1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.BZ

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.BZ

3
00:00:09,400 --> 00:00:10,280
Papa?

4
00:00:10,800 --> 00:00:11,680
Ano 'yon?

5
00:00:12,640 --> 00:00:14,240
Nandiyan ka ba?

6
00:00:14,320 --> 00:00:15,320
Oo.

7
00:00:23,480 --> 00:00:29,320
Pa, tulungan mo nga akong i-drawing
si Mama dito sa papel?

8
00:00:30,800 --> 00:00:32,800
Alex, tingnan mo ako.

9
00:00:32,880 --> 00:00:35,600
Noong nakita mo 'yong masamang tao,
nasa harap mo ba siya?

10
00:00:35,680 --> 00:00:38,320
O dito ba siya sa side na 'to,
o nasa kabila?

11
00:00:38,400 --> 00:00:41,040
-Nasa harap ko siya.
-Nasa harap mo siya?

12
00:00:41,120 --> 00:00:43,280
-Oo.
-Nakita ba siya ni Mama?

13
00:00:44,760 --> 00:00:46,360
Parang hindi.

14
00:00:46,440 --> 00:00:48,400
Hindi? Ikaw ang unang nakakita sa kanya?

15
00:00:49,520 --> 00:00:51,440
Oo, ako'ng unang nakakita.

16
00:00:52,560 --> 00:00:54,440
May dala ba siyang bag?

17
00:00:55,240 --> 00:00:56,080
Oo.

18
00:00:56,160 --> 00:00:58,400
Binuksan ba niya 'yon, o nakabukas na?

19
00:00:58,480 --> 00:00:59,400
Binuksan niya.

20
00:00:59,480 --> 00:01:00,800
Ano'ng inilabas niya?

21
00:01:00,880 --> 00:01:02,000
Kutsilyo.

22
00:01:02,080 --> 00:01:03,240
Ano'ng ginawa sa 'yo?

23
00:01:03,320 --> 00:01:05,200
-Tinulak ako!
-Tinulak ka niya?

24
00:01:05,280 --> 00:01:06,240
Oo.

25
00:01:06,320 --> 00:01:09,360
Tinutusok no'ng masamang tao
'yong gamit niya kay mama.

26
00:01:09,440 --> 00:01:10,760
Ano'ng tinutusok niya?

27
00:01:10,840 --> 00:01:12,880
Kutsilyo. Ayan ang kutsilyo niya.

28
00:01:13,400 --> 00:01:14,480
Nakita mo ba 'yon?

29
00:01:15,280 --> 00:01:16,600
Oo, nakita ko ang kutsilyo.

30
00:01:16,680 --> 00:01:18,120
Nakita mo lahat?

31
00:01:19,400 --> 00:01:21,840
Nakita ko… Oo, nakita ko lahat.

32
00:01:25,080 --> 00:01:27,720
Nasaksihan ng anak ko
ang pagpatay sa nanay niya.

33
00:01:28,880 --> 00:01:32,560
Pero walang sinumang makapagsabi
kung gaano katagal

34
00:01:32,640 --> 00:01:34,560
bago mahanap ang gumawa nito.

35
00:01:50,320 --> 00:01:55,000
ISANG TAON BAGO IYON

36
00:02:10,800 --> 00:02:13,680
Ha? Ano'ng dala mo?

37
00:02:13,760 --> 00:02:16,080
-May camera ako.
-Para saan?

38
00:02:16,600 --> 00:02:18,000
Para piktyuran ka.

39
00:02:19,560 --> 00:02:20,600
Payakap.

40
00:02:24,440 --> 00:02:26,400
Di ba ayaw natin no'n, Alex?

41
00:02:29,080 --> 00:02:31,920
Sina Rachel at Alex,
parang iisa lang sila.

42
00:02:32,560 --> 00:02:35,400
Siya ang sentro ng atensiyon ni Rachel
araw-araw.

43
00:02:37,400 --> 00:02:39,920
Di siya naaakit
sa mga kumikinang na bagay.

44
00:02:40,000 --> 00:02:42,480
Mas gusto niya
'yong mga simpleng bagay sa buhay.

45
00:02:42,560 --> 00:02:45,120
Masaya na siya sa piling
ng mga taong mahalaga sa kanya.

46
00:02:46,720 --> 00:02:51,520
Siya 'yong taong matutuwa
kahit sa pinakasimpleng bagay.

47
00:02:52,640 --> 00:02:54,240
Ang tagal naman.

48
00:02:56,040 --> 00:02:57,360
Tulog na.

49
00:02:57,440 --> 00:03:00,840
Haplusin mo na si Molly.
Humiga ka na at haplusin mo siya.

50
00:03:02,760 --> 00:03:06,800
Noon, nagtatrabaho ako limang araw
kada linggo bilang dispatch rider

51
00:03:07,320 --> 00:03:09,520
at bumibiyahe ako sa buong bansa.

52
00:03:12,320 --> 00:03:15,560
Pumunta na ako sa motor ko,
at handa na sa araw na 'yon.

53
00:03:17,480 --> 00:03:20,960
Kahit nakapagpaalam na kami,
nagpakita pa rin silang dalawa.

54
00:03:24,440 --> 00:03:28,600
Bumaba sila ng hagdan at kinawayan ako.

55
00:03:30,080 --> 00:03:32,840
Di ko malilimutan 'yon,
'yong nakangiti sila.

56
00:03:32,920 --> 00:03:35,240
Nakatayo sila sa hagdan, hawak-kamay.

57
00:03:35,320 --> 00:03:38,920
Kalmado lang si Alex
at napakaganda ni Rachel.

58
00:03:43,600 --> 00:03:47,360
Nakagawian na nilang pumunta
sa Wimbledon Common.

59
00:03:49,400 --> 00:03:52,200
Kilala ang lugar na 'yon
sa pagiging ligtas.

60
00:03:52,840 --> 00:03:56,680
At kailangan din ni Alex
ng ehersisyo tulad no'ng sa aso.

61
00:03:56,760 --> 00:03:59,160
Kung hindi, pareho silang di mapakali.

62
00:04:04,760 --> 00:04:06,680
Nagkataong nasa London ako no'n.

63
00:04:07,440 --> 00:04:09,520
Pinapunta ako sa labas ng bayan.

64
00:04:16,320 --> 00:04:18,120
Wala pang mobile phone no'n.

65
00:04:18,200 --> 00:04:22,680
Dalawang beses sa isang araw,
tumatawag ako para masigurong maayos sila.

66
00:04:26,640 --> 00:04:30,640
Magtatanghali no'ng huminto ako
at nakahanap ng teleponong gumagana,

67
00:04:31,520 --> 00:04:32,800
tapos tumawag ako.

68
00:04:42,720 --> 00:04:44,480
Boses ng lalaki ang sumagot.

69
00:04:45,120 --> 00:04:47,080
At bigla akong kinilabutan.

70
00:04:47,800 --> 00:04:50,840
Alam ko na agad na may masamang nangyari.

71
00:04:53,680 --> 00:04:55,400
Sabi niya, "Pulis ako."

72
00:04:55,920 --> 00:04:57,360
Sabi ko, "Nasaan si Rachel?"

73
00:04:58,040 --> 00:05:00,000
At sabi niya, "May aksidente."

74
00:05:00,080 --> 00:05:03,080
Sabi ko, "Patay na ba siya?"
Sabi niya, "'Di ko pwedeng sabihin."

75
00:05:03,600 --> 00:05:04,800
Ako, "Nasabi mo na."

76
00:05:11,440 --> 00:05:13,600
Tinanong ko, "Nasaan si Alex?"

77
00:05:15,640 --> 00:05:18,160
Sabi niya, "Ligtas si Alex.
Nasa ospital siya."

78
00:05:20,600 --> 00:05:23,600
Sabi niya, "Diyan ka lang.
Magpapadala kami ng police car."

79
00:05:23,680 --> 00:05:26,960
Pagbaba ko ng telepono,
napasalampak na ako't humagulgol.

80
00:05:30,160 --> 00:05:32,760
André, nakasubsob ako sa tiyan mo.

81
00:05:32,840 --> 00:05:33,960
I-pause mo na.

82
00:05:34,680 --> 00:05:36,680
Uy, ayoko…

83
00:05:38,360 --> 00:05:41,200
Di ko alam ang sinasabi mo.

84
00:05:41,280 --> 00:05:42,440
O, ayos 'yon.

85
00:05:42,960 --> 00:05:44,120
-Ayos ba 'yon?
-Oo.

86
00:05:45,280 --> 00:05:49,720
Lahat ng paniniwala ko sa realidad,
biglang naglaho.

87
00:05:50,240 --> 00:05:51,240
Nasa lagay ako

88
00:05:51,320 --> 00:05:54,960
kung saan mailalarawan mo
na nasa bingit na ako ng pagkabaliw.

89
00:06:07,080 --> 00:06:09,080
No'ng ika-15 ng Hulyo '92,

90
00:06:09,160 --> 00:06:14,320
sinabihan ako na may natagpuang bangkay
sa common na nakita ng isang dog walker.

91
00:06:17,960 --> 00:06:23,360
Trabaho naming harapin ang mga sitwasyon
na ganito bilang mga propesyonal.

92
00:06:24,800 --> 00:06:28,560
Kailangan naming ihiwalay
'yong simpatiya sa isang kapwa tao.

93
00:06:30,240 --> 00:06:32,040
Naglalakad ako sa damuhan,

94
00:06:32,120 --> 00:06:37,560
tapos lumiko ako sa kanan
papasok sa kakahuyan.

95
00:06:39,480 --> 00:06:42,160
Ito na ang pinakamalalang crime scene.

96
00:06:43,320 --> 00:06:45,560
Parang galit na galit 'yong umatake.

97
00:06:47,440 --> 00:06:50,640
Ang biktima ay inatake, kinaladkad,

98
00:06:51,880 --> 00:06:56,400
sinaksak ng 49 na beses
sa bandang leeg at dibdib.

99
00:06:57,400 --> 00:07:01,000
At nakahiga siya na parang nakasangga
ang kamay sa mukha niya.

100
00:07:01,080 --> 00:07:03,480
Parang pinoprotektahan pa rin niya
ang sarili niya.

101
00:07:04,880 --> 00:07:06,560
Nakakapangilabot.

102
00:07:09,120 --> 00:07:13,320
Sinabi sa akin ng mga detective
na inatake si Rachel mula sa likod.

103
00:07:13,400 --> 00:07:18,120
Sinaksak daw siya nang maraming beses
at ginahasa siya.

104
00:07:22,600 --> 00:07:25,520
Natagpuan daw si Alex
na nakakapit sa nanay niya.

105
00:07:26,640 --> 00:07:29,640
Kinailangan daw siyang akayin palayo

106
00:07:29,720 --> 00:07:31,280
para matingnan siya.

107
00:07:36,680 --> 00:07:39,360
Dinala si Alex sa ospital na ito.

108
00:07:40,720 --> 00:07:41,880
Pagdating ko doon,

109
00:07:41,960 --> 00:07:44,960
sabi nila na kausapin ko daw muna
'yong psychologist

110
00:07:45,040 --> 00:07:47,200
bago ko makita si Alex.

111
00:07:51,040 --> 00:07:53,800
Sabi ng psychologist,
matatag daw ang mga bata.

112
00:07:54,720 --> 00:07:56,960
Kaya nilang lampasan ang pinakamalala.

113
00:07:59,800 --> 00:08:01,200
Dapat malaman daw nila

114
00:08:01,280 --> 00:08:04,800
na di na talaga babalik 'yong taong ito.

115
00:08:10,120 --> 00:08:15,040
Karga ng nurse si Alex paglabas,
at mukhang kawawa.

116
00:08:16,280 --> 00:08:19,480
May mga sugat siya sa ilalim ng mata
at mga pasa sa pisngi.

117
00:08:19,560 --> 00:08:23,920
Tapos ang lalim ng tingin niya,
alam mo 'yon,

118
00:08:24,000 --> 00:08:26,600
parang matanda sa loob ng batang katawan.

119
00:08:28,720 --> 00:08:33,120
Tapos binuhat ko siya at sinabi ko
'yong mismong sinabi ng psychologist.

120
00:08:33,200 --> 00:08:37,080
"Nagkaroon ng aksidente.
Patay na si Mama, at di na siya babalik."

121
00:08:37,160 --> 00:08:40,240
Tapos nakatitig lang siya.
Hindi siya nagtanong.

122
00:08:40,320 --> 00:08:43,760
Pero malinaw na sinasabi niya sa akin,
"Alam ko na 'yan."

123
00:08:43,840 --> 00:08:48,840
Para bang, "Di mo na kailangang ipaliwanag
sa akin 'yan."

124
00:08:50,760 --> 00:08:53,200
Alex, harap dito at kaway ka sa akin.

125
00:08:54,360 --> 00:08:55,480
Kaway.

126
00:09:00,160 --> 00:09:03,520
Di na siya nagtanong ulit
kung nasaan ang nanay niya. Kahit minsan.

127
00:09:11,560 --> 00:09:13,160
Isinarado ang Wimbledon Common

128
00:09:13,240 --> 00:09:17,280
matapos matagpuan ng isang dumaraan
ang kalahating-hubad na katawan ng babae.

129
00:09:17,360 --> 00:09:20,280
Sabi ng mga detective,
pinatay siya sa pananaksak,

130
00:09:20,360 --> 00:09:23,080
na nasaksihan ng kanyang 2-anyos na anak.

131
00:09:25,000 --> 00:09:26,760
Tinawagan ako ng news editor,

132
00:09:26,840 --> 00:09:31,920
"Nabasa namin sa news na may pinatay
sa saksak sa Wimbledon Common.

133
00:09:32,000 --> 00:09:33,960
"Punta na kayo ng crew ngayon."

134
00:09:36,160 --> 00:09:37,880
Pag sinabing Wimbledon,

135
00:09:37,960 --> 00:09:41,200
napakasosyal na lugar ito
at magaganda ang mga bahay.

136
00:09:41,280 --> 00:09:47,400
Ang Wimbledon Common,
nasa mga 1,100 acre ng parkland ito,

137
00:09:47,480 --> 00:09:51,400
na nasa gilid mismo ng Central London.

138
00:09:54,200 --> 00:09:56,200
Nangyari ang pagpatay
sa kasikatan ng araw,

139
00:09:56,280 --> 00:09:59,960
at sigurado daw ang mga pulis
na may bahid ng dugo ang killer.

140
00:10:00,040 --> 00:10:02,520
Eve Richings, Sky News.

141
00:10:03,280 --> 00:10:07,680
Kitang-kita ang matinding pagkabigla
ng mga pulis na nasa pinangyarihan.

142
00:10:09,440 --> 00:10:13,520
Nakita ng isang dumaraan
'yong kalahating-hubad na katawan.

143
00:10:14,040 --> 00:10:17,920
At nakakapit sa katawan
ang isang batang lalaki.

144
00:10:18,000 --> 00:10:22,840
Si Superintendent Bassett, ang opisyal
na namamahala sa imbestigasyon,

145
00:10:22,920 --> 00:10:25,680
ang nagbigay ng unang briefing.

146
00:10:25,760 --> 00:10:29,920
'Yong bata ay puno ng putik at dugo.

147
00:10:30,000 --> 00:10:32,480
Posibleng galing ang dugo sa ina niya.

148
00:10:32,560 --> 00:10:35,280
Detective sergeant ako
noong panahon ng imbestigasyon,

149
00:10:35,360 --> 00:10:37,520
at kanang-kamay ni John Bassett.

150
00:10:38,840 --> 00:10:41,120
Pagdating namin sa pinangyarihan,

151
00:10:42,880 --> 00:10:46,600
nakita ko na kakila-kilabot
ang dinanas niya

152
00:10:46,680 --> 00:10:47,800
sa pag-atakeng ito.

153
00:10:48,960 --> 00:10:53,120
Nang tingnan namin 'yong katawan,
hindi natural ang posisyon nito.

154
00:10:54,560 --> 00:10:56,800
Pinunit ang damit niya.

155
00:10:57,800 --> 00:11:00,880
Medyo basa ang katawan niya
at paligid nito.

156
00:11:01,680 --> 00:11:05,800
Ibig sabihin, posibleng may nangyari
na seksuwal dito.

157
00:11:06,880 --> 00:11:11,400
Nakakatakot na 'yong taong kayang gumawa
ng ganoong krimen ay pagala-gala.

158
00:11:12,560 --> 00:11:15,040
Kung nandiyan 'yong taong gumawa nito,

159
00:11:15,120 --> 00:11:17,400
posibleng mangyari ulit ito,

160
00:11:17,480 --> 00:11:22,240
at malaki ang pressure na mahuli
ang lalaking ito bago niya maulit ito.

161
00:11:26,040 --> 00:11:30,200
Pangalawang araw ng pagsuyod ng mga pulis
sa 1,000 acres ng Wimbledon Common

162
00:11:30,280 --> 00:11:32,480
para sa mga palatandaan
sa malupit na pagpatay.

163
00:11:33,600 --> 00:11:35,320
Sa laki ng Wimbledon Common,

164
00:11:35,400 --> 00:11:38,840
alam ko na agad
na mahirap ang trabaho namin.

165
00:11:40,080 --> 00:11:42,800
Karaniwan kapag may pagpatay,

166
00:11:42,880 --> 00:11:45,000
malamang may 10 o 15 na opisyal.

167
00:11:45,080 --> 00:11:47,280
Pero dito, parang nasa mga 40.

168
00:11:48,000 --> 00:11:51,720
At halata naman sa simula pa lang
na magiging malaki ito.

169
00:11:53,240 --> 00:11:56,560
Opisyal na pinangalanan ang pinatay na ina
bilang si Rachel Nickell.

170
00:11:58,440 --> 00:12:02,440
Ang bangkay niya ay kinilala ngayon
ng ama ng kanyang maliit na anak.

171
00:12:04,160 --> 00:12:07,640
Kapag makita mo
ang mga larawan ni Rachel Nickell,

172
00:12:07,720 --> 00:12:10,560
kapag makita mo ang itsura niya,

173
00:12:11,280 --> 00:12:14,720
parang punong-puno siya ng sigla.

174
00:12:16,240 --> 00:12:21,360
Maaaring makita ng mga tao
ang sarili nila sa buhay na iyon.

175
00:12:23,200 --> 00:12:25,800
Matatandaan nila noong 23 sila

176
00:12:25,880 --> 00:12:29,240
o maaalala ang pagiging bagong magulang.

177
00:12:31,720 --> 00:12:35,480
Ramdam natin ang love story
sa mga larawang inilabas nila.

178
00:12:39,000 --> 00:12:40,760
May koneksiyon agad.

179
00:12:40,840 --> 00:12:43,640
Parang di ko pa naranasan 'yon dati,

180
00:12:43,720 --> 00:12:45,280
at di na naulit mula noon.

181
00:12:46,760 --> 00:12:50,440
Hindi kami mapaghiwalay.
Naramdaman namin na nagtugma kami.

182
00:12:50,520 --> 00:12:55,800
Ito 'yong karanasan
na pinapangarap ng mga tao.

183
00:12:55,880 --> 00:12:59,480
'Yong ma-in love sa isang tao
at kumpleto ka pag kasama mo siya.

184
00:12:59,560 --> 00:13:02,000
Pareho kaming pinagpala
na meron kami no'n.

185
00:13:05,120 --> 00:13:08,200
No'ng mabuntis si Rachel, nabigla ako.

186
00:13:08,800 --> 00:13:12,600
Nasa 25 ako no'n, tapos 19 si Rachel.

187
00:13:13,680 --> 00:13:19,760
Nakatutok siya sa pagtatapos ng pag-aaral,
pagkakaroon ng career, magandang trabaho.

188
00:13:20,600 --> 00:13:23,960
Pero no'ng sandaling nakita
ni Rachel na desidido ako,

189
00:13:24,560 --> 00:13:26,600
kita niya na kakayanin namin ito.

190
00:13:27,960 --> 00:13:29,440
Kaya tinuloy lang namin.

191
00:13:32,440 --> 00:13:35,800
'Yong unang pagbuhat mo sa anak mo

192
00:13:35,880 --> 00:13:37,640
at makita siyang humihinga,

193
00:13:38,160 --> 00:13:39,880
supernatural 'yon.

194
00:13:40,680 --> 00:13:42,000
Talagang supernatural.

195
00:13:42,080 --> 00:13:45,560
Mapapaniwala ka sa magic
pagkakita mo ng batang ipinanganak.

196
00:13:50,120 --> 00:13:52,320
Natural na ina si Rachel.

197
00:13:53,000 --> 00:13:55,320
Ano siya… Napakagaling niya.

198
00:13:57,360 --> 00:13:59,720
Matindi ang pagmamahalan nilang dalawa.

199
00:13:59,800 --> 00:14:02,680
Talagang kontento sila sa isa't isa.

200
00:14:07,640 --> 00:14:09,200
Baka normal na reaksiyon ito.

201
00:14:09,280 --> 00:14:12,400
Sana sa akin na lang nangyari 'yon
imbes na sa kanila.

202
00:14:21,080 --> 00:14:23,400
Sabi ng detective
na bumalik kami sa apartment

203
00:14:23,480 --> 00:14:25,080
para kumuha ng ilang gamit.

204
00:14:27,400 --> 00:14:31,040
Nilalagay ko 'yong mga paboritong gamit
ni Alex sa bag.

205
00:14:32,440 --> 00:14:35,920
Ang paborito niyang teddy bear,
mga shorts, T-shirt, pajama,

206
00:14:36,000 --> 00:14:41,960
pati 'yong sheepskin na hinihigaan nila
gabi-gabi mula no'ng pinanganak siya.

207
00:14:43,400 --> 00:14:47,520
Hindi na kami tumira ulit doon.
Iba na 'yong pakiramdam ng lugar.

208
00:14:50,800 --> 00:14:52,280
Ang nobyo ni Rachel Nickell,

209
00:14:52,360 --> 00:14:55,760
ang inang pinatay sa Wimbledon Common
sa South London kahapon,

210
00:14:55,840 --> 00:14:57,960
ay umaapela ng tulong
para mahanap ang killer.

211
00:15:01,320 --> 00:15:04,040
Hindi ako handa pagpasok ko
sa kuwartong iyon.

212
00:15:04,120 --> 00:15:07,000
Baka nasa 100 na press ang nandoon.

213
00:15:07,080 --> 00:15:10,800
Ang daming mga camera, mga telephoto lens,

214
00:15:10,880 --> 00:15:15,840
mga TV camera na nakatutok
na parang batalyon ng kalaban.

215
00:15:16,640 --> 00:15:21,320
Gustong makita ng lahat
ang itsura ng partner ni Rachel.

216
00:15:22,040 --> 00:15:23,960
Siguradong mayroong may alam

217
00:15:25,080 --> 00:15:27,520
dahil sa ganoong tindi ng pag-atake.

218
00:15:28,520 --> 00:15:31,160
Hindi siya basta makakalakad
nang hindi mapapansin.

219
00:15:32,000 --> 00:15:34,680
At sa sinumang nakakakilala sa taong ito,

220
00:15:34,760 --> 00:15:36,560
anuman ang koneksiyon ninyo,

221
00:15:37,160 --> 00:15:40,280
lumapit na kayo
bago pa siya makasira ng buhay ng iba.

222
00:15:40,360 --> 00:15:45,200
Pero gusto rin talagang malaman ng lahat
ang nangyari sa anak ni Rachel.

223
00:15:45,280 --> 00:15:46,760
Nakakagulat lang talaga.

224
00:15:47,520 --> 00:15:49,120
Wala pa siyang sinasabi.

225
00:15:50,440 --> 00:15:54,440
Di ko alam kung paano siya sa hinaharap,
pero ayos naman siya.

226
00:15:54,520 --> 00:15:56,240
Di siya nasaktan, sa awa ng Diyos.

227
00:15:56,320 --> 00:15:58,560
Tapos mabuti na nga lang daw,

228
00:15:59,040 --> 00:16:01,560
na maliit pa siya at di niya ito maaalala.

229
00:16:04,800 --> 00:16:10,680
Bumalik kami sa common para mag-iwan
ng rosas para kay Rachel bilang paalam.

230
00:16:10,760 --> 00:16:14,120
Ayun, nasa front page na kami ng diyaryo.

231
00:16:15,000 --> 00:16:18,960
May nakaimprentang full-color picture
ni Alex habang karga ko,

232
00:16:19,040 --> 00:16:20,720
at makikilala talaga.

233
00:16:21,480 --> 00:16:24,840
Pinakikilala nila ang tanging saksi
sa pagpatay sa kanyang ina,

234
00:16:24,920 --> 00:16:28,120
at may posibilidad na may baliw na babalik

235
00:16:28,200 --> 00:16:30,880
para patahimikin ang nag-iisang saksi
sa kanyang krimen.

236
00:16:30,960 --> 00:16:33,240
Kung hindi kami nanganganib noon,

237
00:16:33,320 --> 00:16:35,760
nasa pinakamatinding panganib na kami.

238
00:16:35,840 --> 00:16:38,120
Matatag ang 2-anyos na si Alex Nickell,

239
00:16:38,200 --> 00:16:40,880
pero tulala pa rin
dahil sa kanyang pinagdaanan.

240
00:16:40,960 --> 00:16:47,080
-Di pa alam ng 2-anyos ang kamatayan.
-Gaano katagal ang trauma na ito?

241
00:16:47,160 --> 00:16:48,680
Pwedeng panghabambuhay.

242
00:16:50,360 --> 00:16:54,480
Down came the rain
And washed the spider out…

243
00:16:54,560 --> 00:16:58,000
Nakahanap kami ng kanlungan
sa bahay ng nanay ko.

244
00:16:58,880 --> 00:17:01,840
Binabangungot si Alex,
grabeng mga bangungot.

245
00:17:01,920 --> 00:17:05,400
Kung makatulog man siya
nang mahimbing buong gabi, sa huling oras,

246
00:17:05,480 --> 00:17:08,600
babangungutin na siya.

247
00:17:13,280 --> 00:17:16,560
Kaya 'yong mga nararamdaman ko,
nilunok ko na lang.

248
00:17:16,640 --> 00:17:20,160
Itatago ko muna. Saka na lang.
Di pa pwedeng harapin ngayon.

249
00:17:22,160 --> 00:17:27,560
Pero kahit gaano pa kahirap
ang sitwasyon ko sa sandaling iyon,

250
00:17:27,640 --> 00:17:29,480
inuna ko ang kailangan ng anak namin.

251
00:17:33,240 --> 00:17:37,040
Sa pagtugis ng pulisya sa killer,
54 na detective ang inatasan.

252
00:17:37,120 --> 00:17:38,880
Ano'ng pangalan niyan?

253
00:17:38,960 --> 00:17:41,920
Isa ito sa tatlong espesyal
na insident room.

254
00:17:42,000 --> 00:17:45,120
Mayroon nang 1,500 na tawag
mula sa publiko.

255
00:17:45,200 --> 00:17:47,960
Bawat isa ay dapat suriin at aksyunan.

256
00:17:48,600 --> 00:17:52,640
Masalimuot na kaso ito kaya mahirap buoin.

257
00:17:54,240 --> 00:17:55,480
Morning, incident room.

258
00:17:55,560 --> 00:17:59,400
Hinarap namin 'yong magulo
na pangangalap ng impormasyon.

259
00:17:59,480 --> 00:18:01,080
Puro ring ang mga telepono.

260
00:18:02,760 --> 00:18:04,920
Nakita mo na ang mga litrato ni Rachel.

261
00:18:05,000 --> 00:18:06,160
-Oo.
-Oo?

262
00:18:06,240 --> 00:18:08,160
-Nakita mo na ba siya dati?
-Hindi.

263
00:18:08,240 --> 00:18:11,200
Sa common, kumukuha kami ng mga salaysay.

264
00:18:11,280 --> 00:18:13,560
Siguradong may nakakita sa taong ito

265
00:18:13,640 --> 00:18:16,880
papunta sa pinangyarihan
o paalis sa pinangyarihan.

266
00:18:18,360 --> 00:18:20,840
Matindi ang pressure
sa paghahanap ng testigo.

267
00:18:20,920 --> 00:18:24,800
'Yan ang Rachel Nickell murder squad
sa Wimbledon. Nakausap ka na?

268
00:18:24,880 --> 00:18:26,800
Binibilisan namin hangga't kaya.

269
00:18:26,880 --> 00:18:30,080
Talagang tambak na kami.
Hindi ko itatanggi 'yan.

270
00:18:30,160 --> 00:18:32,360
Pero mahaharap din namin ang lahat.

271
00:18:33,040 --> 00:18:36,280
Responsibilidad na namin 'to
ng mga opisyal na kasama ko.

272
00:18:36,360 --> 00:18:37,600
Huhulihin namin siya.

273
00:18:38,240 --> 00:18:41,040
Kinuha ang mga sample sa crime scene

274
00:18:41,560 --> 00:18:44,960
at ipinadala sa lab para sa DNA analysis.

275
00:18:45,040 --> 00:18:46,760
Pero wala akong napapala.

276
00:18:47,800 --> 00:18:50,480
Sabi ng biologist, "Wala kaming nakukuha."

277
00:18:51,000 --> 00:18:54,480
Naisip ko, "Anong wala?
Wala kahit DNA ni Rachel?"

278
00:18:54,560 --> 00:18:56,360
"Wala nga kaming nakukuha."

279
00:18:56,440 --> 00:18:59,640
Di ko pa naranasan iyon dati.
Medyo kakaiba nga.

280
00:19:00,160 --> 00:19:02,080
Kaya sabi no'ng scientist,

281
00:19:02,160 --> 00:19:04,960
"Titingnan namin ulit sa ibang aspeto."

282
00:19:05,520 --> 00:19:07,160
Pero wala pa rin.

283
00:19:07,760 --> 00:19:13,480
Nakapanlulumo na dahil kailangang matunton
ang taong ito sa lalong madaling panahon.

284
00:19:13,560 --> 00:19:15,760
Eto kami, dalawa o tatlong linggo na

285
00:19:15,840 --> 00:19:20,120
pero hindi pa kami nakakausad
mula noong araw na iyon.

286
00:19:21,480 --> 00:19:24,520
Bale mayroon tayong murder scene
na walang saksi,

287
00:19:25,040 --> 00:19:26,800
walang ebidensiyang forensic.

288
00:19:26,880 --> 00:19:31,360
Ayun na 'yon. Ano'ng susunod mong gagawin?

289
00:19:34,960 --> 00:19:37,360
Kahit kritikal ang sitwasyon,

290
00:19:37,440 --> 00:19:41,840
gusto pa ring kausapin ng pulis si Alex
tungkol sa nakita niya.

291
00:19:44,520 --> 00:19:48,240
Ang pinakamalaking inaalala namin,
mahanap ang taong ito, at higit sa lahat,

292
00:19:48,320 --> 00:19:51,520
mapigilan natin na mangyari ito
sa iba hangga't maaari.

293
00:19:51,600 --> 00:19:55,440
Kailangan naming mag-ingat
sa pagharap sa batang si Alex

294
00:19:55,520 --> 00:20:00,280
kasi alam nating nakaka-trauma
itong insidenteng nasaksihan niya.

295
00:20:01,560 --> 00:20:04,920
Kaya naman humingi kami ng payo
kung paano ito gagawin.

296
00:20:07,400 --> 00:20:08,360
Kumusta?

297
00:20:10,200 --> 00:20:12,720
At ang payo sa amin,
dapat naming gawin ito

298
00:20:12,800 --> 00:20:14,760
sa tulong ng child psychologist.

299
00:20:16,400 --> 00:20:18,800
Ipakita mo kay Jean
'yong dinosaur book mo?

300
00:20:20,040 --> 00:20:21,800
Gusto ko 'yong pterodactyls.

301
00:20:22,440 --> 00:20:23,280
Oo.

302
00:20:23,880 --> 00:20:27,720
Isa akong child
and adolescent psychiatrist.

303
00:20:29,600 --> 00:20:32,280
At kakaiba ito sa karanasan namin.

304
00:20:32,360 --> 00:20:35,320
Ito lang ang kaso na tinrabaho ko

305
00:20:35,400 --> 00:20:39,520
kung saan 'yong bata lang
ang saksi sa krimen ng karahasan.

306
00:20:39,600 --> 00:20:42,080
Ito 'yong dinosaur book ko.

307
00:20:42,160 --> 00:20:44,520
Gusto ko ang mga ito, mga nakakalipad.

308
00:20:44,600 --> 00:20:46,120
Pero gusto ko lahat.

309
00:20:46,200 --> 00:20:47,520
Gusto mo lahat, sige.

310
00:20:47,600 --> 00:20:49,840
Sabi ko, pwedeng gamitin ang bahay ko.

311
00:20:49,920 --> 00:20:53,840
At no'ng unang interview,
nandoon ang pulis,

312
00:20:53,920 --> 00:20:57,800
si André, ako, at 'yong bata.

313
00:20:58,320 --> 00:21:01,480
Talagang malaki ang pag-asa ng mga pulis

314
00:21:01,560 --> 00:21:05,600
na ang batang ito, kahit batang-bata,
makapagbibigay ng impormasyon.

315
00:21:05,680 --> 00:21:09,360
Wala akong ideya kung ano'ng epekto
ng mabigat na trabahong ito

316
00:21:09,440 --> 00:21:11,400
sa isang maliit na bata.

317
00:21:11,480 --> 00:21:15,480
Pero sang-ayon ang makatuwirang bahagi
ng utak ko na mahalaga ito

318
00:21:15,560 --> 00:21:19,160
para mapigilan ang mga patayan.
Kaya may dilemma talaga.

319
00:21:19,240 --> 00:21:21,320
Napakahirap na desisyon 'yon.

320
00:21:21,400 --> 00:21:23,960
Kaya nag-iingat ako hangga't maaari.

321
00:21:24,040 --> 00:21:26,760
Kung ramdam ko
na sumobra na kami, tigil na.

322
00:21:27,280 --> 00:21:29,680
May nangyaring nakakatakot kahapon, 'no?

323
00:21:30,760 --> 00:21:32,120
Ano'ng pakiramdam?

324
00:21:32,720 --> 00:21:36,960
Iyan 'yong malaking dinosaur.

325
00:21:37,040 --> 00:21:39,080
May malaking dinosaur sa lupa.

326
00:21:39,160 --> 00:21:41,480
Kinakain siya ng tatlong maliliit, di ba?

327
00:21:41,560 --> 00:21:44,000
-Oo.
-Duguan sila, di ba?

328
00:21:44,080 --> 00:21:47,040
Duguan? Naku, kawawa naman.

329
00:21:50,080 --> 00:21:51,880
Hindi na nila makikita 'yon.

330
00:21:51,960 --> 00:21:53,960
Napagdesisyunan na mas makabubuti

331
00:21:54,040 --> 00:21:56,120
kung ako 'yong magtatanong para sa kanya

332
00:21:56,200 --> 00:21:58,720
para komportable sa pagsagot si Alex.

333
00:21:59,480 --> 00:22:02,440
May dugo kay Alex, di ba?
May dugo sa 'yo, 'no?

334
00:22:03,000 --> 00:22:05,760
Puno ng dugo ang damit mo, di ba?

335
00:22:05,840 --> 00:22:08,600
-Oo.
-Noong kasama mo si Mama sa araw na 'yon.

336
00:22:13,520 --> 00:22:17,840
Madalas naka-focus lang ako kay Alex
para obserbahan din siya.

337
00:22:20,480 --> 00:22:22,640
Wala siyang masyadong masabi no'n.

338
00:22:22,720 --> 00:22:25,240
Parang ayaw niyang tumingin sa mga tao.

339
00:22:25,320 --> 00:22:29,800
Pero parang nakikitaan siya ng stress

340
00:22:29,880 --> 00:22:32,800
matapos 'yong matinding trauma.

341
00:22:33,680 --> 00:22:36,360
Pinapakita 'yan ng buong katawan niya,
bawat galaw niya.

342
00:22:37,480 --> 00:22:41,760
Siguro alam mo na ngayon
na bigla na lang may masamang nangyayari.

343
00:22:42,280 --> 00:22:44,320
Siguro takot na takot ka.

344
00:22:44,400 --> 00:22:47,960
Sa tingin ni Jean,
mas mabuting magtuloy-tuloy.

345
00:22:49,080 --> 00:22:51,000
No'ng makita mo 'yong lalaking nakatayo,

346
00:22:51,080 --> 00:22:53,320
nakatingin ba siya sa 'yo o kay Mama?

347
00:22:53,400 --> 00:22:54,600
Kay Mama.

348
00:22:55,560 --> 00:22:57,600
Wala siyang sinabi sa 'yo?

349
00:22:57,680 --> 00:22:59,760
-Wala.
-Di ka niya sinigawan?

350
00:23:01,840 --> 00:23:04,160
-Sinigawan ka ba niya o hindi, Alex?
-Hindi.

351
00:23:04,680 --> 00:23:07,120
Habang papunta ang mga tanong ko
sa insidente,

352
00:23:07,200 --> 00:23:10,000
makikita mong may pagbabago sa kanya.
Naninigas siya.

353
00:23:11,320 --> 00:23:13,080
Alex, sinaktan ka ba niya?

354
00:23:13,160 --> 00:23:14,800
-Hindi.
-Gamit ang kamay niya?

355
00:23:15,320 --> 00:23:16,360
Hindi.

356
00:23:16,440 --> 00:23:20,240
Di ito tungkol sa dami ng impormasyon
na makukuha namin sa maliit na bata.

357
00:23:20,320 --> 00:23:23,920
'Yong mga sesyon na ganito,
anong problema ang idudulot nila

358
00:23:24,000 --> 00:23:26,960
at ano'ng magiging pinsala nito
sa paggaling niya.

359
00:23:27,560 --> 00:23:29,640
Di ko pwedeng sabihin sa 'yo.

360
00:23:29,720 --> 00:23:31,960
Masakit talagang alalahanin, 'no?

361
00:23:32,040 --> 00:23:33,960
Sabi mo, "Di ko pwedeng sabihin sa 'yo"?

362
00:23:34,040 --> 00:23:37,560
-Di ko pwedeng sabihin sa 'yo.
-Hindi?

363
00:23:37,640 --> 00:23:41,640
Misteryo talaga kung gaano karami
ang nakita niya.

364
00:23:41,720 --> 00:23:44,200
Sana wala siyang nakitang kahit ano.

365
00:23:44,280 --> 00:23:49,960
Umaasa ako na itinulak siya palayo
at nangyari ang lahat ng ito,

366
00:23:50,040 --> 00:23:51,600
nang di niya…

367
00:23:53,160 --> 00:23:54,680
alam o nauunawaan.

368
00:23:54,760 --> 00:23:58,040
Paano no'ng nakahiga si Mama
sa lupa at wala na 'yong lalaki?

369
00:23:58,120 --> 00:24:00,440
-May sinabi ka ba kay Mama?
-Wala.

370
00:24:00,520 --> 00:24:02,600
-Kinausap mo ba siya?
-Hindi.

371
00:24:02,680 --> 00:24:04,040
Natakot ka ba?

372
00:24:04,120 --> 00:24:05,080
Mmm.

373
00:24:06,120 --> 00:24:07,720
Akala mo ba tulog siya?

374
00:24:08,240 --> 00:24:09,080
Mmm.

375
00:24:09,160 --> 00:24:10,480
-Talaga?
-Mmm.

376
00:24:10,560 --> 00:24:12,120
Gusto mo siyang magising?

377
00:24:12,760 --> 00:24:15,000
-Gusto mo siyang magising?
-Mmm.

378
00:24:15,520 --> 00:24:16,800
Nagising ba siya?

379
00:24:18,760 --> 00:24:19,760
Hindi.

380
00:24:23,040 --> 00:24:24,440
Medyo matindi 'yon.

381
00:24:25,440 --> 00:24:29,160
Kada ilang araw, may sesyon ulit.
Tumagal ito nang ilang linggo.

382
00:24:34,160 --> 00:24:39,520
Naipakita ulit ni Alex 'yong pambihira
na memorya ng isang maliit na bata.

383
00:24:41,400 --> 00:24:43,480
Kung paano nangyari ang mga bagay

384
00:24:43,560 --> 00:24:46,960
kung saan sumulpot 'yong masamang lalaki,

385
00:24:47,040 --> 00:24:49,080
galing daw sa likod nila

386
00:24:49,160 --> 00:24:53,040
at pagkatapos, lumayo na siya,

387
00:24:53,120 --> 00:24:55,880
naghugas ng kamay sa batis,
at biglang nawala.

388
00:24:56,600 --> 00:25:02,160
Alex, 'yong lalaking nanakit sa Mama mo,
ano'ng klaseng pantalon ang suot niya?

389
00:25:03,800 --> 00:25:06,120
-Ito.
-Iyan?

390
00:25:06,640 --> 00:25:09,640
Tapos nagsimula nang ilarawan
ni Alex ang taong ito.

391
00:25:09,720 --> 00:25:12,000
-Ano'ng kulay no'n?
-Asul.

392
00:25:12,720 --> 00:25:14,600
Ano'ng kulay ng sapatos niya?

393
00:25:14,680 --> 00:25:15,960
Iyan.

394
00:25:16,680 --> 00:25:19,840
Lumabas sa paglalarawan niya
ang nakababatang puting lalaki,

395
00:25:19,920 --> 00:25:23,080
nakaputing shirt at asul na pantalon,

396
00:25:23,160 --> 00:25:24,800
brown na sapatos.

397
00:25:24,880 --> 00:25:27,560
Pero ang pinakamahalaga sa lahat,

398
00:25:27,640 --> 00:25:30,520
naaalala ni Alex na may sinturon siya
sa ibabaw ng damit,

399
00:25:30,600 --> 00:25:32,280
parang apron ng butcher.

400
00:25:34,360 --> 00:25:38,160
Pareho ang paglalarawan ni Alex
sa sinabi ng isang babae

401
00:25:38,240 --> 00:25:41,240
na nakakita ng lalaki
na papunta sa pinangyarihan

402
00:25:41,840 --> 00:25:44,120
sampung minuto bago ang pagpatay.

403
00:25:45,920 --> 00:25:48,760
Nakasuot ito ng puting damit,
maitim na pantalon,

404
00:25:48,840 --> 00:25:50,320
at may dalang bag.

405
00:25:50,400 --> 00:25:54,840
Kaya ang naging kongklusyon namin,
sa lahat ng tao sa common,

406
00:25:54,920 --> 00:25:58,320
malamang na siya na 'yong suspek.

407
00:25:59,760 --> 00:26:02,440
Kailangan na lang natin siyang hanapin.

408
00:26:02,520 --> 00:26:04,360
Superintendent, masasabi ba natin

409
00:26:04,440 --> 00:26:07,240
na halos wala pang pag-usad sa ngayon?

410
00:26:07,760 --> 00:26:10,360
Oo, tama naman 'yan.

411
00:26:10,440 --> 00:26:13,400
Umaasa ako na mahuli na natin
ang taong ito,

412
00:26:13,920 --> 00:26:17,440
pero kapag makita mo
ang laki ng problema ko dito sa common,

413
00:26:17,520 --> 00:26:19,920
maiintindihan mo kung bakit.

414
00:26:20,600 --> 00:26:23,680
Dahil walang ebidensiya, lumapit ang pulis
sa criminal psychologists

415
00:26:23,760 --> 00:26:26,040
para ma-profile ang salarin.

416
00:26:26,640 --> 00:26:30,440
Napapanood noon 'yong mga pelikula
gaya ng Silence of the Lambs…

417
00:26:31,200 --> 00:26:33,880
Ini-interview namin lahat
ng mga serial killer na nahuli

418
00:26:33,960 --> 00:26:35,880
para sa psycho-behavioral profile.

419
00:26:35,960 --> 00:26:39,600
…kung saan nakikilala
ng mga criminal psychologist 'yong suspek

420
00:26:39,680 --> 00:26:41,360
base sa offender profiling.

421
00:26:41,440 --> 00:26:46,680
Interesado ako do'n. Gaya ng sinasabi ko,
umubra ito sa mga Amerikano.

422
00:26:47,200 --> 00:26:52,240
Isang eksperto na kinonsulta nila,
si Robert Ressler, retiradong FBI agent.

423
00:26:52,760 --> 00:26:56,720
Nakapanayam na ni Ressler
ang mga kilalang sex killer sa America,

424
00:26:56,800 --> 00:26:58,000
gaya ni Jeffrey Dahmer.

425
00:26:58,840 --> 00:27:02,840
Sabi niya na aburido daw
'yong taong pumatay kay Rachel Nickell.

426
00:27:02,920 --> 00:27:05,280
Unang maiisip ng mga tao
na serial killer ito.

427
00:27:05,360 --> 00:27:08,640
Makikita ba natin ulit ito
ng ilang araw o linggo?

428
00:27:08,720 --> 00:27:12,480
Ang kinahaharap natin,
taong aburido, may matinding galit,

429
00:27:12,560 --> 00:27:15,120
posibleng may sakit sa pag-iisip.

430
00:27:15,640 --> 00:27:20,080
Kahit na nagkita sina John Bassett
at Bob Ressler, sandali lang 'yon.

431
00:27:20,160 --> 00:27:25,360
Pero naisip namin na dapat ituloy
'yong ideya ng offender profiling.

432
00:27:26,160 --> 00:27:30,000
Kaya ang pinakaimportante
na offender profiler,

433
00:27:30,080 --> 00:27:32,000
na nakatrabaho na ng mga pulis dati,

434
00:27:32,080 --> 00:27:36,320
sumama na sa imbestigasyong ito
bilang tagapayo.

435
00:27:38,440 --> 00:27:41,080
Kapag tinatawag ako
ng pulisya para tumulong,

436
00:27:41,160 --> 00:27:45,080
madalas na dahil ito sa mga bagay
na di makausad-usad.

437
00:27:45,160 --> 00:27:48,680
Siguro ganito ang sitwasyon
sa pagpatay kay Rachel Nickell.

438
00:27:50,480 --> 00:27:52,320
Si Paul Britton ng Leicester University

439
00:27:52,400 --> 00:27:55,400
ay nagtrabaho na sa ilan sa mga
pinakakilalang kaso ng krimen.

440
00:27:55,920 --> 00:27:59,080
Sa bawat kaso, sasabihin ng pulisya,

441
00:27:59,160 --> 00:28:00,120
"Ang kailangan ko

442
00:28:00,200 --> 00:28:04,280
ay isang bagay na makakatulong sa akin
para matukoy ang salarin."

443
00:28:04,360 --> 00:28:08,320
Si Dennis Nilsen, nakapanayam sa kulungan
ng psychologist na si Paul Britton,

444
00:28:08,400 --> 00:28:10,200
nambiktima ng mga binatilyong homeless.

445
00:28:10,280 --> 00:28:15,120
"Isang bagay na makakatulong
para mapigilan siyang mambiktima ulit."

446
00:28:15,200 --> 00:28:17,080
Si Paul Britton, forensic psychologist,

447
00:28:17,160 --> 00:28:20,360
sinabing di espesyal ang mga West
gaya ng paniniwala ng mga tao.

448
00:28:20,440 --> 00:28:23,520
Sigurado siyang may iba pang mass murderer
na gumagala.

449
00:28:24,920 --> 00:28:28,320
Sinabihan akong sumama
para tingnan ang kasong ito

450
00:28:28,400 --> 00:28:32,360
sa pagitan ng tatlo hanggang apat
na linggo matapos patayin si Rachel.

451
00:28:35,400 --> 00:28:39,240
Ang gusto nila sa akin ay ang opinyon ko,

452
00:28:39,320 --> 00:28:42,880
isang psychological analysis
kung sino ang posibleng salarin.

453
00:28:46,840 --> 00:28:48,960
Nasa akin 'yong mga nakuha sa crime scene.

454
00:28:49,480 --> 00:28:52,160
Nasa akin 'yong video.
May mga mapa ako ng common.

455
00:28:53,240 --> 00:28:54,760
Pero ang kailangan kong gawin,

456
00:28:54,840 --> 00:28:57,720
bumisita sa mismong pinangyarihan.

457
00:29:00,120 --> 00:29:03,600
May paradahan malapit sa windmill
sa Wimbledon Common.

458
00:29:03,680 --> 00:29:04,720
Nag-park kami doon,

459
00:29:04,800 --> 00:29:08,800
tapos tumawid kami
papunta sa pinangyarihan ng krimen.

460
00:29:12,240 --> 00:29:14,320
Ang tinitingnan ng salarin

461
00:29:14,400 --> 00:29:17,760
ay isang lugar kung saan
makakahanap siya ng biktima.

462
00:29:20,000 --> 00:29:22,640
Lugar kung saan pwede siyang magmasid,

463
00:29:23,760 --> 00:29:25,080
para magmanman.

464
00:29:25,800 --> 00:29:30,160
Naghihintay siya para mahanap kung sino
'yong pinakamalapit sa gusto niya,

465
00:29:30,240 --> 00:29:32,960
at minalas ang kawawang si Rachel Nickell.

466
00:29:33,480 --> 00:29:36,320
Nagawa niyang magmasid at mag-abang

467
00:29:37,280 --> 00:29:39,600
kasi nag-aabang siya. Mapagmatyag siya.

468
00:29:43,480 --> 00:29:45,400
Kaya madalas talaga,

469
00:29:45,480 --> 00:29:48,080
deretsahin ko na kung ayos lang,

470
00:29:48,680 --> 00:29:50,480
pwedeng ganito…

471
00:29:52,680 --> 00:29:55,280
"Mamaliitin lang ako ng babaeng 'yan."

472
00:29:56,480 --> 00:29:57,880
"Hindi pwede 'yan."

473
00:29:58,680 --> 00:30:00,040
"Dapat makuha ko siya."

474
00:30:02,240 --> 00:30:08,280
Ang taong ito, matindi ang intensiyon niya
na tapusin ang babaeng ito.

475
00:30:11,160 --> 00:30:16,120
Pero si Rachel Nickell, baka hindi niya
basta isusuko ang sarili sa kamatayan…

476
00:30:18,240 --> 00:30:20,840
nang hindi man lang lumalaban.

477
00:30:22,960 --> 00:30:25,080
Pero kung sinasabi sa 'yo,

478
00:30:25,160 --> 00:30:28,600
"Gawin mo na ang gusto ko
o sasaktan ko ang bata,"

479
00:30:28,680 --> 00:30:30,160
ibang usapan na 'yan.

480
00:30:32,920 --> 00:30:34,960
Nandoon ang bata bilang hostage.

481
00:30:35,040 --> 00:30:39,560
Nandoon ang bata bilang alas niya.

482
00:30:39,640 --> 00:30:44,920
Alam ni Rachel na sinasakripisyo niya
ang buhay niya para sa anak niya.

483
00:30:53,240 --> 00:30:55,320
Nalinaw ko na nang husto.

484
00:30:55,400 --> 00:30:57,040
Papatay siya ng ibang tao.

485
00:30:57,120 --> 00:31:00,040
Hindi lang ito parang nakapakong larawan.

486
00:31:00,120 --> 00:31:04,080
Isa lang ito sa mga eksena
sa isang pelikulang umaandar.

487
00:31:09,480 --> 00:31:13,120
Pagbalik mo kay Mama,
nakatayo ba siya o nakahiga?

488
00:31:14,280 --> 00:31:17,080
Hindi ko maalala.

489
00:31:17,160 --> 00:31:20,480
Tama na sa mga tanong na ito, Papa.

490
00:31:20,560 --> 00:31:24,280
Ang galing mo, Alex. Ang galing mo.

491
00:31:25,120 --> 00:31:28,040
Naging linggo ang mga araw.
Ang mga linggo ay naging buwan.

492
00:31:28,120 --> 00:31:29,160
Umabot kami sa punto

493
00:31:29,240 --> 00:31:31,520
na mabigat na at paulit-ulit na lang.

494
00:31:32,040 --> 00:31:34,120
At doon ko na naramdaman, "Ito ay…

495
00:31:34,200 --> 00:31:37,880
"Wala na tayong nakukuha.
Ano pa ba ang maibibigay niya?"

496
00:31:37,960 --> 00:31:40,480
-Pagbalik mo kay Mama…
-Ayaw ko na.

497
00:31:40,560 --> 00:31:41,920
-Ayaw mo na?
-Oo.

498
00:31:42,000 --> 00:31:45,160
-Huling tanong, Alex.
-Hindi. Tama na.

499
00:31:45,240 --> 00:31:47,280
Sige, ayos lang. Halika dito.

500
00:31:47,360 --> 00:31:49,760
Ang galing mo. Ang galing mo.

501
00:31:57,080 --> 00:31:59,000
Sa susunod na 'yong iba, ha?

502
00:31:59,080 --> 00:32:00,160
Hindi.

503
00:32:00,680 --> 00:32:04,000
Hindi, ayaw ko pa rin.

504
00:32:04,080 --> 00:32:05,880
-Ayaw mo pa rin?
-Oo.

505
00:32:05,960 --> 00:32:07,600
Hindi na tayo mag-uusap.

506
00:32:08,120 --> 00:32:11,280
Gusto pang subukan ng pulis
sa huling pagkakataon.

507
00:32:12,040 --> 00:32:14,920
Naisip pa nila itong mas desperadong ideya

508
00:32:15,000 --> 00:32:17,760
na baka pwede kaming pumunta
sa Wimbledon Common.

509
00:32:20,160 --> 00:32:23,160
Umasa sila na pag makita niya
ang lugar ng pagpatay,

510
00:32:23,240 --> 00:32:25,880
magdudulot pa ito ng mga alaala.

511
00:32:25,960 --> 00:32:28,120
Sa tingin ko malabo 'yon,

512
00:32:28,640 --> 00:32:30,760
pero hindi ko sila mapipigilan.

513
00:32:30,840 --> 00:32:32,040
Sige.

514
00:32:34,480 --> 00:32:37,760
Kaya hindi na ito katulad
no'ng paulit-ulit na sesyon

515
00:32:37,840 --> 00:32:41,360
sa parehong kapaligiran.
Baka naman may mapala dito.

516
00:32:44,600 --> 00:32:47,920
Pagdating namin doon,
parang ayaw niyang bumaba ng kotse.

517
00:32:51,200 --> 00:32:56,440
Ang nakabahala sa kanya,
'yong presensiya ng mga di niya kilala,

518
00:32:56,520 --> 00:32:58,240
dahil dumating ang mga pulis.

519
00:32:58,760 --> 00:33:02,280
Di lang mga detective na nakasanayan niya,
may iba pang mga pulis.

520
00:33:04,360 --> 00:33:07,080
Bumaba na kami ng kotse,
at naglakad na kami.

521
00:33:08,840 --> 00:33:10,720
No'ng naglalakad na kami, natuwa siya.

522
00:33:12,360 --> 00:33:14,000
Naglalakad kami sa daan na iyon.

523
00:33:14,880 --> 00:33:17,720
Tapos naghabulan kami ni Alex
para katuwaan lang.

524
00:33:21,320 --> 00:33:24,680
Nagsasaya siya.
Pero may mga pulis sa likod namin

525
00:33:24,760 --> 00:33:26,720
at may psychologist na nakasunod.

526
00:33:30,200 --> 00:33:31,680
Hinahatid kami ng pulis,

527
00:33:31,760 --> 00:33:34,640
pero parang alam no'ng bata
ang pupuntahan namin…

528
00:33:36,920 --> 00:33:38,640
at inaalala ang mga bagay.

529
00:33:48,440 --> 00:33:51,280
Palapit na kami nang palapit
sa lugar ng krimen.

530
00:33:55,000 --> 00:33:57,920
Alam kong naninigas na 'yong bata,

531
00:33:58,000 --> 00:34:00,320
at sigurado akong may naaalala siya.

532
00:34:01,120 --> 00:34:01,960
Alex?

533
00:34:02,480 --> 00:34:04,800
'Yong pumatay kay Mama, nasaan siya?

534
00:34:07,400 --> 00:34:08,480
Dito ba iyon?

535
00:34:11,080 --> 00:34:13,000
Kailan niya kinausap si Mama?

536
00:34:13,920 --> 00:34:14,960
Naaalala mo ba?

537
00:34:17,920 --> 00:34:18,920
Sinabi mo minsan

538
00:34:19,000 --> 00:34:22,000
na kausap niya si Mama
bago niya pinatay si Mama.

539
00:34:22,080 --> 00:34:25,520
Naaalala mo ba
kung saan niya kausap si Mama?

540
00:34:26,800 --> 00:34:28,120
Sa may lawa ba?

541
00:34:33,400 --> 00:34:37,360
Tapos dumating sa punto
na natisod siya at nasubsob.

542
00:34:40,240 --> 00:34:42,200
At humiyaw siya at humagulgol.

543
00:34:44,760 --> 00:34:47,400
At iyon ang punto na umayaw na si André.

544
00:34:47,480 --> 00:34:49,200
Kalokohan na ito.

545
00:34:51,680 --> 00:34:54,960
Umiiyak siya, at nagalit na ako.

546
00:34:55,040 --> 00:34:56,880
Tama na 'yon. Napuno na ako.

547
00:34:56,960 --> 00:35:01,440
Masyado nang mabigat 'to sa kanya

548
00:35:01,520 --> 00:35:03,440
at masyado nang mabigat sa akin.

549
00:35:03,520 --> 00:35:05,480
Sige na! Tara na!

550
00:35:07,800 --> 00:35:10,800
Kaya binuhat ko na siya
at bumalik na ako sa kotse.

551
00:35:23,480 --> 00:35:28,120
Humarurot talaga kami
at iniwan na namin sila.

552
00:35:28,640 --> 00:35:30,240
Pero wala ako sa kondisyon,

553
00:35:30,320 --> 00:35:33,840
kaya huminto agad ako
pagkahanap ko ng tahimik na lugar.

554
00:35:34,360 --> 00:35:36,360
At talagang napaiyak ako,

555
00:35:36,440 --> 00:35:39,120
at di ko talaga mapigilan.

556
00:35:39,640 --> 00:35:42,320
Basta di ko mapigilan ang sarili ko.

557
00:35:42,400 --> 00:35:44,640
Di ko kayang magpakatatag sa puntong iyon.

558
00:35:44,720 --> 00:35:47,760
Alam kong pinapanood niya ako.
Kumalma na siya no'n.

559
00:35:47,840 --> 00:35:50,080
Pero kailangan ko lang ilabas.

560
00:35:50,600 --> 00:35:53,760
Tapos ayun, no'ng gumaan na
ang pakiramdam ko,

561
00:35:54,640 --> 00:35:57,400
nag-sorry ako,

562
00:35:57,480 --> 00:36:00,760
at bumalik na kami sa bahay ni Lola.

563
00:36:00,840 --> 00:36:02,760
Kaya lumayo na kami.

564
00:36:06,120 --> 00:36:08,240
Iyon na ang huling pagkikita namin.

565
00:36:09,080 --> 00:36:10,800
Ginawa ko ang makakaya ko.

566
00:36:10,880 --> 00:36:14,240
Hindi ako masaya sa ginawa ko,
pero sinubukan ko at…

567
00:36:15,520 --> 00:36:18,200
Kalungkutan. At saka…

568
00:36:22,280 --> 00:36:25,520
kaalaman na sinubukan mo naman
pero hindi gumana.

569
00:36:28,200 --> 00:36:30,960
Una, isang nakakakilabot na krimen

570
00:36:31,040 --> 00:36:33,640
dalawang buwan na ang nakalipas
ang balita sa Britain.

571
00:36:33,720 --> 00:36:37,400
Sa Wimbledon Common sa Southwest London,
isang ina na si Rachel Nickell

572
00:36:37,480 --> 00:36:40,040
ang hinarang at pinagsasaksak.

573
00:36:40,120 --> 00:36:42,360
Mukhang ramdom lang ang pagpatay,

574
00:36:42,440 --> 00:36:45,320
kaya lalong napakahirap nitong lutasin.

575
00:36:45,400 --> 00:36:48,120
Ngayong gabi,
magsasalita na ang mga detective,

576
00:36:48,200 --> 00:36:51,520
at umaapela sila sa taumbayan
para mapangalanan na ang pumatay.

577
00:36:51,600 --> 00:36:53,360
Umabot kami sa punto ng imbestigasyon

578
00:36:53,440 --> 00:36:58,800
kung saan kontento na kami
sa paglalarawang meron kami,

579
00:36:58,880 --> 00:37:00,920
na posibleng siya 'yong pumatay.

580
00:37:01,000 --> 00:37:03,640
Kaya oras na para pumunta sa media

581
00:37:03,720 --> 00:37:06,640
para makita kung may taong makakatukoy

582
00:37:07,160 --> 00:37:09,440
kung sino ang taong iyon.

583
00:37:10,360 --> 00:37:12,200
Ang lalaki ay nasa 20s o 30s.

584
00:37:12,280 --> 00:37:15,600
Matangkad siya, higit sa 5'10",
maikli at brown ang buhok.

585
00:37:15,680 --> 00:37:19,480
Nakaputing polo na de-butones
at maitim na pantalon, posibleng asul,

586
00:37:19,560 --> 00:37:21,840
at may dalang maliit at maitim na bag.

587
00:37:21,920 --> 00:37:25,880
Nakakapagtakang nasa ibabaw ng damit niya
ang sinturon imbes na sa pantalon.

588
00:37:26,400 --> 00:37:29,520
Mula dito, magdagdag tayo
ng makabuluhang haka-haka.

589
00:37:30,480 --> 00:37:35,520
Ang isang consultant clinical psychologist
ay gumagawa ng profile ng killer.

590
00:37:37,360 --> 00:37:39,080
Ang nakuha nila sa akin,

591
00:37:39,160 --> 00:37:45,000
punto-por-puntong psychological analysis
ng killer base sa pananaw ko.

592
00:37:45,080 --> 00:37:48,320
Mas bata sa 30 'yong killer.
Tagaroon lang siya.

593
00:37:48,400 --> 00:37:51,440
Iilan lang ang kaibigan niya
at pang-solo ang libangan.

594
00:37:51,520 --> 00:37:53,720
Baka may interes siya sa martial arts.

595
00:37:53,800 --> 00:37:55,200
Mahilig sa pornograpiya.

596
00:37:55,280 --> 00:37:57,120
Wala siyang seryosong nobya.

597
00:37:57,200 --> 00:38:00,400
Kung nagka-nobya man siya,
hindi ito naging masaya,

598
00:38:00,480 --> 00:38:01,640
walang kaalaman sa sex…

599
00:38:02,280 --> 00:38:07,560
Sinabi ko sa kanila na itong salarin,
hindi siya nakatira sa malayo.

600
00:38:07,640 --> 00:38:11,160
Ito 'yong taong kabisado ang common,
alam ang pasikot-sikot.

601
00:38:11,240 --> 00:38:13,280
Baka naglalakad lang siya.

602
00:38:13,360 --> 00:38:15,320
Ang tatawagang numero…

603
00:38:15,400 --> 00:38:17,040
Pagkatapos ng Crimewatch,

604
00:38:17,560 --> 00:38:19,440
ang daming tawag sa telepono.

605
00:38:19,520 --> 00:38:21,880
Para sa pagpatay kay Rachel Nickell,

606
00:38:21,960 --> 00:38:24,960
may 90 na tawag dito sa studio
noong huling nakausap ko ang team.

607
00:38:25,040 --> 00:38:27,240
Sampu daw dito ang interesante.

608
00:38:27,320 --> 00:38:30,800
Isang lalaki ang nanguna
sa listahan ng mga priyoridad nila.

609
00:38:32,680 --> 00:38:36,480
May mga tawag kami
mula sa dalawa o higit pang tagaroon,

610
00:38:36,560 --> 00:38:38,920
na 'yon daw impresyon ng artist…

611
00:38:41,240 --> 00:38:44,880
kamukha ng lalaki
na nagngangalang Colin Stagg.

612
00:38:47,080 --> 00:38:51,160
At ipinahiwatig nila
na siya 'yong tipo ng indibidwal

613
00:38:51,240 --> 00:38:53,280
na kayang gumawa ng ganitong pagpatay.

614
00:38:53,360 --> 00:38:55,800
At inamin niyang nasa common nga siya

615
00:38:55,880 --> 00:38:58,800
sa halos parehong oras
nang matagpuan si Rachel.

616
00:39:01,120 --> 00:39:04,960
'Yong babaeng nakakita sa lalaki
na naglalakad papunta sa pinangyarihan,

617
00:39:05,040 --> 00:39:09,160
pinili din si Stagg
sa identification parade

618
00:39:09,240 --> 00:39:10,320
bilang taong iyon.

619
00:39:10,880 --> 00:39:14,320
Ayon sa pulisya, naaresto ang lalaki
bandang tanghali kahapon.

620
00:39:14,400 --> 00:39:15,960
Iniimbestigahan pa rin siya.

621
00:39:17,480 --> 00:39:19,720
Nakatira si Stagg malapit sa common,

622
00:39:20,320 --> 00:39:23,480
kaya noong naaresto siya,
hinalughog ang bahay niya.

623
00:39:24,000 --> 00:39:27,600
Kakaiba 'yong ayos ng apartment na iyon.

624
00:39:28,560 --> 00:39:32,680
Naalala ko noong dumating kami doon,
may kung ano sa pinto.

625
00:39:36,600 --> 00:39:39,800
Ang sabi, "Ingat kayong mga Kristiyano,"
parang ganoon.

626
00:39:40,720 --> 00:39:42,040
At may isang kuwarto

627
00:39:42,120 --> 00:39:45,880
kung saan nakapinta
ang mga Zodiac sign sa sahig,

628
00:39:45,960 --> 00:39:48,440
at may mga larawang gothic sa buong lugar.

629
00:39:48,520 --> 00:39:50,200
Basta kakaiba 'yong lugar.

630
00:39:50,280 --> 00:39:52,160
May nakitang cabinet ang isang pulis,

631
00:39:52,240 --> 00:39:55,640
tapos sa loob ng cabinet,
may ilang survivalist equipment.

632
00:39:55,720 --> 00:39:56,960
May mga kutsilyo.

633
00:39:57,640 --> 00:40:00,600
May club din na may bola sa dulo.

634
00:40:00,680 --> 00:40:05,640
At ipinahihiwatig talaga nito
na hindi siya normal na mamamayan,

635
00:40:05,720 --> 00:40:08,120
na may kakaiba sa kanya.

636
00:40:08,200 --> 00:40:12,000
At siyempre, saktong-sakto siya
sa profile ng salarin.

637
00:40:13,720 --> 00:40:15,680
Pero may problema.

638
00:40:16,560 --> 00:40:20,120
Sa kabila ng katotohanan
na tugma siya sa profile ng salarin,

639
00:40:20,640 --> 00:40:23,600
kulang ang ebidensiya
na mag-uugnay sa kanya sa pagpatay.

640
00:40:24,520 --> 00:40:28,440
Inamin niya na nagpapaaraw siya
nang hubo't hubad sa common.

641
00:40:28,520 --> 00:40:33,560
Kaya kinasuhan siya ng indecent exposure.
Pero pinalaya din siya kalaunan.

642
00:40:35,480 --> 00:40:40,320
Siyempre nakakadismaya,
dahil bukod sa pasok siyang maging suspek,

643
00:40:40,400 --> 00:40:44,120
pero siya lang ang suspek
mula sa buong imbestigasyon.

644
00:40:44,200 --> 00:40:48,520
Kaya kinailangan naming sagutin,
"Siya ba talaga ang killer?"

645
00:40:48,600 --> 00:40:50,600
Kung walang ebidensiyang forensic,

646
00:40:51,280 --> 00:40:52,400
hindi namin alam.

647
00:40:57,480 --> 00:41:01,280
Matapos palayain si Colin Stagg,
nasa pintuan namin ang media.

648
00:41:04,360 --> 00:41:07,400
Si Alex lang ang saksi
sa pagpatay sa kanyang ina,

649
00:41:07,960 --> 00:41:11,200
at kung sino man ang gumawa noon
ay pagala-gala pa rin.

650
00:41:11,280 --> 00:41:12,760
Kaya nasa panganib siya.

651
00:41:13,400 --> 00:41:15,840
Doon ko naisip na hindi kami ligtas dito,

652
00:41:15,920 --> 00:41:17,640
at kailangan ko siyang ilayo.

653
00:41:21,320 --> 00:41:23,920
Wala kaming masyadong tiwala kahit kanino.

654
00:41:25,560 --> 00:41:30,280
Kaya ginawa namin ang lahat
para di kami masundan, hindi matunton…

655
00:41:33,440 --> 00:41:35,760
Tapos ayun, naglaho kami sa dilim.

656
00:41:40,080 --> 00:41:43,080
Tapos 'yon nga, pumunta kami sa baybayin

657
00:41:43,160 --> 00:41:47,760
para makalayo kami
sa killer na di pa nahuhuli

658
00:41:47,840 --> 00:41:50,560
at sa grupo ng press na walang inuurungan.

659
00:41:51,440 --> 00:41:55,160
Iniwan namin ang mga kaibigan at pamilya.
Iniwan namin ang lahat.

660
00:41:55,240 --> 00:41:56,960
Iniwan namin ang bahay namin.

661
00:41:57,040 --> 00:42:00,240
'Yong mga kaya lang naming dalhin
ang kinuha namin.

662
00:42:00,760 --> 00:42:04,480
Tumawid kami sa border
at pumasok sa bagong mundo.

663
00:42:09,360 --> 00:42:14,280
MAKALIPAS ANG ANIM NA BUWAN

664
00:42:23,840 --> 00:42:27,000
Pinag-uusapan namin ni Rachel
ang paglipat sa France.

665
00:42:32,760 --> 00:42:35,840
Matagal din akong tumira sa France
noong teenager ako.

666
00:42:36,640 --> 00:42:38,000
Naglaro ako ng tennis

667
00:42:38,560 --> 00:42:42,320
at nakisakay ako kung saan-saan,
kaya kabisado ko 'yong bansa.

668
00:42:44,120 --> 00:42:47,800
Nasa maliit na nayon kami,
ilang milya lang mula sa baybayin.

669
00:42:48,680 --> 00:42:52,200
Pumarada kami sa tapat ng pinto
sa unang pagkakataon hawak ang susi.

670
00:42:52,280 --> 00:42:53,560
Binuksan ko ang pinto,

671
00:42:55,080 --> 00:42:58,240
at ramdam agad namin
ang magandang bagong simula.

672
00:43:00,720 --> 00:43:03,400
May dalawa ako. May 50 ka diyan.

673
00:43:03,480 --> 00:43:04,640
Tingnan mo sa ilalim…

674
00:43:04,720 --> 00:43:06,720
Talagang payapa.

675
00:43:07,960 --> 00:43:09,520
Maganda't maliit na bahay.

676
00:43:10,440 --> 00:43:12,160
May view sa tapat ng courtyard.

677
00:43:12,240 --> 00:43:15,520
May mga gumagalang manok.
May mga tuta na nagtatakbuhan.

678
00:43:16,120 --> 00:43:19,720
At talagang makakahinto na kami sa wakas

679
00:43:19,800 --> 00:43:24,080
para makapag-isip-isip
at damhin ang kapayapaan sa paligid namin.

680
00:43:26,960 --> 00:43:28,440
Alex, dahan-dahan.

681
00:43:29,200 --> 00:43:30,240
Dahan-dahan.

682
00:43:31,000 --> 00:43:33,480
Sasakit ang tiyan mo
kung ganyan ka kumain.

683
00:43:33,560 --> 00:43:37,880
Para bang naiwan na namin
ang malaking bahagi ng kasamaan.

684
00:43:37,960 --> 00:43:40,640
Para kaming nasa lugar ng kapayapaan.

685
00:43:42,440 --> 00:43:46,480
Sa wakas, parang pabor na sa amin
ang mga bagay-bagay.

686
00:43:47,000 --> 00:43:49,480
Ang sarap sa pakiramdam.

687
00:43:51,320 --> 00:43:54,080
Ang saya lang na di kami nakikilala ulit.

688
00:44:04,080 --> 00:44:07,600
Ayon sa nangungunang detective
sa paghahanap sa killer ni Rachel Nickell,

689
00:44:07,680 --> 00:44:10,480
ang babaeng pinatay sa Wimbledon Common
noong isang taon,

690
00:44:10,560 --> 00:44:13,080
huhupa na ang imbestigasyon
sa loob ng ilang linggo,

691
00:44:13,160 --> 00:44:14,800
maliban kung may malaking pagbabago.

692
00:44:14,880 --> 00:44:20,560
Sa tingin ko, kung walang importante
na lalabas sa susunod na dalawang buwan,

693
00:44:20,640 --> 00:44:23,560
masasabi kong tapos na ang imbestigasyon.

694
00:44:23,640 --> 00:44:26,600
Sinabi ni John Bassett sa press
na wala nang bagong lead,

695
00:44:27,200 --> 00:44:29,960
na umabot na sa hangganan
'yong imbestigasyon,

696
00:44:30,040 --> 00:44:31,400
at humihina na ito,

697
00:44:32,280 --> 00:44:34,920
pero sa panahong 'yon,
may nangyayari pala.

698
00:44:39,880 --> 00:44:42,840
Ang sabi, "May inilakip ako
na magandang sulat,

699
00:44:42,920 --> 00:44:45,800
at kung ayaw mong basahin, ayos lang."

700
00:44:46,760 --> 00:44:50,000
Pero naintriga ako
at binasa ko 'yong sulat.

701
00:44:50,080 --> 00:44:56,520
Nakatanggap kami ng tawag ng isang babae
na nakakita kay Colin Stagg sa telebisyon,

702
00:44:56,600 --> 00:44:57,920
at sabi niya, "Siya 'yong

703
00:44:58,000 --> 00:45:03,440
lalaki na kasulatan ko
sa lonely hearts club.

704
00:45:04,920 --> 00:45:06,920
Kakaiba 'yong mga sulat niya."

705
00:45:08,280 --> 00:45:12,080
Bawat salita niya,
lahat na yata ng kabastusan na maiisip mo.

706
00:45:12,880 --> 00:45:15,560
Tinanong niya kung nagustuhan ko
'yong sulat niya.

707
00:45:16,080 --> 00:45:18,560
Sinabi kong hindi ko nagustuhan,

708
00:45:18,640 --> 00:45:20,760
at sinabi niyang susulat siya ulit.

709
00:45:21,280 --> 00:45:24,000
Ipadala niya ba raw sa akin,
at sabi kong hindi.

710
00:45:24,080 --> 00:45:27,440
Kung makatanggap pa ako ng sulat niya,
ibibigay ko na sa pulis.

711
00:45:28,120 --> 00:45:30,840
Ipinadala niya ang mga sulat sa amin,

712
00:45:30,920 --> 00:45:35,480
na nagbigay sa amin ng kaalaman
sa takbo ng isip ni Colin Stagg.

713
00:45:37,080 --> 00:45:41,200
Tapos pinaakyat ako ni John Bassett
sa opisina niya,

714
00:45:41,720 --> 00:45:44,360
at ipinakilala ako sa isang babaeng pulis.

715
00:45:44,440 --> 00:45:46,840
Sabi ni Bassett,
"Ito ang detective sergeant ko,

716
00:45:46,920 --> 00:45:49,400
at gusto kong malaman niya
ang nangyayari."

717
00:45:50,240 --> 00:45:52,440
Tapos ipinaliwanag niya sa akin

718
00:45:52,520 --> 00:45:54,840
na magkakaroon ng undercover operation

719
00:45:55,640 --> 00:45:59,800
para matuklasan kung 'yong mga seksuwal
na pantasya ni Colin Stagg

720
00:45:59,880 --> 00:46:02,960
ay maglalantad ng ilang impormasyon
tungkol sa pagpatay

721
00:46:03,040 --> 00:46:05,400
na 'yong killer lang ang nakakaalam.

722
00:46:05,480 --> 00:46:06,640
Pinuntahan ako ng pulis

723
00:46:06,720 --> 00:46:10,000
at tinanong kung matutulungan ko sila
sa undercover operation.

724
00:46:11,160 --> 00:46:12,880
Bale ang mangyayari,

725
00:46:12,960 --> 00:46:18,320
susulat 'yong undercover na pulis
kay Colin Stagg

726
00:46:18,400 --> 00:46:21,280
gamit ang pekeng pangalang Lizzie James.

727
00:46:21,360 --> 00:46:25,760
Kukumbinsihin siya ni Lizzie na sumulat
tungkol sa mga sexual fantasy niya

728
00:46:25,840 --> 00:46:30,120
para kung sakaling sumagot siya

729
00:46:30,200 --> 00:46:32,920
sa paraang katulad

730
00:46:33,000 --> 00:46:38,240
no'ng pagpatay ng killer
kay Rachel Nickell,

731
00:46:38,320 --> 00:46:41,800
may basehan ka na
para sa karagdagang imbestigasyon.

732
00:46:43,320 --> 00:46:45,440
At sumulat nga si Colin Stagg.

733
00:46:46,440 --> 00:46:49,560
Dear Lizzie, natutuwa ako
na gusto mo ang mga sulat ko

734
00:46:49,640 --> 00:46:54,040
at malawak ang isip mo
at pareho tayong prangka.

735
00:46:54,120 --> 00:46:55,840
Gusto kitang abusuhin.

736
00:46:55,920 --> 00:46:59,440
'Yong mga gagawin ko sa 'yo,
literal na mapapaluha ka.

737
00:47:00,160 --> 00:47:03,040
Maiiwan kang kahiya-hiya at marumi.

738
00:47:03,120 --> 00:47:04,840
Tuwang-tuwa 'yong mga pulis

739
00:47:05,440 --> 00:47:10,240
sa mga unang sexual element
na galing kay Colin Stagg.

740
00:47:11,160 --> 00:47:15,280
May pakiramdam na sila
na makatuwiran ang operasyon nila,

741
00:47:15,360 --> 00:47:17,240
na marami pa silang malalaman,

742
00:47:17,320 --> 00:47:20,240
at hindi sila nag-aaksaya ng oras.

743
00:47:35,360 --> 00:47:38,520
Isang araw, pagkatapos ng isang taon
na pagtira namin doon,

744
00:47:38,600 --> 00:47:41,440
naglalaro kami ng espadahan ni Alex.

745
00:47:45,800 --> 00:47:49,400
At sabi niya, "Ganito noong dumating
'yong masamang tao."

746
00:47:50,560 --> 00:47:52,320
Tapos sinubukan ko…

747
00:47:52,400 --> 00:47:53,560
Nagpigil lang ako,

748
00:47:53,640 --> 00:47:55,960
at nagpatuloy ako na parang wala lang.

749
00:48:00,000 --> 00:48:04,280
Kaya isang umaga,
umupo ako sa maliit na pulang mesa,

750
00:48:04,360 --> 00:48:06,960
ipinuwesto ko 'yong camera, tapos…

751
00:48:08,000 --> 00:48:11,480
sinubukan ko lang siyang kausapin
tungkol sa nangyari.

752
00:48:17,480 --> 00:48:18,920
Gusto ni Alex mag-drawing,

753
00:48:19,000 --> 00:48:21,480
at tulungan ko daw siyang mag-drawing.

754
00:48:22,880 --> 00:48:28,720
Papa, tulungan mo nga akong i-drawing
si Mama sa papel na ito?

755
00:48:29,520 --> 00:48:31,240
Habang gumuguhit kami,

756
00:48:31,320 --> 00:48:32,920
may mga impormasyon si Alex

757
00:48:33,000 --> 00:48:35,840
na nagbigay ng linaw
kung ano ang nakita niya.

758
00:48:36,640 --> 00:48:38,000
Nakita ba siya ni Mama?

759
00:48:39,320 --> 00:48:42,960
-Parang hindi.
-Hindi? Ikaw ang unang nakakita sa kanya?

760
00:48:44,120 --> 00:48:46,040
Oo, ako'ng unang nakakita sa kanya.

761
00:48:47,160 --> 00:48:49,120
May dala ba siyang bag?

762
00:48:49,840 --> 00:48:50,680
Oo.

763
00:48:50,760 --> 00:48:53,000
Binuksan ba niya 'yon o nakabukas na?

764
00:48:53,080 --> 00:48:54,040
Binuksan niya.

765
00:48:54,120 --> 00:48:55,440
Ano'ng inilabas niya?

766
00:48:55,520 --> 00:48:56,480
Kutsilyo.

767
00:48:58,200 --> 00:49:01,080
Ayan si Mama. Ayan ang masamang tao.

768
00:49:01,600 --> 00:49:02,800
Nasaan ang kutsilyo?

769
00:49:10,680 --> 00:49:12,920
-Ano'ng ginawa niya sa 'yo?
-Tinulak ako.

770
00:49:13,000 --> 00:49:14,560
-Tinulak ka niya?
-Oo.

771
00:49:15,080 --> 00:49:17,920
Tinutusok ito ng masamang tao kay Mama.

772
00:49:18,000 --> 00:49:19,360
Ano'ng itinutusok niya?

773
00:49:19,440 --> 00:49:21,480
Kutsilyo. Ayan ang kutsilyo niya.

774
00:49:22,000 --> 00:49:23,200
Nakita mo ba 'yon?

775
00:49:23,920 --> 00:49:25,280
Nakita ko ang kutsilyo.

776
00:49:25,360 --> 00:49:26,920
Nakita mo ba lahat?

777
00:49:28,040 --> 00:49:30,320
Nakita ko… Oo, nakita ko lahat.

778
00:49:30,840 --> 00:49:32,200
Lahat.

779
00:49:33,200 --> 00:49:34,760
Nandoon siya, nakita niya lahat.

780
00:49:34,840 --> 00:49:37,920
Dala-dala niya ang lahat ng ito,

781
00:49:38,000 --> 00:49:39,800
lumipas ang halos isang taon

782
00:49:39,880 --> 00:49:42,040
na kinikimkim niya ito sa isip niya.

783
00:49:42,920 --> 00:49:45,840
-Nakita mo ba lahat?
-Oo, nakita ko lahat.

784
00:49:45,920 --> 00:49:47,360
Umiwas ka ba ng tingin?

785
00:49:48,520 --> 00:49:51,200
Oo, tumingin ako doon.

786
00:49:51,920 --> 00:49:55,560
Tumingin ako doon para makita
kung may iba pang nangyayari.

787
00:49:55,640 --> 00:49:56,960
-Talaga?
-Oo.

788
00:49:57,040 --> 00:49:58,240
Nakakatakot ba talaga?

789
00:49:58,760 --> 00:50:01,040
Oo, nakakatakot talaga.

790
00:50:03,920 --> 00:50:05,520
Napakahirap pakinggan.

791
00:50:05,600 --> 00:50:08,400
Isipin mo kung anak mo ito. Baby mo ito.

792
00:50:09,120 --> 00:50:11,720
Nandoon siya.
Nandoon si Rachel. Wala ako doon.

793
00:50:11,800 --> 00:50:15,960
Iniisip ko 'yon sa buong taon na 'yon,
paulit-ulit, gabi-gabi.

794
00:50:16,040 --> 00:50:20,200
Gusto kong malaman ang pinagdaanan nila
kasi gusto kong makatulong

795
00:50:20,280 --> 00:50:22,160
o makibahagi kahit paano.

796
00:50:22,240 --> 00:50:25,240
Tapos eto na nga, nakumpirma na sa akin

797
00:50:25,320 --> 00:50:29,440
'yong eksaktong nangyari,
'yong mga nakita ni Alex.

798
00:50:29,520 --> 00:50:33,880
Kaya napaisip na naman ako

799
00:50:33,960 --> 00:50:36,920
kung gaano kahirap
'yong pinagdaanan nilang dalawa.

800
00:50:39,920 --> 00:50:42,280
At pagkalipas ng ilang linggo,

801
00:50:42,360 --> 00:50:43,880
dumating ang balita

802
00:50:43,960 --> 00:50:47,800
na kakasuhan nila si Colin Stagg
para sa pagpatay kay Rachel.

803
00:50:48,360 --> 00:50:52,880
Sabi ng Scotland Yard, inaresto nila
si Colin Francis Stagg kaninang 5:30 a.m.

804
00:50:52,960 --> 00:50:55,400
sa kanyang bahay sa Roehampton
sa Southwest London.

805
00:50:55,480 --> 00:50:57,320
Ang address kung saan siya inaresto

806
00:50:57,400 --> 00:51:00,320
ay isang milya mula sa lugar
sa Wimbledon Common

807
00:51:00,400 --> 00:51:02,760
kung saan pinatay si Rachel
noong isang taon.

808
00:51:02,840 --> 00:51:04,800
Maghapong naghukay ang pulis
sa garden niya

809
00:51:04,880 --> 00:51:07,040
at nag-scan sa lupa
gamit ang metal detector.

810
00:51:07,120 --> 00:51:12,400
Inaresto si Colin Stagg
at dinala sa Wimbledon Police Station

811
00:51:13,120 --> 00:51:14,560
bilang suspek sa pagpatay.

812
00:51:15,600 --> 00:51:18,360
Nakulong siya kasunod
ng undercover operation

813
00:51:18,440 --> 00:51:20,440
kung saan kakutsaba ang babaeng pulis.

814
00:51:20,520 --> 00:51:23,400
Nakipaglapit siya kay Stagg.

815
00:51:23,480 --> 00:51:25,800
Maaari ka bang magpakilala nang pormal?

816
00:51:26,320 --> 00:51:28,640
Oo, isa akong aktibong pulis.

817
00:51:28,720 --> 00:51:31,920
Para sa panayam na ito,
kilala ako bilang Lizzie James.

818
00:51:32,000 --> 00:51:35,800
Kung ipapakita ko sa 'yo
'yong mga 30 o 40 na sulat

819
00:51:36,920 --> 00:51:39,040
na pinadala mo kay Lizzie James,

820
00:51:40,400 --> 00:51:44,720
ano'ng masasabi mo
tungkol sa gusto mo daw makipagtalik

821
00:51:44,800 --> 00:51:49,080
at gumawa ng mga sexual na bagay
sa Wimbledon Common

822
00:51:49,160 --> 00:51:52,480
at sa kakahuyan
na may kinalaman sa paggamit ng kutsilyo…

823
00:51:52,560 --> 00:51:53,560
Wala akong masabi.

824
00:51:53,640 --> 00:51:56,440
…kung saan magpapadanak ka ng dugo?

825
00:51:56,520 --> 00:51:57,480
Wala akong masabi.

826
00:51:57,560 --> 00:52:00,280
Noong undercover operation,

827
00:52:00,360 --> 00:52:03,200
nakipagkita si Colin Stagg
sa undercover na pulis,

828
00:52:03,280 --> 00:52:06,280
at ang ginawa ni Stagg,
inabutan siya ng sulat

829
00:52:06,880 --> 00:52:10,440
na naglalarawan ng konsepto ng kutsilyo
at kung ano-ano pa

830
00:52:10,520 --> 00:52:12,760
na nasa mga pantasya ng killer.

831
00:52:12,840 --> 00:52:15,000
Naaalala mo na ba ang sulat na ito, Colin?

832
00:52:15,080 --> 00:52:16,240
Wala akong masabi.

833
00:52:17,360 --> 00:52:19,400
"Pumunta ang lalaki
sa tumpok ng damit niya

834
00:52:19,480 --> 00:52:22,040
at kumuha ng tali at kutsilyo."

835
00:52:22,560 --> 00:52:25,720
'Yong taong pumatay kay Rachel Nickell,

836
00:52:25,800 --> 00:52:29,560
mayroon siyang mga partikular na elemento
sa pantasya niya

837
00:52:29,640 --> 00:52:31,360
na hindi karaniwan.

838
00:52:32,600 --> 00:52:37,640
At lumalabas na si Colin Stagg
ay may parehong mga pantasya.

839
00:52:39,760 --> 00:52:42,920
Tingnan natin 'yong mga pantasya
kung paano nagpatuloy

840
00:52:43,000 --> 00:52:45,000
sa mga sulat mo kay Lizzie James.

841
00:52:45,800 --> 00:52:47,160
Lumalala ang malisya,

842
00:52:47,240 --> 00:52:50,160
lumalala ang dominasyon,
tumitindi ang karahasan.

843
00:52:50,680 --> 00:52:53,080
Gusto mong manghiya at manakit.

844
00:52:53,160 --> 00:52:56,400
Ang dami nang nagtuturo sa kanya
na siya 'yong killer.

845
00:52:57,000 --> 00:53:00,120
Bale naglakad ka doon sa daanan
papuntang windmill,

846
00:53:00,200 --> 00:53:02,320
tapos umupo ka sa maliit na damuhan.

847
00:53:02,400 --> 00:53:06,360
Inilarawan mo 'yon
sa isa sa mga sulat mo kay Lizzie James.

848
00:53:07,440 --> 00:53:10,480
Tapos nakita mo
itong magandang blonde na babae

849
00:53:10,560 --> 00:53:12,560
na papalapit mula sa malayo.

850
00:53:12,640 --> 00:53:15,160
-Iyon ba ang nangyari kay Rachel?
-Walang komento.

851
00:53:15,240 --> 00:53:18,560
Nakapuwesto ka sa taas
at minanmanan mo siya.

852
00:53:18,640 --> 00:53:21,040
Tumakbo ka pababa at tinambangan mo siya.

853
00:53:21,120 --> 00:53:24,040
Itinulak mo 'yong bata at nasubsob siya.

854
00:53:25,000 --> 00:53:27,320
Itinulak mo 'yong bata sa putikan.

855
00:53:28,600 --> 00:53:32,960
-Walang komento.
-At sinaksak mo si Rachel ng 49 na beses.

856
00:53:33,040 --> 00:53:33,920
Wala akong masabi.

857
00:53:34,000 --> 00:53:40,120
Noong July 15, 1992, sa Wimbledon Common,

858
00:53:40,200 --> 00:53:42,440
pinatay mo si Rachel Nickell,

859
00:53:42,520 --> 00:53:45,400
sa pamamagitan ng maraming saksak.

860
00:53:45,920 --> 00:53:46,960
Wala akong masabi.

861
00:53:50,040 --> 00:53:52,920
Pagkatapos makulong magdamag
sa malapit na presinto,

862
00:53:53,000 --> 00:53:56,360
dinala agad si Colin Stagg
sa Wimbledon Magistrates Court,

863
00:53:56,440 --> 00:53:58,760
at kinasuhan sa pagpatay
kay Rachel Nickell.

864
00:54:01,960 --> 00:54:05,080
Mananatili siya sa kulungan
hanggang sa susunod na linggo.

865
00:54:05,680 --> 00:54:07,800
Kinonsulta ang Crown Prosecution Service

866
00:54:07,880 --> 00:54:12,680
sa lahat ng ebidensiya
tungkol sa mga sulat at panayam,

867
00:54:12,760 --> 00:54:15,120
at napagdesisyunan
na may sapat na ebidensiya

868
00:54:15,200 --> 00:54:17,320
para kasuhan siya sa pagpatay.

869
00:54:19,560 --> 00:54:22,080
Ngayong nahuli na si Colin Stagg,

870
00:54:22,160 --> 00:54:25,360
para sa akin, tapos na ang lahat ng ito.

871
00:54:26,680 --> 00:54:30,720
Kaya naisip kong magandang panahon ito
para sa ibang bagay.

872
00:54:31,240 --> 00:54:33,520
Kaya iniwan ko na ang imbestigasyon.

873
00:54:35,600 --> 00:54:38,680
Ngayong nasa kustodiya na si Colin Stagg,

874
00:54:38,760 --> 00:54:41,000
nagbigay ito ng ginhawa.

875
00:54:41,080 --> 00:54:42,960
Pero natutunan na namin nang maaga,

876
00:54:43,040 --> 00:54:48,640
na kapag dumaan ka na
sa sitwasyong tulad sa amin,

877
00:54:49,400 --> 00:54:55,400
lagi ka nang nag-iingat, at may mentalidad
na maghintay muna kung ano'ng mangyayari.

878
00:55:04,960 --> 00:55:08,600
MAKALIPAS ANG TATLONG BUWAN

879
00:55:11,920 --> 00:55:15,800
Ayon sa South London police na naghahanap
sa pumatay ng 4-anyos at kanyang ina,

880
00:55:15,880 --> 00:55:19,520
isa ito sa mga pinakanakakagulat na kaso
na hinawakan nila.

881
00:55:19,600 --> 00:55:21,040
Ako si Mama.

882
00:55:22,000 --> 00:55:24,120
Ang mga kaibigan ni Samantha
at Jazmine Bisset,

883
00:55:24,200 --> 00:55:26,120
hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

884
00:55:27,720 --> 00:55:30,720
Ikinagulat ng pulisya
ang lupit ng mga pagpatay.

885
00:55:30,800 --> 00:55:34,360
Sabi ng senior officer
na malagim ang sinapit ni Sam Bisset.

886
00:55:35,160 --> 00:55:37,960
Masasabi kong matibay ang sikmura ko,

887
00:55:38,480 --> 00:55:40,360
at di ako madaling maapektuhan,

888
00:55:40,440 --> 00:55:44,160
pero hanggang ngayon, naiisip ko pa rin,

889
00:55:44,240 --> 00:55:48,920
"Grabe, ano'ng nangyari doon?"
Nakakakilabot talaga, alam mo 'yon?

890
00:55:49,920 --> 00:55:52,080
Si Micky Banks
ang detective superintendent ko.

891
00:55:52,160 --> 00:55:55,560
Siya ang senior investigating officer,
at sinabi niyang…

892
00:55:55,640 --> 00:55:57,320
Naalala kong inakbayan niya ako

893
00:55:57,400 --> 00:56:00,880
at sinabing, "Rog, basta humanda ka."

894
00:56:00,960 --> 00:56:04,160
"Ito na ang pinakamasamang nakita ko."
Naaalala ko pa rin ngayon.

895
00:56:06,800 --> 00:56:09,840
At sabay kaming pumasok
kasama ang forensic team

896
00:56:09,920 --> 00:56:11,120
at naghalughog.

897
00:56:12,360 --> 00:56:14,560
Maliit na apartment, isa ang kuwarto,

898
00:56:14,640 --> 00:56:17,720
at nakita namin
na nakatira si Samantha Bisset doon

899
00:56:17,800 --> 00:56:20,840
kasama ang 4-anyos na anak niya
at magkakuwarto sila.

900
00:56:21,880 --> 00:56:25,120
Single mom siya,
malamang walang gaanong pera.

901
00:56:26,160 --> 00:56:31,000
Maraming laruan sa kuwarto,
maraming painting ni Jazmine sa pader.

902
00:56:32,480 --> 00:56:35,000
Mukhang malapit sila sa isa't isa.

903
00:56:36,440 --> 00:56:37,720
At pagpasok namin,

904
00:56:37,800 --> 00:56:42,880
makikita na posibleng sinaksak si Samantha
hanggang mamatay sa may pasilyo,

905
00:56:44,560 --> 00:56:46,320
kinaladkad sa sala,

906
00:56:46,400 --> 00:56:50,000
inilagay sa malaking unan
at nakapormang parang star.

907
00:56:50,880 --> 00:56:53,200
Pinagtataga siya.

908
00:56:53,800 --> 00:56:56,600
Sinubukan pang putulin ang mga binti niya,

909
00:56:56,680 --> 00:56:59,120
at winakwak 'yong katawan.

910
00:57:01,760 --> 00:57:04,200
Noong naglakad kami pabalik sa pasilyo,

911
00:57:04,280 --> 00:57:07,280
nasa kanang bahagi 'yong kuwarto
malapit sa pinto.

912
00:57:07,360 --> 00:57:09,280
At pumasok kami sa kuwarto,

913
00:57:09,360 --> 00:57:14,440
at may ulo ng batang babae
na nakasilip mula sa ilalim ng kumot.

914
00:57:15,920 --> 00:57:18,440
Makikita mo lang 'yong gusot na buhok,

915
00:57:18,520 --> 00:57:21,160
at nalaman na sinakal pala siya

916
00:57:21,240 --> 00:57:22,640
at ginahasa.

917
00:57:23,160 --> 00:57:25,600
Patay na siya, pero mukhang tulog siya.

918
00:57:28,600 --> 00:57:31,080
Unang naisip ko,
"Dapat mahuli ang gumawa nito,

919
00:57:31,160 --> 00:57:33,000
dahil isang baliw ito."

920
00:57:35,160 --> 00:57:39,320
Gustong mahuli ng lahat ang gagong ito
na gumawa ng krimeng ito.

921
00:57:39,400 --> 00:57:42,440
Nagkakasundo lahat sa bagay na 'yan,

922
00:57:42,520 --> 00:57:44,720
kasi kung di siya mahuli, mauulit ito.

923
00:57:44,800 --> 00:57:46,640
Dahil kapag sinimulan nila ito,

924
00:57:46,720 --> 00:57:50,640
halata namang magiging serial killer sila.

925
00:57:53,960 --> 00:57:56,160
May daan-daang fingerprint sa apartment,

926
00:57:56,240 --> 00:57:59,960
at siyempre, kailangang dumaan ito
sa fingerprint department,

927
00:58:00,040 --> 00:58:02,000
para matingnan isa-isa.

928
00:58:05,720 --> 00:58:08,560
Titingnan ng mga fingerprint officer
sa magnifying glass

929
00:58:08,640 --> 00:58:12,280
ang fingerprint para matukoy ito
base sa mga swirl at marka,

930
00:58:12,360 --> 00:58:14,000
na isang sining talaga.

931
00:58:15,040 --> 00:58:21,440
Pero sa loob ng dalawang buwan,
na-eliminate din namin lahat ng marka,

932
00:58:22,600 --> 00:58:24,960
na talagang kakaiba

933
00:58:25,040 --> 00:58:29,200
dahil karaniwang may isa o dalawang marka
na hindi pa nakikilala,

934
00:58:29,280 --> 00:58:31,640
at madalas sa suspek 'yon.

935
00:58:31,720 --> 00:58:35,000
Walang DNA. Walang mga palatandaan.

936
00:58:35,080 --> 00:58:38,600
Wala talagang kahit ano
na makakatulong sa imbestigasyon.

937
00:58:38,680 --> 00:58:41,920
Wala kaming nakita, na talagang kakaiba.

938
00:58:42,000 --> 00:58:44,400
Walang senyales ng panloloob sa apartment,

939
00:58:44,480 --> 00:58:47,360
at inamin ng mga detective
na walang ebidensiya sa kasong ito.

940
00:58:47,440 --> 00:58:50,840
Tungkol naman sa motibo
sa pagpatay sa mag-ina,

941
00:58:50,920 --> 00:58:53,280
ang killer lang ang nakakaalam niyan.

942
00:58:54,040 --> 00:58:57,880
Nilapitan ako
ng detective chief superintendent ko no'n

943
00:58:57,960 --> 00:59:00,760
at sinabing ipasok ko daw si Paul Britton

944
00:59:02,480 --> 00:59:03,800
dahil eksperto siya.

945
00:59:03,880 --> 00:59:07,000
Marami siyang ginawa
sa imbestigasyong Rachel Nickell.

946
00:59:10,560 --> 00:59:15,040
At dinala nga ako
sa pinangyarihan ng mga pagpatay.

947
00:59:15,120 --> 00:59:20,160
Ang apartment na tinirhan
nina Samantha at Jazmine Bisset,

948
00:59:20,240 --> 00:59:22,840
talagang mahalaga ang lokasyon nito.

949
00:59:22,920 --> 00:59:25,520
Sa likod mismo ng apartment,

950
00:59:25,600 --> 00:59:28,000
may garden doon.

951
00:59:31,920 --> 00:59:33,160
At sa di kalayuan,

952
00:59:34,000 --> 00:59:35,880
may lugar na maraming puno,

953
00:59:35,960 --> 00:59:39,600
kung saan siya nakaupo, nanonood,
tinutupad ang mga pantasya niya.

954
00:59:40,320 --> 00:59:41,880
May mga naiisip siya.

955
00:59:41,960 --> 00:59:43,840
"Hindi mo ako aasarin."

956
00:59:43,920 --> 00:59:46,320
"Hindi mo ako pagtatawanan."

957
00:59:46,400 --> 00:59:48,880
"Tingnan natin ang mangyayari
pagkatapos ko sa 'yo."

958
00:59:49,640 --> 00:59:52,640
Paul Britton, gaano mo siya kakilala?

959
00:59:52,720 --> 00:59:55,640
Alam na natin
kung ano'ng tumatakbo sa isip niya

960
00:59:55,720 --> 00:59:57,360
sa oras ng pagkakasala,

961
00:59:57,440 --> 01:00:01,720
pero gusto kong sabihin niya sa akin
kung paano siya nagsimula sa landas

962
01:00:01,800 --> 01:00:05,160
na humantong sa pagpatay niya,
para saktan si Samantha.

963
01:00:05,240 --> 01:00:06,680
Sabihin niya sa 'yo?

964
01:00:06,760 --> 01:00:09,000
Malabong tumawag siya at sabihing,

965
01:00:09,080 --> 01:00:12,120
"Pakausap kay Paul Britton?"
at ito ang mga sagot niya.

966
01:00:12,200 --> 01:00:15,720
Tingin ko may posibilidad
na baka gusto niyang gawin iyon.

967
01:00:17,400 --> 01:00:21,480
Bihira lang umatake
ang mga estranghero sa publiko.

968
01:00:23,320 --> 01:00:26,160
Mas bihira pa kapag may bata.

969
01:00:27,960 --> 01:00:31,120
Baka nagawa na niya ang ganito dati.

970
01:00:31,200 --> 01:00:35,640
Di siya basta lumabas at ginawa ito.
May pinagsimulan ang ganyang karahasan.

971
01:00:37,560 --> 01:00:40,760
At hindi namin maisip kung paano,

972
01:00:40,840 --> 01:00:44,880
sa loob ng 16 na buwan

973
01:00:44,960 --> 01:00:50,120
sa pagitan ng Wimbledon Common murder
at Plumstead murder,

974
01:00:50,640 --> 01:00:57,560
paano magagawa ng dalawang magkaibang tao
ang ganoon kalupit at katinding krimen.

975
01:00:57,640 --> 01:01:01,360
Kaya posible bang iisang tao
ang gumawa sa dalawang krimen?

976
01:01:03,280 --> 01:01:08,040
Halos pareho ang mga biktima
sa edad at hitsura.

977
01:01:08,720 --> 01:01:12,280
Parehong nandoon 'yong anak nila
noong inatake sila.

978
01:01:12,960 --> 01:01:17,040
At 'yong bilang ng mga saksak
kay Rachel Nickell at Samantha Bisset,

979
01:01:17,120 --> 01:01:18,640
malapit-lapit sa 50.

980
01:01:21,160 --> 01:01:22,880
Kaya sa aming kahilingan,

981
01:01:22,960 --> 01:01:27,480
pumunta sa incident room namin
'yong mga senior detective kay Nickell

982
01:01:28,720 --> 01:01:32,320
para pag-usapan ang pagkakatulad
ng dalawang pangyayari.

983
01:01:33,720 --> 01:01:37,800
At di nila sineryoso 'yong mungkahi namin

984
01:01:37,880 --> 01:01:41,160
na pwedeng iisang tao
ang gumawa sa dalawang krimen.

985
01:01:41,240 --> 01:01:42,520
Kasi siyempre,

986
01:01:42,600 --> 01:01:45,800
nakakulong si Colin Stagg
noong pinatay ang mga Bisset.

987
01:01:48,480 --> 01:01:53,520
Sinubukan naming ipaintindi sa kanila
na baka maling tao ang dinampot nila.

988
01:01:55,640 --> 01:01:57,000
Ano'ng reaksiyon nila?

989
01:01:57,520 --> 01:02:01,960
May pagkaagresibo at talagang…

990
01:02:03,200 --> 01:02:05,440
"Imposibleng hindi siya 'yon."

991
01:02:07,520 --> 01:02:08,920
May suspek na sila,

992
01:02:09,000 --> 01:02:12,720
kaya di na sila interesadong makipag-usap.

993
01:02:13,800 --> 01:02:16,200
Kumbinsido sila na tama ang hinuli nila.

994
01:02:30,000 --> 01:02:32,400
Bubuksan ko na ang mga regalo!

995
01:02:34,040 --> 01:02:38,160
Isa't kalahating taon na,
at nasa mabuting kalagayan na si Alex.

996
01:02:38,240 --> 01:02:42,520
Kakaunti na lang ang regalo
sa ilalim ng puno.

997
01:02:42,600 --> 01:02:44,480
Marami pang regalo sa ilalim ng puno.

998
01:02:44,560 --> 01:02:47,120
Ayos na siya sa school,
masaya sa mga kaibigan niya.

999
01:02:47,200 --> 01:02:49,280
At talagang nakaka-adjust na siya.

1000
01:02:49,360 --> 01:02:51,240
Ang laking crane.

1001
01:02:55,360 --> 01:02:56,880
Noong mga panahong iyon,

1002
01:02:57,440 --> 01:02:59,480
nabalitaan ko na…

1003
01:03:00,480 --> 01:03:05,800
gusto ng pulis na tumestigo si Alex
para sa paglilitis ni Colin Stagg.

1004
01:03:08,240 --> 01:03:11,480
Umaasa silang mailalarawan niya
ang itsura ng salarin

1005
01:03:11,560 --> 01:03:14,600
pati 'yong mga galaw niya
bago at pagkatapos ng pag-atake.

1006
01:03:16,920 --> 01:03:19,880
Kaya naipit na naman kami sa sitwasyon.

1007
01:03:20,760 --> 01:03:21,760
Ano'ng gagawin natin?

1008
01:03:21,840 --> 01:03:26,040
Kung ito 'yong tao at hindi tayo sumipot,

1009
01:03:26,120 --> 01:03:27,400
makakalaya siya.

1010
01:03:27,480 --> 01:03:29,600
Pero ano ang epekto nito kay Alex

1011
01:03:29,680 --> 01:03:32,960
sa harap-harapang pagkikita
sa taong gumawa nito?

1012
01:03:47,680 --> 01:03:50,320
Pakiramdam ko lang naman 'yon.

1013
01:03:50,840 --> 01:03:53,760
Pakiramdam ko lang na may mali dito.

1014
01:03:59,560 --> 01:04:02,600
Dahil isa ito sa mga unang krimen
na napuntahan ko

1015
01:04:02,680 --> 01:04:06,200
kung saan na-eliminate
ang bawat print na nandoon.

1016
01:04:12,960 --> 01:04:16,400
Kinausap ako ni Micky Banks,

1017
01:04:16,920 --> 01:04:21,640
at gusto niyang tingnan ulit
'yong mga finger mark,

1018
01:04:22,240 --> 01:04:24,360
lalo na 'yong kay Samantha Bisset.

1019
01:04:25,520 --> 01:04:28,520
Nagpumilit talaga si Micky
para magawa iyon,

1020
01:04:29,120 --> 01:04:32,320
at pumayag din sa wakas
'yong fingerprint branch

1021
01:04:32,400 --> 01:04:37,640
at pumayag na suriin ulit
'yong ilan sa mga kahina-hinalang marka

1022
01:04:37,720 --> 01:04:39,840
na natagpuan sa Bisset apartment.

1023
01:04:46,040 --> 01:04:51,560
Di nagtagal, tinawagan niya ako
at sinabing, "May resulta na kami."

1024
01:04:53,040 --> 01:04:54,160
Ilan sa mga fingerprint

1025
01:04:54,240 --> 01:04:57,960
na unang nakilala bilang print
ni Samantha Bisset…

1026
01:05:00,840 --> 01:05:02,000
ang totoo,

1027
01:05:02,720 --> 01:05:04,400
print ng taong nagngangalang

1028
01:05:05,200 --> 01:05:06,240
Robert Napper.

1029
01:05:07,680 --> 01:05:10,480
Para talaga akong nabunutan ng tinik.

1030
01:05:11,600 --> 01:05:15,520
Hindi ko makakalimutan 'yon.
Aba, tuwang-tuwa talaga ako.

1031
01:05:16,120 --> 01:05:20,800
May nakita silang tatlo o apat na bakas
ni Napper sa apartment.

1032
01:05:20,880 --> 01:05:24,120
Ang isa ay nasa pasimano
sa labas ng pinto ng patio,

1033
01:05:24,200 --> 01:05:25,640
at may ilan sa loob,

1034
01:05:25,720 --> 01:05:29,680
sa dinaanan niyang mga French window.

1035
01:05:31,200 --> 01:05:34,440
Tagaroon siya.
Maikli lang ang criminal history niya.

1036
01:05:34,520 --> 01:05:38,160
At sa katunayan,
dalawang buwan siya sa kustodiya.

1037
01:05:38,240 --> 01:05:40,920
Inaresto si Napper
sa bahay niya noong Biyernes.

1038
01:05:41,000 --> 01:05:42,800
Nakatira siya sa Plumstead High Street,

1039
01:05:42,880 --> 01:05:45,120
kalahating milya mula sa pinagpatayan.

1040
01:05:46,200 --> 01:05:51,040
Matapos siyang arestuhin at suriin,
lumabas na may sakit siya sa pag-iisip.

1041
01:05:51,120 --> 01:05:52,880
At noong na-interview siya,

1042
01:05:53,720 --> 01:05:56,840
kakaiba 'yong mga sagot niya
na parang third person,

1043
01:05:56,920 --> 01:05:58,800
parang ibang tao ang tinutukoy niya.

1044
01:06:00,040 --> 01:06:03,720
Siya 'yong tao na akala niya,
iba siya sa ating lahat.

1045
01:06:03,800 --> 01:06:06,440
Di siya palakibo. Weirdo na tao.

1046
01:06:06,520 --> 01:06:10,360
Ganoon din ang sinabi
ng mga nakasalamuha niya. Weirdo daw siya.

1047
01:06:11,760 --> 01:06:15,200
Pumunta kami sa apartment niya
sa Plumstead High Street,

1048
01:06:15,280 --> 01:06:17,160
maliit na studio apartment.

1049
01:06:19,800 --> 01:06:22,840
Wala siyang kama o kutson,
na talagang kakaiba.

1050
01:06:22,920 --> 01:06:25,040
Bale sa sahig siya natutulog.

1051
01:06:26,560 --> 01:06:29,880
At ayun, hinalughog namin 'yong lugar.

1052
01:06:31,400 --> 01:06:35,760
Tapos nakita namin agad
'yong pulang toolbox,

1053
01:06:35,840 --> 01:06:37,760
na nasa sahig.

1054
01:06:39,680 --> 01:06:41,000
Nakakandado ito,

1055
01:06:41,080 --> 01:06:44,360
at talagang desperado kami
na malaman ang nasa loob.

1056
01:06:44,440 --> 01:06:45,680
Pagbukas namin,

1057
01:06:45,760 --> 01:06:48,360
may mga kutsilyo.

1058
01:06:50,040 --> 01:06:51,040
May libro doon.

1059
01:06:51,120 --> 01:06:54,840
At sa libro, may mga pamamaraan
ng pagsakal yata 'yon

1060
01:06:54,920 --> 01:06:57,760
at mga delikadong bahagi ng katawan,

1061
01:06:57,840 --> 01:07:03,120
na pinupuntirya sa pag-atake ng mga tao
para paralisahin sila o patayin.

1062
01:07:04,080 --> 01:07:05,720
May A to Z map doon.

1063
01:07:08,720 --> 01:07:12,280
At sa A to Z niya,
may kung ano-anong marka at doodle.

1064
01:07:13,160 --> 01:07:15,640
Noong oras na 'yon,
di namin alam kung ano sila.

1065
01:07:18,520 --> 01:07:21,360
At naisip namin
na magiging importante sila

1066
01:07:21,440 --> 01:07:26,160
sa posibleng pagkakakilanlan
ng mga pinangyarihan ng krimen niya.

1067
01:07:26,240 --> 01:07:28,840
At sa isa sa mga doodle,

1068
01:07:30,200 --> 01:07:32,400
may mga hagdanan

1069
01:07:33,960 --> 01:07:37,760
na posibleng 'yon ang Heathfield Terrace.

1070
01:07:40,280 --> 01:07:44,360
At sa doodle na 'yon,
sinulat niya ang "potential area."

1071
01:07:45,800 --> 01:07:48,920
Tinukoy niya ito
bilang posibleng target niya.

1072
01:07:49,720 --> 01:07:52,040
Isang 28-anyos na lalaki
ang kinasuhan sa pagpatay

1073
01:07:52,120 --> 01:07:53,840
sa single mother, Samantha Bisset,

1074
01:07:53,920 --> 01:07:56,200
at ang kanyang 4-anyos na anak
noong Nobyembre.

1075
01:07:56,280 --> 01:08:00,280
Itinanggi ni Robert Napper ang murder
pero inamin ang manslaughter.

1076
01:08:00,800 --> 01:08:04,360
Ang pumatay kay Samantha,
inaasahang sesentensiyahan mamaya.

1077
01:08:05,600 --> 01:08:09,640
Ang nakakalungkot sa kasong ito,
nag-iisang anak si Samantha,

1078
01:08:09,720 --> 01:08:12,120
at ang kanyang ina na si Margaret,

1079
01:08:12,640 --> 01:08:16,720
hindi na niya kinaya ang pagkawala
ng nag-iisang apo at anak.

1080
01:08:18,320 --> 01:08:20,880
Masama na 'yong mawalan ka ng anak,

1081
01:08:20,960 --> 01:08:22,800
pero pati ba naman apo mo?

1082
01:08:24,080 --> 01:08:25,840
Walang natira sa pamilya.

1083
01:08:27,800 --> 01:08:30,120
Trahedya talaga ito. Grabe.

1084
01:08:30,200 --> 01:08:34,600
At bilang dagdag pa
sa bigat ng kasong ito,

1085
01:08:35,120 --> 01:08:36,200
namatay ang ina niya

1086
01:08:36,280 --> 01:08:39,760
isang araw bago litisin si Napper
sa Old Bailey.

1087
01:08:42,520 --> 01:08:45,480
Kaya napakalungkot na kaso ito.

1088
01:08:55,600 --> 01:08:57,040
Di nagtagal,

1089
01:08:58,480 --> 01:09:00,240
tumingin ulit ako sa mapa niya,

1090
01:09:01,880 --> 01:09:05,560
kahit karamihan sa mga marka
ay nasa Southeast London…

1091
01:09:09,080 --> 01:09:14,680
may partikular na marka
na malayo sa Plumstead

1092
01:09:14,760 --> 01:09:17,160
sa Richmond Park, Southwest London.

1093
01:09:18,120 --> 01:09:20,040
Ito ang Isabella Plantation,

1094
01:09:21,800 --> 01:09:26,280
isang bakanteng lote
malapit sa Wimbledon Common,

1095
01:09:26,360 --> 01:09:28,600
ang pinangyarihan ng pagpatay
kay Rachel Nickell.

1096
01:09:32,840 --> 01:09:35,960
Unang tinanong si Mr. Stagg
ng mga detective noong Setyembre.

1097
01:09:36,680 --> 01:09:38,160
Haharap siya sa korte

1098
01:09:38,240 --> 01:09:40,960
sa kasong pagpatay kay Rachel Nickell
ngayong umaga.

1099
01:09:46,680 --> 01:09:51,120
Sinabihan ako bago ang paglilitis
na hindi na kailangan si Alex,

1100
01:09:51,200 --> 01:09:53,160
hindi na kailangan ang testimonya niya.

1101
01:09:53,240 --> 01:09:56,640
Gumaan ang loob ko
kasi di na niya kailangang pagdaanan 'yon.

1102
01:09:56,720 --> 01:09:58,200
Pero nag-aalala din ako

1103
01:09:58,280 --> 01:10:01,160
na hindi namin binibigay
ang makakaya namin.

1104
01:10:04,720 --> 01:10:07,840
Ilang araw lang,
dumating ang nakakagulat na balita.

1105
01:10:08,360 --> 01:10:12,160
Tumawag ang kaibigan ko para mangumusta,
kung kinakaya ko daw ang balita.

1106
01:10:12,240 --> 01:10:13,680
Sabi ko, "Anong balita?"

1107
01:10:13,760 --> 01:10:16,040
At sabi niya, "Hindi mo alam?"

1108
01:10:16,120 --> 01:10:18,560
Sabi niya, "Binasura na."

1109
01:10:20,000 --> 01:10:22,920
Ang lalaking akusado
sa brutal na pagpatay kay Rachel Nickell

1110
01:10:23,000 --> 01:10:24,720
sa Wimbledon Common dalawang taon na,

1111
01:10:24,800 --> 01:10:28,560
nakalaya ngayon sa korte
bago pa man magsimula ang paglilitis.

1112
01:10:28,640 --> 01:10:30,240
Nakakagulat talaga.

1113
01:10:30,320 --> 01:10:32,760
Isang Old Bailey judge ang bumatikos

1114
01:10:32,840 --> 01:10:35,360
sa pamamaraan ng pulisya ngayon
matapos ibasura ang kaso

1115
01:10:35,440 --> 01:10:38,400
laban sa lalaking akusado
sa pagpatay kay Rachel Nickell.

1116
01:10:38,480 --> 01:10:41,920
Nakalaya si Colin Stagg,
na nakulong ng higit isang taon

1117
01:10:42,000 --> 01:10:45,240
matapos siyang mabitag
sa undercover police operation

1118
01:10:45,320 --> 01:10:50,000
na mahigpit na binatikos ng hukom
at hindi tinanggap na ebidensiya.

1119
01:10:50,080 --> 01:10:55,840
Nagalit ako dahil kung sino man
ang nagdesisyong okay ang ebidensiyang ito

1120
01:10:55,920 --> 01:11:00,200
at hindi mapapabulaanan,
kitang-kitang nagkamali siya.

1121
01:11:00,280 --> 01:11:03,600
At nagalit ako kasi
'yong taong nagpasyang ibasura 'yon,

1122
01:11:03,680 --> 01:11:07,560
sumobra na siya dahil may matibay
na circumstantial evidence.

1123
01:11:07,640 --> 01:11:11,960
Baka may pakiramdam
na kung may gagawing desisyon

1124
01:11:12,040 --> 01:11:16,000
kung pumatay nga ba si Colin Stagg,

1125
01:11:16,080 --> 01:11:18,400
dapat jury na ang magdedesisyon no'n.

1126
01:11:19,000 --> 01:11:20,800
Pero hindi kami umabot doon.

1127
01:11:20,880 --> 01:11:25,600
Si William Clegg QC, dumepensa,
sinabing nagsinungaling si WPC James,

1128
01:11:25,680 --> 01:11:28,160
pinang-akit ang sex at relasyon.

1129
01:11:28,240 --> 01:11:29,760
Sabi ni Mr. Justice Ognall,

1130
01:11:29,840 --> 01:11:33,920
ang ginawa ng mga pulis,
hindi lamang pagiging sobrang masigasig

1131
01:11:34,000 --> 01:11:36,560
kundi lantarang pagdidiin sa suspek

1132
01:11:36,640 --> 01:11:40,080
gamit ang mapanlinlang na diskarte
at panloloko.

1133
01:11:40,160 --> 01:11:41,200
Pumalpak kami.

1134
01:11:41,720 --> 01:11:44,560
At hindi maganda sa pakiramdam 'yon.

1135
01:11:45,480 --> 01:11:49,200
"Nasira ang buhay ko sa pinaghalong
kalokohang psychological theories

1136
01:11:49,280 --> 01:11:52,160
at ilang kuwentong isinulat
para sa seksuwal na kahilingan

1137
01:11:52,240 --> 01:11:54,200
ng isang undercover na pulis.

1138
01:11:54,280 --> 01:11:57,160
Kinilala ng hukom
na walang ebidensiya laban sa akin,

1139
01:11:57,240 --> 01:11:59,920
walang ebidensiyang forensic,
walang pag-amin, wala."

1140
01:12:00,000 --> 01:12:03,880
Tinanong kung dapat humingi ng tawad
ang pulisya kay Colin Stagg.

1141
01:12:03,960 --> 01:12:06,760
Sabi ni Sir Paul Condon
na humingi na sila ng tawad

1142
01:12:06,840 --> 01:12:08,640
sa mga tingin nilang mahalaga.

1143
01:12:09,680 --> 01:12:12,960
Hindi ako humihingi ng anumang paumanhin

1144
01:12:13,040 --> 01:12:16,600
sa imbestigasyon ng Metropolitan Police
sa kasong ito.

1145
01:12:16,680 --> 01:12:19,520
Suportado ko ang kilos
ng aking mga opisyal,

1146
01:12:19,600 --> 01:12:23,320
at inaako ko ang responsibilidad
para sa aksiyon ng pulisya sa kasong ito.

1147
01:12:28,600 --> 01:12:31,400
Parang bumalik ulit kami sa unang araw,

1148
01:12:32,120 --> 01:12:35,920
na pagala-gala ang killer
at wala kaming proteksiyon.

1149
01:12:38,320 --> 01:12:40,120
At lalo pang nagpatunay niyan,

1150
01:12:40,200 --> 01:12:42,880
sabi ni Paul Condon, ang pinuno ng Met,

1151
01:12:42,960 --> 01:12:45,320
na wala na silang hinahanap na iba.

1152
01:12:45,400 --> 01:12:48,240
Sa ngayon, walang bagong impormasyon,

1153
01:12:48,320 --> 01:12:50,880
walang bagong lead na puwedeng sundan.

1154
01:12:53,040 --> 01:12:56,320
Nilinaw nila na nakalusot
si Colin Stagg sa pagpatay

1155
01:12:56,400 --> 01:12:57,800
at malaya na ngayon.

1156
01:12:58,840 --> 01:13:02,000
Pakiramdam ko,
wala na akong mapagkakatiwalaan.

1157
01:13:02,080 --> 01:13:06,600
Tapos napapaisip nga ako
kung iba ang trato nila sa amin

1158
01:13:06,680 --> 01:13:09,840
dahil isa akong lalaking may kulay.

1159
01:13:11,320 --> 01:13:13,880
Mawawalan ka ng tiwala sa sistema.

1160
01:13:14,480 --> 01:13:16,680
Ngayon, anuman 'yong closure na…

1161
01:13:17,200 --> 01:13:21,080
na talagang makabuluhan sa amin,
kami na mismo ang hahanap,

1162
01:13:21,160 --> 01:13:25,120
at hindi na pwedeng umasa sa labas
para ibigay sa amin iyon.

1163
01:13:37,480 --> 01:13:41,000
Sa loob ng maraming taon,
wala talagang pag-usad.

1164
01:13:43,000 --> 01:13:47,360
Wala talagang nagbago
pagdating sa kung ano'ng alam namin.

1165
01:13:52,080 --> 01:13:54,440
Mula sa unang araw, kaming tatlo lang.

1166
01:13:55,200 --> 01:13:58,960
Kami lang ng tatay ko
at 'yong aso namin na si Molly.

1167
01:13:59,040 --> 01:14:01,280
Iyon na kami bilang pamilya.

1168
01:14:02,080 --> 01:14:05,400
Alam ng tatay ko
na naintindihan ko ang nangyari.

1169
01:14:06,360 --> 01:14:08,000
Na mahal ako ng nanay ko,

1170
01:14:08,600 --> 01:14:12,400
at hindi niya ginustong iwan ako.

1171
01:14:13,760 --> 01:14:15,520
Kaya kami ng tatay ko,

1172
01:14:15,600 --> 01:14:18,080
hindi namin pinag-usapan ang nanay ko.

1173
01:14:18,160 --> 01:14:20,400
Hindi namin pinag-usapan ang nakaraan.

1174
01:14:22,720 --> 01:14:26,800
Pero nakakaramdam pa rin ako ng galit
na nangyari 'yon,

1175
01:14:26,880 --> 01:14:32,160
at kahit ano pa'ng gawin ko no'n,
hindi ko mapipigilan na mangyari 'yon.

1176
01:14:35,840 --> 01:14:40,240
Sa tingin ko kung nasaksihan mo
ang ganoong klaseng kasamaan,

1177
01:14:40,320 --> 01:14:42,880
bilang isang maliit na bata,

1178
01:14:44,440 --> 01:14:47,440
'yong ilusyon mo na ang mga magulang mo,

1179
01:14:47,520 --> 01:14:50,120
kahit gaano pa sila kagaling

1180
01:14:50,200 --> 01:14:52,640
sa pagprotekta sa 'yo sa kapahamakan,

1181
01:14:52,720 --> 01:14:55,600
guguho talaga 'yon.

1182
01:14:56,880 --> 01:15:00,000
Si Alex ay talagang mabait na bata.

1183
01:15:00,520 --> 01:15:03,120
Makikitaan mo siya ng saya.

1184
01:15:04,520 --> 01:15:08,240
Pero sa pagbibinata niya, may galit na.

1185
01:15:08,320 --> 01:15:12,040
Tapos ang galit niyang 'yon,
nakadirekta sa akin.

1186
01:15:13,520 --> 01:15:17,000
Galit na galit ako sa maraming bagay
na pinagdaanan namin.

1187
01:15:18,120 --> 01:15:21,840
'Yong mga sesyon na nangyari
ng ilang linggo at buwan.

1188
01:15:21,920 --> 01:15:26,920
Ang pinakamahirap sa akin, ibinabalik ako
sa araw na iyon nang paulit-ulit

1189
01:15:27,000 --> 01:15:30,920
at didiktahan pa ako
kung ano'ng dapat kong maramdaman.

1190
01:15:31,000 --> 01:15:34,600
At alam mo na, nadala ko 'yon.

1191
01:15:37,160 --> 01:15:39,400
Nasangkot nga siya sa gulo
sa mga awtoridad.

1192
01:15:39,960 --> 01:15:44,040
Maliliit na mga bagay lang,
pero kinakatok kami ng pulis minsan.

1193
01:15:47,000 --> 01:15:50,240
Nawala 'yong parehong respeto ko,

1194
01:15:50,320 --> 01:15:53,520
parehong tiwala ko sa tatay ko
kumpara no'ng dati.

1195
01:15:55,360 --> 01:16:00,120
Ang pangunahing punto dito,
tagaprotekta siya ng pamilya bilang ama

1196
01:16:02,080 --> 01:16:06,680
at sa kasamaang palad,
hinayaan niyang mangyari ito sa amin.

1197
01:16:07,520 --> 01:16:11,920
Kaya noong kabataan ko,
alam mo na, madalas kaming mag-away.

1198
01:16:14,680 --> 01:16:19,440
Sinisisi ko ang sarili ko
na hindi ko naprotektahan ang pamilya ko.

1199
01:16:21,520 --> 01:16:23,120
Pakiramdam ko ang tanga ko.

1200
01:16:23,200 --> 01:16:24,520
Parang tanga talaga,

1201
01:16:24,600 --> 01:16:30,240
dahil sinabihan kaming ipagkatiwala
ang seguridad sa kamay ng ibang ahensiya.

1202
01:16:30,320 --> 01:16:34,400
Noong unang panahon, parang Wild West,
ikaw na ang magpataw ng hustisya,

1203
01:16:34,480 --> 01:16:38,720
at poprotektahan mo ang mga mahal mo
sa buhay kahit anong paraan pa 'yan.

1204
01:16:39,960 --> 01:16:42,040
'Yon ang naisip ko noon.

1205
01:16:43,000 --> 01:16:44,320
Di ko 'yon ginawa.

1206
01:16:44,920 --> 01:16:46,280
At sana pala ginawa ko.

1207
01:16:54,720 --> 01:16:58,320
Sa bawat linggong lumilipas,
sa bawat buwan na lumilipas,

1208
01:16:58,400 --> 01:17:00,400
sa bawat taon na lumilipas,

1209
01:17:00,480 --> 01:17:03,560
medyo natatanggap ko na rin, kahit paano,

1210
01:17:03,640 --> 01:17:05,560
na hindi na ito malulutas.

1211
01:17:11,120 --> 01:17:17,320
MAKALIPAS ANG SAMPUNG TAON

1212
01:17:18,760 --> 01:17:21,320
BEAUTY PINASLANG NG BEAST
"PAKIHULI SIYA"

1213
01:17:23,480 --> 01:17:29,280
Noong 2002, ang Rachel Nickell case
ay hindi na umusad.

1214
01:17:33,360 --> 01:17:37,800
Nagtanong 'yong mga pulis
kung pwede naming tingnan ito ng team ko.

1215
01:17:42,080 --> 01:17:46,640
Nabasa ko na dati sa diyaryo
na isa itong napakarahas na pag-atake.

1216
01:17:47,280 --> 01:17:51,840
Pero alam kong inakusahan si Colin Stagg

1217
01:17:51,920 --> 01:17:53,160
at napawalang-sala.

1218
01:17:53,240 --> 01:17:56,840
Pero sa tingin ko,
suspek pa rin siya ng mga pulis.

1219
01:17:57,880 --> 01:18:01,920
Kaya naman gusto nilang matingnan ulit ito
ng ibang team

1220
01:18:02,000 --> 01:18:05,760
para makita kung 'yong mga bagay
na nakolekta nila noon,

1221
01:18:06,280 --> 01:18:08,080
kung may makukuha doon

1222
01:18:08,160 --> 01:18:14,400
na posibleng magamit
para matukoy ang umatake kay Rachel.

1223
01:18:17,520 --> 01:18:21,720
May mga taping,
o 'yong mga madikit na tape lift,

1224
01:18:22,520 --> 01:18:24,920
na ginawa sa katawan ni Rachel

1225
01:18:25,000 --> 01:18:27,960
lalo na sa maseselang bahagi
ng katawan niya.

1226
01:18:30,840 --> 01:18:31,800
Napansin namin

1227
01:18:31,880 --> 01:18:36,280
na 'yong original na scientist
walang nakuhang DNA sa mga taping na ito.

1228
01:18:36,360 --> 01:18:40,440
Kaya alam na namin agad na may mali,

1229
01:18:41,240 --> 01:18:44,520
dahil dapat may napakaraming DNA si Rachel

1230
01:18:44,600 --> 01:18:45,520
sa mga taping.

1231
01:18:46,440 --> 01:18:48,800
Baka ang nangyari,

1232
01:18:48,880 --> 01:18:51,680
kung masyadong marami ang DNA sa sample,

1233
01:18:51,760 --> 01:18:55,480
pwedeng ma-overload nito 'yong proseso
kaya wala kang makikita.

1234
01:18:55,560 --> 01:18:59,680
Kaya isa sa mga unang ginawa namin,
siyempre, ulitin ito.

1235
01:18:59,760 --> 01:19:02,280
Pero gagawin ito sa medyo ibang paraan.

1236
01:19:07,360 --> 01:19:10,560
Ayun na nga,
marami kaming nakuhang DNA ni Rachel.

1237
01:19:15,880 --> 01:19:19,080
Pero may kaunting bakas din
ng DNA ng lalaki.

1238
01:19:22,440 --> 01:19:28,720
No'ng may pahiwatig ng DNA ng lalaki,
di kami sigurado kung mabubuo namin ito,

1239
01:19:28,800 --> 01:19:31,360
kung may makukuhang impormasyon mula dito

1240
01:19:31,440 --> 01:19:35,600
para makilala ang isang tao.

1241
01:19:37,720 --> 01:19:41,040
Kaya gumawa kami ng bagong technique,

1242
01:19:41,120 --> 01:19:42,800
bagong sensitive technique.

1243
01:19:43,680 --> 01:19:48,680
Bale kukuha kami ng napakaliit na DNA
mula sa isang sample

1244
01:19:48,760 --> 01:19:52,840
at pararamihin namin 'yong DNA,

1245
01:19:52,920 --> 01:19:54,840
o tinatawag naming amplifying.

1246
01:19:54,920 --> 01:19:58,400
Kaya dumami na 'yong DNA mula sa orihinal,

1247
01:19:58,480 --> 01:20:00,680
kaya may sapat na para sa pagsusuri.

1248
01:20:01,880 --> 01:20:03,440
Inabot ng dalawang taon

1249
01:20:03,520 --> 01:20:08,160
para mapulido ang technique na ito
hanggang sa punto na magagamit na natin.

1250
01:20:11,000 --> 01:20:14,480
Bago namin ipatakbo
ang impormasyong mayroon kami,

1251
01:20:14,560 --> 01:20:17,160
itong DNA profile namin doon sa database,

1252
01:20:17,240 --> 01:20:19,360
sinuri muna namin kay Colin Stagg,

1253
01:20:20,000 --> 01:20:22,680
at hindi talaga 'yon tumugma sa kanya.

1254
01:20:24,880 --> 01:20:28,000
At pinasok namin ito
sa National DNA Database.

1255
01:20:28,520 --> 01:20:32,920
At noong ginawa namin 'yon,
doon na may tumugma.

1256
01:20:35,480 --> 01:20:37,000
Tumunog ang telepono isang araw.

1257
01:20:38,200 --> 01:20:41,360
Biglaan, at 'yong pulis pala.
May balita sila.

1258
01:20:41,880 --> 01:20:45,800
Tapos ang balita,
mayroon daw positibong pagkakakilanlan.

1259
01:20:45,880 --> 01:20:48,960
At sabi nila na 'yong taong nakilala,

1260
01:20:49,040 --> 01:20:50,600
bagong pangalan.

1261
01:20:52,200 --> 01:20:55,800
Sa DNA database, may tumugma

1262
01:20:56,920 --> 01:20:58,880
na isang Robert Napper.

1263
01:21:06,200 --> 01:21:10,600
At natuklasan namin na si Napper,
nasa Broadmoor pala

1264
01:21:10,680 --> 01:21:16,080
dahil pumatay din siya
ng isang ina at batang babaeng anak nito.

1265
01:21:20,680 --> 01:21:23,280
Ibang tao pala talaga ito.

1266
01:21:24,360 --> 01:21:25,600
Sa panahong iyon,

1267
01:21:25,680 --> 01:21:29,360
nangyari na pala
ang pinakamasamang pwedeng mangyari,

1268
01:21:29,440 --> 01:21:31,200
na may iba pa palang pinatay

1269
01:21:31,280 --> 01:21:33,680
ng parehong tao sa parehong sitwasyon.

1270
01:21:33,760 --> 01:21:35,360
Isa pang pamilya ang nasira.

1271
01:21:38,360 --> 01:21:42,560
Kaya kung hindi ko man alam
gaano ako pinagpala na nakaligtas si Alex,

1272
01:21:43,160 --> 01:21:45,840
noong nalaman namin
ang sinapit nina Samantha at Jazmine,

1273
01:21:46,680 --> 01:21:48,680
nagpapasalamat ako sa Diyos araw-araw.

1274
01:21:48,760 --> 01:21:52,680
Dahil sa awa ng Diyos
kaya nakaraos kami nang magkasama,

1275
01:21:52,760 --> 01:21:55,800
at awa ng Diyos na nakaligtas siya.

1276
01:22:09,800 --> 01:22:12,840
Nanonood ako ng football match
sa TV isang gabi.

1277
01:22:15,280 --> 01:22:16,760
May kumatok sa pinto ko,

1278
01:22:17,280 --> 01:22:20,880
at medyo nainis ako
dahil di ko natututukan 'yong laban.

1279
01:22:24,320 --> 01:22:27,200
May dalawang journalist na nakatayo doon.
At sabi nila,

1280
01:22:28,200 --> 01:22:30,720
"Alam mo bang may ibang inaresto
ang pulisya

1281
01:22:30,800 --> 01:22:32,440
kaugnay sa Nickell murder,

1282
01:22:32,520 --> 01:22:35,280
at may DNA sila
na patunay na nagkasala siya?"

1283
01:22:35,360 --> 01:22:38,000
Sabi ko, "Pwede bang balik kayo
sa loob ng isang oras?

1284
01:22:38,080 --> 01:22:39,720
Nanonood ako ng laban, e."

1285
01:22:39,800 --> 01:22:42,120
Sabi nila, "Sige," at umalis na sila.

1286
01:22:43,600 --> 01:22:45,880
Sawang-sawa na ako sa lahat ng 'yon.

1287
01:22:45,960 --> 01:22:48,040
Tumagal ito ng 15 taon.

1288
01:22:48,120 --> 01:22:50,760
May proteksiyon si Colin Stagg ngayon

1289
01:22:50,840 --> 01:22:53,680
dahil patuloy siyang ginugulo
ng Rachel Nickell case.

1290
01:22:53,760 --> 01:22:56,960
Mula noong naaresto ako,
may mga artikulo sa diyaryo

1291
01:22:57,040 --> 01:22:59,240
na sumusulsol sa mga tao laban sa akin.

1292
01:22:59,320 --> 01:23:01,880
Sigaw sa akin, "Guilty," "Bitayin siya,"

1293
01:23:01,960 --> 01:23:03,360
at mga ganoong bagay.

1294
01:23:03,440 --> 01:23:06,600
Hindi na nakawala si Mr. Stagg
sa atensiyon ng media

1295
01:23:06,680 --> 01:23:08,280
kahit nakalaya na siya.

1296
01:23:08,920 --> 01:23:09,880
Huwag!

1297
01:23:11,040 --> 01:23:12,880
Itinatanim sa isip ng mga tao,

1298
01:23:12,960 --> 01:23:17,240
"Alam naming siya 'yong salarin,
pero nakalaya dahil sa teknikalidad,"

1299
01:23:17,320 --> 01:23:20,040
Di ba? Kaya kinailangan kong tiisin 'yon.

1300
01:23:20,560 --> 01:23:22,240
Maraming nag-aakalang guilty siya,

1301
01:23:22,320 --> 01:23:26,360
pero walang nakarinig ng ebidensiya,
pabor man o laban sa kanya.

1302
01:23:26,440 --> 01:23:29,720
Kaya parang nabubuhay siya
sa alanganin sa mga taong ito.

1303
01:23:29,800 --> 01:23:32,720
Ngayon, 15 taon na ang nakalipas,
isang lalaki ang kinasuhan.

1304
01:23:32,800 --> 01:23:34,800
Siya ang 41-anyos na si Robert Napper.

1305
01:23:34,880 --> 01:23:37,200
Ang huling nakasuhan na si Colin Stagg,

1306
01:23:37,280 --> 01:23:40,720
naabsuwelto dahil sinubukan siyang idiin
ng isang policewoman.

1307
01:23:41,320 --> 01:23:45,080
Di ako nagkaroon ng seryosong nobya
hanggang mag-29 ako.

1308
01:23:45,160 --> 01:23:48,320
Kaya noong nakatanggap ako ng sulat
mula kay Lizzie James,

1309
01:23:48,400 --> 01:23:51,480
napakasaya ko no'n

1310
01:23:51,560 --> 01:23:54,040
na may babaeng nagkainteres sa akin.

1311
01:23:54,800 --> 01:24:00,320
Malinaw na inosente siya
sa anumang pagkakasangkot sa kasong iyon.

1312
01:24:00,840 --> 01:24:03,360
Humihingi ako ng paumanhin sa kanya

1313
01:24:03,440 --> 01:24:06,840
para sa mga pagkakamaling nagawa
noong 1990s.

1314
01:24:08,200 --> 01:24:11,400
Mababa na ang kumpiyansa ko
bago pa ito magsimula.

1315
01:24:11,960 --> 01:24:15,520
Mas lalo lang akong nilugmok nito,
lalo akong nabaon.

1316
01:24:17,960 --> 01:24:19,640
Talagang na-paranoid ako.

1317
01:24:19,720 --> 01:24:23,720
Kung aksidenteng mapatingin ako
sa babaeng tumatawid sa kalsada,

1318
01:24:23,800 --> 01:24:26,680
Iniisip ko agad,
"Hindi, ibaling ang tingin,"

1319
01:24:26,760 --> 01:24:28,640
dahil baka may nanonood sa akin

1320
01:24:28,720 --> 01:24:30,840
at iniisip, "Sinusundan niya 'yong babae."

1321
01:24:31,520 --> 01:24:35,200
Sa isip ko,
"Alam mo, ito na ang buhay mo ngayon.

1322
01:24:35,280 --> 01:24:39,920
Harapin mo na lang.
Wag kang magtitiwala kahit kanino."

1323
01:24:45,440 --> 01:24:50,280
16TH DECEMBER 2008
DALAWANG ARAW BAGO ANG TRIAL NI NAPPER

1324
01:24:50,360 --> 01:24:51,800
Noong naghahanda sa paglilitis,

1325
01:24:51,880 --> 01:24:53,920
sabi ng isa sa mga lead detective,

1326
01:24:54,440 --> 01:24:57,000
"Pagdating mo dito, magkita tayo.

1327
01:24:57,520 --> 01:25:01,920
May kailangan akong malaman
bago tayo pumunta sa mismong hukuman."

1328
01:25:03,200 --> 01:25:06,360
Alas-siyete ng gabi,
nagkita kami sa Hendon Police Station.

1329
01:25:07,920 --> 01:25:09,760
Dinala niya ako sa likod.

1330
01:25:11,320 --> 01:25:15,240
Kaming dalawa lang doon,
at nilapag niya 'yong mga papeles sa mesa.

1331
01:25:17,880 --> 01:25:20,000
Ang nakita ko sa mga papeles,

1332
01:25:20,080 --> 01:25:25,440
isang magulong catalog ng mga pagkakamali

1333
01:25:25,960 --> 01:25:27,680
sa buong imbestigasyong ito.

1334
01:25:30,280 --> 01:25:32,080
Talagang nakapanlulumo.

1335
01:25:33,800 --> 01:25:36,720
Binalik ako nito sa pinakaunang araw.

1336
01:25:37,520 --> 01:25:38,680
'Yong unang tawag,

1337
01:25:38,760 --> 01:25:41,960
'yong pinakaunang balita
na kinuha si Rachel sa amin,

1338
01:25:42,040 --> 01:25:44,520
at 'yong grabeng pinagdaanan ni Alex.

1339
01:25:45,040 --> 01:25:46,760
Sinusubukan naming unawain iyon

1340
01:25:47,280 --> 01:25:50,040
linggo-linggo, buwan-buwan, taon-taon.

1341
01:25:51,760 --> 01:25:53,640
At sumabog lahat 'yon.

1342
01:25:55,600 --> 01:25:58,560
Kasi sabi dito, maiiwasan sana ang lahat.

1343
01:26:06,520 --> 01:26:08,320
Noong summer ng 1989,

1344
01:26:08,400 --> 01:26:10,560
tatlong taon bago patayin
si Rachel Nickell

1345
01:26:10,640 --> 01:26:13,400
at 'yong mga pagpatay
kina Samantha at Jazmine,

1346
01:26:13,480 --> 01:26:17,600
isang serial rapist
ang nagsimulang umatake ng mga babae,

1347
01:26:17,680 --> 01:26:19,520
may kasamang bata 'yong iba,

1348
01:26:20,200 --> 01:26:22,440
sa Green Chain Walk pathway,

1349
01:26:22,520 --> 01:26:27,200
na bumabagtas sa kakahuyan
at bakanteng lupa sa Southeast London,

1350
01:26:28,040 --> 01:26:32,440
na hindi rin malayo mula sa pinangyarihan
ng pagpatay sa mga Bisset.

1351
01:26:36,440 --> 01:26:40,480
Tinukoy ng DNA ang isang suspek
sa mga serye ng panggagahasa.

1352
01:26:43,040 --> 01:26:46,640
Dalawang taong nakakita ng poster
ang tumawag sa pulis at sinabing,

1353
01:26:46,720 --> 01:26:49,200
"'Yong impresyon ng artist,

1354
01:26:49,280 --> 01:26:51,600
kamukha ni Robert Napper."

1355
01:26:52,960 --> 01:26:56,520
Dalawang detective na nag-iimbestiga
sa mga rape sa Green Chain Walk

1356
01:26:56,600 --> 01:26:59,320
ang pumunta sa address ng kanyang tirahan.

1357
01:26:59,400 --> 01:27:01,840
Nagpakita siya. Kinausap nila siya.

1358
01:27:01,920 --> 01:27:06,240
Sinabi sa kanya
na pinaghihinalaan siyang suspek.

1359
01:27:06,320 --> 01:27:10,280
Tapos sinabihan siyang pumunta
para kusang magbigay ng dugo,

1360
01:27:10,360 --> 01:27:11,720
at pumayag naman siya.

1361
01:27:12,800 --> 01:27:14,960
Pero hindi siya pumunta sa presinto,

1362
01:27:15,560 --> 01:27:17,480
kaya bumalik sila sa tirahan niya.

1363
01:27:17,560 --> 01:27:19,640
Nag-empake na siya at umalis na.

1364
01:27:21,120 --> 01:27:22,080
Wala na siya.

1365
01:27:25,040 --> 01:27:26,120
Pagkatapos no'n,

1366
01:27:26,200 --> 01:27:29,160
dahil mas matangkad siya

1367
01:27:29,240 --> 01:27:31,480
kaysa sa mga paglalarawan
ng mga biktima ng rape,

1368
01:27:31,560 --> 01:27:36,320
napagdesisyunan ng senior
investigating officer at kinatawan niya

1369
01:27:36,400 --> 01:27:40,640
na hindi na siya isali bilang suspek
sa imbestigasyong 'yon.

1370
01:27:42,320 --> 01:27:44,160
Kaya wala talaga silang ginawa.

1371
01:27:46,680 --> 01:27:48,400
Na palaisipan pa rin sa akin.

1372
01:27:52,280 --> 01:27:54,680
Kung pumunta sana si Napper sa presinto,

1373
01:27:54,760 --> 01:27:57,760
gaya ng sinabi niya,
at nakuhanan siya ng dugo,

1374
01:27:57,840 --> 01:28:02,640
naaresto na sana siya
para sa mga rape sa Green Chain Walk.

1375
01:28:03,400 --> 01:28:04,840
Hindi iyon nangyari, at…

1376
01:28:05,360 --> 01:28:07,320
Napakalaki ng pinsalang dinulot.

1377
01:28:09,880 --> 01:28:12,680
Tapos may nakalagay sa mga papeles

1378
01:28:12,760 --> 01:28:15,920
na mas nakapanlulumo para sa akin.

1379
01:28:17,560 --> 01:28:22,600
Noong Setyembre o Oktubre ng 1989,
at ilang taon bago pinatay si Rachel,

1380
01:28:22,680 --> 01:28:25,680
nagsumbong ang ina
ni Robert Napper sa pulis

1381
01:28:25,760 --> 01:28:29,680
na umamin daw siyang nanggahasa siya
ng babae sa Plumstead Common.

1382
01:28:30,720 --> 01:28:32,840
Pero hindi ito inimbestigahan.

1383
01:28:36,040 --> 01:28:37,400
Nasa pagdedesisyon ito.

1384
01:28:37,920 --> 01:28:41,240
Kung sineryoso ng mga pulis
ang tawag ng ina ni Robert Napper

1385
01:28:42,000 --> 01:28:43,920
at nakuhanan siya ng dugo,

1386
01:28:44,000 --> 01:28:47,760
napigilan sana nito lahat
ng mga pag-atakeng sumunod.

1387
01:28:48,720 --> 01:28:51,320
Maiiwasan 'yong pag-atake
na nakita ni Alex.

1388
01:28:51,840 --> 01:28:53,600
Maiiwasan ang pagkamatay ni Rachel.

1389
01:28:55,640 --> 01:28:58,440
Maiiwasan ang pagkamatay
ni Samantha at ni Jazmine.

1390
01:28:59,760 --> 01:29:03,560
Kung inayos sana nila ang trabaho nila,
nahuli sana siya agad.

1391
01:29:05,200 --> 01:29:06,040
Nasaksihan natin

1392
01:29:06,120 --> 01:29:10,280
na nalutas din sa wakas
ang isa sa mga murder na di pa nalulutas.

1393
01:29:10,360 --> 01:29:13,160
Ang pumatay kay Rachel Nickell
ay napatunayang nagkasala

1394
01:29:13,240 --> 01:29:16,480
sa pananaksak na kanyang ikinamatay
sa Wimbledon Common mga 16 taon na.

1395
01:29:18,560 --> 01:29:20,480
Inilabas si Robert Napper sa selda,

1396
01:29:20,560 --> 01:29:22,840
inakyat sa dock ng Court 1
dito sa Old Bailey,

1397
01:29:22,920 --> 01:29:27,120
maputla at nakakalbo, pinagmamasdan
ng mga magulang ni Rachel Nickell,

1398
01:29:27,200 --> 01:29:29,880
umamin na siya
sa pagpatay sa kanilang anak.

1399
01:29:29,960 --> 01:29:32,440
André, nakasubsob na ako sa…

1400
01:29:35,920 --> 01:29:38,440
Isinasara ng pag-amin ngayon

1401
01:29:38,520 --> 01:29:42,320
ang isa sa mga pinakamabibigat na kaso
sa kasaysayan ng Scotland Yard.

1402
01:29:43,160 --> 01:29:45,720
Inamin nila na nahuli sana nila si Napper

1403
01:29:45,800 --> 01:29:47,120
at napigilan siyang pumatay.

1404
01:29:47,200 --> 01:29:49,240
Kung iba ang naging aksiyon ng pulisya,

1405
01:29:49,320 --> 01:29:53,680
si Rachel Nickell, at sina Samantha
at Jazmine Bisset ay buhay pa sana.

1406
01:29:53,760 --> 01:29:56,640
Sana mas marami pang dapat nagawa.

1407
01:29:57,600 --> 01:30:01,960
Kung mas marami lang sanang nagawa,
napigilan sana ito

1408
01:30:02,040 --> 01:30:05,120
at iba pang seryosong pag-atake ni Napper.

1409
01:30:21,680 --> 01:30:23,640
Lumaki tayong lahat sa mga fairy tale.

1410
01:30:25,960 --> 01:30:29,080
Lumaki tayo sa babala
na huwag pumunta sa gubat.

1411
01:30:29,160 --> 01:30:32,440
Nandiyan ang kadiliman,
mga halimaw, panganib.

1412
01:30:33,720 --> 01:30:35,440
Pero hindi ito fairy tale.

1413
01:30:35,960 --> 01:30:38,000
Talagang may kasamaan sa mundo.

1414
01:30:43,480 --> 01:30:47,920
Napilitan talaga akong tanggapin 'yon.

1415
01:30:49,920 --> 01:30:54,440
Di ko lang maintindihan kung bakit,
alam mo 'yon?

1416
01:30:54,520 --> 01:30:57,440
Alam mo 'yong galit sa Diyos na…

1417
01:30:58,600 --> 01:31:01,040
na pwedeng mangyari ito sa mabubuting tao

1418
01:31:01,120 --> 01:31:03,360
nang walang paliwanag.

1419
01:31:06,400 --> 01:31:08,080
Kaya may misyon ako,

1420
01:31:08,160 --> 01:31:13,160
at iyon ang alalayan
ang anak ni Rachel para malampasan ito

1421
01:31:13,240 --> 01:31:14,880
sa pinakamagandang paraan.

1422
01:31:16,920 --> 01:31:21,440
Sa tingin ko, 'yong mga tao
na kasama mo sa hirap,

1423
01:31:21,960 --> 01:31:25,560
pwedeng sila ang sisira sa 'yo
at sa relasyon ninyo

1424
01:31:25,640 --> 01:31:28,720
o pwedeng sila
ang mas magpapatibay ng relasyon.

1425
01:31:29,760 --> 01:31:32,400
Napilitan kaming hanapin
ang sarili naming closure,

1426
01:31:32,480 --> 01:31:35,480
pero parang mabuti na rin 'yon.

1427
01:31:35,560 --> 01:31:37,880
Kaya naisip ko din sa huli,

1428
01:31:37,960 --> 01:31:40,960
wala na akong magagawa pa
kundi tanggapin ito.

1429
01:31:41,040 --> 01:31:42,000
Tanggapin na lang.

1430
01:31:45,800 --> 01:31:50,600
Naniwala ang mga magulang ko
na walang hangganan ang espiritu.

1431
01:31:51,560 --> 01:31:56,000
Kaya kasama ko ang nanay ko palagi
kahit saan ako magpunta.

1432
01:32:01,040 --> 01:32:05,600
Isinakripisyo ng tatay ko ang lahat
para sa akin at sa paniniwala niya,

1433
01:32:06,120 --> 01:32:09,400
nang walang garantiya
kung ano ang mangyayari.

1434
01:32:12,520 --> 01:32:17,120
Naglakas-loob siyang gawin
ang alam niyang tama sa puso niya.

1435
01:32:19,320 --> 01:32:21,680
Utang na loob ko 'yan sa kanya.

1436
01:33:43,640 --> 01:33:46,680
Nagsalin ng Subtitle: Jewel T



