korte kanina
si Captain Francesco Schettino

1157
01:16:30,840 --> 01:16:34,640
para sa mga kasong multiple manslaughter,
pagdudulot ng sakunang pandagat,

1158
01:16:34,720 --> 01:16:37,720
at pagdudulot ng personal injury
sa 150 katao.

1159
01:16:37,800 --> 01:16:40,000
Tumagal nang ilang taon 'yong trial.

1160
01:16:40,080 --> 01:16:44,080
Ginanap 'yon sa loob ng teatro
sa lungsod ng Grosseto.

1161
01:16:44,160 --> 01:16:46,480
Pinuntahan ko lahat ng hearing.

1162
01:16:47,200 --> 01:16:52,360
Mariing sinisisi ng prosecution ang sakuna
kay Captain Schettino.

1163
01:16:52,440 --> 01:16:57,200
Ayon sa kanila, malaki ang kapabayaan niya
sa pamumuno niya sa barko.

1164
01:16:57,280 --> 01:17:00,720
Pero itinatanggi ng kapitan
ang mga paratang sa kanya.

1165
01:17:00,800 --> 01:17:05,280
Iginigiit niyang hindi lang siya
ang may pananagutan sa nangyari.

1166
01:17:06,480 --> 01:17:09,800
Nakatuon lahat kay Captain Schettino,

1167
01:17:09,880 --> 01:17:13,200
pero isa sa mga pangunahing tanong
ng marami sa amin,

1168
01:17:13,280 --> 01:17:17,080
kung parang mechanical failure ba 'yon
o hindi.

1169
01:17:18,320 --> 01:17:21,600
Hindi nagtagal,
na-recover 'yong black box,

1170
01:17:21,680 --> 01:17:23,160
kaso sira.

1171
01:17:23,240 --> 01:17:27,480
Kaya may time
na wala talagang paraan para malaman

1172
01:17:27,560 --> 01:17:30,680
kung ano talaga ang nangyayari sa bridge
no'ng gabi ng aksidente.

1173
01:17:34,840 --> 01:17:37,760
Noong 2012, bata pa lang ako
na computer science researcher.

1174
01:17:41,920 --> 01:17:45,440
Binigyan ako ng sangkaterbang disk
mula sa Costa Concordia.

1175
01:17:45,520 --> 01:17:48,960
Sinubukan ng dalawang eksperto
na kunin 'yong data,

1176
01:17:49,840 --> 01:17:51,280
pero nabigo sila.

1177
01:17:51,800 --> 01:17:53,000
Kaya na-obsess ako.

1178
01:17:54,960 --> 01:18:00,080
Gumawa ako ng software na naglalarawan
ng lahat ng nangyari no'ng gabing 'yon.

1179
01:18:00,160 --> 01:18:01,760
KAPITAN:
Saan tayo tumama?

1180
01:18:02,280 --> 01:18:04,680
CHIEF ENGINEER:
Wala na tayong kuryente.

1181
01:18:05,760 --> 01:18:09,240
Nagkaproblema 'yong emergency generator
ng Costa Concordia no'ng gabing 'yon.

1182
01:18:09,760 --> 01:18:13,400
Bale ilang beses patay-sindi 'yon.

1183
01:18:13,480 --> 01:18:19,400
Halos hindi 'yon nakakonekta
sa mga linya ng emergency power

1184
01:18:19,480 --> 01:18:22,280
saka hindi napagana
'yong mga emergency device.

1185
01:18:23,600 --> 01:18:28,280
Imposibleng maging sigurado
kung paano namatay 'yong mga tao sa barko.

1186
01:18:28,360 --> 01:18:31,440
Pero alam nating
at least dalawang lifeboat

1187
01:18:31,520 --> 01:18:33,760
na nasa itaas ng barko ang pumalya

1188
01:18:33,840 --> 01:18:36,960
dahil hindi gumana
'yong emergency generator.

1189
01:18:37,040 --> 01:18:39,920
Alam nating kinailangang bumaba
ng mga taong 'yon

1190
01:18:40,000 --> 01:18:44,280
para makapunta sa ibang mga lifeboat
sa deck din na 'yon, sa four.

1191
01:18:45,440 --> 01:18:50,040
Alam din nating
dahil pumalya 'yong emergency generator,

1192
01:18:50,120 --> 01:18:52,200
hindi gumagana 'yong mga elevator.

1193
01:18:54,320 --> 01:18:55,760
KAPITAN:
Three five zero.

1194
01:18:55,840 --> 01:18:57,280
TIMONEL:
Three four zero.

1195
01:18:57,360 --> 01:18:59,320
KAPITAN:
Three five zero. Starboard.

1196
01:18:59,400 --> 01:19:00,240
TIMONEL:
Okay.

1197
01:19:00,320 --> 01:19:04,120
No'ng ni-run ko 'yong ginawa kong software
para mag-sync lahat ng data,

1198
01:19:04,200 --> 01:19:05,720
may isang nakakagulat.

1199
01:19:05,800 --> 01:19:08,440
Bago mismo 'yong aksidente,

1200
01:19:08,520 --> 01:19:13,680
nalaman naming hindi tugma
'yong iniutos sa timonel

1201
01:19:13,760 --> 01:19:15,200
at 'yong ginagawa niya.

1202
01:19:15,800 --> 01:19:17,600
KAPITAN: Hard to port.
BRIDGE CREW: Hard to starboard.

1203
01:19:17,680 --> 01:19:20,120
TIMONEL: Hard to starboard.
CAPTAIN: Hard to port.

1204
01:19:23,240 --> 01:19:26,560
Naririnig nating nagbibigay si Schettino
ng instructions.

1205
01:19:27,080 --> 01:19:32,960
Pero 13 seconds na salungat do'n
'yong ginagawa ng timonel.

1206
01:19:34,000 --> 01:19:35,880
Kalaunan, may ginawang independent study

1207
01:19:35,960 --> 01:19:39,840
sina Professor Bruno Neri
at Paolo Neri ng University of Pisa

1208
01:19:39,920 --> 01:19:44,040
na nagpapakita na kung nagawa nang tama
'yong mga utos ni Schettino,

1209
01:19:44,120 --> 01:19:47,960
baka partial lang 'yong naging impact
o baka hindi nangyari.

1210
01:19:56,360 --> 01:20:00,400
Noong early 2000s,
nagbu-boom 'yong cruise industry.

1211
01:20:02,240 --> 01:20:05,960
Nagkakaproblema 'yong Italian-run
na Costa cruise line company.

1212
01:20:06,040 --> 01:20:07,320
Hindi sila makasabay.

1213
01:20:07,400 --> 01:20:10,480
Ang paraan lang
para maka-survive sila sa market,

1214
01:20:10,560 --> 01:20:13,400
ma-acquire sila ng American corporation.

1215
01:20:15,560 --> 01:20:18,800
Dahil sa expansion ng Costa,
naghanap sila ng staff

1216
01:20:18,880 --> 01:20:22,360
na sinubukan nilang i-train
nang mabilis at efficient.

1217
01:20:23,000 --> 01:20:26,280
Importanteng banggitin
na si Captain Schettino mismo,

1218
01:20:26,360 --> 01:20:28,640
sumulat siya sa Costa
para sabihing nag-aalala siya

1219
01:20:28,720 --> 01:20:30,920
na masyadong mabilis ma-promote
'yong mga tao,

1220
01:20:31,000 --> 01:20:32,920
na hindi sapat 'yong training nila,

1221
01:20:33,000 --> 01:20:36,840
na hindi sila bagay sa klase ng barko
ng gusto niyang patakbuhin.

1222
01:20:38,240 --> 01:20:43,120
Ang alam namin tungkol do'n sa timonel,
mabilis siyang na-promote sa trabaho.

1223
01:20:43,200 --> 01:20:45,800
Mukhang malinaw naman
na no'ng nangyari 'yong sakuna,

1224
01:20:45,880 --> 01:20:50,240
noong dapat naiintindihan niya
'yong mga utos ni Captain Schettino,

1225
01:20:50,320 --> 01:20:52,440
may language barrier, at malamang

1226
01:20:52,520 --> 01:20:55,360
di niya naintindihan
'yong pinapagawa ng kapitan.

1227
01:21:02,840 --> 01:21:06,360
IKA-11 NG PEBRERO 2015
ARAW NG PAGHATOL

1228
01:21:07,680 --> 01:21:09,320
Sa ngalan ng mga Italyano,

1229
01:21:09,840 --> 01:21:16,200
idinedeklara ng korteng ito
ayon sa Artikulo 533 at 535,

1230
01:21:16,720 --> 01:21:21,160
na nagkasala si Francesco Schettino
sa mga krimeng iniuugnay sa kanya.

1231
01:21:21,240 --> 01:21:27,000
Ang kabuuang sentensiya,
16 na taong kulong at isang buwang aresto.

1232
01:21:27,080 --> 01:21:30,000
Nahatulang guilty ngayong araw
ang kapitan ng Costa Concordia

1233
01:21:30,080 --> 01:21:32,840
sa kasong manslaughter
at sa pag-abandona sa barko.

1234
01:21:32,920 --> 01:21:34,560
Sinentensiyahan siya ng 16 na taon.

1235
01:21:35,120 --> 01:21:37,840
PUMAYAG ANG COSTA CRUISES
NA MAGMULTA NG ISANG MILYONG EURO.

1236
01:21:37,920 --> 01:21:40,440
HINDI HUMARAP SA PAGLILITIS ANG KOMPANYA.

1237
01:21:40,520 --> 01:21:42,080
LIMA PANG EMPLEYADO NG COSTA CRUISES

1238
01:21:42,160 --> 01:21:44,480
ANG NAHATULAN NG MANSLAUGHTER,
NEGLIGENCE, AT SHIPWRECK,

1239
01:21:44,560 --> 01:21:45,880
KABILANG SI MANRICO GIAMPEDRONI.

1240
01:21:45,960 --> 01:21:46,800
HINDI SILA NAKULONG.

1241
01:21:49,160 --> 01:21:52,440
Hinding-hindi na ako magtatrabaho
sa cruise industry.

1242
01:21:54,840 --> 01:21:59,920
Pinagdarasal kong
huwag sanang mangyari 'yon sa iba.

1243
01:22:02,280 --> 01:22:03,280
Lahat ng pera ko,

1244
01:22:03,960 --> 01:22:05,080
nawala.

1245
01:22:05,160 --> 01:22:09,640
Pero natutunan kong mas mahalaga ang buhay
kesa sa pera.

1246
01:22:10,960 --> 01:22:13,880
Kaya paggising ko tuwing umaga,

1247
01:22:14,480 --> 01:22:15,960
ang una kong ginagawa,

1248
01:22:16,040 --> 01:22:17,480
nagpapasalamat ako.

1249
01:22:19,960 --> 01:22:21,360
Marami akong natutunan.

1250
01:22:22,080 --> 01:22:23,800
Ngayon, marunong na akong lumangoy.

1251
01:22:35,440 --> 01:22:38,160
Gusto mo ulit kumanta? Sige lang.

1252
01:22:45,640 --> 01:22:47,520
Two, three…

1253
01:22:48,960 --> 01:22:52,120
Pag-uwi namin, wasak na wasak ako.

1254
01:22:53,640 --> 01:22:55,360
Na-diagnose ako ng PTSD.

1255
01:22:55,440 --> 01:22:58,480
May mga panic attack ako noon.
Binabangungot ako.

1256
01:22:59,480 --> 01:23:02,200
Nag-alala kami kay Lila

1257
01:23:02,280 --> 01:23:07,080
dahil sa mga pinagdaanan niya
physically saka emotionally.

1258
01:23:07,800 --> 01:23:11,480
Ilang linggo namin siyang binantayan
para lang masigurong okay siya.

1259
01:23:12,000 --> 01:23:13,760
Tingnan mo 'yong dila.

1260
01:23:14,320 --> 01:23:16,280
Ano pang funny face ang kaya mo?

1261
01:23:17,600 --> 01:23:19,080
Nakita ko 'yong epekto sa 'kin,

1262
01:23:19,160 --> 01:23:21,480
pero one-year-old 'yon
na hindi nakakapagsalita.

1263
01:23:21,560 --> 01:23:26,320
Kaya tanda ko, nakikipag-usap kami
sa mga psychologist at espesyalista.

1264
01:23:26,400 --> 01:23:29,640
See you later, babay! Enjoy!

1265
01:23:30,840 --> 01:23:32,400
-Babay.
-Babay.

1266
01:23:33,640 --> 01:23:38,680
Pero lumaki siyang normal na bata.

1267
01:23:39,480 --> 01:23:41,120
Kaya madalas naming pag-usapan 'yon.

1268
01:23:41,200 --> 01:23:45,760
Parang, bakit pinili ng Diyos
na iligtas kami no'ng gabing 'yon?

1269
01:23:45,840 --> 01:23:47,080
Bakit kami nandito?

1270
01:23:47,160 --> 01:23:50,320
Ano'ng dapat naming gawin
sa oras na binigay sa 'min?

1271
01:23:50,400 --> 01:23:53,600
Buhay si Lila. Maganda 'yong buhay niya.

1272
01:23:54,200 --> 01:23:57,600
Sa awa ng Diyos, nakaligtas kami.

1273
01:23:59,440 --> 01:24:01,760
John, nakaligtas siya dahil sa 'yo.

1274
01:24:19,600 --> 01:24:21,520
Lumaban ako nang husto noong gabing 'yon

1275
01:24:22,120 --> 01:24:23,720
para mailigtas sila.

1276
01:24:24,800 --> 01:24:27,160
May mga pagkakataong akala ko,
hindi kami makakaalis.

1277
01:24:28,280 --> 01:24:29,960
Pero masaya ako na nakaalis kami.

1278
01:24:31,880 --> 01:24:34,800
Pag binabalikan ko 'yong nakaraang dekada,

1279
01:24:35,320 --> 01:24:38,120
'yong naging buhay namin,
sobrang suwerte namin.

1280
01:24:40,280 --> 01:24:45,920
Si Lila ang pinaka-well-rounded, grounded,
at pinakanakakamanghang 15-year-old.

1281
01:24:47,080 --> 01:24:49,880
Siya rin ang pinakamagandang ballerina.

1282
01:24:51,320 --> 01:24:54,640
Biniyayaan siya ng Diyos
ng passion sa pagsasayaw.

1283
01:25:01,200 --> 01:25:03,280
Napakaganda niyang dalaga.

1284
01:25:04,160 --> 01:25:05,680
Posible ang lahat para sa kanya.

1285
01:25:06,360 --> 01:25:08,440
Magkakaroon siya ng impact sa mundo

1286
01:25:08,520 --> 01:25:10,920
dahil nakaalis siya sa barko
no'ng gabing 'yon.

1287
01:25:24,520 --> 01:25:28,320
Nalaman namin pagkabalik namin

1288
01:25:28,840 --> 01:25:30,520
na buntis si Meghan.

1289
01:25:31,160 --> 01:25:35,360
Buntis si Meghan
no'ng gabing lumalaban kami para mabuhay.

1290
01:25:36,040 --> 01:25:42,000
Isa sa pinakamagandang regalo para sa 'kin
'yong pagbubuntis na 'yon.

1291
01:25:45,080 --> 01:25:49,440
Ang nakakatawa do'n,
no'ng tinukoy nila sa ultrasound

1292
01:25:49,520 --> 01:25:53,760
'yong conception date ng baby,
no'ng gabi daw na nangyari 'yong sakuna.

1293
01:25:53,840 --> 01:25:57,240
Sabi namin, "Sigurado kaming
hindi siya noon nabuo," pero…

1294
01:25:58,280 --> 01:26:00,840
Alam n'yo na
kung bakit hindi ako nakapagsuot ng shirt.

1295
01:27:28,440 --> 01:27:33,440
Nagsalin ng Subtitle: Moonnette Maranan



